You are on page 1of 16

"KEYCHAIN"

by: chrysanthemum

3rd year high school ako nang makilala ko siya,transfer siya,naging classmate
ko,at unang kita ko palang sa kanya ay naging crush ko na agad.

By the way ako nga pala si Andrea Gomez,yung tinutukoy ko ay si Kevin


Mariano.Crush na crush ko siya pero hindi ko pinaalam sa kanya kasi baka iwasan or
magalit siya sakin.Kaya tinago ko nalang ang feelings ko sa kanya.Siya yung
seatmate ko kaya mas naging close kami.

Tuwing nagleleson kasi yung teacher namin lagi kaming nagdadaldalan kaya
marami akong nalaman tungkol sa kanya.

CHAPTER 1

-end of recess time-


(kringggg....!!!)

Kasabay ko siya nagrecess,pabalik na kami sa classroom namin.

"katamad naman magklase,math pa naman ang next subject natin" sabi ko


"oo nga,may naisip ako!" sabi ni Kevin
"ano yun?"
"magcutting tayo!"
"sige,game ako dyan"
"pero...tayo lang? mangyaya kaya tayo ng iba?"
"sige,tara bilisan natin baka dumating na yung math teacher natin" sabi ko

Pagdating namin sa classroom kinausap niya na yung ibang friends niya at


kinausap ko din yung friends ko.

Ayon may sumama,natatamad din daw kasi sila sa math ehh...haha ang sisipag
namin nuhh?

Ang usapan namin,sa math time lang kami magcu-cutting,then pagkatapos ng math
balik na kami sa classroom.

Doon lang kami tumambay sa likod ng stage sa school namin,ang likod na yata
ng stage ang pinakatago.

Tumambay lang kami doon,kanya-kanya ng ginagawa,may nagtetext,may


nagtatawagan,may nagso-soundtrip,natutulog haha at ako nakikipagkwentuhan.Ganun
lagi yung
routine namin tuwing math time haha
-the other day-

ANDREA'S POV

Kasama ko ulit ngayon si Kevin...


"ano tara?" sabi ko
"tara" sagot niya

Assual cutting na naman...haha...the same place.

Yung iba nabored na rin sa mga ginagawa nila.Kaya may naisip si Neil,yung
kasama namin dito sa likod ng stage,bestfriend siya ni Kevin.
"guys,magtanungan nalang kaya tayo tungkol sa mga personal na bagay.Since mga
single naman tayo...ito nalang ang tanong ko...sino crush mo?" sabi ni Neil
"ok,sige game ako dyan" sabi ni Jielou,bestfriend ko
"kami rin" sabi namin
"ok" sabi ni Neil

Ayan inisa-isa kami...haha pero masaya 'to,sino kay ang crush ni Kevin? ako
kaya? haha napaka assuming ko naman.

This is it,sa akin na magtatanong.Hindi ko sasabihin na si Kevin,nahiya ako.


Ang sinabi ko nalang ay si Kyle Jonh,yung dati kong classmate nung second
year ako.

Ngayon kay Kevin naman...


"sino ang crush mo?" tanong sa kanya
"si..... Mia"
"sinong Mia? tanong ko
"si Mia Perez,yung first year" sagot niya
"ahh..."

OMG yung nakaaway ko yun dati.Siya pala yung crush ni Kevin ... ouch!
naman...

-periodical exam-

Ayon basa...basa... waahhh... wala ako maintindihan,hindi kasi ako nagreview


ehh...nanuod lang ako ng movie magdamag hahaha
"hoy,Kevin nagreview ka?"bulong ko sa kanya
"oo"
yes!!! haha
"pakopya nga"
"oh (inabot niya sakin yung test paper niya) wag ka magpahalata" bulong niya
"ok,hehe,thanks"
ang bait niya talaga...

After the days,binigay na sa amin yung result.And pagkakita ko...OMG! up to


70,5 lang ang mali ko,ang galing talaga ni Kevin...
CHAPTER 2

-a week before christmas party-

ANDREA'S POV

Kasama ko nagyon si Jielou yung bestfriend ko,naglalakad kami pauwi galing


school.
"may susuutin ka na ba para sa christmas party" tanong sa akin ni Jielou
"wala pa"
"ay!!! tamang tama,wala pa rin ako!!! sabay tayo mamili bukas tutal saturday naman
bukas ehh...walang pasok"
"sige,sige para may mapagtanungan din ako kung bagay,ang hirap kasi mamili ng mag-
isa ka lang ehh"
"yes! ok,what time ang alis natin bukas?"
"ahmm...mga 8:00 siguro"
"sige,daanan mo nalang ako sa bahay" sabi ni Jielou
"ok,sige"

-christmas party-

KEVIN'S POV

Nandito na ako sa school,ang aga ko pala,wala pang tao halos ehh.Exited ako
masyado hehe.
Nag-ayos ayos nalang muna ako ng suot at buhok ko.Ayan gwapong-gwapo na...
haha...lakas ng self confident...
Pero habang nagagwapuhan ako sa sarili ko,biglang pumasok sa isip ko si
Andrea.Mukhang nagkakagusto na yata ako sa kanya.Simula kasi nung binasted ako ng
aking nililigawan na si Mia,si Andrea na ang laging nandito para sakin.
Hindi ko namamalayan nandito na pala sila.At nakita ko si Andrea...ang ganda
niya...(tulo laway) haha joke lang hindi naman.
Nilapitan ko siya...

ANDREA'S POV

Nandito na kami ngayon sa classroom.At nakita ko si Kevin,nilapitan niya


ako...
"oy,Andrea ang ganda mo,bagay na bagay sa'yo 'yang suot mo" sabi ni Kevin
kinilig ako doon ahh...
"ahh,thank you"
then umalis na si Kevin

"sabi sayo ehh,ayaw kasing maniwala" sabi ni Jielou


"ok!!!" sagot ko

Oo nga pala hindi alam ni Jielou na crush ko si Kevin.Nahiya ako sabihin sa


kanya.Siguradong aasarin lang ako nun,wala din akong balak ipaalam kay Kevin na
gusto ko siya.Kaya hindi ko na rin sasabihin kay Jielou.

Ayon nagsimula na yung christmas party,may mga mini games ...


"ok class,choose your partner,boy and girl dapat" sabi ni teacher
Nakaupo ako.Lumapit si Kevin sa akin
"Andrea,may partner ka na?"
kinilig ako doon ahh
"wala pa"
"pwede tayo nalang?"
"ah,sure!"
grab the opportunity hahahaha

"ok class,nakapili na ba kayo?"


"yes teacher" sabi namin lahat
"ok,let's start,our game is stop dance in the dyaryo"

Nakapwesto na ang lahat.Ayon sayaw-sayaw,pakonti ng pakonti kami at paliit ng


paliit ang dyaryo.Hangang sa dalawang partner nalang ang natitira,kami ni Kevin
at nila Michelle at Christian.Sino kaya ang mananalo?
Ayon sayaw...sayaw... and biglang huminto yung tugtog.Nagulat ako nang bigla
akong buhatin ni Kevin.
OMG kinikilig ako!!! And ayon nanalo kami.Ibinaba na ako ni Kevin at bigla
niya akong niyakap habang tumatalon-talon kami pero saglit lang,sobrang saya lang
yata hehehe...

KEVIN'S POV

Niyakap ko si Andrea,hindi ko napigil ang sarili ko.

ANDREA'S POV

Natapos na yung mini games.And ang sunod...kainan na...!!! yahoo!!! ang dami
pagkain (tingin...tingin...)
Ayon spaghetti...! favorite ko...
Kumuha na ako,pati na rin ng ibang food.Then pumunta ako doon sa vacant
table,ako lang mag-isa,si Jielou kasi,ayon nakikipagdaldalan dun sa iba naming
classmates.
Ayan kain...kain...biglang may dumating...
"paupo,wala na vacant ehh" sabi ni Kevin
"sige"
Ayan kain-kain,kwentuhan...
And kinuha niya yung panyo niya,then lumapit siya sakin and pinunasan niya
yung nguso ko...
"may sauce" sabi niya pagkatapos punasan
nagulat ako doon ahh...ayieee... kinikilig ako,ano ba yan?
"ah,thanks" sabi ko nalang

And after ng kain-kain,exchange gift.Nakatanggap ako ng isang malaking teddy


bear and may key chain pang kasama.
"thank you Jeric...alam mo talaga gusto ko" sabi ko sa kanya pagkatapos kong buksan
yung gift niya
"ah,you're welcome,and thank you na rin,nagustuhan mo" then umalis na siya
Si jeric pala,siya yung classmate ko,mabait siya and cute hehe

ANDREA'S POV

After 2 weeks,pasukan na ulit.Namiss ko kaagad si Kevin pero nakakatext ko


naman siya.
>>fast forward>>
CHAPTER 3

-JS prom-

ANDREA'S POV

Nandito ako ngayon sa venue,nagsisimula na yung program.Habang nagsasalita


yung MC,iniisip ko kung sino kaya yung first dance ko,si Kevin kaya? sana...

Hanggang sa...
Ito na ang pinakahihintay ng lahat ... ang sayawan...

OMG nakakainlove yung song!, valentine by Jim Brickman,favorite ko yun...!

"Andrea,sayaw tayo"
nagulat ako nung may nagsalita,si Louie pala,classmate ko.
Ayon pumayag na rin ako,kaso lang nanghihinayang ako,hindi ko na magiging
first dance si Kevin,sayang naman...

Pagkatapos namin sumayaw ni Louie,bumalik na ako sa dati kong inupuan.And


maya-maya...
"Andrea!"
narinig ko palang ang pangalan ko,alam ko na kung sin yung nagsasalita...ahmmm
kinkilig ako...!!! Andrea wag ka magpahalata at wag kang lilingon,wag!!!
"Andrea,sayaw tayo"
Ayan nandito na sa harapan ko si Kevin.
"sure" sagot ko

Ayon pumunta na kami sa gitna at sumayaw.


Habang sumasayaw kami,nakatitig lang ako sa mga mata niya at ganun din siya
sa akin.
Sayang bakit kasi ang bagal niya,tuloy yan pang second lang siya.Ang bagal mo
kasi kevin ehh...
"sinong first dance mo?"
nagulat ako sa tanong niya
"si Louie" sagot ko
"ahh"

KEVIN'S POV

Nung tinanong ko siya kung sino ang first dance niya,nanghinayang ako.Ang
bagal ko,tuloy hindi ako ang first dance niya.Pero ok lang yan,siya naman ang first
dance ko.
"Andrea,may sasabihin ako sayo,sana wag kang magagalit,wag mo akong iiwasan
pagnalaman mo 'to,natatakot kasi ako na baka layuan mo ako"
"hah?!...ok sige"
"magpromise ka" sabi ko
"ok,promise"(with promise sign)
"ok...ahmmm....."
"hoy! ano yun?" sabi niya
"ahh... ehhh.... ang ganda-ganda mo sa suot mo,bagay na bagay sayo" yun nalang ang
nasabi ko
"hah?!,ang OA mo naman,bakit naman ako magagalit sa sinabi mo?" nakangiti niyang
sabi

And ayon natapos na yung song and hinatid ko na siya sa upuan niya.

ANDREA'S POV

Nakaupo na ako kasama ko si Jielou...ayan hindi na pala,wala na pala ako


kasama,niyaya na naman siya,ok mag-isa nalang ako.
Naisip ko lang yung nangyari kanina.Ang OA masyado ni Kevin ah.

NEIL'S POV

Nakaupo lang ako,natatamad ako magsayaw ehh...


Ayan papalapit na si Kevin dito.Ano kayang nangyari,nasabi niya kaya?
Pero bakit ganun ang itsura niya,nakasimangot? Ano kayang nangyari? basted?
Ayan nadito na siya...
"kamusta? anong nangyari?" tanong ko
"wala,walang nangyari"
"bakit? tanong ko ulit
"next time ko nalang ikwento,gusto ko mapag-isa"
"ok,sige"
Umalis nalang ako,nangyaya nalang magsayaw.

KEVIN'S POV

Ang tanga,tanga,tanga,tanga mo Kevin (habang sinasapak ang sarili).Bakit kasi


ang torpe-torpe mo? Bakit hindi mo pa sinabi na gusto mo siya,na mahal mo siya?
Ang tanga mo talaga...

CHAPTER 4

-bye bye juniors,hello seniors-

ANDREA'S POV

Naglalakad ako papuntang school.Sana magkaklase ulit kami.


Pagdating ko sa school,ayon nalaman ko na hindi pala kami magkaklase.
Pero good thing kaklase ko si Jielou.Namiss ko siya kadaldalan hah...
Pagdating sa classroom,nakita ko si Jielou...
"bestfriend...!!!" sigaw namin pareho habang papalapit sa isa't isa...

Ayon yakap ... yakap...


"oy!!! musta ang bakasyon mo?" tanong ko
"ok naman,enjoy na enjoy talaga ako,trip to Palawan ba naman,nagbakasyon kami doon
sa lola ko,at ang daming gwapo doon!" sabi ni Jielou
"ahh..."sagot ko
"ikaw,kamusta?"
"boring ang summer ko,sa bahay lang,si mommy ayaw magtravel-travel"
"ah,sige CR lang ako"
Oo nga pala,hindi ko pa nakukwento sa inyo kung anong klaseng babae si
Jielou.
Siya lang naman ang babaeng timer.May makilala lang siya dyan sa tabi-
tabi,maya maya sila na,hayy... naku,kaya hindi ko na siya in-interview tungkol sa
bakasyon niya,for sure about sa mga lalake na naman yun na naging boyfriend
niya.Hayy naku kelan kaya magseseryoso 'tong babaeng 'to?

KEVIN'S POV

Sayang hindi ko siya kaklase...pero ok nayun,kaklase niya naman si Neil


ehh,kaya may magbabalita sakin kung ano ang nangyayari o ginagawa niya.
Hindi ko naman siya masyadong namiss kasi lagi naman kaming magkatext ehh...

-after a week-

ANDREA'S POV

Kasama ko si Jielou ngayon,may nakita akong isang rose sa locker ko.At may
note,binasa ko...
'smile :)'

"kanino kaya galing ito" sabi ko


"OMG!!! bestfriend!!!" sabi ni Jielou
wow hah?! mukhang mas kinikilig pa siya kaysa sa akin.

Umalis na kami,dinala ko yung rose,habang naglalakad,iniisip ko,kanino kaya


galing 'to?

KEVIN'S POV

Naku may nanliligaw na kay Andrea.Nakita ko kanina na nilagay ni Steven yung


rose doon sa locker ni Andrea.

ANDREA'S POV

Nandito kami ni Jielou sa classroom ngayon.


Hanggang ngayon kinikilig pa rin si Jielou,siya talaga hah...imbes na
ako.Malay mo mukhang unggoy yung nagbigay nayun hahaha.

Ayon maya maya dumating na yung teacher namin.Math,my hatest subject


ever.Sana classmate ko parin si Kevin para may kasama ako magcutting,siya lang
naman kasi

ang malakas ang loob ehh hehe.


-the next day-

ANDREA'S POV

Naglalakad kami ni Jielou sa corridor.At may biglang sumalubong sa akin...


"good morning" (habang nakasmile) sabi nung lalaking gwapo at cute
"good morning din" sabi ko nalang (with fake smile) hindi naman kasi kami
close,pero kilala ko siya,siya yung dati kong classmate,nung 1st year yata.

Dumiretso na kami ni Jielou papuntang classroom.


"oy, bestfriend ang gwapo-gwapo niya at ang cute-cute niya pa!!! sabi ni Jielou
ayan na naman siya ...
"baka siya yung nagbagay ng rose"sabi ko
"ahh,oo nga,infairness...pwede..."
"pwede ka dyan? tara na nga" sabi ko nalang

Pagdating namin sa classroom.Nakita ko na naman yung cute na lalake,hehe


mukhang may pag-asa hah...haha
Hoy! Andrea,may Kevin ka,may Kevin...

"hi!" sabi ni Steven


"hello"sagot ko
"nagustuhan mo ba yung rose?" tanong niya
"OMG!!!!" heto na naman si Jielou kung makatili,wagas ehh
"ah,oo,thank you"sabi ko nalang

Umalis na siya.

Ayan dumating na yung teacher namin...Nagsasalita na siya,

blah.........blah..........blah......blah....... wala na ako maintindihan.

(kringgg!!!!!)
yes nagbuzzer na!!!

Hayy umalis din si teacher...

Natatamad talaga ako pumasok!!! Makaabsent nga bukas.

CHAPTER 5

Dito ako ngayon sa mall.Gumagala mag-isa,ayaw kasi ni Jielou umabsent


ehh,kaya ako nalang.
Makapunta nga sa tindahan ng accesories.Mahilig kasi ako sa ganyan ehh,lalo
na sa key chain,may makita lang akong cute na design ng key chain,binili ko na
agad kahit hindi ko ginagamit haha kaya nga sa kwarto ko parang may tindahan ng key
chain ehh.
Ayon tingin...tingin...sa mga nakadisplay.Hanggang sa ...
(booggssshhh!!!)
"aray" sabi ko
Pagtingin ko doon sa nakabunggo ko,nagulat ako
"Kevin?" "Andrea?" sabi namin ng sabay
"anong ginagawa mo dito? umabsent ka rin?" tanong ko
"ah,oo hehe,katamad kasi pumasok ehh!"
"haha sinabi mo pa,ano nga pala ginagawa mo dito?"
"eh,ano pa?,edi namimili" sagot niya
"ayy! oo nga naman"
ang tanga-tanga mo Andrea,tinatanong pa talaga hah? natural namimili siya,tinahan
ehh...hahaha...

Nagsabay na kami mamili,hindi ko alam na mahilig din pala siya sa key chain.
"oyy! ang cute oh!!! tapos tinuro ko yung key chain na pang couple na may design na
lalake at babae na may hawak na LO,and VE naman ang kalahati,basta ang cute.
Kaso lang wala naman akong pagbibigyan ng kalahati,kaya yun...
Hindi ko nalang pinansin,tumingin-tingin nalang ako sa iba.
Naglakad-lakad nalang ako,hindi ko namalayan na wala na pala si Kevin.

KEVIN'S POV

Mukhang gusto ni Andrea yung key chain nayon ah.Bilhin ko nga.


"Miss,kukunin ko 'to" sabi ko sa sales lady
"ok po Sir" sagot naman niya

Pagkatapos kong bilhin yun,hinabol ko na si Andrea.


"oyy!! saan ka galing?" tanong ni Andrea sakin
"Ah sorry may tiningnan lang" palusot ko nalang
"ahh tara na,nakabili na ako" sabi niya
"ok,saan mo gusto sunod pumunta?"
"ahmm...parang nagugutom ako" sabi niya sabay hawak ng tiyan
ang cute niya talaga...
"ah sige tara doon tayo..." niyaya ko siya sa isang restaurant na malapit.

Ayon um-order na kami,grabe si Andrea,ang dami niyang in-order,maubos niya


kaya yun?
Maya maya dumating na yung order namin.
"woww!!!" sabi niya
parang ngayon lang nakakita ng pagkain hah... hahaha
"hoy,mauubos mo ba lahat yan?" tanong ko
"oo naman"
"talaga lang hah?"
"oo sabi,nagugutom na ako,simulan na natin" sabi niya

Edi yun kain-kain,grabe,lakas niya pala kumain,pero hindi siya tumataba


hah...ang sexy-sexy niya nga eh...
And nagulat ako,mas nauna pa siya sakin natapos,samantalang mas konti ang in-
order ko sa kanya.Ang takaw niya.

CHAPTER 6

ANDREA'S POV

-kinabukasan-

Mas nauna si Jielou ngayon pumasok,walangyang babae yun hindi ako


hinintay.Kaya tuloy ako lang mag-isa ang naglalakad.
STEVEN'S POV

Naglalakad ako ngayon mag-isa papuntang school...


Nakita ko si Andrea na naglalakad rin...
"good morning Andrea"
"ah,good morning"
"bakit,wala ka kasabay ngayon? saan ang bestfriend mo?"
"ah,wala nauna na iniwan ako,kainis nga ehh"
"ok lang yan,nandito naman ako"

ANDREA'S POV

Hayy naku,ang agang banat yun ah,hindi nalang ako sumagot.

Ayon nakarating na kami sa school.Grabe hah? hinatid niya talaga ako sa


classroom.At habang naglalakad kami kanina,siya ang nagdala ng mga gamit
ko,infairness
hah? gentleman hehe
"thank you" sabi ko nalang sa kanya,then umalis na siya.

KEVIN'S POV

Loko 'tong si Steven ah...pinupurmahan niya si 'Andrea ko' haha 'Andrea ko'
talaga hah...
Hay naku kailan kaya ako magkakalakas ng loob para sabihin sa kanya na gusto
ko siya?
Nandito na nga pala ako sa classroom,nakaupo,nagmumuni-muni haha,wala pa kasi
yung teacher namin ehh.
Binabalitaan nga pala ako ni Neil kong anong nangyayari kay Andrea.Ayon nga
sinabi niya sa akin na nililigawan si Andrea ni Steven.Ngayong umaga
nga lang hinatid pa talaga ni Steven si Andrea hah..?

ANDREA'S POV

Nandito kami ngayon nila Jielou at ng iba pa naming classmate sa ilalim ng


puno ng mangga na may nakapalibot na benches.Nagrereview kami para sa darating na
periodical exam next week...haha nagrereview na ako,wala na ako makopyahan eh,hindi
ko na kaklase si Kevin.
Medyo magkakalayo-layo kami,nagrereview kami ng solo eh tsaka maingay
Ayan nagrereview na ako,basa..basa...wahhh!!! wala pumapasok sa utak ko.
Biglang dumaitng si Steven.
"anong ginagawa mo?" tanong niya
"nagrereview"
"ah sige,tulungan kita ?"
ahmm isip...isip...sige na nga nahihirapan ako magreview nag-isa ehh
"sige" sagot ko
"ano bang subject yan?"
"physics"
"ah sige,akin na yan"
kinuha niya sakin yung notebook ko,at binigay ko naman.
Ayan tinatanong-tanong niya ako..
"mali" sabi niya
"ano ba dapat?"
"ito yun ohh,blah....blah....blah..."
"ah"

Ayon tuloy-tuloy lang yung pagrereview namin.

JIELOU'S POV

Napansin ko ang sweet nung dalawa.


"guys,tingnan niyo ohh" tinuro ko sila Steven at Andrea
Tumingin naman yung mga classmate ko.
"ayieehhh...!!!!!" sabay-sabay nilang sabi
"oyy,guys tara sa classroom,nakakaistorbo tayo eh...hehe" sabi ko
"sige" sabi naman nila

Then umalis na kami,naiwan sila Andrea at Steven doon na nagrereview.

ANDREA'S POV

(kringggg.....!!!)

"ayan buzzer na,thank you Steven"


"ok,wala yun"
Then pumunta na kami sa aming classroom.

CHAPTER 7

ANDREA'S POV

1 month narin ang nakakalipas simula nung nanliligaw sakin si


Steven...hatid,sundo,flowers,chocolates at kung anu-ano pa.
Nandito kami ngayon nila Kevin sa school.
Nagkukwentuhan lang kami kung ano na ang mga nangyayari sa buhay
namin....blah....blah......blah.....
"nagugutom ako,samahan mo nga ako pumunta ng canteen" sabi ni Jielou sakin
"ayaw ko,natatamad ako maglakad" sagot ko hahaha,ang galing kong kaibigan
"sige ganyan ka lang"
"hahaha eh natatamad nga ako eh" sabi ko
"tayo na nga lang Neil" yaya ni Jielou
"sige" sagot naman ni Neil

Ayon edi pumunta sila Neil at Jielou sa canteen kaya naiwan kami dalawa ni
Kevin.
Ayon kwento...kwento....kwento...hanggang sa napunta sa ganitong usapan...
"kayo na ni Steven?" nabigla ako sa tanong ni Kevin ah
"ah hindi ah"

Then maya maya dumating na sila Jielou at Neil na may dalang pagkain.
Ayon kain...kain........

And pagkatapos ng kain-kain pumasok na kami sa kanya kanyang classroom.

-after a week-
ANDREA'S POV

Nandito ako ngayon sa bahay,nakahiga lang,10 pm na kasi eh,hindi pa rin ako


makatulog,ang sakit kasi ng katawan ko,nagpraktis kasi kami ng sayaw.Ahmm hindi ko
pa pala nasasabi sa inyo na dancer ako,isa ako sa member ng cheering squad.
Ok,diba hindi ako nakatulog? Eh may load naman ako kaya nagGM ako.

'gud eve puh sa lahat...ndi p aq nakatulog,,txt nga jan....'


.gm :)

Then send.

Hintay ...hintay...mga tulog na siguro sila...

Maya maya may nagtext,in-open ko yung message.

From: Steven
"ok cge,bakit ndi ka nakatulog??? iniisip mo ako?? hhehe"
"hindi nuh? kapal mo naman"
"hehe joke lang,matulog ka na,may pasok pa bukas eh"
"cge try ko"
"cge,gud nyt,sweet dreams"
"gud nyt"

Ayon sinubukan kong matulog.

CHAPTER 8

-kinaumagahan-

ANREA'S POV

Hayyy... (hikab) antok pa ako...


Naglalakad nga pala ulit ako mag-isa ngayon,iniwan na naman ako ni Jielou
ehh.

Ayan nakarating na ako ng school,dito na ako sa gate...then pagpasok ko...may


nakita akong may nagkukumpulan sa covered court.
Makapunta nga...naiintriga ako ehh...

Then pagdating ko doon,nagtitinginan ang mga students sakin.And binigyan nila


ako ng way papuntang stage,and nakita ko sa stage si Steven.
Napahinto ako...ano bang nangyayari? anong meron dito? ang daming tanong sa
isip ko.

Then nakita kong papalapit si Steven kong saan ako nakatayo.


Papalapit na siya...

And pagdating niya sa harapan ko,bigla siya lumuhod sa harap ko and...


"ahmmm simula nung 1st year pa lang tayo,gustong-gusto na kita,pero hiyang-hiya ako
at wala akong lakas ng loob... kung sakaling magtapat ako ng pag-ibig ko sayo sana
maintindihan mo kung bakit ko ginawa 'tong gimik na sana nagustuhan mo at sana ay
tanggapin mo ako na maging bahagi ng buhay mo,Andrea,mahal na mahal kita,will you
be my girlfriend?"

Then hiyawan ang mga tao...


"sagutin mo na!!!" may mga sumisigaw ng ganyan at kung anu-ano pa.
Parang tumigil ang mundo ko,anong isasagot ko? Naguguluhan ako...
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko,ano bang nangyayari sakin?
Ayaw ko naman siyang mapahiya at ayaw ko rin siyang masaktan,anong gagawin ko?

"y-y-y-yes" sabi ko na parang wala sa sarili,hindi ko alam kung anong sinasabi


ko,basta nalang lumabas yun sa bibig ko at patuloy parin ang pagtulo ng luha ko.

STEVEN'S POV

"y-y-y-yes" sabi ni Andrea

Tumayo na ako,at niyakap ko siya,ang saya-saya ko,sa wakas ang babaeng


pinakamamahal ko ay nakuha ko na rin.

"ayyyiiiieeeeeehhhhhhhhhh!!!" sigawan ng mga students...

KEVIN'S POV

"y-y-y-yes" pagsabi ni Andrea nun parang gumuho ang mundo ko at biglang tumulo ang
luha ko.

NEIL'S POV

Nandito kami ni Kevin sa covered court.At saksi din kami ni Kevin doon nung
sinagot ni Andrea si Steven,biglang tumulo luha ni Kevin,at nagwalk-out...
"hoy,saan ka pupunta?"
hindi siya sumagot,kaya hinabol ko siya.

ANDREA'S POV

Habang magkayakap kami ni Steven,tumingin ako sa likuran ko,at nakita ko si


Kein na tumutulo ang luha at bigla siya tumakbo.

NEIL'S POV

Sinundan ko si Kevin.
Naabutan ko na siya dito sa classroom nila at patuloy pa rin ang pag-iyak
niya.Kinuha niya yung bag niya.
"hoy Kevin,saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya
"uuwi ako,natatamad akong pumasok,gusto kong magpakalasing"
"sige,sasama ako"
sasamahan ko nalang siya,kawawa naman,alam kong napakasakit nayon.

Nandito kami ni Kevin sa bahay nila,bumili siya ng mga alak at ininum ng


ininum.Lasing na lasing na siya.
"Neil,bakit ganun ang sakit-sakit?" sabi ni Kevin
"Kevin,tama na lasing na lasing ka na eh" habang inaagaw ko sa kanya ang alak
"hindi,kaya ko pa,gusto ko munang nakalimot"
"tama na"
"bakit kasi sa dinami-rami ng babae si Andrea pa ang minahal ko,bakit ganun? bakit
wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya.Ang
torpe-torpe ko kasi eh,ang bagal-bagal ko kasi,tuloy naunahan na ako ng iba"habang
patuloy parin ang pag-iyak niya.

CHAPTER 9

ANDREA'S POV

1 week na rin ang nakakalipas simula nung sinagot ko si Steven.


Hindi ko pa rin nakikita si Kevin,hindi daw pumapasok sabi ni Neil.Ano kaya
ang nangyari doon?
Bigla ko tuloy naalala,yung time na umiyak siya,bakit kaya?

Nandito kami ni Jielou sa classroom ngayon,nagkukwentuhan lang,lagi ang topic


namin tungkol kay Steven.
Kung anu-ano ang tinatanong niya.
"oy,bestfriend ano ang feeling? kamusta na kayo?"
"wow!,kung makatanong ka,para tayong nasa isang talkshow hah?"
"hehe ganun talaga,sagutin mo nalang kasi"
"sige na nga,ahmmm,well ok naman kami,lagi siyang pumupunta sa bahay,and minsan
lumalabas kami...kain sa labas ganun...hehe ok na?"
"hehe ok good,pero bakit ka nga pala umiiyak nung time na sinagot mo si Steven?"
"ah...eh..hehe,baka asarin mo ako eh..."
"hindi,promise!" (with promise sign)
"ok,ano kasi,ang totoo nyan,matagal ko nang gusto si Kevin"
"waaahhhhhh!!! (with tili) hoy! bakit hindi mo sinabi sa akin hah?"
"eh kasi,wala naman talaga ako balak sabihin sa kanya,kaya hindi ko na rin sana
sasabihin sayo...ayaw ko kasi masira ang friendship namin ni Kevin ehh,baka
kasi pagsinabi ko sa kanya,baka magalit siya,kaya hindi ko na sinabi"
"so,nung nililigawan ka ni Steven gusto mo si Kevin?"
"oo,pero dati na yun,may Steven na ako"
"pero...gusto mo pa siya nuhh? aminin....."
"hmmm,oo na"
"ayyiiieeehhh"
"hoy,wag mong sasabihin kay Steven hah?"
"ok no problem!"

KEVIN'S POV

1 week nalang end of school year na.Hindi na ako papasok,wala na rin naman
siguro klase.
Hindi na rin ako a-attend ng graduation ceremony,magsasakit-sakitan nalang
ako para pumayag si mommy at daddy.

CHAPTER 10

-after 5 years-

ANDREA'S POV

Bumalik na ako dito sa lugar kung saan ako nanggaling at kung saan ako nag-
aral ng high school.
Pagkatapos nga pala ng grumaduate.Pumunta ako sa America.Doon ako nag-aral at
doon na din ako nakapagtapos.

Magkikita kami ni Jielou ngayon sa isang restaurant.Ipapakilala niya daw yung


husband niya.
Pagdating ko sa restaurant,nakita ko kaagad si Jielou,hindi pa rin talaga
siya nagbabago,ang ganda parin.
Sinalubong niya ako...
"bestfriend,i miss you!!!" sabi ni Jielou,then niyakap niya ako at niyakap ko din
siya
"namiss din kita!!!" kumalas na ako ng pagkakayakap sa kanya
"siya ba yung husband mo?" sabay turo doon sa lalakeng nakaupo at nakatalikod
"ah oo,siya nga?
"ah,parang kilala ko yan ah.." sabi ko,pero ngumiti lang si Jielou

Hinila niya ako papunta doon sa table.


Then pagharap nung lalake,natulala ako.Hindi ako makapaniwala si...
"si...Neil ang asawa mo?"
"hehe,surprise!!!"
"ikaw talaga,hindi mo pa sinabi sa akin"
"para surprise"
"ok,nagtagumpay ka nasurprise ako ng bonggang-bongga"
"hahaha"
Ayon kwento...kwento kung ang mga nangyari sa mga buhay namin.Pero walang
nababanggit si Neil tungkol kay Kevin.Pero ayaw ko din namang magtanong.

CHAPTER 11 (THE LAST AND FINAL CHAPTER)

ANDREA'S POV

Hindi ko nga pala nakukwento sa inyo na wala na kami ni Steven.


Nahuli siya ni Jielou na nambababae nung nasa America ako,kaya yun nakipag-
break ako sa kanya.

Nandito ako sa mall ngayon,mag-isa akong namamasyal...lakad....lakad..

"ano pa ba ang bibilhin natin?" narinig ko ang pamilyar na boses galing sa likod.
Lumingon ako...and nakita ko si Kevin na may kasamang buntis at may dala-dala
siyang mga gamit ng baby.

Parang hindi ako makagalaw kaya tumalikod nalang ako,hindi ko namalayang


tumutulo na pala ang luha ko...papunta sila sa direksyon ko.
"ayy!!! sorry miss" sabi ni Kevin,nabangga niya kasi ako at nalaglag yung mga dala
ko,pinunasan ko yung luha ko at pinulot ko yung mga gamit ko at tinulungan
niya rin ako,pero hindi pa siya tumitingin sa mukha ko.
Habang pinupulot namin ni Kevin ang gamit ko,nakayuko pa rin ako.At may
biglang dumating na lalake
"kamusta na ang junior ko?" sabi nung dumating na lalake doon sa babaeng kasama ni
Kevin at hinalikan yung tiyan nung babae
"ah,Kevin dito na ang kuya mo...aalis na kami" sabi nung babae
"ah sige po,ingat po kayo" sagot ni Kevin

Napaangat ang ulo ko at nakita ni Kevin ang mukha ko

KEVIN'S POV

"Andrea?" nagulat ako nang makita ko siya


"Kevin" sabi niya habang pinupunasan ang luha niya
"anong nangyari sayo,bakit ka umiiyak?"
"ah wala" niyakap niya ako,pero kumalas din agad siya
"Andrea,pwede magtanong?"
"ok ano yun?"
"ahmm,may boyfriend o asawa ka na ba?"

ANDREA'S POV

"wala pa" sagot ko


Then may kinuha siya sa bag niya at nakita ko yung key chain na pang couple
na gustong-gusto ko,pero hindi ko binili kasi wala naman akong pagbibigyan ng
kalahati na yun eh.
"Andrea,natatandaan mo pa ba 'to? binili ko 'to,ibibigay ko sana yung kalahati sayo
dati pa pero,wala akong lakas ng loob...Andrea mahal kita,dati pa,nung 3rd year pa,
pero hindi ko masabi,wala akong lakas ng loob at natatakot akong masira ang
friendship na---"

Hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko na siya,napa-iyak lalo ako sa mga


sinabi niya...
"Kevin,mahal na mahal din kita,mahal na mahal" sabi ko habang umiiyak pa din......

-THE END-

THANKS FOR READING :) -crysanthemum

You might also like