You are on page 1of 3

Qkhier Sapla Module 4 sa Piling Larangan HUMSS-12

Gawain 1
1. Dahil pinaniniwalaang ang susi ng tagumpay ng mga kompanya, samahan, organisasyon, negosyo, at trabaho ay
ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtatrabaho bilang isang team o koponan, labis na pinahahalagahan sa
kasalukuyan ng bawat isa ang pagbabahaginan ng mga ideya at epektibong pagpaplano ng mga proyekto na
mabisang naisasagawa o naisasakatuparan sa pamamagitan ng pagdaraos ng epektibo at maayos na pagpupulong.
2. May tatlong mahahalagang elementong kailangan upang maging maayos, organisado, at epektibo ang isang
pulong. Ito ay ang memorandum, adyenda, at katitikan ng pulong.
3. Ang memo ay nagbibigay kabatiran tungkol sa gawaing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin, o utos habang ang adyenda naman ay nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa
pulong. Sa pamamagitan ng pagsusulat ng memo, nagiging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang
inaasahan mula sa kanila habang magkakaroon naman ng maayos at sistematikong pulong kung matagumpay na
nailahad ang adyenda.

Gawain 2
Pagkakaiba: Adyenda
Ang adyenda ay ang binalangkas na mga usaping pag-uusapan sa pulong. Kadalasan ay marami ang nilalaman ng isang
adyenda. Ang adyenda rin ay nagsasaad ng mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa at ang oras na itinakda
para sa bawat paksa. Ang adyenda ay nakatutulong upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong
ang mga dadalo at mag-oorganisa ng pulong.

Pagkakatulad
Ang adyenda at memorandum ay kapwa maiuugnay sa isang importanteng bagay; ang pagpupulong o miting. Kapwa
mahalaga ang ginagampanan ng dalawa upang mapanatiling maayos at organisado ang gagawing pulong.

Pagkakaiba: Memo
Ang memorandum ay ang mga paksang napag-usapan na kaya’t kinakailangan na ng aksyon. Ang memorandum ang
nagbabatid ng mga mahahalagang desisyon or proyekto na napag-usapan na sa pulong. Ito ang nagsisilbing linaw para sa
lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.

Pagsulat ng Dyornal
Nakatutulong ang memo at adyenda sa pagkakaroon ng linaw sa mga paksang napag-usapan o pag-uusapan pa lamang sa
isang pulong o miting. Ito ang magiging gabay upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan pagkatapos o habang
ginaganap ang pulong.
PERFORMANCE TASK
Memorandum

St. Francis Academy


Sta. Teresita, Cagayan Valley

MEMORANDUM
Para sa: Mga magulang ng mga mag-aaral ng St. Francis Academy
Mula kay: Leonor Briones, Sekretarya ng Kagawaran ng Edukasyon
Petsa: 5 Nobyembre 2021
Paksa: Pagbubukas ng mga paaralan para sa Face-to-Face classes

Kaisa ng Kagawaran ng Edukasyon ang pamunuan ng St. Francis Academy sa pagbubukas ng klase para sa isasagawang
face-to-face classes sa susunod na buwan.
Kalakip ng memorandum na ito ang mga gabay at alintuntunin para sa ikauunlad ng face-to-face classes.
Rules and regulations:
1. Panatilihin ang pagsusuot ng face mask.
2. Panatilihin ang 1 metrong layo ng mga mag-aaral
3. Siguruhing may sapat na baon at maiinom dahil hindi magbubukas ang school canteen
4. Siguruhin ring may pahintulot ng magulang ang pagdalo sa face-to-face classes.

Guide:
1. Magkakaroon ng limang araw bawat linggo ang mga mag-aaral para pumasok
2. Magkakaroon lamang ng 4 na asignatura bawat araw at hindi tatagal ng 1 oras bawat asignatura
3. Ang iskedyul ay nakadepende sa itatalagang set. Magkakaroon ng dalawang set. Hahatiin ang isang seksyon upang hindi
magkumpulan sa iisang silid. Ang set A ay papasok mula 7 hanggang 11 ng umaga habang papasok naman ang set B mula 1
hanggang 5 ng hapon.
4. Pagkatapos ng bawat asignatura ay may papasok dyanitor para mag-disinfect sa silid upang makaiwas sa COVID-19.
Magkakaroon rin ng alcohol para sa pag-disinfect ng mga kamay ng mga estudyante.
Agenda

Petsa: 8 Nobyembre, 2021 Oras: 9:00 – 9:30 AM

Lugar: Silid aralan ng Grade 12 St. Anthony seksyon


Paksa/Layunin: Obserbasyon ng presidente ukol sa mga suliranin sa silid aralan
Mga Dadalo: Buong mag-aaral ng Grade 12 St. Anthony seksyon
Taong magtatalakay: Presidente ng seksyon ng Grade 12 St. Anthony

Mga Paksa o Adyendang Tatalakayin


1. Ang hindi pa pagtupad ng mga mag-aaral sa kanilang nakatakdang gawain gaya ng paglilinis sa kanilang areas
2. Ang kadalasang pagpasok ng mga mag-aaral nang hindi naaayon sa tamang oras
3. Ang hindi pagpasa ng mga mag-aaral ng kanilang requirements kahit na lagpas na sa itinalagang deadline
4. Ang minsang hindi paggalang ng mga mag-aaral sa mga guro
5. Ang labis na pagkunsumo ng yeso at waks sa sahig na nagreresulta sa hindi makatwirang paggamit ng pondo ng
silid aralan

You might also like