You are on page 1of 33

Aralin 1.

Ang Kuwintas
Guy de Maupassant

Maikling
Kuwento
mula sa France
Si Henry-René-Albert-Guy
de Maupassant o mas kilala
sa ngalang Guy de
Maupassant ay isang
Pranses na manunulat.
Kilala siya sa tanyag niyang
maikling kwentong “The
Necklace”.
Ipinanganak noong ika-5 ng
Agosto taong 1850. Siya ay
galing sa angat na pamilya;
nag-aral sa isang seminaryo
noong siya ay 13 taong gulang
at nag-aral ng Law sa Paris
bago siya sumabak sa giyera
bilang
isang sundalo.
Nakapaglimbag ng
mahigit 300 daang mga
kuwento at 6 na libro
si Maupassant bago siya
namatay noong siya ay
43 taong gulang.
Ang France o French
Republic ay isang
malayang bansa sa
Kanluran ng Europe.
Ang France ay pangatlo
sa pinakamalaking
bansa sa Kanlurang
Europe at European
Union.
Ang kapitolyo ng
France ay ang Paris,
ang pinakamalaking
lungsod ng bansa at
sentro ng kultura at
komersyo. Katulad ng
iba pang bansa sa
Mediterranean,
mayaman sa panitikan
ang France. Ang
panitikang ito ang
nagsisilbing kanlungan
ng kanilang mga
sinaunang kaugalian
tradisyon at kultura sa
kabuuan.
Alam mo ba na... ang
kuwento ng tauhan ay
isang uri ng kuwentong
ang higit na binibigyang-
halaga o diin ay kilos o
galaw, ang pagsasalita
at pangungusap at
kaisipan ng isang
tauhan?
Naglalarawan ito ng
iisang kakintalan sa taong
inilalarawan o pinapaksa.
Kumakatawan siya sa
kabuuan ng kuwento sa
pamamagitan ng ano
mang nangingibabaw na
ideya o ng mga
kabuluhan
sa kuwento.
Nangingibabaw rito ang
isang masusing pag-aaral
at paglalarawan sa tunay
na pagkatao ng tauhan sa
katha. Maraming paraan
ang ginagamit ng may-
akda sa paglalarawan ng
buong pagkatao ng
tauhan. Nasasalig ito sa
kaniyang panloob na anyo
– ang isipan, mithiin,
damdamin, at gayon din sa
kaniyang panlabas na
anyo – pagkilos at
pananalita. Nakatutulong
pagpapalitan ng katauhan
ang mga pag-uusap ng
ibang tauhan sa kuwento
tungkol sa kaniya. Ngunit
sa pamamagitan na rin ng
tauhan nagkakaroon ng
pinakamabisang
paglalarawan ng katauhan
at maipakikita ito sa
kaniyang reaksiyon o
saloobin sa isang tiyak na
pangyayari.
Ang maikling kuwento -
binaybay ding maikling
kwento - ay isang maiksing
salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining
na anyo ng panitikan. Tulad
ng nobela at dula, isa rin
itong paggagad ng realidad.
Si Deogracias A. Rosario
ang tinuturing na "Ama ng
Maikling Kuwento“.
Talasalitaan
  Sinubok niyang isuot
1.
ang hiyas sa harap ng
salamin, nagbabantulot
siya at hindi
mapagpasyahan kung ang
mga iyon ay isasauli o
hindi.
2. May taglay siyang
alindog na hindi
nababagay sa
kasalukuyan niyang
kalagayan kaya’t
ipinaghihinagpis niya ang
karukhaan ng kaniyang
lumang tahanan.
3. Naglalaro sa kaniyang
balintataw ang anyo ng
tahimik na tanggapang
nasasabitan ng
mamahaling kurtina,
pinaliliwanag ng
matatangkad na
kandilerong bronse.
4. Kung kani-kanino siya
nanghiram, lumagda sa
mga kasulatan, pinasok
kahit na ang mga gipit na
kasunduan, kumuha ng
mga patubuan at pumatol
sa lahat ng uri ng
manghuhuthot.
5. Sa harap ng gayong
nakagigimbal na
pangyayari, si Matilde
ay maghapong
naghihintay na sapupo
ng di-matingkalang
pangamba.
6. Labis ang pagmimithi
niyang masiyahan siya,
maging kahali-halina,
kaibig- ibig, maging
tampulan ng papuri at
pangimbuluhan ng
ibang babae.
7. Nagulumihanang
napahinto ang
lalaki nang makita
niyang umiiyak ang
asawa.
TALAKAYAN:

1. Bakit hindi masaya


si Mathilde/Matilda
sa piling ng
kaniyang asawa?
2. Ano ang ginawa ni G.
Loisel upang
mapapayag ang asawa
na dumalo sa
kasayahang idaraos ng
kagawaran?
3. Ano-ano ang nais
mangyari ni
Mathilde/Matilda sa
kaniyang buhay?
Natupad ba ang mga
ito?
4. Kung ikaw si
Mathilde/Matilda, ano
ang gagawin mo upang
matupad ang mga
pangarap mo sa
buhay?
5. Sa kasalukuyang
panahon, sa iyong
paligid ba ay may mga
Mathilde kang
nakikita? Ilarawan.
6. Anong pag-uugali ng
mga pangunahing
tauhan ang masasabi
mong tatak ng kanilang
kultura? May
pagkakatulad ba o
pagkakaiba ito sa ating
kultura? Patunayan.
PANGKATIN
ANG KLASE SA
LIMA.
BAWAT GRUPO AY MAG-
UULAT NG IMPORMASYON
UKOL SA KULTURA NG
FRANCE SA PAMAMAGITAN
NG AWIT, RAP, SPOKEN
POETRY, SABAYANG
PAGBIGKAS.
PAKSA para sa bawat Pangkat:
1 – Mga Wika at Relihiyon sa
France
2 – Pagpapahalaga ng mga taga-
France
3 – Lutuin
4 – Pananamit at Sining
5 – Mga Piyesta at Pagdiriwang

You might also like