Natalakay na ang akademikong pagsulat ay nagtataglay ng
kalikasang katotohana, katibayan at balanse. Sa isa namang kahulugang nauna ring tinalakay, binanggit na ang ilan sa mga katangian ng akademikong pagsulat ay ang pagiging tumpak, pormal, impersonal at obhetibo nito. Ayon sa http://www.ueaf.com, ang akademikong pagsulat sa anumang wika ay may tinutumbok na isang sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento nang walang disgresyon o repetisyon. Ang layunin nito’y magbigay impormasyon, sa halip na umaliw. Gumagamit din ito ng istandard na porma ng pagsulat ng wika. Ayon muli sa http://www.ueaf.com, ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat ay ang sumusunod: Kompleks. Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas maAng pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman na leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mang pasulat na gawain.
Pormal. Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba
pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang kolokyal at balbal na salita at ekspresyon. Tumpak. Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.
Obhetibo. Ang pokus nito kadalsan ay ang impormasyong
nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
Eksplisit. Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa uganayan
sa loob ng teksto. Responsibilidadng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Ang ugnayang ito ay nagagwang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng ibat’t-ibang salitang signaling words sa teksto.
Wasto. Ang akademikong pagsulat ay gumagamit ng wastong
bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
Responsible. Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay
kailangang maging responsable lalong-lalo na sa palalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Kainlangan din niyang maging responsable sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang .ginamit kung ayaw niyang maparatangan ng isang plagyarista. Sa mga katangiang natalakay ay maidaragdag ang sumusunod na mula naman sa http://www.vsm.sk:
Malinaw na Layunin. Ang layunin ang akademikong
pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong an ito ay nagbibigay ng layunin.
Malinaw na Pananaw. Anfg akademikong pagsulat ay hindi
lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources samantalang ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel. Ito ay tinantawag na sariling punto de bista ng manunulat.
May Pokus. Bawat pangungusap at bawat talata ay
kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.
Lohikal na Organisasyon. Ang akademikong pagsulat ay
may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan na akademikong papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.
Matibay na Suporta. Ang katawan ng talataan ay kailangang
may sapat at kauganay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations.
Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon. Napakahalaga nito
dahil bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging possible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
Epektibong Pananaliksik. Sa karamihan ng akademikong
papel, kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon ng mga impormasyon. Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pagsulat. Kaugnay nito, mahalagang maipamalas ang intelekwal na katapatan sa pamamagitan ng hinangong impormasyon o datos.
Iskolarling Estilo ng Pagsulat. Iskolarli ang estilo sa
pagsulat ng akademikong papel, kung kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas aat bokabularyo sa pagsulat nito. Ang mga gayong pagkakamali ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pag- iingat, kung hindi man ng kakulangan ng kaalaman sa wika.
PAGSULAT NG PICTORIAL ESSAY
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PICTORIAL ESSAY
Ang pictorial essay ay tinatawag din ng iba bilang photo essay. Ito ay isang kamangha-manghang anyo ng sining nanagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling kapsyon kada larawan. Madalas itong ginagawa ngmga awtor, artista, estudyante at mga akademisyan. Ginagawa din ito ng mga potograpo, mamamahayag, lalo nan g mga photo-journalist.
Larawan at teksto ang dalwang pangkalahatang sangkap ng
pictorial essay. Tipikal sa mga pictorial essay ang pagkakaroon ng pamagat at ang pagpokus sa isang tema. Madalas ding personal (sa isang potograpo at/o awtor) ang isang pictorial essay at maaari itong maging isang mabisang paraan upang lumikha ng isang personal na mensahe para sa kanya/kanilang pamilya, kaibigan o kahit na para sa publikasyon.
Tandaan na ang pictorial essay ay kaiba sa picture story. Sa
ikalawa, ang mga larawan ay nakaayos ayon sa pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari at ang layunin nito ay magsasalaysay o magkwento. Hindi gayon ang batayan sa pagsasaayos ng larawan sa pictorial essay at lalong hindi rin gayon ang layunin ng pictorial essay.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY
Malinaw na Paksa Pokus Orihinalidad Lohikal na Estraktura Kawilihan Komposisyon Mahusay na Paggamit ng Wika MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong guro. Isaalang-alang ang iyong audience. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong mga layunin. Kumuha ng maraming larawan. Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod. Isulat ang iyong teksto sa ilalim ng bawat larawan.