You are on page 1of 3

Simula: Ang Pagsibol ng Damdamin

ni: Charice Maaño

Noong araw, isang bayan ang nakatayo na kung saan ang mga tao ay walang kaalaman
tungkol sa iba't ibang damdamin. Gayunpaman, nararanasan ng lahat ng nasa bayang ito ang mga
damdaming ito. Ngunit sa paniniwalang ito ay isang sumpa na itinalaga sa kanila, ayon sa sulat
ng kanuno-nunuan nilang si Alamahdah, ipinagbawal nila ang gawin ito, base sa hitsura ng
kanilang mukha, galaw ng mata at pati ang mga labi. Kung sino man ang makikitang magbago
ang ekspresyon ng mukha ay parurusahan at pagbabayarin ng salapi. Samantala, sa dulo ng
bayan, isang binata nag namumuhay sa isang maliit na kubo. Ang binatang ito ay
nagngangalang Dampu Daminso. Namatay ang ina ng binata na siyang bumubuhay mag-isa sa
kaniya dahil sa kumalat na sakit noon sa kanilang bayan. Upang may makain at mabuhay, sa
umaga, nagtatrabaho siya sa isang babuyan na pinag-aarian ni Madam Tuma Roda, siyang amo
dati ng kaniyang ina. At sa hapon naman ay nagtatrabaho siya sa isang pagamutan bilang taga-
buhat ng mga pasyenteng dadalhin sa ospital. Ang nakukuha niyang sweldo, ay ipinambibili
niya ng mga buto ng gulay upang itanim sa kaniyang bakuran gayundin ang mga pang-araw-
araw na pangangailangan niya sa buhay. Isang araw, maagang nagising si Dampu upang
maghanda ng umagahan at dumiretso sa babuyan. Pagkarating niya rito ay sinimulan niyang
pinakain ang mga baboy at kasabay na nilinisan ang mga kulungan nito. Sumapit ang tanghali
ng matapos niyang linisan ang halos limampung kulungan ng mga baboy. Naligo at nagpalit
muna siya ng damit upang magpaalam kay Madam Tuma Roda na hahayo na siya. "Siya't aalis
na po ako Madam Roda, malayo pa po ang lalakarin ko papuntang bayan", ani Dampu. "Ikaw
naman talaga iho't napakasinop mo. Kumain ka muna rito bago ka pumuntang bayan, upang may
lakas kang magbuhat ng mga pasyente roon" sabi ng Madam. "Naku hindi na po, baka
nakakaabala pa ako sa inyong pamilya" ani Dampu. Gayunpaman, napilit ng Madam si Dampu
na kumain kasama ang pamilya. Pagpasok niya sa bahay, ay pinaupo muna siya nito sa sala dahil
ihahanda pa lamang ang pagkain. Tahimik na naghintay si Dampu sa sala ng may isang dalaga
ang lumabas. "Dampu, ikaw pala iyan. Pupunta ka na bang ospital." ani ng dalaga. "Pupunta na
sana ako Binibing Tingso Pubok, kaya lamang inanyayahan ako ni Madam Roda." sabi ni
Dampu. "Mabuti iyon, halika kumain na tayo. Saka… Ting na lamang ang iyong itawag sa akin,
parang hindi naman tayo magkaibigan." ani Ting. "Masusunod po Binibining... Ting" pagsang-
ayon ni Dampu. Kung pwede lamang na magbago ng ekspresyon ay kanina pa parang payasong
nakangiti ang binata. Hindi man niya ito ipinapakita ngunit sa puso niya ay masaya at masigla
siya tuwing nakikita niya ang kaibigan.

Nakatatak sa alaala niya ang gabing naabutan siya ng binibini doon sa malagong
halamanan ng kaniyang ina, buwan ang nakalipas matapos nitong mamatay, na nakatulala at
walang kibo. "Alam mo ba, may kaibigan ako na hindi taga-rito sa ating baryo." Napatingin si
Dampu sa Binibini at maayos na nakanig. "Ang pangalan niya ay Kiris Tina. Natagpuan ko
siyang nakaupo sa kabilang ilog at nakita kong may tubig na lumalabas sa kaniyang mata at ang
mukha niya'y parang langit na abo kapag malapit ng umulan. Nilapitan ko siya at kinausap kung
anong nangyayari sa mata niya may tubig na lumalabas dito. Sinagot niya ako na "Luha ang
tawag dito. Nangyayari ito kapag malungkot ka." Tinanong ko siya kung ano ang “malungkot” at
sinabing " Halimbawa, kapag namatay ang magulang mo o ang kapatid mo…" Kaya naman
tinanong ko siya kung namatay ba ang magulang niya o ang kapatid niya, at tumango naman
siya." kwento ng binibini. Tahimik na nag-isip ang batang si Dampu at nagsalita. "Nakikita mo
pa ba ang kaibigan mo." "Oo naman, palagi kaming naglalaro sa kalagitnaan ng palayan malapit
sa gubat." sagot ng batang si Ting at ngumiti. Nagulat si Dampu sa nakita dahil ipinagbabawal
iyon. Ganoon pa man, wala naman siyang balak na isumbong ang binibini dahil bagay nga
naman ang ngiting iyon sa kaniya. Napatingin ang batang si Ting kay Dampu. "Ayos lang naman
sa akin na isumbong mo ako. Pero nais ko lamang sabihin itong sinabi ni Kiris Tina, "Hindi ang
magpakita ng damdamin ang sumpa, kundi ang mga taong pumipigil nito." kaya ayos lang na
lumuha ka Dampu, malungkot ang puso mo ngayon dahil sa pagkamatay ng iyong ina. 'Wag
kang mag-alala hindi kita isusumbong." Sabi ng binibini. Dahil dito naramdaman niya ang sakit
sa kaniyang puso na matagal na niyang nararanasan dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina.
Dahan-dahang pumatak ang luha sa mga mata niya hanggang sa hindi na ito mapigilan.
Tumingin siya sa binibini at sinabing, "Salamat". "Pwede ba tayong maging magkaibigan?"
tanong ng Binibini. "Oo naman, Ting".

Matapos nilang kumain ay hinatid palabas ni Ting ang kaibigan. "Naalala ko lamang...
Ting, nagkikita pa ba kayo ni Kiris Tina.". Napahinto sa paglalakad ang Binibini at agad na
hinatak ang binata dine sa isang sulok. "Ting, ano iyon." ani Dampu. "Buti naaalala mo pa, akala
ko...akala ko wala na akong mapagsasabihan." sabi ni Ting at tuluyang bumagsak ang luha at
napayakap sa kaibigan. "Wala na si Kristina...pinatay siya ng mga Naalahamap (mga kataas-
taasan sa baryo). Nakita nila siyang nakangiti habang namimitas siya ng bulaklak. Sinabi naman
niya na magbabayad siya ng salapi ngunit hindi sila pumayag. Dinala nila si Kristina sa
Naynacalam (punong tahanan ng baryo, kung saan nakatira ang mga katas-taasan at mga
Naalahamap) akala ko ay dadalhin nila ito sa mga kulungan ngunit dinala nila ito kay Falamadah
(ika-anim na pinuno ng baryo). Tinanong niya kung anong pangalan ni Kristina, ngunit hindi
siya sumagot. Nagalit ang pinuno kaya binugbog niya si Kristina. D-dinala pa niya ito sa
kaniyang kwarto at pinagsamantalahan. Matapos ay binugbog pa niya ito, at ditto napilitan si
Kristina na magsalita. “Isa kang hayop! Napakawalang-hiya mo para pagsamatalahan ang
damdamin ng mga tao! Hindi ito ang sumpa, kundi ikaw at ang kababuyan mo!” (Kristina) “At
paanong ang isang tulad moa ng may tapang na sabihin iyan?! Masasabi kong hindi ka taga-rito
dahil marunong kang gumamit ng damdamin. Iyan ba ang nais mong ipakalat?! Damdamin ang
nagpapayaman sa akin! Nakakakuha ako ng pera at babae, katulad mo! Tingnan mo ikaw!
Napakahina mong nilalang, walang kwenta! Patayin siya!” (Falamadah) “Nakita pa ako ni
Kristina sa aking pinagtataguan. Hindi man niya sinabi ngunit sa mga mata niya alam kong
pahiwatig iyon ng pamamaalam niya." Humiwalay ito sa pagkayakap at tumingin kay Dampu.
"Wala man lamang akong nagawa para sa kaniya" ani Ting. "Huwag kang mag-alala,
pagbabayarin natin sila sa kanilang ginawa" sabi ni Dampu. Matapos ng trabaho ni Dampu, ay
umuwi na siya sa bahay at dumiretso sa higaan. Habang natutulog, napaginipan niya ang isang
babaeng humihingi ng tulong. Agad siyang nagising at nagsimulang mag-isip ng paraan sa
gagawin nilang misyon ni Ting. Sumunod na araw, walang trabaho si Dampu. Pumunta siya sa
bintana ng kwarto ni Ting at umakyat. Kumatok ito at siya naming binuksan ng dalaga. “Dampu!
Anong ginagawa mo dito?! Baka makita ka ng mga tao.” Gulat at tarantang sabi ng dalaga.
“Mahuhuli talaga ako kung hindi mo pa ako papapasukin Ting” ani Dampu at pinapasok na siya
ni Ting sa loob. “May naisip na akong plano” sabi ng binata na nagpukaw sa atensyon ng dalaga.
Marahan na ikwinento ng binata ang plano na kanilang gagawin. “Mapanganib ang planong ito,
kaya naisip ko na… ako na lamang ang gagawa.” ani Dampu. “Nababaliw ka na ba?! Hindi!
Hindi kita hahayaang gawin ito ng mag-isa. Para kay Kristina at sa buong baryo ilalagay ko ang
buhay ko.” Matapang at determinadong ani ng dalaga. “Ngunit…” nag-aalalang tugon ng binate
subalit pinanlakihan lamang siya ng dalaga ng mata. “Sige, pero kailangan mo pa rin ang mag-
ingat, Ting. Kailangan nating ipakita sa buong baryo ang katotohanan.” Paalala ng binate. “Kung
gayon, sa piyesta ng baryo natin ito gagawin?” sabi ng dalaga. “Hm… sa piyesta.” pagsang-ayon
ng binate.

Nagkita ang dalawa sa palengke, gaya ng napagusapan sa plano. “Handa na ba ang mga
gamit na kailangan mo?” tanong ni Ting kay Dampu. “Oo, handa ka na ba…Ting.” ani Dampu.
Tumango ang dalaga at pumunta na ang dalawa sa direksyon na kanilang pupuntahan. Tuwing
piyesta ay ipinapakita ang papel na sinasabing sulat ni Alamadah sa mga tao upang bigyang
samba at nag-aalay ang mga tao ng salapi upang pagbayaran ang sumpang ito. Ang plano ni
Dampu ay ang pagdakip sa pinunong si Falamadah at paaminin ito sa mga kasalanan niya sa
harap ng sambayanan. Dahan-dahang pumasok si Dampu sa Naynacalam at hinanap ang kwarto
ng pinuno. Nang makita niya sa kalagitnaan ng kwarto ay agad niyang pinalo ng kahoy ang ulo
nito at natumba. Tinali niya ito sa isang upuan at tinabunan ng tela. Samantala, si Ting naman ay
nilipon ang lahat ng tao sa baryo upang masksihan ang pangyayari. Habang papunta si Ting sa
sinabing pagtataguan ni Dampu sa pinuno ay nakasalubong niya ang ilan sa mga Naalahamap.
Sinitsitan ng isa si Ting at payabang na nagkwento tungkol sa mga babae na naakit niya. Agad
naman itong natumba ng suntukin ito ni Dampu. Nagsimula na ang pag-aalay at panahon na para
tanggalin ang kurtinang nakasara sa entablado at ipakita ang sulat at si Falamadah. Napatakbong
umalis at dinala ng dalawa si Falamadah sa harapan at tinanggal ang taklob nito. Nang maitaas
na ang kurtina ay nakita ng mga tao ang paggising na pinuno. “Kayong lahat, making kayo sa
akin! Ang damdamin ay hindi sumpa kundi ang taong ito” matapang na sigaw ni Ting at sabay
turo sa pinuno. Kinuha ni Dampu ang sinasabing sulat at ito’y binuklat. “Ang sulat na sinasabi ay
walang laman. Pawang kabulaanan lamang ang sinasabi ni Falamadah, ginagamit niya tayo
upang magkaroon ng pera at pagsamantalahan ang mga kababaihan.” Ani Dampu. “Hindi ba
kayo nagtataka kung bakit ayaw niya tayong papuntahin sa kabilang ilog?! Iyon ay dahil ang
mga tao na nakatira doon ay malayang naipapahayag ang kanilang damdamin, at isa ako sa
kanila. Gayundin ang aking pamilya. Si Falamadah ang naglagay ng sumpa sa inyong lahat
upang hindi makapagpahayag ng damdamin. At ang mga taong nakapagpapakita nito ay dahil sa
pagkawala ng bias ng sumpang inilagay ni Falamadah.” Ang lahat ng tao ay nagbulungan at isa-
isang pinagbabato si Falamadah. “Itigil niya na ito, parang awa niyo na! Tatanggalin ko na ang
inyong sumpa, palayain niyo lamang ako!” Tumigil sa pagbato ang mga tao at napagdesisyunang
pakawalan ang pinuno. Nang makawala ito ay nilagay niya ang kamay sa likod at hinugot ang
dalawang kutsilyo at itinasak sa puso ni Dampu at Ting. “Anong akala ninyo, matatanggal ko
ang sumpang hindi ko naman kayang tanggalin?! Bahala kayo sa buhay ninyo!” sigaw ng
pinuno. Dahil dito, ang mga tao ay sinugod si Falamadah at tuluyan ng namatay. Patalilis na
lumakad si Dampu papunta sa kinaroroonan ni Ting. “Ayos ka lang ba… Ting” ani Dampu.
Tumango ang dalaga. “Naggawa na natin Dampu” sabi ng dalaga saka maaliwalas na ngumiti.
“Alam mo ba, gustong-gusto kong makita muli ang ngiti mong iyan?” malambing na pagsalita
ng binata. Ilang minuto ang nakalipas at nawalan na ng buhay ang dalawa. Ang mga tao ay
tulong-tulong na binuhat ang bangkay ng dalawa at magkatabing ibinaon bilang pag-alala sa
pagsasakripisyo nila. Makaraan ang ilang linggo, matapos mamatay ang dalawa, ang lahat ng tao
ay biglang lumuha at nakaramdam ng iba’t ibang emosyon. Nagulat ang lahat sa nangyari dahil
nagkakaroon na sila ng damdamin. Ang lahat ay dumalaw sa puntod ng dalawa at isa-isang nag-
alay ng bulaklak. Iba’t ibang damdamin ang ipinakita ng mga tao, ang iba ay naiyak, ngumiti,
nagagalit, nagugulat at marami pang iba. Sa wakas, ang mga tao ay Malaya ng naipapahayag ang
damdamin ng kanilang puso at dahil ito sa dalawang nag-alay ng kanilang mga buhay na sina
Dampu at Tingso.

You might also like