You are on page 1of 9

12

F.

FILIPINO
(Piling Larang-Akademik)
Unang Markahan-Modyul1:
PagbibigayKahulugan
sa AkademikongPagsulat
May-akda: Victor F. Ang Jr.
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
∙ Aralin1 – Pagbibigay Kahulugan sa Akademikong Pagsulat

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod:


A. nakikilala ang akademikong pagsulat; at
B. naipaliliwanag/nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat gamitang sariling
pananalita.

Subukin
Bago ka magpatuloy sa aralin, subukan mong ipaliwanag o bigyanngsariling
kahulugan ang Akademikong Pagsulat.

___________________________________________________________

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

Aralin

1 PagbibigayKahulugan
sa
AkademikongPagsulat
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang tungkol sa pagbibigay ng kahulugansa
Akademikong Pagsulat gamit ang sariling pananalita. Magagawa mo itosapamamagitan ng
matapat na pagsasakatuparan ng mga gawain.

Balikan
Mula sa nakaraang taon na pag-aaral ng Filipino, ano ang
kahuluganatkahalagahan ng pagsulat?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________________________.

Tuklasin
A. Panimula

1. Isulat sa loob ng kahon ang mga salitang maiisip mo kaugnaysaakademikong


sulatin. Pagnilayan ito. Maaring makipag-usap sa kaklaseosinomang nakakaalam kaugnay sa
akademikong sulatin.

Akademikong
Sulatin
2. Mula sa mga salitang isinulat sa kahon, ano ang katangian ng isangakademikong
sulatin?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2
B. Pagbasa

Matapos mong ilahad ang mga katangian ng akademikong sulatin, oras na para
pumalaot sa talakayan. Handa ka na ba? Umpisahanitosapamamagitan ng pagbasa at
pagsagot sa mgatanong.

AKADEMIKONG PAGSULAT, DAPAT SAPAT AT LAPATni Voltaire M.


Villanueva

Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang


isipangpinagmumulan ng proseso ng kognisyon. Samakatuwid, magkatambal ang
pagsulat at pag-iisip.Nakapaloob sa pag-iisip ang kalipunanngmgakaalamanbuhat sa
biyolohikal at kaalamang idinulot ng karanasan. Taglay rin ng lawak ng pag-iisip ang
imahinasyon na pangunahingsangkap sa pagpapalawak ng isang uri ng sulatin.
Pinabibisa paitongtamang gamit ng salita, kataga, ekspresyon, at
kalipunanngmgapangungusap na binuo ng kaisipan ng isang tao.
Isang uri ng pagsulat ang akademikong sulatin. Ito ay makikilalasalayunin, gamit,
katangian at anyo nito. Taglay ng akademikongsulatinang mataas na gamit ng isip
upang maipahayag ang ideya bilang batayanng karunungan.

Tulad ng iba pang uri ng pagsulat, ang akademikong sulatinaynagtataglay ng tiyak


na hakbang o proseso. Sa paraan ng paggawangisang akademikong sulatin, makikita
ang taglay nitong mga katangian. Ito ay ang sumusunod:

1. Komprehensibong Paksa.
Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat namanayitinakdang
ipagawa, madalas nakabatay ang paksa saisyungnapapanahon na may
kaugnayan sa mga usaping panliupunanbataysa aspektong pangkabuhayan,
pampolitika, pangkultura at ibapa.

2. Angkop na Layunin
Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit naismakabuo ng
akademikong sulatin. Nakapaloob sa layuninangmithiin ng manunulat kung nais
na magpahayag ng iba’t ibangimpormasyon kaugnay ng katotohanan,
manghikayat ng paniwalaanang argumentong inilalahad, suportahan o
pasubalian ang mgadati nang impormasyon at iba pang layuning nakaugat sa
dahilanngpagbuo ng akademikong sulatin.

3. Gabay na Balangkas
Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong sulatin. Gabayito upang
organisahin ang ideya ng sulatin. May tatlong uri ng
3
balangkas: balangkas na paksa, balangkas na pangungusap, atbalangkas na
talata.

4. Halaga ng Datos
Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatinsadatos. Maituturing na
pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng anumangakda. Kung
walang datos, walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin.

5. Epektibong Pagsusuri
Hindi makahihikayat ng mambabasa ang isang akademikongsulat kung ang
nilalaman nito ay nakabatay lamang sa pansarilingpananaw ng sumusulat.
Kailangang lagpasan ang opinyonatmapatulang ang katotohanan. Ang pagsusuri
ay nakabatay saugat osanhi ng suliranin at nagpapakita ng angkop na bunga
kaugnayngimplikasyon nito sa iniikutang paksa.

6. Tugon ng Konkulsyon
Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sanaisnamaipahayag ng
akademikong sulatin. Makikita sa konklusyonangkasagutan sa mga itinampok na
katanungan sa isinulat na pag-aaral.

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano ang ibig sabihin ng akademikong sulatin batay sa binasa?2. Ano-ano ang
pamamaraan upang maging komprehensibo at epektibo ang akademikong
sulatin?
3. Bakit mahalaga ang akademikong sulatin sa buhay ng isang mag- aaral na tulad
mo?
4. Paano magagamit ang isip, damdamin, at kilos sa pagbuo ng isangakademikong
sulatin?
5. Kung hindi magagampanan ng isang manunulat ang katangiangkailangan
ng akademikong sulatin, paano nito maaapektuhanang
mithiin ng sulatin na magpahayag at makipagtalastasan?

Suriin
Ang akademikong sulatin ay isang uri ng sulatinnapang-akademiko ang
tungunhin. Ito ay makikilala sa layunin, gamit, katangianat anyo nito. Taglay ng
akademikong sulatin ang mataas na gamit ngisipupang maipahayag ang ideya
bilang batayan ng karunungan.
Tulad ng iba pang uri ng pagsulat, ang akademikong sulatinaynagtataglay ng tiyak na
hakbang o proseso. Sa paraan ng paggawangisang akademikong sulatin ay makikita
ang mga sumusunodnakatangian: Komprehensibong paksa, angkop na layunin, may
gabaynabalangkas, pagpapahalaga sa datos, epektibong pagsusuri at konklusyon.
Likas sa pagsusulat ang paggamit ng isip, damdamin, at kilos. Angugnayan ng
ideya, nararamdaman o saloobin, at tiyak na kilosangbatayan ng isang
komprehensibo at epektibong pagsulat. Nakasalalaysaugnayan ng isip, damdamin, at
kilos ang nilalamang dapat maipahayagsaanumang isusulat na akademikong sulatin.
Dahil sa pangkalahatang paliwanag na taglay ng konklusyon, maymga ilang
paalala na dapat tandaan para sa pagsulat: Huwag magpasok ng bagong materyal.
Ang konklusyonayiyong lugar upang tapusin ang iyong sulatin, hindi
magtaponngkaragdagang punto na hindi mo nagawa sa katawan ng talata. Huwag
pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi ngtawad sa isang bagay na
pinaliwanag mo na. Kung sinunodngiyong sulatin ang lahat ng kumbensiyon ng
akademikong pagsulat –kung nakalikha ka ng tesis at nakapagbigay ng
ebidensyaupangpatunayan ang iyong posisyon – nasagot mo na ang inaasahanngiyong
mambabasa.
Huwag magtapos sa “cliff hanger” na iniiwang
bitinangmgamambabasa. Tandaan, na ang tanging layunin ng iyong
sulatinaymagbigay ng katibayan para sa iyong tesis kung kaya’t
angkongklusyon mo ay naglalayon na masagot ang lahat ngmgakatanungan
ng mambabasa.

Pagyamanin Sa pagkakataong ito ay palawakin mo ang iyong kakayahan.


Batay, saiyongnaunawaan at taglay na mga impormasyon sa akademikong pagsulat.
Ipaliwanagang akademikong pagsulat gamit ang sariling pananalita. Gamitin ang
pamantayansa ibaba

Pamantayan sa Pagmamarka:
Paraan ng pagpapaliwanag 20 puntos

Paggamit ng sariling pananalita 30 puntos

KABUUAN 50 puntos
Isaisip
1. Gamit ang dayagram, ibuod mo ang iyong pinag-aralan.

ISIP

PAGSULAT
DAMDAMIN

KILOS AKADEMIKONGPAGSULAT

2. Ang akadamekiong pagsulat ay


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________

Isagawa
Ilapat mo sa tunay na buhay ang iyong natutuhan sa ating aralin. Puntahan ang lik
na ito https://tanggolwika.org/2020/06/12/pahayag-ng tanggol-wika-sa-ika-122-
anibersaryo-ng-deklarasyon-ng-kalayaan-ng- pilipinas/?
fbclid=IwAR392zjCM2H4ghfqUVV95CqJn2dLeHV8VhOEbieDicdBNOj 0Xd2N8b0KqZs
Basahing mabuti at pag-usapan ninyo ng iyong kapatid, kaibigan o kamag-anak. Matapos
pag-usapan, sumulat ng isang pagpapakahulugan at pagpapaliwanag sa pinakinggan
gamit ang sarilingpananalita.

Tayahin

Ngayong naunawaan mo na ang aralin, panahon na para sukatinangiyong


natutuhan. Muling basahin ang akda sa bahaging “Pagbasa.”

1. Ano ang kahulugan ng akademikong pagsulat batay sa binasa?2. Batay sa


iyong pagkaunawa, gamit ang sariling pananalita, anoangakademikong
pagsulat?
3. Ano-ano ang katangian ng akademikong sulatin ayon sa binasa?4. Batay sa
iyong pagkaunawa, gamit ang sariling pananalita, ano-anoang katangian ng isang
akademikong sulatin?
Karagdagang Gawain
Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Isagawa ang mga sumusunod:

1. Nasubukan mo na bang gamitin ang twitter? Pumuntasahttp://twitter.com at


gumawa ng account kung ikaway walapanito. Sumulat ng isang tweet tungkol sa
mahalagang natutuhansaaralin. Tiyaking laman ng tweet ang mensahe kaugnay
ng kahalagahanngkahulugan ng sulating akademiko. Kailangang
magkasyaangpahayag o tweet sa loob ng 140 na letra. I-screen shot ang
ginawangtweet at ipahayag ang ipaliwanag sa ibaba.

2. Kung gustong maging malikhain, sa isang coupon bond gumuhit nakahawig ng


twitter page at sumulat ng isang tweet tungkol sanatutuhan sa aralin na
naglalaman ng tatlong (3) natatangingsalitana naka-HashTag “#” kaugnay sa
tinalakay na kahuluganng sulatingakademiko. Kuhaan ng retrato ang natapos na
gawain at ipahayagang iyong paliwanag ukol dito.

Ang taglay mong sigla sa pag-aaral ay patunay na may paraanpara matuto


ang isang mag-aaral na tulad mo! Pagbati!

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Bandril L. et al. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungosaPananaliksik,


Vibal Group, Inc., Lungsod Quezon.
8
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Victor F. Ang Jr. (Guro, THS)


Editors: Romeo A. Pilongo (Guro, SEHS)
Feliza P. Muňoz (Pang. Punong Guro, MHS)
Tagasuri-Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri-Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng
Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: SDO-Marikina City-Curriculum

Implementation Division (CID) 2nd Floor, SDO-Marikina Bldg. Shoe Avenue, Sta. Elena,

Marikina CityTelefax: 682.3989

Email Address:

You might also like