You are on page 1of 4

PANG- Paaralan LCNHS- MAYAO Baitang/Antas 10

ARAW- CROSSING EXTENSION


ARAW NA Guro MARIELLA JOY M. Asignatura FILIPINO
TALA SA BELLUDO
PAGTUTURO Petsa/Oras Markahan IKATLONG
MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
Pangnilalaman nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video
documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan sa Kasaysayang Pagkatuto:
Pagkatuto
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVi-j-87)
 Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin
ng
mga tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes,
kagalakan/kagalakan, pagkayamot/pagkatakot.
PANONOOD (PD) (F10PD-IVi-j-85)
 Nasusuri ang aestetikong katangian ng napanood na bahagi
ng
isinapelikulang nobela

Layunin:
A. Naibabahagi ang mga mahalagang pangyayari sa kabanata;
B. Nabibigyang halaga ang bawat karakter na nakapaloob sa kabanata;
at
C. Nagpapakita ng kaalaman at pagiging malikhain sa presentasyon ng
bawat kabanata.
II. NILALAMAN El Filibusterismo
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng  Obra Maestra X
Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang  Larawan
Panturo  Box
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pagbabalik-aral base sa huling
aralin at/o pagsisimula ng napag-aralan.
bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng Layunin:
aralin at pagganyak
A. Naibabahagi ang mga mahalagang pangyayari sa kabanata;
B. Nabibigyang halaga ang bawat karakter na nakapaloob sa
kabanata; at
C. Nagpapakita ng kaalaman at pagiging malikhain sa
presentasyon ng bawat kabanata.
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Pagpapabasa sa mga estudyante ng mga piling linya buhat sa
aralin iba’t ibang pelikula. Isaalang-alang ang angkop na damdamin
sa pagbigkas ng bawat linya. Ipaliwanag ang mensaheng
nakapaloob dito.
1. “Adik ka na naman sa pag-asa eh. Try mo na kaya lumaklak ng
realidad!” – Beauty Gonzalez, Starting Over Again (2014)
2. “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin: dahil may darating
pang ibang mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at
paasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.” – John
Lloyd Cruz, One More Chance (2007)
3. “Hindi ako perfect and kahit kailan, hindi ko hihilingin na maging
perfect ka. Ang hihilingin ko, subukan mong baguhin ang sarili mo para
maramdaman mo na karapat-dapat ka. But you never tried.” – Bea
Alonzo, She’s the One (2013)
4. “May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila.
May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero
yung pinakamasaklap eh yung na sayo na pinakawalan mo pa.” – John
Lloyd Cruz, My Amnesia Girl (2010)

D. Pagtalakay ng bagong Ang mga mag-aaral ay magkakaroon na ng presentatsyon sa


konsepto at paglalahad ng Kabanata 1-V ng nobela.
bagong kasanayan # 1

Pagkatapos ang presentasyon, magkakaroon na ng pagtatanong


ang guro.

Mungkahing Estratehiya: MYSTERY BOX


1. Naging mabisa ba ang presentasyon sa pagbuhay sa katauhan ni
Simoun? Patunayan. (Naisasagawa ang angkop na pagsasatao ng mga
tauhan sa nobela)
2.Alin sa mga pahayag ni Simoun ang nakaakit ng iyong atensyon?
3. Anong katangian niya ang masasalamin sa pahayag na ito?
(Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahalagang
pahayag ng awtor/mga tauhan)

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan # 2

Mungkahing Estratehiya: FORM A WORD


Bumuo ng mga salita na maglalarawan o magpapakilala kay Simoun sa
tulong ng simulang letra ng kanyang pangalan.

S - ________________________________
I - ________________________________
M -________________________________
O - ________________________________
U - ________________________________
N - ________________________________

F. Paglinang sa Kabihasaan
Mungkahing Estratehiya: Sine Mo ‘To
1. Magbahagi ng nabasang nobelang isinapelikula. Isa-isahin ang mga
dahilan kung bakit nakintal sa isipan mo ang napanood na pelikula?
2. Ano ang naitutulong ng masining na paglalahad ng mga pangyayari
sa ikatatagumpay ng nobela/pelikula?
G. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw-araw na buhay 1. Nakatulong ba ang mga binitawang pahayag ng mga tauhan upang
mas makilala sila ng mga mambabasa? Patunayan.
2. Ano-ano ang mga dapat isaalang alang upang medaling maunawaan
ang tunay na kahulugang taglay ng isang teksto?”
H. Paglalahat ng Aralin

Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na


bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring
martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos,
Zamora.

Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap


habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera
noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas,
Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang
Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram
ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22,
1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig


at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng
tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.

I. Pagtataya ng Aralin
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
IV.Mga Tala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
masosolusyunan sa tulong
ng aking punungguro o
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Prepared by: Inspected by:

MARIELLA JOY M. BELLUDO DR. LORELIE A. JASUL


Grade 10- Filipino Teacher Teacher-in-charge

You might also like