You are on page 1of 37

PANUNTUNAN SA

LOOB NG KLASE
1. MAKILAHOK SA LAHAT
NG GAWAIN.
2. MAGTANONG SA GURO
KUNG MAY HINDI
NAINTINDIHAN.
3. WALANG MALI,LAHAT AY
TAMA
Sundin ang mga sumusunod :

1. Bawat mag-aaral ay susulat ng


pangalan ng isang bagay ,tao ,lugar o
hayop ,pantangi man o karaniwan sa
isang maliit na papel pagkatapos
isulat ,tupiin ang papel at ibulsa

2. Pagkatapos gawin ito ,pumunta sa grupo


10 • Kompletong detalye sa
pu pagkukuwento
nt
os
20 • Pagkamalikhaing sa
pu pagresenta at pagkukuwento
nto
s-
10 • Pagtutulungan ng bawat
pu pangkat
nt
os
Sundin ang mga sumusunod :

. Mag iisip ang grupo


3

ng isang malikhaing
pagpresenta sa grupo
Sundin ang mga sumusunod :

3.Mag iisip ang grupo ng isang


maikling kwento na binubuo
lamang ng sampung
pangungusap. Dapat ay kasama
sa pagkukuwento ang lahat ng
salita na binuo ng bawat
miyembro .
Sundin ang mga sumusunod :

4. Bawat grupo ay magbabahagi ng kanilang


Kwento sa pamamagitan ng isang kinatawan
na pipiliin ng mga miyembro .
Sa pagbabahagi ,huwag kalimutang tukuyin
ang mga salitang ibinahagi ng bawat
miyembro na napasama sa salaysay na
ginawa .
TEKSTONG
prosidyural
1 Ito ay Pagsasalaysay at
Pagkukwento ng mga pangyayari
sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at
panahon o isang tagpuan nang
Ano ang may pagkakasunod-sunod mula
Tekstong sa simula hanggang katapusan.
Naratibo? 2. Pangunahing layunin nito ang
makapagsalaysay ng mga
pangyayaring nakapanlilibang o
nakakapagbigay-aliw o saya
Iba’t Ibang
Pananaw o Punto
sa Tekstong
Naratibo
UNANG PANAUHAN IKALAWANG IKATLONG PANAUHAN KOMBINASYONG
PANAUHAN PANANAW O
PANINGIN

Isa sa mga tauhan Mistulang Isinasalaysay ng Karaniwang


ang nagsasalaysay ng kinakausap ng isang taong walang nangyayari sa isang
mga bagay na manunulat ang relasyon sa tauhan nobela kung saan
kanyang tauhang kaya ang panghalip ang pangyayari ay
nararamdaman at pinagagalaw na ginagamit sa sumasakop sa
gumagamit ng kaya’t gumagamit pagsasalaysay ay mahabang panahon
panghalip na ako siya ng panghalip siya. Ang at maraming tauhan
na ka o ikaw tagapagsalaysay ay ang ipinapakilala
subalit hindi tagapag-obserba
gaanong lang at nasa labas
nagagamit ng siya ng pangyayari
manunulat sa
kanyang
pagsasalaysay.
Tatlong uri ng Ikatlong Panauhan

Maladiyos na Limitadong Tagapag-obserbang


Panauhan panauhan
Panauhan
Mga Paraan ng
Pagpapahayag ng
Diyalogo, Saloobin
o Damdamin sa
Tekstong Naratibo
1.DIREKTA O TUWIRANG PAGPAPAHAYAG 2.DI DIREKTA O DI TUWIRANG
PAGPAPAHAYAG

Ang Tauhan ang direkta o tuwirang Tagapagsalaysay ang naglalahad sa


nagsasaad o nagsasabi ng kanyang sinasabi, iniisip nararamdaman ng
diyalogo, saloobin o damdamin at tauhan at hindi na ito ginagamitan
ginagamitan ito ng panipi. ng panipi.

Halimbawa: Halimbawa:

“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Tinawag ni Aling Guada ang anak
Guada sa anak na abalang abala sa dahil kakain na habang abala ito sa
ginagawa .” Aba’y kayganda naman nireng ginagawa.Sinabi niyang kayganda ng
ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang ginagawa ng anak at tinanong din
balak mo, ha?” niya kung ano ba talaga ang balak ng
anak.
Mga Elemento ng
Tekstong Naratibo
1.Tauhan

Karaniwang tauhan sa tekstong naratibo ay:

b. Katunggaling
a.Pangunahing Tauhan- ang
kontrabida ang d. Ang May-akda-
Tauhan- Laging magkasama
sumasalungat o
sa bida umiikot kalaban ng ang may-akda t
ang mga pangunahing pangunahing
pangyayari sa tauhan tauhan sa sa
kwento mula kabuuan ng akda
simula hanggang c. Kasamang
ang namamayani
katapusan Tauhan-
karaniwang lamang ay kilos at
kasama o tinig ng tauhan
kasangga ng
tauhan
Ayon kay E. M. Forster may dalawang uri ng tauhan:
TAUHANG BILOG ( ROUND CHARACTER) TAUHANG LAPAD ( FLAT
CHARACTER

-Tulad ng isang tunay na -Ito ay tauhang


katauhan, nagbabago ang nagtataglay ng iisa o
kanyang pananaw , katangian at dadalawang katangiang
damdamin ayon sa
pangangailangan. madaling matukoy o
Hal: predictable.Madaling
Ang isang tahimik at mahulaan o maiugnay
mapagtimping tauhan ay ang kanyang katauhan sa
maaaring magalit at sumambulat kanyang ikinikilos.
kapag hiningi ng pagkakataong Karaniwang hindi
magbago ang taglay niyang
katangian lulutang ang nararapat nagbabago o nag iiba ang
na emosyon katangian ng tauhang ito
sa kabuuan ng kwento.
2. Tagpuan at Panahon

-tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa
akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon).

3.Banghay

-tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga


tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
-hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensyunal na simula-gitna-wakas
may pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod na tinatawag na
Anachrony
3 URI NG ANACHRONY

PROLEPSIS ELLIPSIS-may mga


ANALEPSIS (FLASH puwang o patlang
( FLASHBACK)- FORWARD) – sa pagkakasunod-
sunod ng mga
dito ipinapasok dito ipinapasok
pangayayrina
ang mga ang mga nagpapakita na
pangyayaring pangyayaring may bahagi ng
naganap sa magaganap pa pagsasalaysay na
nakalipas lang sa tinanggal o di
isinama
hinaharap
4.Paksa o Tema

-ito ang sentral na ideya kung saan umiikot


ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo.kailangang palutangin ang
pianakmahalang mensaheng nais iparating sa
mambabasa at dito rin mahuhugot ang mga
pagpapahalaga , mahahalagang aral at
pagpapahalagang pangkatauhan.
Ano-ano ang mga
elemento ng maikling
kwento?

paglalahat
Isang hapon nang pauwi si Danilo galing sa
paaralan, siya’y hinarang ng limang batang
lalaki. Ang mga ito ay naghahanap ng basag ng
ulo.

Pinatigil si Danilo sa paglalakad at


pinagsalitaan ng isa. “Kung talagang matapang
ka ay lumaban ka. Pumili ka ng isa sa amin na
kasinlaki mo,” ang hamon.
Malumanay na sumagot si Danilo, “ayaw ko
ng away! Bakit ako lalaban sa inyo?hindi
naman tayo nagkagali!”

“Umiiwas ang Boys Scout sa away.”


“Lumaban ka!” at dinuraan ang mukha ni
Danilo. Ang lumait na bata ay maliit kaysa kay
Danilo. Siya’y mayabang at nagmamagaling.
Muling hinamon si Danilo, “ikaw ay isang
duwag”
“Kaibigan ako ng sinuman.ang sabi ng titser ay
dapat akong magpaumanhin sa umaaglahi sa
akin”

“Totoong maraming dahilan! Lumaban ka kung


lalaban. Isa kang duwag!” at sinipa si Danilo.

Nakuisap si Danilo, “ako’y aalis na. hinihintay


ako ng aking ina. Ayaw niyang ako’y gabihin sa
pag-uwi”
Sa ilalim ng tulay ay may narinig silang pagibik.
“Sag..i..i…p.. in niyo ako! Tulong ! Isang bata
ang nalulunod!

Walang kumikilos sa mga batang


nagmamatapang. Mabilis na lumusong si Danilo
sa pampang ng ilog.Ibinaba niya ang mga aklat
at naghubad na dali-dali. Tumalon at nilangoy
ang batang sisinghab-singhab.
Nang mga unang sandali’y nahirapan si Danilo
sa pagkawit at pagsakbibi sa bata ng kanyang
kaliwang kamay. Ikinaway niya ang kanan sa
paglangoy. Ang dalawa’y dinala ng mabilis na
agos. Malayo sila sa pampang subalit sa
katagala’y lumaon din.
Ang mga batang iba ay nakapanood lamang. Nakita
ng pinakalider ng gang na ang bata palang sinagip ni
Danilo ay kanyang kapatid. Siya’y nagpasalamat kay
Danilo at humingi ng tawad, “Maraming salamat sa
iyo. Patawarin mo ako sa aking ginawa kanina.
Ngayon ko lang nabatid na ang katapangan ay bindi
nasususkat sa salita kundi sa gawa at tibay ng loob
*Tungkol saan ang kwento?

*Ano ang naramdaman mo


habang binabasa?

*Ano ang napulot mong aral?


Mabangis na Lungsod
ni: Efren R. Abueg

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa


malalaki’t maliliit na lansangan, duman- tay sa mukha ng mga taong
pagal sa pang-araw-araw na walang lunas.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang
na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng Quiapo ang pook na iyon.Sa
walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung
naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang makabuluhan kay Adong sa Quiapo.Alisin
na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang mga tindahan
hanggang sa huling oras ng gabi ay mailaw at maingay.Huwag lamang
matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasn ang mga taong
pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa
isang marikit.Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Isa si Adong sa mga hanay ng mga pulubing naroroon at
nakatingala sa mga taong may puso upang dumukot sa bulsa at
maglaglag ng singko o diyos sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa
kalalahad ng kamay ngunit ang mga sentimong kumakalansing ay wala
pang tunog ng katuwaan. Bagkus babala ito ng pangangalam ng
kanyang sikmura at sinapisn pa ng takot na waring higad sa kanyang
katawaan.

“Mama...Ale, palimos na po.”

Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato,


ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas

“Singko po lamang, Ale......hindi pa po ako nanananghali.”

Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang


Nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinag-
hahanapbuhay ‘yan ng magulang para maisugal,” madalas na naririnig
ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang pangungusap na iyon ay untag
sa kanya ni Aling Ebeng ang matandang pilay na kanyang katabi sa
dakong liwasan ng simbahan, ni kanino mang naroroong
nagpapalimos.

“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata


nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.At ang
mga kamay ni Adong ay nanginginig habang inilalagay ang mga
sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa ngunit hindi
man lang nakarating sa kanyang bituka.

“Maawa na po kayo, Mama.....Ale......gutom na ako!”

Ang kampana ay tumugtog sa loob ng simbahan, pagkaraan ng


ilang sandali narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao pa-
palabas .Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng palad at
pagtawag sa taong papalapit sa kinaroroonan niya.
“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino
mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring
makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng
kanyang bituka ang nararamdamang gutom.Nakadarama siya ng kung
anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba.Kung ilang araw
niya iyong nararamdaman at naroroo’t umuuntag na kanya na
gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay
kundi inilaglag ng isang nandidiring mapadikit man lang ang kamay sa
marurusing palad.Dali-daling inilagay ni Adon ang mga bagol sa
kanyang bulsa.

“Adong...ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.


palabas .Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng palad at
pagtawag sa taong papalapit sa kinaroroonan niya.
“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino
mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring
makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng
kanyang bituka ang nararamdamang gutom.Nakadarama siya ng kung
anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba.Kung ilang araw
niya iyong nararamdaman at naroroo’t umuuntag na kanya na
gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay
kundi inilaglag ng isang nandidiring mapadikit man lang ang kamay sa
marurusing palad.Dali-daling inilagay ni Adon ang mga bagol sa
kanyang bulsa.

“Adong...ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.


Panuto: Suriin ang katangian at kalikasan ng binasang teksto.
(3 puntos bawat bilang)

_____1. Sino ang tagapagsalaysay sa binasang akda? Sa anong


pananaw o paningin ito isinalaysay? Ipaliwanag
_____2.Sino ang pangunahin tauhan sa akda? Siya ba’y bilog o
lapad na tauhan ipaliwanag?
_____3. Sino naman ang katunggaling tauhan? Ang kanyang
pagkatao ba ya bilog o lapad? Ipaliwanag
_____4. Sin0 naman ang kasamang tauhan? Anong pagkatao
niya lapad o bilog ba? Ipaliwanag
_____5. Magkano ang hinihingi ni Adong sa bawat nagdaraan
sa Quiapo? Sa anong dekada kaya ang tagpuan ng
kuwentong ito?
Ano ang paksa ng tinalakay na akda?
. Dapat lang maparusahan ang mga taong nang aapi sa kapwa
. Dapat gumawa ang pamahalaan ng makakaya upang maibsan
ang kahirapan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
. Mananatiling biktima ang mahihina hanggat nagbubulag-
bulagan ang lipunan sa ganitong kalakaran.
.Nangangailangan ng kandili at pagmamahal ang mga batang
magulang.
.Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin.

Isa-isahin ang mga bahagi ng akda


-Ano ang bahaging simula?
-Ano ang bahaging Saglit na kasiglahan?
-Ano ang bahaging kasukdulan sa akda?
-Ano naman ang bahaging Kakalasan?
-Ano ang bahaging wakas?
Group Group I-Banghay
Group II-Tagpuan/Tauhan
Group III-Wakas
Group IV-Tunggalian
Group V-Ibuod ang ginawa ng
bawat pangkat.

pagtataya

You might also like