You are on page 1of 5

Mary Grace Y.

Paracha BSED-Filipino III

Maikling Kwento at Nobelang Filipino (FILI117)

Module 7-8

Michael P. Argonillo, LPT, MAED

Activities
Pagkatapos basahin at intindihin ang kasaysayan na Maikling Kwento, sagutin
ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ibigay ang mga panahong nakapaloob sa kasaysayan ng Maikling Kwento.


 Panahon ng Katutubo
 Panahon ng mga Kastila
 Panahon ng Amerikano
 Panahon ng Hapon
 Panahon ng Bagong Lipunan

2. Ano-ano ang pinag-ugatan ng Maikling Kwento


 Mitolohiya – salaysayin tungkol sa iba’t ibang diyos na pinaniniwalaang
mga sinaunang katutubo. Tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa
kanilang mga pananalig at paniniwala sa mga anito.
Halimbawa: si Malakas at si Maganda.

 Alamat – isinaslaysay ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari


at iba pa. Pinalulutang din dito ang mahahalagang mensahe at mga aral
sa buhay.

  Pabula – uri ng kwentong gumagamit ng mga hayop bilang tauhan.


Naghahatid ng mahahalagang meensahe at aral sa buhay.

 Parabula – saylaysay hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at


ispiritwal na pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.

 Kwentong Bayan – ipinapakita ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala,


pamahiin, at kultura ng isang lipi.

 Anekdota – nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at mga


pangyayaring kapupulutan ng mga aral sa buhay.

3. Ibigay ang mga pangalan ng kilalang kwentista sa panahon ng bagong lipunan.


1.  Lualhati Bautista
2.  Pedro S. Dandan
3.  Fidel Rillo Jr
4. Bienvenido Ramos 
5.  Jose F. Lacaba
6. Jun Cruz Reyes
7. Lamberto E. Antonio
8. Patrocinio Villafuerte 
9.  Fanny A. Garcia
10. Benjamin Pascual

Assessment
Pagkatapos gawin ang aktibidades, gumawa ng isang timeline na nagpapakita
ng pagbabago sa kasaysayan ng maikling kwento

Panahon Pagbabago ng Maikling Kwento


Panahon ng Katutubo  Ang maikling kwento ay nasilayan na
noong panahon bago pa man dumating
ang mga kastila sa ating kapuluan.
 Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi
lamang o mga kwentong bayan.
 Tinetema ay kalikasan, diyos-diyosan.
 Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan
sa tradisyong patuluyan.

Panahon ng mga Kastila  Nailimbag ang Doctrina Cristiana, ang


(1565-1872) kauna-unahang aklat sa Pilipinas.
 Kakana – sumulpot pagdating ng
Espanyol,naglalaman ng mga alamat at
engkanto, panlibang sa mga bata .
 kuwento ay tungkol sa buhay ng mga
santo at santa -layunin nila ay
mapalaganap ang Kristiyanismo
 Noche Buena na isinulat ni Jose Rizal ay
isa sa mga halimbawa ng maikling
kwento noong panahon ng mga kastila
Panahon ng Amerikano  Tinagurian ang panahong ito bilang
(1898-1946) “Mga Gintong Dahon ng Panitik (1929-
1934) sapagkat ang binigyang hugis ay
ang kaanyuan bukod sa pagbabago ng
kalamnan.
  Dalawang pangkat ng kwentistang
Pilipino
- unang pangkat ay manunulat na
yumakap sa istilo at pormang dayuhan o
tinatawag na makaluma
- ikalawang pangkat ay hayagang
tumangkilik sa tradisyonal na pagsulat o
tinatawag na makabago.
  Ang maikling kuwentong Tagalog ay
naisulat noong mga unang sampung
taon ng mga Amerikano. Mga unang
anyo nito ay ang dagli at pasingaw. dagli
-maikling- maikling salaysay na gayong
nangangaral nang lantaran ay
namumuna, nagpapasaring at
nanunuligsa.
Panahon ng Hapon  Pansamantalang napinid ang mga
(1942-1945) palimbagan sa panahon ng mga
Hapones ngunit pagkaraan ng ilang
buwan ay muli itong nabuksan.
Pinahintulutang makapaglathala ang
Liwayway kaya‟t biglang nakapasok ditto
ang mga akda na dati ay hindi
tinatanggap ng naturang babasahin.
 Masasabing gintong panahon ng
Panitikang Filipino dahil pinairal ang
paggamit ng wikang pambansa bilang
midyum ng pagsulat.
   Tinaguriang “Kontemporaryong
Maikling kwento”.
 Sumikat sa panahong ito ang batikang
kwentistang si Macario Pineda at
napatanyag ang kanyang
kwentong Suyuan sa Tubigan.
Panahon ng Bagong Lipunan   Setyembre 21,1972 – idineklara ang
(1972-1986) Martial Law.
 Bagong Lipunan-pagbabagong tatag
 Naging makatotohanan ang paksa ng
mga ito at natuon sa tema ng Bagong
Lipunan.
 Temang makabansa at paglaban sa mga
naaapi.
 Sa kadahilanang halos lahat ng
kuwentista sa Pilipinas sa panahong
Batas Militar ay kasangkot sa kilusang
makabayan, tampok sa kanilang mga
akda ang mga suliraning tulad ng
paghihikahos ng marami sa
pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa
pagpapatakbo ng pamahalaan, kawalan
ng katarungan sa mga limot na
mamamamayan at pang- aalipin ng
negosyanteng dayuhan at ng sabwatan
ng mga burgis. Lantad ang poot sa mga
akdang ito.
  Ang iba;t ibang kuwentong lumabas at
naisulat sa panahong ito ay pawing
sumasaling sa ugat ng lipunan.

Assignment

Magsaliksik ng isang maikling kwento at isulat ito sa sagutang papel. Ibigay din
ang mga sumusunod ayon sa nabasa at nakuhang teksto (maikling kwento)
“Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa”
Nag-iisang anak ni Mang Tibo at Aling Iña si Maymay kung kaya’t parang kapatid na
ang turing na sa kanyang mga alaga. May aso siyang si Bruno at pusa na
ipinangalanan niyang si Kiting.

Araw-araw, naglalaro sina Maymay, Bruno, at Kiting. Kahit ang mag-asawa ay


nagagalak sa saya sa mukha ng kanilang nag-iisang anak tuwing nakikipaglaro ito sa
mga alaga niya.

Subalit, hindi alam ni Maymay na may inggitan na nangyayari sa pagitan nina Bruno at
Kiting. Isang araw, habang nasa talyer si Mang Tibo nagtratrabaho at si Maymay
naman ay sumama kay Aling Iña sa tindahan, nag-away ang dalawa.

Hindi sinasadyang nalalag si Kiting kay Bruno na siya namang natutulog sa sala ng
munting bahay ng pamilya Santos. Nagising ang aso at nagalit dahil mahimbing na
sana ang tulog niya.

Hinabol ni Bruno si Kiting at nang madatnan niya ito ay pinag-kakagat niya. Hindi
naman nilakasan ng aso ang pagkaka-kagat sa pusa pero may nagdulot ito ng mga
maliliit na pasa.

Pag-uwi ni Maymay, nagalit siya kay Bruno. Hindi niya ito pinakain habang awang-awa
siya kay Kiting. Nais ng bata na matuto raw ang aso kaya ginawa niya ito kahit masakit
rin sa kanya.

Nanghina si Bruno at masakit ang loob niya sa parusa ni Maymay. Umalis ulit si Aling
Iña at ang anak niya. Saktong pag-sarado ng pintuan, itinulak ni Kuting ang kanyang
kainan patungo kay Bruno.

Hinang-hina, bumangon ang aso at kinain ang natitirang pagkain sa kainan ng pusa. Si
Kuting naman, umupo lang sa gilid at pinanood lang ang aso na kumain. Nasiyahan si
Bruno sa ginawa ng pusa at nagkabati rin sila.

Subalit, masama pa rin ang loob ng aso kay Maymay. Noong dumating sila ng nanay
niya ay hindi ito lumapit, tanging si Kiting lang. Nilapitan ng bata ang alagang aso at
hinimas-himas ang ulo nito.
“Bruno. Galit ka pa rin ba sa akin? Laro na tayo ni Kiting. Ikaw kasi, huwag mo na ulit
kakagatin si Kiting, e, ang liit-liit pa naman niya,” sabi ni Maymay sa aso.
Ipinangako ni Maymay na hinding-hindi na niya papagutoman muli si Bruno. Nagsisi rin
siya sa ginawa niya sa aso at ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya
paparusahan ang mga alaga kahit ano pa man ang mangyari.

Parang naintindihan naman ni Bruno ang sinabi ni Maymay at agad-agad itong tumayo
at lumapit sa pintuan – hudyat na gusto na niyang makipaglaro.

Simula noon ay hindi na nag-aaway sina Bruno at Kiting. Hindi na rin nagagalit ang aso
sa tuwing hindi sinasadyang malaglag sa kanya ang pusa at magigising siya mula sa
mahimbing niyang tulog.

Araw-araw, dinadalhan ni Maymay ng espesyal na pagkain sina Bruno at Kiting. Nawala


na ang takot ng pusa sa malaking aso.

A. Gumawa ng isang paglalarawan ng nabasang teksto na kagaya ng cover ng


isang pelikula. Ito ilalagay sa kasin-laki ng lalagyan ng CD.

SI
MAYMAY
AT ANG
KANYANG

You might also like