You are on page 1of 2

Kazandra Nicole D.

Gutiza

BTM12

1. Tungalian ng Pambansang Bayani: Si Rizal at si Bonifacio

Sa ating kasaysayan, si Jose Rizal at Andres Bonifacio ay dalawa sa kinikilalang


nagbigay buti sa ating bansa. Sa aking opinyon, pareho silang Pambansang
bayani na nakipaglaban para sa ating Kalayaan sa paghihigpit ng Espanya na
magkaibang diskarte upang malabanan ang kastila. Pinili nila ang iba't ibang
mga stratehiya, ngunit kapwa tunay na inialay ang kanilang buhay sa ating
bansa. Hindi magiging pareho ang Pilipinas kung wala ang dalawang dakilang
lalaking ito. Ang sandata ni Rizal ay lumaban siya gamit ang kaniyang makinang
na kaisipan at talento sa pagsulat, si Bonifacio naman ay ang bolo. Kung ang
panulat ay talagang mas malakas kaysa sa tabak, ang mahalaga ay ang
parehong mga lalaki ay nakipaglaban para sa bansa sa lahat ng kanilang
makakaya at kakayahan. Kaya’t sila ay parehong karapat-dapat na bayani at
hindi dapat gawing tunggalian.

2. Kahalagahan sa pag-aaral ng KURSONG RIZAL at ang Batas Rizal

Sa bawa’t paaralan mapa publiko o pribado, inaaral ang tungkol sa kursong /


batas Rizal. Ito ay nakabubuti dahil napakahalaga ang pagkakaroon ng aral o
impormasyon tungkol sa kursong Rizal dahil dito, malalaman natin ang malaking
parte ng kasaysayan sa ating bansang Pilipinas, at kung gaano kahalaga ang
kaniyang pagtulong pati na rin ang kaniyang iba’t- ibang mensahe sa bawat sulat
na kaniyang ginawa noong panahon ng mga kastila. Tinulungan niya tayo pati
ang sina una sa abot ng kanyang makakaya upang lahat ay magkaroon ng
lakas, pagtitiwala sa Diyos at pag-asa. At lahat ng kaniyang mga sinulat ay maari
nating gawing inspirasyon dahil ito rin ay mahalaga sa literatura at panitikan.

3. Si Rizal ay napapanahong bayani.

Karapat dapat rin naman talaga na maging bayani si Rizal, dahil ang naiiba sa kaniya
ay siya ang unang nagpatunay na hindi kailangan ng kahit anong armas o pagpatay
para makipag himagsikan at gusto niyang ipamalas ang lakas ng loob at ipakita ang
kaniyang pananaw o opinyon sa paghihirap ng mga Pilipino na kaniyang ikinagalit pati
na rin ang mga gawain ng mga kastila. Nagkaroon siya ng malaking kontribusyon at
naisip niya ang kapakanan ng hinaharap na henerasyon. Namatay siyang pinaglalaban
ang bansa na patunay bilang isang Pilipinong handing magsakripisyo ng sariling buhay
alang alang sa mamamayan at bansa.

You might also like