You are on page 1of 1

RICHARD C. SUBIA,Ph.

D
School Principal III
Magsaysay National High School, Diffun, Quirino
REGION 02

Sana

Matalik silang magkaibigan, magkasangang dila, magkabungguang braso, sa sobrang dikit nila
para na nga silang pinagbiyak na bunga. Madalas pa nga mapagkamalan silang kambal.

Isang gabi tulad ng nakagawian sa bahay sila nagkakasiyahan. “Hayyy sigurado aabutin na
naman magdamag na naman silang mag-iinuman. Makatulog na nga.

Sa kalaliman ng gabi, naramdaman ko si Mister , ang init sa lamig ng gabi, ang tamis sa pakla ng
lasa ng alak…ang pagsuyong wagas.

Naalimpungatan ako wala na si Mister sa aking tabi, nasa sala himbing na himbing, tulog-
mantika. Si kumpare wala na sa bahay.

Bigla akong pinagsukluban ng langit at lupa sana nanaginip lang ako kagabi. Sana…

You might also like