You are on page 1of 22

ANG PAGSULAT

Modyul ng Mag-aaral sa Filipino sa


Piling Larang-Akademik

Unang Markahan Modyul 1 - Linggo 1

NOEMILYN L. MADEO
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon ∙ Rehiyong Administratibo ng Cordillera

i
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung saan ginawa
ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
maaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.
Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum ng
Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung ito
ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang pagsulat ay hindi na bago sa iyo sapagkat ito ay natutuhan mo noong ikaw ay
nagsimulang mag-aral. Subalit, kailangan ng ibayong pagsasanay upang mapanday
nang lubos ang iyong kasanayan at mapaunlad pa ang kaalaman sa akademikong
pagsulat. Paano mo ba magagamit ang kaalaman at kasanayang ito sa iba’t ibang
disiplina o larangan? Sa araling ito ay magsisilbing pundasyon ang iyong kaalaman
sa pagsulat para sa mas malalim na kasanayan sa akademikong pagsulat.

MGA INAASAHANG MATUTUHAN


Inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
• Nakabubuo ng sariling konsepto sa kahulugan ng pagsulat.
• Nahihinuha ang kahalagahan ng pagsulat sa pamamagitan ng graphic
organizer.
• Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo
ng sintesis sa napag-usapan.
• Pagsulat ng sintesis, synopsis at buod.
Subukin
Panimulang Pagtataya
Alamin natin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin. Basahin mo at unawain ang
mga sumusunod na tanong at sagutin nang buong husay. Piliin ang letra ng wastong
sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang
taong nais sumulat?
A. Akademikong Pagsulat C. Paksa
B. Pagsulat D. Wika
2. Alin ang nagsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng
iyong isusulat?
A. Akademikong Pagsulat C. Pamamaraan ng Pagsulat
B. Layunin D. Wika
3. Ayon kay Mabilin, anong layunin ng pagsulat ang nakabatay sa pansariling
karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat?
A. Akademikong Pagsulat C. Panlipunan o Sosyal
B. Malikhaing Pagsulat D. Personal o Ekspresibo
4. Anong anyo ng pagsulat ang may layuning makipag-ugnayan sa ibang tao
o sa lipunang ginagalawan.
A. Korespondensiya C. Sulating Panteknikal
B. Propesyonal na Pagsulat D. Transaksiyonal

1
5. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng sapat na
kaalaman sa paksang isusulat?
A. malinaw, masining at palasak ang mga ideya
B. masining, impormatibo at payak ang kaisipan
C. malaman, makabuluhan at wasto ang mga datos
D. maayos at organisado ang impormasyon ng sulatin
6. Nagsagawa ng pag-aaral si Lynn tungkol sa kasanayan sa pagsulat ng mga mag-
aaral dahil dito naghanap siya ng dagdag na impormasyon, materyales at batayan ng
pag-aaral sa nasabing paksa. Ano ang pangunahin benepisyo ng pagsulat ang
mahihinuha sa pahayag?
A. Masanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan.
B. Mapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan at
mga datos na kakailanganin sa pagsusulat.
C. Mahubog ang pagiging obhetibo sa paglatag ng mga kaisipang isusulat
batay sa mga nakalap na impormasyon.
D. Pagkakaroon ng pagkakataon na makapag-ambag ng kaalaman sa
lipunan.
7. Anong uri ng sulatin ang may kinalaman sa Review of Related Literature (RRL) o
kaugnay na mga literatura na pinaghahanguhan ng mga batayan?
A. Akademikong Pagsulat C. Reperensiyal na Pagsulat
B. Propesyonal na Pagsulat D. Teknikal na Pagsulat
8. Alin sa mga uri ng pagsulat nauuri ang liham pangnegosyo, naratibong ulat,
paunawa/babala at anunsiyo?
A. Akademikong Pagsulat C. Referensiyal na Pagsulat
B. Dyornalistik na Pagsulat D. Teknikal na Pagsulat
9. Sa bahaging ito ay pagpapasiyahan ng mag-aaral kung ano ang susulatin at
ang layunin sa pagsulat at estilong kanyang gagamitin. Anong bahagi ito sa
proseso ng pagsulat?
A. Actual Writing B. Editing C. Prewriting D. Revising
10. Anong uri ng pagsulat ang mga medical record at medical abstract na
inihahanda ng mga doctor at nars?
A. Dyornal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat D. Teknikal na Pagsulat
11. Anong uri ng pagsulat ang may kinalaman sa mga sulating may
kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan?
A. Akademikong Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat D. Teknikal na Pagsulat
12.Bakit kailangang maging lohikal sa pag-iisip at obhetibo ang manunulat sa
pagsusulat?
A. upang mag-iwan ng palaisipan, kakintalan o aral sa mambabasa
B. upang magamit ang wasto at tamang wika at retorika sa pagsulat
C. upang makabuo ng malinaw, mabisa at may batayan ang pagpapaliwanag o
pangangatwiran

2
D. upang ang mga kaisipan at impormasyon ay makapukaw damdamin at
makaantig ng imahinasyon
12. Ayon kay _______, ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga
lamang ng akademikong pagsulat.
A. Keller B. Kellog C. Mabilin D. Xing Jin
13. Ano ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus
ang pinal na dokumento?
A. Actual Writing B. Editing C. Prewriting D. Revising
14. Alin sa mga kasanayang makro ang naipakikita ng isang tao sa
pagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa tiyak na
paksa?
A. Pakikinig at Panonood C. Pagsasalita at Pagsusulat
B. Pagbabasa at Pagsusulat D. Pakikinig at Pagsusulat

Balikan
Ang gawaing nasa ibaba ay makatutulong upang malaman muna natin kung ano
na ang mga taglay mong kaalaman at karanasan sa pagsusulat.
Panuto: Upang malaman natin ang iyong kaalaman sa pagsulat, ibigay ang
kahulugan ng mga sumusunod na sulatin batay sa iyong mga napag-aralan noon.
Maikling pagpapakahulugan lamang ang kinakailangan.

URI NG SULATIN KAHULUGAN


TULA

SANAYSAY

PANANALIKSIK

Tuklasin
Sa bahaging ito ay magsisimula ang pag-aaral mo hinggil sa kahulugan ng pagsulat sa
pamamagitan ng isang gawain.
Panuto: Lagyan ng tsek ang tamang pagpapakahulugan sa pagsulat, ekis naman
kung ito ay nagpapahayag ng hindi makatotohanang ideya hinggil sa pagsulat. Ilagay
ang sagot sa kahon bago sa kaliwa.

3
KAHULUGAN NG PAGSULAT
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).
Mula sa aklat nina Julian, A. at Lontoc, N. (2017). Pinagyamang Pluma (Kto 12) Filipino sa
Ang(Akademik).
Piling Larang pagsulat ayQuezon
pang-akademiko lamang.
City Phoenix Publishing House, Inc.
binigyang kahulugan ang Pagsulat ayon sa mga sumusunod:
Ang ay
*Ang pagsulat pagsulat
isang ay isang makrong
kasanayang kasanayan
naglulundo na dapat
ng kaisipan at mahasa
damdamingsa mganais ipahayag
mag-aaral.
ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika (Cecilia
Austera et al., 2009).
*Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipahahayag ng tao ang nais niyang Suriin
ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman
Sa bahaging ito ay tatalakayin ang kahulugan at uri ng pagsulat.
sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan Tatalakayin
(Edwin Mabilin et al.,din dito
2012).
ang
*Angkahalagahan
pagsusulatataygamit
isangng pagsulat na maaari
pagpapahayag mong iugnay
ng kaalamang sa iyong
kailanman aylarang na
hindi maglalaho sa
isipan
napili. ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat
panahon (Mabilin, 2012).
Ang Pagsulat ay binigyang kahulugan ng mga sumusunod: (Santos, C. at
Concepcion, G., 2016)
*Ayon kay Kellog, ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayon din ang kalidad
ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.
*Ayon kay Keller, ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan.
*Ayon kay Xing Jin, ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong
gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan at retorika.

*Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin,


paniniwala at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap sa
mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.
LAYUNIN at KAHALAGAHAN ng PAGSULAT (Julian at Lontoc, 2016, p.4)
Ayon kay Royo (2001) malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng
tao. Sa pamamgitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-
agam, bungang-isip at mga pagdaramdam.
Dahil sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan,
ang lawak at tayog ng kanyang sarili, ang mga naaabot ng kanyang kamalayan.
Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala,
kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat.
Ayon kay Mabilin (2012) ang layunin sa pagsulat ay nahahati sa dalawang bahagi:
a. Personal o Ekspresibo - ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip o nadama ng manunulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay
mga ginawa ng mga manunulat na sanaysay, maikling kuwento, tula, dula at iba pang
akdang pampanitikan.
b. Panlipunan o Sosyal - ang layunin ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa
ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay
transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita,
korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon at talumpati iba pa.

4
Kahalagahan o mga benepisyong maaaring makuha sa pagsusulat (Julian at
Lontoc, 2016, p.4-5)
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2. Makaangat tayo sa iba.
3. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
4. Makasasagot sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng mga
eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik. 5. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-
aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga
kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
6. Mahihikayat at mapauunald ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
7. Magdulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
8. Nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao
9. Mahubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang
pag-aaral at pang-akademikong pagsisikap.
10.Napapanatiling buhay ang ating kultura.
11.Malilinang ang kasanayan sa panganagalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng
kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
12.Natututuhan ang ating kasaysayan ng ating lahi, mga paniniwala, mga katayog na kaisipan
ng mga ninuno at pagbabago’t pagsulong ng ating bansa.

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat (Julian at Lontoc, 2016, p. 4-5) at (Zitte, J., 2020)
1.WIKA - nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. Mahalagang matiyak
kung anong uri nito ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng taong babasa ang akda,
komposisyon, o pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba.
Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.
2. PAKSA - nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang magingmalaman,
makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
3. LAYUNIN - nagsisilbing giya mo sa paghabi ng mgadatos o nilalaman ng isang sulatin.
Kailangang matiyak na matutugunan ng isang sulating isusulat ang motibo ng iyong pagsusulatan
ng sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mega mambabasa.
4.PAMAMARAAN NG PAGSULAT - mayroong limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat
upang mailahadang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng
pagsusulat. Maaaring gumamit ng paraang impormatibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay
magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
a. Ang paraang ekspresibo kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling
opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa
kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
b. Ang pamamaraang naratibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o
magsalaysay ng mga pangyayari batay sa mga magkakaugnay at tiyak na pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari sa mga ito.
c. Ang pamamaraang deskriptibo kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay
maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita,
narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan.

5
d. Ang Pamamaraang argumentatibo – ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o
mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng
argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
5. KASANAYANG PAMPAG-ISIP – dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o
magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi mahalaga, maging ng mga impormasyong dapat isama
sa akdang susulatin.
- Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo ng malinaw at mabisang
pagpapaliwanag o pangangatwiran.
6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT – dapat ding
isaalang –alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa
wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng
makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan
upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
7.KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN – Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang
mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo at masining na pamamaraan
mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang saw akas nito.
MGA URI NG PAGSULAT
1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literature. Ang pokus ay ang imahinasyon
ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin
ng mga mambabasa. Maihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at
sanaysay (Slideserver, 2020).
2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao
upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa. Ito ay naiuugnay sa
pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa ng kompyuter o anumang bagay na may
kalikasang teknikal (Slideserver, 2020).
Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo
ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Saklaw nito ang
pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Gumagamit ng mga
teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology.

Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa. Ang ilan sa mga halimbawa nito
ay ang Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation
of Royal Theatre in Caloocan City, at Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina (Julian, A. at
Lontoc, N. 2017, p 7).
3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na
larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin
o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao (Julian, A. at Lontoc, N. 2017, p 7-
8).
Saklaw nito ang mga sumusunod:
1. police report – pulis 2. investigative report – imbestigador 3. legal forms, briefs at pleadings
– abogado 4. patient’s journal, medical report, narrative report tungkol sa physical
examination ng isang pasyente– doktor at nurse (Slideserver, 2020). 4.

6
Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)
Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.
Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa.
Mahalagang ang mga taong sumusulat nito tulad ng mga journalist, mamamahayag, reporter,
at iba pa ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo at makabuluhang mga
balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isusulat sa mga
pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa radio at telebisyon (Julian, A. at Lontoc, N.
2017, p 7-8).
. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)
Ang reperensyal na pagsulat ay may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon
ng paksa. Ito ay isang pasulat na pagpapaliwanag, nagbibigay impormasyon o nagsusuri.
Halimbawa nito ay teksbuk, balita, ulat panlaboratoryo, manwal at pagsusuring
pangkasaysayan Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa
isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at
tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o
endnotes. Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.
Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards (Slideserver, 2020).
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong
papel, termpaper o pamanahong papel, thesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang
intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng
mga estudyante sa paaralan (Slideserver, 2020). Layunin nitong maipakita ang resulta
ng pagsisiyasat o ng ginawang pananaliksik. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. (2012),
ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat. Lubos
ding pinatataas ng uri ng pagsulat na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang
larangan bunga ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik
(Julian, A. at Lontoc, N. 2017, p 7-8).
Proseso sa Pagsulat
1. Bago Sumulat (Prewriting)
Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay dumaraan muna sa brainstorming. Dito ay
malaya silang mag-isip at magtala ng kanilang mga kaalaman at karanasan na may
kinalaman sa paksa. Dito rin mapagpapasiyahan kung ano ang susulatin ng mag-aaral, ano
ang layunin sa pagsulat, at ang estilong kanyang gagamitin (Garcia, Florante 2017, p. 11).

7
2. Habang Sumusulat (Actual Writing)
Sa bahaging ito, naisusulat ang unang borador na ihaharap ng bawat mag-aaral
sa isang maliit na grupo upang magkaroon ng interaksiyon kung saan tatalakayin ang
mga mungkahing ito ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral, at lohika sa loob
ng sulatin. Sa puntong ito ay hindi matatawaran ang halaga ng ibang taong
makababasa ng sulatin dahil mayroon silang nakikita na kadalasan ay nakaligtaan ng
manunulat o hindi lamang naiayos dahil alam na niya ang aralin (Garcia, Florante
2017, p. 11).
3.Revising
Ang rebisyon ay proseso ng pagbasang muli sa burador nang makailang ulit para
sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Sinusuri ang kabuuan
matapos sulatin upang alamin ang mga bagay, palitan ng higit na angkop na salita o
kaisipan at muling isulat upang magkaroon ng kaisahan at kalinawan (Aban, E. at
Cruz, R p. 64).
4. Editing
Sa bahaging ito, ginagawa ang pagwawasto ng baybay, estrukturang balarila at mga
mekanismo ng pagsulat tulad ng pagbabantas at gamit ng malalaking titik (Aban, E. at
Cruz, R p. 64).
Sa proseso ng pagsulat, mahalaga ring bigyang-pansin ang mga bahagi ng teksto ayon
sa sumusunod (Garcia, Florante 2017 p.11-12):
1. Panimula – dapat bigyan ng kaukulang pansin ang panimula ng tekstong
isusulat. Ang bahaging ito ay nararapat na maging kawili-wili upang sa simula pa
lamang ay mahikayat ang mambabasa na tapusing basahin ang teksto.
2. Katawan - Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong paglalahad
ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda. Mahalagang magkaroon ng
ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi mailto ang
mambabasa dahil ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto. May tatlong hakbang para
maisagawa ang panggitnang bahagi ng sulatin.
• Pagpili ng organisasyon
• Pagbabalangkas ng nilalaman
• Paghahanda sa transisyon ng talataan
3. Wakas – dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging ito upang
makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod
sa paksang tinatalakay o mag-iiwan ng isang makabuluhang pag-iisip at repleksiyon

8
Pagyamanin
Magaling at natutuhan mo na ang hinggil sa akademikong pagsulat. Sa bahaging ito ay
ilalapat mo na ang iyong nalaman sa pamamagitan ng pagsagot ng mga naihandang
mga gawain.
GAWAIN 1. Uri ng Pagsulat
Panuto : Tukuyin ang uri ng pagsulat ang bawat sulatin.
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. Malikhaing Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat
B. Teknikal na Pagsulat E. Reperensiyal na Pagsulat
C. Propesyonal na Pagsulat F. Akademikong Pagsulat

1. Replektibong sanaysay 6 Feasibility na pag-aaral

2. Bibliography 7 Pamanahong papel


3. El Filibusterismo 8 Editoryal” Huwag Patayin ang
Wikang Filipino
4. Police Report 9 Manual
5. Note Card 10. Lathalaing
Pangkasaysayan

GAWAIN 2: Pagsasaayos ng Talataan


A. Lagyang ng bilang 1 hanggang 5 ang bawat patlang upang maayos
ang mga sumusunod na pangungusap at makabuo ng isang maayos na talataan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Ilan sa mahahalagang paksa ang ekonomiya at labor force,
transportasyon at imprastruktura, edukasyon at mga batas na nabuo sa ilalim ng
kanyang pamumuno.
_____2. Matapos isa-isahin ang mga anomalya ng nagdaang administrasyon,
tinalakay niya ang mga pagbabagong binigay ng kanyang gobyerno sa
loob ng limang taon.
_____3. Isinagawa ang huling State of the Nation Address (SONA) ni
Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong Hulyo 27 sa Batasang Pambansa.
_____4. Ibinahagi rin niya ang mga nais marating sa 2016 bago
bumaba sa panunungkulan.
_____5. Sa unang bahagi ng kanyang talumpati, binalikan ni Aquino
ang mga katiwalian ng nakaraang administrasyon at ang mga
suliraning idinulot nito sa bansa.

9
B. Suriin ang isinaayos na talata batay sa mga gamit ng pagsulat.
Wika - ___________________________________
Layunin - ___________________________________
Paksa - ___________________________________
Pamamaraan -_______________________________

GAWAIN 3: Pagsusuri ng Komposisyon


Panuto: Basahin at unawain ang kasunod na teksto at gawin ang mga
kasunod na gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Wala silang iwanan
ni : Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon ) - June 30, 2020 - 12:00am
Sa pagbaklas ng sirang pader na kahoy, napansin ng may-ari na may butiki
sa loob. Isang paa nito ay tinamaan ng pako na bumaon sa kahoy, kaya hindi
makaalis. Pero humihinga pa ang butiki. Naisip ng may-ari na napako at nakulong
ito nu’ng ginagawa ang bahay limang taon na ang lumipas.
Nakakapagtaka kung paano ito nanatiling buhay sa madilim na partisyon sa pader.
Nabatid ang sagot nang may dumating na isa pang butiki na may
pangalpangal na pagkain sa bibig. Limang taon nagtiyaga ang pangalawang butiki
na alagaan ang kapwa, walang iwanan. At limang taon nagtiwala ang napakong
butiki na babalik at babalik ang kasama para pakainin siya, walang iwanan.
Sa talino ng tao na nakakagawa ng gusali at nakakalakbay sa malayo,
natuto ang may-ari sa buhay ng butiki. Pag may okasyon ang kaanak o
nagtatanong na bata, kaibigang nangungumusta o kapwa na may suliranin, bigyan
ng pansin. Mahalin ang isa’t isa, walang iwanan.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang pangunahing ideya ang makikita sa teksto?
2. Sa isang pangungusap, ano ang kabuuan ng teksto?
Mundo para sa lahat
Sa milyong videos na kumalat sa social media nitong COVID-19 lockdowns,
pinaka - “like” at “favorite” ang wild animals na gumagala sa mga lungsod na
walang katao-tao. Nakakamangha! Wild boar sa bayan-bayan sa Italy, Japanese
sika deer sa mga kalye sa Nara, pamilya ng Egyptian geese sa tarmac ng Tel Aviv
airport ang ipinalabas sa YouTube channel ng Nature Connection. Maraming kuha
ng dolphins na lumalapit sa mga biglang luminis na mga pampang sa buong
mundo ang isinumite sa Planet Now-YouTube.
May patawa pa. Ang mga makukulay na lorikeet parrots sa London ay may
caption na kesyo lumitaw na ang tunay na kulay ng kalapati dahil wala nang
polusyon. May special effects ng dinosaurs sa mga kalsada at gusali sa Rio de
Janeiro, Los Angeles at Makati.

10
Naisip ng viewers na gan’un pala kung walang tao o progreso. Naisip kaya
ng mababangis na hayop na gan’un pala kung wala tayo?

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

3. Paano naging lohikal at obhetibo ang mga pagpapaliwanag ng


impormasyon at kaisipang inilalahad sa sulatin?
4. Ano ang layunin ng manunulat para sa kanyang mga mambabasa
batay sa paksa ng kanyang sulatin?
Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat

Katangian 5 3 2 1
Pokus at Lubos na malinaw May malinaw at Hindi gaanong Hindi malinaw
Detalye at komprehensibo tiyak na malinaw ang ang kaisipan at
ang paliwanag, paliwanag. ang mga
pagpapaliwanag, ngunit hindi Hindi gaanong impormasyon.
na sinusuportahan detalyado ang malinaw ang
mga
ng mga suportang mga suportang
detalyadong impormasyon. impormasyon.
impormasyon.

Isaisip
Sa bahaging ito ay ilalapat mo ang iyong natutuhan hinggil sa pagsulat.
Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba, ipaliwanag ang kahalagahan ng
pagsulat. Ang iyong kasagutan ay dapat na binubuo ng 8 hanggang 15 pangungusap.

kaisipan

lipunan

PAGSULAT

11
Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat
Katangian 10 8 5 3
Pokus at Lubos na May malinaw at Hindi gaanong Hindi malinaw
Detalye malinaw at tiyak na malinaw ang ang kaisipan at
komprehensibo paliwanag, paliwanag. ang mga
ang ngunit hindi Hindi gaanong impormasyon.
pagpapaliwanag, detalyado ang malinaw ang
na mga suportang mga suportang
sinusuportahan
impormasyon. impormasyon.
ng mga
detalyadong
impormasyon.

Isagawa
Ipakita mo naman ngayon ang natamong kaalaman sa aralin at ang iyong kahusayan sa
paglalapat ng mga natutunang kahulugan, layunin, benepisyo, gamit, uri at proseso ng
pagsulat.

Masubok nga!
Sumulat ng isang komposisyon gamit ang pamamaraang ekspresibo batay sa mga
pangyayari sa iyong kapaligiran sa kasalukuyan. Isaalang-alang ang mga gamit at
proseso ng pagsulat.
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng komposisyon na gagawin.

Pokus at Detalye............................................................... 20%


Organisasyon..................................................................... 20%
Tinig ng Manunulat............................................................ 20%
Pagpili ng Angkop na Salita............................................... 20%
Estruktura, Gramatika, Bantas, Pagbabaybay................... 20%
Kabuuan................................100%

Binabati kita! Napagtagumpayan mo ang lahat ng yugto ng modyul na ito. Kung


sakaling may hindi ka naintindihan sa alinmang bahagi ng modyul, maaari mong balikan
o kaya ay sumangguni sa iyong guro. Mas mainam ang nagtatanong upang higit na

12
maipaliwanag ang dapat gawin at maiwasan ang mas malaking suliranin. Kung ang lahat
ng nilalaman ng modyul ay malinaw para sa iyo, maari ka ng magpatuloy sa pagdukal ng
bagong kaalaman. Ang susunod na gawain ay may kaugnayan sa kah ulugan,layunin at
anyong akademikong pagsulat.

PAMANTAYAN SA PAGBUO NG KOMPOSISYON


Katangian 10 7 4 2
Pokus at May isang May isang May isang Hindi malinaw
Detalye malinaw at tiyak malinaw at paksa. Hindi ang paksa at
na paksa, na tiyak na gaanong ang mga
sinusuportahan paksa, ngunit malinaw ang impormasyon.
ng mga hindi mga
detalyadong detalyado ang suportang
impormasyon. mga impormasyon.
suportang
impormasyon.
Organisasyon Kawili-wili ang May May Hindi malinaw
introduksyon; introduksyon, introdukasyon, ang
naipakilala mahusay na pagtalakay at introduksyon,
nang mahusay pagtalakay at pagtatapos o pagtakay sa
ang paksa. may kongklusyon. paksa, at ang
Mahalagang at karampatang pagtatapos o
nauukol sa pagtatapos o kongklusyon.
paksa ang mga kongklusyon.
impormasyon
na ibinahagi sa
isang maayos
na paraan.
Mahusay ang
pagtatapos o
kongklusyon.
Tinig ng Malinaw ang May intension May kaunting Hindi malinaw
Manunulat intesyon at at layunin ang kalinawan sa ang intension
layunin ng manunulat. intension at at layunin ng
manunulat. May layunin ng manunulat.
Kapansinpansin kaalaman manunulat.
ang kahusayan ang Limitado ang
ng manunulat manunulat sa kaniyang
sa paksa. paksa. kaalamn sa
paksa.

13
Pagpili ng Malinaw ang Malinaw ang Nasasabi ng Limitado ang
mga angkop paggamit ng paggamit ng manunulat paggamit sa
na salita mga salita; mga salita, ang nais mga salita.
angkop at bagaman sa sabihin,
natural at hindi ilang bagaman
pilit. pagkakataon walang
ay hindi baryasyon sa
angkop at paggamit sa
natural. mga salita.
Estruktura, Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa Hindi maayos
Gramatika, pagkakaayos pagkakaayos ng mga ang mga
Bantas, ng mga salita ng mga salita pangungusap pangungusap
Pagbabaybay at at na may at hindi
pangungusap. pangungusap. saysay. maunawaan.
Walang May kaunting Maraming Lubhang
pagkakamali sa pagkakamali mga maraming
gramatika, sa gramatika, pagkakamali pagkakamali
bantas at bantas at sa gramatika, sa gramatika,
baybay baybay. bantas at bantas at
baybay. baybay.

Tayahin
Subukin nating sukatin ang lawak ng iyong pagkatuto gamit ang modyul na ito.
Bago mo sagutin ang pangwakas na pagtataya, maaari mong balikan ang mga
yugto na di mo gaanong naintindihan.
Ngayong handa ka na, kumuha ng sagutang papel na kung saan mo itatala ang
iyong mga wastong sagot.
1. Ayon kay Mabilin, anong layunin ng pagsulat ang nakabatay sa pansariling
karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat?
A. Akademikong Pagsulat C. Panlipunan o Sosyal
B. Malikhaing Pagsulat D. Personal o Ekspresibo
2. Ang pagsusulat ay __________ kung ito ay may layuning makipag-
ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan.
A. Korespondensiya C. Sulating Panteknikal
B. Propesyonal na Pagsulat D. Transaksiyonal
3. Ano ang nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasa, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong
nais sumulat?
A. Alpabeto C. Pluma
B. Panitikan D. Wika

14
4. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng sapat
na kaalaman sa paksang isusulat?
A. malinaw, masining at palasak ang mga ideya
B. masining, impormatibo at payak ang kaisipan
C. malaman, makabuluhan at wasto ang mga datos
D. maayos at organisado ang impormasyon ng sulatin
5. Alin ang nagsisilbing giya sa paghahabi ng mga datos o nilalaman ng
isusulat?
A. Layunin C. Pamamaraan ng Pagsulat
B. Paksa D. Wika
6. Anong uri ng pagsulat ang mga medical record at medical abstrak na
inihahanda ng mga doctor at nars?
A. Dyornal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat D. Teknikal na Pagsulat
7. Anong uri ng sulatin ang may kinalaman sa Review of Related Literature
(RRL) o kaugnay na mga literatura na pinaghahanguhan ng mga batayan?

A. Akademikong Pagsulat C. Reperensiyal na Pagsulat


B. Propesyonal na Pagsulat D. Teknikal na Pagsulat
8. Alin ang HINDI kabilang sa yugto ng prewriting sa proseso pagsulat?
A. pagpaplano ng aktibiti
B. pangangalap ng impormasyon
C. pagbuo sa mekaniks ng sulatin
D. pagtukoy ng estratehiya ng pagsulat
9. Bakit kailangang maging lohikal sa pag-iisip at obhetibo ang manunulat sa
pagsusulat?
A. upang mag-iwan ng palaisipan, kakintalan o aral sa mambabasa
B. upang magamit ang wasto at tamang wika at retorika sa pagsulat
C. upang makabuo ng malinaw, mabisa at may batayan ang
pagpapaliwanag o pangangatwiran
D. upang ang mga kaisipan at impormasyon ay makapukaw damdamin
at makaantig ng imahinasyon
10. Ayon kay _______, ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga
lamang ng akademikong pagsulat.
A. Keller C. Mabilin
B. Kelog D. Xing Jin

Para sa bilang na 11-15


Rebisahin ang talata sa ibaba. Maaaring magdagdag at magbawas ng
mga salita upang mapalawak at maging malinaw ang daloy ng ideya.
Wika, isang simpleng salita ngunit maraming nagagawa dahil ito ang
nagiging daan upang tayo ay magkaunawaan. Wikang katutubo, ito ay tumutukoy sa

15
unang wikang natutuhan ng tao o ang kanyang inang wika. Ang mga ito rin ang yaman
ng ating kultura at kaluluwa ng mga katutubong Pilipino at ng lahing Pilipino.

Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito ay lalo pa nating palalalimin ang inyong kaalaman hinggil sa kasanayan
sa pagsulat. Ang gawaing ito ay hahasa sa inyong pagsulat ng sintesis at buod.
Basahin ang isang bahagi ng sanaysay sa ibaba. Isulat ang buod sa pammaagitan ng
paglalahad ng mga pangunahing ideya. Isulat ito sa patalatang paraan.
“Gusto ko nang bumalik sa dati,” mga katagang iniiwan ng marami. Huling
yakapan, tawanan, asaran na pala ang nangyari noong Marso ng nakaraang taon. Kung
alam ko lang, sinulit ko nang makihalubilo sa iba nang walang iniisip na pangamba. Ang
inakala nating dalawang linggong lockdown ay naging tatlong buwan, tatlong buwan na
naging siyam na buwan, at ngayon higit sa isang taon na tayong nakakulong sa lungkot
at takot. Marami ang mga lugmok ang mukha sa balitang ito, marami ang nawalan ng
trabaho, hindi mawari ng karamihan kung saan na sila kukuha ng pera para sa kanilang
pang-araw-araw na pangangailangan sa buhay. Sa ganitong sitwasyon, uusad pa ba tayo
o patuloy tayong magdurusa? Kailan magpapatuloy ang ikot ng mundong
pansamantalang tumigil dahil sa pandemya?
Sa gitna ng pandemya marami ang mga nangyaring hindi natin inaasahan sa ating
buhay at dahil sa pangyayaring ito ay tuluyan na ngang nagbago ang ating nakagawian.
Hindi na katulad ng dati na makikita ang mga masasayang ngiti, dahil ngayon ito ay
natakpan na ng facemask na kailangan. Ang mga mata na lamang ang makikita, pero
kahit papaano alam pa rin nating nakangiti ang ating mga kausap sa pamamagitan ng
pagsingkit ng mga mata nila. Ito na pala ang new normal, pagkaway na lamang imbes na
pagyakap at pakikipagkamay ang bagong bati. Minsan pa nga ay hindi mo makilala na
ang kumakaway sa iyo dahil sa faceshield at facemask sa mukha, pero kahit ganoon
kumakaway pa rin tayong pabalik. Unang aral na natutuhan ay sa bawat pagkaway natin
ay tanda ito ng suporta na malalapagpasan natin ang pandemya.
Kaugnay nito, isa pang pagbabago na nasa new normal ay ang metodo ng pag-
aaral. Napagpasyahan ng Department of Education (DepEd) na ipagpatuloy ang pag-
aaral .“Pero may paraan din para magpatuloy ang edukasyon.” –Secretary Leonor
Briones. Samu’t saring mga programa ang inilunsad ng Departamento ng Edukasyon
upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Ilan sa mga programang ito ay
ang paghasa sa mga guro sa distance education na kinapapalooban ng offline at online

16
learning. Madami rin ang pinagdaanan ng mga guro ngayong pandemya upang
makapaghatid lamang ng kalidad na edukasyon. Samantala, kaming mga mag-aaral din
ay nahaharap sa matinding pagbabago. Ang mga module na aming sinasagutan ay
minsang naghahatid sa amin ng hirap at lungkot ngunit sa kabila nito natuto kaming
matuto sa aming mga sarili. Natutuo kaming maging masipag at matatag dahil kung hindi
naming ipagpapatuloy ang aming pag-aaral ay hindi namin matatamasa ang aming mga
pangarap. Sa kabila ng pagbabago ng edukasyon, dito natin natutuhan ang ikalawang
aral na kapag lahat nagtutulungan, lahat nagkakaunawaan, lahat ay maaaring
malagpasan.

17
18
SUBUKIN
1. D 6. B 11. A
2. B 7. C 12. C
3. D 8. D 13. C
4. A 9. C 14. D
5. C 10. C 15. C
BALIKAN (mga posibleng kasagutan)
URI NG SULATIN KAHULUGAN
TULA Ito ay isang uri ng pampanitikang sulatin na may
sukat at kadalasan ay may tugma. Ang ilang uri nito
ay nasa malayang anyo kagaya ng mga makabagong
tula ( spoken word poetry)
SANAYSAY Uri ng sulatin na binubuo ng panimula, katawan at
wakas. Ito ay maaaring pormal o di pormal.
PANANALIKSIK Pang-akademikong sulatin na nangangailangan ng
oras at pagbasa.
TUKLASIN
✓ .
X
✓ .
Gawain 2 at 3 ( nakadepende sa guro)
Susi sa Pagwawasto
TALASANGGUNIAN
Aklat
Aban, Ernesto B. at Cruz, Reynaldo J.(n.d.) Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang
Disiplina (Batayang Aklat sa Filipino 2). Far Eastern University.
Bernales, Rolando A. et.al. (2013). Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong
Komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. Garcia, Florante C.
(2017). Pintig Senior High School, Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon Ave.,
Quezon City: SIBS Publishing House, Inc.
Garcia, Lakadupil C. et.al. (2011). Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(Ikaapat na Edisyon). Malabon City: Jimczyville Publications.
Julian, Ailene-Baisa. at Lontoc, Nestor S. (2017). Pinagyamang Pluma Filipino sa
Piling Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. Santos,
Corazon L. et.al. (2016). Filipino sa Piling Larang- Akademik. Patnubay ng
Guro. Department of Education-Bureau of Learning Resources.
Santos, Corazon L. et.al. (2016). Filipino sa Piling Larang-Akademik. Kagamitan
ng Mag-aaral. Department of Education-Bureau of Learning Resources.
Santos, Corazon L. at Enriquez Ma. Althea T. (2016). Filipino sa Piling Larang-
Isports Kagamitan ng Mag-aaral. Department of Education Bureau of Learning
Resources.
Internet
Bondoc, Jarius (2020). Wala silang iwanan/Mundo para sa lahat. Pilipino Star Ngayon.
Retrieved on July 1, 2020 from https://www.philstar.com/pilipino-star
ngayon/opinyon/2020/06/30/2024464/wala-silang-iwananmundo-para-sa-lahat
https://studylib.net/doc/25277006/fil-reviewer-midterms
Pixabay Photo Retrieved on July 2, 2020 from https://pixabay.com/photos/sprout-plant-
growing-asphalt- crack-1147803/
Slideserve (2020). Pagsulat sa iba’t ibang Disiplina. Retrieved on July 2, 2020 from
https://www.slideserve.com/inez/pagsulat-sa-iba-t-ibang-disiplina
Zitte, Jasper (2020). Pagsulat ng Pilipino sa Piling Larang. Retrieved on July
1, 2020 from https://www.scribd.com/document/419552004/Mga-Gamit-
oPangangailangan-Sa-Akademikong-Pagsulat

19
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Wangal, La Trinidad, Benguet,
2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: car@deped.gov.ph

20

You might also like