You are on page 1of 30

PAGBASA

AT
PASUSURI
TUNGO SA
PANANALIKSIK
GURO : MARILOU T. CRUZ
LAYUNIN :

A. Naiisa-isa ang mga gabay sa pagpili ng angkop na


paksa sa pananaliksik

B. Nakapaglalahad ng kahalagahan sa pagpili


ng makabuluhang paksa sa isang pananaliksik

C. Nakbubuo ng paksa para sa pananaliksik


ayon sa kanilang interes.
Simulan natin :
Alalahanin ang isang pinakabagong balitang
napakinggan ,napanood o nabasa maging ito man ay
local ,pambansa o pandaigdigan .Isulat ang buod ng
balita at ilagay ang mahahalagang impormasyong
naalala sa pamamagitan ng ng pagsagot sa mga tanong
sa talahanayan .Ibabahagi ito sa klase
PAGPILI
NG
PAKSA SA
PANANALIKSIK
GURO : MARILOU T. CRUZ
Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang
tinatalakay sa isang sulating pananaliksik. Napakalaking
bahagi sa pagkakaroon ng matagumpay na sulating
pananaliksik ang pagkakaroon ng isang mahusay at lubos na
pinag-isipang paksa. Mahabang panahon ang ginugugol sa
pangangalap ng datos kaya naman, makabubuting nagpag-
iisipang mabuti ang paksang tatalakayin bago pa magkaroon
ng pinal na desisyon.
MGA TIPS
O
PAALALA SA
PAGPILI NG
PAKSA
GURO : MARILOU T. CRUZ
MGA TIPS O PAALALA SA PAGPILI NG PAKSA

TIP
NO. 1
Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo

TIP Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng


NO. 2 mapipiling paksa ng mga kaibigan mo

TIP May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon


NO. 3

TIP
NO. 4
Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
TIP
NO. 1 Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo

Mahaba at mabusisa ang proseso ng pagbuo ng


sulating pananaliksik. Kakain ito ng maraming oras
mo at magiging mahalagang bahagi ng sumusunod
na mga araw, linggo, at buwan sa iyong buhay.
Gayumpaman, kung sa proseso ng pangangalap
ay marami kang natuklasang impormasyong higit na
makapagpapabuti sa iyong isinusulat kung
rerebisahin mo nang bahagya ang paksa, maaari mo
pa ring gawin subalit huwag mo lang kalimutang
konsultahin muna ang iyong tagapayo o guro
tungkol sa modipikasyong gagawin mo.
1.1 PAKSANG MARAMI KA NANG NALALAMAN

May mga kabutihan ang pagpili ng


paksang may malawak ka nang kaalaman
sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha
ng mga gamit na kakailanganin mo sa
pagbuo nito tulad ng mga aklat, datos, o
mga taong eksperto sa nasabing paksa bago
mo pa sinimulan ang pananaliksik.
1.2 PAKSANG GUSTO MO PANG HIGIT NA MAKILALA O
MALAMAN

Madalas, may mga tao kang


higit na gusto pang makilala o
mga bagay na hindi gaanong alam
at gustong-gusto mo sanang higit
pang malaman o makilala.
3. PAKSANG NAPAPANAHON
Maraming kabutihang maidudulot ang
pagpili ng mga paksang napapanahon.
Magiging makabuluhan ang anumang
magiging resulta ng iyong pananaliksik
sapagkat magagamit ito ng nakararami dahil
angkop o tumutugma ito sa kasalukuyang
pangangailangan.
TIP Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho
NO. 2 ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo

Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili


mong paksa para maging kapaki-pakinabang ang mga
bagong kaalamang ilalahad mo mula sa iyong mga bagong
matutuklasan sa halip na pag-uulit lang sa kung anuman
ang natuklasan ng ibang mananaliksik.
TIP May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
NO.3

Tulad ng naunang nabanggit, sa pagbuo ng


sulating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan
at sa Internet lang mangalap ng kagamitan at
impormasyon.
TIP Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
NO.4

Gaano man kaganda ang paksang napili mo kung hindi


naman ito matatapos sa takdang panahon ay mawawalan din ng
kabuluhan. Nararapat na alam ng mananaliksik ang haba ng
panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at saka niya ito
hati-hatiin sa bawat bahagi upang matagumpay na matapos at
maisumite ang gawain sa takdang araw ng pagpasa.
MAIK
LING
GAWA
IN
A. LIMITAHAN ANG
SUMUSUNOD NA PAKSA UPANG
MAS MADALING MATUGUNAN
SA SULATING
PANANALIKSIK.
1. Malawak na Paksa: Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral

*Nilimitahang Paksa:
*Lalo Pang Nilimitahang Paksa:

2. Malawak na Paksa: Ang Paggamit ng E-book (Electronic book) ng


mga mag-aaral

3. Malawak na Paksa: Ang Pagsusuot ng Uniporme sa Paaralan ng mga


Mag-aaral

4. Malawak na Paksa: Epekto ng Pagkakaroon ng Kasintahan Habang


Nag-aaral pa sa High School

5. Malawak na Paksa: Madalas na Paglalaro ng Video Games ng mga


Mag-aaral
B. ISA-ISAHIN ANG MGA
HAKBANG SA PAGPILI NG
PAKSA AT IPALIWANAG ITO
NG MAIKSIAN LAMANG GAMIT
ANG MGA KAHON.
1.

5. Pagpili 2.
ng Paksa

4. 3.
Karagdagang gawain

 Alamin ang mga hakbang sa


pagpili ng paksa
SALAMAT SA
PAKIKINIG
MGA HAKBANG
SA
PAGPILI NG
PAKSA
GURO : MARILOU T. CRUZ
Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng
sulatin

Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa


ay mahalagang malaman mo muna ang layunin sa
pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o
maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga
gagawin.
Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa
sulating pananaliksik

May mga gurong nagbibigay ng mga


paksang maaaring pagpilian ng mga mag-
aaral. Ang mga paksang ito ay nakaugnay sa
mgal layunin.
Pagsusuri sa mga itinatalang ideya

Muling balikan at isa-isang basahin ang


mga isinulat mong ideya. Suriing mabuti
ang bawat isa gamit ang sumusunod na
mga tanong:
Bakit ka interesado?
Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?
Alin ang alam na alam mo na?
Alin ang gusto mo pang lalong makilala o mapalawak ang iyong kaalaman?
Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon?
Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?
Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang
panahon?
Pagbuo ng tentatibong paksa

Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na


ito ay matutukoy mo kung alin sa mga
nakatala sa iyong papel ang maaari mong
ipursige bilang paksa ng iyong sulating
pananaliksik.
Paglilimita sa paksa

Maaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo


kaya’t kakailanganin mong limitahan ito upang magkaroon ng
pokus ang gagawin mong pananaliksik. Tandaang hindi dapat
maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa na sa
dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na
matatapos sa takdang panahon at hindi maihahanap ng angkop
na kasagutan.

You might also like