You are on page 1of 16

Department of Education

Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan
Ikalimang Linggo

Mungkahing Timeline sa Pagsagot ng SIPacks sa ESP


BAWAT LINGGO
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Alalahanin
bagong aralin Sagutan
Unang B. Paghahabi ng layunin sa aralin
Basahin
Araw (Ano ang inaasahang Maipamalas Mo?)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Sagutan
(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman, Sagutan
Ikalawang
Kakayahan at Pag-unawa)
Araw
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
Sagutan
bagong kaalaman #2 (Integration of GMRC)
Ikatlong Basahin at
F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim)
Araw Unawain
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Sagutan
Ikaapat na (Pagsasabuhay)
Araw H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang
Pag-isipan
Konsepto)
I. Pagtataya ng Aralin (Pagganap/Pagninilay) Sagutan
Ikalimang
Sagutan ayon sa
Araw J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin
pangangailangan

*maaaring sagutin ang mga gawain sa EsP ayon sa itinakdang oras ng inyong
paaralan

PANGKALAHATANG PANUTO
Sa mag-aaral:
Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang mga ginawang SIPacks na ito ay
makapagbibigay ng dagdag-kaalaman at impormasyon sa iyo bilang mag-aaral.
Lilinangin din ng mga aralin ang iyong kasanayan na nakabatay sa
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto o MELCs. May mga nakatakdang
gawaing iyong sasagutin sa bawat pahina para sa isang linggong aralin.

ii
Para malubos ang paggamit sa mga kagamitang pagkatuto (SIPacks),
isaalang-alang ang sumusunod na paalala:

1. Huwag madaliin ang pagbabasa. Unawaing mabuti ang aralin.


2. Alamin sa iyong guro kung sa mga SIPacks sasagot o gagamit ng sagutang
papel.
Kung hindi susulatan ang mga SIPacks sundin ang panuto 3 & 4
3. Isulat mo ang lahat ng iyong sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng
PAD PAPER (one whole sheet) bilang SAGUTANG PAPEL (Answer Sheet)
4. Isulat mo ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong SAGUTANG PAPEL
bago sumagot sa mga gawain.
a. Ang Iyong Buong Pangalan (mag-aaral) e. Bilang ng Kwarter
b. Ang Iyong Antas at Pangkat f. Linggo ng Pagsagot
c. Asignatura at Petsa ng Pagsagot g. Bilang ng Gawain, Pamagat at
d. Pangalan ng Iyong Guro sa Nasabing Asignatura Bilang ng mga Aytem

Narito ang isang halimbawang ilustrasyon ng mga panuto sa itaas:

Buong Pangalan: (Hal. Juan P. Dela Cruz) Asignatura: (Hal. ESP 6) Kwarter: (Hal. 3)
Antas at Pangkat: (Hal. 9- Hydrogen) Pangalan ng Guro: (Hal. Gng. Riza V. Garcia)
Linggo ng Pagsagot: (Hal. Unang Linggo) Petsa ng Pagsagot: (Hal. April 19-23 , 2021)

Gawain Bilang. __

1.
2.
3.
4.

Gawain Bilang. __

1.
2.
3.

5. Tandaan na ang lahat ng mga gawaing iyong sasagutin ay magsisilbing awtput


at ibibigay sa iyong guro sa nasabing asignatura para iwasto at itala sa class
record.
6. Kapag nahihirapan o mayroong hindi maintindihan makipag-ugnayan sa iyong
guro sa EsP.
7. Higit sa lahat, ialay sa Panginoon ang lakas at talino na ibibigay mo sa pagsagot
sa mga aralin.

ii
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – Ikalimang Linggo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng kasipagan sa
paggawa
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang
kasipagan sa pag-aaral o takdang gawain sa tahanan

C. Pamantayan sa Pagkatuto (MELCs)

1. Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag at mayroong pagpupunyagi


sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok (EsP9KPIIIa-11.1)

2. Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa


pamantayan at motibasyon sa paggawa (EsP9KPIIIa-11.2)

II. NILALAMAN
Paksa: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa
Naimpok
Kaugnay na Pagpapahalaga: Pagpupunyagi, Pagiging Masipag at Matipid

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
Gayola, Sheryll T., et. al. 2015. Department of Education. Edukasyon sa
Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang, Modyul para sa Mag-aaral: DepEd
5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City.
p.162-177

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-2021

B. Iba pang Sanggunian


https://www.wikakids.com/filipino/maikling-kwento/ang-aral-ng-damo/
https://www.goodtherapy.org/blog/the-essence-of-contentment-how-acceptance-
promotes-happiness-0911194

1
IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Bakit maraming mga taong matapos kumita at magkaroon ng maraming pera
dahil sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi ay nabalewala lamang pagdating ng
panahon tulad na lamang ng ilang mga sikat na personalidad sa industriya na matapos
kumita ng malaking pera ay bumalik ang kanilang buhay sa paghihikahos o
paghihirap? Ano kaya ang masasabi mo ukol dito? Paano kaya nila ginamit ang pera
na naipon bunga ng kasipagan, pagpupunyagi at pagtitipid?
Para sa iyo ano ba ang katangian ng isang taong masipag, nagpupunyagi at
marunong mamahala ng kanyang naipon?

Gawain 1: SUBUKAN ANG NALALAMAN

Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat kung KASIPAGAN o


PAGPUPUNYAGI ang tinutukoy ng bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1. Tinitiyak ni Marie na maging maayos ang kalalabasan bawat gawain.


2. Ibinibigay ni Tom ang buong kakayahan, lakas, at panahon sa gawain nang
buong husay.
3. Ginagawa ni Marvin ang mga dapat gawin at hindi na kailangang utusan pa.
4. Patuloy na sinusubukan ni Tony na gawin ang gawain kahit na maraming beses
na nagkakamali.
5. Pinipilit na tapusin ni Marco ang gawain kahit na nahihirapan.
6. Hindi umiiwas sa gawain si Nikka lalo na kung nakaatas ito sa kaniya.
7. Kahit maraming pinagdaraanang pagdurusa si Jenny ay hindi tumitigil sa
ginagawa.
8. Ginagawa ang mga gawaing nakaatang kay Rey sa tamang oras.
9. Tinatapos ni Patricia sa takdang oras ang kaniyang modyul.
10. Si Tina ay nakapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa
umaga at pag-aaral naman sa gabi.

B. Paghahabi ng layunin sa aralin (Ano ang inaasahang Maipamalas Mo?)


Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. nakikilala ang katangian ng taong may kasipagan, nagpupunyagi at
nagpapakita ng pagtitipid at wastong pamamahala ng naimpok;
2. natutukoy ang ugnayan ng pagtitipid at wastong pamamahala sa kasipagan at
pagpupunyagi;
3. nasusuri ang kahalagahan ng pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok
na makakatulong sa pagkakaroon ng matagumpay na buhay; at

1
4. naipapakita ang angkop na kilos ng pagpupunyagi, kasipagan, pagtitipid at
wastong pamamahala sa naimpok sa mga pang-araw-araw na gawain.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Gawain 2: Sang-ayon o Hindi sang-ayon

Panuto: Isulat ang S kung sang-ayon sa isinasaad ng kilos na nagpapakita ng


pagtitipid at wastong pamamahala ng naimpok. Isulat naman ang DS kung hindi sang-
ayon.

_____1. Naglalakad imbes na sumakay kung malapit ang pupuntahan.


_____2. Nagbabaon na lamang ng pagkain kaysa bumili ng mamahaling pagkain sa
kantina o sa labas ng paaralan.
_____3. May oras lamang sa paggamit ng tv, computer, electric fan at iba pa.
_____4. Pagbabudget sa natanggap na allowance.
_____5. Ginagamit lamang ang cellphone sa importanteng text at tawag.
_____6. Agad na paggastos ng perang naipon sa bawat naisin na bilhin.
_____7. Bumibili ng mga gamit na sale o may discount kahit hindi ito masyadong
kailangan.
_____8. Pagbili ng maraming sapatos at bag upang ipagmalaki sa kaibigan at mga
kabarkada.
_____9. Paglagay sa alkansya ng natitira sa daily allowance.
_____10. Pagbili sa palengke kaysa mga mall.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa)
Gawain 3: Cellphone ng Pagtitipid at Pag-iimpok

Panuto:

1. Isulat sa mga kahon na nasa “cellphone” ang iilan sa iyong mga realisasyon na
nais mong isakatuparan upang maipamalas ang mga angkop na kilos sa pagtitipid at
pag-iimpok. Ilipat ang guhit sa inyong sagutang papel.

2. STOP para sa mga gawaing nais mong itigil, PAUSE para sa mga gawaing nais
mong pag-isipan o pagnilayan kung aalisin mo o ipagpapatuloy mo, PLAY para sa
mga gawaing nais mong ipagpatuloy sa kasalukuyan at NEXT para sa mga aksyong
plano mo pang gawin para ikaw ay makatipid at makapag-impok.

1
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #2 (Integration of GMRC)

MARUNONG MAKUNTENTO
Ang pagpapahalagang marunong makuntento ay nangangahulugan ng
pagiging masaya at kuntento sa anumang bagay na mayroon ang isang tao, kung sino
siya, at kung saan man sya. Ito ay pagrespeto sa realidad ng kasalukuyan niyang
buhay.
Dapat mong maunawaan na kailangan na maging mapagkumbaba at
matutong makuntento sa kung ano ang meron ka. Ito ang pinakamahalagang
paraaan ng pagtitipid. Laging isaisip na hindi makukuha ang kaligayahan sa mga
materyal na bagay lamang. Ito ay hindi mahahanap sa labas ng ating sarili sapagkat
matatagpuan ito sa ating kalooban.

Kahalagahan ng Pagiging Marunong Makuntento (Contentment)

1. Kaligayahan (Happiness)
Ang pagiging marunong makuntento ay nagdudulot ng kaligayahan.Kung ikaw
ay kuntento sa kasalukuyan nakukuha mong kalimutan at lampasan ang mga
masasakit na naisin mo na hindi mo nakamit.Bilang resulta, natutuhan mong

1
tanggapin ang mga ito. Dahil sa pagtanggap sa sitwasyon, pinahihintulutan mo ang
sarili mong maging masaya. Kapag marunong kang magpasalamat sa mga bagay na
mayroon ka kaysa sa laging pag-iisip na wala ka ay daan para magkaroon ka ng mas
magandang buhay.

2. Pagkilala sa Kailangan at Kagustuhan (Distinguishing between wants


and needs)
Ang pagiging marunong makuntento ay nakatutulong sa pagkilala kung ano
talaga ang iyong kailangan at kung ano lamang ang iyong kagustuhan. Kapag
kuntento ka, hindi ka na nagnanais ng mga bagay na hindi mo kailangan. Ang
kasaganaan ng kasalukuyang buhay ay sapat na para sa pagtahak ng masaya at
malusog na pamumuhay.

3. Pagiging Simple (Simplicity)


Kapag alam mong kilalanin ang iyong kailangan laban sa iyong kagustuhan,
hindi mo na nakukuhang pasakitan ang iyong sarili. Nawawala ang stress mo sa
madalas mong pagnananis na magkaroon ng mga bagay bagay. Dahil dito,
naisasabuhay mo ang pagiging simple. Tinuturuan ka nito na maging masaya sa kung
ano ang mayroon ka, maging ito ay kaunti o masagana.

Gawain 4: Pagsusuri ng Maikling Kwento

Panuto: Basahin at pagnilayan ang maikling kwento tungkol sa Aral ng Damo at


sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.

ARAL NG DAMO

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng
nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.
“G. Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.
“Hindi.” Ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”
Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Bb. Bulaklak, ikaw ba’y maligaya
sa iyong paligid?”
“Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia banda
roon. Siya’y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!”
Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “ Ano ang
masasabi mo sa iyong halimuyak?”
“Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya’ y
natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”

1
Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, “G. Saging,
kumusta? Ikaw ba’y nasisiyahan sa iyong sarili?
“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas
ang hangin lalo’t may bagyo, ako’y nababali! Nais ko sanang matulad sa Narra!”
Nagpunta ang anghel sa Narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong matibay na
puno?
“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang
mga ito’y nagsisilbing proteksiyon!” pakli ng Narra.
Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Ayaw kong mamulaklak. Walang kwenta ang bunga.
Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko’y ako… hindi nananaghili kaninuman pagkat
maligaya!

Gabay na Tanong:
1. Ano ang iyong damdamin pagkatapos basahin ang maikling kwento?
2. Paano mo mailalarawan ang pag-uugali ni G. Punong kahoy, Bb. Bulaklak,
Bb. Gardenia, G.Saging, narra at damo?
3. Ano ang pagkakaiba ng pag-uugali ng ibang karakter kay damo?
4. Maganda bang ehemplo ang pag-uugaling ipinakita ni damo na marunong
makuntento? Ipaliwanag.
5. Bilang isang kabataan, paano mo maisasabuhay ang pagiging marunong
makuntento?

F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim)


Unawain ang babasahin sa ibaba.
KASIPAGAN AT PAGPUPUNYAGI
Ang kasipagan ay dapat isaisip, isapuso at isagawa ng bawat nilikha. Kahit anong
bagay at anomang larangan ang ating gagawin kailangan natin ng kasipagan. Kung
walang sipag ang isang tao, wala siyang matatapos na gawain. Kung kaya’y kaakibat
ng sipag ay tiyaga na kung wala ang mga ito, mahihirapan ang tao ang tao na
makaahon sa buhay na ito.

Ano nga ba ang kahulugan ng kasipagan? Ang kasipagan ay tumutukoy sa


pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. Ito ay
tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa
sarili, mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina at kahusayan na kung
saan malaki ang maitutulong nila sa tao sa kanyang relasyon sa kaniyang gawain, sa
kaniyang kapuwa at sa kaniyang lipunan. Samantalang ang pagpupunyagi ay
pagtitiyaga na maabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay may
kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon. Ito ay pagtanggap sa

1
mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy na
pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit ang mithiin. Ang taong
nagpupunyagi at masipag sa gawain ay di malayong magkakaroon ng sapat na pera
na bunga ng kanyang sipag at kapaguran, kaya mahalaga na marunong din
pamahalaan ang mga perang natipid at naimpok.

Ang Pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay.Ito ay isang birtud na nagtuturo sa


tao na hindi lamang mamuhay ng masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit
na makapagbigay sa iba. Ang pagtitipid ay hindi ubos-ubos sa pera o bagay na
walang saysay sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong ginawang
pagsisikap at pagtitiyaga.

Nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng isang tao kung hindi niya


napapamahalaan ng wasto ang kaniyang mga pinaghirapan. Kaya nga, kung ang
isang tao ay magtitipid ay mapamamahalaan niya ng tama ang kaniyang mga
naimpok. Ang Pag-iimpok ay paraan upang makapag-save o makapag-ipon ng salapi,
na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.

Bakit kailangan na mag-impok ng pera? Ayon sa Teorya ni Maslow, The Hierarchy


of Needs, ang pera ay mahalaga na makatutulong sa tao na maramdaman ang
kanyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap. Kung kayat dapat natin na
pahalagahan ang ating mga naipon. Sapagkat hindi napupulot ang pera,hindi ito
mapipitas sa mga puno,o di kaya hindi ito nalalaglag mula sa langit. Ang pera ay
pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kinakailangan lamang na gastusin sa tama
upang huwag itong mawala. Ayon sa isang financial expert na si Francisco Colayco,
mayroong tatlong dahilan kung bakit kailangan mag-impok ang tao:
1. para sa proteksyon sa buhay;
2. para sa mga hangarin sa buhay; at
3. para sa pagreretiro.

Kinakailangan na tratuhin ang pag-impok na isang obligasyon at hindi optional.


Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita ay obligasyon natin sa ating sarili ang pag-impok.
Kaya, simulan mo na hangga’t maaga. Sapagkat ito ang makapagbibigay ng
masaganang bukas.Tingnan natin ang isang langgam, sa tag-araw ay buong sipag
silang nag-iipon ng pagkain kung kayat sa pagdating ng tag-ulan ay kampante na sila
na hindi magugutom dahil matagal na nila itong pinaghandaan. Tayo rin bilang tao ay
dapat mag-ipon habang tayo ay malakas upang makamtan natin ang magandang
bukas.

Mangyayari lamang ito kung ang kasipagan at pagpupunyagi ay paiiralin at ang


pagtitipid ay pananatilihin. Kaya simulan mo na ngayon.Ngayon na!

Gawain 5: Listahan ng Pagtitipid


Maglista ng mga paraan na nagpapakita ng Pagtitipid
1. ____________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
1
3. ____________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ____________________________________________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Pagsasabuhay)


Gawain 6: Tunay na Buhay

Sa totoong buhay hindi madali ang magtrabaho o gumawa ng gawain na


produktibo. Ito ay nangangailangan ng pagitityaga, pagpupunyagi at kasipagan.
Halimbawa na lamang ang sitwasyon mo ngayon na distance/modular learning.
Kailangan mong aralin ang iyong mga asignatura at gawin ang mga gawain sa
modyul na wala ang guro sa tabi mo. Lalong nagiging mahirap kung walang
miyembro ng pamilya ang gagabay sa iyo.

Gumagawa ng dyornal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon


sa pamantayan at motibasyon sa paggawa. Ikuwento sa iyong journal ang mga
ginagawa mong paghahanda sa iyong gawain na may kaugnayan sa iyong pag-aaral
at paano mo nalalampasan ang mga paghihirap at pagsubok sa mga paggawa ng
iyong mga gawain. Magbigay din ng mga tips kung paano mo natatapos ang iyong
mga gawain.

DYORNAL NG GAWAIN

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

1
H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)
Gawain 7: Alkansya ng Kaalaman

Panuto:
Pagkatapos mong basahin at pagnilayan ang ating aralin, inaanyayahan kita na
buuin ang natutuhan mong konsepto dito. Punan ang patlang ng nawawalang salita
sa loob ng piggy bank at hanapin ang angkop na salita na nakasulat sa bawat barya
upang makumpleto ang nabuong konsepto ng aralin.

masagana
pagtitipid makatutulong
perang

tao
Ang _____ ay nagtuturo sa
tao na hindi lamang
mamuhay ng ______ kundi
gamitin ang _______natipid
upang _______sa mga
nangangailangan.

I. Pagtataya ng Aralin

Gawain 8: Kaya Mo Ito!

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa bawat bilang, sagutin ang tanong at
isulat ang letra ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang tawag sa pagtitiyaga upang maabot at makamit ang layunin at mithiin sa
buhay?
a. pagpupunyagi c. katalinuhan
b. malikhaing ideya d. kabayanihan sa bayan

1
2. Ito naman ang paggagasta ng pera sa walang kabuluhang bagay.
a. pagiging mahinahon c. pagtitipid
b. pagiging determinado d. pagiging masipag

3. Ito ang paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating


pangangailangan sa takdang panahon. Ano ito?
a. pagtitipid c. pagtitiyaga
b. pag-iimpok d. pagtatago

4. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na


makapagbigay sa iba.
a. pag-iimpok c. pagbibigay
b. pagtitipid d. pagkakawang-gawa

5. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?


a. maging mapagkumbaba at matutong makuntento
b. maging mapagbigay at matutong tumulong
c. maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
d. maging masipag at matutong maging matiyaga

6. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs tungkol sa pera?
a. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na pangangailangan.
b. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa
buhay lalo na sa hinaharap.
d. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang buhay ay
maging maayos sa hinaharap.

7. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon
kay Francisco Colayco maliban sa:
a. para sa pagreretiro
b. para sa mga hangarin sa buhay
c. para maging inspirasyon sa buhay
d. para sa proteksyon sa buhay

8. Ano ang kaakibat ng kasipagan?


a. kababaang-loob c. paggalang
b. pagpupunyagi d. pagiging maaagap

9. Ano ang tawag sa pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa


buhay na may kalakip napagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.

1
a. kasipagan c. kagsisikap
b. katatagan d. pagpupunyagi

10. Ano ang ipinapakitang pagpapahalaga kapag ang isang tao ay nagsisikap na
gawin at tapusin ang isang bagay ng may kalidad?

a. kaginhawan c. katarungan
b. kasipagan d. karangyaan

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin


Gawain 9:

Panuto: Sagutin at punuin ang tsart sa ibaba.

Paano ipinamamalas ng bawat kasapi ng Ano ang naitutulong mo para


pamilya ang kasipagan, pagtitipid at pag- maisabuhay ang kasipagan, pagtitipid at
iimpok? pag-iimpok?
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

1
1
1. Maaaring maiba-iba ang sagot
2. Mga posibleng sagot
a. Sila ay hindi maligaya
b. Sila ay hindi kuntento sa kung anong mayroon sila
c. Sila ay na-iinggit sa iba.
3. Siya ay Kuntento at masaya sa kung anong mayroon sa kaniya.
4. Mga posibleng sagot
a. Oo, dahil masaya siya sa kung anong mayroon sa kaniya
b. Oo, hindi siya kailanman nainggit sa iba
c. Oo, hindi niya hinangad na magkaroon ng mga bagay na hindi niya pwedeng makuha.
5. Maaaring maiba-iba ang sagot
Gawain 4: “Pagsusuri ng Maikling Kwento“
STOP - Maaaring maiba-iba ang sagot
PLAY - Maaaring maiba-iba ang sagot
PAUSE - Maaaring maiba-iba ang sagot
NEXT - Maaaring maiba-iba ang sagot
Gawain 3: ”Cellphone ng Pagtitipid at Pag-iimpok”
1. S 6. DS
2. S 7. DS
3. S 8. DS
4. S 9. S
5. S 10 S
Gawain 2: Sang-ayon o Hindi sang-ayon
1. Kasipagan 6. Kasipagan
2. Kasipagan 7. Pagpupunyagi
3. Kasipagan 8. Kasipagan
4. Pagpupunyagi 9. Kasipagan
5. Pagpupunyagi 10. Pagpupunyagi
Gawain 1: Subukan ang Nalalaman
Susi sa Pagwawasto:
1
Maaaring maiba-iba ang sagot
Karagdagang Gawain:
1. A 6. C
2. C 7. C
3. B 8. B
4. C 9. D
5. A 10 B
Gawain 8: Maikling Pagsusulit
Ang pagtitipid ay nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay ng masagana
kundi gamitin ang perang natipid upang makatulong sa mga
nangangailangan.
Gawain 7: Alkansya ng Kaalaman
Maaaring maiba-iba ang mga sagot.
Gawain 6: Tunay na Buhay
Maaaring maiba-iba ang mga sagot.
Gawain 5: Listahan ng Pagtitipid
Grupo ng Tagapaglinang

Grupo ng Tagapaglinang ng SIPacks

Manunulat: Riza V. Garcia


Patnugot: Jean R. Canlas, Ph.D.
Tagasuri ng Nilalaman: Jean R. Canlas. Ph.D
Rosalinda S. Ibarra, Ph.D
Edgardo Nunag
Maria Carmen Evangelista
Melody S. Oreǹa
Patnugot ng Wika: Edelwiza Cadag

Grupo ng Tagapaglinang: Imelda P. Macaspac, Ph.D


Rosalin S. Muli, Ph. D
Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag

You might also like