You are on page 1of 11

COMPLICATED

Face hell to find your true self

I don’t need your concern or your love, I only need to survive.

Fanged Dreamer

2019-2020
Kairena Maxinnzel Fuentella “Kai/Cai” for short. Babaing palaging iniisip ay pera at walang
pakialam kahit mapahamak ang buhay niya basta may pera lang.

…………………………………
Napabusangot si Kai ng Makita ang ina niya na nag-iimapaki na naman ng gamit nila. Napa ‘tsa’ na lang
siya dahil sigurado ang dahilan nanaman ng pagiimpaki ng ina ay pinapa-alis na sila sa sa nirerentahan
nilang bahay.AT dahil nanaman sa lalaking yun.

“Ma. Hindi niyo na kailangan mag-impaki” walang emosyon niyang sabi sa ina na para bang
hindi niya ina ang kinakausap kung wala lang ang salitang ‘ma’ sa una ay hindi mo malalaman na mag-
ina pala sila.

Nilingon lang siya ng kanyang ina sandali at tipid na ngitian bago bumalik sa ginagawa.

“Ayos lang, wala na tayong magagawa kailangan na nating umalis.”

“Walang magagawa? O gusto niyo lang talagang umalis sa bahay na ‘to at pumunta sa bahay ng asawa
mong nang-iwan sa iyo noon dahil lang sa humingi siya ng tawad! Tapos sa susunod na araw mag-
iimpaki ka nanaman at iiyak-iyak na maghahanap ng lugar na matitirahan!”

“Tama na!”

“Anong tama na ma?!”

“Anak! Ama mo ang pinag-uusapan natin!”

“Ma! Paulit-ulit na lang tayo dito e. hindi pa po ba kayo nagsasawa? Lipat tayo ng lipat. Isipin niyo
naman ang kinabukasan ng mga kapatid ko at wag ang kinabukasan niyo sa lalaking nang-iiwan sa inyo
ng paulit-ulit!”

“Kia! Wala ka bang pagalang sa akin ha? At sinisigawan mo Ako ng ganyan!?”

“Ma huli na ‘to. Hindi tayo aalis dito. Gagawa ako ng paraan para makahanap ng pera pambayad sa upa.
Intindihin niyo naman!”

1|Page
Pagkatapos sabihin ni Kia ang mga salitang ito ay tumalikod na siya sa kanyang inang tulala pa rin sa
mga salitang binitawan ng anak niya. Si Kai ang pangalawa at nag-iisang babae sa apat na magkakapatid.
siya lang din sa mga magkakapatid na ayaw makita ang ama o kilalanin bilang ama. Bata pa si Kia ay
ayaw niya na sa ama mas lumala pa ang pagka-ayaw niya sa ama ng napag-alaman na may kinakasama
itong ibang babae maliban sa ina. 19 years old pa lang si Kai ay sumasali na siya sa mga street fight o di
kaya sa illegal battle na ginaganap sa tagong lugar para kumita lang ng pera. She don’t care even if she
die tomorrow, she just want to earn profit for her siblings and for herself para hindi na siya umasa sa mga
magulang o di kaya sa inang wala namang paki-alam sa kanila. Ngayon wala pa siyang pera dahil
pinagbawalan siya ng kanyang kuya na pumunta kahit saan simula ng malaman nito ang mga kalokohang
ginagawa niya. Halos kalahating taon din ang itinambay niya sa barangay nila. Ang pinag-aaksayahan
niya ng oras sa kalahating buwan na yun ay maging munting waitress sa maliit na restaurant sa barangay.
Sa kalating taon na iyon ay hindi siya umuwi sa bahay nila at nanatili siya sa bahay ng matalik niyang
kaibigan na alam ang mga kalokohan niya.

Hindi na siya nag-aaral, hindi dahil sa kahirapan. Kundi dahil sa mga kaklase niya.

Matapos siyang makipagtalo sa ina ay lumabas na siya sa bahay nila. Paglabas niya ay nakasugata niya
ang kanyang kuya Brinth, pangalawa sa kanlinga magkakapatid.

“lalayas na naman” tanong ng kuya niya pero at the same time ay hindi tanong

“May iba pa bang pagpipilian?”tanong ni Kai sa kuya pero ang totoo parang sagot niya na rin ito

“marami, Sa ganda mong yan sigurado ako marami ang magkakagusto sa iyo, kaya ba’t di ka humanap ng
taong makarelasyon mo para gumanda naman yang buhay mo.”parang apoy ang salitang binitawan ng
kuya Brinth niya na nangpakulo ng dugo ni Kai sa galit. ‘Gago talaga‘to no?’ bulong ni Kai sa isip niya

“ba’t di ka na lang pumasok sa bahay at wag ng makialam sa buhay ko. Kuya nga kita pero parang puta
naman ako sa paningin mo na madali lang e-dispose e.” kagaya sa ina tinalikuran niya rin ang kuya Brinth
niya at nagpatuloy na naglakad patungo sa bahay ng kaibigan.

Obvious naman na hindi sila close ng Kuya Brinth niya at lalong-lao na sa mga magulang niya. Lumaki si
Kai na ang tanging kasama ang sarili at kung hindi pa isinilang ang kanyang kapatid wala na siyang
dahilan para mabuhay pa.

Napailing na lang si Brinth. Sanay na siya kay Kai pero hindi parin siya mapalagay

………………………
“hay! Ang mga kasing edad mo Kai ang saya kapag may mga kuya. Pero ikaw para kang isinumpa! Dapat
kayong magkakapatid nagmamahalan, hindi nagbabangayan kung sino ang may kakakayahan na

2|Page
mabuhay sa mundong ito.” Pangaral sa kanya ng kaibigan na si Riz habang puno pa ang bunganga ng
pagkain. Napataas na lang ang kilay ni Kai sa asta ng kaibigan and at the same time nandidiri rin

“nagbabangayan?” tanong ni Kai

“hindi ba kayo nagbabangayan sa lagay niyong yan?”

“ano nga kasing pagbabangayan ang ginagawa namin?”

“nagbabangayan kayo kung sino ang makaka-survive sa buhay niyong yan.” Napakunot naman ang noo
ni Kai sa sinabi ng kaibigan. Napabuntong hininga nalang si Riz ng hindi maintindihan ng kaibigan ang
gusto niyang sabihin.

“simple lang. Ang Kuya Luis mo ay huminto sa pag-aaral at sumali sa military at the age of 22. Ang kuya
Brinth mo naman ay huminto rin sa pag-aaral at the age of 20 ng dahil sa isang babae pero dahil hindi sila
nagkatuluyan, doon tumambay sa vulcanizing shop na malapit sa tinutuluyan niyo. Ikaw heto huminto rin
at the age of 19, but you had your reason and I know that reason. Whao! Mukang ang bunso niyo nalang
na si Samuel ang makakapag-tapos sa pag-aaral pero ito pinoproblema mo na ang kinabukasan niya, kaya
baka hindi malayong huminto din siya sa pag-aaral.”

“Wow. You’ve done your research well. But may I know Kung ano ‘Pinagbabangayan’ namin?”

“Slow hindi pa ba halata! Nagbabangayan kayo kung sinong pinakabatang hihinto sa pag-aaral!”

“tapos?”

Napa face-palm nalang si Riz sa akto ng kaibigan.

“Riz, wala namang kaso kahit hindi na kami mag-aral pa dahil matalino naman kami. Pero ang nakakainis
dito sa lintik naming buhay ay ang mga taong nakapaligid sa amin. Lalong lalo na ang demonyo naming
tatay na walang paki-alam sa amin. At …At ang nanay naming…hindi ko alam kung martyr o tanga!”

“hahahaha”napatawa si Riz sa mga sinabi ni kai. Siya ang matalik na kaibigan ni Kai kaya alam niya ang
istorya ng buhay ni Kai. Ang klase ng pananalita nito at ang mga salitang nilalabas nito sa bibig niya ay
nakasanayan niya na. para bang mga funny jokes ang sinsabi ni Kai dahil natatawa talaga siya dito lalo pa
kapag nagsasalita siya na may halong mura ay nanlalaki minsan ang mata niya at kumukunot ang noo na
nagiging dahilan na para bang batang kinunan ng pagkain si Kai sa sobrang ka-cutan. She’s too adorable
that you want to pinch her cheeks because of his cuteness.

Si Kai ay napakagandang babae. Maputi rin siya at may katangkaran na 1.63 m, may mahahabang buhok
na may pagka-wavy, samantala ang mata nito ay kulay dark brown na kung titingnan mo sa malayo ay
parang mga munting holen na itim pero ang gandang tingnan, may matangos na ilong at medyo may
pagka-pula ang labi niya. Kahit sinong lalaki matutulala sa ganda niya nakakadagdag pa ng karisma ang
pagiging fierce niya at pagiging malakas na minsan aakalain mong lalaki siya. Pero dahil sa lakas niya
walang lalaking naglalakas loob na manligaw sa kanya. Tanging sa mga kakilala niya lang na umaakto
siyang parang bata. Kagaya nalang kay Riz na tinuturing niyang ate.

3|Page
Si Riz naman ay may angking kagandahan rin. Pero hindi kagaya kay Kai ang kulay niya ay Morena,
magkasing tangkad lang sila ni Kai, pero mas matanda si Riz ng Dalawang taon.

Si Riz ay hindi na rin nag-aaral. Sa lugar nila ay nagtratrabaho siya bilang part time waitress sa
trinatrabahuan din ni Kai na restaurant.

“may alam ka bang mapagkakakitaan ng malaking pera?” biglang tanong ni Kai sa kaibigan

Hindi naman sumagot si Riz ng ilang Segundo

“Meron pero hindi ako sure kung Legit”

Napataas ang kilay ni Kai sa sagot ni Riz

“Hay. Ito kasi yun. Alam mo ba ang larong Death Race?”tanong ni Riz pero tanging tingin lang ang
sinagot ni Kai na ibig sabihin hindi pa

bumuntong hininga naman si Riz at pinagpatuloy sinasabi

“hindi ko alam kung totoo ito ha, doon sa lugar ng lola ko, alam mo na kung nasaan yun diba? Malayo
dito at aabutin tayo ng dalawang araw sa pag-byahe papunta doon.” Tumango naman si Kai na sumasang
ayon sa kaibigan “Sa lugar nila lola may malapad na kagubatan doon, actually may nagmamay-ari sa
kagubatan na iyon at yung kagubatan na iyon ay ang pinagdadausan ng laro. Kaya sinabi kung baka hindi
legit ay dahil hindi ako sigurado kung nag eexist ba ang larong ito. Narinig ko lang kasi ang mga barkada
ng tito ko na pinag uusapan ito noong nandoon ako sa lugar ng lola ko nong nakaraang buwan. Ayon sa
narinig ko bilyon daw ang premyo kapag nanalo ka, hindi lang yun kundi sisikat ka rin.”

Hindi naman nagsalita si Kai at nakatingin lang siya kay Riz. Malalim ang iniisip niya at wala
nakakaalam kung anong laman ng utak niya ngayon.

“hoy! Magsalita ka naman.” Sabi ni Riz ng hindi pa rin nagsasalita si Kai

“paano nilalaro ito?”biglang tanong ni Kai sa kaibigan

Mga ilang Segundo rin bago sumagot si Riz

“hindi ko alam” kumunot naman ang noo ni Kai at tumingin kay Riz na parang nababaliw na siya

“teka! Teka! ganito kasi yun”sabi ni Riz at itinaas pa ang mga kamay na parang sumusuko sa isang pulis
na kapag hindi mo binigyan ng matinong sagot ay papatayin ka, but not using a gun but the use of her
eyes.

“ano.”inip na saad ni Kai

“ayon sa narinig ko. Kailangan mo lang gawin ang mga misyon na ibibigay nila. Tapos tatakasan mo lang
daw ang mga halimaw hanggang sa makarating ka sa safe platform at doon mo malalaman kung nanalo
ka. I know it sound crazy but that’s what I heard. Kaya sinabi ko sayong baka hindi Legit. When the first
I heard it I actually thought that they just spouting nonsense because they were drunk! Sinabi ko lang

4|Page
naman sayo ‘to dahil tinatanong mo ako sa trabahong may malaking kita. Alam mo namang wala akong
alam diyan diba dahil stock rin ako sa lugar na ito.” Reklamo ni Riz

Ngumiti lang si Kai kay Riz at hindi na naman nagsalita. Halos ilang minuto ring hindi nagsalita si Kai at
Nakatingin lang sa langit.

Nepa house kasi ang bahay nina Riz at nakaupo sila sa may sala na malapit sa bintana. Pumapasok naman
ang hangin sa bintana at dudampi sa mukha ni Kai. May mga hibla ng buhok na hindi natali ni Kai kaya
pinapalid ito ng hangin. Parangbuhay na painting ang ayos ngayon ni Kai. She’s a living Godess. Yan ang
sinasabi ng mga taong dumadaan kapag nakikita nila si Kai.

“what are you thinking?” tanong ni Riz at umupo sa tabi ni Kai, at pinagpatuloy ang pagnguya ng pagkain

“I’m not thinking I realize something.”

“What?”

“Your words can’t be trusted.”

BOOM! Parang sumabog ang puso ni Riz sa diritsyong sagot ni Kai. ‘From now on Kai wala ka ng
kaibigan’ sigaw ni Riz sa loob niya. Pero nagulat siya sa sunod na sinabi ni Kai

“But it’s the truth. What you heard is not nonsense. They were true.”

‘ha?’hindi nakapagsalita si Riz

Nakangiti siyang tiningnan ni Kai.

“Walang.mawawala.kung.susubukan.natin. punta tayo sa lola mo this week. Pupunta muna ako kay
Kapitan Jun, at papakiusapan siya na alagaan muna ang kapatid ko ng isang buwan.”

“ha? Bakit isang buwan?” nakakunot ang noo ni Riz habang nagtatanong

“tsa. Wala tayong alam kung ano ang larong ito. Isa pa naisip ko na kahit lasing ang barkada ng tito mo
hindi naman sila magsasalita ng mga bagay-bagay kung hindi nga nangyayari ang pangyayaring ito.
Pupunta tayo sa lola mo para malaman kung nag-eexist nga ang larong ito. At kung nag-eexist syempre
sasali ako.”

May ngiti sa labi na saad ni Kai na para bang sigurado na siyang mananalo siya sa laro.

“nababaliw ka na! kung nag-eexist nga ang larong ito ibig sabihin may mga halimaw nga! Mas lalong
dapat hindi ka sumali!” sigaw ni Riz at may tumatalsik pang pagkain palabas sa bunganga niya.

“Relax Riz. Kung may mga halimaw nga edi mas masaya. Nakakasawa na rin kasing lumaban sa mga tao
na mahihina naman. Just thinking of the game I feel my heart want to explode from excitement."
Masayang saad ni Kai habang pinupunasan ang pagkain na tumalsik sa mukha niya, imbis na mandiri ay
nakangiti pa rin siya.

5|Page
“You’re crazy.”huling saad ni Riz at nilunok ang pagkaing nginunguya.

…………………………………
Pagkatapos ng pag-uusap nina Riz. Umuwi na si Kai.

Naabutan niya naman ang kuya Brinth niya na naka-upo sa sofa sa sala. Nakapatong ang paa sa maliit na
lamesa at nanonood ng soccer sa TV. Samantala ang kapatid niya naman na si Samuel ay nakaupo sa
sahig at nagbabasa ng libro.

Si Samuel ay labing limang taong gulang na. Kung tatayo ito ay maaabutan niya na si Kai. Dahil sa
tangkad niya sumasali ito sa basketball sa school nila. Kaya hindi mapanatag si Kai na iwan ang bunsong
kapatid ay dahil mahilig itong makipag-away. Palaging laman ng prefect of discipline office. Palaging
umuuwi na may mga pasa sa mukha. At ang dahilan ng pakikipag-away ay dahil sa isyu tungkol sa
pamilya. Kung di lang matalino ang kapatid at ace player ng basketball ng school nila matagal na sana
siyang pinaalis sa school nila. Inaamin niyang hindi siya naging matinong ate, pero gusto niyang bigyan
ng magandang buhay ang kapatid. Bahala na ang mga Kuya niya, mga gurang na rin naman ang mga ito.

“ate nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba?” magalang na tanong ni Samuel sa ate.

Idol kasi ni Samuel ang ate niya. Lalo na kapag nakipaglaban ito.

“Tinatanong mo pa yan kahit isang buwan pa yang hindi kumain hindi yan magugutom. Nagsasawa na
ngang kumapit ang sakit na ulcer sa bituka ng ate mo dahil kahit ka-ilan pa siya magparamdam wala
siyang paki-alam.”

“hahaha” napatawa naman si Samuel sa Biro ng kuya niya

Umuling na lang si Kai sa sinabi ng kuya niya

“nasaan si Mama?”

“nagtatanong ka pa.” “Wala dito.” Sabay na sagot nina Kuya Brinth niya at ni Samuel

“hay. Kuya mawawala muna ako ng isang buwan.” Paalam niya sa kuya ng mapag-alamang wala na
naman ang nanay sa bahay nila

“saan ka naman pupunta?” matiim siyang tiningnan ng dalawa na para bang gagawa na naman siya ng
kalokohan

“pupunta kami ni Riz sa bahay ng lola niya.” Masayang sagot ni Kai

“ate sama ako!”

“hindi puwede may pasok ka pa.”

6|Page
“nge!”

“ano naman gagawin mo doon?” tanong ng kuya niya

“maghahanap ng makakarelasyon kagaya ng suggestion mo kaninang umaga para gumanda naman ang
buhay ko. Tama ba?” sarcastic na sagot ni Kai sa kuya niya ng maalala ang sinabi nito sa kanya kaninang
umaga. Sinamaan naman siya ng tingin ng kuya niya

“nasisiraan ka na ng bait kung susundin mo ang sinabi ko. At sa ugaling mong yan sino ang
magkakagusto sa iyo?” mahinahong sabi ng kuya niya at ibinalik ang tingin sa pinapanood

Umiling na lang si Kai at pumunta na sa kwarto niya. Sumunod naman si Samuel sa kanya.

“may kailangan ka?” tanong niya pagkapasok sa kwarto at humiga na para bang nagbuhat siya ng
mabibigat ng bagay sa sobrang pagod niya.

“hmmm.”

Tiningnan niya ng masama ang kapatid na parang sinasabing kapag hindi siya nagsalita ng maayos
susuntukin niya ito. Natakot naman ang kapatid niya sa tingin ng ate niya at nagsalita ng mabilis

“pinapatawagkanisirbalgusatpinapasabiniyakunghindikapupuntamadradropoutnadawako.” Mabilis ang


pagkabigkas ni Samuel sa bawat salita pero nakuha naman ito ni Kai. kumunot lang ang noo niya pero
ilang Segundo lang ito at pinikit ang mga mata. Akala naman ni Samuel hindi ito nakuha ng ate niya kaya
inulit niya sa pagkakataong ito hindi na mabilis kundi mabagal pero mahina

“ate, pinapapunta ka ni Sir Balgus sa school, pinapasabi niya na kapag hindi ka daw pumunta e-drodrop
out na daw ako sa School.” napapikit si Samuel ng maalala ang sinabi ng principal ng school nila. Akala
niya hangga’t may matataas na grado siya ay hindi siya mapapaalis sa school nila kahit paulit ulit pa
siyang makipag-away.

Minulat ni Kai ang mga mata niya ng magsalita ulit ang kapatid niya kaya matiim siyang nakitingin dito
habang nakapikit ito. Basagulero si Samuel sa school nila pero pagdating sa bahay isa siyang binata na
naghahangad pa rin na magkaroon ng kumpletong pamilya.

Bumangon si Kai at tumayo sa harap ni Samuel. Nagulat si Samuel ng may yumakap sa kanya ng minulat
niya ang mata ay ang ate niya pala.

“Sam. Kaylan ka pa natutung matakot?” hindi alam ni Sam kung maiiyak siya o tatawa sa tanong ng ate
niya akala niya kung anong nakakaiyak na mga salita ang bibitawan ng ate niya.

“ako? Natatakot? Paano mo nasabi ate?” parang nanghahamon na tanong ni Samuel sa ate niya.

“Gago! Ako pa tinatanong mo! Lumayas ka na nga sa harap ko at matulog na! ang drama mo rin no! may
papikit-pikit pang nalalaman!” biro ni Kai kay Samuel at tinulak ito palabas ng kwarto niya at siniraduhan
ito ng pinto.

7|Page
May sasabihin pa sana si Samuel pero naputol dahil siniraduhan na siya ng pinto ng ate niya. Napakamot
nalang siya sa batok niya at tumalikod na

‘lintik naman o! tatanungin ko pa sana kung pupunta ba siya sa paaralan bukas’ bulong ni Samuel sa sarili

…………………………………
Malapit ng magtanghalian pero hindi pa rin nakikita ni Samuel ang anino ng ate niya sa paaralan nila.
Nawawala na ang pag-asang nabuo ni Samuel sa puso niya at unti unti itong nawawasak siguradong hindi
na dadating ang ate niya dahil kung pupunta ito ay kanina pang umaga.

“aray!?” daing niya ng may tumamang matigas na bagay sa ulo niya. Ng tingnan niya ito ay ang bag niya
pala, at ng tingnan niya ang taong nagtapon nito ay dumulim ang paningin niya. Susugurin niya na sana
ang taong tumapon ng bag niya sa kanya pero pinigilan siya Wella na Bestfriend at kababata niya

“Sam wag na!”

“wag mo kung pigilan Wel, wala akong paki-alam kahit anak siya ng principal papatayin ko na tung
gagong ‘to!”sigaw ni Sam habang pinipilit ang sariling makalapit sa lalaking nakaaway niya kahapon at
nagging dahilan kung bakit siya matatangal sa paaralang ito.

“talaga?” tanong ni Vincent na kalaban ni Samuel at tumawa pa ito ng malakas dahil dito nakakuha ito ng
maraming atensyon kaya ilang saglit pa lamang ay pinalilibutan na sila ng kapwa estudyante din nila

“hindi ka pala marunong mag-pasalamat Samuel e. ibinibigay ko lang sayo ang bag mo dahil huling araw
mo rin naman din dito sa paaralang ito. Mamaalam lang naman ako sayo. Paalam! Hahaha” tawang
demonyo ni Vincent

“aalis na si Samuel?”

“narinig kung huling araw niya na dito. Kapag umalis siya hindi na siya makakabalik pa.”

“Talaga?”

Nagsisimula ng magbulungan ang nakapaligid sa kanila. Marami ang tumitingin kay Samuel ang iba
naaawa, atang iba ay nanghihinayang halos lahat na nakatingin sa kanya ng ganito ay mga babae
samantala ang mga lalaki naman ay nakangisi lalong lalo na ang mga barkada ni Vincent dahil
mawawalan na sila ng kakumpetensya sa babae. Hindi namang maitatanging gwapo talaga si Samuel
kung hindi lang siya basugalero siguradong halos lahat ng babae sa school niya ay magkakandarapa sa
kanya.

“so Samuel Fuentella, Bye bye. Bye bye!” pang aasar ng mga barkada ni Vincent, tatawa pa sana siya
pero natigil ito ng may tumapik sa balikat niya. Inis siyang tumingin dito pero ng Makita niya kung sino
ito ay halos lumuwa ang mata niya. Napatingin naman sila lahat sa tumapik sa balikat ni Vincent at
parang nakakita sila ng multo sa Gulat.
8|Page
“ganoon na ba nakakatakot ang mukha ko?” tanong ni Kai na mapansin niya iba ang tingin sa kaniya

“ganda…” mahinang sambit ni Vincent

“hehehe” ngisi lang ni Kai at lumapit sa kapatid niya na namumula ang pisnge dahil sa init. “simula
ngayon mag-aral ka ng mabuti, wag ka ng makipag-away ha, kapatid. Hindi mo muna ako makikita ng
isang buwan sa bahay kaya doon ka na tumuloy sa bahay ni kapitan Jun pansamantala. Ok?” tanong ni
Kai at nag thumbs up pa. magtatanong pa sana si Samuel ng pigilan siya ng ate niya. “wag ka ng sumagot
kapatid alam ko namang naiintindihan mo ako. Bye bye.” Sunod sunod na salita ni Kai at umalis sa harap
ni Samuel na kasing bilis ng hangin.

Tulala namang naiwan si Samuel na ipinoproseso pa ang sinasabi ng ate niya. Nagising lang siya sa
katotohanan ng may sumigaw na guro na pumasok na sa kanilang mga room. Ayaw niyang maniwala sa
ate na makakapasok na siya ulit, sa dami ng kalokohang nagawa niya at naka-away niya pa ang anak ng
principal nila ang dapat na sa kanya ngayon ay naghahanap ng paaralang mapapasukan. Natauhan siya ng
may tumawag sa kanyang guro.

“Samuel pumunta ka sa principal office.” Utos nito

“opo.” Sagot naman ni Samuel lalakad na sana siya ng namalayan niyang hawak niya pa pala ang kamay
ng kaibigan babae. Dali dali naman siyang bumitaw at ngumiti

“sorry. Salamat pala sa pagpigil sa akin kanina ha. Aalis na muna ako ha” Sabi niya na nakangiti at
iniwan ang babae na namumula ang pisnge. Ang kababata niyang yun. Talaga namang walang napapansin
sa nararamdaman niya.

…………………………………
Pag-katapos pumunta ni Kai sa paaralan ng kanyang bunsong kapatid ay dumiritsyo naman siya kila Riz.

“Sigurado ka na ba sa disisyon mo? Hindi na ba yan mababago ha? … Kai mahal kaya ang pamasahe kila
lola. Tapos kapag nalaman niyang hindi na ako nag-aaral malalagot ako!”

“Riz hindi kita pinipilit na sumama sa akin. At sa lahat ng mga tanong mo oo ang sagot ko. Sigurado na
ako at hindi na mababago ang disisyon ko. I’m quite curious about this game so no matter what I’m
gonna join this game! Don’t ask me why dahil hindi ko rin alam.”

“Hahahaha. Okay okay. Suko na ako pero may isang bagay na hindi mo ako mapapasuko,”

Napataas ang kilay ni Kai sa sinabi ni Riz

“ano?”

“Ang sumama sayo.”

9|Page
Napangiti na lang si Kai sa sinabi niya. She’s Kai bestfriend subukan niya lang di siya suportahan…
bahala siya!

10 | P a g e

You might also like