You are on page 1of 13

LARANG

* Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-iisip
PAGSULAT
● pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao sa layuning maipahayag ang kanyang kaisipan
● ito ay kapwa isang pisikal (kamay at mata) at mental (utak) na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin
● Ayon kina Xing at Jin (1989 sa Bernales, et.al., 2006), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang element. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita at pagbasa
● Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika
o pangalawang wika man. (Badayos, 2000)
● Maituturing na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo, subalit mayroon tayong magagawa. Napag-aaralan ang
wasto at epektibong pagsulat
● Ayon naman kay Keller (1985, sa Bernales, et.al., 2006), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito
* Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng maykapal at eklusibo ito sa tao.
* Isa itong pangangailangan sapagkat ito, kasama ang kasanayang pakikinig, pagbasa at pagsasalita ay may malaking impluwensiya upang
maging ganap ang ating pagkatao

● Multi-dimensyonal na proseso ang pagsulat, at ito ay binubuo ng 2 dimensiyon:

2 DIMENSIYON
I.ORAL NA DIMENSYON
● ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.
● Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong Iyong sinusulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. Hindi ka man niya
personal na kilala, o kahit pa hindi ka niya nakikita, nagkakaroon siya ng ideya kung sino at ano ka, kung ano ang Iyong kaalaman at
kasanayan at kung paano ka magsalita na inilalantad ng teksto mismo at Iyong estilo at organisasyon sa teksto
II. BISWAL NA DIMENSYON
● ito ay nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalandtad ng mga nakalimbag na simbolo.
● Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang-alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbolong nakalimbag na
siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektibo at makamit ang layunin ng manunulat.
● Tandaan, ang mga biswal na imahe ay mga istimulus sa mata ng mga mambabasa at magsisilbing susi sa paggana ng kanilang
komprehensyon sa ating sinusulat.
● Kailangang maisaalang-alang ang iba’t ibang salik sa pagsulat na kaiba sa pagsasalita upang ang dimensyong ito ay maging malinaw at
epektibo

3 LAYUNIN NG PAGSULAT (Ayon kina Bernales,et.al., 2001)


I.IMPORMATIBONG PAGSULAT
● kilala rin sa tawag na expository writing
● ito ay naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag.
● ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto
● Hal. Pagsulat ng obserbasyon, mga estadistikang makikita sa mga libro at ensayklopediya, balita at teknikal o bisnes report
II. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
● kilala rin sa tawag na persuasive writing
● ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinion o paniniwala
● ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensiyahan ng isang awtor nito
● hal. Pagsulat ng mga proposal at konseptong papel, editorial, sanaysay at talumpati

III. MALIKHAING PAGSULAT


● Ginagawa ito ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o
masining na akda
● ang pangunahing layunin ng awtor ditto ay pagpapahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga
ito
● ang pokus dito ay manunulat mismo

MGA BATAYANG TANONG NA MAHALAGANG MASAGOT PARA SA PAGHAHANDA NG ISANG SULATIN:

1
1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?
2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
3. Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa?
5. Sino ang babasa sa aking teksto? Para kanino ito?
6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa.
7. Ilang oras ang aking gugulin sa pagsusulat? Kailan koi to dapat ipasa?
8. Paano kon madedebelop o mapagbubuti ang aking teksto? Ano-ano ang mga dapat ko pang gawin para sa layuning ito?

3 PANGUNAHING HAKBANG/PROSESO NG PAGSULAT


PRE-WRITING
● nagaganap dito ang paghahanda sa pagsulat.
● Pinipili ang paksang isusulat at nangangalap ng mga datos o impormasyon kailangan sa pagsulat.
● Ang pagpili ng tono at perspektibong gagamitin ay nagaganap din ang mga hakbang na ito.
● Mga mungkahing pre-writing activities: pagsulat sa journal, brainstorming, questioning, pagbabasa at pananaliksik, pag-iinterbyu,
pagsasarbey, obserbasyon, imersyon at eksperimentasyon
ACTUAL WRITING
● ikalawang hakbang ito sa pagsulat.
● Isinasagawa rito ang aktwal na pagsulat.
● Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.
● Para sa mga akdang tuluyan o prosa, kinapapalooban ito ng mga hakbang sa pagtatalata. Sa aklat nina Bernales et.al (2001-2006), may
iminungkahing iba’t ibang paraan ng pagsisimula, pagsasaayos ng katawan at pagwawakas ng isang talataan
● Sa mga akdang patula, ito ay kinapapalooban ng pagsasaayos ng mga taludturan at saknong
REWRITING
● ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat
● dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar; bokubulari at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o
lohika
● Ang isang sulatin ay hindi magiging kumpleto at epektibo kung hindi ito dadaan sa editing at rebisyon
● Bago Magsulat (Pre-writing) → Aktwal na Pagsulat (Actual Writing) → Muling Pagsulat (Rewriting) → Pinal na Awtput (Final Output)

MGA URI NG PAGSULAT


* Ang mga ito ang madalas kailanganin sa pag-aaral
I.AKADEMIKO
● halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing akademiko mula sa antas primary hanggang sa doktoradong pag-aaral
● Ang akademikong pagsulat ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tesis o
disertasyon
● Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa
paaralan
II. TEKNIKAL
● ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at
minsan maging ang manunulat mismo
● nagsasaad ito ng mga impormasyong maaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin
● malawak itong uri ng pagsulat at saklaw nito ang iba pang subkategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at nga mga
korespondensyang pampangangalakal
● karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang particular na paksa tulad ng Science o
Technology
● Samakatwid, ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang ispesipikong audience o pangkat ng mga mambabasa
III. JOURNALISTIC
● pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o jjournalist
● Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalian at iba pang akdang karaniwang makikita o mababasa sa mga pahayagan o
magasin
● Napakaispesyalisadong uri ito ng pagsulat kung kaya nga may ispesipikong kurso para rito, ang AB Journalism, bagamat bahagi rin ito
ng pag-aaral ng ibang kurso tulad ng AB at BSE sa Ingles at Filipino
● May mga pagkakataon ding inooffer ang uri ng pagsulat na ito bilang isang eklektib sa mga paaralang panghayskul
IV. REPERENSYAL
● uri ng pagsusulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors sa isang paksa
● Madalas, binubuod o pinapaikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaring sa
paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa sinumang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa referens na tinutukoy

2
● Madalas itong Makita sa mga teksbuk na tumatalakay sa isang paksang ganap na ang saliksik at literature mula sa mga awtoridad
● Makikita rin ito sa mga pamanahong papel, tesis at disertasyon lalo na sa mga bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
● Maihahanay sa uring ito ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging pagtatala ng mga impormasyon sa note cards
V. PROPESYONAL
● uri ng pagsusulat na nakatuon sa eksklusibo sa isang tiyak na propesyon
● Bagamat propesyonal nga, itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral
● Halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report ng mga imbestigador, mga legal forms, briefs at
pleadings ng mga abugado at legal researchers at medical report at patient’s journal ng mga doctor at nars
VI. MALIKHAIN
● masining ang pagsulat sa uring ito
● Ang pokus dito ay imahinasyon ng manunulat, bagama’t maaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat
● Layunin nitong paganahin ang imahinasyon bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa
● Uri ito ng pagsulat sa literature
● Halimbawa nito ay ang pagsulat ng tula, nobela, maikling kuwento, dula at malikhaing sanaysay
● Karaniwang mayamn sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang creative devices ang mga akda sa uring ito

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


● tumutukoy sa pagsulat na isinasagawa para sa maraming kadahilanan
Iba pang Kahulugan
● Anumang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral
● Anumang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang
magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa
● Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo

KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


KATOTOHANAN
● ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang
makatotohanan
EBIDENSIYA
● ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkaka-tiwalaang ebidensiya upang suportahan ang katotohanang
kanilang ebidensiya
BALANSE
● nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinion at argumento ay kailangang gumamit ng wikang
walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


KOMPLEKS
● ang pagsulat ng wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika
● Ito ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo
● Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika na higit kapansin-pansin sa anumang pasulat na gawain
PORMAL
● higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat
● Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon
TUMPAK
● sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang
OBHETIBO
● sa pangkalahatan, ang akademikong pagsulat ay obhetibo sa halip na personal
● ang pokus kasi nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o
ang kanyang mambabasa
EKSPLISIT
● ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto
● Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay isa’t isa
● Ang ugnayang ito ay nagagawang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang signaling words(ginagamit sa diskurso) sa teskto
WASTO
● gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita
● Maingat dapat ang manunulat sa paggamit ng mga salitang maaaring mahanapan ng kamalian ng ibang manunulat
RESPONSIBLE

3
● ang manunulat ay dapat maging responsible lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o anumang nagpapatibay sa kanyang
argumento
● Kailangan niya ring maging responsible sa pagkilala sa anumang hanguan ng impormasyon
MALINAW NA LAYUNIN
● layunin ng akademikong sulatin na matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa
● Ang mga tanong na ito ay nagbibigay layunin
MALINAW NA PANANAW
● ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng mga katotohanan at paglalagom ng mga hanguan o sources
● Samantalang, ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang
sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel
● Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat
MAY POKUS
● bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag
● Iwasan din ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga, at taliwas na impormasyon
LOHIKAL NA ORGANISASYON
● ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard ng organisasyonal na hulwaran
● Ang karamihan ng akademikong papel ay mmay introduksiyon, katawan at kongklusyon
● Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata
MATIBAY NA SUPORTA
● ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag
● Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, hal. deskripsyon, karanasan, opinion ng mga eksperto at siniping pahayag o
quotations
MALINAW AT KUMPLETONG EKSPLANASYON
● napakahalaga nito, dahil bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap nap ag-unawa sa paksa ng papel at
magiging possible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat
EPEKTIBONG PANANALIKSIK
● kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon
● Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pagsulat
● Kaugnay nito, mahalagang maipamalas ang intelektwal na katapatan sa pamamagitan ng dokumentasyon ng lahat ng hinangong
impormasyon o datos
ISKOLARLING ESTILO NG PAGSULAT
● dapat may kalinawan at kaiklian
● Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya mahalagang maiwasan ang mga pagkakamali sa grammar,
ispelling, pagbabantas at bokubularyo sa pagsulat nito

LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN
● layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kaniyang posisyon hinggil sa isang paksa
● kung kaya upang maisakatuparan ito, pumipili siya ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang mga katwiran at
ebidensiya
● tinatangka niyang baguhin ang pananaw ng mambabasa hinggil sa paksa
● hal. Posisyong Papel
MAPANURING LAYUNIN
● tinatawag din itong analitikal na pagsulat
● ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang
pamantayan
● sa ganitong pagsulat, madalas na iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamen ang mga bunga o epekto, sinusuri ang kabisaan, inaalam
ang mga paraan ng paglutas ng suliranin, pinag-uugnay-ugnay ang iba’t ibang ideya at inaanalisa ang argumento ng iba
● kinapapalooban ito ng bahaging sintesis kung saan pinagsasama-sama ang iba’t ibang bahagi upang makabuo ng sariling sagot sa tanong
kaugnay ng paksa
● hal. Panukalang Proyekto
IMPORMATIBONG LAYUNIN
● Ipinapaliwanag dito ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong imormasyon o kaalaman
hinggil sa isang paksa
● Naiiba ito sa sinusundang layunin dahil hindi tinutulak o pinupwersa ng manunulat ang kaniyang sariling pananaw sa mambabasa,
manapay kaniyang pinalalawak lamang ang kanilang pananaw hinggil sa paksa
● Hal. Abstrak

4
* Ang akademikong pagsulat ay isang pangangailangan.
* Sa madaling sabi, sa ayaw man o gusto ng mag-aaral, ang akdemikong pagsulat ay hindi maiiwasan sa lahat ng antas ng pag-aaral.
* Walang nakakapagtapos sa pag-aaral ng hindi ito pinagdadaanan.

TUNGKULIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


I.Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika
● Sa apat na makrong kasanayang pangwika, pagsulat ang pinakahuli dahil ito ang pinakahuling natutuhan ng isang tao at ito rin ang
pinakamahirap linangin kumpara sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at panonood
● Sa akademikong pagsulat nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral
● Sa pamamagitan kasi ng aplikasyon ng kaalaman sa gramatika at sintaktika sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang
linggwistik ng mga mag-aaral
● Sa pag-oorganisa ng mga akademikong papel nalilinang ang kakayahang diskorsal ng mga mag-aaral
● Ang mga kakayahang ito ang humuhubog sa mga mag-aaral upang maging mabisang komyunikeytor

II. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mpanuring pag-iisip


● Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa bilang isang awtput
● Ang prosesong ito ay maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya, at iba pang mental o pangkaisipang gawain
● Sa yugtong ito, ang manunulat ay nagsusuri ng kanyang binabasa. Hindi kasi lahat ng kanyang binabasa ay kanyang tinatanggap at
ginagamit
● Pumapaloob din siya sa mga sub-proseso ng mapanuring pagbasa, tulad ng pakaklasipay o pag-uuri, pag-uugnay ng mga konsepto,
pagbuo ng pagom at kongklusyon
● Bumubuo rin siya ng mga pasya kaugnay ng kanyang sulatin
● Mga gawain itong lumilinang ng kritikal na pag-iisip na kailangang-kailangan upang ang isang indibidwal ay maging matagumpay hindi
lamang sa akademya, kundi lalo’t higit sa iba’t iobang gawain at larangan sa labas ng paaralan
III. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao
● Tungkulin ng edukasyon ang kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral
● Inaasahang malilinang ang katapatan sa bawat mag-aaral
● Inaasahang ding makapagturo sa mag-aaral ng halasa ng kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap, responsibilidad, pangangatwiran at
pagpapanatili ng bukas na isipan
● Inaasahan nalilinang din ang kooperasyon maging ang paggalang sa individual, ethnic o racial differences
● Nalilinang din ang pagkamasunurin at disiplina
● Hal. ang paulit-ulit na pagbibigay-diin ng mga may-akda nito at ng mga guro sa intellectual honesty sa pagsulat ng anumang
akademikong papel
IV. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon
● Hindi lamang mga propesyonal na manunulat tulad ng mga mamahayag at mga awtor ang nagsusulat
● Halos lahat ng maiisip na propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat

MGA ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT


Reaction Paper at Term Paper
● Pinakapopular ang dalawang ito sa maraming anyo ng akdemikong pagsulat dahil sa dalas ng pagpapagawa ng mga ito sa mga mag-
aaral sa mataas na paaralan
Tatlong Kategorya ng Akademikong Pagsulat (Filipino sa Larangang Akdemiko, Bernales, et.al.)
UNANG KATEGORYA
● Karaniwang anyo ng akademikong papel
● (dahil madalas ang mga ito na ipagawa sa mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura)
● Hal. Sintesis, Buod, Abstrak, Talumpati at Rebyu
IKALAWANG KATEGORYA
● Naiiba ito sa iba pang anyo ng akademikong papel dahil personal ito
● Sa ibang salita ay pansarili, kaiba sa ibang anyo ng akademikong papel
● Taliwas sa iba, nakatuon ang mga ito sa manunulat mismo, sa kanyang iniisip at nadarama kaugnay ng kanyang paksa, maging sa
kanyang mga personal na karanasan at maging sa kanyang may-pagkiling o subjective na pananaw
● Hal. Replektibong Sanaysay, Posisyong Papel, Lakbay-Sanaysay at Pictorial Essay
IKATLONG KATEGORYA
● Iba pang anyo ng akademikong papel
● Hindi ang mga ito nabibilang sa una at ikalawang kategorya
● Hal. Bionote, Panukalang Proyekto, Agenda at Katitikan ng Pulong

5
BUOD
Kahulugan at Kahingian
● tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita aklat, panayam, isyu, usap-
usapan, at iba pa
● sa paaralan, karaniwang ginagawan ng buod ang mga kwentong binasa, balitang napakinggan, isyung tinutukan, pananaliksik na pinag-
aralan, palabras na sinubaybayan, pelikulang pinanood o leksyong pinakinggan
● nagagamit naman ng mga propesyonal ang pagbubuod sa kanilang pag-uulat sa trabaho, liham pangnegosyo, dokumentasyon at iba pa
● mga pinagsama-samang mga pangunahing ideya ng mga manunulat gamit ang sariling pangungusap
● ito ay kadalasang hindi ipinipresenta sa paraan tulad ng orihinal
● ito rin ay mas maikli kaysa sa orihinal at naglalaman ng mga kabuuang kaisipan ng pinagkunang materyal
TATLONG PANGANGAILANGAN SA PAGBUBUOD O SUMMARY: SWALES AT FEAT (1994)
Kailangan ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto
● kailangang kayang ihayag ng buod ang kabuuang mensaheng ihinahatid ng tekstong pinagmulan nito
Kailangang nailahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan
● kailangang obhetibo ito
● hindi rin ito gumagawa ng argumentasyon o ano mang uri ng pag-analisa sa mga detalyeng ibinibigay ng orhinal na teksto
Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa
● dapat sikaping mabuo ang isang buod na di-hamak na maiksi ngunit naglalaman ng kabuuang mensahe ng orhinal na teksto

KATANGIAN NG MAHUSAY NA BUOD


Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto
● Sumasagot sa mga pangunahing katanungan tulad ng Sino, Ano, Saan, Kailan, Bakit at Paano
● Halimbawa: Ano ang pangunahing ideya ng teksto? Ano-ano ang mga pantulong na ideya?
● Dapat lagging sangguniin lagi ang orihinal na teksto. Maging sa titulo ay dapat na banggiting buod ito ng akda
Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo
● Tanging ang mga impormasyong nasa orihinal na teksto ang dapat na isama
● Hindi dapat ito dagdagan ng pansariling ideya o ng kritisismo ng nagsusulat
Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto
● Tanging hinihingi sa ganitong uri ng sulatin ay ang paglalahad ng mga mahahalagang impormasyong nabanggit sa akda mas maiksi at sa
katulad na linaw ng orihinal
● Kailangang mapag-isipan ito nang mabuti dahil may limitasyon ang haba ng mga pahayag na gagamitin
● Inaasahang maihahayag ang kabuuang mensahe ng isang akdang komprehensibong natalaky sa isang maikling sulatin lamang
Gumagamit ng mga susing salita
● ang mga susing salita ay ang mga pangunahing konsepto na pinagtutuunan ng teksto
● Kung muling mababanggit ang mga ito sa buod, mas may kasiguraduhang maipapaalam sa nagbabasa o nakikinig nito ang mga
pangunahing tuon ng pinagmulang teksto
Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na mensahe
● Ang paggamit ng sariling pananalita ay makatutulong ng malaki upang maihayag ang katulad na mensahe mula sa orihinal na teksto sa
maikling pahayag
● Binibigyang pagkakataon din nito na maging malikhain sa pagpapahayag ang sumusulat, sapagkat kailangan niyang ihayag ang katulad na
mensahe sa paraang orihinal

MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD


I.Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye.
● makakatulong upang madaling balikan ang mga importanteng konsepto na isasama sa buod
II. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya
● ang paggugrupong ito ay nakapagbibigay ng isang balangkas
III. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan
● kung sakaling hindi simpleng linyar na estilo ang ginagamit ng paglalahad, isang mmahusay na teknik ang muling pagsasaayos sa mga
detalye at ilahad ito sa paraang simple
IV. Kung gumamit ng unang panauhan (hal.ako) ang awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, ng Ang manunulat o siya
● Pinapakita nito na ang nagbubuod ay iba sa mismong sumulat o naghayag ng orihinal na akda
V. Isulat ang buod.

SYNTHESIS
Depinisyon
● maging sa paghinga ng tao ay nagkakaroon ng pag-uunayan. Sa paghinga, nagkakaroon ng mga koenksyon sa mga sistemang napapaloob sa
katawan, naihahalintulad ang prosesong ito sa paggawa ng sintesis

6
● Ang sintesis ay ang pagsasama ng dalawa o higit pang buod
● Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin
● Sa madaling sabi, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang mga akda upang makabuo ng isang akdang nakapag-uugnay sa mga
nilalaman nito kaya ito dapat ay isang maayos at malinaw na nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming sangguniang ginagamit ang
sariling pananalita ng sumulat (Warwick, 2011)

DALAWANG URI NG SINTESIS


EXPLANATORY SYNTHESIS
● Isang sulating naglalayong tulungan ang magbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay
● Ipinaliliwanag ang paksa sa pamamagitan ng paghahatid sa paksa sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito na malinaw at maayos na
paraan
ARGUMENTATIVE SYNTHESIS
● may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito
● sumusuporta ang mga pananaw na ito ng mga makakatotohanang impormasyon na hango sa iba’t ibang mga sanggunian na nailahad

KATANGIAN AT URI NG MAHUSAY NA SINTESIS


3 Karaniwang Uri ng Sintesis: (online resource ng Drew University)
BACKGROUND SYNTHESIS
● Isang uri ng sintesis na nangangailangan pagsamasamahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong
inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian
1. Thesis-Driven Synthesis
● Halos katulad ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon;
● Sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagkakakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw
nap ag-uugnay ng mga punto sa tesis ng ganitong sulatin
2. Synthesis for the Literature
● halos katulad din ito ng background sintesis
● ang pagkakaiba lamang ay ang uri ng sintesis na ito ay tumutuon sa mga literaturang gagamitin sa pananaliksik na isinasagawa
● karaniwang isinasaayos ang sulatin batay sa mga sanggunnian ngunit maaari rin naming batay sa paksa

KATANGIAN NG SINTESIS
1. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang estruktura ng pagpapahayag
2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga impormasyong nagmumula sa iab’t ibang sangguniang
ginamit
3. Napagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napalalalim nito ang pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang
ugnay-ugnay

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS


1. Linawin ang Layunin sa Pagsulat
● Kung malinaw ang layunin sa pagsulat, mapagdedesisyonang mabuti ang anyo at uri ng sintesis na bubuuin. Dahil dito, magagampanan
ng sulatin ang layunin dito
2. Pumili ng mga naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ang mga ito
● Kung malinaw ang layunin ng pagsulat ng sintesis, magiging madali ang paghanap ng naaakmang sanggunian para rito
3. Buuin ang tesis ng sulatin
● Ito ay ang pangunahing ideya ng isusulat
4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin
● Maghanda ng isang balangkas na susundan sa pagsulat ng sintesis
a. Ang pagbubuod ang pinakasimple at di-komplikadong paraan ng pagsusulat ng sintesis
b. Ang pagbibigay halimbawa o paggamit ng ilustrasyon naman ay isang teknik na ginagamit sa pamamagitan ng pagtukoy ng isang
particular na halimbawa na inilahad sa isa sa isang sanggunian o ng ilustrasyon na ginamit dito
c. Pag gamit ng lapit na pagdadahilan. Dito ihinahayag ang tesis at iniisa-isa ang mga dahilan kung bakit ito ay totoo at mahalaga
d. Paggamit ng teknik na strawman
e. Paggamit ng konsesyon
f. Komparison at Kontrast. Ito ay ang paghihimay-himay ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga akda o sanggunian
5. Isulat ang unang burador
6. Ilista ang mga sanggunian
7. Rebisahin ang sintesis
8. Isulat ang pinal na sintesis

7
IBA’T IBANG PROSESO NG PAGSASALITA
Ayon kay Almario
❖ Sa kaniyang diskurso sa mga estratehiya napagsalin sa agham at iba pang makabagong larang, may tatlong ginagamit na modelo sa
pagsasalin sa mga katawagang pang-agham at pang-teknolohiya
❖ Ang mga ito sa paraang maugnayin, ang paghiram na hindi binabago ang tunog at anyo ng orihinal sa ingles at ang panghihiram na
pinadaanan sa tuntuning paabakada ang salitang ingles
❖ Inilahad din ni Almario ang mga panukalang hakbang sa pagsasalin na ayon sa praktika ng unibersidad ng Pilipinas. Isinasaad ito sa
gabay na inilabas ng UP Sentro ng wikang Filipino:
Kabilang dito ang :
1. Pagtumbas mula sa Tagalog/Pilipino o mula sa katutubong wika ng Pilipinas
2. Panghihiram sa Espanyol
3. Panghihiram sa Ingles; Pagbabago sa baybay o Papanatili ng orihinal na baybay sa Ingles
4. Paglikha

ABSTRAK
● maikling buod ng artikulong nakabatay sa:
○ pananaliksik
○ tesis
○ rebyu
○ katitikan ng komprehensya
○ malalimang pagsusuri ng iba’t ibang paksa
○ synopsis o presi
● nakalagay sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng akademikong
papel
● lagusan ng isang papel sa isang copyright, patent, o trademark application

GAMIT NG ABSTRAK
● Madaling maunawaan ang nilalaman at layunin ng sulatin
● Madaling mapaunawa ang isang malalim at kompleks na pananaliksik
● Indexing ng pananaliksik sa iba’t ibang akademikong disiplina upang makita ang lawak at lalim ng mga pag-aaral sa iba’t ibang larangan
nailathala na sa akademikong journal
● Tumindig bilang isang hiwalay na teksto o kapalit ng isang buong papel
● Batayan ng pagpili ng proposal para sa presentasyon ng papel, workshop o panel discussion
● Sa online database, mas marami ang naglalaman ng abstrak kaysa sa buong transkripsyon ng pananaliksik

URI NI ABSTRAK
IMPORMATIBONG ABSTRAK
● Hindi kasiong haba ng kritikal na abstrak ngunit hindi rin naman kasing – ikli ng deskriptibong abstrak (malapit sa 200 salita)
● Mahahalagang impormasyon matatagpuan sa loob ng pananaliksik
● Makapag-iisa sapagkat nagbibigay ito ng buong ideya sa lalamanin ng pananaliksik

● Taglay ng Isang Impormatibong Abstrak:


a. Motibasyon
● Bakit pinag-aaralan ang pananaliksik
● Maikli at mabilis na praan
● Makikita ang kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik
b. Suliranin
● Masasagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin
c. Pagdulog at Pamamaraan
● Maikling paliwanag sa metodolohiya
d. Resulta
● Paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik
e. Kongklusyon
● ano ang implikasyon ng pananaliksik?
DESKRIPTIBONG ABSTRAK
● Nasa 100 na salita lang
● Naglalaman ng mga sumusunod:
● Suliranin at layunin ng pananaliksik

8
● Metodolohiyang ginamit
● Saklaw ng pananaliksik
KRITIKAL NA ABSTRAK
● Pinakamahaba at parang rebyu
● Binibigyang ebalwasyon ang mga
○ Kabuluhan
○ Kasapatan
○ Katumpakan ng pananaliksik
● Binubuo ng 200-250 na salita
● Gumagamit ng mga simpleng salita
● Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
● Nauunawaan ng target ng mambabasa

HAKBANG SA PAGGAWA NG ABSTRAK


1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak
2. Hanapin at isulat ang pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula introduksyon, kaugnay na literature, metodolohiya,
resulta at kongklusyon
3. Buohin ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin at isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa kabuuan ng
papel
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan
5. Basahing muli ang ginawang abstrak at suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito
6. Isulat ang pinal na sipi nito
Tandaan:
* Maaaring ipakita ng abstrak ang mahahalagang resulta at konklusyon ng pananaliksik ngunit MAS MABUTING BASAHIN ang buong
artikulo ng mga siyentipikong papel upang maunawaan pa ang mga detalye ng metodolohiya, resulta at mga kritikal na diskusyon ng pagsusuri
at interpretasyon ng datos.

TALUMPATI
● Ito ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o audience
● Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na may layuning magbigay ng impormasyon o manghikayat kaugnay ng isang
particular na paksa o isyu
● Kinapapalooban ang talumpati ng kakayahan sa pagpapahayg ng ideya nang may organisasyon, talas ng pagsusuri at epektibong paggamit
ng wika
● Madalas na nabibighani tayo sa husay sa paggamit ng retorika ng isang tagapagsalita ngunit kailangang isaalang-alang ang lalim ng
nilalaman at katotohanan ng isang talumpati, kaysa sa pamamaraan kung paano iyon binigkas

URI NG TALUMPATI BATAY SA NILALAMAN


I.IMPORMATIBONG TALUPMATI
● Naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa anumang bagay, pangyayari, konsepto, lugar, tao, proyekto at iba pa
● Ang kabuuang diskurso nito ay maglahad at magpaliwanag
● Maaring maging paksa:
→ pagpapaliwanag at kronolohiya
Mahalagang Bagay na Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Impormatibong Talumpati:
a. Paglimita ng paksang tinalakay
b. Huwag ipagpalagay na lahat na tinatalakay ay alam na ng tagapakinig
c. Sikaping magbigay ng mga halimbawang malapit sa karanasan ng tagapakinig
d. Iwasang maging masyadong teknikal o abstrakto ang talumpati bagkus ay gawing personal ito
II. MAPANGHIKAYAT NA TALUMPATI
● Nakatuon sa mga paksa o isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon
● Dito ay nagbibigay ng particular na tindig o posisyon sa isang isyu ang nagtatalumpati
● Sentro dito ang pagkuwestiyon sa isang katotohanan
● Mahalagang mahikayat ang mga tagapakinig na pag-isipan ang mga pagpapahalaga
Tatlong Pagdulog sa Mapanghikayat na Talumpati:
● Pagkuwestiyon sa isang katotohanan
○ Nagsisilbing tagamandila ng isang posisyon ang tagapagsalita
● Pagkuwestiyon sa pagpapahalaga
○ Nakasentro sa personal na paghahatol kung ano ang tama o mali, mabuti o masama, etikal o hindi etikal
● Pagkuwestiyon sa polisiya
9
○ Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na magpasyang umaksyon o kumilos

IBA PANG URI NG TALUMPATI Ayon kina Bernales, et al. (2006)


TALUMPATING PAMPALIBANG
● Uri ng talumpati na madalas na binibigkas matapos ang isang salo-salo
● Hal. Pagpapatawa sa pamamagitan ng maikling kwento o anekdota

TALUMPATING PAMPASIGLA
● Kadalasang ginagamit upang pukawin ang damdamin ng isang tao o grupo
● Hal. Isang lider sa kaniyang miyembro

TALUMPATING NAGBIBIGAY-GALANG
● Tinatawag din itong talumpati sa pagbati, pagtugon o pagtanggap
● Hal. Pagsalubong sa mga panauhin, pagtanggap sa isang bagong kasapi o kasamahang mawawalay

TALUMPATING PAPURI
● Ito ay ginagamit tuwing nagbibigay ng parangal o puri sa isang tao
● Hal. Serbisyong nekrolohikal, pagtatalaga sa katungkulan, pamamaalam-paghahandog o retirement at pagmumungkahi sa pagsuporta sa
kandidatura

DALAWANG URI NG TALUMPATI BATAY SA PAMAMARAAN:


IMPROMPTU O BIGLAANG TALUMPATI
● Ito ay isang uri ng talumpati batay sa pamamaraan
● Isinasagawa ang talumpating ito nang walang ano mang paunang paghahanda
● Mahalaga ito upang masukat ang lalim at lawak ng kaalaman ng isang mag-aaral o tagapagsalita sa isang tiyak na paksa kahit walang
naunang pagbasa hinggil dito
● Nahahasa rin nito ang husay sa organisasyon ng ideya, talas ng pagsusuri at pagbibigay – diin sa mahahalagang aspeto ng isang isyu
Apat na batayang hakbang sa pagbuo ng isang biglaang talumpati:
a. Sabihin ang tanong na sasagutin o paksang magiging sentro ng talumpati at ang layunin nito
b. Ipaliwanag ang pangunahin at pinakamahalagang punto na nais mong bigyang diin
c. Suportahan ang pangunahing punto ng mga ebidensiya o patunay
d. Ibuod ang Iyong pinakamahalagang punto at ipakita kung paano nito nasagot ang tanong o layunin ng talumpati

EKSTEMPORARYO O PINAGHANDAANG TALUMPATI


● Kabaliktaran ng impromptu, ang talumpating ito ay maingat na inihanda, pinagplanuhan at ineensayo bago isagawa
● Sa mismomng pagbigkas ng talumpati, gumagamit ng mga maiiksing tala ang tagapagsalita upang maalala ang mga mahahalagang punto
ng inihandang talumpati
● Madalas ding sinasaulo o memoryado ang ganitong uri ng mga talumpati
● Kumbersasyonal ang katangian ng talumpati at kahit pa praktisado, kailangang ispontanyo ang maging dating nito sa mga tagapakinig

MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI


▪ Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya. Magbigay ng isa o dalawang pinakamahalagang ideya na pag-iisipan ng tagapakinig.
Laging isipin na maikling panahon lang ang nakalaan sa iyo para magtalumpati

▪ Magsulat kung paano ka nagsasalita. Laging isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at hindi sanaysay. Gawing kumbersasyonal ang
tono ng talumpati. Maaaring makatulong ang mga sumusunod na gabay:
a. Gumamit ng maikling pangungusap upang ipaliwanag ang Iyong punto
b. Huwag gumamit ng abstrakto at mabibigat na mga salitang hindi makakaugnay sa tagapakinig
c. Laging basahin ng malakas ang talumpati habang sinusulat ito

▪ Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa. Mas mabuting gumamit ng mga salitang mas karaniwan sa pandinig at karanasan
ng mga tao
▪ Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginamit sa talumpati. Kailangang ilatag ng isang tagapagsalita ang kanyang
kredibilidad sa pamamagitan ng kakayahan at kaalaman sa paksa
▪ Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati. Maghanap ng mga salita o pahayag na maaari pang bawasan, paikillin o
gawing simple. Ito ay maaaring mas mabigay-linaw sa talumpati.

10
Rebyu
⇨ Ito ay isang akdang sumusuri o pumupuna sa isang likhang-sining
⇨ Maingat na binibigyang-pansin ang mga elemento ng genre na nirerebyu upang makapaglahad ng obhetibo at matalinong analisis
⇨ Kahit anong klase ng likhang-sining ang maaaring gawan ng rebyu tulad ng mga akda, pagtatanghal, awral at biswal na sining
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Kritiko
o May sapat na kaalaman sa genre at paksa
o May sapat na kakayahang sumuri at kumilala ng genre na sinusuri
o Tapat, obehtibo at kawalan ng bahid ng impluho ng sarili
o May likas na kuro-kuro o hindi nagpapaapekto sa iba’t ibang impluhong may killing
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Rebyu

1. Masaklaw
- sinusuri ng isang mahusay na rebyu ang lahat ng sangkap o element ng genre na kinabibilangan ng akdang sinusuri

2. Kritikal
- ang rebyu ay isang mapanuring akda kaya kailangang masuri ang isang akda sa pananaw ng isang kritiko, hindi sa pananaw ng isang
mambabasa o tagapanood

3. Napapanahon
- ang isang mahusay na rebyu pumapaksa sa akdang napapanahon

4. Walang Pagkiling
- Obhetibo ang isang mahusay na rebyu at ang isang mahusay na kritiko ay hindi nagpapa-apekto sa kanyang mga pansariling pagkiling

5. Mapananaligan
- ito ay kapani-paniwala, gumagamit ng pamantayang kaaya-aya sa lahat, hindi arbitraryo, ginagabyan ng angkop na teorya sa pagsususir
at nagbanggit din ng mga awtoridad at iba pang hanguan

6. Orihinal
- ang rebyu ay hindi lamang dapat galing sa ibang kritiko bagkus ay dapat ang kritiiko ay may sariling input o opinion na kaiba o katulad
sa ibang mga kritiko

7. Makatuwiran
-Ang isang mahusay na kritiko ay makatwiran sa may-akda ng akdang sinusuri at isinasaalang-alang ang mga limitasyon ng may akda
8. Nagtatangi
- ang isang mahusay na rebyu ay nagtatangi ng mabuti sa hindi mabuti, ng mahusay sa hindi mahusay at ng may mataas na kalidad sa
may mababang kalidad
Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan sa Panunuri
1. Linawing mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri
2. Pag-aralan itong mabuti at gawan ng lagom. Ang kailangang lamang dito ay ang buod ng nilalaman
3. Bigyan din ng halaga ang estilo o paraan ng pagkakasulat ng katha
4. Bukod sa pagtukoy ng kahusayan at kahinaan ng katha, magbigay rin ng pagpapakahulugan ukol dito
5. Lagyan ng sipi ang mga pangungusap na magbibigay kabuluhan sa ginawang panunuri. Maingat itong piliin at samahan ito ng maikling
pagpapakahulugan
6. Iwasan ang pagbigay ng kahit anong kapasyahan nang walang lakip na patunay o batayan
7. Kailangang nababatay rin ang kahit anong pagpapasya sa mga takdang pamantayan
8. Gumamit ng mga akmang salitang makakatulong sa mambabasa na makapagpasya kung karapat-dapat niyang basahin o hindi ang akda.
Dapat din na iwasan ang mahabang paglalahad.
9. Iwasang makitaan ang rbeyu ng palagay at kuro ng mga propesyonal na namumuna ng nakapagpahayag na sa akda
10. Bigyan din ng pagpapahalaga ang estilo ng pagkakasulat bukod sa nilalaman

Repektibong Sanaysay

⇨ Tinatawag ding Reflective Paper o Contemplative Paper


⇨ Ito ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang paksa

11
⇨ Ito ay maaaring isulat hinggil sa isang itinakdang babasahin, isang lektyur o karanasan katulad ng internship, volunteer experience,
retreat and recollection o educational tour
⇨ Kadalasang naglalaman ito ng mga reaksyon, damdamin at pagsusuri ng isang karanasan sa napakapersonal na paraan, kaiba sa paraan
ng pormal na pananaliksik o mapanuring sanaysay (Bernales & Bernardino, 2013)
⇨ Ito ay hindi dayari o dyornal, bagaman ang mga ito ay maaaring gamiting paraan sa pagpoproseso ng mga repleksyon bago isulat ang
repleksyong papel
⇨ Ito ay isang impormal na sanysay na nangangailangan ng sumusunod:

1. Introduksiyon
2. Katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng Iyong mga iniisip at/o nadarama
3. Konklusyon

⇨ Kadalasang gumagamit ng unang panauhan (ako, tayo, kami) dahil nirerekord dito ang mga kaisipan, damdamin at karanasan
⇨ Tandaan lamang na maaaring kailanganin ng in-text references kung gumagamit ng mga ideya ng ibang tao, kung gayon, ang sanggunian
ay kailangang maitala sa katapusan
⇨ Ang repleksyong papel din ay tala ng mga nilalaman at kamalayan hinggil sa isang bagay. Kung gayon, ito ay isang interaksyon sa
pagitan ng mga ideyang natanggap mula sa labas (libro, lektyur, karanasang pampaaralan) at ng Iyong internal na pag-unawa at
interpretasyon sa mga ideyang iyon
⇨ Higit sa lahat, ang repleksyong papel ay nag-aanyaya ng self-reflection o pagmumuni-muni
⇨ Ang kakayahang makapagmumuni-muni ay isang mahalagang personal at propesyonal na katangian
⇨ Ang pagmumuni-muni sa kontekstong ito ay kinapapalooban ng konstant na tanong hinggil sa mga sariling haka at kapasidad na
magsuri at magsintesays ng impormasyon upang makalikha ng bagong pananaw at pag-unawa

Tips sa Pagsulat ng Repleksyong Papel: (Ayon kay Maggie Mertens)

1. Mga Iniisip at Reaksyon


o Kapag nagsusulat ng repleksyong papel hinggil sa literature o karanasan, kailangang maitala ang iyong mga iniisip at reaksyon sa binasa
o karanasan
o Maaari mong ilahad at ipaliwanag ang iyong mga damdamin hinggil sa binasang literature
2. Buod
o Hindi simpleng pagbubuod ng binasa o karanasan ang repleksyong papel. Ito ay isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip
o Ang ideya ng repleksyong papel ay makasulat ng isang sanaysay na naglalarawan ng mga reaksyon at pagsusuri ng isang binasa o iba pang
karanasan, ngunit higit na pormal na ito kaysa dyornal entri, kaya hindi angkop ang immoral na wika at anyo

3. Organisasyon
o Ang repleksyong papel ay kailangang maisaayos katulad ng iba pang uri

▪ Ang paggawa ng repleksyong papel ay bahagyang naiiba sa iba pang uri ng papel sapagkat ang kongklusyon ay sumusunod sa serye ng mga
kontemplatibong narasyon

▪ Unang hakbang ay pagpili ng paksang may malalim na personal na kahulugan sa awtor. Ang unang talata ay maaaring iilan sa kaswal na
obserbasyon sa paksa nang wala pang bahid ng ano mang emosyon

▪ Matapos, dalahin ang mambabasa sa isang emosyonal na paglalakbay. Maaaring buuin ng tatlo o apat na talatang nag-uugnay, halos katulad sa
isang panaginip ng mga impresyon, obserbasyon, o ideya

▪ Tapusin sa katulad na masining na talatang naglalahad ng imaheng vividly graphic na nag-aanyaya sa mambabasa sa karagdagang
introspeksyon

▪ Bilang konklusyon, maaaring i-shift ang pokus ng mambabasa sa paglalahad ng personal na inkwiri kung paano ang paksa ay nakaapekto sa
kanyang pag-iisip sa intelektwal o emosyon na lebel

Gabay para sa Repleksyong Papel


1. Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon
2. Mula sa saklaw ng panahon, maaring pansinin at pagmuni-munihang ang sumusunod:
a. Mga konsepto o aralin na lubhang sinasang-ayunan o tinututulan;
b. Mga Gawain sa klase, mga pinanood, pinarinig at iba pa na lubusang naapekto o nakapagpaisip
c. Mga leksyon, konsepto at iba pa na lubos na nakakapukaw ng interest at nais saliksikin aralin pa;
12
d. Mga leksyon, konsepto at iba pa na agad na nahahanapan ng paglalapat sa sariling mga karanasan
e. Mga leksyon, konsepto at iba pa na nagdudulot ng mga tanong na nais iharap ng mga mag-aaral para sa klase

3. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyong papel (Hindi masama kung aabot sa tatlo. Kung higit pa sa tatlo ay labis na.)

4. Dahil sa hindi mahaba ang repleksyong papel, inaasahang hindi magpapaligoy-ligoy pa. Maaari namang maglaro sa anyo upang magkaroon ng
sariling estilo

5. Maaring gumamit ng wikang pormal o kumbersasyonal, basta tiyaking malinaw kung ano ang mga puntong pagmumulan ng repleksyon at
masusuportahan ito ng mga konkretong paliwanag

6. Malaking tulong din ang pagbibigay ng mga halimbawa o aplikasyon ng mga konseptong natutuhan sa klase. Dito papasok ang kaalaman sa
context o intertext.

7. Laging isaisip na ito ay papel na gagradohan para sa talas ng inyong pagmumuni-muni. Kung gayon, maaaring simple lang ang wika at
nagpapatawa o magaan ang tono, pero hindi nangangahulugang hindi ito magiging seryoso
8. Bagama’t personal na Gawain ang repleksyong papel, hindi ibig sabihin na maaari nang nalewalain ang mga tuntunin sa gramatika, wastong
baybay at pagbabantas, lalona kung ito ay isang mamarkahang gawaing pasulat bilang isang rekwayrment sa kurso sa wika.

9. Ipaloob ang sarili sa micro at macro na lebel ng pagtingin sa mga konseptong tinatalakay sa papel. Maaaring magsimula ang pagpapaliwanag
sa sariling karanasan, pagkatapos ay sa mga na pag-aralan sa ibang klase, pagkatapos ay sa mga usapang pambanasa at iba pa.

10. Kung gagamit ng mga impormasyong galling sa website, libro, panayam, at iba pa, siguraduhing mababanggit sa papel ang mga naging
sanggunian ito ay maaarig sa huling bahagi o sa katawan mismo ng papel.

11. Magpasa sa tamang oras at tamang lugar. Ito ay tinatakda ng guro nang may sapat nap ag-aabiso, kaya walang dahilan para hindi ito
magampanan. Kung hindi makakapasok, ipakisuyo ang iyong gawa sa klase.

12. Maaaring malagyan ng pamagat na angkop sa ginawang repleksyong papel. Kung walang maisip na pamagat, ilagay na lamang ang “Sulating
Blg.__” o kung pang ilang sulatin ito.

13

You might also like