You are on page 1of 27

Lesson Proper for Week 7

TALAKAYAN

 Ito ay gawain ng pagpapalitan ng pananaw sa isang isyu.


 Nagkakaroon dito ng diskusyon sa mga dapat at hindidapat gawin sa
isang talakayan.
 Ang mga paksang pinag-uusapan dito ay karaniwang napapanahong
isyu.
 Nagkakaroon ng dayalogo ang bawat kasapi.
 Maaari itong gawin sa silid-aralan, sa tahanan, sa munisipalidad o sa
iba pang lugar.
 Karaniwan ang namumuno sa ganitong talakayan ay may malawak na
kaalaman sa napapanahong isyu.

Ilan sa mga layunin ng kanilang talakayan ay:

o Mapataas ang kabatiran ng mga kasapi ng lipunan (local stockholders)


tungkol sa kalagayan ng pag-unlad sa munisipalidad
o Mabigyang lugar na makapag-usap ng harapan at makapagbigyan ng
suhestiyon ang mga mamamayan.
o Makapagbigay-alam sa gamit ng impormasyon mula sa lokal na label
upang mas masuportahan ang pagplaplano at pagtatalakay ng mga
inaasahang mithiin.

PAGBABAHAY-BAHAY
a. Layuning magpahatid ng abot-kamay na impormasyon sa pamamagitan ng
pagbabahay-bahay.

b. Mainam itong estratehiya kung ang impormasyong hatid ay nais na mabatid


ng mga tao sa parang personal na pakikipag-usap
c. Isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at tirahan upang magsiyasat
ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng impormasyon.

Uri ng Pagbabahay-bahay

SENSUS. Kunin ang kabuaang populasyon ng isang lugar at bilang ng pamilya


maging ang miyembro ng pamilya.
OPLAN TOKHANG. Kausapin at anyayahan sa barangay ang mga
pinanghihinalaang gumagamit at nagbebenta ng droga,
MGA NASA RELIHIYON. Nagpapahayag ng mabuting balita, makapanghikayat
at mabigyang linaw ang anomang katanungan mula sa bibliya.
MISYONG PANGMEDIKAL. Inaabutan ang mga mamamayan sa pamamagitan
ng pagbabahay- bahay upang maibigay ang tulong pangkalusugan.
PRODUKTO. Nagbebenta ng mga produkto. Inilalako sa bawat bahay.
MGA TAGA-BARANGAY AT IBA PA. Nagpapakalat ng mga balitang
panlipunan, nagbibigay impormasyon tungkol sa gawaing pambarangay

Mga Pangunahing Dahilan kung Bakit Nagbabahay-bahay

a. Naaabot ang mga taong nasa loob lang ng bahay o hindi palalabas
b. Nakakausap hindi lang isa kundi maging ang buong pamilya.       
c. Nasasabi ang tuwiran ang mga layunin ng pagbabahay-bahay.
d.  Kumportable ang kapaligiran para sa maliit na talakayan.
e. Personal na naihahatid sa mamamayan ang impormasyong nais mabatid
PULONG-BAYAN

 May karaniwang paksa na napag-uusapan na may namumunong may


kapangyarihan o awtoridad sa nasasakupan.
 Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang
pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago
 Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapag-usapan nang maayos
ang mga bagay- bagay. Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang
kanilang saloobin

  Mga Dapat Tandaan sa Punong Bayan

A. Pinamumunuan ng isang may kapangyarihan o awtoridad sa lipunan.


B. Dinadaluhan ng mga miyembro ng komunidad o tagapagsalita ng bawat
nasasakupan at mga may katungkulan
C.  Karaniwan ito ay may layuning dapat maabot pagkatapos ng isang pulong.
D. Malayang magsalita ang bawat kasapi at magbigay ng suhestiyon  sa
paksang tinatalakay
Lesson Proper for Week 8
KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri ng kapamaraanan ay ginagamit upang


ipahaya ang mensahe, ng hindi ginagamit ang salita. Gumagamit ng kilos o galaw ng
Katawan. Isa itong detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan
ng lahat.

MGA URI NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

1. KINESIKA (Kinesics) - Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang


paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa
pamamagita ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating
iparating sa iba.

Halimbawa:

1. Anu-ano ang posibleng kahulugan ng pagpapapungay ng mga mata ng isang

binate sa dalagang kanyang tinititigan? Namumugtong mga mata? Papikit-pikit

na mga mata.

2. Ano ang itinatanging damdamin ng mukhang mapanglaw ang tingin? Kunot-


noo ang mukha; at iba pa?

Galaw ng Katawan na Ginagamit sa Di-Berbal na Komunikasyon


A. Ekspresyon ng Mukha - Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay nakangitii,
malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o
nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag.,

B. Galaw ng Mata - Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag-iiba ang mensaheng


ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.

C. Kumpas (Galaw ng Kamay) - Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay
at kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol.

D. Tindig o Postura - Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung


anong klaseng ang iyong kaharap o kausap.

2. PROKSEMIKA (Proxemics)- Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa


pampublikong lugar tulad ng isang

nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maaari ring isang karaniwang


pag-uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.

Halimbawa: Iba ang ating interaksyon sa taong hindi natin ganong kakilala, may
malayu- Layong espasyo; subalit sa taong lagi naing kasama o sa ating matalik na
kaibigan, Higit na malapit an gating distansya.
3. PANDAMA o PAGHAWAK (Haptics) - Ito ay isa pinaka-primitibong anyo ng
komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa
mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob

Halimbawa: Paraan ng paghawak sa ibang tao- tulad ng pagtatapik sa balikat,


pagpisil sa palad, paghaplos at pagbatok.

4. PARALANGUAGE- Tumutukoy sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng


mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot buntong-
hininga, ungol at paghinto.

Halimbawa: Pagbigkas ng mabilis, mabagal, malakas, mahina at pagbibigay-diin sa salita


taginting ng tinig.

5. KATAHIMIKAN- Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon


sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin.

6. SIMBOLO (Iconics)- Sa ating paligid ay maraming makikitang simbolo na may


malinaw na mensahe.

Halimbawa: Paglagay ng larawan sa pinto ng palikuran kung iyon ay para sa


babae o Lalaki.

7. KAPALIGIRAN - Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong,


kumperensya at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.

8. KULAY (Colorics) - Maaari ding magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

Halimbawa: Damit na itim, panyong puti; berdeng bandana


9. BAGAY (Objectics) - Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa Pakikipagtalastasan.
Kabilang rito ang mga elektronikong ekwipment.

EKSPRESYONG LOKAL

Maraming wika ang ginagamit ngayon sa ating bansa. Ilan dito ay mga diyalekto
katulad ng Ilokano, Waray, Hiligaynaon, Cebuano, Kapampangan, Tagalog, Pangasinense
at Bikolano. Dahil ang wika ay dinamiko, Ito ay patuloy na nagbabago at lumalaganap

Ang mga ekspresyong ito ay kalimitang nasa unahang bahagi ng pangungusap,


mga ekspresyong kapag nabibigla, nagugulat, natutuwa, nagagalit at iba pa. Maririnig
din ang mga lokal na ekspresyon kapag bumabati sa umaga, tanghali, hapon at gabi.
Lesson Proper for Week 9

4.1 MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL

KORAPSYON

             Katiwalian o pangugurakot ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at


katapatan.Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korapsyon na
nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang
empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng
pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan

Hello Garcie Tape (2005)


           Pork Barrel Scam  (2013)

           
NBN - ZTE DEAL (2017)

MALAMPAYA FUND SCAM 


ISA SA PINAKATANYAG NA PORMULA NG KORAPSYON

Controlling Corruption (1988) Monopoly + Discretion – Accountability =


CORRUPTION ni ROBERT KLITGAARD

            Inilahad sa konseptong ito ang pagkiling sa monopolyo laban sa


mabuting serbisyo kasama ng pansariling pagpapasya kung sino ang
makatatanggap at kung magkano ang matatanggap nito nang walang ganap na
pananagutan ay malinaw na porma ng korapsyon o illegal na gawain.

             Noong 2018, lumabas sa resulta ng Transparency International na


nasa ika-111 ang Pilipinas mula sa 180 na bansa sa Corruption Perceptions
Index (CPI) 2017 na mayroong CPI na 34, mas mataas kumpara sa naunang
taon, ibig sabihin, mas lumalala ang korapsyon sa bansa kabila ng
pagkakaroonng mga batas kontra korapsyon gaya ng R.A. No. 3019 (Anti-Graft
and Corrupt Practices Act) at ang Revised Penal Code (saligang batas  laban
sa korapsyon at iba pang mga kasong sibil).

 R.A. No. 6770. ahensya ng gobyerno na namamahala sa


imbestigasyong sangkot ang pampublikong opisyal.
 P.D. No. 1486. ispesyal na korteng inilaan kontra korapsyon.

IBA’T IBANG URI NG KORAPSYON

1. NEPOTISMO – Binibigyan ng pagkakataon ang kamag-anak na umupo sa


pwesto at manungkulan sa gobyerno kahit na hindi ito kwalipikado.
2. KRONYISMO - mga itinatalaga sa posisyon/opisina ng Pangulo o ng sino
mang mataas na posisyon ay ang kanyang malalapit na kaibigan
3. BRIBERY (PANUNUHOL) -  Ginagawa ito upang mapabilis o mapadali ang
transaksyon mula sa normal nitong takbo, Fixer ang tawag sa mga taong
nagpapasuhol kapalit ng serbisyong ito.

4. KICKBACK - Paggamit ng budget o share ng mga inihalal sa pamahalaan at


paggamit nito sa iba’t ibangproyekto lamang, saka nila uli kukunin ang pera o
badyet na inilaan dito

5. FRAUD (PANDARAYA) - Kabilang sa anyo ng korapsyon ang manipulasyon,


pandaraya o anumang uri ng paglilinlang.
 

6. PLUNDER - Lahat ng yaman, ari-arian, negosyo na nakuha mula sa maling


paraan ay anyo ng korapsyon.

KONSEPTO NG MGA BAYANI

DR. JOSE RIZAL - Nasasalamin sa buhay ni Rizal kung bakit siya kinilalang


Pambansang bayani. Ang kanyang pagkamatay sa Bagumbayan ay bunga ng
paglaban sa mga mananakop na Espanyolgamit ang pagpapataas ng katuwiran,
kaalaman at pagsulat nito ng Noli Me Tangere
at El Filibusterismo na nagdulot ng lubusang pagkamulat ng mga Pilipino.

ESTABAN A. DE OCAMPO - Ayon sa kanya walang tiyak na tao o grupo ng tao


ang nagdeklara kay Rizal  bilang numero unong bayani ng Pilipinas. Si Rizal
mismo, ang mga Pilipino at maging ang mga banyaga ay naging  kaisa upang
kilalanin siya bilang  pangunahing bayani ng bansa.

MELCHORA AQUINO - Kilala sa tawag na Tandang Sora at binansagan din “Ina


ng Katipunan” at  isang babae ipinamalas niyang lubos na pagmamahal sa
bayan sa pamamagitan ng pagkalinga, pag-aaruga at pagmamalasakit sa mga
katipunero nang umusbong ang digmaan. 
10 PANGKALUSUGAN, TRANSPORTASYON AT EDUKASYON
10 PANGKALUSUGAN, TRANSPORTASYON AT EDUKASYON

I. INTRODUKSIYON

Nilalaman ng Ikasampung Modyul na ito ang suliraning panlipunan na


nararanasan ng bawat isa sa atin. Ang aralin na ito ay tumatalakay sa
mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Ang bawat mag-aaral ay
nalalaman ang sanhi at implikasyon ng hamong panlipunan upang maging
bahagi ng pagtugon na makakapagpabuti sa pamumuhay ng mga tao.
Ang modyul na ito ay nagbibigay ng kaalaman upang buksan ang isipan
ng mga mambabasa hinggil sa kinakaharap na problema ng bansa.

          Mauunawaan ng bawat mag-aaral ang epekto ng mga isyu at


hamon na nararanasan sa lipunan. Ang aralin  na ito ay naglalayon na
maunawaan ng mga mag-aaral ang isinusulong ng bawat mamamayan
upang maisagawa ang kanilang adhikain at mga tungkulin. Bilang isang
mag-aaral ikaw ay may magagawa para sa iyong bansang sinilangan.
Tiyak na lahat ng mapag-aaralan sa maodyul na ito ay magbibigay ng
sapat na kaalaman at gabay upang makatulong sa pang-araw-araw na
buhay.

II. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng modyul, ang bawat mag-aaral ay inaasahang;

1. Naipapaliwanag ang nais iparating ng Spoken Poetry sa tulong


ng mga gabay na tanong
2. Naibibigay ang ideya o hinuha sa pangunahing tesksto ng
suliraning panlipunan batay sa nakasaad na gawain  
3. Nakasusulat ng posisyong papel .kaugnay sa suliraning
panlipunan

Lesson Proper for Week 10


4.1 PANGKALUSUGAN

 Mahal magkasakit sa panahon ngayon. Kapg dinapuan ka ng sakit apektado


lahat ng aspekto sa loob ng tahanan lalo na kung ikaw ay padre de pamilya.
Kapag ikaw ay nagkasakit, siguradong di ka makakapasok sa trabaho, kapag di
ka nakapasok walang sasahurin, walang pantustos sa pangangailangan sa
bahay tulad ng pagkain at edukasyon ng anak. Kaya marapat na ito’y
pakaingatan. Katulad sa pabahay ay mayroon ding ahensiya ng gobyerno na
namamahala dito. Ito ang Department of Health (DOH). Layunin ng DOH na
magpatupad ng mga proyekto na makatutulong at makabubuti para sa
mamamayan ng PIlipinas hinggil sa usapin ng kalusugan, Ngunit Paano kung
ang inaasahan nating tagapangalaga ng kalusugan ang siyang magdadala sa
kamatayan.

1. DENGVAXIA - Naging dominante ang isyu ng Dengue sa administrasyon ni


dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na nagkaroon
ng maraming biktima. Kaya ang naging solusyon ng Department of Health ay
ang Dengue Vaccine na mula sa Sanofi Pharmaceutical
Company sa Italy na makakaiwas sa paglaganap ng dengue. Ayon Kay Dave
Arthur Robredo, isang biologist, ang naging problema ay
kasalukuyan pang inaaral at huli na ng nadiskubre na kapag ang tinurukan ng
dengvaxia ay hindi pa nagkakaroon ng dengue ay mas
nagiging malala ang makukuhang dengue. Ang isa pang problema ay ang
pamilya ng mga namatay na bata na naturukan ng dengvaxia

ay isinisi ito sa DOH.

2. HIV/AIDS- Ang HIV (Immune Immunodeficiency Virus) at AIDS


(Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay may malaking pagkakaiba. Ang
HIV ay ang mismong virus na unang nakukuha na nagdudulot sa sakit
na kung tawagin ay AIDS. Ang AIDS naman ay ang malalang HIV. Dahil
sa pag-atake ng HIV sa memory T-cells na responsible sa
immune system kaya hihina ang resistensya ng tao nang hindi namamalayan.
Ayon kay Robredo na totoo na wala pang gamot ang nadidiskubre para sa
HIV ngunit mali ang iniisip ng karamihan na ang HIV o AIDS
ang dahilan kung bakit namamatay ang tao. Dahil ang totoo niyan ang
papatay ay ang ibang sakit na dadapo dahil ang tanging epekto
ng AIDS ay papahinain ang immune system.

Saan nakukuha ang HIV

            Ang sanhi ng HIV ay virus na kung tawagin ay Retrovirus na makikita


sa dugo, semlilya, breastmilk at iba pang likido ng katawan o body fluids.
Hindi kasama ang laway dahil ang laway ay may enzymes na pumapatay ng
mga bacteria ganon din sa paghalik maliban na lamang kung may sugat sa
labi ay may kasamang duo sa paghalik.
1. Pakikipagtalik na may maraming kapareha o group sex. Ito ang
pinakapangunahing sanhi ng HIV.
2. Hindi ligtas na pakikipagtalik na hindi gumagamit ng mga condom.
3. “Blood Transfusion” kapag ang dugong positibo sa HIV ay naisalin sa isang
taong wala namang HIV.
4. Pagbubuntis din, halimbawa ang nanay ay positibo sa HIV pati ang
magiging anak ay positibo na rin dahil pareho lang silang dugo at sa
breastmilk.
5. Doble-doble na ang pagdami ng mga Pilipinong may HIV at AIDS sa bansa
dahil hindi pa rin ganon ka-edukado ang mga Pilipino pagdating sa epekto at
kung paano makakaiwas dito, Ayon pa rin kay Robredo.

TRANSPORTASYON - Isa sa mga pampublikong sasakyan ang jeepney


na madalas at popular sa masa. Isa sa mga pampublikong sasakyan ang
jeepney na madalas at popular na ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang
pang-araw-araw na buhay. Simula pagpasok sa trabaho, paaralan o kung
saan mang-establisyimento ay jeepney ang madalas na makikita sa mga
kalsada. Ito rin ang naging isang tampok na
bagay sa Pilipinas na palaging sinusubukam ng mga turista dahil na rin sa
makulay at magarbo nitong disenyo na ngayon ay may tugtugan pa at
telebisyon para sa mga pasahero habang siksikan ng trapik.

 a. JEEPNEY MODERNIZATION PROGRAM “Jeepney Phase-Out” - Isang


proyekto na naglalayong unti-unting palitan ang mga jeepney na tumagal ng
15 taon o pataas ng makabagong electronic jeepney. Sa panukalang ito ay
maraming operators ang tutol sa proyekto. Iginigiit nila na ang naturingang
phase-out ay magdudulot ng kawalan ng trabaho ng mga operator at hindi
lang mga operator ang maaapektuhan maging ang mga franchisers din, dahil
sa kakulangan ng kanilang kakayahan na magprangkisang muli dahil milyon-
milyong halaga upang magkaroon ng mga bagong yunit
  

EDUKASYON - Isa sa pinakanatatanging yaman ang edukasyon na hindi


mananakaw ninoman, ito ang pinaniniwalaan ng karamihan na pamana ng
mga magulang sa kanilang mga anak. Kaya kahit anong hirap at pagkayod
kumita lamang ng pera pantustos sa mga gastusin sa eskwela ng anak.

K-12 CURRICULUM (R.A No. 10533) - Naglalayong dagdagan pa ng 2


taon ang sekondarya. Nais na itong simulan noong taong 2013, mula sa 10
taon ay magiging 12 taon ang pag-aaral. Isa ang Pilipinas sa tatlong bansa
na hindi gumagamit ng ganitong kurikulum kasama ang Angola at Dyibouti.
Ang layunin ng kurikulum ay maging handa tayo sa  pakikipagsapalaran saan
mang panig ng mundo.
Lesson Proper for Week 11
URBANISASYON -   Ang proseso kung paano nabubuo at lumalaki ang mga
bayan at lungsod dahil sa mga taong naninirahan at nagtratrabaho sa mga
sentral na lokasyon ay parami nang paramin.

KUMBERSYON SA LUPA - Ito ang pagbabago sa orihinal na anyo ng lupa


upang maging handang tayuan ng mga imprastraktura, bahay at gusali at gawing
komersyal. Bahagi ng urbanisasyon ang pagtaas ng populasyon. Sa pagtaas ng
populasyon ay tumataas din ang mga pangangailangan ng mamamayan.

 Pangangailangan ng tirahan at trabaho 


 Pagtatayo ng iba’t ibang industriya  ng mga Imprastraktura at mga
gusali
POLUSYON 

 Tawag sa mga materyal, nasa ano mang anyo,na nagpaparumi,


sumisira at ginagawang hindi ligtas o hindi akmang gamitin ang lupa,
tubig, hangin at iba pa.
 Sa pagtaas ng populasyon sa mga sentral na lokasyon ay lumalaki ang
bilang ng mga naninirahan sa gilid ng mga ilog, lawa, dagat at iba pang
anyong tubig na walang maayos na pamamahala sa basura at duming
inilalabas ng tao.
 Tinatayang nasa 80% ng polusyon sa lawa ay dahil sa domestikong
basura mula sa mga nainirahan sa paligid nito.
 Noong 2015, may mahigit 160 kompanya ang sinampahan ng kaso
ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) dahil sa pag-
aamabag ng polusyon ng tubig.
 .Noong Ika-26 ng Abril taong 2018 ay isinara ang Boracay para sa
malawakang rehabilitasyon ng magtatagal hanggang anim na buwan o
maaaring mas mahaba sa anim na buwan.
 Ayon sa tala ng Department of Environment and Natural Resources
(2016), 80 % ng polusyon sa hangin ng Pilipinas ay mula sa mga
sasakyan.
 Ayon kay Rene Pineda (2016), Presidente ng Partnership for Clean Air.
Nananatili ang polusyon sa hangin sapagkat tumataas ang bilang ng
mga sasakyan
 Batay sa tala ng DENR (2016) na iniulat ng UNTV News, ay bumaba sa
20% ang polusyon ng hangin. Taong 2013, mahigit tatlong milyon ang
nagkaroon ng respiratory diseases dahil sa polusyon sa hangin na
bumaba sa 29% noong 2014-2016

PAGKAWASAK NG/SA KALIKASAN

 Hindi nabibigyan nang maayos na tugon ang mga pangangailanganng


urbanisasyon kaya naman naisasaalang-alang ang kalikasan. Ang
dating mapupuno at mabundok na bahagi sa iba’t ibang panig ng bansa
ay nagiging patag upang tugunan ang kahingian ng lumalaking
populasyon.
 Mainam na tugon ang turismo sa panganailangang local at Nasyonal
ngunit ang kawalan ng tamang pamamahala ay nagdudulot ng
pagkawasak ng kalikasan.
 Ayon sa grupong Greenpeace (2017) , pangatlo ang Pilipinas sa
nagpoprodus ng malking porsyento ng plastic na sumisira sa karagatan
ng daigdig sunod ang China at Indonesia.
 Tinayang nasa 840 bilyong dolyar ang halaga ng hindi pa nagagalaw o
nahuhukay na mineral sa bansa noong 2012 ayon sa Mines ang
Geosciences Bureau
CLIMATE CHANGE

     -   Bunga ng pagdami at pagkaipon ng mga greenhouse gas sa atmospera ng


mundo. Mula ang mga gas na ito sa likasna pinagkukunan o sa mga aktibidad na
gawa ng tao. Sa dalawang pinagmumulan na ito, pinakamarami ang mula
sa mga aktibidad na gawa ng tao gaya ng paggamit ng fossil fuel, pagkalbo sa
mga kagubatan, operasyon ng mga industriya at iba pa.
     -   Sa pagdami ng mga greenhouse gas sa atmospera ng mundo ay mas
nagiging mainit ang temperature ng mga katubiganna nagreresulta sa paglakas
at pagdalas ng pagkabuo ng mga bagyo.
     -   Itinuturing na pinakaunang apektado ng climate change ang Pilipinas dahil
sa heograpiya nito. Napalilbutan ang bansa ng mainit na tubig na inaaasahang
mas iinit pa at nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko.

MGA SANHI NG CLIMATE CHANGE

1.       Agrikultural
                 a. Ayon sa Worldbank, kalahati ng porsyento ng nitrous oxide at
methane, mga greenhouse Gas, ay mula sa pag-aagrikultura. Lumilikha ng
direkta at di-direktang emisyon ng mga Greenhouse gas ang pag-aagrikultura.
Ang mga pinatabang lupa at dumi ng hayop ay  nagdudulot ng direktang
emisyon. Di-direktang emisyon naman ay nagdudulot ng Pangangaingin,
paggamit ng pataba at paggamit ng fossil fuel sa mga mekanismo at
transportasyon.
2.       Transportasyon
                 b.       Parami nang parami ang bilang ng mga sasakyan na
ginagamitan ng gasoline at petrolyo. Ang mga sasakyang ito ay naglalabas
ng black carbon, volatile organic compounds at carbon monoxide na nagpapainit
din ng mundo.
 3 .       Paggamit at Paglikha ng Enerhiya.
                  c.       Ayon kay Executive Director Nadarev Saño ng Greenpeace
Southeast Asia sakaniyang pahayag sa Radyo Veritas (2016), pangunahing
dahilan ng climate change ang pagsunog ng fossil fuels mula sa mga coal-fired
power plants.
                  d.       Natukoy ng United States Environmental Protection Agency na
pangunahing dahilan ng emisyon ng carbon ang mga coal power
plant.Nagdudulot din ng paraan na ito ng paglikha ng enerhiya ng methane.
                  e.       Mas emisyon din ng mga greenhouse gas na nagaganap sa
pagmimina dahil sa paghahawan ng mga puno at pagkakontamina ng hangin
dahil sa mga prosesong isinasagawa.
                  f.         Maging ang pagsunog ng mga basura, mga tuyong halaman at
damo ay nagdudulot din ng mga greenhouse gas tulad ng methane at carbon
dioxide.
 
MGA EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA PILIPINAS

 Pagtaas ng lebel ng dagat


 Paginit ng temperature
 Malakas at madalas na bagyo at pagbaha
 Matinding tagtuyot na sasabayan ng El Niño
 Pagkakasakit ng mga tao lalo na ng mga matatanda
 Pagkasira ng mga sakahan
 Pagkasira ng mga bakawan

MGA SOLUSYON NA MAAARING ISAGAWA NG MGA MAMAMAYAN

 Paggamit ng mga napapalitang enerhiya


 Paggamit ng malinis na enerhiya
 Pagsakay sa mga transportasyong pangmasa
 Paglalakad o paggamit ng bisekleta kung malapit lamang ang
patutunguhan
 Pagreresiklo ng basura

BAGYO AT BAHA - Natural na proseso ng kailkasan ang pagkabuo ng mga


ulap, ulan at hangin na kalaunan ay magiging bagyo sa atmospera ng mundo
dahil sa pag-akyat ng mainit na tubig na nagging anyong gas. Ngunit sa
presensya ng climate change ay mas nagiging malakas at madalas ang
pagkakaroon ng bagyo. 

 Nobyembre 3,2013 nang mabuo ang super bagyong Yolanda na


nanalasa sa kabisayaan at mga bahagi ng Luzon at Mindanao Noong
Nobyembre 7-8, 2013.
 Isang araw tinawid ng bagyong ito ang kabisayaan na nagdulot ng
malawakan at matinding pagbaha na ikinamatay ng tinatayang higit
6,000 katao at kabuoang pinsalang tinaya ng gobyerno na umabot ng
US 12.9 Bilyong Dolyar. Kung patuloy ang climate change . malaki ang
posibilidad na marami pang mas malakas na bagyo kumpara sa
Yolanda ang maaaaring mabuo na lubos na makapipinsala sa bansang
madaraanan nito.
 Paris Agreement ang kasunduang ginawa ng 179 bansa at European
Union sa Paris upang tugunan ang Climate Change sa pamamagitan ng
pagbibigay kontribusyon ng bawat bansa upang mapanatiling mababa
sa 2 degree kung maaari ay 1.5 degree ang global na temperatura. 

You might also like