You are on page 1of 28

FILIPINO SA PILING

LARANGAN -
AKADEMIK
 Layunin :
Sa pagtatapos ng gawain ang mga
mag-aaral ay inaasahang:

Nasusundan ang mga hakbang sa


pagsulat ng buod at sintesis.

Nakasusulat ng halimbawa ng
buod o sintesis gamit ang isang
dayagram
Talento nyO!!!! Ipakita Nyo
PAGSULAT NG
BUOD at Sintesis
Ano ang Buod ?
Kahulugan ng Buod

ay pagsasalaysay ng mga
pangyayari na naganap sa isang
kwento sa paraang mas madali
itong maiintindihan ng mga
mambabasa .
 Nagtala sina Swales at Feat (1994)ng
tatlong mahigpit na pangangailangan sa
pagsulat ng isang buod o summary . Ang
Pangatlong pangangailangang ito ay siya
ring repleksyon ng mga marapat na
taglayin isang sulating buod.
1. Kailangang ang isang buod ay
tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na
teksto –dapat kayang ihayag ng buod ang
kabuuang mensahe ng orihinal na
tekstong pinagmulan nito.
2. Kailangang nailahad ang sulatin sa
pamamaraang nyutral o walang
kinikilingan –tanging paglalahad lamang
na hindi hinahaluan ng personal na
pagtaya ,pananaw o pagsusuri ang
kailangang Makita sa nabuong buod ,
3. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing
bersyon ng orihinal at naisulat ito sa
sariling pananalita ng gumawa .
B.KATANGIAN NG MAHUSAY NA BUOD
1. Nagtataglayng obhetibong balangkas
ng orihinal na teksto

2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at


kritisismo

3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa


ng detalye o impormasyong wala sa
orihinal na teksto .
C. Mga Hakbang sa Pagbubuod
Narito ang ilang simpleng hakbangin
magagamit sa pagsulat ng Buod ng isang
akda .
1. Habang binabasa ang
akda ,salungguhitanang mga
mahahalagang punto at detalye .
2. Ilista o grupo ang pangunahing ideya sa
lohikal na paraan
3. Kung kinakailangan ayusin ang
pagkasunod –sunod ng mga ideya sa
lohikal paraan .
4.Kung gumamit ng unang
panauhan (hal; Ako ) ang
awtor ,palitan ito ng kanyang
apelyido ng manunulat o siya.
5. Isulat ang Buod.
Kahulugan ng sintesis

Ay pasasama ng dalawa o higit


pang buod. Ito ang paggawa ng
koneksyon sa pagitan ng dalawa
o higit pang mga akda o sulatin
Ang sintesis ay nasa dalawang
anyong nagpapaliwanag
1. Explanatory sintesis-ito ay
sulating naglalayong tulungan
ang nagbabasa o nakikinig na
lalong maunawaan ang mga
bagay na tinatalakay .
2. Argumentative sintesis –ito ay may
layuning maglahad ng ng pananaw ng
sumusulat nito ..Sinusuportahan ang
mga pananaw a ito ng mga
makakatotohanan impormasyon na
hango sa iba’t- ibang sanggunian
Uri at katangian ng sintesis
1. Background sintesis –ito ay uri ng
sintesis na nangangailan ng
pagsasama-samahin ang impormasyon
ukol sa isang paksa at karaniwang ito
inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa
sanggunian .
2. Thesis driven Sintesis –halos
katulad ito ng background sintesis
ngunit nagkakaiba lamang sila sa
pagtutuon,sapagkat sa ganitong uri
ng synthesis hindi lamang simpleng
pagpapakilala at paglalahad ng paksa
ang kailangan kung hindi ang
malinaw na paguugnay ng punto ng
mga tesis ng sulatin .
3.Synthesis for the literature –
Ginagamit ito sa mga sulating
pananaliksik kadalasang kahingian
ng mga sulating pananaliksik ang
pagbabalik-tanaw o pangrebyu sa
mga naisulat nang literature .
Mga Hakbang sa pagsulat ng sintesis
1. Linawin ang layunin sa pagsulat
2. Pumili ng mga naaayong sanggunian
batay sa layunin at basahin ng mabuti
3. Buuin ang tesis ng sulatin
4. Bumuo ng Plano sa organisasyong ng
sulatin
5. Isulat ang mga burador
6. Ilista ang mga sanggunian
7. Rebisahin ang sintesis
8. Isulat ang Pinal na Sintesis
Narito ang mga ilang
dayagram
na maaring gabay sa pagsulat
ng buod at sintesis
Buod
Pangunahing ideya
Paksang pangungusap
Paksang pangungusap
Paksang pangungusap
Kongklusyon
 DYAGRAM 2:

BANGHAY

TAGPUAN KUWENTO TAUHAN

PROBLEMA SOLUSYON
 DYAGRAM 3:
Simula
Tagpuan

GITNA
Mga tauhan
Problema /banghay
pangyayayri

Wakas
Kinalabasan /solusyon /resolusyon
Dayagram ng sintesis
Introduksyon
Paksa
Paksang pangungusap

Pinagkunan Pinagkunan Pinagkunan

Katuwiran
Pagkakapareho ta pagkakaiba

Ideya o opinion Ideya o opinion Ideya o opinion

Kongklusyon
Pangkatang Gawain :
1. Pangkatin sa tatlong grupo ang mga mag-aaral.
2. Gumawa ng isang pagbubuod batay sa isang maikling
kuwentong nabasa at naituro na sa mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagpupuno ng mga detalye sa Story
Map na ibibigay ng guro Pagkatapos ay sumulat ng
maikling pagbubuod sa kuwento.
3. Ibabahagi sa klase

Rubrics :
Nilalaman- 10%
Organisasyon- 10%
Kaisahan- 10
Gramatika at bantas 10%
May Tanong?.....?

You might also like