You are on page 1of 4

Mary Grace Y.

Paracha BSED-FIL III


Module 1 ( Dulaang Filipino)

Activity 1

Simula
6
7
8
Gitna
1
2
Wakas
3
4
Assessment
Gumawa ng isang maikling dula na nasusunod ang mga katangian nito.

Sakit
Noong unang araw ng eskwela, si Adrian ay isang ganap na kolehiyo na.
Matagal niyang hinintay ang araw na ito dahil sabik na sabik na siyang
makasalamuha ng ibang mag-aaral na bago sa kanyang paningin. Siya’y galak na
galak dahil sabi ng kanyang mga kaibigan, maraming magaganda sa Unibersidad na
pinasukan niya.
Namangha si Adrian sa laki at ganda ng Unibersidad kaya’t nagpasya siyang
mag libot-libot muna sapagkat may natitira pa siyang oras bago magsimula ang
unang klase. Aliw na aliw si Adrian sa pagmamasid ng may nakita siyang isang
dalaga. Hindi niya lubos nakita ang mukha, subalit tiyak niyang maganda ito.
Tumunog na ang napakalaking orasan na nasa gitna ng Unibersidad hudyat na
magsisimula na ang klase.
Sa pagpasok ni Adrian sa kanyang silid-aralan, nakita niya si Aemi na nakaupo
lang sa isang tabi at walang nakaupo sa gilid ng kanyang upoan kaya nagpasyang
doon nalang uupo si Adrian. Pamilyar kay Adrian ang buhok ng dalaga kaya nung
sulyapan niya ito natitiyak niya na si Aemi ang nakita niya kani-kanina lang.
Namangha agad si Adrian sa taglay na kagandahan ng dalaga. Sa paglipas ng araw,
lubos na nagkaroon ng paghanga ang binata sa dalaga lalo na noong nalaman
niyang si Aemi pala ang Valedictorian ng paraaralang pinanggalingan.
Si Adrian at si Aemi ay naging magkaibigan. Habang sa paglipas ng panahon,
palaging napapansin ni Adrian na minsa’y kinakapos ng hininga si Aemi. Binalewala
naman ng binata ang napapansin dahil iniisip niyang normal lang ito sa dalaga.
Isang araw, labis na nagtataka si Adrian dahil tatlong araw ng hindi
pumapasok si Aemi sa paaralan, kaya’t napag-isipan ng binata na bisitahin si Aemi
sa kanilang tahanan. Agad na kinabahan si Adrian nang nakarating na ito sa bahay
ng dalaga. Hindi mawari ni Adrian kung bakit siya nakakaramdam ng kaba. Nagulat
ang ina ni Aemi nang nakita niya ang binata, ngunit nakabawi naman ito at agad na
ngumiti. Agad na hinanap ni Adrian ang dalaga ngunit hindi niya ito nakita.
Nagtatakang tinanog niya ang ina nito ngunit wala siyang nakuhang sagot subalit
ang sabi ng ina ni Aemi na may pupuntahan sila ni Adrian.
Nakarating ang ina ni Aemi at si Adrian sa isang Ospital. Punong- puno ng
tanong ang isipan ng binata, siya ay labis na kinakabahan habang naglalakad sa
pasilyo ng ospital. Nang nakarating na sila’y agad binuksan ng Ginang ang pintuan
at nakita ni Adrian si Aemi na nakahiga at mahimbing na natutulog. Dahan-dahang
nilapitan ng binata ang hinihigaang kama ng dalaga. Sakit at awa ang nararamdam
ni Adrian para kay Aemi. Habang natutulog pa si Aemi, kinwento ng kanyang ina
kay Adrian ang sinapit nito. Si Aemi ay may sakit sa puso. Hindi napigilan ni Adrian
ang saril at napaluha ito sa harap ng ina ni Aemi. Sinabi ni Adrian na matagal niya
ng gusto si Aemi, at agad sinisi ang sarili dahil hindi man lang niya namalayang may
sakit na pala sa puso ang kaniyang minamahal.
Nagising na si Aemi pagkatapos mag usap sina Adrian at ang kanyang ina.
Gulat na gulat si Aemi nang nakita niya si Adrian at agad na kumuwala ang luha ng
dalaga. Humingi ng tawad si Aemi kay Adrian dahil hindi niya sinabi sa binata ang
kanyang sakit.
Sa nagdaang mga araw, si Adrian ay palagi ng nasa Ospital, dito siya
dumidiretso pagkatapos ng klase. Isang araw bago ang operasyon ni Aemi hiniling
ng dalaga na maglakad lakad sila sa labas ng ospital kasama ang binata. Habang
nilalakad ni Adrian si Aemi na naka wheelchair, kinwento ng dalaga ang nangyari sa
kanya at sinabi rin niyang may pagtingin siya sa binata. Sa araw na iyon, umiyak si
Adrian sa harap ni Aemi at sinabing magpakatatag ito at labanan ang sakit dahil
gusto niya pang makasama ito habang buhay.
Araw na ng operasyon ni Aemi, labis ang kaba ni Adrian. Ang tanging nagawa
lang nito ay manalangin. Mahigit limang oras ang naging operasyon at lumabas na
rin ang doctor na may dalang napakalungkot na balita. Hindi kinaya ng puso ni
Aemi ang operasyon kaya’t nabawian na ito ng buhay. Unti-unting gumuho ang
mundo ni Adrian, labis siyang nasasaktan.
Apat na taon ang lumipas simula ng namatay si Aemi, araw na ito ng
patatapos sa kolehiyo ni Adrian. Bago siya pumunta sa unibersidad, dinalaw niya
muna ang puntod ni Aemi. Sinabi ni Adrian na babaonin niya ang mga aral na
ibinigay ng dalaga sa kanya hanggang sa pagtanda at hinding-hindi niya
malilimutan si Aemi.
Assignment
Gumawa ng repleksyon tungkol sa araling napag-aralan.

Marami akong napag-aralan sa paksang ito. Isa na dito ang katangian ng


isang dula. Noon, akala ko ang dula ay isang simpleng pagtatanghal lamang sa
entablado at walang kahirap hirap umarte ang mga mga dramatista ngunit mali
pala ako. Sa pagbabasa ko sa module na ito, napag-aralan kong marami pa palang
dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang dula.
Sa pag-aaral na ito mas nakilala ko ang kahalagahan ng isang dula. Akala ko
noon ang dula ang pinakasimpleng gawin sa lahat ng panikan, ngunit nagkamali
ako, may kaniya-kaniya silang katangiang taglay. Napakahirap gumawa ng isang
dula o kahit ang nilalaman ng dula kapag hindi mo isinasabuhay ang mga tauhan.
Hindi makikita ang ganda ng isang dula kapag ang nilalaman ay hindi
makakapukaw sa damdamin ng manonood o taga subaybay,
Inilalarawan ng dula ang damdamin at pananaw ng mga tao sa particular na
bahagi ng kasaysayan ng bayan. Inaangkin nito at inilalarawan ang katangiang
nararanasan sa buhay gaya ng mga tao at suliranin. Napag-aralan ko rin na ang
dula ay maaaring hango sa totoong buhay kagaya ng ibang panitikan.
Ang maganda sa dula ay maipapakita at maipapamalas ng mga dramatista o
mga tauhan ang kanilang husay at galling sa pag arte. At hinihiling ko na mas
marami pa akong matutunan sa paksang ito na magagamit sa hinaharap bilang
isang mabuting guro.

You might also like