You are on page 1of 59

...30 seconds to death...?

...30 seconds to meet the fake world, where you will find the one destined for
you...

...I don't really know how to entitle this story...

...Silent World's Mystery...?

...But anyway, I'll just focus on the story.. and not on the title...

I started writing this last July 14, 2011...

...Using a Sachi notebook and a pencil..

uhhmmm...

No more! Lets do this thing!!! XD

---> Please read the story hanggang dulo.. The exciting part is in the middle
kasi.. so.. :))

Like ; vote ; comment.. ^-^

Introduction:

Ano ba ang katotohanan sa likod ng mga naka ngiti, at naka simangot na mga mukhang
naka tingin sayo?

Totoo bang may magulang na walang malasakit sa anak?

Totoo bang may happy ending?

At posible ba na ang isang fairy tale ay mangyari sa isang tao?

...Mga simpleng tanong lang ng isang ordinaryong babae na sa hindi inaasahang


kaparaanan ay unti unti niyang malalaman, mula sa sarili niya, ang mga kasagutan sa
mga tanong niyang ito..

Ang babaeng iyun sa gitna ng yellow bell flower trees... Sa kalagitnaan ng


gabi.. at fireworks display... Ilang taon na rin ang... nakakaraan..

Mataas na mataas ang sikat ng araw. Alas otso palang ng umaga e naglilibot na't
nagmamatyag ang sargents of arms ng school. Nanunuway ng mga nag kakasala ng
"littering", at pambubully ng mga bata. Ang gagawin sa mga suwail na estudyante,
paglilinisin lang naman ng buong campus. Kaya nga, kaunti lang ang nananatiling
suwail sa school na ito dahil magagaling ang sargets of arms ng school.
"Good Morning Miss Ryma! ^-^ ang aga niyo po ah?" Sabi ng isang 4th year
student.

"Ah, vacant kasi. Obligasyon talaga namin na maglibot pag free time."

Biglang sumulpot ang isa pang lalaki, na "laging", "at least 5 meters" ang layo kay
Ryma. Naka suot ang dalawang kamay sa bulsa, na gaya ng palagi, at ni minsan ay
hindi tinignan nang diretso si Ryma.

"Oh, Miss Ryma, andyan na po pala ang partner niyo. Hehehe.."

Lumingon si Ryma at nakita ang partner niya.

"Hew. Andyan ka na pala hindi ka man lang umimik. May nahuli ka ba..?"

"Wala..", sabay na tumalikod at naglakad.

"Huy! Sandali!", sumunod si Ryma. "Anu ba! Lagi mo nalang akong iniiwan. Alam ko
namang ayaw mo skain, pero..!"

Tumigil sa pag lalakad si Kyel, at gayon rin naman si Ryma.

"Wag mo sabihing hindi ka pa nasanay..?"

Ang wirdong si Kyel, muli, ay naka tingin sa ibang direksyon. Nasaan ba'ng kausap
niya? Napabuntong hininga nalang si Ryma.

"Pasensya naman..."

Pagka-sabi nun ay naglakad agad na palayo si Kyel, at sumunod lang si Ryma sakanya.

Of course.. What should I expect? It's Kyel Hew, my partner. The snob and
frightening creature ever studied in this school..

Ryma Corrhaye. Siya ang isa sa sargents of arms ng school. 17 years old siya, at
fifth year high school. Isa siyang consistent class officer, and isa sa over all
top ten. Gayon rin naman si Kyel Hew, 18 years old, classmate ni Ryma, and isa rin
sa consistent over all top, at officer.

Talaga namang simula pa noon, di na sila magkasundo. Wala namang ibang kasundo si
Kyel maliban sa "napaka", "pinaka", popular na estudyante sa school. "Almost
Perfect"- 'yan ang deskripsyon ng mga estudyante sakanya. Gwapo, matalino,
athletic, friendly, mabait. Iyung pinaka nangingibabaw, "WALANG GIRLFRIEND". Yes
naman, always available si kuya. E sino ba ang taong ito?

~sa lobby~

"O 'yel! Tapos na ba ang pangangasiwa? ^-^ At kasama mo pala si Miss Ryma.."

"H-hi.. Ryma nalang. Magkaka edad lang naman tayo dito eh.."

"Hahaha! Masyado bang pormal? Ryma ka sa labas ng school, pero sa loob ng


school, miss Ryma ka. Nirerespeto ka dapat! ", sabi ni Sionn na naka ngiti.

"Ang daya mo. Ako, walang Sir..?", singit ni Kyel.

Medyo bago kay Ryma ang pangyayaring iyun. Sino bang magaakalang may humor rin si
Kyel? Ahuh! sang sikretong nabunyag!

"Haha! O sige, Sir Kyel.. Goodmorning po!"

Nagtawanan silang pareho, tapos nilingunan nila si Ryma.

"Ahh, miss Ryma, mabuti pa siguro kung bumalik na kayo sa room. Mauna na kayo..
May practice pa kasi ako sa court e.."

"No littering, bawal mam bully, at bawal ang pa-cute..", paalala pa ni Kyel.

Tumawa si Sionn.

"Ganun pala ang tingin mo sakin, Sir? Madaya kayo. Miss Ryma pwede din ba akong
magbigay ng batas para kay Sir Hew? Bawal ang cute!"

"Ano? May pagnanasa ka talaga sakin e. Na-bakla ka nanaman.."

Tumawa ulit si Sionn at tinulak tulak si Kyel.

"Lumayas ka nga! Ma-lalate kayo niyan sa klase eh!"

Si Sionn Courte, 18 years old na varsity ng school. Crush ng kababaihan, pero


bakit nga ba wala pang girlfriend si Sionn? Ayaw niya kasi na magkaroon ng tsismis,
tapos sisiraan iyung magiging girlfriend niya. Although, pwedeng isikreto, kaso
bukod sa madaling kumalat ang balita kahit na itago mo pa ito, ayaw niyang
maramdaman ng kung sino mang girlfriend na iyan, na hindi sila legal at pa-tago ang
relasyon. Pero malamang lamang, may crush si Sionn.

So, hindi lang naman si Kyel ang may friend.Kung ang wirdo nga may kaibigan, pano
pa kaya ang mabait na si Ryma?

"Ryma! Hay, kala ko ma-lalate ka ng pasok. Buti't naka habol kayo ni Hew..
Kamusta?"

"Okay naman.. May isa lang akong naparusahan mula sa third year. Wala namang
nahuli si Hew. At.. Maryll Quoy..Alam mo ba... nakasalubong ko kanina si Sionn
Courte! Kita mo nga naman, kahit hindi na siya madalas na nasa room nakakasalubong
ko parin siya."

"Aha! Kaya pala ngiting ngiti ka pag pasok mo dito!"

Naka agaw ng atensyon ni Maryll ang tingin ni Kyel sa kanilang pag uusap. Nang
tignan ni Maryll si Kyel, ay agad nitong binawi ang tingin.

"Maryll...? Bakit.?"

"Ha? W-wala.. Naalala ko lang iyung recitation mamaya."

Ngumiti si Ryma..

"Wag kang magalala.. Tutulungan kita.. ^-^"

Ngumiti nalang si Maryll, na nakatingin parin kay Kyel.


Si Maryll Quoy ay ka-edad ni Ryma. Hindi siya talaga ganon ka-active sa school
nila. Pero hindi rin naman siya mahiyain. Siya ang nagiisang kaibigan ni Ryma
simula pa noong third year high school sila. Mabait si Maryll, at ni minsan ay
walang maririnig na kahit anong reklamo mula sakanya.

Sa kabilang banda, ito naman ang eksena tuwing uwian, matapos ng muling
pangangasiwa sa campus.

"O sige na Maryll ha? Uwi na 'ko.."

"Uuwi na nga ba.. o...??"

Napangiti si Ryma.

"Pupunta ako kila Elder Mio. Alam mo naman diba? Parang pamilya ko na iyun
kaya..."

Tumango tango si Maryll.

"Oo alam ko iyun Ryma. Sige na ingat!"

Kumaway lang si Ryma kay Maryll, tapos nagkahiwalay na sila ng landas.

Nilakad lang naman ni Ryma ang landas patungo sa bahay ni Elder Mio. Ang bahay ng
pinaka close niyang tao sa lahat; higit sa kahit kanino pa man.

Narating ni Ryma ang matandang bahay ni Elder Mio. May ilang dekada na rin itong
naka tayo doon, napaka tibay; at agaw pansin sa kadahilanang iyung na lamang ang
nagiisang bahay na hindi napapa-renovate. Mataas ang bahay, pero hindi ka-lawakan.
Maka luma pa ang doorbell nito na parang hihilain mo pa na gaya ng sa kampana.

Kumatok si Ryma sabay ng pag tawag niya: "Eldetr Mio, si Ryma po ito.." Ilang
segundo pa ang inintay niya't bumukas rin ang pinto. Sinalubong siya ng matandang
babae na ito, may kumukupas nang kulay ng buhok, naka bistida, at gaya ng palagi,
may hawak na libro. Sa edad niyang 70 ay nagbabasa pa ito ng mga libro.

"O Ryma.. Maaga ka ata ngayon? Halika't mag merienda ka muna sa loob."

"Salamat po Elder Mio! Hehehe!"

Dali daling pumasok sa bahay si Ryma at kinain ang cupcakes na hinanda ni Elder
Mio. Hilig nilangmag kwentuhan; at kadalasan, si Ryma ang problemado at si Mio ang
adviser.

"Anong oras nabang uuwi ang mga magulang mo anak?"

"Tingin ko po, mga alas diyes nanaman po ang uwi nila. Mananatili nalang po ako
hanggang alas otso. Ayos lang po ba?"

Ngumiti si Mio.

"Ano ka ba naman.. Siyempre oo.."

"Salamat po Elder.. Hayy... Sana po kayo nalang ang naging nanay ko. Ni minsan
di nilanagawang ipag luto man lang ako.."

Hindi na sumagot pa si Elder Mio. Pero dama niya ang lungkot na nararamdaman ni
Ryma na halos anak na ang turing niya dito. Minsan nga'y nabiro siya ni Ryma na
tutal naman daw e walang anak si Mio., at parang nanay na din naman niya si Mio,
bakit hindi nalang sila ang magsama bilang isang pamilya?

Salikod ng sargent of arms na si Ryma Corrhaye, ang pala ngiting muka, ay ang
malunkot naman niyang buhay. Iilang beses lang niya makita sa isang linggo ang
magulang niya, at kung makita man niya ay hindi ito tatagal nang minuto. Busy ang
magulang niya sa trabaho. At minsan, kahit ang kaarawan ni Ryma ay nakakaligtaan
nila. Isa iyun sa dahilan kaya napaka lapit ni Ryma kay Elder Mio.

...So iyan.. Wag sanang mainis, ngunit introduksyon pa lang iyun ng mga karakter ng
istoryang ito. Mahaba ang introduksyon, kaya malamang nabagot kayo. Pero wag mag
alala dahil pagtapos nito, di na ko magpapa ligoy ligoy pa.. Simula na ng tunay na
istorya...

...........My Birthday Gift:

Silent
Prince.........

Maganda ang sikat ng araw, na gaya ng mood ni Ryma ngayon. Hindi ito gaya ng dati
na walang emosiyon na gigising si Ryma pero ngayon ay may ngiti siya. May
pinanghahawakan siyang mga salitang nagmula sa pinakamamahal niya, at naniniwala
siya na dapat ngang magsaya.

Naghanda siya pagpasok ng school, at pag pasok niya, binati niya na lahat ng
madaanan niya.

"Masaya ata si Miss Ryma ngayon? Ano kayang meron?"

"Niligawan na siguro siya ni Sir Kyel sa wakas! >-<"

Bigla silang napalunok, nagulat, at natahimik, nang makita si Kyel Hew na nasa
harap nila't nakatingin sakanila.

"Another rule...", sabi ni Kyel. "Bawal ang tsismoso't tsismosa lalo napag may
inolvement sa officers. Kuha?"

Nangilabot iyung studyante tapos lumakad na si Kyel. Napansin nga niya, habang
nakatingin kay Ryma na masyado itong masaya.

Ang babaw naman.. Porke 18 na siya, masaya na siya agad...?

"Goodddd Mooorrrning Marryyll!"

"O..? ^-^ Good Morning Ryma.. Ang saya mo ata..?"

"Oo naman.. Kasi.... hihi!"

"Anong dahilan...?"

Nagulat si Ryma. hindi alam ni Maryll na "BIRTHDAY ni Ryma".


"H..ha..?"

"Sabi ko, bakit ka masaya..? Anong meron..?"

Umiling si Ryma. "W-wala.. Trip ko lang.."

Umupo nalang si Ryma at nawala ang ngiti niya.


Bago pa man din magsimula ang klase, nang dumating na si Sionn na class president
nila, E may inanunsyo siya.

"Classmates! May birthday girl tayo ngayon! Si Ryma Corrhaye! Happy birthday
Miss Ryma!", ani Sionn.

Nagulat si Ryma. Alam niya? Hindi.. Malamang nakita lang niya iyun sa birthday's
schedule ng klase. Obligasyon niya iyun dahil president siya ng klase. Masaya na
din naman.. dahil crush ko ang unang bumati sakin...

"Ay! Birthday mo pala Ryma! Sorrry... Happy Birthday!", habol ni Maryll.

Ngumiti si Ryma.

"Ayos lang Maryll.. Salamat sa pag bati.."

Bago pa maguwian, naglibot muna sina Ryma at Kyel sa campus para tiyakin na
walang kalat na iniwan ang mga studyante.

"Whew! Ayos, walang kalat.. ^-^", ani Ryma.

"...Masaya ka parin...?"

Napa tingin si Ryma kay Kyel.

"...Ha..?"

Umiling si Kyel. Sinuot ang kamay sa bulsa, tapos tumingin sa lapag. Parang may
iniisip siya na gusto niyang sabihin, pero hindi niya masabi.

"Hew..? May sasabihin ka pa ba...?"

Tumingin si Kyel kay Ryma pero mabilis din itong binawi.

"Wala.. Umuwi ka na.." , sabay lakad palayo.

Tumango tango si Ryma sabay lakad na ding palayo. Tumigil sa paglakad si Kyel at
nilingunan si Ryma. Bigla namang hinawakan ni Sionn ang balikat ni Kyel.

"Nakokonsensya ka no? Sa hindi mo man lang pag bati sakanya.. Bakit ba kasi,
napakahirap sayong gawin ang gusto mo, Kyel..?"

"Anong pinagsasasabi mo? Diyan ka na nga.." , sabay alis.

(Echoes in his mind)


Bakit ba napakahirap sayong gawin ang gusto mong gawin, Kyel? Bakit...
Bakit...
Hindi na gaya ng dati ay umuwi nang diretso si Ryma sa bahay nila. May
pinanghahawakan siyang isang bagay, at iyun ay ang sinabi sakanya ng mga magulang
niya noong 17th birthday niya.
Pangako, sa susunod mong birthday, mag eexcuse kami sa work para sayo,
okay? :)

Pero pagpasok ni Ryma sa bahay, walang tao. Binuksan niya iyung refrigerator,
walang laman. Walang cake, ice cream, walang gift na naka balot... Walang
birthday..
Tinawagan ni Ryma iyung mama niya.

"Hello, Ma? Si Ryma ito.."

~"Yes, Ryma? Anong problema.?"

"....."

~"Ryma? Andyan ka pa ba..?"

"O..oo.. kasama mo ba si papa?"

~"No, nasa work siya e.. Why?"

"Anong oras kayong uuwi, ma?"

~ "Ako. baka 12. I don't know about your dad.. Tawagan mo nalang siya kung gusto
mo malaman.. Hey, busy pa ko e, ha? Ibababa ko na.."

"Y-yeah.. Sure..."

Dun na natapos ang paguusap nila. Wala ngang nakaalala sa araw na ito no
Ryma.Sobrang lungkot ni Ryma at masakait sakanya ang pangayayring iyun. Iniwan niya
ang bahay at pinuntahan si Elder Mio. Pagkasalaubong ni Elder Mio sakanya, ay
"happy birthday" agad ang natanggap niya. At may binake pa na apple pie si Mio para
sakanya. Napa hagulgol tuloy si Ryma.

"Walang... Ibang nakaalala sa araw na ito.. Maliban sayo! Kahit ang mga
magulang ko.. Di nila tinupad ang pangako nila!"

Nalungkot naman si Mio para kay Ryma. Pinatahan niya ito.

"Meron akong regalo para sayo.."

"Naku! Kayo naman po, Elder.. Hehe!"

Ngumiti si Mio.
"Hindi ito simpleng regalo.. Tatandaan mo ang sasabihin ko.."

Nagtaka si Ryma.

"Ang katotohanan ay malalaman mo na. Isang regalo na isang laro. Pero wag
babaliwalain dahil buhay ang nakasalalay, manunumbalik ang pagmamahal na natuutlog
sa kalooban. Wag matakot, may gagabay sayo. Mga taong kilala mo, o di mo kilala
nang lubos. At sa iyong muling paggising, ang lahat ay magbaabgo na..."

Nagulantang si Ryma. Masyadong malalim ang sinabi ni Mio at di niya ito


naintindihan. Saang libro nanaman ba nakuha ni Elder Mio iyun..? In fairness..
Kabisado niya.
"Elder..? Di ko po maintindihan.."

Ngumiti si Mio.

"Malalaman mo, 30 segundo paglabas mo sa bahay ko..."

Nagtaka si Ryma. 30 segundo...? Ambush? SUrprise gift? Nakakathrill naman itong


gift na 'to..
Biglang humagikgik si Mio.

"Nagtataka ka? Oo alam ko.. ^-^ Your birthday gift.. is a silent prince..."

O_O..................... >.<........................ o_O

ano daw? reregaluhan niya ako ng silent prince..? Barbie doll ba ito? Manikang
prinsipe na emo? Silent.. tahimik.. prince.. prinsipe...??? Huh..??

Naguluhan si Ryma. Sa sobrang daming posibilidad na pumasok sa isip niya, pati math
equations ay dinamay ng brain cells niya. Paktai. Kumalma lang ang utak ni Ryma
nang maalala niya na dahil matanda na si Elder Mio ay tiyak na inakala lang niya na
nasa totoong buhay ang nabasa nito sa anumang libro. Kaya naman, natawa nalang si
Ryma at sinabing uuwi na siya, para naman maipahinga ni Mio ang sarili niya.

"Sige na Ryma.. Ingat ka ha..?"

"Opo Elder! Salamat po ulit!! ^-^"

Tapos, lumabas na si Ryma. And the 30 seconds, starts now...

29.... 28... 27... 26... 25... 24...


Naglalakad si Ryma sa bangketa...
...20... 19... 18... 17... 16... 15... 14... 13... 12... 11... 10
Saglit na tinignan ni Ryma ang orasan niya : 5:59 pm...
...8... 7... 6... 5
Tatawid ng kalsada si Ryma... Nasa gitna ng kalsada...
...3... 2... 1...

Liwanag, pagsigaw, pag buhol ng trapiko, ingay ng wang wang, ambulansya, pulis, mga
chismosa't chismoso...

NABUNDOL NG VAN SI RYMA CORRHAYE...

...AFTER 30 SECONDS FROM MIO'S HOUSE...

Ryma's status : Comatose.. May brain damage...

...The last moment we'll see her in the real


world..

Sa mundong ibabaw, napagalaman ng mga magulang ni Ryma ang nangyari sa kanilang


anak. Sa isang iglap ay nag leave sila sa trabaho, at dali daling pinuntahan si
Ryma sa ospital. Saka lang nila naalala, na birthday pala ng anak nila ngayon.

It's Ryma's birthday, and no one kept that on mind. Na hagulgol ng iyak ang
nanay ni Ryma, hingi ng hingi ng tawad sa anak niyang hindi naman siya naririnig.
"Class... I have a very important thing to say about one of your classmates
who is not present today..."

Naglingunan iyung mga estudyante.

"Sino...?" tanong ni Maryll.

Nilingon ni Sionn si Kyel, at sabay nilang sinabing "si Ryma"...


"Tama, Courte, at Hew.. SI Corrhaye nga ang tinutukoy ko. May nakakaalam na ba
sainyo kung ano ang nangyari at hindi siya pumasok..?"

Umiling si Maryll. Kumunot ang noo ni Kyel na parang naiinis dahil paligoy ligoy pa
ang teacher nila.

"Maryll, you will be the replacement for Ryma. You will be Hew's partner as
the sargent of arms, and our class auditor. "
"H-ha...? Bakit po..?"
"Ano ba kasing nangyari kay Corrhaye?", tanong naman ni Kyel.
"Kahapon, 6 ng gabi, nabundol si Ryma..", tinanggal ang salamin niya't
ipinagpatuloy, "Comatose stage siya ngayon..."

Nasurpresa ang buong klase. Sakanila kasi, pag sinabing nasa coma, parang i-
consider mo nang patay na siya, dahil diba, kadalasan naman sa mga may ganitong
kaso, hinihintay nlang talaga na literal na tumigil ang pagtibok ng puso nila..??
"Co..comatose si Miss Ryma...?" , gulat na tanong ni Sionn.
"Kaya Hew, from this day forward, masanay ka nang si Maryll ang makakasama
mo sa pangangasiwa.."
Tumingin sa ibang direksyon si Kyel.
Tahimik na tahimik ang buong klase. Rinding rindi naman si Kyel, kasi bawat daan
nalang niya sa corridor, at main hall, tatanungin siya ng mga estudyante tungkol
kay Ryma.

Di pa naman talaga patay si Ryma. After 20 hours, dumilat ang mga mata niya, pero
hindi sa ospital, kundi sa ibang mundo. Ibang lugar na masasabi nating hindi totoo,
pero hindi din naman ilusyon ni Ryma. Sabihin nalang natin na dream siya. A very,
very long dream...

"Nasaan ako...? Anong lugar 'to..??"


Wirdong wirdo ang lugar na iyun. Ang kulay ng langit ay "Gray", at maraming
nalalaglag na patay na dahon. Ang matatapakan mo ay hindi lupa o buhangin, kundi
abo.Wala ka ring mararamdaman na hangin; napaka lungkot ng lugar na iyun..
"Panaginip ba ito..?"
Sinampal ni Ryma ang sarili niya pero nasaktan sya. Bigla niyang naalala iyung
pakiramdam niya nung araw bago siya maaksidente. Iyung worthless at meaningless
18th birthday niya. Naalala rin niya iyung liwanang na nagmula sa van na
nakasalubungan niya. Bigla syang nagulat.
"Patay na ba 'ko? N-nasagasaan ba ako ng van? Hindi.. hindi pwede..
Birthday ko ngayon.. Ayoko pa.. hindi pa pwede..."

Gulong gulo ang isip ni Ryma. Nakaramdam siya ng kaba at takot. Ipinagpatuloy
niya ang paglalakad.
There must be a reason kung bakit ak0 nandito. Patay na ba 'ko? Kung oo.. nasa
langit na ba ako? O.. nasa impyerno..? Nasa.. kawalan...?

Sa mundong ibabaw naman ang lahat halos ng kaklase ni Ryma ay dumalaw sa ospital.
Maging si Kyek ay sumama na din.
"Ma'am, Sir, mga kaklase kami ni Ryma. Nabalitaan namin ang nangyari.
Naniniwala po kaming magigising si Ryma. Malakas siyang tao..", ani Sionn.
Ngumiti iyung nanay ni Ryma.
"Oo, oo.. Tama ka.. Salamat sa pagdalaw niyo.."
Tinignan nilang lahat si Ryma. Naawa sila talaga. Lumapit si Maryll sa tabi ni
Ryma.
"Ryma, magpagaling ka ha?"
Si Kyel naman, nasa dulo't sulok ng kwarto, at naka tingin kay Ryma.
Si Miss Sargent of Arms ay comatose...? Pero bakit...? Mabait siyang tao..
Hindi ito kailangang mangyari sakanya...
Ang mga sinabi ni Maryll sakanya, ay narinig niya sa mundong kinalalagyan niya
ngayon. Nakilala niya ang tinig at hinanap niya ito.
"Maryll! Maryll! Buhay na buhay ako! Naririnig niyo ba ako!?"

Balik sa mundong ibabaw, agad rin namang nagpaalam iyung mga kaklase ni Ryma. Pero
bago pa man din tuluyang magkahiwalay ng landas sa paguwi sina Kyel at Maryll, ay
nilapitan muna ni Maryll si Kyel.
"So nakita ko ngayon.. malala ang kundisyon ni Ryma.. Na-realize kong
tama si Ma'am, na dapat ay ako na ang gumawa ng iniwang trabaho ni Ryma. Sana,
Kyel, masanay ka nang kasama ako.."
"Hindi..." , maikling sagot ni Kyel.
"A-ano...? Pero tama lang ang sinabi ko..."
"Makinig ka, Quoy.,", at sa unang pagkakataon ay tinignan ng diretsahan
ni Kyel si Maryll. At noon lang ay napansin ni Maryll, ang napakaganda, ngunit
nakakatakot na mata ni Kyel Hew. "Comatose 'lang' si Ryma. Hindi nangangahulugan na
mamamatay na siya. Magigising siya para ituloy iyung trabahong iniwanan niya. Kaya,
wag kang paka-siguro. Isa pa, hindi ba't kaibigan mo si Ryma? Para bang gustong
gusto mo pa ang nangyayari sakanya. O baka naman akala lang ni Ryma e kaibigan ka
niya, Maryll Quoy..?"
Nagulat si Maryll.
"M-mali ka.. Kaibigan niya ako talaga.."
"Talaga lang ah..? Sige, sabi mo eh..", sabay alis.

Naiyak na si Ryma. Di niya alam ang gagawin. Napa upo siya sa tabi ng kalbong
puno. Ilang saglit pa ay may nagsalita.
"Ryma, bakit ka umiiyak? Walang maitutulong iyan sayo.."
Tinignan ni Ryma ang nagsasalita. Di gaya ng dati, ngayon ay kaharap niya na ang
nagsasalita. May kasama na pala siya sa mundong iyun, kaso halata namang peke ang
mundo, dahil may pakpak ang kaharap niya. Ang mas ikinagulat pa niya, kilala niya
ang taong ito.
"S-sionn...? A-anong..."
"Sa mundong ito, isa akong acrhangel. Wag ka nang magtataka, okay?"
Tapos, tinulungan niyang tumayo si Ryma.
"H-ha? Teka.. DI ko magets... Nasaan ba ako..?"
Ngumiti si Sionn.
"Nandito ka sa aming mundo.. Welcome to the Silent World..."

"Silent World...?"
Tumango si Sionn at nagsimulang maglakad. Sumunod naman si Ryma habang sinusuri ang
itsura ni Sionn. Mas gwapo ito ngayon, at bagay na bagay ang pagiging archangel
sakanya. Amazed pa si Ryma, dahil nakakakita siya harap harapan ng isang nilalang
na may pakpak.

"Ang Silent World ay hindi totoo.. Tanging ikaw lang ang nakakaalam dito dahil
nagexist ito sa utak mo lang.."

"Ha? Imposible.. Ako lang ang gumawa nito...?"


Ngumiti si Sionn.

"Mali.. Nasa utak mo ito, pero hindi ikaw ang gumawa nito.. Lahat ng makikita
mo sa mundong ito, ay may ginampanan sa buhay mo. Dito mo malalaman ang totoong
dahilan ng pagdating nila sa buhay mo. ^.^ Including Sionn Courte.."

"Ibig sabihin may iba pang nandito...?"

Tumango si Sionn.

"Marami pang nandito.. At ako, hanggang sa mahanap mo ang silent Prince,


mananatili akong kasama mo.. Sabihin nalang nating guide mo ako sa mundong ito.."

"Silent... Prince...?"

Naalala ni Ryma iyung sinabi ni Elder Mio sakanya. Your birthday gift... is a
Silent Prince...

"Teka, nabanggit na ni Elder Mio ang Silent Prince na iyan.."

"Oo.. Ang Silent Prince, ang Prinsipe ng Silent World ang siyang dahilan ng
wirdong itsura ng mundong ito.. Ang mundong ito, ay dumedepende sa emosyon ng
Prinsipe nito. At dahil hindi siya masaya, walang kabuhay buhay ang silent World.."

"teka nga, e ano namang koneksyon ng Silent Prince sa buhay ko..?"

"Malalaman mo pag nagkita kayo.. Pero sa ngayon, ang sasabihin ko lang, ay


siya ang daan para magising ka mula sa coma at maklabas ka mula sa mundong ito.."

"A-ano?? Bakit? Mahirap iyun!"

"Hindi iyan.. kasama mo naman ako.. Isa pa, hindi ito ireregalo ni Mio sayo
kung di mo ito malalagpasan.."

Nagbuntong hininga nalang si Ryma.

"Birthday ko parin ba ngayon..?"

"Sa mundong ito, oo.. Pero sa mundong ibabaw, hindi.. Hindi matatapos ang
araw dito hanggat hindi mo nakikita ang Silent Prince..."

Sa school naman, naglilibot ngayon sina Maryll at Kyel.

"Nasaan po si Miss Ryma?"

" Nasa Osp...!!!", di natuloy na sabi ni Maryll.

"Panandaliang mawawala si Ryma ngayon.. Babalik rin siya agad, okay?", sabi
ni Kyel, at muling naglakad.

"Bakit... Hindi mo sinabi ang totoo..?"

"Totoo ang sinabi ko..", sagot ni kyel.

"Pinapaasa mo lang sila na babalik si Ryma, at pano kung...!!"

"Manahimik ka.. itong trabaho na ;to, paninindigan ko hanggat may


pinanghahawakan ako. Pero oras na hindi makabalik si Ryma sa pwesto, magququit
ako.."

Nagulat si Maryll.

"A-ano?! Pero bakit?!"

"Dahil ayokong maka partner ang faker na kagaya mo.. Hindi ko maaatim na
makasama ka nang matagal, Quoy.."

Iiwanan na sana ni Kyel si Maryll, ngunit nahabol niya ito.

"Hindi ako faker, Kyel. Naging masaya si Ryma sakin at sapat niyang
ipagpasalamat iyun.."

"Oo nga, naging masaya siya sayo.. pero hindi niya dapat na ipag pasalamat
iyun.. Dahil kahit kailan lang na gustuhin na iwanan ka't maghanap ng bagong
kaibigan ay magagawa niya sa segundo lang. Ewan ko ba, sa talino niyang iyun..
Nagkamali siya sayo't pinagtiyagaan ka niya, Miss Faker.."

Sa pagkakataong iyun, naiwanan na siya ni Kyel.

"May deadline ba ang journey na ito?", tanong ni Ryma.

Tumango si Sionn.

"May isang buwan at isang linggo bago ang deadline.."

"At ano namang mangyayari sakin pag di ko natapos ito bago pa ang deadline.."

"Mananatili ka sa mundong ito habang buhay. At ang katawan mo, ay tatanda't


mamamatay nang hindi man lang muna nagigising.."

"Hindi! Ayokong mangyari iyun! Sionn tulungan mo 'ko! Kailangang mahanap


natin agad ang silent Prince!"

"oo tutulungan kitang mahanap siya, pero pagdating sa pagtakas sa mundong


ito, nasayo ang desisiyon..."

"H-ha...??"

nagbuntong hininga si Sionn.

"Di bale, maiintindihan mo pag nagtagal pa tayo dito.."

..........It was her 18th Birthday..........

Ang maganda naman sa mundong iyun ni Silent Prince, e hindi ka aantukin kahit sa
totoong mundo ay isang buwan pa ang lumipas. Hindi naman kasi matatapos ang araw
dito hanggat hindi pa dumadating ang deadline. Kaya tuloy tuloy ang lakad nila
Ryma.

"...Nasa tabi ko kaya sina Mama at Papa ngayon...?", tanong ni Ryma.


Tinignan ni Sionn si Ryma at ngumiti ito.

"Kung gusto mong malaman, mas galingan mo pa ang paghahanap kay Silent
Prince.."

"Ang totoo, iniisip ko kung sino si Silent Prince sa buhay ko. Wala naman akong
kilalang tao na kasing lungkot nito. Kung si Papa, dapat puro pera ang nahuhulog
dito at hindi patay na dahon. Kung si Kyel, tiyak na madugo o maitim ang paligid
dahil sa kasungitan niya. At sino pa bang ibang lalaki na kilala ko...??"

Tumawa si Sionn.

"Malalaman mo pag nakita mo siya.."

napabuntong hininga si Ryma. paulit ulit kasi ang sinasagot ni Sionn sakanya. Bigla
naman siyang napaisip nang marealize na kahit pala sa ibang mundo e mabait si
Sionn..
Bigla silang natigil nang makitang may nakasalubong sila. Isang matandang babae na
naka hood. Si elder Mio lang naman.

"E-elder Mio!!!"

"Magandang araw sayo, Prinsesa. Sana mahanap mo ang rason ng pagpunta mo


dito.."

Tapos dinaanan lang ni Elder Mio si Ryma, at sa isang iglap ay nagago ang suot ni
Ryma. May suot na siyang gown na may kulay na puti at itim.

"Elder Mio! Sandali lang! E ikaw ang nagdala sakin dito!"

Lumingon si Mio sakanya.

"Oo, tama ka.."

"Kung ganon Elder, tulungan mo ko.."

"Hindi ko magagawa iyun.. Nasa utak mo ito.. Hindi ko kontrolado ang lahat
kahit sabihin mo pang ako ang nagpasimula ng mahabang panaginip na ito. Kaya mo
iyan, Princess Ryma.."

Tapos bigla nalang nag vanish si Mio.

"Mio! Mio!! Bakit mo ako iniwan?!"

Biglang nagsalita si Sionn.

"Si Elder Mio Roffeus ay isang spiritu sa mundong ito. Pero malaki parin ang
ginagampanan niya sa buhay ng mga tao."

"Sionn, bakit niya ako iniwan?!"

"Ang lahat ng makakasalubong mo dito, ay hindi mo makakasama nang matagal.


Tanging ako lang, dahil guide ako.."

"Kung ganon, kung makakasalubong natin si Maryll, si Mama't si papa.. ,awawala


sila agad..?"

Tumango si Sionn..
"pero bakit?"

"Dahil hindi naman sila makakatulong sa paghahanap sa Silent Prince.. Iyun ang
dahilan kaya nanadito ka diba?"

Tumago nalang si Ryma, at tumuloy sa paglalakad..

"Hew? May nahuli ka ba?", tanong ni Maryll.

"Wala."

"Ako meron, pero hindi naman siya sumusunod sakin..'

"Sino ba...?"

Tinuro ni Maryll iyung lalaking nasa ilalim ng pekeng puno at nagsisigarilyo.


Nilapitan ito ni Kyel.

"No smoking tayo, Sir.. School area 'to.. Basic rule na po iyun.."

Tumayo iyung sigang binata.

"Eh paki mo ba?"

"Obligasyon kong panatilihin ang kaayusan sa campus.."

"Eh sino ka ba ha?"

"Sargent of arms ng school.. Ang wirdo mo naman at di mo alam iyun..


Transferee ka ba?'

"Oh, e bakit ikaw at ang pangit na babaeng iyun ang sumusuway sakin? Nasaan na
si Ryma? Hindi ba siya sargent of arms dito?"

Nagulat si Kyel.

"Kilala mo si Corrhaye? Pansamantala siyang mawawala.. Kaano ano mo siya?"

"Ay sus, wala naman pala akong mapapala sa pagpapapansin dito.. Makaalis na
nga.."

Tatalikod iyung lalaki at aalis na, pero hahawakan ni Kyel iyung braso niya

"Sino ka ba at kaanu ano mo si Ryma?"

"Ako lang naman si Llyde.. Ang future boyfriend ni Miss Ryma Corrhaye.."

Nagulat at binitiwan ni Kyel si Llyde. Tapos bigla siyang humagikguk.

"Anong nakakatawa?!", naiinis na tanong ni Llyde.

Umiling si Kyel.

"Sige, aalis na ko..", tapos, umalis na nga si Kyel.

Naiwang pikon na pikon si Llyde.


Future Boyfriend pa ang gusto.. Abnormal...

"SIonn, may posibilidad bang makita ulit natin si Elder Mio..?"

"Oo naman, pero depende iyun.. At makikita mo lang siya, kung di sinasadya,
o napaka importante ng taong iyun sa misyon mo.."

"Hay naku, mukang imposible.. Ilang linggo nalang ba ang natitira


sakin..??"

Tumingala si SIonn.

"May apat na linggo pa, wag kang magalala..."

Nagulat si Ryma.

"Teka, may isang linggo agad na lumipas?"

"oo, masyado na bang mabilis iyun sayo?"

"Oo kaya! Teka, hindi natin mahahanap sa tamang oras niyan ang silent
prince!"

"Kaya nga bilisan na natin..."

Tumakbo si Ryma, pero di pa man din nakakalayo ng 6 meters e nadapa siya.


Tinulungan siyang tumayo ni Sionn.

"Alam kong athlete ka.. pero mahina ang isang athlete pag naka gown at
takong ka.. Hayy..."

"Anu bayan! Bakit kasi ako biglang naka gown???"

"Dahil isa kang prinsesa.."

"Ha? Ordinaryo lang ako, ordinaryong babae.."

"Tinawag kang prinsesa ni Elder Mio diba? Hay nako, ang hirap ipaintindi..
Malalaman mo din sa tamang oras.."

Napa iling iling si Ryma at ipinagpatuloy ang paglalakad.

..........A Week After Her 18th Birthday...........

Mas lalaong nagdilim ang paligid sa Silent World. Mas mainit ang paligid, pero
hindi iyun nararamdaman nina Ryma. Nakikita lang nila na ang lahat ng bumabagsak na
dahon ay nasusunog at nagiging abo.

"Sionn, anong nangyayari? Bakit nagbago ang itsura ng paligid?"

"Nakakaramdam ako ng matinding init. Hindi maganda ang mood ng Silent


Prince.."

"Ano? Galit siya?"

"Maaari. Pero pwde ding sobrang lungkot niya, pwedeng may pinagsisisihan
siya, pero anuman ito, di ito magtatagal.."

"ANo ba naman iyan..Dahil sa emosyong ipinapakita ng SIlent Prince, parang


ayoko nang makita siya't baka pagbuntunan niya pa ako ng nararamdaman niya.."

Natawa nalang si Sionn at nagpatuloy sa paglalakad.

Samantala, lunch ngayon sa school at magkasama si Kyel at Sionn.

"Kyel, don't take this seriously ha, but I want to ask you something.."

"Ano iyun?", tanong ni Kyel.

"Pano kung di na magising si Ryma...?"

Napa tingin si Kyel kay SIonn.

"Alam kong mabait ka, pero bakit mo iniisip si Ryma ngayon?"

"Si Ryma, ay kaibigan para sakin. Isa siya sa mga hinahangaan ko dahil sa
tapang niya."

"Ikaw na mismo ang nagsabing matapang siya, kaya gigising siya, okay?

Napa ngiti si Sionn.

"How can you be so positive, Kyel?"

"Kailangan e,.. Ito nalang ang mapapanghawkan nating lahat, Sionn..."

Tumango tango si Sionn.

"Sinabi ko na nga ba't hindi lang ako o si Quoy ang nagaalala kay Corrhaye
e.. Haha!"

Narating nila Ryma at Sionn ang parte ng Silent World na may river. Iyun lang
ang nakita nilang kaaya aya sa silent world. Pure at maayos ang pagdaloy nito.

Pero hindi iyan ang napansin ni Ryma. Kundi ang tatay niya. Ang kinagulat pa
niya, may hinuhukay ito sa river, na parang pera.

"Sir, ano pong ginagawa niyo?", tanong ni Sionn.

"Pera.. Pera.. Kailangan ko ng pera..."

Nagdilim ang muka ni Ryma.

"Sionn, pwede ko namang gawin dto ang di ko magagawa sa totoong buhay


diba...?"

Tinignan lang ni Sionn si Ryma. Lumapit si Ryma sa tatay niya.

"Pa.. Tumayo ka diyan..."

Nagulat iyung tatay niya't tinignan siya. Tapos bigla siyang sinampal ni Ryma.
"Pati ba naman sa mundong ito, mukang pera ka padin!?"

Tumayo ang papa niya.

"Ryma, anak.... HIndi mo naiintindihan..."

Sinampal ulit ni Ryma iyung papa niya.

"At pati ba naman dito, nakakalimutan mo padin akong batiin?!"

Nagugulantang si Sionn sa mga nangyayari. Mangiyak ngiyak naman si Ryma sa inis.

"Naghahanap ako ng pera, para sayo! Dahil iniisip ko ang kinabukasan mo!
Sana... alam mong ikaw ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko, at ang mama mo..
Mahal kita, anak.."

Nagulat si Ryma. Ngayon lang niya narinig ang mga iyun mula sa papa niya. Umiling
iling si Ryma, tapos dali daling umalis.

"Uy Ryma, iniwan mo naman ang papa mo..", ani Sionn.

"Wala siyang kinalaman sa misyon ko.. Uubusin lang niya ang oras ko.."

"Wala ka bang tiwala sakanya..?"

"Nakakadismayang makita.. na hanggang dito ba anmaan e iyun parin ang


inaatupag niya! Nakakainis!"

Napa buntong hininga nalang si Sionn.

Walang nagbabantay ngayon sa katawan ni Ryma sa ospital. Ang mama niya ay


nakikiusap sa business partners niya na bigyan siya ng konti pang oras para
mabantayan lang si Ryma, at gayon din naman ang ginagawa ng papa niya.

Hindi naman inaasahang dumating si Kyel at dahil walang nagbabantay, di siya


pwedeng pumasok sa loob. Tinignan lang niya si Ryma mula sa bintana.

Bakit ba... Lagi nalang... Hindi ko magawang lumapit sayo... Ryma


Corrhaye...?

....The Call by Seconde hand serenade... >.<....

Malayo na mula sa river sina Sionn. Humupa na din ang galit ni Ryma sa papa niya,
kasabay ng pagbabalik ng kulay ng paligid mula sa pagiging itim nito.

"Isang linggo't dlawang araw na ang lumilipas, Ryma.."

Tumango si Ryma.

"Sabi mo, dito ko malalaman ang tunay na role nila sa buhay ko diba? At sinabi
mo, including you.. Ibig sabihin, anong role mo sa buhay ko? Isang guide?"

Ngumiti si SIonn.
"Pwede.. Siguro, magiging kaibigan mo ako.. O di naman kaya, magiging katulong
mo ako sa mga problema mo.."

"Pero di ko maintindihan, bakit ka archangel sa mundong ito.."

"Mabait na tao si Sionn Courte, diba? Pure kindness, pure heart, pure soul.
Kung iyun lang ang pagbabasihan, anghel lang ako dapat. Pero dahil maraming
naiimpluensyahan si Sionn, isa na siyang archangel.."

"Ganun pala, si Papa ay isang pulubi, kaya kailangan niyang maghanap ng pera.
Pero di ko maintindihan ang kay Elder Mio. Isa siyang kaluluwa.."

"Pasensya na Ryma, pero di ko maipapaliwanag sayo ang bagay na iyan. Malalaman


mo pag nagising ka na.."

Nagbuntong hininga si Ryma.

"Pag nagising ako, ano kayang mangyaayri sa mundong ito?"

"Simple lang, edi mawawala ito.."

"Paano kayo? kayong nabubuhay dito?"

Humagikgik si SIonn.

"Panaginip lang ito Ryma. Hindi kami totoo, pero dito mo makikita ang
katotohanan.. Ang totoo, ay iyung nandoon sa mundong ibabaw.."

"Pero kapag nagising ako, pwede ko parin bang balikan ang mundong ito..?"

"Oo, kapag may nagbalik sayo dito, gaya ni Eledr Mio. Iyun nga lang, kahit
para sayo hindi iyun ang unang beses na pupunta ka dito, para saming mga nandito
naman ay unang beses mo palang. Paulit ulit lang ang mga mangyayari. Kaya sa tingin
ko, di mo na ababalikan ang lugar na ito.."

"Ganun ba...? Wala lang... Naitanong ko lang.."

Biglang natigil sa paglalakad si Ryma at sumandal sa puno.

"Pagod na 'ko, Sionn!"

"Ngayon ka pa napagod? Kung kailan...."

Napalingon si RYma sa tinitignan ni Sionn.

"A-ang palasyo! Sa Silent Prince ba iyan??"

Tumango si SIonn.

"Oo, iyan na nga.."

Tuwang tuwa si Ryma.

"Ibig sabihin, makakaalis na ko... Makakabalik na ako! Tara na Sionn!!"

Biglang tumakbo si Ryma.

Akala niya, ganun lang kadali iyun.. kawawang Ryma Corrhaye...


Nakaupo si Kyel at Sionn sa soccer field ng school. Katatapos lang ng P.E.
nila, at pareho silang pagod.

"Hay, ano kayang pakiramdam na matulog nang tuloy tuloy sa loob ng isang
linggo?", sabi ni Sionn.

"Tanungin natin si Ryma pagkagising niya."

Natawa si Sionn.

"Tama! Tingin ko above level na ang energy ni Ryma pag gising niya. >.<
Hahaha!"

"Naiinggit ka nanaman sakanya.."

Nandoon na si Ryma at Sionn sa harap ng castle.

"Grabe, di ako makapaniwala! Ang bilis lang niyang nagpakita sakin! Haha!"

"Sandali, Ryma. Bago ka pumasok sa loob, few reminders lang.."

"Teka, di ka papasok sa loob?"

Umiling si SIonn.

"Hindi pwede ang Archangel sa loob. Kaya paaalalahanan nalang kita. Una, di
mo pwedeng ipaalam ang tunay na intensyon mo; ikalawa, wag mong ipapaalam na hindi
totoo ang mundong ito.

Nagtaka si RYma.

"Huh? Bakit hindi? Paano niya ako matutulungang magising niyan?"

"Hindi kasi nila alam ang totoo, malibans akin, dahil uulitin ko, guide
ako. At iyung tungkol sa solusyon sa problema mo, sige irereveal ko na..
Magigising ka lang, kapag dumating iyung deadline mo.."

Nagulat si Ryma.

"Ano?! Sa deadline... pero...."

"Oo, ibig sabihin, maghihintay ka ng tatlo pang linggo at apat na araw.


Sorry at ngayon ko lang sinabi.."

"I-ibig sabihin, hindi ko kailangang makita ang Silent Prince,.."

Umiling si Sionn.

"Iyan ang rason kung bakit ka nandito. Ilalagay ka ba dito kung para
lang maghintay ka ng deadline? At wala ka bang intensyong malaaman kung sino si
Silent Prince.."

Nagbuntong hininga si Ryma.

"nakakadisappoint ang nalaman ko. Pero anu't ano pa man, tutal


maghihintay lang naman pala ako, edi i-enjoy ko nalang ang anumang meron sa mundong
'to.. Sige, papasok na 'ko. Diyan ka lang ba, Sionn?"

" Oo, di ako aalis dito, sige na.."

Sumandal si SIonn sa gilid ng pinto tapos pumasok na si Ryma sa loob.

Nagulat si RYma. Inilibot niya ng tingin ang palasyo, kumunot ang noo; nagtaka;
napaisip.

Teka, kastilyo ba talaga ito....?

Let me emphasize the view.

...Sira ang dingding ; may mga punit na kurtinang pula; maraming sapot at
alikabok; may mga patay na dahong naka kalat; may mga wallpaper na napunit at
parang kinalmot; walang ilaw; basag ang mga ilaw; may mga tiles na natanggal....
walang katao-tao.

Butas ang mga bintana, mahangin sa loob.

"Anong... nangyari dito...?"

Nilakad pa ni RYma iyung kastilyo. Nakita niya iyung kusina, ang dining room, may
mga pagkaing nilalangaw, nangangamoy; inaamag.

May tao pa ba dito? Ito na ba ang Silent Castle? Ang horror masyado..
kinakabahan na ako...

.....Silent Castle Reveals.....

Narating ni RYma ang bandang likod ng palasyo. Garden part, at may mga mlagong
halamanan at may swimming pool.

"May tao ba dito?"

Malawak iyung garden at nilakad niya talaga. Maya maya lang, may nagsalita mula
salikod niya.

"Sino ka...? Anong ginagawa mo dito...?"

Nagulat si Ryma. Kinilabutan siya, at iyung pakiramdam na iyun, ay kilalang kilala


niya. Kahit ang boses nito, o ang presensya nito, sadyang nagpapatayo ng balahibo
ni Ryma.

Teka. kilala ko 'to.. Kilala ko talaga ito...

Dahan dahang lumingon si Ryma, at nagulat na makita ang binatang ito na naka formal
attire. Napaka bago sa paningin ni Ryma Corrhaye.

"K-Kyel...!? Ikaw!?"

Nagulat din si"Kyel".

"Silent princess... Ikaw... Ikaw nga..."

"SIlent Princess... ako...??"


Tumingin sa ibang direksyon si Kyel.

"Pasensya na't ginulat kita.."

Napa ngiti si Ryma.

Hanggang dito.. Si Kyel,, ay si Kyel...

"Ikaw ba ang silent Prince?"

"oo..."

Biglang napaisip si Ryma. Naalala niya ang sinabi ni ELder Mio. "Your birthday
gift.. Is a Silent Prince..." At dahil ito pala ay si Kyel, ibig sabihin, si Kyel
ang regalo ni Mio sakanya? Ang scary, awkward, selfish, snob. at insensitive na
nilalang na ito? Nangaasar lang ba si Elder Mio?

"I-ikaw pala...."

May saglit na katahimikan.

"A..Kyel, pwedeng magtanong?"

"...."

"Anong nangyari sa kastilyo mo..?"

Umiling si Kyel at tumalikod.

"Lahat sila.. ang may gawa niyan.."

Tapos ay naglakad si Kyel. Humabol si Ryma sakanya.

"Sinong sila? At saka, bakit wala kang kasama? Nasaan ang parents mo?"

Tumigil si Kyel.

"Pwede bang iwasan mong magtanong ng personal na bagay?"

"A...Pasensya na..."

Naglakad ulit si Kyel at sumunod si Ryma.

"Kung magisa ka lang.. ^-^ pwede kang sumama sakin! Lalabas tayo sa
kastilyo mo.. Para naman makapaglibot ka sa outside world.."

"Para san...?"

Nakaramdam ng kaba si Ryma. Ang cold talaga ni Kyel kahit kailan. Pero inisip
nalang niya, na unfair naman kung pati sa silent world ay maduduwag siyang lapitan
si Kyel.
Ngumiti si Ryma.

"Gusto ko lang na maging kaibigan mo.. Pwede naman diba..??"

Tumingin si Kyel kay Ryma, tapos ito namang si Ryma hinablot iyung braso niya't
patakbo siyang hinila.
Lumabas sila, at nagulantang nang makitang kinakaladkad ni Ryma si Kyel.

"Anong....nangyari...??? o_O", tanong ni Sionn.

"Ikaw ba ang warrior ni Silent Princess..? Nice outfit..", ani Kyel.

Lalo pang nagulantang si Sionn at halos malusaw sa hiya.

"^-^ Ayos lang naman na sisama natin siya diba, Sionn?"

"Ha? Saan ba tayo pupunta?"

"Maglilibot! Haha! Tara na!"

"E, papaiwan muna ako.. Pagod na kasi ako e.. kayo nalang.. susunod
nalang ako.."

"Sure ka...?"

Tumango si Sionn.

"Edi.. Sige! Tara, Kyel!"

Sumunod naman si Kyel.

Nung malayo layo na sila sa kastilyo, tumigil sila sa tabi nung river. Umupo si
Ryma at binasa ang kamay niya ng tubig mula sa river.

"Ano namang.. mapapala mo dito?", tanong ni Kyel sabay upo.

"Hindi ka ba natutuwa sa lugar na 'to? Ako oo.. Sa buong Silent World


kasi, ito lang ang may pure na kulay.."

Hindi na sumagot si Kyel, at nagsalita pa si Ryma.

"Ikaw iyung... prinsipeng cold..no?"

"Cold...??"

Tumango si Ryma.

"Tingin ko, ang laki laki ng sikretong tinatago mo na kapag di mo


nilabas, sasabog ka na.."

*Katahimikan for 10 seconds...*

"Iyung mama ko... namatay na.. Si papa, nagasawa ng iba.. at namatay


na din iyung kapatid kong lalaki noong 6 years old siya.. Mag isa nalang ako, kaya
ganun..."

Napatingin si Ryma kay Kyel.

"T-talaga? Pano ka nagsusurvive?"

"Ginagamit ko iyung kayamanang naiwan ni Mama sakin.."

"...Now I know... Kaya ka siguro cold.. Dahil oras na mapalapit ka sa


isang tao, and sa phobia mo noong iniwan ka ng mga mahal mo, malulungkot ka pag
iniwan ka niya.."
Nagulat at napatingin si Kyel kay Ryma.

"Tama ako, alam ko.. nauunawaan kita, Kyel. Pero, wag kang malungkot!
Hindi lahat ng tao nangiiwan.."

Tumayo si Ryma, tapos ngumiti.

"Gaya ko! Hindi ako marunong mangiwan! ^-^ Maniwala ka sakin!!"

Saglit na ngumiti si Kyel kasabay ng pagyuko niya. Pero napansin iyun ni Ryma.
Lumiwanag iyung muka niya at parang nabigla.

"Ngayon lang kita... nakitang ngumiti.."

Napatingin si Kyel kay Ryma.

"..ha..??"

Nagulat si Ryma at umiling iling.

"W-wala, wala! hehe! Tara, balik na tayo sa kastilyo mo!!"

Naunang maglakad si RYma at sumunod si Kyel. Naiisip ngayon ni Ryma ang napag
alaman at ang Kyel sa totoong buhay.

May pagkakaiba talaga. Parang isang maamong tupa ang Kyel na kasama ko
ngayon. Walang pagaatubili siyang sumusunod sakin, walang reklamo, nagawa niyang
magkwento sakin. Iyun nga lang, malayo padin ang distansya niya sakin. Pero, mas
mafaan ang loob ko hindi na ako kinakabahang lumapit si Hew sakin...

....Kyel Hew is the Gift...

Mabilis lang din namang nakabalik sina Ryma at Hew, at nakita nilang nagbabasa si
Sionn.

"Ahuh! Iyan pala ang ginagawa mo ha!", sabi ni Ryma.

Nagulat si Sionn at nabitawan iyung pocket book.

"A-ay.. Ang bilis niyo naman.. hehe.."

Nagkakamot pa si Sionn.

"Bakit nga ba bigla kayong bumalik..?"

"Gusto ko lang libutin iyung kastilyo ni Kyel. Sama ka?"

"Hindi talaga ako dapat pumasok pero... Sige na nga!!"

Pumasok sila sa kastilyo ni Kyel. Nahihiya't naiilang naman si Sionn dahil


nakatingin si Kyel sakanya. Nang di niya kayanin ang mapnlusaw na tingin ni Kyel ay
nag react na siya.

"Bakit mo ba ako tinititigan? May crush ka ba sakin?"


o.O Ano daw...? >.< .....O_O.....?
Mahinahong umiling si Kyel.

"Nawiwirdohan lang talaga ako sa costume mo.."

Costume?! Muka ba talagang costume ito...?? >.<

"Kyel, ayusin kaya natin itong kastilyo mo?", sabi ni Ryma,

Umiling si Kyel.

"Imposible ang sinasabi mo.."

"Pero...."

May tinuro si Kyel.

"Doon.. Pumunta tayo doon..."

Iyung lugar na tinuro ni Kyel ay tagong lugar sa kastilyo. Muka itong bookshelves
pero pag tinulak mo ay passage way pala.

Pumasok silang tatlo sa loob, at ikinamangha ito ni Ryma. maganda dito, maayos,
malinis, pang-royal blooded talaga.

"W-wow.. Ang ganda...", sabi ni Ryma.

"Dito ako nananatili.. May mga palapag din ito hanggang ikatlo."

Dinala rin ni Kyel iyung dalawa sa dalawa pang palapag ng kastilyo. Nagenjoy naman
si Sionn na magliwaliw sa garden ng kastilyo. Nanatili naman iyung dalawa pa sa
tagong lugar ng kastilyo. Nakadungaw sa bintana si Ryma mula ikatlong palapag,
nakikita niya ang nilakad niya bago siya makarating sa Silent Castle.

"Silent Princess... Ryma... Happy Birthday..."

Nagulat si Ryma, napa lingon.

"K-Kyel...? Binabati mo 'ko...? Alam mo...?"

Tumango si Kyel.

"Natatakot lang ako.. na batiin ka.. Pero alam ko, na 18th birthday mo
ngayon.."

Tapos, inabutan niya ng dilaw na bulaklak si Ryma. Nasindak padin si Ryma sa


nangyari. Tapos biglang nagalok ng sayaw si Kyel.

"Pwede ba kitang isayaw, Silent Princess?"

"D-dito...? Di ako.. marunong sumayaw..."

Ngumiti si Kyel.

"Madali lang 'to. Akong bahala sayo.."

Hinawakan ni Ryma ang kamay n i Kyel. Biglang tumugtog ang music; waltz ang sayaw
nila. At sa kauna unahang pagkakataon, kahit sa mundong ito na hindi totoo, ay
nalapitan ni Ryma si Kyel nanh higit pa sa 5 metro.
"ANong tawag sa sayaw na 'to?"

"Waltz.. Ito ang karaniwang sayaw ng mga prinsipe't prinsesa, na gaya


nating dalawa.."

Saglit na tumawa si Ryma.

"Hindi talaga ako prinsesa, Kyel.. Promise..."

"Sinungaling ka..", sagot ni Kyel.

Nagbuntong hininga si Ryma at inisip nalang na ayos lang iyun dahil peke naman ang
mundong iyun. BIgla niyang naalala na nalalapit na pala ang senior prom nila sa
tunay na mundo.

Naku.. aabot pa kaya ako...?

Biglang nanggulo sa kasiyahan si SIonn, at natigil ang pagsayaw ng dalawa.

"Waltz? ang boring niyo naman!!"

o_O...

"Let me demonstrate!", ani Sionn.

Hinablot ni Sionn si Ryma, tapos kung anu-anong sayaw iyung ginawa niya. Cha-cha;
tango; sway; pati hiphop! (BWISIT NA ARCHANGEL IYAN!) Sa kahulihulihan, nahilo
lang si Ryma.

"O'ha! Iyun ang nakaka enjoy! Rock n' roll!"

"x_x.. No offense, pero hindi bagay sa costume mo..", sabi ni Kyel.

"Hmm! Yabang mo!", ani Sionn.

"Tumigil na nga kayo..", sabi ni Ryma.

Lumapit si Ryma kay Kyel.

"Thank you ah.. Ikaw lang iyung, bukod kay Elder Mio, bumati sakin..."

Tumango tango lang si Kyel.

"Kayo lang talaga ang magkakaintindiha, Silent Prince, and Silent


Princess... Because in silence, is where you hide..."

Napatingin si Kyel at Ryma kay Sionn.

In Silence.. Is where I hide... I get it.. I finally


get it...

------------Waltz with Kyel..................

Tama, lahat kami dito, ay nag appear sa personalidad na hindi totoo, dahil
nagpapakita ito ng character namin sa totoong mundo. Si Sionn, ay archangel dahil
sa kabutihan niya, at pagiging role model niya sa kabutihan niya. Si Papa, pulubi
dahil sa lagi siyang naghahanap ng pera. Si Kyel, ay isang Silent Prince, dahil
tinatago niya ang katotohanan sa pamamagitan ng pananahimik, at ganun din ako.
Pero...Prince, and Princess...? Iyun ang di ko makuha...

"Sionn, ilang linggo nalang ang hihintayin ko?"

"May tatlong linggo pa.."

"Hay...Ang tagal pa..."

Nakasilip nun sa bintana si Kyel. Biglang nagiba ang ekspresyon ng muka niya,
tumakbo siya bigla kay Ryma,

"Halika, may ipapakita ako sayo..."

Hinila ni Kyel si Ryma. Nakahawak ito sa wrist ni Ryma, nagulat si Ryma at


napatingin sa kamay ni Kyel na nakahawak sakanya. Ngayon lang nangyari iyun.
Sumunod naman si Sionn sakanila, at lumabas sila ng garden. Nagulat nga sila sa
nakita. Unti unting namulak lak ang mga halaman, parang fairy tale.. At ang
paligid, ang kalangitan, na dati ay kulay abo, ngayon ay nag asul na, at ang mga
patay na dahon noo'y ngayon ay buhay na.

"Nagiba... ang itsura ng Silent World.."

Tinignan ni Ryma si Sionn, at tinignan naman ni Sionn si Kyel, kaya napatingin din
si Ryma kay Kyel. Naalala niyang ang itsura ng SIlent WOrld ay dumedepende sa
nararamdaman ng SIlent Prince. SInalo ni Kyel iyung isang dahon.

"Ang paligid... parang umaayon siya sa nararamdaman ko... "

....Hindi alam ni Kyel.. na siya ang dahilan ng pagbabago ng paligid...

Biglang nagiba ang ihip ng hangin. May dumating na nilalang at hindi ito
makilala. Naka hood ito na gaya ng kay Mio, at may hawak na tungkod.

"Sino iyan..?", tanong ni Ryma.

"Iyan na.. ang kanina mo pang hinihintay...", sabi ni Sionn.

"Ang witch...", bulong ni Kyel.

Sa galit, pero batang boses ng witch ay nagsalita siya.

"Nagbago ang iyong emosyon nandahil lang sa baabeng iyan?? Bakit,


Silent Prince? Bakit hindi mo ako hinayaang gawin ito para sayo?!"

Biglang tinanggal nung witch iyung hood niya.

"Curse you! I hate you!", mariing sabi ng witch na nakatingin kay Ryma.

Nagulat si Ryma.

"M-maryll.. A..ano...?"

"Siya ang witch.. ang kalaban ng Silent Princess..", sabi ni Sionn.

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ni Kyel.

Tumawa iyung Maryll na witch.


"Ano pa nga ba? Edi para manggulo.. Na-bother kasi ako sa pagbabagong
naganap..."

Tinignan ni Maryll si Ryma na hindi parin makapaniwala.

"M..Maryll.. Ako 'to..."

"Yeah.. The Silent Princess-kuno. Kung sa ganda naman mas hihigit ako
sayo.. Sa tangkad, sige mas matangkad ka pero konti lang. Sa talino, pinagbbigyan
lang kita. Sa charm, mangaagaw ka..."

"A-anong sinasabi mo?"

"And of course, pa-inosente ka padin.. I've been a good friend to you,


right? At ikaw din, I admit. Pero naininiwala ka ba sa "too good to be true?".
Stealing everything from me, I don't care., But stealing the Silent Prince from me?
No way..."

Nagulat pa lalo si Ryma.

"Wala akong.. Inaagaw sayo.. At di ko din alam.. na gusto mo si Kyel.."

"Oo, alam ko.. Manhid ka kasi.. Wala ka namang pake diba? Well, pagod na
akong magpaliwanag sayo.. To make myself clear, pumunta ako dito para sunduin ang
SIlent Prince.. Ayoko namang maging bastos, kaya sige.. Magpapaalam ako sayo.. Pag
pumayag ka, I'm sure di makakapalag si Silent Prince, diba?"

Napatingin si Kyel at Ryma sa isa't isa, tapos nilingunan ni RYma si Sionn.

"I;m sorry.. Di ako pwedeng makialam.."

Napa kuyom ng palad si Ryma.

"And if I say yes..."

"Babalik ang friendship nating dalawa.. Remember, after 2 years, I'm your
one and only friend, right?"

Tumingin sa ibang direksyon si Kyel, at napayuko naman si RYma.

"Deal, pwede mo na siyang kunin..."

Nasindak at napatingin si Kyel at Sionn kay Ryma. Tumawa si Maryll at lumapit kay
Kyel.

"Good decision, Silent Princess.. Lets go, Silent Prince.."

Nakatingin parin si Kyel kay Ryma. Tumalikod si Ryma. Napayuko si Kyel at sumunod
sa witch. Muling umihip ang malakas na hangin, dumilim ang kapaligiran. Naging abo
ang mga bulaklak, nagmukang impyerno ang Silent World...

She gave up the gift to her best friend....

Unti unti nang nawala sa paningin ni Sionn ang dalawa. Sabay niyang ibinaling ang
tingin kay Ryma.
"Ryma.. Bakit.. bakit mo ginawa iyun...?"

"...She's right.. DI ko kayang mawala siya sakin.. Siya lang ang kaibigan
ko.."

"Sira.. Nandito pa ko.. At si Kyel.. Ipinagpalit mo siya sa isang taong


magiging kaibigan mo lang pag nasunod ang gusto. Hindi siya tunay na kaibigan.."

"Bakit ba?! Hindi naman totoo ang mundong ito! Pag nagising na ko, nasa
normal ulit ang lahat!"

"Siguro nga.. Pero isipin mo, ang Silent Prince, ang regalo ni Mio
sayo. At ipinabigay mo lang ito sa taong hindi karapat dapat. Ryma, hindi simpleng
materyal si Kyel.."

Napaupo nalang si Ryma at tinakpan ang muka niya,

"Hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ito totoo, magigising din ako!"

"Stop being selfish.. Oo, para sayo, peke ang mundong ito. Pero para
kay Kyel, totoo ito, at nasasaktan siya sa ginawa mo.."

Napatingin si Ryma kay Sionn.

"A-ano? Nasasaktan?"

"Dahil sayo, kaya nagliwanang ang paligid kanina. Dahil pinasaya mo


siya. Pero ngayon, napaka dilim na ng SIlent World, dahil sinaktan mo siya.."

Napa yuko si Ryma..

Sa tunay na mundo, hapon na at katatapos ng klase. Muling dinalaw ni Kyel si


Ryma nang palihim. Wala namang nagbabantay, maliban sa tatay niyang naka idlip sa
labas ng kwarto ni Ryma. Ang nanay naman niya, nasa chapel, at nagdadasal. Pumasok
si Kyel sa loob ng kwarto, at lumapit ng 5 meters kay Kyel,

"Kung lalapit ako sayo ngayon, di mo naman malalaman..."

Marahang lumapit si Kyel kay Ryma. Umupo siya sa upuang nasa tabi ng kama ni RYma.
Iyung ang unang beses na nakalapit si Kyel kay Ryma.

"Hindi ako sanay... sa itsura mong iyan.. Naniniwala ako.. Kahit ako
nalang ang kaisa isang tao na maniwalang babangon ka mula sa kamang iyan..Oo,
maniniwala padin ako.. Marami ka pang dapat tapusin.. At marami pa din akong hindi
nasasabi sayo... Kaya, gumising ka na agad.. Ryma..."

Tumayo si Kyel, at lumapit sa flower vase na walang laman. May nilabas siyang
bulaklak na dilaw, at nilagay doon. Saglit pang sinulyapan niya si Ryma, at aalis
na sana. pero nakita niya sa pintuan si Maryll, at nakatingin sakanya.

Narinig ni Ryma mula sa Silent World ang ibinulong ni Kyel. No'ng una'y di niya
nakilala ang tinig, pero na-realize din niyang si Kyel iyun. Na-iyak siyang bigla
na ikinagulat ni Sionn.

"U-uy! Bakit ka umiiyak?"


"narinig ko siya! Si Kyel! Binisita niya ang Ryma sa ospital! Hindi ako
makapaniwalang ginawa niya iyun! T-tapos... ako..."

Lalo pang tumindi ang pagiyak ni Ryma.

"R-ryma.. Tahan na. AKo tuloy natataranta sayo e.."

Pinunasan ni Ryma iyung luha niya't humarap kay Sionn.

"Sionn, tulungan mo ako.. Ilang linggo pa ba ang natitira..? Bawiin natin


si Kyel kay Maryll.."

Nagliwanang ang muka ni Sionna t ngumiti.

"May tatlong linggo ka pa namang natitira.."

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ni Kyel.

"Binibisita ang kaibigan ko,,", sagot ni Maryll.

"Siguraduhin mo lang na wala kang dala na lason, Baka pag labas ko,
biglang malagutan ng hininga si Ryma,"

Tapos aalis na sana si Kyel.

'Sandali...", sabi ni Maryll.

Tumigil sa paglalakad si Kyel.

"Palihim mong binibisita si Ryma.. Palihim ka rin bang nagkakagusto


sakanya..?"

Hindi sumagot si Kyel.

"Sumagot ka..."

"Hindi ako nagkakagusto... Noon pa man, nagmamahal lang ako..."

Pagkatapos nun, ay umalis na si Kyel.

------------------Revelation about his true


feelings---------------------

Nilisan na nila Sionn ang kastilyo ni Kyel. Ibang ruta naman ang dinaanan nila
ngayon.

"ANo sa tingin mo ang ginagawa ni MAryll kay Kyel ngayon..?"

"Hmm... Inaakit? Kinukulong? Inuutusan? Inaalila?", sagot ni Sionn.

Napatingin si RYma kay Sionn.

"Seryoso ka, Sionn?"


Nagkibit balikat si Sionn.

"Iyun kasi ang naimagine ko eh.."

nagbuntong hininga si Ryma.

Sana ayos lang siya.. Konsensya ko pa kapag napahamak siya..

"Nagaalala ka no? Ikaw kasi e..", sabi ni Sionn.

"Wag kang mangonsensya.. hay nako..."

"bad mood?"

Tumigil si Ryma at umiling iling.

"Inaalala ko si Maryll.. Hindi padin ako makapaniwala... Hindi ba't hindi


naman ito totoo? Dahil kaibigan ko talaga si Maryll pag gumising na 'ko?"

"Uulitin ko, Ryma. Hindi totoo ang mundong ito, pero dito mo makikita ang
totoo. Mapapatunayan mo ang lahat sa sarili mo pag nagising ka na. Ang totoo... may
isa pa akong aaminin sayo Ryma.."

"..Ano iyun...?"

"Isang dahilan kaya kailangan mong makilala si Kyel sa mundong ito, ay


dahil hindi ka padin makakalabas dito hanggat hindi mo nabibigyan ng maaliwalas na
kulay ang Silent World. Kailangan mong maging close sakanya.."

"H-huh..?? Bakit naman hindi mo sinabi sakin??"

"kasi akala ko, magiging close naman kayo dahil sa haba ng oras na
nakalaan. Isa pa, pag sinabi ko sayo nang maaga, tiyak na hindi mo seseryosohin..
Let me remind you, hindi ito laro.."

Kumunot ang noo ni Ryma.

'Grabe ka naman.. Ganun pala ang tingin mo sakin.."

"Well.. Unfortunately, oo.. ^-^"

Sa school, lunch time, naglilibot nanaman ang sargents of arms. Pero gaya ng
dati, wala silag nahuli. Lalo pa kung si Kyel ang dadaan, nagiging aware silang
lahat.

"Kyel! Next month na ang senior prom ah?", ani Maryll.

Sumingit ang isang estudyante na biggest fan ni Ryma.

"^-^ oo nga po! Kayo po ba ni Miss Ryma ang magka partner?"

"Sorry ha, but its a private talk between the two of us. So will you please
excuse us?", ani Maryll.

"A.. Sorry po Maam..."

Tapos umalis iyung estudyante.


"Hew? Iyung sinabi ko sayo.. A-aattend ka ba? Pagpasensyahan mo na iyung
sumingit kanina."

"Ikaw ang dapat magpasensya. Close ni Corrhaye iyun, at madalas ko ring


makausap.."

"Ah ganun ba? P-pero aattemd ka nga ba ng prom?"

"Hindi ko alam.."

"A-alam mo di mo kailangang mag dalawang isip kung inaalala mo si Ryma. Pwede


padin naman akong replacement e.."

Tinignan ni Kyel si Ryma.

"Kung ang teacher, tanggap ka bilang kapalit ni Ryma, pwes sakin, hindi. At
kahit ipagutos pa ng teacher na ikaw ang maging partner ko sa prom, mas pipiliin ko
pang hindi pumunta at gumawa ng extra project.."

"Bakit ganyan ka makapag salita sakin, Hew?! Ang laki laki ng galit mo sakin!
Bakit? Hindi ka rin naman gusto ni Ryma! Si Sionn ang gusto niya!"

"Tingin mo ba, hindi ko alam iyun? Wala akong pakealam.."

Tapos, iniwan ulit ni Kyel si Maryll. Tumulo ang luha ni Maryll, at napa takbo sa
banyo. Napa-harap siya sa salamin.

"Hindi.. Hindi ako susuko.. Hindi mo ako matatalo ngayong naka hilata ka't
walang malay.. Hindi.."

Sa di kalayuan, nakita nina Sionn at Ryma ang isang babae na may edad na. May
dala itong basket na ang dala ay mga prutas, na ang karamihan ay nabubulok. Nakita
ito ni Ryma.

"Si.. Si Mama.. Ang Mama ko.."

Lumapit si Ryma.

"Mama..."

Nagulat iyung mama ni Ryma.

"S-sino ka? Ikaw ba ang anak ko?"

"Hindi mo ako makilala? Oo.. Ako ang anak mo.."

Hinawakan nung nanay iyung muka ni Ryma. Nagulat si Ryma. Hindi nakakakita ang
mama niya.

"Ma..? Hindi mo ako makita?"

"Hindi ikaw ang anak ko.. Hindi naman ako pupuntahan ng anak ko e.."

Tapos umalis na iyung nanay niya. Nagulat siya.

"M-ma! Ma! Hindi ako nagsisinungaling!"


Hinawakan ni Sionn ang balikat ni Ryma.

"Hayaan mo siya.. Magfocus tayo kay Kyel."

"Sionn.. Bakit bulag si Mama!"

"Wag kang mag panic. Pinapakita lang non na kaya di niya alam kung alin ang
uunahin niya ay dahil hindi siya nakakakita. DI niya nakitang hinihintay mo lang
siya lagi na mapansin ka.. At iyung pinupuno niyang basket, mga pinangako't
pinangarap niya para sa pamilya niya, na pilit niyang pinupuno. Napaka busy niya."

"Ibig bang sabihin nun, inaalala padin ako ng mama ko?"

"Nakita mo naman. Hindi ka lang nakilala ng mama mo, pero alam niyang may
anak siya. Ginagawa niya iyun para sayo. Baliw lang ang hindi kayang mag malasakit
sa anak.."

Ngumiti si Ryma.

"Ang dami kong naiddiskubre sa lugar na 'to.."

"Oo, tama ka.. Magagamit mo ang lahat nang ito kapag nagising ka na.."

"Salamat Sionn!! ^-^"

----------------------Finally Realizing----------------

Napakadilim ng parteng ito ng Silent WOrld. Mas nakakatakot ito kumpara sa iba
pang parte ng Silent World. Sa gitna ng mapunong lugar na ito ay may isang payat na
toreng mataas, at may kampana sa pinaka tuktok nito. May mga paikot ikot na paniki
at mga gagambang gumagala't pakalat kalat na sapot.

Sa loob ay madilim, at sa isang malawak na kwarto ay naroon si Maryll at Kyel.


Nakaupo si Kyel sa upuan at nakatali ang dalawang kamay nito.

"Kyel, hindi ito mangyayari kung nakikinig ka sakin.."

Hindi sumasagot si Kyel at nakatingin lang sa lapag. Nainis si Maryll, hinawakan


ang muka ni Kyel at pwersahang hinarap sakanya.

"Bakit di mo 'ko pinapansin? Hanggang kailan ka mananahimik? Hindi ka na


makakalabas dito!"

Pero hindi parin siya pinapansin ni Kyel. Sa inis ni Maryll, hinablot niya iyung
tinidor sa mesa.

"Hanggang kailan mo ko hindi man lang titignan?!"

Pumorma si Maryll na tipong tutusukin niya ang mata ni Kyel. Pero wala paring
reaksyon si Kyel. Di rin naman niya naituloy, nabitawan ang tinidor at ngumiti.

"Paano ko nga naman masasaktan ang napakaganda mong muka? Pinapakita mo


sakin na useless ka para ibalik kita diba? Pwes hindi.. Dahil binigay ka na ni
Silent Princess sakin.."

Kinuha ni Maryll iyung tali na nasa kamay ni Kyel at hinila ito.


Samantala, naguusap ngayon si Sionn at Kyel sa lobby. Magisa ngayong naglilibot
si Maryll.

"'tol, sama ka ba sa prom?", tanong ni Sionn.

"Excited ba kayo? Andaming nagtanong sakin niyan ah.."

Tumawa si Sionn.

"Wala lang.. Kainis.. Gusto ko sanang ipartner si Corrhaye.. Kaso, ayun nga.."

"Next month pa ang prom. E ano kung magising siya bago ang prom no.."

Tumango tango si Sionn.

"Isa pa Sionn.. May hihingin sana akong pabor sayo.."

"Ano iyun, Kyel?"

"Hay.. May problema ako kay Quoy.. Pwede bang sa prom, kahit sa entrance lang,
ipartner mo si Maryll sa prom?"

Natawa si Sionn sa narinig.

"Pinipilit ka siguro ni Maryll na maging partner niya sa prom no?"

"Oo e.. Ayoko talaga.. E alam ko naman na alam mong pag ikaw ang nagaya,
imposibleng may tumanggi sayo.."

Tumayo si Sionn at iiling iling na tumatawa. Tinapik niya ang balikat ni Kyel sabay
na umalis.

o_O...Hindi sya sumagot ah..

Dinala ni Maryll si Kyel sa isang maliit na kwarto. Dahil malalim iyun, walang
window, electric fan, o kahit anong source ng air dun. Kinulong siya dun ni Maryll,
at nasusuffocate siya. Pero dahil peke ang mundong ito, imposibleng mamatay siya.

Nagulat naman at naalarma si Sionn at Ryma habang nasa daan sa paghahanap sa


witches castle. Naging kulay dugo kasi ang SIlent World. Wala naman talagang balak
si Ryma na magalala sa kulay ng paligid, kung hindi lang niya napansin iyung
ekspresyon ni Sionn habang nakatingala sa mapulang kalangitan.

"Sionn anong nangyayari??"

"Nagbago ang nararamdaman ng Silent Prince.."

Tinignan ni Sionn si Ryma sa nagaalalang ekspresyon.

"Pinapahirapan ni Maryll si Sionn.. Kailangan nating magmadali!"

Binilisan nila ang paglalakad at paghahanap sa castle. Sa unang pagkakataon ay


nakita ni Ryma ang pagbuka ng pakpak ni Sionn at lumipad. Namangha si Ryma, at
ilang segundo lang ay bumaba na si Sionn.
"Nakita ko na ang Witches Castle! Tara na!"

Ayos, kaya naman pala niyang gawin iyun.. Bakit ngayon lang niya ginawa? Hay
naku naman..

....TWO WEEKS AND THREE DAYS LEFT....

Mabilis rin nilang narating ang Witches Castle. Medyo nagulat pa si Ryma dahil
hindi ganun ang inaasahan niya. Akala naman niya e napaka taas at lawak ng castle
na iyun.

"Ang liit naman niyan..."

"Wag mong ismolin iyan.. Maaaring maliit iyan kung titignan sa labas, pero
natatago ang tunay na kastilyo.."

Pumasok sila dun sa loob ng tore. Pero hindi sila umakyat. May parang pinto na
mukang simpleng lapag at binuksan ito ni Sionn. Isang hagdan pababa ang sumalubong
sakanila.Na-amaze si Ryma dun. Tapos, bumaba na sila at maraming palapag ang
sumalubong sakanila. At ang lahat ng iyun, dinala lang sila sa pinaka ilalim ng
tore na may maraming kwarto. Isa isa itong sinilip nina Sionn.

"Nandito ba talaga si Kyel..?", tanong ni Ryma.

"Imposibleng wala siya dito, Ryma.."

Pagpihit ni Sionn sa pinakahuling pinto sa isa pang ilalim ng kastilyong iyun,


hindi niya ito mabuksan.

"Baka nandyan si Kyel!!", sabi ni Ryma.

Kinatok ni Ryma iyung pinto.

"Kyel! Kyel! Si Ryma 'to! Ililigtas ka namin okay??"

Totoong nandoon si Kyel at narinig si Ryma. Nagulat ito at napa-lapit sa pinto.

"...Ryma.."

Narinig iyun ni Ryma at napa-ngiti.

"Sionn! Andyan nga si Kyel! Paano natin ngayon iyan mabubuksan??"

Napa isip si SIonn.


Bigla namang napa atras si Kyel at naalalang pinabayaan lang siya ni Ryma. Si Sionn
naman tila may naisip nang paraan pero parang nagdadalawang isip pa siya. Biglang
sumulpot si Maryll mula sa taas na halatang nagulat na makita si Sionn at Ryma.

"Anong ginagawa niyo dito?!"

"Ay hindi obvious no?", may pangaasar sa tinig ni Sionn.

"Lumayas kayo dito! Hndi niyo maaaring bawiin si Kyel! Pinabigay mo na siya
sakin, Silent Princess!"

"Nagpakatanga ako sayo Maryll.. Pero wala kang karapatng kunin at pahirapan si
Kyel.. Dahil ang Silent Prince ay para lang sa Silent Princess.. at wala nang iba
pa!"

Sumidhi ang galit ni Maryll at gumamit ng salamangka ng mga witch. May nilabas
siyang mahiwagang tungkod at tinuro ito kay Ryma. Nagulat si Ryma at tinakpan ang
muka niya.

"Maryll!!! Waggg!!", sigaw ni Ryma.

Narinig nalang ni Ryma iyung nakaririnding tunog ng paglabas ng salamangka at


sumabog. Nang tignan ni Ryma kung anong nangyari ay nawala na si Maryll at tanging
itim na feather lang ang nakita niyang natira. Nang tignan ni Ryma si Sionn ay
nakita itong napagod. Naglabas din ng malaking porsyento ng enerhiya niya si Sionn
para mahigitan ang salamangka ni Maryll.

"O..okay ka lang ba.. Sionn..??"

Nagawa pang ngumiti ni Sionn.

"Oo naman.. Ngayon, alam mo naman na ang gagawin diba? Sige buksan na natin
tong pinto.."

Walang kahiraphirap na nabuksan ni Sionn iyung pinto na kanina lang ay hirap na


hirap siyang buksan. Tatanungin niya sana kung pano niya nagawa iyun, pero inuna na
niya si Kyel.

"Kyel!", sabi ni Ryma sabay yakap dito.

Medyo pawisan si Kyel dahil nga wala talagang hangin ang parteng iyun ng kastilyo.

"Kyel, sorry talaga! Hindi ko sinasadya iyun!"

"Naiintindihan ko.. Kaibigan mo naman siya e.."

Ngumiti si Ryma at hinawakan iyung kamay ni Kyel.

"Pero wala na ang witch na iyun.. Kaya lumabas na tayo, dali!"

Hinila ni Ryma si Kyel palabas sa kastilyo, at sumunod sakanila si SIonn. Paglabas


nila, lumingon si Ryma kay Sionn para itanong iyung kababalaghang nagawa ni Sionn,
pero nagulat ito sa itsura ni Sionn.

"S-Sionn.. anong.. nangyayari sayo..??"

Unti-unting nawawala ang kulay ni Sionn. At ang ibang parte ng katawan nito ay
transparent na.

"Guide lang ako, Ryma. Maraming bawal na sinuway ko dahil kailangan kitang
tulungan.. Bawal akong magpakita ng extraordinary powers, pero ginamit ko ang
pakpak ko; gumamit ng spell kay Maryll; at ang pagbukas ng pinto ni Kyel. Oras na
maka tatlong offense ako, ay kamatayan ko na.."

~~~~~~~~~~~~GAINS.. AND.. LOSES.. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hahawakan sana ni Ryma ang balikat ni Sionn pero hindi niya ito nahawakan. Nagulat
si Ryma, maging si Kyel. Lumagpas lang iyung kamay ni Ryma na parang hangin nalang
si SIonn.
"S-Sionn.. Sionn, wag muna..!!"

Ngumiti si SIonn.

"Hindi naman 'to totoo e.. Sumuway ako, kaya maglalaho ako.. Pero di ibig
sabihin nun na patay na 'ko.. Pag gumising ka, nandun ako.. At pag bumalik ka sa
panaginip na ito, nandito ako.."

Umiling iling si RYma, na parang napaka helpless niya.

"Ayaw! Ayoko! Sionn, guide ka diba!? Di ko to kaya!"

Yayakapin na sana ni Ryma si Sionn, kaso lumampas lang siya; tumagos. Naramdaman
niya iyung bits of water drops na dumampi sa balat niya, na parang bawat drops ay
bumubulong na namamaalam na Sionn. Kinabahan si Ryma. At sa paglingon niya, si Kyel
lang ang nakita niya. Lumingon siya ulit, nagpaikot ikot, binabaha na ang mata
niya, malabo na ang paligid.. wala na si Sionn..

"Hindi.. Hindi.. SIonn!!! Sionn!!"

Tumutulo na ang luha niya nang di niya namamalayan. Pero hinawakan ni Kyel iyung
kamay ni Ryma.

"..Nandito pa naman ako.. diba..?"

Napayuko at umiling iling si Ryma.

"..Sorry.. Nadala ako.. Di ko alam kung.. kung paano na ako e.."

"Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari, pero... di ka naman nagiisa e..."

"..Oo.. alam ko iyun.. Salamat Kyel.."

Matapos nun ay naglakad na sila pabalik sa Silent Castle. Pero walang kahit anong
imikan na naganap. Masyadong nalungkot si Ryma sa nangyari kay Sionn.

Sa mundong ibabaw naman, pinaguusapan ng lahat ang tungkol sa nalalapit na prom.


In charge ang mga fifth year officers sa pagdedesisyon ng scheme ng hotel resto na
paggaganapan pati na ang pagmamanage at organize ng buong Prom Night. Mas may
responsibilidad dito ang mga school officers, incuding Ryma, Kyel, and Sionn. Pero
as of now, si Maryll muna ang replacement kay Ryma.
Naguusap usap ang mga fourth year officers ngayon sa Student Officer's Faculty.
Pinangungunahan ito ni Sionn-bilang school student president.

"Ano ba ang suggestion niyo sa scheme..?"

"What if gawin nating pang royal ball ang dating?", sabi ng secretary.

"Light colors lang dapat ang lahat..", ani Maryll.

"Hmm.. May kakilala akong interior designer.. Makakatulong siya..", sabi ng


schol auditor.

Tumangu-tango si Sionn.

"Sige Miss Realle, tanungin mo ang kakilala mong iyan para sa idea.. But
before that, I want to hear from you, Sir Kyel Hew.. any suggestions??"
Umiling si Kyel.

"Wala po akong maisip, sir,,"

"Okay, so I will consider your suggestions, pero ifafinalize pa natin iyun.


Siguro, by the end of the month, dapat ayos na ang lahat, para ma-isaayos na natin
next month ang venue. Hintayin natin iyung opinyon ng kakilala ni Ms. Realle, then
lets meet next Saturday. But for now, dismissed muna tayo.."

Sabay sabay silang tumayo at nag bow, at nag sialisan na sila. Naiwan sa faculty si
Kyel at Sionn.

"Kyel, alam kong magaling ka sa designs.. Anong problema?"

"Ayoko namang sabihin nila na kukunin mo ang akin dahil magkaibigan tayo..
Pero kung hihingin mo ang opinyon ko ngayon, ang masasabi ko lang, wag tayong
gagamit ng light colors lahat sa attires. Dapat may recognition parin sa pagitan ng
fourth at fifth year students.."

Tumango si Sionn.

"Tama ka diyan.. Pero iyun lang ba ang masasabi mo?"

"Sa ngayon, oo.. Iniisip ko, kung.. kung nandito si Ryma, ano ang
irerekomenda niya. Naalala ko kasi na last year, hindi siya nasiyahan sa prom.
Ayoko sanang maulit iyun.."

Ngumiti si Sionn.

"Para maging masaya si Miss Ryma? Sige.. Hindi natin gagayahin ang alin man
sa prom last year.."

"Salamat.. O pano? May practice pa kayo sa dance number diba?"

At dun na nagtapos ang paguusap nila't nagkahiwalay na ng landas.

Nakabalik sa Silent Castle sina Kyel at Ryma.

"Kyel, wala na bang ibang kastilyo maliban sa witch, at silent castle?"

"Hindi ko alam.. Hindi naman ako umaalis sa kastilyo na ito.. E ikaw, saan ka
nanggaling?"

Umiling si Ryma.

"Wala akong uuwian kaya... ^-^ Pwedeng dito muna ako?"

"Kahit dito ka nalang lagi.. ayos lang..", mahinang sagot ni Kyel.

"Ha...? Anong sabi mo..?"

Umiling si Kyel. Sa puntong iyun, ang kulay ng Silent World ay napapalitan ng Sky
blue, at muling namumulaklak ang maga puno't halaman.
Maya maya lang ay biglang ngumiti si Ryma.

"Buti nalang nandyan ka Kyel.. Kahit wala si Sionn, di ako mangangamba.."


"Nangangamba..? Mula saan?"

"Hindi ko alam.. Nararamdaman ko kasi na hindi ako ligtas sa mundong ito..


at alam ko, na kapag iniwan mo ang Silent Castle, makakaramdam ka rin ng takot.
Nandito ako para sayo, at nandyan ka rin para sakin.. ^-^"

"...Pero... aalis ka pa ba, Silent Princess...?"

Napa-tingin si Ryma kay Kyel, na may halong pagaalinlangan ang ekspresyon.

Aalis.. ako..? Oo.. kailangan kong umalis.. Pero.. pero ano itong nararamdaman
ko..? Parang.. ayoko nang umalis.. ayoko nang.. gumising pa...

"O....Oo... Hindi ako maaaring magtagal..."

~~~~~~One week and Six days left~~~~~~~~

Napa tingin sa ibang direksyon si Kyel at tumangu-tango. At ang mga tanong ni Kyel
sa utak, na gusto na niyang itanong, pero alam naman niya ang sagot.. Gaya ng
tanong na.. "babalik ka pa ba..?".. At ang mga iniisip na iyun ni Kyel, na kahit
hindi niya sabihin, ay nababasa ni Ryma sa kanyang mga mata. At ang sagot niya,
"kung pwede lang na hindi iwanan ang mundong ito.. pero alam kong peke ang lahat..
at haharapin ko parin ang katotohanan sa muli kong paggising..."

"Kyel...sana, habang nandito ako.. magpakasaya nalang tayo, ha?"

Totoo namang sa nalalabing panahon ni Ryma ay nagpaka saya silang dalawa. Lahat na
ng klase ng bonding ay ginawa na nila. Tagutaguan; habulan; unahan; baraha;
pabilisan... para silang mga bata. Naging green, flesh, hanggang sa naging pink ang
kalangitan at nagkabuhay ang mga peach blossoms at iba pang mga bulaklak.

Sa kasalukuyan ay nakatingin si Ryma sa kalangitan na punong puno ng buhay. Gayon


rin naman si Kyel na iniisip kung paanong nakikisabay ang kapaligiran sa kanyang
emosyon. Sabay niyang tinignan si Ryma.

"Kahit kaila.. hindi pa ito nangyari.. Ngayon lang na.. dumating ka..", ani
Kyel.

Ngumiti si Ryma.

"Ang ganda ng paligid diba? Sana ganito palagi.."

"Mananatiling ganito ang lahat, kung nandito ka lang sa tabi ko.."

Napatingin si Ryma kay Kyel, at tinignan din siya ni Kyel.

"Ang Silent Prince.. ay para lang sa Silent Princess.. at wala nang iba
pa,.."

Nagulat si RYma. Naalala niyang iyun din ang sinabi niya noon kay maryll sa Witches
Castle.
"N..Narinig mo iyun..?!!?"

natawa si Kyel at tumango. Namula ang buong muka ni Ryma at di niya alam ang
sasabihin. Hindi na rin naman na nagsalita pa si Kyel na alam nang napahiya si
Ryma.

Lumipas ang anim pang araw. Isang linggo nalang ang natitira kay Ryma.

Napakabilis na lumipas ng mga araw at linggo. Paano kung malapit nang


dumating ang deadline..??

Nasa garden si Ryma ngayon at nangongolekta ng mga bulaklak. Bumalik siya sa


kastilyo, at nakitang tulog si Kyel.

Ngayon pa siya natulog.. Kung kailan malapit na akong lumisan..

Nilapag ni Ryma iyung basket na may laman na bulaklak at tinignan si Kyel. Umupo si
Ryma sa tabi ni Kyel.

"Peke ang mundong ito.. Ang lahat ay hindi totoo.. kasama ka.. Pero dito ko
nakita ang katotohanan.. Malapit na akong umalis, at bumalik sa totoong mundo ko..
Pero bakit ba parang ayaw ko pang umalis.? Bakit parang yokong iwan ang mundong
ito.. at ikaw...??"

Biglang umiling iling si Ryma.

Ano ba itong ginagawa ko..Nasisiraan na ko ng bait..

Tumayo si Ryma at umalis. Saka naman dumilat ang mata ni Kyel, umupo siya at nakita
iyung basket na may bulaklak.

"Wag ka nang umalis.. Ryma.."

Falling in love...? Sa isang.. peke... Hindi.. mali. Maling mali.. Ryma, hindi
ito totoo.. Wag kang bibigay.. Tumigil ka.. Maghunos dili ka...

Nasa isang kwartong malaki si Ryma, at maraming paintings and drawings ang nandoon.
Kasama ang ilang instruments na hindi gaanong ginagamit. Sa isang sulok may naka
takip na mukang drawing. At nang sinilip ito ni Ryma, nakita niya ang sarili niya
na ginuhit ni Kyel. At sa imaheng iyun, naalala niya... ang unang pagkikita nila ni
Kyel.

Naaalala ko na... alam ko na... Si Kyel Hew.. ang stranger na iyun.. ay una
kong nakita sa fireworks display feast.. Sa gitna ng maraming yellow bell
flowers... Parang.. fairytale...

~~~~~~~~~~~~~~~ROMANTIC NIGHT~~~~~~~~~~~~~

Ang Fireworks Display Feast ay ginanap apat na taon na ang nakakaraan bago ang
bisperas ng pasko. Walang kasama si Ryma dahil nga busy ang parents niya. Pinilit
lang naman siya ni Elder Mio na pumunta para malibang siya.
Maraming umattend. Sa tabi ito ng dagat para mas makita ang ganda ng fireworks.
May kainan, picture-taking, at souveneir sale. Hinintay talaga nila ang 8o'clock
para simula agad ng palabas. Hanggang 12 iyun.

Humanap si Ryma ng magandang pwesto dahil masyado nang puno sa tabi ng dagat. Sa
malayo, parang forest, naghanap talaga dun si Ryma ng magandang pwesto doon. Ikina-
mangha niya iyung bandang gitna ng forest dahil bulaklakin ito at sadyang pwedeng
tambayan ng manunuod sa fireworks. Maraming yellow bell flowers dun, at mas
nangingibabaw pa ang kulay nito sa kailalaiman ng gabi.

"Ayos! Dito nalang ako!!"

Nagsimula ang fireworks, at tuwang tuwa naman si Ryma dahil maganda iyung view
mula roon. Di niya namamalayang may sumulpot pala sa likuran niya na nagulat nang
makitang nandoon si Ryma.

May iba na palang naka diskubre ng pwesto ko...? Anu ba yan...

Nanatili si Kyel dun at nanood ng fireworks,. Bandang alas diyes, tumigil muna
iyung paputok. Napalingon si Ryma, at nagkakitaan sila ni Kyel.

Note: Iyung pwestong iyun, iyung paglingon ni Ryma kay Kyel, iyun iyung
dinrowing ni Kyel.

Nagulat si Ryma.

"Good evening..."

Hindi gaanong makita ni RYma si Kyeln dahil madilim nga. Dagdag pang naka-jacket
ito na itim, at pants na itim, hindi siya makita ni RYma gaano.

Nang-gulat nang muling magsimula ang paputok, at napatingin dito si RYma. Pero
nang lumingon siya ulit para tignan si Kyel, wala na ito doon.

Nawala...? Nasaan na siya...?

After a week, nagkaroon ng transferee. Iyun si Kyel Hew, na noo'y 14 years old
palang. Napaka talino niyang estudyante, tahimik, at sadyang may pagka masungit
pero mabait. Hanggang sa maging high school sila'y naging consistent classmate na
siya ni Sionn at Ryma. Consistent officer, at overall top student. Wala namang
ideya si Ryma na si Kyel iyung nandoon sa fireworks Display, pero si Kyel, alam
niyang si Ryma iyun.

.....Gumising ka na Ryma...
Pag nagising ka na, hindi na ako mahihiya.. na sabihin sayo.. na
noon pa man... gusto na talaga kita...

~~~~~~4 DAYS LEFT....

Bumalik si Ryma sa kwarto ni Kyel at nakita itong hawak ang basket na may
bulaklak.

"O Kyel.. Gising ka na pala.."

"Kanina pa ako gising.."


"Kanina pa...??"

Tinignan ni Kyel si RYma.

"Narinig kita..."

Nagulat si Ryma. Hindi siya nakapagsalita. Ngumiti si Kyel at nilagay sa isang tabi
iyung basket.

"Bago mamatay si papa... sinabi niya sakin na hintayin ko ang Silent


Princess. Alam niya kasi na wala akong makakasama. Patiently, naghintay ako. Kaya
nga nagulat ako na makita ka sa garden ko.. Sa wakas, may kasama na ko.."

"Bakit mo ito.. sinasabi sakin..?"

Humarap si Kyel kay Ryma.

"Kasi.. ayokong umalis ka.."

"Alam ko iyun.. Ayoko rin sana.. pero..."

Lumapit si Kyel at hinawakan ang dalawang balikat ni RYma.

"Pero kung kailangan mo talagang umalis, okay lang sakin iyun.."

"Pano ka pag umalis ako..?"

"Wala na ang witch, wala nang problema.. Okay na ko."

Niyakap ni Ryma si Kyel.

"Kyel..!! Sorry talaga!!"

"naiintindihan ko naman e.."

"Malapit na.. malapit na akong umalis.. Please..! Maging masaya ka naman oh!"

"Gusto kong maging masaya.. Pero... gusto kasi kita e..."

Nagulat si Ryma.

"A...ano...?"

Biglang umihip ang napakalakas na hangin. Lumabas nang paunti unti ang buwan mula
sa kalangitan. Naalala ni Ryma ang sinabi ni Sionn sakanya, na hindi matatapos ang
araw hanggat hindi pa dumadating ang deadline. Kinabahan si Ryma.

"Oras na... para ako ay.. lumisan na..."

Lumabas si Ryma patungo sa garden, at nabuo ang isang portal na may iba't ibang
kulay.

"Kung papasok ako dun.. magigising na ako.."

Nagone-step forward si Ryma, pero napatigil siya't nilingon si Kyel.

"Kyel..."
"Wag ka nang magdalawang isip pa.."

Ngumiti si Ryma na naiiyak.

"Kyel.. Maraming salamat sa maraming bagay.. Hindi ko makakalimutan to!"

Sabay na tumakbo si Ryma papasok sa portal.

Kasabay nun ang pagkawala ng Silent World; at ilang segundo lang ang lumipas, ay
narinig na ni Ryma ang tunog ng cardiac monitor. Nang mag oras na iyun ay naroon
ang mga magulang ni Ryma.

Nandito na ba ako sa totoong mundo..? Ito na ba ang ospital kung saan


nahihimlay ang katawan ko..? Wala na ba ang Silent World sa pagdilat ng mata ko..?

Napatingin ang tatay ni Ryma sakanya at napansing gumalaw ang hintuturo nito.

"S-si Ryma! Gumalaw ang daliri niya!"

Nagulat ang mama ni Ryma at lumapit sa anak.

"R-Ryma..?? naririnig mo ba ako??"

Unti unting dumilat si Ryma, at nakita niya ang mga magulang niya.

"Ma... Pa..."

Natuwa ang mga magulang ni RYma't niyakap siya.

"Anak! Salamat naman at gumising ka!"

"Alalang alala kami! Isang buwan at isang linggo ka nang walang malay!"

"...iniwan niyo po ang trabaho nio...?"

Ngumiti ang mama ni Ryma at tumango.

"Belated happy Birthday anak.. Patawarin mo kami ng papa mo.."

"Bayaan mo Ryma... Ngayong gising ka na, paglabas na paglabas mo dito,


magcecelebrate tayo!"

"T-talaga po..??"

"Oo naman!"

Niyakap ni Ryma nang mahigpit ang mga magulang niya.

"Salamat po!"

"Sige anak! Sandali lang at, ipapaalam ko sa doktor ang nangyari para
matignan ka niya, okay?"

Tumango si Ryma at umalis ang mama niya. Bigla niyang naalala si Kyel- ang Silent
Prince.

...Ano na kayang nangyari..? Ano bang.. itsura ng Silent World nang iwanan ko
ito..? Wala na ang Silent World.. Hindi na ako... makakabalik pa...
Napagalaman, na susuriin muna si Ryma sa loob ng dalawang araw, at pag walang
anumalya ay maaari na siyang umuwi.
Pagkalipas naman ng isang araw, at gabi ng ikalawang araw, ay sinabi ng doktor na
okay na si Ryma at makakauwi na sila.

"Celebrate tayo sa resto?", tanong ng tatay ni Ryma.

"A, Pa.. Ma.. Pwedeng bukas nalang? Gusto ko po kasi munang puntahan si Elder
Mio.."

"Elder Mio...??"

"Opo.. Siya po iyung... Kaibigan ko pong tumutulong saakin. Gusto ko lang pong
makausap siya."

Tumango ang Mama ni Ryma.

"Walang problema Ryma.. Basta para sayo.."

Ngumiti si Ryma at agad na dumeretso kina Elder Mio. Medyo naninibago siya, pero
namiss niya ang lakarin patungo sa bahay ni Mio. Ilang saglit pa, ay narating niya
ang lumang bahay ni Mio. Kumatok siya, at agaran itong binuksan ni Mio, na para
bang hinihintay talaga ang pagkatok ni RYma.

"Elder!! Na-miss ko po kayo!!"

Nagyakapan silang dalawa na parehong masaya.

"Elder.. ang regalo mo sakin ay kakaiba.. Nag enjoy talaga ako!"

Ngumiti si Mio.

"Buti naman kung ganon.."

"Opo.. Marami rin po akong natutunan, napagtantuan, at nalaman. Maraming


salamat po talaga. Kung di rin po dahil sainyo ay hindi po ako babantayan nila Mama
na gaya ng ganito.."

TUmango si Mio.

"Ang sabi ko naman sayo diba? PAgkagising mo.. magbabago ang lahat."

"Pero... Elder Mio... Kung kayo po ang may gawa nun, ibig sabihin isa po
kayong magician?"

Ngumiti si Mio; Kakaibang ngiti.

"Gusto mo ba talagang... malaman agad ang.. totoo..?"

Nagulat at kinabahan si Ryma.

Samantala, inanunsyo ng guro nila Kyel na nagising na si Ryma. Ang lahat ay


natuwa.

"Talaga?? Kailan pa po?", tanong ni Sionn.


"Dalawang araw na daw ang nakalilipas.", sagot ng guro.

Tinignan ni Maryll si Kyel; tumango si Sionn.

"Class! Pupuntahan natin si Ryma sa ospital okay??!"

"Okay!!", sagot ng mga classmates nila.

Nakangiting nilingunan ni Sionn si Kyel.

"Kyel, makakahabol siya sa prom.. ^-^", ani Sionn.

Ngumiti lang si Kyel.


Pagkatapos na pagkatapos ng klase, pumunta sila agad sa ospital. Lahat sila ay may
dalang regalo para kay Ryma, pero wala na silang naabutan. Nakalabas na ng ospital
si Ryma.

"Ang totoo, Ryma.. Ay ag panaginip na binigay ko sayo..", sabi ni ELder Mio.

"A-ang alin..?"

Biglang naalala ni Ryma na kaluluwa si Elder mio sa panaginip na iyun.

"Kaluluwa! Kaluluwa ka sa,...!!"

"Isa akong kaluluwa.. Na nananatiling buhay para sayo.. Pero kahit sa birth
certificate, deceased na ako. Nanatili lang ako dahil kailangan mo 'ko. At ngayong
hindi mo na ko kailangan, iiwan na kita.."

Nagulantang at naguluhan si Ryma.

"A..anong sabi mo...??"

Unti unting naglaho ang realidad na kulay ni Mio. Nawawala ang kulay niya't
nagiging transparent nalang ito. Kasabay nun ang paglabas ng tunay na anyo ng bahay
ni Mio. Marumi, maraming sapot, makalat. Labis itong ikina gulat ni Ryma.

"H..Hindi ka.. totoo...?"

"Totoo ako.. Pero hindi tao, kundi kaluluwa. May 30 taon na ang nakalilipas
magmula nang maaksidente ako at mamatay.."

Napa atras si Ryma. Naalala niya ang pinagsamahan nilang dalawa. At iyun palay
isang multo ang kasama niya.

"Wag kang matakot, anak.. Aalis na ako ngayong nandyan na ang mga magulang mo
para sayo. Kalimutan mo na ang tungkol saakin. Wag mo sanang akalain na isa nanaman
itong panaginip. Enjoy your life.. Maikli lang ito at di mo alam kung kailan
titigil ang oras mo. Oras na ito ay maubos, wala ka nang tsansa para ibalik ito..
Paalam na, mahal kong Ryma.."

Ngumiti sa huling pagkakataon si Elder Mio, at bigla itong nawala, na gaya ng


pagkawala ni Sionn noon sa Silent World.

"Elder Mio..."
..A Spirit who loved Ryma as much as a mother could love her first-born child..

Umuwing balisa si Ryma, pero hindi naman niya pinahalata sa mga magulang niya.
Inisip nalang niyang kalimutan ang napagalaman, at allahanin nalang ang mga
mabubuting bagay na ginawa ni Mio para sakanya. Kinabukasan, kumain siya kasama ang
magulang niya sa restaurant. Iyun ang first bonding nila.

Nagsimula rin namang pumasok sa school si Ryma nung sumunod pang araw. Natuwa iyung
mga estudyante na makita siyang muli. Ang nakapagtataka, wala man lang siyang
nakita na kaklase niya.

Nasaan na kaya sila? Naku.. Mukang sa room ko pa talaga sila makikita..

Paakyat ng hagdan si Ryma at natatanaw na ang pinto ng room niya. Bigla siyang
nakaramdam ng kaba, at naalalang makikita niya si Kyel dun. Huminga nalang siya ng
malalim, at nang buksan niya ang pinto,,..

"WELCOME BACK RYMA CORRHAYE!!!"

Napa-ngiti at tuwang tuwa talaga si Ryma.

"Salamat!!"

Lumapit si Sionn kay Ryma.

"Miss Ryma! Mag-party tayo after class! Birthday mo, diba??"

Napatingin si RYma sa date na nakasulat sa board, at ang nakasulat ay iyung birth


date niya.

"^-^ Birthday mo nung naaksdente ka. Kunwari walang nangyari, at ngayon,


magcecelebrate tayo..", ani Maryll.

Nakita ni Ryma si Maryll at napa-ngiti,

"Maryl!!", sabay yakap. "Na-miss talaga kita!"

"A-ako din.. Ryma..."

Nasa sulok ng room, naka-dekwatro, at nakapangalumbaba na nakatingin si Kyel kila


Maryll at Ryma.

Kung alam mo lang kung gaano niya pinagpanalangin na hindi ka na gumising


pa...

Biglang naramdaman ni RYma na may tumulong luha sa balikat niya. Nagulat siya't
tinignan si Maryll.

"M..Maryll.."

Umiling si Maryll, sabay na tumakbo palabas. Hahabulin sana siya ni Ryma, kaso
pinigilan siya ni Sionn.

"Pabayaan mo siya, baka nageemote.. Hahaha!"

Tinignan ni Ryma ang muka ni Sionn, at naalala ang pagkawala nito sa panaginip
niya. Ngayong nasa harap niya't buhay na buhay si SIonn, masaya na si RYma.
Bigla nlang nag ring ang bell bilang hudyat na simula na ng klase.

"Okay class! Mamaya na natin pagkaguluhan si Miss Ryma, simula na ng


klase!" Go back to your proper seats!", ani Sionn.

Agad namang sumunod ang mga estudyante. Naupo si RYma sa upuan niyang na-miss niya
nang sobra, at nakita ang sang katutak na letters na iniwan doon para sakanya.
Galing sa mga classmates, at ibang schoolmates na malapit sa kalooban niya.

Sana pala laging ganito ang birthday ko...

Pumasok iyung teacher nila, lumapit kay Ryma at niyakap ito.

"Welcome back class auditor, and School sargent of arms.. "

"^-^ Thank you po, Ma'am.."

Tinignan nung teacher si Kyel.

"O ayan, nagbalik na si RYma. Babalik na siya sa pwesto. paki sabi nalang
kay Maryll, job well done. Ryma, masaya talaga ako na nakabalik ka. Ayan Kyel ha,
siguro naman kumportable ka na ngayong si RYma ulit ang kasama mong mangasiwa sa
campus?."

Tumingin ang lahat kay Kyel, at tumingin naman siya sa ibang direksyon.

"Ah, oo nga pala, Ryma. Next week na ang prom, at marami ka nga palang na-
miss na lesson. Magpaturo ka nalang sa classmates mo, okay?"

Nagtaas ng kamay si SIonn.

"Ako nalang po! Regular attendee naman ako e."

"O ayan pala Corrhaye. Nag volunteer na si Sionn. Pagusapan niyo nalang
kung paano, okay?"

Tumango si Ryma at ngumiti kay SIonn, na nakangiti rin naman sakanya.

Isa nga talaga siyang mabait na guide.. at helper ko.. kahit sa totoong
mundo..

At nagsimula na ang klase. Hindi naman ganun kahaba ang klase, dahil may practice
pa sila para sa dance number sa promenade. Matapos ng break, lahat ng school
officers ay nagkaroon ng meeting.

"..Ikaw din Kyel..", ani Ryma.

"..Anong ako..??"

"^-^ Na-miss din kita.."

Nagulat si Kyel at nahiya, kaya tumingin nalang siya sa ibang direksyon.

Winelcome ng officers si Ryma. Muling tinalakay ang tungkol sa prom, para lang
malaman ni RYma ang plano.

"Okay ba sayo iyun, Ryma? Suggested na kasi na baguhin ang lahat sa prom
last year dahil maraming hindi natuwa."
"Ah oo tama! Tingin ko mas exciting iyung ngayon kesa noon.."

Iyun lang naman. Natapos ang meeting at nagsialisan ang lahat. Pero bago pa man din
maka alis si Ryma ay hinawakan ni Kyel ang braso niya. Napalingon si Ryma, tapos
may inabot si Kyel sakanya. Maliit na naka-balot na kahon.

"Para sayo iyan..", sabi ni Kyel, sabay alis.

SInundan siya ng tingin ni Ryma, tapos binuksan niya iyung box. Iyung laman, kulay
dilaw na flower candy.

"Yellow ulit.. ^-^ Siya nga talaga iyung nasa fireworks display feast.
Abnormal siya..", sabay ngiti.

Nagkaroon sila ng selebrasyon after classes, at inabot nila lahat ng regalo nila
kay Ryma. Dun lang na-realize ni Ryma na kaya pala siya binigyan ni Kyel ng regalo,
kasi ayaw niyang makita ng marami na magbibigay din siya ng regalo kay Ryma.

Nung sumunod na araw naman, wala namang pasok, so pumunta parin si Ryma sa school,
kasi napagusapan nila ni Sionn na sa library nalang sila mag aaral tungkol sa
lessons na na-miss ni Ryma. At the sama time, tinuruan din siya ni Sionn kung pano
iyung dance number sa promenade.

KInagabihan na ng linggo nang basahin ni Ryma iyung mga letters na binigay


sakanya ng mga taong nagmamahal sakanya. Pianaka-ikinagulat niya ay iyung kay
Maryll kasi, nakasulat dito na hiumihingi siya ng tawad kay Ryma.

Bakit..? Bakit ka humihingi ng tawad sakin..? Ano bang nagawa mong


mali, Maryll?

Nung sumunod na araw, inilaan ang buong araw para sa pagpa-practice sa pagsasayaw;
at mas lalong busy pa ang mga officers dahil sa pagaayos ng venue ng prom.

Pagkatapos na pagkatapos ng pagaayos ng paggaganapan ng prom ay hinanap agad ni


RYma si Maryll. Nang makita ito, niyakap siya ni Maryll at mangiyak ngiyak na
humihingi ng tawad kay Ryma.

"Hindi ko maintindihan, Maryll..."

"Ang totoo.. Hindi ako karapat dapat na maging kaibigan mo. Dahil wala
talaga akong kwenta! Naiingit ako sayo! Naging plastic ako! Ginamit kita! Ryma,
hindi ko alam kung ano pang ihaharap sayo! Patawarin mo 'ko!"

Nagulat si Ryma at naalalaang pagiging kontrabida ni Maryll sa panaginip niya. Pero


hindi niya tinaboy si Maryll. Sa halip ay niyakap din niya ito at pinatahan.

"Maryll, wag ka nang umiyak. Hindi ako nagagalit sayo. Anumang naging
kasalanan mo, kalimutan na natin iyun.. Pinapatawad na kita.. Mananatili tayong
magkaibigan, okay?"

Ngumiting naiiyak parin si Maryll, na parang nabunutan ng tinik.

"Salamat Ryma! Napaka-buti mo! Di ko alam kung paano kita pinagiipan ng


masama. Magsimula ulit tayo, Ryma. I promise, magiging better na ako!"
...New Born; pure friendship... Arising...

Bandang 4:30 ng hapon ay nasa eskwelahan parin ang maraming estudyante. Isa na si
Ryma na nakaupo sa bench, at nageedit ng speech para kay Sionn. Nagiisa lang siya
nun, nang biglang lumapit si KYel.

"Corrhaye.."

Nagulat si RYma at nabtawan pa ang balpen.

"A-ano iyun, Hew?"

"Kasi.. tatanungin lang kita kung.. pwede kitang maging partner sa prom..."

"^-^ Oo naman.. Walang problema.."

"Talaga..? A... sige.. susunduin nalang kita sa prom.."

Tatayo na sana si Kyel at aalis na, pero nagsalita pa si Ryma.

"Sandali.. Kyel, maupo ka muna.. May gusto akong sabihin sayo.."

Umupo naman si Kyel.

"Kyel, ala mo iyung fireworks display feast, four years ago..?"

Nagulat si Kyel. Hindi siya makapaniwalang ioopen ni Ryma ang topic na iyun.
Tumango si Kyel. Ngumiti naman si Ryma.

"Ikaw iyun... diba..?"

"..Ang alin..?"

"Iyung kasama ko. sa maraming yellow bell flowers.. Kaya yellow iyung
flower na candy na binigay mo sakin diba..?"

"Eh..ano naman kung ako iyun..?"

Umiling si Ryma.

"Wala lang. Naisip ko lang kung bakit bigla kang umalis nun. Natakot ka ba
sakin?"

"Hindi ako sanay.. na may kasamang iba, na hindi ko kilala.."

Natawa si Ryma.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan, at napunta naman sa iba ang topic.

"Kyel..nung comatosed ako... anong naramdaman mo..?"

Nagulat si Kyel, at bigla namang natawa si Ryma at tumayo.

"Sige Kyel ha, mauna na ko. Iaabot ko pa 'to kay Sionn e.."

Tapos, umalis na si Ryma at sinundan siya ng tingin ni Kyel.


Ano bang klaseng...tanong iyun..? Ano bang sagot ko dapat.? Na masaya ako..?
O_O

Inabot ni Ryma kay SIonn iyung script sa faculty.

"Ryma, may assigned partner ka na pala. Bale, hindi sasama sa entrance ang
student council Hiwalay tayo sakanila."

"Ha..? E sinong partner ko pala?"

"Iyung partner mo sa student council. Si Kyel.."

Natawa si Ryma.

"Wala pala akong dapat na ipagalala.."

"HUh..?"

"Hehe! Wala, inaya kasi ako ni Kyel na maging partner niya e.."

NAtawa nalang si Sionn at inisip na pumupuntos na si Kyel, sa wakas.

Si Elder Mio, ay isang kaluluwa na dumaan lang sa buhay ko, pero forever na
akong ginawang prinsesa,

Si Sionn ang archangel na guide ko, na nag vanish para sa ikabubuti ko.

Si Maryll ang witch, na pinatay ni Sionn.

Si Kyel.. ang Silent Prince..

Sabi ni Sionn, sa pekeng mund daw makikita ang katotohanan. Malinaw na sakin na
isang tunay na kaibigan si SIonn na gaya ng sa Silent World.
Pero si Mio, Kyel, at Maryll.. Hindi ko maintindihan kung ano ang tunay na
kaugnayan ng katauhan nila sa Silent World at sa tunay na mundo. Ano ba ang
totoo..? Hindi ko rin maintindihan...

PUZZLE OUT THE TRUTH SOON..... :)

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Kaagapay ngayon ni RYma ang mga magulang
niya sa pagaayos sakanya. Pa-sikretong bumili ng formal attire ang parents ni Ryma
at nang makita to ni Ryma, hawig ito ng suot niya sa SIlent World bilang Silent
Pricess.

Mauuna talaga ang mga officers sa venue. So magtatago muna sila, at iyung mga
guard ang ssalubong sa mga estudyante.

5:00 dumating si Kyel para sunduin si Ryma.

"Bagay sayo ang suot mo Ryma..."

"Ikaw din Kyel.. ^-^ Parang prinsipe.."


Maaga ang pagdating ng student council. Nagulat si Ryma nang makita na nandoon si
Maryll, na inescort ni Sionn.

"Maryll! Ang ganda ganda mo talaga! Bagay na bagay sayo ang suot mo!"

"^-^ Salamat. Ikaw din Ryma.. Gaya naman ng palagi.."

"Kyel! Anong drama iyan! Ang pogi pogi naman ng tuta! XD", ani Sionn.

"Inggitero ka talaga Sionn..", sagot ni Kyel.

Nagtawanan silang lahat.

Ilang oras pa ang hinintay nila, at sunod sunod nang nagsidatingan ang mga
estudyante. Pagsapit ng 6:30 ay nakaupo na ang mga estudyante sa round tables, at
nagiba na ang tugtog. Pumunta sa maliit na stage ang Principal at magsasalita siya,
habang pababa naman sa first floor ang mga officers.

"Good eve students! Welcome to the Senior Promenade Night! Let us all wnjoy
this night, but before that, let me please introduce the lead manager of this
occasion, who is also your student council president, Mr. Sionn Courte!"

Nagpalakpakan iyung students, at lumabas si Sionn mula sa backstage.

"Good Evening, fourth and fifth year students. Let me call on the stage our
vice president, and secretary, Lawrence So, and Hanna Cleave!"

So ayun, magka-escort silang pumunta sa harap, nag bow at gumilid. Tinawag din ni
Kyel lahat ng officers, at pagkatapos nun, umupo na sila, at nagsimula na ang dance
number na partner ang fourth at fifth year. At kung naaalala niyo si Llyde, siya
ang nagaya kay Ryma.

"Ikaw pala ang sargent of arms, si Miss Ryma.. ^-^ Ang ganda mo pala
talaga.."

"Ah..salamat.."

"May boyfriend ka na ba?"

"H-ha? Bat mo naman naitanong?"

"Crush kasi kita! At bagay talaga tayo!"

Nagulat si Ryma. Kaso nasira iyung poise ni Llyde nung may tumamang crampled paper
kay Llyde. Nagulat ito at kumunot ang noo.

"Sino iyun?!"

Lumingon din si Ryma at nakita ang salarin. Si Kyel pala.

"Impakto talaga ang partner mo Miss Ryma! Di niya alam na bagay tayo!"

May crampled paper ulit na tumama sa ulo ni Llyde. Lalo tuloy nainis si Llyde.
Pasimple niyang inikot si Ryma hanggang magkapalit sila ng pwesto tapos inaway ni
Llyde si Kyel.

"Hoy Mr. Hew! Naiinggit ka na no? Nagseselos? Ah bakit? Totoo namang bagay
kami ah?", ani Llyde.

"Hindi kayo bagay.. Tao kayo..", sagot ni Kyel.

Lalong naginit si Kyel. Humarap siya kay Ryma.

"Miss Corrhaye, papayag ka bang ligawan kita?"

May tumama ulit na crampled paper kay Llyde. Hindi na nakasagot si Ryma kaka-tawa.
Wala nang nagawa pa si Llyde.
So natapos ang sayaw, at ibabalik ng mga lalaki ang kasayaw nilang babae sa upuan
nila.

"Miss Ryma, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko..", ani Llyde.

"Miss, pwede na ba kitang iwanan dito?", tanong ni Kyel sa kapartner.

"^-^ Sige lang po Sir Hew! Walang problema!", sagot ng partner niya.

"Salamat..", sabay na hinawakan ang wrist ni Ryma. "Tara na, Ryma.."

Ngumiti at tumango si Ryma. Nagulantang si Llyde.

"Wahhh!! Kupal na sargent of arms na iyun!"

So ang sunod naman na eksena, nagiwan ang mga waiter ng mga papel sa bawat table
at isang basket. Bale, isusulat nila doon kung sino ang boto nilang manalo para sa
gabing ito. Majority wins-of course. Ang binoto ni Ryma sa best prom couples ay
sina Sionn at Maryll, at senior prince ay si Kyel. So after nun, dinner time!

"Ayos ka lang ba, Maryll?", tanong ni Sionn habang kumukuha ng pagkain.

"H-ha? Oo naman.. Ayos lang ako.."

"Wag kang magalala.. Madami pang ibang lalaki diyan na magugustuhan ka't
magugustuhan mo din.. Sadya kasing.. para kay Ryma si Kyel e..", sabi ni Sionn.

Ngumiti si Maryll.

"Pano mo nakakaya 'to no? Diba.. gusto mo rin si Ryma?"

"...Ganun talaga. Alam ko naman kasing may mas deserving pa kaysa sakin.
Kung iisipin mo iyung mas mabuti, makakaya mo naman e.. Ako, I can only be her
friend. Hanggang dun lang.. Sana, ganun ka din kay Kyel.."

Tumango si Maryll, at ngumiti naman si Sionn.

"Kung alam lang siguro niya kung gaano siya ka-swerte no? Hindi sana siya
naaksidente.."

Sinulyapan ni Maryll si Ryma, at huminga ng malalim.

Matapos ng isang oras at kalahating pag-kain, muling bumalik si Sionn sa stage para
sabihin ang susunod na mangyayari.

"Students, ito na ang most awaited moment ng couples at mga may crush!
Sayawan na ng waltz! Wala nang hiyaan guys! Ito na ang pinakahihintay niyo,
pakapalan na ng muka! Enjoy everyone!!"

Bumaba sa stage si Sionn at nagsimula nang tumugtog ang napaka-sweet an music.

"Maryll, shall we dance?", alok ni Sionn,

Ngumiti si Maryll at inabot ang kamay ni Sionn.

"Oo naman.. Tara!", sabay na tumayo.

Tinignn ni SIonn si Kyel na nakatingin rin sakanila. Kinindatan siya ni SIonn, at


napatingin naman siya kay RYma.

"Ryma... Let's dance..?"

"Partner kita e.. Why not??^-^"

Tumayo rin sila't pumunta sa malawak na dance floor.

...To dance waltz... Only with Kyel Hew..

"A.. Kyel.. Ang totoo kasi, hindi ako marunong sumayaw nito.."

Ngumiti si Kyel.

"Wag kang magalala.. AKong bahala sayo."

Naalala ni Ryma, na iyun rin ang sinabi ni Kyel sa panaginip niya. Ngumiti siya at
tumango. Wala na iyung five meters away... Gaya ng sa Silent World..

"Buti hindi ka na... naiilang sakin ngayon..?", sabi ni Ryma.

"Iyun din sana ang.. sasabihin ko sayo.."

Maraming nagsasayawan din sa paligid ang napapatingin kina Ryma't Kyel. Parang
transformation daw kasi ito kay Kyel, na dating masungit kay RYma.

"..Hindi ako sobrang nalungkot nung naaksidente ka.. Sa parehong paraan na


hindi rin ako masaya. Naniniwala kasi ako na gigising ka. At sinabi ko sa sarli ko
no'n na, kapag nagising ka, hindi na ako mahihiya ulit sayo.."

Nagulat si Ryma.

"Bakit ka naman.. mahihiya sakin..?"

"..Mahirap ipaliwanag e.. Saka nung birthday mo, alam kong birthday mo nung
araw na iyun kaya ka masaya. Hindi nga lang ako nakakuha ng pagkakataong batiin
ka..Kaya pwede bang.. ngayon nalang? Happy 18th bithday.. Ryma.."

Ngumiti si RYma,

"Pangalawang bati mo na iyan, Kyel.."

"Ha...?"

"Nung comatosed kasi ako.. May napanaginipan ako na sobrang haba.. Nandoon
kayo.. Kaya alam kong may buwan na akong comatosed.. Nandoon ka nun, at binati mo
ako..^__^"

"Ah talaga... Ang galing naman.."

Tumango si Ryma.

"At saka.. Hndi mo rin talaga kelangang mahiya sakin.. Apat na taon na kaya
tayong magkasama! Oo nga pala, salamat din dun sa regalo mo sakin ah.. Nagustuhan
ko. ^-^"

Namula na parang bata si Kyel.

"A..w.. wala iyun.."

Malapit lang sina Sionn sakanila, na nakangiting nangaasar kay Kyel. Natawa si
Kyel, at naalalang si Ryma nga pala dapat iyung ipapartner ni Sionn sa Prom na 'to.

"Sionn, gusto mo magalit muna tayo? Si Ryma dapat ang ipapartner mo diba?"

Nagulat si Sionn, at napatingin din si Maryll.

"Ha?", tinignan ni Sionn si Kyel. Parang pinapahiwatig na kapag nagswitch ng


partners, makakasayaw niya si Ryma.

Tumango si Kyel, na parang okay lang. Kasabay ng pagpapalit nila ng partners ang
pagpapalit ng tugtog. Naging slow dance ito ngayon.

"K-Kyel.. Ayos lang ba sayo ito? Ayos lang sakin kung uupo nalang tayo..",
sabi ni Maryll.

Umiling si Kyel.

"Gusto kong magpasalamat sayo.. Kasi tingin ko naman, sincere ka sa pakikipag


ayos kay RYma.."

"Hindi ka dapat sakin magpasalamat. Si SIonn ang nagsabi sakin na dapat kong
gawin iyun. At tama sia, mas magaan ang pakiramdam ko ngayon.."

"Pero nag effort ka padin. Sana naman tuloy tuloy na 'to, Maryll Quoy.."

Nagumiti si Maryll.

"Hindi ka na galit sakin, diba? So, iyun lang naman ang mahalaga sakin e.."

Sa kabilang dako, naguusap usap rin naman si SIonn at Ryma.

"Maayos ba ang prom natin ngayon?", tanong ni SIonn.

"Oo naman! Mas nageenjoy nga ako ngayon. Iba ka kasing leader, SIonn! Hehe!"

Ngumiti si SIonn.

"Ang totoo, tinulungan ako dito ni Kyel. Siya iyung nag suggest na baguhin
iyung sistema ng Prom last year althroughout. Nakita kasi niyang hindi ka nagenjoy
noon.."

"A-ano..? Napansin pa niya iyun..?"

Tumawa si sionn.
"Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob. Siguro, naisip niyang sayang
ang oras kung magpapaka-torpe siya, dahil walang nagyayari sa pagtatago. Pero noon
pa man, kahit hindi halata, ikaw lang lagi ang tinitignan niya, at iniisip. Pero
nahihiya siya.. Ewan ko ba sakanya, parang nerd.."

"T-talaga...? Hindi ako.. makapaniwala..."

"Yihee! Namumula ang pisngi ni Ryma..."

Napahiya't umiling si RYma.

"Namumula ka diyan! Hindi ah!"

Natawa nalang si SIonn, at nakatingin lang sa muka ni Ryma.

..Too bad.. I can never touch that pretty face of yours... Neither can I
hold your hands, nor hug you tight.. The only thing I can do is.. to stay around..
and be there whenever you need me...

"O__O Sionn?? Okay ka lang ba...?"

"H-ha? O-oo naman..", ngumiti si SIonn. "Halika, Ryma! Picture tayo! Para
may remembrance tayo sa phone ko.."

Bumalik sila sa table, tapos kinuha ni Sionn iyung phone niya't nagpicture sila ni
Ryma. Nakita naman iyun ni Maryll at nainggit.

"Kyel, ayos lang ba kung... magpicture tayo sa phone ko? Kahit isa lang...",
ani Maryll..

"H..ha...?"

Wala namang nagawa si Kyel. nagpicture sila ni Maryll na naasimangot siya.

"Ang daya mo Kyel! Isa pa! Smile naman!"

"No! May kasunduan tayo! Sabi mo isa lang!"

"Ahuhh! Kyel picture din tayo, dali!"", sabi ni Ryma.

"--___--" Anu ba? Artista ba 'ko?"

Kinuha ni Ryma iyung phone niya, inakbayan si Kyel at nagpicture. Dito naman,
nakatingin sa ibang direksyon si Kyel.

"Ay! Madaya ka Kyel! isa pa dali!", sabi ni Ryma.

"A.. Parang nagugutom ako...?", palusot ni Kyel, sabay tayo..

"Ahh! Magpapalusot ka pa!", sabi ni Maryll at Ryma.

Nagulantang si Kyel na tatakas na dapat, pero hinawakan ni Ryma at Maryll ang


magkabilang braso ni Kyel.

"Sionn! Picture! Dali!", sigaw ni Ryma.

"Hahaha! Sorry 'Yel, walang personalan ha..", sabi ni Sionn sabay tapat ng
phone sakanila.
"Heeelllpppp!!! >.<"

Napicturan silang tatlo, na si Kyel ay nagwawala. Wacky daw.. XD

Natapos ang romantic dance ng mga estudyante, at nagbukas na ang apat na photo
booth na pang souveneir. Tropa tropa sina Sionn, Kyel, Ryma at MAryll. Meron din
namang souveneir photo na para lang sa mga officers ng school government.

Matapos ng isang oras, pumunta sa stage ang head ng mga teachers na magaanunsyo
kung sino ang mga may titolo ngayong Prom Night.

"Now, let us move on to the coronation. The results are based on the votes
by the students. So tonight, our best dancers are, Mr. Kim, and Ms. Laye!"

Pumunta iyung 2 sa stage at binigyan ng sash na may nakaulat na best dancer.

"Next, our best dressed senior is... MR. Sionn Courte!"

Nagpalkpakan sila't natatawa naman si Sionn habang tinatanggap ang sash.

"Our best promenade couples are... Hanna Cleave ang Lawrence So!"

Sila iyung school vice president and secretary. Maganda kasi si Hanna. ^_^

"Our Senior Prince and our Senior Princess is... Mr Kyel Hew, and Miss Ryma
Corrhaye!"

Nagtinginan si Ryma at Kyel. Napangiti silang pareho at magka-escort na pumunta ng


stage at tinanggap ang sash.

Kahit pala dito... SIya parin ang Prince.. At ako ang Princess..

"And of course, lastly, our star of the night is.....none other than....
Miss Maryll Quoy!"

Nagulat si Maryll. Hindi niya inaasahang bubotohin siya ng mga estudyante, dahil
hindi naman niya inisip na maraming nakakakilala sakanya. Masayang masaya siya, at
gayun din sina Ryma para sakanya. Kinoronahan siya, at may sash pa.

Doon na nagtatapos ang Prom Night. 11:30 na ito natapos, at masayang nagsi-uwi ang
lahat.

.....Best Night ever...

Walang pasok ngayon; gaya ng inanunsyo ni Sionn kagabi, sa Prom Night. Wala namang
magawa si Ryma, kaya naisip niyang pumunta sa tabing dagat-kung saan ginanap noon
ang Fireworks Display Feast. Nabalitaan kasi niya na maganda din daw doon tuwing
twilight.

Nakakamiss ang lugar na 'to.. May apat na taon na ring nakakaraan.. Wala
paring nagbabago..

Bumili si Ryma ng soda, at naalalang puntahan iyung lugar kung saan niya noon
nakita si Kyel.
Wala paring nagbago.. Puno parin ito ng yellow bell.. Nakakatuwa.

Umupo si Ryma sa isang malaking bato na upuan, at pinanuod ang paglubog ng


araw. Kulay red orange ang kalangitan, at ang kapaligiran. Naalala niya ang Silent
World.

...Namimiss ko tuloy ang Silent World...

May narinig na foot steps si Ryma at nagulat siya. Paglingon niya, dumating si
Kyel na pagtingin rin sakanya'y nagulat.

"Ryma...??" ; "K-Kyel..."

"Anong ginagawa mo dito??", sabay nilang tanong sa isa't isa.

"Para sa twilight...", sagot ni Ryma.

"A-ah.. ganun ba..? May iniisip ka ba? Iiwan nalang kita dito..", ani
Kyel.

"Hindi! Kyel.. ano.. Kasi, wala akong kasama.. Tingin ko, maganda
ngang dumating ka e. Halika! Maupo ka dito! Panoorin natin iyung paglubog ng
araw..."

Lumapit si Kyel at umupo sa tabi ni Ryma.

"Para lang panoorin ang paglubog ng araw, pumunta ka dito...?"

"Hindi lang iyun.. Matapos kasi nung pista, hindi na ako bumalik
dito.. Naisip ko lang na balikan ulit. Natutuwa nga ako, kasi parang wala namang
nagbago. Ikaw ba? Anong ginagawa mo dito?"

"Lagi ako nandito.. Halos araw araw.. kahit nung hindi pa kita
kilala.."

Napatingin si Ryma kay Kyel.

"Talaga..? Bakit naman..?"

"Wala naman kasi akong magawa sa bahay kaya lagi nalang ako pumupunta
dito.. Hanggang nadiskubre ko 'tong lugar na 'to na napapalibutan ng yellow bell.."

"Wala pa bang ibang nakakadiscover nito?"

"Maliban sayo, at sakin.. wala na.."

Nagulat, na natawa si Ryma.

"Kaya siguro sinusungitan mo 'ko noon.. KAsi may iba nang nakadiscover
ng tambayan mo no?"

"Hindi naman.."

Ngumiti si Ryma.

"Ang saya saya ko na ngayon.. Si maryll, parang may pagbabago sakanya


na nagustuhan ko. At ikaw, hindi ka na naiilang sakin.. Sila Mama, inaalala ako..."
"Iyung kay Maryll nga pala, Ryma.. Si SIonn pala ang nagsabi sakaya na
makipag ayos.."

"Ha? Pero hindi ko maintindihan.. Hindi naman kasi kami magkaaway.."

"Oo.. Pero may kasalanan siya sayo. Wag mo nang isipin kung anu iyun.
Ang mahalaga, maayos na ang lahat ngayon.."

Tumango si Ryma at napatingin sa paligid. Naalala niya nung nangolekta siya ng


bulaklak sa Silent Castle at nilagay ito sa isang basket.

"Inalagaan ko silang lahat...", sabi ni Kyel.

"Inalagaan mo.. ang mga ito..?"

*Music: Vulnerable by secondhand serenade..

"Oo.. para.. kapag bumalik ka.. May yellow bell flowers parin.."

"Ako...? Inaasahan mo talagang.. babalik ako dito..?"

Tumango si Kyel.

"Bagay na bagay ka.. sa magandang lugar.. na gaya nito.."

Ngumiti si Ryma, at tumingala sa kalangitan.

"Sana laging ganito..."

...I promised myself.. That I will love.. The first lady who will come to
this sacred place.. of which I have discovered.. And befoe my very eyes.. this
young lady.. in the middle of the yellow bell flowers.. under the starry sky and
blazing fireworks display. The lady I was looking for.. now beside me.. in the
middle of the yellow bell flowers ... witnessing...

"....Gusto kita..."

Proposing in the middle of the middle of the twilight, with only the yellow
bell flowers as witnesses...

*Si Maryll Quoy ang witch na pinatay ni SIonn.. Si Sionn ang dahilan kung bakit
nagbago si Maryll, at nawala ang bad side..

*Kyel is the silent prince, and Ryma is the SIlent princess.. Because in silence..
unexpectedly,. They were meant to be.. ^____^

Nagulat si Ryma t napatingin kay Kyel.

"A..anong sabi mo..?"

Alam kong sinabi niya na sakin 'to nung nasa Silent World pa 'ko.. Pero... Bakit
naninibago parin ako? Bakit.. kinakabahan parin ako..?

"Mahal kita.. Ryma Corrhaye.."

"S..Seryoso ka ba...?"
"Muka ba akong nagbibiro..?"

Huminga ng malalim si Kyel.

"...Sorry, nabigla ka.. malamang.. Dito lang ako nagkaroon ng lakas ng


loob.. na umamin sayo.."

Ngumiti si Ryma.

"Ginawa mo na rin iyan sa panaginip ko.."

"Pero iba ang panaginip sa ngayon. Totoo 'to, peke iyun.. Pero sa
panaginip mo ba, ang naramdaman mo nung sinabi ko 'to sayo, at ngayon.. pareho
lang?"

Napaisip si Ryma at umiling. Bigla siyang natawa.

"Kaya mo pala... binabato ng papel si Llyde.. Abnormal ka.."

"Bakit? papayag kang maligawan ng bubwit na iyun?"

Tumawa ulit si Ryma.

"Ang tanungin mo, kung natuwa ba ako sa pagamin mo sakin.. Siguro


inuunahan mo lang si Llyde no?"

"Siguro... E natuwa ka nga ba..?"

Tumayo si Ryma, lumapit sa isang puno at bumunot ng isang yellow bell flower.

"Pwede ba namang hindi ako matuwa at i-reject ka habang malapit tayo sa


mga bulaklak na 'to..?"

Ngumiti si Kyel at tumayo rin. Lumapit siya kay Ryma at tinap (tap) iyung ulo niya.

"Ang dami mong alam.. Iyan ba ang natutuhan mo sa pagiging comatosed?"

"Amm... Siguro nga! ^__^"

May pasok na nung sumunod na araw. Pagpasok ni Ryma, marami agad ang nag
congratulate sakanya.
Habang naglalakad sa corridor, nakasabayan niya pa si Sionn na humawak sa
balikat niya.

"Miss Ryma Corrhaye! Binoto mo 'ko sa Best Dress no?"

"O__o Pano mo nalaman??"

"^__^ kasi hindi ako mananalo kung hindi ikaw ang bumoto sakin.. Wala
lang, lucky charm kita e.. Haha!"

"Sira..."

Pagpasok niya sa room, nagtinginan iyung mga kaklase niya sakanya. Nagtaka siya,
pero di nalang niya pinansin at pumunta sa upuan niya. Nagulat siya nang makitang
may petals ng yellow bell flowers ang upuan niya na may shape na heart. Lumingon
lingon si Ryma at biglang napatingin sa board. Ang nakasulat : "Sorry, nagkalat ako
sa upuan mo.."
Natawa si Ryma at tinignan si Kyel na nasa sulok ng room at pasimpleng nagbabasa
ng libro.

"Yihee! Corrhaye and Hew! Partners for life pala ang gusto niyo ha!",
sabi ng isang classmate.

Lumapit si Ryma kay Kyel. Nakangiting nakatingin sakanila si maryll. Nilapitan


siya ni SIonn.

"I told you.. Matututunan mo rin maging masaya para sakaila.."

"OO nga.. kinikilig nga ako sakanila e.. Haha!"

"Hoy Kyel Hew, anong pakulo 'to? At mukang inubos mo pa ang mga bulaklak sa
secret garden mo ah?"

"Hindi ah. Ayaw mo ba? Sige babalik ko nalang dun sa puno. Ite-tape ko..."

"Uy hindi ganun..!"

"Anong hindi ganun?"

Ngumiti si Ryma.

"Kulang 'tong pakulo mo! Mas galingan mo pa! >.<"

Tapos bumalik na sa upuan si Ryma at kinolekta iyung mga petals. Nakatingin si Kyel
kay Ryma at napangiti.

"Well.. I can do better than that..."

....Lahat ng tanong noon ni RYma, na nasagot na niya dahil sa mga nangyari...

-Nalaman na niya ang katotohanan sa likod ng mga nakangiti at nakasimangot na mga


mukang nakatingin sakanya.
-Meron mang magulang na sadyang walang malasakit sa anak, basta ang alam ni RYma
ngayo'y hindi isa ang mga magulang niya sa mga iyun.
-Naniniwala siya ngayon sa happy ending.
-At para sakanya, nangyari na ang fairytale sa buhay niya, na kung saan siya ang
prinsesa, at si Kyel naman...ang prinsipe...

>>The End..<<

Elder Mio: ...at sayong muling paggising...ang lahat ay..magbabago na...

And I will be yours, and you will be mine.. We'll be together, partners through
lifetime. And the yellow bell flowers, as witnesses... of the commitment between
the SIlent Prince, and the Silent Princess...

You might also like