You are on page 1of 16

Pagsunod sa Estilo at Teknikal

na Pangangailangan
sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Modyul ng mga Mag-aaral sa Filipino sa


Piling Larang-Akademik

Unang Markahan Modyul 4 Linggo 4

ADELAIDA C. MARQUEZ
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon. Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera

KARAPATANG SIPI
2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa maaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan
ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum ng Kagawaran
ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung ito ay para
sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
ALAMIN
Isang magandang araw sa iyo. Matamis na ngiti na mamutawi sa inyong mga
labi, dahil isang panibagong aralin ang alay ko sa iyo.
Ang modyul na ito ay gagabay sa iyo upang mapalawak at mapakaalaman sa
pagsulat ng posisyong papel
Inaasahan ko ang iyong taos-pusong pakikiisa sa araling ito, upang maging
makabuluhan ang iyong pagkatuto. Nawa!y makatulong ito sa pagharap mo sa
landas ng tagumpay.

Panuntunan Sa Paggamit Ng Modyul


Ang modyul na ito ang magsisilbing gabay sa iyong pagkatuto sa pagsulat ng
akademikong sulatin kahit walang paggabay ang iyong guro. Sundin mo lamang ang
mga sumusunod na hakbang upang makasunod ka sa mga gawaing inihanda para
sa iyo.

1. Basahin ang mga inaasahang matutunan mo sa modyul. Ang mga ito ay batay
sa kasanayang pampagkatuto at pamantayang pagganap na nakasaad sa
Batayang Pangkurikulum ng K to 12 sa ika-12 antas..
2. Ang unang gawain na iyong sasagutan ay ang panimulang pagtataya nasusukat
kung ano na ang alam mo sa araling tatalakayin. Pagkatapos masagutan ito ay
dumako ka na sa mga susunod na gawain.
3. Basahin at unawain ang mga panuto sa bawat yugto ng pagkatuto, upang
masagot nang tama ang mga pagsasanay na hahamon sa iyo upang lubusan
mong matutuhan ang aralin.
4. Iba’t ibang gawain at pagsubok ang inihanda sa bawat yugto ng pagkatuto na
tumatalakay sa akademikong sulatin, upang malinang ang iyong kasanayan at
kakayahan.
5. Dumako sa panghuling pagtataya kung saan aalamin kung may naitatak sa
iyong isipan sa napag-aralan mo sa araling ito.
6. Kung may bahagi sa aralin na hindi mo naunawaan, muling balikan ito, upang
malinawan ka at masagot nang wasto ang mga gawaing nakalaan.
7. Panatilihing malinis ang modyul at gumamit ng sagutang papel para sa pagsagot
ng mga gawain o pagsubok na ihinanda.

MGA INAASAHANG MATUTUHAN


Inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1.Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat na posisyong-papel.
2.Nasusuri ang nilalaman ng binasang posisyong-papel.
3.Nakasusulat ng isang organisado, malikhain at kapani-paniwalang po-
sisyong-papel.

1
SUBUKIN
Panimulang Pagtataya
Sukatin natin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin. Basahin at unawain ang
mga sumusunod na tanong at sagutin nang buong husay. Piliin ang letra ng wastong
sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

___1. Ang posisyong papel ay halimbawa ng (a. sanaysay b. lathalain c. sulatin


d. artikulo) na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa mahalagang
isyu.
___2. Karaniwang sinusulat ang posisyong papel sa paraang (a. mapanghusga
b. mapanghimok c. mapangkutya d. mapagbintang) upang maunawaan at
sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinapaksa.
___3. Ito’y isang mabuting pagsasanay sa pagpapatibay ng (a. opinyon b. ideya
c. paninindigan d. kurukuro).
___4. Proseso rin ito sa pagbuo ng (a. pagpapahusay sa paglalahad ng mga
suportang ideya b. pagtitimbang ng opinyon c. pagtanggi sa mga ideya d.
pagsang-ayon sa mga katwiran).
___5. Layunin ng posisyong papel na (a. makahikayat b. madismaya
c. malamangan d. matalo) ang mga mambabasa na magkaroon ng
kamulatan sa argumentong inihahain sa kanila
___6. Unang-unang dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ng posisyong papel
ang ( a. kakayahan b. interes c. napapanahon d. lahat ng nabanggit). ___7. Dapat
ang mga datos ay magmumula sa ( a. kilala b. mapagkakatiwalaan
c. tanyag d. detalyado ) upang mahanap ang mga propesyonal na pag-aaral
at mga estadistika.
___8. Nararapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga ( a. datos
b. opinyon c. estadistika d. kontra-argumento ) upang pahinain ang tindig
ng mga ito.
___9. Mas mainam kung lumikha ng ( a. plano b. mapa c. balangkas d. sketch )
para sa isang maayos na posisyong papel.
___10. Sa pagsulat ng posisyong papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may
( a. paninindigan b. paggalang c. pagtingala d. pagpupugay).
___11. Itala ang mga posibleng ( a. kakampi b. kaaway c. kasalungat d. karibal )
na pananaw ng iyong posisyon.
___12. Sa pagsulat ng posisyong papel, kailangang buo ang tiwala sa paninindigan

2
at mga ( a. katwiran b. isyu c. usapin d. panig).
___13. Magtala ng mga ( a. ideya b. argumento c. panig d. datos ) ng
magkabilang panig upang matimbang ang dalawang posisyon.
___14. Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang (a. saliksik b.
pahayag c. isyu d. datos)
___15.Ang salitang paninindigan ay nagpapahiwatig ng (a. pagtatanggol
b. paglaban c. pagiging tama d. lahat ng nabanggit.)

BALIKAN
Umpisahan muna natin sa pagbabahaginan ng kaalaman sa paninindigan. Marahil
sa buong panahon ng iyong pag-aaral ay marami ka nang naging karanasan o mga
panooring nagpapakita ng kakayahan sa paglalaban ng karapatan o paninindigan
ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan . Maaari bang alalahanin mo kung may
mga naging karanasan o nabasa ka kaugnay dito? Itala mo ito sa loob ng aklat at sa
nakalaang espasyo.

Gawain 1: Paninindigan o Paglalaban ng Karapatan

Ilan ang naitala mong sagot sa unang tanong? Sana’y nasagutan mo


nang tama ang unang gawain.
3
TUKLASIN
Nasa unang hanay ang mga sitwasyong nagaganap sa ating lipunan sa kasalukuyan.
Sa susunod na hanay isulat kung kayo’y sang-ayon o salungat sa isyung nabanggit
at pangatwiranan ito.

Isyu Sang-ayon Salungat


1. Pagbabago ng
simula ng pasukan
mula Hunyo sa
Setyembre
2.Pagklaklase ng
online ng mga
magaaral
3. Pagpapagamit ng
paper bag sa lahat
ng tindahan sa
Baguio
4. Pagpapatupad ng
curfew sa mga
menor de edad sa
kanilang mga
barangay
5. Pagpapabakuna
ng lahat ng
mamamayan ng
Pilipinas

Sana’y nasiyahan ka sa isinagawang gawain at handang-handa na pag-aralan


pa ang tungkol sa posisyong papel.

SURIIN
Ngayon ay pag-aaralan naman natin ang tungkol sa posisyong papel, basahing
mabuti at unawain ang mga ito.

Posisyong Papel- isa itong sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan


hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika at iba pang
larangan. Isinusulat ito sa paraang mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan
at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa.
-Ito rin ay mabuting pagsasanay sa pagpapatibay ng paninindigan o pagbuo muna ng
paninindigan. Isa rin itong proseso Sa pagbuo ng pagpapahusay sa paglalahad ng
mga suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at katotohanan at pagsanggi ng mga
ideya mula sa paninindigan ng mga mag-aaral upang magdepensa.Ngayon naman ay
aalamin natin ang mga layunin ng posisyong papel. Bakit ito isinasagawa o ginagawa?
4
Mga Layunin ng Posisyong-Papel
1. Mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa argumentong
inihahain sa kanila.
2. Maiparating sa kanila ang mga opinyon at rekomendasyon ukol sa isyu.
3. Maibigay ang detalyadong impormasyon upang lubos na maintindihan ang
pananaw ng isa pang tao.
4. Ito rin ay karaniwang ginagamit sa pampolitikong kampanya, mga organisasyon
ng gobyerno, sa mundo ng diplomasya at mga hakbang na naglalayong baguhin
ang mga pagpapahalaga ng komunidad at organizational branding o imahen ng
isang samahan o institusyon.
5. Nagbibigay ng kamalayan sa tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa usaping
panlipunan.
Upang makabuo nang maayos na posisyong papel, narito ang mga
mungkahing hakbang na dapat sundin para sa paggawa nito. Tandaan ang mga ito
para magamit mo sa sariling paggawa mo ng halimbawa nito.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL


1. Pagpili ng paksa- nararapat na batay sa interes mo ang paksa para
mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon at nagiging bukas ang
isipan mo sa mga bagong ideya.
2. Magsagawa ng paunang pananaliksik- kinakailangan ito upang matukoy
kung ang katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong
paninindigan.Maaaring gumamit ng datos mula sa internet, ngunit tiyaking
nagmmumula ito sa mapagkakatiwalaang web site tulad ng mga educational sites.
Iwasan munang kumiling sa isang panig na maaaring humadlang para makita ang
iba’t ibang pananaw sa usapin.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihahanay na mga
katwiran Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang
matimbang ang dalawang posisyon. Mas mabuting isulat ng pahanay ang mga
katwiran upang makita ang biswal na representasyon ng bawat panig. Maaari ding
pagtapat-tapatin ang bawat katwiran kontra-katuwiran para makita kung alin ang
walang katapat o hindi pa nasasagot.
4.Gumawa ng mas malalim na saliksik- magsagawa ng mas malawak at
malalimang saliksik tungkol sa usapin. Maaaring sumangguni sa mga aklat at
akademikong journal, maari ring makipanayam sa mga taong awtoridad sa paksang
pinagtatalunan, gumamit ng mga ulat ng mga ahensya ng pamahalaan NGO o
pribadong organisasyon, pahayagan at magasin, upang makapagtampok ng
napapanahong mga datos o impormasyon.
5. Bumuo ng balangkas- upang matiyak ang direksyon ng pagsulat ng posisyong
papel mas mainam ang paggawa ng balangkas upang magsilbing gabay sa pagsul5
at nito

5
6. Pagsulat ng posisyong papel- kung may malinaw at maayos na balangkas
madali na lang isusulat ang posisyong papel
7. Pagbabahagi ng posisyong papel- pagbabahagi sa publiko ng ginawang
posisyong papel. Maaaring ipaskil sa mga lugar na madaling mabasa ng mga tao,
ipalathala sa pahayagan, ipaabot sa mga radyo o telebisyon. Maaari ring gumamit ng
social media, upang maabot ng mas maraming mambabasa.

HALIMBAWA NG ISANG POSISYONG PAPEL

18 NG Mayo, 2014
Dr. Patricia Licuanan
Direktor
Komisyon ng Edukasyon
HEDC, C.P. Garcia Avenue
U.P. Diliman, Lungsod ng Quezon

Kagalang-galang na Direktor Licuanan,

Magalang at taos puso sa aming puso na idinudulog sa inyong butihing tanggapan


ang posisyong papel na ito ng Kagawaran ng Filipino ng Unibersidad ng Adamson,
hinggil sa paggamit ng Wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo, at
pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory course sa
kolehiyo.Naniniwala ang aming kagawaran na dapat gamitin ang wikang Filipino
bilang mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education
Curriculum, sapagkat ang wikang Filipino ay hindi lamang epektibong instrumento
sa pakikipagtalastasan kundi mabisang elemento sa pagpapaunlad at
pagpapayaman ng mga kaalaman at kasanayan sa mga asignaturang gumagamit
ng wikang Filipino bilang wikang panturo. Kaugnay nito, nagsisilbing buhay ng
bawat Pilipino upang lubusang makilala ang sariling pagkakinlanlan ng lahi na
mapagbuklod tungo sa pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba at
mapahahalagahan ang minanang kultura ng ating bansa.
Bilang karagdagan, naniniwala pa rin kami na mabisang gamit ang Filipino sa
mabilis at mabuting pagkatuto ng mga mag-aaral na may pagpapahalaga na
mapaunlad sa kanilang sarili ang nasyonalismo kung gagamitin ang Filipino sa mga
6
asignatura tulad ng Agham Panlipunan, Edukasyong Pagpapakatao, Panitikan,
Humanidades at iba pa. Ang pag-aalis ng Filipino sa akademikong konteksto ay
magbubunga ng pagkawatak-watak sa isipan na lalong maging kolonyalismo ang
mga mentalidad ng mga mamamayang Pilipino at sisira sa mga kulturang
panrehiyon at paglabag sa itinadhana ng Konstitusyon na binibigyang-halaga ni
dating Pangulong Quezon.

Ang wikang pambansang Filipino ay mahalagang elemento ng kasaysayan sa


daandaang taong naging bahagi ng himagsikan noon at ngayon bago makamit ang
kasarinlan nang paglaya. Hindi dapat mawala ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.

6
Bagkus, dapat gamitin ito bilang susi sa pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan
sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kurso.

Ang pag-aalis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay siyang magwawasak sa


inihahandang intelektwalisasyon ng Filipino tungo sa pagpapataas nito sa antas ng
edukasyon. Naninindigan ang kagawaran na ipatupad ang isinasaad sa 1987
Konstitusyong Artikulo XIV, seksyon 6 na nagsasabing ang Filipino ang dapat
maging midyum ng opisyal na komunikasyon at ng sistemang pang-edukasyon na
hindi maipapatupad ang atas na ito, kung walang wikang Filipino bilang asignatura sa
kolehiyo, Dahil dito naniniwala ang kagawaran na gamitin ang wikang Filipino sa
lahat ng antas ng edukasyon, dahil hindi sapat ang pagkatuto sa Filipino ng mga
mag-aral na nasa elementarya hanggang senior high school kaya marapat lamang
na maipagpatuloy ang pagkatuto sa Filipino sa antas kolehiyo.

Hinggil naman sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory course sa


kolehiyo at sumusuporta kami sa pagkakaroon ng 12 yunit ng asignaturang Filipino na
may multi-discipling disenyo, dahil ditto ang magiging batayan na magiging ganap ang
kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral kung madaragdagan ang mga asignatura
na Filipino sa lahat ng antas ng pagkatuto sa kolehiyo.

Katulad ng iba pang institusyon, naniniwala kaming tungkulin ng bawat isa na


matutuhan ang wikang Filipino hindi lamang sa kolehiyong nasasakupan nito ng
Pilipinas. Tulad ng iba pang institusyon ang aming pamantasan ay katuwang sa
paghubog ng mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kaalaman at kahusayan na
magsilbing puhunan upang maging mabuting tagapaglingkod sa bansa. Naniniwala
kami sa isang makatarungan at malayang edukasyon.

Halaw sa Filipino sa Piling Larang (akademik) pahina 44-45

Sana’y naunawaan niyo ang kabuuan ng posisyong papel, ngayon ay sagutin niyo
ang ilang katanungan tungkol dito.
PAGYAMANIN
Gawain 1.
1. Ano ang isyung binibigyang-diin sa posisyong-papel?
2. Papaano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?
3. Papaano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu ? Anu-ano ang mga ito?
4. Ano ang naging konklusyon sa posisyong papel?
5. Ikaw, ano ang iyong paninindigan sa isyu?

Inaasahan kong nasagot mo nang tama ang mga katanungan at handang muli
para sa susunod na gawain..

GAWAIN 2. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. Ilagay ang sagot
sa patlang bago ang bilang

_____1. Ang pagsulat ng posisyong papel ay isang proseso ng paninimbang.


_____2. May ambag sa paglutas ng suliranin ang isang posisyong papel.
7
_____3. Hindi dapat matapos sa isang papel lang ang posisyong papel. _____4.
Masasabing isang maprosesong mapanuri ang pagsulat ng posisyong
papel.
_____5. Nakakatulong sa paghugis ng pananaw ng publiko ang isang posisyong
papel sa isang usapin.

ISAISIP
Bilang pagbubuod sa tinalakay sa posisyong papel, ano-ano ulit ang mga
dapat tandaan sa pagsulat nito, isulat ang sagot sa organizer na nakalaan sa ibaba.

Gawain: Sequence Organizer

2. 3. 4. 5. 6. 7.

1.

Magaling at ikaw ay may natutunan sa nakaraang pagtalakay ng aralin.


Ngayon ay dadako naman tayo sa isa pang gawaing lalong magpapalinaw sa
kabuuan ng isang posisyong papel.

ISAGAWA
Pumili ng isang editorial cartoon mula sa isang lokal na pahayagan, idikit ito
sa long bond paper na may palugit na tig-iisang pulgada sa bawat sulok ng bond
paper. Tukuyin ang mahalagang isyu na binanggit dito, ibigay ang argumento at
paninindigan tungkol dito.
8
ISYU ARGUMENTO PANININDIGAN

Binabati kita sa pagsagot nang mahusay sa mga gawaing inilaan sa iyo.

TAYAHIN
Ngayon ay muling sagutin ang mga katanungang inihanda para masukat ang
ganap na pagkaunawa mo sa tinalakay na modyul.

Panghuling Pagtataya
Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong at sagutin nang buong husay.
Piliin ang letra ng wastong sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

___1. Ang posisyong papel ay halimbawa ng ( a. sanaysay b. lathalain c. sulatin


d. artikulo) na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa mahalagang
isyu.
___2. Karaniwang sinusulat ang posisyong papel sa paraang (a. mapanghusga
b. mapanghimok c. mapangkutya d. mapagbintang) upang maunawaan at
sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinapaksa.
___3. Ito’y isang mabuting pagsasanay sa pagpapatibay ng (a. opinyon b. ideya
c. paninindigan d. kurukuro).
___4. Proseso rin ito sa pagbuo ng (a. pagpapahusay sa paglalahad ng mga
suportang ideya b. pagtitimbang ng opinyon c. pagtanggi sa mga ideya d.
pagsang-ayon sa mga katwiran).
___5. Layunin ng posisyong papel na (a. makahikayat b. madismaya
c. malamangan d. matalo) ang mga mambabasa na magkaroon ng
kamulatan sa argumentong inihahain sa kanila
___6. Unang-unang dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ng posisyong papel
ang ( a. kakayahan b. interes c. napapanahon d. lahat ng nabanggit). ___7. Dapat
ang mga datos ay magmumula sa ( a. kilala b. mapagkakatiwalaan
c. tanyag d. detalyado ) upang mahanap ang mga propesyonal na pag-aaral
at mga estadistika.
___8. Nararapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga ( a. datos
9
b. opinyon c. estadistika d. kontra-argumento ) upang pahinain ang tindig
ng mga ito.
___9. Mas mainam kung lumikha ng ( a. plano b. mapa c. balangkas d. sketch )
para sa isang maayos na posisyong papel.
___10. Sa pagsulat ng posisyong papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may
( a. paninindigan b. paggalang c. pagtingala d. pagpupugay).
___11. Itala ang mga posibleng ( a. kakampi b. kaaway c. kasalungat d. karibal )
na pananaw ng iyong posisyon.
___12. Sa pagsulat ng posisyong papel, kailangang buo ang tiwala sa paninindigan
2 at mga ( a. katwiran b. isyu c. usapin d. panig).
___13. Magtala ng mga ( a. ideya b. argumento c. panig d. datos ) ng
magkabilang panig upang matimbang ang dalawang posisyon.
___14. Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang (a. saliksik b.
pahayag c. isyu d. datos)
___15.Ang salitang paninindigan ay nagpapahiwatig ng (a. pagtatanggol
b. paglaban c. pagiging tama d. lahat ng nabanggit.)

KARAGDAGANG GAWAIN
Ilahad ang paninindigan sa patuloy na pagkakaroon ng klase sa kabila ng
nararanasang pandemic na sakit na COVID-19.. Maaring gamitin ang likod ng bond
paper kung di sapat ang espasyong nakalaan para sa kasagutan.

BATAYAN NG PAGPUPUNTOS: 1. Nilalaman at kasapatan ng Impormasyon (20)


2. Mga sariling kaisipang ipinahayag (15), 3. Pagsasaad ng reaksiyon sa posisyong
papel (15) . Kabuuan (50 puntos)

Pamagat ng Posisyong Papel:

Paksa:

Mga Balak na Pagbabagong Tinututulan:


10
Mga Isyung Ipinaglalaban Mga Patunay/Katibayan sa Isyu na
Ipinaglalaban

REAKSYON SA POSISYONG PAPEL

Pansariling Pananaw Batayan ng Pananaw

11
Susi sa Pagwawasto

Nasa guro ang pagpapasiya sa pagwawasto dahil sa pagkakaiba -iba ng mga sagot
ng mag-aaral (bahaging karagdagang gawain)

12
TALASANGGUNIAN

Aklat
Constantino, Pamela C., Zafra Galileo S. 2016.Filipino sa
Piling Larangan(akademik) Quezon City. Rex Book Store, Inc.

Garcia, Florante C. 2017.Filipino sa Piling Larang Akademik. Quezon City. Sibs


Publishing House, Inc.

Julian, Ailene at Lontoc, Nestor. 2017 Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling


Larang.Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.

Santos, Corazon et al. 2016. Filipino sa Piling Larang Akademik Patnubay ng


Guro. Pasig City. Department of Education-Bureau of Learning
Resources

13
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Pampaaralan Sangay ng Benguet, Wangal, La Trinidad, Benguet,
2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: car@deped.gov.ph

You might also like