You are on page 1of 12

PAGSULAT NG BIONOTE

PRESENTASYON NG UNANG GRUPO


ANO ANG BIONOTE?
• Ang bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga
mambabasa kung sino ka o ano-ano ang mga nagawa mo bilang
propesyonal
• Inilalahad din dito ang mga impormasyon tungkol sa kaugnayan sa
paksang tinatalakay, sa trabahong ibig pasukan, o sa nilalaman ng blog
o website
• Maituturing na isang market tool. Ginagamit upang itanghal ang mga
pagkilala at mga natamo ng indibidwal
• Samakatuwid, ito ay impormatibong talata na naglalahad ng mga
klasipikasyon ng awtor at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal
BIONOTE SA TALAMBUHAY AT AUTOBIOGRAPHY
• Ang bionote ay maikli at siksik
• Ang talambuhay at autobiography ay mas detalyado at mas mahaba
Bakit nagsusulat ng Bionote?
• Upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi maging
ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan
• Paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa
• Mahalagang malinaw ang layunin o mga layunin sa pagsulat nito
• Kailangang tukuyin kung sino ang magbabasa nito at ang ibig mong
isipin nila tungkol sa iyo
Mga Katangian ng Mahusay na
Bionote
Maikli ang nilalaman
• Karaniwang hindi na binabasa ang isang mahaba na bionote, lalo na
kung hindi kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon
• Kung maikli ang bionote, mas pagtutuunan ito ng pansin
• Sikaping paikliin ang isang bionote at ilahad lamang ang mahalagang
impormasyon
• Sa pagsusulat ng bionote, iwasan ang pagyayabang
Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
• Laging ginagamit ang pangatlong panauhang pananaw sa pagsusulat
ng bionote kahit na ito ay patungkol sa sarili
• Halimbawa: ‘‘Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa
UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic
Theory sa parehong pamantasan
Kinikilala ang mambabasa
• Kinakailangang maisaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng
bionote
• Kung ang target ng mambabasa ay halimbawa ang administrator ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang
hinahanap nila
• Halimbawa: ano ang klasipikasyon at kredibilidad sa pagsulat ng
batayang aklat
Gumagamit ng baligtad na tatsulok
• Sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, unahin ang
pinakamahalagang impormasyon
• Lingas sa karakter ng tao ang basahin ang unang bahagi ng sulatin,
kaya naman sa simula pa lang ay isulat na ang pinakamahalagang
impormasyon
Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o
katangian
• Piliin lamang ang mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng
bionote
• Halimbawa: Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, hindi na
kinakailangang banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o chef
Binabanggit ang degree kung kailangan
• Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat ng artikulo
tungkol sa kultura halimbawa ang Ibanag sa Cagayan
• Mahalaga sa bionote na isulat ang kredensyal na ito
Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
• Mabuting siguradin na tama at totoo ang impormasyon
• Huwag mag-iimbento ng impormasyon para lamang bumango ang
pangalan at makaungos sa kompetisyon
• Ito ay hindi isang etikal at maaaring mabahiran ang reputasyon dahil
dito

You might also like