You are on page 1of 4

Hanz Espiritu

Tukuyin at ipaliwanag ang mga sumusunod:


1. Katangian ng akademikong sulatin
1. Kompleks. Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang
pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas maAng pasulat na wika
ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na
mahahabang salita, mas mayaman na leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa
rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mang
pasulat na gawain.

2. Pormal. Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng
pagsulat. Hindi angkop dito ang kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.

3. Tumpak. Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay
inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.

4. Obhetibo. Ang pokus nito kadalsan ay ang impormasyong nais ibigay at ang
mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang
mambabasa.

5. Eksplisit. Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa uganayan sa loob ng


teksto. Responsibilidadng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa
kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Ang
ugnayang ito ay nagagwang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng ibat’t-
ibang salitang signaling words sa teksto.

6. Wasto. Ang akademikong pagsulat ay gumagamit ng wastong bokabularyo o


mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang
madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.

7. Responsible. Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging


responsable lalong-lalo na sa palalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang
nagpapatibay sa kanyang argumento. Kainlangan din niyang maging
responsable sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang
.ginamit kung ayaw niyang maparatangan ng isang plagyarista.
8. Malinaw na Layunin. Ang layunin ang akademikong pagsulat ay matugunan
ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong an ito ay nagbibigay ng
layunin.

9. Malinaw na Pananaw. Anfg akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng


mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources samantalang
ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng
kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng
kanyang papel. Ito ay tinantawag na sariling punto de bista ng manunulat.

10. May Pokus. Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa


tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi
nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.

11. Lohikal na Organisasyon. Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na


istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan na akademikong papel
ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na
nauugnay sa kasunod na talata.

12. Matibay na Suporta. Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at


kauganay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag.
Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa,
deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o
quotations.

13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon. Napakahalaga nito dahil bilang


manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-
unawa ng paksa ng papel at magiging possible lamang ito kung magiging
malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.

14. Epektibong Pananaliksik. Sa karamihan ng akademikong papel, kailangang


gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga
impormasyon ng mga impormasyon. Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa
akademikong pagsulat. Kaugnay nito, mahalagang maipamalas ang intelekwal
na katapatan sa pamamagitan ng hinangong impormasyon o datos.

15. Iskolarling Estilo ng Pagsulat. Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng akademikong


papel, kung kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar,
ispeling, pagbabantas aat bokabularyo sa pagsulat nito. Ang mga gayong
pagkakamali ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-iingat, kung hindi man ng
kakulangan ng kaalaman sa wika.
2. Mga layunin sa akademikong pagsulat
1. Mapanghikayat na Layunin. Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng
manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang
posisyon hinggil sa isang paksa. Kung kaya upang maisakatuparan ang layunin
na ito, Pumipili siya ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon
gamit ang mga katwiran at ebidensya, at tinatangka niyang baguhin ang pananw
ng mambabasa hinggil sa paksa. Isang halimabawa nito ay ang pagsulat ng
Posisyong Papel.

2. Mapanuring Layunin. Tinatawag din itong analitikal na pagsulat.Ang layunin


dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang
pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. Sa mga ganitong pagsulat,
madalas iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamen ang mga bunga o epekto,
sinusuri ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin pinag-
uugnay-ugnay ang iba’t ibang ideya at inaanalisa ang argumento ng iba.
Kinapapalooban ito ng bahaging sintesis kung saan pinagsasama-sama ang iba’t
ibang bahagi upang makabuo sa sariling sagot sa tanong kaugnay ng paksa.
Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng Panukalang Proyekto.

3. Impormatibong Layunin. Sa impormatibong akademikong pagsulat,


ipinipalliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang
mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa paksa. Isang
halimbawa nito ay ang pagsulat ng Abstrak.

3. Kalikasan ng pananaliksik
 Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
 Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa Layunin, Gamit,
Katangian, Anyo
 Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

4. Tungkulin at responsibilidad ng isang mananaliksik


Ang Mananaliksik sa Larangan ng Pananaliksik
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang mapagkukunan
maging ito’y sa aklatan, upisina, institusyon, tao, media, komunidad at maging sa
Internet
2. Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi madaling kunin at nag-iisip ng sariling
paraan para makuha ang mga ito
3. Sistematiko sa paghahanap ng materyales, sa pagdodokumento dito at sa pag-
iiskedyul ng mga gawain tungo sa pagbubuo ng pananaliksik.
4. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng
pinagkunan sa pagsiguro na lahat ng panig ay sinisiyasat; at sa pagbibigay ng
mga konklusyon, interpretasyon, komento at rekomendasyon

You might also like