You are on page 1of 48

Pagsulat

ng
Posisyong Papel
LAYUNIN :
1. Nailalahad ang kahulugan ,katangian at
layunin ng posisyong papel,
2. Naiisa-isa ang mga hakbangin sa pagsulat
ng posisyong papel
3. Nakakasulat ng isang posisyong papel
Ang posisyong papel ay mahalagang
gawaing pasulat na nililinang sa
akademikong pagsulat. Isa itong sanaysay na
naglalahad ng opinyon na naninindigan
hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol
sa batas, akademiya, politika at iba pang mga
larangan.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel

1. Pagpili ng Paksa
Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang mapagtibay
ang pinaninindigang opinyon o posisyon. Gumamit ng mga
datos, opinyon, estadistika at iba pang mga anyo ng mga
katibayan upang maging kapni-paniwala at
mapagkakatiwalaan ng mambabasa.
2. Magsagawa ng Paunang
Pananaliksik
Ang paunang pananaliksik ay
kinakailangan upang matukoy kung
ang katibayan ay magagamit upang
suportahan ang iyong paninindigan.
3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Kailangang alamin at unawain ang
kabaligtarang pananaw bukod pa sa
nalalaman mo tungkol sa iyong sariling
paninindigan upang mapagtibay ang iyong
kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na
posisyong papel.
4. Magpatuloy Upang Mangolekta ng
Sumusuportang Katibayan
Matapos matukoy na nag iyong posisyon ay
makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa
iyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong
sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong
pananaliksik. pumunta sa akalatan at maghanap ng
mas maraming mapakukunan ng datos.
5. Lumikha ng Balangkas (Outline)
Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong
papel.
a. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng
pangkaligirang impormasyon ( Background information). Gumawa ng pahayag
ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon.
b. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posiyon.
c. Ipakita rin ang mga posibleng sumusuportang punto ng mga kasalungat na
pananaw ng iyong posisyon.
d. Pangatwiranang pinakamahusay at nakatayo pa rin ang iyong posisyon sa
kabila ng mga kontra-argumento (sa b at c)
e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon.
Mga katangian sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Nabubuo mula sa pinakapayak gaya ng liham sa


patnugot (letter to the editor) hanggang sa
pinakakomplikadong akademikong posisyong
papel (academic position paper).
2. Angnilalaman ay may
ipinararating na punto gamit ang
mga ebidensya.
3. Maargumento ang nilalaman at
paninindigan ngunit may paggalang
sa kasalungat na pananaw.
Pamantayan puntos

Naisasagawanang tama ang hakbang sa pasulat ng 5


posisyong papel

Nakakasulat ng organisado ,malikhain ,kahi-hikayat 5


na posisyong papel

Pagpili ng angkop na salita 5

Kabuoan 15
Takdang aralin :

Maghanap ng mga balita ukol sa


pamahalaan,edukasyon at isyung
panlipunan .isaliksik ang mga
impormasyon kung gaano katotoo.Ibigay
ang inyong mga reaksiyon
Pagsulat
ng
Bionote
Ang bio ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa
Filipino ay “buhay”. Nagmula rin sa wikang Griyego
ang salitang graphia na ang ibig namang sabihin ay
“tala”( Harper 2016). Sa pagsasanib ng dalawang salita
nabubuo ang salitang biography o tala ng buhay. Ang
biography ay mahabang salaysay ng buhay ng isang tao.
Mula rito ay nabubuo naman ang bionote.
Bionote
Ito ay talatang naglalaman ng maikling deskripsiyon tungkol sa
may- akda sa loob ng karaniwa'y dalawa hanggang tatlong
pangugusap na madalas ay kalakip ng artikulo o akdang isinulat ng
taong pinatutungkulan ( Word-Mart 2009). Isinusulat ang bionote
upang madaling matandaan ang tala ng buhay ng isang tao sa sndaling
panahon ng pagbasa. Tinitignan ang bionote bilang “bio” o buhay at
“note” o dapat tandaan, kaya masasabing ito ay tala sa buhay na
dapat tandaan.
SIMULAN MO NA
PUNAN NG MGA HINIHINGING IMPORMASYON ANG
PORMULARYO. BAKIT ITO MAHALAGA PARA SA IYONG
IDENTIDAD?

Pangalan:______________________________
Kapanganakan:____________ Edad:__________
Kasarian:________________
Magulang:
Ina:__________________________
Ama:_________________________
Tirahan:__________________________________________
Antas ng Edukasyon sa Kasalukuyan: (Grado at Paaralan)
_________________________________________________
Mga Asignaturang Kinawiwilihan:
_________________________________________________
Mga Kinahihiligang Gawain:________________________
Mga Natatanging
Kasanayan:____________________________________
Pinapangarap na
Propesyon:______________________________________
Ang bionote ay isang maikli dahil sinisiksik ang
mga impormasyon sa pagsulat ng maikling
paglalahad. Hindi ito gaya ng talambuhay
(autobiography) na detalyadong isinasalaysay ang
mga impormasyon hinggil sa buhay ng isang tao.
Samantala ang curriculum vitae na tinatawag ding
biodata ay naglalaman ng mga personal na
impormasyon na ginagamit sa paghahanap ng
mapapasukang trabaho.
NARITO ANG MGA DAPAT MONG TANDAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE.

1. Dapat na Maikli lamang ang nilalaman.


2. Palaging ginagamit ang ikatlong panuhan sa pagtukoy
ng taong inilalahad o inilalarawan sa bionote.
3. Dapat kinikilala ang mambabasa na pagtutuonan sa
pagsulat ng bionote.
4. Binibigyang-diin ang pinakamahalagang impormasyon.
Mahalagang gamitin ang pyramid style sa pagsulat ng bionote
upang maging gabay sa pagsulat -- mula sa mga natamong
karangalan hanggang sa maliit na detalye ng kanyang buhay.
5. Bigyang - halaga lamang ang mga angkop na kasanayan o
katangian sa pagpapakilala ng panauhin.
6. Dapat maging tapat sa paglalahad ng susulating
impormasyon.
Isabuhay mo na

Gamit ang Venn Diagram, ipaliwanag ang mahahalagang pagkakatulad at pagkakaiba


ng bionote at autobiography. Pagkatapos bumuo ng konklusyon mula sa ginawang
paghahambing.

Bionote Autobiography
Pagsulat ng
Talumpati
Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na
maaaring nanghihikayat, nangangatwiran, o
tumatalakay ng isang paksa para sa mga
tagpakinig. Masusukat sa sining na ito ang
katatasan, husay at dunong ng mananalumpati sa
paggamit ng wika at katatagan ng kanyang
paninindigan.
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Talumpati

1. Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na


kaaya-aya sa mga tagapakinig.
2. Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isususlat na
talumpati
3. Layon ang mga salita, tayutay, kasabihan o salawikaing
gagamitin sa pagapapahayag ng mga ideya sa talumpati
Mga Dapat Isaalang- alang sa Pagtatalumpati

1. Paghahanda
a.Talumpating Maisusulat Pa
Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabuti sa
paksa ng talumpating iyong isusulat. Palaging isipan na
mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o
manonood sa talumpati at mauunawaan nila ang punto ng
pagbigkas.
b.Talumpating Hindi Maisusulat
Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung
kailangang bigyan ng talumpati, linawin ang pag-iisip, huwag
masyadong magbanggit ng maliliit na detalye bagkus ay
lagumin ang nasa isip, mahalagang magsalita nang may
kabagalan upang maunawaan ng mga nakikinig ang iyong
sinasabi at makapag-isip ka rin ng proseso at sumagot nang
tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay may oras lamang.
2. Pagpapanatili ng Kawilihan ng Tagapakinig
Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga
teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa pagbigkas nito.
Maaaring may mga bahagi sa talumpati na nagkukuwento.
Pukawin ang diwa ng mga tao sa paggamit ng matatalinghagang
pananlita atmga tayutay.
3. Pagpapanatili ng Kasukdulan
Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa
pinakamatinding emosyon na siyang pinakamahalagang mensahe
ng talumpati.
4. Pagbibigay ng Konklusyon sa Tagapakinig
Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o
pagbigkas nito. Sa pamamagitan ng pagbubuod sa
mahalagang puntong tinalakay sa talumpati, magagwa
mong mag-iwan ng mahalagang mensahe o diwa sa mga
tagapakinig sa iyong pagtatapos.
Iba't-ibang Uri ng Talumpati Ayon sa
Paghahanda
1. Impromptu - Ito ang uri ng talumpati na biglaan at wlang ganap
na paghahanda ( Mangahis, Nuncio, Javillo 2008). Karaniwang
makikita ang mga ganitong uri ng pananlumpayi sa mga job interview,
ilang okasyon ng question and answer, at pagkakataon ng
pagpapakilala. Hindi posible sa uring ito ang pagsulat pa ng
bibigkasing talumpati ngunit mahigpit ang pangangailangan dito ng
kahusayan sa pag-oorganisa, paglilinaw at pagtatampok ng mga
iseyang nais palutangin na siya ring kauna-unahang kahingian sa
pagsusulat.
2. Extempore - Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng
mananalumpati sa pagggamit ng mga angkop na salita sa loob ng
sandaling panahon bago ang pagbigkas. Kaiba sa impromptu, ang mga
isyu, konsepto, o usapang paglalaanan ng talumpati ay nasa kaalaman
na ng mananalumpati kung kaya maaari pa siyang maghanda ng
kaunting marka o palatandaan upang hindi magpaligoy-ligoy ang
kanyang pagbigkas. Bukod pa rito, karaniwang inoorasan ang pagsagot
ng mananalumpati kaya kinakailangan ang malinaw na pag-iisip, bilis
sa pagbabalangkas at husay sa pamimili ng salita. Isang karaniwang
halimbawa nito ay ang Question and Answer portion sa mga beauty
pageant.
3. Isinaulong Talumpati
- Ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna at
pagkatapos ay isinasaulo ng mananalumpati (Mangahis,
Nuncio, Juvillo,2008). Masusukat dito ang husay sa
pagbabalangkas ng manunulat, kanyang pagpapaliwanag at
tibay ng kanyang mga argumento bukod pa sa husay
niyang bumigkas. Karaniwang makikita ang uri na ito sa
mga Valedictory Speech.
4. Pagbasa ng Papel sa Kumperensiya
- Higit na mas kaunti ang alalahanin ng
mananalumpati sa uring ito dahil lubusang nabigyan ng
oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati, ganap na
naisulat nang mahusay ang mga argumento, at inaasahang
na-ensayo na ang pagbigkas. Tanging aalalahanin na
lamang ay ang bisa ng tinig at bigat ng pagbanggit sa
mahahalagang punto ng talumpati.
Simulan mo na
Paano mo paninindigan at ipaglaban ang iyong karapatan sa
sumusunod na mga sitwasyon.
1. Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang
naghagis ng balat ng saging sa sahig upang madulas ang iyong kaklase.
2. iaabot mo sana ang wallet na napulot mo sa taong naiinis sa iyo. Subalit,
pinagbibintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng wallet niya.
3. Ang iyong ama ay dating mayor ng inyong bayan na nasangkot sa graft and
corruption kaya nang ikaw ay kumandidato bilang Kapitan sa inyong komunidad
ay naakusahan ka na isang magnanakaw.
Pagsulat ng
Replektibong
Sanaysay
Replektibong Sanaysay
Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga
pangkaraniwang isyu, pangyayari o karanasan na hindi na
nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan
ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na
karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o
pangyayaring kanyang nasaksihan ( Baello, Garcia,
Valmonte, 1997).
Bahagi ng Replektibong Sanaysay

1. Panimula
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o
pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring ipahayag nang
tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga
ay mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na
pupukaw sa interes ng mambabasa.
2. Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay
binibigyang-halaga ang maigting na damdamin sa
pangyayari. Ang katwan ng replektibong sanaysay ay
naglalaman ng malaking bahagi ng sanaysay,
obserbasyon, realisasyon at natutuna. Ipinaliliwanag din
dio kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat
na baguhin sa karanasan, kapaligiran o sistema.
3. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat
mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito na
mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng
isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga
pananaw niya rito. Dito rin niya masasabi kung ano
ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng
katauhan at kaalaman para sa lahat.
Pagsulat ng Lakbay-
Sanaysay
Lakbay-Sanaysay
Nagtataglay ito ng mga pahayag tungkol sa
karanasan sa paglalakbay. Isinusulat ito upang
ilahad sa mambabasa ang mga nakita at
natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama :
paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy at
pandinig.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagulat ng Lakbay-
Sanaysay
1. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat
magsaliksik o magbasa tungkol sa kasaysayan nito.Pag-aralan ang
kanilang kultura, tradisyon at relihiyon. Bigyang-pansin din ang
sistemang politikal at ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang
lengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.
2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang
naaabot ng paningin, talasan ag isip, palakasin ang pandama at
pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.
3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga
kathang-isip na ideya. Isulat ang katotohanan sapagkat higit na mdali
itong bigyang-paliwanag gamit ang mga malikhaing elemento.
5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang
organisasyon ng sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na
pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng malinaw at malalim na pag-
unawa sa mga ideyang isususlat.
6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating
lakbay-sanaysay.
Pagsulat
Sumulat ng isang lakbay-sanaysay tungkol
sa isang lugar na iyong napuntahan gamit ang
mga ibinigay na hakbang sa pagsulat. ilakip
ang larawan ng lugar na iyong napuntahan sa
paggawa ng sanaysay.
Paglikha ng
Pictorial Essay
Ang larawang sanaysay na tinatawag sa ingles na
pictorial essay o kaya ay photo essay na para sa iba ay mga
tinipong larawan nan isinasaayos nang may wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng
isang konsepto.
Ang larawang sanaysay ay gaya rin ng iba pang uri ng
sanaysay na guamgamit ng mga pamamaraan sa
pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo
ang mga binuong larwan o dili kaya'y mga larawang may
maikling teksto o caption.
Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng larawang
sanaysay
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang -alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga
pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakupukaw sa
damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagkasunod-sunod ng
pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka
muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing saysay gamit ang
mga larawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw
ang larawan kaysa sa mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang -sanaysay ay
ngpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya
at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa
framing, komposisyon,kulay at pag-iilaw. Kung minsan,
mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng
ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng
damdamin na isinasaad nito.

You might also like