You are on page 1of 9

M O D Y U L -1

FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKO


MODYUL 1

SAMU’T SARING AKADEMIKONG PAGSULAT

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nabibigyang kahulugan at kalikasan ang akademikong pagsulat


• Naiisa-isa ang mahahalagang katangian at layunin ng akademikong pagsulat
• Nakagagawa ng sariling paglalahad batay sa sariling karanasan o natutunan ukol sa mga
gawain

Bilang isang mag-aaral, mahalagang iyong malaman ang kahulugan at kalikasan ng akademikong
pagsulat. Ito ay makatutulong sa iyo upang maging dalubhasa sa pagsusuri at pagsulat ng iba’t ibang
aralin.
Sa modyul na ito, malalaman mo ang katangian, element, layunin, gamit at anyo ng akademikong
pagsulat, na may halimbawang akda ng bawat anyo.

Bago tuluyang lumusong sa kasaysayan ng akademikong pagsulat, pagnilayan at pag-isipan


natin ang mga nakapaloob sa salitang makikita sa ibaba.

PAGSULAT

FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKO


Anong konklusyon ang iyong mabubuo batay sa mga salita iyong inilagay sa salitang pagsulat?
Isulat ang iyong sagot sa mga kasunod na patlang.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Basahin at Suriin Natin!

A. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Mahirap lapatan ng isang simpleng depinisyon ang terminong “akademikong pagsulat” dahil
tumutukoy ito sa pagsulat na isinasagawa para sa maraming kadahilanan. Mayroon ding iba-ibang
anyo ang akademikong pagsulat, at bawat isa sa mga iyon ay may kalikasang ikinaiiba sa iba.
Ang isang pangmalawakang depenisyon na maibibigay para
sa akademikong pagsulat ay ano mang pagsulat na isinasagawa
upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Sa
medaling sabi, kinapapalooban ito ng ano mang itinatakdang
gawaing pagsulat sa isang setting na akademiko. Ginagamit din ang
akademikong pagsulat para sa mga publikasyong binabasa ng mga
guro at mananaliksik o inilalahad sa mga komperensya
(http:/grammar.yourdictionary.com).

Mabibigyang kahulugan din ang akademikong pagsulat


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3
A%2F%2Fwww.oxfordlearning.com%2Fimprove-
bilang ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori
kids-writing-skills%2F&psig=AOvVaw2hmA3toT-
o argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro o
ZpyOlxcDxe9rm&ust=1593956622446000&sour

mananaliksik upang pagpahayag ng mga impormasyon tungkol sa


ce=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCKDD
qt_ds-oCFQAAAAAdAAAAABAD
isang paksa.
Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo
(http:/grammar.about.com) May ilang kalikasan ng akademikong pagsulat na sinusunod ng
nakararami. Tatlo sa mga ito, ayon kina Fulwiler at Hayakawa (2003) ay ang mga sumusunod:

1. Katotohanan – Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay


nakagagamit ng kaalaman at metodo ng displinang makatotohanan.
2. Ebidensya – Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang
ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.
FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKO
3. Balanse – Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon
at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang
maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.

B. KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Ayon sa http:/www.uefap.com, ang akademikong pagsulat sa wikang ingles ay linear. Walang


dahilan upang hindi mailapat ang gayong obserbasyon sa wikang Filipino o sa iba pang wika. Ibig
sabihin, ang akademikong pagsulat sa ano mang wika ay may tinutumbok na isang sentral na ideya o
tema at bawat bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento nang walang digresyon o
repetisyon.

Ayon muli sa http:/www.uefap.com, ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat ay ang
sumusunod:

1. Kompleks – Ang pagsulat ng wika ay mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Ang pasulat na
wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.
2. Pormal – Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat.
3. Tumpak – Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad
nang tumpak o walang labis at walang kulang.
4. Obhetibo- Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga
agrumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
5. Eksplisit – Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa ugnayan sa loob ng teksto.
Responsibilidad ng manunulat nito ang gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t
ibang bahagi ng teksto ay naguugnay sa isa’t isa.
6. Wasto – Ang akademikong pagsulat ay gumagamit nang wasto ng mga bokabularyo o mga
salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o
pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
7. Responsible- Ang manunulat ay kailangang maging responsible lalong-lalo na sa paglalahad
ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.

C. LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Natalakay na ang pagsulat sa pangkalahatan ay maaaring may layuning impormatibo,


mapanghikayat at/o malikhain. Maliban sa ikatlo, halos gayon din ang maaaring maging layunin ng
akademikong pagsulat.

Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa, at
ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin ng isang akademikong papel. Ang mga karaniwang
layunin ng akademikong pagsulat ay manghikayat, magsuri at/o magbigay impormasyon
(http:/www.ysm.sk) na sa mga kasunod na talataan ay ipinaliliwanag.

1. Mapanghikayat na Layunin – Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng manunulat na


mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa.

FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKO


2. Mapanuring Layunin – Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Ang layunin ditto ay
ipinaliwanag at suriin ang mga possibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na
sagot batay sa ilang pamantayan.
3. Impornatibong Layunin – Sa impormatibong akademikong pagsulat ipinaliliwanag ang mga
posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyono
kaalaman hinggil sa isang paksa.

D. TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Ayon sa http:/www.vsm.sk, academic papers are a specially-designed torture instruments. Gustong-


gusto umano itong gamitin ng mga guro dahil hindi sila direktang sangkot sa torture. Ang mga
estudyante mismo umano ang nagtotorture sa kanilang sarili sa pamamagitan ng hindi pag-alam kung
paano isusulat ang kanilang papel at sa paghihintay ng pinakahuling sandal bago simulant ang pagsulat
ng kanilang papel.

Ang metaporang naghahambing sa gawaing ito sa isang instrumento ng pagpapahirap ay isang joke
o biro lamang. Ang pagsulat ng akademikong papel ay hindi dapat maging torture para sa mga
estudyante. Ito ang dahilan sa pagsulat at paglalathala ng modyul na ito. Inaaasahang magsisilbing
katuwang ng bawat mag-aaral ang modyul na ito sa proseso ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong papel.

Ang katotohanan ay ito: Ang akademikong pagsulat ay isang pangangailangan. Sa ibang salita, sa
ayaw man o gusto ng mga mag-aaral, ang akademikong pagsulat ay hindi maiiwasan sa lahat ng antas
ng pag-aaral. Walang nakakakumpleto ng bawat baiting sa mga mataas na paaralan (junior at senior)
nang hindi nagsusulat ng mga akademikong papel. Sa kolehiyo ay wala ring nakakatapos ng kahit na
anong kurso nang hindi gumagawa ng akademikong pagsulat. Lalo na sa antas-gradwado.

Maraming dahilan kung bakit isang pangangailangan ang akademikong pagsulat sa lahat ng antas
ng pag-aaral. May mga tungkuling ginagampanan kasi ang gawaing ito na lubhang mahalaga. Ilan sa
mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika. Sa apat na makrong


kasanayang pangwika, pagsulat ang pinakahuli. May dahilan ito. Pagsulat kasi ang pinakahuling
natutunan ng isang tao at siyang pinakamahirap linangin, kumpara sa pakikinig, pagsasalita at
pagbasa, kaya nga gayon na lamang ang pagtutuon ng pansin ng mga paaralan sa kasanayang
ito. Hindi sapat ang mataas na antas ng kasanayang pangwika sa pakikinig at pagbasa.
Kailangang matapatan ang mga ito ng mataas ding antas ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat,
at nalilinang ang mga ito ng akademikong pagsulat.
2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip. Ang akademikong
pagsulat ay tinitignan bilang isang proseso, kaysa bilang isang awtput. Ang prosesong ito ay
maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang
gawain.
3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao. Hindi
lamang kaalaman at kasanayan ang nililinang sa paaralan. Higit na mahalaga sa mga ito,
FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKO
tungkulin din ang edukasyon ang linangin ang mga kaayang-ayang pagpapahalagang o values
sa bawat mag-aaral.
4. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon. Hindi lamang mga
propesyonal na manunulat tulad ng mga mamamahayag at mga awtor ang nagsusulat. Halos
lahat ng maiisip na propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat. Halimbawa , ang mga doctor ay
gumagawa ng medical abstrak at patient’s medical history. Ang mga abugado ay nagsusulat ng
pleadings at position papers. Ang mga pulis ay nagsusulat ng police report at blotter. Ang mga
engineer at mga arkitekto ay kailangan minsang gumawa ng project proposal. Ang mga guro ay
regular na pinagagawa ng action research. Karaniwan din sa negosyo ang pangangailangan ng
feasibility study. Ang iba pang propesyonal ay hinihingan ng kung ano-anong pasulat na report
magkaminsan man o palagian, sa pribado man o publikong sector.

E. ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT


Maraming anyo akademikong pagsulat. Pinakapopular na marahil sa mga ito ang reaction
paper at term paper dahil sa dalas ng pagpapagawa ng mga ito sa mga mag-aaral sa mataas
na paaralan.
Sa aklat ni Bernales, R., Ravina, E.& Pascual, M.E. (2017) Filipino sa Larangan Akademiko.
May labing-isang anyo ng akademikong papel na pagtutuunan ng pansin. Sampu sa mga ito ay
ayon sa Gabay sa Kurikulum na mula sa Departamento ng Edukasyon. Ang isa ay idinagdag ng
mga may-akda dahil sa nakita nilang pangangailangan.

UNANG KATEGORYA IKALAWANG KATEGORYA IKATATLONG


KATEGORYA
Sintesis Replektibong Sanaysay Bionote
Buod Posisyong Papel Panukalang Proyekto
Abstrak Lakbay-sanaysay Agenda
Talumpati Pictorial esssay Katitikan ng Pulong
Rebyu

Panuto. Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang akademikong pagsulat?


2. Ano ang kahalagahan ng akademikong pagsulat?
3. Bakit importanteng mapag-aralan ang akademikong pagsulat sa pang araw-araw na buhay ng
isang tao?
4. Sa iyong palagay, paano nakakatulong ang akademikong pagsulat sa antas ng pag-aaral ng
isang estudyante o sa isang propesyon? Ipaliwanag.

FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKO


1. Magsagawa ng isang sanaysay hinggil sa kahulugan at kalikasan ng isang sulating
akademikong na hindi natalakay sa module na ito.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ibigay ang mga layunin ng isang akademikong pagsulat at benepisiyong gamit nito sa
pang-araw araw na gawain ng isang indibidwal.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKO


Panuto: Batay sa araling tinalakay, ipaliwanag ang mga sumusunod ayon sa iyong pagkakaunawa.

Katangian ng Akademikong Sariling Paliwanag


Pagsulat
1. Kompleks
2. Pormal
3. Tumpak
4. Obhetibo
5. Eksplisit
6. Wasto
7. Responsable

ANG AKING NATUTUHAN!

Binabati kita dahil iyong natapos ang unang modyul na ito at paggawa sa mga
nakatalagang gawain at aktibidad.

Ibahagi sa amin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga


pangungusap sa ibaba.

Aking natutuhan na ___________________________________________________


Napagtanto ko na ____________________________________________________
Aking gagawin na ____________________________________________________

Sanggunian:

Bernales, R., Ravina, E.& Pascual, M.E. (2017) Filipino sa Larangan Akademiko. Mutya Publishing
House. Inc: Malabon City, Philippines

Acopra, J., Catipon, L., Lazaro, N., Enrile, A., Armendares, J., Zagado, T., Guttan, O., Soriano, M.,
Paulmitan, M., Ruiz, M., Barrios, N & Mercado, M. (2016) Akademikong Filipino sa Piling Larangan.
Mindshapes Co. Inc: Intramuros, Manila City, Philippines

Evasco, E.& Ortiz, W. (2017) Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan Akademiko. C & E
Publishing House. Inc: South Triangle Quezon City, Philippines

FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKO


FILIPINO SA PILING LARANGAN AKADEMIKO

You might also like