You are on page 1of 6

PANG- Paaralan LCNHS- MAYAO Baitang/Antas 10

ARAW- CROSSING EXTENSION


ARAW NA Guro MARIELLA JOY M. Asignatura FILIPINO
TALA SA BELLUDO
PAGTUTURO Petsa/Oras Markahan IKATLONG
MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
Pangnilalaman nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video
documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan sa Kasaysayang Pagkatuto:
Pagkatuto
F10PN-IVa-b-83
Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan
tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo

F10PS-IVa-b-85
Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa
pagkakasulat ng El Filibusterismo

F10WG-IVa-b-78
Naipamamalas ang kahusayang magtala ng mahahalagang
impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian

F10PB-IVa-b-86
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan
ng:
- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
- pagpapatunay ng pagiral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o
ilang
bahagi ng akda
- pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda

Layunin:
A. Naibabahagi ang mga dahilan ng pagkakalimbag ng El
FIlibusterismo;
B. Nabibigyang halaga ang kadahilanan ng pagkakaroon ng El
Filibusterismo; at
C. Naipapahayag ang mga saloobin sa pagkakaroon ng El
Filibusterismo.
II. NILALAMAN El Filibusterismo
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng  Panitikang Pandaigdig (219-220)
Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang  Larawan
Panturo  Box
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng maikling pagbabahagi tungkol
aralin at/o pagsisimula ng sa mga napag-aralan noong ikatlong markahan.
bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng Layunin:
aralin at pagganyak
A. Naibabahagi ang mga dahilan ng pagkakalimbag ng El
FIlibusterismo;
B. Nabibigyang halaga ang kadahilanan ng pagkakaroon ng El
Filibusterismo; at
C. Naipapahayag ang mga saloobin sa pagkakaroon ng El
Filibusterismo.

Ang guro ay magpapakita ng iba’t-ibang larawan tungkol sa El


Filibusterismo at dito hihingiin ang iba’t-ibang ekspresyon ng
mga mag-aaral.
C. Pag-uugnay ng mga Ang mga larawang naibahagi sa mga mag-aaral ay may kinalaman sa
halimbawa sa bagong talakayin at ito ay ang “El Filibusterismo”.
aralin

Magkakaroon ng maikling pagtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa


kanilang kaalaman dito.

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Pagkatapos ng pagbabahagi tungkol dito, bibigyan na ng malaking
bagong kasanayan # 1 pagtalakay ng guro ang ‘El Filibusterismo” at sisimulan ito sa
pagbibigay ng kasaysayan nito.

Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang


pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na
si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir
na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.
Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli,
nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito,
nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng
1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming


pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata.
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong
Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent.
Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng
maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama,


nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

E. Pagtalakay ng bagong Ngayon ay ibabahagi naman ng guro ang mga natatanging tauhan
konsepto at paglalahad ng sa nobela na ito.
bagong kasanayan # 2 Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay

Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita
   
Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle

Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal

Ben-zayb
Ang mamamahayag sa pahayagan

Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning
pampaaralan

Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari

Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino
Ang amain ni Isagani

Don Custodio
Ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang
Kastila

Juanito Pelaez
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang
angkang may dugong Kastila
Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras
ng kagipitan.

Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-
aaral

Donya Victorina
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni
Paulita

Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa
Pilipinas

Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

Hermana Bali
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya

Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds
F. Paglinang sa Kabihasaan Ano ang El Filibusterismo?
Ano ang pagkakaiba nito sa Noli Me Tangere?

G. Paglalapat ng aralin sa Ang mga mag-aaral ay sasagutin ang mga sumusunod na katanungan:
pang-araw-araw na buhay 1. Bakit mahalagang pag-aralan ang El Filibusterismo?
2. Ano sa tingin mo ang mga aral na makukuha mo dito?
3. Bilang isang Pilipino, paano mo hihikayatin na pag-aralan ito ng
kapwa mo Pilipino?
H. Paglalahat ng Aralin Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na
bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring
martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos,
Zamora.

Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap


habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera
noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas,
Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang
Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram
ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22,
1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig


at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng
tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.
I. Pagtataya ng Aralin Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng maikling pagsusulit.
1-15.
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
IV.Mga Tala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
masosolusyunan sa tulong
ng aking punungguro o
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Prepared by: Inspected by:

MARIELLA JOY M. BELLUDO DR. LORELIE A. JASUL


Grade 10- Filipino Teacher Teacher-in-charge

You might also like