You are on page 1of 60

Code Name: Prince by Sky

CHAPTER 1

CITHARA fix herself. She's wearing one of her favorite clothes. Light yellow
sleeveless matching with faded jeans. Having her black rugged shoes and extremely
for sun protection?her shade and white cap.

She watched herself in the mirror. Nakuntento sya sa resulta. She applied a small
amount of lip gloss and face powder. Pagkatapos noon, isinukbit nya ang black na
shoulder bag.

Nakalagay roon ang kanyang Camera. Isa siyang photographer. Pagmamay-ari ng


kaibigan nya ang studio na kanyang pinagtatrabahuhan. Most of the time, out of town
ang assignment nya.

She left the house. Naglalakad sya patungo sa sakayan ng jeep.

Hmn...I won't ride that jeepney. It takes a lot of time before she could get
through her destination Cithara thought.

�Ma'am, sakay na, oh. Paalis na `yan. `Yan doon kayo sa unahan para maganda.� Wika
ng barker ng jeep.

Cithara ignored the guy. Dire-diretso syang naglakad. Nilampasan ang nakaparadang
jeep. She can't be fooled. Alam niyang pupunuin pa iyon bago umalis. Ayaw nyang
pagpawisan dahil sobrang init. Gusto nyang magbabad sa mall.

�Pangit mo!� Sigaw ng barker sa kanya.

Nagpanting ang magkabilang tenga ni Cithara. Sya pangit? No one insult her like
that. Dahil kung pangit sya, she can't be into sales. Hindi sya matatanggap sa
previous company na pinasukan nya kung pangit sya.

Nagtangis ang kanyang bagang. Kuyom ang dalawang kamao. She return back furiously.
Nanlilisik ang kanyang mga mata kung masisinag lamang iyon sa de-kulay na salamin
na suot

nya.

�Come again, Mister. What did you said?� Gigil na wika ni Cithara.

�Hala, inglesera. Wala ka pala dyan, eh.� Kantyaw ng isang lalaki na nakarinig at
nakasaksi sa kabastusan ng lalaki.

�Sabi ko sumakay na kayo.� Palusot ng lalaki.

�It's not what I've heard you pompous idiot! How dare you say na pangit ako. Just
look at your horrifying face. Ang kapal ng mukha mo. As if your handsome enough to
insult me. Ikaw ang pangit at siraulo ang pumatol sayo. Ulol ka pala, eh. Anong
feeling mo ikaw si Adonis. That's fucking dream, you're looser.� Panlilibak ni
Cithara.

�Anong problema mong babae ka? Sampalin kita dyan. Akala mo kung sino ka, ah.�
Pikong wika ng lalaki.

�Go! Make sure na oras na salingin mo ako , eh, walang hiningang matitira sa akin,
cause I'll make sure na sa basurahan ka pupulutin. Hindi mo kilala ang kinakalaban
mo.�She even offered her face.
�Pare, kakahiya ka babae `yang pinapatulan mo.�Alaskang isang lalaki.
Pinagtitinginan na sila ng mga tao.

�Yeah, do it! Coward. I gave you an honour dahil nagpakababa ako sa level ng isang
basura nagayamo. Have your parents raised you good enough, to treat someone like me
with disrespect. Naturuan ka ba ng tamang asal? I guess no! You are so pathetic.
Where is your damn dick? You are sick. Ang kapal ng mukha mong manlait just look at
yourself. Wala ka ngang disenteng trabaho. Isang hamak na barker ng jeep. Pwe!� She
took off her shades.

�Sumosobra ka ng babae ka, ah.� Galit na wika ng lalaki.

�So what? Who did it first? Ulol ka pala, eh. Pinag-iinit mo ang ulo ko, gago ka.
Isa ka

lang marungis at mabahong lalaki. Wala kang pinagkaiba sa nanlilimos na pulubi.


Akala mo nirerespeto ka ng mga tao. Nakakahiya ka. Walang maisip na pagkakitaan.
Looser!�

�Tang-ina mong babae ka, ah. Napapahiya na ako. Pangit ka naman talaga, ah. Anong
tingin mo sa sarili mo, maganda? Kahit magmake-up ka pangit ka pa rin.� Sabay tawa.

�Really?! Why those other guys, looking at me with admiration when I was walking? I
don't think so. How irony! Ikaw ang pangit, bulok pa. Patay gutom. Nasaling kasi
ang pride mo. Obviously, napahiya ka pa sa kapwa mo lalaki. Masakit bang marinig
ang katotohanan?�

�Putang ina mo!� Galit na sigaw ng lalaki. Umigkas ang kamay nito at tatangkaing
sampalin si Cithara. Busina ng sasakyan ang nakaagaw sa atensyon ng lalaki. Isang
puting Volvo ang tumigil sa likuran ng lalaki. Isang babaeng may golden light brown
ang buhok nagmamaneho noon. Mala-anghel ang mukha tipong manika ang dating sa
tangos ng ilong at tangkad nito.

�Ano ituloy mo!� Cithara dare the guy.

�Cith...� tawag ng bagong dating. Hindi pinansin ng babae.

Merallia smile. Cith was so mad. She could even eat the guy alive. Niyakap nya ang
kaibigan. Pagkatapos binalinga ang lalaki.

�Sige sampalin mo si Cith.� Merallia dare him too.

Nabato-balani yata ang mga tao roon sa kalambingan ng boses ni Merallia. Anghel
talaga ang dating nito.

�Hindi mo magawa ?� Nilapitan ito ni Merallia. Isang mag-asawang sampal ang


ibinigay nito sa lalaki.

�Isa kang nakakahiyang nilalang. I heard what you've said to my friend. Kahit ako
hindi

ko `yan sinasabihan ng pangit. Isa ka lang hampaslupa! Mal-edukado! Ingrato!� Sigaw


ni

Merallia, they we're shocked!

�Walang saysay na patulan ang isang tulad mo. Don't dare insult other people! Kaya
kitang bilhin magkano ka bang hampaslupa ka? Ngayon, anong pakiramdam na malait ng
nakatataas sayo, ha?�
Hindi makaimik ang lalaki. Halatang mayaman ang kaharap nito. Kitang kita ito sa
nangingintab na sasakyan na gamit ng babae.

�Patumbahin kaya kita dyan ngayon din. I could kill you right now, right here, you
moron. Isang bala ka lang. Kilalanin mo ang kinakalaban mo. Gago!� Dinuraan nito
ang lalaking walang masabi.

�Come on, Cith.� Yaya nito sa kaibigan. Sumakay pareho sa sasakyan. Bumaba muli si
Merallia. Humugot sa bulsa ng pera na taglilimangdaan saka isinampal sa mukha ng
lalaki. Taas noong bumalik sa sasakyan at pinasibad iyon.

�Pahiya ka `no.� Wika ng isang babae.

�Ang yaman `nong babae. `Yan kasi hindi mo kilala ang kinakalaban mo. Naintindihan
mo ang sinabi, kaya ka raw patayin oramismo.� Naiiling na wika ng babae na
nakasaksi.

�Tama nga naman, nambastos ka kasi. Saka maganda `yong pinipintasan mo. Papansin ka
lang kasi hindi ka pinansin.�Paninisi ng isa.

�Naku, iwasan mo ang mga `yon kung ayaw mong ipaligpit ka. Hindi biro ang galit
`nong babae. Ang yabang mo kasi, `yan nakahanap ka ng katapat.� Paninisi ng isa pa.

Hindi nakaimik ang lalaki sa pagkapahiya. Dalawang babae ang nagpababa sa kanyang
pagkalalaki. Sobrang kahihiyan ang kanyang natamo. Dalawang edukada. Nakatataas sa
kanya. Noon nya napagtanto kung gaano sya kaliit. Kung gaano sya kababa. Isang
hamak na barker. Umaalingawngaw sa kanya pandinig ang sinabi ng dalawa. Isang
masakit na katotohanan na

gan'on lamang sya. Hampaslupa!

�Congrat's, Pare. Daming pera nito, ah!� Pang-aasar ng isa.

�Gago, akin na `yan.� Anito. Hawak ng isang lalaking patpatin ang pera isinampal sa
mukha nya.

�Sus!Sanaako na lang... Pero `di bale na. Atleast, buo pa ang pagkatao ko. Masakit
ang masabihan ng gan'on. Ikaw kasi, hindi ka naman inaano `nong babae. Pare, next
time baka makita ka naming bangkay na, he-he-he!� Pambubuska ng isa pa.

�Instant pera 'to, Tsong. Tingnan mo saglit lang limpak na, pera na.� Depensa sa
sarili nito. Kinakapalan ang mukha.

�Matuto ka, Pare, dahil sa nangyaring `yon.�

�HE was a beast! How could he mocked me, he was a vulture beggar. Uneducated!�
Gigil na gigil na wika ni Cithara. Hindi maiwasang maisip ang nangyari kanina.

�Easy... We're done with that junkie.� Wika ni Merallia.

�Pakiramdam ko kasi kulang pa sa kanya ang mga ginawa natin. He deserved more. We
should kill that bastard.� Aniya.

Merallia giggled. Naaliw ito sa reaksyon ng mukha ni Cithara. Her emotion shows
through her face.

�Kill him? I like that. I have gun, Cith. Would you like to use it?�
�Huh! Di bale na, masyado tayong magpapakababa ng dahil lang sa pangit na `yon? No
way! Sayang ang pinag-aralan ko, if I would let my hands stain by his blood. It�s
not worth it. He's cheap.�

�Right!� Sang-ayon ni Merallia.

�Tanga talaga ang babaeng papatol sa ganoong uri. Nasaan na ba ang mga gentleman

ngayon, having a good looks. Mala-prinsipe ang dating. Iyon ang tipo kong lalaki.
Astigin diba?�

�Hmn... Cith, ang mga royal blood usually napapangasawa ay mga kauri nila.�

�Ano ka ba? Real life prince ba ang tinutukoy ko? Any man would be like a prince,
kahit hindi royal blood `no. Hindi ko mare-reach ang level n'on, promise.�

�May kilala akong guy na prince charming for you. He would suite you. Alam kong
bagay kayo. Gwapo talaga, promise!�

Natawa si Cithara sa sinabi ng kaibigan. Masyado na yata itong nakikiride-on sa


pantasya nya. Merallia tolerate her. Minsan tuloy feeling nya posible ngang
mangyari ang mga iniisip nya.

�Why did you laugh?� Baling ni Merallia sa kanya. Sinulyapan sya nito at muling
ibinalik ang concentration sa pagmamaneho.

�Come on, Merallia. Kinokunsinti mo ang pagsi-senti ko.�

�I'm serious, Cith. Alam ko bagay kayo.�

�Whoa! Serious? How could I be able to meet those kind of people? And your giving
my fantasy meets the reality... Ano ka ba, Merallia! That can't be happened.�
Aniya.

�Believe me, Cith. You'll meet him one of this days.�

Silence... Nasisiraan na talaga si Merallia. Nahawa na sa topak nya. Hay naku!


Mahirap talaga kapag naimpluwensyahan mo na ang isang tao.

�What does he looks like?� Ride on Cith! Wala namang masama. Lubus-lubusin na nya
ang pagpapantasya. Malay mo nga naman totoong may kakilala itong mala-Prince
William at Prince Harry.

�Hmn... as I've remember , he got a blonde hair, pointed nose, reddish to pinkish
lips,

seductive eyes and possessive smile!� Deskripsyon ni Merallia.

Sobra naman yata yon. He could really be a hunk. Merallia's wild imagination is
perfectly

running. Geez sake! Come back to reality. She's here with friend inside the car
fantasizing over a

non-existing hunk. Wake up, Cithara!

� I think I like him, whoever he is, uhm... Merallia, ano iyong gusto mo sanang
sabihin sa akin? I'm kinda curious about it. Hindi mawala sa isip ko when you
mentioned it last night.�
�Oh, I'm planning to go in western countries. I want you to accompany me. We'll
gonna meet that hunk that I've telling you. He's adorable.� Excited na wika ni
Merallia.

Western countries? She's got to be kidding. No way! Ni sa hinagap hindi nya maisip
na mangyayari iyon. She must be serious. It could be real!

�Girl! Don't keep on joking, maniniwala na ako sayo.�

�As I could remember in a day or two, matatapos na ang visa natin. I just ask
somebody from higher authority to manipulate those papers. We're running out of
time. In fact, we're heading to the embassy for personal appearance.� Paliwanag ni
Merallia.

Nanlaki ang mata ni Cithara. This can't be happened. Nakakagulat ang sinasabi ng
kanyang kaibigan. Isa pa, wala syang sinasabi na pumapayag nga sya. Her fantasy was
turning to reality. Nakakalula. Anong klaseng tao ba itong si Merallia? She used to
influence people.

�Are coming with me?� Tanong nito.

�May choice ba ako?� Hay! Nagtanong pa eh, nagawa na lahat-lahat bago sinabi sa
kanya.

�I like that. Now, we'll be on western , days from now. Yipee!�

Hay! Naku po. Totoo ba 'to? Isa na namang biro ng tadhana. Pinagmasdan nya ang
kaibigan. Kakaiba ang aura nito. Puno ng kasiyahang mababakas. She's wondering kung
anong mayroon sa lugar na iyon. Naroon ang nagpapasaya kay Merallia. It could be a
guy. Her friend is

inlove with somebody. Nahihiya lamang sigurong sabihin sa kanya ang tungkol sa
bagay na

iyon. Nakakakilig naman.

�Ayos! Bagong adventure ito. He-he-he! To the land of aristocrat. Here we come...�
Kakaiba ang kabang bumabalot sa kanyang dibdib. Ngayon lang nya masusubukang maging
foreigner. Ano kayang pakiramdam ng gan'on?

She starts dreaming again. In the strangers land... There is a handsome prince. A
drop-dead gorgeous man?, man of her dreams. Await from the distance, ready to take
her hands. Such dreams! Haay! Kalaglag panty.

A YOUNG boy was sitting under the shade of an oak tree. Beside him there was a dog.
A white labrador. In one afternoon of autumn season. Mula sa pwesto ng batang iyon,
kitang kita ang mala-palasyong tahanan ng mga Wilserg. Iyon ang tinuturing nyang
pinakaperpektong bahagi ng tahanang iyon.

Puno ng iba't ibang klaseng ornamental plants ang hardin. A labyrinth type garden.
Isa pa ang paborito nyang pasyalan ay ang Vontage Cove. It's like an altar. A semi
cave-multiple green vines which shaped using wires and metals. Ipinasadya iyon ng
kanyang ina. Marami ring nagliliparang paru-paro at mga ibon roon. Kaya naman
tuwing nawawala sya sa Wilserg mansion, doon lang sya matatagpuan.

�Tingnan mo, Snowry. Solo natin ang lugar na ito.� Wika nito. Kausap ang aso habang
hinihimas-himas ang ulo. Iniangat lang ng aso ang ulo nito at muling bumalik sa
dati nitong posisyon. Inaantok ang malaking aso.
�Ha-ha-ha! Snowry, antukin ka talaga. Pati tuloy ako nahahawa sayo.� Naghikab ito.
Namumungay ang mga mata. Hanggang sa tuluyang lamunin ng dilim ang kanyang
kamalayan. He felt asleep. Nakakaantok ang ihip ng hangin sa panahong iyon.

Nagmistulang inuugoy ng duyan ang pakiramdam nya sa mga oras na iyon. Kakaiba ang

pinagsamang init at lamig ng hangin. Samahan pa ng aroma ng mga dahon.

Ang kanyang kamalayan ay naglalakbay patungo sa malayong lugar. Nakatulog sya ng


mahabang oras ng hindi nya namamalayan. Nagkaroon sya ng masayang panaginip.

�Kuya!� Buhat sa isang maliit na tinig. Tinatawag sya. Hindi nya iyon pinansin.

�Kuya, kanina ka pa hinahanap ni Mama.�

Bakit may humahalong tinig sa kanyang panaginip? Naaantala ang kanyang masayang
panaginip sa tuwing may tinig na sumisingit.

�Kuya Evan, hinahanap ka ni Mama!� Sigaw nito.

Tuluyan ng naalimpungatan si Evan. Pupungas-pungas ito. Nakahiga na pala sya sa


bermuda grass. Kanina lang nakaupo sya at nakasandal sa puno, ngayon nakahiga na.
Nakatulog sya habang nakaupo.

�Nea, ang ingay mo. Pati si Snowry ginising mo.� Reklamo ni Evan. Hinimas ang ulo
ng alaga, kumakahol ito sa batang babae. Nagrereklamo rin yata sa pagkaabala ng
tulog.

�Sabi ni Mama tawagin kita, lika na. Nagluto si Mama ng paborito kong waffle.�
Excited ito.

�Young Master, tumayo na po kayo dyan. Kanina pa naghihintay ang inyong ina sa
loob.�

Napalingon si Evan sa nagsalita. Nakasunod pala si Harsha kay Nea. Si Harsha ang
kanyang tagapagbantay. Kadalasang kasama ni Nea dahil mas gusto nito si Harsha.

�Harsha, pwede bang dito na lang ako. Hindi pa ako nagugutom.�

�Pasensya na po, Young Master. Magagalit po ang iyong ina kung ipipilit nyo.�

�Hmn... Lika na, Snowry, gusto tayong makasama ni Mama.� Baling ni Evan sa aso.

�Harsha, ayokong maglakad.� Wika ni Nea.

�Kakargahin na lang kita Lady Nea.�

�Ano ba `yan! Nakarating ka dito tapos hindi ka makalakad pabalik.� Puna ni Evan sa
kapatid.

�Napagod ako, eh. Ang layo nito. Hmp! Inggit ka lang beh!�

Natawa si Harsha sa naging pagtatalo ng magkapatid. Nahawa ang magkatid sa tawa ni


Harsha. Nagtatawanan ang mga ito habang pabalik sa mansion.

�YOUR business are sinking like a boat to the deepest part of the ocean. You can't
fool me, Marvel, I won't invest my fortune. Isa akong businessman, hindi charity
institution. Spare me from those nonsense deal!� Iritang wika ni Dunhill Wilserg,
ang duke ng Alansor.

�Come on, Dunhill. Alam mong may potential ng negosyo ko. Kailangan ko lang ng
isang tulad mo. Let's say in five months makakabangon iyon. Just lend me some
money.�

�It's just a hypothesis, Marvel. You're not a good businessman. You took the wrong
route. Just sell those business of yours, if you want to get something or
completely loss.�

�You look I can't. Mahalaga iyon sa pamilya ko.� Anito. Ang negosyong tinutukoy
nito ang syang nagpapabango sa pangalan ng pamilya nito at naging kilala dahil
doon. Kaya kung mawawala iyon, wala na ang image nito sa lipunang ginagalawan.

�Sentiments? You know your option, Marvel. This conversation is over. I can't help
you. We're talking about business and I'm very tactful about it. I'm sorry.�

�You know what, you're just older than me. Perhaps, I inherit your title and
everything you have

right now. If only I could... Yeah...� napatango-tango ito. �Sigurado ka ba,


Dunhill? Baka pagsisihan mo itong desisyon mo.�

�No, I know everything. You could ask Anton Vallas about your problem he is a good
analyzer.� Suhestyon ni Dunhill.

Naikuyom ni Marvel ang kamay. Ang pagtangging iyon ay nangangahulugan ng tuluyang

pagbagsak ng kanyang kabuhayan. Mawawala na sa alta-sosyedad ang kanilang pangalan.


Worst, hindi nila kayang mamuhay ng simpleng mamamayan lang ng Alansor.

�Sinisiguro kong pagsisisihan mo ito, Dunhill. Nagkamali ka sa pagtanggi mo.�


Tumayo ito.

�No Marvel, ako ang duke ng Alansor at alam ko ang ginagawa ko. Asked an advice to
Anton.�

�Hindi na, salamat na lang.� Wika nito saka umalis ng walang paalam. Naiiling na
sinundan ng tingin ni Dunhill ang lalaki. Kung pumayag man sya, siguradong mawawala
ang i-invest nyang pera kay Marvel. Hindi noon kayang humawak ng negosyo. His
diminishing profit, perfectly saying and showing his capability of bankruptcy.

Code Name: Prince by Sky


CHAPTER 2

�DUNHILL, galit si Marvel sayo sa ginawa mong pagtanggi.� Malumanay na wika


niElizabeth na lihim palang nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.

Lumapit ang babae sa asawa. Nag-aalala sa reaksyon ng kausap nito kanina lang.

�Pabayaan mo sya. Katotohanan ang sinabi ko. Ang tunay na negosyante hindi
naghahangad ng pagkalugi. He's not a good business.� Komento ni Dunhill.

Umupo si Elizabeth sa tabi ng asawa saka yumakap. Dito nagmana si Evan. Palaging
mahinahon at sinisigurado lahat ng ginagawa.

�Paano kung may gawin sya laban sa atin? Tingin ko depressed `yon.�

�Masama lang ang loob n'on,Elizabeth. Huwag mong alalahanin `yon.� Balewalang wika
nito.

�Pero�,�

�Ma!� Tawag ni Evan. Patakbong lumalapit sa kanila kasunod ang alaga nitong aso.

Si Nea ay karga-karga ni Harsha.

�Evan, huwag mong patakbuhin si Snowry. Baka may mabasag `yan na gamit.� Saway ni
Elizabeth sa anak. Mga plorerang galingIndiaang naroon sa salang iyon na bigay ng
isa sa mga kaibigan ni Dunhill, kaya ayaw nyang may mabasag isa man sa mga iyon.

�Snowry, huwag ka ng makipaghabulan sa akin. Baka may mabasag tayo, paparusahan


tayo ni Mama.� Kumahol ang aso. Dahan-dahan na lang sa paglalakad ang aso. Tila
naunawaan si Evan.

�Saan nyo natagpuan si Evan?� Tanong ni Elizabeth. Nakatingin kina Harsha at Nea.

�Sa ilalim po ng lilim ng puno sa hardin habang natutulog.� Sagot ni Harsha.

�Mama, ang sarap ng tulog ni Kuya. Hindi sya naglalakad kahit tulog sya sa garden.�

saad ni Nea habang maingat na ibinababa ni Harsha.

May pagkakataon talagang naglalakad na tulog si Evan. Malimit iyong mangyari.


Natatagpuan na lamang ng mga kasambahay sa iba't ibang parte ng mansion si Evan na
tulog at naglalakad.

�Tinamad ka na namang bumalik sa kwarto mo para matulog. Humiga ka lang sa damuhan


ng walang sapin. Mamaya magkasakit ka nyan.� Sermon ng ina.

�Ma, nakaupo ako. Pero nang magising ako, nakahiga na ako sa damuhan.�

�Nagrason ka pa, pareho lang naman iyon. Huwag ka ng matulog uli roon.� Wika ni
Elizabeth.

�Pabayaan mo na lang sya,Elizabeth. Ganyan rin ako noong bata pa ako. Madalas rin
akong makatulog sa garden. Sa palagay ko mas gusto nyang kasama ang alaga nyang aso
kaysa humanap ng batang makakalaro.� Opinyon ni Dunhill.

�Mama, ang waffle ko.� singit ni Nea.

�Harsha, ipadala mo ang miryenda sa terrace.Doonkami magmimiryenda.� Utos ni


Elizabeth.

�Lady Elizabeth, saang terrace po ba?� Hindi matukoy kung aling bahagi ng bahay ang
terrace na nasa isip ng Mistress ngWilsergMansion.

�Poolside view. Second floor, mas gusto ko roon dahil hapon na.�

�Sige po.� Pasintabi ni Harsha.

�Harsha, gusto ko ng cake, ice cream, donut, at pagkain para kay Snowry.� Pahabol
ni Evan.

�Ay! Ang takaw ni Kuya.� Gusot ang ilong na komento ni Nea. Sabay na tawa ng mag-

asawa.
�Nea, kagigising lang kasi ng kuya Evan mo kaya gan'on...Tarana sa terrace kung
saan gustong kumain ng Mama nyo.� Wika ni Dunhill.

�Pa, ang layo. Dito na langsana.� Reklamo ni Evan.

�Hay naku! Sinumpong na naman ang katamaran mo. Hindi ka naman mapapagod umakyat.�
Naiiling siElizabeth. Napakareklamador ng panganay nya. May elevator naman at
escalator. Hindi ito tulad ng bunso nya na gustong galugarin ang buong mansion. Si
Evan kasi madalas pumirmi sa isang lugar lang.

�Ha-ha-ha! This place is quite huge for a kid. Hindi mo masisisi si Evan.� Wika ni
Dunhill.

�Papa, karga ako.� Wika ni Nea.

�Come here.� Kinarga nito ang bunso. Nagsimula ng humakbang sa direksyon ng


elevator.

�Hay!� Buntong hininga ni Evan.

�Evan, what are you waiting for? Don't stand up there.� Sita ng mama nya.

�Coming, Ma.�

MULA sa terrace sa ikalawang palapag na iyon sa gawing likuran ng mansion, naroon


ang malaking swimming pool. May mga punong nakatanim na in-pairs. Magkakatapat iyon
sa left and right side ng pathway. May diretsong pathway sa unahang bahagi ng
swimming pool which is extreme view for sunset at iyon ang gustong view ng kanyang
ina.

�Ma, tawagin mo na lang itong sunset view para hindi mahirapan si Harsha na alamin
ang terrace na ito dahil marami tayong terrace.�Suhestyon ni Evan.

�Oo nga,Elizabeth. Mas mabuti sigurong pangalanan mo na lang ang bawat bahagi ng

mansion para hindi malito ang mga tao rito.� Sang-ayon ni Dunhill sa anak.

�We'll see...�

�Yehey! Nandyan na ang waffle ko.� Sigaw ni Nea ng makita ang dalawang servant na
tulak-tulak ang foodcart kasunod ni Harsha.

�Waffle! Waffle! Waffle!� Excited na excited si Nea.

Inihain ng servant ang kanilang pagkain sa lamesa. Pagkapos noon ay umalis muli ang
servant.

�May ibibilin pa po ba kayo?� Tanong ni Harsha.

�Wala na. Salamat, Harsha.� Sagot ni Elizabeth.

�Harsha, gusto mo ng waffle?� Sabay abot ni Nea ng pagkain.

�Ha?� Gulat na reaksyon nito.

�Mama, bibigyan ko si Harsha kaya lang nahihiya sya.Doonsya sa isang table para
hindi sya mahiya. Okay lang `di ba, Mama?� Paalam ni Nea.

�Okay.�
�Nea, bigyan mo rin si Harsha ng cake, donut, at ice cream ko.� Wika ni Evan sabay
abot sa platito na may mga pagkain.

�Naku, sobra naman po `yan, Young Master.� Nahihiyang tanggi ni Harsha.

�Kunin mo na 'yan, Harsha. Unfair naman `yon dahil si Snowry kumakain din.� Wika ni
Dunhill.

�Naku, Master Dunhill nakakahiya po. Pasensya na po kayo.�

�Anong nakakahiya? Kumain ka na dyan. Huwag mong tanggihan ang mga bata,� Sabi ni
Elizabeth.

�Ano na, Harsha? Kain na tayo.� Yakag ni Evan.

�Ah, opo, Young Master.�

�Yehey! Matitikman nya ang paborito kong waffle. Cheese, hotdog, cheesedog, ham,
and beef.�

Napatingi si Harsha sa reaksyon ni Nea. Ntutuwa sya dahil mababait at mabubuting


tao ang mga Wilserg. Hindi ito tulad ng iba na matapobre. Natitiyak nyang lalaki ng
maayos at mabuting tao rin sina Nea at Evan.

�Harsha, Kumusta na ang bahay-pahingahan sa Will Forest?� Tanong ni Dunhill.

�Maayos pa po iyon. Araw-araw na nililinis ng katiwala kaya wala po kayong dapat


alalahanin tungkol doon.�

�Mabuti kung gan'on. Gusto kung magtungo kami roon ngayong weekend. Ikaw na ang
mag-ayos ng kakailanganin namin.�

�Sa lalong madaling panahon po, Master.�

�Pa, may weekend break ka sa trabaho?� Tanong ni Evan.

�Oo, balak kong doon tayo mag-stay for two days. Ano sa tingin mo,Elizabeth?�

�Brilliant idea, my dear. Pero dapat makakapal ang blanket doon dahil malamig .�
Sagot nito.

�Don't worry about that. Si Harsha na ang bahala roon.�

�Pa, we're into fishing, right?� Evan thinking about the river inside inside
theWillForest.

�Pa, ako rin. Manghuhuli rin ako ng fish.� Sabat ni Nea.

�Huwag ka na, mag-iingay ka lang, eh.� Kontra ni Evan.

�Hmp! Papa, gusto ko ring gawin `yon. Hindi ako mag-iingay, promise!� Pagsusumamo
nito.

�Sure, can you pull the fishing rod?� Magiliw na tanong sa anak.

�Tutulungan ako ni Harsha... `Di ba, Harsha?� Baling rito ni Nea.

�Ha?!... Ah, opo, Lady Nea.�


�Yehey! Fishing, wuhoo!�

FIRST day of weekend. Kararating lamang ng mag-anak sa bahay pahingahan sa Will


Forest. Iyon ay gawa sa kahoy. One meter elevated from the land. A typical vacation
house from inspired designed in eastern countries.

Isa sa pinagmamalaki ng Alansor angWillForestaside fromWilsergMansion. Iyon ay


matatagpuan sa boundary ng Alansor at Epsia. Maraming hayop saWillForestna
pinoprotektahan at pinapangalagaan ng mga mamamayan. Ipinagbabawal nila ang
panghuhuli ng hayop. They used to preserved the animals and their natural habitat.

�Ang daming isda! Ang lalim ng tubig.� Bulalad ni Nea.

�Pa, nag-iingay na si Nea.� Puna ni Evan. Kinuha ang sariling fishing rod.

�Low your voice, Nea. Mabubulabog ang mga isda. Hindi tayo nyan makakahuli ng
isda.� Wika ni Dunhill.

�`Yan kasi makulit.� Pang-aasar ni Evan sa kapatid. Iwinasiwas nya ang fishing rod.
Sa likod ng malaking bato sya pumwesto. Pagkatapos tinulugan ang pamimingwit.

�Pa, si Kuya natutulog na naman.� Sumbong ni Nea ng malingunan ang nakatatandang


kapatid.

�Your brother always take a nap while fishing pero nakakahuli `yan kahit
natutulog.� Sagot ng papa nya.

�Huh?! Nakakahuli pa sya n'on. Galing naman.� Amuse na wika ni Nea.

�You better keep on trying, Nea. Ang hindi makahuli walang lunch.�

�Okay,Pa.�

TAPOS na silang mamingwit ng isda. Iniihaw na lamang iyon. They decided to take
their lunch doon mismo sa tabing ilog. Diretsong picnic na. Tahimik si Nea sa isang
tabi.

�Oh, Nea. Anong ginagawa mo dyan?� Puna ni Evan sa kapatid.

�Wala.� Tamad na sagot nito.

�Bakit parang hindi ka excited? Hindi ka ba nag-eenjoy.�

�Paano ako mag-eenjoy hindi naman ako nakahuli kaya wala akong lunch.��
Nakasimangot na paliwanag nito.

�Sinong nagsabi n'on?� Curious na tanong ni Evan.

�Si Papa.�

�Hmn... Sige sayo nalang `yong isa kong nahuli. Ikaw kasi papalapit pa lang `yong
isda hinihila mo na agad `yong pamingwit.�

�Kuya, tulungan mo na lang ako mamingwit.� Aniya. Napag-isip-isip nyang mas worth
kainin ang pinaghirapan kaysa humingi sa nahuli ng kapatid.

�Sige ba. Kunin mo `yong pamingwit mo.� Utos ni Evan sa kapatid. Agad namang
tumalima. Humanap sya ng magandang pwesto. Sumunod sa kanya ang kapatid.
�Dito Nea. Iwasiwas mo `yang fishing pole para may pwersa ang pagbagsak sa tubig ng
hook.� Sinunod naman sya ng kapatid. Natutuwa sya dahil hindi ito pasaway ngayon.

�Hintayin mong may kumagat sa pain bago mo hilahin. Hayaan mong kainin nya ng
husto.�

�Okay.� Seryosong sagot ni Nea. Bawat sabihin ng kuya nya sinusunod nya. Matyaga
nyang hinintay ang isdang kakagat sa pain.

�Dear, ayaw yatang tumigil ni Nea sa pamimingwit.� Puna ni Elizabeth sa mga anak na

tinatanaw nya buhat sa may di kalayuan.

�Umiral siguro ang pride ng batang `yan. Ayaw patalo sa kuya nya. At isa pa, sabi
ko walang lunch ang hindi makahuli ng isda.� Wika ni Dunhill.

�That's cruel of you. It's her first time.�

�I know, sineryoso ni Nea ang sinabi ko. I bet she won't stop until she catch one.�

�Baka gutom na `yon.� Alalang wika ni Elizabeth.

�I guess so, pursigido naman si Nea. She won't disappoint us. You'll see.�
Kompyansang wika ni Dunhill.

�Ang laki ng expectation mo sa kanila.�

�Of course, ang mga Wilserg ay hindi basta basta sumusuko.�

NAG-AAGAW na ang liwanag at dilim. Nagsiga sa harap ng bahay-bakasyunan ang mga


katulong na kasama nila. Nagmistulan iyong bonfire. Iyon ang pinagmamasdan nila
buhat sa balkonahe.

May inilabas na alahas si Dunhill. Isang anklet na may isang pulgada ang lapad.
Gawa lamang iyon sa silver. Ang isa ay singsing na may disenyong bulaklak at may
diamond sa gitna. Maliit lamang iyon kasing liit ng maliit na tipak ng asin.

�Evan... Nea...� Tawag ni Dunhill sa anak. Nagsilapitan ang mga iyon.

�Ibibigay mo na sa kanila `yan. Masyado pa silang bata.� Komento niElizabethng


makita ang hawak ng asawa. Walong taong gulang pa lamang si Evan at si Nea aylimapa
lamang.

�Mas mabuti na `yon, habang bata pa sila marunong ng mag-ingat ng kanilang ari-
arian.�

�Pa, hindi pa ubos `yong nahuli kong isda.� Wika ni Nea.

Napangiti ang mag-asawa. Nawili si Nea mamingwit ng makahuli ng isa, nilubos-lubos


na. Ipinaihaw lahat ng nahuli kaya naman kanina pa iyon papak ng papak. Hinimay
naman na

iyon ng katulong kaya bitbit ni Nea ang tupperware.

�Akin na `yang daliri mo, Nea. Ilalagay ko 'tong singsing.� Utos ni Dunhill.
Tumalima si Nea.

�Pa, masyado malaki `yang singsing.� Puna ni Evan. Mas kasya iyon sa ina nya.
�Just wait, Evan. You'll see. Kasya ang singsing.� Pagpasok ng singsing nag-adjust
iyon. Lumiit ang circumference at nag-fit sa daliri ni Nea.

�Pa, ibang klase `yon, ah. Automatic ang adjustment.� Manghang wika ni Evan.

�Ang ganda! Bagay sa akin.� Tuwang wika ni Nea.

�Ito naman ang sayo, Evan.� Iniabot ang anklet kay Evan.

�Parasan 'to, Pa?� Tanong niya habang sinisipat ang iniabot ng ama.

�Isinuot mo sa may paa.� Utos ng ama. Ginawa iyon ni Evan. Tulad ng kay Nea. Nag-
adjust rin iyon. Sinubukang tanggalin ni Evan pero walang nangyari.

�Pa, ayaw matanggal.� Reklamo ni Evan.

�That accessory is permanently intact in your body, Evan.� Saad ni Elizabeth.

�Ano?! Anong purpose? Hindi na namin pwedeng tanggalin.�

�Eh, kuya baka mawala.� Sabat ni Nea.

�Tama sya, Evan. That accessories has something to do with your inheritance kaya
hanggang lumaki kayo nakakabit na `yan sa katawan nyo. Kusa `yang mag-a-adjust.�

�Anong ibig mong sabihin, Pa?� How could those accessories important to their
inheritance.

�It's the key, Evan.� Wika ng ina nya.

A key? Kailangan pala ng susi para saan naman iyon? Syempre kung may susi may
bubuksan. Ano iyon?

�Pa, totoong diamond `yong nasa kamay ni Nea.� Curious na tanong ni Evan.

�Yeah, pero maliit lang `yan kumpara sa jewelry ng mama mo. Nea is too young para
sa ganoong alahas.� Anito.

�Kung hindi ito matatanggal, the only way is putulin ang paa ko at daliri ni Nea.�
Kongklusyon ni Evan hinggil sa alahas.

�Uhm... Yeah, in time malalaman nyo ang paraan kung paano `yan alisin. For now,
masanay kayong may permanenteng alahas sa katawan nyo.�

�Pa, I like this. Thank you.� Wika ni Nea.

�Your welcome, baby girl.�

Code Name: Prince by Sky


CHAPTER 3

TAHIMIK ang gabi. Ang huni lamang ng mga kuliglig, insekto at ibong humuhuni lamang
sa gabi ang maririnig. Tulad ng dati sinumpong na naman ang sleeping sickness ni
Evan. Naglakad ito ng tulog palabas ng bahay.

Nakarating ito sa may kakahuyan.Doonito nanatili. Himbing na himbing ito sa lilim


ng puno. Kalaliman na ng gabi at kabilugan ng buwan. Sunod-sunod ng putok ng baril
ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Evan.
Kasunod ang paglagablab ng kabahayan. Nakarinig sya ng sigaw, kahol ng aso at iyak.
Napakurap si Evan. Pinagmasdan ang buong paligid. Tila nananaginip sya sa mga oras
na iyon.

Patuloy ang ingay na kanyang naririnig.

Lumingon sya sa liwanag sa likuran nya. He saw their house was burning down to
ashes. Gulat na napatayo si Evan. Somebody was screaming for help.

�Papa! Mama! Nea!� Sigaw ni Evan sa paos na tinig. Panaginip lang ba ang lahat? He
heard somebody was screaming his name. Totoo ba ito? Tinutupok ang bahay. Ang
kanyang magulang at kapatid ay naroon!

�Snowry!... Nea!... Papa!... Mama!...� He started to cry. Sino magsasabi na isang


trahedya ang magaganap sa gabing iyon. Tumakbo sya palapit sa natutupok na bahay.
Bago sya makalapit, somebody grabbed him. Tinakpan ang kanyang bibig. Nagpumiglas
sya. Gusto nyang kumawala at tumakbo patungo sa nasusunog na bahay.

Inilalayo sya ng taong iyon. Palayo sa lugar kung saan naroon ang kanyang pamilya.
His family could be dead by now.

NAKATITIG si Harsha sa kanyang alaga. Nakatulog iyon sa kakaiyak. Naaawa siya sa

sinapit ng pamilya nito. Ulila na ito. Sinong mag-aakala na sasalakayin sila ng


gabing iyon. Ang lakas ng loob ng taong gumawa noon sa pamilya ng Wilserg.

Nasapo ni Harsha ang ulo. May sugat iyon. Nahihilo pa sya sa mga oras na iyon. Wala
naman sigurong maghihinala na may natira pang buhay sa mag-anak. Maging sya sa mga
oras na iyon aakalaing patay na.

Bumulagta sya ng may pumalo sa kanyang ulo. Hanggang ngayon nananakit pa rin.

Nasa gulf sila kung saan may kweba. Tago ang lugar na iyon at masyadong delikado
kung pupuntahan kaya malabong may makakita sa kanila. Kailangan nya ring lumayo
dahil pwedeng sa kanya ibintang ang nangyari. Kailangan nyang ilayo si Evan.

�Harsha, nanaginip ako. Nasusunog daw ang bahay at naroon sila Mama... Harsha,
naglakad na naman ako ng tulog `di ba?Tarana, hahanapin ako ni Mama.� Wika ni Evan.
Patingin-tingin ito sa paligid saka pinagmasdan sya. Nanlaki ang mata nito ng
makitang duguan ang damit ni Harsha.

�H-Harsha...� Nanginginig ang boses nito. Nagsimula ng pangiliran ng luha ang


kanyang mata. He realized that his nightmare turn to reality.

�Young Master, wala na sila. Pinatay sila.� Pagkokompirma ni Harsha.

�Hindi! W-wala na sila Mama?... B-bakit?... Bakit sila pinatay? Sinong pumatay sa
kanila?�

�Hindi ko sila kilala. Paglaki mo baka maunawaan mo rin ang lahat. Masyado ka pang
bata para maintindihan ang komplikadong bagay.�

�Hindi naman masama sila Papa. Bakit sila pinatay? Wala na akong kasama ngayon.
Mag-isa na lang ako.�

�Huwag kang mag-alala hindi kita iiwan. Lalayo tayo sa lugar na ito. Kapag nalaman

nilang buhay ka, baka paslangin ka rin.�


�H-hindi! Ayoko!... Pagbabayarin ko ang gumawa noon kila Mama. Gaganti ako.� Puno
ng galit ang tinig ni Evan habang sinasabi iyon.

�Masyado ka pang bata. Ang dapat nating gawin ay magtago.�

Sa lalong madaling panahon ay nilisan nila ang lugar na iyon. Nagpakalayo-layo


sila. Doon sa lugar na walang makakakilala sa kanila. May isang bagay na gumugulo
sa isip ni Harsha. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Gusto man nyang bumalik at
alamin ang lahat sa likod ng mga pangyayari pero wala na syang magagawa. Sa mga
oras na iyon iniisip ng mga tao na patay lahat ng kasama ng mag-anak. Mas safe na
ganoon ang lumabas kaysa manganib ang buhay nila.

Casa Los Alteros, Ciudad Obregon

Kaarawan ni Se?or Almario Concha Henares, ang may-ari ng Casa Los Alteros na nasa
tabing dagat. Maraming kilalang taong bisita. Isang masquerade ball ang magaganap.
Prince was wearing his costume-Antonio Vanderas inspired Zorro costume.

Buhat sa kanyang kinalalagyan kitang kita nya si Black Rose with her target Amrick
Relsber. Sya, si Marvel Elas ang kanyang target. Ang guest of honor ng celebrant.
Matagal nyang plinano ang lahat ng ito. It's time to avenge. He is the speaker for
the night. Handang handa na ang video at iba pang dokumento. Ngayong gabi nya
itinakda ang pabagsak ni Marvel Elas.

Nagsimula na ang kasiyahan. Isang pagpapanggap na wawakasan. Ito na ang


pinakahihintay nyang sandali simula ng maging isa syang bounty hunter. Ang hulihin
ang kriminal na ito na syang pumaslang sa kanyang pamilya. Nalalapit na ang sandali
na kanyang pinakamimithi. Ang tagumpay.

Habang lumalalim ang gabi papalapit ng papalapit ang nakatandang oras ng


paniningil.

�Our guest guest of honor, please come here on stage. Let's give him around of
applause... Mr. Marvel Elas!�

Prince is the host on that party. Napansin nyang hindi nasiyahan si Elas ng hindi
banggitin ang titulo nito. Ang titulong duke ng Alansor. Dito mismo nya
papabagsakin si Elas. Kabaliktaran sa ginawa nito para maagaw ang kanilang ari-
arian.

Umakyat sa stage si Elas. He's not wearing costume perhaps a black tuxedo.
Nagpalakpakan ang mga tao. Napangisi si Prince. Sumenyas sya sa technical assistant
na tauhan nya. Namatay ang ilaw sa buong bulwagan. Tumutok ang spot light kay Elas.

�Ladies and gentlemen, let us know this guy. The so-called Duke of Alansor as he
entitled himself.� Nafreeze sa gitna ng entablado si Elas. Akala isang
napakagandang pagpaparangal ang gagawin para sa kanya. Hindi nito iniisip na hindi
iyon gimik.

�Twenty years ago, his family was known as the famous owner of Suntla Artifacts
which exhibit an antique collections. The business goes down, due to unwise
investment, lack of marketing strategy not to mention that its not demand product.
His business sink down. Nobody knows he's bum in business until this day.� Tawanan
ang mga tao sa narinig. Elas feel uneasy. He's getting mad to the guy.

�He went to Dunhill Wilserg, asked for financial assistant but the late Duke of
Alansor refused. The guy who used to be his friend and cousin. The picture came to
his mind. He planned to assassinate the Wilserg family.�
Nagsimulang magkaroon ng komosyon sa paligid. Isang rebelasyon ang nagaganap.

�Kalokohan ang pinagsasabi mo. Anong karapatan mong ipahiya ako sa maraming tao?
Ipakukulong kita sa kapangahasan mo.� Galit na baling nito kay Prince.

�Hindi kalokohan ang lahat. Alam mo iyon, Marvel. Your men already confessed. Ikaw
ang mastermind sa pagpaslang sa mag-anak. Twenty years ago, you fooled everybody.
Hindi mo lubos akalain na may uungkat pa sa kaso. Of course, you never knew what
happened.�

�Isa ka sa tauhan ng kalaban ko sa negosyo at sinisiraan lamang ako.� Gigil na


paratang nito.

�Talaga?! Paano nalipat ang kayamanan ng Wilserg sayo? Hindi ikaw ang tagapagmana
dahil may anak ang mag-asawa.� Sige lang dahan-dahanin natin ang pagpapasabog ng
bomba.

Marvel mockingly laugh at him. Tila ba sinasabing puro kalokohan ang kanyang pinag-
gagawa.

�Nakalimutan mo yata Mister Speaker na buong pamilya ng duke ay natupok ng apoy.


I'm his business partner and cousin. The law states, the eldest male in family line
will inherit the title. After Dunhill, I'm the next in line. The nearest family
member. Ako at ang pamilya ko ang tanging tagapagmana hindi ba?�

�Iyon ay kung patay na lahat ang mag-anak. Tinanong mo ba ang tauhan mo kung
sigurado silang napatay ang buong pamilya. Ano sa palagay mo ang nangyari ngayon?�
The lights turn on.

�A-anong ibig mong sabihin?� Nalilitong wika nito. Nag-iisip.

�Siguro naman nabanggit sayo o alam mo rin na may sleeping sickness ang panaganay
ni Dunhill atElizabeth. He was walking while sleeping.� He grinned.

�Straight to the point, young man. Walang maniniwala sayo.� Nagpupuyos na ito sa
galit.

�Alam kong alam mo ang sasabihin ko. Buhay si Evan Wilserg. Sorry to ruin your
night

but I'm claiming what is rightfully mine. Pagbabayarin kita sa ginawa mo sa pamilya
ko.�

Mas lalong nagkaingay sa buwagan ng Cas Los Alteros. Prince removed his mask.

Kitang-kita ang kanyang mukha. Patingin-tingin si Marvel sa paligid.

�I used to be called 'Young Master'. Sorry to disappoint you. Wala na ang


bodyguards mo. They've been arrested for a while my dear uncle. Tama kayong lahat.
Ako si Evan Wilserg. The heir of Dukedom.�

�Impostor! Tama. Isa kang impostor!� tila nakakalokong sigaw ni Marvel Elas.

�Dyan ka nagkamali!� Lumitaw ang isang tao buhat sa likuran ng stage. Si Harsha.
�Hindi kami kasama ng Young Master na natupok ng apoy. Kilala mo naman siguro ako,
Mr. Elas.�

�Whoa! Hindi! Multo!� Namumutlang sigaw ni Marvel. Napaatras ito. May mga lalaking
lumapit kay Marvel at inaresto ito. Sinisiguro ni Prince na hindi na iyon
makakalabas ng kulungan. Shock ang mga tao sa pangyayaring iyon. Sinong mag-aakala
na pagkatapos ng dalawampung taon, ang mismong biktima ang magbibigay ng hustisya.

�Parapo sa lahat ng narito, ipagpaumanhin nyo ang kaguluhang iyon. Ituring nyo
nalang na munting palabas ang nangyari. Enjoy the night.� Aniya.

�Sandali lang.� Pigil ni Se?or Almario Concha Henares kay Prince.

�Mapapatunayan mo ba ikaw talaga ang anak ni Dunhill. Pwede namang gawa-gawa lang
ito hindi ba? Paano mo kami makukumbinsi?�

�I could undergo DNA test with my aunt in Orange Well or my uncle


fromDowellPort.The only thing I know, your father Se?or Almario made our
accessories of inheritance for Wilserg line. Until now hindi pa rin naalis sa binti
ko ang wirdong ideyang iyon.� He did show his anklet to the old man.

Se?or Almario Concha Henares laughed. Lumapit iyon sa kanya at sinipat ang
nakakabit sa paa nya. Tumango-tango iyon.

�Ang totoo, ako ang nakaisip ng ideyang `yan... ladies and gentlemen let's welcome
Evan

Wilserg ang tunay na duke ng Alansor. Let's have a toast for a justice.�

Nagulat si Prince sa ginawa nito. He was convinced. Hindi pala sya mahihirapang
bawiin ang ari-arian nila. Nagsisimula pa lang ang matamis na tagumpay. Babawiin
nya lahat ng pag-aari nya.AngWilsergMansion. Ang Alansor. Lahat!

�KAILAN tayo babalik ng Alansor, Master?� Tanong ni Harsha kay Prince. Kasalukuyang
nasaFrance sila. FromMexico, doon sila tumuloy. His giving a time for Black Rose
para i-plot ang tuluyang pagbagsak ng mga Elas. Sa mga oras na ito. Hajime would be
accessing all the bank account of Elas at inilipat sa pangalan nya. Wala syang
ititira kahit piso sa mag-anak na iyon. Magugulat na lang sila sa pangyayari.

�After two days, Harsha. Iyon ang panahong hiningi ni Black Rose.� Aniya.

�Makakabalik na rin ako sa pamilya ko.� Wika nito.

Napatingin rito si Prince. Nagawa ni Harsha iwan ang pamilya para sa kanya. Tulad
nya, akala ng pamilya nito patay na si Harsha. Ito ang nagpalaki sa kanya. Hindi
sya pinabayaan. Hindi lingid sa kaalaman ni Harsha na isa syang bounty hunter.

�Tama ka, Harsha. Makakapiling mo na rin sila. Konting panahon na lang at


magkakasama na kayo. Masaya ako para sayo. Maraming salamat, Harsha.� Totoo sa loob
na wika ni Prince.

�Maraming salamat, Master. Palagi tayong magkaramay mula noon hanggang ngayon.�

�Malaki ang utang na loob ko sayo, Harsha. Magbabayad sila sa ginawa nila sa
pamilya ko. Ang laki ng hirap natin.�

�Tagumpay tayo, Master. Magiging masaya ka na.�

Napangiti ng mapakla si Prince. Masaya? Hindi nya maramdaman iyo simula ng mangyari
ang trahedya sa kanyang pamilya. Paano na nga ba sumaya? Nakalimutan na nya.

�NAWAWALA ako! Oh my gosh! I'm lost. Merallia, nasaan ka na ba?� Nagpapanic na wika
ni Cithara. Nilalamig na sya. Iba ang simoy ng hangin sa lugar na iyon. Bitbit nya
ang bag ni Merallia na hindi nya alam kung anong laman. Biglaan ang paglipad nila
patungo rito saEurope. Nawala sya habang nagsho-shopping sila. Hindi nya makikita
ang blue eyes hunk na sinasabi ni Merallia.

Wala syang dalang pera kahit singko. Paano sya makakaalis sa lugar na iyon?
Merallia probably thinks she's with someone. Baka naniwala ito na maninilo sya ng
French guy. Lagot na. She wants some coffee. Nagpaiwan na lamangsanasya kung saan
mang hotel na tinutuluyan nila.

Anong gagawin nya ngayon? Patingin-tingin sya sa makabilang bahagi ng kalye. Pati
ang mga taong dumadaan. Anong lahi kaya ang mabait? Sinong tutulong sa kanya?
Tumayo sya upuan at nagsimulang maglakad. Bahala na.

Biglang may lumagpak na mabigat na bagay sa kanyang likod. Napalingon sya. Coat
pala iyon. There was a guy standing beside her. He got blonde hair, blue eyes,
sobrang tangos ng ilong at mapula-no, pinkish ang labi. He was so serious. Yet, he
still gorgeous in his sweatshirt, black pants, may bandana ito sa leeg. Malamig
talaga sa France sa oras na iyon.

Nagsimula ng maglakad ang lalaki. May mabait rin pala. Pero teka, baka naman
pwedeng lubus-lubusin na nya. Kakapalan na nya ang kanyang mukha kaysa mamatay sya
sa kalye.

�Wait!� Habol ni Cithara sa lalaki. Hindi man lang huminto. Asar! No pain, no gain.

Kailangan nya ng tulong. Bumuntot sya sa lalaki kahit saan `yon magpunta. Nagmukha
na syang tanga sa kakasunod sa lalaki iyon. Sa wakas huminto rin.

�What do you want from me?� Pormal na tanong nito.

�I-I need help. I can't find my friend. Please take me with you.� Hingal na wika ni
Cithara. Hindi pranses ang kanyang kausap. Iba ang accent at intonation nito. He
could be an english man.

Pinagmasdan sya ng lalaki. Nagulat sya ng hipuin nito ang kanyang baba. Sinipat ang
kanyang mukha.

�Asian women.� He murmur. Tinalikuran sya at ipinagpatuloy ang paglalakad.

�Hindi man lang sumagot. Asar!� Bulong ni Cithara. Sinundan muli nya ang lalaki.
This time mabagal na ito maglakad. Hindi nya alam kung sinadya noon na bagalan ang
paglalakad o ano.

Humantong sila sa isang Italian restaurant. Susundan nya pa ba ang isang `to sa
loob? Obvious naman na wala syang pera. Sobra na `to. Kung hindi sya susunod baka
makawala ang lalaki sa paningin nya. Lakas loob syang sumunod sa lalaki.

Bahala na!

Code Name: Prince


by Sky

CHAPTER 4

KANINA pa naaaliw si Prince sa babaeng sunod ng sunod sa kanya. Obviously, she's


hopeless. She was asking him to help her. Nawawala ang isang ito. Kawawa naman,
iniwan ng kasama. She looks cute. Bilugan ang mata noon na maiitim. Maliit lang ang
mukha ng babae. Katamtaman ang ilong. Manipis ang mga labi. Alun-alunan ang buhok
na medyo nagkukulay mais. He knew she's an Asian woman. Hanggang balikat nya iyon.
Parang si Black Rose. This one is damsel in distress. Black Rose is tough.

Hinagis nya ang menu sa babae. Nakatitig lang kasi sa kanya. He really like those
eyes bilog na bilog. As he could remember ganoon rin kasigla ang mata ni Aron. A
recruit bounty hunter na alaga ni Black Rose.

�Sir, can I take your order?� Wika ng waiter.

�What's yours?� Tanong nya sa babae.

�Huh?!.... I'm okay.� Sagot noon.

Napakunot-noo si Prince. Obvious naman na gutom ang babae. Nahihiya lang siguro.
Sya na lang ang nag-order para sa babae. Shy type. Iyon pa naman ang ayaw nya.

�Obvious naman na gutom ka, bakit ka magpapanggap na busog?� Sita ni Prince sa


babae.

�H-ha?!... Eh, kasi wala akong pambayad.� Nakayukong sagot nito.

�Men! Your in France so stop acting as if your in Asia, okay!� Inis na wika ni
Prince.

�Pasensya na sa abala.� Anito.

�What's your name?� Tanong nya sa babae.

�Cithara- Cithara Fuerte.� Kiming sagot ni Cithara.

�I'm Evan Wilserg at this moment, on my past I was known by other name.�

Napatango si Cithara sa sinabi ni Evan. So, hindi lang Evan name nya. In fairness,
gwapo talaga sya. Mapupungay kasi ang mga mata.

�Kanina ka pa sunod ng sunod sa akin. Anong kailangan mo?� Hindi naman sya galit
magtanong pero parang bigla syang nahiya na hindi nya maintindihan.

�Ano kasi... nawawala ako. Nagkahiwalay kami ni Merallia. Wala akong pera, hindi ko
alam kung paano babalik sa hotel na tinutuluyan namin.� Paliwanag nya.

�Poor woman. Ako pala ang napili mong saviour.� Naibulalas nito.

Namula si Cithara. Totoo naman kasi iyon. Pero kung hindi talaga sya
pinagmalasakitan na pahiramin ng coat, eh, malabong gawin nya `yon. Dumating na ang
kanilang order kaya naman hindi na sya kinausap ng lalaki. He focused on food. Pati
sya naengganyong kumain Nakalimutan nya na estranghero ang kanyang kasama sa mga
oras na iyon.

�COME.� Yaya ni Evan kay Cithara. Pagkagaling nila sa restaurant dumeretso na sila
sa Hotel na tinutuluyan ni Evan. Nagulat si Cithara sa ganda ng hotel na
tinutuluyan nito. Walang binatbat ang hotel na tinutuluyan nila ni Merallia. Kung
hindi siya nagkakamali iyon ang tinatawag na Presidential Suite.

Tumuloy sya sa loob at naupo sa eleganteng sofa ng hotel na iyon. Mabuti na lang
isinama sya nito. Ganito ba talaga ang lalaking ito basta na lang ginagawa ang
isang bagay. Hindi humihingi ng opinyon ng iba.

�Master,nakabalik ka na pala!� Mula sa isang pinto, lumabas ang may edad na lalaki.
Nagtaka ng makita sya roon na kasama ni Evan.
�Harsha, kumuha ka ng isang silid. Doon ka na lang sa silid na ipinapakuha ko. Dyan
na lang si Cithara sa kwartong ginagamit mo.� Utos ni Evan kay Harsha.

�Ngayon din, Master.� Anito. Agad na lumabas.

�Nakakahiya naman. Inigawan ko pa sya ng pwesto... Bakit Master ang tawag nya sayo?
�Curious na tanong ni Cithara.

�Sign of respect.� Maikling tugon nito.

Sign of respect? Gan'on ba `yon? Bakit parang hindi naman gan'on ang lumalabas? He
could be a boss.Tauhan siguro nito `yon.

�Ano mo sya?� Tanong muli nya ng hindi makuntento sa sagot ng lalaki.

�Friend.� Pagkawika noon pumasok ito sa isang pintuan. Sa palagay nya iyon ang
silid na gamit ng lalaki. Friend? Nakakapagduda. Ginogoyo sya ng isang iyon.

Nagtagal iyon sa loob ng silid. Anong gagawin nya roon? Tutunganga lang. Mahal
siguro ang renta roon. Mga high class na gamit ang nasa loob. May carpet pati
dingding. Ang makakapal at mahahaba ang kurtina.

Nakasuot na ng t-shirt at short ang lalaki ng lumabas ng kwarto. Hapit ang suot na
t-shirt kaya bakat ang katawan. My, he looks so yummy. Athlete yata ang isang ito.

�Use the other room. Harsha won't mind it. You could change your clothes now.�
Anito.

Napatanga lang si Cithara. Sasabihin nya ba iyon? Nakakahiya. Nagpanggap syang


walang naririnig. Sya namang pagbalik ni Harsha. Nagtungo iyon sa kabilang silid na
katapat ng pintuan ng silid ni Evan. Kinuha ni Harsha ang sariling gamit.

�Madam, pwede nyo ng gamitin ang silid.� Magalang na wika ni Harsha.

�S-Salamat...� Atubili syang pumasok roon.

Halos mapaluha ang kanyang mata pagpasok ng silid. Parang kwarto ng prinsesa. Ang
kama ay may kurtina. Makakapal ang blanket na tatlong patong. Anong klaseng silid
ito. Ang arte ng ilaw sa taas. Ang bulb ng ilaw ay nakakabit sa anima sabitan ng
mga kristal na baso na nakasabit sa kisame. Pati ang lamp shade. European talaga
ang dating. Wall to wall pa ang

kurtina. Malaki ang closet. Wala namang ilalagay roon.

Patumbang humiga si Cithara sa kama. Hay! Ang sarap humiga sa ganoon kalambot na
kama. Napatingin sya sa bitbit na traveling bag. Maliit lang iyon. Ano kayang laman
noon? Sabi ni Merallia mahalaga raw iyon. Bulatlatin kaya nya. Hmn...

Binuksan nya ang bag. Napasimangot sya sa nakita. Damit pambata ang mga naroon. Mga
luma pa. Ano ba `yan, napakasentimental naman ni Merallia para sa ganoong bagay.
Iyon lang ang dala nila kaya hindi na nakapagbitbit man lang ibang damit. Hindi nga
nya alam kung bakit biglang nagmadali si Merallia. Napaaga ng isang linggo ang
flight nila kaya siguro minamalas sya.

May kumatok sa pinto. Napabalikwas sya. Agad na nagtungo sa may pintuan. Si Evan
ang nasa kabila ng pinto. Ano kayang kailangan nito?

�You haven't change your clothes.� kunot-noong wika nito.


�Ha?! Ano kasi, eh.� Paano ba `to? Wala syang lusot.

�Problem?� Nahulaan ang nais nyang itago. Nahalata iyon ni Evan base sa reaksyon ni
Cithara.

�Wala akong damit, eh.� Pagtatapat nya. Mas lalong kumunot ang noo ng lalaki. Hindi
pa naman bagay na nakakunot-noo iyon. Kitang kita nyang diretso ang tingin noon sa
dala nyang traveling bag.

�Pambata ang laman n'on. Sa kaibigan ko `yong bag na `yon.� Paliwanag nya.

Basta na lang tumalikod si Evan na walang pasabi. May attitude talaga ang isang
iyon? Hindi nya maintindihan ang ugali. Wala sa loob na lumabas sya sa silid.
Natanaw nya si Evan sa may labas. May terrace doon sa hotel room nito.Condo unit na
yata iyon. Namalayan nya na may kausap sa telepono si Evan. Nang matapos itong
makipag-usap sa telepono, dali-dali itong

bumalik ng silid. Nilampasan lang sya. Bakit kaya?

Nakabihis na ito ng panglakad ng lumabas ng silid. May pupuntahan yata ang loko.
Nagmamadali talaga.

�Cithara, wait for Harsha.� Iyon lang ang sinabi noon saka iniwan na sya.

Napasimangot si Cithara. Buburuhin nya ang kanyang sarili sa silid. Sana sumama na
lang sya. Pero sobrang kapal na ng mukha nya n'on. Wala syang kapera-pera kaya ito
ang sinapit nya. Nagpaampon sya sa taong hindi nya kilala.

Hindi nagtagal dumating si Harsha. May dala itong damit para sa kanya, nagpalit
agad sya ng suot. Binili siguro iyon sa isang boutique. Pagkabihis, lumabas muli
sya ng silid. Inabot sa kanya ni Harsha ang isang fur coat.

�Bakit?� Aniya. Hindi naman maginaw para mag-coat pa sya sa loob ng suit na `yon.

�Ibinilin ni Master na samahan kitang mamili ng damit.�

�W-Wala naman akong pambayad, eh.� Nahihiyang wika nya.

�Si Master na ang bahala roon.� Balewalang sagot ni Harsha.

�Masyadong mahal ang bilihin rito.� Naiisip nya pa lang ang halaga ng mga damit ng
sosyalerang artista, nalulula na sya. Iyon pa kayang yari sa Paris. Hindi
kapanipaniwala `yon.

Nilibot nila ang mga boutique na malapit sa hotel. Hindi naman sya nagpipili pero
sadyang matalas ang pakiramdam ni Harsha. Kapag tinitigan nya `yong damit, kinukuha
basta kasya sa kanya. Hanga sya sa isang `to. Akala nya alalay pero kung umasta
kala mo may sinasabi. May taga-bitbit ng kanyang pinamili. Overall wardrobe ang
kanilang napamili.

�Wala pa naman sigurong milyon `yan `no.� Biro ni Cithara kay Harsha habang sakay
sila ng taxi pabalik ng hotel.

�Almost a million.� Sagot ni Harsha.

�Ano?! Bakit kinuha pa natin? Wala akong pambayad nyan. Baka maging alipin pa ako
para lang makabayad.� Pwede kayang ibinalik? Pasaway kasi ang kasama nya.
�Sabi ni Master bilhin ang lahat ng magustuhan mo.�

Kasalanan pa pala nya ang lagay na iyon. Mahal ang lahat na damit na nakalagay sa
bawat paper bag na iyon. Bakit parang balewala lang iyon kay Harsha.

�Don't worry he won't let you pay for it.� Assurance ni Harsha.

�Mayaman ba sya?� Curious na tanong ni Cithara. That's very kind of him. Ibang
klase manlibre.

�Filthy rich, with or without his inheritance. You don't have to worry about the
cost of your clothes.�

Napatango si Cithara. Simpleng mayaman. Walang bodyguards, isang companion lang ang
pinagkakatiwalaan pati sa paglustay ng salapi. Ibang level na `to.

KINABUKASAN, sinamahan sya ni Evan na tuntunin ang hotel na tinutuluyan nila ng


kaibigan. Inilarawan nya ang lugar dahil hirap syang i-pronounce ang French name ng
hotel na iyon. Base sa paglalarawan nya napi-picture na sa isipan nito ang lugar na
iyon.

Nagalugad na siguro ng isang `to ang buong France. Ang simple talaga ng isang ito.
Relo lang ang alahas sa katawan. Mukhang isang pangkaraniwang turista na naligaw.
Sa isip-isip ni Cithara habang pinagmamasdan si Evan na pumapara ng taxi.

Ilang sandali lang binabagtas na nila ang daan upang galugarin ang Paris. Hindi nya
alam kung tama ba ang daang tinatahak nila.

�Your friend must be worried about you. Sorry about yesterday, I was about to take
you there but there's something important that I need to do first.� Paliwanag nito.

�It's okay. Actually, I'm asking too much for a stranger.� Sana tayo na lang
magkasama

for life. Ang bait-bait talaga nya.

Titig na titig si Evan sa babae. She really looks pathetic. Bakit ba ito sumama ssa
kaibigan nito sa lugar na ganito. Walang kapera-pera, damit at higit sa lahat
walang alam sa lugar. Wala namang awa ang kaibigan ng babae, hindi man lang hinanap
ang kaibigan.

This must be the place. Aniya sa sarili. Along that downtown area lang ng medyo
murang accommodation. Pinahinto nya ang taxi saka nagbayad. Sumunod sa kanya si
Cithara. Palinga-linga sa paligid.

Inilahad nya ang kamay sa dalaga. Kapag hindi nya hinawakan iyon baka mawala na
naman ito. Hesitation, nababasa nya ang mga mata ni Cithara. He flashed his
friendly smile. He hate doubts. Asian woman, palaging nagtatago ng saloobin. Only
one expectation, si Black Rose na walang ginawa kundi basahin ang isip ng tao at
paglaruan.

Bakit nya nga ba tinutulungan ang isang ito? Maybe he really hate woman in this
pathetic case. Mas sanay syang tough ang mga babae tulad nina Fragrance, Peggy at
Black Rose.

�You're shaking.� Amuse na wika ni Evan.

�Pasmado lang kamay ko.� Palusot ni Cithara pero ang totoo nanginginig sya dahil
kay Evan.
�Easy.... any familiar building, street or any.� Usisa ni Evan.

Umiling si Cithara. Wala pang sign ng lugar na 'yon. Where could it be?

�Let's keep on walking.�

Tumango lang si Cithara. She's blushing. Hindi alam ni Evan kung bakit namumula si
Cithara.

�You're virgin.� Bulalas ni Evan. Mas lalong namula ang babae.

�Wag mo akong tingnan, please! Nakakahiya, napakabulgar mo.�

�So, it's true. You're virgin,� Natutuwang wika ni Evan. Ang transparent ni
Cithara.

�Ano ka ba! Huwag nating gawing topic kung virgin ako o hindi.� Asar na wika ni
Cithara.

Evan laughed. Akala nya kimi lang si Cithara. Good thing he knew, she knows how to
object sometimes. She looks cuter.

�Tell me why you are here with your friend.�

Akala ni Cithara hindi na mag-uusisa pa si Evan. Curious na itong malaman kung


paano napadpad ang Asian Woman na tulad nya sa Europe.

�Actually, we're not supposedly here. Nag-dropped by lang kami para bumili ng
damit. Nagpasama sya sa akin pero hindi ko alam kung sinong pupuntahan namin. Kasi
sabi nya ipapakilala nya ako sa kaibigan nya.� Hindi na nya binanggit ang kalokohan
na pinagsasabi ni Merallia tungkol sa hunk na iyon. Bihira naman ang hunk sa
ganoong estado basta may pera hinahabol.

�A guy?� Naisatinig ni Evan ang hinila tungkol sa kaibigan ni Merallia.

�Yeah. Pero hindi ko alam kung bakit napaaga ang luwas namin. One week na-advanced
ang flight namin. She just packed those stuff. Hindi sya nagsabi. We are on the
airport when she revealed, that was the time of our flight. I was shocked.�

Kaya pala mukhang istokwa sa paningin nya si Cithara. Ano kaya ang dahilan ng
kaibigan nito para magmadali?

�Kasalanan ko kung bakit ako napahiwalay sa kanya. Naaliw ako mga damit roon sa
boutique. Paglingon ko, wala na sya. Hinanap ko sya kaya nagkawalaan kami.�
Napabuntong hininga sya.

�Hey! Doon `yon, oh.� Excited na wika ni Cithara ng matanaw nya ang isang building
na

pamilyar sa kanya.

�Bilis at baka naroon na si Merallia at naghihintay sa akin.� Hila-hila si Evan.


Ewan nya pero parang tinatamad si Evan. Hindi yata masaya para sa kanya. Pakiramdam
nya nabunutan ng tinik ang kanyang lalamunan.

Naglaho ang excitement na nadarama ni Cithara ng makarating sila sa lugar na iyon.


Biglang nawala na parang bula ang kanyang pag-asa ng mapag-alamang wala roon si
Merallia. Hindi pa rin nakabalik ang kaibigan buhat kahapon. May ibang gumagamit sa
silid na kinuha nila.

�Why did you give the room to other guest?� Kunot-noong usisa ni Evan.

�Sir, they paid for accommodation yesterday. They never come back so, we thought
they left.� Wika ng receptionist. Napatango-tango si Evan. Hindi bumalik ang
kaibigan nito.

�If her friend came back, please give this card to her.� Bilin ni Evan sabay abot
ng contact number nya. Tahimik si Cithara. Hinila nya ito palabas ng lugar na iyon.

�Now, any plans?� Tanong ni Evan. Laglag ang balikat ni Cithara habang naglalakad.
Malayo ang takbo ng isip. Hindi sya sinagot. Hinagip ni Evan ang kamay nito at
kinabig palapit sa kanya.

Napaiyak si Cithara ng yakapin ni Evan. Nakatagpo sya ng kakampi. Wala syang


pakialam kung patinginan sila ng mga taong nagdaraan doon. Ibinuhos nya sa pag-iyak
ang lahat. She never felt pathetic before. Ngayon, wala syang magawa kundi kumapit
kay Evan.

Pakiramdam nya hindi sya nito pababayaan.

�Ssh... let's go.� Pinunas ni Evan ang kanyang luha saka pumara ng taxi. Babalik na
sila ng hotel. Tuluyan na silang nagkahiway ni Merallia.

Code Name: Prince by Sky


CHAPTER 5

�WE'LL gonna leave tommorow. If you want, you can come with us. Spend some vacation
in my home town before you go home.� Suhestyon ni Evan. He gave her some money for
plane ticket. Pero ngayon niyayaya sya nitong magbakasyon sa sarili nitong bayan.

�Well? Have you changed your mind?� Nakangiting untag ni Evan kay Cithara.

�Okay...� Aniya.

�Okay, what?�

�I'll come with you.� Pagkaklaro niya.

�That's good. You'll enjoy in my place. Take a rest, Cith.� Hinagkan nya si Cithara
sa pisngi.

Gulat na napatitig si Cithara kay Evan na papalabas ng kanyang kwarto. Bakit sya
nito hinagkan? Naku lalala ang paghangang na nararamdaman nya para sa lalaking iyon
kapag inulit pa muli ang paghalik sa kanya. Sinambot na yata ni Evan ang katangian
ng dream guy nya except from nationality. Ang mga tulad nyang babae ay madaling
mahulog ang loob sa tulad ni Evan.

Makakatulog kaya sya ng lagay na iyon? Dapat nag-aalala sya ngayon para sa kaibigan
pero heto sya ngayon puro kalandian ang naiisip. Pero kaya na ni Merallia ang
sarili nito. Sana nga lang bumalik ito ng hotel para hindi na mamatay sa pag-aalala
sa kanya. Dahil heto sya, nag-e-enjoy sa company ng lalaking ito. Parang prince
charming talaga.

�Evan...� Tawag nya sa lalaki. Lumingon iyon.

�Why do you have an anklet? Mukha kang slave.� Puna ni Cithara sa kaliwang paa ni
Evan.
�I know, but I don't know how to take this off without any damaged.� Paliwanag
nito.

Lumapit si Cithara. Pinagmasdan ang anklet. It is a silver anklet. Weird, para


iyong puzzle may mga maliliit na buttons syang nakita. May mga numero din.

�You should know the puzzle. It's like a game. I think you have to find the
combination.� Tumingala si Cithara. Nagsalubong ang kanilang mga mata. She could
read something.

�I guess you're right.� Anito saka tuluyan ng lumabas. She just locked the door.
Ibang klase talaga ang lalaking iyon. Minsan madaldal minsan tamad yata magsalita.
Topakin ang isang 'yon. Gwapo naman. Baka masungit sa mga babae kaya hindi
nilalapitan.

�How much do you want?!� Boses ni Evan iyon. Bakit parang galit? Maingat nyang
binuksan ang pinto ng kanyang silid. Curious syang malaman kung sino ang kausap
nito. Sumilip sya.

May babaeng nandoon. She's flirting with Evan. Hindi naman mukhang pakawala.
Napasinghal sya ng ibato rito ni Evan ang isang bugkos ng pera. Masakit iyon. Galit
talaga ang loko.

Nagkamali sya ng sabihin nyang gentleman ito. Brutal rin pala. Nasaktan ang babae
sa ginawa ni Evan. Natakot rin yata kaya dali-daling lumabas ng suite nila.

�Cithara, don't meddle with my affairs. Lock your door.� Sita nito sa kanya.

�H-ha?!� Gulat na sambit ni Cithara. Paano nito nalaman na nakasilip sya. Wala
namang salamin roon. Nakatalikod pa sa kanya si Evan. Agad nyang sinarado ang
pinto. Whew! Bakit kaya?

Matutulog na lang sya. Kung sya siguro ang ginan'on ni Evan susuntukin nya ito ng
walang humpay hanggang magkulay talong ang itsura n'on. Nakakainsulto `yon, ah.
Hagisan ka ba naman ng pera. Ibinato pala.

She remembered, Merallia did that too. Ang mga mapepera talaga. Hinahagis lang ang
pera ng basta-basta. They don't have to suffer just to earn that money. Hindi
katulad ng mga mahihirap. Paghihirapan talaga ng husto para lang kumita.

MAINIT ang ulo ni Evan. Ayaw nya sa mga babaeng naka-one stand night nya pero
naghahabol pa rin. What's wrong with them? Ano bang hinahabol sa kanya? Pera, sex?
He don't need those females. Mahihina ang personality at boring. They think he's
nice. Pero ang totoo hindi. He don't have any patience when it comes to woman na
gusto syang siluin. Pero mabait sya kay Cithara.

No, Cith is different. She don't even care kung sino sya. Hindi ito tulad ng iba na
tahasang ipinapakita ang pagkagusto sa kanya. Cith would just ask for a little
thing she needs pero sobra-sobra ang ibinibigay nya. Gusto nya itong kasama dahil
pakiramdam nya safe sya rito. Cith won't even dare to seduce him.

Nagbabad sya sa jaccuzzi. Iyon therapy nya kapag mainit ang kanyang ulo. Bilib rin
sya sa mga iyon.

Ipinikit nya ang kanyang mata. Now, he could relax.

BANAYAD na katok ang gumising kay Cithara. Nakahanda na nga pala ang gamit nya.
Mamaya ilalabas nya ang kanyang camera. Nakalagay pala iyon sa gamit ni Merallia.
She could take photos for the remaining moment there.

�Madam, maghanda ka na para hindi tayo mahuli sa flight.� Wika ni Harsha ng


mapagbuksan nya.

�Si Evan?�

�Baka natutulog pa rin sa jacuzzi sa mga oras ito.�

Natutulog sa jacuzzi?! Nakukuhang matulog ng isang `yon habang nakababad ang

katawan sa tubig. Anong klaseng habit `yon. Buti hindi nagkakasakit.

�Sya dapat ang inuna mong ginising. Mamaya pinasok na lang ng lamig ang katawan
n'on.�

�Ayaw nyang magpagising kapag nagbababad sya sa jacuzzi.� Katwiran ni Harsha.

�Ako na lang ang gigising sa baliw na `yon.� Prisinta nya. Dumeretso sya sa katapat
na pinto. Basta na lang syang pumasok ng hindi nakatok. She went directly to
comfort room. Pareho lang disenyo ng silid nya at silid nito.

�Hoy! Evan, baliw ka ba para matulog dyan.� Nakapamaywang na sita nya sa lalaki.
How could this guy make himself comfortable while sleeping naked- naked?! Napangiwi
si Cithara.

Naiiling na pinagmasdan ni Harsha si Cithara. Ang lakas ng loob nito na gisingin si


Evan. Kahit sya ang nagpalaki kay Evan hindi nya ito pinakikialaman sa gustong
gawin. Hindi naiilang si Cithara sa ginagawa nito. She wasn't suppose to make him
up. `Yan ang hirap kapag hindi kilala ang taong kaharap.

�You've got a bad habit don't you. Gising!� Tinapik nya ang pisngi nito. Sa
pagkakayuko nya hindi nya nagawang iwasan ang sumunod na ginawa nito.

Hinila nya nito. Bagsak sa tubig. Nagpanic sya ng maalalang wala itong saplot. Wala
nga yata. Basang basa ang suot nyang damit. Nakadapa sya sa ibabaw nito.

�Let me go!� Protesta nya.

Tawang tawa si Evan. Mukhang basang sisiw si Cithara. She is cuter, seeing the mix
emotion in her face. Galit na naiilang na nahihiya. He's having fun.

�Ayaw mo akong pakawalan, ha.� May banta sa tinig ni Cithara.

Evan sense danger. Hindi nya nahulaan ang gagawin nito. Before he know it. Umigkas

ang kaliwang kamao diretso sa mukha nya.

�Fuck! Ouch!� Daing nya. Binitiwan nya si Cithara who hurriedly get off. Sapol sya
sa kanang pisngi. Kapag napikon pala iyon magaan ang kamay.

�Ano, gising ka na?�

�I'm awake.� Aniya, hinimas-himas ang pisngi. Malakas `yon, ah. �You want me to
knock off. My! You really did hit me.� Parang hindi makapaniwalang wika ni Evan.

�Uulit ka pa?�

Sa halip na sumagot tinitigan lang sya ni Evan. Pinagmamasdan sya mula ulo hanggang
paa. Nag-init ang kanyang katawan sa paraan ng pagkakatitig nito.

�My! You've got a nice butt.� Diretsong wika nito.

Kunot-noo sya. Butt? Paano nito makikita iyon ,eh, nakaharap sya rito. Saka lang
nya napansin na bumakat ang katawan nya sa suot na basang negligee. Kitang kita ang
hubog ng katawan.

Harsha gave her bathrobe. Ligtas na ang katawan nya sa panunuri ni Evan.

�I'm totally awake.� Evan said. Saka tumayo sa pagkakahiga sa bathtub. Napatili si
Cithara. She hurriedly ran out from his room. Narinig nya ang tawa ng dalawa.
Masyado lang syang OA dahil hindi naman totally nude si Evan.

Dahil basa na si Cithara dumiretso na sya sa bathroom. Baka magkasakit pa sya kapag
hindi agad sya naligo. Nag-e-enjoy na syang makibagay sa paiba-ibang mood ni Evan.
Hindi na sya nag-aalala na hindi sya makakauwi. She will be.

NAPATANGA si Cithara ng sunduin sila ng limousine. One. Two. Three. Five limo! Ang
dami. So that's it. Ano nga ba ito sa sarili nitong bayan? Napag-alaman nya kay
Harsha na nasa Alansor na sila. Humiwalay sa kanila si Evan. Sumakay ito sa isa
pang limousine. Daig pa

nya ang celebrity sa kanila. It's an undenying fact na ganito ang nararanasan nya
ngayon.

�Why there lots of media people?� Celebrity siguro si Evan. Hinala ni Cithara.

�It's Master home coming after twenty years.� Pagbibigay impormasyon ni Harsha.

Kaya siguro nauna sila ni Harsha para hindi sila madamay sa kaguluhan. Evan must be
somebody, that's why the media wants to create a news out of him. Sino nga ba si
Evan?

�Did Evan own this car?� Tanong nya. If yes, he really-really rich!

�Yes, my lady. With or without his inheritance, he is rich by his own.�

My lady? Dati Madam ngayon my lady naman ang tawag sa kanya ni Harsha. Inheritance?
Siguro mula sa may mayamang angkan si Evan. Kahit ang pinakamayamang artista sa
bansa nila can't afford ang limousine. Bigla syang nanliit. Evan is rich. Totally
rich!

�Indeed, you are lucky, my lady. Wala pang nakakatagal na babaeng kasama si Master.
He is fond of you. He treated you nicely. I bet he really likes you.�

�Oh? Kaya kapag ayaw nya sa babae binabato nya ng pera.� She remember what happened
yesterday.

�Ha-ha-ha! He always insult females. Which I keep on wondering why he's cruel to
them. And I conclude that you must be special to be an exception.�

Pinalaki naman ni Harsha ang ulo nya pati tenga. Nakaka-flattered `yon. Napalingon
sya sa gawing likuran nila. Marami palang sasakyan na naka-convoy sa kanila.

�Why there are lots of car here?�

�Guards for my master. His identity was already proven. He needs guard.�
Napapangiwi na si Cithara. Sumama sya rito pero wala syang alam sa mga nangyayari.

He's kinda stranger. Kapwa estranghero sa isa't isa. Maguguluhan lang sya kung
aalamin nya ang tungkol sa pagkatao nito.

�One thing that intrigue me most is Evan's habit. Why he need to sleep in bathtub?�

�Sleeping sickness. He is walking while sleeping and he used to sleep there to


avoid accident.�

Gee! Counter measure pala ang isang `yon na matulog para maiwasan na magpagala-gala
habang tulog. Pwede namang talian. Teka, parang aso naman pala kung gan'on.

Nalibang si Cithara sa tanawin. Puro berde ang nakikita nya. Nakalayo na pala sila
sa proper town. May mangilan-ngilan na bahay. Nakakakita rin sya ng mga hayop. Mga
tupa, baka at kabayo. Gusto nyang buksan ang bintana kaso nakakahiya. Hindi naman
siguro mauubos ang fresh air.

�My! Is that the castle?� Manghang tanong ni Cithara ng matanaw nya mga patulis na
bubong, which is mga kastilyo lang ang mayroon. Paglampas ng kakahuyan iyon ang
view na makikita

�Yeah, Epsian Castle.� Sagot ni Harsha.

They were heading to Wilserg Mansion. Maya-maya ay bumukas ang pagkalaki-laking


gate. Mga sampung talampakan ang taas. Yari sa makapal na bakal.

�Welcome to Wilserg Mansion.� Wika ni Harsha.

Nanlaki ang mata ni Cithara. Tama ba ang narinig nya? Wilserg?! Wilserg si Evan.
Iyon ang apelyidong binanggit nito sa kanya. Kasing laki iyon ng Mall of Asia.
Nakakalula ang laki. `Yong kastilyo kaya gaano kalaki? My! Parang prinsesa kana rin
kapag nakatira rito sa Wilserg Mansion.

�K-kay Evan ito?� Halos hindi makapaniwala si Cithara.

�Three-fourth of Alansor belongs to him. His hometown. All belong to the duke of
Alansor who happened to be Master Evan Wilserg.�

Oh, my! Kung may sakit sya sa puso baka inatake na sya. Biglang naging higante ang
tingin nya kay Evan. Isang duke. Hindi sya makapaniwala. Hindi ito pangkaraniwang
elite. Nabibilang sa maharlikang angkan.

�Are you okay, my lady?�

�I'm just shocked.� With or without his inheritance, he is rich, filthy rich.
Naalala nya ang sabi ni Harsha.

�I thought you knew him already that's why you came with us.� Kunot-noong wika ni
Harsha. Nagtataka sa kanya. Close kasi sila ni Evan na parang hindi.

�Yeah, but not like this. Just rich but not richer like this.�

Tumigil ang sasakyan. They were on grand entrance. May mga tao roon and according
to their facial reaction, they are not welcome. Natanaw nyang bumaba si Evan. May
kasunod itong babae. Napakunot-noo sya. Sino `yon? Bumaba rin lahat ng bodyguards
nito. Men in black ang nakikita nya. Parang movie ang masasaksihan nya.
Confrontation ba?
�Who are they?� She asked, pointing to people waiting for their arrival.

�Elas clan, which will be ended in reigning as of this day.� Napangiting wika ni
Harsha.

NGITNGIT na bumaba si Evan ng limousine. He expected Elas family had already moved
out from his mansion. Ano ito? Naabutan pa nyang nag-aabang, nakataas pa ang mga
noo at kilay. Nagtangis ang kanyang bagang. How he really hate Elas. Ang lakas ng
loob. Kasunod nyang bumaba si Black Rose, bitbit ang attach� case nito. Maging si
Black Rose ay nagulat rin.

�I expected the junk has already dump outside my mansion.� Angil ni Evan.

�Uhu? I thought they already evacuated, Prince.� Black Rose said to Evan.

�Obviously they didn't do what you've instructed.�

�Come on, they love to see you and want them to be force out of this mansion.� She

giggled.

Walong tao ang naroon sa pinakamalaking pintuan ng mansion. Isang may edad na
babae, iyon ang asawa ni Marvel na akala mo aristokrata kung umasta. Ang alam nya
tatlo ang anak nito. Dalawang lalaki at isang babae. Surely included, kung sino man
ang natitirang apat wala syang pakialam. Lahat sila ay tatalsik sa mansion.

�So, you are the impostor.� Nangungutyang wika ng ginang.

�Aren't you recognize my face? I'm obviously Evan Wilserg in flesh, Aunt Lily.�
Pang-aasar ni Evan.

�Don't dare address my mom as your aunt, impostor!� Sabat ng babae.

�We'll, I'm ordering each one of you to address my property as the duke of Alansor.
Get away. Don't block my way inside my own mansion.� Madiing bigkas ni Evan.

�You prove nothing!� Protesta ng isa.

�Well! Well! Well! Time is up. Mrs. Elas, my client had already proven his
identity. He is the one and only, Evan Wilserg. It's time for all of you to leave
this mansion before my client wish to dispose you outside.� Singit ni Black Rose.

�Disposed? We're not garbage you dump lawyer!� Bwisit na wika ng ginang.

�Aba't gago `to, ah. Gusto sigurong matikman ang kamandag ng bulaklak ko.� She
whispered in foreign language.

�Guards! Take them away from my mansion. One thousand miles away from here. Get it!

�Loud and clear, sir!� Sagot ng head secrurity.

Walang babalang binitbit ng mga ito ang mga kontrabida sa buhay nya. Nanlaban ang

mga lalaki pero bugbog lang ang inabot nila. Finally, makakapasok na muli sya sa
sariling

tahanan na matagal na nyang pinananabikan.


�Now, who's dump? You old ratty beggar!� Pang-aasar ni Black Rose.

�This is it. Let's get inside, Black Rose.� Nakangiting wika ni Evan.

He push the door. Tumambad sa kanya ang malawak na bulwagan ng mansion. Nothing has
change except from the few display on the wall. Napasimangot sya ng mapuna iyon.
The servants were scattered. Gusto nyang mawala ang bakas ng Elas sa kanyang
mansion.

�Who's the eldest servants here? Twenty one years above from service here?� Tanong
nya. Nagkatinginan ang mga iyon. Evan was tracing back their old servant. Hindi sya
kilala ng mga ito.

�Kami po, Young Master.� Sagot ng tatlong babae roon. Naluluha habang nakatitig sa
kanya. They called him Young Master.

�Harsha is with me.� Wika nya.

�Alam po namin iyon. Natutuwa kami at buhay kayo, Young Master.� Wika ng isa.

�I'll talk to you later. Natatandaan nyo pa ang ayos ng mansion dati?� Tumango ang
mga iyon.

�Okay, I want everything that Elas added in my place should be thrown outside. Keep
on moving.�

Nang araw ring iyon ipinatapon nya lahat ng gamit na ipinaglalagay ng mga Elas sa
loob ng mansion. Ayaw nyang makakita ni isang bakas na magpapaalala na tinirahan ng
ibang tao ang mansion. Nasiyahan sya sa resulta. Pinapanood nya ang mga tao habang
isinasakay ang mga gamit sa truck. Wala ng basura.

Nagtuloy sya sa west side ng mansion kung saan naroon si Cithara. Doon nya
pinatuloy

iyon. Iyon kasi ang bahagi ng mansion na hindi nila gaanong napupuntahan.
Makakapagrelax

iyon doon. Mas malayong malayo ito sa mga kasamahan nya. Cithara don't know that he
is one of the notorious bounty hunter. Si Harsha lang ang nakakaalam n'on.

Kumatok sya sa silid na gamit ni Cithara. Walang sagot. He forgot. Hindi sya
maririnig ni Cithara. Pinihit nya ang seradura. Bumukas ang pinto.

Humihimig ng isang awitin si Cithara habang pinagkakatuwaang ihagis-hagis ang laman


ng bag na dala nito. Napatigil si Evan. Pamilyar ang awit na iyon. He heard along
time ago. Isang awiting madalas kinakanta ng batang masayahin, makulit at pasaway.

Code Name: Prince by Sky


CHAPTER 6

�MENEA...�

Napatigil sa ginagawa si Cithara. Pinapanood pala sya ni Evan. Para itong natuka ng
ahas. Naestatwa sa kinatatayuan. Na-concious tuloy sya baka pangit ang ayos nya.

Naipilig ni Evan ang kanyang ulo. Malabong mangyari ang iniisip nya. Patay na si
Menea. Imposibleng maging si Menea si Cithara. Wala silang lahing asyano. Pero
posible kayang magawa ng dalawang tao ang isang awitin?
�Cith, where did you learn that song?�

�Hmn... sa isang stage play na na-i-footage ng studio namin.�

Tumango lang si Evan. Nagkamali lang siguro sya. Nabaling ang kanyang paningin sa
damit na hawak ni Cithara. Parang- . Never mind. Praning lang siguro sya.

�Cith, you can tour around the place except from East side of mansion. My other
visitor wish not to be disturbed. I hope you understand.�

�Okay. Masyadong malaki itong bahagi ng mansion para gustuhin ko pang maglagalag.�
Sang-ayon ni Cithara.

�Keep your promise, Cith.�

�Okay.�

Ilang araw na rin si Cithara sa mansion. She enjoyed her stay. Maraming view ang
kanyang nakunan. Hindi sya magsasawang kuhanan ng larawan ang lugar na iyon. She
likes the flowers in the garden. Napakalusog ng mga iyon. Halos karamihan ng mga
halaman ay panay rosas na iba-iba ang variety.

Ano kaya kung lumabas sya ng compound? She wants to take photos of Epsian Castle.

Kahit ang tower lang noon. She wants to ride in horse. Tama! Itatakas nya ang isang
kabayo. Doon sya nagtungo. Sa kwadra. Inabutan nya roon ang dalawang tauhan ng
mansion. Binati sya ng mga iyon. Lady Cithara ang tawag sa kanya.

Maraming kabayong naroon. Pero ang kulay puti ang type nya pati ang kulay itim na
kabayo. Matikas ang tindig ng dalawang iyon.

�May pangalan ba ang isang `to.� Tanong nya sa binatilyong nagpapakain ng kabayo.

�Wala pa pong nabanggit si Master Evan pero ang puting ito, sya si Snowie. Ginamit
ito ni Lady Rose err... Lady Chata pala noong nakaraan ng matagpuan nya `yong
prinsipe ng Epsia.�

Hmn... may prinsipe pa pala rito hindi lang duke. Nasa fairy tale na nga sya. Dahil
sa narinig, ayaw nya na kay Snowie. She'll be taking the black Stallion.

�Kung ganoon kay Night- Black Knight ako. Sige, kay Black Knight ako sasakay.�
Aniya.

�Black Knight?� Ulit ng binatilyo. Itinuro nya ang itim na itim na kabayo.
Napatango iyon.

�Doon na po kayo sa labas. Ihahanda ko lang ang kabayo.� Tiningnan pa ng binatilyo


ang suot nya.

She's not wearing boots or typical cowgirl outfit. She just wear her rubber shoes
matching short ang turtle neck sleeveless. Nakasabit sa leeg nya ang kanyang
camera.

Napangiti sya ng ilabas ng binatilyo ang kabayo. More photos. Agad syang sumampa sa
kabayo. She really like the horse. Ang kintab ng buhok n'on.

�Lady Cithara, saan po pala kayo pupunta?� Usisa ng binatilyo.

�Taking photos. There!� Turo nya sa direksyon kung saan tanaw na tanaw ang
kastilyo.

Pagkatapos nyang sagutin ang tanong nito pinatakbo na nya ang kabayo. Heading
toward

Will Forest. Ang sarap ng pakiramdam habang sakay ng kabayo at sumasagap ng


sariwang hangin.

Bumukas ang gate ng may isang metro ang layo nya. Malakas ang sensor noon.
Computerize, kaya kusang bumubukas. Astigin! Napangiti sya ng matanaw ang tower.
Ngayon maghahanap ng lang sya ng magandang view.

Sa damuhan na nya pinadaan ang kabayo. Sa susunod gusto nyang kuhanan ang tubig
dagat. Nabanggit sa kanya ni Harsha na may dagat roon. Where could it be? Siguro
matatanaw sa East side ng mansion kaya hindi nya makita dahil hindi pa sya
nagpupunta roon. Paano kaya kung pumuslit sya minsan. Hindi lang sya magpapakita
para hindi sya pagalitan ni Evan. Makikita rin nya iyon.

�WHERE is she?� Tanong ni Evan sa mga servant. Nahihilo na sya sa kakahanap kay
Cithara. Walang makasagot sa kanya. Ang dami nila roon wala man lang nakapuna kay
Cithara.

�Master, dala nya ang camera. Baka nasa labas lang ng mansion.�

Lumabas sila ni Harsha para hanapin si Cithara. Ito ang pinakaayaw ni Evan. Ang
maglakad. He head toward the barn. Kukuha sya ng kabayo.

That woman was causing him trouble. Hindi man lang magpaalam kung saan pupunta.

�Master, susundan nyo po ba si Lady Cithara?� Salubong sa kanya ng binatilyo nag-


aalaga ng kabayo. Napatitig sya sa binatilyo.

�You know where is she, don't you.� Serryosong wika nya.

�Galing po sya rito kanina. Kinuha nya si Black Knight.�

�Black Knight?� Ulit nya. He don't remember he owned a horse named Black Knight.

�Iyon pong kabayo nyo na kasing ganda ni Snowie.�

Saka nya napansin na nawawala nga ang kulay itim na kabayo. Inilabas nya ng kwadra

ang kanyang kabayo. Kay pala hindi nya makita sa paligid dahil malayo na ang
narating.

�Which way she go?� Aniya.

�Doon po.� Turo ng binatilyo. Gawing timog.

�Damn! Harsha magpasunod ka ng tao. That woman could be lost in the forest.� Bilin
nya.

Hindi na nya hinintay na makasagot si Harsha. Pinasibat na nya ang kabayo. Gigil ng
gigil sya. Ang lakas ng loob ng babaeng iyon na lumabas ng compound ng mansion.
Parang makakapatay sya sa galit.

Kung maaari lang ayaw nyang makatapak sa Will Forest. Kahit anong ganda noon. Puno
pa rin ng masakit at malungkot na alaala ang lugar na iyon. Ngayon mapipilitan
syang suungin ang kakahuyang iyon.
�NAWAWALA na naman ako.� Hay! Kanina pa sya paikot-ikot sa kakahuyan.

�Ikaw kasi Black Knight sunod ka ng sunod `yan tuloy pareho tayong naliligaw.
Inililigaw yata tayo ng kalahi mong tikbalang, eh.� Umangil naman ang kabayo.
Naiintindihan yata sya. Kanina pa sya nakikipag-usap sa kabayo.

�Okay, liko, doon naman tayo sa gawing kanan.� Hindi na lang sana sya pumasok sa
kakahuyan. Nasa pusod na yata sya ng kakahuyan. Hapon na pati. Mamaya madilim na
roon.

�Teka, parang colorful doon.� Papalapit na sya sa lugar na iyon. It's like a bed
made of flowers. Isang hardin ng bulaklak sa gitna ng kakahuyan. Ngayon, may
nakikita syang tubig. May ilog sa gitna. Fascinating!

Sa unahan ng mga hardin ng bulaklak ay may lagoon. This could be a fairy sanctuary.
Ibang klase ang lugar na iyon. Out of nowhere, she found this place. It's like a
paradise. She took pictures of that hidden view. Kinuhanan na iyon sa ibat-ibang
anggulo.

Siguro pwede pa syang bumalik roon sa susunod pang mga araw. Mas maganda siguro
kung video ang dala nya.

�What the hell did you think your doing here?� Galit na wika ni Evan.

Gulat na napalingon si Cithara. Evan was so mad. Bigla sya nitong hinila.
Kinaladkad na sya nito paalis sa lugar na iyon.

�Evan, ano ba! Nasasaktan ako.� Reklamo ni Cithara.

�Mas masasaktan ka kung magmamatigas ka.�

�Ano ba! Kaya kong maglakad mag-isa.� Hindi sya pinakinggan. Bakit kaya sya galit
na

galit?

�I said I- ouch!� Napatid sya ng bato at na-out of balance pero hindi tuluyang
sumubsob sa lupa dahil hawak sya nito sa kaliwang braso. Pero ang masama nananakit
ang kaliwang sakong nya.

�Damn!� He attempted to touch her ankle.

�Don't touch me!� Singhal ni Cithara. She's mad. Wala syang pakialam kung galit rin
ito.

�Now you're injured. Very lucky!� Gigil na wika ni Evan.

�How dare you dragged me! Bisita mo ako, malaki ang utang na loob ko sayo pero wala
kang karapatang kaladkarin ako.�

�What do you expect me to do, huh? Smile? Do you know what place is this? Do you
know I've been looking at you everywhere. Then, you expected me to be nice.�

�Bastard! Wala kang galang sa mga babae. Kapag galit ka akala mo pag-aari mo lahat.
Count me out! Hindi ko hahayaang saktan mo ako. Kahit duke ka pa o prinsipe o
presidente. Alam ko ang karapatan ko!� Nanlilisit ang mga mata ni Cithara.

�Shut up! Nangangatwiran ka pa. Kasalanan mo naman kung bakit ka naliligaw rito.
Nabulabog lahat ng tao dahil sayo. Mula ngayon hindi ka na pwedeng lumabas ng
mansion.�

�Anong tingin mo sa akin, preso? I'd rather back to my country than being a
prisoner.� Bwelta nya rito.

Natigilan si Evan sa sinabi nya. Tinitigan lang sya. Maya-maya ay kumilos ito.
Binuhat sya.

�Ano ba, bitiwan mo ako!� Pagpupumiglas ni Cithara. Napangiwi sya ng magalaw ang
kanyang kaliwang sakong.

�Aangal pa kasi.� Angil ni Evan. Lumakad ito patungo sa dalang kabayo.

�Ayaw ko sa puting kabayong `yan.� Reklamo ni Cithara. Pati kabayo napagdiskitahan


nya na.

Hindi umimik si Evan. Sa halip na kay Snowie, lumapit ito kay Black Knight. Maingat
syang isinampa roon. Pagkatapos, ito naman ang sumakay sa kabayo. Dahan-dahan
nitong pinatakbo ang kabayo. Wala silang imik habang papalabas ng kakahuyan.

Nasalubong nila sa labas ng kakahuyan si Harsha at ang ibang kalalakihan na sakay


ng kabayo. Pinaghahanap nga sya ng mga iyon. Marahil nag-alala ito ng husto. Tapos
nakipag-away pa sya.

�How did you find her?� Tanong ni Harsha.

�I follow her track. Get Snowie out of Menean Seedspread.� Utos ni Evan.

Menean Seedspread. Iyon siguro ang pangalan ng lugar na iyon.

�And the lady?� Usisa ni Harsha ng makita ang itsura nila ni Evan.

�She's injured. We better go.�

Pinatakbo na muli ni Evan ang kabayo. Gusto nya yatang makunsensya. Nakakahiya ang

ginawa nya. Pinag-alala nya ang mga taong iyon. Paimportante sya ng lagay na `yon.

Baka kung anong masabi ng mga tao.

�Nagpaalam ka na lang sana. Kung may escort ka hindi ka sana maliligaw. Hindi pa
safe na gumala ng mag-isa. Buhay mo ang kapalit sa katigasan ng ulo mo. My enemy
might kill you. Naiintindihan no naman ako hindi ba, Cith?� Mahinahong wika ni
Evan.

Hindi sumagot si Cithara. Ayaw nyang makipagbangayan kay Evan. He's nowhere to be
found period. Bawal pumunta ng East side kung saan madalas ito roon. Hay naku!

�Does it hurt?� Ano ba ayaw paawat! Daldal pa rin.

�Hindi masyado.� Malamig na tugon nya.

�Cith, huwag ka ng babalik doon. Mapanganib. I never wish to go there. May trauma
ako sa lugar na iyon. Kahit maganda sa loob noon. Naroon pa rin ang bangungot ko.
Huwag mong dagdagan ang bangungot na `yon, Cith.�

Somehow she felt Evan fear with something. Nakikita nya iyon sa mga mata nito. Mas
lalo itong nagiging gwapo kapag ganoon ang expression nito. Nakaka-in love ang
paawa effect nito. Lihim syang napangiti. Nakakataba ng puso kapag may nag-aalala
sayo tulad nito.

�Ano ka ba. Syempre hindi ako babalik doon. Gusto ko yatang makita kung paano ka
umiyak.�Napahagikgik sya.

�What?�

�Nothing.�

�SAYANG! Ang prinsipe na yata ang gusto ni Lady Rose. Este, Lady Chata. Teka ano ba
talaga ang pangalan nya? Gusto ko pa naman sya para kay Master Evan.� Wika ng isang
katulong.

Napasimangot si Cithara sa narinig. Manok pala ng gunggong na iyon si Chata.

�Ewan ko. Ano ka ba, kaibigan lang ni Master si Lady Chata. `Yong kasama nila mula
sa France

yata ang love interest ni Master. Ang sweet nga nila noong isang araw. Halos
magwala si Master ng hindi nya makita si Lady Cithara.�

Napangiti sya sa sinabi ng isang 'yon. I like you girl! Sige ipaglaban mo ako para
sa Master nyo.

�Pero mas gusto ko si Lady Chata. Malakas ang personality. Alam mo ba parang marami
syang alam tungkol sa fighting skills. Hindi nya na kailangan ng lalaki para
ipagtanggol sya.� Katwiran nito.

Masasabunutan nya ang matsatsang ito. Build up ng build up kay Chata. Tingnan lang
natin.

�Yong prinsipe nga ang gusto n'on. Hindi sila bagay ng Master. Baka ma-under ang
Master natin.�

Korak ka dyan, sister! Si Evan ay para sa kanya. Nasaan nga ba ang lalaking iyon?

�Alam mo ba may gwapong bisita si Master. Aron yata ang pangalan n'on. Kinikilig
ako kapag ngumingiti sya. Saan kaya napadpad ang master natin at ang gwapo nyang
mga kaibigan.�

Huh?! May bisita pa si Evan? Wala yata syang napansin na dumating na sasakyan.
Sabagay apat ang gate roon. Sa lawak ng lugar imposibleng mamonitor nya kung sino
ang dumating o umaalis. Specially kung malayo sya sa mga taong iyon.

Malayo. Hmn... Pwes, lalapit sya ngayon. Hindi sya pahuhuli dahil tiyak na
magagalit si Evan. Tutal ang alam ni Evan eh, masakit pa ang sakong nya. Nagdadrama
lang naman sya. Gusto lang nyang makita kung paano iyon mag-alala. Lalo kasing
nagiging gwapo. She really love his eyes. Mapupungay. Nangungusap.

Paano kaya sya makakarating doon ng hindi mapapagod? Ang layo ng distansya. Aha!
Sasakay sya kay Black Knight. Tama!

Nagtungo sya sa kwadra. Hinanap nya sa mga nakahilerang kabayo si Black Knight.

�Hello, Black Knight!� Bati nya sa kabayo.

�Ay, Lady Cithara. Bakit kayo narito?� Tanong ng isang tagapaglinis ng kwadra.
�Gagamitin ko si Black Knight.�

�Naku, pinagbawalan na po kaming lahat ni Master Evan na hindi pwedeng ipagamit ang
alinmang kabayo. Mahigpit nyang ibinilin iyon. Kung gusto nyo raw po mangabayo
sabihin nyo raw po sa kanya.�

Code Name: Prince by Sky

CHAPTER 7

INIS na bumalik si Cithara sa may labyrinth garden. Nagpagod pa syang makarating


doon wala rin pala syang mapapala. Kung maglalakad sya baka matuluyan ang pag-arte
nyang masakit ang paa. Kung sana naroon lang ang susi ng sasakyan na iyon. Namataan
nya ang isang sasakyan na ginagamit nila Evan kapag nag-go-golf. Hindi pati iyon
mapupuna dahil tahimik ang makina noon.

Patalilis syang lumapit roon. Laking tuwa nya ng makitang naroon ang susi. Binuhay
nya ang makina. Minaneho nya ang sasakyan papuntang East side. Nagmasid-masid sya
sa paligid. Sana lang walang makakita sa kanya.

Bumaba sya ng sasakyan. Nawala sa isip nya ang kanyang pakay ng makita ang disenyo
ng hardin roon. Kweba ang style ng mga vines sa lilim noon ay may upuan. Romantic
doon magdate.

Speaking of Evan. Nahagip ng mata nya ang isang iyon sa isang cave-like shade.
Kahit nakatalikod alam nyang si Evan iyon. Kasama nito ang Chata na 'yon. Hate nya
na ang place na `to dito pala nagkakasarilinan ang dalawa.

Kumubli sya. Masinsinang nag-uusap ang dalawa. Napansin yata sya ng babae,
tumitingin sa gawi nya. Dali-dali syang umalis. Binalikan nya ang sasakyan. Atleast
kung magsumbong iyon kay Evan wala na syang aabutan. Inis talaga sya. Bumalik sya
sa kanyang tambayan. Doon sya nagpalipas ng oras.

�LUMABAS ka dyan.� Utos ni Chata kay Cithara.

Paano kaya nalaman ng isang 'yon na narito sya. Sinundan pala sya. Ano ngayon ang
gusto nitong palabasin? Kala mo kung sino makautos. Hinayaan nyang magsalita ng
magsalita. Nanlaki ang mata nya ng pumulot ng bata. Babatuhin nga sya. Hinagis ang
bato sa gawi nya. Alam ang eksaktong lokasyon nya. Wala syang choice kundi
lumantad.

�Anong narinig mo sa ping-usapan namin ni Prince?�

Prince? Sino ang tinutukoy nito? Si Evan ang alam nyang kausap nito.

�Hindi ko alam ang sinasabi mo.�

�Bakit ka nakarating sa East side. Pinagbawalan ka ni Prince na pumunta roon. Kung


hindi ka nakita ni Prince, pwes ako nakita kita.�

�Pwede ba. Hindi kita kilala. Prince ka ng Prince si Evan ang nakita ko hindi ang
prisipe mo. Wala akong narinig.� Napipikong sagot ni Cithara.

�Your looks deceived him. Tigre pala ang iniingatan nya. What's your name, Prince
don't bother to mentioned.�

�Evan ang pangalan nya. At ako si Cithara tandaan mo `yan.�


�Finally, Cithara. A name came from musical instrument.� Nangingiting wika ni
Chata.

�Ikaw, kung sino ang gusto mo sabihin mo na kaysa magpaasa ka pa. `Wag kang
salawahan. Pumili ka kung si Evan o ang prinsipe. Nakakasakit ng damdamin ang tulad
mo.� Naguluhan si Chata sa sinabi nya.

�Nagseselos ka ba?� Panghuhuli nya.

�Hindi!� Gigil na sagot nya.

�Sige ka malay mo i-consider ko si Wallace. Ibabalato ko sayo si Evan. Or I'll have


them both.� Sinundan pa ng nakakainis na tawa.

�Oras na saktan mo si Evan mananagot ka sa akin.�

�You can't beat me. I'm sure of it.� Seryosong wika ni Chata.

Walang paalam na tinalikuran sya. Sinadyang puntahan sya roon para lang inisin.

Bawal sya pumunta ng East side pero ang mga ito nakakarating doon. Unfair naman
yata.

Pasalampak syang naupo sa damuhan. Sirain ba naman ang mood nya. Akala mo kung
sino.

�Akala mo kung sinong maganda. Ipulupot ko `tong mga tinik na ito sa katawan nya.�
Inis na wika nya habang pinagbabali ang tangkay ng rosas.

�Aray!� Daing nya ng matusok sya ng tinik ng rosas.

�Ha-ha-ha!� Somebody laugh at her. Nagpalinga-linga sya sa paligid. Walang tao.


Nasaan ang natawang iyon. Alam nyang nasa malapit lang.

�Hey! Up here.�

Nasa puno ang taong iyon. Sinadyang kalugin ang sangang kinaroroonan para makita
nya. Lumapit sya roon. Nakita nya ang isang lalaking naka-white polo shirt na may
kwelyong asul at may pa-horizontal na design sa gawing dibdib. Naka-slacks na black
at blue converse shoes. May gloves sa kamay na usually gamit ng mga bikers. May
suot pa iyon na blue cap. Nakasuot patalikod kaya kita nya embroidered name- Aron.

�Paano ka nakarating dyan?� She didn't noticed him.

�I climbed.� Maikling tugon nito.

�Bakit hindi kita napuna?�

�I dunno! Wait there.� Pagkasabi noon, lumundag ito pababa. Saka nya natitigan ng
maayos. Gee! Gwapo nga! Bilugan rin ang mga mata tulad nya. She would like to
describe him as beautiful man. Malamig na malamig ang boses.

�Hi! I'm Aron. Hindi mo kakampi ang mga rosas. Kay Black Rose `yan so don't touch
them again. Wika nito. Kinuha ang kamay nyang natinik at walang babalang isinubo
ang hintuturo nya na may dugo. Nagulat sya sa ginawa nito. Ang weird ng isang `to.
May sa

maginoo yata ang mga kaibigan ni Evan.


�Anong ginagawa mo sa taas ng puno, ha?� Usisa niya.

�Hiding!�

�Nagtago ka pa kung magpapakita ka rin naman pala. Uhm... tama na nakikiliti na ako
at saka baka maubos na ang dugo ko.� Aniya. Naaasiwang binawi ang kamay.

�Oh, there you go.� Saka ngumiti kay Cithara.

Cool! Kaya pala nababaliw ang mutsatsa kung magkwento. Astig nga ang dating nito.
Type nya ang porma ng isang `to. He's like a teenage campus heartrobe.

�Get away from her. Mind your business, Aron.� Seryosong wika ni Evan. Nasa likuran
na pala ni Cithara. Pasulpot-sulpot ang mga iyon. Bakit hindi nya namamalayan?

�I do! We just had a little chit chat.� Pa-cute pang wika nito. Lumakad patungo sa
direksyon nila.

�He's jealous.� Bulong nito ng mapatapat sa kanya.

�Hey! Prince. Mind if we go at Coast Arzasuana? I mean Cithara and I.�

�No, she's going anywhere with you. You deal with Peggy not to her.� He hissed.

�I thought so. See you around, Cithara.� Paalam ni Aron. Kumaway pa sa kanya.

�See you again, cute guy.� Kumaway-kaway rin sya. She giggled. Hindi nya alam kung
bakit sya parang kinikiliti. Totoo kayang nagseselos ito? Look at him. Natigil sya
sa ginagawang pagkaway. Ang sama ng tingin ni Evan sa kanya.

�Now, Lady. Did I told you to stay in this area. Ang tigas ng ulo mo. Sabi kong
`wag kang pupunta ng East side.� Galit na kompronta ni Evan sa kanya.

�Hindi ako pumunta roon, ah. Nandito lang ako `no. Sino bang nagsabi sayo ng
kasinungalingan na `yan!� Pagtataray nya sa lalaki.

�Don't play games with me, Cith. Itatanggi mo pa, and what do you think your doing
with Aron. Sasama ka ba sa listahanan ng mga tangang babae na pumatol sa kanya.
Peggy is obsessed to him so if you want to be safe, keep away from him. Get it.�

�Wala kaming ginagawa. He's just being nice to me.� Katwiran nya.

�Kung ayaw mong ikulong talaga kita sa kwarto mo. `Wag kang lalapit sa kanila.�

�Bakit ba bawal? Mas maganda doon, eh.�

�Pareho lang. Huwag mong sagarin ang pasensya ko.�

�Magkaiba nga eh, iba ang hagdan, structure, ang garden, ang view pati mga tao roon
iba kaya hindi pareho.�

�Hinahamon mo talaga ako.� Nagbabantang wika ni Evan.

�Oo.� Matapang na sagot ni Cithara.

Dahila sa sinabi nyang iyon walang babalang pinasan sya ni Evan. He really mean
what he say. At ngayon patungo ito sa loob ng mansion.

�Put me down! Help! Evan will gonna kill me. Help!� Sigaw nya. Nagwawala habang
pasan-pasan nito.

�Keep your mouth shut.� Babala ni Evan.

�No, let me go!� Nahihirapang umakyat si Evan ng hagdan dahil ang likot nya.

�Really, huh? Okay I'll gonna drop you up there, so you'll be roll down there.�

Siraulo 'to ah. Ihuhulog sya sa pinakataas ng hagdan para gumulong pababa. Umiral
na naman ang pagiging brutal sa mga babae.

�Now, you're behave.� Nasisiyahang wika ni Evan ng manahimik sya.

�Back to work.� Sigaw ni Evan ng mapuna ang mga servant na nakikiusisa sa ginawang
pagtili ni Cithara. Tila napahiya ang mga iyon at dali daling nagsipagbalikan sa
kanilang mga

gawain.

She'll dealing with Evan now. Ikukulong yata sya. What else? Tuloy-tuloy sila sa
kanyang silid. Ibinaba sya sa kanyang kama.

�Now lady I think I should punish you. Pinag-iinit mo ang ulo ko since the time na
dumating ka rito. Don't ever talk to Aron again or to anyone from my visitors.�
Evan spoke as real master. She forgot he is a master. Ngayon nya matitikman ang
batas nito.

Bakit ba ang daming bawal? Hindi nya alam kung bakit nanganganib sya sa taong
nagngangalang Peggy dahil makikipag-usap lang sya kay Aron. Pasulpot-sulpot pati
ang mga iyon. May mga taong binabanggit na hindi nya kilala.

�This country is huge, I should express my freedom.�

�I would like to remind you, I am the law here. I rule in this place. When I say
no-no!� Hindi nya matapos-tapos ang debate nila ni Cithara.

�Ang sabihin mo nagseselos ka lang.� Inis na bara nya rito.

�I'm not.�

�Yes, you are.�

�No.�

�Yes! You do.�

�Okay, fine, You win, I'm jealous.� sukong wika ni Evan.

�Y-You do?� Mulagat na bulalas ni Cithara. Ang duke ng Alansor may gusto sa kanya.
Gustong pumalakpak ng magkabilang tenga nya. Mapapahiya ang mutsa-tsa na `yon. Teka
anong itsura ng mutsa-tsang `yon? Ah, basta wala syang pakialam.

�Why?� Kinokontrol nya ang nararamdaman para syang sinisilihan. Kinikilig sya. Oh,
boy!

Hindi sumagot si Evan. Tinalikuran sya. Bumalik na naman ang ugali nito noong nasa
France sila.

�You won't leave your room until I told you so. Don't bargain with me, Cith.�
Hmp! Ano ba `yan. Binitin sya. Ang lokong `yon gan'on lang. Ibig sabihin bawal
syang lapitan ng mga cute at gwapo kasi magseselos ang lolo mo pero nakikipagkita
sa Chata na `yon. Paano naman sya? Unfair `yon, ah.

O, sige na nga. Magpapakipot na lang sya para makaganti-ganti sya kahit paano. Kung
hindi lang ba pampalambot ng tuhod ang mga titig ni Evan nunca na sundin nya `yon,
`no. Sige, magbubuhay prinsesa sya tutal ayaw syang palabasin.

�One more thing, Cith.� Pahabol ni Evan. Sumilip sa pintuan. Napabalikwas ng bangon
si Cithara.

�I put surveillance camera on entire mansion so you won't be out of my sight.�

�Sumosobra ka na!� Asar na wika ni Cithara. Hindi naman sya masyadong mahigpit ng
lagay na `yon. Ano `yon, bibitbitin ni Evan ang monitor. Hmp! Over naman kung
makarenda sa kanya.

Pwes kung ayaw syang palabasin hindi talaga sya lalabas. Kahit sabihing makakalabas
na sya hindi pa rin sya lalabas.

NAGTAGUMPAY si Cithara sa kanyang plano. Evan went to her room. Two days na syang
hindi nalabas ng kanyang kwarto kahit hindi iyon naka-lock. Hindi maipinta ang
mukha ni Evan.

�Come on, Cith. Where do you wanna go ?� Tanong ni Evan sa babae.

Kanina pa sya hindi pinapansin. He's loosing his patience. Pinagmumukha syang
tanga. Parang nakikipag-usap sya sa hangin samantalang ito prenteng naka-upo sa
tapat ng malaking

bintana.

�I'll be the one who will gonna you around. Anywhere.� Naiinis sya. Cithara seems
not to be interested. O, galit ito sa kanya.

�Are you mad at me?� Tumingin si Cithara sa kanya saka inirapan.

�Cithara, please stop acting like a child. Stop this nonsense coldness, Let's go.�
Hinawakan nya ang kamay nito. Pumiksi si Cithara.

�Cithara,huwag mong ubusin ang pasensya ko!� Sigaw ni Evan.

�Huwag mo akong sigawan. Sabi mo huwag akong lumabas. I did. Ayokong umalis masakit
ang paa ko. Iba na lang ang isama mo.�

�You're coming with me and that's final.�

Pinanindigan ni Cithara ang kanyang drama na masakit ang kanyang paa. Evan carry
her through outside the mansion. Paglabas nila naroon ang kabayong si Black Knight.
Isinakay sya roon.

�Damsel in distress.� Aron smile. �Can I come?�

�No.� Mabilis na sagot ni Evan. Natawa si Aron.

�Why not? The three of us could enjoy.� Pangungulit ni Aron.

�We need some privacy. Three is a crowd. We want to be alone.� Sumampa na rin sa
kabayo. Tinitigan ng masama ang lalaki.

�Bye, Cith. Enjoy your time with Prince. If not, just call me.� Pang-aasar ni Aron.

Nginitian ni Cithara ang lalaki. Aron seems to be always cool. Biglang pinatakbo ni
Evan ang kabayo. Napakapit sya sa braso ni Evan. Sinadya yatang patakbuhin ng
mabilis ang kabayo. Para tuloy syang tuko na nakakapit rito. Takot na malaglag.

NAPATITIG si Cithara kay Evan. Bakit nasa Will Forest sila? Akala nya ayaw na ayaw

ni Evan sa lugar na iyon. Bakit doon sya dinala?

�I know you like this place but still dangerous, We're not alone here. We have
bodyguards. I told them to hide.� Wika ni Evan.

Natanaw nya si Harsha, may kasama iyong mga servant. Naghahanda ng pagkain para sa
kanila. Secure ang area kaya doon sya dinala nito. Pinagplanuhan talaga ni Evan ang
pagpunta roon. Maganda ang pwesto na napili ni Harsha. Nasa tabi ng ilog at tanaw
ang mga bulaklak na kinukuhanan nya ng larawan noong nakaraan.

Maingat syang ibinaba ni Evan mula sa kabayo. Bigla syang nagutom ng makita ang
pagkain sa lamesa. Mahilig sya sa matamis. Gusto nyang kainin ang cake roon.

�Harsha, can I have the cake?� Aniya. Tumango si Harsha. Kumuha sya roon. She don't
mind the servant. Sya ang kumuha, ayaw nya ng pautay-utay. She took the one forth
of the cake. Humanap sya ng kompartableng pwesto.

May natanaw syang puno na nakausli ang malaking ugat na malapit sa tubig. Doon sya
pumwesto. Napakalinaw ng tubig. Buti walang nakaisip na dumihan ang ilog na iyon.

�Gusto mo?� Tanong nya kay Evan ng tumabi ito sa kanya.

�Sure.� Inagaw sa kanya ang hawak na tinidor.

�Teka.� Protesta nya. Ginamit nito ang kanyang tinidor. Ibinalik muli sa kanya.
Ngumiti.

Nagkatitigan sila. Umiwas sya ng tingin. Itinuon ang pansin sa pagkain. Pakiramdam
nya namumula sya. Hindi nya alam kung bakit nahiya yata sya. Na-conscious.
Samantalang pasaway sya.

Nang lumingon muli sya kay Evan may hawak itong baril. Nanlaki ang mata nya. Saan
nito nakuha ang baril na iyon?

�Come. I'll teach you how to use this.� Yaya sa kanya ni Evan.

Napatayo si Cithara. Iniwan nya ang hawak na platito. Lumapit sila sa may tubig.
Kitang kita ang mga isda na lumalangoy. Karamihan karpa ang mga naroon.

Ikinasa nito ang baril. May silencer iyon kaya hindi makakatawag pansin sa sino
man. Pumwesto si Evan sa likod nya. Pinahawak sa kanya ang baril. Inalalayan sya
nito. Inasinta ang isda sa tubig. Pinaputok ang baril. Hindi tinamaan.

Nanginginig sya. Ang lakas ng pwersa kapag pumuputok ang baril bukod sa mabigat pa
iyon. Binitiwan nya.

�Watch.� Wika ni Evan. Pinaputok nito ang baril ng sunod-sunod. Ilang sandali lang
nagsilutangan ang mga isdang inasinta nito. Napahanga sya sa galing nitong
umasinta. Bihasa sa paghawak ng baril.
�Wanna try again.� Alok nito.

�No.� Tanggi nya. Naglakad-lakad sya sa unahang bahagi ng ilog na iyon. Naa-attract
talaga sya sa paligid. Hindi nya napigilang magtampisaw sa tubig. Pinapanood lang
sya ni Evan. Nang mapagod sya umupo sya pero ang paa ay nakalublob sa tubig.
Malamig ang tubig ng ilog. Maginhawa sa pakiramdam.

Evan jump to the rock kung saan sya nakaupo. Ginaya sya nito. Evan laughed. He
seems to be happy while doing that.

�Evan you're a sharp shooter. Where do you learn how to use gun and why do carry
gun?� Magkasunod na tanong ni Cithara.

�Wrong question. It should be, how many people did that gun killed.� Biro nito.

�You did?�

�It's for self protection, Cith... This place is called Menean Seedspread. See
those bed made of flowers? My sister own that.� Turo ni Evan sa malawak na
halamanan ng mga iba't

ibang uri ng bulaklak. May naaninag syang kalungkutan sa mata ni Evan.

�May kapatid ka?�

�Makulit sya, madaldal, magulo... maingay at maganda tulad mo. Nakikita ko sayo ang
katauhan nya. She also love this place.�

That moment parang ang bigat ng pakiramdam ni Cithara. Ibang Evan ang nakikita nya.

Puno ng lungkot at sakit. Noon nya lang nakita si Evan na ganoon.

�This place is very memorable. Puno ito ng masayang ala-ala. We used to picnic here
when I was a kid. Kasama namin ni Menea sila Harsha pati sina Mama at Papa. Ang
masakit dito rin nangyari ang trahedya sa pamilya ko. Inasassinate ang pamilya ko
at sinunog ang bahay namin. When you walk ahead you'll see the ruins of our old
rest house there. Pati si Menea kasamang nasawi.

I'm just lucky to be out of the house. I always walk when I'm sleeping. I was
outside the house when it happened. Nagising na lang ako sa putok ng baril. I saw
our house was burning. Harsha was alive, I saw him bleeding. Tumakas kami. He took
care of me. After twenty year we're back. I let the resposible people pay for their
death.

Now, do you understand why you can't be alone here. They might still get even with
me after they discover I'm alive. Even though the mastermind is in jail, he might
ask somebody, to plan my death like before.�

Code Name: Prince by Sky

CHAPTER 8

NAPATANGO si Cithara. Umiiyak na pala sya. Wala syang kaalam-alam na ganoon pala
kasaklap ang nakaraan nito. Kung sya siguro `yon baka hindi na nya alam kung paano
pa mabuhay. Matapang si Evan kabaliktaran ng maamo nitong anyo. Parang si Merallia,
nakalimutan na nya ang kanyang kaibigan baka nag-aalala na iyon ng husto.

�Kung ganoon pala bakit dito pa tayo pumunta kung maaalala mo lang rin ang
malungkot mong nakaraan. Yan tuloy napaiyak ako.�

�Ssh...� Kinabig sya nito. Hinagkan sya sa noo.

�Nagustuhan mo kasi ang lugar na ito kaya dito ko naisip na dalhin ka. Nahihiya
kasi ako sayo hindi kita napagtuunan ng pansin. Nasisikipan ka na yata sa mansion,
eh, kaya ayaw mo ng lumabas ng kwarto mo.�

Natawa sya. Paano magiging masikip d'on, eh, pagkalawak-lawak. Aalog-alog sila
roon.

�Now you're laughing. I like that.�

�Evan, bakit Prince ang tawag nila sayo?�

�Remember the first time we met, I told I was born by other name in my past but my
name is Evan.�

�Prince pala. Tatawagin na rin kitang Prince para 'in' ako sa uso.� Aniya.

�Don't do that. You're the only one who called me in my real name.�

Napatingala si Cithara. Her smile faded. Nakatitig pala sa kanya si Evan. Para
syang nahi-hipnotize sa mga titig nito. Hindi sya pumalag ng ilagay ni Evan ang
kamay nito sa pisngi nya. Pagkatapos, dumulas sa baba nya. He slowly lift her chin.

Nag-uusap ang kanilang mga mata. Unti-unting lumapit sa kanya si Evan. Naramdaman

na lang nya na lumapit ang labi nito sa labi nya. Evan was actually kissing her.
She just close her eyes. Nagpaubaya sya.

Ikinawit nya ang kamay sa batok nito. Tinutugon nya ang mga halik nito. She can't
believed, she kissed like a pro. Parang kissing scene ng maxican couple ang
nangyayari sa kanila. It's intimidating. Basta pala magaling ang partner madaling
matutunan. She actually did the torrid kiss.

Tumigil lang sila ng maubusan ng hangin. Evan contineously kiss her on her lips.

�Oh, men you actually kiss her. Meaning she's yours.�

Tumugil si Evan sa ginagawang paghalik kay Cithara at hinarap ang abalang iyon.
Aron was on the other side of the river sakay ng kulay brown na kabayo. Hindi iyon
nag-iisa. May kasama iyong lalaki na singkit.

Namula si Cithara ng mapagtanto na may nanonood pala sa ginagawa nila.

�Anyway, Prince, thanks for inviting me here. I enjoy the show.� Wika ng singkit.

�I don't remember I invited you two here.� Asar na wika ni Evan.

�Is that so? Okay, we invite ourselves.� Nagtatawang wika ni Aron.

�She's cute when blushing.� Komento ng singkit kay Cithara.

�You disturbed us, Hajime. Keep on eye on your subject not to us.�

�You're more interesting than our subject. You may continue just pretend we're not
here.� Naaaliw na wika ni Aron.
Hinila nya palayo sa lugar na iyon si Cithara. Hindi sila tatantanan sa pang-
aalaska ng dalawang iyon. Nag-join force pa para bwisitin sya.

�They need some privacy.� Nagtawanan ang dalawa.

Tahimik silang dalawa ni Cithara habang naglalakad-lakad. Wala silang maisip na

sabihin sa isa't-isa. Nagkahiyaan sila dahil sa pambubuyo ng dalawang iyon. Bumalik


lang sila ng medyo napapalayo na sila. Iniiwasan nilang magkatitigan.

�Pasensya ka na sa dalawang iyon.� Hingi ng dispensa ni Evan.

�Ang gulo ng mga kaibigan mo.� Komento nya.

�No, not friend. Team mates. We're on the same organization.� pagkaklaro ni Evan.

�Nakakatuwa kayo. Pasulpot-sulpot ng hindi namamalayan.�

Evan laughed. �Wala ng kasunod. Tatlo lang silang narito.�

TIWANGWANG ang mga platito ng dumating sila. Ubos na ang mga pagkain na nakahanda
kanina. Inabutan nilang nag-iihaw ng isda ang mga servant. Namimingwit ng isda si
Harsha sa batong inuupuan nila kanina. Naroon pa rin sina Aron at Hajime.
Nakahilata sa damuhan.

�Harsha, bakit naubos agad ang inihanda nyong pagkain?� Tanong ni Evan.

�Eh, Master.� Kakamot-kamot sa ulo na wika ni Harsha. Nakatingin sa gawi nila Aron.

Ang dalawa ang salarin. Inubos ang kanilang pagkain. Salubong ang kilay ni Evan
habang papalapit sa kinaroroonan ng dalawa. Humabol si Cithara.

�Hey, Prince! Your back, we're done eating. I'm full. Your cook is great.� Wika ni
Hajime habang hihimas-himas ang tyan.

�I hope you enjoyed eating too, Prince.� Makahulugang wika ni Aron sabay sulyap kay
Cithara.

�Damn!� Gigil na mura ni Evan. Sinugod nito ang dalawa. Mabilis na nakabangon iyon.
Nakipagsukatan ng lakas si Evan sa dalawa. Tulala si Cithara. Hindi lang pala sa
baril magaling si Evan. Maging sa martial arts. Magaling ang tatlo. Pati ang mga
tauhan ni Evan ay nanonood na rin. Halatang ginagalit ito ng dalawa. Tawa kasi ng
tawa habang nakikipaglaban.

Nagtaka si Evan. Bakit maliksi pa rin kumilos ang dalawang ito? Mahirap kumilos
kapag busog. Napabagsak sya ng dalawa. Patawa-tawa ang mga loko-loko.

�Where are the foods?� Tanong ni Evan. Nakahiga sya sa damuhan.

�Okay ka lang, Evan?� Alalang tanong ni Cithara. Inalalayan sya sa pagtayo.

�We're lucky. He didn't use his gun.� Nakangising wika ni Hajime.

�Ilabas nyo na ang pagkain. Pikon na ang isa rito.� Utos ni Aron.

�They hide the food.� Bulong ni Evan kay Cithara.

�Akala ko inubos nila.� Paniwalang paniwala si Cithara na ubos na.


�Masyado silang maliksi para sa taong busog.� naiiling na wika nya. Sumakay pa si
Harsha sa kalokohan ng dalawa.

�Masakit ba?�

�I'm okay. Wala `yon. Siraulo lang ang dalawang `yan.�

�Pinakaba mo ako roon. Akala ko napuruhan ka na.� Nakahinga ng maluwang si Cithara.

�Talaga?! Kinabahan ka. Don't worry I'm good in fighting.�

�Pinagtulungan ka kasi.� Naiiling na wika ni Cithara.

�Mas mahirap kung isa lang ang kalaban ko. Hajime is expert in martial arts.
Matatamo ako ng maraming pasa kung one-on-one kami. Si Aron kung malapitan ang
labanan gumagamit ng harness na nakakahiwa sa laman ng tao. Parang gumamit na rin
sya ng patalim o ng samurai.�

�Then don't fight with them!� Galit na wika ni Cithara.

�What?� Hindi nya maintindihan si Cithara kanina lang nag-alala ngayon galit na sa
kanya.

�Gano'n naman pala, eh. Huwag ka ng makipaglaban para hindi machop-chop ang katawan
mo ng buhay. Engot ka talaga.�

�Ubusin na namin `to. Kung ano-ano pa ginagawa nyo dyan!� Sigaw ni Hajime.

�Lover's tiff!� Pang-iinis ni Aron.

�Okay, I won't.� Sukong wika ni Evan.

�Promise?�

�Promise. Come, let's eat.� Yaya ni Evan.

�Okay.�

�Whooo! Corny!� Sigaw ni Aron.

SINCE the time they went to Will Forest pasulpot-sulpot na sina Aron at Hajime kung
saan sila naroon. Ngayon, naroon ang mga iyon sa terrace ng kanyang silid naglalaro
ng chess.

�If you'le nothing having that face I'll gonna smash youl head.� Asar na wika ni
Hajime. Nabubulol sa pag-pronounce ng mga salita.

�Hindi kita dinaya kaya wag mong pagdiskitahan ang mukha ko. Nag-iisa lang ito sa
mundo.�

�Ano ba, kung mag-iingay lang kayo rito humanap na lang kayo ng ibang lugar.
Iniistorbo nyo si Cith sa ginagawa nya.� Saway ni Evan sa dalawa.

Nakamasid si Cithara sa tatlo. She's wondering why Evan told her that this two was
not his friend. Kung pagmamasdan, masasabi mo ng magkaibigan ang tatlo. Pare-
parehong magulo.

�She's not doing anything, Prince.� Sagot ni Hajime.


�Pero sabi nyo hindi kayo mambubulahaw. Kanina pa kayo asaran ng asaran dyan.�

�Eh, ikaw di ba may pupuntahan ka, bakit narito ka pa?� Sabat ni Aron.

�How can I leave when the two of you are here, huh?�

�Alibi.�

�Uhm... Evan, okay lang na nariyan sila. Mabuti nga `yon at hindi ako mababagot.

Masaya nga silang kasama, makukulit kasi.� Aniya.

�See, ikaw lang ang kontrabida.� Pang-aasar ng dalawa.

�I'm not t-�, natigilan si Evan ng may nag-buzzer. Somebody was outside Cithara's
door. Si Cithara ang nagpunta doon at nagbukas ng pinto. It was Harsha. Pinatuloy
nya iyon. May dala-dalang cordless phone si Harsha. May tawag para kay Evan.

�Master, tawag po para sayo.� Iniabot ni Harsha ang phone.

�Thank's!� Lumayo si Evan sa kanila upang sagutin ang tawag.

�Ano kayang feeling na maging isang duke?� Aron asked.

�I dunno. Maybe it's just the same being a multimillionaire or billionaire's heir.
Or a celebrity.�

�What do you think, Cith?� Baling sa kanya ni Aron.

�I've no idea. Hindi nyo kasi ako katulad. I'm just a simple photographer.� Komento
nya. Nagkibit-balikat.

�A photoglaphel... Maybe you look so innocent but you act like a foolish beat
that's why Plince like you.�Hajime thought while assembling the chess for another
round.

Hay naku! Hindi nya maintindihan si Hajime minsan matino magsalita minsan kinakain
na ang ibang letra. One time she heard he say pha-cent except of pronounce percent.
Sinasadya yata ng loko.

�Obviously, not my type.� Aron murmur. �Oh, don't be offend, Cith.�

Okay lang hindi rin ikaw ang type ko. Sa isip-isip ni Cithara.

�Tama kasi ang gusto mo ay may pulang buhok.�

�Are you reffering on Peggy? It's not red. Reddish-brown not red.� Pagtatama ni
Aron.

Naaaliw talaga syang pagmasdan ang dalawa parang bata.

�Now I know gusto mo nga si Peggy. Poor Aron, you can't have her with other girls.�

�Oh, shut up! Hindi ko sya hinahabol. You know me.�

�Whatever... Hey, Cith, have you seen Evan's collection?� Tanong ni Hajime.

Ay naku! Ang dalawang makulit na ito nasa kanya na naman ang atensyon. Ano
koleksyon ba ang sinasabi na mga ito?
�Yeah, he has plenty of guns. That could be somewhere in this mansion. He used to
smuggled guns. He will sold the guns. He will sold the guns and kill the buyer.�
Seryosong kwento nito.

�S-smuggled guns?� Hindi makapaniwalang saad ni Cithara.

�Mge tarantado! Kung ano-anong kwento ang iniimbento nyo. I'm a gun collector at
hindi smuggler.� Singit ni Evan. Tapos na makipag-usap sa telepono.

�Nag-e-enjoy silang asarin ka.� Puna ni Cithara.

�Alam mo kasi, Cith, tahimik `yang si Evan ngayon lang `yan dumaldal.� Pambubuko ni
Hajime.

�Can we change the topic.� Evan requested.

�Ayaw ma-turn off ang dahilan ng pagningning ng kanyang mata.� Tukso ni Aron.

Gusto ng umexit ni Cithara. Nasosobrahan ang pagiging makulit ng mga ito. Na-a-out
of place na sya. Saan sya pupunta? Kwarto nya `yon. Kung ano-ano kasi ang pinag-
uusapan.

THE phone rang. Evan answered it impatiently. He's looking at Harsha who stand
beside her, opposite to him. Nagbago ang expression ng mukha ni Evan. Galit na ito.

�How many times do I have to tell you, I won't buy your story! Katangahan ang
naisip

nyong palabasin. What a stupid idea. `Wag nyong idamay ang pangalan ng kapatid ko.
You're saying hawak nyo si Menea? What a pathetic plan. My sister died twenty years
ago. I'll gonna

hunt you maron!� Gigil na saad ni Evan sa kausap sa telepono.

Natuon ang atensyon ni Harsha kay Evan. He seems to be interested. Nababakas sa


mukha ni Harsha ang pag-aalala. Bakit kaya? Cithara thought.

�Mga hangal! Akala nyo maloloko nyo ako. I won't give any cent and I never talk to
a freak like you. Magtago kayo sa lugar na hindi ko kayo makikita. You did catch my
attention and I make sure na makukuha nyo ang hinahanap nyo mga lapastangan!� Sa
galit inihagis nito ang telepono sa labas.

�Easy, you're so mad.� Wika ni Aron.

�Hajime, track those phone calls. I need the exact location of that dummies.� Utos
ni Evan.

�Finally, genius on job. Gotta go!� Paalam ni Hajime. He went out.

�What bothers you, Evan?� Nangahas na magtanong si Cithara. Half frightened. Galit
si Evan.

�Those pompous idiot was trying to fool me na hawak nila si Menea. Katangahan.
Menea died. Hindi ko sila mapapatawad sa kalapastanganan nila.�

�Perhaps they might be telling the truth, Master.� Sabat ni Harsha.

Natuon ang atensyon nilang tatlo kay Harsha. Cool na cool pa rin si Aron.
Naguguluhan si Evan sa sinabi ni Harsha maging sya.

�Bakit mo nasabi `yan?� Tanong ni Cthara.

�Harsha, `wag mong sabihin na naniniwala ka sa mga baliw na `yon.� Sita ni Evan.

�Wait, men! The old man has something in mind. He knows something you don't know...
Let it out,we want to hear.� Seryosong wika ni Aron.

�Patawarin mo ako, Master. Buhay si Lady Nea, hindi sya kasamang nasawi ng mga

magulang mo. Nang gabing iyon nakita kitang lumabas ng bahay ng walang kamalay-
malay. Susundan sana kita pero naalimpungatan si Lady Nea. Sumunod sya sa akin.
Kailangan ko syang ibalik agad sa kanyang tulugan. Karga-karga ko sya ng bumalik
ako sa silid nya.

Hindi ko namalayan na may nakapasok. Naramdaman ko na lang na may humampas sa ulo


ko. Nawalan ako ng malay. Nasusunog na ang bahay ng magising ako. Naririnig kong
nagkakagulo. Maraming naiyak. Isa na roon si Lady Nea. Natakot ito sa putok ng
baril. May sugat rin iyon sa braso.

Itinakas ko sya. Isinakay ko sa kabayo. Aalis na sana ako ng makita kita. Hindi ko
alam ang gagawin ko. Itinali ko si Lady Nea sa kabayo. Papalapit na sa lugar namin
ang mga taong iyon kaya napilitan akong patakbuhin ang kabayo.

Hinanap kita sa kakahuyan. Nakatakakas tayo ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung
patay nga sya o buhay pero may posibilidad na buhay sya. Ipinagdasal ko na lang na
sana makaligtas sya. Iyon lang ang magagawa ko.

Patawarin mo ako, Master. Inisip ko na rin na maaaring patay na nga sya. Pero
ngayon nag-aalala ako. Maaari ngang sya ang hawak ng mga taong `yon.�

�I-I don't know what to say, Harsha. Aaminin ko. Galit ako sayo pero hindi kita
pwedeng kamuhian dahil utang ko ang buhay ko sayo. Alam ko ang sitwasyon natin
noon. Hindi kita masisisi. Isinapalaran mong makaligtas si Nea para lang hanapin
ako. We have to move. Kailangan kong malaman kung si Nea nga ang hawak nila.�

�Let's work on it.� Tumayo ito sa kinauupuan, dire-diretsong lumabas ng silid nya.

�Evan...�

�Cith, stay here. Ayokong lumabas ka ng mansion. Stay here, I still want to see you
here when I get back. Okay?� Mahipit na bilin ni Evan.

�O-okay.� Pilit na sagot ni Cithara.

They hurriedly went out. Naiwan syang mag-isa. Nag-aalala sya. Paano nga kung
totoong kapatid iyon ni Evan. Siguradong gagawin ang lahat ng mga iyon para lang
mahuli at mapatay ang magkapatid.

Wala man lang syang maitulong. Nagpasya syang lumabas ng silid. Nagtuloy sya sa
Angelus room. Doon, taimtim syang nagdasal para sa kaligtasan nila Evan. Napaiyak
sya habang nagdarasal. Ayaw nyang mapahamak si Evan at mga kasamahan nito.

Code Name: Prince by Sky


CHAPTER 9

FIVE days na hindi nakita ni Cithara si Evan. Gusto nyang abalahin si Chata baka
alam kasi ng isang iyon kung ano na ang nagyayari kila Evan. Iyon ay kung may alam
nga. May possibility na hindi ipinaalam ni Evan dahil kasalukuyang nasa stage iyon
ng honeymoon at ng prinsipe nito. Baka nga walang alam ang isang iyon. Naghahanda
rin maglipat ang isang iyon sa bagong biling beach house sa Coast Arzasuana.

Maging si Harsha hindi nya rin makita. Where could they be? Palagi syang nakatingin
sa labas ng kanyang bintana baka sakaling matanaw nyang parating ang sasakyan ni
Evan.

�Lady Cithara, hindi po ba ninyo nagustuhan ang lasa?� Tanong ng servant ng mapuna
na hindi nya nagalaw ang kanyang pagkain.

�H-ha?! Okay lang ako. Pasensya na, wala kasi akong gana. Matutulog na ako.
Pakidalhan na lang ako ng gatas. Ipasok mo sa loob.� Bilin nya.

�Baka ayaw mo talaga ng pagkain. Sabihin nyo lang, Lady Cithara. Mapapagalitan kami
ng master kung ganyan. Ibinilin nyang asikasuhin namin kayo. Magagalit sya kapag
nalaman nyang hindi ka kumain.�

Natigilan si Cithara. Inaalala sya ni Evan. Pinigil nya ang luhang gustong kumawala
sa mata nya. Pilit na ngumiti. Muli syang naupo at pinilit na kainin ang nasa
hapag. Paano sya makakatanggi kung ang taong inaalala nya ay nag-aalala rin sa
kanya.

She missed Evan. Hindi iyon mawala sa isip nya. Si Evan lang ang laman noon.
Madaling araw na kung matulog sya. She just keep on thinking about him.

Natigilan si Cithara. She realized, mahal nya ang taong 'yon. Nasuntok nya ang
kanyang dibdib. Palibhasang puso nya, pasaway! All the time she just thought of
having fun there. Ang

matreat ng pamasahe sa eroplano at ng masasarap na pagkain.

Paano pinili ng puso nya ang isang `yon na sumpong. Isang duke, misteryoso ang
pagkatao, maraming lihim. Hindi sya bagay sa isang `yon. Dapat pala hindi na nya
pinatagal ang pananatili roon. Umuwi nalang sana sya para tahimik na ang buhay nya.

Tahimik? Kahit kailan hindi na magiging tahimik ang buhay nya. She loved Evan. Na-
inlove sya sa duke ng Alansor. Suntok sa buwan ito, it's not adventure anymore. She
remember the time they kissed at Menean Seedspread in Will Forest. Could Evan feel
something for her or simply for fun?

�WHY are you sneaking to her room?�

Gulat na napatigil si Evan sa tangkang pagpasok sa kwarto ni Cithara. Isinarado nya


muli ang pinto at hinarap ang abalang iyon. Nasa likuran nya sina Aron at Hajime.
Nakahalukipkip ang dalawang iyon habang pailalim na tumitingin sa kanya.

�You two, what are you doing here?� Balik-tanong ni Evan.

�We asked filst. Prince, malayo ang kwarto mo buhat lito. Don't tell us na naligaw
ka sa salili mong tahanan.� Panunudyo ni Hajime.

�Kayong dalawa ang napakalayo ng narating. Anong sadya nyo rito?� Sita nya sa
dalawa.

�Kung anong dahilan mo, iyon ang dahilan namin.� Sagot ni Hajime.

�What?� Iniinis yata sya ng dalawang ito.


�Prince probably planning of making love to her.� Nakangising saad ni Aron.

�Isa ka pa. Bumalik ns nga kayo sa pinanggalingan nyo.� Taboy nya sa dalawa.

�Men, you're inlove.� Tumawa ang dalawa. He's inlove?

�Shut up! Get lost! You know I can't perform in bed right now.� Aniya.

�He's right. We can't watch a free show.� Malisyosong wika ni Hajime.

�Poor guy... We're out.� Aron exaggerately said.

Finally, tinantanan na rin sya ng dalawa. Maingat syang pumasok ng silid ni


Cithara. He found her sleeping peacefully. She could be at Nea's age. Limang araw
nya itong hindi nakita. Si Cithara lang ang babaeng hindi nya pinagtabuyan palayo
sa kanya. Maybe she's not into intentionally getting his attention. Inamin nya
pasaway minsan si Cithara. She loved natural attitude like his sister.

Umupo sya sa gilid ng kama. Patagilid na nakahiga si Cithara. Nakaharap iyon sa


kanya. Maaliwalas ang mukha, marahil maganda ang napapanaginipan. Pinisil nya ng
marahan ang ilong nito. He love to stare at her face. Such Asian beauty. Exotic ang
taglay na kagandahan.

Gustong-gusto nyang pagmasdan ang mukhang iyon na may taglay na mahabang pilik,
bilugang mata na maitim, makipot at mamula-mulang labi at may katamtamang tangos ng
ilong.

Hindi nya napigilan ang sarili. He found himself kissing the unconscious lady.
Pinangahasan nyang hagkan si Cithara. May chemistry sa pagitan nila. He enjoy her
company since the first time na nakita nya itong giniginaw sa sidewalk sa France.
Ibinigay nya ang suot na coat. Akala nya hanggang doon lang but she followed him.
Hanggang rito sumama ang dalaga. Ang gumulo sa tahimik na si Evan Wilserg.

NAG-INAT si Cithara. Mabuti't maaga-aga ng kaunti ang tulog nya kumpara sa ibang
gabi. Mahimbing ang tulog nya. She even dream of Evan kissing her on top of the
mountain. Weird, sa bundok pa yung venue ng kissing scene nila.

She stretched her hands. Natigilan sya ng tila may nabangga ang kanyang kamay. She
don't even remember of having a pillow- a hard pillow! May matigas bang unan?
Sinong nagdala ng matigas na unan sa kanyang higaan. She look at it.

Nanlaki ang kanyang mata. She screamed. Nahagip nya ang unan at inihampas ng

inihampas sa taong iyon. She found a man beside her. Wala syang katabi ng matulog.

�Ouch! Ouch! Stop it, Cith.� Daing ni Evan.

Natigilan si Cithara. Si Evan?! Tinitigan sya nito. Si Evan nga! Nakaboxer lang
ito. At may benda sa dibdib!

�Oh, Evan. I'm sorry. Are you okay? What happened? Bakit may sugat ka?� Sunod-sunod
na tanong ni Cithara.

�Cith, relax. I'm okay. Don't panic.�

�Okay. Anong nangyari sa lakad mo?� Now, he's here. She wanna know everything.

�We had an encounter with those junk. Negative, they don't have Nea. Accidentally,
I was shot here, below my shoulder.� Tinatamad na kweto nito.
�Oh, nakakadisappoint. Nag-alala ka pa naman ng husto. Si Harsha, nasaan na?�

�He confessed to me. Matagal na pala nyang ipinapahanap si Nea ng hindi ko alam. He
lead the search for Nea. Kung buhay pa nga ba o patay na. Hindi dapat ako nagalit
sa kanya. He cares for us. He likes a loving father to us.�

�I'm just glad your back. Pinag-alala mo ako ng husto.� Bigla na lang syang
napabulalas ng iyak. She's happy. Evan is back now. Hindi naman malala ang lagay
nito.

�Teka, bakit narito ka sa tabi ko? Hindi mo ito kwarto.� Tigil sa pag-iyak si
Cithara.

�Uhm...� Evan caught-off-guard. Tinatamad syang bumalik sa kanyang silid kagabi.

�Naglakad ka ng tulog papunta rito? Hindi ba talaga mawawala `yang sleeping


sickness mo?�

�I-I don't know.� Whew! Nakalusot sya. Baka paduguin nito ang sugat nya oras na
malamang sinadya nyang pumunta roon. Baka magalit lalo kapag nalamang hinalikan
nya. Minsan talaga hindi nya maintindihan si Cithara. Minsan maamo, minsan tigre.

Niyakap nya ito ng mahigpit. He missed her.

�CITH! Cith! Where are you?� tawag ni Evan kay Cithara. He went to her room, he was
holding a bouquet of roses with different colors. Inasar sya ni Aron. Hindi raw
iyon tatanggapin ni Cithara dahil inayawan na nito ang bulaklak ng minsang matinik.
Nag-init ang kanyang ulo ng maalala ang eksenang sinisipsip ni Aron ang daliri ni
Cithara.

�Where did she go?� Bulong ni Evan. Napokus ang atensyon nya sa bag ni Cithara. He
found something interesting. Ipinatong nya ang bulaklak sa kama. Pa-squat na naupo.
Pinagmasdan nya ang palawit sa bag. It reminds him of something.

It was small bells. Nakakabit iyon sa itim na belt. Tinanggal nya iyon sa bag. Its
genuine leather belt. Sinipat nya ang bell. May disenyo iyong kabayo at mga rosas.
Binaliktad nya ang belt. He found an engrave name. Snowry.

It can't be! Kinabahan si Evan. He open the bag. Nakita nya ang laman noon. Mga
memorabilia. Everything reminds him of one person. Suddenly, tears fall from his
eyes. He was crying. Para syang bata na umiiyak sa paanan ng kama.

�Cithara knew everything.� He went out of her room. Hahanapin nya si Cithara.

�Have you seen, Cithara?� Tanong nya sa servant na nakasalubong.

�Hindi po, Master.�

Nilampasan nya iyon. Nagmamadali sya. Kailangan nyang makita si Cithara sa lalong
madaling panahon. Kailangan nya ng paliwanag.

�LADY Cithara, nakasalubong ko si Master, hinahanap po kayo.�

Kunot-noong napatingin si Cithara sa servant. Ipinagpatuloy nya ang pagkain ng


orange. May natagpuan syang taniman ng orange at halos lahat ng bunga ay hinog na.
Kanina pa sya roon.

�Mukha pong galit si Master Evan.� Dagdag pa nito.


�Sige, pupuntahan ko.� Aniya. Pumitas sya ng tatlong orange. Oras na sigawan sya ng
lalaking iyon, pupuntiryahin nya ang sugat sa dibdib. Tingnan lang nya kung hindi
tumigil ang isang 'yon kapag naramdaman ang sakit.

Mukhang tinotopak na naman ng kasungitan. Wala naman syang ginawang masama. Hindi
naman siguro bawal kainin ang orange doon. Isa pa, hindi noon alam na nandoon sya.
Sige, magtututos sila.

�CITH, I trusted you. All there time, you keep on playing with me. You lied to me.
What do you want, huh? You keep on playing innocent!� Galit na salubong ni Evan ka
Cithara.

Parang hindi kayang titigan ni Cithara ang nanlilisik nitong mata. Pero teka, she's
not guilty for his accusation. Ano nga ba iyon? Wala syang ideya sa mga
pinaparatang nito sa kanya.

�Could you explain futher?� Kunot-noong wika niya. Bagama't mahinahon, malapit na
syang mapuno sa drama nito.

�Now, confess! Hanggang kaya kitang patawarin. Habang patuloy kang nagmamaang-
maangan, lalo akong maniniwala na sinadya mo ang lahat.�

�Bullshit! Straight to the point, Evan. I hate cross conversation!� Gigil na sigaw
niya.

�This! How could you explain this? All this time alam mo ang lahat tungkol sa akin
pero nagpapanggap kang walang alam.� Akusa nito.

Muntik ng matawa si Cithara ng ipakita ni Evan ang palawit ng bag na dala nya. Ang
OA naman nito. Dahil lang doon kaya ito nagkakaganoon. Sa inis nya, ibinato nya
rito ang isang orange. Sapol ang sugat nito. Nagdugo iyon sa lakas ng impact.
Sariwa pa ang sugat ng lalaki. Hindi natinag si Evan.

She could see from his eyes na nasaktan ito. Mula sa kaibuturan ng puso nito. She
don't

know why he was hurt. May hindi sya naiintindihan sa pangyayari. Nilapitan nya ito
pero tinabig sya.

�`Wag kang lumapit sa akin. You hurt me. Sinungaling ka, mapagpanggap. Wala kang
ipinagkaiba sa mga ipinagtabuyan ko. What do you want? My money? You're the best
performer I've ever seen.�

Napaiyak si Cithara sa sinabi nito. Pakiramdam nya, talagang malaki ang kasalanan
niya. Grabe, dahil lang doon galit na galit na ito. Nakakapraning! Anong mayroon sa
leather belt na iyon? Wala namang halaga iyon. Ang sama ng lokong ito para
paratangan sya ng kung anu-ano.

�That's suck! Easy, men. Mabubutas ang eardrum ko. Anyway, you've got a hot girl
out there. Kaya pala ayaw mo na kay Cith dahil may bago ka na, ha! This is not the
way of getting rid of your lover. Tsk! Tsk! Tsk!� Naiiling na wika ni Aron habang
papalapit sa kanya.

�We're not yet through, stay here!� Matalim na sulya ang ibinigay sa kanya ni Evan
bago ito umalis.

�What happened, Cith?� Marahang tanong ni Aron.


Napayakap sya rito. Napahagulgol sya ng iyak. Pakiramdam nya nakahanap sya ng
kakampi sa mga oras na iyon. Ibinuhos nya ang sama ng loob.

�Sinigaw-sigawan nya ako dahil lang sa leather belt na iyon. Pinaratangan nya ako
ng kung anu-ano. Sa aso pa yata `yon, eh. Siguro kanya `yon pero ang alam ko
nakalagay na `yon sa bag ni Merallia.� Sumbong ni Cithara. Natawa si Aron.

�He did that? Ganoon ba kababaw si Evan?� Pati si Aron naguguluhan rin.

�Uuwi na ako sa amin. Ihahatid mo ako sa airport di ba?� Pagsusumamo nya.

�S-Sure, pero I think may na-misunderstood lang rito. Linawin mo kaya muna kay
Prince before you decided to leave. Importante ka sa kanya.�

Sya importante? Kalokohan! Matapos syang sigaw-sigawan at paratangan ng kung anu-


ano. Siraulo rin si Aron, batukan nya kaya.

�Go after him, Cith. Oras na gawin nya uli `yon, see that two orange in your hands.
Ibato mo uli sa sugat nya ng hindi na gumaling. Kung kulang pa just tell me isang
drum pa ang ibibigay ko sayo. I'm sure, kapag naubos mo `yon may makukuha pa tayong
isang timbang orange extract.� Sulsol pa nito sa kanya.

Natawa sya sa sinabi nito. Hindi lang pala ito cool may pagkakomedyante rin pala.

�Serious, Cith. Bumalik ka sa akin and I'll take you back home.�

Tiningnan nya si Aron. Ramdam nya ang katapatan sa mga sinabi nito. Nabuhayan sya
ng loob sa sinabi nito.

�Sana ikaw na lang ang nagpagulo sa mundo ko.�

�Oh, no! Please, tama ang isang taong humahunting sa akin. Ayaw ko ng dagdag.� he
said coyly.

�Sira! Hindi kita ha-huntingin `no!� Pinunas nya ang luha sa kanyang pisngi.

�Not you. Prince would.�

Duda sya roon. But she made up her mind. If Evan would not clear this once and for
all, uuwi sya. Hindi sya tanga may pride din sya `no.

�Sige, susundan ko sya at babatuhin ng orange. Magpakuha kana ng isang drum.�


Nakangiting wika nya kahit nagdurugo ang puso nya.

�Go, Cith. Tutulungan pa kita.�

�Thank's, Aron.� Huminga sya ng malalim. Tumingin sya kay Aron bago nya inihakbang
ang paa. This is it. Hindi na nya iyon patatagalin pa. Handa sya kahit ano pa ang
maging desisyon ni Evan.

Code Name: Prince by Sky


CHAPTER 10

NASA library si Evan ayon sa napagtanungan ni Cithara. Mayroong bisita si Evan at


alam nya iyon. Kung kalabisan ang gagawin nyang pang-aabala, wala syang pakialam.
Masyadong irreasonable ang lalaking iyon para sigaw-sigawan lang sya. Wala syang
pakialam kung Master ang tawag ng lahat kay Evan. Porke duke ito gaganunin na sya.
It's unfair!
Binuksan nya ang pintuan. Maingat syang pumasok. Laking tuwa nya ng makita kung
sino ang bisita nito. Si Merallia. Ang kaibigan nya. Ngayon, nakahanap sya ng
kakampi. Nagpunta roon ang kaibigan para sunduin sya.

She was about to run when her excitement fades. Nakita nyang hinahagkan ni Evan ang
kamay nito. Merallia was happy indeed. Evan could propose to her. Saka nya naalala
na may kakilalang duke si Merallia. It's Evan! She must be inlove. Halos madurog
ang kanyang puso ng makitang magkayakap ang dalawa. Ang bigat-bigat sa dibdib. Ang
hirap huminga.

Halatang masaya rin si Evan. They must be lovers from the start. At sya, nagtaksil
sya sa kanyang kaibigan. Umibig sya sa lalaking para dito. Napaluha sya. Bigo sya.

�C-Cith?!� Gulat na wika ni Merallia pagkakita sa kanya. Kumalas ito sa


pagkakayakap kay Evan. Mabilis itong lumapit sa kanya.

�Oh my goodness! Oh! Cith, I'm so sorry I lost you. Please forgive me. Mahabang
kwento ang nangyari sa akin.� Niyakap sya ng kaibigan.

Napapikit sya at gumanti ng yakap sa kaibigan. It's over now. Ang paglalakbay ay
tapos na.

�M-magkakilala kayo?� Hindi makapaniwalang tanong ni Evan.

�She's my friend. My bestfriend.� Sagot ni Merallia.

Bestfriend ang turing sa kanya nito. Nakakahiya. Wala syang masabi.

�Thank you, you found her. Ikaw pala ang nakakita sa kanya. I'm so worried about
her. She don't have anything when we apart. It's all my fault.�

Tahimik lang nakatitig sa kanya si Evan. He feel sorry. Iyon ang nakikita ni
Cithara for his expression. For what? Sa lahat ng nangyari. Great!

�Don't worry Merallia, he-he took care of me. I'm glad I see you cause I wanna go
home.� Garalgal na wika nya. Masaganang dumaloy ang luha sa mata nya.

�I'm sure you missed your family. But I wish you postpone it cause I want to stay
here for a week.�

�It's okay if you wanna stay. I'll gonna go home with or without you.�

�Nakakalungkot naman kung kailan tayo nagkita saka ka aalis.� Reklamo ni Merallia.

�Just give a call when you're home already.� Aniya.

�Cith, this my home. I'll just visit you.�

�Yeah.� Oo nga naman, syempre doon na `yon titira, fianc�e, eh.

�Bye, Merallia. Uuwi na ako.�

�Ngayon na?!� Shocked na wika ni Merallia.

�I'm sorry, I can't stay longer.�

�Masyado ka namang nagmamadali.� Puna ni Merallia.

�Maraming nangyari. All I want to do is to go home. I'm sorry, I just really can't
stay.� Nagmamadali syang umalis sa lugar na iyon.

�Cith, wait. Ihahatid kita.� Habol ni Merallia. She was gone.

�Masama ang loob nya sa akin. Galit sya sa akin. I'm sure of it. Napabayaan ko sya
sa France. I'm so irresponsible. Dinala ko pa kasi sya doon.� Paninisi nito sa
sarili.

�You're wrong. She can't stay because of me.� Malungkot na wika ni Evan. Napangiwi
sya sa naramdamang kirot sa sugat.

�Are you, okay? You're bleeding.� Alalang wika nito.

�I'm fine. She's mad at me. May nasabi akong hindi maganda sa kanya.� he was fool.
Ngayon nya napagtanto ang pagkakamali nyang iyon.

�What have you done to her?�

�She don't know anything about you, right? And, about this thing.� He show the
leather belt.

�That's mine, alright. She carry my bag. Yeah, right. She don't know about me,
about you and that thing. I just ask her to accompany me.�

�Damn! It's my fault. I hurt her.� Amin nya.

�What?! You hurt my friend. Oh, damn you! You're a jerk. This is all I've got. Very
nice welcome home.� Gigil na sumbat nito.

�Look, Nea. Alot of things happened when your not here. I just carried away by my
emotion. I accused her of being traitor. I thought she knew everything and she plan
to be close to her subject. I though-Oh, I'm sorry. I should ask her first before I
condemn her as what I thought.� Nanlulumong wika nya.

Isang sampal sa kanang pisngi ang natanggap nya buhat sa long lost sister.

She's mad but It can't be seen through her face. She manage to have poise. Ayos ang
composure nito. A grown-up, Menea.

�I can't believe you did that. Akala ko ay kaya sya iyak ng iyak ay dahil sa akin.
Ikaw pala ang dahilan. How could you!�

�Look, kung nasaktan ko sya nasaktan rin ako. Now, I can't face her anymore. I loss
her.�

�Is there something go on with the two of you?� Lover's could have that kind of
quarrel. The woman always runaway. Duda syang naghihintay ng sagot sa nakatatandang
kapatid. Hindi makasagot si Evan.

�What!� Bulyaw ni Menea who happened to be Merallia.

�We have mutual understanding. Not formally.� Pagtatapat nya.

�What are you doing here? If you can't loss her then go! Go after her or forever
blame yourself. It's now or never. Mabilis magpatawad si Cith. Bilisan mo, `wag
kang tumunganga sa harapan ko.�

�Thanks sis! I'll see you later.� Nagmamadaling paalam ni Evan.


Paglabas nya sa library hindi nya alam ang direksyong pupuntahan. Suddenly, he
curse the huge mansion. Ngayon, saan nya hahanapin si Cithara? Bahala na. He ran.

Tinakabo nya ang distansya mula sa library hanggang sa silid ni Cithara.


Unfortunately, she's not there. Saan nya hahanapin ngayon ang isang `yon ngayon?
Baka nga umalis na iyon ng tuluyan. Dumukot sya ng cellular phone sa bulsa. He
called. He must locate Cithara immediately.

�YOU'RE too fast. Are you sure you want to leave?� Naninimbang na tanong ni Aron
while hanging on the branch of a three.

Napabuntong hininga si Cithara. She make a decision and that's final.

�Yeah, let's go. Thank you so much, Aron. You're nice to me.�

�No problem. You don't pack your things?� Puna sa kanya. Wala syang dala kahit ano.

�I don't have any things to pack. I'm traveling without any baggage.�

�In that case. Let's go!� He jump down the tree. �Wait here.�

She wait for a moment. Pagbalik nito may dala na itong kabayo. She can't imagine.
Nakakabayo sya papuntang airport? Inaasar yata sya ni Aron.

�Hop in.� Inilahad nito ang kamay para maalalayan sya sa pagsampa sa kabayo.

�You're crazy. We can't go there with this.� Komento nya.

�Sure we can.� He grinned.

Pinasibat na nito ang kabayo. She made her final glance at the entire place. Hindi
na sya muli makatutungtong roon. Then, she close her eyes at isinubsob ang mukha sa
likod ni Aron.

�Are you happy to runaway from him?� Tanong ni Aron.

Runaway? Did she? There's nothing that stupid question. She's going home now.

�Aron, I'm not the right person for him. I don't want to hurt myself for a long
time. Ayoko ring masaktan ang damdamin ng iba.�

�Walang tama at maling tao pagdating sa pag-ibig. Pero kung desisyon mong isuko ang
damdamin mo at ibaon sa limot, bahala ka. Sana magtagumpay ka. No regrets at all.�

Ngayon seryoso naman si Aron. Parang napakalalim ng pananaw nito sa pag-ibig. Sa


kalungkutan ng taong umiibig. Bakit ba?

�Hinahabol tayo ni Black Knight.� Wika ni Aron.

�Let that horse chase us. Bilisan mo pa para hindi tayo abutan. Mamaya habulin tayo
ng tagpag-alaga. Pagbintangan tayo na magnanakaw.� Ang layo ng sagot nya. Ang layo
ng sagot nya. Imposible `yon.

�Hindi ang kabayo ang humahabol sa atin kundi `yung sakay ng kabayo.�

Bakit may hahabol sa kanila? Siguro hindi nagpaalam si Aron.

�Did you stole this horse para habulin tayo.�


�Hindi naman ako ang sadya, eh. Ikaw ang pakay n'on.�

Nakarinig nya ng papalapit na mga yabag ng kabayo. Bumagal yata ang takbo nila.
Imposibleng mahabol sila, napakalayo ng natakbo ng kabayo. Sinasadya yata ni Aron
na

bagalan.

�Aron, stop that horse!� Sigaw ni Evan.

Ang lakas ng salsal ng dibdib nya. Bakit sya sinundan ng isang `yon? Sana `wag
marinig ni Aron. Ihuhulog nya ito sa kabayo kapag nagkataon.

�See, I told you. What do you want me to do?� Konsulta ni Aron.

�Bayaan mo sya. Hindi ko `yan kilala.� Inis na sagot nya.

�I said, stop that horse from running will you! Pull back!� Sigaw muli ni Evan.

�Whew! He is a rider. Naabutan nya tayo.� Natatawang wika ni Aron.

Ayaw ni Cithara lumingon. Ayaw nyang makita si Evan.

�Harapin mo sya, Cith. Para tayong bata na naghahabulan.� Pinabagalan nito ang
pagpapatakbo sa kabayo.

�Aron, please.�

�Hindi sagot ang pagtakas. Face him. Sayang wala tayong isang drum na orange. This
is a chance para batuhin sya.�

Tumigil sa pagtakbo ang kabayo. Nakakapit sya ng mahigpit kay Aron. Tinanggal ang
kamay sa pagkakapit sa lalaki. Tinapik sya ni Aron. Lumingon sya. Papalapit na si
Evan sa kanila sakay ni Black Knight.

Naawa sya rito ng makitang nagdurugo pa rin ang sugat. Sana hindi na lang nya
binato iyon. Pati ang suot na sando ni Evan ay nabahiran na rin ng dugo. Bakit ba
kasi sumunod-sunod pa.

�Let's talk!� Evan insist. Nakatingin sa kanya.

�Siraulo ka! Ang lakas ng loob mong sundan ako. Aalis ako at hindi mo na kailangan
pang ipagtabuyan ako.� Galit na saad nya.

�Sino naman ang nagsabi sayo na pinapaalis kita? Let's talk... In private.�
Sinulyapan si Aron.

Nakuha ni Aron ang ibig sabihin. Tumingin kay Cithara.

�Cith, bumaba ka na. Just talk to him, I'll just a few meters away.� Bulong nito
kay Cithara.

�Sige, you're such a good friend. I consider you as my friend now.� Nakangiting
wika nya. Bumaba sya sa kabayo at hinarap ang lalaking ito. Iniwan sila ni Aron.

�Ngayon, sabihin mo ang gusto mong sabihin. Pakibilisan lang, ha!� Pagtataray ni
Cithara.

Bumaba si Evan ng kabayo. Iniabot sa kanya ang isang pumpon ng mga rosas.
Natigilang si Cithara iyon ang bulaklak na nakita nya kanina sa kanyang silid. Kung
gan'on kay Evan pala galing iyon.

Hinablot nya iyon. Inis na pinaghahampas sa lalaki.

�Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha mo! Ang lakas ng loob mong bigyan ako ng
bulaklak matapos mo akong saktan at pagbintangan ng kung anu-ano. Kasalanan mo ito.
Ngayon. Sumunod ka pa. Magkakasala ako sa kaibigan ko. Siraulo ka talaga! Kasalana
mo `to. Ngayon, nasasaktan ako dahil sumunod ka pa. Anong gusto mong mangyari,
ha!... Ang makitang nasasaktan ako. Bwisit ka! Bakit ikaw pa ang minahal ko.�
napagod sya sa paghampas rito. Umiiyak sya habang ginagawa iyon. Pakiramdam nya
gumaan ang pakiramdam nya kahit kaunti.

�I-I'm sorry... Nagkamali ako.�

Bigla syang niyakap ni Evan. Hindi sya nakapalag. Umiiyak sya na parang bata.

�Huwag mo akong yakapin. Sinasaktan mo ako sa ginagawa mo.�

�Patawarin mo ako sa mga nasabi ko. I thought you're playing with me all along. I

thought you knew where Menea is. I'm sorry, Cith. Please forgive me.�

�Wala akong alam tungkol sa sinasabi mo. Even if I do, aalis pa rin ako. Tumahimik
na tayo pareho.�

�No! Huwag kang umalis. Cith, I love you. I can't loss you. You change me. Ikaw
lang ang babaeng nakakapagpasaya sa akin.� hinawakan nito ng marahan ang
magkabilang pisngi ni

Cithara. Evan looked at her eyes straightly. Nagsusumamo ang mga mata nito.

�Evan, ayokong saktan ang kaibigan ko. Please lang.� Hindi na nya kaya ito. It's
killing her. All she wanted to do is to disappear right away. �Ayokong agawin ka
kay Merallia.�

�Cith, what are you talking about? We're not lover. We never be.� Napangiti ito ng
mapagtanto na pinagseselosan ni Cithara ang kaibigan.

�Don't lie! I saw everything.� Mariing tanggi ni Cithara.

�Yes, you saw everything but you don't know anything. Okay, let's make it clear.
Merallia, your friend is my sister. Sya si Menea. Kaya ganoon na lang ang galit ko
ng makita ko ang lahat ng dala mong gamit ay pagmamay-ari ng kapatid ko. Dati akala
ko baka nagkataon lang ang lahat. You knew her favorite song, but I saw my dog's
tag. Nag-iisa lang ang ganoon. So, I thought you're playing games with me. I even
thought that you're part of the people who keeps on calling me.� Pagtatapat nito.

�How could you! Pinaratangan mo ako ng walang kamalay-malay!�

�I know. I'm sorry, please forgive me. Please!� Evan begged.

�Tanga ka kasi, eh.� Bwisit na hinampas nya ito sa dibdib.

�Tingnan mo, nagdurugo pa rin ang sugat mo. Dapat ginamot mo muna. Hinayaan mo na
lang sana akong makaalis.� She was worried. Kagagawan nya naman iyon. Saka kung
makaalis sya, pwede naman sya nitong sundan sa kanila. That would be romantic.

�It's nothing. Mas mahalaga ka. I'm very sorry, Cith.�


�Sssh... ang mahalaga magamot ka. We should go back now.�

HABANG ginagamot ang sugat ni Evan panay ang sermon ng kapatid rito. Tinutukso pa
nila Hajime at Aron. He don't mind them, kahit ito pa ang pinakabaduy na lalaki
roon. Nakangiti lang ito habang hawak ang kanyang kamay. Ayaw iyong pakawalan. Para
bang mawawala sya

kapag binitiwan iyon.

Bumukas ang pinto. Humahangos na pumasok si Harsha. Naluluha ito ng makita si


Merallia a.k.a. Menea. The old man was longing for the child who was his little
friend, now she was grown-up woman.

�Lady Nea...�

�Oh, Harsha!� Tinakbo ni Menea ang distansya mula kay Harsha. Nagyakapan ang
dalawa. Madrama ang tagpong iyon para sa tatlong tao. They were happy. Specially,
Evan. His sister is back and he found the right woman for him.

Nagsawa na sila Aron at Hajime na asarin si Evan.

�Men, you are pathetic lover.�

�We're leaving. Enjoy your moment before Cith change her mind.� Paalam ni Aron.

�Glad you decided to leave.� Ngisi si Evan. Nagkaroon na sila ng privacy.

�Cith, you won't leave me, don't you?� He hate disappointment.

�Hindi muna ngayon kasi may sugat ka pa.�

�No, I want you to stay forever. I love you, please say you love me too.� Parang
bata si Evan. Ganito ba magmahal ang mga tulad nito. She couldn't imagine na ang
duke ng Alansor ay sa kamay nya lang babagsak. Come to think of it. Sobrang haba
naman ng hair nya.

�I love you.�

�Will you be the mistress of this mansion?� Evan asked.

�Yes.�

�Then, you'll stay here. You will never go home.�

�Evan! Ayaw mo talaga akong pauwiin. My family is in my country. I still have to go


there.� How she love this guy. Hindi naman pwedeng makulong sya roon ng
panghabangbuhay 'no. Kailangan nya ring makita ang mga kamag-anak nya. Syempre
pinoy sya. Mahalaga ang

pamilya.

�Iiwan mo ako? But you said you love me.� Pangungunsensya nito.

�Evan, I won't leave you, pero kailangan ko rin pumunta roon.� Nauubusan na naman
sya ng pasensya.

�Then I'll come with you.� Determinado talaga. Ayaw mawala sya sa paningin nito.
�There's nothing I fear before I met you. Let's get married, Cith. I don't wanna
loss you.�

�Yes, you're my master forever. But before we get married, you should meet my
family, okay.� Kondisyon nya. Hindi na ito nagreklamo pa.

�Whatever you say, my lady.�

�I love you kahit siraulo ka.� Napahagikgik siya habang kinakagat ang tenga nito.

�Stop doing that, my duchess.�

Natigilan sya ng bigla itong tumayo. Hinila sya nito. Niyakap sya nito pagkatapos
ay mariing hinagkan sa labi. There's nothing he would asked for. He is complete and
happy.

Cithara will be the new mistress of his mansion. His Duchess of Alansor. Love is
the price for his struggling life before and justice for his parent. His happiness
is incomparable to his wealth. And that is Cithara.

WAKAS

You might also like