You are on page 1of 75

MEN in ACTION 1: AEON SANTIAGO

MEN IN ACTION

series 1: AEON SANTIAGO

Chapter 1:

"BODYGUARD? Para saan 'yun, Dad? Bakit kailangan niyo pang mag-hire ng bodyguard?"
tanong ni Crimson sa ama. Isa kasi itong heneral, matino at istrikto. Si Gen. Johny
Dela Fuente..

"Para sa proteksyon natin, anak. Hindi ko maaaring isugal ang kaligtasan niyo ng
kuya Jayson mo. Lalo na at mainit ang kasong hawak ko laban sa mga sindikato."
paliwanag nito.

"I admire you a lot, Dad. Sana huwag mong hayaang makalusot sa kamay ng batas ang
mga bad guys na 'yun."

"I will get them for sure, baby." sabay haplos sa buhok ng bunso niyang anak.
Spoild ito, lalo pa at babae. Kapagdaka'y nagpaalam na ito sa kanya. Excited
na bumaba ng hagdan si Crimson, yes! May pang- shopping na naman siya. Nang di
sinasadyang nadulas siya sa kanilang hagdanan dahil sa sobrang pagmamadali at
padalus-dalos na kilos.

Pabagsak na sana siya ng maramdaman niyang may matitipunong braso ang sumalo sa
kanya. Napatingala siya at tinitigang mabuti ang mukha ng kanyang "hero". Mayroon
itong medyo makapal na kilay, malalantik na pilik mata na brown ang kulay at
mapupungay na gray eyes.

Matangos ang ilong at maganda ang korte, sensible ang mga labi nito at makinis ang
mukha. Heart shape ang mukha nito na medyo pangahan at bagay na bagay dito ang
balat-pinoy nitong kulay.

Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. Napakagat-labi si Crimson, tinamaan na


yata siya ng mahiwagang pana ni Cupid!

"S-Salamat." kandautal niyang wika. nanlalambot ang tuhod niya.

Hindi na nga niya namalayang tinulungan pa siya nitong makatayo ng maayos habang
nakaalalay pa rin ito sa kanya. Ngumiti ito sa kanya at nahulog na yata sa sahig
ang sutil na puso niya!

"Walang anuman, Ma'm. Nasaktan po ba kayo?" magalang nitong wika sa kanya.

Wow talaga! He's got a sexy barit voice... Bumitaw na ito sa pagkakaalalay sa
kanya.
"M-Ma'm?" napatanong niyang wika. Ngumiti ito ulit sa kanya bago nagsalita.

"Ako nga pala si Aeon Santiago. Ako ang na-hire na bodyguard ng Daddy mo, Ma'm
Crimson."

"Saang agency ka galing?" curious niyang tanong.

"Isa ako sa member ng MEN IN ACTION." maikli nitong sagot. Nai-stammer siyang
bigla.

MEN IN ACTION- sikat ang military agency na ito ng government dahil bukod sa
professionals at magagaling ang mga military men dito, eh nuknukan pa ng
kaguwapuhan ang mga miyembro nito.

And now, confirmed na nga ni Crimson na totoo ang balita tungkol sa mga GORGEOUS
MEN ng MEN IN ACTION.

"Excuse me, Ma'm. Maiwan ko na po kayo, kailangan ko nang puntahan ang Daddy niyo."
paalam nito bago siya nilagpasan at pumanhik na ng hagdan.Nang walang anu-ano'y...

"Aeon, gusto kita!" sigaw ni Crimson. Gulat na napalingon ang binata. Napangiti
nalang siya at naiiling na iniwan si Crimson.

"Mrs. Crimson Santiago. Hmm... Bagay!" palatak pa ng dalaga.

Pasilip-silip si Crimson sa library habang kausap ng papa niya ang binata.


Nakatalikod ang lalaki, hmm...? Nice buttocks! Nasapo niya ang labi at pinigil ang
impit na tawa.

"Hoy, anong ginagawa mo diyan?!" napapitlag siya at napaatras ng marinig ang boses
ng Kuya niya.

"Ah, eh... May kukunin lang sana ako, kaso may kausap pa si Daddy.." palusot niya.

"May kukunin daw. Eh bakit mukhang kilig na kilig ka diyan habang pasilip-silip?"
puna pa ng Kuya niya.

"Kuya, sa atin lang 'to ah?" close naman sila ng kuya niya..

"Anong sa atin lang?" kunot-noo nitong tanong sa kanya.

"Crush ko 'yung bodyguard na na-hire ni Daddy. Ang guwapo, kuya!" kinikilig niyang
wika.

"Member 'yun ng Men in Action. At hindi lang ikaw ang nagkakandarapa sa kanya. Isa
pa, babaero ang mga special agent." komento nito.

"Handa akong magsugal, Kuya." nakatikim siya dito ng mahinang kutos.

"Aray.." mahinang gigil niya dito.

"Magtino ka naman. Nakakahiya ka kapag nagkataon." sermon pa nito sa kanya.

"At bakit? Maganda naman ako, sexy, at hindi rin naman bansot... Makinis din. Mana
nga ako sa'yo, Kuya. Guwapo ka at maganda naman ako, ano ang nakakahiya doon?"
palatak pa niya.

"Umalis ka na dito dahil baka isumbong pa kita kay Daddy at baka kumuha na lang
siya ng pangit na bodyguard."
"Kuya!" protesta niya.

"Alis na.." pinandilatan siya nito. Wala siyang magawa kundi umalis na lang. Baka
mapurnada pa kasi si fafa Aeon!

Inaamin ni Crimson sa sarili na matindi talaga ang tama niya kay Aeon. Ewan ba niya
kung simpleng crush lang pero araw-araw na laging maganda ang mood niya, siyempre..
Everyday din siyang mai-inspire! Kinabukasan...

"Good morning, gusto mong kape?" untag ni Crimson kay Aeon habang nililibot niya
ang garden para i-check.

Napatingin siya dito at hindi niya mapigilan ang sarili na bigyan ito ng ngiti. She
is really cute and nice...

Bukod kasi sa kanya ay may anim pang bodyguards na kinuha si Gen. Dela Fuente,
kabilang na ang personal bodyguard nito. At siya, nandito siya para sa spoild brat
nitong anak at para i-check ang kaligtasan ng buong mansyon.

At ngayon pa lang, hindi na niya alam kung matutuwa siya dito o ano? Nangyari na
ito dati sa kanya, ang matipuhan ng kanyang binabantayan. Iba nga lang ang isang
ito dahil type din niya at hindi puwede ang iniisip niya! Napailing si Aeon.

"Good morning din Ma'm, salamat nalang." sabay taas ng mug ng kape.

"Crimson na lang. I bet, you're older than me. I'm only twenty and you are?"

"Twenty-six."

"Kitam, tama nga ako. May girlfriend ka na ba?" halos mabulunan si Aeon sa iniinom
na kape.

Err.. This young lady is really beautiful like a china doll. But take note, he
don't mix business with pleasures.

Katamtaman ang biyas ng pangangatawan nito, maputi, tsinita, and has the bumps at
the right places. Innocent at napakaamo ng mukha. Para itong bata kung umasta.
China doll nga talaga, but not this one!

"Marami." seryoso niyang sagot.

Ang mga flings niya ang tinutukoy niya pero wala siyang totoong girlfriend. Wala
kasi sa mga ito ang qualities na hinahanap niya sa isang babae. Nandito lahat sa
kaharap niya!

"Puwede mo ba akong isali?"

"Excuse me?" napamulagat niyang tanong.

"I want to be your girlfriend." matapang niyang pahayag.

"You're still young china doll, besides I don't like pleasures at my work."

"Dalaga na ako no! Naka limang boyfriends na ako at fully developed na ang katawan
ko. Look at my humps they are all real and original!" palatak pa nito.

"Ehem! At saka, hindi naman malalaman nina Daddy at Kuya. Secret lang natin..."
biglang dugtong pa nito.
Hindi mapigilan ni Aeon ang sarili na mapailing..

"You don't know what your saying. Hindi mo ako maiintindihan dahil bata ka pa. Men
like me are dangerous, do you understand?"

"Hindi, nararamdaman kong mabuti kang tao. Sinasabi iyon ng puso ko, kaya nga
sinabi ko sayong gusto kita." napatitig si Aeon kay Crimson at napangiti.

At napansin ni Crimson ang maliit na biloy sa kanang bahagi ng mukha nito, sa ibaba
ng labi. Light brown pala ang kulay ng buhok nito. Gorgeous talaga! Naku, kulang na
lang malaglag ang puso niya ng literal...

Hmm... Salamat talaga sa kanyang Daddy at sa Men in Action ito kumuha ng bodyguard
niya. Dahil kapag pangit, gagawan niya ng paraan para mapalitan ng Daddy niya.

"I'm starting to be fond of you, china doll. But please, stop it. Tigilan mo ako sa
bagay na 'yan."

"Hmmmff!! Diyan ka na nga!!" inis na lumakad palayo si Crimson.

Ano bang mali? Hindi naman ako magsusumbong ah? Bakit ba kasi hindi siya puwede?!
Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso...
Hindi ako susuko!

Napakagat sa lower lip si Aeon habang pinagmamasdan si Crimson na palayo.

Kakaiba talaga ang isang ito sa lahat ng babaeng nai-encounter niya. At nagsisimula
na siyang matuwa dito. She's really innocent and free spirited, and that thing
makes her a unique one.

MULA nang hawakan ng Daddy niya ang tungkol sa kaso ng isang Drug Syndicate ay
bihira nang makalabas ng mansyon si Crimson. Delekado kasi at alam niyang ang
kaligtasan lamang niya ang iniisip ng kanyang ama. Hindi muna siya nito
pinagtratrabaho sa opisina.

Mabuti pa ang kuya niya, lalaki kasi... Kaya daw kasi nitong ipagtanggol ang
sarili. Military trained din kasi ito. Samantalang siya ay hindi, dahil babae daw
siya. At pakiramdam niya, unfair sa kanya sa ganoong bagay ang Daddy niya.
Naiinggit nga siya sa mga babaeng pulis at sundalo. Gusto niyang magsundalo at
sundan ang yapak ng kanyang ama.

Pero kahit na anong ungot niya dito, ayaw talaga siyang payagan. Matapang naman
siya at mukhang kaya niya ang training, pero wala eh. Sa bagay na iyon siya hindi
napagbibigyan! Kaya eto, idinadaan na lang niya sa kanyang mga luho at iba pang
kapritso sa buhay ang kanyang pangungulit.

Sa bagay na iyon, hindi siya nahihindian ng ama. Baby kasi ang turing nito sa
kanya, hanggang ngayon.. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang masilayan si Aeon sa
garden, malapit sa terrace ng kuwarto niya.

May ikinakabit itong hidden camera. Nakasuot ito ng itim na sando at hapit iyon sa
katawan ng lalaki. Kitang-kita tuloy niya ang magaganda nitong muscles sa katawan.

Nakasuot lang din ito ng jogging pants, mukhang katatapos lang nitong mag-jogging
sa labas. May towel pa itong nakasampay sa kaliwang balikat. He's like a breathe of
fresh air in the morning!
"Oh, what a beautiful view!" palatak ni Crimson.

Nagtago siya sa may damuhan para makitang mabuti si Aeon. Pero dahil sa buong
atensyon niya ang ibinigay niya sa lalaki, hindi na niya napansin ang malaking
fountain sa garden.

Nadulas siya sa gilid at tuluyang nahulog sa malaking fountain. Malakas ang splash
ng tubig at ang kanyang sigaw na..

"Help! Nalulunod ako!!" wika ni Crimson habang nagkakakawag sa tubig. Napahiga siya
at nalublub ang ulo niya sa tubig. Hindi siya makaalis dahil sumabit ang binti at
paa niya sa gilid ng fountain.

Naulinigan niyang mabilis na lumalapit sa kanya si Aeon, nagkunwari siyang nawalan


ng malay... May kapilyahan siyang naisip at sana makiayon ang pagkakataon.

Panalo talaga kung sakaling dumampi man lang ang mga labi nito sa mga labi niya.
Kahit na dampi lang... Dasal pa niya.

"Crimson!" nag-aalalang wika ni Aeon habang hinahango sa fountain ang walang malay
na dalaga.

Tinapik-tapik niya ang malambot na pisngi nito pero walang response! Kinabahan
siyang bigla at ibang klase sa kanyang pakiramdam ang nadaramang concern dito. Iba
ito, at hindi ito udyok ng kanyang trabaho...

"Ayos ka lang ba? Naririnig mo ba ako?" pero hindi pa rin ito gumagalaw man lang.

Napako ang tingin ni Aeon sa cherry like lips na labi nito. Napalunok siya ng bigla
dahil sa kanyang iniisip. Paano kung iba ang puntahan ng firstaid na gagawin niya?

"Gosh, she needs a first aid!" nag-aalala niyang sambit, samantalang si Crimson,
lihim na nagdiriwang... Yes! This is it!

Samantalang natotorture ng husto si Aeon dahil baka ibang klaseng firstaid talaga
ang maibigay niya dito. Mahirap na, dahil kapag nagkataon... Baka hindi na niya
magawang tigilan ito kapag nasimulan na niya.

Napagdesisyunan niyang ituloy na bigyan ito ng firstaid dahil mukhang hindi


humihinga ang dalaga, nakainom siguro ito ng maraming tubig ng mahulog ito sa
fountain kanina.

Marahang inilalapit ni Aeon ang labi sa mga labi ni Crimson. Bahagyang kinabahan
ang dalaga, lalo pa't amoy na amoy niya ang mabango at suwabe nitong hininga na
nahahaluan pa ng amoy ng after shave..

Akmang idadampi na ni Aeon ang mga labi nang mapansin ang simple at pilyang ngiti
na sumilay sa mga labi ng spoild na dalaga. Pigil na pigil niya ang sariling
tumawa. Malala talaga ang isang ito! Napailing siya at may naisip din siyang
kapilyuhan para ibuko ang isang ito. Tingnan lang natin, china doll!

"Tulong! Mark, marunong ka ba sa first aid? I-first aid mo si Crimson, dali!" tawag
niya sa isa pang bodyguard. Biglang dumilat si Crimson at napaubo kunwari..

"A-ayos na ako! Ano bang nangyari?" patay malisyang tanong ni Crimson, sayang!
Muntik na 'yun ah?

Buwisit na lalaki 'to, binitin pa siya. Ano bang mali ang ginawa niya?
"Ma'm kailangan niyo pa ba ng first aid?" untag ni Mark sa kanya. Uh, ang kapal
naman ng pangit na 'to? Magpapakamatay talaga siya kapag natuloy na ito ang nag-
first aid sa kanya. Ini-imagine pa lang niya, nasusuka na siya at gusto na niyang
mahimatay...

"I said, I'm fine!" inggos niya sa dalawa at saka padarag na iniwan ang dalawa.

Ngiting-ngiti sina Aeon at Mark habang tinatanaw palayo ang pilyang dalaga.

"Salamat, pare." wika ni Aeon kay Mark.

"Sayang din si Ma'm, sana itinuloy mo na. Pagkakataon na 'yun."

"Nah, alam mong hindi puwede..."

"Pero type mo si Ma'm?" natigilan siya sa tanong nito. Tumango na lamang siya at
ngumiti bilang sagot sa katanungan nito.

Dahil sa kagagawan ni Crimson, nagkasakit tuloy siya ng di oras. Ayon sa doktor,


nalamigan daw ang kanyang baga.

Nagreseta na ito ng gamot at pinagpapahinga na siya sa kanyang silid. Ano ba,


dalawang beses na siyang pumapalpak kay Aeon! May narinig siyang marahang katok sa
pinto ng kanyang silid.

"Pasok." wika lang niya. Bigla siyang na-concious nang makitang si Aeon pala ang
kumakatok. May dala itong fruitsbasket.

"Ako ang magbabantay sa'yo ngayon." kumuha ito ng silya at umupo sa tabi niya.

"Para saan naman 'yang fruitsbasket?" nakangiti niyang tanong, hindi kasi niya
maiwasang kiligin!

"Inaalala kasi kita."

"Talaga? Inaalala mo ako?" amazed niyang wika.

"Oo naman. Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo. Ang malunod sa three-feet." sabay
tawa. Napalis ang kilig na nararamdaman niya at napalitan ng pagka-imbiyerna.

"Ganoon? Inaantok na ako, bahala ka na diyan." inis niyang wika.

"Sleep tight, china doll. I'll be watching you.." hindi na niya pinansin ito
bagkus, natulog na lamang siya.

Hindi sinasadyang napako ang tingin ni Aeon sa maamong mukha ni Crimson na


mahimbing nang natutulog. Maganda talaga at inosente.. Higit sa lahat, kakaiba ito
sa mga spoild brats na nakilala niya dahil hindi ito matapobre. At hinahangaan niya
ang katangian nito na 'yun. Napansin niya iyon dahil kasundo nito ang mga
kasambahay ng mga ito at madalas pang nakikipagkuwentuhan sa mga ito kapag
nabuburo. Magalang din itong mag-approach sa mga nakakatandang kasambahay. Spoild
lang talaga dahil bunso..

At aaminin ni Aeon sa sarili na tuwang-tuwa siya sa mga kalokohang pinaggagagawa


nito sa kanya. Ewan niya, kung bakit hindi siya naiinis sa mga pagpapapansin nito.
Actually, gustung-gusto pa nga niya... Kailangan lang talaga niyang medyo umiwas at
mahirap na... General ang ama niya, paalala pa niya sa kanyang sarili.
Chapter 2:

GUSTO sana niyang haplusin ang mukha nito, pero pinigil niya ang sarili.
Professional siya at hindi niya maaaring haluan ng kung anu-ano ang kanyang
trabaho.

Nakuntento na lamang siyang pagmasdan ang maganda nitong mukha. Hindi niya
namalayang napapakanta na siya ng kantang "So Close."

"We're so close to reaching that famous happy end

And almost believing this was not pretend

Let's go on dreaming for we know we are

So close, so close and still so far"

Napakalapit pero hindi niya maaaring abutin at hawakan man lang.

Ano ba 'tong nararamdaman niya? He needs to get rid of this stupid feeling or else,
baka pumalpak siya! Hindi siya papayag na madumihan ang pangalan ng Men in Action
na binuo ng kaibigan nilang si Cleric Raeign.

Nagpunta sila ni Crimson sa hacienda ng uncle Adam nito. Malawak at tago ang lugar.
Ayaw sana niyang payagan ito pero tinarayan lang siya nito at nagsumbong na sa ama.
Narinig niya ang pangungulit nito kay Gen. Dela Fuente at sa bandang huli, pumayag
din ito.

Wala na siyang magawa kundi ang samahan ito sa rancho. Bagama't tinarayan siya nito
kanina, binigyan naman siya nito ng magandang ngiti ng mapapayag na nito ang ama.
At sapat na iyon para mawala ang inis niya dito. Bawing-bawi na ang puhunan, ika
nga...

"Bumalik ka dito, Crimson. Delekado ang ginagawa mo!" hindi na naman niya masaway
ang dalaga. Ito na ang pinakamalalang misyon niya! Paano? Pasaway at tila
nasasangkot ang puso niya...

Pareho silang nakasakay sa kabayo at simula pa kanina ay hindi man lang siya nito
kinakausap at pinapansin. Hanggang sa bigla nitong patakbuhin ng mabilis ang
kabayong sinasakyan nito.

Mabilis ang pagpapatakbo nito at iyon ang sinasaway niya. Kung alam lang ng babaeng
ito... Iniisip pa lang niyang baka mahulog ito, halos mamatay na siya sa sobrang
pag-aalala. Sadyang pilya si Crimson, iyon ang napansin niya... At ano na naman
kaya ang naiisip nito?!

"Don't talk to me, galit ako sa'yo!" poor Aeon, hindi naman talaga totoong galit si
Crimson sa kanya. May pilya lang siyang plano.

Sinadya talaga niyang magpatakbo ng mabilis dahil magpapatihulog siya sa dayamihan


mamaya at kunwari nai-sprain siya. Malapit na siya sa bunton ng dayami at maingat
na isinagawa ang plano. Sinadya niyang palayuin ang distansiya para hindi nito
mapansin ang kalokohan niya. At nagpahulog na nga siya...

"Aaaahh! Aray ko, masakit!" gustung tawanan ni Aeon si Crimson, halata na kasi ang
plano nito.

Train yata ng husto ang mga mata niya kaya matalas na. So, ito pala ang balak ng
sutil na dalaga.

"Ano pang tinatanga mo diyan?! Hindi mo man lang ba ako tutulungan? Aray ko,
masakit.. Bumaba ka diyan sa kabayo, dali!!" sabay arte na nasaktan talaga ang
binti niya.

Naiiling na tumalima si Aeon. Dinaluhan niya ito at...

"Anong masakit sa'yo?" umarte siyang walang malay sa plano nito.

"Itong kaliwang binti ko, masakit."

"Patingin nga, at hilutin natin." inilislis ni Crimson ang pantalon hanggang sa


tuhod.

"Parang hindi naman nasaktan, ah?"

"Pero masakit nga!"

"Okay, hihilutin ko na siya." napabuntung-hininga si Aeon.

"Aray ko, masakit! Ouch!" daing ni Crimson.

"Ahm... Hindi pa dumadapo ang kamay ko diyan sa binti mo." namula ang dalaga.

"Ah... Eh... Ganoon ba?" napahiya niyang wika. Nang walang anu-ano'y... Biglang
tumayo si Aeon.

"B-Bakit?"

"May nakita yata akong ahas diyan sa bunton ng dayami." napamulagat si Crimson at
napatayong bigla. Napayakap din siya kay Aeon.

"Takot ako sa ahas, patayin mo!" nasa likod siya ng lalaki at nagtatago. Tumawa
ito.

"Anong nakakatawa?!" inis niyang tanong.

"Sabi ko lang 'yun. Mabilis ka palang gumaling." he said in a sarcastic voice.


Naiiyak na tumingin si Crimson kay Aeon bago umalis.

Natigilan naman si Aeon at mabilis na hinabol ang papalayong dalaga.

"I'm sorry... Hindi ko naman sinasadyang maging sarkastiko kanina. Pasensiya ka


na." masuyo niyang wika.

Napatigil ito sa paglalakad at matamang tumingin sa kanya.


"Hindi mo talaga sinasadya?"

"Oo naman."

"Alam ko, naiirita ka na sa akin dahil sa mga pinaggagagawa ko. Aaminin ko sa'yo,
ginagawa ko ang lahat ng ito para magpapansin sa'yo. Bakit mo ba ako iniiwasan?
Wala naman akong nakakahawang sakit, di ba?"

"Hindi kita iniiwasan... May mga bagay lang na hindi pupuwede dahil sa trabaho ko.
Boss kita, ako bodyguard. Hindi puwedeng lumagpas ang mga bagay doon."

"Puwes, kung naduduwag ka, ako... Hindi ako susuko! Halika na nga, bilis!"
natatawang sumunod si Aeon dito.

NUKNUKAN talaga ng kamanhidan ang lalaking ito! Mamaya, aabangan niya sa kusina si
Aeon. Ipagbe-bake niya ito ng oatmeal cookies. Kahit nagkapaso-paso na siya, okay
lang! Hindi siya susuko, ipaglalaban niya ang puso niya!

"Hello, nagbake ako ng cookies. Gusto mo?" dala ni Crimson ang pinaghirapang
oatmeal cookies.

"Napano 'yang mga daliri mo? Bakit madaming bandaid?" sa halip ay tanong ng lalaki.

"Boring na kasi ako dito sa bahay. Ayaw naman akong palabasin ni Daddy, kaya eto..
Napagtripan kong magbake. Hindi naman ako marunong, sa cookbook lang ako tumingin
kaya eto, napaso ako." mahaba niyang paliwanag. Walang imik na kumuha ng isang
cookie si Aeon at kumain..

"Hmmm... Puwede na rin para sa isang baguhan na tulad mo." akala mo kung sinong
marunong sa kusina, as if I know.. Military training lang ang alam nito.

"Masarap ba? Baka naman masama ang lasa at ayaw mo lang akong ipahiya..." pakli
niya.

"Masarap nga eh, dahil siguro nagkapaso-paso ka kaya ganoon!" napangiti nitong wika
at saka napatingin sa daliri niya.

"Matikman nga at baka niloloko mo ako." kumuha siya ng isa at agad niyang kinagat
iyon. Masarap nga, nakatsamba siya...

"Umamin ka nga, ginawa mo na naman ito dahil sa akin ano?" biglang tanong ng
lalaki.

"Oo, tama ka. Galit ka ba?" nag-aalala niyang tanong. Umiling ang lalaki.

"Salamat. Pero kung mapapaso ka lang, huwag mo na lang akong ipagbake."

"Okay lang 'yun, basta ikaw..." todo na ang pangangapal ng apog niya.

"Trabaho kong protektahan ka at ayaw kong masaktan ka nang dahil sa akin." masarap
sanang pakinggan kung hindi kasama ang salitang trabaho.

Ilang sandali din silang hindi nagkaimikan at kumain na lamang ng mga binake niyang
cookies. Pero may bigla na naman siyang naisip.

"Aeon, isinusumpa ko... Darating ang araw, magiging asawa kita!" hindi nakatiis
niyang wika.
"Neng, baka hindi mo alam 'yang sinasabi mo." nang-aasar nitong wika.

"Alam ko, 'cause I'm truly, madly, deeply in love with you." todo na ito!

"Baka hindi mo alam ang pagkakaiba ng infatuation sa love?" naiiling na wika ni


Aeon. Hindi niya tuloy malaman kung matutuwa siya dito o hindi.

"Ah basta, you're going to be my husband!" palatak pa ni Crimson. Itinudo na niya


ang kakapalan ng apog niya.

"Neng, hetong kape at nang mahimasmasan ka.. Para magkaroon ka naman ng nerbiyos sa
katawan. Tinapangan ko 'yan." sabay abot ng kape sa kanya bago ito tuluyang lumabas
ng kusina.

"Hmp! Nakakainis! Pero dahil tinimpla niya ito, iinumin ko." At ang resulta..

"Puwe! Ang pait, matapang nga! Sobra!" nasamid niyang wika.

Pero dahil sa sama ng loob, nilaklak din lang niya ang kape. Ano ba naman ang gap
nilang twenty-six sa twenty? Kaya huwag na huwag siya nitong matawag-tawag na Neng!
Naiiyak siyang napatitig dito habang papalayo ang lalaki. Wala naman siyang sakit
para iwasan siya nito, bakit ba?!

NAGPUNTA sa out of town ang papa at kuya Jayson niya para sa kaso. Ang saya-saya
niya dahil si Aeon ang bodyguard na maiiwan sa kanya.

"I love you, Daddy!" para pa siyang bata na nagpatalun-talon sa tuwa.

Ano kayang puwede niyang gawin para kay Aeon? Gaganti siya sa sobrang kamanhidan
nito sa kanya.

Nasa garden siya at nakaupo sa gilid ng malaking fountain, naulinigan niyang


papalapit si Aeon sa kanya. Kaya naman sinadya niyang kumanta ng ganito..

"I love you, boy. Kung alam mo lang, naiinis na ako sa'yo. Sobrang manhid ka, at di
mo pinapansin..." pinukol niya ito ng tingin at ngumiti para ipahalatang ito ang
pinatutungkulan niya.

Wala man lang itong reaksyon kaya itutuloy na niya ang balak niya. Manhid ka ha?!

"Aeon, magbihis ka. Lalabas tayo. Gusto kong magshopping. Nai-stress kasi ako."

"Delekado."

"Ow, come on! Nandiyan ka naman para protektahan ako, di ba? Ako ang boss mo, kaya
ako ang sundin mo." mataray niyang wika dito.

Natigilan si Aeon, nagtaray na naman si Crimson sa kanya. Masama nga talaga ang
mood, kaya pagbibigyan niya.

Kung anu-ano ang binibili ni Crimson sa mall at ipinabibitbit sa kanya. Mas


nagmumukha na siyang alalay kaysa bodyguard. At nagsisimula na rin siyang
makaramdam ng iritasyon.

"Kailangan mo ba talaga ang mga sapatos, damit at kung anu-ano na 'to? Magagamit mo
ba silang lahat?" hindi na talaga siya nakatiis.
"Actually, I just like to buy them. Hindi ko naman talaga sila totoong kailangan."
bale-walang sagot nito.

"Kung ganoon, bakit ka pa bumibili?" inis na tanong ni Aeon.

"Wala, gusto ko lang silang bilhin. Kapag hindi ko sila nabili at gusto ko sila,
mababaliw ako!" halos magkabali-bali ang mga ngipin ni Aeon sa sobrang panggigigil
kay Crimson. Pinakaayaw pa naman niya sa isang tao ay 'yung magastos at maaksaya sa
pera!

Para kasi sa kanya, binibili ang isang bagay kung kinakailangan. Oo na, sige na...
Kuripot siya kaya kaaway ang tingin niya sa mga gastador at gastadorang kagaya
nito!

"Bakit ganyan ka makatingin? Naiinis ka na ba sa akin?" untag niya dito.

"Medyo." maikli nitong sagot.

"Good. Tara na, marami pa akong bibilhin. May sale doon! Gusto talaga kitang
buwisitin dahil manhid ka sa nararamdaman ko sa'yo..." sabay turo sa isang botique.

"Hindi ako manhid, professional lang ako."

"Wala kang damdamin!"

"Mayroon dahil gusto na rin kita..." pero bulong lang ni Aeon sa sarili iyon.

Kasalukuyang namimili si Crimson nang...

"Himala, lumabas ka yata sa lungga mo ngayon?" untag ni Mica sa kanya. Simpleng


kaaway niya ito, kaagaw niya kasi ito sa mga awards and honors sa school hanggang
sa nauwi sa iringan, dahil siya ang niligawan ng campus crush noong highschool
sila. Ito ang nagsimula ng giyera ng buhusan siya nito ng juice sa canteen noong
third year siya.

"Wala ang Daddy ko, kaya naman sinasamantala ko ang pagkakataon." sarcastic niyang
wika.

"Who's this gorgeous guy?" puna nito kay Aeon. Halatang naakit ito sa lalaki.
Napaismid siya at mataray na tumingin sa babae. Malalagkit kasi ang tingin nito sa
binata.

"His my boyfriend." sabay lapit sa lalaki at malambing na kumawit sa kanang braso


nito. Malambing din siyang humilig dito.

"What his name?" interesado nitong tanong.

"Next time nalang, nagmamadali kasi kami eh. Nakakaabala ka na sa date namin. By
the way, nice to see you. Let's go, my dear." malambing niyang yaya kay Aeon.
Tahimik lang itong sumunod sa kanya. Nakasakay na sila sa kotse at pauwi na nang...

"Bakit hindi mo man lang ako ipinakilala sa kaibigan mo?" untag ni Aeon sa kanya
habang nakatutok ang mga mata sa daan. Nasa tabi siya nito.

"Duh, hindi ko kaibigan ang bruhang 'yun. Simpleng magkaaway kami. At saka, mukhang
type ka pa nang babaeng 'yun." inis niyang sagot.
"Eh ano ngayon kung type niya ako?"

"Malandi ang babaeng 'yun at hindi ako papayag na landiin ka niya sa harapan ko. At
higit sa lahat ang agawin ka niya sa akin. Aba, makakatikim siya ng wrestle mania
sa akin. Mapapatay ko ang bruha na 'yun!" napangiti ng pilyo si Aeon.

"Anong nakakatawa?"

"Don't mind me, it's just nothing." sagot ng lalaki at hindi man lang nag-abalang
sumulyap sa kanya.

NAGDAOS ng party si Crimson sa kanilang bahay habang wala si Aeon. Ang problema,
dumating sina Mica at nagkalat sa party. Wala siyang magawa dahil marami sila.
Naulinigan niyang papasok na si Aeon sa pinto ng mansyon! Patay!

"N-naku, nandiyan na si Aeon. Umalis na kayo." taranta niyang wika.

"Huwag ka namang KJ. Nagsisimula palang ang party, sweetheart!" umakbay sa kanya si
Brent, ang boyfriend ni Mica. Medyo lango na ito sa alak.

"Lumayo ka nga sa akin!" sabay kalas dito.

"Sino ba kasi 'yun, ha?"

"Basta, siya ang binigyan ni Daddy ng access dito sa bahay!" natatakot niyang wika.

"Anong ibig sabihin nito?" galit na bungad ni Aeon sa lahat ng mga naroon.
Natigilan ang lahat.

"Puwede ba Aeon, kasama ko ang mga kaibigan ko." napatingin si Mica sa bagong
dating na lalaki.

"Kaibigan? Crimson, kung kaibigan mo sila.. Alam nilang irespeto ang lugar mo.
Hindi sila magkakalat ng ganito." mariing wika ni Aeon.

May mga mantsa ng ketchup ang pader, may mayonaise sa railings ng hagdan at basa ng
red wine ang carpet sa sahig. May mga natapon ding pagkain sa ilang furniture.

"Aba, ang yabang mo ah!" sinugod ng suntok ni Brent si Aeon pero ito ang nasuntok
at naibalya.

Tinangka itong pagtulungan ng limang lalaki kabilang na si Brent pero kitang-kita


ang military skills ni Aeon.

"U-umalis na lang kayo!" pakiusap ni Crimson, natataranta na rin siya.

Nabugbog kasi ni Aeon ang lima at wala man lang nagawa ang mga ito kay Aeon.

Average eighteen to twenty-one ang edad ng mga kaibigan ni Crimson. Akmang aalis
na ang mga ito nang biglang humarang sa pintuan si Aeon.

"Walang aalis hangga't hindi nalilinis ang mga kalat na ginawa niyo dito sa
mansyon! Hindi ako papayag na bastusin niyo ang pamamahay ni Gen. Dela Fuente!
Subukan niyong umalis ngayon at aalis kayong may pasa at bali-bali ang mga buto-
buto niyo sa katawan!" takot na napaatras ang mga kabataan. Takot na nilang
banggain si Aeon pagkatapos nilang makita ang military skills nito.
"Lahat kayo, fall in line!" malakas na sigaw ni Aeon.

Takot na sumunod ang lahat. Pati sina Mica, Sheryl, Gerlie at Karen. Lalo na ang
mga lalaki na sina Brent, Michael, Andrew, Bogart, at Rodel. Takot gumawa ng maling
kilos ang lahat.

Ipinakita ni Aeon ang kanyang superiority at hindi naman malaman ni Crimson ang
gagawin... Galit si Aeon at natatakot siyang isumbong nito sa Daddy niya. Mabait
ang kanyang Daddy pero ibang klase ding magalit!

Chapter 3:

PARANG isang commanding officer na nakabantay si Aeon sa mga nakalinyang kabataan.

"Lilinisin niyo ang mga kalat na ginawa niyo sa pamamagitan ng mga lumang
toothbrush na hawak niyo. Nakahanda na rin ang ibang panglinis diyan. Babantayan ko
ang bawat kilos niyo, sisiguruhin kong malinis na malinis ang lugar na 'to bago
kayo umalis. At ang magkakamali, may parusa! Maliwanag ba?!" walang nagsalita.

"I said, Is that clear?! Sagot!" galit si Aeon sa mga burara. Kaya tuturuan talaga
niya ng leksyon ang mga ito.

"O-opo!" halos sabay-sabay na wika ng mga ito.

"Good, simulan niyo na." nagsikilos agad ang mga ito, samantalang si Crimson,
nanatiling nakatanga at speechless.

"Anong tinatanga mo diyan? Akala mo ba exempted ka? Kumilos ka na rin kung ayaw
mong makarating sa Daddy mo ang bagay na 'to." galit niyang wika dito.

"H-ha? You can't do this to me. Bina-blackmail mo ako." imposible talaga ang
lalaking ito.

"Ikaw ang pasimuno nito kaya kailangang maparusahan ka rin. Baka nakakalimutan mo,
ang Daddy mo ang totoong boss ko. Get up china doll, and I won't take my eyes off
you.." inis na tumalima si Crimson at nagdabog pa.

Halos limang oras natapos ang mga ito. Agad ding nagsialis ang mga ito nang matapos
ang paglilinis. Napagod din si Crimson kaya agad na pumahik sa kanyang silid.
Sinundan ito ni Aeon.

"Hindi pa tayo tapos, Crimson. Mag-uusap tayo ng masinsinan, ngayon. Gusto kong
marinig ang paliwanag mo." sumandal si Aeon sa pinto ng silid.

"Inaamin ko na, nagdaos ako ng party dito sa bahay para inisin ka. Pero hindi sina
Mica ang dapat kong kasama, narinig lang nila ang plano ko at pinagtulungan nila
ako. Pinaalis nila ang mga kaibigan ko at nagkalat na sila dito." napabuntung-
hininga ang binata, malalim..

"Salamat, Aeon. Kung hindi ka dumating at iniligtas ako sa kanila, tiyak... Patay
ako sa Daddy kapag nalaman niya ito."

"Mayroon akong isang salita at wala akong balak na isumbong ka. Pero sana huwag mo
nang ulitin pa ang bagay na 'to. Lalo na kapag wala na ako dito, baka mapahamak ka
pa. Matuto ka na sana sa leksyong ibinigay ko sa'yo." wika nito bago lumabas ng
kanyang silid.

NAKARAMDAM siya ng lungkot pero saglit lang. Natutuwa siyang malaman na nag-aalala
din naman pala ito sa kanya. Wala na siyang pakialam kung dahil sa trabaho iyon.
Kinabukasan...

"Ano bang gusto mo sa babae?" bigla niyang tanong sa lalaki.

Kasama niya ito sa kubo na nasa garden. Nagbabasa siya ng magazine ng maisip niyang
itanong iyon sa lalaki.

"Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?" amused nitong tanong sa kanya.

"Oo naman, para may mapala naman ako sa pagtatanong ko, ano?" inilapag niya ang
magazine sa tabi at tumingin dito.

Nakaupo kasi ito sa tapat niya. Napabuntung-hininga si Aeon, nag-iisip ng paraan


kung paano iha-handle ang sitwasyon..

"Gusto ko, 'yung cute. Hmm.. Iyong katamtaman ang biyas ng pangangatawan." may
kapilyuhan nang naisip si Aeon. Pasimple siyang tumingin sa dalaga.

"Ako 'yun!" tuwang wika ni Crimson sa sarili.

"Gusto ko 'yung marunong sa gawaing bahay lalo na sa pagluluto.."

"Pag-aaralan ko na 'yun!" kausap muli niya ang sarili.

"Dapat 'yung mahaba ang buhok." napahawak si Crimson sa maikling buhok, nagpagupit
kasi siya ng maikli at yung uso sa fashion ngayon.

"Hindi na ako magpapaputol ng buhok." bulalas niya.

"At higit sa lahat, ang gustung-gusto ko... Ay 'yung malaki at bilugan ang mga
mata." pinalamlam pa ni Aeon ang kanyang magagandang gray eyes habang sinasabi ang
mga iyon. Pero ang totoo, bluff lang 'yun para tigilan siya ni Crimson.

"Bilugan ang mga mata.." wika pa ni Crimson at pilit na pinalalaki ang tsinitang
mga mata.

Samantalang si Aeon, sapo na niya ang tiyan at pigil na pigil ang sarili na tumawa.
Pero sa totoo lang magaganda naman ang mga mata ni Crimson dahil halfmoon ang shape
ng mga iyon...

"Pinagloloko mo naman ako eh!" wika niya sa lalaki ng makitang tinatawanan siya
nito.
"Hindi ah..." kaila nito.

"Puwede ba akong magtanong sa'yo?"

"Okay lang."

"Okay lang talaga?"

"Hmm... Oo naman."

"Seryoso at medyo personal, puwede ko bang itanong sa'yo iyon?" paalam pa niya sa
binata.

"S-Sure, go ahead." mukhang hindi ito pasaway ngayong araw kaya pagbibigyan niya
ito.

"Ahmm... Have you ever fall in love?" maging siya ay nagulat sa kanyang katanungan
dahil hindi siya handa sa magiging sagot ng binata.

"Not yet..." Oo, in love na ako sa'yo... iyon sana ang gusto niyang sabihin dito
pero pinigil niya ang sarili.

"As in, hindi pa talaga?" kulit pa niya.

"Talagang-talaga. Ikaw, na-in love ka na?" nagblushed si Crimson at nahihiyang


ngumiti.

"S-Sa tingin ko nga, in love na yata ako sa'yo. Mahal na yata kita, Aeon..." halos
pabulong niyang wika.

Ngumiti si Aeon at napayuko naman si Crimson dahil sa sobrang kahihiyan.

"Bakit naman, yata?" untag pa nito sa kanya.

"Hindi pa kasi ako sigurado eh."

"Di hindi ka pa in love."

"But I'm truly, madly, deeply in love with you. Nasabi ko na sa'yo, dati pa."

"But you are not sure."

"Paano ko ba masisiguro?"

"I don't know..."

Biglang may naisip si Crimson..

"Kiss me, Aeon." natigilan ang lalaki.

"H-Huwag na, hindi ka naman marunong eh..." wika ni Aeon ng makabawi siya.

"Pero ang sabi nila, mararamdaman mo ang love sa pamamagitan ng halik. At gusto
kong malaman kung..." hindi niya magawang ituloy ang nais niyang sabihin.

"Don't be silly. Kapag hinalikan kita, manganganib ka sa akin... Hindi ka na bata


para hindi mo ako maintindihan."

"Isang tanong na lang... Hindi na ako mangungulit, promise." todo-todo na ang


kakapalan ng mukha, Crimson!

"S-Sige..." alanganin nitong sagot.

"Gusto mo ba akong halikan?"

"H-Ha?!"

"Your face became red. May gusto ka rin sa akin, ano?" tudyo niya sa lalaki. Ha ha
ha, nakakuha siya ng tiyempo.

"C-Crimson..." saway niya dito.

"Huwag kang mag-alala, Aeon. Gustung-gusto kita at hindi magbabago iyon. Sa totoo
lang parang gusto na kitang halikan ngayon, kaso nahihiya ka naman... Magpapaturo
sana ako sa'yo eh." sasakit ata ang tiyan niya mamaya sa katatawa.

"S-Stop teasing me..." his face was really red at pinagpapawisan na ito. Bigla
itong naging aburido...

"Huwag kang mag-alala, naiintindihan kita. Hindi na kita masyadong kukulitin


tungkol sa mga bagay na ito."

Napabuntung-hininga ang binata at nakahinga na ng maluwag.

"S-Salamat naman..."

"Okay lang. Alam ko naman kasing hindi ka pa handang magkasala sa akin eh. Hayaan
mo, aantayin ko kapag handa ka na!" natatawa niyang wika bago niya ito iwan.

Napailing ang binata dahil biglang nabuhay ang pagnanasa niya sa pilyang dalaga.
Hinamig at pilit niyang pinakalma ang sarili. Tortured na siya, pero kaya pa niyang
magtiis...

Nangingiting tinanaw ni Aeon ang papalayong dalaga. Gustung-gusto niyang kasama ito
at mukhang hinahanap-hanap na niya ang mga kapilyahan nito sa kanya.

"Don't dare me Crimson... Dahil kapag dumating ang pagkakataong hindi na kita
boss... Hindi na kita hahayaang makawala pa sa akin." pilyo niyang wika sa kanyang
sarili.

Samantala, tuwang-tuwa si Crimson dahil nahuli niya si Aeon na may gusto rin pala
ang binata sa kanya. Sayang nga lang at mukhang ang dedication nito sa trabaho ang
pumipigil para lapitan siya... Kaya lang, paano kung siya lang itong nag-iilusyon
at natutuwa lang naman pala ito sa kanya? Napasimangot siya sa isiping iyon. Pero
hindi nito napigil ang pagpapantasya niya sa binata.

MABILIS na natapos ang kasong hawak ng Daddy niya at maayos na ang lahat. Pero
siya, hindi maayos dahil natapos na ang pantasya niya kay "fafa Aeon!" Wala na si
Aeon at naiwan siyang malungkot at nangungulila sa lalaki. Miss na miss na niya ito
kahit pa medyo manhid ito sa kanya. Pero ito, may naisip na naman siyang paraan
para makasamang muli ang lalaki, at kapag nagtagumpay siya... Forever na 'to!
Samantala... Sa Men in Action...

"Aba, napapangiti ka ah? Ano 'yan, ha?" untag ni Gin kay Aeon.

"Wala may naalala lang akong nakakatuwa."


"Sus, baka 'yung huling trabaho mo ang naaalala mo? May kinalaman ba dito ang
magandang anak ni Gen. Dela Fuente?" napangalumbabang tumingin si Aeon kay Gin.

"Ano sa tingin mo?" nakangiti niyang sagot.

"Malala ka na, ligawan mo na bago ka pa mabaliw." singit ni Sky na kanina pa


nakikinig. Humahangos na dumating sina Velvet at Nexus.

"Napanood niyo na ba sa t.v. ang commercial na ginawa natin sa Clear shampoo?"


untag ni Nexus.

"Hindi pa." sagot ni Sky.

"Sikat na tayo ngayon, at ang guwapo nating lahat doon. Lalo ngayong sumikat ang
Men in Action bilang military gorgeous men." wika ni Velvet.

"Buti nga, at nakasaad sa commercial na mga models tayo at hindi totoong members ng
Men in Action." singit ni Siege. Ang isa sa kanilang commanding officer.

"Hindi kasi ako makatanggi kay Alec. Mabuti na lamang at itinago pa rin niya ang
ating mga identity sa kabila ng pagkakalantad ng ating mga mukha." singit pa ni
Ervine... Commanding Officer din nila ito, actually ito ang kanilang head at
pumapangalawa lang si Siege..

"Hus, ang lalaking 'yun... Kailan ba niya balak mag-exam at nang maging official
member na siya ng Men in Action?" tanong ni Nexus.

"Ewan ko sa lalaking 'yun. Natapos na niya ang training, pero saka na muna daw siya
mag-eexam. May mahalaga pa daw siyang aasikasuhin sa ngayon..." wika pa ni Ervine.

"At speaking of aasikasuhin... Balak na yatang asikasuhin ni Aeon ang kanyang


puso..." nakangising wika ni Velvet.

"May sakit ka sa puso?" nabiglang tanong ni Siege.

"Malala, at ang anak ni Gen. Dela Fuente ang tanging lunas..." pilyong sagot ni
Sky.

Natahimik ang lahat dahil alam na nilang si Aeon ang flavor of the day para asarin
ng dalawang pilyo. Si Ervine lang ang hindi magawang pagtripan ng dalawa dahil
masungit ito at baka mabilis pa sa alas-kuwatrong mabugbog sila ng walang pasabi...
Isa pa, ito ang kanilang commanding officer na super istrikto, lalo pa at head..

"Uy, tigilan niyo nga ako..." saway ni Aeon.

"Namumula ka, masyado kang obvious." wika pa ni Gin.

"At balita ko pa, inakit-akit ka daw ng magandang dalaga na iyon. At mukhang


muntik-muntikan ka nang mapakagat sa matamis at magandang mansanas..." dugtong pa
ni Velvet. Ito ang pinakapilyo sa kanila at pumapangalawa si Sky.

"At kung kami iyon ni Velvet, baka hindi lang namin kinagat... Sinimot pa namin!"
tumawa pa ang lokong si Sky.

"Will you stop that?! Both of you!" dumudumi na kasi ang takbo ng utak niya...

"Nanghihinayang ka siguro na hindi mo man lang natikman ang mansanas na iyon.


Siguradong hanggang ngayon, takam na takam ang kawawang si fafa Aeon..." si Velvet.
Mukhang halinhinan na siyang ginigisa ng dalawa.

"Sayang talaga, ang lapit na... Hindi mo pa sinakmal..." tudyo pa ni Sky..

"Huh, hindi naman ako katulad niyo na parehong nalahian ni Count Dracula na mahilig
manakmal." pagtatanggol niya sa sarili.

"Alam ko namang hindi ka mahilig manakmal... Ang gusto mo kasi ay 'yung desert
agad... Alam mo na para sigurado na ang-" binirahan ng alis ni Aeon...

Narinig na lamang niya ang malulutong na halakhakan ng mga ito. Naku, kapag kayo
ang umibig at mas nabaliw kayo kaysa sa akin... Tutuksuhin ko rin kayo at
pagtatawanan... Palibhasa kasi, super playboy ang dalawa. Hindi naman sa
nagmamalinis siya dahil marami rin naman siyang flings... Pero hindi siya katulad
ng dalawang iyon na matindi at sunggab na lang ng sunggab..

MULA noon, palaging inaabangan ni Crimson ang commercial para lang makita ang
mukha ni Aeon. Marami nga ang nagsasabi sa kanya na mas guwapo ang ibang members
pero si Aeon lang talaga ang nakikita ng mga mata niya.. Nakasaad nga sa advertised
na mga models ang mga iyon pero siya, alam niya ang totoo.

Dahil nakita niya doon si Aeon, sigurado siyang mga genuine members ang mga ito ng
sikat na military agency na iyon. Lalo ngayong nabuhay ang alingasngas tungkol sa
mga gorgeous men ng Men in Action. Pero mas marami ang naniniwalang mga models lang
talaga ang mga lalaki sa commercial.

Ngayon, pupuntahan na talaga niya ang Daddy niya para isagawa ang balak. Sawa na
siya na hanggang tingin lang sa screen ng t.v...

"Daddy, wala ka na bang balak na pabalikin dito si Aeon?"

"Bakit pa, hindi na natin kailangan pa ng mga bodyguard. Isa pa, tapos na ang
kasong hawak ko."

"Pero Daddy, buntis ako at si Aeon ang ama!" bahala na nga!

Kunot-noong ibinaba ni Johny ang binabasang diyaryo. Panahon na siguro para turuan
niya ng leksyon ang sutil niyang anak. Kung hindi lang siguro maagang nawala ang
asawa niyang si Criselda, hindi niya mai-spoild ng ganito ang anak.

"Tama na, sumusobra ka na Crimson! Akala mo ba hindi nakakarating sa akin ang


pinaggagawa mo kay Aeon? Hindi ka na naawa sa tao, hindi mo na siya tinantanan!"
bahagyang natigilan si Crimson, pero nang makabawi..

"Pero Dad, buntis talaga ako at si Aeon ang ama." pilit niya.

"Kung ganoon, panindigan mo 'yang kabaliwan mo. Lumayas ka na dito at mula ngayon,
mawawalan ka na ng access sa pera at ari-arian namin ng Mommy mo."

"D-Dad, s-seryoso ka?" namumutlang tanong ni Crimson sa ama.

"I'm deadly serious, my child!" ngumiti pa ng nakakaloko ang kanyang Daddy.

"B-But Daddy..." naiiyak na siya.


Eksakto namang paparating ang Kuya niya. Patakbo siyang lumapit at yumakap sa
kanyang Kuya...

"Dad, bakit umiiyak itong si Crimson? Napagalitan niyo ba?" nagtatakang napatingin
sa ama si Jayson.

"Pinapalayas ko na ang sutil na kapatid mo."

"D-Dad?! You can't be serious!"

"But I'm serious..."

"Hindi niyo puwedeng basta na lang gawin ito sa kapatid ko!" pagtatanggol ng Kuya
niya.

"Gagawin ko ang gusto ko sa anak ko. Sumusobra na ang kasutilan ng kapatid mo.
Hindi puwedeng palagi na lang natin siyang pinagbibigyan."

"Bakit, Dad? Ano bang ginawa niya?" nagtatakang tanong ni Jayson.

"Sinabi niya sa akin na buntis siya at si Aeon ang ama!" inis na wika ni Johny.

"Ano?!" nagulat si Jayson. Binalingan ang kanyang kapatid...

"Magsabi ka ng totoo, Crimson? Totoo ba ang sinabi ni Dad?! Or else, I will kill
that bastard!"

"K-Kuya, please... Huwag mong sasaktan si Aeon!" taranta niyang wika.

"Buntis ka ba talaga?!" namumula na ang mukha ng kanyang kuya.

"I-I'm just lying... Inosente siya, sinabi ko lang ito d-dahil nagbabakasakali
akong ipakakasal ako ni Daddy ng ora-orada kay Aeon..." amin niya sa kapatid.

"You're crazy!"

"Nakita mo na 'yang kasutilan ng kapatid mo?!"

"D-Dad... K-Kuya..." great, wala na siyang kakampi. Parehong galit ang dalawa sa
kaya.

POOR Crimson, akalain ba niyang ganito ang mangyayari? Ang inaasahan niya, ora-
orada siyang ipakakasal ng Daddy niya kay Aeon. And then, Aeon will finally fall in
love with her and they live happily ever after! Just like a fairy tale but it's
not, it turn out to be a nightmare!

At heto na siya ngayon, pinalayas na nga at nasa labas na ng subdivision. Mabuti


nalang at nakapagwithdraw pa siya ng pera sa kanyang ATM bago maipadeactivate iyon
ng Daddy niya.

"Wala akong alam na mapupuntahan..." biglang sumagi sa isip niya si Aeon.

Bahala na, hahanapin niya ang residence area ng Men in Action. Ninakaw kasi niya
ang picture ng binata sa resume nito, sa opisina ng Daddy niya. At hopefully, tama
ang natatandaan niyang address ng residence area ng Men in Action. Nasa likod ito
ng isang exclusive subdivision at front lang ito para itago ang lugar. Napakagat
siya sa kanyang pang-ibabang labi. Si Aeon na lang ang proproblemahin niya pero
bahala na!

Chapter 4:

ALAS-DOS na ng madaling-araw ng makauwi si Aeon sa kanyang bahay. Mabilis niyang


binuksan ang gate para ipasok ang kanyang black pajero. Ngunit nasorpresa siya ng
todo ng makita si Crimson sa tapat ng pinto ng bahay niya na natutulog. Nakaunan
ito sa traveling bag na may kalakihan at nakahiga sa sahig. Napahilamos siya sa
mukha at napailing..

"Naku, Crimson! Bukas na bukas, magtutuos tayong dalawa!" nanggigil niyang wika.

Di sinasadyang napagmasdan niya ang maamo nitong mukha. Wala sa sariling hinaplos
niya iyon at napangiti. Napabuntung-hininga siya at pagkatapos noon ay marahan
niyang binuhat ang dalaga. Mahimbing ang tulog nito at hindi man lang ito nagising
hanggang sa mailapag niya ito sa kama.

Mabuti na lang pala at palagi niyang nililinis ang mga bakanteng silid sa kanyang
bahay kapag may oras siya. Matagal niyang pinagsawa ang mga mata sa maganda nitong
mukha. Kumibot-kibot ang mga labi nito at napalunok siya dahil tila inaanyayahan
siya nitong halikan niya ito. Hinamig niya ang sarili at pinigilan dahil sigurado
siyang may kakahantungan ang halik na iyon kapag itinuloy niya ang balak. Lumabas
na siya ng silid bago pa man niya makumbinsi ang sarili na gawin ang kanyang balak.
Walang kamalay-malay si Crimson, dala na rin marahil ng pagod. Kinabukasan...

"Ano?! Sinabi mo 'yun sa Daddy mo kaya ka pinalayas?!" namumula ang mukha ni Aeon
sa galit at inis.

Bigla siyang niyakap ni Crimson at umatungal ito ng iyak. Hindi malaman ni Aeon ang
gagawin ng mga sandaling iyon.

"Hu hu hu... P-pasensiya ka na, hindi ko naman akalaing ganito ang mangyayari eh..
W-wala na akong alam na mapupuntahan." paano pa kaya tatanggi nito si Aeon?

Inunahan na siya nito ng atungal at iyak. Lalo na siyempre, ng kunsensiya.. Niyakap


na rin niya ang dalaga at masuyong hinaplos ang buhok nito bilang pang-alo. Tumigil
na ito sa pag-atungal at pag-iyak... Pahikbi-hikbi itong napatitig sa kanya at
marahan niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi at gilid ng mga mata nito.

"Sige na, dito ka na muna. Pero huwag mong aasahang buhay prinsesa ka dito sa bahay
ko. Hindi ako mayaman. Simple lang ako."

"Tutulungan na lang kita sa mga gawaing bahay dito. Promise, hindi ako magiging
pabigat sa'yo." prisinta nito.

"Naku, sana nga hindi ka maging sakit ng ulo dito." maya-maya pa, may na-receive na
text message si Aeon.

Tumitig si Crimson kay Aeon ng may pagsusumamo. Alam niyang ito ang kahinaan ng
lalaki. Napabuntung-hininga ito at ngumiti na ang binata sa kanya. Lalo siyang
yumakap dito.

"S-Salamat talaga, Aeon..." sincere niyang wika. Ito talaga ang nag-iisang hero ng
buhay niya...

C Jayson2, nandiyan ba si Crimson? Pumunta ka d2 sa bahay now. May sa2bihin sa'yo


si Dad. Hwag mong isama ang kapatid ko at hwag mong sa2bhing nagtxt ako. Punta ka
na daw, ASAP.

"May pupuntahan lang akong importante. Maiwan ka na muna dito, kumain ka na at


nakaluto na ako ng almusal." kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya at medyo
tumitig pa ng matagal sa mukha niya.

"Salamat talaga, mag-ingat ka." saka lang tila natauhan si Aeon.

"Y-Yeah, sure." ngumiti ito sa kanya ng tipid, bago umalis.

MABILIS na nagpunta ang binata sa bahay ni Gen. Dela Fuente. Alam niyang mahalaga
ang sasabihin nito lalo pa at may kinalaman ito kay Crimson.

"Pasensiya ka na sa anak ko, Aeon. Tama pala ang hinala ko, sa'yo siya nagpunta.
Pinalayas ko siya dahil sa tingin ko, panahon na para turuan ko siya ng leksyon."
tahimik lang na nakikinig si Aeon sa ama ni Crimson.

"Isa lang ang gusto kong hingin na pabor sa'yo." napabuntung-hininga ito.

"Ano po 'yun?" maang niyang tanong.

"Protektahan mo ang anak ko at turuan mo siya ng leksyon. Baguhin mo ang pagiging


spoild brat niya. Lalo na ang pagiging gastadora niya. Turuan mo siya kung paano
magtipid at nang ilan pang bagay na maaari mong ituro sa kanya."

"Sundin kaya niya ako kapag inutusan ko siya?" noong huli nga kasi, nagdabog pa ito
sa kanya.

"Siyempre naman, susundin ka ng anak ko. Patay na patay kaya sa'yo 'yun!" napayuko
si Aeon na nangingiti.

"Sir naman..." nahihiya niyang wika.

"Saksi ako sa mga kalokohang pinaggagawa ng anak ko. Siya nga pala, Aeon... Wala
pang nagiging boyfriend ang anak kong iyon dahil natakot na lahat ng manliligaw
niya."

"Bakit naman po?"

"Well, minsang may mayabang na nagpunta dito... Nakatikim kay Jayson, binalian niya
ng braso dahil muntik na nitong bastusin ang anak ko. Ako naman, may hinabol ng
shotgun dahil nagtatapang-tapangan... Ayon, naihi rin lang sa takot ang loko."
natawa siya sa kwento nito.

"Ikaw, kapag nanligaw ka ba sa anak ko at tinutukan kita ng shotgun, tatakbo ka


ba?" naghahamong tanong nito.

"Hindi po. Tititigan ko lang ang baril."


"Bakit naman?"

"Kasi alam kong hindi niyo naman ipuputok iyon. General kayo at alam niyo ang
batas." natawa ang matanda sa sagot niya.

"Tama ka, hindi ko nga ipuputok ang baril. Lalo pa at ang sutil kong anak ang umuwi
sa bahay mo." nahihiya siyang napatitig dito.

Tumango ito na tila nagpapahiwatig ng pagsang-ayon sa isang bagay.

"May tiwala ako sa'yo, Aeon. Maaari ka nang umalis. Mag-ingat ka nga pala sa anak
ko, baka mamaya.. Mapikot ka niya!" natatawa nitong wika.

Parang may idea na siya kung kanino nagmana si Crimson. Nakasalubong niya si Jayson
sa daan.

"Pasensiya ka na at inuwian ka na ng magaling kong kapatid. Patay na patay kasi


sa'yo ang isang 'yun eh. Pero mabait iyon."

"Alam ko." nakangiti niyang tugon.

"Ah, may ganoon?" kumunot ang noo nito.

"Bakit, may problema ba?"

"Siguraduhin mo lang na aalagaan mo ang kapatid ko, kung ayaw mong ako mismo ang
pumatay sa'yo." banta nito.

"Talagang aalagaan ko siya dahil aantayin ko pa siya sa aisle..."

"Okay, basta bilisan mo. Deal." nagshake-hands sila ni Jayson.

Nabarkada niya ito ng ipasok ito ng ama sa military training. Nakasama niya ito ng
matagal sa training camp. Malaki ang pagkakahawig nito kay Crimson. Lalaking
version nga lang kaya guwapo. Ito ang unang bumitaw sa shakehands.

"Sige, bayaw... Alagaan mo na lang ng mabuti si Crimson." wika nito bago siya
lagpasan.

Papunta ito sa kusina at napatigil ng saglit si Aeon dahil hindi niya mapigilang
hindi matawa. Siyempre, masaya siya eh! At parang hindi siya makapaniwala sa mga
nangyayari.

SINISIKAP naman ni Crimson na tumulong sa mga gawaing bahay, 'yun nga lang.. Palpak
siyang lage.

"Hmm.. Nakakatawa naman ang isang ito! Mahilig pala si Aeon sa manga magazine. Ang
cute naman ng kuwento nito..." may kakaibang naamoy si Crimson.

"Parang may nasusunog..." biglang napatayo si Crimson at nagtatatakbo papunta sa


kusina.

"Patay na naman ako kay Aeon! Ang sinaing ko, sunog na naman!" napakagat siya sa
labi. At..

"Sunog na naman! Naku, ang mahal-mahal ng bigas, susunugin mo lang?!"


"Pasensiya ka na, magsasaing na lang ako ulit." nahihiya niyang wika.

"Ako na ang magsasaing para siguradong may makakain tayo ngayong gabi. Ako na ang
bahala dito, magbasa ka na lang ulit."

"Sorry talaga..."

"Ang mabuti pa, dalhin mo 'tong natutung na kanin sa farm ni Chase bukas. Nandoon
'yun sa dulo nitong residence area. Sabihin mo, palitan niya ng isang dosenang
itlog. Magpakilala kang asawa ko."

"Ha? B-Bakit?" amazed niyang tanong.

"Masamang tingnan sa babae at lalaki na nagsasama sa iisang bubong ng hindi kasal.


Ayaw kong mapagkamalan kang malandi."

"Aanhin nga pala niya itong natutung na kanin? At papalitan kaya niya ng mga itlog
'to?"

"Oo naman, maraming alagang itik, pato at manok 'yun. Mahilig 'yung mag-alaga ng
hayop... Farm boy nga ang tawag namin sa kanya. Basta, sabihin mo lang ang pangalan
ko, alam na niya iyon. Day off noon bukas eh."

"Okay." kibit-balikat niyang wika.

KINABUKASAN, pinuntahan nga ni Crimson ang farm na sinasabi ni Aeon. Medyo may
kalayuan ito ng kaunti dahil nasa bandang dulo na iyon.

"Excuse me, Miss.. May kailangan ka ba?"

"Ahm... Pinapabigay ni Aeon kay Chase Vallejo, nandito ba siya? Pinapapalitan niya
ng isang dosenang itlog."

"Naks naman! Ang kuripot talaga ng lalaking 'yun! Kung hindi ko lang siya
kaibigan..."

"Ikaw ba si Chase?" mas matangkad ito ng kaunti kay Aeon, magkasing moreno at
kapareho din ng built ng katawan.

Mahaba ang itim nitong buhok na naka-ponytail. At may maganda itong mga mata na
kulay brown. Nut brown to be exact. He's like a handsome cowboy in the movies.

"Yupz, ako nga si Chase. At ikaw, sino ka naman, cute girl?" suwabe nitong tanong
sa kanya.

"Ako si Crimson, Aeon's wife." halatang nabigla ang lalaki. Napasipol ito.

"Oh, really? Talagang ang damuho na 'yun. Inunahan pa ako. Anyway, dalawang dosena
na ang ibibigay ko sa'yo. Sabihin mo, libre ang balot dito kapag kailangan niya!"
sabay tawa. Natawa din siya sa green joke nito.

"Ang ganda mo pala lalo kapag tumatawa ka. No wonder kung bakit patay na patay si
Aeon sa'yo..." nagblush siya.

"Anyway, kung balak mo siyang palitan... Willing ako, nandito lang ako sa tabi-
tabi. Alam mo na... Handang sumalo kung kinakailangan mo."
"Sorry, pero hindi ko siya ipagpapalit kahit na kanino." totoo iyon dahil iyon ang
sinasabi ng puso niya.

"Hmp, ang suwerte naman ng mokong na iyon." palatak nito.

Napangiti na lamang siya sa tinuran nito at ilang sandali pa silang nagkuwentuhan.


Inanyayahan din siya nitong mamasyal sa farm nito kapag may oras daw siya. At
sinabi pa nito na tuwing Sabado ang day-off nito.

KASALUKUYANG nagluluto si Crimson ng omelet ng biglang nag-apoy ang niluluto niya.

"Oh my gosh! Nag-aapoy ang niluluto ko, anong gagawin ko?" nakita niya ang mantika
sa tabi. Ibinuhos niya ang mantika sa niluluto. Lalong lumaki ang apoy at lalo
siyang nataranta.

"Sunog! Help! Sunog!" mabilis na tumakbo si Aeon sa kusina at pinatay ang kalan.
Nawala ang apoy.

"Bakit ba kasi hindi mo pinatay agad ang kalan?" nag-aalala nitong tanong sa kanya.

"Nataranta na kasi ako eh."

"Sige na, ako na ang bahala dito."

"Maghuhugas na lang ako ng mga plato." ngunit pumalpak na naman siya. Nagkabasag-
basag ang mga platong hinuhugasan niya. May mga nadamay ding baso.

"Crimson naman, uubusin mo ba ang mga plato, at mga baso dito sa bahay? Paano pa
tayo kakain kung mga kubyertos at mga sandok na lang ang matira?" madalas nang
umuwi nang bahay si Aeon simula nang dumating sa poder niya si Crimson. Nag-aalala
siyang mapahamak ito sa mga kapalpakan nito.

"Pasensiya ka na. Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para tulungan ka."
wika niya habang pinupulot ang mga bubog sa sahig.

Nasugatan na siya pero hindi siya umaray. Nilalamon na kasi siya ng kahihiyan.
Napabuntung-hininga si Aeon.

"Ako na ang bahala dito. Doon ka na sa sala, nasugatan ka na. Mamaya, gagamutin
natin 'yan." malumanay ang boses nito kaya naman gumaan na ang kanyang loob.

Ilang araw nang nasusunog ang sinaing na kanin, sunog na ulam at basag na mga plato
at baso. Mabuti na lang at pagdating sa labada, may binabayaran siyang labandera.

Matapos maglinis ng mga kalat ni Aeon, balak niyang tawagan si Ervine ang kanyang
Commanding Officer. May plano siya kay Crimson.

"Ervine, leave muna ako ng two weeks. Oo, biglaan ito. Gagamitin ko na muna 'yung
leave na hindi ko pa nagagamit. Yupz, si Rock na muna ang i-assign mo dun. Oo,
babalik talaga ako agad, after two weeks. Salamat."

Dinig na dinig iyon ni Crimson at alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito nag-
leave. Kinuha nito ang alcohol, betadine, bulak at mga bandaid sa medicine
cabinet. Tumabi ito sa kanya.

"Patingin nga ng sugat mo." atubili niyang iniabot ang kanang kamay. Ang hintuturo
niya ang nasugatan.

"Mabuti na lang at hindi malalim. Medyo malaki ang sugat mo." wika nito habang
nilalagyan ng alcohol ang bulak.

"Pasensiya ka na kung nagiging pabigat na ako sa'yo." napatitig siya sa mukha nito.
Tumitig din ito sa kanya.

"Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Naiintindihan naman kita dahil nakikita ko


naman ang pagsisikap mo. Kaya nga nagleave ako para maturuan kita."

"Gagawin mo 'yun?"

"Naman, baka kasi pag-uwi ko dito makita ko na lang na sunog na 'tong bahay ko."
tinutukoy nito ang bungalow house nito na malaki at maluwang.

Apat ang kuwarto nito. May maluwang na sala, dalawang kusina-dirty kitchen kasi ang
isa. Kumedor na pang-isang dosena at magandang garden na puno ng halaman at mga
bulaklak. Kumpleto rin ang appliances sa bahay at first class ang mga furniture.
Halatang pihikan at maingat ang may-ari. Napangiti siya dito.

"Hindi ko naman susunugin 'tong bahay mo, ano? Alam kong pinaghirapan mo ang mga
ito."

"Tama ka, at hindi ko pa siya tapos hulugan sa aming kompanya."

"Kung ganoon, wala akong magiging reklamo sa anumang utos mo. At siyempre,
makikinig akong mabuti sa lahat ng ituturo mo sa akin."

"I'm glad to hear that. Number one sa rules ko na bawal maging pasaway." ngumiti na
din ang lalaki sa kanya.

"Ouch! Ang sugat ko.." naidiin kasi nito ang bulak na may alcohol.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya."

"Apology accepted."

"Ganoon kadali?" napangiti ito.

"Dahil ngumiti ka." napatitig ito sa kanya ng matagal at ganoon din siya.

Now, she could feel something magical in the air. Could it be romance?

"A-Ang sinaing mo Aeon, baka masunog."

"Oo nga pala, excuse me." wika nito bago siya iniwan. Nanaginip ba siya o nababaliw
na. Ah, baka nangangarap na naman siya?! Eto na ba ang pinakaaantay niyang sandali?
Sana nga...

Chapter 5:
UNANG-UNANG itinuro sa kanya ni Aeon ay ang pagluluto. Sa gawaing ito kasi siya
madalas na pumapalpak. Natuklasan niyang magaling pala itong magluto at parang
professional chef. Hay naku, hindi lang ito good-looking... Talagang may
ipagmamalaki rin pagdating sa kusina. Hindi na siya magugutom sa piling nito.
Natawa siya sa kanyang iniisip.

"Paano ka natutung magluto ng ganyan?" wika niya habang nagmamasid sa ginagawa


nito. Tinuturuan siya nitong magluto ng adobo.

"Mag-isa lang ako sa buhay. Wala naman akong ibang aasahan kundi ang sarili ko
lang."

"Eh di mag-asawa ka na."

"Hindi ako basta-basta magpapakasal sa kung sino lang." matiim itong tumitig sa
kanya.

"Ang sakit mong magsalita ah."

"Hindi kita pinaparinggan. What I mean to say is... Ikaw nga naman dito para makita
ko kung marunong ka sa paghihiwa ng karne." mataman siyang sumunod dito bagama't
nabitin siya sa sinasabi nito.

"Mali 'yang paghiwa mo diyan sa karne." pumunta ito sa likuran niya at hinawakan
ang dalawang kamay niya para alalayan siya.

Lalo tuloy siyang hindi makapag-concentrate dahil damang-dama ng leeg at punong


tenga niya ang mainit na hininga nito. Aware din siyang hawak ng dalawang kamay
nito ang mga kamay niya. Para nga siyang yakap nito mula sa likuran. Dama na nga
niya ang init ng katawan nito sa kanyang likuran. Nag-iinit ang mukha niya at
nakakaramdam siya ng nerbiyos at kilig.

"Nanginginig ka, magrelax ka lang at baka mahiwa natin 'yang daliri mo." nanunuot
sa ilong niya ang amoy ng mabangong hininga nito.

Naamoy niya ang mouthwash scent na gamit nito. Kung lilingon siyang bigla, tiyak na
mahahalikan niya ito. Gosh, parang gusto na yata niyang himatayin ng mga sandaling
ito... Hindi na ito panaginip, Crimson! Totoo ang isang ito...

"O-Oo, magrerelax ako." napabuntung-hininga siya.

"Dapat pantay-pantay ang paghiwa mo at nang sa ganoon, pantay-pantay din ang


pagkakaluto." instruction pa nito.

"I see..."

"Hindi magtatagal, magiging magaling ka na rin."

"Siyempre, magaling kang magturo eh..."

"Basta, palagi kang makikinig sa akin."

"Siyempre naman."

"Very good!" sabay halik sa pisngi niya. Napatanga siya at natulala.


"Bahala ka diyan. Tandaan mo lang ang mga itinuro ko." wika nito bago siya tuluyang
iwan. Napahawak siya sa pisnging hinalikan nito.

"Hindi ako maghihilamos..." napangiti niyang wika at tila tunaw na tunaw ang puso
niya ng mga sandaling iyon.

SA UNA, puro siya palpak. Ngunit sa kalaunan, nagiging expert na rin siya sa
pagluluto. Salamat sa matiyagang pagtuturo ni Aeon. Kinabukasan...

"Crimson, magbihis ka. Lalabas tayo."

"Magde-date tayo?!" excited niyang wika.

"Hindi, maggrogrocery tayo. Paubos na nga ang stocks natin dito sa bahay. Nakagawa
na nga ako ng listahan eh."

"Patingin nga ng listahan." iniabot nito ang listahan sa kanya at nawindang siya ng
husto dahil nakalista na pati ang presyo at budget na gagamitin.

"Tama nga si Chase, kuripot ka nga talaga!" palatak ni Crimson.

"Err... Hindi ako mayaman, china doll. Siya nga pala, ire-remind ko lang sa'yo na
ang pakilala ko sa'yo sa mga tao, asawa kita."

"Pero bakit pa? Wala namang echos na nangyayari at uso naman ngayon ang live-in."

"Kahit na, ikaw rin naman ang iniisip ko. Para sa akin, walang moral ang live-in.
Ayaw kong mapagkamalan kang maruming babae."

"Hush.. Lalo tuloy akong nai-in love sa'yo!"

"Sige na, magbihis ka na at tanghali na." sa halip ay sagot nito.

"As in now na? Dito mismo?!"

"Aba't, pilosopo ka ah?!"

"Ikaw naman boss, joke lang 'yun." wika niya habang pumunta na sa kanyang silid na
ipinapagamit sa kanya ni Aeon.

Talagang sa pagrogrocery nila, mahigpit siyang tinuruan ni Aeon na maging kuripot.


Anyway, enjoy naman siya dahil para silang totoong mag-asawa habang namimili.
Palabas na sila sa grocery nang makarinig siya ng tsismis. Hindi lang basta tsismis
dahil tungkol iyon sa kanya.

"Siya ba ang lalaking 'yun?"

"Tama ka, siya nga ang lalaking dahilan kung bakit itinakwil si Crimson."

"Akalain mo, dahil lang sa lalaking 'yan. Naghirap si Crimson, marami pa naman
siyang mayamang manliligaw tapos-"

"Hoy! Kung pagtsitsismisan niyo kami ng asawa ko, puwede ba.. Huwag niyong iparinig
at baka masabunutan ko kayo pareho!" nanggigil na wika ni Crimson kina Gerlie at
Mica.

"Bakit, totoo naman ah? Dahil lang sa lalaking 'yan, pinalayas ka ng Daddy mo."
gumaganti yata ang mga ito sa ginawa ni Aeon sa mansyon.

"Wala ka nang pakialam doon. Isa pa, alam ko namang naiinggit ka lang dahil macho,
guwapo at matalino ang asawa ko."

"Ganoon din naman si Brent ko ah? Mayaman pa!"

"Don't you ever compare my husband to your Brent. Hindi siya duwag at uhuging
kagaya ni Brent. Tunay siyang lalaki!" medyo nakakuha na sila ng atensyon ng mga
sandaling iyon.

"Tama na, huwag mo na silang patulan pa." awat ni Aeon sa kanya.

"Sige na, you are indeed very lucky but as if I know, pinikot mo lang naman ang
asawa mo. Isiniksik mo ang sarili mo at kinapitan mo siya na parang tuko." namula
si Crimson ng todo, medyo may halong kaunting katotohanan ang sinabi nito.

Nagpagting naman ang tenga ni Aeon at namula ang mukha sa sobrang galit at inis.
Hindi ganoong babae si Crimson! Hindi malandi ang kanyang vulnerable china doll!

"Puwede ba, hindi ako pinikot ng asawa ko!" at pagkatapos noon biglang hinalikan ni
Aeon si Crimson sa harap ng mga ito.

Gulat na natigilan si Crimson at hindi alam ang kanyang gagawin. Basta ang alam
niya, napapikit na lang siya at ninamnam ang mga sandaling iyon. Marahang binitiwan
ni Aeon ang mga labi niya at sumulyap ng matalim kina Mica.

"Kung ayaw niyo ng gulo, tigilan niyo kami ng asawa ko!" mariin nitong wika sa
dalawa. Hinila siya nito palayo at feeling niya nakatapak siya sa langit!

"Inggit ka ano? As if I know, bitter ka lang kasi type mo ang asawa ko. Pero sorry
ka na lang, ako ang pinakasalan. That kiss feels like heaven." ganti niya dito bago
tuluyang umalis.

Totoo, masarap ang halik na iyon at iyon ang unang halik niya sa isang lalaki. At
natutuwa siyang ito ang first kiss niya at hinding-hindi niya pagsisisihan ang
bagay na iyon. Proud pa nga siya kung tutuusin. Wala silang imikan habang pauwi na
sila ng bahay, sa bandang huli si Aeon ang bumasag ng katahimikan. Nakaupo sila sa
sofa at nagpapahinga.

Nanood pa kasi sila ng sine at nag-dinner sa labas kaya sila napagod at ginabi na
ng uwi. It looks like a couples date? Hmm.. Hindi masamang mangarap! Pero masamang
umasa, lumalala na kasi ang nararamdaman niya kay Aeon!

"I was your first kiss, am I right?" untag nito sa kanya.

"H-Hindi ah, di ba sinabi ko na sa'yo na nakalimang boyfriends na ako?" kaila niya.

Ang totoo niyan, hindi siya nagkaboyfriend dahil takot ang mga manliligaw niya sa
Daddy niya.

Minsan nga, may hinabol ang Daddy niya ng shotgun! Mula noon, natakot na ang mga
manliligaw niya. Matindi kasing kumilatis ang Daddy niya sa kanyang mga manliligaw.
Ayaw nito sa mga lalaking hindi siya kayang protektahan.

"Ow, come on! I could tell..." namumula siyang napatingin dito. Halata sa mga mata
niya ang pagtatanong na paano?
"Because you don't know how to response, anyway. You are still innocent, china
doll." he said in a sexy voice. Inaakit ba siya nito? China doll? Endearment ba
'yun or what? Humigop ito sa mug ng kape.

"Oo na sige na, tama ka na. I know, I tease you a lot but that's the only thing I
could do to you. Wala pa naman talaga akong karanasan sa ganyang mga bagay. I just
know how to tease, that's all." amin niya dito.

"Really? Ano, magaling ba akong magturo?" It's the kiss... She could tell...

"Ewan, hindi ko masasabi sa'yo."

"Why? I just need your opinion about it. Importante sa akin ang sasabihin mo
tungkol sa bagay na iyon."

"Makulit ka rin pala ano? Paano ko nga sasabihin sa'yo eh nabitin nga ako!" nasamid
si Aeon sa iniinom na kape.

"Will you stop teasing me?" heto na naman po tayo!

"Bakit, natatakot ka bang magkasala sa akin?" malambing niyang wika dito.

"Tumigil ka na... Napopollute na ang utak ko!" saway nito sa kanya.

"Alam mo Aeon, okay lang na magkasala ka sa akin. Ako nga, willing akong magkasala
sa'yo! Goodnight!" nag-flying kiss pa siya dito bago umalis.

Naiiling na nangingiti si Aeon, gusto na niyang patulan ang mga patutsada nito,
samantalang si Crimson... Dilat na dilat ang mga mata at hindi makatulog ng mga
sandaling iyon. Nakangiti siya at hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang
butterflies sa tiyan niya. Nanlambot talaga ang tuhod niya dahil sa halik ni Aeon.
Imbes na magalit siya ngayon kay Mica ay nagpapasalamat pa siya dito ngayon! Kung
hindi siya nito inaway, hindi mangyayari ang bagay na iyon. Nakatulog siyang
nakangiti...

PARANG napakaikli ng leave ni Aeon. Marami na itong naituro sa kanya na mga gawaing
bahay pero parang nabitin siya sa two weeks na bakasyon nito. Paano? Masyado silang
nag-eenjoy sa company ng isa't-isa. Tiwala na rin itong iwan siyang mag-isa sa
bahay ngayon.

"May driver's license ka ba?" untag ni Aeon sa kanya. Umuwi ito ng lunch at gaya ng
dati, sabay silang kumain.

"Siyempre, mayroon. Marunong kaya akong magdrive." wika niya bago sumubo ng
pagkain. Nagluto siya ng ginataang hipon.

"Hetong susi ng pajero ko at bahay, maggrocery ka mamaya. Kaunti lang naman ang
bibilhin mo, nakagawa na ako ng listahan." iniabot sa kanya ni Aeon ang susi ng
sasakyan, bahay at ang listahan.

"Okay..." wika niya habang ibinubulsa iyon sa short niya.

"I-lock mo ang pinto ng bahay at ang gate. And most important of all, drive safely.
Huwag kang kaskasera at sumunod kang mabuti sa rules ng traffic. Siya nga pala,
hetong budget mo, sinubrahan ko 'yan." sabay abot ng pera sa kanya.

"Touch naman ako, thank you ha?" tumitig ito at ngumiti ng misteryoso sa kanya.
"Basta, mag-ingat ka sa pagmamaneho."

"Oo na nga eh. Teka, anong gagamitin mong sasakyan ngayon?" curious niyang tanong.

"Black Ducati, bigay 'yun ng agency sa amin. Alam mo na, kung kailangan ng agarang
aksyon, makakaresponde kami agad."

"Ah... Ok." so ma-eexposed ngayon sa kalsada ang kaguwapuhan ni fafa Aeon!

"Masaya siyang nagmamaneho papunta sa isang mall para maggrocery. Pakanta-kanta pa


siya ng breathless.

Pero laking gulat niya ng matapos siyang maggrocery. Sobra nga ang ibinigay na pera
sa kanya ng lalaki. Sobra ng twenty-pesos! Nang-aasar ba talaga ang lalaking 'yun?
Okay, surrender na siya. Tanggap na niyang kuripot ang lalaking 'yun. At siya,
mukhang unti-unti na ring natututo kung papaano maging matipid, mas okay nga naman
pala. Pero wala na talagang tatalo sa pagiging super kuripot nito...

"Nakakainis ka, sabi mo sinubrahan mo ang panggrocery ko? Twenty-pesos lang ang
natira ah?!" inis niyang bungad dito. Nadatnan niya ito sa sala na nanonood ng T.V.

"Oh, di sobra pa rin." nangingiti nitong wika.

"Hmmf, iisang cornetto ice cream tuloy ang nabili ko. Paghatian nalang natin."
offer niya sa choco hazel nut na ice cream.

"Mukhang mas kailangan mo 'yan, mainit ang ulo mo eh." natatawa nitong wika.
Sinadya nga talaga nitong gawin 'yun.

"Mas magagalit ako kapag hindi mo ako pinagbigyan." inis niyang turan.

"Okay, kakainin natin 'yan." lumapit ito sa kanya at kinuha ang ice cream para
alisan ng balat.

"Akin ang first bite!" kantyaw niya rito.

"You're the boss, china doll." inilapit nito ang ice cream at kumagat siya.

"Ako rin, susubuan kita." kinuha niya ang ice cream sa kanang kamay nito para
subuan si Aeon at kumagat naman ito ng malaki.

"Ang daya mo, Aeon!"

"Ha ha ha! Kaming mga lalaki, malakas talaga kaming lumamon." natatawa nitong wika
sa kanya. Kumagat muna siya bago magsalita.

"Hindi na kita bibigyan kung ganoon!"

"Hoy, huwag kang madamot!" inagaw nito ang ice cream at kumagat ng malaki.

At ang siste, 'yung puwet nalang ng cone na may chocolate ang natira sa kanya.

"Sino kaya ngayon ang madamot?!" inis niyang wika habang pinapapak ang puwet ng ice
cream cone. Hindi ito makasagot dahil busy ito sa pagnguya at natatawa pa ang loko!
Mabulunan ka sana! Natatawa na rin siya ng nilantakan niya ang puwet ng cone na may
chocolate. Ngayon, mas nakikilala na niya ang tunay na Aeon... Nakangiti siyang
tumitig dito matapos lantakan ang pagkain
Chapter 6:

"WE both share the same food. Did you know that we had an indirect kissing in that
way?" natulala siya sa sinabi nito. Ano na naman ba ang gusto nitong ipahiwatig?

"T-Teka, ano ang sinasabi mo?" ramdam niyang nag-init ang kanyang pisngi. She was
sure, that she was blushing at this moment.

"Naintindihan mo naman iyon, hindi ba?"

"Ano ba talaga ang gusto mong s-sabihin?" lumapit ito sa kanya at yumuko. Now,
their faces was an inches away from each other.

"Why we need to do that if we can have a real and direct kiss from each other?" he
said softly and sexy...

Napalunok siya at bahagyang napaawang ang mga labi niya. And it trigger as an
invitation... Lumapit ito sa kanya at marahan siya nitong hinapit sa kanyang
baywang. Nanlalambot ang tuhod niya ng mga sandaling iyon at napakapit siya sa
malapad na balikat nito.

Bigla siyang napapikit ng maramdaman niya ang marahang pagdampi ng mga labi ni Aeon
sa mga labi niya. Nanghihina siya at hindi talaga niya alam ang kanyang gagawin.
And then slowly, sinubukan niyang gayahin ang ginagawa nito. She begin to response
and she heard him moan... He also whispered her name, tenderly while he was kissing
her. The feeling was really something magical. Niyakap siya nito ng mahigpit ng
matapos ang halik na 'yun.

Walang malinaw kung mag-ano ba talaga sila ni Aeon at hindi na niya alam kung tama
o mali sa kanilang ginawa.

"I love what I did. At huwag mong aasahang hihingi ako sa'yo ng tawad. " he kiss
her forehead softly bago siya nito muling niyakap. Humilig siya sa balikat nito at
gumanti ng yakap.

"I... I was shy! I d-don't know how to kiss you back, I'm sorry.." isinubsub niya
ang mukha sa leeg nito.

"But you kiss me back... Akala ko magagalit ka sa akin." tumingala siya dito at
ngumiti.

"Sira-ulo ka, sa ngiti kong 'to, mukha ba akong galit? Alam mo naman na matagal ko
nang pangarap 'yung kiss na 'yun. Di ba, matagal na akong may pagnanasa sa'yo!"
natawa siya at natawa din ito.

"That's why I couldn't help it, Crimson. It's all your fault!" niyakap siya nito ng
mahigpit.

"Stop crushing me! Ano na namang kasalanan ko sa'yo? Hindi naman kita ninakawan ng
halik ah? Ikaw pa nga ang humalik sa akin." reklamo niya.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at humarap sa kanya ng seryoso. Hindi niya
mawari ang kislap ng mga mata nito at ang pilyong ngiti na sumilay sa mga labi
nito.

"At the right moment, at the right time... Sasabihin ko rin sa'yo. At sa panahon na
'yun, parurusahan talaga kita sa malaking kasalanan mo sa akin."

"Ha? Anong malaking kasalanan ko sa'yo? At anong parusa 'yun?" bahagya siyang
kinabahan, baka layuan na siya nito ng forever. Sawa na ba ito sa kakulitan niya?

"Nah, sekreto ko muna 'yun."

"Kailan mo ba kasi sasabihin?"

"Malapit na."

"Mamaya na ba 'yun?"

"Hindi."

"Eh di matagal pa nga."

"Hmmf! Ang kulit mo, manood na nga lang tayo ng T.V." wika nito at kinuha ang
remote. Pasalampak itong umupo sa sofa.

"Umupo ka na rin, dito sa tabi ko."

"Ano na naman ang panonoorin natin?"

"Basta, manood ka na lang." maikli nitong sagot.

"Puwede bang magtanong?" alanganin niyang wika.

"Nagtatanong ka na. Sige, magtanong ka pa ng gusto mo." wika nito habang nakatutok
ang mga mata sa screen ng T.V.

"Bakit mo ako hinalikan?" napatingin itong bigla sa kanya.

"Hindi mo alam kung bakit?" tinaasan siya nito ng kilay.

"Itatanong ko ba kung alam ko?"

"Pumikit ka, para malaman mo..." utos nito.

"Bakit ako pipikit?"

"Pipikit ka ba o hindi? Akala ko ba gusto mong malaman?" nanghahamon nitong wika sa


kanya.

Pumikit siya at nag-antay ng ilang sandali...

"Nakapikit na ako, ano bang-" natigilan siya ng marahan nitong haplusin ang kanyang
mukha.

Lalo siyang natigilan ng halikan siyang muli nito. Mas matagal at mukhang mas
agresibo sa pagkakataong ito kaysa sa nauna. Lalo na ngayon at alam na alam na niya
kung papaano tugunin ang mga halik nito.

"Anong naramdaman mo?" anas nito sa kanya.


"M-Masaya..." nahihiya niyang sagot.

"At?"

"Natatakot, nahihiya at bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang sasabog. Ang
sabi niya bog, bog, bog..."

"Ako rin, gano'n. Pakinggan mo ang puso ko..." inilapit siya nito sa may dibdib at
narinig niya ang malakas na tibok ng puso nito.

"Naiintindihan mo na ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko? Naiintindihan mo na


ba kung bakit kita hinalikan?" may kapilyahan siyang naisip.

"Malabo pa rin eh... Puwedeng isa pa?" napatingin at napatitig ito sa kanya.

"Pasaway ka, Crimson. Tama na." nalungkot siya sa sagot nito.

"B-Bakit?"

"Huwag kang malungkot. Ikaw rin naman ang iniisip ko. Kapag hinalikan kita ng isa
pa... Hindi ako papayag na hanggang halik na lang. A simple kiss could be a
criminal one. Dahil ang simpleng halik, palaging may kinahahantungan. At sigurado
akong naiintindihan mo ako."

"T-Tama ka nga at hindi pa ako handa sa ganyang bagay." nahihiya niyang tugon.

"At handa akong maghintay sa'yo kung kailan ka magiging handa na maging akin ka."

"Pero, bakit?"

"Hindi ko muna puwedeng sabihin sa'yo ngayon. Malalaman mo rin iyon kapag alam kong
handa ka na, at kapag natiyak ko rin sa sarili ko na sigurado na talaga ako. Ayaw
kong masaktan kita... Kaya huwag mo na akong kulitin tungkol dito dahil malalaman
mo rin naman...."

"Nakakainis ka, Aeon." pakli niya.

"At bakit naman ako nakakainis? Akala ko ba gustung-gusto mo ako at in love ka sa


akin? Hindi ba sinabi mo sa akin dati na mahal mo na yata ako?" napakibot ang mga
labi niya.

"Totoo naman ang lahat ng iyon at hindi ko ikinakaila. Naiinis ako sa'yo dahil
idinadaan mo ako sa mga palaisipan. Kung hindi ka sigurado sa sarili mo, huwag mo
na akong paasahin dahil madudurog lang naman ang pesteng puso ko." natigilan ito sa
sinabi niya.

"N-Nasukol mo ako doon, Crimson."

"Kung ganoon, pinapaasa mo lang pala ako. Kung ganoon rin lang ang gagawin mo,
tigilan mo na ang paghalik sa akin at sa iba pang gestures na ginagawa mo dahil
lalo lang akong maa-addict sa'yo..."

"Ikaw talaga, patawa! Hindi kita pinapaasa, okay? Ang sinasabi ko lang sa'yo,
kailangan kong maging sigurado. Ugali ko na ang pagiging sigurista dahil isa akong
agent. Hindi ako basta sunggab ng sunggab sa kung ano na lang... Sa ngayon, hindi
pa malinaw ang anumang sitwasyon sa atin katulad ng isang kaso. At nandito ako sa
puntong nilulutas ang kaso sa pagitan nating dalawa..."
"At ano iyon, ako ang kriminal?"

"Tama! At ako ang huhuli at magpaparusa sa'yo sa panahong malutas ko na ang kaso.
At the same time, ako rin naman ang biktima dahil may ginawa ka sa akin."

"Wala akong nagawa sa'yo, dahil lahat ng plinano ko sa'yo noon... Pumalpak lahat."

"Akala mo lang iyon... Akala mo lang..." makahulugan nitong wika sa kanya.

"Ewan ko sa'yo. Naging freak ka na dahil sa pagiging dedicated mo diyan sa trabaho


mo." tumayo na siya.

"Matutulog ka na? Akala ko ba sasamahan mo akong manood ng pelikula?"

"Matutulog na ako dahil sumasakit ng husto ang bumbunan ko sa'yo, dahil diyan sa
mga palaisipang sinasabi mo sa akin. Aaminin ko sa'yo na hindi ako matalinong tao
pero hindi naman ako bobo. Kaya good night na lang sa'yo, Aeon."

"Good night, sweetdreams!" iyon lang ang sagot nito sa lahat ng ipininutak niya.

MADALAS na busy si Aeon ng mga sumunod na araw. Medyo may napupuna rin ang mga
kasamahan ni Aeon sa Men in Action. He was always in a good mood kahit nasesermunan
pa siya ni Ervine kung minsan dahil madalas siya nitong mahuli na hindi nakikinig
kapag may meeting sila.

"Everyday yatang maganda ang mood mo?" untag ni Siege.

"Hindi naman." nakangiti niyang sagot.

"And what's that smile for? Balak mo bang totohanin na gawing Mrs. Santiago ang
anak ni Gen. Dela Fuente?" tanong pa nito. Simple at makahulugan ang ngiti ni Aeon.

"Paanong hindi tototohanin niyan eh magandang-maganda si Crimson. Ang suwerte nga


ng lokong 'to. Ganoon kaganda ba naman ang makakasama mo sa bahay mo. Ewan ko lang,
inggit nga ako." palatak ni Chase

"Nakita mo na si Crimson?" tanong ni Rock.

"Yupz, pinapunta ni Aeon doon sa farm, minsan. Type ko sana kung hindi lang taken
ni Aeon. She's cute and really innocent. Siya 'yung tipong nakakagigil ang
kagandahan."

"Tumahimik ka diyan, Chase." saway ni Aeon.

"Hindi namin siya kukunin sa'yo. Sa'yo lang siya." wika ni Velvet.

"Kailan mo ba siya balak na pakasalan?"

"Kapag natiyak kong mahal na niya ako. Sa ngayon, parang fondness lang ang nakikita
kong nararamdaman niya sa akin. On the second thought, I knew that fondness will
turn more into something. Gagawa ako ng paraan."

"Tanong lang, Aeon... Wala pa bang moony-moony na nangyayari?" pilyong tanong ni


Sky.

"Anong moony-moony?" kunot-noo niyang tanong.


"Honeymoon, pare... Score..." natawa nitong sagot.

"Sa maniwala kayo at hindi... Walang moony-moony na nangyayari!" pinadilatan niya


si Sky.

"Ha? Bakit naman? Abot kamay mo lang siya, Aeon... Bakit hindi mo pa samantalahin?
I mean, gapangin? Alam mo naman tayong mga military men... Sa gapangan, tayo ang
number one!" nakialam na rin si Velvet.

"Velvet, tumigil ka. Guys, alam niyo naman siguro ang salitang RESPECT." diin niya.

"Oh, Aeon... Kung ako lang si Crimson, ako na ang luluhod sa harap mo at
sasabihing, ehem! Will you be my husband?" tudyo ni Gin.

"Tumigil ka nga diyan... Nakakakilabot 'yang sinasabi mo... Ako ang lalaki dito at
ako ang dapat na kumikilos!"

"So, you mean... Hindi ka magpapa-under kapag nag-asawa ka?" tanong ni Rock.

"At bakit kayo? Gusto niyong magpa-under?! Hindi ako papayag na matulad sa pelikula
ni Bong Revilla na Tolome!" tawanan.

"Siyempre, ayaw din namin ng ganoon.... We are men and superior." sagot ni Ervine.

"Sige, aalis na ako. May trabaho pa ako eh." paalam niya sa mga kasama. Katatapos
lang ng isang misyon nila ng araw na iyon.

Isang serial killing ang kanilang nilutas. Namatay ang baliw na killer na pumapatay
ng mga DOM sa mga night club... Sa kasamaang palad, isa iyong babae na
pinagmalupitan at binaboy ng mga lalaking ganoon... Na-obsessed itong maghiganti at
nauwi ang obsession nito sa kabaliwan. Naging habit na kasi nito ang pagpatay...

Nanlaban ito sa kanila at sa desperasyon nito ng masukol nila, tumalon ito sa third
floor ng night club at nasagasaan pa ng humaharurot na truck... At para bigyan ng
hustisya ang kawawang babae, kumilos sila para mahuli at maipakulong ang nga
lumapastangan dito. Na pawang makakapangyarihan pa at muntik-muntikan pang
makalusot sa kanilang mga kamay dahil sa pera...

Mabuti na lamang at utak naman ang ginamit nilang panlaban... Hindi


nagsisinungaling ang mga ebidensiyang nakuha nila laban sa mga ito... May kasangkot
pang ilang alagad ng batas at iyon ang nakakalungkot.

"Pahinga ka muna. Ilang araw ka ng busy ah?" puna ni Nexus.

"I need money, badly. Deadline na ng hulog sa bahay ko. Thirty thousand na cash ang
kailangan ko. And after this, sa akin na ang titulo ng bahay at lupa ko sa
residence area."

"Mag-withdraw ka na lang. May mga investment naman tayo sa mga negosyo at monthly,
kumikita 'yun ng malaki at naiipon sa mga accounts natin." suggestion ni Ervine.

"Di bale nalang. Babawasan ko pa, okey na 'yung paghirapan ko para mas masaya."

"Himala nga talaga kapag nag-withdraw si papa Aeon! Ang lalaking sagad sa pagiging
kuripot." palatak ni Sky. Kabisado na nila ang pagiging kuripot nito.

"Uy, hindi ako kuripot! Praktikal lang at matipid."

"Sus, ganoon na rin iyon!" halos sabay-sabay na wika ng lahat.


MAS madalas ng gabihin si Aeon at bihira nang makasabay ni Crimson ang lalaki sa
pagkain. Hindi na nga sila nakakapag-usap ng matagal. Miss na miss na niya ito.
Pero wala siyang magagawa dahil masyado itong busy at hindi siya maaring maging
abala dito. 'Yun nga lang, nag-aalala na siya sa kalusugan nito. Tao lang siya at
hindi si superman! Until one day....

"Aba, bakit kaya hindi pa umaalis 'yun? Tanghali na at hindi naman ngayon ang day-
off niya." nagtataka niyang wika. Napansin niya kasing nasa garahe pa rin ang
sasakyan nito. Pati na rin ang black ducati, nandoon din.

Nagpunta siya tapat ng kuwarto nito, ang master's bedroom. Marahan siyang kumatok
sa pinto nito.

"Aeon, ayos ka lang ba? May problema ka ba, baka makatulong ako." pero walang
anumang sagot.

Marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Hindi naka-lock at tuluyan na siyang
pumasok sa silid. Tumambad sa kanya ang maluwang na king size bed at nakita niya
doon na mahimbing na natutulog si Aeon.

Marahan siyang lumapit dito at banayad niyang hinaplos ang mukha nito. Mainit...
May lagnat ang lalaki. Paano naman kasi? Inabuso nito ang sarili.

"My gosh, I was really into him... Mahal na talaga kita... But I know, hindi ko
naman ipinipilit ang sarili ko sa'yo. Don't worry, hindi kita pababayaan." wika
niya sa kanyang isipan habang nakatitig sa guwapong mukha nito na mahimbing na
natutulog.

Noong una talaga, trip lang niya si Aeon dahil certified hunk at gorgeous ito.
Idagdag pang isa ito sa member ng Men in Action, panalo talaga ang beauty kapag ito
ang naging fafa niya. Pero hindi niya namamalayang hindi na pala simpleng
pagkagusto at paghanga ang nararamdaman niya rito. She already loves him!

Kailangan niyang bimpuhan ang lalaki. Kumuha siya ng palanggana at nilagyan niya
iyon ng maligamgam na tubig na may alcohol. Kumuha na rin siya ng malinis na bimpo.
At siyempre, kailangan niya itong palitan ng damit matapos bimpuhan. Napatanga
talaga siya ng mabuksan ang built-in closet nito dahil mahihiya ng husto ang mga
department store sa sobrang kaayusan nito. Coordinated din pati ang kulay.

Isang puting cotton na t-shirt ang napili niya. Mainam iyon, para maginhawa sa
pakiramdam.

"Aeon, kailangan kitang bimpuhan... Puwede ko bang alisin 'tong damit mo?" hindi
man lang ito kumikilos. Napabuntung-hininga siya at bahagyang niyugyog ang balikat
nito.

"Aeon... Bibimpuhan na kita, aalisin ko na 'tong damit mo, ha?"

"Hmmm..." tugon lang nito. Ewan ba niya kung go signal iyon or what? Hmf! Bahala na
nga!

Marahan niyang inalis ang suot nitong green na t-shirt. Handa na niyang punasan ito
ng bimpo ng matigilan siya. Nakahain sa kanyang harapan ngayon ang magandang
katawan nito, and yet it was beautiful! Napalunok pa siya ng mapagmasdan niya itong
maigi.
Katatamtaman ang biceps nito sa magkabilang braso, he has the powered chest... And
he has the abs that she wanted to touched! This guy was not only gorgeous but he
was indeed sexy! Idagdag pang bumagay ang pagiging moreno nito sa magandang hubog
ng katawan.

"Diyos ko, magkakasala yata ako!" paimpit niyang wika. Pinagalitan na nga niya ang
sarili dahil kung anu-anung kabalbalan ang naiisip niya.. Samantalang may sakit ang
lalaki.

Una niyang pinunasan ang mukha nito, pababa sa leeg. Marahan at banayad, siyempre
nanginginig din ang mga kamay niya. Lalo pa at kailangan niyang punasan pati ang
katawan nito. Si Aeon lang ang lalaking nakita niyang half naked sa buong buhay
niya. Well hindi naman siya ganoon kaignorante pero siya lang ang lalaking nakita
niyang half-naked ng personal. Take note, nahawakan pa niya!

Agad niyang binihisan ang lalaki. Kumuha siya ng gamot sa medicine cabinet at
kumuha din siya ng pitsel na may tubig, kasama ang isang baso. Nilapag niya iyon sa
mesita, sa tabi ng kama ni Aeon. Babantayan niya ito. Alam niyang sa kabila ng
pagiging busy nito ay hindi siya nito nakakalimutang alagaan. Ngayon, siya naman
ang mag-aalaga dito. Hindi nga lang niya namalayang nakatulog siya...

Naalimpungatan si Crimson ng makaramdam siya ng banayad at marahang haplos ng isang


kamay sa kanyang mukha.

"Sorry, nagising kita.." nakangiting mukha ni Aeon ang bumungad sa kanya.

"Okey ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot? Nagugutom ka ba? Anong gusto mong


kainin?" sunud-sunod niyang tanong. Tumitig ito sa kanya at ngumiti ng pino.

"Uminom na ako ng gamot at okey na ako. Magaling ka kasing mag-alaga, Mrs.


Santiago." namula siya.

"Aeon.... Nagugutom ka na ba?" siya naman yata ngayon ang maysakit. Tama! Tinamaan
siya ng Lovenat..

"Oo, nagugutom na ako. Pero kakain lang ako sa isang kondisyon..." sadya nitong
ibinitin ang anumang sasabihin.

"A-Anong kondisyon?"

"Sasaluhan mo ako sa pagkain at susubuan mo ako."

"Ano?!" teka, bakit siya naman yata ngayon ang naduduwag. Nasaan na ang makapal
niyang pagmumukha kapag kaharap ang lalaki?

"Basta, hinding-hindi ako kakain kapag hindi mo ako sinunod." nagmaktol pa ito na
parang bata.

"Sige na, panalo ka na. maiwan na muna kita. magluluto lang ako." paalam niya rito
at akmang tatayo nang bigla nitong hilain ang kaliwa niyang kamay.

"B-Bakit?" pinisil nito ang palad niya at pakiramdam niya, hihimatayin siya..

"I just want to say thank you.." wika nito habang titig na titig sa kanya. At
pagkatapos noon ay marahan siya nitong dinampian ng halik sa kanang pisngi.

"I don't want to give you a real kiss today... Ayokong mahawa ka sa sakit ko.
Babawi ako, next time.." bulong nito sa kanya. Natigilan siya at napatitig dito.
"E-Excuse me, magluluto na ako..." sa halip ay sagot niya.

Ano ba 'tong nangyayari? Bakit bigla yatang nagiging malambing sa kanya si Aeon? At
siya, nawawala na yata ang kakapalan ng mukha niya dito ngayong nagiging malambing
ito sa kanya?

Ipinagluto niya ng chicken soup ang lalaki, at gaya ng bilin nito.. Kasalo niya ito
sa pagkain at sinusubuan pa niya.

"Marunong ka na talagang magluto, masarap..."

"Huwag ka ngang mambola."

"Hindi kita binubola, Mrs. Santiago."

"Aeon..."

"Bakit, ayaw mo ba?" may himig ng lambing ang boses nito. Kinurot na lamang niya
ang pisngi nito.

"May problema ka ba Aeon? Baka makatulong ako." bigla niyang tanong.

"Wala lang 'to."

"Anong wala lang? Halos patayin mo na ang sarili mo sa pagtratrabaho tapos,


sasabihin mong wala lang? Huwag mo nga akong pinagloloko." sermon niya sa lalaki.

Natigilan ito at matamang nakatitig sa kanya. Halata sa ekspresyon ng mukha nito


ang pagdadalawang isip. Napalunok ito at marahan nitong hinaplos ang pisngi niya

Chapter 7:

"SASABIHIN mo ba sa akin o hindi? Mahalaga ba ako sa'yo o hindi?" tanong niya dito.

"Siyempre, mahalaga ka sa akin. Kaya lang ay-" natigilan si Aeon dahil bigla siyang
niyakap ni Crimson.

"Nararamdaman mo bang kasama mo ako? Gusto kong malaman mo na karamay mo ako sa


lahat ng problema mo. Hindi kita pababayaan at aalagaan din kita, tulad ng pag-
aalaga mo sa akin. Please, stop the feeling that you are alone, I'm just here..
Always..." naramdaman niya ang pagbuntung-hininga nito.

"I-I need thirty thousand na cash. Next week kasi deadline na ng hulog dito sa
bahay at lupa ko. Kapag hindi ako umabot, mababalewala lang ang mga pinaghirapan
ko."

"Tutulungan kita." prisinta niya.

"Hindi bale nalang, magwiwith-"


"Hayaan mo akong tulungan kita. Kung ano man ang problema mo, problema ko na rin.
Magga-garage sale tayo, kaya magpagaling ka kaagad."

"Crimson!"saway nito sa kanya.

"Tumigil ka at huwag kang pasaway. Branded ang mga ilang gamit na nadala ko dito.
May mga alahas din ako at nakapagwithdraw pa ako sa ATM ko bago maipadeactivate ni
Daddy 'yun."

"Pero iyon na lang ang mga bagay na mayroon ka ngayon."

"Mas mahalaga ka, Aeon. Ang mga iyon, walang silbi kapag hindi ginagamit. Hindi ko
naman sila kailangan kaya mas mabuting ibenta ko nalang kaysa naman mabulok lang sa
sulok." napatitig si Aeon sa magandang mukha ni Crimson. Malaki na talaga ang
pinagbago nito. Ano bang ginawa niya? Wala naman, di ba?

"Salamat."

"Saka ka na lang magpasalamat kapag marami na tayong nabenta at na-bet natin ang
deadline.

Ganoon na nga ang nangyari, nag-garage sale sila at hindi naman sila nabigo dahil
dinagsa iyon. Paanong hindi? Puro original at branded na gamit ang kanilang mga
ibinibenta. Isa pa kasi...

"Miss, hindi kasali sa mga paninda ang asawa ko. Doon ka tumingin, sa akin lang
'yan!" tinarayan niya ito.

Ang hirap bakuran ng kanyang fafa Aeon, ang guwapo kasi... Kunwari bibili ang mga
bruha pero ang pakay ay magpacute sa kanyang fafa.. Hmmmfff!!! Ready na siyang
makipagsabunutan!

"Miss, puwede bang pakikuha 'yung pantalon sa itaas? Gusto ko kasing bilhin." untag
ng isang lalaki sa kanya.

"Sandali lang po." nakasuot ng fitted na white t-shirt, at may kaiklihang shorts na
kulay beige si Crimson kaya litaw na litaw ang magandang hubog ng katawan niya at
makinis na balat. Wala siyang kamalay-malay na..

"Grabe, ang ganda-ganda talaga."

"Talaga, pare?"

"Oo, ang kinis-kinis pa, quality... Nakakagigil!" napapailing pa ang lalaki.

"Ah, ganoon? Gusto mong ikaw ang panggigilan ko at mapatay kita! Asawa ko 'yan,
damuho ka!" galit na wika ni Aeon.

Ang dami-daming lalaki ang dumadayo para lang makita si Crimson. Takot lang siyang
banggain dahil ang pagkakilala sa kanya sa mga ito ay isa siyang taekwondo
instructor... At blackbelter siya... Which is true... Instructor siya paminsan-
minsan sa mga trainees ng Men in Action.

"Oh, bakit pinaalis mo 'yung bibili ng pantalon?" pababa na si Crimson at


inalalayan ito ng binata pababa.
"Hindi siya bibili, pinagnanasaan ka niya kaya pinaalis ko na, bago ko pa siya
magulpi."

"Eh bakit ako? 'Pag may nagpapacute ba sa'yo, sinasaway ko ba?" sayang din kasi ang
benta.

"Ah basta, mula ngayon.. Hindi ka na dapat hihiwalay sa akin kapag nagtitinda tayo.
Manggugulpi talaga ako sa oras na may mambastos sa'yo."

"Oh, relax ka lang... Ang puso mo, baka sumabog!" natatawang wika ni Crimson. Ikaw
lang ang lalaki sa akin, fafa Aeon...

Napailing lang ito at napangiti sa kanya. Inakbayan siya nito.

"Halika, magmeryenda muna tayo sa loob. Ginutom na ako eh." yaya ng binata sa
kanya.

"Sige, bukas na lang ulit tayo magtinda... Nakakapagod din pala. Pero ang saya pala
sa pakiramdam kapag kumikita ka ng pera na pinaghirapan mo."

"So ngayon, naiintindihan mo na kung bakit ako kuripot?"

"Medyo magkakasundo na tayo sa bagay na iyan."

"Pero parang nakakamiss din kapag nag-aaway tayo kung minsan..."

"Bakit, gusto mo ng ibang klaseng away?" pilya niyang wika.

"C-Crimson... Huwag muna sa ngayon... Kulang ako sa energy." nasapo ni Crimson ang
tiyan.

"Ambisyoso ka, paghuhugas ng pinggan ang gusto kong pag-awayan natin! Ibang klase
iyon di ba? Kasi hindi pa tayo nag-aaway tungkol doon!"

"Ikaw naman kasi, kung anu-ano ang sinasabi mo. Baka mamaya mamisinterpret ko, eh
di lagot ka na."

"Kain na nga lang tayo, kung anu-ano na ang iniisip mo."

"Palusot!" pinisil nito ang pisngi niya.

Natatawa siyang gumanti dito at pareho pa silang nagkatawanan dahil mukha na silang
mga temang.

ILANG araw din silang napagod sa pagga-garage sale ngunit sulit naman dahil nabenta
naman lahat. Paanong hindi mabebenta, branded at imported pa ang lahat ng mga
iyon... Idagdag pa ang bonus na guwapo at magandang tindera... At ang good news,
thirty six thousand ang napagbentahan nilang lahat. Napakasaya nila pareho ng
mapasakamay nila ang titulo ng bahay at lupa!

"Salamat, hulog ka ng langit!" bulalas ni Aeon at sa sobrang tuwa ay niyakap pa


siya nito at pinaghahalikan sa mukha.

"Talagang hulog ako ng langit, bawal ako doon!" natatawa niyang wika dito.

Ngumiti ito at tumitig sa kanya.. Pagkatapos noon ay hinalikan siya nito. Matagal
at mariin... Very sensual at passionate...
"Thank you.." wika nito nang matapos ang halik na kanilang pinagsaluhan. Hinaplos
pa nito ang mukha niya...

"Ganyan ka ba palagi kapag masaya ka? Hinahalikan mo ako? Akala ko ba huli na iyong
kumain tayo ng ice cream?" hinaplos nito ang buhok niya.

"Naadik ako sa mga labi mo eh..." hinalikan ulit siya nito.

"Aeon...." usal lang niya.

"Siya nga pala, antayin mo ako dito sa sala. May kukunin lang ako sa kusina..."

Pagbalik nito ay may dala na itong tray na may lamang pagkain at may kagat din
itong blue tulip. Kumindat pa ito sa kanya bago inilapag ang pagkain sa mesa sa
sala. Italian food iyon at halatang si Aeon nga mismo ang nagluto...

"P-Para sa akin ba ito?"

"Kanino pa ba?" nakangiti nitong sagot habang iniabot sa kanya ang bulaklak.

"Sapat na sa akin ang kiss mo, Aeon... Bakit ipinagluto mo pa ako at may bulaklak
pa?" maang niyang tanong...

"It's because this blue tulip was lovely like you. Besides, I was courting you."
nanlaki ang mga mata niya.

"N-Nanliligaw ka? Teka, Ehem.... Oo na ako?"

"Teka, bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ka ba sigurado sa sarili mo?"

"Masyado akong kinakabahan eh... Nabigla mo ako masyado.... Siyempre, Oo..."

"Agad-agad? Hindi mo na ako pahihirapan?" pabiro nitong wika.

"Bakit? Gusto mong bawiin ko at basteden ka na lang? Paano pa ako hihindi eh nauna
na ang halik at yakap mo kaysa sa panliligaw mo." namula ito at nasapo ang noo.

"Pa-hug nga kung ganoon...." he open his arms at willing naman siyang magpakulong
sa mga bisig nito...

After that ay hinalikan na siya nito at ang saya-saya nila. Sila na... Sila na!

NILILINIS niya ang kuwarto ni Aeon ng aksidenting mabuklat niya ang bank book
nito... His one of the business associate of a big company, at Million-million ang
pera nito sa bangko!!..

"A-ang yaman pala ng lalaking 'to, pero nuknukan ng kuripot! hmmmp!!.." nanggigigil
si Crimson.

"Pakiayos na 'yan at maaga pa ako bukas."

"Walang hiya ka, ang dami-dami mo pa lang pera! Pinagod-pagod mo pa ako sa garage
sale na 'yan, tapos malalaman ko.... Milyonaryo ka pa lang lalaki ka!" ang
nakakainis, tawa pa ito ng tawa.

"Ang sama-sama mo, pinagtatawanan mo pa ako!" niyakap siya nito at nilambing..


"Ikaw naman kasi, sinasabi ko sa'yo noon na magwiwithdraw na lang ako pero hindi mo
ako pinatapos. Hindi na ako nakahirit pa dahil mapilit ka sa garage sale na 'yan.
Eh di pinagbigyan na lang kita para ma-experience mo na mahirap kumita ng pera."
tumatawang paliwanag nito.

"Asar ka talaga..." pinisil niya ang ilong nito.

"Aray ko, masakit!" sinaway siya nito.

"Hindi daw makahirit, ganoon ba ako kadaldal?" nagmaktol siya na parang bata.

"Hindi naman, para ka lang armalite na walang preno!"

"Ganoon?" sabay kutos.

"Aray! Namumuro ka na ah!"

"Ikaw na ang maglinis ng kuwarto mo. Bilib na talaga ako sa kakuriputan mo." wika
niya bago umalis.

Masayang naglilinis ng kusina si Crimson ng tanghaling iyon. Maganda ang mood niya
at pakanta-kanta pa siya.

"La la la, la la la, la la la, la la lala... Dupido-dodoo.... Aaaaaahhhhh!!!!...."


feel na feel talaga niya at binirit pa talaga...

Humahangos na nagpunta si Aeon sa kusina. Maaga siyang umuwi ngayon dahil may
sorpresa siya kay Crimson. Narinig niyang sumisigaw ito kaya agad niya itong
dinaluhan.

"Anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba?! Nasugatan ka ba o nadisgrasya?" masama ang
tingin niya kay Aeon.

Kumakanta siya tapos sa tono nito, mukha pa siyang nadisgrasya? Asar na lalaki 'to!

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" untag pa nito.

"Kumakanta ako, tapos sasabihin mong nadisgrasya ako? It hurts you know... Alam ko,
ang pangit-pangit ng boses ko.. Pero sana huwag mo nang i-mention pa!"

"I-I don't know.. Sorry!" nasapo nito ang tiyan at natawa ng malakas.

"Kung umuwi ka ng maaga para pagtawanan ako, puwede ba umalis ka na lang!"

"N-nagkakamali ka. I didn't mean it. Maaga akong umuwi dahil lalabas tayo. Kakain
tayo sa labas kaya magbihis ka.." isang simple black dress na below the knee ang
suot niya.

May manggas ito ngunit medyo na-enhance ang kanyang cleavage at backless din ito
kaya kitang-kita ang kanyang kaseksihan. Naka-tuxedo kasi si Aeon ng dumating at
para siyang nakakita ng isang hollywood star sa kanyang harapan. He's really
gorgeous!

Hindi niya inaasahang dadalhin siya nito sa isang five star hotel restaurant. May
live band orchestra pa! Iginiya pa sila ng waiter sa isang reserved na mesa for
two... Inalalayan pa siya nito sa pag-upo.

"Aeon, sigurado kang dito tayo kakain? Ang mahal-mahal dito.." pakli niya.
"Nang-aasar ka ba? Hindi naman ako palaging kuripot!" natawa sila pareho.

Ito na ang nag-order ng kanilang pagkain. Masaya silang kumakain habang


nagkukuwentuhan. Maganda ang music, lalo pa at live ang orchestra band. Maya-maya
pa, lumapit si Aeon sa vocalist at sa maestro ng orchestra. Kausap nito ang mga
ito. Nasa harap na harap kasi ang mesa nila na pinareserved ng lalaki. Namula siya
ng pumunta sa stage si Aeon at lumapit sa microphone...

"Pasensiya na kayo kung umeeksena ako dito.. I just love to dedicate this song to a
very special person in my heart..." tumitig ito sa kanya ng matiim at pareho nilang
nakuha ang atensyon ng mga tao..

"This song is for my lovely wife!" ANO RAW?!!!!! tahimik ang lahat at napatingin sa
kanya.

Kiyeme siyang ngumiti bagama't nahihiya siya. Nagsimula ng tumugtog ang orchestra
at pamilyar sa kanya ang kanta..

"Everywhere I look

I see her smile

Her absent minded eyes..

She has kept me wondering

for so long

How this thing could go wrong.."

Tahimik na nakikinig ang lahat dahil maganda at suwabe ang boses nito. Kuhang-kuha
nito ang boses ng kumantang singer ng Vulnerable by roxette.

"It seems to me

that we are both the same

Playing the same game

But as darkness falls

This true love falls apart

into a riddle of her heart...

She's so vulnerable, like

china in my hand.

She's so vulnerable, and

I don't understand

I could never hurt someone


I Love

She's all I've got, but

She's so vulnerable,

so vulnerable.."

Palakpakan ng malakas ang mga tao nang matapos si Aeon sa pagkanta... Binigyan pa
siya nito ng boquet ng red roses... She was really speechless at naiiyak na siya sa
sobrang tuwa..

"Ito ang paraan ko ng pagsassabi ko ng thank you sa pagdating mo sa buhay ko..."

"Aeon..."naiiyak siyang napatitig dito.

"Huwag kang umiyak.."

"Masaya lang ako, ikaw talaga..."

"You love my surprise?"

"I do really love!" napayakap siya dito. Ito na ang pinakamasayang hapon ng buhay
niya!!!.. Lord, kung panaginip man ito, huwag niyo na akong gisingin! Thanks for
the blessings! Lalo na si Aeon.... His an angel in disguise na dumating

Chapter 8:

ILANG beses din silang nagsayaw sa dance floor ng hotel at in-enjoy talaga nila ng
husto ang special na araw na 'yun.. Gabi na ng umuwi sila... Sa bahay, nagkayayaan
pa silang mag-inuman. Naglabas ng red wine si Aeon na Chateau..

"Cheers!" nagtoast silang dalawa sa hawak nilang goblet na may lamang alak.

Medyo napasarap pa sila sa kuwentuhan habang umiinon...

"Could I kiss you?" paalam nito sa kanya.

"It's my pleasure.." wala nang pakialam si Crimson dahil medyo tipsy na siya.

He kiss her slowly and tenderly.. His tongue was exploring her mouth and so she
does, explores him also... Their kiss became passionate and agressive.. Ramdam
niyang parehong nag-iinit ang kanilang mga katawan... And his hand began to touch
and caress her body, she moan tenderly when she feels the passion of his touch..

"I want you, now.." he was asking a permission.

"S-sandali, iinom muna ako." kinuha niya ang bote sa mesa at lumaklak..

Handa na siya pero kailangan niya ng kaunti pang tapang... Ibinalik niya ang bote
sa mesa at muling inangkin ng lalaki ang mga labi niya. Mas mainit at agresibo ang
halik na iginawad nito sa kanya sa pagkakataong ito. Marahan siya nitong binuhat at
dinala sa master's bedroom. Hindi niya alam kung paano nito nabuksan ang pinto
habang hinahalikan siya nito. Sinipa nito ang pinto para sumara at marahan siya
nitong inilapag sa kama.

"You're really beautiful.. I promise, I'll be careful.." anas nito sa kanya habang
nakatitig ito ng mariin sa kanyang mukha at marahan nitong hinahaplos ang pisngi
niya.

"A-Aeon..." tumitig din siya sa mukha nito at tila hindi pa rin siya makapaniwala
sa nangyayari.

Hinalikan siya nito at bahala na kung ano man ang mangyayari. They want to kiss
each other and more.. Napahinto si Aeon sa paghalik kay Crimson at napatitig sa
mukha nito.

"Crimson, wake up!" marahan niyang tinapik ang pisngi nito pero tulog na tulog na
ito dahil sa kalasingan!

"Nakakainis ka, bakit ginawa mo sa akin 'to?" inis na wika ng binata. Napasuntok
siya sa hangin at ganoon na lamang ang panghihinayang na naramdaman niya.

Hindi na sana niya hinayaang uminom pa ng alak ang dalaga... Ngayon, naiwan tuloy
siyang bitin sa ere. Nandoon na eh, nandoon na!

Walang kamalay-malay si Crimson na mahimbing nang natutulog. Tumayo si Aeon at


nagbihis sa banyo ng pangbahay... Binihisan na rin niya si Crimson dahil mukhang
naiinitan ito sa damit na suot nito. Napahanga siya ng masilayan ang maganda nitong
katawan, napalunok din siya at pinigil ang sarili. Nahiga siya sa tabi nito at
natulog na rin. Kinabukasan...

Inat-inat na gumising si Crimson ng umagang iyon. Naalala niya ang nangyari nang
nagdaang gabi. Sinipat niya ang sarili at suot niya ang puting t-shirt ng lalaki na
abot hanggang kalahati ng hita niya. Pinakiramdaman niya ang sarili at wala naman
siyang naramdamang kakaiba bukod sa damit na suot niya. May nangyari kaya? Lumabas
na siya at nasalubong niya si Aeon sa banyo.

"Good morning, anong nangyari?" ngunit hindi siya nito pinansin at nilagpasan lang
siya ng lalaki. Sinundan niya ito.

"Anong nangyari?!" kinalabit niya ito sa balikat ngunit wala pa rin itong kibo.

"Magsalita ka naman diyan oh!" kulit niya dito. Sa wakas, hinarap na siya nito.

"Walang nangyari kaya ano ang sasabihin ko?!" inis na sagot ni Aeon.

"H-Ha?"napamaang siya dito.

"Walang nangyari dahil tinulugan mo ako kagabi. Napasobra ka ng inom." halata sa


tono nito na masama ang loob ng binata sa kanya. Napangiti siya at natawa.

"Gusto mo ituloy natin ngayon?" nang-aasar pa siya talaga!

"Give me a break, I'm already late!" wika nito bago tuluyang lumabas ng bahay.

Napabunghalit naman ng tawa ang pilyang dalaga. Ang aga-aga kasi hindi maipinta ang
pagmumukha nito, halatang nabitin! Ha ha ha ha ha!
Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. At hanggang ngayon, pakiramdam
niya... Nanaginip siya... Kung dati ay pangarap niya si Aeon, ngayon... Boyfriend
na niya... He remain gentle at her kahit muntikan na niyang isuko ang Bataan...

MAG-isang naggrocery si Crimson ng araw na 'yun dahil may trabaho pa si Aeon.


Natulala siya at napatitig sa di kalayuan ng makita si Aeon na may kausap na
magandang babae. Mukhang nagtatalo ang mga ito.. Mukhang inaamo ni Aeon ang babae.
Napakagat siya sa lower lip dahil naghihinanakit siya sa nakikita.

Naalala tuloy niya ang intimate moment na nangyari sa kanila ni Aeon noong isang
araw. Ngayon, napagtanto niyang malaking pagkakamali kung sakaling natuloy ang
dapat maganap ng gabing iyon. Mabuti na lamang at hindi na iyon naulit pa dahil sa
pagiging busy nito. Selos na selos siya at gusto niyang mag-eskandalo pero pinigil
niya ang kanyang sarili.

Aminado siya na kapag muling naulit ang tagpong iyon, tiyak niyang ipagkakanulo na
niya ang sarili dito. Hindi niya namamalayang lumuluha na pala siya. Napayuko siya
at napailing. Napakagat din siya sa lower lip para pigilan ang kanyang paghikbi.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at pilit na pinakalma ang sarili. Iniisip niya
ngayong taken for granted lang siya ng lalaki. Nakulitan lang talaga ito sa kanya.

Malungkot siyang umuwi sa bahay at sa silid niya, doon siya umiyak ng umiyak dahil
sa kagagahan niya. Sa sobrang pagod ay nakatulog siya ng hindi niya namamalayan.

"Bakit namumugto 'yang mga mata mo?" nasa sala siya at nagmumukmok.

"Ah, wala.. Napasobra lang ako ng tulog."

"Umiyak ka yata eh?" nilapitan siya nito at hindi na siya nakaiwas pa.

"Sabihin mo, may problema ka ba?"

"Sa tingin ko, kailangan na kitang iwan."

"Ano? Bakit mo naman ako iiwan?! Anong ginawa kong mali sa'yo?!" gulat nitong
tanong sa kanya. Halata sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

"W-Wala. Sa tingin ko, ako ang mali. Naaapektuhan ko na ang personal mong buhay.
Panggulo lang ako sa'yo kaya sa tingin ko, kailangan ko nang umalis dito." lakas-
loob niyang wika.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Nakita ko kayo ng girlfriend mo kanina sa isang mall noong maggrocery ako. Mukhang
nag-aaway kayo, ako ba ang dahilan?" niyakap siya ng lalaki ng malambing.

"Nagseselos ka ba? Hmmm..?"

"N-No, I'm just feeling that this thing between us is not right." napasigok siya.
Masakit kasi...

"Ano ka ba? 'Yung nakita mo kanina, wala lang yun. Si Annabelle lang 'yun, ako ang
nakuhang personal bodyguard niya at nag-iinarte na naman siya kanina. Inabandona ko
na lang siya kanina ng di oras dahil suko na ako sa kamalditahan niya. Si Gin ang
ipinalit sa akin at siguradong hindi uubra ang mga pag-iinarte niya." mahabang
paliwanag nito.
"At bakit mo naman iniisip na siya ang girlfriend ko? Di ba ako ang boyfriend mo?
So it means, you are my girl."

"G-ganoon ba? Ang akala ko kasi."

"Please, just stay beside me, my china doll.." masuyo siyang niyakap ng mahigpit ng
lalaki.

"Hindi ba talaga ako panggulo sa'yo? Ayaw mo ba talagang iwanan kita? Kung
napipilitan ka lang na pakisamahan ako, aalis na lang ako. Uuwi na lang ako sa amin
at aamin ko lahat kay Dad ang mga pagkakamali ko."

"Crimson, tumigil ka na. I won't kiss a girl that I don't like."

"Like? You just like me?" bakit mayroon pa nga bang iba?! Tanong niya sa sarili.

"Not only like... But your deep inside of me.." hinawakan nito ang kanang kamay
niya at dinala iyon sa dibdib ng lalaki. Naiiyak na naman siya.

"Hindi kita niligawan kung hindi kita mahal."

"At hindi kita sasagutin agad-agad at walang pakundangan kung hindi kita mahal."

"Sigurado ka na diyan, ha?"

"Aeon naman eh...."

Yumakap siya ng mahigpit dito at hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.

"Huwag ka nang umiyak, okey? Mugto na 'yang mga mata mo at ayaw kong lalong
maningkit 'yan dahil baka hindi mo na ako makita." napangiti siya at...

"Asar ka talaga!" sinuntok niya ng mahina ang dibdib nito.

"Nagbibiro lang naman ako eh. Favor naman oh..." malambing siya nitong yumakap.

"Ano pong favor iyon?"

"Ang sakit ng balikat at likod ko, puwedeng pakimasahe?" malambing nitong wika sa
kanya.

"Ah... Kaya pala ang bait-bait mo."

"Please...?" pinaamo pa nito ang mukha.

"Sige na... kamukha mo na kasi 'yung pusa sa Shrek."

"He he, at least 'yung pusa, hindi si Shrek!" hinubad nito ang suot na t-shirt at
dumapa sa sofa.

"Aeon, hindi ka ba natatakot na gapangin kita?" wika niya habang marahang


minamasahe ang balikat nito.

"Hmm... Sige lang, kung marunong kang manggapang!"

"Aba, asar na 'to.. Gusto naman talaga." kinurot niya ito.

"Aww! Sabi ko, masahe! Hindi kurot!" reklamo nito.


"Sige lang, basta ikaw ang magluluto at maghuhugas ng plato."

"Oo... Okay lang."

Ang kinis ng balat nito at ang gaganda ng muscles nito sa likod. Ganito pala ang
pakiramdam kapag mahawakan mo man lang ang mahal mo... Masaya.

"Aeon, gusto ko magluto ka ng sinigang na bangus. I'm craving for it. Ang tagal ko
nang hindi nakakain noon." wala siyang nakuhang sagot mula rito. Tiningnan niya ang
mukha nito.

"Magaling! Lusot si loko, tinulugan ako." wika niya.

"Haizt, makapagluto na nga!" hindi naman masama ang loob niya dahil alam niyang
pagod ito.

Na-imagine tuloy niya kung... What if magkababy na sila? Paano kaya? Teka, hindi pa
siya handa... Hindi puwede! Hindi naman talaga puwede dahil wala namang nangyayari,
lalo pa at madalas siyang maiwang mag-isa dito sa bahay. Isa pa, ready na siya
noon... Well noon iyon... Dahil ngayon, hindi na naman...

Chapter 9:

"GUSTO mo bang ipakilala kita sa mga co-members ko na Men in Action?" untag sa


kanya ni Aeon ng umagang iyon.

Bahagyang nagulat siya dito at napatitig.

"Bakit mo naman ako ipakikilala sa kanila?" maang niyang tanong sa lalaki.

"Dahil mga kaibigan ko sila at itinuturing naming pamilya ang isa't-isa. Sila na
lang ang masasabi kong pamilya ko dito sa mundo.."

"Kailan mo ba ako balak na ipakilala sa kanila?" malambing niyang niyakap ang


lalaki.

"Hmmm.... Ngayon na? Pupunta na tayo?" tumango siya at ngumiti siya dito.

Sinipat niya ang sarili matapos magbihis. Nakasuot lang siya ng powder blue na t-
shirt at maong na three-fourths, nag sandals na lang siya para mas simple. Lip
gloss lang ang inilagay niya sa kanyang mga labi at nagpulbos na lamang siya.

"Hindi kaya nila ako kasuhan ng child-abuse? nakangiting bungad sa kanya ng binata.

"Bakit naman? Pangit ba?" umiling ito.

"You look like a teenaged girl, my china doll."

"And you do look like a handsome leading man."

"Aba, bolahan na 'to ah?"


"Napansin mo rin pala. Aalis na ba tayo?

"Tara na."

Nakaidlip si Crimson habang papunta sila sa base ng Men in Action, tago kasi ang
lugar at paliko-liko ang mga daang dinadaanan nila. Isa itong malaki at maluwang na
gusali sa gilid ng bangin at nasa itaas ito ng isang malaking bundok na
napapaligiran ng maraming kagubatan. No wonder kung bakit hindi mahanap-hanap ng
media, lalo pa at sikat na sikat ngayon ang military agency na ito ng pamahalaan.

"Crimson, nandito na tayo."

"Hmmm...?" pupungas-pungas na gumising ang dalaga at napahikab.

Inalalayan siya nito sa pagbaba sa sasakyan. Malawak ang hardin ng gusali at may
mga shed pa sa paligid. Halatang alaga ang lugar at ramdam ang military ambeance
nito.

"Ito ang pinka-main base ng Men in Action. Dito napupunta ang mga graduate agents
sa mga training camps ng Men in Action na kalat sa iba't-ibang lugar." napahanga
siyang napatingin dito.

"T-Talaga?"

"Halika, pumasok na tayo sa loob. Ipakikilala kita sa mga kaibigan ko. Kami ang mga
Senior agents sa Men in Action dahil kami ang unang batch." magkahawak-kamay silang
pumasok sa loob ng building.

NAPAHANGA siya dahil mas mukha itong hotel dahil mayroon pa itong lobby at
restaurant sa loob. Ang sabi ni Aeon, canteen daw iyon! Sosyal! Naagaw ang pansin
niya sa isang malaking litrato ng isang lalaki sa dingding ng lobby.

Blonde hair, blue eyes, prominent ang matangos na ilong, at may mga labing
napakaganda kung ngumiti. He has a friendly smile and he looks like an angel.
Parang pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaking nasa larawan, hindi lang dahil
guwapo ito...

"Siya si Cleric Raeign, ang founder at nagtatag ng Men in Action. He's a real
military genius at napakabuting kaibigan." napatitig din ang lalaki sa larawan at
napangiti.

"Makikilala ko ba siya ngayon?" maang niyang tanong sa binata.

"Sayang, hindi ka na nagkaroon ng chance." ramdam niya ang lungkot sa tinig nito.

"Busy ba siya o nasa isang field mission?" umiling ang lalaki.

"Five years ago, he past away. That was the time that Advance Tech., betrayed
us..." halata ang galit sa tinig ng binata.

"I'm sorry, hindi ko gusto na malungkot ka."

"It's alright, hindi ko lang maiwasang malungkot kapag naaalala ko siya."

"Hey, hey! Sino 'yang magandang babae na kasama mo? Ipakilala mo naman ako oh!"
napalingon siya sa nagsalita.
Maganda ang mga mata nito na akala mo ay palaging nakangiti. Moreno din ito ngunit
mas matangkad si Aeon at halatang build din ang katawan ng lalaki, dala ng mga
military trainings. Emo ang style ng buhok nito but his a friendly and smiley
one...

"Velvet Hearthrobe, meet my lovely wife... Crimson!" namula siya sa paraan ng


pagpapakilala nito.

"Pambihira, binakuran mo agad!" reklamo nito.

"Magbehave ka nga... She is my girl, now." wika pa ni Aeon at inakbayan siya na


parang ipinagdadamot.

"Sabihin mong nagsisinungaling siya... Friends lang kayo, di ba?" his eyes seems
melting...

"Sorry, pero totoo ang sinasabi niya..." sagot niya.

"Ouch! Ang sakit..." sinapo nito ang dibdib.

"Huwag kang magpapadala sa mga gimik niyan dahil numero uno sa pagiging babaero
'yan." paalala sa kanya ni Aeon.

"At gusto ko ring i-remind sa'yo na habulin ng mga chicks ang lalaking 'yan. At
FYI, kaming mga womanizer, kapag nagmahal... Todo-todo at tapat na tapat..."
napangiti siya sa tinuran nito.

"Well, napakasuwerte ng babaeng mamahalin mo kung ganoon, Velvet. At tigilan mo


'yang pagpapacute kay Crimson kung ayaw mong mag-away tayo..." iniumang ni Aeon ang
kanang kamao.

"Well, sinusubukan ko lang naman itong si Crimson... It's me again... Velvet


Hearthrobe..." kinuha nito ang kanang kamay niya at hinalikan.

"I'm Crimson Dela Fuente..."

"Aeon, hindi lang maganda... Ang bango-bango din!" namula siya sa tinuran ng
lalaki.

"Velvet! Makakatikim ka na sa akin!" inis na wika ni Aeon. Binitiwan naman agad ng


lalaki ang kamay niya.

"Peace tayo... Pinupuri ko lang ang kanyang kagandahan..." nakangiti nitong wika at
kumindat pa ito sa kanya.

Dumating din ang iba pang mga kalalakihan at mukhang hihimatayin na yata siya dahil
ang guwa-guwapo ng mga agent na 'to! Ito talaga ang dahilan kung bakit
pinanggigigilan ng media ang mga military men ng Men in Action.

"Meet my Commanding Officers- Ervine Sandoval and Siege Jonson.." pakilala ni Aeon
sa mga superior nito, huh...

Ang babata pa, mukhang matanda lang ng isang taon sa binata.. Ang inaasahan niya,
kaedad ng daddy niya ang mga C.O. ng Men in Action, fafanez din pala! Magiliw
namang nakipagkamay sa kanya... Ngumiti siya sa mga ito.

"My Comrades- Rock Horrison and Venom Montecristo sila ang mga medical doktor dito.
Agents at the same time. Sky Heavenly, at siyempre kilala mo na si Chase Vallejo
ang aming farm boy!" tumawa si Aeon.

"Pare naman!" reklamo ni Chase.

"Ako nga pala si Gin.." wika ng lalaking katabi ni Chase.

"Oh, meet Gin San Miguel... Pangalan pa lang nakakalasing na, di ba?" natawa siya
dito.

"Totoo bang San Miguel ang last name mo?" natatawa niyang tanong sa lalaki.

"Yupz, wala na akong magagawa eh... Iyon talaga! At ang nakakainis Gin talaga ang
ipinangalan sa akin at talagang sinadya ng nagbigay..." nahihiya nitong wika.

"Okay lang 'yan, ngiti mo pa lang.. Pang hang-over na!" natawa ang lahat sa turan
niya at mukhang makakasundo niya ang mga ito.

Isa lang ang alam niyang sigurado, mababait silang lahat at ang guwa-guwapo.
Suwerte niya at siya na mismo ang nakakita ng ebidensiya sa mga alingasngas tungkol
sa mga agent na 'to. Hmmm...? At napansin niyang may pagkasuplado at masungit sina
Ervine at Rock... Okay lang... Guwapo silang lahat pero angat sa paningin niya ang
kaguwapuhan ni Aeon... Ewan ba niya kung bakit ganun?

"Siya nga pala, nasaan sina Nexus at Clear?" tanong ni Aeon sa mga kasama.

"Tinawagan ni Clide si Nexus at si Clear, hindi pa nagpaparamdam ang loko." sagot


ni Sky.

"Sayang, hindi mo pa sila makikilala ngayon. Agent din si Clear na tulad namin.
Alam mo na, Army boy din."

"Sino si Clide? Commanding Officer din?" tanong niya kay Aeon.

"Siya ang nakababatang kapatid ni Cleric. Nakapasa na siya sa training ng Men in


Action, maging sa examination pero hindi niya itinuloy."

"Bakit naman?"

"Wala daw siyang karapatan dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng
Kuya Cleric niya. Sinalo kasi ng Kuya niya ang bala na dapat ay para sa kanya. May
hawak siyang baby noon, ni-rescue niya sa gitna ng putukan, binaril siya ng kalaban
pero naunahan ito ni Cleric.

Nailigtas niya sina Clide at ang bata pero hindi niya sinabi na may tama pala siya
sa may tiyan... Huli na ng matuklasan namin ang sugat niya." mahabang kuwento ni
Venom.

"G-Ganoon ba? Pasensiya na kayo at mausisa ako."

"Okay lang. At naku, kapag nakita mo itong si Clide, kikilabutan kang talaga.
Kamukhang-kamukha niya kasi si Cleric! 'Yun nga lang, suplado ang loko na 'yun.."
kuwento pa ni Velvet.

"Desisyon ni Cleric na iligtas niya si Clide at hindi niya sinabi sa amin ang
kanyang kalagayan ng mga panahong iyon dahil ayaw niyang maging pabigat at pinili
na lamang niyang iligtas ang buhay ng mas nakakarami.. Natatandaan mo siguro ang
digmaan na nangyari, limang taon na ang nakakaraan?" wika pa ni Aeon.

"Oo naman..." napayuko siya..


Hindi niya malilimutan iyon dahil muntik na rin siyang mamatay noon, Heneral ang
kanyang ama at normal na sa kanya na maging target ng mga kaaway nito. Lalo na noon
at napakagulo.. Mabuti na lang at may matapang na sundalo ang nagligtas sa kanya..
Natulala siya at napatitig sa larawan ni Cleric, he was the man, five years ago!

"Bakit?" untag sa kanya ni Aeon.

"A-Ah wala, may naalala lang ako."

"Ipapasyal ko muna si Crimson sa paligid." paalam nito sa mga kasama.

"Crimson, mag-ingat ka sa kanya!" pahabol ni Velvet. Napailing na lang siya at


napangiti dito.

"Totoo pala talaga ang tsismis tungkol sa mga gorgeous men ng Men in Action...
Mukha kayong mga artista lahat."

"Ayaw mo na sa akin? May mas guwapo ka nang nakita?"

"Sira, ikaw lang ang gorgeous sa paningin ko.."

"Hmm..? Talaga lang ha?" malambing siyang yumakap sa lalaki.

"Totoo, ikaw lang at wala nang iba." tumitig siya sa mukha nito..

"Gugustuhin mo pa rin ba ako kahit na may kakaiba kang malaman tungkol sa pagkatao
ko?" halata sa boses nito ang matindi nito ang pag-aalala.

"I love everything in you..."

"T-Thank you.." he slowly kiss her forehead.

"Siya nga pala, magkuwento ka naman tungkol kay Cleric... Curious kasi ako eh.."

"Mabait iyon at palangiti. Siya din ang numero-unong pilyo sa amin. Sa kanya nga
natuto sina Velvet at Sky pero... Hindi siya babaero. Ugali niyang unahin muna ang
iba, bago ang kanyang sarili. Kung makikilala mo siya ng personal, hahangaan mo rin
ang pagkatao niya..."

"Nagkaroon din ba siya ng pamilya?"

"Sana... Ipinagbubuntis ni Yumie ang anak nila noong mamatay siya. Iyak ng iyak si
Yumie noon, ang asawa niya. Ibinilin ni Cleric na alagaan nitong mabuti ang
magiging anak nila at humingi ito ng tawad sa asawa at magiging anak niya.
Nasaksihan namin ang lahat ng iyon... Alam mo bang ngumiti sa aming lahat si Cleric
bago siya tuluyang bawian ng buhay? Nakapositive talaga niya sa lahat ng bagay."

"Anong naging anak nila ni Yumie? Babae ba o lalaki?"

"Lalaki. Isinunod ni Yumie ang pangalan ng bata kay Cleric. Kamukhang-kamukha naman
ni Cleric eh... Lahat..."

"Talaga? Puwede ba natin silang pasyalan?"

"Sige, inaaanak ko sa binyag si Cleric."

"Ang ganda ng view mula rito..." wika niya.


"Mas maganda ka."

"Ay, sus! Boladas ka."

"Nah..."

Marahan siyang napasandig sa balikat ng lalaki. Nasa rooftop sila ng building at


kitang-kita nila pareho ang magandang view ng malawak na kagubatan, ilang malalapit
na bundok at burol... At siyempre, ang malawak at magandang karagatan...
Nakasalampak sila sa sahig ng gusali at yakap pa siya nito mula sa likuran... Kung
titingnan, sila pa ang mas maganda sa mga view 'cause they are a lovely pairs of
couples... A real view of an eternal romance...

"GOOD day, Yumie!" nakangiting bungad ni Aeon sa babae. Day-off nito kaya nagawa
nilang pasyalan ang babae.

"Pasok kayo... Girlfriend mo? Ang ganda ah?" namula siya.

"Salamat. Ako nga pala si Crimson Dela Fuente." inilahad niya ang mga kamay at
magiliw din namang nakipagkamay ang babae sa kanya.

"Yumie Raeign. Halika, tuloy kayo." pinaupo sila nito sa sala.

"Sandali lang at magdadala ako ng meryenda." wika nito.

Napatingin siya sa malaking Wedding Picture na nasa sala. Napakagandang pares..


Bagay na bagay ang pino at mayuming kagandahan ng babae sa lalaki. Halatang mahal
na mahal ng mga ito ang isa't-isa. Nakakalungkot nga lang at... Napabuntung-hininga
na lamang si Crimson sa kanyang iniisip.

"Nong Pot! Dito ka?" sabay silang napalingon sa nagsalitang bata.

Carbon copy nito ang ama at napakacute nitong bata. Siguradong marami ang
maghahabol ditong babae paglaki.

"Junior naman, Ninong Aeon ako, hindi Pot." pakli ni Aeon.

"Hus, Pot ka naman talaga eh. Di ka bigay cash, di Pot ka."

"Hmmp, di ko na ibibigay sa'yo 'tong chocolates.. Nagtatampo na ako.." natutuwa


siyang nagmamasid sa dalawa.

"Sowe, bati na tayo.. Love kita!" lumapit ang bata kay Aeon at kumandong saka
hinalikan nito sa pisngi ang binata.

"Oh sige, tanggap na 'yang sorry mo." nakangiting wika ng binata.

"Wow! Chicks mo? Ganda ah? Quality!" pareho silang natawa rito.

"Pasensiya na kayo at kung anu-ano ang natututunan niyan kina Sky at Velvet.
Madalas nilang ipasyal kasi ito eh.." singit ni Yumie. Dala na nito ang meryenda
nilang sandwich at orange juice.

"Talaga, maganda ako? Anong pangalan mo?" natutuwa niyang tanong.


"Ehem! Cleric Ruin Junior po, Ma'm." kinuha nito ang kamay niya at hinalikan.

"Sinong nagturo sa'yo niyan?" biglang tanong ni Yumie. Halatang nagulat ito sa
ginawa ng anak.

"Si Nong Kulit at si Nong Cute. Sabi nila ganoon daw pag pakilala ako sa chicks."
bibo nitong sagot.

"Ang mga iyon talaga..." napailing na wika ni Aeon. Walang duda, sina Sky at Velvet
ang tinutukoy nito.

"Ilang taon ka na?" tanong pa niya sa bata.

"Four po... Next year, mag school na ako. Ikaw, ano pong pangalan mo?"

"Crimson Dela Fuente.."

"Wow, pati pangalan, ganda! Arbor Nong Pot!"

"Hmmm... Bata ka pa, ni hindi ka pa tuli!" ginulo ni Aeon ang buhok nito.

"Dela Fuente... Ikaw ba 'yung babaeng anak ni Gen. Dela Fuente?" biglang tanong ni
Yumie.

"Ako nga."

"So, paano mo nakilala si Aeon at paano naging kayo?" nakangiting tanong sa kanya
ni Yumie.

"Huwag kang magkukuwento, writer 'yang si Yumie. Tiyak na isusulat niya iyan."
pigil sa kanya ni Aeon.

"Next time na lang siguro kapag wala si Aeon. Heto at magmeryenda muna tayong
lahat." yaya nito sa kanila.

"Dahan-dahan ka sa pagkain, Cleric." wika pa nito sa anak.

"Mabuti naman at naisipan kang isama nitong si Aeon dito. Sa wakas, may ibang mukha
akong nakikita."

"Ang totoo niyan, ako ang nagyaya sa kanya na dumalaw dito. Nakita ko kasi ang
picture ng asawa mo sa base nila... Gusto kong mag-thank you, kahit sa'yo na
lang.." parehong nagulat ang dalawa sa sinabi niya.

"H-Ha? Bakit naman?" tanong ni Aeon sa kanya.

"Five years ago, may sundalong nagligtas sa akin mula sa mga kidnappers.. At si
Cleric ang sundalong iyon. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magpasalamat sa
kanya noon. Isa pa, ni hindi ko nalaman ang pangalan niya kaya hindi ko siya
naipahanap kay Daddy.."

"Walang anuman iyon... Ako na ang magsasabi.. Kung hindi ka niya iniligtas noon,
tiyak na hindi ka makikilala ni Aeon ngayon... Tiyak na.." nangilid ang mga luha
nito.

"Si Cleric talaga.." emosyonal ding wika ni Aeon na napangiti.

"Bakit malungkot kayong lahat?" biglang untag ng bata.


"Ahm... Wala. Naalala lang namin ang Daddy mo." wika ni Yumie sa anak.

"Alam mo tita, sabi ni Mommy... Kaya wala daw si Daddy kasi naging angel na siya at
binabantayan niya kami mula sa heaven. Di ba ang galing? Ang Daddy ko, angel!"
walang malay nitong wika.

"Oo nga, ang galing! At magpasalamat ka sa Daddy mo dahil kamukhang-kamukha mo


siya. Tiyak na maraming chicks na iiyak sa'yo.." wika ni Crimson at hinaplos ang
buhok ng bata.

"Ahm, sabi ng mga Ninong ko, bad daw magpaiyak ng babae. Dapat daw, pinapasaya ko
sila at inaalagaan."

"Tama, at dapat makikinig ka lagi sa Mommy mo. Kung hindi, marami kaming mga Ninong
mo ang papalo sa puwet mo." wika ni Aeon.

"Nong naman eh... Pasyal naman tayo.."

"Sige, halika.. Babalik tayo agad." wika ng binata at kinarga ang bata.

"Babalik kami agad." wika ni Aeon.

Nakagaanan niya agad ng loob si Yumie, mabait talaga ito. Kahit na hindi na ito
magtrabaho, mabubuhay silang mag-ina ng maalwan. Malaking pera ang naiwan ni Cleric
para sa kanilang mag-ina. Nakapag-invest ito sa isang malaking negosyo at kasama
nito doon ang mga co-members nito sa Men in Action.

"Hindi ka ba nahirapan noong.." nahihiya siya sa kanyang tanong kaya naman hindi na
niya itinuloy.

"Sa una, mahirap... Pero palagi namang nakasuporta sa akin ang lahat ng mga
kaibigan niya. Lahat sila... Alam mo bang si Venom ang nagpaanak sa akin, dito sa
bahay...? Diyan pa sa may hagdan, inabutan na kasi ako noon eh... Dadalhin sana
nila ako sa ospital kaso, apurado ang anak ko." kuwento pa nito.

"Wala ka na bang balak na..?"

"Si Cleric lang ang nag-iisang lalaki sa buhay ko, wala nang iba."

"Pareho pala tayo, kasi ako... Kapag nagmahal, siya na at wala nang iba pa..."

"Ganoon talaga kapag natagpuan mo na ang para sa'yo."

"Tama ka, noong unang makita ko si Aeon at natitigan ang kanyang mga mata.. Hay
naku, OA na kung OA... Pero parang tumigil ang oras at lahat ng bagay ng mga
sandaling iyon. Parang may magic."

"Sige, nga.. Ikuwento mo nga sa akin.."

"Nahulog kasi ako sa hagdan noon eh.." hindi na niya namalayan na tuloy-tuloy na
ang pagkukuwento niya.

"Ginawa mo ang lahat ng iyon para lang mapansin ni Aeon?" natatawa nitong tanong.

"O-Oo eh..." nahihiya niyang sagot.

"Well, natural lang talaga na iwasan ka niya noong bodyguard mo pa siya. Sinusunod
nito ang rules... No pleasures at work... No personal attachment, just the mission.
Ganoon kasi sila tini-trained eh."
"Sa tingin mo, mahal kaya niya ako..? Kahit kasi kami na... Hindi ko maiwasang mag-
alala dahil baka napilitan lang siya sa akin, nakulitan."

"Sira, kung ganoon iyon.. Sana, matagal ka na niyang ibinalik sa Daddy mo. Pinauwi
ka niya, kahit pa sabihing pinalayas ka... Gagawan niya ng paraan. Pero hindi eh...
Kilala ko si Aeon, kapag nagsasalita iyon ng seryoso maniwala ka. Pero kapag sina
Sky at Velvet ang nagsalita, kahit na mukha silang seryoso... Naku, huwag na huwag
kang basta-basta maniniwala."

"Bakit naman?"

"Numero-unong mga boladas at babaero ang mga iyon. Mahilig silang magsalita ng
magaganda para lang... Alam mo na." kasalukuyan silang nagluluto ng chicken curry
para sa kanilang pananghalian.

"Talagang kilalang-kilala mo na sila, ano? Err... Mukhang masungit sina Rock at


Ervine.. Masungit ba sila?"

"Natumbok mo. Pero mabait ang mga iyon, lalo na kapag nasa mood. Mind you, kapag
nasa mood... Kapag mukha silang wala sa mood, huwag mo nalang kausapin,
dumistansiya ka na muna." payo nito.

"Sabagay..." ayon niya dito.

Kasalukuyan na silang naghahain sa mesa ng dumating sina Aeon at Cleric.

"Kamusta ang pamamasyal?" nakangiting tanong ni Yumie sa bata.

"Mommy, noong nasa park kami ang dami-daming nagpapacute na chicks kay 'Nong. Kaso
pinagbawalan ko silang lahat. Sabi ko may girlfriend na siya, may tita Crimson na
ako.."

"Hus, ang bait mo naman." tuwang wika ni Crimson.

"Ang tindi niyang magbantay eh... Pero matindi ding mangholdap!" napangiwing wika
ni Aeon.

"Ayan ka na naman eh.. Umiiral na naman 'yang pagiging kuripot mo. Minsan-minsan na
nga lang ito eh.." wika niya sa binata.

"Mukhang nakakita ka na talaga ng katapat mo Aeon..." nakangiting turan ni Yumie.

Nakangiting tumitig si Aeon sa kanya at namula siya sa kakaibang paraan ng pagtitig


nito ngayon...

Kumakain na sila ng pananghalian sa garden ng makarinig sila ng ugong ng humintong


sasakyan. All black ang attire ng rider. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na
kutsara at masambit ang pangalang Cleric Raeign kung hindi lang siya naunahan ni
Aeon..

"Clide! Mabuti naman at natsambahan kita dito." nakangiting wika ni Aeon.

Ngumiti ito ng matipid at pagkatapos ay nabaling ang tingin nito sa kanya. Katulad
nito ng personalidad si Ervine, masungit...

"Girlfriend ko, si Crimson Dela Fuente." tumango lang ito at nagbigay ng tipid na
ngiti.
"Clide Raeign." simpleng pakilala nito sa kanya. At least, hindi malamig ang
pagpapakilala nito. May essence kahit papaano ng welcome...

"Maupo ka na Clide at ikukuha kita sa loob ng plato at mga kubyertos." wika ni


Yumie.

"Salamat ate." matipid talagang magsalita ang lalaki. Ilang saglit lang at kasalo
na nila ito sa pagkain.

Kung friendly ang ngiti at mukha ni Cleric... Kabaliktaran naman nito si Clide,
masyado itong pormal at tila malayo ang loob sa mundo. Mukha itong walang damdamin.

"Kailan mo balak ituloy ang career mo sa Men in Action?" biglang tanong dito ni
Aeon.

"Pag-iisipan ko muna." sagot nito na hindi man lang sumusulyap sa kanila.

"Tito, help naman oh.." untag dito ni Cleric ng hindi nito maabot ang juice.

"Dahan-dahan lang..." napabuntung-hininga siya.

Sa kabila pala ng matigas na personality nito, may kalambutan din itong itinatago.
Mukha itong mapagmahal at mapag-alagang uncle. Siguro, nagkaganito lang ang binata
dahil sa nangyari noon. Kung sila nila Aeon at Yumie ay panay ang kuwentuhan...
Tahimik lang ito sa pagkain at hindi man lang nakikisali sa mga usapan nila.

"Saan ka abala ngayon?" biglang tanong ni Aeon kay Clide.

"Bartending, part-time bodyguard at part-time singer sa mga restaurant..."

"At wala ka na namang permanenteng pinupuntahan. Hanggang kailan ka lalayo? Hindi


ka na ba nagsasawa sa buhay mong walang permanenteng pinatutunguhan? Masaya ka ba?"
natahimik si Clide at simula noon, hindi na niya ito narinig na nagsalita pa.

Manaka-nakang nahuhuli niya si Clide na pasulyap-sulyap sa kanilang dalawa ni Aeon


at may nakikita siyang kakaibang lungkot sa mga mata nito.

"Bakit ganoon si Clide? Parang ang layo ng loob niya sa lahat? Maliban lang kina
Yumie at sa pamangkin nito."

"Hanggang ngayon kasi, sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng kuya niya.
Kaya eto, mula nang mangyari iyon... Natakot na siyang makisalamuha sa iba."

"Well, darating din siguro ang panahon na matatauhan siya.. Na hindi tamang sisihin
niya ang sarili niya."

"Oo nga eh... Sana makahanap siya ng babaeng mangbabatok sa kanya at nang magising
na siya sa kanyang bangungot." pabirong wika ni Aeon.

"Tama ka diyan." ayon niya sa biro nito.

"Mahal mo ba talaga ako?" biglang tanong sa kanya ni Aeon...

"Oo naman.. Noong isang araw ka pa nangungulit ah?"

"Kahit na ano pa ako at may malaman kang kakaiba sa pagkatao ko?" seryoso nitong
tanong. Pero inatake na naman siya ng kapilyahan.

"Huwag mong sabihin sa aking... Bakla ka?" pabirong wika niya. Bigla itong nagpreno
at tiyak na tumilapon silang pareho kung hindi sila nakaseatbelt.

"Hey, hindi ako bakla! At lalong hindi silahis!"

"Binibiro lang naman kita. Peace tayo! Ano ba kasi iyon at todo drama ka diyan
kapag nababanggit mo iyon?" muli nitong pinaandar ang sasakyan at tila naging
uneasy ito.

"Aeon...?" nag-aalala niyang tanong.

"Pasensiya ka na Crimson... Hindi ko pa kayang sabihin sa ngayon. I'm so sorry.."


napabuntung-hininga ito ng malalim.

"It's alright... Basta ang alam ko, mahal kita at wala na akong pakialam diyan sa
sinasabi mo. I love you, whatever you are.."

"Then, I love you more.." sagot nito.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila.. Wala silang imikan hanggang sa


makarating sila sa bahay. Pero..

"I'm sorry Crimson... Duty calls, may emergency." wika nito at agad na inilabas ang
motor sa garahe.

"Be careful and go home, safe.."

"Sure, I will." marahan siya nitong hinalikan sa lips.

Pagkatapos noon ay agad itong sumakay sa motor at pianasibad iyon palayo. All she
can do now was to pray for his safety.. Not only for him, but for th

Chapter 10:

"SILA na bang lahat ang na-recover?" tanong ni Ervine sa kanila.

"Yes Sir. Ligtas naman ang mga batang ito at dadalhin na sila ng mga sundalo sa
Social Welfare para alagaan." sagot ni Aeon kay Ervine.

"Ano na naman kaya ang maitim na binabalak ng Dr. Keston na iyon at mga batang
walang muwang ngayon ang target niya?" napabuntung-hiningang wika ni Aeon.

Ni-rescue nila ang mga batang kalye mula sa mga tauhan ng ADVANCE TECH... Balak
sigurong gamitin ang mga batang ito para sa mga ekspiremento.

"Matagal din siyang nanahimik at ngayon, nagsisimula na naman siyang kumilos. At


sinisiguro kong pipigilan natin sila."

"Tama ka, hindi pa rin siya sumusuko sa kabila ng lahat."

"Alam na ba ni Crimson ang tungkol sa pagiging phantom soldiers natin?" tanong ni


Ervine sa kanya.

Mataman lang siyang tumitig dito at marahang napailing.


"Natatakot akong mawala siya sa akin, Ervine. Iyon ang bagay na pumipigil sa akin
para sabihin sa kanya na tayo ay mga phantom soldiers. Baka layuan na niya ako at
kamuhian, kagaya ng ibang tao..."

"Puwera biro, Aeon.... Kapag napangasawa mo si Crimson, ora-orada din akong mag-
aasawa." napangiti siya sa tinuran nito.

"Ows, talaga? Hindi ka naman nanliligaw eh."

"Bakit, lalaki lang ba ang puwedeng pikutin?" nagulat siya ng bahagya sa sagot
nito. Si Ervine talaga...

PHANTOM SOLDIERS- mga abort babies na ni-revive ng technology para gamiting sundalo
sa nakaraang digmaan. Ang digmaan ng Democratic Continent at nang Communist
Continent. Sinuportahan ng Democratic Continent ang project phantom ni Dr. Clayton
Osborne kaya ipinanganak ang mga phantom soldiers. Lahat sila ay artificially born
sa pamamagitan ng mga higanteng testtube na nasa laboratoryo ng ADVANCE TECH-ang
pinakamalaking laboratoryo sa bansa ng Democratic Continent. Ngunit ng matapos ang
digmaan, nagkaroon ng panibagong problema, nagrebelde si Dr. Keston laban sa
Democratic Continent. Gusto nitong angkinin ang kapangyarihan, si Dr. Keston ang
pumalit sa posisyong naiwan ni Dr. Clayton dahil pumanaw na ito.

Nagkaroon ng bagong digmaan at dito binuo ni Cleric Ruin ang grupo nila na MEN in
ACTION. Tutulungan nila ang Democratic Continent laban kay Dr. Keston kapalit ng
kanilang pagkilala sa kanila bilang mga tao at hindi bilang mga gamit sa digmaan.
Magkakaroon din sila ng special privilege tulad ng private resident area, invested
money sa malalaking negosyo sa bansa at higit sa lahat ang kanilang inaasam na
identity. Nanalo sila laban kay Dr. Keston pero nakatakas ito at nawala sa kanila
si Cleric. At ngayon, tila muling nagbabalik si Dr. Keston para angkinin ang
kapangyarihang matagal na nitong inaaasam. Matagal din nilang nadama ang
kapayapaang ibinigay sa kanila ni Cleric, kapalit ng buhay nito at nanganganib
iyong mawala ngayon dahil muling kumikilos si Dr. Keston...

"SALAMAT naman at ligtas ka!" mahigpit na niyakap ni Crimson si Aeon. May mga
kaunting galos ito pero maayos naman ang binata.

"Kamusta naman sila? Wala bang nasaktan sa inyo?" sunud-sunod na tanong ng dalaga.

"Okay lang kaming lahat, Crimson. Maingat ang bawat kilos namin tuwing sumasabak
kami sa mga mapanganib na sitwasyon. Ginagamit namin ang aming logic."

"May problema ka ba? Bakit kanina ka pa hindi ngumingiti at matipid ka yatang


magsalita ngayon?"

"W-Wala naman, china doll. Napagod lang siguro ako. Alam mo na, day-off na day-off
ko ay napasabak akong bigla." naupo ang binata sa sofa. Naupo si Crimson sa tabi ng
binata...

"I'm sorry kung sasabihin ko ito sa'yo... Alam kong wala naman akong karapatan,
pero sasabihin ko pa rin..." napalunok ang dalaga at nag-ipon ng matinding lakas ng
loob.

"Bakit? Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin na mukhang ikakagalit ko?" kunot-
noong tanong ng binata sa kanya.

"H-Hindi ba puwedeng mag-resign ka na lang sa Men in Action?" napayukong wika ni


Crimson at saka siya muling tumitig sa mukha ng binata.

Halatang nabigla ang binata sa sinabi niya. Napangiti ito ng mapait at marahan
nitong hinaplos ang pisngi niya...

"Hilingin mo na lang ang buhay ko, pero huwag na huwag ang bagay na 'yan Crimson...
Nasa Men in Action ang buong pagkatao ko. Malaking bahagi na 'yan ng buhay ko,
Crimson... Sa katunayan, iyan na ang bumubuo sa buhay naming lahat..."

"Natatakot lang naman kasi ako para sa'yo... Mahal kita kaya ko nasabi sa'yo ang
bagay na iyon. Naiintindihan kita at hindi ko na ulit sa'yo sasabihin ang bagay na
iyon... Mahal nga kita eh..." pero naiiyak na si Crimson habang sinasabi niya ang
mga bagay na iyon. Kahit na masakit para sa kanya ang desisyon ni Aeon ay maluwag
pa rin niyang tinanggap ang bagay na iyon.

Umusod sa kanya palapit sa si Aeon at mahigpit siya nitong niyakap.

"Kung mahal mo ako, mas mahal kita... Hayaan mo, iingatan kong mabuti ang sarili ko
para sa'yo..."

"Basta, tuparin mo 'yan ha?"

"Oo naman... Ngayon, mas may dahilan na ako para mabuhay. Mas may dahilan na ako
para ipaglaban ang tama, at ikaw iyon..." marahan siya nitong hinalikan sa noo at
napapikit na lamang siya.

"Aasahan ko 'yang pangako mo sa akin..."

"Tutuparin ko nga eh, ang kulit mo talaga!" ginulo ni Aeon ang buhok niya.

"Asar ka naman eh! Pasalamat ka at mahal na mahal kita." pinisil niya ang tungki ng
ilong nito.

"Kung mahal mo talaga ako, ipagluto mo na nga ako. Ginugutom na ako eh."

"Okay, pero magbihis ka muna. Amoy pulbura ka eh." pakli niya dito.

"He he he, pasalamat ka nga at amoy pulbura ako. Hindi amoy babae."

"Hay naku, kapag naamoy kita na ganoon... Lalayasan kita ng ora-orada. Hindi porket
patay na patay ako sa'yo, puwede mo na akong gaguhin, no!" wika niya habang papunta
siya sa kusina.

"Aba, hindi ko naman gagawin iyon. Honest naman kaya ako sa'yo."

"Kaya nga buo ang tiwalang ibinibigay ko sa'yo."

"At wala naman akong balak sirain iyon." biglang natigilan sa paghakbang si
Crimson. Muli siyang humarap dito at ngumiti.

"Kung ganoon salamat sa lahat... Lalo na sa respetong ibinibigay mo sa akin kahit


na girlfriend mo na ako at dito ako nakatira sa bahay mo. Napakalaking bagay sa
akin noon, Aeon..."

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Totoo lang kasi ang pagmamahal na ibinibigay ko


sa'yo." kumindat ito sa kanya. At isang matamis na ngiti ang isinukli niya dito.
"A-ANONG okasyon? Bakit nandito tayo sa isang mamahaling restaurant?" maang niyang
tanong kay Aeon ng gabing iyon. Bigla itong nagyaya ng dinner date.

"Wala, basta gusto ko lang. Hindi naman siguro masama na magdate tayo paminsan-
minsan. Isa pa, handa naman akong gumastos basta para sa'yo. Tandaan mo, sa'yo
lang."

"Naks naman, nawawala pala ang pagiging kuripot mo dahil sa pagmamahal mo sa akin
ah?" napailing lang ito at napangiti sa tinuran niya.

Pero papaupo pa lang siya nang bigla siyang dambahin ni Aeon para padapain at
pagkatapos noon ay biglang niratrat ang restaurant ng bala. Takot na takot siya ng
mga sandaling iyon.

"Dito ka lang, babalikan kita!" wika ni Aeon sa kanya. Mabilis nitong binunot ang
baril na nakasukbit sa baywang.

"O-Oo! Mag-ingat ka, ha?" pahabol niyang wika dito.

Pagapang na naghanap ng magandang puwesto si Aeon para maasinta ang mga kalaban.
Nakita niya sa army uniform ng mga ito ang logo ng ADVANCE TECH. Nalintikan na!
Sigurado siyang hindi basta-basta ang mga ito, siya talaga ang target. Co-developer
ni Dr. Clayton si Dr. Keston kaya alam ng kalaban ang kanilang identity. Anim ang
mga ito at nakasakay ang mga ito sa isang owner type jeep.

May tatlong bumaba mula sa sasakyan at akmang papasok sa loob ng restaurant. Agad
niyang pinaputukan ang mga ito at sigurado siyang natamaan niya ang dalawa.
Pagkatapos noon ay naging alerto ang isa at sumunod na lumapit ang mga kasama nito.
Gumapang siya palayo sa kinaroonan ni Crimson at maingat na nagpunta sa likuran ng
isang kalaban at agad na sinunggaban niya ito sa may leeg at binali niya iyon.
Nakita siya ng mga kasama nito at pinaulanan ng bala ngunit ginamit niyang panangga
ang kasama ng mga ito.. Gumanti rin siya ng putok at inasintang mabuti ang mga ito
hanggang sa mapatumba niya ang lahat.

Tinawagan niya si Siege para sabihin ang nangyari sa kanya.

"Hello, Siege! Inatake ako ng mga tauhan ng Advance Tech, puro mga mercenary ang
ipinadala. Anim ang tumira sa akin, so far may mga nasaktan ng kaunti dito sa
restaurant dahil natamaan ng ligaw na bala. Okay naman ako, ganoon din si
Crimson... Tumawag na ako sa mga pulis para i-take-over nila itong lugar at nang
mga medical team." nag-aalalang napasulyap ang binata sa kinaroroonan ng dalaga...

"Sad to say Aeon, mapapasabak ka na naman sa laban. May mga batang hinostage ang
tauhan ng Advance Tech at papunta na kami sa block 3 building, para iligtas sila.
At kagaya ng sinabi mo, mga mercenary soldiers ang nandoon kaya tayo ang isasabak.
Dalhin mo na lang si Crimson sa Base. Mas ligtas siya doon, maiiwan doon si Velvet
para bantayan siya. Sumunod ka, pagkatapos mo siyang ihatid doon." sagot ni Siege
sa kabilang linya.

"Roger that!" hindi niya maialis ang pagkakatitig kay Crimson na halatang takot na
takot habang kausap niya si Siege.

Nilapitan niya ito at marahang niyakap. Hindi niya alam kung paano siya
magpapaliwanag kay Crimson. Titig na titig ito sa logo uniform ng kalaban. General
ang ama nito at tiyak na may ideya ito kung bakit siya inatake ng mga ito ng basta
ganoon na lang.

"Okay na Crimson, huwag kang matakot. Dadalhin kita sa Base namin, may rescue
operation kami... Mas ligtas ka doon." tahimik na tumitig si Crimson sa kanya. At
ganoon na lamang ang takot na naramdaman niya dahil sa paraan ng pagtitig nito sa
kanya ngayon...

"B-Bakit ka inatake ng mga tauhan ng Advance Tech? H-Hindi ba't mga phantom
soldiers ang itinuturing nilang kalaban? I-Isa ka bang... O dahil lang sa trabaho
mo?"

Matagal na hindi makaimik si Aeon at napatitig sa kawalan. Hindi pa siya namutla sa


takot sa buong buhay niya, ngayon pa lang... Mataman siyang tumitig sa mukha ni
Crimson at hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. Marahan niyang inilapit ang
kanyang mga labi sa tenga ng dalaga. Marahas siyang napabuntung-hininga bago siya
nagsalita.

"Kaming mga Senior agents ng Men in Action... Mga phantom soldiers kami, totoo na
artificially born kami at ginamit kami para sa digmaan. Ang pamahalaan ang
nagtatakip ng aming identity gamit ang Men in Action... That's why we are highly
trained and superior pagdating sa mga military tactics dahil iyon na ang
kinamulatan namin. Sa digmaan at panganib na umikot ang halos buong-buhay namin...
I know, everyone called us military monster because we are created as a weapon for
war." naiyak si Crimson sa mahabang paliwanag ng binata sa kanya. Sinigurado ni
Aeon na siya lang ang makakarinig ng mga iyon.

Wala siyang masabi, bagkus... Kusa na lamang siyang napayakap sa binata. Hindi niya
naramdaman na gumanti ito ng yakap sa kanya kaya malungkot siyang napakalas dito.

"Halika na, dadalhin kita sa Base. Inaantay na ako ng mga comrades ko, may misyon
pang naghihintay sa akin." pormal at malamig ang tinig nitong wika sa kanya.

Bigla tuloy nakaramdam ng pagkabahala si Crimson sa ikinilos ni Aeon. Anong


ginagawa nito? Itinataboy na ba siya nito dahil nalaman na niya ang pagkatao nito?
Bakit?!

Nakakabingi ang katahimikang namamagitan sa kanila habang nasa biyahe sila. Gusto
mang magsalita ni Crimson pero natatakot siya dahil sa kakaibang ikinikilos ng
binata. Wala siyang magawa kundi titigan na lamang ito habang nagmamaneho. Ganoon
na lamang ang lungkot ang naramdaman niya nang hindi man lang siya nito sulyapan
hanggang sa makarating sila sa Base ng Men in Action.

Nadatnan nila sa lobby ng Base si Velvet na halatang naghihintay sa kanila.

"Mabuti naman at walang masamang nangyari sa inyo habang papunta kayo rito."
nakangiti nitong bungad sa kanila.

"So far, wala naman. Ikaw na muna ang bahala kay Crimson at kailangan kong sumunod
kina Siege. Mga mercenary ang humahamon sa atin."

"Sure, ako na ang bahala dito sa maganda mong girlfriend. Makakaasa ka!" sumaludo
ito kay Aeon at kumindat.

Tumango lang si Aeon dito at mabilis na tumalikod at humakbang papalabas ng gusali.

"Aeon, mag-iingat ka. Bumalik ka ng ligtas, aantayin kita!" pahabol niyang wika sa
binata.

Napatigil ito sa paghakbang at inantay niyang lumingon ito o sumagot man lang sa
sinabi niya. Pero ilang sandali na itong napatigil ay hindi man lang ito lumilingon
sa kanya at hindi man lang nagsasalita. Laking panlulumo niya ng tumuloy lang ito
sa pag-alis na wala man lang itong sinasabi at hindi man lang siya tinitingnan.
Ramdam na ramdam niya ang pag-iwas sa kanya ng lalaki. Hindi na niya namalayan ang
marahang pag-agos ng luha niya sa kanyang pisngi ng tuluyan ng makaalis ang lalaki.
Nasaktan siya ng husto sa ikinilos nito.

"Ang gagong iyon, makakatikim siya ng batok mula sa akin pagbalik na pagbalik
niya." wika ni Velvet sa kanya at marahan nitong pinunasan ang kanyang luha.

"Hindi mo kailangang gawin iyon, Velvet..." nahihiya niyang wika dito.

"Naku, kahit pigilan mo ako... Magalit ka na sa akin, gagawin ko pa rin kay Aeon
iyon dahil gago siya."

"Pero bakit naman?"

"Dahil girlfriend ka niya kaya hindi ka niya dapat pinaiiyak ng ganyan. Para sa
akin, isang krimen na paiyakin ang mga magagandang babae na katulad mo, Crimson.
Dahil ang mga babae, minamahal at hindi pinapaiyak." inalalayan siya nito sa pag-
upo sa malaking sofa na nasa lobby.

"Bakit, may minahal ka na ba?"

"Oo naman, marami nga sila eh. He he he..."

"Iyong seryoso?" napaupo ito sa tabi niya at napadekuwatro. Napayuko ito at matagal
na hindi nagsalita.

"Sabi ko nga sa'yo, marami nga akong mahal eh. Kung bibitawan ka ni Aeon, handa
naman akong saluhin ka, baby." nakangisi nitong turan sa kanya.

Napailing siya sa sinabi nito.

"Kahit bitawan ako ni Aeon, mamahalin ko pa rin siya at ibibigay ko sa kanya ang
kalayaan niya kahit na, kahit na... Magkapira-piraso ang puso ko, ganoon ko siya
kamahal."

"That lucky bastard!" palatak nito.

"Magtapat ka nga sa akin, nag-away ba kayo? Anong nangyari at ganoon ang ikinilos
ni Aeon kanina?" tanong nito sa kanya.

"H-Hindi, hindi kami nag-away.."

"Kung ganoon, bakit..? Hindi siya kikilos ng ganoon kung walang nangyari na
anuman."

"Kanina, habang nagdedate kami, sinugod kami at pinaulanan ng bala ang restaurant
na kinaroroonan namin. Salamat na lang at magaling talaga si Aeon, natalo niya ang
mga kalaban..."

"Mga holdapper ba ang sumugod sa inyo?"

"H-Hindi, mga sundalo din. May logo ang uniform nila ng Advance Tech... Tinanong ko
si Aeon tungkol doon at inamin niya sa akin na mga phantom soldiers kayo..."
biglang namutla si Velvet sa sinabi niya at naging uneasy ito.

"I-Ikaw, tanggap mo ba ang buong pagkatao niya?"

"Velvet, mahal ko ang lalaking iyon kasi nga siya si Aeon."

"Hindi ka ba aware na medyo iba kami ng kaunti sa inyo? Alam mo na..."


"Alam mo ba, pangarap ko ring maging sundalo noon dahil gusto ko kayong tularan?
Kaso pinigilan lang ako ni Daddy dahil ako ang baby girl niya. At huwag mo ngang
sabihing iba kayo sa amin dahil tao pa rin naman kayo. Kayo ang matatapang na
bayani na nagdala ng kapayapaan dito sa atin. Kayo ang nagproprotekta sa amin at
handa ninyong ibuwis ang buhay niyo para lang sa mga inosente na nais niyong
protektahan. Isn't that a very noble thing?"

"Oh Crimson, kung hindi ko lang mahal si Aeon bilang kapatid... Aahasin kita mula
sa kanya." napangiti siya sa tinuran nito.

"Sira ka talaga. Okay lang kaya sila?"

"Huwag kang mag-alala, mga pipitsuging mercenary lang 'yun. Samantalang kami,
giyera na ang kinalakihan naming lahat." kampante nitong sagot.

SAMANTALA, nakapuwesto na sina Aeon para sumugod sa loob ng gusali. Nasa kabilang
building naman sina Rock at Gin dahil sila ang naatasang maging sniper.

Pinapangunahan nina Ervine at Siege ang rescue operation para sa mga bata. Hindi
uso sa kanilang code ang negotiation, basta ang priority nila ay ang buhay ng mga
hostage. Palihim ang kanilang pagpasok sa gusali at naka-silencer ang kanilang
gamit na mga baril. Sampung bata ang hostage at apat ang nagbabantay dito. Dalawa
sa loob, at dalawa sa labas ng pinto. Ang iba ay nagkalat na sa paligid ng gusali,
inaaabangan ang pagsugod nila doon. Sanay na sanay na sila sa mga silent kill. Agad
na binabaril ng dalawang siniper ang mga kalabang papunta sa kinaroroonan nila kaya
dere-deretso lang ang team sa pagsugod.

Anim lang silang papasugod sa gusali at nahati pa iyon sa dalawang team. Sina
Ervine, Aeon at Chase ang papasugod sa harap.. Sa likod naman susugod sina Siege,
Sky at Venom.... Mala-spiderman ang drama ng tatlo dahil sa gilid ng pader at mga
bintana sila dumadaan, sila kasi ang magtatakas sa mga bihag na bata. Panglito sina
Ervine at pangcover ang dalawang sniper. May naulinigan na nagbabantay sa mga
hostage si Ervine, paikot-ikot ito sa lugar. Sinenyasan nito si Aeon na tirahin ang
isang iyon. Marahang lumapit ang binata sa kinaroroonan ng lalaki. Bigla niya itong
sinakal sa leeg at walang pakundangang binali iyon. Nakita siya ng mga kasamahan
nito at agad na pinaulanan ng putok ng baril. Mabilis siyang kumilos at
nakapagtago, gumanti ng putok sina Ervine at walang alinlangang sumugod ng harapan.
Anim agad ang napatumba nila.

Samantala... Paikot-ikot na naglalakad si Crimson sa lobby ng Base. Mataman lang na


nakamasid sa kanya si Velvet.

"Relax ka lang, okay lang ang mga iyon. Minor mission lang ang isang ito."

"Pero hindi ko maiwasang kabahan eh. Hindi ko alam kung bakit, hindi naman ako
kinakabahan ng ganito tuwing may mission si Aeon.."

"Hindi lang kasi naging maganda ang paghihiwalay niyo kanina. Magiging okay na ang
lahat pagbalik niya dahil wala na ang topak noon, mamaya. Kaya maupo ka lang at
magrelax."

Maya-maya pa, narinig silang ng ugong ng paparating na sasakyan. Biglang tumayo si


Velvet at napahawak sa nakasukbit na baril sa baywang. Agad itong sumilip sa zigzag
na kalsada.

"Alerto ka, hindi ko kilala ang sasakyan na paparating. Mukhang nakalusot ito sa
security sa baba..." bigla siyang kinabahan sa sinabi nito.

"Hindi ba highly specialist ang mga security dito sa Base, pati na ang mga gamit?"

"Oo, pero kailangan nating magsiguro lalo na kung hindi pamilyar na sasakyan ang
magpupunta dito. Nadadaya din kasi ang identity. Madaling nakakalusot ang mga
kalaban sa pamamagitan ng ibang identity." kinuha nito ang baby armalite sa tabi at
agad na ikinasa ng papalapit na sa bungad ng Base ang sasakyan. Pasugod na sana si
Velvet nang...

"Teka, huwag! Sasakyan 'yan ng Kuya ko." pigil niya sa lalaki. Ibinaba nito ang
baril pero nanatili itong alerto.

Mabilis na bumaba mula sa sasakyan ang Kuya Jayson niya. Hindi nga siya nagkamali,
naging kalmado naman na si Velvet. Humahangos itong lumapit sa kanya at agad siya
nitong niyakap ng mahigpit.

"Thank God at ayos ka lang." masuyong wika ng kanyang Kuya sa kanya.

"Ano ka ba, Kuya. Kahit kailan, hindi ako hinayaang mapahamak ni Aeon." nakangiti
niyang wika dito at agad na kumalas sa pagkakayakap nito.

"Siya nga pala, Velvet, ang Kuya Jayson ko."

"Kilala na namin ang isa't-isa, nagkasama na kami sa mga ilang military trainings
na pinagdaanan namin." nakangiting wika ni Velvet.

"Crimson, ang Daddy..." aburidong wika ng Kuya niya.

"B-Bakit? Anong nangyari sa kanya?" lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya.

"K-Kailangan ka niya... Inatake siya sa puso kanina ng mabalitaan niyang kasama ka


ni Aeon sa engkuwentro kanina... Napanood niya sa T.V. ang nangyari sa restaurant,
dinala agad namin siya sa ospital at unconscious pa rin siya..." bigla siyang
napaiyak. Kaya naman pala ganoon na lamang ang kabang nararamdaman niya kanina pa.

"K-Kuya, payag ka bang antayin ko muna dito si Aeon? Gusto ko lang siyang makausap
bago ako tuluyang sumama sa iyo at umuwi sa atin. Babawi ako kay Daddy, aalagaan ko
siyang mabuti." hindi agad nakapagsalita ang kanyang Kuya.

Napahawak ito sa sariling baba at marahas na napabuntung-hininga. Maya-maya pa ay


nagring ang cellphone nito. Biglang umaliwalas ang mukha nito matapos nitong
marinig ang sinasabi ng tao sa kabilang linya.

"Sige, aantayin natin dito si Aeon. Pumayag lang ako dahil tinawagan ako ni Tita
Isadora na okay na ang lagay ni Daddy. Pero kapag nagkataong unconscious pa rin
siya, mapipilitan akong kaladkarin ka."

"Salamat, Kuya... Salamat."

"Bakit hindi muna tayo pumasok sa loob at nang makapagkape tayo. Alam niyo na,
pampaalis ng tensyon." untag sa kanila ni Velvet. Magkakasunod silang pumasok sa
lobby ng Base.

Samantala...

"Walang hiya talaga ang Dr. Keston na ito!" inis na wika ni Ervine habang
tinitingnan ang mga batang iniligtas nila.
Marahas na napabuntung-hininga si Aeon. Balak gamitin ng doktor ang mga batang ito
para sa sariling ekspiremento at sa kung anu-ano pa na may kinalaman sa military
power. Gusto muli nitong magsimula ng digmaan.

"Kung nagawa natin siyang labanan noon, magagawa ulit natin ngayon." wika niya sa
kanyang mga kasamahan. Dumating na rin ang mga pulis at agad na dinala ang mga bata
sa isang Social Welfare.

"Tama ka diyan. Hindi ako papayag na danasin ng magiging mga anak ko ang kaguluhang
nakita ko noon." palatak ni Ervine. Natawa si Sky.

"Wala ka ngang seryosong girlfriend tapos magiging anak na agad ang naiisip mo.
Balak mo bang unahan si Aeon?" natatawang wika dito ni Sky.

"Sinasabi ko sa inyo, kapag si Aeon... Napangasawa niya si Crimson, itaga niyo sa


bato. Ora-oradang mag-aasawa na rin ako." napailing si Aeon sa sinabi ni Ervine.

Hindi na siya ngayon sigurado sa nararamdaman ni Crimson sa kanya. Kung alam lang
ng mga ito ang ibang klaseng takot na naramdaman niya ng tanungin siya ni Crimson
tungkol sa kanyang pagkatao... Napapikit siya ng mariin, si Crimson lang ang
babaeng nagturo sa kanya ng totoong kasiyahan. Mawawalan ng saysay ang buhay niya
kung mawawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya.

"Oh, bakit nawalan ka na ng kibo diyan?" untag sa kanya ni Gin. Kanina pa pala ito
nagmamasid sa kanya.

"Ahm... Wala, napagod lang siguro ako."

"Pare, iba ang itsura ng napagod sa nag-aalala."

"Huwag niyo na lang akong pansinin, wala lang ito." pilit siyang ngumiti sa kanyang
mga kasama.

"Okay, sinabi mo eh." napailing na wika pa ni Rock. Napaka-silent observer talaga


ng kaibigan nilang iyon.

Isa-isa na silang sumakay sa kani-kanilang mga motor at mabilis na pinsibad iyon


palayo. Pero hindi agad muna siya dederetso sa Base. Inihinto niya ang sasakyan sa
isang beach. Gusto niya munang mag-ipon ng lakas ng loob. Kailangan niyang tanungin
si Crimson mamaya kung mahal pa rin siya nito sa kabila ng lahat. Nakadepende sa
sagot nito kung itutuloy niya ang kanyang plano o tuluyang pakakawalan na lamang
niya ito. Pakakawalan niya ito kung sasabihin nito na ayaw na nito sa kanya...
Naikuyom niya ng mahigpit ang kanyang kanang kamao.

"Huwag mo sana akong biguin, Crimson..." wika niya at tinitigang mabuti ang mga
bituin sa kalangitan.

Marahas siyang napabuntung-hininga at saka siya sumakay sa kanyang motor at agad na


pinasibad iyon papunta sa Base. Samantala, biglang napatayo si Crimson ng makita
niya ang sunud-sunod na pagpasok sa loob ng mga Men in Action.

"Salamat naman at ligtas kayo..." natigilan siya ng mapansing wala si Aeon...

"Si A-Aeon?" halos paos niyang tanong.

"Papunta na iyon, kasunod lang namin siya kanina." sagot ni Gin sa kanya.

Muli siyang napaupo at matamang tumitig sa may bungad ng lobby. Ilang sandali pa at
nakarinig siya ng ugong ng humintong sasakyan. Bumilis ng husto ang tibok ng puso
niya ng magkasalubong ang mga titig nila. Bigla siyang napatayo at humakbang
papalapit dito...

Pero napahinto siya ng huminto ito sa paghakbang ng magkalapit sila, yayakapin pa


naman sana niya ang lalaki. Pero nabigo siya dahil sa ikinilos nito, natakot siya
at nahiya. Tinitigan siya nitong mabuti at tila matutunaw siya sa paraan ng
pagtitig nito. Hindi niya maintindihan kung ano ang gusto nitong ipahiwatig.
Humakbang ito ng mas malapit sa kanya, inches lang ang kanilang pagitan at
nakatingala siya dito.

"Ngayong nalaman mo na ang kakaibang bagay na iyon tungkol sa pagkatao ko... Mahal
mo pa rin ba ako, Crimson?" napangiti siya sa tanong nito.

"Oo naman, Aeon. Ikaw pa rin ang ang lalaking mahal na mahal ko. Pasensiya ka na,
kailangan ko nang umuwi. Inatake kasi si Daddy nang malaman niya ang nangyari sa
atin sa restaurant. Kailangan ko siyang alagaan at chance ko na para bumawi sa
kanya dahil pasaway akong anak." dumukwang siya at marahang dinampian ng halik sa
labi si Aeon.

"Nasa bahay lang ako, Aeon. Aantayin kita." iyon lang at tuluyan na niya itong
nilagpasan.

Kasunod niya ang Kuya niya at nalungkot siya dahil hindi man lang sumagot si Aeon
sa sinabi niya.

Hindi na lumingon si Crimson kaya hindi na niya nakita ang kakaibang ngiti na
sumilay sa mga labi ng lalaki. Napatingala pa ito sa langit.

HALOS takbuhin ni Crimson ang pasilyo sa ospital habang papunta sila sa


kinaroroonang silid ng kanyang Daddy. Mabilis siyang pumasok sa naturang silid at
nadatnan niya ang kanyang Daddy na bagama't namumutla ay nakangiti nang makita siya
nito.

"Salamat naman at ligtas ang baby girl ko..."

"Dad, okay lang ako. Ni minsan, hindi ako hinayaang mapahamak ni Aeon. Dad, I'm so
sorry... Masyado akong naging pasaway na anak..." naiiyak niyang wika dito.

"Hindi mo kailangang magsorry... Anak kita at mahal na mahal kita kahit na ano ka
pa."

"Hayaan mo Dad, babawi ako sa'yo. Aalagaan kitang mabuti hanggang sa gumaling ka.
Ipagluluto pa kita palagi kahit na magaling ka na." marahan nitong hinaplos ang
buhok niya.

"Naku, anak... Hindi kaya mapadali ang buhay ko kapag ikaw ang personal na nag-
alaga sa akin?"

"Dad naman! Hindi na ako kagaya ng dati, marunong na akong magluto, maglaba at
maglinis. Hindi na rin ako gastadora, marunong na akong magtipid ngayon." may
pagmamalaki niyang wika dito.

"Talaga lang ha? Eh medyo nagkalaman ka sa piling ni Aeon eh."

"Siyempre, Dad... Mahal ako noon eh. Hindi mo naitatanong, boyfriend ko na rin
siya. Sa wakas!" natawa ng mahina ang Daddy niya.
"Anong klaseng panliligaw ba ang ginawa mo sa kanya? Ilang araw mo rin ba siyang
niligawan bago ka niya sinagot? Baka naman ginapang mo na siya, kawawa naman."

"Dad! Sobra ka naman! FYI, siya ang nanligaw sa akin. Aba, Pilipinang ugali ito
no."

"Oh di bumawi ka sa mga pang-iisnob niya sa'yo. Ilang linggo mo ba siyang


pinahirapan?" bigla siyang napangiti ng pilya.

"Ang totoo niyan, Dad... Isang araw pa lang siyang nanliligaw, sinagot ko na siya
agad." biglang napaubo ang Daddy niya.

"Diyaskeng bata ka! Muntik na akong atakehin ulit sa sinabi mo. Hindi ka rin
halatang patay na patay sa kanya, ano?" panay ang tawa ng Kuya Jayson niya na
mataman lang na nakikinig sa kanilang dalawa.

"Pero magtapat ka nga sa akin, hindi mo pa ba isinusuko ang Bataan?"

"Ano.... Muntik lang..." nahihiya siyang ngumiti dito.

"Muntik lang, batukan kaya kita diyan?!" ismid na wika ng Kuya niya.

Tatlong araw ding nanatili sa ospital ang kanilang Daddy bago nila ito tuluyang
naiuwi. Tinupad niya ang pangako niya dito na personal niya itong aalagaan.

"Talaga bang ikaw ang nagluto nitong sopas, anak?" tanong ng Daddy niya matapos
niya itong subuan ng naturang pagkain.

"Si Dad naman! Tanungin mo pa si Kuya, pangit ba ang lasa?" nag-aalala niyang
tanong dito.

"Iyon na nga eh, masarap. Kaya nga hindi ako makapaniwala dahil hanggang kain lang
ang alam mo dati."

"Daddy, dati iyon."

"Kamusta naman si Aeon, nagparamdam na ba siya sa'yo?" bigla siyang nalungkot sa


tanong nito pero hindi niya ipinahalata.

"Nagtext nga siya kanina. Busy pa daw siya eh... Alam niyo na ang trabaho niya,
masyadong demanding." pagsisinungaling niya, nilangkapan niya ng sigla ang kanyang
boses para hindi siya mahalata.

"Hindi ka pa ba niya niyayang magpakasal?" muntik na niyang mabitawan ang hawak na


bowl.

"Over ka, Dad. Two months palang kami..." napangiwi niyang wika.

"Anak, kung hindi rin lang si Aeon ang magiging manugang ko, huwag ka na lang mag-
asawa." parang biglang lumaki bigla ang tenga niya dahil sa narinig niya.

"Gutom ka lang talaga, Dad." pabiro niyang wika kahit na nalulungkot siya dahil
hindi man lang siya kinakamusta ng lalaki.

"Oh, sige at subuan mo na ako." nakangiti nitong turan sa kanya.

Marahan niya itong sinubuan at natutuwa siya sa kasiglahang ipinapakita ng kanyang


ama. Pihadong bibilis ang paggaling nito.
"Bilib talaga ako sa'yo, Dad. Ang lakas-lakas mo pa rin sa kabila ng napagdaanan
mo."

"Maraming bala na ng baril ang tumama sa akin at hindi ako napatumba. Kaya itong
sakit sa puso na ito, kayang-kaya itong lagpasan ng Daddy mo."

"Oo naman, Dad. Pero maghinay-hinay ka na rin sa trabaho. Hindi ka na rin bumabata
at malapit ka nang magretire."

"Alam ko 'yun, anak. Siyempre, gusto ko pang makita ang mga magiging apo ko sa inyo
ng Kuya mo."

"Aba, dapat lang Dad. Ipapaalaga ko pa sa'yo ang mga magiging anak ko. Kaya
magpalakas kang mabuti, okay?"

"Pangako 'yan, anak." muli niya itong sinubuan ng pagkain at pagkatapos nitong
kumain ay agad na niya itong pinainom ng gamot.

"Dad, magpahinga kang mabuti. Kapag may kailangan ka, nandito lang kami."

"Magpahinga ka rin, anak. Si Marta na ang bahala sa akin. Ilang araw mo na rin
akong inaalgaan at sapat na iyong pambawi sa pagiging pasaway mo dati. Huwag mo
akong intindihin at maayos na ang pakiramdam ko."

"Okay, Dad. Susundin ko 'yang payo mo. Kailangan ko rin naman ng beauty rest, hindi
ba?" nakangiti niyang tugon dito.

Ipinadala na lang niya sa katulong ang mga pinagkainan ng Daddy niya sa kusina.
Dumiretso siya sa kanyang silid at agad na humiga sa kama. Mataman siyang pumikit
at pagkatapos noon ay marahan siyang dumilat. Tinitigan niyang mabuti ang kisame at
mukha ni Aeon ang kanyang nasilayan.

Hindi niya mapigilang hindi mapaiyak, malabo ang naging sitwasyon nilang dalawa
bago sila magkahiwalay... Mahal pa rin ba siya ni Aeon o kinalimutan na lamang siya
ng lalaki? Isa lang ba siya sa mga flings na dumaan sa buhay nito? Napatigilid siya
ng higa at napabuntung-hininga. Gusto niyang pigilin ang kanyang pag-iyak dahil sa
kanyang iniisip pero sadyang hindi niya kaya.

Katulad ng pagmamahal niya kay Aeon, hindi niya kayang pigilin iyon kahit na
mukhang kinalimutan na siya nito. Nakita niya sa mesa na malapit sa kanyang kama
ang kanyang cellphone. Wala sa isip na kinuha niya iyon at hindi niya namalayang
idinial niya ang numero ni Aeon. Pero nakaramdam siya ng takot ng ipipindot na niya
ang call button. Sa bandang huli, ibinalik na lamang niya sa mesa ang kanyang
cellphone dahil naduwag na siya ng tuluyan. Paano kung hindi sagutin ni Aeon ang
tawag niya? Tuluyan na lamang niyang ipinikit ang kanyang mga mata hanggang sa
makatulog na siya...

Ilang araw din siyang nagmukmok sa bahay hanggang sa maisipan niyang mamasyal para
magshopping. Pero, hanggang tingin na lamang siya kahit na may pambili naman siyang
pera.

"Tama si Aeon, bakit naman ako bibili ng mga bagay na hindi ko naman kailangan?"
wika niya sa kanyang sarili. Naalala na naman niya ang lalaki.

"Ehem! Mukhang malungkot ka, magandang binibini?" napalingon siya sa pinagmulan ng


tinig at napangiti siya.

"Velvet?"
"At your service..." yumukod pa ito na parang isang knight.

"Sira ka talaga. Saan ang lakad?"

"Wala naman. Nagliliwaliw nga ako para maghanap ng ka-date, kaso wala naman akong
nakita."

"Magpriprisinta na ako bilang date mo. Para naman mailibre mo ako ng lunch. Tara,
may alam akong masarap na seafood restaurant na malapit dito." nakangiti niyang
wika sa lalaki.

Napakamot sa batok si Velvet at ngiting-ngiti na tumingin sa kanya.

"Naturuan ka rin bang maging kuripot ni Aeon?"

"Tama ka diyan. Ano?"

"Well, wala akong karapatang tumanggi kung kasing ganda mo ang ililibre ko. Tara!"
masigla nitong wika sa kanya.

Sa paborito niyang seafood restaurant sila nagpunta at hinayaan lang siya nitong
mag-order ng mga pagkain. Hindi na siya magtataka kung bakit maraming nabobolang
babae si Velvet. Hindi lang kasi ang kaguwapuhan nito ang pang-akit nito sa mga
babae kundi ang magandang treatment nito. He's such a nice guy in every way.

"Alam mo, hindi na ako magtataka kung bakit marami kang babae sa buhay. Prangkahan,
Velvet... Ilan sa ngayon ang latest, girlfriend mo?" deretsa niyang tanong dito.

"Marami nga eh.." nakangiti nitong sagot.

"Puwede namang bilangin eh.."

Hindi inaasahan ang paglapit ng isang maganda at liberated na babae sa kanila...

"Honey, it's nice to see you here!" sabay halik sa labi ng lalaki. Binalingan siya
ng babae.

"Sino siya?" tanong nito kay Velvet. Medyo tinaasan siya nito ng kilay, mukhang
nagseselos.

"Siya si Crimson Dela Fuente. Siya ang girlfriend ng comrade kong si Aeon. Crimson,
si Soledad Ortega." nagkamayan silang dalawa ng babae.

"Sorry, natarayan kita kanina. Akala ko kasi.."

"No, it's okay. Join us!" imbita niya dito.

"If you don't mind.."

"No, I won't." nakangiti niyang sagot dito.

Ipinaghila ng silya ito ni Velvet at inalalayan pa nito ang babae sa pag-upo.

"So, how come na magkasama kayo?" may halong pag-iimbestiga ang himig nito.

"Soledad!" saway ni Velvet dito.

"Actually, nagkasalubong kami kanina sa mall. Nagpalibre ako sa kanya ng lunch at


gusto kong itanong si Aeon sa kanya. Lately kasi, hindi siya tumatawag o nagtetext
man lang sa akin.." malungkot niyang wika.

"Oh, sorry." pakli ng babae.

"Hindi ka talaga niya puwedeng kontakin ngayon kasi may field mission siya sa ibang
bansa. And sad to say, hanggang doon na lamang ang puwede kong sabihin sa'yo dahil
confindential sa amin ang aming mga assignment." sagot sa kanya ni Velvet.

"Ngayon, naiintindihan ko na siya." pilit siyang ngumiti sa dalawa.

Masaya din namang kakuwentuhan si Soledad pero hindi niya gaanong gusto ang ugali
nito. Bulgar itong magpakita ng affection sa public. Maya-maya pa ay nagring ang
cellphone ng babae.

"Sad to say... Kailangan ko nang umalis. Work calls." wika nito. Tumango lang siya
dito at ngumiti.

"Bye, honey... See you tonight.." hinalikan nito si Velvet sa labi at pagkatapos ay
kumindat pa ito sa lalaki bago ito tuluyang umalis.

"Seryoso ka ba sa kanya?" napangiwing tanong niya sa binata.

"Nah, hindi. Magaling kasi siyang magpasaya kapag nalulungkot ako at nilalamig."

"Hay... Obvious nga. Ganoon ba ang klase nang babae ang type mo?"

"Hindi naman. Iba't-ibang klase naman kasi ang lumalapit sa akin eh... Hindi ko
naman kasi kasalanang ipinanganak akong guwapo, di ba?"

"So, pang-ilan si Soledad sa mga latest?"

"Part time lang ang isang iyon, hindi siya kasali sa latest." nasamid siya sa
iniinom na iced tea.

"Velvet, grabe ka pala."

"Hindi naman. Di ba nga may kasabihan na palay na ang lumalapit sa manok."

"Naku, tumigil ka. Alin ba ang may paa sa dalawa, di ba 'yung manok?"

"Basta, ganoon na rin iyon. May paa iyong palay kasi ang mga babae, sila na gustong
magpatuka sa tandang."

"Hindi ka ba natatakot sa karma?"

"Hindi ako makakarma kasi mahal ko rin naman silang lahat eh."

"Hay, hindi ka nga lang seryoso..." nasapo niya ang noo.

Mas mabuti nang si Aeon ang minahal niya kahit na kuripot ito. Maaga yata siyang
mamamatay kung kay Velvet siya nagkataong nainlove. Ano kaya ang magiging kapalaran
ng isang ito sa pag-ibig?

Matagal din silang nagkuwentuhan at hindi tuloy niya napigilan na sabihin dito ang
inis na nararamdaman niya kay Aeon. Pero ipinagtanggol nito si Aeon na busy lang
daw talaga ang lalaki dahil nga nasa field mission ito kaya ganoon. Hindi naman
nito puwedeng sabihin ang detalye kaya iyon na lamang ang pinanghawakan niya para
mawala ang inis niya kay Aeon.
Mahirap siguro ang field mission nito kaya naman niyaya pa niyang magsimba si
Velvet para ipagdasal ang kaligtasan ng binata.

"Ako kaya Crimson? Kailan kaya ako makakatagpo ng babaing katulad mo?" nakangiting
tanong sa kanya ni Velvet ng papalabas na sila sa simbahan.

"No offense meant. Pero ang mga tipo ko ay hindi type ang mga babaerong katulad
mo." wika niya dito.

"Huh, paano kung ako ang nakuhang bodyguard mo, sa halip na si Aeon? Patay ka sa
akin kapag nagkataon, baby..." pabiro nitong wika.

"Ha ha ha, sira ka talaga." tinapik niya ang balikat nito.

"Hus, natawa nga... Pagak naman, sinabi ko na sa'yo na isang malaking krimen para
sa akin na maging malungkot ang isang magandang babaeng katulad mo."

"Ano 'yun, aarestuhin mo ako?"

"Puwede rin..."

"H-Ha? Sa anong kaso?"

"Illegal position of lonely face!"

"Hay naku, kaya kong magpiyansa."

"Paano kung ang piyansa ay isang matamis na halik sa lips?" ngumiti ito ng pilyo sa
kanya at alam niyang binibiro siya nito.

"Tigilan mo nga ako. Huwag mong pairalin sa akin ang style mo sa mga babae mo. Wa
epek 'yan. Baka akala mo, ang tagal kong kinuha ang atensyon ng damuhong si Aeon
bago niya mapansin ang aking beauty. Buti na lang at iresistable ang aking
charms..." may pagyayabang niyang wika.

"Ang ungas na iyon..." pinilantik nito ang daliri at ginaya ang style ng isang
bading.

"Ang haba ng kanyang hair! Winnie the pooh ang kanyang oh la la, charisma!" natawa
siya kasi para nga itong genuine na bading.

"Loko ka talaga, tingnan mo nga at napatingin na sa'yo ang mga girls dito. Sayang,
nanghihinayang na tuloy sila sa'yo."

"Galing kong umarte, no? Sanayan lang kasi dahil kung anu-anong rules ang
ginagampanan namin kapag nasa field mission kami. Para rin kaming mga artista ba.
See this..." lumayo ito sa kanya ng ilang metro at pagkatapos ay rumampa ito na
mala-supermodel.

Taas ang noo, nakataas ang kanang kilay at nakapilantik ang mga daliri. With grace
din ang pag-imbay ng balakang ng lalaki. Sigawan ng mga kababaihan at mga bakla sa
paligid. Lumapit ang isang bading kay Velvet.

"Shokla ka, type pa naman sana kita! Sister ka pala!"

"Echos kang muret ka, pinagnasaan mo va naman ang maladiyosa kong kagandahan? Ano?
Winnie the pooh va ang aking rampage?"

"Winner na winner teh!" nagtitili nitong wika.


Sumasakit na ang tiyan ni Crimson sa katatawa. Kung alam lang ng bading na ito ang
totoong pagkatao ni Velvet... Tiyak na hindi lang ito magsisigaw, kundi
maglulupasay pa ito..

"Sistah, ako nga pala si France. Fernando for real, siya nga pala... May Miss Gay
dito tomorrow, rampa ka day! For sure na panalo ka."

"Well sis, ibibigay ko na lang sa'yo ang korona kasi busy ako bukas. By the way,
Vanessa ang itawag mo sa akin. Babosh!" malanding wika ni Velvet at agad na
nilapitan si Crimson na naiiyak na sa katatawa.

"I'm glad, I made you happy for real. Talagang malaki ang sisingilin ko sa Aeon na
iyon pagbalik niya." wika nito ng makalapit sa kanya.

"Sisingilin? Sus, anong masisingil mo sa lalaking iyon, eh alam mo namang nuknukan


ng kuripot iyon?!" palatak niya dito.

"Ah basta, babantaan ko ang lalaking iyon na aagawin kita sa kanya. Pero siyempre,
banta lang iyon. Friend na kita eh."

"Salamat." nakangiti niyang tugon dito.

Inihatid siya nito hanggang sa kanilang bahay at nakipagkuwentuhan pa ito.


Napangiwi si Crimson ng ilapag niya ang kanilang meryenda. Pati ba naman ang pinsan
niyang si Quennie, dedeskartehan pa ng damuhong lalaki?

"Just call me Velvet. Hindi pa naman ako ganoon katanda para tawagin mong Kuya. In
fact, I could be a lovable boyfriend to you if you want to.. And I will give you
happiness every time your with me..." husky na wika ng binata at hinalikan pa nito
ang kamay ng kanyang pinsan. Pulang-pula ang mukha nito na parang makopa.

Hindi na nakapagpigil si Crimson at piningot niya ang kaliwang tenga ni Velvet


palayo kay Quennie.

"Crimson, friends tayo!" protesta nito.

"Hay naku! Umayos ka nga, kinse anyos lang 'yan!" binitiwan niya ang tenga nito.

"Sorry, sinusubukan ko lang kung makakalusot! Hindi mo naman ako masisisi dahil
magaganda naman talaga ang lahi niyo..."

"Huwag ka nang mambola at hindi ka lulusot sa akin. Magsorry ka kay Quennie!"

"Okay..." nakangisi nitong sagot.

"Ang landi mo." comment pa niya dito bago uminom ng juice.

"Thank you!" nasamid siya sa kanyang iniinom!

DALAWANG buwan na ang nakalipas pero hindi man lang tumatawag o nagtetext sa kanya
si Aeon. Buwisit na buwisit na ng husto si Crimson sa lalaki. Hindi na nga ito
komokontak sa kanya at higit sa lahat... Ni anino ng lalaking iyon sa loob ng mga
panahong iyon ay hindi man lang niya nakita. Wala na ba talagang balak magpakita sa
kanya ang lalaki matapos ang lahat? Ang gaga naman niya kasi, wala man lang itong
naging sagot sa sinabi niya noon... Pero sadyang mahal na mahal niya talaga ang
damuhong si Aeon kaya hanggang ngayon ay para siyang gaga at tanga na nag-aantay sa
lalaki.

Napangalumbaba siya sa kanyang bintana ng mamataan niya ang pamilyar na bulto na


iyon... Si Aeon! Papaalis na ang lalaki. Bakit hindi man lang siya nito kinausap?
Ano pang dahilan at nagpunta ang lalaki sa kanila? Gusto niya itong habulin pero
pinigilan niya ang kanyang sarili. Kung siya talaga ang pakay ni Aeon, eh di sana
kanina pa siya nito pinuntahan. Napaiyak siya ng maisip niyang balewala na lang kay
Aeon ang lahat.

Kinabukasan, pagmumukmok ang inatupag niya dahil masama ang loob. Kung ayaw sa
kanya ni Aeon bakit hindi na lang nito tapusin ang lahat sa kanila ng maayos? Hindi
iyong ganito na nagmumukha siyang gaga at tanga. Nasa hardin siya ngayon at nag-
iisip kung ano ang makakabuti niyang gawin. Tatapusin na niya ba ang lahat ng
kagagahan niya kay Aeon? Pero iniisip pa lang niya ay siya na ang umaayaw... Para
na siyang baliw. Napalingon siya sa may fountain at ilang beses pa siyang
napakurap. Tama ba ang nakikita niya? Si Aeon? Nakangiti ito at papalapit sa kanya.
Ganito na ba siya kadesperada?!

Pero... nasa harapan na talaga niya ang lalaki... Napatitig lang siya sa mukha nito
at pakiramdam niya nanaginip lang siya.

"Pasensiya ka na kung matagal akong hindi ako nagpakita sa'yo. Masyado kasi akong
naging busy at siniguro kong magiging maayos ang lahat para sa atin pagbalik ko..."

"N-Nakita kita kahapon, pero bakit hindi mo man lang ako pinuntahan at kinausap?
Nakakainis ka..."

"Okay.... I'm sorry for that. May mahalaga kasi kaming pinag-usapan ng Daddy mo."
wika nito at ngumiti ng makahulugan sa kanya.

"Anong p-pinag-usapan niyo?"

Marahan nitong tinanggal ang butones ng kuwelyo ng polo nito.

"T-Teka, ano ang ginagawa mo?"

"Relax ka lang diyan."

"Paano ako magrerelax eh naghuhubad ka diyan!"

Cool itong ngumiti sa kanya at lalo siyang kinabahan. Nahigit niya ang kanyang
paghinga ng malantad sa kanya ang isang golden necklace na may nakasabit na
dalawang singsing... Napalapit siya dito at tiningnan niyang mabuti ang dalawang
singsing na nakasabit, nakaukit sa mga iyon ang kanilang mga pangalan. Napatulala
siya at napatitig dito.

"Akala mo kung ano na, ano?" wika nito at ngumiti.

Hindi pa rin siya makapagsalita at parang naiiyak yata siya. Ginagap nito ang mga
palad niya at seryosong tumingin sa kanya.

"Crimson, hindi ko maibibigay sa'yo ang buhay na kinagisnan mo. Simple lang ako, si
Aeon. Pero sinisiguro ko sa'yong maibibigay ko sa'yo ang pagmamahal at pag-aalagang
kailangan mo ng panghabang-buhay. Iyon ay kung handa mo akong tanggapin at
makasama.."

Yumakap siya dito at napaiyak na talaga siya ng tuluyan.

"S-Siyempre naman, ikaw pa! Kahit nakakainis ka at engot kung minsan, at higit sa
lahat kahit na nuknukan ka ng kuripot, mahal na mahal kita..."

"Oh Crimson... Hindi ko tuloy alam kung iniinsulto mo lang ako o talagang pumapayag
kang magpakasal sa akin..." he chuckled.

Nakangiti siyang tumitig dito. At hinaplos ang mukha nito.

"After what I did just to win your heart.. Wala akong karapatang humindi. Ikaw lang
talaga... Kitam, nagkatotoo ang sumpa ko, na magiging husband kita."

"At masaya akong magkatotoo ang iyong sumpa." Matagal silang nagkatitigan at alam
niyang hahalikan siya ni Aeon. Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha niya.
Pero biglang nagsalita ang Daddy niya.

"Ano, Aeon? Sinagot mo na ba ang anak ko?!" nakangiting wika ng kanyang Daddy na
nakadungaw sa may terrace kasama ang kuya Jayson niya. Mukhang kanina pa sila
pinapanood ng mga ito. Kasama rin ng mga ito ang mga kasambahay nila.

"Opo, sinagot ko na po!" sagot ni Aeon dito.

"Hmp, si Daddy talaga. Isturbo sa moment, kahit kailan." palatak niya. Napatingin
ulit si Aeon sa kanya at nagulat siya ng bigla siya nitong hinalikan. Pero sa una
lang iyon, dahil naging sweet ang end ng kiss na iyon. And now, she was indeed
happy for everything.

Sino kaya sa mga guys ng Men in Action ang susunod kay Aeon?

END

You might also like