You are on page 1of 67

www.wattpad.

com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - BethanySyLove27
BethanySyLove27

Gumuho ang mundo ni Cyrene nang mahuli niya ang boyfriend niyang may kaniig na
babae sa kama nito. Sa sobrang sakit na naramdaman ay sa pagkain niya ibinunton
iyon. Namalayan na lang niyang palobo nang palobo ang katawan niya. Bale-wala lang
naman sana iyon sa kanya kung hindi lang siya tinawag ni Lanter na "mataba" at
"manang." Palibhasa, ubod ito ng guwapo. Dahil doon ay tinangka niyang gayumahin
ang matagal na niyang crush na pinsan nitong si Josh para ipamukha kay Lanter na
magkaka-love life siya kahit mataba siya. Pero kung kailan hinihintay na niya ang
resulta ng ginawa niyang panggagayuma kay Josh ay saka naman biglang bumait si
Lanter sa kanya. Kung suyuin siya nito ay para siyang isang prinsesa. Diyata't dito
umepekto ang gayuma? Parang gusto tuloy niyang uminom ng isang box na slimming tea.

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER ONE - Page 2
by BethanySyLove27
15 - 19 minutes

Pero kahit na pangit ka akin ka. Ikaw ang baterya sa puso ko na makina..

Napangiti si Cyrene nang marinig ang malakas na kantang nagmumula sa radyo na


nasa silid ng kaniyang ina. Alas nuwebe na ng umaga kaya ganoon na lang ang
pagtutok nito sa paborito nitong fm radio station kung saan isa siya sa mga
kilalang Dj.
Mamayang alas diyes y medya pa siya e-ere para sa morning program niya. May
dalawang taon na rin siya sa propesyong napili niya. Kilala siya ng mga tao sa
pangalang Dj Lovely.
Na para ba namang lovely ka..
Hindi siya lovely aminado siya doon. Sa katunayan sa taas niyang five feet ay
hindi bumagay ang may katabaang katawan niya. Daig pa niya ang bolang tumatalbog
talbog kapag naglalakad siya. Magmula pagkabata ay mataba na talaga siya. Nasanay
na nga siya sa mga masasakit na salitang itinatawag sa kaniya ng mga kakilala niya.
Tumatawa lang siya dahil nga sanay na siya.
Ang dahilan niya, kahit papaano naman ay nagawa niyang magpapayat noon. Simula kasi
ng magdalaga siya at magkaroon ng crush ay natuto na siyang magpapayat. Tiniis niya
ang magutom at hindi kumain ng mga paborito niyang pagkain dahil takot siyang
tumaba at magkapimples. Kahit ang gym na dating isinusumpa niya ay ginawa niyang
tambayan para lang mabawasan ang timbang niya. Lumaklak din siya ng sangkaterbang
diet pills at slimming tea. Kahit ang mga hindi kilalang brand ay sinubukan niya
dahil lang gusto niyang maging maganda.
Nang maabot na niya ang magandang katawan na gusto niya ay ganoon na lamang ang
tuwa niya dahil sa wakas may nanligaw at pumansin na sa beauty niya. Ang kaso
niloko siya ng walanghiyang naging first boyfriend pa naman niya. Sa loob ng isang
taon na pagiging magkarelasyon nila ay tatlo pala silang mga nobya nito.
Ito pa ang nakipaghiwalay sa kaniya matapos niya itong awayin dahil nga
nalaman niya ang totoo. Dahil sa sobrang sakit at hinanakit na nararamdaman niya ay
kinalimutan na niya ang pagpapaganda at pagpapayat. O baka nga mas tamang sabihin
na pinabayaan na niya ang sarili niya.
Wala na siyang pakialam kung maging lumba lumba man siya o dumating ang araw na
wala nang magkasiyang damit sa kaniya. Magmula noon ay itinigil na niya ang
pagtambay niya sa gym. Ang pagkain ng cereal sa umaga, tanghali at gabi. Ang
paglaklak ng diet pills at slimming tea.
Ngayon heto siya, bumalik na naman sa dati ang katawan niya at mas malala pa
nga. Dahil din sa hitsura niya kaya nawalan siya ng ganang mag apply ng trabaho.
Matapos siyang alukin ng isang kakilala niya na palitan ito sa trabaho nito bilang
isang Dj sa isang kilalang radio station ay agad niyang tinanggap iyon.
Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa dahil maliban sa mahirap maghanap ng
trabaho ay ayaw rin niyang magtrabaho sa opisina kahit tapos siya ng kursong
Accountancy.
Matapos niyang sipatin ang orasan na nakasabit sa pader ay nagpasiya na
siyang bumaba ng hagdan. Nang mapadaan siya sa kusina ay ganoon na lang ang pagtaas
ng isang kilay niya nang marinig ang boses ng kaniyang nakatatandang kapatid.
Napailing iling siya. Maaga pa ay pakikipagtsismisan na ang pinagkakaabalahan
ng ate Tasha niya sa mga kaibigan nito.
At talagang sa kusina pa tumambay?
"Totoo ba iyan?" Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang excitement sa boses ng
ate niya.
Anong meron?.
Isang nerd ang kapatid niya, idagdag na ang tatlong kaibigan nito na magmula
pa marahil noong grade one ay kasama na nito. Hindi siya masyadong nakikisama sa
mga ito dahil maliban sa libro ay wala na siyang ibang naririnig pa sa mga ito.
Hindi siya kasing genius ng ate niya kaya iwas siya kapag nasa bahay nila ang mga
ito.
"Totoo iyon Tasha, naresearch ko lang naman kasi iyon sa isang site eh." Ani
Kley. Napataas ang isang kilay niya. Umaasenso na marahil ang mga ito dahil hindi
libro ang pinag uusapan kundi internet.
"Anong site.. pwede ko bang malaman kung saan?" Natutuwang tanong ng ate
niya.
"A-ahmm nakalimutan ko na kasi alam mo naman medyo nag aaral pa lang ako sa
paggamit nang internet kaya hindi ko natandaan iyong website."
Gusto niyang matawa sa mga ito. Kung kailan tumanda ay saka lamang naisipan
gumamit ng internet. Dahil maaga pa naman ay naaliw siyang pakinggan ang
magkakaibigan.
"Gaano tayo nakakasiguro na totoo ang nabasa mo sa internet?" Singit naman ni
Freida.
"Kapag in love ka gagawin mo naman ang lahat mapansin ka lang ng lalaking
mahal mo. Walang masama kong susubukan mo. Parang theory kung hindi mo susubukan
papaano mo malalaman kung totoo?" Giit ni Kley.
Halos malaglag ang panga niya sa narinig. In love ang isa sa mga ito? Totoo
ba iyon? Parang mas madaling paniwalaan na magkakaroon ng lindol ng mga oras na
iyon kaysa isipin niya na tinubuan na ng malisya ang mga ito sa katawan.
"Ibig bang sabihin niyan ay mapapansin na ako ni Clyde?"
Sinilip niya ang mukha ng ate niya matapos nitong banggitin ang pangalang
'Clyde'. Natulala siya nang mapansin ang kakaibang kislap sa mga mata ng ate niya.
Hindi iyon kayang itago ng makapal na salamin nito.
Hindi yata't nagdadalaga na ang ate niya? Noon pa man ay madalas niya itong
biruin na malapit na itong maiwan ng biyahe. Sa edad nitong twenty eight ay hindi
pa nito nararanasan na magkaroon ng nobyo. Dalawang taon lang ang tanda nito sa
kaniya kaya may palagay siya na susunod na siya dito.
Malamang dahil wala pa rin akong nakukuhang pag asa kay Josh.
Si Josh ay anak ng ninang Esmee niya na nakatira sa katabing bahay nila.
Ilang buwan na ang nakakaraan magmula nang umuwi ito sa probinsiya nila mula sa
ilang taon na paninirahan sa Laguna kasama ang ama nito. Hiwalay na kasi ang mga
magulang nito. Nang mawalan ito ng trabaho ay umuwi ito para makasama ang ina
habang naghihintay ng tawag mula sa mga kompanyang inapplyan nito.
Noong unang beses na nakita niya si Josh ay daig pa niya ang bulateng
nangingisay dahil sa sobrang kilig. Makalaglag panty ang appeal nito kahit hindi
naman talaga ito matatawag na gwapo.
Pero sa malas magmula nang ipakilala siya dito nang ninang niya ay hindi na
siya nito muling pinansin. Maliban na lang sa mga simpleng kamustahan kapag
nasasalubong niya ito sa labas.
"Anong dapat natin gawin? Ano ba ang nakalagay sa internet?" Excited na
tanong ni Nicky sa mga ito.
Naglabas ng boxer si Kley mula sa bag na dala nito at nakangiting ipinakita
iyon sa mga kaibigan. Gusto niyang matawa nang mapansin ang pag antanda ng tatlo.
"Dios mio! Kanino galing iyan?" Namumutlang tanong ng kapatid niya.
Kung hindi ba naman baliw nagawa pang magtanong.
"Nabili ko lang ito sa mall. Simple lang naman ang gagawin. Kailangan mong
makuha ang boxer ng lalaking iniirog mo. Pagpatak ng alas dose ng gabi ay susunugin
mo iyon habang sinasabi mo ang hiling mo. Kapag nagawa mo iyon ay hindi ka na
maaalis sa isip niya. Hindi ka na rin niya magagawang layuan kahit kailan."
"Mabisa ba iyon?"
Pumalatak si Kley. "Sabi naman sa'yo Tasha hindi natin masasabi kung talagang
mabisa hanggang wala sa atin ang sumusubok. Since ikaw naman ang may gustong maging
boyfriend si Clyde ikaw ang gagawa nito."
Oh my! Natutop niya ang mga labi.
Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng kapatid niya kasabay ng malakas na
tilian ng mga ito.
Daig pa ng mga ito ang mga nagmumurang kamatis habang nagtitilian. Nang
marinig niya ang pagtayo ng ate niya ay mabilis na napakaripas siya ng takbo. Kapag
nakita siya nito ay tiyak na magagalit ito dahil sa pakikinig niya.
Naku naman ate!
Naiiling na lumabas na siya ng bahay dahil may trabaho pa siya.

DAHIL absent ang isang katrabaho ay napilitan si Cyrene na palitan ito sa


program nito. Magmula alas tres ng hapon hanggang ala sais iyon kung saan kailangan
niyang magbasa ng mga text message at magbigay ng mga payo tungkol sa buhay pag
ibig. Hindi iyon kagaya ng morning program niya kung saan babati lang siya
pagkatapos magplay ng mga kantang nirequest ng mga tagapakinig sa radio station
nila.
Nang makauwi siya ay ganoon na lamang ang pagod na naramdaman niya. Daig pa
niya ang nagtrabaho maghapon dahil sa sobrang pagod. Nang makapasok siya ng bakuran
nila ay parang hinihila na lang niya ang paa makarating lang sa kwarto niya.
"Pagod na pagod na pagod na ang beau-ay pechay?" Natutop niya ang bibig sa
pagkagulat. Hindi agad siya nagmulat ng mga mata mata dahil pilit na kinakalma niya
ang sarili. Parang sumakit ang kaliwang dibdib niya, may sakit na yata siya sa
puso.
Nang maramdaman niya na may tumapik sa noo niya ay napaigtad siya. Mabilis na
nagmulat siya ng mga mata para alamin kung tama ang hinala niya na may impaktong
handa na namang guluhin siya.
Isang nakangising kulugo ang nahagip ng paningin niya. Agad na pinaningkitan
niya ito ng mga mata.
"Peste ka talagang lalaki ka? ano ka ba ha? Kapre? Bakit ba ang hilig mong
umakyat sa puno?" Naiinis na pinaghahampas niya ito sa braso.
Hindi naman ito umimik at nakatingin lang sa kaniya.
Bwisit talaga? Walanghiya? kamuntik nang humiwalay ang kaluluwa niya sa
katawan niya dahil dito.
"Hindi ako peste o kapre. May pangalan ako." Nang iinis na sabi nito.
"Bwisit ka?" Tinapakan niya ang mga paa nito pero mabilis na nakailag ito.
"Dahan dahan baka madurog ang mga buto ko sa paa." Anito.
Sa sobrang inis niya ay binangga niya ito. Tumalbog ito at napaupo sa
damuhan. Ganoon na lang ang tawa niya nang makita ang hitsura nito.
"Ang laki ng katawan mo lampa ka naman. Sabi ko na nga ba ang mga lalaking
kagaya mo na nagwowork out hindi talaga hunk! Puro lang kayo hangin sa katawan."
Nakaismid na sabi niya.
Pumalatak lang ito at bumangon. Nang tingnan niya ito ay napansin niya ang
kakaibang ngisi sa mga labi nito. Alam niyang may balak na naman itong asarin siya
at hindi siya papayag.
Over my not so sexy body!
Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Nabanggit sa kaniya ng mga magulang niya
na dating sikat na car racer daw ito. Pero dahil inis siya sa lalaki at wala naman
siyang alam tungkol sa kung anong propesyon nito ay hindi rin siya interesado sa
kung anong background mayroon ito.
Isang buwan na magmula ng unang beses na nakita niya ang lalaki matapos siyang
mabagsakan ng mangga sa ulo dahil sa kagagawan nito. Sumigaw pa siya noon ng ubod
lakas dahil maliban sa pagkahilo ay inakala niyang ninanakawan nito ang bahay ng
ninang niya at dumaan pa ito sa puno.
Pero nang makita sila ng mga tao ay siya pa ang napahiya. Isang nakakahiyang
sitwasyon ang sinuongan niya dahil sa pesteng lalaking ito...

Kahit naliliyo pa si Cyrene dahil sa manggang tumama sa ibabaw ng ulo ay


pilit na pinalinaw niya ang mga mata para alamin kung ano ang nangyayari sa itaas
ng puno. Ganoon na lamang ang takot niya ng makita niya ang isang matangkad na
lalaki sa itaas ng malaking puno na pag aari nang ninang Esmee niya.
Napasinghap siya nang makita ang malaking bulto nito. Sumigaw siya ng
pagkalakas lakas para makatawag siya ng pansin.
"Tulong! Tulong may magnanakaw?" Malakas na tili niya.
Nang tumingin sa kaniya ang lalaki at mapansin niya ang pagkataranta sa mga
mata nito ay mabilis na nag isip siya. Kumulo ang dugo niya nang makita ang
napakagwapong hitsura nito. Galit siya sa mga gwapo at macho!
Kaya nga siya lumobo ng ganoon ay dahil sa pesteng ex boyfriend niya na
niloko siya at pinagsabihin siyang trying hard magpapayat. Para sa kaniya ang mga
gwapong lalaki ay peste, salot at walang kwenta.
Mabilis na dinampot niya ang mangga at ibinato iyon dito. Matapos tamaan
niyon ang lalaki sa mukha ay nadupilas ito at nahulog sa puno. Bumagsak ito sa
mismong bakuran nila. Saglit na natulala siya nang mapagmasdan ang maamong mukha
nito.
Walang kakurap kurap na nakatingin lamang siya dito habang naririnig niya ang
mahinang ungol nito. Para siyang nabato balani sa nakikita niyang kagwapuhan nito.
Parang gusto na niyang kalimutan ang adhikain niya sa buhay na isumpa nang paulit
ulit ang mga lalaking gwapo.
Nang mapansin niya ang dahan dahang pagbangon nito ay para siyang binuhusan
ng malamig na tubig. Papaano kung gumanti ito sa ginawa niya? Mabilis na nag isip
siya ng paraan at dinaganan niya ito para hindi ito makaalis.
"Tulong! Mama! Papa.! ate! Ninang Esmee! May magnanakaw tulungan ninyo ako.
Tulong! Tulong?" Natatarantang sigaw niya. Halos mapatid na ang lalamunan niya
dahil sa malakas na pagtili.
"Tulong.. Tu-" Hindi na niya nagawa pang sumigaw muli ng bigla na lang ay
hilahin siya ng lalaki at halikan siya nito nang mariin sa mga labi.
Para siyang kinuryente ng ilang ulit sa ginawa nito. Nanlaki ang mga mata
niya at hindi siya nakahuma sa ginawa nito. Iyon ang eksenang naabutan ng mama at
ninang Esmee niya.

Hiyang hiya si Cyrenenoon. Ano ba naman ang malay niya na pamangkin pala ito
nang ninang niya at hindi magnanakaw na kagaya ng inaaakala niya?
Magmula noon ay kaaway na ang tingin niya sa lalaki. Maliban sa isinusumpa
niya ang mga kalahi nitong gwapo ay ninakawan din siya nito nang halik. Daig pa
nila ang mga aso at pusa dahil sa pagbabangayan nilang dalawa.
Sa kaso niya ay wala siyang pakialam kahit pinagsama-samang Zac Efron, Chris
Evans, Chace Crawford at Adam Levine ang level ng kagwapuhan nito. Hinding hindi
sa kaniya tatalab ang appeal nito dahil hindi siya kagaya ng mga kapitbahay niya na
trying hard magpapansin dito.
Hmp! Hitsura lang!
Tumayo ito at mabilis na hinarap siya. Napaatras siya nang nilapitan siya
nito. Nahilot niya ang leeg dahil nangalay agad siya sa pagtanaw dito.
Mukha talagang kapre..
"Ang init ng ulo mo kasi affected ka sa mga nababasa mong text message kanina
sa station ninyo. Halos karamihan sa mga nagtetext masaya ang love life samantalang
ikaw wala!"
Napataas ang isang kilay niya. Kung ganoon ay nakinig ito ng programa niya
kanina?
"Eh ano naman? Para sabihin ko sa'yo.." Dinutdot niya ang malapad na dibdib
nito at saka siya muling nagwika. "Magkakalovelife na ako. Malapit na malapit na.
Samantalang ikaw pagsasawaaan ka lang ng mga babaeng nagnanasa sa katawan mo.
Katawan mo lang! Dahil walang appeal ang mukha mo! tse!"
"Liar." Nakangising sabi nito. "Tama ba na pagpayuhan mo kanina ang isang
listener mo na hiwalayan niya na agad ang boyfriend niya dahil lang sa dahilan na
gwapo at habulin ng mga babae? Tama ba? Kapag gwapo manloloko na agad?"
Pinamaywangan niya ito. "Pakialam mo? Sa totoo naman na hindi siya
seseryosohin ng lalaking iyon dahil sa kaniya na nga mismong nanggaling na hindi
siya maganda."
"So ibig mo ba sabihin ang mga magaganda para lang sa mga gwapo?"
Nakikipagtalong tanong nito sa kaniya.
Para siyang mauubusan ng enerhiya dahil sa pag aaway nila.
Itinaboy niya ito sa pamamagitan ng paghampas niya dito ng malaking bag niya.
"Umalis ka na nga lang. Nasisira ang gabi ko sa'yo saka mo na ako bwisitin
kapag nakapagcharge na ako okay?" Pinandilatan niya ito ng mga mata.
Tumingin lang ito sa kaniya bago ito sumampa sa pader at tumawid sa bakuran
ng ninang niya.
"Bye sexy!" Kumaway ito sa kaniya na para bang super close silang dalawa.
Napatili siya ng malakas. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang sexy dahil
iyon ang madalas itawag sa kaniya noon ng ex boyfriend niyang manloloko.
"Bwisit ka, Lanter!" Malakas na sigaw niya.
Kahit nang makapasok na siya sa loob ng bahay ay naririnig pa rin niya ang
mataginting na tawa na ng lalaki.
Napakunot noo siya nang makita niya ang isang lalaki na nakaupo sa malaking
sofa na nasa sala ng bahay nila.
"Good evening." Magalang na bati nito sa kaniya.
Tumango si Cyrene at nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang kaniyang
ina na kalalabas pa lang mula sa kusina. May dala itong isang baso ng orange juice
at iniabot iyon sa lalaking kamukha ng professor niya sa Math noong nasa kolehiyo
pa siya.
"Anak, si Clyde nga pala. Nobyo ng ate Natasha mo." Masayang turan ng
kaniyang ina.
Napasinghap siya dahil sa natuklasan.
Totoo ang hiwagang dala ng boxer!

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER TWO - Page 2
by BethanySyLove27
16 - 20 minutes

“Para sa ating oras, ganap ng ala otso y medya ng gabi. Sa mga nasa biyahe
pauwi mag ingat lamang po tayo dahil medyo malakas ang pagbuhos ng ulan.” Inayos ni
Cyrene ang mga papel na nakasalansan sa harap ng mesa niya. Kanina pa niya gustong
umuwi dahil inaantok na siya. Inilipat siya ng program kaya wala siyang magagawa
kundi hintayin ang alas dose nang hatinggabi para makauwi na siya.
Dahil napansin ng station manager nila na may angking galing daw siya sa
pagpapayo ay sa kaniya nito ibinigay ang program ng kaibigan niyang si Trish
matapos nitong magresign at magmigrate sa ibang bansa.
“Mga kaibigan nainip ba kayo sa paghihintay?” Isang malandi at mataginting na
tawa ang pinakawalan niya. “May bago na naman po tayong caller na magshashare sa
atin ng kaniyang love life. Payong kapatid lang ha? Baka masira ang buhay mo sa
payo ko kaya kung ako sa'yo magdalawang isip ka na muna bago mo ko kausapin.” Muli
siyang tumawa. “Basta usapang love life, isang tawag ka lang.” Naiinis na siya
dahil sa paulit ulit na linya niya bago niya sagutin ang tawag ng caller niya. Pero
wala siyang magawa dahil parte ng trabaho niya ang sabihin ang linya kahit mamaos
pa siya.
“Hello, Dj lovely?” Narinig niyang wika ng isang baritonong boses sa kabilang
linya.
“Hmmm… boses sexy si Kuya.” Kung alam mo lang na isinusumpa ko ang mga
lalaking sexy. “Kuya pogi anong pangalan mo?” Malambing na tanong niya dito.
Ang hirap talagang kumita ng salapi! Mas maayos pa para sa kaniya ang unang
trabaho niya noong hindi pa siya nalilipat sa panggabing program. Mahirap na nga
magbigay ng advice ay napupuyat pa siya.
“Mister Handsome.”sagot ng caller.
Kumulo ang dugo niya. Makikipagpustahan siya na codename lang nito ang gwapo
at hindi ito.
“Okay Mister handsome anong maitutulong ni Dj Lovely sa'yo? Basta hindi
pinansiyal ha? Taghirap ako ngayon eh.” Malanding tumawa na naman siya.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya.
“Kasi may nagugustuhan akong babae kaso may problema eh,”
“Hmmm.. anong problema? Nahahati ba siya sa dalawa kapag alas dose ng gabi?”
Napansin niya na nagtatawanan ang mga kasamahan niya sa labas ng booth kaya
natawa na naman siya. Noong una ay hindi niya inaasahan na magugustuhan ng mga tao
ang pagiging love adviser niya. Mag iisang linggo pa lang siya sa trabaho niya at
kahit marami siyang reklamo ay aminado siya na gusto niya ang ginagawa.
“Kasi galit siya sa mga gwapo. Niloko kasi siya ng unang boyfriend niya kaya
natrauma na siya sa mga gwapo. Hindi niya ako pinapansin eh. Kahit nga pang aasar
sa kaniya pinatulan ko na para lang mapansin niya ako pero wala pa rin kahit
kaunting epekto.”
Natigilan siya. Hindi niya akalain na may kagaya pala niyang babae na galit
sa mga lalaking gwapo at may malaking katawan. Akala niya ay nag iisa lang siya na
nakakaramdam ng ganoon.
“Bakit hindi mo siya umpisahang ligawan?” Payo niya.
“Malabo. Kaaway ang tingin niya sa akin.”
“Alam mo kasi Mister Handsome kaming mga babae madalas iyong galit na
nararamdaman namin paimbabaw lang. Anong malay mo kapag ginawa mo na ang lahat para
mapaamo siya at niligawan mo siya ay mapansin ka na niya?”
“Pero hindi ako marunong manligaw.” Nahihiyang pagtatapat nito.
Malakas na tumawa siya.
“Natatakot ako sa tuwing nakikita ko sa mga mata niya ang inis kapag
nagkikita kami. Pakiramdam ko wala na akong magagawa pa para magbago ang tingin
niya sa akin.” Malungkot na sabi nito.
Napalis ang ngiti niya sa mga labi. Hindi niya alam kung bakit may kabilang
parte niya ang tinamaan sa mga pagtatapat nito.
“Pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan, ugali at hitsura niya? Baka
mabigyan kita ng magandang advice kapag nakilala ko siya.”
“Para sa akin maganda siya kahit kulang na lang ay daganan niya ako tuwing
naiinis siya sa mga hirit ko.”
“Ibig sabihin ay chubby siya?”
“Yes.” Proud na sabi nito.
Biglang lumambot ang puso ni Cyrene. Nakakatuwang isipin na may nagmamahal sa
mga kagaya niya na hindi biniyaan ng maliit na baywang at magandang hugis ng
katawan.
“Maganda siya kahit madalas sinusungitan niya ako. Kahit nakikita ko siyang
nakasimangot sa umaga at kahit binubugbog niya ako sa sampal at kurot. Hindi na ako
magtataka kung dumating ang panahon na maging battered husband ako.”
Napangiti siya nang marinig niya ang sinserong pagtawa nito.
“Mga kaibigan nakakakilig naman itong si Mister Handsome halatang mahal na
mahal niya si- teka ano nga ba ang pangalan niya?”
Napakunot noo siya nang mawala ito sa kabilang linya.
“Hello?”
Napansin niya ang pagsenyas ng kasama niya. Alam na niya ang ibig sabihin
niyon maaaring naputol ang tawag dahil sa connection ng mga linya o kaya ay
naubusan ng baterya ang cellphone ng caller niya.
“Kaloka naman! Nabitin tuloy tayo. Sandali lang mga kaibigan dahil
tinatawagan ko na po ang numero ni Mister Handsome.” Napasimangot siya ng hindi na
niya ito macontact. “Sayang! Mukhang hindi na natin magagawang makausap pa ang
caller pero dahil mabait ako sige magbibigay ako ng advice hindi lang para sa
kaniya kundi sa mga lalaking nagmamahal ng kagaya ni girl. Mga kuya figure lang
iyan! Hindi naman habang buhay maliit ang baywang ng isang babae. Kahit saang
aspeto natin tingnan walang kahit sinong babae ang maaaring maging perpekto ng
kagaya ng inaasahan ninyo. Para sa'yo mister handsome, ay naku kuya! Magtapat ka na
ng feelings mo. Kailan ka pa kikilos? Baka naman pumayat na ang lahat ng mga
matatabang babae sa mundo pero nakanganga ka pa din. Sige ka! ikaw din mauunahan ka
ng iba.”
Matapos niyang magpayo ay nagdedicate naman siya ng kanta sa caller niya.
Napili niya ang kantang “Kahit na” ni Toni Gonzaga. Hindi niya alam kung bakit
magmula ng marinig niya iyon ay naging theme song na iyon nang buhay niya.
Kasi nga galit ka sa mga gwapo?. napailing siya. Sa tema ng kanta ay
sinasabing nagkagusto ang isang magandang babae sa isang pangit na lalaki.
“Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog.. hulog sa'yo.” Mahinang pagsabay niya
sa kanta.

Bandang ala una na ng makauwi ng bahay si Cyrene. Kasasara pa lang niya ng


gate ng bigla na lang ay mapaigtad siya. Gulat na napalingon siya sa paligid.
Ganoon na lang ang pagkulo ng dugo niya matapos niyang makita si Lanter habang
kampanteng nakasandal ito sa pader na nagsisilbing dibisyon ng bahay nila at ng
ninang Esmee niya.
Ang kapal ng mukha nitong tumawid sa bakuran nila. Kung hindi lang siya allergic sa
aso ay bumili na siya ng tatlo at hinayaan ang mga iyon na magpaikot ikot sa
bakuran nila. Para hindi na basta makatawid pa si Lanter.
Nakakabwisit itong tingnan habang pilit na pinatutunog nito ang gitarang hawak
nito. Napasimangot siya dahil masakit sa tenga ang ginagawa nito.
“Kung inaakala mo ang pag ibig ko'y magbabago. Itaga mo sa bato dumaan man ang
maraming pasko.. lilitsunin kita.” Wala sa tonong kanta nito.
Mabilis na nilapitan niya ito at nanggigigil na hinampas niya ito ng bag na dala
niya.
“Peste ka talagang mestisong bangus ka? Lumayas ka nga dito?” Tungayaw niya.
Sinisira nito ang kanta! Balak pa naman niya iyong gawing themesong kapag naging
kasintahan na niya si Josh. Pero malabo na marahil mangyari iyon dahil sa kutong
lupa na nasa harapan niya.
Tumigil ito sa pagtugtog ng gitara. Salamat naman. Hindi na siya magtataka kung
isipin ng mga kapitbahay nila na may nagwawalang aso sa labas dahil sa pangit na
boses nito.
“Kung ikaw kaya ang litsunin ko?” Asik niya.
Hindi ito umimik at nakatingin lang ito sa kaniya habang yakap nito ang gitara.
“Kaninong bulag mo nahiram iyang gitara mo? Ibalik mo na iyan, huwag ka mang agaw
ng career dahil ngayon pa lang laos ka na.” Nakairap na sabi niya.
Hindi na naman ito umimik at nakangiting tiningnan lang siya. Ang kanang paa nito
ay nakasandal sa pader. Gusto niyang mapailing nang mapansin niya ang magulong
buhok nito, kailan kaya ito matututong magsuklay?
Nakasuot ito ng kulay asul na tshirt. Gusto niyang mapangiwi sa mga letrang nasa
damit nito.
SEX-Y.. Parang tanga. Ang hilig nitong magsuot ng mga ganoong damit na may mga
kakaibang tatak.
Nang tingnan niya ang mga mata nito ay natameme siya. Dahil madilim na ay kitang
kita niya ang kulay asul na mga mata nito. Binagayan iyon nang makapal na mga kilay
at matangos na ilong. Kahit ang kulay brown na buhok nito ay hindi nagawang itago
sa dilim.
Sa pagkakaalam niya ay isang amerikano ang ama nito kaya marahil ganoon ang
hitsura nito. Ang ina nito ay isang pilipina na kapatid naman ng Ninang Esmee niya.
“Bakit ngayon ka lang?” Tanong nito.
“Pakialam mo?”
Pinagmasdan siya nito. Nang mapansin nito ang makapal na lipstick niya ay
mabilis na yumuko ito at pinahid nito iyon. Saglit na natulala siya sa ginawa nito.
Nang makabawi siya ay bahagyang umatras siya para makalayo kay Lanter.
Kumalma ka Cyrene!
Sa tagal na wala siyang lovelife ay ngayon lang muling may humawak sa mga
labi niya.
“Bakit kailangan mo pang maglipstick ng ganiyan kakapal daig mo pa ang
clown.”
Nang marinig ang sinabi nito ay parang biglang nilipad ng hangin ang
nararamdaman niyang kakaibang init kanina.
Pinamaywangan niya ito. “Tse! Hitsura mo nama! pwede ba huwag ka ngang
tumambay sa teritoryo ko baka ipalapa kita sa aso.”
“Too bad wala kayong aso.”
“Meron.”
“Liar. Ayaw mong bumili ng aso si Tito dahil allergic ka sa aso.” Nakangising
turan nito.
“Dito lang naman sila sa labas para mabantayan ang mga pangit na nilalang sa
paligid.”
“Bakit mo pinababantayan ang sarili mo—aray?” Naiharang nito ang gitara nang
iamba niya dito ang bag niya.
Tumaas baba ang dibdib niya dahil sa labis na inis. Dala marahil ng sobrang
pagod at puyat ay mabilis na bumuhos ang emosyon niya.
“Oo na?” Nanginginig ang boses na sigaw niya dito. Mabilis na pinahid niya
ang mga luha at nagwika. “Mataba ako, pangit, hindi ako makinis at mas lalong hindi
pwedeng gawan ng shampoo commercial ang buhok ko. Ano masaya ka na? masaya ka na
dahil sa akin na mismo nanggaling ang mga kakulangan ko?” Masama ang tingin na sabi
niya sa lalaki.
Awang ang mga labi na nakatingin lamang ito sa kaniya na para bang pinag
aaralan nito ang bawat mga sinasabi at reaksiyon niya.
Umiiyak na pinalis niya ang mga kamay nito nang tinangka nitong hawakan siya.
Tiningnan niya ito ng masama bago siya umiiyak na kumaripas ng takbo.
“Cyrene wait!” Pigil nito sa kaniya.
Hindi siya lumingon at nagpasiya nang pumasok sa loob ng bahay. Hindi niya
kayang tingnan ito nang diretso sa mga mata dahil ayaw niyang makita ang
pangungutya nito.
Nang makarating siya sa loob nang silid niya ay humilata siya sa kama at tahimik na
lumuha. Bakit ba kailangan niyang masaktan ng ganoon dahil lang sa hitsura niya?
Bakit kahit pilit na sinasabi niyang ayos lang kahit laitin siya ay nasasaktan pa
rin siya? Masama ba ang kumain nang kumain? Hindi nga ba at gamot iyon para
makalimot sa sakit at problema. At kung sakaling lumobo man siya ay hindi na
problema ng iba pa iyon.
Nang mahimasmasan ay tumayo siya at sumilip sa bintana. Ganoon na lang ang
panlalaki ng mga mata niya nang makita na nakatayo pa rin sa labas si Lanter.
Mabilis na nagtago siya nang makita na nakadungaw ito sa bintana ng kwarto niya.
Natutop niya ang dibdib dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.
Teka sandali.. sandali! Hindi ako pwedeng magkaroon ng ganoong feelings sa kulogong
iyon.
Nakagat niya ang ibabang labi. Mukhang kailangan niyang gawin ang ginawa ng ate
niya para magkalove life na rin siya.

“Ate naman eh! Hindi lang naman ikaw ang pwedeng magkalovelife. Wag ka naman
unfair!” Nakasimangot na turan ni Cyrene sa nag iisang kapatid niya.
“Oo na nga. Ituturo ko na sa'yo ang ginawa ko bago ko makuha ang pagmamahal ni
Clyde.” Nakangiting tinapik ng ate Tasha niya ang balikat niya. “Dala mo ba?”
Tanong nito sa kaniya.
Mabilis na itinaas niya ang boxer na pinaghirapan niyang kunin kanina sa bahay ng
Ninang Esmee niya. Mabuti na lang ay kabisado niya ang pasikot sikot doon kaya
walang nakapansin sa kaniya matapos niyang kunin sa loob ng silid ni Josh ang pakay
niya.
Sinakto niyang araw ng linggo dahil maliban sa wala siyang trabaho ay alam din
niyang wala sa bahay ang ninang niya at ang anak nito. Si Lanter naman, well..
pakialam ba niya dito. Kahit marahil maging magkamag anak sila ay hinding hindi na
sila magkakasundo pa.
“Hindi ba nagtaka si Manang Caridad kanina?” Anang kapatid niya. Ang tinutukoy nito
ay ang kasambahay sa kabilang bahay.
Umiling siya. “Hindi naman.”
Siniguro niya na walang nakakita sa ginawa niyang pagpupuslit sa boxer ni Josh.
Kungsabagay sanay na si Manang Caridad na nagpupunta siya sa bahay ng ninang niya
at tumatambay doon lalo na sa kusina. Nitong nakaraan lang siya naging madalang sa
pagbisita sa ninang niya dahil nga iniiwasan niyang makita si Lanter.
“Basta iyong usapan natin Cyrene walang ibang pwedeng makaalam nito maliban sa atin
at sa mga kaibigan ko.” Banta nito sa kaniya.
Napatango siya. Ano ba ang bagay na itawag sa mga kagaya nila na handang gawin
ultimo magsunog ng boxer mapansin lang ng iniirog? Hopeless romantic o sadyang
pathetic lang?
Ipinagkit niya iyon sa isip at niyakap ang boxer. Inamoy amoy pa niya iyon habang
kasama niya ang ate niya.
“Kadiri ka!” Anito.
Tumawa siya. “Pustahan tayo ate ginawa mo rin naman ito habang na sa'yo ang boxer
ng boyfriend mong baduy.”
Binatukan siya nito kaya nagsimula na naman siyang asarin ito. Sumayaw pa siya
habang kumakanta.
“Ang boyfriend kong baduy.. lalalala?” Tumatawang kanta niya. Papaano siyang hindi
matatawa kung sa tuwing naiisip niya na may pagkabaduy na nga ang ate niya ay
nagsyota pa ito ng kagaya nito. Anong pag uusapan ng mga ito kapag nagpakasal na
ang mga ito at nagsasalo na sa isang kama? Krisis ng bansa o ang big bang theory?
Nang makarating sila sa bakuran ay tumahimik na siya at sinulyapan ang ginagawa
nang ate niya.
“Sigurado ka ba na si Josh na ang lalaking magugustuhan mo forever and ever?”
Tanong nito sa kaniya.
Saglit na natigilan siya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit para siyang
nagdalawang isip sa tanong ng ate niya. Bakit parang tutol naman ang isip niya
habang naiisip niya na oras na umepekto ang ginawa niya ay kasama na niya si Josh
at masasya silang nag uusap.
“Ano?” Untag ng ate niya.
Pilit na ngumiti siya sa kapatid. “Oo naman ate. Alam mo naman na matagal ko ng
gusto si Josh. Kita mo naman bagay kami 'di ba? Super love ako ni Ninang Esmee kaya
kung sakali ay one big happy family kami. At saka bakit ba tanong ka ng tanong, ako
ba nagtanong kung sigurado ka na talaga diyan sa boyfriend mo?” Nakataas ang isang
kilay na wika nito.
“Malapit ng mag alas dose. Kapag hindi ka pa tumigil hindi kita tutulungan.” Banta
nito.
“Oo na nga.” Nakaingos na saad niya.
Naghintay sila ng mahigit limang minuto bago siya nito inutusan na amuyin ng apat
na beses ang boxer.
“Bakit apat?” Nagtatakang tanong niya.
“I love you too ang ibig sabihin niyon.”
“Kasama din ba iyon sa nabasa ni Kley sa isang website?”
“Hindi.. nabasa ko iyon sa isang libro.”
Okay..
Inamoy nga niya ng apat na beses ang boxer. Sumuot sa ilong niya ang amoy nang
fabric conditioner na dumikit sa tela ng boxer.
“Okay ganito ang gagawin mo. Susunugin mo ang boxer at habang sumasayaw ka ay
sabihin mo sa sarili mo ang gusto mong mangyari.” Natawa siya nang makita niyang
ginaya nito ang sayaw ni Sarah Geronimo sa isang pelikula nito kasama si John Lloyd
Cruz habang nagdadasal ito na umulan.
“Gagawin ko iyan?”
Utang na loob! kapag nakita ng mga listeners niya ang gagawin niya, tiyak na wala
na siyang career bilang dj.
“Gusto mong tumandang dalaga?” Pinandilatan siya nito ng mga mata.
Pikit matang inilatag niya sa damuhan ang boxer matapos niyang sindihan ng lighter
ang gilid niyon at lagyan ng kaunting gas.
Kaysa naman tumandang dalaga ako. Baka ugatin na ako sa paghihintay na pansinin ako
ni Josh kapag hindi ko pa ito ginawa.
Ginaya niya ang sayaw ng ate niya kanina. Paulit ulit na humiling siya at nagwika
sa isip.
Sana po magustuhan na niya ako. Please po? Ipamimigay ko ultimo kaliit liitang hiwa
ng fried chicken na itinago ko kanina matupad lang ang wish ko.
“Higher!” Utos ng ate niya.
Itinaas niya ang paa.
Bwisit ka Lanter! Makikita mo magkakalovelife na ako at isasampal ko iyon sa'yo!

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER THREE - Page 2
by BethanySyLove27
14 - 18 minutes

"Okay.. okay ganito lang naman ang gagawin mo Cyrene ibibigay mo lang naman
ang cake kay Josh para alamin mo kung may pagbabago na sa kaniya. Kung interesado
na ba siya sa'yo. Kung.. kung.. kung.." Biglang nalaglag ang mga balikat ni Cyrene.
"Papaano kung hindi?" Bigla ay nasabi niya sa sarili.
Pilit na pinagaan niya ang pakiramdam at nakangiting pumasok sa bahay ng
Ninang Esmee niya. Nang makita niya ito ay mabilis na nagmano siya dito.
"Ninang.." Kinakabahan man ay ngumiti siya para hindi siya nito mahalata.
"Cyrene, hija, Ngayon ka lang ulit nadalaw." Niyakap siya nito. "Naku ikaw na
bata ka kung kailan nagmamadali ako saka ka naman susulpot sa bahay. Magkita tayo
mamaya okay?"
"S-sige po."
Nang umalis na ito ay mabilis na nagtungo siya sa sala. Nakagat niya ang labi
niya nang mapansin niya na naroon pala si Josh. Nagbabasa ito ng magazine habang
prenteng nakaupo sa sofa.
"Good morning.." Bati niya.
Nang mag angat ito nang tingin ay parang mas lalong dumagdag ang kaba niya.
Hindi na siya makapaghintay na malaman kung umepekto ba dito ang ginawa niya.
Sana naman.. sana naman..
"Good morning." Nakangiting bati nito sa kaniya. Nang sulyapan nito ang dala
niyang cake ay mabilis na nagpaliwanag siya.
"Ahmm.. eh.. birthday kasi noong ano.." Hindi niya pwedeng sabihin na birhday
niya o ng mga kasamahan niya sa bahay dahil madali lang nitong matutuklasan na
nagsisinungaling siya.. "Birthday ng aso ko kaya heto nagbake ako ng cake."
Napangiwi siya nang mapagtanto niya ang sinabi niya.
Ang gaga mo Cyrene!
Napakunot noo naman ito. "May aso pala kayo?"
Natuliro siya at mabilis na nag isip nang idadahilan. "D-dati pa. Kaso
namatay na noong nakaraang taon pa eh."
"Ganoon mo siya kamahal?" Anito.
Tumango na lamang siya at pinag aralan ang reaksiyon nito. Ang sabi ng
kapatid niya na ngayon lang tinubuan ng malisya sa katawan ay makikita niya agad
ang senyales kung umepekto nga ang ginawa niya.
Unang senyales daw ay magiging mabait na ito sa kaniya. Kung tutuusin ay
mabait naman si Josh. Talagang wala lang siyang appeal dito at simpleng kakilala
lang ang tingin nito sa kaniya.
Ikalawa ay kapag tiningnan daw siya nito ng may paghanga sa mga mata. Hindi
na siya makapaghintay pa? Ang lahat ng mga senyales ay pinag usapan nila at itinuro
sa kaniya ng kapatid habang nasa bakuran sila, alas dose ng gabi.
Kapag naging mabait siya sa'yo at tiningnan ka niya nang may buong paghanga
ibig sabihin umepekto na ang ginawa nating spell. Basta ang importante magpakita ka
sa kaniya ng mas madalas para maguluhan siya. Para maramdaman niya iyong kakaibang
feelings niya para sa'yo.
At dahil masunurin siyang kapatid ay ginawa niya ang mga bilin ng ate niya sa
kaniya. Ibinaba niya ang cake sa mesa at inalok si Josh kumain.
"Kuha lang ako ng plato." Wika niya.
Nang tumalikod siya ay mabilis na tumayo ito at pinigilan siya sa braso.
Sumikdo ang dibdib niya dahil sa ginawa nito.
This is it! Magkakalove life na ako! Thank you ate!
Dahan dahan siyang nag angat ng tingin sa lalaki. Nakatingin ito sa kaniya at
parang gustong manlambot ng mga tuhod niya para bumagsak siya sa mga bisig nito.
Hindi man ito gwapo at macho ay sapat ng mabait ito para sa kaniya.
Kahit mukha kayong number ten? nang iinsultong wika nang kabilang bahagi nang
isip niya.
"Hey?" Anang isang tinig mula sa likuran niya.
Napangiwi siya nang mapansin ang pagbitiw ni Josh sa braso niya.
Peste ka talagang Lanter ka! nakasimangot na nilingon niya ito. Hindi ito
nakatingin sa kaniya kundi sa pinsan nito.
Kung wala si Josh sa harap nila malamang na nasaktan na niya ito dahil sa sobrang
inis niya dito.
Isang malaking istorbo!
"Yes?" Baling ni Josh sa pinsan nitong kulugo.
May kulugo ba na ganiyan kagwapo Cyrene? Gusto na niyang kutusan ang sarili dahil
sa naisip niya.
"Manghihiram sana ako ng boxer sa'yo. Hindi pa kasi naglalaba si Manang." Ani
Lanter.
Narinig niya ang marahang pagtawa ni Josh.
"Nagpapatawa ka ba pinsan? Alam mo naman na hindi ako nagsusuot ng boxer."
Natatawang humilata si Josh sa sofa. "Cyrene huwag mo na pala akong ikuha ng plato.
Pasensiya na kanina pa kasi sumasakit ang tiyan ko kaya hindi ako makakain ng
maayos."
Halos hindi na rumehistro sa isip niya ang sinabi ni Josh dahil sa natuklasan niya.
Shit shit shit!. papaanong hindi ito nagsusuot ng boxer gayong siya ang mismong
nagpuslit niyon sa silid nito?
Parang sasabog ang ulo niya sa natuklasan niya. Imposible! Gusto niyang pumalahaw
nang iyak dahil sobrang naguguluhan na talaga siya. Hindi na nga siya nakaimik pa
kahit kinakausap siya ni Josh.
Bigla ay sumulyap sa kaniya si Lanter. Napakunot noo siya nang mapansin ang
kakaibang kislap sa mga mata nito habang nakatingin ito sa kaniya. Ang pagsikdo ng
dibdib na naramdaman niya kanina ay parang katiting lang kung ikukumpara niya
ngayon habang nakatingin ito sa kaniya.
Gusto niyang tumili nang malakas at baka sakaling kumalma siya. Bakit ba siya
tinitingnan nng lalaking ito na para bang siya na ang pinakamagandang babae na
nakita nito sa buong buhay nito. Naninibago siya sa paraan nang pagtitig nito sa
kaniya, walang halong kapilyuhan iyon. Walang bahid nang pang iinis.
O baka naman nagugutom lang ako..
"Hi!" Isang simpatikong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Pasimpleng
tinutop niya ang dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso niya.
Hindi siya umimik dahil nararamdaman niyang pipiyok siya.
Nang tingnan nito ang cake na nasa mesa ay mabilis na kinuha nito iyon.
"Since wala naman balak si Josh na kainin ito ako na lang ang uubos ha?"
Malambing na sabi ni Lanter sa kaniya.
Himala ng mga himala! Ang bait nito sa kaniya ngayon!
Dahil hindi niya magawang magbigay nang reaksiyon ay napatango na lamang
siya.
"Thanks." Napasinghap siya nang pisilin nito ang kanang pisngi niya at mabilis na
tumakbo na ito paakyat ng hagdan dala ang cake niya. Napakunot noo siya nang
mapansin ang pagliko nito para tunguhin ang kwarto ni Josh.
Nang makabawi ay mabilis na lumingon siya kay Josh na muling inabala ang
sarili sa pagbabasa nng magazine. Kamuntik na siyang mapasinghap nang mapansin ang
magazine na hawak nito.
Playboy magazine?
Gusto niyang madissapoint. Hindi niya inaasahan na mahilig pala ito sa mga
babaeng maganda at sexy. Tumikhim siya at nagwika.
"S-share pala kayo ng room ni Lanter." Hindi niya alam kung ngiwi o ngiti ang
sumungaw sa mga labi niya.
Nilingon siya nito at nagsalita.
"Lumipat na ako ng kwarto. Siya na ang gumagamit ng kwarto ko dahil sa kaniya
naman talaga dapat iyon. Nagkataon lang na pag uwi ko ay sira pala ang aircon sa
kwarto ko kaya sa kwarto niya ako nagstay. Pero nang umuwi siya dito bumili na si
mommy ng bagong aircon para sa akin, kaya doon na ulit ako sa dati." Anito at
muling nagbasa ng magazine. Hindi man lang ito nag abalang itago ang binabasa nito
at nakatiwangwang sa harap niya ang isang babaeng wala na halos saplot sa katawan.
Pero hindi niya magawang magreact sa pag uugali nito. May mas dapat siyang
problemahin kaysa kay Josh. Isang malaking problema!

Dahil labing limang minuto pa naman ang breaktime niya bago niya sagutin ang
tawag ng ikalawang caller ay nagpasiya na muna siyang lumabas ng booth at
makipagkulitan sa mga kasamahan niya.
"I love the way you love me.." Mahinang pagsabay ni Cyrene sa kantang napili
niyang iplay bago niya tapusin ang pakikipag usap niya sa unang caller.
Lahat ng mga kasamahan niya ay nakangiting kagaya niya. Kanina kasi habang
nakaon air siya at kinakausap niya ang lalaking caller ay ganoon na lamang ang
hiyawan ng mga tao sa labas nang booth. Iyon kasi ang unang beses na may
nagproposed ng kasal sa programa niya.
Kahit nga ang kasintahan ng caller niya ay nasorpresa at naiyak dahil sa
ginawa ng nobyo nito.
"Ano iyan?" Dinungaw niya ang laptop ng isa sa mga technician nilang si Jom.
Hindi nito duty ngayong gabi. Naisipan lang nitong tumambay sa station dahil may
wifi ang lugar nila.
"Bilib talaga ako dito kay Tyrone Lee." Namamanghang turan nito habang hindi
mapuknat ang pagtitig nito sa laptop.
Napataas ang isang kilay niya nang mapansin niya ang mga kotseng
naggigitgitan sa arena. Parang siya ang kinabahan sa nakikita niyang pagsemplang ng
isang sasakyan.
"Kailan ka pa nahilig sa car race?" Nagtatakang tanong niya dito.
"Ngayon lang. Hindi ko kasi maiwasang mamangha dito kay Tyrone Lee." Itinuro
nito ang isang sasakyan. "Iyan ang gamit niya. Magaling siyang car racer. Sikat
siya sa buong asya dahil sa talento niya. Ang kaso may nakapagsabi sa akin na ilang
taon na ang nakakaraan magmula nang tumigil siya sa pagsali sa mga laban dahil sa
aksidenteng nangyari sa kaniya matapos ang huling laban niya." Anito.
Nang sundan ni Cyrene ng mga mata ang sasakyan ng car racer na tinutukoy nito
kahit siya ay namangha. Wala siyang alam tungkol sa ganoong uri ng laro pero
masasabi niyang magaling talaga ito. Hindi ito nagpapatalo kahit dalawang sasakyan
na ang gumigitgit dito. Bandang huli ay nauna itong nakarating sa finish line
habang ang mga kasabay nito ay pinakain nito nang makapal na alikabok.
Hindi niya makita ang mukha nito pero base na rin sa built ng katawan nito
matapos nitong lumabas nang kotse ay alam niyang matikas ang pangangatawan nito.
Anyong tatanggalin na nito ang suot na helmet ng bigla na lamang ay tawagin siya ng
kasama niya.
Nilingon niya ito bago tumango. Oras na para pumasok siya sa loob nang booth
at sagotin ang tawag ng caller niya.

Nang sumapit ang uwian ay parang doon lang tinablan ng antok at pagod si
Cyrene. Nasasanay na ang katawan niya sa bagong oras ng trabaho niya.
"Hatid na kita." Alok sa kaniya ng kasama niyang si Lei. Isa ito sa mga
technician nila.
Napailing siya at nakangiting tinanggihan ito. Gusto niyang madismaya. May nag alok
nga sa kaniyang maghatid pero kapwa naman niya babae.
Samantalang ang mga kasamahan nilang lalaki ay nauna pang umuwi sa kanila.
Hindi niya alam at hindi rin siya sigurado kung may natitira pa nga bang mga
mabubuting lalaki dito sa mundo. Kung mayroon man tiyak na may mga kasintahan o
asawa na ang karamihan sa mga ito.
Napapalatak siya. Kahit papaano ay naiinggit din naman siya sa mga babaeng
masaya ang lovelife ngayon. Samantalang siya ay nag iisa habang nagmumukmok sa
isang sulok.
"Cyrene."
Napaigtad siya nang marinig ang isang pamilyar na tinig ni Lanter. Mabilis na
nilingon niya ito. Kumabog ang dibdib niya nang mapansin na nakasandal ito sa pader
na parang may hinihintay.
Umaasa ba ako na ako ang hinihintay niya?
"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya.
"Hinihintay kita." Turan nito.
Kamuntik nang malaglag ang puso niya sa sahig dahil sa narinig.
"Ba-bakit? May utang ba ako sa'yo? Sumakit ba ang tiyan mo dahil sa cake na
kinain mo kahapon?" Para na siyang sasabog dahil sa labis na kaba.
Nakakaubos ng enerhiya ang mga mata nito habang walang puknat ang pagtitig sa
kaniya. Pakiramdam niya ay nasa isang kulay asul na dagat siya habang pinagmamasdan
siya nito.
Utang na loob Lanter! Tantanan mo ako ng ganiyang tingin..
Umiling ito at mabilis na nilapitan siya.
"Ihahatid na kita." Masuyong wika nito. Nang tinangka nitong hawakan ang bag
niya ay mabilis na umiwas siya. Baka lalo lang siyang manghina kapag dumikit ang
mga daliri nito sa balat niya. Isa pa ayaw niyang mahalata nito na hindi
gaanong kasya sa braso niya ang hawakan ng bag, at kung aalisin niya iyon ay
mahihirapan siya. Paborito kasi niya ang bag na bigay sa kaniya ng Ninang Esmee
niya kaya madalas na ginagamit niya iyon kahit hindi akma sa matabang braso niya.
"B-bakit?" Natutulirong tanong niya dito.
Kumibot naman ang mga labi nito na para bang may gusto itong sabihin. Bandang
huli ay masuyong tiningnan lang siya nito. Windang na windang ang kalooban niya!
Papaano siya nito naaatim tingnan na para bang beauty queen o supermodel
siya? Papaano din nito nagagawang pakabogin ng ganoon ang dibdib niya.
Sabi sa'yo Cyrene mag ingat ka sa cholesterol baka mamaya epekto lang nang
kinakain mo iyang mabilis na heartbeat mo.
At papaano kung hindi?
Nang tingnan niya ang lalaki ay parang gusto niyang pagsisihan na iniwasan
niya ito kanina. Sinong anak ni Eba ang hindi mahuhumaling sa hitsura nito?
Teka lang.. remember galit ka sa mga gwapo?
Wala ba kahit isang gwapong anak ni Adan ang maaaring makaligtas sa sumpa
niya?
"Gusto kitang ihatid. Alas dos na nang madaling araw baka kung mapaano ka sa
daan." Nakangiting bigkas nito.
Natigagal siya. Tama ba ang narinig niya?
Napalinga siya sa paligid bago ito muling hinarap.
"A-ako?" Alam niyang mukha na siyang tanga o slow sa ginawa niya. Alam naman
niyang silang dalawa lang ang tao doon pero nagtanong pa rin siya nang walang
kwenta. Nang napakamot ito sa ulo ay kamuntik na siyang mapangiti.
Cute!
Daig pa nito ang isang lalaking teenager habang nahihiyang magtapat nang
damdamin sa crush nito habang kaharap niya.
Assuming ka ate?
"Hindi ko din alam eh. Basta gusto kitang ihatid." Simpatikong ngumiti ito na
ikinalaglag nang puso niya.
Natutop niya nang mariin ang dibdib nang maramdaman niya ang malakas na
pagkabog niyon. Sa sobrang lakas ay halos mabingi na siya.
Pilit na kinalma niya ang sarili at hinarap ito.
"Adik ka. Kung gusto mo lang magpasalamat sa cake dahil ayaw mong magkaroon
nang utang na loob sa akin huwag ka mag alala hindi naman ako maniningil."
Seryosong sabi na lang niya bago nagpasiyang talikuran na ito at maghanap nang
masasakyan.
"Basta ihahatid kita." Giit nito.
"Tumigil ka nga Lanter. Gusto mong magflat ang mga gulong ng kotse mo?"
Hinarap niya ito at pinandilatan ng mga mata.
Dahil madaling araw na ay bihira na lamang ang mga dumadaang tricycle sa
parteng iyon nang lugar nila. Tila nakahinga siya nang maluwag nang may pumaradang
tricycle sa harapan niya. Pero bago niya magawang sumakay ay narinig niyang
nagsalita si Lanter na nasa likuran lang pala niya.
"Hindi ko alam kung bakit pero nagising na lang ako isang araw na hindi ka na
mawaglit sa isip ko." Anito.
Kamuntik nang mahulog ang pang upo niya dahil sa pagkagulat.
"Manang dahan dahan naman po baka masira ang upuan." Saway ng tricycle driver
sa kaniya.
Naiinis na tiningnan niya ang matandang lalaki. "Manong bakit hindi siya ang
pagsabihin mo?"
Hindi niya alam kung kanino siya naiinis. Naiinis siya kay Lanter dahil sa
mga pinagsasasabi nito kaya nagrerebolusyon ang buong sistema niya. Naiinis din
siya sa tricycle driver dahil sinira nito ang moment niya. Naiinis siya sa sarili
niya dahil kinikilig siyang hindi niya mawari.
"Nababaliw ka na!" Sigaw niya kay Lanter.
Pesteng boxer short!

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER FOUR - Page 2
by BethanySyLove27
15 - 19 minutes

Dahil day off ng kasambahay nila ay napilitan si Cyrene na kumilos buong


umaga at gawin ang mga gawain nito.
Pawisan na siya matapos niyang maghugas ng plato at maglinis ng silid ng mga
magulang niya. Tapos na rin niyang linisan ang sariling silid at ang sa kapatid
niya. Hindi niya mapilit ang ate niya na tulungan siya dahil may hika daw ito.
Napailing siya.
"Hindi na lang sabihin na ayaw niyang umalis sa harap nang telepono habang
kausap niya ang baduy niyang syota. Idahilan pa ang hika." Naiinis na lumabas siya
para itapon ang basura.
Matapos niyang gawin iyon ay muli na siyang pumasok sa bakuran at nagpasiyang
maghilamos at matulog. Mamayang gabi pa naman ang trabaho niya kaya matutulog na
muna siya.
Habang naglalakad si Cyrene ay napaigtad siya nang maramdaman niyang may
tumalon mula sa mataas na pader na nagsisilbing dibisyon ng bahay nila at ng ninang
niya.
Dahil marahil sa sobrang gulat niya ay malakas na napatili siya. Kung hindi
pa siya niyugyog ay hindi marahil siya matatauhan.
Nang magmulat siya ng mga mata at makita niya ang nakatayong si Lanter sa harap
niya ay mabilis na pumiksi siya mula sa pagkakapit nito sa mga braso niya.
"Ano ba!" Malakas na singhal niya dito. Pasimpleng hinilot niya ang mga
balikat dahil nararamdaman niya ang mabilis na pagkalat ng mga kuryente sa katawan
niya.
"Are you okay?" Nag aaalalang tanong nito.
Natulala siya sa reaksiyon ni Lanter. Halos hindi siya makapaniwala na nagawa
nitong mag aalala para sa kaniya. Ngayon lamang may gumawa sa kaniya ng ganoon at
sadyang hindi iyon madaling tanggapin ng sistema niya.
Noong sila pa ng kasintahan niyang si Ark ay hindi man lang niya nakita dito
ang ganoong klase nang pag aalala. Nagpakatanga siya dahil akala niya ay sa happy
ending ang tuloy nilang dalawa.
Still.. nagkamali siya pa rin siya ng akala. Hindi ito ang tipo ng boyfriend
na maglalambing kapag nagtatampo siya. Kapag nag aaway sila ay hindi rin naman siya
makatiis na hindi ito kausapin bandang huli kaya marahil nasanay na ito sa ganoon
Ng minsang madapa siya sa kanto ay pinagalitan pa siya nito at tinawag na
tanga sa halip na tulungan siya. Ang pinakamasaklap ay nang pilitin siya nitong
dalhin sa isang motel, nag away sila dahil sa matigas na pagtanggi niya.
Ng sumunod na araw naisip niyang may punto ito matapos nitong sabihin na may
pangangailangan din ito bilang lalaki. Dinalaw niya ito sa bahay para humingi siya
ng tawad at sabihing payag na siya sa gusto nito. Punong puno siya nang pag asa
noon dahil naniniwala siya sa pagmamahalan nilang dalawa. Pero siya pa ang
nasorpresa matapos niya itong maabutan sa silid nito kasama ang isang hubad na
babae. Hindi man lang ito nagsorry o humabol sa kaniya nang tumakbo siya palabas ng
bahay nito.
Iniyakan niya ang nakita niya, para na siyang mamamatay ng mga oras na iyon.
Pero hindi siya nagpatalo at kinausap pa rin ito. Nakahanda naman sana siyang
patawarin ito pero nakita niya itong may kasamang ibang babae habang sweet na
kumakain ang mga ito sa isang kilalang restaurant.
Doon niya lubos na naisip kung gaano kahirap magmahal ng isang lalaking
gwapo. Hindi matibay ang loob niya at masakit isipin na marami siyang kaagaw dito.
Bandang huli ay ito din ang nakipaghiwalay sa kaniya matapos siya nitong pagsabihan
ng mga masasakit na salitang hindi na niya nais pang marinig.
Nang maramdaman niya ang marahang pagdantay ng palad ni Lanter sa noo niya ay
napasinghap siya.
"Okay ka lang ba?. Baka naman may sinat ka?" Anito.
Pilit na sinikil niya ang nararamdaman niyang kakaiba at mabilis na tinabig
ang kamay nito. Namumula ang mga pisngi na nag iwas siya ng tingin dito.
Nakakahiya! kanina pa siya pinagpapawisan at malamang na naramdaman nito iyon
ng idampi nito ang mga palad nito sa kaniya.
"W-wala akong sakit. May kailangan ka?" Nang dumako ang pansin niya sa
magulong buhok nito ay napakagat labi siya .
Hindi niya mapigilan ang maakit sa kagwapuhan nito. Kahit ang matangos na
ilong nito ay nakakatuwang pisilin at kagatin hanggang sa mamula iyon na parang
kamatis.
"Sigurado ka ba na okay ka lang?" Inabot nito ang palad niya.
Mabilis na umiwas siya dito at kunot noong nagtanong.
"Ano ba! Close ba tayo?" Mataray na sabi niya kay Lanter.
Hindi naman ito umimik at mabilis na hinila siya palapit sa katawan nito.
Dios mio! Nanginginig ang mga tuhod niya matapos niyang mapansin ang mga kamay nito
sa malapad na baywang niya.
"Ano ba!" Namumula ang buong mukha na singhal niya dito.
Sa halip na magpasindak ito sa kaniya ay dinama ng mga labi nito ang noo
niya. Para siyang sasabog dahil sa labis na emosyong naipon sa dibdib niya.
"L-lanter.." Nawalan na siya nang lakas na sumigaw ulit. Bakit ba parang mas
gusto pa niya ang kumanta na lang habang nasa mga bisig siya nito.
Naitukod niya ang mga nanginginig na kamay sa malapad na dibdib nito.
"Wala ka naman palang sakit." Nakangiting sabi nito.
Awang ang mga labing tumingin siya sa mga mata nito.
Isa.. dalawa.. tatlo.. kapag hindi ka pa umiwas Cyrene bahala ka na!
Kagat labing tinabig niya ito at nang makalayo siya ay pilit na sumimangot
siya.
"Anong palagay mo sa labi mo thermometer?" Pinamaywangan niya ito.
Kumibot lang ang mga labi nito habang nakatingin ito sa mga dibdib niya.
Napamulagat siya nang maalalang wala siyang suot na bra. Mabilis na tinakpan
niya ng mga braso ang dibdib niya.
"Bastos!." Naniningkit ang mga matang sabi niya.
Nang tumalikod siya ay bigla na lamang itong nagsalita.
"Bakit ba ayaw mo akong pakinggan? Kasalanan ito ng cake mo 'eh hindi mo na
ako pinatulog matapos kong kainin iyon. Bawat minuto ay sumasagi ka sa isip ko.
Hindi mo ba ako naiintindihan Cyrene? Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hindi
kita nakikita. Pakiramdam ko mababaliw ako."
Kung may nahulog na spaceship sa harapan niya ay tiyak na maniniwala pa siya.
Pero ang isipin na may isang ganoon kagwapong lalaki ang papansin sa kaniya ay mas
malala pa iyon sa isang himala.
Nang lumingon siya ay napansin niya ang biglang pagluhod nito sa damuhan.
"Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo sinasabi sa akin na gusto mo rin ako." Ani
Lanter.
Natigagal siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya habang nakaluhod ito sa
harapan niya.
Ng tingnan niya ang mga mata nito ay parang gusto niyang matunaw nang paulit ulit
sa mga titig nito. Halos mabingi na siya dahil sa mabilis na pagrigodon ng dibdib
niya.
Ang adik mo! Kasalanan mo kung bakit nagkakaganiyan siya. Sunogin mo ba naman ang
boxer niya! kontra nang isip niya.
Mali ba naman niya iyon? Ano ba ang malay niya na hindi nagsusuot ng boxer ang
pinsan nito at ito pala ang may ari ng boxer na inamoy amoy niya nang bongga at
sinayawan niya pa.
Pero siyempre hindi niya pwedeng sabihin iyon dito dahil tiyak na malalagot siya sa
mga magulang at ninang niya. Baka isipin pa ng mga ito na desperada na siyang
makuha ang atensiyon nito.
"Manigas ka diyan!" Turan niya bago niya ito tinalikuran at pumasok na siya sa loob
nang bahay.
"Wala ka ba balak lumabas at kausapin siya?." Tanong nng ate ni Cyrene.
Mula sa ginagawa niyang pagbabasa nang libro habang nakahilata siya sa kama ay
nilingon niya ito. Noon pa man ay ugali na nito ang pumasok sa loob ng silid niya
ng walang paalam.
"Cyrene!" Tawag nito sa kaniya matapos niyang hindi sumagot.
Nakasimangot na nilingon niya ang kapatid. Nang makita niya sa mukha nito ang
determinasyon ay napahinga siya ng malalim.
"Ate naman eh! Hindi mo ako naiintindihan kaya manahimik ka na lang sa kwarto mo."
Angal niya.
"Tigilan mo ako. Kahit hindi tayo close, ate mo pa rin ako." Pinandilatan siya nito
ng mga mata.
Totoo ang sinabi nito. Dahil nga magkaiba sila ng mga hilig at pag uugali ay hindi
sila gaanong nabigyan ng pagkakataon na maging malapit sa bawat isa. May mga
kaibigan kasi ito na magmula pa noon ay itinuturing na nitong mga kapatid. Kaya nga
nagpasiya siyang lumayo dito dahil maliban sa nagseselos siya sa mga kaibigan nito
ay hindi din niya masakyan ang ate niya kung minsan.
Kung hindi pa marahil siya nakiusap na tulungan siya nito dahil gusto niyang maging
nobyo si Josh ay hindi sila makakapagbonding ng ganoon.
"Ano ba kasi ang nangyayari? Maawa ka naman kay Lanter, aba isang oras na iyon sa
labas habang nakaluhod sa damuhan."
May humaplos na awa sa dibdib niya pero sinikil niya iyon at nagmatigas. Nagpasiya
siyang sabihin sa kapatid ang nangyari.
"Anong gagawin ko ate? Hindi ko naman inaasahan na hindi kay Josh iyong boxer!"
Mangiyak ngiyak na tanong niya. "Ano ba naman ang malay ko na kay Lanter pala iyong
sinunog kong boxer? Tapos ngayon bigla na lang siyang bumait sa akin. Sabi niya
mababaliw na daw siya kapag hindi ko pa siya pinansin. Umepekto ang ginawa natin sa
kaniya. Ate tulungan mo ako!" Atungal niya.
Nakatingin lamang ito sa kaniya. Makalipas ang ilang segundo ay lumapit ito sa kama
at pinitik ang ilong niya.
"Gaga ka! isipin mo nga tinamaan ka ng kakaibang swerte dahil sa nangyari. Ang
totoo niyan hindi ko gusto si Josh para sa'yo. Hindi sa namimintas ako pero hindi
ko gusto ang hilatsa ng pagmumukha niya. Si Lanter maliban sa talagang napakagwapo
ay talagang mabait."
Napamulagat siya. "Ate kailan ka pa natutong magsalita nang ganiyan?. Kailan pa
luminaw ang mga mata mo?"
Muli na naman siya nitong pinitik sa tungki ng ilong.
"Magtigil ka!"
Napasimangot na naman siya. Ang kapatid niya ang tipo ng babae na mamumulang parang
kamatis ang buong mukha makakita lang ng lalaking walang pang itaas na damit. Pero
ngayon mukha nagbago na nga ito.
Iba na talaga ang nagagawa ng pag ibig..
"Alam mo Cyrene mas bagay siya sa'yo-"
"Bagay?" Bulalas niya. "Nakikita mo ba ate ang kaibahan naming dalawa? Siya iyong
tipo ng lalaki na kahit hindi gumawa ng paraan makukuha pa rin niya ang atensiyon
ng isang babaeng ng walang kahirap hirap. Samantalang ako kung hindi pa ako
magnanakaw ng boxer ng isang lalaki at hindi ko pa susunugin iyon habang daig ko pa
ang mangkukulam ay walang magkakagusto sa akin. Naiintindihan mo ba ako ate? Gusto
niya lang ako dahil sa ginawa natin."
"Baliw ka! hindi ko sinabing bagay kayo dahil gwapo siya at mataba ka. Ano naman
kung chubby ka? wala sa figure iyan. Bakit hindi mo subukan baka sakaling magclick
kayo?"
Napailing iling siya. "At kung hindi?"
"Walang masama kung susubukan mo. Hayaan mo nang ang tadhana ang magdesisyon. Ang
importante maging masaya ka." Turan nito bago ito lumabas ng silid niya.
Awang ang mga labing tinitigan lang niya ang pinto. Hindi niya alam kung ano ang
dapat niyang isipin. Wala siyang makuhang sagot sa ate niya dahil nabulag na
marahil ito ng sobrang kaligayahan. Wala itong makita kahit kakarampot na problema
sa kaso niya.
Nang dungawin niya ang bintana ng silid niya ay ganoon na lamang ang panlalaki ng
mga mata niya ng mapansin niya ang pagdilim ng langit.
"Uulan!" Bulalas ni Cyrene.
Mabilis na tumayo siya at mahulog na siya sa kama bago pa man siya makadungaw sa
bintana. Ganoon na lang ang panggigilalas niya nang mapansin niya na naroon pa rin
sa bakuran nila si Lanter. Nakaluhod ito habang nakayuko. Parang tumalon mula sa
sampong palapag na building ang puso niya nang mag umpisa na namang magwala iyon.
"Ang kulit mo Lanter. Bakit ba nandiyan ka pa rin. Hindi mo ba naisip na mababasa
ka ng ulan?" Napabuntonghininga siya. "Kasalanan ko ito. Kung hindi ko ginawa iyon
hindi ka magkakaganiyan. Isipin mo naman magkakagusto ka sa isang matabang kagaya
ko. Samantalang daig mo pa ang mga modelo at artista tapos sa akin lang ang bagsak
mo."
Daig pa niya si Rapunzel habang dumudungaw sa bintana at pinagmamasdan ang Prince
Charming niya. Pakiramdam din niya ay lampas na sa kabilang kanto ang haba ng buhok
niya. Nang marinig niya ang malakas na pagkulog ay napakislot siya. Nag alala siya
para kay Lanter papaano kung magkasakit ito?
Napakamot siya sa noo matapos niyang maisip na kailangan niyang lumabas para
harapin ito.
Ang ganda mo Cyrene!
Nang muling dumilim ang langit ay nataranta na siya ng tuluyan. Naalala niya ang
ginawa ni Sarah Geronimo sa isang pelikula nito habang pinipigilan nito ang
pagpatak ng mga ulan.
Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at mabilis na ginaya ang nasabing aktres sa
ginawa nitong pagsayaw.
Hindi niya maintindihan kung si Sarah Geronimo o Vice Ganda ang ginagaya niya.
Basta sige lang siya sa walang humpay na pagsayaw.
"Rain, rain go away.." Taboy niya sa ulan. Mas itinaas niya pa ang mga kamay nang
marinig niya ang malakas na pagbuhos nang ulan. Makalipas ang ilang minuto ay wala
na siyang nagawa kundi tumigil sa ginagawa niya.
Nang dumungaw siya sa bintana ay napaantanda siya nang makitang naroon pa rin sa
labas si Lanter. Kagaya kanina ay nakaluhod pa din ito.
Nakagat niya ang ibabang labi ng magtama ang mga mata nilang dalawa. Mabilis na
nagtago siya at tutop ang mga dibdib na napapikit siya.
Bakit ganoon? Bakit parang gusto niyang magwala sa sobrang tuwa habang nakikita
niya ang determinasyon nito na makuha ang buong atensiyon niya?.
Bakit hindi niya mapigilan ang mag aalala dito habang nakikita niyang basang basa
na ito nang ulan? Bakit nag aalala siya na magkasakit ito gayong matagal ng mainit
ang dugo niya dito.
Hindi na niya maintindihan ang mga bagay na tumatakbo sa isip niya dahil ang buong
sistema niya ay nauukopa na nito. Hanggang sa hindi na siya nakatiis pa, mabilis na
kumaripas siya nang takbo pababa bitbit ang isang maliit na payong.
Ng tuluyan na siyang makalapit dito ay parang mapupugto ang hininga niya dahil sa
labis na emosyong nararamdaman niya.
Agad na pinayungan niya ito. Sabihin ng over acting siya pero napaluha talaga siya
ng mga oras na iyon. Hindi niya magawang pigilan ang pag alpas ng masaganang luha
sa mga mata niya dahil iyon ang unang beses na may gumawa sa kaniya nang ganoong
bagay.
Isipin man ng iba na miserable siya pero wala siyang pakialam. Magmula noong
maliit pa siya ay nasanay na siya sa pangungutya ng iba dahil sa timbang niya. Nang
magpapayat naman siya, kahit papaano nakuha niya ang respeto at atensiyon na nais
niya. Niligawan siya ni Ark at ng sagutin niya ito ay nakulong siya sa isang
relasyon na hindi niya akalaing mauuwi lamang pala sa wala. Bandang huli mas pinili
niyang ibalik ang dating siya matapos niyang mabigo sa pag ibig.
Sa buong buhay niya ay ngayon lang niya naramdaman ang pagpapahalaga maliban sa
ipinaramdam sa kaniya ng pamilya niya.
Nang mag angat nang tingin si Cyrene sa lalaki ay para na naman siyang
nahipnotismo. Ngumiti ito sa kaniya na para bang walang nangyari. Na para bang
hindi ito lumuhod ng mahigit isang oras makuha lang ang atensiyon ng isang babaeng
feeling prinsesa na walang iba kundi siya.
Nagrigodon na naman ang puso niya matapos nitong tumayo at kuhanin ang payong mula
sa kamay niya. Napasinghap siya nang ihagis nito ang payong sa malayo at mabilis na
hinapit siya nito sa baywang.
"L-lanter.." Tanging nasabi niya.
Para siyang mauubusan ng hangin sa dibdib matapos siya nitong tiningnan ng buong
pagsuyo. Maiinggit ang mga kagaya niyang babae kapag nakita ng mga ito ang tagpong
iyon.
"Bakit pa tayo magpapayong hindi naman tayo kasya." Isang pilyong ngiti ang
pinakawalan nito. Hindi maitago ang kaligayahahan sa gwapong mukha nito.
Sa kabila ng lahat ay hindi siya nainsulto. Sa paraan kasi nang pagkakasabi nito ay
parang sinasabi lamang nito sa kaniya ang isang bagay na matagal na niyang
inaasahang marinig sa isang lalaki: Maganda ka.
Hindi man nito sabihin iyon ay nakikita niya iyon sa magagandang pares ng mga mata
nito. Tumawa lang siya nang malakas matapos niyang mapansin ang pag ubo nito
matapos nitong pilitin na iangat siya sa lupa habang yakap siya nito.
"Daganan kita diyan eh." Natatawang iniyakap niya ang mga kamay sa leeg nito. Nang
tingnan niya si Lanter sa mga mata ay isa lang ang naisip niya. Walang duda.
Ang ganda ko talaga!

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER FIVE - Page 4
by BethanySyLove27
16 - 20 minutes

Napabuntong hininga si Cyrene matapos niyang makita ang kakaibang reaksiyon ng mga
kasamahan niya sa radio station. Anniversary ng istasyon nila kaya may celebration
sila at ginanap iyon sa second floor nang building nila.

Ayon sa station manager nila, para maiba ang party ngayong taon ay kailangan
nilang magsama ng kadate. Nang tanungin niya si Lanter ay hindi ito nagdalawang
isip na samahan siya doon.

Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa nangyayari sa kanilang


dalawa. Hindi niya masabi kung anong mayroon sila ngayon, basta ang alam niya ay
hindi niya magawang pigilan ang sariling mapalapit dito lalo pa at alam niyang doon
siya masaya.

Nang mapansin niya ang pagtaas ng kilay ng mga babaeng naroroon ay para
siyang tinakasan ng lakas ng loob. Napayuko siya habang naglalakad.
“Tingnan ninyo si Cyrene, anong pagpapaawa kaya ang ginawa niya sa ganiyan
kagwapong lalaki para lang samahan siya dito?” Nakataas ang isang kilay na bulong
ni Arly sa katabi nito.

Napayuko siya. Hindi niya alam kung papaano magrereact sa ganoong


pagkakataon. Nang maramdaman niya ang marahang pagpisil nang mga palad ni Lanter sa
palad niya ay napaangat siya nang tingin sa lalaki.

“I-im sorry..” Tanging nasabi niya.

Agad na bumadha ang pagtataka sa mukha nito.

“For what?”

Napahinga siya nang malalim. “Hindi ka ba nahihiya?”


“Bakit naman ako mahihiya?” Balik tanong nito sa kaniya.

Napanguso siya. “Dahil ako ang kasama mo. Tingnan mo nga ang hitsura mo at
ang hitsura ko. Magmumukha akong teacher kapag itinabi sa'yo.” Bigla ay parang
gusto niyang magself pitty sa isang sulok at huwag pansinin ang mga taong naroroon.

Hindi nakabuti sa kalooban niya na makita ang kakaibang tingin dito ng mga
babae sa paligid. Ang iba ay parang gusto na siyang ipatapon sa labas ng building
at agawin sa kaniya ang lalaking kasama niya. Ang iba din ay parang gustong isampal
sa mukha niya ang salitang “Oooows? Kadate mo siya?”

Matapos siya nitong alalayang maupo ay naupo naman ito sa tabi niya. Yumuko
ito at sinipat siya. Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang umiwas dito.

“B-bakit?” Natutulirong sabi niya sa lalaki.

“Stop it okay? hindi ako sanay na nagseself pitty ka. Mas gusto ko pa na
nagsusungit ka kaysa naman magmukmok ka dito.”

Saway nito.
“Na para ba namang hindi ko madalas ginagawa iyon.” Nakaingos na sagot naman
niya.

“Basta ayoko ng ganoon. Ayokong mag isip ka ng ganoon.”

“Papaanong hindi ako magseself pitty kung nakikita ko ang mga balakang nila?
Utang na loob Lanter! Kahit ngayon lang pagbigyan mo ako sa trip ko.”

“Okay fine.” Nakasimangot na turan nito.

Nang tinangka niyang agawin dito ang baso nitong may lamang alak ay umangal
ito. Pero wala na itong nagawa pa nang pandilatan niya ito ng mga mata. Sa nangyari
ay gusto niyang mapangiti.

Funny.. pero nakikita niya ang mga sarili nila lima o sampong taon mula ngayon
habang mag asawa na sila at nag aaway. Kagaya nang nangyari ngayon ay siya pa rin
ang mananalo tuwing may pinagtatalunan nila.

“Look at them..” Itinuro niya ang mga babaeng panay ang tingin dito kanina pa.

Ang mga mata nitong nakatuon lamang sa kaniya ay mabilis na nilingon ang mga
babaeng itinuro niya. Tatlong segundo lang marahil iyon at muli nitong ibinaling
ang pansin sa kaniya.
Napahagikhik siya.

“What?” Naiiritang tanong nito sa kaniya.

Lasing na siya. Lasing na lasing na siya hindi lang dahil sa nainom niyang alak
kundi sa mainit na mga titig nito sa kaniya. Na para bang sinasabi nito na uminom
at magpakalasing siya hanggang gusto niya dahil babantayan naman siya nito hanggang
magsawa siya.

Sweet..

Nang marinig niya ang paboritong kanta na nagmumula sa stage ay napasabay siya.

“Pero kahit na pangit ka, bakit ba.. gustong gusto ko pa rin na mapasakin ka.”

Napailing ito. “Lasing ka na.”


Sa halip na imikan ito ay nagusot ang ilong niya matapos niyang mapansin ang
babaeng kadate ni Jom na dumaan sa mesa nilang dalawa. Babae din siya kaya halata
niyang nagpapapansin ito kay Lanter. Halata iyon sa pakendeng kendeng na paglalakad
nito.

Nilingon niya ang lalaki. Kamuntik na siyang magbunyi nang makitang nakatitig pa
din ito sa kaniya na para bang gusto siya nitong sambahin mula ulo hanggang paa.

Ako na.. ako na talaga! Salamat sa boxer!

“Lanter..” Tawag niya dito.

“Yes?”

“Mahilig ka ba sa mga babaeng mayroong coca cola body?” Tanong niya.

Saglit na naguluhan ito sa tanong niya. Nang maintindihan siya nito ay napailing na
lamang ito. Marahang hinawakan siya nito at hinila siya palayo doon. Kahit
naguguluhan siya sa ginawa nito ay nagpatianod na lamang siya.

“Hindi mo na sinasagot iyong tanong ko? Mahilig ka ba sa mga babaeng mayroong coca
cola body?” Sabihin nang makulit siya pero gusto niyang marinig mula dito ang
sagot.

Kapag sinabi niyang Oo! Iiyak ka! loka! Ikaw ang gumagawa ng sarili mong problema.

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kanang kamay niya.

“Oo.” Sagot nito.

May kakaibang sakit na gumuhit sa dibdib niya.

Sabi ko nga..

Kagat ang ibabang labi na bibitiw na sana siya mula sa mahigpit na pagkakapit nito
sa palad niya nang bigla itong magsalita.

“Pero iyong in can.” Anito.

Nang sulyapan siya nito at makita niya ang matamis na mga ngiti sa labi nito ay
parang tumigil sa pag inog ang paligid. Kahit madilim ang buong lugar ay hindi
nakaligtas sa kaniya ang pagdaan ng kakaibang kislap sa kulay asul na mga mata
nito.

_________________________________________

Napamaang si Cyrene matapos ilatag ni Lanter sa harap niya ang isang case na beer
at isang dosenang coke in can. Ang akala niya kanina ay binili nito iyon para iuwi
sa bahay nito pero nagulat na lamang siya nang itigil nito ang kotse sa harap nang
isang beach.

Hindi siya nagreklamo kanina matapos siya nitong hilahin palabas nang building kung
saan idinaos ang anniversary party ng radio station na pinagtratrabahuhan niya.
Papaano pa siya aangal kung halos sumabog na nga ang puso niya dahil sa sobrang
saya?

Sinulyapan siya nito habang nakasalampak siya sa loob ng kotse nito.


Nakabukas ang pinto habang ito naman ay nasa labas at nakaupo sa sahig.
“Iinom pa tayo?” Naitanong niya.

“Ayaw mo? Kung ayaw mo umuwi na lang tayo.”

Napasimangot siya. “Para nagtatanong lang, ang sungit naman nito. Sabi ko nga
hindi pa tayo uuwi.” Kumuha siya ng isang beer at halos inisang lagok lang niya
iyon.

Tiningnan siya nito na para bang namamangha ito sa ginagawa niya.

“Nakakainis ka.” Sabi niya.

Napakunot noo nito. “Bakit naman?”

Nanghahaba ang nguso na nagwika siya.

“Bakit mo kasi ako tinitingnan ng ganiyan. Nakakailang kaya!”

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. “Papaano ba kita tingnan?”

Pumikit siya at nagwika.

“Kapag tumitingin ka kasi pakiramdam ko ang ganda ko. Nakakainis iyon kasi alam
kong hindi naman iyon totoo. Ikaw kasi eh! Sa tuwing titingin ka sa akin ng ganiyan
nakakalimutan ko ang mga bilbil ko. Feeling ko ka-level ko ng ganda si Jennifer
Lopez.”

Hindi ito umimik kaya napilitan siyang magmulat ng mga mata. Pumitlag ang
puso niya nang makita ang kulay asul na mga mata nito.

“Iyan! Huwag mo nga akong tingnan na parang gusto mong ipagsigawan sa akin na
perfect ako,kainis ka.” Magsasalita pa sana siya ng bigla na lamang ay hilahin siya
nito mula sa pagkakaupo niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niya ang pagdagan niya dito at ang
pagbagsak nito sa sementadong sahig.

Nagtama ang mga mata nila. Nakagat niya ang pang ibabang labi nang makita niya ang
kakaibang kislap sa mga mata nito.

Ikiniskis nito ang ilong nito sa pisngi niya at mahigpit na niyakap siya nito
sa baywang na para bang ayaw na siya nitong pakawalan pa.

“L-lanter.. baka naiipit na kita.” Natutulirong saway niya dito.

“No..” Anas nito habang paulit ulit nitong hinahalikan ang gilid ng mga labi niya.
“Just stay.” Utos nito sa kaniya.

“Alam mo ba na ayokong naririnig 'yan mula sa'yo.” Napasinghap siya nang


maramdaman niya ang pagkagat nito sa ibabang labi niya. Hindi na siya nakahuma pa
nang mabilis na sinakop nito ang mga labi niya. Halos hindi na rin niya namalayan
ang paggalaw nito para magkapalit sila nang pwesto.
Napunta ito sa ibabaw niya habang patuloy ito sa pagsamba sa mga labi niya.
Ang mga kamay niya na dapat ay sumasaway dito ay natagpuan na lamang niyang
pumaloob sa tshirts na suot nito.
Para siyang nagdedeliryo habang nararamdaman niya ang unti unting pagbaba ng
mga labi nito sa leeg niya. Napaungol ito matapos niyang haplusin ang malapad na
dibdib nito. Halos madoble ang kalasingan niya dahil sa mga halik nito sa kaniya.

“L-lanter..” Naiangat niya ang likod nang dumako ang mga labi nito sa ibabaw
ng dibdib niya. Paulit ulit siyang umungol habang naglalakbay ang mga palad nito
sa hita niya.

Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sa'yo. Napapitlag siya nang
marinig niyang tumunog ang cellphone niya.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Lanter at ang pagsubsob nito sa leeg
niya.

“Crap!” Mahinang angal nito.

Nahaplos niya ang dati nang magulong buhok nito at nagdesisyon siyang sagutin
ang tawag. Gusto niyang matawa sa sitwasyon nilang dalawa.

Nandoon na eh.. ayon na kaya lang nawala pa!

Umusod ito pababa sa dibdib niya. Humilig ito doon na para bang pinakikinggan
nito ang mabilis na pintig ng puso niya.

“Hello?”

“Anak, anong oras ka ba uuwi?” Tanong ng kaniyang ina sa kabilang linya.

Napangiti siya. Kung alam lang nito na nawala na nga sa isip niya ang umuwi
dahil okupado ng iisang tao ang isip niya.

“Pauwi na po.” Sagot niya bago maputol ang tawag. Anyong babangon na siya
nang maramdaman niya ang muling paghigpit nang mga yakap ni Lanter sa katawan niya.

“Ten minutes. Just give me ten minutes, precious.” Tila nagsusumamong wika
nito. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod sa pakiusap nito.

Ten minutes.. kahit forever payag ako.

__________________________________

Kung may makakakita sa kaniya sa loob ng Gym, alam niyang iisipin ng mga tao
na wala na siyang pag asa. Pero ano ba ang pakialam ni Cyrene? Nagkaroon na siya
nang motivation para baguhin ang sarili niya kaya wala ng iba pang makakapigil sa
kaniya.

Kausap niya ang lalaking instructor na may ari ng Fitness Gym na dating
pinupuntahan niya. Ganoon na lamang ang gulat nito nang makita siya. Marahil ay
tama ang sinasabi ng iba na kapag mataba ang isang tao at nagpapayat ito ay
kailangan na nitong i-maintain ang katawan. Kung hindi ay magiging doble ang
timbang na kagaya nang nangyari sa kaniya. Mas dumoble pa siya sa dati niyang
katawan bago niya naisipang magpapayat noon.
Ngumiti lang siya habang pinagmamasdan siya ng instructor. Naalala niya kung
papaano siya dito noon makiusap na bigyan siya ng tamang atensiyon at pag alaga
para makuha niya ang katawan na gusto niya. Isang taon lang ang lumipas ay pumayat
naman siya, mula sa pagiging mataba ay naging medyo malaman na lang siya. Hindi
naman kasi ganoon kadali ang magpapayat para lang ma-achieve niya ang katawan na
kagaya ng kay Jennifer Lopez.

Nadadala na lamang niya noon sa pagsuot ng kulay itim na damit at fitted na


jeans para magmukha siyang slim. Minsan na nga siyang napagkamalang rakista dahil
sa madalas na pagsusuot niya ng kulay itim. Sabik na sabik din siya noong
magkanobyo kaya naman nang niligawan siya ni Ark ay agad na sinagot naman niya ito.

Pero magmula nang maghiwalay sila ng dating nobyo ay sa pagkain na niya


ibinuhos ang buong atensiyon niya. Cake at softdrinks sa umaga na may kasama pang
tinapay at gatas sa snack. Tatlong platong kanin sa tanghalian at apat naman sa
gabi.

Hindi pa kasama doon ang mga snack niya tuwing nakakaramdam siya ng gutom o kapag
minalas kabiguan. Bawat isang oras marahil ang lumilipas ay kumakain siya ng mga
pagkaing gusto niya at daig pa niya ang nasa eat all you can na parang mauubusan.
Lumipas ang mga taon, hindi niya namalayan o mas tamang sabihin na nagpatay malisya
lang siya na lumobo na pala siya ng ganoon.

Napailing iling ang instructor na naging tagapayo at kaibigan din niya noon.

“Alam na alam ko kung bakit ka nagpunta dito.” Ani Rake.

Ang bilis ng panahon. Noong napansin nito ang pagbawas ng timbang niya ay
nagparamdam na ito na gusto siya nitong ligawan. Bago pa man ito nakaporma ay
nakilala na niya si Ark. Sa ngayon ay may asawa at isang anak na ito.

Isang kiming ngiti ang pinakawalan niya.

“Dahil gusto kong magkajowa? Ang pathetic ko noh?” May himig ng pagbibiro iyon pero
sa loob niya ay parang matalim na bagay iyon na tumusok sa makapal na taba niya sa
tiyan.

“No. naiintindihan kita. Alam mo naman ang kwento ng buhay ko 'di ba?”

Tumango siya. Dati itong mataba. Pero dahil sa mga pambubully ng iba ay nagpursige
ito na bagihin ang sarili at ngayon ay instructor na ito at may ari ng isang
kilalang gym sa buong lalawigan nila.

“Naaalala mo ba kung papaano ka nahirapan noon dahil masakit na ang mga paa mo
habang paulit ulit kitang pinatakbo sa hagdan?” Anito.

Natawa siya. “Umiyak ako noon. Pinagmumura kita dahil feeling ko pinagtritripan mo
lang ako. Dalawang araw mo ba naman pinagawa sa akin.”

Pareho silang natawa habang inaalala nila ang mga nangyari noon sa kaniya.

“Dalawang araw akong hindi nagpakita sa'yo dahil sa sobrang inis ko. Pero matapos
kong tingnan ang timbang ko sa kiluhan, para na naman akong nakalunok ng energy
drink at tumakbo na naman ako sa gym mo.”

“Naalala kong ipinagtabuyan kita para maturuan kita nang leksiyon.” Naiiling na
saad nito.
“Tama. Isang oras mo na muna ako hinayaang umiyak sa lobby bago mo ako pinayagang
pumasok sa loob. Ang tindi mo?” Tinampal niya ito sa balikat at muli na naman
siyang tumawa.

Ngumiti ulit ito at muling nagwika. “Kailan mo balak mag simula?”

“Kung kailan pwede-” Natigilan siya ng may matigas na kamay ang humila sa braso
niya. “L-lanter?” Gulat na sabi niya matapos niya itong sulyapan.

Napakunot noo siya nang mapansin ang seryosong mukha nito.

“Sorry pare, pero hindi na siya matutuloy pa.Please, excuse us.”

Seryosong turan nito bago siya nito hinila palabas ng gym.


Nang lingunin niya si Rake ay nakangiting sumaludo lamang ito sa kaniya. Na para
bang naiintindihan na nito ang nangyayari.
Matapos nilang makalayo sa building ay binitiwan siya nito at nakapamaywang na
humarap ito sa kaniya.

“Sabihin mo nga sa akin bakit nandoon ka ha?” Naiinis na tanong nito sa kaniya.

Napaatras siya nang makita niya ang pagkayamot sa mukha nito. Kahit ganoon ang
hitsura nito ay hindi man lang iyon nakabawas sa kagwapohan nito.

“B-bakit ba nagagalit ka?”

“Mag eenroll ka doon? Nahihibang ka na ba? Alam mo ba kung ilang mga lalaki ang mga
nagpapabalik balik doon hindi lang para magpalaki ng katawan kundi para makakuha
sila nang babaeng maloloko nila?”

Hindi siya nakaimik. Mahinang napamura ito at muling sinulyapan siya. Base sa
magkasalubong na kilay nito ay alam niyang nag aalala ito sa kaniya.

“Teka nga sandali, nag aalala ka ba dahil lang mababastos ako sa loob ng gym? Itong
hitsura kong ito? Nagpapatawa ka ba Lanter? Hindi mo ba naisip na bago nila ako
bastusin malamang nadaganan ko na sila.” Pinamaywangan din niya ito.

Hindi ito umimik at tiningnan lang siya. Muli siyang nagwika.

“Gusto kong ibalik ang dating ako dahil..”

Dahil sa'yo...

“Dahil natatakot ako na baka kapag may edad na ako kapitan ako ng mga sakit kagaya
ng diabetis.” Pagdadahilan niya.

Nagsisinungaling siya. Ang totoo niyan hindi naman talaga niya naisip na baka
magkadiabetes siya na kagaya ng sakit ng lola niya noong nabubuhay pa ito. Sabihin
ng lukaret siya pero hindi niya magawang sabihin dito na natatakot siyang isipin
nito na hindi siya nararapat dito dahil sa hitsura niya.

Nagulat na lamang siya ng basta siya nito hinila at nagtungo sila sa isang
mercury drugstore na malapit sa kinaroroonan nila.

“Teka sandali anong gagawin natin diyan?” Bulalas niya.

Hindi ito nagsalita habang hawak nito nang mahigpit ang kamay niya. Kahit
nagtataka ay nagpatianod siya. Kahit saan marahil siya dalahin nang lalaking ito ay
sasama siya dahil idinidikta iyon ng puso niya....
www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER SIX - Page 5
by BethanySyLove27
18 - 23 minutes

Kanina pa namumutla si Cyrene habang pinagmamasdan niya ang maliit na kahon na


nakapatong sa mga hita niya. Sinulyapan niya si Lanter na kapapasok lang sa loob ng
kotse.

“A-anong gagawin natin dito?” Kinakabahang tanong niya.

Sinulyapan siya nito. Parang nilipad ng hangin ang kaba sa dibdib niya nang
makita niya ang mga mata nito. Napanguso iya. Bakit ba kailangang mawala siya sa
sarili nang paulit ulit kapag tinitingnan siya ni Lanter?

“Sabi mo gusto mong malaman kung may diabetes ka na.” Turan nito.

“Oo nga sinabi ko iyon. Pero wala na ba talagang ibang paraan?” Ihinagis niya
sa sahig ang munting box at dumistansiya ng kaunti dito.

Napapalatak ito at dinampot ang ihinagis niya.

“Hindi naman ito masyadong masakit.” Anito.

Napangiwi siya. Ano ba naman ang akala niya na kaya pala sila nagtungo sa
mercury drug kanina ay para bumili ng maliit na aparatong ginagamit sa pagtetesting
nang blood sugar.

Noon ay madalas siyang mapagalitan ng kaniyang ina dahil sa malusog na


pangangatawan niya dahil nangangamba itong matulad siya sa kaniyang lola na
nagkasakit ng diabetis.

Nang mga panahong bigo siya ay hindi niya naisip ang mga ganoong bagay kaya
kumain siya ng mga pagkaing gusto niya na para bang iyon na ang huling araw niya sa
mundo.

Sa pagkakaalam niya ay nasa lahi na talaga nila ang sakit na diabetis dahil maliban
sa kaniyang lola ay iyon din ang sakit na ikinamatay ng dalawang kapatid ng mama
niya at ng lolo niya.

“Hindi masakit? Utang na loob! Kung hindi iyan masakit bakit may karayom?”
Angal niya.

Kailangan niyang tusukin nang karayom ang isang daliri niya para lang may lumabas
na dugo sa kaniya.

Takot siya sa karayom. Noong maliit pa siya ay naalala niya na kapag dinadala
siya ng mga magulang niya sa clinic para paturukan ng gamot ay nagwawala siya. Sa
school niya ay ganoon din, madalas na tumatakas siya huwag lang maturukan.

“Ipakagat mo na lang ako sa langgam kahit iyong pinakamalaki basta hindi


iyan.” Mangiyak ngiyak na sabi niya sa lalaki.

“Akala ko ba natatakot ka na baka magkasakit ka?”

“Kapag tinusok mo ba ako niyan kung sakaling may sakit nga ako sa puso o may
diabetis ako gagaling na agad ako? Hindi naman 'di ba?”

“Pero malalaman natin,”

“Bakit hindi na lang ikaw ano?”

Siguro ay nakulitan na ito sa kaniya kaya inilabas nito ang aparato na nasa
loob ng box. Mayroon iyong kasama na parang ballpen na kapag pinindot ang dulo ay
may lalabas na karayom.

Sinong hindi matatakot? Papaano kung hindi alam ng taong may hawak niyon na
hindi naman talaga ordinaryong ballpen iyon at basta na lamang pinindot at karayom
ang lumabas?
“Nyay!” Para siyang nangilo nang mapansin niya na lumabas ang dugo sa isang
daliri Lanter. Ipinahid nito iyon sa aparato para alamin kung ilan ang blood sugar
nito.

“Eighty five, see? Hindi masakit.” Pangungumbinsi nito sa kaniya.

Nang masulyapan niya ang matamis na ngiti nito at ang mga mata nito ay para
na naman siyang nahipnotismo. Sa katunayan hindi siya nakahuma nang abutin nito ang
isang kamay niya.

Minasahe muna nito iyon ng ilang segundo at nang mapansin nito ang pagkalma niya
ay ginawa na nito ang pagkuha sa blood sugar niya.

Napaigik siya nang maramdaman niya ang pagtusok nang karayom sa daliri niya.
Kahit papaano ay may alam siya tungkol sa aparatong iyon dahil nakikita niya noong
nabubuhay pa ang lola niya tuwing umaga na ginagawa iyon.

Napasinghap siya nang makita ang resulta.

“One eighty eight?” Halos mawindang na sabi niya. Sobrang taas na niyon kung
tutuusin para sa edad niya.

Pero kahit naman hindi niya inaasahan iyon base na rin sa timbang niya ay
hindi na magugulat pa ang sinumang makakakita nang resulta.

Biglang sumagi sa isip ni Cyrene ang lola niya at ibang mga kamag anak niya
na dumanas nang paghihirap dahil sa ganoong sakit. Ang kaniyang lola ay nabulag
samantalang ang kaniyang lolo naman ay nagkaroon ng komplikasyon sa atay. Ang isa
niyang tiyahin ay naputulan ng isang paa matapos hindi maghilom ang sugat nito.

Naaalala niya ang paghihirap ng lola niya habang nag i-insulin ito tuwing
umaga para lang bumaba ang blood sugar at ang pagtitiis nitong uminom ng mapait na
kape dahil bawal ito ng asukal.

Ang pagkabulag nito ang labis na nagpahirap dito. Madalas siya nito noong
biruin na sexy siya dahil hindi naman siya nito nakikita. Tumatawa lang siya kapag
sinasabi nito sa kaniya na sa lahat ng mga apo nito ay siya daw ang pinakamaganda
dahil mabait daw siya.

Napakurap kurap siya. Bigla ay nagkaroon ng bikig sa kaniyang lalamunan.

“Hey!” Mahinang tinapik ni Lanter ang pisngi niya. Hindi siya umimik at
tumingin lang dito.

“Are you okay?” Tanong nito.


Nang makita niya ang pag aalala sa mukha nito ay parang malakas na ulan na
bumuhos ang emosyon niya.

“M-may sakit din ako.” Takot na sabi niya.

Hinawakan siya nito sa balikat at nang mapansin nito ang panginginig at


kakaibang takot niya ay mabilis na hinila siya nito palapit sa mainit na katawan
nito.

“Ssshhh..” Anas nito habang mahigpit na yakap siya.

“Tahan na.”

Hinampas niya ito ng mahina sa dibdib.

“Kasalanan mo ito. Kung hindi mo ako pinilit hindi ko sana malalaman. Ang sarap
kayang kumain.”

Inangat nito ang mukha nito. Nang magtama ang mga mata nila ay pilit na ngumiti
siya. Hindi niya na masyadong maramdaman ang takot dahil nasa mga bisig siya ni
Lanter.

Huminga ito ng malalim at muli lang siyang niyakap ng sobrang higpit.

“Hayaan mo simula ngayon lahat nang kakainin mo sugar free na. Ultimo asukal
hindi na pwede sa'yo. Simula ngayon dapat ako na lang ang nag iisang matamis sa
buhay mo.” Malambing na sabi nito.

Nakangiting pumikit si Cyrene at sumandal sa malapad na dibdib nito. Hindi


naman siguro mahirap magdiet kung sa ngiti pa lang ni Lanter ay nabubusog na siya.

_______________________________________________

Napangiti si Lanter matapos niyang maramdaman ang pagsandal ni Cyrene sa


katawan niya. Wala siyang ibang nararamdaman ng mga oras na iyon kundi kapanatagan
sa piling nito. Sa kabila ng mga problemang pinagdaraanan niya ay ito lang ang
tanging makakapitan niya.

Kontentong pumikit siya at halos wala ng katapusan ang mahigpit na pagyakap


niya kay Cyrene.

Hindi siya dating ganoon pagdating sa mga babae. Kung tutuusin ay kilala siya
sa pagiging matinik niya pagdating sa mga babae. Hindi niya ugali ang magseryoso at
manatili sa kandungan ng isang babae lang.

Pero ngayon.. napabuntong hininga siya at marahang hinaplos ang mahabang


buhok nito. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin kung mawala ito sa kaniya.

Ilang taon na ba simula ng huling beses na nakita niya ito? Apat o mahigit
pa? Hindi na niya matandaan.

Isang alaala ang hindi niya mapigilang sumagi sa isip niya...


Kilala si Lanter sa pangalang Tyrone Lee. Isa siya sa mga tanyag na car racer
na ipinagmamalaki ng bansa. Maliban sa propesyong napili niya ay kilala din siya
dahil sa angkang kinabibilangan niya.

Ang kaniyang ama na isang purong amerikano ay nagmamay ari ng ilan sa mga
kilalang hotel sa Maynila at Cebu. Maging sa ibang bansa ay may mga negosyo sila na
pinamamahalaan din nito at ng kaniyang ina.

Ang kaniyang dalawang kapatid na babae na mas panganay sa kaniya ay may mga
asawa na at naninirahan sa ibang bansa.

Noon pa man ay tutol na ang kaniyang pamilya sa trabaho niya. Maliban daw sa
ibinubuwis niya ang sariling buhay ay hindi ang tagapagmanang kagaya niya ang dapat
na nagpapakahirap para makuha ang karangalan ng bansa.

Isang araw bago ang nakatakdang laban niya sa ibang bansa ay pinigilan siya
ng ina.

“Bakit ba ang tigas nang ulo mo Tyrone? Hindi mo ba nakikita na


pinagpipiyestahan na ng mga tao ang pamilya natin dahil lang sa nalalapit na laban
mo?” Halos lumabas na ang mga litid ng kaniyang mama habang nagsasalita ito.

“Mama, please? kung inaasahan ninyo na susunod ako sa gusto ninyo ngayon pa
lang sinasabi ko na sa inyo na hindi ako kagaya ng mga kapatid ko.”

Galit na sinundan siya nito nang bumaba siya ng hagdan.

“Do whatever you want! Sinasabi ko sa'yo Tyrone wala kang makukuhang pera
mula sa amin nang papa mo!” Galit na sigaw nito.

“I don’t care!” Lumabas siya ng bahay na hindi man lang ito tinitingnan.

Nang makarating siya ng Japan para sa laban niya ay nakalimutan na niya ang
pamilyang nag aalala sa kaniya.
Ganoon naman siya magmula pa noon. Dahil nga lumaki siyang walang atensiyon ng mga
magulang dahil abala ang mga ito sa negosyo ay nasanay na siyang sumama sa mga
barkada.

Halos lahat siguro ng kalokohan ay nagawa na ni Lanter dahil lang sa isang


dahilan: gusto niyang magkaroon ng bago sa buhay niya.

Pero isang aksidente ang hindi niya inaaasahang mangyayari sa kaniya matapos
niyang makuha ang trophy na inaasam niya.

Nawalan ng preno ang sinasakyan niyang kotse matapos niyang manggaling sa isang
kilalang bar sa Japan.

Nang magising siya ay nasa ospital na siya. Isang balita ang gumimbal sa kaniya at
ng mga panahong iyon ay nahiling niyang sana ay namatay na lamang siya.

Nabulag siya matapos ang aksidente. May mga bubog na tumama sa mga mata niya
matapos mabasag ang salamin ng kotseng sinasakyan niya.

Ang buong pamilya niya sa halip na pagmamalasakitan siya ay sumbat pa ang mga
narinig niya. Hindi niya kinaya iyon kaya nagpasiya siyang umiwas sa mga ito at
magtungo ng ibang lugar.
Kinupkop siya ng panganay na kapatid ng mama niya na si Tita Esmee. Sa loob ng
ilang buwang paninirahan niya doon ay nakasanayan na niya ang tahimik na lugar.
Kabaliktaran iyon ng kinalakhan niyang mundo.

Hanggang isang araw ay may nilalang ang bigla na lang gumulo sa tahimik niyang
mundo.

Bandang alas nuwebe na siguro iyon ng umaga nang marinig niya ang malakas na katok
mula sa pinto ng silid niya. Dahil hindi niya ugaling lumabas ng silid ay kusang
nagdadala ang katulong o ang tiyahin niya ng pagkain sa silid niya.

Kahit anong pilit ng mga ito ay hindi niya nagawang mamasyal o tumambay man lang sa
ibang sulok ng bahay.

Mas gusto niya ang mapag isa at magmukmok na lang sa isang gilid. Ayaw niyang
makipag usap kahit kanino dahil nahihiya siya na makita ng ibang tao ang kalayagan
niya.

Mas nakontento na siyang mabuhay sa madilim niyang mundo. Parang nawalan na siya ng
ganang mabuhay at magpagamot para muling bumalik ang paningin niya.

Nakiusap siya noon sa tiyahin niya na huwag ipaalam kahit kanino ang tunay na
katauhan niya dahil ayaw niyang pag usapan siya ng mga tao. Ang tanging nakakaalam
ng pagtira niya sa poder nito ay ang pamilya niya. Ayaw niyang matuklasan ninuman
kung nasaan siya dahil ayaw niyang may umistorbo sa pag iisa niya.

Agad siyang nagtaka nang makarinig siya ng mga katok mula sa pinto. Hindi ito
nagsalita kaya napakunot noo siya Maliban sa katulong ay ang tiyahin lang niya ang
nagpupunta doon para hatiran siya ng pagkain.

“Sino iyan?” Nakakunot noong tanong niya sa kumakatok.

Alam niyang hindi ito ang tiyahin niya o ang katulong dahil masyadong malakas ang
paraan ng pagkatok nito sa pinto ng silid.

“Kumain ka na.” Anang isang estrangherong tinig.

Hindi siya agad nagsalita at tumayo lang sa tapat nang nakasarang pinto.

“Hindi kita kilala. Sino ka ba?” Masungit na tanong niya dito.

Dahil kagagaling pa lang niya sa operasyon ay namamaos pa ang tinig niya. Hirap
din siyang magsalita ng malakas lalo pa at kadalasan niyang nararamdaman ang
panunuyo ng mga labi niya.

“Ang sungit mo naman. Ako si Cyrene inaanak ako ng Tita Esmee mo. Umalis kasi siya
at nag day off naman si Cherie kaya walang maghahatid nang pagkain mo. Napag utusan
lang po.” Anito.

Ang pagkakakunot ng kaniyang noo ay unti unting nauwi sa pagngiti. Hindi niya
maiwasan iyon dahil sa malambing na boses nito.

“Iiwan ko na lang itong pagkain sa labas nang pinto ha?”


Hindi siya umimik at tahimik na nakiramdam lang sa labas. Nang makaalis ito ay
nakaramdam siya ng kakaibang lungkot. Bigla ay tumatak na sa isip niya ang boses
nito at hinahanap hanap niya iyon.

Makalipas ang isang oras ay muli na namang may kumatok sa silid niya. Muli siyang
lumapit sa pinto at idinikit ang tenga doon para pakinggan ang nangyayari sa labas.
Nang mapansin niya na tahimik ay nagpasiya na sana siyang umalis sa harap ng pinto.
Nang matapakan niya ang isang malambot na bagay ay napakunot noo siya.

Matapos niyang damputin at amuyin ay napangiti siya. Paborito niya ang tsokolateng
iyon at kung sinuman ang nagbigay niyon sa kaniya ay nagpapasalamat siya.

Nang makarinig siya ng mahinang kaluskos mula sa labas ay mabilis na nagsalita


siya.

“Sandali.”Saglit na nakinig siya sa labas at ng muling marinig ang mahinang


kaluskos mula doon ay muli siyang nagsalita.

“Salamat.” Hindi niya alam kung bakit nasabi niya iyon. Basta ang alam niya ay
sincere siya sa sinabi niya.

“Walang anuman.”

Agad na sumikdo ang dibdib ni matapos niyang marinig ang boses na kanina pa niya
hinahanap hanap.Lanter
Ang buong akala niya ay umalis na ito pero muli itong nagsalita.

“Hindi ka ba naiinip diyan sa silid mo?” Anito.

Umiling siya na para bang nakikita niya ang kausap.

“Hindi. Wala din naman akong makikita kahit nasa labas ako kaya mas okay na sa akin
ang manatili dito sa kwarto ko.”

Narinig niya ang malakas na pagsinghap nito.

“B-bulag ka?”

“Oo.”

“I-im sorry hindi ko alam.”

“It’s okay.”

Umupo siya at isinandal ang ulo sa pinto habang kinakausap ito. Hindi niya maiwasan
ang mapapikit habang pinakikinggan niya ang malamyos na tinig nito sa tuwing
nagsasalita ito.

“Hindi ba kita pwedeng makita?” Bigla ay tanong nito.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Alam niyang parte ng kuryosidad kaya nais
nitong makita ang hitsura niya pero kagaya ng gusto niyang mangyari, gusto niyang
mapanitili ang lihim niya. Kahit nakuha nito ang loob niya ay hindi siya pwedeng
magpakita ito dahil maliban sa ayaw niyang matuklasan ng mundong ginagalawan niya
kung nasaan siya ay wala rin siyang lakas para ipakita dito ang kalagayan niya.

Marahan siyang tumawa.

“No. unfair sa akin iyon. Makikita mo ako pero hindi naman kita makikita.”

“Sa palagay ko hindi mo naman ako gugustuhing makita eh.”

“Bakit naman.”Naaaliw na tanong niya.

“Hmmm…kasi hindi ako kasing ganda nang inaasahan mo. Mali. Hindi ako maganda kaya
hindi mo rin ako gugustohing makita.”

Napangiti siya.

“Wala naman akong sinasabing ganoon ah?”

“Kahit na. Ahmm.. pwede ba akong magtanong?” Anito.

“Sure.”

Hindi niya alam kung bakit nasabi niya iyon dito. Kung tutuusin ay dapat na niya
itigil ang pag uusap nila dahil baka may matuklasan ito tungkol sa kaniya. Kalat na
sa radyo man o telebisyon ang nangyari sa kaniya kaya dapat na umiwas na siya dito.
Pero hindi niya magawa. Wala siyang kakayahan na tanggihan ang pakikipagkaibigan
nito sa kaniya.

“Anong pangalan mo?”

Natigilan siya. Hindi niya naisip ang bagay na iyon.

“Ang daya mo naman kung kahit pangalan mo hindi ko malalaman. Sinabi ko kaya sa'yo
ang pangalan ko.”

Napailing na lamang siya ng mahalata na hindi ito titigil hanggang hindi nito
nalalaman ang pangalan niya.

“Ron.”

Iyon ang tawag sa kaniya ng lola niya noong nabubuhay pa ito. Magmula ng pumanaw
ito ay wala ng nagtangka pang tumawag sa kaniya ng ganoong pangalan. At ngayon ay
hindi niya alam kung bakit dito niya nasabi iyon na para bang gusto niyang bigkasin
nito ang pangalan niya.

“Ron? Masyadong maikling ang pangalan mo. Bagay sa'yo masyado ka kasing matipid
magsalita.” May himig pagbibiro na sabi nito sa kaniya.

Halos hindi na niya namalayan ang oras habang magkausap sila. Naging madalas ang
pag uusap nilang dalawa magmula noon. Isang mabuting kaibigan na ang turing niya
dito kahit maikling panahon pa lamang niya ito nakakausap.

Madalas ay nasa labas lang ito ng pinto. Inirespeto nito ang desisyon niya na hindi
siya handang magpakita dito. Kadalasan ay tinatanong nito kung kailan siya papayag
na makita ito at tanging tawa lang ang nagiging sagot niya.

Hanggang sa hindi niya namalayan na nag iwan na pala ito nang malaking lugar sa
puso niya. Nang magpasiya siyang sundin ang kagustohan nang ina na magpagamot sa
ibang bansa ay wala siyang ibang iniisip kundi ang makita ito kapag nagawa na
niyang magpagaling.
Nang tinangka niyang magpaalam dito para sa nalalapit na pag alis niya ay saka
naman ito hindi nagpunta sa kaniya. Ilang araw din niya itong hinihintay at
pinanabikan ang tinig nito.
Pero hindi ito dumating.

Magmula noon ay ipinangako niya sa sarili niya na magbabago na siya.


Nagpagamot siya sa ibang bansa hindi lamang para sa sarili niyang kapakanan. Gusto
niyang makita ito at muling marinig ang boses nito.

Ginugol niya ang ilang taon sa paninirahan sa Amerika para magpagaling at


ipagpatuloy ang pag aaral. Sa ngayon ay may sarili na siyang negosyo na nakabase sa
Amerika. Kasosyo niya ang mga lalaking pinsan niya na siyang namamahala habang
abala siya ngayon sa isang bagay.

Sinulyapan ni Lanter si Cyrene. Napangiti siya nang mapansin na nakatulog na


pala ito sa mga bisig niya. Masuyong hinaplos niya ang mahabang buhok nito.
Nagbalik siya para sa dalaga. Nagbalik siya para makita na siya nito at ganoon din
siya dito.

Kinausap niya ang tiyahin niya nang umuwi siya tungkol sa plano niya. Sinabi
niya dito na gusto niyang makasama si Cyrene pero nagulat at nasaktan siya sa mga
natuklasan niya. Malaki na pala ang ipinagbago nito magmula ng mabigo ito sa pag
ibig.

Habang sinasabi ng tiyahin niya sa kaniya ang tungkol sa nangyari dito ay para
siyang unti unting namamatay dahil sa labis na selos at galit sa lalaking nanakit
dito.

Sinabi niya sa tiyahin niya na huwag na munang sabihin kay Cyrene kung sino
siya dahil sa totoo langny naduwag siya. Galit daw kasi ito sa mga lalaki. Natakot
siya na kahit siya ay isali nito sa mga lalaking halos isumpa na nito. Naduwag siya
at nawalan ng lakas ng loob na suyuin ito.

Kahit madalas niya itong asarin magmula nang magkita sila ay aminado siya na hindi
pa rin nagbabago ang epekto nang boses nito sa puso niya. Bumibilis pa din ang
pagpintig niyon na kagaya nang dati sa tuwing mariring niya na nagsasalita ito.

Kahit madalas nitong sabihin ang mga katangian ng isang babae na wala dito ay hindi
niya iyon pinapansin. Maiinis lang siya sa una at hahalikan ito ng mariin sa mga
labi kapag naririnig niya ang pagse-self pitty nito.

Naroon ito nang mga panahon na akala niya ay nawala na ang lahat sa kaniya.
At ngayon na siya naman ang kailangan nito ay hinding hindi niya bibitiwan ang mga
kamay ni Cyrene.

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER 7 - Page 5
by BethanySyLove27
15 - 19 minutes

Napailing na lang si Cyrene nang mapansin niya ang kakaibang saya sa mukha ng
mga magulang niya matapos niyang sabihin sa mga ito na kasama niyang magjogging si
Lanter. Bandang ala singko palang ng umaga at kahit hirap siyang gumising dahil
hindi siya sanay bumangon ng ganoong kaaga ay pinilit pa rin niyang kumilos.

Daig pa niya ang nakainom ng sangkaterbang energy drink nang marinig niyang
tumunog ang doorbell nila.

“Daddy sa tingin mo ba mag aasawa na ang bunso natin?” Narinig niyang tanong
ng kaniyang ina.

“Kahit ngayon na mommy, wala naman akong ibang hiniling sa dalawang prinsesa
natin kundi ang makatagpo sila ng lalaking kagaya ko. Mabait, gwapo, macho,”

“'Pa,”

“Habulin ng mga babae, noong araw 'eh kamukha ko kaya si William Martinez.”

“Papa naman eh!” Angal niya.

“Oo na nga. Sige na ako na ang magbubukas ng pinto.” Natatawang iniwan sila
nito ng kaniyang mama.

Nakiusap siya rito kanina na ito ang magbubukas ng pinto kapag dumating na si
Lanter. Ganoon na lang ang tawa nito matapos niyang sabihin ang pakiusap niya, daig
pa daw kasi niya ang makikipagdate.

“Cyrene nandito na si Lanter.” Tawag sa kaniya nang ama.


Kumabog ang dibdib niya na para bang iyon ang unang beses na magkikita sila.

Ang o.a mo Cyrene! Hindi naman date ang gagawin ninyo, jogging!

“Good morning po.” Magalang na bati ni Lanter sa mga magulang niya.

Nakangiting tinapik ng kaniyang ama sa balikat si Lanter.


“Ingatan mo ang anak ko. Huwag ka nang magulat kung magcollapse siya mamaya.” Biro
nito.

“Papa!” Namumulang ipinadyak niya ang mga paa.

Nang makalabas sila ng bahay ay nakasimangot pa rin siya. Hindi siya umimik
kahit naririnig niyang nagsalita si Lanter.
“Hey!” Tawag nito sa kaniya.

Nanghahaba ang nguso na nilingon niya lang ito.

“Problem?”

“Si papa kasi eh.” Parang bata na sumbong niya.

Saglit na hindi ito umimik at para bang iniisip pa nito ang nangyari kanina
sa loob ng bahay.

“Oh! Okay..” Inakbayan siya nito.


Nang maamoy niya ang mabangong katawan ng binata ay parang bigla na naman siyang
inantok.

“Huwag mo na lang pansinin iyong sinabi ni Tito.”

Hindi siya umimik at ipinamulsa ang mga kamay sa jogging pants na suot niya.
Nagpipigil siyang hilahin ito at amuyin ang mabangong leeg nito.

Grrrr! Kainis ka Cyrene ang aga eh!

“Let’s go.”

Napairap siya. “Ayoko baka mamaya mahimatay ako sa daan dahil hindi ako sanay
tumakbo. Tingnan mo oh! Daig ko pa si Barney na hinahabol ng aso kapag pinilit kong
tumakbo.”
Narinig niya ang pagpalatak nito. Inalis nito ang kamay na nakaakbay sa
balikat niya at mabilis na ipinaloob nito iyon sa baywang niya.

Napahawak tuloy siya ng wala sa oras sa malapad na dibdib nito. Biglang


tumayo ang mga balahibo niya sa batok ni Cyrene nang mapansin niya ang mga mata
nito. Halatang naaaliw ito sa pag aalburoto niya o baka sinasakyan lang nito ang
topak niya.

“Kahit ilang kilometro ang takbuhin mo pagdating sa finish line hihintayin


naman kita eh. Kapag hinimatay ka CPR lang ang katapat mo.”

Awang ang mga labing pinagmasdan niya lang si Lanter. Nang masiguro niyang
seryoso nga ito sa sinabi ay mabilis na bumitiw siya rito.

“Tara na nga! Puro ka naman kalokohan.” Namumula ang buong mukhang saway
niya.

Tumawa lang ito. Nang hawakan nito ang kamay niya at magsimula silang tumakbo
ay para na siyang mahihimatay sa sobrang tuwa.

Mukhang kailangan na niya ang CPR ng mas maaga!

_________________________________________________________

Bandang alas siyete ng muling tumigil sa pagtakbo sila Lanter at Cyrene.


Ganoon na lang ang paghingal siya samantalang si Lanter ay kampante lang na
pinupunasan ang pawis sa mga pisngi niya.

“Bakit hindi mo sila tinitingnan? Siguro kung ibang lalaki ang kasama ko
kanina pa ako nilayasan at sumama na sa kanila.” Itinuro ni Cyrene ang tatlong
koreana na nagjojogging habang dumaan sa harap nila.

“Bakit ko sila titingnan kung nandiyan ka naman?” tanong ni Lanter.

Parang nanlambot ang mga tuhod niya sa sobrang kilig. Naupo siya sa isang
malapit na bench para hindi nito mahalata ang naging reaksiyon niya sa sinabi nito.

“Nauuhaw na ako.” Anito bago nito kinuha mula sa kaniya ang mineral water na
dala niya.

Napalunok siya matapos niyang makita ang pag inom nito sa boteng ininuman
niya kanina. Nagdulot iyon ng kakaibang damdamin sa kaniya.

“Kainis ka naman eh. Papaano naman ako.” Kunwari ay reklamo niya.

Napakamot si Lanter sa ulo.

“Bibili na lang ulit ako.”

Dahil uhaw na siya ay pumayag siya. Inalok siya nitong sumama para bumili
nang maiinom pero tumanggi siya. Medyo may kalayuan ang tindahan at masakit na ang
mga paa niya dahil sa walang tigil na pagtakbo.

Nang makaalis na si Lanter ay pinili niyang manatili sa pagkakaupo habang


pinagmamasdan niya ang buong paligid.

“Cyrene.”

Mabilis na nilingon niya ang tinig na narinig niya mula sa bandang likuran niya.
Napatayo siya nang makita niya ang lalaking tumawag sa kaniya.

“Ark.” Gulat na anas niya. Sa ilang taon na lumipas na wala siyang naging balita
rito ay ngayon lang sila muling nagkita.

“Ark?” Muli ay tawag niya matapos niyang mapansin ang hitsura nito.

Parang gusto niyang magdalawang isip na ito nga ang dating boyfriend niya matapos
niyang makita ang malaking pagbabago sa katawan nito. Namilog ang mga mata niya at
natutop niya ang mga labi nang mapansin ang malaking tiyan ni Ark. Daig pa nito ang
buntis na malapit nang manganak.

Anong nangyari? naguguluhang sabi niya sa isip matapos niyang tingnan ito ng
diretso sa mga mata.

Nang maupo ito sa tabi niya ay napilitan siyang tumabi sa lalaki. Maswerte pang
nagkasya silang dalawa sa bench na kinauupuan nila.

“Uy! si Jollibee at Barney nagbobonding.” Sabi ng isang lalaking sa mga kasama


nito. Hindi nila ito pinansin kahit naririnig nila ang malakas na tawanan ng mga
teenager.

“A-ark.. papaanong.” Tanging nasabi niya.

Hindi na ito ang Ark na dating kilala niya. Ang dating boyfriend niya ay ubod ng
gwapo at maporma. Mahilig din itong tumambay sa mga gym at magpalaki ng katawan.
Maraming babae ang nagkakagusto rito noon dahil nga sa gwapo ito. Pero ngayon ay
wala na itong ipinagkaiba sa kaniya.

Kung ikukumpara ay mas malaki pa ang katawan nito sa kaniya. Hindi niya akalain na
magiging malusog ito ng ganoon.

“Ako nga. Kamusta ka na?” Tanong nito.


Pakiramdam niya ay nalunok niya ang dila niya dahil kahit ano pa siguro ang gawin
niya ay hindi niya maalis ang pagkagulat na naramdaman niya.

“A-anong nangyari sa'yo?” Naitanong niya. Nang maisip niya ang sinabi ay muli
niyang tinutop ang mga labi. “I’m sorry.. sorry nabigla lang ako.” Natatarantang
sabi niya.

Mahinang tumawa ito at tinapik ang isang kamay niya. “It’s okay.” Sinserong turan
nito sa kaniya.

Maliban sa pagkagulat ay naninibago rin siya sa ugali ng dating boyfriend. Noon ay


may pagkamaangas ito, pero ngayon ay daig pa nito ang maamong tupa.
“Ang laki nang ipinagbago mo.” Anito.

Yeah right.. salamat sa'yo.

“Oo nga. Mas lalo akong lumusog.”

Gustong gusto na niya itong sumbatan sa ginawa nito sa kaniya pero sa tuwing
nakikita niya ang maamong mukha nito ay nawawalan siya ng lakas na gawin iyon.

Para kasing sobrang bait nito at hindi kayang manakit ng babae kung tingnan.

“Ako rin naman eh.” Pabirong sabi ni Ark.


Muli ay pinagmasdan siya nito.

“Mabuti ka pa nakikita ko na masayang masaya ka. Siguro ay may asawa at mga anak ka
na. Samantalang ako nakalimutan ko na yata ang tumawa simula nang iwan ako ni
Trisha.” Malungkot na kwento ni Ark.

“Anong ibig mong sabihin?”

Nagsimula itong magkwento.

“Nakilala ko si Trisha magmula nang maghiwalay tayo. Sa unang pagkakataon sa buhay


ko ay hindi ko inasahan na magseseryoso ako sa isang babae kahit wala naman iyon sa
bokabularyo ko. Nasa kaniya na lahat ng mga katangian na hinahanap ko sa isang
babae. Maganda siya, sophisticated at nagmula sa isang mayamang pamilya.”

Mga katangian na wala sa akin.

“Noong una ay inakala ko na magiging maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa.
Kahit ako nagugulat sa sarili ko dahil hindi ko na magawang tumingin sa iba magmula
nang makilala ko siya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi ko inaasahan.
Nakita ko siyang may kasamang iba at hindi naman niya itinanggi sa akin iyon. Nag
away kami pero paulit ulit lang niyang ginawa sa akin ang mga panloloko niya. Hindi
ako bumitiw sa kaniya. Hinayaan kong lokohin niya ako dahil ayaw kong mawala siya
sa akin. Pero nagsawa siya sa pagsunod sunod ko sa kaniya. Sa huli iniwan niya ako
at hindi na ulit siya nagpakita pa sa akin. Kung ano ang nakikita mo ngayon sa akin
resulta na siguro ito ng karma matapos kitang lokohin noon at ang iba pang mga
babaeng dumaan sa buhay ko.”

Habang nakikinig si Cyrene ay hindi niya namalayan na pumapatak na pala ang mga
luha sa mata niya. Hindi niya akalain na pareho pala sila ng naging kapalaran ni
Ark.

“Sa pagkain ko ibinuhos ang lahat. Nakakatawa 'di ba? Hindi ko akalain na sa
pagkain ko pa magagawang ibuhos ang lahat ng mga kaibiguan ko. Kinalimutan ko kung
sino ako. Kahit nga ang gym nakalimutan ko ng dalawin dahil lang sa pagiging
depressed ko. Nakakatawa rin naman isipin na kung noon ay halos habulin ako ng mga
babae ngayon naman ay inaayawan na nila ako.”

Napahagulhol na siya nang iyak. Maliban sa talagang mababaw ang luha niya ay hindi
niya inaasahan na ganoon pala ang nangyari.

“Noon pa kita gustong makausap para humingi ako nang tawad sa mga nagawa ko sa'yo.
Ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag sinasabi mong masakit kapag naglalakad tayo
at tinutukso ka nila noon dahil sa pagiging medyo mataba mo.”

“Anong medyo. Sobrang lusog ko na nga 'eh!” Natatawang pinahid niya ang mga luha sa
magkabilang pisngi niya.

Hinawakan nito ang isang kamay niya at marahang pinisil. Nang yakapin siya nito ay
hindi siya umangal. Wala rin siyang pakialam sa iisipin ng ibang tao. Ang mahalaga
ay napatawad na niya si Ark sa ginawa nito sa kaniya.

Hindi na siya magtatanim ng anumang galit rito dahil alam niyang nagsisisi na ito
sa mga nagawa nito sa kaniya at sa mga babaeng niloko nito.

Noon ay balde baldeng luha ang naubos niya dahil hindi niya makalimutan ang
ginawa ni Ark sa kaniya. Isinumpa niya ang mga gwapo ng dahil sa sakit na ibinigay
sa kaniya nito. Dahil naniniwala siya na kagaya nito ay may kakayahan rin ang ibang
lalaki na lokohin ang mga babaeng kagaya niya.

Pero ngayon ay nararamdaman niya na nawala na ang bigat sa dibdib niya.


Parang may isang malaking tinik ang nabunot sa dibdib niya matapos nilang mag usap
at humingi ito nang tawad sa kaniya.

Parang bula na inilipad ng hangin ang mga hinanakit at galit niya sa ex


boyfriend niya.

Magsasalita pa sana siya nang maramdaman niya ang pamilyar at mainit na kamay na
bigla na lang ay humila sa kaniya. Mabilis na napatayo siya nang mapansin niya ang
nakakunot noong si Lanter.

“L-lanter.”

“Get out.” Mariing utos nito kay Ark.

Bigla siyang naawa kay Ark nang mapansin niya na natakot ito kay Lanter.
Nagmamadaling umalis ito at iniwan na silang dalawa.

“Ark.” Tawag niya pero hindi na siya nilingon pa.

Naiinis na tiningnan niya si Lanter.

“Ano ka ba? Hindi ka man lang naawa sa tao.”

Mapait na tumawa ito.

“Awa? Narinig mo naman 'di ba? Niloko ka tapos maaawa ako?”

“Narinig mo?” Kagat labing tanong niya.

Hindi na ito umimik pa at mabilis na naglakad palayo. Hinabol naman niya ito.

“Bakit ba nagagalit ka?” Naguguluhang tanong niya.

Hindi ito umimik at mabilis na naglakad lang para makalayo sa kaniya. Kahit
nahihirapan dahil mabigat ang katawan niya ay hinabol pa rin niya ito.

“Kapag hindi ka nagsalita bahala ka hahabulin ko siya.” Banta niya.

Sinulyapan lang siya nito at muli na namang naglakad.


“Lanter!”

Nang mapansin na malayo na ang distansiya nito sa kaniya ay naiinis na tumalikod


siya at nagpasiyang iwanan na lang ito. Pero nakakailang hakbang palang siya ay
mabilis na hinila na nit ang braso niya.

“Ang kulit mo talaga. Ano, susundan mo talaga siya?” Naiinis na bulyaw nito sa
kaniya.

“Ano ba kasing problema mo?” Pumalag siya mula sa mahigpit na pagkakahawak nito sa
kaniyang braso.

“Anong problema ko? Ang problema ko, ikaw! Alam mo naman na niloko ka niya pero
nagpapayakap ka pa rin. Ang problema ko nagseselos ako at gustong gusto kong
suntukin sa mukha ang ex boyfriend mo kapag naiisip ko na nagawa ka niyang saktan
noon.” Halos lumabas na ang mga litid sa leeg na sabi nito sa kaniya.

Natulala siya at hindi na nakapagsalita. Ilang saglit siyang natulala at nang


makabawi ay malakas na tumawa siya. Ganoon na lang ang tuwa niya nang malaman
nagseselos pala si Lanter kay Ark.

Noong boyfriend pa niya si Ark ay naalala niyang ginawa na niya ang lahat para lang
pagselosin ito pero wala naman nangyari. Daig pa nito ang manhid habang inirarampa
niya rito ang mga lalaking gustong makipagkilala sa kaniya noon.

Pero si Lanter…. muli na naman siyang natawa hanggang sa pumatak na ang mga
luha niya.

Tears of joy!

Walang kahirap hirap ay nagselos ito. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon
at parang gustong sumabog ng dibdib niya dahil sa sobrang kasiyahan.

“What?” Magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Lanter sa kaniya.

“Kasi..” Tumawa na naman siya.

Tawa lang siya ng tawa kahit ang totoo ay parang hindi na siya makahinga. Ganoon
siguro ang pakiramdam nang nanalo ng malaking pera sa lotto. Hindi mo inaasahan
pero kapag dumating na ang swerte ay tatawa ka lang hanggang sa maubos na ang lahat
ng hangin sa dibdib mo.

Ako na ang masayang masaya..

Nagulat na lang siya ng basta siya nito kabigin at halikan nang mariin sa mga
labi. Napamulagat siya at hindi agad nakakilos. Inabot lang siguro iyon ng mahigit
sampong Segundo pero katumbas na iyon ng habang buhay para sa kaniya.

“Ano tatawa ka pa?” Nakasimangot na tanong ni Lanter matapos siya nitong


bitiwan. Gusto na naman niyang matawa nang makita ang pagkapikon sa gwapong mukha
nito.

“Hindi na.” Nangingiting sagot niya. “Nakakatawa ka kasi. Pagselosan mo ba


naman siya? Hindi mo ba naisip na ilang babae ang pwede mong makuha sa loob ng
isang minuto samantalang siya kahit abutin ng isang oras o higit pa, waley!”
Dinutdot niya ang matigas na dibdib nito.

Nang makita niya ang unti unting paghupa ng inis sa gwapong mukha nito ay
ngumiti na naman siya. Hinila siya nito palapit sa katawan nito. Natatawang
idinikit niya ang ilong sa dibdib ni Lanter at inamoy niya pa ito.

“Sorry.” Sabi nito.

Nag angat siya nang tingin. “Dahil?”

“Nagsungit ako?”

“At?”

“Inaway ko iyong ex mo?”


“Tapos?”

“Nagselos ako?”

Ahhh!

Nang maramdaman niya ang mga labi nito sa ibabaw ng ulo niya ay parang
nanlambot na naman ang mga tuhod niya.

Okay.. hindi naman siguro masamang i-claim niya ang prize niya kahit hindi
siya nanalo sa lotto. Dahil kung tutuusin kahit ang pinakamalaking jackpot prize sa
lotto ay walang halaga sa kaniya kung ikukumpara sa matamis na mga halik ng gwapong
kasama niya.

Nang magtama ang mga mata nila ay isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito.

“May mga tao!” Mahinang hinampas niya ang dibdib nito matapos niyang mahalata
ang balak nitong paghalik sa kaniya.

“So? Tao din naman tayo ha?” Kumindat ito sa kaniya kaya natawa na naman siya.

Oo nga naman.

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER EIGHT part 1
by BethanySyLove27
8 - 10 minutes

Kahit hindi magsalita ang panganay na kapatid ay mahahalata pa rin ni Cyrene na may
problema ito. Base na rin mga kilos at reaksiyon nito habang tahimik na nakadungaw
ito sa bintana. Pumasok siya sa kwarto nito para sana manghiram ng charger dahil
naiwan niya sa radio station ang charger niya. Naupo siya sa gilid ng kama at
kinausap ang ate Tasha niya.
“May problema ka ba ate?” tanong niya.

Nag aalala siya dahil nabanggit ng mama nila kanina na hindi pa daw ito kumakain
simula pa kagabi. Magkaiba silang magkapatid dahil kapag galit siya ay sa pagkain
niya ibinubuhos ang lahat. Samantalang ito kahit kaunti ay ayaw nitong kumain kapag
hindi maganda ang mood nito.

Noong nasa highschool pa sila ay nakita niya kung papaano ito niloko ng isa sa mga
kaklase nitong lalaki. Niligawan ito ng kaklase nito at bandang huli ay natuklasan
ng kapatid niya na pustahan lang pala ang lahat. Hindi man sila gaanong magkasundo
ni Tasha dahil alam niyang magkaiba sila ay naaaawa pa rin siya sa kapatid.

Kung may pagkakapareho man sila iyon ay ang pagiging simple nilang dalawa. Hindi
nila namana ang pagiging smart at sosyal ng kanilang ina. Kahit sino ay hindi
maniniwala kapag ipinagtabi silang mag i-ina. Siguro ay tama ang madalas sabihin ng
ibang tao na nagmana silang magkapatid sa daddy nila.

“Ate.”

Malungkot na tiningnan lang siya nito.

“Nag away ba kayo ni Clyde?”

Kahit naman pinipintasan niya ang boyfriend ng kapatid ay hindi naman niya
gugustuhin na mag away ang mga ito.

“Hindi.”

“Eh, ano ang problema mo kung hindi naman pala kayo nag away? Bakit malungkot ka?”

Parang naiinis na tiningnan na naman siya nito.

“Basta.”

Napasimangot si Cyrene. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. Maliban sa pagiging nerd
ay pa rin nito ugali ang hindi magsabi ng problema sa kaniya o kahit sa parents
nila. Humiga siya sa kama at muling kinulit ang ate niya.

“Hindi ako naging love adviser at DJ para lang makausap ng ibang mga tao, ate. Kung
sila nga sa isang salita pa lang mahahalata ko na agad na may problema, kahit hindi
ko naman sila nakikita. Ikaw pa kaya na sarili kong kapatid?”

Gusto sana niyang ikwento rito na binigyan siya ng bonus ng may ari ng radio
station dahil natuwa ito sa kaniya matapos nilang makatanggap ng magandang feedback
mula sa mga tao. Pero papaano naman siya magsisimulang magkwento ng maganda kung
alam niyang hindi maganda ang mood ng kapatid niya ngayon?

Narinig niya ang magkakasunod na pagbuntonghininga nito kaya napakunot noo siya at
tinitingnan ito. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nagkunwaring may kausap.

“Para sa ating oras mga kaibigan ganap ng alas diyes ng umaga. Dapat po ay
natutulog pa ang inyong abang lingcod, dahil napuyat ako sa trabaho kagabi pero
dahil isa akong mabait at mapagmahal na bunsong kapatid, magtitiis po ako marinig
lang ang hinaing ng pinakamamahal na kapatid ko.” sabi niya.

Ginamit pa niya ang tono ng boses niya kapag nasa loob siya ng booth para isipin ng
ate niya na hindi talaga niya ito titigilan.

“Sabi nga po ni Mike Enriquez, mga kaibigan ‘hindi kita tatantanan!’” Ginaya pa
niya ang boses ng kilalang broadcaster na si Mike Enriquez.

Nang marinig niya ang malakas na tawa ng kapatid ay napangiti na siya. Dahil nagawa
niya ng mapatawa ito ay alam niyang gumaan na kahit papaano ang loob nito. Ang
kailangan na lang niyang gawin ay ang pakinggan ang magiging paliwanag nito.

“Kapatid kong kasing ganda ko, ano ba ang maitutulong ko sa'yo?”

Muli itong tumawa. “Gaga ka talaga, Cyrene.”

“Bawal ang mga bad words sa programa ko. Sige ka!” Banta niya.
Napailing na lang si Tasha at sinulyapan ang cellphone na hawak niya.
“Buntis ako.” Malungkot na sabi nito.

Natigagal siya. Hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon kaya napanganga siya.

“T-totoo?”

Bigla itong humagalpak ng tawa.

“Hindi! nagbibiro lang ako.”

Nakasimangot na binato niya ito ng unan.

“Gaga! Ang akala ko pa naman magkakaroon na ako ng pamangkin.”

“Uy! Bawal ang bad words sa programa mo 'di ba?” Saway nito sa kaniya.

Inismiran niya ito.

“Oo na, So, ano nga ang problema mo? Kung pera lang ibababa ko na ang tawag, wala
akong pera.”

Umiling ito. “Si Clyde.”

“Hmmm… LQ?”

“Hindi. Hindi naman kami nag aaway ni Clyde.”

“Hindi naman pala, ‘eh ‘di walang problema.”

Gusto niyang matawa sa ate niya. Kahit noon ay may pagkaparanoid talaga ito. Kahit
walang problema ay iniisip nitong mayroon at pilit na nag iisip ito ng pwedeng
solusyon.

“Nakokonsensiya ako.” Malungkot na sagot nito.

Napataas ang isang kilay niya.

“Wag mong sabihin na naging two timer ka na, big sister. Naku! Ibig mo bang sabihin
ay niloko mo si Clyde at ngayon ay nasa piling ka na ng ibang boylet?”

Bigla na lang itong napaiyak.

“Hindi. Mas gugustuhin ko pa nga siguro na ganoon ang ginawa ko, pero hindi.
Nakokonsensiya ako dahil masaya ako sa relasyon namin, samantalang siya alam ko
naman na hindi niya ako papansinin kung hindi ko pa ginawang sunugin ang boxer
niya. Alam mo iyong pakiramdam na pinipilit kong maging masaya dahil mahal na mahal
ko siya pero natatakot ako dahil papaano kung malaman niya na kaya lang naman siya
masaya sa akin ay dahil sa spell? Na kaya lang naman niya ako pinansin ay dahil sa
ginawa ko?”

Natigilan si Cyrene. Parang pinipilipit ang puso niya dahil sa biglang naisip.
Bigla ay tinamaan siya sa sinabi ng kapatid.
Shit! Bakit ba ngayon niya lang naisip na mali ang ginawa niya? Maging siya ay
parang sinipa ng konsensiya.

Makasarili ka! Sigaw ng kabilang bahagi ng puso niya.


Masyado siyang sinakop ng sarili niyang kaligayahan at hindi man lang niya naisip
na pwede niyang magulo ang buhay ni Lanter.

Pero mahal na mahal ko siya! Sigaw ng puso niya.


Ang tanong mahal ka rin ba niya? Kontra naman ng isip niya.
Napapikit siya nang marinig niya ang malakas na paghagulhol ni Tasha. Mabilis na
nilapitan niya ito at niyakap.

“Tahan na, ate.” Nakagat niya ang pang ibabang labi matapos pumatak ang mga luha
niya. Papaano niya dadamayan ang kapatid kung kahit siya ay nagsisimula nang
guluhin ng konsensiya.

Papaano niya sasabihin kay Lanter ang lahat?


Lanter, I’m sorry. Hindi ko naman alam na sa'yo pala iyong boxer yan tuloy sa'yo
tumalab ang spell na ginawa ko.

Lanter, pasensiya na hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko naman alam na


magkakaganito.

Pasensiya na.. pasensiya na…

Shit.

Gusto niyang matawa ng malakas dahil sa labis na pagkapahiya niya sa mismong


sarili. Paulit ulit niyang pinagmumura ang sarili na para bang mababago pa niyon
ang lahat ng nangyari sa kaniya.

Lanter pasensiya na.. sa kagustuhan kong makaiwas sa kakaibang nararamdaman ko


sa'yo ginayuma ko ang pinsan mo. Ang kaso sa'yo rin pala umepekto. Sa'yo pa rin
pala ang bagsak ko. Sabihin mo ng tanga at pathetic ako pero sa loob ng maikling
panahon na magkasama tayo ay isa lang ang natuklasan ko. Mahal kita….

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER EIGHT part 2 - Page 2
by BethanySyLove27
9 - 11 minutes

Dahil sa napag usapan ay nagpasiyang kausapin ni Cyrene si Lanter. Wala


siyang balak matulad sa kapatid niya na iiyak na lang sa isang sulok at iisipin ang
mangyayari bukas ng wala man lang ginagawa.

Walang katotohanan ang hindi natutuklasan. Ang lahat ay nalalaman sa tamang


panahon. At kung siya ang tatanungin ay hindi na niya hihintayin pa na matuklasan
ni Lanter ang ginawa niyang panloloko rito. Ang ginawa niya sa boxer nito, ang
biglang pagiging mabait nito sa kaniya. Ang lahat ng iyon ay kailangan niyang
pagbayaran.

Namumugto man ang mga mata ay pilit na hinakbang niya ang paa papasok sa bahay ng
ninang niya. Para siyang paulit ulit na sinampal habang nag uusap sila ng ate niya
kanina. Daig pa niya ang nagising mula sa isang napakahaba at magandang panaginip.
Na kung pwede lang ay hindi na sana siya magising pa ay ginawa na sana niya.
Hindi pa siya handang makita ang magiging reaksiyon ni Lanter kapag nagtapat
na siya rito. Magagalit ba ito at babalik sa dati ang turingan nila sa isa’t isa? O
magtatanong lang ito kung papaano mawawala ang epekto ng ginawa niya? At papaano
naman niya sasagutin iyon gayong wala siyang ideya. Kung siya ang tatanungin ay
gusto niyang maging panghabang buhay na ang epekto ng spell kay Lanter.

Pero hindi niya pwedeng gawin iyon, papaano naman ang buhay nito? Matatanggap
pa niyang magalit ito sa kaniya kaysa matuklasan nito sa ibang paraan ang ginawa
niya. Hindi siya nakasisiguro kung hanggang kailan ang epekto ng spell kay Lanter.
Papaano kung magising siya na hindi na pala siya nito gusto? Mas higit na masakit
iyon para sa kaniya.

Pagpasok niya sa loob ng bahay ay agad na hinanap niya ang Ninang niya. Nang
hindi niya ito makita ay dumiretso siya sa taas ng bahay kung saan naroon ang
kwarto ni Lanter. Nang matanaw niya ang kwarto ay bigla siyang natigilan. Biglang
sumagi sa isip niya ang dating gumagamit ng kwartong iyon.

Ron….

Biglang nagsikip ang dibdib niya. Sa loob ng maikling panahon ay naging


kaibigan niya si Ron kahit wala siyang ideya kung ano ang hitsura nito. Ang alam
lang niya ay bulag ito at kamag anak ito ng Ninang Esmee niya.

Noon ay madalas niya itong dalawin sa bahay ng ninang niya dahil nga
malungkot siya at walang masyadong nakakausap. Palagi siyang nasa labas ng pinto
tuwing mag uusap sila dahil nirerespeto niya ang gusto nito na hindi niya ito
makita. Hindi daw kasi patas na nakikita niya ito samantalang siya ay hindi naman
siya nito makikita.

Sa loob ng maikling panahon na nakausap niya si Ron ay napalapit na ito sa


kaniya. Madalas niya itong binibiro dahil sa paos na boses nito noon. Tumatawa lang
ito at hinahayaan siyang magkwento ng kahit na ano.

Pero simula nang magising siya sa katotohanan na kailangan na niyang


magpapayat at isipin ang sariling kapakanan niya ay dumalang na ang pagdalaw niya
rito. Naging abala kasi siya noon sa pagbabago sa sarili niya. Hanggang sa malaman
niya mula sa ninang niya na umalis na pala ito at bumalik na sa sariling pamilya.
Magmula noon ay hindi na niya tinangka pa na magtanong sa Ninang niya tungkol kay
Ron. Nalulungkot kasi siya kapag naiisip niya na hindi na sila muling nagkita pa.

Napabuntong hininga siya. Kamusta na kaya ito ngayon? Sana naman ay nasa maayos na
kalagayan ito kahit bulag ito. Aminado siya na pilit rin niya itong kinalimutan
dahil hindi man niya gustuhin ay nagawa niyang ikulong ang sarili sa lungkot at pag
iisa ng halos hindi niya namamalayan.

Aktong kakatok na siya sa pinto nang marinig niya ang mga tinig na nag uusap
mula sa loob ng kwarto.

“Nakakatawa ka, pinsan. Bakit mo pa pinatagal ng ganito? Alam mo naman pala


na sinunog niya ang boxer mo bakit hindi ka man lang nagreact?”

Narinig ni Cyrene ang natatawang boses ni Josh.

“Siraulo! Ayoko lang madissapoint siya. Pero ang problema, papaano ko


sasabihin kay Cyrene ang lahat ngayon? Siguradong magagalit siya sa akin.” Ani
Lanter.

“Walang duda iyon. Alam mo si Cyrene, ubod iyon ng taray malamang awayin ka
na naman niya. Papaano mo naman sasabihin na nandoon ka sa itaas ng puno habang
pinauusukan nila ang boxer mo?” natatawang tanong ulit ni Josh.

Natutop niya ang mga labi nang marinig ang pag uusap ng magpinsan. Pakiramdam niya
ay binagsakan siya ng mabigat at malalaking bato habang nakikinig siya sa pag uusap
ng mga ito.

“Madali na lang sabihin iyon sa kaniya. Tutal naman, aalis ka na dito sa lugar
namin hindi mo na siya makikita kaya wala ng magiging problema.”

“Hindi mo kasi ako naiintindihan.” Angal ni Lanter.

Pakiramdam niya ay may mga paruparong nag unahan sa paglipad sa loob ng sikmura
niya.

Alam niya! alam niya! paulit ulit na sabi niya sa sarili.

Alam ni Lanter ang ginawa niya dahil naroon pala ito habang mukha siyang tanga at
dinadasalan ang boxer nito. Kaya ba bigla itong bumait sa kaniya dahil alam nito
ang lahat? Parang gusto nang sumabog ng ulo niya dahil sa sobrang dami ng mga
iniisip niya. Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Lanter ay hindi
siya agad nakakilos.

Parehong namutla sila Lanter at Josh nang makita siya. Ilang saglit siyang
nakatulala lang bago niya pilit na ihinakbang paatras ang mga paa niya.

Naging sunod sunod ang paglunok niya nang mapansin niya ang paglapit ni
Lanter para pigilan siya sa braso.

“C-cyrene.” Namumutlang tawag nito.


Napakurap kurap siya. Hindi matanggap ng puso niya na ang mga bagay na
ipinakita nito sa kaniya ay parte lang pala ng pagkukunwari.

Ang tanga ko. Ang tanga ko..

Pilit na ngumiti siya. Wala siyang pakialam kahit magmukha siyang katawa
tawa. Kailangan niyang ibangon ang pride niya dahil iyon na lang ang tanging
natitira sa kaniya. Matagal na niyang naibigay kay Lanter ang puso niya at hindi na
niya iyon magagawang bawiin pa.

“Alam mo na pala kahit noon pa pero hindi mo agad sinabi sa akin, kailangan
pa natin humatong sa ganito, para lang hindi ako madissapoint. Talaga bang ganoon
na ako ka-pathetic?” Pinilit niyang magbiro pero nagkaroon ng pait ang tinig niya.

“P-pasensiya na. Hindi ko alam na nahihirapan ka palang ipagtapat ang lahat.”

Akmang tatalikuran na niya ito pero mabilis na pinigilan na naman siya nito sa
braso.

“Cyrene.. makinig ka na muna sa akin please?” Nakikiusap na sabi ni Lanter.

Tinabig niya ang kamay nito.

“Ayoko! Ngayon hindi na ako mahihirapan sabihin sa'yo ang totoo dahil alam mo
naman pala. Tama naman ang pinsan mo hindi na mahirap sa'yo ang lahat dahil aalis
ka na dito.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya si Lanter at mabilis na


tumakbo siya. Ang buong akala niya ay mas masasaktan siya oras na makita niya ang
pandidiri sa mga mata nito kapag nagtapat siya, pero nagkamali siya. Walang kasing
sakit para sa kaniya ang matuklasan na aalis na pala ito at sigurado siyang hindi
nito balak seryosohin ang tungkol sa kanilang dalawa.

Huwag ka ng mangarap!

“Cyrene!”

Hindi niya pinansin ang pagtawag nito dahil ayaw niyang makita nito ang pag
iyak niya. Nang makarating siya sa sariling bahay ay halos hindi na iyon
rumehistro sa utak niya kung hindi pa niya narinig ang malakas na pag iyak ng ate
niya.

Napamaang siya nang makita sa sala ang kapatid habang sumisigaw ito at galit
na sinusumbatan si Kley.

“Wala kang kwentang kaibigan!” Galit na sigaw ng kapatid niya.

Natigilan siya at hindi agad nakakilos nang makita niya na nag iiyakan ang
magkakaibigan. Ngayon lang nag away ng ganoon ang mga ito kaya naninibago siya.
Magmula pa noon ay hindi na niya nakitang naghiwalay ang mga ito kaya nga mas
madalas ay umiwas siya kay Tasha dahil nagseselos siya sa mga kaibigan nito.

“S-sorry.” Umiiyak na anas ni Kley.

“Sorry? Sorry lang? Matapos mo akong lokohin?”

“P-pero totoo naman talaga na nabasa ko iyon sa internet-”


“Totoo nga! totoo din na kinumbinsi mo akong gawin iyon dahil bago mo pa sabihin sa
amin ay nauna mo nang sinabi kay Clyde! I hate you!”

“Tasha! tama na. Gusto lang naman makatulong ni Kley para makuha mo ang atensiyon
ni Clyde.” Saway ni Freida dito.

“Hah! Matutulungan ba niya ako sa ginawa niya? Niloko nila akong dalawa! Ang buong
akala ko umepekto ang ginawa ko kay Clyde, kaya nakokonsensiya ako dahil alam ko na
mali ako. Pero ang totoo pala, matagal na niyang alam dahil sinabi mo sa kaniya ang
plano natin. Umalis na kayo!” Malakas na sigaw ng kapatid niya.

Nang dumaan ang mga kaibigan ni Tasha sa harapan niya ay nagpapaunawang


tingin lang ang naging ganti niya sa pagtango ng mga ito. Dinaluhan niya ang
kapatid nang makaalis na ang mga kaibigan nito. Niyakap niya ito habang pareho
silang umiiyak. Alam niya ang pinagdadaanan nito dahil kahit siya ay nararamdaman
ang sakit na kapalit ng ginawa nila.

“Ang sakit Cyrene, ang sakit sakit!” Hagulhol nito.


Hinaplos niya ng marahan ang likod nito habang tahimik na lumuluha siya.

“Alam ko iyon, ate... alam na alam ko.”

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER NINE part 1 - Page 5
by BethanySyLove27
12 - 15 minutes

Dahil bigo ay ginawa ulit ni Cyrene ang mga bagay na makakapagtanggal ng lungkot
niya. Wala na siyang pakialam kahit tumaas pa ng bongga ang blood sugar niya o
kahit masuka pa siya sa sobrang kabusugan.

Napailing si Cyrene matapos niyang mapansin ang mga pagkaing nakahilera sa


kama niya. Lahat na siguro ng mga pagkain sa bawat fast food na nadaanan niya ay
inorder niya at ultimo ang laman kusina nila ay sinaid niya.

Pang sampu o higit pa na tao ang tantiya niyang dami ng pagkain na nasa
kwarto niya. Siya lang ang kakain ng mga iyon dahil gusto niyang mawala ang sakit
sa dibdib na nararamdaman niya. Gusto niyang mapunta iyon sa tiyan niya para
mailabas na niya iyon.

Sana paggising niya sa umaga ay mawala na ang sakit at bumalik na sa normal


ang lahat.

Sana nga….
Pumasok sa kwarto niya ang ate niya bitbit ang make up kit ng mommy nila.
Napamulagat siya nang makita ang hitsura nito.

“Ate!” Naibulalas niya nang mapansin ang suot nitong sexy dress. “Shit!
Shit!” Paulit ulit na napamura na lang siya. Tinapik niya ang mga pisngi. Nang
maramdaman niya ang sakit nang ginawa niya ay saka niya muling tiningnan ang
kapatid.

Mabilis na tumayo siya sa kama at tumili nang pagkalakas lakas.

“Gaga ka ate! Ang ganda mo pala kapag hindi ka nagsusuot ng mga damit na
kapareho ng kay lola.” Hinawakan niya si Tasha sa balikat at pinaikot ikot ito.

Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang makita ang magandang hugis ng katawan
nito.

“Balakang mo palang ulam na! Bakit wala akong ganiyan!” Naiinggit na sabi
niya.

Tumawa lang ito at inabot ang make up kit sa kaniya.

“Kailangan kong makalimot. Pagandahin mo ako.” Anito.

Napasimangot siya at mabilis na nilantakan ang pizza na nasa mesa.

“Kainis ka naman, ate. Nagbibiro ka ba? Papaano pa kita pagagandahin kung


wala naman akong makitang mali sa mukha mo. My god! Hindi ko lubos maisip kung
papaano mo nagawang itago ang ganiyang ganda sa loob ng napakaraming taon.”

Napailing iling siya. Mas lalo tuloy siyang nafrustrate nang makita ang
hitsura ng ate niya. Sa hitsura nito ngayon ay naging kamukha nito si Maricar na
sumikat noong ninetees kung saan usong uso pa ang mga mexicanovela.

At ako iyong aso ni Marimar.. grrr!


“Tigilan mo ako, hindi ka nakakatulong sa ikagagaan ng loob ko.” Nanghahaba
ang ngusong wika niya. “Kapag nakikita kita parang pinagsisihan ko na lumobo ako ng
kagaya ni Papa. Samantalang ikaw kamukha mo si Mama.”

Tumawa lang ito.

“Tingnan mo ang balakang mo! Utang na loob matagal ko ng pangarap ang ganiyan
na parang kay Beyonce. Kaso ang napunta sa akin ganito.” Itinuro niya ang malapad
na balakang.

Matapos maubos ang pizza ay french fries naman ang nilantakan niya. Sinabayan
pa niya iyon ng tsokolate para mas masarap.

“Hmm.. ang sarap kumain talaga. Daig ko pa ang nasa heaven.” Napapikit siya
nang maramdaman ang malamig na coke na sumayad sa lalamunan niya. “Kain.” Alok niya
sa kapatid.

“Kulang pa sa'yo 'yan ‘noh.” Anito.

Napatango siya. “Korek.”

“Cyrene tulungan mo naman ako, hindi lang ikaw ang bigo, ako rin kaya!”

Napakagat labi siya. Kahit matalino ang kapatid niya, kung minsan ay may
pagkaslow din ito. Pilit na nga niyang kinakalimutan si Lanter at ang sakit na
nararamdaman niya ay ipinaalala pa nito.

Nakasimangot na tumingin siya kay Tasha.

“Ano ba ang maitutulong ko?”

“Lagyan mo ako niyan. Gusto kong maging maganda ngayon,” Ininguso nito ang
make up kit.

Napataas ang isang kilay niya.

“Gaga ka, ate. Gusto mo na na mamaga ang buong mukha mo?” Pinandilatan niya
ito ng mga mata.
Hindi naman ito nagpatinag at pumili na nang magandang kulay ng eyeshadow.

“Ate naman, eh! Alam mo naman na may allergy ka sa make up.” Angal niya.

“Wala akong pakialam basta lagyan mo ako niyan dahil gusto kong maging
maganda, kahit ngayon lang.”

Nagtaka siya sa sinabi nito. “Ngayon lang? Ibig mo ba sabihin ay babalik ka


naman sa pagiging nerd mo sa sunod na araw?”

“Exactly.”

“Oh my!” Tili niya. “Sayang ang ganda mo! Huwag na!”

Malungkot na sinulyapan siya nito. “Alam mo naman noon na pinandigan ko na


ang pagiging nerd dahil nasaktan ako sa ginawa sa akin ni Leo.”

Ang Leo na tinutukoy nito ay ang kaklase nito na nanligaw rito. Nasaktan ang
ate niya nang malaman nito na pustahan lang pala ang panliligaw ni Leo. Magmula
noon ay nagbago na ang ate niya. Mas lalo pa nitong ibinuhos ang atensiyon sa pag
aaral.

“P-pero..” Wala na siyang nasabi pa matapos ilagay ni Tasha sa kamay niya ang
makeup kit.

Napailing iling siya. “Magkapatid nga tayo.”

Ngumiti lang ito ito sa kaniya. Matagal tagal na rin naman siyang hindi
nakakahawak ng make up kaya parang nakaramdam tuloy siya ng excitement.

“Okay, go!” Malakas na sabi niya.

*************************************

“Gusto mo na tulungan kita para makausap mo si Cyrene?”

Nilingon ni Lanter ang pinsan niyang si Josh. Naroon sila sa bakuran at


kanina pa niya hinihintay na lumabas mula sa kabilang bahay si Cyrene, pero namuti
na ang mga mata niya ay hindi man lang niya ito nakita.

Umiling siya at nag iwas ng tingin kay Josh. Hindi nito naman na hindi ang
boxer niya ang balak sunugin ni Cyrene kundi ang boxer nito. Ang kaso hindi naman
ugali ng pinsan niya ang magsuot ng boxer.

Ano ba naman ang malay niya na mangyayari ang ganoong tagpo, ilang linggo na ang
nakakaraan? Napailing iling siya. Kaya siya tumambay noon sa itaas ng puno, kahit
malalim na ang gabi ay dahil maliban sa hindi siya makatulog ay gusto niyang
silipin si Cyrene mula sa kwarto nito.

Pero nagulat na lang siya nang makita niya ito at si Tasha na lumabas ng bahay at
nagtungo sa bakuran. Narinig niya ang pinag usapan ng magkapatid kaya niya nalaman
ang plano ni Cyrene na gayumahin si Josh. Nang marinig niya ang usapan ng
magkapatid ay kamuntik na siyang bumaba mula sa itaas ng puno at pigilan si Cyrene
sa gagawin. Papayag ba naman siyang mapunta ito sa pinsan niya kung gusto niya ay
sa kaniya lang ito?

Halos hindi na maalis ang pagtitig ni Lanter sa direksiyon ng kwarto ni Cyrene


habang nakahiga siya sa sanga ng puno. Hinihintay niyang dumungaw ito sa bintana
pero mukhang mabibigo lang siya dahil napansin niya na isinara na nito ang ilaw sa
kwarto.

Nagdesisyon siyang manatili pa doon ng ilang minuto. Mayamaya ay napakunot


noo siya nang makarinig siya ng mahinang bulungan sa kabilang bakuran.

“Basta ang usapan natin Cyrene ha, walang ibang pwedeng makaalam nito maliban
sa atin at sa mga kaibigan ko.”

“Oo na nga,” Narinig niyang sagot ni Cyrene sa kapatid nito.


Dinungaw ni Lanter ang mga ito mula sa ibaba. Hindi siya nangangambang makita siya
ng magkapatid dahil maliban sa malaki ang puno ay makapal rin ang mga dahon niyon.

Napailing siya. Mukhang may nilulutong kalokohan ang dalawa at kailangan


niyang matuklasan kung ano iyon.Napamulagat siya nang mapansin niya ang isang boxer
na hawak ni Cyrene. Inamoy amoy nito iyon na para bang masarap na pagkain ang hawak
nito.

“Pustahan tayo ate, ginawa mo rin naman ito habang na sa'yo ang boxer ng
boyfriend mong baduy.”Muli ay sabi ni Cyrene.

“Sigurado ka ba na si Josh na ang lalaking magugustuhan mo forever and ever?”

Napataas ang isang kilay niya marinig ang sinabi ni Tasha. Ang pinsan niyang si
Josh ang tinutukoy ng mga ito.

“Oo naman, alam mo naman na matagal ko ng crush si Josh. Kita mo naman, bagay kami
'di ba? Super love ako ni Ninang Esmee, kaya kung sakali man ay one big happy
family kami. At saka bakit ba tanong ka ng tanong, ako ba nagtanong ako kung
sigurado ka na talaga diyan sa boyfriend mo?”

“Malapit ng mag alas dose, kapag hindi ka pa tumigil hindi kita tutulungan,”Banta
ni Tasha. “Okay ganito ang gagawin mo,” Idinemo ni Tasha kay Cyrene ang dapat
nitong gawin.

“Gagawin ko iyan?” Reklamo ni Cyrene.

“Gusto mong tumandang dalaga?”

Bigla siyang kinabahan sa gagawin ni Cyrene. Kung ganoon ay may gusto ito kay Josh
at gusto nitong magkagusto din rito ang pinsan niya. Sa narinig ay parang may
malakas na sumipa sa sikmura niya. Sa buong buhay niya ay ngayon lang niya nagawang
matakot at mataranta ng ganoon katindi.
Great! Biglang kumulo ang dugo niya dahil sa labis na selos. Gusto na sana siyang
bumaba para pigilan ang mga ito sa gagawin ng bigla siyang matigilan. Boxer niya
ang sinusunog ni Cyrene at sa pagkakatanda niya ay hindi naman nagsusuot ng ganoon
ang pinsan niya. Sa halip na bumaba ay naaaliw na pinagmasdan niya ang ginagawa ng
dalaga.

Aliw na aliw siya habang nakikita niya ang pagsayaw nito.


Isang ideya ang sumagi sa isip ni Lanter. Para mapansin siya nito, ang kailangan
na lang niyang gawin ay ang gumawa ng paraan para ipaalam na siya ang nagmamay ari
ng boxer at sa kaniya umepekto ang spell...

Naiinis na lumabas si Lanter ng bakuran at lumipat sa kabila.


“Sa tingin mo haharapin niya ako?” Tanong niya sa pinsan. Kahit nagseselos siya sa
katotohanan na ito ang gusto ng babaeng mahal niya ay nagpapasalamat pa rin siya
dahil dinamayan siya nito. Kungsabagay, wala naman itong kamalay malay na ito ang
talagang target ni Cyrene at hindi siya.

Sorry ka na lang pinsan….

Napakamot sa ulo si Josh at tiningnan lang siya na para bang nasisiraan na siya ng
bait. Parang awang awa ito sa kaniya. Ang sarap nitong batukan ,sa totoo lang.

“Pahinga ka na muna, pinsan. Mahirap na, baka mamaya lumabas ng bahay si Cyrene at
makita ka, malamang na magagalit na iyon.” Payo nito sa kaniya.

Napabuntong hininga siya. Nahilot niya ang batok nang mapansin niya ang padabog na
pagsara ng bintana sa mismong kwarto ni Cyrene.

Mukhang galit nga…..

“Pare!” Narinig niyang tawag ni Josh sa isang lalaki na nakatayo sa labas ng


bakuran.

Nang sulyapan niya ang lalaki ay agad na nagtaka siya. Hindi ito pamilyar sa kaniya
kaya ng lumapit ito sa kanila ay tinanguan lang niya ito.

“Pinsan si Clyde nga pala, classmate at kaibigan ko.” Ani Josh sa kaniya.

Natigilan siya. Narinig niya dati na nabanggit ang pangalang Clyde habang nag
uusap ang magkapatid –at dinadasalan ang boxer niya—at nasa itaas siya ng puno.

“Ikaw si Clyde?” Bigla ay nasabi niya.

Tumawa si Josh. “Oo. Siya iyong boyfriend ni Tasha.” Bumaling ito sa kay
Clyde. “Pare pinsan ko huwag mo na lang pansinin kung medyo nawawala sa sarili
'yan, problemado kasi dahil sa boxer niya.”

Tiningnan niya ng masama ang pinsan pero tinawanan lang siya nito na para
bang may nakakatawa sa naging reaksiyon niya. Mukhang naintindihan naman ni Clyde
ang tungkol sa boxer at nag umpisa na itong magkwento. Ganoon na lang ang tawa ni
Josh.

“Epidemia ba 'yan?” Tawa ito nang tawa kaya siniko na niya ito sa tiyan.

“Stop it!” Saway niya. “Hindi ka nagsusuot ng boxer kaya hindi mo alam ang
feeling.”

Tumawa na naman ito ng malakas. Hindi na lang niya ito pinansin dahil ayaw na
niyang masira pa lalo ang araw niya.

“Aksidente lang naman na natuklasan ko na balak palang sabihin ni Kley sa mga


kaibigan niya ang tungkol sa Website na iyon. Nang magkaroon ako ng ideya ay
pinilit ko siyang makisama sa akin, ang kapalit ay ilalakad ko si Kley sa isang
pinsan ko. Matagal na kasing may gusto si Kley sa pinsan ko pero hindi naman siya
pinapansin kaya nakipagtulungan siya sa akin.”

Pinagmasdan niya si Clyde. Medyo payat ito at may pagkanerd, patunay na ang
suot nitong salamin at ang buhok nitong tinalo pa ang sapatos niya sa elementarya
dahil sa sobrang kintab.

“Okay….okay naiintindihan ko na kayo. Ang kailangan na lang ninyo ay gumawa


ng paraan para makuha ang atensiyon nila.” Ani Josh.

Makahulugang tingin ang ibinigay nito sa kaniya. Nang mapansin niya ang
pagngiti ni Clyde ay parang naiintindihan na niya ang sitwasyon.

Kahit siguro pinakamahirap na task sa mundo ay gagawin ni Lanter, mapatawad


lang siya ni Cyrene.

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER NINE part 3
by BethanySyLove27
4 - 5 minutes

“Ate ang ganda mo!” Bulalas ni Cyrene matapos niya itong ayusan. Halos hindi siya
makapaniwala na ganoon pala talaga ito kaganda, lalo na kapag naayusan ng bongga.
“Wow!”

Tumingin sa salamin si Tasha. Napansin niya ang mga luha nito kaya malakas na
tumili siya.

“Ate naman eh! Isang oras ko kayang pinaghirapan 'yan.” Reklamo niya.

“Kasi naman 'eh! bakit ganito ako kaganda?”

Napangiwi siya sa pagiging overacting nito.

“Kung ayaw mo ibigay mo na lang sa akin ang ganda mo, baka sakaling hindi pa
masayang.” Inirapan niya ito matapos niyang damputin ang burger na hawak niya.
Ako na ang matakaw…..

Kahit siguro ipaubos sa kaniya lahat ng mga pagkain na sa kwarto niya ay


hindi siya mabubusog. Kailangan niyang mailipat sa ibang bagay ang atensiyon niya
dahil ayaw niyang umiyak at malungkot.

Kapag natitikman niya ang pagkain ay nakakalimutan niya ang sakit sa dibdib.
Pero kapag nalunok na niya iyon ay bumabalik ang sakit kaya wala siyang magawa
kundi kumain ng paulit ulit. At kahit lumobo pa siya ng bonggang bongga ay wala na
siyang pakialam.

Aanhin niya ang mababang blood sugar kung mismong tamis ng pag ibig ay hindi
naman niya magawang pakinabangan?
Muli niyang sinulyapan ang ate niya. Umiiyak pa rin ito kaya napapalatak
siya.

“Ate Tasha, huwag kang magtaka kung habang namamaga ang mukha mo ay kumakalat
na rin ang mascara sa buong pisngi mo. Sige na maghilamos ka na, okay lang kahit
pinaghirapan ko 'yan. Uminom ka na rin agad ng gamot sa allergy para hindi ka na
mangati sa make up mo.”

Hindi ito kumilos at panay lang ang tingin sa salamin habang umiiyak.

Daig pa si Ate Shawie kung magdrama!

“Cyrene, papaano kung sakaling humingi ng sorry sa'yo si Lanter? makikinig ka


ba?”

Parang pinilipit ang puso niya sa tanong nito.

Hay buhay! bakit ba kahit na anong pilit niyang kalimutan ang sakit at idaan sa
pagkain ang lahat ay hindi pa rin niya magawang magtagumpay?

Maya’t maya ay may nagpapaalala pa rin sa kaniya ng sakit na nararamdaman


niya.
“Hindi ko alam,” Mabigat ang pakiramdam na sagot niya. “Sobrang namimiss ko
na siya sa totoo lang. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman siya pwedeng pilitin
kong ayaw niya sa akin 'diba?”

Tumayo siya sa bintana para alamin kung naroon pa rin si Lanter at ang pinsan
nito. Kanina kasi ay nakita niya ang mga ito sa bakuran nila kaya nga mabilis na
isinara niya ang bintana. Pero dahil hindi niya mapigilan ang sariling silipin
itokaya hindi na siya nagdalawang isip pa na hawiin ang kurtina ng bintana sa
kwarto niya.

“Kung alam mo lang kung gaano ako sobrang nasasaktan ngayon. Idinadaan ko ang
lahat sa pagkain, pero ang totoo niyan nawiwindang at umiiyak rin naman ako. Pero
hindi ko magawang ipakita sa inyo dahil ayoko ng ganoon.”

Sumulyap siya sa labas. Kumabog ang dibdib niya nang mapansin niyang naroon
pa rin sa bakuran nila ang magpinsan. Napasinghap siya nang mapansin na kasama ng
mga ito si Clyde.

Natutop niya ang dibdib matapos niyang makita ang ginagawa ng mga ito.

“Ay diyos ko!” Bulalas ni Cyrene.

“Bakit?” Napatayo ang ate niya sa pagkagulat.

“Ate! sila Clyde at Lanter, may balak yatang sunugin ang bahay natin!”
Natatarantang sigaw niya.

www.wattpad.com
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY - CHAPTER TEN (END) - Page 4
by BethanySyLove27
15 - 20 minutes

“Ano 'yang ginagawa ninyo ha?!” Hinihingal na sigaw ni Cyrene nang makalabas siya
ng bahay nila. Ang kapatid niya na maganda na sana, kung hindi lang iniyakan ang
make up na pinaghirapan niya ay mabilis na nagtago naman sa likod niya nang makita
si Clyde.
“Natasha.” Tawag ni Clyde.

Hindi umimik si Tasha at nanatili itong nakatayo lang sa likuran niya.

“Pasensiya na, pero hindi ko sila mapigilan sa gusto nilang gawin 'eh.”
Napakamot sa ulo si Josh matapos niya itong tingnan ng masama.

Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Kung noon ay halos mapatili na siya sa
kilig kapag nakikita niya ito ay siya namang kawalan nito ng dating sa kaniya
ngayon.

Para bang gusto niyang itanong sa sarili kung bakit nagustuhan niya ito,
samantalang hindi naman ito gwapo na kagaya ng dating boyfriend niya.

Kamuntik na niyang makalimutan ang pangako niyang isumpa ang mga lalaking
gwapo magmula nang dumating sa buhay niya si Lanter. Salamat kay Josh at sa narinig
niyang pag uusap ng magpinsan dahil nakabalik siya sa reyalidad na hindi pwedeng
magkagusto sa kaniya ang isang lalaking napakagwapo dahil sa hitsura niya.

“Cyrene.” Ani Lanter.

Tinaasan niya ito ng isang kilay at mabilis na inirapan. Pilit na pinapakita


niya na balewala ito sa kaniya, kahit na ang totoo ay kanina pa niya gustong
makulong sa mga yakap nito.
Pero dahil sa mga narinig niya at sa nalaman niya na malapit nang umalis si Lanter
kaya mas pinili niyang magmatigas. Ayaw niyang sa bandang huli ay mahirapan siyang
tanggapin na mawawala ito sa kaniya. Hindi niya kakayanin na mangyari iyon.

Hindi niya ito pinansin at muling nilingon si Clyde nang mapansin niya ang
paglapit nito.

“Wag kang lalapit, utang na loob!” Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Ano
'yang mga dala ninyo? May balak ba kayong sunugin ang bahay namin? Ganoon na ba
kalaki ang galit ninyo sa aminng magkapatid kaya nagbitbit pa kayo ng gas at
posporo?” Singhal niya sa dalawang lalaki na magsasanib pwersa pa yata para lang
makaganti sa kanila ng ate niya.
“Hindi—”

“Get lost!” bulyaw niya kay Lanter matapos siya nito tangkaing lapitan. Nang
makita nito ang galit sa mukha niya ay natigilan ito.

Napataas ang isang kilay niya matapos niyang mapansin ang tig isang kahon na
bitbit ng nila Lanter at Clyde.
Ano naman kaya ang pakana ng mga walanghiya at nagdala pa ng kaniya kaniyang
box?

“Ano? balak ba ninyo kaming ilibing diyan sa mga kahon na hawak ninyo?”

“Cyrene, please?” pakiusap ni Lanter.

“Please ka diyan! Please mo mukha mo! I hate you!”

Kung hindi niya naipakita noong una ang nararamdaman niyang galit, matapos niyang
marinig ang totoo ay hindi na niya iyon magagawang itago ngayon. Naiinis siya kay
Lanter. Pero mas doble pa ang inis niya sa sarili niya dahil kahit anong gawin
niya, hinding hindi niya magawang lagyan ng galit ang puso niya pagdating rito.

Isinumpa niya noon si Ark. Pero si Lanter, kahit sampung beses siyang lokohin
nito ng paulit ulit ay hindi niya magagawang magalit ng todo na katulad nang
naramdaman niya noon kay Ark. Napahagulhol na siya nang iyak dahil sa sobrang inis
niya sa sarili.

“Nakakainis ka! Alam mo naman pala ang totoo bakit nagpanggap ka pa? Sana
sinabi mo na lang sa akin na sa'yo iyong boxer at hindi kay Josh.” Alam niyang
katangahan ang sinabi niya pero wala siyang magawa dahil nalulunod na siya sa sama
ng loob.

“W-what?” Naguguluhang tanong naman ni Josh.

Mabilis na nilingon niya ito. Nagtatakang nagpalipat lipat ang tingin niya sa
magpinsan.
“Shit!” Naihilamos ni Lanter ang palad sa mukha at halatang naiinis na ito.

“You mean—”

“Wala siyang alam. Hindi ko sinabi sa kaniya na siya ang target mo.” Putol ni
Lanter sa sasabihin ni Josh. Habang nakatingin ito sa kaniya ay para bang sinasabi
ng mga mata nito na pakinggan niya ang lahat ng paliwanag nito.

Natigilan si Cyrene. Namumula ang mga pisnging nag iwas siya ng tingin
matapos niyang marinig ang malakas na pagsinghap ni Josh. Ano ba naman ang malay
niya na hindi pala nito alam ang tungkol sa bagay na iyon? Ibig sabihin ay hindi
pala sinabi ni Lanter ang lahat. Pero bakit?

Napapalatak si Josh bago tinapik sa balikat si Lanter.

“Pag usapan ninyo 'yan pinsan. Labas na ako diyan.” Anito.

“Talagang labas ka dito!” Singhal naman ni Lanter kay Josh.


Mukhang tuluyan na itong nainis at muling sumulyap sa kaniya.

“Oo aminado ako na narinig ko ang lahat ng pinag usapan ninyo ng kapatid mo. Masaya
ka na? Aminado ako na nagpanggap ako, hindi lang para lokohin ka na kagaya nang
iniisip mo.
Nagpanggap ako para hayaan mo akong mapalapit sa'yo. Nagpanggap ako para mapansin
mo na ako. Dahil kahit nahihirapan ako tuwing tinatarayan mo ako at nahihirapan
akong gumawa ng paraan para mapansin mo ay hindi mababago ang katotohanan na noon
pa man ay mahal na kita.” Mataas ang boses nito habang nagsasalita.

“Mahal din kita Natasha, mahal na mahal!” Malakas na sigaw ni Clyde.

Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng ate niya at ang mabilis na pagtakbo
nito palapit sa direksiyon ni Clyde. Hindi niya nagawang pigilan si Tasha dahil
napako ang buong atensiyon niya kay Lanter.

Mahal niya ako….mahal niya ako! Paulit ulit iyong sumisiksik sa isip niya na parang
isang malamyos na kanta.

Parang biglang nagsikip ang dibdib niya at lumiit ang buong paligid. Tanging si
Lanter lang ang nakikita niya at kahit may ibang tao sa paligid nilang dalawa ay
hindi na niya iyon napapansin. Para siyang sasabog ng malakas dahil sa biglang
pagbilis ng tibok ng puso niya.

“Ano, hindi ka pa rin ba naniniwala?” tanong nito.

Hindi na naman siya nakaimik. Kapag nagsalita siya ay alam niyang mauuwi lang
iyon sa pag iyak. Hindi siya nakaramdam ng ganoong klase ng saya noong sila pa ni
Ark. Hindi ganoong klase ng saya ang naramdaman niya kay Ark nang sabihin nito na
mahal siya nito. Pero bakit pagdating kay Lanter para siyang nakakita ng hindi
mabilang at nagkikislapang fireworks sa paligid?

Napamulagat siya nang mapansin na binuksan nito ang dalang kahon. Itinaktak
nito sa damuhan ang mga boxer na nasa loob ng kahon. Awang ang mga labi na
napatitig lang siya sa ginagawa ni Lanter. Kung sa ibang pagkakataon siguro na
hagisan siya ng sangkaterbang boxer sa harapan niya ay baka mapasigaw na siya sa
sobrang gulat.

Pero hindi niya iyon magawa ngayon dahil parang nalulon na niya ang dila niya sa
pagkalito. Ihinagis ng binata sa kung saan ang kahon at dinampot naman nito ang
botelya ng gas at lighter.

“Para hindi ka na magalit, sunugin mo na ang lahat ng mga boxer ko para mas lalo pa
akong mabaliw sa'yo. Hindi ko kailangan ang mga 'yan o ang kahit ano, mas kailangan
kita.”

“N-nababaliw ka na.” Namumula ang gilid ng mga matang wika niya.

“Mas mababaliw ako kapag nawala ka sa akin.”

“Baka epekto lang 'yan ng-”

“Noon pa man mahal na kita! Naiintindihan mo ba? Hindi mo ako kailangang


gawan ng ganiyan dahil kahit noon pa mahal na mahal na kita. Pero dahil ganito ang
trip mo sasabayan kita.”

Napansin niya ang pagdistansiya ng kapatid niya at ng boyfriend nito habang


si Josh naman ay tulalang nakatingin lang sa kanilang dalawa.

“Baliw ka!” Tuluyan na siyang napaiyak. “Dadaganan kita diyan!


Nagsisinungaling ka lang naman. Papaano mo sasabihin na mahal mo ako eh ang taba-
taba ko. Sabihin mo 'yan sa iba, pero hindi sa akin.”

Napahinga ito ng malalim at ng muli itong sumulyap sa kaniya ay napansin niya


ang paghihirap sa mukha nito. Sa sobrang inis siguro nito sa kaniya ay binuhusan
nito ng gas ang mga boxer sa damuhan saka nito sinindihan ang hawak na lighter.

“Kahit paulit ulit mong gawin ang ginawa mo dati, walang problema sa akin. Kahit
palaklakin mo ako ng sangkaterbang gayuma, kahit pang-lifetime pa ang epekto, kahit
sumayaw din ako sa harap ng panty mo para ikaw naman ang ma-inlove sa akin gagawin
ko.” Anito.

Muli na naman siyang napaiyak. “B-bakit mo susunugin 'yan? Pagsasayawin mo ako


dito?” Bulalas niya.

“Para wala na akong kawala sa'yo.” Nagkaroon nang kakaibang emosyon ang mga mata
nito matapos nitong sabihin iyon.
Sa kabila ng sobrang kaligayahan na nararamdaman niya ay bigla siyang natigilan at
muling nagsalita.

“P-papaano mo nasabi na matagal mo na akong mahal?”

Ngumiti ito sa kaniya. Pumitlag ang puso niya ng makita niya ang simpatikong ngiti
nito. Gustong gusto na niyang takbuhin ang pagitan nila pero kailangan niya pang
marinig ang mga sasabihin nito.

Walang anak ni Eba ang hindi gagawin ang magpakipot sa mga ganoong pagkakataon.

“Mukhang nakalimutan mo na talaga ako.” Anito.


“Ha?” Naguguluhang tanong niya.

“Knock knock.” Itinaas nito ang isang kamay na animo ay kumakatok sa pinto.

Kunot noong tumingin lang siya kay Lanter. Nang mapansin niya ang isang
picture na inilabas nito mula sa bulsa ng pantalon nito ay napasinghap siya.

Iisang tao lang ang pinagbigyan niya ng ganoong kopya ng picture niya noon.
Hindi siya maaaring magkamali. Para na siyang matutumba dahil sa pagkabigla.

“Ron?” Kagat labing sambit niya.

Mabilis na tumango ito.

“B-bakit..” paulit ulit na sabi niya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin dahil sa
sobrang pagkagulat niya. Namalayan na lang niya na pumapatak na ang mga luha niya.
“B-bakit hindi mo sinabi noong una?”

Napahinga ito ng malalim at nasasaktang tiningnan siya.

“Dahil hindi ko magawang lumapit sa'yo matapos kong bumalik. Ibang iba ka na sa
dating Cyrene na nakilala ko. Nawala na ang pagiging masayahin mo.” Malungkot na
paliwanag nito.

Napahikbi siya. Gusto niyang sisihin ang sarili. Nawalan siya ng oras rito noon
dahil mas inuna niya na baguhin ang sarili. Kahit ito ay nagawa niyang kalimutan.
Naalala pa niya na ibinigay niya ang picture niya at isiniksik pa nga niya iyon sa
ilalim ng pinto habang sinasabi niya kay Ron na hindi siya nag aalala na matakot
itong makita ang picture dahil bulag naman ito at hindi nito malalaman ang totoong
hitsura niya.

Punong puno siya noon ng insecurity kaya madalas na naiinis ito sa kaniya noon
dahil hindi daw dapat niya ibinababa ang sarili niya.

“Magmula nang maaksidente ako noon dahil sa huling laban ko sa car racing ay
nagbago na ako ng dahil sa'yo. Hindi na ako nagtangka pang bumalik sa pagiging car
racer dahil ginusto kong baguhin ang buhay ko para sa'yo. Para kapag dumating ang
araw na magkita ulit tayo maipagmalaki mo ako. Nang makilala kita, pakiramdam ko
ayoko nang balikan ang dating buhay na mayroon si Tyrone Lee.”

Napamulagat siya. “I-ikaw si Tyrone Lee?” Bulalas niya.

Bigla ay naalala niya ang sikat na car racer na minsan nang naikwento sa kaniya ng
katrabaho niyang si Jom. Kaya pala ito noon nabulag ay dahil sa aksidenteng
kinasangkutan nito sa laban nito. Noon kasi ay hindi niya magawang itanong kay
Lanter ang dahilan ng pagkabulag nito dahil ayaw niyang malungkot ito.

Mabilis na tinakbo na niya ang mga pagitan nilang dalawa. Tapos na ang pagpapakipot
niya. Kailangan na niyang magpakabayani bago pa masunog ang bahay nila.
Mabilis naman na niyakap siya ng binata. Paulit ulit siya nitong hinalikan sa noo
niya habang umiiyak siya.
“Shhhh.. tahan na.” Masuyong hinaplos nito ang likod niya.
“I’m sorry.” Tanging nasabi niya. Parang sasabog na ang ulo niy dahil sa dami ng
gusto niyang sabihin. “Kahit ikaw kinalimutan ko ng dahil sa mga kagagahan ko
noon.”

“'No need to say sorry, precious.” Malambing na sabi nito sa kaniya.

Pinakinggan niya ang malambing na tinig nito saka siya nakangiting nagsalita.

“Ang ganda pala ng boses mo.”

Noon kasi ay medyo paos ito kapag nagsasalita ito dahil kaagaling lang nito sa
operasyon. Naalala niya na pa na dahil wala itong balak magpakita sa kaniya noon ay
ipinalarawan niya dito ang hitsura nito….

“Sabi nila kamukha ko si Superman.” Anito.


Napahagikhik siya. “Sabi nila kamukha ko si Darna. Kapag nakalunok ng malaking
bato.” Biro niya.

“Mahal din kita. Mahal na mahal.” Pagtatapat niya.

Nang iangat ni Lanter ang mukha niya at masuyong tinitigan siya ay napangiti siya
kahit hilam na sa luha ang buong mukha niya.

“Really?” parang hindi makapaniwalang tanong nito.


Mabilis at magkakasunod ang ginawa niyang pagtango.

“Ang buong akala ko hindi ko na maririnig pa sa'yo 'yan. Akala ko aabot tayo sa
parte na susunugin ko ang mga boxer ko para lang mapansin mo ako.”

Pinagmasdan niya ang gwapong mukha nito. Wala siyang ibang nakikita sa mga mata
nito kundi siya. Magandang senyales iyon. Hinaplos niya ng marahan ang mga pisngi
nito na parang natatakot siyang mawala ito anumang oras sa paningin niya.

“Aray!” Napasigaw siya nang maramdaman ang mainit na bagay na tumama sa likod
niya.

“Sorry!” Natatarantang naitapon nito ang lighter na hawak nito na mukhang


aksidenteng nabuksan pa nito. Muli siyang napasigaw nang mahulog sa mga boxer na
nasa damuhan ang lighter.

“Nasusunog!” Niyugyog niya ang braso nito. Natataranta naman na kukuha na sana ito
ng tubig pero lumalaki na ang apoy. Sakto naman na dumating ang mga magulang niya.

“Anong nangyayari?” Namumutlang tanong ng daddy niya.


Isang magandang ideya ang sumagi sa isip niya.

Muli ay inulit niya ang ginawa niya noon matapos niyang sunugin ang boxer ni
Lanter. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng mga tao sa paligid niya at kahit
ang lalaking pinakamamahal niya ay hindi niya na nakaimik pa at napakamot na lang
sa ulo habang pinanonood ang kalokohan niya.

Narinig niya ang malakas na tunog mula sa ringing tone cellphone niya.

“Pero kahit na pangit ka akin.. ikaw ang baterya sa puso ka na makina.”

Alam niyang ang manager niya iyon. Malamang ay sesermunan siya nito dahil late na
siya sa trabaho niya.
So what?

“Pero kahit na chubby ka akin ka.. gustong gusto ko pa rin na mapasakin ka.”
Kanta niya habang sumasayaw.

Kahit nauubo siya dahil sa mga usok ay hindi niya ininda iyon. Napansin niya ang
mahinang pagtawa ni Lanter bago ito sumunod sa ginagawa niya.

Hindi iyon bagay rito pero dahil mahal siya nito ay sinakyan na naman nito
ang trip niya sa buhay. Umiiyak siya habang sumasayaw at nagpaikot ikot sa mga
boxer na nasusunog na.

Hinihintay niyang pigilan siya ng kaniyang ina dahil alam niya mukha na
talaga siyang baliw. Pero sinong hindi nabaliw sa pag ibig?

“Anak sige lang. I’m so proud of you. Marunong ka palang sumayaw!” natatawang
na sabi ng kaniyang ama.

“Pero kahit na chubby ka akin ka.. gustong gusto ko pa rin na mapasakin ka.”
Gaya ni Lanter sa imbentong lyrics niya.
Nang masaid na ang mga boxer ay tumigil na sila sa pagsayaw. Nang magtama ang mga
mata nila ay malakas na tumawa siya. Sobrang saya niya at parang gusto niyang
sumayaw ulit. Pero hindi na siya hinayaan nito dahil mabilis na hinila siya nito
palapit sa katawan nito at mariing hinalikan siya sa mga labi.

“Kaya nababaliw ako sa'yo eh.” Masuyong sabi nito matapos pakawalan ang mga
labi niya.

“Nag iisa lang ako. Extra ordinary nga, 'diba?” Parang may mga fireworks sa
mga matang wika niya Cyrene.

Hinaplos nito ng marahan ang mukha niya.

“Hmmm yes… My extra ordinary you.”

Napangiti siya at hinila ang kwelyo ng damit nito at siya naman ang humalik
sa mga labi nito. Bigla siyang may naalala. Oo nga pala walang nakakalaam kung
totoo ang spell o hindi. O baka nga naimbento lang iyon para pagtripan ang mga
kagaya niyang well.. hindi niya pwedeng sabihin na ‘Pathetic’ dahil baka magalit
ang irog niya.

Extra ordinary na lang kaya?

Pwede na...

Basta ang mahalaga totoo man ang website o hindi ay nakatagpo siya ng pag
ibig. Nang isang ekstra ordinaryong pag ibig.

*****THE END*****

Thank you for reading! 😘😘😘😘

You might also like