You are on page 1of 7

BIONOTE

Ang bionote ay …
 Impormatibong talata na naglalahad ng mga kwalipikasyon
ng awtor o may-akda at ng kaniyang kredibilidad bilang
propesyonal.
 Nakasulat gamit ang punto de bistang pangatlong
panauhan.
 Iba ang bionote sa talambuhay at awtobiograpiya. Ang
bionote ay maiksi at siksik samantalang mas detalyado at
mas mahaba ang talambuhay at awtobiograpiya.
 Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum vitae. Hinihingi
sa biodata ang mga personal na impormasyon. Makikita
naman sa curriculum vitae ang mga detalye tungkol sa
natamong edukasyon, mga nilahukang seminar at iba pa.
Bakit nagsusulat ng Bionote?
Upang ipaalam sa iba hindi lamang
ang ating karakter kundi maging ang
ating kredibilidad sa larangang
kinabibilangan.
Ito rin ang paraan upang ipakilala
ang sarili sa mga mambabasa.
Mga Katangian ng Mahusay na Bionote
Maikli ang nilalaman
Gumagamit ng pangatlong panauhan
Kinikilala ang mga mambabasa
Gumagamit ng baliktad na tatsulok
Nakatuon lamang sa mga angkop na
kasanayan at katangian.
Binabanggit ang degree kung kinakailangan.
Maging matapat sa pagbabahagi ng
impormasyon
Mahalagang Pagkatuto

 Ang bionote ay isang maikling impormatibong sulatin


(karaniwang isang talata lamang)na naglalahad ng
mga kwalipikasyon ng isang indibidwal at ng kanyang
kredibilidad bilang propesyunal. Itinatanghal dito ang
kanyang mga natamo na nagsasabing siya ay maalam
at may awtoridad sa larangang kinabibilangan niya. Sa
kabuuan, ang kahusayan ng bionote ay nakasalalay sa
pagsasalubong ng nais iparating ng sumulat at kung
ano ang gustong malaman ng mambabasa tungkol sa
kanya.
Paghahanda sa isang pagsusulit

Mga sakop na paksang dapat pag-aralan sa


gaganaping pagsusulit :
 Pagsulat
 Akademikong Pagsulat
 Abstrak
 Bionote
 Pelikulang 3 idiots
Petsa ng Pagsusulit

Pebrero 7, 2018
Miyerkules

You might also like