You are on page 1of 3

AKTIBITI 2: Itala ang mga mahahalagang mga pangyayari o kaganapang baganap sa

mga sumusunod na panahon, at magbigay ng isang halimbawa ng sanaysay na


naisulat sa panahong iyon.

1. Bago dumating ang Kastila

 Sa mga aklat ng kasaysayan ng pilipinas, si kalintiaw ay isang datu na


naghari sa isla ng negros noong 1433. Sinasabing si kalintiaw ang kauna-
unahang datu na nagpatupad sa kauna-uahang listahan ng batas sa
pinangalanang “kodigo ni kalantiaw”. Itinuro sa mga mag-aaral sa Filipinas
noong ika-20 dantaon ang malulupit at masasalimuot na batas na pinairal
umano ng isang Datu Kalantiaw noong 1433 sa pulo ng Panay. Noong 1970
isinulat ng isang kilalang mananaysay na si Gregorio Zaiden a ang tunay na
pangalan ni kalantiaw ay Lakan Tiaw na ang ibig sabihin daw ay “Datu ng
Maikling Pagsasalita:.

2. Panahon ng Kastila

 Ang panitikang Filipino ng panahon ng kastila ay nagsimula lamang ng


opisyal na maitatag ng Legazpi ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas
noong 1565”. Layuning daw ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng
Relihiyong Katoliko Apostolika Romano sa kanilang pangingibang-pook kaya
unang ginanap ang misa at ang pagbibinyag sa mga katutubo. Doctrina
Cristiana.

3. Panahon ng Propaganda?

 Pagkakabukas ng Pilipanas sa pandaigdig na kalakalan, pagkakabuo ng


gitnang-uri, pagsapit ng diwang liberalism, pagpapadala sa kapuluan ng
liberal na Gobyernador, Carlos Ma. Dela Torre, pag aalsa sa arsenal ng
Kabite, pagkakagarote sa tatlong paring Gomez, Burgos at Zamora.
Halimbawa ng sanaysay sa panahong propaganda ay ang sanaysay na
isinulat ni Dr. Jose P. Rizal (1816-1896) na pinamagatang Sa mga
Kababaihang taga-Malolos.

4. Panahon ng Himagsikan

 Ang pagpapatapon kay Rizal noong 1892 ang naging babala ng di-
pagtatagumpay ng mga Propagandista. Gayon pa man, hindi naman
nanlupaypay ang ibang masigasig sa paghingi ng reporma. Ang iba’y hindi na
naniniwalang reporma ang kailangan, naniniwala silang kailangan ng
marahas na pagbabago. Si Bonifacio at ang iba pa niyang mga dating
kasama sa La Liga, maliban sa mga kabilang sa gitnang-uring patuloy na
umaasa sa pagbabago, ay nagtatag ng isang samahan, ang Kataas-taasan,
Kagalang-galangang mga Anak ng Bayan. Ang pangkat na ito’y nawalan ng
pag-asang makakamit nila ang kanilang hinihiling sa mapayapang
pamamaraan. Ang halimbawang sanaysay sa panahon ng himagsikan ay ang
isinulat ni Gat Andres Bonifacio (1863-1897) na pinamagatang Ang Dapat
Mabatid ng mga Tagalog at Katungkulang gagawin ng mga Anak ng Bayan”.
5. Panahon ng Amerikano

 Sa panahong ito, ang tagalog ay ginawang wikang pambansa. Isa pang


mahalagang pangyayari sa panahong ito’y ang mabilis na pagdami ng mga
babasahin, ang pagkakaroon ng kalayaan sa pagsasalita, sa pahayagan, sa
paniniwala, at sa mga samahan ng ipinag-utos sa panahong Amerikano.

6. Panahon ng Hapon

 Ang wikang Ingles na nakuhang maipasok ng mga Amerikano hanggang sa


kamalayan ng mga Pilipino ay ipinagbawal ng mga Hapones kung kaya’t ang
nagtamsa ng bunga ng pagbabawal na ito ay ang panitikang Filipino sa
wikang tagalog. Halimbawa ng sanaysay sa panahon ng Hapon ay ang The
Revolt of the Masses: The story of Bonifacio and the Katipunan (1956) na
isinulat ni Teodoro Agincillio.

7. Kasalukuyang Panahon

 Muling nabawi ng mga mamamayang Pilippino ang tunay na kalayaan na


nawala rin ng may labing-apat na taon. Bagama’t iilang buwan pa lamang ang
pagkakasilang ng tunay na Republikang Pilipinas ay may mababakas nang
pagbabago sa ating panitikan. At ang mga pagbabagong ito ay m,adarama
na sa ilang mga tula, awiting Pilipino, sa mga pahayagan, sa mga sanaysay
at talumpati, at maging sa mga programa sa telebisyon.
Mary Grace Y. Paracha BSED-Filipino III
FILI 115: Sanaysay at Talumpati
Module 1&2
Jayson S. Cataan, LPT. (MAED)

MAIKLING PAGSUSULIT
AKTIBITI 1: Gamit and concept web, ibigay ang katuturan ng sanaysay ayon sa iyong
sariling pagkaunawa, at ipaliwanag kung bakit ito ang mga salitang nagbibigay
katuturan sa salitang sanysay.

Pagpapaliwanag
Ang sanaysay ay isang
pagpapaliwanag ng pananaw ng
isang sanay sa pagsasalaysay.
Pagpapaliwanag ng kanyang
punto at sa palagay niya’t tama
ukol sa paksang pinag-uusapan.

Karanasan
Pananaw
SANAYSAY Ang sanaysay ay mas kapani
Nabuo ang sanysay dahil paniwala kung ito ay
sa iba’t-ibang pananaw ng nakabase sa karanasan ng
mga tao sa isang ideya at nagsasalaysay.
kung ano ang kanilang nais
ipahayag. Pananaw ng tao
ang pangunahing dahilan
ng saysay.

Paninindigan

Naglalatag ng paninidigan upang


humikayat o kumumbinsi sa iba ukol sa
isang punto. Ang sanaysay ay
nagpapakita ng paninidigan ng isang
mananalaysay. Ditto masusukat kung
hanggang saan nita kayang ipaglaban
ang kanyang punto.

You might also like