You are on page 1of 25

Pagsulat ng Iba’t ibang

Uri ng Paglalagom
Lagom
- ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda
• Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang
kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda
• Nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha ang pinaka
nilalaman ng isang teksto
• Iba pang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng
paglalagom
• Una – natutuhan ang pagtitimbang timbang ng mga kaisipan
• Pangalawa – natutuhan niyang magsuri ng nilalaman
• Pangatlo – nahuhubog ang kasanayan sa pagsulat – paghabi ng mga pangungusap sa talata
• Pang-apat – nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo
Abstrak
• ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn away o extract
from ( Harper , 2016).
• maikling buod ng isang pananaliksik, tesis , rebyu, daloy ng kumperensiya o anumang
may lalim na pagsusuri ng isang paksa o disiplina
• karaniwan itong matatagpuan sa unang bahagi ng manuskrito na nakahiwalay sa
buong papel pampananaliksik kaya maaari itong tumindig bilang isang hiwalay na
teksto o kapalit ng isang buong papel
• naglalaman ito ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, ginamit na pamamaraan, resulta at
mga kongklusyon tungkol sa isinagawang pag-aaral
• sa pamamagitan nito malalaman ng mambabasa ang kabuuan ng nilalaman ng teksto
Mga Uri ng Abstrak
• Deskriptibong abstrak (descriptive) kinapapalooban ng
paglalarawan sa kaligiran, layunin at tuon ng isang papel o
artikulo.
• Impormatibong abstrak (informative)
abstrak na nagbibigay impormasyon
kilala rin bilang ganap na abstrak (complete). Ito ay
may lagom ng nilalaman kasama ang mga kaligiran,
layunin,metodolohiya, resulta at konklusyon.
Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
• Una , Magtungo sa silid-aklatang panggradwado o ‘di kaya’y
manaliksik sa internet (kinawiwilihang paksa)
• Pangalawa, siyasatin kung ang lahat ng mga bahaging
binanggit ay nakaugnay sa tema ng paksa (pamagat) ng pag-
aaral.
• Pangatlo, basahin nang may lubos na pag-unawa ang buong
papel. (bigyang tuon – layunin, sakop, delimitasyon ng pag-
aaral, pamamaraan, resulta, kongklusyon at rekomendasyon)
• Pang-apat, siyasatin din kung ang mga nakalagay na
pangalan sa bibliograpiya ay nagamit sa pagpapatibay ng
mga pahayag.
• Panglima, lagumin lamang ang pinakapaksa nito mula sa
naging kahalagahan at naging implikasyon sa pag-aaral.
• Pang-anim, isulat ang abstrak sa loob lamang ng 200
hanggang 500 salita.
• at panghuli, isunod sa proseso ng pagsulat ang paggawa
ng abstrak
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
• Lahat ng mga impormasyong ilalalagay ay dapat na makikita sa kabuoan ng
pananaliksik
• Iwasan ang paglalagay ng mga statistical figures o table
• Iwasan ang pagiging maligoy (gawing simple, malinaw at tiyak)
• Maging obhetibo sa pagsulat (ilahad lamang ang pangunahing kaisipan)
• Iwasan ang paggamit ng mga salitang marahil, baka, siguro at iba pa (di-katiyakan o
pag-aalinlangan)
• Gawing maikli
• Gumamit ng mga pangatnig
• Gumamit ng wastong gramatika
Mga Bahagi ng Abstrak
• Layunin – pagpapakilala sa paksa gayundin ang mga tiyak na layunin o
suliraning kailangang lutasin ng mananaliksik
• Pamamaraan o Metodolohiya ng Pananaliksik tumutukoy sa mga
pamamaraan at hakbang sa pagbuo ng pananaliksik
(palarawan,eksperimental o historical) Matutunghayan din dito ang mga
kalahok sa pananaliksik, lugar at panahon ng pagsasagawa (instrument at
estadistika sa pag-aanalisa ng datos)
• Resulta o kinalabasan ng pananaliksik buod lamang ng resulta
• Kongklusyon at Rekomendasyon implikasyon o hinuha batay sa kinalabasan
ng pag-aaral
Awtput
Pumili ng isang aksyong pananaliksik na may
kinalaman sa inyong strand. Basahin at unawaing
mabuti ito. Isulat ang abstrak nito. Isaalang alang ang
bahagi ng abstrak at ang mga dapat tandan sa pagsulat
nito.
Aksyong Pananaliksik – isa sa bawat pangkat
Bionote
• ay isang uri ng maikling sulating impormatibo patungkol sa kwalipikasyon at kredibilidad ng isang
indibidwal bilang propesyunal.
• Nakatala rito ang kaniyang mga natamo upang masabing siya ay maalam sa kaniyang larangang
kinabibilangan.
• Ito ay maituturing na isang marketing tool dahil ginagamit ito upang itanghal ang natamo ng isang
tao.
• Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang
bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kaniyang academic career na
madalas ay makikita sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites at iba pa.
• Nagsusulat tayo ng bionote upang maipaalam sa iba ang ating karakter at kredibildad.
• Isa itong paraan upang maipakilala ang sarili sa mga mambabasa.
Layunin
Nagsusulat tayo ng Bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi

maging ang kredibilidad sa larangang kinabibilangan. Isa itong paraan upang ipakilala

ang ating sarili o ibang tao sa mga mambabasa. Napakalaki rin ng nagagawa sa

marketing ng isang mahusay na bionote. Halimbawa, hindi tatangkilikin ng isang

paaralan ang isang libro sa matematika kung makita nitong hindi makabulugan ang

nakalagay sa author’s profile kung wala namang background sa larangan ang isang

manunulat
Katangian ng Bionote
Katulad ng iba pang akademikong sulatin, hindi
basta basta ang pagsulat ng isang bionote. Upang maging
makabuluhan ang pagsulat nito, kinakailangang bigyang
pansin
•Maikli ang mga sumusunod
ang bionote,
nilalaman na
-Karaniwang katangian
hindi nito.
binabasa ang
mahabang
kahanga-hanga
sabihin, mas ang
maikling lalo
mga na kung
dagdag
bionote, mashindi
na naman talaga
impormasyon.
mainam Ibig
at may ang
kasiguruhan
Sikaping na
paikliin ito
angay mababasa
iyong bionote ngatnakararami.
isulat lamang
•mahahalagang
Gumagamit
Dapat na
pangatlong
impormasyon. Iwasan ang pagyayabang
ng pangatlong
pakatandaan
panauhang na panauhang
laging
pananaw gumagamit
sa pananaw
pagsulat ng
ng –
bionote
kahit
Cruz
Siya aynakasalukuyang
ay ito ay tungkol
nagtapos ng BAsaatsarili.
MA
nagtuturo Halimbawa;
Economics
ng sa“Si Juan Dela
UP-Diliman.
Macroeconomic
Theory sa
•Kinikilala parehong pamantasan.”
ang
na mambabasa ang mambabasa
mambabasa aysa pagsulat
mga -ng
Kailangang
bionote.
administrador ng isaalang-alang
Kung ang
paaralan, target
kailangang
hinahanap
klasipikasyon hulmahin
nila.
at ang
Halimbawa bionote
kredibilidad na
mo ayon
lamang
sa sa
ay kung
kung
pagsulat ng ano
ano ang
ang
batayang
aklat.
Katangian ng Bionote
•Gumagamit ng baligtad na tatsulok - Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
kinakailangang unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng maraming taong basahin
lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagang
impormasyon.
•Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangaian -Mamili lamang ng mga kasanayan o
katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote. IWASAN ito: “Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/
environmentalist/ chef.” Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan. halimbawa, hindi na kailangan banggitin
sa bionote ang pagiging negosyante o chef.
•Binabanggit ang degree kung kailangan - Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat ng
artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
•Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon - Walang masamang magbuhat ng sariling bangko kung
ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan. Siguraduhin
lamang na wasto at may katotohanan ang impormasyon. Huwag mag- iimbento ng impormasyon para
lamang bumango ang pangalan at makaungos sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaaring mabahiran ang
reputasyon dahil dito.
Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote
• Sikaping maisulat lamang nang maikli. Kailangang makagamit lamang ng 200
salita kung ito ay gagamitin sa resume. Kung para sa networking site naman, isulat
ito sa loob ng 5 hanggang 6 na pangungusap.
• Simulan sa pagsulat ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong
buhay. Magdagdag rin ng mga detalye patungkol sa iyong mga interes. Itala rin
ang mga natamong tagumpay ngunit kung ito ay marami, pumili lamang ng 2 o 3
na pinakamahalaga.
• Upang maging litaw ang pagiging obhetibo ng sulatin, gumamit ng ikatlong
panauhan sa paglalahad kahit ito ay patungkol sa iyong sarili. Halimbawa: “Si Juan
dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay
kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong Pamantasan.”
• Gumamit ng baliktad na tatsulok sa pagsulat. Unahin ang pinakamahahalagang impormasyon. Ito ay
dahil sa ugali ng maraming tao na basahin lamang ang unahang bahagi ng sulatin. Kaya naman sa
simula pa lamang ay unahin na ang mga mahahalagang detalye.

• Isulat lamang ito nang payak. Gumamit ng mga salitang madaling maunawaan. Ang layunin nito ay
maipakilala ang sarili sa maikli at tuwirang paraan. Upang maging kawili-wiling basahin, ang iba ay
gumagamit ng kaunting pagpapatawa.
• Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon. Hindi masama ang pagbubuhat ng sariling bangko
kung ito naman ay kinakailangan sa sulatin. Siguraduhin lamang na tama o totoo ang impormasyon.
• Basahin muli at muling isulat ang pinal na kopya ng iyong bionote. Maaaring ipabasa muna ito sa iba
upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.
Halimbawa
Awtput
• Magsulat ng iyong bionote. Tandaan ang mga Bagay na Dapat
Isaalang-alang sa Pagsulat ng Bionote.
Sinopsis o Buod
• Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula,
talumpati at iba pang anyo ng panitikan.
• Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng
ilang pangungusap lamang.
• Sa pagsulat ng sinopsis mahalagang maibuod ang nilalaman ng
binasang akda gamit ang sariling salita.
• Ito ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksyon o akda (payak ang mga salitang gagamitin)
Sinopsis o Buod
• Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy
ang sagot sa sumusunod – Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?
• Mahalagang maipakilala kung anong akda ang iyong ginawan ng buod
(pamagat, may-akda at pinanggalingan ng akda)
• Iwasan ang pagbibigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag (maging
obhetibo)
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod
• Gumamit ng ikatlong panauhan
• Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal ( damdaming
naghahari – malungkot o masaya)
• Kailangang mailahad o maisama ang pangunahing tauhan ( gampanin
at suliraning kinaharap)
• Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay
• Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay at nga bantas na ginamit
• Isulat ang sangguniang ginamit
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod
1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti (kaisipan o
paksa)
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan
3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng opinyon o kuru-kuro
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapapaikli pa nang hindi
nababawasan ang kaisipan mas mainam
Halimbawa
Awtput
• Gumawa ng isang buod o sinopsis. Isaalang alang ang hakbang at
mga dapat tandan sa pagsulat nito.
• Group 1 –mito o kuwentong bayan
• Group 2 – dula
• Group 3 – maikling kuwento
• Group 4 – parabula
• Group 5 – epiko
• Group 6 – alamat

You might also like