You are on page 1of 17

TEKSTONG

PERSUWEYSIB
 Layunin ng isang tekstong persuweysib
ang manghikayat o mangumbinsi sa
babasa ng teksto.
 Isinusulat ang tekstong persuweysib
upang mabago ang takbo ng isip ng
mambabasa at makumbinsi na ang punto
ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang
tama.
 Ang tekstong persuweysib ay may
subhetibong tono sapagkat
malayang ipinahahayag ng
manunulat ang kanyang paniniwala
at pagkiling tungkol sa isang isyung
may ilang panig. Taglay nito ang
personal na opinyon at paniniwala
ng may-akda.
Halimbawa ng Tekstong
Persweysiv
 iskrip sa patalastas
 propaganda sa eleksyon
 Flyers ng produkto
 brochures na nanghihikayat
 networking (Open Minded Ka Ba?
HAHAHAH)
Inilarawan ng Griyegong
pilosopo na si Aristotle ang
tatlong paraan ng
panghihikayat o
pangungumbinsi. Ito ay ang
sumusunod:
ETHOS
Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang
manunulat. Dapat makumbinsi ng isang
manunulat ang mambabasa na siya ay may
malawak na at karanasan tungkol sa
kanyang isinusulat, kung hindi ay bakâ hindi
silá mahikayat na maniwala rito. Ang estilo
ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon
ng kredibilidad.
ETHOS
 Dapat na maisulat nang malinaw at wasto
ang teksto upang lumabas na hitik sa
kaalaman at mahusay ang sumusulat.
 Ang paraan ng pagsisipi ng sanggunian
ay maaaring makatulong sa
pagpapatibay ng kredibilidad.
PATHOS
Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o
damdamin upang mahikayat ang
mambabasa. Ayon kay Aristotle,
karamihan sa mga mambabasa ay
madaling madala ng kanilang
emosyon.
PATHOS
 Ang paggamit ng pagpapahalaga at
paniniwala ng mambabasa ay isang
epektibong paraan upang makumbinsi
sila.
 Halimbawa, ang pagsasalaysay ng isang
kuwentong makaaantig ng galit o awa ay
isang mabisang paraan upang mahikayat
silang pumanig sa manunulat.
LOGOS
Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa. Kailangang
mapatunayan ng manunulat sa mga
mambabasa na batay sa mga impormasyon
at datos na kanyang inilatag ang kanyang
pananaw o punto ang siyang dapat
paniwalaan.
LOGOS
 Gayunman, isa sa mga madalas na
pagkakamali ng mga manunulat ang
paggamit ng ad hominem fallacy, kung
saan ang manunulat ay sumasalungat sa
personalidad ng katunggali at hindi sa
pinaniniwalaan nito.
Kailangang tandaan na sa
paggamit ng mga paraang ito
dapat isaalang-alang kung sino
o anong uri ang mga
mambabasa.
Halimbawa, kung ang babasa ng
teksto ay mga taong may hawak na
mataas na posisyon o mga negosyante,
makabubuting gumamit ng may
kredibilidad at mga wastong
impormasyon at datos upang silá ay
makumbinsi.
Habang mayroon namang mga
mambabasa na nahihikayat
kung gagamitan ng apela sa
emosyon.
Maaari din gamitin ang lahat ng
paraan o kung mayroon pang
naiisip na ibang paraan na
magiging epektibo sa uri ng
inaasahan mong mambabasa.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like