You are on page 1of 18

POKUS NG PANDIWA

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng


pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.
Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na
panlapi ng pandiwa.

I love painting
URI NG POKUS
1. AKTOR-POKUS O TAGAGANAP

-ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad


ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na "sino?".
---ginagamitan ng mga panlaping (mag- , um- ,
mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- ,
magpa-)
Halimbawa:
1. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
2. Nagluto ng masarap na ulam si nanay para
sa amin.
3. Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid
tungkol sa kanyang suliranin.
2. POKUS SA LAYON

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa


pangungusap; sumasagot sa
tanong na "ano?".
--- ginagamit sa pandiwa ang mga pnlaping (-in-
, -i- , -ipa- , ma- , - an)
sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:

1. Nasira mo ang mga props para sa play.


2. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay
para sa amin.
3. LOKATIBONG POKUS O
GANAPAN
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong
na "saan?".
---ginagamit ang mga panlaping(pag-/-an , -
an/-han ,
ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
HALIMBAWA:
Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming
gulay.
Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para
magluto.
Ang tindahan, ang pinagbilhan ni Rosa ng
bulaklak.
Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong
entablado.
4. BENEPAKTIBONG POKUS O
TAGATANGGAP
---Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na "para kanino?".
---ginagamit ng mga panlaping(i- , -in , ipang-
, ipag-)
---sa Ingles, ito ay ang indirect object.
HALIMBAWA

Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap


na ulam.
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang
pinakamamahal na lola.
5. INSTRUMENTONG POKUS
O KAGAMITAN
Ang paksa ang kasangkapan o bagay na
ginagamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong
na "sa pamamagitan ng ano?".
--- ginagamitan ng panlaping (ipang- ,
maipang-)
Halimbawa
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod
sa magnanakaw.
6. KOSATIBONG POKUS O
SANHI
ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos
ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na
"bakit?", ginagamitan ng panlaping (i- , ika- ,
ikina-)
HALIMBAWA:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng
masarap na ulam ng aming nanay.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila
pagkikitang mag-anak.
ALL ABOUT ME
7. POKUS SA DIREKSYON
---Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng
kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot
sa tanong na "tungo saan/kanino?",
ginagamitan ng panlaping (-an , -han , -in ,
-hin)
I love gardening!
ALL ABOUT ME
HALIMBAWA:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili
ng kagamitan.

I love gardening!
M IN G
AR A T
M A M A
SA L

You might also like