You are on page 1of 9

At habang naghahanap ng mga sanggunian para mabigyang-katwiran ang

kalapastangan sa pamagat ng artikulong ito, nasumpungan ko sa internet ang isang


pang-akademikong panayam ng makatang siyang batayan ng naturang alusyon. Bilang
isang “note” sa Facebook, kumopo ang panayam ng tumataginting na apat na “likes.”

Francisco Baltazar

Huwag nang magpanggap na dapat unawain siyang kinikilalang Pambansang Alagad


ng Sining, sa gibang niyang pagbabalik-tanaw at pilit na pagkikinis sa mga
panukalang inilatag sa isang munting aklat na pinamagatan niyang “Balagtasismo
versus Modernismo” noong 1984. Paumanhin kung ni hindi ko maipapaliwanag kung
ano ang ibinabantayog niyang “modernismo,” at ang kung anu-ano pang mga
suliranin ang inuurirat niya ukol sa tula at sa kinabukasan nito. Kung ano nga kaya
ang nais ipahiwatig ng kanyang mga “kislap-diwa,” “sangang-diwa” at sari-saring
pasaring sa masasamang bisyo sa pagtulang tumatalam at nakasasawa dahil sa mga
paulit-ulit, gasgas, at de-kahon na mga pahayag at panawagang karaniwan sa mga
Balagtasista.

Ang alam ko lang ay ilang taon nang maugong sa kabataan ang isang panibagong
“balagtasan” — hindi man ito tahasang nagbibigay-pugay kay Balagtas o sa mga
makata ng 1920’s na siyang nagtaguyod ng gayong talastasan.

Hindi man maunawaan ng kabataan ngayon ang saysay sa pag-uuri ng imahe at


retorika sa panulaang tinaguriang “paloob,” narito’t rumaragasa na sa madla ang
kanilang naka-eengganyong “palabas” — sa mga aktwal na labanan sa mga lihim na
bulwagan ay dinudumog ito ng daan-daang manonood. Sa unang ilang bente-kwatro
oras pa lamang ng pagpapaskil sa internet ay tumatabo na agad ang mga ito ng daan-
libong pagtunghay sa Youtube.

Hindi sa lokal na “balagtasan” kundi sa dayuhang “Grind TimeNow” humango ng


inspirasyon ang “Fliptop.” Ibinabandila ito bilang “FirstFilipino Rap Battle
League.” Di man sinasadya, ibinudyong ang ligang ito ng isang (sabihin na nating)
nag-aatubiling tagapamana ng Bagong Kritisismo ng lokal na barkadahang
pampanitikan. Bilang Anygma, siya ang palaisipang Lakandiwa na siyang utak sa
likod ng Fliptop. Pero bilang Aric Yuson, hindi na mahirap isipin kung kaninong
tanyag na manunulat kinopya ang kanyang apelyido.

Balagtasan

Jose Corazon de Jesus (pantasproject.net)

Noong 1924 sa Tundo, Maynila, isang “katipunan ng mga mananagalog at


makatagalog” ang nagpanukala ng pagdaraos ng – noong mga panahong iyon ay –
makabagong duplo bilang parangal sa tinagurian nilang “Makata ng Panginay,” si
Francisco Baltazar (1788-1862), na kilala rin bilang “Balagtas.” Ang kanilang mga
patulang duwelo — ang balagtasan – ay ginanap sa mga bulwagang gaya ng Teatro
Zorilla at Olympic Stadium. Naging matunog sa mga ito ang mga pangalan nina Jose
Corazon de Jesus, Florentino Collantes, Pedro Gatmaitan, Benigno Ramos, Inigo Ed.
Regalado, Julian Cruz Balmaceda, Lope K. Santos, Amado V. Hernandez at marami
pang ibang makatang Tagalog. Lumaganap ang “balagtasan” sa iba pang rehiyon ng
bansa gaya ng bukanegan sa Ilocos, bilang parangal sa makatang Iloko na si Pedro
Bukaneg (Zafra, 1999). Sa Kabisayaan, nahahalintulad ang balagtasan sa mga
katutubong anyong balitaw, banggianay atismayling.
Sa isang kakaibang panahon at daigdig sumibol ang Fliptop, na nakatuntong sa
kulturang hip-hop. Bilang mga emcee at rapper, ang mga baguhan at bihasang
kalahok sa paligsahan ay kumakatha ng berso bilang literal na liriko (lyrics). Bagamat
mayroon ding koponan para sa rapper sa Ingles, naging patok sa mas marami ang mga
labanan sa wikang Filipino. Naging pinakamatunog dito ang pangalan ng mga gaya
nina Loonie, Dello, Target, Datu, Kjah at BLKD.

Sa aspeto ng matulaing duwelo mahuhugot ang paralelismo sa pagitan ng balagtasan


at Fliptop, gayundin sa init ng masugid na pagsubaybay ng mga manononood na
tumatangkilik dito. Maaaring kakulitan na rin lang kung uusisain pa ang kaibhan ng
dalawa sa lawak at paksa. Mapapansin naman ang kalahatang tendensiya ng Fliptop
na tumutok sa palasak na pagwasak at pag-aalimura sa katauhan at pagkatao ng
katunggali — kadalasan sa pamamagitan ng mga pariralang walang malay sa sukat at
metro, burara at bulagsak sa talinhaga, at sa katuus-tuusa’y tumatakas na lamang sa
bulalas na pagbabantas ng “yo!” Sa kabila ng tradisyon nito sa batuhan ng putik, isang
natatanging labanang pakabig ang itinampok ng Fliptop sa (marahil ay isinulat nang)
duwelo nina KJah at Target.

Samantala, maaaring naging “balagtasismo” ang pamana ng balagtasan sa paningin ng


mga kritiko at makatang sumang-ayon sa gayong ideya – dahil sa katangian nitong
pag-iistrikto sa mga batas ng sukat at tugma, sa magiting at mataginting nitong
pamamaraan ng pahayag at panawagan, at sa iba pang elementong taliwas sa pagiging
“moderno.”

Hindi ko ilalatag bilang suliranin ng panitikan ang pambihirang penomenon ng


Fliptop sa popular na kultura sa kasalukuyan. Suliranin lamang marahil ito ng mga
makatang mapag-imbot, mabuway at nagdududa sa saysay ng sariling mga tula at
piniling panulaan. Marahil ang lalong mahalaga ay muling naging karaniwan sa atin
ang mga tula, at naipaalala sa atin ang kapangyarihan ng pananalinhaga.
Komplikadong magpauso ng balagtasismo versus Fliptop mismo, habang mas mainam
na resolbahin muna ng mga nagtataguri sa sarili bilang makata ang mas simpleng mga
bagay gaya ng espasol versus nilupak.

Maaaring wala man lamang nakapuna, pero ngayong Pebrero pumapasok sa ikatlong
taon ang Fliptop. Ngayong Pebrero rin ang ika-150 taon ng kamatayan ng dakilang si
Balagtas. Inaabangan pa rin na isapubliko sa Youtube ang pinananabikan at pinag-
uusapang dwelo nina Loonie at Dello noong Disyembre. Samantala, mula sa mga
guho ng dinemolis na Barangay Corazon de Jesus, lumilikha ng bukas ang isang
grupo ng organikong kabataang makata.

Batas Fliptop Lines


4-0 from Paranaque representing kampo terortimo
Boss balita ko di daw inupload ni Rq ang battle mo kasi sa ksamang palad daw nagawang eksena. Kung
baga di mo nagamit ang fliptop para sumikat noon kaya nag hamon ka agad na para napaaga ang noche
Buena, gusto nyo malaman ang storya ihanda ang mga tenga. OO bobo ka kumuha ka pa ng timbangan
para sukatin ang lyrics ko kung mabigat. Eto eto ang liga ng mga tunay hindi makakasabay ang yong
husay . talento pinapairal dito sa fliptop di naming kelangan ng skills.Gusto daw nya ako kainin bakla tang
ina. Tang ina mo jejemon ka pangalan mo puro e na rave party
J-Skeelz Fliptop Lines
1-0 Tondo Manila representing 187 Mobstaz
Listen batas kamusta tagal nating di nagkita pare putang ina buhay kapapala.
Uunahan na kita wag ka mag alala dahil wala akong gunting na dinala. Dahil alam ko ‘alam nyo alam nya
Na sa tsayni pa lang ng lola ko eh kikilabutan ka na . Balikan nating ung mga nakaraaan storya nung
nakaraan sunugan ginupitan kita lahat ng tao natuwa ikaw lang ang na ulol. Ngyon sa fliptop bubunutan
aman kita at babayaran pa ako ni enigma ng limang piso kada bulbol. Salamat po panginoon sa wakas
muling nag krus ang dalwang landas naming ng tagapagmana ni satanas ng minsan ko ng
pinasuko.Alam ko mark na di ka bakla pero sakin ka lang napasubo. Ipinain ka nanaman ng mga tropa
mung terorista kaya mag isa ka lang isunugo. Isinugo ang kanilang nag iisang pinuno ang pinunong
nagtanim ng sariling puno. Alam nyo kung anong klaseng puno? Yan ang puno ng kayabangan
pasalamat ka sakin batas binansagan kong bulbol yan kung hindi di mo yan mapapakinabangan.Ito ang
matagal ko nag gusto ang aking plano ang magkasalubung tayo in my own way papatunayan ko na syo
at sa lahat ng taong na andito na hindi sa kampo ng bulbol nag mula ang tunay na word play. Dahil ang
impact mo delay maiintindihan lang kapag ni replay. Ibahin mo ang taktika at diskarte ko pag ako
gumawa ng putang inang game play din a uubusan ng lakas kahit idaan mo pa sa pinaka mahabang
foreplay. B- bastos A – arogante T- tarantado A- Adelentado oo kulang ng isang letra kung yan ang
tatanong mo kahit wala ka parin talo your not the best kasi isa ka paring batas na walang S sa paningin
ko. Ang tagal mo ng rakista nag hiphop ka pero wala ka naman natutunan.
winner: J-skeelz

Anu sinasabi mong Belo? baka Calayan. Tignan mo yang mukha mo san ba gawa yan?!
Dami nyang alam na lenggwahe, marami ng narating na lugar ‘to. Ganun talaga ang magagawa
kapag kargador ka sa barko.
Kaya yung ganyang hitsura, sa’kin, may kalalagyan. Sakin mo harap ung camera, pag sa mukha
nya basag yan.
Mukha kang katutubo, para kang anito sa bundok. Puro kanto mukha mo parang naligo sa suntok.
Sagutin mo. TRUE or FALSE, di ba wala kang balls? at kung meron man sigurado ako sinlaki lang
yan ng halls.

"Hoy gonggong meron akong bugtong anong kulay bagoong ang nagsusuot ng purontong at sa
sobrang hirap walang ibang makain kundi kakaunting galunggong? Sirit ka na ba tyong? oops
meron pa palang kadugtong alyas taong tutong na nanggugulpi ng kalabaw kapag tinatamaan ng
sumpong"

"Alam mo ba dito sasapitin mo mapait, Si


Dello mukha tong inosente pero d to mabait.
kaya ung ganyang itsura may kalalagyan
sakin, sakin mo lang iharap ang camera baka sa kanya basag yan"
"bihisan ka man ng magarang damit
wala ring halaga kapag ang dila ay pilipit"

""sandali lang kanina narininig ko na tinawag mo akong negrito


bakit yung kasama mo mukhang sunog na kaldero""

"Masakit masakit pag tinira ka sa pwet wag ka lang pipikit at siguradong sasakit"

mga pipitsugin, mga kumag walang kain


putang ina kaau lintek! mga taong walang ligo parang mga putek!
hindi kaayo uubra sa akin, ako ang hari, ako ang fliptop king!
epapakainin ko kayo sa mga buaya at sa mga pating !!

Ako’y parang dragon at ang hininga ko’y apoy, habang ang hininga mo’y amoy boy bawang.

Ikaw ba yung naka-battle ko sa rap na galing probinsya? anak ni Apl de Ap kay Aling Dionisia?

yo yo.. sa mundo ng fliptop wala akong talo


kayo pa kaya mga putang ina nyo!
akala nyo kung sino kayo
mga anak ng titing, isa isahin ko kayong parang palo palo
babasagin ko mga ulo nyo mga putang inang gago!!

"para kang si little mermaid kalahating tao kalahating isda


pero pwede ka rin askal na maraming pigsa"

"bat ba ganyan get up mo san mo bang yang magazine napulot?


stong hindi ka pwede maging dream guy kung ngayon pa lang mukha ka ng bangungot"

kung mo bisaya kaman ayawg pabatibati sa mga tagalog


kay bangin taka e mudmud sa salog

bisaya gali ka tarunga


bangin teka ma sumbagan man hubag imo mata

kung imo kung hagiton sa fliptop tarunga


basig imo BABA mag nganga

heto na, heto na aking tirang madumi


tira kong umaalod na para bang tsunami
kaya NOAH gumawa kana ng arko na madami
o ilalambitin ka sa mataas na sanga
iwanan kang nakanganga
at sapulan ang yong panga
kaya wag kang magtangatanga

"pero si Zaito pagfreestlye wala rin ka pantay


kaya noong nakita ko sya kanina pare pa-akbay
habang akoy nangnungumusta, may naramdaman na parang swabeng galamay
sabay kapkap ko sakin bulsa at ang wallet koy natangay"

Flip Top Battles: Labanan ng Mga Makata o ng


mga Feeling Makata?
Kamakailan lamang ay nasaksihan ko na naman ang mga laban ng mga "modernong makata" ng
Pilipinas. Bilang isang masiyahing binatilyo ay sadyang naaaliw ako sa panonood ng mga ganitong uri ng
laban. Bukod kasi sa alam kong walang tunay na nagkakasakitan pagdating sa pisikal na aspekto, maaari
pa akong makakuha ng mga bagong biro at rap na maaari kong gamitin upang makapagpasikat sa mga
kaibigan! O diba, natawa na ako, nakapagpatawa pa ako!

Unti-unti nang nagiging ganap ang kasikatan ng FlipTop Rap Battles dito sa Pilipinas. Ang FlipTop Rap
Battles o mas madalas na tawaging FlipTop ay isang uri ng paligsahan na kung saan ay hinahasa ang
kakayahan ng mga kalahok na mag-isip ng mabilis. Ang fliptop kasi ay isang timpalak na binubuo ng
dalawang tao sa magkabilang panig. Ang layunin ng paligsahang ito ay ang pagbibigay ng mga mabibigat
at magagandang linya laban sa iyong katunggali. Binibigyan ang isang kalahok ng 60 segundo upang
sabihin ang lahat ng nais sabihin sa katunggali.

Noong nagsimula ang mga ganitong laban ay nakakatuwang pakinggan ang mga linyang binibitawan ng
mga kalahok. Paano kasi, masyadong malalalim, iyong tipong hindi mo na mahukay sa sobrang lalim.
Kaya naman, noong naglabas ng panibanong season ang fliptop ay nag-iba na rin ang estilo ng mga
kalahok. Kung noon ay pawang mabibigat na salita lamang na tungkol sa pamahalaan at kung ano-ano
pang problema sa lipunan, ngayon ay naging mas masaya na ang mga tunggalian. Hindi na gaanong
malalim ang mga salitang ginagamit ng mga kalahok, bagkus ay dinadaan na lamang sa pang-iinis o
pang-aasar ang mga banat, pero syempre, sa anyong tula pa rin. Kaya ngayon, hindi na palaliman ng
linya ang labanan sa fliptop kung hindi asaran. Ang unang maasar at mawala sa konsentrasyon, ay
siguradong matatalo. Kaya dito, kapag nanalo ka, ibig sabihin, magaling ka mang-asar! At kapag natalo
ka, maaring mahina ka talaga, o sadyang napikon ka lang. At syempre, kapag talo, sari-saring mga kutya
at panlalait ang matatanggap mo.

Narito ang halimbawa ng mga sikat na sikat na FlipTop Battles:

Loonie vs. Zaito - Part 1


*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=2Bp7TcNO-CY
Loonie vs. Zaito - Part 2
*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=VTmNEB6AogU

Nakakatuwa silang pakinggan, hindi ba? Mapapansing hindi naman gaanong kalalim ang binibitiwan
nilang mga salita, ngunit pansin na pansin kung gaano kalakas ang pang-aasar o pang-iinis ng mga
kalahok sa isa't isa. Kung mapapansin ninyo, si Zaito (ang lalaki sa kaliwa) ay hindi na nakapagbitiw ng
mga magagandang linya sa huli. Halos inuulit na lamang niya ang mga sinabi niya noong una. Hindi
naman natin siya masisisi, sadyang napakagaling naman kasi talagang manlait nitong si Loonie (ang
lalaki sa kanan). Lahat na yata ng nakita niya kay Zaito, puro kapintasan. Pero syempre, ang paligsahan
ay isang paligsahan. Lahat ng mga ito ay katuwaan lamang. Kaya kagaya nga ng sinabi ko kanina: ang
pikon, talo.

Narito naman ang isa sa mga laban na sadyang nakakapukaw ng pansin. Pakinggang mabuti ang mga
linyang binibitiwan ng magkabilang panig:

Fuego vs. Batas - Part 1


*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=Tycr21-NO5s

Fuego vs. Batas - Part 2


*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=c4W2A3GdtzM

Mapapansin sa laban na ito nina Fuego (lalaki sa kaliwa) at Batas (lalaki sa kanan) ang
isang salitang paulit-ulit na lumabas sa mga bibig nila: PUTANG INA. Oo, sadyang
matindi ang dating ng salitang ito, kaya naman bagay na bagay ang salitang ito sa mga
ganitong uri ng laban. Ngunit hindi ba't mga "modernong makata" ang tawag nila sa
mga sarili nila? E halos mga putang ina na nga lamang ang naririnig ko. Tama pa ba
ito? Tama pa bang tawaging mga makatang ang mga taong ganito? Oo, marahil nga'y
magaling sila umisip ng mga lirikong sadyang nakakatawa at puno ng mura, pero hindi
ibig sabihin noon ay makata na sila.

kung ako ang kalaban wala kang pagasa


paano ka nag rap d ka marunong bumasa

ako si zaito ref aircon technician


etong kalaban ko taga paypay sa kulungan

kahit anong klase aircon split type, window type, kaya kong gawin
pero mukha nito d ko kayang ayusin

ahhh kailangan kita, akoy may imbento


sasakyang panglubak gagawin kong gulong mukha mo

paguwi ko sa probinsya ikaw ang kasama


ang trabaho mo sakin taga salo ng granada

ang yabang pumorma akala mo hiphop


nagsasalita wala namang kausap
alam mo pare pwede ka sa derby
tumayo ka sa gitna babatohin ka ng tae

ikaw yung estatwa na nakita ko sa luneta


namamlimos kasi wala ka ng pag asa

tingnan mo yung mukha mo mukha kang engot


ang hulma ng mukha mo binilog na kulangot

ZAITO vs ABRA Video Battle Link

sabihin na natin na marami kang babae


nagtaka ako bakit sa sogo kasama mo lalake?

sa pamamagitan ng fliptop itatayo ko ang pangalan


habang si abra sa bahay alamn nito'y chupaan

hoy supot hindi ako takot


kahit ang tinira moy first class na utot

oo maitim wala akong planong pumuti


si Abra nakita ko naka upo kapag umihi

ang mamang unano hindi na lumaki


at hindi halata edad fifty three

sandali lang kanina narininig ko na tinawag mo akong negrito


bakit yung kasama mo mukhang sunog na kaldero

tingnan nyo ang attire parang made in Bohol


ung design ng damit galing pang ata-ol

pangpaswerte sa buhay at pangpa-iwas sa malas


Igapos si Abra sa puno ng bayabas

sa umaga abra sa gabi abr


sa umaga poge sa gabi malandi

prang kailan lang abra, ang bilis ng panahon


dalaga ka na ...........

eto nga palang un regalo ko para sau


pangontra sa regla at pangarap mo na bra

Ang kultura ay siyang nagbubunsod upang ang isang tao ay kumilos ng ayon sa kanyang ginagawa at
tuloy nagbibigkis sa mga miyembro ng lipunan. Sinasabi na ang kultura at lipunan ay magkaugnay
sapagkat hindi maaaring lumitaw ang isa kung wala yaong isa pa.

Marami pang kaugnayan ang kultura tulad na lamang ng wika kung saan ang wikang simboliko ay ang
pundasyon ng kultura ng tao. Masasabi kong pundasyon sapagkat sa pamamagitan ng wika, ang kultura
ay naisasalin ng isang tao sa kanyang kapwa tao o ng isang henerasyon sa susunod na henerasyon.

Ano nga ba ang kultura? Ano nga ba ang kaugnayan nito sa mga tao? Masasabi kong napakahalaga ng
kultura sapagkat kaakibat nito ang lahat. Nakadikit na ito sa wika, lipunan at mga mamamayan. Kung
walang kultura, hindi makukumpleto ang mga ito sapagkat dahil sa kultura nagkakaroon ng
pagkakakilanlan ang bawat lipunan kaya gayon na lamang kaimportante ang kultura sa lipunan at sa iba
pang bagay.
Ang kultura ay nagbabago. Nagbabago sa paraan na umaasenso o mas humihigit pa, kung tawagin nga’y
“ nag-improve” ito. Sapagkat umaagapay ito sa pagbabago ng panahon, unti-unti itong nagiging
moderno at ang dating kultura ay malimit na lamang nagagamit pero ng dahil sa dating kultura at
makabago na rin ay nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang lipunan at napaggbubuklod nito ang mga
mamamayan.

Ngunit kung hindi natin magagamit ang pinagmamalaking kultura para saan pa para gawin itong
modernisado, hindi rin naman ito magagamit sa pagkakakilanlan at pagbubuklod ng mga mamamyan , sa
halip baka ito pa ang maging dahilan para tuluyan maglahong imahen ng kultura

You might also like