You are on page 1of 5

Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman sa paraang

nakalimbag.

Sa pagsulat hindi lamang papel,lapis at utak ang kailangan nangingibabaw pa rin ang laman ng ating
damdamin upang maiparating ng lubusan ang mga mensahe.

Nagsusulat din ang tao tao upang tugunan ang mga akademiko at propesyunal na pangangailangan.

Ayon kay Bernalis et al (2013) ang pagdulat ay mahalaga sa buhay ng tao na hindi tulad ng pakikinig at
pagbasang mga kasanayang resiptibo.

Binigyang paliwanang naman ni Astorga Jr. (2011) na ang pagsulat ay pagpapahayag ng saloobin o
damdaming hindi kayang maipahayag sa anyong berbal.

Ang Akademikong Pagsulat

Sa isang globalisadong lipunang kinabibilangan, nakaaangat ang mga indibidwal na may kasanayan sa
akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat. Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na
antas ng pag-iisip. Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-isip. May
kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag- organisa ng mga ideya, mag-isip nang
lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.

Ilan sa mga halimbawa ng akademikong sulatin ay ang abstrak, bionote, panukalang proyekto, talumpati,
sintesis, at replektibong sanaysay. Bahagi na rin ng bawat propesyonal ang magsulat ng mga tekstong
tulad ng katitikan ng pulong o minutes of the meeting, posisyong papel, at agenda. Itinuturing ding
akademikong sulatin ang photo essay at lakbay- sanaysay o travel essay.

Mga Katangian at Benepisyong Makukuha sa Akademikong Sulatin

Ang akademikong pagsulat ay hindi katulad ng iba pang uri ng sulatin. May mga katangian ito na sadyang
naliba. Hindi ito katulad ng mga personal na sulatin na maaaring hindi pormal ang wikang ginagamit,
may kagaanan ang tono at tila nakikipag-usap lamang. Maging ang paraan ng paglalahad ng
impormasyon ay maligoy. Narito ang ilang mahahalagang mga katangian ng akademikong sulatin

a. Kompleks-mas kompleks kaysa sa pasalitang pagpapahayag. Mayaman ito sa mga katotohanan.


Paglalahad ng mga katibayan kaya punong-puno pagdating sa bokabularyo at leksikon.

b. Pormal Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal o islang ng mga salita.

c. Tumpak- Sa pagsulat, ang datos tulad facts at figures ay lubhang mahalaga.

a. Obhetibo- Hindi iniuugnay sa personal na mga karanasan at saloobin. Ang binibigyang-diin nito ay ang
mga impormasyong nais ipahayag at mga argumentong nais gawin.

b. Kawastuhan-gumagamit ng mga tiyak na ngalan at bilang. Maingat na paghahanay at paggamit ng


mga salita.

c. Pokus-Hindi maligoy at may katiyakan sa paglalahad ng impormasyon. Iwasan ang paggamit ng


mabubulaklak na salita. Maglagay ng mga impormasyong susuporta sa tesis o argumentong
ipinahahayag
ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY LUMILINANG NG KASANAYAN NG LARANGANG
PINAGKAKADALUBHASAAN. ANG ANALISIS, PANUNURING KRITIKAL, PANANALIKSIK AT
EKSPERIMENTASYON AY MGA KASANAYANG ANG KARANIWANG BATAYAN NG DATOS AY SARILING
KARANASAN, PAMILYA AT KOMUNIDAD. NARITO ANG MGA SUSING SALITA UPANG MADALING
MATANDAAN.

1. Paglalahad - nagpapaliwanag

2. Paglalarawan - bumubuo ng imahe

3. Pagsasalaysay - nagkukwento

4. Pangangatwiran – naninindigan
Ang Pagbuo ng Buod

•Ang pagbubuod ay isang paraan ng papapaikli ng anomang teksto o babasahin.

•Wala kang isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa.

•Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto.

•Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto.

Pamantayan sa Pagsulat ng Buod

•Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwanito

• Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng talata

•Gumamit ng sariling pananalita.

•Ang haba nito ay 1/3 ng orihinal na teksto

Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal na propayl ng
isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa ingles na autobiography o
kaya ay kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography, Parang ganito rin ang bionote, ngunit
ito ay higit na maikli kumpara sa mga nabanggit.

MGA KATANGIAN NG BIONOTE:

1.Maiksi ang nilalaman- Karaniwang hindi binabasa g mga mambabasa ang bionote kung ito ay mahaba.
Sikaping maikli ang bionote para basahin ito. Tiyakin na ang nilalaman nito ay ang mahahalagang
impormasyon lamang.

2. Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw- Isang ikinatatangi ng bionote ay ang paggamit ng


ikatlong panauhang pananaw kahit na ang isusulat ay tungkol sa iyong sarili. Halimbawa: Si Lorena E.
Cajayon ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Physical Theraphy sa Batangas State University.
Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang manager ng kanyang clinic sa Bauan, Batangas.

3. Kinikilala ang mambabasa- Nararapat na tukuyin o kilalanin kung sino ang mambabasa. Nararapat na
iayon sa nais ng mambabasa ang makikita sa bionote.

4. Gumagamit ng baligtad na piramide o tatsulok-Nasa obhetibong pagtingin ang pagbuo ng ganitong


sulatin. Nais ng mga mambabasa na hanapin at basahin lamang ang unahang bahagi ng bionote kaya
marapat na banggitin na kaagad ang pinakamahalagang impormasyon tungkol sa sarili. Sundan at
suportahan ito ng iba pang pantulong na mahahalaga ring impormasyon.

5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian-Piliin lamang ang mga kasanayan o
katangian na angkop lamang sa layunin ng pagsulat ng bionote. Huwag isama ang mga hobby at buhay-
pag-ibig kung hindi naman kaugnay ng layunin sa pagsulat nito.

6. Binabanggit ang degree kung kinakailangan-Mahalagang isulat sa bionote ang degree na nakuha ng
isang awtor dahil isa ito sa mahalagang impormasyon na dapat malaman ng isang mambabasa.
Makadaragdag ito sa pagpapataas ng kredibilidad at pagkilala.

8. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon- Tiyaking tama ang lahat ng impormasyong ilalagay
sa bionote. Huwag magsulat ng hindi totoong impormasyon para lamang maging kahanga-hanga ang
pangalan ng isang tao. Hindi rin naman masama ang paglalagay ng mga nakamit na pagkilala at
tagumpay sa buhay sapagkat ito ay makatutulong upang pagtiwalaan ng mambabasa ang akdang
isinulat.
Sa pagsulat ng ganitong uri ng akademikong sulatin, ang istilo ay nananatiling nakakahon at may
sinusunod na tuntunin. Hindi ito tulad ng isang abstrak o ng isang bionote n nakatuon lamang sa
patalatang anyo ng kabuuan. May sinusunod itong mga teknikal na bahagi na magsisilbing mukha ng
kabuuan ng isang panukalang proyekto. May mga espisipikong bahagi na tumatalakay at nagpapakilala
sa kakanyahan ng ganitong uri ng sulatin.

Pamagat- Tiyak at malinaw ang sinasabi ng pamagat.

Halimbawa: Pagpaplano sa Pagtuturo ng Pagbasa sa mga Batang Badjao sa Libjo, Batangas

Proponent ng Proyekto- Tinutukoy nito ang tao/ mga tao o isang samahang nagmumungkahi ng
proyekto. Isinusulat dito ang tiyak na lugar ng tirahan, e-mail, numero ng telepono o cellphone, at lagda
ng tao o samahan.

Kategorya ng Proyekto- Maaaring mauri ang proyekto kung ito ba ay isang community project, seminar-
workshop, konsiyerto, outreach program, o isang paligsahan.

Petsa- Tumutukoy ito sa detalye ng tiyak na panahon ng pagpapadala ng proposal, pagsisimula ng


proyekto at kung hanggang kailan maisasagawa at maisasakatuparan ito.

Rasyonal- Tinatalakay rito ang kahalagahan at pangangailang maisakatuparan ang proyekto. Legal na
basehan.

Deskripsiyon ng Proyekto- Naglalaman ito ng pangkalahatan at mga tiyak na layunin kung ano ang
hinahangad na makamit ng proyekto. Iniisa-isa nito ang mga tiyak na hakbang ng proyekto, inaasahang
bunga, at tagal ng panahon sa pagsasakatuparan nito.

Badyet- Nakatala rito ang tiyak na mga detalye ng lahat ng maaaring pagkagastusan sa pagsasagawa ng
proyekto.

Benepisyong Dulot ng Proyekto- Sinasabi rito ang kapakinabangang maidudulot sa benepisiyaryo ng


proyektong ito na maaaring sa isang tao, grupo o organisasyon at pamayanan o komunidad.

You might also like