You are on page 1of 10

ARALIN 1: AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang pagbibigay – kahulugan sa terminong 2. Pormal - Higit na pormal ang


“akademikong pagsulat” ay tulad ng akademikong pagsulat kaysa saibang
pagtatanong sa isang tao kung ano ang sangay ng pagsulat. Hindi dito angkop ang
“mansanas.” Ang pinakakaraniwang salitang kolokyal,balbal, maging ang iba't
reaksyong makukuha sa isang taong ibang ekspresyong pilipino.
tatanungin, kung hindi man “Ahhh…” o
3. Tumpak - Ang mga datos tulad ng facts at
“Hmmmm…” ay malamang isang
figures ay inilalahad ng tumpak, walang labis
paglalarawan sa mansanas o kaya’y
at walang kulang. Kung ano ang datos, iyon
simpleng pagbibigay – kahulugan sa
dapat ang isasama sa sulatin.
mansanas bilang isang prutas.
4. Obhetibo - Ang pokus nito ay ang
Kung kaya hindi sapat ang maglahad ng isa
impormasyong nais ibigay o
o ilang depinisyon para sa akademikong
mgaargumentong nais gawin.
pagsulat. Kailangan, para sa layunin ng
kalinawan, ang mailarawan nang sapat ang 5. Eksplisit - Eksplisit sa ugnayan sa loob
kalikasan, katangian, layunin at tungkulin ng teksto. Ang manunulat ay
nito. responsibilidad niya na gawing malinaw sa
mga mambabasa kung paano ang iba’t
ibat bahagi ng teksto ay nauugnay sa
Kalikasan Ng Akademikong Pagsulat isa’t isa.

1. Katotohanan - Ang isang mahusay na 6. Wasto - Gumagamit ng wastong


akademikong papel ay nagpapakita na bokabularyo o mga salita. Dapat ang isang
ang manunulat ay nakagagamit ng manunulat ay maingatsa paggamit ng mga
kaalaman atmetodo na disiplinang salitangmadalas na pag kamalian ng mga
makatotohanan. karaniwang mambabasa. Wasto dapat ang
2. Ebidensya - Ang iskolar sa lahatng salitang gamitin upang hindi mawala ang
disiplina ay gumagamit ng kalituan sa mgamambabasa. Hindi dapat
mapagkakatiwalaang ebidensya upang nakakalito ang mga salitang gagamitin.
masuportahan ang impormasyong
7. Pagiging responsable – Ang manunulat
kanyang inilalahad.
ay kinakailangan maging responsable
3. Balanse - Nagkakasunod anghalos lahat
lalong lalo nasa paglalahad ng
ng akademiya,kinakailangan tayo ay
ebidensya,patunay, o anumang
gumamit ng walang pagkiling; seryoso
nagpapatibaysa kanyang argumento.
atargumento; dapat ang akademikong
pagsulat ay seryoso at hindi emosyonal 8. Malinaw na layunin – Layunin ng
upang maging makatwiran ang mga akademikong pagsulat ay matugunan ang
pahayag. mga tanong kaugnay sa isang paksa. Ang
mga tanong na ito ang nagbibigay nglayunin,
kaya magkaugnay palagiang layunin at mga
Katangian ng Akademikong Pagsulat paksa. Anglayunin ay dapat umiikot
sapaksang tatalakayin.
1. Kompleks - Ang pagsulat gamitang ating
wika ay mas kompleks kesa sa pasalitang 9. Malinaw na pananaw – Ang
wika. Ang pasulat na wika na may mas higit akademikong pagsulat ay hindi lamang
na mahabang salita, maykomplikasyon at hanguan ng sources. Layunin ng manunulat
bokabularyo, at kompleksidad na sakanyang papel na maipakita ang sariling
gramatika. pag-iisip hinggil sa paksang sinulat.
*punto de bista (POV) ng manunulat ay
dapat maging malinaw
FILIPINO SA PILING LARANG | 1
10. May pokus - Bawat pangungusapat ● Mapanuring Layunin - tinatawag din itong
talata ay sumusuporta dapat sa nais analitikal na pagsulat. Ang layunin dito ay
ipahayag. Sa paggawa ng sulatin, ipaliwanag at suriin ang mga posibleng
kailangang iwasan ang hindi kinakailangan, sagot sa isang tanong at piliin ang
hindi nauugnay, at hindi mahahalaga pinakamahusay na sagot batay sa ilang
atmasasabi nating taliwas sa impormasyong pamantayan
isinama sa sulatin.
● Impormatibong Layunin - ipinapaliwanag
11. Lohikal na organisasyon – May ang mga posibleng sagot sa isang tanong;
sinusunod na istandard oorganisasyon magbigay ng bagong impormasyon
na huwaran. Dapat may lohikal na
organisasyon.Tatlong mahahalagang
bahagi: Tungkulin o Gamit ng Akademikong
Pagsulat
o Introduksyon - Nagpapakilala ng
paksang nais ipahayag. “…Academic papers are a specially-
o Katawan - Naglalaman itong iba’t designed torture instrument.”
ibang datos,impormasyon, ebidensya
Gustong-gusto umano itong gamitin ng mga
atmga salita o pahayag nakaugnay sa
guro dahil hindi sila direktang sangkot sa
paksa.
torture. Ang mga estudyante mismo umano
o Konklusyon - Buod ngkaisipang nais
ang nagtotorture sa kanilang sarili sa
ipahayagayon sa paksa. Dito
pamamagitan ng hindi pag-alam sa kung
bumubuo ng sariling pahayag. Dapat
paano isusulat ang kanilang papel at sa
ibatay sakung ano ang nilagay sa
paghihintay ng pinakahuling sandali bago
katawan ng sulatin
simulan ang pagsulat ng kanilang papel.
12. Matibay na suporta - katawan ng talata 1. Ang akademikong pagsulat ay
ay kailangang may sapat at kaugnayan na lumilinang sa kahusayan ng wika
suporta para sa paksang pangungusap at Sa apat na makrong kasanayang
tesis na pahayag. pangwika, Pagsulat ang pinakahuli
dahl ito ang pinakamahirap linangin.
13. Malinaw at kumpletong eksplenasyon
Sa akademikong pagsulat nalilinang ang
- kailangang matulungan ang mambabasa
kakayahang komunikatibo ng mga mag-
tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa
aaral. Sa pamamagitan ng kaalaman sa
ng papel.
gramatika at sintaktika sa mga
14.Epektibong pananaliksik - kailangang gawaing pasulat, nalilinang ang
gumamit ng napapanahon, propesyunal, kakayahang linggwisti ng mga mag-
at akademikong hanguan ng mga aaral.
impormasyon.
2. Ang akademikong pagsulat ay
15. Iskolaring estilo sa pagsulat - sinisikap
lumilinang ng mapanuring pag-iisip
nito ang kalinawan at kaiklian; madaling
Sa pamamagitan naman ng paglalapat
basahin
ng mga prinsipyong pangkomunikasyon
sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang
kakayahang pragmatik ng mga mag-
Layunin ng Akademikong Pagsulat
aaral.
● Mapanghikayat na layunin - layunin ng Samantala, sa pag-oorganisa ng mga
manunulat na mahikayat ang mambabasa akademikong papel, nalilinang ang
na maniwala sa kanyang posisyon tungkol kakayahang doskorsal ng mga mag-
sa isang paksa. Halimbawa: editorial, aaral.
sanaysay, talumpati

FILIPINO SA PILING LARANG | 2


3. Ang akademikong pagsulat ay 4. Ang akademikong pagsulat ay isang
lumilinang ng pagpapahalagang paghahanda sa propesyon.
pantao Ang isang mahusay na manunulat ay
Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan isang mahusay na mambabasa. Halos
bilang isang proseso, kaysa bilang isang imposibleng makasulat ng isang
output. Ang prosesong ito ay maaaring mahusay na akademikong papel ang
kasangkutan ng pagbasa, pagsuri, isang manunulat nang hindi nagbabasa.
pagpapasya at iba pang mental o Sa yugtong ito, ang manunulat ay
pangkaisipang gawain. nagsusuri rin ng kanyang binasa.

ARALIN 2: PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLAGOM


Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report,
bersyon ng isang sulatin o akda. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
Mahalagang makuha ng sinumang disertasyon na makikita sa unahan ng
nagbabasa o nakikinig ang kabuuang pananaliksik pagkatapos ng title page o
kaisipang nakapaloob sa paksang pahina ng pamagat. Ito ang naglalaman ng
nilalaman ng sulatin o akda. pinakabuod ng buong akdang akademiko
o ulat. Ayon kay Philip Koopman (1997) sa
kanyang aklat na How to Write an
Kagandahang Dulot ng Pagsasagawa ng
Abstract, bagama't ang abstrak ay maikli
Paglalagom ng Mag-aaral
lamang, tinataglay nito ang mahahalagang
1. Natututunan ang pagtitimbang-timbang elemento o bahagi ng sulating akademiko
ng mga kaisipang nakapaloob sa tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na
binabasa. literatura, metodolohiya, resulta, at
2. Natutunanan niyang sumuri ng nilalaman kongklusyon. Naiiba ito sa kongklusyon
ng kanyang binabasa. sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod
3. Nahuhubog ang kasanayan ng mag- ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
aaral sa pagsulat ng partikular na ideya
at ang tamang paghabi ng mga
pangungusap sa talata Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
4. Nakatutulong sa pagpapaunlad o Abstrak
pagpapayaman ng bokabularyo
1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat
Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki- ng mga akdang pang-akademiko, lahat
pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay ng mga detalye o kaisipang ilalagay
nakatutulong nang malaki sa larangan ng rito ay dapat na makikita sa kabuoan
edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring
sa mabilis na takbo ng buhay sa maglagay ng mga kaisipan o datos na
kasalukuyan,at ang marami ay parang hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o
nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin sulatin.
o puntahan, nakatutulong nang malaki ang 2. Iwasan din ang paglalagay ng mga
pagbabasa ng maiikling sulatin na kalimitang statistical figure o table sa abstrak
naglalaman ng pinakabuod ng isang sapagkat hindi ito nangangailangan
mahabang babasahin, teksto o pag-aaral. ng detalyadong pagpapaliwanag na
magiging dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at
ABSTRAK direktang mga pangungusap. Huwag
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na maging maligoy sa pagsulat nito.
karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga 4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad
akademikong papel tulad ng tesis, papel na lamang ang mga pangunahing kaisipan

FILIPINO SA PILING LARANG | 3


at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito. o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa
maikli ngunit komprehensibo kung ng seleksiyon o akda, kung kaya't nararapat
saan mauunawan ng babasa ang na maging payak ang mga salitang
pangkalahatang nilalaman at nilalayon gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang
ng pag-aaral na ginawa. pangunahing kaisipang taglay ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng
tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
lantad na makikita sa akda o minsan naman,
Ang abstrak ay bahagi ng akademikong ito ay di tuwirang nakalahad kaya
papel o ulat na pinakahuling isinusulat mahalagang basahing mabuti ang kabuoan
ngunit kadalasang unang binabasa ng mga nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye
propesor o mga eksaminer ng papel. Kaya ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa
naman, napakahalagang maging maingat sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan?
pagsulat nito. Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong na ito, magiging
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel
madali ang pagsulat ng buod.
o akademikong sulatin na gagawan ng
abstrak. Sa pagsulat ng sinopsis o buod,
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing mahalagang maipakilala sa mga babasa nito
kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng kung anong akda ang iyong ginawan ng
sulatin mula sa introduksiyon, kaugnay buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa
na literatura, metodolohiya, resulta, at pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng
kongklusyon. akda. Makatutulong ito upang maipaunawa
3. Buoin, gamit ang mga talata, ang mga sa mga mambabasa na ang mga kaisipang
pangunahing kaisipang taglay ng bawat iyong inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito
bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa ay buod lamang ng akdang iyong nabasa.
pagkakasunod-sunod ng mga bahaging Iwasan din ang magbigay ng iyong
ito sa kabuoan ng papel. sariling pananaw o paliwanag tungkol sa
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, akda. Maging obhetibo sa pagsulat nito.
graph, table, at iba pa maliban na lamang
kung sadyang kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Suriin kung may nakaligtaang Sinopsis o Buod
mahahalagang kaisipang dapat isama
Narito ang ilang mahahalagang bagay na
rito.
dapat tandaan sa pagsulat ng buod o
6. Isulat ang pinal na sipi nito.
sinopsis.
1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa
SINOPSIS/BUOD pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom
ng orihinal na sipi nito. Kung ang
na kalimitang ginagamit sa mga akdang
damdaming naghahari sa akda ay
nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento,
malungkot, dapat na maramdaman din
salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati,
ito sa buod na gagawin.
at iba pang anyo ng panitikan. Ang buod ay
3. Kailangang mailahad o maisama rito
maaaring buoin ng isang talata o higit pa o
ang mga pangunahing tauhan maging
maging ng ilang pangungusap lamang. Sa
ang kanilang mga gampanin at mga
pagsulat ng sinopsis, mahalagang
suliraning kanilang kinaharap.
maibuod ang nilalaman ng binasang akda
4. Gumamit ng mga angkop na pang-
gamit ang sariling salita. Ang pagbubuod
FILIPINO SA PILING LARANG | 4
ugnay sa paghabi ng mga pangyayari abstrak ng mga sulating papel, web sites, at
sa kuwentong binubuod lalo na kung iba.
ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng
Kadalasan, ito ay ginagamit sa
dalawa o higit pang talata.
paggawa ng bio-data, resume, o
5. Tiyaking wasto ang gramatika,
anumang kagaya ng mga ito upang
pagbabaybay, at mga bantas na
ipakilala ang sarili para sa isang
ginamit sa pagsulat.
propesyonal na layunin. Ito rin ang
6. Huwag kalimutang isulat ang
madalas na mababasa sa bahaging
sangguniang ginamit kung saan hinango
“Tungkol sa lyong Sarili” na makikita sa mga
o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
social network o digital communication sites.
Halimbawa nito ay ang bionote o
Mga Hakbang sa Pagsulat ng pagpapakilala sa sarili ng mga gumagawa
Sinopsis/Buod ng blog. Ito ang nagpapakilala ng ilang
mahahalagang detalye sa buhay ng kung
Narito naman ang mga hakbang na
sino ang nasa likod ng blog. Ito rin ay
maaaring gamitin sa masining at maayos na
maaaring magamit ng taong naglalathala ng
pagsulat ng buod ng isang akda.
isang aklat o artikulo. Sa madaling salita,
1. Basahin ang buong seleksiyon o akda layunin ng bionote na maipakilala ang sarili
at unawaing mabuti hanggang makuha st madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng
ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito. mga personal na impormasyon tungkol sa
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa
pangunahing kaisipan. sa buhay.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung
maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at Mga Bagay na Dapat Tandaan sa
huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro- Pagsulat ng Bionote
kuro ang isinusulat. Narito ang mahahalagang bagay na dapat
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa tandaan sa pagsulat ng bionote.
orihinal.
1. Sikaping maisulat lamang ito nang
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at
maikli. Kung ito ay gagamitin sa resumé
kung mapaiikli pa ito nang hindi
kailangang maisulat ito gamit ang 200
mababawasan ang kaisipan ay lalong
salita. Kung ito naman ay gagamitin para
magiging mabisa ang isinulat na buod.
sa networking site, sikaping maisulat ito
sa loob ng lima hanggang anim na
BIONOTE pangungusap.
Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga
lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal personal na impormasyon o detalye
profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng
na ng iyong talambuhay o tinatawag sa mga detalye tungkol sa iyong mga
Ingles na autobiography o kaya ng interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay
kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao na nakamit, gayunman, kung ito ay
o biography. Parang ganito rin ang bionote marami, piliin lamang ang dalawa o
ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga tatlong pinakamahalaga.
ito. Ayon kay Dueñas at Sanz (2012) sa 3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan
kanilang aklat na Academic Writing for upang maging litaw na obhetibo ang
Health Sciences, ang bionote ay tala sa pagkakasulat nito.
buhay ng isang tao na naglalaman ng buod 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito.
ng kanyang academic career na madalas ay Gumamit ng mga payak na salita upang
makikita o mababasa sa mga journal, aklat, madali itong maunawaan at makamit ang

FILIPINO SA PILING LARANG | 5


totoong layunin nitong maipakilala ang ka.
iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang 5. Basahing muli at muling isulat ang
paraan. May ibang gumagamit ng pinal na sipi ng iyong bionote.
kaunting pagpapatawa para higit na Maaaring ipabasa muna ito sa iba bago
maging kawili-wili ito sa mga babasa, tuluyan itong gamitin upang matiyak ang
gayunman iwasang maging labis sa katumpakan at kaayusan nito.
paggamit nito. Tandaan na ito ang
mismong maglalarawan kung ano at sino

ARALIN 3: PAGSULAT NG TALUMPATI

Ang pagtatalumpati ay isang proseso o 2. Talumpating Panlibang


paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan - Magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig .
sa paraang pasalitang tumatalakay sa - Kailangang lahukan ito ng mga birong
isang partikular na paksa. Karaniwang nakatatawa na may kaugnayan sa paksa.
sinusulat upang bigkasin sa harap ng mga - Halimbawa: kadalasan ginagawa ito sa mga
tagapakinig. Ang isang talumpating isinulat salo-salo, pagtitipong sosyal, at mga polong ng
ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito Samahan
ay hindi mabibigkas sa harap ng madla.
3. Talumpating Pampasigla
Mga Uri ng Talumpati - Magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig.
1. Biglaang Talumpati (Impromptu) - Ito ay - Sa pagsulat nito tiyaking ang nilalaman nito ay
ibinibigay nang biglaan o walang makapukaw at makapagpapasigla sa
paghahanda, kaagad na ibinibigay ang damdamin at isipan ng tagapakinig o tao.
paksa sa oras ng pagsasalita. - Halimbawa: Talumpati sa araw ng pagtatapos,
2. Maluwag na Talumpati (Extemporaneous) Pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan,
- Isinasagawa nang biglaan o walang kumbensiyon
paghahanda. Nagbibigay ng ilang minuto
para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan. 4. Talumpating Panghihilkayat
Kaya madalas na outline lamang ang - Hikayatin ang mga tagapakinig na
isunusulat ng mananalumpating tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati
gumagamit nito. sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at
3. Manuskrito - Ang talumpating ito ay mga patunay.
ginagamit sa mga kumbesyon seminar o - Halimbawa: Talumpati sa kongreso,
programa sa pagsasaliksik kaya pinag- talumpating abugado sa panahon ng paglilitis sa
aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. hukuman
4. Isinaulong Talumpati - Ito ay kagaya rin ng
manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding 5. Talumpati ng Pagbibigay Galang
pinag-aralan at hinabi nang maayos bago - Tanggapin ang bagong kasapi ng samahan
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. o organisasyon, ginagawa ito bilang
pagtanggap sa isang bagong opisyal na
Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin naitalaga sa isang tungkulin
1.Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
- Ipabatid sa mga tagapakinig ang tungkol sa 6. Talumpati sa Papuri
isang paksa, isyu, o pangyayari, maging - Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa
malinaw at makatotohanan ang paghahalad isang tao o samahan.
ng mga datos kaya mahalagang sa pagsulat Halimbawa:
nito ang paggamit ng mga documentong - Talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang
mapagkakatiwalaan. na opisyal
- Makatutulong ang paggamit ng mga larawan, - Talumpati ng pagkilala sa isang taong
tsart, dayagram, sa ganitong layunin ng namatay(Eulogy)
talumpati - Talumpati sa paggagawad ng medalya o
- Halimbawa: SONA sertipiko ng pagkilala

FILIPINO SA PILING LARANG | 6


- Magiging mahina ang talumpati kong ito ay
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng salat sa datos, walang laman at may maling
Talumpati impormasyon.
A. Uri ng mga Tagapakinig (Mula kay Lorenzo - Ngayon ang internet ay isa sa pangunahing
et al.,2022) ginagamit sa pangangalap ng datos mula sa
Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati, pinagkakatiwalaang mga sanggunian.
mahalagang magkaroon ng kabatiran ang
mananalumpati tungkol sa kaalaman, 2. Pagbuo ng Tesis
pangangailangan, at interes ng kanyang - Pangunahing kaisipan sa paksang
magiging tagapakinig. tatalakayin, dito iikot ang mahalagang
mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig
1. Ang edad po gulang ng mga makikinig - - Ito ang pangunahing ideya kung ang layunin
Kailangan iakma ang nilalaman ng paksa at ng talumpati ay magbigay kabatiran.
maging ang wikang gagamitin sa edad ng - Pangunahing argumento o posisyon kung ang
mga makikinig. (Ang mga bata ay tiyak na hindi layunin ay manghikayat
lubos na magiging interesado sa mga paksang - Nagsisilbi naman itong pokus ng
pangmatanda, gayundin, magiging kabagot- pagpapahayag ng damdamin kung ang
bagot para sa mga matatanda sa mga paksang layunin ay magtaguyod ng pagkakaisa ng
pambata.) damdamin ng mg makikinig
2. Ang bilang ng mga makikinig - Importante
ring malaman ang bilang ng tagapakinig kong 3. Pagtukoy sa Mga Pangunahing Kaisipan o
maraming makikinig, marami ring paniniwala Pokus
o saloobin ang dapat isaalang-alang - Ito ang magsisilbing batayan ng talumpati
- Mahalagang mahimay ang mga detalyeng
3. Kasarian - Ang pagkakaroon ng iba't ibang bibigyang- pansin upang maging
interes, kawilihan, karanasan at kaalaman ng komprehensibo ang susulatin at bibigkasing
kababaihan sa kalalakihan hinggil sa isang talumpati.
particular na paksa ay isa rin sa dapat isaalang-
alang sa pagsulat ng talumpati C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
Malaki ang epekto ng paraan ng
4. Edukasyon o antas sa lipunan - pagkakabalangkas ng nilalaman ng talumpati sa
Mahalagang malaman ang antas ng edukasyon pag-unawa ng mga tagapakinig.
ng nakararaming dadalo at antas sa kanilang 1. Kronolohikal na Hulwaran
buhay sa lipunan - Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay
nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga pangyayari o panahon.
nakikinig - Dapat mabatid din kung gaano na - Ihanay ang mga detalye ng pangyayari mula sa
kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga unang pangyayari, sumunod na mga
nakikinig tungkol sa paksa. pangyayari, at panghuli ang huling pangyayari

B. Tema o Paksang Tatalakayin 2. Topikal na Hulwaran


Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang - Ang paghahanay sa mga materyales ng
upang ang bubuoing talumpati ay may talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa
kinalaman sa layunin ng pagtitipon. - Halimbawa kung tatalakayin ang kultura ay
maaaring hatiin ito sa espisipikong paksa tulad
1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na ng sosyolohiya, antropolohiya at maging uri ng
babasahin heograpiyang kinalalagyan ng tao
- Maaari tong maisagawa sa pamamagitan ng
pagbabasa at pangangalap ng impormasyon 3. Hulwarang Problema-Solusyon
sa ensayklopedya, magasin,akalat at - Gamit ang hulwarang ito ang talumpati ay
pahayagan. nahahati sa dalawang bahagi:
- Maaari rin magsagawa ng interbyu sa isang a. Paglalahad ng suliranin
taong eksperto. b. Pagtalakay sa solusyon na maaaring
isagawa

FILIPINO SA PILING LARANG | 7


- Kalimitang ginagamit ang hulwarang ito sa uri mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa
ng talumpating manghihikayat at nagpapakilos. mga nakikinig.
Katangian dapat taglayin ng katawan ng
D. Kasanayan sa Paghahabi ng Mga Bahagi talumpati:
ng Talumpati (Retorika ng Kolehiyo) a. Kawastuhan - dapat na totoo at
Ang paghahabi ng pagsulat ng nilalaman ng maipapaliwanag nang mabisa ang lahat
talumpati mula umpisa hanggang sa matapos ito ng kailangang detalye upang
ay napakahaalaga ring isaalang-alang upang maipaliwanag ang paksa, kailangan
higit na maging mahusay, komprehensibo, at gumamit ng angkop na wika at may
organisado ang bibigkasing talumpati. kawastuhang pambalarila ang talumpati.
b. Kalinawan - kailangan maliwanag ang
1. Introduksyon pagkakasulat at pagkakabigkas ng
- Pinakapanimula ng talumpati. Ito ay talumpati upang maunawaan ng mga
naghahanda sa mga nakikinig para sa nakikinig
nilalaman ng talumpati kaya naman dapat c. Kaakit-akit - gawing kawili- wili ang
angkop ang pambungad sa katawan ng paglalahad ng mga katawan o
talumpati. paliwanag para sa paksa
a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng
mga makikinig 3. Katapusan o Kongklusyon
b. makuha ang kanilang interes at - Dito nakasaad ang pinakakongklusyon ng
atensiyon talumpati
c. maihanda ang mga tagapakinig sa - Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay
gaganaping pagtalakay sa paksa at argumentong inilahad sa katawan ng
d. maipaliwanag ang paksa talumpati
e. mailahad ang balangkas ng paksang - Kalimitang maikli ngunit malaman.
tatalakayin
f. maihanda ang kanilang puso at isipan sa 4. Haba ng talumpati
mensahe - Dito nakasalalay kung ilang minuto o oras
ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon
2. Diskusyon o Katawan
- Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi
ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang

ARALIN 4: PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY (SINING NG PAGLALAHAD)

Ang paglalahad ay isang detalyado at 1. Sapat na kaalaman o impormasyon sa


komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, paksang tinatalakay
pook, o ideya. (UP Diksyunaryong Pilipino – 2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong
Binagong Edisyon, 2010) kahulugan
3. Malinaw at maayos na pagpapahayag
Ito ay hindi nagsasalaysay ng isang kwento. Ito
4. Paggamit ng larawan, balangkas at iba pang
ay hindi rin naglalarawan ng isang bagay. Ito ay hindi
pantulong upang madali ang pag-unawa sa
rin nagpapahayag ng isang paninindigan. Bagkus,
ipinaliliwanag
ito ay nagpapaliwanag. Ito ay isang
5. Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng
pagpapaliwanag na obhetibo, walang pagkampi,
anumang bagay na nasasaklaw ng tao
at may sapat na detalye na pawang pampalawak
ng kaalaman sa paksang binibigyang- linaw Munting sulyap sa kasaysayan ng Sanaysay:
nang lubos na maunawaan ng may interes. (Jose Ang salitang “Sanaysay” ay hango sa salitang
Arrogante) Pranses na “essayer” na ang ibig sabihin ay
“sumubok o tangkilikin”. Ito ay nagsimulang
Mga dapat taglayin ng isang tagapaglahad upang
yumabong sa mga sulatin ni Michael De Montaigne.
maging epektibo ang paglalahad: (Sining ng
Bago paman isilang si Kristo ay nagsimula na rin
Pakikipagtalastasan – Kagawaran ng Filipino (TUP,
ito sa Asya sa pangunguna ni Confucius na
Manila))
sumulat ng Analects at ni Lao Tzu na sumulat

FILIPINO SA PILING LARANG | 8


naman ng Tao Te Ching. Noon namang ika- 14 na 2. Katawan – Ito ang pinakalaman ng akda na
dantaon, nakilala si Yushida Kenko ng hapon na kinakailangang maging mayaman sa kaisipan.
may katha ng Tsureguregusa o mga sanaysay sa Kailangan ding magtataglay ng kaisahan ang
katamaran. mga ideya nito.
3. Wakas – Dito karaniwang nababasa ang
Kahulugan ng Sanaysay ayon sa sumusunod na pangkalahatang impresyon ng may-akda.
tagapagtaguyod: Maaaring ilahad sa bahaging ito ang buod o
Ang sanaysay ay isang kasangkapan upang konklusyon ng sumulat.
isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at
komentaryo sa buhay. (Francis Bacon) ANG REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang paglalahad ng sariling Ayon kay Michael Stratford, isang guro at
opinion o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa manunulat, Ang Replektibong Sanaysay ay isa sa
isang bagay o paksa. (Paquito Badayos) mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa
Ang salitang sanaysay ay nangangahulugang introspeksyon na pagsasanay. Kinapapalooban ito
nakasulat na karanasan ng isang sanay sa ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip,
pagsasalaysay. (Alejandro Abadilla) nararamdaman, pananaw at damdamin hinggil sa
isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto
Uri ng Sanaysay sa taong sumusulat nito.
1. Pormal - ito ay nagbibigay ng patalastas sa Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa
isang paran maayos at mariin at bunga ng isang West Virginia University at University of Akron, ang
maingat na pagtitimbang-timbang ng mga replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal
pangyayari at mga kaisipan. Kung minsay na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang
tinatawag din itong impersonal o siyentipiko karanasan o pangyayari.
sapagkat ito’y binabasa upang makakuha ng
impormasyon. Narito ang mga halimbawang paksa na maaring
gawan ng replektibong sanaysay:
2. Impormal - tinatawag din itong pamilyar o • Librong katatapos lang basahin
personal at nagbibigay diin sa isang istilong • Katatapos na proyekto sa isang asignatura
nagpapamalas ng katauhan ng may-akda. • Pagsali sa isang pansibikong gawain
Karaniwan itong may himig na parang pakikipag- • Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa • Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo
buhay. Ito’y naglalarawan ng pakahulugan ng may sa West Philippine Sea
akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng • Paglutas sa isang mabigat na suliranin
kanyang pagbubulay- bulay at naglalahad ng • Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
kanyang kuro-kuro o pala-palagay
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Mga Labindalawang natatanging uri ng Replektibong Sanaysay
Sanaysay 1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na
1. Nagsasalaysay iikutan ng nilalaman ng sanaysay.
2. Naglalarawan 2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng
3. Mapag-isip o di praktikal panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga
4. Kritikal o mapanuri panghalip na ako, ko, at akin sapagkat ito ay
5. Didaktiko o nangangaral kadalasang nakasalig sa personal na
6. Nagpapaalala karanasan.
7. Editoryal 3. Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na
8. Makasiyentipiko karanasan, mahalagang magtaglay ito ng
9. Sosyo-politikal patunay o patotoo batay sa iyong mga
10. Sanaysay na pangkalikasan naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil
11. Sanaysay na bumabalangkas sa isang sa paksa upang higit na maging mabisa at
tauhan epektibo ang pagkasulat nito.
12. Mapagdili-dili o replektibo 4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat
nito. Tandaang ito ay kabilang sa akademikong
Bahagi ng Sanaysay: sulatin.
1. Panimula – Tandaang ito dapat ay nakakatawag 5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat
ng pansin o nakakapukaw sa damdamin ng mga nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan
mambabasa. ang gawaing pagpapaliwanag ng mga ideya o

FILIPINO SA PILING LARANG | 9


kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa Sundan ito agad ng pagpapakilala ng paksa at
mga babasa. layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa magsisilbing preview ng kabuoan ng sanaysay.
pagsulat ng sanaysay: introduksyon, katawan at Isulat ito sa loob lamang ng isang talata.
konklusyon.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat Katawan:
ng mga talata. Ilahad ang mga pantulong o kaugnay na
kaisipan tungkol sa paksa na inilahad sa panimula.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Maglagay rin sa bahaging ito ng mga obhetibong
Sanaysay datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan
upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong
Pangunahing Kaisipan: ipinaliliwanag. Makatutulong nang Malaki kung
Ano ang aking nararamdaman o pananaw gagamit din ng mga magpagkakatiwalaang mga
tungkol sa paksa? sanggunian bilang karagdagang datos na
Paano ito makaaapekto sa aking buhay? magpapaliwanag sa paksa. Isulat din ang iyong mga
Bakit hindi ito makaaapekto sa aking natutuhan na may kaugnayan sa paksa. At
pagkatao? magbigay ng mga patotoo kung paano nakatulong
Matapos masagot ang mga tanong na ito, ang mga karanasang ito sa iyo.
lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng
isang pangungusap. Konklusyon:
Ito ang iyong magsisilbing pangunahing kaisipan na Paano mo magagamit ang iyong mga
siyang magiging gabay o batayan sa pagsulat ng natutuhan sa buhay sa hinaharap?
iyong Maaring magbigay ng hamon sa mga
replektibong sanaysay. mambabasa na sila man ay magnilay sa kanilang
buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay
Simula/Panimula: mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.
Dapat makakapukaw sa atensyon ng mga
mambabasa. Tandaan:
Maaaring gumamit ng pahayag mula sa Ang replektibong sanaysay ay isang personal na
isang tao o quotation, tanong, anekdota, pagtataya tungkol sa isang paksa na maaaring
karanasan at iba pa. makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa
mga taong makababasa nito.

FILIPINO SA PILING LARANG | 10

You might also like