You are on page 1of 9

DISCUSSION AND LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO 10

ARALIN 1:MITOLIHIYA MULA SA KENYA


Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ng Ethiopia sa Hilaga,
Somalia sa Hilagang-Silangan, Tanzania sa Timog, Uganda sa Kanluran, at Sudan sa Hilagang Kanluran.
Kasama ang karagatang Indian sa Timog-Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining
sa inukit na bato, arkitektura ang mga palasyo, at museo na yari sa putik, may musika, at sayaw na ritmo ng
pananampalataya ng kanilang lahi. Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang
mga mitolohiya na higit na magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya. At ang isa sa mga
tanyag na Mitolohiya ng Kenya ay ang “liongo”.
GAWAIN: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Punan ng letra ang bawat kahon sa crossword puzzle upang mabuo ang kasingkahulugan ng salitang
may salungguhit sa bawat pangungusap. Gawing gabay ang ibinigay na mga letra pababa at pahalang.
PARA SA UNANG BILANG PAHALANG
1. Bigla siyang nakahulagpos sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay.
2. Nang siya’y madakip, ikinulong siya sa bilangguan at mahigpit na pinabantayan.
3. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa
pagpana.
PARA NAMAN SA UNANG BILANG PABABA
1. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya.
2. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas.

A K A A L

T A U L I

A A

A A A A
S
O
I
LIONGO
ISINALIN SA FILIPINO NI RODERIC P. URGELLES
Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng
karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang
higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang
pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya
ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kaniyang pinsang si Haring Ahmad
(Hemedi) na kinilalang kaunaunahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear
na pamamahala ng kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais
ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng isang
pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inaawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang
nakahulagpos sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit.
Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang
mabuti sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa pagpana. Ito pala’y
pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas.
Kakaunti lang ang nakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala
(Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa
kaniyang pamilya. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya.
PAGSUSURI SA AKDANG LIONGO BATAY SA:

1. PAGKILALA SA MAY AKDA (MANUNULAT)


Ang akda ay isang mito kung kaya’t walang katiyakan ang sumulat nito. Sa kabilang banda, sinasabing ang
mitolohiya ni Liongo ay parte ng kasaysayan ng Kenya Coast noong 1200 o sa huling bahagi ng 1600.
2. ANONG URI NG PANITIKAN ANG AKDA
Ang akda ay isang piksyon o kathang isip lamang. Ito ay gumamit ng imahinasyon upang maipahayag nang
masining ang akda. Sa paraang ito, napupukaw ang atensyon ng mga mambabasa sapagkat hindi
pangkaraniwan ang akdang ito. Ito rin ay isang masining na paraan upang makilala ang dating sistema ng
bansang Kenya.
3. ANG LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ng akdang ito ay ipaliwanag sa mambabasa ang kasaysayan, kultura at mga paniniwala ng mga
taga-Africa. Ang sistema ng pamumuno sa Kenya ay naisaad sa mito pati na rin ang pook ay totoo. Ang akda
ay naglalayon ding magbigay aral at aliw sa mga mambabasa.
4. ANG TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang akda ay may kaugnayan sa temang “pagkakanulo o betrayal sa ingles. Maaari rin namang pagtitiwala, o
kaya naman ay pagkakaroon ng determinasyon upang malampasan ang mga pagsubok, at ang pagiging
matatag. Ito ay makabuluhan sapagkat kapupulutan ito ng mga aral na magagamit natin sa buhay. Naipakita sa
kwento ang mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhang si Liongo, mula sa pagkasilang,
pakikipagsapalaran sa buhay hanggang sa kanyang huling sinapit sa kamay ng sariling anak.
5. ANG MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA
LIONGO
- Si Liongo isang mitolohikal na bayani na isinilang sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya.
Siya may natatanging lakas at kasintaas ng isang higante. Hindi siya nasasaktan o nasusugatan ng anumang
sandata ngunit kapag itinurok ang isang karayom sa kanyang pusod, siya ay mamamatay. Hari siya ng Ozi at
Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o Isla ng Pate.
MBWASHO
- Ina ni Liongo, na tanging nakakaalam ng lihim nito.
SULTAN AHMAD
- Si Sultan Ahmad ay pinsan ni Liongo at kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Siya ang kabuuang hari
ng Pate at ang kanyang nais ay mawala si Liongo.
6. ANG TAGPUAN/ PANAHON NG AKDA
Naganap ang kwento o mito sa bansang Kenya, Silangang Africa, na isang totoong Lugar ngunit ang
kwento/mitong ito ay pawang kathang-isip lamang.
7. ANG NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI SA AKDA
Ang pangyayari sa nasabing mito ay pangkaraniwan sapagkat ang pangyayari ay kadalasang nagaganap sa iba
pang mga akda. Ang pagkakasunod-sunod nito ay maayos at madaling naiintindihan, ang normal na
pagkakasunod-sunod ng balangkas ng kwento ay ginamit dito at kahit luma na ay kapupulutan pa rin ito ng aral.

8. ANG MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA:


NA MAAARING :
-Hindi lahat ng alam mong malapit sayo ay mapagkakatiwalaan, minsan kung sino pang malapit sayo ay siya
pang naghahangad ng iyong pagbagsak.
-Ang bawat isa ay may kahinaan kahit gaano ka man kalakas o katikas.
- Maging matalino sa mga desisyon na maaaring makaapekto sa iyong buhay.
9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Ang akdang Liongo ay gumamit ng mga salitang payak at mabababaw lamang kaya’t madali itong maunawaan.
Hindi ito nagkaroon ng anumang bagay na maaaring makagulo sa takbo ng kwento. Ang manunulat ay walang
kinikilingan at nailathala nito ang panig ng bawat isa. Ito ay may kahalagahang tutugon sa panlasa ng
mambababasa at may katangian ng isang mahusay na akda. Ang mitong ito ay tatatak sa isip ng mambabasa
dahil hindi naging masaya ang katapusan ng nito..
10. TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang teoryang REALISMO ay maaaring mailapat rito sapagkat ang pagtataksil sa kanya ng sarili niyang kadugo
ay nangyayari talaga sa totoong buhay. Ang mga taong tulad naman ni Sultan Ahmad na pipilitan kang
pabagsakin ay umiiral pa rin hanggang ngayon.
Maaari ring ilapat ang teoryang EKSISTENSYALISMO sapagkat mayroong kakayahan si Liongo na
makapagdesisyon ukol sa kanyang buhay, ang pagpasiya niyang tumakas ay nagpapatibay sa teoryang ito
sapagkat alam niya ang maaaring maging resulta ng kanyang pagtakas. Isa pang halimbawa ay ang kaniyang
anak na lalaki na pinili ang pagtataksil at pagpatay sakanya.
Ang panghuling teorya na maaaring ilapat ay ang HISTORIKAL sa kadahilang ito ay naisulat/nagpasaling dila
noong unang panahon pa sa bansang Kenya.
GAWAIN
Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag. Kung ang pahayag ay mali, itama ang
nakasalungguhit na salita. Maaaring magcomment para sa iyong kasagutan. Siguraduhing ang iyong mga sagot
ay nakasulat sa iyong pasaporte.
______1. Ang mitolohiya ay mayroong mga gintong aral na ipinagkakaloob sa mga nakakarinig o nakababasa
nito.
______2. Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang America.
______3. Ang Matrilinear ay tumutukoy sa pamamahala ng kalalakihan sa bansang Kenya.
______4. Si Liongo ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang
pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.
______5. Ang akdang Liongo ay isang piksyon o kathang-isip lamang subalit nasasalamin dito ang kultura at
tradisyon ng Kenya.
GAWAIN: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa tinalakay na akda. Isulat ang iyong mga kasagutan
sa iyong pasaporte.
Para sa letrang:

A. Dalawang puntos sa bawat bilang


1. Ano ang suliranin ng tauhan?
2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan.
3. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag.
4. Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo?
5. Anong mahalagang aral ang nais nitong ipabatid mula sa iyong binasang akda?

At para naman sa letrang :


B. 10 puntos para rito
1. Manaliksik tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia. Gamitin ang Venn Diagram.

ARALIN 2: DEBATE
Ang debate ay isang uri ng pahayag hinggil sa kaalaman at paniniwala sa bagay, pangyayari o ideya na
binibigyang-katarungan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag upang makahikayat. Mahalaga ang debate
sapagkat lumilinang ng kakayahan sa kritikal na pag-iisip at napapatibay nito ang tiwala sa sarili. Sa
pamamagitan ng mabisang pangangatwiran, napapaniwala at napakikilos ang iba.
Ang pagbibigay ng gantihang katwiran ng dalawa o higit pang panig hinggil sa isang makabuluhang
paksa o isyu ay tinatawag na pagdedebate o pagtatalo. Ito ay isang uri ng paninindigan na ang layunin ay
patunayan ang sariling panig sa pamamagitan ng pakikipagtalo. May dalawang uri ng debate o pagtatalo at ito
ay ang mga sumusunod:
Uri ng debate o pagtatalo
DI- PORMAL
Sa uring ito ay walang takdang bilang ang mga kalahok; gayundin, wala itong takdang oras, paksa at
lugar. Nagaganap ito kapag may isyung dapat pagtalunan. Maaaring isang tao laban sa kapwa tao, o isang
pangkat laban sa isang tao. Maaaring maganap ito saan mang umpukan sa tindahan, paaralan, pamilihan,
pampasaherong sasakyan, kanto o kahit saan mang pook batay sa sitwasyon o isyu. Maaaring kasangkot ang
sinuman, may pinag-aralan man o wala.
Sa ganitong uri ng pagtatalo ay madalas na ang usapan ay walang puno at dulo. Wala ring pinipiling
paksa. Kahit ano ay maaaring pagmulan ng isang pagtatalo. Ang paksa ay higit na magaan at kadalasan ay
personal. Ngayon ay pagtuunan nating pag-aralan ang susunod na uri.
PORMAL
Ang uring ito ng pagtatalo ay higit na seryoso at laging malalim ang tema ng paksang tinatalakay. May
mga alituntuning dapat sundin para magpahayag tulad ng paksa, proposisyon, pook at oras.
Mga alituntunin:
May paksa
Ang pagksang pagtatalunan ay dapat batid ng bawat kalahok upang ito ay kanilang paghandaan.
May Pook
Mahalagang mailarawan ng bawat panig ang pook ng pagtatalo na kakailanganin ding malaman nila
bilang kanilang paghahanda.
May Oras
Ang oras ng pagtatalo ay nararapat na nakatakda. Ito ay mahalaga sa mga nagtatalo gayundin sa mga
dadalo.
May Proposisyon
Ang proposisyon ay isang paninindigan sa anyong pangungusap na pinatutunayan sa pamamagitan ng
argumento. Ang pagpapahayag na ito ay may layuning umakit ng tagapakinig o mambabasa. Nagsasaad ito ng
mga bagay na maaaring tutulan at pagtalunan.
Narito ang mga katangian ng mahusay na proposisyon:

1. Kawili-wili at nakakapukaw ng interes.


2. Ang paksa ay napapanahon.
3. Malinaw at tiyak ang paksa.
4. May mga patunay sa pamamagitan ng ebidensya.
5. Walang kinikilingan.
6. May malinaw na pagkakaugnay-ugnay ang mga ideya.
TANDAAN NA SA PORMAL NA PAGDEDEBATE O PAKIKIPAGTALO AY KINAKAILANGANG
MANATILING MAHINAHON, HINDI DAPAT NAGPAPADALA SA BUGSO NG DAMDAMIN.
KINAKAILANGAN DING MAY MALAWAK NA BOKABOLARYO AT ANG MGA SALITANG
PIPILIIN AY ANGKOP SA ISINASAAD UPANG TUMINGKAD AT MANGIBABAW ANG NAIS
IPAHAYAG O IKATWIRAN. KAPAG NAGSASALITA, SUBUKANG IPARATING ANG IYONG MGA
IDEYA NANG MAY LINAW AT LAKAS NG TINIG, TAMANG TINDIG AT KUMPYANSA SA SARILI
UPANG MAUNAWAAN KA NG MGA NAKIKINIG. NAPAKAHALAGA RIN NA MAGKAROON NG
SAPAT NA KAALAMAN SA PAKSA AT MAAAYOS NA PAGBIBIGAY O PAGLALAHAD NG MGA
PATUNAY. ILAN LAMANG ANG MGA ITO UPANG IKA’Y MAGING MAHUSAY NA DEBATER.
ISA-ISAHIN DIN NATIN ANG MGA ANYO NG PAGDEDEBATE O PAGTATALO.
ANYO NG DEBATE

1. OXFORD
Ang anyo ng pagtatalong ito ay ang halinhinang pagpapahayag ng dalawang panig na nagtutunggali.
Ang panig ng sang-ayon at ang panig ng salungat.
Unang naglalahad ang panig ng sang-ayon sa paksa, dito niya babanggitin ang mga patotoo at patunay
mula sa kilalang tao at iba’t ibang saliksik na sang-ayon sa paksang pinagtatalunan.
Pagkatapos ng sang-ayon, ito ay susundan naman ng panig na salungat na ihahayag ang patotoo ng
kaniyang panig.
Hanggang sa ang bawat panig ay magpapalitang magpahayag ng kanilang mga patotoo at sa huli ay
wawakasan ito ng panghihikayat na panawagan

2. OREGON
Sa anyo ng pagtatalong ito, ang mga unang tindig ng sang-ayon at salungat ay kapwa maglalahad ng
patotoo at pangangatwiran sa kani-kanilang ipinaglalaban na paninindigan.
Sa pangalawang tindig, ng bawat panig ay maglalahad ng mga katanungan upang masukat ang
kakayahan at kahandaan ng magkabilang panig. Pagkatapos ng pagtatanong, kanila ring ilalahad ang ganting
matuwid.
Sa huling tindig, sila ay gagawa ng paglalagom sa kani-kanilang panig.

3. OREGON-OXFORD
Sa pagtatalong ito, ang bawat panig ng magtatalo ay magtatalumpati. May tigtatatlong kasapi ang bawat
panig. Ang bawat isa ay makikibahagi sa bawat pagtatalakay. Ang unang panig ay sang-ayon at ang
ikalawang panig naman ay di-sang-ayon.
Pagkatapos ng kani-kannilang talumpati, ito susundan ng pagtatanungan. Ang magkabilang panig ay
maglalahad ng mga tuligsa. May takdang haba ng oras ang pagtutuligsaan.
Sa pagtutuligsaan, inilahad ng bawat panig ang kamalian o kaninaan ng argumento ng kalaban.
Ipinaapaalam sa manonood na walang katotohanan ang inihayag ng kabilangpanig at ipaliliwanag ang
kahinaan ng katibayang inilahad. At ang huling anyo ay ang;

4. AUSTRALASIAN
Ito ay sinasabing pinakagamitin sa mga debate at kumpetisyon. Ito ay binubuo ng dalawang koponan na
may tatlong tagapagsalita ang bawat pangkat.
May takdang walong minuto ang paglalahad sa unang tindig ng magkabilang panig. Magkakaroon ng
warning bell sa ikaanim na minuto o dalawang minuto bago sumapit ang itinakdang walong minuto.
Ang pinal na serye ng debate ay tatagal sa sampung minuto na may warning bel sa ikawalong minuto.
Ang tugong pananalita ay bibigyan ng apat na minuto , may warning bell sa ikatlong minuto. Pagkatapos ng
paglalahad, ang negatibong panig ang mauunang magsagawa ng tugong pananalita.
ANG PAKIKISANGKOT SA TALAKAYAN SA PAMAMAGITAN NG PANGANGATWIRAN AY ISANG
MAGANDANG PAGKAKATAON UPANG MAHASA ANG PAG-IISIP, MATUTONG MAGBIGAY NG
MALINAW AT MATALINONG KATWIRAN AT TUMANGGAP NG IBANG KATWIRAN. ITO AY
PALAGING ISINASAGAWA NG DALAWANG GRUPO O PANGKAT NA MAY MAGKASALUNGAT
NA PANIG. ANG DALAWANG PANIG AY ANG SUMASANG-AYON AT ANG SUMASALUNGAT.
MAY ISANG MODERATOR NA MAGIGING TAGAPAMAGITAN UPANG MATIYAK NA MAGING
MAAAYOS ANG DALOY NG DEBATE. SA PAGTATAPOS NG DEBATE AY MAY HURADONG
NAGPAPASYA KUNG KANINONG PANIG ANG HIGIT NA NAKAHIKAYAT. ANG MGA HURADO
AY DAPAT WALANG KINIKILINGAN SA DALAWANG PANIG NG MGA NAGDEDEBATE.

GAWAIN: Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Isang uri ng pahayag hinggil sa kaalaman at paniniwala sa bagay, pangyayari o ideya na
binibigyang-katarungan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag upang makahikayat.
2. Ang uring ito ng pagtatalo ay higit na seryoso at laging malalim ang tema ng paksang tinatalakay.
3. Isang paninindigan sa anyong pangungusap na pinatutunayan sa pamamagitan ng argumento.
4. Ang anyo ng pagtatalong ito ay ang halinhinang pagpapahayag ng dalawang panig na
nagtutunggali. Ang panig ng sang-ayon at ang panig ng salungat.
5. Isang uri ng pagtatalo na maaaring maganap ito saan mang umpukan sa tindahan, paaralan,
pamilihan, pampasaherong sasakyan, kanto o kahit saan mang pook batay sa sitwasyon o isyu.

GAWAIN:

Panuto: Ang gawain ay tapusin ng may pagpupunyagi. Ipasa ito sa aking gmail acct.
roxxane.castro002@gmail.com o kaya naman ay sa aking Messenger acct. Roxane Yusi Castro.
1. Ilahad ang mga bagay na natutunan tungkol sa “debate” sa pamamagitan ng pagrarap. Maaaring
bidyo o isulat na lamang.
2. Basahin ang aking ipapadalang akda sa ating group chat tungkol sa “Death Penalty”.
Pangatwiranan ang sariling reaksyon tungkol sa akdang binasa. Bidyohan o isulat ang iyong sarili sa
pagpapahayag ng iyong panig.

ARALIN 3: PAGSASALING-WIKA
Wika: Kasangkapan sa Pagpapahayag
Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: “Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang
lumikha nito.” Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi. Ang wika ay mga simbolong salita ng mga
kaisipan at saloobin.
Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o
pasulat.
Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang
kultura. Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang malayang pagsasama-
sama at sa pagkakaisa ng layunin at
damdamin. Ito ay paghahatid ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas. Ang wika
ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at may angking kakayahang
makaimpluwensya, magdikta, magturo, tumulong, kumontrol, manakot, pumatay, magpaligaya at lumikha ng
isang realidad sa kanyang ispesipikong
kakayahan. Ang wika ay maaaring humubog ng ating pananaw pandaigdig (world view). Kung titingnan ang
wika bilang isang ideolohiya, maaaring magkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan, pagtingin, pag-unawa at
karanasan dahil may kani-kaniyang posisyon at papel ang indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan at
kinabibilangan.
GAWAIN: Salungguhitan ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng panaklong.
Noong unang (1.) Time (Bagyo, Oras, Panahon,) ang kalangitan at ang kalupaan ay mag-asawa. Sila ay may
dalawang anak na sina Langit at Tubigan. Sila ay may kaniya-kaniyang (2.) Covered (palaruan, nasasakupan,
palayan). Si Langit ay diyosa ng (3.) Galaxy(kalawakan, lupain, kalangitan), at si (4.) Pond . (Kalikasan,
Katubigan, Tubigan) naman ay diyosa ng katubigan. Sina Langit at Tubigan ay (5.) Married (nagiibigan,
nagpakasal, magkababata) at ang naging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki, at isa ang babae. Si Dagat ay (6.)
Chic (makisig, mayabang, mabait) malakas na lalaki at ang katawan ay mulato. Si Aldaw ay (7.) Cheerful
(masayahin, masigla, mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto.Si Bulan ay isang (8.) Weak (maginoong,
mahinang, matabang) lalaki na ang katawan ay ginto.Si Bulan ay isang mahinang lalaki na ang katawan ay
kulay tanso. Si Bitoon ang (9.) Only (tanging, marami, grupo ) babae na maganda ang katawan at kulay (10.)
Silver (pilak, ginto, tanso).

PAGSASALING-WIKA
Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at
estilong nasa wikang isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
(Santiago, 2003).
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o
siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at
halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika
ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid
ng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at pagsusunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang magsalita sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang
lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksa.
Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang
kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.
Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito. Tandaang mahalaga para sa
tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga
rin ang kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang
kasangkot sa
pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o
pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin
ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging hindi malinaw at
nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa
pagsasalin. Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng isang salita.
Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng
pangungusap.
GAWAIN
A. PUMILI NG 5 KASABIHAN SA INGLES AT ISALIN ANG MGA ITO SA FILIPINO
B. PUMILI NG 5 KASABIHAN SA FILIPINO AT ISALIN ANG MGA ITO SA INGLES.
C. PUMILI NG ISANG AWITING NAIS ISALIN. (INGLES-FILIPINO, FILIPINO-INGLES)

You might also like