You are on page 1of 3

ANO ANG BIONOTE?

❑ Ang bio - ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “buhay” .Nagmula rin sa
Griyego ang salitang graphia na ang ibig sabihin ay “tala”.(Harpher 2016)

Sa pagsasanib ng dalawang salita nabubuo ang salitang biography o “tala ng buhay”.Ang


biography ay mahabang salaysay ng buhay ng isang tao.Mula rito ay mabubuo naman ang bionote.

❑ ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na


madalas ay makikita o mababasa sa mga journal,aklat,abstrak ng mga sulating papel,web
sites,at iba pa.(Duenas at Sanz,2012)
❑ -isang maikling talang pagkakakilanlan sa pinakamahalagang katangian ng isang tao batay
sa kanyang nagawa.Kalimitan itong naririnig ng binabasa upang ipakilala ang napiling
susing tagapagsalita ng palatuntunan.
❑ ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data,resume o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang
sarili para sa isang propesyonal na layunin.

❑ ito rin ay madalas mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social
network o digital communication sites”.

❑ ito rin ay maaaring magamit ng taong naglalathala ng isang aklat o artikulo.


Ang bionote ay kadalasang hinihiling sa sumusunod na
mga pagkakataon:
Pagpapasa ng aplikasyon sa palihan o workshop
❑ Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya
❑ Pagpapakilala ng sarili sa website o sa isang blog
❑ Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o scholarship
❑ Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o panauhing pandangal
❑ Pagpapakilala ng may-akda, editor, o iskolar na ilalathala sa huling bahagi ng kanyang aklat o anumang
publikasyon
❑ Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay sa mga mananaliksik
Dalawang uri ng bionote
1.Maikli ngunit siksik-ito ang pinakakaraniwan at kadalasang ginagamit sa dyornal at antolohiya.
Hindi na kailangang banggitin ng may-akda ang mga tala na walang kaugnayan sa tema at paksain.
Halimbawa:
Kadalasang nilalaman ng maikling tala ang sumusunod:
-pangalan
-pangunahing trabaho ng may-akda
-edukasyong natanggap ng may-akda
-mga akademikong karangalan
-mga premyo o gantimpala
-dagdag na trabaho ng isang may-akda
-organisasyong kinabibilangan
-kasalukuyang proyekto
2. Mahaba
❑ Ito’y isinulat na parang isang curriculum-vitae
❑ Binubuo ito dalawa hanggang walong pahina, at doble espasyo
Ito’y isinasagawa para sa mga sumusunod:
-entri sa ensiklopedya
-entri sa aklat ng impormasyon gaya ng BUHAY NG MGA MANUNULAT SA PILIPINAS
-tala sa aklat ng pangunahing manunulat o editor
-tala para sa mga hurado
-tala para sa administrador ng paaralan
Kadalasang nilalaman
ng mahabang bionote:

-kasalukuyang posisyon sa trabaho


-mga tala ukol sa kasalukuyang trabaho
-mga pamagat ng naisulat na aklat, artikulo
-mga listahan ng parangal
-mga tala sa pinag-aralan o edukasyon gaya ng digring natamo at saan ito
natanggap
-mga natanggap na training at nasalihang paligsahan
-mga posisyon o karanasan sa propesyon o trabaho
-mga kasalukuyang proyekto
-mga gawain sa pamayanan o sa bayan
- Mga gawain sa samahan o organisasyon.
Mga Katangian ng Mahusay na Bionote

❑ Maikli ang nilalaman. Sikaping paikliin ang bionote at isulat lamang ang mahahalagang
impormasyon.Iwasan ang pagyayabang.

❑ Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw.Laging gumamit ng pangatlong panauhang


pananaw sa pagsulat.

❑ Kinikilala ang mambabasa.Kailangang isaalang -alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote.

❑ Gumagamit ng baligtad na tatsulok.Unahin sa pagsulat ang pikamahalagang impormasyon.

❑ Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian.


❑ Binabanggit ang degree kung kinakailangan.
❑ Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.

Mga Bagay na Dapat Tandaan


sa Pagsulat ng Bionote

1.Sikaping maisulat lamang ito nang maikli.Kung ito ay gagamitin sa resume' kailangang maisulat ito
gamit ang 200 salita.Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site,sikaping maisulat ito sa
loob ng 5 hanggang 6 na pangungusap.

2.Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong


buhay.Maglagay rin ng detalye tungkol sa iyong interes.Itala rin ang iyong mga tagumapay nan
nakamit,gayunman,kung ito ay marami,piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.

3.Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.

4.Gawing simple ang pagkakasulat nito.Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong
maunawaan at makamit ang totoong layunin nito na maipakilalaang iyong sarili sa iba sa maikli at
tuwirang paraan.

5.Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.Maaring ipasa muna ito sa iba
bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.

Kahalagahan sa Pagsulat ng Bionote

1.Mahalaga ito upang makilala ng mambabasa ang kakayahan ng manunulat.

2.Mahalaga ito upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi maging ang ating
kredibilidad sa larangang kinabibilangan.Ito ang paraan upang ipakilala ang sarili sa mga
mambabasa.

3.Nagsisilbi itong maikling impormasyon na nagiging gabay sa mga mananaliksik.

4.Nagsisilbi itong marketing tool.

You might also like