You are on page 1of 72

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️

Description

Si Artsherine Scott ay isang dalaga na ang gusto lamang ay makawala sa poder ng


pamilya niya. Dala ng pagiging anak sa labas ay itinuring na siya ng pamilya bilang
katulong, minsan pa’y minamaltrato siya, at hindi rin pinag-aral ng kolehiyo, sa
kagustuhang makatapos at makawala sa impyerno niyang buhay ay nag trabaho siya para
matustusan ang sarili. Ngunit hindi naging sapat iyon, eksakto namang dumating sa
buhay niya ang kasintahan ng kaniyang Ate, kung saan isang oportunidad ang
magbubukas ng pintuan para sa takbo ng buhay pag-ibig niya.

Finished: 2021 A novel by Miss YoojinlWrites

PROLOGUE

DISCLAIMER: This is a work fiction. Names, characters, songs, businesses, places,


events and incidents are either products of the author complex imagination or used
in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead or
actual events in real life situation is purely coincidental.

WATTY 2020 Don’t forget to Vote, share and comments!

======

So I’m secretly married with my sister’s fiance?

Siguro kung malalaman ng Ate ko na sikreto akong ikinasal sa fiance niya, palagay
ko ba ay umuusok na ang bunbunan non. Haha.

Maldita siya. Mabait ako pag nakapikit. Well, papatalo ba naman ako sa bruhildang
’yon. No way!

Nung nagsabog ng kagagahan sa planetang earth, sinagap niya lahat.

Nung umulan naman ng kagandahan, ewan ko ba, basta tulog is life ayan hindi tuloy
ako naulanan.

Sikat siyang modelo, pero diba dapat modela kasi babae? Okay pop corn for sale tayo
dyan!

Baka gusto nyo ng malditang Ate, pa add to cart nalang ang Ate ko. Free shipping pa
don’t worry. Garantisadong bruha ’yon dina kayo lugi.

Sexy, maganda, diyosa paki add sa description ang bruha.

Ako?

Medyo malusog, lampa, tanga, panget, o lahat na. Baka mahirapan pa kayo sa
pagbabasa.

Alam nyo kung saan ko madalas marinig ’yan, nako saan pa nga ba edi sa mabait ko
lang namang Ate na si Wendy Yeshia Scott. Taray ng name no?
Screen name lang naman.

Ang totong pangalan nya talaga ay Elemita Bukuba Arinola. Jokeee! HAHAHA!

“You may kiss the bride.” inginuso ko na ang labi ko sa harap ng mukha ni Dailez.
Oh my god hindi na birhen ang labi ko-—

“ARTA BAKA GUSTO MO NG GUMISING RIYAN!” iyan ang sigaw na sumira ng panaginip ko.

Narinig ko na naman ang mabantot kong pangalan mula sa bibig ni Mama.

“Sige cellphone hanggang umaga!” bulyaw pa niya sakin. Every morning ganito ang
scenario.

May bago pa ba, tss pero yung magaling niyang anak na model kuno andon for sure
himbing na himbing sa pagtulog.

Huwag na kayong magtaka, sa pamilyang ito sambit lang ako. Anak sa buho. Dakilang
taga-linis, taga-luto, taga-pamalengke, at take note ako ang nagpapaaral sa sarili
ko.

Bumangon ako at ginawa na ang lahat. Dahil lunes may pasok ako, college life din,
working student ako, may tatlong side line every day. Ganon lagi ang ikot ng mundo
ko.

“Arta linisin mo yung kuko ko sa paa bago ka pumasok, may photoshoot ako mamaya.”
sigaw ni Wendy na lumalamon sa sala.

Ang kapal talaga ng apog ng babaeng ’to.

“Hoy Arta narinig mo bang Ate mo?” nakakunot noong tanong ng Mama ko na busy sa
pagkain ng niluto ko sa lamesa.

“Opo Ma’.” tipid kong saad.

Mag-ina nga kayo, tss. Kumalma ka Artsherine, hindi dapat nila masira ang araw mo.
Pagkatapos kong kumain ng umagahan sinunod ko ang utos ng maldita kong Ate na
magaling lang kapag may kailangan.

“Gandahan mo yung nail design ha, may date kami mamaya ni Dailez.” sambit pa niya
habang nag i-scroll sa cellphone. For sure na picture na naman niya ang tinitingnan
niya.

“Maghihiwalay din kayo.”

“May sinasabi ka ba Arta?” isang tingin na may pagbabanta ang ibinato niya sa akin.

“Wala, ang sabi ko stay strong sa inyong dalawa.” tapos binigyan ko siya ng pekeng
ngiti.

Nail cutter-rin ko pa yung pilik mata niya, tss tingnan ko kung maka-irap pa siya.

After 30 minutes umalis nako ng bahay para pumasok sa first subject. 1st year
college student palang ako, pero 22 nako, syempre hindi ako pinag-aral ng step
mother ko ng 2 years. HRM ang kurso ko, kasi gusto kong mag barista pag ka graduate
tapos lalayas nako sa pesteng bahay na ’yon.

Tuwing papasok ako ay naka bike lang, samantalang yung Ate ko naka kotse. Model nga
kasi, baka masugatan, o madumihan kailangan ingatan ang skin baka dumumi. Well
madumi naman ang budhi niya, may pinagkaiba ba? HAHAHA!

Pagkadating ko sa school isang pamilyar na kotse ang nakita ko. Ang kotse ni Dailez
na asawa ko sa papel nga lang. Yes hindi kayo nagkakamali ng basa, si Dailez ang
nobyo ng maldita kong Ate na asawa ko.

Inihinto ko ang bike ko sa tapat ng kotse nya, nakita ko naman siyang nakasandal
mismo sa harap non. Huwag kayong mag-alala sa private school nag-aaral si Wendy.

“Problema mo?” salubong kong tanong sa kaniya.

“Gusto ka daw makita ni Lola.” he replied.

“Ngayon na ba? May klase pa kasi ko.” I said.

“Please?” pagpapacute niya pa.

“Sorry.” tapos diko alam kung paano ko ngingiti. “Nga pala balita ko may date kayo
ni Ate Wendy?” isiningit ko lang.

“Oo nga, pero gusto kang makita ni Lola.” seryosong usal niya.

“Mamaya nalang?” makumbinsi kana dahil masyado ng nauubos ang oras ko ngayong
umaga.

“5K.” sabi niya na nakangisi sakin.

“No, mamayang 12:00 lunch break.” tapos ngumiti ako at nagbike na papasok ng
University.

Sa pera nagsimula ang marriage namin. Secret marriage. Ang alam ko may sakit ang
lola niya, e kaisa-isa siyang apo na lalaki. Dahil ayaw pang pumayag ng bruha kong
Ate na si Wendy na magpakasal kay Dailez ng mas maaga, inofferan ako ni Dailez ng
malaking halaga para lang magpakasal sa kaniya.

Nag proposed na si Dailez kay Ate Wendy, but next year pa gustong magpakasal ng
bruha. Eh kaso nga ewan ko ba naman sa Lola ni Dailez, masyado atang nagmamadali,
ayan napilitan siyang magpakasal sa panget na katulad ko.

Legal ang kasal namin, sikreto nga lang sa side ng parents ko.

Mga 1 month na din akong kasal kay Dailez.

Sayang ang opportunity na makatapos ako at makalayas sa poder ng step mother ko.

Wala naman akong balak ipaalam sa kanila ang situation na pinasok ko, dahil baka
magkaroon ng world war III pag nagkataon.

Naipit lang talaga ko, kaya pumayag ako sa kasal na ’yon. May process naman for
annulment in case na matapos na ang lahat. Kaya okay na rin ’yon.

Tsaka ayokong ipaalam kay Wendy at baka ikamatay pa niya. Haha.

Purposive and communication subject.

Blah-blah-blah.

*Lunch time*
“Uuwi ka na agad?” tanong ni Reeve na kaibigan ko.

“May work pa ko e, kita nalang tayo mamayang afternoon class.” tapos ay nag bike na
ulit ako palabas ng University.

Nakita ko agad ang kotse ni Dailez na nakapark sa gilid ng University at


nakapamulsa pang nakasandal sa gilid ng white na kotse niya. Mukha namang
kakarating niya lang ulit dahil iba na ang suot niyang polo shirt.

“Paano yung bike ko?” tanong ko pagkababa ng bisekleta.

“Akin na ako ng bahala.” sabi pa niya at kinuha ang bike ko tsaka itinali sa bubong
ng kotse. Sumakay na kami at nagsimula na siyang mag drive paalis.

“Kumusta ng klase mukhang natulog ka lang ah?” natatawang tanong niya pa sakin.

“Ang boring e, alam mo ba Dailez parang kumakanta na nga yung teacher namin tapos
parang may bumubulong sakin na matulog daw ako.” masaya kong kwento sa kaniya.

“Paano yung kanta?” he asked.

“Sabi ba naman, matulog ka na. Matulog kana.” pagkanta ko pa.

“Ang galing talaga, tama ’yan mag barista ka para puro kape ang kaharap mo at dika
na makatulog next time.” panunuya pa niyang saad sakin.

“Hoy maiba lang, 5K ko?” sabay lahad ko ng kanang kamay ko.

“Pwede mamaya na?” suplado niyang saad sakin.

“Okay, nga pala need ko rin umalis agad mamayang 2:00 mag de-deliver pa kong
flowers.” ani ko pa.

Ganito lagi kapag sinusundo niya ko sa school. Mabait naman si Dailez e, ni hindi
ko nga lang alam kung bakit na in love siya sa Ate kong bruha.

Ano kayang gayuma ang pinainom nung babaeng ’yon dito kay Dailez? Malay ko ba kung
may lahi palang mangkukulam yon bukod sa pagiging maldita.

Sobrang gwapo ni Dailez, napaka matipuno. Laging bumabakat ang abs niya kapag
nagsusuot siya ng mga fitted shirt, tapos matangkad, matangos ang ilong, ang labi
parang ang sarap halikan, nahalikan ko naman nung kasal namin pero diko ramdam. May
gad yung kamay niya makikita mo yung mga ugat ang gwapo!

Private wedding ang nangyari noon, sabi ko may school competition lang kami sa
Palawan pero ang totoo date ng wedding namin ’yon.

Wala naman kasing pakielam ang parents ko kahit saan ako magpunta. Hindi nga naman
nila ko totoong anak, bakit sila mag-aalala diba.

“Nandito na tayo, sa loob ng hacienda dapat mukha tyong mag-asawa.” narinig ko na


naman po.

“I know, ilang beses na nating ginagawa di ba? Mr. Consan.” lagi nalang siyang
kinakabahan e kasal naman kami sa papel.

Ang pinagkaiba nga lang umuuwi kami sa magkaibang bahay.


“I’ll give you another 5K kapag nagustuhan ko ang arte mo today Mrs. Consan.”
maharot niyang wika.

Kalbo ’to kay Ate Wendy pag nalaman niyang ang lalaking akala niya ay mahal na
mahal siya kasal na pala sa iba.

At ang malupet pa doon sa kapatid niya. Sorry my dear sister, kundi ka lang talaga
bruhilda hindi ako papayag sa kalokohang ito.

Yes, I am secretly married with my sister’s fiance, with Mr. Dailez Consan.

Kaya ako na si Mrs. Artsherine Scott Consan. Maka Arta sila wagas tss.

Chapter One

Kasalukuyan kaming nakaupo sa couch ni Dailez. Kumakain siya ng hiniwang mansanas


tapos kaharap namin si Lola Letecia.

“Apo bakit hindi pa kayo dumito nalang?” napahinto sa pagkagat si Dailez, habang di
ko magawang ibuka ang bibig ko.

“Lola nag aaral pa po si Sherine.” sagot ni Dailez.

Parang kong robot na nakikinig lang sa kanila at hindi ko malaman kung ngingiti ba
ko o ano. Hindi alam ni Lola Letecia ang tungkol kay Ate Wendy. Na may proposal na
nagganap sa pagitan ni Dailez at nung impaktita kong Ate.

Minsan napapaisip din talaga ko, na baka kaya lang nag proposed si Dailez don kay
bruha kasi nga dahil sa kalagayan ng Lola niya.

“Kahit ngayong gabi lang, pinagawa ko pa naman kayo ng kwarto dito sa Hacienda.”
napalunok ako ng malalim at natingin kay Dailez.

Halos lumuwa ang mata ko ng hawakan ni Dailez ang kamay ko na nakapatong sa tuhod.
Tapos ngumiti siya na parang ewan.

“Ayos lang ba sa’yo asawa ko?” napahagalpak ako ng halakhak sa sinabi niya.

“Asaw ko?” HAHAHAHA!

Binato ako ng masamang tingin ni Dailez na nagpabalik sa katinuan ng isip ko.


Dahan-dahan kong inilingon ang mata ko kay Lola Letecia na ngayon ako naman ang
pinagtatawanan.

“Dumito na muna kayo. Magpapahanda ako ng mga masasarap na putahe mamayang gabi.”
at dahil mukhang wala naman akong magagawa pumayag na din ako.

*Mangosteen Farm*

“May klase pa ko mamaya at delivery ng flowers. Babalik nalang ako.” I said habang
pinapanuod na mamitas ng mangosteen ang mga farmers.

“Ihahatid kita mamaya sa school mo, tapos susunduin nalang kita.” cold niyang saad
sakin habang kasabay kong naglalakad sa farm.
“Nga pala may date pa kayo ni Ate Wendy diba?” kahit cold na siya magsalita wala
akong pakielam. Kanina maayos naman siya, ano kayang nangyari.

“Oo, after ng photoshoot niya. Huwag mong banggitin ang tungkol doon pag nasa loob
tayo ng Hacienda.” he replied with a coldly tone of voice.

“Okay, sabi mo e.” pagkasabi ko noon ay nauna nakong maglakad at tiningnan ang mga
na-harvest ng mangosteen.

Naupo ako at hinawakan ng isa-isa ang mga prutas, napansin kong lumagpas sa pwesto
ko paglalakad si Dailez. Tiningnan ko siya, I mean yung likod lang pala niyang
matikas ang nakikita ko.

“Away mag-asawa?” nabaling ang tingin ko sa matandang babae na nag-aayos ng mga


mangosteen.

“Ay hindi po Manang.” tapos iminostra ko pa ang kamay ko at ngumiti.

Akamang bibigyan ko pa ng isang sulyap sana si Dailez ng magtama ang mata namin
sabay iwas ko ng tingin sa kaniya.

Siguro iniisip niya sa mga oras na’to si Wendy. Sad non, e ano bang pake mo
Artsherine, huwag kang maging concern masyado.

“Oh tikman mo!” nagulat ako ng nakaupo na pala si Dailez sa harap ko at naka alok
ang kamay na may mangosteen.

“Ayoko -—” bago pako makapagsalita ay isinubo niya agad sa bibig ko. Ahh asar.

Makalipas ang ilang minuto hinatid na din ako ni Dailez sa University pagkatapos ay
nag bike ako papunta sa flower shop ni Gladys.

“Dina maalala, kung paano nagsimula, ikaw ang laging nasa isip ko, bawat araw
laging ikaw ang aking nakikita, ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama..”
kanta ko habang nagpipidal ng bisekleta.

“Good afternoon Philippines!” sigaw ko nang madaanan ang grupo ni Elle na barkada
ko.

“Mabuhay ka Art!” sigaw nila sakin tapos ay ikinaway ko lang ang kamay ko.

Malapit na sana ako sa tapat ng shop ni Gladys ng biglang..

“AHHHHHHH!” sigaw ko dahil hindi ko napansing may motorbike sa harap ko kaya


kinailangan kong ibaling ang bike ko sa pader. At nagsemplang nga ako.

“Aray ko po!” napahawak ako sa siko ko na nagkagasgas pati na din ang tuhod ko.

“Oh anong nahuli mo dyan?” natatawang tanong ni Gladys sakin.

“Bulig yung nahuli ko, tss.” ismid ko sa kaniya na inalalayan din naman akong
tumayo.

“Ang katangahan kasi mars di pinang-a-araw-araw.” pang-asar pa niya, parang hindi


ako nasaktan ah.

“Muntik ng humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko, gaganyanin mo pa ko.”


malungkot ko kunwaring wika habang itinatayo ang bike ko.
“Omg yung kaluluwa mo nasaan baka nawawala?” tuwang-tuwa pa siya sa kalokohan niya.

Ngayon ay nasa loob nako ng Flower shop ni Gladys at ginagamot ang sugat ko.

“Umuwi ka nalang sa inyo at ako ng mag de-deliver ng flowers. Baka kung mapano ka
pa sa daan.” sabi niya habang galing sa kusina at ipinatong sa table ang tubig.

“Kaya ko pa naman.” pag kontra ko sa ideya niya.

“Ang dami mong galos, ewan ko ba naman sa’yo nagsemplang ka lang sa bike ganyan na
agad inabot mo.” napaka bait talaga niyang kaibigan, ni ’lang‘ ang bike.

“Kanino ba kasing motorbike yung nandon sa labas?” inis kong tanong.

“Huwag mong isisi sa motor ang kalampahan mo Mars.” awatin nyo ko sasabunutan ko
’tong kaibigan ko.

Pero tama naman siya, grabe galos na nakuha ko. Eh kung tutuusin ang bagal ng
pagpipidal ko ng bike. Paano ba ’yan doon pako matutulog kina Dailez.

Ang alamat ng lampang babae.

Phone ringing-— Ate Wendy’s calling.

“Tumatawag ang Ate mo.” umiiling-iling na sabi ni Gladys.

Ano na naman kayang kailangan ng bruhang ’to.

“Sagutin mo, bago pa umusok ilong n’yan.” utos pa ni Gladys.

Bumuntong hininga muna ko, pagkatapos ay ibinaba sa lamesa ang hawak kong bulak at
alcohol.

“Bakit?” tipid kong bungad mula sa kabilang linya.

(I badly need your help Arta, ise-send ko sa’yo yung adress, bring your make-up
tools okay. Bayie!) call ended.

Ang kapal talagaaaa! Siya pang may ganang mag end ng call di man lang tinanong kung
available ako. Nakakuha sila ng Yaya ah. Bruha siya!

Padabog kong ibinagsak ang phone ko sa table. Na nag vibrate naman agad.

“Mars tanggi-tanggi din pag time. Namimihasa ’yang si Wendy.” kahit hindi naman
niya narinig ang sinabi ni Ate alam na agad niya. Sa tagal ba naman naming
magkibigan.

“Hayaan natin siyang manawa, hawak ko ang alas remember.” sabay bigay ko ng
kakaibang tingin.

Alam ni Gladys ang tungkol sa nangyaring kasal namin ni Dailez, ang hirap kasi diba
kung ako lang ang nakakaalam.

“Sino si Dailez? Oy ang puso ingatan ha?” pag-papaalala niya.

Alam kong pinupunto niya na baka daw mahulog ako sa bitag ng pag-ibig, na baka daw
magpatama ako sa pana ni kupido. Imposible bakit ko naman susulutin ang fiance ng
Ate ko. Hindi ako ganon.
“Huwag kang mag-alala, may goal ako.” tipid kong sambit nagpahinga lang ako ng
trenta minutos tapos ay nagpaalam na rin agad.

Umuwi muna ko saglit sa bahay at kinuha ang make-up tools ko tsaka nag commute
papunta sa binigay na address ni Ate Wendy.

Masakit ang mga sugat ko pero di naman masyado. Mas masakit pang sinabi ni Mama sa
bahay kanina. Na humahanap pa daw ako talaga ng gastos. As if naman ginagastusan
nila ko.

Iika-ika akong naglakad habang hinahanap ang kesktong address na ibinigay sakin ni
Ate Wendy. At ayon nakita ko ang isang malaking gate na kapareho ng address na
tinext niya sakin.

Di naman ako nahirapan kahit may guard dahil ibinilin na daw ako sa kaniya na
papasukin. Maganda ang lugar, payapa, maraming puno, malawak ang lugar. Masasabi
kong perpekto itong lugar para sa photoshoot.

“Ang tagal mo Arta malapit ng magsimula!” salubong sakin ni Ate Wendy na naka cross
arms pa.

O diba apaka kapal ng mukha. Nasa open area kami at may mga tent lang. Inayos ko na
ang make up tools ko sa table. Hindi man lang siya nagtaka kung napano ako dahil sa
mga sugat ko. Wala siyang pake sakin, may pake lang siya base sa pakinabang ko.

Gawin ko kaya siyang clown? Tingnan ko lang. Tss habang sinisimulan ko ng ayusan ng
mukha niya nakita kong pinipicturan pa niya ang daliri niya.

Syempre ako din ang nag decorate ng nail niya. Gandang-ganda ang bruha. Bukod kasi
sa pagiging make-up artist, nail artist din ako.

Paano ko natuto? Kahit hindi ko ’yon ina-apply sa sarili ko. Syempre sa mga side
line work ko. Tapos sa babaeng ’to ko lang sinasayang ang oras ko. Depungal.

“Miss Wendy may bisita po kayo.” sabi nung isang staff.

“Hi Babe.” napatalikod ako ng marinig ang boses ni Dailez na tumawag ky Wendy.

Ilang lunok ang pinakawalan ko, kanina lang ay okay ako tapos makikita niyang puro
galos ako ngayon. Please mawalan ka ng pake Dailez.

“Oh Babe ang aga mo naman?” rinig kong tanong ni Ate Wendy.

“Na-miss lang kita Babe.” dahil malakas na sa pandinig ko ang boses ni Dailez sure
nakong nandito na s’ya malapit sa pwesto ko.

“Yieee, sana all!”

“Oo nga.” saad ng mga staff na nakarinig.

Chapter Two

“Arta ano ba tutunga ka lang diyan?” inis na asal ni Ate Wendy sakin.
Huminga ako ng malalim at itinuloy ang ginagawa sa mukha niya, hindi ako sumulyap
kay Dailez kahit isang beses.

“Nasaan ang make-up artist mo bakit si Artsherine ang nandito?” napakagat labi ako
ng siya na mismo ang bumanggit sa pangalan ko.

“Babe close ba kayo ni Arta? Huwag mo ng siyang tawaging Artsherine hindi bagay sa
histura niya.” puno ng mapanghusgang saad pa niya.

Nagsalita na naman ang impaktitang bruha. Kung alam mo lang Wendy Scott.

“Okay start na tayo.” sigaw ng photographer.

Tumayo na si Ate Wendy at humalik kay Dailez bago kami iwanan. Inayos ko na ang mga
make-up tools at hindi pa din nililingon si Dail.

“Bakit nandito ka? Hindi ba may delivery ka ng flowers?” bakit niya ba ko


kinakausap, tss.

“Tinatanong pa ba ’yon.” suplada kong sambit sa kaniya. Kumuha ako ng wipes at


naglakad kung saan, naiihi na kasi ko.

Saan kaya dito ang confort room. Sasabog na ata ang pantog ko. Nang malakayo ako sa
set ng photoshoot nila biglang may humila sa braso ko papunta kung saan.

“Bitawan mo nga ako, ano ba!” mahinang sigaw ko kay Dail na hila-hila ang braso ko.

Masyado siyang malakas para makawala agad ako.

“Anong nangyari sa’yo?” tanong niya ng sa wakas ay huminto na rin siya kakahila
sakin.

“Anong mangyayari sakin?” pagbabalik ko ng tanong na nagpakunot ng noo niya. Sus di


bagay.

“Seryoso ko Artsherine, bakit ang dami mong sugat?” mariin niyang tanong ulit.
Osige mag tanungan nalang tayo.

“Wala lang ’yan, huwag mong pansinin bumalik ka na don at baka hanapin ka ni Ate
Wendy okay.” sabay talikod ko sa kaniya.

Akala ko ay tapos na, pero hinawakan niya ulit ang braso ko at hinila paharap sa
kaniya.

“Mamaya tayo mag-usap, ayusin mo ’yang sarili mo mahiya ka naman kay Lola Letecia,
baka akalain niyang namulot lang ako ng mapapangasawa sa kalye.” inis niyang
singhal sakin tsaka ako iniwanan.

Nakadama ako ng kirot sa loob ko. Ngayon ko lang narinig si Dailez na magsalita ng
ganon. Sa one month ito ang unang beses na nagalit siya.

Kulang nalang sabihin niyang panget ako. Na hindi ako maganda, na mukha lang akong
basura at wala ng iba pa.

Bakit ba ko nabaitan sa lalaking ’yon, pareho sila ng ugali ni Ate Wendy. Wala
silang pinagkaiba sa isa’t-isa. Bagay nga sila.

“Oh Artsherine bakit ka umiiyak? Don’t tell me ngayon ka pa maapektuhan.”


Pinunasan ko agad ang luha ko at hinanap na ang CR pagkatapos ay bumalik na rin
agad ako sa set. Nadatnan ko si Dail na nakatayo at nakatingin sa kinukuhanang si
Ate Wendy.

Gwapo si Dail, maganda si Ate Wendy. Parehong masama ang budhi nila. What a perfect
match! Naupo ako sa isang bakanteng upuan at nilibang ang sarili sa cellphone.

“Aray!” mahinang sambit ko ng aksidenteng tumama ang tuhod kong may gasgas sa
lamesa.

“Arta pa retouch naman!” sigaw ni Ate Wendy.

Bakit ko ba siya ina-Ate? Tsk.

Tumayo ako at iika-ikang lumapit sa pwesto niya. Tsaka ginawa ang iniutos niya.

“Kapatid mo siya diba Wendy?” lumapit sa aming ang isa pang model.

“Oo. Pero hindi pinagpala ang mukha.” natatawang panlalait niya sakin sa harap ng
iba.

Artsherine huminga ka!

“Totoo, mukhang hindi naliligo ang kapatid mo. Dapat atang paliguan ng langis
iyan.” panlalait rin sakin nung babaeng model. Sabay tawa nilang dalawa at nag
appir pa sa harap ko.

“Alam mo ba Sis kahit siguro paliguan ’yan ng langis wala ng pag-asa.” o diba Ate
ko nga pala ’yan.

Laitera na bruha pa. Mga impokrita.

“Dapat ligo na may kasamang dasal ganon.” ani pa nung isang model.

Tiisin mo lang Artsherine, piliin mong mas maging mabuting tao. Pagkatapos kong i—
retouch ang mukha niya babalik na sana ko sa kaninang pwesto ko ng biglang tumama
ng mukha ko sa isang bato.

Kailan pa nagkapandesal ang bato.

“Ayos ka lang ba Miss?” maamong boses ang nagsalita.

“Sorry po.” tapos yumuko ako para humingi ng despensa sa pagbangga ko sa abs niya.

“Ano ka ba wala ’yon.” sabay ngiti niya ng sobrang tamis.

Pagkatapos ng eksena kanina ngayon ay nasa sasakyan na naman ako ni Dailez. Alas
singko na ng hapon, nagdate sila ni Ate Wendy tapos dinaanan niya ko sa school,
nagawa ko pa talagang humabol at makapasok sa afternoon class.

“Masakit pang mga sugat mo?” pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa.

“Hindi na.” mabilis kong sagot.

Kahit sa totoo lang kumikirot ang tuhod ko. Ano bang pake niya. Tumingin ako sa
labas ng kotse, at isinandig ang ulo sa salamin. Medyo kaunti nalang ang sinag na
nagmumula sa pag lubog ng araw. Traffic pa, gusto ko ng lumabas sa kotseng ito.
“Yung nasabi ko kanina kung nasaktan kita sorry.” he said.

Bakit ako masasaktan, sino ba siya para mag sorry. Wala siyang kinalaman sa buhay
ko, mag-asawa lang kami sa papel at sa pera.

“Sinabi ko lang nam-—”

“Huwag kang mag-sorry, wala naman akong pakielam kahit anong sabihin ninyo.” pag
putol ko sa pagsasalita niya.

Hindi na kami kumibo pareho buong byahe, sulit ang laitan ngayong araw na’to para
sa mga kagaya kong hindi maganda.

*Hacienda Del Luca*

“O’ anong nangyari sa’yo iha?” gulat na tanong ng Mommy ni Dailez. Si Tita Cham.

“Na aksidente lang po sa bike.” nahihiya kong sagot.

Hinawakan niya ang braso ko at tiningnan ang galos na natamo ko.

“Masakit siguro, sa susunod mag-ingat ka na. Gusto mo ba kung okay lang sa’yo
ibibili kita ng kotse mo?” halos mawindang ang tenga ko sa sinabi niya.

“Nako Tita Cham, ayos lang po ako.” iyan nalang ang nasabi ko.

“Mag-iingat ka sa susunod, Dail service-san mo nalang kaya itong si Artsherine?”


nakangiting tanong ni Tita kay Dailez.

“Mom kaya na niyang sarili niya. Malaki na ’yan.” walang gana niyang saad at
naglakad paakyat ng kwarto niya.

“Iha may problema ba kayo ng asawa mo?” puno ng pag-aalalang tanong ni Tita sakin.

“Wala po, baka na stress lang po sa traffic.”

Ngumiti lang siya na halatang di naniniwala sakin. Mabait ang parents ni Dailez
sakin, kahit pa ang alam nila wala akong pamilyang inuuwian at namumuhay lang mag-
isa.

Habang nakaupo ako sa sala nakita ko si Dail na pababa sa mahabang hagdan nila.
Malawak ang sala ng Hacienda Del Luca, na napapalibutan ng mga antigong palamuti.

May mga banga rin sila at kung ano-ano pang lumang gamit. Naka paskil rin sa wall
ang mga sertipiko nila at may isang malaking family painting na naka portrait.

“Nakuha mo ba ’yan kanina nung nagdedeliver ka ng flowers?” seryosong tanong niya


na lumapit sa pwesto ko at may dalang first aid kit.

“Na aksidente ko papunta sa Flower shop, pero maayos nako. Nagamot ko na rin
kanina.” nakabusangot kong wika sa kaniya.

Ayoko man siyang kausapin kaso baka magtaka lalo ang mga tao sa lugar na’to.

“Dumudugo ’yang sugat mo sa tuhod kanina, tss hindi mo man lang naramdaman.” ismid
niya at naupo sa lamesita na nasa harap ko at itinaas ang binti ko na ipinatong sa
lap niya.

Nakita ko nga ang bakas ng dugong tumulo sa binti ko. Siguro ay noong tumama ang
tuhod ko sa lamesa kanina sa photoshoot ni Ate Wendy.

“Hindi ko sinabi sa’yo kanina dahil baka ka ko mapansin mo sa school, pero ayan pa
rin at natuyo na sa tuhod mo.” sermon niya sakin.

Binuksan na niya ang small box ng first aid kit at marahang nilinis ang bahagi ng
sugat sa tuhod ko. Bakit ba sa inaakto niya ginugulo niya ang isip ko. Mukha siyang
mabait pero matapil ang dila.

“Aray daha-dahan lang naman Dail.” daing ko pa dala ng kirot.

“Tamo, iyan ang napapala ng hindi nag-iingat.” ang kaninang cold niyang boses ay
napalitan ng gaan. I mean parang umamo.

“Nagsisisi ka na ba na ako ang pinili mong pakasalan?” tumingin siya sakin sa


tanong kong iyon.

Hindi ko mabasa ang ekspresiyon ng mukha niya.

“Bakit mo tinatanong? Dahil sa sinabi ko sa’yo kanina?” diretso lang ang mata niya
sakin nang sabihin iyon.

“Hindi naman dahil don, alam kong narinig mo ang panlalait sakin nila Ate Wendy
kanina, siguro kinakahiya mo nako.” direkta kong sambit.

Bakit ako magpapanggap, gusto ko ng honest na sagot. Gusto kong marinig ang
sasabihin niya.

“Araaay!” sigaw ko ng diniinan niya ang sugat sa tuhod ko. “Nababaliw ka ba?
Masakit kaya!” reklamo ko.

“Baliw ka kasi. Bakit kita ikakahiya hindi naman nila alam na asawa kita?” tapos
ibinaba niya ang paa ko na kanina ay nakapatong sa lap niya.

“Ako ng humihingi ng sorry para kay Wendy, kung ano man ang mga nagagawa niya
sa’yo.” he added.

“Humihingi ka na naman ng sorry, tss nagmumukha akong kawawa.” pinilit kong tumawa.
“Tanggap ko na noon pa na ito lang ako.”

Na kahit anong gawin ko wala ng magbabago. Ang gusto ko lang mamuhay ng tahimik, at
pagka graduate ko lang magagawa ’yon.

Hanggang nasa poder ako ng pamilya ko ngayon, hahayaan ko lang sila. Laiitin nila
ko hanggang sa gusto nila, kailanganin nila ko hanggat may pakinabang pako.

Magiging sikat akong barista balang araw. Ipamumukha ko sa kanila na isang malaking
pagkakamali na naging matapobre sila sa akin.

Laking gulat ko ng pitikin niya ang noo ko.

“Kung kailangan mo ng maiiyakan, may attic sa kwarto natin. Ipinasadya ko pa yun


para sa’yo.” malumanay niyang saad tsaka umalis.

Ano bang totoo sa inaakto niya at mga sinasabi. Nagsisimula nakong maguluhan.
Chapter Three

“Sa iisang kwarto tayo matutulog?” halos lumuwa ang dalawang mata ko habang
sinusundan si Dail paakyat ng hagdan.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi sa’yo ni Lola Letecia? At yung sinabi ko about sa
Attic?” so totoo nga na pinagawan kami ng kwarto ng Lola niya at pinagpasadya niya
ako ng Attic. Ano ba, baka pagsamantalahan ng Dail na’to ang pagkababae ko.

No waaaaay! Napatakip ang dalawang kamay ko sa dibdib ko na pa-cross.

Hindi, hinding-hindi ko isusuko ang bataan! Kahit pa ang tarlac at laguna!

“Baka nakakalimutan mong Mrs. kita sa loob ng pamamahay na ito Sherine.” napahinto
ako ng nasa harap na kami ng isang kwarto.

Napakagat labi ako at nangingiwi sa nilalabas ng bibig niya. Pagkabukas niya ng


pinto noon ay siya namang lingon nya sakin. Na para bang nababasa niya ang takbo ng
isip ko.

Santisima! Kahit na anong mangyayari hindi ko ibibigay sa kaniya ang perlas ng


silanganan, kahit pa ang prelas ng timog, hilaga at kanluran!

Sa bawat hakbang ng paa niya palapit sakin ay siya namang pag angat ng paa ko pa
atras.

“Misis kita, asawa, apelido ko ang dala mo wala naman sigurong masama kung gagawin
na natin diba?” tapos ngumisi siya.

Oh mahabagin, pigilan ninyo po siya di po niya alam ang sinasabi niya.

“Ano ba Dail, nasisira-—” bago pa ko matapos magsalita ay bigla niyang sinalo ang
waist ko dahil muntik na akong mauyot, at kung nagkataon maggugulong-gulong nalang
ako sa hagdanan.

Nag slow motion ang lahat, kung paano niya sinalo ang likod na bahagi ng bewang ko,
kung paano naka sway sa braso niya ang likod ko, at kung paano niya ko hinapit sa
katawan niya palapit para lang hindi niya ko mabitawan.

“Lapitin ka talaga ng disgrasya no?” pagkasabi niya non ay inayos niya ang pwesto
ko tsaka humiwalay sa waist ko. “Kung ano-ano kasing iniisip mo, mukha bang
gagalawin kita? Tss.”

Pumasok na siya ng kwarto at naiwan ako sa labas na tulala. Ano bang nangyayari
sakin, bakit nag slow motion. Sinampal ko ang sarili ko.

“Aray!” bumalik na ang kukote ko sa tamang takbo ng makaramdam ng sakit kaya


pumasok na ko sa kwartong pinasukan ni Dailez.

Bumungad sakin ang napakagarbong kwarto namin, may picture pa naming dalawa nung
kasal isang malaking portrait na naka dislpay at mga picture namin ni Dailez na
naka ayos sa ibabaw ng maliit na table na may drawer sa ibaba.

May puting curtain na floral at malaking flat screen TV. At ang nakaagaw talaga ng
pansin sa mata ko ay ang bed namin na sobrang laki. Kulay white rin tapos ang
paligid nude color palette. Overall napaka ganda.
“Woah ang ganda!” iyan ang naging reaksiyon ko at ibinaba ang bag sa table na
malapit sa pinto. Sinara ko muna ang pinto at naupo sa kama. “Ang lambot!” sabi ko.

Si Dailez naman binuksan ang black sliding aluminum window. Pagtingin ko, wow! Ang
ganda tanaw na tanaw sa pwesto namin ang mga bahay sa paligid. Meron din sa labas
ng window na parang maliit na Terrace na may bench pa na made of wood.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Dail sakin na naupo sa bench. Tumango naman agad ako
dahil totoo namang nagustuhan ko.

“Design idea mo?” I asked tapos nahiga ako sa kama para damahin ang lambot nito.

“Oo, pero ginamit ko rin yung mga idea ni Wendy.” naipikit ko lang ang mata ko nang
sabihin niya iyon.

So kaya ganito ang hitsura ng kwarto kasi para kay Wendy talaga ’to nakalaan pag
naghiwalay na kami.

Napabangon ako ng wala sa oras, bakit ko hihigaan ang kama na para sa kanilang
dalawa ng impakta kong Ate.

“Mabuti at naisip mo ’yun para pag naghiwalay tayo naka ready kana sa kasal nyo.”
mahina kong saad ngunit sakto lang para makarating sa kaniya.

“Kaninong kasal?” halos malaglag ang panga ko ng may magsalita mula sa pinto kaya
napalingon agad ako, at si Lola Leticia ang nakita ng aking dalawang mata.

Ano ba Artsherine napaka daldal mo kasi.

“Ah eh sa ano po..” at ayaw pa ngang makisama ng bibig ko na nabubulol pa.

“Lola syempre kasal naming dalawa. Pinag-uusapan lang po namin ang silver and
golden wedding namin.” napakagat labi nalang ako ng si Dail na ang sumalo sa
kadaldalan ko.

Lumapit siya sakin at tumabi tsaka ako inakbayan sa harap ni Lola Letecia. Ang
galing talaga, halata namang napaniwala niya ang matanda sa sinabi niya.

“Nako kayong dalawa talaga, marami pa kayong pagdadaanan bago umabot doon, tulad
namin ng Lolo nitong si Dail.” masayang turan samin ni Lola.

“Kaya nga po Lola, sabi ko nga dito kay Sherine..” sabay hapit niya sa pagkakaagpay
sakin na halos dumikit na ang pisngi ko sa pisnge niya. “Dapat susuyuuin namin ang
isa’t-isa kapag may problema, diba asawa ko?”

Kinikilabutan ako sa mga salitang binibitawan niya, ang galing niyang magpanggap na
totoo ang lahat.

Dumidikit na’y hinaharap ko sa dibdib niya. At talagang naisip mo pa ’yan


Artsherine.

“Diba asawa ko?” pag-uulit niya sabay tingin sakin na parang nagsasabing “makuha ka
sa tingin.”

“Ah opo Lola, iyon nga po ang pinag-uusapan naming dalawa.” abay ngiti ko na labas
ngipin, ang hirap magpanggap!

“Mabuti kung ganoon, sa susunod Iha mag-iingat ka sa pag ba-bike mo. Sinabi na
sakin ng Mama ni Dail ang nangyari sa’yo kanina.” nakahinga naman ako ng maluwag
dahil alam na ni Lola ang tungkol sa aksidente kanina.

Pagkalabas ni Lola agad na ni-locked ni Dail ang pinto ng kwarto at lumapit sakin.

“Plano mo ba talagang ibuko ko sa pamilya ko?” mahina ngunit mabigat ang tonong
ibinato niya sakin, ganoon na din ang tingin.

“Hindi ko sinadya, nagkataon lang na narinig ni Lola malay ko ba namang aakyat siya
rito!” iritable kong depensa sa sa sarili ko.

“Binabalaan na kita Sherine ha! Lalo na sa Ate mo huwag na huwag mong tatangkaing
sabihi—”

“Huwag kang mag-aalala, wala akong balak na manira ng buhay. Pumayag ako sa kasal
na’to para sa future ko!” nagpipigil ako ng luha habang sinasabi ’yon sa kaniya.
Tumayo ako at naglakad, hahawakan ko palang sana ang pintuan ng bigla niya kong
hawakan sa braso.

Hinila niya ako, at ibinagsak ang katawan ko sa kama pahiga. Kitang-kita ko ang nag
liliyab niyang mga mata.

“Dail pwede ba umakto ka ng naayon sa papel mo!” singhal ko sa kaniya dahil wala sa
usapan namin ang ganito.

Pumatong siya sa ibabaw ng katawan ko tsaka hinawakan ang dalawang braso ko pataas,
yung mariing hawak. Naging mabilis masyado ang ikinilos niya kaya wala akong
nagawa.

“Dail ano ba nasasaktan ako!” sigaw ko sa kaniya.

“Kung inaakala mo na makukuha mo ko, nagkakamali ka sa hitsura mong ’yan walang-


wala ka sa kalingkingan ni Wendy!” malinaw, klaro, direktang pumasok sa tenga ko
ang mga salitang iyon mula sa bibig niya mismo.

Parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko ang napakabigat na emosyon na nahugutan ko


ng lakas ng loob para makaalis sa pagkakadagan niya.

Nagtatakbo ako palabas ng kwarto na umiiyak, ramdam ko kung paano unti-unting


nadurog ang puso ko sa sinabi niyang iyon.

Gusto ko siyang sampalin ng malakas, yung lalatay sa pisnge niya ang kamay ko. Pero
wala, wala akong nagawa kung hindi ang kumaripas ng takbo, masyado akong naging
malambot ng sabihin niya iyon.

Matatanggap ko pa kung sa iba nanggling, pero kay Dailez pa na akala ko isang


mabuting tao.

Tama nga ako, kailangan lang nila ako depende sa kung ano ang magiging pakinabang
ko sa kanila.

Depende sa kung ano ang ma-i-yaambag ko sa kanila.

Nakabase sa kung ano ang makukuha at mapapala nila.

Pinasasakay niya lang ako sa laro niya, lahat ng kabutihan isang malaking kabaliwan
lang niya!

Fuc* shit reality my ass!


*Next Day*

Maaga akong umalis sa Hacienda Del Luca, nag commute ako pauwi ng bahay ng hindi
nagpapaalam kay Dail.

Bakit ako magpapaalam, asawa ko lang siya sa papel. Hindi nya kontrolado ang buhay
ko, at isa pa walang kwenta ang tulad niya.

Palabas lang siguro niya ang isang buwan na pagiging mabuting lalaki. Arrrgh pareho
sila ng Ate ko, parehong walang kwenta!

“Oh may balak ka pa palang umuwi?” salubong sakin sa may gate ng magaling kong Mama
na dipa naman nakalukot na agad ang noo sa galit.

“Mama nandyan na ba si Arta!” rinig kong sigaw ng impokrita kong Ate na nasa loob.

May kailanganan siguro kaya hinihintay ako. Tss pagkatapos niya kong lait-laitin sa
harap ng ibang tao kahapon, gaganyan siya. Sarap sabunutan hanggang maubos ang
buhok.

“Pumasok ka na sa loob, ipag-plantsa mo ng damit yung Ate mo!” sigaw niya sakin na
diko nalang pinansin at dire-diretsong naglakad papasok ng bahay.

Impyernong bahay.

“Arta palabhan ng uniform ko mamaya!” sigaw ni Lincon na nakababatang lalalaking


kapatid namin.

Syempre mana rin nyan sa Ate niyang bruha at walang modo. Nilagpasan ko lang siya
at ibinalibag ko ang bag ko sa kwarto ko at sinunod ang utos ni Mama na ipag
plantsa ng damit ang napagahusay kong kapatid.

Plansta-hin kong mukha nila baka sakaling bumuti ang dumadaloy sa kanilang dugo.

Chapter Four

Dailez POV*

“Manang nakita mo po si Sherine?” iyan ang tanong ko agad pagkabukas ng pinto sa


kusina.

“Ahh oo kanina nung namalengke kami umalis na siya.” sagot ni Manong Arturo na nag
kakape.

Umalis siya ng hindi nagsasabi sakin, ano bang iniisip ng babaeng ’yon. Ang tanga
mo Dail, kasalanan mo.

Na aksidente na nga yung tao kahapon kung ano-ano pang kabalastugan ang sinabi mo
sa kaniya.

Eh ano naman, tama lang ’yon sa kaniya. Malay mo gusto lang talaga niyang gantihan
si Wendy. Kaya plano ka rin niyang ilaglag.

“Iho umamin ka nga sakin, matindi ang away ninyong mag-asawa? kahapon ko pa
napapansin.” tanong ng Mommy na papunta rin sa kusina at mukhang ako ang kailangan.

“Napansin ko din ’yan Mam, isinasabay namin kanina si Sharine pero tumanggi siya at
mas pinili niyang mag commute.” dagdag pa ni Manang Irma na asawa ni Manong Arturo.

“Dail ayusin nyo ’yan, huwag mong pinapasama masyado ang loob ng asawa mo.” diko pa
naman naibubuka ang bibig ko iyan na agad ang binilin niya.

Bakit ba ang bait-bait nila kay Sharine. Ano bang meron sa babaeng ’yon, hindi siya
maganda, sobrang balahura sa katawan. Sa sobrang takaw nananaba na din siya. Laging
hinahabol ng suklay ang buhok, tapos napaka dirain sa maraming bagay. At higit sa
lahat prone siya sa accidents. Hindi ko alam kung lampa ba talaga siya o pabaya
lang.

Mukha siyang pera.

Pero nakikita ko yung dedikasyon niya para makaalis lang sa poder ng tumatayong
magulang niya.

Nakakaawa siya, pero paano kung sa kabila ng mga kwento niya, wala naman palang
totoo. Oo nakita ko kung paano siya binully kahapon nila Wendy, kaso paano kung
nagsasabi lang sila ng totoo.

Artsherine POV*

(Martina University)

“Art gusto mong sideline mamaya?” bulong sakin ni Reeve habang oras ng klase sa STS
(Science, Technology and Society) “Anong oras ba?” excited kong tanong sa kaniya.

“Mga 5:30 siguro, ano game ka ba? Sayang din kikitain mo dito.” medyo nag ningning
ang mata ko sa sinabi ni Reeve. Basta usapang pera go ako diyan.

Sinulat ko sa notebook ang sagot ko sa offer niya.

“Kol!” iyan ang isinulat ko. Maya-maya pa’y nag ring na ang bell senyales na
dismissal na, naka 3 subjects na ko sa morning class at sa afternoon class wala
naman kaming klase.

“Reeve can I get your number?” isang balingkinitang babae ang lumapit samin ni
Revo. Nakalabas na kami ng room at kasalukuyang naglalakad sa corridor.

“Sorry, I’m taken.” mabilis niyang wika dito, medyo napahiya yung babae at naglakad
na ulit kami ni Revo.

Siya si Reeve Layen, classmates ko and best friend. Tinatawag ko siyang Revo, at
Art naman ang nakasanayan niyang itawag sakin madalas pero minsan hindi.

Hindi siya ganoon ka gwapo, pero malakas ang dating niya sa mga babae. Kaya
maraming nagka ka-crush sa kaniya. Matangkad, medyo payat, laging nakasalamin,
maputi, pointed nose, medyo may pagka dry ang lips kaya laging nag bi-bleeding,
pero ang lakas talaga ng appeal niya.

Naudlot ang paglalakad ko ng may nag pop-up bigla sa utak ko.

“Wait Revo.” napahawak ako sa wrist niya.

“Anong klaseng mukha iyan? Bakit ba?”


“Tama ba ang narinig ko, taken ka na?” diretso ang mata kong nakatitig sa mismong
mata niya.

“Secret.” tapos tinanggal niya ang kamay ko at naglakad ng nakapamulsa pa ang


dalawang kamay.

Medyo tumakbo ako para masabayan siya at hinawakan ang kanang braso.

“Hoy totoo ba hindi ka na single?” pangungulit ko pero tumatawa lang siya at


naglalakad pa din, lumipat ako sa kaliwang bahagi niya at hinawakan ulit ang braso
niya.

“May jowa ka na talaga Revo? Di nga?” ayaw ko talaga siyang tigilan hanggat hindi
niya ko sinasagot.

Wala kasi sa bukabolaryo niya ang babae. Pero ayaw niya pa din akong sagutin.

Paglabas namin ng gate kinukulit ko pa din siya ng makita ko si Dailez.

*blinking*

Ang impakto nga, ano kayang masamang elemento ang nagdala sa kaniya dito. Ay
sabagay siya palang pala, masamang elemento nang maituturing. Umuwi nga ako ng
maaga para hindi siya makita tapos susulpot na naman siya.

No Artsherine hindi mo siya kilala, hindi ako humiwalay sa pagkapalupot ng kamay ko


sa braso ni Revo. Hindi alam ni Revo ang tungkol sa kaniya. Si Gladys lang at ako
ang nakakaalam.

“Alam mo bakit ba curious ka kung may jowa ako o wala ah Art!” nagulat ako sa
sumunod na ginawa ni Revo, akala ko ay aakbay lang siya sakin pero bigla niyang
inipit ang ulo ko sa kilikili niya.

“Revo kapag ako nakawala dito sasapukin talaga kita!” pagbabanta ko pa sa kaniya.

“Kukulitin mo pa ko?” natatawa siya habang sinasakal ang leeg ko sa kili-kili niya.

“Ang baho ng kili-kili mo! Kadiri ka!” hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na
matawa.

Nang bigla siyang huminto at tinanggal ang braso sa leeg ko.

“Oh ano wala ka pala e, bakit tinigil mo?” di mawala ang ngiti sa labi ko habang
inaasar siya, habang inaayos ko ang buhok na nagulo at ang uniporme ay nagtaka
naman ako dahil hindi na siya nagsalita pa.

Itinaas ko ang ulo ko at nakita ko si Dailez na nasa harap namin at nanlilisik na


naman ang mata niya.

“Bakit pre may problema ba tayo?” seryosong tanong ni Reeve, kitang-kita ko ang
tensyong namuo sa pagitan nila.

“Tara na Revo, mag la-lunch pa tayo diba, pabayaan mo na siya.” sabi ko sabay hila
sa braso ni Revo.

Siguro nagtaka rin siya kung bakit biglang lumapit si Dailez at binigyan siya ng
masamang tingin kaya ganon din ang naging reaksiyon niya.

“Pre hindi ko alam kung bakit ganyan kang makatingin sakin, pero alam mo hindi mo
ikina-angas ’yan.” may pagka bad trip na saad ni Revo kay Dailez.

Binato ko din ng masamang tingin si Dailez, para siyang tanga tsaka ang kapal naman
ng mukha niyang magpakita sakin gayong kung ano-anong masasakit na salita ng natamo
ko mula sa mayabang, mahangin, at depungal na katulad niya.

“Sherine sakay!” sigaw niya sakin na nakaagaw sa pansin ng mga tao, nakaturo ang
daliri niya sa kotse na kaninang nilagpasan namin.

“Kilala mo siya Art?” Revo asked.

Nag nod ako dahil baka kung ano pang ibang sabihin nitong si Dail na naabnormal na
ata.

“Sorry Revo, kita nalang tayo mamaya. May aayusin lang ako.” sabi ko at inalis ang
pagkakahawak sa braso niya, hahakbang na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko.

“No, dito kalang sa tabi ko. Hindi kita hahayaang sumama sa lalaking sinisigawan ka
sa harap ng maraming tao.” diniinan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko.

Bakit ako naiipit sa ganitong situation, dalawang lalaki ang nasa pagitan ko, sa
kanan gwapo sana kaso basura ang isip. Sa kaliwa gwapo at napaka protective.

Lord bakit naman po ganito, masyado nyo naman po akong pinapahirapan.

Osige Artsherine humarot ka pa! Magsusuntukan na’y dalawang lalaki sa harap mo,
lumalantod ka pa.

“Sa akin siya sasama.” sabay hawak ni Dail sa isa kong kamay. “Ano Sherine mamili
ka?”

“Oh bakit ko kailangang mamili?” kunot-noo kong singhal sa kanila, pero para kay
Dail talaga ’yon.

After a few minutes.

Ang ending ko pa din sa kotse ni Dailez. Bago pa malaman ng buong Martina


University na mag-asawa kami, mas pinili ko ng sumamasa sa depungal na’to na nag
mamaneho.

Ang sarap niyang pretuhin sa kumukulong mantika! Ilubog ko siya sa asin malaman
niyang pinagkaiba ng maalat sa matamis!

“Saan ba tayo pupunta?” iretable kong tanong ng mapansin kong iba ang tinatahak
naming daan.

“Saan pa ba edi sa fashion show ng Ate mo. Nag back out daw yung make-up artist
niya kaya pinadaanan ka.” masisiraan ako ng katinuan sa kanila.

Anog akala nila sakin walang sariling buhay? Bakit ba silang nag de-decide ng kahit
na ano. Tsaka kahapon lang nag back out din yung make-up artist niya, ngayon ulit?
Sabagay dina rin nakapagtataka sa basura palang niyang ugali, lahat nalang iiwanan
siya.

“Ibaba mo nga ako! May sideline pa ko kaya pwede ba?” hindi ko mapigilan ang sarili
ko na magalit.

Nagagalit ako sa maraming bagay, pag ako sumabog pasasabugin ko mga bahay nila!
“6K?” pera na naman anong tingin niya sakin? Mukhang pera.

“Dail ibaba mo nalang ako please?” pinipilit kong ikalma ang sarili ko. Kung balak
nila kong pag-laruan huwag na nilang tangkain pa.

“Pera lang naman ang habol mo sakin di ba, may deal tayo baka nakakalimitan mo.” o
diba sabi ko na, mukhang pera ang tingin niya sakin.

Dahil binaggit niya ang deal, nanahimik nalang ako. May pinirmahan kaming kontrata.

“Artsherine iwasan mong makipag harutan sa ibang lalaki, dahil baka may makakita
sa’yo na nakakaalam tungkol sa kasal natin.”

Seryoso ba siya? Bakit pinagbabawalan niya ko gayong siya nga ay nakikipag landian
sa iba sa harap ko pa mismo.

“Mr. Dailez wala sa usapan natin na ikaw dapat ang masunod sa lahat. At tsaka may
sarili tayong buhay sa labas ng Hacienda Del Luca hindi ba.” palaban kong wika.

Akala nila magiging puppet lang nila ko na magiging sunod-sunoran sa kanya, no way!
Kung alam ko lang na masahol pa ang ugali niya sa inaakala ko edi sana hindi ako
nagpakasal sa impaktong katulad niya.

“Fine, sige lumandi ka! Paano kapag nalaman nilang may asawa kanang tao?” may
tonong pananakot pa ni Dail sakin.

Best in kabobohan, Dailez!

“Itanong mo ’yan sa sarili mo, paano kapag nalaman ni Ate Wendy na ang fiance niya
ay humarap na sa dambana kasama ang iba. Di ba Mr. Dail?” pagbabalik ko sa kaniya
ng banta.

Sinabi ko na sa simula palang hindi ako nagpapatalo basta-basta, dahil ang pagiging
lampa ko, panget, at masunurin mas nakakatakot kesa sa inaakala ng iba.

“Kapag nalaman ni Wendy ang tungkol satin, gagawin kong miserable ang buhay mo.
Annulment? Sa tingin mo ba ibibigay ko sa’yo yon? Itatali kita sa buhay ko buong
buhay mo.” dala ng kakaibang tono ng boses niya para bang nanuot yon sa loob ko at
awtomatikong makaramdam ako ng kakaiba.

Hindi na kami nagsalita pa pareho hanggang makarating sa isang private resort.

Chapter Five

Runaway Model, Fashion show 2020.

Iyan ang nabasa ko sa mga malalaking banner na nakapaskil sa loob ng private


resort. Busy ang karamihan at inaayos ang gaganapan ng Fashion show.

Nakasunod lang ako kay Dailez, pero ilang hakbang ang layo ko sa kaniya. Dahil baka
sa sobrang sama ng ugali niya masunog ako kapag dumikit ako sa kaniya.

“Coffee, chocolate with whipped cream. Hindi ako pwedeng magkamali, caffé latte.”
pagkausap ko sa isip ko ng makaamoy ako ng coffee.
“Miss ikaw ulit?” tiningnan ko ang pinanggagalingan ng boses, at tama nga ako siya
yung gwapong may pandesal na binaggaan ng munkha ko.

Magkakasalubong kasi kami ng daan, naalala niya pa ko. Siya ang unang tao na saglit
palang akong nakita ay di pa rin ako nakakalimutan.

Mukhang kasali siya sa fashion show dala ng suot niya na kakaiba at bagay na bagay
sa katawan niya.

“David nga pala Miss.” sabay alok niya ng shake hands sakin.

Lord naman, bakit lapitin ata ako ng mga gwapings ngayong araw na ito.

“Sherine ano pa bang tinatayo-tayo mo diyan?” sigaw ni Dail sakin. Tss manigas
siya.

“Nice to meet you again Sherine.” inabot agad nung lalaki yung isang kamay ko tsaka
nakipag shake hands tapos umalis na rin.

Ang weird niya, pero bakit ang lamig sa tengang marinig na tinawag niya ko sa
pangalan ko na narinig niya kay Dail. Nakaka in love. Nakakapanlambot ng tuhod.

Erase, bura. Gumising ka sa katotohanan Artsherine, sa tingin mo ba sa mga gwapong


taong nakapaligid sa’yo may magkakagusto, e mga ka uri mo nga ayaw na sa’yo, sila
pang mga nasa itaas at ikaw hamak na taga-tingin lang.

Nangangarap ka pa bang maabot ang mga bituin.

Tinampal ko ang pisngi ko at nagtatakbo na papunta sa make-up room ng mga model


kung saan pumasok si Dail.

Mga mapanghusgang tingin ang nakuha ko, siguro dahil sa uniform ko, sa hitsura ko
at higit sa lahat siguro dahil para sa kanila isa lang akong maliit na piraso ng
dumi.

Na any moment pag dumikit sa kanila, pandidirihan agad nila. O edi sila ng
malilinis! Mga hangal!

“Babe sorry kung pinadaanan ko pa sa’yo yang si Arta.” rinig kong maarteng ani ng
Ate ko.

“Ano ba ’yan, ang bantot ng pangalan.” isang bakla ang nagsalita na naging dahilan
para matawa ang mga tao sa loob noon bukod sa akin.

“Si Wendy kasi ang selfish di man lang nag share ng blessing sa kapatid niya.”
dagdag pa nung babaeng tiyanak na nambully din sakin nung nakaraan.

Sige lang, kutyain nyo lang ako. Digital naman ang karma.

Naglakad ako palapit sa pwesto ni Wendy ng humarang sa harap ko ang isa pang babae.

“Dry hair, dry lips, dry skin, Wendy hindi mo naman sinabing may kapatid kang
tuyot.” panlalait sakin nung babaeng lumapit pa para hawakan ang buhok ko.

Tuloy pa rin sila sa tawanan habang ako parang Barbie doll na nakatayo at
hinahayaan silang pagtawanan. Umuugong ang malakas na halakhakan sa loob ng make up
room, maingay, magulo hanggang sa parang umiikot na ang paningin ko.
Napahawak ako sa ulo ko dala ng panlalabong nangyayari sa akin. Hanggang sa
tuluyang mawala ang paningin ko.

*After 1 hour*

“Wendy bakit ba ganon nalang kung i-trato mo si Sherine?” iyan ang sigaw na narinig
ko ng idilat ko ang mata ko.

“Pinagtatanggol mo ba si Arta Dail?” galit na galit ang boses ni Ate Wendy.

Nag proseso sa isip ko ang nangyari, sinipat ko ang paligid at nandito pa din kami
sa loob ng Make-up room, wala ng tao bukod sa nagtatalong si Dail at Ate Wend,
tsaka ako na nakahiga sa pinagdugtong-dugtong na silya.

“Mali ka kasi Babe, kapatid mo si Sherine.” mariing sabi ni Dail na napahawak sa


batok niya.

Ako ba talaga ang pinagtatalunan nila, teka nanaginip ba ko at pinagtatanggol ako


si Dailez?

“Bakit parang ako yung mali? Kasalanan ko ba na ganon din ang tingin sa kaniya ng
iba?” halata sa boses niya na hindi siya makapaniwalang nasa akin ang side ni Dail.
Sabagay ako din naman hindi makapaniwala.

“Nakikita mo pa ba yung sarili mo Wendy, hindi na ikaw yung Wendy na nakilala ko.”
pagkasabi niya noon ay padabog siyang lumabas ng make up room.

Ahh ang sakit ng ulo ko, nag collapse ba ko kanina.

“Ang galing mo talagang umarte sa harap ni Dail, may gusto ka ba sa fiance ko?”
baling niya sakin ng galit niya.

“Anong palagay mo sakin Ate Wendy, katulad mo?” Iyan ang gustong ilabas ng bibig
ko. Akala ba niya madali kong makakalimutan ang ginawa niya sakin 2 years ago.
Nilandi lang naman niya ang first boyfriend ko para hiwalayan ako.

Marami ka pang baho Ate Wendy, kapag sumingaw ang baho mo baka maisip mo how
pathetic you are!

Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sakin. Matagal ng may alitan sa
pagitan namin. Pero lagi siyang tama sa paningin ng parents namin. Sabagay totoo
nga kasi siyang anak, prinsesa sa bahay, sunod sa luho.

Pero sa kabila noon, hindi pa rin kumpleto ang araw niya ng hindi ako napapahiya,
nabu-bully, at napipintasan.

“Wala akong interest Ate Wendy sa fiance mo.” tumayo ako at naglakad papunta sa may
pinto ng make-up room, lalabas na sana ako ng hablutin niya ang buhok ko.

Hinayaan ko lang siya na pagbuhusan ng galit ang buhok ko, sanay nako sa
kakasabunot niya simula ng mamatay si Papa. Galit na galit siya, siguro dahil sa
hindi niya matanggap sa sarili niyang hindi lahat ng tao makikinig sa kaniya.

Uhaw siya sa atensiyon, kahit nakukuha naman niya iyon sa lahat except sakin.

Mabuti nalang at may pumasok sa make up room para pigilan siya, pagkatanggal na
pagkatanggal ng kamay niya sa pagkakasabunot sakin lumabas na ako sa lugar na iyon.

Habang naglalakad ako palabas ng gate ng resort nakahawak ako sa pisngi ko na


siguradong nagalusan gamit ang kuko nung bruhang Ate ko.

Mas worst pa siya sa inaakala ng marami, physically and emotionally kayang-kaya


niya kong saktan. Pero ngayon iba na ang pakiramdam. Wala ng pakiramdam.

Yung nasanay ka nalang sa sakit. Kaya akala mo wala ng sakit.

Yung tanggap ka nalang ng tanggap kasi akala mo manhid ka na.

Pero habang mag-isa ka na naglalakad sa kawalan kusang luluha ang mata mo.

Siya ang madidikta ng ayaw ipakita ng emosyon mo.

May humablot sa braso ko at madali niya akong naisakay sa sasakyan niya. Sino pa
nga ba kundi si Dailez.

“Kaya kitang protektahan Sherine, kung gusto mo.” sambit niya na hindi ko
maintindihan kung ano ang nais niyang ipakahulugan.

“Ano bang sinasabi mo? Mabait ka na naman ba kasi naaawa ka sa sitwasyon ko?” I
asked with an emotional voice.

“Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak, Sherine bakit ba hinahayaan mong masaktan


ka ng iba?” tanong niya na para bang akala mo nag-aalala talaga.

“Huwag ka ngang mag panggap na concern ka, na may care ka, na iniisip mo yung
situation ko. Dail kapareho ka lang rin naman nila.” giit ko pa.

Hindi porke emotional ako ngayon hindi ko naalala ang sinabi niya kanina at kagabi.
Pinaglalaruan niya ko iyon ang totoo.

Nature naman ng mga lalaki ’yun, ang paglaruan ang nararamdaman ng mga babae.

Aaktong may pakielam pero sa totoo lang, awa. Yan lang ang dahilan.

“Iyon na nga e! Kapareho ko nila pero bakit nag titiis ka? Hindi ka ba marunong
magalit o maawa man lang sa sarili mo?” sigaw niya sakin.

Napakahusay niyang magsalita. Aminado naman pala siyang kaugali siya ng fiance
niya.

“Sherine naiinis ako sa sarili ko kasi kahit anong sama ng tingin ko sa’yo hindi ko
kayang may babaeng umiiyak sa harap ko. Sherine sinasabi ko sa’yo to bilang lalaki,
huwag mong hayaang tinatapak-tapakan lang ng iba ang pag katao mo.” mahinahon
niyang saad tapos ay nag maneho paalis sa lugar na iyon.

Wala akong masabi kasi tama siya. Nakita kong nag riring ang phone niya at
tumatawag si Ate Wendy pero pinapatay lang niya. Ganoon siya kagalit.

Ang bilis niyang magbago ng emotions. Parang kahapon lang. Ano bang nangyayari sa
kaniya, sa mga ikinikilos niya. One month siyang hindi ganito, pero simula kahapon
para siyang babaeng may dalaw.

Ipinark niya ang kotse sa tapat ng Supermall. Ano namang gagawin namin dito.
Pagkababa namin tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha at
umiling.

“Tingnan mo ’yang hitsura mo para kang sumugod sa isandaang bagyo.” he said na


kinatatakhan ko pa rin.
“Ayon na nga tapos dadalhin mo pa ko sa Mall.”

“Huwag ka ng marami pang satsat.” sambit niya at naglakad na kaya sumunod naman
ako.

Pasimple ko pang inaayos ang buhok ko dahil sa sabunot ni Ate Wendy. Dumeretso siya
at pumasok sa woman clothing store.

Siguro nag iisip siya ng ibibigay kay Ate Wendy pag nag sorry siya kasi nga nakipag
talo siya dito dahil sakin. Ugh!

“Oh!” sabay hagis niya ng isang color sky blue na may pagka pastel na dress sakin.
Na nasalo ko naman tapos sumusunod lang ako sa kaniya.

“Eto pa!” ipinatong niya iyon sa kamay ko.

Isang layered off shoulder ang itinapat niya sakin na para bang tinitingnan kung
susukat sa akin iyon.

Pagkatapos ay inihagis ulit niya sakin. Tss sunod-sunod pa ang patong niya ng damit
sa kamay ko, ang dami ko ng damit na salo-salo gamit ang dalawang braso ko.

Isang sexy fitted black off shoulder dress ang nadampot pa niya, hindi siya mahilig
sa off shoulder no?

“Okay na siguro ’yan.” sabi niya na nakatingin sakin. Ang amo na ulit ng mukha
niya.

“Miss..” tawag niya don sa isang sale’s lady.

“Yes po Sir?” tanong nung sale’s lady kay Dail.

“Where is the dressing room?” he asked.

Teka dressing room don’t tell me sa kaniya lahat ng to. Depungal pusong babae ba
siya?

“Ayon po Sir.” sabay turo nung babae kung nasaan ang dressing room.

“Oh ano pang ginagawa mo diyan? Isukat mo na ’yan lahat.”

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya sakin. Ako bang kinakausap niya na
magsusukat ng damit.

Halatang natatawa yung sale’s lady sakin kasi di ako makapaniwala sa sinabi ni
Dail.

Chapter Six

Pagkatapos kong isukat lahat ng damit ay bitbit-bitbit ko ngayon ang mga paper bags
kung saan ito nakalagay. May sampong piraso ata ng iba’t-ibang klase ng damit ito.

“Mocha, Americano, Latte, Black coffee..” iyan ang tumatakbo sa isip ko habang
kusang gumagalaw ang ilong ko na parang aso.

“Coffee?” natingin ako sa nagsalitang si Dail habang naglalakad kami. Napansin niya
atang nakakaamoy ako ng kape.

Tss wala ata talaga siyang balak na tulungan ako sa pagbubuhat ng mga pinamili niya
na diko alam kung para kanino. Ako lang ang nagsukat pero anlabo niya talaga kung
para sakin ’tong mga ito.

“Yeah.” iyan lang ang tugon ko. Napapalunok ako sa bango ng kape na namamayani sa
ilong ko.

Sinipat ko ang paligid ng mall habang naglalakad kami ni Dail. At tama nga ako,
isang coffee shop ang nakaagaw ng pansin sa mata ko.

“Gusto mo?” tanong ni Dail na huminto sa paglalakad kaya ganon din ako.

“Sideline is life but Coffee is lifer!” masayang anunsyo ko it means gusto ko nga
ng coffee.

“Asa ka, binili na nga kita ng mga damit. Tara na, masyado ka palang magastos
mapangasawa.” halos mawindang ang loob ko sa sinabi niyang iyon.

Naglakad na ulit siya medyo napansin ko din na natawa siya. Ibig bang sabihin..

Tiningnan ko ang mga paper bags na bitbit ko. Ibig nga ba niyang sabihin na all of
these clothes are mine? Kaya ba ako ang pinagsukat niya lahat.

“Alam mo ang bagal mo!” singhal niya sakin na hindi ko man lang namalayang nasa
harap ko na pala siya at bumalik. “Akin na ’yang hawak mo ang kupad mo.” he said
sabay kuha sa mga paper bags na hawak-hawak ko at naglakad na ulit.

Sumunod naman ako sa kaniya na puno pa rin ng question ang isip. Tapos ay sumakay
na kami sa kotse nya na naka park.

Wala pa din akong kibo hanggang ihinto niya ang kotse sa hindi na naman pamilyar na
lugar. Ano ba Sherine para kang nagpapadala sa agos kung saan.

Naunang bumaba si Dail, bago ko sumunod ay ilang segundo muna ang pinalipas ng utak
ko at bumaba na rin. Isang bahay ang bumungad samin sa gate na pinasukan ni Dail
syempre kasunod pa rin ako.

Hindi ako makapag tanong dahil nagulat pa din ako sa mga binili niyang damit na
para daw sa akin.

Sinipat ko ang labas ng bahay, simple ngunit maganda, napansin kong may kinuha si
Dailez sa bulsa niya at susi.. oo susi nga iyon.

“Papasok ka o tititigan mo lang ako?” supladong tanong niya na nabuksan na pala


agad ang pinto ng bahay.

Pumasok na siya at ganoon rin naman ako, isang simpleng bahay na kumpleto sa gamit.
May nakita kong hanging wall shelves na may mga books pag pasok mo kasi ng pinto
iyon agad ang bubungad sa’yo.

“Kanino bahay to?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.

“Sa atin, binili ’to ni Mommy para daw kapag nagsama na tayo dito tayo titira.”
napalunok ako ng malalim sa sinabi niya.
Kaya pala yung susi nasa kaniya. Depungal.

“So you mean ikaw lang at ako ang nasa bahay na ito ngayon?” nangangatog ang tuhod
ko habang nagsasalita. Dumadalanging sana’y mali ang akala ko.

“Malamang, bahay natin ’to di ba. I-dry clean mo nga ’yang utak mo ang dumi ng
isip.” pumalatak pa siya bago ko iwanan at parang sa kusina siya nag punta.

Tiningnan ko ang paligid at doon ko napagtanto na may mga box na naka wedding
wrapped ang nakasalansan malapit sa gilid ng TV.

Ito yung mga regalo nung wedding namin na halos puro sa side ni Dailez nanggaling,
99.9 % pala sa relatives ni Dailez galing tapos yung 1% kay Gladys.

Lumabas si Dail mula sa kusina na may dalang tubig at naupo siya sa harap ng lamesa
tapos ay dumekwatro pa.

“Nakita ko ang nangyari sa’yo kanina.” pagsira niya sa katahimikan. Umupo ako sa
sofa.

“Ang alin?” tipid kong tanong.

“Kung paano ka sinabunutan ni Wendy.” diresto niyang usal sakin.

Seryoso lang ang mukha niya, kaya ba hinila niya ko kanina at dinala sa supermall.

Lumabas siya sa make up room dala ng pagtatalo nila ni Ate Wendy, ibig sabihin ba
ay sinilip pa niya ang mga sumunod na nangyari. Hindi kaya siya din ang nagpa punta
sa umawat kay Wendy.

“Kaya mo ba ko dinala sa mall para despensa ulit sa ginagawa ni Ate Wendy?”


tinitigan ko siya para mabasa ang mata niya o kung ano man ang tumatakbo sa kukote
niya.

“Hindi, ginawa ko ’yun kasi masyadong malupit ang mga nabitawan kong salita sa’yo
kagabi at kanina. Nga pala bakit hindi mo pinatulan ang Ate mo? Sinabunutan ka niya
at tingnan mo ’yang mukha mo puro kalmot.” dire-diretso niyang saad.

Bakit ba ganiyan na naman siya. Baka mamaya iba na ulit ang ugali niya. Ang bilis
niyang mag changed ng personality.

“Sanay na ko, maraming beses na niyang ginawa sakin ’to. Once na maka graduate ako
makakaalis din ako sa poder nila.” nanatili ang mata ko sa mata niya, tinitingnan
ko kung sincere ba siya sa mga sinasabi niya sakin.

Iba ang pagmamahal, kahit gaano kamali yung tao ipipilit pa din niyang baka ganito-
ganiyan. Kaya dina rin ako nag e— expect na maniniwala siya sakin ng ganon kadali.

“Minamaltrato ka ba nila?” bakit ba napakarami niyang tanong, hindi ba niya


sinasaktan ang sarili niya sa lagay na ’yan.

Pag mahal mo kasi ang isang tao, hindi mo agad matatanggap ang mga mali sa kaniya
lalo na kung sa ibang tao mo pa maririnig.

Parang kahit anong sabihin ng iba, panghahawakan mo pa din yung pinaniniwalaan mo.

“Siguro? Ewan. Don’t worry ng isipin mo si Ate Wendy siya ang girlfriend mo at
fiance.”
“Pero ikaw ang asawa ko.” naiiwas ko bigla ang mata ko sa sinabi niya.

Artsherine nagpapaapekto ka ba sa sinabi niya. Baliw ka ba.

“Anyway uuwi ka ba sa inyo?” iyan ang tanong na gumising sakin sa katotohanan.

Kung uuwi ako, for sure sasaktan lang ako nung mag-ina na ’yon. Sumbungera si Ate
Wendy, parang bata ’yon. Heka nga, bahay namin ’to ibig sabihin, alam ko na!

“Pwede bang dito muna ko? Kahit ilang araw lang.” puno ng pagsusumamo ang mukha ko.

“Sa tingin mo iiwanan kitang mag-isa dito.” mas lalo akong naguluhan sa kaniya.

“Anong ibig mong sabihin?” curious kong tanong.

“Hanggat nandito ka, dito muna ko. Tutal sawang-sawa nako sa Hacienda Del Luca.”

Tumahik bigla ang paligid, parang huminto ang takbo at pag proseso ng brain cells
ko, so ibig ba niyang ipahiwatig, no I mean ipakahulugan na ako at siya ay parehong
titira sa bahay na ito?

“Sa dami ng sideline ko, sa tingin mo hindi ko kayang mag-isa dito?” kinakabahan
ngunit sinubukan kong tarayan ang pagsasalita ko.

Lalaki pa din siya kahit ituwad ko ang planeta. Artsherine hindi ba nga last night
sinabi niya sa’yo na kahit anong mangyari hindi mo siya makukuha, so safe ka. At
walang dapat ipag alala.

Panget ka pa din.

“Sige na, bahala ka na nga.” pagbawi ko sa sinabi ko kanina.

Nakakatakot rin naman matulog ng mag-isa. Kinuha ni Dailez ang mga pinamili niya
para sakin sa kotse. At pag tungtong ng alas singko bumili ako sa pinaka malapit na
store ng makakain naming dalawa.

Habang naglalakad ako pabalik biglang may sumagi sa isipan ko. Yung inaalok sakin
ni Revo kanina na work. Teka pwede naman siguro kong umalis mamaya para doon,
nakakahiya kay Revo iniwanan ko pa kanina para lang matahimik si Dailez.

Pagkapasok ko ng bahay nadatnan ko si Dail na nag bubuklat ng mga regalo. Ang daya
nito di man lang ako inaya para sabay kaming magbukas.

Dumeretso ko sa kusina at sinimulan ng magluto ng adobong baboy at rice. Bumili din


ako ng two slices na cakes, tsaka soft drinks. May water naman sa ref. Pagkatapos
ay inihain ko na sa dining table.

“Luto na po ang pagkain.” sigaw ko kay Dail na tuwang-tuwa sa pag bubukas ng mga
regalo samin nung wedding. Para siyang bata na excited mag open ng gift pag
Christmas Eve.

Tumayo na siya at pumunta na din sa table, magkatapat kaming nakaupo at nag start
ng kumain after mag pray.

“Baka may poison ’to?” naka kunot-noo pa siya.

“Ano palagay mo sakin mamamatay tao?” ismid ko.


Kumain nako at ganoon rin siya. Habang pasimple ko siyang tinitingnan naguguluhan
ang isip ko. May personality disorder ba siya? Minsan okay naman talaga siya tapos
mamaya hindi na naman.

“Rice pa Sherine.” napatingin ako sa plate niya, at naubos nga niya. Humihirit pa
ng isang uho.

Di ako makapaniwala, ang lakas niyang kumain ngayon. Sobra bang sarap ng luto ko.
Kinuha ko ang plate niya tsaka nilagyan pa ng rice.

Ang sarap niyang panooring kumakain sobrang nakakagana. Kaya syempre ginanahan rin
ako.

Pagkatapos ay umakyat nako sa kwarto, tiningnan ko ang ibang bahagi ng bahay, wait
isa lang ang kwarto? ISA LANG?

Nagbalik-balik pako sa ibang bahagi ng 2nd floor at isa nga lang iyon. Huwag kang
mabalisa masyado Artsherine, may sofa sa baba. Kahit ikaw nalang ang matulog don!

Phone ringing-— Revo is calling..

“Hello?”

(Nasan ka na? Sunduin pa kita?) tanong niya sakin mula sa kabilang linya.

“Next time nalang Revo, wala ako sa bahay.” sabi ko dahil naisip kong wala pakong
pamalit. Nagdadalawang isip naman ako kung isusuot ko agad yung binili ni Dail na
hindi talaga gusto.

(Kasama mo pa rin ba yung lalaki kanina?) rinig ko ang boses niya na puno ng inis.

“Syempre ano, ahmm hindi. Sige na bukas nalang sorry!” sabay end call ko.

“I’m so sorry Reeve.” I whispered.

“Lagi ka nalang natutula kapag iisa ang kwarto.” isang boses ang nagsalita sa likod
ko. Sino pa nga ba edi si Dailez.

“Alam ko namang panget ako, alam ko rin na kahit maghubad ako sa harap mo wala kang
gagawin pero Dail hindi ako comfortable.” nahihiya kong saad.

“I know. Kaya ka nga nag collapse kanina kasi hindi ka nakatulog kagabi dahil
katabi mo ko.” kung ganon alam din pala niya ang tungkol kagabi.

Inintay ko talagang mag umaga para makaalis lang agad ako. Ang sama kaya ng mga
sinabi niya sakin kagabi. Tss. Kaya ayon bangag.

“Sa sofa nalang ako sa baba.” suggestion ko.

“Tss wait I’ll show you something.” tiningnan ko ang gagawin niya ng makapasok sa
kwarto, may kinuha siyang remote at itinapat iyon sa kisame tsaka parang may
pinindot siya.

Halos mamangha ang mga mata ko sa nasaksihan ko.


Chapter Seven

Sobrang namangha ang mata ko sa nakita ko sa kisame ng kwarto namin, pag pindot
kasi ni Dailez ng remote dahan-dahang may bumaba na hagdan doon at bumukas ang
medyo malaking square shape sa kisame kung nasaan ang hagdan. Hindi naman kasi
ganoon kataas ang kisame sa kwarto.

“Doon ka sa taas matutulog, diba nga sabi ko sa’yo nagpasadya ako ng Attic.” ibig
ba niyang sabihin may Attic sa kwarto namin sa Hacienda Del Luca at pati na rin
dito.

Sinubukan kong umakyat sa hagdan at idinungaw ko sa loob noon ang ulo ko, laking
mangha ko ng makita ko ang Attic na sinasabi niya. May kutson sa sahig malapit sa
pa triangle na bintana, may maliit na flat screen TV sa paanan ng higaan, may round
wood table sa gitna dahil medyo malaki rin siya sakin. Sakto lang din ang taas para
makalakad sa loob noon. Tumingin ako sa wall na made rin sa wood may hanging white
shelves rin roon, tapos sa kabilang wall naman merong shelf na pwedeng lagyan ng
books or displays.

Color pink na may pagka pastel ang wall, white naman ang kama at sobrang linis
tingnan.

Bumaba muna ko, mamaya nalang siguro ko aakyat pag matutulog nako. Nakita ko si
Dailez na nakahiga sa kama at nakapikit na, ang aga niyang matulog ah.

Lumabas ako ng kwarto at tiningnan ang mga regalong pinagbubuksan ni Dail kanina.
Puro gamit sa bahay, dahil masyado siyang makalat magbukas ng mga regalo
kinailangan ko pa ’yung linisin.

Wendy’s POV*

“Wala pa ba ang magaling na si Arta?” tanong ko sa Mama ko na nag pe-facebook sa


sala.

“Sa tingin mo uuwi pa ’yon, takot lang non.” hindi tumitinging saad ni Mama.

“Ma tawagan mo, kailangan ko siya bukas.” utos ko sa kaniya.

“Kumuha ka nalang ng ibang make up artist, bakit ba si Arta ang gusto mo? Sinabutan
mo siya, tapos aarte ka?” sermon pa niya sakin.

Kinakampihan din ba niya si Arta, e siya nga ang galit na galit dito.

“Mama alam mo namang si Arta lang ang nakakagawa ng mga taste ko sa make-up! Ma
gawin mo lahat para umuwi siya, final na bukas ng Runaway Fashion show.” pagpasok
ko sa kwarto ko malakas kong isinara ang pinto.

Arg, nanggigigil talaga ko sa Artang ’yon, dahil sa kaniya hindi sinasagot ni Dail
ang tawag ko. Bakit ba kailangan siyang ipagtanggol ni Dail, lalo tuloy akong
naiirita.

Arta pasalamat ka malaki ang pakinabang mo, kundi matagal na kitang pinalayas sa
bahay na ito!

Dailez POV*

Naalimpungatan ako dahil parang may yumayakap sa akin. Idinilat ko marahan ang mata
ko, at hindi nga ako nagkakamali.
Nakita ko si Sherine na mahimbing ang tulog sa tabi ko, mahigpit ang yakap niya sa
tiyan ko. Nakasandig naman ang mukha niya sa mismong dibdib ko.

Hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil nakapatong ang ulo niya doon, hindi ko alam
kung paano napunta sa ganito ang pwesto naming dalawa.

Malungkot ang mga mata niya, bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit parang wala
akong lakas.

Dail nagkakasala ka, engaged ka na! Pero asawa mo siya Dail.

Bago pako gumalaw ay nauna na niyang idilat ang mata niya. Mabilis ang naging
reaksiyon ng mata ko para kusa itong tumiklop.

Artsherine POV*

Umaga na pala, nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw na tumama sa mukha ko.

Bumangon ako at nagkusot ng mata, tiningnan ko ang paligid. Nasa attic ako.
Nasampal ko ang pisngi ko ng maaalala ang pagtulog ko sa tabi ni Dailez kagabi.

Mabuti nalang talaga at nagising ako kaya lumipat ako rito. Natakot lang kasi ako
sa butiki kaya tumabi ko sa kaniya, nako Artsherine para kang ewan.

“Good morning Dail.” bati ko sa binatang nanunuod ng morning news.

Tss hindi man lang siya lumingon, dumeretso ko sa kitchen para mag timpla ng coffee
na binili ko rin pala kagabi.

Pagkatapos ay naglakad ako palapit kay Dail para i-abot ang black coffee na ginawa
ko for him.

“Kaka-coffee ko lang.” nakasimangot niyang saad. Tama nga ako iba na naman ang mood
niya.

“Okay, sayang naman itatapon ko nalang.” pagpaparinig ko pa sa kaniya.

Dahil mukha namang nag work, kinuha na rin niya dahil sayang naman daw.

Talagang sayang, sayang lalo na kung ang itatapon mo ay yung mahalagang tao. Kung
ano-ano iniisip ko.

Naupo ako sa isang sofa sa left side ng sofa na inuupuan ni Dail at nanuod rin ng
balita sa TV. Saturday ngayon, at dahil wala naman akong klase ng Saturday may apat
na sideline ako today.

“Ring ng ring yung phone mo kanina.” napatingin ako kay Dail sabay higop niya ng
coffee.

“Cellphone ko?” takang-takang tanong ko.

“Tss, oh.” sabay abot niya sakin ng cellphone ko.

Cellphone ko? Paano napunta sa kaniya ang phone ko. Hindi kaya, ang tanga mo talaga
Sherine! Kagabi, paglipat ko sa attic naiwanan ko sa kama niya.

“Thanks.” I said rapidly.


Ang bobo-bobo mo talaga Sherine, teka siguro naman hindi niya maiisip na naiwanan
ko yun sa tabi niya kasi tumabi ko sa higaan niya. Tama! Imposible, mahimbing ang
tulog niya.

Tiningnan ko ang cellphone ko habang hawak ng isang kamay ko ang coffee,


isandamukal na miscalls ni Mama at Ate Wendy ang bumungad sakin.

“Umalis ka na sa bahay nila, dito ka nalang tumira.” at sa maraming beses na


pagkagulat ko sa sinabi niya kahapon, ganoon din ang eksaktong naging reaction ko
ngayon.

“Baliw. Hindi ganon kadali ’yon.” tapos pinilit kong matawa para mag mukhang biro
ang dating ng sinabi niya.

“Sherine nagagawa kang saktan ni Wendy, for sure ganoon din ang Mama niya, nabasa
ko lahat ng text ng Mama mo sa’yo, galit na galit siya.” naibaba ko ang kape na
hawak ko sa lamesita ng sabihin niya iyon sakin mismo.

“Pinakielaman mong cellphone ko?” kunot noo kong tanong.

“Ang ingay kasi, huwag mong ibahin ang usapan Sherine. Dito ka nalang tumira
seryoso ko.” pagpupumilit niya.

“Seryoso din ako Dail, si Ate Wendy ang girlfriend mo. Dapat sa kaniya ka kumampi.
Tsaka wala ka naman talagang alam! Naawa ka ba sakin Dailez. Kaya wala pang ilang
oras bumait ka na sakin? Haha lol.”

Tumayo ako at lumabas ng bahay na iyon. Bakit ba niya ko pinapakielaman. Baliw


siya, for two days para siyang tanga na papalit-palit ng ugali.

Tiningnan ko ang suot ko habang naglalakad, naka uniform pa din ako. Ayoko talang
isuot lahat ng pinagbibili ni Dail. Ang taste niya halatang para kay Ate Wendy.

Sa bruhang impaktitang Ate ko.

Phone ringing.. Ate Wendy’s calling..

“Speaking of the devil.”

Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tawag ng bruha. Medyo nakalayo sa tenga ko
ang phone dahil rarat-ratin na naman ako panigurado niyan.

(Kapag hindi ka pumunta mamaya sa fashion show, sisirain ko ang buhay mo Arta!)
rinig na rinig ko ang galit ng boses niya sa kabilang linya na halatang kanina pa
naghihintay na sagutin ko ang tawag niya.

“Sirang-sira na ang buhay ko, may sisirain ka pa ba?” medyo may pagka pilosopo kong
tanong sa kaniya.

(Yun lang ang akala mo Arta. May hawak pa ko, na kapag lumabas baka mas piliin mo
nalang mawala dito sa mundo.) pagbabanta pa niya.

Pinatay na agad ang tawag pagkasabi niya non, ano bang pinagsasabi niya. Baliw,
katulad siya si Dail. Kung ano-anong kaabnoan ang mga naiisip.

Siya pa talagang ang may ganang magbanta gayong siya ang may kailangan sakin.
Naiyukom ko ang dalawang kamay ko, gusto ko siyang pipiin na parang pandesal.
Depungal.
Pumunta ko kila Gladys para dito magpalit ng damit, tuwing hindi kasi ko umuuwi sa
bahay dito ko kina Gladys natutulog, kaya may mga damit ako rito, tsaka para
makapag deliver na din ako ng flowers.

“What? Si Dailez at ikaw, natulog sa iisang bahay?” halos malaglag ang dalawang
mata niya ng ikinuwento ko ang lahat.

“Dali na ayusin mo na ’yang mga bulaklak, huwag mo ng isipin dahil kahit kami
nalang ang tao sa mundo walang mangyayari samin okay.” ani ko habang inaayos ang
sarili ko sa harap ng salamin.

“Gaga mo, ang lalaki, lalaki pa din ’yan kahit panget o maganda ang kasama alam mo
na.” halatang napakarumi ng isip niya.

Ako ang nandidiri sa mga explanation niya. Ang dami niyang alam masyado.

“Gaga ka din, sige na aalis nako. May burol pa kong dadalhan ng Lilies.” sabi ko
tsaka binuhat ang bungkos ng bulaklak na inayos niya at inilagay sa harap ng bike
ko at ang isa naman ay itinali ko sa likurang bahagi.

“Artsherine ha!” sabay kurot nya sa tagliran ko. “Iyang puso mo sinasabihan na
kita, ma-fall ka na sa lahat huwag lang sa Dailez na ’yon!”

“Oo na, sige na aalis na ko baka yung patay pa ang kumuha dito ng bulaklak.”
natatawa kong sabi bago nag bike paalis.

Bawat madaanan ko ay nginingitian ako at binabati, pagkadating ko sa burol ng patay


dinala ko sa loob ang bulaklak noon.

Ang saya naman nung patay. Ay I mean nung mga tao, hindi sila umiiyak. Tapos
nagkakantahan pa sila. Siguro nung namatay yung patay, masayahin siya at ayaw nya
ng lungkot.

Rest in peace po.

Pagkatapos sa sumunod na work naman ako nagpunta, taga-linis ng apartment. After


non kumain ako sa 7/11 nag-iisip kung pupunta bako sa fashion show ni Ate Wendy.

Naisip ko rin ang alok ni Dailez na tumira nalang daw ako sa bahay na ’yon. Hindi
ko siya lubos maintindihan. Sabi niya kaya niya kong protektahan, ano bang ibig
niyang sabihin.

Artsherine kung ako sa’yo kumain ka nalang.

*Runaway Fashion show*

After ng trenta menutos na pag-iisip pumunta pa rin ako. Kasalukuyan ko ngayong


inaayusan ang bruhilda kong Ate. Mukha namang hindi na mauulit ang eksena nung
nakaraan sa make up room kung nasan kami ngayon.

Pero pinagtitinginan pa din ako ng mga tao, siguro nalaman nila ang pagsabunot na
ginawa sakin nitong impaktita.

Habang inaayusan ko si Ate Wendy nakita kong ka-chat nya si Dailez na babe niya.
Siguro nga pinaglalaruan ako ni Dail. Mukha niya!

Kung akala niyang ganoon lang ako kadaling paglaruan nagkakamali siya.

“10 minutes nalang, mag i-start na tayo. Mag ready na kayo!” sigaw nung isang staff
sa may pinto.

Summer ang theme ng irarampa nila kaya syempre mga swimsuit. Ewan ko ba pagka
ganito ang moment nagiging competent ako, pagdating sa make-up gusto ko yung
kakabog kahit gaano pa ko kaasar sa mine— make-up-an ko.

Ilang sandali lang ay nag simula na ang fashion show, naka ilang change ng outfit
ang mga model at ako dakilang taga— retouch ng pagmumukha ni Ate Wendy.

Madilim na ng makauwi ako, pero hindi sa bahay. Kundi sa bahay namin ni Dailez.
Ayokong umuwi dahil for sure pagbubuhatan na naman ako ng kamay ni Mama. Syempre
dahil pa din don sa nangyari nung nakaraan.

Pero madilim ang buong bahay at nasa labas ako, sinubukan kong kumatok pero walang
tao. Ang bobo ko talaga, wala sa akin ang susi, for sure after ng fashion show ni
Ate Wendy nag date pa sila ni Dailez na nakita ko rin kaninang nanunuod. Nakita rin
niya ko pero hindi kami nagpapansinan, naupo muna ko sa harap ng pinto at iniintay
ang pagdating niya.

Dailez POV*

“I love you babe.” sabay yakap ni Wendy sakin.

Ito yung moment na hindi ko inaasahang mararamdaman ko, shit bakit naiisip ko ang
yakap ni Sherine sa akin kagabi.

“Babe I said I love you.” pag-uulit niya na mas hinigpitan ang yakap.

“Ah— I love you too.” niyakap ko rin siya para hindi niya maisip na may nag iba sa
boses ko.

Pumasok na siya sa loob ng bahay nila at ako nagmaneho na agad palayo doon. Dail
ano ba umayos ka nga!

Pagkahinto ko ng sasakyan sa harap ng Hotel Del Luca, may pumasok sa isip ko kaya
mabilis ko itong ni u-turn paalis.

After a few minutes of driving, tama nga ako ng iniisip. Isang babae ang nakadukdok
sa tuhod niya ang nadatnan ko sa harap ng bahay. Bakit hindi siya tumawag sakin.

Dailez hindi ba nga sinabi niyang ilang araw siyang mag-i-stay dito.

Pero akala ko kasi uuwi na siya lalo pa’t nakita kong kasama niya si Wendy kanina.
Tsaka hindi nga niya ko pinapansin.

Galit siya sakin sigurado ako.

Chapter Eight

Artsherine’s POV*

Isang linggo na ang nakakaraan nang maganap ang Runaway Fashion Show. Pero hindi pa
din ako umuuwi sa bahay, mas kampante pa ko sa bahay na niregalo samin nang Mommy
ni Dailez.
“AHHHHHHH!” isang malakas na sigaw ang narinig ko sa baba habang nag-aayos ako ng
sarili dahil may pasok.

Sigaw ba ’yon ni Dailez? Bababa o bababa?

Tanong ko sa sarili ko na nakaharap sa salamin dito sa kwarto ni Dail, samantalang


sa attic naman ang kwarto ko.

At dahil sabi ng brain ko bumaba ako ay sinunod ko naman iyon agad. Bumaba ako at
hinanap ang pinanggagalingan kanina ng sigaw.

“Dail?” tawag ko sa pangalan niya sa sala wala kasing katao-tao doon.

Pero walang sumasagot, umalis na ba siya? Wait sigurado akong sigaw niya ang
narinig ko kanina. Depungal.

Pumunta ako sa kitchen para sana kumuha ng tubig kaso narinig ko ang shower sa CR.
Naglakad ako sa may pinto noon.

“Dailez” tawag ko sa pangalan niya pero di siya sumasagot. Tinry kong kumatok at
idikit ang tenga sa pinto ng CR pero wala pa ding response.

Hindi kaya naiwanan niyang bukas? Oh multo? Baka nga may multo. Dahan-dahan kong
binuksan ang pinto ng comfort room ng makita ko ang lalaking nakahilata sa harap
ko.

“Dail?” sigaw ko sa kaniya pero hindi siya kumikilos. Agad akong napalapit sa
pwesto niya. Halos mapatakip ako ng mukha ng mabaling ang mata ko sa basta!!

Basta malaki! AHHHHH! DEPUNGAL ANG MATA KO HINDI NA VIRGIN! NO WAYYYYY!


DAILEZZZZZZ!

Gaga ka Dail walang malay ’yan uunahin mo pa ang mata mo.

“Dail sasampalin kita pag dika nagising!” sigaw ko sa kaniya na diko pa rin
magawang imulat ang aking mga mata.

Depungal talaga! Bakit naman kasi kailangang maghubad pa habang nag sha-shower
tsaka di pa ni-lock ang pinto AHHHH!

“Dail naman e!” pag-iinarte ko at sinubukang kapain ang pwesto ng ulo niya, yung
ulo na may mata ah! Say no to madumi ang pag-iisip.

“Dail hininimatay ka ba kasi nadulas ka? Bobo ng sahig no?” pagkausap ko sa kaniya,
di pa rin ako dumidilat para kong tanga.

Dailez POV*

Iminulat ko ang mata ko ng humawak siya sa mukha ko. Nakatakip ang isang kamay niya
sa mata habang ang isang kamay niya ay padampi-dampi sa parte ng mukha ko. Ays
baliw.

Nadulas ako sa diko malamang kadahilanan kanina, napasigaw ako ng malakas,


sinubukan kong tumayo kaso na sprained atang ankle ko. Bigla pa siyang kumatok sa
CR kaya nag pretend tuloy akong nahimatay.

“Dail tatawag na ba ko ng ambulance? Mamatay ka na ba? May huling habilin ka ba sa


parents mo? Dailez..” hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa mangiyak-
ngiyak niyang boses, na medyo parang batang naiiyak.

Hindi ko makita ang nerbyos sa kaniya, walang kaba, parang hindi lang niya alam ang
gagawin niya. She’s pretty cute every time na umaatake ang pagiging isip bata niya
na ewan.

“Ayos lang ako.” nagulat ako ng bigla niyang imulat ang mata niya ng marinig ang
boses ko, sa gulat niya ay napaupo siya sa pwesto niya.

“Para kang tanga!” she said na para bang maiiyak na.

Ni hindi na nya pinansin na wala akong saplot na kahit na ano sa katawan ko.
Kitang-kita ko kung paano namuo ang likod sa dalawang mata niya.

Ngayon nagpakita ang kaba niya na kanina ay diko mabakas kahit na kaunti.

Artsherine’s POV*

Halos 2 hours nakong nakakulong sa attic simula ng nangyari kanina kay Dail. Anak
ng! Kasi naman apaka tanga nagpakadulas pa.

Tinawagan ko ang Mommy niya kaninang umaga para i-inform sila sa nangyari kay Dail,
dinala namin siya sa hospital at ayon napilayan. Bobo kasi talaga nung sahig.

Pagkatapos naming dalhin sa hospital ang sahig, I mean ni Dailez nagkulong lang ako
sa attic pagkauwi namin.

2 hours na kong muntanga rito, kinakausap ang sarili while staring outside of the
window.

First time ko kasing makakita ng ganon, yung anooo! Basta yung malaki na ano AHHHH
yung mata ko talagang kawawa, sobrang inosente nito huhu! Para makita lang ang ano
niyaaaa! Di tuloy ako nakapasok.

“Sherine naiihi ako!” sigaw niya mula sa ilalim ng kisame.

Halatang nang iinis siya. Ang sarap konyatan at pektusan!

“Umihi ka mag-isa mo! May paa ka!” inis na inis kong sigaw.

Jusmiyo marimar elementary school!

“Alalayan mo kaya ako!” natatawa pa siya sa sigaw niyang iyan. “Samahan mo ko sa


CR!”

“WALA AKONG NARIRINIG!” I yelled.

“Parang hindi mo naman nakita ang buong katawan ko Sherine!” halos malamon ang
katawan ko ng hiya.

Arrrgh! Sinipa-sipa ko ang unan na nasa paanan ko sa asar sa kaniya. Bakit ba


pinapaalala pa niya!

“No Sherine wala kang nakita, hindi mo nakita ang alaga niya, ni ang ibo-—”

Artsherine! Tama na pleaase! Yung utak mo ibabad mo sa Xondrox o kaya pakuluan mo


sa suka!
Wendy’s POV*

“Wendy are you sure that you’re engaged with Dail?” Iyah asked.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa habang nagsusukat kami ng damit na
dinesenyo ng isang Fashion designer. Para sa event na a-attend-an namin.

“Yeah, one hundred percent sure!” I said with a fake smiles on my face. “Here’s the
proof.” Itinaas ko ang kamay ko sa harap niya para ipakita ang engagement ring ko.

“Close ba sila nung ugly half sister mo?” tanong niya habang sinasara ang zipper ng
dress sa likod na bahagi ng katawan niya.

Medyo naguguluhan ako sa kaniya bakit bigla niyang ipinasok sa usapan si Arta.

“Hindi, do you think hahayaan ko si Dailez na mapalapit sa panget na ’yon. Tska


sigurado kong kahit si Dail hindi niya pipiliing makipag close sa babaeng dugyot na
’yon.” tapos pinaikot ko pa ang aking mata na para bang kinukumbinsi siya na kahit
kailan di magiging close si Arta at si Dailez.

“Ahh, nakita ko kasi sila sa subdivision namin, nag ja-jogging si Dail tapos
mukhang papasok ng school si Arta.” sinamaan ko siya ng tingin senyales na hindi
ako nakikipag biruan.

Napaka imposible ng iniimbento niyang istorya.

“Are you kidding? Si Dail ko?” natatawa pa ko habang nasasalita.

Pero sa isang banda ay napaisip pa rin ako, halos isang linggo na ding hindi umuuwi
si Arta sa bahay.

“I’m serious okay, nakatira sila sa isang bahay Wendy. Si Dail at ang kapatid mong
panget.” ipinag diinan niya sa harapan ko iyon.

Pero sa halip na mangamba ako ay napahalakhak ng tawa. Kilala ko si Dail,


magagandang babae ang tipo niya. Yung sexy, yung maputi, yung matalino at talented.

Pero si Arta, ang panget na ’yon? HAHAHA e kahit nga ata hibla ng buhok noon di
gugustuhing makasama ni Dailez.

“Mapagbiro ka masyado Iyah, kilalang kilala ko si Dailez. Si Arta pa talaga ginamit


mo sa joke mo dapat yung medyo aangat man lang sa level ko.” hindi ko mapigil ang
sarili ko kakatawa.

“Alam kong hindi ka maniniwala, kasi ako din. Pero meron din akong proof.” inabot
niya ang shoulder bag na nasa harap namin at kinuha ang mga parang printed picture.

“Ano ’yan?” di pa din mapawi ang ligaya sa labi ko dahil sa mga imbentong kwento
niya.

“Ayan..” sabay abot niya sakin ng mga letrato. Halos mawala ako sa sarili ng makita
ko ang mga imahe sa picture na inabot ni Iyah.

Isang babae at lalaki ang nakatalikod na papasok sa loob ng isang bahay na para
bang sikretong kinuhan ng letrato.

Ang isa ay naglalakad at nakangiting nag-uusap, isang naka pang jogging at isang
naka uniform.
Habang nag poproseso sa isip ko ang mga detalye sa letrato, kumalat naman sa bawat
sulok ng katawan ko ang kakaibang enerhiya ng galit at luha.

“Iyah edited ba ang mga letratong ito?” I asked while my lower lip trembling.

Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa mata ko at ang pag higit ng sikip ng sakit sa
puso ko. Gusto kong itanggi ang lahat pero malinaw ang sinasabi ng mga letrato.

“Wendy ang tanga mo bakit hindi mo alam na sinusulot nung kapatid mong ’yung si
Dail?” walang kaduda-duda totoo ang sinasabi niya. Hindi siya yung tipo ng
magsisinungaling.

“Samahan mo ko Iyah, tuturuan ko lang ng leksiyon ang-—”

“Wendy huminga ka muna, alam kong galit ka. Pero huwag muna ngayon!” pag pigil niya
sakin.

Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa braso ko pero mas pinili ng katawan
ko na mapaupo sa pwesto ko at nagpalahaw ng iyak.

Artsherine’s POV* (4:44 PM)

“Dahan-dahan lang ang bigat mo kaya!” saad ko sa kaniya na naka alalay ang braso
niya sa balikat ko habang yakap-yakap ng kanang kamay ko ang waist niya.

oh tigilan ang maduming pag-iisip.

Inaalalayan ko lang siya papunta sa sala para kainin ako.

DEPUNGAL KA SHERINE!

KAININ YUNG MIRYENDA KASI!

“Ang dami mong reklamo.” ismid niya.

Dina ko kumibo hanggang sa makaupo siya sa sofa, syempre dun sa nakaharap siya sa
television.

Dipa ko nakakahiwalay sa waist niya ay bigla akong nauyot nung akmang tatayo nako
at ang ending bumagsak ako sa katawan ni Dail na nakaupo sa sofa kanina na ngayon
ay nakahiga na salo-salo ang katawan ko.

“Ang lampa mo Artsherine.” mahinahon niyang sambit. Kakawala na sana ko sa pwesto


pero ikinulong niya ko gamit ang dalawang braso niya.

“Hoy ano ba alisin mo nga ’yang kamay mo!” sigaw ko pa sa harap niya.

“Bakit ba ang lampa mo?” mahina ngunit malamig ang boses niya sa mga oras na’to.

“Ikaw bakit ba ayaw mo kong pakawalan?” pagbabalik ko ng tanong, ngunit ang


kaninang sigaw ay naging mahinahon rin tulad ng boses niya.

“Bakit ko papakawalan yung taong lapitin ng disgrasya?” napakagat labi ako ng bigla
niya pang hapitin ang katawan ko palapit sa kanya.

Nakadagan ako sa katawan niya habang ang isang paa niya na may sprained ay nasa
baba ng sofa. At ang dalang kamay ko ay parehong nakapatong sa dibdib niya na hindi
ko ma-i-alis dahil sa pagkakayakap niya sakin.
“Dailez baka nakakalimutan mong hindi talaga tayo mag-—”

Halos kumawala ang kaluluwa ko ng bigla niya kong yakapin ng mas mahigpit pa. Yung
yakap na hindi masakit pero mahigpit.

“Bakit hindi nalang natin totohanin?” he whispered.

Ang hininga niya ay saktong-saktong pumasok sa dalawang butas ng ilong ko sa


sobrang lapit ng mga mukha namin.

Hindi ako makaimik sa tanong niyang iyon. Para bang nagmistulan akong rebulto. Ayaw
mag react ng bibig ko ni ang kahit na anong parte ng katawan ko.

“Pwede mo ba kong bigyan ng permisyon na halikan ka?” halos maestatwa ang mata ko
sa mata niya ng sabihin niya iyon sakin.

Sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib, sobra-sobra ang kaba ang nararamdaman ko sa
mga oras na ito. Ilang lunok ang ginawa ko.

“Ba-ba-baliw ka Dail!” pinilit kong magsalita kahit pumapalipit ang dila ko.

Mas nawindang ako sa sumunod niyang inasal, mabilis ang naging pangyayari at
biglang siya na ang nakaibabaw sa kaninang pwesto ko.

Dail ano bang inaakto mo? Dail bakit ganyan ka? Masyado kang mapusok.. Dail
ginugulo mong isip ko sa mga oras na ito. Dailez bakit mo ginagawa sa akin ito!

“Please let me kiss you.” he said with a soft voice.

“Dail hindi ako si Ate Wendy.” mahina kong wika.

“Oo o hindi lang Sherine.” he added.

Dahan-dahang pumikit ng kusa ang mata ko, ewan ko pero gusto ko siyang hayaan roon.
Gusto kong umo-o pero di kakayanin ng bibig ko.

“Thank you.” iyan ang mga salitang dumurog sakin.

Sa eksaktong paglapat ng labi niya sa labi ko ay ang siya rin mismong pag patak ng
luha sa mga mata ko sa magkaibang direksiyon tulad ng nararamdaman niya.

Ramdam ko ang pagkasabik ng labi namin sa isa’t isa, ngunit ramdam ko din na iba
ang hinahanap niya. Hinayaan ko siyang paglaruan ang labi ko ganon na rin ang
nararamdaman ko.

Hiyaan ko lang siya na magpakalunod sa halik, habang ako nalulunod sa mabigat na


emosyon.

Walang ano-ano ay humiwalay siya bigla, idinilat ko ang mata ko at nakatingin lang
siya sakin. Nakatingin kami sa isa’t-isa. Ang tingin na ibinato niya ay tingin ng
patawad, patawad sa inakto niya. Patawad sa halik at higit sa lahat patawad dahil
ang nararamdaman niya kahit kailan ay hindi magiging sa akin.

Tumayo ako at tumakbo paakayat ng kwarto diretso sa attic. Ang tanga mo Artsherine,
napakatanga mo!
Chapter Nine

Pagkasilay ng araw umalis na agad ako ng bahay dahil wala namang klase kaya inaya
ko nalang sina Revo at Gladys na mag jogging.

Habang nasa isang street kami malapit sa subdivision huminto kami sa isang lugawan
at umorder ng goto.

“May ginawa ba sa’yo si Wendy kagabi at namamaga ’yang mata mo?” tanong ni Revo na
kumukuha ng mineral water habang nakaupo na kami ni Gladys.

Tumingin sakin si Gladys na tila alam ang totoong rason sa pamamaga ng mga mata ko.
Gusto kong itanggi na hindi si Dailez, pero sino bang tanga ang nagbigay ng halik?
Ikaw lang naman iyon Artsherine. Gaga ka!

“I’m just tired this past few days.” I lied.

“Art kunin nalang kaya kitang scholar ko? Gusto mo ba?” tiningnan ko siya at
halatang seryoso ang mukha.

“Tumigil ka nga Revo, cellphone mo nga di— keypad tapos kukuha kang scholar? Lol
haha.” pambubuska ni Gladys sa kaniya.

Sanhi para matawa ako dahil totoo naman ang tinuran ni Gladys. Mahirap lang si
Revo, kaya nga part-timer din siya tulad ko.

“Huwag mo kong minamaliit Gladys.”

Nagsimula na naman ang aso’t pusa. Pagkatapos naming kumain ng lugaw umuwi na sila
Gladys at habang papasok na sana ko sa subdivision ng bahay kung nasaan ang bahay
namin ni Dail na technically sa kaniya lang naman talaga bahay, dahil contractual
pa din ang marriage namin ay bigla namang nag ring ang phone ko.

Speaking of the evil witch.

Wendy Scott.

“Bakit?” walang gana kong sagot.

(Where are you? Bakit hindi ka pa umuuwi?) rinig na rinig ko ang pekeng boses niya
sa kabilang linya.

At anong masamang kemikal ang nakain ng bruha at nagtatanong kung kailan ako uuwi?

Kailan pa siya nagkaroon ng lakas ng loob para tanungin kung nasaan ako?

Ang bruhang impaktita himala!

“What do you need?” hindi nako nagpaligoy-ligoy pa.

For sure sa 100% na hinala, alam ko na kung bakit. She needs something from me. No
doubt about it. Impokrita siya.

(Umuwi ka na, na realized ko na kapatid pa din pala kita. At mali ang mga ginagawa
ko sa’yo.)
16 % kasinungalingan.

4 % mapagpanggap.

30% may kakaiba sa boses niya.

20% impaktita.

10% Bruha.

At the rest, hindi siya kapani-paniwala.

Anong pinaghuhugutan niya ng rason para magbaba ng pride sa mga oras na’to?

Ang bruha naging Angelita? Tubuan ka sana ng kulugo tsssk!

“Ibababa ko na, may sideline pa ko.” sabay end call ko.

Naglakad na ulit ako at inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa mismong bahay.
Huminga muna ko ng malalim at inihanda ang sarili kung sakaling makita ko si
Dailez.

Wendy’s POV’

“Naniwala ka na sakin? Nakita na ng dalawang mata mo? Hindi ako makapaniwala na ang
isang Wendy Scott nasulutan ng future husband.”

Halos mag init ang buong katawan ko, hindi ko man nakita si Dailez pero nakita ng
dalawang mata ko si Arta na pumasok sa bahay na tanaw ng mata ko mula sa
kinatatayuan ko.

Gusto kong sumugod at ibuhos ang galit sa malanding Arta na ’yon pero mahina ang
katawan ko.

Kaya pala ganon nalang kung itrato siya ni Dail sa harap ko, kaya pala pakiramdam
ko pinoprotektahan niya yung panget na ’yon dahil may relasyon silang dalawa!

Haliparot ka Arta! Malandi ka! Higad!

“Humanda ka sakin Arta hawak ko ang ikakasira mo!” nag-iigting ang bawat bahagi ng
pisngi ko sa galit na namumuot sa akin.

Hindi pa tayo tapos, sisirain ko ang buhay mo ng higit pa sa ginawa ko sa’yo noon.
Dudurugin kita hanggang sa magmakaawa ka.

“Don’t tell me Wendy nasayo pa din?” tumingin ako sa kaniya habang tumutulo ang
luha sa mata. Binigyan ko siya ng nakakabaliw na ngiti at tingin.

Kung inaakala mo Arta na makukuha mo sakin si Dail nagkakamali ka, isusuka ka niya
at pandidirihan.

Ipaparamdam ko sa’yo ang dobleng sakit o baka triple pa.

“Hindi niya maagaw sakin si Dail Iyah, sigurado kong itatakwil din siya ni Dailez.
Sisirain ko ang buhay niya.”

“Hindi kaya nag hihiganti sa’yo si Arta? Kaya inahas nya si Dail? Kasi inagaw mo
ang first love niya noon?” Iyah said.
“Ang panget na katulad niya walang karapatang maghiganti at maging masaya!”
naglakad ako paalis sa lugar na iyon dala-dala ang bigat ng emosyon.

“Huwag kang pakasigurado Wendy, look at yourself mas mukha kang miserable kesa sa
ungly caterpillar na yon.” huminto ako at tumalikod para makaharap kay Iyah na
napahinto din sa pagsunod sakin.

“Tulungan mo ko Iyah? Pahirapan muna natin si Arta gusto kong makita na hulog na
hulog siya kay Dail bago ko ilabas ang baho niya!” hinawakan ko ang kanang braso
niya at diretso kong sinabi iyon.

“Gusto mo talaga siyang saktan, gusto ko ’yang idea mo. Go ako dyan. Sirain natin
ang buhay niya.” walang pagdadalawang isip na sang ayon niya.

Artsherine marami pakong kayang gawin sa’yo.

Artsherine’s POV’

Pagpasok ko ay siya namang paglabas niya sa kitchen kaya agad naming nakita ang
isa’t-isa. Ilang segundo akong napatitig bago mag-iwas ng tingin.

Hinubad ko ang sapatos na suot ko at ipinatong iyong sa stainless na shelves sa


gilid ng pinto. Dire-diretso akong naglakad at dinaanan lang siya na parang hangin.

Mukhang maayos na ang paa niya na na sprained kahapon. Paakyat na sana ko ng hagdan
ng biglang may humawak sa kaliwang braso ko.

Parang may kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan ko na nagpahinto sa takbo ng


puso at isip ko.

“Sherine galit ka pa din ba dahil sa inasal ko kahapon?” kasunod ng mga katagang


iyan ang sorry, alam ko na.

Huminga ako at pinilit ngumiti bago siya hinarap. Buti at may lakas pako para
harapin siya.

“Bakit ako magagalit? 10K ang added sa monthly allowance ko dahil don, don’t worry
mukha akong pera kaya wala lang sakin ’yon.” sapat na sigurong rason iyon para
walang magbago samin.

“I’m sorry Sherine, nadala lang ako.” fuc* sana hindi mo nalang mo nalang sinabi.

“Sorry for what?” tumawa ko. “Halik lang naman ’yon, walang meaning sakin at siguro
sa’yo din. Basta huwag mo nalang kalimutang ipadala ang 10,000 pesos sa account
ko.” wala akong pake kahit na ano pang maging tingin niya sakin.

“Sigarado ka bang walang meaning iyon?” he asked na sumama bigla ang tingin sa
akin.

“Mr. Consan nasa contractual marriage tayo. Lahat may kapalit na pera para sakin.”
bago pako ngumisi ay bigla niyang hinapit ang waist ko palapit sa kaniya gamit ang
kanang kamay.

Halos lumuwa ang mata ko sa inakto niya, nakakulong ang waist ko sa isang kamay
niya habang ang dalawang braso ko ay naka dikit sa dibdib niya dala ng mabilis na
aksiyon na nagganap.

“Kahit may mangyari satin?” he softly whispered na nagpabilis ng kabog ng dibdib


ko.
Artsherine push him!

“Pinag ti-tripan mo ba ko? Anong tingin mo sakin bayarang babae?” itutulak ko na


sana siya pero hinawakan nya ang isang kamay ko gamit ang isang kamay pa niya.

Phone ringing-—

“Ang baho mo amoy pawis ka!” sabay tulak niya sakin bahagya at inalis sa bisig niya
tapos ay naglakad papunta sa sala na siya namang pagpapakawala ko ng malalim na
hinga.

Napahawak ako sa dibdib ko na sa sobrang lakas ng kabog halos manghina ang binti
ko. Ano bang pakiramdam ito? Nagtatakbo ako paakyat ng kwarto at dumeretso sa
attic. Naligo ako at pagkatapos ay inidinapa na ang sariling katawan sa malambot na
kama.

Nawala nag pagod ko sa pag ja-jogging dahil sa sinabi ni Dailez. Ang manyak niya!
Aaaaah!

“Kahit may mangyari satin?” halos isandaang beses ata niyang binagabag ang utak ko
hanggang sa makatulog nalang ako.

Chapter Ten

Dailez POV’

Dapat ko bang sagutin ang tawag mo Wendy? Gayong isandaang porsyentong nagkakasala
ako sa’yo.

Magpakalalaki ka Dail, mas mabuting putilin mo nalang bago ka pa mas makasakit ng


babae.

“Hello Babe.” bungad ko sa tawag niya.

(Babe I miss you.) saad niya sa kabilang linya.

“Magkita tayo mamaya, sunduin kita dyan sa inyo.”

(Bakit walang I miss you too? Huhu nagtatampo na talaga ko sa’yo Babe, kainis ka.)
malungkot ang boses niya.

“I miss you too, sorry Babe.” pinipilit kong maramdaman ang pakiramdam noon, pero
bakit kunsensya nalang ang tumatakbo sa isip ko.

(Wala ’yon, osige na Babe byieee! May rehearsal pa kami. I love you.) tiningnan ko
ang sarili ko sa salamin ng sabihin niya ang salitang I love you, natulala nalang
ako hanggang sa patayin niya ang tawag ng walang I love you too siyang naririnig
mula sa akin.

*ding-dong*

Doorbell ang nagpagalaw sakin sa pwesto ko. Pumunta ako sa pintuan at agad sinilip
sa maliit na butas ang tao sa labas, si Mom pala.
“Oh Mom ang aga nyo naman ata?” pumasok na siya at sinipat ang paligid.

“Ang asawa mo nasan? May pasok ba siya ngayon?” hindi pa niya sinasagot ang tanong
ko, tanong rin ang ibinato niya sakin.

“Nasa taas po, nga pala Mom ano pong ipinunta nyo dito?” pag-uulit ko.

“Good question, halika at maupo tayo may idi-discuss ako sa’yo.” sinunod ko naman
siya at naupo kami sa may sofa.

“Business?” I asked.

“Yes, we need your help son. Ang Uncle Lance mo ay lumipad na papuntang Israel,
wala ng mamamalakad ng kumpanya.” pagpapaliwanag ni Mom. “Nasa critical condition
ang company, nalubog sa utang sa kagagawan pa din ng Uncle Lance mo.”

“Kung ganon ako ang tatayong CEO ng Fragrance Parfum?” tumango agad si Mom.

Ang Fragrance Parfum (F.P) ang isa sa mga kumpanya na nag po-produce ng isa sa
pinaka kilalang brand ng pabango sa bansa noon, na ngayon ay hindi na gaanong
kilala dahil sa mga controversial issue na si Uncle Lance pa din ang rason.

“Ikaw nga at wala ng iba. Son may potential ka na magpalakad ng kumpanya, ikaw lang
ang inaasahan ng mga Consan na mag-ahon sa F.P company.” sa tono ng boses ni Mom
alam kong kailangan nga nila.

Pagkatapos ng usapan namin ni Mom ay umalis na din siya agad dahil may trabaho pa
siya sa farm sa Hacienda Del Luca.

Halos isang oras na ay hindi pa din lumalabas si Artsherine sa attic.

Artsherine’s POV’

Phone ringing-—

Nagising ako sa sunod-sunod na ring ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa ilalim ng


unan na hinihigaan ko.

“Hello?” tipid kong bungad rito.

(Mars may sideline ako para sa’yo today? Want mo?) siya ang nag aalok na rinig ang
tawa sa kabilang linya.

Saltik, paano ko maniniwala na seryoso siya sa sideline na ino-offer niya. Tss.

“Ano ba yon? Pag sinasayang mo lang ang ilang menuto ng buhay ko, pasasabugin ko
bahay nyo!” may pagka inis kong tugon.

(Nag me-make up ka diba? Yung tita ko kasi naghahanap ng make-up artist at


manicurista as in ngayon na. Don’t worry malaki talent fee yon.) napabalikwas ako
ng bangon.

“Baka naman Mars TY lang yan.?”

Ibig kong sabihin thank you haha.

(Gaga, akong bahala sa’yo? Ano game ka?)


“Okay, may free time naman ako ngayon.”

Pagka end ko ng call nag inat muna ko ng katawan tsaka kinamot ang ulo gamit ang
dalawang kamay. Ala una na pala ng hapon, tapos goto lang ang kain ko na kaninang
umaga pa.

Sinilip ko muna ang ibaba ng attic pero parang wala si Dailez, kaya bumaba nako.
Wala ring Dailez sa sala at sa kitchen. Inayos ko lang ang sarili ko at nagluto
dahil nagugutom na talaga ko. Pagkatapos ay pumunta na sa flower shop ni Gladys.

“Woah saan mo napulot ang ’yang black off shoulder dress mo?” salubong ni Gladys na
takang-taka sa pustura ko.

Wala na kasi kong maisuot dahil nasa bahay ang mga gamit ko at tanging ang mga
damit lang na binili ni Dail ang meron ako sa bahay naming dalawa, pati na din ang
ilang piraso na binili ko sa bangketa.

“Mukhang original pa Mars.” sabi niya habang umiikot sa kinatatayuan ko.

“Huwag mo ng isipin ang suot ko, wala lang akong choice. Nga pala nasaan ng Tita
mo?” tanong ko.

“Tara iyahatid na kita sa kaniya.” sabay hila niya sakin at isinakay sa front seat
ng kotse pagkatapos ay nagdrive na siya.

Halos kumunot ang noo ko ng ihinto niya iyon sa tapat ng isang punerarya? Yes!
Funeral home!

“Gladys sabihin mong mali ang naiisip ko?” napakagat labi ako.

“Mars nagde-deliver ka ng flowers sa patay..”

“So?” gusto ko siyang itulak palabas ng kotse niya.

“So naisip ko na baka lang naman gusto mo ding ng make up ng patay hehe.”

Nilisikan ko siya ng mata, senyales na hindi ako natutuwa sa offer niya.

“Glad-—”

“Oh ayan na pala si Tita sa labas, tara na.” nauna na siyang lumabas at hindi nako
hinayaan na magsalita pa.

Ni minsan hindi ko pinangarap mag make up ng mga tegilors (patay) na. GLADDDDDYS!

Para kong robot na lumabas ng kotse ng bruha kong kaibigan na hindi man lang
sinabing mag me-make-up pala ko ng patay. Pero teka?

Bakit kailangan ng manikurista? Don’t tell me lilinisan ko din ng kuko ang patay?

Halos maduwal ako sa tumatakbo sa isip ko.

“Ayos ka lang ba iha?” tanong nung Tita ni Gladys.

“Ahh oo Tita ayos lang siya.” sabay akbay sakin ni Gladys. “Di ba Mars?”

Umiling ako pero hinigpitan niya ang pagkakaakbay sakin na parang hinihiling na
pumayag na ako sa kabaliwan niya.
“Opo okay lang po ako.” nauutal kong wika kahit sa totoo lang maduduwal nako.

Minsan lang humingi ng pabor sakin ang bruhang ’to, kaya kahit labag sa loob ko at
nai-imagine ko palang na may patay na nakahiga sa harapan ko pumayag na din ako.

“Saktong-sakto ang outfit mo, naka black ka pa!” pang-aasar ni Gladys habang
kasalukuyan nakong nakatayo sa gilid ng patay.

Nangangatag ang mga tuhod ko habang, hindi ko malaman kung paano ako magsisimula.

Isa siyang babae na medyo may edad na, nakakatakot na ewan baka bigla siyang
bumangon at sakalin nalang ako bigla. Ilang lunok ang pinakawalan ko para ibsan
kahit kaunti ang nerbyos.

Pakiramdam ko namumutla nako sa mga oras na ito. Isipin mo nalang Artsherine na ang
ate mong si Wendy ang me-make-up-an mo.

Oo, ang Witcher ang isipin mo!

Habang nasa kalagitnaan nako ng pag-aayos sa mukha ng patay halos kumawala ang
kaluluwa ko sa mismong katawan ko ng biglang mag ring ang cellphone ko!

“Ay deputa!” sigaw ni Gladys na napamura pa na siyang naging sanhi para ang
paglalagay ko ng lipstick sa patay ay napunta sa kung saang parte nito ng mukha
dala ng gulat.

Kulob ang kwarto kaya halos mawindang ang kaluluwa ko ng mag ring ang phone.

“Sorry po, huwag nyo po sana akong mumultuhin.” pagkausap ko sa patay na nasa harap
ko.

Kasi nga yung lipstick gumuhit talaga sa pisngi niya, sumalangit nawa ang iyong
kaluluwa. Huwag mo na sana akong multuhin pa at payapa ka sanang makarating sa
patutunguhan mo. At kung hindi man sa langit ang destinasyon mo, walang multuhan
po.

“Mars sagutin mo na yang tumatawag sa’yo, deputa talaga mapapatay ako ng maaga
niyang cellphone mo!”

Dailez POV’

6:30 PM Granhallia Hotel

“Sino pa bang hinihintay natin?” tanong ko kay Wendy dahil ilang menuto na ay hindi
pa kami umo-order ng food.

Paano ko siya makakausap kung may kasama pala siya.

“Oh I think she’s here!” anunsyo niya at itinuro ang pwesto ng isang pamilyar na
babae.

Si Artsherine nga. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko, habang naglalakad
siya sa gitna ng mga taong nasa restaurant ay siya namang pagtugtog ng violins na
naglalabas na malamig na musika.

Ang maliwanag na ilaw kanina na mula sa mga crystals chandeliers sa ceiling ay


namatay at sa pagbalot ng kadiliman sa lugar ay ang siya namang pagbibigay liwanag
ng malaking dramtic led chandelier sa gitna ng ceiling at ng mga malalaking glass
flowers na naka display sa ilang bahagi ng lugar na siyang nagpamangha sa mga tao
dahil nag bigay ito ng may pagka kulay dilaw na repleksiyon sa paligid.

Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit narito ngayon si Sherine? Bakit kailangang
papuntahin pa ni Wendy ang kapatid niya. Hindi ko maintindihan.

“O para naman kayong nakakita ng multo?” ganiyan ang naging saad ni Wendy ng
magtama ang mata namin ni Sherine na mukhang ikinagulat din niya.

Parang sa reaction ng mga mata namin, tinatanong namin ang isa’t isa kung anong
ginagawa namin dito.

“Pinapunta ko dito si Arta kasi sabi ko kailangan ko siya, pero sa totoo lang gusto
ko lang siyang makausap.” bakit nagbago bigla ang pakikitungo ni Wendy sa kapatid
niya.

Chapter Eleven

Artsherine’s POV’

Siya ang tumawag sakin kanina nung nasa funeral home pa ko. Ang sabi niya kailangan
niya ang tulong ko ng 6:00 PM. Sinend niya sakin ang address ng Granhallia Hotel.
Pero mukhang hindi photoshoot ang ipinunta niya dito kundi date with her boyfriend.

Pero anong magiging papel ko sa eksenang ito, nakaupo kaming tatlo at magkakaharap
sa iisang table. Magkatapat si Dail at Ate Wendy habang ako ay nakaupo sa pagitan
nilang dalawa.

“Café au Lait, Espresso, Mocha latte..” ang bangoooo!

Napapalunok ako sa mabangong amoy na nagmumula sa mga kape.

“Is that all Ma’am?”

“Hey Artsherine what do you want to order?” nabaling ang tingin ko kay Ate Wendy na
may kakaiba talagang ikinikilos. Mukhang naka-order na sila at ako nalang ang hindi
pa.

She used to called me Arta, because she believed na iyon ang mas nararapat na
itawag sakin rather than calling me Artsherine, ’cause for her Arta means ugly,
stupid and pathetic.

“Anything.” peke kong sagot.

“Miss do you have a coffee menu?” pasimple akong napatingin kay Dail na parang alam
ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na’to.

Habang kataka-taka naman ang tingin na ibinato sa kaniya ni Ate Wendy na obvious
namang gusto ng ilabas ang totoo niyang ugali.

“Yes po Sir.”

“Can you bring it for me please? Thank you..”

After a few minutes bumalik na ang waitress at inabot kay Dail ang coffee menu.
“Here’s the menu, I think much better kung ikaw ang pipili ng gusto mo.” napatingin
ako kay Ate Wendy bago ko inabot ang menu, as usual she gave me half faked a smile.

“One doppio coffee please with one slice of chiffon cake that’s all Miss thank
you.” I said.

“Mukhang kilalang-kilala mo na si Artsherine Babe ah.” ang akward na ng situation


pero mas lalo pa niyang pinapalala.

“Madalas ko kasi siyang makita na may dalang coffee.” sambit ni Dail.

“Ahh, nga pala Artsherine pinapunta kita dito para maging saksi sa pinaka
importanteng araw ng buhay ko.” napatitig ako sa sinabi niya na hindi ko
maintindihan.

Dumating na ang order namin at kumain na kami. Iniisip ko pa din ang sinabi ni Ate
Wendy kanina. Kailan pa siya naging ganito ka weirdo? Ang Witcher?

Napansin kong parehong nasa table ang kamay namin ni Dail, at sh*t yung wedding
ring! Suot namin pareho, mabilis kong natanggal ang kamay ko sa lamesa. Anong
gagawin ko, bakit kasi hindi ko tinatanggal. At ito namang si Dail napaka careless
ba’t ngayon nya pa sinuot.

“Babe feeling ko I’m ready.” hinawakan ni Ate Wendy ang kanang kamay ni Dail.

Bakit ako kinakabahan sa sitwasyong ito? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko
maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na tila lumalamon sakin ngayon na may
kahalong kirot.

“What do you mean?” naguguluhang tanong ni Dail.

Napansin kong binuksan ni Ate Wendy ang hand bag niya na nakapatong sa table namin.

“Hindi ko na mahintay Dailez Consan-—”

Napatayo ako sa pwesto ko bago pa mangyari ang sasabihin ni Ate Wendy, baka papayag
na siya na magpakasal kay Dailez. At kung sakali ay mangyayari na agad ang
annulment.

“Mauuna nako, kailangan ko na palang umalis.” Halos mabulol-bulol kong wika.

Nagmamadali akong naglakad ng biglang may paa na tila sinadya akong patirin kaya
bumagsak ang katawan ko sa lapag, nasa akin ang sentro ng mga tao sa paligid. Some
of them tila nag-alala, habang ang karamihan ay narinig kong tumatawa.

Tiningnan ko ang pumatid sa akin, pamilyar ang mukha niya pero hindi ko alam kung
saan ko siya unang nakita. Isang irap ang natanggap ko mula sa kaniya, alagad ni
Ate Wendy. Sigurado ako doon.

Tatayo na sana ako ng hindi ko mapansing kumawit sa kurtina ng isang long table ang
sandals na suot ko, napasigaw ang karamihan dahil naging sanhi noon ang paggalaw ng
mga flower glass na naka display sa long table, ngunit ang isa na nasa tapat ng
pwesto ko ang may mas malaking tiyansang bumagsak.

Sigawan ng mga taong napatayo sa paligid ang tanging naririnig ko at ilang segundo
pa’y nakita kong tutumba na ito at ang tanging nagawa ko na lamang ay pumikit ng
mariin.
“SHERINE!” malakas na sigaw ang narinig ko mula kay Dailez.

Wendy’s POV’

Kitang kita ng mga mata ko ang ginawang pagtakbo ni Dail sa pwesto ni Arta. Kung
paano niya isinangga ang sarili niya para hindi masaktan si Arta.

Ikinulong niya ito sa dalawang bisig niya at malayang pinatama sa likod niya ang
mabigat na dekorasyon sa mahabang lamesa. Halos matulala na lamang ako sa ginawa
niya.

Tanging ang pagkabasag na lang nito ang narinig ko. Ikino-ver niya ang likod na
bahagi ng katawan niya para protektahan si Arta. Halong galit at sakit ang
sumasaksak sa akin. Ganoon na ba kahalaga para sa kaniya ang panget na babaeng
iyon? Gaano na ba katagal ang panloloko nila sa akin? Bakit sa dami ng babae
Dailez.. Si Arta pa?

“Wrong move.” Iyah said na nasa tabi ko na pala.

“It was all your fault Iyah!” pagsisi ko sa kaniya.

“Oh? Bakit naman naging kasalanan ko? Ikaw kaya ang nag-isip ng plano girl.” tila
gusto niya ata talagang tamaan sakin.

“Next time kung magbabayad ka nalang din ng tao Iyah yung hindi tatanga-tanga. Ang
bobo ng kinuha mo!” sa kaniya ko naibaling ang galit na gusto kong ilabas kanina
pa.

Magbabayad ka Arta! Hindi pa tayo tapos!

“Maiba lang, ang akala ko ba papahirapan natin ’yang chaka mong kapatid tapos
kailangan in love na siya bago mo ireveal ang video right? Pero iba ang nakita ng
dalawang mata ko kanina. Mag po-propose ka kay Dailez at papayag ka na sa kasal na
siya ang naunang mag-alok. Am I right?”

Isang matalim na tingin ang ibinato ko sa kaniya. Ang dami niyang kuda. Kairita.
Pero hindi ako nakakibo dahil tama siya sa naiisip iyon na nga ang plano ko na
hindi naman natuloy dahil sa kapalpakan niya.

Umugong ang kakaibang bulungan sa paligid na nagdala sa dalawang mata ko kina Dail.
Buhat-buhat niya ito at naglalakad na sila palabas ng Restaurant. Hindi niya ininda
ang tumama sa likod niya.

Hindi ko maiwasang maluha sa eksena na para bang sa pelikula ko lang napapanuod.

“AHHHH!” I yelled na umagaw sa atensyon ng mga tao.

Ginulo ko ang table kung saan kami naka pwesto, binasag ko ang mga baso ng
champagne at ang ilang plato. Nagwala ako na para bang ako lang mag-isa ang saksi
sa ginagawa ko. Wala akong pakielam sa paligid, ang gusto ko lang mailabas lahat ng
galit.

“Wendy tama na!” awat sa akin ni Iyah.

“Bitawan mo ko!” sigaw ko.

Ilang waiter ang lumapit sa amin at inawat ako. Wala akong nagawa dahil tanging
sarili ko lang ang nakakaintindi sa kagaguhang ito.
Artsherine’s POV’

(Thursday 2:09 PM)

Days passed quickly. Dalawang linggo na ang nakakaraan ng mangyari ang aksidenteng
iyon sa Granhallia Hotel. Hindi naman ganon kalala ang inabot ng likod ni Dailez,
sa katunayan nag tatrabaho na nga siya sa Fragrance Parfum bilang CEO.

Kaya sa Hacienda Del Luca na siya umuuwi dahil mas malapit iyon sa kumpanya. Ayaw
nga sanang pumayag ng Lola niya pero nagdahilan nalang kami. Mabuti na rin iyon
nang hindi ako maguluhan.

“Bilisan mo naman Artsherine para kang naglalakad sa buwan.” sigaw ni Gladys na


naglalakad papasok ng Market. May overnight kasi kami sa kanila syempre kasama si
Revo na nauna na ata sa loob. Nagmadali ako sa paglalakad para magkasabay kami.

“Kumusta naman ang magkaroon ng husband na CEO?” pagsisimula niya ng topic.

“Change topic please?” Tapos kumuha ako ng cart na lalagyan ng groceries at ganoon
din siya.

“Iniiwasan mong pag-usapan kasi nahuhulog ka na no?”

“Ako mahuhulog? Hindi ah!” depensa ko.

“Hala! hala, see! Hindi ganyan si Artsherine na kilala ko!” huminto siya at
tiningnan ang mga pasta na naka repacked at sale.

“Nasan na ba si Revo?” pagpapalit ko sa usapan.

“Another sign ng na-po-fall, bigla nalang isisingit ang wala sa usapan. Tss.”
gagawa talaga siya ng paraan para lang hulihin ang feelings ko.

“Nagpunta tayo dito for groceries hindi para alamin kung nagkakagusto na nga ba ko
kay Dail o hindi.” tumalikod ako at humanap ng snacks.

Napunta ako sa kabilang bahagi ng pwesto ni Gladys, pero di namin tanaw ang isa’t-
isa dahil puro pagkain ang nakaharang sa pagitan namin.

Nakita ko ang Nova at Piatos na naka pwesto sa medyo mataas na bahagi kaya
kinailangan ko pang tumingkayad para sana maabot kaso hindi pa din enough ang
height ko.

Tatalikod na sana ako ng huminto ako sa pag-abot, kaso may batong humarang sa harap
ko. Ang bango! Marahan kong itinaas ang ulo ko at nakita ko ang isang gwapo at
matipunong lalaki.

Bakit parang nakita ko na siya kung saan? Ilang sandali pa ay naabot na niya ang
kaninang inaabot ko.

“Ano ba ’yan parang gusto ko tuloy i-share it sa’yo ang height ko.” iyan ang
nakakainsultong usal niya sa akin.

Loko rin to. Nakakapanliit siya ah!


Chapter Twelve

“Tse! Kapal mo!” singhal ko sa harap niya.

“Tatayo ka kasi.” obvious na pinipigilan niyang matawa sa sinabi. Bastos ’to.

“Nakatayo na nga diba? Bulag ka ba?” mataray kong wika. “Tsaka sino ka ba?” sabay
taas ko ng isang kilay.

“Miss Sherine woah!” napahawak siya sa noo niya na para bang na disappoint sa akin.
“Hindi mo nga ako naalala ganon?”

Sino ba’to? Tsaka bakit Sherine ang tawag niya sakin? Kailangan pa ko nagkaroon ng
ganito ka gwapong kakilala..

“Sino ka ba?” curious kong tanong.

“David? Yung model? Twice na tayong nagkita nakalimutan mo na agad.” medyo may
pangungunsensiya ang tone ng boses niya.

David? Ahh! Naalala ko na! Nakagat ko ang labi ko ng maalala ko kung sino nga siya,
at kung ano ang papel niya sa buhay ko. Papel talaga gurl (girl)?

Siya yung model na binanggaan ng mukha ko nung unang meeting namin sa photoshoot ng
Witcher kong Ate at yung pangalawa sa Runaway Fashion show! Oo nga hinablot niya pa
ang kamay ko noon at nakipag kamay.

Omayyyjii!

“Naalala mo na no? Sa gwapo kong ito ganon mo lang kadaling nabura sa isip mo.”
medyo may pagka mahangin niyang saad.

Dahan-dahan akong tumango. “Sorry, ang kapal nga naman ng mukha kong makalimutan ka
sa pangit kong ito.” tumawa ko pero yung labas ngipin at halatang pilit.

“Big ekis sa mga babaeng sinasabihang pangit ang sarili nila. Ay! Bad yon, maganda
ka okay?” bakit siyang ikinagwapo niya, siya ding kinabolero.

“Oh Art nandito ka lang pala.” napatingin kami ni David kay Revo na may dalang Ice
cream at kasama na din si Gladys na binato ako ng kakaibang tingin.

“Friends mo?” tanong ni David sakin.

“Yeah.” I said tapos ay naglakad ako papunta kita Revo na malapit lang naman.
“Revo, Gladys si David nga pala, kasamahan ni Ate Wendy sa fashion show nung mga
nakakaraan.” pagpapakilala ko sa kaniya.

“Hi bro’ nice to meet you!” Revo said.

“Hello Kuya, I’m Gladys!” sabi naman ni Gladys na seryoso ang mukha.

“Hello din sa inyo. Wait tama ba ang narinig ko kapatid ka ni Wendy Yeshia Scott?”
pag-uulit niya sa narinig kanina.

“Oo, kapatid siya ng bruhang impaktitang nilalang na ’yon!” bago pako makasagot si
Gladys na ang nagsalita.

Natawa ako bahagya dahil ganoon na lamang ang galit niya kay Ate Wendy.
“Totoo pala ang mga kwento, nga pala nice to see you again Sherine Scott. Sana next
time na magkita ulit tayo kilala mo na ko.” iyan ang mga linyang iniwanan niya
sakin bago umalis.

“HAHAHAHA!” halakhak ni Revo at Gladys ng makalayo samin si David na ikinataka ko


naman.

“Anong meron?” tanong ko dahil parang ako lang ang walang alam sa dahilan kung
bakit para silang hihimatayin sa pagtawa.

Mga abnormal.

“Mars hindi mo nakita? Butas yung boxer na suot ng model nang friend mo HAHAHAH!”
halos ikaubos ng hinga niya ang paghagalpak niya ng tawa na kalaunan ay pinilit
pigilin dahil sa mga tao sa paligid na nagtitinginan sa amin.

Teka butas ang boxer? Halos mapagsalikop ko ang ibaba at itaas na bahagi ng labi ko
para pigilin rin ang pagtawa. “Gagi diko napansin ’yon.”

“Sa may pwetan kasi kaya di siguro nakita HAHAH!” hindi pa rin tumitigil si Revo sa
pagtawa na akala mo ngayon lang nakakita ng butas na boxer.

“Color purple pa atang brief na suot n’ya HAHAH!” kahit anong pigil ni Gladys sa
tawa niya wala siyang magawa kaya nahahawa na din ako.

“Hoy tumigil na kayo, pati ako’y dinadamay ninyo sa kalokohan nyo. Tara na at
ituloy ang pamimili.” Sabi ko at naglakad na, hindi ko mai-alis ang kakatwang
pangyayari na ’yon sa isip ko.

Lintik kasi apaka hangin niya kanina na kesyo gwapo daw siya, butas naman palang
suot na boxer HAHAHAH!

Dailez POV’

(3:30 PM)

“Mr. Consan meron po kayong stakeholders meeting ng 6:00 PM sa Fragrance Perfum


hall and also meeting with the board directors ng 8:00 PM.” naisubsob ko ang ulo ko
sa desk habang nakaupo sa swivel chair.

Bakit ba ang daming problemang iniwan ni Uncle Lance. Itinaas ko ulit ang ulo at
tumingin sa Secretary.

“Kumusta ang marketing department?”

“Gumagawa na po sila ng plan for the sales promotion next month. Pero may mga
employees na nag pasa ng resignation letter dahil sa pag aalala na baka tuluyan ng
bumagsak ang kumpanya at hindi na makaahon lalo pa at umaasa nalang daw tayo sa mga
investors.” she explained.

“Maglalabas tayo ng bagong product next month, iyan ang goal natin at maipakilala
agad ito sa market. Patataasin natin ang sales nito kahit na anong mangyari. Paki
cancel ang lahat ng meeting ko ngayong araw.”

“Okay po Sir.”

Ilang araw kong ibinababad ang sarili ko sa trabaho, maraming impleyedo ang umaasa
sa akin ngayon. Pagkatapos ng pag-uusap namin ng Secretary ko, itinuon ko ang
atensyon ko sa pag pa-plano. Alam kong sobrang ikli ng panahon para makapag produce
ng new product at pataasin ang sales nito pero alam kong kaya pang bumangon ng
kumpanya.

Phone ringing-—

Napahinto ako sa ginagawa ko ng makita kong tumatawag si Wendy.

(Babe ano ba yan ang tagal mo namang sagutin.)

“Magkita tayo Babe, nasaan ka ba?”

(Ano ba ’yan namiss mo agad ako? Sure.)

“Ngayon na.”

I ended the call at kinuha ang susi ng kotse at nagmamadaling umalis. Hindi ko na
kayang patagalin pa ang mga pangyayari.

A few minutes after, inihinto ko na ang kotse sa tapat ng isang luxury hotel at
pumunta sa isang restaurant na malapit doon. Nakita ko agad ang pwesto ni Wendy.
Ilang menuto akong tumayo sa entrance ng restaurant. Hindi ko intensiyon na saktan
ka at lokohin. I know you, mahal na mahal mo ko at ganoon rin naman ako sa’yo.

Humugot ako ng lakas ng loob para maglakad patungo sa pwesto niya, bigla nalang
nangyari ang lahat. Lumalaon mas nakikita kong mahalaga rin sakin si Sherine, may
personalities siya na sa kaniya ko lang nakikita. Hindi ko ma-admit sa sarili ko
kung ano ba talaga itong nararamdaman ko but at least mapalaya muna kita.

My feelings towards you was real Wendy but when I’m with Sherine I realized that my
feelings towards her was truly pure.

“Babe ang bagal mong maglakad!” tumayo siya at sinalubong ako ng halik sa labi.

“Maupo na tayo.” tipid kong saad.

“Wait, I’ll show you something Babe.” tapos may maliit na box siyang inilabas na
nagpalaki sa mata ko.

Chapter Thirteen

It was a red ring box I’m sure with that. I looked at her face and my eyes stick on
her. She looks serious about of what she’s planning to do.

Hindi ko magawang igalaw ang bibig ko dahil alam kong tama ang mga iniisip ko. My
eyes widened when she kneeled down in front of me, ang mga matang nakamasid ay
nagbibigay ng kakaibang ingay sa paligid.

At bumalik sa alaala ko ang nangyari a few months ago, noong araw na nag proposed
ako sa kaniya. I arranged everything that night, even our dinner, a fireworks
displays to surprised her in the exact location, moment and time na pinag isipan ko
ng almost a year. She accepted my proposal pero hindi pa siya makakapag pakasal sa
ngayon. I accepted her choice because I know her first priority and It wasn’t me.
Until my grandmother asked me to get married this year not knowing that I’m already
engaged with Wendy. They don’t know about her dahil hindi pa daw handa si Wendy na
humarap sa parents ko ng wala pa siyang nararating. Hanggang gusto na nila kong
ipasok sa arrange marriage kung hindi pa daw ako makakahanap ng papakasalan.

Until Contractual marriage was the only choice I had, hanggang maging ready na
siyang magpakasal. That time kailangang-kailangan ko ng humanap ng babaeng papayag
sa kasal, dahil may sakit si Lola at iyon lang ang gusto niyang iregalo ko sa
kaniya. Saktong kailangan ng pang tuition fee ni Artsherine noong araw na ’yon.

Pero noon ang alam ko lang magkapatid sila ni Wendy, pero hindi ko alam na ganoon
na lamang nila ituring si Artsherine.

“Dailez Consan, alam ko na nauna ka ng mag proposed sakin. Pero ngayon handa nakong
mag pakasal sa’yo. Will you marry me Dailez?”

The time stopped when I heard that question from her. I heard different reactions
from people surrounding to us. They’re all waiting for my answer.

Pero kung patatagalin ko pa’to mas masasaktan lang siya. Yumuko ako at hinawakan
ang dalawang balikat niya at marahan siyang itinayo sa pagkakaluhod.

“Dailez, say yes please?” her teary eyes begging for love na hindi ko na kayang
ibigay.

A broken pieces of a our hearts shattered while we both drowning in our own tears.

“I love you Wendy, pero may mali na.” I said while my lower lip continues
trembling.

“Tell me Babe what’s wrong?” halos madurog ako sa boses niyang iyon na puno ng
sakit, ang mga mata niya’y diretso lang sa pabuhos ng luha, nanginginig ang labi
niya, pansin ko ang kakaibang emosyon ng kaniyang katawan.

“Ayokong saktan ka pa. Kasal na ko Wendy.” umiiyak kong saad sa kaniya.

Dahil masakit rin sa akin na makita siyang umiiyak ng dahil sa akin. Bumagsak sa
lapag ang kahon kung nasaan ang singsing na sana’y ibibigay niya sa akin. Ikinulong
ko siya sa bisig ko dahil alam kong kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan sa mga
oras na’to.

“Ano bang sinasabi mo Dail?” naguguluhan niyang tanong sakin.

“Kasal na ko kay Artsherine, I’m so sorry Wendy.” deserve niyang malaman ang totoo.

Alam kong masasaktan kita Wendy pero iyon ang totoo. Hindi madali ang magiging
proseso nito para sa’yo, gago ko at hindi ko maitatanggi iyon. Hindi ko akalain na
mahuhulog ako kay Sherine sa loob lamang ng maikling panahon.

Hindi na siya nakakibo and then she fainted into my arms.

Wendy’s POV’

Nawalan ng lakas ang katawan ko na tanggapin ang narinig mula sa sinabing iyon ni
Dailez. Kasal? Klaro ang boses niya sa pandinig ko. He mentioned Arta.

Kung ganon hindi lang sila may lihim na relasyon kung ikinasal din siya sa panget
na kapatid ko!

“Wendy hindi mo man lang napansin na nakuha na pala sa’yo ni Arta ang lalaking
’yon? Kung kailan CEO na siya ng F.P (Fragrance Perfum)?” si Mama ang nagsasalita
na halatang galit na galit sa malanding Arta na ’yon.

Pagkatapos ng eksena kanina hinatid ako ni Dail na wala ng malay sa bahay. Pero
humingi daw siya ng tawad kina Mama.

“Mama pwede bang iwanan nyo muna ko?” mahina kong saan na walang gana.

“Lincon sunugin mo lahat ng gamit ni Arta pati na ang manikang regalo ng Papa
niya!” utos ni Mama sa kapatid kong si Lincon habang palabas sila ng kwarto ko.

Isinubsob ko ang sarili ko sa unan at umiyak ng umiyak. Wala akong lakas para
komprontahin si Arta sa mga oras na’to.

My phone rang.

Iyah’s calling..

“Iyah..”

(Hindi na nga natuloy ang tangka mong pag po-propose two weeks ago, ginawa mo pa
din ngayon. Tss, pakisabi sa akin kung nasaang parte doon ang papahirapan natin ang
pulube mong kapatid ha??) sermon niya sa kabilang linya.

Ngayon papahirapan ko na talaga siya. Gusto niyang makilala talaga ko, edi sige
magpapakilala ko.

“Iyah gumawa ka ng way para mahanap si Zhake Tao.”

(Eh si Enrique hindi mo ipapahanap?) nakakalokong boses ang ibinato niya.

“Find both of them no matter what happens!”

(Okay, noted! Tumahan ka na dyan, kung kasal na siya sa panget na Arta na ’yon,
then we will make sure na gugunawin natin ang buhay niya.) call ended.

Alam niya ang lahat dahil naroon din siya sa lugar kung saan kami nagkita ni Dail
kanina. Dailez Consan hindi ka man bumalik sakin, ang mahalaga manatiling miserable
ang buhay ni Arta! Mark my fuc*ng word bitch!

Artsherine’s POV’

Himahala maghapong hindi tumatawag si Dailez. Alas nuwebe na ng gabi at nanunuod


lang kami ng movie nila Revo at Gladys habang nakahiga sa kama. Si Revo nasa baba
mag-isa haha.

“Pag si Revo nag girlfriend ba ka dina natin makasama sa ganitong overnight.”


pagbasag ni Gladys sa katahimikan naming tatlo.

“I agree, what can you say Revo? Are you agree with us?” natatawa kong sambit sabay
kain ng pop corn na niluto namin.

“Baby ko kayo pareho kaya malabo haha.” binato niya kami bigla ng pop corn
pagkasabi non.

“Baby mo mukha mo!” sigaw ni Gladys.

Phone ringing-— Tita Mommy’s calling..


Bago ko pa masagot ang cellphone ko ay inagaw na ni Gladys.

“Just for tonight wala munang istorbo okay mars?”

“Oo nga, minsan na nga lang tayo mag overnight!” Revo agreed.

Wala akong nagawa dahil in-off na ni Gladys ang cellphone ko, at nagbatuhan nalang
kami ng pop corn. Nag kwentuhan narin kami about sa buhay ng isa’t-isa at sa future
plan namin.

Siguro nga deep conversation ang key sa strong friendship na meron kaming tatlo.
Masaya pa din ako na despite sa lack of love ko sa parents, pinupunan naman nilang
dalawa ’yon, even ang parents ni Dailez at nitong si Gladys at Reeve.

12:26 AM na pero hindi pa din ako makatulog habang kakatulog lang nila Gladys at
Revo. Binuksan ko na ang phone ko at text ng Mommy ni Dail ang bumungad sa
lackscreen display ko.

Chapter Fourteen

Text Message; 9:20 PM (Iha dalhan mo naman ng pagkain ang asawa mo sa office n’ya,
hindi daw s’ya uuwi ngayon. Nabalitaan ko din na subsob siya sa trabaho para mag
labas ng new product.)

Alas dose na, kumain na kaya siya? Kasi naman e!

Dinial ko ang number ni Dail, sumagot ka pleasssse?

(Napatawag ka? Anong oras na.) iyan ang bungad niya.

Parang paos ata ang boses niya ngayon. Tsk sobrang busy ba talaga niya at hanggang
ngayon e gising pa din siya.

“Nasa office ka pa?” I asked.

(Yes, dika ba makatulog? Hindi pa ko kumakain.) bakit ba parang may sakit ang boses
niya.

“Dalan kitang food? or umorder-—”

(No need na, kaya ko pa naman. Sige na matulog ka na Sherine.) pinatay na rin niya
ang tawag.

Ganon na ba siya ka stress sa work? Tapos magpapalipas pa ng gutom. Dahil sa


nakukunsensya talaga ko at tinawagan at tinext pako ng Mom nya responsibilidad kong
dalhan siya ng food kahit paumaga na.

Dapat kasi sinagot mo ng tawag kanina Artsherine!

Mabuti nalang at may natira sa niluto naming pagkain kanina kaya iyon nalang ang
naisip kong dalhin. Buti at nagising ang Mama ni Gladys para mag CR kaya ayon
pinagluto nya pa ko ng pandagdag. Nakakahiya man pero sabi huwag na daw akong
mahiya HAHA.
Pinahatid na din ako ni Tita sa driver nila kaya madali akong nakarating sa
Fragrance Perfum. Naglakad nako malapit sa Entrance ng Fragrance Perfum, marami pa
ding tao at sasakyan sa paligid kahit ganitong oras na.

“Ma’am saan po kayo pupunta?” pagharang sakin ng security guard sa labas ng


Entrance.

“Kay Mr. Dailez Consan po.” magalang kong saad.

“Ma’am may ID po ba kayo o card?” tanong pa niya.

“Wala po, dadalhan ko lang ng food ang-—”

Napahinto ako sa pagsasalita ng mag proseso sa isip ang nangyayari, ang boba mo
Artsherine! Malamang maghihigpit ’yan, kumpanya ’yan at CEO pa ang hinahanap mo!

“Manong Guard asawa ko po si Dailez Consan.”

“Ma’am nag iimbento pa kayo ng kwento.” natatawang sabi ni Manong Guard na ikina
dismaya ko naman. “Sige na Ma’am umalis na kayo, baka mamaya budol-budol o scammer
pa kayo.”

Halos lumuwa ang mata ko sa mga maling akala niya. Mukha ba kong nakikipag biruan
sa kaniya. Tiningnan nya pako mula ulo hanggang paa na sinundan rin ng mata ko.
Mukha akong manang na may pagka sira sa ulo. Dahil naka pantulong pakong damit na
lagpas sa tuhod, at tsinelas na pang bahay.

Bakit ba hindi ako nag prepare? Asar sinong matino ang pupunta ng kumpanya ng
ganito ang suot. Sinong maniniwala na asawa ko ng CEO gayong mukha lang akong
katulong niya!

“Sige na Ma’am bago pa ko tumawag ng police.” mapag bantang saad ni Manong Guard.

Sayang ang effort ko na pumunta dito para sa pagkain ni Dail hindi rin naman pala
ko makakapasok, makauwi nalang talaga. Ahhh kainis!

Dailez POV’

“Sir gising po, Sir..”

Naidilat ko ang mata ko sa boses na nagmumula kay Pia na Secretary ko. Sa couch
pala ko nakatulog.

“Anong oras na ba?”

“6:30 na po Mr. CEO.” umupo ako sa pwesto ko at inabot naman niya ang coffee sakin.

“Thank you.” I said.

Pagkainom ko ng coffee tumayo na ako at naghilamos ng mukha.

“Mr. CEO nabalitaan nyo na po ba? Hindi po ’to related sa work pero may babaeng
natutulog sa labas ng company.”

“And?”

“Ang balita pumunta daw ’yon kaninang madaling araw at nagpapakilalang asawa nyo
po. Tatawag na po-—”
Hindi ko na siya pinatapos pa at nagtatakbo palabas ng opisina. Shi*! Sunod-sunod
ang pag pindot na ginawa ko sa elevator dahil nasa 6th floor ang office ko. Pinag
titinginan ako ng mga employees marahil nagtataka sila kung bakit ako humahangos.
Ilang sandali pa ay malapit nako sa Entrance.

“Good morning Mr. CEO.” iyan ang mga naririnig ko sa paligid, huminto ako sa
pagtakbo ng nasa labas nako ng Entrance, sinipat ko ang paligid sa bawat bahagi at
isang babaeng nakaupo sa lapag at nakasandal sa glass window ng Fragrance Perfum.
Siguro’y ang yakap-yakap niya ay ang lalagyan ng pagkain na sana’y dadalhin niya
sakin.

I immediately walked towards her, agad kong hinubad ang suit na suot ko at umupo
ako para ikumot iyon sa kaniya. Bakit ba ang pabaya niya, magkakasakit siya sa
ginagawa niya.

“Dail..” she whispered.

Poor girl tssk.

“Tsk bakit hindi ka tumawag?” inis kong sermon sa kaniya.

Hindi nako nagdalawang isip na buhatin siya na nagpahinto panigurado sa ginagawa ng


tao sa paligid. Umugong ang usapan habang buhat ko si Sherine.

“Totoo nga kaya? Asawa siya ni CEO?”

“Eh sino yung isang babae last time?”

“Akala ko pulube kanina, asawa ba?”

“Dinga? Sino ba talaga ’yang babaeng ’yan, kaintriga.”

Iyan ang ilan lamang sa mga naririnig ko mula sa mga taong nakiki isyoso sa
paligid. Dinala ko siya sa office ko at ini-upo sa couch. She covered her face
using her two hands dala ng hiya. Naupo ako sa table na naka pwesto sa harap ng
pwesto niya.

“Sherine next time iisipin mo naman ang gagawin mo. Sinabi ko na sa’yo na huwag
kang pumunta, at kung pupunta ka man sana tinawagan mo muna ko?” Galit na sermon ko
sa kaniya.

Hindi ko mapigilang magalit dahil paano kung may nangyari sa kaniyang masama.

“Tumawag ako, naka ilang miss calls ako pero hindi ka sumasagot.” she said while
slowly remove her two hands on her face hanggang sa makita niya ko. “Uuwi na dapat
talaga ko, pero iniisip ko baka hindi ka pa kumakain. Until I didn’t notice na
nakatulog na pala ko.” she added.

“Sorry.” I apologized. Nakatulog na rin siguro ko nung tumawag siya.

Mukhang wala pa siyang alam sa nangyari kahapon samin ni Wendy. Wala pa siyang alam
na alam na ng Ate niya ang totoo. Tumayo ako at lumapit sa telepono na naka patong
sa desk ko.

“Pia umorder ka ng meal for two person, and coffee-—” lumingon ako kay Sherine na
mukhang inaamoy ang suit ko na naka cover pa din sa kanya, sanhi para mapangiti
ako. “Sherine what flavor of coffee do you want?”

“Americano.” she replied.


(Two meal and coffee Americano, Am I right Mr. CEO?)

“Yes please, thank you!” tapos ay ibinaba ko na din.

Artsherine’s POV’

One hour after-—

Lalabas na sana ako ng office ni Dail para umuwi dahil may pasok pa ko ng 9:00 am.
Kaso bago pa ko makaalis ay siya ring pagdating niya galing meeting.

“Miss Pia kumain ka na muna.” rinig kong sabi niya sa nakasunod na Secretary na
sinunod rin naman nito.

“Aalis ka na? Mag-usap muna tayo. May sasabihin ako.” seryoso niyang wika.

Taray, bakit ba ang cool niya sa mga mata ko ngayon. Grrrr umayos ka nga
Artsherine! Ang ugali mo obvious na nagbabago!

Naupo kaming dalawa sa couch at dumikwatro pa siya. Parang babae tsk.

“Alam ni Wendy ang totoo.”

Napabaling ako ng tingin sa seryoso niyang mukha. Baliw ba siya, paanong nangyari
na alam na ng Witcher na ’yon ang tungkol samin?

“Hindi ko na kaya pang patagalin ’to at lokohin ang Ate mo. Iniisip ko na mas
malaki ang magiging consequence nito once na pinatagal ko pa.”

Sa tono ng boses niya halatang hindi siya nagbibiro sa mga nilalabas ng bibig niya.
Pero hindi ko alam kung anong magiging reaction ko, ang dami-daming tumatakbo sa
isip ko. Kung anong sinabi niya? Kung sinabi ba niya na mahal naman talaga niya si
Ate Wendy at ginamit lang niya ko para sa Lola niya.

“Nag proposed sakin ang Ate mo, handa na siyang magpakasal.” ang inaalala ko noong
nakaraan ibig sabihin natuloy na ngayon.

Lumunok ako ng malalim para ilihim na apektado ako kung sakaling sasabihin niyang
oras na para sa annulment. Nandyan na si Ate Wendy at gusto na siyang pakasalan.
Ano pa bang magiging papel ko sa buhay niya..

“Huwag kang mag-alala, ayusin na natin ang annulment.” pinipigilan kong mamuo ang
luha sa mata ko.

Matagal ang proseso ng annulment at hindi iyon magiging madali. Pero doon din naman
mauuwi ang lahat. Pero bakit parang nilalapirot ang puso ko.

Chapter Fifteen

“Noong una annulment talaga ang plano ko gaya ng napag usapan natin sa kontrata.
Pero noong nakasama na kita, noong nakikilala na kita, noong hinalikan kita lahat
nagbago.” halos matulala ako sa bawat linyang lumalabas sa bibig niya.
Bumibilis ang kabog ng puso ko, at patuloy pa ang nagiging patibok nito habang
inaatabayanan ang mga susunod pang sasabihin ni Dail.

“Mahina ka Sherine, pero biglang naging kahinaan rin kita. Isang araw nagising
nalang akong iniisip ka, inaalala ang ginagawa mo.” napansin kong huminga siya ng
mas malalim. “Baka mamaya na aksidente ka na naman, parang gusto na kitang samahan
sa lahat ng bagay. Sherine Nagkakagusto na ata ako sa’yo.” iyan ang nagpahinto sa
takbo ng oras sa paligid.

Para kong aatakihin sa puso ng marinig iyon mismo mula sa kaniya. Hindi ko magawang
ibuka ang bibig ko dala ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Wala akong
lakas ng loob para magsalita I tried to open my mouth, but it didn’t work, I felt
like my mouth froze for a while kaya’t nanatiling taga-pakainig lamang niya ako.

“Kung papayag ka, pwede bang gumawa tayo ng new contract, a life time contract?”
halos ikalaglag ng panga ko ang sinabi niyang iyon.

Artsherine patibong lang ’yan! Sasaktan kalang niya, at sa huli babalik din siya sa
Witcher na Ate mo.

Makinig ka sa isip mo Sherine! Huwag kang makinig sa puso mo dahil ipapahamak ka


lang niyan!

“Huwag ka ngang magpadalos-dalos Dail. Infatuation lang ang nararamdaman mo.”


mariing wika ko.

Hindi ako tanga Dail, I know you hindi ka basta-basta mahuhulog.

Hindi ka katulad ni Zhake, hindi ka katulad ng first love ko. Matino kang lalaki
Dailez alam ko! Si Zhake inagaw siya sakin ni Ate Wendy at nagpaagaw siya.

Pero iba ka Dailez, ayokong maulit sakin ang ginawa ni Ate Wendy kahit gaano pako
kagalit sa kaniya hindi kita susulutin. Hindi ako katulad ng Ate ko.

Tumayo ako at siya namang paghawak nya sa kanang kamay ko.

“Alam kong hindi ka pa maniniwala sa ngayon Sherine, I’m willing to wait hanggang
sa mapatunayan kong sincere ako sa’yo at sa pagka gusto ko sa’yo.” sabay bitaw niya
sa kamay ko.

Wala sa katinuan ang isip ko ng umalis ako sa lugar na ’yon. Dinala ako ng mga paa
ko sa tapat ng bahay nila Ate Wendy. Ang tagal ko ng hindi umuuwi dito.

“Sinong nagbigay sa’yo ng permiso na magpakita pa dito Arta?” isang galit na boses
ang narinig ko sa harap ng gate.

Galit na galit ang mukha ng Mama ni Ate Wendy sakin, kung gayon ay alam na rin niya
ang lahat.

“Lumayas ka na dito! Mula sa araw na ito wala kanang lugar sa pamamahay na ito
malandi ka!” nag iigting ang panga niya sa galit.

Kailan ko ba siya huling makitang magalit ng ganito? Tsaka kailan bako nagkaroon ng
lugar sa bahay na’to? Wala akong maalala.

“Nga pala lahat ng gamit mo abo na! Kaya lumayas kana dahil nakakadiri ka!” walang
humpay ang sigaw niya.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang buhok ko. “Mga kapitbahay!” she shouted. “Itong
babaeng ito inahas lang naman ang mapapangasawa ng anak ko! Sabagay pareho kayo ng
Nanay mo! Malandi at makati!”

Nangilid ang luha sa mata ko ng marinig iyon mula sa kaniya, hindi ko inaasahang
masasaktan niya ako gamit ang mga salitang iyon na matagal tagal na ring hindi
pumasok sa isip ko. Sa pagkakataong ito pinilit kong umalis sa pagkakasabunot niya.

“Ang kapal ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng pang aahas mo sa fiance ng
Ate mo!” bago pako makalayo ay isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa
kanang bahagi ng pisngi ko. Wala akong nagawa kundi mapahawak sa bahaging ito ng
mukha ko.

Aminado akong nasaktan ako sa ginawa niya, ngunit mas masakit ang maalalang anak
lang ako sa kasalanan ng totoo kong Ina at ni Papa. Anak ako sa labas, bakit nawala
iyon sa isip ko.

Pero hindi ako malandi, wala akong inaahas!

“Kahit kailan Ma’ wala kayong narinig sakin! Noong inalila nyo ko? May sinabi ba
ako? Noong inagaw ng magaling ninyong anak si Zhake may nagawa ba ko? Ma’ wala
akong inaahas at inaagaw! Kung nasaang sitwasyon man ako ngayon, kasalanan nyong
lahat yon!” sigaw ko sa harap niya habang dumadaloy ang luha sa mga mata ko.

Matagal kong kinimkim ang lahat ng ito, at ngayon binigyan siguro ko ng pagkakataon
para mailabas ang lahat ng saloobin ko sa ilang taong pananatili ko sa impyernong
bahay nila.

“Ang kapal mong magsalita ng ganiyan! Pinalamon ka namin Arta! Tapos ganiyan ang
ipapamukha mo sa amin? Sabagay nakadali ka nga naman ng milyonaryo, kaya may maipag
mamalaki ka na!” dinuro-duro niya ang mukha ko.. “Hala! Sige lumayas ka at ng
mawala na ang malas sa bahay na ito!”

Itinulak niya ako at bumagsak ang katawan ko sa lupa. Pinunasan ko ang luha ko at
tumayo, kung noon wala akong lakas ng loob para umalis, ngayon talagang aalis nako
sa poder ninyo!

Hindi ko kailan man hiniling na manatili sa impyernong lugar na’to! Umuwi nako sa
bahay namin ni Dailez at nagmukmok lang sa Attic. Tanging hikbi ko lamang ang
maririnig sa loob nito at wala ng iba pa.

Dailez POV’

Sa loob ng mahigit isang buwan ay naiayos ko ang lahat sa kumpanya bago ang
pagpapakilala ng bagong produktong pabango ng Fragrance Perfum.

Hiwalay na rin kami ni Wendy, at gumagawa pa rin ako ng paraan para maipakita kay
Sherine na totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya. Alam kong hindi siya agad
maniniwala pero gagawin ko ang lahat para sa kaniya.

(Company Meeting)

“Kailangan natin ng effective na Marketing strategies sa paglalabas ng new product


ng Perfume at para tutukan ang Event na maggaganap. Any suggestions?”

“Mr. CEO how about mag invite tayo ng mga social media influencers during the
event.”

“I agree with Cha Mr. CEO, malaking tulong ang mga influencers online para
ipakilala ang new product natin.”
“Maraming nakatutok sa mga YouTuber and even sa mga Tiktoker Mr. CEO, malaking
bagay kung makakakuha tayo ng mga kilalang influencers especially sa promotion ng
New product.”

“Ang goal ng product natin ay mag top one sa sales sa Perfume industry at muling
mailabas sa mga magazines, news, at muling makilala. Okay, mag print kayo ng mga
influencers at dalhin nyo sa office ko mamaya, pipili tayo sa kanila ng sa gayon ay
ma-e e-mail nyo agad at ma contact sila.”

“Noted Mr. CEO.”

Pagkatapos ng meeting tumawag si Mom para ipaalala na birthday ngayon ni Dad.


Dinial ko ang number ni Sherine dahil hindi pa siya nag te-text o tumatawag man
lang ngayong araw.

Cannot be reached pa din. Nagpalipas muna ko ng one hour at umalis na. Nag drive
ako papunta sa bahay namin ni Sherine na hanggang ngayon ay tinitirhan niya.
Kumatok ako pero parang walang tao mabuti nalang at may susi ako ng bahay kaya
madali rin akong nakapasok.

Babad ako sa trabaho kaya hindi ako nakakapunta dito at kaya rin sa Hacienda Del
Luca ako umuuwi dahil mas malapit iyon. Pero madalas ay sa company na din ako
natutulog.

Chapter Sixteen

“Artsherine?” tawag ko sa pangalan niya pero mukhang wala nga siya.

Umakyat ako sa kwarto ko at ganoon pa rin naman iyon, maayos. Pagkatapos ay pumanik
rin ako sa Attic ma nagsisilbing kwarto ni Sherine, wala siya.

Wala naman sigurong masama kung titingnan ko ang mga gamit niya hindi ba? At dahil
wala naman siya ay itinuloy ko na ang balak ko. Nakita ko ang mga printed papers na
nagkalat sa round table, pati na din ang laptop niya na kulay yellow. Paglingon ko
isang book shelves, nakita ko ang mga paper bags na binili kong clothes sa kaniya
noon.

Naglakad-lakad pako sa paligid, binuksan ko ang closet niya at kakauti lang ang
gamit. Nabalitaan kong sinunog raw ang mga gamit niya ng Mama ni Wendy. Wala silang
itinira ni ang mga regalo kay Sherine ng pumanaw niyang Ama.

Tumungtong ako sa kama niya na naka pwesto sa mismong sahig ng attic at malapit sa
hugis tatsulok na bintana, naupo ako doon at marahang binuksan ang window. Sinilip
ko ang paligid sa labas at sinamyo ko ang maaliwalas na simoy ng hangin na
nagmumula rito.

Wendy’s POV’

Ilang minuto na akong nakatindig sa gilid ng isang gym, ngunit wala pa ding Iyah na
dumarating. Nasaan na nga kaya ang babaeng iyon? Balak ba niyang paputiin ang aking
mata sa paghihintay sa ibabalita niya. Mula pa kanina’y wala akong ibang ginawa
kundi ilipat-lipat lamang ang aking mga mata sa dalawang bahagi ng kalsada na nasa
harap ng gym kung saan maaari siyang dumaan.
Halos mapatalon ako sa pwesto ko ng may malamig na kamay ang bigla na lamang
humawak sa balikat ko. Pa-tube dress kasi ang style ng suot ko kaya’t ganoon na
lamang ang naging reaction ko sa inasal ng lalaki na ngayon ay kaharap ko na.

“Can you please remove your hand on my shoulder?” may pagka mataray kong sambit na
nakakunot ang noo.

Hindi naman siya mukhang goons, pero malay ko ba kung maniyak pala siya o isang
magnanakaw.

“Chill, I think hindi mo nako nakikilala?” inalis na niya ang kamay niya. “Enrique
Dior.”

Napatitig ako sa hitsura niya, hindi ako makapaniwalang ang lalaking nasa harapan
ko ngayon ay si Enrique na.

Akalain mo nga namang ang patpating nerdy boy noon ay ibang-iba na ngayon. Ibig
sabihin siya na mismo ang magandang balita sa akin ni Iyah. Isang buwan rin ang
itinagal bago niya makita si Enrique.

Pero si Zhake Tao kaya? Nasaan na kaya siya?

“Teka balita ko ay pinapahanap mo raw ako? Long time no see Miss Wendy Yeshia
Scott. Pangungunahan na kita, if you’re here because you want me to do such crazy
things like before for you, uunahan na kita, hindi nako ang Enrique na madali mong
nakumbinsi noon.” he said with a stupid tune of voice.

Well, let’s see kung mahihirapan nga ba akong kumbinsin ka Enrique. Nakumbinsi kita
noon, ngayon pa kaya.

“Oh come on Enrique, but you’re right I want you to do something for me for the
second time.” then I gave him an evil look. “Anyway if you still remember the video
before, I kept it for you.” nginisihan ko siya na ikinasama ng mukha niya.

Nagbago lang ang hitsura at tindig mo, pero hindi ang sikreto natin. It’s been a
long time Enrique, pero akalain mo nga namang for the second time magagamit pa rin
pala kita pati ang video-ng iyon.

“You’re crazy Wendy, you’re still the same person before, you never changed!”
halata sa boses niyang nagulat din siya sa sinabi ko tungkol sa video na lalong
nagpangisi sa labi ko.

Kinuha ko ang isang papel na naka lagay sa case, sa bahaging likod ng cellphone ko.

“Here, magkita tayo dyan bukas ng tanghali. Siguraduhin mo lang na magpapakita ka,
dahil kung hindi alam mo ng posibleng mangyari. Byieeee Enrique.” tinalikuran ko na
siya na walang kibo.

One month lang akong nanahimik dahil wala pa kaming connection kina Zhake Tao at
Enrique Dior. Pero mukhang nakikiayon sakin ang mga mangyayari. Magpakasaya ka na
Arta, bilang nalang ang mga araw mo. Nasira man ang unang plano ko na papahirapan
kita, pwes ngayon pagdudusahin na kita. Hanggat nakikita kitang masaya.

Tandaan mo Arta, sa mundong ito, you don’t have the rights to be happy bitch!

Artsherine’s POV’

“Anong ginawa mo sa kwarto ko?” salubong kong tanong kay Dailez na pababa ng attic
habang ako’y nakapasok na sa kwarto niya.

“Wala ba kong karapatan na i-check ang room ng wife ko?” sabay talon niya mula sa
natitirang tatlong palapag ng hagdan.

“Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Mr. Consan.” then I rolled my eyes at hinawi siya
para sana makaakyat ako sa hagdan ng Attic.

Alam kong masaya ko na makita siya ngayon lalo pa’t sa sobrang busy niya mas
madalang pa sa patak ng ulan kung magkita kami. Pero alam kong mali, hindi dapat
ako matuwa.

Hindi ko pa naitatapak ang isang paa ko sa hagdanan ay bigla na lamang niya akong
hinawakan sa braso at iniharap sa kaniya. Hindi iyon masakit dahil mukhang tantsado
naman niya ang naging asal niya. Inaamin kong nagulat ako, bumilis rin ang kabog ng
puso ko na alam kong hindi pangkaraniwan.

“Dailez isa!” nilukot ko ang aking noo at sinamaan siya ng tingin bagaman alam kong
hindi niya ito papansinin ay ginawa ko pa din.

“Wala kang nararamdaman kahit na kaunti?” tanong niya gamit ang mapang akit na
boses na nagpakaba naman sa akin.

“Wa-wa-wala! Huwag nga ako Dailez.” halos magpali-palipit ang aking dila sa nerbyos
na ipina padama niya.

Artsherine ano ba! Bumalik ka nga sa katinuan mo, nahihibang ka naaaa!

“Kahit pa ganito kalapit?” and then he wrapped his arms around my waist na naging
sanhi para mas mapalapit ako sa katawan niya na talagang nagpahina sa mga binti ko.

Ganito ba ang inaasal niya dahil alam niyang posibleng bumigay ako? Alam ba niyang
kakaiba rin ang nararamdaman ko? May ideya na ba siya na tulad nya’y malapit na rin
akong mahulog sa bangin ng pag-ibig?

This time wala akong masmabit ni isang salita. Tila ang mga mata ko’y naestatwa sa
kaniyang mata. Kundi ako nakakulong sa bisig niya, malamang ko ba ay kanina pa ako
bumagsak sa sahig dala ng kahinaang dulot niya.

“Mas lalo akong nahuhulog sa’yo Sherine, ano bang gayuma ang ipinakain mo sakin at
para bang ikaw na ang gusto kong kainin.” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya,
mabilis na dumaloy ang mainit na pakiramdam patungo sa mukha ko, sigurado akong
napamula ng mga sinabi niya ang pisngi ko.

Artsherine umayos ka! Kung ayaw mo ako ang aayos sa’yo!

“Ang manyak mo Dailez!” pinilit kong sabihin iyon gusto ko sanang isigaw ngunit
tila awtomatikong pinahina ang boses ko na naging banayad.

Nawawala na ba ako sa sarili..

“Kung ako ang mamanyak sa’yo, aayaw ka ba?” isang nakakalokong boses ang ibinato
niya sakin tsaka pinisil ang ilong ko gamit ang isa niyang kamay. “Biro lang haha.
Sige na magbihis ka na, at baka sa kama pa tayo mapunta sa halip na sa Hacienda Del
Luca.”

Pagkabitaw niya sakin ay agad akong nagtatakbo paakyat sa Attic. Isinara ko ang
pinto noon at napahawak sa mukha, sobrang init ng pakiramdam ng aking mukha.
Arrrrgh! Ano bang nakain ng kumag na ’yon at ganoon na lamang magsasalita? Baliw!
Baliw! Ganoon ba ang epekto sa kaniya ng pagiging CEO? O baka naadik siya sa amoy
ng perfume?

Eh bakit ba kasi ko AAAAAHHH bumalik ka sa normal Artsherine!

Kesa matuluyan akong masiraan ng ulo sa kay Dail, maliligo na sana ako ng tangkang
huhubarin ko na ang t-shirt na suot ko, doon ko lang napagtanto na..

AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!

Chapter Seventeen

BAKIT WALA AKONG BRA? AAAAAAHH! Napasabunot ako sa buhok ko, hindi naman siguro
naramdaman ni Dail ’yon hano? Ahhh nakakahiya! Bakit kasi bigla-bigla siyang nang
kukulong sa bisig! Depungaaaaaal!

Huminga ka Sherine, wala siyang naramdaman, hindi nya napansin na wala kang bra!
Girl napaka tanga mo! Halos lamunin ako ng kahihiyan, kainis kasi tapos nag
parttime job ako nang wala ring Bra, huhu!

After 1 hour and 30 minutes. Nakaalis na kami ng bahay, di ako kumikibo dahil sa
hiya. Nakaka ilang dasal nako na sana hindi niya alam na wala-—

“Mainit ba kanina?” iyan ang pumutol sa pag-iisip ko. Parang pinipigilan niyang
matawa sa pagkakasabi noon habang nag mamaneho ng kotse.

“Gusto mo sakalin kita?” may mapag banta kong saad.

“Hindi naman halata kasi pang bata. Haha.” may gana pa talaga siyang tumawa, hindi
na nga niya ko ginalang, binastos pa! Grrrr.

“Oh edi humanap ka ng dalawang nag-uumpugang bundok! Letsseee ka!” may pagka
sarkastikong wika ko.

Akala ba niya’y nakakatuwa siya? Nilalait ba niyang dibdib ko! AAAAAHH!

“Nag-uumpupugan talaga?” halos mamatay siya kakatawa na mas lalo kong ikinainis.
“Hahanap pako ng iba, nandyan ka naman na.” biglang naging seryoso ang boses niya.

“Kung sanay pa kayong makuntento sa isa.” bulong ko.

Hindi na siya nagsalita pa na para bang naapektuhan sa sinabi ko. Wala na siyang
kibo hanggang makarating kami sa Hacienda Del Luca. Mabuti na din ang ganiyan,
dahil para siyang ibang tao kapag pinapakita niya sakin na gusto niya ko.

(6:54 PM)

“Sayang naman pala at kasal na ang iyong anak kumpare, irereto ko pa naman sana
siya sa anak ko.” wika ng isang matanda na bisita ng Dad ni Dail.

Magkakaharap kami ngayon sa isang long table. Katabi ko si Dail sa left side ko, at
nasa right side naman si Tita Mommy.
“Wala pa ba si pareng Alfredo? Balita ko ay successful Doctor na ang anak niya.”
ani pa ng isang kumapare ni Tito Daddy.

“Tamang-tama pala at ako ang pinag-uusapan ninyo.” singit ng isang medyo may edad
na boses.

“Oh ayan na pala si Alfredo.” another old man said.

Nalingon kami pare-pareho sa nagsalita, ngunit tila parang huminto ang pagdaloy ng
dugo sa katawan ko ng isang pamilyar na lalaki ang aking nakita. Katabi siyang
nakatayo ng matandang lalaki na tinatawag nilang Alfredo.

Alfredo Tao..

“Sherine ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong ni Dail, halos mapako na ang mata ko
kay Zhake. Agad ko ring iniwas ang tingin ko ng tumingin siya sa bahagi ng
kinauupuan ko.

Bakit ganito kaliit ang mundo? Of all people bakit siya pa ang tinutukoy nila..
Bakit si Zhake Tao pa.

“Bigla ka nalang natutulala, tss.” supladong saad ni Dailez.

“Aakyat lang ako sa kwarto, sasamaan ata ako ng pakiramdam.” pag papaalam ko.

“Sige Iha umakyat ka na.” nakangiting sabi ng Mommy ni Dail.

“Sige, aakyat na din ako maya-maya.” He said, ang kaninang may pagka supladong
tinig ay naging maamo.

Tumayo na ako sa pwesto ko, dahil hindi ko kayang makasama ang lalaking nanakit sa
akin noon at ipinagpalit ako sa Ate ko.

“Oh iha anong ginagawa mo dito?” hahakbang palang sana ako ng marinig ko ang mga
salitang ’yan. “Artsherine Scott tama ba?” dagdag pa niya.

Tinangka kong gumalaw pero may humihila sakin na maupo ulit sa pwesto ko.

“Kilala mo siya kumpare?” tanong ng Dad ni Dail na kinatatakutan ko.

Paano nalang kung malaman nilang may pamilya at mga kapatid ako? Na dahil sa
contract marriage nagsinungaling ako sa kanilang lahat.

“Ex girlfriend kasi siya nitong binata kong anak. Sa totoo lang hindi pa siya nag
aasawa dahil-—”

“Papa tama na, nakaraan na po iyon.” Zhake said.

Nakaramdam ako ng kirot ng marinig muli ang boses niya, para kong dinudurog sa
tuwing sasagi sa isip ko na niloko niya ko, na hindi niya ko pinili, na ginago niya
lang ako sa kabila ng pagmamahal at katangahan ko sa kaniya.

Naudlot ang kadramahan ko ng biglang hinawakan ni Dailez ang kamay ko, at tumayo
rin siya.

“Dad masama po kasing pakiramdam ng wife ko kaya aakyat na po muna kami sa kwarto.”
magsasalita pa sana ko pero hinila na niya ko.

Kinailangan naming dumaan sa harapan nila Zhake dahil nandoon ang pinto palabas ng
sala. Nagtama ang mata namin at para bang may nais siyang sabihin sakin. Nagulat
marahil siya na kasal na ako. Pero mas ikinagulat ko ang pagsulpot niya bigla.

Kung kailan ayos na ko.

Pero ayos na nga ba talaga ko?

Pagpasok namin ng kwarto, nagulat ako sa inasal ni Dailez. Habang hila n’ya ang
kamay ko ay ibinagsak niya ako sa kama, mabilis ang pangyayari at nakapatong na
siya sa katawan ko habang hawak ang isang kamay ko na nakapatong sa kama.

“Nababaliw-—” hindi nako nakapagsalita ng mariin niya akong hinalikan sa labi.

Hindi ko dapat suklian ang pagiging mapusok niya ngunit hindi ko na kontrolado ang
emosyon ko sa mga oras na ito. Sinuklian ko ang halik niya sa ikalawang pagkakataon
ng buhay ko, ewan ko pero nakakabaliw ang halik niyang iyon, sanhi para tuluyan
kong ipalupot ang kamay ko sa batok niya.

Sa bawat halik niya ay siya ring balik ko ng halik, hindi ako okay kanina pero para
bang madali noong naibsan ang lahat ng tumatakbo sa isip ko ng makita ko Zhake. Sa
isang halik lang niya, nanghina ako at nanaig ang gusto ng puso ko.

Para bang ganoon na lamang kami kasabik sa labi ng isa’t-isa, mariin ngunit
kakaibang saya ang dala nito sa akin. Sa eksaktong moment na’to, ramdam kong mahal
ko na nga siya.

Kalaunan ay huminto rin siya at pareho kaming naghahabol ng hininga. Nanatili siya
sa ibabaw ko at kakaibang ngisi ang inilaan niya sakin. Sa oras na ito alam ko ang
tumatakbo sa isip niya.

“Pwede ko na bang sungkitin ang mga bituin ng ika’y maging sa akin?” sa tono ng
boses niya halatang inaakit niya ako.

“Saan bang gusto mo? Dito sa kama mo, sa Attic? sa CR or sa lapag?” may pagka pilya
kong sagot.

“All of the above.” sabay ngiti niya ng matamis at hinayaan ko siyang sakupin ang
kalawakan ko buong gabi.

Chapter Eighteen

Nakakabaliw ang pakiramdam ng pag-ibig. Alam kong nagbago ako ng dahil dito. Sana’y
hindi ko pagsisihan na hayaan siyang maangkin ako.

*Kinabukasan*

6:30 AM

Iminulat ko ang aking mata dala ng liwanag na nagmumula sa araw. Nasaksihan ko ang
maamo at gwapong mukha ni Dail habang natutulog. Yakap pa rin niya ako, ramdam ko
ang katawan namin na wala pa ding saplot at medyo may masakit sa bahaging ibaba ng
katawan ko.

Hinawakan ko ang ilong niya pababa sa labi niya. Bakit ang gwapong katulad mo ay
mahulog sa chakang katulad ko Dailez Consan.

“I love you Mrs. Artsherine Scott Consan.” biglang bulong niya.

Napangiti ako, dahil narinig ko ’yon mula sa kaniya sa unang pagkakataon.

“I love you too Mr. Dailez Consan.” I response.

Mas hinigpitan niya ang yakap sakin kahit dipa siya dumidilat. Isinubsob ko ang
mukha ko sa dibdib niya at niyakap ko din siya.

“Sino yung lalaki kagabi? Ex mo nga ba?” tanong niya.

Inalis ko ang yakap sa katawan niya at tumingin sa ceiling.

“Yeah.” I replied shortly.

Dapat ko pa bang sabihin sa kaniya na inagaw ng ex fiance niya sakin ang first love
ko? Oh huwag nalang siguro. Para saan pa nga ba kung sakali mang malalaman niya.

“Anong naramdaman mo when you saw him?”

“Galit at sakit. Tama na nga, may trabaho ka pa sa Fragrance Perfum Mr. Consan.”
pag babaling ko ng usapan sa ibang topic sabay pisil ko sa pointed nose niya.

Kung sakali mang mapansin niya na iniiwasan kong pag usapan naming dalawa ang
tungkol kay Zhake, sana maintindihan niya.

“Sa evening event ng company ipapakilala na kita bilang asawa ko Sherine. Hindi ka
na pwedeng tumanggi, dahil you’re officially my wife.” and then he kissed me. “I
love you Misis ko.”

Halos masira ang aking labi sa lawak ng ngiti dahil sa sinabi niyang iyon.

*After 29 Days* -Fragrance Perfum Event— 7:00 at the Evening

Halos kalagitnaan na ng Event sa pagpapakilala ng “Elegance Perfume” na bagong


product ng Fragrance Perfum. Maraming sikat na YouTuber ang bisita. At iba pang
social media influencers. Halos kulay pink ang paligid dala ng mga ilaw. Nakaupo
lang ako at tinitingnan ang mga taong nagsasalibayan, gayon na din ang ilang
reporters.

Laking gulat ko ng mamatay ang ilaw na nagpa ingay sa paligid. Ramdam kong may
humawak sa braso ko, hindi ko alam kung sino siya pero hindi ako nakaramdam ng
kahit na anong kaba.

“Miss Artsherine, pasensya kana iniutos lang ito sakin ni Mr. CEO sabi niya sumama
ka daw sakin.” tila boses babae ang nagsasalita sa tabi ko.

Naalala ko ang sinabi ni Dailez sa akin, ipapakilala na daw niya ako bilang asawa
niya. Sumilay ang ngiti sa aking labi, kaya nga ako nagpaayos at nagsuot ng
magarang damit dahil alam kong hindi na ito contractual marriage. Hinawakan ako ng
babae sa kamay at sumunod ako sa kaniya. Ilang sandali ay huminto na rin kami at
binitawan nya na ako, kasabay ang pagtutok sa akin ng spot light sanhi para matuon
sa akin ang atensyon ng lahat.

Kakaibang tingin ang natamo ko sa kanila. Ilang sandali pa’y parang nagbago ang mga
matang nakamasid sakin..
“Ugh..ughh..” ungol..

Napalingon ako sa pinanggagalingan noon, halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng ang


malaking screen na nasa likod ko ay may naka-play na isang se* video. Maingay ang
paligid, maingay na maingay dala ng mga bulong. Bakit ako ang babaeng nasa video na
tumagal lamang ng isang minuto. Tanging mukha ko lamang ang kita sa video at ang
lalaking nakatalikod. Walang malaswang parte ng katawan ang kita, ngunit ang ungol
ang nagbigay ng kahulugan sa video habang pinapaulanan ng lalaki ang mukha ko ng
pera.

Paanong ako ang nasa video? Kailan, saan at paano nagkaroon ng ganoong video? Wala
akong matandaan..

“Malandi ka Arta! Gold digger ka na nga, balak mo pang akitin pati ang fiance ko!”
Saad ni Wendy habang papalapit sa akin.

Umugong ang bulong-bulungan sa paligid, wala akong ganang magsalita, I was shocked.
Sa video, sa mga nangyayari. Hindi ito totoo! Nanaginip lang ako.. ramdam kong
namuo na ang likido sa mata ko, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako, kung bakit
ang sikip-sikip ng dibdib ko, gusto kong kumibo pero nanghihina ako.

“Siya ang asawa ni CEO di ba? Siya rin ang nasa video?”

“Nakakadiri palang babae ’yan!”

“Nakakasuka, ang bait sa kaniya ni Mr. CEO tapos may lihim pala.”

“Sabi ko na nga ba, duda ko sa babaeng ’yan.”

“Ano Arta? Akala mo magiging masaya ka sa kasinungalingan mo? Mukha kang pera at
pera lang naman talaga ang habol mo hindi ba?” *slapped* malakas na sampal ang
dumampi sa pisngi ko na tuluyang nagpapatak ng luha sa mata ko. “Sabihin mo kay
Dail ang totoo!”

Napalingon ako sa itinuro niya, nakatayo si Dail sa harapan namin ng bumukas ang
ilaw. Pansin ko ang galit na namuo sa mukha niya, ang galit niya sakin. I want to
defend myself pero ayaw ng bumuka ng bibig ko.

“Arta sabihin mo!” She continues yelling me.

“Wendy Yeshia Scott..” isang lalaki pa ang pumapalakpak na lumapit sa amin.

Halos matutula ako ng husto when I saw a familiar face. It was him, my ex boyfriend
Zhake.

“Oh nahanap ka na pala ni Iyah Zhake Tao? Nandito ka ba para sabihin kay Arta kung
bakit mo siya hiniwalayan noon?” Ate Wendy said na ikinataka ko.

“Dahil din sa video na ’yan Wendy.” mariing wika ni Zhake. “Hindi ba’t sa inyong
dalawa ni Arta, ikaw ang malandi? Remember nilandi mo ko to hurt her right?”
diretsong saad niya na ikinagulat ni Ate Wendy dahil lumalabas na nasa side ko pa
din ang Ex boyfriend ko.

“That video wass edited. Pero totoong si Enrique ang nasa video pero inedit lang
niya ang lahat para mapaniwala ka Wendy at napaniwala nyo rin ako noon, pero hindi
ko na hahayaang maulit iyon ngayon.” dagdag pa niya na ikanagulat ni Ate Wendy at
ikinagulat ko rin.

Ibig sabihin kaya nakipag hiwalay sa akin si Zhake noon ay dahil sa video-ng nasa
screen? At kaya rin niya nakuha si Zhake?

“Zhake papalabasin mo pakong sinungaling ngayon?” kinabahan na ngunit sinusubukan


pa rin niyang lumusot.

Napakawalanghiya mo Wendy!

“Alam ko na ang lahat Wendy, binayaran mo si Enrique para galawin si Arta ng sa


gayon may maipakita kang video sakin para hiwalayan ko siya. Pero hindi mo alam na
inedit lang ni Enrique ang video!” sigaw niya kay Ate Wendy na halatang nag-iigting
ang panga sa galit niya rito.

*slapped*

Isang malakas na sampal din ang ibinigay ko sa mukha ni Ate Wendy na ikinagulat
niya. Kung gayon ay palabas niya ang lahat ng ito.

Ang Enrique na tinutukoy ni Zhake ay ang lalaki sa video na binayaran niya para may
mangyari samin at mapag hiwalay niya kami ni Zhake. Ngunit hindi siya nagtagumpay
sa masamang balak niya sakin, fake video lang ang lahat. Baliw siya! Baliw..

“Ate Wendy matatanggap ko lahat ng pananakit mo sakin, pero yung kabaliwan mo


hindi!” iiyak kong saad sa harapan niya. Nagtatakbo ako paalis sa lugar na iyon
dahil baka kung ano pang magawa ko sa kaniya.

Glady’s POV’

“Ibig mo bang sabihin si Art kasal na at ang asawa niya ay ang fiance ni Wendy?”
naguguluhan man si Revo ay mukhang nakuha din niya ang ipinupunto ko.

Wala siyang ka alam-alam kaya’t panahon na siguro para malaman niya ang totoo.
Nanunuod kami ng TV sa flower shop ng mapanuod namin ang news report tungkol sa
Fragrance Perfum Company at eksena doon na trending na rin sa internet.

Hindi ako makapaniwala na may mas malala pang magagawa si Wendy. Iba talaga ang
nagagawa ng inggit at galit. Pero sorry siya.

“Ganon na nga Revo, huwag kanang magtampo samin.”

“Kaya pala inangasan ako nung Dail na ’yon nung minsang nagkita kami. Tss.” pag
iinarte pa niya sa harap ko.

Ang cute niya talaga, kaso bawal taluhin ang kaibigan.

Dailez POV’

“Thanks Bro’ nalinis ang pangalan ni Sherine.” pagpapasalamat ko sa first love ni


Sherine.

“Wala ’yon, siguro kung hindi ko ginawa ’yon magiging kagaya mo din ako. Madaling
naniwala, kaya nasaktan ko Artsherine. Bro’ ingatan mo s’ya, pinapaubaya ko na siya
sa’yo. At masaya kong napunta siya sa mabuting tao.”

“Makakaasa ka Bro’, nga pala yung Enrique nasaan?”

“Nakaalis na siya kahapon pa papuntang New Zealand. Actually gumawa talaga siya ng
paraan para ma contact ako noong nalaman niya na pinapahanap daw kami ni Wendy and
he told me the truth behind the video.”
Pagkatapos naming mga-usap ay umalis na din siya. Wala ng tao sa event bukod kay
Wendy na nakaupo sa isang tabi at umiiyak. Hindi ko inaasahang aabot siya sa
ganitong sitwasyon.

“Wendy magbago kana, hanapin mo yung magpapasaya sa’yo. Gusto kong magalit pero
ayoko ng dagdagan ’yang problema mo. Please fix yourself, heal yourself and be
happy, ingatan mo yung sarili mo.” niyakap ko siya sa huling pagkakataon at
iniwanan na rin.

WAKAS

Buong gabi hinanap ko si Artsherine, alam kong sa lahat ng nangyari siya ang pinaka
nasaktan. Hindi ako naniwala sa video clip dahil alam ko na ang totoo, inosente si
Sherine, hindi siya gold digger, hindi mapagsamantalang tao. Biktima lang siya ng
lahat.

Sa Hacienda Del Luca ako huling pumunta, at tama nga ako nandito siya. Nasa Attic
iyon ang sabi ni Mama Cham. Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at umakyat sa
attic at hindi nga ako bigong makita siya. Nasa sulok siya ng kama yakap-yakap ang
sarili, rinig na rinig ko ang iyak niya.

“Naalala mo pa pala. Sabi ko sa’yo pinasadya ko itong Attic para may maiyakan ka.”
sabi ko at itinaas niya ang ulo niya para makita ako.

Naupo ako sa tabi niya. “Iiyak mo lang, lilipas din ’yan.” tapos ngumiti ako.

“Kung totoo ba ang video iiwanan mo ko?” umiiyak niyang tanong.

“Hindi ko alam, pero naniniwala ako sa mahika ng pag-ibig na kapag mahal mo yung
tao you’ll accept her. Kasi ganoon ang pag-ibig. Kapag mahal, mahal mo talaga.” sa
kauna-unahang pagkakataon naging direkta ako sa kaniya, naniniwala ako sa magic ng
love. Pero ngayon ko lang sinabi sa babae ang tungkol dito.

Noong una akala ko hindi ako mahuhulog sa kaniya. Pero bigla ko nalang naramdaman
na mahalaga na pala siya.

“Dail paano pag nalaman nila Lola na Contractual lang ang kasal-—”

Isinandig ko ang ulo niya sa balikat ko. “Huwag kanang mag-alala, alam na nila ang
lahat. Sayang sasabihin ko na sana sa event, kaso ang daming surprised.”

Planado naman na talaga ang lahat. Noong sinabi ko sa kaniya na ipapakilala ko na


siya bilang asawa ko, kinausap ko na ang parents ko at si Lola. I explained
everything, ni ang maliliit na detalye.

Hinawakan ni Sherine ang dalawang pisngi ko at lumagay siya sa harapang bahagi ko.
Malungkot man ang mata niya’y alam kong napagaan ko kahit papano ang loob niya.

“Thank Dailez Consan sa lahat.” pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ko
na sinuklian ko rin naman agad.

Sino bang mag aakala na mamahalin ko siya. Na ma-i-in love ako sa maikling panahon.
Totoo nga pala na hindi nasusukat ang pag-ibig sa tagal ng panahon. Yung akala mo
tamang tao na, hindi pa rin pala.
Kung sino pa yung hindi natin inaasahan sila pa palang magiging bahagi ng buhay
natin. May mga pagkakamali na pwede pang maitama at may bagay na kailangan nating
tanggapin na hindi talaga para sa atin.

“I love you Mr. Dailez Consan.” bulong niya ng paulit-ulit sakin.

“I love you too Misis ko, Mrs. Artsherine Scott Consan.” pagkatapos ay ikinulong ko
siya sa bisig ko.

Artsherine’s POV’

undefined—fter One year-—

Second subject na pero feeling ko makakatulog ako sa antok at para bang nahihilo ko
at gusto kong masuka. Ang lambing kasing magsalita ng prof namin. Nanlalata tuloy
ako

*knock-knock*

May kumatok sa pinto ng room sabay dukdok ko naman ng ulo ko sa desk.

“Artsherine tingnan mo kung sino ang nasa pinto?” sunod-sunod na kalabit sakin ni
Gladys na naka pwesto sa likod ko.

“Inaantok yung tao e.” reklamo ko.

“Gaga yung asawa mo.” halos mapabalikwas ako ng upo ng banggitin niya ang salitang
’asawa’.

Pagkatingin ko ay isang lalaking naka black suits at pormang-porma sa may pinto na


kausap ang professor namin. Sinenyasan ko siya kung anong ginagawa n’ya dito pero
ngumiti lang siya. Subalit ilang saglit palang ay umalis na din siya. Luh?

“Mrs. Consan pwede mo bang kuhanin ang bouquet ng flowers sa ilalim ng inuupuan
mo?” utos ng Prof namin sakin.

bouquet of flowers? Nagtinginan sakin ang mga classmates ko na para bang kinikilig.
Sinunod ko ang professor namin at may bulaklak nga akong nakita sa ilalim ng pwesto
ko. Kulay asul ang artificial flowers.

Isang katok mula sa pinto ng room ang umagaw sa atensyon naming lahat sa loob, si
Dailez. May hawak siyang kulay asul na cakes at balloons na kapareho ng kulay ng
cake at Flowers.

Ano bang okasyon ngayon? Anniversary na ba namin? Ahh wala talaga kong maalala!

“Congratulations Mrs. and Mr. Consan, your baby is a boy!” sigaw ng Professor namin
na ikinagulat ko.

Nagpalakpakan ang lahat ng kaklase ko, at para bang nangangatog ang tuhod ko.
Lumabas na pala ang resulta. Alam na naming buntis ako pero hindi ko alam na sa
ganitong paraan ire-reveal ni Dailez ang gender ng first baby namin. Kaya pala
kulay asul ang lahat.

“Sorry Misis ko, nasupresa ba kita?” tanong niya tsaka ako niyakap ng mahigpit.

“Ang daya mo, paano mo nalaman ang resulta?”


“Kinausap ko ang Doctor mo, sabi ko ako ang i-update kapag lumabas na.” sabay halik
niya sa noo ko.

“Edi sana all may CEO husband.”

“Congrats Artsherine.”

“Ang sweet naman ni Sir Consan.”

“Hindi ko alam na may asawa na pala siya.”

Hindi ko alam ang eksaktong nararamdaman ko, pero sobrang saya ng loob ko. Hindi ko
inaasahan na matatagpuan ko pala sa’yo ang tunay na kahulugan ng pag-ibig Dailez
Consan.

Ang marriage agreement natin hindi pa rin ako makapaniwala na mauuwi sa totohanang
pag-ibig. Sa loob ng isang buwan natutunan kong magpatawad, pinatawad ko ang sarili
ko, si Mama, si Papa at ang totoong pamilya ni Papa.

I met different kind of people na naging mabuti sakin, si David na hindi ko na ulit
nakita, ang parents ni Dailez at si Dailez mismo.

Hindi ko man nakita ng personal si Enrique Dior dahil nag stay na siya for good sa
New Zealand bilang gym instructor, pero masaya pa rin akong pinili pa rin niyang
gawin ang tama para sa lahat at itama ang mga pagkakamali niya noon. Syempre si
Zhake Tao din na first love ko noon na naglakas loob para humarap nung gabing
lumabas ang totoo.

Yung love, Faith, forgiveness, healing process, acceptance, and trust. Lahat ng
’yan may poder pa sa buhay ng isang tao. Nasasa atin nalang talaga kung ibibigay
natin at sa iba at sa sarili natin ang lahat ng ’yan. Once kasi na ibinigay natin
’yan, magiging masaya tayo.

Ito ang kwento namin ni Dailez Consan na napasok sa Contractual Marriage. Muli ako
si Artsherine Scott Consan na nagsasabing “Piliin mo pa ring maging mabuti sa lahat
ng sitwasyon.”

—-WAKAS-—

You might also like