You are on page 1of 6

Filipino III Akademekong pagsulat

LESSON 1 → Ang akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat isa


itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan iisip. Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang
bionote, panukalang proyekto, talumpati, repleksibong
DALAWANG URI NG PAGSULAT sanaysay.
→ Malikhaing pagsulat → At bahagi na rin ng bawat propesyonal ang magsulat ng
mga tekstong tulad ng katitikan (minutes of the meeting)
→ Akademikong pagsulat
posisyong papel, at Agenda.

→ Itinuturing ding akademikong sulatin ang photo essay at


lakbay- sanaysay o travel essay.
Paano naiiba ang malikhaing pagsulat
sa akademikong pagsulat?
→ Sinasabing mas lantad ang organisasyon at estruktura ng Mga katangian ng akademikong
akademikong sulatin. Ginagabayan ito ng mga teorya at
pormal ang tono. Ibig sabihin, gumagamit ito ng pormal na
pagsulat
wika kumpara sa malikhaing pagsulat na mas Malaya ang • Magkaiba ang personal na pagsulat at akademikong pagsulat.
pagpili ng wika na maaaring lalawiganin, balbal. Dagdag pa,
ang akademikong pagsulat ay sumasailalim sa istriktong • Sa personal na pagsulat, maaaring impormal ang wika nito.
kombensiyon ng pagbabantas, pagbabaybay, at gramatika.

Estruktura ng akademikong sulatin


Ano ang pagsulat? Simula- (kahalagahan)
→ Ang pagsulat ay ang masistemang paggamit ng mga
Gitna/katawan- (pagtalakay, pagsusuri, at ebalwasyon)
grapikong marka na kumakatawan sa espesipikong
lingguwistikong pahayag (Rogers, 2005) Wakas- (kongklusyon, rekomendasyon)
→ Ibig sabihin may natatanging simbolo (mga titik, bantas, at
iba pang marka) para sa bawat ponema o tunog, at ang mga
simbolong ito ang ginagamit sa pagsusulat ng mga pahayag.

→ Ang pagsulat ay Sistema ng permanente o


malapermanenteng pananda na kumakatawan sa mga pahayag
(Daniels & Bright, 1996). Permanente dahil nakasulat o
nakaukit ang mga pananda sa papel, kahoy, bato, at iba pang
material. Maari mong balikang basahin ang ang iyong isinulat
dahil nakasulat ito.

→ Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika,


walang pagsulat.

→ Arbitraryo ang mga Sistema na pagsulat. Napagkasunduan LESSON 2


ang tumbasan ng mga titik, ang kahulugan ng salita, ang
kabuluhan ng pagpapahayag. Pagsulat ng Bionote
→ Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord at
pagpepreserba ng wika. Ano ang Bionote?
→ Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng → Ang bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa
pagsulat (Fischer, 2001) mga mambabasa kung sino ka o ano-ano na ang nagawa mo
bilang propesyonal.
→ Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
→ Inilahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo
→ Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon (Goody, 1987) na may kaugnayan sa paksang tinalakay sa papel, sa trabahong
ibig pasukan.
→ Iba ang bionote sa talambuhay at autobiography. Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong
→ Ang bionote ay maikli at siksik, samantalang mas pamantasan.”
detalyado at mas mahaba ang talambuhay at autobiography.

→ Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum vitae o VC.


3. Kinikilala ang mambabasa- Kailangang isaalang-alang
→ Hinihingi sa biodata ang mga personal na impormasyon ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target
tulad ng pangalan, kasarian, edad, petsa at lugar ng na mambabasa ay administrador ng paaralan, kailangan
kapanganakan, tangkad, timbang, at iba pa. hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap
nila. Halimbawa, ano ang kalipikasyon at kredibilidad mo
→ Ang biodata ay karaniwan itong ginagamit ng mga
sa pagsulat ng batayang aklat.
nagnanais magtrabaho sa gobyerno.

→ Makikita naman sa CV ang mga detalye tungkol sa


natamong edukasyon, nakaraang trabaho, mga kasanayang 4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok- Katulad sa pagsulat
may kaugnayan sa inaaplayang posisyon o trabaho, mga ng balita at iba pang obhetibong sulatin, unahin ang
nilahukang seminar o komperensiya, at iba pa. karaniwan pinakamahalagang impormasyon. Bakit? Ito ay dahil sa
itong ginagamit ng mga akademiko. ugali ng maraming taong basahin lamang ang unang
bahagi ng sulatin. Kaya naman sa simula pa lamang ay
isulat na ang pinakamahalagang impormasyon.

Bakit nagsusulat ng Bionote? 5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o


katangian- Iwasan ito: “Si Antuyan ay
→ Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba hindi
guro/manunulat/negosyante/environmentalist/chef.”
lamang ang ating karakter kundi maging ang ating kredibilidad
Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop
sa larangang kinabibilangan.
sa layunin ng iyong bionote. Kung ibig pumasok bilang
→ Ito ang paraan upang ipakilala ang sarili sa mga guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangang
mambabasa. banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o chef.

Sa pagsulat ng bionote, mahalagang malinaw ang layunin o


mga layunin sa pagsusulat nito. Kailngan ding tukuyin kung 6. Binabanggit ang degree kung kailangan- Kung may PhD
sino ang magbabasa nito at ang ibig mong isipin nila tungkol sa antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat ng artikulo
sayo. tungkol sa kultura ng ibanag sa Cagayan, mahalagang
isulat sa bionote ang kredensyal na ito.

7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon-


Walang masama kung paminsan-minsan ay nagbubuhat
ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang
Mga katangian ng mahuhusay na matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa iba ang
Bionotep kakayahan. Siguraduhin lamang na tama o totoo ang
impormasyon. Huwag mag-iimbento ng impormasyon
• Katulad ng iba pang akademikong sulatin, hindi basta-basta para lamang bumango ang pangalan.
ang pagsulat ng bionote. Ang mga sumusunod ay mga
katangian ng isang mahusay na bionote:
Bilang gabay sa pagsulat ng Bionote
1. Maikli ang nilalaman- Karaniwang hindi binabasa ang • Pangalan
mahahabang bionote, lalo na kung hindi naman talaga
kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon. Ibig • Pangunaging trabaho
sabihin, mas maikli ang bionote, mas babasahin ito. • Edukasyong natanggap
Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang
mahahalagang impormasyon. Iwasan ang pagyayabang. • Mga akademikong karangalan gaya ng Cum Laude at best in
research
2. Gumamit ng pangatlong panauhang pananaw- Tandaan,
lagging gumamit ng pangatlong panauhang pananaw sa • Trabaho
pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa: “Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng MA
May iba’t ibang sitwasyong kailangan
ang Bionote
1. Pagpapakilala sa may-akda ng isang aklat
2. Pagpapakilala sa isang tagapagsalita sa isang
kumperensiya
3. Pagpapakilala sa natatanging indibidwal
4. Pagpapakilala sa panauhing pandangal
5. Pagpapakilala sa isang paring magmimisa

LESSON 3

Pagsulat ng Talumpati

Ano ang talumpati?


→ Ayon sa U.P diksyunaryong Filipino, ang talumpati ay
isang “pormal na pahayag sa harap ng publiko” at pormal na
pagtalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig.”

Bakit mahalagang matutuhan ang


pagsulat ng talumpati?
→ Mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati dahil ang
kasanayang ito ay magagamit habambuhay ng isang tao. Hindi
lamang ito para sa gawaing pampaaralan o akademiko.
Kasanayan at kaalaman itong magagamit ng sinoman.

May dalawang elementong taglay ang talumpati: ang teksto at


ang pagtatanghal (perfomance). Hindi magiging talumpati ang
isang teksto kung hindi ito binibigkas o binasa sa madla.

Ang talumpati sa kasaysayan


 399 B.C.

APOLOGY OF SOCRATES - bersiyon ni Plato ng


talumpati ni Socrates na ipinagtatanggol ang sarili laban sa
mga akusasyon.

 30 A.D.
SERMON ON THE MOUNT- koleksiyon ng mga Talumpating binigkas ni Presidente George W. Bush
pangaral ni Hesus sa bundok Sinai tungkol sa tamang asal at kaugnay sa trahedya ng pagbomba sa World Ttrade Center sa
gawi ng mabuting sumasamba sa panginoon. New York noong Setyembre 11.

 632 A. D.  2007

THE FAREWELL SERMON- na binigkas ni propeta LAST LECTURE- talumpati ni Randy Pausch, isang
Muhammad bago siya mamatay. propesor sa Carnegie Mellon University na may malubhang
karamdaman.
 1791
 2009
ABOLISH THE SLAVE TRADE- apat na oras na
talumpati ni William Wilberforce. A NEW BEGINNNG- talumpating binigkas ni
Presidente Barack Obama sa Cairo, Egypt upang muling
 1863 repasuhin ang pakikipag-ugnayan ng Estados Unidos sa mga
GETTYSBURG ADDRESS- talumpati ni Abraham Lipunang Islamiko.
Lincoln.
Mga anyo at uri ng talumpati
 1939
1. Ang talumpati ng PAGTANGGAP (acceptance speech)
Talumpating binigkas sa radyo ni King George VI sa ay laganap sa mga programa ng paggawa o pagkilala sa
mga mamamayan ng Britanya at ng komonwelt para sa kahusayan ng isang tao.
napipintong pakikipagdigmaan laban sa Germany.
2. Ang talumpati sa PAGTATAPOS (commencement
 1940
speech) ay kadalasang binibigkas ng natatanging mag-
WE SHALL FIGHT ON THE BEACHES AT THIS aaral na may pinakamataas na grado o pinakamatagumpay
WAS THEIR FINEST HOUR- mga talumpating tinanghal sa sa klase tuwing pagtatapos.
radyo ni Winston Churchill na nangakong hindi susuko sa
digmaan. 3. Ang LUKSAMPATI (eulogy) ay nagsisilbing parangal at
paggunita sa alaala ng isang taong yumao.
 1942
4. Ang talumpati ng PAMAMAALAM (farewell speech) ay
QUIT INDIA- ni Mohandas K. Gandhi na nagpapahayag
bahagi ng ritwal ng pamamaalam, pagreretiro, paglisan sa
ng pagtutol sa pananakop ng Britanya sa India.
bansa, o pagbibitiw sa propesyon.
 1948
5. Ang IMPORMATIBONG talumpati (informative speech)
THE LIGHT HAS GONE OUT IN OUR LIVES- ay naglalayong mag-ulat sa madla ng resulta ng bagong
talumpating bibigkas ni Jawaharla Nehru kaugnay sa pag-aaral o kaya’y manghikayat ng pagkilos, kabilang na
pagpaslang kay Gandhi. rito ang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo
upang itanghal sa mamamayan ang kaniyang tagumpay at
 1953
mga proyekto.
ATOMS FOR PEACE- talumpati n Dwight
Eisenhower na humihiling ng maingat at mapayapang 6. Ang talumpati ng PAG-AALAY (Speech of dedication)
paggamit ng atomic power ay maaaring papuri sa piling tao, bayani, o panauhing
pandangal.
 1963
7. Ang BRINDIS (toast) ay bahagi ng ritwal sa isang
I HAVE A DREAM- talumpating binigkas ni Martin
salusalo na nagpapahayag ng pagpapahalaga at pagkilala
Luther King upang humiling na wakasan ang diskrimisasyon
sa taong pararangalan.
sa mga Afro-American.

 1987

TEAR DOWN THIS WALL- talumpati ng paghiling


ni Presidente Ronald Reagan ng Estados Unidos kay Mikhail 4 basic types of speeches ayon kay ian
Gorbachev ng Sovier Union upang wasakin ang Berlin Wall.
mckenzie
 2001

1. Ang talumpating IMPORMATIBO (informative) ay


naglalayong magbigay ng impormasyon sa tagapakinig.
Maaari itong nagtuturo ng isang teorya o impormasyon. → Bukod sa pagbubuod at paglalagom, maari ding mag-
Maaari itong pag-uulat ng pananaliksik sa kapwa mag- iwan ng hamon o tanong ang tagapagsalitan.
aaral o sa kaguruan. Maaari din itong paglalahad ng
bagong katangian ng teknolohiya na kadalasang
itinatampok sa patalastas.
Pagsulat ng talumpati
1. ALAMIN ANG MAGIGING TAGAPAKINIG AT
2. Ang talumpating NAGLALAHAD (demonstrative) ay OKASYON. Dito nakasalalay ang paraan at estilo ng
halos katulad din ng impormatibong talumpati, ngunit pagsususlat- kung pormal ba o impormal, kung gagamit
may kasama itong demonstrasyon habang naglalahad ng ba ng mga teknikal na salita o mga jargon, at kung
impormasyon. Mapapansin ito sa mga programang pang- mahaba ba o maikli lamang ang talumpati batay sa interes
edukasyon gaya ng pagtuturo ng pagluluto, pananahi, o at atensiyon ng tagapakinig.
kaya’y pagpapalamuti ng tahanan. Lantad din ang
ganitong uri sa mga instructional na video sa Internet na 2. ALAMIN KUNG ILANG MINUTO O ORAS ANG
nagbibigay ng demonstrasyon sa halos lahat ng larangan. INILAAN PARA SA PAGBIGKAS NG TALUMPATI.
Malaking tulong sa pag-eedit ng akda ang pagtiyak ng
3. Ang talumpating MAPANGHIKAYAT (persuasive) ay inilaang oras.
naglalayong manghikayat o mag-imbita sa mga
tagapakinig na kumilos tungo sa pagbabago. Kailangan ng 3. PUMILI NG PAKSANG MALAPIT SA KARANASAN,
maingat na paghahanda sa mga ganitong talumpati dahil MAY NATATANGING HALAGA SA IYONG
sisikapin nitong baguhin ang mga ideya, paniniwala, BUHAY, O MAYROON KANG SAPAT NA
pamahiin, kultura, at tradisyon ng nakararami. KAALAMAN. Kung ano man ang paksa’y ibinigay sa
iyo, sikaping magsaliksik at alamin ang sasabihin.
4. Talumpating MAPANG-ALIW (entertaining) nilalayon
ng talumpating ito na maghatid ng aliw at kasiyahan sa 4. TUKUYIN ANG MGA LAYUNIN NG PAGSUSULAT
tagapakinig AT PAGHAHANDA NG TALUMPATI AT NG
ISASAGAWANG PAGBIGKAS. Ito ang magsisislbing
gabay sa ihahandang talumpati. Lagi’t laging itanong sa
sarili kung natutugunan ba ang mga ipinangakong layunin
Mga bahagi ng talumpati sa presentasyon.
 SIMULA
→ Ang SIMULA ng talumpati ay pang-akit ng atensiyon. 5. KUMALAP NG DATOS AT MGA KAUGNAY NA
→ Pagkaraang makuha ang atensiyon, mahalagang BABASAHIN. Mahalaga ang pananaliksik sa
maipahayag ang pangunahing pangungusap (thesis isasagawang talumpati. Magiging mahina ang talumpati
statement) ng talumpati. Ito ang punto ng pahayag na nais kung ito ay kulang sa datos, walang laman, maligoy, at
ipaabot sa tagapakinig. may mga kamalian sa impormasyon.

6. ALAMIN ANG MAGIGING HALAGA NG ISUSULAT


 KATAWAN
NA TALUMPATI. Dapat na may mapulot ang
→ Malaking tulong ang pananaliksik upang magkaroon
tagapakinig sa binigksa na talumpati. Ang laman ng
ng laman ang talumpati. Maaaring gumamit ng Internet at
talumpati ay magiging batayan ng kahusayan.
magsaliksik sa aklatan. Maaari ding magsagawa ng
panayam.
7. IBALANGKAS AT SURIIN ANG MGA NAKALAP NA
→ Sa pagtalakay sa gitnang bahagi, sikapin ding tama ang
DATOS. Dito dapat pumili ng pinakamabisang paraan
impormasyong ilalahad.
upang ilahad ang pananaliksik at pagsusuri.Sa prosesong
→ May mga talumpating gumamit ng mga talaan,
ito, hindi maiiwasang magtapon o magsantabi ang
larawan, video clip, aktuwal na tao, demonstrasyon, o
manunulat ng ilan sa kaniyang nakalap na datos. Dito rin
mga dokumento
pagpagtatagpi-tagpiin ng manunulat ang mga tila kalat
kalat na piraso ng impormasyon . Ang masisinop na
 KONGKLUSYON
pagbabalangkas ang susi sa organisadong pagtatanghal.
→ ito’y muling pag-uulit at pagdidiin sa mahahalagang
punto ng binigkas na akda. 8. ITALA ANG TATLO HANGGANG PITONG
MAHAHALAGANG PUNTO NG TALUMPATI.
→ Maaring balikan ang pangunahing pangungusap upang Isaayos ito ayon sa halaga at bigat.
mailarawan sa madla na ito ay nakatalakay nang husto.
9. TALAKAYIN, PAGYAMANIN AT PAUNLARIN
ANG MGA IDEYA. Pagkaraang maisagawa ang
balangkas, Kailangang bigyan katawan at laman ang
pundasyon ng talumpati. Maaaring gumamit ng Anekdota
ang manunulat. Maaari ding gumamit ng talinhaga,
simbolo, o analohiya upang higit na linawin ang mga
punto. Maaaring gumamit ng sariling karanasan o kaso ng
ibang tao upang upang maglantad ng mga suliranin o
eksena.

10. IHANDA ANG MABISANG KONGKLUSYON.


Mahalagang hakbang ito sa pagsulat sapagkat ito ang
mag-iiwan ng kakintalan sa tagapakinig. Muling
repasuhin ang mga layunin at ang bpangunahing
pangungusap kung lohikal ba nitong narating ang huling
bahagi ng talumpati.

11. HUWAG KALIMUTANG KILALANIN ANG


SANGGUNIAN SA TALUMPATI. Maaaring gumamit
ng mga salitang “ayon kay,” “sabi nga ni,” “sang-ayon
kay,” o “winika ni” bilang paggalang sa mga nauunang
manunulat.

12. KAPAG NASULAT NA ANG UNANG BORADOR,


BASAHIN ANG TEKSTO NANG ILANG ULIT.
Kaltasin ang mga pangungusap na walang halaga. Alisin
ang mga talatang paulit-ulit nang sinasabi. Kapag
nabubulol sa mga napiling sarili palitan ang salita.

13. PAGKARAAN NG REBISYON AT KAPAG HANDA


NA ANG PINAL NA BORADOR, MAG-IMPRENTA
NG MARAMING KOPYA. Gawin ito sa malalaking font
upang madaling basahin.

14. BASAHIN ANG KOPYA NANG PAULIT-ULIT.


Lagyan ng mga marka kung kailan hihinto. Guhitan ang
mga salitang nangangailangan ng diin. Maaaring
magsingit ng iba pang mga pangungusap upang gumaan
at maging kumbersasyunal ang isang talumpati.

You might also like