You are on page 1of 15

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON III
Sangay ng Lungsod ng Cabanatuan
Daang Maharlika, Lungsod ng Cabanatuan

Pagsusuri sa Nilalaman, Elemento


at Kakanyahan ng Isang Akda

FILIPINO

SELF-LEARNING MODULE

10
Writer: Ella V. Rodavia (Teacher III San Josef National H/S)

Project EL AR:
Enhance Learning
thru Adequate Resources
GABAY NG MAG-AARAL, MAGULANG,
TAGAPAG-ALAGA AT TAGAPAGPADALOY

Para sa Iyo, Mag-aaral:

Maligayang pagtunghay sa Filipino Grade 10 Self-Learning Module (SLM) sa


Pagsusuri ng parabula batay sa nilalaman,elemento at kakanyahan nito. Ang Modyul na
ito ay inihanda para bigyan ka ng masaya at makabuluhang pagkakataon para sa
nagsasarili o ginagabayang pag-aaral na kumbiniyente sa iyo. Matututuhan mo ang
araling hatid ng Modyul bilang isang aktibong mag-aaral.

Para sa mga Magulang, Tagapag-Alaga at Tagapagpadaloy:

Ang Modyul na ito ay binuo at sinuri ng mga guro, punong guro at mga tagamasid
ng Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng Cabanatuan upang makabalikat kayo sa
pagtulong sa ating mga mag-aaral na maabot ang mga pamantayan ng Kurikulum ng
K to 12. Ito ay sama-sama nating itataguyod sa kabila ng mga hadlang sa normal na
pag-aaral na kinakaharap ng mga mag-aaral sa kasalukuyan.

Bilang Tagapagpadaloy, inaasahang gagabayan ninyo ang mag-aaral sa


paggamit ng Modyul na ito. Ito ay sa pamamagitan ng pagpatnubay sa kaniya na
maisagawa at matapos nang maayos ang lahat ng gawain at kahilingan ng aralin.

Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa.

2
MGA LAYUNIN

1. Nasasagot ang mga tanong batay sa akdang binasa;


2. Nasusuri ang binasang akda batay sa mga sumusunod;
- nilalaman
- Elemento
- kakanyahan

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Nasusuri ang nilalaman,elemento at kakanyahan ng binasang akda batay sa mga


ibinigay na tanong. F10PB-Ib-c-63

ANO ANG ALAM MO NA?

Paunang Pagtataya: Basahin ang akda at pagkatapos piliin ang letra ng tamang
sagot batay sa mga sumusunod na tanong.

Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano

Ang parabulang “Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano” ay hango sa


Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 18 talata 9 hanggang 14 (Lucas 18:9-
14).
Isang araw ay may dalawang lalaki na pumasok sa templo upang manalangin,
ang isa ay Pariseo at ang isa ay publikano o maniningil ng buwis.
Tumayo ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito, “O Diyos,
nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga
mandaraya, mga mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa
akong nag-aayuno sa loob ng isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu lahat kong kinikita.”
Samantala, ang publikano ay nakatayo sa malayo, ni hindi makatingin sa langit at
dinadagukan ang kanyang dibdib. Sinabi niya, “‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na
isang makasalanan!”
Ang publikano ay umuwing kinalulugdan ng Diyos samantalang ang Pariseo ay
hindi. Dahil ang sinumang nagpapakataas ay ibinababa, at siyang nagpapakababa ay
itinataas ng Diyos.

1. Tungkol saan ang binasang akda?


A. Tungkol sa isang Pariseo at isang maniningil ng buwis na pumasok sa templo upang
manalangin;
B. Tungkol sa panlalait ng Pariseo sa publikano
C. Tungkol sa publikano na humingi ng habag sa Panginoon;
D. Tungkol sa pagkalugod ng Diyos sa publikano

3
2. Ang binasang akda ay hango sa;
A. Magasin
B. Banal na Kasulatan
C. Orihinal na akda ng isang manunulat
D. Peryodiko
3. Anong uri ng panitikan ang binasa?
A. Maikling kwento
B. Pabula
C. Parabula
D. Sanaysay
4. Kung susuriin ang binasa,sinisimbolo ng mga Pariseo ang mga taong;
A. mapagmataas,pakitang-tao at mapanglait
B. alam ang kanyang mga pagkukulang at kasalanan
C. iniisip lamang ang kanyang sarili
D. mapagmalupit at mayabang
5. Samantalang ang publikano ay sumisimbolo sa mga;
A. mapagmataas,pakitang-tao at mapanglait
B. alam ang kanyang mga pagkukulang at kasalanan
C. iniisip lamang ang kanyang sarili
D. mapagmalupit at mayabang
Lagyan ng tsek(/) ang mga makatotohanang pangyayari batay sa binasa;
_____6. May dalawang uri ng tao,isa ay mabuti at ang isa naman ay masama.
_____7. Tulad ng Pariseo nakikita natin ang kakulangan at kapintasan ng iba samantalang
patuloy nating itinataas ang ating mga sarili.
_____8. Marami sa atin ang kumakatawan sa Pariseo samantalang kaunti lamang ang
sumasalamin sa publikano.
9. Anong pamantayang moral ang nakapaloob sa binasa?
A. Pagiging tapat
B. Paggalang
C. Pagpapakumbaba
D. Pagkamatapat
10. Ano ang mensahe o aral ang ipinababatid ng binasa?
A. Matutong lumingon sa pinanggalingan anuman ang narating sa buhay.
B. Maging mapagbigay sa kapwa anuman ang kalagayan sa buhay.
C. Maging mapagkumbaba at huwag ipagpalagay na ikaw ay matuwid,banal at
walang kamalian.
D.Magkaroon ng respeto sa kapwa,huwag hamakin at kutyain.

Kamusta ang iyong paunang pagtataya? Nagkaroon ka na ba ng ideya kung ano


ang araling ating tatalakayin para sa araw na ito.Ngayon pa lamang ay binabati
na kita!

4
ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

Alam mo ba….

Ang araling ito ay naglalaman ng pagsusuri ng isang akda. Bahagi ng araling


ito na suriin ang bahagi at katangian ng akda batay sa nilalaman,elemento at kakanyahan
nito.Malaman at mapahalagahan natin ang ganitong uri ng panitikan sapagkat ito’y
punong-puno ng talinghaga at mga aral na maaari nating isabuhay.

Sa iyong nakaraang antas ng pag-aaral marahil ay may alam ka na sa kung


ano ang parabula ngunit kinakailangan pang palawigin ito para sa mas malalim nating
pagkaunawa at kung paano ito suriin, ngunit muli muna nating balikan kung ano nga ba
ang parabula at ang katangian nito.

KAHULUGAN AT KATANGIAN NG PARABULA

isang maikling kwentong may aral na kalimitang


hinahango mula sa Bibliya;
nanggaling sa English word na parable na
nanggaling naman sa Greek word na parabole na
ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa
buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung
saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang
asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap
sa pangangailangang mamili o magdesisyon;
malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang
pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang
moral o relihiyosong aral;
ang mensahe ng parabula ay nakikita sa mga
patalinghagang pahayag;
huwag din nating kalimutang ang mga pangyayari
sa parabula ay realistiko o mga makatotohanang
pangyayari na naganap;

Malinaw na ba sa iyo ang kahulugan at katangian ng parabula,ngayon naman ay


pagtuunan natin ng pansin ang bahagi nito na dapat suriin sa pagbabasa natin ng
akda.Pag-aralan ang ilustrasyon sa susunod na pahina.

5
MGA BAHAGI NG PARABULA

MGA BAHAGI

P Nilalaman – tungkol saan ang parabula,sino-sino


ang tauhan at tagpuan kung saan naganap ang
A pangyayari sa akda;

R
A Elemento – nagtataglay ng mga pamantayang
moral at mga makatotohanang pangyayari sa
B akda;

U
L Kakanyahan – ano ang mensahe at aral ang nais
ipabatid gamit ang matatalinghagang pahayag.
A

Balikan ang binasang “Ang Talinghaga ng Pariseo at ang Publikano. Gamitin itong
halimbawa para sa pagsusuri na iyong binasa.

Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano

Talinghaga tungkol sa Pariseo at Publikano

Ang binasang parabula ay tungkol sa isang


Pariseo at publikano na pumasok sa templo upang
Nilalaman
manalangin.Naganap ang pangyayari sa loob ng
templo.

Gaya ng Pariseo may mga taong ang tingin


nila sa kanilang mga sarili ay matuwid at higit na
mabuti kaysa ibang tao at may mga katulad din
Elemento naman ang maniningil ng buwis na alam ang
kanyang mga kasalanan at inaamin ito sa harap
ng Panginoon.Siya’y naging mapagkumbaba
samantalang ang Pariseo naging mapagmataas.

Huwag ipagpalagay na tayo ay


matuwid,banal at walang kasalanan.Maging
Kakanyahan
mapagkumbaba. Huwag hamakin ang kapwa
sapagkat ito’y di kalugod-lugod sa Diyos.

6
ANO ANG IYONG NATUTUHAN?

Panuto :Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutukoy sa binasang parabula at ekis
(X)naman kung hindi.

_______________1. Ito ay parable sa wikang Ingles at Greek word na parabole na


ang ibig sabihin ay maikling sanaysay tungkol sa buhay at
nagtuturo ng kagandahang-asal.
_______________2. Ito ay may layunin ding magpatawa o magbigay-aliw sa
mambabasa.
_______________3. Binibigyang-diin sa parabula ang katangian ng tauhan,ang
kanyang kahinaan at kalakasan at maging pisikal na
katangian.
_______________4. Karanaiwang hango sa Bibliya ang kwento sa parabula.
_______________5. Nakabatay ito sa pamantayang moral at kagandahang-asal.
_______________6. Makatotohanan ang mga pangyayari.
_______________7. Matalinghaga ang parabula.
_______________8. Punong-puno ng aral at mensahe.
_______________9. May sukat at tugma ang anyo ng parabula.
______________10. Ang mensaheng nais iparating ng parabula ay makikita natin sa
patalinghagang pahayag nito.

GAWAIN BILANG 1

Panuto : Basahin ang isang halimbawa ng parabula at pagkatapos


sagutan ang mga tanong sa bawat bilang.

Mensahe ng Butil ng Kape


“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang


nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang
anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.

Ayon pa sa anak nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang


buhay dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama
anganak at tinawag niya papunta sa kusina.

7
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.Walang
narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila
angnakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok ,

Inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil
ng kape ang inilahok.

“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na
aking inilahok?” tanong ng ama.

“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.

Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit
ang anak sa mga palayok.

“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.

“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.

Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na


kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at
matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.

“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.

Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot,


itlog,at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang
naging reaksiyon.

Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos


mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang
itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay
naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay
mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap
na magpapatingkad dito.

“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak


“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay
katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon?
Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.

8
“Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang
pagsubok ay naging mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas
na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong
tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting
puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan,
sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa
nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa
kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay
at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.

“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng


pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid
mo,” dagdag na paliwanag ng ama.

“Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay


sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang
maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha
ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?

“Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.

Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape...”
katulad mo mahal na ama.

Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, US

1. Tungkol saan ang binasa?


A. Tungkol sa anak ng magsasaka na madaling sumuko sa hirap ng pagsasaka;
B. Tungkol sa anak ng magsasaka na nagrereklamo dahil sa nararanasang hirap at
pagod sa pagbubungkal at pagsasaka;
C. Tungkol sa anak ng magsasakang ayaw nang magbungkal ng lupa;
D. Tungkol sa anak ng magsasaka na nagrerklamo dahil hindi marunong magbungkal
o magsaka;
2. Ano ang sinisimbolo ng kumukulong tubig ayon sa binasa?
A. Suliraning dumarating sa buhay
B. Katatagan sa mga suliranin
C. Kabiguan sa buhay
D. Pangyayaring hindi inaasahan
3. Nang ilahok ng ama ang carrot sa kumukulong tubig,ito ay lumambot,paano ito
inugnay ng ama sa buhay ng tao?
A. Katulad ng carrot, ang tao ay maaaring sa malakas at matatag,subalit kung
dumating ang mga pagsubok sa buhay,siya ay nagiging mahina;
B. Katulad ng carrot,ang tao ay nananatiling matatag at malakas sa mga pagsubok
dumarating sa buhay;
C. Katulad ng carrot,ang tao sa una ay mahina subalit kung dumating ang mga
pagsubok sa buhay siya ay nagiing matatag at malakas.
D. A at B

9
4. Batay sa paliwanag ng ama, paano naman nya inihambing ang itlog sa buhay ng
isang tao nang ilahok ito sa kumukulong tubig?
A. Lumalambot ang puso sa mga taong nagkasala;
B. Nagiging malakas at matatag sa mga pagsubok;
C. Nagiging matigas ang kalooban at hindi madaling magpatawad;
D. Nagiging mapagmataas at walang pakialam sa kapwa.
5. Ano ang sinisimbolo ng butil na kape batay sa salaysay?
A. Isang taong matatag sa oras ng pagsubok at nakaaapekto sa ibang tao o paligid
na magkaroon ng positibong pananaw.
B. Isang taong marunong magpatawad sa pamilya at kaibigan;
C. Isang taong mapagpakumbaba at may pagmamahal sa kapwa.
D. Isang taong matiisin sa kabila ng hirap at pagod na nararanasan sa buhay.
6. “Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas
ng suliranin sa buhay.” Ang pahayag ay;
A. Nangangaral
B. Nag-aanyaya
C. Nagbababala
D. Nagpapayo
7. Ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit
nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.Ano ang nais ipakahulugan ng
pahayag?
A. Dumarating sa buhay ng isang tao ang mga pagsubok ngunit huwag hayaang
matalo nito bagkus lalong maging matatag na harapin ito.
B. Kung dumating ang suliranin sa buhay ng tao hayaan ang ibang tao ang humanap
ng solusyon dito.
C. Ang isang tao na dumaraan sa isang pagsubok ay nagkakaroon ng hindi
magandang pagbabago sa kanyang sarili.
D. Ang lahat ng suliraning ng tao ay malalagpasan.
Panuto : Aytem 8-10
Lagyan ng tesk(/) ang mga makatotohanang pangyayari batay sa binasa at ekis(X)
kung hindi.

____________ 8. May mga taong nagrereklamo dahil sa hirap ng buhay.

____________ 9. Dumaraan sa maraming pagsubok ang tao at iba – iba ang


pamamaraan kung paano natin tutugunan ang mga ito.

____________ 10. Nagbabago ang tao dahil sa mga di magagandang pangyayari


gaya ng mga pagsubok at sigalot na dumarating sa buhay.

Natapos mo na ang iyong unang gawain,ngayon naman ay dumako ka na sa pagsusuri


ng iyong binasa.Simulan mo na!

10
GAWAIN BILANG 2

Panuto : Punan ang kahon batay sa pagkakasuri sa akdang binasa.

Bahagi Mensahe ng Butil na Kape

1.Tauhan sa akda:

2.Tagpuan/Saan naganap :

A. Nilalaman

3. Mahalagang Pangyayari:

4. Anong pamantayang moral/values


ang nakapaloob sa akda?

B. Elemento

5. Magbigay ng makatotohanang
pangyayari sa akda.

6. Ano ang aral o mensahe ang nais


iparating ng akda?
C. Kakanyahan

Kamusta ang ginawa mong pagsusuri sa akda?Nasagutan mo ba ng


tama?Kung oo,binabati kita.Gawin mo naman ang huling gawain.

11
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.Walang
narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila
angnakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok ,

Inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil
ng kape ang inilahok.

“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na
aking inilahok?” tanong ng ama.

“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.

Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit
ang anak sa mga palayok.

“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.

“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.

Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na


kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at
matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.

“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.

Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot,


itlog,at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang
naging reaksiyon.

Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos


mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang
itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay
naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay
mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap
na magpapatingkad dito.

“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak


“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay
katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon?
Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.

8
13
Paunang Pagtataya
1. A
2. B
3. D
4. A
5. B
6. /
7. /
8. X
9. C
10. C
Ano ang iyong natutunan?
Gawain bilang 1
1. /
1. B
2. X
2. A
3. X
3. A
4. /
4. C
5. /
5. A
6. /
6. D
7. /
7. A
8. /
8. /
9. X
9. /
10. /
10. /
Gawain bilang 2
1. Anak at ang ama
2. Sa bahay
3. Tungkol sa anak na nagrereklamo
dahil sa hirap na nararanasan Gawain bilang 3
4. Pagiging matatag,matapang at
pagkakaroon ng positibong Ang pagwawasto sa bahaging ito ay
pananaw sa buhay nakadepende sa sagot ng mga mag-
5. (Maraming posibleng sagot) aaral
6. (Maraming posibleng sagot)
MGA SAGOT PARA SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Mga Batayang Aklat

1. Vilma C. Ambat et.al, Panitikang Pandaigdig: Modyul para sa Mag-aaral


Filipino 10 (Pasig City Vibal Group Inc., 2015)pahina 56-72
2. Amelia V. Bucu et.al, Kalinangan (Nicanor Reyes Sr. St. Rex Printing Company
2015) pahina 185

Mga Hango sa Internet

1. Sepillo, Angelika. "Mensahe ng Butil Na Kape."


http://batangasblogadress.blogspot.com/2016/. November 16, 2016

Mga Ginamit na Larawan Hango sa Internet (Labeled For Reuse)

1. https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpngio.com%2Fimages
%2Fpng-
a307203.html&psig=AOvVaw3gsGIfB5DWk3X647xVzCuq&ust=1594072559331000&
source=images&cd=vfe&ved=0CAkQjhxqFwoTCNj-7JeNt-
oCFQAAAAAdAAAAABAP

14
Pagsusuri sa Nilalaman, Elemento
at Kakanyahan ng Isang Akda

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa katangian at


bahagi ng parabula. Susuriin ang akda batay sa nilalaman, elemento at kakanyahan nito
upang lubusan ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa isang babasahing katulad ng
parabula. Matutunan din nating pahalagahan ang ganitong uri ng panitikan bilang akda
dahil sa mga aral at mensaheng nais iparating nito.

Makatutulong din ang modyul na ito na mapataas at mapaunlad ang kakayahang


makapagbasa at makapagsuri ng panitikan.

DEPARTMENT OF EDUCATION Region 3 Division of Cabanatuan City


Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
This self-learning module (SLM) is developed by the SDO Cabanatuan City CID-LRMDS Team under Project
EL AR: Enhanced Learning thru Adequate Resources.
Cover and page elements illustrations by Jan Carl B. Briones ● Project EL AR logo by Gemmarie G. Rivas

You might also like