You are on page 1of 290

Baby, You And I

Baby, You And I

Akala ni Tyron ay nanaginip lang siya nang makarinig ng iyak ng isang sanggol.
Pagbukas niya ng pinto ay bumulaga sa paningin niya ang isang malusog na baby boy
na nakalagay sa isang malaking basket. Hindi pa siya nakaka-recover sa kabiglaan
nang mabasa ang note na kasama ng bata... siya raw ang ama ng nito!

Dumagdag pa sa problema niya ang pasaway na si Cyrhel nang bigla na lamang sumulpot
sa pad niya. Kailangan daw nito ng matutuluyan pagkatapos nitong maglayas sa
kanila.

Sa loob ng isang araw ay nagkaroon siya ng instant baby at instant wife... Dahil si
Cyrhel mismo ang nag-volunteer na maging nanay-nanayan ng bata!

Prologue

PROLOGUE

"What's up, guys!" Bungad ni Tyron nang dumating sa tambayan. Present sina Riley,
Jared at Vince minus Mark. "Nasan na si Dok?"

"Male-late daw," sagot ni Vince sabay abot sa kanya ng isang bote ng beer. "May
biglaang appointment."

"Baka may date," nang-iintrigang sabi ni Riley.

"Nah, siguradong hinahabol na naman niya ang kanyang paboritong pusa," makahulugang
wika ni Jared.

Tumawa si Vince. "Nabasted na naman siguro kaya nanghahabol."

"Does it mean hindi na siya qualified?" Tanong ni Riley.

Sabay na tumango sina Jared at Vince at tumingin sa kinaroroonan ni Tyron.


"What?!" Na-freezed sa ere ang pagsubo niya ng chicken lollipop. "Qualified saan?"

Nagtawanan lamang ang tatlo at sabay-sabay na itinaas ang mga bote ng beer.

"Pinagkakaisahan n'yo naman ako!" Palibhasa kasi siya na lamang ang bachelor sa
grupo. Sila palang dalawa ni Mark. At dahil wala ang binata kaya siya tuloy ang
pinadistikahan ng mga ito.

Dumikit sa kanya si Riley at inakbayan siya. "True love comes at the least time you
expect so always be on the watch."

"So?" Inabot ni Tyron ang plato ng sisig at sunud-sunod ang ginawang pagsubo.

"It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment,"


sabi ni Jared at bigla na lang inagaw sa kanya ang kinakain.

"Ano naman ang kinalaman ko roon?" Reklamo niya at tangkang aagawin ang pagkain
nang sumulpot sa tabi niya si Vince kasabay ng marahang pagtapik nito sa dibdib
niya.

"Though you can choose who to love, you can't control the feeling."

Nagtataka na tinitigan ni Tyron ang mga kaibigan. Kakaiba kasi ang kinikilos at
sinasabi ng mga ito. "Why are you telling me these?"

They smiled sheepishly in return. "Dahil ikaw na ang susunod!" Sabay-sabay na sagot
ng tatlo.

"Kasalan na!"

"Cheers!"

"Let's call a celebration!"


"Mga baliw!"

Chapter One: Not Me

Chapter One: Not Me

TYRON

Sunday. Restday. But not for me. Imbes na makapagpahinga at ma-enjoy ang paborito
kong araw, napilitan akong pagbigyan ang hiling ng kapatid na makita at makasama
ako. Kung ako ang masusunod mas gugustuhin kong matulog buong araw, lalo't
kakagaling ko lamang sa magdamag na pagpaparty. But knowing my sadist big sister,
mas maigi nang puyat ako at kulang sa tulog keysa manakit ang buo kong katawan.

Pagbaba ko ng sasakyan ay nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang pamilyar na
sasakyan sa garahe. They are here?

Nagmamadali akong pumasok ng kabahayan. Subalit pagbungad ko pa lamang sa pintuan


ay sinalubong ako ng dalawang batang paslit.

"Tito Tyron!" Sigaw ng mga ito at mabilis na kumapit sa mga binti ko.

"What the-" Hindi na ako nakapiyok nang madumihan ng mga pamangkin ang bagung-bago
kong Levi's denim pants. Naglaro na naman siguro ang mga ito ng lupa sa garden.
"Nasaan ang nanay ninyo?"

"Tito, where is our pasalubong?" Tanong ng batang lalaki sa halip na sagutin ako.

Natapik ko ang noo. Sabi ko na nga ba at mayroon akong nakalimutan. "Sorry kids..."

"Nooo!" Sigaw ng batang babae. Halos um-echo sa buong kabahayan ang matinis niyang
tinig. "You forgot again! I hate you!" Sa edad niyang apat na taon ay matatas nang
magsalita.
"Yeah, we hate you!" Segunda naman ng isa at sa halip na bumitiw ay lalo pang
humigpit ang pagkakapit nila sa binti ko. Hindi ko tuloy maihakbang ang mga paa.

"Kids...aray!" Bigla akong kinagat ng isa sa mga kambal. Bumulanghit naman ng iyak
ang isa at iyon ang naabutan na eksena ng kapatid.

"Tyron!" Mabilis na umigkas ang kamay nito at binatukan ako. "Pinatulan mo na naman
ang mga pamangkin mo!"

"Wala akong ginagawa sa kanila- Aray!" Muling umigkas ang kamay ng kapatid. Hindi
ko naman magawang makailag. "Ate Sandra naman!"

Inirapan lamang niya ako at saka binalingan ang anak na umiiyak. "Don't cry,
honey." Kinarga niya si Tara. Kusa namang bumitiw sa kanya si Samuel at nagtatakbo
palayo.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay."

"Namin?"

"JT, anak!"

"Mom, kelan pa kayo dumating?" gulat na tanong ko nang sabulungin ng mahigpit na


yakap ng ina. Its a been a month since they left for a mediterranean cruise with
Dad.

"Kaninang umaga lang," sagot ni Mommy nang bumitiw sa akin. "How are you, son?"
Tinitigan niya ako nang biglang kumunot ang kanyang noo nang makita ang nanlalalim
kong mga mata. "You looked so tired! Napapabayaan mo na yata ang sarili mo."

"Don't be surprised, Teresa," sabat ni Dad na tumayo mula pagkakaupo sa sofa. Hindi
ko napansin ang presensya niya kanina. "Matigas ang ulo ng anak mo. Pilit pa rin
niyang pinagsasabay ang trabaho sa kumpanya at ang pagba-basketball. Akala siguro
niya ay may superpower siya."

"Dad naman!" Napakamot ako ng ulo. Hanggang ngayon ay tutol pa rin siya sa
propesyon na pinili ko. Subalit hindi ko naman siya masisi. Ako lamang ang
inaasahan ni Dad na hahalili sa kumpanya na minana rin niya sa mga magulang. Bakit
ba kasi hindi ako nagkaroon ng kapatid na lalaki? Wala sa loob na napasulyap ako
kay Ate Sandra. Kunsabagay, daig pa niya ang lalaki sa bigat ng kanyang kamay.

"Let's eat. I'm starving." Nilagpasan lamang ako ni Dad at dumiretso sa komedor.
Walang kibo na sumunod kaming lahat.

"Tyron, kailan mo ba kami bibigyan ng apo ng mommy mo?" Nasa kalagitnaan kami ng
pananghalian nang magsalita ulit si Dad. Muntikan ko nang maibuga ang nasa bibig.
Paano napunta sa apo ang usapan?

Bumulanghit naman ng tawa si Ate Sandra. "Dad, seryoso ka?

"Isip-bata lang ang kapatid mo pero matanda na siya. I guess this is the right time
for him to start his own family, to be a responsible person."

"It doesn't follow. Bakit si Ate Sandra ganun pa rin- Aray!" Bigla na lang akong
sinipa ng kapatid mula sa ilalim ng mesa.

"I don't want a grandchild out of wedlock!" Protesta naman ni Mommy. "Magpakasal
ka muna bago mo kami bigyan ng apo ng daddy mo."

"Mom, paano naman magpapasakal ang bunso ninyo kung wala naman siyang matinong
girlfriend," sabat ni Ate Sandra.

"I have one. Hindi nga lang halata," mabilis kong sagot.

"Sino? Iyong matangkad na modelong naabutan ko minsan sa condo mo? Nababalita na


kabit ng congressman ang babaing iyon."

"How could you, John Tyron!" My mother said in horror. "Iyon ba ang klase ng babae
na ihaharap mo sa amin ng daddy mo?"

"She's only my girlfriend. But it doesn't mean siya na ang pakakasalan ko."
"Kahit na! Hindi siya karapat-dapat para sa'yo!"

"But mom?"

"Ang gusto ko para sayo ay isang matino at disenteng babae."

"I know," labas sa ilong na sagot ko.

"It doesn't matter kung ano ang estado niya sa buhay. Someone who's responsible
enough to take care of her family, katulad ng Ate Sandra mo."

"Mom, gusto nyo ba akong maging battered husband?" Bago pa ako masipa ng kapatid sa
ilalim ng mesa ay nakailag na agad ako.

"Tyron, makinig ka sa akin-"

"Mom, hindi naman kayo ang mag-aasawa kundi ako."

"Tyron is right, dear," sa wakas ay kinampihan din ako ni Dad. "Hayaan mo siya na
pumili ng taong gusto niyang maging kabiyak. You can't dictate his heart. Siya pa
rin ang magpapasya para sa sarili niya."

Ang lapad ng ngiti ko.

"Haven't you found the right one for you?"

Biglang lumungkot ang mukha ko. "I already found the one for me," sabi ko sa
pinalungkot na tinig. "But too bad, ikinasal na siya sa iba."

"I'm sorry to hear that son," bahagya akong tinapik ni Dad sa balikat. Bigla naman
nawalan ng sasabihin si Mommy. Hindi na rin kumibo ang kapatid. Lihim akong
napangiti.
"Actually, kilala ninyo siya. He's my bestfriend for almost five years."

"Si Vince?!" Bulaslas ni Ate Sandra. "Don't tell me..."

"Y-you're a gay?" Kulang na lang ay himatayin si Mommy sa narinig. Nawalan naman ng


kulay ang mukha ni Dad at nabitiwan ang hawak na kutsara. Gusto kong bumulanghit ng
tawa sa nakitang reaksyon ng pamilya.

"Kalma lang everyone! Ako'y nagbibiro lamang." Isang malakas na sipa sa ilalim ng
mesa ang nagpasinghap sa akin ng malakas.

Nakangiti akong bumaba ng kotse. Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad. Nakahanap


ako ng paraan para makatakas sa pamilya. May pagkakataon pa ako na matulog ng
mahabang oras.

"Manong Ed!" Bati ko sa nakasalubong na guard at nakipag-high five pa rito. Isa ito
sa mga nagbabantay sa condominium na tinitirhan ko.

"Good afternoon, sir," aniya at sumabay sa akin sa pagsakay ng elevator.

"Ang aga nyo naman yatang mag-roving?"

"Pang-umaga na kasi ang duty ko. Oo nga pala, sir, kanina may babaeng naghahanap sa
inyo?"

"Sino daw? Nagpapakilala ho ba?"

Umiling si Manong Ed. "Hindi siya nagsabi ng pangalan pero napakagandang bata."

Kumunot ang noo ko. "Bata?"

"Disisyete lang yata iyon. Buntis nga at malaki na ang tiyan."


Buntis? Sigurado ako na hindi ako ang ama. Bukod sa hindi ako pumapatol sa
teenager, I make sure that I'm using a protection.

"Sigurado ho ba kayo na ako ang hinahanap niya?" Muli kong tanong. Baka kasi
nagkakamali lamang ang guwardiya.

"Sigurado ako, sir. Kayo lang naman ang pangalang Tyron dito sa building."

Chapter Two: On Her Own

Chapter Two: On Her Own

CYRHEL

"Mama, please..."

"No!"

"Mama naman!"

"I said no!"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata at napipilitan na sinundan si Mama patungo sa


collection room niya. Magkikita na naman kami ni Bon Jovi.

"Mama, I'm already twenty three. I'm old enough to decide for myself and I want to
live on my own."

Bigla na lamang huminto si Mama sa bungad ng pinto at pumihit paharap sa akin.


Napahinto rin ako. "Paano mo naman bubuhayin ang sarili mo, Cyrhel? Ang alam mo
lang ay manghingi ng pera sa amin ng papa mo."

"Magtratrabaho ako para suportahan ang mga pangangailangan ko."

Nagdududa na tinitigan niya ako.

"Hindi na ako bata, Mama. Kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. So please,
hayaan nyo na ako sa naging desisyon ko."

"I hate your brother for giving you his condo unit. Binigyan ka lang niya ng
dahilan para makaisip ng kalokohan."

"Mama, hindi kalokohan ang maging independent."

"My final answer is no! Hindi ka aalis sa bahay na ito. You stay here, young lady!"
Basta na lamang niya akong tinalikuran at pabalya na isinara ang pintuan. Naiwan
akong mag-isa sa labas.

No dice. Anuman ang gawin ko, kahit pa siguro umiyak ako sa harapan niya ay hindi
ko pa rin makukuha ang approval ni Mama. She don't trust me. Akala siguro niya ay
lahat ng gagawin ko ay puro kalokohan at walang kabuluhan. Kungsabagay, hindi ko
siya masisi. Sa dami ng ginawa kong kasalanan at pagkakamali, mahihirapan akong
patunayan sa kanila na seryoso talaga ngayon sa pagbabago na hinahangad ko para sa
aking buhay.

I want a change. Na-realize ko na may pangarap din pala ako na gustong maabot.
Naisip akong bumukod at magsarili hindi dahil sa gusto ko lang. Kundi dahil may
gusto akong patunayan sa aking sarili. I already have a place to stay. Mabuti na
lamang ay ibinigay sa akin ni Kuya Vince ang condo unit niya. Kung hindi pa siya
nag-asawa ay hindi pa niya ipamimigay iyon sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon
lang naging generous sa akin ang kapatid. Bagaman wala pa sa akin ang master key ng
unit, sigurado ako na sa pag-uwi niya galing sa honeymoon ay mapapasakamay ko ang
inaasam.

Ang problema ko na lang ay kung paano ako makaka-survive at matutugunan ang aking
mga pangangailangan. I have a college degree. Magagamit ko ang aking pinag-aralan
para makahanap ng trabaho. Though, wala pa akong experience, kahit papaano naman ay
may natutunan ako nang minsang mag-OJT ako sa kumpanyang pag-aari ng pamilya. Bukod
doon ay maabilidad at madiskarte din naman ako. Sapat na siguro ang mga iyon para
magawa kong makatayo sa sarili kong mga paa. Bagaman alam kong mahihirapan ako,
naniniwala pa rin ako na makakaya ko itong lahat. Tiwala lang.

Ngunit bago iyon ay kailangan kong makahanap ng kakampi. Kinuha ko ang cellphone at
agad na idinayal ang number ni Papa. Sigurado ako na hindi siya makakatanggi sa
akin.

TYRON

"Happy birthday to me," itinaas ko sa ere ang hawak na baso bago iyon inisang
lagok. Napasulyap sa akin ang bartender na hindi na lamang kumibo sa kakaiba kong
trip.

"Hey handsome, do you want us to accompany you?" Dalawang naggagandahan babae ang
lumapit sa akin. Giving me seductive smiles.

"Sure," I answered lazily. Bagaman wala ako sa mood makipag-flirt mas mabuti na rin
siguro ang may makausap at makasama ako sa aking espesyal na araw.

Kahit isa sa mga kaibigan ko ay walang sumipot. Si Riley ay hindi maiwanan ang mga
anak. Nasa Davao daw kasi si Muriel. Si Jared naman ay piniling makasama ang asawa.
Malapit na kasi ang due date ng panganganak ni Trisha. Malabo namang makarating si
Vince dahil nasa Seoul ito kasama si Valjean para sa kanilang honeymoon. Habang si
Mark naman ay hindi ko mahagilap. Wala siya sa ospital nang sadyain ko. Hindi ko
rin siya makontak. Ayon naman sa pinsan niyang si Louie, malamang daw ay nag-out of
town ang kaibigan para magkaroon ng peace of mind. Nabuhayan lang ako ng loob nang
sumang-ayon si Louie na samahan ako. Pero hayun, inindyan naman ako.

"Happy birthday to me," muling kong bati sa sarili at itinaas sa ere ang baso.
Imbes na maging masaya ay binalot lang ako ng matinding kalungkutan. Ganito pala
ang pakiramdam ng nag-iisa. Nasanay kasi ako na palaging nariyan ang mga kaibigan.
At ngayon na may kanya-kanyang pamilya at responsibilidad na silang lahat,
inaasahan ko na mas magiging madalang ang pagkikita-kita naming lima.

Ngayon ko na-realize na parang may kulang sa buhay ko. Hindi ako sigurado kung ano
iyon, pero iyon ang pakiramdam ko. Kung tungkol naman sa lovelife, hindi ko naman
iyon pinoproblema. Kahit wala akong seryosong relasyon, parati naman may mga
babaeng willing makipag-fling sa kanya. Ngunit hanggang kailan ako magiging ganito?
Ito na siguro ang kakulangan na nararamdaman ko. Dahil hanggang ngayon ay
napakapihikan pa rin ng aking puso.

True love comes at the least time you expect, naalala kong sabi ni Riley.

Ang tagal ko nang naghihintay sa true love na iyan. Subalit napakailap sa akin ng
pagkakataon. Ang sabi ni Mark ay maghintay lang daw ako. Pero sa kahihintay ko ay
patuloy lang naragdagan ang aking edad at bago ko pa mamalayan ay tumanda na pala
akong binata. Huwag naman sana!

Medyo marami na rin akong nainom nang magpasyang umuwi. Ngunit sa kamalasan, na-
missed place ko pa ang susi ng kotse. Tinatamad naman akong bumalik pa ng bar. Sa
halip ay pumara na lamang ako ng taxi.

"Bossing, saan po tayo?" Tanong sa akin ng driver.

Saan nga ba ako nakatira? Napakamot ako ng ulo. Nakalimutan ko ang pangalan ng
condo na tinitirhan ko. "Basta ihatid nyo na lang ako sa Ortigas. Ituturo ko na
lang sa inyo ang direksyon."

Wala pang labinlimang minuto ay ibinibaba ako ng driver sa tapat ng tinutuluyang


condominium. "Magkano po?" Tanong ko at dinukot ang wallet sa bulsa ng pantalon.

"Two hundred seven lang, bossing."

Walang kibo na kumuha ako ng limang daan at inabot sa driver.

"Bossing wala po akong panukli?"

Nag-abot ako ng tatlong tig-iisang daan ngunit wala pa rin daw panukli ang driver.
Naalala ko na mayroon pala akong barya. Inabot ko sa kanya ang dalawang tig-isang
daan at sampung piso na barya. "Keep the change," sabi ko bago tuluyang bumaba.

Napakamot ng ulo ang driver ng taxi. Akala siguro niya ay makaka-jackpot sa akin.
"Guwapo sana, kuripot naman!"
"Good evening, Sir!" Bati sa akin ng naka-duty na guard. "Hindi po yata ninyo dala
ang kotse ninyo?"

Ngumiti lang ako at tinapik siya sa balikat. Hilung-hilo na ako para sagutin pa ang
tanong niya.

"Oo nga pala, sir may babaeng naghahanap sa inyo kanina?"

"Na naman? Pumihit ako paharap. "Sino raw?"

"Hindi po niya sinabi," napakamot ng ulo ang guwardiya.

"Sinabi ba niya kung anong kailangan niya sa akin?"

"Wala pong sinabi. Basta hinahanap niya lang kayo."

Hindi na ako nagtanong ulit at pasuray-suray na tinungo ang elevator. Antok na


antok na ako para alalahanin pa ang tungkol doon.

CYRHEL

"Goodbye home, goodbye old life!" Maramdaming wika ko habang tinatanaw palayo ang
kinagisnang bahay. Bitbit ang malaki traveling bag, nagpasya akong umalis nang
hindi nalalaman ng aking pamilya.

Ang mga taong inaasahan ko na kakampi at tutulong sa akin ay tinalikuran ako. Ganon
na lamang ang panlulumo ko nang hindi sumang-ayon si Papa sa gusto ko. Mas
pinaboran niya ang desisyon ni Mama. Para sa mga kanila ay bata pa rin ako at
walang kakayahan na mamuhay mag-isa. Noong una ay sinuportahan ako ni Kuya Vince,
subalit nagbago bigla ang isip niya. Duda ako na mayroon kinalaman si Mama.
Pinagkaisahan nila akong lahat.

Napilitan akong gawin ang isang bagay kahit labag sa kalooban ko. Ito lamang ang
naisip kong paraan para makamit ang minimithing kalayaan. Siguradong magagalit sa
akin ang mga magulang sa naging pasya ko. Pero darating din ang panahon na
maiintindihan din nila ako.

Dinukot ang cellphone at tinawagan ang matalik na kaibigan. Kailangan ko ng


matutuluyan hangga't hindi ko pa nakukuha ang master key ng condo unit sa kapatid.
"Friendship, umalis na ako sa amin. Baka pwede naman na mag-stay ako sa inyo."

"Nakalimutan mo na ba friendship, nag-out of town ako? Next week pa ako makakauwi."

What?! Nanlulumo na napaupo ako sa gilid ng kalsada. Nawala sa isip ko ang tungkol
sa pagbabakasyon ng kaibigan. Sablay ang plano ko.

Paano na ako ngayon? Saan ako mag-i-stay? Alangan naman na magpalipas ako ng gabi
sa kalsada. Naisip kong mag-check in na lang sa hotel pero agad na nagbago ang isip
ko. Kailangan ko nga palang tipirin ang natitira kong pera hangga't hindi pa ako
nakakahanap ng trabaho.

Muli akong nag-isip. Inisa-isa ko ang mga pangalan ng kaibigan sa phonebook.


Nagbabakasakali na baka may makatulong sa akin.

Chapter Three: Surprise Guests

Chapter Three: Surprise Guests

CYRHEL

Nagtaas-baba ang dibdib ko habang nakatingala sa mataas na gusaling iyon. Finally!


Pagkatapos ng mahigit kalahating oras na paglalakad ay natapos din ang kalbaryo ko.
Pasaway na taxi driver na iyon, niligaw na nga ako, penerahan pa ako. Kung alam
lang ko, sana ay nagtiyaga na lamang akong mag-jeep.
Wala na akong pagpipilian kundi ang magbasakali sa condo unit ni Kuya Vince. Kung
hindi ko gagawin iyon ay baka sa kalsada ako matulog at magpalipas ng gabi. Walang
kaibigan ang gustong tumulong sa akin at ang mga taong inaasahan ko ay hindi ko
naman makontak. Hindi pa ako nakakapagsimula sa pagbabagong gusto ko ay ito agad
ang aking napala. Pero hindi dahilan iyon para sumuko agad ako.

Wala sa loob na napalingon ako sa kanan bahagi ko. Waaah! JCO donuts! Matagal-tagal
na rin akong hindi nakakatikim nito. Subalit agad nagbago ang isip ko at mabilis na
pumihit patalikod. Self-control por pabor Cyrhel! Sita ko sa sarili. Bukod sa hindi
ko mapakinabangan ang mga ATM's ko dahil pina-hold iyon ni Mama, kailangan kong
magtipid dahil nanganganib nang maubos ang dala kong pocket money.

"Self-control! Self-control!" Paulit-ulit kong sinasabi habang humahakbang patungo


sa entrance ng condominium. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang bigla
sumalubong sa akin ang isang humahangos na babae galing sa loob ng gusali. Sa
kanyang pagmamadali ay nabunggo niya ang bitbit kong maleta at tumilapon iyon isang
dipa ang layo mula sa akin.

"Sorry, Miss!" sarkastikong sabi ko nang lagpasan lamang ako ng babae. Hindi man
lang siya lumingon. Bagaman hindi siya tumatakbo ay nagmamadali naman siyang
naglakad papalayo. "Haist! Pasaway talaga!" wika ko sa naiinis na tinig at
binalikan ang tumilapon na maleta. Mabuti na lamang at hindi iyon nasira.

Pagdating ko sa front desk ay walang guwardiyang nagbabantay. Kung sinusuwerte nga


naman! Nagmamadali kong kinaladlad ang bitbit na maleta patungo sa elevator nang
biglang...

"Miss, sandali lang!" Patay!

"Manong Ed!" Masigla kong sabi nang pumihit paharap. Ngunit laking pagkadismaya ko
dahil ibang guwardiya ang nasa aking harapan. Mas bata itong di-hamak. Tantiya ko
ay nasa mahigit trenta lamang siya. "Kuya, nasaan po si Manong Ed?" Kunway tanong
ko.

"Pang-umaga na po ang duty niya. May kailangan po ba kayo sa kanya?"

Bagaman nadismaya ay pilit pa rin akong ngumiti. "Wala naman, Kuya. Nasanay kasi
ako na siya ang laging naka-duty dito," sabi ko at nagmamadaling humakbang palayo.

"Sandali lang po, Mam!"


Napilitan akong lumingon. "Yes, kuya?" Hindi nawawala sa ngiti sa aking mga labi.
Nagbabakasakali na makuha ko siya sa pagpapa-cute.

"Bawal po kayong pumasok."

Kunwari ay nagulat ako. "Bakit bawal? Dito nakatira si Kuya Vince at kapatid niya
ako. Isa pa madalas akong nagpupunta rito. Kahit itanong mo pa kay Manong Ed."

"Pero wala po ngayon dito si Sir Vince. Next month pa po ang balik niya."

I squared her shoulder and raised my chin. "Alam ko! Nasa honeymoon ngayon ang
kapatid ko at inutusan niya ako na tumao muna sa unit niya."

"Hindi po talaga kayo puwedeng pumasok, Mam." Hinarangan niya ang daraanan ko. "Ang
bilin po sa amin ni Sir Vince ay wala po kaming papasukin na kahit sino."

"Pero kuya, kapatid niya ako!"

"Sorry po, hindi talaga pwede." Wala na akong nagawa nang hilahin ng guwardiya ang
maleta ko palabas. Kung may ekstra lang sana akong pera ay baka sinuhulan ko pa
siya. Ngunit sa tingin ko kahit pa gawin ko iyon ay hindi rin papayag ang nasabing
guwardiya. Mukha kasi siyang masungit at istrikto. Sa kalsada na talaga ako
magpapalipas ng gabi.

"Kuya, may problema ba?"

Sabay kaming napalingon sa lalaking bagong dating. Omo! Kamukhang-kamukha niya si


Suho ng EXO. Kinuskos ko pa ang mga mata at baka namamalikmata lamang ako.

"Sir, nagpupumilit pumasok itong babae," sagot ng guwardiya.

"Don't worry, kuya, she's harmless. Kilala ko siya at madalas siyang nagpupunta
rito para dalawin ang kapatid niya."
Kilala ako ng lalaking ito?

"Pero Sir?"

"Arbor ko na siya, kuya!" Nakangiting sabi niya nang akbayan ang guwardiya. Mayroon
pa siyang sinabi na hindi na nakaabot sa aking pandinig. Napakamot na lamang ng ulo
ang guwardiya at ibinigay kay Suho, este sa lalaki ang maleta ko.

"Shall we?" aniya at iginiya ako patungong elevator, hindi nawawala ang ngiti sa
mga labi niya. Tila nahipnotismo na napasunod na lamang ako. "By the way, I'm
Kevin."

"I-I'm Cyrhel..."

"I know." Muli siyang ngumiti bago pinindot ang button ng elevator.

Shemay! I need air. Hindi ako makahinga sa sobrang kilig.

TYRON

Napilitang akong bumangon nang makaramdam ng tawag ng kalikasan. Halos hindi ko


maidilat ang mga mata na nagtungo sa banyo at basta na lang ibinababa ang suot na
boxer short. Kahit papaano ay nawala ang hilo ko dulot ng ininom na alak.

Napadilat ako sa narinig na kakaibang ingay. Hindi ako sigurado pero parang mayroon
akong naririnig na umiiyak. Ipinilig ko ang ulo at saka pinindot ang toilet flush.
Guni-guni ko lang siguro iyon. Muli akong nag-dive padama sa kama. Subalit hindi ko
pa naipipikit ang mga mata ay iyon na naman ang kakaibang ingay. At habang
tumatagal ay palakas iyon ng palakas. Itinakip ko sa mukha ang nahagip na unan nang
bigla akong napabalikwas. Hindi ako maaaring magkamali, iyak nga iyon ng isang
sanggol!

Ang lakas nang kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan na lumalabas ng kuwarto.


Nanggagaling ang pag-iyak na iyon sa mismong main door ng unit. I almost jumped in
surprise nang lalong pumalahaw sa pag-iyak ang bata.

Tiyanak kaya iyon? Hindi naman siguro. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung magbubukas
ng pinto. Ngunit mas nanaig ang aking kuryusidad. Wala naman sigurong maligno sa
modernong panahon ngayon. Gayunpaman ay dinampot ko ang nahagip na payong. Mabuti
na rin ang handa. I count one to three and opened the door. Bumulaga sa paningin ko
ang isang malaking basket sa mismong doorway ko. Napaigtad ako sa gulat nang
makarinig muli ng pag-iyak.

Sa pamamagitan ng dulo ng payong ay inalis ko ang nakatakip na tela sa basket at


lumitaw ang isang maliit na nilalang na patuloy sa pag-iyak. Holy crap! Baby nga
talaga!

Paano nagkaroon ng baby doon? At sa mismong unit ko? Natataranta na bumalik ako sa
loob para sana tumawag ng guard sa ibaba nang muli akong bumalik sa labas. Lalo
kasing pumalahaw sa pag-iyak ang baby at hindi ko malaman ang gagawin. Wala sa loob
na kinuha ko ang sanggol mula sa basket at kinarga. Nakakapagtaka naman na tumigil
siya sa pag-iyak.

It's a baby boy. Doon ko lamang nalaman nang mahubad bigla ang suot niyang diaper
nang buhatin ko. Saka lamang din napansin ang nakaipit na sobre sa ibabaw ng
basket. I think it's a letter. At sa akin naka-address iyon. Ngunit nagimbal ako
sa mga sumunod na nabasa.

Tyrone,

I'm sorry. I don't have a choice but to leave him to you. He is yours. Our baby.
Please take care of him.

My baby?! Hindi makapaniwala na tinitigan ko ang bata. Then our eyes met. Dark eyes
meets dark eyes. At that very moment I saw the similarities. No way. It can't be!

CYRHEL

"Thank you, Suho... I mean Kevin. I'm really glad to meet you."

"Me too. See you around, Cyrhel," he said, still smiling. Magmula yata kanina ay
hindi nawawala ang mga ngiti niya na lalo lamang nagpapasingkit ng kanyang mga
mata.

Hanggang sa magsara ang elevator ay patuloy pa rin akong kinikilig. Sa twenty-


second floor ang destinasyon niya habang ako naman ay sa twentieth. Heavens! Hulog
talaga siya ng langit sa akin. Buong akala ko ay puro kamalasan na lang ang
mararanasan ko ngayong gabi. May natitira pa palang akong suwerte. Hindi lang
suwerte, para na rin akong naka-jackot. Makita ko lang kahit ang ka-doppelganger ni
Suho ay gusto ko nang himatayin. Shemay, ang guwapo niya talaga!

Hindi na ako nagtaka kung bakit malaki ang pagkakahawig niya sa paborito kong kpop
idol. Kevin is a half-Filipino and half-Korean. Ang mother niya ang korean. Doon
siguro namana ng binata ang singkit niyang mga mata. Iyon nga lang, nineteen
lamang si Kevin. Ahead ako ng four years sa kanya. Gayunpaman wala namang masama
kung magka-crush ako sa isang tulad niya

Maen cheoeum ne kkum, ne mal, geu nunmulboda jinhan

Tto cheongugui nektaboda dalkomhaetdeon

Yes, you are my baby baby baby, baby baby baby

Napakanta tuloy ako habang binabaybay ang mahabang hallway na iyon nang bigla akong
mapahinto. Reality strucked me. Nasa harapan na ako ng unit ng kapatid. Subalit
paano naman ako makakapasok doon kung wala naman akong susi?

Iniangat ko ang door map, gayundin ang dalawang paso ng halaman sa magkabilang side
ng pintuan. Nagbabakasali na roon itinago ni Kuya Vince ang susi ng unit niya. Nang
wala akong makita ay pinihit-pihit ko ang doorknob. Naka-locked talaga iyon. Naisip
kong bungguin ang pinto ngunit sa ginawa ay tumalbog lamang ang katawan ko.

Nanlulumo na sumalampak ako sa sahig. Hindi nga ako sa kalsada magpapalipas ng gabi
kundi sa hallway na iyon. Wala na akong ibang mapupuntahan. Sana pala sinamantala
ko na ang kabaitan ni Suho, este ni Kevin at nakituloy muna ako sa unit niya kahit
isang gabi lang.

Biglang kong naisip si Mark. Mula sa kinaroroonan ay natatanaw ko ang pinto ng unit
niya. Gustuhin ko man humingi ng tulong sa kanya ay wala naman akong lakas ng loob.
Napakasungit kaya ng doktor na iyon. Malamang baka isumbong pa niya ako kay Kuya
Vince kapag nalaman niya na naglayas ako.

Muli akong nag-isip. Ewan pero biglang sumagi sa isipan ko si Tyron. Kung hindi ako
nagkakamali ay doon din sa building na iyon nakatira ang binata. Tama! Doon na
lamang ako makikituloy. Bagaman alam ko na tatanggihan niya ako ay may naisip akong
strategy na maaari kong gamitin sa kanya.

Sa halip na mag-elevator ay naghandanan na lamang ako pababa. Nasa seventeenth


floor ang pad ni Tyron at base sa matalas kong memorya ay nakaharap ang unit niya
sa Manila Bay. Pumihit ako pa-west at tinungo ang pangalawang pinto. Inayos ko muna
ang sarili bago pinindot ang doorbell. Hindi nagtagal ay nagbukas ang pinto. Tuluy-
tuloy akong pumasok sa loob.

"Sorry to disturb you, Tyron, pero may susi ka ba ng unit ni Kuya-" Napatigil ako
sa pagsasalita nang makita siyang may karga na bata. "Oh my! Mayroon ka ng anak?"
Bulaslas ko sa nanlalaking mga mata.

Saka lamang nakabawi si Tyron sa kabiglaan. Hindi niya inaasahan ang pagsulpot ko.
"H-hindi ko ito anak." Sa sinabi niya ay bigla na lang pumalahaw ng iyak ang baby.

"Kung hindi mo siya anak, kanino?"

"Hindi ko alam. Basta na lamang iniwanan dito sa tapat ng pintuan ko."

"Anak mo yata iyan! Magkamukha kayo eh!"

"Hindi ko nga sabi anak ito!"

"Huwag ka ng mag-deny. Promise, hindi ko ipagsasabi kahit kanino. Your secret is


safe with me."

"Hindi nga sabi! Will you shut up!" Sigaw niya sa batang karga-karga. Lalo tuloy
nag-iiyak ang sanggol.

"Patulan ba pati ang bata? Akina na nga iyan!" Hindi ko alam kung anong pumasok sa
isip at kinuha ko ang baby kay Tyron. "Ssshhh... tahan na baby." Nakakapagtaka
naman na tumigil siya sa pag-iyak . "She likes me!" Nakangiting sabi ko.

"He's a boy."

"Oh!" Sinilip ko ang kasarian ng bata at dahil wala naman siyang suot na diaper ay
napagtanto ko na tama si Tyron. "Meron kang patotoy, boy ka nga!" Humagikgik ang
bata sa pagkamangha naming dalawa. "He really likes me, Tyron. Hindi siya nagmana
sayo," wika ko na hindi lumilingon sa kanya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko siya anak?"


I rolled my eyes. "Fine! Magdeny ka hanggat gusto mo. Oo nga pala, may susi ka ba
ng unit ni Kuya Vince?" Saka ko lang naalala ang tunay kong sadya sa kanya.

"Bakit mo tinatanong?" Balik-tanong ni Tyron, hindi inaalis ang tingin sa aming


dalawa ng bata.

"Sagutin mo ang tanong ko. Meron o wala?"

"Wala."

"Sigurado ka?"

"Kahit may susi ako hindi ko ibibigay sa'yo."

Sumimangot ako. "Ang sama mo talaga!"

"Matagal ko ng alam na masama ang ugali ko, pagdating lang naman sayo."

Ilang sandali akong nawalang ng kibo. Wala na akong choice kundi i-give up ang
aking natitirang pride for the sake of my future. "Can you do me a favor? Can I
stay here just for one night?"

Agad na umangat ang kilay ni Tyron sa narinig. "Aha! Naglayas ka sa inyo, ano?"
Aniya sa nang-aasar na tinig at nilingon ang bitbit kong maleta.

Hindi ako nakakibo. I'm busted.

"Ano naman ang pumasok sa kukote mo at naglayas ka sa inyo? Sawa ka na ba sa buhay


prinsesa? Naghahanap ka ba ng thrill at twist na mangyayari sa buhay mo? "

"Papayag ka bang mag-stay ako rito o hindi?" Naiinis na tanong ko. Wala akong
tolerance sa panenermon niya.
"Hindi!"

Takte naman! Napakawalang puso talaga niya. "Kahit ngayon gabi lang, please..." At
the back of my mind, gustong umiikot ang mga mata ko.

"Ayoko!" He squared his arms.

"Kung gusto mo, ako na muna ang mag-aalaga sa baby mo. I'll help you to take care
of him, bilang kapalit ng pagpapa-stay mo sa akin."

Nag-isip pa kunwari si Tyron. Akala ko pa nga ay papayag na siya, ngunit iba ang
lumabas sa kanyang bibig. "Ayoko pa rin!"

Buraot!

"Kung ayaw mo, eh di huwag!" Basta ko na lamang ibinalik sa kanya ang baby at
walang likod-lingon na nagmartsa patungo sa pinto. Muling pumalahaw ng iyak ang
bata. Tila humahabol sa akin. Hindi naman malaman ng binata ang gagawin para
patahanin ito.

"Cyrhel, wait!"

Eksaktong nasa tapat na ako ng pinto nang bigla akong huminto na may ngiti sa aking
mga labi.

Chapter Four: Instant Father

Chapter Four: Instant Father

CYRHEL

"He fell asleep," I said smiling habang maingat na inilalapag ang


bata sa sofa. Never in my life na nag-alaga ako ng isang baby. Kahit ako mismo ay
nagtaka kung paano ko iyon nagawa. Woman instinct siguro ang dahilan. Naman! Maaari
na pala akong maging nanay. At kung may pipiliin ako na maging tatay ng anak ko ay
si Suho iyon, este si Kevin pala. Siguradong magaganda at guwapo ang magiging mga
supling namin dalawa.

"How did you do that?"

Napaigtad ako sa lakas ng boses ni Tyron. Bahagya namang gumalaw


ang bata. Mabuti na lamang at nahihimbing pa rin siya. "Ssshh! Baka magising mo si
Baby Ron-Ron," saway ko sa mahinang tinig.

"Baby Ron-Ron?" Kumunot bigla ang kanyang noo.

"Hindi mo ba pwedeng hinaan ang boses mo?" banayad akong asik sa


binata. Pakiwari ko ay nananadya talaga siya.

Nagkibit-balikat lamang si Tyron sabay iling.

"Kinuha ko ang name niya sa pangalan mo at di-hamak na mas


magandang pakinggan iyon kaysa sa Tyron Jr."

Agad siyang nagprotesta. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo, he's


not mine. Hindi ako ang ama ng batang iyan!"

"Hindi mo maipagkakaila na sayo talaga siya. See? He really looks


like you." Maingat kong ipinaling ang mukha ng bata sa direksyon ni Tyron.

Sa halip ay nag-iwas ng tingin ang binata. Mukhang hindi pa rin


niya matanggap ang katotohanan. Kung sabagay, kahit ako ang malagay sa posisyon
niya ay ganon din ang mararamdaman ko sa hindi inaasahang pagsulpot nito.

Sa tantiya ko nasa eight to ten months old na si Baby Ron-Ron kung


ang pagbabasehan ko ay ang laki niya. Malaking bulas ang bata, maputi at matangos
ang ilong. Ngunit ang unang kumuha ng atensyon ko ay ang pares ng maiitim niyang
mga mata, katulad na katulad ng mga mata ni Tyron.

"Anong plano mo sa baby?" Naisip kong itanong habang nakatitig sa


binata. Sa nakikita ko sa kanya ay mukhang wala siyang balak na kupkupin ang bata.
"Hindi ko pa alam. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip," he said
drily. Naisuklay niya ng kamay ang magulong buhok.

"Kung talagang nagdududa ka na sayo ang bata, bakit hindi mo siya


ipa-DNA test?" Suhestiyon ko.

"Naisip ko na rin iyon. Kaya lang gusto ko munang malaman kung sino
ang nanay ng batang iyan."

Kanina lamang ay pinahagalugad ni Tyron sa security ang mga CCTV sa


buong building. May mga nakita silang kuha ng isang babae na bitbit ang isang
malaking basket na mismong pinaglagyan ni Baby Ron-Ron. Ngunit hindi mamukhaan ang
babae dahil nakataklob sa ulo nito ang hood ng suot nitong jacket. At base sa damit
nito may hinala ako na siya rin ang babaeng nakasalubong at bumangga sa akin sa may
entrance. Kaya pala nagmamadali ito dahil mayroong tinatakasan.

"Baka naman isa sa mga ex mo ang nanay ni Baby Ron-Ron. At baka may
nabuntis ka sa kanila nang hindi mo nalalaman."

"Imposible."

"Anong imposible doon? Lalaki ka, babae siya. Maliban na lang


kung-" Sinadya kong i-pause ang sasabihin na sinabayan nang panlalaki ng mga mata.

"Hindi ako baog, okay?" Angil niya sa akin. "Wala sa lahi namin ang
baog."

"Fine!.Naniniguro lang naman ako."

He narrowed his eyes. "Aminin mo nga sa akin Cyrhel, ikaw ba ang


nag-iwan ng bata dito sa pad ko? Hindi kaya ikaw ang nanay ng bata?"

My eyes widened. "Nanay ka dyan. Virgin pa kaya ako!" Huli na para


bawiin ko ang sinabi.

"Virgin?" He smirked.
Nag-init ang tenga ko sa nakitang reaksyon niya. I grabbed a
feeding bottle and chucked it at him. He caught it before it broke his nose.
Nakakaloko na ngumiti pa siya. Kung mayron lang talaga ako mapupuntahan ay hindi
talaga ako magtitiyaga na makasama ang isang tulad niya.

Walang babala na ihinagis ni Tyron pabalik sa akin ang feeding na


bottle na maagap ko naman nasalo. "Matulog na tayo," he said yawning. "Maaga pa
akong gigising bukas."

"Saan ako matutulog?" Excited na tanong ko.

"Dito, sa sala."

Nadismaya ako sa narinig. Akala ko pa naman ay mailalatag ko ang


pagod na katawan sa malambot na kama. "Si Baby Ron-Ron saan?"

"Dito rin, kasama mo."

"Dito mo papatulugin ang bata?" I exclaimed. "Ang lamig-lamig kaya


dito."

"Hinaan mo na lang ang aircon," kaswal na sagot niya at muling


naghikab.

"Pero Tyron?" Magproprotesta pa sana ako ngunit tila walang narinig


na tinungo ng binata ang sariling silid. Dalawa naman ang bedroom sa pad niya.
Bakit kaya hindi na lang niya ipaggamit sa amin ang isang kuwarto? Wala talaga
siyang pakialam. Hindi na bale sa akin, pero sana man lang ay inisip niya ang
kalagayan ng bata. Walang awa. Kung isumbong ko kaya siya sa Bantay Bata?

"Baka gusto mo akong bigyan ng unan at kumot?" Pahabol na sabi ko


ngunit tuluyan nang nakapasok ang binata sa silid niya at nagsara ng pinto.

Nagsisintir ang kalooban na nilapitan ko ang aircon at hininaan


iyon. Gayunpaman ay malamig pa rin ang buong paligid. "Dalawa tayong maninigas dito
sa lamig," sabi ko sa batang nahihimbing sa sofa. Mabuti na lamang at kumpleto ang
mga gamit ni Baby Ron-Ron. Kahit papaano ay nagmalasakit ang nanay niya. Kumpleto
sa mga gamit ang bata magmula sa feeding bottle, gatas, diaper, ilang pares ng
damit at dalawang blanket. Ang isa ay ginawa kong panapin kay baby habang ang isa
naman ay pinangkumot ko sa kanya.

Naghalungkat na lang ako ng makapal na damit sa dalang maleta upang


may panlaban ako sa lamig. Pagkatapos ay kinuha ko lahat ng mga throw pillow at
hinilera iyon sa sahig upang gawin higaan. Para na rin akong nahiga sa malambot na
kama. Ilang sandali pa ay hinila na siyang tuluyan ng antok.

TYRON

I woke up with a smile on my lips. I'm silly and light. Ito ang
unang pagkakataon na nagising ako na walang hang-over mula sa paglalasing ng
nagdaang gabi. My birthday is over. Hindi man lang ako naging masaya sa aking
espesyal na araw. But life must move on. Hindi na rin naman ako bata para
magmukmok dahil lang doon.

Pagkagaling sa banyo ay lumabas ako ng silid at dumiretso sa


kitchen. Pagkatapos kong magsalang ng kape sa coffee maker ay binuksan ko ang
fridge at nag-scan ng maaari kong makain. Maliban sa tubig, beer in can at fresh
milk ay wala nang ibang laman ang ref. Hindi pa pala ako nakakapag-grocery.
Pinagtiyagaan ko na lang tuloy ang natitirang cereal sa cupboard kaysa naman sa
wala akong almusalin.

Nakakailang subo pa lang ako nang makarinig ng iyak ng baby.


Naibuga kong bigla ang nasa bibig nang mag-flashback sa isipan ang mga nangyari ng
nagdaang gabi. Nagmamadali akong sumugod sa sala. Naabutan ko ang sanggol na
umiiyak sa ibabaw ng sofa. Habang nasa sahig naman si Cyrhel na nahihimbing sa
pagtulog. Buong akala ko ay panaginip lamang ang lahat ng iyon.

"Nooooo!" Sigaw ng ko. Halos um-echo ang boses ko sa buong pad.


Lumakas lalo ang pag-iyak ng baby. Habang si Cyrhel ay tulog na tulog pa rin.

"Hoy babae, bumangon ka na dyan!" Nang hindi siya magising ay


marahan kong sinipa ang dalaga sa paa. Umungol lamang siya at bahagyang kumilos.
"Cyrhel, gumising ka na!"

"K-kuya naman, maaga pa!" She said huskily. Kumilos siya para
lamang talikuran ako.

"Cyrhel!" Nilakasan ko ang boses at naiinis na niyuko siya.


Hinawakan ko ang dalaga sa magkabilang balikat at niyugyog na halos maalog ang
kanyang utak. "Gumising ka na!"

"Istorbo naman ito!" Umangat ang kamay ni Cyrhel at hinampas ako ng


throw pillow sa mukha. Nabitiwan ko tuloy siya dahilan para mauntog ang ulo niya sa
sahig. "Aray naman!" Saka lamang siya nagmulat. Tila nagulat pa siya nang makita
ako. Pagkatapos ay luminga siya sa paligid. Doon pa lamang siguro nag-sink in sa
isipan kung nasaan siya.

"Baka gusto mong tumayo na dyan?" Banayad kong asik habang


nakatunghay sa kanya. Biglang bumangon si Cyrhel at nagkauntugan ang aming mga noo.
Namilipit sa sakit ang dalaga. Sapu-sapo ko naman ang nasaktan na noo.

"Isang-isa na lang talaga, Cyrhel ihahagis na kita palabas ng pad


ko!"

"Nakaharang ka kasi dyan!"

"Patahanin mo nga si baby. Ang ingay-ingay!" Reklamo ko.

"Bakit hindi ikaw ang magpatahan? Ikaw naman ang tatay," pasinghal
na sabi niya. Ngunit hindi rin niya natiis ang bata. "Tumabi ka dyan!"

Maingat na binuhat ni Cyrhel ang bata at inugoy sa mga bisig.


"Sshh..." Subalit hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak. Dinampot ng dalaga ang
feeding bottle. "Wala na siyang gatas. Tyron, ikuha mo ako ng maligamgam na tubig,"
utos niya sabay abot sa akin ng bote.

"Huwag mo akong utusan. Kung gusto mo ikaw ang kumuha sa kusina."

"Kung ayaw mo, ikaw na muna ang magbuhat kay Baby Ron-Ron," aniya
at basta na lamang inabot sa akin ang bata.

"T-teka..."

Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Baby Ron-Ron. Hindi ko naman


malaman ang gagawin. Naisip ko na gayahin ang ginawa ni Cyrhel kanina. Inugoy ko
ang bata sa mga bisig at nag-humming. Nakakapagtaka na tumahan naman siya. Nang
huminto ako sa pag-ugoy ay muling umiyak si Baby Ron-Ron. Inugoy ko siyang muli at
nag-humming. Saka lamang naramdaman ng palad ko ang mainit na likido sa may bandang
puwitan niya.

"Cyrhel, nagweewee si Baby!"

"Puno na siguro ang diaper niya. Palitan mo!" Ganting sigaw ng


dalaga mula sa kusina.

Natataranta na sumunod naman ako. Maingat kong inihiga ang bata sa


sofa. "Paano ba tanggalin ito?" Tanong ko sa sarili habang hindi malaman kung paano
maaalis ang diaper ng bata. "Cyrhel, ano ba? Bilisan mo dyan!" Muli kong sigaw.

"Sandali lang naman!"

Basta ko na lamang tinanggal ang diaper nang kung paano na lang.


Pagkatpos ay iniabot ko ang mga gamit ng bata at kumuha ng bagong diaper. Muli,
hindi ko na naman alam kung paano isuot iyon sa kanya. Damn! Wala sa loob na
napamura ako ng malakas. Pumalahaw naman ng iyak si Baby Ron-Ron. Lalo lamang tuloy
akong nataranta.

"Tumigil ka na please..." sabi ko sa pagbabakasakaling tumahan ito.


Ilang sandali ay lumabas ng kusina si Cyrhel. "Bakit ang tagal mo?" Singhal ko.
Kanina pa naiirita ang tenga ko sa ingay.

"Hinugasan ko pa kaya ang feeding bottle ni Baby Ron-Ron."

Iniabot ko ang bata sa dalaga. "Ikaw na ang bahala sa kanya. Utang


na loob, Cyrhel, patahanin mo na siya!" Inabot naman niya sa akin ang bote.

Nagtataka na tinitigan ko iyon. "Ikaw ang magtimpla ng gatas ni


Baby," utos ni Cyrhel.

"Bakit ako?"

"O sige, ikaw ang magpatahan kay baby, ako ang magtitimpla." Muli
sana niyang iaabot sa akin ang bata ngunit pahablot na kinuha ko sa kanya ang
feeding bottle. "Nasaan ang gatas niya?"
Ininguso ni Cyrhel ang ibabaw ng center table.

"Ilang takal?" Hindi maipinta ang mukha na tanong niya.

"Dalawa...Tatlo pala! Teka, dalawa lang yata...pero pwede na siguro


ang tatlo."

Sinulyapan ko siya nang matalim subalit dedma lamang ang dalaga.

"Bilisan mo, nagugutom na si Baby Ron-Ron." Nagmamadali naman akong


tumalima. Teka! Parang nabaliktad yata ang sitwasyon.

Sabay kaming napalingon ni Cyrhel sa pintuan nang tumunog ang


doorbell. Nagpalitan kami ng tingin pagkatapos. "Oh god!" Napatayo akong at
nagmamadaling iniligpit ang nakakalat na gamit ng bata sa sala. "Dali, doon muna
kayo ni baby sa kuwarto ko."

"Huh?" Nagtatakang nakamasid lang sa akin si Cyrhel. "Bakit? May


ine-expect ka bang bisita?"

Hindi ako kumibo. Wala na akong panahon para magpaliwanag. Muling


tumunog ang doorbell at lalo akong nataranta. Bitbit ang mga gamit ng baby ay
itinulak ko si Cyrhel papasok ng kuwarto. "Dito lang kayo. Huwag kayong lalabas
hangga't hindi ko sinasabi. And please Cyrhel, patahanin mo si baby. Hindi pwedeng
malaman ni mommy na nandito ka, lalo na ang batang iyan!" Dahil hindi nagawang
makapunta ng ina kahapon sa mismong birthday ko, ngayon araw niya ako bibisitahin.
Lagot! Naging leche plan na ang buhay ko!

Chapter Five: Instant Babysitter

Chapter Five: Instant Babysitter

CYRHEL
"Umalis na sila. Maaari na kayong lumabas," wika ni Tyron nang
buksan niya ang pinto ng banyo. Ang tinutukoy niyang sila ay ang mga security
personnel na nag-iimbestiga sa misteryosong babae na nagdala ng bata sa pad ng
binata. Hindi naman pala ang nanay niya ang dumating.
Hindi maipinta ang mukha ko nang humakbang palabas, nasa bisig ko
si Baby Ron-Ron na nakakapagtakang naging tahimik magmula kanina. Mahigit kumulang
kalahating oras kaming nagtago roon. Tiniis ko ang init at gutom. Halos maligo ako
sa sariling pawis ngunit tila wala naman pakialam si Tyron.
"I need to go to work. Ikaw na muna ang bahala kay baby," aniya
nang humugot ng tuwalya sa drawer upang maghandang mag-shower. "Huwag kang
magpapasok nang kahit na sino at huwag kang lalabas lalo na at kasama mo ang bata.
Mahirap na at baka may ibang makakita sa inyo at-"
Basta ko na lamang inabot sa kanya si Baby Ron-Ron. "Gusto ko lang
ipaalala sayo na hindi ako ang nanay ng bata at mas lalong hindi ako ang yaya
niya," sabi ko at tuluy-tuloy na lumabas ng kuwarto.
"Cyrhel..." Hinabol ako ni Tyron. "Teka lang, hindi mo pwedeng
iwanan sa akin ang bata."
"Nagmagandang-loob akong alagaan si baby bilang kapalit nang
pagnanatili ko rito at nagpapasalamat ako dahil pinatulog mo ako sa pad mo kahit
labag sa iyong kalooban," sarkastikong wika ko na hindi tumitingin sa kanya habang
abala sa pagliligpit ng mga gamit sa maleta. Kung hindi dahil kay Baby Ron-Ron ay
hindi naman siya mapipilitan na pumayag.
"Hindi ba pwedeng lubus-lubusin mo na ang pagmamagandang-loob mo?"
Doon nag-angat ako nag-angat ng tingin. Ang kapal talaga ng mukha
ng bakulaw na ito!
"Wala na! Inubos mo na!" Singhal ko sabay pihit patungo sa pinto.
Hindi ko na matitiis ang pag-uugaling mayroon siya. Abusado na, user pa at kung
makapag-utos daig pa si Kuya Vince. Mag-bestfriend nga silang dalawa.
"Tumabi ka nga!" Hinarangan ni Tyron ang daraanan ko. Subalit kahit
anong pag-iwas ang gawin ko ay ayaw niya akong bigyan ng daan. Para tuloy kaming
naglalaro ng patintero.
"Hindi ako papayag na umalis ka!"
"Wala kang karapatan na pigilan ako!"
Pumalahaw nang iyak si Baby Ron-Ron. Nakipagsabayan pa siya sa
pagsisigawan namin ng binata.
"See? Kahit ang bata ay ayaw kang paalisin."
"Ikaw ang higit na dapat mag-alaga sa bata dahil ikaw ang tatay
niya."
"Pero ikaw ang kailangan niya."
Parang tukso naman na itinaas ni Baby Ron-Ron ang mga braso at
gustong sumama sa akin. Mabilis akong umiwas.
"Sorry, baby." Masisira ang mga plano ko kung paiiralin ko ang awa.
Hindi ako umalis sa poder ng mga magulang para lamang maging tagapag-alaga ng isang
baby. "I need to go."
Hinarang ng binata ang katawan sa tapat ng pintuan. "Cyrhel, huwag
mo kami iwanan dalawa ni Baby Ron-Ron. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala
ka," maramdaming wika ni Tyron kasabay ng malakas na pag-iyak ng bata. Parang
eksena lang sa isang telenobela. And to my surprised lumuhod pa siya sa harapan ko.
"Tyron, para kang sira. Tumayo ka nga dyan!"
"Cyrhel, please... Kailangan kita sa buhay ko ngayon. Paano na lang
ako kung mawawala ka?"
Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. "Hindi mo naman ikakamatay
ang pag-aalaga kay Baby Ron-Ron."
"Pero hindi ko kakayanin kung mag-isa lang ako. Malay ko bang mag-
alaga ng baby. Besides, may trabaho ako, wala akong mapag-iiwanan sa kanya."
"Eh di dalhin mo sa trabaho."
"Walang ibang puwedeng makaalam ng tungkol kay Baby Ron-Ron maliban
sa'yo. Ikaw lang ang maaasahan ko."
Parang nakikinita ko na ang magiging reaksyon ng mga kaibigan niya
sa oras na malaman ang tungkol sa bata.
"Please, please..." pagsusumamo pa ni Tyron habang patuloy na
nakaluhod sa aking harapan.
Humugot ako nang malalim na paghinga. Kahit pa siguro tumalon ako
sa bintan ay hindi ako makakawala sa kanya. "Fine. You win."
Biglang nagliwanag ang mukha ni Tyron. "Hindi ka na aalis?"
"May choice ba ako?" Hindi naman ganon katigas ang puso ko kahit pa
mainit ang dugo ko pagdating sa kanya. Actually, nag-aalala ako para sa kapakanan
ng bata. Tama si Tyron, malay nga ba niyang mag-alaga ng baby?
Nagmamadaling tumayo ang binata at niyakap ako sa labis na tuwa.
Agad ko siyang itinulak. "Hindi tayo close!"
"Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis," nakangisi na sabi
niya at tangkang iaabot sa akin ang baby nang muli akong magsalita.
"Magkano ang salary ko?"
Biglang nagkasalubong ang mga kilay ni Tyron. "Salary?"
"Alangan naman na alagaan ko ang anak mo ng libre. Hoy, sa panahon
ngayon wala ng libre. Kung ayaw mo, eh di wag!"
"May sinabi ba akong ayaw ko?" Napakamot siya ng ulo. Hindi siguro
siya makapaniwala na naisahan ko siya. "Pwede na ba ang two thousand?"
"Duh! Ang kuripot mo naman! Anong mabibili ko sa two thousand?"
Reklamo ko.
"Three thousand?"
"Make it five."
"Four?"
"Seven!"
"Okay, five!"
Subalit muli akong humirit. "How about ten?"
"Cyrhel, habang five lang ang kaya ko."
"Ang kuripot mo talaga!" Bukod sa may mataas siyang posisyon sa
kumpanya ng kanyang pamilya ay kumikita rin siya bilang professional basketball
player. Oo nga pala, matagal na pala siyang hindi nakakapaglaro dahil sa natamong
injury. Gayunpaman, imposible na hindi niya afford ang rate ko. "Basta, take it or
leave it?"
He raised his hand in frustration at patalikod na nagmura. "Kung
may iba lang akong choice, hindi ako magtitiyaga sayo."
"Kung hindi lang ako naaawa sa bata ay kagabi pa kita nilayasan,"
ganting sabi ko. "So, do we have a deal?" Imbes na sumagot ay basta na lamang
niyang inabot si Baby Ron-Ron sa akin. Ibig sabihin ay pumapayag na ang binata sa
demand ko. "Oo nga pala Tyron, gusto ko lang linawin na ten thousand a week ang
rate ko at hindi monthly."
He stared at me in disbelief. Tila gusto pa nga niya akong sugurin
nang bigla siyang may naamoy. "What is that smell?"
Napangiwi ako nang maamoy ang tinutukoy ng binata. "Smell like..."
Agad kong niyuko ang diaper ni Baby Ron-Ron. Mukhang may ginawa siyang milagro.
"Tyron, nagpupu si..." Pag-angat ko ng mukha ay wala na siya sa
harapan ko. Agad siyang nagkulong sa banyo. "Pasaway ka naman baby. First day ko pa
lang sa trabaho nagpupu ka agad!" Hindi ko malaman kung paano tatakpan ang ilong.
Ngayon pa nga lang ay hindi ko na maatim ang mabahong amoy, paano pa kaya kapag
nilinisan ko siya?
"Tyron! Mamaya ka na maligo. Kailangan munang malinisan si baby!"
Nagpapanic na sigaw ko habang kinakalampag nag pinto. Ngunit tila wala siyang
naririnig at nananadya na itinodo pa niya ang pagkakabukas ng shower.
What happened to my plan? Hindi ko maiwasang itanong sa sarili.
Mukhang nagkamali yata ako ng ginawang desisyon. Sa umpisa pa lang ay puro
kamalasan na ang dumapo sa akin. At sinong mag-aakala na mauuwi ako sa pag-aalaga
ng isang baby na hindi ko naman kaanu-ano? Ito ba ang pagbabagong hinahanap ko?
I let out another sigh. Magsisi man ako ay wala na akong magagawa
kundi panindigan ang naging desisyon. Pansamantala ko lang naman aalagaan si Baby
Ron-Ron. Ang mahalaga mayroon akong matutuluyan. Bukod sa makakalibre ako ng
pagkain ay may sahod pa akong maasahan. Magagamit ko ang maiipon na pera para sa
hinaharap.
Hindi ko malaman kung sasagutin o hindi ang tawag sa cellphone. Ito
na yata ang panlimang phone call ni Mama para sa umagang iyon. Bagaman alam kong
nag-aalala siya para sa akin, siguradong sesermunan din niya ako at pipilitin umuwi
ng bahay. Dalangin ko na sana ay hindi niya ma-trace kung saan ako naroroon.
Nakaramdam ako nang pagkalam ng sikmura. Saka ko lang naalala na
hindi pa pala ako nag-aalmusal. Basta na lamang akong iniwanan ni Tyron sa pad.
Bago pa siya umalis ay ang dami pa niyang ibinilin sa akin. Subalit wala yatang
nabanggit ang binata tungkol sa pagkain.
Maingat kong inilapag si baby sa ibabaw ng kama. Mabuti na lamang
at naawa rin si Tyron at pinagamit sa amin ang bakanteng silid sa kabila. "Wala ka
bang balak matulog?" Tila naman naiintindihan ni Baby Ron-Ron ang sinabi ko at
humagikgik siya. "Sleep ka na." Ipinikit ko ang kanyang mga mata pero muli rin
isiyang dumilat. Akala ko kapag pinadede ko ang bata ay makakatulog na siya.
Subalit hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkaantok.
Napilitan ako na muling kargahin si Baby Ron-Ron at kasama ko
siyang lumabas ng silid. Naghagilap ako ng mamakain sa kusina. Ngunit wala naman
akong napala sa ref. Kung hindi tubig ay beer in-can ang laman. Gayundin ang
cupboard na walang kalaman-laman maliban sa isang box ng Coco Crunch na may bawas
at isang cup noodles. Pinili ko ang huli. Pwede ko nang pagtiyagaan iyon kaysa sa
wala. Subalit naisip ko, paano ang lunch ko mamaya? Siguradong gagabihin si Tyron
sa pag-uwi. Alangan na hintayin ko pa siya bago ako makakain. Wala akong balak
mamatay nang dilat ang mga mata dahil sa gutom!
"What's the problem, baby?" Bigla na lamang nag-iiyak si Baby Ron-
Ron habang pini-prepare ko ang aking agahan. "Huwag mong sabihin na gusto mo na
namang dumede?" Tila iyon ang gusto niyang ipahiwatig dahil lalong lumakas ang
kanyang pag-iyak. "Baby naman, pakainin mo muna ako. Kung nagugutom ka, mas lalo na
ako." Idinaan ko sa pag-eemote at baka sakaling tumigil siya. Ngunit laking gulat
ko nang bigla na lamang pisilin ni Baby Ron-Ron ang isang dibdib ko.
"Oo na, ipagtitimpla na kita!" Napipilitan na sabi ko at humakbang
patungo sa kuwarto. "As if naman na may madedede ka sa dibdib ko."
TYRON
"Excuse me..." Napatayo ako sa kalagitnaan ng meeting at lumabas ng
board room. Agad kong sinagot ang cellphone na kanina pa nagba-vibrate. "Naman
Cyrhel! Alam mo ba na nasa meet-"
"Alam mo rin ba na mamamatay ako sa gutom dito sa pad mo? Wala ka
man lang stock ng pagkain. Ano ang gusto mong kainin ko?" Halos ilayo ko sa tenga
ang phone sa lakas ng boses ng dalaga. Kung alam ko lang, sana ay hindi ko na
lamang ibinigay sa kanya ang number ko.
"Magpa-deliver ka na lang."
"Gustuhin ko man, wala akong pambayad. Wala akong pera."
Naisuklay ko ang mga daliri sa buhok. Pati ba naman iyon ay
proproblemahin ko pa. "Diet ka naman di ba? Okay lang na mag-skip ka ng meal
paminsan-minsan."
"Buong araw mo akong hindi pakakainin?" She exclaimed. "Papatayin
mo talaga ako sa gutom!"
"Don't worry, hindi ka pa mamamatay agad. Marami namang tubig sa
ref. Sapat na iyon upang maka-survive ka," pang-aasar ko pa. Parang nai-imagine ko
ang panlalaki ng mga butas ng ilong ni Cyrhel.
"Kung ipa-deliver ko kaya si Baby Ron-Ron sa office mo? Tignan ko
lang kung maka-survive ka sa kahihiyaan!" Galit na galit na sabi niya. Subalit
imbes na mabahala ay bumulanghit pa ko ng tawa.
"I'm serious, Tyron! Kaya kong totohanin ang sinasabi ko!"
"I know..." I said laughing at the same time. "Pero dahil wala kang
pera hindi mo magagawang mag-commute papunta rito."
Napatili si Cyrhel sa sobrang inis. Halos mabitiwan ko ang
hawak na cellphone. "I swear, pag-uwi mo rito wala na ako. Bahala kang mag-alaga
kay Baby Ron-Ron!" Pagkatapos ay bigla na lamang siyang nawala sa kabilang linya.
Agad naman akong nag-return call at sinabi sa dalaga na ako na
lamang ang magpapadeliver ng pagkain para sa kanya. Ang totoo ay inaasar ko lamang
siya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa pakikipag-usap sa kanya.
"What's with that smile, son?" Tanong ni Dad nang lumapit sa akin..
Hindi ko namalayan ang paglabas niya sa board room.
"Nothing, dad!" I said, still smiling. Hindi ko pa rin maiwasan
matawa kapag naaalala ang reaksyon kanina ni Cyrhel. Nag-enjoy ako ng husto sa
pang-aasar sa kanya.
"Hmm...babae ba ang dahilan?" Amused na tanong niya.
"Where are you going?" Pag-iiba ko ng usapan. "Tapos na po ba ang
meeting."
"Not yet. Tumakas lang ako sandali. I need to make a phone call to
your Uncle Chito. Kapapanganak lang ng asawa ni Oliver and this time it's a boy."
Ang tinutukoy ng ama ay ang nababata niyang kapatid na nasa states at anak naman
nito si Oliver na pinsang buo ko naman
"Really? Mayroon na palang tagapagmana si Uncle," wala sa loob na
sabi ko.
Nangingiti na tinitigan ako ni Dad. "How about you, son? Kailan mo
naman balak bigyan ako ng apo na lalaki?"
Pakiwari ko ay nawalan ng kulay ang aking mukha. Hindi ko inaasahan
ang tanong na iyon. "Just kidding, son," bigla niya akong tinapik sa balikat.
"Ayokong isipin mo na pine-pressure kita pero parang ganon na rin iyon,"
nakakalokong sabi niya na sinabayan ng marahang pagtawa.
Pilit ang ngiting isinukli ko at naging mailap ang aking
pakiramdam. What if anak nga ko si Baby Ron-Ron?Ano kaya ang magiging reaksyon ng
mga magulang kapag nalaman nila ang tungkol sa bata? Matatanggap kaya nila?

Chapter Six: Stressful Day

Chapter Six: Stressful Day

CYRHEL

Nagmamadaling akong lumabas ng unit pagkatapos kong makatanggap ng


text mula kay Tyron. Nai-deliver na raw ang pagkain na hinihintay ko. At dahil
hindi pwedeng i-deliver iyon sa mismong unit ng binata for "security tsismis
purpose" daw ay napilitan akong bumaba sa guard post.

"Magandang umaga, Manong Ed!" Masiglang bungad ko sa guwardiyang


naka-duty. Halatang nagulat siya nang makita ako.

"Mam, kelan pa kayo nag-i-stay sa unit ng kapatid mo?"

"Kahapon lang po," pagsisinungaling ko. "Manong, maaari ko bang


makuha 'yung pinadeliver kong pagkain?" Kinuha ng guwardiya ang isang supot at
inabot sa akin. "Bakit hindi mo na lang pinahatid ito sa itaas? Hindi ka na sana
bumaba."
"Okay lang po. Parang exercise ko na rin ito nang mabawasan naman
ang fats ko sa katawan."

Ang lakas ng tawa ni Manong Ed. "Eh di sana ay naghagdan ka na lang


pala."

Pilit akong ngumiti kahit na medyo nainis ako sa sinabi niya.


Alangan naman maghagdan ako mula seventeen floor hanggang ground floor. Lawit ang
dila ko panigurado.

Pagsakay ng elevator ay agad kong sinilip ang laman ng supot. Ano


kaya klaseng pagkain ang inorder ni Tyron para sa akin?

"Hi!" Mabilis akong nag-angat ng tingin sa bagong dating. Oh my! Si


Suho, este si Kevin pala.

"Hi..." ganting bati ko na hanggang gilagid ang pagkakangiti.

"Nagtake-out ka ng pagkain?" Tanong niya at ininguso ang bitbit


kong supot. Umiling ako.

"Nagpadeliver lang ako."

"Mayroon resto d'yan sa kabilang kanto. Doon ako bumili," aniya at


iniangat ang bitbit na plastic bag. "Mura na, masarap pa. Next time magpabili ka na
lang sa akin."

"Nakakahiya naman sayo."

"Okay lang. No big deal." And to my surprised, hinihingi ni Kevin


ang cellphone number ko. "Save my number," he said smiling pagkatapos niyang
imiskol ang phone ko. "Kung may kailangan ka, huwag kang mahiya na magtext sa
akin."

"Okay." Bagaman kinikilig ay hindi ako nagpahalata. Eksakto naman


na bumukas ang elevator. Palabas na sana ako nang pigilan ni Kevin. "Hindi ba sa
twenty floor ka pa?"
"O-oo nga pala. Nagkamali siguro ako ng pindot ng button,"
pagdadahilan ko. Ang alam nga pala ng binata ay sa unit ako ng kapatid tumutuloy.
Hindi na lamang ako kumibo nang pindutin niya ang button sa twenty floor.
Maghahagdan na lang ako pababa ng seventeen floor.

"Baby Ron-Ron, I'm back!" Dumiretso agad ako sa kuwarto pagdating.


Subalit ganon na lamang ang kabog ng dibdib ko nang hindi ko makita ang bata sa
ibabaw ng kama. Doon ko lamang siya iniwan kanina. "Baby, nasaan ka na?" Naisip ko
na baka nahulog na siya sa sahig. Ngunit nakakapagtaka na wala siya sa paligid.

Nagpapanic na lumabas ako at lumipat sa kuwarto ni Tyron.


Nagbakasali na baka roon ko naiwan ang bata. Ngunit wala rin siya roon. Sa
pagkataranta ay natabig ko tuloy ang naka-display na kabayong pigurin sa ibabaw ng
drawer ng binata at nabasag iyon. Hindi lang pala isa, kundi tatlo. Magkakatabi
kasi ang mga iyon. Lagot ako kay Tyron!

"Baby Ron-Ron!" Nakarinig ako nang mahinang pag-iyak mula sa sala


at nagmamadaling sumugod. Ganon na lamang ang relief ko nang makita ang baby sa
ibabaw ng sofa. Natakot talaga ako.

"Paano ka napunta rito?" Mangiyak-ngiyak na sabi ko at binuhat si


Baby Ron-Ron. Saka ko lang na-realized na talagang iniwanan ko siya sa sala. Parang
gusto ko tuloy batukan ang sarili.

"Baby, dito ka muna ha!" Akmang ibaba ko ang bata sa sofa nang
bigla siyang pumalahaw ng iyak. "Baby naman! Kakain muna si Yaya." Natigilan ako
nang ma-realized ang huling sinabi. Yaya? Parang hindi bagay sa akin. Mommy?
Mabilis akong umiling. Hindi ko naman kaanu-ano ang bata. Isa pa, hindi ko ma-feel
lalo't si Tyron ang ama.

"Momo!"

"What did you say?" Gilalas na tanong ko. Kung tama ang dinig ko,
tinawag ako ni baby na Momo. Ngunit sa halip na marinig ulit iyon mula sa kanya ay
namimilog ang mga mata na tinitigan niya lamang ako.

"Dito ka lang muna at kakain lang sandali si Momo." Subalit tila


ayaw niyang magpaiwan at muling nag-iiyak. Wala naman akong ibang choice kundi
isama ang bata pagtungo sa kusina. Habang pine-prepare ko ang kanyang tanghalian ay
isang kamay lang ang gumagana sa akin habang ang isang kamay naman ay nakarga sa
kanya. "Huwag kang malikot!" Saway ko. Subalit maliit pa lang ay mukhang sutil na
ang bata. Tinabig niya ang hawak kong mangkok at nabitiwan ko iyon at nagpira-
piraso sa sahig. Mabuti na lamang at hindi ko pa naisasalin ang aking pagkain.
Hindi ko pa ng nalilinis ang mga bubog ay umigkas na naman ang
kamay ni Baby Ron-Ron. Ang baso naman ang natabig niya. Waahh!! Malalagot na talaga
siya kay Tyron. Hiling ko na sana ay hindi bilang ng binata ang mga gamit niya sa
kusina.

Kasalukuyang kumakain ako nang tumunog ang cellphone. Tumatawag si


Mama. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin iyon. Ngunit sa huli ay hindi ko rin
siya natiis. "H-hello, Ma?"

"Cyrhel, where are you?" Napangiwi ako sa lakas ng kanyang boses.


"My god! Pinag-alala mo kami ng husto ng papa mo. Are you okay? Safe ka ba? Nasaan
ka na? Susunduin ka namin-"

"Ma, I'm safe and I'm okay. Don't worry about me. Kaya ko ang
sarili ko."

"Wala kang balak umuwi sa atin?" Sa tono ng boses ni Mama ay parang


umiiyak siya. Parang gusto ko na rin bumulanghit ng iyak.

"Darling, please umuwi ka na." Natigilan ako nang marinig ang boses
ni Papa sa kabilang linya. Hindi ko na napigilan pa ang aking emosyon.

"Papa, I'm sorry." Ang tanging nasabi ko habang patuloy na umiiyak.


I'm a daddy's girl. Bigla tuloy akong na-guilty sa ginawa kong paglalayas. "I can't
go home right now. I hope you understand. Marami pa akong gustong gawin on my own.
But don't worry, Pa, when everything is okay, dadalawin ko kayo. I promise. Sa
ngayon medyo nag-aadjust pa ako sa bago kong environment. But I'll be fine. Ako
pa!" Mahabang lintanya ko at pilit na pinasigla ang tinig.

I heard him let out another sigh bago siya tuluyang nawala sa
kabilang linya. Lalo akong nag-iiyak. Dalawang araw pa lamang akong nawawalay sa
mga magulang ay nami-miss ko na agad sila. Especially, si Papa. Halos isang buwan
ko na rin siyang hindi nakikita dahil palagi siyang nasa business trip out of the
country. Parang gusto ko na tuloy umuwi at mag-back out sa aking plano.

Napahinto ako sa paghagulgol nang mapansin kong matamang nakatitig


sa akin si Baby Ron-Ron. "What? Ikaw lang ba ang may karapatan umiyak?"

TYRON
Naging abala ako maghapon sa trabaho. Mag-aalas kuwartro na ngunit
tambak pa rin ako ng paperworks. Ilang sandali ay bumukas ang pinto ng opisina niya
at iniluwa roon si Adrian, my executive secretary.

"Ilang papeles pa ba ang pipirmahan ko?" Nakasimangot na reklamo


ko. "Sa araw na ito ay nakaka-isandaan na yata ako. Hindi ba pwedeng magpa-
personalize na lang ako ng stamp para itatak ko na lang?"

"Hayaan nyo, Sir. Isa-suggest ko po iyan sa father ninyo,"


nangingiting sabi niya.

"Never mind!" Agad kong pinirmahan ang mga papeles ng kung paano na
lang at saka inaabot iyon kay Adrian. "I hope this is the last for today. Maawa ka
naman sa akin. Magkakakalyo na ang kamay ko sa kakapirma!"

Nangingiti na tinungo ni Adrian ang pintuan nang muli siyang


lumingon. "Sir, may I remind you about your meeting with Mr. Hontiveros at five,"
aniya na nagpaangat ng mukha ko.

Nasapo ko ng palad ang noo. Muntikan ko nang makalimutan ang


tungkol doon. Gustuhin ko man ipa-cancel iyon ay hindi naman maaari. Our meeting is
for business purpose. Mayroon akong ihahain na proposal sa garment company ni
Riley. Malaking achievement iyon sa part ko kung mapapayag ko ang kaibigan.

What now? Nakameywang na tinitigan ko ang mga nagkalat na papeles sa mesa. Paano ko
iyon matatapos in thirty minutes? Unless, marunong akong mag-magic. Nanlulumo na
napaupo ako. Ngayon ko napagtanto na mas madali buhay sa hardcourt. Oh man! Pwede
ko pa bang bawiin ang pinangako ko sa ama?

Kung kailan naman malapit na ako sa meeting place ay saka naman tumawag si Riley
para lamang ipa-cancel ang meeting namin. Halos paliparin ko ang sasakyan sa
kalsada makarating lang ako on time. Pagkatapos ay iyon lang pala ang mapapala ko.
Katwrian ng kaibigan, hindi raw niya matanggihan si Muriel. Nagyaya raw kasi ang
asawa na lumabas at manood ng sine.

"Tyron, spend your time with her. Pagkakataon mo nang magka-lovelife," nakakalokong
sabi ni Riley bago siya tuluyang nawala sa kabilang linya. Paano naman mangyayari
iyon kung dalawang buwan na akong walang nakaka-date?
Pag-uwi ko ay nagkasabay kami ni Mark sa elevator. Palabas ako habang siya naman ay
papasakay.

"Tyron, may ibang tao ba sa unit mo?" Kunot-noong tanong ng kaibigan. Mukhang
kagagaling lang niya sa unit ko.

"W-wala. Ako lang."

"Sigurado ka? May naririnig akong ingay mula sa loob ng unit mo. Parang may ibang
tao." Nagdududa na tinitigan ako ni Mark.

"Maybe it's the television. Nakalimutan ko naman sigurong i-off ang tv pag-alis ko
kanina," pagsisinungaling ko. " May kailangan ka ba?"

"I need a favor." Naging mailap ang mga mata ni Mark at itinaas sa harapan ko ang
bitbit na maliit na kulungan. "I'll be in a medical mission for one week. Walang
mag-aalaga kay Kitkat."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang kulay orange na pusa sa loob ng
kulungan. "Pre naman! Alam mo naman na wala akong hilig sa hayop. At isa pa may
trabaho rin ako. Hindi ko rin siya maaalagaan."

"Hindi naman siya alagain. You can leave her alone. Basta pakain mo lang siya araw-
araw."

"Sorry pre, pero hindi talaga pwede," igit ko. "Kung gusto mo iwanan mo na lang si
Kitty kay Riley. Iyon mahilig talaga sa mga hayop."

"Okay!" sagot ni Mark sabay talikod. Obyus na masama ang loob. "Oo nga pala,
Tyron." Lumingon siya nang may maalala. "Bukas nga pala ang schedule mo ng pado-
donate ng dugo. Libre ka ba ng umaga?"

Sa narinig ay mabilis na kinuha ko sa kamay niya ang kulungan ng pusa. "Ikaw naman
hindi mabiro. Sure, sa akin muna si Kitty. One week lang naman, hindi ba?"

"It's Kitkat, not Kitty."


"Sabi ko nga!"

Langya naman! Puro kamalasan na lang ang dumating sa akin. Noong una si Baby Ron-
Ron, pagkatapos si Cyrhel. Ngayon naman nakisali pa itong pusa ni Mark. Masyado
nang crowded ang pad ko. Overpopulated na kami.

Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Cyrhel na nanonood ng tv sa sala. Karga-


karga niya ang bata na nang makita ako ay biglang ngumiti.

"Nandyan ka na pala," wika ng dalaga na bahagyang lumingon lang sa akin. Ngunit


hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamamaga ng mga mata niya. "May dala kang
food?"

Shet! Wala sa loob na natapik ko ang noo. Nakalimutan kong mag-take out ng dinner.
"Magpapa-deliver na lang ako," sabi ko at basta na lamang inilapag ang bitbit na
kulungan at saka dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref nang
mapansin ko ang mga nagkalat na hugasin sa lababo. Mabilis na uminit ang ulo ko at
lumabas.

"Hindi mo man lang hinugasan ang mga pinagkainan mo!" Asik ko kay Cyrhel.

"Hindi ko mabitiwan si Baby Ron-Ron. Palagi na lang umiiyak," sagot niya na hindi
tumitingin sa akin.

"Hindi mo mabitiwan o nagdadahilan ka lang?"

Hindi siya kumibo. Maya-maya ay nag-iiyak bigla si Baby Ron-Ron. i counted one to
three and control my temper. Bata pa sako para ma-highblood. Sa halip ay dumiretso
na lang ako sa kuwarto upang magimbal sa nadatnan.

"Cyrhel!"
Chapter Seven: First Day Out

Chapter Seven: First Day Out


CYRHEL

"Cyrhel, get up!"


Umungol lang ako at ibinaon ang mukha sa unan. I'm too sleepy that I couldn't open
my eyes. Napuyat ako sa pagpapatulog kay Baby Ron-Ron kagabi. "Go away!" Halos
hindi maintindihan na sabi ko.
"Bumangon ka na dyan! Ipagluto mo ako ng almusal!" Utos ni Tyron.
"Bakit hindi na lang ikaw ang magluto? Ikaw naman ang kakain."
Hinila ako sa paa ng binata at hinulog sa kama. Doon tuluyan nagising ang diwa ko.
"Eto na po!" Napilitan akong bumangon sa kabila ng pananakit ng pang-upo. Kung wala
lang akong atraso sa kanya, hinding-hindi ko siya susundin. Bakit ba kasi
nakalimutan kong linisin ang mga nabasag na pigurin? Kung hindi sana ako nag-iwan
ng ebidensya ay hindi naman niya malalaman. Mabuti na lang din at hindi pa
napapansin ng binata na nagkulang ang mangkok at baso niya.
Parang zombie na naglakad ako patungo sa kusina. Magulo ang buhok, ni hindi man
lang ako nag-abalang maghihimalos o magmumumog man lang. But who cares? Si Tyron
lang naman ang makakakita sa akin. Dedma naman siya sa kagandahan ko.
Binuksan ko ang ref upang isara ulit nang maalala kong wala palang laman iyon.
Tinungo ko ang pantry, naalala ko na mayroon akong natuklasan na ilang pirasong
itlog doon.
"Ano ito?" Nakasimangot na tinitigan ni Tyron ang pagkain sa kanyang plato.
"Scrambled egg, sunny sideup at boiled egg. Kinumpleto ko na para naman may choices
ka." Subalit mukhang hindi niya nagustuhan ang inihain ko. "Huwag ka nang
magreklamo. Iyan lang nakita kong pwedeng mailuto sa kusina mo. Baka gusto mong
mag-effort na mag-grocery?"
Hindi na sumagot si Tyron at pinagtiyagaan kainin ang niluto ko. Kung sabagay wala
naman siyang choice. Mabuti na iyon kaysa sa wala.
"Saan ka pupunta?" Palabas na ako nang pigilan niya.
"Matutulog ulit."
"Hindi pwede. May pupuntahan tayo."
"Pwede bang mamaya na lang? Inaantok pa ako. Alam mo ba kung anong oras na ako
pinatulog ng anak mo?" Ngunit tila walang narinig ang binata.
"Magbihis ka na."
"Fifteen minutes lang please..."
"No!"
"Ten minutes?"
"No!"
"Five minutes?"
"Gusto mong kaladkarin kita palabas?" Banta ni Tyron.
Napanguso na lang ako. Hanggang nasa poder ako ng binata ay hindi ako mananalo sa
kanya. May araw ka rin sa akin!
"Bihisan mo rin si Baby Ron-Ron."
"Kasama si Baby?"
Nakatatlong subo ng kutsara si Tyron bago sumagot. "Ha-hunting-in natin ang nanay
niya."
"Kilala mo na kung sino ang nanay ni Baby?" Pero hindi na muling sumagot ang
binata. Hindi na ulit siya nagbigay ng detalye.
Ewan ko sayo! Palabas na sana nang biglang may kumikis na mabalahibo sa aking
binti. Kasabay ng pagtili ay nagtatakbo ako patungo kay Tyron at mabilis na sumampa
sa ibabaw ng mesa.
"Tyron, may maligno!" I exclaimed. Takot na takot ako na halos magtayuan ang mga
balahibo ko sa katawan.
Natatawang yumuko ang binata. Pagtayo niya ay mayroon na siyang karga na kulay
orange na pusa. "Ano ka ba! Si Kitkat lang ito. Siya ang hello kitty ni Mark."
"Kay Mark?" Paninigurado ko. "Eh, bakit nandito 'yan?"
"Sa akin muna siya habang nasa medical mission ang loko. Dalawa na sila ni Baby
Ron-Ron na aalagaan mo."
"Hindi ba nangangagat iyan?" Hindi ako mahilig sa pusa.
"Nangangalmot, oo!" Inilapag ni Tyron ang pusa sa sahig.
"At least hindi nangangagat."
Dahan-dahan akong bumaba ng mesa. Bagaman mukhang mabait naman si Kitkat ay naroon
ang pangamba ko na baka bigla niya akong atakihin. Pagsayad ng mga paa ko sa tiles
ay bigla naman akong ginulat ni Tyron. Napatili ulit ako at napasampa ng mesa. Ang
lakas ng tawa niya sa ginawang kalokohan.
"Tamang trip ka ngayon, kung ikaw kaya ang pagtripan ko?" Asik ko sa kanya. Sa inis
ay kinuha ko ang plato niya.
"Cyrhel!" Warning niya na hindi ko pinansin. Lalo kong inilayo sa kanya ang plato
na pilit naman niyang inaabot. Subalit ano naman ang panama ko kay Tyron. Di hamak
na mas matangkad siya at mas mahaba ang kanyang mga braso. Naabot niya ang plato at
nakipag-agawan sa akin. Pero hindi ako magpapatalo sa binata. This time, hindi ko
siya hahayaan na manalo.
"Cyrhel, akin na yan!" Buong puwersa na hinila ni Tyron ang plato sa akin. The next
thing we knew, lumipad sa ere ang nasabing plato at humampas iyon sa dingding at
nagkapira-piraso kasama ang almusal ng binata. Bago pa siya makapag-react ay
kumaripas na ako ng takbo palabas ng kusina at dumiretso sa inookupang silid.
Mabilis na ni-locked ko ang pintuan nang marinig ko ang pagsigaw ni Tyron.
Siguradong umuusok ang ilong niya sa galit.

Kanina pa gustong ko pa gusting itanong kung saan kami pupunta. Ngunit wala naman
akong lakas ng loob na magsalita. Magmula nang umalis kami ng condo ay hindi na
maipinta ng mukha ni Tyron. Akala ko pa nga noong una ay sesermunan niya ako sa
nabasag kong plato. Subalit hanggang sa makasakay kami ng kotse ay nanatili siyang
walang kibo. Ganito pala siya kapag bad mood.
Kumunot ang noo ko nang pumasok ang sinasakyan namin sa isang exclusive
subdivision. Kung tama ang memorya ko, nabanggit ni Tyron na pupuntahan daw namin
ang suspected nanay ni Baby Ron-Ron. Kung gayon ay nakapag-imbestiga na pala siya.
Ngayon alam na niya kung sino ang ina ng bata, ibig sabihin rin ay ito na ang last
day ko bilang tagapag-alaga ng kanyang anak.
Wala sa loob na napatitig ako kay Baby Ron-Ron. Sa dalawang araw na nakasama ko ang
bata ay napalapit na siya sa akin nang husto. Sayang dahil maiksing panahon lang
kami nagkasama at sayang din dahil hindi pa ako nagtatagal sa kauna-unahan kong
trabaho ay last day ko na agad. Saan naman ako nito pupunta pagkatapos?
Inihinto ni Tyron ang kotse sa tapat ng isang town house. "Sumunod ka sa akin,"
utos niya nang bumaba ng kotse. Atubiling sumunod ako habang karga si Baby Ron-Ron.
Nakatatlong pindot ng doorbell ang binata bago nagbukas ang pinto.
Isang babae ang bumungad sa amin. She's too tall, halos ka-height na yata niya si
Tyron. And oh my! Napaka-slim niya. Nahiya naman bigla ang mga baby fats ko sa
katawan.
"Darling!" Agad niyang sinalubong si Tyron at walang babala na hinalikan sa mga
labi.
Mabilis na tinakpan ko ang mga mata ni Baby Ron-Ron. Espidgi ang eksena. Patnubay
ng magulang ang kailangan niya.
"I thought you will never see-" She stopped in a midsentence when she noticed us.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngunit mas nagtagal ang mga
mata niya sa karga kong sanggol.
Kinuha ni Tyron si Baby Ron-Ron at basta na lamang iniabot sa babae. "Lanie, why do
you left this baby to me? Are you out of mind? Paano ka nakakasiguro na ako nga ama
niya?"
Awtomatikong kumunot ang noo ng babae at mabilis na ibinalik ang bata sa binata.
Pagkatapos ay isang halakhak ang pinakawalan niya. "Paano ka rin nakakasiguro na
ako ang ina ng batang ito? With this body? Tell me, mukha bang nanggaling siya sa
akin?"
"Ikaw ang nag-iwan sa kanya sa pad ko, hindi ba? Ang mga guard mismo sa condo ang
nagpatunay na ilang beses ka nagpabalik-balik at hinahanap ako."
"Aaminin ko dalawang beses akong pumunta sa pad mo. Iyon ay upang makita ka."
Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib. " It's been two weeks the last you called
me. Hindi mo tinupad ang pangako mo sa akin, Tyron." Binigyan diin niya ang huling
sinabi.
Hindi inaalis ni Tyron ang pakakatitig kay Lanie. Tila tinatanya niya kung
nagsasabi ng totoo ang kaharap.
"So, hindi nga ikaw ang nanay ni Baby Ron-Ron?" Hindi ko napigilang sumabat. Gusto
rin naman makasiguro.
"No, I'm not!" Mataray niyang sagot.
Hindi ko maintindihan kung bakit nakadama ako ng relief sa nalaman. Siguro dahil
para sa akin ay hindi siya karapat-dapat na maging ina ni Baby Ron-Ron.
"Who is she,?" Tanong ni Lanie kay Tyron sabay sa akin. Ngunit tila walang narinig
ang binata dahil mukhang nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Poor him. Buong
akala siguro niya ay solved na ang kanyang problema.
"Ikaw ba ang yaya ng bata?" Nakaangat ang kilay na binalingan niya ako. "Not bad.
Bagay naman sa tulad mo."
Awtomatikong umangat ang kilay ko. "Miss, matangkad ka lang at slim pero di hamak
na mas maganda naman ako sa'yo!"
Tangkang susugurin siya ni Lanie ngunit maagap na pinigilan siya ni Tyron. Tila
hindi siya makapaniwala sa naging aksyon ng binata. "Siya ba ang pinalit mo sa
akin? Pinagpalit mo ako sa isang pandak!"
"Matangkad ka lang kaya nagmukha akong pandak!" Ganting asik ko. Ano naman ang
panama ng height kong five feet and two inches versus sa height niyang five-eleven?
"You can't do this to me, Tyron! You can't just dumped me!"
Subalit tila walang narinig ang binata at tinalikuran ang babae. "Let's go,
Cyrhel." Nang marinig iyon ay nagmamadaling tinungo ko ang nakaparada kotse.
Mahirap nang madamay sa LQ nilang dalawa.
"Tyron, come back here! Hindi pa tayo tapos!"
Dumiretso kami pagkatapos sa isang restaurant. Umorder ng pagkain si Tyron at
nalula ako sa dami ng hinain sa mesa. Sobra-sobra iyon para sa pandalawang tao.
"Mauubos ba natin lahat ng ito?"
"Let's see," aniya at inumpisahan lantakan ang chicken hamunado. "Ngayon lang ulit
ako makakakain ng matinong pagkain magmula kagabi."
Naging magana sa pagkain si Tyron. Kungsabagay, wala naman bago. Mas matakaw pa
siya sa inaakala ko. Para siyang isang linggong hindi nakakain. Baka nga kulang pa
kanya ang mga inorder. Kabaliktaran ko naman na halos hindi magawang makasubo. Ang
likot-likot kasi ni Baby Ron-Ron at pilit na inaagaw ang kutsara at plato ko. Hindi
ko na siguro kailangang mag-diet. Sa pag-aalaga pa lang kay Baby Ron-Ron ay
mangangayayat na ako. Idagdag pa ang konsumisyon na idinudulot sa akin ng binata.
"May gusto ka pang kainin?" Tanong niya pagkaraan. Desert naman ngayon kanyang
nilalantakan. Back to good mood ang binata pagkatapos magkakain. Ngayon ay alam ko
na, pagkain lang pala ang kanyang kahinaan.
"Kainin wala. Pero gusto ko ng mango shake," sagot ko. Tuluyan na akong nawalan ng
ganang kumain. Mabilis na tinawag ni Tyron ang waiter at umorder ng dalawang baso.
Tig-isa raw kaming dalawa.
"Hindi kaya maimpatso ka sa dami ng kinain mo?" Nagtataka ako kung paano nagkasya
ang lahat ng mga kinain sa kanyang sikmura.
"Don't worry, hanggang talampakan ang bituka ko. Pagkatapos nga pala natin dito ay
pupunta tayo ng supermarket."
"Maggo-grocery tayo?" Ang lapad ng ngiti ko.

"Bakit dito tayo mamimili?" Nagtatakang tanong ko. Isa lamang iyon maliit at hindi
kilalang grocery store. Taliwas iyon sa inaasahan ko.
"At least dito walang makakakilala sa ating dalawa. Safe na safe ang sikreto ko."
Kung sabagay may katwiran nga naman si Tyron.
"Sayo muna si Baby Ron-Ron," sabi ko at kumuha ng basket. Hindi na nakapagreklamo
ang binata nang dire-diretso akong pumasok sa loob.
"Ikakaltas ko nga pala sa suweldo mo ang mga nabasag mo," narinig kong wika niya
habang nakasunod sa akin. Agad akong sumimangot. "At kung hindi mo rin babawasan
ang mga personal item mo, ikakaltas ko rin ang mga iyan!"
"Ang kuripot mo talaga! Magkano lang naman ang mga ito?" Reklamo ko. Kumuha lang
naman ako ng ilang pirasong tsitsirya at chocolates.
"Bilisan mo na d'yan at papasok pa ako sa trabaho." Nabanggit niya sa akin kanina
na magha-halfday lang daw siya sa opisina.
"Baka gusto mong tulungan ako!"
May hinahanap akong na hindi ko makita. Umiikot ako sa kabilang section ngunit
hindi ko napansin ang nakasalubong na lalaki at nagkabungguan kaming dalawa.
Nabitiwan ko tuloy ang bitbit na basket.
"Sorry po." Ako na agad ang humingi ng paumanhin sa nakabunggo.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraan mo!" Singhal ng lalaki. Naagaw tuloy ang
atensyon ng ilang mamimili dahil sa lakas ng kanyang boses.
"Sorry po ulit," ang sabi ko na lang at mabilis na yumuko upang pulutin ang mga
nagkalat na item sa sahig. Subalit may malakas na braso ang humila sa akin.
"Tumayo ka dyan!" Sabi ni Tyron at mabilis na iniabot sa akin si Baby Ron-Ron.
Nilapitan niya ang masungit na lalaki at pinitseran ito sa kuwelyo. "Ikaw pa ang
may ganang magalit, ikaw na nga itong nakabangga. Nasaan ang good manners at right
conduct mo?" Malaki man ang katawan ng lalaki, di hamak na mas matangkad naman sa
kanya ang binata.
"P-pasensya na pre', mainit lang ulo ko," namumutlang sabi nito.
"Huwag ka sa akin humingi ng pasensya kundi sa misis ko."
"S-sorry." Pagkasabi ay agad siyang pinakawalan ni Tyron. Nagmamadali naman umalis
ang lalaki.
"Nice, misis ko," inulit ko lang tinawag niya sa akin kanina. Hindi ko tuloy
napigilang mapangiti.
"Alangan naman na sabihin kong yaya ko!" Ismid ni Tyron.

Chapter Eight: New Daddies

Chapter Eight: New Fathers

TYRON

"JT!"

Hindi pa nga ako nakakapasok ng pinto ay naririnig ko na ang boses ni Mommy. Parang
gusto ko tuloy takpan ang mga tenga ko.

"What's with that face?" Salubong sa akin ng ina. Nag-iwas ako ng mukha at basta
na lamang sumalampak sa sofa. Sa mga oras na ito ay natutulog pa sana ako.
"Alam ko na, nagugutom na ang bunso ko. Teka at magpapahanda ako kay Cita-"

"Nandyan ba si Dad?" Napahinto si Mommy sa pagpunta niya sa kusina at lumingon sa


akin.

"Nag-golf kasama ng mga kumpare niya. Bakit mo naitanong?"

"Nothing,." Gusto ko lang makasiguro na wala siyang magiging kakampi. "Mom, ano ba
ang sasabihin ninyo na kailangan kong marinig ng personal?" Noong isang araw pa
niya ako kinukulit na dumalaw sa bahay at may kutob ako na iyon pa rin ang pakay
niya sa akin.

"Kumain ka muna bago-"

"Bago ako mawalan ng gana?" Agap ko sa sasabihin niya. "Mom, naman! Hanggang
ngayon ba hindi pa rin kayo tumitigil sa pagrereto sa akin sa anak ng mga amiga
mo?"

"Titigil lang ako sa oras na magkaroon ka ng seryosong relasyon."

"Naman!" Parang bata na isinubsob ko ang mukha sa throw pillow at nagpapadyak sa


inis. "I want to die!"

"John Tyron!"

"I swear, Mom. Magpapakamatay talaga ako kapag nagpumilit pa rin kayo!" Banta ko.
"The last time na sinet-up ninyo ako, it was a disaster. Kung alam nyo na lang na
halos reypin ako ng babaeng nireto ninyo sa akin." May edad na kasi ang babae.
Ahead yata sa akin ng mga limang taon. At dahil malapit ng maging old maid kaya
halos pikutin ako.

"Nagluto nga pala ako ng patatim at kare-kare," balewalang sabi ni Mommy na hindi
alintana ang pag-eemote ng kanyang bunsong anak.

Bigla akong natigilan sa narinig. Gabundok man ang pagpipigil ko na huwag matukso
ay hindi naman ko masaway ang sikmura. Matagal-tagal na rin nang huli akong
natatikim ng specialty ni Mommy. Subalit sa oras na kumagat siya sa pain ay tuluyan
siyang mahuhulog sa bitag nito at iyon ang ayokong mangyari.
"Hindi ako nagugutom!" Pagmamatigas ko sabay takip ng mukha. I don't want to see
her face while teasing me. Lalo lamang akong natutukso.

"Niluto ko pa naman ang mga iyon para sayo," aniya na may himig ng pagtatampo.
"Kung ayaw mong kainin ipadadala ko na lang sa ate mo."

Wah! Ipamimigay lang niya sa iba! I should decide now. Hindi ko hahayaan na may
ibang makinabang sa pinagnanasaan kong pagkain. Bigla akong tumayo.

"You win! But I have a condition."

Nangingiting tumango si Mommy. "Deal!"

Halos hindi ako makahinga sa sobrang kabusugan. Mukhang naisahan ko ngayon si


Mommy. Nabusog na ako, may kasama pang take out. Makakain ko pa ang mga iyon sa
loob ng tatlong araw. Iyon ay kung hindi niya hahatian si Cyrhel. Ang lakas pa man
din kumain ng babaing iyon. Luging-lugi ako sa pagkupkop sa kanya. Kahit na malaki
ang naitutulong niya sa pag-aalaga kay Baby Ron-Ron, mas makakatipid siguro ako
kung magha-hire na lang sana ako ng ibang tao.

Imbes na sa practice game ay dumiretso ako sa ospital pagkatapos. Nakatanggap ako


ng tawag mula kay Jared. Manganganak na raw ang kanyang asawa. Sa sobrang
pagkataranta siguro ng kaibigan ay ako ang natawagan niya imbes na ang doktor.
Hindi ko man nasaksihan ay parang nai-imagine ko na ang kabaliwan niya. Naalala ko
ang kuwento noon ni Riley nang manganak si Muriel sa kanilang panganay. Mas excited
pa raw si Jared kaysa sa mismong totoong asawa.

"Miss, saan ang nursery section?" Nakangiting tanong ko sa nakasalubong na nurse.


Bigla kong naisip si Valjean. Malamang ay may laman na rin ang tiyan niya sa oras
na bumalik sila ni Vince mula sa kanilang honeymoon. Iyon ang pusta ko at ganon din
si Jared. Ngunit agad naman kaming kinontra ni Riley na sinang-ayunan naman ni
Mark. Halating milyon. Iyon ang napagkasunduan naming apat. Subalit wala pa man ay
parang gusto ko nang magpunyagi. Sigurado na ang panalo naming ni Jared. Dahil bago
umalis si Vince ay pinabaunan ko siya ng kahon-kahon na Korean ginseng at tongkat
ali supplement.

Mabilis akong pumihit patalikod nang makasalubong ko ang isang


duguang lalaki. Napapikit ako and control my breathing. Nahilo akong bigla. Pasaway
na nurse na iyon! Ang sabi ko nursery section at hindi emergency room.
Malayo pa lang siya ay natanaw ko na si Jared na masayang nakatunghay mula sa
salamin ng nursery room. "Congrats pare. Tatay ka na!" Natutuwang bati ko na may
kasama pang yakap.

"Thanks pare!" Aniya at muling tinitigan ang kanyang malusog na sanggol. He looks
tired. Pero hindi naman maikukumpara ang kasiyahan sa mukha ng kaibigan. "Hello
baby. Daddy's here," he said teary eyed habang kumakaway sa salamin.

"Hello baby boy!" Nakigaya na rin ako kay Jared. "What?" Nagtatakang tanong ko
dahil ang sama ng tingin sa akin ni Jared.

"She's a baby girl!"

"Ahh!" Ang tanging nasabi ko at muling tinignan ang sanggol.


"Sorry, akala ko kasi may junior ka na. Nasaan nga pala si Trisha?"

"She's sleeping in her room. Ang sabi ng doktor kailangan niya ng pahinga after she
gave birth through normal delivery."

"Kinaya iyon ng asawa mo?" Hindi ako makapaniwala sa narinig. "Kunsabagay, kung
ikukumpara mo naman sayo, 'di hamak na mas matapang sayo si Trisha."

"Inggit ka? Gumawa ka na rin!" Panunukso ni Jared. Akala siguro niya ay maiinggit
ako. Kung nalalaman lang niya na naunahan ko pa siyang magka-baby. Iyon ay kung
totoong anak ko si Baby Ron-Ron.

Sa lalong madaling panahon ay kailangan ko nang ipa-DNA test ang


bata. Gusto kong malaman ang totoo. Positibo man o negatibo ang maging resulta,
malaki ang magiging impact n'yon sa buhay ko. Naisip kong humingi ng tulong kay
Mark ngunit agad nagbago ang isip ko. Siguradong kokontrahin lang ako ng kaibigan.
Isa pa, hindi ko kayang ipagtapat sa kanya ang sitwasyon ko ngayon. Knowing his
manipulation, siguradong makikialam siya sa mga magiging desisyon. Subalit sa lahat
ng mga kaibigan, si Mark lamang ang maaari kong pagkatiwalaan.

Palabas na ako ng ospital nang mahagip ng mga mata ko si Louie.


"May atraso ka pa sa akin, akala mo!" Bigla ko na lamang siyang sinunggaban mula sa
likuran.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagulat siya sa pagsulpot ko.

"Narito ako para singilin ka sa pang-iindyan mo sa akin noong birthday ko. Pre'
alam mo ba ang sinayang mong pagkakataon ng gabing iyon? Ang dami kong chikababes.
Kung dumating ka lang, sana dalawa tayong nakinabang- Aray!" Bigla na lamang may
pumalo sa ulo ko.

"Hoy, Mr. Cager! Huwag mong idamay ang asawa ko sa mga kalokohan mo!" Nakapameywang
na sabi ni Rhyme. Halata sa suot niyang bestida ang bilugang tiyan.

"Buntis ka?" I asked stupidly.

"Naglilihi siya," nangingiting sagot ni Louie. Mabilis na binalingan siya ng asawa


at tinignan ng matalim. "I'm seven months pregnant. Malapit na nga akong
manganak."

"Para ka kasing naglilihi, honey. Lagi ka na lang nagsusungit."

"Rhymie, hindi bagay sa'yo ang magsungit," pambobola ko. "Sige ka, baka pumanget
ang magiging anak mo." Mukhang mas lalo pa siyang nagalit sa sinabi ko. "Congrats
Louie! Magiging tatay ka na pala. Got to go. May lakad pa pala ako," sabi at
nagmamadaling umalis bago pa tuluyang sumabog si Rhyme. Nawala sa isip ko na
nagiging sensitive nga pala ang mga babae kapag nagdadalantao.

Hindi pa ako nakakasalang sa practice game ay nagpasya na agad akong umuwi. Bahala
na kung masuspendi ulit ako sa ginawang pagtakas. Nakaramdam ako bigla ng
pagkahilab ng tiyan. Mukhang jnai-impatso pa yata ako. Mabuti na lang at mayroon
akong nadaanan na drug store at nakabili ako ng gamot. Dalangin lang na sana ay
hindi ako matraffic. Mahirap nang abutin ako sa biyahe.

Basta ko na lamang ipinarada ang sasakyan at nagmamadaling tinungo ang elevator.


Bagaman medyo nawala ang paghilab ng tiyan ay pasumpong-sumpong pa rin iyon.
Konting tiis na lang.

"She's cute and she lives here."


"Here? On what floor?"

Wala sa loob na napalingon ako sa dalawang kabataan na nasa aking likuran. Mga
tsekwa yata ang mga ito. Mga singkit kasi ang kanilang mga mata.

"Twentieth floor," he said smiling from ear to ear. Ngunit hindi niya inasahan na
pipindutin ng kasama ang button.

"Puntahan natin siya. I want to meet her."

"No!" Pagtutol ng isa.

Eksakto naman huminto ang elevator sa twenty floor. At bago pa


magbukas ang pintuan ay naghihilaan na silang dalawa.

Tanga! Nakalimutan kong pindutin ang seventeen button. Lumagpas


tuloy ako. Naman! Naman! Lalo tuloy sumakit ang tiyan ko.

"Gusto ko siyang makita, Kevin!"

"Darin, nakakahiya sa kanya!"

Sa inis ay tinulak ko silang dalawa palabas. "Mga buwisit kayo!


Natatae na nga ako, dito pa kayo magtatalo sa elevator!" Singhal ko sabay pindot ng
close at seventeen button. Mabuti na lamang at hindi na umakyat ang elevator at
nagtuloy iyon pababa.

Subalit pagdating ko sa sariling pad ay nakakapagtakang nawala ulit


ang paghilab ng tiyan. Nai-stress lang siguro ako. Naabutan ko si Cyrhel sa sofa.
Akala ko pa noong una ay nanonood siya ng tv. Ngunit paglapit ko ay natutulog pala
siya habang nakanganga.

"Huy!" Tinapik ko siya sa balikat at nakakapagtaka na nagising siya


kaagad.
"What?" Iritadong tanong niya nang tumingala sa akin.

"Gumising ka na at matutulog ka ulit!"

"Huh?"

"Ang sabi ko kaya ka minamanas dahil sa kakatulog mo. See? Parang


monay na ang mga pisngi mo." Umangat ang mga kamay ko at pinaggigilan ang mga
pisngi ng dalaga.

"Aray! Ano ba!" Mabilis niyang inalis ang mga kamay ko. "Alam mo ba
na iilang oras pa lang akong nakakatulog dahil sa pasaway mong anak? "

"Hindi ka na naman pinatulog ni Baby Ron-Ron?" Amused na tanong ko.


Doon ko lamang napansin ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata. Bumulanghit
ako ng tawa bago ko pa mapigilan ang sarili. "You looks like a panda!"

"Thanks for the compliments." Cyrhel rolled her eyes. Akmang


hihiga siya ulit sa sofa nang pigilan ko.

"Bago ka matulog, ipagluto mo ako ng makakain," utos ko.

"FYI, hindi mo ako katulong. Babysitter ako ng anak mo!"

"I'm your boss at binabayaran ko ang serbisyo mo."

"Hindi mo pa ako binabayaran. Hindi mo pa nga ako pinapasahod!"

"Kailan ka ba mauubusan ng katwiran?" Basta ko na lamang ihinagis


sa kanya ang bitbit na supot na agad naman niyang nasalo. "Alam kong hindi ka
marunong magluto, initin mo na lang mga iyan!"

"Saan mo ito binili?" Namimilog ang mga mata na sinilip ng dalaga


ang nilalaman ng supot. Bago pa ako makasagot nang biglang umiyak si Baby Ron-Ron.
Ibinalik sa akin ni Cyrhel ang supot ng pagkain at sumugod sa kuwarto. Paglabas
niya ay kasama na niya ang bata.

"Kiss ka muna sa daddy!"

Mabilis akong umiwas. "Initin mo na ito at nagugutom na ako!" Muli


kong utos. Bagaman nagulat si Cyrhel sa inakto ko ay hindi na siya kumibo. Tinungo
niya ang kusina para muling bumalik.

"Alangaan mo muna si baby. Hindi ko magagawa ang inuutos mo habang


karga ko siya."

"Kaya mo na yan!"

"Huwag mo akong sisisihin kapag naging disaster ang pagkain mo!"

Napilitan akong kunin si Baby Ron-Ron. Hindi na ako nanalo sa


pakikipagdialogo sa kanya. Nangingiting bumalik sa kusina si Cyrhel nang bigla
siyang sumungaw sa pinto.

"Alagaan mo si baby, okay? Ikaw na muna ang bahala sa kanya. Huwag


mo akong iistorbuhin."

Naiinis man ay nagsawalang kibo na lang ako.

"Dodo!" Iyon ang narinig kong binigkas ni Baby Ron-Ron. Naisip ko


na baka dede o feeding bottle niya ang kanyang tinutukoy.

"Gusto mo ng dede?"

"Dodo!" Muli niyang bigkas. Nagmamadali na tinungo ko ang kuwarto


para hanapin sana ang kanyang gatas nang may maamoy ako na hindi kanais-nais. Wala
sa loob na inamoy niya ang diaper ng bata.

"Cyrhel!" Sigaw ko. Naisahan na naman ako ng dalaga.


Chapter Nine: Second Day Out

Chapter Nine: Second Day Out

CYRHEL

"Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Who's next?"

Awtomatikong humaba ang nguso ko at ini-scan ang hawak na listahan.


Out of twelve names, lima na lamang ang natitirang walang ekis. Ibig sabihin,
limang babae na pawang mga ex niya ang hindi pa namin napupuntahan.

"Tyron, hindi ba pwedeng bukas na lang natin ipagpatuloy ito?


Nagugutom na ako," reklamo ko.

"Sandali na lang ito," wika ng binata na hindi man lang nag-abalang


lingunin ako habang nagmamaneho.

"Puro ka sandali na lang! Halos apat na oras na tayong naglalakbay.


Kabuwisit ka talaga!"

Hindi pa nga tuluyang nagigising ang diwa ko nang sapilitan akong


isama ni Tyron. Mayroon daw kaming mahalagang pupuntahan kasama si Baby Ron-Ron.
Ang balak ko noong una ay matutulog na lang siya sa biyahe. Ngunit paano ko naman
magagawang makaidlip kung ang nasa kandungan niya ay isang napalikot na bata.

"Cyrhel, nararamdaman ko na matatagpuan na natin siya. Malakas ang


kutob ko na isa sa mga nasa listahan ay ang tunay na ina ni Baby Ron-Ron."
Gumawa pa talaga si Tyron ng listahan ng mga ex niya na posibleng
maging ina ng bata. Iyon pala ang kanyang pinagkaabalahan kagabi. Buong akala ko ay
may take home siyang trabaho mula sa opisina.

"Paano ka naman nakakasiguro?" Kontra ko. "Napakadaling


magsinungaling, Tyron. Pwede nilang ipagkaila na hindi sila ang nanay ng bata."

"I can tell if they we're lying... And I can tell through their
bodies." May napansin akong pilyong ngiti sa mga labi niya. Hindi ko na kailangan
hulaan ang tumatakbong kamanyak sa kanyang isipan.

"Who's next?" Muling tanong ni Tyron.

"Si Nayu-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang agawin ni Baby


Ron-Ron ang hawak na papel. Si Tyron ang bumawi ng listahan rito. Subalit sa ginawa
niya ay biglang nag-iiyak ang bata na animo'y inagawan ng laruan. Kinuha ko ang
papel sa kanya at muling ibinigay kay baby. Nakakapagtaka na tumahan siyang bigla.

"Kailangan ba natin silang puntahan lahat?" Muli kong tanong. Baka


sakali na magbago ang kanyang isip.

"Hindi ka rin makulit!" Umangat ang kamay ng binata at dinunggol


ako sa sentido. "Kailangan ko pa bang ulitin sayo? I need to do this. Ilang gabi na
akong hindi nakakakatulog ng maayos sa labis na pag-iisip."

"Hindi ka pa nakakatulog ng lagay na iyan?" She doubt it. Sa tuwing


sisilipin siya sa kanyang kuwarto ay himbing na himbing siya sa pagtulog. Kung
mayroon man sa amin dalawa ang hindi nakakatulog nang maayos ay ako iyon. Abnormal
naman kasi ang oras ng pagtulog ni Baby Ron-Ron.

"Pinupuntahan mo ba ako sa kuwarto tuwing gabi?' Nagdududa na


nilingon ako ni Tyron. "Umamin ka nga Cyrhel, mayroon ka bang pagnanasa sa akin?"

"Ang kapal mo! Bakit naman ako magnanasa sa isang bakulaw?"


Nanlalaki ang mga mata na bulaslas. Eiww! Hindi ang tulad niya ang tipo ko. Hindi
ako mahilig sa mabalahibong nilalang. "Ang lakas mo naman kasing maghilik. Dinig na
dinig hanggang sa kabilang kuwarto. Sinisilip lang kita dahil baka binabangungot ka
na. Bukod sa ayokong maagang maulila ang alaga ko, ayoko rin mawalan ng trabaho,"
mahaba kong lintanya.
"Kunwari ka pa. Sabi ko na nga ba may crush ka sa akin!" Pang-aasar
pa niya. Mabilis na umigkas ang kamao ko at sapul siya sa balikat. Subalit hindi
man lang niya iyon ininda. Sa halip ay mas lalo lamang niya akong tinawanan. "Ang
cute mo talaga kapag napipikon!"

Muling umigkas ang kamay niya. But this time sa panga tinamaan ang
binata.

"You!"

"Sige, subukan mo lang!" Banta ko at nang akmang pipisilin ni Tyron


ang aking ilong. Naningkit bigla na ang kanyang mga mata nang makitang hawak ko ang
Iphone niya. "Hindi ako nagbibiro! Sisirain ko talaga ang cellphone mo!"

"Gusto mo bang sesantihin kita?"

"Gusto mo rin ba na malaman ng lahat na may anak ka na?" Balik


banta ko. Bigla na lamang siyang dinunggol ni Tyron sa sentido sabay agaw ng
kanyang cellphone. Subalit hindi naman siya nagtagumpay dahil mabilis kong naitago
ang phone niya sa loob ng blouse ko.

"Akina nga yan! Malalagot ka talaga sa akin!"

Ang lapad ng ngisi ko. Tignan ko lang makuha pa niya iyon sa akin.

"Momo!" Bigkas ni Baby Ron-Ron habang dinuduro ang aking dibdib.

"Ang sabi ni baby ibalik mo raw ang cellphone ko."

Napasigaw ako nang makitang may kapiraso ng papel sa bibig ng bata.


Isinubo pala niya ang pinaglalaruang papel. Habang pilit kong inaalis ang nasa
bibig niya ay bigla na lamang kinagat ni Baby Ron-Ron ang daliri ko. Bagaman nag-
iisa pa lamang ang ngipin ni baby ay masakit pa rin siyang mangagat.

"Nagugutom na siguro ang alaga mo," natatawang sabi ni Tyron nang


makita ang pamumula ng daliri ko. "Karma ang tawag dyan!"
Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya at inabot ang bag sa backseat
nang bigla kong maalala na huling gatas na pala iyon ni baby.

"Tyron wala ng gatas si Baby Ron-Ron at wala na rin siyang diaper."

"Hindi ba kago-grocery lang natin noong isang araw?"

Napanguso ako. "Nakalimutan kong bilhan siya ng gatas."

"What?!" Marahas na lumingon sa akin ang binata.

"At nakalimutan ko rin siyang bilhan ng diaper. Ikaw kasi!"

"Anong ako?"

"Sinunod ko lang naman kung ano ang mga gusto mong bilhin! Hindi mo
naman pinaalala sa akin na bilhan natin ng supplies si baby."

"Hindi ba dapat ikaw ang nakakaalam kung ano ang mga kailangan
niya?"Naiinis na asik ni Tyron.

Hindi ako kumibo. Aminado ako sa pagkukulang ko. Nawala talaga sa


isip ko ang tungkol sa bagay na iyon.

"You're wasting my time, Cyrhel! Imbes na papunta na tayo sa


destinasyon natin, mapipilitan pa tayong dumaan ng supermarket."

"Hindi ba pagsasayang ng oras itong ginagawa natin?" Wika ko bago


ko pa mapigilan ang bibig. Ang talim ng tingin sa kanya ni Tyron. Muli akong
napasigaw.

"What?" Nagulat siya sa nagging reaksyon ko.


"N-nag-vibrate ang cellphone mo." Nahihiyang niyuko ang blouse.

Inilahad ni Tyron ang kamay. Napilitan naman akong ibalik sa kanya


ang cellphone. Napaungol si Tyron nang malaman kung sino ang tumatawag. To my
surprised, basta na lamang niyang hinagis ang phone sa dashboard.

"Dodo!" Agaw-eksena ni Baby Ron-Ron habang nakaturo ang kamay niya


kay Tyron. "Dodo!"

"Wala akong dede!" He snapped. Mukhang tuluyan nang nasira ang mood
niya.

"Dodo!"

"Wala nga sabi akong dede! Siya meron!" Sabay turo akin. Ngunit ang
daliri niya ay nag-landing sa mismong kaliwang dibdib ko. At sa isang iglap muling
umigkas ang aking kamao.

"Autograph? Iyon lang pala. Kung gusto n'yo libre pa-picture pa."
Ang lapad ng ngiti ni Tyron sa mga kababaihan na nakapaligid dito.

"Nandyan ka lang pala!" Basta na lamang akong lumapit sa kanya at


binigay si Baby Ron-Ron. "Baka gusto mong buhatin itong anak mo?" Ngunit sa halip
na kunin nito ang bata ay pinanlakihan lamang ng mga mata ng binata.

"Aw, married ka na pala."

"At may anak pa!"

"Sayang naman!"

"Sandali lang mga babe!" Isa-isang nagpulasan ang mga nadismayang


kababaihan hanggang sa dalawa na lamang kaming naiwan.
"Panira ka ng moment!" Inis na asik niya sa akin. Dedma lang ako at
nagpatiunang naglakad. "Konting-konti na lang at sesesantihin na kita!" Banta pa
niya.

I rolled my eyes. Tiwala ako na hindi niya magagawa iyon. Bukod sa


mawawalan siya ng mag-aalaga kay Baby Ron-Ron, hindi rin niya gugustuhin na
mabunyag nag kanyang tinatagong sikreto.

"Hayun!" Sabay turo ko sa hinahanap na brand ng gatas. Kanina pa


ako pabalik-balik sa milk section, iyon pala ay nasa pinakaitaas ng estante.
"Tyron, abutin mo nga!" Utos ko na agad naman niiyang sinunod. At dahil matangkad
siya, walang kahirap-hirap na naabot niya ang malaking lata.

"Magkano ba ito?" Biglang nanlaki ang mga mata ng binata nang


makita ang tag price. "One thousand two hundred? Ang mahal naman ng gatas na ito!"

"Mura pa nga iyan. Mas mahal iyong pinakamalaking lata. Iyon na


lang kaya ang kunin mo."

"Tama na ito!" Basta na lang niyang inilagay iyon sa pushcart at


siya na mismo ang nagtulak n'yon. "Halika na at bayaran ko na ito sa cashier."

"Teka lang! Hindi pa ako nakakakuha ng diaper ni baby."

Ngunit hindi lang diaper ang kinuha ko. Namili rin ako ng ilang
gamit ni Baby Ron-Ron katulad ng mga damit, blanket, towel, feeding bottle,
utensils at person care ng bata. Hindi naman maipinta ang mukha ni Tyron. Panay ang
reklamo niya na malaki na raw ang nagagastos niya. Ewan ko ba sa lalaking ito! Ang
dami naman pera pero saksakan naman ng kuripot.

"Enough, Cyrhel!" Warning niya.

"Wait lang!" Ayaw kong papigil. Nawiwili ako sa mga nakikitang


items. "Look, Tyron, ang cute!" Sabay turo sa nakitang baby-carry-bag. Para iyong
knapsack bag na lagayan ng baby.
"Tyron, i-try mong suotin!"

"Ayoko!"

"Sige na!"

"Ayoko sabi!" Ngunit wala ring nagawa ang binata sa pangungulit ko.
Isinukbit ko sa kanya ang carry-bag at saka niya nilagay doon si Baby Ron-Ron.
"Ang cute ninyong dalawa. Teka, kukunan ko kayo ng picture."

"Cyrhel, hindi na ako natutuwa sa'yo!" Iritatong sabi ni Tyron.


Hindi maipinta ang kanyang pagmumukha.

"Huwag ka ngang OA!" Inilabas ko ang cellphone sa bulsa. "One, two,


three...smile!"

"Tyron, tutuloy pa rin ba tayo?" Ang tinutukoy ko ay ang paghahanap


namin sa tunay na ina ni Baby Ron-Ron.

"Umuwi na lang tayo. Nagugutom na ako."

"Ba't hindi na lang tayo kumain sa labas," suhesyon ko.

"Malaki na ang nagagastos ko para sa araw na ito. Sa bahay na lang


tayo kumain para tipid." Umiiral na naman ang kakuriputan niya.

"Fine! Basta ba pagtitiyagaan mo ang luto ko. Ano nga pala ang
gusto mo, sunny side-up, scrambled o boiled egg?"

Bigla na lamang kinabig ni Tyron ang manibela. At ilang sandali pa


ay huminto ang kotse sa tapat ng isang fastfood chain.
Ayos!

Chapter Ten: Panic Mode

Chapter Ten: Panic Mode

CYRHEL

Na-scan ko na ang isang hilera ng estante ngunit hindi wala akong


makitang olive oil. Muli akong bumalik at sinipat isa-isa ang mga nahilera. Buwisit
talaga ang lalaking iyon! Ang lakas ng loob mag-vegetable salad kulang naman ang
ingredients. Di bale sana kung siya mismo ang bibili pero ako pa ang inutusan niya
na sumaglit sa grocery store. Buwisit talaga! Ang lakas pa din ng ulan sa labas.

Sa inis ay dumampot na lamang ako ng bote sa estante. Pwede na


siguro ang sesame oil pang-subtitute sa olive oil. Bahala na kung mapagalitan ako
ni Tyron. Pumunta ako sa personal care section para kumuha ng sanitary napkin nang
biglang may tumawag sa akin.

"Cyrhel!" Ganon na lamang ang paglukso ng puso ko nang makita ang


binata.

"H-hi, Kevin!" Awtomatikong umangat ang sulok ng mga labi ko.

"Sabi ko na nga ba ikaw 'yan!" He said smiling too. Nag-isang linya


ang singkit niyang mga mata. Duda tuloy ako kung nakakakita pa ang binata. May
bitbit siyang basket na puno ng grocery items.

"Ang dami mo naman pinamili."

"Napag-utusan lang ako ng nanay ko," aniya na nahihiyang nagyuko.


"Ang dyahe di ba?"

"Ano ang dyahe doon? Ang cute mo kaya... I mean ang cute naman
nito," sabay dampot sa toothbrush na nasa basket niya. "Saan mo ito kinuha?"
Nangingiti na itinuro ng binata ang estante.
"May bibilhin ka pa ba?"

"Wala na. Ito lang naman ang kailangan ko. Ikaw?" Balik-tanong ko.

"Wala na rin," he said, smiling from ear to ear. Syete! Balak ba


siya nitong patayin sa sobrang kilig?

Pagdating sa cashier ay kinuha ni Kevin ang mga hawak ko at isinama


sa kanyang basket. "Isabay mo na lang sa akin." Nahihiya na binawi ko ang mga
iyon, at itago sa likuran ang sanitary napkin.

"Nakakahiya. Ako na lang."

"I insist." Inilahad niya ang kamay sa akin.

"Pero-" Wala na akong nagawa sa pamimilit niya. "Basta babayaran


kita mamaya," giit ko

Tumila na ang ulan nang lumabas kami ni Kevin ng grocery store.


Malapit na kami sa condo nang bigla niya akong yayain na magmeryenda sa JCO. Hindi
na ako tumanggi. Minsan lang may manlibre sa akin at nataon pa na crush ko.
Pakiwari ko tuloy ay ito ang first date namin ng binata.

"Pinuntahan kita kahapon sa unit mo..." Nakayuko na sabi niya. Na-


freezed tuloy sa bibig ko ang kinagatan na oreology. "Pero wala ka pala."

"A-ano kasi...u-umalis ako. M-mayroon akong pinuntahan,"


pagdadahilan ko. Hindi ko inaasahan na sasadyain ako ni Kevin sa unit ni Kuya
Vince. Lagot na! Paano kapag nalaman niya na hindi ako roon nakatira?

"Ganun ba? Sana pala tinext muna kita bago ako nagpunta. Sorry."

"Okay lang. Sorry din kasi..." Kung sabihin ko na kaya sa kanya ang
totoo? Baka kapag nalaman nito nagsisinungaling ako ay mapurnada pa ang lovelife
ko.
"Excuse me." Nag-ring ang cellphone ni Kevin at agad niyang sinagot
iyon. "Ma, paakyat na po ak."

Napasimangot ako sa narinig. Hindi pa nga kami nagkaka-momment,


aalis na agad siya. Sayang naman ang pagkakataon.

"Cy, sorry..."

"Okay lang, Kevin!" Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya. "Go


ahead. Mauna ka na. Mag-i-stay na muna ako rito." Wala akong balak iwanan ang mga
donuts ko. PG na kung PG.

"Sigurado ka ? Sorry talaga at hindi na kita masasamahan."

"Ano ka ba? Okay lang talaga sa akin. No hurt feelings." But deep
inside nagmamaktol ang kalooban ko. "Thank you nga pala dito sa mga donuts." Sa
uulitin! Gusto ko sanang idugtong nang bigla akong may maalala. "Oo nga pala, iyong
bayad ko!" Dudukot na sana ako ng pera sa bulsa nang pigilan ako ni Kevin.

"Sa susunod mo na lang ibigay. Magkikita pa naman tayo ulit, 'di


ba?"

"Oo naman!" Sa susunod ay babawi talaga ako ng bonggang-bongga!

"Got to go!" Tatalikod na sana si Kevin nang muli siyang pumihit


paharap sa akin. "Cyrhel, may..." aniya sabay turo sa bibig ko. Hindi ko nakuha ang
ibig nitong sabihin.

"Huh?"

Ngumuso sa akin si Kevin. Goodbye kiss? Agad-agad?

Napalunok ako nang humakbang palapit sa akin ang binata and leaned
closer to me. Oh god! Oh god! Ganon na lamang kabilis ang pagtibok ng puso ko. But
to my dismay, naglanding sa gilid ng mga labi ko ang hinlalaki niya.

"May toppings ka ng oreology sa bibig mo," he said smiling with


amusement on his eyes.

Anak ng! Akala ko pa naman...

"Dumi lang pala," ang tanging nasabi ni Cyrhel at pilit na tumawa


upang pagtakpan ang sariling kahihiyan. Ito ang napapala ng mga assuming.

Eksaktong pag-alis ni Kevin ay saka naman nag-ring ang cellphone


ko. Naisip ko agad na si Tyron ang tumatawag. Subalit ang pangalan ng kaibigan ang
lumitaw sa screen.

"Friendship!" Sa lakas ng boses ay naagaw tuloy ko ang atensyon ng


ibang mga customer. Pero dedma lang ako. Masyado akong na-excite sa phone call ng
kaibigan. "Kamusta na? Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?"

"Ikaw ang kamusta na? Grabe ha, ang hirap mong kontakin! Saan
lupalop ka ba naroroon ngayon? My god! Pinaghahanap ka na ng buong pilipinas.
Nakapaskil na ang pagmumukha mo sa lahat ng presinto. Kulang na lang manawagan sina
Tita Mary at Tito Vincent sa tv dahil sa paglalayas ng kanilang unica hija,"
mahabang lintanya ni Azure na nagpaikot ng mga eyeballs ko. Kung exaged ako mas
lalo na siya

"Alam naman nila mama at papa na safe at okay lang ako."

"Pero alam mo ba na halos araw-araw akong tinatawagan ni Tita Mary


at pilit akong pinaaamin kung nasaan ka. Buong akala niya talaga ay magkasama
tayo."

"Ikaw naman kasi! Mas pinili mo pang mag-out of town kaysa tulungan
ang bestfriend mo," may himig na pagtatampo na sabi ko.

"Sisihan ba ako? Wrong timing naman kasi ang paglalayas mo! Anyway
kakauwi ko lang ngayon. Nasaan ka na pala?"
"Nakikitira ako ngayon sa isang...kakilala."

"Kakilala?" Parang nai-imagine na ni Cyrhel ang nakatikwas na kilay


ng kaibigan.

"Actually, friend siya ni Kuya Vince. He's quite nice and-"

"He's a he? Tell me, Cyrhel na nabibingi lang ako!"

"Huwag ka ngang OA. You heard it right, he's a he. At wala akong
choice kundi mag-stay sa place niya keysa naman matulog ako sa kalsada."

"Anong kapalit?" At sa aking pagkamangha, biglang magtitili si


Azure sa kabilang linya. Parang nahuhulaan ko na ang tumatakbo sa kanyang isipan.

"Kapalit ng pag-i-stay ko ay ang pag-aalaga sa kanyang anak."

"May anak na!" Dismayadong react niya. "So, babysitter lang ang peg
mo. Exciting!"

"Ano ang exciting sa pagkakaroon ng among saksakan ng kuripot?"

"Okay lang na kuripot basta ba guwapo," aniya na sinabayan ng


nakakalokong tawa. "Hindi ka na sumagot d'yan! Tama ako, guwapo nga!"

"Anong ikinaguwapo ng lalakng iyon? Mukha kaya siyang bakulaw!"

Muli akong tinawanan ng kaibigan. "Iba na 'yan, friendship! I smell


something fishy-ball."

"Get a life!"

"So, anong plano mo? Gusto mo pa rin bang mag-stay sa place ko?"
Pag-iiba niya ng usapan. "Unless nagbago ang isip mo at gusto mong pandigan ang
pagiging babysitter?"

Mag-i-stick ba ako sa plano ko? Hindi na ako sigurado ngayon at


hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa makasakay ako ng elevator ay hindi pa rin
ako makapagdesisyon. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Hindi ko tuloy napansin
ang lalaking sumakay ng elevator.

"Anong ginagawa mo rito?"

Napatuwid ako ng tayo nang marinig ang baritonong tinig na iyon.


Pag-angat ko ng mukha ay nasa harapan ko mismo si Mark. Kung gaano kabilis ang
pagtibok ng puso ko sa tuwing kasama si Kevin ay di-hamak na triple iyon sa tuwing
makikita ko naman ang binatang doktor. Pakiwari ko ay gustong tumalon ng puso ko
mula sa aking dibdib. True love na talaga itong nararamdaman ko para sa kanya.

Hinawakan ako ni Mark sa braso na nagpakislot sa akin. Totoong pala


ang electrifying effect!

"Ang sabi ko anong ginagawa mo rito?" Imbes na sumagot ay lalo


lamang lumapad ang pagkakangiti ko. Heavens! Lihim akong nahiling na sana ay siya
na lamang ang tatay ni Baby Ron-Ron. Kahit walang suweldo ay willing akong maging
babysitter habang buhay. At willing din akong mag-volunteer bilang permanent nanay
ng bata at butihing may-bahay ng binata.

Dinunggol ako ni Mark ng hintuturo sa noo na nagpabalik ng isip ko


sa realidad. "Magsasalita ka ba o gusto mong ipatapon kita sa mental?"

"Sungit!" Ismid ko. "Nandito ako kasi-" Hindi ko naituloy nang ma-
realized ang sitwasyong kinahaharap. Oh no! Hindi niya pwedeng malaman ang totoo.
"A-ano kasi...n-nandito ako para makita ka, este para d-dalawin si Kuya Vince."

Nagdududa na tinignan ako ni Mark at hinagod ng tingin ang suot ko.


Nakasimpleng t-shirt lamang ako, walking short na hanggang tuhod at flipflop. Duda
ako na mapapaniwala ko siya.

"Pareho natin alam na nasa honeymoon ang kapatid mo at ang asawa


niya."

"Pero balita ko umuwi na raw sila," pagsisinungaling ko.


"Balita ko rin na naglayas ka sa inyo."

"Saan mo naman narinig ang tsismis na iyan?"

"Saan mo rin napulot ang tsismis na nakauwi na ang mag-asawa?"


Balik-tanong niya

Nang magbukas ang elevator sa seventeen floor ay muli akong


tinapunan ng nagdududang tingin ni Mark. Mabilis kong pinindot ang close button.

"Umuwi ka na sa inyo, Cyrhel." Hindi ako kumibo pero nakasimangot.


Kailan ba ako makakatikim ng kabaitan mula sa binata?

"Huwag mo nang hintayin na ako mismo ang maghatid sayo pauwi sa


bahay ninyo. Alam kong hindi mo gugustuhin iyon."

"Pero Mark-" Napasunod ako sa kanya nang lumabas siya ng elevator.


Nasa twentieth floor na pala kami.

"No more buts!" Mabilis na pumihit si Mark sa paharap sa akin at


walang kaabog-abog na binitbit ako sa t-shirt at ibinalik sa loob ng elevator.

"Huwag mo nga akong gawing bata!" Pagpupumiglas ko.

"Then don't act like one!" Saka lamang niya lamang ako binitiwan.
"Please, umuwi ka na sa inyo!" He snapped sabay pindot sa ground floor button. Wala
na akong nagawa kundi pagmasdan si Mark habang nagsasara ang elevator. Kahit anong
gawin niyang pagsusungit, guwapo pa rin siya. Sana ay siya na lang si Tyron... and
speaking of that bakulaw, mabilis pinindot ko ang seventeen button.

TYRON

"Mabuti naman at dumating ka na!" Asik ni Tyron nang humahangos na


pumasok ng kusina si Cyrhel. "Nalanta na ang vegetable salad ko pero wala ka rin!"
"Alam mo ba na dumating na si Mark?" Sa halip ay sabi niya. Wala sa
loob na umiling ako.

"He saw me...nagkasabay kami sa elevator!" Naroon ang pangaba sa


mga mata ng dalaga.

"Nakita ka ba niya na papunta dito sa pad ko?"

"Nagsinungaling ako sa kanya. Ang sabi ko dadalawin ko lang sina


Kuya Vince at Ate Val."

"Good!" Nakahinga ako ng maluwag sa narinig.

"Pero alam kong hindi siya naniniwala sa akin. Paano kung puntahan
niya tayo dito sa unit mo?"

"Relax. Sa ganitong oras, umuuwi lang siya para maligo at magpalit


ng damit. Aalis din iyon at muling babalik ng ospital." Kabisado ko na ang routine
ng kaibigan kaya wala siyang dapat ipag-aalala. "Nasaan na ang pinabili ko sayo?"

Inabot akin ni Cyrhel ang bitbit niyang supot. Nang makita ko na


iba ang binili niya sa inuutos ko ay nagbabadya na naman umiinit ang aking ulo.

"Pagtiyagaan mo na ang sesame oil. Nalibot ko na ang buong


supermarket pero wala talaga akong makitang olive oil," katwiran ng dalaga.

"Ano ba ang magagawa ko kundi pagtiyagaan itong binili mo!" Basta


ko na lamang ibinuhos ang laman ng bote at saka hinalo-halo ang mga gulay.
Pagkatapos ay tinikman ko iyon. Pwede na, masarap din naman.

"Patikim ako!" Mabilis na lumapit sa akin si Cyrhel at walang


babala na iniangat ang kamay ko at dinala sa kanyang bibig. May gumuhit na mainit
sa katawan ko nang sumayad ang daliri sa malambot na mga labi ng dalaga.
"Hmmm...masarap! See? Sabi ko sayo pwede nang pagtiyagaan ang sesame oil."

Nakamata lamang ako habang pinagmamasdan ang pagnguya niya. At


hindi ko maintindihan kung bakit naghatid iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin.
Sabay kaming napakislot ni Cyrhel nang biglang tumunog ang doorbell.

"Si Mark na yata iyon!" Sa isang iglap ay nasa tabi na ko siya at


nakakapit sa mga braso ko.

"H-hindi naman siguro." Basta na lamang akong lumayo sa dalaga na


tila napapaso. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Ang weird!

"Sigurado ako na si Mark na iyan! Tignan mo si Kitkat," sabay turo


ni Cyrhel sa pusa na nag-i-scratch sa pintuan. "Nase-sense niya na nasa labas ang
kanyang amo! Tyron, anong gagawin natin?"

Pati tuloy ako ay nahawa sa pagpapanic niya. Naroon nagtungo ako sa


kuwarto para lamang bumalik at dumiretso sa kusina para lamang muling bumalik sa
pinanggalingan.

Teka! Bakit ba ako nagpa-panic? Ano naman kung malaman ni Mark kung
sa akin nakatira si Cyrhel? Wala naman sigurong kaso iyon. Baka nga matuwa pa siya
dahil nagawa kong magmalasakit sa aking kapwa. Subalit nang maisip ko si Baby Ron-
Ron... Teka, ibang kaso na iyon!

Chapter Eleven: Signs

Chapter Eleven: Signs

CYRHEL

Ganon na lamang ang kabog ng dibdib ko nang tumunog ang doorbell.


Oh no... Not now! Kaaalis lang ni Tyron para pumasok sa trabaho at ako lamang
naiwan sa pad kasama si Baby Ron-Ron. Mabilis na ini-off ko ang TV at pinakiramdam
ang taong nasa labas. Sa pangalawang pagtunog ng doorbell ay nagsimula na akong
magpanic. Ano na ang gagawin ko? Magtatago ba kaming dalawa ng bata sa loob ng
kuwarto o dededmahin ko na lang na tila wala akong naririnig?

"Dodo!" Sambit ni Baby Ron-Ron habang nakakandong sa akin. Itinaas


pa niya ang kamay at itinuturo ang pinto. "Dodo!" Ulit niya.
"Ssshh!" Saway ko. Baka marinig kami ng sinumang nasa labas at
malaman na mayroong bata sa loob ng pad ng binata. Nakaragdag pa sa kaba ko ang
pag-i-scratching ni Kitkat sa pinto na bahagya nang natutuklap ang pintura. Ganito
rin kasi ang ginawa nito nang dumating si Mark kahapon.

Mabuti na lamang at agad na nakaisip ng paraan si Tyron at inunahan


niya ang kaibigan bago pa man ito makapasok. Naging maagap naman ako sa pag-locked
ng pinto upang makasiguro. At ilang sandali pa ay narinig ko ang papalayong mga
yabag ng dalawa.

"Cyrhel, buksan mo ang pinto!"

Nakaramdam siya ng relief nang marinig ang tinig ni Tyron.

"Bakit ang tagal mong buksan ang pintuan?" Angil niya at


nagmamadaling pumasok.

"Akala ko kasi si Mark," sagot ko na sinundan siya hanggang sa


pintuan ng silid niya habang karga ko si Baby Ron-Ron. "Naniniguro lang ako."

Hindi na kumibo si Tyron at abala sa paghahalungkat ng mga gamit


niya na parang mayroong hinahanap. Iyon siguro ang dahilan kung bakit isiya
bumalik.

"Dodo!" Sambit ulit ni Baby Ron-Ron sabay turo sa binata. Kaya pala
panay ang turo niya kanina sa pintuan dahil alam niyanng si Tyron ang nasa labas.
Ang galing naman ng baby ko!

"Padedehin mo nga 'yan alaga mo. Dodo ng dodo sa tuwing nakikita


ako. Ang tingin yata niya sa akin ay feeding bottle," lintanya ng binata na abala
pa rin sa hinahanap.

"Tange! Ang ibig sabihin ng dodo ay daddy."

Doon nag-angat ng mukha si Tyron na halatang natigilan. Ngunit


saglit lamang at muling nagyuko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na
anak talaga niya ang bata. Gayong napakaobyus naman dahil sa laki ng pagkakahawig
nilang dalawa.

"Paano kaya ito napunta sa ilalim ng kama ko?" Nagtatakang tanong


niya nang makita ang hinahanap. USB flashdisk lang pala. Teka, parang iyon ang
nakita kong nilalaro ni Kitkat kanina sa sala. Goodluck kung buo at gumagana pa
iyon.

"Cyrhel, huwag mong-"

"I know!" Agap ko sa sasabihin niya. "Hindi ako bingi para hindi
marinig ang paulit-ulit mong habilin. My god! Ang sakit na sa tenga." Aalis na lang
ang dami pa niyang sinasabi.

"Gusto ko lang makasiguro, Monay. Tatanga-tanga ka pa naman."


Pinanggigilan ni Tyron ang mga pisngi ko sa aking pagkamangha.

"Sinong tanga? Aray!"

Tila naman tuwang-tuwa ang binata at lalo akong pinaggigilan. "Cute


mo talaga, mukha kang panda!"
Yeah right! Napansin na naman niya ang pangingitim ng ilalim ng mga
mata ko.

"Anong gusto mong pasalubong mamaya?"

"Seryoso?" May pagdududang balik-tanong ko. Mukhang good mood ang


loko. Ano kaya ang kakaiba sa kinain niya gayon pareho lamang ang inalmusal naming
dalawa?

"Ayaw mo?"

"Syempre gusto!"

"So, ano nga?"

Mabilis siyang nag-isip kung anong gusto niya.

"Ang tagal naman!" Reklamo niya. "Pagbilang ko ng tatlo at wala ka


pa rin maisip, sorry ka na lang! Isa..."

"Teka lang naman! Huwag mong akong i-pressure."

"Dalawa..."

"Eto na!"

"Tatlo!"

"Anything but sweets. Basta ikaw na ang bahala." Dahil minamadali


niya ako ay hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos.

"Asukal pwede na?" May himig na pang-aasar ni Tyron. Ngayon ko


gustong magduda na baka ginu-goodtime lamang ako ng binata. Saka ko lang naisip na
saksakan nga pala siya ng kuripot. Asa pa ako na bibilhan talaga niya ako ng
pasalubong.

"No thanks, pagtitiyagaan ko na lang ang stock natin sa kusina,"


masama ang loob na sabi ko, sabay pihit patalikod. Bago pa ako makalayo, hinila na
niya pabalik.

"Nagtatampo ka na ng lagay na iyan?"

"Ewan ko sayo!" I snapped at muling pumihit patalikod. "Umalis ka


na at huwag ka nang babalik!"

"Teka lang 'yung kiss ko."

"Sapak gusto mo?" Iniamba ko sa kanya ang kamao.

"Hindi ikaw kundi si Baby Ron-Ron," he said as he leaned closer and


gave him a quick peck on the cheek.

Hindi ako sigurado kung nahalata ni Tyron ang pamumula ng mga


pisngi ko. O marahil namula iyon sa panggigil niya sa akin kanina.

"Linawin mo kasi kung sino ang gusto mong bigyan ng kiss."


Nakakapagtaka ang pagiging magiliw niya sa bata na hindi naman niya ginagawa dati.
At bago tuluyang umalis si Tyron ay muli siyang nagbilin sa akin.

"Ubusin mo na 'yung salad na nasa ref."


"Lahat iyon?" Halos one-fourth pa lamang nababawas doon at hindi ko
kayang ubusin iyon kung ako lamang mag-isa. Hindi katulad ng bituka ko ang sa
kanya.

Wala pang sampung minuto ang nakakaraan nang muling tumunog ang
doorbell. Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata at mabilis na tinungo ang pinto.
Ano naman kaya ang naiwan ni Tyron?

"Sino ngayon ang tatanga-tanga sa ating dalawa?" Salubong ko.


Ngunit imbes na si Tyron ay ibang nilalang ang bumulaga sa harapan ko. Patay! Now,
I'm really in a big trouble! Hindi lang pala ako kundi pati na rin ang kuripot na
binata.

TYRON

Thirty minutes na akong late nang dumating ng opisina. Agad akong


sinalubong ni Adrian.

"Sir, nag-uumpisa na po ang board meeting."

"Akala ko ba mamaya pang alas nuwebe?"

"Biglaan pong nagpatawag ang papa ninyo."

"Mainit ba ang ulo?"

"Hindi lang po mainit, kumukulo pa."

Napangiwi ako sa narinig. Bukod sa akin, kabisado na rin ni Adrian


ang mood swing ng aking ama. He's like a family to them. Halos isang dekada rin
siyang nagsilbi bilang executive secretary ni Dad bago lumipat sa akin para mai-
train daw ako.

"Kung huwag na lang kaya akong um-attend?"

Mabilis siyang umiling. "Mas lalo iyong magagalit sa inyo."

"Baka naman puwede mo akong i-proxy."

"Sir naman!" Napakamot ng ulo si Adrian.

"Treat kita mamaya. May alam akong malapit na bar dito. Siguradong
mag-e-enjoy ka sa dami ng mga naggagandahang chikababes."

Eksakto naman na tumunog ang cellphone niya at nag-register sa


screen ang pangalan ni Dad. Mabilis kong pinigilan si Adrian na sagutin iyon.

"Sir, pareho tayong malalagot kapag hindi kayo sumipot sa meeting."

"You win!"

At katulad nang inaashan ko, nasermunan agad ako pagpasok pa lamang


ng meeting room. Naging tampulan tuloy siya ng biruan lalo na at karamihan sa mga
naroon ay mga may-edad na.

Hindi lang ulo ang sumakit sa akin kundi pati na rin ang puwet ko
sa tagal ng pagkakaupo. Tatlong oras din ang inabot bago natapos ang board meeting.
Bagaman may isang oras pa bago mag-lunchtime ay hindi na ako nakatiis. Kanina pa
nagrarambulan ang mga bituka ko sa tiyan. Patungo na ako sa elevator nang habulin
ako ni Adrian.

"Sir, nasa office ang mama ninyo."

Naman! Wrong timing!

"Kanina pa siya?"

"Mga isang oras na rin siguro."

Nahilamos ko ng palad ang mukha. At ilang sandali pa ay nagtagpuan


lang niya ang sarili na patungo sa sariling opisina. Hindi na ako nagulat sa
isinalubong sa akin ni Mommy. As usual, ginigiit pa rin niya na makipag-date ako sa
anak ng kanyang amiga.

"No!" Matigas kong pagtutol. Subalit katulad nang madalas mangyari,


sa bandang huli ay napapa-oo na lamang ako. Suko ako sa kakulitan ng ina at para
tumigil na rin siya ay pumayag na rin ako. "Mom, this is the last time na
magpapauto ako sa inyo!"

"Trust me this time, son." Ang lapad ng kanyang ngiti. Tila


siguradong-sigurado siya na magwo-work ang pagma-matchmaking niya.

Pag-alis ni Mommy ay saka ko lamang napagbalingan ang cellphone.


May limang missed call na si Cyrhel. Bakit kaya?

"Sir, you have an overseas call from Mr. Buenavista," wika ni


Adrian mula sa intercom. Si Vince? Hindi ko maintindihan kung bakit may kabang
bumangon sa aking dibdib.

CYRHEL

"Ayaw niyang sagutin ang phone niya," nanginginig ang tinig na sabi
ko. Bukod doon ay hindi ko magawang salubungin ang mga mata ni Mark. He was sitting
in the couch infront of me. Bagaman hindi siya nagsasalita, sa klase pa lang
pagkakatitig niya sa akin ay alam na ko na hindi niya nagustuhan ang natuklasan.

Muli akong dinayal ang number ni Tyron. Panlimang tawag ko na yata


iyon pero hindi pa rin niya sinasagot. My god Tyron! Sagutin mo na please.

"Care to tell me what is going on here?"

Napakislot ako nang biglang magsalita si Mark. Wala sa loob na


nasapo ko ang dibdib. Magkakaroon pa ako ng sakit sa puso dahil sa kanya.

"Cyrhel, I'm waiting..." Iyon na naman ang boses niya na nagpataas


ng mga balahibo ko sa buong katawan.

"Pwedeng huminga muna kahit one minute lang. Konting-konti na lang


at mauubusan na ako ng oxygen." Subalit nananatili pa rin naka-pokerface ang
binata. "He's not mine, okay?" sabi ko patungkol sa batang nasa aking kandungan.
Iyon kasi ang nababasa niya sa kanyang mga mata. "Ang tanging role ko lang naman
dito ay maging babysitter. I have no place to stay at nagkataon naman na inalok ako
ni Tyron and I grabbed the opportunity."

"Sino ang magulang ng batang iyan?"


"I'm not one hundred percent sure pero..." Siguradong malalagot ako kay Tyron kapag
umamin ako. Pero mas malalagot ako kay Mark kung hindi ako magsasalita. Tingin pa
lamang niya ay parang gusto na ko nang mawalan ng ulirat. "Si Tyron ang ama ni Baby
Ron-Ron."

Bagaman nagulat siya sa narinig, tila hindi nama natinag ang binata
sa kinauupuan. "Paanong nangyari iyon?"

"'Yung kaibigan mo na lang ang tanungin mo. Baka maiba ang version
ko sa version niya at lalo ka lamang maguluhan."

"Alam ba ng parents at kuya mo na nandito ka?"

"Syempre hindi.'

"Paano kung malaman nila? Handa ka ba sa kahihinatnan? Hindi biro


itong pinasok mo."

"Walang masama sa ginagawa ko. Besides, hindi libre ang pag-aalaga


ko kay Baby Ron-Ron. Nandito ako para magtrabaho."

"Do you think iyon din ang iisipin nila? I doubt it!"

Awtomatikong humaba ang nguso ako. I could see his point. Knowing
my mother, kapag nalaman niya na nakikitira ako kay Tyron ay baka isipin niya na
mayroon namamagitan sa aming dalawa. Parang nai-imagine ko na ang pagpi-freak out
niya.

"Akina ang baby," utos ni Mark. Agad ko naman iniabot sa kanya si


Baby Ron-Ron. Lihim akong napakislot nang magdikit ang aming mga braso. Takte! May
spark. Ito na ba ang isa sa mga sign na hinihintay ko?

"Mas kamukha mo siya kaysa kay Tyron," sabi niyang habang seryosong
pinagmamasdan si Baby Ron-Ron. Titig na titig naman sa kanya ang bata. Bukod sa
aming dalawa ni Tyron ay ngayon lamang siya nakakita ng ibang tao.

"Hindi kaya! Look at his eyes and nose, katulad na katulad ng kay
Tyron."

"Pero mas malaki ang pagkakahawig ng mga features ninyong dalawa,"


giit ni Mark na lalong nagpasimangot sa akin. Malabo yata ang mga mata niya.

"Dodo!" Sambit ni Baby Ron-Ron na kinagulat ng binata. Humagikgik


pa ang bata na tila tuwang-tuwa sa lalaking kaharap.

"He likes you," I said smiling and to my surprised, ngumiti rin si


Mark. Omo! Ito ang unang pagkakataon na nasilayan ko ang napaka-rare niyang ngiti.
Shete! Ang guwapo niya talaga!

"Napa-check-up nyo na ba siya sa pedia?"

"Hindi pa."

"Dress up. Pati si baby ay bihisan mo na rin." Nagtatakang


sinundan ko ng tingin ang binata nang bigla siyang tumayo. "Pupunta tayo ng
ospital. Kailangan ng bata ng medical attention."

Tayo? Ibig sabihin magsasama kaming dalawa? Parang isang pamilya?


Oh Lordy! Ito na yata ang second sign sa katuparan ng aking
pangarap. Lubus-lubusin na sana at ibigay na rin sa akin ang third sign.

Chapter Twelve: Hot Seat

Chapter Twelve: Hot Seat

CYRHEL

Pagdating namin ni Mark sa ospital, everyone is greeting us.


Bagaman noong una ay naroon ng pagtataka at pagkagulat sa mukha ng mga staff,
napalitan naman iyon ng pagkagiliw sa batang karga ng binatang doktor.

"He is so cute!" Lahat halos ng mga nakakasalubong namin ay iyon


ang sinasabi. No doubt, eye-catcher talaga si Baby Ron-Ron. Manang-manang siya sa
kanyang yaya na sobrang cute!

"Doctor Mendoza!" Isang humahangos na nurse ang bigla na lamang


bumalya sa akin.

"Aray naman!" Reklamo ko. Subalit dedma lamang siya at tila walang
narinig.

"Sir, pa-sign ako ng release-" Na-freezed sa kamay niya ang hawak


na ballpen kasabay ng panlalaki ng mga mata. "A-anak nyo siya?" Gulat na tanong
niya na mukhang hindi naman nagulat at saka tinuro si Baby Ron-Ron. Doon ko lamang
din napansin ang mga kapwa niya nurse na nakamasid sa gilid at mukhang naghihintay
sa isasagot ng binata.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lamang si Mark sa mga naroon. Sa


ginawa niya para na rin siyang umamin.

"Siya po ba ang nanay ng bata?" Tanong ulit ng nurse sabay turo sa


akin. Naroon ang disgusto sa kanyang mukha. Ito yata ang presidente ng fans club ng
binata. Subalit bago pa ako makapag-react ay muli lamang ngumiti ang doktor.

Takte ka naman, Mark. Huwag ka ngang ganyan!

"No way! Siya ang nanay ng anak ni Dok?" Bigla na lamang may nag-
react mula sa likuran ko. Sila yata 'yung mga member ng fans club.

"Meaning asawa niya?"

"Tange! Binata pa kaya si Dok."

"So, isa siyang binatang-ama?"

"At 'yung girl ang mapalad na ina ng anak niya?"

"Cyrhel, kunin mo muna si baby," utos ni Mark at inabot sa akin ang


bata. Kinuha naman niya sa akin ang bitbit kong shoulder bag na pinaglalagyan ng
mga gamit ni Baby Ron-Ron. "Dumiretso muna tayo sa opisina ko," dagdag pa niya.

Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango at dumikit lalo sa kanya.


Nangingiti na lumingon ako sa pinanggalingan. Pwes, manigas kayo sa inggit!

Paliko na kami ng hallway nang bigla akong natalisod. Mabuti na


lamang at naging maagap ang binata at naalalayan niya agad ako sa braso.

"Watch your step," he said as he looked at me. Hindi pa rin niya


inaalis ang pagkakahawak sa akin.

Kalma lang Cyrhel! I told myself. Para kasi akong mangingisay sa


sobrang kilig.
"Dodo!" Sambit ni Baby Ron-Ron sabay turo kay Mark. Humagikgik pa
ito at saka nagpaulan...ng laway! Sapul na sapul ako sa mukha.

"Baby naman!" Reklamo ko. Panira ka ng moment!

Maraming series of test ang ginawa kay Baby Ron-Ron. Nanay na nanay
ang peg ko habang nakabantay. Doon ko lamang nalaman ang mga bagay-bagay na
kailangang pagtuunan ng pansin lalo na sa isang tulad niya. To be exact, nasa six
months na ang bata, iyon ang sabi ng pediatrician na tumingin kay baby, na guwapo
rin katulad ni Mark. Naman! Ba't ba nagkalat ang mga guwapo sa ospital na iyon?

"Knock! Knock!"

Sabay kaming napalingon lahat sa bagong dating. Ito pa ang isang


guwapo. Hindi ko malaman kung may ilalapad pa ang mga ngiti ko.

"Tama pala ang narinig ko. May anak ka na raw!" " Masiglang sabi ni
Louie nang lumapit sa amin at tinapik ng malakas sa balikat si Mark. Pagkatapos ay
lumipad ang tingin niya sa akin. "Hello there!"

"H-hi..." Ganting bati ko sabay hawi ng buhok sa likod ng tenga.


Hindi ko malaman kung paano ikukubli ang nararamdaman kilig ng mga oras na iyon.

"What are you doing here, Louie?" Mark asked in a cold voice. "Oras
pa ng trabaho. Wala ka bang pasyente?"

"Meron. Pero pinabalik ko na lang bukas," he answered smiling. Ang


atensyon niya ay na kay Baby Ron-Ron.

"What?!"

"I came here to confirm the humor," balewalang sagot ni Louie at


binuhat ang bata. "Hello, baby boy! Uncle Louie is here."
"Get back to your work!" Asik ni Mark sa pinsan. Ngunit tila wala
itong narinig.

"Let me see, hmmm..." Ilang sandaling tinitigan ni Louie si Baby


Ron-Ron at nang ma-satisfy ay nangingiting ibinalik sa akin ang bata. "What do you
think, Dr. Gregorio?" Binalingan niya ang pediatrician na tumitingin sa bata.
Ngumiti lamang ito at nagkibit-balikat. Parang sira na nakingiti na rin ako. Ang
wapu-wapu naman kasi nilang tatlo.

"Too bad, pero wala kayong similarities ni baby, Mark,"


pagpapatuloy ni Louie. "Actually mas may hawig pa sila ni Tyron."

"Sabi ko sayo eh!" Wala sa loob na bulaslas ko kay Mark. "Magkahawig talaga silang
dalawa!"
"Wait! You mean...si Tyron ang ama ng bata?"

Oops! Natikom kong bigla ang bibig.

"Balikan mo na ang mga pasyente mo, Dr. Louie Mendoza!" Itinulak ni


Mark ang pinsan palabas ng silid.

"It's that true? Hindi nga, Mark? Kailangan itong malaman ni


Rhyme."

"Shut up!"

Me and my mouth! Sana lang ay magawang patahimikin ni Mark ang


kanyang pinsan. Malalagot ako nito kay Tyron.

"I think mas may hawig kayo ni Baby Ron-Ron," amused na sabi sa
akin ni Dr. Gregorio bago niya binalingan ang hawak na medical chart.

Shemay! He smiled at me. Pero sayang, taken na siya! Di bale,


hangga't single at walang lovelife si Mark may pag-asa pa ako. Tiwala lang, Cyrhel!
"Mag-lunch na muna tayo bago ko kayo ihatid pauwi," sabi ni Mark
nang lumabas kami ng elevator at sinipat ang suot na relo.

Tayo? Ang sarap naman pakinggan ng salitang iyon.

"Momo!" Bulaslas ni Baby Ron-Ron at dinutdot ng daliri niya ang


pisngi ko. Hindi pa siya nakuntento pati butas ng ilong ko ay napagdistikahan niya.

"Baby!" Saway ko. Nakakahiya kay Mark. Ngunit hindi ko inaasahan


ang naging reaksyon niya. He laughed at me. Ito ang unang pagkakataon na tumawa
siya sa harapan ko.

"Magkasundo talaga kayong dalawa. Hindi na ako magtataka kung


isipin din ng iba na para kayong mag-ina," he said, but smiling this time. "Pero
paano kung makita ka ng parents mo na kasama si baby?"

"I can explain to them."

"Paano kung ngayon iyon?"

Kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ay humaba ang nguso niya na


tila mayroong tinuturo sa aking likuran. Ang bilis ng lingon ko. Only to find out
that he's only making fun of me.

"Pinapakaba mo naman ako!" Naiinis na sabi ko kunwari. Dahil imbes


na mapikon ako ay may hatid na kilig ang pagbibiro niya akin.

Muli lamang akong tinawanan ni Mark. And to my surprised, umangat


ang kamay niya at pinatong sa ulo ko para lamang guluhin ang aking buhok. Parang
bata lang ang peg. No dice! He couldn't see me as a woman.

"I think nagugutom na si baby. Padededehin mo muna siya. Doon na


lang muna kayo sa office ko. May dadaanan lang ako sandali," sabi niya na bahagya
pang pinisil si Baby Ron-Ron sa pisngi.

"Pinapunta mo raw ako!"

Napalingon kaming dalawa sa bagong dating. Hindi maipinta ang mukha


niya na dinaanan kami ng tingin. Mas lalong naningkit ang mga mata niyang singkit.
She looks familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya huling nakita.

"Kanina pa kita hinihintay. Bakit ngayon ka lang?" Hindi ako


sigurado pero parang naging seryoso ulit si Mark.

"Ano ang kailangan mo sa akin?" Malamig ang tinig na balik-tanong


ng babae. Sa halip na sumagot ang binata ay mabilis niya hinablot ang kaliwang
braso nito at inililihis ang manggas ng suot nitong leather jacket.Na-exposed ang
malaking galos nito.

"Ano na naman kalokohan ang pinaggagawa mo?"

"Wala akong ginagawang kalokohan."

"Kailan ka ba magtitino?"

Hindi kumibo ang babae ngunit nananatiling nakasimangot.

"Come, gagamutin ko ang sugat mo."

"Will you stop acting as my self-appointed big brother? Nakakasawa


ka na!" Asik ng babae at mabilis na binawi ang braso. "Doktor ang kailangan ko,
hindi kuya," dagdag pa niya bago naglakad palayo.

"Jianne!" Namumula ang mukha sa galit na sinundan ito ni Mark.


Naiwan akong nagugulumihanan sa nasaksihan. May something sa kanila na hindi ko
maipaliwanag.

TYRON

Five more minutes!

Subalit sa kaka-five more minutes ko, inabot na ako ng isang oras


sa paghihintay. Nakakasampung baso na yata ako ng tubig at ang bigat-bigat na ng
tiyan ko.

"Sir, can I take your order now?" Hindi maipinta ang mukha ng
waiter nang muling lumapit sa akin. Panlabindalawang beses na rin niyang
pagtatangka ito.

"Later, I'm waiting for someone." Hindi na rin maipinta ang mukha
ko. Sa inis ay kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Mommy. "Mom, sigurado ka ba
na darating siya? Kanina ko pa gustong umuwi at nagugutom na ako!"

Tinawanan lamang ako ni Mommy sa kabilang linya. "Relax son,


darating siya for sure. Baka na-traffic lang."

"Kung alam ko lang na male-late siya, eh di sana nagpa-late na rin


ako!" Kung hindi lang talaga sa pangungulit ng ina ay hindi talaga ako papayag sa
blind date na i-set-up nila ng kanyang amiga.

"Be a gentleman. Ikaw din, baka ma-turn off siya sayo at magsisi ka
sa bandang huli."

The hell I care! Mas maigi nga siguro iyon para hindi na masundan
ang date na ito.

Last five more minutes! Kapag hindi pa talaga siya dumating ay uuwi
na talaga ako. Subalit wala pang isang minuto nang bigla akong tumayo sa
kinauupuan. Hindi ko na pala kayang maghintay pa ng another four minutes. Uuwi na
talaga ako. Ngunit bago ko pa maihakbang ang mga paa nang mapukaw ang atensyon ko
sa babaeng sumulpot sa may entrance. Pakiwari ko ay nalaglag ang panga ko sa
nakita.

Her beauty is beyond perfection. Para siyang diyosa na naligaw sa


lugar na iyon. My heart skip a beat when our eyes met. Then suddenly, she smiled at
me. Mas lalo akong tinulos sa kinatatayuan nang humakbang siya patungo sa
kinaroroonan ko. Could it be...

"Tyron, right?" Parang musika sa pandinig ko ang kanyang tinig.


Napatango na lamang ako sa halip na sumagot. "Sorry for keeping you waiting.
Nasiraan kasi ako ng kotse."

"N-no problem," finally I found my voice. "It's okay. Have a seat!"


Halos hindi ako magkandaugaga sa pag-alalay sa kanya.

"Thank you."

Mabilis kong tinawag ang waiter, without leaving my eyes on her. Ni


hindi ko nga magawang kumurap. Pakiwari ko ay baka bigla na lamang siyang mawala sa
aking paningin. Kung palaging ganito kaganda ang makaka-date ko, willing akong
maghintay kahit abutin pa ako ng siyam-siyam. Mabuti na lamang pala at nagtiyaga
ako. Kung sinusuwerte nga naman!

"By the way, I'm Kate de Asis," inilahad niya sa akin ang kanyang
kamay na agad kong sinunggaban. "Can you still remember me?" She asked, smiling
sweetly.

Kumunot ang noo ko. "Have we met before?" Subalit duda ako roon.
Dahil kung matagal ko na siyang kilala, sa ganda niyang iyon, eh di sana naging
girlfriend ko na siya.

Nangingiting tumango lamang si Kate na lalong nagpagulo ng isip ko.


Sigurado ako na ngayon ko lamang siya nakita.

"Come on, Tyron. Try harder," she urged playfully.

I tried to recall her name. Ngunit ibang Kate ang sumingit sa aking
isipan at imposible na siya iyon.

"It's me, the nerdy and shy girl you used to call Yobab."

Napatuwid ang likod ko sa pagkakasandal. No way!

"You couldn't believe that the ugly duckling turned out to be a


swan?"

"I-I was surprised... I mean, wow! You really look great today.
Though you're not ugly then...y-you've change a lot." Hindi lang ako nagulat, kundi
na-shocked din ako. Sinong mag-aaakala na ang dating mataba at nakabrace at nerdy
kong highschool classmate ay magta-transform sa isang napakagandang nilalang.

"You're right. I changed a lot and it's all because of you,"


seryosong sabi niya na sinabayan ng mahinang pagtawa pagkatapos. "I was just
kidding! Ano ka ba, masyado kang seryoso. Naninibago tuloy ako sayo. Where is the
hyper and cheerful Tyron I used to know?"
Nahawa ako sa maganda niyang mood kaya napangiti na rin ako. Ngunit
hindi ko pa rin mapigilan makaramdam ng pagka-guilty. I was naughty and mean to her
before. At madalas ko siyang tinutukso na yobab dahil sa sobrang katabaan niya
noon. Yobab stands for baboy.

Subalit habang lumilipas ang oras ay unti-unting akong naging at


ease sa pakikipag-usap kay Kate. Buong akala ko kasi ay nagtanim siya ng sama ng
loob sa akin dahil sa mga kalokohan ko sa kanya dati. Pero kabaliktaran pala iyon
ng iniisip ko. After our graduation ay sa States na raw niya ipagpatuloy ang pag-
aaral at doon nagtapos ng college. Doon niya unti-unting binago ang sarili hanggang
sa ma-achieved niya ang mayroon siya ngayon.

"Actually, nang sabihin sa akin ni Mama na iba-blind date niya ako


sa anak ng kanyang kaibigan ay hindi ako pumayag," wika ni Kate habang
pinaglalaruan niya ng daliri ang hawak na kopita. Her eyes never left mine. "Pero
nang malaman kong ikaw iyon, nagbago ang isip ko. Gusto kitang makita ulit."

Umangat ang sulok ng labi ko. "Did I satisfy your curiousity?"


Malanding tanong ko. Ngumiti lamang siya at doon pa lang ay parang alam ko na ang
gusto niyang sabihin.

Hanggang sa makauwi ako ay hindi nawawala ang ngiti sa aking mga


labi. For the first time in the history of my mother's idea of blind dating, ngayon
lamang ako natuwa ng ganito na parang gusto kong manlibre ng isang linggo sa mga
kaibigan. I guess I finally found the one for me. Si Kate na yata ang solusyon para
hindi ako tumandang binata.

Pasipol-sipol pa ako ng lumabas ng elevator. Sa sobrang kagalakan


ay napasayaw pa ako sa corridor. Wala akong pakialam kung may makakita man sa akin.
Basta masaya ako. Nakatatlong doorbell ako bago nagbukas ang pinto ng pad. Dati-
rati nag-iinit na agad ang ulo ko kapag hindi agad ako napagbubuksan ni Cyrhel.

"Ito na 'yung promise ko," sabay abot sa dalaga ng isang supot.

"Ano ito?"

"Something sweets. Iyon ang request mo kanina, hindi ba?" Sabi ko


na nilagpasan lamang siya. May nadaanan akong convenience store kanina at naisip
kong bilhan siya ng chocolates. May pagtataka sa mukha ni Cyrhel na sinundan ako ng
tingin.

"How is your day kasama si Baby Ron-Ron?" Naisip kong itanong.

"Good. Sinamahan ko sila sa ospital," sagot ng isang boses lalaki.

Paglingon ko ay nakita ko si Mark at buhat-buhat si Baby Ron-Ron.


Mabilis akong lumingon kay Cyrhel at pinandilatan siya ng mga mata. Ngunit
nagkibit-balikat lamang ang dalaga.

Magkatabi kaming nakaupo ni Cyrhel sa couch at walang kibuan habang


isa-isang sinasagot ang mga katanungan ni Mark. Ang tindi niyang mag-interrogate.
Daig pa niya ang isang NBI agent.

"Paano mo naman nasiguro na hindi ikaw ang ama ni Baby Ron-Ron?"


Muli niyang tanong na lalong nagpasakit ng ulo.
"Sinagot ko na iyan kanina. Ayoko ng ulitin."

"Wala ka man lang bang naramdamang lukso ng dugo nang una mong
makita ang bata?"

"Wala!"

"Pero malaki ang pagkakahawig ninyo ni Baby Ron-Ron."

"Mas magkamukha silang dalawa ni Cyrhel."

"Hoy bakulaw! Huwag mo nga akong idamay. Ikaw ang hot seat dito at
hindi ako."

"Humanda ka sa akin mamaya, Monay!" Mahinang asik ko sa dalaga.


Kung hindi dahil sa kapabayaan niya ay hindi malalaman ni Mark ang tungkol kay Baby
Ron-Ron.

"Para makasiguro tayo na hindi mo talaga anak ang bata, mag-undergo


kayo ng DNA test," suhestiyon ng kaibigan.

"Walang problema sa akin. Gusto ko na rin malaman ang totoo para


matahimik na ang buhay ko."

"Magpakamatay ka kung gusto mong matahimik!" Sabat ni Cyrhel sa


pabulong na paraan pero nakarating pa rin iyon sa pandinig ko.

May kinuha si Mark mula sa bitbit nitong maliit na bag.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Kukunan kita ng sample para i-match sa sample na makukuha ko kay


baby."

"Kukunan ka niya ng dugo," segunda ni Cyrhel.

"D-dugo?" Nanlaking bigla ang mga mata ko.


"Isang bag ng dugo!" Ang lapad ng ngisi ng dalaga.

"Teka, sample lang naman ang kukunin mo, 'di ba. Hindi ba pwedeng
laway na lang o kaya buhok?" Wala sa loob na napaatras ako.

"Naalala ko na nangangailangan pala ng dugo ang isa kong pasyente.


Isasabay ko na rin ang sample mo para sa DNA test," wika ni Mark habang papalapit
sa akin. "Cyrhel, hawakan mo si Tyron," utos nito.

"Dok, kung itali na lang kaya natin siya sa poste?"

Chapter Thirteen: Selfishness

Chapter Thirteen: Selfishness

CYRHEL

"Si Baby Ron-Ron?" Bungad ni Tyron nang lumabas ng kanyang silid at


humilata na lang bigla sa couch. Kagigising lang niya pero mukhang matutulog na
naman siya ulit.

"Katutulog lang ni baby. Nandoon siya sa kuwarto."

"Ipagtimpla mo ako ng kape," utos niya.

Awtomatikong humaba ang nguso ko. "Bakit hindi ikaw ang magtimpla
ng sarili mong kape? Yaya ako ng anak mo at hindi mo katulong," ismid ko.
Namimihasa na ang binata. Bukod sa pag-aalaga kay Baby Ron-Ron ay ako na rin ang
gumagawa ng lahat ng mga household chores. Halos hindi na nga siya kumikilos. Kapag
nandito siya sa pad ay wala siyang ginawa kundi matulog, humilata at kumain.

"Pero ako pa rin ang amo mo at ako ang nagpapasahod sa'yo," aniya
habang nanatiling nakapikit.

"Dalawang linggo na ako dito pero hanggang ngayon ay hindi mo pa


ako pinasasahod. Nasaan ang katarungan doon?"

"Talagang hindi ka makakatikim ng sahod sa akin hangga't hindi mo


ako tinuturing na amo."

Sa inis ay sinugod ko siya at tinakpan ng throw pillow ang kanyang


mukha. "Hayop na bakulaw ka! Wala ka talagang puso!" Wala sana akong balak na
tigilan siya kung hindi lang tumunog ang kanyang cellphone. Nang marinig iyon ni
Tyron ay halos balyahin niya ako at mabilis na bumangon. Tumalbog tuloy ako sa
kabilang couch.

"Yes, Kate?" Ang lapad ng pagkakangiti ng loko. Kumukutitap pa ang


kanyang mga mata. Mukhang inlabu ang bakulaw.
Tumayo ako at tinungo ang kusina upang kumuha lang sana ng tubig.
Ngunit narinig ko ang pasigaw na tinig ni Tyron. "Monay, 'yung kape ko huwag mong
kalimutan."

"Hoy baku-"

"I was refering to my maid. Yeah, I'm calling her Monay. Para
kasing monay iyong mga pisngi niya," wika niya sa kabilang linya habang nakahilata
sa couch. Tumatawa pa siya na parang kinikilig.

"Maid ha? Kung lagyan ko kaya ng pampapurga itong kape mo? Ewan ko
lang kung kiligin ka pa habang pabalik-balik sa banyo," pagsesentimyento ko. Labag
man sa kalooban ko ay ipinagtimpla ko pa rin siya ng kape. Muli akong napatingin sa
direksyon ni Tyron nang marinig ko siyang tumawa.

"Care to tell me why?" aniya sa malanding tinig at parang sira na


pinanggigigilan ang yakap na throw pillow.

"Ang sagwa palang lumandi ang isang bakulaw. Nakakapanindig


balahibo," I said to myself and giggled. Para kasi akong maiihi.

Agad kong dinampot ang cellphone nang may magtext sa akin. Si Mark
pala. Nagreply siya sa text ko sa kanya kanina. Well, hindi lang si Tyron ang uma-
aura sa cellphone, kundi ako rin. At hindi lang kami basta textmate ni Dok Mark
kundi magcallmate rin. Iyon nga lang ang palagi naming topic ay si Baby Ron-Ron. He
really care about him. Araw-araw ay dumadaan siya sa pad para i-check ang bata.
Pero mukhang pumalya ngayong araw na ito ang binatang doktor. Oo nga pala, nasa out
of town siya.

Muli ko na naman narinig ang malanding pagtawa ni Tyron nang ilapag


ko sa center table ang pinatimpla niyang kape. Agad naman bumangon ang binata at
isinenyas sa akin na iabot iyon sa kanya. Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata at
sinunod na lamang siya.

Mapaso ka sana! Subalit hindi pa ako nakakahakbang palayo nang


biglang mapamura si Tyron. Nagkakatotoo ang sinabi ko.

"Bakit sobrang init naman nito?" Angil niya sa akin.

"Mainit? Eh di lagyan natin ng yelo. Sa susunod kasi lilinawin mo


na iced coffee pala ang gusto mo."

Nang lumabas ako ng silid ay patuloy pa rin na nakikipag-usap si


Tyron sa cellphone. Nilagpasan ko lamang siya at dumiretso sa kusina. At dahil nga
hindi ko siya maistorbo sa paglalandi niya ay nag-iwan na lang ako ng note sa
fridge. Sasamantalahin kong lumabas habang natutulog si Baby Ron-Ron. Kailangan
kong pumunta ng drugstore para bumili ng gamot niya. Kaninang umaga paggising ko ay
medyo mainit na ang bata. Agad kong itinext si Mark. Siya lamang ang maaasahan ko
dahil kung si Tyron lang, kakailanganin ko pa ng isang himala.

Hindi rin naman ako nagtagal at agad din akong bumalik. Mabuti na
lamang at may nakita akong Generika sa kabilang kanto. Hindi ko na kailangang
lumayo. Papasok na ako ng condo nang bigla akong mapaatras at mabilis na nagkubli.

"Sigurado kayo, kuya?" Paniniguro ng babae sa nakaduty na


guwardiya. Pagkatapos ay binalingan niya ang kasamang lalaki. "Sabi ko sayo nandito
si Cyrhel. Tama ang hinala ko."

"Hinala ka dyan! Ako kaya ang nag-suggest na baka nandito siya sa


condo ng kuya niya."

Naman! Bakit ngayon pa sila napadpad dito?

"Eric, tawagan mo si Cyrhel. Sabihin mo nandito tayo?"

"Tange! Kapag tinawagan natin siya siguradong pagtataguan niya lang


tayo. Knowing Cyrhel, hindi niya gugustuhin na makita natin siya sa kanyang kaawa-
awang sitwasyon."

"Ang salbahe mo talaga! Hindi na lang sana kita isinama."

"Hindi naman si Cyrhel ang gusto kong makita kundi iyong sinasabi
mong pogi niyang amo."

"Matanong ko lang, ano ba kayo ni Cyrhel?" Pag-uusisa ni Manong Ed


sa dalawa.
"Bestfriend niya po ako at siya naman ang boyfriend ni Cyrhel,"
sabay turo ni Azure sa katabi.

"Boyfriend ka dyan! Anong akala mo sa akin, tomboy? Kilabutan ka


nga!"

"Ibig sabihin babae ka?" Bakas sa mukha ni Manong Ed ang


pagkamangha. Bukod sa lalaking-lalaki ang kanyang suot ay pinagpala rin siya ng
guwapong mukha.

Humagalpak ng tawa si Azure. "Kuya, hindi po siya babae. Pusong-


babae lang po."

"Sayang naman. Kay ganda mo pa namang lalaki."

"Salamat sa compliments, Manong," sarkastikong wika ni Eric sabay


irap. "Ang sarap ninyong sabunutan ever!"

Napakagat labi ako habang nag-iisip kung paano iiwasan ang mga
kaibigan. Hindi dahil ayokong makita nila ako sa sitwasyon ko ngayon, ayoko lang
malaman nila kung nasaan at sino ang kasama ko. Dahil sa oras na komprontahin sila
ng mga magulang ko, mapipilitan silang umamin. End of the world na para sa akin.

Naisip kong dumaan na lang sa parking area. Pasakay na ako ng


elevator nang bigla na lang may kumalapit sa akin. I almost jumped in surprise.

"Tinakot mo naman ako, Kevin!" Nasapo ko tuloy ang dibdib. Akala ko


may mumu!

"Bakit dito ka dumaan?" Nakangising tanong niya at pinindot ang


twentieth floor button.

Hay, maghahagdan na naman ako pababa ng seventeenth floor.

"Ikaw, bakit dito ka rin dumaan?" Balik-tanong ko.

"Nakita kasi kita patungo rito kaya sinundan kita," aniya na


sinulyapan ang bitbit kong supot. "Cyrhel..."

"Hmmm?"

"Pwede ba kitang yayain magluch mamaya?"

Napatuwid ako ng tayo sa narinig. "M-maglunch? Tayong dalawa?"

Nahihiyang tumango si Kevin. "K-kung okay lang sayo."

Okay na okay! Subalit bigla kong naalala si Baby Ron-Ron. Hindi ko


siya pwedeng iwanan sa kanyang kalagayan. Kahit nariyan si Tyron ay hindi ko
maaaring ipagkatiwala sa kanya ang pag-aalaga sa bata.

"Sorry Kevin, next time na lang siguro. May gagawin pa kasi ako."

"Ano ka ba, okay lang," sabi niya at pilit na ngumiti. "May next
time pa naman, hindi ba?"

Bagaman may paghihinayang ako sa naunsyaming lunch date sana namin


ni Kevin, hindi ko naman maaatim ng pabayaan na lang basta si Baby Ron-Ron.

TYRON

"What?" Muntikan na akong mahulog sa sofa dahil sa narinig. "As in


now?" Paniniguro ko. Baka kasi nagkamali lamang ako ng dinig. Subalit muling
kinumpirma ni Kate na bibisita siya sa pad ko. Kung paano niya nalaman ang address
ko ay hindi ko alam. Pero may hinala na naglalaro sa isipan at duda ako na si Mommy
ang nagbigay sa kanya.

"K-kung gusto mo ako na lang ang pupunta sa place mo... Nakakahiya


kasi hindi pa ako naglilinis at saka..."
Ngunit hindi ko makumbinsi ang dalaga. Desidido talaga siya na
sadyain ako. Ang masama pa nito ay on the way na raw siya. Naman! Hindi man lang
niya ako binigyan ng panahon para makapaghanda.

Si Cyrhel ang una kong hinanap. Pero tanging si Baby Ron-Ron lamang
ang natagpuan kong natutulog sa kanyang silid. Nang magtungo ako sa kusina ay saka
ko napansin ang note niya na nakapaskil sa fridge. Lalo akong nanlumo sa nalaman.
Agad kong tinawagan ang cellphone niya pero naiwanan pala niya iyon sa ibabaw ng
lababo.

Wala sa loob na nasabunot ko ang sarili. Nagpapanic na ako at hindi


malaman ang gagawin. Kapag hindi ako nakagawa ng paraan, malamang baka mapurnada
ang lovelife ko. Sinubukan kong tawagan muli si Kate ngunit hindi na niya sinasagot
ang phone niya.

CYRHEL

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang malinis at maayos na sala.


Himala at nagbanat ng buto ang bakulaw. Buong akala ko talaga ay iaasa na lang niya
sa akin ang lahat ng gawaing-bahay.

"Kanina pa kita hinihintay!" Lumabas si Tyron mula sa silid ko


habang karga niya si Baby Ron-Ron. Agad niyang iniabot sa akin ang bata. Gayundin
ang shoulder bag na punung-puno ng mga gamit ni baby. "Lumabas muna kayo ni Baby
Ron-Ron. May darating akong bisita. Hindi niya kayo puwedeng makita rito."

Napakunot-noo ako. "Bibisita ang mommy mo?"

"Hindi. May iba akong bisita. Isang espesyal na bisita."

"Espesyal? Parang retarded?"

"Darating ang fiancee ko." Binuksan ni Tyron ang pinto at tinulak


ako palabas.

"Kailan ka pa nagkaroon ng fiancee?" Hindi ko malaman kung may


iaangat pa ang kilay ko.

"Basta. Stay away from here for awhile." Iyon lang at


pinagsaraduhan na niya ako ng pintuan. Subalit hindi pa ako nakakabawi sa kabiglaan
nang muli iyong magbukas. Iyon pala ay para lamang iabot sa akin ang cellphone ko.
"Hintayin mo ang tawag ko kung kailan kayo pwedeng bumalik." At muli niya akong
pinagsaraduhan.

Saan naman kami mag-i-stay ngayon ni Baby Ron-Ron?

Kung hindi lang naka-out of town si Mark ay sa kanya sana ako


tatakbo. Gayunpaman ay nagbakasakali pa rin ako sa pad niya. Nahiling ko na sana ay
nakauwi na siya. Pero hanggang sa mangawit ang daliri ko sa pagdo-doorbell ay
walang Mark na nagbukas sa akin ng pinto. Nanlulumo na muli akong sumakay elevator
pababa. Kailangan kong makahanap ng safe na lugar.

Naisip kong pumasok sa isang fastfood store pero naalala ko na baka


malamigan doon si Baby Ron-Ron. Bagaman wala siyang imik ay kapansin-pansin ang
kanyang pananamlay. Magmula kanina ay nakayakap lamang siya sa akin habang
nakahilig ang ulo niya sa balikat ko. Halata na hindi maganda ang kanyang
pakiramdam.
Nakahanap ako ng magandang puwesto sa nadaanan kong parke. Walang
pakialam na sumalamak ako sa damuhan sa ilalim ng isang puno. Kailangan ko munang
padedehin si Baby Ron-Ron bago ko siya painumin ng binili kong gamot para sa
lagnat. Mabuti na lamang din at kumpleto ang mga gamit na pinadala ni Tyron.

"Paano naatim ng ama mo na ipagtabuyan tayo ng ganito?" Himutok ko


sa batang walang kamalay-malay na dumedede. "Wala talaga siyang kuwenta. Hindi man
lang niya inisip na wala tayong mapupuntahan. Napaka-selfish talaga niya, immature
at asal-bakulaw! Humanda siya sa pagbalik ni Mark. Isusumbong ko talaga ang
pagmamaltrato niya sa atin."

Naramdaman ko na lang na may luhang pumatak mula sa aking mata.


Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako. Siguro dahil hindi ko maatim ang
kinaroroonan naming sitwasyon. Tapos may sakit pa si Baby Ron-Ron. Para kaming mga
palaboy na walang matuluyan.

"Cyrhel?"

Pag-angat ko ng mukha ay nasa harapan ko si Kevin. Katulad ko ay


gulat na gulat din siya.

"Anong..." Palipat-lipat ang tingin niya sa amin dalawa ni Baby


Ron-Ron.

Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Nadiskubre na ng binata


ang tinatago kong sikreto. Gustuhin ko mang magpaliwanag ay hindi ko magawa.
Natatakot ako na baka hindi siya maniwala.

Pagkaraan ng mahabang sandali na pananamihik niya, naramdaman ko na


lang ang pag-upo ni Kevin sa tabi ko.

"Para sa kanya ba ang binili mong gamot kanina?"

Tumango lang ako. Kung paano niya nalaman ang tungkol doon ay hindi
ko alam.

"He's a he, right? Ang cute-cute niya," nakangiting sabi niya na


hinaplos sa pisngi ang bata. "What's his name?"

"Ron-Ron," matipid kong sagot. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa


kanya.

Biglang idinuwal ni Baby Ron-Ron ang gatas mula sa bibig niya.


Tinapik-tapik ko siya sa likod. Baka kasi nasamid lamang siya. Pero patuloy ang
bata sa pagduruwal.

"Anong nangyayari sa kanya?"

May kabang biglang bumangon sa dibdib ko. "Hindi ko rin alam."

"God! Inaapoy ng lagnat si Ron-Ron!" Bulaslas ni Kevin nang hipuin


niya ang noo ng bata. "Cyrhel, kailangan natin siyang dalhin sa ospital!"
"Huh!"

Mabilis na tumayo ang binata at kinuha mula sa akin si Baby Ron-


Ron. Napasunod na lang ako at namalayan ko na lang na pumapara na siya ng taxi. Ang
unang pumasok sa isip ko ay tawagan si Tyron. Pero hindi naman niya sinasagot ang
kanyang cellphone.
TYRON

Pagtunog ng doorbell ay eksaktong nakabihis na ako. Bago ko buksan


ang pinto ay muli kong sinipat ang sarili sa salamin.

Ang guwapo mo talaga, Tyron! Ewan ko lang kung hindi siya mainlove
sa iyo.

"Hi!" Masiglang bati ko nang pagbuksan si Kate ng pinto. My smile


matched her. At katulad ng inaasahan ko, she really looks gorgeous in her red
dress. "Come in. Pagpasensyahan mo na kung medyo magulo ang place ko."

"Anong magulo rito?" Natatawang sabi niya habang iniikot ang


paningin sa paligid. "Nice place and I like the interior design."

"Have a seat."

Paupo na sana si Kate nang bigla siyang mapatayo. "Oh my!" Mayroon
siyang naupuan na matigas na bagay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang feeding
bottle ni Baby Ron-Ron. Mabilis na sinunggaban ko iyon at itinago sa likuran.
"Is that a feeding bottle?"

"A-actually sa aso ko ito. He's still a baby, you know,"


pagsisinungaling ko.

"Where is he? Anong breed niya?" Bakas sa mukha niya ang interes.
Nawala sa isip ko na mahilig pala siya sa mga aso.

"Pina-grooming ko siya sa shop. Mamaya ko na lang siguro siya


babalikan. Kate, would like to dine outside? Sa labas na lang tayo mag-lunch,"
suhesyon ko. Hindi safe na mag-stay siya sa pad ko. Baka kasi hindi lang feeding
bottle ang makita niya.

"No need. Nag-take out ako ng food para dito na lang tayo mag-lunch
sa place mo."

Nalaglag ang balikat ko nang mapansin ang bibit niyang paperbag.


Wala talaga akong kawala sa kanya.

"I'll prepare our lunch," pagpriprisinta ni Kate. Hindi na ako


nakapiyok nang magtungo siya sa kusina. Dalangin ko na sana ay hindi niya maisipang
i-invade ang mga kuwarto.

Napansin ko sa ibabaw ng center table ang nagba-vibrate kong


cellphone. Tumatawag si Cyrhel.

"Tyron, can you give me a hand?"

Napalingon ako nang marinig ang tinig ni Kate. Wala sa loob na


inilapag kong muli ang cellphone. "Sure," mabilis kong sagot at humakbang patungo
sa kanya.

Chapter Fourteen: Guilt

Chapter Fourteen: Guilt


TYRON

Hindi rin naman nagtagal si Kate. Pagkatapos naming maglunch, ilang


sandali ay nagpaalam na rin siyang uMuwi. Ayoko sana siyang paalisin ngunit may
importante pa raw siyang pupuntahan. Sinadya niya lamang ako para lang makita ako.

"Kate, ihahatid na kita," pagpriprisinta ko.

"Don't mind me, kaya ko na. Besides, sobra na ang pang-iistorbong


ginawa ko sayo," aniya at mahinang tumawa. "Nakakahiya naman kung magpapahatid pa
ako."

"Lubus-lubusin mo na kaya ang pang-iistorbo sa akin?" Pagbibiro ko


habang inaalalayan siya patungo sa nakaparada niyang sasakyan.

"Hmmm... I'll think about it," pakikisakay ni Kate at muling


tumawa.

"Come on, pumayag ka na bago pa magbago ang isip ko. Sige ka, next
time na istorbohin mo ako may bayad na ang kada oras ko."

Umangat ang kilay niya. "At magkano naman ang rate mo?"

"Medyo mahal. Pero para sa'yo mayroon kang discount."

Humagalpak ng tawa si Kate sa pagkamangha ko. Halos um-echo ang


boses niya sa buong parking area. Bentang-benta sa kanya ang mga hirit ko.

"Sorry for that." Agad niyang tinakpan ng kamay ang kanyang bibig.
Nakuha kasi niya ang pansin ng matandang mag-asawa na noo'y pasakay ng elevator. "I
couldn't help it. Ikaw kasi!" At pabiro niya akong hinampas.

Ngumiti lang ako at pasimpleng hinimas ang braso. May kabigatan ang
kamay niya. Parang si Cyrhel lang.

"Got to go," aniya pagkatapos ko siyang pagbuksan ng pinto ng


kotse. "I really have a good time, Tyron. Thank you," nakangiting sabi niya na
tumingkayad at dinampian ako ng mabilis na halik sa pisngi.

I smiled sheepishly in return. "Ako nga ang dapat magthank you


sayo. Bukod sa nakalibre ako ng masarap na lunch, nag-enjoy ako ng husto na kasama
ka. Salamat sa pang-iistorbo mo."
"See you then?"

"How about a dinner with me tonight?"

"I'll call you," she said with this smitten smile on her lips and
enter her car. Pinaandar niya ang kotse at saka umalis.

Does it mean yes? Alanganin kasi ang sagot ni Kate. Hindi bale,
hindi man siya pupuwede mamaya ay may ibang araw pa naman.

Pasipul-sipol pa ako na sumakay sa elevator nang makasabay ko si


Manong Ed. "Sir, mukhang maganda ang mood ninyo. Anong meron?"

Hindi lang maganda ang mood ko kundi maganda rin ang pakiramdam ko.
Para akong nakalutang sa alapaap at daig ko pa ang na-high sa drugs. Bukod doon ay
para akong sira na kanina pa pala nakangiti.

"In love na yata ako, manong."

Ngumiti ang matanda. "Kanino? Doon sa babaeng madalas mong kasama?"

Mabilis akong tumango.

"Kung sabagay maganda siya at mukhang mabait. May pagkasiga nga


lang kung kumilos."

Kumunot bigla ang noo ko. Teka, hindi yata si Kate ang binabanggit
ng guwardiya. "Sino po bang babae ang tinutukoy ninyo?"

"E 'di 'yung kapatid ng kaibigan mo. Siya lang naman ang madalas
kong makita na kasama mo."

"Si Cyrhel? No way!"

"Sir, huwag n'yo nang ikaila. Halata naman sa mga mata ninyo sa
tuwing tinitignan n'yo siya," wika ni Manong Ed na may kasamang pag-iling. "Payong
lalaki sa lalaki, sa panahon ngayon hindi na uso ang mga torpe. Kumilos ka na bago
ka pa maunahan ng iba." Eksakto naman bumukas ang elevator. Tinapik pa niya ako sa
balikat bago tuluyang lumabas.

Ano daw? Sinasabi ba niya na... Ano ako baliw? Ba't naman ako mai-
inlove sa monay na iyon?
"Cyrhel!" Pasigaw kong tawag nang buksan ko ang pinto. Dahil
nakakain na ako ng tanghalian ay matutulog na lang ako maghapon. Sasamantalahin ko
ang aking restday. At saka kailangan ko rin sigurong magpogi rest. Baka sakaling
matuloy ang date namin ni Kate mamaya.

"Cyrhel!" Muli kong tawag. Pinapainit na naman ng babaeng ito ang


ulo ko. Saka ko lamang naalala na pinaalis ko nga pala silang dalawa ni Baby Ron-
Ron. Dinampot ko ang cellphone sa ibabaw ng center table. Nagulat pa ako nang
makita na mayroon siyang sampung missed call sa akin. Ang bilin ko sa kanya ay
hintayin niya ang tawag ko. Ang tigas talaga ng ulo!

Nag-callback ako sa kanya. Subalit nakakapagtaka na hindi sinasagot


iyon ni Cyrhel. Malamang sinasadya niya iyon para makaganti sa akin. Muli ko siyang
tinawagan. Nakaka-limang ring na nang sa wakas ay sagutin niya iyon.

"Hoy, monay nasaan na kayo?" Bungad ko pero agad na nagsalubong ang


mga kilay ko nang marinig ang boses ng isang lalaki. "Sino ka? Nasaan si Cyrhel?...
Hindi ikaw ang gusto kong makausap. Ibigay mo kay Cyrhel ang phone niya... What?"
Nagitla ako sa narinig. "S-saang ospital? Sige papunta na ako dyan!"

Nagmamadali akong lumabas. Malapit na ako sa elevator nang maalala


ko ang susi ng aking kotse. Shet! Bumalik ako sa pad para kunin iyon at saka
humahangos na umalis para muling bumalik dahil ang susi naman ng pad ang naiwan ko.

Ganon na lamang ang kabog ng dibdib ko nang pumasok ako ng ER.


Mabilis kong iginala ang mga mata sa paligid. Halos mapuno ang silid sa dami ng
pasyente at nahirapan akong hanapin sila.

"Excuse me po!" Napaatras ako nang sumalubong sa akin ang isang


nurse habang akay nito ang isang lalaki na duguan ang ulo. Oh god! Agad akong
nakaramdan ng pagkahilo. Torture sa akin ang lugar na iyon. Naagaw lamang ang
atensyon ko sa umiiyak na sanggol. Napasugod akong bigla sa pag-aakala na baka si
Baby Ron-Ron iyon. Pero hindi pala.

Naisip kong tawagan ulit si Cyrhel. Muli ang tinig ng lalaki ang
sumagot. Wala raw sila sa ER kundi nasa clinic ng isang Dr. Gregorio. Nang
magtanong ako sa nurse station ay itinuro ako malapit sa opisina ni Mark. Naman!
Bakit ba kasi dito pa sa ospital na ito sila napadpad? Mabuti na lamang at wala
rito ang kaibigan. Hindi lang siguro sermon ang aabutin ko sa kanya, baka makapag-
donate na naman ako ng dugo ng wala sa oras.

"Cyrhel!" Patakbo akong lumapit sa kanya nang makita siya sa lobby.


"Nasaan si Baby Ron-Ron?"

Hindi umimik ang dalaga. Nanatili lamang siyang nakayuko habang


nakaupong naghihintay. Lalo lang tuloy akong kinabahan sa inakto niya.
"Ang sabi ko nasaan si Baby Ron-Ron? Anong nangyari sa kanya?"
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pilit na itinayo. "Sagutin mo ako,
Cyrhel!" Nasorpresa ako nang bigla na lamang may tumulak sa akin at pabalya akong
isinandal sa pader.

"Ano ang karapatan mo na tanungin siya pagkatapos mo silang pabayaan?" Pasigaw na


sabi ng lalaking singkit na basta na lamang sumulpot kung saan. Ang mga kamay niya
ay mahigpit na nakahawak sa kuwelyo ng polo shirt ko.

"Sino ka ba? Kung ikaw kaya ang ibitin ko ng patiwarik?" Banta ko.
Siya naman ang hinawakan ko t-shirt. Ngunit imbes na matakot ay nakipaglabanan pa
siya ng titigan sa akin. Hindi man lang siya nag-alangan sa tangkad at laki ng
katawan ko kumpara sa kanya na patpatin at hindi man lamang umabot ang height sa
balikat ko. Namumukhaan ko siya. Siya ang teenager na nakikipagharutan noong isang
araw sa elevator.

"Ako lang naman ang nagmalasakit sa mag-ina mo pagkatapos mo silang


pabayaan. Kung hindi dahil sa akin baka mas lalong napahamak ang bata!"

"Napahamak?" Nagtatakang lumingon ako kay Cyrhel na nanatili pa rin


walang imik.

"May sakit na nga si baby nagawa mo pa silang palabasin. Anong


klase kang ama?" Sumbat nito.

"Hoy, totoy nakakarami ka na! Kung makapagsalita ka akala mo kung


sino ka. Mas matanda pa rin ako sayo. Konting respeto naman."

"You don't deserve it as much as you don't deserve them!"

Balak ko na sanang pilipitin ang leeg ng singkit na ito kung hindi


lamang lumabas ang doktor mula sa clinic. Agad na sumugod rito si Cyrhel.

"Doc?"

"Don't worry he's fine," ngumiti ang doktor at bahagyang tinapik


ang dalaga sa balikat. "You can see him now."

Nagmamadaling tumalima si Cyrhel at pumasok sa loob ng clinic.


Tangkang susundan siya ng tsekwang binata nang pigilan ko sa damit. "Hoy, saan ka
pupunta? Dito ka lang!" At itinulak siya paupo sa plastic bench.

"Tyron, right?" Baling sa akin ng doktor at inilahad ang kanyang


kamay. "Dr. Mendoza told me about you. By the way, I'm Dr. Carlvin Gregorio."
Bagaman may pagtataka ay iba ang lumabas sa bibig ko. "Kamusta na
ang kalagayan ng anak ko? Safe na ba siya?" Naroon ang pag-aalala ko sa kanyang
kalagayan.

"Doon tayo sa loob ng clinic mag-usap," aniya at iginiya ako


papasok. Nilingon ko si singkit at binigyan ng warning sign. Stay there. I'm
watching you!

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nilalagnat na pala si Baby Ron-


Ron kaninang umaga? Eh 'di sana hindi ko na kayo pinaalis." Hindi naman sa sinisisi
ko si Cyrhel, wala lang siguro akong masabi dahil sa sobrang pagsisisi ko sa
nangyari. Kulang na nga lang ay iumpog ko ang ulo sa manibela para kahit papaano ay
mabawasan ang guilt ko.

Nilingon ko si Cyrhel sa passenger seat. Wala na naman akong


narinig na response mula sa kanya. Kanina pa siya walang imik sa ospital at ayaw
niya akong kausapin. Namamaga pa rin ang mga mata niya at namumula ang kanyang
ilong sa kaiiyak. Doon ko lamang nakita ang weakness side ng dalaga. At kung
ikukumpara sa akin, aminado ako na triple ang malasakit niya para kay Baby Ron-Ron,
gayon hindi naman niya kaanu-ano ang bata.

Nasa kandungan niya ang bata na mahimbing na natutulog. Thank god


he's safe. Talagang natakot ako kanina. Kung nagkataon na may nangyaring masama sa
kanya baka tumalon na ako sa rooftop ng ospital na iyon. Kevin was right, it's all
my fault. Dahil sa selfishness ko, hindi ko naisip ang kalagayan nila.

"Cy, I'm sorry." Anong maaari kong sabihin kundi iyon.

Bagamat tahimik si Cyrhel ay alam kong galit siya sa akin. Ang


tatalim kasi ng mga sulyap niya.

"Cy..." Hinawakan ko siya sa kamay ngunit nagpumiglas siya at bago


pa ako makaiwas ay nasapok na niya ako sa mukha. Aray! Masakit iyon. But I guess I
deserved it. Kasalanan ko naman talaga at aminado ako sa pagiging selfish ko.

"Nag-lunch ka na ba?" Pilit kong pinasigla ang tinig. "Gusto mong


kumain tayo sa favorite mong restaurant? Treat ko."

Binato ni Cyrhel ang feeding bottle bilang response niya. Mabuti na


lamang at mabilis ang reflexes ko at nasalo iyon. Bigla naman nagising si Baby Ron-
Ron at pumalahaw ng iyak.

"Sshhh..." Malambing na saway rito ng dalaga habang pinaghehele sa


kanyang mga bisig. Nang hindi tumigil sa pag-iyak ang bata ay niyakap niya ito at
inihilig sa kanyang balikat.
Naantig ang damdamin ko sa nakita at inihinto ang kotse sa gilid ng
kalsada. "Don't cry baby. Nandito na si Dodo." Umangat ang kamay ko at pinahid ang
mga luha sa kanyang mga mata. Ngunit mas lalo lamang umiyak ang bata sa sinabi ko.
Inabot ko sa kanya ang feeding bottle pero pabalik na binato niya iyon sa akin.
Pati si Baby Ron-Ron ay galit din sa akin. "Come here baby. Come to Dodo." Tangka
ko siyang kukunin ngunit iniiwas siya sa akin ni Cyrhel.

"Just drive. Gusto nang magpahinga ng bata!" Sa wakas ay nagsalita


siya. Pagalit nga lang. At dahil nga may kasalanan ako sa kanya kaya pagbibigyan ko
siya.

Wala pa rin tigil sa pag-iyak si Baby Ron-Ron. Pagkaraan ay kinuha


ni Cyrhel ang cellphone at pinakita sa bata ang screen nito. "Look, baby."
Nakakapagtaka naman na bigla itong tumahan sa nakita. "Namimiss mo na si Popo?
Bukas nandito na siya."

Popo? Dala ng kuryusidad ay pasimple kong tinanaw ang screen ng


cellphone niya para lamang makita ang picture ni Mark.

"Popo!" Bulaslas ni Baby Ron-Ron habang itinuturo niya ang picture


ng kaibigan.

Kung ang bigkas nito sa mama ay momo, ibig sabihin ang popo ay
papa?

Muli kong narinig na umiyak si baby. Biglang namatay ang cellphone


ni Cyrhel dahil na-drain ang battery nito.

"May picture ka ba ni Mark sa cellphone mo?" Tanong niya sa akin.


"Pahiram ako, dali!"

"Wala. Hindi kami close!"

Chapter Fifteen: She's Back

Chapter Fifteen: Panic Mode

TYRON

Argh! Nasapo ko ang ulo nang bumangon ako mula sa kama. Alas-siyete
na ng umaga pero pakiwari ko ay katutulog ko pa lamang. Hating-gabi na kasi akong
nakauwi mula sa dinner date namin ni Kate.

Halos hindi ko maidilat ang mga mata na lumabas ako ng silid at


dumiretso sa kusina. Bukod sa pamimigat ng ulo ay nakaramdam din ako ng pagkalam ng
tiyan. Subalit malinis ang ibabaw ng mesa. Gayundin ang mga gamit sa kusina.
Senyales na walang inihanda na almusal si Cyrhel.
Isang linggo na niyang ginagawa ito sa akin. Hindi na niya ako
pinagluluto ng almusal pati na rin ng hapunan. Tuloy, bago ako umuwi galing opisina
ay kumakain na ako sa labas. Hindi ko magawang makapagreklamo noong una dahil alam
kong isusumbat ng dalaga sa akin ang nagawa kong kasalanan sa kanila ni Baby Ron-
Ron. Subalit kung patuloy ko siyang hahayaan ay mamimihasa ang monay na iyon sa
pang-aabuso sa akin.

"Cyrhel!" Sigaw ko. Nang wala akong marinig na response mula sa


kanya ay sumugod ako sa kuwarto niya. Hindi naka-lock ang pinto at bahagya iyong
nakaawang. "Hoy Cyrhel, baka gusto mong buma-" Natigilan ako nang matagpuan si Baby
Ron-Ron na nag-iisa sa ibabaw ng kama. Sa lakas ng boses ko ay nagising tuloy siya
at biglang nag-iiyak.

"Cyrhel!" Ewan, pero bigla akong kinabahan. Wala sa loob na tinungo


ko ang banyo. Nang hindi ko siya matagpuan roon ay nagmamadali akong lumabas ng
silid para lang muling bumalik. Nasaan na siya?

Napilitan akong kargahin si Baby Ron-Ron dahil sa patuloy niyang


pag-iyak. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin. Nahahati ang isip ko kay
Cyrhel at sa bata.

Napasugod ako sa ospital. Agad akong dumiretso sa opisina ni Mark.


Nagulat pa siya nang makita ako na kasama si Baby Ron-Ron.

"May problema ba kay baby?" Kunot-noong tanong ng kaibigan. Nang


makita naman ng bata ang binata ay bigla na lamang itong tumahan sa pag-iyak.

"Popo!" Bulaslas ni baby. Itinaas pa niya ang mga kamay patungo sa


direksyon ni Mark.

"Walang problema sa kanya. Pero ako meron."

"Kung problema lang iyan tungkol sa puso, hindi ako ang taong
makakatulong sayo," aniya at kinuha sa akin ang bata. Nilapag niya si Baby Ron-Ron
sa table at saka in-examine.

"Ano ka ba? Hindi ito tungkol sa lovelife ko. Tungkol ito kay
Cyrhel?"

"At ano naman ang tungkol kay Cyrhel?"

"Nawawala siya. Basta na lamang siyang umalis nang hindi


nagpapaalam at iniwan sa akin ang bata," nagpapanic na sabi ko.

He smirked. "Karma ang tawag dyan."

"Mark naman!"
"Ano ba ang in-expect mong gagawin niya pagkatapos ng kalokohan
mo?"

Napakamot ako sa magulo kong buhok. Sa sobrang pagmamadali at


pagkataranta ay hindi ko na nagawang magsuklay. Hindi na nga rin ako nakapaghilamos
at nakapagmumog. Basta nagpalit lang ako ng damit at agad na umalis, bitbit si Baby
Ron-Ron sa carrier bag na binili noon ng dalaga. "Karma na kung karma. Pero ano na
ang gagawin ko? Sinong mag-aalaga ngayon kay baby?"

"Don't you think it's the right time na mag-hands on ka sa pag-


aalaga sa anak mo?"
"Malay ko bang mag-alaga ng baby. At isa pa alam mo naman na
pumapasok ako sa trabaho. Alangan naman na bitbitin ko siya hanggang opisina."

"Ang sabihin mo takot ka lang sa responsibilidad. Hanggang ngayon


hindi mo pa rin iyon matanggap sa sarili mo."

"He's not one hundred percent sure mine. Hindi pa tayo sigurado
hangga't hindi lumalabas ang resulta ng DNA test."

"Maghihintay ka pa ba ng dalawang linggo bago ka magmalasakit sa


bata?" Binigyan ako ng matalim na sulyap ni Mark. "Paano kung ikaw talaga ang ama
niya? Doon ka pa lamang mag-uumpisa na tanggapin siya bilang anak mo?"

"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko."

"Ang sabihin mo naduduwag ka lang!" Tumayo si Mark at basta na


lamang iniabot si Baby Ron-Ron sa akin. "Kung ayaw mong alagaan ang bata dalhin mo
na lang siya sa parents mo. Baka matuwa pa sila kapag nalaman nilang may apo na
sila mula sa'yo." Tinungo niya ang pintuan at lumabas ng silid.

"Alam mong hindi ko pwedeng gawin iyon!" Bukod sa itatakwil ako ni


Mommy ay baka tanggalan din ako ng inheritance ni Daddy. "Mark!" Habol ko sa
kaibigan subalit tila wala siyang narinig.

"Popo!" Pakikihabol din ni Baby Ron-Ron at muling pumalahaw ng


iyak.
"Don't worry baby, Dodo is here for you."

"Popo!"

"Nandito naman si Dodo."

"Popo!"

Haist! Ang tigas ng ulo ng batang ito.

Hindi rin kami natiis ni Mark at muli niya kaming binalikan. Iyon
pala ay upang ihatid kami ni Baby Ron-Ron pauwi. Wala kasi akong dalang sasakyan at
nag-taxi lamang ako nang magpunta doon.

"Mark, pahiram ako ng cellphone mo," sabi ko nang sumakay kami ng


elevator. "Tatawagan ko si Cyrhel. Kapag nag-register ang number mo siguradong
sasagutin niya ang phone niya."

"Wala ka nang magagawa kung ayaw na niyang bumalik. Tanggapin mo na


lang na mag-isa mong aalagaan si baby. Ngayon pa lang sanayin mo na ang sarili mo."

Napasimangot ako. "Bakit ba lagi mo na lang akong kinokontra?"

"Sinasabi ko lang sayo ang magiging realidad mo. Stop being


immature. Grow up!" Basta na lamang akong itinulak ni Mark palabas ng elevator nang
magbukas iyon. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin si Baby Ron-Ron. "Ngayon pa lang
ay umpisahan mo nang magbago. Kapag hindi ka nagtino ako mismo ang magsasabi sa
parents mo," banta pa niya.

"Wala naman ganyanan!"


"Then behave!"
"Behave naman ako, ha?"

Imbes na ako, si Baby Ron-Ron ang binalingan ng kaibigan. "Kapag


minaltrato ka ng tatay mo, isumbong mo sa Bantay Bata, okay?"

Baby Ron-Ron giggled in response. Ano bang mayroon si Mark at


gustung-gusto niya ang binata?

"Mark, alam kong nagmamalasakit ka sa bata, baka pwedeng lubus-


lubusin mo na. Sayo muna si baby kahit isang araw lang," hirit ko. Tiwala ako na
hindi niya ito matitiis. He loves children.

Walang kibo na kinuha ni Mark ang cellphone sa bulsa at pagkaraan


ay may tinawagan. "Hello Tita Teresa, may sasabihin po ako tungkol sa anak ninyo."

Waaah! Isusumbong niya talaga ako.

"Anong ginagawa ninyo rito?"

Nahinto kami sa pag-aagawan ng cellphone at napalingon sa bagong


dating. Namilog ang mga mata ko sa nakita. She's back! Basta ko na lamang ibinigay
si baby kay Mark at sinalubong ang dalaga.

"Cyrhel!" Huminto ako sa mismong tapat niya. I raised my hands and


pulled her closer. Nakulong siya sa mga bisig ko. "Thank god, you're back." Hindi
ko maipaliwanag ang relief na naramdaman ko ng mga oras na iyon.

Bahagyang natigilan ang dalaga. Nang makabawi ay nagpupumilit


siyang makawala sa akin. "T-tyron ano ba?"

"Akala ko hindi mo na talaga kami babalikan ni baby."

"T-tyron. hindi ako makahinga..."

Bahagya kong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya. Pero imbes na


bitiwan si Cyrhel ay pinugpog ko siya ng mga tatlong halik sa noo.

"Yuck!" Narinig kong response niya.

"Huwag ka na ulit aalis. Huwag mo na ulit kami iiwan ni Baby. Kung


may problema ka sa akin, pag-usapan nating dalawa. Hindi iyong basta ka na lang
umaalis nang walang paalam. Alam mo ba na pinag-alala mo ako ng husto?"

Huminto si Cyrhel sa pagpupumiglas. Confused, she stared back.


"Tyron?" But to my surprised, bigla na lamang niyang inumpog ang noo sa baba ko.
Pakiramdam ko tuloy ay nalagas ang mga ngipin ko sa ginawa niya.

"Hoy, bakulaw! Kakasuhan kita ng sexual harassment kapag hindi mo


ako tinigilan sa kalokohan mo!"

"Ito ba ang mapapala ko sayo pagkatapos kong mag-alala ng husto sa


pag-alis mo?" Reklamo ko habang patuloy na hinihimas ang nasaktan na panga.

"Huwag ka ngang OA. Umalis lang ako sandali. Hindi mo ba nabasa ang
iniwan kong note sa fridge?"

Note sa ref? Parang wala naman akong napansin kanina.


"Sa tingin ko hindi mo nga nakita. Pagkain kasi ang una mong
hinahanap." Nilapitan ng dalaga si Mark at kinuha si Baby Ron-Ron. "Hello baby, na-
miss mo ba agad si Momo? May dala nga pala akong pasalubong sayo." Doon ko lamang
napansin ang bitbit niyang paperbag.

Ibig sabihin, hindi siya umalis para iwanan kami ni Baby Ron-Ron?
Nagkamali ba ako ng assumption o masyado lang akong nagpanic?

"Hoy Monay, sinong nagsabi sayo na umalis ka ng walang paalam?"


"Kaya nga nag-iwan ako ng note." Hindi lumilingon na sagot ni
Cyrhel nang buksan niya ang pinto ng pad.

"At saan ka naman nagpunta!"

"Nakipagdate ako!"

"Nakipagdate? Umagang-umaga nakikipagdate ka! Kanino? Doon sa


tsekwang nakatira sa twenty two floor?"

"Wala kang pakialam! Bakit ikaw lang ba may karapatang


makipagdate?"

Amused na nakamasid lamang si Mark bago ito nagdesisyon na umalis.


Pasipul-sipol pa ito habang naglalakad palayo.

"Cyrhel, galit ka pa rin ba sa akin?" Pansampung beses ko na itong


tanong sa kanya pero lagi niya lamang ako sinusuklian ng matatalim na sulyap.
"Sorry na. Bati na tayo please..."

"Lumayo ka sa akin, Tyron, kung ayaw mong ibuhos ko sa'yo itong


niluluto kong mechado!"

Napaatras naman ako sa takot na baka totohanin niya ang banta. "Ano
ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako?"

"Lumayas ka!"

"Bakit naman ako lalayas, pamamahay ko kaya ito."

"Ang sabi ko lumayas ka sa harapan ko, bingi!"

"Hindi kaya iyon ang sinabi mo." Sunud-sunod ang ginawa kong
paglunok nang maamoy ang mechadong niluluto niya. "Cy, malapit na bang maluto
iyan?"

Wala akong narinig na response mula sa dalaga. Nang makita kong


ini-off niya ang kalan ay dali-dali akong kumuha ng pinggan at mangkok. Kanina pa
kumakalam ang tiyan ko sa gutom.

"Hep, anong gagawin mo?" Pigil niya sa akin.

"Alangan naman na tititigan lang natin itong niluto mo. Umpisahan


na nating kainin para makarami tayo."

Inilayo niya sa akin ang kaldero. "Hindi ito para sayo."

"Ang damot mo talaga! Alam kong hindi mo kayang ubusin iyan, kaya
mamigay ka naman."
"Hindi ito para sayo at hindi rin para sa akin."

"Eh, para kanino?"

Tumunog ang doorbell bago pa makasagot si Cyrhel. "He's here!"


Nakangiting sabi niya.

Inunahan ko ang dalaga sa pagbukas ng pinto upang makita lamang ang


kinaiinisang binata. "Wala dito si Cyrhel!" At pabalibag na sinara ko ang pinto.
Nang tangkang bubuksan iyon ng dalaga ay mabilis kong hinarang ang katawan. "May
karapatan akong mamili kung sino ang gusto kong papasukin sa pamamahay ko."

"You're so mean. Sayang, balak ko pa naman na bigyan ka ng mechado


pero nagbago na ang isip ko."

Sa narinig ay nagmamadali na binuksan ko ulit ang pintuan at


patakbong tinungo ang kusina. Teka, nasaan na 'yung mechado?

"Kevin, pasok ka," masiglang sabi ni Cyrhel. Nag-aalangan na


humakbang papasok ang binata at inaabot sa dalaga ang dala niyang malaking plastic
container.

"Para sayo. Niluto ni Mama."

"Thank you. May ibibigay din pala ako sayo," aniya at hinila si
Kevin patungo sa kusina. Napahinto naman siya nang makita ako. Binigyan ko siya ng
matalim na tingin at warning sign.

Mula sa loob ng microwave ay inilabas doon ni Cyrhel ang isang


plastic container na pinaglalagyan ng mechado. Kaya pala wala na akong naabutan
dahil doon niya itinago iyon. "Here, para sayo. Ako ang nagluto n'yan."

Halos lumuwa ang mga mata ko nang ibigay niya lahat iyon sa
tsekwang binata. "Cyrhel naman!"

"Ito na lang ang kainin mo!" Ipinagtulakan niya sa dibdib ko ang


binigay na pagkain ni Kevin.

"Cyrhel, mauna na ako."

"Kevin, aalis ka na agad?"

Tumingin muna ang binata sa direksyon ko bago sumagot. "M-may


gagawin pa kasi ako. Next time na lang tayo mag-usap."

"Wala nang next time!" Sabat ko. Lumingon sa akin si Cyrhel at


binigyan ako ng warning look.

"Aalis na ako, Cyrhel."

"Sige, next time ako naman ang manlilibre sayo ng JCO." At inihatid
ng dalaga si Kevin sa palabas.
Dala ng kuryusidad ay binuksan ko ang plastic container na
pinaglalagyan ng kulay pulang pagkain. Hindi ko alam kung anong tawag doon pero
mukhang masarap. At dahil nga nagugutom na ako, sunud-sunod ang ginawa kong
pagsubo. Masarap nga, kaya lang... Halos maibuga ko nilalaman ng bibig. Tubig!

Isang pitsel na tubig ang naglanding sa harapan ko. Agad kong


sinunggaban iyon at tinungga. Halos makalahati ko ang nilalaman.

"Ano bang klaseng pagkain ito? Bakit sobrang anghang?" Angil ko kay
Cyrhel habang amused akong pinagmamasdan.

"Hinahalo muna kasi ito bago kainin. Sa sobrang katakawan mo nakain


mo tuloy 'yung spicy part." Ang tinutukoy niya ay 'yung kulay pulang powder na nasa
ibabaw.

"Kahit na, masakit pa rin sa dila."

"It's a korean dish. Bimbimbap ang tawag dito."

"Korean dish? Eh 'di ba tsekwa ang Kevin na iyon?"

"Half filipino, half korean siya at hindi tsekwa."

"Pareho-pareho lang kasi silang mga singkit!" Muli kong kinagat ang
dila. Pakiwari ko ay mapuputol iyon sa sobrang anghang. "Ayoko nang kainin 'yan!"
Itinulak ko palayo ang plastic container. Bigla tuloy akong nawalan ng appetite.
Matutulog akong walang laman ang tiyan ko kundi puro tubig.

"Here!" Nasorpresa ako nang ilapag ni Cyrhel sa harapan ko ang


isang mangkok na mechado.

"Para sa akin? Akala ko ba ibinigay mo lahat kay Kevin?"

"Ayaw mo?" Tangkang babawiin niya ang mangkok nang pigilan ko.
"Wala naman bawian." At sa aking pagtataka nang ipagsandok pa niya
ako ng kanin sa pinggan. Napangiti tuloy ako. "Ibig bang sabihin bati na tayo?"

Bagaman hindi kumibo ang dalaga ay parang sumang-ayon na rin siya.


Magana tuloy akong kumain. Sabi ko na nga ba at masarap ang mechado niya. "Cy,
magluto ka ulit nito bukas," halos hindi maintindihan na sabi ko dahil punung-puno
ng pagkain ang bibig ko.

"Sure," mabilis na sagot ni Cyrhel.

Finally, nagkabati rin kami!

"Oo nga pala, Tyron, ginamit ko 'yung credit card mo kanina sa


paggo-grocery."

Muntikan na akong masamid sa narinig.

"Ginamit ko rin iyon noong isang araw. Ang sabi kasi sa akin ni
Mark gamitin ko raw iyon sa mga expenses dito sa bahay. Don't worry binayaran ko na
rin 'yung electric at phone bills mo. At saka pinamili ko ulit ng mga bagong damit
at gamit si Baby Ron-Ron. Namili rin ako ng ilang damit pambahay para sa akin. Hope
you don't mind?"

Tuluyan akong nabulunan. Tubig! Tubig!

Chapter Sixteen: Babysitting

Chapter Sixteen: Babysitting


TYRON

Katatapos ko lang maligo nang marinig kong umiiyak si Baby Ron-Ron


sa kabilang kuwarto. Hindi ko pinansin noong una dahil alam ko naman na nandyan si
Cyrhel. Hanggang sa makapagbihiis ako ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Napasugod
tuloy ako sa kabilang silid at natagpuan ko siyang nag-iisa roon. Nasaan na naman
ang babaeng iyon?

Nagulat pa ako nang makasalubong ko ang dalaga sa may sala.

"Huwag kayong lalapit sa akin!" Sigaw niya.

Awtomatiko naman akong napahinto. Kahit si Baby Ron-Ron ay


napahinto rin sa pag-iyak.

"Momo!" Bulaslas ni baby at itinuro ang dalaga. Nakasabog ang


mahabang buhok niya sa kanyang mukha at may hawak na isang rolyo ng bathroom
tissue.

"You're right baby, she looks like a momo. Ano bang klaseng trip
'yan, Cyrhel?"

Sunud-sunod na pagbahing ang itinugon niya.

"May sakit ka ba?"

Suminga muna siya bago sumagot. "I have a cold." Mukha nga dahil
patuloy siya sa pagsinghot.

"Ayusin mo nga ang sarili mo. Para ka tuloy si Sadako."

"Makakapag-ayos pa ba ako sa ganitong kalagayan?" Banayad niyang


asik at muling bumahing ng paulit-ulit.

"Momo!" Nagpupumilit si Baby Ron-Ron na makalapit kay Cyrhel.

"Huwag mong ilapit sa akin si baby. Baka mahawa siya sa akin,"


halos hindi maintindihan na sabi ng dalaga dahil nakatakip ng tissue ang kanyang
bibig. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya."

Nanlaki bigla ang mga mata ko. "What? Pero Cy, may pasok pa ako sa
trabaho." Paalis na nga sana ako kung hindi ko lang narinig umiyak ang bata.

"I can't take care of him. Ayokong magkasakit din siya."

"Sinong mag-aalaga sa kanya?" Ako rin ang sumagot sa tanong ko nang


bigla kong naisip si Mark. Agad ko siyang tinawagan. "Hello Mark, pwede bang
sumaglit ka muna sandali sa pad ko? Basta! Pumunta ka na ngayon. It's emergency."
Iyon lang pinindot ko ang end button.

"Cyrhel, solve na ang problema natin." Subalit paglingon ko ay wala


na siya sa kinaroroonan niya kanina. Saan nagpunta iyon?

Ilang sandali ay humahangos na lumabas ng silid ang dalaga.


Nagtataka na hinagod ko siya ng tingin. "Akala ko ba hindi ka makakapag-ayos?"

"Nakakahiya kay Mark kung makikita niya ako sa ganun itsura,"


katwiran niya habang sinusuklay ang magulong buhok.
"Kay Mark nahiya ka pero sa akin hindi."

"Sige next time sa'yo naman ako mahihiya."

Nang tumunog ang doorbell ay nagmamadaling binuksan ni Cyrhel ang


pinto.
"Anong emergency ang sinasabi mo?" Humahangos na bungad ni Mark.
Lumapit ako sa kanya at iniabot si Baby Ron-Ron.

"Cyrhel is sick. Baka mahawa si baby."

Magkasalubong ang mga kilay na tumingin siya sa akin. "Si Cyrhel


ang may sakit?" Tanong niya.

Tumango ako.

"At ikaw?"

Ngumiti ako. "Papasok na ako ng trabaho. Ikaw na muna ang bahala


kay Baby Ron-Ron." Bago pa ako makahakbang palabas ay muli niyang ibinalik sa akin
ang bata.

"You, take care of him," he said. "And Cyrhel, sumama ka sa akin sa


ospital." Inakay niya ang dalaga palabas ng pinto.

"Teka! Iiwan nyo akong mag-isa rito?"

Lumingon sa akin si Mark. "You're not alone. Kasama mo naman si


baby."

Langya naman! Sa bandang huli ay sa akin pa rin pala maiiwan si


Baby Ron-Ron at wala akong ibang choice.

"Baby quiet ka lang muna." Inilapag ko ang bata sa ibabaw ng couch


at dinukot ang cellphone sa bulsa. "May kakausapin lang si Dodo, okay?" Tumingin
lang siya sa akin habang abala sa pagdede ng kanyang gatas.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ng nag-dial ng


number sa screen. Huwag sana akong sumablay sa naisip kong script. "Hello, Dad..."
Sinadya kong patamlayin ang boses na parang mayroon akong sakit. "I don't think I
can make it today. I'm not feeling well." Nagkunwari pa ako na bumabahing at
sumisinghot.

"Do you have a flu?" May pag-aalalang tanong ni Dad. Mukhang


umepekto ang acting ko.

"Mabigat ang pakiramdam ko, Dad. Parang hindi ko kayang bumangon."

"Gusto mo bang papuntahin ko dyan ang mommy mo?"

"No!" Nabiglang sabi ko. "I mean, I can take care of myself.
Iinuman ko na lang ito ng gamot. For sure, bukas okay na rin naman ako."

"Are you sure?"

"I'm one percent sure." Napaaray ako nang bigla na lang akong
pukulin ni Baby Ron-Ron ng feeding bottle. Sapul ako sa ulo.
"Tyron, are you okay?"

"S-sumakit lang po ang ulo ko," sabi ko habang hinihimas ang bahagi
ng ulo na tinamaan. Pagsulyap ko kay baby ay tila nakakalokong nakangisi pa siya sa
akin. "I need to hang up, dad. I want to go back to sleep."

"Get well soon, son."

Saka lamang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan siyang mawala sa


kabilang linya. Binalingan ko agad si Baby Ron-Ron at kinarga.

"You are so naughty. Saan mo natutunan iyan?" Bilang tugon niya ay


nagpaulan siya ng laway! "Nice baby, ang bait mo talaga."

Nakakaloko na humagikgik pa si Baby Ron-Ron nang bigla siyang


umutot. Kasabay ng pag-utot niya ay ang mabahong amoy na agad kong nalanghap.
Sinapo ko ang kanyang diaper. Oh no... Not now!

Ang balak ko ay linisan lang si baby pero dahil sa sobrang


kalikutan niya, pinaliguan ko na siya ng tuluyan. Para na rin akong naligo dahil
basang-basa ang suot kong t-shirt. Paglabas namin ng banyo ay inilapag ko siya sa
ibabaw ng kama at naghagilap ng maisusuot niya. Nagkamali pa nga ako ng binuksan na
drawer. Dahil puro undies pala ni Cyrhel ang laman 'nun. Aha! Medium pala ang size
ng dalaga. Ang sabi kasi niya sa akin ay small lang siya. Feeling payat talaga ang
monay na iyon! Nasa kabilang drawer pala ang mga damitan ni baby. Pinulbusan ko
muna siya bago binihisan. Iyon kasi ang madalas na nakikita kong ginagawa ni Cyrhel
sa kanya.

"Baby, huwag ka nang magpupu, okay?" Namimilog ang mga mata ni Baby
Ron-Ron na tumingin sa akin. Pagbuhat ko sa kanya ay naramdaman kong basa ang
kanyang short. Hindi nga siya nagpupu, dyuminggel naman siya. Ang masama pa nito,
nakalimutan ko siyang suotan ng diaper. Naman!

"Dodo!" I heard him said. Hindi ko siya pinansin. Busy ako sa


lintek na diaper na iyon na hindi ko malaman kung paano isusuot sa kanya. Mga
dalawang beses pa akong tinawag ni Baby Ron-Ron. Nang hindi ko pa rin siya
pinapansin ay binato niya ako ng pinaglalaruan niyang bote ng polbo. Tinamaan ako
sa noo.

Araykupo! Namilipit ako sakit. "Kanina ka pa! Akala mo ba


nakakatuwa ka?" Biglang pumalahaw ng iyak si Baby Ron-Ron sa naging outburst ko.
Hindi ko sinasadya na sigawan siya.

"Sorry na, baby. Hindi naman sinadya ni Dodo. Ikaw kasi." Hindi ko
malaman kung paano siya patatahanin. "Sshhh...tahan na." Sa halip na tumigil ay
lalo siyang nag-iiyak. Natataranta na binuhat ko siya.

"Gusto mo nang dede?" Inabot ko sa kanya ang kanyang feeding bottle


pero pinukol niya iyon. Mabuti na lang at hindi sa akin. Kung anu-anong laruan ang
binigay ko sa kanya. "Look oh, si Tigger." Pero lahat ng ibigay ko sa kanya ay
binabato lamang niya. Naging irritable siya at tila mayroon gusto ko na hindi ko
naman malaman kung ano.

"Parang awa mo na baby. Please, tumahan ka na." Bukod sa


nakakataranta ang klase ng pag-iyak niya ay sumasakit na rin ang tenga ko. Naisip
kong ilabas siya ng kuwarto. Nasa pintuan na kami nang bigla siyang magsalita.
"Popo!" May kung anong itinuturo si Baby Ron-Ron. Nang sundan ko ng
tingin ang tinutukoy niya ay nakita ko ang malaking picture ni Mark sa ibabaw ng
tokador. Anong ginagawa nito roon?

"Popo!" Muling bigkas ng bata habang patuloy niyang itinuturo ang


larawan. Nakakapagtaka rin ang biglang pagtigil niya sa pag-iyak. Ang pagmumukha
lang pala ng kaibigan ang magpapatahan sa kanya. Binitbit ko ang picture ni Mark
hanggang sa sala. Inilapag ko iyon sa center table kung saan ay makikita ni Baby
Ron-Ron. And for the effect, sinamahan ko ng scented candle at saka sinindihan.

CYRHEL

Napalingon ako kay Mark nang bumahing siya ng sunud-sunod. Mukhang


nahawa na yata siya sa akin ng virus. Kinuha ko ang box ng tissue sa dashboard at
inaabot sa kanya.

"Nahawaan na kita."

"I don't think so. Mukhang may nakaalala lang sa akin," sabi niya
habang patuloy sa pagda-drive. "Give me a number."

Number? Para saan? Nagtataka man ay sinabi ko ang unang numero na


pumasok sa isip ko. "Twenty."

Agad na binilang ni Mark ang aphabet sa mga daliri hanggang sa


huminto siya sa letter T. "Sabi ko nga ba si Tyron. Ano na naman kaya na ang
iniisip sa akin ng mokong na iyon?"

Ang weird talaga ng doktor na ito. Pati ba naman iyon ay


pinaniniwalaan niya.

"Cyrhel, pansamantala doon ka na muna manatili sa opisina ko


hanggang hindi ka gumagaling."

Bagamat natuwa ako sa narinig dahil makakasama ko siya ng matagal


ay hindi ko pa rin naiwasang mag-alala. "Paano na si Baby Ron-Ron?"
"Tyron will take care of him for sure."

"Wala akong tiwala sa bakulaw na iyon." Baka kasi hayaan lang ng


binata na magutom ang bata. Napaka-selfish pa naman niya.

"Sira-uro man si Tyron, pusong mamon pa rin iyon."

Pusong mamon na bakulaw? Sana nga!

TYRON

"Dodo!"

Pagmulat ko ng mga mata ay bumungad sa akin ang nakatunghay na


mukha ni Baby Ron-Ron. Tuluyang nagising ang diwa ko nang tumulo sa pisngi ko ang
malagkit niyang laway. Nakatulugan ko ang pagbabantay sa kanya. Sa katunayan ay
nagpatugtog pa ako ng classical music. Pero imbes na siya ay ako ang hinila ng
antok.

"Baby, wala ka bang balak matulog?"

"Dodo!" Namimilog ang mga mata na tugon niya. Mukha ngang wala
siyang balak. Inabot ko ang kanyang feeding bottle niya at isinalpak sa bibig niya.
Nakaramdam ako ng gutom nang maalala kong hindi pa pala ako nag-aalmusal. "Dito ka
na muna. Magluluto lang ng pagkain si Dodo."

Nakasunod lang siya ng tingin sa akin nang magtungo ako sa kusina.


B binuksan ang ref at ini-scan ang laman n'yon. May nakita akong menudo sa maliit
na plastic container. Ayos! Ang problema ko na lang ay kanin. Magsasaing na sana
ako nang marinig kong umiyak si Baby Ron-Ron. Napasugod ako sa sala. Buong akala ko
ay nahulog na siya sa couch.

Nang bumalik ako ng kusina ay kasama ko na siya. Umiiyak si Baby


Ron-Ron sa tuwing iniiwan ko. Habang nagsasaing ako ay buhat-buhat ko siya.
Nahihirapan man, tiniis ko na lang para makakain ako. Nainit ko na ang menudo sa
microwave at isinalin iyon sa mangkok. Pero sa kasamang palad, hindi ko
napakinabangan iyon. Nahagip ni baby ang mangkok at nahulog iyon sa sahig bago ko
pa maagapan. Sawi ang tiyan ko!

Nagpadeliver na lang ako ng pagkain sa isang restaurant. Sana pala


ay kanina ko pa iyon naisip, less hassle pa. Nang tumunog ang cellphone akala ko si
Cyrhel ang tumatawag. Pero pangalan ni Kate ang lumitaw sa screen.

"Hello babe..." Bungad niya sa kabilang linya. "May sakit ka raw?"

Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?"

"Tinawagan ako ng mommy mo."

Sabi ko na nga ba!

"Babe, are you okay?" Malambing niyang tanong.

"I'm fine. Lagnat laki lang ito," pagdadahilan ko.

"Gusto mong puntahan kita sa place mo? I can take care of you."

Muntikan ko ng mabitiwan ang phone sa narinig. "You don't have to,


babe. Kaya ko na ang sarili ko."

"But I want to see you. Nag-aalala ako para sayo."

Naman! Hindi na ba matatapos ang mga problema ko?

"I want to see you too. Pero baka mahawa ka sa akin. Kapag nangyari
iyon hindi ko mapapatawad ang sarili ko," naisip kong sabihin. Kailangan ko siya
gamitan ng kakaibang strategy. Knowing her, kapag ginusto niya ay ang hirap niyang
pigilan.

"Pero babe..."

"Babe, huwag matigas ang ulo." Naggalit-galitan ako kunwari. "Kapag


sinabi kong hindi puwede, I mean it."

Inaakala ko na nawala na si Kate sa kabilang linya dahil ang tagal


niyang sumagot. "Fine! Hindi na ako mangungulit."

"Good girl. Don't worry, I'll be fine. I promise."

"Okay," aniya sa may bahid ng pagtatampo. "Get well soon. I miss


you." Iyon lang at nawala na siya sa kabilang linya. Para akong nabunutan ng tinik
sa dibdib pagkatapos. One down. Ito na lang bulilit na ito ang problema ko at ang
kumakalam na tiyan.

Bakit nga pala hindi ako tinatawagan ni Cyrhel? Ang sabi niya
kanina ay tatawag siya for time to time para i-check ang kalagayan ni Baby Ron-Ron.
Ako na sana ang tatawag sa kanya nang biglang tumunog ang doorbell. Napapitlag ako
sa gulat. Ang una kong naisip ay baka si Kate iyon. May pagkamatigas kasi ang ulo
niya. Subalit nang marinig ko ang boses ng delivery boy ay nakaramdam ako ng
relief.

CYRHEL

Pasado alas sais na ng gabi nang magising ako. Nakakapagtaka na


magaan na ang aking pakiramdam. Bagaman sinisipon pa rin ako ay hindi na iyon
kasinglala katulad ng kanina. Salamat kay Mark. Talagang inalagaan niya ako kahit
may pagkamasungit siya kung minsan.

Hindi pa sana niya ako pauuwiin kung hindi lang ako naging mapilit.
Buong araw lang akong nawala ay namiss ko na agad si Baby Ron-Ron. Hindi ko na
inabala si Mark at nagtaxi na lang ako pauwi. Pinagsuot na lang niya ako ng facial
mask upang maiwasan na mahawa si baby. Mabuti na lang din at may bitbit akong susi.
Hindi na ako nag-abalang magdoorbell dahil ang totoo ay gusto kong sorpresahin si
Tyron. Subalit ako ang nasorpresa pagpasok ko ng pad.

Tahimik ang buong paligid. Though, nakabukas ang lahat ng mga ilaw
ay walang sign na may tao. Tinungo ko ang silid ni Tyron ngunit wala sila roon ni
Baby Ron-Ron. Hindi ko rin sila nakita sa kabilang kuwarto. Ang unang pumasok sa
isip ko ay baka lumabas silang mag-ama. Pero sigurado naman ako na hindi iyon
gagawin ng binata. Ayaw niyang may makaalam na ibang tao tungkol sa bata.

Narinig kong may naghihilik. Paghakbang ko ay nakita ko si Tyron na


nakahilata sa couch at tulug na tulog. Katabi niya si Baby Ron-Ron na nahihimbing
din. Ewan, pero parang may humaplos sa dibdib ko sa nakitang tanawin. They are so
cute in their position. Nakaunan si baby sa braso niya habang nakayakap naman ang
kanyang braso sa binata.

Balak ko sanang gisingin si Tyron para palipatin siya sa kanyang


silid pero nagbago ang isip ko at hinayaan na lamang silang dalawa ng bata.
Pumuwesto ako sa kabilang couch habang hindi inaalis ang paningin sa kabila. At
ilang sandali ay hinila rin ako ng antok.

Kinaumagahan ay hindi magawang makabangon ni Tyron. Masama raw ang


pakiramdam niya. Noong una ay inakala ko na nagdadahilan lang siya para hindi
pumasok sa trabaho. Pero nang hipuin ko ang noo niya ay mainit nga siya.

"Ang sakit ng katawan ko. Daig ko pa ang umekstra sa construction,"


reklamo ng binata.

"Huwag ka ngang OA. Isang araw mo lang naman inalagaan si baby."

"Isang buong araw, Cyrhel. At na-stress ako ng husto sa kanya kaya


nagkasakit ako."

"Don't worry. Next time, isang linggo akong mawawala para isang
linggo mo rin alagaan ang anak mo," pang-aasar ko.
Chapter Seventeen: Begins Here

Chapter Seventeen: Begins Here

CYRHEL

"Chicken nuggets, check!" Basta ko na lamang inihagis ang kinuhang kahon sa loob ng
pushcart. Tatlo ang nasa listahan pero isa lang ang kinuha ko. "Baby, what's next?"
Niyuko ko si Baby Ron-Ron na tahimik na dumede sa loob ng pushcart. Mukhang
komportable siya sa kanyang kinalalagyan habang nasa kamay niya ang listahan na
ibinigay ni Tyron.

"Hotdog, tocino, longganisa..." Magkasalubong ang mga kilay habang binabasa ko ang
nakasulat sa papel. Ang dami naman gustong ipabili ng bakulaw na iyon!

Sa lahat naman ng may sakit ay si Tyron ang pinakamatakaw. Ang dami niyang gustong
kainin. Nakakapagtaka dahil imbes na mawalan siya ng gana sa pagkain ay parang mas
lalo pa siya naging patay gutom. Daig pa niya ang naglilihi. Nang wala na siyang
makain sa kusina ay dali-dali niya akong inutusan maggrocery. Napilitan akong isama
si Baby Ron-Ron dahil bukod sa hindi niya mababantay ito ay baka mahawa pa sa kanya
ng sakit ang bata.

"As if naman na mabibitbit kong lahat ng gusto niyang ipabili," bubulong-bulong na


dinampot ko ang maliit na supot ng hotdog. Napalingon tuloy sa akin ang katabi kong
ale. Pilit akong ngumiti at saka sinabayan ng alis. Baka isipin nito ay nababaliw
na ako.

Out of twenty, seven items lang ang binili ko. Bukod sa mahihirapan akong bitbitin
ang mga iyon ay kakargahin ko pa si Baby Ron-Ron. Mabuti sana kung wala akong
kasamang bata. Pero kahit na, sa liit kong ito ay hindi ko pa rin mabibitbit lahat
ng mga gusto ng lalaking iyon. Sana pala ay nagpasama ako kay Kevin. Nawala naman
sa isip ko na itext siya kanina.

"Ang cute naman po ng anak ninyo," nakangiting sabi ng binatilyong bagger nang
iabot sa akin ang mga pinamili ko.

Awtomatikong napangiti ako. "Thank you." Kahit yaya lang ang peg ko, proud pa rin
ako. Hindi ko maipaliwanag pero sa tuwing may nagsasabi na anak ko si Baby Ron-Ron,
ang sarap sa pakiramdam.
"Ang bigat mo na baby." Habang tumatagal ang bumibigat ang timbang ni Baby Ron-Ron.
Kaya pala lately ay hinihingal na ako sa tuwing karga-karga ko siya. Hindi kasi
normal ang laki niya kung ikukumpara sa batang kasing-edad niya. Paglaki niya
malamang six-footer din siya katulad ni Tyron. Hiling ko na sana ay hindi ako
mahirapan tumawag ng taxi. Another five minutes na buhat ko si baby, baka bumigay
na ang braso ko.

"Cyrhel!"

Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Azure
at hindi siya nag-iisa, mayroon siyang kasama. At huli na para umiwas ako sa
kanila.

Wala na akong nagawa nang sapilitan akong dinala ng mga kaibigan sa paborito namin
foodchain. Hindi ako nakaligtas sa mapanuring tingin ng mga ito. At dahil alam kong
hindi nila ako titigilan ay sinabi ko sa kanila ang totoo. But in a way, nakatulong
din iyon sa akin dahil nakagaan sa dibdib ko ang pagtatapat na ginawa.

"Akina na si baby," basta na lamang kinuha sa akin ni Azure si Baby Ron-Ron.


"Hmmm...guwapong bata. Siguradong guwapo rin ang tatay."

"Let me see," si Eric naman ang kumuha kay baby at tinitigan nang husto ang bata.
Namimilog naman ang mga mata ni Baby Ron-Ron na nakamasid dito. "Guwapo nga. Sayang
at wala kang mommy. Pero pwede akong mag-volunteer."

"Eeww!" Sabay na react namin ni Azure.

"Eeww kayo dyan! Ang ibig kong sabihin ay pwede akong magvolunteer na yaya niya
forever kahit walang bayad."

"Aagawan mo pa ako ng trabaho," reklamo ko.

"Enrico, kung gusto mong magkababy gumawa ka na lang," sabi ni Azure.

"Tange! Wala akong matris."


"Wala ka ngang matris pero kayang-kaya mong makabuo."

"Si frenship daw magbo-volunteer para magkababy ka," sabay turo ko kay Azure.

"Kilabutan ka nga!" Sabay nilang react na dalawa. Napahagikgik naman ako. Sa tagal
naming magkakaibigan ay madalas silang nili-link sa isa't-isa. Sila ang loveteam ng
barkada. Pero mukhang one-sided love affair lang ang peg nila.

"Oh my gee!" Bulaslas ni Eric. "He's smiling at me. I think he likes me."

"Tange! Natutuwa lang sayo si baby kasi mukha ka raw clown," kontra ni Azure.
Namumula kasi ang mga pisngi ng binata dahil sa astringent na ginamit nito.

"Very funny," nakasimangot na sabi nito sabay irap. Sa aming tatlo ay si Eric ang
pinakapikon. Lalo na kapag nagsanib pwersa kaming dalawa ni Azure.

"Dodo!" Bulaslas ni Baby Ron-Ron na ikinagulat ng binata.

"Dear, wala akong dodo. Wala kang madedede sa akin," anito sabay hipo sa dibdib.
"Kay Azure baka meron pa." At dinutdot nito ang harapan ng dalaga.

"Ang bastos mo, Enrico!"

"Day, walang malisya iyon!"

Hindi ko napigilan humagalpak ng tawa. Bukod sa namiss ko ang bangayan ng dalawang


kaibigan, ngayon ko na-realized na sa tuwing nakakakita ng lalaki si Baby Ron-Ron
ay tinatawag nitong Dodo. Buong akala ko ay si Tyron lang ang sinasabihan niya ng
ganito.

"Anong plano mo, frenship?" Tanong sa akin ni Azure pagkaraan. "Hanggang kailan ka
magiging yaya ng batang iyan?"
Nawalan ako ng sasabihin. Ang totoo ay wala akong plano. Masyado akong nalibang at
nag-enjoy sa pag-aalalaga kay baby at hindi ko naisip ang tungkol doon.

"Wala ka pa rin bang balak umuwi sa inyo?" Muli niyang tanong.

"Gusto ko na rin umuwi kaya lang..."

"Kaya lang ano?" Si Eric. "Don't tell na ang tatay ng batang iyan ang dahilan."

"Frendship, inlabu ka na kay-" Sinadya niyang ihinto ang sasabihin habang


pinalalakihan niya ako ng mga mata.

"I told you, Azure! I told you!"

I rolled my eyes. Lagi na lang akong pinapangunahan ng mga kaibigan. Anuman ang
sabihin ko siguradong hindi sila makikinig. Bahala na nga sila!

Pag-uwi ay dumaan kami ni Baby Ron-Ron sa parking area ng condo. Pagsakay ko ng


elevator ay may nakasabay akong babae. Hindi siya pamilyar sa akin at ngayon ko
lamang siya nakita. Nagkagulatan pa kami nang magkasabay naming pindutin ang
seventeenth floor button.

"Sorry," sabi ko at pilit na ngumiti. Ngumiti rin naman siya pero hindi nagsalita.

Habang hinihintay na makarating kami sa seventeenth floor ay lihim ko siyang


pinagmamasdan. Ang tangkad pala niya, bigla tuloy akong nanliit. Maganda ang babae,
para nga siyang artista. Pero may something sa kanya na parang hindi normal. My
instinct told me. Siguro dahil babae rin ako kaya alam ko.

Nang magbukas ang elevator ay nauna siyang lumabas. Nakasunod lang ako sa kanyang
likuran habang pinagmamasdan ang kanyang paglalakad. I like the way she sway her
hips. Para lang siyang nagbe-belly dancing. Bigla akong napahinto sa paghakbang
nang huminto ang nasabing babae sa tapat mismo ng pad ni Tyron. At ilang sandali pa
ay nagbukas ang pinto.
"Babe, I miss you," agad niyang sinalubong ng yakap ang binata.

Awtomatikong umangat ang kilay ko. Babe? Siya siguro ang fiancee na binabanggit sa
akin ni Tyron. Akala ko pa naman ay nagdyo-joke lang siya.

Pumihit ako pabalik sa elevator bago pa nila kami makita ni Baby Ron-Ron. Alam ko
naman na hindi gugustuhin ni Tyron na malaman ng fiancee niya ang tungkol sa bata.
Kanina pa siguro ako tinatawagan ng binata kaya lang naiwan ko ang cellphone sa
kuwarto dahil sa pagmamadali kanina. Nang magbukas ang elevator ay nagulat pa ako
nang makita si Kevin sa loob.

Agad niyang kinuha sa akin si baby. "Saan kayo pupunta?" At sinulyapan niya ang
bitbit kong supot.

"Anywhere but here," ang sabi ko na lang.

"Nag-away na naman ba kayo ng boyfriend mo?"

Hindi ko napigilan ngumiti. "Gusto mo bang mag-JCO?"

Ang lakas ng loob kong manlibre dahil gamit ko naman ang credit card ni bakulaw.
Sasamantalahin ko na rin kumain ng paborito kong donut dahil baka biglang bawiin na
lang sa akin ng binata ang card niya.

"Hindi ko boyfriend ang lalaking iyon at mas lalong hindi kami nagli-live in," sabi
ko habang pinipigilang matawa sa nakita kong reaksyon ni Kevin. "At hindi ko rin
anak si Baby Ron-Ron."

Wala sana akong balak ipagtapat sa kanya ang totoo pero ayoko na rin naman
magsinungaling pa sa kanya. Ilang sandali ay nakita kong unti-unting ngumiti si
Kevin. Ang lapad nga ng pagkakangiti niya, kita ko pati ang kanyang gilagid. Halos
mag-isang guhit din ang mga singkit niya mata. Kamukha na niya si Pucca.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Eh di sana..."

"Sana ano?"
"Never mind." Muli siyang ngumiti nang tumunog ang kanyang cellphone. Biglang
nagsalubong ang mga kilay niya at tumingin sa akin. "You're calling me."

"Huh?" Ngunit bago pa ulit ako makapagsalita ay sinagot na iyon ni Kevin. Nakita
kong umasim bigla ang mukha niya at nakasimangot na inabot sa akin ang kanyang
cellphone.

"Sa akin?" Nagtataka na tanong ko. Tumango lamang siya. Napilitan naman akong
sagutin ang nasa kabilang linya. "Hello..."

"Sabi ko na nga ba at kasama mo ang tsekwa na iyan! Nasaan kayo ni Baby Ron-Ron?
Bakit mo iniwan dito ang cellphone mo?" Nailayo ko sa tenga ang phone sa lakas ng
boses ni Tyron. Ginamit pala niyang pantawag ang phone ko. "Stay where you are
right now. Huwag muna kayong umuwi. May dumating na-"

"I know she's there. Nakita ko siya. Kaya nga bumaba kami ni Baby Ron-Ron. Nandito
lang kami sa JCO."

"Good. Huwag na kayong lumayo. Sandali lang naman si Kate at aalis din siya,"
nagbago ang timpla ng boses niya at halos pabulong na iyon.

"Siguraduhin mo lang. Wala akong balak maghintay rito ng matagal. Baka biglang
magutom si baby at wala akong dalang extra niyang gatas."

Hindi na nakasagot si Tyron nang biglang may tumawag sa kanya ng 'Babe'. Halos
tumirik ang mga mata ko. Hindi ko na siya hinintay at ako na mismo ang pumindot ng
end button.

"May problema ba?" Tanong ni Kevin nang ibalik ko ang cellphone niya sa kanya.
Nagkibit-balikat lang ako. Ayokong pag-usapan at baka lalo lang uminit ang ulo ko.

"Cyrhel, anong ginagawa ninyo rito?" Bigla na lang sumulpot si Mark sa likuran ko
at walang babala na kinuha niya si Baby Ron-Ron kay Kevin.

"Sino siya?" Tanong sa akin ng nabiglang binata.


"Kuya niya ako, may problema ka?"

Mabilis na umiling si Kevin.

"Cyrhel, tayo na!" Wala akong nagawa kundi sumunod kay Mark. Mukhang bad mood kasi
ang binata.

Kuya niya ako, may problema ka? Hanggang ngayon ay umeecho pa rin sa isipan ko ang
binitiwang salita ni Mark. Hay, kung may friendzone, kami naman ay siblingzone.
Kaya naman pala ganun na lang ang concern niya dahil ang tingin niya sa akin ay
parang baby sister. Takte! Sawi na naman ang puso ko.

"Alam mo ba na next week na ang uwi ng kapatid mo at ng asawa niya?" Tanong ni Mark
habang abala sa kanyang laptop. Doon muna kami nagstay ni Baby Ron-Ron sa pad niya
habang hindi pa umaalis si 'Babe'.

Saka lang ako nag-angat ng tingin mula sa pagkakasubsob sa magazine na dinadaanan


ko lang tingin. "Tsismis ba yan?"

"Si Vince mismo ang nagsabi sa akin. And guess what...doon sila mag-i-stay ni
Valjean sa pad niya."

Bagaman nagulat ay hindi na ako nagtaka sa naging desisyon ng kapatid. Binawi niya
ang pagbibigay sana sa akin ng kanyang pad. Kinontra kasi ni Mama. Tapos sinamahan
ko pa ng pag-iistokwa. Mas lalo lang tuloy akong na-badshot sa kanila.

"Ano na ang gagawin ni Tyron?" Muling tanong ni Mark.

"Alam na ba niya?" Balik tanong ko. Tumango lang ang binata.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at wala sa loob na napatingin sa


nahihimbing na bata sa aking tabi. Ano nga ba ang dapat namin gawin?
Pag-uwi ko sa pad ni Tyron ay sinalubong ako ng kaaterhan ng binata. Nakahilata
siya sa sofa at panay ang reklamo niya na masakit daw ang kanyang ulo. Hindi ko
tuloy malaman kung nagsasakit-sakitan lang siya o talagang gusto niya lang
magpaalaga.

"Bakit hindi ka na lang nagpaalaga sa 'babe' mo? Okay lang naman kahit isang linggo
kaming mag-stay ni Baby Ron-Ron sa pad ni Mark," mahaba kong lintanya habang
ilalagay sa kanya ang thermometer.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at itinaas ang kanyang kilikili. "Cy, nakikiliti
ako." Humahagikgik na sabi niya.

"Ang landi mo!"

"Nakakakiliti naman talaga," aniya habang patuloy na tumatawa.

"Kung nakikiliti ka, ilagay mo na lang sa bibig mo itong thermometer."

"Ayoko nga. Ang asim na ng kilikili ko tapos ipapasubo mo sa akin."

Pagkaraan ng three minutes ay hinugot ko sa kanya nag thermometer para i-check.


Muli siyang humagikgik na parang bata. His temperature is not normal. Mataas pa rin
ang lagnat niya. Ang tigas naman kasi ng ulo.

"Cy, pwedeng humingi ng favor? Promise last na ito."

Hindi ako sumagot.

"Kanina pa ako nangangati. Baka pwede mo akong linisan."

"Bakit hindi ka nagpalinis kanina sa 'babe' mo?" Wala siguro silang ginawa kanina
kundi maglandian.
"Nahihiya ako."

"Sa akin hindi ka nahihiya?"

"Kahit naman mag-bold ako sa harapan mo, dedma ka naman."

Anong akala niya sa akin, manhid?

"Sige na, Cy please..."

"Ayoko!" Pagmamatigas ko. Pero sa bandang huli ay natagpuan ko na lang ang sarili
na nagpapauto sa kanya. Subalit kung inaakala ni Tyron na ako mismo ang maglilinis
sa kanya, pwes naisahan ko siya. Binigyan ko ng basang bimpo ang binata at hinayaan
ko siyang linisin ang kanyang sarili.

"Ito na yung pamalit mo," sabay hagis sa kanya ng malinis niyang damit. Hinayaan ko
siyang magbihis habang nakalikod ako.

"Cy, huwag kang lilingon."

"Asa ka pa!" Kahit maningas ang leeg ay hinding-hindi ako lilingon. "Tapos ka na
ba? Ang tagal naman!" Reklamo ko.

"Kung tinutulungan mo ba, eh di sana kanina pa ako tapos."

"Malaki ka na, kaya mo na yan!"

"C-Cy..."

"Ano na naman?"

Nang hindi siya sumagot ay napilitan akong lumingon. Nakita ko siyang napaupo sa
couch habang nakasalo ang mga kamay sa ulo. Napaluhod tuloy ako sa harapan niya.
"Masakit ba ang ulo mo?"

"N-nahihilo ako." Kasabay ng pagyuko niya ay ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang
ilong. Mabuti na lang agad ko iyon nasalo ng hawak kong bimpo. Nagtatakang tumingin
siya sa akin.

"Nagdurugo ang ilong mo."

Nanlaki ang namumungay niyang mga mata. "D-dugo..."

"Huwag kang malikot." Lalo kong idiniin sa mukha niya ang hawak na bimpo. "Kung
isugod na kaya kita sa ospital?"

Mabilis na umiling si Tyron. "Ayoko. Kukunan nila ako ng dugo doon."

"Kapag ikaw nag-collapse rito, bahala ka sa buhay mo. Akala mo ba bubuhatin kita?"

Hindi kumibo ang binata. Mukhang hindi ko talaga siya mapipilit. Nang alisin ko ay
bimpo sa mukha niya ay huminto na ang pagdurugo ng kanyang ilong.

"May dugo pa?"

"Huwag kang malikot!" Saway ko habang nililinis ang kanyang mukha. Hindi ko
napapansin na kanina pa pala ako nakatingala sa kanya.

"Cy, alam mo na ang tungkol sa pagdating ng Kuya Vince mo?" Tanong ni Tyron.

Tumango ako. "Sinabi sa akin ni Mark kanina."

"Anong plano mo?"

"Ikaw anong plano mo?" Balik-tanong ko. Mabilis na nag-iwas siya ng tingin.
"Hindi ko alam," mahina niyang tugon.

"Hindi ko rin alam," sagot ko naman.

"Cy..."

Nagulat na lang ako nang ilapit ni Tyron ang mukha sa akin at tinitigan ako.

"Nawala na 'yung monay mo sa pisngi." Umangat ang dalawang kamay niya at sinapo ang
mukha ko. Ramdam ko ang maiinit niyang palad. "Hindi ka na cute. Na-stress ka ba
sa pag-aalaga kay baby?" May bahid na pagbibiro na sabi niya.

"Hindi ako kay baby na-stress kundi sa'yo!"

Ang lakas ng tawa ng loko. Nahihibang na siguro siya dahil sa taas ng kanyang
lagnat.

"Cy..."

"Ano na naman?"

Subalit lalo lamang niyang inilapit ang mukha sa akin. "Can you stay?"

"Huh?" Hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko.

He leaned back and rolled his eyes. "Maganda ka sana bingi ka lang!"

Chapter Eighteen: Next Level

Chapter Eighteen: Next Level


TYRON

"Tyron, are you with us?"

"Huh?"

Nagtawanan silang lahat sa naging reaksyon ko. Kanina pa lutang ang isip ko at wala
akong ganang makipag-socialize.

"Babe, kinakausap ka ni Daddy," natatawang sabi ni Kate habang nakapulupot siya sa


braso ko.

"Anak, masama ba ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong ni Mom habang hindi
inaalis sa akin ni Dad ang kanyang tingin.

Bahagya kong hinilot ang noo. "Sumakit lang ang ulo ko."

"Hindi kaya nabinat ka?" Si Mom ulit. Ilang araw pa lang kasi akong nakakarecover
pero nagpumilit na akong pumasok sa trabaho.

Pilit akong ngumiti. "Nah, I think I'm fine. Nasobrahan lang siguro ako ng ininom
na champagne," pagdadahilan ko, which is partly true. Parang nanibago ang sistema
ko nang mahulaan ng alcohol. Bukod doon ay kaninang umaga pa hindi maganda ang mood
ko at gustung-gusto ko nang umuwi.

This dinner with our parents is unexpected. Ang sabi sa akin ni Kate ay kaming
dalawa lang. Pero nagulat na lang ako nang makitang naroon ang mga magulang namin.
Parang nahuhulaan ko na kung saan mauuwi ang ganitong gathering.

"So, kailan natin ise-set ang engagement ng mga bata?" Excited na tanong ni Mrs.
Villafuerte.

Sabi ko na nga ba!


"Mommy, it's too soon to discuss about it. Hindi pa nga nagpo-propose sa akin si
Tyron," nahihiyang sabi ni Kate sa ina.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Si Dad naman ay pasimpleng umubo. Pero si
Mom, ang lapad ng pagkakangiti niya.

"Oh! I thought you already engaged. I'm so sorry. I never meant na pangunahan
kayong dalawa," sabi ni Mrs. Villafuerte.

"It's okay, amiga. Doon din naman mauuwi ang mga bata," segunda naman ni Mommy.

Wala sa loob na nagkatinginan kami ni Dad. He's giving me a looking sign. Noong una
ay hindi ko maintindihan hanggang sa nakuha ko ang gusto niyang ipahiwatig.

"Aww!" Bigla kong sinalo ng dalawang kamay ang ulo.

"Oh my god, Tyron! What happened?" Agad akong dinaluhan ni Kate.

"Tyron, anak?" Bakas naman sa mukha ni Mommy ang pag-aalala.

Sa halip na sumagot ay umungol lang ako. Lalo tuloy silang nagpanic. Lumapit sa
akin si Dad at inalalayan akong makatayo. "Ako na ang bahala sa kanya," I heard him
said.

"Segundo, sasama ako." Habol ni Mommy.

"Ako rin po," si Kate.

"No! Stay here. He'll be fine. Kailangan lang ni Tyron makalanghap ng sariwang
hangin sa labas. Babalik din kami."

Wala na silang nagawa kundi tanawin kami palabas ng restaurant.


"Okay ba ang acting ko?"

Nag-thumbs up sign ako sa kanya. "Pang-best actor, dad. How about mine?"

"Pang-best actor din!"

Napangisi ako. "Kanino pa ako magmamana kundi sa inyo." At sabay kaming nagtawanan
sa ginawang kalokohan. "How did you know?"

"I saw in your eyes that you want to get rid of her. At ayokong maipit ka sa isang
sitwasyon dahil lang sa kagustuhan ng Mommy mo."

"Thanks, dad!" Inakbayan ko siya at humilig sa kanyang balikat, just like the old
times. "You're my savior."

"I will always be your savior."

"I love you, dad."

"I love you too, son."

"Dad, pakiss nga!" Kunwari ay hinabaan ko ang nguso. Natatawang umiwas siya sa
akin.

"Sira ka talaga!"

"Look who's talking!"

Hinatid niya ako hanggang sa nakaparada kong sasakyan. "Get out of here. Ako na ang
bahala sa mommy mo at sa mga kasama niya."
"Thanks ulit, dad. Sa uulitin." Tinapik ko pa siya balikat bago sumakay ng kotse.

"Hey kiddo!" Bigla akong kinatok ni Dad sa bintana. Agad kong binaba ang salamin.

"May nakalimutan kayo?"

"I'm not against of that beautiful woman but I guess... you deserve someone better.
You know someone you can share your feelings with. Huwag kang magpabulag sa
nakikita mo. Always follow this," aniya at itinuro ang tapat ng dibdib. "He will
never fail you." Iyon lang at bumalik na si Dad sa loob ng restaurant. Nagtataka na
sinundan ko siya ng tingin.

Pag-uwi ko ay naabutan kong tahimik ang buong sala. Dati-rati ay nagbababad pa si


Cyrhel sa panonood ng TV ng ganitong oras. Imbes na sariling silid ay dumiretso ako
kabilang kuwarto. Madilim na sa loob, tanging ang lampshade sa bedside ang
nagsisilbing liwanag. Natagpuan ko ang dalaga na nahihimbing sa pagtulog, habang
nasa tabi naman niya si Baby Ron-Ron.

"Hey, why are you still awake?" Hindi ko inaasahan na gising pa siya. Humagikgik si
baby nang makita ako. "Sshhh..." Saway ko habang maingat na umupo sa tabi nito.
Baka kasi magising si Cyrhel.

Umangat ang sulok ng mga labi ko while staring at her. Natuon ang tingin ko sa
ilang hibla ng buhok na bahagyang tumabing sa kanyang mukha. Itinaas ko ang kamay
at maingat na hinawi iyon.

Gumalaw si Cyrhel. Mabilis na inalis ko ang kamay. Naalimpungatan na nagmulat siya


ng mga mata. "T-Tyron..."

"Sorry, late na akong umuwi." Basta na lang lumabas iyon sa bibig bago ko pa ma-
realize.

"Lagi ka naman late kung umuwi. Wala naman bago," she sleepily teased at niyuko
niya si Baby Ron-Ron. "Pati si baby ginising mo."
"Gising na siya nang maabutan ko," sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa kanya. I
found myself facinated by her smile.

"Lumipat ka na sa kuwarto mo, Tyron. Matulog ka na."

Sa halip na sundin siya ay humiga ako sa kama. "Hindi mo ba ako tatanungin kung
kumain na ako?"

"What for? Alam ko naman na hindi ka umuwi na walang laman ang tiyan mo."

"Pero hindi ako gaanong nakain kanina. Wala akong gana."

Bumangon si Cyrhel at inabot ng kamay ang noo ko. "Wala ka naman sakit. Kung
sabagay kahit naman may sakit ka, matakaw ka pa rin." Nang tangka niyang aalisin
ang kamay ay pinigilan ko iyon. Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano na naman ang
trip mo?" Angil niya at pilit na binabawi ang sariling kamay na ayokong pakawalan.

"Isa! Makakatikim ka talaga sa akin!" Banta pa niya na hindi ko alintana. I


couldn't explain why suddenly I don't want to let her go. "Kung ayaw mo pang
matulog, magpatulog ka naman. Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo."

"Nagsusungit ka na naman, monay. Lumalaki tuloy ang mga butas ng ilong mo."

"Gabing-gabi na nang-aasar ka pa. Adik ka ba?"

Nakakaloko na ngumisi ako at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang


kamay. Hindi naman nagpatalo si Cyrhel. Talagang nakipaghilaan pa siya sa akin.
Dahil hindi ko napaghandaan ang pwersa niya ay nabitiwan ko tuloy siya. Kasabay ng
matinis niyang pagtili ay dire-diretsong nahulog ang dalaga sa kama.

"Sorry. Ikaw kasi!" Pinipigilan kong bumalanghit ng tawa habang inaalalayan siya na
makatayo. Bagaman hindi kumikibo si Cyrhel ay ang talim ng tingin niya sa akin.
Unti-unting nagtubig ang kanyang mga mata at doon ako nabahala. "Cy..." Bago ko pa
siya mapigilan ay nagtatakbo siya loob ng banyo.

"Cy, sorry na. Hindi ko sinasadya. We're just having fun," kahit anong pagkatok ko
ay ayaw niyang buksan ang pinto ng banyo. Tuluyan na siyang nagkulong doon. Sa loob
ay naririnig ko ang mahina niyang pag-iyak. "May masakit ba sayo? Tell me,
ipapagamot natin kay Mark." Subalit wala akong narinig na response mula sa kanya.
Lalo lang tuloy akong nag-aalala. Ito ang unang beses na napaiyak ko si Cyrhel.

Hanggang sa mangawit ako ay hindi pa rin siya lumalabas. Hinayaan ko na lang din
siya. Naisip kong palipasin ang galit niya sa akin.

Paggising ko kinabukasan, inaasahan ko na natutulog pa si Cyrhel. Nagulat pa ako


nang maabutan ko siya sa kusina.

"Morning," masiglang bati ko. Mukhang good mood na siya dahil pinagluto pa niya ako
ng agahan. Subalit tila hindi niya ako nakita at nilagpasan lang ako. "Cy, galit ka
pa sa akin? Sorry na. Hindi ko talaga sinasadya."

Muli, wala akong narinig na response mula sa kanya. Doon ko napansin ang namamaga
niyang mga mata. Marahil ay buong gabi siya nag-iiyak. At dahil iyon sa akin.

Paalis na ako para pumasok sa trabaho ay hindi pa rin ako kinikibo ni Cyrhel.
Hanggang sa magpaalam ako kay Baby Ron-Ron ay dedma pa rin siya. "Bakit hindi kayo
lumabas ni baby at mag-malling? You can use my card. Sky is the limit." Ngunit
hindi umepekto ang pagba-bribe ko sa kanya. Anuman ang gawin ko ay mukhang hindi
niya ako mapapatawad. Ang tindi palang magtanim ng sama ng loob ang dalaga.

Pasakay na ako ng elevator nang maisipan kong bumalik sa pad. Hindi na ako nag-
abalang mag-doorbell at ginamit ko ang dalang susi. Pagbukas ko ng pinto ay hindi
ko nakita si Cyrhel. Wala sa loob na pinuntahan ko siya sa kanyang kuwarto at
naabutan ko siya sa akto na pinagmamasdan sa wall mirror ang malaking pasa sa
kanyang tagiliran.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may pinsala ka pala?"

Napapitlag siya nang bigla akong magsalita at saka mabilis na ibinaba ang laylayan
ng suot niyang t-shirt.

"Hindi mo na kailangan itago sa akin. Nakita ko na." Agad ko siyang nilapitan. Nang
hilahin ko siya sa braso ay napangiwi ang dalaga. Doon ko lang din napansin ang
kanyang mga pasa.
Sunud-sunod na mura ang lumabas sa bibig bago ko pa mapigilan ang sarili.

"Hindi mo kailangang magalit," sa wakas ay nagsalita si Cyrhel.

"Hindi ako nagagalit sayo, kundi sa sarili ko. This is all my fault!" Kinarga ko si
Baby Ron-Ron at hinila si Cyrhel palabas.

"S-saan tayo pupunta?"

"Sa ospital." At iyon ang naging huling pag-uusap naming dalawa.

CYRHEL

"You're lucky enough at wala kang nakuhang fracture," wika ni Mark habang
ipinapakita sa amin ang resulta ng xray ko.

Nanatiling walang kibo si Tyron sa isang tabi habang nasa bisig niya ang
nahihimbing na bata. Hindi siya nakapasok sa opisina para samahan ako sa ospital.

"What really happened? Care to tell me."

Subalit walang nagtangkang magsalita sa amin ni Tyron. Ayoko naman ang mauna dahil
ayokong magsimula nang pagtatalunan lang namin dalawa.

Napapailing na tinalikuran kami ni Mark at bubulung-bulong na lumabas ng silid.


"Lovers, sakit talaga kayo ng ulo!"

"Pumasok ka na sa trabaho mo," lumapit ako sa binata at kinuha si baby. "Magta-taxi


na lang kami pauwi- Aw!" Hindi sinasadya na naipuwersa ko ang katawan.

Mabilis na binawi sa akin ni Tyron si Baby Ron-Ron. "Ang tigas kasi ng ulo mo. Ako
na maghahatid sa inyo pauwi," banayad niyang asik. Ngayon ko lamang siyang nakita
na ganito kaseryoso.
Pag-uwi sa pad ay nagkulong si Tyron sa kanyang silid at hindi na lumabas. Tuluyan
na siyang hindi pumasok sa trabaho. Lumipas ang tanghalian ay hindi nanatili pa rin
siyang nasa loob ng kanyang kuwarto. Wala naman akong balak na tawagin siya para
kumain. Sigurado ako na hindi rin siya makakatiis sa gutom.

Nakatulugan ko ang panonood ng TV. Paggising ko ay pasado alas-siyete na ng gabi.


Dahan-dahan akong bumangon nang makaramdam ng pananakit ng katawan. Dumiretso ako
sa kusina at naabutan ko pa rin ang mga iniwan kong pagkain na hindi man lang
nagagalaw. Balak pa yatang mag-hunger strike ng lalaking iyon.

Nang sa wakas ay lumabas ng kanyang silid si Tyron ay naabutan niya akong


nakasalampak sa sala habang umiinom.

"Sinong nagsabi sayo na galawin mo ang Johnny Walker ko?" Sita niya na hindi ko
pinansin.

"Kung nagugutom ka may pagkain sa kusina. Initin mo na lang." Hindi lumilingon na


sabi ko at inisang lagok ang laman ng baso. Napangiwi ako ng gumuhit sa lalamunan
ko ang mainit na likido.

Nagulat na lang ako ng biglang agawin sa akin ni Tyron ang hawak kong baso.
Nagsalin siya ng alak at tinungga niya iyon.

"Hindi ka ba kakain?" Nagtatakang tanong ko nang sumalampak din siya ng upo sa tabi
ko.

"Ang lakas ng loob mong uminom. Ang tanong, kaya mo ba?"

"Wala naman akong balak magpakalasing. Nagpapaantok lang. Ikaw? Wala ka bang balak
kumain bago ka uminom?"

Subalit tila walang narinig si Tyron at tatlong magkakasunod na shot ang nilagok
niya. "Huy, baka naman sikmurain ka niyan!" Saway ko at tangkang aagawin sa kanya
ang baso pero nanadya na inilayo niya iyon.

"Nag-aalala ka ba sa akin?"
"Natural na mag-aalala ako. Dahil kapag nagkasakit ka, ako ang magdurusa. Ang hirap
mo pa naman alagaan."

Nangingiti na tinitigan niya ang hawak na baso. Parang baliw lang!

"Heartbroken ka ba, Tyron? Don't tell me na break na kayo ng 'babe' mo?"

"Hindi naman kami."

"Hindi pa kayo ng lagay na iyan!" Sarsaktikong wika ko. "Ano ang tawag sa status
nyo, MU?"

"I don't know. Basta gusto ko siya. I like her because she's beautiful." Hindi pa
rin niya inaaalis ang pagkakatitig sa basong hawak niya. Nalipasan na yata siya ng
gutom.

"Akina na iyan!" Sabay agaw sa kanya ng baso. "Kumain ka na muna bago ka mag-emote.
Teka, iinitin ko lang iyong pagkain." Napigil ako sa pagtayo ng marinig ko siyang
nagsalita.

"Cy, I'm so sorry. Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari kagabi."

"Forget it."

"Pero galit ka pa rin ba sa akin?"

"Hindi na ako galit. Nasaktan lang ako kaya tamang emote ako."

"Promise, last na iyon. Hindi na kita ulit bibiruin." Nagulat na lang ako nang
bigla siyang humilig sa balikat ko. Hindi naman ako makapiyok. "Cy..."

"Hmmm..."
"I'm sorry."

"Kailangan paulit-ulit!"

"Naniniguro lang."

"Kung ayaw mong kumain matulog ka na lang, Tyron." Tatayo sana ako nang pigilan
niya.

"Dito ka lang, ubusin natin ito."

"Wala akong balak magpakalasing. Kung gusto mo, ikaw na lang." But to my surprised,
tinungga niyang bigla ang laman ng bote.

"Tyron!" Pigil ko at inagaw sa kanya ang bote. Pero mukhang marami na siyang
nainom. Kung alam ko lang ay kanina ko pa sana siya pinigilan.

"Ikaw naman. You're turn." Itinulak niya sa akin ang bote ng alak.

"You're turn ka dyan! Kung ihampas ko kaya sa ulo mo ito nang tuluyan kang
makatulog."

Nakakaloko na ngumisi ang binata. "I knew it! Sabi ko na nga ba may gusto ka sa
akin."

"Asa ka pa! Hindi ikaw si Mark kaya huwag kang assuming."

"Mas guwapo ako kay Mark."

"Saan banda?" Nakataas na kilay na tanong ko at lumingon sa kanya. But it was a


wrong move. He leaned his face close to mine, his eyes focusing on my lips. Damn! I
think he is going to kiss me.
I tried to step back, ngunit nakakapagtaka na hindi ko magawang makakilos. My body
is shaking at ang bilis-bilis ng pagtibok ng aking puso. What is happening to me?

"Cy..." he whispered huskily. Iyon ang nagtrigger sa akin para bumalik ako sa
sarili kong katinuan. Bago pa maglanding ang mga labi ni Tyron sa akin, nagpanggap
akong nakatulog. Napasama pa yata ang pagkakabagsak ko dahil tumama ang ulo ko sa
sahig.

"Cy?" Inalog niya ako sa balikat. "Tama bang tulugan ako!" Narinig kong react niya.

Chapter Nineteen: Too Soon

Chapter Nineteen: Too Soon

CYRHEL

Nagising ako na masakit ang ulo. Hindi dahil sa epekto ng alak na


ininom ko kagabi. Sumakit ang ulo ko dahil sa pagkakabagok. Pucha! Nagkabukol pa
yata ako.

Napamulagat ako nang maabutan si Tyron na nagtitimpla ng kape sa


kusina. Ang buong akala ko ay natutulog pa siya. Ang aga niyang nagising.

"Morning!" Masigla niyang bati. Na-freezed ako sa pag-atras. Huli


na para bumalik sa kuwarto.

"M-morning," ganting bati ko at pilit na ngumiti. Umikot ako sa


kabilang side ng table para lang makalapit sa ref. Kung tutuusin ay ilang hakbang
lang iyon kung dadaanan ako sa harapan ni Tyron. Pero dahil sa nangyari kagabi,
nailang akong bigla sa kanya.

"Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa kuwarto ko.


Binuhat mo ba ako?"

Doon ako napalingon sa kanya. Hindi ako sigurado kung nagbibiro


lang siya. "Wala kang maalala?"

Mabilis na umiling si Tyron. "The last thing I remember ay 'yung


nag-sorry ako sayo. Pagkatapos 'nun..." Bahagya pa siyang nag-isip. "Wala na talaga
akong maalala."

Nagdududa na tinitigan ko siya. Hindi ako kumbinsido sa kanyang


sinabi. "Sigurado ka na wala ka talagang maalala?" Saglit na dumaan sa isip ko ang
ginawa niyang pagtatangka na halikan ako kagabi. Mabilis kong pinilig ang ulo.
"May dapat ba akong maalala?" Balik-tanong niya. Naka-detect ako ng
amusement sa kanyang tinig. "Now tell me, binuhat mo ba ako?"
Umismid ako. "Sa laki mong 'yan sa palagay mo ba kaya kitang
buhatin?"

Sa katunayan ako nga ang binuhat niya. Hindi naman ako makapalag
dahil pinanindigan ko talaga ang pagkukunwaring tulog. Nakakapagtaka lang na sa
kabila ng kanyang kalasingan ay nagawa pa niyang buhatin ako hanggang sa kuwarto.

"Hindi mo nga ako kayang buhatin pero kayang-kaya mo akong


kaladlakarin. Kaya siguro masakit ang buong katawan ko paggising."

"Sana nga kinaladlad na lang kita," pabulong na sabi ko habang


inihahanda ang mga lulutuin.

"May sinasabi ka, monay?"

Pusang-gala! Muntikan ko nang mabitiwan ang hawak na itlog. Hindi


ko namalayan ang mabilis na paglapit ng binata.

"Bakit ka ba nanghihipan sa tenga?" Angil ko. I swear! Nagtaasan


lahat ng mga balahibo ko sa katawan.

Nakakaloko na tumawa si Tyron. "Bakit ang aga mong nagsusungit?


Meron ka siguro."

"Ewan ko sa'yo!" Muli kong ismid. Lumayo ako ng mga tatlong hakbang
mula sa kanya. Subalit wala talaga siyang balak na tigilan ako.

"Monay, ano 'yan nasa noo mo?"

Paglingon ko ay unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.


Napaatras ako. "W-wala ito."

"Bukol ba 'yan?"

Tinakpan ko ng kamay ang noo. "Wala nga sabi!"

"Kung wala, patingin ako." Pilit niyang inaalis ang kamay ko.

Nagmatigas ako. "Ayaw!"

"Patingin sabi!"

Napahinto kaming dalawa nang marinig naming umiiyak si Baby Ron-Ron


sa kuwarto. Nagising na siguro siya.

"Kunin mo si baby," utos ni Tyron at binalikan ang naiwang kape sa


mesa.

"May ginagawa ako. Ikaw na lang," sabi ko naman.

"Tsk! Ikaw na."

"Mamili ka, kukunin ko si baby o wala kang almusal?"

Mabilis siyang tumayo. "Sabi ko nga ako na!"


Katatapos ko lang pakainin at linisan si Baby Ron-Ron. Palabas na
ako nang mahagip ng mga mata ang picture frame sa ibabaw ng tokator. Parang may
nagbago. Umatras ako pabalik. Ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang mapalitan
ang picture ni Mark. Dahil napalitan iyon ng pagmumukha ni Tyron. Sa inis ay
itinaob ko ang litrato at dire-diretsong lumabas. Speaking of bakulaw, naabutan ko
siyang nanonood ng TV sa sala.

"Hindi ka ba papasok?"

"Friday ngayon. Day-off ko." Hindi lumilingon na sagot niya habang


ngumunguya ng sandwich. Halos katatapos lang niyang mag-almusal at kumakain na
naman siya.

"Kailan pa naging friday ang day-off mo?" Sa pagkakaalam ko ay


saturday at sunday lang siya walang pasok.

"Simula sa araw na ito. Anak ako ng bigboss kaya okay lang,"


pagyayabang ng binata. Eksakto naman tumunog ang kanyang cellphone. "Hello, dad."
Biglang tumamlay ang kanyang boses. "I'm not feeling well. Masakit na masakit ang
ulo ko," pag-eemote pa niya.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Sinumpong na naman siya ng


katamaran. Napatigil ako sa paghakbang ng bigla akong may maalala. Wait! Kung hindi
papasok sa trabaho si Tyron...ibig sabihin buong araw ko siyang makakasama. Hindi
pwede ito!

Nang bumalik ako ay nanonood pa rin ng TV si Tyron. As usual


kumakain na naman siya. But this time, chichirya naman ang trip niya.

"Tyron, hindi ka ba aalis?"

Umiling lang siya sa halip na sumagot.

"Wala ba kayong lakad ng 'babe' mo?"

Muli siyang umiling. Napangiti naman ako. "Good. Ako naman ang
aalis. Ikaw na muna ang magbantay kay baby." Sa katunayan ay nakabihis na ako at
handa nang lumarga.

Magkasalubong ang mga kilay na lumingon si Tyron sa akin. "Huwag


mong sabihin na magde-date kayo ng tsekwa na iyon!"

"Tanghaling tapat, date?"

"Hindi pwede!" Pagtututol niya.

"Hindi naman ako makikipagdate. Magmo-malling lang ako."

"Ikaw lang mag-isa?"

"A-ako lang mag-isa," pagsisinungaling ko. Ang totoo ay tinext ko


kanina si Kevin at niyaya siyang lumabas.

Binalik ni Tyron ang atensyon sa pinapanood at nagpatuloy sa


pagkain. Lihim akong napangiti. "Iiwan ko na sayo si baby. Ikaw na ang bahala sa
kanya. Kapag nagutom siya nasa ref lang ang kanyang pagkain. Initin mo na lang sa
microwave."

"Sasama ako."
What?!

"P-pero..."

Dinampot niya ang remote control at ini-off ang TV. "Nakakainip


dito sa bahay. Wala akong magawa."

Naman! Naman!

"Eh sinong magbabantay kay baby?" Naisip kong itanong.

"Isasama natin si baby. Alangan naman iwanan natin siya rito. Teka,
magbibihis lang ako." Tumayo si Tyron at nagmamadaling pumasok ng kanyang kuwarto.
"Bihisan mo na rin si Baby Ron-Ron," pahabol niya nang sumungaw sa pinto.

Nanlulumo na napaupo ako sa sofa. Gusto kong magpapadyak sa sobrang


inis. Hindi ba siya nakakahalata na ayoko siyang kasama? Buwisit na bakulaw!

"Tara lets!" Excited na yaya ni Tyron. Karga niya si Baby Ron-Ron


at tinungo ang pinto. Mabigat ang loob na sumunod ako. Waley! Postpone ang date
namin ni Kevin. Sagabal talaga siya sa lovelife ko.

Pagbukas ni Tyron ng pinto ay nabugaran niya si Mark. Kahit ang


binata ay nagulat nang makita kami. "Aalis kayo?"

"Magmo-malling kami," mabilis na sagot ni Tyron.

"Silang dalawa lang ni Baby Ron-Ron," sabi ko naman. "Mark, pwede


bang sayo na lang ako sumama?"

Hinablot ni Tyron ang kamay ko. "Sa amin ka sasama at hindi sa


kanya!"

"Nagbago ang isip ko. Ayoko nang mag-malling." Bumitiw ako sa kanya
ngunit muli niya akong hinila.

"Basta sasama ka sa amin!"

"Hindi kayo pwede umalis," sabat ni Mark.

Sabay kaming napalingon sa kanya.

"Ngayon darating ang bagong yaya na pinahanap mo sa akin."

"Bagong yaya?" Nagtataka na tumingin ako kay Tyron.

"Hindi pa niya alam?" Tanong ni Mark sa kaibigan.

Napakamot ng ulo ang binata. "Hindi ko pa nasasabi."

"Then take your time." Kinuha ng binata si Baby Ron-Ron mula sa


kanya. "I-postpone nyo na muna ang date ninyong dalawa," sabi nito at binitbit ang
bata palabas.

Kanina ko pa hinihintay na magsalita si Tyron. Ngunit mukhang wala


siyang balak na kausapin ako. Nakatutok ang mga mata niya sa screen ng TV. And take
note, cartoons ang pinapanood niya.

Tumikhim ako upang kunin ang atensyon ng binata ngunit dedma lamang
siya. Nasa magkabilang dulo kami ng mahabang couch. Siya mismo ang dumistansya sa
akin. Hindi ko malaman kung ayaw lang niya akong kausapin o talagang wala siyang
pakialam sa nararamdaman ko.

I silently count one to ten. Kapag hindi pa rin nagsalita si Tyron,


magwo-walk out na talaga ako. Nine...ten! Bigla akong tumayo. Eksakto naman na
nagsalita siya.

"Galit ka ba?"

"Anong sapalagay mo?" Hindi lumilingon na sabi ko. Ganun na lamang


ang pagpipigil ko na batuhin siya ng throw pillow.

I heard him sighed. "Sorry..."

Subalit hindi iyon ang hinihintay ko na sabihin niya. "Bakit hindi


mo pa ako deretsohin? Ngayon pa lang sabihin mo na kung ayaw mo na akong maging
yaya ng anak mo. Hindi naman ako mahirap kausap. Ang ayoko lang sa lahat ay iyon
ginagawa akong tanga."

"Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo. Sorry din dahil nagdesisyon
akong mag-isa. Believe me, iyon lang ang naisip kong paraan para sa ikabubuti
nating dalawa," seryosong sabi niya habang nakayuko.
Bigla tuloy akong nainibago sa kanya. Hindi ako sanay na nakikita
siyang ganun.

"Darating na next week si Vince. At pareho nating alam na hindi na


tayo pupuwede sa ganitong set-up natin," pagpapatuloy ni Tyron. "You can't stay
here and you can no longer take care of Baby Ron-Ron."

Nanlulumo na napaupo ako sa sofa. Halos nakalimutan ko na ang


tungkol sa pagbabalik ng kapatid.

"Actually naisip ko na sabihin sa kanya ang totoo. But I don't


think maniniwala siya na wala tayong ginagawang masama. Babae ka, lalaki ako. We're
living in the same roof. Isa pa, kapatid ka niya. Vince is my bestfriend. Ayokong
pag-awayan namin ang tungkol dito," mahaba niyang lintanya.

"So...are you breaking up with me?" I said before I could think.

Biglang napalingon sa akin si Tyron.

"I mean..." Ano nga ba iyon sasabihin ko? Bigla naman akong na-
mental blocked.

"Hindi rin madali ito para sa akin. Wala akong choice. We have to
separate our ways whether not we like it."

What he is talking about?

Napaatras ako nang umusod si Tyron palapit sa akin. "Okay, I get


it! Naiintindihan ko na." Baka kasi kung saan mapunta ang usapan namin. "Kailangan
ko nang umalis dito at bumalik sa amin."

But its too soon to leave. Masyado napalapit sa akin si Baby Ron-
Ron at mahihirapan akong i-let go siya.
"Matagal ka na rin hindi umuuwi sa inyo. Ito na siguro ang tamang
panahon para makipag-reconcile ka sa parents mo."

Nang maisip ko ang mga magulang ay napasimangot ako. "Hindi nga ako
sigurado kung tatanggapin pa nila ako. Kay Papa walang problema, pero si Mama..."

"Hindi ka rin matitiis ng mama mo. Kilala ko si Tita Mary, pusong


mamon iyon."

"Kapag si Bon Jovi ang involved," mabilis kong sagot.

"Bilhan mo na lang si Tita ng items ni Bon Jovi. Siguradong hindi


iyon makakatanggi."

Naisip ko na rin ang tungkol doon. Pero nabaling ang atensyon ko


nang maramdaman ang mabigat na braso ni Tyron sa balikat ko. Hindi ko namalayan na
nakalapit na pala siya sa akin.

"Honestly, hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka?"

I turned to face him.

"Siguro dahil nasanay na ako na mayroon nagluluto ng mga pagkain ko


at nag-aasikaso dito sa bahay," he said, forcing a smile.

"At wala ka na rin uutusan at aasarin," dugtong ko. "May papalit


naman sa akin. Kaya hindi ka rin maninibago."

"Pero syempre iba pa rin kung ikaw."

"At ano naman ang pagkakaiba ko?"

"You're special..."
"I know, parang abnormal lang. Special child ako."

"Tange!" He poked my forehead. "Kumbaga sa siopao, special ka.


Jumbo at malaman."

I stared at him in disbelief at mabilis na umigkas ang kamay ko.


Subalit mabilis na nakailag si Tyron at hindi ko siya natamaan. Lalo niya lang
tuloy akong pinagtawanan.

"Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko. Hindi ako makawala sa


pagkakaakbay niya.

"Huwag kang pikon, monay!"

"Tyron, ano ba?" Nakawala ang kamay ko at tinamaan ko siya sa


mukha. To my surprised, bumagsak ang binata sa kandungan ko.

"Huy!" Nakakapagtaka na hindi siya gumagalaw. Kinabahan akong


bigla. Napuruhan ko yata siya. "Tyron?"

Gumalaw siya at umaayos ng pagkakahiga. "Ang sarap mo palang maging


unan. Bigla tuloy akong inantok."

"Kanina siopao ngayon naman unan. Bumangon ka nga dyan!"


Subalit hindi man lang natinag si Tyron. "Idlip muna ako kahit mga
ten minutes lang."

"Ano ka ba? Baka dumating ang bagong yaya ni baby."

Wala na akong narinig na sagot mula sa kanya. Balak niya talaga


akong tulugan. Kahit naman itulak ko siya ay hindi ko naman makakaya ang kanyang
bigat. Baka nga sa halip na siya, ay ako pa ang mahulog sa sofa.

Lumipas ang ilang sandali ay narinig ko ang mahina niyang paghilik.


He has fallen asleep. Ang bilis naman niyang gumawa ng tulog. Sinundot-sundot ko ng
daliri ang pisngi ni Tyron. Baka kasi nagtutulug-tulugan lang siya. Pagkatapos ang
kanyang ilong. Sinukat ko pa nga kung gaano katangos iyon at ikinumpara sa akin.
Nahiya naman ang ilong ko sa kanya. Ngayon ko lamang din napagmasdan maigi ang
kanyang mukha. Guwapo naman pala siya, hindi nga lang gaanong halata. Hindi kasi
ang tulad niya ang tipo ko. Mas preferred ko ang mga lalaking mestiso at neat
tignan. Parang si Mark lang. Ganun din ang mga singkit na tulad ni Kevin.

Ngunit kung may isang feature ni Tyron na nagustuhan ko, iyon ay


ang kanyang mga labi. Nakausli kasi ang upper lip niya. Parang lagi siyang
nakanguso. Bakulaw na nakanguso! Kunsabagay ang nakausli rin ang labi ng bakulaw.
Ang kaibahan lang ay ang lower lip naman ng mga ito ang nakatikwas.

"Anong nginingiti mo dyan?"

Napaigtad ako sa gulat. Nagising pala si Tyron. Nakadilat ang isang


mata niya habang nakatingin sa akin.

"Wala!" Mabilis kong sagot.

"Anong wala? Nakaidlip lang ako sandali minomolestiya mo na ang


mukha ko."

Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin nagkukunwari lang siyang
tulog. Bigla akong tumayo at muntikan na siyang mahulog sa sahig. "P-pupuntahan ko
muna si baby. Baka nagugutom na siya," pagdadahilan ko at nagmartsa patungo sa
kuwarto.

"Cyrhel!" Tawag ni Tyron. Napilitan akong lumingon at nakita ko


kung gaano kalapad ang pagkakangiti niya.

"Wala dyan si baby. Nandoon sa pad ni Mark."

Oo nga pala! Nagmamadali na bumalik ako at tinungo ang pinto


palabas. Naman, Cyrhel! What's happening to you?

Chapter Twenty: Back Home

Chapter Twenty: Back Home

TYRON
"Morning!"

Mabilis siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Good morning din po,


kuya."

Nadismaya ako nang malaman na hindi pala siya si Cyrhel. Nasanay


kasi ako na siya ang palagi kong nabubugaran sa kusina tuwing umaga.

"Matagal pa ba iyan?" Kumalam bigla ang tiyan ko nang maamoy ang


niluluto niya.

"Malapit na pong maluto. Sandali na lang po."

Magtitimpla sana ako ng kape nang agawin niya sa akin ang thermos.
"Ako na po dyan, kuya. Maupo na lang kayo."

Nabigla man ay hinayaan ko na lang siya. "Oo nga pala, Kitkat-"

"Katkat po," pagtatama ng dalaga. Madalas ko siyang natatawag sa


ibang pangalan. Magkatunog kasi ang mga pangalan nila ng pusa ni Mark. Wala akong
maipipintas sa kanya. Masipag at mabilis kumilos. Palibhasa bata pa. Disinuwebe
lang yata siya. At saka marami siyang alam na gawaing bahay. Hindi lang siya yaya
ni baby, all around maid din siya.

"Nasaan si Baby Ron-Ron?"

"Nandoon po sa sofa. Nakatulog po ulit pagkatapos kong pakain,"


halos hindi ko maintindihan na sabi niya. Para kasing may humahabol sa kanya sa
tuwing magsasalita siya.

Dali-daling nagtungo sa sala si Katkat nang umiyak si baby.


Pagbalik niya ay bitbit na niya ang bata.

"Akina na," sabi ko at kinuha sa kanya si Baby Ron-Ron. "Dodo is


here. Anong problema ni baby?"

"Momo!" Bulaslas nito habang patuloy na umiiyak. "Momo!"

Napahugot ako ng malalim na hininga. Ito ang isa sa pinoproblema


ko. Hindi pa man ay nahihirapan na si Baby Ron-Ron na mag-adjust lalo't nasanay
siya na si Cyrhel ang palagi niyang nakikita.

"Momo!" Halos pumapalahaw na siya ng iyak habang patuloy niyang


itinuturo ang direksyon ng kuwarto ng dalaga.
"Si Cyrhel?" Tanong ko kay Katkat. Tanghali na ngunit hindi pa siya
bumabangon.

"Nandoon po sa kuwarto niya. Masama raw po ang kanyang pakiramdam."

I saw her lying in the bed. Naka-fetus position siya habang


mahigpit na nakayakap sa unan. Agad na huminto si Baby Ron-Ron sa pag-iyak nang
makita ang 'momo' ang kanyang 'momo'.

"Not now!" Namamaos na sabi ni Cyrhel nang tangka kong ilalapit sa


kanya ang bata.

"Anong nangyayari sayo?"

Hindi siya sumagot habang nanatili sa kanyang posisyon. Pagkaraan


ay bigla siyang napaungol. Nagpagulong-gulong siya sa ibabaw ng kama hanggang sa
tuluyan siyang nahulog.

"Arghh..." Daing ni Cyrhel.

"Okay ka lang?" Hindi ko malaman kung paano siya tutulungan.

She climbed farther onto her bed. "Mukha ba akong okay?" Butil-
butil ang pawis niya sa noo at namumutla siya.

"Are you sick?"

"Sinusumpong ako ng dysmenorrheria."

"Menstruation problem?" Hindi ako sigurado kung iyon nga ang ibig
sabihin nyon. Madalas kong naririnig ang term na iyon kay Ate Sandra. "Uminom ka na
ba ng gamot?"

Umiling lang si Cyrhel. She rested her body on the bed and closed
her eyes.

"Paano mawawala ang sakit kung hindi ka iinom ng gamot?"

"Momo!" Sabat naman ni Baby Ron-Ron at nagpupumilit na makalapit sa


dalaga.

She opened an eye and frown as she saw him crying. "Take him away
from me!"
"Cyrhel!"

"Can't you see? I'm in a state of absolute pain and I feel like
dying." She moaned at patuloy siya sa pamimilipit. She curled her knees to her
chest.

"Gusto mong tawagin ko si Mark?"

"No!"

"Dalhin na kaya kita sa ospital?"

"Ayoko!"

"Anong gusto mong gawin ko?"

Hindi siya sumagot pero isinubsob niya ang mukha sa unan.

"Cy..."

"Momo!"

"Just go away!" She almost hissed. The next thing I knew, lumipad
ang unan sa ere.

"Mark, I need your help!" Bitbit si Baby Ron-Ron ay napasugod ako


sa pad ng kaibigan. Siya lamang ang naisip ko na maaaring lapitan.

"Popo!" Bigla naman umeksena si baby at agad na nagpakarga sa


binata nang makita siya. Nakakapagtaka na tumigil na sa pag-iyak ang bata.

"May problema kay baby?" Tanong ng kaibigan.

"Sa kanya wala pero kay Cyrhel meron."

Kumunot ang noo ni Mark.

"I think she's dying. Ikaw lang ang makakatulong sa kanya." At


pahapyaw na ikinuwento ko ang nangyayari sa dalaga.

"She'll be fine," iyon ang narinig kong lumabas sa bibig ni Mark.


Mukhang hindi man lang siya naalarma sa nalaman.

"You need to hurry up. Malapit na siyang mamatay."

Tinawanan lamang ako ng kaibigan. "Don't panic. Hindi niya iyon


ikakamatay. She's braver than you thought."

"Hindi ako nagpapanic. Nag-aalala lang ako na baka-"

"Pareho lang iyon," amused na sabi niya. "Trust me, she'll be okay
in her own. Natural na sa mga babae ang pinagdadaanan niya."

"But she says that she's dying... or maybe she's only over
reacting." Doon ko lamang na-realized iyon. Wagas naman kasing makadaing si Cyrhel.

"Glad to see that you care for her."

"Huh?"

"Kailan mo naman kaya mare-recognize ang feelings mo?"

Hindi ko malaman kung ako ba ang kinakausap ni Mark o si Baby Ron-


Ron. Abala kasi siya sa pakikipaglaro sa bata.

"Be true to yourself. Huwag mo nang hintayin na makaalis siya."

Nah! Hindi siguro ako ang tinutukoy niya. Pero mas lalo hindi naman
si baby. Maybe he's talking to his self again. Ilang beses na namin siyang nahuhuli
ni Vince na nagsasalita mag-isa at wala naman kausap. Kunsabay, sa amin limang
magkakaibigan ay si Mark ang weird at may sariling mundo.

"Huwag mo na rin hintayin na maunahan ka ng iba," pagpapatuloy ng


kaibigan. Hindi pa pala siya tapos. "Kung si Vince naman ang iniisip mo, I know you
can handle him. For sure maiintindihan niya kung magkagusto ka sa kapatid niya-Hey!
Anong hinahanap mo dyan?"

"Mayroon bang makakain dito?" Sabi ko habang naghahalungkat sa


kanyang pantry. "Hindi pa ako nag-aalmusal at nagugutom ako."

"Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka nakikinig?" He said


in a controlled anger.

"You're talking too much, Mark. Mamaya mo na kausapin ang iyong


imaginary friend. Sabihin mo muna sa akin kung nasaan ang pagkain mo."

"Get out!" Bigla niya akong pinukol ng nahagip niyang pigurin.


Mabuti na lang at naging maagap ako at nasalo iyon.

"Easy lang bro. Makikikain lang ako, huwag kang magalit."

"Cy?" Nang muli akong pumasok ng kanyang silid ay naabutan ko siya


na nakadapa sa kama. Maingat akong umupo sa tabi niya. "Okay na ba ang pakiramdam
mo?"

Hindi sumagot si Cyrhel. Pero alam kong gising siya. Hindi pa rin
siguro bumubuti ang kanyang pakiramdam. "Sabi ni Mark hindi mo naman daw ikakamatay
ang sakit mo. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Mahaba pa ang buhay mo."

She moaned into her pillow. "Bakulaw ka talaga!"

Natatawa na umusod ako palapit sa kanya, and whisper something in


her ear. "Monay ka naman."

Umigkas ang kamay ni Cyrhel at bahagya akong tinamaan sa balikat.


Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa pagkakasubsob. "Huy Monay, hindi ka ba mag-
aalmusal? Kumain ka na muna bago ka ulit matulog. Huy!" Subalit mukhang hindi ko
siya mapipilit. Kung ayaw niya, e di huwag. Ako na lang ang kakain ng share niya.

Wala sa loob na napalingon ako sa paanan ng kama. Napawing bigla


ang ngiti ko. She already packed up her things. Bukas pa siya aalis pero nakahanda
na ang kanyang maleta. Excited na siguro ang dalaga na umuwi sa kanila.

Akala ko noong una, kapag umalis si Cyrhel sa poder ko ay wala na akong magiging
alalahanin. Pero hindi pala. Sa pag-alis niya ay mas matinding problema pa pala ang
iiwan niya sa akin- si Baby Ron-Ron. Kung ngayon pa nga lang na hindi siya
nabibigyan atensyon ng dalaga ay nag-iiyak na, paano pa kapag wala na ang kanyang
'momo'?

"Kuya..." Humahangos na dumating si Katkat, bitbit si Baby Ron-Ron.


"Ayaw pong huminto sa pag-iyak ni baby kahit anong gawin ko."

Iniwanan ko na nga ang bata kay Mark para hindi na umiyak. Pero
ibinalik pa pala ng kaibigan. Akala ko pa naman ay naisahan ko siya. Kinuha ko si
baby at nilapag sa tabi ni Cyrhel. Huminto naman ito sa pag-iyak ng makita ang
kanyang 'momo'.

"Cy, pansinin mo naman daw si baby," sabi ko habang patuloy siyang


kinakalabit sa balikat gamit ang kamay ni Baby Ron-Ron. Kahapon pa kasi niya hindi
pinapansin ang bata. Halos ayaw nga niyang lapitan ito. Naiintindihan ko naman kung
bakit. Napalapit na nang husto sa kanya si Baby Ron-Ron at alam kong hindi magiging
madali para sa kanya na iwanan ang kanyang alaga.

"Momo!" Gumapang si baby sa likuran ni Cyrhel habang pilit niyang


hinahanap ang mukha ng dalaga. Lumingon sa akin si Baby Ron-Ron at namimilog ang
mga mata. "Dodo...hmm...m-momo?"

Natatawa na binuhat ko siya at inalis sa pagkakadagan sa likuran ni


Cyrhel. "Siya nga ang 'momo' mo. Kaya lang naka-sadako mode siya ngayon." Nakasabog
kasi ang magulong buhok ng dalaga, bukod doon ay nakasubsob ang mukha niya sa unan.

"Cy?" Muli kong tawag sa kanya. Ngunit mukhang tuluyan na siyang


nakatulog. I know she needs to rest, kaya hindi ko na siya iistorbuhin. "Baby
matulog ka rin. Promise paggising ni momo lalabas tayo at mamamasyal."

At least, bago umalis si Cyrhel ay makapagbonding kaming tatlo. And


I also promise myself na hindi ko siya aasarin. I want this day to be special and
memorable, something I can share with her.

CYRHEL

Nagising ako na may mabigat na bagay sa baywang ko. Akala ko ay


sinusumpong na naman ako ng dysmenorrhea. But when I opened my eyes, bumungad sa
paningin ko ang natutulog na si Baby Ron-Ron. Bakit nandito siya?

Nang yumuko ako ay nakita ko ang kamay na nakadantay sa baywang ko.


Sinundan ko ng tingin kung sino ang nagmamay-ari nyon. Only to find out, kamay pala
iyon ni Tyron. Ang unang pumasok sa isip ko ay bumalikwas ng bangon at komprontahin
siya. Pero agad kong naisip si baby. Sigurong magigising ang bata at madadamay sa
pagtatalo namin.

Dahan-dahan kong inalis ang mabigat niyang kamay. Ang kapal ng


mukha ng bakulaw. Nakatulog lang ako ay nakapanantsing na sa akin. Maingat akong
bumaba ng kama para magtungo sa banyo nang madaanan ko ang nakahandang maleta.
Today is my last day. At ito rin ang araw ng aking pag-alis. Bakit ko pa
ipagpapabukas kung pwede naman ngayon? Lalo na at mayroon akong pagkakataon na
umalis ng hindi nila nalalaman.

Naisip ko na mas mabuti na rin ang ganito. At least hindi na


maghahabol sa akin si Baby Ron-Ron. Hindi na rin ako mahihirapan na iwanan siya.
Baka kapag narinig ko ang pag-iyak niya ay biglang magbago ang isip ko. Ayokong
maging emosyunal, it's not my type. Pero nang dahil kay baby naging mas malambot pa
sa mamon ang puso ko."

Mabigat ang loob na kinuha ko ang aking maleta. I paused at the


doorway and looked at them. "Goodbye," I said quietly and I let the door close
behind me.
Baby ko! Hindi pa man ako nakakaalis ay gusto ko nang bumulanghit
ng iyak.

"Ate, gusto mo bang kumain?"

I almost jumped in surprise. Bigla na lang kasing sumulpot si


Katkat sa harapan ko.

"Gusto mong initin ko ang pagkain?" Muli niyang tanong habang


nakangiti.

"I-ikuha mo na lang ako ng tubig," sabi ko habang sapo ng kamay ang


dibdib. Magkakaroon ako ng nerbiyos nang dahil sa kanya.

"Sureness. Water coming up," aniya at nagmamadaling nagtungo sa


kusina.

Simula pa lang nang dumating siya ay nakapahyper na niya. Daig pa


niya ang tumungga ng isang dosenang energy drink. Kunsabay kakailanganin ni Katkat
iyon sa bago niyang amo na palautos. Dalangin ko na sana ay magtagal siya sa poder
ng binata.

Wala pang labinlimang segundo ay nasa harapan ko na ang inutos na


tubig. "Ate, aalis kayo?" Tanong niya nang makita ang maleta sa tabi ko.

"Iyon mga pinagbilin ko sayo huwag mong kakalimutan," sa halip ay


sabi ko. "Pabayaan mo na si Tyron huwag lang si Baby Ron-Ron. Alagaan at ingatan mo
siyang mabuti."

Kumunot ang noo ni Katkat. "Hindi na kayo babalik, ate? Paano na si


kuya? Maghihiwalay na ba kayo ng asawa nyo?"

Tinignan ko siya ng masama. "Hindi ko asawa ang bakulaw na iyon!"

"Break na kayo ng boyfriend nyo?"

"Hindi ko rin siya boyfriend!"

"Ahh..." Tumango-tango si Katkat. "Na-gets ko na. Mag-MU lang kayo


ni kuya."

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Ganon lamang ang pagtitimpi


ko na patulan ang pagkalukring niya. Tumayo ako at binitbit ang maleta. "I got to
go."
"Ate, hindi man lang ba kayo magpapaalam kay kuya at saka kay
baby?"

"Hindi na." Dire-diretso kong tinungo ang pinto.

"Siguradong hahanapin kayo ni Baby Ron-Ron."

Napahinto ako sa pagbukas ng pinto nang marinig ang pangalan ni


baby. Emotion started to get in again. Subalit naudlot ang pag-eemote ko sa
pagsulpot ng isang kahon sa harapan ko.

"Ate, tissue."

Maang na napatingin ako kay Katkat. Siguro ay girl scout siya.


Palagi kasi siyang handa. Hindi ko na lang siya pinansin at tuluy-tuloy na lumabas
bago pa magbago ang isip ko na umalis.

"Manong, dyan na lang po sa kulay blue na gate," sabi ko sa taxi


driver. Pagkatapos kong makabayad ay bumaba na ako at tiningala ang malaking gate
sa harapan. It's been three weeks the last time I went home. Ang totoo ay hindi ko
alam kung anong naghihintay sa akin sa pag-uwi. Maaaring hindi na ako tanggapin
nila Mama at Papa. Hindi ko naman sila masisi. Gayunpaman ay naihanda ko na ang
sarili sa maaaring mangyari.

I let out another sigh. This is it. Wala na itong atrasan. Subalit
hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto.

"Welcome back!"

Hindi lang ako nagulat, sobra akong nasopresa sa pagsalubong nila


with matching confetti pa.

"Welcome home, bunso." Agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap


ni Mama. "I really miss you."

"I miss you too, ma," naiiyak na sabi ko. Buong akala ko ay galit
siya sa akin.

"I'm glad that you finally came home," si Papa na naki-group hug sa amin ni mama.
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay tuluyan na akong umiyak. Sa taxi pa lang
pauwi ay parang gusto nang sumabog ng dibdib ko. Dumagdag pa ang pagkasabik ko sa
mga magulang.

"Ma, Pa, I'm so sorry." Anong maaari kong sabihin kundi iyon.
"It's okay, bunso. Basta huwag mo nang uulitin iyon. Promise me.
Huwag ka na ulit maglalayas."

Tumango ako. "I promise."

"Tama na ang iyakan. Let's eat and celebrate!" Agaw eksena ni Eric.
Saka ko lamang napansin ang presensya nilang dalawa ni Azure. Pero sino naman ang
matangkad na lalaking kasama ng dalaga?

"Friendship, si Joshua nga pala," pagpapakilala ng kaibigan sa


kasama. "Boyfriend ko."

Hindi lang isang kilay ang umangat sa akin kundi dalawa. Wagas
naman kung makaismid si Eric.

Joshua? Pamilyar sa akin ang pangalan niya. Teka, parang siya 'yung
Joshua na kinahuhumalingan ni Enrico. Si 'love of my life' niya.

"Eric, paabot naman ako ng pinggan," ungot ni Azure.

"May dalawang kamay ka bakit hindi mo gamitin?"

"Hindi ko nga maabot."

"Eh di gamitin mo ang paa mo!"

"Sungit mo! Meron ka ba, Enrico?"

"Kung ingudngod kaya kita sa dito sa caldereta?"

"Selos ka lang. Don't worry, mas mahal pa rin kita kaysa sa kanya.
Joke!"

Nagwalk-out si Eric. Hindi naman nakatiis si Azure at agad na


hinabol ang kaibigan. Mga baliw lang!

"Bunso, tikman mo ang mga niluto ko." Itinulak ako ni Mama sa harap
ng mga pagkain. Talagang naghanda pa siya para sa akin.

"Busog pa ako, Ma," sabi ko at itinulak pabalik ang inaalok niyang


pinggan. Ang totoo ay wala akong ganang kumain.
"Kahit tumikhim ka lang ng konti," udyok ni papa. "Nag-improved na
ang cooking skill ng mama kaya siguradong magugustuhan mo ang mga niluto niya."

Pilit akong ngumiti. "Talaga? Good for you, Pa. At least hindi mo
na patagong itatapon ang mga niluluto ni mama para sayo."

Mabilis na hinarap ni Mama si Papa. "Vicente?"

"Mary my dear, dati iyon. Pero ngayon hindi na. I swear." Itinaas
pa ni Papa ang kanang kamay niya at malambing na hinalikan ang asawa sa pisngi.

"Mamaya ko na lang siguro titikman ang mga luto mo, ma," pag-
iintrupt ko sa paglalambingan nila. "For now, I want to take a nap. Hindi kasi
maganda ang pakiramdam ko."

May pag-aalala na hinipo ni mama ang noo ko. "May sakit ka ba?"

Umiling ako. "Okay lang po ako." Hindi na nila ako napigilan nang
umakyat ako sa aking kuwarto. Padapa akong nag-dive sa kama. Oh gosh! Namiss ko
ito. Sandali ko pa lang naipipikit ang mga mata nang tumunog ang aking cellphone.
Tumatawag si Tyron. Ngunit sa halip na sagutin ay pinatayan ko siya ng phone.

Enough for this day. Wala akong ibang gustong gawin kundi matulog
buong araw. Nahiling ko na sana ay kinabukasan na ako magising. Baka sakali bukas
ay okay na ako at back to normal na ulit ang buhay ko. Sana...

Chapter Twenty One: Longing

Chapter Twenty One: Longing

CYRHEL

"Bunso, hayaan mo na si Manang dyan."

"Ma, malapit na itong maluto," hindi lumilingon na sabi ko pagkatapos inihulog ang
huling sahog sa kaldero. Naisipan kong magluto ng sopas para sa agahan.

Lumapit sa akin si Mama. "Naninibago ako sayo, bunso. Dati-rati tanghali ka na


nagigising. Pero ngayon nauunahan mo pa kaming lahat."

Ngumiti ako. "Masanay ka na ngayon, Ma dahil ako na ang palaging magluluto. Aagawan
ko ng trabaho si Manang." Lumingon ako sa may-edad na babae na kanina pa nakamasid
sa akin at kinindatan ito.
"Hayaan mo na 'yan kay Manang," hinila ako ni Mama palabas ng kusina. "Kanina ka pa
hinahanap ng papa mo."

"P-pero..."

"Wala ka bang balak lumabas? Ilang araw ka nang nagkukulong dito sa bahay," may
pag-aalalang tanong ni Papa habang magkasama naming dinidiligan ang mga halaman sa
garden.

"Tinatamad po akong maglalabas."

"Nag-aalala na ako sayo. Magmula nang bumalik ka ay ang laki na ng pinagbago mo."

"Pa, wala naman nagbago. Guni-guni nyo lang siguro iyon."

"Tell me, did someone broke your heart?"

"Papa!"

"I'm just asking. Sa nakikita ko kasing ikinikilos mo ay parang na-heartbroken ka.


You used to be a jolly person. Pero ngayon...ngumingiti ka nga pero malungkot naman
ang iyong mga mata."

Hindi ako nakakibo. I'm being too obvious. Kahit anong pilit ko ay hindi ko pa rin
magawa.

"Sino ang lalaking nanakit sa damdamin ng bunso ko?" Pabirong sabi ni Papa at
malambing na niyakap ako. "Sabihin mo sa akin at tuturuan ko ng leksyon."

"Papa naman!" Ismid ko.

"Akala mo ba nagbibiro ako? I'm serious," natatawa na sabi niya.

I rolled my eyes. Hindi ko masakyan ang trip ni Papa.

"Fine. Hindi kita pipilitin magsalita. Pero huwag mong kakalimutan..." Pinisil niya
ako sa pisngi. "I'm always here to listen. Especially kapag ito na ang involved,"
bumaba ang kamay niya at itinuro ang tapat ng dibdib ko.

Hindi ko naiwasan mapangiti. "Maaasahan mo, pa."


"Ate, telepono po."

Napahinto ako sa pag-akyat ng hagdan. "Sa akin?" Nagtataka na lumapit ako sa


katulong nang bigla akong may naalala. "Sino daw? Lalaki ba?" Sinadya kong hinaan
ang boses.

Tumango siya. "Opo. Lalaki."

"Sabihin mo wala ako. Kunwari umalis ako at hindi na babalik." Nagpapanic na


binalik ko sa kanya ang aparato. "Basta ikaw na ang bahalang mag-alibi."

"Pero ate, narinig na po niya kayo."

Syunga! Hindi ko pala natakpan ang receiver. Napilitan tuloy akong sagutin iyon.

"H-hello..."

"Aha! Balak mo pa kaming pagtaguan!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Eric. Siya lang pala tumawag.

"Ano na naman kaartehan 'yan, Cyrhel? Pati ba naman kaming mga kaibigan mo ay
pagtataguan mo pa!"

"Bakit naka-off ang cellphone mo?" Sabat naman ni Azure.

"Mamaya ka na, pwede?" Angil ni Eric.

"Excited eh, pakialam mo!"

"May phone ka naman bakit hindi mo gamitin."

"Kadamutan mo talaga! O ayan! Saksak mo sa baga mo itong telepono mo!"

Pati ba naman sa telephone ay nag-aaway pa rin silang dalawa. Hay...

"Cyrhel, are you still there?" Si Eric.


"Wala, tulog!" Sagot ko.

"Bruha! Sabunutan kaya kita dyan."

"Friendship, gala tayo."

"Foodtrip tayo, sagot daw ni Azure," si Eric ulit.

"Bakit ako na naman?"

"Makareklamo ka wagas. Kailan ka ba nanlibre, aber?"

"Wala akong pera. Friendship, ikaw na lang ang manlibre."

"Oo ba. Kain tayo sa Vikings sagot ko."

"Yes!" Sabay na sagot ng dalawang kaibigan.

"Sa next year nga lang."

Dismayadong napaungol sila.

"Waley, walkout!"

"Sawi ang aming mga tiyan."

"Sorry, guys. Wala talaga akong pera ngayon," natatawang sabi ko. Ramdam ko ang
panghihinayang nila.

"Hindi ba may backpay kang makukuha sa pogi mong amo?" Si Azure.

"Backpay?"

"Backpay or separation pay," wika naman ni Eric. "Tapos na ang contract mo sa kanya
kaya dapat lang na makakuha ka ng panghuling bayad sa ibinigay mong serbisyo."

"Ganun ba iyon?" First time ko kasing nag-work at wala akong alam sa tungkol sa mga
ganong bagay. Pero kung sahod nga wala akong natanggap sa bakulaw na iyon, backpay
pa kaya!

Sa huli ay hindi rin ako napilit ng mga kaibigan. Wala talaga ako sa mood
maglalalabas. Mas gugustuhin kong magstay sa bahay. Kung hindi pagluluto, nagbe-
bake ako ng cupcake. Natutunan ko lang iyon sa panonood sa youtube. So far,
positive naman ang feedback na nare-receive ko mula sa aking mga foodtaster.

"Bunso, pwedeng bang mag-lielow ka muna sa kusina?"

Napahinto ako sa ginagawa nang marinig ang tinig ni Mama. "Bakit naman, Ma? May
problema ba?"

Lumapit siya at kinuha mula sa akin ang supot ng arina. "Kung hindi ka nagluluto,
nagbe-bake ka naman. Nananaba na ang lahat ng tao dito sa bahay. Maawa ka naman,
bunso."

Napasimangot ako. "Ma, hayaan nyo na ako. Ito na lang ang libangan ko." Minsan kasi
ay naglakas loob akong magsabi sa kanila na gusto kong magtrabaho. This time sa
kumpanya nila Papa. Subalit ganon na lamang ang pagtutol ni Mama.

"Pero bunso nasisira ang diet ko sa kakakain. Ang Papa mo naman ay panay ang
reklamo. Hindi na raw magkasya sa kanya ang mga shorts at pants niya. Lumaki raw ng
two inches ang kanyang waistline."

"Para nyo na rin sinabi na tumigil ako at bumalik na lang sa dati kong ginagawa,"
may pagtatampo na sabi ko. Ang gusto yata nila ay magpaka-easy go lucky ulit ako.
Pakiramdam ko tuloy, kahit anong gawin ko ay hindi na ako naging tama para sa
kanila.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang sa amin lang ng Papa mo, medyo mag-lielow ka
lang ng konti. Iilan lang tayo dito sa bahay pero kung makapagluto at makapag-bake
ka naman ay parang isang barangay ang pakakainin mo."

"Hindi ko naman kayo pinipilit na kumain. Kung ayaw nyo...ipamimigay ko na lang sa


mga kapuspalad," sabi ko sabay walkout. Masama ang loob na dumiretso ako sa
kuwarto.

Naalimpungatan ako sa magkakasunod na katok sa pintuan. Hindi ko namalayan na


nakaidlip pala ako sa pag-eemote.

"Bunso!" Boses iyon ni Mama.

Tatayo pa lang sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Bunso, magbihis ka dali!"

"B-bakit po?" Nagtatakang tanong ko nang hilahin ako ni Mama sa harapan ng closet.
"May bisita ka."

"Sina Azure at Eric?" Hindi na ako magtataka kung pumarito sila. Siguradong
nangangati ang mga paa ng dalawang iyon.

"Hindi ang mga kaibigan mo. May bisita kang lalaki."

"Lalaki?"

Kumuha si Mama ng bestida sa closet ko at inilapit sa katawan ko. "Dalian mo at


magbihis ka na bago pa mainip ang manliligaw mo."

Duda ako sa sinasabi ni Mama. Pero ewan ko ba kung bakit ganon na lamang ang
pagkabog ng dibdib ko habang bumababa ng hagdan. Subconciously, may ine-expect ako
na gusto kong makita.

"Kevin?" Bukod sa nagulat ako nang makita siya ay hindi ko inaasahan na siya pala
ang lalaking tinutukoy ni Mama.

"Kamusta ka na, Cyrhel?" Nakangiting salubong niya sa akin sabay abot ng bitbit
niyang bulaklak.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?"

"Sinearch ko sa goggle map," biro niya na sinabayan ng mahinang pagtawa. Hayun na


naman ang mala-Pucca niyang mga mata.

"Sorry nga pala at hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. Biglaan kasi ang pag-alis ko."

"Honestly, medyo nagtampo ako. Pero mas mabuti na rin ang umalis ka sa poder ng
lalaking iyon. At least dito ay madalas akong makakadalaw sa'yo."

Ngumiti ako at pilit na kinakapa sa dibdib ang kilig na madalas niyang hatid sa
akin. Pero nakakapagtaka na naglaho iyon bigla.

"Ang ganda pala ng bahay ninyo at saka ang laki," aniya habang nililibot ng tingin
ang paligid. "Nagtataka tuloy ako kung bakit namasukan ka pang yaya kung may-kaya
naman ang pamilya mo."

"I have my own reason. Besides, nag-enjoy naman ako sa experience kong iyon. Oo nga
pala, kamusta na si-" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang
pinto at sumalampak sa sahig sina Mama, Azure at Eric.

"Bakit ka ba kasi nanunulak?" Kunwari ay paninisi ni Eric sa kaibigan. "Sorry sa


istorbo. Sige, ituloy nyo lang." Nagmamadali silang tumayo at lumabas ng pinto.

Nagtataka na tumingin sa akin si Kevin. Hindi na lang ako kumibo. Kabisado ko na


ang style ng mga iyon.

Pag-alis ni Kevin ay hindi na ako tinigilan ng mga ito sa pag-uusisa. Buong akala
talaga nila ay manliligaw ko ang binata.

"Hindi nga sabi, ang kulit!" Naiinis na sabi ko.

"Ayaw mo ba sa kanya, bunso?"

"Basted agad? Iyong guwapong iyon?" Si Azure.

"Choosy pa ang lola!" Hinila ako ni Eric sa buhok. "Day, pagkakataon mo na itong
magka-lovelife. So, grab the opportunity. Huwag ka nang mag-inarte."

"Aaminin ko, crush ko siya..." Sinadya ko pang ibitin ang sasabihin para i-suspense
sila. "Pero mas gusto ko si Doctor Mark Mendoza. Kapag siya ang nanligaw sa akin,
agad-agad kami na!"

"Iyong guwapong doktor na kaibigan ng Kuya Vince mo?" Nanlalaki ang mga mata ni
Azure, gayundin ang butas ng kanyang ilong.

"Mismo!"

"Ahh... Akala ko pa naman ay mas type mo iyong guwapong tatay ng alaga-" Mabilis na
tinakpan ni Azure ang bibig ni Eric. Ang daldal talaga ng baklitang ito!

"Oo nga pala, Ma. Aalis muna ako," naisip kong sabihin. "May lakad nga pala kami."
Hinablot ko sa braso si Enrico. Katulong si friendship ay kinaladkad namin siya
palabas ng bahay.

Wala sana akong balak lumabas pero napasubo ako dahil sa pasaway kong mga kaibigan.

"Wow Melona!" Sabay nilang bulaslas at parang mga bata na sinugod ang freezer sa
labas ng isang supermarket.
"Akin itong melon flavor."

"Hindi akin ito. Ako ang unang nakakita."

Kailan kaya sila magsasama na hindi nagtatalo o nag-aaway? Ang sakit na ng tenga ko
sa bangayan nila.

"Parang wala ng away, akina itong melon flavor," wala na silang nagawa nang kunin
ko ang supot ng ice cream. At dahil nag-iisa na lamang ang paborito naming flavor,
nagtiyaga na lang sila sa strawberry at banana flavor.

"Kawawa naman tayo. Nagtitiyaga na lang sa Melona," pag-eemote ni Azure.

"Mabuti na lang at may one hundred pesos pa ako sa bulsa. Kung hindi, nganga tayo
ngayon," wika naman ni Eric.

Para kaming mga yagit. Wala kaming kapera-pera. Gayunpaman, masaya pa rin kami.
Mabababaw lang naman ang kaligayahan naming tatlo.

"Tae ka, Cyrhel! May credit card ka pala bakit hindi ka nagsasalita?" Si Eric
habang hawak niya ang wallet ko. Kung paano niya nakuha iyon ay hindi ko alam.

Mabilis kong hinablot iyon sa kamay niya pero nakipag-agawan siya sa akin. "Hindi
iyan sa akin!"

"Kung hindi sayo, kanino?"

"Credit card iyan ng tatay ng alaga ko."

"Bakit na sayo?"

"Pinahiram niya lang sa akin iyan. Nakalimutan ko lang isoli." Nawala na sa loob ko
na ibalik iyon kay Tyron.

"Huwag mo munang isoli. Gamitin muna natin," panggagatong ni Azure.

"Tama! May pangfoodtrip na tayo. Oh yeah!" Biglang nagtatakbo si Eric bago ko pa


siya mapigilan. Kasunod si Azure ay nakihabol na rin ako.

Ang lakas ng loob ko na mag-taxi pauwi gayon wala naman akong dalang pamasahe. Di
bale, pag-uwi ay manghihingi na lang ako kay Mama. Pagpasok ng sinasakyan sa gate
ng subdivision ay may nakasalubong kaming kotse na pamilyar sa akin. Hindi ako
sigurado pero parang kotse iyon ni Tyron.

Pagpasok ko ng bahay ay nasorpresa ako nang maabutan sina Kuya Vince at Ate
Valjean. Dumating na sila mula sa kanilang honeymoon.

"Bunso!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng kapatid. Which is really weird!


Ngayon niya lamang ginawa ito sa akin. "How's my pretty little sister?" Tanong niya
nang bumitiw sa akin.

Pilit akong ngumiti. Hindi ako maka-get over sa nakikitang pagbabago niya. Itinaas
ni kuya ang mga kamay niya at sinapo ang magkabila kong pisngi. Biglang kumunot ang
kanyang noo. "Nangangayat ka yata, bunso. Nawala na ang nakaumbok mong pisngi. Tell
me, iyan ba ang epekto ng pag-iistokwa mo?" May bahid na pang-aasar niya. Then I
saw again his evil smile. Akala ko pa naman ay tuluyan na siyang nagbago.

Awtomatikong humaba ang nguso ko. "I hate you!" At tinalikuran siya.

"You hate me? Sayang ang dami ko pa naman pasalubong sayo. Kung ayaw mo ipapamigay
ko na lang sa iba."

"Huwag mong pansinin ang pag-aalaska ng Kuya Vince mo," Wika ni Ate Valjean nang
lapitan ako. "Na-miss ka lang niya ng sobra. Hindi niya lang masabi." Pagkatapos ay
niyapos ako. Nang bumitiw siya sa akin ay ganon na lamang ang ginawa niyang
pagtitig sa mukha ko. May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi. "Blooming ang
sister-in-law ko. Tell me, sino ang mapalad na lalaki?"

"Hindi kaya!" Nako-concious na hinipo ko ang magkabilang pisngi.

"Come on, sikrekto lang natin ito. Promise hindi ko ipagsasabi sa iba."

"Ate pretty wala naman talaga."

"Oo nga pala, Vince kagagaling lang dito kanina ni Tyron," sabi ni Papa na
nagpalingon sa akin. "Sayang at hindi kayo napang-abot."

Sabi ko na nga ba at siya iyon!

"Bakit daw po?" Tanong ng kapatid.

Hindi ko maintindihan kung bakit nae-excite ako sa isasagot ng ama.

"Hinahanap ka. Akala niya ay nakauwi na kayo ng asawa mo."


Bigla akong nadismaya sa narinig. Akala ko pa naman...

"Tawagan mo na lang at pabalikin dito. Hindi pa siguro iyon nakakalayo," si Papa


ulit. Agad naman tumalima si Kuya Vince at kinuha ang kanyang cellphone.

"Sister-in-law..." Kinalabit ako ni Ate Valjean. "There something in your eyes na


hindi mo maipagkakaila."

Maang na napatingin ako sa kanya.

Chapter Twenty Two: He's The One

Chapter Twenty Two: He's The One

CYRHEL

Bakulaw na iyon, haggang sa panaginip salot!

Hindi maipinta ang mukha ko nang lumabas ng silid. Ang aga ko tuloy bumangon dahil
pagkatapos ng masamang panaginip na iyon ay hindi na ulit ako nakatulog.

Buwisit! Akala ko pa naman ay magkakaroon ng katuparan ang matagal ko nang


pangarap...ang mahalikan si Dr. Mark kahit sa panaginip man lang. Pero ang hayup na
bakulaw na iyon, bigla na lang sumulpot sa eksena. Imbes na si Mark ay siya ang
nahalikan ko. Kadiri! Napabalikwas tuloy ako ng bangon. Pakiramdam ko ay para akong
nagising sa isang bangungot. Naliligo ako sa sariling pawis at shocked na shocked.
Iyon pala ay naka-off ang aircon. Brown-out pala.

Speaking of bakulaw, hindi na siya bumalik kahapon. Sabi ni Kuya Vince ay may lakad
pa raw ito. Ayaw naman sabihin kung saan. Pero duda ako na nakipag-date lang si
Tyron sa 'babe' niya.

Nakalagpas na ako sa tapat ng kuwarto ng newlywed nang mapaatras ako pabalik. May
narinig akong ingay na nanggagaling sa loob. Dala ng kuryusidad ay bahagya akong
sumilip sa nakaawang na pinto. Nakita ko si Ate Valjean na inaalalayan si Kuya
Vince patungo sa banyo. He almost couldn't make it. Panay ang duwal ng kapatid.

Nasobrahan siguro si Kuya Vince sa kain kahapon. Siya ang nakaubos ng mga ginawa
kong cupcake. Noong una ay panay ang pintas niya. Hindi raw masarap at saka walang
lasa. Ngunit pagbalik ko ng kusina ay wala na akong naabutan kahit isa. Ang sumbong
sa akin ni Manang ay binitbit daw lahat ng kapatid, walang tinira kahit isa.

Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref. Nagulat pa ako nang makakita ng
cupcake sa loob. Mga apat siguro iyon.

"Nagbilin ang kapatid mo na huwag gagalawin ang mga iyan," sabi ni Manang na abala
sa paghihiwa ng mga gulay. "Iyan daw ang aalmusalin niya paggising."

"Kasupangan talaga ng lalaking iyon. Hindi na nga niya makain ayaw pang ipagalaw sa
iba."

Nangingiti na nag-angat ng mukha si Manang. "Hayaan mo na, mukhang naglilihi ang


kapatid mo."

"Ang sabihin nyo, matakaw talaga siya!" Hay naku, umagang-umaga ay pinag-iinit ni
Kuya Vince ang ulo ko.

Kaysa tuluyan akong topakin ay nagluto na lang ako ng agahan. Wala nang nagawa si
Manang nang agawin ko sa kanya ang sandok.

"Relax ka lang dyan, Manang. Manood ka na lang kayo ng TV. Promise, hindi ko kayo
isusumbong kay Mama."

Napapakamot na lang ng ulo si Manang at ini-on ang maliit na television sa may


sulok. Eksaktong pagbukas niya ay Be Careful With My Heart ang palabas. Wala na
akong narinig mula sa kanya dahil nakatutok ang mga mata niya sa screen.

"Hmmm... Mukhang masarap."

Paglingon ko ay nasa tabi ko na si Ate Valjean.

"Mabuti ka pa marunong magluto. Favor naman, sis minsan turuan mo ako. Alam mo
naman ang kuya mo, saksakan ng takaw. Gusto ko rin naman na ipagluto siya ng mga
paborito niyang pagkain."
Hanggang gilagid ang pagkakangiti ko. "Lahat naman kinakain ni Kuya Vince. Walang
nasasayang na pagkain sa kanya." Para siyang si Tyron, walang tinatanggihan na
pagkain.

"Kahit na, sis. Gusto ko pa rin matututo at saka turuan mo rin akong mag-bake.
Gustung-gusto niya ang ginawa mong cupcake."

Nagsalubong bigla ang mga kilay ko. "Si Kuya Vince nga pala? Okay na ba siya?" At
ikinuwento ko sa kanya ang nasaksihan ko kanina.

"He'll be fine. Morning sickness lang iyon," nakangiting sagot ni Ate Valjean.

Napanguso ako. "Morning sickness? Ano siya naglilihi? Nasobrahan lang iyon ng
kain." Subalit nang makita ko ang kislap sa mga mata ng hipag ay saka ko na-
realized ang ibig niyang sabihin. Nanlalaki ang mga mata na napatitig ako sa kanya.
"Don't tell me..." Hindi ko maituloy ang sasabihin. It was surprising.

Tumango si Ate Valjean. Oh moh! Gusto ko sanang magtitili sa sobrang tuwa ngunit
agad niya akong pinigilan. "Sshhh.." Saway niya. "Huwag ka munang maingay. Wala
pang alam ang kuya mo tungkol dito. At saka hindi pa ako sigurado kung may laman na
ang tummy ko pero iyon ang hula ko."

"Nag-PT ka na ba?" Nae-excite na tanong ko.

"Hindi pa. Pero delayed na ako ng mahigit isang buwan."

Lalo akong natuwa sa narinig. "Think positive, Ate Val. Think positive."

"Sira ka talaga!"

"Akalain mo iyon, naka-bulls eyed agad si Kuya Vince. Wala pa kayong dalawang buwan
na nakakasal pero magkakaroon na agad ako ng pamangkin."

"Kahit ako ay hindi ko inaasahan na ganito kaaga. Pero thankful ako dahil pareho
namin gusto ng kuya mo na magkababy."
"Ang malas nga lang ni Kuya Vince dahil imbes na ikaw ay siya ang naglilihi. Kaya
pala trip na trip niya ang mga cupcake ko."

"Naaawa na nga ako sa kanya. Tuwing umaga lagi siyang ganyan."

"Mayroon bang gamot sa morning sickness?"

Umiling si Ate Valjean. "Kusa na lang nawawala iyon. Hindi ko nga lang alam kung
hanggang kailan."

"Lahat na lang ng kamalasan ay sinalo ni Kuya Vince. Malas nga talaga siya,"
napapailing na sabi ko.

"Sis, favor naman baka pwede mo akong samahan sa ospital ngayon."

"Sureness. Why not coconut!" Mabilis na sagot ko. Agad ko kasing naisip si Mark.
Medyo matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Namimiss ko na si Popo.

Ang sasakyan ni Kuya Vince ang ginamit namin ni Ate Valjean papuntang ospital.
Nakakapagtaka na pinagamit iyon sa akin ng kapatid. Dati-rati ay ayaw na ayaw
niyang pinakikialaman ko ang kanyang kotse. Siguro dahil naglilihi siya. Takot niya
lang na hindi ko siya patikimin ulit ng mga cupcakes ko.

Pinagkaguluhan si Ate Valjean ng mga dati niyang kasamahan sa ospital. Na-out of


place tuloy ako. Di bale, ilang sandali na lang at masisilayan ko na ang guwapong
mukha ni Mark. Subalit bakit ganon? Imbes na siya ay pagmumukha ng bakulaw ang
nakita ko. Akong ginagawa rito ni Tyron?

Nakakapagtaka na nilagpasan niya lang ako na tila hindi niya nakita. Dumiretso siya
sa elevator na para bang nagmamadali. May emergency kaya? Huwag naman sana. Dahil
si Baby Ron-Ron agad ang unang pumasok sa isip ko.

Hindi rin naman nagtagal ay tinungo namin ni Ate valjean ang opisina ni Mark. Ganon
na lamang ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Panay ang dalangin ko na sana
ay huwag mangyari ang iniisip ko.

Naabutan namin si Mark sa loob, kasama niya si Tyron na humagalpak pa ng tawa.

"Hello, guys!" Bungad ni Ate Valjean. Napatayong bigla ang dalawa at agad na
sinalubong ang hipag.

"Kailan pa kayo dumating ni Vince?" Tanong ni Mark at maingat na niyapos si Ate


Valjean. Naingit tuloy ako at parang gusto kong maki-group hug. Pero bigla na lang
umentra si Tyron at sinapawan ako.

"I miss you too, Valjean." Ngunit bago pa siya makayakap sa hipag ay naiharang na
ni Mark ang katawan sa kanya. Ang binatang doktor tuloy ang nayakap niya.

Buti nga!

"Mark, I have something to tell you. It's serious," wika ni Valjean na nagpalingon
sa binata. Tumango ito at pumihit paharap kay Tyron.

"Lumabas ka na muna. May personal na bagay lang kaming pag-uusapan sandali ni


Valjean."

"P-pero-" Hindi na nakapagreklamo si Tyron nang bigyan siya ng warning look ni


Mark. Bubulong-bulong na lumabas siya ng silid. Nasa pintuan na ang binata nang may
pahabol pa ang kaibigan. "Huwag kang aalis. Hindi pa tayo tapos."

Pigilan ko ang sarili na kantiyawan siya. Baka lalong mapikon si bakulaw.

"Cyrhel, anong nginingiti mo dyan?"

"Huh?"

Sumenyas si Mark at itinuro ang pinto. Pati ako? Masama ang loob na humakbang ako
palabas. Waley, hindi lang dedma ang beauty ko, sawi rin ang puso ko.
Naabutan ko si Tyron na nag-aabang sa lobby. Sumimangot siya nang makita ako.
Sinimangutan ko rin siya na sinamahan pa ng mahaba kong pagnguso sabay talikod.
Wala akong balak na kausapin siya.

"Huy, monay!"

Lihim akong napangiti ng muli iyong marinig. Pagpihit ko ay nasa harapan ko na


siya.

"May kendi ka ba dyan?" Tanong ni Tyron sabay lahad ng kamay sa akin.

"Wala."

"Alam kong meron. Huwag kang madamot." Akma niyang hahablutin ang shoulder bag ko
pero naunahan ko siya.

"Ako na!" Para lang matigil siya ay hinalungkat ko sa bag ang natitira kong mentos
at ibinigay sa kanya.

"Akin na lang lahat ito, ha?" Wika niya bago isinubo lahat ng mentos sa bibig.

Waah! "Bakit hindi mo ako tinirhan?"

"Wala ka naman sinabi." Halos hindi maintindihan na sagot niya dahil punung-puno
ang kanyang bibig.

"PG ka talaga! PG na bakulaw!"

Dedma lamang ang loko. Ngumisi pa siya na tila nang-aasar.

Hindi na ako kumibo nang may dumaan na nurse sa harapan namin at may bitbit na
baby. Bigla kong maalala si Baby Ron-Ron.
"How is he?"

"Ako ba hindi mo tatanungin?"

Biglang tumalim ang mga mata ko. "Si Baby Ron-Ron ang concern ko at hindi ikaw."

"Hindi mo ba napansin na nangangayayat ako? Ang laki kaya ng nabawas sa timbang


ko." Pinakita pa ni Tyron sa harapan ko ang kanyang mga braso.

Umangat ang kilay ko. "Pumayat ka pa ng lagay na iyan?" Sa tingin ko nga ay


namintog ang kanyang mga pisgi.

"Hindi ako makakain. Palagi na lang kasi puro gulay ang niluluto ni Katkat."

"Ayaw mo 'nun! Mapupurga ka sa kakakain ng gulay." Nagulat ako nang akbayan niyang
bigla.

"Cyrhel, umamin ka na na-miss mo ako. Kunwari ka pa na si Baby Ron-Ron ang


kinakamusta mo pero deep inside ako talaga ang iniisip mo."

"Ang kapal, sobra! Abot hanggang doon sa kabilang kanto," siniko ko siya sa dibdib
pero hindi man niya iyon ininda. "Asa ka pa! Kung hindi nga lang kita nakita rito
sa ospital ay hindi kita maaalala." Nagpupumiglas akong makawala sa kanya ngunit
ayaw naman niya akong bitiwan. Iyon ang naabutan eksena nina Ate Valjean at Mark.
Mabilis na naghiwalay kaming dalawa.

"Close na kayo?" Amused na tanong ng hipag. "Sandali lang akong nawala ay naging
magkalapit na kayo sa isat-isat."

"Hindi kaya!" Magkasabay namin sagot ni Tyron.

"Mayroon ba akong dapat kong malaman?" Nagdududa na tinitigan niya kaming dalawa ni
Tyron.Pagkatapos ay lumingon si Ate Valjean kay Mark. Nagkibit balikat lang
binatang doktor. "Kung ayaw ninyong magsalita ay hindi ko kayo pipilitin. Malalaman
ko rin naman kung ano iyon sa sarili kong paraan."
Napalunok ako at sigurado na ganun din si Tyron.

"Sis, mauna ka ng umuwi. Mapapa-check up pa ako sa OB-Gyne. Medyo matatagalan iyon.


Magtataxi na lang siguro ako pauwi."

"Hihintayin na lang kita, Ate Val. Siguradong malalagot ako kay Kuya Vince kapag
umuwi ako na hindi kita kasama."

"Ikaw ang bahala." Pagkatapos ay binalingan niya si Tyron. "Dalawin mo naman ang
bestfriend mo sa bahay. Kailangan niya ng support mo lalo na ngayon."

Ngumiti ang binata at sunud-sunod na tumango. "Mamaya pag-uwi dadaanan ko si Vinci


boy."

Hinatid namin ng tingin si Ate Valjean hanggang sa makalayo siya.

"You, get in." Utos ni Mark kay Tyron bago ito pumasok ng sariling opisina.

Nagulat ako nang bigla siyang kumapit sa braso ko. "Cy, samahan mo ako."

"Ayoko nga!"

Subalit lalo lamang humigpit ang pagkakakapit niya sa akin. Doon ko lamang napansin
ang nanlalamig niyang mga kamay. Para siyang nate-tense na hindi ko malaman.
"Please... I'm scared."

"Sa laki mong iyan? I know kayang-kaya mo si Mark. Hind mo man siya madaan sa
palakihan, daanin mo na lang sa lakas ng loob. Huwag ka nga lang niya kukunan ng
dugo."

"L-lumabas na ang result ng DNA test namin ni Baby Ron-Ron," aniya na hindi pa rin
bumibitiw sa akin.
"Lumabas na? Anong resulta? Anak mo raw ba si baby? What?" Pati ako ay nate-tense
na rin.

"Ngayon ko pa lang malalaman sa loob."

"Kung ganon ay tayo na, nang malaman na natin ang katotohanan." Bago ko pa mapihit
ang doorknob ay pinigilan ako ni Tyron.

"P-paano kung anak ko talaga si Baby Ron-Ron?" Bakas sa mukha ng binata ang takot
at pag-aalala.

"Eh di tanggapin mo siya at mahalin ng buong puso. Dugo at laman mo siya, he


deserves more than that. Isa pa kailangan mo rin siyang ipakilala sa family mo at
higit sa lahat kailangan mong sabihin sa 'babe' mo ang tungkol sa existence niya,"
mahaba kong lintanya.

"Paano naman kung hindi ako ang ama ni baby?"

"Eh di-" Napatigil ako kasabay ng malakas na pagsinghap. Umangat ang kamay ko at
hinampas siya ng malakas sa braso. "Don't you dare, Tyron! Subukan mo lang na
ipamigay si Baby Ron-Ron, ako mismo ang makakalaban mo. Hindi mo man siya kadugo
pero hindi makatarungan na pabayaan mo na lang siyang basta."

"Masakit iyon!" Reklamo niya habang hinihimas ang nasaktan na braso."Ang ingay mo!
Dito ka na nga lang. Ako na lamang ang papasok sa loob. Sakit sa tenga ng boses
mo." Bago pa makapasok si Tyron ay inunahan ko na siya. Hindi ako papayag na hindi
malaman ang resulta ng DNA test.

Ilang minuto na ang lumilipas ngunit patuloy na tinititigan ni Tyron ang puting
sobre sa ibabaw ng center table. Sandali lang daw, sabi niya. Humuhugot lang daw
siya ng lakas ng loob. Dyusmiyo! Bubuksan lang ang sobre kailangan pa ng lakas ng
loob.

Naiinip na napatingin ako kay Mark. As usual, naka-pokerface na naman siya habang
hinihintay na buksan ni Tyron ang nilalaman ng resulta. Agaw eksena ang isang
nakaka-disturbed na tunog. Kahit anong pigil ko ay ayaw paawat ng masamang hangin
sa tiyan ko.
"Ano ba yan Cyrhel, ang baho!" Reklamo ni Tyron. Siya kasi ang pinakamalapit sa
akin. Magkatabi kaming nakaupo sa couch.

"Hindi kaya. Ang arte mo!"

Hindi naman nag-react si Mark. Hindi siguro nakaabot sa kanya ang hindi kanais-nais
na amoy.

"Hay naku, Tyron! Huwag mo nang hintayin na umutot ulit ako bago mo buksan ang
sobre na iyan."

"Sandali lang pwede?"

Ngunit hindi na ako makakapaghintay. Ako na mismo ang dumampot sa sobre. Bago pa
ako mapigilan ni Tyron ay agad kong binuksan iyon. Pero naagaw naman niya sa akin
ang mismong pinagsusulatan ng resulta.

"What?!" Nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kanyang
mukha. Halos mag-isang linya ang kanyang mga kilay.

"Ano ba ito, mathematics? Bakit may mga percentage pang nakasulat?"

Inagaw ko sa kanya ang papel. "Tange! Percentage ito ng DNA matching ninyo ni Baby
Ron-ROn." Ang syunga lang! Akala siguro niya malaking font ng positive or negative
ang kanyang mababasa.

Hindi na ako nagulat sa nabasa. Gayunpaman ay hindi ko napigilan matuwa ng labis.


Wala sa loob na dinamba ko si Tyron.

"Yes! Anak mo si Baby Ron-Ron!"

Mabilis na kumawala sa akin ang binata at muling inagaw sa akin ang papel at
pinasadahan iyon ng tingin. Shocked registered on his face. Ngunit pagkaraan ay
unti-unti tumaas ang sulok ng kanyang mga labi.
"Yes!" Bulaslas ni Tyron at saka niyakap ako ng mahigpit. "Anak natin, si Baby Ron-
Ron!"

"Oo, anak natin si-"

Natin? Wait... Bakit ako ba ang nanay ng bata?

Chapter Twenty Three: Spare Her

Chapter Twenty Three: Spare Her

TYRON
Palakad-lakad ako sa opisina at hindi mapakali. Kinakain na ng kaba ang dibdib ko
at nagsisimulang magpanic. Tatlong beses ko nang tinatawagan si Mark ngunit hindi
nito sinasagot ang cellphone. Naman! Kung kailan emergency ay saka hindi ko
makontak ang kaibigan.
Inaapoy ng lagnat si Baby Ron-Ron. Iyon ang tinawag sa akin ni Katkat kani-kanina
lang. Nang marinig iyon ay basta ko na lamang iniwan ang nakatambak na trabaho. Ang
una kong naisip ay humingi ng tulong kay Mark. Alam kong nasa pad lang din ang
kaibigan tuwing restday niya. Subalit nakakapagtaka na hindi nito sinasagot ang
tawag ko. Muli kong dinayal ang number sa bahay.
"Katkat dalhin mo na sa ospital si Baby Ron-Ron," utos ko at binanggit sa kanya ang
pangalan ng ospital kung saan nagtatrabaho ang kaibigan. "Hanapin mo agad si Dr.
Mark Mendoza."
"P-pero, kuya-"
"Wala ng pero-pero. Dalhin mo ngayon si baby sa ospital. Now na!" I've never been
scared, ngayon lang. Ganito pala ang pakiramdam ng isang magulang para sa kanyang
may-sakit na anak.
"P-pero, kuya..."
"Katkat!" Natataranta na nga ako sa paghahanap ng susi ng kotse ay nagdadahilan pa
siya.
"Kuya, pwede ba makinig ka muna sa akin!" Ako naman ngayon ang sinisigawan ng
kausap. "Nandito po ngayon ang nanay ni Baby Ron-Ron."
Nanay? "N-nandyan si Cyrhel?" Hindi ako sigurado kung siya ang tinutukoy ni Katkat.
"Opo, si Ate Cyrhel nga."
Napatuwid ako ng tayo sa narinig. "Bakit... Paanong..." Hindi ko malaman ang
sasabihin.
"Naisip kong tawagan siya, kuya."
"Good job, Katkat!" May pagkaaning-aning man minsan ang dalaga ay maaasahan ko din
pala siya. Bakit ba hindi ko agad naisip si Cyrhel kanina?"
"Kuya, kaya lang..." Nag-aalangan na sabi ni Katkat. "Bago ko pa matawagan si Ate
Cyrhel ay dumating na siya dito sa pad."
I couldn't help but smile. "Nevermind. Ang mahalaga ay nandyan siya. She will take
care our baby." Eksakto naman na nakita ko ang hinahanap na susi. Natakpan lang
pala ng mga nakakalat na papeles sa mesa. "I'll be there in fifteen minutes," sabi
ko at saka pinindot ang endcall. Pipilitin kong makauwi agad kahit anong mangyari.
Palabas na sana ako ay saka naman ang pasok ni Adrian, my secretary and assistant
in one. Humarang siya sa daraanan ko. "Sir, aalis kayo?"
"I need to." Hindi lumilingon na sabi ko at nilagpasan siya.
"Pero, sir may bisi-"
"Babe!" Bumukas ang pinto at iniluwa si Kate. What the hell! Bigla niya akong
sinunggaban at niyakap ng mahigpit. "I miss you, babe! Bakit hindi mo na ako
tinatawagan?" At bago pa ako makahuma ay hinalikan niya agad ako sa mga labi.
Pasimpleng lumabas ng opisina si Adrian.
I pulled her back at pilit na kumawala sa kanya. "I'm too busy, Kate. Alam mo naman
na sobrang dami ng trabaho rito sa opisina." Wrong timing ang pagdating niya. Paano
ba ako makakawala sa kanya?
"Kahit na, hindi mo lang ako naalala," may himig na pagtatampo na sabi niya.
"Anyway, mukhang hindi ka naman busy ngayon. You can take me anywhere you want.
This is your chance para masolo mo ako," she whispered seductively.
Napakislot ako nang hipan ng dalaga ang pinakasensetibong bahagi ng aking katawan.
Muntikan ko na siyang maitulak. "Kate, I'm sorry but I really have to go." Pilit
akong kumakawala sa mahigpit niyang pagkakakapit. "Something came up and it's
emergency."
Kumunot ang maganda niyang noo. "Gusto mong samahan kita?"
"No!" Mabilis kong sagot. "I mean, this is really important. Ayoko nang abalahin ka
pa."
"But I insist."
Ang kulit naman ng babaing ito!
"My answer is no." Humakbang ako patungo sa pinto bago pa niya ako mapigilan.
"Fine! Ihatid mo na lang ako pauwi."
I stopped in the doorway. "Magtext ka na lang kapag nakauwi ka na." Iyon lang at
tuluyan ko na siyang iniwan.
"Babe!" Narinig kong sigaw niya. "Babe, come back here!"
Wala pang labinlimang minuto ay nakarating na ako sa pad. Halos paliparin ko ang
sasakyan sa kalsada. Mabuti na lang din at walang traffic. I'm too excited to get
home. Pagdating ko ay tahimik ang buong pad, maliban sa nakabukas na TV. Walang tao
sa sala, ngunit nagkalat sa sahig ang mga laruan ng bata. Where are they?
"Momo!" Narinig kong tinig ni Baby Ron-Ron mula sa kusina.
Napangiti ako nang makita si Cyrhel. Nakatalikod siya sa akin habang karga niya si
baby. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kanya at bigla siyang sinunggaban.
"Monay!"
Laking pagkadismaya ko nang paglingon niya ay mukha ni Katkat ang nakita ko. Oops!
Mabilis akong bumitiw sa kanya.
"Kuya naman! Ba't ba kayo nangugulat?"
Napakamot ako ng ulo. Buong akala ko ay siya si Cyrhel. "Ang ate mo?"
"Nandoon po sa kuwarto ninyo?"
Kuwarto ko? Anong...
"Dumating ka na pala," wika ni Cyrhel nang lumabas ng aking silid. Agad na nag-
isang linya ang aking mga kilay at hinagod ng tingin ang kanyang kabuuan. Suot niya
ang paborito kong t-shirt na nagmukhang oversize para sa kanya. "Pahiram muna ako.
Binasa kasi ni baby yung suot ko kanina."
"N-no problem." Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa aking lalamunan. Sunud-
sunod ang ginawa kong paglunok. I never thought that wearing an oversize t-shirt
could make her look more sexier. I've never seen her like this before.
"Tyron, nakikinig ka ba?" Si Cyrhel.
"Huh?" Mabilis kong pinilig ang ulo. "May sinasabi ka?"
She rolled her eyes. "Ang sabi ko nasaan na 'yung pinabili ko. Nag-text ako sayo na
mag-take out ka ng pagkain."
Wala sa loob na dinukot ko ang cellphone sa bulsa at nakita ko na mayroon nga
siyang text message sa akin. "S-sorry, nagmamadali kasi ako kanina." Sa kagustuhan
ko na makauwi kaagad ay hindi ko na pinansin ang pagtunog ng cellphone.
"Magpapadeliver na lang ako ng pizza."
"Mabuti pa nga," she said while walking infront of me. Hindi ko naiwasan sundan
siya ng tingin. Kinuha niya si Baby Ron-Ron mula kay Katkat. "Bilisan mo, Tyron at
nagugutom na ako."
Nagmamadali akong nagdayal ng number. "Hello, Cyrhel... I-I mean Pizzahut. Can I
order 1 supreme pizza please?"
Nakasunod pa rin ang tingin ko sa dalaga nang ilagay niya si Baby Ron-Ron sa crib.
Dumukwang siya at bahagyang umangat ang kanyang suot na t-shirt. She's only wearing
her undies. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"Katkat, pakilakasan ang aircon," utos ko habang niluluwagan ang suot na tie.
Pinagpapawisan ako ng hindi ko mawari.
"Kuya, nakatodo na ang aircon."
Lumingon pa ako para makasiguro. "Nevermind," ang sabi ko na lang. Humakbang ako
patungo sa dining table at pinakialaman ang kahon na nakapatong doon. "Wow!
Cupcakes. Para sa akin ito?"
"Don't touch them. Para iyan kay Mark." Ngunit bago pa sabihin ni Cyrhel iyon ay
nakagatan ko na ang isang piraso. Sa pag-aakala na babawiin sa akin iyon ng dalaga
ay isinubo ko lahat sa bibig ang natitirang cupcake. Muntikan na akong mabilaukan.
"Kuya, tubig?" Alok ni Katkat at bumulaga sa mukha ko ang isang baso ng malamig na
tubig. Agad kong sinunggaban iyon.
"Katakawan kasi!" Lumapit sa akin si Cyrhel at bahagya akong hinampas sa likod.
Ilang sandali ang lumipas bago ako tuluyan naka-recover. Sumakit ang lalamunan ko
roon.
"Okay ka na?" Tanong ni Cyrhel.
Tumango ako. "Next time huwag mo na akong dadalhan ng mga cupcakes," pagsusungit ko
upang pagtakpan ang kahihiyan.
"Para kay Mark ang mga iyan at hindi sayo," ismid niya. Nakakapagtaka na hindi niya
ako inaway dahil sa ginawa ko.
"Ate Cyrhel ang sarap ng pagkakagawa mo. The best," sabat ni Katkat na abala sa
pagse-cellphone habang kumakain ng cupcake.
"Ikaw ang gumawa ng mga iyan?" Ang buong akala ko kasi ay binili lamang niya ang
mga iyon. Honestly, masarap talaga.
"What are you doing?" Nagtatakang tanong ni Cyrhel nang bitbitin ko ang buong kahon
at inilagay sa loob ng ref.
"Those cupcakes are mine. Gawan mo na lang ulit si Mark next time."
"Katakawan mo talaga. Maimpatso ka sana!" Tinalikuran ako ng dalaga at muli niyang
nilapitan si Baby Ron-Ron. He has fallen asleep.
"How is he?" Lumapit din ako sa kinaroroonan ng anak. Maingat na hinaplos ang
kanyang buhok.
"Simpleng lagnat lang naman pala. Nagpanic lang ng husto si Katkat. But he's okay
now. Mabilis naman na bumaba ang kanyang lagnat."
Nakahinga ako ng maluwag at nakadama ng relief. He makes me worried so much.
"Mabuti na lang pala at nandyan ka," wika ko kay Cyrhel. Kung hindi siya dumating,
malamang ay nagpapanic pa rin ako.
"Mabuti na lang at naisipan kong pumunta dito."
"Para dalawin ako at si baby?" I asked playfully.
"Hindi, para dalawin si Mark at si baby."
Bago pa ako makasagot ay tumunog ang doorbell. Dumating na siguro ang pinadeliver
kong pizza.
"Ako na," pag-iinsist ni Cyrhel ngunit agad ko siyang pinigilan.
"Haharap ka sa delivery boy na ganyan ang itsura mo?" Banayad kong asik.
"Bakit? Ano ba ang problema sa suot ko?" Pagmamaang-maangan niya.
"Tell that to yourself." Ako na mismo ang nagbukas ng pinto. Ngunit imbes na ang
delivery boy ay si Kevin ang bumulaga sa paningin ko. "What do you want?"
"N-nandyan po ba si Cyrhel?"
"Wala siya dito. Umuwi ka na. Kaya umuwi ka na rin!"
"Kevin!" Bigla na lang sumulpot ang dalaga mula sa likuran. "Sorry hindi pa ako
nakakapagbihis. Hintayin mo na lang ako sa ibaba."
Mabilis na tumango ang binata. His face is beaming. "See you at the lob-"
Padabog na isinara ko ang pinto at hinarap si Cyrhel. "So, siya pala ang dahilan
kung bakit ka nagpunta rito. Ginamit mo pang dahilan si Baby Ron-Ron para lang
makipagkita sa tsekwa na iyon."
"Si baby naman talaga ang dahilan kung bakit ako pumarito. Pangalawa lang si Mark
tapos pangatlo si Kevin."
Hindi man lang ako napasama sa mga dahilan niya.
"Alam ba ng Kuya Vince mo na nakikipagdate ka sa tsekwa na iyon?" Sinundan ko siya
hanggang sa kuwarto.
"I'm old enough para ipaalam pa sa kanya. Baka nga matuwa pa iyon kapag nalaman
niya magkaka-lovelife na ako." Inabot niya ang nakahanger na damit at tangkang
huhubarin ang suot nang pumihit siya paharap sa akin. "Can you give me some
privacy? I need to change."
"This is my room!" Pagmamatigas ko.
"Sabi ko nga!" Lumabas siya at lumipat sa kabilang silid. Ngunit bago ko pa siya
masundan ay napagsaraduhan na niya ako ng pinto.
"Listen to me, Cyrhel. You can't go out with him."
"Why not!" Sigaw niya mula sa loob.
"He's only nineteen years old. You're too old for him."
"Correction, he's already twenty. Four years lang ang gap naming dalawa."
"Matanda ka pa rin sa kanya. Hindi kayo bagay."
Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Cyrhel. "Sinong bagay? Tayong dalawa?"
Hindi agad ako nakasagot.
"Kungsabagay, hindi bagay ang monay sa bakulaw. Walang connection. Mabuti pa kami
ni Kevin meron," kinikilig na sabi niya.
"Anong connect?"
"Half korean siya tapos adik naman ako sa k-pop. At least connected."
Baliw talaga!
"I have to go," tinungo ni Cyrhel. Doon ko lamang napansin ang suot niyang bestida.
Pagkatapos ay pumihit siya paharap sa akin. "Sayang at hindi ko na mahihintay ang
pinadeliver mong pizza. Next time na lang siguro." Hindi maalis-alis ang ngiti niya
sa mga labi hanggang sa tuluyang siyang makaalis.
"Kuya dapat pinigilan mo si Ate Cyrhel," wika ni Katkat. "Hindi sila bagay ng
tsekwa na iyon."
"Dahil kaming dalawa ang bagay?" Pakikisakay ko sa kanya.
"Kasi kami ang bagay ni chinito!"
Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata.
"Kuya, huwag kang maingay kay Ate Cyrhel na may crush ako kay chinito. Siguradong
magagalit iyon sa akin."
Napapailing na pumasok ako ng kuwarto.
Tatawagan ko ba siya o hindi? Kanina pa ako nagdadalawang-isip at hindi mapakali.
Hawak ko ang cellphone at palakad-lakad sa harapan ni Mark.
"Tyron, hindi ka ba nahihilo?" Tanong niya habang patuloy na hinihimas ang pusa na
nasa kanyang kandungan. Katatapos lang niyang check-apin si Baby Ron-Ron.
"Hindi," mabilis kong sagot.
"Puwes ako hilung-hilo na. Will you stop?" Singhal ng kaibigan dahilan para tumalon
mula sa kandungan niya ang kanyang paboritong pusa. Natakot yata sa boses niya.
"Kitkat come here."
"Tawag mo ako, kuya?" Si Katkat ang lumapit imbes na ang pusa niya.
"What's your name again?"
Napahinto akong bigla. "I guess kailangan ko na talagang tawagan si Vinci boy."
"What for?" Nagtatakang tanong ni Mark.
Hindi ko na siya nasagot dahil hinanap kong agad sa phonebook ang number ng
kaibigan.
"Hello Vinci boy...may mahalaga akong sasabihin sayo.... Mahalaga at importante
iisa lang iyon... Basta makinig ka na muna sa akin. It's about your little
sister..."
CYRHEL
Ang unang plano namin ni Kevin ay dadalhin niya ako sa natuklasan niyang korean
restaurant. Pero dahil nahirapan kaming maghanap ng masasakyang taxi ay
napagdesisyunan namin na maglakad-lakad muna sa nadaanan na park.
Napakislot ako nang maramdaman ko ang malamig niya palad na sumakop sa aking kamay.

"Why are you smiling?" Nangingiting tanong ni Kevin sa akin.


"Wala lang." Kinikilig kasi ako, gusto ko sanang sabihin. This is the moment I 've
been waiting for. Finally, magkakaroon na nang katuparan ang isa sa pangarap ko
ngayong taon- ang magkalovelife. Di bale ng walang career at least happy naman ang
puso ko. This is it!
Dismayadong napayuko ako nang tumunog ang cellphone. Tumatawag si Kuya Vince.
"Hello kuya... What? Paano mo nalaman?" Mukhang hindi ko na kailangan hulaan dahil
alam ko na kung sino ang makating dila na nagsumbong sa kapatid. "Pero kuya..."
Pinapauwi na niya ako sa bahay. Kung makikipagligawan daw ako dapat sa bahay at
hindi sa kalsada. Ano iyon sinaunang panahon? Ala Maria Clara? Kailan pa nagkaroon
ng date sa loob ng bahay?
"Oo na uuwi na ako," sabi ko na lang para matapos na ang kapatid sa panenermon.
Kung makapagsalita siya ay parang hindi niya iyon pinagdaanan.
"Cyrhel, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Kevin.
"Oo may problema!" Bigla na lang sumulpot si Tyron kung saan. "Pinapauwi ka na ng
nanay mo at siya naman ay pinapauwi na rin ng kuya niya."
"Ikaw ang nagsumbong kay Kuya Vince!"
"Of course not. Bakit ko naman gagawin iyon?"
Pero duda ako na hindi siya nagsasabi ng totoo.
"Ikaw tsekwa, umuwi ka na. Ako na ang bahala kay Cyrhel."
"Cy?" Tila humihingi ng tulong na tumingin sa akin si Kevin.
"Sabi nang umuwi ka na! Hinahanap ka na ng nanay mo."
Walang nagawa ang pobreng binata kundi humakbang palayo. Wala rin akong magawa para
pigilan siya. "Bakulaw ka talaga! Panira ka ng moment!" Sa sobrang inis ay
pinaghahampas ko si Tyron ng bag sa braso. "Masyado kang pakilamero. Buwiset!" Nang
mapagod ay basta ko na lamang siyang tinalikuran at nagtatakbo palayo. Ngunit
mabilis naman niya akong naabutan.
"Bitiwan mo ako!" Nagpupuyos kong sigaw at pagpupumiglas. Wala akong pakialam kung
pagtinginan man kami ng mga tao.
"Nangako ako sa kuya mo na ihahatid kitang pauwi."
"Ayoko. Kaya ko naman umuwi mag-isa!"
"Cyrhel, huwag matigas ang ulo."
Subalit sa halip ay mas lalo akong nagpupumiglas. And the next thing I knew,
umangat ako sa ere. Binuhat pala niya ako.
"Tyron, ibaba mo ako!"
"Shut, Cyrhel! Kung ayaw mong maligo ng di-oras dito sa fountain," banta niya na
nagpahinto sa akin. Takot ko lang umuwi nang basang-basa.
TYRON
Hanggang sa makarating kami sa bahay nila ay nanatili pa rin walang kibo si Cyrhel.
Gayunpaman ay panay ang irap niya sa kabuuan ng biyahe.
"We're here." Paghinto nang sasakyan ay basta na lamang siyang bumaba ng kotse at
nagmamadaling pumasok sa loob ng kabahayan. I smiled bitterly. Ngayon ko na-realize
na siguradong matatagalan bago humupa ang galit niya sa akin. Hay, Tyron! You had a
wrong move.
Uuwi na sana ako kung hindi ako nakita ni Vince. Nagyaya pang makipagkuwentuhan ang
kaibigan sa may veranda.
"Congrats pare, magiging tatay ka na."
"Salamat," nangingiting sagot ni Vince.
"How is the feeling?" Sa nakikita ko ay para siyang nakalutang sa hangin. Parang
high lang sa drugs. He really looks happy.
"Good and too excited," aniya na sinamahan ng pagtawa. "Nang sabihin sa akin ni
Valjean na magkakababy na kami, halos hindi ako makapaniwala. Daig ko pa ang nanalo
sa lotto. Kaya pala every morning ay masama ang pakiramdam ko at halos mamamatay
ako sa pagduruwal, iyon na pala ang sign. Langya! Ako pala ang naglilihi."
Napangisi ako. "Hinakbangan ka siguro ng asawa mo habang natutulog ka."
"Totoo ba iyon? Nah! I don't think so. Hindi iyon gagawin sa akin ng honeybee ko."
"Goodluck sa paglilihi mo, pre. Anyway, sino pala ang pinaglilihan mo?"
"Si Bon Jovi," kaswal niyang sagot na sinabayan ng pag-iling.
"Ang tuwa siguro ng Mama mo."
"Ang sabi ko nga kay Papa ay itapon na niya ang mga Bon Jovi collection ni Mama
kung ayaw niyang maging kamukha ng apo niya ang paborito singer ng kanyang asawa."
Humagalpak ako ng tawa. "Ayaw mo 'nun, paglaki ng anak mo ay isang singer."
"Hindi na bale kasingpanget ng boses ni Jared ang manana ng anak ko huwag lang
maging kamukha ng Bon Jovi na 'yan."
Nasapo ko ang tiyan sa kakatawa. Naisip ko, mabuti na lang ay naging kamukha ko si
Baby Ron-Ron. Siguradong lalaki siyang guwapo na tulad ko.
"Ikaw, kailan mo naman balak magpasakal at lumagay sa tahimik?" Pagkaraan ay tanong
ni Vince.
"Matagal pa siguro iyon."
"Gaano katagal?"
Kunwari ay nag-isip ako. "Three years from now?" Tumingala ako sa langit at
pinagmasdan ang kaulapan. Sino kaya ang mapalad na babaeng makakasakal sa akin?
"Matanong ko lang, Tyron. May gusto ka ba sa kapatid ko?"
Marahas akong napalingon sa kaibigan. "What makes you said that?"
"Just asking. Hindi lang siguro ako sanay na makita kang concern para sa kapatid
ko."
Bigla akong nawalan ng sasabihin.
"I know your type and I know she is out of your league."
"You're right, she's not my type."
"Please spare her. Madalas man kaming hindi magkasundo ni Cyrhel, but still she's
my younger sister and I need to protect her no matter what. Lalo na sa mismong
bestfriend ko."
Damn!

Chapter Twenty Four: Powertrip

Chapter Twenty Four: PowerTrip


CYRHEL
Nag-isang linya ang mga kilay ko nang makasalubong si Ate Val habang akay niya ang
pasuray-suray na asawa.
"Cause all of me. Loves all of you. Loves your curves and all your edges. All you
perfect imperfections. Give your all--to me..."
Napangiwi ako sa asintunadong boses ni Kuya Vince na ume-echo sa buong kabahayan.
"Kapatid!" Nakangising bulaslas niya nang makita ako. "B-bakit gising ka pa?"
"Ikaw, bakit ka naglasing?" Balik-tanong ko.
Bigla na lamang niya akong sinunggaban. Sapo ng mga kamay niya ang aking mukha. "A-
ang cute-cute naman ng little sister ko!" Pinanggigilan pa niya pati mga pisngi ko.
"Kuya, ano ba!" Saway ko sa kanya. Para kasi siyang bata.
Natatawa na nakamasid lamang sa amin si Ate Valjean. "Mukhang pinaglilihan ka ng
kuya mo."
Sumimangot ako. "Gusto mo bang maging kamukha ko ang magiging anak mo?" Sa halip na
sumagot ang kapatid ay niyakap niya akong bigla.
"I-I know we had a lot of fights..." he said but this time in a serious tone.
Nagtatakang napatingin ako sa hipag. "...and there were times that I hated you for
being so annoying. Gusto kitang pektusan ng paulit-ulit. But I want you to know
that... I treasue you as my little sister. I care for you a lot and I love you."
"Kuya, ang drama mo!" React ko sa pagsesenti niya. Hindi ako sanay na makarinig ng
sweet words galing sa kapatid. Gayunpaman ay lihim akong natutuwa. Ang sweet niya
kapag nalalasing.
Muntikan nang mabuwal si Kuya Vince kung hindi namin siya agad naalalayan ng hipag.

"Hindi ka na naawa sa asawa mo. Buntis na nga si Ate Valjean ay pinahihirapan mo


pa," banayad kong asik. Sarap niyang pektusan. Pagkatapos ay binalingan ko ang
hipag. "Ate, kung ako sayo pababayaan ko na lang si kuya."
"S-sorry, honeybee..." Halos hindi maidilat ang mga mata na wika ng kapatid. "S-si
Tyron kasi hindi ko matanggihan... P-promise last na ito."
Mabilis na umangat ang kilay ko nang marinig ang pangalan ng binata. Magkasama pala
silang dalawa. Pahamak talaga ang bakulaw na iyon.
"Ako na ang bahala sa kuya mo," sabi ni Ate Val pagkatapos namin mailapag si Kuya
Vince sa ibabaw ng kama. Tuluyan na siyang nakatulog sa labis na kalasingan.
"Puntahan mo na lang si Tyron sa may veranda."
Napasinghap ako sa nalaman. Hindi ko akalain na nandito pala siya sa bahay.
"Kawawa naman baka lamigin at pag-fiesta-han siya ng mga lamok."
"Hayaan na natin siya roon." Hindi lumilingon na sabi ko nang lumabas ng silid.
Pabalik na sana ako sa kuwarto nang biglang magbago ang isip ko. Natagpuan ko na
lang ang sarili na tinatahak ang kinaroronan ng hagdan. Katulad nang inaasahan ko
ay naabutan ko si Tyron na nakabulagta sa semento.
"Huy, bakulaw!" Sinipa ko siya sa binti. "Bumangon ka nga dyan. Isa kang
napakalaking kalat. Huy!" Subalit wala siyang response. Malamang katulad ni Kuya
Vince ay nakatulog na rin siya sa sobrang kalasingan. "Bahala ka sa buhay mo!"
Patalikod na sana ako nang biglang may kumapit sa binti ko. Napasigaw at napatalon
ako sa gulat.
"H-hindi ka na naawa. Maaatim mo na pabayaan ako rito," wika ni Tyron habang
namumungay ang mga mata. Nagtutulug-tulugan lang pala siya.
"Adik ka! Tinakot mo ako." Muli ko siyang sinipa sa binti. Napaupo siya sa sakit.
"Bakit ka ba naninipa?"
"Bumangon ka na dyan! Nakakahiya ka. Ang laki-laki mong bakulaw nakakalat ka dito
sa bahay namin."
"Hindi mo kailangan sumigaw."
Pinektusan ko siya. "Bangon! Sisipain kita ulit?"
Muling kinapitan ni Tyron ang binti ko. This time, dalawang kamay pa niya.
"Bitiwan mo ako!" Kahit anong pagpupumiglas ko ay ayaw niya akong pakawalan. Sa
inis ay muli ko siyang pinagsisipa.
"Cyrhel!" Si Mama na kagagaling lang mula sa kusina. Tila gulat na gulat siya sa
nasaksihan. "Anong ginawa mo kay Tyron?" Napasugod siya sa kinaroronan ng binata.
"Tita, si Cyrhel po minamaltrato ako," pag-eemote ni Tyron na sinamahan pa niya ng
acting. Kung makapagreact siya ay daig pa niya ang binugbog. Bago ko pa mapigilan
ang sarili ay mabilis na umangat ang kamay ko at pinektusan siya.
"Cyrhel!" Saway ulit ni Mama. "Kailan ka pa natutong manakit ng kapwa mo?"
Dinaluhan nito si Tyron at inalalayang makatayo. Ngunit si Mama rin ang sumuko.
Hindi niya kinaya ang bigat nito. "Cyrhel, tulungan mo si Tyron.
Pinagkrus ko ang mga braso. "Malaki na siya. Kaya na niya ang kanyang sarili.
"Tita, nahihilo po ako," daing ni Tyron habang sapo ang ulo.
Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Nangangati ang kamay ko na pektusan siya
ulit.
"Cyrhel, samahan mo si Tyron sa guestroom."
Marahas akong napalingon. "Mama!"
"Sige na, ihatid mo na siya sa itaas."
"Ma, alam nyo naman kung gaano kabigat ang bakulaw na iyan!" Sabay turo kay Tyron.
"At saka hindi naman siya totoong lasing. Umaarte lang siya."
Subalit tila walang narinig si Mama at naghikab. "Inaantok na ako bunso. Ikaw na
ang bahala sa kanya."
"Pero, Ma?"
"Be nice to him. He's like a son to me," muli siyang naghikab at tinungo ang
hagdanan. Gusto kong magpapadyak sa sobrang inis.
Tumikhim si Tyron at nangingiting itinaas ang dalawang kamay sa akin. "Aray!" Isang
pektus ang muli niyang natanggap mula sa akin. "Nakakarami ka na, baka akala mo,"
aniya habang hinihimas ang ituktok ng ulo.
"May reklamo ka?" Inambahan ko si Tyron na kunwari ay muli ko siyang pepektusan.
Agad naman siyang umilag. Naku! Kung hindi lang ako pagagalitan ni Mama hahayaan ko
na lang talaga siya. Napipilitan na inalalayan ko si Tyron na makatayo. Nanadya
naman na lalo pa siyang nagpabigat.
"Tyron, umayos ka!"
Ngumisi lamang siya. Napupungay pa rin ang kanyang mga mata na hindi inaalis ang
pagkakatitig sa mukha ko.
"M-monay..."
Hindi ako kumibo o nagtangkang lumingon man lang. His face is too close to mine.
Isang maling kilos ko lang, siguradong magkikiskisan ang aming mga nguso at ayokong
mangyari iyon. Eiww!
"T-teka, saan mo ako dadalhin?"
Sa halip na dalhin ko siya sa guestroom sa itaas ay dinala ko si Tyron sa bakanteng
silid sa ibaba, sa dating collection room ni Mama. Actually nandoon pa ang lifesize
statue ni Bon Jovi na under repair. Naputol kasi ang braso nito nang minsan
mapagtripan kong paglambitingan.
Halos mapugto ang hininga ko nang sa wakas ay mailapag ko siya sa kama. Nahahapo na
gumulong ako sa tabi niya at nilapat ang likod Sa malambot na kutsiyon. Pinagod
niya ako. Daig ko pa ang nagbuhat ng dalawang kaban bigas sa sobrang bigat niya.
"Anong nakakatawa?" Nag-angat ako ng ulo nang maramdaman kong umaalog ang kama.
"Wala," aniya at muling tumawa.
Baliw lang! Bagaman hindi siya totally na nalasing ay may epekto pa rin sa kanya
ang ininom na alak. Tamang tripping ang loko.
Babangon na sana ako nang pumihit paharap sa akin si Tyron. "Para tayong mag-asawa.
Magkatabi tayong matutulog."
"Asa ka pa na tatabi ako sayong matulog!" Babangon na sana ako nang pigilan niya.
Halos nakadagan sa akin ang kalahati ng kanyang katawan.
"What if...totohanin na natin ang pagiging mag-asawa?" He asked playfully.
"Gago!" Tinulak ko si Tyron ng malakas. Ngunit para lang akong nagtulak ng pader.
"Gusto mo sundan na natin si Baby Ron-Ron?" Nakakaloko pa niyang sabi.
"Tyron!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Hindi ka na nakakatuwa. Tigilan mo ako
sa mga kalokohan mo."
"Mukha ba akong nagloloko?"
Naalarma ako nang unti-unti niyang inilalapit ang mukha sa akin. "A-anong gagawin
mo?"
"Ano sa palagay mo?" Aniya habang pinagmamasdan ang aking mukha.
Suddenly I was lost of words. Nagsipagtayuan ang mga balahibo ko. I think he's
going to kiss me. Gusto kong itulak siya ngunit wala akong sapat na lakas upang
gawin iyon.
"Cy..." he whispered without leaving his eyes on me. Ganon na lamang kalakas ang
pagkabog ng dibdib ko. My heart is beating faster that I could hardly breath.
"T-Tyron, ayoko nang ganyan biro?"
"This time, I'm serious." His face was moving closer and closer.
Oh god! Oh god! Mukhang totohanin talaga niya na halikan ako at huli na para
umiwas. Isang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Napapikit na lang ako
and wait for his kisses. Subalit ilang segundo na ang nakakalipas ay parang wala
naman nangyayari. Nakatulog ba siya?
Isang nakakalokong tawa ang nagpamulat sa akin. I frozed. Saka ko lang na-realized
na ginudtaym lang pala niya ako. Kumawala ang kamay ko bago ko pa mapigilan ang
sarili.
"Subukan mo na pagtripan ako ulit...hindi lang iyan ang matitikman mo!" Kung
nakakamatay lang ang tingin pinukol ko sa kanya baka kanina pa siya natumba.
Namumula ang mukha ko sa galit.
"C-Cy, I'm sorry..." Tangkang aabutin ako ni Tyron ngunit naunahan ko siya ng
malakas na hampas ng unan sa mukha dahilan para mahulog siya sa kama."
"Sorry? Ganon lang iyon? Shit ka!" Hindi pa ako nakuntento ay pinukol ko siya ng
unan. Wala siyang karapatan na biruin niya ako ng ganon. Mas lalong wala siyang
karapatan na paglaruan ang damdamin ko. Hindi ko man maamin pero nasasaktan ako
ngayon.
"Cyrhel wait!"
Nasa pintuan na ako nang marinig ang pagtawag niya. Walang likod-lingon na
nagtatakbo ako palabas ng kuwarto. Shit ka, Tyron!

"Morning, sis!" Bati ni Ate Val nang bumungad siya sa komedor. Naabutan niya akong
nagtitimpla ng kape.
"Sobrang aga mo naman yatang nagising." Si Kuya Vince na nakasunod pala sa asawa.
Wala sa loob na lumingon ako sa wallclock. Magsi-six pa lang ng umaga. "Ginising
ako ng tiyan ko," pagdadahilan ko. Ang totoo ay hindi ako gaanong nakatulog kagabi.

"Nasaan na ang mga cupcake ko?" Kung makapag-react si Kuya Vince ay para siyang
ninakawan ng pagkain. Hindi na kasi niya natagpuan ang mga iyon sa refrigerator.
"Nandyan pa ang mga cupcake kagabi," wika ni Ate Val at dinoble check ang laman ng
ref.
"Sinong kumain ng cupcakes ko?"
"Morning!" Biglang sumulpot si Tyron. "What? Bakit kayo nakatingin sa akin?"
Nagkatinginan ang mag-asawa. Nag-iwas naman ako ng tingin. Hindi na namin kailangan
hulaan kung sino ang salarin. Siya lang naman ang naiwan kagabi sa ibaba.
"Argh...ang sakit ng katawan ko," daing ni Tyron na sinabayan ng pag-i-stretching
ng katawan. "Vinci boy, sa tuwing makikitulog ako sa inyo ay palagi na lang akong
nagigising na masakit ang katawan."
Mabilis na lumingon sa akin si Ate Valjean at amused na ngumiti. Parang nahuhulaan
ko na ang tumatakbo sa kanyang isipan.
"Eto pa, paggising ko katabi ko na si Bon Jovi. Nakayakap pa sa akin."
Nagtawanan ang mag-asawa maliban sa akin.
"Baka naman sa sobrang kalasingan mo napagtripan mong itabi ang estatwa ni Bon
Jovi," komento ng kapatid. "Bakit nga pala doon ka natulog?"
"Ewan ko," sagot ni Tyron habang naghahalungkat na makakain sa loob ng ref.
"Tyron, what is that?" Tanong ni Ate Val sabay turo sa pisngi ng binata. "Pasa ba
yan?"
"Aww!" Daing ni Tyron nang pisilin iyon ng hipag. "Malamang, masakit eh."
"May pasa ba na mamumula at hugis kamay?" Pakikiusyoso ni Kuya Vince.
"Oo nga. Para kang sinampal," wika ni Ate Val.
"Sinampal siguro siya ni Bon Jovi," sabat ko at humakbang palabas. Nag-iinit lang
ang ulo ko sa presensya ng binata.
"Malaki siguro ang galit sayo nang gumawa nyan. Masakit?" Tangkang pipindutin ni
Vince ang pisngi niya nang pigilan ni Tyron ang kanyang kamay.
"Vinci boy, pinaglilihan mo ba ako?

Dinala ako ng mga paa sa garden. Ang balak ko ay diligan ang mga halaman at
bulaklak ni Papa. Pero nang mahagip ng mga mata ko ang duyan na nakasabit sa puno
ay biglang nagbago ang isip ko. Gawa iyon sa abacca at si Papa nagkabit nyon. Naupo
ako at ilang sandaling nagpaugoy-ugoy. Nang mangawit ay nagbago ako puwesto at
nahiga habang nakasayad ang mga paa sa lupa. Ngayon ako nakaramdam ng antok at
unti-unting namimigat ang aking mga mata. Hanggang sa hindi ko namalayan na
nakaidlip pala ako.
Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong may mainit na hangin ang humaplos sa
aking pisngi. Akala ko pa ay mataas na araw. Ngunit nakakapagtaka na makulimlim ang
kalangitan.
Kasabay nang pag-ahon ko sa duyan ay may kung anong nahulog sa lupa. Hala! May
nagpitas ng inaalagan kong bulaklak. Sa tabi nyon ay isang maliit na papel na
mayroong nakasulat na- I'm sorry. Let's talk.
Hindi ko na kailangan hulaan kung kaninong handwritten iyon. Sigurado ako na galing
iyon kay Tyron. Luminga ako sa pag-aakala na makikita ko siya sa paligid. But I
found no trace of him.
Ano na naman kaya ang iniisip niya? Bakit hindi niya ako harapin ngayon kung
talagang gusto niyang mag-sorry?
Aaminin ko, galit pa rin ako sa kanya. Kanina lang sa kusina ay nangangati ang
kamay ko na pukulin siya ng tasa. I hate him so much! Pero bakit ganun? Sa simpleng
pagbibigay niya ng bulaklak at sulat ay parang gusto nang lumambot ng puso ko.
Muli akong humiga sa duyan at wala sa loob na dinala sa ilong ang natanggap na
bulaklak para lang ilayo iyon. What the! Ang daming langgam. Kasabay ng pagtayo ay
nagpapagpag ako.
Walanghiyang Tyron! Mamimigay na lang ng peace offering sablay pa.
Chapter Twenty Five: You and I

Chapter Twenty Five: You and I

TYRON

Panay ang sulyap ko sa suot na relo at hindi mapakali sa aking kinauupuan. "Hindi
pa ba matatapos itong meeting?" Pasimple kong bulong kay Adrian. Halos
magdadalawang oras na ang board meeting at kanina pa ako naiinip.

"Sir, mag-i-speech pa raw si Chairman."

Napangiwi ako. Naman! Male-late ako nito sa lakad ko. Mas lalo lang tuloy
madaragdagan ang kasalanan ko sa kanya. Pasimple kong inilabas ang cellphone sa
bulsa at nagtext.

I'll be late. Sorry. Wait for me no matter what happen.

Ise-send ko na sana ang text message nang umepal bigla si Vince.

"Huy! Ano yan?"

Pusang gala! Sa gulat ko ay nagkamali tuloy ako ng pindot. Waah! Na-wrong send ako.
At kung minamalas, kay Kate ko pa naipadala.

"Sino ang ka-text mo?" Pakikiusyoso pa ng kaibigan. Mabilis kong ini-off ang
cellphone at itinago iyon.

"Pakialam mo!"

"Ginaganyan mo na ako ngayon," may himig na pagtatampo sa tinig niya. "Kailan ka pa


nagsikreto sa akin?"
Ngayon lang, gusto ko sanang sabihin. "Kailan ka pa naging interesado sa lovelife
ko?" Me and my mouth.

"May lovelife ka? Hindi nga?" Tila nagulat pa si Vince sa nalaman at bahagya akong
siniko sa tagiliran. Pagkatapos ay kinuha nito ang cellphone. "Kailangan malaman
ito ng barkada. Let's call a celebra-"

Inagaw kong bigla ang phone niya. "Huwag muna. Baka mausog at mapurnada pa ang
lovelife ko," pakikisakay ko sa trip ng kaibigan para lamang tumigil siya.

"Okay, I get your point. Now tell me, who's the lucky girl?"

"Excuse me, gentleman!"

Naagaw ang atensyon namin ni Vince nang pukpukin ni Chairman ang mesa. Saka lang
din namin namalayan na lahat ng tao sa board room ay sa aming dalawa nakatingin.

"This is not the place to chat about your personal matter. You're free to leave
this room," magkasalubong ang mga kilay na sabi pa nito.

"Sorry, dad." I said, trying to supressed a smile. Parang mga bata na bigla kaming
natameme ni Vince. Ngunit sa ilalim ng mesa ay lihim kaming nagsisikuhan.

Nagpatuloy ang board meeting at inaabot pa ng isang oras bago iyon natapos. I
swear, wala akong naintindihan at malamang ay ganun din si Vince. Wala kasi kaming
ibang ginawa kundi mag-text sa isa't-isa. Doon na lamang pinagpatuloy ang mahaba-
haba naming usapan at mga kalokohan.

Paglabas ng board room ay tinapik ako ni Vince sa balikat. "See you later, pre,"
sabi niya bago kami tuluyan naghiwalay.

Napaisip tuloy ako. Wala naman kaming lakad mamaya at wala rin pagtitipon ang
barkada sa tambayan.

"Adrian, iwanan mo na lang sa table ko ang mga kailangan kong pirmahan," sabi ko
habang pasakay kami ng elevator. "Bukas na lang umaga ko aasikasuhin."
"Yes, sir."

Bumalik ako ng opisina para kunin ang mga gamit. Mayroon pa akong fifteen minutes
na natitira. Kung magmamadali ako ay makakarating ako on time sa aming usapan.
Subalit napamulagat ako sa nadatnan.

"Mom, why are you here?" Lumapit ako sa ina at binigyan siya ng mabilis na halik sa
pisngi. "Kung si dad ang sadya ninyo, nandoon na siya sa kanyang office. Katatapos
lang kasi ng meeting."

Inayos ni Mommy ang aking kurbata na bahagyang nawala sa porma. "Actually, ikaw
talaga ang sadya ko. Mayroon tayong pupuntahan."

"Mom, not now. May lakad ako," bumitiw ako sa kanya at kinuha ang mga gamit ko sa
table. "I'm in a hurry. Male-late na ako sa appointment ko."

"You're not going anywhere, JT." Hinarangan ni Mommy ang daraanan ko. "Nangako ka
sa akin. This day is very important."

Kumunot ang noo ko. "Mom, next month pa ang birthday nyo."

She poked me. "Today is Kate's birthday."

Napaungol ako. "Mom, I'm busy. You can buy her cake on your own. Hindi ko na kayo
kailangan pang samahan." Kinuha ko ang wallet at dumukot ng ilang lilimang daan
para iabot sa kanya.

She poked me again. "We are going to her birthday party. And you promised me that
you are going to attend."

"I promised?" Sabay turo sa sarili. Pilit na hinagilap sa isipan kung talagang
nagbitiw ako ng pangako ngunit wala talaga akong maalala.

"Let's go. Sunduin na natin ang daddy mo. Kailangan natin bilisan dahil magpi-fit
pa tayo ng ating isusuot sa party.

Tuluyan akong walang nagawa nang akayin ako ni Mommy palabas ng opisina. There is
no way of escaping her. Kahit si Dad ay walang magagawa para pigilan ang asawa.

CYRHEL

"Friendship, baka naman gusto mong magdahan-dahan."

"Oo nga, hindi naman kami nagmamadali.

Sa halip na magmenor ay lalo ko pang diniian ang accelerator. Halos paliparin ko


ang kotse sa kalsada.

"Oh god, I don't want to die!" Tili ni Eric.

"I'm dying!" Napakapit naman nang mahigpit si Azure sa suot na seatbelt. "Cy, nag-
red ang traffic light!"

Nagmenor ako at saka tinapakan ang break. Halos mapasubsob kami sa lakas ng impact.

"Relax guys, everything is under control," sabi ko habang hinihintay na magkulay-


green ang traffic light. My adrenalin is so high that I wanted to kick his ass If I
see him. Buwisit talaga siya!

Mula sa backseat ay hinila ni Eric ang buhok ko. "You're not taking control. You're
suiciding."

Nakihila rin ng buhok si Azure. "You're not in yourself. Ako na lang ang magda-
drive." At inagaw niya sa akin ang manibela.

"Get out!" Bumaba pala ng kotse si Eric at hinila ako palabas. Itinulak naman ako
ni Azure. Pinagtulungan nila akong dalawa.
"Kung bad mood ka, huwag ka naman mandamay," sermon ni Eric. Siya na ngayon ang
nagmamaneho.

"Kung inindyan ka man niya ngayon sa date nyo, may next time pa naman," si Azure na
nanatiling nasa frontseat habang ako naman ay napunta sa backseat. Kulang na lang
ay itali nila ako sa paniniwala na napo-possessed daw ako.

"Tange! Wala nang next time. Ang mga ganoon klase ng lalaki ay hindi na binibigyan
ng second chance."

"Malay mo naman, he has a valid reason. Who knows? Baka may emergency na biglang
nangyari."

Nanatili akong walang kibo. Anuman ang dahilan ng bakulaw na iyon ay lalo lamang
niya dinagdagan ang kanyang kasalanan. Malalagot talaga siya sa akin kapag nagkita
kami ulit.

Wala sana akong balak na makipagkita kay Tyron. Ngunit dahil sa mga entrimitidang
mga kaibigan ay napa-oo tuloy ako. At para raw masiguro na hindi ako mang-iindyan
ay sinamahan pa nila ako. Nagkaroon tuloy ako ng mga chaperone. Iyon pala ay ako
ang iindyanin ng bakulaw na iyon. Halos mamuti ang mga mata namin sa kahihintay
subalit ni anino niya ay hindi nagpakita. Ni wala man lang siyang text o tawag.

Ang mas lalo pang ikinasasama ng loob ko, ako ang nagbayad ng kinain ng mga
kaibigan. Ang lakas ng loob nilang umorder ng marami, wala naman pala silang mga
pera. Mabuti na lang at nasa akin pa ang credit card ng bakulaw. Iyon ang ginamit
kong pambayad dahil wala rin akong dalang pera.

"Bakit tayo nandito?" Reklamo ni Azure nang ihinto ni Eric ang kotse sa tapat ng
isang mamahaling boutique.

"Kailangan natin ng magarang isusuot para sa party mamaya."

"Bakit pumayag na ba kami ni friendship na sasamahan ka namin sa party?"


Kanina pa kasi iginigiit ni Eric na samahan daw namin siya sa party na kanyang
pupuntahan. Imbes na muse ay kailangan daw niya ng escort. At kaming dalawa ni
Azure ang minalas na napili niya.

"Cy, okay lang naman sayo di ba?" Lumingon siya sa akin at nag-beautiful eyes pa.

Hinagis ko sa kanya ang credit card. "Ikaw na bahala." Wala ako sa mood na
makipagtalo pa sa kanila.

"Ftriendship!" Marahas na lumingon sa akin si Azure. "No, ayoko!"

Si Eric mismo ang pumili nang isusuot namin ni Azure. Hinayaan na lang namin siya
dahil bukod sa mayroon siyang fashion sense ay isa rin frustrated fashion designer
ang kaibigan.

Sabay kaming lumabas ni Azure mula sa fitting room ngunit ang kaibigan ang unang
nilapitan ni Eric.

"Girl, ang ganda mo."

"Talaga?" Mabilis na humarap ang dalaga sa salamin at nagpaikot-ikot. Bumagay sa


kanya ang kulay pulang tube dress.

"Kaya lang sa sobrang ganda mo pumanget ka ulit!"

Biglang sumimangot si Azure at inambahan ng suntok si Eric. "Baklita ka talaga!"


Parang mga bata naghabulan silang dalawa.

Ako naman ang humarap sa salamin. Bahagya pa akong nagulat sa nakitang


transformation ko.

"You're beautiful dear," bulong sa akin ni Eric mula sa aking likuran. "Manang-mana
ka sa akin."
Sa unang pagkakataon magmula kanina ay ngumiti ako. "So are you," lumingon ako sa
kanya. He looks gorgeous in his black suit. Ang guwapu-guwapo niya. Sana ay naging
tunay na lalaki na lang siya.

TYRON

"Babe!"

Malayo pa lang narinig ko na ang matining niyang boses. Gusto ko tuloy bumalik
palabas ng entrance.

"JT!" Saway ni Mommy at kinapitan ako sa braso. Wala talaga akong kawala.

"Mom, what is this?" Isang maliit na kahita ang inilagay niya sa palad ko.

"Ibigay mo kay Kate mamaya," she said with this smitten on her face. Tangkang
bubuksan ko iyon nang pigilan niya ako. "Later JT, nandito na si Kate."

"Goodluck, son," bulong sa akin ni Dad.

The party really makes me bored. Kung nasaan ako ay naroon din si Kate. Halos hindi
siya humihiwalay sa akin. Nangangawit na nga ang braso ko sa kakakapit niya.

"Babe, I need to go to the restroom."

Lihim akong napangiti. "Okay." Pagtalikod ni Kate ay agad akong sumibat palayo.
Yeah! I'm free.

Palabas na sana ako nang may kumalabit sa aking likuran. "Hey, where are you
going?" Si Vince, kasama nito ang kanyang napagandang misis. "Maaga pa para umuwi."
"May iniiwasan ka ba, Tyron?" Nangingiting tanong ni Valjean.

Mabilis akong umiling. "May babalikan lang ako sa kotse."

Inakbayan akong bigla ni Vince. "Why you didn't tell me that Kate is your fiancee.
Siya pala ang tinutukoy mong lovelife."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Saan nyo naman ang impormasyon na iyan?"

Ipinakita sa akin ni Valjean ang invitation. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.
Birthday and Engagement Party. What the hell!

"Actually, ang mommy mo nga ang nagbigay sa amin ng invitation," wika ni Vince.

Wala sa loob na dinukot ko sa bulsa ang maliit na kahita. Hindi ko na kailangan


hulaan kung ano ang nilalaman nyon. "This is a misunderstanding." Mabuti na lang
pala at hindi ko pa naibibigay iyon kay Kate.

"Babe!"

I stiffed when I heard her voice.

"Time to go, Tyron!" Tinulak ako ni Vince and gave me a devilish smile. I don't
need to explain. He knows my situation.

"Goodluck, runaway boy!" Pahabol ni Valjean.

Malapit na ako sa exit door nang matanaw ko doon si Mommy kasama ang mga amiga
nito. Napilitan akong huminto.

"This way, son!" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Dad sa harapan ko at itinuro
niya sa akin ang fire exit.
"Thanks, dad!" Walang likod-lingon na sabi ko.

Nang makasiguro na hindi na ako masusundan doon ni Kate ay saka lamang ako huminto
at sumandal sa pader. Sapo ko ang dibdib habang hinahabol ang aking paghinga.
Kaduwagan man ang tawag sa ginawa ko, I don't even care. Iyon lang ang tanging
paraan para makaiwas at makatakas ako. Dahil kung hindi, siguradong habangbuhay ko
iyon pagsisihan.

"Eric, ang sakit na ng mga paa ko."

Napatuwid ako ng tayo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Dear, hindi ka pwedeng bumalik sa party na nakayapak. Kailangan mong isuot itong
heels mo," boses iyon ng isang lalaki.

"Ayoko na, gusto ko nang umuwi."

"She's right. Umuwi na lang tayo, Enrico," boses ng isa pang babae.

"B-but the party is not yet over."

Sinundan ko ang pinanggalingan ng mga tinig.

"Kung gusto mong magpaiwan it's up to you. Basta kami ni friendship ay uuwi na.
Tutal, ikaw lang naman ang nag-eenjoy sa party na ito."

"Hindi kita pinilit sumama, Azure."

"Hindi mo pa kami pinilit nang lagay na ito? We wouldn't be here if had not for
you."

"Tumigil nga kayo!"


Isang pagsigaw ang nagpahinto sa akin. Sabi ko na nga ba at siya iyon. "Cyrhel?"

Tatlo silang lumingon. Hindi ko pa sana makikilala ang dalaga kung hindi siya
nagsalita. "Why are you here?"

"I-ikaw, bakit ka rin nandito?" I was suprised to see her and she looks really
pretty in her dress.

"I-I know you... Ikaw ang fiancee ni Kate!" Wika ng kasama niyang babae.

"Magkakilala kayong dalawa?" Nagtatakang tanong naman ng kasama niyang lalaki.

"Yes!" I said.

"No!" She said. "Eric, let's get out of here. Gusto ko nang umuwi." Kumapit si
Cyrhel sa braso ng kasama.

"Wait!" Humarang ako sa daraanan niya. "Cy, we need to talk."

"Wala na tayong pag-uusapan," she snapped.

"Gusto kong magpaliwanag."

"Hindi na kailangan."

"Cy, naman!"

"Eric please, umalis na tayo rito," binalingan nito ang kasamang lalaki.

I grabbed her hand to stop her. "No! Hindi ka pwedeng umalis hangga't hindi tayo
nagkakausap."
"Sa ayokong makipag-usap sayo!"

"Pwede bang makinig ka muna sa akin."

"Wait!" Tili ng lalaking tinatawag na Eric ni Cyrhel. "Hindi n'yo kailangan


magsigawan, okay? Now tell me, siya ba ang lalaking katagpuan mo kanina na nang-
indyan sayo?" Tanong nito sa dalaga. Hindi kumibo si Cyrhel. "I get it. Her silence
means yes. How about you, mister? Fiancee ka nga ba ni Kate?"

"No, I'm not!" Mabilis kong sagot. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa dalaga, na
sinuklian naman niya ng matatalim na sulyap. Naiintindihan ko ang galit niya para
sa akin. But I need to do something to tame her.

"Then prove to her," hamon sa akin ni Eric.

Walang alinlangan na basta na lamang akong yumuko sa harapan ni Cyrhel at inilabas


ang kahita sa aking bulsa at iniharap sa kanya.

"Oh my god!" Sabay na bulaslas ng mga kaibigan ng dalaga. Cyrhel was stunned and
shocked. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa singsing na nasa loob ng
kahita.

"Say yes! Say yes!" Nagtatalon sa tuwa ang dalawa.

"Babe!"

Hindi ko na kailangan lumingon. She's still following me. Deym! Panira naman ng
moment.

Agad akong tumayo at kinuha ang singsing at basta na lamang isuot iyon sa daliri ni
Cyrhel. "Let's get out of here," I said and grabbed her hand again. Sapilitan ko
siyang inakay palabas.

"'Yung heels ko." Paglingon ko ay walang sapin sa paa si Cyrhel. Hindi na ako nag-
isip at basta na lamang binuhat ang dalaga. We need to get out there as fast as we
could. Sa parking lot kami nakarating pagkatapos.

"Ang bigat mo, monay!" Saka ko lamang naramdaman ang pangangalay ng mga braso at
binti. "Aray! Para saan iyon?" Pinektusan ako ni Cyrhel bago pa ako makaiwas.

"Puro ka talaga kalokohan! What about this ring? Anong kalokohan din ito?" Pilit
niyang inaalis ang ibinigay ko ngunit sadyang hindi iyon matanggal sa kanyang
daliri. Lihim akong napangiti.

"Cy, can we talk?"

"Ano ba sa palagay mo ang ginagawa natin?" Angil niya habang patuloy na inaalis sa
daliri ang singsing. Hindi ako nagsisisi na ibinigay ko iyon sa kanya.

"Hindi ba tayo pwedeng mag-usap ng mahinahon?"

"Are you expecting me to be mahinahon after all you've done?"

"Kaya nga magpapaliwanag ako."

"Hindi na kailangan. You don't need to explain. Besides, this is the last time that
I will see your face."

Humakbang ako palapit sa kanya. "Cy..."

"Buwisit! Bakit ba ayaw mahubad ng pesteng singsing na ito?"

No dice. She doesn't really want to listen. "I don't know what to do with you
anymore."

Doon lamang nag-angat ng mukha si Cyrhel. "Sinabi ko ba sayo na problemahin mo


ako?" Dinuro niya ako sa dibdib.
"If you say another word, I'm going to leave you here."

She made a face. "Then go! Ikatutuwa ko pa kung aalis ka na. Bumalik ka doon sa
'Babe' mo!"

I couldn't help but smile when I heard a tingle of jealousy from her. Now I know.
"Fine! I'm going to leave you in one condition... Give me back my ring."

Namilog ang mga mata ni Cyrhel. "Nakita mo naman na kanina ko pa hinuhubad itong
pesteng singsing na ito pero ayaw matanggal."

"Problema mo na iyon." Pinagkrus ko ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Pagbilang ko


ng lima at hindi mo pa rin naibabalik sa akin ang singsing, paparusahan kita."

"That's unfair!"

"One, two..."

"Oh shit! PWede bang putulin mo na lang itong daliri ko."

"Three... Four..."

"Ayaw talagang matanggal!"

"Five!" Then she found herself imprisoned in my arms. "This is what I meant," I
whispered and claimed her surprised mouth.

"Si Cyrhel at Tyron ba iyon?" Kunot-noong tanong ni Vince sa dalawang pamilyar na


nilalang na nadaan nilang mag-asawa sa parking lot.

"I don't think so," mabilis na sagot ni Valjean at kinuha ang atensyon ng asawa.
"Honeybee, we need to go back inside. I think I forgot something."
"P-pero parang sina-"

"Guni-guni mo lang iyon."

Chapter Twenty Six: You And I (part two)

Chapter Twenty Six: You And I (part two)

CYRHEL

Hanggang sa tumunog ang alarm clock sa bedside ay nananatiling dilat ang aking mga
mata. Hindi ko magawang makatulog kahit anong pikit ang gawin ko. Magdamag akong
nagmumuni-muni at binabalik-balikan sa isip ang nangyari nang nagdaang gabi.

"Ate, pinapatawag na po kayo ng Mama ninyo sa ibaba."

Tumango lang ako. Hindi man lang nag-abalang lumingon sa kanya.

"Ate?" Lumapit sa akin ang katulong at nagtatakang tumingala sa kisame kung saan
ako nakakatitig.

"Pakisabi kay mama susunod na ako," wika ko na hindi man lang kumukurap.

"S-sige po." Pagkatapos ay lumabas siya. "Adik lang!" Bagaman pabulong niya lamang
sinabi iyon ay nakarating pa rin iyon sa aking pandinig.

Maybe she's right. Adik na yata ako. Daig ko pa ang nakatira ng naptalina. Gising
na gising ang diwa ko at patuloy na lumipad ang aking isipan.

Nang muling tumunog ang alarm clock ko ay basta ko na lamang iyon kinabig at
nahulog sa sahig. I'm too lazy to get up. Ngunit nang marinig ang pamilyar na
ringtone ng aking cellphone ay agad akong napabalikwas ng bangon.
Tyron is calling. Sasagutin ko ba o hindi? Nae-excite na kinakabahan na hindi ko
mawari. Ganito ba talaga ang epekto ng aftershock?

I let out a long sigh before I answer his call. Tumikhim pa ako para maka-vocalize
ang boses. "H-hello..." But to my dismay, ibang tinig ang narinig ko sa kabilang
linya.

"Hello, Ate Cyrhel...si Katkat po ito."

"Nasaan ang amo mo? Bakit cellphone niya ang gamit mo?"

"Naiwan po ni Kuya itong cellphone niya. Kanina pa po siya pumasok sa trabaho."

Ang damuhong iyon, hindi man lang nag-abalang i-text o tawagan ako. Pagkatapos ng
nangyari kagabi ay wala na akong narinig mula sa kanya. Kunsabagay, paano nga naman
makakapagsalita si Tyron matapos ko siyang bigyan ng uppercut. Nagulat ako ng husto
sa ginawa niyang paghalik sa akin. Siya yata ang first real kiss ko. At bago ko pa
napigilan ang sarili...hayun! Basag ang nguso niya.

"Ate, pwede po ba kayong pumunta rito ngayon?"

Kumunot ang noo ko. "May sakit ba si Baby Ron-Ron? May nangyari bang masama sa
kanya?"

"Wala naman po, ate. Kaya lang...walang magbabantay sa kanya. May importante po
kasi akong lakad."

"Hindi ako pwede!" Mabilis kong sagot. Ayokong makita ang pagmumukha ng bakulaw na
iyon.

"Ate, sige na please. Ngayon lang naman. Nakasalalay dito ang lovelife ko at
ayokong tumandang dalaga."

Awtomatikong umangat ang kilay ko. Ibig lang sabihin ay may date siya. Pumapag-ibig
ang lola. Gusto ko sanang panindigan ang desisyon, ngunit naging makulit si Katkat,
bukod doon ay nananabik na rin akong makita si Baby Ron-Ron. Basta siniguro ko sa
kanya na kailangan niyang makabalik bago pa makauwi si Tyron mula sa opisina.
Ayokong magkrus ang mga landas naming dalawa.

"Morning bunso," bati ni Mama nang bumungad ako sa komedor. Kumpleto ang buong
pamilya. Ako na lamang ang hinihintay nila.

"Puyat ka ba?" Tanong ni Papa. Lahat tuloy sila ay awtomatikong napalingon sa akin.

"Nasobrahan nga po ako sa tulog," pagsisinungaling ko at basta na lamang tumusok ng


dalawang hotdog.

"Tignan mo nga ang sarili mo sa salamin. Mukha ka ng panda," sermon ni Kuya Vince.
"Daig mo pa ang may blackeye sa magkabilang mata. Umaga ka na naman siguro umuwi.
Saan ka na naman naglakwatsa?"

Pinigilan ko pag-ikot ng mga mata. Umagang-umaga highblood. May morning sickness na


naman siguro ang kapatid.

"Wait, don't tell na nasa party kagabi? I knew it. Ikaw nga iyong nakita ko."

"Duh! Nasa bar kaya kami kagabi," muli kong pagsisinungaling. Ngunit sa sinabi ko
ay lalo lamang umusok ang ilong ng kapatid. Nangingiti naman si Ate Valjean habang
tahimik na kumakain sa tabi ng asawa.

"Vince, pag-almusalin mo muna ang kapatid mo."

"Ma, kaya lumalaki ang ulo ng bunso ninyo dahil palagi nyo na lang kinakampihan."

"For the record, ngayon lang ako kinampihan ni Mama!" Halos hindi maintindihan na
sabi ko dahil pilit kong pinagkasya sa bibig ang isang buong jumbo hotdog.

"Cyrhel!" Sita ni Mama. Tangkang pupunasan niya ako ng table napkin sa bibig nang
bigla akong tumayo. "I'm finished."
"Where do you think you're going?" Muling pagsusungit ni Kuya Vince.

"Makikipagdate- joke! Got to go guys. Wish me luck!"

"Ma, hindi nyo ba siya pipigilan?"

"Relax, Vince. You're sister is not getting any younger. Malapit na siyang mawala
sa kalendaryo."

Mabilis akong bumalik sa komedor nang marinig iyon. "Papa!"

Nagtaxi ako para makarating sa pad ni Tyron. Pagbaba ko ng sasakyan ay agad kong
natanaw si Kevin. Kinawayan ko siya at tinawag. Subalit hindi niya yata ako
napansin at tuluy-tuloy siyang sumakay sa pinarang taxi. Ganon na lamang ang
panghihinayang ko. Medyo matagal na rin kasi noong huli kaming nagkausap ng binata.
Hindi na muling nasundan ang pagdalaw niya sa bahay. Madalang na rin siyang mag-
text sa akin.

Hindi bale, bukod kay Kevin ay gusto ko rin makita si Mark. Dalangin ko na sana ay
off-duty siya ngayong araw na ito. Masilayan ko lang ang kanyang kaguwapuhan
siguradong kumpleto na ang araw ko, kahit pa wala akong tulog.

"Magandang araw, Manong Ed!" Masiglang bati ko sa naka-duty na guwardiya.

"Naligaw ka, iha," nakangiting sagot nito. "Aba'y lalo ka yatang gumaganda."

Napabungisngis ako. "Bolero talaga kayo, manong." Tila pumapalpak ang tenga ko sa
narinig na papuri. Kungsabagay hindi lang naman siya ang nakakapansin sa pagiging
blooming ko. Lahat halos nang makakita sa akin ay iyon ang agad ang napapansin.
Siguro raw ay inlove ako. Pero kanino naman?

Si Katkat ang nagbukas sa akin ng pintuan. "Ate, mabuti naman at nandito ka na."
"Si baby?"

"Nandoon po sa kuwarto," sagot ng dalaga at kinuha ang kanyang shoulder bag. "Ate,
aalis na po ako. Kayo na muna ang bahala dito."

"Teka lang," pinigilan ko siya sa braso. "Huwag mong kakalimutan iyon usapan natin.
Kailangan nandito ka na before five ng hapon."

Mabilis na tumango si Katkat. "Opo naman, ate."

"Teka lang ulit. Bakit nandito si Kitkat?" Sabay turo sa pusang natutulog sa gilid
ng sofa.

"Iniwanan po rito ni Doc Mark. Dalawang araw daw siyang nasa medical mission."

Bigla akong nanlumo sa nalaman. Waley din pala ang guwapong binata.

"Ate, may sasabihin pa kayo?"

Umiling lang ako at bago ko pa namalayan ay wala na sa paningin ko si Katkat. Agad


kong pinuntahan sa kuwarto si Baby Ron-Ron at naabutan ko siyang naglalaro.

"Baby ko!" Agad ko siyang niyakap at pinugpog ng mga halik sa pisngi. "Sobra kitang
na-miss."

"Momo!" He said.

"Ako nga, baby. You're one and only momo." Humagikgik siya sa aking pagkamangha.
Ibig sabihin ay na-miss din niya ako.

"Nagbreakfast ka na ba, baby?"


Nagpaulan lang ng laway ang bata katulad ng madalas niyang gawin. Pagkatapos ay
inabot niya sa akin ang bago niyang laruan. Isa iyon maliit na bola ng basketball
na parang stuffed toy. "Saan galing ito? Binili ba ito ni Dodo para sayo?"

Muling humagikgik si Baby Ron-Ron at nagtatalon. "Dodo!" Bigkas niya at tinuro ang
kabilang kuwarto.

"Wala dyan si Dodo, nasa office."

"Dodo!" Muling bigkas ng bata.

"Tara, doon tayo sa sala. Doon tayo mag-play." Subalit sa pagbuhat ko sa kanya ay
may naramdaman akong kakaiba sa kanyang diaper. Nagpupu siya. "Baby naman, ito ba
ang pa-welcome mo sa akin?" Dali-dali ko siyang pinasok ng banyo para muling
lumabas. Umalis at bumalik na ako ay sira pa rin ang gripo sa banyo. Karga si baby
ay nagmamadali kaming lumipat sa kabilang silid. Mabuti na lang at hindi iyon naka-
locked.

Hahawakan ko pa lang ang doorknob ng banyo nang kusa iyong magbukas at iniluwa si
Tyron. Pareho kaming napamulagat sa isa't-isa. Ako ang unang sumigaw. Hindi dahil
nagulat ako sa pagsulpot niya. Kundi nagulat ako sa tumambad sa aking harapan.
Napasigaw din ang binata. Hindi niya malaman kung paano tatakpan ng tuwalya ang
kanyang kahubaran. Mabilis akong pumihit patalikod.

"Bakit nandito ka?" Magkasabay naming bigkas. Gulat na gulat kami sa isa't-isa.

"Ang sabi ni Katkat pumasok ka raw sa trabaho," sabi ko na hindi lumilingon sa


kanya.

"Sabado ngayon. Wala akong pasok."

"Pero bakit sabi niya walang magbabantay kay Baby Ron-Ron?"

"Sinabi ko lang iyon sa kanya para hindi siya makaalis."

Nagpapadyak ako sa inis. Naisahan ako ng dalaga.


"Now, tell why are you-"

"Tumabi ka nga!" Tinulak ko siya para makapasok ng banyo bago ko pa makalimutang


linisan si baby. Paglabas ko ay nakabihis na si Tyron. Inaabangan niya ako sa may
pintuan.

"I need your explaination," he demanded.

"Kapal mo! Wala akong dapat ipaliwanag sayo." Nilagpasan ko lang siya at dumiretso
sa kabilang silid upang suotan ng bagong diaper ang bata. "Kung hindi lang para kay
baby, hinding-hindi ako babalik dito sa pad mo."

"Huwag ka nang mag-deny. Alam ko naman na gustung-gusto mo akong makita. Why?


Magso-sorry ka ba sa ginawa mo sa akin?"

Pumihit ako paharap sa kanya. "Kung mayroon man dapat mag-sorry, ikaw iyon at hindi
ako."

"Nakita mo ba itong ginawa mo sa akin?" Itinuro niya ang pumutok na nguso. "Do you
think makakaharap ako sa ibang tao na ganito ang itsura ko?"

"You deserved it. Wala kang karapatan na halikan ako. At sa susunod na gawin mo
ulit iyon sa akin, lalagasin ko ang lahat ng ngipin mo."

"Monay, baka nakakalimutan mo may atraso ka pa sa akin."

Nagsalubong bigla ang mga kilay ko. "Anong atraso?"

Nilahad ni Tyron ang kamay sa akin. "Nasa iyo pa ang singsing ko."

"Iyon lang ba?" Mayroon akong dinukot sa bulsa ng pantalon at basta na lamang
pinukol iyon sa kanya, na mabilis naman niyang nasalo. Bahagya pa siyang nagulat
nang makita ang singsing sa kanyang palad. Halos mangulubot ang kamay ko sa kakabad
sa tubig na may sabon para lamang matanggal ang pesteng singsing na iyon. "Wala na
akong atraso sayo, bakulaw."
"Hindi ito ang singsing na ibinigay ko sayo kagabi."

"Anong hindi? Iyan kaya iyon."

"Hindi ito iyon," giit ni Tyron.

"Huwag mo nga akong lokohin. Iyan ang singsing na isinuot mo sa akin."

"Patingin ako ng kamay mo," utos niya. Itinaas ko naman sa kanya ang kaliwang
kamay. At bago ko pa mahulaan ang susunod niyang hakbang ay muli niyang isuot ang
singsing sa daliri ko.

"Tyron!"

Mabilis na kumaripas nang takbo ang binata at basta na lamang nag-dive sa couch.
Narinig ko pang sumigaw si Kitkat. Marahil ay nadaganan niya ang pobreng pusa.

Muli, hindi ko na naman matanggal ang singsing sa daliri ko. Naisahan ako ng
bakulaw.

"Monay, ipagtimpla mo ako ng kape," utos niya habang patuloy na humahagalpak ng


tawa sa sala. Naku! Kung hindi lang mawawalan ng tatay si Baby Ron-Ron ay lalasunin
ko talaga siya.

Wala kaming kibuan habang nanonood kami ng TV. Nakapuwesto ako sa pinasulok ng
couch. Si Tyron naman ay nasa kabilang sulok habang nakikipaglaro sa kanyang anak.
Kanina ko pa sana gustong umuwi. Hinihintay ko lang na makatulog si Baby Ron-Ron.
Ngunit mukhang ako pa yata ang mauuna keysa sa kanya. Isang mahabang paghikab ang
pinakawalan ko.

"Cy, what if ikaw ang tunay na nanay ni baby?" Out of nowhere ay tanong ni Tyron.
Nang lumingon ako sa kanya ay patuloy siyang nakikipaglaro ng peekaboo sa bata.
"Kung ako ang nanay niya, hinding-hindi ko siya iiwanan at pababayaan sayo. I'll
take care of him no matter what happened. I don't even care kung hindi mo siya
kilalanin. Paninindigan ko pa rin siya at ipaglalaban...kahit pa itakwil ako ng
sarili kong pamilya," mahaba kong lintanya at muling naghikab.

"But sad to say, hindi ikaw ang biological mother ni baby," may lungkot sa tinig na
sabi ng binata. Hindi na siya muling nagsalita at ganon din ako. I know what he is
thinking. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung sino talaga ang tunay na
ina ng kanyang anak.

Unti-unti akong hinihila ng antok nang biglang..

"cy, may birthmark pala si Baby Ron-Ron sa tagiliran." Sa isang iglap ay nasa tabi
ko na si Tyron.

"So?" Alam ko na ang tungkol sa bagay na iyon.

"May birthmark din ako sa tagiliran."

"Really? Can I see it?" Wala sa loob na sabi ko.

"Are you asking me to undress?" He asked teasing me.

Sumimangot ako at muling bumalik sa pagkakasandal. "Nevermind." Sabi ko na nga ba


at mang-aasar lang siya.

"Seryoso. Mayroon talaga akong birthmark." Tangka niyang huhubarin ang t-shirt nang
pigilan ko.

"Forget it! Hindi mo na kailangan ipagyabang ang katawan mo dahil nakita ko na iyan
kanina." Huli na para bawiin ko pa ang sinabi.

"Bukod doon, ano pa ang nakita mo?" Iyon na naman ang nakakaasar niyang ngiti.
"Wala."

"Come on. Alam kong may nakita ka. Suwerte mo."

"Wala nga sabi akong ibang nakita!" Asik ko. Kahit pilitin niya ako ay wala akong
aaminin sa kanya. Nananadya naman na umusod pa siya palapit sa akin.

"Cy, alam mo ba kung bakit lagi kitang tinutukso at inaaasar?"

"Para may dahilan ka na pagtawanan ako," mabilis kong sagot. Iyon naman ang madalas
niyang ginagawa sa akin.

"Hindi. Ginagawa ko iyon para may dahilan ako na lambingin ka."

Napalingon ako kay Tyron. And I guess it was a wrong move. He leaned his face close
to mine, his eyes focusing on my lips.

"Subukan mo lang, Tyron!" Banta ko sa kanya. But deep inside, nakaramdam ako ng
excitement.

He replied with a sexy smile. "This time I'm going to give you a real kiss?"

"Bakit? Hindi pa ba real kiss yung kagabi?" Kulang na lang ay makalimutan ko ang
pangalan ko dahil sa halik na iyon.

He chuckled. "Are you ready?"

"Ready for what?" I asked stupidly.

"Are you ready to receive your real kiss?" His face moved close to mine, almost an
inch away.

Pakiramdam ko ay umurong ang aking dila. Unwillingly I closed my eyes. Saka na ang
agam-agam. Bahala na si Batman.

Ang tunog ng doorbell ang mabilis na nagpahiwalay sa aming dalawa.

"M-may ine-expect ka bang bisita?" Naisip kong itanong.

Nasapo ni Tyron ang ulo. "I forgot. Nagpadeliver pala ako ng pizza."

Hindi na ulit kami nagkibuan ni Tyron. Ini-enjoy na lamang namin ang aming mga
sarili sa pagkain ng inorder niyang pizza habang nanonood ng Discovery channel na
hindi naman namin maintindihan. Ilang sandali pa ay dumating si Katkat. Hindi na
ako nag-abala na pagalitan pa siya. Besides, siya lang naman ang hinihintay ko para
makauwi na rin ako.

"Bye, bye, baby," sabi ko sa nahihimbing na bata na nasa mga bisig ni Tyron.
Mukhang matatagalan bago ko ulit siya madalaw. Yumuko ako at hinalikan ito sa
pisngi. Pag-angat ko ng mukha ay sinalubong ako ng mabilis na halik sa mga labi ng
binata.

"Ingat sa pag-uwi."

"Hindi mo ba ako ihahatid?"

Tumaas ang mga sulok ng labi ni Tyron. "Gusto mong ihatid kita?"

"No thanks. I can manage."

Nang makalabas ako ng pad ay saka ko lang nailabas ang ngiting kanina ko pa
pinipigilan. Shemay! Kinikilig ako. Hindi ko na nga halos namalayan kung paano ako
nakasakay at nakababa ng elevator. Natagpuan ko na ang sarili na naglalakad palabas
ng lobby.

"Cyrhel!"

Dire-diretso ako sa kalsada at mabiis na pumara ng taxi.


"Cyrhel!"

"Saan po tayo, mam?" Tanong ng taxi driver.

"Kahit saan manong...este sa Makati po pala"

"Cyrhel!"

Umaandar na ang taxi nang mapalingon ako sa bintana. Teka, parang si Kevin iyon.
Ngunit huli na para patigilin ko pa ang sasakyan.

Chapter Twenty Seven: Something Has Changed

Chapter Twenty Seven: Something Has Changed

TYRON

"Guys!" I took my friend's attentions. Dumating na ang tamang pagkakataon para


sabihin sa kanila ang tunay na dahilan ng aming pagtitipon sa paborito naming
tambayan. Kumpleto ang buong barkada. Mabuti na lamang at nakahabol pa si Mark.

"I would like you to meet someone..."

"Wooh! Magpapasakal na si Tyron!" Sigaw ni Jared.

"Palakpakan mga kaibigan!" Panggagatong ni Vince. Sumipol naman ng malakas si


Riley. Habang si Mark ay tahimik na nakamasid lamang.

"Shut up, guys! Pwede ba patapusin nyo muna ako." Sa halip na tumigil ay lalo
lamang silang nag-ingay. Pinatunog pa nila ang babasaging mga pinggan at baso gamit
ang kutsara.

"Mga baliw talaga!" I said in desperation and puts both hands on my head and walk
away. Pagbalik ko ay buhat-buhat ko na si Baby Ron-Ron.

"Guys, this is..."

"Tyron, pamangkin mo?" Nangingibabaw ang boses ni Jared. Magmula kanina ay hyper na
siya.

"He's not my nephew."

"Inaanak mo?" Panghuhula naman ni Riley.

"He's my son."

"Alam ko na, he's your adopted son," sabi naman ni Vince. "Nag-ampon ka ng baby
para magkaanak ka."

"Tyron, baog ka?"

"No way, man! Wala sa mga lahi natin ang supot. "

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Bakit ba ayaw nilang makinig?

"Mark, wala na ba talagang pag-asa si Tyron?" Banat ni Jared. Nilapitan pa nito ang
walang kibong binata. "Baka mayroon pang paraan!"

"Dodo!" Agaw-eksena ni Baby Ron-Ron na nagpatahimik sa kanilang lahat. Siya lang


pala ang magpapatigil sa mga kaibigan. "Dodo hmmm... Popo!" At itinuro ng bata si
Mark. Medyo matagal na rin nang huli niyang makita ang binata.

"Ano daw?" React ni Vince.


I chuckled. "Dodo means daddy. Iyon ang tawag niya sa akin. Right, baby?" Baby Ron-
Ron giggled in response. "Guys, I want you to meet John Tyron Sebastian Jr, my
biological son."

They gasped. Shocked registered on their faces, maliban kay Mark.

"This is what I want to tell you. I know this is a bit shocking, pero iyon ang
totoo. Isa akong binatang ama."

"Langya! Naunahan mo pa akong maging tatay!"

"Vince, mas naunahan pa niya ako! Imagine, dalawang buwan pa lang ang baby girl ko
pero si Tyron may one year old na," sentimento ni Jared.

"Correction, eight months old pa lang si Baby Ron-Ron," sabi ko.

"Where is his mother?" Si Riley.

"And who's his mother?" Si Jared ulit.

I forced a smile. "Mahabang kuwento, mga pre."

"We're willing to listen," wika ni Vince. "Right guys?" At sumang-ayon ang lahat.
Maiingay man sila at magugulo kung minsan, I know that they are good listeners.

Ikinuwento ko sa kanila ang mga nangyari simula sa pagsulpot ni baby sa doorway ko.
As in lahat...maliban ang tungkol kay Cyrhel. Sa palagay ko ay hindi ko na
kailangan sabihin pa ang involvement ng dalaga. That's another story. At hindi rin
gugustuhin ni Vince na malaman iyon.

"Alam na ba ng mga parents mo?" Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Mark.


Umiling ako. "Sasabihin ko pa lang. Humahanap pa ako ng tiyempo." Pinag-iisipan ko
nang husto kung paano ang magiging approach ko sa kanila. Si Mommy lang naman ang
inaalala ko dahil kung si Dad lang, madali naman siyang kausap.

"So far, inaasikaso ko na ang mga documents ni baby for his legality."

"Hindi ba parang masyado kang nagmamadali?" Si Mark ulit. "Ayusin mo muna dapat ang
lahat bago mo-"

"Hey! Baka naman mapilayan ang anak ko," saway ko sa tatlong lalaki habang
pinagpapasahan nila si Baby Ron-Ron. Tuwang-tuwa sila na halos panggigilan ang
bata.

"Tyron, he really looks like you," Jared said laughing. "Ang malas na bata."

Pinukol ko siya ng used tissue na agad naman niyang nailagan.

"Popo" Bulaslas ni Baby Ron-Ron at itinuro si Mark.

"Ano naman ang ibig sabihin ng popo?" Tanong ni Vince nang lumingon sa akin.

"Papa. Iyon naman ang tawag niya kay Mark."

Awtomatikong lumipad ang tingin ng tatlo sa binata. "You knew it all along?"

CYRHEL

"Say yes, say yes 'cause I need to know." Pakanta-kanta pa ako habang sakay ng
elevator. My mood is light and good. Bagaman puyat dahil sa magdamag na pagbabad sa
internet ay maaga pa rin akong nagising. Actually, nakapag-bake pa nga ako ng
cupcakes. Dahil alam kong saksakan siya takaw, sigurado akong magugustuhan niya ang
bagong flavor na ginawa ko.
Napahinto ako sa paghakbang nang matanaw ko si Kate sa tapat ng unit ng binata. I
blinked hard. Baka kasi namamalikmata lang ako. Pero siya talaga ang nakikita ko.
Pagkaraan ay bumukas ang pinto at pumasok siya sa loob.

Parang nagkaroon ng sariling isip ang mga paa ko at humakbang pabalik sa


pinanggalingan. I swear! This is the last time na magpapauto ako sa bakulaw na
iyon. Para ano pa at pinapunta niya ako doon kung magtatagpo rin pala ang mga
landas namin ng kanyang 'babe'. Sana man lang tinawagan niya ako nang sa ganun ay
hindi na lang ako tumuloy. Sayang lang ang effort ko.

Pasakay na ako ng elevator nang mag-ring ang aking cellphone. Tumatawag si Tyron.

"Where are you?" Bungad niya sa kabilang linya.

"Nandito pa ako sa amin. Hindi ako makakapunta," pagsisinungaling ko. Kahit pilitan
pa niya ako ay hindi na ako babalik.

"Okay," matipid niyang sagot na labis kong ikinadismaya. "Ako na lang ang susundo
sayo."

"Hindi na kaila- Hello? Tyron, hello?" Buwisit! Pinatayan niya ako ng cp.

Napalingon ako nang may tumikhim mula sa aking likuran. Nagulat pa ako nang makita
si Tyron na nakangising nakamasid sa akin. "Para ba sa akin iyan?" Ang tinutukoy
niya ay ang bitbit kong paperbag. Ang lakas talaga ng pang-amoy niya sa pagkain.

"Para ito kay Mark," mabilis kong sagot. Ngunit hindi siya marunong makinig. Basta
na lamang niyang hinablot sa akin ang paperbag.

"This is mine. Wala nang bawian," parang bata na sabi ni Tyron. Then he grabbed my
hand and pulled me hard.

"T-teka... H-hindi ako pwedeng makita ng 'babe' mo."

"Kaya nga kita pinapunta para makita ka niya," hindi lumilingon na wika ni Tyron.
Napasinghap ako ng malakas nang mahulaan ang kanyang binabalak. "I don't think this
is a good idea."

"Just trust me."

Napatayo sa pagkakaupo si Kate nang makita niya ko na kasama ni Tyron. Agad na


lumipad ang mga mata niya sa magkahawak naming mga kamay. Tinangka kong bawiin ang
kamay ngunit hindi ako pinakawalan ng binata.

"Relax," he whispered. Ang talim ng sulyap ko sa kanya. Paano ako makakapag-relax


kung binigla niya ako?

"B-babe, who is she?" Kasabay nang panlalaki ng kanyang mga mata, I could sense
Kate's trembling voice. "Don't tell me..."

"Katkat," tawag ni Tyron. "Dalhin mo rito si Baby Ron-Ron." Ilang sandali ay


lumabas ang dalaga mula sa kuwarto bitbit ang bata.

Lalo lamang naguluhan si Kate. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin, sa bata at
kay Tyron.

"Momo!" Bigkas ni Baby Ron-Ron nang makita agad ako. Nagpupumilit siyang makalapit
sa akin. Napilitan akong abutin siya ngunit kinuha naman sa akin ni Tyron ang bata.

"This is the reason why I can't marry you. I'm sorry, Kate."

"I-It can't be!" Napaatras ang dalaga kasabay ng pag-iling. "M-may asawa ka na a-at
anak?"

Wait? Anak, oo. Pero asawa? Kami ni Tyron? There is a misunderstanding here.

"I'm sorry," he said again and to my surprised, inakbayan niya akong bigla at
hinapit palapit sa kanya. "I never meant to deceived you, Kate. Believe me, matagal
ko nang gustong sabihin sayo ang tungkol dito pero naduduwag ako."
A bitter laugh rose inside me. Obviously he is using me for his own good. So, iyon
pala ang silbi ko sa kanya para makawala siya kay Kate. How could I have been so
stupid?

"How could you let it go this far?" May himig na panunumbat sa tinig ni Kate. "You
never know how much it hurts. Hindi mo na lang sana ako pinaasa."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. I don't want to see the pain in her eyes. Dahil
pakiwari ko ay nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na
iyon.

"I swear, I don't want to hurt you. Please forgive me, Kate." Pang-best actor ang
acting ni Tyron. No doubt, marami na siyang pinaasa at pinaiyak na babae. Ang sarap
niyang bigyan ulit ng uppercut.

Tumakbo patungo sa pintuan si Kate. Ngunit bago siya tuluyan lumabas ay nilapitan
niya ang binata. "Goodbye, Tyron!" Isang malakas na sampal ang ibinigay niya na
ikinagulat nang husto ng binata. Serves him right!

"Ouch!" Nangingiting react ni Tyron habang hinihimas ang namumulang pisngi.

"Katkat, dalhin mo na si Baby Ron-Ron sa kuwarto," utos ko at inaabot ang bata sa


dalaga. Pagkatapos ay binitbit ko ang dalang paperbag sa kusina at basta na lamang
itinapon iyon sa trash bin.

"Bakit mo itinapon?" Nakita pala ni Tyron ang ginawa ko. Nilagpasan ko lamang siya
at dire-diretsong tinungo ang pintuan palabas. "Aalis ka na?" Pinigilan niya ako sa
braso.

"I've done my part. Nadispatsya mo na si Kate. Wala na akong silbi dito."

"What are you talking?"

"This is the last time na manloloko ako ng ibang tao. At hindi na ako papayag na
magpagamit ulit sayo." Tinalikuran ko siya at tuluyang umalis. Ngunit sinundan ako
ni Tyron.
"Wala akong nakikitang mali sa ginawa ko?

"Ano ba sa palagay mo ang iyong ginawa?" Balik-tanong ko.

"Sinabi ko lang kay Kate ang totoo. Ipinaalam ko sa kanya ang tungkol kay Baby Ron-
Ron."

"Pero Tyron, hindi iyon ang pagkakaintindi ko sa ginawa mo." Huminto ako sa tapat
ng elevator at pinindot ang down button bago siya muling hinarap. "Maaaring mabuti
ang intensyon mo pero maling-mali ang paraan na ginamit mo."

He raised his eyebrow. "Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit. Dapat pa nga
ay matuwa ka dahil wala ng 'Babe' na mangungulit at maghahabol sa akin. Ginawa ko
lang ang alam kong nararapat sa kanya."

"By lying and hurting her that way?"

"What do you want me to do? Kausapin siya ng masinsinan? Sa palagay mo ba madadaan


ko si Kate sa pakiusapan? She's a very smart woman. Ang mga tipo niya ang mahirap
kalasan."

I stared at him in disbelief. Lahat ng akala ko ay hanggang akala lang pala. Sabi
ko na nga ba. Bakit ba hindi na ako natuto?

Eksaktong bumukas ang elevator. Mabigat ang dibdib na pumasok ako sa loob. Just I
thought na pipigilan ako ni Tyron, muli hanggang akala lang ako.

"Kate was right. You never know how much it hurts. Palibhasa hindi mo pa
nararanasan paasahin at saktan ng taong mahal mo... Wala kang alam." I added the
last sentence bitterly, kasabay nang pagsasara ng elevator.

"Are you okay?" Nangingiting tanong ni Kevin habang nakamasid sa akin. Palabas na
ako condo nang magkasalubong kaming dalawa. Agad niya ako niyayang magmeryenda na
hindi ko naman tinanggihan.
"I'm not okay," I said pouting my lips.

"Mukha nga. Pumapanget ka kasi kapag hindi ka okay," pagbibiro ni Kevin na hindi ko
magawang sakyan. "Tell me, nag-away na naman kayo?" Ang tinutukoy niya ay si Tyron.

"Wala naman bago. Lagi naman kaming nag-aaway."

Tumaas ang mga sulok ng labi niya. "Dati kapag nag-aaway kayo, balewala lang sayo.
Pero sa nakikita ko sayo, mukhang naaapektuhan ka na. Something has changed. Am I
right?"

Doon ako nag-angat ng tingin sa kanya. He's right. Something has changed. At hindi
ko gusto ang pagbabagong iyon. Kung pwede ko lang ibalik sa dati ang lahat at
patigilin ang pagtibok ng puso ko ay ginawa ko na.

Ginagap ni Kevin ang kamay ko. "Just let it happen. Don't try control it. Believe
me, I did the same thing when I fell inlove with you."

Napasinghap ako sa narinig. "Y-you love me?"

Tumango ang binata at nahihiyang nagkamot ng ulo. "Hindi pa ba obyus?"

Ang buong akala ko ay may gusto lang sa akin si Kevin. Paanong hindi ko iyon
nahalata?

"Noong una, akala ko ay manhid ka lang talaga kaya hindi mo napapansin ang
pagpapacute ko sa'yo. Pero ngayon ay alam ko na ang dahilan. At si Tyron iyon."

Magpoprotesta sana ako subalit tila umurong bigla ang dila ko. Aminin ko man o
hindi sa sarili, pero totoo ang sinabi ni Kevin. Siya ang dahilan kung bakit ako
nagkakaganito. At siya rin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.
Chapter Twenty Eight: More Than Enough

Chapter Twenty Eight: More Than Enough

CYRHEL

"Are you sure gusto mo akong samahan sa ospital?"

Sinulyapan ko si Ate Valjean sa rear mirror at pilit na ngumiti. "Oo naman. Mukha
ba akong napipilitan?" May himig ng pagbibiro na sagot ko bago muling ibinalik ang
atensyon sa kalsada.

"Honeybee, hindi ko siya pinilit," depensa agad ni Kuya Vince. "Si Cyrhel mismo ang
nag-volunteer na samahan ka for your pregnancy check-up." Magkatabi silang mag-
asawa sa backseat. Nagmistulang driver tuloy nila akong dalawa.

Ang original plan ay kami lamang dapat ng hipag ang pupunta ng ospital. Ngunit
nagpumilit pa rin sumama si kuya sa kabila ng kanyang 'morning sickness'. Ayaw niya
raw magmukmok mag-isa sa bahay. Isang linggo na kasi siyang hindi nakakapasok sa
trabaho.

"Seems like you're not okay."

"I'm fine. Really."

"Honeybee, si Cyrhel ang tinatanong ko at hindi ikaw," sabay turo sa akin ni Ate
Valjean. Akala ng kapatid ay siya ang kausap ng asawa.

"Ako?" Tila nagulat pa ako sa narinig. "Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"She looks fine with me," sabat ulit ni Kuya Vince. "Sa palagay ko nga ay muling
bumalik ang umbok ng kanyang mga pisngi."

"Kuya!"
Tinawanan lamang ako ng kapatid at may kung anong ibinulong sa asawa. Nangingiti na
sinulyapan ako ni Ate Valjean. Tama bang pagkaisahan nila akong dalawa?

Momo! Dodo! Momo! Dodo!

"Ano iyon?" React ng hipag.

"Parang narinig ko na iyan?" Si Kuya Vince. Hinahagilap nila ang pinangggalingan ng


tunog.

"It's mine." Agad kong inabot ang cellphone sa dashboard. Napagtripan kong gawin
ringing tone ang boses ni Baby Ron-Ron. Ngunit sa halip na sagutin ang tawag ay
hinayaan ko lamang tumunog iyon hanggang sa matapos.

"Bakit hindi mo sinagot?" Nagtatakang tanong ng kapatid.

"Hindi naman importante."

Nang muling tumunog ang cellphone ay mabilis kong pinindot ang off button.

"I knew it!" Napapitlag ako ako nang biglang dumukwang ang hipag sa driver seat.
"Sabi ko na nga ba at siya ang tumatawag!" Hindi ako sigurado kung nakita niya ang
pangalang nag-registered sa screen ng phone ko.

"Sino ang tumawag?" Tanong naman ni Kuya Vince at hinila ang asawa pabalik sa
upuan. Hindi siya pinansin ni Ate Val at muli akong dinukwang.

"Sis, may something ba sa inyo ni Tyron?" Sinadya niyang hinaan ang boses nang
banggitin niya ang pangalan ng binata.

"W-wala kaya." Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko nang sabihin iyon. May
something nga ba? Siguro para sa akin meron. Pero para sa lalaking iyon, malamang
wala.
"Ows?" Nagdududa na tinitigan niya ako mula sa rear mirror.

"Sino ba ang pinag-uusapan ninyong dalawa?" Tanong ni Kuya Vince at muling hinila
ang asawa.

"Nothing," she replied smiling.

"I bet, tao si nothing," nagdududang sabi ng kapatid.

"Basta."

"Kilala ko ba siya?"

"Hmmm..." Sinulyapan ako ng hipag bago muling binalingan ang asawa. "You don't know
him."

"Him?" Naglaki ang mga mata ni Kuya Vince na tumingin sa akin. "Cyrhel, sino ang
lalaking iyon? Kailangan iharap mo siya sa akin?"

"Huwag ka ngang OA, kuya. Kung kailan ako tumanda saka ka naging overprotective.
Dinaig mo pa si Papa."

"Ako ang kuya mo. Natural lang maging overprotective ako sa'yo."

"Oh yeah!" I rolled my eyes. Nag-asawa lang siya nag-iba na ang takbo ng kanyang
utak. Dati naman ay wala siyang pakialam sa mga personal affair ko.

"What is that smell?" Mabilis na tinakpan ni Kuya Vince ang ilong. Nagtataka na
nagkatinginan kami ni Ate Valjean sa rear mirror. Wala naman kaming naamoy na
kakaiba. Ngunit duda ako na baka ang car freshner ang naaamoy niya. Natabig ko kasi
ang canister sa dashboard.

"I'm going to be sick." Sinapo niya ang bibig at sikmura.


"Cy, ihinto mo ang kotse sa tabi," utos ng hipag. He almost couldn't make it. Doon
sa gilid ng kalsada nagduduwal ang kapatid.

"I'm going to die," nanlalata na sabi ni Kuya Vince. Imbes na makapagpa-check up si


Ate Valjean, siya ang naratay sa ospital. He almost passed out. Wala siyang tigil
sa pagduruwal hanggang sa makarating kami roon.

"Baka naman hindi lang natunawan si kuya," naisip kong sabihin. "And dami niyang
nakain kaninang agahan. Partida masama pa ang pakiramdam niya. Bukod doon halos
maubos din niya kagabi ang isang dosenang cupcakes na ginawa ko."

"Mukha ba akong hindi natunawan?" Singhal ng kapatid sa kabila ng kanyang


kondisyon.

"I think your sister is right," inalo ni Ate Valjean ang asawa. "Ang takaw-takaw mo
naman kasi, honeybee."

"What happened?" Humahangos na dumating si Mark. Kasunod nito si Tyron. Tila


nagulat pa siya nang makita ako. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Kunwari dedma
lang.

"Every morning he's not feeling well. Though, hindi naman affected ang appetite
niya ngunit nagduruwal naman siya pagkatapos," pagpapaliwanag ng hipag.

Agad na in-examine ng binatang doktor ang kaibigan nang bigla itong may naalala.
"Valjean, ikuha mo ako ng-"

Biglang kumapit si Kuya Vince sa braso ng asawa. "Honeybee, ayoko ng injection!"

"Vinci boy, hindi ka na nasanay. Parang kagat lang naman ng langgam ang turok ng
injection. Iyon nga lang, napakalaking langgam," pang-aasar ni Tyron. "Sa puwet ka
na lang ulit magpaturok para hindi masakit."

"Gago, pareho lang iyon!" Singhal nito. "Honeybee, umuwi na lang tayo. I'll be
fine. I promise," pagsusumamo nito sa asawa.

Naiiling na tumingin si Mark kay Valjean. "Pakikuha ako ng malinis na gloves."


Pagkatapos ay binalingan nito ang kaibigan. "And you, calm down. Kung ayaw mong
igapos kita dyan sa kama."

Muntikan na akong bumulanghit ng tawa. Si Tyron naman, kung makatawa wagas. May
pahampas-hampas pa siyang nalalaman sa railings ng kama. Kung siya kaya ang igapos
doon?

"Walang injection? Sigurado ka?" Parang bata na tanong ni Kuya Vince.

"Relax, okay?" Si Ate Valjean. "Promise, walang injection."

"Iyon ang akala mo," muling pag-aasar ni Tyron. Ngunit nakatikim siya ng isang
malutong na pektus mula sa hipag. Buti nga sa kanya!

"Sis, sa labas ko na lang kayo hihintayin," pabulong na sabi ko kay Ate Valjean.
Mukhang hindi pa sila matatapos magkuwentuhan at kanina pa ako naiinip. Nananakit
na rin ang puwet ko sa kakaupo.

"Hindi ba kayo mag-uusap?" Sa halip ay tanong niya. Nagsalubong ang mga kilay ko.
Kunwari ay hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Cyrhel, umuwi ka na," wika ni Kuya Vince na nagpalingon sa aming dalawa. "Huwag mo
na kaming hintayin ng ate mo. Magpapahatid na lang kami kay Tyron."

"Bakit ako?" React ng binata. "Vinci boy, may lakad pa ako."

"Akala ko ba wala kang lakad?" Sabat ni Mark.

"B-biglang nagkaroon," aniya na nagkamot ng ulo at bahagya akong sinulyapan.


"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Kuya Vince sa kanya. "Magdo-donate ka na
naman ba ng dugo?"

Ngunit si Mark ang sumagot. "May mahalaga kaming pag-uusapan."

"Tungkol saan?"

"Siya ang tanungin mo," sabi ni Tyron sabay turo sa binatang doktor. "Ayaw sabihin
hangga't hindi niya ako nasosolo."

Ngumisi si Kuya Vince. "Lagot ka, Tyron. Pagkatiwalaan mo na ang lahat, huwag lang
si Mark."

"Kanina pa nga ako kinakabahan sa kanya."

"Kuya Vince, aalis na ako," sabat ko. Hindi matapos-tapos ang daldalan nilang
tatlo. Nasa tapat na ako ng pinto nang muli niya akong tawagin.

"Deretso uwi sa bahay at huwag mo nang tangkain makipagkita pa kay Nothing.


Malalagot ka sa akin kapag nalaman ko."

Napabungisngis ang hipag sa narinig. Sumimangot naman ako. Hindi na niya ako
kailangang pagsabihan lalo na sa harap ng kanyang mga kaibigan.

"Cyrhel?"

"Oo na!" Padabog na sabi ko at sabay alis. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong
nakasunod ng tingin sa akin si Tyron. Magmula kanina ay panay lang ang sulyap niya.
Nagtangka pa nga siyang tumabi sa akin sa couch ngunit pumagitna naman si Mark.

Palabas na sana ako ng ospital nang mapadaan ako sa ER. Ewan, pero na-curious akong
sumilip sa loob. Iilan lang ang pasyenteng naroon at nakuha ang atensyon ko ng
isang mama na sumisigaw habang ginagamot ang malaking sugat sa kanyang binti.
"Araykupo!" Halos mangingibaw ang boses nito sa buong silid. Pablihasa malaking
tao, parang si bakulaw lang. Dalawang katao ang pumipigil sa kanya ngunit pilit pa
rin itong nagpupumiglas. Hindi ko malaman kung dahil sa sakit o ayaw niya lamang
magpagamot.

"Cyrhel..."

Napaigtad ako nang biglang may kumalabit sa akin- si Tyron, he's standing right
next to me. Hindi ko namalayan ang pagsunod niya.

"Huy, monay," muli niya akong kinalabit nang hindi ko siya pansinin. "Bati na
tayo."

Nagkibit-balikat lang ako. Hindi iyon ang gusto kong marinig mula sa kanya.

I heard him sighed. "Cy, sorry na. Kahit hindi ko alam kung anong ginawa kong
kasalanan sayo, humihingi pa rin ako ng sorry."

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Para saan pa at humihingi siya ng sorry? I
turned to face him. Ngunit saan ka naman nakakita nang nagso-sorry habang
nakatalikod? I swear, ang sarap niyang batukan ng mga sampung beses.

"Humarap ka nga sa akin," utos ko.

Atubiling pumihit siya paharap ngunit nakatingin naman siya sa ibang direksyon.

"Tumingin ka sa akin," muli kong utos.

Tumingin si Tyron, ngunit nakatakip naman ng isang kamay niya sa gilid ng kanyang
mukha.

"Nang-aasar ka ba talaga?"

"K-kasi... A-alam mo naman di ba..." May ininguso siya sa akin na hindi ko binigyan
pansin. Enough of his tripping. Hindi na ako natutuwa sa kanya.

"Cy..." Muli niya akong kinalabit.

"Ewan ko sayo!" Ismid ko at humakbang sa kinaroroonan ng mamang ginagamot upang


makiusyoso. Baka nga makatulong pa ako keysa magtiyaga sa walang kuwentang lalaki
na nasa tabi ko.

Hindi na ako kinulit pagkatapos ni Tyron. Umalis na siguro. Akala kasi niya ay
madadaan niya ako sa kanyang pagpapacute. Nang tumunog ang cellphone ko ay nagulat
pa ako nang muli siyang sumulpot sa aking tabi. "Sino yan?"

"Pakialam mo!"

"Kung si Nothing iyan, huwag mong sasagutin."

Did I hear a tingle of jealousy there? I'm not so sure. Ngunit hindi ko
maipaliwanag kung bakit natutuwa ako sa nakikitang reaksyon niya. sa halip na
sundin si Tyron ay nananadya na sinagot ko ang tawag sa cellphone. "Hello
Nothing..." Ganun na lamang ang pagpipigil ko na bumulanghit ng tawa sa naisip na
kalokohan.

"Hoy bruha, anong klaseng trip 'yan? Sino si Nothing?" Tinig ni Eric sa kabilang
linya. Tatawagan ko na lang ang kaibigan mamaya para magpaliwanag.

"Okay, magkita na lang tayo mamaya. Yup, sa dating tagpuan. I'll wait for you."
Sinadya kong lambingan ang tinig.

Tyron narrowed his eyes. Pilit niyang inaagaw sa akin ang phone ko. "Isusumbong
kita sa kuya mo," banta niya.

"Eh di magsumbong ka!"

"Excuse me po," isang nurse ang lumapit sa aming dalawa. Puno ng dugo ang suot
niyang gloves. "Kamag-anak ba kayo ng pasyente?"
Bago pa ako makasagot ay bigla na lamang tumumba si Tyron at bumagsak sa sahig. I
forgot! Takot nga pala siya sa dugo.

"You okay?" Amused na tanong ni Mark sa binatang nakahiga sa couch. Nang malaman
nito ang nangyari sa kaibigan ay agad nitong ipinag-utos na dalhin siya sa kanyang
opisina.

"I feel dizzy," Tyron said. May hawak siyang ice compress sa kanyang noo. "Pakiwari
ko ay kulay pula lahat ng paligid."

"Take a nap. You will be alright paggising mo." Pagkatapos ay binalingan ako ng
binatang doktor. "Can you stay awhile?"

"Ayoko nga," mabilis kong sagot. "Malaki na siya. I don't think kailangan pa siyang
bantayan."

Nag-angat ng ulo si Tyron at lumingon sa direksyon ko. "You're so mean. Wala ka ba


talagang malasakit sa akin?"

"Wala akong dahilan para magmalasakit sa'yo."

"Kung bigyan kita ng dahilan?" Hamon niya sa seryosong tinig.

"No thanks. Huwag ka nang mag-abala."

"Hey lovers, maiwan ko muna kayo. Babalikan ko lang sina Vince at Valjean sandali."
Bago ko pa mapigilan si Mark ay tuluyan na siyang nakalabas ng pinto. Binalak
talaga niyang iwanan ako sa bakulaw na ito.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Tyron nang tumayo ako. Bahagya niyang inangat ang
katawan sa pagkakahiga.

"Magkikipagkita kay Nothing," naisip kong sabihin.


"Argh!" Biglang daing ng binata. His both hands on his head.

"Tyron!" Napasugod ako sa kanya. "A-anong nangyayari sayo?"

"Masakit."

"Masakit ang ulo mo?"

"Hindi. Masakit ang puso ko dahil binabalewala ako ng babaeng gustung-gusto ko."

Annoyed, I smacked him in the shoulder. Puro na lang siya kalokohan. "Nakakabuwisit
ka na!"

"Totoo naman. Palagi mo na lang akong binabalewala."

"Ewan ko sayo!"

Nang tangka akong tatayo ay agad akong pinigilan ni Tyron."No! Dito ka lang." Bigla
na lamang niya akong hinila at napaupo tuloy ako sa mismong dibdib niya. Nahigit
niya ang hininga nang maramdaman ang bigat ko. "Monay, ang bigat mo," reklamo niya.
Agad akong tumayo para lang muling mapaupo nang muli niya akong hilahin. But this
time naglanding ako sa bakanteng space sa gilid niya.

"Stay. Huwag matigas ang ulo."

I smacked him again. Ngunit maagap niyang nasalo ang kamay ko at mahigpit na
hinawakan. "Tell me, ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" He said
with a serious face.

"Aminin mo muna ang kasalanan mo?"

Bumangon si Tyron para umupo. "Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa kong
kasalanan."
I stared at him in disbelief. "Pwes, hindi kita mapapatawad," pagmamatigas ko at
pumihit patalikod sa kanya.

"Cy..." Iyon na naman ang nakakainis niyang pangangalabit sa balikat ko. "Huy,
monay."

"Ang hirap sayo, Tyron, you're too selfish. Wala kang pakialam sa nararamdaman ng
mga taong nakapaligid sayo. Sarili mo lang ang iniisip mo palagi." Lumingon ako sa
kanya. But it was a wrong move. He claimed my surprised mouth. I pulled back to
stop him. Without thinking I raised my hand and slapped him.

"Para saan iyon?" Manghang tanong niya habang sapo ang namumulang pisngi.

"Tyron, enough. Hindi na ako natutuwa sa mga kalokohan mo. Please spare me." Dahil
hindi ko na kakayanin pagkatapos nito.

He frowned. "I didn't kiss you because of half-hearted feeling."

"Then why?" I wanted to know his reason. A part of me is still hoping that he feel
the same way.

"Because you're special."

Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan. Asa pa ako na makakarinig ng matinong


sagot mula sa binata. A bitter laugh rose inside me. For him, para lang akong
siopao na special.

"And you make me feel special."

Kung alam mo na lang na higit pa sa special ang nararamdaman ko para sayo. There
was no denying about my feeling for him now. I was indeed inlove with him. Kung
paano nangyari iyon ay hindi ko rin alam. Ni hindi ko nga namalayan. Basta isang
araw nagising na lang ako na siya ang tinitibok ng pasaway kong puso.
"Tyron, ano ba talaga ako para sayo?" Lakas-loob na tanong ko at tinitigan siya sa
kanyang mga mata. Being special is not enough. I want his real answer. I need to
know the truth.

He blinked at me, confused and surprised. Naroon ibuka niya ang bibig para muli rin
isara. He couldn't seem to find his voice.

"Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" I asked in little more than a whisper.

Still, there was no answer from Tyron. Nag-iinit na ang gilid ng aking mga mata. I
knew I was going to cry. Ngunit pinigilan ko ang sarili. I think it's time to give
up.

"Magmula nang dumating kayo ni Baby Ron-Ron, I knew something about me has changed.
Something I never felt for a long time." He continues to stare down, not looking at
me. But I felt his thumb moved in slow circle over the back of my hand. Saka ko
lamang napuna na magmula kanina ay hindi niya binibitiwan ang aking kamay.

"You make my life complete and worthy, Cyrhel...kayong dalawa ni baby. For now,
kayo ang pinakaimportante sa buhay ko na ayokong mawala. My life wouldn't be the
same without you both."

His words went right through my heart. And I think it's more than enough. Then I
found myself imprisoned in his arms as he leaned his face over my shoulder. Kung
gaano kami katagal na magkayakap ay hindi na namin namalayan ni Tyron. Nang biglang
bumukas ang pinto ay agad kong naitulak palayo ang binata.

"Cyrhel-" Nagsalubong ang mga kilay ni Kuya Vince nang makita niya kaming dalawa ni
Tyron na magkasama. Mabilis akong tumayo.

"Inutusan ako ni Mark na bantayan sandali ni Tyron." Hindi ko na hinintay na


tanungin ako ng kapatid. "Tapos na ba ang check-up ni Ate Val? Ako na ang
maghahatid sa inyo pauwi."

Tumango lang si Kuya Vince. He was looking at us quite differently. Hindi ako
sigurado kung may nakita siya kanina.

"I'm fine, Vinci boy. Wala kang dapat ipag-aalala," wika naman ni Tyron sa
pinasiglang tinig.
"I know," matipid na sabi ng kapatid bago ako binalingan. "Cyrhel, let's go."

Napilitan akong sumunod. Ngunit bago ako tuluyan makalabas ay nilingon ko si Tyron.
Bahagya lang siyang tumango at biglang ngumiti nang lumingon naman sa kanya si Kuya
Vince na seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha.

Pasakay na kami nang bigla kong maalala ang susi ng sasakyan. Naiwanan ko iyon sa
opisina ni Mark. Nagprisinta si Kuya Vince na siya na lamang ang babalik ngunit
inunahan ko siya bago pa siya makapagprotesta. Inaasahan ko na makikita ko ulit si
Tyron. Ngunit wala na siya sa loob ng opisina nang dumating ako.

"Si Tyron?" Tanong ko kay Mark na abala sa kung anong hinahanap sa ibabaw ng
kanyang desk.

"Umuwi na siguro. Hindi ko na siya naabutan pagbalik ko," aniya na hindi man lang
nag-abalang tumingin sa akin. Nang makita niya ang hinahanap ay nagmamadali siyang
lumabas ng opisina. Hindi niya napansin ang isang sobre na nahulog mula sa mga
bitbit niya. Dinampot ko iyon para sana ibalik sa desk niya nang mahagip ng mga
mata ko ang pangalan ni Tyron na nakasulat sa labas ng sobre. DNA result nila iyon
ni Baby Ron-Ron. Muli ko iyon binasa at nagtaka ako sa mga pagbabagong nakita.
Biglang nag-iba ang resulta. Hindi naman iyon ang dating nakasulat doon.

Lalong lumakas ang hinala ko nang maalala ang pag-uusap ng mga magkakaibigan
kanina. Hindi kaya ito ang mahalagang sasabihin ni Mark kay Tyron?

Chapter Twenty Nine: Baby, You And I

Chapter Twenty Nine: Baby, You And I

TYRON

"It's lunchtime already. Why don't you take a break?" Bungad ni Dad nang pumasok ng
opisina ko.
"I need to finish this before one," I said, habang patuloy na nakasubsob sa pinag-
aaralang mga papeles.

He chuckled. "Don't be too serious. Maraming tumatandang binata dahil dyan. It's
one of the reason kung bakit hindi ko pa itini-turn over sayo ang pamamalakad ng
kumpanya."

Hindi ko napigilang tumawa. "Dad, hindi mangyayari iyon."

"Ang alin?" Bahagyang umangat ang kilay niya. "Ang magseryoso o ang tumandang
binata?"

"Both."

Humagalpak ng tawa si Dad sa pagkamangha ko. "Sabi ko na nga ba! I knew there is
someone else. Hindi mo ire-reject si Kate kung wala kang ibang gusto."

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ako.

"Was it excitement that I saw on your eyes?" He said teasing. "You're too obvious,
son. You looked like a teenager na ngayon lang nagka-crush."

Naiiling na binalikan ko ang ginagawa. "Dad, nakakaistorbo ka na. Baka hindi ko


matapos itong deadline ko." Knowing him, alam kong hindi niya ako titigilan
hangga't wala siyang nakukuhang impormasyon mula sa akin.

"O,siya! Hindi na kita aabalahin." Tumayo siya at tinungo ang pinto palabas. Ngunit
huminto nang biglang may maalala. "Anyway, kailan mo siya balak ipakilala sa amin
ng mommy mo?"

Tumaas ang sulok ng mga labi ko. "Soon, dad. Soon."

"Aasahan ko iyan!" He said. I couldn't explained the smile on his face. Pasipul-
sipol pa siyang naglakad palayo. Nakasalubong niya si Adrian sa pintuan at
nagtatakang sinundan siya ng tingin.
What's with him? Tila iyon ang pinahihiwatig ng kanyang mukha nang tumingin sa
akin. Pagkatapos ay mayroon siyang inilapag na brown envelope sa mesa ko.
"Pinabibigay ni Attorney Villanueva."

"Thanks." Agad kong dinampot ang envelope at binuksan. Hindi ko napigilang


mapangiti. Birth certificate na lang ang kulang para tuluyan ko nang ma-finalize
ang legality ni Baby Ron-Ron. So far, humingi ako ng tulong kay Mark upang mapadali
ang pagrelease ng papeles ng bata. Ayaw pa nga niya akong tulungan noong una. Mag-
usap daw muna kaming dalawa. May mga bagay daw na kailangan ko munang malaman. Kung
anuman iyon, sigurado akong makapaghihintay naman. Ang mahalaga ay ma-process ko na
ang mga papers ni baby bago ko pa masabi sa mga magulang ang tungkol sa kanya. Ang
plano ko ay sa susunod na linggo.

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Pero hindi ako natatakot. Inaasahan ko na


mabibigla sila sa malalaman, lalo na si Mommy. Magmula nang idispatya ko si Kate ay
hindi na niya ako kinausap. Siguradong magagalit siya kapag nalaman niya ang
tungkol kay Baby Ron-Ron. Ngunit alam ko na sa simula lang iyon, dahil hindi rin
naman niya matitiis ang kanyang apo.

"Sir, I already cancelled your appointment with Mr. Santos."

"Good!" Tumayo ako at niligpit ang mga gamit sa ibabaw ng mesa.

"Sir, you're leaving?" Nagtatakang tanong ni Adrian.

"I'm done," I said, at inabot sa kanya ng isang folder. Pinilit ko talagang matapos
iyon. "Mag-a-undertime ako. Ikaw na muna ang bahala rito."

"Pero sir?"

"Huwag kang maingay kay Dad. Ngayon lang naman."

Napilitang tumango si Adrian. "Well, I guess you need a break. Ilang araw na rin
kayong subsob sa pagtatrabaho."

"Thanks, Adrian. I owe you." Bitbit ang shoulder bag, walang likod-lingon na
lumabas ako ng opisina. Dire-diretso ako sa elevator. Sakay na ako ng kotse nang
ilabas ko ang cellphone sa bulsa. Kailangan ko nga pala siyang tawagan.
CYRHEL

Palakad-lakad ako sa buong silid at hindi mapakali. Panay ang sulyap ko sa


cellphone na nasa ibabaw ng kama. Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko si
Tyron. Subalit hindi ko maipaliwanag ang takot at kaba sa dibdib ko. It's killing
me. Masyado akong binabagabag ng mga natuklasan ko. Nahiling ko na sana ay hindi ko
na lamang nalaman ang tungkol doon, na sana ay hindi na lang ako bumalik sa opisina
ni Mark at sana hindi na lang ako nakialam.

My heart skip a bit when my cellphone rang. I knew it! Si Tyron ang tumatawag.
Akmang sasagutin ko na iyon nang biglang magbago ang isip ko. Maraming 'what if'
ang gumugulo sa isipan ko na lalo lamang nagparagdag sa nararamdaman kong kaba.
Ngunit sa huli ay pinili ko pa rin na makausap siya.

"H-hello..."

"Cy. ready ka na?" Masiglang bungad niya na nagpakunot sa noo ko.

"Ready saan?" Narinig kong tumawa si Tyron.

"Sorry, I forgot. Hindi pala kita nasabihan kahapon."

"Tungkol saan?" Ewan, pero hindi mawala ang kaba sa dibdib ko sa kabila ng maganda
niyang mood.

"Sa date natin."

"Date?"

"Yup, date nating dalawa. Kaya lang may kasama kang chaperone."

"Sino?"
Muli siyang tumawa. "Si Baby Ron-Ron. Siguradong hindi siya papayag na hindi natin
siya kasama." Now, it was my turn to smile.

"Get ready. Papunta na ako sa inyo."

"No need. Papunta na rin naman ako sa pad mo para bisitahin si baby,"
pagsisinungaling ko. Ayokong mapang-abot silang dalawa ni Kuya Vince sa bahay.
Hindi man nila sabihin, nararamdaman kong may tensyong namamagitan sa magkaibigan.
"Doon mo na lang kami sunduin."

"Okay," matipid niyang sagot. Mabuti na lang at hindi siya nagpumilit.

"Tyron?"

"Hmmm..."

"Are you alright?" Hindi ko napigilan na hindi itanong sa kanya. Gusto kong
makasiguro.

He chuckled once more. "As far as I know I'm doing fine and I feel good and
excited. Mas magiging okay pa ako kapag nagkita tayo mamaya. Masilayan ko lang ang
kagandahan mo, tanggal lahat ng pagod ko, pati na rin sakit ng katawan ko."

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Here he goes again. Mas madaldal pa siya
kaysa sa babae. "Ang dami mo naman sinabi. Tinatanong ko lang naman kung okay ka."
But honestly, nakaramdam ako ng relief. Kahit papaano ay nabawasan ang alalahanin
ko. Hindi pa siguro nasasabi sa kanya ni Mark ang totoo.

"Monay?"

"Hmmm..."

"Monay?"
"What?"

"Wala lang," at muli siyang tumawa bago nawala sa kabilang linya. Tamang trip lang
ang loko.

Wala pang kalahating oras ay nasa condominium na ko. Binabagtas ko ang lobby nang
makasalubong ko si Mark. Palabas siya ng building. Sa halip na huminto para batiin
ako ay tinanguan lang ako ng binata at nilagpasan. Hindi na ako nagulat sa inakto
niya. Ngunit tila may nagtutulak sa akin na kausapin siya.

"Mark!" Habol ko at hinarangan ang kanyang daraanan.

"May kailangan ka?" He asked coldly.

I opened my mouth. Pero nakakapagtaka na walang lumabas na salita mula roon.

"Cyrhel, I'm in a hurry. Kung hindi importante ang sasabihin mo huwag mo nang
ituloy." At muli niya akong nilagpasan.

"I saw the other DNA result."

He stopped. "How did you know about it?" Hindi lumilingon na tanong niya.

So, it's true. Balido ang bagong resulta ng DNA test.

"H-Hindi sinasadya na nakita ko sa opisina mo."

"Alam na ba ni Tyron?" Muling tanong ni Mark pagkatapos ng ilang sandaling


pananahimik.

"Kung mayroon man dapat magsabi sa kanya, ikaw iyon at hindi ako." Sa halip ay sabi
ko.

"I know. Just leave it to me. Humahanap lang ako ng tiyempo."

Naiintindihan ko si Mark. Hindi magiging madali ang pagsasabi ng totoo kay Tyron.
It really takes time to find a courage.

Hindi ko inaasahan na dadalhin kami ni Tyron sa isang amusement park. The last time
na pumunta kami sa lugar na iyon ay kasama pa namin sina Ate Valjean at Kuya Vince.
Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon dahil nagkaroon ng pagsabog at nagkagulo
ang mga tao. At si Tyron ang sumagip sa akin at dinala ako sa ligtas na lugar.

"Hindi naman siguro mauulit ang nangyari dati," wika niya habang mataman akong
pinagmamasdan. Pareho pala kami iniisip. "Gusto mong lumipat tayo ng ibang lugar?"

Mabilis akong umiling. "We're fine here." Knowing that he's there, I feel safe and
secure.

"Bubu!" Bulaslas ni Baby Ron-Ron sa pagkamangha namin dalawa ni Tyron sabay turo
nito sa carousel. Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko iyon sa bibig ng bata.

"Bubu ang tawag niya sa lahat ng kanyang laruan," natatawang sabi ni Tyron. "Baby,
do want to ride in there?"

"Bubu! Bubu!" Nagtatalon si Baby Ron-Ron sa sobrang tuwa na tila sumasang-ayon sa


sinabi ng ama.

Inaabot sa akin ni Tyron ang bata. "Wait here. I'll buy a ticket."

"Dalawa lang ang bilhin mo."

"Hindi ka sasama sa amin?"


"Kayo na lang dalawa ni baby. Dito na lang ako at kukunan ko kayo ng picture."

"Are you sure?" Nag-aalangan na tanong niya.

Mabilis akong tumango. "Bilisan mo nang bumili ng ticket. Kanina pa excited si


baby." Bahagya kong tinulak si Tyron patungo sa ticket booth.

As I watching them, my heart is poured of so much joy and happiness. Pakiramdam ko


talaga ay mag-ama ko sila, na parang pag-aari ko silang dalawa. Hindi man malinaw
ang relasyon namin ni Tyron, umaasa pa rin ako na sana isang araw ay ma-realize
niya ang totoong nararamdaman niya para sa akin. Alam kong walang imposible. Ngunit
sa sitwasyon na kinakaharap ngayon ng binata, maaaring sa isang iglap ay masira ang
lahat ng iyon.

Kung pigilan ko kaya si Mark na sabihin kay Tyron ang totoo? Maaari naman namin
ilihim ang tungkol doon at hayaan na lamang ang binata sa kung anong alam niya.
Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at malalaman din niya ang totoo sa bandang
huli.

"Okay ka lang?" May pag-aalalang tanong ni Tyron habang naglalakad kami. "Kanina ka
pa tahimik. Naninibago ako sayo."

"Nagugutom na ako," pagdadahilan ko, which is partly true. Saka ko lamang naalala
na magmula kaninang umaga ay wala pang laman ang tiyan ko.

"Sabi ko na nga ba! Pagkain lang ang katapat mo," natatawang sabi niya at hinapit
ako palapit sa kanya. "Your 'katakawan' never failed to amuse me," bulong niya sa
tapat ng tenga ko.

"Nagsalita ang hindi matakaw!" Banayad kong asik.

"Kaya nga bagay tayong dalawa, kasi pareho tayong matakaw."

"Sira!" Hindi ko napigilan matawa sa mga pamatay niyang banat. Hindi talaga siya
nauubusan ng kalokohan.

"Monay!"
"Bakit?" Paglingon ko ay bahagya siyang yumuko sa akin at niliyad ang kanyang
dibdib.

"Be wifely. Pakihubad naman ng kurbata ko," utos niya. Pagkasundo niya sa amin ni
Baby Ron-Ron ay hindi na siya nagpalit ng damit. Hinubad niya lang ang coat niya at
itinupi ang mga manggas ng polo hanggang siko.

"Monay!"

"Hmmm..." Abala ako sa pag-alis ng buhol ng kurbata niya. The next thing I knew, he
planted a soft kiss on my forehead. I stiffed as his mouth touched my skin. But
pulling away was surprisingly hard. I closed my eyes and breathe in the scent of
him.

"Monay..."

"Hmmm..."

"Nasasakal ako."

Napamulat akong bigla at nagtagpuan ko ang mga kamay na mahigpit na nakahawak sa


kurbata niya. "Sorry."

"Panira ka naman ng moment."

"Pwede naman natin ulitin."

"Really?" Biglang ngumuso si Tyron at inilapit ang mukha sa akin.

"Never mind. Nagbago ang isip ko." Basta ko na lamang kinuha mula sa kanya ang bata
at nagpatiunang naglakad. "Bilisan mo, bakulaw. Nagugutom na ako."
"Ang daya mo!"

Kasalukuyan kaming kumakain nang banggitin ni Tyron ang tungkol sa inaasikaso


niyang legality ni Baby Ron-Ron. Masaya niyang ikinuwento sa akin na mabilis na
proseso ng mga papeles ng bata.

"That's good to hear." Pilit ang ngiting isinukli ko sa kanya at naging mailap ang
pakiramdam ko. Sana nga ay maayos na muna adoption ni baby bago pa malaman ng
binata ang totoo.

"Balak ko na rin sabihin sa family ko ang tungkol sa kanya," dagdag pa ni Tyron.

"Sigurado ka sa desisyon mo? Do you think matatanggap nila ang a-anak mo?" May kung
anong bumara sa lalamunan ko nang banggitin ang salitang anak.

Ngumiti si Tyron. "Hindi man nila matanggap agad si Baby Ron-Ron, for sure mare-
realize nila na dugo't laman din nila ang bata. He's already a part of the family."

"Cy, this is the hardest part for me but I need to do this," pagpapatuloy niya.
"Not only for Baby Ron-Ron but also for myself. At makakagawa ko lang iyon kung
magsisimula akong ayusin at itama ang lahat sa buhay ko."

"I-I know you can make it through." Ang tanging makakagawa ko lang para sa kanya ay
palakasin ang loob niya at suportahan siya sa lahat ng kanyang gagawin.

Ginagap ni Tyron ang kamay ko at dinala sa kanyang bibig upang hagkan. He's staring
straight at me without even blinking. "Help me to make it through. Please..."

You don't need to ask. You already have a heart.

"I'm always here." Then I wrapped my arms around him, pressing my face into his
neck. "I promise."
Nagdesisyon akong sumama pabalik sa pad. Nagdahilan ako na hindi ko maiwanan si
Baby Ron-Ron. Pero ang totoo, may kabang muling bumangon sa dibdib ko. Tila
mayroong hindi magandang mangyayari. Subalit isang oras ang mabilis na lumipas ay
wala naman nangyaring kakaiba. Napa-paranoid lang siguro ako.

"Ihahatid na kita," pagpupumilit ni Tyron.

"Kaya ko nang umuwing mag-isa."

"Marami sa taxi driver ngayon ang hindi mapagkakatiwalaan. Ayokong mapahamak ka.
Tatanga-tanga ka pa naman."

I smacked on his arm. "Sinong tanga?"

"Sabi ko nga ako!" Biglang bawi ng binata habang hinihimas ang namumulang braso.
"Gusto ko lang naman makasiguro na safe kang makakauwi. Pagbigyan mo na ako na
ihatid ka," giit ng binata.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Alam kong nag-aalala ka. Pero mas
inaalala ko kapag nagtagpo kayo ni Kuya Vince sa bahay. Do think kaya mo siyang
harapin?"

Nawalan ng sasabihin si Tyron. At naiintindihan ko ang pananahimik niya. They were


bestfriends for years. At posibleng masira ang pagkakaibigan nila nang dahil lang
sa akin. My brother is overprotecting me against him. Noong una ay hindi ko
maintindihan kung bakit. But suddenly, the words came up to my mind- the brother's
code. Hindi ko man alam kung ano ang eksaktong pinagkasunduan nila pero sigurado
ako na malaki ang kinalaman ko roon.

"Katulad ng sinabi ko kanina, I want to start in a clean slate. And I guess it's
time."

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-iling. "No way. Tyron please, I don't think
this is the right time." Marami na siyang problema at ayokong makaragdag.

"Don't worry," pilit siyang ngumiti kasabay ng pagkindat. "Para sayo, makakaya ko
naman tanggapin ang lahat ng suntok ng kapatid mo."
"You're stupid!" I said, before standing up as tall as I could to pushed my lips
against his.

"Kuya, tumawag po si Sir Mark-" Biglang umeksena si Katkat. Napilitan kaming


maghiwalay na dalawa. "S-sorry po."

I was looking down on the floor. He was looking somewhere else.

"K-kasi kuya tumawag po si Sir Mark. Kakausapin daw niya po kayo."

I stiffed. Ito na yata ang kinatatakutan kong mangyari. Ngunit alam kong wala akong
karapatan na pigilan si Mark. Anong gagawin ko?

Chapter Thirty: Agenda

A/N: Guys, pasensya na sa sobrang tagal ng update. Lately, naging moody at stressed
ako kaya ayaw gumana ng bongga ang utak ko. Honestly, kelangan ko na talaga ng
tulong ni Santa Claus. Sana bigyan niya ako ng inspirasyon. Kahit hindi na niya i-
wrapped, ipa-deliver na lang niya sa haws namin. (At sana kasingWAFU ni--
haha..adik lang!)

Malapit na pong matapos ang story ni Tyron. Super delayed na ang story ni Mark at
nagrereklamo na siya sa akin. Ang hiling ni Dok ay bigyan ko na siya ng lovelife
bago magpasko. So, hayun! Pipilitin ko talagang tapusin ang ilang natitirang
kabanata ng lovestory nila Bakulaw at Monay bago mag-christmas (wish me luck
guys!).

PS: Hihingi lang ako ng konting pabor, gusto ko sanang palitan ang bookcover ng
BYAI, baka sakaling may magmagandang loob na mag-effort for me. Pretty please....
pa-xmas nyo na sa akin. Salamat ng marami, mwah! mwah!

Chapter Thirty: Agenda

CYRHEL

"Cy, aminin mo na, kaya ayaw mong umuwi kasi gusto mo akong makatabi sa pagtulog,"
he teased. Itinaas pa ni Tyron ang kanang kamay. "Promise, hindi ako magaga-" Hindi
na niya naituloy ang sasabihin nang masapul siya ng unan sa mukha.

"Puro ka na lang kalokohan!" Banayad kong asik. Halos atakihin na nga ako dahil sa
sobrang kaba, tapos nagagawa pa niyang manukso. Kunsabagay, wala siyang kamalay-
malay sa mangyayari mamaya. Ilang sandali na lang ay malalaman na niya ang totoo
mula kay Mark.

"Mukha ba akong nagloloko? Seryoso ako," hirit pa niya.

"Tigilan mo ako ng kamanyakan mo, bakulaw!" Muli ko siyang hinampas ng unan ngunit
maagap niyang nasalo iyon.

"Wala pa nga akong ginagawa, manyak na agad?" Patuloy si Tyron sa pakikipaghilaan


nang maagaw niya ang unan mula sa akin.

"Subukan mo!" Banta ko nang akmang ihahampas niya iyon. "Makakatikim ka talaga sa
akin!"

"Ng halik? Gusto ko iyan!" Aniya sabay ngisi. Nanunukso na inilapit pa niya ang
mukha at hinabaan ang nguso.

"Manyak ka talaga!" Bago pa ako makahagip ng unan ay naunahan niya ako. Sapul ako
sa katawan. Sa lakas ng impact ay muntikan na akong mahulog sa kama. Agad akong
dinaluhan ni Tyron. "Sorry!" Ang talim ng tingin ko sa kanya. Hindi niya malaman
kung paano ako hahawakan. "Peace tayo, monay!"

"Bubu!" Bulaslas ni Baby Ron-Ron na nagpalingon sa aming dalawa ng binata. Buong


akala namin ay natutulog na siya sa crib. Namimilog ang mga mata siya sa tuwa
habang patuloy na binibigkas ang 'bubu'.

Kumuha ng laruan si Tyron at inabot sa kanya. Ngunit hindi man lang niya pinansin
iyon. "Bubu! Bubu!" Aniya habang itinuturo ang unan. Naisipan kong hampasin ang
binata. Humagikgik si Baby Ron-Ron sa aming pagkamangha. Muli kong hinampas si
Tyron, patuloy pa rin ang bata sa pagtawa. Akala siguro niya ay naglalaro kaming
dalawa ng binata.

"Monay, nakakarami ka na!" reklamo ni Tyron. Nakasimangot na siya habang patuloy na


tinatanggap ang mga paghampas ko. Hanggang gilagid naman ang pagkakangiti ko.
Lintek lang ang walang ganti! Hindi naman niya akong magawang pigilan dahil
kaligayahan ni Baby Ron-Ron ang nakasalalay.

Muntikan nang matumba si Tyron kung hindi siya agad nakakapit. Napalakas yata ang
pagkakahampas ko. "Ayoko na!" Bigla na lamang siyang pumihit patalikod sa akin.
Nakita kong namumula ang kanyang mga tenga. Hala! Galit na siya.

"Huy!" Kinalabit ko siya sa balikat pero hindi man lang siya natinag. "Huy,
bakulaw!" Wala pa rin response mula sa kanya. Galit na nga siya. Pero kung inaakala
niya na aamuhin ko siya, puwes manigas siya!

"Come here, Baby Ron-Ron matulog na tayo." Akmang kukunin ko ang bata subalit
inunahan ako ni Tyron. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin nang lumabas siya ng
kuwarto. Tinawag niya si Katkat at binigay rito ang bata. Pagkatapos ay muli niya
akong binalikan.

"Bukas ka na umuwi. Dito ka na lang matulog," wika niya nang buksan ang closet at
humugot ng malinis na tuwalya nang kung paano na lang. Mukhang hindi na siya galit.

Sinulyapan ko ang suot na relo. Pasado alas nuwebe na ng gabi. Kung uuwi ako ay
hindi rin naman ako mapapalagay. Hindi pa man dumarating si Mark, ninenerbiyos na
ako ng todo. Tama lang siguro ang naging desisyon ko na mag-stay. Siguradong
kakailangin ako ni Tyron sa kanyang tabi sa oras na malaman niya ang totoo.

"Tatawagan ko na lang si Vince-"

"No, ako na lang!" Mabilis kong agap. Para ko na rin pinagkanulo ang sarili kung
hahayaan ko siyang gawin iyon. "Kay Papa na lang ako magpapaalam." Mas madaling
magsabi sa kanya kasya kay Mama at sa kapatid. Ngayon pa lang ay nag-iisip na ako
nang maaaring idahilan.

"Saan ka pupunta?"

Napahinto ako sa paghakbang at pumihit paharap sa kanya. "Matutulog na sa kabilang


kuwarto."

"Bakit sa kabilang kuwarto pa, kung pwede ka naman matulog dito sa kuwarto ko?" He
lifted his eyes on mine and pulled his shirt over his head.
"W-walang katabi si Baby Ron-Ron," I said before I could think. Sunud-sunod ang
ginawa kong paglunok nang tumambad sa paningin ang hubad niyang katawan.

"Wala rin naman akong katabi." Tumaas ang sulok ng mga labi ni Tyron.

Takte! Hayun na naman ang pasaway kong puso. Bakit ba kasi ang landi-landi ng
lalaking ito?

"L-lagi ka naman walang katabi. Sanayan lang iyan." I managed to say and looked the
other way instead. Hindi ko matagalan ang mga titig niya. Naisipan kong kunin ang
naiwang unan ni Baby Ron-Ron upang makaiwas. Subalit bago pa ako makalapit sa crib
ay humarang sa harapan ko ang malapad niyang katawan.

"Paano kung sabihin ko sayo na gusto kong masanay na may katabi palagi sa
pagtulog?" Nanunukso na humakbang siya patungo sa akin. Awtomatikong napaatras ako.

"N-nandyan naman si Baby Ron-Ron. Pagtiyagaan mo na siya. Maliban na lang kung


gugustuhin mong makatabi si Katkat." Sa patuloy kong pag-atras ay napaupo akong
bigla sa malambot na kutsyon. Kama na pala ang nasa likuran ko.

"Paano kung sabihin ko na ikaw ang gusto kong makatabi?" Napasinghap ako nang
yumuko si Tyron at itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Tuluyan
niya akong nakorner.

"M-malikot akong matulog." I inhaled softly. Almost inhaling him. His face was
moving closer and closer. But to my surprised, he poked me on my forehead.

"I know. Kaya dito ka sa kama at ako na lang sa sahig. May extra pa naman akong
comforter," kaswal niyang sabi na hinila ang comforter sa kama ay inilatag iyon sa
sahig.

Dismayadong napanguso ako. Sabi ko na nga ba at ginu-goodtime niya lang ako.


Kainis!

"What?" Kunwari ay nagtatakang tanong ni Tyron habang amused na nakangiti sa


nakitang reaksyon ko.
"Wala!" Padabog akong tumayo at nagmartsa palabas ng silid. Ngunit nakakailang
hakbang pa lamang ako nang bigla akong yakapin ni Tyron mula sa likuran.

"Nagtampo na agad ang monay ko!" He said, still laughing.

"Bitiwan mo nga ako!" Nagpumilit akong makawala ngunit lalo lamang humigpit ang
pagkakayakap niya. "Do you know how badly I want to hit you right now?" Makawala
lang ako sa kanya talagang makakatikim siya sa akin.

"You're always in a horrible mood. Meron ka ba?" Pang-aasar pa ni Tyron. Nakakarami


na siya sa akin.

"Bitiwan mo sabi mo ako!" Muli kong pagpupumiglas.

"Don't do this to me, Cy," he said in little more than a whisper. "Nag-iiba lang
ang pakiramdam ko sa ginagawa mo." It made me stopped. Kasabay ng panlalaki ng mga
mata nang rumehistro sa isip ang ibig niyang sabihin. I knew what exactly he was
talking about.

"Good girl," he whispered again. Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa batok nang


maramdaman ang mainit niyang hininga. Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap ni Tyron.
But I could'nt find a strength to even make a move. I heard him chuckled. "Huy!
Baka naman ma-stroke ka. Galaw-galaw din pag may time!" Iyon na naman ang mapang-
asar niyang tinig. Ngunit imbes na mainis ay iba ang naging epekto nyon sa akin.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Para kasi akong naiihi na kinikilig na
hindi ko malaman.

"Monay, huwag ka ng magtampo. Sige na nga, ako na sa kama, ikaw na lang sa sahig."

"Sira ka talaga!" Nakitawa na rin ako sa kalokohan niya upang pagtakpan ang
estrangherong nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Nakabukas naman ang aircon
ngunit nakakapagtaka na pinagpawisan ultimo ang itutok ng ilong ko. Ang init!

Napamulagat kaming dalawa ni Tyron nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis kaming
kumawala sa isa't-isa.
"Anong ibig sabihin nito?" Si Kuya Vince. Madilim ang mukha na palipat-lipat ang
tingin sa aming dalawa. We're both dead!

"Vince, pag-usapan natin ito," lakas-loob na wika ni Tyron at iniharang ang katawan
upang ikubli ako. "Just the two of us." Subalit hindi siya pinansin ng kaibigan.

"Cyrhel, uwi!" Sa halip ay utos nito.

"Stay!" Utos ni Tyron. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking
kamay. "Vince, huwag mong idamay si Cyrhel. This is between you and me."

"Tyron, bitiwan mo ang kapatid ko kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa?" Banta
nito. Ngunit bago pa makahakbang si Kuya Vince ay mabilis na pumulupot ang braso ni
Jared sa leeg ng kapatid.

"Vinci boy, relax!"

"Relax! Hindi mo ba nakikita na minomolestiya ng lalaking iyan ang kapatid ko?"


Pagpupumiglas nito.

"They are in the right age. You can't stop them," wika ni Riley na sumulpot mula sa
likuran ni Jared. Kasunod nito si Mark.

"And they are not the reason why were all here," he said. "Alalahanin mo ang agenda
natin ngayong gabi."

Hindi ko na siguro kailangan hulaan kung ano ang agenda na sinasabi ni Mark. Kung
ganon, hindi ko na rin dapat ipagtaka kung bakit naroon silang lahat.

"Nasasabi nyo lang iyan dahil wala kayo sa katayuan ko!"

"Shut up!" Bigla na lamang kinaladlad ni Jared ang kapatid palabas ng silid. "Vinci
boy, huwag mo kaming pilitin na igapos at itali ka. So, you better behave."

"Si Tyron ang dapat ninyong igapos at hindi ako, aray-"


Nakita kong binatukan siya ni Riley. Hindi naman makapalag ang kapatid. Tuluyan
siyang pinagkaisahan ng tatlo.

"Cy, huwag kang matakot. I can handle him," wika ni Tyron nang lumingon sa akin at
pilit na ngumiti. "Everything is gonna be okay. I promise."

Subalit duda ako na magiging okay pa siya sa oras na malaman niya ang katotohanan.

"I want you to promise me that what ever happened... huwag kang magbabago at sana
walang magbago." I felt like crying. Ngunit kailangan kong maging matatag para sa
kanya.

Kumunot ang noo ni Tyron. "Of course, walang magbabago." Umangat ang mga kamay niya
at sinapo ang magkabila kong pisngi. "Magiging okay din ang lahat. Trust me."

Sana nga...

Nang humarap kami sa kanila ay nananatiling hawak ni Tyron ang aking kamay. Hindi
siya pumayag na umalis ako kahit anong pagpupumilit ni Kuya Vince na umuwi ako ng
bahay. Pinanindigan talaga ng binata ang sinabi niya kanina. Hiling ko na sana ay
ganon pa rin siya hanggang mamaya.

"Cyrhel, dito ka sa tabi ko!" Utos ng kapatid.

"Ano ka ba, Vinci boy, hindi na nga tayo magkasyang apat dito sa sofa, idadagdag mo
pa ang kapatid mo?" Reklamo ni Jared.

"Sino bang nagsabing magsiksikan tayong apat lahat dito?" Asik niya sabay tayo.
"Cyrhel, umusod ka. Lumayo ka sa lalaking-" Bigla siyang hinatak ni Riley paupo.
"Dito ka lang!"

"I can't believe this! Ako pa ngayon ang pinagkaisahan ninyong lahat?" Nang
magtangka siyang tatayo ay muli siyang pinigilan nila Riley at Jared.
"Vince, hindi ba puwedeng isantabi mo muna ang tungkol sa kanilang dalawa?"
Mahinahon na sabi ni Mark. "Unahin mnuna natin ang ating agenda. Iyon ang higit na
mahalaga."

"Pero mahalaga rin ang-" Binusalan ni Jared ng malaking tipak ng chicharon ang
bibig ng kapatid. "Gutom lang iyan, Vinci boy!"

"Anong agenda?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Tyron. "Ako ba ang
involved dito?"

"Ganito kasi iyon-" sabat ni Jared ngunit maagap siyang pigilan ni Riley. "Bago
namin sabihin sayo, magpalamig muna tayo." Pumalakpak pa ito na tila tumatawag ng
waiter. Ilang sandali ay lumapit si Katkat at may bitbit na mga baso at yelo.

"Alright!" Nakangising inilapag ni Jared ang mga bote ng alak sa ibabaw ng center
table. Hindi ko alam kung saan niya kinuha iyon. Gayon din ang mga pulutan na bigla
na lang sumulpot sa mesa. Hindi ako sigurado kung naroon na iyon kanina o baka
hindi ko lang napansin.

Kailangan ba talagang mag-inuman muna bago ninyo sabihin kay Tyron ang totoo? Iyon
ang pinahihiwatig ng mga mata ko nang magkasalubong kami ng tingin ni Mark. Mukhang
iyon ang naisip nilang strategy para mapagaan ang sitwasyon ng kanilang kaibigan.

"Cyrhel!" Inalok ako ni Jared ng isang bote ng beer ngunit maagap na inabot iyon ni
Tyron. "Hindi siya uminom," aniya sabay tungga ng alak.

Hindi na muling kumibo si Kuya Vince. Subalit hindi kami ligtas ni Tyron sa mga
matatalim niyang sulyap, lalo na sa binata. Kung wala siguro ang mga kaibigan ay
baka kanina pa nito sinunggaban si Tyron.

"Now tell me, ano ang agenda?" Muling tanong ni Tyron. Walang nagtangkang sumagot
sa apat. Ang lahat ay nakatingin kay Mark.

"As usual, ako na naman!" He blew out a long sigh. At ilang beses na tumikhim.
Ngunit bago pa siya makapagsalita ay bigla akong tumayo.

"Doon muna ako kuwarto. Sasamahan lang si Baby Ron-Ron." Bago pa sila makapag-react
ay tinungo ko na ang silid. Akala ko ay kaya kong maging malakas para sa kanya.
Pero hindi ko pala. Bigla akong naduwag at nakatakot ako para sa bata.

"Ate Cyrhel!" Nagulat pa si Katkat nang pumasok ako ng kuwarto. Kasalukuyan siyang
may pinagkakaabalahan sa hawak niyang tablet.

"Si baby?"

"Kanina pa po tulog."

Napangiti ako nang makita ko siyang nahihimbing sa ibabaw ng kama.

"Ate, dito ka ba matutulog? Tabi na lang kayo ni baby at dito na lang ako sa
lapag."

Hindi na ako tumanggi. Iyon naman talaga ang gusto ko, ang makatabi si Baby Ron-
Ron. Kahit papaano ay naiibsan ang takot at kaba sa dibdib ko. Ilang minuto na rin
akong nakahiga. Nakapikit ang mga mata ko ngunit gising na gising pa rin ang diwa
ko. Pilit kong pinakikiramdam ang nangyayari sa labas ng silid.

Napalikwas ako ng makarinig ng malakas na kalabog sa sala. Ganun din si Katkat na


naalimpungan sa ingay na narinig. Isa lang ang pumasok sa isip ko. At bago ko pa
namalayan ay tumatakbo na ako palabas ng kuwarto.

Chapter Thirty One: Unexpected

A/N: Isang maiksing update na labis kong pinaghirapan. I really hate dramas. Nag-
nosebleed na naman ang ilong ko (again, sipon po ang lumabas!)

Chapter Thirty One: Unexpected

CYRHEL
"Anong nangyari dito?" Hindi ako makapaniwala sa nadatnan. Taliwas iyon sa
inaasahan ko.

"Haist! Kalilinis ko lang, nagkalat na naman sila!" React ni Katkat na sumulpot


mula sa likuran ko. Nakapameywang na sinuyod niya ng tingin ang paligid.

Magulo ang buong sala. Nagkalat sa paligid ang mga basyo ng beer at mga pinagkainan
ng mga ito. Gayundin ang mga lalaki na nakabulagta sa sahig at sofa- maliban kay
Tyron.

"Hoy gumising kayo!" Pilit niyang binabangon si Jared na nakatulog na sa sobrang


kalasingan. "Mga pasaway! Nakaistorbo na nga kayo, dito nyo pa balak matulog. Kung
ipasundo ko kaya kayo sa mga asawa ninyo!"

"W-wala akong a-asawa," wika ni Mark habang pilit na bumabangon. Ito ang unang
pagkakataon na nakita ko siyang lasing na lasing.

"Kung ganon sa pusa mo na lang kita ipapasundo," sabi ni Tyron at nilingon si


Katkat. "Tawagan mo si Kitkat, sabihin mo sunduin niya dito ang amo niya."

"Po?" Hindi malaman ng dalaga kung seryoso o nagbibiro lamang siya.

Tangkang tutulungan ko si Mark nang sawayin ako ni Tyron. "Don't! Hayaan mo siya.
Hayaan mo sila."

"What happened?" Naisip kong itanong habang hinahagilap ng mga mata si Kuya Vince.
Hindi ko pa sana siya makikita kung hindi ko lamang nakilala ang pares ng kanyang
sapatos. Anong ginagawa niya sa likuran ng couch?

"Ang lalakas ng loob magyaya ng inuman, sila naman pala ang unang babagsak." Basta
na lamang niyang binitiwan si Jared at pasuray-suray na naglakad. Napasugod ako sa
kanya upang alalayan siya. Subalit bigla siyang umiwas sa aking pagkamangha. "I'm
fine," aniya at pilit na ngumiti.

"Are you sure?" Gabundok ang pagpipigil ko sa sarili na muli siyang lapitan.

Tumango si Tyron. "Ako pa, mataas yata ang alcohol tolerance ko," pagyayabang niya
bago muling humakbang patungo sa kanyang silid. "Cyrhel, matulog ka na rin. Huwag
mo nang intindihin ang mga pasaway na 'yan," dagdag pa niya patungkol sa mga
kaibigan.

There's something in him that I couldn't give a name. At kinakabahan ako sa


something na iyon. Wala akong idea sa kung anong nangyari sa pagitan nila ng mga
kaibigan. Hindi rin ako sigurado kung nasabi na sa kanya ni Mark ang totoo. Pero sa
kinikilos niya, duda ko na may alam na siya.

"Tyron?" Sinundan ko siya sa kanyang kuwarto at naabutan ko siyang nakaupo sa gilid


ng kanyang kama. Nakayuko habang sapo ang ng mga kamay ang kanyang mukha. Biglang
sinaklot ng pag-aalala ang dibdib ko. "May masakit ba sayo?"

"Cyrhel, tell me why is this all happening? Ito ba ang kabayaran sa lahat ng mga
nagawa kong kasalanan? Ito ba ang tinatawag na karma?" Puno ng hinanakit na wika ni
Tyron habang nananatiling nakayuko.

I felt a stab of pain in my chest. I knew exactly what he was talking about.

"He's not mine. He's not my child."

Bagaman alam ko na ang tungkol doon ay hindi ko pa rin napigilan mapasinghap sa


narinig. Pain and bitterness was written all over his face.

"All along pinaniwala ako ni Mark sa isang kasinungalingan. Hindi ko talaga


maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking iyon. Hindi ko malaman kung sadista siya
o gusto niya lang paglaruan ang damdamin ng mga taong nakapaligid sa kanya."

He has his own a reason, gusto ko sanang sabihin ngunit wala akong lakas ng loob.
For a long moment I was silent. Hinayaan ko si Tyron na ilabas ang sama ng loob
niya. Hindi ko naman siya masisi. He felt betrayed. At isa ako sa mga taong
naglihim sa kanya.

"Wala naman magbabago di ba?" Kinakabahan kong tanong pagkatapos. Natatakot ako sa
maaari niyang isagot subalit kailangan kong malaman ang kanyang desisyon tungkol
kay Baby Ron-Ron.

Tumingin siya sa akin. "I-I don't know. Ayokong mag-isip ngayon. Not now."
"Please tell me, na walang magbabago?" Giit ko.

"Cyrhel..."

"I know how much you care about him. Please don't give him up."

Hindi kumibo si Tyron. Ngunit sa pananahimik niya ay lalo lamang nagpatibay ng


hinala ko at iyon ang kinakatakot ko.

"So what, kung hindi mo anak si baby? Importante pa ba iyon? Alam ko na napamahal
na sayo ang bata at malaki ang naging parte niya sa buhay mo. Huwag mo sanang
kalimutan iyon."

Muli ay walang response mula sa kanya.

"Tyron please..."

"Go back to sleep," sa halip ay sabi niya. "Bukas na lang natin pag-usapan ang
tungkol dito."

"Pero-"

"Not now, Cy! Please leave."

Nagyuko ako ng ulo. I don't want him to see the pain in my eyes.

"Leave," muli niyang utos. But instead I just stood there. Parang nagkaroon ng
sariling isip ang mga paa dahil ayaw nang umalis ng mga iyon sa kanyang harapan.
May mga bagay na bigla kong na-realized.

"Tyron, ano ba talaga ako para sayo? Ano ba ako sa buhay mo?" Sa gilid ng mga mata
ay nakita ko ang marahas niyang paglingon. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla.
Ilang saglit siyang hindi kumibo. Mas lalo lamang akong naalarma. Pigil-hininga
kong hinintay ang isasagot niya. But how I wish I never asked.

"Like I said, bukas na lang tayo mag-usap. Goodnight, Cyrhel."

I blinked hard not to shed a tear. But I couldn't help it. The pain was unbearable
that I could hardly breathe. "I thought the feeling were mutual. I can't belive you
let me fall so hard. Sana hindi mo na lang ako pinaasa."

"Cy-" But before he could say anything, I was out of his sight.

Bagaman walang kibo si Kuya Vince, panay naman ang sulyap niya sa akin habang
nagmamaneho. Wala akong idea kung paano nawala ang kalasingan niya, gayundin ang
tatlo pa niyang kaibigan na bigla na lamang nagkamalay pagbalik ko sa sala.
Magkakasabay silang nag-uwian. Sumabay na rin akong umuwi sa kapatid at isinama ko
si Baby Ron-Ron. Wala na rin siyang dahilan para manatili pa sa lugar na iyon.

"Momo!" Aniya habang sinusundot ng daliri ang namumula kong mata. Bigla na lamang
siyang nagising sa kalagitnaan ng biyahe.

"Sleep ka na ulit," sabi ko at pilit na ngumiti. Humilig siya sa dibdib ko habang


patuloy na nakatingin sa akin. Suddenly he smiled at me before he closed his eyes.
Kahit papaano ay naibsan ng mga ngiti niya ang sakit na nararamdaman ko ng mga oras
na iyon.

"Don't worry, baby. Momo will take care of you. And I promise that I will never
leave you. I promise," I whispered softly and my eyes got misty again.

Pagdating sa bahay, katulad nang inaasahan ko ay gulat na gulat sina Mama at Papa
nang makita si Baby Ron-Ron. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagtatanggol na
ginawa ni Kuya Vince. Sa kabila ng ginawa kong pag-amin sa mga magulang ay
sinuportahan pa rin niya ako.

"Kuya..." I choked the word and start to cry. Niyakap ako ng kapatid and kissed the
top of my head.

"Sshhh... Huwag ka ng umiyak, pumapanget ka lang lalo," pagbibiro niya.


"Kuya, thank you."

I heard him chuckled. "Para saan?"

Hindi ako kumibo. Hindi ko na kailangan sabihin dahil alam ko naman na alam niya
iyon.

"Bunso, this is the last time na iiyakan mo ang lalaking iyon!"

Maang na nag-angat ako ng mukha sa kanya.

"He's not worth it! Gusto mo bang bugbugin ko siya?"

Mabilis akong umiling. "You don't have to."

"Kahit isang suntok lang," hirit pa niya.

"Kuya!"

Kinaumagahan, nagising ako na wala sa aking tabi si Baby Ron-Ron. Nagpapanic na


bumangon ako at lumabas ng kuwarto para lamang makita sina Mama at Papa na masayang
nilalaro ang bata sa may veranda.

"They like him," nakangiting wika ni Ate Valjean nang sumulpot sa likuran ko.
"Obviously, excited na talaga silang magkaapo."

"Do you think, papayag kaya sila kung sakaling ampunin ko si Baby Ron-Ron?"
Bahagyang nagulat ang hipag sa sinabi ko.

"Aakuin mo ang bata?"


"Kung ayaw ni Tyron, ako na lang." Kagabi ko pa pinag-isipan ang tungkol doon at
buo na ang aking desisyon. Hindi ako makakapayag na mapunta si Baby Ron-Ron sa
ibang tao.

"Bakit hindi kayo muling mag-usap?"

"Hindi na kailangan. Kung talagang may malasakit siya sa bata, hindi siya
magdadalawang isip."

"Tama si Cyrhel," sabat ni Kuya Vince. "Wala na silang pag-uusapan ng lalaking


iyon. Subukan niya lang magpakita, mata niya lang ang walang latay."

Nilapitan ni Ate Valjean ang asawa. "Honeybee, huwag kang magpadalusdalos.


Alalahanin mo, magbestfriend pa rin kayong dalawa."

"Wala akong bestfriend na bakulaw!" He snapped.

Matagal na kaya siyang bakulaw! Sa loob-loob ko.

Muli akong bumalik sa kuwarto at padapang nag-dive sa kama. Gusto pa sana ulit
matulog ngunit hindi ko na magawa. Muling bumalik sa isipan ko ang mga nangyari
nang nagdaan kagabi. Emotions started to get in again. At bago ko namalayan,
tumutulo na pala ang luha sa akin mga mata.

Shet ka talaga, bakulaw! Maimpatso ka sana!

Chapter Thiry Two: Miserable

A/N: Dahil hiningi ng pagkakataon, nagkaroon ng POV si Mark. He's very first.
Enjoy :)

PS: Salamat po sa lahat ng mga nagpadala ng kanilang mga ginawang bookcover para sa
BYAI. Hayaan nyo isa-isa kong ipo-post dito sa watty ang mga ginawa ninyo.
Chapter Thiry Two: Miserable

CYRHEL

"Ang cute-cute mo. Akin ka na lang!" Bago ko pa mapigilan si Eric ay pinanggigilan


na niya si Baby Ron-Ron at pinugpog ng mga halik sa pisngi. Nag-iiyak tuloy ang
bata.

"Enrico, huwag mo ngang takutin si baby!" Saway ni Azure at kinuha ang bata mula sa
kaibigan. "Sa akin ka na lang baby, mas maganda ako keysa sa kanya."

"Hoy! Mas maganda ako sayo!" Muling kinuha ni Eric ang bata. "Ako na lang ang
aampon kay Baby Ron-Ron. Ako na lang ang magiging nanay niya."

"Tange, ikaw ang tatay. Ako naman ang nanay."

"Anong akala mo sa akin, tomboy?"

"Huwag kang ambisyosa."

Bago pa sila tuluyan mag-away ay agad kong binawi sa kanila si Baby Ron-Ron na
patuloy sa pag-iyak. "Ano ba kayo? Nai-stress sa inyo ang bata!"

Bigla na lamang napasugod ang mga kaibigan sa bahay. Ang lakas ng mga radar nila.
Hindi pa nga ako nagsasabi ay tila alam na nila na mayroon akong kinakaharap na
problema. Hindi ko naman magawang maglihim sa kanila dahil alam kong gagawa sila ng
paraan para malaman iyon.

"Friendship, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Azure sa seryosong tinig.


"Hindi biro ang responsibilidad na aakuin mo."

"She's right," sang-ayon ni Eric. "Pero kung sa palagay mo iyon ang nararapat, then
go. Narito lang kami para suportahan ka."

Sa kabila ng pagiging hyper at sira ulo ng mga kaibigan ay alam naman nila kung
kailan magseseryoso.

"Pumayag na rin sila Mama at Papa na ampunin ko si baby, pero may kondisyon sila."

"Ano?" Magkasabay nilang tanong habang namimilog ang mga mata.

"Doon kami mag-i-stay ni Baby Ron-Ron sa La union." Hindi ko maintindihan kung


bakit bigla nagdesisyon ang mga magulang na ipatapon kami sa San Gabriel. Though,
sasamahan nila ako doon ay hindi pa rin ako sang-ayon.

"Exciting! Sama ako friendship," sabi ni Azure.

"Ako rin. Gusto ko doon," si Eric.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Akala ko pa naman ay nakahanap ako ng


kakampi sa kanila.

"Don't worry, friend. Hindi magiging boring ang life mo doon dahil sasamahan ka
namin ni Azure."

"Agree! Bonggang bakasyon ito!"

"At libreng bakasyon. Yipee!"

Mga baliw talaga!

Hindi rin nagtagal ang mga kaibigan. Ako mismo ang nagpaalis sa kanila. Sumakit
lamang tuloy ang ulo ko.
"Baby, here drink your milk." Subalit kinabig lamang ni Baby Ron-Ron palayo ang
kanyang feeding bottle. Magmula kahapon ay kapansin-pansin ang pananamlay niya at
hindi ko maiwasang mabahala.

"Dodo!" Suddenly he said. His finger pointing at the door.

"Dodo is not here," halos hindi iyon lumabas sa bibig ko.

"Dodo!" Pagpupumilit ng bata.

"Do you want to play?" Naisip kong i-divert ang atensyon niya at pinakita sa kanya
ang paborito niyang bola. "Come on, play tayo!" Nagtagumpay naman ako ngunit habang
naglalaro ay panay pa rin ang sulyap niya sa may pintuan. I know that he's waiting
for him. Pero imposible na mangyari iyon.

Dalawang araw na ang nakakaraan subalit ni wala man lang akong text na natatanggap
mula kay Tyron. Hindi ko ini-off ang cellphone dahil kahit papaano ay umaasa ako na
magpaparamdam siya. Kahit hindi para sa akin, para sana man lang kay Baby Ron-Ron.
Tahimik kong idinadalangin na sana ay matauhan siya at ma-realized niya ang halaga
sa kanya ng bata. But I guess, my wish didn't come true.

"Ate, may bisita po kayo," sabi ng katulong na nagpalingon sa akin. Ganun din si
Baby Ron-Ron na napahinto sa paglalaro. "Nandoon po siya sa veranda."

"Hi!" Bati niya nang lumingon sa amin.

Lihim akong nadismaya nang makita si Mark. I'm foolish for expecting him. Asa pa
ako na magpapakita sa akin ang bakulaw na iyon!

"Popo!" Bigkas ni Baby Ron-Ron nang makita ang binata. Nagtatalon siya sa tuwa at
nagpupumilit na lumapit rito. Kinuha naman siya ni Mark.

"How are you, big boy?" Bilang sagot ni baby ay nagpaulan siya ng laway. Hanggang
ngayon ay hindi ko malaman kung anong meron ang binatang doktor at gustung-gusto
siya ng bata. Mabuti na lang pala at dumating siya. "Where are they?" Tanong ni
Mark.
"May pinuntahan event sina Mama at Papa. Si Kuya Vince ay sinamahan si Ate Valjean
na umuwi ng Cebu. Kami lang ni Baby Ron-Ron ang nandito."

Tumango-tango lang siya habang patuloy na nilalaro ang bata. "Nagawi na ba dito si
Tyron?"

Umiling lang ako.

"Ang sabi sa akin ni Katkat, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw umuwi si Tyron.
Malamang baka doon sa bahay nila sa fairview siya naglalagi."

Wala pa rin akong imik. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin.

"Maybe he's still in shocked. Mahirap para sa kanya na tanggapin ang mga nalaman
niya. Pero naniniwala ako na mauuntog din ang isang iyon."

Sana nga! Dahil kung hindi, handa pa rin akong akuin mag-isa ang resposibilidad kay
Baby Ron-Ron kahit ano pa ang mangyari.

"How are you?" Suddenly he asked. Doon ako nag-angat ng mukha.

"Not good."

"Cyrhel, be strong."

"I'm trying."

"I know I've done enough damage to the both of you, ayoko na sanang makialam. But
if ever you needed my help, I'm always here."

Tumango lang ako at pilit na pinipigilan ang emosyon. Sa kabila ng pagiging cold at
snob ni Mark, maasahan naman siya bilang kaibigan.
"Mark, pwede pa-hug?" Lakas-loob na sabi ko at hindi naman ako nagdalawang salita
sa kanya. Pinagbigyan niya ang matagal ko nang minimithi. Bagaman naroon pa rin ang
hatid niyang kilig, hindi makakaila na si Bakulaw pa rin ang isinisigaw ng puso ko.
Ano ba kasing klaseng virus itong dumapo sa akin?

"Ate, nilalagnat po si baby," sabi sa akin ng inutusan kong magbantay sa bata.


Kasalukuyan akong nasa kusina at nagbe-bake ng cupcake. Sa narinig ay napasugod ako
sa kuwarto. Inaapoy nga ng lagnat si Baby Ron-Ron. Kanina ay sinat lamang iyon.
Pinainom ko pa nga siya ng gamot na binilin ni Mark.

"Cely, ipahanda mo ang kotse kay Manong Joe. Pupunta kami ng ospital."

"Opo, ate!" Nagmamadaling tumalima ang dalaga at lumabas ng kuwarto.

"Ssshh.. tahan na, baby. Pupuntahan na natin si Popo." Patuloy sa pag-iyak ang bata
na lalo lamang nagpataranta sa akin. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Mark.
Ngunit hindi siya sumasagot.

"Ate, handa po ang kotse," bigla na lamang sumulpot si Cely sa pintuan. Agad kong
dinampot ang inihandang bag at patakbong lumabas ng silid habang kalong si Baby
Ron-Ron.

Sa pinaghalong takot at pag-aalala ay nagdesisyon ako na dalhin na lamang ang bata


sa pinakamalapit na ospital. Hindi ko pa rin kasi makontak si Mark. Hindi niya
sinasagot ang mga tawag ko.

Abut-abot ang kaba sa dibdib ko habang pinagnonood ang ginagawang pag-examine ng


doktor kay Baby Ron-Ron. Tahimik akong nanalangin na sana ay maging okay siya.
Subalit napalitan ng takot ang aking kaba nang lapitan ako ng doktor.

"Misis, may dengue po ang anak ninyo."

"What?" Bulaslas ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig. "P-papaano... Imposible,


dok!"
"Bukod sa mataas niyang lagnat, may mga rushes din ang bata sa katawan. Sintomas na
iyon ng isang dengue carrier. At para makasiguro po tayo ay nagpa-bloodtest na rin
ako ng bata. Pero misis, ngayon pa lang gusto ko nang ihanda ang loob ninyo."

Nanlulumo na napasandal ako sa pader. Bago ko pa namalayan ay humagulgol na ako.


I'm all alone and I'm scared. Napilitan akong mag-angat ng mukha nang may dumantay
na kamay sa balikat ko.

MARK

Where is it? Halos hawiin ko na ang mga gamit sa ibabaw ng mesa ngunit hindi ko pa
rin makita ang cellphone. Pilit ko naman binabalikan sa isip kung saan ko maaaring
naiwan iyon. Lately, nagiging makakalimutan na ako. Madalas akong nakaka-misplace
ng mga gamit.

"Sign of aging na iyan," sabi ni Louie sa akin. At ayon pa sa kanya, walang gamot
na tatalab sa akin kundi ang magkaroon ng lovelife. Panahon na raw para mainlove
ako. Ngunit paano naman mangyayari iyon kung hanggang ngayon ay nananatiling
pihikan ang mailap kong puso.

"Choosy ka kasi," sabi ni Jared. Babae na raw ang lumalapit sa akin ngunit dedma pa
rin ako.

"Nag-iisa lang si Muriel. Huwag ka ng umaasa na makakakita ka pa ng tulad niya,"


ang sabi naman ni Riley. Akala siguro niya ay naghahanap ako ng babae na tulad ng
kanyang asawa. Though, she's one of kind, matagal na panahon na akong naka-get over
sa damdamin ko para sa kanya.

"Ang layo kasi ng tingin mo. Lumingon ka lang makikita mo na ang hinahanap mo," ang
sabi naman sa akin ni Vince. Bagaman hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin,
parang pinahihiwatig niya na nasa paligid ko lang ang tinutukoy niya.

"Isa kang malaking tanga!" Minsan ay sinabi sa akin ni Tyron. But now look who's
talking. Sino ngayon ang nagpapakatanga?

Napatuwid ako ng tayo nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Tyron. "K-kanina
pa kita hinahanap, nandito ka lang pala!" Aniya habang lulugu-lugo na humakbang
patungo sa akin.
"Lasing ka naman. Hanggang kailan mo lulunurin ang sarili mo sa alak?"

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito. You've been making a fool of
me," he accused angrily.

"No, Tyron, I helped you get to your senses and see for yourself how lucky you are
for having Baby Ron-Ron."

He smirked. "So, dapat pa pala akong magpasalamat sayo. Salamat bro. Thank you for
making my life miserable!"

Isang suntok ang hindi ko inaasahan na dumapo sa mukha ko. But I guess I deserved
it. Aminado ako sa nagawang kasalanan at alam kong napasobra ako sa kagustuhan na
mapagbago siya. Isang suntok pa sana ang ibibigay sa akin ni Tyron, ngunit dala ng
kalasingan ay na-out of balance siya at bumagsak sa couch kasama ako. Napaibabaw
ako sa kanya.

Napangiwi ako nang maamoy ang alak mula sa kanyang bibig. Pinilit kong bumangon
ngunit hinila niya ako pabalik. Mahigpit siyang nakahawak sa suot kong kurbata. "I-
I hate you so much that I Wanted to break your beautiful neck!"

"Ikaw mismo ang nagpapamiserable sa buhay mo. You have a choice, Tyron and it's up
to you."

"Iyon nga ang problema, may choice ako at hindi ko alam kung anong pipiliin ko.
Dalawang araw nang sumasakit ang ulo sa kakaisip. Malapit na akong mabaliw.
Muntikan na nga akong ipadala ni Dad sa mental hospital kung hindi lang ako
nakatakas sa kanya."

Naitawag sa akin ni Tito Serge ang tungkol doon. Ilang araw na nilang sakit sa ulo
ang pagbabaliwan ni Tyron. Ang plano niya ay dalhin sa akin ang anak niya. Hindi
naman niya akalain na seseryosohin pala nito nang minsan banggitin na dadalhin niya
sa mental ang binata. Hayun, nang makalingat si Tito Serge ay agad na bumaba ng
sasakyan si Tyron at kumaripas ng takbo.

"Tyron, Pwede bang pag-usapan natin ng maayos ito?" Bukod sa naaasiwa ako sa
posisyon namin dalawa ay nasasakal ako sa pagkakahila niya sa aking kurbata.
Nagdududa na tinitigan ako ng kaibigan.
"Alam kong magkasabwat kayo ni Dad. Dadalhin nyo lang ako sa mental hospital."

Nag-angat ako ng mukha nang may kumatok sa pinto. Pinilit kong bumangon ngunit
ngunit muli niya akong pinigilan.

"Hindi ka namin dadalhin sa mental. Hindi ka pa qualified doon."

"Talaga?"

Iyon na naman ang kumakatok sa pinto. "Wait!" Sigaw ko at nagpupumilit na kumawala


sa kaibigan.

"Promise me na hindi mo dadalhin doon," parang bata na sabi ni Tyron. Ibang level
na ang epekto sa kanya ng alak.

"I promise. Bitiwan mo na ako dali."

Agad naman niya akong binitiwan. Ngunit bago pa ako makabangon ay biglang bumukas
ang pinto.

"Doctor Mendoza, naiwan nyo po ang-" Napamulagat ang nurse sa naabutan niyang
eksena. Mabilis itong pumihit patalikod. "S-sorry po. Hindi ko po sinasadya. N-
naiwan nyo po kasi itong cellphone ninyo sa station."

Balewala na lumapit ako sa kanya at kinuha ang cellphone. "Salamat," pagkasabi ko


ay agad na lumabas ang na-shocked na nurse. Bahala na kung anuman ang isipin niya
sa nakita.

Kumunot ang noo ko nang makita ang mahigit sa sampung missed call ni Cyrhel.
Tatawagan ko na sana siya ngunit naunahan niya ako.

"Cyrhel, what happened?"

Napabangon si Tyron nang marinig ang pangalan ng dalaga.


"Nasaan ka ngayon? Sige, papunta na kami dyan!"

"May nangyari bang masama sa mag-ina ko?" Narinig kong tanong ni Tyron habang
hinagilap ko ang susi ng kotse sa ibabaw ng mesa.

"I'm not sure. Puntahan na lang natin sila-" Ngunit pag-angat kong mukha ay wala na
ang kaibigan. Nakalabas na siya ng opisina at iniwanan ako.

A/N: thank you @pyangsssss for the beautiful cover. Love it <3

Chapter Thirty Three: He's There

A/N: To sushilovestory, Cyrhel and Kevin moment for the last time.

Chapter Thirty Three: He's There

CYRHEL

"Don't worry. He's gonna be alright."

Sa kabila ng mga narinig ay hindi pa rin ako mapanatag. At kahit anong pilit ko na
palakasin ang loob ay unti-unti akong kinakain ng takot at kaba sa aking dibdib.

Mabuti na lamang at nariyan si Kevin. Kagagaling niya lang sa isang eye check-up
nang mapadaan siya sa ER at hindi sinasadya na makita ako. Kung hindi dahil sa
presensya niya, malamang ay mag-iiyak lang ako sa isang tabi. .

Nang lumabas ang resulta ng blood examination ni Baby Ron-Ron ay parang gumuho ang
paligid ko. Nasa stage three na ang kanyang dengue at kakailanganin niya ng blood
transfusion. Agad kaming nag-volunteer ng binata na maging blood donor ngunit
kinakailangan pa namin mag-undergo ng blood test kung magma-match sa dugo ng bata.
Hindi pa rin pala kami sigurado.
"Kevin, paano kung..." I felt like cyring again. Ngunit mabilis akong kinabig ng
binata at ikinulong sa kanyang mga bisig.

"I'm sure, isa sa atin ang may magma-match kay baby." I heard his throbbing
heartbeat. Kinakabahan din siguro siya.

"Momo!" Bigla na lamang nagising si Baby Ron-Ron mula sa mahimbing na pagkakatulog.


Nang makita ako ay may ngiting sumilay sa kanyang mga labi.

"Nagugutom ka na ba, baby? Gusto mong dumede?" Sa halip ay itinaas niya ang mga
kamay sa akin at nagpapakarga. Maingat ko siyang binuhat at sinenyesan si Kevin na
iabot ang feeding bottle niya sa bag.

"Cyrhel!"

Sabay kaming napalingon ni Kevin. Sa wakas ay dumating din si Mark. Subalit hindi
siya nag-iisa, kasama niya si Tyron. Bago pa makalapit sa amin si Mark ay
sinalubong siya ng doktor na tumingin kay Baby Ron-Ron. Magkakakilala pala silang
dalawa.

"Baby-" Mabilis kong inilayo ang bata kay Tyron bago pa siya makalapit sa amin. At
nagulat siya sa inakto ko. Nagtangka ulit siyang lumapit ngunit muli lang ako lang
akong umiwas.

"Cy?"

"Hindi ka namin kailangan ni baby!" Mariing sabi ko. Suddenly, umiral ang pagiging
possessive ko. Siguro dahil ayoko ng magkaroon siya ng koneksyon sa bata at wala
rin naman siyang maitutulong.

"Dodo!" Bigkas ni Baby Ron-Ron. Marahil ay narinig niya ang tinig ng binata.

"He's not your dodo anymore."


"Cy, please..." Pagsusumamo ni Tyron. Nang muli siyang magtangkang lumapit ay
hinarang siya ni Kevin.

"Pre, huwag mo nang ipilit."

"Huwag kang makialam dito!" Nagpalitan ng masamang tingin ang dalawang lalaki at
may namuong tensyon sa pagitan nila.

"Tumigil kayo!" Pumagitna si Mark bago pa magkapisikalan ang dalawa at itinulak


palayo si Tyron. Binigyan niya ng warning look ang kaibigan nang ayaw pa rin nito
magpaawat. "Palalabasin kita ng ospital kung hindi ka titigil," banta pa niya. Saka
lamang tila natauhan ang binata.

"Baby Ron-Ron needs a blood transfusion," wika ni Mark pagkaraan.

"Nag-undergo na kami ng blood test ni Cyrhel. We're willing to be his donor," sagot
ni Kevin.

"Pero hindi nag-matched ang blood type ninyo sa bata."

Sa narinig ay nanlulumo na napaupo ako sa kama. I felt hopeless. "Mark, ano nang
gagawin natin?"

"Ako na lang kunan mo," pagbo-volunteer ni Tyron. "Magka-blood type kaming dalawa
ni baby. B positive siya, hindi ba?" Pareho kaming nagulat ni Mark. Paano niya
gagawin iyon kung takot siya sa dugo?

"You're right. Pareho kayo ng bloodtype. Gayunpaman, hindi ka pa rin maaaring mag-
donate ng dugo," wika ni Mark.

"I'm stronger than what you thought. Para kay baby gagawin ko ang lahat."

"Tyron, Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

"Then tell me!"


"You're drunk. The alcohol is still running in your veins. Your blood is toxic.
Hindi mo maaaring isalin iyon sa bata."

Biglang nawalan ng sasabihin si Tyron. Patalikod itong nagmura. Maybe silently


cursing himself.

Hindi ko na malaman ang iisipin ko. Unti-unti kaming nauubusan ng option at


nawawalan na rin ako ng pag-asa. Pero ayoko pa rin sumuko. May awa ang Diyos at
alam kong hindi Niya pababayaan si Baby Ron-Ron.

Naghagilap si Mark nang ka-match ni baby sa blood bank. Lahat ng maaari nitong
lapitan ay kinontak ng binata. Doon ko lamang siyang nakita na ganun kapursige.
Abala rin si Tyron sa pakikipag-usap sa cellphone. Hindi ko alam kung sino ang
kinokontak niya. Maaaring gumagawa rin siya ng paraan pero ayokong umasa lang sa
kanya.

Nakaidlip ako sa paghihintay. Naramdaman ko lang ang jacket na dumantay sa likuran


ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Kevin. Napaka-thoughtful talaga ng binata.

"Cy?" Napatuwid ako ng upo nang marinig ang tinig ni Tyron. "Lumipat ka na lang
dito sa kama para maging komportable ka." Hindi ko siya pinansin at basta na lamang
ibinalik sa kanya ang jacket niya.

"Baka lamigin ka."

"No thanks!" Tumayo ako at luminga sa paligid.

"Wala na si Kevin. Pinauwi ko na ang tsekwang iyon!"

Tinignan ko ng masama si Tyron. Wala na talaga siyang ginawang tama. Saka ko lang
napansin na wala si Baby Ron-Ron sa ibabaw ng kama.

"Nasaan si baby?" Nagpapanic kong tanong.


"Inilipat siya ni Mark sa private room," kaswal niyang sagot.

"Bakit hindi mo ako ginising?" Angil ko. Wala akong kamalay-malay na wala na pala
sa tabi ko ang bata.

"Hindi na kita inistorbo. I thought you need to rest. Saan ka pupunta?" Basta na
lamang akong pigilan ni Tyron sa braso.

"Pupuntahan ko sila," hindi lumilingon na sabi ko. Ngunit sa halip na bitiwan ako
ay lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"May kailangan kang malaman." Marahas akong napalingon sa narinig. Iyon na naman
ang pamilyar na kaba sa aking dibdib.

"May nangyari bang masama kay Baby Ron-Ron?"

"Cy..."

"What? Huwag mo akong i-suspense!"

"Calm down."

"No! I won't calm down. Do you think mapapalagay ako gayon alam kong nasa panganib
si baby?" Nagpapanic na sabi ko.

"Cyrhel, pWede bang makinig ka muna sa akin."

"I'm listening! Now tell me, anong nangyari kay baby? Okay ba siya? Nasa mabuti ba
siyang kalagayan? Umiiyak ba siya ngayon at hinahanap ako-" I was cut off by
Tyron's abrupt kiss, his hands cupping my face. Then he pulled back just enough to
look into my eyes. I blinked at him, confused and surprised.

"Pwede na ba akong magsalita?" Amused na sabi niya. Ngunit isang malakas na sampal
ang dumapo sa kanyang pisngi. "Para saan iyon?"
"Wala kang karapatan na halikan ako."

"Ginawa ko lang iyon para tumigil ka. Aray!" Isang sampal muli ang natanggap ni
Tyron mula sa akin. "Para saan naman iyon?"

"Sasabihin mo sa akin kung anong nangyari kay Baby Ron-Ron o gugustuhin mong
masuntok sa mukha?" Banta ko. Akala siguro niya ay madadaan niya ako sa mga
kalokohan niya.

Mabilis na umatras ang binata at napakamot ng ulo. "Naku! Kung hindi lang kita
mahal, ibinitin na kita ng patiwarik!" Parang bubuyog na bulong niya.

"May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko bingi ka!" Basta na lamang akong iniwanan ni Tyron bago ko pa siya
mapigilan. Susundan ko sana siya nang makasalubong ko si Kevin.

"Akala ko ba umuwi ka na?"

"Bumili lang ako ng makakain mo," wika niya sabay abot sa akin ng dala niyang
supot.

"Hindi ka na sana nag-abala, Kevin." Nahihiya na ako sa kanya dahil sa dami ng


naitulong niya sa akin sa araw na iyon.

"Forget it. Here, magkape ka muna."

"Monay!"

Sabay kaming napalingon nang marinig ang malakas na boses ni Tyron. Nakasimangot na
lumapit siya sa akin. "Akala ko ba gusto mong malaman ang kalagayan ni baby?"
Banayad niyang asik.
Oo nga pala! I almost forgot.

Basta na lamang hinablot sa akin ni Tyron ang supot ng pagkain. "Salamat dito,
pre!" Sarkastikong sabi niya kay Kevin. Then he snatched my hand at basta na lamang
akong hinila palayo.

Nakahanap ng blood donor si Mark na kapareho ng blood type ni Baby Ron-Ron. Kaya
pala inilipat niya ng private room ang bata upang maisagawa ang pagsasalin ng dugo
rito. At iyon ang naabutan naming eksena. Nang umiyak si Baby Ron-Ron ay agad ko
siyang dinaluhan ngunit naunahan ako ni Tyron. Kinarga niya ang bata at inalo-alo.

"Ssshh... Don't cry baby. Dodo is here," he said. Nakakapagtaka naman na tumigil
ito sa pag-iyak.

Wala sa loob na nagkatinginan kami ni Mark. Tila iisa ang aming naiisip.

Nang matapos ang blood transfusion ay muling nakatulog si Baby Ron-Ron. Ang sabi ni
Mark ay under observation pa raw ang bata. Pero siniguro naman niya sa akin na wala
na kaming dapat ipag-alala. Bukas ng umaga ay ipapalipat niya si baby sa kanyang
ospital. Mas mababantayan at mabibigyan niya ng atensyon kung naroon ang bata.
Pinaubaya ko na kay Mark ang lahat. Besides, siya naman talaga ang nakakaalam kung
anong nararapat para kay Baby Ron-Ron at alam kong maaasahan siya sa lahat ng
bagay.

"Baka gusto mong mamigay?" Asik ko kay Tyron. Nasa isang sulok siya ng kuwarto
habang mag-isa niyang nilalantakan nag pagkaing binili ni Kevin.

"Kulang pa nga sa akin ito," halos hindi maintindihan na sabi niya dahil punung-
puno ang kanyang bibig. Daig pa niya ang hindi kumain ng isang linggo.

Ang kapal talaga! Kung hindi lang ako napigilan ni Kevin, malamang ay naipukol ko
na sa kanya ang nahagip kong flower vase.

"Alam kong hindi mo rin gugustuhin na masaktan siya," wika ni Kevin habang amused
na nakatunghay sa akin. "Maaaring galit ka pa rin sa kanya ngayon, pero lilipas din
iyan. Give him another chance. He cares a lot for baby. Pareho naman natin nakita
iyon. He cares for you too."
Napanguso ako. "Paano mo naman nasabi?"

"I can see to his eyes," he chuckled. "Kung nakakamatay lang ang mga tingin niya sa
akin, kanina pa sana ako tumumba."

Nagdududa na tinitigan ko ang binata.

"Lalaki rin ako kaya alam ko. Trust me," then he winked. "I guess it's time for me
to leave."

"Aalis ka na?"

Ngumiti si Kevin. "Nariyan naman si Tyron. Panatag ako na hindi niya kayo
pababayaan."

"Pero ako hindi. Mabuti na lang din at nandito si Mark."

Natatawa na kinabig niya ako at maingat na niyakap. "Tulak ng bibig, kabig ng


dibdib," bulong niya bago ako muling pinakawalan.

"Kevin, thank you for being always there. Thank you for everything."

"May kapalit ang pagtulong ko, baka akala mo!"

"Huh?" Bago pa ako makapag-react ay binigyan niya ako ng mabilis na halik sa mga
labi.

"You're welcome, prettiful. Till next time," nangingiting sabi ni Kevin habang
naglalakad papalayo.

"Why did he kissed you?" Sa isang iglap ay nasa tabi ko na si Tyron.


"H-hindi ko alam," wala sa loob na sagot ko. I was still in shocked.

"Bakit pumayag kang magpahalik?"

"Hindi ako pumayag. Binigla niya ako."

"Kahit na! Hindi ka dapat nagpapahalik kung kani-kanino."

"Fine! Simula sa araw na ito hindi ako magpapahalik, maliban sa taong gusto ko. At
hindi ikaw iyon."

"What? I thought that you love me."

"Who says that I love you?"

"Ikaw. Sinabi mo sa akin noong gabing nalaman ko ang totoo."

Gulat na itinuro ko ang sarili. "Ako? Bakit ko naman sasabihin iyon?"

"Basta iyon ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo. You love me and I love you too!"

Chapter Thirty Four: Monay And Bakulaw

Chapter Thirty Four: Monay And Bakulaw

TYRON

I feel light and full of energy. Sa kabila ng kakulangan sa tulog nitong mga
nakaraang araw ay maganda pa rin ang gising ko tuwing umaga.
"So don't act like it's a bad thing to fall in love with me. Cause you might f--
around and find your dreams come true with me..." Pakanta-kanta pa ako habang
papasok ng ospital. Hindi ko maiwasang mapangiti habang sinasamyo ang bitbit na mga
bulaklak.

"Spend all your time and your money just to find out that my love was free. So
don't act like it's a bad thing to fall in love with me, me. It's not a bad thing
to fall in love with me, me..."

"Good morning, sir!" Bati sa akin ng dalawang nurse na nakasalubong ko.

"Good morning, ladies," ganting bati ko and gave them my devastating smile.

"Di ba siya 'yung lover ni Doctor Mendoza?"

Napahinto ako sa pagliko ng hallway sa narinig. Ano daw?

"Totoo ba 'yung tungkol kay Doctor Mendoza? Baka tsismis lang iyan!"

"May nakakita kaya sa kanya na may kalampungan na lalaki sa kanyang opisina. At


siya ang lalaking iyon."

"Ows, talaga? Pero wala naman sa itsura nila."

"Looks can be deceived. Kahit gaano pa sila kaguwapo may tinatago naman silang
sekreto."

Kami ni Mark, maglover? Bago iyon sa pandinig ko. Ito ang unang pagkakataon na may
nagduda sa aking pagkalalaki. At si Mark? Sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanya,
malabo na magkatotoo ang bintang sa kanya. Maaaring mailap at cold siya sa mga
babae, but he had his own reason, na tanging siya lamang ang nakakaalam.

Naabutan ko si Cyrhel na mahimbing na natutulog sa couch. Siya kasi ang nakatoka na


magbantay kay Baby Ron-Ron buong magdamag. Maingat akong humakbang palapit sa
kanya. Nakanganga pa siya habang naghihilik.
"Huy, monay!" Tinapik-tapik ko siya sa pisngi ngunit tulog na tulog pa rin siya.
Napangisi ako nang makaisip ng kalokohan. Unti-unti kong nilapit ang mukha sa
kanya. Ngunit bago pa maglanding ang nguso ko sa kanyang pisngi, isang kamao ang
pumigil sa akin.

"Subukan mo lang, bakulaw! Babasagin ko talaga 'yang nguso mo!"

Gising na pala si Cyrhel. Akala ko pa naman ay makakaisa ako sa kanya.

"For the most beautiful girl in my eyes," nakangiting sabi ko sabay abot sa kanya
ng biniling bulaklak.

Nakasimangot na bumangon si Cyrhel. Magulo ang buhok at may muta pa sa mga mata.
"Makakain ko ba iyan? Almusal ang kailangan ko at hindi bulaklak."

"Sabi ko nga!" Basta ko na lamang inihagis ang mga bulaklak sa bedside. Madali
naman akong kausap. "Tara, kain tayo sa labas."

"Ayoko kong lumabas!"

"Akala ko ba gusto mong mag-almusal?"

"Walang magbabantay kay baby. Hindi natin siya pwedeng iwanan mag-isa."

"Ako na lang ang bibili sa labas," pagbo-volunteer ko.

"Huwag na! Uuwi na rin ako. Sa bahay na lang ako mag-aagahan."

"Sandali lang naman ako."

Tila walang narinig na tumayo si Cyrhel at tinungo ang banyo. Sablay na naman ang
diskarte ko. Sana pala ay nag-take out na ako ng pagkain kanina.
Buong akala ko ay okay na kaming dalawa. Ngunit nanatili pa rin malamig ang
pagkikitungo niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Hanggang ngayon ay hindi
pa rin kami nagkakausap ng sarilinan. Ilang beses akong nagtangkang kausapin si
Cyrhel, ngunit palagi na lamang nariyan si Mark o hindi kaya ay si Kevin. Hindi ako
makadiskarte. Kapag naman nakahanap ako ng pagkakataon ay nauunahan ako ng hiya.
Madalas ay iba ang nasasabi ko sa gusto kong sabihin. Sa buong buhay ko, ngayon
lang ako na-torpe ng ganito. Tama nga ang sinabi ng mga kaibigan, wala nang hihirap
pa sa pagtatapat ng tunay na nararamdaman.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at pilit na pinalakas ang loob. Kung
hindi ko magagawang magtapat ngayon, kailan pa? Lumilipas ang mga araw at baka
hanggang sa makalabas ng ospital si Baby Ron-Ron ay hindi pa rin kami nagkakaayos.

Inabangan ko ang paglabas ng dalaga sa banyo. Ngunit nagkagulatan lang kaming


dalawa. "Tumabi ka nga! Isa kang malaking kalat!" Asik ni Cyrhel at tinabig ako
upang makaraan siya.

"Why you're always in a horrible mood?" Tanong ko habang nakasunod sa kanya. Palagi
na lang siyang nagsusungit sa akin. Kung sabagay, hindi siya si Cyrhel kung wala
ang mga nakakaasar at nakakainis niyang mga lintanya.

"It's part of my charm. Did I mention I'm charming?"

"No. But you already stole my heart. Could you give it back to me?"

She tilts her head and stared at me for a few second. "Naglasing ka naman siguro
kagabi. May hang-over ka pa yata."

I stared at her in disbelief. "I'm serious. Mukha ba akong nagbibiro?"

Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Cyrhel at sa halip ay binalingan nito ang
sariling cellphone. "Hello Kevin, mamayang after lunch na lang tayo magkita. Sabay
na tayong pumunta ng ospital."

Dismayadong napaungol ako. Nakakalamang na sa akin ang tsekwang iyon!

"Tyron, ikaw na muna ang bahala kay Baby Ron-Ron. Sasaglit lang naman ako sa bahay.
Babalik din ako kaagad," hindi tumitingin na sabi niya habang abala sa
paghahalungkat ng kanyang bag.

"Cy..."

"Oo nga pala, bago ko makalimutan. Nagbilin si Mark na ipabili ko raw sayo ang mga
ito." Mayroon siyang inaabot na maliit na papel. "Huwag mo raw kakaligtaan ang
lahat ng nasa listahan."

Tumango lang ako. I don't know what else to say. Nasira na naman ang diskarte ko.

"May sasabihin ka ba?" Pagkaraan ay tanong ni Cyrhel. Mabilis akong umiling.


"Sigurado ka? Sabihin mo na hangga't hindi pa ako nakakaalis," paniniguro niya.
Muli akong umiling. Pagbalik na lang niya siguro mamaya.

Palabas na siya ng pinto nang lumingon sa akin. "Tyron?"

"Yes?" Tila lumukso ang puso ko sa narinig.

"Nevermind," then she left and closed the door. I wondered why she suddenly looked
so sad.

"Mom, Dad?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng mga magulang. Paano nila nalaman na
nasa ospital ako?

"Where is my apo?"

"Huh?" Bago ko pa mapigilan si Mommy ay tuluy-tuloy siyang pumasok ng silid kasunod


si Dad. "I'm excited to meet him," he said.

"Oh, he's so cute!"

"Mom, baka magising si baby." Subalit tila wala siyang narinig at kinarga pa rin si
Baby Ron-Ron. Tuluyang nagising ang bata. Namimilog ang mga mata nito na nakatitig
sa dalawang estranghero na nakatunghay sa kanya.

"Hello, baby. I'm your lolo and this is your lola."

"Welcome to our family."

What they are talking about?

"They couldn't stop," wika ni Mark na biglang sumulpot sa doorway. Hindi ako
sigurado kung kasama siyang dumating ng mga magulang.

"Sinabi mo sa kanila?"

"Pinilit nila ako," kaswal niyang sagot at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
Pinangunahan na naman ako ng kaibigan. Hanggang kailan ba siya makikialam?

"You should have told us, JT. Maiintindihan ka naman namin ng daddy mo."

"I had to admit, na-shocked kami sa mga nalaman. Subalit mas maigi iyon kaysa naman
pag-alalahanin mo kami ng husto sa pagbabaliw-baliwan mo. Kung hindi lang ako
pinigilan ng mommy mo, malamang nasa mental hospital ka na ngayon."

"Dad naman!" Alam kong nagbibiro lamang siya. Pero hindi malabong mangyari iyon
kung hindi lamang ako natauhan. At gusto kong batukan ang sarili sa mga pinaggagawa
ko nitong mga nakaraang araw. Ang dami kong napuwersyon at nasaktan na tao. Kasama
na roon si Cyrhel.

"We're proud of you, son," Si Dad ulit at inakbayan ako. "Whether he's yours or
not, accepting this child was the bravest thing you've ever done."

"Oh my, he likes me!" Bulaslas ni Mommy nang humagikgik si Baby Ron-Ron. Ito ang
unang beses na naging masigla ang bata pagkatapos nitong magkasakit. Seems like he
knew that he will have a new family.
Napabuti rin ang pagiging pakilamero at madaldal ni Mark. Nag-aalala pa man din ako
na baka hindi matanggap ng mga magulang si Baby Ron-Ron. Iyon naman pala ay wala
akong magiging problema sa kanila.

"Isa na lang ang problema mo," pasimpleng sabi ni Mark nang lumapit sa akin. "Gusto
mo bang ako na rin ang magsabi sa kanya?"

"Hindi na kailangan, Mark. Hanggang dito na lang ang pakikialam mo. Hayaan mo ako
na mismo ang magsabi kay Cyrhel. Diskarte ko na ito," banayad kong asik.

"Humingi ka kasi muna ng sorry bago ka magtapat," muling giit ng kaibigan. "Kulang
ka kasi sa effort. Hindi na uso ngayon ang tipong basta na lang aamin. Kailangan
mong maiparamdam kay Cyrhel na sincere ka talaga sa kanya."

"Mark, you're talking too much." Napipika na ako sa kanya. Hindi niya ako kailangan
diktahan kung ano ang gagawin ko.

"I just want to help."

"Thanks but no thanks."

"Ikaw ang bahala. But if ever you needed my-"

"Shut up!" Walang babala na pinulupot ko ang braso sa leeg niya. "Talaga bang gusto
mong masaktan?"

"T-Tyron hindi ako m-makahinga."

"Iyan ang napapala ng mga pakilamero."

"Where is his mother?" Tanong ni Dad na nagpahinto sa aming dalawa.

"Akala ko ba sinabi mo na sa kanila ang lahat-lahat?" Pasimple kong bulong kay


Mark.
"I-I told them everything," aniya habang patuloy na nagpupumilit na makawala sa
akin.

"Where is Vince's sister?" Tanong naman ni Mommy. "Hindi ba siya ang kinikilalang
ina ng bata?"

"At ang babaeng nagpatibok ng pasaway na puso ng aking binata," Dad teased.
Pinamulahan ako ng mukha. Pati pala ang tungkol doon ay sinabi ng kaibigan.

"Mamanhikan na ba kami ng mommy mo?"

"Tito Serge, hayaan nyo munang magtapat ang anak ninyo bago kayo mamanhikan," sabat
ni Mark.

"Jt, kailan ka pa naging torpe sa babae?" Sita ni Mommy. And to my surprised, bigla
na lamang niya akong pinektusan ng mga dalawang beses.

"You'll pay for this," banta ko sa kaibigan. Siya ang puno't dahilan ng mga ito.
"Aray! Mom, masakit iyon!"

"Mas lalo kang masasaktan kung hindi ka pa kikilos. Nakakahiya kina Mary at
Vicente. Ano na lang sasabihin ng mga balae ko?"

"Do something, son. Bago ka pa maunahan ng mommy mo."

Bakit ba pakiramdam ko ay pine-pressure nila akong lahat?

"Mom, saan kayo pupunta?"

"Iuuwi na namin ang apo ko," hindi lumilingon sabi niya habang karga si Baby Ron-
Ron palabas ng silid. Binitbit naman ni Dad ang mga gamit ng bata.

"P-pero hindi pa siya maaaring-"


"Pwede nang i-discharge si baby. Naayos ko na ang mga papeles niya," wika ni Mark.
Panay ang himas nito sa nangawit na leeg.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?" I said in desperation and puts both hands
on my head. Malalagot ako nito kay Cyrhel. Parang nakikinita ko na ang magiging
reaksyon ng dalaga sa oras na hindi niya maabutan si Baby Ron-Ron.

Katulad ng inaasahan ko, sumugod si Cyrhel sa bahay ng mga magulang. Ako na mismo
ang tumawag sa kanya upang ipaalam na wala na ang bata sa ospital. Wala pang isang
oras ay humahangos na dumating ang dalaga.

"Where is Baby Ron-Ron?"

"Nasa loob. Cy, wait!" I grabbed her arm, upang pigilan siya.

"I want to see him. Hindi mo siya pwedeng itago sa akin."

"Cy, hindi ko siya tinatago sayo."

"Pwes, hayaan mo ako na makita siya. He's not yours. And as far as I remember you
disowned him. Ako na ang may karapatan sa kanya at hindi ikaw," aniya na itinuon
and daliri sa dibdib ko.

"Wala akong naaalala na ginawa ko iyon."

"Pero iyon ang pagkakaintindi ko sa pananahimik mo. Ano ba, Tyron bitiwan mo nga
ako!"

"Calm down!"

"I won't calm down unless you let me see him," nagpupuyos niyang sigaw at
pagpupumiglas.
"Ano bang ingay iyan?" Biglang lumabas si Mommy at nagulat sa nadatnan. "What's
happening here?"

"Mom, hayaan nyo muna kaming mag-usap ni Cyrhel."

"Wala na tayong pag-uusapan. Tita, pwede ko bang makita si Baby Ron-Ron?"

"H-he's now in the guestroom and sleeping."

"No! Mag-uusap pa tayo," pigil ko kay Cyrhel. I wrapped my arms around her and hold
her tight.

"Ayokong makipag-usap sayo!"

"But we have to. For once and for all, gusto kong magkaliwanagan tayong dalawa."

"Hindi ba kayo pwedeng mag-usap nang hindi kayo nagsisigawan?"

"Mom, please!"

"Okay! Iiwanan ko na kayo. But JT, don't be harsh on her. Sa laki mong iyan, walang
laban sayo si Cyrhel."

Kung nalalaman lang niya na mas malakas pa sa akin ang babaing ito. Damn! Sabi ko
na nga. sapul ako sa sikmura ng kanyang siko. Nabitiwan ko tuloy siya.

"Cy, wait!" Patakbong lumayo si Cyrhel. Sa kagustuhan niyang makapasok sa loob ng


bahay ay tuluy-tuloy siya sa glass door. Hindi niya napansin na nakasara iyon.
Nauntog siya at paupong bumagsak sa sahig. Agad ko siyang dinaluhan.

"Cyrhel!" Sapu-sapo niya ang noo habang nakayuko. "Are you alright?" Namalayan ko
na lang na umiiyak na pala siya. "Masakit ba? Ikaw naman kasi, ayaw mong makinig sa
akin."

"I hate you!"

"I know that I was stupid, crazy and unreasonable but can't you forgive me?"

"Right, I can't forgive you. And I won't let you to take him away from me," she
sobbed angrily. "Baby Ron-Ron is mine. Give him back to me!"

I cleared my throat. "I can't. A part of me will die if I let him go."

Nag-angat ng mukha si Cyrhel. "Y-you're lying... Hindi ka magdadalawang isip na


tanggapin siya kung talagang mahalaga si baby sayo."

"Maaaring nagdalawang isip ako, but I never disowned him. I never will."

"Naghintay ako, Tyron. Naghintay ako na sunduin mo siya sa akin. Naghintay din sayo
si Baby Ron-Ron at umasa siya na magpapakita ka sa kanya."

"What do you expect? Kung kailan handa na ako sa mga pagbabago sa buhay ko ay saka
ko naman nalaman ang totoo. I felt betrayed. I was so depressed and disappointed.
Gulung-gulo ang isipan ko. Kulang na lang ipatapon ako ng mga magulang ko sa mental
hospital. Pero nang malaman ko ang nasa panganib ang buhay ni baby, halos atakehin
ako ng sobrang nerbiyos. I've never been this scared in my whole life."

"Sinasabi mo lang 'yan dahil napipilitan ka lang. Simula pa lang nang dumating sa
buhay mo si baby ay ayaw mo na sa kanya."

Umangat ang kamay ko at pinahid ang mga luha sa pisngi ni Cyrhel. "But he changed
me. He taught me how to opened my heart with somebody else. And he made me realized
that life is something beautiful with the persons I truly loved."

"You loved him?"

Tumango ako at ngumiti. "And I loved you too- Ouch!" Hinampas niya ako sa balikat
ng mabigat niyang kamay.

"Puro ka naman kalokohan. Si Baby Ron-Ron ang issue dito at hindi ako."

Nangingiti na inabot ko ang kamay niya at dinala iyon sa dibdib ko. "I remember you
asked me, kung ano ka ba talaga sa buhay ko. You never gave me a chance to answer
your question. Basta ka na lang umalis. Leaving me confused and broken."

"You're silence means nothing," she snapped. Hindi ko siya binitiwan nang tangkain
niyang bawiin ang kanyang kamay.

"Ang hirap sayo, hindi ka marunong makinig. Ang tigas-tigas ng ulo mo."

"Look who's talk-"

"See? Pwede bang pakinggan mo muna ako bago ka mag-assume ng kahit na ano," agap ko
sa sasabihin niya.

"Puro ka naman kasi kalokohan."

"Look at me. Do I looked like making fun of you? Mukha lang ako nakakatawa pero
seryosong-seryoso ako."

Bigla naman tumahimik si Cyrhel. Akala ko ay pagtatalunan pa namin ang tungkol


doon.

"I was irritated with you, hated you. Subalit hindi ko maintindihan kung anong
klaseng virus itong dumapo sa akin at lumulukso ng ganito ang puso ko sa tuwing
nakakasama kita. How can anyone hate and love at the same time?"

"So, kasalanan ko pa ngayon-" Pinigilan ko ng hintuturo ang mga labi niya. I stared
at her for a moment before a grin appreared on my lips.

"You're right, kasalanan mo. Kung hindi dahil sayo ay hindi ko mare-realized na
posible pala akong umibig. Ikaw ang dahilan kung bakit tumitibok ng ganito ang puso
ko. My heart will never be whole without you. A half of it was owned by you."
Before I knew what hit me, my eyes got misty.

"Para kang sira, bakulaw. Ang panget mo, huwag kang umiyak!"

Look who's talking. Pati naman siya ay umiiyak.

"You're the most oblivious person I've ever met."

Nang gumanti ng ngiti si Cyrhel, the world around me stood still. "Oo na, mahal na
kita, bakulaw!"

"And I love you too, Monay." I held her, pressing my face into her neck. My arms
tighten around her and squeezed. "Can I kiss you now?" I murmured formally. Ang
lakas ng tawa ng dalaga.

"You don't have to ask," then she held my face close and pushed her lips against
mine when suddenly...

"Stop!" Biglang dumating si Vince kasama sina Jared, Riley at Louie, minus Mark.
"Itigil nyo ang kalokohan iyan!"

"Ikaw ang tumigil!" Bigla na lamang binitbit palayo ni Jared ang kapatid, katulong
si Riley. "Huwag kang KJ. Hayaan mo nang magkalovelife ang kapatid at bestfriend
mo."

"Hindi ako makakapapayag!"

"Tanggapin mo na, Vince. Sooner or later, magiging brother in-law mo na rin si


Tyron," Wika ni Louie na nakitulong sa pagbitbit.

"Noooo!"

Sinundan lang namin siya ng tingin ni Cyrhel habang papalayo. "Problema ka pa pala
ang kuya mo."
"I know you can handle him."

"You think so?" Muli kong tinitigan si Cyrhel. My heart was poured with so much
love and joy. Pakiwari ko tuloy nasa alapaap ako.

"Tyron, how much do you love me?" Paniniguro niya.

I smiled from ear to ear. "A lot. More than anyone and everyone and anything and
everything else." I kissed her between the eyebrows and on the tip of her nose and
carefully fit my mouth to hers.

Chapter Thirty Five: Finale

Chapter Thirty Five: Finale

CYRHEL

Nagkasalubong ang mga kilay ko nang makatanggap ng tawag mula sa isang anonymous
number.

"Tyron is missing," bungad ng isang nakakatakot na tinig ng lalaki sa kabilang


linya. Kahintulad ang boses nito sa napanood kong horror movie noong isang araw sa
HBO. Ang creepy.

"W-Who's this?"

"If you really love him, find him before it's too late."

Ano daw?
"Koya, sigurado ba kayo na ako ang gusto nyong makausap?"

"He needs your help."

"Eh?"

"Find him!" Nailayo ko sa tenga ang cellphone sa lakas ng boses nito.

"Kung sino ka man buwisit ka..." Ganting sigaw ko. "Piliin mo ang taong lolokohin
mo! Kung ipa-salvage kaya kita?" Ngunit bago ko pa namalayan ay naglaho na ang
kausap sa kabilang linya.

"Hello? Hello?" Adik lang. Obyus na nagtitrip at walang magawa sa buhay. Kung ipa-
block ko kaya ang number nito sa NTC.

Sa wakas, pagkatapos kong maipit sa sobrang traffic ay nakarating rin ako tagpuan
namin ni Tyron. Kanina ko pa siya tine-text na male-late ako pero hanggang ngayon
ay wala pa rin akong reply na natatanggap mula sa kanya. Nasaan na kaya ang bakulaw
na iyon?

Nang mainip ay ako na mismo ang tumawag sa kanya ngunit nakakapagtaka na hindi
sinasagot ni Tyron ang cellphone niya. Duda tuloy na baka na-late din siya kaya
ayaw niyang sagutin ang tawag ko.

Labinlimang minuto ang mabilis na lumipas. Wala pa rin ni anino niya. At ang mas
lalo pang nakakainis, ni isang text ay hindi man lang siya nagpaparamdam. Malalagot
ka talaga sa akin pagdating mo!

Pagkaraan ng kalahating oras, nag-walk out na ako. Hindi ko na kayang maghintay pa


sa kanya lalo na at walang kasiguraduhan kung sisiputin pa niya ako. Buwiset na
bakulaw na iyon! Gumastos pa ako para pagpa-parlor. Nagpaganda pa ako ng husto para
sa kanya. Iyon pala ay iindyanin niya lang ang beauty ko.

"Bunso, kamusta ang date mo?" Salubong sa akin ni Mama pag-uwi ko ng bahay.
"Ma, ngayon pa lang ihanda na ninyo ni Papa ang inyong mga sarili dahil magkakaroon
kayo ng matandang dalagang anak!" Walang likod-lingon na dumiretso ako ng kusina at
binuksan ang refrigerator. Kailangan ko ng malamig na malamig na tubig upang kahit
papaano ay maibsan ang init ng aking ulo. Waley! Sirang-sira ang araw ko.

"Here. Mas mabuti itong pampalamig kaysa sa tubig." Inaabutan ako ni Ate Valjean ng
ginawa niyang fruitshake. "Seems like your first date turned into disaster."

Iyon pa ang isa sa kinasasama ng loob ko. First ever date namin iyon ni Tyron as
official couple. Talagang pinaghandaan ko ng husto ang araw na ito dahil ang sabi
niya may surprise raw siya sa akin.

"Sis, may next time pa naman."

"Wala ng next time! Subukan niya lang magpakita sa akin, babasagin ko talaga ang
mukha niya!"

"Give him another chance." Bigla na lang sumulpot si Kuya Vince sa tabi ng kanyang
asawa. "For sure, mayroon siyang balidong dahilan."

Tila namamalik-mata na napatitig ako sa kapatid. Tama ba ang pagkakarinig ko o


nabibingi lang ako? Para kasing nagbago ang ihip ng hangin. Biglang nagsalubong ang
mga kilay ko.

"Kuya, anong nangyari sayo?" Saka ko lamang napansin ang mga pasa sa kanyang mukha
gayundin ang malaking blackeyed sa magkabila niyang mata niya.

"Nakipagbasag-ulo lang naman siya," wika ni Ate Valjean sabay irap sa asawa.

"Sa laki mong iyan nagpabugbog ka?" Namamanghang tanong ko.

"Kasi mas malaki pa sa kanya ang kabasag-ulo niya. Ang lakas ng loob maghamon ng
suntukan, hindi naman kayang panindigan."

"Sorry na, honeybee. Promise, hindi na mauulit."


"Hindi na talaga mauulit dahil ako na mismo ang bubugbog sayo!" Banta ng hipag.

"Go, Ate Valjean! Suportahan kita!"

Pinaglakihan ako ng mga mata ni Kuya Vince ngunit dedma lang ako. Buti nga sa
kanya. Nakahanap siya ng katapat sa katauhan ng kanyang pretty but astig na asawa.

Imbes na magmukmok ay natulog na lang ako maghapon. Pasado alas-kuwatro na nang


magising ako. Wala pa sana akong balak bumangon nang makaramdam ako ng pagkagutom.
Hindi pa pala ako nanananghalian. Buwiset! Pati tuloy appetite ko ay naapektuhan.
Pero maigi na rin siguro iyon nang masimulan na ang matagal ko nang binabalak na
pagda-diet.

Kalalabas ko lang ng banyo nang tumunog ang cellphone sa ibabaw ng tokador. Ang
unang pumasok sa isip ko ay baka si Tyron. Ganon na lamang ang pagpipigil ko sa
sarili na sagutin ang tawag niya. Kailangan ko siyang bigyan ng leksyon para naman
ma-realize niya ang ginawa niyang perwisyo sa akin. Nang muling mag-ring ang
telepono ay hindi rin ako nakatiis. Subalit imbes na pangalan ni Tyron ang mag-
register sa screen ay pangalan iyon ng kanyang ina.

"H-Hello, Tita Tere?"

"Kasama mo ba ngayon si Tyron?"

"Hindi po. Hindi nga po siya nagpakita sa akin kanina."

"Akala ko ba may lakad kayong dalawa?"

"Iyon din po ang akala ko." Pero ni anino po ng anak ninyo ay hindi nagpakita sa
akin, gusto ko sanang idugtong.

"Ang sabi niya kasi ay babalik siya para sunduin si Baby Ron-Ron dito sa bahay.
Kanina pa siya hinahanap ng bata. Hindi ko naman siya makontak dahil hindi niya
sinasagot ang kanyang cellphone."
"Hindi rin po niya sinasagot ang mga tawag ko."

Saka lamang bumalik sa isipan ko ang natanggap na tawag kanina mula sa isang di-
kilalang lalaki. Hindi kaya?

"Cyrhel, baka may nangyari nang masama sa anak ko?"

"Wala naman po siguro, tita." Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit biglang
sinaklot ng kaba ang dibdib ko.

"Bunso, saan ka pupunta?" Nakasalubong ko sa hagdanan si Mama. "Aalis ka na naman?"


Kunot-noong pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.

"Ma, binabawi ko na ang sinabi ko kanina?"

Lalo lamang tuloy nagsalubong ang mga kilay niya. "Binabawi ang alin?" Hindi ko na
nagawang sumagot sa sobrang pagmamadali. Nilagpasan ko lang si Kuya Vince na
nagtatakang hinabol ako ng tingin.

"Vince, nasisiraan na yata ng ulo ang kapatid mo?

"Ma, may pagkalukaret man ang bunso ninyo, sigurado akong alam niya ang kanyang
ginagawa."

"Anong meron?" Magkasabay na dumating sina Azure at Eric sa paborito naming


tambayan sa kabilang kanto. Hindi pa sila nakakaupo nang sumigaw ang binata.

"Manang, isa nga pong order ng special lugaw!"

"Manang, unli lugaw po ang sa akin!" Sigaw naman ni Azure. Sabay kaming napalingon
ni Eric sa kanya.
"Gutom ka, teh?"

"Walang pakialamanan, Enrico! Ikaw, friendship gusto mo din?"

Mabilis akong umiling. Magagawa ko pa bang kumain sa ganitong sitwasyon?

"Guys, I need your help!" Subalit hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng mga
kaibigan at patuloy sa pagkain. "Guys, naman!"

"Ano na naman ang problema mo, Cyrhel?" Nakaangat ang kilay na tanong ni Eric.

"Nawawala ang dyowa ko."

"Friendship, try mong hanapin siya sa lost and found," sagot naman ni Azure.

"Seryoso ako, guys. Nawawala talaga si Tyron at hindi ko alam kung saan ko siya
hahanapin." Ikinuwento ko sa mga kaibigan ang lahat, pati na rin ang tungkol sa
tawag na natanggap ko mula sa di-kilalang lalaki.

"Ang creepy nga, friendship!"

"Cy, akina na iyong number. Susubukan kong tawagan." Subalit nakakapagtakang


unattended na ang nasabing linya.

"A-ano nang gagawin ko?" I sobbed. Unti-unti nang nagpapanic ang kalooban ko sa
sobrang pag-aalala.

"Friendship, tawagan mo kaya iyong kaibigan niyang doktor. Baka naman alam niya
kung nasaan si Tyron."

Oo nga pala si Mark! Ngunit nakakatatlong tawag na ako, hindi naman niya sinasagot.
"Napuntahan mo na ba si pogi sa pad niya?" Tanong ni Eric. Mabilis akong umiling.
Halos tumirik ang mga mata niya at nakapameywang na tumayo. "Ano pang tinatanga nyo
dyan? Let's go!"

Ilang sandali pa ay lulan na kami ng sasakyan. Si Eric ang nagprisintang magdrive


habang ako naman ay walang kibong nakapwesto sa tabi niya.

"Teka! Ako ang may-ari ng kotse pero bakit nasa backseat ako?" Reklamo ni Azure.

"Ikaw nga ang may-ari pero wala akong tiwala sa driving skill mo. Ayokong
ipagkatiwala sayo ang precious life ko."

Bigla na lamang sinunggaban ni Azure si Eric. Bago ko pa namalayan ay nagrarambulan


na silang dalawa at nagpagewang-gewang ang aming sinasakyan sa kalsada. Hindi ko
malaman kung mananalangin ako para sa kaligtasan ni Tyron o sa kaligtasan naming
lahat.

Pagdating namin sa condo, si Manong Ed kaagad ang una kong nilapitan. Ayon sa kanya
ay hindi niya raw napansing bumalik si Tyron ngunit nakita niya ang kotse nito na
nakapark sa underground. Sa narinig ay nagmamadali akong umakyat sa unit ng binata.
Tahimik akong nananalangin na sana ay naroon siya. Pero si Katkat ang nagbukas sa
amin ng pintuan.

"Ate Cyrhel?"

"Si Tyron?"

"Umalis po."

"Alam mo ba kung saan siya nagpunta?" Mabilis siyang umiling.

"Pero sinundo po siya ng tatlong lalaki. Kaibigan po yata niya ang mga iyon."

"Tatlong lalaki?"
"Oh my! Sila ang kumidnap sa dyowa mo!" Bulaslas ni Eric.

"Masyado silang guwapo para maging kidnapper," react ni Katkat.

"Talaga, guwapo? Hindi nga?" Si Eric ulit.

"Friendship, may tumatawag sayo." Kung hindi pa ako sinabihan ni Azure ay hindi ko
mapapansin na tumutunog ang cellphone. Nanlaki ang mga mata ko nang magregister ang
pangalan ni Mark sa screen.

"Hello, Mark?"

"May kailangan ka, Cyrhel? Sorry, ngayon ko lang napansin ang mga missed call mo."

"Alam mo ba kung nasaan si Tyron?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Si Tyron?" Ilang sandaling nanahimik si Mark pagkaraan ay ibang tinig ng lalaki
ang nagsalita.

"Cyrhel, pumunta ka ngayon dito sa ospital!"

"Hurry up, before its too late!"

Bago pa ako makapag-react ay naputol na ang kabilang linya. Teka, pamilyar sa akin
ang boses na iyon.

"Anong sabi?" Pakikiusyoso ni Eric. Hindi ko siya pinansin at muling dinayal ang
numero ni Mark. Pero hindi ko na ulit makontak ang binata dahil busy na ang kanyang
linya.

"Guys, sa ospital ang destinasyon." My instinct told me to do so.


"Dun ba nagtatrabaho 'yung guwapong doktor?" Pasimpleng tanong ni Azure sa akin.

"Malamang, ospital nga di ba?" Sabat ni Eric.

"Tse!"

Wala pang labinlimang minuto ay nasa ospital na kami. Pababa na sana ako ng
sasakyan ng biglang magsalita si Katkat.

"Siya 'yung lalaking sumundo kay Kuya Tyron?" Lahat kami ay sinundan ng tingin ang
itinuro niya.

"I guess you're right, Katkat," hindi kumukurap na wika ni Eric. "Masyado siyang
guwapo para maging kidnapper."

"I second the motion," sang-ayon ni Azure.

Kung hindi ako namamalik-mata, si Jared ang tinutukoy ng dalaga. Nang makita niya
akong bumaba ng kotse ay agad siyang lumapit sa akin.

"Cyrhel, kanina ka namin hinihintay."

"Namin?" Bago pa ako makapagprotesta ay inakay na niya ako papasok ng ospital. "Si
Tyron?" Hindi nakatiis na tanong ko.

He looked at me with sadness in his eyes. Kinabahan tuloy ako. "M-may nangyari bang
masama sa kanya?"

"Malalaman mo mamaya," matipid na sagot ni Jared.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang matanaw sina Riley, Mark at Kuya Vince. Teka,
anong ginagawa rito ng kapatid? Ngunit ang pinagtataka ko ay ang kalungkutan sa
kanilang mga mukha.
"W-what's happening here?" Tuluyan nang sinakop ng kaba ang dibdib ko.

Mabilis na nag-iwas ng tingin sina Riley at Jared. Si Mark naman ay nagkunwaring


busy sa kanyang cellphone habang si Kuya Vince ay patay-malisya lang.

"Baka gusto nyong magsalita?"

Siniko ni Jared si Kuya Vince. "Ikaw na!"

"Bakit ako?"

"Since, this is all your fault, ikaw na ang magsabi," utos ni Riley.

Napakamot ng ulo si Kuya Vince. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago
nagsalita. "I'm sorry. I didn't expect things to turn out like this."

Binuksan ni Riley ang pintuan ng silid. Pinanlamigan ako ng katawan sa nakita. May
taong nakalukbong ng kumot sa ibabaw ng kama.

"He couldn't make it," Jared said. Pagkatapos ay may inabot siya sa akin na kulay
violet na kahita. Nang buksan ko iyon ay tumambad sa paningin ko ang isang singsing
na may mga diamond studs sa paligid.

"He's planning to propose to you but suddenly..." Hindi na naituloy ni Jared ang
sasabihin, tuluyan siyang bumigay sa balikat ni Mark.

"Oh god! Biyuda ka na agad, friend!" Agaw-eksena ni Eric.

Shock could not describe the way I felt. No! This is not happening! Sunud-sunod ang
ginawa kong pag-iling. Hindi totoo ang sinasabi nila. Hindi siya maaaring mawala sa
akin.
Halos hindi ko maigalaw ang binti habang unti-unting lumalapit sa kanya. Gusto kong
bumulanghit ng iyak ngunit tila mayroon pumipigil sa akin na gawin iyon. Hindi ako
maniniwala hangga't hindi ko siya nakikita na wala ng buhay.

"D-don't do this to me, Tyron." Konting-konti na lang at tutulo na ang mga luha ko.
Ngunit Napapitlag ako nang bigla siyang gumalaw at inalis ang pagkakatalukbong ng
kumot. He lazily smiled when he saw me. "Monay ko!" Sa kabiglaan ay nasampal ko
tuloy siya.

"Y-You're alive?"

"I think so. Masakit iyon, monay!"

"Thank god!" Sinunggaban ko si Tyron at niyakap. "You're alive. Buong akala ko


iniwan mo na ako."

"Of course, I'm alive. Bakit naman ako-"

Sabay kaming napalingon dalawa sa may pintuan. Humagalpak sa tuwa ang apat na
lalaki.

So, isang prank lang ang lahat? Hindi ako makapaniwala na pati si Kuya Vince ay
nakisali sa kalokohan nila.

Dismayadong napaungol si Tyron. "They getting worst. Itatakwil ko na talaga silang


mga kaibigan."

"They'll pay for this!" Susugurin ko sana sila nang pigilan ako ng binata.

"Don't! You'll be wasting your time on them. Hindi pa tayo pinapanganak, mga
siraulo na sila. Baka mahawa ka pa."

"Gag-! Ikaw kaya ang pinakamatanda sa ating lima!" Sigaw ni Jared.

Umangat ang kamay ni Tyron at binigyan ng f-ck you sign ang kaibigan. "Ako ang
pinakabata sa inyong lahat!"

"Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ko nang makita ang mga pasa niya sa
mukha.

"Binugbog lang naman ako ng kapatid mo."

Marahas akong napalingon sa kinaroroonan ni Kuya Vince na patuloy pa rin sa


pagtawa. "At nagpabugbog ka naman!"

"Kailangan. Kasi mahal kita."

It warmed my heart that I was speechless for a moment. "Kahit na, hindi ka pa rin
sana nagpabugbog sa kanya."

Ngumisi si Tyron. "Okay lang. Binugbog ko rin naman siya." Kaya pala puno rin ng
pasa ang buong mukha ng kapatid. Ito ang marahil ang tinutukoy ni Ate Valjean na
pakikipagbasag ulo ng asawa.

"Bakit nasa iyo iyan?" Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakakatitig sa hawak
kong kahita. Muli siyang napaungol. "Mga buwiset kayo! Pinangunahan nyo na naman
ako."

"Tyron, pinadali lang namin ang proposal mo," wika ni Riley na ginatungan naman ni
Jared. "Ikaw rin baka atakehin ka ng nerbiyos at muli kang mawalan ng malay."

"I swear! Makatayo lang ako rito bubugbugin ko kayong lahat!"

Natutop kong bigla ang dibdib. "Seryoso ka? Magpo-propose ka talaga sa akin?"

Tumango si Tyron. "Iyon sana ang plano ko pero bigla akong pinakidnap ng kapatid
mo."

Parang gustong sumabog ng dibdib ko sa matinding kagalakan.


Kinuha niya sa akin ang kahita para muling ibigay sa akin. "Cy, will you marry me
and be Baby Ron-Ron's mother?" He asked solemnly. His eyes dark and filled with
love and passion.

"Bawal ang sukob sa magkapatid. Next year na lang kayo magpakasal."

"Vinci boy, huwag ka ng umepal!"

"Aray! Jared, malapit na talaga akong mapika sa'yo. Pati ba naman ikaw Riley? Bakit
ba ako na lang palagi ang pinagkakaisahan ninyo?"

"Eh di idamay na rin natin si Mark!"

"Huwag nyo akong isali sa kalokohan ninyo. Jared! Riley!"

"Yahoo! Mabuhay ang walang lovelife!"

"Ang iingay naman ng mga kaibigan mo," reklamo ko kay Tyron. Panira sila ng moment.
Nakakainis.

"Kanina pa nga sumasakit ang tenga ko sa kaingayan nila."

"Tara?"

"Saan?"

Sumenyas ako sa itaas. Namilog ang mga mata ni Tyron.

"Sa langit?"

"Tange, sa rooftop! Gusto mo ng katahimikan, hindi ba? At saka doon ko na rin


sasabihin ang sagot ko sa proposal mo."

"Akala ko pa naman sa langit," nakasimangot na bulong ng binata na nakarating naman


sa pandinig ko. Tangkang aalalayan ko siyang makatayo nang pigilan niya ako.

"Bakit?"

He leaned his face close to mine and claimed my surprised mouth. "A guy needs one
kiss from his girl to get back on his feet." Then he kissed me again.

"Akala ko ba one kiss lang?" Reklamo ko. Ngumisi si Tyron. "It's hard to resist."
And claimed my mouth again.

I wanted him to kiss me a thousand different ways, and my heart was filled with
hopeful satisfaction when I realized I would have a lifetime to experience them.

A/N: Finally, natapos ko din! Ito iyong story na kahit anong pilit ko ay hindi ko
matapus-tapos sulatin. (Humihirit pa kasi ng extension sina Monay at Bakulaw!). But
I had to admit, nag-enjoy ako ng husto sa mga kalokohan nila.

I've been so very blessed this year. Sobrang thankful ako sa lahat ng mga blessings
na natanggap ko. Hopefully, next year may matira pang blessings na dumating.

I would like to thank, each and everyone of you for making this story possible.
Kung hindi dahil sa pagtitiyaga ninyo maghintay sa sobrang tagal kong mga update at
ganun din sa magaganda ninyong mga komento, hindi ako mai-inspired na magsulat.
Thanks for inspiring me guys. Now I know, hindi ko kailangan ng lovelife para lang
magkaroon ng inspirasyon. Knowing that you're all there to read my stories is more
than enough for me.

To Cyrhel, thank you for allowing me to use you as my character. At sobrang


thankful ako dahil nag-suit ang chemistry ninyong dalawa ni bakulaw. Minsan tuloy
nahiling ko na sana ay totoo na lang kayong dalawa... ayie!!

And to Azure, sorry kung malayo sa character mo ang papel mo dito sa story. Hindi
ko man maibigay sayo si Mark, nandyan naman si Enrico. Salamat ng marami.

PS: Maraming nagre-request ng sidestory ninyong dalawa ni Eric. Pagbibigyan ko ba


sila?

Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Happy new year in advance.

PS again: Muntik ko nang makalimutan, may epilogue pa pala. Watch out for the last
(pahabol) episode.
Epilogue

EPILOGUE

One year ago...

"Male-late ako... Yes, again. Wala naman bago..." Nangingiting wika ni Tyron habang
tinatahak ang ang daan patungong elevator. Siguradong kalahati na lang ng practice
game ang maaabutan niya. "Pagbigyan nyo na ako, besides this is my last season.
Hindi na ninyo ulit ako makikita sa hardcourt."

A bitter laugh rose inside him. Bagaman tanggap na ni Tyron na malapit nang matapos
ang kanyang basketball career, a part of him still holding on. For almost ten
years, ito na ang naging buhay niya. At hindi niya akalain na sa isang iglap ay
masasayang lahat ang mga pinaghirapan niya. Since his knee injury last season, he
was never been the same again.

Maybe he was really destined to manage their family business. Tiyempo naman ang
pagbabalak ng ama na mag-retire at i-turn over sa kanya ang maiiwan nitong
posisyon. Whether not he like it, siya lamang ang nag-iisang anak nitong lalaki na
magmamana sa lahat ng mga pinaghirapan nito.

Napaatras si Tyron nang bumukas ang elevator. Napamulagat siya sa dalawang nilalang
na nagtatalo sa loob. Nag-aalangan siya kung sasakay. But who cares? Mukhang wala
rin naman silang pakialam kahit may ibang tao sa kanilang paligid.

"What about this baby? Wala ka bang pakialam sa magiging anak mo?" Wika ng babae
sabay turo sa malaki nitong sinapupunan. Sa tantinya ni Tyron ay nasa early
twenties lamang ito. Habang ang kausap nitong lalaki ay pamilyar sa kanya ang
mukha. Marahil isa sa mga tenant sa gusaling iyon.

"Ikakasal na ako, Lilibeth. Ano ang gusto mong gawin ko? Magback-out dahil nabuntis
kita?"

Kulang na lang ay hilahin ni Tyron pababa ang elevator sa groundfloor. Siya ang
naiilang para sa mga ito.

"Paano naman ako? Do you think, matatanggap ako ng pamilya ko sa oras na malaman
nila na buntis ako? Siguradong itatakwil nila ako at baka hindi na rin ako
makatuntong ng Canada."

"Sinabi ko naman sayo, ipalaglag mo na lang ang bata para wala na tayong problema!"

Nag-init ang tainga ni Tyron sa narinig. Gabundok ang pagpipigil niya sa sarili na
suntukin ang lalaki. Hangga't maaari ay ayaw niyang makialam sa pagtatalo ng mga
ito.

"Hayup ka!" Pinagsusuntok ng babae ang kaharap. "Napaka-selfish mo. Ikaw ang
pinakawalang kuwentang tao na nakilala ko. At pinagsisihan ko na minahal pa kita!"

"Tumigil ka!" Tangkang sasaktan ng lalaki ang babae nang pigilan niya ito.

"Pare, konting respeto naman," aniya sa tinitimping galit. May pagkababaero man
siya pero kailanman ay hindi siya nanakit ng pisikal.

"Huwag kang makialam!"

Mabilis na umatras si Tyron at itinaas ang dalawang kamay. "Hindi ako makikialam
kung hindi mo siya sasaktan," banta niya. Eksakto naman bumukas ang elevator. Nasa
groundfloor na sila. Palabas na sana ang lalaki nang makaisip siya ng kalokohan.
Pasimple niyang pinatid ito sa paa. Tumumba ang lalaki at nangudngod ang pagmumukha
sa marmol na sahig. Serves him right!

Nagmamadali siyang naglakad palayo. Mahirap na baka resbakan siya. Bukod doon ay
kinakailangan din niyang magmadali. Masasabon na siya panigurado ng mga taong
naghihintay sa kanya.

"Tyron!"

He frozed. Tinawag siya ng babae. Subalit bago pa siya makalingon ay nagmamadali


siyang nilagpasan ng magkasintahan palabas.
"Tyrone, you can't do this me! Come back!"

Nakaramdam siya ng relief. Ibang Tyron pala ang tinutukoy nito. Magkapangalan pa
sila ng gunggong na lalaking iyon. Di bale, di hamak na mas guwapo naman siya rito.

Pag-uwi ni Tyron kinagabihan, hindi niya inaasahan na maaabutan pa niya ang babae
kanina sa elevator na magtiyagang naghihintay sa labas. Nasa taxi pa lang siya ay
natanaw na niya ito.

"Miss, bakit hindi ka na lang sa lobby maghintay? Baka mahamugan ka dito." Hindi
siya nakatiis na hindi lapitan ang babae.

She forced a smile when she saw him. "Thanks. Pero dito ko na lang siya
hihintayin."

"Lilibeth, right? Baka kasi mapaano ka, I mean kayo ng baby mo kung dito ka mag-i-
stay."

"I'll be fine-" Nahigit ng babae ang kanyang hininga kasabay ng panlalaki ng mga
mata.

"What's wrong? M-Manganganak ka na ba?"

Mabilis itong umiling. "Sumipa lang ng malakas si baby," anito at dinama ang
tagilirang bahagi ng tiyan.

"Masakit ba?"

Muli umiling si Lilibeth. And to his surprised, kinuha nito ang kamay niya at
dinala sa itinuro nito kanina. Napasinghap ng malakas si Tyron nang gumalaw ang
bata sa mismong palad niya. "Whoa! Sumisipa nga siya." The feeling was to new him.
Ito ang unang karanasan niya sa mga ganitong bagay.

"He likes you."


"He?"

"My baby. He's a boy."

"I see."

"Sana ikaw na lang ang naging tatay niya."

Wala sa loob na napatitig ang binata sa babae. He forced a smile. "Don't worry,
matatauhan din ang sira-ulo mong boyfriend."

"Sana nga." Sinikap ni Lilibeth na ngumiti at muling hinagod ang ibabaw ng tiyan.
"Hindi man niya ako panindigan, pero sana huwag niya akong pabayaan, kami ng
magiging anak niya."

"Kapag hindi pa rin siya nagtino sabihin mo sa akin, ipapabitay ko ang lalaking
iyon!" May himig ng pagbibiro na sabi Tyron. Ang totoo, hindi niya alam kung sa
paanong paraan niya iko-comfort ang babae. Gustuhin man niyang magseryoso,
lumalabas ang likas niyang pagiging kenkoy.

"Lilibeth, are you sure you don't want to stay in the lobby?"

Muli lang itong tumanggi at nagpumilit na doon na lamang nito sa labas hihintay ang
kasintahan. Ngunit bago siya umalis ay iniwan niya rito ang kanyang jersey jacket
upang may panlaban ito sa lamig at hamog.

Since then, hindi na ulit nakita ni Tyron si Lilibeth. Naisip niya, baka
nakapanganak na ito. Malaki-laki na rin ang tiyan ng babae nang huli niya itong
makita. Hindi na rin niya nakikita ang katukayo niya na nakabuntis rito. Ayon kay
Manong Ed ay bigla na lamang nag-alsa balutan ang lalaki at umalis. Sa katunayan ay
pinagbibili ang iniwanan nitong unit.

It's Tyron's twenty sixth birthday. Ito ang unang birthday niya na pinagkaisahan
siya ng mga kaibigan. Lahat sila absent. Hindi naman niya masisisi ang mga ito
dahil lahat sila ay mga sarili ng pamilya, except for Mark. Sa kanilang
magbabarkada ay silang dalawa na lamang ang bachelor. Ang masaklap, wala rin silang
mga lovelife.
Bagaman nagpakalango siya sa alak ng gabing iyon, nakakapagtaka na hindi naman siya
gaanong nalasing katulad ng mga nakaraang gabi. Iyon nga lang na-misplaced niya ang
susi ng kanyang kotse. Nag-taxi na lang tuloy siya pauwi.

Pagbaba niya ng taxi, doon nakaramdam si Tyron ng pag-ikot ng paningin. Muntikan pa


siyang mabuwal mabuti na lamang at napakapit siya sa poste ng ilaw. Pasaway na taxi
driver, hindi pa siya nito ibinaba sa mismong tapat ng gusali. Ilang sandali siyang
nagpahinga bago nagpatuloy sa paghakbang, nang makasalubong niya ang isang babae.
Pamilyar sa kanya ang mukha nito.

"Lilibeth?" Lumingon ito sa kanya. Nang makilala siya ay alanganin itong ngumiti.
Mabilis niyang hinagod ang kabuuan nito. "Kamusta ka na?"

"I-I'm good. Ikaw?"

"Not good. Today is my birthday and I'm all alone."

"Oh! Happy birthday."

He forced a smile. "Thanks. Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Where is your baby?"

Itinuro ni Lilibeth ang nakaparadang kotse nito sa hindi kalayuan. "Iniwan ko muna
siya sandali. Don't worry may kasama naman siya. Nagbakasali lang ako na baka
maabutan ko si Ty- I mean yung tatay ng anak ko. Pero ang sabi ng guwardiya ay
umalis daw. Babalik na lang siguro ako mamaya."

Sinipat ni Tyron ang suot na wristwatch. "Malalim na ang gabi. Bakit hindi ka na
lang bumalik bukas ng umaga?"

Pilit na ngumiti si Lilibeth. "Okay lang. Malapit lang naman dito ang tinutuluyan
ko."

"Ikaw ang bahala." Gusto pa sana niyang makipagkuwentuhan pa rito pero dala ng
kalasingan mas gugustuhin pa niyang matulog na lamang. Hindi niya maintindihan kung
bakit magaan ang loob niya sa babae. Kungsabagay mukha naman siyang mabait.
Nakakailang hakbang na siya nang biglang may naalala. Matagal na nga palang hindi
nakatira roon ang lalaking nakabuntis rito? Maghihintay siya sa wala. Paglingon ni
Tyron ay nakasakay na ng kotse si Lilibeth at ilang sandali pa ay umandar ang
sinasakyan nito palayo.

Malapit na siya ng entrada nang gusali nang makarinig siya ng mga tinig na tila
nagtatalo.

"Hindi ba kabilin-bilinan ko sayo na bawal magbigay ng detalye tungkol sa mga


nakatira rito? Protocol iyon!"

Napakamot ng ulo ang bagitong guwardiya. "Sir, naawa lang naman po sa babae. Gusto
niya lang po malaman kung dito pa nakatira ang tatay ng kanyang anak."

"Hindi pupwede sa atin ang awa. Kapakanan at kaligtasan ng mga tenant dito ang
pinangangalagaan natin. Iyon ang trabaho natin."

"Pasensya na po kayo. Hindi na po mauulit."

"Naku! Kung hindi lang kita pamangkin, kanina ka pa nakatikim sa akin."

"Good evening, Sir!" Tila nagulat pa si Manong Ed nang makita siya. "Hindi po yata
ninyo dala ang kotse ninyo?"

Ngumiti lang si Tyron at tinapik ito sa balikat. Hilung-hilo na siya para sagutin
pa ang tanong nito.

"Oo nga pala, Sir may babaeng naghahanap sa inyo kanina?"

Na naman? Pumihit siya paharap. "Sino raw?"

"Hindi po niya sinabi," muling napakamot ng ulo ang bagitong guwardiya.

Hindi na ulit nagtanong si Tyron at pasuray-suray na tinungo ang elevator. Antok na


antok na siya para alalahanin pa ang tungkol doon.
"Sigurado ka ba na wala ka ng ibang sinabi maliban sa unit number ni Sir Tyron?"

Mabilis na umiling ang batang guwardiya. "Wala na po!"

Present...

"It was my birthday, when you came into my life," he said smiling and gave the
little boy a peck on his cheek. "Unfortunately, she also came that night. And since
then, my life has never been the same again."

Napasimangot si Cyrhel sa narinig at sinulyapan ng matalim ang binata. Obyus na


siya ang pinapatamaan nito.

"But you know what?" Pagpapatuloy ni Tyron habang nahihimbing si Baby Ron-Ron sa
kanyang mga bisig. "Iyon ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay
ko. I feel so blessed and lucky for having you. I couldn't ask for more."

Lihim na napangiti si Cyrhel. Ganun din naman siya. Maraming nagbago sa buhay niya
sa pagdating ni Baby Ron-Ron. At sinong mag-aakala na magiging tulay pa mismo ang
bata para magka-inlaban sila ni Tyron. Ang love nga naman napaka-unpredictable.

"I wasn't expecting you to come into my life but you did. I wasn't expecting you to
be a part of my heart but now you are. And now you own a part of me, call a selfish
but I will never let you go. Hey! Nakikinig ka ba?"

"Huh?" When she turned around, disbelief was written in Tyron's face. "Ako ba ang
kausap mo?"

"Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi naman pala nakikinig!" Banayad nitong
asik.

"Malay ko ba na ako ang kinakausap mo!" Busy kasi siya sa paglalaro ng games sa
cellphone. "Ano nga iyon sinasabi mo?" Ang tanging narinig niya ay may binanggit
itong selfish.
"Hindi ko na uulitin!"

"Eh di huwag!" Muling binalik ni Cyrhel ang atensyon sa nilalaro. Ilang sandali ay
naramdaman niyang tumabi sa kanya si Tyron.

"Monay, nagugutom ako."

"May ginawa akong sandwich sa kusina," hindi lumilingon na sabi niya.

"Ikuha mo ako."

Doon siya lumingon at magkasalubong ang mga kilay na tinignan ang binata.

"Sabi ko nga ako na." Bigla na lamang ibinigay ni Tyron sa dalaga ang nahihimbing
na bata sabay tayo. Wala pang isang minuto ay bumalik ito na puno ng tinapay ang
dala nitong plato.

"Hindi ka gutom ng lagay na iyan?"

"Slight lang."

Bilib din si Cyrhel sa bituka ng lalaking ito. Ngayon pa lang ay kailangan niyang
ihanda ang sarili dahil sa oras na makasal silang dalawa, gagawin lang siyang
kusinera ng binata.

"Nasaan na kaya ang tunay na ina ni Baby Ron-Ron?" Naisip niyang tinanong. "Wala ka
ba talagang idea kung sino siya."

Umiling lang si Tyron habang patuloy sa pagkain. Sa pagkakaalam niya ay naghire pa


ito ng private investigator ngunit mukhang wala rin itong nakuhang impormasyon.

"Tyron, hanggang ngayon pinagtataka ko kung bakit nagkamali ang unang resulta ng
DNA test ninyo Baby Ron-Ron?"
"Iyon rin ang pinagtataka ko. Pero ang sabi ni Mark, nagkapalit lang daw ang
resulta. Para raw iyon sa isang pasyente niya."

"Minsan tuloy naisip ko, hindi kaya...siya ang tunay na ama ni baby?"

Mabilis na umiling si Tyron. "Si Mark? Nah! Imposible."

"Bakit, baog ba siya?" Wala sa loob na tanong ni Cyrhel. Ang lakas ng tawa ng
binata.

"Actually, kayang-kaya ni Mark na makabuo ng isang basketball team o higit pa. Kaya
lang balak yata niyang maging loner forever. Gusto yata niyang magpakatandang
binata. Ewan ko ba isang iyon!"

"Sayang naman ang kaguwapuhan niya kung magpapakatandang binata lang siya. Sana
pala hindi ko siya sinukuan." Sinadya niyang hinaan ang boses sa huling sinabi.

"Monay, may sinasabi ka?"

"A-ang sabi ko, suko na ako sa katakawan mo. Break na tayo!"

Naibugang bigla ni Tyron ang nasa kanyang bibig at sunud-sunod ang ginawang pag-
ubo. Nabilaukan yata ang binata.

"Hindi ka naman mabiro bakulaw." Inabutan ito ni Cyrhel ng tubig. "Ikaw pa, love
yata kita. Pa-kiss nga!"

Sunud-sunod ang ginawang pag-ubo ni Mark. Tila mayroong nakaalala sa kanya.

"Number three."

"Twenty."
Napalingon siya sa mga kasamang nurse. "Excuse me?"

"Three for letter C."

"Twenty for letter T."

Ilang sandali bago nag-sink in sa kanya ang ibig sabihin ng mga ito. So, sina
Cyrhel at Tyron pala ang nakaalala sa kanya. Hindi kaya siya ang pinag-uusapan ng
magkasintahan sa mga oras na ito?

THE END

You might also like