You are on page 1of 16

Department of Education

Region III

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IKATLONG MARKAHAN
Unang Linggo

Mungkahing Timeline sa Paggawa ng SIPacks sa ESP


BAWAT LINGGO
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Alalahanin
bagong aralin Sagutan
Unang B. Paghahabi ng layunin sa aralin
(Ano ang inaasahang Maipamalas Mo) Basahin
Araw
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Sagutan
(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman, Sagutan
Ikalawang Kakayahan at Pag-unawa)
Araw
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
Sagutan
bagong kaalaman #2 (Integration of GMRC)
Ikatlong
F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim) Basahin
Araw
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Sagutan
Ikaapat (Pagsasabuhay)
na Araw H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Basahin o
Konsepto) Sagutan
Ikalimang I. Pagtataya ng Aralin (Pagganap/Pagninilay) Sagutan
Araw J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin Sagutan

*maaaring sagutin ang mga gawain sa EsP ayon sa itinakdang oras ng inyong
paaralan

PANGKALAHATANG PANUTO
Sa mag-aaral:
Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang mga ginawang SIPacks na ito ay
makapagbibigay ng dagdag-kaalaman at impormasyon sa iyo bilang mag-aaral.
Lilinangin din ng mga aralin ang iyong kasanayan na nakabatay sa
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto o MELCs. May mga nakatakdang
gawain na iyong sasagutin sa bawat pahina para sa isang linggong aralin.

Para malubos ang paggamit sa mga kagamitang pagkatuto (SIPacks),


isaalang-alang ang mga sumusunod na paalala:

i
1. Huwag madaliin ang pagbabasa. Unawaing mabuti ang aralin.
2. Alamin sa iyong guro kung sa mga SIPacks sasagot o gagamit ng sagutang
papel.
Kung hindi susulatan ang mga SIPacks sundin ang panuto 3 & 4
3. Isusulat ang lahat ng iyong sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng
PAD PAPER (one whole sheet) bilang SAGUTANG PAPEL (Answer Sheet)
4. HUWAG KALIMUTANG isulat ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong
SAGUTANG PAPEL bago sumagot sa mga gawain.

a. Ang Iyong Buong Pangalan (mag-aaral) e. Bilang ng Kwarter


b. Ang Iyong Antas at Pangkat f. Linggo ng Pagsagot
c. Asignatura at Petsa ng Pagsagot g. Bilang ng Gawain, Pamagat at
d. Pangalan ng Iyong Guro sa Nasabing Asignatura Bilang ng mga Aytem

Narito ang isang halimbawang ilustrasyon ng mga panuto sa itaas:

Buong Pangalan: (Hal. Juan P. Dela Cruz) Asignatura: (Hal. ESP 9) Kwarter: (Hal. 3)
Antas at Pangkat: (Hal. 9 Bonifacio) Pangalan ng Guro: (Hal. Lucia Santos)
Linggo ng Pagsagot: (Hal. Unang Linggo) Petsa ng Pagsagot: (Hal. Nov 9-13,2021)

Gawain no.

1.
2.
3.
4.

Gawain no.

1.
2.
3.

5. Tandaan na ang lahat ng mga gawain na iyong sasagutin ay magsisilbing


awtput at ibibigay sa iyong guro sa nasabing asignatura para iwasto at itala sa
class record.
6. Kapag nahihirapan o hindi maintindihan makipag-ugnayan sa inyong guro sa
EsP.
7. Higit sa lahat, ialay sa Panginoon ang lakas at talino na ibibigay mo sa
pagsagot sa mga aralin.

ii
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – Unang Linggo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag unawa sa konsepto ng katarungang
panlipunan.
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
Natutugunan ng mag aaral ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan sa
mga angkop na pagkakataon.

C. Pamantayan sa Pagkatuto (MELCs)


1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan. (EsP9KPIIIc-9.1)
2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga
tagapamahala at mamamayan. (EsP9KPIIIc-9.2)

II. NILALAMAN
Paksa: “Katarungang Panlipunan”
Kaugnay na Pagpapahalaga: Pagiging Makatarungan

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
Gayola, Sheryll T., et. al. Department of Education. Edukasyon sa
Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang, Modyul para sa Mag-aaral: DepEd
5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City. 2015.

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-2021

B. Iba pang sanggunian


https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102012163
IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin
Sa nakaraang markahan ay naipamalas mo ang pag-unawa sa mga tungkulin
ng tao sa lipunan. Ngayon naman sa Ikatlong Markahan ay matututuhan mo ang
mga pagpapahalagang kaugnay ng paggawa tungo sa pag-unlad ng sarili, kapuwa
at bansa. Sa linggong ito, malalaman mo ang mga pangunahing konsepto at
prinsipyo ng katarungan at kahalagahan nito sa iyong pagkatao at sa lipunan.

B. Paghahabi ng Layunin sa Aralin


(Ano ang Inaasahang Maipamalas Mo?)

1
Sa araling ito, inaasahang malilinang sa’yo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:

1. natutukoy ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan batay sa sariling


pag-unawa at sa paghahambing nito sa pag-unawa ng iba;
2. nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pag-iral at mga paglabag sa
katarungang panlipunan at nasusuri ang mga epekto ng mga ito sa lipunan;
3. nahihinuha ang kahulugan ng katarungan, kung saan ito nagsisimula at ang
mga katangiang taglay ng isang taong makatarungan; at
4. nakapagninilay sa mga nakaraang karanasan at nagawang kilos na
nagpapakita ng pagiging patas sa sarili at sa ibang tao.

Ngayon naman, sa araling ito, inaasahang masasagot mo ang mahalagang


tanong na: Ano nga ba ang Katarungan? Paano ka magiging makatarungan? Paano
ito naging mahalagang sangkap sa ugnayan sa lipunan? Gagabayan ka ng araling
ito upang maunawaan mo ang mga konseptong ito, nang sa gayon, mahikayat ka na
itaguyod at isabuhay ang pagpapahalagang ito.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Gawain 1: Justice Link

Panuto: Tignan ang dalawang kalasag sa ibaba. Sa kaliwa ay magtala ng tatlong


mga salita o ideyang pumapasok sa iyong isipan kapag naririnig mo ang salitang
katarungang panlipunan. Pagkatapos ay hingan mo din ng tatlong ideya sa
parehong salita ang isang kapamilya o kaibigan. Maaaring sa personal o sa
pamamagitan ng chat ang pag-uusap. Itala ang kanyang mga sagot sa kalasag na
nasa kanan at sagutin ang mga kasunod na gabay na tanong. Isulat ang mga sagot
sa iyong sagutang papel.

Mga Gabay na Tanong:

1. Paghambingin ang inyong mga kasagutan. Ano-anong mga salita o ideya


tungkol sa katarungang panlipunan ang nagkapareho o malapit ang
kaugnayan sa isa’t-isa?

2. Sa iyong palagay alin sa inyong mga kasagutan ang maituturing na


pinakamahalagang palatandaan ng pagkakaroon ng katarungang
panlipunan? Bakit mo ito nasabi?

2
MGA IDEYA NG KAPAMILYA O KAIBIGAN
MGA SARILING IDEYA

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #1
(Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa)
Gawain 2: Social Justice at Social Jus-tiis
Panuto: Batay sa iyong mga obserbasyon sa mga mamamayan o tagapamahala sa
iyong paligid at mga nakikita sa telebisyon at social media, magbigay ng 3 sitwasyon
o mga kilos kung saan naipakikita ang pagiging makatarungan at isulat ang mga ito
sa hanay ng Social Justice. Sa hanay naman ng Social Jus-tiis, magtala ng 3
sitwasyon na nagpapakita naman ng paglabag sa katarungang panlipunan. Isulat
ang mga sagot sa iyong sagutang papel.

Social Justice Social Jus-tiis


1. 1.

2. 2.

3. 3.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang pangkalahatang epekto sa lipunan ng mga sitwasyon o kilos na
makatarungan? Ano naman ang epekto ng mga paglabag?

3
2. Sa iyong palagay, ano-ano ang katangiang taglay ng isang taong makatarungan
at saan ito nagsisimulang matutunan ng tao?

3. Paano magtutulungan ang mga mamamayan upang malunasan paunti-unti ang


mga paglabag sa katarungang panlipunan?

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #2
(Integration of GMRC)
Gawain 3: Makatarungang Tao ba Ako?

Panuto: Gamit ang ang kasunod na talahanayan, suriin ang iyong sarili kung ikaw
ay isang makatarungang tao. Isulat sa iyong sagutang papel ang Ako Ito kung
taglay mo o naisasabuhay mo ang katangiang tinutukoy sa bilang at isulat naman
ang Hindi Ako Ito kung hindi mo ito taglay o naisasabuhay.

Hindi
Mga Katangian Ng Isang Makatarungang Tao Ako Ito
Ako Ito
1. Ginagamit ko ang aking lakas sa paggalang sa batas.
2. Isinasaalang-alang ko ang pagiging patas sa lahat ng tao
3. Hindi ko iginigiit ang aking karapatan kapag alam kong may
ibang higit na nangangailangan.
4. Sa bawat grupong kinabibilangan ko ay sinisigurado kong
may kontribusyon ako sa anumang paraan.
5. Tumutupad ako palagi sa mga kasunduang nakabubuti sa
akin at sa aking kapuwa.
6. Iginagalang ko ang mga karapatan ng bawat miyembro ng
aking pamilya.
7. Hindi ko hinahayaang may ma-agrabyado sa mga tao sa
aking paligid.
8. Ginagamit ko ang aking lakas sa pagkilala sa karapatan ng
aking kapuwa.
9. Alam kong ang pagbibigay pabor sa isang panig lamang ay
kawalan ng katarungan.
10. Iniiwasan ko ang labis na umasa sa mga tao sa aking
paligid.

4
Interpretasyon

8 – 10 Tunay kang natatangi at mabuti dahil sa pagiging makatarungang tao!

6–7 Tama ang iyong mga ginagawa. Ipagpatuloy pa ang iyong nasimulan!

3-5 Naisasabuhay mo na ang pagiging makatarungan, ngunit kailangan mo pa


itong linangin.
0-2 Ibayong pagsisikap ang dapat mong gawin upang maisabuhay ang
pagiging makatarungan.

Pagsusuri:
1. Ano-ano ang iyong natuklasan tungkol sa iyong sarili batay sa resulta ng
ginawa mong pagsusuri?

2. Sa palagay mo, paano ka magiging makatarungang tao upang makibahagi sa


pagpapairal ng katarungang panlipunan sa iyong pamilya, paaralan o
pamayanan? Ipaliwanag.

PAGIGING MAKATARUNGAN
Ang isang taong makatarungan ay walang pagtatangi sa kanyang kapuwa sa
pagbibigay ng kung ano ang nararapat para sa kanila. Hindi niya binabase ang
pagtrato sa kanyang kapuwa sa mga indibidwal na katangian ng tao. Kinikilala niya
ang karapatan ng kapuwa bilang paggalang sa buhay nito. Kung kaya, sinisikap
niyang iwasan ang anumang makakahadlang sa matiwasay na ugnayan nito sa
kanyang kapuwa at sa lipunan.

Mga Paraan Upang Maging Mas Makatarungan


Narito ang ilang paraan kung paano mas magiging makatarungang tao:

1. Iwasan ang kasakiman.


Ang pinakamabisang panlaban sa kasakiman ay pag-ibig, na hindi lang
basta damdamin o romantikong pagkaakit kundi mapagsakripisyong pag-ibig
sa kapuwa. Sa pamamagitan nito ay magiging mas madali sa atin ang
magpaubaya ng mga nararapat sa atin para sa mga taong higit na
nangangailangan.

2. Iwasan ang diskriminasyon.


Huwag tayong magtangi at huwag nating gawing batayan ang lahi,
katayuan sa lipunan, o kasarian sa paraan ng pagtrato sa kapuwa.

3. Iwasan ang galit sa lipunan.


Matutong tanggapin ang pagkakaiba-iba ng mga tao sa kanilang
opinyon at gawi. Baguhin ang mga hindi mabuting nakaugalian.

5
F. Paglinang ng Kabihasaan
(Pagpapalalim)
Sa Gawain 1, iyong natukoy ang mga palatandaan ng katarungang
panlipunan batay sa sariling pag-unawa at pag-unawa ng kapamilya o kaibigan. Sa
Gawain 2 naman ay nakapagbigay ka ng mga sitwasyon at kilos na nagpapakita ng
pagiging makatarungan at mga paglabag sa katarungan. Tinukoy mo rin ang epekto
ng mga ito sa lipunan. Iyong nasuri naman sa Gawain 3 ang iyong sariling mga
katangian sa pagiging isang makatarungang tao at nakapagnilay sa maaaring gawin
upang maging mas makatarungan sa kapuwa. Ngayon, palalimin mo pa ang iyong
pag-unawa sa pagbabasa sa mga sumusunod na konsepto tungkol sa kung ano nga
ba pagpapahalagang katarungan upang mas maunawaan ang prinsipyo sa likod nito
at kung paano ito nakikita bilang indikasyon ng makatarungan at di-makatarungang
ugnayan sa lipunan.

KAHULUGAN NG KATARUNGAN
Ayon kay Dr, Manuel Dy Jr, ang katarungan ay isang pagbibigay at hindi
isang pagtanggap. Ang tuon nito ay ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng
panloob na kalayaan mula sa pagkiling sa sariling interes. Ang katarungan ay
pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao.

Ano ang nararapat para sa kapuwa?


Ito ay ang pagpapahalaga sa kaniyang hindi malalabag na espasyo ng
kaniyang pagka - indibidwal at ang kanyang dignidad bilang tao. Ang pagkatao ng
tao ay isang katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang. Ang
katarungan ay batay sa pagkatao ng isang tao.

Bakit mo kailangang maging makatarungan sa iyong kapuwa?


Ito ay hindi lamang dahil ikaw ay tao kundi dahil ikaw rin ay namumuhay sa
lipunan ng mga tao. Ang pagiging makatarungan ay minimum na pagpapakita mo ng
pagmamahal bilang tao na namumuhay na kasama ang iba.

Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na


gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal. Ano
nga ba ang kilos-loob? Ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto na
magpapatatag sa iyong pagiging makatarungang tao. Sa pamamagitan ng pagiging
makatarungan, sinusunod mo ang Likas na Batas Moral.

MAKATARUNGANG TAO
Ano ang isang makatarungang tao?
Ayon kay Andre Comte-Sponville (2003) isang kang makatarungang tao kung:
1. ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng
kapuwa;
2. isinasaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat ng tao; at
3. itinatalaga mo ang iyong sarili sa kabila ng napakaraming hindi patas na
sitwasyon na maaaring nararanasan mo at minsan ay ikaw rin mismo ang
may gawa.
6
Nakikita mo ba ang mga ito sa iyong mga gawi? Pagnilayan ang resulta ng
iyong pagsusuri sa sarili sa Gawain 3.

PANGUNAHING PRINSIPYO NG KATARUNGAN


Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi
hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba. Kung nilalabag ang karapatang ito,
mawawalan na ng katarungan.
Ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng
bawat isa anumang ugnayan mayroon ka sa iyong kapuwa.

MGA INDIKASYON NG MAKATARUNGAN AT DI-MAKATARUNGANG UGNAYAN


SA LIPUNAN

Palatandaan ng Pag-iral ng Katarungan sa Lipunan


Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa pagitan ng mga tao kung hindi sila
umaasa, walang kompetisyon o hindi nang-aagrabyado sa isa’t-isa.

Paglabag sa Katarungan at Bunga nito sa Lipunan


Hindi makatarungan ang ugnayan sa lipunan kung ang isang panig ay
nagbibigay-hadlang sa pamumuhay ng kabilang panig.

NAGSISIMULA SA PAMILYA ANG KATARUNGAN


Sa pamilya nararanasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay ng kamalayan
tungkol sa katarungan. Dahil sa kanila, unti-unti kang nagkakaroon ng kakayahan na
maunawaan kung ano ang katarungan. Dahan-dahang nahuhubog ang iyong
pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal sa buhay. Mula nang mahubog ang
iyong konsensya, natutunan mo na ang katarungan at kawalan ng katarungan

Napakahalaga ng papel ng mga magulang mo sa paghubog ng iyong


pagiging makatarungan. Iminumulat ka nila sa katotohanang may karapatan at
tungkulin ka bilang tao hindi lamang sa pamilya kundi pati na rin sa lipunan.
Ginagabayan ka nila upang mapahalagahan at maisabuhay mo sa iyong pang-araw-
araw na ugnayan sa kapuwa ang mga karapatan at tungkuling ito.

4 NA ASPETO NG PAGSASANAY NG KATARUNGAN SA LOOB NG PAMILYA


1. Ipinaaalala ba palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangan mong gawin
ang mga makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba?
2. Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapuwa?
3. Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkakaiba-iba ng mga sirkumstansya ng iba’t-
ibang tao lalo na ang mga nakapaligid sa iyo?
4. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at
pagsasaayos ng iyong mga pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa
iba?

Ang apat na aspeto ng pagsasanay na ito ay ginagamitan ng iyong

7
isip at kilos-loob.

8
Ngayong natutuhan mo na ang kahulugan ng katarungan at kung paano ito
nakatutulong sa pagbuo ng makatarunang ugnayan sa lipunan, iyo namang suriin sa
susunod na gawain ang iyong mga pananaw at gawi na nakahahadlang sa iyong
pagiging makatarungan at kung paano mo malalagpasan ang mga ito.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


(Pagsasabuhay)
Gawain 4: Timbangin ang mga Sariling Gawi
Panuto: Tignan ang kasunod na balance scale. Sa unang bilang, magbigay ng isang
paglabag sa katarungan na nagawa o madalas mong nagagawa sa iyong kapuwa.
Ito ay maaaring nagawa sa kapatid/pamilya/kaibigan/sa social media/driver/tindera,
atbp. Sa ikalawang bilang, suriin ang mga sanhi o dahilan na nagtulak sa iyo upang
makagawa ng paglabag sa katarungan. Magbigay ng tatlo. Sa ikatlong bilang,
sumulat ng paraan ng pagkilos o pag-iisip na dapat isabuhay upang maiwasang
magawa ang paglabag sa katarungan. Magbigay ng tatlo. Magsulat sa iyong
sagutang papel.

H. Paglalahat ng Aralin
(Paghinuha ng Batayang Konsepto)
Gawain 5: Masunurin sa Prinsipyo, Makatarungan sa Kapuwa
9
Panuto: Sa kasunod na pahina, isulat sa loob ng mga kahon ang mga natutuhan mo
sa linggong ito tungkol sa pangunahing prinsipyo ng katarungan na gumagabay sa
pamumuhay ng tao upang magkaroon ng makatarungang ugnayan sa kapuwa at sa
lipunan.

I. Pagtataya ng Aralin
Gawain 6: Maikling Pagsusulit
Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.
_1. Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili.
_2. Ang katarungan ay nangangailangan ng panlabas na kalayaan mula
sa pagkiling sa sariling interes.
_3. Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagkuha
ng nararapat sa isang indibidwal.

10
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
4. Ito ay ang pangunahing prinsipyo ng katarungan sa sarili.
a. wastong pagpili
b. paglabag sa batas
c. paggawa ayon sa kagustuhan
d. paggalag sa karapatan ng bawat isa

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?


a. pagbibigay ng limos sa pulubi sa kalye
b. pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
c. pagbibigay ng bagsak na grado sa mag-aaral na hindi tumupad
sa kinakailangan sa klase
d. wala sa nabanggit

6. Ang katarungan ay kilos na pangunahing nagmumula sa:


a. loob ng bawat tao
b. pamahalaan
c. pulis
d. batas

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi aspeto ng pagsasanay ng katarungan sa


loob ng pamilya?
a. Ipinauunawa kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapuwa.
b. Nililinaw ang pagkakaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng iba’t-ibang tao lalo
na ang mga nakapaligid sa iyo.
c. Pagtuturo na isaayos ang iyong mga pagkakamaling nagawa sa ugnayan
mo sa iba sa pamamagitan ng masasakit na sermon.
d. Ipinaaalala palagi ng mga magulang na kailangang gawin ang mga
makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba.

Panuto: Magbigay ng 3 katangian ng isang makatarungang


tao. 8. _
9. _
10. _

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin

Gawain 7: Poster ng Makatarungan


Panuto: Sa iyong sagutang papel, gumawa ng isang poster na nagpapakita ng
pagiging makatarungan.

11
Rubrik

NILALAMAN (5 puntos)
Iskor Bilang ng Ideya o Konseptong may Kaugnayan sa
Pagiging Makatarungan
5 Napakahusay sa paksa
puntos May 5 o higit pang ideya o konsepto
3-4 May pag-unawa sa paksa
puntos May 3-4 ideya o konsepto
1-2 May katamtamang pag-unawa sa paksa
puntos May 1-2 ideya o konsepto

PAGKAKAGAWA (5 puntos)
Iskor Kalinisan at Kaayusan ng Poster
5
Malinis at maayos ang pagkakagawa.
puntos
3-4 May ilang bahagi ang di malinaw o maayos ang
puntos pagkakagawa.
1-2
Wala sa ayos ang halos lahat ng bahagi.
puntos

12
SUSI SA PAGWAWASTO:

Gawain 1:
Gawain 2:
Justice Link Social Justice at Social Jus-tiis

Gawain 3: Gawain 4:
Makatarungang Tao ba Ako? Timbangan ng mga Sariling Gawi

Gawain 5:
Masunurin sa Prinsipyo, Makatarungan sa Kapuwa

13
Gawain 6:
Maikling Pagsusulit

Gawain 7:
Poster ng Makatarungan

14

You might also like