You are on page 1of 2

Akademik assignment

1. Ang Bionote ay isang maikling impormatibong sulatin (karaniwan isang talata


lamang) na naglalahad ng klasipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang
kredibilidad bilang propesyonal. Taglay nito ang pinakamaikling buod ng tagumpay,
pag aaral at pagsasanaysay ng akda. Kadalasan nakikita ito sa Pananaliksik,
Antolohiya, Pag apply sa scholar, journal, blog at websites.

2. Ang bionote ay maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor


samantalang ang autobiography ay ay ang talambuhay ng isang tao na siya rin ang
mismong paksa at sumulat o ang pagsulat ng sariling kabuhayan o naging
kabuhayan. Ang biography naman ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, at
impormasyon.

3. Itinataguyod ng bionote ang kredebilidad at integridad ng isang propesyonal. Higit


na makakatulong kung akademiko o propesyunal na kwalipikasyon ang ilalagay dito
sa halip na personal na impormasyon. Ang isang mahusay na bionote ay maikli
ngunit taglay ang lahat ng esensyal na kwalipikasyon sa akda.

4. upang ang mambabasa ay mahikayat at madaling makaunawa sa ano mang datos o


impormasyong tumutukoy sa isang tao. Isang layunin nito ang ihayag ang
natasamang tagumpay at maikling silip sa kataohan ng isang tao.

5. Ginagamit panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote. Ito ang paggamit ng


panghalip panao bilang pamalit sa pangalan ng tao, na tumutukoy sa ipinakikilala sa
bionote. Kabilang sa ikatlong panauhang panghalip ang niya, siya, at kaniya para sa
isahan at nina, sina, at kanila kung maramihan.

6. kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target


na mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangan hulmahin ito sa kung
ano ang hinahanap nila. Dapat nakalagay dito ang kwalipikasyon at kredibilidad.
sikaping paikliin ang bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon.
iwasan ang pagyayabang. laging gumagamit ng ikatling panauhang pananaw sa
pagsulat ng bionote kahit ito pa ay tungkol sa sarili. kailangang isaalang-alang ang
mambabasa sa pagsulat ng bionote.

7. Sa kabuuan, ang kahusayan o ang na bionote ay nakasalalay sa pagsasalubong ng


nais iparating ng sumulat at kung ano ang gustong malaman ng mambabasa tungkol
sa kaniya.

You might also like