You are on page 1of 252

Taming My Monster Boss

Ladycode

Source: https://www.wattpad.com/story/41409922 converted_by_𝓖𝓪𝓷𝓭𝓾𝓱𝓱 ✿

Generated by Lightnovel Crawler

Taming My Monster Boss c1-47

Volume 1 Prologue

Chapter 1

Chapter 2

Chapter 3

Chapter 4

Chapter 5

Chapter 6

Chapter 7

Chapter 8

Chapter 9

Chapter 10

Chapter 11

Chapter 12

Chapter 13

Chapter 14

Chapter 15

Chapter 16

Chapter 17

Chapter 18

Chapter 19
Chapter 20

Chapter 21

Chapter 22

Chapter 23

Chapter 24

Chapter 25

Chapter 26

Chapter 27

Chapter 28

Chapter 29

Chapter 30

Chapter 31

Chapter 32

Chapter 33

Chapter 34

Chapter 35

Chapter 36

Epilogue

Special Chapter 1

Special Chapter 2

Special Chapter 3

Special Chapter 4

Special Chapter 5

Special Chapter 6

LadyCode's Note

Last Special Chapter

Author's Note

Volume 1
Prologue

Third Person's POV

"What the f*ck?! I need the complete report sales! Not incomplete!" a baritone
voice shouted

"S-Sorry Sir. H-Hindi pa po nila tapos---"

"Is it my fault?! Ilang araw ko ng sinabi sa inyo na at the end of this week I need
that f*cking report sales!"

Halos manginig sa takot ang babaeng kaharap niya. Hindi na niya pinagsalita pa ulit
ito.

"YOU'RE FIRED! NOW, OUT!"

Mabilis na lumabas ang babae sa opisina ng kanyang amo at inayos ang mga gamit para
makaalis na. Napapahilot naman sa sentido ang binata habang nakaupo sa swivel chair
niya.

I need a new secretary again, sabi niya sa kanyang isipan.

Pang-ilang palit na ba siya ng sekretarya? Ni walang nagtatagal na sekretarya sa


kanya dahil lagi niyang tinatanggal ang mga ito. Minsan naman ay sila na ang kusang
umaalis.

"Enrique, did you fire your secretary again?" tanong ng isang matanda na pumasok sa
opisina

"Yes, dad." simpleng sagot nito

"I'll be the one to hire a new secretary for you and this time, you can't fire her
unless I'll agree with you."

Tumango lang ang binata kahit hindi niya halos maintindihan ang sinasabi ng ama
dahil nakatutok ang atensyon nito sa kaharap na mga papeles. Sumilay ang pilyong
ngiti sa mukha ng matanda at nagmadaling umalis sa opisina ng binata.

--------

Nagmamadaling tumakbo ang isang babae patungo sa kanyang mesa dahil nahuli nanaman
siya ng dating sa kanyang trabaho. Paupo na sana siya nang dumating ang bisor niya
at pinatawag siya nito sa kanyang opisina.

"Miss Montemayor, hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na ilang ulit ka ng late
at absent."

"Yes ma'am. Pasensya na po. Nagkasakit kasi ang kapatid at nanay ko."
"I warned you before, Miss Montemayor. Sorry but you are fired." mariin na sabi
nito sa kanya

"Ma'am, please---"

"Pack your things now and leave this company at once."

"Ma'am---"

"I said, LEAVE!"

Hindi na ulit nagsalita pa at lumabas na sa opisina ng kanyang bisor. Naluluha ito


habang inaayos ang gamit niya dahil kailangan niya ng trabaho. May sakit ang
kapatid niya at ang kanyang ina kaya kailangan niya ng pera.

"Zea, ano yang ginagawa mo?" tanong sa kanya ng kaibigan

"Sinisante na ako, Pia." malungkot na sabi nito

"Ano? Paano na yung kapatid at nanay mo?"

"Maghahanap nalang ulit ako ng trabaho." mahinang sabi nito

Nagpaalam na sila sa isa't isa at lumabas na siya sa kompanyang iyon. Tinawagan


nito ang kasintahan dahil alam niyang wala itong trabaho ngayon pero hindi nito
sinasagot ang tawag niya kaya nagtungo nalang siya sa kotse niya at nagdrive
papunta sa condo nito.

Nagpark siya sa tabi ng kotse ng kasintahan niya at mabilis na umibis ng sasakyan


niya. Papasok na sana siya sa building nang mapansin na naka-switch ang engine ng
sasakyan ng kasintahan. Tinted ang sasakyan ng kasintahan kaya hindi niya ito
makita. Nilagay niya ang dalawang kamay at pilit na sinilip ang nasa loob.

Awtomatikong tumulo ang luha niya nang makita kung ano ang kaganapan sa loob.
Kinuha niya ang spare key ng kotse ng kasintahan at binuksan ang kotse.

"Honey, want to join us?" pilyong sabi nito

"What's the meaning of this Aidan?" naiiyak na tanong ng dalaga

"Can't you see? I'm bored with you. No sex. No make outs. No necking. No petting.
Just plain kiss." sagot nito sa mapang-insultong tinig

Hinila niya ang babae at ang kasintahan palabas ng kotse. Mabilis na dumapo ang
palad niya sa pisngi ng kasintahan at sa pisngi ng babaeng kasama nito. Tumalikod
na ito pero agad ring humarap nang may maalala siyang gawin. Hindi na niya
inintindi ang kasintahang hubad at hinila niya ito at walang pakundangang
ibinalibag.

Napadaing ang lalaki at napasigaw naman ang babae. Sumakay ang dalaga sa kotse at
pinaharurot ito. Parehas na walang saplot ang dalawa na naiwan sa labas.

"That's what you get when you cheat, Jerk." umiiyak na sabi nito

Mas binilisan pa nito ang takbo ng sasakyan gusto niyang matawa habang iniisip kung
ano ang gagawin ng dalawa dahil wala silang kahit na suot na ano pero hindi niya
magawa dahil pinagtaksilan siya ng kasintahan niya.

Akala niya ay nagbago na ito pero hindi pa pala. Babaero pa rin siya.
"I will never forget what you did to me, Aidan. I will make you regret everything.
I will f-ckin' make you taste hell."

Nagdrive na siya pabalik sa condo ng kasintahan para ibalik ang kotse at kunin ang
kotse niya. Mabilis na kinuha niya ang kotse at umalis na sa lugar na iyon.

=====================

Thank you GraceAchelios_27 for the wonderful book cover! 🤍🤍

This is a story of Enrique and Zea from the story, The Casanova Got Me Pregnant.

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

-LadyCode

Chapter 1

(Zea on the side. I don't own the picture. Got it from google! Haha)

Zea's POV

Napairap akong muli nang maisip ko na ang magiging bagong amo ko kung sakali ay mas
grabe ang ugali kaysa sa dati. Wala akong mahanap na trabaho at dito lang palagi
ang may vacancy lalo na sa pagiging secretary dahil ang kanilang boss ay halimaw.

Halimaw sa kagwapuhan. Halimaw sa kamachohan. Halimaw sa kapangyarihan. Halimaw sa


katalinuhan. Halimaw sa kayamanan. At higit sa lahat, halimaw sa kama--este halimaw
sa ugali.

Malamang na kilala ko siya at kilala siya ng lahat lalo na ng mga kababaihan na


nabibighani sa pagiging halimaw niya. Pero ayon sa iba, napakalambing daw nito sa
nag-iisa niyang kapatid. Hay. Bahala na dyan.

Malaki rin ang sahod dito kaya gusto ko talagang mag-apply.

"Ate! Hindi ka pa ba magbibihis? Ngayon ang interview mo diba?"

Tinignan ko ng masama si Adonis dahil pinaalala nanaman niya ang interview na yan.
Nagdadabog na umakyat ako sa taas para magbihis.

Kung dati ay plain ko manamit, ngayon, hindi na. Sinigurado ko na lahat ng isusuot
ko ay nagmumukha akong sexy at sopistikada. Huh! Ipapakita ko sa hayop na yun kung
gaano ako kaganda at pinagtaksilan pa niya ako.

Ang lakas ng loob ng hayop na yun. Tss.


Tinali ko ng mataas ang buhok ko at napangiti ako nang makita ang repleksyon ko sa
salamin. May igaganda pa pala ako.

Duh. Wala pa akong make up niyan. Polbo at lipgloss lang.

"Hoy! Alis na ako!" paalam ko sa kapatid ko

"Sige, ate. Ako na bahala kay nanay at dito sa gawaing bahay."

Tumango ako sa kanya at humalik muna ito sa pisngi ko bago ako umalis ng bahay.
Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive patungo sa Lewis Incorporation.

Pinilit kong kalimutan ang nangyari samin ni Aidan dahil mas importante na
makahanap ako ng trabaho. At isa pa, a guy like him is not worth my tears.

Huminga ako ng malalim bago ako bumaba sa kotse ko. Pagkababa ko ng kotse ay
napansin ko ang lalaki na medyo malapit sakin. Nakatitig ito sakin habang
naglalakad ako sa direksyon niya.

Madadaanan ko talaga yun dahil nasa likuran niya yung elevator. Gwapo siya at
mukhang mabait pero di dapat magtiwala sa mga mukhang ganyan.

"Stop staring. It's rude. I know I'm pretty." sabi ko at inirapan ito

Narinig ko itong tumawa kaya nilingon ko siyang muli at tinaasan ng kilay.

"What?!" inis na tanong ko

"Miss, yung zipper kasi ng palda mo nasa harap. Diba nasa likod yan dapat?"
natatawang sabi nito

Nanlaki ang mata ko at tinignan ang palda ko. Nalihis na pala ito kaya napunta sa
harap ang zipper.

"Hindi mo ba alam? Ito ang bagong style ngayon. You know, fashion." mabilis na
depensa ko

Mabilis na inayos ko ito at tumalikod na ng tuluyan.

Pahiya kaya ako. Tsk.

Iniwan ko nalang siya doon at nagpunta na ako sa kung saan ako dapat pupunta.
Napalingon ako sa paligid nang makababa ako sa elevator. Hindi ko kasi alam kung
saan yun.

"Miss, saan yung interview para sa nag-a-apply na secretary?" tanong ko sa babae na


nakita ko

Tumingin ito sakin at bahagyang tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Mag-a-apply kang secretary ni Sir Enrique?" tanong nito

Pinigilan ko ang sarili kong mapairap pero hindi ko napigilan ang bibig kong
magsalita.

"Hindi. Mag-a-apply akong janitress. Kakasabi ko lang diba? Secretary nga. Bingi ka
ba, Miss?" inis na tanong ko rito
"Anong sabi mo?!" inis na sabi nito

"Bingi nga." sabi ko at napairap nalang

Ano bang problema ng mga to at nakatingin sila sakin? Alam kong maganda ako pero
hindi na nakalihis sa harapan ang zipper ng palda ko.

May nakita akong babae na mukhang may interview rin kaya sumunod nalang ako sa
kanya. Buti nalang at tama ang sinundan ko.

Nasa pito kami na ma-iinterview at ang masasabi ko lang, kinulang sila sa tela.
Yung mukha nila makakapal ang make-up. May ilan naman na desente na tignan pero
maikli ang palda nila at nakabukas ang butones ng blouse nila.

Hindi na ako magtataka na ganyan sila manamit. Gwapo naman talaga ang Enrique Van
Lewis na iyon.

Naupo ako ng tahimik at hinintay na matawag ang pangalan ko.

"Montemayor, Zea Alexandra." tawag ng babae sa pangalan ko

Huminga ako ng malalim bago tumayo at magtungo sa isang opisina. Hindi ko alam kung
sino ang mag-iinterview samin. Sana hindi si Mr. Enrique.

"Good morning Ms. Montemayor." bati sakin ng isang lalaki sa loob

Nanlaki ang mata ko nang makilala ang lalaking iyon. Ang daddy ni Mr. Enrique.

"G-Good morning po." bati ko

"Hija, maupo ka. How are you?" tanong nito

"Ayos lang po, Mr. Lewis." sabi ko pagkaupo ko

"So let's talk about business. What happened on your last job?" tanong nito

"They fired me. Lagi po kasi akong nalelate sa trabaho this past few days.
Nagkasakit kasi yung kapatid at yung nanay ko naman po nagmild heart attack. Pero
pinapangako ko po na hindi na iyon mangyayari." sagot ko

"To tell you honestly, ikaw lang ang qualified na maging secretary ni Enrique dahil
yung mga naunang nainterview ko, alam ko na ang habol nila ay anak ko. Lagi rin
siyang nagpapalit ng sekretarya at hindi ko na alam ang gagawin sa kanya."

"Hired na po ako?" tanong ko sa kanya

"Bakit kita ihahire Ms. Montemayor? Give me a valid reason."

Naupo ako ng maayos at mabilis na nag-isip sa sinabi niya.

"Kasi Sir sinisiguro ko po na hindi ko susukuan ang anak niyo. Malaki pong tulong
sakin kung magiging sekretarya niya ako at hindi ko alam kung saan ako pupulutin
pag sinisante niya ako o pag nagresign ako. May paninindigan din po ako Sir.
Gagawin ko po ang lahat para manatiling sekretarya niya."

"Sigurado ka Ms. Montemayor?"

"Oo naman po!" sabi ko sabay lunok


"Kung ganoon magkasundo tayo. Baguhin mo ang anak ko. Hindi ka niya masisisante
dahil ako lang may karapatan na sisantehin ka. Hindi ka rin pwedeng basta nalang
mag-resign."

Napaisip ako sa sinabi niya. Baguhin ang anak niya? Magagawa ko kaya?

Magagawa ko kayang baguhin ang lalaking iyon? Ang lalaki na bumago rin sa akin? Ang
lalaking aking unang minahal? Ang lalaking--echos lang! Hahaha

Para naman kila nanay ito. Ayokong mawala sakin si nanay dahil baka hindi ko iyon
kayanin. Wala na ang tatay at sila nalang ni Adonis ang meron ako.

"Makakaasa po kayo Sir. Ako na po ang bahala sa anak niyo. Isisiksik ko po siya sa
muscle ko." sabi ko sabay pakita ng muscle ko

Natawa naman ito sa ginawa ko.

"It's settled then. Bukas ka na mag-uumpisa. Ikaw na ang bahala sa kanya."

"Makakaasa po kayo." nakangiting sabi ko

This is it. I will be the secretary of Mr. Enrique Van Lewis.

***********************

I hope you like this story guys. I'll be gone for awhile but I will post the next
chapter next week, I guess.

Love you all :-*

-LadyCode

Chapter 2

Author's Note: I do not own the photos. Credits to the rightful owner. Thanks kay
google. Hahahahaha. That's Enrique Van Lewis on the media..... *Bang!*

Zea's POV

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok ng elevator paakyat sa opisina niya. First
day ko ngayon at hindi ko alam ang mangyayari pagkapasok ko sa elevator na to.

May private elevator na tanging ang gumagamit lang ay si Sir Enrique kasama ang
bodyguards niya. Kalalaking tao may bodyguards. Hmp.

"Hi. I'm Zea Alexandra Montemayor." bati ko doon sa babae na siyang mag-a-assist
sakin

"Oh. Buti nandito ka na. I'm Cecilia." bati nito

Ang edad nito ay mukhang nasa 40's na. Siya ang head ng HR. Sinabi niya sakin ang
mga dapat kong gawin.
Nilibot din niya ako sa buong floor. May mga nakilala ako at nakaibigan. Mababait
naman ang ilan sa kanila.

"Maiwan na kita rito, Zea. Mag-report ka muna kay Sir Enrique bago ka kumain ng
lunch."

"Sige po. Salamat ate Cecilia." nakangiting sabi ko

Nagpaalam na ito kaya naupo na ako at napainat. Napagod ako sa kakalakad at


kakangiti.

Kailangan ko palang magreport kay Sir Enrique bago ako maglunch. Tumayo na ako at
nagtungo sa pinto ng opisina niya. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang
pinto.

Unang bumungad sakin ang malapad na dibdib na natatakpan ng mamahaling necktie at


polo. Amoy na amoy ko rin ang pabango nito. Pabango na matagal na niyang ginagamit.

Unti-unti kong inangat ang paningin ko at napatitig ako sa pamilyar na kulay


tsokolateng matang nakatitig sakin.

"X-Xandra...."

Bigla akong napaiwas ng tingin nang marinig ng boses niya at ang pangalan na
tinawag niya sakin. Wala siyang karapatan na tawagin pa akong Xandra. Nandito ako
para magtrabaho. Yun lang.

"It's Zea, Sir. Mauna na po ako para maglunch." paalam ko at mabilis na umalis

Bumaba ako sa cafeteria na nasa 3rd floor. Tatlo kasi ang cafeteria dito sa loob ng
kompanya. Sa first floor, second at third floor. Marami kasing empleyado.

Nakita ko yung nakilala ko kahapon. Si Julie. Naupo ako sa tabi niya dahil mag-isa
lang siya.

"Oy. Ikaw pala. Sabay ka na." sabi nito

Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na ring kumain.

"Bakit mag-isa ka?" tanong ko rito

"Wala akong halos kaibigan dito eh. Bago lang din kasi ako." sagot nito

Nagkwentuhan pa kami dahil isang oras naman ang break namin at doon ko nalaman na
may asawa at anak na pala ito. May isa siyang anak na lalaki na limang taong
gulang.

Nang matapos kami ay sabay na kami na bumalik sa taas. Sa 60th floor ang opisina ng
CEO kaya doon ako pero si Julie sa 59th floor siya.

Naupo na ako sa upuan ko at nagsimulang magtipa ng keyboard. Gusto ko kasing


matapos na ang ginagawa ko para hindi ako matambakan. Isang oras pa ang lumipas
nang mapansin ko na parang hindi lumabas ng opisina si Sir Enrique.

Kumain na kaya siya? Baka kasi hindi pa siya naglunch tapos mamatay siya. Kargo de
konsensya ko pa.

"Kuyang bodyguard!" tawag ko dun sa isa sa mga bodyguard ni boss na nakatayo sa


gilid

Dalawa silang bodyguard na nasa labas at yung malapit sakin ang tinawag ko. Alangan
namang yung malayo sakin diba? Effort naman nun.

"Tawag niyo po ako, ma'am?" tanong nito

"Ay hindi. Si manong na isa ang tawag ko kaya siya ang papuntahin mo dito."
pilosopong sabi ko

"Naninigurado lang, ma'am." sabi nito

"Hindi ko tinatanong kaya wag kang sumagot. May tanong lang ako." sabi ko rito

"Ano yun ma'am?"

Tinignan ko siya ng masama.

"Ako ang may tanong bakit ikaw nagtatanong?" nakairap na sabi ko

Napakamot ito sa ulo at akmang magsasalita nang unahan ko siya.

"Kumain na ba yung halimaw na boss ko?" mahinang tanong ko rito baka marinig numg
isa eh tapos isumbong ako

"H-Halimaw? Si Sir Enrique po?" gulat na tanong nito

"Hindi. Ikaw. Ikaw yung halimaw. Mukha kang goons eh." pamimilosopo ko ulit

"Sorry naman ma'am. Hindi pa po sila naglunch. Madalang po silang maglunch eh."
sagot nito

Kumunot ang noo ko sa sabi nito. Hindi siya naglalunch? Aba. Gusto ba niyang
mamatay siya ng maaga. Sobrang yaman niya tapos hindi niya winawaldas ang pera niya
sa pagkain? Maraming nagugutom ngayon dahil sa sobrang hirap ng buhay tapos siya
nagpapakagutom!

"Eh kayo, naglunch na?" tanong ko

"Kami po?" tanong nito

"Hindi ulit. Ako. Tinatanong ko sarili ko kung naglunch na ako. Kaloka. Malamang
ikaw! Sino pa bang ibang kausap ko rito?" nakapoker face na sabi ko

Pinapainit ng lalaking 'to ang ulo ko. Bangasan ko 'to eh.

"Pasensya na ulit ma'am. Naglunch na po kami dahil pinadalhan kami ng Sir ng


pagkain." sabi nito

Tinanguan ko lang ito at sinenyas ko ang kamay ko para bumalik na siya sa pwesto
niya.

Paki ko ba kung hindi kumain ng lunch ang kumag na iyon? Tsk.

Nagsimula ulit akong magtipa pero pagkaraan ng ilang minuto ay napahilot ako sa
sentido ko. Sinave ko muna ang ginagawa ko bago ako tumayo at kumatok sa opisina ng
boss ko.

Tumunog ang intercom at narinig ko ang malamig na boses nito.


"Who's there?" tanong nito

"This is Zea, Sir." sagot ko

"Come in."

Pinihit ko ang seradura ng pinto at marahan na binuksan ito. Pumasok ako at tanging
tunog lang ng takong ko ang naririnig ko habang naglalakad ako dahil sa sobrang
katahimikan.

"What do you need?" tanong nito habang nakatingin sa papeles niya

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Mukhang yung papel ang kausap niya at hindi ako.

"I said, what do you need?" malamig na tanong nito

Hindi pa rin niya ako tinapunan ng tingin kaya hindi ako nagsalita ulit. Naupo ako
dahil nangangalay na ang paa ko. Bastos na lalaki 'to. Nakakangalay kayang tumayo.

"What the fuck do you need?!" singhal nito

Muntik pa akong mapatalon sa kinauupuan ko sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko.

"Jusko! Nakakagulat ka naman, Sir eh! Wag kang sumigaw!" gulat na sabi ko

"Sinisigawan mo ba ako?" naniningkit na tanong nito

"Hindi ah. Baka kasi di mo marinig, Sir. Baka nabingi ka na eh." sabi ko pero
mahina ang pagkakasabi ko dun sa dulo

"Anong sabi mo?" kunot noong tanong nito

Halos matawa ako sa tanong nito.

"Bingi ka nga." mahinang sabi ko ulit

"Sinong bingi?!" inis na tanong nito

"Ako, Sir. Bingi ako. Di ko kasi kayo naririnig." sarkastikong sabi ko

Marahas na binaba niya ang ballpen na hawak niya at tinignan niya ako ng masama.
Ang cute naman niya pag masama ang tingin niya.

"Ano bang kailangan mo babae? Kanina pa kita tinatanong!" nagtitimping sabi nito

"Kasi naman Sir hindi ka nakatingin sakin. Malay ko ba kung kausap mo yung mga
papel na hawak mo." inosenteng sabi ko rito

Mas kumunot ang noo nito sa sinabi ko.

"Do you think I'm crazy to talk with papers?!" singhal nito sakin

Napasimangot ako sa kanya. Ano bang problema niya? Ang bait bait ko tapos
sinisinghalan niya ako. Huhuhuhu.

"Yun na nga Sir eh. Ako pala kausap mo pero sa papel ka nakatingin. Nandyan ba ako
sa papel?" sabi ko rito
Napabuga ito ng hangin at dahil sa gesture na iyon ay alam ko na nagpipigil siyang
magalit.

"What the fuck do you really need, Zea?" matigas na tanong nito

Nakaramdam ako ng kurot sa dibdib ko dahil sa tinawag niya sakin pero hindi ko
nalang iyon pinansin. It's better this way.

"Uhm. Tatanungin ko lang Sir kung kumain na kayo ng lunch?" tanong ko habang
nilalaro ang daliri ko

"Not yet." sagot nito

Napatingin ako sa kanya at nasa papel nanaman ang atensyon niya.

"Gutom po ba kayo? Dadalhan ko po kayo dito ng pagkain kung gusto niyo."

Saglit itong napatingin sakin pero agad ring binalik ang tingin sa mga papel na
nasa harapan niya.

"I don't want to eat. You can leave." malamig na sabi nito

Napairap nalang ako at wala sa sariling naipadyak ko ang paa ko sa inis. Wala akong
pakialam kung anong reaksyon siya dahil hindi ko na ito tinignan pa. Agad akong
tumalikod at malakas na sinara ang pinto.

Naupo ako sa upuan ko at nagsimula uling magtipa habang nakakunot ang noo. Sana
pala hindi ko nalang siya tinanong! Hmp. Paki ko ba kung mamatay yan sa gutom?!

Edi magpakagutom siya! Wala akong pakialam sa kanya.

"Mamatay siya sa gutom!" nanggigigil na sabi ko

Mabilis na nagdaan ang oras at uwian na namin kaya nag-ayos na ako ng gamit. Bago
pa ako makaalis ay bumukas ang opisina ni Sir Enrique.

"Zea, stay here. Tulungan mo akong hanapin yung report sales. Hindi ko kasi
mahanap." malamig na sabi nito

Inirapan ko ito at sinundan sa loob ng opisina niya. Napakamanly talaga ng amoy


dito sa loob.

"Saan ko hahanapin Sir?" tanong ko rito

"Dyan sa papel na nakatambak sa center table." tipid na sabi nito

May mga nakatambak ngang papel sa center table. May mga nakafolder at may hindi.
Bakit ba pati iyon ay mamimisplaced pa niya? Tsk. Palibhasa matanda na.

Sinumulan ko ng kalkalin ang mga papel sa center table at isa-isang tinignan ang
laman ng folders. Nag-uumpisa na akong mawalan ng pasensya sa mga papel na ito.

"Sir, wala dito." nagtitimping sabi ko

Kung bakit kasi ang burara niya sa gamit! Ang pinakaayoko sa lahat yung naghahanap.
Nakakagigil!

"Hanapin mo. Sigurado akong nandyan." malamig na utos nito


Tss. Why so cold? Siya na nga nag-uutos eh!

"Wala nga dito, Sir!" naiinis na sabi ko

"Sinisigawan mo ba ako, Ms. Montemayor?" matigas na tanong nito

"Sumisigaw po ba ako, Mr. Lewis?" tanong ko rin dito

"Did you just talked back to me, Zea?" muling tanong nito sa matigas na boses

Nah-uh. Hindi mo ako matatakot dyan Enrique Van Lewis. He may be the boss but I
will make sure that I will be the boss of him. Sumosobra na siya.

"Did you just ask stupid question, Sir Enrique?" nakangising tanong ko rito

His jaw clenched and I know na nagpipigil siya na sumigaw at magalit. Why are you
holding back, Enrique? I want you to be mad. I want to make you mad at me and make
me mad too.

"Shut up, Zea or else---" I cut him off

"Or else what? Fire me? You can't. Your father hired me. Besides, you can't get
stupid answers if you didn't ask stupid questions."

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang hinampas niya ang mesa at tinignan ako ng
matalim.

"I CAN DO WHATEVER I WANT! I CAN FIRE YOU WHENEVER I WANT!" sigaw nito

I smirked at him. I want him to realize na ako kagaya nila na natatakot sa kanya
kahit alam ko sa sarili ko na may kaunting akong takot na nararamdaman.

I slowly walked towards him and I can hear my heels clicking. Tinukod ko ang kamay
ko sa mesa at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang
gulat pero agad rin niya iyong naitago.

I can smell his sexy scent. I can see his hazel brown eyes. Seryoso siyang
nakatingin sa mga mata ko. Agad kong pinagsisihan ang paglapit ko dahil pakiramdam
ko mawawalan ako ng kontrol sa sarili ko.

He can be heartless and cold. I can be heartless and cold too if that what he
wants.

"You are the CEO but I can be the boss of the CEO. Don't ever try my patience. You
know me very well. You understand me, Mr. Lewis?" mahinang sabi ko rito

Bumalatay sa mukha niya ang gulat at amusement pero agad rin na nawala iyon. I
smirked at him.

Kumunot ang noo ko nang makita ang papel na nasa mesa niya.

Sales report for the month of September

Matalim na tinignan ko siya na ngayon ay may ngisi na sa labi. I want to punch him.
Hard.

"You can be the boss of the CEO? You can't. You're too gullible." ngising sabi nito

Pakiramdam ko umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo sa katawan ko at wala sa sariling


hinigit ko ang kwelyo niya na ikinagulat niya.

"Stop messing up with me, Mr. Lewis." matigas na sabi ko rito

Kung sana ay hindi niya pinahanap sakin ang punyetang report na yan, edi sana
nakauwi na ako. Edi sana nakapagpahinga na ako.

Marahas na binitiwan ko ang kwelyo niya nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone
ko.

Adonis calling...

"Hello Ad?" sagot ko

[Ate, saan ka na? Ala-syete na oh. Nag-aalala na si nanay!] sermon nito

Napahinga ako ng malalim at napatingin sa lalaking dahilan kung bakit hindi ako
nakauwi ng maaga. Nakaupo na ito at nakatutok ang mata sa laptop. Tss.

"Pauwi na ako." tipid na sagot ko

[Sige. Ingat ka ate. Oo nga pala. May bisita ka.]

Kumunot ang noo ko. Bisita?

"Sino yang bwisita na yan?" inis na tanong ko

Ayokong magkaroon pa ng ibang mambwibwisit sakin ngayon gabi.

[Nawala lang ako ng isang taon tatawagin mo na akong bwisit! Hindi na kita
bibisitahin kahit kailan! Huhuhuhu. Nagpunta ako rito para i-surprise ka sa pag-uwi
ko tapos sasabihan mo akong bwisit?! Hindi na kita mahal! Tinawid ko ang pacific
ocean at inakyat ang malaking bundok para makita kita at makausap tapos... uwaaaah!
Huhuhuhuhu. Hinding-hindi na kita ddalawin kahit---]

Natigil ang pagdradrama ng nasa kabilang linya nang magsalita ako.

"Pwede ba, Eugene. Hintayin mo ako sa bahay. Pauwi na ako." sabi ko rito at umirap
kahit alam kong hindi niya nakikita

Lumabas na ako sa opisina ng bastos na boss ko at sumakay na sa elevator habang


patuloy ang pagdradrama ni Eugene.

[No! Isang taon tayong hindi nagkita at nagkasama tapos gaganyanin mo ako?! Asan
ang hustisya?!]

Napairap ulit ako. Ang baklang ito talaga malakas ang saltik sa ulo.

"Bakit mo hinahanap sakin ang hustisya? Pulis ba ako? Ha? Pulis?" tanong ko rito

Agad kong pinagsisihan ang tanong ko dahil nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.
Mukhang napansin ni Eugene ang pananahimik ko kaya nagpaalam na ito at sinabing
aantayin niya ako sa bahay.

My first day with that freaking monster is not a joke.


***********************

Hello! Hello! Alam ko marami nanaman nainis kay Zea Alexandra dahil palasagot sa
boss at ayaw sumunod kasi trabaho naman niya iyong paghanap don sa report na di
naman talaga nawawala kasi hawak din ng abnormal na si Enrique.

-LadyCode

Chapter 3

Zea's POV

Hindi ko inasahan ang sumalubong sakin sa bahay. Isang sampal na galing kay Eugene.
Mabuti nalang at hindi iyon masakit.

"Saan ka galing ha?! Galing ka nanaman sa lalaki mo?!" singhal nito sa malalim na
boses

Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na si nanay na nagsalita.

"Tumigil ka nga Eugene. Hindi bagay sa'yo." natatawang sabi ni nanay

"Sabi na nga ba at hindi bagay sakin maging lalaki! Kaya love na love kita mother
dear eh!"

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil bumalik na ito sa pagiging binabae niya.
Matagal ko ng kaibigan si Eugene at ganyan na talaga yan. Pusong babae. Tsk.

Pero nakakatuwa lang na nagiging tunay na lalaki yan pag nanakit sakin. Malapit rin
siya kay nanay at kay Adonis para na rin kasing anak siya ni nanay.

"Kumain na tayo. Nakahain na ang hapunan." yaya samin ni nanay

Naupo na kaming lahat at syempre si Eugene ang nag-iingay at nakikisali rin ako. Si
Adonis naman ay tahimik lang.

"Bes, hindi mo ba ako namiss? Isang taon akong nawala!" drama sakin ni Eugene

"Bakla, isang linggo ka lang nawala hindi isang taon!" natatawang sabi ko rito

Isa kasi siyang engineer at nadestino siya sa tagaytay dahil sa isang project.
Baklang bakla yan pero engineer! Proud bestfriend here!

"Sus! Umamin ka na bes. Alam ko na kulang ang ganda mo pag wala ako!" tukso nito

Natawa ako sa kanya nang i-flip niya ang buhok niya na wala naman. Clean cut kasi
ang buhok niya. I never see him cross-dressing. Lalaki siya manamit dahil sabi niya
kung gusto mong respetuhin ka ng tao, respetuhin mo ang sarili mo sa paraan ng
pananamit mo.
"Syempre namiss kita!" sabi ko rito at yumakap sa kanya

"Pero bes. Totoo ba yung sabi ni Adonis kanina. Nagtratrabaho ka sa Lewis


Incorporation at secretary ka ng mismong CEO?" seryosong tanong nito

Napatingin ako kay nanay nang mapasinghap ito. Marahan akong tumango sa kanila.
Akala ko ay magagalit si nanay ngunit ngumiti ito sakin at pinisil ang kamay ko.

"Malaki ka na anak pero nandito lang ako para masandalan mo." malambing na sabi ni
nanay

"Salamat nay." sabi ko sa kanya

Nang matapos ang hapunan namin ay nagtungo kami ni Eugene sa kwarto ko. Alam kong
gusto niya akong masolo para makausap ng masinsinan.

"Zea, sigurado ka ba sa ginagawa mo?" seryosong tanong nito

"Eugene, okay lang ako. Nandoon ako para magtrabaho." sagot ko rito

"Para magtrabaho nga ba? O para mapalapit ulit sa kanya?" tanong niyang muli

Napakagat ako sa labi ko. Naguguluhan ako sa kung ano ang nararamdaman ko.

Bumuntong hininga si Eugene at naupo sa tabi ko. Niyakap ako nito ng mahigpit.

"Tandaan mo Zea, pag pinapasok mo ulit siya sa buhay mo, pwede kang masaktan o
pwedeng siya ang masaktan."

Yumakap ako sa kanya pabalik. I am thankful that I have a great friend.

"Oo nga pala. Kumusta kayo ni Aidan?" tanong nito

Umiling ako sa kanya habang nag-uumpisa ng bumasa ang mga mata ko. Muntik ko ng
makalimutan na may lalaking nanloko sakin. I feel worthless. Lahat nalang ba ng
lalaki sa buhay ko iiwan ako?

"Niloko niya ako, Eugene. Pare-pareho lang sila!" umiiyak na sabi ko

Hinagod niya ang likod ko at pilit akong pinapatahan.

"Ang punyetang kumag na iyon. Ang kapal ng mukha niya! Wag lang siyang magpapakita
sakin at baka may kalagyan siya! Kakalbuhin ko takaga siya!" galit na sabi ni
Eugene

"Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin, Eugene? Ganoon nalang ba palagi? Iiwan


nalang ako palagi?" sentimyento ko rito

"Shhh. Masyado kang maganda, girl. You are amazing, Zea. Sadyang tarantado lang
sila at hindi nila makita kung ano ang iniiwan nila. Wag kang mag-alalaa. Pag
walang lalaking gusto kang pakasalan, magpapakalalaki ako."

Humiwalay ako sa yakap niya at pinunasan ko ang luha ko. Tinignan ko siya at
nakitang seryoso talaga ang mukha niya.

"Pakakasalan mo ako pag walang lalaking gusto akong pakasalan?" tanong ko rito

"Gaga! Hindi ako tibo! Sampalin kita eh!" mataray na sabi nito
"Eh anong ibig mong sabihin?"

"Magpapakalalaki ako at gagalugarin ko ang buong mundo para makahanap ng


maipapakasal sa'yo. Aba naman! Sayang ang lahi! Sabi nga nila, 'Humayo kayo at
magpakarami' Oh diba?" ngiting-ngiti na sabi nito na akala mo ay sobrang ganda ng
sinabi niya

Binatukan ko siya dahil umiiral nanaman ang kalokohan niya.

"Aray naman girl! Muntik na akong mawalan ng matres!" reklamo nito

"Sa ulo kita binatukan kaya malayo yan sa matres at isa pa, wala ka nun!"

"Ouchie! You're hurting me." maarteng sabi nito

"Arte mo. Uwi ka na nga!" taboy ko rito

"Uuwi na talaga ako. Baka umiral nanaman ang mala-armalite na bunganga ni mama."
nakangiwing sabi nito

Tinawanan ko lang siya dahil lagi siyang napapagalitan ng mama niya dahil sa mga
kalokohan niya.

Nakipagbeso siya sakin at nagpaalam na. Hinatid ko pa siya sa may pinto at bago
siya sumakay ng kotse niya ay may binilin pa siya.

"Oy bes. Balitaan mo ako kung gaano kahaba at kalaki, ha?" nakangising sabi nito

Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Alam ko kung anong tinutukoy niya.
Malamang ay iyong... ano... uhm... yung ano ng boss ko. Aish. Alam niyo na yun!

"EUGENE!" inis na sabi ko

Humalakhak lang ito na ams ikinairita ko at sumibat na siya ng tuluyan. Kahit


kailan talaga ay berde ang utak ng baklang iyon.

-------

"Encode this!"

Bumungad sakin ang malapad na folder at napahawak ako sa dibdib ko nang malakas na
isinarado ni Sir Enrique yung pinto ng office niya. Pagdating ko rito ay ganyan na
yan. Mainit ang ulo at sobrang maraming pianpagawa. Kakatapos ko lang na gawin yung
pinapagawa niya ay meron nanaman.

Hindi ko muna ginalaw ang pinapaencode niya dahil nagbasa muna ako ng ilang emails
at sumagot sa mga tawag. Mukhang full nanaman ang schedule ni Sir. Sinulat ko sa
planner ko iyong mga scheduled meeting niya at ilang appointments niya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagtungo ako sa opisina niya at kumatok. Walang


sumagot kaya kumatok ako ulit pero wala pa rin kaya binuksan ko na ang pinto.
Mukhang hindi niya ako napansin dahil nakatuon ang atensyon niya sa hawak niyang
picture frame.

Malamang ay picture iyon ng girlfriend niya o babae niya. Tss. Pake ko ba?

"Sir..." tawag ko rito


Gulat na napatingin ito sakin at mabilis na itinago ang hawak niyang picture frame.
Para namang kukunin ko iyan.

"Don't you know how to knock?!" galit na tanong nito

"I knocked twice. Mukhang hindi niyo narinig dahil nakatitig kayo sa picture frame
na hawak niyo kaya pumasok na ako." bitterness is evident in my voice

Duh. Nag-effort akong kumatok kaya malamang nakakabitter iyon sa part ko.

"Twice? That's not an enough reason for you to just enter my office!" galit pa rin
na sabi nito

Hindi napigilan ang pagtaas ng kilay ko sa kanya. Ano bang pinuputok ng butsi niya?

"Pasensya na, Sir. Naistorbo ko ba ang pagdedaydream niyo? Lalabas napang ulit ako
at kakatok ulit." sarkastikong sabi ko rito

Walang sabi sabi na tumalikod ako at lumabas sa opisina niya. At dahil naiinis ako,
ibinagsak ko rin ang pinto. Akala niya siya lang ang pwedeng magdabog?

Gulat na napatingin sakin ang mga bodyguards niya.

"What? Ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng galit?" inis na tanong ko

Humarap ako sa pinto at kumatok ng ilang beses. Walang sumagot. Napakaantipatiko


talaga ng lalaking ito!

Kumatok ako ulit pero mas nilakasan ko pa. Pero dahil sadyang masama ang ugali ng
boss ko, hindi ulit siya sumagot. Isa nalang talaga at bibigwasan ko na siya.

Enrique's POV

Napahilot ako sa sentido ko habang patuloy ang pagkatok ng baliw na sekretarya ko.
Pangalawang araw pa lang niya pero wala ng matinong nangyari samin. Puro sigawan at
barahan.

"Pwede na bang pumasok, Sir?!" tanong nito sa intercom

Bakas sa boses niya ang pagkainis. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang
sasabihin ko. Marami akong problema ngayon and arguing with her is the last thing I
wanted to do.

"Fuck!" I muttered when I heard a loud bang

Nakabukas na ang pinto ng opisina ko at nasa harapan ko na ang sekretarya ko.


Matalim ang titig nito sakin.

"What the fuck did you do to my door?" inis na tanong ko rito

"Makatanong ka ng 'what the fuck' Sir parang sinira ko yung pinto ah. Sinipa ko
lang naman eh." painosenteng sabi nito

"Do you think this is funny, Zea? Can you act just like your age? Grow up!" inis na
sabi ko rito

I saw a glint of pain in her eyes. Damn. Am I giving her a hard time? Am i too
much?
"Wow. Big word. Why don't you tell that to yourself? Pangalawang araw ko pa lang
dito at ngayon pa lang nawawalan na ako ng pasensya. You act like you can control
everything around you. Hindi ko alam kung bakit naiinis ka o kung bakit mainit ang
ulo mo kaninang umaga pa. Pero san wag mong ibunton sa akin yung galit mo.
Nagtratrabaho ako ng maayos at yung ibang pinapatrabaho mo, hindi na sakop ng
trabaho ko. I'll just remind your 2pm meeting, Sir. Thanks." seryosong sabi nito at
lumabas na

Tumayo ako at sinalinan ng alak ang baso ko. Hindi ko naman gustong mabunton sa
kanya ang galit ko. Sadyang nakakainis lang siya. She's challenging me too. She's
making things that can make me mad.

Nilagok ko ang laman ng baso ko at mariin na napapikit. I can still remember my


past with her. Yes, she's my past. She's my everything back then.

Naglalakad ako sa corridor papunta sa parking lot nang marinig ko ang sigaw ng
isang babae.

"TANGINA. LUMAYO KA SAKIN! NAAALIBADBARAN AKO SA'YO!"

Lumingon ako at doon ko nakita si Zea Alexandra. Hindi ko siya kaklase pero kilala
siya sa University namin dahil siya ay isang basagulera. Pero hinahangaan pa rin
siya ng ilang kalalakihan at maging kababaihan dahil sa katapangan niya. Maganda
rin ito at may magandang pangangatawan pero hindi lang siya nagsusuot ng mamahalin
na mga damit.

"Zea! Manliligaw lang ako." sabi ng lalaki rito

Kung hindi ako nagkakamali ay kabilang iyon sa basketball players ng unibersidad na


tinitilian ng mga kababaihan.

"Ayoko! Manliligaw ka tapos ano? Kikiligin ako? Tapos ano? Sasagutin kita tapos
magiging tayo tapos makakalimutan mo first monthsary natin tapos magpapaalam ka
sakin na may practice kayo sa basketball tapos ano? Malalaman ko na wala naman
talaga kayong practice dahil may dinedate kang iba. Tapos ano? Magbrebreak tayo?
Tapos pag break na tayo tsaka mo maiisip na mahal mo ako. Tapos ano? Magkakahappy
ending tayo? Jusko!" frustrated na sabi nito

Kumunot ang noo ko sa haba ng sinabi niya pero natatawa ako sa sinabi niya.

"Hindi ako ganun, Zea!" sabi ng lalaki

"Ilang lalaki na ang nagsabi niyan sakin pero nasaan na sila ngayon? Malay ko. Pake
ko kung nasaan sila. Please lang, Simone. Tigilan mo na ako." mariin na sabi nito

"Magpapaalam ako sa tatay mo na manliligaw ako!" sabi ulit nito

Humarap sa kanya si Alexandra na may ngisi sa labi.

"Sige. Bigay ko pa address ko sa'yo eh. Don't cha worry. Nakahanda na ang kanyon at
armalite ng tatay ko." nakangising sabi nito

Namutla naman ang lalaki pero pinakita pa rin niya na hindi siya natatakot.

"Basta liligawan kita!"

"Hindi ka talaga makaintindi. May asawa na ako! May labinlimang anak sa limang
lalaki! Hindi ko na kakayanin pag magbuntis ulit! Labandera lang ako sa kapitbahay
namin at dancer naman ako sa club pag gabi." mabilis na sabi nito

Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng tawa na kanina ko pa pinipigilan.

"M-May anak ka na?" gulat na tanong nito

"Tangina neto. Wala! Pero pag ikaw hindi ako tinigilan, hindi ka na magkakaanak!"
banta nito habang nakatingin sa pagkalalaki nito

"S-Sige. Alis na ako!" mabilis na sabi ng lalaki

Bigla itong kumaripas ng takbo. Pakiramdam ko namumula na ako dahil sa pagpipigil


ng tawa.

"Tandaan mo! Ending lang! Walang happy! Walang forever!" pahabol na sigaw ni
Alexandra

Tuluyan na akong natawa sa sinabi nito. Napatawa talaga ako ng malakas kaya
tinignan ako nito ng matalim.

"Pwede ba, Van. Kasura ka rin eh." inis na sabi nito

Mas lumakas ang tawa ko at napahawak na ako sa tiyan ko. Tangina. Nakakatawa talaga
ang babaeng 'to.

Nakalimutan kong kaibigan ko pala ang babaeng ito. Hindi ko nga alam kung paano ko
naging kaibigan to eh.

"Oh tawa pa. Sobrang saya mo." sarkastikong sabi nito

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang tawa ko.

"Idol talaga kita, Alexandra." nakangiting sabi ko rito

"Eh kung ibaon kita sa lupa?! Para akong matanda sa Alexandra!" inis na sabi nito

Naiinis talaga siya pag Alexandra ang tawag ko sa kanya. Ang ganda nga ng pangalan
na yun eh. Pang-lola. Hahaha.

"Tara na nga. Hihintayin na sana kita sa kotse kaso narinig ko yang golden voice
mo." sabi ko rito

"Ihahatid mo ako?!" masayang sabi nito

"Oo. Hanggang sakayan ng jeep!" asar ko rito

"Bwisit ka talaga! Buraot ka!" sabi nito at sinabutan ako

"Aray! Nananakit ka nanaman!" sabi ko sabay alis ng kamay niya sa buhok ko

"Ihatid mo ako sa bahay! Sayang ang kinse pesos na ibabayad ko sa jeep!


Napakaburaot mo!" utos nito habang nakanguso

Natawa nalang ako sa kanya at umakbay. Ihahatid ko naman talaga siya eh. Iniinis ko
lang siya.

"Asaan pala yung kaibigan mong bakla?" tanong ko rito


"Ewan. Baka naghahanap ng papa." balewalang sabi nito

I was back to my senses when I heard someone knock. Hindi pa ako nakakapagsalita ay
pumasok na agad ang lalaking kumatok na walang iba kundi si Ethan, my bestfriend.

"Man! Is that your new sectetary?" bungad nito

Nagsasayaw sa ngiti yung mata niya na akala mo binigyan ng bagong laruan.


Napaigting ang bagang ko nang magsalita siyang muli.

"She's hot, dude." ngiting-ngiti na sabi nito na mukhang hindi namukhaan si Zea
Alexandra

Tumayo ako at hinila ang kwelyo niya na ikinagulat niya. He can never lay a finger
on my woman. This bastard is a fucking womanizer.

"Back off. She's mine."

****************************

Oh edi sayo na. Sayo na! Hahaha.

Musta na? Pasensya na po sa matagal na update :))

-LadyCode

Chapter 4

Author's Note: I do not own the photos. Credits to the rightful owner. Thanks kay
google. Hahahahaha.

Zea's POV

Nakakunot ang noo ko habang nasa sakayan ng jeep. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa
paligid pero hindi ko sila pinapansin. What? Tinakas lang naman ng kapatid ko yung
kotse ko kaninang umaga kaya nagcommute lang ako.

And now, nasa sakayan ako ng jeep dahil ayokong mag-taxi. Mahal ang taxi sayang ang
pera.

Tinignan ko ng masama ang lalaking nasa likuran ko nang sumipol ito at ngumiti
sakin ng manyak. Kung wala lang akong dalang laptop ay baka binangasan ko na siya.

"Lima pa! Lima pa at aalis na!" tawag ng konduktor

Nakapila kami sa sakayan ng jeep at patyloy na nagtatawag ang konduktor. Gusto ko


ng umuwi kaya nagtungo ako sa jeep at sumakay.

Siksikan na pala sa loob at wala ng maupuan. Bababa na sana ako nang biglang
umandar ang jeep buti nalang at nakahawak ako sa hawakan sa taas.
"Usod na lang po tayo! Maluwang pa po yan!" sabi ng konduktor kaya sinamaan ko siya
ng tingin habang patuloy na umaandar ang jeep

"Ginagago mo ba ako? Kita mong hindi ako makaupo tapos maluwang?!" inis na tanong
ko

"Maluwang pa yan! Usod nalang po kayo dyan sa kanan!"

Pinaupo ako ng matandang babae sa tabi niya kung saan may maliit na espasyo.
Nahihirapan ako dahil kalahati lang ng puwet ko ang kasya at pag prepreno ng
malakas ang driver ay kailangan kong humawak ng mahigpit para hindi ako mahulog sa
kinauupuan ko.

"Bayad mo, Miss." sabi ng konduktor

Kanina pa ako nababanas sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako magbigay ng
sampung piso.

"Sa Dailos." inis na sabi ko

"Dailos? Kulang ng sampung piso bayad mo, miss." sabi nito

"Bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit ako magbabayad ng buo sa'yo! Hindi mo
ba nakikita? Kalahating puwet ko lang ang nakaupo kaya kalahati lang din babayaran
ko! Nakakaloka! Potek." inis na sabi ko

Natawa ang ilang pasahero at ang iba ay sumang-ayon sakin.

"Miss kailangan mo pa rin magbayad ng tama." sabi nito

"Sabihin mo yan sakin pag alam mo ng magbilang ng tama. Asan ang kulang ng lima na
sinasabi mo kanina?!" nakataas kilay na tanong ko

"Magbigay ka nalang ng sampung piso, Miss." naiinis rin na sabi nito

"Gusto mo bang idemanda kita? Hindi mo ba alam na abogado ako? Ha?" mayabang na
sabi ko rito

Sino naman ang hindi maniniwala na abogado ako? Nakacorporate attire ako.

"W-Weh? Ang alam ko pag abogado may kotse!" matapang na sabi nito

"Hindi ba pwedeng nasiraan ako at nagmamadali ako dahil may kaso akong
inaasikaso?!" I snapped

"E-Eh bakit di ka nagtaxi!" pilit nito sakin

Napaisip ako sa sinabi niya habang ang ilan sa kasakayan namin ay mukhang nag-
eenjoy.

"Alam mo bang pwede kitang idemanda sa mga tanong mo! That's invasion of privacy!"
kunwaring galit na sabi ko sa kanya

Namutla naman ito at nagpatuloy na sa pagkuha ng bayad nila. Mabuti nalang at hindi
na niya ako kinulit sa sampung piso na iyon. Kalahating puwet lang ang nakaupo kaya
dapat kalahati lang din bayaran ko.

Sa panahon ngayon, marami na talagang manloloko pati na mga konduktor ay manloloko


na. Ang mga pasahero naman ay nagpapaloko. Tsk.

Pagkababa ko ng jeep ay nagtricycle pa ako patungo sa bahay. Natanaw ko ang pulang


sasakyan ko na nasa labas ng gate ng bahay. Nasa bungad palang ako ng pinto pero
rinig ko na ang tawanan sa loob. Nakakunot noo na pumasok ako at nilapag sa sofa
ang gamit ko.

Nagtungo ako sa dining room at naabutan ko ang nanay at kapatid ko doon na


nagtatawanan. Mabilis na nilapitan ko ang kapatid ko at piningot ang tenga niya.

"Araaaay! Ate!" reklamo nito

"Anong kalokohana ng pumasok sa isip mo at tinakas mo nanaman ang kotse ko?!" inis
na tanong ko

Hindi ko pa rin binibitawan ang tenga niya. May lisensya na siya dahil 21 na siya
pero ayoko pa rin siyang hayaan na itakas lang ang sasakyan ko lalo na pag papasok
ako sa trabaho.

"Ate, bitawan mo na yung tenga ko---Araaaay!" muli nitong reklamo

Binitawan ko na ang namumulang tenga niya na hinihimas niya na ngayon. Namumula rin
ang pisngi nito.

"Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo, Adonis! Ikukulong talaga kita sa bahay pag
tinakas mo ulit ang sasakyan ko!" sermon ko sa kanya

Nanggigil ako sa kanya kaya wala sa sariling nasabunutan ko siya.

"Nakakainis ka!" nanggigigil na sabi ko

"Aray! Tama na! Ate naman eh!" pagmamaktol nito

"Zea, maupo ka na muna. Nakakahiya sa bisita." saway sakin ni mama

Bisita? Sinong bisita?

Napalingon ako sa gilid ko nang may humagikgik. Naningkit ang mata ko nang makita
ang isang babae na nasa mukhang kaedad ng kapatid ko. Maliit siya at maputi.
Lumambot ang ekspresyon ko nang ngumiti ito sa akin ng matamis.

"Hello po!"

Hindi ko alam kung malambing lang talaga ang boses niya o nagsalita lang siya ng
malambing. Tsk.

"Aba naman, Adonis. Wag mong sabihin sakin na ibabahay mo ang babaeng iyan. Jusko!
Ang bata niyo pa! Wag mong sabihin sakin na nabuntis mo yan at talagang sasakalin
kita! Bata pa ako! Ayoko pa ng pamangkin! Gragraduate ka pa ng college Adonis! Anak
naman ng tokwa! Bakit mo binuntis?! May ipapakain ka na ba sa---" naputol ang
pagsasalita ko nang takpan ni Adonis ang bibig ko

Namumula ang pisngi nito tanda na nahihiya siya. May hiya palang tinatago itong
kapatid ko. Tinignan ko naman ang babae at nakayuko ito habang pinaglalaruan ang
kamay niya.

"Ate naman! Nakakahiya talaga yang bibig mo minsan. Hindi siya buntis! Girlfriend
ko siya!"
Unti-unting inalis ni Adonis ang kamay niya sa bibig ko. Nagpabalik balik ang
tingin ko sa kanilang dalawa pagkatapos ay binalingan ko si nanay na nakangiti
sakin at tumango.

Napaawang ang bibig ko. Si Adonis. May girlfriend na si Adonis. Potek. Hindi pala
bakla ang kapatid ko. Akala ko ay nahawaan na siya ni Eugene sa pagiging binabae
nito.

Bigla kong binatukan si Adonis na ikinagulat niya.

"Ikaw na lalaki ka! May girlfriend ka na pala tapos hindi mo ipakilala sakin.
Salbahe!" sermon ko dito

"Nakakatatlo ka na ate! Wag mo nga akong pagalitan sa harap ng girlfriend ko."


nakasimangot na sabi nito

Inirapan ko lang siya at nilapitan ang girlfriend ni Adonis na namumula ang pisngi
at nanatiling nakayuko. Awww. She's so cute.

"Hey. Pasensya ka na. Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ko

"M-Mikaela po." nahihiyang sabi nito

"So, ginayuma ka ba ng kapatid ko?" tanong ko rito

"Po?" gulat na tanong nito

"Ate!" reklamo naman ni Adonis

Hindi ko pa rin siya pinansin at pinagtuunan ng pansin si Mikaela.

"Gaano na kayo katagal ni Adonis?"

"One month na po. Monthsary nga po namin ngayon eh." nakangiting sagot niya

Nginitian ko siya at binalingan ko si Adonis ng may naniningkit na mata.

"What an ass. Monthsary niyo pala eh bakit hindi mo siya inayang mag-date? Ha
Adonis? Wag kang magrason rason sakin at masasapak kita!" banta ko

Napakamot naman ito sa ulo at napaiwas ng tingin.

"Dinala ko siya sa Tagaytay kanina kaya tinakas ko yung kotse mo." nahihiyang sabi
ni Adonis

Aba naman. May pagkaromantiko din pala ang kapatid ko. Akalain mo yun.

"Talaga?! Nakapamasyal ba kayo?" masayang tanong ko kay Mikaela

Ngumiti ito sakin at mabilis na tumango. Mukhang nag-enjoy sila kanina.

"Sinurprise niya po ako, ate. Tapos binigyan niya ako ng flowers!" masayang kwento
ni Mikaela

"Babe!" inis na sabi ni Adonis

Namula naman si Mikaela habang ako natawa dahil nakikita ko yung side ng kapatid ko
na ganito.
"Akala ko talaga bakla ka, Adonis eh! Mabuti nalang talaga at hindi. Pero sinasabi
ko sa'yo Adonis, ayokong malaman laman na nabuntis mo si Mikaela o kung sinong mga
babae! Naku! Ibabaon talaga kita sa lupa!" pagbabanta ko sa kanya

"Hindi ako bakla!" mabilis na depensa nito

"Mga anak, mamaya na kayo mag-away. Mahiya naman kayo kay Mikaela." masuyong sabi
ni nanay na ngayon ay nasa tabi na ni Mikaela

Masaya kaming nagmemeryenda at nagkwekwentuhan. Nalaman kong magkadepartment pala


ang kapatid ko at si Mikaela. Architecture kasi ang kurso ng kapatid ko at ganun
din si Mikaela.

Ang saya niyang kausap dahil napakabait niya at malambing. Kita ko rin sa mata ng
kapatid ko ang saya na ngayon ko lang nakita.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kalangitan. Nasa balkonahe ako ng


kwarto ko. May dalawang palapag ang bahay namin at may apat na kwarto. Ito ang
naipundar ko sa loob ng tatlong taon.

"Zea, bakit gising ka pa?" masuyong tanong ng nanay ko na hindi ko namalayang


nakapasok na sa kwarto ko

"Wala naman nay. Natuwa lang ako masyado kay Adonis at Mikaela." nakangiting sabi
ko

Naupo ako sa couch na nasa balkonahe at ganun din ang ginawa ni nanay. Kahit medyo
madilim ay kita ko ang kapayatan niya at ang malamlam niyang ekspresyon. Halata sa
katawan niya na may iniinda siyang sakit.

"Bakit hindi mo subukan na magmahal ulit, anak?" masuyong sabi nito

Mapait akong napangiti sa sinabi ni nanay. Dalawang beses na akong nagmahal at


dalawang beses na akong nabigo. Sa unang pagkakataon ay iniwan ako at sa
pangalawang pagkakataon ay niloko ako.

"Nay, alam niyo naman ang nangyari samin ni Aidan. Nakakatakot ng magmahal ulit."
mapait na sabi ko

"Mag-iisang buwan na mula nang maghiwalay kayo. Magtatapos na si Adonis sa kolehiyo


at nagampanan mo na ang tungkulin mo sa amin. Kung tutuusin ay hindi mo naman
tungkulin na pag-aralin ang kapatid mo. Ang sinasabi ko lang ay sana sarili mo
naman ang isipin mo ngayon."

Paano ko iisipin ang sarili ko kung sa tuwing susugal ako ay talo agad ako?

Nagmahal ako pero iniwan lang ako at niloko. Iniwan ko ang pangarap ko dati dahil
sa isang malaking rason at ang rason na yun din ang dahilan kaya nawala ang
lalaking mahal ko noon.

"Kahit hindi mo sabihin ay alam kong iba ang pagmamahal mo kay Aidan. Hindi mo
mahal si Aidan katulad ng pagmamahal mo dati sa kanya." makahulugang sabi ni nanay

"I'll just wait things to fall right into their places." mahinang sabi ko

"Mag-aantay ka na lang ba at manonood? Mahal mo pa siya, diba? Mahal mo siya gaya


ng dati at alam kong hindi nawala yun. Maraming nangyari sa nakalipas na tatlong
taon, Zea. At hindi kayo nagkalinawan noon kaya bakit hindi mo gamitin ang
pagkakataon na ito para maibalik ang relasyon na meron kayo? Kahit pagkakaibigan
lang."

Pagkakaibigan. Mahirap kaibiganin ang isang lalaki na may galit sayo lalo na pag
may nararamdaman ka para sa kanya. Mahirap ibalik ang mga bagay na nasira na ng
panahon.

"Tatlong taon na ang lumipas kaya hindi na maibabalik pa iyon." malungkot na sabi
ko kay nanay

"Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nangyari sa amin ng tatay mo. Iniwan mo ang
dati mong propesyon dahil sa tatay mo pero sana wag mong talikuran ang buhay mo
dahil ulit sa kanya. Hahayaan mo bang sirain niya ng tuluyan ang buhay mo habang
siya ay nagpapakasaya sa babae niya?" naiiyak na sabi ni nanay

Naramdaman ko ang pagbabara ng lalamunan ko hudyat ng luha na nagbabadyang tumulo.


Bakit ko nga ba tinalikuran ang dati kong propesyon? Masaya ako dati. Kami. Pero
nawala iyon dahil sa nangyari kay tatay at nanay.

"Hindi ganyan ang Zea na kilala ko. Ang Zea na kilala ko ay babawiin ang tao na
mahal niya at gagawin ang lahat para maayos ang nangyaring gusot. Hindi mo pwedeng
talikuran ang nakaraan, anak. Mauna na ako. Pag-isipan mo ang sinabi ko."

Naiwan ako sa balkonaheng tulala. Bakit nga ba ako nagkakaganito?

Napapikit ako ng mariin at hinayaan ang luha ko na tumulo ng walang tigil. Sariwa
pa sa alaala ko kung gaano kami kasaya noon ni Van. Kung anong relasyon ang
pinaghirapan naming binuo.

----------

Nagmamadaling isinuot ko ang pulang pumps ko at bumaba agad ng hagdan. Ayokong


malate kaya nagmamadali ako.

"Ate, hindi ka na ba kakain?" tanong ni Adonis

"Hindi na. Nagmamadali ako eh." sagot ko sa kanya

Lumapit ako sa kanila ni nanay at humalik sa pisngi nila.

Mabilis na nakarating ako sa opisina at napansin ko na maaga rin ang masungit na


boss ko dahil nandoon na sa labas ang mga bodyguards niya. Kumunot ang noo ko nang
makarinig ako ng sigaw mula sa loob ng opisina ni Sir Enrique. Nakaawang ng kaunti
ang pinto kaya naririnig ko ng kaunti ang sinisigaw niya.

"I am fucking paying you to pay attention to her and not to let some bastard touch
her! How come they are together?! If something happen to her I will fuckin' wring
your neck!"

Halos kilabutan ako sa malamig na boses nito na puno ng awtoridad. Ngayon ko lang
siya nakitang sumigaw ng ganyan.

At sino ba ang her na iyon? Malamang ay isa sa mga babae niya. Tss. Mukhang
pinapabantayan niya para walang makalapit.

Naupo na lang ako sa mesa ko at nagsimula sa trabaho ko. Wala namang mga meetings
ngayon si Sir kaya wala akong dapat na ipag-alala.

Maaga akong natapos sa trabaho ko at dahil naboboring ako, kinuha ko yung cellphone
ko at naglaro ng criminal case.
"Ano ba yan?! Wala na akong energy?!" reklamo ko

"Are you done with your work, Ms. Montemayor?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ng boss ko.

"Shemai naman. Buti wala akong sakit sa puso."

"Tapos mo na ba ang trabaho mo, Ms. Montemayor?" malamig na tanong nito

Ang lamig. Brrr. Parang Antartica.

"Oo naman, Sir! Areglado na lahat." nakangiting sabi ko at kinalikot ulit ang
cellphone ko para maghanap ng games

"Hindi ka ba nahihiya, Ms. Montemayor? Nagtratrabaho ako na boss mo samantalang


ikaw, naglalaro lang sa cellphone mo?" malamig pa rin na tanong nito

Tinignan ko siya at nginisian. Tapos na ang trabaho ko at naayos ko na lahat kaya


walang masama kung magrelax ako.

"Hindi ba't mas nakakahiya Sir kung ako yung nagtratrabaho tapos kayo yung
naglalaro sa cellphone niyo?" nakangising tanong ko

Napaiwas ito ng tingin at walang sabing umalis. Pinigilan kong mapahagalpak ng


tawa. Naabutan ko siya noong nakaraang araw na kunot na kunot ang noo na nakatingin
sa cellphone niya. Akala ko ay may kausap siya o ka-email pero nang silipin ko, aba
matinde! Naglalaro ng COC! Uso pala yun sa kanya? Hahahaha

Zea- 1 point

Enrique- bokya!

* * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Another update for my wonderful readers!

Oh. Yan na update. Namiss niyo ako masyado. Hahaha.

-LadyCode

Chapter 5

Author's Note: I do not own the photos. Credits to the rightful owner. Thanks kay
google. Hahahahaha.

Zea's POV

Kinuha ko ang ballpen at planner ko nang tawagin ako ng boss ko. Pagkapasok ko ay
sumalubong agad sakin ang nakakunot na noo niya. Kailan ba ngingiti ang halimaw ba
to? Hmp.

Ang mahal ng ngiti niya at para malaman niya wala akong interes na bilhin ang ngiti
niya. Duh. Diyosa kaya ako.

Ang mga diyosa na katulad ko ay binibigyan ng libreng ngiti. Sobrang gwapo niya
naman ata para hindi ako bigyan ng libreng ngiti. Sabagay. Gwapo naman siya at hot.
Pero hindi pa rin rason iyon para hindi niya ako ngitian. Nasaan ang hustisya?!

"Are you even listening to me, Ms. Montemayor?"

Gulat na napatingin ako sa boss kong mukhang halimaw--este ugaling halimaw.

"Ha?" lutang na tanong ko

"Are you listening to me? Kanina pa ako nagsasalita dito para sa iseset mong
appointment!" inis na sabi nito

"Nakikinig kaya ako!" depensa ko at tinignan ang blangkong planner ko

"Then what is the last word I said?" malamig na tanong nito

"Last word, Sir? 'SAID' ang last word na sinabi niyo." nakangiting sabi ko

Mas lalong kumunot ang noo nito sakin at parang kulang nalang ay patayin ako sa
tingin.

"I'm not joking around, Ms. Montemayor." matigas na sabi nito

"May sinabi ba akong nagjojoke kayo, Sir? Wala naman diba?" pilosopong sabi ko

"Wag mo akong pinipilosopo." matigas pa rin na sabi nito

"I didn't do anything! Nagsasabi lang ako ng totoo." inosenteng sabi ko

Umigting ang paa nito at kita kong naiinis na talaga siya. Awww. Nagagalit na ang
pet kong lion. So adorable.

"Out now." mariin na sabi nito

"Pinapasok niyo ako dito tapos papalabasin niyo ako, Sir? Nagsayang pa ako ng
effort!" sabi ko rito

Totoo naman eh. Sinayang ko yung effort ko na maglakad at pinagod ko pa ang paa ko.
Hays. Kawawa naman ang slender legs ko at ang uber soft na feet ko.

"OUT!" bulyaw nito

"Tangina naman. Hindi mo kailangan sumigaw! Kala mo sakin? Bingi? Ha? Mukha ba
akong bingi?! Mukha lang akong dyosa! Nakakainis ka! Tsaka wag kang sumigaw! Laway
mo tumatalsik!" inis na asik ko sa kanya

Tumalikod ako sa kanya at lumabas na sa opisina niya. Kung ayaw niya akong makita
edi wag! Duh. As if naman gusto siyang makita ng mga mapupungay na mata ko.

Nakakainis talaga siya minsan. Nagsasabi lang naman ako ng totoo kanina. Pero yung
part na tumalsik laway niya syempre joke lang yu. Ginagalit ko lang siya lalo. Haha
Zea- 2 points

Enrique- Bokya pa rin!

Isang oras nalang ay pwede na akong umuwi kaya nag-ayos na ako ng gamit ko. Tinapos
ko agad ang ilang trabaho ko at nagtungo kay Julie.

"Sabay na tayong lumabas." yaya ko sa kanya

"Sige. Saglit lang."

Inayos nito ang gamit niya at tumayo agad. Habang pasakay kami ng elevator ay
nagkwekwento siya.

"Ang ganda talaga sa Amaranth, Zea! Tara punta tayo dun mamaya!" masayang sabi nito

Kanina pa niya kinekwento ang Amaranth na yan. Bagong bukas na bar yung Amaranth at
pang-mamayaman talaga. Maganda raw doon dahil nagpunta sila dun nung ilang kaibigan
niya noong nakaraan.

"Sige. Kailangan ko rin magrelax eh." sabi ko sa kanya

"8pm ha! Kita nalang tayo dun. Alam mo na kung saan yun dahil madaling makita."

"Sige."

Sumakay na ako sa kotse ko at pinasibad na ito patungo sa university nila Adonis.


Nagtext kasi siya at nagpapasundo dahil kasama niya raw si Mikaela. Gusto raw
niyang ihatid.

Uwian na naman nila kaya pumayag na ako. Pagkapark ko ng sasakyan ko ay lumabas na


ako. Agad naman akong pinagtinginan. Ganyan talaga pag diyosa.

"Ate Zea!"

Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko agad si Mikaela na tumatakbo papunta sakin.


Nakashorts ito at tank top tapos nakaboots na abot hanggang tuhod.

"Mikaela, baka madapa ka!" saway naman ng kapatid ko

Hindi siya pinansin ni Mikaela at patuloy lang sa pagtakbo hanggang sa makalapit


siya sakin at yakapin ako.

"Ate namiss kita! Alam mo ba inaaway ako ni Adonis kasi daw ang ikli ng short ko!"
nakangusong sumbong nito

Napatingin naman ako sa short niya na hanggang gitna ng hita niya. Hindi naman ito
maikli tulad nung ibang babae na short shorts talaga.

"Yaan mo yan. Concern lang ang kapatid ko sayo at baka may pumorma sayo."
nakangiting sabi ko

Namula naman ito at bahagyang yumuko nang dumating si Adonis at akbayan siya.

"Tara na, ate. Baka magabihan si Mikaela."

Sumakay na kami sa kotse at dahil mabait akong kapatid, sa likod ako naupo at
pinagdrive ko si Adonis. Alam ko naman na gusto niyang siya ang magdrive.
Nakatingin lang ako sa labas habang nagbiyabiyahe kami. Hindi ko namalayan na
nakauwi na kami.

"Ate, may problema ka ba?" tanong ni Adonis

Ngumiti ako sa kanya ng tipid at tinanong ang bagay na kanina ko pa naiisip.

"Namimiss mo ba si Van?"

Nagulat ito sa tanong ko pero kita ko sa mata niya yung excitement. Umiwas ito ng
tingin at namulsa.

"Bakit ko naman siya mamimiss? Sinaktan niya yung ate ko." masungit na sagot nito

Napailing ako sa kanya at tinapik ang balikat niya bago ako pumasok sa kwarto ko.

Alam ko naman na namimiss niya si Van. Close sila eh. Para na silang magkapatid ni
Van noon.

Pagkatapos ng hapunan ay naligo na ako. May usapan pala kami ni Julie. Muntik ko ng
makalimutan. Nakapagpaalam naman na ako kay nanay kaya okay na.

"San punta mo?" tanong ni Adonis habang pinapasadahan ako ng tingin

Nakawhite dress ako na hapit sa katawan at red pumps. I love red. You know.

"Sa Amaranth. Magbabar kami nung katrabaho ko." sagot ko rito habang naglalagay ng
lipstick

"Hindi mo ba isasama si Kuya Eugene?" tanong ulit nito

"Tinawagan ko siya kanina kaso may ginagawa daw siya. Alam mo naman na may bago
siyang project."

Tinali ko ng mataas ang buhok ko at pinasadahan ko ang itsura ko sa salamin bago


kunin ang clutch bag ko.

"Aalis na ako. Matulog ka ng maaga." bilin ko rito

"Hindi na ako bata!" reklamo nito

"Whatever." natatawang sabi ko

Humalik ako sa pisngi niya at mabilis na sumakay sa kotse ko. Narinig ko pa ang
malakas na reklamo nito dahil nalagyan ng lipstick ang pisngi niyang hinalikan ko.

Enrique's POV

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sigaw ng kapatid ko kaya lumingon ako sa
kanya na sana ay hindi ko na ginawa. Tumama sa mismong mukha ko yung throw pillow
na binato niya.

"Saan ka pupunta?! Sabi mo sasamahan mo akong manood ng Underworld!" reklamo nito

"Wala akong sinabing sasamahan kitang manood." kalmadong sabi ko rito

"Meron! Madaya ka Kuya! Isusumbong kita kay Harry!" nakangusong sabi nito
Tinawanan ko nalang siya at kinabig palapit sakin para yakapin siya.

"I'm sorry. Sumaglit lang talaga ako dahil gusto kitang bisitahin. May pag-uusapan
kami ni dad."

Humiwalay ito sakin at nakasimangot na siya ngayon. Kung bakit kasi bumukod pa siya
sa amin at hindi nanatili sa mansion.

"I'm serious, Kuya. Isusumbong kita kay Harry dahil--" naputol ang sasabihin nito
nang bumukas ang pintuan

"Hi! I know your passcode so I let myself in. I heard my name. Do you need
something?" tanong nito

Napailing nalang ako at napangiti ng tipid. Gusto ko si Harry para sa kapatid ko


dahil kilala ko na siya pero mukhang mag-bestfriend lang talaga sila.

"Harry! I'm glad you're here!" masayang sabi ng kapatid ko at mabilis na yumakap sa
kanya

Tumawa nalang si Harry at tinanguan ako.

"What's up?" tanong nito sa kapatid ko

"Let's watch Underworld!" nakangiting sabi nito na ikinangiwi ni Harry

Ilang ulit na kasi niya kasi niyang pinanood ang trilogy ng Underworld. It was a
great movie.

"Sure." sabi nalang ni Harry

No choice siya dahil hindi rin naman niya mahindian ang kapatid ko.

"Oh. Bakit nandito ka pa, Enrique Van Lewis? Layas na. Hmp." sabi nito na kunwari
ay nagtatampo

Nilapitan ko siya at hinalikan sa noo bago ako magpaalam. Panatag naman ang loob ko
sa dalawang yun kaya okay lang na iwan ko sila.

Umuwi ako sa mansion at naabutan ko silang kumakain na kaya nakisabay na ako sa


kanila. Ilang taon na rin nang bumalik ako sa mansion. Dati ay may sarili akong
condo pero bumalik ako sa mansion dahil... nevermind.

"Kumusta ang kapatid mo?" tanong ni mommy

"She's fine. She's watching a movie with Harry." sagot ko

"Oh. Let me guess that movie!" natatawang sabi ni mommy

Natawa ako sa kanya at ganun din si dad.

"Underworld." sabay sabay na sabi namin

She's really a fan of Kate Beckinsale aside from Maroon 5 especially Adam Levine.

Nang matapos ang dinner namin nagtungo na ako sa kwarto ko at nagbihis. Makaraan ng
ilang minuto ay nagtungo ako sa study room ni dad at naabutan siyang umiinom ng
brandy.
Inabutan niya ako na tinanggap ko naman agad. Naupo kami sa couch at ilang
segundong natahimik hanggang sa magsalita ako.

"What is it dad?" seryosong tanong ko

Bumuntong hininga ito bago sumagot.

"I talked to Michael. We've decided na ipakasal si Jack at Scarlett."

Naibagsak ko sa mesa ang basong hawak ko at napakuyom ng kamao.

"What the hell dad?!" galit na sabi ko

"I want her to be happy." mahinang sabi ni dad

"But she can't be happy with Jack! He's a player for pete's sake!"

Napasuklay ako sa buhok ko dahil sa inis. Hindi ako papayag na maikasal ang kapatid
ko sa Jack na iyon. I know my sister loves him but Jack, he's an ass! Sasaktan niya
lang ang kapatid ko.

"Jack will learn to love him!" asik sakin ni dad

"No fuckin' way dad. I will not give my precious sister to a trash like him!"
matigas na sabi ko at tumalikod na

Palabas na ako nang magsalita ulit si dad.

"You know that Jack likes your sister as Isabelle. He likes your sister even she's
hiding from those thick glasses, wig, and fake braces. She likes your sister! Akala
mo ba hindi ko alam na pinapasundan mo ang kapatid mo? Akala mo ba hindi ko alam na
alam mong pinapasundan rin siya ni Jack? Always remember Enrique. Papunta ka pa
lang pero pabalik na ako. Been there. Done that." seryosong sabi ni dad

Hindi na ako nagsalitang muli kahit na nagulat ako sa sinabi ni dad. Bumalik ako sa
kwarto ko at kinuha ang susi at wallet ko.

Damn it. My dad knows everything.

My sister is a model and she's disguising as a nerd in school para makapamuhay siya
ng normal at makapag-aral. I'm against it but she insisted. And now, she's fuckin'
inlove with a casanova. To that casanova named Jack Oliver 'Fucking' Miller.

Alam kong pinapasundan niya ang kapatid ko. No matter how he tried to dig deeper
wala siyang makukuhang impormasyon sa kapatid ko dahil pinipigilan siya ng mga
tauhan ko. Binabayaran ko rin ang tauhan niya.

Damn. I just want to protect my sister.

Tinigil ko ang kotse ko nang makarating ako sa Amaranth. I need a drink. A fucking
drink.

"Bro! You look mad." nakangiting bati ni Ethan

Well, he own this place.

"I need a drink. A hard one." sabi ko at naupo sa stool na nasa counter
Sinabi naman niya iyon sa bartender at agad na tumalima ito. Naupo sa tabi ko si
Ethan na ngingisi-ngisi.

"Is this about your 'hot' secretary again?" nang-aasar na tanong nito

Tinignan ko ito ng masama. Isa pa ang babaeng iyon. Nakakaubos siya ng pasensya.
She's a pain in the ass.

"Stop calling her hot." inis na sabi ko rito

"What? Just stating the fact." nakangising sabi nito

"I fuckin' know that! How could I fuckin' didn't know about that thing if I can see
her almost everyday!" asik ko rito

Mas lumaki ang ngisi nito. Lumagok ako sa alak na bigay ng bartender at tumingin sa
dance floor pero agad rin akong umiwas ng tingin dahil nakakairitang tignan ang
ibang magkasintahan na kulang nalang ay magsex sa gitna ng dance floor.

"Yan ba ang rason kung bakit alam mong hot ang secretary mo? O may iba pang
dahilan?"

Tinignan ko siya ng masama pero kalaunan ay napangisi ako ng palihim. I know how
hot my secretary is. I fuckin' know every detail how hot she is.

"Dude! Stop smirking like that. You look creepy." natatawang sabi ni Ethan

Mas lumawak ang ngisi ko at natawa ng mahina. Damn. Kung hindi lang nangyari ang
mga nangyari noon baka may pamilya na ako. Kami.

"Speaking of your secretary. I think I saw her."

Nakuha niya ang buong atensyon ko kaya nilingon ko siya. Malaki ang ngisi niya sa
labi.

"Fuck. Stop fooling me." inis na sabi ko at nagpatuloy sa pag-inom

"I'm not! I really think it's her." sabi nito na nakangisi pa rin

She's here? Sinong kasama niya? Boyfriend niya?

Damn. Wala siyang boyfriend. Hindi pwede. Arrgh. Bakit hindi siya pwedeng
magkaboyfriend? Pwede naman dahil single siya pero. Shit. She can't be with anyone!

"She's with her friend. Nasa second floor sila."

Wala sa sariling napatingin ako sa taas. Pang-VIP ang second floor at meron ding
dance floor doon.

"What are you waiting for? Punta ka na sa taas at baka maunahan ka." pang-aasar
sakin ni Ethan

Nanatili akong nakaupo at umiinom. Why should I find her? Why should I go there?
She left me. She fuckin' left me.

Bakit ko hahabulin ang isang tao na iniwan ako? Tss.

"Dude. Puntahan mo na siya."


"Why should I? Wala akong pakialam sa kanya." mariin na sabi ko

Tumawa si Ethan na ikinainis ko lalo. This dumbass.

"Ang bitter mo." komento nito

"Siya ang nang-iwan sakin, Ethan. Kaya bakit ko siya pupuntahan? She's not worth my
time."

Nagpatuloy kami sa pag-iinuman ni Ethan. Pilit niyang pinapasok sa usapan ang


sekretarya ko kaya minsan ay naiinis ako.

I don't give a damn about her.

Ilang oras pa kaming nag-inuman at nagkwentuhan hanggang sa namalayan kong alas-


dose na pala. Kailangan ko ng umuwi dahil papasok pa ako sa trabaho bukas.

Hindi naman ako lasing kaya makakapagdrive pa ako pauwi. Sasakay na sana ako sa
sasakyan ko nang makarinig ako ng babaeng umiiyak sa pavement na malapit sa kotse
ko.

Nakaputi itong damit at nakalugay ang mahabang buhok. Sumisinghot ito at humihikbi
ng mahina.

Kahit hindi ko kita ang mukha niya ay alam ko kung sino ang babaeng iyon. Mahina
akong napamura nang namalayan kong naglalakad ako palapit sa kanya. Napahinto ako
sa paglakad at napailing.

I shouldn't care for her.

Tumalikod ako at naglakad palayo pero sa isang iglap ay hindi ko namalayan na nasa
bisig ko na ang babaeng kinamumuhian ko. Sa huli ay hindi ko rin napigilan ang
sarili kong lapitan siya at yakapin.

Mukhang nagulat pa siya nang makilala ako pero sumiksik rin siya sakin agad at
yumakap pabalik. Parang mas lalo siyang naiyak nang yakapin ko siya.

Kalaunan ay nagsalita siya na ikinagulat ko.

"I'm sorry, Van. I'm sorry."

* * * * * * * * * * * ** * * * * * *

Sabi sa inyo eh. Ending lang. Walang happy. Hahaha

-LadyCode

Chapter 6
Enrique's POV

Dahan-dahan ko siyang nilapag sa kama dahil mahimbing ang tulog niya. Dinala ko sa
condo ko siya sa condo ko dahil hindi ko alam ang bahay nila. Ang alam ko ay
lumipat na sila sa dati nilang tinitirahang bahay.

Inalis ko ang sapatos niya at nilagay lang iyon sa kung saan. Napaiwas ako ng
tingin nang bahagya siyang gumilid ng higa at na-expose ang dibdib niya. Bago pa
ako makagawa ng anuman ay lumabas na ako ng kwarto niya.

Napatingin ako sa paligid nang may tumunog na cellphone. Nakita ko yung clucth bag
na dala niya kanina kaya kinuha ko agad yun at nilabas ang nag-iingay na cellphone
niya.

Adonis calling....

Sinagot ko agad yun dahil baka nag-aalala na siya.

[Zea Alexandra Montemayor! Nasaan ka?! Ala-una na ng madaling araw! Bakit hindi ka
pa umuuwi?! Kanina pa kita tinatawagan! Hindi mo sinasagot! Nasaan ka na ba?! Umuwi
ka na ngayon! Ngayon na--] pinutol ko na ang sermon niya kahit na natutuwa ako sa
mga sinasabi niya dahil wala pa rin siyang pinagbago.

Napakamaalalahanin pa rin niya sa kapatid niya.

"Adonis, si Kuya Enrique mo 'to."

Tumahimik sa kabilang linya at maya maya ay narinig ko ang pagsinghap nito.

[Kuya Enrique!] masayang sabi nito

Napangiti ako sa inakto niya. Malapit kami ni Adonis sa isa't isa dati noong may
relasyon pa kami ni Zea.

"Nandito sa condo ang ate mo. Nakita ko siya sa bar kanina at medyo lasing ata."

Bumuntong-hininga ito na parang alam ang pinagdadaanan ng kapatid niya.

[Mabuti naman kung ganun. Nag-aalala kasi ako kay Ate Zea dahil kanina pa siya
walang imik sa bahay.] matamlay na sabi nito

Nakaramdam ako ng guilt siguro dahil iniisip ko na yung sagutan namin kanina ang
dahilan. Palagi kasing mainit ang ulo ko nitong nakaraang linggo at dumadagdag pa
ang kalokohan niya.

"Ganun ba? Papauwiin ko nalang siya bukas ng umaga para makapagpahinga siya."

[Salamat Kuya. Saang condo pala yan? Yung condo niyo bang dalawa?]

Napasuklay ako sa buhok ko at bahagyang kinagat ang labi ko. Shit. Bakit nga ba
dito ko siya dinala?

"Uhm. Yeah." tipid na sagot ko

[Ikaw na bahala sa kanya, Kuya. Magpapahinga na rin ako.] paalam nito


"Sure. Goodnight. Bye."

[Goodnight.]

Ibababa ko na sana nang marinig ko ulit siyang magsalita.

[Kuya, pwede bang mag-usap kayo ni ate? Pag-usapan niyo yung tungkol sa inyo dati.
Hindi ka naman talaga niya iniwan eh. Sige ulit. Bye.]

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil pinatay na niya agad ang tawag. Napatitig ako
sa cellphone at sa wallpaper. Picture nila iyon na tatlo ng nanay at kapatid niya.
Pero asan yung tatay niya? Siya siguro yung nagpicture.

Alam kong masamang pakialaman ang gamit ng iba pero nacucurious ako sa cellphone
niya. Latest ang cellphone niya at tulad ng inaasahan ko, walang password. Hindi
kasi talaga niya ugaling maglagay ng pin o password dahil makakalimutin siya.

Naupo ako sa couch at binuklat ang laman ng gallery niya. Nakita ko ang mga latest
picture niya kung saan para siyang modelo. Ayos na ayos siya at talagang maganda
ang outfit niya. Siguradong si Adonis nanaman ang napagtripan niyang kumuha ng mga
litrato.

May mga stolen shots doon kung saan nakatingin siya ng masama. Meron ding nakawacky
siya na halatang stolen shot.

Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang sumunod na picture. Picture niya kasama ang
isang lalaking hindi ko kilala. Mukhang boyfriend niya iyon dahil may picture
silang magkayakap. May picture sila na nasa date sila at may picture sila kung saan
magkaholding hands sila.

Muntik ko ng maibato sa inis yung cellphone buti nalang at napigilan ko ang sarili
ko.

Tumunog ang cellphone ulit kaya tinignan ko ito. May message. Galing sa isang
unknown number.

'Are you still up? I'm sorry. I just want us to talk.'

Kumunot ang noo ko dahil sa nabasa ko. Sino ba ito?

Mukhang kakilala ni Alexandra dahil may older conversations sila. Ini-scroll ko ang
mga older conversations nila. Ang latest ay kanina lang at huminto ang conversation
nila a month ago.

'Hey'

'Where are you?'

'I think I saw you in the Amaranth.'

'It's not you, right?'

'Damn baby. Are you still mad at me?'

'Hey. I'm really sorry. Can we talk?'

'Don't move an inch. I'll go there. Let's talk.'

'Stop running away from me, Zea!'


'Shit. Don't hide from me. We need to talk!'

What the fuck is wrong with this guy? Who the hell is he?

Yan ang mga text niya sa gabing ito at hindi nagrereply sa kanya si Alexandra. Is
he a stalker?

Tinignan ko pa ang ilang messages niya one month ago na sana hindi ko na ginawa.

'Where are you babe?'

'I'm on my way.'

'I love you babe. Take care.'

'I love you too babe.'

Yan ang ilan sa mga palitan nila ng message. Tss. Nakakairita sa mata kaya binura
ko lahat iyon. Wala akong pakialam kung magalit siya.

Binuksan ko ulit ang gallery niya at doon ko napansin ang isang album na may title
na, 'XandraVan'

Nakaramdam ako ng excitement at mabilis na pinindot iyon pero biglang namatay ang
cellphone. Naalala kong lowbat pala ang cellphone niya kanina pa. Hindi ko naman
mai-charge dahil iba ang charger ko sa charger niya.

So she's still keeping something about us. Tss.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto niya nang bumukas ito at lumabas siya sa kwarto
na medyo magulo ang buhok. How can she manage to be so hot? Damn. Stop that,
Enrique.

"What?" I spat

Hindi siya nagsalita agad dahil nakatingin siya sa wallclock. Alas-dos na ng


madaling araw.

"Uhm. U-Uuwi na ako para di kita maabala." nakayukong sabi nito

Gusto ko siyang pigilan pero naalala kong hindi ko dapat siya pigilan. Gusto niyang
umuwi diba?

"Naiwan sa bar ang kotse mo kaya magtaxi ka nalang." malamig na sabi ko at tumayo
na

Nakatalikod na ako sa kanya nang magsalita siyang muli.

"Hindi mo ba ako pipigilan?" wala sa sariling tanong nito

Mukhang hindi pa nawala ang tama ng alak sa sistema niya.

Tinignan ko siya ng may ngisi sa labi na ikinagulat niya.

"Bakit kita pipigilan? Gusto mong umalis diba? Makakaalis ka na."

Kumuyom ang kamao nito at alam kong sa oras na ito kayang-kaya niya akong sapakin
pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatingin sa kanya.
"Baka kasi maisip mo na wala ng taxi sa labas." inis na sabi nito

Mas lumawak ang ngisi ko sa sinabi niya.

"Alam mo pa lang wala ng taxi sa labas, eh bakit gusto mong umalis?" nang-aasar na
tanong ko rito

"Wala kang puso! Paano kung ma-rape ako sa daan o kaya i-shoot to kill ako nung mga
hired assassins mo?!" inis na sabi nito na hindi man lang sinagot ang tanong ko

Ma-rape? Shoot to kill? Damn this woman. Is she hearing herself? Baka nakakalimutan
niya na hindi lang siya basta babae at sekretarya ko. At ano daw? Hired assassins?

I smiled at her wickedly. Lumapit ako sa kanya na pati hangin ay nahihiya ng dumaan
sa gitna. Hindi siya umatras o pumiksi man lang. She's still the same feisty woman
I used to know.

Lumapit pa ako sa kanya at sinadya ko talagang idampi ang labi ko sa pisngi niya
papunta sa tenga niya. Damn. She smells great.

"You know me very well, Alexandra. I can shoot you anytime I want. I can kill you
with my bare hands. I don't need to hire anyone. But I didn't kill you because I
want you to feel the agony I felt before." bulong ko sa tenga niya

Lumayo ako sa kanya ng ilang hakbang at ganoon pa rin ang mukha niya. Neutral na
parang hindi naapektuhan sa sinabi ko. Nahihirapan akong basahin ang emosyon na
nasa mata niya. Hindi ko siya masisisi sa kung anong reaksyon na meron siya.

She was well-trained to keep her emotions. She's trained to be strong. And she's a
smart woman.

"Then do it. I don't give a damn." balewalang sabi nito

Hindi na ako nagulat sa sagot niya. Nakamove on na nga siya eh. Napalitan na ako sa
buhay niya.

"Kailan mo uumpisahan ang pagganti sakin? Pwede bang ngayon umpisahan mo na. Ayoko
kasi yung binibigla ako." nakangiting sabi nito pero ramdam sa boses niya ang inis

I gritted my teeth in annoyance. Fuck this woman. I hate her guts.

"None of your business." matigas na sabi ko

"It is my business. Maghihiganti ka sakin diba? Why don't you admit it to


yourself?"

"Admit what?" tanong ko rito

Unti-unti ng nawawala ang pasensya niya at nagiging visible na sa paningin ko ang


emosyon niya.

"Fuck it, Van! Why don't you admit to yourself that it's all your fault?!" galit na
tanong nito

Tinignan ko siya ng masama dahil sa galit na nararamdaman ko. How can she blame me
for what happened?

"It's not my fault! You left!" singhal ko sa kanya


"I didn't! I left because you didn't wait for me!" ganti nito sakin

"I waited for you! God knows that I fuckin' waited for you! But you left! You
fuckin' left because of that fuckin' job of yours! You made your choice and that
choice is to leave me! It was your choice! It was your fault not mine!" nagpipigil
sigaw na sabi ko sa kanya

Umigkas ang kamay nito at malakas na sinampal ako. Tinignan ko siya ng masama pero
hindi siya natinag. Tinignan din niya ako ng masama na parang ako ang may
kasalanan. Damn. Parang gusto ko na ring sisihin ang sarili ko sa tingin na
binibigay niya.

"YOU LEAVE ME WITH NO CHOICE, VAN! THE ONLY CHOICE YOU GIVE ME IS TO LEAVE YOU!"
sigaw nito bago tuluyan tumalikod at pabagsak na isinara ang pinto ng kwarto niya

Nanghihinang napaupo ako sa couch at napasabunot sa buhok ko. Fighting with her is
a complete bullshit.

We never fight like this before and we are not like before. We're just strangers
with memories.

Zea's POV

Napapikit ako ng mariin at tinakpan ang mukha ko. Hindi ko na napigilan ang
mapahagulgol ng iyak.

I didn't have any choice. He left me no choice. It was his fault. I have my reasons
back then. He never listen to me. He refused to hear my side before. He never give
me a chance to explain.

He left me too after I left him. Sinabi ko naman na babalik ako eh. Bumalik naman
ako ah. Binalikan ko siya pero tangina niya. Hindi niya ako hinintay.

"Fuck those men. Fuck them all." umiiyak na usal ko

Nakatulugan ko nalang ang pag-iyak ko at naggising akong masakit ang ulo. Tumayo
ako at nagpunta sa banyo ng kwarto para maligo. Buti nalang at may natira pa akong
mga damit dito.

Naguguluhan na ba kayo sa set-up namin dati? Ako rin naguguluhan eh.

We were so happy back then. At itong condo, pag mamay-ari ni Van but I used to live
here. Dito ako naglalagi dahil madalas masama ang loob ko sa bahay. Laging nag-
aaway ang magulang ko at nagsisigawan sila kahit nakaharap kaming magkapatid.

I got tired seeing them so I moved with Van. Hindi naman umangal ang tatay ko dahil
busy siya sa pambababae. Habang ang nanay ko, ayos lang sa kanya dahil ayaw daw
niyang nakikita ko silang ganun.

Highschool pa noon si Adonis kaya madalas sinasama ko rin siya dito. Halos ayoko
siyang iwan sa bahay noon dahil ayoko rin na makita niya kung paano masira ang
relasyon ng magulang namin.

Then things got messed up. I messed up. Van messed up. My father messed up.

Pinilig ko ang ulo ko at pilit inalis sa isipan ko ang nakaraan. Kinuha ko ang
cellphone ko at binuksan pero dead batt na pala. Siguradong nag-aalala na si
Adonis.
Tinignan ko ang oras at nalaman kong alas diyes na ng umaga. Hindi na siguro muna
ako papasok. Sumasakit pa ang ulo ko at ayoko siyang makita ngayon. Alam kong ganun
din siya. Mukhang maaga siyang umalis para pumasok ng opisina.

Lumabas ako ng condo na naka-jeans, crop top at pulang pumps. Nasa paper bag na
dala ko yung damit ko kagabi. Kumusta kaya si Julie? Sana naman ay nakauwi siya ng
ligtas kagabi.

"Miss Zea! Ang tagal mong nawala ah." nakangiting bati sakin ng manager ng building

Nakakatuwa naman na naaalala pa niya ako sa dami ng mga tumitira dito. Nasa mid-
40's na siya at halatang namayat siya.

"Hello Ate Minda! Kumusta po?" nakangiting bati ko

"Ayos naman ako. Ikaw? Lumipat na ba kayo ni Enrique? Matagal ko na kayong hindi
nakikita rito eh." nakangiting sabi nito

Mukhang hindi niya alam ang nangyari sa amin. Tago naman kasi ang nangyari samin ni
Van. CEO na siya nung mangyari yun pero naitago pa rin namin sa media ang relasyon
namin at kaunti lang talaga ang nakakaalam.

"Ayos lang po ako. Sige po. Mauna na ako." paalam ko sa kanya

"Mag-iingat ka." paalam din nito

Mabuti nalang at hindi niya napansin na iniiwasan ko ang mga tanong niya. Nagtawag
ako ng taxi at agad na sumakay. Sumasakit nanaman ang ulo ko.

Napamulat ako ng mata nang huminto ang taxi na sinasakyan ko. Kumunot ang noo ko
nang makitang nasa tagong bahagi kami ng Maynila. Hindi ko namalayan kung paano
kami nakapunta rito.

"Holdap 'to!" sabi ng taxi driver

Imbes na matakot ay tinignan ko lang siya ng blangko. Sobrang sakit ng ulo ko at


ngayon heto ako, nakasakay sa taxi at naholdap.

"Sabi ko, holdap 'to!" ulit nito

"Hindi ako bingi." nakairap na sabi ko

Halata sa mukha niya ang kaba pati ang kamay niya ay nanginginig. Sinundan ko ng
tingin ang kamay niya at may hinugot siyang baril mula sa bewang niya.

Oh my god. Baril! Nakakatakot. Note the sarcasm please.

"Ibigay mo sakin ang bag mo!" sabi nito at tinutok ang baril

Humalukipkip ako at nilagay sa likuran ko ang bag ko.

"Kung ayoko?" nakataas kilay na tanong ko

"May baril ako! Babarilin kita!" sigaw nito

"Di ako bulag. At alam ko na baril yan kaya pambabaril mo. Alangan na isaksak mo
sakin ang baril. Wag tanga kuya, ha?" pilosopong sabi ko
Mas lalong hindi siya mapakali nang makitang hindi ako natatakot sa kanya. Baguhan
ang lalaking ito.

"AKIN NA YANG BAG MO!" Sigaw nito

Kinuha ko sa likuran ko yung bag ko at tinaktak ang laman nito sa gilid ko. Inabot
ko sa kanya ang bag kong walang laman.

"Bakit mo tinanggal yung laman?!" angal nito

"Sabi mo kasi bag lang, eh." bara ko sa kanya

"Akin na yang cellphone at wallet mo!" demand nito

"Abusado ka mamang holdaper ah! Ang mahal kaya niyang bag ko tapos pati cellphone
at wallet ko kukunin mo pa?!" reklamo ko sa kanya

"Gawin mo na ang sinasabi ko kung ayaw mong patayin kita." matigas na sabi nito

"Oh gosh. I'm so scared." sarcastic na sabi ko sa kanya

Hinanda ko ang kamao ko at sinuntok siya ng malakas sa mukha. Ang weak naman. Tulog
agad.

Hinila ko siya paalis sa driver's seat at ako ang naupo doon. Binalik ko ang laman
nung bag ko at nilagay sa kandungan ko bago magdrive patungo sa police station.
Nakakatawang isipin na iba na ang rason ko ngayon kaya ako nandito.

Nagulat ang ilang nakakakilala sakin nang makita nila akong lumabas ng kotse. Hindi
ko magawang maihakbang man lang papasok ang mga paa ko. Mabilis na tumakbo papasok
ang isang lalaki at maya-maya ay may lumabas na lalaking nasa edad singkwenta
pataas.

"Officer Montemayor...."

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Chapter 7

Zea's POV

Tinignan ko lang ng blangko ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung anong
sasabihin ko o kung dapat bang magsalita ako.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong nito

"Irereport ko lang ang lalaking nandyan sa loob ng taxi. Hinoholdap ako kanina."
simpleng sabi ko at akmang tatalikod na nang tawagin niya akong muli.

"Zea..."
Humarap ako sa kanya ng may blangko pa rin na tingin.

"Hindi ko dapat siya dadalhin dito kaso ito ang pinakamalapit at nagmamadali akong
umuwi. Kayo na ang bahala sa lalaking yan. Wala akong pakialam kung hindi kayo
maniwala sa sinasabi ko. Ganyan naman kayo eh. Hindi ako pinapaniwalaan." bakas sa
boses ko ang hinanakit

Bago pa siya makapagsalita ay umalis na ako. Sobrang daming nangyari sakin kagabi
at ngayon. Hanggang kailan ba ako hahabulin ng mga tao sa nakaraan ko?

Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. Si Aidan. Nakita niya ako sa bar kagabi at
pinilit niyang makausap ako.

Kanina pa ako hindi mapakali nang mabasa ko ang text ni Aidan. Nakita niya raw ako
dito. Isang buwan na mula noong maghiwalay kami at ni minsan ay hindi niya ako
tinawagan o tinext man lang.

"Girl, ayos lang?" tanong sakin ni Julie

"O-Oo naman." agad na sagot ko

"Tara! Sayaw tayo!" yakag nito sakin

Umiling lang ako sa kanya. Wala ako sa mood na sumayaw lalo na't nasa paligid si
Aidan.

"Toilet lang muna ako." paalam ko sa kanya

Tumango siya sakin at nagpunta na sa dance floor. Nag-umpisa na rin akong maglakad
papunta sa toilet. Nadaanan ko pa ang ilang VIP rooms na nandito. Dun nag-iinuman
ang mga taong gusto ng privacy o ayaw ng maingay dahil sila ang gagawa ng ingay.

Napasinghap ako nang may biglang humila sakin sa dulong parte ng hallway. Tago dito
dahil may malaking halaman na tumatakip sa pinakadulong bahagi. Awtomatikong
umigkas ang kamao ko papunta sa tiyan ng hinayupak na ito.

Bago pa lumapat ang kamao ko ay nakita ko agad kung sino ang humila sakin. Tumigas
ang panga ko at malakas na sinampal siya.

"Shit. Zea, honey. I'm sorry." malungkot na sabi nito

"Sorry?! Tangina! Isang buwan, Aidan! Isang buwan kang hindi nagparamdam tapos
ngayon bigla kang magsosorry?! Sorry is not enough! Babaero!" singhal ko sa kanya

"I'm sorry! Wala lang akong mukhang maiharap sa'yo dahil--" I cut him off

"At ngayon may mukha ka ng maihaharap?! Kumapal na ang mukha mo ganun?!" singhal ko
ulit sa kanya

"Damn honey. I'm really sorry. I miss you." frustrated na sabi nito

Tinignan ko siya ng masama at tinulak palayo sakin.

"Go fuck yourself, dumbass!" sigaw ko sa kanya

Wala pang ilang segundo ay nasa harapan ko na siya at nakalapat na ang labi niya
sakin. Hindi ako agad nakagalaw sa pagkagulat. Para akong binuhusan ng malamig na
tubig nang maramdaman ko ang kamay niya sa dibdin ko at pinipisil iyon.

P*tangina. Inipon ko ang buong lakas ko at tinulak siya palayo sakin. Hindi ko
napigiln ang sarili kong sikmuraan siya. He will fuckin' regret that he touched my
boobs!

"Shit Zea! S-Sorry!" namimilipit na sabi nito

Lumuhod ako at lumapit ng kaunti sa kanya dahil halos mapahiga na siya sa


pamimilipit.

"Stay away from me or else I will chop that 'little one' hiding behind your pants."
banta ko sa kanya

Imbes na matakot siya ay ngumiti siya sakin ng tipid.

"I deserve this. I've become a total jerk to you. But Zea, believe me, I really
love you. J-Just let me explain." mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko

"Oh. I love myself too." pambabara ko sa kanya

"Zea... I love you." muling sabi nito bago ako tuluyang umalis

I am bothered about Aidan. Yes, he cheated on me but it will never change the fact
that I love him. He was there when I needed someone and he never left me.

Sobra akong nasaktan nang maabutan ko siyang may ka-sex. I trusted him. I loved
him.

Mahirap na talaga minsan na paniwalaan ang mga lalaki. Mahal ka nila ngayon tapos
bukas iba na ang mahal nila. Pag ikaw naghabol, iiwan ka. Pag sumuko ka na, sila
naman hahabol.

Lutang akong nakauwi ng bahay at hindi ko alam kung nakuha ko ba ang sukli ko sa
jeep kanina. Napahilot ulit ako sa sentido ko pero agad din akong napamulat nang
may maamoy akong kape sa harapan ko. Hindi pa pala ako nag-aalmusal.

"Ate, magkape ka muna. Hindi ka ba nakatulog ng maayos? Ayos ka lang ba?" tanong ni
Adonis

Sasagot na sana ako nang may maalala ako. Naguguluhang tinignan ko si Adonis na
hindi man lang tinanong kung saan ako galing at hindi ako nakauwi kagabi.

"Bakit ate? Wala akong ginawa ah!" mabilis na depensa nito

Mahina akong natawa sa kanya at humigop sa kape na binigay niya.

"Mukha kang guilty. May ginawa ka, no?" tanong ko sa kanya na medyo natatawa

Namula ang mukha nito at parang pagpapawisan na siya dahil sa kaba. Naging malikot
rin ang mga mata niya at hindi siya mapakali sa inuupuan niya. Seeing my brother
like this makes me laugh.

"Anong ginawa mo?" seryosong tanong ko kahit sa loob ko ay natatawa na talaga ako
Ngayon ko lang nakitang umaktong ganyan ang kapatid ko.

"Wala ate!" mabilis na depensa nito

Naningkit ang mata ko at pinigilan kong matawa.

"Sasabihin mo sakin o ilalabas ko lahat ng pera sa bank account mo at hindi ka na


makakapunta pa sa bar? Akala mo hindi ko alam na nagpupunta ka sa bar? Kung ako
sa'yo magsasalita na ako." sabi ko sa kanya

Namutla ang mukha nito at pabalik balik ang tingin niya sakin at sa kawalan.

"HinalikankosiMikaela!" mabilis na sabi nito

Muntik ko ng maibuga ang kape dahil sa sinabi niya. Sobrang bilis niyang magsalita
pero naintindihan ko! Shet.

Tinignan ko ang kapatid kong namumula ang pisngi pero ang mukha niya parang
problemado.

"Tapos? Normal lang naman yun. Girlfriend mo si Mikaela." sabi ko sa kanya

Nasa tamang edad naman na sila at may tiwala ako sa kapatid ko.

"Sinampal niya ako!" parang batang sumbong nito habang nakanguso pa

Tuluyan na akong natawa sa kanya. Akala mo batang pinagkaitan ng candy.

"Sinampal ka niya? Baka naman hindi ka marunong humalik?" tumatawang sabi ko

Sinamaan niya ako ng tingin kaya mas lalo akong natawa pero napatigil din ako sa
sunod niyang sinabi.

"Normal lang din bang pisilin ang puwet niya?" inosenteng tanong nito na akala mo
nagtatanong lang kung tama ba ang sagot niya sa isang exam

Napatayo ako sa gulat at wala sa sariling sinampal siya. Shit. Ayoko pang magkaroon
ng pamangkin! Alam ko na ang susunod sa mga ganyang galawan eh!

"Aray naman ate! Namamaga pa yung sampal ni Mikaela eh." reklamo nito

Hindi pa ako nakuntento sa sampal kaya sinabunutan ko pa siya.

"Aray ate! Aray!" reklamo nito

"Tigilan mo ang papisil pisil kay Mikaela! Lalo na yung puwet niya! Pisngi at kamay
lang pwede mong pisilin! Hinayupak ka!" nanggigigil na sabi ko

"Aray naman, ate. Kasalanan ko bang ang tambok ng puwet--" sinampal ko ang
balasubas na bibig ng kapatid ko

"Yang bibig mo!" saway ko rito at pinandilatan siya ng mata

Naupo ako ulit at hinilot ang ulo ko. Pakiramdam ko ay bumalik ang sakit ng ulo ko
dahil sa sinabi niya. Mga lalaki nga naman. Sakit talaga sila sa ulo.

"Nakausap mo na ba si Mikaela?"tanong ko rito


"Tinawagan ko siya kagabi. Sabi niya ayos lang daw yun. Kaya ibig sabihin pwede
kong pisilin--"

Dinampot ko ang pumps ko at binato iyon sa kanya dahilan para mapatigil siya sa
pagsasalita.

"Lumayas ka na nga rito. Puro kabastusan ang nasa bibig mo. May pasok ka pa ng ala-
una!" sermon ko sa kanya

Tinawanan ako nito kaya inirapan ko siya.

"Kayo ni Kuya Enrique, kamusta? May nabuo na ba? Natulog ka sa condo niyo kagabi
diba?" nakangising sabi nito

Dinampot ko ang tsinelas ko at binato sa kanya pero mabilis siyang tumakbo. Alam
niyang nasa condo ako kagabi? Tinawagan kaya siya ng lalaking yun? Imposible naman
ata.

"Hindi ka ba papasok sa opisina?" tanong ni nanay na nasa likuran ko na pala

"Hindi, nay. Schedule ngayon ng check-up niyo diba?"

Tumango siya sakin at kinuha ang mga gamit ko na nilapag ko sa sahig.

"Saan ka natulog kagabi?" nakakunot noo na tanong nito

Napaiwas ako ng tingin at napalunok. Sasabihin ko ba kung saan ako natulog kagabi?
Hindi naman ako pwedeng magsinungaling kay nanay.

"Kasama mo ba si Enrique kagabi?" nagdududang tanong nito

Nanlaki ang mata ko at tinignan si nanay.

"H-Ha?" gulat na tanong ko

May kinuha siya sa loob ng paper bag at tinaas ang isang itim na damit.

"Kay Enrique ito diba?" sabi ni nanay at binuklat ang damit

Hinablot ko sa kamay ni nanay ang t-shirt bago pa niya tuluyang makita ang t-shirt.
Kinuha ko ito kanina sa kwarto ni Van.

"Nagkaayos na ba kayo?" tanong muli ni nanay

Napapikit ako ng mariin nang maalala ang sagutan namin kaninang madaling araw.

"I-aakyat ko muna sa taas ang mga gamit ko habang nagbibihis kayo para makapunta na
tayo sa ospital." pag-iiba ko ng topic

Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpunta sa kwarto ko. Nilapag ko sa sahig ang mga
gamit ko at naupo sa kama. Napatingin ako sa hawak kong t-shirt at dahan-dahan na
binuklat ito.

She's my witch

Yan ang nakalagay sa harap ng T-Shirt. Clichè ba? O corny dahil may ganito kaming
couple shirt? This was Eugene's gift noong first anniversary namin ni Van.

He's my ogre naman ang nakalagay sa akin. Wanna know why? It's our endearment.
Corny ba ulit? I don't give a damn.

Maingat na tinupi ko ito at nilagay sa closet ko. Kinuha ko ito dahil noong pumasok
ako sa kwarto niya, nakalagay ito sa may basurahan. Mabuti nalang at nakita ko.
Sana binalik nalang niya sa akin hindi yung itatapon niya lang sa basurahan.

"Zea, nakabihis na ako. Tara na." yakag sakin ni nanay na nasa labas ng kwarto ko

Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita si nanay na nakatayo sa gilid ng pinto ng


kwarto ko. Niyaya ko na sila sa labas at nagpunta na kami sa ospital.

-------

Pumasok na kami sa loob nang matawag ang pangalan ni nanay. Sumalubong sakin ang
nakangiting mukha ni Dr. Jones. Naging magkaibigan kami mula nang maging pasyente
niya si nanay. Mas matanda siya sakin ng dalawang taon. 29 na siya pero ako 27.

"Hi Jaxon!" nakangiting bati ko sa kanya

"Did you miss me, Zea?" nang-aasar sabi nito

"Over my dead gorgeous sexy body." nakairap na sabi ko at tumawa ng mahina

Tumaas ang kilay niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa habang tumatango.

"Pwede na. Pwede na sa lechon." pang-aasar nito

Hinampas ko siya sa braso at kinurot sa tiyan. Sheesh. May abs!

"Kumusta po, Tita?" tanong nito kay nanay

"Ayos lang, hijo. Wala naman na akong nararamdaman na paninikip ng dibdib."


nakangiting sagot ni nanay

May Rheumatic Heart Disease si nanay at medyo lumala ito nang iwan kami ni tatay.

"Mabuti naman po kung ganoon."

May ilan silang ginawang test kay nanay tapos nagbilin siya tungkol sa pag-inom
nito ng gamot. Pati ang vitamins niya at ang mga di niya dapat na kainin at gawin.

"Zea, tawagan nalang kita pag lumabas na ang ibang result ng test ni Tita." sabi ni
Jaxon sakin

"Sure. Punta ka pala sa bahay next Saturday. Birthday na ni Adonis."

Lumawak ang ngiti nito sakin. Alam ko naman na wala siyang kasama sa bahay niya
bukod sa mga kasambahay at sa anak niya. Nakakapagtaka na wala pa siyang asawa
dahil kung tutuusin ay hindi papatalo ang kagwapuhan niya kay Van. Pwede na siyang
itabi sa mga modelo.

"Sige. Pupunta ako doon at baka isama ko si Devon."

Naexcite ako nang banggitin niya ang pangalan ni Devon. Namiss ko ang batang iyon.

"Isama mo siya! Namimiss ko na siya eh." masayang sabi ko

"Try ko kung maisasama ko siya."


Nagpaalam na kami sa kanya ni nanay at umalis na sa ospital. Uuwi na sana kami nang
magtext si Adonis na maaga siyang umalis sa bahay para pumasok kaya nagpunta nalang
kami sa isang restaurant ni nanay.

"Anong order niyo, nay?" tanong ko habang nakatingin sa menu

"Anak, ang mahal naman dito." sabi sakin ni nanay

Binaba ko ang hawak kong menu at natatawang tinignan si nanay. Ilang ulit na kaming
kumain sa mamahalin na restaurant pero hindi pa rin nasasanay si nanay. Tuwing
lalabas kami ay dinadala ko sila sa mga restaurant para matikman din nila ang mga
pagkain na natitikman ko.

"Nay, pumili ka nalang. Wag mong tignan yang presyo kasi hindi yan nakakabusog."
natatawang sabi ko

Tinignan ako ng masama ni nanay kaya nagpigil ako ng tawa. Ewan ko ba kay nanay
minsan talaga ay sinusumpong siya ng kasungitan niya.

"Ano bang mga pagkain ito at ang hirap bigkasin nung iba?! Tsaka bakit wala silang
kanin?!" reklamo nito

Tumawa ulit ako kay nanay. Meron naman silang kanin eh pero hindi lang makita ni
nanay dahil nakatuon ang atensyon niya doon sa mga pagkain na mahirap daw bigkasin.

"Itong caldereta nalang para hindi ako mahirapan na magbasa." sabi nito

"Ikaw talaga nay. Paborito mo ang caldereta kaya wag ka ng mag-rason sakin."
natatawang sabi ko

Napailing nalang si nanay sakin at tumawa rin. Sinabi ko ang order namin nang
lumapit ang isang waiter samin. Nag-order din ako ng itetake-out namin para kay
Adonis.

Nagkwekwentuhan kami ni nanay habang hinihintay ang order namin. Napag-usapan din
namin ang gagawin namin sa birthday ni Adonis. Nag-iisip rin kami kung saan
magandang magbakasyon nang may tumawag sakin mula sa likuran ko.

"Zea?"

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Pasensya kung medyo madrama ang chapter na ito. Medyo feel kong magdrama eh.
Hahaha.

-LadyCode

Chapter 8

Zea's POV

Napalingon ako sa likuran ko. Nakatayo doon si Aidan na may dalang brief case.
Aba't may gana pa siyang ipakita sakin ang mukha niya. Hindi pa ata siya nagtanda
sa nangyari sa kanya kagabi.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"What do you need?" masungit na tanong ko sa kanya

"Can we talk for awhile?" mahinahon na tanong nito

"Wala tayong pag-uusapan. Makakaalis ka na." sabi ko at humarap ulit kay nanay na
nanonood lang samin

"Zea... We need to talk." sabi niya ulit at hinawakan ako sa balikat

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at tinignan siya ng masama.

"Wag mo akong hawakan. Pagkatapos mo akong lokohin may gana ka pang hawakan ako?
Bakit? Napagtanto mo ba na dyosa ang pinakawalan mo kaya gusto mo akong kausapin?
Ang mga tulad kong dyosa hindi dapat nakikipag-usap sa mga lalaking walang taste.
Ipinagpalit mo na lang din ako sa hipon pa. Sana nilubos mo na." mataray na sabi ko
sa kanya

Dumaan sa mata niya ang pagsisisi at lungkot pero hindi ko na iyon binigyan pa ng
importansya. Sana naisip niya muna ako bago niya ipagpalit sa hipon na iyon.

"Gusto lang kitang makausap." nakayukong sabi nito

Gusto kong maawa sa kanya dahil alam kong sincere siya pero gaya nga ng sabi nila,
mahirap makalimot ng isang pagkakamali.

"Hijo, pwede bang umalis ka na at baka hindi kita matantiya at ibato ko sa mukha mo
ang mamahalin na vase na nandito sa gitna ng mesa namin?" nakataas ang kilay na
sabi ni nanay

Napangiti ako sa inasta ni nanay. Mana nga ako sa kanya sa pagiging mataray.

"Tita, gusto----" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang may magsalita sa
gilid ko

"Is there any problem here?" tanong ng isang malalim at seryosong boses

Napaangat ako ng tingin at napamura sa isip ko. Shit. Double shit.

Pwede bang pahinga muna? Pwede bang bukas ulit? Kaya hindi ako pumasok para hindi
siya makita pero tignan mo naman at nandito siya ngayon sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ang ngiti ni nanay at ang pag-iling niya.

"Mr. Lewis." seryosong sabi ni Aidan

Magkakilala pala sila? Ay tanga naman Zea. Malamang. Nasa iisang larangan sila.
Pareho silang negosyante at bigatin.

"Mr. Del Mundo, do you have any problem with my wife?" maawtoridad na tanong nito

Sabay na nanlaki ang mata naming tatlo nila Aidan at nanay. Did he say wife? Triple
shit. I'm imagining things, right?

Fudge. Wala siyang sinabi diba?


"W-Wife?" gulat na tanong ni Aidan

"Van!" inis na tawag ko sa kanya

"Yes, she's my wife." seryosong sabi nito

Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay dumating ang waiter na dala ang order namin
at may nanlalaking mata. Mukhang narinig niya ang sinabi ni Van. This is trouble.
Kilala ng mga media si Van at pag may nakaalam ng tungkol sa sinabi niya,
siguradong magugulo ang tahimik kong buhay.

"Zea, is that true?" tanong sakin ni Aidan

Tinignan ko ng masama si Van. Hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya.
Nasa likuran niya ang ilang bodyguards niya.

"What? Of course---" pinutol ni Van ang sasabihin ko

"Of course. It is true." matigas na sabi ni Van

He can't control my life! Damn it.

Ano bang problema niya? Ito ba ang sinasabi niyang pagganti niya sakin?

"Shut up, Van!" I snapped

Tinignan ako nito ng malamig pero hindi ako nag-iwas ng tingin. Kung ito ang paraan
niya, pwes, pahihirapan ko din siya.

"Why don't you tell this bastard that you're my wife? I don't share what's mine,
witch."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko nakayanan ang tingin niya sakin at ang
pagtawag niya sakin ng witch. It gives me goosebumps and unwanted feelings.

"Stop fooling around." matigas na sabi ko sa kanya

"I'm not fooling around, Alexandra. You know what I'm talking about." sabi nito na
may maliit na ngisi sa labi

"Zea..." tawag ulit sakin ni Aidan

"What?!" inis na tanong ko

Mabuti nalang at nasa medyo tago kaming parte ng restaurant kaya walang halos
nakakahalata samin.

"Tell me the truth." seryosong sabi nito

"I don't owe you an explanation. Leave before I blow your head." malamig na sabi ko
sa kanya

Nanlaki ang mata niya at namutla nang makita ang baril na hawak ko. He don't know
me that much so he better leave.

"Zea!" saway sakin ni nanay

"Leave." malamig na sabi ko


Mabilis na tumalikod ito at lumabas ng restaurant. What a coward.

"What the fuck, Alexandra?!" galit na sabi ni Van

Umirap ako sa kanya at balewalang binalik ang baril sa bewang ng isa sa mga
bodyguard niya. Kinuha ko kanina yun sa bewang niya ng hindi niya napapansin. Tsk.

"What? Naiinggit ka ba dahil tinutukan ko siya ng baril? Gusto mong gawin ko rin
sa'yo?" mataray na tanong ko

"Jusko Zea! Gusto mo bang makulong?!" sermon sakin ni nanay

Lumambot ang ekspresyon ko nang makita ang galit na mukha ni nanay.

"Pasensya na po. Kain na tayo."

Napahinga ito ng malalim at tinapunan ng tingin si Van.

"Maupo ka muna, Enrique. Baka kasi pagod ka ng nakatayo dyan. Libre naman kasi ang
mga upuan dito kaya sana umupo kayo kanina habang nag-sasagutan para masulit niyo
yung pagpasok dito. Mga kabataan talaga ngayon. Hindi ko talaga kayo maintindihan
minsan eh. Pwede naman kayong mag-away ng nakaupo eh." umiiling na sabi ni nanay

Naupo naman ito sa tabi ko dahil pang-apat na tao ang upuan na kinuha namin. May
dumating na waiter at naglapag ng pagkain sa harapan niya. Kala mo hari. Hmp.

"Ang sikip na dito. Lumipat ka." inis na sabi ko sa kanya

Tinignan ako nito at tinaas ang kilay niya. Dapat ilegal ang pagtaas ng kilay sa
mga lalaking hot eh dahil ang sexy tignan.

"Ayoko." simpleng sabi nito at nag-umpisa ng kumain

Pagkatapos niya akong awayin kaninang madaling araw aasta siya na parang wala
lang?! Aba naman. Hindi ako nagkaroon ng maayos na tulog dahil sa pang-aaway niya
sa akin.

"Umalis ka na nga." ungot ko sa kanya at pasimple siyang siniko

"Ikaw ang umalis kung ayaw mo akong katabi." masungit na sabi nito at kumain ulit

Tinignan ko siya ng masama at magsaslita na sana ulit nang magsalita si nanay.

"Hindi magandang pinaghihintay ang pagkain, Zea. Kumain ka na lang at hayaan mo ng


makiupo si Enrique. Wala naman siyang ginagawa sayo kaya manahimik ka at kumain."
sermon nito

Napasimangot ako at tinignan ulit ng masama ang katabi ko pero nginisian lang niya
ako. Nakakainis. Edi siya na ang favorite ni nanay! Hmp.

Kumain na lang ako at hindi sila pinansin kahit na kanina ko pa naririnig ang
tawanan nila. Nagkwekwentuhan sila na akala mo walang nangyari kanina. Hindi man
lang nagalit si nanay na sinabi niyang asawa niya ako.

Inaangkin ako ng tarantadong lalaking yan. Over my dead gorgeous sexy body. Akin
lang ang katawan ko at sarili ko. Walang nagmamay-ari sa mga dyosa na katulad ko.

"Punta ka sa birthday ni Adonis." biglang sabi ni nanay


Nahinto sa ere ang pagsubo ko at tinignan ang halimaw na nasa tabi ko na nakangiti
sa nanay ko.

"Sige po--" pinutol ko agad ang sasabihin niya

"Nay, may business trip siya sa araw na yun." biglang sabi ko

Napatingin sakin si Van na nakakunot ang noo. Huh! Secretary pa rin niya ako. Pwede
ko siyang tambakan ng m meeting sa araw na yun.

"What business trip? I don't have any trip this month." sabi nito habang nakataas
ang kilay in a manly way

Pwe. Para siyang bakla. Hmp.

"Meron, Sir. Nakalimutan mo na ba? Pupunta ka sa Japan?" sabi ko sa kanya habang


pinagdidiinan ang salitang 'sir'

Mas kumunot ang noo nito sakin. Tuluyan na siyang humarap sakin at binitawan ang
hawak niyang kutsara.

"Are you trying to stop me on attending Adonis' birthday?" inis na tanong nito

Umirap ako sa kanya at humalukipkip.

"I'm not. May business trip ka talaga next week." pagpipilit ko sa kanya

"I don't have any trips, Alexandra." mariin na sabi nito

"I'm your secretary. Ako ang naghahawak ng planner at nagseset ng appointments mo."
mataray na sabi ko sa kanya

"Yes you are but I'm still your boss. I can cancel that trip."

Magsasalita pa sana ako nang unawat na si nanay. Para tuloy siyang referee.

"Tama na yan. Nasa harap tayo ng pagkain." saway nito

Inirapan ko nalang ulit si Van at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos kaming


kumain nagpaalam na kami---I mean si nanay lang pala dahil hindi naman ako
nagpaalam sa kanya.

Tahimik kami sa loob ng kotse kaya rinig ko ang pagbuntong hininga ni nanay. Kung
iniisip niya na nagkabalikan na kami, pwes, hindi mangyayari iyon.

"Zea..." seryosong sabi sakin ni nanay

"Nay, kung tungkol nanaman kay Van iyan wag niyo ng ituloy." seryosong sabi ko

"Pero Zea---" pinutol ko agad ang sasabihin ni nanay

"Hindi ko na siya babalikan!" inis na sabi ko

Pagkatapos niya akong sigawan kaninang madaling araw ngayon umaasta siya na parang
walang nangyari. At hindi lang iyon, he is claiming me as his wife!

"Dahil ano, Zea? Dahil iniwan ka niya? Nakalimutan mo na ba? Ikaw ang naunang nang-
iwan. At nakalimutan mo na rin ba kung bakit mo siya iniwan? May kasalanan din
naman si Enrique pero hindi mo ba naisip na hindi niya magagawa ang kasalanan na
iyon kung nanatili ka sa tabi niya? Ang selfish mo naman, anak. Habang pilit mong
binubuo ang pamilya natin noon hindi mo alam na unti-unti ring nasisira ang pamilya
na gusto niyong buuin ni Enrique. Kung diyan ka sasaya, hahayaan na kita." mahabang
sabi ni nanay at lumabas na sa kotse

Pinanood ko lang si nanay na pumasok sa bahay habang ako nanatili sa loob ng kotse.
Bakit pakiramdam ko sinisi ako ng lahat?

Hindi ko naman ginustong iwan siya. Naipit lang ako sa sitwasyon namin noon.

Wala sa sariling pinasibad ko ang kotse at nagmaneho kung saan ako dalhin ng kamay
at paa ko na kumokontrol sa kotse. Nakarating ako sa isang flower shop at bumili ng
bulaklak.

Bumalik ako sa kotse nang makabili ako ng bulaklak at nagdrive ulit. Bumaba ako
nang kotse nang makarating ako sa destinasyon ko. Sinalubong ako ng malamig na
hangin kaya napapikit ako ng mata at dinama ang hangin.

Naglakad ako papunta sa may damuhan at naupo sa silong ng puno. Marahan kong
ibinaba ang bulaklak habang nakatingin sa lapida na nasa harapan ko. Nasa isang
private cemetery ako at may binibisita.

Hinaplos ko ang lapida at inalis ang ilang maliit na dahon na nahulog doon mula sa
puno. Tatlong taon na ang lumipas nang mawala siya. Siya lang ang tao sa nakaraan
ko na gusto kong balikan at mabuhay kasama ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi ko pero mas lalo lang akong
naiyak. Tatlong taon na pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na
siya. Sinasabi nila na maging masaya ako para sa kanya pero hindi ko magawa dahil
hindi naman nila alam kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay.

Hindi nila alam dahil nakikisimpatiya lang sila at hindi sila ang nawalan.

"Nandito ka nanaman."

Napaangat ako ng tingin dahil sa boses na iyon. Nagtama ang mata namin ni Eugene na
may malungkot na ngiti sa labi.

"Eugene..." umiiyak na tawag ko sa kanya

Naupo siya sa tabi ko at niyakap ako. Mas lalo akong napaiyak dahil alam kong may
kakampi na ako.

"Ano ka ba, Girl. Akala ko ba pag diyosa hindi umiiyak?" pagbibiro nito

Mahina akong natawa sa sinabi niya pero agad rin akong napahinto nang maramdaman ko
ang pamamasa ng balikat ko. Doon ko napansin na umiiyak na rin pala si Eugene.

"Bwisit ka talaga bakla. Pinapaiyak mo ako, eh." sumisinghot na sabi nito

Yumakap ako sa kanya pabalik at sumiksik sa dibdib niya. Nakakatawang isipin na


lalaking-lalaki siyang pumorma pati ang pabango niya ay panlalaki pero babaeng-
babae naman ang puso niya.

"Ang drama mo. Inagawan mo pa ako ng eksena eh." biro ko sa kanya

"Duh. Umiyak lang ako para di ka mukhang tanga. Baka isipin nila may kasama akong
baliw." sabi nito at nagpunas ng mukha
"Huwag mo nga akong inaaway sa harap niya baka multuhin ka." pang-aasar ko rito

"Joke lang! Ito naman." sabi nito at tumawa

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya habang sinisindihan ang kandila na


nilagay ni Eugene

"Nakita ko kasi yung kotse mo kanina habang may ka-meeting ko yung bagong kliyente
ko sa may restaurant dyan sa malapit. Alam kong dito ang punta mo kaya sumunod ako
nung matapos kami." paliwanag nito habang nakatingin sa lapida

"May balita pala ako sa'yo." nakangiting sabi ko

"Ano? Na pwede ka ng mag-unli sa Talk 'N Text ng sampung piso? O na tumaas ang
tuition fee ng mga estudyante?" pilosopong sabi nito

Binatukan ko siya na ikina-aray niya. Minsan talaga ang lakas ng topak nito eh.

"Wag tanga. Luma na ang mga balitang yan!" sabi ko sa kanya

"Eh ano? Na pag pumili ka ng surf na sachet at pumunta kang cebuana may 25 free
texts ka?" pamimilosopo nito

Akmang babatukan ko siya ulit nang lumayo siya habang tumatawa. Inaasar nanaman
niya ako.

"Ang layo ng sinasabi mo! May girlfriend na si Adonis." singhal ko rito

"Oh? May girlfriend na-----SHET! SI ADONIS MAY GIRLFRIEND NA!" nanlalaking mata na
sabi nito

Tumango-tango ako sa kanya habang nakangiti ng malawak.

"Aba! Sino ang malas na babae?" natatawang sabi nito

"Ipapakilala ko sa'yo pag birthday ni Adonis. Ang bait nga niya tsaka maganda."
sabi ko rito

"Kailangan kong makita ang babaeng iyan at nang makilatis. Tara na at umuwi."

Tumayo na ako at nagpagpag ng pantalon ko. Binigyan ko muna ng huling tingin ang
lapida bago kami tuluyang umalis ni Eugene.

Bye Vaughn...

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Chapter 9
Zea's POV

Nakatingin lang ako sa kawalan habang nakaupo sa cubicle ko. Kanina pa ako walang
ginagawa at wala pa akong nauumpisahan na trabaho. Iniisip ko pa rin ang sinabi
kahapon ni nanay.

"Zea, bar tayo ulit mamaya!" yaya sakin ni Julie na nasa harapan ko na pala

"Sige." wala sa sariling sabi ko

Pakanta-kanta siyang bumalik sa pwesto niya habang ako nagsimula na akong


magtrabaho. Kailangan ko ng umpisahan ang trabaho ko nang di naman ako matambakan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Van pero hindi ako lumingon.
Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa maamoy ko ang pamilyar na pabango
niya.

"Alexandra. In my office." maawtoridad na sabi nito

Narinig ko ulit ang pagbukas at pagsara ng pinto ng opisina niya. Kinuha ko ang
ballpen at planner ko bago sumunod.

Nanatili siyang nakatitig sakin habang naglalakad ako palapit sa mesa niya kaya
hindi ko mapigilang magtaas ng kilay. Alam kong maganda ako. Duh.

Hanggang sa maupo ako ay nakatitig pa rin siya sakin kaya kunwaring umubo ako para
kunin ang atensyon niya. Hindi man lang niya inalis ang titig niya sakin kahit
nagsasalita.

"Pumasok ka ba sa kwarto ko sa condo?" seryosong tanong nito

Yun lang ba ang rason niya kaya niya ako pinapunta dito?

"Bakit naman ako papasok sa kwarto mo?" masungit na tanong ko

Hindi na siya ulit nagtanong pero nandoon pa rin ang nagdududa niyang tingin. Hindi
ko sasabihin sa kanya na pumasok ako doon dahil sigurado akong napansin na niyang
wala sa basurahan ang t-shirt niya. As if naman na mapapansin niya talaga dahil
tinapon na niya.

"Set me an appointment with Mr. Michael Miller at 11am."

Sinulat ko ang sinabi niya. Tatawagan ko nalang mamaya ang secretary ni Mr. Miller.

"Clear all my appointments on Saturday." sabi ulit nito

Magsusulat na sana ako nang mapagtanto ang sinabi niya. Tinignan ko siya at
tinaasan ng kilay.

"I can't just cancel all your scheduled appoint--" he cut me off

"Just do what I say." matigas na sabi nito

"No." mariin na sabi ko

"I am your boss." nakakunot noong sabi nito

"I am your secretary."


"Ako ang nagpapasweldo sayo."

"Ako ang nagseset ng appointments para sayo."

"Damn it. Just cancel all that damn appointments!" inis na sabi nito

"What if I don't?" mataray na tanong ko rito

"Just follow my orders or else--" I cut him off

"Or else what? You will fire me? Fire me then." naghahamon na sabi ko sa kanya

"You know me, Alexandra. I have my ways to make you follow me." seryosong sabi nito

"Really? Try me, Van." hamon ko sa kanya

Tumaas ang gilid ng labi niya na parang nagustuhan pa ang sinabi ko. Lumapit siya
sa akin habang nakapamulsa. Nakaupo ako kaya yumuko siya ng kaunti at hinila ako
patayo.

Chansing ang hinayupak na 'to eh. Ilayo niyo ito sakin at baka masapak ko.

Tumingala ako ng kaunti dahil mas matangkad siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay
nang makita kong nakatingin siya sa labi ko. Alam kong maganda ang labi ko at
masarap pero syempre sakin lang ang labi ko. Ayokong mag-share. Hmp.

"Stop staring at my lips!" singhal ko sa kanya

Mahina siyang natawa pero agad ring nagseryoso ng mukha.

"Just do it, Alexandra. I don't want to miss Adonis' birthday." seryosong sabi nito

"No! Ayoko!" I said stubbornly

"Stop provoking me, Zea Alexandra." mariin na sabi nito

Tinignan ko siya ng masama. Ayokong tinatawag akong Alexandra dahil pang-matanda!

"AYOKO!" malakas na sabi ko

"I already warned you." sabi nito

Magsasalita pa sana ako nang hilain niya ako at inupo sa mesa. Naramdaman ko ang
paglapat ng labi niya sa labi ko kaya nanlaki ang mata ko.

I knew it. This is Van's way.

Tinutulak ko siya sa dibdib pero hindi man lang siya natitinag. Hinuli niya ang
kamay ko at hinawakan. Nasa gitna siya ng mga hita ko at ramdam kong nakaexpose na
yung hita ko. Ngayon nagsisisi ako na kinalimutan kong magsuot ng cycling short.

"Van!" inis na sabi ko nang hiwalayan niya ang labi ko para sumagap ng hangin

Akala ko papatayin niya na ako dahil nawawalan na ako ng hangin.

"Choose Alexandra. You will follow my orders or I will take you here. The latter
sounds appealing to me." nakangising sabi nito

"Jerk! Pakawalan mo nga ako." sabi ko at nagpumiglas pa


Mas lumaki ang ngisi nito sakin. Nanlaki ang mata ko nang makitang bumaba ang ulo
niya papunta sa leeg ko. Shit. No fucking way!

"No! Shit Van! Stop!" mabilis na sabi ko

Hindi siya nakinig at pinagpatuloy niya ang binabalak niya.

"Gagawin ko na! Tangina." malakas na sabi ko nang maramdaman ko ang labi niya sa
leeg ko

Akala ko ay titigil na siya pero pinagpatuloy niya ang paghalik sa leeg ko. Nakagat
ko nalang ang ibabang labi ko. Nakikiliti ako na ewan. Neck is my weakness! Lahat
naman ata ng tao may kiliti sa leeg.

"S-Stop it, Van." paos na sabi ko

Marahan niyang sinipsip ang balat ko at tinaas ang halik niya papunta sa pisngi ko.
I want to stop him but my own body is betraying me.

He found my lips and kissed me aggressively. Binitawan niya ang kamay ko at niyakap
niya ako sa bewang. Mas tumaas ang palda pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng
pansin dahil nalalasing ako sa halik ni Van.

I hate to admit it but I miss him.

Hinahaplos niya ang likod ko hanggang sa mahanap ng kamay niya ang dibdib ko.
Marahan niya itong pinipisil. He started to unbutton my blouse and I did the same.

Nasa panghuling butones na ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Enrique, nasaan yung---" nahinto ito sa pagsasalita nang makita ang ayos namin

Mabilis na niyakap ako ni Van at tinago sa dibdib niya.

"Dad! Bakit ba hindi ka man lang kumatok?!" inis natanong ni Van

"Sorry. Sa susunod kasi maglagay kayo ng karatula sa pinto na, 'Do not disturb'"
nakangising sabi nito at lumabas na

Binitawan naman ako ni Van kaya bumaba na ako sa mesa at nag-ayos ng sarili. Alam
kong namumula ako kaya nakayuko lang ako.

Kinuha ko na ang planner at ballpen ko nang matapos akong mag-ayos. Lalakad na sana
ako palabas nang magsalita si Van.

"We're not yet done, Alexandra." seryosong sabi nito

Napalunok ako at hindi na umimik pa. Tahimik na lumabas ako at naabutan ko doon ang
daddy ni Van na ngiting-ngiti sakin. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.

"Sana maayos niyo na ang relasyon ni Enrique." nakangiting sabi nito

"Wala po kaming relasyon." mahinang sabi ko

Hindi na siya nagsalita pa pero ngumiti siya sakin ng makahulugan na parang


sinasabi niyang may alam siyang hindi ko alam.

Nanghihinang napaupo ako sa upuan ko at nasapo ang ulo ko. Kung hindi dumating ang
daddy niya baka kung saan na kami napunta. Pagkaraan ng ilang minuto ay may
dumating na lalaking kasing-tanda ng daddy ni Van. Si Mr. Miller.

Tinawagan ko ang secretary niya kanina pero sinabi niya na pupunta dito ang amo
niya ngayon.

"Good day, Mr. Miller. Pumasok na po kayo sa loob." nakangiting sabi ko

Ngumiti siya sakin bago pumasok sa loob. Bumukas ulit ang pinto at lumabas doon si
Van.

"Coffee for three, please." seryosong sabi nito

Tumango ako sa kanya at nagpunta sa may pantry. Nagtimpla ako ng kape at nilagay sa
isang tray. Bumalik na ako nang matapos ako at kumatok pero walang sumagot kaya
pumasok nalang ako.

Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may tensyon na namamagitan sa tatlong
lalaking ito.

"Pumayag ka na lang, Enrique." sabi ni Mr. Miller

Tahimik na nilapag ko ang tasa sa harapan nila habang nagbabatuhan sila ng masamang
tingin.

"My son loves her." sabi ulit ni Mr. Miller

"Love? Babaero ang anak niyo, Mr. Miller. Lahat ng babae mahal niya. Lahat ng babae
ikakama niya kung gugustuhin niya." mapanuyang sabi ni Van

"Enrique! Umayos ka." saway naman sa kanya ng daddy niya

Dahan-dahan na akong naglakad palabas dahil baka madamay pa ako sa away nilang
tatlo. Wala akong balak na maging taga-awat nila. Bago ko maisara ang pinto narinig
ko pa ang sinabi ni Van.

"Hindi ako papayag na maikasal sila!"

Sino namang ikakasal? At bakit ayaw niya? Siguro girlfriend niya yung babae. Ang
kapal naman ng mukha niyang humalik sakin yun pala may girlfriend siya.

Gusto niya ibaon ko siya sa lupa kasama ang babaeng yun eh.

---------

"Party! Party! Whoot!" sigaw ni Julie habang kumekembot papasok ng bar

Hindi ko alam na pumayag pala ako na samahan siya dito kanina. Sumalubong sakin ang
malakas na tugtog ng bar.

Ayoko pa sanang tumuloy dito dahil galing na kami dito noong isang gabi lang. Hindi
ko naman maiwan si Julie dahil may problema siya ngayon. Umalis ang asawa niya at
dinala ang anak nila.

Hindi ko alam ang buong kwento dahil hindi niya masyadong maikwento sakin ng
maayos. Ganito nalang ba palagi ang role naming mga babae? Iniiwan, iiwan, at
maiiwan?
"Whoooo! Mga walang kwentang lalaki!" sabi nito sabay inom sa alak niya

Hindi pa ako umiinom dahil baka kung anong mangyari sa babaeng ito.

"Alam mo Zea. Hindi madaling mag-asawa gaya ng iniisip ng iba. Akala lang nila
yun!" malungkot na sabi nito

Hindi nalang ako nagsalita at kinuha ang isang baso at inubos ang laman nito.
Naramdaman ko pa ang pagguhit nito sa lalamunan ko.

"Yang mga lalaki pag nakuha na nila ang gusto nila tsaka ka nila iiwan tapos
maghahanap ng bago! Nakakagago lang!" sabi nito sabay tungga ng alak niya

Patuloy lang siya sa pagdradrama at pagsabi ng mga hugot lines niya. Minsan ay
iiyak siya tapos tatawa. Hindi ko alam kung lasing na ba siya o epekto ng problema
niya.

Pero siguro epekto ng problema niya. Alam ko kung anong pakiramdam ng mawalan at
iwan. Naranasan ko na kasi kaya malamang alam ko.

"Ate Julie?"

Sabay kaming napalingom ni Julie sa tumawag sa kanya. Ngumiti sakin ang babae
habang ngumiwi siya nang makita ang itsura ni Julie. Mukhang magkapatid sila dahil
magkamukha sila.

"Kapatid!" sigaw ni Julie na halatang tinamaan na

"Iuuwi na kita! Buti nalang at nakita kita." sermon nito

"Ayokoooo. Dito muna ako." nagpumiglas pa si Julie pero sinaway ko na siya dahil
lasing na siya

"Tama na, Julie. Umuwi na kayo."

Tahimik na tumango siya sakin at ngumiti naman sakin ang kapatid niya. Nagpasalamat
pa siya bago umalis. Binayaran ko muna ang ininom namin. Sisingilin ko nalang bukas
si Julie. Dalawang baso lang ininom ko eh.

"Zea!" tawag ng isang pamilyar na boses

Lumingon ako para makumpirma na si Aidan nga iyon. Tangina naman. Hanggang ngayon
ba naman makikita ko pa rin siya dito?!

Tumalikod ako at mabilis na naglakad. Hindi ako lumingon kahit alam kong hinahabol
niya ako at tinatawag. Malakas ang music pero rinig ko ang pagtawag niya sakin
dahil talagang sumisigaw siya.

Paliko na ako nang may mabunggo akong lalaki. Tigas ng dibdib.

Nag-angat ako ng tingin at napamura nang makitang si Van ang nasa harapan ko. Araw-
araw ko na lang ba silang makikita?!

"Shit!" I muttered

Hindi na ako nagdalawang isip at hinila ko ang kwelyo ni Van. Hinatak ko siya
paharap sakin at walang sabing hinalikan.
Nanlalaki ang mata nito kaya mas diniinan ko pa ang halik at unti-unti siyang
pumikit. Tinignan ko mula sa likod niya kung naroon pa si Aidan. Nabalik ang
atensyon ko sa kanya nang marahan niyang igalaw ang labi niya.

Marahas na tinulak ko siya pero hindi man lang siya natinag. Hinawakan niya ng
mahigpit ang bewang ko at mas idinikit ako sa pader. Ako naman ngayon ang nanlalaki
ang mata. This is bullshit.

Iniyakap ko ang mga braso ko sa batok niya at gumanti ng halik. Naramdaman ko ang
pagngisi niya at ang malikot niyang kamay na papataas na sa may dibdib ko. Inalis
ko sa batok niya ang isa kong kamay at hinuli ang kamay niya.

Tangina neto eh. Pinapahalik na nga nanghihipo pa sa diyosa kong katawan.

Sinubukan kong pilipitin ang kamay niya pero hinuli niya rin ang kamay ko at
inilagay ito sa itaas ng ulo ko. Potek. Rape!

Inalis ko ang isa ko pang kamay at ginamit iyon para maalis ang kamay kong hawak
niya. Pero gaya ng hinuli niya rin ito at nilagay sa taas ng ulo ko. Hiniwalayan
niya ang labi ko at sabay kaming naghabol ng hininga.

Nakadantay sa noo ko ang noo niya at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.

"B-Bitawan mo ang kamay ko." hinihingal na sabi ko

Inangat niya ang paningin niya sakin at sobrang lapit ng mata niya. At isa lang ang
masasabi ko, nakakaduling -_-

"No." paos ba sabi nito

Nanlaki ulit ang mata ko nang halikan niya ako ng mariin. Mabilis na hinalikan ko
siya pabalik nang makita kong muli si Aidan na naglalakad at mukhang hinahanap ako.
Umalis din ito agad nang hindi niya ako makita.

Pinagtuunan ko nalang ilit ng pansin ang kamay ko na nasa taas ng ulo ko. Mas
humigpit lang ang pagkakahawak niya sakin. Shush. There's only one way to escape.

If you wanna escape, join the game and beat the player.

Humiwalay ako sa kanya nang halos mawalan na ako ng hininga. May balak ata siyang
patayin ako sa ganyan na paraan. I will kill him first then.

Nilapit ko ang mukha ko sa leeg niya at binigyan ng magaang halik ang pagitan ng
leeg niya at balikat niya. Lihim akong napangiti nang marinig ko ang mahinang mura
nito.

I gently bit him. I kissed it again and suck it gently.

Napamura siya ulit at lumuwag na ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Humiwalay ako
sa kanya nang tuluyan na niyang mabitawan ang kamay ko. Hinaklit ko ulit ang kwelyo
niya at siya naman ang idiniinin ko sa pader.

Lihim akong napangisi dahil sa naiisip ko. Matalino man ang matsing, naiisahan din.

Binigyan ko siya ng halik pero smack lang. Mabilis na tumalikod ako sa kanya at
tumakbo palabas ng bar. Pero dahil ako yata ang matsing, naisahan niya ako.

Naabutan niya ako at binuhat na parang sako bago ipasok sa itim na kotse.
"Bakit mo ba ako binuhat?!" inis na tanong ko

"I told you. We're not yet done."

Uh-oh.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Chapter 10

LadyCode's Nagmamagandang Note:

Ang mga nakaraan na chapter at susunod pang mga chapter ay may mga salita na hindi
naaangkop sa mga batang mambabasa.

Pero dahil pasaway ang ilang bata, okay lang yan. I already warned everyone.

May mga mature content at hindi ko ipaprivate dahil wala na akong time at isa lang
iyong hassle para sa ibang readers na gustong basahin ang part na iyon.

Ang mga ayaw makabasa ng bed scenes or mature scenes, skip nalang po ninyo.

~~~~~~~~~~~~~~

Zea's POV

Sinusubukan kong buksan ang pinto pero ayaw niyang bumukas. Kaya ayoko sa kotseng
magagara eh!

"Ibaba mo ako! Sisigaw ako ng rape!" banta ko sa kanya

"You can scream whatever you like but I like it more if you scream my name."
balewalang sabi nito

"Tangina mo, Van!" inis na sabi

"Shut up and stop swearing." naiiling na sabi nito

"Sisigaw talaga ako ng Rape!" banta ko ulit

"Sige, sumigaw ka para totohanin ko yan." hamon nito sakin

"Kakasuhan kita ng kidnapping at rape!"

"You're not a kid anymore and you can't consider it rape if you like it." bored na
sabi nito

Ang yabang nito ah! Hindi ako matanda at isa pa, paano niya nasabing gusto ko? Duh.
Ayoko kaya. Over my dead yummy body.
"Edi ladynapped!" asik ko

"Yeah." bored na sabi ulit nito

Sa inis ko ay ginulo ko ang buhok ko at tinignan siya ng masama kahit alam kong
hindi niya nakikita dahil nakatuon sa daan ang mata niya.

"Fuck you!"

"When?" nakangising sabi nito

"Asshole!" galit na sabi ko

Mas lumawak ang ngisi nito at mabilis na sumulyap sakin.

"I asked When not Where." manyak na sabi nito

"Pervert!" inis na sabi ko at inirapan siya

Napatitig ako sa kanya nang tumawa siya. Gaano na ba katagal mula nang marinig ko
ang tawa niya?

Potek. Gwapo niya.

"You should stop staring at me." nakangising sabi nito

"Duh! Tinititigan ko lang kung gaano ka kapangit. Hihingi sana ako ng kapangitan mo
para mabawasan naman ang pagiging dyosa ko. Alam mo na, dyosa problems 101." sabi
ko sabay flip ng hair

Aba. Hindi ako papatalo sa kanya no.

Natahimik naman siya at hindi na kami nag-usap ulit. Saan ba ako dadalhin ng freak
na 'to? Hindi naman niya ako isasalvage diba? Ayokong mabawasan ang dyosa sa
mundong ibabaw.

"Saan mo ba ako dadalhin? Baka hanapin ako ni Adonis at nanay."

Saglit na tumingin siya sakin at agad na binalik ang tingin sa daan.

"Ang tatay mo hindi ka ba hahanapin?" tanong nito

Natahimik ako sa tanong niya. Hindi pala niya alam ang nangyari kay tatay. Hindi
ako hahanapin ng lalaking yun at mas mapapanatag ako kung hindi niya talaga ako
hahanapin. Ayoko siyang makita dahil maaalala ko lang ang ginawa niya.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang pamilya namin. Hindi lang naman ang
pamilya namin ang nasira. Tama si nanay. Pati ang pamilyang binubuo namin ni Van
noon nasira.

"Nandito na tayo." biglang sabi nito

Mukhang nakalimutan na niya ang tanong niya kanina. Mabuti na yun dahil ayokong
sagutin ang tanong niya.

Tumirik ang mata ko nang makita kung nasaan kami. Nasa condominium kami. Dito lang
pala niya ako dadalhin.

"Anong gagawin natin dito? Ihatid mo nalang ako pauwi." mataray na sabi ko
"Sumunod ka na lang." malamig na sabi nito

"Freak!" inis na sabi ko

Tinignan naman niya ako ng masama.

"What did you say?" seryosong tanong nito

"Freak!" mas malakas na sabi ko at nauna ng magpunta sa elevator

Masama ang tingin niya sakin habang nakasakay kami sa elevator. Humalukipkip naman
ako at nanatili sa gilid. Mahirap na baka may gawing masama sakin ang freak na 'to.

Nauna siyang lumabas ng elevator kaya sumunod ako sa kanya. Nagtype siya ng
passcode kaya nakisilip ako pero tinatakpan niya.

"What the hell?!" gulat na sambit ko nang makapasok ako sa condo

This is beyond my expectation. Akala ko bibitayin na ako ng nilalang na ito pero


hindi ko inasahan na tatambad sa akin ang sobrang kalat na condo.

Sinipa ko ang damit na nakakalat sa kung saan.

"Are you kidding me?!" inis na tanong ko kay Van

Seryoso lang siyang nakatingin sakin habang nakasandal at nakapamulsa sa gilid.


Alam kong makalat siya sa gamit pero hindi ko inasahan na dadatnan ko ang condo na
ganito. Maayos naman dito noong isang gabi!

"I need you to clean my condo." balewalang sabi nito

"I'm not your maid!" inis na sabi ko

"So? You're still my secretary."

"Hindi sakop ng trabaho ko ang paglilinis ng condo mo! Peste! Ano bang nangyari
dito at parang dinaanan ng ilang bagyo?! Maayos naman dito noong isang gabi pero
bakit ang gulo ngayon?!" inis na tanong ko rito

Ngumisi siya sa akin at naglakad sa may bar counter at nagsalin ng alak sa baso.

"It's been a cold night for me so I needed someone to warm my body and my condo
ended up like this." walang ganang sabi nito pero nandoon pa rin ang ngisi sa labi
niya

Nabitawan ko ang hawak kong damit na pinulot ko sa sahig. Gusto kong ihagis sa
kanya lahat ng bagay na makita ko. Did he just say that he brought someone here? In
this fuckin' condo? Where I lived before with him?

"What?" mahinang tanong ko habang nakatingin ng masama sa kanya

"Am I not allowed to fuck someone here?" nakangisi pa ring tanong nito

Napaiwas ako ng tingin at natawa ng mahina. Mapait na tawa. Tangina niya.

"You fucked your whore here and you brought me here to clean your mess?" mapanuyang
tanong ko
Lumagok siya sa alak niya bago siya tuluyang sumagot sa tanong ko.

"Yes." nakangising sabi pa rin nito

Damn this bastard. Napakuyom ako ng kamao at pinigilan ang sarili kong makasapak
dahil alam kong konti nalang ay masasapak ko na siya.

"Go fuck yourself!" galit na sabi ko sa kanya

Hinablot ko ang vase na nasa gilid ko at hinagis ito sa gilid bago ako lumabas ng
condo niya. Ibinalibag ko ang pinto at mabilis na sumakay sa elevator.

What an ass. Gusto ba niyang ipamukha sakin na kaya niya akong palitan ng kahit
sinong babae? Tandaan niya, dyosa ako pero sila mga hampaslupa.

Akala ba niya masasaktan ako sa sinabi at ginawa niya kanina? Pwes, nasaktan nga
ako pero hindi ko ipapakita at ipapahalata sa kanya. Asshole.

Gusto niya ng laro? Fine. I'll play with him.

"Zea! Wait!"

Napalingon ako sa tumawag sakin nang makalabas na ako ng building. Sumalubong sakin
ang nag-aalalang mukha ni Jaxon. Nakasuot lang siya ng simpleng black v-neck shirt
at jeans. Magulo rin ang buhok niya na mukhang style niya talaga pag wala sa
hospital.

Nakikita ko ang bad-boy look ni Jaxon. Pero yung mukha niya ganoon pa rin sa dati.
He has soft features.

"What are you doing here?" gulat na tanong ko

"Just visiting my cousin. I'm with Devon. You look wasted. What happened?" nag-
aalalang tanong nito

"I-I'm okay. Where's Devon?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at mukhang napansin niya na wala akong balak na
magkwento.

"Nasa toilet kasama yung pinsan ko. You should fix your face." sabi nito at
bahagyang pinunasan ang pisngi ko

Bahagyang nasira ang make-up ko dahil naluluha ako kanina buti nalang at napigilan
ko.

"Thank you." sabi ko sa kanya

"Let me." sabi nito at naglabas ng panyo

Aangal pa sana ako nang punasan na niya ang mukha ko at inayos ang ilang hibla ng
buhok na tumatabing sa mukha ko.

"Daddy!"

Sabay kaming napalingon sa likuran niya at nakita ko si Devon na tumatakbo palayo


sa isang babae na parang kaedad lang ni Adonis.

"Mommy!" masayang sabi nito nang makita ako at sa akin tumakbo imbes na kay Jaxon
Sinalubong ko naman siya at niyakap. Natawa ako nang halikan niya ang buong mukha
ko.

"I miss you, mommy. Where is tito Adonis?" malambing na sabi nito

Apat na taon na si Devon at anak siya ni Jaxon. Well, there's a story behind it but
that's a different story so I don't think I need to tell you about it.

Tinatawag akong mommy ni Devon kahit na pinaliwanag na nilang hindi ako ang mommy
niya.

"I miss you too. He's in the house." sagot ko sa kanya

Napatingin ako sa orasan ko nang maalalang malalim na ang gabi. Nakakunot noo na
binalingan ko ng tingin si Jaxon na ngayon ay nakangiwi na at ang pinsan naman niya
ay nakangisi sa kanya.

"It's already midnight, Jax. What are you still two doing here? Devon must be
sleeping at this hour!" seryosong sabi ko sa kanya

"I'm sorry, okay? Nawili kasi sila ni Hanna sa paglalaro kaya hindi na namin
namalayan ang oras." sabi nito habang kinakamot ang ulo niya

Ngumiti naman sakin ang babae at mahinang siniko si Jaxon.

"Pasensya na ate. Nanood pa kasi kami ng last show sa cinema tapos dumiretso kami
dito kaso mukhang ayaw pang matulog ni Devon kaya naglaro pa kami." paumanhin nito

"Ayos lang. Nag-aalala lang ako dahil baka pagod na ang bata. I'm Zea, by the way."
nakangiting sabi ko

"Hannah. Pinsan ni Kuya Jaxon. Paano? Aakyat na ako sa taas." sabi nito

Nagtanguan silang magpinsan at nagpaalam muna siya samin ni Devin bago bumalik sa
loob. Napatingin ako kay Devon nang humikab siya.

"You must be tired. Come on." sabi ko kay Devon at akmang bubuhatin na siya nang
nauna siyang buhatin ni Jaxon

"Ako na. Mabigat siya eh. Hatid na kita."

Hindi na ako umangal pa dahil wala naman ang kotse ko dito at naiwan pa sa bar.
Kunin ko nalang siguro yun bukas.

Naupo ako sa likod ng kotse para may kasama si Devon. Nahiga siya sa kandungan ko
at niyakap ang kamay ko. Marahan kong sinuklay ang buhok niya at napangiti. Nakita
ko na sa litrato ang kapatid ni Jaxon at masasabi kong nakuha ni Devon ang mata
nito. Magkahawig din sila pero mas kahawig niya si Jaxon kaya para silang mag-ama
talaga.

Mapait akong napangiti nang maalala ang nangyari samin ni Van noon. Kung hindi ako
umalis at hindi rin siya umalis noon buo na sana ang pamilyang binubuo namin.

"Naaalala mo nanaman ba siya?" tanong ni Jaxon at tumingin sakin saglit mula sa


rearview mirror

Hindi nalang ako nagsalita at ngumiti ng tipid. Alam ang ni Jaxon ang nangyari
sakin noon pero hindi niya kilala si Van.
Huminto ang kotse kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Nasa tapat na pala kami
ng bahay.

"Dito na kayo matulog ni Devon. May guest room naman kami."

Hindi kami mayaman pero may guest room kami. Trip ko lang magkaroon ng guest room
para may thrill.

"Wag na, Zea. Kailangan nanaming umuwi." sabi nito

Hinila ko ang braso niya at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi kayo uuwi ng ganitong oras. Naamoy ko ang alak sa'yo kaya hindi ko talaga
kayo hahayaan na umuwi."

Dumaan ang gulat sa mukha niya at ang pagkaguilty. Napakamot pa siya sa batok niya.
Hindi siya lasing pero nakainom pa rin siya.

"Pero baka makaabala kami tsaka nakakahiya kay tita." sabi nito

"Mas makakaabala kayo kung uuwi pa kayo ng madaling-araw. May bata kang kasama
Jaxon at hindi ako mapapanatag kung uuwi kayo ng ganitong oras at sa ganyan na
sitwasyon." seryosong sabi ko sa kanya

Napatango nalang siya at maingat na binuhat palabas ng kotse niya si Devon.


Binuksan ko na ang bahay at tahimik na pumasok kami. Hinatid ko muna sila sa guest
room at mabuti nalang dahil malinis ang kwarto.

Hindi ito guest room noon dahil may iba akong balak sa kwartong ito. Pero dahil
nawala na ang taong dapat na mag-mamay-ari nito, pinagawa ko na lang na guest room.
At isa pa, para nga may thrill.

"Kukuha lang ako ng pamalit mo." sabi ko sa kanya

May dala naman siyang gamit ni Devon kaya wala ng problema sa kanya. Pumasok ako sa
kwarto ni Adonis dahil hindi naman naglalock ng kwarto yun. Pero kumunot ang noo ko
nang naka-lock ang pinto.

Kailan pa natutong mag-lock ng pinto si Adonis?

Hindi nalang ako nag-abala pang kumatok at nagpunta na lang ako sa kwarto ko.
Naghanap ako ng t-shirt na malaki dahil mahilig akong magsuot ng oversize shirt.
Bumalik ako sa kwarto nila Jaxon nang makahanap ako ng damit.

"Jaxon, ito na yung----holy mother of---hmmmp!"

Nanlalaking nakatingin ako sa kanya habang nakatakip sa bibig ko ang kamay niya.
Marahas na inalis ko ang kamay niya sa bunganga ko at napatingin sa kanya ng may
nanalalaking mata.

"Sinong nagsabi sayo na pwede kang maghubad?!" gulat na tanong ko

Wala kasi siyang pantaas at medyo mababa ang pantalon niya kaya medyo nasisilip ko
ang V-line niya. Nakabalandra rin sa harapan ko ang nagmumurang abs niya. Shit.
Hot. I mean, mainit. You know.

"Magbihis ka nga! Wag mong binabalandra sa harap ko yang katawan mo!" mahinang
singhal ko at hinagis sa kanya ang t-shirt
Tinawanan lang ako nito at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko nang kindatan
niya ako. May sakit ata siya sa mata. Tsk.

"Tumigil ka nga. Tusukin ko mata mo eh." masungit na sabi ko

"I know you're enjoying the view." nakangising sabi nito at mas ibinalandra pa ang
katawan niya

"Heh! Ang pangit mo!" sabi ko

"Gwapo kaya ako." mayabang na sabi nito

"Ulol! Di ka gwapo. Dyosa kasi ako." sabi ko sabay flip ng buhok ko

"Anong connect?" nang-aasar na tanong nito

"Wireless dude. Wireless!" pilosopong sabi ko at nginisian siya

Nag-asaran pa kami bago ako tuluyang bumalik sa kwarto ko at matulog. Na-drain na


ang katawan ko lalo na sa pakikipag-away sa freak na iyon na ginawang motel ang
condo! Napakawalanghiya. Diba? Diba?!

Wala talagang forever eh. Tsk. Sa panahon ngayon, ang forever isang oras nalang ang
tinatagal.

==========================

-LadyCode

Chapter 11

Zea's POV

Hindi na ata ako nawawalan ng problema sa buhay. Sa makalawa na ang birthday ni


Adonis at hindi pa ako nakakabili ng regalo sa kanya dahil sa totoo lang
nakalimutan kong bumili ng regalo niya.

Isa pa sa problema ko si Julie na parang zombie. Nag-aalala ako sa kanya dahil


nakwento niyang may babae ang asawa niya at sumama siya sa babaeng iyon kasama ang
anak nila. Gusto niyang makuha ang anak niya.

Parang gusto ko tuloy isipin na pare-pareho lang ang mga lalaki. Kaso alam kong may
mga matitino pang lalaki sa mundo.

Dumagdag pa sa problema ko ang amo kong freak. Tinatambakan nanaman niya ako ng
trabaho. Nagpapasalamat nga akong wala siyang meeting dahil hindi ko siya makikita
at makakasama.

May isa nanaman akong problema. Yung kotse ko. Nasa talyer yung kotse ko dahil
butas ang gulong.

At ang pinakamalaking problema ko ngayon, si Adonis at Mikaela na natulog ng


magkatabi. Ayokong mag-isip ng masama pero kahit sino naman mag-iisip ng iba kung
makikita mo ang kapatid mo na may katabing babae sa kama at suot ang t-shirt ng
kapatid mo!

Nanggigigil na napasabunot ako sa buhok ko habang nasa harapan ko si Adonis at


Mikaela na tahimik na nakaupo.

"Kayong dalawa!"

Halos mapatalon ang dalawa nang magsalita ako. Ramdam ko ang panginginig ng kamay
ko at boses ko dahil sa magkahalong inis, galit, disappointment, lungkot at takot.

"Mag-uusap tayo pagkatapos kumain ng agahan. Gutom na ako at masamang ginugutom ang
dyosang katulad ko dahil nagiging dragon." matigas na sabi ko

Magsasalita pa sana si Adonis nang itaas ko ang palad ko. Ayoko muna siyang
kausapin dahil gutom ako at baka ilechon ko siya. Sana mali ang hinala ko dahil
kung hindi, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Tahimik na naupo ako ganoon din sila habang naupo naman sa tabi ko si Jaxon at nasa
gitna namin si Devon. Nandito pa sila dahil ayaw silang paalisin ni nanay ng hindi
nag-aagahan.

"Mommy, feed me." nakangusong sabi ni Devon

"I will feed you." sabi naman ni Jaxon

"No! I want mommy." nagmamaktol na sabi nito

Ang sarap sa pandinig na may tumatawag sayong mommy at sarap sa pakiramdam na may
anak. Pero lahat iyon, ipinagkait sakin.

Sinubuan ko si Devon at pasimpleng sinasamaan ng tingin si Adonis. Si nanay naman


kalmado lang pero halata sa mukha niya ang pagkabahala.

Tahimik na natapos ang agahan namin. Tanging si Devon lang ang nag-iingay.

"Una na kami, Zea." paalam sakin ni Jaxon

Tinanguan ko siya at nagpaalam din siya kila nanay.

"Bye Devon. I'll visit you." paalam ko kay Devon na nakayakap pa rin sa binti ko

"Can I stay here? Daddy will go to work again." nakapout na sabi nito

"You can't. I have a work too, baby." masuyong sabi ko rito

Nag-umpisa ng mamasa ang mata niya at nagpapaawang tumingin sakin.

"He will leave me to yaya again!" naiiyak na sabi nito

"Devon, don't be like that." saway ko sa kanya

Tuluyan na siyang napaiyak kaya nataranta ako. Napakamit naman sa ulo si Jaxon.

"Anak naman." problemadong sabi nito


"No! I will stay with mommy!" umiiyak na sabi nito at mas yumakap pa sa akin

"Come Devon. We need to go." yakag sa kanya ulit ni Jaxon

"Mommy! No!"

Mas lumakas ang iyak nito kaya kinuha ko siya sa binti ko at binuhat. Yumakap naman
siya agad sakin.

"Devon..." seryosong tawag sa kanya ni Jaxon

Nagpatuloy lang si Devon sa pag-iyak at halos hindi na makahinga. Inaalo ko naman


siya habang hinahagod ang likod niya.

"He will just stay with me. Ihahatid ko nalang siya mamaya sa bahay niyo." sabi ko
kay Jaxon

"Paano ka papasok sa opisina?" tanong nito

"Ako na ang bahala. Mauna ka na." sabi ko sa kanya

"Sigurado ka ba? Alam mo naman na sobrang kulit ni Devon."

"Okay lang ako. Sige na."

Tumango nalang siya at nagpaalam ulit. Tinignan niya pa ako ng seryoso na parang
sinasabi niya na maging mabait ako kay Adonis. Tinanguan ko nalang din siya at
pagkaalis niya tumigil na sa pag-iyak si Devon.

Bata pa siya kaya madadala ka talaga sa paiyak iyak niya. Naging maaliwalas ang
mukha niya nang umalis na si Jaxon. Hindi ko naman siya masisi dahil kulang siya sa
atensyon.

"Nay, pakidala muna sa taas si Devon."

"Sige. Ayusin mo ang pagkausap sa kanila at balitaan mo nalang ako. Baka atakehin
ako sa kanila." bilin nito at marahang napailing

Ngumiti ako ng tipid at tumango nalang. Pagkaakyat nila nagpunta ako agad sa sala
kung nasaan sila Mikaela at Adonis. Naupo ako sa katapat nilang upuan at seryoso
silang tinignan.

"May nanangyari ba?" seryosong tanong ko sa dalawa

Nanlaki ang mata nilang dalawa at namumula ang pisngi. Kung wala lang ako sa
ganitong sitwasyon baka tinatawanan ko na sila.

"Wala." mahinang sabi ni Adonis

"Mikaela, sumagot ka. Yung totoo." seryosong sabi ko kay Mikaela

Napayuko ito at pinaglaruan ang kamay niya. Mabilis ang ginawa niyang pag-iling.

"Anong nangyari at naabutan ko kayo na natutulog na magkatabi?" tanong ko ulit


habang hinihilot ang sentido ko

Nagtinginan silang dalawa bago tumingin sakin kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Naglayas po ako sa amin kagabi." nahihiyang sabi ni Mikaela

Gulat na napatingin ako sa kanya.

"Wag mong sabihin na itinanan ka ni Adonis!" gulat na sabi ko

"H-Hindi po! Nag-aaway nanaman po kasi yung mommy at daddy ko kagabi dahil nag-uwi
ng babae yung daddy ko." bakas sa boses niya ang lungkot

Nakaramdam ako ng kurot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ganyang edad din ako
noong palagi ang away nila nanay at tatay.

Nilapitan ko siya at niyakap. Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya.

Yumakap siya sakin pabalik at nagsimulang umiyak. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao
ng kapatid ko. Hindi ko alam kung saan siya nagagalit. Sa mga magulang ni Mikaela o
sa tatay namin.

"Wala pong nangyari samin, ate. Hiniram ko lang po itong t-shirt ni Adonis tapos sa
sofa po talaga yan matutulog si Adonis kagabi eh kaso paggising ko nasa tabi ko na
siya." mabilis na paliwanag nito

"Naiintindihan kita at naniniwala ako sa'yo." mahinahon na sabi ko

"Umiiyak ka noong madaling araw habang natutulog ka kaya tinabihan kita." sabi ni
Adonis na nakaiwas ng tingin

Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko
agad ito at tinignan ang caller. Walang nakaregister na pangalan, number lang.
Sinagot ko nalang at baka importante.

Magsasalita na sana ako nang may magsalita sa kabilang linya.

[Where the hell are you, Zea Alexandra?]

Napatapik ako sa noo ko at napatingin sa orasan. Malapit ng mag-alas nuebe.

"I'm sorry, Sir. May inaayos lang ako---" pinutol niya ang sasabihin ko

[I don't give a fuck! Just go to work!] sigaw nito sa kabilang linya

Tumaas ang kilay ko dahil sa inasal niya. Nakakalimutan niya ata ang ginawa niya
kagabi.

"Did you just yell at me, Enrique Van Lewis?" seryosong sabi ko

Sandaling natahimik ang kabilang linya bago siya ulit magsalita.

[Hell yes.] matigas na sabi nito

"You have the guts to yell at me after what you did last night?!" singhal ko sa
kanya

[I didn't do anything.] kalmadong sabi nito

"You better hide that motherfucker or else I'll rip her neck." matigas na sabi ko

[Then you also better hide that motherfucker 'cause I'll hunt him down.] malamig na
sabi nito
"Talk to my hand, bastard." inis na sabi ko

[Who will I kill first? That Aidan guy or that guy you met outside the
condominium?]

Napakuyom ako ng kamao at humigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

"Why don't you kill yourself first?" naghahamon na sabi ko

[And what? You will be free and you can be with any other guy? No way in hell I
will allow that. I will get my revenge remember?] mapanuyang sabi nito

"Right. I don't think you still want to have a revenge when you hear my
explanation."

[No can do. I don't want to hear your lies. You left. Simple as that.]

"You never trust me. Blame yourself. Simple as that." matigas na sabi ko at binaba
na ang tawag

Gigil na binalik ko sa bulsa ko ang cellphone ko. Nagtaka ako nang makita ang gulat
na mukha ng dalawa. Mukhang narinig nila ang usapan namin ni Van.

"Hindi pa ba kayo nagkakausap ni Kuya Van?" tanong ni Adonis

"How can I talk to him? Sarado ang utak ng gagong yun! He even bring his whore in
our condo! Can you believe that?!" nanggigigil na sabi ko

"Ano?!" gulat na tanong nito

Tumayo na ako para makapag-ayos na ako at makapasok sa opisina. Kailangan kong


pumasok ngayon dahil marami pa akong naiwan na trabaho.

"Kumuha ka nalang ng mga damit sa kwarto ko para may maisuot si Mikaela." bilin ko

Nagpunta na ako sa kwarto ko at mabilis na nagbihis. Kailangan ko pa palang bilhan


ng regalo si Adonis. Nag-iipon ako dati para makabili ng kotse para kay Adonis. Yun
sana ang regalo ko sa kanya sa 21st birthday niya kaso naospital si nanay kaya
nagastos yung pera.

"Mommy! Where are you going?" inosenteng tanong ni Devon at yumakap sa binti ko

"I'm going to work, baby. You will stay here with nanay, okay? Tito Adonis and Tita
Mikaela will go to school." paliwanag ko sa kanya

Agad na lumungkot ang mukha nito at naluluhang tumingin sa paa niya. Ayoko siyang
iwan kaso hindi ko naman siya pwedeng isama.

"Devon, be a good boy." bilin ko sa kanya

"Can I go with you?" tanong nito

Umiling ako sa kanya. Tumulo ang luha niya at yumakap sa akin.

"Don't leave.." umiiyak na sabi nito

"Nanay is here. Don't you like nanay?" masuyong sabi ko sa kanya


"I like her but I want to be with you, mommy!"

Ilang pilit pa ang ginawa ko at napapayag ko din siya pero may kondisyon. Kailangan
na kasama ko sila na maglunch mamaya.

Naupo ako sa swivel chair ko at tinignan ang tambak na gawain sa mesa ko. Minsan
talaga mas gusto ko nalang manghuli ng mga kriminal kaysa maupi dito at gumawa ng
mga paperworks.

"Miss Zea, pinapatawag po kayo ni Sir sa opisina niya." sabi ng isa sa mga
bodyguard ni Van

Tumayo ako at nagpunta sa opisina niya. Tinanguan niya ang dalawang bodyguard niya
na nasa likuran niya nang makapasok na ako.

"I'm going to States at 3pm. Call my pilot to prepare the private jet."

Saglit akong natigilan at binilang ang oras ng biyahe niya papunta at pauwi.
Siguradong hindi na siya makakaabot sa birthday ni Adonis.

"Sabi sayo Sir eh. May business trip ka." nakangising sabi ko

Sinamaan niya ako ng tingin.

"I'm going to buy something for Scarlett." sabi nito

Scarlett. Right. His sister. Kumusta na kaya siya? Hindi ko siya gaanong nakikita
noon dahil tumira siya sa States.

"How is she?" biglang tanong ko

"She's fine. Still stubborn."

Naalala ko yung napanood ko sa TV noing isang gabi. Sikat na talaga si Scarlett at


mukhang dinedate siya ng anak ni Mr. Miller.

Nagpaalam na ako para tawagan ang piloto niya. Palabas na ako nang magsalita siyang
muli.

"Pack your things. You're coming with me."

===================================

-LadyCode

Chapter 12

Enrique's POV

Lihim akong napangisi nang makita ang reaksyon niya. I really love that mad
expression on her face right now. She's hot.

"What?" tanong nito na parang sinisigurado kung tama ba ang narinig niya

"You heard it right." nakangising sabi ko sa kanya

Hinampas niya ang mesa ko at galit na tumingin sakin.

"Hindi ako sasama sa'yo!"

"Sasama ka sa akin. So you better pack your things."

"You can't just order me around and tell me what to do! I'm having a day off!"
galit na sabi nito

Lumapit ako sa kanya at pinantayan ang mukha niya. She seemed tense when I'm around
her.

"Do I need to drag you inside my private plane, Alexandra?" I said in a husky voice

Being the tough woman I used to know, she grabbed my collar and tried to throw a
punch. I grabbed her fist before it land to my face and smirk at her.

"Being feisty again." I stated

"I hate you!" she said annoyed

She tried to throw a punch again but I keep on catching her fist. She ended up
locked in my arms. Her back is pressed against my chest and it feels so right.

"Umalis ka nga dyan!" protesta nito at pilit kumakawala

"Shit!" mura ko nang sikuhin niya ako

Nakawala siya sa akin at pumunta sa mesa ko. Dinampot niya ang cellphone ko at
humarap sa akin.

"Itatapon ko 'to pag pinilit mo akong sumama sa'yo!" banta nito

Nanlaki ang mata ko nang buksan niya ang bintana at ilabas ang kamay niya. Nandun
ang mga importanteng e-mails ko at contacts.

"Put that down! I can't leave you here, okay? You need to go with me!" mariin na
sabi ko

"At bakit? Ha?" nanghahamon na sabi nito

The hell. What should I say? Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na kaya ayaw ko
siyang iwan ay dahil baka makipagdate siya sa Aidan na yun o yung lalaki dun sa
labas ng condo.

Hindi ako aamin! Hinding-hindi.

"Magbibilang ako ng tatlo pag hindi ka sumagot bibitawan ko 'to!" pananakot nito

"Wait!" tarantang sabi ko

"Isa!"
Tangina. Anong sasabihin ko?! Think Enrique!

"Dalawa!"

"Sandali naman!" inis na sabi ko

"Tat--" I cut her off

"Kailangan ko ng secretary dun! Business meeting nga diba?!" mabilis na sabi ko

Nakahinga ako ng maluwag nang isarado niya ang bintana at lumayo ng kaunti doon.

"Bakit hindi ako na-inform na may business meeting ka sa States? At sabi mo sakin
kanina may bibilhin ka para kay Scarlett!" nakataas ang kilay na tanong nito

I really suck at lying when it comes to her. I don't really have business meeting
in States. I just need to buy something for my sister.

"It's an urgent meeting. Alam ni Scarlett na may trip ako kaya may pinapabili. Mag-
half day ka nalang. Mahaba ang biyahe kaya kailangan nating makabalik sa birthday
ni Adonis." sabi ko sa kanya

Nanlaki ang mata nito at hinagis sakin ang cellphone ko. Mabuti nalang at nasalo ko
ito kung hindi baka tumama na ito sa mukha ko.

"Jerk! Siguraduhin mo lang na makakabalik tayo agad sa birthday ni Adonis kung ayaw
mong sapakin kita!" banta nito

"Hey! I'm your boss, remember?" nakakunot-noong sabi ko

"May sinasabi ka, Van?" naniningkit ang mata na tanong nito

"You can't do--" she cut me off

"May sinasabi ka?!" tanong nito sa mas malakas na boses

"Wala." nakaiwas tingin na sabi ko

Zea's POV

Marahan na tinulak ko ang pinto ng restaurant at agad na hinahanap ng mata ko sila


nanay. Nakita ko naman sila agad dahil malapit lang sila sa entrance.

"Nay." bati ko sa kanya

Ngumiti lang siya habang si Devon naman yumakap at humalik sakin.

"Mommy, where's daddy?" tanong nito

"He's on his way." sagot ko sa kanya

Naupo na ako at nag-order na kami. Nang dumating ang order namin sakto naman ang
pagdating ni Jaxon. Mabuti nalang at nag-order kami para sa kanya.

"Tita, hindi po ba kayo nahirapan kay Devon?" tanong ni Jaxon kay Nanay

"Hindi naman. Behave nga lang siya eh, diba Devon?" nakangiting sabi ni nanay

"Yup!" bibong sagot naman ni Devon


Hindi pa nakakalahati ang pagkain namin nang tumunog ang cellphone ko.

"Excuse me. I'll just take the call." paalam ko at tumayo

Freak calling......

Ano nanaman ba ang kailangan niya?

Sinagot ko nalang ang tawag niya para makabalik na ako sa pagkain ko.

"Yes?"

[Where are you? You should be here after 1 hour.]

"1 hour?! Naglalunch pa lang ako!" reklamo ko

[Are you complaining Ms. Montemayor?] seryosong tanong nito

"It's not like that! I need time to pack my things. Di pa ako tapos maglunch."
mahinahon na sabi ko kahit na gusto ko na siyang sakalin

[We will have lunch on the plane.]

Magsasalita pa sana ako nang putulin niya na ang tawag. Argghh! Freak talaga!

Inis na bumalik ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko. Kailangan ko pa palang mag-
impake. Bwisit talaga ang lalaking iyon!

"Mauna na ako. May business trip yung boss ko at kasama ako. Kailangan ko pang mag-
impake. Ngayon na alis namin eh." paalam ko sa kanila

"Pero hindi ka pa tapos mag-lunch. San punta niyo?" sabi ni Jaxon

"Kakain nalang ako mamaya sa eroplano. Private plane naman gagamitin namin. Pupunta
kaming States. Hopefully, sana makabalik kami agad." sagot ko habang inaayos ang
bag ko

"Mag-iingat ka anak." bilin ni nanay

-----------

Masama ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Kaharap ko siya ng upuan
at kasalukuyan na kaming lumilipad papuntang States.

Tahimik lang siyang nakaupo at kaharap nanaman niya ang laptop niya. Nag-angat siya
ng tingin nang tumayo ako.

"Where are you going?" takang tanong nito

"Sa impyerno. Sama ka?" nakairap na sabi ko

"I prefer going to heaven. With you moaning my name." nakangising sabi nito

Agad na namula ang mukha ko sa inis kaya kinuha ko ang maliit na unan sa upuan ko
at binato sa kanya.

"Bastos!" singhal ko bago umalis


---------

I just found myself sitting on a couch while killing my boss in my mind. Naiinis
ako sa kanya. Inis na inis ako sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin pagkalabas niya sa banyo.

Naiinis ako dahil sinadya niyang magpareserve ng isang hotel room. As in ISA LANG!
Meaning magkasama kami sa iisang kwarto at ang nakakainis pa, HONEYMOON SUITE ang
kinuha niya.

"Let's go." yaya nito

Masama pa rin ang tingin ko sa kanya habang isinusuot ang heels ko. Kung pwede ko
lang ipukpok sa ulo niya ang takong ko ginawa ko na.

Sabay kaming lumabas ng kwarto at tahimik na nagtungo sa elevator.

"Hindi rin tayo magtatagal dito kaya iisang hotel room lang ang kinuha ko."
paliwanag nito

Sakto naman na bumukas na ang elevator at nasa lobby na kami.

"Seriously? Kailangan ba talaga honeymoon suite ang kunin mo? Nang-iinsulto ka


ba?!" inis na sabi ko sa kanya

Gulat na tinignan ako nito at bakas sa mukha niya ang pagkairita.

"Dapat ka bang mainsulto? Let me tell you one thing Alexandra, ikaw ang nang-iwan."
Inis na sabi nito at tuluyan na akong tinalikuran

Hindi nalang ako umimik at sumakay na lang sa taxi na kinuha niya. Totoo naman kasi
ang sinabi niya. Ako ang nang-iwan.

Tinignan ko siya at kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi siya naka-three piece
suit. Ngayon ko lang napansin na nakajeans lang ito at simpleng t-shirt. Napatingin
naman ako sa sarili ko na nakapencil cut skirt at nakafitted na blouse. Maayos din
na nakaponytail ang buhok ko at nakaheels pa ako.

"Akala ko ba may meeting ka? Bakit nakaganyan ka?" takang tanong ko

Tinignan ako nito at tumaas ang sulok ng labi niya.

"Yes. I have a business meeting with Adam Levin."

Mas kumunot ang noo ko. Pangalan pa lang niya nangangamoy gwapo na. Pero parang
pamilyar yung pangalan niya di ko lang matandaan.

"Anong malaking client ba siya at kailangan mo pang lumipad papunta dito sa


States?" tanong ko sa kanya

Siya naman ang kumunot ang noo sakin.

"Hindi mo siya kilala?" takang tanong nito

"Hindi. Sikat ba siya?" sagot ko

"Eh ang Maroon 5. Kilala mo?" tanong ulit nito


Umiling ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko. Parang narinig ko na iyon pero
hindi ko matandaan kung saan ko narinig.

"Pagkain ba yun?" tanong ko

"Nevermind." tipid na sabi nito

Nagkibit balikat nalang ako. Agad naman kaming nakarating sa isang malaking shop.
Nakaagaw agad ng pansin ko ang mga nandoon na gamit na may mga mukha o kaya naman
nakasulat ang salitang Maroon 5.

Kumuha siya ng isang di kalakihan na portrait at isang bagong labas na album.


Ngayon ko lang napagtanto na banda pala ang Maroon 5.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga ganyan." sabi ko sa kanya

"I'm not. This is for Scarlett." sabi nito at kinuha na ang pinamili niya

Napatango naman ako sa kanya. Hindi pa pala ako nakabili ng regalo para kay Adonis.
Ano bang bibilhin ko para sa kanya?

Naiinis ako dahil gusto kong mabilhan ng kotse si Adonis pero hindi ko naman magawa
dahil kulang ang ipon ko. Binata na ang kapatid ko at sooner or later kailangan na
talaga niya ng kotse lalo na ngayon na hindi pa niya nakukuha ang diploma niya pero
magkakabilaan na ang offers sa kanya.

I am proud that my brother is a smart student. At kahit na wala ang tatay namin ay
makakapagtapos siya ng kolehiyo.

"Wait! Picturan mo ako dun!" sabi ko kay Van at hinila siya

Maganda kasi yung view tsaka sabi niya sa mall daw ang punta namin.

"Kailangan na nating magpunta sa mall tour ng Maroon 5! Kailangan may pirma itong
portrait pag naibigay ko kay Scarlett!" inis naman na sabi nito

"Oo na. Bwisit. Hmp!" inis na sabi ko at sumunod na sa kanya

Nakasimangot ako habang nakapila kasama si Van na pinagtitinginan ng mga kababaihan


na akala mo isang artista. Kung sana ginagamit niya ang charms niya para makasingit
kami sa pila edi sumaya pa ako.

Nakakainis kasi ang mga babaeng ito. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo.

Napatingin ako sa bandang unahan nang mapansin kong may nakatitig sakin. Umiwas ng
tingin ang lalaking nakatingin sakin na medyo namumula.

Mukhang kailangan ako ang gumamit ng charms para makausod kami sa pila ah. Ang dami
pa kasing nakapila. Ganoon ata talaga kasikat ang bandang Maroon 5 at ang daming
tao.

"Akin na yang portrait." sabi ko kay Van at inagaw sa kanya ang hawak niya

"Why?" kunot noong tanong nito

Ngumisi ako sa kanya at kumindat. Mahina akong natawa nang umiwas ito ng tingin at
may namumulang tenga. Still affected huh?

"Let me do the work, baby." bulong ko sa kanya at kinuha ang portrait


Naramdaman ko ang mahinang pagsinghap nito at nakita ko rin ang paglunok niya.
Inirapan ko ang mga babae na nakatingin sakin ng masama.

Manigas kayo! Huh!

Tumalikod ako at nag-umpisang maglakad papunta sa harap. Nakakatawang isipin na may


mga lalaking nakapila kasama ang mga girlfriend nila. Yung iba naman ay kapatid
nila.

Natanaw ko na ang unahan sa pila at kungbsinuswerte nga naman. Lalaki ang ikatlo sa
pila kasama ang girlfriend niya siguro dahil sweet silang tignan.

"Excuse me." agaw ko sa pansin nila gamit ang sweet voice ko

Para saan pa ang pagiging President ko ng Drama Club dati kung hindi ko gagamitin.

"Yes?" nakataas ang kilay na tanong ng babae halata pa ang american accent nito

"Can I go first? There's a lot of people and I can't wait for my turn. I really
like to see Adam Levin. My baby wants to see him also. I am all alone because my
husband left me and I want him to sign this." pagpapaawa ko sa kanila sabay haplos
ng tiyan ko

Lumambot ang ekspresyon nilang dalawa. Ngumiti sakin yung babae at umatras sila ng
kaunti para bigyan ako ng espasyo.

"You can go first so you can go home and rest." nakangiting sabi nito

"Thanks!" masayang sabi ko

Ilang minuto pa at ako na ang susunod. Nilapag ko lang sa harap ng lalaki yung
portrait at pinirmahan niya iyon. Napatitig ako sa mukha niya nang tumunghay siya
at ngitian ako.

Mahina akong napamura. Kahinaan ko talaga ang mga lalaking may mga strong jawline.

Magpapasalamat na sana ako nang may humatak sa kamay ko. Manlalaban na sana ako
nang magsalita ang humatak sakin.

"I'm hotter than him, Alexandra! Damn it!"

"Huh?" takang tanong ko

Sinandal ako nito sa pader at nilapit ang mukha niya.

Palagi na lang niyang ginagawa sa akin ang ganito. Ito ata ang favorite ninja moves
niya.

"Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagtitig mo sa kanya, Zea Alexandra. Ako lang
ang dapat mong tignan ng ganun. Ako lang, Alexandra. Ako lang dahil akin ka."

Chapter 13
Nanatili akong nakatingin sa ceiling habang nakahiga sa kama. Gusto ko ng matulog
pero hindi ako makatulog dahil sa sinabi niya kanina.

He's doing it again.

Inaangkin nanaman niya ako. Pinakawalan na niya ako noon kaya wala siyang karapatan
na angkinin ako. Pero ayokong ipagkaila sa sarili ko na nakaramdam ako ng tuwa
dahil sa sinabi niya kanina.

Naiisip ko rin na paano kung siya ang pinili ko noon at hindi ko siya iniwan noong
gabing yun?

May part sakin na nagsisisi na iniwan ko siya pero kung mauulit man iyon, hindi ko
babaguhin ang desisyon ko. Kung may pinagsisihan man ako, iyon ay nang mawala sakin
ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Nawala ang naririnig kong lagaslas ng tubig na nagsasabing tapos na siyang maligo.
Umayos ako ng higa at naglagay ng unan sa gitna. Malaki naman itong kama kaya ayos
lang.

Napapikit ako nang bumukas ang pintuan ng banyo. Ilang sandali pa ay naramdaman
kong lumundo ang kama.

"Xandra..."

Napamulat ako dahil sa pagtawag niya sakin. Tinatawag nanaman niya ako sa nickname
na binigay niya sa akin noon.

"Let's talk, please."

Mariin akong napapikit. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari. Sabi niya
gusto niyang maghiganti pero bakit iba ang ikinikilos niya? Ganito ba siya gaganti
sakin?

Yung tipong papatayin niya ako emotionally? Yung tipong ipapaalala niya lahat ng
nangyari sakin?

Sabi nila, time heals. Pero hindi sa lahat ng panahon, panahon ang gagamot dahil
madalas kailangan ng mga sagot.

Alam kong gusto niyang tanungin kung anong nangyari noon. Kung bakit mas pinili ko
siyang iwan para sa propesyon ko. Pero maibabalik ba ng mga sagot na yun ang mga
mga bagay na tapos na? Maibabalik ba noon ang buhay na nawala?

Maibabalik ba niya ang taong pinanghawakan ko nang piliin niyang sumuko? Sapat na
ang tatlong taon para masira ang relasyon na meron kami.

"I just want explanations, Xandra. Pati ba iyon hindi mo maibigay sakin?" halata sa
boses nito na nasasaktan siya

Ayokong ipaalam sa kanya dahil alam kong masasaktan din siya. Masasaktan ko siya
ulit sa malalaman niya.

"Please Xandra. I just need a damn answers to my questions."

Hindi ko naiwasan ang kumawalang luha sa mata ko. He's begging. Damn.
Nagkakasakitan lang kaming dalawa. Ang nangyari noon ay nasa nakaraan na at hindi
na dapat pang balikan.

"You know that I can use my connections to know every single detail, Alexandra.
Pero hindi ko ginawa dahil gusto ko ikaw mismo ang magsabi sakin. Dahil kahit anong
pag-iimbestiga ang gawin nila, hinding-hindi nila malalaman ang nasa isip at puso
mo noon. Ikaw lang ang nakakaalam lahat."

Kinagat ko ang labi ko para mapigil ang hikbi na gustong kumawala sa bibig ko.
Gusto kong bumangon at tignan ang itsura niya pero wala akong tiwala sa sarili ko
dahil alam kong ipagkakanulo ko nanaman ang sarili ko sa kanya.

Tatlong taon ang nawala samin. I am broken. He is broken.

Magkakasakitan lang kami sa huli.

"Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka pero sana wag mong tagalan, dahil baka
mainip ako at tuluyan na akong sumuko."

Narinig ko nalang ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Tuluyan ko ng pinakawalan ang


hikbi ko nang masiguro kong nakalabas na siya.

Napatakip nalang ako sa mukha ko nang maalala ko ang nangyari.

It was Saturday night. May dinner date kami ni Van ngayon kaya niligpit ko na ang
gamit ko.

"Chief! Una na ako." paalam ko at sumaludo pa

"Sure. Tatawagan nalang kita kung may problema sa hawak mong kaso." sabi nito

Nagtungo na ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa condo namin ni Van. Magpapalit


muna ako ng damit dahil susunduin naman ako ni Van.

Mabilis na nagshower ako dahil nanlalagkit ako sa katawan ko. Nagsuot ako ng pulang
dress na umabot hanggang tuhod ko. Tamang-tama ang pagkakahapit nito sa katawan ko
kaya kitang-kita ang kurba ng katawan ko.

Nilugay ko lang ang buhok ko at nag-apply ng light make-up. Bumaba ako sa lobby
nang matapos ako at inabangan si Van.

"My witch is so gorgeous tonight." ani ng isang boses sa tenga ko

Napalingon ako kay Van at napangiti. Ngumiti rin ito sakin at kinantalan ako ng
mabilis na halik sa labi.

"My ogre is handsome too." malambing na sabi ko

Nagkatawanan nalang kami dalawa at nagpunta na sa kotse niya. Hindi ko mapigilang


mapatingin sa kamay namin na magkahawak at sa singsing na nakasuot sa kamay ko.

Dalawang buwan na kaming kinasal pero hindi pa alam ng magulang niya at sa akin
naman, si nanay lang ang nakakaalam. Hindi pa niya nasabi sa magulang niya dahil
wala sila dito pero ang alam nila na ikakasal na kami.

Biglaan lang ang pagpapakasal namin kaya hindi nila alam. Nasa tamang edad na rin
naman kami at balak naming magpakasal sa simbahan pagkauwi ng magulang niya.

Napaisip ako kung maihahatid ba ako ni tatay sa altar. Kung ako ang tatanungin,
gusto kong maihatid niya ako sa altar kung hindi ko nalaman ang tungkol sa
kagaguhan niya.

"What are you thinking?" masuyong tanong ni Van sakin

"Naiisip ko lang si tatay."

"Nag-away nanaman ba sila ni Nanay?" tanong nito

Umiling lang ako sa kanya at humilig sa balikat niya. Hindi ko pa nasabi sa kanya
na nahuli ko si tatay na nambababae.

Masaya ang naging gabi namin ni Van. Nagkwekwentuhan kami tungkol sa mga nangyari
sa araw namin habang nagdidinner kami.

Matatapos sana ng masaya ang hapunan na iyon kung hindi lang sa natanggap kong
tawag.

"Sagutin ko lang. Excuse me." paalam ko sa kanya

Nakita ko ang pagbuntong-hininga nito. Hindi lingid sa kaalaman ko na ayaw niya sa


propesyon ko. Ilang ulit na rin naming pinagtalunan iyon dahil gusto niyang
talikuran ko ang pagiging pulis.

"Chief..." sagot ko sa tawag

[Zea, may problema tayo sa kasong hawak mo. Nawawala ang mga ebidensya. Pag hindi
natin nahanap iyon, ibabasura lang ng korte ang kasong ito.]

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko at pilit na pinakalma ang sarili ko.

"Hindi iyon pwedeng mawala Chief!" inis na sabi ko

Mahalaga sa akin ang kasong hawak namin ngayon para sa promotion ko.

[Kailangan mong pumunta dito ngayon! Kailangan nating mahanap iyon.]

"Papunta na ako."

Binaba ko ang tawag at bumalik kay Van. Nakakunot ang noo nito sakin.

"Van, I have to go." hindi mapakaling sabi ko

"May problema ba?" nag-aalalang tanong nito

"Nawawala yung ebidensya na hawak namin laban sa suspect na pumatay kay Gov. Iñigo.
Kailangan kong mahanap iyon para mapromote na ako." sagot ko sa kanya

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at kumuyom ang kamao niya.

"Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas nalang yan? We're still having dinner and in case
you forgot, monthsary natin ngayon." matigas na sabi nito

"Van naman! I need this promotion!" inis na sabi ko

"Damn it Alexandra! Mas pipiliin mo ba ang promotion na yan kaysa sakin na asawa
mo?!" galit na sabi nito

"Please Van. Not now. I need this." mahinahon na sabi ko


"You choose Alexandra. Me or that fucking profession you have. Pag umalis ka rito,
wala ka ng babalikan." malamig na sabi nito

Gulat na tinignan ko siya. Hindi ko alam na dadating kami sa puntong ganito. Yung
punto na papipiliin niya ako.

"Van! Don't do this please. Just this once. Pag nagawa ko ang kailangan kong gawin
ako na mismo ang tatalikod sa pagpupulis ko. Just give me time, Van." naiiyak na
sabi ko sa kanya

"No! Mamili ka Alexandra! Alam mo ba kung gaano ako nahihirapan tuwing may misyon
kayo tapos ako nakaupo lang at walang magawa?! Alam mo ba kung gaano ako
nahihirapan tuwing nakikita kitang may galos dahil diyan sa trabaho mo?!" hindi na
nito napigilan na magtaas ng boses

"Tangina naman Van! Kasama kita sa kolehiyo at alam mo na ito ang gusto kong
trabaho kaya nga criminology ang kinuha ko diba?! Dapat naiintindihan mo ako dahil
unang-una hindi ako nawawalan ng oras sa'yo hindi tulad mo na halos pakasalan mo na
yang trabaho mo!" sumbat ko sa kanya

Ayokong sumbatan siya dahil alam kong malaking kompanya ang hawak niya pero hindi
ko na naitago pa ang hinanakit ko sa kanya. Hindi ako kailanman nagkulang sa kanya.

Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko.

"Kung papipiliin din kita. Ako ba ang pipiliin mo, Van? Handa ka bang iwan ang
kompanya ng pamilya mo para sa akin?" mahinang tanong ko sa kanya

Magsasalita sana siya nang tumunog ulit ang cellphone ko. Tumatawag nanaman si
Chief.

"Hindi mo rin kayang iwan yang trabaho mo para sa akin, diba?" seryosong tanong
nito

Nakagat ko ang labi ko at hinayaan ang luha kong tumulo. Hindi ko pa kayang bitawan
ang trabaho ko dahil kailangan na kailangan ko ang promotion na 'to. Kailangan ko
ito dahil sawang-sawa na ako sa pananakit ng tatay ko sa nanay ko.

Kailangan ko ito dahil nasa iisang departamento lang kami ng kabit ng tatay ko.
Kailangan ko ito para makakuha ng ebidensya at maipakulong ang tatay ko sa salang
concubinage. Kailangan ko ito para magkalakas loob ako na kalabanin ang babaeng
sumira sa buhay ng nanay ko. Kailangan ko ito dahil alam kong di nila ako
papaniwalaan. May kapit sa mga malalaking tao ang babaeng iyon at nirerespeto siya
kahit si Chief dahil anak siya ng Heneral at siya ang makakakuha ng promotion pag
hindi ako ang napromote.

Gusto kong sabihin kay Van lahat pero pinanghihinaan ako ng loob.

"V-Van, babalik ako. Babalikan kita. Kailangan ko lang pumunta sa headquarters.


Hintayin mo ako, Van. Please." umiiyak na sabi ko sa kanya

"Pag umalis ka rito tapos na tayo." malamig na sabi nito

Nagitla ako sa sinabi niya at napailing. Ayoko siyang iwan. Kailangan ko lang naman
pumunta sa headquarters para hanapin yung mga ebidensya.

"Babalik ako agad, Van. Pangako. Babalik ako." pamimilit ko sa kanya


"Mamili ka Alexandra. Hindi ako mapapanatag hangga't alam ko na araw-araw pwedeng
manganib ang buhay mo! Hinayaan kita dahil sabi mo noong nakaraan bigyan pa kita ng
oras pero naiinip na ako! Hindi ko kayang maupo nalang sa isang tabi! Sinabi ko na
sa'yo na talikuran na ang pagpupulis mo bago tayo maikasal sa simbahan!" galit na
sabi nito

"Intindihin mo naman ako Van! Kahit isang buwan lang pagbigyan mo na ako at
tatalikuran ko na ng tuluyan ang pagiging pulis ko!"

Akala ko ay sisigawan na niya ako pero nagulat ako nang lumuhod ito at hawakan ang
dalawang kamay ko. Namumula na ang mata niya patunay na naiiyak na siya.

"Tama na, Xandra. Hirap na hirap na ako. Gusto kong magkaroon ng tahimik na
pamilya. Kaligtasan mo lang ang iniisip ko. Paano kung buntis ka ng hindi mo alam
at nanganib ang buhay mo sa gitna ng misyon? Nagsisimula na tayo sa pagbuo ng
pamilya natin. Itatapon mo nalang ba ng basta-basta ang ilang taon na pinagsamahan
natin ang ang pamilya na binubuo natin? Habang pulis ka, nasa panganib ang buhay
mo. P-Please. S-Stop it." pumiyok ang boses niya nang sabihin niya ang mga huling
salita kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya

"Listen to me, Van. Aalis lang ako para asikasuhin ang problema sa headquarters. B-
Babalik ako agad. Ginagawa ko ito para kay nanay. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat
pag nakauwi na ako." paliwanag ko sa kanya

Nanghina ako nang makita ko ang luha sa mata niya. Nakikita kong nasasaktan din
siya.

"Xandra, don't leave. Please. Pag umalis ka wala ka ng babalikan pa." garalgal na
ang boses na sabi nito

Tumunog nanaman ang cellphone ko malamang nag-aalala na si Chief. Niyakap ko siya


ng mahigpit at hinalikan ng mariin sa labi.

"I love you, Van. I love you so much. Hintayin mo ako sa condo. Uuwi ako agad."
paalam ko sa kanya

Nanatili siyang tahimik kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Napahinto


ako nang magsalita siya.

"Wala ka ng babalikan." matigas na sabi nito

Nilingon ko siya pero nakatalikod na ito sa akin. Tumalikod nalang ako ulit at
tumakbo na. Mabuti nalang at pinareserve niya ang buong restaurant kaya kaming
dalawa lang ang tao.

Agad akong pumara ng taxi at sumakay doon.

Wait for me, Van. Babalik ako. Babalikan kita. Uuwi ako agad. Just be patient.

Chapter 14

Nagmulat ako ng mata nang maramdaman kong may nakayakap sakin. Kahit hindi ako
lumingon alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng brasong iyon.

Nahihirapan na ako at ganun din siya. Magkakasakitan lang kami.

Pagkauwi namin sa Pilipinas aayusin ko na ang lahat at lalayo ako kay Van. Ako na
mismo ang lalayo para hindi na siya masaktan pa at tuluyan na niya akong
makalimutan.

Kakausapin ko si Tito Ricardo para makapagresign na ako at makalayo na.

"Gising ka na pala. Magbihis ka na para makauwi na tayo sa Pilipinas. Sa eroplano


nalang tayo kumain." sabi ni Van

Bumangon ito na parang wala lang sa kanya na niyakap niya ako sa pagtulog. Umiwas
nalang ako ng tingin sa kanya at kinuha ang mga gamit ko. Pumasok ako sa banyo at
naghubad na.

Binuksan ko ang shower at dinama ko ang maligamgam na tubig na nanggagaling dito.


Nanatili akong nakayuko habang naglalandas ang tubig sa buong katawan ko.

Naalerto ako nang maramdaman ko ang mga braso na yumakap mula sa likod ko. Ramdam
na ramdam ko ang init ng katawan niya dahil wala rin siyang saplot tulad ko.

"I miss you, my witch." bulong nito na napatayo ng balahibo ko

Napahawak ako sa braso niya na nakapulupot sa bewang ko nang marahan niyang halikan
ang balikat ko. Ganun pa rin ang epekto niya sakin. Walang pinagbago.

Dapat nagpupumiglas na ako at tinutulak siya palabas pero hindi ko magawa dahil
alam ko sa sarili ko na gusto ko ang ginagawa niya.

"Tell me you miss me too, Xandra. Tell me." bulong nito

Nakagat ko ang labi ko nang halikan niya ang batok ko. Sinunod naman niyang halikan
ang leeg ko at ang kamay naman niya ay hinihimas ang dibdib ko.

"Bumalik tayo sa dati. Kahit ngayon lang, Xandra. Gusto kong maramdaman na asawa pa
rin kita." sabi nito at siniksik ang mukha niya sa balikat ko

Napapikit ako ng mariin at tinanggal ko ang braso niya na nakayakap sa akin.


Hinarap ko siya at ngayon kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman niya. Nakikita
ko kung gaano nasasaktan ang isang Enrique Van Lewis na kinakatakutang banggain ng
lahat.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya kaya napapikit siya at dinama ang palad
ko.

Siniil ko siya ng halik bago pa siya magmulat ng mata. Katulad niya gusto kong
maramdaman na ang Van na dating minahal ko at minamahal ko.

-------------

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang paligid. Nasa Pilipinas na ulit ako.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking tumabi sakin at walang sabi na umakbay. Naiinis
ako sa kanya dahil akala ko may business meeting talaga siya yun pala, yung
portrait lang ni Adam Levin at pirma niya ang kailangan niya sa States.

"What?" tanong nito


"Alisin mo yang braso mo sa balikat ko kung ayaw mong baliin ko yan." masungit na
sabi ko

Ngumisi lang ito sakin at mas hinapit ako palapit sa kanya.

"I'm still your boss, Zea Alexandra." nakangising sabi nito

Umirap nalang ako sa kanya at tinignan ang orasan ko. Nanlaki ang mata ko nang
makitang alas tres na ng hapon. Alas kwatro ang birthday party ni Adonis!

"Tara na! Baka matraffic tayo at malate sa birthday party ni Adonis."

Tumango naman siya at hinila ako sa papasok sa kotse. Agad naman na sumakay ang
ilang bodyguards niya sa kabilang kotse na nasa likuran.

Hindi nga ako nagkamali dahil nalate kami ng dating 4:30pm na kami nakarating sa
bahay. Ilan lang naman ang inimbitahan ni Adonis. Yung barkada niya, si Mikaela, si
Eugene, si Jaxon at Devon tapos itong kumag sa gilid ko.

"Adonis!" tawag ko sa kapatid ko nang makapasok kami sa bahay

"Ate! Buti nakarating ka na. Akala ko hindi ka pa makakauwi eh." sabi nito na may
himig ng pagtatampo

Niyakap ko naman siya ng mahigpit at niyakap din niya ako pabalik.

"Happy Birthday! Hindi ako nakabili ng gift sa'yo pero may kasama ako na alam kong
na-miss mo." nakangiting sabi ko sa kanya

Magtatanong pa sana siya nang pumasok si Van na may ngisi sa labi.

"KUYA!" masiglang bati nito

Humiwalay siya sakin at agad na nilapitan si Van. Nagbro fist sila at nag-man hug.
Kitang-kita ko sa mata ni Adonis na sobrang saya niya.

"Tara Kuya! May ipapakilala ako sa'yo!" masayang sabi nito at hinila si Van

Basta talaga si kay Van hindi siya nagiging masungit. Mabuti nalang at hindi siya
nagkimkim ng galit kay Van dahil sa nangyari samin noon.

"Sino naman?" natatawang tanong ni Van

Hinila niya si Van palapit kay Mikaela na nakikipagtawanan kay Eugene. Sa kabilang
sofa naman yung tatlong barkada ni Adonis na busy sa panonood. Nakita ko pang
nanlaki ang mata ni Eugene at unti-unting nawala ang tawa niya. Tinignan ako nito
ng may pagtataka.

Matagal kasi kaming hindi nakapag-usap dahil sa kabilaang project na ginagawa niya.

"Meet Mikaela, girlfriend ko. Ganda niya Kuya, diba?" proud na sabi ni Adonis at
inakbayan ang namumulang si Mikaela

"Yes, she's pretty. Binata ka na talaga." nakangiting sabi ni Van

"H-Hello po!" utal na sabi ni Mikaela

Nilapitan ko sila at agad naman na hinapit ako sa bewang ni Van kaya siniko ko ito
pero pinanlakihan lang niya ako ng mata.

"I'm Enrique Van Lewis. Asawa ni Zea." nakangiting sabi nito

Nanlaki ang mata ko sa kanya pero agad akong napatingin kay Eugene nang sumigaw
ito.

"Ikaw na lalaki ka! Pagkatapos mong iwan ang bestfriend ko! Nakakaloka!" sigaw nito

"Eugene?" gulat na sabi ni Van

"The one and only!" nakairap na sabi nito

"Long time no see." nakangiting sabi ni Van

"Heh! Di pa kita napapatawad sa pananakit mo sa bruhang bestfriend ko. Teka!


Nagkabalikan ba kayo?" masungit na tanong nito

Nagkatinginan kami ni Van pero agad din kaming nag-iwas ng tingin sa isa't isa.
Alam namin na pagkatapos ng araw na ito, babalik na kami sa dati. Kung saan amo ko
siya at sekretarya niya ako.

"Mag-usap tayo mamaya Zea Alexandra Montemayor-Lewis." seryosong sabi ni Eugene

Napatango nalang ako sa kanya at napatingin kay Adonis na kunot-noong nakatingin


samin ni Van. Nawala ang tensyon sa amin nang biglang lumabas si nanay galing
kusina.

"Enrique, hijo! Buti nakadalo ka!" masayang sabi ni nanay

Ngumiti naman sa kanya si Van at nagmano.

"Pasensya na po at medyo nahuli kami ng dating." hinging paumanhin nito

"Naku. Ayos lang. Nagluluto palang naman ako." nakangiting sabi ni nanay

"Samahan na kita, Nay." sabi ko dito

"Wag na, anak. Maluluto na yun maya-maya. Tinulungan ako ni Mikaela sa pagluluto."

Ngumiti ako kay Mikaela at ngumiti din siya sakin. Natutuwa talaga ako sa kanya
dahil napakabait niyang bata.

"Nay, si Jaxon at Devon po pala?" tanong ko nang mapansin na wala pa sila

"Hindi ko rin alam eh. Tawagan mo kaya si Jaxon." suhestiyon ni Nanay

Tumango ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko. Pagka-dial ko ng number ni Jaxon
naramdaman ko nanaman ang pagyakap sakin ni Van at ang pagdantay niya ng baba niya
sa balikat ko.

Hinayaan ko nalang siya dahil gusto ko rin naman.

[Hello Zea..]

"Jax, saan na kayo ni Devon?"

[Pasensya na Zea. Hindi kami makakapunta. May sakit kasi si Devon.]


"Kumusta na siya? Hindi ba malala ang lagay niya? Dalhin mo na kaya sa hospital
baka mas tumaas ang lagnat niya?" nag-aalalang tanong ko

[Relax, Zea. He's fine. Umiiyak nga kanina eh dahil nagpupumilit pumunta diyan.]
sabi nito at bumuntong hininga

"Tulog ba siya?" tanong ko

[Yup. Kakatulog lang niya. Bakit?]

"Kakausapin ko sana. Tatawag nalang ako ulit mamaya para makausap siya kung
sakaling gising na siya."

[Sige. Sorry talaga Zea. Pakisabi nalang kay Adonis Happy Birthday.]

"Sige sasabihin ko. Thanks. Bye."

Binaba ko na ang tawag at napabuntong hininga. Kawawa naman si Devon. Nag-aalala


ako sa kanya.

"Sino yun?" gulat na napatingin ako kay Van

Nakalimutan ko na nandito pa pala siya at nakayakap sakin.

"Si Jaxon. Yung doktor ni Nanay. May sakit yung anak niya kaya hindi makakapunta
dito." sagot ko sa kanya

Humiwalay naman siya sakin kaya naglakad na ako papunta sa dining room para ayusin
ang mesa. Sumunod naman siya sakin at sumandal sa sink habang nakapamulsa.

"May asawa na pala siya. Siya ba yung nakita ko na kausap mo sa labas ng condo?"

Tumingin ako sa kanya at marahang napailing. Kung nasa ibang sitwasyon kami iisipin
ko na nagseselos siya.

"Wala siyang asawa. Pamangkin niya si Devon pero binigay ng korte ang custody ng
bata sa kanya dahil na rin sa iniwang kasulatan ng Kuya niya at ang asawa nito."
paliwang ko sa kanya

Tumahimik na ito at tinulungan ako sa ginagawa ko. Bigla namang dumating ang mga
barkada ni Adonis.

"Hi Ate Zea!" bati sakin ni Paulo

"Ang ganda mo talaga Ate Zea." nakangiting sabi naman ni Mark

"May boyfriend ka ba Ate Zea?" tanong naman ni Tim

Mahina akong natawa sa kakulitan nila pero ang kasama ko naman parang napipikon na
ewan. Hinapit ako nito sa bewang at kunot na kunot ang noo niya.

"Wala siyang boyfriend dahil may asawa siya." masungit na sabi ni Van

Siniko ka naman ito pero hindi man lang niya ako pinansin.

Gulat na tinignan ako nung tatlo at palipat lipat ang tingin niya samin ni Van.

"Teka! Parang kilala kita." sabi ni Mark


"Oy Tim. Wag ka ng pumorma. Di ka pa nakakaporma talo ka na. Hahahaha." pang-
aalaska sa kanya ni Paulo

"Manahimik ka nga." nakangusong sabi ni Tim

"Ikaw yung nakita ko sa TV!" sabi ulit ni Mark

"Artista ba siya 'tol?" tanong ni Tim at pinasadahan ng tingin si Van na nakakunot


pa rin ang noo

"Di na ako magtataka kung artista yan. Pero ngayon ko pa lang siya nakita kung
artista siya." sabi naman ni Paul

"Pag lumabas sa TV artista agad?! Di niyo ba kilala yan? Si ano yan. Si--teka!
Nakalimutan ko pangalan!" sabi ni Mark

"Enrique.." maikling sabi ni Van

"Tama Enrique!" nakangiting sabi ni Mark

"Enrique Lewis ba? Yung kuya ni Scarlett my loves?" sabi naman ni Paul

"Oo siya nga---Tangina mo 'tol! Anong my loves? Bugbugin kita eh!" sabi ni Mark at
inumang ang kamao niya

"Tumigil nga kayo. Mahiya nga kayo kaY Kuya Enrique." saway naman ni Adonis sa
kanila

"Okay lang Adonis. Kilala pala nila si Scarlett." nakangiting sabi ni Van

"Sino namang hindi makakakilala kay Scarlett, Kuya? Sikat kaya siya." sagot ni
Adonis

Mahina akong natawa nang maalala ko ang itsura ni Adonis nang ipakita ni Van noon
ang picture ng kapatid niya. Naging crush siya ni Adonis noon pero ngayon hindi na.
May Mikaela na eh.

"Tulungan mo ako sa kusina Zea nang makakain na tayo." yaya sakin ni nanay

Sumunod naman ako sa kanya at tinulungan siyang maghain. Sumunod naman samin si
Mikaela at tumulong.

Nauna akong lumabas sa kusina dala yung spaghetti. Napatingin ako kay Van at Eugene
na parang may tensyon sa pagitan nila. Si Adonis naman kausap yung mga barkada
niya.

"Ate, totoo ba na asawa mo si Kuya Enrique?" tanong ni Mikaela nang makabalik ako

Sumulyap lang samin si nanay at hindi nagsalita.

"Yes. Why?" sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya

"Akala ko kasi si Kuya Jaxon yung asawa mo kasi tinatawag kang mommy ni Devon tapos
ang sweet sayo ni Kuya Jaxon. P-Pasensya na po Ate. Nacurious lang po ako."
nahihiyang sabi nito

"Ayos lang. Naghahanap lang ng kalinga ng isang ina si Devon, Mikaela. Sino ba
naman ako para ipagkait ang pagmamahal na iyon? Naaawa ako sa kanya dahil pareho ng
patay ang magulang niya." paliwanag ko sa kanya
"Ate, last na tanong na po. Bakit hindi po kayo magkasama sa iisang bahay ni Kuya
Enrique?" tanong nito

Ngumiti ako sa kanya ng tipid at hinaplos ang buhok niya.

"Magulo ang sitwasyon namin ng asawa ko, Mikaela. Pagdating ng panahon


maiintindihan mo ang mga bagay bagay. Minsan hindi lang sapat na mahal mo ang isang
tao. Hindi lang pagmamahal ang nagpapatibay sa isang relasyon. Kailangan din ng
tiwala at pag-unawa. Bata pa kayo ni Adonis. Marami pa kayong pagdadaanan. Palagi
mong tandaan Mikaela, kahit ano pa ang pagdaanan niyo, gawin niyong sandalan ang
isa't isa." nakangiting sabi ko sa kanya

Namumula ang mata niya na yumakap sakin kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Susundin ko po ang payo niyo." malambing na sabi nito

Pinakagusto ko talaga sa kanya ang ngiti niya. Yung ngiti niya kasi totoong totoo
lalo na yung lambing ng boses niya. Napakaganda sa pandinig.

"Tara na para makakain na tayo." nakangiting yaya ko sa kanya

Kumunot ang noo ko nang makita kong wala ng tao sa mesa. Nagkatinginan kami ni
Mikaela at nilapag ang hawak namin. Sabay kaming napalingon sa may sala nang
makarinig kami ng sigaw.

"LUMABAS KA NA!"

Mabilis ang naging kilos namin ni Mikaela.

"Ayos ka lang ba, Adonis?" nag-aalalang tanong ni Mikaela

Tumabi siya kay Adonis na nanginginig at ako naman tumabi kay Van.

"Anong nangyayari dito?" takang tanong ko

Hindi nagsalita si Van pero nakikita ko sa mata niya ang nagtatakang ekspresyon.
Tatanungin ko sana siya ulit nang may biglang nagsalita.

"Kumusta anak?"

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Jaxon's story is Wife For Hire. Just visit my profile. Thank you :))

-LadyCode

Chapter 15
Napako ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa hayop na nasa pintuan ng bahay ko.
Hindi lang iyon, may kasama pa siyang basura.

Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit. May gana pa siyang magpakita at isama
ang punyetang babae niya sa pamamahay ko.

"Asan si nanay?" tanong ko kay Van

"Dinala siya ni Eugene sa taas dahil nawalan siya ng malay." mahinahon na sabi nito

Mas lalong tumindi ang galit ko dahil sa narinig ko. Hindi ko hahayaan na saktan
ulit nila si nanay. Hindi ko sila hahayaan na saktan si nanay habang nabubuhay ako.

"Ang kapal ng mukha niyo." nanginginig na sabi ko

"Gusto ko lang batiin si Adonis, Zea."

Matalim ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya. Namumuhi ako sa kanya at naiinis
ako tuwing binabanggit niya ang pangalan ko.

"Lumabas ka na sa pamamahay ko kung ayaw mong magpatawag ako ng gwardiya para


kaladkarin kayo ng putanginang babaeng kasama mo." malamig na sabi ko

"Zea Alexandra..." nagbabantang tawag sakin ni Van

Hindi ko siya pinansin dahil ayokong mabaling sa kanya ang galit ko sa tatay ko.
Wala pa siyang alam at ayokong malaman niya.

"Dalhin mo na sa taas si Adonis, Mikaela." utos ko kay Mikaela

Hinila siya ni Mikaela pero hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Nanatili
siyang nakatayo at nakakuyom ang kamao.

"Umakyat ka na sa taas, Adonis!" matigas na utos ko sa kanya

Pilit siyang hinihila ni Mikaela pero dahil sadyang malakas siya hindi man lang
siya matinag ni Mikaela.

"Baby Adonis, pinapaakyat ka na ng Ate mo. Bakit hindi mo siya sundin? Baka kasi
madapuan ka ng lamok dito sa ibaba. Titimplahan ka pa niya ng gatas ng nanay mong
walang kwenta diba?" mapang-uyam na sabi nito

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at nandilim ang paningin ko sa sinabi


niya. Kung meron mang walang kwenta dito, siya yun at ang hayop na yan!

Akmang susugurin ko na siya nang bigla siyang napasalampak sa sahig habang hawak
ang pisngi niya.

"ADONIS!" galit na tawag sa kanya ni Mikaela na ngayon ay naiiyak na

Tigagal na napatingin ako sa kapatid ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng
ganyan at ngayon ko lang siya nakitang nanakit ng babae. Sinampal niya si Nerissa
at alam kong malakas iyon dahil may dugo sa gilid ng labi niya.

"WALANG HIYA KA!" sigaw ng hayop na tatay namin

"Ako pa ang walang hiya? Bakit hindi mo yan sabihin sa sarili at sa kabit mo?
Sinaktan mo si nanay hindi lang emosyonal kundi pati pisikal! At ang putanginang
babaeng yan sinaktan ang ate ko! Sinaktan niya ang ate ko! Naiintindihan mo ba
ako?! Hindi lang ate ko ang sinaktan niya!---"

Namumutla akong napatingin kay Adonis at mabilis na pinutol ang sasabihin niya.

"No Adonis. Please." mahinang sabi ko sa kapatid ko

Yakap yakap ko na siya ngayon at agad na nanlambot ang ekspresyon ng mukha niya
nang makita niya ang namumutlang mukha ko.

Napatili kami ni Mikaela nang biglang may humila sakin at sa isang iglap nasa sahig
na si Adonis dahil sa sapak sa kanya ng walang kwenta naming ama.

"Adonis!/Xandra!" sabay na tawag ni Mikaela at Van

Mabuti nalang at nasa taas ang mga barkada ni Adonis. At mabuti nalang wala dito si
Devon.

Kumuyom ang kamao ni Van at galit na tumingin sa tatay ko. Hindi pa ako nakakatayo
ng maayos nang mapahiga sa sahig ang gagong tatay ko dahil sa suntok ni Adonis.

"Adonis! Wag! Stop it!" pigil sa kanya ni Mikaela

Biglang nagkapalit ang pwesto nila at nasa ibabaw na ang gagong lalaking ito at
akmang susuntukin na si Adonis. Hindi ako papayag na masaktan pa niya ulit ang
kapatid ko.

Magkakamatayan muna kami.

Mabilis na hinugot ko ang baril sa likuran ng pantalon ni Van na alam kong


ikinagulat niya. Kilala ko si Van kaya alam ko ang pagtatago niya ng baril sa
likuran ng pantalon niya.

Tinutok ko ito sa lalaking nakapatong sa kapatid ko. Hindi ako magdadalawang isip
na kalabitin ang gatilyo nito dahil nandito ako sa mismong pamamahay ko. Ituturing
nilang self-defense ang ginawa ko at kahit na patayin ko ang gagong ito, hindi nila
ako maikukulong.

"Subukan mo at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." malamig na sabi ko

Gulat silang dalawa na napatingin sakin at sa hawak kong baril. Tatlong taon akong
nawala sa serbisyo ko sa pagiging pulis pero hindi ibig sabihin noon na
nangangalawang na ang abilidad ko.

"Iputok mo ang baril na yan at ikaw ang papatayin ko." banta ni Nerissa habang
nakatutok sakin ang baril niya

Hindi ko alam na darating kami sa punto na tututukan ko ng baril ang tatay ko sa


harap mismo ng kapatid at asawa ko. Kung meron man akong gustong patayin uunahin ko
si Nerissa dahil siya ang dahilan kaya nawala siya sakin.

Humawak sa bewang ko si Van at maya maya nakarinig ako ng sabay sabay na pagkasa ng
baril. Nilibot ko ang paningin ko at doon ko napansin ang limang bodyguard ni Van
na nakatutok ang baril kay Nerissa.

Dumaan ang takot sa mata nito kaya napangisi ako. Takot din pala siyang mamatay.

"Hindi mo pa naipuputok ang baril na yan, pinaglalamayan ka na." malamig na sabi ni


Van
Unti-unti nitong binaba ang baril niya. Tinanguan naman ni Van ang mga tauhan niya.

"Ilabas niyo na ang mga yan dito at wag niyong hayaan na makalapit sila sa asawa
ko." maawtoridad na utos nito

"Masusunod po." sabi ng head nila at yumuko bilang paggalang

"Sa susunod na makita ko kayong ginugulo ang asawa ko o kung sino man sa pamilyang
ito, ako ang makakalaban niyo. Sa korte na tayo mag-uusap at sisiguraduhin ko na
mabubulok kayo sa bilangguan." matigas na sabi ni Van sa dalawa

Hinila na nila ang dalawa kahit na nagpupumiglas sila. Ngumiti ako ng tipid kay Van
at hinalikan naman ako nito sa ulo. Marahan niya akong niyakap at kinuha ang baril
niyang hawak ko. Humiwalay ako sa kanya agad at nilapitan ko ang kapatid ko na
tulalang nakatingin sa pinto.

"Adonis..." masuyong tawag ko sa kanya

Dahan-dahan siyang tumingin sakin at unti-unting tumulo ang luha niya. Hanggang
kailan ba masasaktan ang nanay at kapatid ko? Nananahimik na kami pero ginugulo
nanaman nila kami.

"Ate..." umiiyak na sabi nito at yumakap sakin na parang bata

Marahan kong hinaplos ang ulo niya habang naglalandas sa pisngi ko ang luhang
kanina ko pa pinipigilan. Mas napaiyak ako nang maramdaman kong niyakap kami ni Van
at yumakap din samin si Mikaela na umiiyak.

Mabubuhay kami ng wala siya sa buhay namin. Nakaya namin na wala siya kaya hindi
nanamin siya kailangan sa buhay namin.

Humiwalay ako kay Adonis at pinunasan ang luha niya. Ngumiti ako sa kanya at
hinalikan siya sa noo.

"Hindi ko gusto ang ginawa mo kaninang pananakit ng babae. Pero hindi ako galit,
Adonis. Hinding-hindi ako magagalit sa'yo dahil sa pagtatanggol mo samin ni nanay."
nakangiting sabi ko

"Thank you, Ate." madamdaming sabi nito

"Always remember this Adonis. Wag na wag mong gagawin ang pagkakamali na ginawa
niya. At pagkakamaling ginawa ko." bilin ko sa kanya

Tumango siya sakin at ngumiti ng tipid. Niyakap niya agad si Mikaela na umiiyak pa
rin.

"Nakakainis ka! Pinag-alala mo ako! Pag sugat at pasa ka na! Hindi ka na gwapo!"
umiiyak na sabi ni Mikaela

Napangiti nalang ako sa nakikita ko. Ganyan na ganyan kami dati ni Van.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya, Mikaela."

Ngumiti naman sakin si Mikaela at ngumiti. Umakyat ako sa taas kasabay si Van na
tahimik at nag-iisip ng malalim. Alam ko na marami siyang tanong.

At alam ko na sa oras na ito kailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoo. At alam ko


rin kahit na sabihin ko sa kanya ang totoo, magpapaimbestiga siya ulit. Kilala ko
siya at pag kinanti mo siya o ang isa sa mga taong mahalaga sa buhay niya, gaganti
siya sa'yo.

You can never know what's on his mind. Kilalang-kilala ko siya kaya alam ko na
kikilos na siya para malaman ang totoo at para makaganti sa may sala.

Siya yung tipong hindi gagawa agad ng malaking hakbang. Dahan-dahan siyang
gumagalaw ng hindi mo nalalaman at magigising ka nalang isang araw na wala na sa'yo
ang lahat.

Hahayaan ka niyang makipaglaro sa kanya at papaniwalain ka na panalo ka kahit na


ang totoo, hindi pa nagsisimula ang laro, talunan ka na.

Tahimik na tinungo ko ang kwarto ni Nanay. Naabutan ko doon si Eugene na nakaupo sa


ulunan ni Nanay. Ang tatlong barkada naman ni Adonis, nakasandal lang sa dingding.
Umalis sila agad nang makita kami kaya ngumiti ako ng tipid sa kanila.

"Kumusta si nanay?" tanong ko kay Eugene

"Sa tingin ko, ayos naman na siya. Tinawagan ko si Jaxon at sinabi sa kanya ang
nangyari. Sinabi niya na magpunta daw kayo sa hospital bukas para macheck niya sa
nanay." mahinahon na sabi ni Eugene

"Sinampal ni Adonis si Nerissa." mahinang sabi ko

Gulat na tinignan ako nito pero maya maya ay bumuntong hininga rin siya.

"Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niyo baka sinabutan ko na ang punyetang yun.
Nananahimik na nga kayo tapos ginugulo nanaman nila kayo." bakas sa boses nito ang
iritasyon

Hindi ko naman masisi si Eugene dahil siya ang nakakaalam ng lahat ng nangyari.

Natahimik kaming dalawa ni Eugene dahil pareho naming alam na magsisimula nanaman
nilang guluhin ang buhay namin nila Adonis.

"Anong nangyari nang maghiwalay tayo Alexandra? I guess you owe me an explanation
after what happened. You're still my wife." seryosong tanong ni Van

Saglit kaming nagkatinginan ni Eugene. Binigyan niya ako ng nag-aalalang ekspresyon


sa mukha pero tinanguan din naman niya ako.

Tumayo ako mulasa pagkakaupo sa kama ni Nanay at lumabas. Sumunod naman sakin si
Van. Nagpunta kami sa Veranda at sakto naman na tuluyan nang lumubog ang araw.

"Nahuli ko si tatay na nambababae isang buwan matapos ang kasal natin. Noong una
hindi ko pinansin dahil alam kong ginagawa na niya talaga yun. Pero isang araw,
nakita ko sila ni Nerissa, yung babaeng kasama niya kanina. Nakita ko kung paano
nila ipamukha sa nanay ko na kayang kaya siyang ipalit ni tatay. Mula noon, hindi
na umuwi si tatay sa bahay. Natuwa ako dahil hindi na niya masasaktan si nanay.
Gusto ko siyang ipakulong at ganoon din si Nerissa. Gusto kong matanggal sa
pagiging pulis si Nerissa dahil sa ginawa niya. Isang krimen ang adultery.
Nagsumikap ako na makuha ang promotion na iyon para mas tumaas ang position ko.
Anak ng Heneral si Nerissa at tinitingala siya ng lahat. Walang naniniwala sakin sa
sinabi ko na babae siya ng tatay ko. Kailangan ko ang promotion na iyon para
malagpasan ko si Nerissa at makakuha ako ng ebidensya sa kahayupan nila ng tatay
ko."

Hinawakan ni Van ang kamay ko kaya napapikit ako.


"Noong gabi na iniwan kita sa restaurant, nawawala yung ebidensya na nagtuturo sa
suspect na pumatay sa isang gobernador. Pareho naming hawak ni Nerissa ang kasong
iyon pero ako ang nakahanap ng ebidensya. Ako ang mapropromote pag napanalo iyon sa
korte pero sinabotahe ni Nerissa ang lahat. Siya ang kumuha ng ebidensyang hawak ko
at pinalabas niya na ninakaw ko ang ebidensyang iyon sa kanya. Pinaglaban ko ang
side ko pero hindi sila naniwala."

Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang nakaraan.

"Ginawa niyang witness si tatay at sinabi ng gagong yun na ninakaw ko nga daw iyon
kaya naniwala sila kay Nerissa. Natanggal ako sa pagiging pulis. Gusto kong
makulong si tatay noon at gusto kong patunayan sa kanila na si Nerissa ang
nagsisinungaling pero sinukuan ko nalang sila. Dahil natakot ako sa kaligtasan
namin. Natakot ako sa kaligtasan ni nanay at ni Adonis. Higit sa lahat, sa
kaligtasan ng batang dinadala ko."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang marinig ang mga huling salita na
sinabi ko. Naramdaman ko ang paglandas ng luha sa mata ko nang makita ko siyang
nakayuko at nakakuyom ang kamao.

"I-I'm sorry Van. Ginawa ko ang lahat para maprotektahan siya. Lumayo kami nila
nanay. Ginawa ko ang lahat pero bakit ganun? Pakiramdam ko nagkulang pa rin ako. P-
Pakiramdam ko wala akong kwentang ina." umiiyak na sabi ko

"Ano pang nangyari?" malamig na tanong nito

Nakagat ko ang labi ko dahil sa hikbi na pinipigilan ko. Huminga ako ng malalim
bago magsalita muli.

"Nahanap kami ni tatay at binalikan kami. Akala ko nagsisi na talaga siya pero
pinagsisihan ko ang pagtanggap sa kanya. Dahil pisikal niyang sinasaktan si nanay
ng hindi namin alam. Isang gabi umuwi si tatay. Hindi ako makatulog noon kaya
sinabi niya na ipagtitimpla niya ako ng gatas. Kritikal ang pagbubuntis ko noon at
alam iyon ni tatay. Pero hindi ko akalain na papatayin niya ang sarili niyang apo.
Hindi ko naisip na kaya niyang pumatay ng walang muwang na sanggol."

Kumawala ang hikbi ko at tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko pero nagpatuloy pa rin
ako sa pagkwekwento.

"Anak, ito oh. Kailangan mo ng matulog dahil bawal kang magpuyat." nakangiting sabi
nito at inabot sakin ang gatas

Ngumiti ako ng tipid at hinaplos ang tiyan ko.

"Anong nangyari sa inyo ng nobyo mo?" tanong nito

"Iniwan ko po siya at iniwan na rin niya ako. Mukhang nasa ibang bansa na."
malungkot na sabi ko

Ngumiti siya ulit sakin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilabot sa ngiti
niya.

Ininom ko nalang ang gatas at nang maubos ko ito ngumiti siya ulit sakin. Tumayo
siya at kinuha ang baso sakin para dalhin sa kusina.

Napangiwi ako nang makaramdam ako ng kirot sa tiyan ko.

"T-Tay!" tawag ko sa kanya


Nagulat ako nang pumunta siya sakin at tinalian ang bibig ko pati na ang kamay at
paa ko. Naiiyak ako sa sakit at dahil na rin sa nakikita kong ginagawa ng hayop
kong tatay.

"Napakatanga niyong mag-iina. Hindi ko kayo babalikan dahil mahal ko si Nerissa. At


ang batang nasa sinapupunan mo ang magdadala ng malas saming dalawa. Dahil alam
kong gagamitin mo ang batang yan para mapasunod ang nobyo mo na ipakulong kami."
nakangising sabi nito

Sinubukan kong sumigaw pero walang nangyayari dahil sa nakatakip na panyo sa bibig
ko. Nararamdaman ko na rin ang pag-agos ng dugo sa hita ko. Namumutla ako habang
nakatingin sa hita ko.

Napahagulgol ako nang lumabas na ito sa bahay at iniwan akong naghihirap. Pinilit
kong tanggalin ang tali sa kamay ko pero masyado itong mahigpit.

"Ate, bakit di ka pa natutulog---ATE!" gulat na sabi ni Adonis nang tuluyang makita


ang kalagayan ko

Inalis niya ang lahat ng tali ko at binitbit ako habang sumisigaw siya.

"NANAY! NANAY! SI ATE!" sigaw nito

Nakarinig kami ng nagmamadaling yabag at nakita ko si nanay na namumutlang


nakatingin samin ni Adonis. Tumawag siya agad ng ambulansya na agad naman dumating.

Nandilim na ang paningin ko nang maisakay nila ako sa ambulansya. Nagising nalang
ako na wala na ang batang nasa sinapupunan ko at nakaratay ang nanay ko dahil
inatake sa puso.

"Takot na takot ako noon Van. Gusto kong magbayad sila sa kahayupan nila pero alam
kong wala akong laban. Natakot ako na may mawala ulit kaya pinili nalang namin na
kalimutan ang lahat."

Nagulat ako nang hilain ako ni Van at niyakap ng mahigpit. Hindi ba siya galit
sakin? Hindi ko napangalagaan at anak namin.

"They will regret that they messed up with my family."

Chapter 16

Hindi pa masyadong nagsink in sa utak ko ang mga nalaman ko. Hindi ko matanggap na
may ganoong pinagdaanan ang asawa ko. Asawa ko. Parang kailan lang nang hilain ko
siya at sapilitang ikasal sakin dahil hindi ako makapaghintay.

Buntis siya nang iwan ko siya. Kung hindi ako umalis noon at hinintay ang pag-uwi
niya sa condo hindi mangyayari ito. Hindi sana nawala ang anak namin.

Isa pa sa inaalala ko ang kapatid ko na ipapakasal sa anak ni Tito Michael.


Napapayag din nila ako sa huli dahil buo na ang desisyon ni daddy. Pero nagtaka ako
nang hindi pumayag si Scarlett at para siyang linta kung makakapit sa lalaking co-
model niya na kaibigan niya rin.

Nananariwa pa rin sakin ang nalaman ko tungkol sa asawa ko kaya mainit ang ulo ko.
Nakadagdag pa sa init ng ulo ko ang sinabi ni Scarlett.

Ang mga katagang inabangan kong lumabas sa bibig noon ni Alexandra. I'm pregnant.

Labis kaming nag-alala sa kanya nang dalhin namin siya sa hospital at pare-pareho
kaming natataranta. Mabuti nalang okay lang siya at ang pamangkin ko.

"Enrique, may problema ka ba?" masuyong tanong sakin ni mommy

Naupo ito sa tabi ko at hinaplos ang likod ko. Nakaupo ako sa labas ng kwarto ni
Scarlett.

"Mom, I'm married." mahinang sabi ko

Nanlaki ang mata nito at tinignan ang mukha ko kung may bakas ng pagbibiro.

"W-What?" gulat na tanong nito

"Kasal kami ni Zea Alexandra. Kinasal kami 3 years ago."

Napatakip si mommy sa bibig niya at naiiyak na tinignan ako.

"H-Hindi ko alam ang totoong kwento at kung anong rason ng paghihiwalay niyo
Enrique pero sana maging responsable ka. Asawa mo pa rin siya." bilin sakin ni
mommy

Hindi ako umimik at nanatili akong nakatingin sa sahig. Tumulo ang luha ko nang
maramdaman ko ang yakap ni mommy. Ito ang kailangan ko ngayon, yakap ng isang ina.

I'm cold and heartless. I know that. Pero sa industriyang ginagalawan ko, kailangan
kong maging pusong bato para hindi ka nila malinlang at matakot sila na banggain
ka. Pero malambot ang puso ko pag pamilya na ang pinag-uusapan.

"Mag-usap kayo ng daddy mo, okay? Alam kong matutulungan ka niya." masuying sabi ni
mommy at pinunasan ang pisngi ko

Tumango ako sa kanya at gaya ng sabi niya, kakausapin ko si dad. Gabi na nang
mapagpasyahan kong kausapin si dad. Nagtungo ako sa office niya na nasa bahay at
naabutan siyang seryosong nakatingin sa bintana.

"Saan ba ako nagkulang Enrique?" mahinang tanong nito nang mapansin ang pagpasok ko

"Hindi ka nagkulang dad. Hindi mo lang talaga hawak ang puso at isip ni Scarlett."
sagot ko kay dad at naupo sa couch

Humarap siya sakin at seryoso akong tinignan.

"Hindi ko rin hawak ang puso't isip mo, Enrique. Nasa tamang edad ka na rin pero
hindi ko maintindihan kung bakit humantong sa hiwalayan ang relasyon niyo ni Zea.
Ayokong manghimasok sa relasyon niyo kaya nanahimik ako pero sa nakikita kong
itsura mo ngayon, alam kong may malaki kayong problema." seryosong sabi nito

Kinuha ko ang isang malinis na baso sa mesa at sinalinan ng brandy. Nilagok ko ito
at sinalinan ulit.

"May anak kami dad." seryosong sabi ko


Nagulat ito sa sinabi ko pero nanatili siyang tahimik. Ito minsan ang ayaw ko kay
dad eh, yung pagiging kalmado niya.

"Nasaan ang apo ko?" nakakunot noong tanong nito

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at nilagok ang ulit ang nasa baso ko. Natahimik ako
sa tanong ni dad at hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya.

"Tinatanong kita, Enrique." matigas na tanong ni dad

"W-Wala na siya dad. Matagal na siyang wala." mahinang sabi ko

Nararamdaman ko ang bikig sa lalamunan ko nang sinabi ko ang mga katagang iyon. Ni
hindi ko man lang nahawakan ang anak ko.

"Paanong wala Enrique? Isang Lewis ang batang iyon kaya hindi siya pwedeng mawala."
maawtoridad na sabi ni dad

Nahihirapan man ako ay pinilit kong ikwento kay dad lahat ng sinabi ni Alexandra.
Nanginginig ako sa galit tuwing naaalala ko ang tatay niya. Sana pala tinuluyan ko
na siya kanina.

Napakawalang hiya niya.

Napasapo si dad sa noo niya at hindi makapaniwala sa lahat ng mga sinabi ko.
Nanatili lang siyang kalmado pero ramdam ko ang galit niya.

"Kill those motherfuckers." malamig na sabi nito na maski ako ay pinanlamigan ng


katawan

"Dad..." mahinang tawag ko sa kanya

Tinignan niya ako ng matalim bago siya magsalita.

"Isang Lewis ang binangga nila Enrique. Hindi ako mauupo lang dito at hahayaan ang
mga taong pumatay sa apo ko na magpagala gala."

Kumuyom ang kamao ko habang inaalala ang pinagdaanan ng asawa ko. Hindi sapat na
kabayaran ang walang kwenta nilang buhay.

"Ako na ang bahala sa kanila. Ipapakita ko sa kanila na isang malaking pagkakamali


ang ginawa nila." galit na sabi ko

"Wag mo ng patagalin pa ang anumang pinaplano mo dahil hindi na ako makapaghintay


na makita silang pinagbabayaran ang kasalanan nila." seryosong sabi ni dad

Tumango ako sa kanya at ininom ulit ang alak na nasa baso ko.

Lumabas na rin ako agad nang matapos kaming mag-usap ni dad. Tinanong pa nito kung
anong maitutulong niya. Sinabi ko lang sa kanya na panatilihin sa kompanya si
Alexandra.

Napapansin ko ang paglayo niya sakin at alam ko na lalayo nanaman siya. Kung
iniisip niya na matatakasan niya ako. Nagkakamali siya. She's mine and that will
never change.

Kinabukasan pumasok ako ng maaga sa opisina. Tulad ng inaasahan ko, wala pa ang
magaling na sekretarya ko. Inumpisahan ko nalang ang trabaho ko.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Bumungad sakin ang pagmumukha ni Ethan.

"Bro!" masayang bati nito

Kumunot ang noo ko sa kanya. Nandito nanaman ang gagong ito. Wala ba siyang trabaho
at ako ang ginugulo niya?

"Napadpad ka rito?" tanong ko sa kanya

Umupo siya sa upuan na nasa tapat ng mesa ko at ngumisi sakin.

"Alam mo kasi bro, nararamdaman ko na may problema ka eh." nakangising sabi nito

Mas kumunot ang noo ko sa kanya. Tuluyan ko ng binaba ang hawak kong papeles at
sumandal sa upuan ko.

"Paano mo alam?" seryosong tanong ko sa kanya

Knowing Ethan. Hindi yan nahuhuli sa balita. Dakilang chismoso yan eh.

"Come on, bro. Naghire ka nanaman ng bodyguard sa agency ni Tito."

Tama ang sinabi niya. Naghire ako ng mga bodyguard para kay Scarlett at para kay
Alexandra. Ang pamilya niya ang may-ari ng security agency na pinagkuhanan ko ng
mga bodyguards ko or should I say, security agency na pinapatakbo ng Tito niya.

"Ngayon ka nalang ulit naghire ng bodyguards, you know. Ibig sabihin, may
pinapabantayan ka. So what's the catch?" patuloy nito

Bumuntong-hininga nalang ako at minasahe ang noo ko. Bestfriend ko naman ang kumag
na ito.

"Scarlett is pregnant." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya

"What?! She's pregnant?!" gulat na tanong nito

"Yeah." tipod na sagot ko

"Eh anong plano mo ngayon?"

"I don't know. Nahihirapan din ako."

Nahihirapan talaga ako dahil dumagdag sa iisipin ko ang lalaking bumuntis sa


kapatid ko. Hindi man lang niya kayang panagutan ito.

"Don't tell me na ipapalaglag niyo ang bata!" nanlalaking matang sabi ni Ethan

"That's inhumane, Ethan! Dugo ko ang nananalaytay sa batang nasa sinapupunan niya!
Isa siyang Lewis and a Lewis deserves the best." inis na sabi ko sa kanya

Naalala ko tuloy ang nangyari sa anak namin ni Alexandra. Maghintay lang sila at
sisingilin ko sila ng doble.

"Payag ka ba sa kasal na binabalak ng magulang mo? I mean, balak naman na talaga


nila ang arranged marriage na iyon dati pa. Ngayon na buntis siya mas ipipilit nila
ang kasal."

"Tumanggi na siya noong sinabi namin sa kanya pero kung sakaling papayag siya sa
kasal na iyon, ayos lang sakin. Ayokong lumaki ang bata ng walang buong pamilya."

At isa pa sabi nila bawal tanggihan ang buntis. Pero kung ako ang masusunod hindi
ako papayag na maikasal sila dahil baka mapahamak pa ang kapatid ko.

"But what about Zea?" tanong nito ulit

"What about her?" takang tanong ko

"She needs to know, dude." cool na sabi nito

"And why? Labas siya sa gulong ito."

Ayoko ng dagdagan pa ang problema niya. She suffered a lot.

"But she's still your wife. Siguro naman ay kailangan niyang malaman para madamayan
ka niya."

Natahimik nalang ako sa sinabi nito. Totoo naman ang sinabi niya pero hindi ko
kayang sabihin sa kanya dahil madadagdagan lang ang iisipin niya.

Naputol ang katahimikan sa pagitan namin nang bumukas ulit ang pinto. Pumasok ang
isa sa mga bodyguard ko. Hindi ko na kasi sila pinapapasok sa opisina ko kaya nasa
labas na sila.

"Sir, tumawag sakin si Tomy. Sinusundan daw ni Jack ang kapatid niyo."

Napatayo ako sa sinabi nito at sakto naman na tumawag sakin si Scarlett. Galit na
galit ito nang mapansin niya ang mga bodyguards na nakasunod sa kaniya. Sumisigaw
pa ito sa galit.

Pinapabantayan ko siya dahil ayokong malapitan siya ni Jack at isa pa delikado sa


lagay niya ang pagala gala dahil buntis siya. Ayoko ngang pumayag noong sinabi
niyang aalis siya eh. Buti nalang at pinayagan siya ng doktor niya na umalis ng
bansa.

"Sama ako sa'yo." sabi ni Ethan nang makitang inaayos ko na ang gamit ko

Tumango nalang ako sa kanya at nagmadaling lumabas ng opisina. Nadaanan ko pa ang


asawa ko na nakaupo at parang tulala. Mamaya ko nalang siguro siya kakausapin.

Zea's POV

'That's inhumane, Ethan! Dugo ko ang nananalaytay sa batang nasa sinapupunan niya!
Isa siyang Lewis and a Lewis deserves the best.'

Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga katagang iyan. Narinig ko ang usapan
nila ni Ethan dahil hindi gaanon nakasarado ang pinto ng opisina niya nang dumating
ako. Yan ang mga salitang narinig ko mula sa kanya.

Nakabuntis siya. Tangina talaga.

Sabi ko aayusin ko na ang lahat at magreresign na ako ngayon pero parang may
pumipigil sakin kaya pumasok ako. Pero hindi ko inasahan ang nalaman ko ngayon.

Alam ko na may malaki akong kasalanan sa kanya dahil nang maghiwalay kami, may
nakarelasyon ako ng isang taon kahit na kasal pa kami pero hindi naman kami umabot
sa punto na may mangyari samin. Ni hindi nga ako nagpapahalik sa labi eh.
Siguro mas matatanggap ko kung sakaling may ikinama siya dahil alam kong parausan
lang sila pero ang makabuntis siya, yan ang pinakamahirap paniwalaan dahil maingat
si Van. Kilala ko siya at alam ko ang ugali niya pag ayaw niya talagang magkaanak.

Ibig bang sabihin, ginusto niyang magkaanak sa babaeng iyon?

Naputol ang pag-iisip ko nang may magsalita sa harapan ko.

"Please cancel all my appointments today. I have to go." nagmamadaling sabi nito na
halos tumakbo na sa elevator

"Bye Zea!" nakangiting paalam ni Ethan sakin

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya at tumakbo na ito papunta kay Van. Nakasunod sa
kanya ang bodyguards niya.

"Hahaha. Grabe pala magalit ang mga buntis bro. Parang lalamunin ka na niya sa
galit eh." rinig kong sabi ni Ethan bago pa ito tuluyang makalayo

Napaiwas ako ng tingin at napatakip sa mukha ko.

Kaya ba siya nagmamadali dahil sa babae niya? Sa babaeng nabuntis niya?

Nagagalit ba ang babaeng iyon dahil may pinaglilihian siya at nagpapabili siya kay
Van?

Nakakatangina lang eh. Ang sakit kasi. Nasasaktan ako.

"Bruha! Bakit ka umiiyak dyan?"

Gulat akong napatingin kay Julie at pinunasan ang luha ko. Bakas sa mukha nito ang
pag-aalala.

"W-Wala." pagsisinungaling ko dito

"Sus. Bibigyan kita ng power hug!" nakangiting sabi nito at niyakap ako

Natawa ako sa kanya ng mahina pero naiyak nanaman ako ulit.

"Mukha kang broken hearted, girl. Naaalala mo ba ang ginawa ng gagong Aidan na
iyon?" tanong nito

Umiling ako sa kanya ng mabilis. Nang lokohin ako ni Aidan, nasaktan ako dahil sa
nararamdaman kong disappointment sa sarili ko.

"So iba ang iniiyakan mo? Sabi ko naman kasi sa'yo eh. Walang forever. Magbrebreak
din kayo sa 23. Ako nga hiniwalayan ako ng asawa ko kahit di pa 23 eh. Buti nalang
at nasa puder ko na ang anak namin." nakaismid na sabi nito

Humiwalaybako sa kanya at nagpunas ng luha bago ko siya tignan. Halos kaedad ko


lang si Julie pero may anak at asawa na siya. Parang ako lang pero ang pagkakaiba
namin, siya buhay ang anak. Ako, wala ng anak.

"Hindi ba kayo nagbalikan?"tanong ko sa kanya

"Alam ko kasi Zea, hindi simple ang buhay may asawa. Minsan, hindi sapat na mahal
niyo ang isa't isa kasi minsan sa sobrang kaluwagan mo, nakakahanap sila ng iba.
Hindi naman masamang itali mo sila minsan eh. Minsan kasi ang mga lalaki gusto rin
nila yung may thrill sa relasyon. Yung tipong ramdam nila na pinagdadamot mo sila.
Sa amin ng asawa ko, walang nangyaring ganun kasi naging kampante ako."

Ngumiti siya sa akin ng malungkot at nag-iwas ng tingin. Tama siguro ang sinabi
niya. Thrill. Parang ang sarap sa pandinig ng salitang yun.

"Hoy. Wag ka ngang ngumisi dyan. Para kang may binabalak na masama eh!" saway sakin
ni Julie

Tinawanan ko lang ito at nagpasalamat muna bago ko siya itaboy.

Napaisip ako ngayon kung anong gagawing hakbang ni Van tungkol sa nalaman niya.
Napaisip rin ako kung may pag-asa pa ba ang relasyon namin. May part sakin na gusto
kong bigyan ng chance ang relasyon namin pero may part din sakin na sinasabing
masasaktan lang ako sa huli.

Is it worth fighting for? Or is it time for us to end it all?

------------------------

Parang kahapon lang 2015 pa pero ngayon 2016 na. Have a great new year everyone!

Bagong taon na kaya salubungin natin ang taong ito ng may ngiti sa labi kahit na
ibig sabihin noon, eh, madadagdagan nanaman ang edad natin. Ang saya ko noon tuwing
madadagdagan ang edad ko pero ngayon, feeling ko tumatanda na ako. Hahaha

Anyways, thanks for everything guys! Dahil kahit bagong taon na, nandyan pa rin
kayong mga readers ko.

Lovelots :*

Chapter 17

"Sir Freak!" tawag ko sa amo ko na nakakunot ang noo

Malamang inis na inis na yan dahil sa panggugulo at pang-iinis ko sa kanya. Trip ko


kasi siyang inisan ngayon. Ewan ko ba kung bakit.

"What the f*ck?! Don't you know how to knock?!" singhal nito sakin

"Ang hot mo talaga Freak. Sasabihin ko lang na may appointment ka ulit this 5pm."
nakangiting sabi ko na may halong pang-aasar

"What?! Anong appointment?!"

Oh. Init nanaman ng ulo eh.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya at nagpacute pa.

"Ihahatid mo ako pauwi." nagpapacute na sabi ko

"What the hell?! Hindi mo ako driver! Umuwi ka mag-isa mo!" singhal nito
Naningkit ang mata ko sa kanya. Kanina pa niya ako sinisinghalan at naiirita na ako
sa kanya.

"Ihahatid mo ako pauwi o ihahatid?" naniningkit ang matang tanong ko

"HINDI KITA IHAHATID!" sigaw nito

"Kulang ang pamasahe ko kaya ihatid mo ako!" I demanded

May binabalak kasi ako kaya gusto kong ihatid niya ako. Tsaka sinabi ko sa kanya
kanina na wala akong kotse dahil ginamit ni Adonis.

"Why should I?!"

"IHAHATID MO AKO! SABI NI SIR RICARDO MAGING MABAIT KA SAKIN!" madiin na sigaw ko

"Hindi nga---"

"DAHIL MAGBABAR KA? YAN ANG HIRAP SA'YO! HINDI PORKE MAYAMAN KA EH BAR KA NG BAR!
SPEND YOUR MONEY WISELY!" sermon ko

Alam ko naman na hindi yan magbabar eh. Baka pumunta yan dun sa nabuntis niya.
Masama na kung masama pero hindi ko siya hahayaan na magpunta sa babae niya!

"Ano bang pakialam--"

"Ihahatid mo ako o ihahatid mo ako?" matigas na sabi ko

Matalim ang titig na binigay ko sa kanya kaya wala sa sariling napatango ito.
Ngiting tagumpay naman ako at prenteng naupo sa silya na nasa tapat ng mesa niya

*knock knock*

Ako na pumindot ng intercom dahil kawawa naman ang 'asawa ko' diba? Baka pagod na
sa trabaho. Sinamaan pa ako nito ng tingin pero nginisihan ko lang siya.

"Who's there?" Tanong ko

"Hazel po." sagot ng nasa labas

"Hazel who?" sarkastikong ko

Hindi ko alam pero nababanas ako sa boses niya. Nangangamoy malandi eh. Kung hindi
ako nagkakamali, siya yung nasa Finance Department na napakalagkit kung makatitig
sa ASAWA KO.

"Hazel Mitch."

"Ay. Akala ko Hazel Bitch." nakairap na sabi ko bago tumayo at buksan ang pinto

Tumaas ang kilay nito nang makita niya ako kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Aba
naman. Ang ganda kaya ng kilay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" balik tanong ko sa kanya

"Ako ang unang nagtanong." masungit na sabi nito


"So? Ako naman ang pangalawang nagtanong." pilosopong sabi ko

Kita ko ang inis sa mukha niya kaya pinigilan kong matawa. Magsasalita pa sana ito
nang tumalikod na ako at naupo sa dating pwesto ko kanina.

"What do you need Miss Mitch?" walang ganang tanong ni Van

Tinignan ko naman ang babaeng ito. Kinagat niya ang ibabang labi niya na parang may
ibang iniisip sa tanong ni Van. Nababasa ko sa mata niya ang mga salitang, 'I need
you'.

Sapakin ko kaya itong babaeng ito. Aba't pinagnanasaan ang asawa ko.

"Ano daw kailangan mo." nakaismid na sabi ko

Sinamaan naman ako ng tingin ni Van pero inirapan ko lang siya.

"Hindi ako bingi." masungit naman na sabi nitong babaeng haliparot

"Akala ko kasi di mo naintindihan yung tanong kasi English kaya tinagalog ko."
nakangising sabi ko sa kanya

"Alexandra..." saway sakin ni Van

Ngumisi naman sakin ang babaeng haliparot na parang nanalo sa lotto. Anong mukha
yan?

"Sir, makakalimutin ka talaga sa pangalan. Zea po ang pangalan ng secretary niyo."


natatawang sabi nito na may kasamang panlalanding tono

Nagpanting ang tenga ko sa malanding boses nito. Pigilan niyo ako at baka makapatay
ako ng haliparot.

"I know that her name's Zea. But I prefer calling her in her second name." walang
ganang sabi ni Van

Ganyan talaga ang napapala ng mga assuming eh. Pinapahiya ang sarili. Pahiya tuloy.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya tumawa na ako. Sinamaan naman niya ako ng
tingin kaya mas natawa ako.

"S-Sorry. Nakakatawa kasi yung joke niya, eh. Diba baby?" sabi ko sabay baling kay
Van na mukhang nagulat sa pagtawag ko sakanya ng 'baby'

"B-Baby?" gulat na tanong ng babaeng haliparot

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Ngumiti ako sa kanya ng pang-asar at kumindat pa na


alam kong mas ikinainis niya.

"Mukha kasi siyang sanggol dahil hindi siya nagsasawa sa dibdib ko." nakangising
sabi ko at binulong ko sa kanya ang mga huling salita

Lumayo ako sa kanya at tinignan ang itsura niya. Gulat na gulat ito at nakatingin
sa dibdib ko. Napatingin din ito sa dibdib niya na halatang niretoke lang.

"Zea Alexandra..." seryosong tawag sakin ni Van

Ngumiti ako sa kanya ng matamis at binalingan ulit ang babaeng haliparot na may
gulat pa ring mukha.
"I-Iwan ko nalang po ito, Sir." utal na sabi nito at nilapag ang hawak niyang
folder bago siya nagmamadaling lumabas

Napahagalpak ako ng tawa nang tuluyan na itong makalabas. Her face is so priceless!
That's what you get when you flirt with my husband, bitch.

Napatigil ako sa pagtawa nang may brasong pumulupot sa bewang ko.

"I heard what you said to her." bulong nito sa tenga ko

Namula ako sa sinabi niya at napatayo ang balahibo ko sa batok dahil sa mainit na
hininga niya na dumadapo sa likurang bahagi ng tenga ko. Pinilit kong tanggalin ang
braso niya na nakapulupot sa bewang ko pero hindi ko iyon maalis dahil mas
hinihigpitan niya.

"You want me to show you what this 'baby' can do?" mapang-akit na bulong nito sa
tenga ko

Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman ko ang dila nito na marahang dinilaan ang
likuran ng tenga ko. Napadiin din ang pagkakahawak ko sa braso niya. Damn.
Nanghihina ang tuhod ko dahil sa ginagawa niya.

"Van..." saway ko sa kanya nang halikan niya ang leeg ko pero nagmistula itong
ungol

"Stop me, Xandra or else I will take you inside my office." mahinang sabi nito at
hinalikan ulit ang leeg ko na may kasama ng dila

Pinigilan kong umungol at pinilit kong alisin ang braso niyang nakapulupot sakin.
Sabi niya pigilan ko siya diba? Sumusunod lang ako. Nagpapapigil siya tapos ngayon
ayaw papigil!

"Tangina--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pinaharap ako nito at siniil
ng halik

Hindi ako tumugon sa halik niya dahil sinasabi ng utak ko na mali ito pero mali nga
ba? Hindi ba't mag-asawa naman kami. Normal lang sa mag-asawa ang ginagawa namin
ngayon.

Napasinghap ako nang panggigilan niya ang pang-upo ko. Ginamit niya ang pagkakataon
na iyon para ipasok ang dila niya. Hindi na ako nagdalawang isip at tumugon ako sa
halik niya. Pinulupot ko ang braso ko sa batok niya at mas pinaglapit ang katawan
namin.

Sumunod ako sa bawat hakbang na ginagawa niya hanggang sa maupo ito sa couch. Naupo
naman ako sa kandungan niya paharap sa kanya. Hinimas niya ang na-expose na hita ko
at mas itinaas pa niya ang palda ko. Ramdam na ramdam ko ang katigasan ng
pagkalalaki niya na nakatapot sa kaselanan ko.

Inumpisahan kong tanggalin ang butones ng polo niya habang hinahalikan ako nito sa
leeg at hinihimas ang dibdib ko. Sabay kaming napaungol nang marahan kong igiling
ang katawan ko.

Tinanggal niya ang blouse ko at tinapon nalang ito sa kung saan. Mabilisan ang
ginawa niyang pagtanggal sa bra ko kaya tinanggal ko na rin ang polo niya at
hinagis tulad ng ginawa niya sa damit ko.

Napasabunot ako sa buhok niya at napaungol nang dalhin niya sa bibig niya ang isa
sa mga dibdib ko at sipsipin iyon na parang sanggol. Minamasahe naman ng kabilang
kamay niya ang kabila. Salitan ang ginawa niya hanggang sa magsawa ito at
pinagtuunan nanaman ng pansin ang labi ko.

Hinimas ko ang dibdib niya pababa sa puson niya hanggang sa mahanap ng kamay ko ang
belt niya. Binaklas ko ang belt niya at binuksan ang patalon niya. Napahinto siya
sa ginagawa niya at napaungol nang hawakan ko ang pagkakalalaki niya at himasin
ito.

"Damn Xandra." ungol nito

Hinimas ko ang pagkalalaki niya habang nakasuot pa siya ng boxers at brief.

"S-Stop please. Damn!" mura nito nang mas pinagbutihan ko ang paghimas dito

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito. Hiniga niya ako sa couch at tumayo siya
at nagpunta sa pinto. Nakarinig ako ng mahinang click.

"Ayoko ng istorbo." nakangising sabi nito

Naglakad siya pabalik sakin habang nakatitig sa katawan ko. Pumaibabaw siya sakin
pero suportado ang bigat niya. Inalis niya ang sapatos ko pati na rin ang palda ko.

Napapikit ako ng mariin at napaungol nang maramdaman ko ang daliri niya sa


kaselanan ko.

"You're ready for me, my witch." sabi nito sa paos na boses

Tinanggal niya ang natitirang saplot ko at ilang sandali pa naramdaman ko na ang


pagkalalaki nito na handa ng sumabak sa gyera. Napakapit ako sa balikat niya nang
magsimula na siyang pumasok sa kaselanan ko.

He move in a slow pace then it becomes fast. I meet his deep and rough thrusts. We
dance in our own rhythm. After few more thrusts, we reached the climax.

Nanatili siyang nakapatong sakin at tinitigan ang mata ko. Hindi ko magawang umiwas
kahit na naduduling na ako. Hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko kay Van.

Ganoon pa rin ang epekto niya sakin.

I can see longing in his eyes. Alam kong ganoon din ang makikita sa mga mata ko.
Siya lang ang lalaking minahal at minamahal ko mula noon hanggang ngayon. Ang
pagmamahal na naramdaman ko kay Aidan ay ibang-iba sa nararamdaman ko kay Van.

"Let's start over again." mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko

Napatitig ako sa mukha niya pero napaiwas ako nang tingin nang makita ko na hindi
siya nagbibiro. Humihingi siya ng chance kahit na alam na niya ang pinagdaanan ko
at ang pagiging walang kwenta kong ina sa anak namin.

Marahan ko siyang tinulak na alam kong ikinagulat niya. Bumalatay rin sa mukha niya
ang sakit. Paano ko siya bibigyan ng chance kung may nabuntis siya?

Paano kung mahal niya ang babaeng iyon at naguguluhan lang siya dahil naaawa siya
sakin?

"Hindi ko maibibigay ang hinihingi mo." matigas na sabi ko

"Why? May mahal ka na bang iba?" mapait na tanong nito


Gusto ko siyang sapakin at sabihin sa kanya na wala akong ibang mahal. Pero
natatakot na akong sumugal ulit. Naging padalos dalos kami noon sa mga desisyon
namin kaya nauwi kami sa ganitong sitwasyon.

Nabaling sa mesa ang paningin namin dalawa nang tumunog ang cellphone nito. Kumunot
ang noo ko. Yung babaeng iyon ba ang tumatawag?

"I'll just answer--"

Hinila ko ang batok niya at siniil siya ng halik na ikinagulat niya. Patuloy pa rin
sa pagtunog ang cellphone niya. Kung pwede ko lang itapon ang cellphone niya ginawa
ko na.

"Wait--"

Hindi ko siya hinayaan na humiwalay sakin. Madamot ako. Pero pagmamay-ari ko ang
pinagdadamot ko.

Should I give us a chance?

Sinagot niya ang halik ko nang mapagtanto niya na wala akong balak na pakawalan
siya. Humiwalay kami sa isa't isa para sumagap ng hangin.

Napapikit siya ng mariin nang tumunog muli ang cellphone niya.

"Fuck!" inis na bulong nito

Inayos niya ang pantalon niya at kinuha ang polo niya sa sahig. Sinuot niya ito
sakin at marahan akong inupo. Napairap nalang ako sa ginawa niya. Hindi ba niya
kayang i-reject ang tawag na yan?!

Dinampot nito ang cellphone niya at kunot na kunot ang noo nito.

"What?!" inis na bungad niya

Lihim akong napangisi sa itsura niya. Halatang bitin.

"Stop yelling! Asan ba si Leo? Si Seth? Ako nanaman ang kinukulit mo. Madaling araw
na dyan kaya matulog ka na!" inis pa rin na sabi nito

"Hey! Shit! Leo! Ano nanaman bang nangyayari dyan at galit na galit yang kapatid
ko?!" singhal nito

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kapatid? Si Scarlett?

Gusto kong makinig kaya sinuot ko ang heels ko at naglakad palapit sa kanya.
Natigilan siya at gulat na napatingin sakin nang yumakap ako sa likuran niya.
Ngumiti lang ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya at boses ng lalaki.

[Naghahanap ng mangga kasi naubos na niya yung mangga. Wala si Seth kasi may
business trip kaya kami lang ang naiwan. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan mag-isa
dito at ayaw din naman niyang sumama na maghanap ng mangga.]

Ano namang gagawin ni Scarlett sa mangga? Sinabi ni Van kanina na madaling araw na
daw sa kanila. Meaning, nasa ibang bansa siya.
"Damn it Leo! Gawan mo yan ng paraan. Naiistorbo ako dahil sa topak niyang kapatid
ko."

[Nagtratrabaho ka pa Kuya Enrique?--- Aray naman Isabelle! Oo na. Bibili na tayo ng


mangga!---Sinisigawan mo ba ako Leo?!---Hindi ah! Ibababa ko na ang tawag Kuya
Enrique. Bye.]

Biglang naputol na ang linya kaya binaba na niya sa mesa ang cellphone niya.
Hinarap naman ako nito na may ngisi sa labi.

"Hmmm. Eavesdropping, huh. What punishment should I give you?" bulong nito sa tenga
ko

Marahang hinahaplos ng mamay niya ang likod at bewang ko. Geez.

"Would you like it rough and hard?"

Chapter 18

"Kung hindi mo balak ayusin ang kasal niyo layuan mo na siya. Magkakasakitan lang
kayo ulit."

Seryosong nakatingin sakin si Eugene habang nakaupo kami rito sa isang coffee shop.
Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

Tama naman siya pero hindi ko kayang lumayo kay Van.

"Mahal mo pa ba siya?" tanong ni Eugene sakin

Tumango ako sa kanya at humigop sa kape ko. Pakiramdam ko natutuyuan ang lalamunan
ko.

"Bakit hindi mo ipaglaban? Humingi na siya ng chance sa'yo kaya wag mo ng


pakawalan." nakairap na sabi ni Eugene

"Hindi naman ganun kadali yun!" depensa ko

"Hindi ganun kadali dahil pinapahirapan niyo ang mga sarili niyo! Bakit hindi
nalang kayo magbalikan kesa kung ano-ano pa ang inaarte niyo?" inis na sabi nito

"May nabuntis siya Eugene!" galit na sabi ko

Bumalik ang pagiging seryoso nito at nilapag ang cup na hawak niya.

"Ano ngayon kung may anak siya sa iba? Mag-asawa pa rin kayo. Ikaw ang legal na
asawa. Hahayaan mo nalang ba na maagaw siya ng iba sa'yo?" nakangising sabi nito

Umiwas ako ng tingin sa kanya at napabuntong-hininga. Naiinis ako dahil alam ko na


may punto siya sa sinasabi niya. Ni-rerealtalk niya ako eh.

"Ano? Napaisip ka no?" nang-aasar na sabi nito nang mapansin niya na tinamaan ako
sa sinabi niya
Inirapan ko na lang siya at hindi na nagsalita. Tinawanan naman ako nito. Kumunot
ang noo ko nang may mapansin sa kanya. Hindi na masyadong malambot ang paggalaw
nito at pati ang pananalita niya ay medyo nag-iba.

"May napapansin ako sa'yo." seryosong sabi ko

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero agad naman itong tumawa at umiwas ng tingin.

"Ano namang napapansin mo? Na mas maganda ako sa'yo?" biro nito

Inubos ko ang kape ko at inayos na ang gamit ko. Kailangan ko na ring pumasok sa
opisina. Nagsalita ako bago pa ako tuluyan tumalikod sa kanya.

"Nagiging lalaki ka na. Bye! See you!" nakangising sabi ko at tumalikod na

Tinawag pa ako nito pero hindi ko na siya pinansin at tumuloy na ako sa kotse ko na
tumatawa pa rin. I'm actually happy for him. He deserves to be happy. Sino kaya ang
maswerteng babae?

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang pamilyar na babae sa lobby. Kitang
kita ko rin ang paghanga sa mata ng mga empleyado sa kanya na eleganteng nakaupo sa
couch. Palinga linga rin siya sa paligid na parang may hinihintay.

Hinihintay ba niya si Van? Dapat pumasok nalang siya sa office niya para mas maging
komportable siya.

"Mrs. Lewis." tawag ko sa atensyon nito

Gulat na napatingin ito sa akin pero agad din siyang ngumiti. Ngumiti ako ng tipid
sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan pagkatapos ng
nangyari samin ng anak niya.

"Zea, hija." Napapikit ako nang yakapin ako nito at haplusin ang likod ko. Hindi ko
maikakaila sa sarili ko na namiss ko siya. Napakabait niya sa akin noon at wala pa
rin pinagbago ang pagiging malamyos ng boses niya.

Nakita ko rin ang pagkagulat ng mukha ng mga nakakakita samin. Sino ba naman ang
hindi magugulat kung yayakapin ako ng ina ng CEO nitong kompanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" nakangiting sabi nito

Kinakabahan man ako sa pwedeng pag-usapan namin ay tumango nalang ako sa kanya.
Hinila niya ang kamay ko palabas at pasakay ng isang kotse.

Dinala niya ako sa isang coffee shop. Kakagaling ko lang sa coffee shop kasama si
Eugene para pag-usapan ang relasyon namin ni Van tapos ngayon nasa harapan ko ang
nanay niya.

"Mrs. Lewis--" pinutol niya agad ang sasabihin ko

"Mommy, hija. Call me mommy. Please." malambing na sabi nito

Hindi ko mahindian ang malambing na boses nito kaya kahit nahihiya ako ay tumango
nalang ako. Noon pa niya ako pinipilit na tawagin siyang mommy kahit hindi pa kami
engaged ni Van.

"A-Ano pong gusto niyong pag-usapan?" tanong ko


Saktong dumating ang order namin na frappe at coffee para sa kanila. Sumimsim muna
siya sa kape niya bago sumagot sakin.

"Ayoko sanang mangialam sa relasyon niyo ng anak ko dahil nasa edad na kayo pero
hindi ko kayang manahimik, Zea. Lalo na nang malaman ko ang nangyari sa apo ko."
bakas sa boses nila ang kalungkutan

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ng ina ni Van dahil hindi ko inaasahan na alam na
nila. Kitang-kita ko sa mukha niya ang lungkot at pagkadismaya.

"Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng anak. Minsan na akong nakunan noon at


napakasakit sa isang ina na mawalan ng anak. Pero mas masakit ang nangyari sa'yo
dahil sinadya nilang mawala ang bata sa sinapupunan mo. Alam ko na magiging mahirap
na maibalik sa dati ang samahan niyo ni Enrique pero sana mabigyan mo siya ng
pagkakataon na ayusin ang relasyon niyo." Malungkot na sabi nito at hinawakan ang
kamay ko kaya napayuko ako.

"T-Tita--I mean mommy, nakakatakot po kasi siyang mahalin. Hindi niya kayang
magtiwala sakin. Nakakatakot ng maiwan ulit."

"Itatapon mo nalang ba ang ilang taon na pinagsamahan niyo?" Mapait na tanong niya
sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

Binitawan niya ang kamay ko at nilapag sa mesa ang isang folder. Nagtatakang
napatingin ako kay Tita at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa mukha nito.

"Kung wala ka ng plano na balikan ang anak ko, hiwalayan mo na siya." matigas na
sabi nito

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Hindi ko kailanman naisip na makikialam siya


sa relasyon namin ni Van. Napatingin ako sa folder na nasa harapan ko.

Nakaramdam ako ng kurot sa dibdib ko, hindi ako ganun katanga para hindi maisip
kung ano ang posibleng laman ng folder na iyon at iisa lang ang nasa isip ko na
laman noon. Annulment papers.

"Gusto kong pirmahan mo papeles na yan para mapawalang bisa na ang kasal niyo ng
anak ko. Kung hindi mo siya babalikan at kayang pasayahin, ako mismo ang gagawa ng
paraan para maging masaya siya. At kung ang ibig sabihin noon ay hiwalayan ka niya
at magmahal siya ng iba, gagawin ko. Hindi mo alam ang hirap na naranasan ng anak
ko sa nakalipas na taon, Zea. At hinding-hindi ko rin malalaman kung anong
naranasan mo at kung gaano ka nasaktan para lang manatili ka sa tabi ng anak ko. Sa
nakikita ko ngayon, mas nagkakasakitan lang kayong dalawa. I want you to be happy
too, hija. If this is the only way for you both to be happy, then so be it." Puno
ng hinanakit ang boses niya kaya napayuko nalang ako at napaisip sa sinabi niya.
Hindi ko magawang itaas ang kamay ko para pirmahan ang mga papeles na iyon.

Hindi ko kaya dahil alam ko sa sarili ko na ayokong tapusin ang nag-iisang bagay na
nagtatali sa amin.

"I-I'm sorry, Tita... I'm sorry..." umiiyak na sabi ko

Wala akong karapatan na tawagin siyang mommy tulad ng sabi niya dahil sinaktan ko
ang anak niya.

"Kaya mo bang pirmahan ang annulment papers na ito? Makapangyarihan ang pamilya ng
asawa ko at ganoon din ang pamilya na pinanggalingan ko. Kung gugustuhin ko, pwede
ng mawalan ng bisa ang kasal niyo dahil sa ilang taon na hindi niyo pagsasama pero
mas gusto kong idaan sa tamang paraan."
Kinagat ko ang labi ko para hindi kumawala ang hikbi ko. Nawala na ang malambing na
boses niya at napalitan iyon ng malamig at matigas na boses.

"Wag kang umiyak lang dyan. Pirmahan mo na ito." matigas na sabi niya

Pinunasan ko ang luha ko at tumunghay ako. Inilapit niya sa akin ang folder.
Nanginginig ang kamay ko habang inaabot iyon. Hindi ko pa nabubuksan iyon nang
magsalita muli si Tita Melissa.

"Sigurado ka bang kaya mo siyang pakawalan at mag-asawa ng ibang babae? Kaya mo


bang makita siyang masaya sa iba? Hahayaan mo bang maging masaya ang tatay mo at
ang kabit niya dahil napaghiwalay nila kayo? Kaya mo bang talikuran ang lalaking
mahal mo? At higit sa lahat, kaya mo bang talikuran ang ama ng anak mo?"

Napayuko ulit ako sa tinanong niya. Lahat iyon tumagos sa dibdib ko. Lahat iyon
tumatak sa isip ko.

Kaya ko nga ba? Hindi ko kaya.

"Pag-isipan mong mabuti ang lahat dahil baka mapagod ang anak ko kakahabol sa'yo."
seryosong sabi niya at tumayo na

Naglapag siya ng bayad sa mesa bago tuluyang umalis. Bumalik ang atensyon ko sa
folder na hawak ko at marahan na binuksan iyon. Agad na namasa ang mata ko nang
makita ang laman ng folder.

It wasn't annulment papers. It was a picture.

Picture namin iyon ni Van noong kinasal kami sa civil. Napakalapad ng ngiti namin
sa litrato at nakataas ang kamay namin kung saan nakalagay ang singsing. Meron ding
isa pang picture.

Kuha iyon noong nasa college kami ni Van kung saan sinurprise niya ako dahil
anniversary namin. Naaalala ko pa ang time na ito. Kinakantahan niya ako kahit na
sintunado siya.

Natawa ako nang maalala ko iyon pero agad din akong napapikit nang maalala ang
tinanong ni tita sakin. Itatapon ko nga ba lahat ng taon na pinagsamahan namin?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko nang tumunog ito. Nakita ko ang pangalan ni
Jaxon kaya agad na sinagot ko ito.

"Jax.." Pinilit kong wag ipahalata ang pag-iyak ko dahil alam ko na mag-aalala
siya.

[Hey. How are you? I heard what happened few days ago. Ayos ka lang ba?] Nag-
aalalang tanong nito at hindi ko naman mapigilang tumango kahit na hindi niya ako
nakikita.

"I-I'm okay. How about you?"

[I'm fine. I heard your....husband was with you. N-Nagkabalikan na ba kayo?]

Nakagat ko ang labi ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko. I can't. We can't.
May batang naghihintay sa kanya at mas kailangan siya ng batang iyon.

"I-I have to go. Bye." Hindi ko na siya pinagsalita pa at pinatay ko na agad ang
tawag.
Nanghihina ang tuhod ko nang tumayo ako pero nagawa ko namang makatayo ng maayos.
Kinuha ko na ang mga gamit ko para makaalis na at saktong pagharap ko nabundol ko
ang isang matigas na dibdib.

Napamura ako nang maamoy ko ang pamilyar na pabango na iyon. Tinaas ko ang paningin
ko at nakita ko ang nakakunot noong ekspresyon niya habang nakatingin sakin. Gusto
ko siyang yakapin at magsumbong sa kanya tungkol sa sakit na nararamdaman ko pero
hindi ko magawa.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinihintay sa office. Let's go." seryosong
sabi nito at nauna nang maglakad

Sumunod naman ako sa kanya at napatitig nalang sa malapad na likod niya. Kinuha ko
rin ang panyo ko at pinunasan ang mukha ko. Sana naman ay hindi niya nahalata na
umiyak ako.

Mabilis na nakarating kami sa opisina niya at agad naman akong nagsimula sa trabaho
ko. Kakalimutan ko muna ang lahat sa ngayon.

Napahinto ako sa pagtipa sa keyboard nang tumunog ang intercom na konektado sa


kwarto ni freak. Umirap ako sa kawalan bago magsalita. Kakasabi ko lang na
kakalimutan ko muna ang kahat tapos kakausapin niya ako.

"Yes Sir?" kunwaring magalang na tanong ko

"In my office. Now." Seryosong sabi nito kaya agad akong tumayo at dinala ang
planner ko baka tatanungin niya ang schedule niya today.

Naabutan ko siyang seryosong nakatingin sa cellphone niya at nakakunot din ang noo
nito. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya. Sandali lang tumingin sakin at
agad na binalik sa cellphone ang atensyon niya.

"Tulungan mo akong maghanap." nakakunot noong sabi nito habang nakatingin sa


cellphone niya

"Maghanap ng alin?" takang tanong ko sa kanya at kumunot na rin ang noo ko nang
maalala ang ginawa niya noon sakin na pinaghanap niya ako ng papeles yun pala ay
pinagtritripan lang niya ako

"Puso ko." Sabi ulit nito pero nakatingin na ito sakin at nakatitig sa mata ko. Mas
kumunot ang noo ko sa sinagot niya.

"Puso mo?" Nakadrugs ba siya? Anong sininghot niya at yan ang sinasabi niya?

"Oo. Puso ko. Pakitingnan naman baka nasa'yo." Nakangising sabi nito at kumindat
pa. Nakagat ko ang labi ko at napayuko.

Imagine. Ang CEO na kinatatakutan ng lahat ay nasa harap ko at bumabanat. Mas


diniinan ko ang pagkagat ko sa labi ko para mapigilan ang tawa ko. Damn. The way he
say it, he was so damn adorable.

Tumikhim siya kaya umayos na ako ng tayo pero pilit ko pa ring pinipigilan ang tawa
ko.

"Y-Yun lang ba ang sasabihin niyo Sir?" Seryosong tanong ko kahit na gusto ko ng
humagalpak ng tawa sa harap niya.

"Shit talaga ang Ethan na yun." rinig kong bulong niya


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na ako ng mahina. Tinignan naman
ako nito ng masama kaya mas natawa ako.

"Are you laughing at me woman?!" inis na tanong nito habang umiigting ang panga

"Ha? Hindi ah! Umiiyak nga ako eh!" pamimilosopo ko

"Tss. Bumalik ka na sa labas." inis na sabi nito kaya huminto na ako sa pagtawa at
tumalikod na habang naiiling

Nakahawak na ako sa door knob nang may magsalita sa likuran ko na ikinagulat ko.

"Knock Knock" mahinang sabi nito

Nakagat ko ang labi ko nang maamoy ko ang pabango nito.

"W-Who's there?" utal na tanong ko

Kinakabahan ako dahil sobrang lapit niya sakin. Kinakabahan ako dahil baka humarap
ako sa kanya at yakapin ko siya ng mahigpit.

"Be with"

Napalunok ako sa sinabi niya at mariin na pinikit ang mata ko.

"Be with who?" mahinang tanong ko

"Be with me." Napasinghap ako nang hilain ako nito paharap at isandal sa pinto.
Nakatingin siya ng diretso sa mata ko na parang binabasa ang nasa isip ko.

"Please. Be with me again." Puno ng pagsusumamo ang boses nito at halo halong
emosyon ang nakikita ko sa mata niya.

Bumagsak ang balikat nito nang marahan ko siyang itulak at mabilis na umiling ako
sa kanya. Nakakatakot ng sumugal ulit.

"Alam kong mahal mo pa ako, Xandra." Matigas na sabi nito na parang kinukumbinsi
ako.

"H-Hindi na kita mahal." Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang pagbabara
ng lalamunan ko at ang pagkirot ng dibdib ko. Alam ko sa sarili ko na hindi totoo
yun.

"Look at me in the eyes and tell me you don't love me! Do it!" Puno ng awtoridad na
sabi nito at pilit na hinuhuli ang mata ko.

Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang luha na naglalandas sa pisngi ko.
Hindi ko siya kayang tignan sa mata. Hindi ko kayang makita ang mata niya na puno
ng lungkot.

"Do it Alexandra!" matigas na sabi nito at napatalon pa ako sa gulat nang hampasin
niya ang pinto na nasa likuran ko

Damn it. I know I can't. I want to be selfish. Pwede bang sarili ko naman ang
isipin ko ngayon?

Unti-unti akong tumingin sa mata niya na puno ng lungkot at pag-asa na hindi ko


gagawin ang sinasabi niya. Pag-asa na magkakabalikan kaming muli.
Pinatatag ko ang sarili ko at tinignan ko siya ng diretso sa mata kahit na
naglalandas pa rin sa pisngi ko ang luha ko.

"H-Hindi ko kaya dahil mahal pa rin kita."

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Geez. Tell me that forgetting my bestfriend's birthday once in a while is a normal


thing.

Taena. Hindi lang ako ang ganun diba? Diba?

So, here's the update!

-LadyCode

Chapter 19

Napapikit ako nang hawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako ng mariin sa labi.
Hindi ko pala talaga kaya na tuluyan siyang iwan. Tama si Eugene. Ako ang asawa
niya kaya mananatili ako sa tabi niya.

"Damn. You scared the hell out of me. I thought I will lose you." mahinang sabi
nito at niyakap ako ng mahigpit

Mas lalo akong naiyak sa ginawa niya dahil kahit pilit na pinagtatabuyan ko siya,
nandyan pa rin siya para hilain ako pabalik sa kanya. Humiwalay siya sakin at
pinunasan ang luha ko. May malaking ngiti siya sa labi habang nakatingin sakin kaya
napangiti rin ako.

Kailan ko ba huling nakita ang ngiti niya?

"Thank you, my witch. I'm so happy." ngiting-ngiti na sabi nito at hinalikan ulit
ako sa labi

Hindi ko mapigilang mapatawa sa kanya lalo na nang maalala ko ang sinabi niya
kanina.

"Saan mo naman natutunan ang mga banat mo kanina?" natatawang sabi ko

"Kay Ethan. Gagong yun. Sabi niya kikiligin ka raw." nakaismid na sabi nito

Hinawakan ko ang pisngi niya at nginitian ko siya. Sa totoo lang, ngayon ko lang
siya narinig na bumanat.

"Kinilig ako. Hindi lang halata. Tara?" pagyaya ko sa kanya

"Saan tayo pupunta?" kunot noong tanong nito

"May ipapakilala ako sa'yo." Nakangiting sabi ko at hinila siya palabas ng opisina
niya. May mga empleyado na nakatingin samin at sa kamay namin na magkahawak.

Tahimik na nagbiyahe kami papunta sa sementeryo. Naalala ko kasi na hindi pa niya


nakita ang puntod ng anak namin. Nakita ko sa mata niya na kinakabahan siya at
halata rin ang lungkot doon. Nasa isang private cementry kami dahil dito ko
pinalibing ang anak namin. I want the best for him kahit na wala na siya.

"Let's go." yaya ko sa kanya nang nanatili siyang nakaupo at nakatingin sa malayo

Tahimik siyang sumunod sakin hanggang sa makarating kami sa puntod niya. Naupo ako
at ganoon din si Van na nanatiling nakatitig sa puntod ng anak namin.

"V-Vaughn Lewis..." basa nito sa nasa lapida at hinaplos ito

Pinunasan niya ang pisngi niya nang may maglandas na luha. Alam ko kung gaano siya
kalungkot.

"Son, hey. Daddy is here. I'm sure you're handsome like me." nakangiting sabi nito
at mapait na tumawa

Mas lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Alam ko na may kasalanan din
ako dahil kung sana ginawa ko ang lahat para ma-contact noon si Van baka hindi
nawala samin ang anak namin.

"We will face them and I will make them pay. Fuck them for killing my son." puno ng
galit na sabi niya

Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil halang ang kaluluwa ng mga iyon at baka may
masaktan nanaman. Ayokong may mawala ulit.

"Van, can we just forget it?" malumanay na tanong ko

Umiling siya sakin at tinignan ako sa mata. Kita ko na determinado siya sa gagawin
niya.

"No, Alexandra. I will not let them off the hook just like that."

Napabuntong hininga nalang ako dahil alam ko na wala akong magagawa at isa pa, ito
rin naman ang gusto ko dati. Ang pagbayaran nila ang ginawa nila sa amin.

Maaga kaming umuwi ni Van at napagdesisyonan namin na wag na munang magsama sa


condo dahil ayokong maiwan si nanay. Kakarecover lang niya at sobrang apektado siya
sa pagpapakita ng hayop na yun.

"Good afternoon, Nay." bati ko at nagmano sa kanya ganoon din ang ginawa ni Van
pero tipid lang kaming nginitian ni nanay

Magsasalita pa sana ako nang may lumabas na lalaki galing sa kusina.

"Tita, luto na---Zea!" nakangiting sabi ni Jaxon pero agad na napawi ang ngiti niya
nang makita ang lalaki na nasa likuran ko
"Jaxon, anong---"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may marinig akong nabasag mula sa kusina. Mabilis
pa sa alas kwatro na napatakbo ako doon lalo na nang marinig ko ang boses ni Devon.

"Devon!" nag-aalalang tawag ko sa kanya nang makita siyang umiiyak habang


nakatingin sa kamay niyang dumudugo

Agad na binuhat ko siya at hinugasan ang sugat niya. Mabuti nalang at maliit lang
ang sugat niya.

"Mommy! It hurts!" umiiyak na sabi nito

"Shhh. It's okay." pagpapatahan ko sa kanya

Nakarinig ako ng mga yabag at ang paglilinis nila ng mga bubog sa sahig kaya
pinagtuunan ko ng pansin si Devon. Inupo ko siya sa mesa at agad naman na binigay
ni nanay sakin yung first aid kit. Nilinisan ko ang sugat niya at nilagyan ng gamit
bago ko lagyan ng band aid.

"May masakit pa ba? May iba ka pa bang sugat baby? Sabihin mo kay mommy kung may
iba ka pang sugat." malambing na sabi ko sa kanya

Umiling lang siya sa akin at sumisinghot na yumakap sakin. Hinaplos ko naman agad
ang buhok niya. Humiwalay siya sakin at napatingin sa likuran ko kaya napatingin
din ako doon.

Doon ko naalala na nandito pala si Van. Masama ang tingin niya sakin pero
lumalambot ang ekspresyon niya tuwing titingin siya kay Devon. Siguro naalala niya
ang anak namin sa kanya tulad ko.

"Anak, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Jaxon nang makalapit samin at
umiling naman agad si Devon sa kanya

Binaling ko naman sa kanya ang atensyon ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi mo dapat iniwan sa kusina si Devon!" inis na sabi ko

"I'm sorry, okay. Tatawagin ko lang sana si Tita. Hindi ko naman alam na mangyayari
yun." sincere na sabi nito

Napasuklay nalang ako sa buhok ko dahil sa frustration. Natakot ako kanina dahil
akala ko kung ano na ang nangyari kay Devon.

"Mommy, who is he?" inosenteng tanong ni Devon at tinuro si Van

Nagkatinginan naman kaming dalawa at nanatili siyang nakatitig kay Devon. Tinignan
ko naman si Jaxon na nakatingin pala sa akin. Sasagutin ko sana ang tanong nito
nang lumapit sa amin si Van at hawakan ang maliliit na kamay ni Devon na ikinagulat
namin ni Jaxon.

Akala ko magagalit siya dahil ako ang kinikilalang ina ng bata or worst akala ko
baka isipin niya na anak ko siya sa ibang lalaki.

"I'm Enrique. Your mom's husband. You?" nakangiting sabi nito

Umawang ang labi ko sa ginawa nito at napatitig nalang ako sa maaliwalas na mukha
niya.
"I'm Devon po! Tito, you're here na so I can't call her mommy na because you will
have a baby soon?" inosenteng tanong nito pero bakas sa boses niya ang lungkot

Napatingin sakin si Van kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ako
makapaniwala na mature mag-isip si Devon at hindi ko alam na natatandaan niya ang
pangaral sa kanya noon ni Jaxon na wag niya akong tawaging mommy pag nakilala niya
ang asawa ko.

"Of course not. You can still call her mommy but in one condition."

Napatingin ulit ako kay Van dahil sa sinabi niya. I'm not expecting any this from
him.

"Ano po yun?" tanong ni Devon

"Call me Papa."

Nagkatinginan kami ulit ni Jaxon at ganoon din ang ekspresyon niya sa mukha. Hindi
siya makapaniwala sa naririnig niya.

"Okay po! Yehey! May papa na ako. Daddy, kailan po ako magkakaroon ng totoong
mommy?" masayang sabi nito

Bumalatay sa mukha ni Jaxon ang lungkot dahil sa tanong ng bata. Alam naming pareho
ni Jaxon na kailangan ni Devon ng totoong mommy na gagabay sa kanya.

"Devon, apo. Nagugutom ka na ba?" biglang singit ni nanay sa usapan namin kaya
nakahinga ako ng maluwag

Hinayaan ko nalang sila doon at umakyat ako sa kwarto ko. Tahimik naman na sumunod
sakin si Van at naupo sa kama ko. Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang
nakayuko.

"Van, I'm sorry. Si Devon---" agad niyang pinutol ang sasabihin ko

"Ang cute niyang bata. How unfortunate of him that he doesn't have a mother."
mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko

"H-Hindi ka ba galit?" tanong ko sa kanya

Tumayo siya at niyakap ako mula sa likod. Pinatong niya ang baba niya sa balikat
ko.

"Bakit naman ako magagalit? Kita ko sa mata mo na masaya ka kay Devon. At alam ko
rin na siya ang dahilan kaya nabawasan ang lungkot mo nang mawala si Vaughn. Dapat
nga akong magpasalamat sa batang iyon dahil napakabait niya at pinapasaya ka niya."

Humarap ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Sa nagdaan na taon masasabi ko na


maraming nagbago sa kanya. Siguro kung kagaya pa siya ng dati baka galit na galit
na siya sakin ngayon.

Napahiwalay kami sa isa't isa nang tumunog ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya
pero agad naman niyang sinagot ang tawag.

"What?.....I can't. Marami akong inaasikaso.....No. Please don't do anything


reckless! Gusto mo bang malaglag ang batang dinadala mo?! Goodness! I will not
tolerate your attitude this time Isabelle!.....Stop being a brat. Please. Marami
akong pinoproblema ngayon.....That's not what I meant! I mean---Hello? Hello?
Damn!"
Kitang kita sa mukha niya ang iritasyon. Sinuklay niya ang buhok niya sa inis at
napahilot pa sa sentido niya. Nanatili akong nakatitig sa kanya.

Isabelle? Yun ba yung babae niya na nabuntis niya? Ano nanaman bang kailangan niya
at tumatawag nanaman siya?

"Van, sino yun?" tanong ko

Napatingin siya sakin at akmang sasagot na nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko
naman agad ang pinto at bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Devon.

"Yes baby?" nakangiting tanong ko at lumuhod pa para mapantayan siya

"Mommy, kakain na daw po! Where is papa?" tanong nito at sumilip sa loob

Tumakbo siya papasok nang makita si Van na nakangiti rin sa kanya. Napangiti nalang
ako nang makita ko silang magkulitan. Nagpaalam sila sakin na mauuna na sila sa
baba dahil hindi pa ako nakapagbihis.

Nakaupo sa balikat ni Van si Devon nang lumabas sila. Nagbihis ako ng mabilis at
papalabas na sana ako nang mahagip ng mata ko ang cellphone ni Van.

Open kami sa cellphone ng isa't isa noon ni Van at malaya naming nagagamit ang
cellphone ng isa't isa pero hindi ko alam kung pwede ko pa bang gawin iyon ngayon.
Gusto kong makita kung sino iyon babae na tumawag sa kanya.

Napangiti ako nang makita ang wallpaper niya. Hindi ko alam kung kailan niya
kinuhanan ang litrato na ito. Nakatagilid ako sa picture na iyon at hinahangin ang
buhok ko. Mabuti nalang at nakangiti ako rito.

"Witch?"

Ngumisi ako kay Van na nasa pintuan at tinaas ko ang cellphone niya. Napaiwas siya
nang tingin nang makita niya na tinitignan ko ang wallpaper niya.

"Stalker pala kita." natatawang sabi ko

"Nah. I'm just a husband of this gorgeous woman." kibit balikat na sabi nito at
kinuha ang cellphone niya sa kamay ko

Sabay na kaming bumaba ni Van at hanggang ngayon binubulabog pa rin ng isip ko ang
tungkol sa Isabelle na iyon.

"Zea, nagtext pala sa akin si Adonis. Sabi niya gagabihin daw siya ng uwi. Hindi ka
daw niya macontact eh." sabi ni Jaxon sakin

"Saan naman ang pupuntahan niya? Gigimik nanaman ba ang batang yun?" kunot noong
tanong ko

"Come on Zea. Hindi na bata ang kapatid mo. Let him do what teenagers usually do."
natatawang sabi nito

"Shut up Jaxon. I'm just protecting my brother. Ayokong magising nalang isang araw
na may nabuntis siya dahil sa gimik na yan. At alam ba yan ni Mikaela?" inis na
sabi ko

Naiinis talaga ako kapag sa text o tawag lang nagpapaalam si Adonis. Alam kasi niya
na sermon muna ang aabutin niya sakin bago ko siya payagan.
"Relax naman Zea. Tatawagan ko--" napahinto si Jaxon sa pagsasalita nang magsalita
si Van

"Ako nalang ang tatawag sa kanya." seryosong sabi niya

Kita ko ang tensyon sa mata niya habang nakatingin kay Jaxon. Nagkibit balikat
nalang si Jaxon sa sinabi niya.

"Bakit ikaw ang tinawagan ni Adonis? Pwede naman siyang tumawag sakin." nakaismid
na tanong ni Van kay Jaxon

"Van..." mahinang saway ko sa kanya

"Hindi ko rin alam. Siguro dahil mas close siya sakin." nakangiting sabi ni Jaxon

Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil pinapatulan pa niya si Van. Mainitin ang ulo
ng kumag na ito at may bata sa harapan namin na inosenteng kumakain lang.

"Van, just eat. Please." saway ko kay Van nang umigting ang panga nito

Hindi na niya ako pinansin at kumain nalang siya ng tahimik. Si Devon at si nanay
lang ang kinakausap niya.

"What a possessive husband you have there." sabi ni Jaxon na nasa likuran ko na
pala

Naghuhugas kasi ako ng pinggan at nasa sala silang lahat dahil sinabi kong ako na
ang bahala. Pinupunasan naman ni Jaxon ang plato at nilalagay sa lalagyanan.

"Wag mo ngang iniinis ang asawa ko, Jaxon. Alam ko ang mga ganyang galawan mo eh.
Ganyan ang lagi mong ginagawa kay Aidan noon." nakairap na sabi ko

Narinig ko ang mahinang tawa nito.

"Isa rin kasing gago yun eh. But your husband is a good person, Zea. Possessive
lang talaga." natatawang sabi nito

Napailing nalang ako at natawa na rin. Mataal ko naman ng alam na ganoon ang ugali
ni Van.

"Alam ko kaya ikaw tigilan mo ang pang-iinis sa kanya. Nasa harapan pa man din kayo
ni Devon. Baka bigla kang suntukin ni Van at sinasabi ko na sa'yo, pag ikaw
sinuntok niya tatawanan nalang kita." natatawang sabi ko

"Awww. Ang rude mo talaga sakin. Buti pa si Tita sobrang bait." sabi nito at
nagkunwaring nasaktan kaya hinampas ko siya sa braso na ikinatawa niya lang

"Honestly Zea, I'm happy for you. Nakita ko ang naging hirap mo noon kaya masaya
ako na nagkabalikan kayo. And I can see how smitten he is to you. He loves you so
much." naiiling na sabi ni Jaxon

Napangiti nalang ako sa sinabi niya dahil ramdam ko naman ang pagmamahal ni Van
sakin.

"Nakakalungkot lang na kailangan ko na talagang mag-settle down at maghanap ng


magiging totoong mommy ng anak ko. Lumalaki na si Devon at ayokong tuluyan siyang
lumaki na walang ina."
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Alam kong mabuting tao si Jaxon kaya
nasisiguro ko na magkakahanap siya ng babaeng para sa kanya.

Napabitiw ako sa kanya nang may tumikhim sa likuran ni Jaxon. Si Van pala na masama
ang tingin sa aming dalawa.

"Can I have my wife now? Uumpisahan na naming bumuo ng basketball team."

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

If you like the way you look that much. Oh baby you should go and love yourself.

-Love yourself by Justin Bieber

-LadyCode

Chapter 20

Napatingin ako sa oras at nakita kong lunch na pala. Hindi pa lumalabas sa opisina
niya si Van. Tumayo ako at pumasok sa opisina niya. Siya lang naman ang nasa loob
kaya ayoko ng kumatok pa.

Naabutan ko siyang nagbabasa ng papeles na lagi niyang ginagawa.

"Van, lunch na tayo." yaya ko sa kanya

"Busy ako." tipid na sagot niya habang nakatingin pa rin sa papel na hawak niya

"Sige na." pamimilit ko sa kanya at naupo ako sa mesa niya

"Busy nga ako. Kailangan ko pang tapusin 'to." sagot nanaman niya habang hindi
nakatingin sakin

Isang linggo na mula nang magkabalikan kaming dalawa pero hindi pa kami nagsasama
sa iisang bubong na tulad ng dati. We're taking things slowly.

"Aalis nalang akong mag-isa!" inis na sabi ko

"Sige. Isama mo yung dalawang bodyguard ko."

Inis na bumaba ako sa mesa niya at lumabas. Binagsak ko pa ang pinto para may
effects. Hmp.

Pumunta ako sa table ko at kinuha ang cellphone ko. Napangisi ako nang may maisip
ako. Pumasok ulit ako sa opisina ni Van kaya napatingin siya sakin.

"Akala ko umalis---" pinutol ko na yung sasabihin niya


"Nagtext pala yung ex ko." inosenteng sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko

Lihim akong napangisi nang ibagsak niya ang mga papeles na hawak niya at nakatiim
bagang na nakatingin sakin.

"What did that bastard say?" inis na tanong nito

"Lunch daw." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya

Nakagat ko ang labi ko nang ayusin niya ang gamit niya at lumapit sakin.

"Sabihin mo sa kanya kasama mo ang asawa mo. Tss. At sabihin mo wag ka niyang
itext." inis na sabi niya

Napangiti ako sa sinabi niya kaya nakakunot noo siyang nakatingin sakin.

"Yun lang pala ang kailangan mong marinig para pumayag kang maglunch kasama ako
eh." nakangiting sabi ko

"Tss. Bad-ass. Let's go. Baka magutom ang magiging baby natin."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang siya nakangisi na nakatingin sa tiyan ko.
Tinakpan ko naman agad ang tiyan ko at inis na hinampas siya.

"Hindi ako buntis!" inis na sabi ko

"Sinabi ko bang buntis ka? Pwede naman kitang buntisin kung hindi ka buntis."
nakangising sabi niya

"Manyak!" namumulang sabi ko at nauna nang lumabas ng opisina niya

Nahabol naman niya agad ako at narinig ko ang nakakainis na tawa niya.

"What? That's normal. You're my wife." tumatawang sabi nito

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya sa pagtawa. Wag niya akong iniinis
ngayon dahil may buwanang dalaw ako.

Sabay kaming lumabas ng private elevator kaya napatingin ang ilang empleyado sa
amin. Kasi naman siya lang at mga bodyguards niya ang nakakasakay sa private
elevator tapos ngayon kasama ako.

"Mom!" sabi ni Van

Gulat akong napatingin kay Tita na ngayon ay nasa harapan pala namin at nakangiti
sa aming dalawa. Napayuko nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"What brought you here?" tanong ni Van at hinapit niya ako sa bewang kaya mas lalo
akong nailang

Tumaas ang kilay nito nang makita ang ginawa ni Van.

"Hindi ko alam na nagkabalikan na pala kayo." seryosong sabi ni Tita

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Van sa bewang ko.

"Mom, we love each other. I don't see any reason not to be with her again." seryoso
rin na sabi ni Van
Lumamlam ang mata ni Tita habang nakatingin ito sa anak niya at may maliit na ngiti
sa labi niya nang tumingin sa akin.

"Are you eating lunch together?" tanong nito

Napapikit ako nang marinig ko nanaman ang malamyos na boses ni Tita. Ramdam ko sa
boses niya ang pagmamahal niya kay Van.

"Yes. Wanna join us?" tanong ni Van

"I would love to kung okay lang sa asawa mo." sabi ni Tita kaya gulat na napatingin
ako sa kanya

Mabilis na tumango ako sa kanilang dalawa para malaman nila na ayos lang sa akin.
Isang linggo na rin mula noong nagkita kami at gusto kong magpasalamat sa ginawa
niya.

"Anak, ayos ka lang ba? Sinabi ko naman sa'yo na hayaan mo na ang daddy mo
pagdating kay Scarlett." bakas sa boses ni tita ang pag-aalala kaya napatingin ako
kay Van na mukha ngang puyat at walang tulog

Binaba niya ang kutsara niya at tumiim ang bagang niya. Pansin niya sa asawa niya
na lagi itong busy sa trabaho at palaging may kinakausap na lalaki sa loob ng
opisina niya na kung hindi siya nagkakamali ay isang private investigator.

"I would never let my guard down on her, mom. Not when she's been impregnated by
some bastard!" mapanganib na sabi nito at kahit na ako ay natatakot sa inaasta niya

Hindi ko rin alam na buntis ang kapatid niya. Ngayon ko lang nalaman iyon dahil
wala naman siyang sinabi sakin. Posible kaya na siya ang laging tumatawag kay Van?
At wala talaga siyang nabuntis?

"Enrique! Intindihin mo naman ang kapatid mo! She's hurt and she's trying to move
on!" inis na sabi ni tita

Pakiramdam ko hindi ako dapat nandito dahil wala naman akong alam sa usapan nila at
isa pa serious matter ang pinag-uusapan nila.

"Because she never listen to me! You think that she can move on, mom? Dala-dala
niya ang anak ng lalaking iyon na magpapaalala sa kanya kung gaano siya nasaktan! I
am damn worried when we went to that fucking hospital and she almost had a
miscarriage! I felt useless because I failed to protect my sister! I'm doing these
things to protect her!" malakas ang boses na sabi niya kaya nakaagaw kami ng ilang
atensyon

Kitang-kita ko ang galit sa mata niya at ang nanginginig niyang katawan sa galit.
Alam ko kung gaano niya kamahal ang kapatid niya kaya naiintindihan ko siya.

"Van, calm down. Please." malambing na sabi ko sa kanya at hinawakan ang nakakuyom
na kamao niya

Tumingin siya sakin at agad na lumambot ang ekspresyon ng mukha niya kaya ngumiti
ako sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ang tungki ng
ilong niya. Sa sandaling iyon, nakalimutan ko ang mga tao sa paligid.

"Everything will be alright." masuyong sabi ko sa kanya

Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Napangiti nalang ako nang isiksik niya ang
mukha niya sa balikat ko. Van love to be in control of everything but he also love
it when his love ones control him.

Napahiwalay kami sa isa't isa nang tumunog ang cellphone niya. Kunot noo niyang
kinuha ang cellphone niya. Sumandal siya sa upuan at sandaling sinulyapan ako bago
sagutin ang tawag.

Mabilis lang ang naging usapan nila ng nasa kabilang linya. Tanging, 'Yes' and
'I'll be right there' lang ang narinig namin bago siya tumingin sakin at halikan
ako sa noo.

"I'm sorry, witch. I have to go. May importante lang akong aasikasuhin." malambing
na sabi nito

Napatingin ako sa plato niya na halos hindi nabawasan at napatango nalang. Mukhang
importante naman talaga ang lakad niya eh.

"Mom, I'm going. Please take care of my wife and I'm sorry for being rude to you."

Tumayo siya at humalik sa pisngi ng ina bago ako mabilis na hinalikan sa labi.

"Call me when you're done and I'll pick you up." bilin nito

Umiling ako sa kanya na ikinataka niya. May lakad siya at isa pa gusto kong
makausap si tita.

"I'm okay, ogre. I'll just take a cab." nakangiting sabi ko sa kanya

Magsasalita pa sana siya nang magsalita si tita.

"I'll drop her by. Papasundo ako sa driver natin."

Tuluyan nang nagpaalam si Van at umalis. Namuo ang katahimikan sa pagitan namin ni
tita. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa o kung ano ang sasabihin ko.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon ni tita. Tumingin naman siya sakin at tumaas
ang kilay niya kaya mas kinabahan ako. Damn. She's still a Lewis anyway and
everyone knows na kapag dumikit sa pangalan mo ang apelyidong Lewis, you need to be
a fighter and not let others belittle you.

"Tita---" she cuts me off

"Thank you." naluluhang sabi nito at hinawakan ang kamay ko

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni tita at sa ginawa niya. Hindi ko inasahan na


sasabihin niya ang salitang Thank You sa akin.

"I should be the one thanking you, Tita--" she cuts me off again

"I told you, call me mommy." malambing na sabi niya

Naluluhang tumango ako sa kanya habang nakangiti. Despite all the things that I've
done, hindi ko alam na matatanggap pa rin ako ni Tita and to thing na si Tito
Ricardo pa ang nagpasok sakin sa kompanya nila.

"Hija, you're a Lewis for years now. You should know the rule of being a Lewis. Be
a fighter. My son doesn't need a beautiful, smart, sexy, famous and fine lady. He
needs someone who can be there by his side. Kailangan niya ng babaeng kayang
makipagsabayan sa ugali niya at alam kung paano siya paamuhin. Hindi basta basta
ang mundo na ginagalawan ng anak ko, Zea. Marami kang maeencounter na babaeng na
gagawa ng paraan para magkahiwalay kayo at maagaw siya sa'yo. At mga naglalakihang
tao dahil sa trabaho niya kaya kailangan niya ng babaeng kayang makipagsabayan sa
mga malalaking tao na iyon. He's been fighting for you kahit na iniwan mo siya and
I think it's your turn para ipaglaban siya." madamdaming sabi ni mommy

Mahirap man ang buhay namin at lumaki man ako sa hindi marangyang pamilya alam ko
na kaya kong makipagsabayan sa mga malalaking tao na iyan. Pinalaki ako ng magulang
ko na ipaglaban kung ano ang akin. And Van is mine. Mine alone.

"Yes mommy. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko." nakangiting sabi ko

Ngumiti rin siya sakin at pinunasan ang namamasang mata niya.

"I'm sorry about what I did last week. Ginawa ko lang yun para matauhan ka and I'm
glad na nagtagumpay ako. I'm really sorry for deliberately hurting your feelings,
anak. Charot charot ko lang 'yon. You are my daughter too and I love you like how
much I love my son." nakangiting sabi ni mommy

Natawa ako nang maalala ang laman ng folder na iyon na inakala kong annulment
papers.

"Saan niyo po pala nakuha ang pictures na iyon?" tanong ko

Natawa naman si tita at napailing na parang may naalala siyang nakakatawa.

"Sa asawa ko. Alam mo kasi ang mag-amang yun ay magkaugaling magkaugali. My husband
knows that you two are married noon pa pero hinayaan niya kayo para matuto kayo.
Pero ngayon lang namin nalaman ang tungkol sa apo namin. Masakit din para sa amin
iyon kasi unang apo namin siya." biglang naging malungkot ang boses nito kaya
nawala rin ang ngiti ko nang maalala si Vaughn

My Vaughn. My little Vaughn.

Napakuyom ako ng kamao nang maalala ang ginawa ng sarili kong ama. Walang
kapatawaran ang ginawa niya sa amin at sa anak ko.

"I'm sorry, Zea. Pero alam kong gumagawa na ng hakbang ang asawa mo para pagbayaran
nila ang kasalanan nila. Kung ang daddy Ricardo mo ang masusunod ay baka patay na
ang dalawang iyon ngayon." bakas sa boses nito ang concern aat lungkot pero
mababakas mo rin ang panganib sa bawa salitang binitiwan niya

She's still a Lewis afterall. Hindi mawawala sa isang Lewis ang pagiging cold at
heartless.

Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na
baka patay na sila tatay?

"P-Po? What do you mean?" gulat na sabi ko at saglit pang tumugtog sa utak ko ang
kanta ni Justin Bieber na 'What do you mean'

"Buhay ng isang Lewis ang kinuha nila, Zea. Hindi ko masisisi ang asawa ko kung
gusto niyang mamatay ang tatay mo at kabit niya. Hindi kami masamang tao, hija, but
we can be a devil when someone messes up with our family." malumanay pa rin ang
boses ni mommy pero hindi ko maiwasan kilabutan dahil sa galit na mababakas sa
boses nito

Never mess with a Lewis. Never make them mad. Alam na alam ko na yan noon pa pero
hindi ko pa gaanong alam kung ano nga ang kaya nilang gawin.
"Sa mundong ginagalawan natin, kailangan mong maging masama, Zea. Kailangan mong
tandaan yan lalo na kung alam mo na may balak silang sirain o saktan ang pamilya mo
because at the end of the day, family is your priority." seryosong sabi ni mommy

Tumango ako sa kanya na sinasabing naiintindihan ko ang sinabi niya. She's right.
Hindi mo kailangan maging mabait lagi dahil minsan kailangan mo rin maging masama.

Hinatid ako ni mommy pabalik sa opisina at sinabihan pa niya ako na bumisita sa


bahay nila pag hindi ako busy. Pumayag naman ako dahil namiss ko rin na makabonding
si mommy Mel.

Pumasok ako sa opisina nang asawa ko nang hindi kumakatok dahil nakagawian ko naman
na. Nakita ko kung paano siya mamutla nang pumasok ako kaya tinaasan ko siya ng
kilay.

Mas tumaas ang kilay ko nang makita ang isang babae na nakatayo sa harapan ng mesa
ni Van. Nakakunot ang noo niya sa akin at masama ang tingin niya na akala mo gusto
na niya akong patayin ng buhay.

Matangkad siyang babae pero syempre mas matangkad ako ng kaunti sa kanya. Maganda
siya pero syempre mas maganda ulit ako sa kanya. Maputi siya pero syempre mas
maputi siya pero mas maganda pa rin ako. Gets niyo? Mas maganda ako okay. Sexy siya
pero mas sexy ako sa kanya at mas malaki ang boobs ko kaysa sa kanya.

Sumama ang tingin ko sa damit niya na kinapos sa tela. Sinabi na nga ba at may
shortage ng tela. Mukha naman siyang mayaman pero nagmumukha siyang mahirap dahil
sa suot niya.

"Who are you?" magkasabay na tanong namin

Nagsamaan kami ng tingin. Hindi ko gusto ang tabas ng damit niya---este tabas ng
dila niya.

Binalingan ko si Van na nakatulala pa rin sa akin at parang nakakita ng multo.

"Sino siya?" sabay ulit na tanong namin

Tinignan ko siya ulit at sinamaan ng tingin. Naiinis na ako sa kanya dahil kanina
pa siya sumasabay sakin.

"Sino ka ba?" sabay ulit namin na tanong

Bakas sa boses niya ang galit at inis. Alam ko rin na mababakas sa boses ko ang
inis. Lalo na at hindi man lang nagsasalita ang magaling kong asawa.

"ENRIQUE VAN FUCKING LEWIS!" galit na baling ko sa kanya

Wag na wag niya akong iniinis at nakataas ang pulang bandila ko ngayon!

"W-Witch. Wait! L-Let me explain! Shit! Damn!" tarantang sabi nito habang lumalapit
sakin

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa lumalabas sa bibig niya. Ni hindi siya


makapagsalita ng maayos!

"Umayos ka kung ayaw mong putulin ka yang baluktot mong dila." matigas na sabi ko
sa kanya

Bumakas sa ekspresyon niya ang takot pero alam kong natakot siya sa tono ng
pananalita ko at hindi sa sinabi ko. Humkbang siya palapit sakin pero agad siyang
napatigil nang magsalita ang babaeng hampaslupa.

"I'm Enrique's girlfriend and I'm pregnant with his child."

Chapter 21

Tumakbo ako palabas ng opisina niya kahit na tinatawag pa niya ako. Walaa kong
pakialam kahit na tinitignan na kami ng mga empleyado niya.

Pilit niya akong hinahabol pero hindi ako nagpahabol. Agad na pinindot ko ang
elevator at swerte ako dahil bumukas naman ito.

"Alexandra! Wait! ALEXANDRA!" sigaw nito

Bago pa niya ako mapigilan ay sumarado na ang elevator kaya napaupo ako sa sahig at
napahagulgol. Tama nga ako. May nabuntis siya! Ang sakit sakit lang.

Lumabas ako ng elevator nang makababa ako sa lobby at tumakbo ulit palabas. Mabuti
nalang at dala ko ang susi ng kotse ko.

"A-Alexandra! Please talk to me!" sigaw ulit ni Van

Malamang ginamit niya ang kabilang elevator para makababa. Hindi ko siya pinansin
at pumasok ako sa kotse ko. Pinaharurot ko ito at dahil malabo ang paningin ko
dahil sa luha ko, nabangga ako ng truck at namatay. Nagkaroon sila ng forever
kasama ang anak nila.

THE END.

PERO SYEMPRE, JOKE LANG YUN! TANGINA NG MGA TO! AKALA BA NIYA GANUN ANG GAGAWIN
KO?! HUH!

Lewis na ata ako kaya ipapakita ko sa kanya ang ugali ng isang Lewis. So what kung
buntis siya? Ako ang asawa. Hindi ako tatakbo at hahayaan na makuha niya ang asawa
ko. Imbes na tumakbo at umiyak ako, hinarap ko ang babae na ang lapad ng ngisi.

"So? Marami na akong nabasa at napanood na ganitong eksena. Wala na bang bago?"
walang pakialam na tanong ko sa kanya

Napaawang ang labi niya at laglag ang panga niya na nakatingin sakin. Para bang
tinubuan ako ng tatlong ulo at hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

"Xandra..." mahinang tawag sakin ni Van

Hinarap ko siya at ngumisi ako sa kanya na ikinagulat niya. Tulad ng sabi ko,
Enrique Van Lewis is mine and mine alone.

"Don't worry about it. Mayaman ang asawa ko at kaya niyang ibigay ang kailangan ng
anak niyo. Ilan ba ang gusto mong allowance niya monthly?" parang balewalang sabi
ko at binigyang diin ko ang salitang asawa kahit na halos hindi ko mabanggit ang
salitang 'anak niyo'
Masakit? Oo. Sobra. Pero gaya nga ng sabi ko, ako naman ang babawi ngayon.

At ang mga babaeng mang-aagaw sa asawa ko, ibabaon ko sa lupa ng buhay. Tulad nga
ng sabi ni Angel Locsin sa palabas niya, Akin lang ang asawa ko. Akin lang.

"W-What? Asawa?" gulat na tanong ng babae

"Yes. We're married." nakangiting sabi ko at tinaas ang kamay namin ni Van kung
nasaan ang singsing

Sumama ang tingin ng babae sakin at naluluhang tumingin kay Van. Peke ang luha niya
alam ko. Duh. President ako dati ng drama club so alam ko ang mga ganyang galawan.

"E-Enrique, hahayaan mo bang mabuhay ang anak natin ng w-walang a-ama? P-Panagutan
mo naman ako, oh." naiiyak na sabi nito at nagkunwari pang humihikbi

"Alexandra...."

"Manahimik ka kung ayaw mong pagbuhulin ko kayo." matigas na utos ko

Tinignan ko naman ang asawa ko na mukhang medyo affected. Sige ipakita mo lang na
affected ka at hindi ka makakaisa sa akin pag nawala ang buwanang dalaw ko.

"Papanagutan ng asawa ko ang batang yan at magpapakaama siya. Kung gusto mo ibibili
nanamin siya ng one year supply ng gatas at may bonus pang bigas para di ka
magutom." matigas na sabi ko sa kanya at alam ko na bakas sa boses ko ang galit

Sino ang hindi magagalit kung malalaman mo na nakabuntis talaga ang asawa mo?

"Xandra, I'm sorry. Wala kaming relasyon. Hindi ko nga alam na may nangyari samin
nung gabing nalasing ako sa bar eh. Ikaw lang ang mahal ko." mahinang sabi ni Van
at bakas sa boses niya ang pagmamakaawa

Binalingan ko siya at ngumiti ako sa kanya ng napakatamis bago ko hilain ang kwelyo
niya.

"Hindi ka magpupunta sa bar at hindi ka iinom. Naiintindihan mo ako?" malambing


pero mariin na sabi ko sa kanya

Mabilis naman siyang tumango sa sinabi ko. Good. Dahil magmula ngayon kung
kinakailangan kong igapos ang lalaking ito para hindi na niya maikalat ang semilya
niya, gagawin ko lalo na't maraming babae ang naghahangad na makuha siya.

"Kailangan niya akong panagutan! Kailangan niyang magpakasal sa akin!" galit na


sabi ng babae

Galit ko siyang binalingan at inipon ang lahat ng pasensya na natitira sa buong


pagkatao ko para hindi siya masaktan dahil nagdadalang tao siya.

"Kaya niyang panagutan ang bata kahit hindi kayo kasal! Hindi magpapakasal ang
asawa ko sa'yo dahil ako lang ang magiging asawa niya at hinding-hindi ko siyang
hihiwalayan! Naiintindihan mo? At pag may kailangan ka, AKO ang tatawagan mo at
hindi ang ASAWA KO." galit na sabi ko sa kanya

Ngumisi lang siya sa akin at pinakita na hindi siya apektado. Kung hindi lang siya
buntis baka kinaladkad ko na siya palabas habang ang mukha niya ay nakahalik sa
sahig.
"Ipapalaglag ko ang bata pag hindi sumama sakin si Enrique!" hamon nito

Namutla si Van at nag-aalalang tumingin sakin. Hindi ako natinag at ngumisi rin sa
babae.

"Edi ipalaglag mo para wala ka ng rason para makita ang asawa ko." nangising sabi
ko sa kanya dahil alam kong hindi niya gagawin iyon

Gulat silang tinignan ako at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Sabi nga ni mommy,
minsan kailangan mong maging masama.

"Alexandra! How can you say such thing?!" galit na baling sakin ni Van

Tinignan ko siya ng malamig at hinila ulit sa kwelyo niya. Halos magdikit na ang
labi namin at amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya.

"Ako ang masusunod ngayon, Enrique. At hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag
sinuway mo ako. Malinaw ba?" mahina ngunit mapanganib na sabi ko

Mabilis na tumango tumango nanaman siya at bago ko siya bitawan mabilis na humalik
ako sa labi niya. Kissable eh.

"Oh? Natahimik ka? Sigurado ka ba na ang asawa ko ang ama ng batang yan?
Siguraduhin mo lang na siya ang ama ng batang dinadala mo dahil pag nalaman ko na
hindi siya ang ama niyan, hinding-hindi mo gugustuhin na makita pa akong muli."
malamig na sabi ko sa kanya

Alanganin na tumango siya na parang natatakot sakin. Ganyan nga. Matakot ka sa akin
dahil hindi ko ibibigay ang gusto mo.

Hinarap ko ang asawa ko na tulalang nakatingin sakin at hinila ko siya sa may sofa.
Tinulak ko siya paupo at umupo ako sa kandungan niya ng nakatagilid habang
nakayakap ako sa leeg niya. Nagulat silang dalawa sa ginawa ko.

Never make me jealous. Alam na alam yan ni Van dahil pag ako nagselos gumagawa ako
ng mga bagay na hindi ko normal na ginagawa. Pumulupot naman sa bewang ko ang kamay
ng asawa ko at mas hinapit ako sa kanya.

Binalingan ko siya nang may maramdaman akong matigas sa gitna ng hita ko.
Nakakabiwisit talaga ang kumag na ito. Nagagawa pang pairalin ang kamanyakan.

"Umayos ka Van kung ayaw mong iyan ang putulin ko at isungalngal ko sa babaeng
binuntis mo." galit na sabi ko

Agad naman na namula ang mukha nito at tenga sa sinabi ko. Napapikit ako nang
mariin nang maramdaman ko kung gaano iyon katigas. Parang mas lalo iyong naexcite
dahil sa sinabi ko. Tangina mo talaga Van.

"Gusto kong pakasalan ako ni Enrique at panagutan ako."

Napataas ang kilay ko sa babaeng kaharap ko na nakaupo na rin. Ano bang


pinaglalaban niya? Hindi talaga siya makaintindi. Hays. Ang bobo naman niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang bodyguard ni Van sa labas. Tinatamad


akong tumayo baka malingat lang ako sandali ibulsa na niya ang asawa ko. Hmp.

"Pumasok ka dito sa opisina. Bilis." utos ko

Mabilis naman na bumukas ang pinto at nanlaki pa ang mata nito nang makita ang ayos
naming mag-asawa.

"M-Ma'am, bakit po?" takang tanong nito

"Tawagin mo ang head ng legal team. Alam kong nasa baba siya ngayon dahil may
inaasikaso. Dapat nandito na kayo in less than ten minutes dahil kung hindi
mawawalan kayong trabaho." seryosong utos ko

"Yes ma'am!" mabilis na sagot nito at lumabas na

Kinuha ko ang cellphone ko at inumpisahan silang orasan. Hindi nila ako pwedeng
galitin lalo na pag meron ako dahil nagiging masama talaga ako.

"Si Enrique lang ang kailangan ko! Bakit kailangan ng lawyer?!" galit na tanong ng
babae

Hindi ko siya tinignan at pinaglaruan ko ang malambot na buhok ni Van.

"Para makasiguradong hindi mo kami tatakasan at nagsasabi ka ng totoo. Manahimik ka


baka makalimutan kong buntis ka at itapon kita sa bintana." malamig na sabi ko

Kumukulo ang dugo ko sa kanya at nasasaktan ako pero mas nangingibabaw ang galit
ko. Hindi ako pwedeng magmukmok lang at hayaan na sirain ng kung sino man ang
relasyon namin ng asawa ko.

"Witch, galit ka ba sakin?" mahinang tanong ni Van

Napatigil ako sa paglalaro sa buhok niya at matalim siyang tinignan.

"Malamang. Anong gusto mong gawin ko? Magtatalon sa tuwa dahil nakabuntis ka? Pero
kahit galit ako sayo hindi kita ibibigay sa ibang babae. Tangina nila. Ilang taon
kong tiniis yang ugali mong sala sa init sala sa lamig tapos ipapamigay kita? Ha!
No way!" inis na sagot ko at sinulyapan ang babae

Ni hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. Ang rude ko naman diba pag hindi ko
alam ang pangalan niya.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya na ikinagulat niya

Mukha ngang bata pa siya eh. 27 na ako at siya parang nasa mga 24 palang or 23.
Tsk.

"A-Ako?" gulat na tanong nito

"Hindi, tinatanong ko sarili ko kasi di ko alam ang pangalan ko." sarkastikong sabi
ko

Umirap siya sakin at nag-iwas ng tingin bago magsalita.

"C-Cara."

Parang narinig ko na ang pangalan na iyon pero hindi ko alam kung saan ko narinig.
Siguro kapangalan lang niya.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Mr. Torres na pinagpapawisan
at halatang nagmadali sa pag-akyat dito. Tinignan ko ang cellphone ko at napangisi
ako nang makitang may three minutes pang natira.

Gulat na napatingin siya sakin nang makita ang ayos namin ni Van. Hindi pala niya
alam na mag-asawa kami.

"I'm Zea Alexandra Lewis. This bastard's wife." ngiting-ngiting sabi ko

"G-Glad to meet you Mrs. Lewis." utal na sabi nito

Umungot naman si Van dahil sa sinabi kong bastard. Sinamaan ko siya nang tingin
nang makitang magproprotesta san ito kaya natahimik siya at napanguso. Lihim akong
napangiti nang makita ang childish side niya.

"Have a seat, Mr. Torres. May kailangan tayong pag-usapan." seryosong sabi ko

Agad naman itong naupo at napatingin kay Cara na nakatingin saming dalawa ni Van
kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ba nandito ang abogadong yan? Ang ama ng anak ko lang ang kailangan ko."
sabi ni Cara at matalim akong tinignan

"You see Mr. Torres. This girl is claiming that my husband got her pregnant. Gusto
niyang hiwalayan ako ng asawa ko at pakasalan siya. Gusto kong gumawa ka ng
kontrata na naglalaman na bibigyan ng asawa ko ang bata ng monthly allowance. At
kung may kailangan siya tungkol sa paglilihi niya o sa baby, ako ang kokontakin
niya. Kung may check-ups siya, ako ang kasama niya at bodyguards ng asawa ko. Lahat
na may kinalaman sa bata ay sasabihin niya sa akin lalo na pag naglilihi siya. At
ilagay mo rin na pag nalaman namin na hindi talaga anak ng asawa ko ang
pinagbubuntis niya, ipapakulong namin siya at pagbabayaran niya ang ginawa niya."
may diin ang bawat salita sa sinabi ko at kitang kita ko kung paano siya mamutla at
kung paano bumilis ang pagtatype ni Mr. Torres ng mga sinabi ko

I gritted my teeth in annoyance. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil gusto
kong ipakita sa kanila na kaya kong ipaglaban ang asawa ko.

Napatingin ako kay Van nang mas hapitin niya ako at isiksik niya ang mukha niya sa
katawan ko. Wala sa sariling nayakap ko rin siya. Isa lang itong pagsubok sa aming
mag-asawa na kailangan naming lampasan.

"Tapos na po ang papers Mrs. Lewis. Ipapadala ko nalang po ang printed copies sa
inyo bukas para mapirmahan niyo--" I cut him off

"I-print mo na yan ngayon dito. May printer dyan. Ayokong ipagpabukas pa ang mga
bagay na pwede namang gawin ngayon." matigas na sabi ko

Baka takbuhan kami ng babaeng ito at hindi niya pirmahan ang papeles. Mabuti na ang
sigurado.

Ilang minuto pa ay natapos na ang pagprint. Nalagyan na rin niya ng seal ang
papeles at nakapirma na kaming mag-asawa maliban lang sa pakipot na babaeng ito.

"Hindi ka makakalabas dito hangga't wala ang pirma mo." malamig na sabi ko sa kanya

Nanginginig ang kamay nito habang pinipirmahan ang papeles. Napangiti naman ako
dahil napirmahan na niya. Good.

Umuwi na si Mr. Torres nang matapos kami at binalaan ko siya na walang dapat
makaalam ng nalaman niya. Pinatawag ko pa sa kanya ang bodyguards ng asawa ko bago
siya tuluyan umalis.

Pumasok naman ang dalawang bodyguards ni Van at tumayo sa gilid.


"Ihatid niyo si Cara sa bahay niya." utos ko sa kanila

"Yes ma'am." sagot naman nila agad

Tinignan ko si Cara na nakatingin nanaman sakin. Natitibo na ata ang babaeng ito at
kanina pa nakatingin sakin.

"Umuwi ka na para makapagpahinga ka dahil hindi nakakabuti sa bata pag napagod ka.
Ihahatid ka na nila at wag kang gagawa ng bagay na ikakagalot ko kung ayaw mong
kunin kita sa bahay mo at igapos sa gitna ng EDSA kahit buntis ka." matalim na sabi
ko

Hindi na siya umimik at tahimik na sumunod sa bodyguards ni Van.

Tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita nang maiwan kami. Ganoon pa rin
ang posisyon namin tulad ng kanina. Mahigpit akong niyakap ni Van at hinaplos ang
ulo ko.

"You can cry now." bulong nito

Parang magic word ang sinabi niya at agad na nag-unahan sa pagpatak ang luha ko.
Sobrang sakit. Yung malaman mo na may nabuntis ang asawa mo. Hindi ko maiwasan
ikumpara ang sarili ko sa kanya dahil siya naglakas loob na sabihin kay Van ang
pagbubuntis niya habang ako, nagtago ako.

Pero ginawa ko naman ang lahat para macontact si Van. Ginawa ko ang lahat pero
hindi pa rin sapat.

"I'm sorry, Xandra. Hindi ko ginusto na masaktan ka. Hindi ko rin ginusto na may
mangyari samin. I was drunk. I love you, witch. I love you so much. Hindi kita
iiwan para sa kanya." basag ang boses na sabi nito

Pinunasan ko ang luha ko at hinarap siya. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko
kaya dahil alam ko na may kasalanan din ako. Kung maging matapang lang ako noon.

Tinitigan ko ang namumula niyang mata na konting kurap nalang ay may tutulo ng
luha.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nilapit ang mukha ko.

"You are mine Van. Mine alone."

Chapter 22

Tanga ba ako? Hindi. Mabait ba ako. Mas lalong hindi. Isa lang akong asawa. Nandito
kami sa isang restaurant ni Van kasama si Cara. Hindi pa kami ganoon kaayos ni Van
at hindi ko siya halos kinakausap. What do you expect me to do? Na patawarin siya
agad?

Ako ang nagyaya na kumain sa labas kasama ang babaeng ito dahil gusto kong malaman
kung paano siya nabuntis ng asawa ko. Alam kong nagsex sila kaya nga may nabuo
diba? What I mean is, paano sila humantong sa ganun.
Kilala ko ang asawa ko. Alam ko na nawawala yan sa sarili pag lasing pero bagsak na
yan agad. Lahat naman tayo nawawala sa sarili kapag lasing eh.

"So paano kayo nagkakilala ng asawa ko?" tanong ko sa kay Cara habang kumakain

Napaayos ng upo si Van dahil sa tanong ko ganoon din ang babaeng kaharap ko na
kanina pa iniiwasan ang mata ko.

"Witch. Ano kasi. Noong hindi pa tayo ayos nagkayayaan kami ni Ethan tapos nalasing
ako noon tapos nagising ako sa hotel kasama siya---" pinutol ko agad ang sasabihin
ni Van

Gusto kong matawa sa bilis ng pagsasalita niya at sa diretsong pagsasalita niya ng


tagalog.

"Don't give me that crap. Luma na ang ganyan. Wala na bang ibang palusot ha?" inis
na sabi ko sa kanya

Kahit na lasing siya alam kong hindi niya gagawin ang bagay na yun sa ibang babae
unless gusto niya at isa pa pag lasing yan, tulog agad.

"Yun naman talaga ang nangyari--" tinaliman ko siya ng tingin kaya napatigil siya
sa pagsasalita

"I've been with you for years kaya alam na alam ko ang ugali mo. It's either
ginusto mong may mangyari sa inyo o pinagsamantalahan ka ng babaeng yan o pwede
ring sinet-up ka niya para akuin ang batang dinadala niya." mariin na sabi ko kaya
tuluyan siyang natahimik at napasuklay nalang sa buhok niya sa sobrang inis

Binalingan ko naman ng tingin ang babae nang makita kong umiiyak na ito. Hindi ko
alam kung nagdradrama siya o sadyang umiiyak na talaga siya. Pregnant women tend to
be so sensitive.

"Sinabi ng mga tauhan ng asawa ko na wala kang kasama sa bahay mo." puna ko sa
kanya

Pinunasan niya ang pisngi niya at tumango siya sa akin ng dahan-dahan. Nanliit ang
mata ko nang makita ko ang ilang pasa sa braso niya na naghihilom na. Pero ang
damit niya ay ganoon pa rin. Parang kinulang sa tela.

"Asan ang magulang mo?" tanong ko sa kanya

Umiwas siya ng tingin sakin pero hindi nakita kong naiiyak nanaman siya. Hindi
naman ako ganoon kasama para hindi maawa sa kalagayan niya. Buntis siya at mag-isa
lang.

"W-Wala na sila. Ulila na ako." mahinang sabi niya

"Bilisan mong kumain. Pupunta tayo sa mall." sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa


pagkain

Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko at ganoon din ang katabi ko na kanina pa


hindi mapakali at parang kiti-kiti.

"Xandra, maniwala ka naman sakin na hindi ko sinasadya. I miss you. Sasama---"


pinunasan ko ang bibig ko at matalim nanaman siyang tinignan

"Tapusin mo yang pagkain mo at babalik ka sa opisina mo. Si Julie muna ang papalit
sakin." utos ko sa kanya

Sabi ko naman sa kanya diba. I'm the boss. Ako ang masusunod ngayon at hindi siya.

"But witch baby---"

"No. You choose. Babalik ka sa opisina at gagawin ang trabaho mo o sa labas ka ng


unit matutulog." matigas na sabi ko sa kanya

Mula nang malaman ko ang tungkol kay Cara, bumalik na ako sa condo namin. May
tiwala ako sa kanya pero sa mga babaeng nakapaligid sa kanya, WALA.

"Sabi ko nga, babalik na sa office." mahinang sabi nito habang nakanguso

Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti dahil ngumunguso nanaman siya na


akala mo isang bata na pinagalitan ng nanay niya.

"Nakakainis. Hindi na nga niya ako hinahalikan pag matutulog siya tapos pinapatulog
pa ako sa labas." rinig kong bulong niya

Iniiwasan ko kasi siya pag hahalik siya sakin dahil naiinis pa rin ako sa kanya.

"May sinasabi ka?"

"WALA!" malakas na sabi nito

"Sinisigawan mo ba ako?" nakataas ang kilay na tanong ko

Tumikhim siya at ngumiti sakin ng alanganin.

"H-Hindi ah." sagot nito

Tumango lang ako sa kanya. Napatingin naman siya sa relo niya at napabuntong-
hininga. May meeting kasi siya ngayong hapon.

"I have to go, witch." paalam niya sakin at sumulyap kay Cara na nakatingin sa
aming dalawa

"Sige. Layas na." masungit na sabi ko sa kanya

"Kiss ko?" malambing na tanong niya

"Kiss? Sapak gusto mo?" masungit na tanong ko sa kanya

Napakamot siya sa batok niya na parang nahihiya na ewan pero halata naman na
malungkot siya dahil wala siyang kiss.

"Aalis na ako." paalam niya

"Bye." tipid na sabi ko

"Aalis na talaga ako." sabi niya ulit

"Bye na nga diba?" nakataas ang kilay na sabi ko

"Aalis na ako. Totoo na 'to." sabi niya ulit at tumayo na

Hindi ko na siya pinansin dahil alam ko naman na nagpapapansin lang siya.


"Witch, aalis na ako." parang bata na sabi niya

Hindi ko ulit siya pinansin at pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain ko.

"Aalis na talaga ako. Talagang-talaga. As in now na." malambing na sabi niya

Inis na bumuntong hininga ako at inis siyang hinarap. Sisinghalan ko na sana siya
nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at siniil ako ng halik.
Nanlalaki ang mata ko sa ginawa niya lalo na nang maramdaman ko ang dila niya sa
bibig ko.

Ngingisi ngisi siya nang humiwalay siya sakin na akala mo nanalo sa lotto. Nagawa
pa niyang kumindat sakin kaya namula ako.

"I told you witch. Kung hindi ka madadaan sa santong paspasan, dadaanin kita sa
santong halikan." bulong niya sa tenga ko

Binigyan niya ulit ako ng mabilis na halik sa labi at naglapag siya ng pera bago
siya tuluyang umalis. Naiwan naman ang dalawang bodyguards niya.

Nabalik lang ako sa reyalidad nang magsalita si Cara. Nakalimutan ko na nga na


kasama namin siya eh.

"Ang sweet niyo naman. Halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa." nakangiting
sabi niya

Ngiting totoo. Ngiting may halong lungkot.

Tumaas ang kilay ko sa kanya. Naiinis ako sa kanya kahit na mukha naman siyang
mabait. She's a threat for me and Van.

"Mahal nga namin ang isa't isa kaya hindi ko hahayaan na may sumira sa relasyon
namin." matalim na sabi ko sa kanya

Mukha naman siyang na-offend sa sinabi ko at naiiyak nanaman siya. Nilabanan ko ang
urge ko na lapitan siya at icomfort. Siya ang nagdala sa sarili niya sa sitwasyon
niya ngayon kaya hindi ako dapat maawa sa kanya.

"Halika na. Bibili tayo ng damit mo at bukas magpapacheck-up tayo." malamig na sabi
ko sa kanya at tumayo na

Sumunod naman siya sakin at ang dalawang bodyguards ni Van. Pinagbuksan nila kami
ng pinto sa likod. Nagtataka ako sa asta ng babaeng ito dahil kahapon akala mo kung
sino tapos ngayon naman mukha siyang kawawa.

"Bakit ang bait mo sa 'kin?" biglang tanong nito habang kumukuha ako ng mga damit
na pwede niyang magamit

"Hindi ako mabait sa'yo. Inaalala ko lang ang bata. Hindi magandang tignan sa
buntis ang nagsusuot ng mga ganyang damit." sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin
ako sa paglalagay ng mga t-shirt at ilang maternity dress

"Diba dapat tinataboy mo ako at inilalayo sa asawa mo?" tanong ulit nito

Kinuha ko ang isang damit at tinapat sa katawan niya. Nang makitang bagay sa kanya
nilagay ko ulit iyon sa pushcart. Tinulak ko ang pushcart at agad naman siyang
sumunod sakin.

"Pake mo ba? Pumili ka nalang ng damit." masungit na sabi ko


Ayokong sabihin sa kanya na naaawa ako sa kanya at kaya ayoko siyang itaboy ay para
mabantayan ko ang kilos niya dahil baka mas lalo niya kaming paghiwalayin ni Van.

Tumahimik na siya at kumuha ng mga damit. Binabalik ko ang mga mini-skirt na


kinukuha niya, short shorts at damit na hapit na hapit sa katawan. Gusto ba niyang
mapisa ang bata? Tsk.

"Pero ito ang gusto ko!" pagpupumilit niya

"Pero ako ang magbabayad!" inis na sabi ko sa kanya

"Pero ako ang magsusuot!" reklamo niya ulit

"Pero ako ang masusunod!" matigas na sabi ko sa kanya at tinaliman siya ng tingin

Wala siyang nagawa kundi ibalik ang mga kinuha niya at mamili ng mga damit na hindi
maikli at hapit sa katawan.

Bitbit ng mga bodyguards ni Van ang mga pinamili namin. Aba naman. Dapat lang para
naman may silbi sila kakasunod samin.

"Zea, sandali! Gusto ko ng ice cream."

Tinignan ko si Cara at napabuntong hininga nalang dahil kanina pa siya sabi ng sabi
ng mga gusto niyang kainin. Naiinis na ako dahil pagod na ako pero siya kain lang
ng kain at parang hindi napapagod.

Pumunta kami sa isang ice cream parlor at nag-order siya ng chocolate flavor tapos
pandan flavor. Pinaghalo niya ang dalawang yun tsaka kinain. Napangiwi ako habang
kumakain siya.

Hindi ko maiwasan na maalala ang nangyari sa akin noong buntis ako. Ganyan din ako
noon. Gustong gusto kong kainin yung mga may weird na lasa at mahilig akong
paghaluin ang mga pagkain ko.

"Gusto kong makita si Enrique." biglang sabi nito kaya napaayos ako ng upo

"Hindi pwede." malamig na sabi ko

Hindi niya pwedeng gamitin ang bata para lang makakuha ng atensyon sa asawa ko.

"Pero gusto ko siyang makita." nagpapacute na sabi niya

"Ayoko." tipid na sabi ko sa kanya

"Gusto ko nga siyang makita eh!" inis na sabi niya

"Ayoko nga sabi ko diba? Pag sinabi kong ayoko, ayoko. Hindi mo makikita ang asawa
ko at ako ang masusunod." matigas na sabi ko sa kanya at tumayo na

Sa labas ko nalang siya hihintayin dahil nabwibwisit ako sa kanya. Kung pwede ko
lang sapakin ang babaeng yun, ginawa ko na.

Maya maya pa ay umiiyak siyang lumabas at kumapit sa braso ko. Masasapak ko na


talaga siya.

"P-Please. Gusto ko lang siyang makita at kurutin."


Napaismid ako sa sinabi niya. Pinaglilihian niya ang asawa ko at hindi ko hahayaan
yun!

"Sila na lang ang kurutin mo at wag ang asawa ko dahil hindi ko siya ipapakita
sayo." inis na sabi ko at tinuro ang dalawang kasama namin kaya napasimangot siya

Iniwan ko siya doon at nauna na akong pumunta sa parking lot. Pag ako nabuntis
ulit, ikukulong ko ang asawa ko sa kwarto namin kasama ko. Hmp.

Tahimik kami buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Maliit lang
ang bahay niya at tamang-tama lang para sa dalawang tao. Bumaba ako at sinamahan
sila na ibaba ang ilang pinamili namin. Bumili na rin kasi kami ng mga grocery
niya.

"Salamat." nakangiting sabi niya sa akin

"Alis na kami." tipid na sabi ko at tumalikod na sa kanya

Nasa gate na ako nang tinawag niya ako ulit.

"Oh? Ano nanaman?" walang ganang tanong ko

Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry. At salamat kasi ang bait mo sakin." naiiyak na sabi niya nang humiwalay
sakin

Tinitigan ko lang siya at hindi ako makapagsalita. Mukha siyang may pinagdadaanan
bukod sa pagbubuntis niya.

"Susunduin ka namin bukas ng umaga." sabi ko sa kanya at umalis na

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya kanina.


Pakiramdam ko may matindi talaga siyang pinagdadaanan.

Hindi ko nalang siya inisip dahil pagod na ako. Pagod na ako sa sitwasyon naming
mag-asawa. Pinagdadasal ko na sana hindi talaga anak ni Van ang bata. Pero matagal
na ba niyang alam ang tungkol sa bata?

Naabutan ko si Van sa sala na nakaupo sa couch at naghihintay sakin. Napatingin


siya sakin nang marinig niya ang pagbukas at pagsarado ng pinto.

"Are you okay? You look tired." nag-aalalang sabi niya sakin

"Matagal mo na bang alam na buntis si Cara?" tanong ko sa kanya

Seryoso niya akong tinignan at niyakap ng mahigpit. Ramdam kong natatakot siya na
mawala ako at iwan siya ulit pero hindi ko na gagawin ang pagkakamaling iyon.
Hinding-hindi na ako babalik sa pagiging pulis ko at bibitiwan ko na ang propesyon
na iyon. Kaya kong talikuran ang lahat para kay Van.

"Noong isang araw ko lang nalaman. She just barged in and claiming that I got her
pregnant. I'm not really sure kung may nangyari samin noong gabing yun dahil umalis
agad ako at iniwan siya sa hotel. I can't be a father to her child, Alexandra.
Hindi ko kayang magpakaama sa batang iyon unless ikaw ang nanay niya." malumanay na
sabi niya

I know how much he loves me. Ramdam na ramdam ko iyon dahil lagi niyang
pinaparamdam sakin pero nasasaktan ako para sa bata. At kung si Cara ang nabuntis
niya, sino si Isabelle?

"Narinig ko kayo ni Ethan dati. Sino yung tinutukoy niyong buntis at sino si
Isabelle?" tanong ko

Humiwalay siya sakin at hinalikan ang ulo ko bago siya magsalita.

"We're talking about my sister. Second name ni Scarlett yung Isabelle. Hindi ko
lang mapigilan na tawagin siyang Isabelle pag nagagalit na ako sa kanya. You know
how stubborn she is. Nabuntis siya ng maaga at ngayon halos araw-araw niya akong
kinukulit dahil namimiss daw niya ako." natatawang sabi niya

Napangiti nalang ako sa kanya dahil alam kong mahal na mahal niya ang kapatid niya.
Nabunutan din ako ng tinik dahil akala ko may iba siyang nabuntis at naguilty rin
dahil pinagdudahan ko siya dati, nagkatotoo tuloy.

"Bakit hindi mo siya dalawin sa States?" tanong ko sa kanya

"Marami pa akong inaasikaso dito at isa pa may kasama naman siya doon. Hindi mo
lang alam kung gaano ko iniiwasan ang kapatid ko. She always pinch my cheeks tapos
tuwang-tuwa siya pag nasasaktan ako." umiiling na sabi niya

Natawa ako sa sinabi niya dahil minsan ganoon talaga ang mga buntis. Gustong-gusto
nilang mangurot. Ako nga dati lagi kong kinukurot ang pwetan ni Adonis eh.

"Ganoon ka rin ba dati?" tanong niya sakin

Saglit akong natahimik at napangiti ng malungkot.

"I'm sorry." sabi niya bigla nang mapansin ang pananahimik ko

"Wala kang kasalanan. Hindi mo naman ginusto na mawala si Vaugn sa atin." masuyong
sabi ko

"Bakit Vaughn ang pinangalan mo sa kanya?" tanong niya sakin

Napangiti ako nang maalala ang college days namin.

"Naaalala mo ba noong nakatambay tayo sa field tapos sabi mo noon sakin gusto mo
pag nagkaanak tayo ng lalaki, dapat may Van ang pangalan niya pero sabi ko mas
maganda pag Vaughn. Tapos sabi mo, bakit Vaughn? Sabi ko naman, mas memorable yung
Vaughn kasi pag nagmake love tayo sa honeymoon natin in the future ang mababanggit
ko, 'Va...ugh...n!' Imbes na diretsong Van kasi diba nagmomoan." natatawang sabi ko

Natawa rin siya siguro ay naalala na niya ang memories namin noong college. Open
kami ni Van sa isa't isa about sa ganoong bagay noong college kami pero never niya
akong ginalaw dahil sabi niya, mas gusto niya yung maikasal muna kami para
mapatunayan daw niya na may respeto siya sakin.

"Naalala mo ba pagkatapos nating ikasal tapos dinala kita sa Tagaytay para sa


honeymoon natin? Tapos pag hahalik ako sayo, tinatakbuhan mo ako dahil natatakot
kang may mangyari satin kasi nga first time mo?" tumatawang sabi niya

Natawa ako nang maalala iyon. Tinatakbuhan ko talaga siya at lagi akong balot na
balot dahil nga virgin ako at walang experience. Natatakot akong may mangyari kasi
baka masaktan ako. Sabi kasi ni Eugene sobrang sakit daw noon sa umpisa sabi ng
kaibigan niya.

"Naalala mo rin ba noong sinapak mo ako kasi pinisil ko yung dibdib mo?"
Napahalakhak siya habang ako biglang namula sa hiya. Pumasok sa isip ko ang
insidenteng iyon. Nakakahiya talaga iyon at imbes na magalit siya sakin, tinawanan
pa niya ako dahil ibang klase daw ang pagkaabnormal ko.

"That night is very memorable to me. Every moment with you is magical, my witch.
And I am so much glad that I am under your spell."

Chapter 23

Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng opisina ko. I don't need to ask
who it was. Siya lang naman ang nangangahas na pumasok sa opisina ko ng hindi
kumakatok. Nakarating na pala siya galing sa check-up ni Cara. Sinamahan niya kasi
itong magpacheck up at hindi na ako sumama pa.

She's walking elegantly towards me. Damn. I want to strip that clothes so I can
make love to her. My eyes locked on her bouncing breasts while she's walking.

"Shit!" Malakas na mura ko nang ihampas niya sa akin yung dala dala niyang folder.

She's really a sadist. Hindi natatapos ang araw na hindi niya ako sinasaktan.

"Gusto mo bang dukutin ko yang mata mo?" masungit na tanong nito

I just smirked at her. Kinuha ko sa kanya ang hawak niya at hinila siya paupo sa
kandungan ko. I missed her. Since Cara showed up, wala na kaming sexy time. She's
always pissed, irritated, mad and bossy. But damn. She's so hot when she's being in
control.

I hugged her tight and rested my chin on her shoulder.

"May problema ba?" masuyong tanong nito

Umiling ako sa kanya at hinalikan siya sa leeg. She moaned silently. Shit. I can
feel something under my pants.

I stopped. Marami pa pala akong gagawin. Minsan napapaisip nalang ako na ipahawak
muna ang kompanya kay dad para masolo ang asawa ko but I can't. I am committed to
my work.

Magsasalita sana siya nang tumunog ang cellphone ko. Siya ang kumuha nito at
tinignan kung sino ang tumatawag. I love how possessive she is when Cara came.

Cara calling......

Mahina akong napamura nang matalim na tinignan ako ng asawa ko. Geez. This woman
will be the death of me. Shit. I'm not even doing anything and now she's mad again.

Binigay niya ang cellphone ko sakin at sinabing sagutin ko at iloud speaker. I did
what I was told. Napasulyap ako sa kanya nang tumayo siya at umupo paharap sakin. I
looked at her puzzled but she just smirked at me.
"Hello Cara?" I casually acknowledge her

[Babe, nasa office ka ba?] She sweetly said. I creased my forehead in annoyance on
what she just called me.

I was about to speak when I felt my wife's lips on my neck. I bit my lip to
suppress a moan and looked at her. She's just looking at me seductively.

"Just answer her questions, babe." She whispered seductively and bit my earlobe
gently. She emphasized the word 'babe' and I can hear the threat behind her voice.

[Enrique? Are you still there?] tanong ni Cara sa kabilang linya

I wanna hang up the call and punish this little tease.

"Y-Yes. Why? I thought it was clear to you that you should call my wife and not
me." I impatiently said and glance at my wife again. She's busy unbuttoning my
shirt and I just can't stop her.

[B-But I miss you. Can you visit me here? Please?] She said sweetly again and it
gives me goosebumps, in a bad way.

"No. I won't--fuck! Ahhh.." A moan scaped my mouth when Alexandra grind her body
and kissed my chest.

[Are you okay Enrique?] Cara asked worriedly but I stayed quiet.

I'm busy watching my wife unbuckling belt while kissing my neck down to my chest
and abs. Shit. I can't take it anymore. Damn this business.

"Stop bothering me Cara! Call my wife if you need anything or I will sue you!" I
frustratedly said

I glared at my wife when I heard her soft giggle but she just hugged my neck and
buried her face on my chest. Such a tease.

[Enrique, I need you! You need to be with me and help me with this pregnancy--] I
stopped her

"Shut up Cara! I don't own that child! I know myself too well and it's impossible
for me to have sex with you! Leave me alone!" matigas na sabi ko at binaba na ang
tawag

Pinatay ko ang cellphone ko para masigurado na hindi na siya tatawag pa. Hinarap ko
ang asawa ko nang kurutin ako nito sa tagiliran.

"You're so rude." nakangiting sabi nito

I smiled at her and kissed her. Damn. I really missed her.

"You're being a bad girl, witch." I huskily said but she giggled again.

I pulled her closer to me and kissed her hungrily. I lift her up and put her in the
table. I'm about to remove her blouse when we were rudely interrupted by a knock.

I muttered a curse same as my wife who is throwing daggers at the door. Gusto ko
mang magpatuloy kami ay hindi ko pwedeng isantabi ang kumakatok sa pinto.
Tinulungan kong ibaba ang asawa ko at inayos niya agad ang palda niyang nagusot.
She helped me to fix my clothes and my tie. I buckled my belt and give her a peck
on the lips before answering the door.

"Good morning, Sir." Mr. Allen Vergara greeted me with a smile, a trusted employee
of mine.

I just nodded my head and open the door widely. Nakita kong napahinto siya sa
paglalakad nang makita si Alexandra na nakaupo sa swivel chair ko at nakasimangot
na nakatingin saming dalawa. May pagbabanta rin sa titig niya.

"Allen, have a seat." Alok ko sa kanya bago maupo sa upuan na nasa harapan ng mesa
ko.

Ganoon pala ang pakiramdam na hindi ka nakaupo sa swivel chair. Pakiramdam ko si


Alexandra ang boss ko at isa lang akong simpleng empleyado. Naupo sa harapan ko si
Allen na pasulyap sulyap sa asawa ko marahil ay nagtataka siya kung sino ito.

"She's Zea Alexandra Montemayor-Lewis, my wife." Pakilala ko sa kanya kaya nanlaki


ang mata nito at gulat na napatingin sakin.

Hindi na ako magtataka sa mga reaksyon nilang ganyan dahil tago ang pagpapakasal
namin noon. Everyone thinks that I'm still a bachelor.

"Nice to meet you, Mrs. Lewis." Pormal na bati ni Allen at tumayo pa para ilahad
ang kamay.

"Nice meeting you too, Allen." Pormal din na bati ng asawa ko at nakipagkamay sa
kanya.

Naupo ulit si Allen at tumikhim bago niya iabot sakin ang isang envelope.
Sinulyapan ko muna si Alexandra bago ko buksan ang envelope pero napaiwas din ako
ng tingin nang tinaasan niya ako ng kilay.

"Is this the complete documents that I needed?" seryosong tanong ko sa kanya at
binuksan na ang envelope

I smirked when I saw the documents. This is what I really need.

"Ano yan?"

"Shit!" gulat na mura ko nang magsalita si Alexandra sa likuran ko

"You scared the hell out of me!" I hissed at her

"Are you yelling at me?" naniningkit ang matang tanong nito

"Of course not." mabilis na sagot ko

Binalingan ko ulit si Allen na nakatingin sa asawa ko. Tumikhim ako kaya napatingin
siya sakin.

"Stop looking at my wife." matigas na sabi ko sa kanya at hinapit ang asawa ko

"I'm sorry, Sir." nakayukong sabi nito

"Do you want some refreshments?" tanong sakin ni Alexandra

"A coffee will do. What about you, Allen?"


"Coffee nalang din po, Sir." sagot nito

Tahimik na lumabas si Alexandra kaya tumayo ako at naupo sa swivel chair ko. It
feels so good to be back on this chair.

"So, nagawa mo ba ang pinapagawa ko?" baling ko kay Allen habang binabasa ang mga
dokumento na binigay niya sakin

"Yes, Sir. Nakabili po kami ng 30% ng shares nila under your name. Ayaw pong
magpabayad nung ibang stockholders." sagot nito

Tumango-tango ako sa kanya at nilapag ang mga dokumento. Pinagsalikop ko ang kamay
ko at seryoso siyang tinignan.

"Double or triple the money. Do everything para mabili mo ang shares nila. Make
their investors to pull out their investments."

Hindi na siya nakasagot pa nang pumasok si Alexandra dala ang dalawang kape.
Inilapag niya iyon sa harapan namin.

"Sa labas lang muna ako. Call me if you need something." paalam niya sakin

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti siya kay Allen bago siya tuluyang umalis. Tss.
Kung pwede ko lang siyang pagbawalan na ngitian ang ibang lalake, ginawa ko na.

"You need to know something, Sir." seryosong sabi ni Allen

"What is it?" tanong ko sa kanya

"Napag-alaman namin na may anak na babae si Nerissa Alameda sa dating nobyo niya
pero ang balita ko ay pinalayas niya ang anak niya kaya sila nalang ni Vincent
Montemayor ang magkasama sa bahay niya kasama ang ilang tauhan niya."

May anak si Nerissa? Mukhang naitago niyang mabuti ang anak niya. Hindi ko alam
pero nababagabag ako sa sinabi niya na pinalayas niya ang anak niya.

"Nalaman mo ba kung ano ang pangalan ng anak niya? At ang dahilan kaya siya
pinalayas ni Nerissa?" tanong ko rito

"Hindi ko po nakuha ang pangalan pero ang sabi-sabi ay nabuntis daw siya kaya
pinalayas siya sa mansion ng mga Alameda."

Tumango ulit ako sa kanya at inisip ng mabuti ang mga sinabi niya.

"Ah. Sir, alam po ba ng misis niyo ang tungkol dito?" tanong nito sakin

"No but I'll tell her soon." seryosong sabi ko

Hindi pa niya dapat malaman ang tungkol sa mga plano ko dahil baka kung anong gawin
niya. She can be impulsive sometimes. At isa pa, alam kong isa sa problema namin si
Cara ngayon.

"Balitaan mo ako ulit pag nagawa mo na ang inuutos ko at alamin mo kung sino ang
anak ni Nerissa. Do it as soon as possible." seryosong sabi ko sa kanya

"Maaasahan niyo po, Sir. Mauna na po ako." paalam nito

"One more thing, Allen." biglang sabi ko sa kanya nang may maalala ako
Humarap siya sa akin at nagtatakang tinignan ako.

"Ano po yun, Sir?"

"Perform a background check on Cara Fontanilla. I want to know everything about


her. Tawagan mo ang mga tauhan natin para bantayan ang kilos niya at ibilin mo sa
kanila na maging maingat sila sa pagbabantay pag kasama niya ang asawa ko. You
don't know my wife and the things she's capable of pag nakita niya ang mga tauhan
natin. She wants to be in control but I won't let her do things on her own."
maawtoridad na sabi ko

"Areglado, Sir. Ako na po ang bahala."

Nagpasalamat ako sa kanya bago siya tuluyang magpaalam at umalis sa opisina ko.
Binalik ko sa envelope ang dokumento at tinago sa drawer ko. Pinagdadasal ko nalang
na sana hindi magduda si Alexandra sa pinag-usapan namin ni Allen.

Napaangat ang tingin ko nang bumukas muli ang pinto ng opisina ko.

"Tumawag si mommy. Hindi ka daw niya matawagan kaya sakin siya tumawag. She's
inviting us for dinner." nakangiting sabi nito

Mukhang maayos na ang mood niya ngayon dahil nakangiti na siya. Napangiti nalang
din ako sa kanya.

"What did you say?" tanong ko sa kanya

"Ang kulit kasi ni mommy eh kaya pumayag na ako." nahihiyang sabi niya

Knowing my mom, kukulitin ka talaga niya kung may gusto siya.

"That's okay. I want you to formally introduce to my parents. Sayang lang at wala
sa bahay si Scarlett. I'm sure she'll be happy to see you."

Ang tagal na mula nang makasama ko ang parents ko kasama siya at si Scarlett. And I
think, it's about time para pormal ko siyang maiharap sa magulang ko.

---------

"Mabuti nakarating kayo! I missed the both of you." tuwang-tuwang bati samin ni
mommy

Hinila niya agad si Alexandra mula sa akin at niyakap.

"Kumusta ka hija? Hindi ba pinapasakit ni Enrique ang ulo mo?" nakangiting tanong
ni mom

Napaismid ako sa tanong ni mommy lalo na nang natatawang tinignan ako ni Alexandra.

"Hindi naman mommy. Masunurin yan eh." tumatawang sabi nito

Nagkatawanan silang dalawa at nauna na papasok. Tignan niyo naman ang dalawang
iyon. Iniwan lang nila ako dito at hindi man lang ako inayang pumasok sa loob.

"Son, mabuti at napadalaw ka. Mula nang magkaayos kayong mag-asawa, hindi ka na
umuuwi dito ah." nakangiting sabi ni dad

Natawa nalang ako sa sinabi niya dahil totoo naman iyon. Mula nang magkaayos kami,
bumalik na ako sa condo namin. I'm planning to buy a house for us. We're in the
process of building our own family kaya kailangan ko na talagang bumili ng bahay.

I'm also planning to ask her to marry me again pag naayos na ang lahat ng gusot.
Sana maayos na rin ang problema namin kay Cara. I know that child isn't mine.

"Tatlong taon kaming nagkahiwalay, dad. Normal lang yun and besides we're not
getting any younger. Gusto ko na rin namang magkaanak na kami. Ayoko lang siyang
madaliin sa pagkakaroon ng anak dahil baka may trauma pa siya sa nangyari sa
panganay namin." paliwanag ko kay dad

Tinapik niya ang balikat ko at mahinang natawa. Kalaunan ay naging seryoso na ang
mukha nito.

"May nakapagsabi sakin na may nabuntis ka. Is that true?" seryosong tanong niya

Napaiwas ako ng tingin kay dad at lumunok.

"She's claiming that it was mine but I know that it isn't, dad. Sa tatlong taon na
nagkahiwalay kaming mag-asawa, hindi ako nakipagdate sa ibang babae. Wala rin akong
kinama kaya imposible yun. A month ago, nagising ako sa isang hotel kasama siya.
We're both naked under the sheets. Hindi ko alam kung anong intensyon niya pero
sigurado ako na walang nangyari samin." seryosong sabi ko

Napaka-imposible na may galawin akong ibang babae bukod sa asawa ko. Hindi ako
babaero at hindi ako yung tipo ng lalaki na titigasan pag may naghubad sa harapan
ko.

I am loyal to my wife and I am sure I didn't had sex with that woman.

"Pero hindi ka nakakasiguro sa totoong nangyari, Enrique. Paano kung anak mo talaga
ang dinadala niya? Alam ba ng asawa mo ito?" bakas sa boses ni dad ang pag-aalala

Kahit ako naman nang makita ko ang asawa kong pumasok sa opisina ko at nakita si
cara ay natakot ako lalo na nang sabihin niyang girlfriend ko siya at nabuntis ko
siya. Mabuti nalang at hindi niya ako iniwan gaya ng iniisip ko.

"Imposible nga yang sinasabi niyo, dad! Kahit na anak ko man iyon, hindi ko alam
kung kaya kong tanggapin yun. And yes, alam ng asawa ko ang tungkol dito." Naiirita
na ako sa pagpipilit ni dad na maaaring anak ko ang batang iyon.

"Pag hindi mo tinanggap ang batang iyon kahit anak mo siya, parang katulad mo na
rin si Jack na pinagtabuyan ang kapatid mo nang mabuntis ito. Wala namang kasalanan
yung bata."

Napailing nalang ako at hindi na nagsalita. Tama naman kasi ang sinabi ni dad at
ayokong matulad sa gagong iyon. Siguro matatanggap ko ang bata pero hindi ang
kanyang ina.

"Hindi ba nagalit si Zea nang malaman niya? Buti at hindi ka niya binaril sa
galit." natatawang sabi ni dad na parang naiimagine niya ang itsura ng asawa ko pag
galit

"Believe me, dad. She didn't even yell at me and that scares me more. She's been
controlling everything between me and that girl. She even made her signed a
document para sa isang kasulatan. Hindi ko alam na mas possessive siya kesa sa
akin." Natatawang sabi ko na rin at tuluyan nang nawala ang inis ko nang maalala
ang mga ginawa niya. Mas nakakatakot si Alexandra pag kalmado lang at hindi
sumisigaw.
She's really worth it to be a Lewis. She's unpredictable and she's so random.

"Siguro kung ang mommy mo iyon, baka tinapon na niya sa labas lahat ng gamit ko or
worst baka sinunog na niya. Maswerte ka at hindi ka iniwan ni Zea. She's one of a
kind." nakangiting sabi ni dad

Ngumiti din ako sa kanya at napailing nalang ulit. I never regret the moment I
married my wife.

Naputol ang kwentuhan namin ni dad nang tawagin kami nila mommy sa dining room.
Nakaserved na ang lahat nang dumating kami kaya pinaghila ko ng upuan si Alexandra
at ganoon din ang ginawa ni dad kay mom.

Masaya kaming nagkwekwentuhan nang kausapin ni dad si Zea.

"Alam mo Zea, hindi ko pinagsisihan na ikaw ang gawing sekretarya nitong anak ko.
I'm so glad that you tamed that monster." masayang sabi ni dad

Tumawa naman si mom at Alexandra habang ako napailing nalang sa kalokohan ni dad.
I'm really thankful na binalik siya ni dad sa akin.

"Walang palag yan sakin, dad." mayabang na biro nito kay dad

Natawa nanaman kami sa sinabi niya. Yan ang rason na gustong-gusto siya ng pamilya
ko. Hindi lang siya maganda, mabait at mapagmahal. Marunong din siyang makisama sa
tao at masayang kausap.

"Aba, pag pumalag yan, hindi yan makaka-iskor sa gabi." biro ni dad kaya napatawa
kami ng malakas

"Tigilan mo nga yan Ricardo. Nahihiya na sayo si Zea." natatawang saway ni mom

Namumula na kasi si Zea at halatang nahihiya siya sa sinabi ni dad pero natatawa
naman siya.

"Nako mahal, hayaan mo na ako. Matagal nanaman nating hindi makakasama ang dalawang
yan. Pumasyal naman kasi kayo dito ng madalas." sabi naman ni dad

"Oo nga naman. Speaking of pasyal, why don't we visit Scarlett in States?
Siguradong matutuwa siya pag nakita niya si Zea." tuwang-tuwa na sabi ni mom

Nagkatinginan kami ni Alexandra sa sinabi ni mom at mukhang pareho kami ng iniisip.


Marami kasing trabaho sa opisina at inaasikaso ko pa ang kaso ng tatay ni Alexandra
at ang kabit niya. Tapos inaalala din ng asawa ko si Cara. We can't just leave her.

"Busy pa po kasi kami, dad. Siguro pupunta nalang kaming States pag kabuwanan na ni
Scarlett." pahayag ko sa kanila

Mabuti nalang at naintindihan ni mommy at daddy ang rason naming mag-asawa dahil
kung hindi talagang pipilitin kami ni mommy na sumama. Doon na rin kami sa mansion
natulog ni Alexandra dahil ayaw kaming paalisin nila dad.

Nakasandal ako sa headboard nang kama nang lumabas si Alexandra sa banyo suot ang
t-shirt ko na hanggang taas ng tuhod niya. Nalugay nalang din ang buhok niya na
mukhang pinatuyo niya gamit ang hair dryer.

Nagulat ako nang umupo siya sa kandungan ko at mariin akong hinalikan. Nang
makabawi ako sa pagkagulat agad na humalik ako sa kanya pabalik at hinila pa siya
palapit sakin. Napangisi ako sa ginawa niya. Totoo nga ang sabi nila na masamang
mabitin ang mga babae.

"Hindi mo alam kung gaano ko kagustong itapon sa bintana mo ang bisita mo kanina."
hinihingal na sabi nito

I chuckled.

"We will continue where we left off earlier and you will be screaming my name all
night."

Chapter 24

Nagising ako ng maaga kaya agad na nagluto ako ng breakfast namin ni Van. Nagluto
lang ako ng egg, bacon, hotdog at nag-toast ng bread. Narinig ko ang pagtunong ng
doorbell kaya tumigil ako sa ginagawa ko at binuksan ang pinto.

"Dyaryo po. Nagbilin po kahapon si Sir na magdala rito ng dyaryo ngayong umaga."
sabi ng isang staff dito sa building

"Sige. Salamat."

Nagtataka man ay tinanggap ko ito at ipinasok sa loob. Pinatong ko na lang iyon sa


mesa at bumalik sa ginagawa ko.

Napatigil ako sa paghahalo ng kape ni Van nang maramdaman kong may yumakap sakin
mula sa likod ko. Amoy palang kilala ko na.

"Good morning my witch." paos na sabi nito

Humarap ako sa kanya at nakangiting binigay ang kape niya na agad naman niyang
kinuha sakin. Gulo-gulo pa ang buhok nito at namumungay pa ang mata.

"Good morning my ogre. Handa na ang breakfast kaya kain na tayo." yaya ko sa kanya

Ngumiti siya sakin at mabilis na humalik sa labi ko bago ako hinila papunta sa
mesa. Pinaghila niya ako ng upuan bago siya maupo sa harapan ko. Humigop muna siya
sa kape niya bago niya buklatin ang dyaryo na nasa mesa.

Nakakapagtaka dahil hindi naman siya palabasa ng dyaryo. May nagrereport sa kanya
ng mga balita na may kinalaman sa kanya o sa pamilya nila. Kumunot ang noo ko nang
binaba niya ang dyaryo at malaki ang ngisi niyang humigip muli sa kape niya.

"What?" takang tanong nito sakin nang mapansin niyang tinitignan ko siya.
Nakapaskil pa rin sa labi niya ang malaking ngisi niya na akala mo may ginawa
siyang isang malaking kalokohan.

"Anong meron?" tanong ko

"Wala naman. Just eat." balewalang sabi niya

Dahil sadyang mayigas ang ulo ko kinuha ko ang dyaryo at binuklat ito. Akmang
hahablutin niya sakin ang dyaryo ng sinamaan ko siya ng tingin. Umayos nalang siya
ng upo kaya binasa ko ang front page.

Alameda Group of Companies are on the verge of bankruptcy. The major investors of
the said company are pulling out. There's an issue about embezzlement. Ms. Nerissa
Alameda refused to give her statement about the issue.

And the story goes on and on. Maraming pang nabanggit na issue tungkol sa kompanya
nila Nerissa. Nilapag ko sa mesa ang dyaryo at tinignan si Van na nakatingin pala
sakin.

"Umamin ka nga sakin, Van. May kinalaman ka ba dito?" seryosong tanong ko

Kumunot ang noo niya at nagkibit balikat bago magsalita.

"Hindi ko kasalanan na may anomalya sa kompanya nila. What makes you think na may
kinalaman ako dyan?" balewalang tanong nito at nagpatuloy sa pagkain

"Van naman! Hindi mo alam ang kayang gawin ng Nerissa na yan! Sana hindi mo nalang
pinakialaman ang kompanya nila. Noong pulis pa lang siya madami na siyang nagawang
anomalya at ngayon na siya ang namumuno ng kompanya nila mas makakagawa siya ng
masama! Dapat---" Pinutol niya agad ang iba pang sasabihin ko at matalim niya akong
tinignan kaya hindi ko mapigilang mapalunok.

"Para ano? Para mas makagawa siya ng masama sa pamilya mo at sa pamilya na binubuo
ulit natin? Hindi mo ba naisip na kaya sila nagpakita sa birthday ni Adonis para
magsimula nanaman sila ng gulo? Hidni matatapos ang gulong ito nang hindi sila
nabubulok sa kulungan! Your father and that bitch killed our son! Kung ako lang ang
masusunod pinatay ko na silang dalawa! Hindi ako matatahimik hangga't malaya sila
at nagpapakasaya sa yaman na hindi naman dapat para sakanila. Alam mo bang nilason
ng Nerissa na iyon ang tatay niya para mapaksakanya ang buong yaman ng tatay niya
at makasama ang tatay mo? Pati tatay niya kaya niyang patayin, Alexandra. Kaya
hindi ako titigil na pahirapan sila hanggang sa mabulok sila sa kulungan!" Galit na
galit na sabi nito at walang sabing tumayo. Sinundan ko lang siya ng tingin
hanggang sa makalabas siya sa dining room.

Nasapo ko nalang ang mukha ko at napabuntong-hininga. Natatakot lang ako para kay
Van at para kila nanay. Ayokong may mawala ulit pero siguro tama nga si Van. Hindi
kami matatahimik hangga't kaya nila kaming guluhin.

Tahimik kami habang nagbiyabiyahe papunta sa opisina. Alam kong galit pa siya sakin
pero hindi naman niya ako masisisi dahil nag-aalala lang naman ako.

"Van...." mahinang tawag ko sa kanya

Hindi siya umimik kaya hinayaan ko nalang siya. Kailangan muna niyang magpalamig ng
ulo.

Nakarating kami sa opisina na hindi nag-uusap. Nauna siyang pumasok sa private


elevator niya habang nakasunod naman samin ang dalawang bodyguard niya. Nakakaasiwa
nga ang dalawang ito dahil sa katabing unit lang sila nakatira tapos lagi silang
nakasunod. Sabagay, bodyguards nga kasi.

"Van, sorry na." malambing na sabi ko

"Anong oras ang meeting ko?" malamig na tanong niya at hindi man lang pinansin ang
paglalambing ko

Nakaramdam ako ng kurot sa dibdib ko kaya napaiwas nalang ako sa kanya ng tingin at
binuksan ang planner niya.
"10am." tipid na sagot ko

Kung ayaw niya akong kausapin edi wag. Ano siya? Chicks? Swerte niya naman pag
sinuyo ko siya.

Pagkalabas namin ng elevator saktong tumunog ang cellphone ko. Mas sumama ang mood
ko nang makitang si Cara ang tumatawag.

"What?" masungit na sagot ko

[Zea, pwede ba akong pumunta dyan sa opisina ni---] pinutol ko agad ang sasabihin
niya

Siya ang pinakahuling tao na gusto kong makita sa araw na ito. Baka mapagbalingan
ko pa siya ng init ng ulo ko.

"No and that's final." matigas na sabi ko at binaba na ang tawag

Hindi ko na pinansin ang boss ko na asawa ko pero walang pakialam sakin. Bahala
siya sa buhay niya! Leche!

Nagdadabog na naupo ako at inumpisahan ko ng gawin ang trabaho ko. Bahala siya sa
buhay niya. Sinusuyo ko na nga siya kanina tapos di pa rin ako pinapansin. Ang
arte!

Naiinis talaga ako sa kanya at mas naiinis ako na hindi man lang niya ako pinansin
kahit na alam niyang naiinis ako sa kanya! Mga lalaki talaga! Nakakainis sila!

"Zea, lunch tayo? Di na kita nakakasama eh. Lagi mo kasing kasama si Sir Enrique."
yaya sakin ni Julie

Hindi na ako tumanggi dahil sigurado akong di nanaman yan aalis sa opisina niya.
Nagpunta kami sa malapit na restaurant at doon kumain.

"Bakit pala wala ka nung isang araw?" tanong niya sakin

"May inasikaso lang ako." tipid na sagot ko

Hindi na siya nagsalita ulit kaya pumila na kami at nag-order ng pagkain. Bumili pa
ako ng bottled water at nagtake out ng burger para ibigay kay Van. Kahit di niya
ako pinapansin concern ako sa kanya. Ayoko pang ma-biyuda!

"Ang dami mo namang pagkain na binili, girl. Gutom lang?" pang-aasar nito

"Baka magutom ako mamaya eh." sabi ko nalang

Hindi ko naman pwedeng sabihin na para sa asawa ko iyon dahil di pa niya alam na
mag-asawa kami ni Van. Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano at nagtatawanan pa kami
nang dumating ang isa sa mga bodyguard ni Van.

"Ma'am! Sumama po kayo sa amin dahil nagwawala si boss!" tarantang sabi nito

Nagkatinginan kami ni Julie at agad na tumayo. Nag-alangan pa siyang pumasok sa


private elevator pero wala siyang nagawa nang hilain ko siya papasok.

"Ano bang nangyari?" takang tanong ko sa lalaking kasama namin

"Hinahanap po kasi kayo ni boss kaso di namin kayo mahanap." sagot nito
Kanina hindi niya ako pinapansin tapos ngayon hinahanap niya ako. Ano ba talagang
problema niya?

"Bakit ba niya ako hinahanap?" inis na tanong ko

"Eh kasi ma'am akala niya nagalit kayo kaya nawala kayo bigla. Mabuti nga po at
nakita ko kayo." nagkakamot sa ulo na sagot nito

Sabagay. Di naman kasi ako nagpaalam sa kanya. Nasa meeting kasi siya noong umalis
ako at isa pa galit naman talaga ako sa kanya.

Lumabas kami sa elevator nang makarating kami at rinig na rinig ko ang malutong na
mura ni Van at ang nakakatakot na sigaw nito.

"I AM NOT PAYING YOU FOR NOTHING BASTARDS! I TOLD YOU TO KEEP AN EYE ON HER! FUCK!"

Nasa sahig ang tatlong tauhan niya at ang ilang empleyado ay nanginginig na sa
takot. Maging si Julie at ang kasama naming lalaking bodyguard bi Van ay halatang
natatakot na.

May pasa ang mga tauhan niya na nakasalampak sa sahig. Mabilis na lumapit ako nang
makita kong hinigit niya ang kwelyo ng isa sa mga tauhan niya at aamba nanaman ng
suntok.

"Fuck!" Malutong na mura nito nang suntukin ko siya sa sikmura na ikinasinghap ng


mga nakakita.

Nabitawan niya ang lalaki at masama ang tingin niya nang binalingan niya ako. Agad
na nawala ang masamang tingin niya nang makita na ako ang sumuntok sa kanya. Hinila
niya ako at mahigpit na niyakap.

"What the hell Zea Alexandra! Gusto mo ba akong mamatay sa pag-aalala sayo?! I
thought you left me!" singhal niya habang nakayakap sakin

Niyakap ko siya pabalik nang mapansin ko na nanginginig ang katawan nito. Mukhang
natakot nga ang loko.

"Don't ever leave again without my consent." mahinahon na sabi nito

Tumango nalang ako sa kanya dahil busy ako sa pag-amoy sa kanya. Ang bango kasi
niya. Mahina pa akong nagprotesta nang humiwalay siya sakin.

"What's that?" tanong ni habang nakatingin sa paperbag na dala ko

Buti nalang at nadala ko yung take out ko kanina kahit na nagmamadali kami.

"Nag-take out ako ng pagkain para sayo baka kasi gutom ka na." nakangiting sabi ko

"Damn. I'm such a lucky bastard. Thank you." mahinang sabi nito pero sapat na para
marinig ko

Hinila niya ako ulit at hinalikan sa noo. Agad din akong napalayo sa kanya nang
maalala kong hindi lang pala kami ang mga tao dito. Nahihiyang napatingin ako sa
paligid at hindi ko maiwasang mamula nang makita ko ang gulat na reaksyon nila.

May gulat, may naiinggit at may ibang masama ang tingin sakin.

Nabaling ang tingin ko sa tatlong lalaki na nakasalampak pa sa sahig. Inabot ko ang


kamay ko para tulungan silang tumayo at akmang aabutin ito nung isa nang magsalita
si Van.

"Touch her hand and you're dead." banta nito

Namumutla namang lumayo sakin ang lalaki kaya inis na tinignan ko si Van pero
tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Dalhin mo sila sa clinic." utos ko dun sa bodyguard ni Van na kasama namin kanina

"WHAT THE FUCK ARE YOU LOOKING AT?! GO BACK TO WORK!" maawtoridad na sigaw ni Van
kaya mabilis na nagsialisan sila maski si Julie

Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong sapukin si Van dahil sa ginawa niya.

"Shit! What was that for? Kanina mo pa ako sinasaktan!" inis na sabi nito habang
hinihimas ang batok niya

"Bakit mo naman binugbog ang mga tauhan mo? At wag mo nga silang pinagbabantaan at
tinatakot!" sermon ko sa kanya

Kumunot ang noo nito at umismid sakin.

"Pinagtatanggol mo pa sila, eh hindi ka nga nila binantayan." depensa nito

Hindi ko natuloy ang pagsasalita ko nang mapansin ko ang ilang mata na nakatingin
samin. Lumingon ako sa likod at nahuli ko ang ilang empleyado na nakasilip saming
mag-asawa.

"Back to work!" matigas na sabi ko

Agad naman silang bumalik sa mga pwesto nila. Hindi ko naman intensyon na utusan
sila dahil empleyado lang din ako dito pero di ko mapigilan ang sarili ko lalo na
at naiinis ako. Kinaladkad ko nalang si Van pabalik sa opisina niya.

Sinarado ko muna ang pinto bago ko siya harapin. Pero bago pa ako makapagsalita
hinila na niya ako at mariin na hinalikan.

Naiinis ako dahil isang halik lang niya nawawala na agad ang inis ko sa kanya.

Inabot ko sa kanya yung paperbag na dala ko nang humiwalay siya sakin at ang lapad
ng ngisi ng gago habang binubuksan yun. Eh burger nga lang laman nun at bottled
water eh.

"Thanks my witch!" nakangiting sabi nito

Naupo siya sa swivel chair niya at masayang kinain yung burger. Napangiti nalang
ako habang nakatingin sa kanya. Pumwesto ako sa gilid niya at niyakap siya kaya
napatigil siya sa pag-inom ng tubig.

"Is there any problem?" nag-aalalang tanong nito nang mapansin ang pananahimik ko

"Yung sinabi ko nung breakfast, I didn't really mean it. Nag-aalala lang ako."
malumanay na sabi ko sa kanya

Hinila niya ako paupo sa kandungan niya at niyakap.

"It's okay. I should be the one saying sorry to you. I'm sorry if I over reacted."
masuyong sabi niya at hinalikan ako sa buhok
"Bati na tayo?" nakangiting tanong ko sa kanya

Ngumiti lang siya at mas hinigpitan ang yakap sakin.

"Van, anong pinaplano mong gawin?"

Humiwalay ako sa kanya kaunti nang hindi siya nagsalita at nanahimik. Seryoso lang
ang mukha nito na nakatingin sa kawalan. Ayokong makagawa si Van ng ikapapahamak
niya.

"Van..." muling tuwag ko sa kanya

"Ilalabas ko lahat ng baho ni Nerissa Alameda at pababagsakin ko siya kasama ang


tatay mo. Naging mabait naman dati sakin ang tatay mo pero hindi ko matanggap na
siya mismo ang pumatay sa anak natin. Sisiguraduhin kong mabubulok sila sa
bilangguan." seryosong sabi niya

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Hindi pa naman January 20 diba? It's still my birthday so mag-a-update akooo!

Thanks guys!

Chapter 25

Naisipan kong dalawin si Jaxon at Devon sa bahay nila dahil wala naman akong magawa
sa opisina. Madami kasing meeting ngayon si Van at wala naman akong gagawin sa
opisina. Halos isang buwan na rin na hindi ko nakita si Devon kaya namimiss ko na
siya.

Pupuntahan ko namaya si Cara pag nakabisita na ako kay Devon. May dala pa nga akong
laruan na galing kay Van eh. Ayaw niya noong una na mag-isa ako na pumunta kasi daw
baka agawin ako sa kanya ni Jaxon. Ang baliw talaga niya.

Pinarada ko muna ang kotse ko bago tuluyang bumaba. Nakapasok agad ako sa
subdivision dahil kilala na ako nung guard at pinagbuksan na rin ako ng gate ng isa
sa maid dahil nakita niya ako habang nasa garden siya.

"Good morning ma'am!" nakangiting bati nito sakin

"Good morning din po. Si Devon po?" nakangiti rin na bati ko

"Nasa loob po ma'am. Pasok na po kayo."

Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na dala ang ilang pagkain at laruan. Dumiretso
na akong kusina at nilapag ang pagkain doon. Nilapag ko rin sa mesa ang laruan bago
ako lumabas para umakyat sa kwarto ni Devon.

"Devon? Baby! Where are you?" malakas na tawag ko sa kanya habang papaakyat ng
hagdan

Huminto ako sa pinto ng kwarto ni Devon at ilang ulit na kumatok.

"Devon baby? Are you there?" tawag ko ulit

Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pintuan at sinalubong ako ng mainit na


yakap ni Devon.

"Mommy! I missed you!" tuwang-tuwa na sabi nito habang hinahalikan ako sa mukha

"I missed you too. I brought some foods. You wanna eat baby?" malambing na sabi ko
sa kanya

"Yes I wanna eat but I'm not a baby!" maktol nito kaya natawa ako

"Then let's eat big boy!" masayang sabi ko sa kanya

Hihilain ko na sana siya pababa nang mapansin ko ang isang babae na nakaawang ang
bibig na nakatingin samin ni Devon. Ngayon ko lang siya nakita at mukhang
babysitter siya ni Devon. But hindi siya bagay na babysitter dahil maganda siya,
may magandang kutis at matangkad na parang modelo pero halos pareho lang kami ng
height, maliit lang siya ng kaunti sakin.

"Hi! You must be new here. May dala akong pagkain. Sumabay ka na lang sa amin."
nakangiting yaya ko sa kanya

Napayuko ito at bahagyang kinagat ang labi niya na parang nahihiya.

"Come on. Wag ka ng mahiya." yaya ko ulit sa kanya

"E-Eh ma'am kasi---" I cut her off

"Zea nalang. Tara na sa baba." nakangiting sabi ko

Hinila ko si Devon para hindi na siya makaangal pa. Mukhang mas bata siya sa akin
pero ang cute niya.

Nag-umpisa na sa pagkwekwento si Devon tungkol sa mga ginagawa nila ng daddy niya


habang nasa bahay ito. At medyo nakwekwento niya rin na halos palagi silang
magkasama ni Reina. Yung babae kanina. Reina daw ang pangalan niya sabi ni Devon.

"Kailan ka nag-umpisa na magtrabaho dito, Reina?" tanong ko sa kanya

"Tatlong linggo na po." nakayukong sagot nito

"Wag ka ng mag-po atsaka wag ka ng mahiya sakin." natatawang sabi ko

Ang cute kasi niya pag nahihiya at isa pa ayokong i-po niya ako dahil nagmumukha
akong matanda.

"S-Sige."

Nagkwentuhan pa kami ng kaunti pero si Reina parang naiilang sakin kaya nang
magpaalam siya na may gagawin siya hinayaan ko nalang siya. Inasikaso ko nalang si
Devon na daldal ng daldal.

Gusto ko pa sanang magtagal kaso naalala ko na kailangan ko pang puntahan si Cara


kaya nagpaalam na ako kay Devon. At pahirapan nanaman ang pagpapaalam na ginawa ko.

"I will come back, okay?" nakangiting sabi ko at hinaplos siya sa ulo habang
sumisinghot siya dahil umiiyak nanaman siya

"Can you stay with me or can I go with you? Please mommy." umiiyak na sabi niya

"Devon, may pupuntahan pa kasi ako." malumanay na paliwanag ko sa kanya

Mas lumakas ang iyak nito kaya nataranta si Reina na nakatingin samin at mukhang
naawa siya sa itsura ni Devon.

"No! Please mommy!"

Napabuntong-hininga nalang ako at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Jaxon.


Ilang ring lang ay sinagot naman niya agad.

[Zea? May problema ba?] bungad niya agad

"Nandito ako sa bahay niyo at---"

Naputol ang sasabihin ko nang makarinig ako ng bumagsak sa kabilang linya at ang
malakas na boses ni Jaxon.

[What?! Anong ginagawa mo dyan?!] bakas sa boses niya ang gulat at takot na hindi
ko alam kung bakit siya nakakaramdam ng ganun

"Why? Bawal na ba akong pumunta dito sa bahay niyo? Binisita ko lang si Devon."
kunot-noong sabi ko

[I'm sorry. Nabigla lang ako at stressed.] mahinahon na sabi niya

"As I was saying, ayaw akong paalisin ni Devon at may lakad pa ako. Ipapaalam ko
sana na isasama ko siya para hindi na siya umiyak pa." sabi ko sa kanya

[Sure. Basta mag-iingat kayo.]

"Sige. Salamat. Bye."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at hinarap ko na si Devon na may malawak


na ngiti. Napabigyan nanaman kasi ang gusto ng brat na ito.

"Reina, mauna na kami." paalam ko sa kanya

"Sige Zea. Ingat." nakangiting sabi niya pero parang may lungkot ang ngiti na yun

Sumakay na kami sa kotse at tuluyan ng umalis. Hindi ko alam kung tama ba ang
gianwa ko na dalhin si Devon. Hindi ko aksi kayang makita na umiiyak siya.
Nasasaktan kasi ako.

Nagkwekwento nanaman ng kung anu-ano si Devon at masaya lang akong nakikinig sa


kanya. Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Ang sinabi niya na sinabi raw ni
Jaxon sa kanya na si Reina na daw ang magiging mommy niya at hindi na niya ako
pwedeng tawagin na mommy.

Ayokong tanungin si Jaxon dahil ayoko namang pakialaman ang buhay niya. At isa pa,
labas na ako sa usapin na yan kahit pa ako ang tinuturing na mommy ni Devon.

Nakarating na kami sa bahay ni Cara pero wala doon ang kotse niya. Kumatok ako pero
walang sumagot kaya bumalik kami sa kotse ni Devon. Sinubukan ko rin siyang tawagan
pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Saan naman kaya nagpunta ang babaeng iyon?

Sinubukan kong tawagan si Van dahil baka alam niya at isa pa baka tinawagan niya
ang asawa ko. Kinabahan ako nang hindi rin sagutin ni Van ang cellphone niya kaya
tinawagan ko ang isang bodyguard niya.

"Nandyan ba ang boss niyo?" mabilis na bungad ko

[Opo ma'am. Dumating po kani-kanina lang si Miss Cara.]

Pinatay ko na ang tawag at tinignan si Devon na naglalaro lang ng isang action


figure. Napahigpit ang kapit ko sa manibela dahil sa nalaman ko. Ganyan pala ang
gagawin ng haliparot na iyon. Sasalisihan niya ako pag wala ako sa tabi ng asawa
ko. Humanda ka sa akin Cara.

Sabi ko naman sayo, akin lang si Van.

Pinaharurot ko ang kotse ko pero agad ko ring binagalan nang maalala na may kasama
akong bata. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa building ng kompanya ni Van.
Pinarado ko sa mismong entrance ang kotse ko at binaba ko si Devon.

Hinagis ko ang susi kay manong guard at sinabi na siya na ang bahala. Sumakay ako
sa private elevator kasama si Devon at hindi ko na pinansin ang mata ng mga tao na
nakatingin samin.

"Asan ang asawa ko?" salubong ko sa bodyguard ni Van

Namumutla ang dalawang ito nang makita ako. Napapansin siguro nila ang aura ko na
handang handa ng pumatay ng tao ngayon.

"Nasa loob po ng opisina ma'am kasama si Miss Cara." sagot nito

Mas nag-init ang ulo ko kaya hinila ko agad ang tahimik na Devon papunta sa opisina
niya. Pabalibag na binuksan ko ang pintuan. Namumutla sila habang nakatingin sakin
maliban lang sa haliparot na iyon na ngumisi sakin nang makabawi sa pagkagulat.

Mabuti nalang at natakpan ko agad ang mata ni Devon dahil kung hidni nasaksihan
niya ang isang karumal-dumal na krimen. Hinila ko palabas si Devon at hinarap
sakin.

"Devon, makipaglaro ka muna sa kaibigan ko, okay? May gagawin lang ako."

Tumango tango siya kaya sinenyasan ko ang dalawang bodyguard ni Van at si Julie na
kunin si Devon. Tumalima naman ang dalawa kaya bumalik na ako sa loob ng opisina ni
Van.

"I-It's not what you think---" pinutol ko na ang anumang sasabihin ni Van gamit ang
pagsampal sa kanya

Sino ang hindi manggagalaiti sa galit kung makikita mo ang isang haliparot na
nakaupo sa kandungan ng asawa mo na halos hubad na hinahalikan ang asawa mo?!

Hinarap ko ang nakangising si Cara at walang sabi na sinampal siya. Wala akong
pakialam kung buntis siya dahil pinapakita niya lang sakin kung gaano siya walang
kadelakadesa na babae.

"Alexandra!" gulat na tawag sakin ni Van nang sampalin ko si Cara pero hindi ako
nagpapigil

Hinila ko siya sa buhok kaya napatili siya sa sakit. Pilit naman akong inaawat ni
Van.

"Bitawan mo ako! Ano ba?!" pagpupumiglas niya

"Shit! Alexandra, she's pregnant!" tarantang sabi naman ni Van

Pilit kong kinalma ang sarili ko at binitawan ko ang buhok ni Cara.

"Binalaan na kitang babae ka! Sinabi ko sayo na layuan ang asawa ko!" nanggigigil
na sabi ko sa kanya

"Bakit? Naiinsecure ka ba sa akin? Dahil magkakaanak na kami?" nang-uuym na sabi


niya

Ngumisi ako sa kanya at sa tiyan niya.

"Yan ba ang pinagmamalaki mo? Ang pagiging bastardo ng anak mo? Ang pagiging kabit
mo? Hindi ba't nakakahiya na yang anak mo bunga ng isang pagkakamali at nakakahiya
ang katotohanan na kasal ang ama ng batang dinadala mo?" nanunuyang sabi ko sa
kanya

Mukhang natamaan siya sa sinabi ko kaya natahimik siya.

"Xandra, it's not what you--" hinarap ko si Van at sinampal ulit

"Nakita ng dalawang mata ko kung paano ka halikan ng babaeng yan! Sana naman
itinulak mo ang babaeng yan palayo sayo!" galit na sabi ko sa kanya

Mababakas ang takot at lungkot sa mukha niya. Nagmamakaawa rin ang mga mata nito
kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"She's pregnant, Alexandra. Hindi ko siya pwedeng basta nalang itulak." paliwanag
nito

Hindi ko siya pinansin at hinarap si Cara.

"Ano? Tatahimik ka na lang dyan? Ang lakas ng loob mong pumunta dito at halikan ang
asawa ko! Masarap bang makasex ang asawa ko kaya hinahanap-hanap mo? Ha?!" singhal
ko sa kanya

"Alexandra.." pigil sakin ni Van at hinawakan ako sa braso

"Bitiwan mo ako! Wag mo akong hawakan!" singhal ko kay Van at lumayo sa kanya

Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko pero hindi ko nalang inintindi iyon.

"Makinig ka naman sakin, Alexandra." pakiusap nito at hahawakan sana ulit ako nang
sinamaan ko siya ng tingin

"Wag na wag mong ihahawak sakin ang kamay mong humawak sa babaeng ito!" galit na
singhal ko
Napalayo siya sa akin dahil sa sinabi ko. Hinarap ko ulit si Cara at napansin ko
ang hapit na damit nito na bukas na ang butones. Litaw na litaw ang dibdib niya
dahil nakasuot lang siya ng manipis na bra.

"Pinaghandaan mo talaga na akitin ang asawa ko." nang-uuyam na sabi ko

"Natatakot ka ba na iwan ka ng asawa mo at sumama sakin?" mayabang na sabi niya

Ngumiti ako ng sarkastiko sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Hindi niya ako iiwan para lang sa babaeng desperada na kagaya mo dahil gusto niya
akong iwan, noon pa lang ginawa na niya."

Inayos niya ang damit niya at ang buhok niya bago siya ngumiti sakin ng mapang-
asar.

"Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo kung gusto niyang manatili sa tabi mo o
sumama sakin?" mapanghamon na sabi niya

Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata.


Magkakamatayan muna kami bago ako hiwalayan ni Van. We've been through a lot.
Ngayon pa ba kami susuko.

Tinignan ko si Van at nakita ko kung paano siya lumunok habang nakatingin sakin.
Nakikita ko sa mata niya ang takot at kaba.

"Ano? Tanungin mo siya kung gusto niyang manatili pa sa tabi mo." hamon ulit nito

Tinapangan ko ang ekspresyon ng mukha ko at seryosong tinignan si Van.

"Mamili ka ngayon, Enrique. Ako ba na dinadala ang anak mo? O ang asawa mo?" tanong
ni Cara na halata sa boses ang pagkakangisi niya

Nagpapalit palit ang tingin niya saming dalawa. Tangina mo Van. Wag kong sabihin na
nagdadalawang isip ka sa pipiliin mo. Ako ang asawa mo kaya dapat ako ang piliin
mo.

"Mas pipiliin kita Cara......

Pipiliin kitang mawala sa buhay namin instead of losing my wife."

Chapter 26

"Alexandra! Wait! ALEXANDRA!" walang tigil na tawag sakin ni Van

Pagkasabi niya na mas pipiliin niyang mawala si Cara kesa mawala ako sa kanya
lumabas agad ako ng opisina niya. May mga nagulat pa nang makita nila na hinahabol
ako ni Van.
Bakit nga ba ako umalis? Umalis ako dahil kinikilig ako. Tangina. Gusto ko ng
makaalis at pumunta sa lugar na ako langmag-isa para makatili ako sa sobrang kilig.

"Devon, let's go!" yaya ko at hinila siya patakbo

"Why are we running mommy?" takang tanong niya

"Shit! Don't leave! Alexandra!" tawag muli ni Van

"We will hide from the monster." sagot ko kay Devon kaya mas binilisan niya ang
takbo niya

Mabuti nalang at nakasakay na kami sa elevator bago pa kami maabutan ni Van. Hinila
ko agad palabas ng elevator si Devon nang makarating kami sa ground floor.
Nagtitinginan ang iba nang makita kaming tumatakbo ni Devon.

"Manong! Yung susi ko po!" tarantang sabi ko kay manong guard

Binigay naman niya agad ang susi ko at sabay kaming napalingon nang may sumigaw sa
likuran namin.

"Don't let her fuckin' leave! ALEXANDRA! DON'T YOU DARE LEAVE THIS BUILDING!"
maawtoridad na sigaw nito

Hinila ko palapit sakin si Devon at akmang hihilain ko na siya palabas nang bigla
siyang tumakbo papunta kay Van. Shit naman eh. Babalik naman ako! Titili lang ako
para mapakawalan ang kilig ko tapos babalik din ako. Tangina naman.

"Papa! We need to go! Mommy said we need to hide from the monster!" inosenteng sabi
ni Devon at hinihila siya

Ngumisi sakin si Van bago siya yumuko at buhatin si Devon.

"That's why I really like you, young man. Don't let that witch run away from me.
Hmm?" malambing na sabi niya kay Devon

Tumango-tango naman si Devon at nagsimula ng maglakad si Van papalapit sakin.


Traydor ka Devon. Hmp.

"Enrique! Why did you leave me there?" maarteng tanong ni Cara

Napahinto sa paglalakad si Van at napalingon sa likuran niya habang ako masama ang
tingin sa kanilang dalawa. Tumabi pa si Cara sa asawa ko at akmang yayakap sa braso
niya nang magsalita ako.

"Don't you dare lay a finger on my husband, Cara." malamig na sabi ko at lumapit sa
kanila para hilain si Van sa tabi ko

Alam ko na nanonood ang ilang empleyado sa nangyayari sa amin ngayon at hindi an


ako magtataka kung bigla nalang abas ang balita na mag-asawa kami ni Van.
Panigurado na magiging laman kami ng pahayagan kinabukasan. Kanina pa kami gumagawa
ng eksena.

"Will you shut up? My wife is mad at me because of you. I swear I will sue you if
she leaves me!" galit na sabi sa kanya ni Van

Napangisi ako sa kanya. Take that bitch.


Eugene's POV

Do you know me everyone? Oh. I'm Eugene. The ever handsome bestfriend of Zea. Yes,
handsome. I am gay before I met her.

Pero nabago ako dahil sa kanya. Nabago ang buong pagkatao ko dahil sa pagmamahal ko
sa kanya. Hindi ko siya gusto noong una dahil para siyang kaladkaring babae kung
manamit at gumalaw. She's a bitch but she's kind deep inside.

Okay naman kami dati eh. Masaya kami. Naging magkaibigan kami at nililigawan ko na
siya. In fact, may nangyari na samin but I love her. I really love her.

Pero hindi ko alam kung bakit iniwan niya ako. She left me pagkatapos ng nangyari
samin. Nababaliw na ako kakahanap sa kanya pero hindi ko siya mahanap.

Until I receive a phone call from one of my investigators. Sinabi niya na nakikita
niya sa Lewis Inc. ang babaeng hinahanap ko. Mabilis na iniwan ko ang trabaho ko at
nagpunta doon kahit na nagtataka ako kung anong ginagawa niya sa lugar na iyon.

Hindi ko na inisip na baka makita ko ang bestfriend. Balita ko nga ay nagkabalikan


na silang mag-asawa and I'm happy for them. But I feel bad dahil hindi ako makapag-
open ng problema ko kay Zea. Nahihiya akong aminin na naging tunay na lalaki ako
dahil sa isang babae.

Bumaba ako sa kotse ko nang makapagpark ako at nagmadali na magpunta sa entrance.

"Sir, ano pong kailangan nila?" tanong sakin ng guard

"I'm Engineer Eugene Villafuente. I have an appoinment with Mr. Lewis."


pagsisinungaling ko

Tumango siya sakin at pinapasok na ako. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa


naabutan kong eksena.

Si Zea ay nakatalikod sa direksyon ko habang si Enrique naman ay nakaharap sa kanya


at may bitbit na bata. Is that Devon? Mukhang nagpumilit nanaman ang brat na iyan
na sumama kay Zea.

"Zea....." tawag ko sa bestfriend ko gamit ang baritonong boses ko

Gulat siyang lumingon sakin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Lumapit pa
siya sakin at inikutan ako na parang inaalisa ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakla, sabihin mo sakin na bakla ka pa rin." hindi-makapaniwalang sabi niya

I sighed. "Zea, I am not a gay anymore." pagkumpirma ko sa iniisip niya

Suminghap siya tapos inalog-alog kaya kaya nakaramdam ako ng hilo. May pagkabrutal
talaga ang babaeng ito.

"Ibalik mo ang bestfriend ko! Ibalik mo siya!" histerikal na sabi niya

Nahihiya na ako sa ginagawa niya dahil alam kong pinagtitinginan na kami ng mga
empleyado ni Enrique. Pero imbes na patigilin ni Enrique ang asawa, tinatawanan pa
niya ako. Asan naman ang hustisya diba? Lagi nalang niya akong pinagtritripan kahit
noong nasa college pa kami. Kung hindi lang siya mahal ni Zea iisipin ko talagang
may saltik siya.

Natuon ang buong atensyon ko sa babaeng namumutla na nakatingin samin ni Zea.


Nakatayo siya sa bandang likuran ni Enrique pero hindi ko siya napansin dahil na
kay Enrique at Devon ang atensyon ko kanina.

"Cara..." gulat na sambit ko

Napatigil si Zea sa pag-alog sakin at ganoon din si Enrique na tumatawa. Bumalik


ang lamig sa mata niya at napatingin kay Cara.

"E-Eugene..." mababakas sa boses niya ang panginginig at takot

Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang mapulang pisngi niya. Nilapitan ko siya at
hinawakan ko ang pisngi niya.

"What happened to your cheek?" seryosong tanong ko habang hinahaplos ang pisngi
niya

"I slapped her."

Gulat na napatingin ako kay Zea dahil sa sinabi niya. She slapped her?

"What? Why did you do that?!" inis na tanong ko sa kanya

I know she's my bestfriend but I will not tolerate her attitude towards Cara. No
one should hurt her.

"Guys, I think it's better if we talk inside my office." seryosong sabi ni Enrique

Tumango ako sa kanya bago sinamaan ng tingin si Zea pero inirapan lang niya ako.
Damn. I know what she's capable of when she's mad.

Sumakay kami sa elevator at tahimik kaming lahat ganun din si Devon. Nang makalabas
kami sa elevator binilin ni Zea si Devon sa isang babae na nagtatakang nakatingin
saming apat.

Nakahawak ako sa kamay ni Cara kahit na kanina niya pa inaalis ang kamay niya.
Hindi ko na siya hahayaan na umalis ulit.

Ramdam ko ang takot at panginginig niya habang hawak ko siya. Natatakot ba siya
dahil baka galit ako sa kanya o natatakot siya sa mag-asawang kaharap namin ngayon?

"So you know her Eugene?" walang emosyon na tanong ni Enrique

Matagal ko ng kilala si Enrique at naging magkaibigan din kami way back in college.
He's kind but never mess with him. I know how ruthless he can be. Hindi ko
mapigilang mapalunok habang nakatingin siya samin ng walang emosyon.

"Y-Yes." kinakabahan na sagot ko

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero pinakalma ko ang sarili ko sa mga
bagay na pwede kong malaman.

"Is she your girlfriend?" walang emosyon pa rin na tanong Enrique

Sasagot sana ako nang marahas na kunin ni Cara ang kamay niya sakin at lumapit kay
Enrique.

"N-No! We're not dating! M-Mahal kita Enrique! Maniwala ka!" malakas na sabi niya
habang pilit na humahawak sa braso ni Enrique
Pakiramdam ko sinaksak ako ng ilang ulit habang naririnig ko ang sinasabi ni Cara.
Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito dahil akala ko mahal niya ako.

"Lumayo ka sa asawa ko at baka makalimutan kong buntis ka." matigas na utos ni Zea

Napalingon ako sa kanya at napaawang ang labi ko. Buntis? Buntis si Cara?

Nilingon ko ulit si Cara na namumutlang nakatingin sakin.

"Totoo ba?" seryosong tanong ko

Mariin siyang napapikit bago tumango. Ako ba ang ama ng dinadala niya? Shit.
Nasagot agad ang katanungan ko ng magsalita siya.

"At si Enrique ang ama." malamig na sabi niya habang nakatingin sa mata ko

Nanlamig ang buong katawan ko sa nalaman ko. Paanong---Paanong si Enrique ang


nakabuntis sa kanya?

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng galit. Hindi ko alam kung galit ba ako
dahil niloko niya ang bestfriend ko o dahil binuntis niya ang taong mahal ko.

"Sinabi niyang nabuntis siya ng asawa ko pero hindi buo ang tiwala ko na ang asawa
ko ang nakabuntis sa kanya. Based sa reactions mo, may alam ka bang hindi ko alam?"
seryosong sabi ni Zea

Napatingin ako kay Cara pero naluluha na ang mata niya at may emosyon sa mata niya
na hindi ko alam kung ano. Umiiling siya habang pinipigilan ang iyak niya.

Hindi ko pinansin ang gestures niya at tumingin ako kay Enrique.

"Totoo bang ikaw ang ama ng pinagbubuntis niya?" mahinang tanong ko, umaasa na sana
hindi nga siya ang ama ng pinagbubuntis ni Cara

Ayokong masaktan si Zea. She's been through a lot and I will not let that happen
again. Kung si Cara ang magiging dahilan para masaktan siya ulit, aangkinin ko bata
at ilalayo siya sa kanilang mag-asawa.

"You know me since college, Eugene. Do you think I have the guts to impregnate
someone who is not my wife?" nanatiling walang emosyon ang boses niya at mukha niya

He's right. I know him since then. Alam ko kung gaano niya kamahal ang bestfriend
ko at saksi ako sa pagmamahal na yun.

Natawa nalang ako sa isip ko. Hindi ko alam na magmamahal ako ng isang babae na
lolokohin lang ako pagkatapos kong baguhin ang sarili ko at mahalin siya. I should
know better.

"A-Anak natin 'to Enrique! Don't let our child hear that he/she's unwanted!"
umiiyak na sabi ni Cara

Naaawa ako at nasasaktan para kay Cara but I will not let her ruin Zea's life. Not
Zea. Not her. She doesn't deserve any of this.

"I don't want that child, Cara. Ang asawa ko lang ang tanging magbibigay sakin ng
anak at hindi kung sino man na babae. I will not give any rights to an unborn child
who isn't mine!" mababakas ang awtoridad sa boses ni Enrique

That's how ruthless he is but that's how he show his love for my bestfriend. Kaya
niyang talikuran ang lahat para kay Zea. But I doubt if he is really the father of
Cara's unborn child. May posibilidad pa rin na anak ko ng batang dinadala niya.

"Stop it Cara! Can't you see? Ginugulo mo ang buhay nila!" hindi ko mapigilang
magtaas ng boses

Mababakas ang gulat sa kanya dahil sa pagtaas ng boses ko. Hindi ko siya hahayaan
na saktan si Zea at hindi ko hahayaan na siya ang maging dahilan para maghiwalay
sila ulit ni Enrique. I love my bestfriend. No one knows how much thankful I am
dahil tanggap niya ang pagkatao ko.

Tinuring akong pamilya ng pamilya niya kahit na bakla ako noon. Hindi alam ni Zea
na itinakwil ako ng magulang ko dahil nalaman nila na bakla ako. Hindi ko nasabi sa
kanya dahil ayokong dumagdag sa problema niya.

Sila ni nanay at Adonis ang tumanggap sakin kahit bakla ako at kinamumuhian ng
angkan ko. I think it's time to return the favor.

"Bakit kasi dumating ka pa, Eugene?! I DON'T NEED YOU! SI ENRIQUE ANG KAILANGAN KO
AT HINDI IKAW!" sigaw niya mismo sa harapan ko at dinuro-duro ako

Masakit na malaman na hindi ako ang kailangan niya pero titiisin ko. Matututunan
din niya akong mahalin.

"What made you so sure na si Enrique ang ama ng batang dinadala mo, Cara?
Nakalimutan mo na ba na may nangyari satin ng ilang ulit bago mo ako iwan?"
mapanghamon na sabi ko sakanya

Napaayos siya ng tayo at namumutlang tinignan si Enrique at Zea na seryosong


pinapanood ang pag-aaway namin. Bakas sa mukha ni Zea ang pagkagulat.

"H-Hindi totoo yan! Wag kang maniwala sa kanya, babe! Sinisiraan niya lang ako!"
naiiyak na sabi niya kay Enrique at hinawakan niya ang braso nito pero pumiksi lang
siya

"Pagkatapos mong isigaw ang pangalan ko habang sarap na sarap ka iiwan mo nalang
ako basta at lilitaw dito para sabihin na nabuntis ka ng asawa ng bestfriend ko?
Nakakatawa ka Cara. Hindi ko alam na malandi ka." matigas na sabi ko

Agad kong pinagsisihan ang sinabi ko nang bumalatay sa mukha niya ang sakit.
Napatiim-bagang ako nang sampalin niya ako ng malakas.

"Who do you think you are to judge me, Eugene? You know nothing about me!
Everything happens for a reason. And I am doing this for a reason."

Chapter 27

Lady's note:

Pasingit po muna ah. Gusto ko lang pong magthank you sa inyo. Lalo na po doon sa
mga nasa ibang bansa pa na nagbabasa nito. Nakaka-touch lang na may mga
nakakaappreciate ng story ko :))
Love you guys!

Eugene's POV

Everything happens for a reason. She's right but I can't understand what she said
that she's doing this because she has a reason.

Tulala lang ako na nakatingin sa pinto na nilabasan niya. Tumakbo siya palabas at
hindi ko na siya nagawang pigilan pa. Nanatili naman na tahimik si Zea at Enrique.

"Sino siya Eugene?"

Nabaling ang atensyon ko kay Zea dahil sa tanong niya. Alam kong tinatanong niya
kung sino si Cara sa buhay ko.

"She's my friend but I started courting her a month ago." sagot ko

"Do you own that child?" matigas na tanong ni Zea but I can sense hope in her voice

"I-I don't know." I answered frustratedly and combed my hair with my fingers.

I really don't know. At hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kung sakaling ako
nga ang ama ng batang dinadala niya. Yes, I am old enough to settle down but we're
not in good terms. I want to have a family and be married with the woman I love and
woman who loves me.

Magagawa ko bang maging masaya kung malaman ko na anak ko talaga iyon, kung hindi
naman ako mahal ni Cara?

Zea's POV

Tinignan ko muna ang repleksyon ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto
naming asawa. Aattend kami sa isang party at sa party na iyon, nandoon si tatay at
ang kabit niya.

Pumayag na ako sa balak ni Van at ngayon kaming mag-asawa may pinakamalaking


stockholder sa kompanya ng mga Alameda. Hindi nila alam na kami ang may-ari dahil
ang akala nila ay si Allen ang bumili ng shares. Ang party na ito ay para sa isang
mayaman na business partner nila at para ipakilala kami bilang major stockholder at
parang victory party na din dahil nakaahon sa bankruptcy ang kompanya nila.
Maraming aattend na mayayaman at pati kami ay pinadalhan ng imbitasyon not knowing
na talagang imbitado kami dahil kami na nga ang major stockholder.

Kung tatanungin niyo ang nangyari sa usapan namin nila Eugene at Cara, ang masasabi
ko lang nabawasan ng bigat ang damdamin ko. Dahil talagang posible pala na hindi
siya nabuntis ni Van pero masyado pang maaga para magdiwang. Hanggang ngayon ay
hindi maalis sa isip ko ang huling sinabi niyang, 'I'm doing this for a reason.'

"Gusto mo bang mapaaway ako?" kunot-noong bungad sakin ni Van habang nakatingin sa
damit ko

"Problema mo?" inis na tanong ko

Akala ko pa naman sasabihin niya na maganda ako at bagay sakin ang beige na gown ko
tapos yan ang bungad niya sakin! Nakakainis lang diba? Diba? Ang sexy ko kaya lalo
na at hapit sa bewang ko yung gown.

"You look gorgeous, my witch. I'm afraid that you will be the center of attraction
of all the men in the party." iritang sabi niya

Namula naman ako sa sinabi niya. Eeeeh. Gorgeous daw ako. Nakakakilig diba? Tsaka
ang possessive pa niya. Mas kinikilig tuloy ako lalo na nang hinapit niya ako at
hinalikan ng mariin.

"Pwede bang dito nalang tayo at wag tumuloy sa party?" paos na sabi niya habang
nakahawak sa bewang ko

Umiiral nanaman ang kamanyakan niya kaya inirapan ko siya at inalis ang kamay niya
sa bewang ko.

"Tara na. Ayokong ma-late." nakangising sabi ko

Nakasimangot na sumunod siya sakin palabas ng unit namin. Nang makababa kami sa
lobby bumungad samin ang limo na sasakyan namin. Napailing nalang ako kahit na
gusto kong umangal. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nauna akong sumakay sa kanya.

Hindi ko mapigilang kabahan habang nasa biyahe. Baka kasi hindi ko mapigilan ang
galit ko mamaya pag nakita ko sila.

"Everything will be alright. Just go with the flow and don't let your emotions eat
you." malambing na sabi ni Van at pinisil ang kamay ko

Tumango ako sa kanya at matipid na ngumiti.

Agad na sumalubong samin ang maraming flash ng camera pagkahinto ng limo sa harap
ng entrance. Naunang bumaba si Van at inalalayan akong bumaba. Ngumiti ako dahil
alam kong marami silang kukunin na picture. Ayoko namang makita ang mukha ko sa
dyaryo na bad shot o kaya naman nakasimangot!

Marami ang napasinghap nang makita nila ako at makita nilang hinapit ako ni Van sa
bewang palapit sa kanya. Mas lalong pinag-igihan ng mga cameraman ang pagpicture.

"Ngiti nga." bulong ko kay Van

Kumunot ang noo ni Van, "Why should I?"

"Para pag nakangiti tayo pareho pag inilabas sa tv o dyaryo yung picture natin!"
ngiting-ngiting sabi ko

Syempre dapat nakangiti din siya para mas gwapo siya sa picture.

"You're so crazy, wife." natatawang sabi niya sakin habang umiiling

Pinag-pose nila kaming dalawa at kinuhanan ng picture. May mga reporters din na
pilit na nagtatanong kung girlfriend niya ako at kung sino ako pero wala siyang
pinansin na tanong. Ayos lang naman sakin yun dahil alam kong mas gugulo ang buhay
namin pag nalaman nila na mag-asawa kami.

Nahiya ako nang makita ko na pinagtitinginan kami ng mga tao habang naglalakad kami
sa red carpet. Sinamaan ko si Van ng tingin ng tumawa siya ng mahina.

"May nakakatawa?" ismid ko sa kanya


"Sana pala pinapasok ko lahat ng cameraman para hindi ka mahiya. Kung kailan naman
kakaunti nalang ang camera tsaka ka nahiya." tumatawang sabi niya

Mahina ko siyang siniko pero mas natawa lang siya.

"Tangina neto. Malamang hindi ako pwedeng mahiya sa mga nagpipicture dun sa labas
kasi baka ilabas nila ang picture natin na nakasimangot ako edi aasarin ako ni
Adonis o kaya naman ni nanay. Bully pa naman ang dalawang yun." nakangusong sabi ko

Pinaghila niya ako ng upuan sa table an nakaset samin mula dun sa pinadalang
invitation. Si Allen kasi ang nandoon sa mahabang table sa harap. Ang plano namin
ay siya ang aakyat sa taas tapos siya ang magsasabi sa lahat na kami talaga ang
bumili ng shares at hindi siya.

"Why are you pouting?" takang tanong ni Van

Mas lalo akong ngumuso at sumiksik sa kanya. Ang totoo kasi niyan nagugutom na ako.
Ang tagal naman kasing mag-umpisa!

"Gutom na ako." nakangusong sabi ko

Kinurot ko siya nang tumawa nanaman siya. Palagi niya akong tinatawanan kahit wlaa
namang nakakatawa.

"Ouch! I'm just laughing." tumatawa nanaman na sabi niya

"Ano bang nakakatawa? Masama bang magutom?" masungit na sabi ko sa kanya

"What do you want? Mga 15 minutes pa bago mag-start ang party. Gutom ka na ba
talaga? I can call Allen to get food for you." malambing na sabi niya

Umiling nalang ako sa kanya. Nakakahiya naman pag nagpakuha siya ng pagkain tapos
ako lang ang kumakain dito sa table namin. Baka sabihin nila patay gutom ako. Gutom
lang ako hindi patay.

"Are you having fun?"

Sabay kaming napalingon ni Van sa nagsalita at napaayos ako ng upo nang makita ko
si Nerissa na nakangisi samin. Gusto ko siyang sapakin kaso sabi nga nila make your
enemies closer.

"Oh. Yes. We are really having fun." nakangiti at makahulugan na sabi ko

"That's good then. I invited you para makita niyo kung paano ko kayo lamangan lalo
na ngayon na may malaki kaming investor at nakabangon na ang kompanya namin."
mayabang na sabi niya

"Excellent! I'm so excited to see that." ngiting-ngiti na sabi ko

"I need to go. Marami pa kasi akong aasikasuhin na MAS importanteng bisita."
nakangiting sabi niya at pinagdiinan ang salitang 'mas'

Sige lang Nerissa. Tignan natin kung makakangiti ka pa mamaya!

"Stop smiling like that. Para kang baliw." pang-aasar ng katabi ko

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin pero tinawanan lang niya ulit ako. See?
Nakakainis talaga siya.
"Ikaw ang baliw! Heh!" inis na sabi ko at inirapan siya

"Baliw sa'yo." nakangising bulong niya sa tenga ko

Napayuko ako nang maramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Taena. Kinikilig ako.

"Hello Mr. Lewis." bati samin ng isang matandang lalaki

"Mr. Fuentes, glad to see you." pormal na bati ng asawa ko

"Finally you brought a date!" nakangiting bati ng matanda at sinulyapan ako kaya
ngumiti ako sa kanya

"Yes and I'm glad I can bring her here. My wife is not really fond of parties."
sabi ulit ni Van at hinapit ako sa bewang

Namula nanaman ako dahil sa ginawa at sinabi niya. Ang sarap lang sa feeling na
proud siya sakin.

"Your wife? I didn't know that you're married!" gulat na sabi ng matanda

"Well, everyone knows that I am a very private person. By the way, she's Zea, my
wife." proud na pakilala niya sakin

Nilahad ko ang kamay ko at nakangiting nakipagkamay kay Mr. Fuentes.

"Nice to meet you, Mr. Fuentes." nakangiting bati ko

"It's a pleasure to meet you, Mrs. Lewis.I didn't know you have a very gorgeous
wife, Enrique." nakangiting sabi nito pagkatapos makipagkamay sakin

Ngumiti ang asawa ko sa kanya at nagkwentuhan pa sandali hanggang sa magpaalam na


ang matanda. Maya-maya ay may dumating na babae, mukhang kaedad niya si mommy at
halata ang pagiging mayaman nito. May kasama siyang babae na akala mo coloring book
ang mukha sa sobrang kapal ng make-up.

"Enrique, I'm glad I saw you here. I want you to meet my beautiful daughter,
Jennifer." ngiting-ngiti na sabi niya at talagang pinadiinan niya ang salitang
beautiful na akala mo binubugaw ang anak

Pwe. Kung siya ang basehan ng salitang beautiful, wala ng maganda sa mundo. At kung
maganda siya, ano na ako? Edi sobrang ganda ko na o kaya naman saksakan ng ganda?

"Hello Enrique!" ngiting-ngiti na sabi niya at hindi nakalampas sa pandinig ko ang


panlalandi sa boses niya

"Hi Jennifer. Nice to meet you." pormal na sabi ng asawa ko

"Alam mo Enrique sikat na modelo ang anak ko at single pa yan." pambubugaw ng nanay
niya

Ngumiti ng malapad naman ang Jennifer na ito at nagpacute pa sa asawa ko. Palihim
komg kinurot ang asawa ko sa inis. Aba naman. Harap-harapan niyang nilalandi ang
asawa ko.

Bahagya niya akong sinulyapan kaya napatingin din sakin ang mag-ina na nakataas ang
kilay. Humarap naman ako sa kanila at ngumiti ng malapad.

"This is my wife, Zea. Wife, she's Mrs. Ponce and her daughter, Jennifer."
pagpapakilala ni Van sakin at nakita ko kung paano manlaki ang mata nila nang
ipakilala niya akong asawa niya

"It's my pleasure to meet you." nakangiting sabi ko at nilahad ang kamay ko

Nakipagkamay sila sakin at ngumiti ng pilit. Palihim pang umirap sakin si Jennifer
pero nginisian ko lang siya.

"I didn't know na may asawa ka na pala." nakataas ang kilay na sabi ni Mrs. Ponce

Duh. Kailangan ba niyang sabihin sa lahat na kasal siya?

"We're married for almost five years." sabi naman ni Van

"Oh. How come na ngayon lang namin siya nakita?" nakataas ang kilay na tanong ni
Mrs. Ponce

Pansin ko lang. Ang chismosa niya ha.

"As much as possible, ayokong mawalan ng privacy ang asawa ko at ang relasyon
namin. And I am really possessive with my wife." depensa naman ni Van

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. I felt secured and loved because of him.
Nakakilig.

Nagpaalam na silang mag-ina nang mag-umpisa na ang party. Umirap pa ulit sa akin
yung Jennifer at ngumiti naman kay Van.

"Wag mo ngang ngitian ang babaeng yun. Kita mo na ngang nilalandi ka eh." inis na
saway ko kay Van

"I'm just being kind." natatawang sabi niya

"Wag kang maging mabait sa kanya. Naiinis ako!" masungit na sabi ko

Tumawa lang siya ulit at hinapit ako sa bewang bago niya ako hinalikan sa ulo. Nag-
umpisa na ang party at nagserve na sila ng pagkain kaya nawala na ang pagkainis ko.

Nang matapos ang kainan umakyat sa taas si Nerissa at inalalayan pa talaga siya ng
tatay kong gago. Ngiting-ngiti naman ang bruha.

"I am so glad na hindi nawala ang tiwala ng ibang investors sa kompanya namin kahit
na maraming lumabas na issue. Alameda Group of Companies will open some branches in
States with the help of our investors and the major stockholder. I will use this
opportunity to give my presidency to our major stockholder." nakangiting sabi niya

Sus. Kunwari pa siya eh siguradong inis na inis na yan dahil hidni na siya ang
president ng kompanya nila.

"He is our major stockholder and the new president of Alameda Group of Companies.
May I call Mr. Allen Vergara here on stage?" sabi ni Nerissa

Nagpalakpakan naman ang mga tao kasama na kami ni Van. Nagkatinginan kami ni Van
nang sumulyap sa gawi namin si Allen. Ngumisi kaming mag-asawa at napahinga ako ng
malalim.

"Good evening everyone. I'm sorry but I'm not the legal owner of the stocks that I
bought. I bought those shares on behalf of my boss. So please let's welcome, Mr.
and Mrs. Enrique Van Lewis." nakangiting sabi ni Allen
May mga nagbulungan at nagulat pero agad din silang pumalakpak nang tumayo kaming
mag-asawa at umakyat sa stage. Gulat na tinignan kami ni Nerissa at tatay. Alam
kong naginginig na yan sa galit at gusto na niya akong sakmalin.

"I'm sorry about that everyone. I really did this on purpose. I bought the major
shares on Alameda Group of Companies to be a big part of it. This gorgeous lady
beside me is my wife. We've been married for almost five years. I did everything to
be the major stockholder of AGC. Why? Because I want to show everyone that I can do
everything to protect my wife and my family. This is a warning for everyone,
especially, Nerissa Alameda and Vincent Montemayor. Do not to mess up with me. I
have the full control on AGC and one wrong move you will be poor. This is just the
beginning, Nerissa and Vincent."

Nagulat ako sa sinabi ni Van dahil hindi yan ang nasa usapan namin. Ang usapan lang
namin ay magpapakilala kami bilang major stockholders. Inakay na niya ako pababa ng
stage habang gulat pa ako at ganun din ang mga bisita na bakas ang gulat at takot
sa mukha nila.

Van has this authoritative and intimidating aura kaya hindi na ako nagulat sa
reaksyon nila.

"Why did you say those things?" seryosong tanong ko sa kanya habang nakasakay kami
sa limo

Hindi na kasi namin pinatapos ang party. Hinila na niya ako palabas ng venue at
sumakay na kami sa limo agad.

"Everything is going according to my plan. That's my plan from the beginning hindi
ko lang sinabi dahil alam kong pipigilan mo ako." seryoso rin na sagot niya

Nanahimik nalang ako dahil wala naman akong magagawa sa anumang binabalak ng asawa
ko. Alam ko na hindi na niya babaguhin kung ano man ang pinaplano niya.

"I will end this as soon as possible." malambing na sabi niya at niyakap ako

Chapter 28

Short update everyone. Sorry! Babawi ako next time.

Lovelots!

Nerissa's POV

Marahas na pinunit ko ang dyaryo at binato sa kung saan. Kala na kalat na ang
ginawang eksena ni Enrique Lewis! Pero hindi ako natatakot sa kanya. Mas binibigyan
niya ako ng rason para mas magalit sa kanilang mag-asawa.

"Arrrghh! Mga hayop!" galit na sigaw ko at hinagis ang vase na nahagip ko

Mabilis dumating ang maid at nilinis ito. Lumapit din sakin si Vincent at niyakap
ako. Matagal na kaming nagmamahalan ni Vincent pero nagkahiwalay kami nang mabuntis
niya ang malanding babaeng iyon! Inagaw niya sakin si Vincent!

Kasalanan lahat ito ng Zea na iyon dahil dumating siya sa mundo! Kung hindi dahil
sa kanya sana masaya kami ngayon ni Vincent!

"Magbabayad sila! Magbabayad ang punyetang babaeng iyon Vincent!" galit na sabi ko

"Magbabayad talaga siya Nerissa. Hindi ako papayag na mawala satin ang kompanya ng
tatay mo." galit din na sabi ni Vincent

Hindi naman talaga minahal ni Vincent ang mga anak niya at ang asawa niya dahil ako
lang ang mahal niya. Napilitan lang siya na ikasal sa kanya at ngayon magkasama na
kami pero palaging umeeksena ang asawa ng Zea na iyon!

Masaya na kami nang maghiwalay sila at napatay namin ang anak nila pero umeeksena
nanaman siya. Tama ang hinala ko na siya ang magiging dahilan ng pagbagsak namin ni
Vincent pero hindi ako papayag. Magkakamatayan muna kaming lahat!

"Kailangang mamatay ni Zea, Vincent! Kailangan niyang mamatay!" nanggigigil na


sigaw ko

Ngumisi sakin si Vincent at tumango. Kaya mahal na mahal ko siya eh dahil masama
siya tulad ko.

"Tawagan mo na ang tauhan natin para mawala na sa landas natin ang babaeng iyon."
nakangiti niyang sabi at hinalikan ako

Tumugon ako sa halik niya at humiwalay para tawagan ang tauhan ko. Inutos ko ang
gagawin niya at binilinan ko siya na dapat ay maayos ang trabaho niya at walang
sabit.

Mawawala ka na sa landas ko Zea tulad ng anak mo.

"Bisitahin natin ang anak mo para malaman natin kung kumusta na ang pinapagawa
natin sa kanya." nakangising sabi ni Vincent

Tumango ako sa kanya at nagtungo kami sa kotse. Mabilis kaming nakarating sa bahay
ng bastarda kong anak. Kung pwede ko lang siyang patayin ginawa ko na, kaso may
pakinabang pa naman siya eh.

"M-Mommy.." gulat na sabi niya nang makita kami ni Vincent

Tinulak ko siya at pumasok kami ni Vincent sa bahay. Naupo kami sa sofa at naupo
rin siya sa harap ko.

"Kumusta ang pinapaasikaso ko sayo?" tanong ko

"A-Ayos lang po." utal na sagot niya

Ayos lang? Marahas na hinampas ko ang lamesa kaya napatalon siya sa gulat.

"Ayoko ng ayos lang! Gusto ko gawin mo ng maayos ang trabaho mo para maghiwalay
silang dalawa kung ayaw mong mamatay ang anak mo at ang lalaking mahal mo!" galit
na singhal ko sa kanya

Mabilis na tumango siya sa akin kaya napangisi ako. Mabuti naman at


nagkakaintindihan kami.

Tumayo ako at hinawakan siya ng mahigpit sa braso kaya napaigik siya.


"Gamitin mo yang katawan mo ng may pakinabang ka naman tutal malandi ka! Maghubad
ka sa harap niya kung kinakailangan at magpakapokpok! Bilisan mong kumilos dahil
kung hindi papatayin ko ang anak mo at ang lalaking iyon. Naiintindihan mo?"
matigas na sabi ko

"O-Opo mommy." umiiyak na sagot niya

"Good. Pag nagawa mo iyon, pwede mo na kaming makasama ng daddy mo. Maiwan ka na
namin. Wag kang babagal bagal dahil baka mainip ako."

Umiiyak na tumango siya sa akin. Lumapit sakin si Vincent at umalis na kami.


Babagsak rin kayo. Ako dapat ang hindi niyo kinakalaban.

Zea's POV

Kunot-noo kong tinignan ang kapatid ko na nakatayo ngayon sa harapan ko. Ano
nanaman bang ginagawa niya dito? May klase pa siya ah!

"Hi ate! Namiss kita."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya. Siguradong may kailangan ang ungas na ito
dahil hindi naman yan naglalambing eh!

"Ano nanamang kailangan mo, Adonis?" nakataas ang kilay na tanong ko

Napakamot siya sa batok. Bago pa siya makasagot sumulpot na sa tabi ko si Van.

"Hi Kuya!" bati niya kay Van

"Oh? Wala ka bang klase ngayon?" nakangiting sabi ni Van

"Wala po kaming klase ngayong araw. Gusto ko nga pong yayain si Mikaela na magdate
eh kasi nag-away kami kagabi." sagot niya

"Kaya ka ba nandito para humingi ng tulong sa date niyo?" masungit na tanong ko

"Parang ganun na nga Ate! Hihiramin ko sana yung kotse mo. Please." nagpapacute na
sabi niya

Napailing nalang ako at nilabas ang susi ng kotse ko.

"Next week pa ang dating nung kotse mo, Adonis kaya hiramin mo muna ang kotse ng
ate mo, ha."

Napahinto ako sa pagbigay ng susi kay Adonis at tinignan si Van. Tama ba ang dinig
ko? Bumili siya ng kotse para sa kapatid ko?

"Talaga Kuya? Salamat!" tuwang-tuwa na sabi ni Adonis

Ginulo naman ni Van ang buhok niya at tumawa ng mahina.

"Nagpromise ako sayo noon diba na reregaluhan kita ng kotse pag 21 ka na."
nakangiting sabi ni Van

Tuwang-tuwa naman si Adonis nang umalis siya. Yumakap pa siya sakin at humalik sa
pisngi ko bago umalis. Somehow, nakaramdam ako ng kaba sa gesture niya.
Gusto kong sermonan si Van sa ginawa niyang pagbili ng kotse para sa kapatid ko
pero hindi ko magawa dahil nakakaramdam talaga ako ng matinding kaba.

"Is there something wrong?" tanong sakin ni Van

"Van, kinakabahan kasi ako eh. Parang may masamang mangyayari." pagtatapat ko sa
kanya

"You're just being paranoid." malambing na sabi niya at niyakap ako

Kahit anong gawin ko hindi mawala ang kaba na nararamdaman ko. Ibang-iba ang kaba
na nararamdaman ko ngayon.

Napalingon kaming pareho nang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang
makita ang pangalan ni Mikaela. Sinagot ko agad ang tawag niya.

"Hello Mi--Umiiyak ka ba? Anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Adonis?" tarantang


tanong ko

Humahagulgol siya sa kabilang linya kaya nag-aalala ako ng sobra sa kanya.

[A-A-Ate, w-wala na siya...............

W-Wala na si A-Adonis.]

Chapter 29

Zea's POV

Apat na salita. Apat na salitang nagpamanhid sa buong pagkatao ko. Salitang


kailanman hindi ko hinangad na marinig kanino man.

Tulala lang ako habang nagbiyabiyahe kami at walang tigil sa pagtulo ang luha ko.
Hindi ko alam kung totoo ang sinabi ni Mikaela pero umaasa ako na hindi totoo iyon.
Na nagbibiro lang siya at pinagtritripan nila akong dalawa.

Napatakip ako ng mukha ko gamit ang palad ko at napahagulgol nang maalala ko yung
yakap at halik na ginawa ni Adonis bago siya umalis. Sana pala hindi ko na siya
sinungitan kanina. Sana hindi ko nalang siya pinaalis kanina noong nasa opisina
ako.

"Hush now, wife. Please. Nasasaktan ako pag nakikita kang ganyan."

Binaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Van habang umiiyak. Hindi ko mapigilan na


umiyak lalo na nang sabihin ni Mikaela na--- na wala na ang kapatid ko.

Inalalayan niya akong bumaba ng kotse nang medyo kumalma na ako. Hindi pa alam ni
nanay ang nangyari at hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya.
"M-Mikaela..." tawag ko sa kanya nang makita ko siyang may kausap na doktor

"Hindi pa patay si Adonis! Hindi! Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi pwede!"
sumisigaw na sabi niya habang umiiyak

Nasasaktan ako para sa kanya at sa pagkawala ng kapatid ko. Wala na ba talaga siya?

"Ate Zea! Hindi pa naman tayo iiwan ni Adonis, diba? Hindi niya ako iiwan, Ate!
Magsosorry pa nga siya eh kasi inaway niya ako kagabi!" umiiyak na sumbong ni
Mikaela

Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang
sakit na.

"Kamag-anak ho ba kayo ng paseyente?" tanong ng doktor na kausap ni Mikaela kanina

"Kapatid po siya ng asawa ko. Kumusta po ang lagay niya?" seryosong tanong ni Van

"I'm sorry, Sir. Tulad ng sinabi ko sa dalaga kanina, ginawa namin ang lahat."
malungkot na sabi niya

"Kung ginawa niyo lahat edi sana buhay ang boyfriend ko!" umiiyak na sabi ni
Mikaela

Gusto ko ring magwala pero pinilit kong maging matatag para kay Mikaela dahil ako
nalang ang masasandalan niya ngayon.

"Boyfriend mo ang pasyente, miss?" kunot noong tanong ng doktor

"Hindi ba halata?! Mukha bang anak niya ako?! Ha?!" singhal sa kanya ni Mikaela

"Miss, nagkamali ata kayo dahil nasa mid-30's ang nasa loob na pasyente."
nagtatakang sabi ng doktor

"Hindi ako pwedeng magkamali! Kaya nga nandito ako sa harap ng OR para makita siya
eh!" sabi nanaman ni Mikaela

"Miss, sa kabila po yung OR. Nasa ER po kayo." mahinahon na sabi ng doktor

Nagkatinginan kaming tatlo at napatigil sa pag-iyak si Mikaela, ganun din ako.


Napatingin ako kay Mikaela na nakaawang ang labi na nakatingin sa sign ng EMERGENCY
ROOM.

"Lakihan niyo kasi yang sign dyan! Ate, punta na tayo sa may Operating Room.
Pasensya na ate. Nataranta kasi ako kanina." sabi ni Mikaela

Sabay kaming nagpunta sa OR at sakto naman na may lumabas na doktor mula sa loob.
Mukhang hinahanap kung sino ang kamag-anak ng pasyente.

"Doc! Si Adonis Montemayor po ba yung nasa loob?" tanong ko sa doktor

"Yes, ma'am. Kamag-anak ho ba kayo ng pasyente?"

"K-Kapatid ko po siya. A-Ayos lang po ba siya? B-Buhay pa naman po siya diba?"


sunod-sunod na tanong ko at di ko mapigilang mapaiyak ulit

"Kakaumpisa lang po ng operasyon sa kanya at tatapatin ko na po kayo. Kritikal ang


kondisyon ng kapatid niya dahil nabagok ang ulo niya at marami siyang nabaling
buto. Gagawin po namin ang lahat ng magagawa namin para maging successful ang
operation. Mauna na po ako." mahabang sabi niya

Nanghihina akong napaupo sa upuan na katapat ng OR at tinabihan naman ako ni


Mikaela para yakapin at alam kong umiiyak din siya. Umupo sa kabila si Van at
niyakap kami ni Mikaela. Akala ko wala na talaga ang kapatid ko. Akala ko wala na
akong kapatid.

"Ms. Montemayor?"

Napaangat ang tingin namin sa mga pulis na nasa harapan namin. Napaawang ang bibig
ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Isa siya sa mga kasamahan ko dati at
nagulat din siya nang makita ako.

"Officer Eli Guzman..." gulat na sambit ko

"It's Mrs. Lewis, officer." seryosong sabi ni Van

Tumango naman siya nang makabawi sa pagkagulat.

"Ako ang may hawak ng kaso ng kapatid niyo kaya ibibigay ko itong mga gamit ng
naaksidente sa inyo. Nag-papaimbestiga na kami sa nangyari dahil pinag-hihinalaan
namin na sinadya ang nangyaring aksidente." seryosong sabi ni Officer Eli Guzman

Nanlamig ako dahil sa sinabi niya at nagkatinginan kaming tatlong nila Van at
Mikaela.

"S-Sinadya? Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan na tanong ko

Sino naman ang gagawa ng bagay na iyon kay Adonis?

"Miss Mikaela, girlfriend ka ni Adonis Montemayor, diba? Palagi ka niyang kasama.


Wala ba siyang nakaalitan o nakaaway?" seryosong tanong ni Officer Eli Guzman

"N-Nakaaway po? Wala po siyang nakaaway, maliban sakin. Nag-away po kami kagabi
dahil nakalimutan niya yung monthsary namin. P-Pero hindi ko po magagawa ang
ganoong bagay!" naiiyak na sabi ni Mikaela

"Bukod po sa inyo, wala ba siyang nakaaway? May kilala ba kayong tao na may
matinding galit sa biktima?" tanong ulit ni Officer Eli Guzman

Yun pala ang dahilan kaya hiniram ni Adonis ang kotse ko at yun pala ang dahilan
kaya nag-away sila kagabi. Napatayo ako nang may maalala ako.

"Kotse ko ang gamit niya noong aksidente, Eli!" malakas na sabi ko

Tumayo na rin sa tabi ko si Van at hinawakan ako sa braso. Napatingin naman sakin
si Eli at kumunot ang noo niya.

"Sinasabi mo bang hiniram ng kapatid mo ang kotse mo? Kailan at anong oras niya
hiniram ang kotse mo?" takang tanong nito

Napaisip ako pero hindi ko maisip kung anong oras iyon. At wala sa building ng
company ang kotse ko dahil iniwan ko iyon sa bahay namin nila nanay.

"Tumawag siya sakin eksaktong 9:37am at sinabi niya na susunduin niya ako sa bahay.
Narinig ko rin na pinaandar niya ang kotse noong kausap niya ako." sabi ni Mikaela
habang nakahawak sa cellphone niya

"Posible bang ang asawa ko ang target nila, Officer? Kotse ng asawa ko iyon."
seryosong sabi ni Van

Napatakip ako ng bibig ko. Paano nga kung ako ang target nila at nadamay lang si
Adonis dahil hiniram niya ang kotse ko?

"Paano ba nangyari ang aksidente?" tanong ko

"Ayon sa mga witness, normal lang naman daw ang takbo ng kotse pero noong nasa may
traffic lights na siya nag-red light pero hindi siya huminto. Nakita nila na
gumewang ang kotse at may makakasalubong sana siyang malaking truck nang ibangga
niya ang kotse sa isang poste." kwento nito

Hindi ko maisip na ganun ang nangyari sa kapatid ko. Hindi ko alam kung gaano siya
natakot noong sandaling iyon. Mas pinili niyang wag madamay ang iba.

"Sir Guzman!" bungad ng isang pulis na hinihingal pa

"Kumusta ang imbestigasyon?" tanong sa kaniya ni Officer Eli Guzman

"Sira po ang brake ng kotse na sinasakyan ni Adonis Montemayor. Inulit po namin ang
pag-iimbestiga at nalaman namin na hindi nasira ang break dahil sa pagbangga niya
sa poste. Sinadya po ang pagsira ng brake ng kotse." seryosong sabi nito

Nanlamig ako sa narinig ko ganoon din si Van. Nararamdaman ko ang panlalamig ng


kamay niya na nakahawak sa braso ko. Sinadya nilang sirain ang brake ng kotse ko.
Maaring ako nga ang target nila.

"Ikaw ang tatanungin ko ngayon, Zea. Sino ang alam mong kayang gumawa nito sayo?"
seryosong tanong ni Officer Eli Guzman

Sila lang ang alam kong kayang gumawa ng ganitong krimen. Sila lang ang gusto akong
mamatay noon pa man.

"Si tatay at Nerissa." matigas na sabi ko

Napabuntong-hininga siya. Alam kong hindi nanaman siya maniniwala sakin tulad ng
ginawa nila noon.

"Zea, hindi kayang gawin ni Ma'am Nerissa iyon. Mabait siya at isa pa, bakit ka
naman papatayin ng sarili mong ama?"

Tinignan ko siya ng masama at diretso sa mata.

"Hindi mo sila kilala, Eli. My father killed my unborn child! Pinlano nila ni
Nerissa na patayin ang anak ko. At matagal na nilang gusto na mamatay ako. Alam mo
kung bakit? Dahil ako pinapaniwalaan nilang dalawa na ako ang dahilan kaya sila
nagkahiwalay. Dahil bunga ako ng pagkakamali ng tatay ko. Dahil nabuntis niya ang
nanay ko at napilitan siyang pakasalan ito. Dahil isa akong malaking sagabal sa
relasyon nila noon. Dahil kung hindi ako dumating masaya sana sila ngayon. Hanggang
kailan ba kayo mabubulag sa paniniwala niyo na mabait ang babaeng iyon?" mapait na
sabi ko sa kanya

"Imposible yan---" pinutol ko na ang anumang sasabihin niya

"Nagtanong ka diba? Sinagot ko lang tapos ngayon ayaw niyong maniwala? Sana hindi
nalang kayo nagtanong!" galit na sabi ko

"Officer, nagsasabi ng totoo ang asawa ko. Hindi niyo ba siya iimbestigahan? Isa pa
rin siyang suspek kahit na mabait siya sa paningin niyo." malamig na sabi ng asawa
ko

Mukhang natakot sila sa asawa ko dahil tumango agad sila at nagpaalam na.

"A-Ate, totoo ba yun?" tanong ni Mikaela

Tumango ako sa kanya at naupo ulit sa tabi niya. Mahirap man paniwalaan pero totoo
ang sinabi ko. Kinamumuhian ako ng tatay ko kaya nga hindi siya umalma nang sumama
ako sa condo ni Van noon eh. Noon naman nakakausap ko pa siya ng maayos at okay pa
kaming dalawa pero habang lumalaki ako, lumalayo ang loob niya samin nila nanay at
Adonis.

Napatayo kami nang bumukas ang operating room. Pagkatapos naming maghintay ng ilang
oras lumabas din ang doktor.

"Kumusta po ang kapatid ko?" bungad ko sa kanya

"Tagumpay ang operasyon pero hindi pa stable ang lagay ng pasyente and I hate to
say this but he's in the state of coma."

Coma....

Comatose ang kapatid ko.

"K-Kailan po siya magigising?" tanong ni Mikaela

"Hindi po natin alam dahil sa lagay niya ngayon, pwedeng matagal bago siya magising
at pwede ring hindi na siya magising pa."

Yumakap nalang ako kay Van para makahugot ng lakas ng loob. Hindi ko kakayanin pag
hindi na siya nagising pa. Paano na si nanay? Paano na si Mikaela? Paano na ako?

Nagpaalam na ang doktor namin at ililipat na daw sa private room ang kapatid ko.
Pwede daw namin siyang bisitahin at si Mikaela na ang pinauna ko dahil alam kong
mas kailangan siya ng kapatid ko.

Sinabi niya na umuwi daw muna kami at babatayan daw muna niya si Adonis. Pumayag
naman kami ni Van. Umuwi kami sa condo at nagbihis. Kumuha na rin ako ng damit para
ipampalit ni Mikaela.

Tinawagan ko si Jaxon at binalita ang nangyari sa kanya. Nagpatulong na rin ako na


sabihin kay nanay dahil siya naman ang doktor ni nanay. Hindi ko alam ang gagawin
ko pag pati si nanay mapahamak.

"Van, paano kung si Nerissa nga ang may kagagawan nito?" mahinang tanong ko sakanya

Seryoso niya akong tinignan at niyakap ng mahigpit.

"I won't let them hurt you. Gagawa ako ng paraan para hindi na sila makagawa pa ng
masama." seryosong sabi niya

Ang magagawa ko nalang ngayon ay magtiwala kay Van at kay Adonis na lalaban siya
para mabuhay.

Chapter 30
Zea's POV

Umiiyak ako habang hawak ko ang kamay ni Adonis. Si Mikaela naman nasa kabilang
bahagi ng kama at sa tingin ko ay nakatulog na siya habang nakaupo. Ayaw kasi
niyang umuwi kaya hinayaan nalang namin siya.

Napatingin ako sa mukha ni Adonis na may pasa at sugat. Bakit si Adonis pa? Mabait
naman ang kapatid ko eh.

"Magigising din si Adonis, Xandra." sabi sakin ni Van habang nakapatong sa


magkabilang balikat ko ang kamay niya

"Sana nga magising na siya." mahinang sabi ko at pinunasan ang luha ko

Kumusta na kaya si nanay? Nasabi na kaya ni Jaxon sa kanya? Sana walang mangyaring
masama kay nanay.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Pumasok si Paulo, Mark at Tim, mga
kaibigan ni Adonis. Malungkot ang mga mukha nila at halatan nagmadali sila na
magpunta rito.

"Ate Zea, kumusta siya?" tanong ni Mark

"C-Coma daw eh at hindi nila alam kung kailan siya magigising o kung magigising pa
siya." naiiyak na sabi ko

Lumapit silang tatlo samin at binati nila si Van. Sinulyapan din nila si Mikaela na
natutulog.

"Hoy Adonis! Grabe ka talaga! Siguro tinatamad ka nanaman kaya ka nakahilata dyan!"
inis na sabi ni Paulo pero halata naman sa mata niya na malungkot siya at namumula
ang mata

"Pareng Adonis naman. May utang ka pa sakin. Naalala mo ba noong bumili ka ng fish
ball para kay Mikaela? Ibalik mo muna yung sampung piso ko! Gumising ka na dyan."
sabi naman ni Tim na tumawa pa ng mahina

"Tama sila. Gumising ka na dyan kasi baka may manligaw na iba kay Mikaela. Sige
ka." sabi naman ni Mark

Hindi ko mapigilang matawa sa sinasabi nila. Para silang mga bata. Sabagay, bata pa
naman sila.

"Ang ingay niyo!" singhal sa kanila ni Mikaela nang magising siya mula sa
pagkakatulog at masama silang tinignan

"Nag-iingay talaga kami para gumising na yang kumag na yan." sabi ni Tim

"Ako ang nagigising sa kaingayan niyo." nakairap na sabi ni Mikaela

"Matulog ka na muna doon sa couch, Mikaela. Kailangan mong magpahinga." utos ko sa


kanya

"Ayos lang po ako dito, Ate." umiiling na sabi niya

"No. Magpahinga ka muna doon." utos ko ulit


Wala na siyang nagawa kaya tumayo siya at humiga doon. Inabot sa kanya ni Van yung
dala naming kumot na agad naman niyang kinuha.

Naupo si Mark doon sa inupuan kanina ni Mikaela at tinignan si Adonis.

"Pre, ang pangit mo na. Mas gwapo na tuloy ako sa'yo." seryosong sabi niya pero
nagbibiro

Hinayaan ko nalang muna silang tatlo na kausapin si Adonis.

"As much as I want to stay here with you, I can't. Kailangan kong asikasuhin yung
tungkol sa imbestigasyon. Hindi ko pwedeng ipagpaliban yun." paalam sakin ni Van

Tumango ako sa kanya at hinalikan naman niya ako ng mabilis sa labi. Niyakap ko
muna siya bago siya tuluyang makaalis.

"Mag-ingat ka at bumalik ka agad." sabi ko habang nakayakap ako sa kanya ng


mahigpit

Enrique's POV

Hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Adonis. Shit. Kung
siguro hindi ko sinabi ang mga bagay na iyon kagabi baka hindi na-provoke sila
Nerissa na gumawa ng ganitong bagay. Hindi ko mapigilan na manlamig nang pumasok sa
isip ko ang asawa ko sa ganoong sitwasyon. Sigurado akong si Alexandra ang target
nila at baka makapatay ako ng tao pag siya ang nakaratay ngayon at nasa coma.

Pero hindi rin pabor sakin na si Adonis ang nakaratay. Parang kapatid ko na rin
siya at nahihirapan din ako sa sitwasyon niya ngayon.

Dumiretso agad ako sa mansyon nang makaalis ako. Tinawagan ko rin ang ilang tauhan
namin para may magbantay sa labas ng hospital room ni Adonis. Ayokong may mangyari
nanaman dahil baka this time makagawa na sila ng hakbang para masaktan ang asawa
ko.

"Mom! Dad!" tawag ko sa kanila nang makapasok ako

Napalingon silang dalawa nang marinig ako at tumayo sila mula sa pagkakaupo sa sofa
ng living room. Pareho silang nakakunot ang noo.

"Anak, what are you doing here?" takang tanong ni mommy

Lumapit ako kay mommy at hinalikan siya sa pisngi.

"I just need to talk to dad." sabi ko at tumingin kay dad na may seryoso ng
ekspresyon ngayon

"Hon, sa library lang kami." paalam ni dad kay mom

Tumango lang samin si mommy kaya sabay na kaming nagpunta ni daddy sa library niya.

"What's the problem this time, son?" seryosong tanong ni dad

I wanna do this alone but I can't. Buhay ng asawa ko ang nakasalalay dito at
kailangan ko ang tulong ni dad, to keep her safe and her family.

"Naaksidente si Adonis." sabi ko at naupo sa harapan niya

"Zea's brother? Don't tell me may kinalaman ka sa aksidente." nagdududang sabi ni


dad

"What the hell, dad?! I will never do something that will hurt my wife!" inis na
sabi ko

May sa baliw talaga ang tatay ko eh! Tss.

Tinukod niya ang dalawang siko niya sa mesa at pinagsalikop ang kamay.

"Ano ba kasing meron, Enrique? Tuwing may problema ka dito ang tinatakbuhan mo."
masungit na sabi niya

"Dad! Pwede namang ako lang ang gumawa ng sarili kong plano eh but my wife's life
is at stake here." iritang sabi ko

Bumalik ang seryosong ekspresyon ni dad dahil sa sinabi ko.

"What do you mean?" seryosong tanong niya

Kinwento ko lahat kay dad ang nangyari sa kanya. As expected, he's mad. Lalo na
nang sinabi ko sa kanya yung nangyari sa party noong isang gabi.

That wasn't really my plan pero hindi ko na kayang ipagpaliban na lang ang mga
ganoong bagay, not knowing that I will provoke them to do something.

"Are you dumb or something, Enrique?! You are better than that! Mas lalo mo lang
silang ginalit sa ginawa mo! You should've keep yourself hidden! Tinawagan ka na ba
ni Allen?" galit na sabi niya

Damn. He doesn't need to point out all the things that I've done.

"I'm still waiting for his call. Geez, dad. Mamaya mo nalang ako sermunan. I need
your help. Pag hindi pa tayo kumilos ngayon baka maunahan ulit nila tayo." inis na
sabi ko

Tinignan lang ako ng masama ni dad bago niya kunin ang cellphone niya sa bulsa niya
at may tinawagan. He is giving them instructions and then he end the call. Binulsa
niya ang cellphone niya at tumingin sakin.

"Naka-stand by na ang mga tauhan natin. They're keeping an eye on Nerissa and
Vincent. Pinapakuha ko na ang ilang bank transaction records niya. But the bad
thing is walang cctv sa street nila Zea kaya hindi natin malalaman kung sino ang
posibleng gumalaw ng kotse niya. Stay here. Maya-maya ay nandito na ang copies ng
bank transaction ni Nerissa." seryosong sabi ni dad

Sumang-ayon nalang ako sa sinabi niya at kinuha ang cellphone ko para kamustahin
ang asawa ko. She's not answering her phone kaya kinabahan ako agad. Sunod kong
tinawagan si Mikaela hoping that she's awake.

[Kuya Enrique...] sagot niya sa tawag ko

"Thank god you answered my call. Where's my wife?" bungad ko sa kanya

[Nasa banyo po si Ate Zea.] sagot niya sa tanong ko kaya nahinga ako ng maluwag

"Good. I have a favor to ask Mikaela." seryosong sabi ko

[A-Ano po yun?]
"Don't let my wife go out alone and please wag kang tumanggap ng mga bisita na
hindi mo kilala. We need to keep everybody safe. Tell that to my wife as well."

[O-Okay po. Uhm. Kuya, hindi ko po alam kung makakatulong yung sasabihin ko.]

"What is it?" kunot-noong tanong ko

[Nakita ko po ng ilang ulit sa University namin yung tatay nila Adonis noong
nakaraan na linggo. I tried to talk to Adonis about it but he always dismiss the
topic. He said na wag ko nalang daw pansinin.]

Napatingin ako kay dad na nakatingin pala sakin. Anong ginagawa ni Vincent
Montemayor sa University nila Adonis?

"Nakausap ba siya ni Adonis?"

[Wala po siyang sinabi sakin pero tingin ko po nakausap niya ang tatay niya.]

"Thanks for the information, Mikaela. I'll go ahead. May aasikasuhin pa ako."

[Sige po. Thank you din po.]

Binaba ko na ang tawag nang makapag-aalam na ako ng tuluyan at humarap ulit kay
dad. Sinabi ko sa kanya yung mga impormasyon na nalaman ko mula kay Mikaela kaya
tinawagan niya ang ilang koneksyon niya sa University nila Adonis para i-check ang
CCTV.

Tulad ng sinabi ni dad dumating na ang statement of account ni Nerissa Alameda.


Nakalagay doon lahat ng transactions niya this month. Pinag-aralan namin ni dad ang
transactions niya this week. Marami siyang bank account kaya marami rin kaming
pinag-aralan.

Doon sa isang bank account niya, nakalagay doon na nagwithdraw siya ng malaking
halagang pera at naka-deposit iyon sa ibang account. Inalam namin ni dad kung
kaninong account yun. Kailangan nanaman naming maghintay para sa resulta.

"Malaking pera ang kinukuha ni Nerissa mula sa pondo ng kompanya nila. She has an
allies too." kunot-noong sabi ni dad

Nakalagay doon ang milyon na pumapasok sa banko niya mula sa kompanya ng tatay
niya. Nagpakuha din kami ng list ng properties ni Nerissa.

Marami siyang properties na binili gamit ang pera na ninakaw niya mula sa kompanya
nila at ang ilang ari-arian ay pamana ng ama niya. Merong isa pang dalawang ektarya
ng taniman na nakapangalan sa tatay niya pero nakalagay doon na binigay niya ito
biang donation sa isang orphanage. A typical trait of Alameda. Alameda are known
for being kind-hearted. Pero hindi ko alam kung bakit ganoon ang ugali ni Nerissa.

Ibang-iba ang ugali niya sa tatay niya at sa ilang kamag-anak nila. Minsan ko ng
nakausap ang dad niya sa isang party before and all I can say is, he is a good man.

"Dad, posible kayang ampon lang si Nerissa?" tanong ko kay dad

Kumunot ang noo sakin ni dad dahil sa sinabi ko at tinignan ako na parang
napakatanga kong tao.

"You didn't know that she's adopted?" tanong nito

What the fuck? So that answers it all. She's not an Alameda kaya hindi niya namana
ni katiting na kabaitan ng tatay niya. And she has the guts to kill the person who
gave her home and food?

"The police should know about her crimes. Hindi ko masikmura na pinatay niya ang
umampon sa kanya." nakakunot noong sabi ko

"Soon Enrique. We just need some solid evidence and everything will fall right into
places." seryosong sabi ni dad

Napahinto ako sa pag-scan ng mga papel na hawak ko ng tumunog ang cellphone ko. Si
Allen pala ang tumatawag. Kanina ko pa hinihintay ang tawag niya.

"Good thing you called! I've been waiting for your calls. Any updates?"

[Sir, maganda po sana kung sa personal ko ito sasabihin sa inyo pero kailangan niyo
talagang malaman ito.]

"What is it?" kunot noong tanong ko

[Pumunta si Nerissa Alameda at Vincent Montemayor sa bahay ni Cara Fontanilla.]


seryosong sabi niya

Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi niya. Anong ginagawa nila sa bahay ni Cara?
Tama ba ang hinala ko? Damn.

"Anong ginawa nila doon?"

[Hindi po namin alam Sir pero hindi naman daw sila nagtagal. Umalis daw sila
kaagad. At may isa pa po akong nalaman.]

"Just spill it Allen." inis na sabi ko

Binibitin niya sasabihin niya eh. Pwede naman niyang sabihin nalang lahat.

[Anak ni Nerissa Alameda si Cara Fontanilla kay Vincent Montemayor.]

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Next update will be tomorrow :))

Thanks guys :*

Chapter 31

Zea's POV

Kanina ko pa gustong lumabas ng kwarto ni Adonis para bumili ng frappe. I'm


suddenly craving for a frappe. Pero dahil inutos daw ng asawa ko na hindi ako
pwedeng lumabas, ayun, bantay sarado ako.

Gusto kong takasan itong mga bodyguards sa labas ng kwarto kaso siguradong
magagalit siya at baka sisihin pa niya si Mikaela. Sana pala nagpabili nalang ako
kila Paulo kanina bago sila umalis ng hospital.

"Ma'am, may lalaki po sa labas. Jaxon daw po ang pangalan." sabi ng isa sa mga
nakabantay sa labas

"He's my friend. Papasukin mo siya." utos ko sa kanya

Tumango siya sakin at pinapasok na si Jaxon.

"Kumusta si nanay? Nasabi mo na ba sa kanya?" Agad na tanong ko sa kanya

"Nasabi ko na sa kanya and she almost had an heart attack. Buti nalang at nakalma
niya agad ang sarili niya. Dinala ko siya sa bahay para doon nalang magpahinga
dahil wala siyang kasama sa bahay niyo and I can't leave her alone. Atleast, sa
bahay may mga kasama siya." paliwanag niya sakin

Nakahinga naman ako ng maluwag at napangiti sa sinabi ni Jaxon. He's so loving and
caring.

"Thank you, Jaxon." nakangiting sabi ko

Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"It's nothing, Zea. You've been good to me and to Devon." Nakangiting sabi niya and
there's something in his eyes that I can't name.

Pinisil ko ang kamay niya para malaman niya na ayos lang. I'm so grateful that I
have them as friend, as well as Devon.

"Devon is so special to me, Jaxon. He's like a son to me."

Binuhos ko kay Devon noon ang atensyon ko para hindi ako mabaliw sa pagkawala ng
anak ko. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at binigyan siya ng juice. Buti nalang at
dito siya nagtratrabaho sa hospital na ito. And he owns this hospital.

"Nakausap ko yung doktor ni Adonis. Sinabi niya na kritikal ang kondisyon niya but
pag nalampasan niya ang critical stage at nakasurvive siya, more or less than a
week, magigising na siya." sabi nito pagkainom sa juice na bigay ko

I felt hope. Big hope. Napatingin ako kay Mikaela na napangiti rin at hinawakan ang
kamay ni Adonis. I can see how much she loves my brother.

"Really? That's good to hear then. Ayokong mag-alala pa si nanay." nakangiting sabi
ko

"Talk to him more often. Wala namang malaking damage sa skull or brain ni Adonis
kaya mabilis siyang makakarecover." sabi nito

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Sana nga makagising na siya agad.

Nagkwentuhan lang kami ni Jaxon at nasabi niyang wala siyang patient kaya ayos lang
daw na magtagal siya. Tinanong niya rin kung nasaan si Van kaya sinabi kong
inaasikaso niya ang imbestigasyon. At dahil nasabi ko sa kanya ang tungkol sa
pagsadya nilang pagsira ng brake ng kotse ko, tianwag niya ang ilang security at
mas pinaghigpit pa.

Geez. They're so being over protective. I can't blame them though.

Napunta kami sa usapan tungkol kay Devon. Nakwento niya sakin na papasok na si
Devon sa pasukan kaya sinabi ko sa kanya na gusto kong sumama pag bibili sila ng
school supplies. I'm excited for Devon, you know.

"I wanna go with you and Devon! Ayos lang ba?" masayang tanong ko sa kanya

Maybe I need some time to relax and breathe.

"Sure." ngiting-ngiti na sabi niya

"Talaga? Thanks! Isama mo si Reina." excited na sabi ko

Something changed on his expressions pero hindi ko na pinansin dahil nawala din
naman iyon agad.

"I'll tell her." sabi nito kaya ngumiti ulit ako sa kanya

Excited na ako sa pagpasok ni Devon lalo na at sa kilalang school siya papasok.


Hindi nagtagal nagpaalam na siya dahil tinawag siya ng isang nurse. Dumidilim na
pero wala pa rin si Van at nagugutom na ako.

"Mikaela, gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Hindi pa naman po, Ate. Ayos lang po ako." nakangiting sabi niya

Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Van na may dalang mga
pagkain kasama ang mga bodyguards niya. Pakiramdam ko tuloy naglaway ako nang
makita ko yung mga pagkain.

"Good evening. Are you hungry? I brought some foods." sabi nito at nilapag nila sa
mesa ang pagkain

Nilapitan ko agad ang pagkain at hindi siya pinansin. Gutom na talaga ako eh.
Binuklat ko lahat nang dala niya pero naapsimangot ako nang wala akong makitang
frappe. Gusto ko talaga ng frappe.

"You must be very hungry, huh." natatawang sabi ni Van

Natawa rin si Mikaela sa kanya at naupo na para kumain. Sinimangutan ko naman si


Van kaya kumunot ang noo niya.

"Bakit walang frappe?" nakasimangot na tanong ko

"You should've called me earlier para nabilhan kita."

"Bakit kasi ang tagal mong bumalik?" nakairap na tanong ko

Ngumiti siya sakin at humalik sa pisngi ko pero lumayo lang ako sa kanya.

"Gusto ko ng Vanilla Frappe." utos ko sa kanya

"Why all of a sudden? I know it's your favorite pero kailangan mong kumain muna ng
kanin." sabi nito at hinila ako paupo

Ngumuso nalang ako sa kanya at kumain na. Ginanahan na rin akong kumain dahil
parang sarap na sarap si Mikaela sa pagkain niya. Sabay kaming kumain na tatlo at
tinanong ko kung kumain na yung mga nasa labas na bodyguards niya. Sabi naman niya
binigyan daw niya ng pera para makakain na sila.

Niligpit ko ang pinagkainan namin nang matapos kami. Bumalik ulit si Mikaela sa
tabi ni Adonis kaya hinayaan ko nalang.

Sinamaan ko naman ng tingin itong katabi ko. Kanina ko pa siya pinipilit na bumili
ng Vanilla Frappe pero ayaw niyang bumili. It was my favorite and I'm craving for
it!

"Wife, baka ma-impacho ka." sabi nito at bumuntong-hininga

"But you promised that you will buy me a Vanilla Frappe!" inis na sumbat ko sa
kanya

"Like I told--" Alam kong aangal nanaman siya kaya sumabat na ako sa anumang
sasabihin niya.

"Liar! Pag hindi mo ako binilhan ng Vanilla Frappe, hinding-hindi na ako uuwi sa
condo!" galit na sabi ko at tinalikuran siya

Mabilis naman itong tumayo dahil sa sinabi ko. Narinig ko pa ang sunod-sunod na
mura niya. Napatawa ako ng mahina nang marinig ko pagtakbo nito palabas. Mukhang
natataranta talaga siya eh. Natakot ata sa sinabi ko.

Mabilis naman siyang nakarating at hinihingal pa siya. Tumakbo ata siya para
makarating siya agad dito.

"Here. Damn. I will burn that fuckin' shop! They're so slow!" iritang sabi niya

Kinuha ko sa kamay niya ang Vanilla Frappe at ininom agad iyon. Naupo naman siya sa
tabi ko at humihingal na sumandal. Tinignan ko siya nang mahiga siya sa kandungan
ko.

"Bakit ba hinihingal ka?" takang tanong ko

"Puno yung elevator kaya naghagdan nalang ako." sagot nito

Napangiti nalang ako sa sinabi niya at pinunasan ang pawis niya. Kinuha naman niya
ang kamay ko at hinalikan ang palad ko habang nakatingin sa mata ko.

"You're blushing." nakangiting sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya

"Tumigil ka nga." namumulang saway ko sa kanya

"I will tell you something but please stay calm, okay? I don't want to keep this
from you." seryosong sabi niya

Napaseryoso na rin ako nang mapansin ang pagiging seryoso sa boses niya.

"Ano ba yun?" tanong ko sa kanya at sumipsip sa frappe ko

Naupo siya at pinagsalikop ang kamay naming dalawa bago siya nagsalita.

"It's about Cara. She is Nerissa's daughter."

What? She's what?

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. There's something about Cara that's been
bothering me before. Alam kong may tinatago siya pero hindi ko alam na...anak siya
ni Nerissa.

Posible kayang plano nila na paghiwalayin kami ni Van gamit si Cara? Is this her
reason?

Hindi kami pwedeng magtiwala nalang but I think, I should talk to Cara about this.
I need to know the truth from her.

"Are you serious?" seryosomg tanong ko kay Van

"Yes. Anak siya ni Nerissa sa boyfriend niya noong college."

"Pero paanong hindi alam ng mga tao? I mean, walang nakakaalam na may anak siya."
Anong dahilan niya para ilihim si Cara sa mga tao? Alam kaya ito ng tatay ko?

Pero hindi ba may relasyon sila noon ni tatay noong college sila? I mean, posible
kayang kapatid ko si Cara? Ang alam ko si tatay ang karelasyon niya noon bago sila
maikasal ni nanay.

"She's an unwanted child, Xandra. Nerissa wanted to have a son para makuha ang
buong yaman ng Alameda. Nagtagumpay siya noong mabuntis siya ng dating nobyo pero
nag-asawa bigla ang nobyo niya. Importante ang lalaking anak sa mga Alameda.
Gregory Alameda wants a grandson from Nerissa pero nabigo siya doon. But despite
what happen, tinanggap niya si Cara pero hindi nila nilalabas sa media or sa public
dahil ayaw ni Nerissa. Nang magtagumpay si Nerissa na malason ang daddy niya,
pinalayas niya sa mansyon si Cara."

Napakuyom ako ng kamao sa nalaman ko. She's crazy and she's so evil. Paano niya
nasisikmurang gumawa ng ganoong kasamang bagay? Katulad niya ang hayop na tatay ko.
Pareho sila. Mga mamamatay-tao.

"We need to get Cara. She's in danger." kabadong sabi ko

Baka may gawin silang masama kay Cara. She's pregnant. Kahit na bitch iyon at inis
ako sa kanya, buntis pa rin siya.

"We can't do that, Alexandra. Malalaman nila na may alam tayo." seryosong sabi niya

"B-But Van! Baka mapahamak--" he cuts me off

"Shut it, Alexandra. Ikaw ang mapapahamak kapag ginawa natin iyon. Nerissa and
Vincent are trying to kill you." nagpipigil ng sigaw na sabi niya

Nakagat ko ang labi ko at napayuko sa sinabi niya. He's right. Pero hindi ko nalang
pwedeng pabayaan si Cara. She still need protection. Alam kong mabait siya at baka
ginagamit lang siya ni Nerissa.

At kung tama ang hinala ko, maaaring kapatid namin siya ni Adonis.

"I-Is she my sister, Van?" mahina ngunit madiin na tanong ko

Tinignan ko siya nang nanahimik siya sa tanong ko.

"I'm asking you Van!" hindi ko napigilang magtaas ng boses

"Let's stop this conversation, Alexandra." malamig na sabi niya

Napailing ako sa sinabi niya at masama siyang tinignan. Alam kong may tinatago pa
siya sakin. Ramdam ko yun.

"Tell me truth!" galit na sabi ko sa kanya


Tumayo siya at nagtungo sa pinto. Papalabas na siya nang magsalita ako.

"Paglabas mo sa pinto na yan, wala kang aasahan na asawang uuwi sa'yo." matigas na
sabi ko

I know I shouldn't say such things but he's pushing me to my limits. Alam ko rin na
hindi ito ang tamang lugar para mag-away kami lalo na at nakaratay ang kapatid ko,
isa pa, naririnig ni Mikaela ang pag-aaway namin.

Marahas na lumingon sakin si Van at masama akong tinignan pero nilabanan ko ang
tingin niya.

"Are you threatening me, Zea Alexandra?" mariin na tanong nito

"I just want to know the truth! Why do you need to keep it from me?! Bakit?!
Nalaman mo rin ba na anak mo nga ang pinagbubuntis niya?!" galit na sigaw ko sa
kanya

I can't control my emotions anymore. Konting konti nalang alam kong tuluyan na
akong sasabog sa galit kay Van. I'm not like this pero hindi ko alam kung bakit
nadadala ako ng emosyon ko.

"What the fuck, Alexandra?! How many times do I have to tell you?! That child is
not mine!" he snapped

Hindi ko na napigilan ang luha ko nang magtaas siya ng boses sakin. Why is he
yelling at me? Hindi naman siya ganyan dati eh.

"Why are you yelling at me? I'm just asking you tapos nagagalit ka na!" umiiyak na
sabi ko sa kanya

Napamura siya nang makita akong umiiyak kaya hinila niya ako at pinunasan ang luha
ko pero tinutulak ko lang siya. Pilit niya rin akong niyayakap pero pumipiksi ako.
Naiinis ako sa kanya. Galit ako sa kanya.

"I'm sorry. I didn't mean to yell at you." malambing na sabi nito nang tuluyan na
niya akong nayakap

Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak. Yumakap ako sa kanya pabalik.
Humiwalay siya sakin ng kaunti at hinawakan ang baba ko kaya napatingala ako sa
kanya. Sumisinghot ako habang pinunasan niya ang pisngi ko gamit ng panyo niya.

"I'm sorry. Please stop crying." masuyong sabi niya at hinalikan ako sa noo

"Sagutin mo muna tanong ko." sumisinghot na sabi ko sa kanya

Napabuntong-hininga siya nang mapansin niya na hindi ako susuko hangga't hindi ko
nalalaman ang totoo. Hinawakan niya ang pisngi ko at huminga muna ng malalim bago
nagsalita.

"Yes. She's your half-sister."


~ * ~ * ~ * ~

And to clarify Cara's relationship to Zea. Ganto ang timeline kaya mas matanda si
Zea.

Nabuntis ang nanay ni Zea ng tatay niya noong college sila pero mag-gf sila ni
Nerissa. Hindi pa buntis si Nerissa nito. Pinilit silang ikasal at pinaghiwalay ang
tatay ni Zea at Nerissa kasi nga nabuntis na yung nanay niya.

Then, habang kasal sila, yung tatay ni Zea, nagcheat sa nanay nila at
nakipagrelasyon ulit kay Nerissa kasi nga lablab niya yon. HAHAHAHAHAHAHA. Basta
ganon. Tapos syempre tinago nila tapos namamangka sya sa dalawang ilog at binuntis
ulit yung nanay nila Zea kaya may Adonis.

Bakit ayaw ng tatay nila kay Zea? Kasi nga sinisisi siya na dahil nagbuntis sa
kanya nanay niya, pinilit sila ikasal. Syempre di niya kasalanan 'yon pero baliw
lang talaga si Nerissa at yung tatay nya.

- L a d y C o d e 🤍

Chapter 32

Zea's POV

Mag-iisang linggo na kami dito sa hospital at naging maayos na ang vital signs ni
Adonis sabi ng doktor. Isang linggo ko na rin mula nang malaman ko na kapatid ko
pala si Cara. Napakasama talaga nilang dalawa para saktan si Cara.

Nakadalaw na rin si nanay sa hospital at madalas dito siya natutulog lalo na pag
kailangan naming pumasok ni Van sa opisina. Technically, secretary pa rin niya ako.

At kasalukuyan kaming nag-aaway dahil sa punyetang bagong secretary niya. Kumuha


siya ng bago para daw mabawasan ang trabaho ko. Shit lang. Nagegets niyo ba ako?
Ayoko ng may iba siyang secretary lalo na pag BABAE! Hindi lang basta BABAE!
BABAENG PUGITA NA MALANDI!

"Fire her." madiin na sabi ko

"Alexandra, she's my secretary." seryosong sabi niya

"Dati naman lagi kang nagpapalit ng secretary ah! I am still your secretary!" inis
na sabi ko sa kanya

"Listen Alexandra. Alam kong busy ak kay Adonis at busy din ako sa kompanya at sa
imbistigasyon na hanggang ngayon wala pang pinapatunguhan dahil nagkukulang sa
ebidensya." naiinis na sabi niya

Kita niyo na! Siya pa ang naiinis sakin samantalang siya ang may kasalanan!

"Tangina naman Van! Pwede namang lalaki ang kunin mo bilang secretary mo!"
pagpipilit ko pa rin dahil ayoko talaga sa babaeng iyon, MALANDI
Napahilot siya sa sentido niya na parang sumasakit na ang ulo niya sakin. Siya pa
ang sumasakit ang ulo, eh ako nga ang napeperwisyo dahil dyan sa secretary niyang
higad!

"Your language Alexandra." nagbabantang sabi niya

Kinunutan ko siya ng noo at humalukipkip sa harap niya. Naiirita talaga ako sa


kanya!

"Ano nanamang problema mo?!" inis na tanong ko

Pati pananalita ko sinisita niya. Lahat anlang napapansin niya.

"Alexandra, magpalamig ka muna ng ulo. Please. I have a lot of works to do."


nakukunsuming sabi niya

Sinasabi ba niya na distraction ako sa trabaho niya? Na nakakaabala ako sa kanya?!

"So nakakaabala pala ako sa TRABAHO mo? Hiyang hiya naman ako!" mataray na sabi ko

Bumuntong-hininga siya at tinignan ako ng seryoso.

"Alexandra, that's not what I meant. Why are you so mad at me?" seryosong tanong
niya pero halata sa boses niya ang pagtataka

Hindi ko sinagot ang tanong niya nang may mapansin ako sa kanya na mas lalong
ikanainis ko.

"You're not calling me 'Witch' anymore!" inis na sabi ko sa kanya

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at kitang-kita ko kung paano unti-unting nauubos
ang pasensya niya.

"Last time I called you 'Witch', you yelled at me and didn't talk to me all day.
Please Alexandra. Ayokong mag-away tayo. Umuwi ka na muna." nagtitimping sabi niya

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya at naiiyak na tinignan siya. Pinapauwi nanaman
niya ako!

"Ayaw mong mag-away tayo? Inaaway mo na nga ako eh! T-Tapos pinapauwi mo pa ako!"
naiiyak na sumbat ko sa kanya

Lumambot ang ekspresyon niya nang makita na naiiyak na ako at marahas siyang
napabuga ng hangin.

"Don't misunderstood the words I said--"

"Sinasabi mo bang hindi ako makaintindi?! Ha?! Yun naman ang pinupunto mo eh! Bakit
hindi mo nalang diretsuhin?!" galit na sabi ko sa kanya

Napasabunot siya sa buhok niya sa inis at napahilamos ng mukha kaya mas naiyak ako.
Galit nanaman siya sakin!

"You're being unreasonable, Zea Alexandra!" hindi na niya napigilan ang pagtaas ng
boses niya

Sinisigawan nanaman niya ako tapos tinawag niya akong Zea Alexandra. Hindi na siya
malambing sakin tapos hindi na niya ako tinatawag na witch. Dumating lang yung
higad niyang bagong sekretarya nagbago na siya sakin!

"Nakakainis ka! Nakakainis ka!" sigaw ko at binato sa kanya ang throw pillow na
nasa couch

"Shit! Stop it!" Inis na sabi niya

Kinuha ko ang last na throw pillow at buong pwersa ko na sanang ibabato sa kanya
nang tuluyan na siyang sumigaw sakin.

"I SAID STOP IT!"

He yelled at me. He actually yelled at me! As in sigaw! You know, yung sigaw na may
kasamang galit. Sinigawan nanaman niya ako! Nakakasawa na ang ugali niya.

"I hate you! Freak! Freak!" umiiyak na sigaw ko sa kanya at pinadyak ko pa ang paa
ko sa sobrang inis ko

Napabaling ang atensyon ko sa pinto nang bumukas ang pinto at pumasok yung higad na
sekretarya niya. Pinunasan ko ang basang pisngi ko dahil mas lalong uminit ang ulo
ko nang makita siya kaya bago pa siya makapagsalita, ibinato ko sa kanya yung throw
pillow na ibabato ko sana kay Van.

"What the fuck?" inis na sabi niya at tinignan ako ng masama

Inis ko siyang tinignan at tinulak sa gilid. Muntik pa siyang matumba pero hindi ko
pinansin.

"Bitch!" inis na sabi ko at nag-middle finger sa kanya

Nanlaki naman ang mata niya nang sumigaw si Van.

"ALEXANDRA!"

Tinignan ko lang siya tapos inirapan. Magsama sila ng kabit niyang higad! Magsama-
sama silang lahat! Arghhhh!

Sumunod sakin ang mga bodyguards ko. Yes, KO. Dahil ang nakakainis na asawa ko,
kumuha ng bodyguards para sa akin na talagang kinakainit ng ulo ko. Humarap ako sa
apat na lalaki at sinamaan ko sila ng tingin.

"Wag niyo akong sundan!" inis na sabi ko

Hindi sila umimik at blanko lang silang nakatingin sa unuhan ko. Napangisi ako nang
may maisip akong ideya. Kanina ko pa sila gustong takasan eh.

"May baril siya! Someone's going to kill me!" sigaw ko at tinuro ang likuran nila

At dahil dakilang uto-uto sila, lumingon sila at nilabas ang mga baril nila.
Mabilis na tumakbo ako papunta sa elevator habang busy sila sa paghahanap ng
'kriminal' kuno. Natawa nalang ako nang makababa ako ng lobby. Basta, naiinis pa
rin ako kay Van.

Pumunta na ako sa parking lot at pinaharurot ang kotse ko. May balak akong puntahan
at alam kong pipigilan nila ako pag nalaman nila kaya tinakasan ko sila. Masyado
silang nakakainis.

Kailangan kong puntahan si Cara at makausap. Hindi ko siya makausap dahil lagi
akong bantay sarado. Hindi ko rin makausap si Eugene dahil kasabwat niya si Van!
Nilalayo nila ako kay Cara.

She's a bitch but she's still my sister! Hindi ako pwedeng maupo nalang habang nasa
panganib sila ng pamangkin ko. I need to know everything.

Alam kong may sinabi na siya kila Van at Eugene. Handa na siyang makipagtulungan
samin pero hindi nila sinasabi sakin ang totoo! Mula noong nalaman ko na kapatid ko
siya, naging malihim na sila at kaunti lang ang impormasyon na sinasabi nila.

Dumaan muna ako sa chowking dahil gusto ko ng chao fan at siomai. Medyo gutom na
kasi ako.

"Good morning ma'am. Ano pong order nila?" nakangiting tanong ng babae

"Beef chao fan with fried siomai. Tsaka iced tea." nakangiting sagot ko rin

Nagbayad na ako at naghintay ng ilang minuto para dumating ang order ko. Binilisan
ko ang pagkain dahil siguradong hinahanap na ako ni Van at baka mamaya ipatawag na
niya ang lahat ng sundalo para hanapin ako. Knowing how paranoid he is.

Kanina ko pa naririnig ang pagring ng cellphone ko kaya pinatay ko. Knowing my


husband, baka ipa-track niya ako.

Nagpunta na ako sa bahay ni Cara pero agad din akong napaatras ng sasakyan nang
makita ko ang kotse ng bodyguards ni Van. Damn. Naunahan nila ako.

Nag-U turn ako at umikot dahil mukhang paalis naman na sila. Hindi nila ako pwedeng
makita. Nang makaalis na sila tsaka ako dumiretso sa bahay ni Cara at nagpark sa
tapat ng kabilang bahay. Napatingin ako sa paligid baka may mga tauhan siya sa
paligid. Nang masiguro kong wala, agad na kumatok ako.

Bumukas ang pinto at bumungad sakin ang gulat na gulat na mukha ni Cara. Pumasok na
ako agad at sinarado ang pinto.

"Z-Zea? Nanggaling dito yung tauhan ni Enrique." gulat na sabi niya

"Cara, we need to talk." seryosong sabi ko at naupo na

"Tungkol saan? Nasabi ko na ang lahat ng nalalaman ko!" kunot-noong tanong niya

"Hindi nila sinasabi sakin ang totoo, Cara! I need to hear the truth from you! Tell
me, everything. Including the father of your child. And we need to leave here as
soon as possible! You're in danger!" mabilis na sabi ko sa kanya

"Mapapahamak kayong lahat pag sumama ako sa'yo!" galit na sabi niya

"Paano ka?! Paano ang pamangkin ko?! Hindi ka pwedeng maiwan dito! They will kill
you lalo na pag nalaman nila na bulilyaso na ang plano nila!" matigas na sabi ko sa
kanya

Napabuntong-hininga siya at napatango sa sinabi ko.

"Tell me. Everything." seryosong sabi ko sa kanya

Pinagsalikop niya ang kamay niya at yumuko. Halata ang kaba sa kanya at ang takot.

"Yung nangyari sa amin ni Enrique. It was just a set-up. Si mommy ang may pakana
noon. Ayokong maging sunud-sunuran sa kanya pero sabi niya kikilalanin na niya
akong anak pag ginawa ko yun kaya pumayag ako. Akala ko yun lang ang ipapagawa
niya. U-Until nakilala ko si Eugene at may mangayari samin. I-I got pregnant at
nalaman iyon ni mommy. They used me to distract you. Balak nilang nakawan ang
kompanya ng asawa mo. Too bad dahil masyadong matalino si Enrique kaya hindi sila
makakuha ni katiting."

Tumango ako sa kanya encouraging her to continue. Nakahinga ako ng maluwag nang
malaman na wala talagang nangyari sa kanila ni Van at hindi siya ang ama ng abtang
pinagbubuntis niya.

"I-I love Eugene, Zea. B-Believe me. Ayokong gawin to lalo na nang malaman ko na
anak ka rin ni d-daddy pero tinakot niya ako na papatayin ang baby ko at si Eugene.
Knowing her, she can do that. N-Natakot ako kaya ginawa ko ang utos ni mommy. I-I
was so scared when I first saw you. Akala ko magiging madali dahil ganon naman lagi
diba? Pag nakabuntis ang asawa mo, ang initial reaction mo, ay iwan siya. But you
fight for it kaya mas nahirapan ako. I was mad at you dahil hindi ko matapos ang
pinapagawa nila dahil masyado kang matigas. D-Despite all those things I did,
naging mabait ka sakin. Samin ng baby ko. I wanna tell you the truth pero bigla
ulit akong pinuntahan ni mommy at pinagbantaan. Hindi ko inasahan na magbestfriend
kayo ni Eugene at hindi ko inasahan ang pagkikita namin sa araw na iyon."

Naupo ako sa tabi niya at inalo siya. Napakasama talaga ni Nerissa.

"I-I'm sorry, Zea. I'm very sorry." umiiyak na sabi niya

Niyakap ko siya at inalo. Ganito pala ang feeling ng may kapatid na babae. Ang gaan
sa pakiramdam lalo na pag alam mong okay kayo.

"Cara, ayokong mapahamak ka. Sumama ka sakin." yakag ko sa kanya

"P-Pero paano si Enrique? Magagalit siya sakin." nag-aalangang sabi nito

"Ako na ang bahala sa kanya. We need to--" napahinto ako sa pagsasalita nang
marinig akong kalabog

Nagkatinginan kami ni Cara. Namumutla ang itsura niya at bakas ang takot sa kanya.

"Do you have a gun?" tanong ko sa kanya

Mabilis na umiling siya sakin kaya tinaas ko ang palda ko at kinuha ang baril.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang hawak ko. Of course I'm prepared. Marahan ko
siyang hinatak sa kusina at kinuha ang tatlong matulis na kutsilo na nakita ko.
Kailangan may back-up.

Napatago kami sa gilid nang may mga armadong lalaki na pumasok. Sinenyasan ko si
Cara na wag gumawa ng ingay.

"Wala na siya dito! Nawawala siya! Hanapin niyo!" utos ng lalaki

Nakahinga kami ng maluwag nang umalis na siya. Napatingin ako kay Cara nang
humigpit ang kapit niya sa braso ko. Mabilis ang naging kilos ko nang may makita
akong lalaki na nakangisi samin.

Magsasalita pa sana siya nang ihagis ko sakanya ang kutsilyo. Napamura ako nang
tumama iyon sa noo niya. Shit. It's a self-defense!

Hinila ko na palabas si Cara at tumakbo na kami papunta sa kotse ko nang makita


kami ng isa sa kanila.

"Tumatakas sila!" sigaw nito


Napasigaw si Cara nang may nagpaputok ng baril.

"Get in the car!" sigaw ko sa kanya

Nakapasok na siya sa kotse kaya nagmadali na rin ako. Pinaandar ko na ang kotse ko
at pinaharurot. Nanlaki ang mata ko nang makitang may sumusunod samin na moter at
may dalang baril.

"Fuck. Mag-seatbelt ka, Cara!" sigaw ko nang makitang hindi siya nakaseatbelt

Sumunod naman siya sa sinabi ko.

"Hawakan mo ang manibela!" utos ko sa kanya

"Hindi ako marunong magdrive!" natatarantang sabi niya

"Basta ikaw ang bahala sa manibela! Wag mong ibangga!" sigaw ko

Sana pala kinuha ko yung ferrari ni Van. Mas mabilis yun. Shit. Mabuti nalang at
automatic ang dala ko kaya hindi kailangan mag-kambyo. Nilusot ko ang ulo ko at
inasinta ang gulong nila.

Natamaan ang dalawang motor pero namintis doon sa isa dahil biglang gumewang ang
kotse. Napatingin ako kay Cara nang sumigaw siya.

"Zea! Shit!"

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang motor na nasa tapat namin at itinataas
ang baril. Tumama sa backseat ang bala nang mas binilisan ko ang pagpapatakbo.
Shit. Shit. Hinawakan ko na ang manibela at napatingin sa rearview mirror.

May apat pang sumusunod samin at nagpapaputok nanaman sila. Napapayuko kami ni
Cara. Mabuti nalang wala kami sa mataong lugar kaya walang inosenteng natatamaan ng
bala.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang power niya.

"Hawakan mo yan! Tawagan mo ang asawa ko!" natatarantang utos ko

Sinubukan kong asintahin ulit sila pero hindi ko maasinta dahil hindi ko sila
gaanong makita. Baka matamaan ako ng bala pag nilabas ko ang ulo ko.

"Enrique! Help us!"

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang sigaw ng asawa ko sa kabilang linya at
ang malakas na pagmumura niya.

"VAN! FUCK! MAY SUMUSUNOD SAMIN! THEY'RE TRYING TO SHOOT----SHIT!" sigaw ko nang
nagpaputok nanaman sila

[WHAT?! WHERE THE FUCK ARE YOU?! FIND MY WIFE YOU FUCKIN' MORONS! TRACK HER!]

Sinabi ko kung saang lokasyon kami ni Cara. At panay ang mura at sigaw niya sa
kabilang linya.

[YOU BETTER ARRIVE HERE ALIVE, WOMAN! WE HAVE TO TALK ABOUT A LOT OF THINGS! SHIT!]
sigaw niya
Hindi ko mapigilang kiligin sa kanya pero nawala ang ngiti ko nang mabasag ang
salamin sa likod ng kotse. Shit. Ilang metro pa ang layo ng back-up namin!

Nakita kong diretso ang daan kaya pinahawak ko ulit ang manibela kay Cara at
inasinta ang nasa likod na motor. Natamaan siya at sumemplang pero may sumunod
ulit.

Dalawa nalang sila. Tinulak ko si Cara nang magpaputok siya. Mabuti nalang at hindi
nauntog si Cara.

Natatanaw ko na ang mga kotse at madaming tauhan ni Van kaya napangiti ako.
Godness. Napamura ako nang may magpaputok muli at malapit na siya sa pwesto ko.
Pinagitnaan nila kami at sa distansya nila, tatagos ang bala at siguradong tatamaan
kami.

Napatingin ako sa gilid ko at sa gilid ni Cara. Napakapit sakin nang mahigpit si


Cara. Malapit na kami kaya binagalan ko na ang takbo pero nasa tabi pa rin namin
sila. Napatingin ulit ako sa motor sa tapat ko at ang distansya kung nasaan ang
ilang tauhan nila Van. Pinaharurot ko ang kotse ulit.

Shit. It's now or never.

"Yuko!" sigaw ko kay Cara at pinapatukan ang lalaking nakasakay sa motor na nasa
tapat niya

Kasabay ng pag-apak ko sa break ay isang malakas na putok at ang pagsigaw ni Cara.


Hindi ko mapigilang mapangiti nang marinig ko kung ano ang sinigaw niya.

"ATEEEE!"

Then everything went black....

Chapter 33

Enrique's POV

Napamura ako nang makita kong pinagitnaan sila ng dalawang motor. Hindi kami
pwedeng magpaputok dahil baka matamaan nila ang asawa ko at si Cara. Fuck. Hindi ko
na dapat siya sinigawan kanina!

Napamura ako nang makita ko ang pagharurot ng kotse niya. What the fuck is she
doing?! Gusto ba niyang mabunggo kami dito?

She will fuckin' save Cara! I knew it. Hindi tinted ang kotse niya kaya kita ko ang
pagtaas ng baril na hawak niya. Where did she get that anyway? Shit. I will save
that question later!

Sobrang lapit na nila kaya tumakbo agad ako at pinaputukan ang lalaki na nasa tapat
ng asawa ko. I can kill anyone for my wife's safety!

"ALEXANDRA!" sigaw ko nang gumawa ng ingay ang paglangitngit ng gulong ng kotse


dahil sa pagpreno niya
Rumesponde agad ang mga tauhan namin at ang ilang pulis. Binuksan ko agad ang
driver's seat at kinuha ang walang malay na asawa ko. Bumaba naman agad si Cara at
lumapit samin.

"Aaaahhhh! E-Enrique!" sigaw niya

Nanlaki ang mata ko nang makita ang dugo sa hita niya. Binuhat siya ng tauhan ko at
pinasok sa kotse. Ipinasok ko rin ang asawa ko at pinaharurot ang sasakyan. Hindi
ako mapakali. Shit!

Agad na dinaluhan kami ng mga nurse lalo na si Cara. May gasgas siya sa noo tulad
ng asawa ko buti nalang at gumana ang air bag ng kotse. Dinala nila ang dalawa sa
ER kaya tinawagan ko agad si Eugene. Minura pa niya ako ng ilang ulit.

May nagbabantay naman kay Cara eh! Pero umalis pala sila dahil pinapahanap ko si
Alexandra. Natakot ako nang malaman ko na tinakasan niya ang mga bodyguards niya.

Napatayo ako nang makita ko si dad. Nakalimutan ko na magkasama pala kami kanina
noong pinuntahan si Alexandra.

"They almost got killed dad!" nanggigigil na sabi ko

"Nakakuha na tayo ng marami at matibay na ebidensya, Enrique. Inaasikaso na ng


tauhan natin ang kaso nila at ang hearing na magaganap." seryosong sabi ni dad

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti naman.

"Where's Cara?!" sigaw ni Eugene

"Nasa loob ng ER." tipid na sagot ko

"What the hell Enrique?! Pinaubaya ko sayo si Cara dahil sinabi mo maraming
nakabantay sa kanya at ligtas siya! Pero ano itong nangyari?!" sumbat niya sakin

Hindi ko mapigilang mainis sa kanya. Fuck him.

"My wife went missing! Tinakasan niya ang bodyguards niya at mas priority ko ang
kapakanan niya! Can't you see?! My wife is in that fuckin' room! Kung nahuli ako
kanina ng kilos ko, baka malamig na siyang bangkay dahil mas pinili niyang iligtas
si Cara!" hindi ko mapigilang sigaw sa kanya

Wala siya sa posisyon na sumbatan ako dahil gaya ng sabi ko mas priority ko ang
kaligtasan ni Alexandra.

"Calm down, both of you. Hindi kayo nakakatulong." kalmadong sabi ni dad

Nag-iwas kami ng tingin sa isa't isa. Sabay kaming napatayo nang may lumabas na
doktor.

"Sino pong kamag-anak ni Zea--" hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita

"She's my wife. How is she?" mabilis na tanong ko

Bumuntong-hininga siya sakin at umiling kaya kinabahan ako.

"Mr. Lewis, alam mo ba ang kalagayan ng asawa mo?" seryosong tanong niya

Buti nalang at napigilan ko ang sarili kong suntukin ang doktor na ito. Tanga ba
siya? Kaya nga nagtatanong diba?!

"I'm asking you so stop asking me!" galit na sabi ko sa kanya

Namutla siya pero agad namang nakabawi sa pagkagitla niya.

"Walang major damages sa kanya but you need to be careful, Mr. Lewis. She had a
mild bleeding dahil siguro sa pressure na nangyari sa katawan ng pasyente. Kung
pwede lang po ay wag niyo munang i-stress si misis. This is a critical stage for
her condition kaya ibayong pag-iingat ang kailangan." pormal na sabi niya

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kanina pa ako naguguluhan sa sinasabi niya.

"Critical? Condition?" takang tanong ko

"Yes. Magrereseta ako ng gatas at vitamins para maging malakas ang misis niyo.
Kailangan niya iyon para maging malusog sila ng bata pero kailangan pa ng tests
para malaman kung ilang weeks na ang bata sa tiyan niya."

Para akong nabingi sa sinabi niya. Bata? Anong bata?

"Wait, doc. Yung isang pasyente po iyong buntis." naguguluhang sabi ko

Kumunot ang noo niya sakin, "Hijo, hindi mo ba alam na buntis ang asawa mo?" tanong
nito

"N-No." gulat na sagot ko

May iba pa siyang sinabi pero hindi ko halos maintindihan dahil ang nasa utak ko
lang ay ang salitang, buntis. She's pregnant? Damn it. Muntik nanamang mawala ang
anak namin.

"Kamusta ho ang baby?" tanong ni Eugene

Mukhang si Cara na ang pinag-uusapan nila.

"The baby is fine. Mabuti nalang at malakas ang kapit ng bata."

Nag-usap pa sila doon habang ako tulalang nakaupo. Napaangat ako ng tingin nang
tapikin ni dad ang balikat ko. Nakangiti siya sakin pero hindi ko magawang ngumiti.
My wife is pregnant and I don't have any single idea about it!

Anong klase akong asawa? Ni hindi ko man lang alam na buntis siya. Her weird
cravings and her mood swings are the signs pero hindi ko napansin dahil subsob ako
sa trabaho at sa imbestigasyon.

Nilipat nila sa iisang kwarto si Cara at Alexandra. Sinabi ko na mag-sama nalang


sila sa iisang kwarto dahil baka magwala ang asawa ko at hanapin si Cara. I want to
be mad at her. I want to shout at Alexandra but I can't. Dahil alam kong may
pagkakamali ako. Tinago ko sa kanya ang nalalaman ko tungkol kay Cara kaya naging
curious siya at gumawa ng paraan para malaman ang totoo.

I should've consider her feelings for her sister. Mabuti nalang at ligtas sila ng
anak namin.

Ang bakla pakinggan pero naiiyak ako sa saya tuwing naaalala na may anak na kami.
Hinaplos ko ang tiyan niya at napangiti habang hawak ang kabilang kamay niya.

"Congrats, anak." nakangiting sabi ni daddy


Zea's POV

Pinapakiramdaman ko muna ang paligid bago ako unti-unting magmulat ng mata.


Napapikit din ako agad nang masilaw ako dahil sa ilaw. Gumalaw ako para makaupo
nang mapansin ko ang kamay na nakahawak sa kamay ko. Napangiti ako nang makita na
si Van pala iyon.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto nang makita ko ang isa pang kama at doon
naman nakahiga si Cara.

"Zea, gising ka na pala. Do you need anything?" tanong ni Eugene na kakalabas lang
ng banyo

Ngumiti ako sa kanya at marahang umiling. Hanggang ngayon di pa rin ako sanay na
makitang lalaking-lalaki siya.

"Alalang-alala sa'yo si Enrique kanina." Napahinto ako sa paghagod ng buhok ni Van


dahil sa sinabi niya.

"Kahit naman ako nag-aalala sa sitwasyon namin kanina ni Cara." mahinang sabi ko

Akala ko hindi na ako magigising dahil akala ko binaril ako nung lalaki.

"I wanna thank you for saving Cara." Nakangiting sabi ni Eugene at niyakap ako.
Yumakap ako sa kanya pabalik. I miss my bestfriend.

Napahiwalay kaming dalawa nang biglang magsalita si Van na nagising na pala.

"Will you stop hugging my wife?" masungit na sabi nito

Natawa kami ni Eugene sa kanya kaya tumaas ang kilay niya samin, in a manly way.
Naging lalaki lang si Eugene, pati siya pagseselosan na niya.

"Dude, she's my bestfriend." tumatawang sabi ni Eugene

"You're still a guy. At isa pa, malay ko ba kung may gusto ka pala talaga sa asawa
ko." masungit pa rin na sabi niya

Mas lalo lang natawa si Eugene aa sinabi niya. Bumalik na si Eugene sa tabi ni Cara
pero kumindat muna siya sakin. Nakita iyon ni Van kaya umismid siya kay Eugene.

Sumandal ako sa headboard ng kama nang makita kong seryoso ang mukha ni Van. Uh-oh.
I forgot. May kasalanan pala ako sa kanya.

"Why did you do that, Zea Alexandra?" seryosong tanong nito

Napasulyap ako kay Eugene para makita kung nakikinig siya. Tsismoso pa naman yan.
Pero nakatuon lang ang atensyon niya kay Cara na natutulog pa rin.

"I need to know the truth, Van. Ayaw niyong sabihin--" he cuts me off

"Dahil ipapahamak mo ang sarili mo. How many do I have to tell you to trust me?
Ilang ulit kitang pinagsabihan na wag kang aalis ng mag-isa." matigas na sabi niya

Tumalim ang tingin ko sa kanya. He want me to trust him? Hah. He's keeping secrets
from me!
"How can I trust you if you don't tell me the things I need to know? How can I
trust you if keep on keeping secrets from me? You know how much I tried to fight
for our marriage when Cara arrived in our lives! Pati ba naman ang katotohanan na
hindi mo anak ang dinadala niya ipagkakait mo sakin? Ilan pa bang babae ang
darating sa buhay natin na kailangan kong itaboy? Ilan pa bang babae ang magsasabi
na nabuntis mo? Hindi ka pa ba natuto, Van? Muntik na tayong maghiwalay noong
college dahil sa isang babae na nagsabing nabuntis mo but I trusted you dahil
sinabi mo hindi mo siya kilala! Pero nalaman ko rin isa siya sa naging mga flings
mo at ngayon nagtiwala nanaman ako sayo dahil naniniwala ako na hindi mo anak ang
batang dinadala niya! Is it too much if I ask you the truth? Yun lng naman ang
hinihingi ko sayo eh!" hindi ko mapigilang sumbat sa kanya

Napapikit siya ng mariin sa sinabi ko at sa mga salitang binitawan ko. Totoo naman
ang lahat ng sinabi ko eh. Hindi ko mapigilan na hindi siya sumbatan dahil sa
ginawa niya.

"Hanggang kailan ka ba magdududa sakin, Alexandra? I'm just protecting you!"


seryosong sabi nito

"Protecting me? From what? From my half-sister who is in danger? Alam mo na nasa
panganib ang buhay niya! Kahit anong gawin mo, madadamay ako dahil ako ang puno't
dulo ng gulong ito! Ako ang kailangan nila! Ako ang gusto nilang makuha at
mapatay!" inis na sabi ko sa kanya

"Kaya nga pinoprotektahan kita, diba? How can you be so narrow-minded? I am


protecting you from yourself too because I know how impulsive you can be! Kung
anong maisip mong gawin, gagawin mo nalang! Look what happened. Nandito ka sa
hospital at muntik ka ng mamatay!" nagtitimping sabi niya sakin

"Kung hindi ko yun ginawa, hindi ko malalaman ang totoo at baka ngayon patay na si
Cara!"

"Kung hindi mo yun ginawa, hindi mawawala ang mga nagbabantay kay Cara at hindi
kayo mapapahamak!"

"Sinusumbatan mo ba ako?" matigas na sabi ko sa kanya

"I'm not. I'm saying this to make you realize how dangerous it is for you to go
outside alone." mariin na sabi niya

Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip ako. Kahit anong sabihin niya, sa


pandinig ko, sinusumbatan niya ako!

"Hindi ko yun gagawin kung sinabi mo ang totoo."

No. I will not end this discussion. He need to admit what he did was wrong.

"Ginawa ko yun para protektahan ka."

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya lalo na nang makita ko ang mukha niya. I felt
the urge to be mad at him.

"Labas." matigas na sabi ko

"What?" gulat na tanong nito

"Labas." mariin na pag-uulit ko


"Why should I?" masungit na tanong nito

"Because I said so!" inis na sabi ko

Naiirita ako sa mukha niya.

"I won't!" pagpupumilit nito

"LABAS!" sigaw ko at marahas na kinuha ang unan sa likuran ko para ihagis sa kanya

Napatili ako nang namali ako ng pagkuha sa unan dahil alam kong mahuhulog ako.
Nakarinig ako ng mga kalabog at naramdaman ko ang mga bisig na yumakap sakin.

"Damn woman! Papatayin mo ba ako sa takot?!" singhal ni Van na nasalo ako mula sa
muntik kong pagkahulog sa kama

Hindi ako nakapagsalita dahil tulala ako at nakahawak sa dibdib ko. Alam niyo ba
yung ganun na feeling? Yung sobra kayong nabigla dahil muntik na kayong mahulog? Oh
god. Nanghihina ang tuhod ko dahil nagulat talaga ako.

Napatingin ako kay Van na mura ng mura at halata sa mukha niya ang takot, gulat, at
pag-aalala.

"Mag-ingat ka naman, Alexandra! Gusto mo bang magkaroo ako ng sakit sa puso dahil
sayo? Shit! May masakit ba sayo? Masakit ba ang tiyan mo? Si baby nandyan pa ba sa
tiyan mo? Di ka naman makukunan dahil dun diba?" natatarantang tanong nito

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Eugene dahil sa hitsura ni Van. Nakakatawa


kasi talaga ang hitsura niya na parang natatae na ewan at para siyang tanga sa mga
tanong niya. Pero wala doon ang atensyon ko dahil nagpanting ang tenga ko sa huling
sinabi niya.

"A-Anong baby?" mahinang tanong ko

Kumunot ang noo niya sakin bago siya nagsalita na halata ang pagtataka.

"So, you didn't also know that you're pregnant?"

Pregnant?

I'm pregnant?

So that explains my mood swings, cravings and dizziness. Pero late ata ang morning
sickness ko dahil hindi ako nagsusuka sa umaga.

Naalala ko ang nangyari kaninang engkwentro. Goodness. I put my baby in danger!

Chapter 34

Enrique's POV

Shit. Mura ko nang pabalibag na bumukas ang pintuan ng opisina ko na halos masira
ito. Tinignan ko kung sino ang salarin at napabuntong-hininga nalang. It's my wife.
Yeah. My wife.

Tumayo ako at lalapitan na sana siya nang samaan niya ako ng tingin. Kung
nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ako nakabulagta dito.

"HOW DARE YOU! AT TALAGANG PUMASOK KA TALAGA SA OPISINA MO! HINDI MO MAN LANG
NAISIP NA BUNTIS AKO!" galit na galit na sigaw nito

Napahilot ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya. Kanina sinabi ko sa kanya na


sasamahan ko nalang siya sa bahay pero pinilit niya akong pumasok sa opisina. Tapos
ngayon na pumasok ako, galit na galit naman siya.

Damn it. She's being unreasonable again. Hindi na talaga ako makapaghintay na
makapanganak siya. I just hate her mood swings.

"Wife, I'm sorry. Gusto mo bang umuwi nalang tayo?" mahinahon na tanong ko

Ayoko siyang patulan dahil alam kong dala lang yan ng pagbubuntis niya.

"Ako lang ang uuwi. Ikaw maiiwan dito. Pinapalayas na kita!" matigas na sabi nito

Fuck. I muttered silently. I really love having a child with her pero tingin ko
hindi na ako uulit dahil nakakatrauma ang ugali niya.

See? She kicked me out in my own house. Damn it.

"I'm sorry. Ikaw naman kasi---" Okay. Wrong choice of words again Enrique!

"At ako pa ang sinisisi mo?! Ha?!" naiiyak na singhal nito

Nataranta ako nang magsimula na siyang umiyak. Shit. Makakasama sa kanya ang ma-
stress.

"Please Alexandra. Calm down. Uuwi na tayo." pagpapakalma ko sa kanya at lumipat


pero lumayo lang siya sa akin

"Yung mga damit mo nasa labas na ng bahay!" galit na sabi niya at pinunasan ang
luha niya

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. She's not serious, right?

Lalabas na sana siya sa opisina ko nang humarap ulit siya sakin at inihampas sa
dibdib ko ang isang folder. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"What's this?" takang tanong ko

"Annulment papers." malamig na sabi niya at nagmadaling lumabas ng opisina ko

Tangina. Shit. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at napatitig sa folder na


iniwan niya. What the fuck?

Bumalik ako sa upuan ko at nanghihinang nilapag ang folder. She's being impulsive
again! I hope she didn't mean it!

Binuksan ko ang folder kahit labag sa loob ko. Napanganga ako nang makita kung ano
ang nasa loob.

May isang bond paper at may nakasulat na.


SORRY! I'M BORED, MY HANDSOME OGRE! BUT I STILL HATE YOU FOR LEAVING ME!

P.S. GO HOME AT EXACTLY 7PM OR I'LL BURN YOUR THINGS.

Nanghihina akong napasandal sa swivel chair ko. Akala ko seryoso siya sa


pakikipaghiwalay sakin. Magkakatrauma ata ako sa pagbubuntis niya. Araw-araw nalang
ata niya akong napapagbuntunan ng mood swings niya.

Napahilot ako sa sentido ko nang maalala ko na may hearing pala tungkol sa kaso
nila Nerissa at Vincent. They want my wife to testify as well as Cara pero hindi
kami pumayag ni Eugene. Kapwa sila buntis at ayaw namin silang ma-stress sa kaso
lalo na't sila ang pinag-iinitan ng Nerissa na iyon.

About Adonis. Two weeks na siya sa hospital pero hindi pa rin siya nagigising.

"Bro! Lalim ng iniisip mo ah!"

Napatingin ako kay Ethan na hindi ko namalayang dumating pala.

"Ang hirap pala pag buntis ang asawa." umiiling na sabi ko

Hindi ako nagsisisi na buntis siya pero pinagsisisihan ko na hindi ko inalama kay
mommy kung paano ihandle ang mood swings ng isang buntis. At ang isa pang
kinakainis ko, lagi niyang pinagtritripan ang doktor na iyon. Ako ang asawa niya
dapat sakin siya naglilihi! Pero lagi siyang galit sakin. Pag naglambing naman
siya, once in a blue moon.

"Nakasalubong ko nga sa lobby eh. Hahaha. Pinagtritripan nanaman niya yung mga
bodyguards niya." tumatawang sabi niya na parang nakakatawa talaga iyon

"What did she do this time?" nakakunot noong tanong ko

"Pffft! Pinagsasayaw niya sa gitna ng lobby yung mga bodyguards niya ng whoops
kiri." tumatawang sabi niya

Natawa nalang din ako sa sinabi niya. Alam ko naman na naiinis na talaga siya sa
mga bantay niya pero wala siyang magawa dahil sinabi ko na pag umangal siya,
dadagdagan ko sila kaya madalas, pinagtritripan niya.

Minsan nga bumili siya ng mga make-up tapos inayusan niya ang mga bodyguards niya.
Sasawayin ko sana siya pero tinignan niya ako ng masama at binantaan na susunugin
ang mga damit ko. Tsk.

"Buti hindi ikaw ang pinagtritripan ng misis mo, bro." natatawang sabi pa rin ni
Ethan

Napaismid ako sa sinabi niya. Anong hindi? Eh minsan nga gigising siya ng madaling
araw tapos magpapakwento siya, minsan naman pinapasayaw rin niya ako at
pinapakanta. Aminado naman ako na wala talaga akong talent sa sayaw at kanta.
Tatawanan niya ako tapos pag nagsawa siya sa kakatawa, bigla nalang siyang
matutulog ulit.

"Wala kang alam, bro. Nagpunta nga siya kanina dito sa opisina ko. Galit na galit
kasi iniwan ko raw pero kanina pilit niya akong pinapaalis sa bahay." naiiling na
sabi ko

"Hahahaha. Kaya ayaw kong mag-asawa eh." tumatawang sabi niya


Napahinto kami sa pagkwekwentuhan nang bumukas ang pinto ng opisina ko. Sabay pa
kaming napamura ni Ethan dahil pabalibag nanaman na binuksan iyon ng asawa ko. Sino
pa nga ba ang malakas ang loob na gibain ang pinto ng opisina ko?

"Freak! Punta tayo sa hospital! Gising na si Adonis!"

Napatayo ako sa sinabi niya at nagmadali ako na magpaalam kay Ethan para makapunta
sa hospital.

Zea's POV

Pabalibag na binuksan ko ang pinto ng hospital room ni Adonis kaya gulat na gulat
sila nang makita ako. Ewan ko ba at trip ko talagang mambalibag ng mga pinto lalo
na pag sa opisina ni Van.

Napatakbo ako papunta kay Adonis at niyakap siya habang umiiyak ako. Tahimik lang
siya pero hindi niya ako niyakap pabalik kaya humiwalay ako sa kanya at hinawakan
ang magkabilang pisngi niya.

"Adonis, ayos ka na ba? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba?" sunod sunod na
tanong ko pero nakatitig lang siya sakin

Confusion is written all over his face. Magsasalita pa sana ako nang tumabi sakin
ang asawa ko at kasunod niya ang isang doktor at nurse. May kung ano-ano siyang
ginawa kay Adonis at may nilista sa hawak niya na patient record.

"Kamusta ho ang anak ko?" tanong ni nanay

"Maayos na po siya pero kailangan pa niyang manatili dito ng ilang araw para ma-
obserbahan siya." sagot ng doktor

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Mikaela na nasa sulok at umiiyak. Hindi


siya lumalapit kay Adonis kaya nagtaka ako. Lalapitan ko sana siya nang magsalita
ulit si nanay.

"D-Doc, may amnesia ba ang anak ko?"

Napasinghap ako sa tanong ni nanay at napasulyap kay Adonis na tahimik pa rin pero
nakakunot ang noo. Lumapit ang doktor kay Adonis at tinanong ito.

"Hijo, alam mo ba kung anong pangalan mo?"

Umiling siya ng dahan-dahan.

"May kilala ka ba sa kanila?" tanong ulit ng doktor

Nilibot ni Adonis ang paningin niya at huminto kay Mikaela ang tingin niya na
umiiyak pa rin.

"Y-Yung babae. Nakikita ko siya palagi sa panaginip ko pero hindi ko siya kilala."
nakakunot noo na sabi niya habang nakatitig kay Mikaela

Napangiti ako ng tipid sa sinabi niya. Atleast, medyo pamilyar siya kay Mikaela.
Sobrang nahihirapan si Mikaela mula nang maaksidente ang kapatid ko at ayokong mas
lalo siyang mahirapan.

"Wala ka na bang ibang maalala?" paninigurado ng doktor

Umiling ulit siya. Tinignan kami ng doktor at ngumiti sa amin ng tipid.


"Nabagok ang ulo ng pasyente pero wala namang major damage sa utak niya. Sa case ng
isang comatose patient na kakagising lang, normal lang na magkaranas siya ng
temporary memory loss dahil sa trauma sa nangyari. Pero unti-unti rin na babalik
ang memories niya. We just need to wait for it." paliwanag nito

Tumango tango kami sa sinabi ng doktor. May binilin pa siya bago umalis at sinabi
niya na mag-a-undergo si Adonis ng therapy para mapabilis ang recovery niya. Kahit
na walang maalala si Adonis, nanatili sa tabi niya si Mikaela.

Ilang sandali pa ay dumating sila Paulo, Mark at Tim na malungkot nang malaman na
may temporary memory loss ang kaibigan nila. Dumating din ang mommy ni Mikaela pero
hindi ito nagtagal. Lagi itong dumadalaw kahit noong nasa coma pa si Adonis. Mabait
siya at nagkakasundo sila ni Nanay. Nakwento niya rin na pinakilala ni Mikaela si
Adonis sa mommy niya. Masaya ako dahil gusto siya ng mommy ni Mikaela.

"Grabe ka talaga, dude! Pagkatapos mo kaming iwan sa ere at humilata dyan ng


dalawang linggo, bigla ka nalang gigising tapos hindi mo na kami matandaan?! It
hurts talaga, dude! It hurts you know!" madramang sabi ni Mark at humawak pa sa
dibdib niya

Natawa kami sa kanya at binatukan naman siya nila Paulo. Si Adonis naman nakakunot
lang ang noo sa kanila.

"Ate..." biglang tawag nito sakin

Napangiti ako sa tawag niya sakin. Alam ko na nahihirapan pa siyang tanggapin ang
lahat at ang sinabi namin tungkol sa pagkatao niya atsa kung sino kami pero unti-
unti siyang nag-a-adjust para samin ni nanay.

"May kailangan ka ba?" masuyong tanong ko

Tumayo ako at pinalis ang kamay ni Van na nakapulupot sa bewang ko. Nakita ko pang
kumunot ang noo nito pero hindi ko na pinansin pa. Naupo ako sa kama ni Adonis at
hinaplos ang buhok niya tulad ng ginagawa ko dati noong bata pa siya.

"Gusto ko ng umuwi." malambot ang boses na sabi niya na animo batang naglalambing
sa nanay niya para mabilhan ng laruan

Hindi ko mapigilan matawa ng mahina sa kanya. Para siyang bata. Mas lalo akong
natawa nang makita ang itsura ng mga kaibigan niya dahil nakaawang ang labi nila.
Ngayon lang siguro nila nakita ang ganitong side ni Adonis dahil kadalasan ay
masungit siya. Si Mikaela naman napangiti lang sa isang tabi ganun din si nanay na
napapailing pa. Ang asawa ko naman nakakunot pa rin ang noo na akala mo inagawan ng
laruan.

Wait. Don't tell me he's jealous with my brother? Hahaha. He's crazy.

"Ate, sabi ko gusto ko ng umuwi." pag-uulit nito sa sinabi niya na may halo ng
iritasyon

"Hindi ka ba pwedeng umuwi. You need to stay here for a couple of days." malambing
na sabi ko sa kanya

"Naboboring na ako dito. Tsaka diba pumapasok pa ako?" pagpupumilit nito

Natigil ang kamay ko sa paghaplos sa buhok niya. Naalala ko na pumapasok pa pala


siya at gragraduate na siya. Dalawang linggo na pala siyang hindi pumapasok pero
inayos naman ni Van ang papers niya sa University nila.
"Don't worry about it, wife. I've settled everything and they will help Adonis to
catch up with his missed lessons." sabi ni Van na parang nabasa ang naiisip ko

Ngumiti ako sa kanya and mouthed 'thank you'. Tumayo siya at lumapit samin ni
Adonis. Nakangiti niyang ginulo ang buhok ni Adonis tulad ng lagi niyang ginagawa
noong teenager pa siya.

"You need to stay here for a week and attend some therapies. You need to recover as
soon as possible because you need to walk with your sister in the aisle on our
church wedding." ngiting-ngiti na sabi ni Van pero mahina niyang sinabi yung huling
mga salita kaya di ko narinig

Kumunot ang noo ko ng ngumiti sakin si Adonis tapos ngumisi kay Van. Kung wala lang
siyang amnesia baka maisip ko na nagpapanggap lang siya. Tsk. Nawala ang ngiti niya
nang tumayo si Mikaela at magpaalam.

"Kailangan ka na pong umuwi. Gagawa pa po kasi ako ng plates ko." malumanay na


paalam nito

Napatingin ako kay Adonis nang yakapin niya ako at bumulong.

"Ate, wag mo siyang paalisin." bulong nito habang nakanguso

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tinanong ko na siya.

"Bakit ayaw mo siyang paalisin?" bulong ko rin

Mas lalo siyang ngumuso at sumiksik sakin.

"Ate naman eh." mahinang sabi nito

"Bakit nga?" tanong ko ulit sa kanya

Napatingin ako kay Mikaela nang nagpaalam na siya kila nanay at sa mga kaibigan ni
Adonis.

"Hindi mo ba napapansin, Ate? Ang cute kaya niya tsaka diba sabi mo girlfriend ko
siya? Bakit siya aalis? Diba dapat nasa tabi ko lang siya? Dapat inaalagaan niya
ako, Ate! Bakit siya uuwi? Ate naman eh! Pigilan mo siyang umuwi! Di siya pwedeng
umuwi kasi may sakit nga ako!" malakas na sabi nito nang makita rin si Mikaela na
paalis na

Hindi namin napigilang mahagalpak ng tawa nila Van, nanay at mga barkada ni Adonis.
Rinig na rinig nila ang sinabi niya. Habang si Mikaela napaharap at gulat na
nakatingin kay Adonis. Naluluha ang mata nito pero maya maya ay napangiti na siya.
Namumula naman ang kapatid ko kaya pinigilan ko ang pagtawa ko at hinarap siya.

"Heart will remember what your brain forgot because love never fails. If it fails,
it's not love."

=======================

Few more chapters and then Epilogue naaaaa :))))

Thanks guys :*
Chapter 35

Zea's POV

Naiinis nanaman ako kay Van dahil umalis nanaman siya. Lagi nalang siyang umaalis
at laging may inaasikaso. Bukas makakalabas na ng ospital si Adonis at maayos na
rin ang lagay niya. Ngayon ang last therapy niya kaya okay na okay na siya pero
wala pa rin siyang natatandaan. Pati ang aksidente na nangyari sa kanya ay hindi
niya maalala.

Wala namang pagbabago sa kanya bukod sa nagsusungit siya kay Mikaela pero minsan
naman pag uuwi na ito, ang dami ng masakit sa kanya at ang dami na niyang reklamo.

Sa nakalipas na mga araw maraming nagbago, tulad nalang ng pagsabi sakin ni Jaxon
na kasal na siya at ang asawa niya ay si Reina. Remember her? Yung babysitter ni
Devon. Pero sinabi niya na wag ko munang ipaalam sa iba. Nainis ako sa kanya dahil
sinabi niya sakin ang rason ng pagpapakasal niya but it's his life, anyway.
Binalaan ko lang siya na wag niyang sasaktan si Reina. She's still young, innocent
and she's so kind.

May kumatok sa pinto kaya sabay kaming napatingin doon nila nanay, Mikaela at
Adonis.

"Ako na magbubukas, anak." sabi ni nanay nang tumayo ako para pagbuksan sana ng
pinto ang kumatok

Tumango nalang ako kay nanay at pinagpatuloy ang paghaplos ng tiyan ko. May maliit
na akong baby bump kaya gustong-gusto kong hinahaplos ito.

"Anak, si Aidan..." Napaangat ako ng ulo sa sinabi ni nanay at nakita sa likuran


niya si Aidan. Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya dahil ilang buwan ko rin
siyang hindi nakita.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko

"I just want to visit Adonis. At gusto ko sanang makausap ka kahit sandali lang."
sinserong sabi nito

Pumayag nalang ako sa sinabi niya. Gusto kong maayos na ang buhay ko lalo na at
magkakababy na kami ni Van. Ayoko ng magulong buhay para sa anak namin.

"Sino siya ate?" tanong ni Adonis na nasa tabi ko na pala at nakaakbay sakin

Kumunot ang noo ni Aidan at taka akong tinignan.

"He has amnesia." sabi ko kay Aidan nang makita ko ang pagtataka sa ekspresyon ng
mukha nito

"Oh. Musta naman siya?" tanong nito at nilapag sa mesa ang dala niyang prutas

"Ayos na siya at nakapag-therapy na kaya makakalabas na kami bukas." sagot ko rito


Tumango tango naman siya sa sinabi ko. Nagtanong pa siya tungkol sa aksidente na
sinagot ko ng makatotohanan. Kalaunan ay niyaya ako nito na mag-usap kami. Oras na
ng therapy ni Adonis kaya umalis na sila Mikaela at Adonis pati si nanay para
samahan siya.

Saglit kaming natahimik at nagpakiramdaman. Hanggang sa siya na ang bumasag ng


katahimikan.

"I'm sorry for everything, Zea." Nagulat ako sa sinabi niya dahil akala ko
pipilitin niya na balikan ko siya.

"Yung nakita mo na nakikipagtalik ako sa kotse ko, sinadya ko yun. I planned it."
pagpapatuloy nito

Tuluyan na akong humarap sa kanya at nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanya.

"W-Why Aidan?" utal na tanong ko sa kanya

Humarap din siya sakin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Namumula ang mata
nito tanda na naiiyak na siya. Sinsero ang mata niya na nakatingin sakin.

"I know how much you love Enrique, Zea. Alam kong minahal mo rin ako pero hindi mo
ako mahal tulad ng pagmamahal mo sa asawa mo. I've seen you crying while looking at
your picture with him a lot of times. Matagal ko ng alam na mahal na mahal mo siya.
Hindi ka naglalagay ng password sa cellphone mo kaya nang pakialaman ko yung
cellphone mo, nakita ko yung pictures niyo. I can see how much you love him.
Naramdaman ko yun nang makita ko ang mga litrato niyo. I can see how happy you are
with him. Yung mga ngiti na hinding-hindi ko nakita noonng tayo pa. Ngiti na hindi
ko kayang gawin sa'yo." pumipiyok na ang boses nito kaya napahinto siya sa
pagsasalita at huminga ng malalim bago nagpatuloy habang ako gulat sa mga naririnig
ko mula sa kanya

"Noon palang nagtataka na ako na napapiksi ka pag sinusubukan kong halikan ka. Lagi
kang umiiwas pag intimate situation na nangyayari. Pero mahal kita, Zea. Hindi ko
kayang pakawalan ka pero naisip ko na magkakasakitan lang tayo kung magpapatuloy
tayo. Gusto ko na ikaw ang humiwalay sakin dahil hindi ko kaya na hiwalayan ka.
Hindi ko kaya gumawa ako ng paraan para ikaw ang makipaghiwalay sakin. P-Pero
nakita ko na mas nasaktan ka sa ginawa ko kaya nang makita kita sa bar kinausap
kita. Isang buwan akong nangulila sa'yo at naramdaman ko na hindi ko kaya, Zea.
Hindi ko kayang mawala ka sakin kaya I tried to win you back but I was too late.
Bago pa pala kita makilala, may nag-mamay-ari na sa'yo."

Naramdaman ko ang luha niya sa kamay ko habang nakayuko siya. He's crying. He's so
vulnerable. Hindi ko kailanman naisip na ganun niya ako kamahal. Hindi ko na rin
napigilan ang pag-iyak ko dahil sa rebelasyon na sinabi niya.

"Zea, I want you to know that I love you so much. So much that it hurts letting you
go. Enrique love you so much. You deserve to be happy. You deserve that love, Zea.
I will start to move on from now on. I know there's someone who is right for me.
Baka natraffic lang ang babaeng yun o baka naman tulog pa, diba?" he tried to crack
a joke and laugh but it didn't reached his eyes

"Thank you, Aidan." masuyong sabi ko at umiiyak na niyakap siya

Niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang buhok ko tulad ng ginagawa niya noon.
Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Natawa pa ako sa hitsura niya
dahil lalaking-lalaki siya tignan pero ngayon namumula ang ilong at mata niya.

"I know you will be happy with your husband. Someday I can find my happiness too."
nakangiting sabi niya

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

"Aalis na ako at sa muli nating pagkikita, kasama ko na ang babaeng magpapasaya


sakin." sabi nito at pagak na tumawa

Hinatid ko siya sa pinto nang umalis na siya. Gumaan ang pakiramdam ko but I feel
sorry for him. At the same time, I feel thankful.

Dumating si Cara ng mag-isa hindi raw makakadalaw si Eugene dahil nasa site. Alam
na ni nanay ang tungkol kay Cara at sa pagiging magkapatid namin. Cara is two years
younger than me but she's older than Adonis. Pinakilala na rin namin siya kay
Adonis as our half-sister.

Akala ko magagalit si nanay sa nalaman niya na may kapatid kami sa labas pero
hindi. Ngumiti lang siya at sinabing matagal na niyang alam na may anak si tatay sa
labas. Tinanggap niya si Cara at sinabi na sa bahay nalang siya tumuloy lalo na at
buntis siya. Pero hindi pumayag si Eugene dahil gusto raw niyang alagaan ang mag-
ina niya.

Hindi nagtagal bumalik na rin sila Adonis galing sa therapy niya.

"Nay, may dala po akong caldereta para sa inyo." nakangiting sabi ni Cara

Napangiti si nanay sa kanya. Alam ni nanay ang lahat ng nangyari kaya pinilit niya
na tawagin siya ni Cara ng 'nanay' para daw maramdaman niya ang magkaroon ng ina.

"Ikaw na talaga ang paborito kong anak. Lagi mo akong pinagluluto ng caldereta eh."
natatawang sabi ni nanay

Namula naman si Cara na parang nahiya sa sinabi ni nanay kaya natawa kami at inasar
siya kaya mas lalo siyang namula.

"Ate Cara, diba buntis ka rin?" tanong ni Adonis

Tumango si Cara sa kanya at hinaplos ang medyo lumalaki ng tiyan niya.

"Ibig bang sabihin niyan, dalawa na ang pamangkin ko?" nakangiting tanong ni Adonis

Natawa kami ni Cara at natawa sa kanya. Excited na daw kasi niyang makita yung baby
ko eh pero mangungunang manganak sakin si Cara.

"Mikaela, may tanong ako." sabi ni Adonis kaya napahinto si Mikaela sa pag-aayos ng
kakainin ni Adonis

"Ano yun?" tanong niya habang nakatingin kay Adonis

"Nag-sex na ba tayo?" prangkang tanong nito

"ADONIS!" nanlalaking mata na saway ko sa kanya pero tinignan lang ako nito na
nakakunot ang noo

"Nagtatanong lang ako, Ate. Oy Mikaela. Bakit di ka makasagot?" sabi nito sabay
baling kay Mikaela na pulang-pula na ang mukha at gulat na nakatingin sa kanya

"Jusko Adonis! Wag ka ngang magtanong ng ganyan! Mahiya ka kay Mikaela!" saway sa
kanya ni nanay at hinampas siya sa braso
"Nay, nagtatanong lang---" pinutol ko na ang anumang sasabihin niya

"Hindi magandang tanong yan, Adonis." seryosong sabi ko

Napaiwas siya ng tingin nang makitang seryoso na ako.

"Mikaela, ginawa niyo na?" tanong naman ng pasaway na si Cara

"Cara!" saway ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako

Tinignan ko rin si Mikaela at ganun din si nanay pati si Adonis. Gusto ko ring
malaman eh baka mamaya bigla nalang akong magulat na buntis pala siya.

"H-Hindi po! Hindi po!" tarantang sabi niya at mabilis na umiling with matching
hand gestures pa na akala mo pinagbintangan siyang nagnakaw

Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya at ganun din si Cara na napapailing pa.

Napahinto kami sa pagtawa at sabay na napatingin sa pinto nang may marinig kaming
mga kalabog.

"Ano yun?" tanong ni Adonis

Nagkibit balikat ako at naglakad papunta sa pinto para tignan kung anong nangyayari
sa labas nang makarinig ako ng putok ng mga baril. Nagkatinginan kaming lima dahil
sa narinig namin. Nakayakap si Cara kay Mikaela habang nakayakap si nanay kay
Adonis.

Kitang-kita sa mukha nila ang takot na alam kong makikita rin sa ekspresyon ng
mukha ko.

Biglang bumukas ng marahas ang pinto kaya napatingin ako doon. Napaatras ako nang
pumasok si Nerissa na may dugo sa damit niya at may dalang baril na nakatutok samin
ngayon.

"M-Mommy..." nanginginig na sabi ni Cara

Humalakhak si Nerissa na parang baliw pagkatapos ay tinignan niya kami ng masama.

"Traydor kang babae ka! Isa kang traydor! Papatayin kita!" galit na sigaw niya at
tinutok ang baril kay Cara

"Nababaliw ka na!" sigaw ko sa kanya

Tumingin siya sakin at tinutok niya ang baril niya sakin.

"Peste ka talagang babae ka! Bakit hindi ka nalang namatay?! Kung sana ikaw ang
gumamit ng kotse edi hindi sana galit sakin si Vincent dahil nadisgrasya ang
pinakamamahal niyang unico hijo!"

Hindi ko mapigilan ang kilabutan at matakot sa mga sinabi niya. Napakasama niya.
Demonyo siya. Paano niya nasisikmurang gumawa ng masamang bagay?

"Napakasama mo talaga Nerissa! Tigilan mo na kami!" sigaw ni nanay sa kanya

Kay nanay naman niya tinutok ang baril. Mas hinila siya ni Adonis palapit sa kanya
at mababakas ang takot sa mukha nito.

"Hindi ko kayo titigilan hangga't hindi ako nakakaganti! Kasalanan niyong mag-iina
kung bakit hindi kami kinasal ni Vincent!" nanggigigil na sabi nito

Natatakot ako na baka maiputok niya ang baril sa sobrang gigil niya. Asan ka na ba
Van? Asan ka kung kailan kailangan ka namin?

Nakapa ko sa bulsa ko ang cellphone ko kaya pasikreto ko itong nilabas at pinindot


ang speed dial. Si Van lang naman ang nasa speed dial ko eh. Nag-riring lang ang
tawag ko nang sinulyapan ko ito kaya mas nainis ako. Tinignan ko si Nerissa nang
itutok niya ang baril kay Adonis.

Kitang-kita ang galit sa mata niya. Sinulyapan ko ulit ang cellphone ko at nakitang
sinagot na ni Van ang tawag ko. Hindi ko marinig kung may sinasabi siya sa kabilang
linya dahil hindi nasa likuran ko lang ang cellphone ko.

"IKAW! KASALANAN MO RIN KUNG BAKIT GALIT SAKIN SI VINCENT! ANG TANGA TANGA MO KASI!
KUNG HINDI KA SUMAKAY SA KOTSE NG ATE MO DAPAT PATAY NA ANG BABAENG YAN!" galit na
galit na sigaw niya

Asan na ba ang mga guards na nasa labas? Wag mong sabihin na pinatay sila ni
Nerissa. Ang dami nila sa labas ah. Baliw na nga talaga si Nerissa.

"Sino ka? Bakit galit na galit ka samin?" malamig na tanong ni Adonis

"Kawawa ka naman. Wala kang maalala. Wag kang mag-alala. Mamamatay na rin naman
kayo eh!" sabi nito at humalakhak

Pumorma siya na kakalabitin na ang gatilyo kaya tumakbo ako papunt sa kanya at
nakipag-agawan ng baril.

"ZEA!/ATE ZEA!" nag-aalalang sigaw nila nanay

"AH! PESTE KA TALAGA! PAPATAYIN KITA!" sigaw niya sakin

"UUNAHIN KITANG PATAYIN!" sigaw ko pabalik

Hinihila ko ang baril sa kanya at muntik na niyang sikuhin ang tiyan ko buti nalang
at nakaiwas ako. Pinilit ko pa ring makipag-agawan ng baril sa kanya pero
sinisigurado ko na hindi niya tatamaan ang tiyan ko.

"BITAWAN MO ANG BARIL KO! HAYOP KA!" sigaw nito

"MAS HAYOP KA DAHIL HALANG ANG KALULUWA MO!" sigaw ko sa kanya

*BANG!

Sabay kaming napahinto sa pag-aagawan ng baril nang aksidenteng nakalabit ang


gatilyo ng baril. Namumutla ko siyang tinignan na nakangisi sakin.

"ZEA! TULONG! ZEA!" sumisigaw na sabi ni nanay

"ATE!" sigaw naman nila Adonis

Nabitawan namin ni Nerissa ang baril habang nakaharap pa rin kami sa isa't isa.
Napatingin ako sa kamay kong puno ng dugo. Nakarinig ulit ako ng malakas na putok
ng baril na sinundan pa ng isa pang putok. Ngumisi sakin si Nerissa nang makita ang
kamay kong puno ng dugo habang ako takot na takot na nakatingin sa kamay ko.

But I know it wasn't my blood. It wasn't mine. It was Nerissa's blood.

Chapter 36

Zea's POV

Isang buwan....

Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang pangyayaring iyon na hindi ko
makalimutan. Nabaril ko si Nerissa at dumating si tatay. Sa kanya galing ang
pangalawa at pangatlong putok ng baril na narinig ko. He shot Nerissa.

Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya nang makita si Nerissa na nakahandusay sa


sahig.

"Hindi ako papayag na saktan mo ulit si Adonis! Not my son, Nerissa!"

Biglang dumating sila Van noon at ang mga pulis. Tumakbo si tatay palabas at
nakipagbarilan sa mga pulis. Nagkaroon ng engkwentro sa labas ng hospital. Nabaril
si tatay ng tatlong ulit na sanhi ng ikinamatay niya.

Kahit ganun si tatay, hindi ko mapigilang malungkot. Tatay ko pa rin siya kahit na
anong mangyari. Cara is mourning too as well as nanay. Walang lamay na naganap
dahil pina-cremate na namin siya agad. He brought tragedy in our family kaya hindi
namin magawa na paglamayan pa siya.

Si Adonis naman unti-unti ng bumabalik ang alaala niya nang makita si tatay. Sinabi
niya samin na nakita niya si tatay sa university at nag-usap sila. Humingi raw ng
tawad sa kanya si tatay dahil nasuntok niya ito noong kaarawan niya.

Nabalik ako sa reyalidad nang may yumakap sakin mula sa likuran ko.

"Witch, may pupuntahan tayong party mamaya. Ipapasundo kita sa driver natin." sabi
nito

Tumango ako sa kanya kahit na nagtataka ako kung anong gagawin namin sa party.
Hindi niya kasi ako pinapayagan na umalis alis ng bahay eh.

Humalik siya sakin bago magpaalam para pumasok sa opisina. Nagtataka ako minsan
kung bakit hindi pa siya bumibili ng bahay para samin. Ayoko namang magtanong dahil
baka akala niya nagrereklamo ako.

Naisip ko lang kasi na mas maganda kung may sarili kaming bahay at doon palakihin
ang anak namin kaysa dito sa condo.

Tumawag sakin si Van at sinabing magbihis ako ng maaga dahil 7pm ang start ng
party. Naghanap ako sa closet ng mahabang blue gown na flowy. Sabi niya kasi
magsuot ako ng gown eh. Lace ang mahabang manggas nito. Simple lang ang itsura niya
pero elegante. Tamang-tama lang sa akin iyon at sa baby bump ko na hindi halata
dahil sa style nito.
Naligo ako at nag-make up ng light bago magbihis. Nagsuot lang ako ng sandals dahil
hindi ako pwedeng magheels. Sinipat ko muna ang buhok ko na nakakulot sa dulo at
nakalugay bago ako lumabas ng condo.

Nakita kong naghihintay na sakin yung driver kaya sumunod na ako sa kanya. Nagtaka
ako nang makita kong limo ang sasakyan namin. Sumakay nalang ako at nagtext kay Van
na nasa daan na kami. Pinagbuksan ako ng driver nang makarating kami sa isang five
star hotel na pag-mamay-ari din nila Van.

"Adonis?" takang tanong ko nang makita ang kapatid ko sa entrance

"Hi Ate! Imbitado si Mikaela sa party kaya sinamahan ko siya. Nakita ko si Kuya
Enrique at sinabi niya na hintayin kita dito para daw may kasama ka." nakangiting
sabi niya

Nakaramdam ako ng kaunting tampo dahil hindi siya ang sumalubong sakin pero ayos na
rin kasi si Adonis naman eh. Namiss ko kasi siya.

Iginiya niya ako papunta sa function hall at pinagbuksan ng pinto. Sumalubong sakin
ang malamyos na musika. Maraming tao sa paligid at napatingin sila sakin nang
pumasok ako. Ang ilan sa kanila ay kilala ko dahil na rin sa pagsama ko sa mga
meetings ni Van dati.

Nawala na si Adonis kaya hinanap ng mata ko si Van pero hindi ko siya makita kaya
lumapit ako kila mommy nang makita ko sila. Ngumiti ako at humalik sa pisngi niya.

"Hiyang mo ata ang pagbubuntis, hija." nakangiting papuri ni mommy kaya napangiti
ako

"Magaling lang po ang taga-alaga ko." pagbibiro ko

"Syempre naman dahil pag hindi ka inalagaan ng asawa mo, itatakwil ko siya."
natatawang biro din ni daddy

"Si Van po pala?" biglang tanong ko

"Naku. Nandyan lang yun." sabi ni mommy at ngumiti ng makahulugan sakin

Napatingin kami sa stage nang magsalita ang emcee at tinawag ang pangalan ko. Ano
daw? Ako?

"Let's welcome Mrs. Zea Lewis." sabi nito

Tumango sakin sila mommy at ngumiti. Naguguluhan man ako, tumayo na ako at pumunta
sa stage. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko may nangyayari na hindi ko alam.

Biglang sumulpot sa tabi ko si Adonis at inalalayan ako sa pag-akyat sa stage.


Ngumiti sakin ang baklang emcee at pinatabi ako sa kanya. Tatanungin ko sana kung
anong nangyayari nang biglang mamatay ang ilaw at tanging ang ilaw lang na nasa
paligid ay ang projector na nasa may stage.

Napatitig ako doon nang biglang may lumabas na video. Pamilyar sakin ang video na
iyon. Ang scene ay nasa quadrangel kami ng university.

"Hoy ogre na freak! You're under arrest!"

"Ano nanamang trip yan, mangkukulam?"


"Nagprapractice na kasi ako sa paghuli ko ng kriminal."

"Do I look like a criminal? Sa sobrang gwapo ko walang magkakamaling isa akong
kriminal."

"Ayan! Kriminal ka talaga! Isa ka sa mga nasasakdal! Ilegal ang pagiging 'Gwapong
Gwapo Sa Sarili' hindi mo ba yun alam?"

"Ilegal din ang pambibintang. Gwapo ako kahit tanong mo si Michelle."

"Aba't! Sino ang babaeng iyon? Ha? Kita niyo na mga manonood, babaero siya diba?"

Tumigil ang video at napalitan iyon ng bago nanamang video. Ang mga video na
pinapakita nila ay noong college pa lang kami. Ang scene naman dito ay nasa may
bench kami habang nagbabasa si Van. Ano bang pakulo ito Van?

"Give me space, Van! Nasasakal ako!"

"Shut up, Alexandra. Saan mo nanaman ba nabasa yan?"

"Wag kang epal. Maki-ride ka nalang. Upakan kita eh. Umayos ka sa pagvivideo,
Eugene!"

Tumigil ulit ang video at napalitan nanaman. Ang scene naman ngayon ay nasa kusina
si Van habang ako papalapit sa kanya. Nasa condo niya kami niyan noong college days
namin.

"Silipin po natin kung paano magluto si Enrique Lewis."

"Shit! ALEXANDRA! Maghuhugas na ako ng pinggan basta ikaw na magluto dito! Aray!
Tumatalsik yung mantika!"

Natawa ako nang maalala ang nangyari sa araw na yan. Sinabihan ko kasi siya na
maghugas siya ng pinggan pero hindi siya naghugas. Hindi siya marunong magluto akya
ako lagi ang nagluluto tuwing nasa condo niya kami. Bilang parusa, siya ang
pinagluto ko.

Natapos ang video at lumabas ang mga pictures namin ni Van noong college. Noong
graduation namin at pareho kaming nakangiti sa isa't isa habang nakasuot ng toga.
Naririnig ko ang pagsinghap ng ilang mga bisita sa nakikita nila.

Pictures namin habang naglalambingan kami, may nakakiss siya saki, mayroon ding
nakaakbay siya sakin, mayroon pang nakangiti ako sa camera pero siya nakangiting
nakatingin sakin. Biglang may nagplay nanaman na video na tingin ko ay si Ethan ang
kumuha habang may hawak na bulaklak si Van papalapit sakin.

"Witch baby. Sorry na."

"Galit ako sayo!"

"Witch naman. Busy kasi ako sa thesis ko. Pinagbubutihan ko yung ginagawa ko kasi
para sa future natin yun. Alam mo naman na mahal na mahal kita eh."

"Heh! Hindi ka pwedeng maging sweet pag galit ako!"

"Bakit? Masama ba?"

"Oo masama. Nawawala ang galit ko eh."


Nawala ang video at napalitan nanaman iyon ng pictures namin. Pictures namin noong
graduation ball namin, noong nasa park kami at kumakain ng isaw, at marami pang
iba.

Biglang nawala ang ilaw na galing sa projector at may spotlight na lumabas. Tumapat
iyon sa lalaking kanina ko pa hinahanap. Marahan akong tinulak nung bakla papunta
sa gitna ng stage. Tumugtog ang kantang 'I Do (Cherish You)'

He started to sing too. Hindi ganun kaganda ang boses niya aminado ako doon pero
hindi ko mapigilang mapaiyak sa sobrang tuwa. He let everybody hear his voice even
he hates it. Para sakin sobrang ganda ng boses niya sa tenga ko.

All I am, all I'll be

Everything in this world

All that I'll ever need

Is in your eyes

Shining at me

When you smile I can feel

All my passion unfolding

Your hand brushes mine

And a thousand sensations

Seduce me 'cause I

I had a clue kung ano ang ginagawa niya ngayon. Hindi ko kailanman naisip na
gagawin niya ang bagay na ito.

I do cherish you

For the rest of my life

You don't have to think twice

I will love you still

From the depths of my soul

It's beyond my control

I've waited so long to say this to you

If you're asking do I love you this much

I do

Naglakad siya ng mabagal papunta sakin. I can't wait to hug him and kiss him.

In my world, before you

I lived outside my emotions


Didn't know where I was going

'Til that day I found you

How you opened my life

To a new paradise

In a world torn by change

Still with all of my heart

'Til my dying day

Hinawakan niya ang baba ko nang makalapit na siya sakin ng tuluyan at pinunasan ang
basang pisngi ko. Hindi ko na napigilan na yakapin siya ng mahigpit habang patuloy
siya sa pagkanta.

I do cherish you

For the rest of my life

You don't have to think twice

I will love you still

From the depths of my soul

It's beyond my control

I've waited so long to say this to you

Humiwalay siya sakin at tinitigan ako sa mata habang kinakanta ang huling linya ng
kanta. His eyes are filled with love and passion. Namumula rin ang mata nito na
parang konti nalang ay iiyak na.

If you're asking do I love you this much

I do

"Zea Alexandra Montemayor-Lewis, we started being friends turned into couple. Alam
ko na bigla nalang kitang hinila dati para pakasalan ako at wala akong desenteng
proposal sayo. I want to do this because I love you and you deserve all of this.
Noong naghiwalay tayo, nawalan ako ng direksyon sa buhay at sinubsob ang atensyon
ko satrabaho. We've been through a lot of challenges even in our college days pero
hindi ka sumuko. I admire your love for me and how tough you are to fight for me.

Alam ko na marami akong pagkukulang sa'yo bilang asawa. Alam ko rin na mainitin ang
ulo ko at madalas tayong mag-away. Alam ko rin na naiinis ka sakin pag iniiwan ko
sa mesa yung pinag-inuman ko ng kape." tumawa siya pagkatapos sabihin iyon at pati
ang mga audience namin ay natawa rin

"Pero lahat iyon, pinagtitiisan mo dahil mahal mo ako. Hindi ako perpektong tao at
asawa pero mahal na mahal mo pa rin ako. Binalikan mo ako kahit na sobrang gago ko.
I'm sorry for all the pain you felt because of me."

"Infront of your family and my family and the people around us, I want to tell you
something."
Pasimple niyang pinunasan ang luha na tumakas sa mata niya at kinuha ang isang
maliit na box sa bulsa niya. Inaasahan ko na ang gagawin niya pero hindi ko pa rin
mapigilang mapasinghap nang lumuhod siya at buksan ang box.

"I love you so much, my witch. I will not ask you to marry me again, Zea Alexandra.
Because you will marry me again whether you like it or not." malambing na sabi niya
pero hindi mawawala ang awtoridad sa boses niya

Ayos na marriage proposal ah. Walang choice. Natawa ang mga audience ang ilan naman
ay napasinghap. Saan ba kayo nakakita ng magpropropose na hindi ka bibigyan ng
choice.

"Wala bang choices na, Yes or No?" tanong ko rito

Tumalim ang tingin niya sakin kaya natawa ako sa kanya.

"You will marry me and that's final." matigas na sabi niya at sinuot sa daliri ko
ang singsing

Tuluyan na akong natawa ng malakas at ganun din ang mga nanonood sa epic na
proposal na ginawa ni Van. Napahinto ako sa pagtawa nang hapitin niya ako at
hinalikan ng mariin sa labi.

The crowd cheered and clap their hands happily.

"Happy 5th Anniversary, my witch. I love you so much." malambing na sabi niya
habang nakangiti

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. A-Anniversary namin ngayon?! Oh shit. I forgot
about it.

"I-I'm sorry---" hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko

"Don't be. Sinadya ko talaga na hindi ipaalala sayo para dito sa surprise na ginawa
ko."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Nilibot ko ang paningin ko sa mga tao nang maghiwalay
kaming dalawa. Nakita ko sa table na malapit sa stage sila nanay, mommy, daddy,
Cara, Adonis, Mikaela, Eugene, Ethan, Devon, Jaxon at Reina. Nanlaki ang mata ko
nang makita ko si Julie na ngiting-ngiti sakin.

"Thank you, my ogre. Kahit freak ka alam kong mahal mo ako." malambing na sabi ko
sa kanya at niyakap siya ulit

Sobrang saya ko ngayong gabi.

"Lilipat na tayo sa bahay natin bukas." bakas sa boses nito ang excitement

Napahiwalay ako sa kanya at nanlalaking mata na tinignan ko siya. Bahay? Bahay


namin?

"Bahay natin?" excited na tanong ko

Natatawa siyang tumango sakin.

"Yes. Bahay natin. We will start to build our family in that house."
Epilogue

"Van, punta na tayong hospital. Anytime manganganak na ako." kalabit ko sa asawa ko


na kasalukuyang nakaupo at nagtitipa sa laptop niya

Bigla siyang napatayo at nanlalaki ang mata niyang nakatingin sakin. Kagabi pa ako
naglelabor pero hindi naman gaanong masakit yung contractions kaya di pa ako
nagpadala sa hospital pero tingin ko malapit ng lumabas ang baby girl namin.

"MANANG! YUNG BAG! SHIT! LET'S GO!" natatarantang sabi nito at akmang bubuhatin ako
nang itulak ko siya at nauna akong maglakad sa kanya palabas

"A-Aray..." daing ko nang makaramdam nanaman ako ng contraction

Hindi na ako nagreklamo nang buhatin ako ni Van at sinakay sa kotse. Sinunod naman
agad ni manang yung bag na nakaready na para sa panganganak ko.

"M-Masakit ba? Manganganak ka na ba?" pinagpapawisan na tanong nito

Natawa ako ng mahina sa kanya kaya kumunot ang noo niya.

"I'm okay. Sumasakit lang ng kaunti. Kasama sa paglelabor ko yun."

Hindi na siya umimik at nagdrive nalang. Mabilis kaming nakarating sa hospital.


Tumalima naman ang mga tauhan ni Van na nakasunod samin at kinuha ang mga gamit
namin. Saktong pagbaba ko ng kotse naramdaman kong pumutok na ang panubigan ko.

"V-Van, manganganak na ako." nahihirapang sabi ko

"Hold on baby!" tarantang sabi nito

Binuhat niya ako agad at nagmadali na pumasok sa hospital. Kumuha naman ng


stretcher yung mga nurse. Impit akong napatili nang maramdaman ko yung sakit
pakiramdam ko mahuhulog ang matres ko sa sakit.

"Ahhhhh! Van! M-Masakit!" tili ko at humawak sa kamay niya habang tinatakbo nila
ako papunta sa Delivery Room

"It's okay, wife. I'm sorry." bakas ng pag-aalala ang mata nito

Napangiwi ako at napatili ulit nang humilab ang tiyan ko. Huminga ako ng malalim
para pigilan ang sigaw ko. Pakiramdam ko sobrang layo ng Delivery Room.

Enrique's POV

Napamura ako nang hindi nila ako pinayagan na pumasok sa Delivery Room. Hinalikan
ko muna sa noo ang asawa ko bago sila tuluyang pumasok. Hindi ko rin alam kung
kakayanin ko na makita siyang nahihirapan sa loob.

Tinawagan ko agad sila Nanay pati sila mommy at daddy para malaman nila na
manganganak na ang asawa ko. Naupo nalang ako sa waiting area at naririnig ko ang
mahinang sigaw ng asawa ko mula sa kinauupuan ko. Tinukod ko nalang ang mukha ko sa
palad ko at nagdasal na makayanan niya ang panganganak.
Damn. I'm scared for her.

Sana maayos silang mag-ina. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pang mabuntis ang
asawa ko. She's so scary having that moodswings pero mas nakakatakot na makitang
nahihirapan siya sa panganganak.

"Anak, si Zea?" napaangat ako ng tingin at nakita si mommy

"She's inside." mahinang sagot ko

Naupo sa tabi ko si mommy at ganun din si daddy. Maya-maya ay dumating si nanay


kasama si Adonis at Mikaela. Mukhang kakatapos lang ng klase nila.

"Nay, maupo muna kayo." alok ko sa kanya

Naupo naman siya at ganun din sila Adonis. Tinignan ko si mommy nang hawakan niya
ang balikat ko.

"She's strong, anak. Alam kong manganganak siya ng maayos." nakangiting sabi niya

Tumango nalang ako sa kanya kahit na binubundol pa rin ako ng kaba. Nakatitig lang
ako sa pinto habang pasulyap sulyap sa relo ko.

15 minutes....

30 minutes.....

45 minutes......

50 minutes.....

Napatayo ako nang marinig ko ang isang iyak ng bata. Hindi ko mapigilang mapangiti
nang marinig ang iyak niya kahit sobrang hina noon dahil sa pinto na nakasarado.
Napatayo sila mommy nang bumukas ang pinto at ngumiti samin ang doktor.

"Ililipat na sa private room ang misis niyo, Sir." nakangiting sabi nito

Tumango ako sa kanya. Nilipat na nila ang asawa ko sa private room at dala ng nurse
ang baby namin na kanina pa umiiyak ng walang tigil.

"Sir, yung baby niyo po."

Napatingin ako sa nurse at sa sanggol na umiiyak pa rin. Nag-alinlangan akong kunin


siya dahil hindi ko alam kung paano siya hahawakan. Nakita ata iyon ng doktor kaya
tinuruan niya ako kung paano.

Hindi ko mapigilan na maluha nang mahawakan ko siya. She instantly stop crying when
I held her. A daddy's girl I guess.

Maingat ko siyang hinalikan sa noo at napasulyap sa natutulog kong asawa. Hindi ko


alam kung paano ko siya papasalamatan sa pagbibigay sakin ng rason para mas lalong
maging masaya at kuntento sa buhay. Sayang lang at hindi nabuhay ang panganay
namin.

Binalik ko ang tingin ko sa baby namin na tinataas taas ang kamay at nakatitig sa
kawalan.

"Welcome to the world, baby." nakangiting sabi ko at maingat na hinalikan siya ulit
sa noo
"Ang ganda ng apo ko. Manang-mana sa lola." sabi ni nanay kaya nagkatawanan sila ni
mommy

"Sharp shooter ka talaga, anak." natatawang sabi ni daddy kaya nginisian ko siya

"Pahawak nga si baby, nak." sabi ni mommy

Inabot ko naman sa kanya ang baby namin ni Alexandra para malapitan ko ang asawa
ko. Bago pa ako makalapit may pumasok ng nurse.

"Sir, ano pong ipapangalan niyo sa baby niyo?" tanong nito

Ngumiti ako ng malapad sa kanya at napasulyap sa asawa ko bago sumagot.

"Azalea. Azalea Marie Lewis."

=============

Gusto ko sanang patagalin pa ang story pero hindi na kakayanin ng time ko. Medyo
busy na kasi sa school and baka magulo pa ang story pag nagdagdag ulit ako.

I hope you like it guys :))

Lovelots :*

Special Chapter 1

Hindi ko kailanman naisip na maglalakad ako papunta sa altar dahil para sakin sapat
na sakin na kasal kami ni Van kahit hindi ako nakapaglakad sa aisle. Pero siguro
tama sila, mararamdaman mo ang totoong kahulagan ng salitang kasal kapag nag-
lalakad ka papunta sa taong mahal mo.

Pasimple kong nilibot ang paningin ko sa mga bisita namin. Napangiti ako nang
masulyapan ko ang anak naming si Azalea na buhat ni mommy.

Mag-tatlong buwan mula nang manganak ako at eksaktong isang taon na mula nang
magpropose sakin si Van. Hindi ko alam na inayos na niya pala ang kasal namin nang
makalabas ako sa hospital kaya pala kung ano-ano ang pinapatikim niya sakin na
pagkain.

Hindi mapigilan na makadama ng lungkot nang maalala ko si tatay. Siya sana ang
kasama kong naglalakad ngayon kung hindi lang siya gumawa ng ganoong bagay. At sana
nakaattend siya sa kasal namin ni Van kung sumuko siya sa pulis noon.

Inalis ko sa isip ko ang mga alaalang iyon dahil kailangang maging masaya ako sa
espesyal na araw na ito. Nakangiti ako habang papalapit sa taong mahal ko na
nagpupunas ng mata niya habang nakangiti rin sakin. Pinunasan ko ang basang pisngi
ko at sinulyapan si Adonis.

Namumula ang mata nito habang nakatingin sa harapan ng nilalakaran namin.


"Ate, wag ka na kayang magpakasal." mahinang sabi nito na tingin ko ako lang ang
nakarinig

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Kagabi pa niya ako kinukulit na wag na daw
kaming magpakasal ni Van dahil kasal naman na daw kami.

Ngiting-ngiti si Van nang makarating kami sa tabi niya. Nag-manly hug sila ni
Adonis. Bumaling sakin si Adonis at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you sa lahat. I love you, Ate. To the moon and back." malambing na sabi niya

Hindi ko mapigilan na umiyak sa sinabi niya. Niyakap ko siya pabalik pero agad din
kaming naghiwalay. Natatawa ito habang pinupunasan niya ang luha niyang tumulo.

"Kuya, alagaan mo si Ate ah. Kundi babawiin ko siya at hindi ko na siya ibabalik."
pagbibiro nito kay Van

"Makakaasa ka, Adonis." nakangiting sabi rin ni Van

Hinawakan na ako sa kamay ni Van at inalalayan ako papunta sa upuan namin. Nag-
umpisa na ang kasal namin ni Van at ramdam ko ang titig niya sakin.

Hindi ko mapigilang maalala yung araw na nagkakilala kami ni Van. It was my first
day in their university. Transferee ako noon at second year college na kaming
pareho.

"Excuse me! Kuyang nakaputi!" sigaw ko nang makita ko ang isang estudyante. Siya
kasi ang unang nakita ko na mukhang matino.

"Kuyang nakaputi!" sigaw ko ulit nang hindi niya ako pansinin

Binilisan ko ang takbo at hinarang siya. Mukhang nagulat pa siya nang makita ako at
harangin siya.

"What do you need?" masungit na tanong nito

Ay. Sayang. Gwapo pa naman kaso masungit.

"Kanina pa kita tinatawag." reklamo ko sa kanya

"Hindi ko narinig." masungit ulit na sabi nito

"Sumisigaw na nga ako eh. Sabi ko pa nga, 'Kuyang nakaputi' para marinig mo."

"Miss, lahat dito nakaputi dahil nasa nursing building ka." inis na sabi nito

"Nursing building? Sorry. Di ko alam eh. Transferee kasi ako. Tatanungin ko lang
kung saan itong room na ito." sabi ko sa kanya sabay labas ng COR (schedule) ko

Sinulyapan niya iyon tapos tinignan ako. Tumingin ulit siya sa hawak ko at tumingin
ulit sakin. Nakakunot na ang noo nito na parang nagtataka.

"Sigurado ka ba na dyan ang room mo? Mga criminology students ang nag-kaklase sa
room na yan." kunot noong sabi nito

"Doon nga. Criminology ang course ko."

"Tss. Mas mukha kang kriminal. Di ka bagay mag-pulis." masungit na sabi nito
Aba't! Napakaantipatiko talaga!

"Ikaw naman mukha kang ogre! Freak! Halimaw!" inis na sabi ko

"Ako? Sa gwapo kong 'to? Ikaw naman witch! Mangkukulam! Mangbabarang!" pang-aasar
nito

Napikon ako sa kanya kaya sinikmuraan ko siya. Shet. Tigas ng tiyan.

"Shit! Witch!" singhal nito

Inambahan ko ulit siya ng suntok nang may magsalita sa likuran namin.

"You two! Detention!"

Sabay na nanlaki ang mata namin ni Mr. Ogre dahil sa narinig namin. Shit. First day
na first day ko eh!

"Hindi kayo nursing student kaya bakit nandito kayo? Sumunod kayo sakin!"

May color coding kasi dito bawat department at required ang uniform. Pero itong
kasama ko, nakaputi nga siya pero v-neck na t-shirt so halata na di siya naka-
uniform.

"Sir, kilala niyo ba kami?" seryosong tanong ng lalaking ito kaya nagtaka ako

Nagtaka ako sa sinabi niya at gusto kong tignan ang nasa likuran namin na propesor
pero di ko magawang humarap sa kanya.

"No. Why?" tanong ng propesor na bakas sa boses ang pagtataka

"Mabuti kung ganun. Bye Sir!"

Hindi ako nakapagsalita nang bigla niya akong hatakin at tumakbo kasama ako. Hindi
ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Narinig ko nalang na may sumigaw sa likuran
namin at sinasabing bumalik kami.

Napadpad kami sa likuran ng school at hingal na hingal na naupo sa damuhan.


Napatingin ako sa kanya na nakatingin pala sakin.

Sabay kaming napahagalpak ng tawa nang marealize ko na tinakbuhan namin yung


detention na iyon. College naman na kasi kami kaya hindi na dapat uso ang detention
na iyan.

"I'm Enrique Van Lewis from Management and Marketing Department." sabi nito sabay
lahad ng kamay

"Zea Alexandra Montemayor from Department of Sociology and Criminology."


nakangiting sabi ko at nakipagkamay sa kanya

Nabalik ako sa realidad nang tapikin ako ni Van. Kumunot ang noo ko nang makita ko
ang mukha nito na puno ng takot at pagkalito. Hindi ko namalayan na kailangan ko na
palang sumagot ng 'I Do'.

"Ay sorry, I Do. Hehehe!" nakangiting sabi ko

Napahinga ng malalim ang katabi ko at napahawak ng mahigpit sakin. Akala siguro


niya ay tatakbuhan ko siya at hindi magpapakasal sa kanya.
It's time for our vows. Nauna ako na magsabi ng vows ko at sumunod naman siya. Wala
kaming ginawang madramang vows dahil iyon ang usapan namin. Matagal na naming
nasabi sa isa't isa ang vows namin.

Hindi nagtagal ay natapos na rin ang kasal at nandito na kami sa reception.

"Congrats Ate!" masayang bati ni Cara sakin na siyang maid of honor ko

Si Ethan naman ang bestman.

"Salamat. Si Eugene?" nakangiting sabi ko

"Nandoon sa upuan namin. Inaalagaan si Atticus." sagot nito sa tanong ko

Si Atticus yung baby nila ni Eugene. Ang cyte nga niya eh. Kamukha niya si Eugene.

"Wala pa ba kayong balak na magpakasal?" biglang tanong ko sa kanya

Ngumiti siya sakin ng tipid kaya nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya. Siguro
hindi pa sila handang dalawa.

"Hindi pa namin napag-usapan, Ate. Balik na ako sa table namin. Sige, Kuya
Enrique." paalam nito

Napangiti ako nang marinig ang tawag niya kay Enrique.

"You scared the hell out of me, Alexandra." matigas na bulong ni Van

Natawa ako sa kanya at tinignan siya.

"I'm sorry, okay. Naalala ko kasi nung nagkakilala tayo."

Lumambot ang mata nito at sumilay ang ngiti sa labi nito. Nanlaki ang mata ko nang
hinapit niya ako at siniil ng halik. Nasa harapan kami at nakarap sa mga tao ang
table namin. Hindi man lang siya nahiya na makikita nila kaming dalawa.

Nakarinig ako ng hiyawan at mga kantiyaw mula. Nangunguna roon si Ethan.

"Bro! Mamaya na yan!" kantiyaw nito

Tumawa lang si Van nang humiwalay siya sakin. Inalalayan niya akong tumayo nang
sinabi nila na ihahagis na ang garter at boquet.

"Lahat po ng singles na babae. Magsilapit na po kayo." sabi ng emcee

Natanaw ko si Julie na tumayo sabagay singla na siya dahil hiwalay na sila ng asawa
niya. Nakita ko rin si Mikaela na pilit pinipigilan ni Adonis.

"1...2....3!"

Hinagis ko ang boquet ko at humarap para makita kung sino ang nakakuha. Napasinghap
ako nang makita na nahulog iyon sa mismong harapan ni Cara kaya pinulot niya ito at
napakamot sa ulo niya.

Tinignan ko si Eugene at nakita ko na nakatingin siya kay Van. May sinesenyas siya
kaya napatimgin din ako sa asawa ko pero nakangisi lang siya at palihim na
sinenyasan si Ethan na ngumisi rin. Mga kalokohan talaga ng mga ito.

Hinagis naman ni Van ang garter at si Ethan ang nakakuha noon kaya napailing nalang
ako nang makita ko si Eugene na papalapit kay Ethan.

"Dude. Ibalato mo na sakin yang garter." sabi ni Eugene kay Ethan

"Ayoko nga.."

"Back off, Ethan. She's mine." seryosong sabi ni Eugene

"Eto na. Pinagtritripan ka lang naman ni Enrique eh." tumatawang sabi ni Ethan

"Gago talaga." umiiling na sabi ni Eugene at sinulyapan ang asawa ko na nakangisi


pa rin

Naupo si Cara sa upuan na nasa harapan at lumuhod naman si Eugene. Hinintay kong
alisin niya ang sapatos ni Cara para maisuot yung garter nang may nilabas siya sa
bulsa niya. Napasinghap ako at ganun din ang mga taong nasa paligid.

"Enrique, pasensya na sa gagawin kong eksena sa kasal niyo. Ito lang ang nahanap ko
na magandang tiyempo eh." natatawnag sabi niya pero bakas ang kaba sa mukha niya

"Ayos lang, pre!" sabi naman ni Van na hinapit ako sa bewang

Naluluha si Cara na napatingin sakin kaya nginitian ko siya. Turn naman na niya
para maging masaya at maikasal sa taong mahal niya.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa dahil ayokong matagalan ang gagawin ko. Cara
Fontanilla, Will you marry me?" kinakabahang tanong ni Eugene

Umiiyak na tumango si Cara sa kanya at niyakap siya. Naluluha rin ako na tinignan
sila. Hindi ko alam na darating ang pinto na magiging tunay na lalaki si Eugene at
makakahanap siya ng babaeng magpapasaya sa kanya.

"Gutom ka na ba baby?" malambing na tanong ko kay Azalea na nasa bisig na pala ni


Van ng hindi ko namamalayan

"Hindi pa siya nakakapagsalita, witch." natatawang sabi ni Van kaya natawa na rin
ako

Akala ko hindi na darating yung panahon na magkakabalikan kami ni Van at makakabuo


ng pamilya.

Nabuo namin ni Van ang pangarap namin dahil mahal namin ang isa't isa at hindi
nagpadaig sa mga problema at pagsubok na dumating samin. Nilagpasan namin ang mga
iyon ng magkasama.

Special Chapter 2

"Van, gusto ko nga kasing pumunta sa opisina mo. I'm still your secretary!" inis na
sabi ko sa kanya

Nababagot na ako dito sa bahay dahil kahit naman kasama ko si Azalea, di kami halos
makaalis ng bahay dahil sa mga bantay namin. Gusto ko rin ng may ginagawa. Hindi na
ako bumalik sa pagpupulis ko kahit na pinipilit ako ni Chief na bumalik.

Yun ang pangarap kong propesyon pero matagal ko na iyon binitawan dahil ang
propesyon ko ang dahilan kaya kami nagkahiwalay ni Van. At isa pa, pamilyado na
ako. I don't want to take risks again.

"Witch, hindi pwede. You're my wife and you're not my secretary." sabi nito habang
inaayos ang necktie

"Edi wag!" singhal ko at nagdabog na labas ng kwarto namin

Bahala siya sa buhay niya. Inirapan ko siya nang sumunod siya sakin dala ang brief
case niya.

"I'm going to work. I'm sorry, okay? I'll make it up to you on weekend." malambing
na sabi niya at hinalikan ako ng mabilis

Hindi ako sumagot sa kanya dahil naiinis pa rin ako. Isa rin sa kinaiinisan ko yang
pagiging workaholic niya. Naiintindihan ko naman na malaki ang kompanyang hawak
niya pero sana naman maglaan siya ng oras samin, diba?

"Mom, what are you doing?" tanong sakin ng anak ko nang makitang nag-iimpake ako ng
gamot namin

Ilang beses na ba akong naglayas kasama si Azalea? Ilang ulit na. Lately kasi
madaling uminit ang ulo ko at nilalayasan ko siya.

"Pupunta tayo kila lola at lolo." nakangiting sabi ko

"Really? Are we going to hide there again?" excited na tanong nito

Nilagay ko ang damit niya sa maleta ko at bumaba na kaming dalawa. Tuwang-tuwa ang
mukha niya kaya natawa ako. Akala kasi niya naglalaro kami taguan tapos hahanapin
kami ng daddy niya.

"Let's go." natatawang sabi ko at hindi na sinagot ang tanong niya

"Ma'am! Saan po kayo pupunta? Magagalit po si Sir!" habol samin ng isa sa mga
bodyguard

"Stay there. Wag kang lalapit kundi sasapakin kita." matigas na sabi ko

Napaatras naman siya sa sinabi ko. Nasampolan ko na yan dati eh. Nagmall kasi kami
ni Azalea tapos tinakasan namin sila. Nung nahanap nila kami hinawakan niya ako sa
braso at uminit ulo ko kaya nasapak ko. I felt bad for him though.

"P-Pero ma'am..." nag-aalinlangang sabi niya

"Huh! Yang amo mo na walang ginawa kundi magpayaman! Sapakin ko yun eh!" inis na
sabi ko at pinaharurot na ang kotse ko

Nakarating kami agad sa mansion nila mommy at sinalubong naman nila kami. Sinabihan
ko kasi sila na pupunta kami doon.

"Naku. Apo, kumusta ka na?" tuwang-tuwang sabi niya at niyakap si Azalea

"Okay na okay po Lola!" masayang sagot naman ng anak ko

Nagkulitan na silang dalawa kaya pinuntahan ko si dad para maipaalam sa kanya yung
private plane nila. Balak ko kasing bisitahin yung sister-in-law ko sa States na
anak din nila, si Scarlett.

"Dad, hihiramin ko sana yung private plane." paalam ko rito

"Why? May private plane naman kayo ah. Don't tell me tatakasan mo nanaman ang anak
ko." natatawang sabi niya

Natawa rin ako sa sinabi niya. Kinukunsinti niya rin kasi minsan ang kalokohan
namin ni Azalea kaya ganyan.

"Bibisitahin ko lang sana si Scarlett at wawaldasin ko yung kayamanan ng anak niyo


nang maghirap naman dahil laging nasa opisina." nakangiting sabi ko pero pabiro

Humalakhak naman ito sa sinabi ko at napailing.

"Mukhang mahihirapan kang gawing pulubi ang anak ko, ah." pagbibiro nito

"Baka maghirap yun pag malaki na si Azalea, dad. Alam mo naman yung lalaking yun,
ini-spoiled ang anak." naiiling na sabi ko

Minsan napag-aawayan din namin ang ginagawa niyang pang-i-spoiled sa anak namin eh.
At ang lagi niyang sinasabi, 'I have so much money and I'm working for her to have
everything.'

"Anyway, speaking of anak. Pakikamusta ako sa dalaga ko, ha? Besides, malapit na
rin namang umuwi yun." sabi niya sabay ngisi sakin

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni dad pero agad ding tumango. Uuwi na pala si
Scarlett? Paano yung lalaking nakabuntis sa kanya pag nakita siya? Naku. Uupakan ko
ang lalaking yun!

"Mauna na po kami, mom, dad. Baka kasi hanapin na kami ni Van tapos di na kami
makapunta sa States." paalam ko

Nagpaalam na din si Azalea sa kanila. Nagbilin pa sila na mag-ingat kami at


ikamusta kami kay Scarlett.

Nagtungo na kami sa private airport ng mga Lewis at sumakay sa private plane. Hindi
ko maiwasang pagtaasan ng kilay ang flight attendant na sumalubong samin.

"Good morning ma'am. Hindi niyo po kasama si Sir Enrique?" maarteng sabi nito

Napasulyap pa ako sa dibdib nito na konting yuko lang luluwa na. Maganda naman siya
pero mas maganda ako. Dyosa nga kasi diba?

Umismid ako sa kanya at tinuro ang uniform niya.

"Palitan mo yan dahil naalibadbaran ako. Gusto mo bang i-report kita sa tatay ng
asawa ko? Siguradong hindi matutuwa si mommy pag nakita ka niya." mataray na sabi
ko

You can't blame me. Babae ako. At nararamdaman ko yung mga babaeng may binabalak.
Minsan hindi lang babaeng may dalang alak ang may balak, minsan pati na rin crew ng
eroplano.

Yumuko siya at humingi ng paumanhin bago umalis. Sinabi niyang magpapalit na raw
siya.
-----

"Ate Zea, what brought you here? Si Kuya?" gulat na tanong ni Scarlett sakin nang
dalawin namin siya sa opisina niya

"Ayun. Nagpapayaman. Sana pala yung opisina nalang niya ang pinakasalan niya."
nakaismid na sabi ko

Tinawanan lang ako nito at bumaling kay Azalea.

"Hey pamangkin, ganda mo talaga. Mana sakin." tuwang tuwa na sabi nito

"Hello po Tita. Ang pretty niyo po." sweet na sabi niya

Mukha siyang sweet na bata pero maldita rin yan.

"Ikaw na talaga ang paborito kong pamangkin!" natatawang sabi ni Scarlett

"Ako lang naman po pamangkin niyo eh." nakangusong sabi ni Azalea kaya natawa
kaming pareho

Hindi na rin kami nagtagal dahil inaya niya kami sa bahay nila. Nakita ko pa ang
nobyo nitong si Seth at ang kambal niyang anak. Ang cute nga nila eh. Mas matanda
sila kay Azalea ng ilang buwan.

Well, Scarlett is a different story and I hope maging masaya siya sa huli.

Ilang araw kaming namalagi doon sa bahay niya dahil umuwi siya sa Pilipinas noong
sumunod na araw. Dito muna kami ni Azalea kasama yung mag-asawang kaibigan niya na
nakatira din dito.

"Sandali!" sigaw ko nang may nagdoorbell

"Wait!" sigaw ko ulit baka di naintindihan yung 'Sandali' kasi nagdoorbell ulit
tsaka naalala ko na nasa ibang bansa pala ako

Pagbukas ko ng pinto tumambad sakin ang asawa ko na seryosong nakatingin sakin.

"Oh? Ikaw pala. Pasok ka." sarcastic na sabi ko

Inaasahan ko naman na darating siya pero apat na raw na mula nang umalis kami! My
gosh.

"You will come with me. Lagi niyong tinatakasan yung mga tauhan na pinapadala ko
para kunin kayo."

Humalukipkip ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Ano kaya kung makipaghiwalay na ako sa'yo para mapakasalan mo yang pinakamamahal
mong opisina? Talagang sila pa ang pinapunta mo para kunin kami. Bumalik ka na sa
Pilipinas, tutal mas mahal mo naman yung trabaho mo. Hmp!" inis na sabi ko at
tinalikuran siya

"Daddy! Ang tagal niyo naman po na mahanap kami ni mommy." masungit na sabi ni
Azalea

Narinig ko ang yapak nila na nakasunod sakin papunta sa dining room.

"Ang galing niyo kasing magtago ni mommy eh. Baby, pwedeng sa living room ka muna?
Kakausapin ko muna si mommy." masuyong sabi nito sa anak

"Okay po." sabi niya at tumakbo na papunta sa sala

"Alexandra, uuwi na tayo. May inasikaso lang ako kaya di ako nakasunod agad."
mahinahong sabi niya

"Ano nanamang inasikaso mo? Meeting nanaman at mga kliyente mo?" nakaismid na sabi
ko

"I'm sorry, witch. Umuwi kasi si Scarlett sa Pilipinas at may project siya sa mga
Miller dahil business partner natin sila. Balak kasi nila daddy na magkabalikan
sila ni Jack." malambing na sabi niya at yumakap sakin

Jack? Yung nakabuntis kay Scarlett? Oh well. It's none of my business anyway.

Napahiwalay ako kay Van nang maramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Tumakbo
agad ako sa banyo at doon nagsuka.

"May masakit ba sa'yo? Let's go to the hospital!" natatarantang sabi nito

Nag-ayos muna ako ng sarili at nagmumog. Nauna akong lumabas ng banyo at sumunod
naman siya.

"Punta na tayong hospital. Baka kung ano pa yan." nag-aalalang sabi niya

Humarap ako sa kanya at napabuntong hininga. Kailan ko lang nalaman ang bagay na
ito at mabuti nalang nandito na siya.

"Van, I'm pregnant.."

8 years later.......

Ang daming nagbago sa nakalipas na panahon tulad nalang ng paglaki ni Azalea na


labing-tatlong taong gulang na at ang bunso namin si Gavin na walong taong gulang.
Akala ko magiging sobrang sweet na bata si Azalea pero hindi pala dahil napakataray
niya at palaban. Mana sa tatay.

Si Gavin naman, masungit din pero sweet naman siya lalo na sa pinsan niyang babae
na anak ni Scarlett, yung kapatid ni Van.

"No! Leave me alone!" rinig kong sigaw ni Azalea kaya nagpunta ako sa living room

"Nagpaalam na ako kay Mama na pupunta ka sa bahay para sa celebration ng graduation


ko. You don't have a choice but to come." kibit balikat na sabi ni Devon

"Don't call my mommy 'Mama'! She's my mommy!" pagmamaktol ni Azalea

Nakasanayan na ni Devon na tawagin akong Mommy noon kaya sinabihan namin siya ni
Van na Mama ang itawag sakin dahil Papa naman ang tawag niya kay Van at isa pa, may
bago na siyang mommy. Yung totoong mommy na gagabay sa kanya at tatayong tunay na
ina niya.

"You're so loud, lady. She's my Mama no matter what happens, okay? Hindi ko siya
inaagaw dahil may mommy ako." masungit naman na sabi ni Devon
"Mommy! Inaaway ako ni Kuya Devon!" nagsusumbong na sigaw ni Azalea

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Tuwing magkikita sila, lagi nalang silang
nag-aaway. Parang aso't pusa pero minsan hindi rin tumatalab ang kamalditahan ng
anak ko kay Devon. Kahit na laging nag-aaway ang dalawang yan, pag sinaway siya ni
Devon nakikinig siya agad.

"Hey kids. Nag-aaway nanaman kayo." sita ni Van na bitbit si Gavin

Kinuha ko si Gavin sa kanya at nilaro siya. Ang cute cute niya kasi eh tsaka
kamukha niya si Van.

"Papa, punta kayo sa party ko ah?" nakangiting sabi ni Devon

"Sure. I'll clear my schedules on that day." Sabi ni Van na nakapagpasimangot kay
Azalea

"Dad, maiiwan na lang ako dito." nakasimangot na sabi niya

"No Azalea. Stop being mean to Devon. He's older than you." saway niya kay Azalea,
yan ang gusto ko kay Van eh kahit na spoiled yung anak niya sinasaway niya palagi.

Napailing nalang ako ulit. Napalingon ako sa asawa ko nang niyakap niya ako ng
mahipit at hinalikan sa ulo.

"Thank you for everything, Alexandra."

"For everything? Why?"

"Because you gave me reason to believe in love and be happy. Because I met you.
Damn. Kung di lang ako natrtratrauma tuwing buntis at nanganganak, taon taon kang
buntis." sabi nito at pinisil ang bewang ko

"Gago ka talaga. Upakan kita eh." Gigil na bulong ko sa kanya

Napakamanyak talaga.

Special Chapter 3

Nakakunot noo ako habang naglalakad at hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong
inis dahil late nanaman ako. Ano bang bago sa pagiging late ko? Hindi sana ako
malelate kung sinundo ako ni Van. Peste talaga ang ugok na yun!

Nanliligaw daw kasi kaya hinahatid sundo ako pero kanina hindi man lang nagsabi na
hindi niya ako susunduin. Sana naman inabisuhan niya ako para maaga akong gumising,
diba? Nakakabeast mode ang tanginang yun eh.

Ano bang magandang gawin sa kanya? Ibitin ko kaya patiwarik yun sa may flagpole na
nasa High School Building? O kaya naman wag ko siyang pansinin buong araw? Kaso pag
di ko siya pinansin baka i-unfriend niya ako sa facebook tapos i-unfollow ako sa
twitter.
"Zea!"

Napalingon ako at nakita si Eugene na maarteng naglalakad papunta sakin. Nakataas


pa ang kilay niya.

"Ano?! Late na ako!" inis na sabi ko

Ngumisi siya sakin at kumindat. Shit. Kakakilabot.

"Mga tauhan, dakpin niyo na yan." utos nito kaya kumunot ang noo ko lalo na nang
may lumabas na dalawang maskuladong lalaki at hinawakan ako sa magkabilang balikat

"Ano to, Eugene?! Pag ako nakawala sasapakin kita! Bitawan niyo nga ako! Ano ba?!"
singhal ko sa kanila

Dinala nila ako sa cafeteria ng school at tinulak papasok. Napatigin ako sa paligid
at napansin ko na may mga decoration sa gilid. May nakalagay pang malaking banner
sa likuran at ang nakasulat doon, 'You are now my girlfriend'

Okay. Kinikilig ako pero naiinis pa rin ako kasi di niya ako sinundo o tinext man
lang kanina. Aba. Dapat pakipot muna.

"Ano nanamang trip mo?!" inis na tanong ko sa kanya

"Sasagutin mo na ako ngayon." balewalang sabi nito na parang siguradong-sigurado na


sasagutin ko nga siya

"Ano?! Hoy! Di pa kita sinasagot!" singhal ko sa kanya

Siniswerte naman ata siya. Dalawang buwan palang siyang nanliligaw sakin ah.

"Sasagutin mo na ako ngayon. Girlfriend na kita." seryosong sabi nito

Nakikipag-gaguhan ba sakin ang ugok na 'to?! Pigilan niyo ako at baka sunggaban ko
siya ng halik--este sapak. Hawakan niyo braso ko sabi eh! Susunggaban ko na yan!

"Aba't! Di pa nga kita sinasagot sabi eh!" nagmamaktol na sabi ko

"Basta girlfriend na kita at sinasagot mo na ako ngayon. Wag ka ng umangal. Di ka


naman lugi sakin baka ako pa nga lugi sa'yo eh." nakangising sabi nito

Ngumuso ako sa kanya. Nanliligaw palang pero kinakawawa na ako. At ano ito? Self-
declared boyfriend?!

"Hindi pwede! Hindi mo pa nga ako hinaharana at pinag-iigib ng tubig eh! Tapos di
ka pa nagsibak ng kahoy!" sumbat ko rito

Sumimangot naman siya sa sinabi ko. Mukhang naiinis na siya. Masungit talaga ang
lalaking 'to.

"Witch, may gripo kayo tapos may stove din kayo kaya di mo na kailangan ng
panggatong." nakasimangot na sabi niya

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya pero yun yung traditional na
panliligaw eh.

"Edi haranain mo nalang ako sa bahay." nakangiting sabi ko


Mas nalukot ang mukha niya sa sinabi ko.

"What the hell? Ayoko! Basta sinasagot mo na ako ngayon! Kakantahan kita pag tayong
dalawa lang." lukot na lukot na ang mukha nito

Umirap naman ako sa kanya. Mukha nga siyang di nanligaw eh kasi inaangkin niya ako
palagi tapos seloso pa siya. Hays. Kung di lang ako kinikilig sa kanya uupakan ko
na siya eh.

"Bakit kailangan mo pa akong ipakaladkad dito?" inis na tanong ko

"Alam kong di ka sasama eh dahil malamang galit ka sakin ngayon." kibit balikat na
sabi niya

"Bakit kasi hindi ka man lang nagtext?!" inis pa rin na sabi ko

"I'm sorry, okay? Surprise nga kasi." nagkakamot sa ulo na sabi nito

"Kahit na! Naghintay ako doon ng ilang minuto!" sumbat ko sa kanya

"Naghintay ka nga ba? Tinawagan ko si nanay sabi niya tulog na tulog ka pa raw."
masungit na sabi niya

Okay. Guilty as charge. Pero siya naman kasi--Wait! May naalala ako.

"Bakit mo tinatawag na Nanay si Nanay ko?! Nakiki-nanay ka pa!" mataray na sabi ko

"Sabi niya nanay na lang daw eh." ngiting-ngiti na sabi niya

Si nanay talaga binubugaw ako sa ungas na to. Napaka-freak naman niya kahit na
gwapo siya.

"May klase ako." biglang sabi ko nang maalala ko

"Ngayon ka lang naman aabsent tsaka pinasara ko 'tong buong cafeteria para dito
tapos iiwan mo 'ko?" sabi nito na nangongonsensya pa

Nakonsensya ako at na-touch kaya di na ako papasok. BI siya no? Napatingin ako sa
bintana nang mapansin ko na may mgaestudyante doon na pilit nakikisilip. Lihim
akong napairap. Buti nalang talaga at may cafeteria rin sa second floor tapos sa
kabilang building.

"Pinilit mo talaga akong pasagutin sa cafeteria, ha? Ang romantic. Sana naman sa
isang restaurant diba?" nang-aasar na sabi ko

Nginisian ako nito at pinaupo. May pandalawang table na naka-set up sa gitna tapos
may pagkain sa gitna. Guess what? Kwek kwek iyon tapos may isaw, lumpia, may taho!
Oh gosh! Mahal ko na talaga siyaaaa!

"Ayokong masyadong gumastos eh. Nag-iipon ako ng pambili ng engagement ring mo."
nakangising sabi niya at kumindat sakin

Umirap ako sa kanya para di niya mahalata na kinikilig ako at namumula.

"Talaga lang huh? Magkano na ba naipon mo?" tanong ko rito sabay kain ng taho

"Kinse pesos."

Napaubo ako sa sinabi niya buti nalang inabutan niya ako agad ng juice. Nilunok ko
muna ang ininom ko bago bumaling sa kanya. Seryoso ba ang ungas na 'to?

"So pag-iipon na ang tawag mo sa kinse pesos na yan? Ha?" sarcastic na sabi ko

"Atleast may ipon ako! Ikaw nga walang ipon eh!" proud na sabi nito

Alam kong nangtritrip lang ang kumag na 'to. Sa yaman nila malabong konse pesos
lang ang ipon niya pero posible rin iyon dahil ang gastos niya.

"Hoy! May ipon ako!" sabi ko habang nakaturo sa kanya

Ngumunguya siya ng isaw at nilunok niya muna iyon bago magsalita.

"Ilan naman yang pinagmamalaki mong ipon? Sampung piso?" nang-aasar na sabi niya

"Hindi ah! Bente kaya!" proud na sabi ko sa kanya

Nagkatawanan nalang kaming dalawa sa kalokohan namin. Nakakainis man siya minsan at
masungit, nasasakyan namin ang trip ng isa't isa.

-------------

"Bongga! Anong plano niyo mamaya? May surprise ba sayo si Enrique?" tanong ni
Eugene habang ngumuya ng pagkain niya

"Surprise? Anong surprise?" takang tanong ko

Mahilig manggulat si Van pero di siya fan ng salitang 'surprise'. Hindi siya yung
tipo ng lalaki na sobrang sweet dahil sweet siya sa sarili niyang paraan.

"Wait! Don't tell me nakalimutan mo!" gulat na sabi ni Eugene at tinuro pa ako
gamit ang tinidor kaya napaatras ako

"Nakalimutan ang alin?" takang tanong ko ulit

Nanlaki ang mata nito na akala mo tinubuan ako ng sampung ulo.

"Duh! First monthsary niyo kaya ngayon!" nakairap na sabi niya na parang sobrang
obvious ng sinabi niya

"Ano ngayon?" balewalang tanong ko

"Anong ano ngayon?! Gaga! Magcelebrate kayo!" inis na sabi nito at halos hampasin
niya ako ng librong nasa harapan niya

"Kailangan ba yun? Tsaka first month pa lang naman. May ganun ba talaga?" takang
tanong ko pa rin

Si Van palang ang naging boyfriend ko kaya malay ko sa mga ganyang bagay. At isa
pa, diba anniversary ang sinicelebrate. Besides, wala naman sa dictionary yung
monthsary na word eh. Oh meron? Pero di ko alam?
"Ewan ko sa inyong magjowa. Ang sakit niyo sa bangs." nakukunsuming sabi nito at
hinawi ang kunwaring bangs niya

Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone ko at tinext si Van.

To: Unggoy na Ogre

Hoy. Monthsary daw natin ngayon. Ano yun?

From: Unggoy na Ogre

Monthsary? Ano yun? Nakakain ba yun?

To: Unggoy na Ogre

Wag ka ngang tanga. Freak talaga. Kaya kita tinatanong kasi di ko alam. *pout*

From: Unggoy na Ogre

Lul. Wag kang nagpapout. Halikan kita eh.

To: Unggoy na Ogre

Magpapout pa rin ako. *pout* *pout* *pout* *pout* *pout* *pout*

From: Unggoy na Ogre

Gusto mo lang akong halikan eh. Grabe ka talaga. Inaabuso mo ako. *pout*

To: Unggoy na Ogre

Ew. Wag kang maglagay ng ganyan. Mukha kang bakla.

From: Unggoy na Ogre

Oy. Mangkukulam. Tingin ka sa likod.

Napalingon ako sa likuran dahil sa sinabi niya. Nakita ko siyang nakatayo sa may
entrance ng cafeteria at may dala siyang isang white tulip tapos si Ethan naman may
dalang malaking teddy bear.

May mga dumadaan na napapatingin sa kanila at yung mga tao sa cafeteria nakatingin
sa kanila. May mga kumukuha pa nga ng pictures eh.

"Uhm. Flower." nahihiyang sabi niya sabay abot ng bulaklak

Magsasalita sana ako nang unahan ako ng bunganga ni Eugene.

"Bakit hindi bouquet? Gosh. Ang cheap ha." nakairap na sabi nito

"Shut up, Eugene. Nasa kotse yung bouquet. Di ko dinala kasi may klase pa siya.
Mahihirapan siyang magdala nun kaya isa lang binigay ko." masungit naman na sabi ni
Van

Mahina akong natawa sa kanilang dalawa kaya sinamaan nila ako ng tingin. Kinuha
niya ang teddy bear kay Ethan na nakangisi samin.

"Oh. Teddy bear." masungit na sabi niya at inabot ang teddy bear
"Aanhin ko yan?" kunwaring pagsusungit ko at inabot ang teddy bear

Sarap yakapin siguro nito sa gabi. Hmmm.

"Kainin mo. Masarap yan." pamimilosopo nito

"Sungit." nakaismid na sabi ko

Tumaas ang kilay niya sakin at nilahad ang kamay niya kaya tinaasan ko rin siya ng
kilay.

"Regalo ko?" demand nito

"Mamaya nalang para walang makakita." nakangising sabi ko sa kanya at kumindat na


nakita ni Ethan kaya napahiyaw siya

"Whoooo! Pre, mag-trust ha! Laging alalahanin ang salawikain na, pag ang trust
nabutas, tatay ka na bukas!" pang-aasar nito

Namula ako sa sinabi niya. Wala pa naman kasing nangyari samin ni Van at ayoko rin
namang gawin yun ng hindi pa kinakasal. Ni hindi pa nga ako hinalikan ni Van sa
lips eh. Hanggang sa pisngi lang.

"Gago!" singhal sa kanya ni Van at binatukan siya

Napahalakhak lang ito pati na rin si Eugene. Shit. Ang dumi ng utak nila.

Ang totoo niyang wala naman akong regalo kay Van eh. Kasi nga tulad ng sabi ko
ngayon lang ako nagkaboyfriend. Pero may naisip na akong regalo sa kanya.

"Van, una na kami. Start na ng klase ko eh." paalam ko rito

"Sure. See you later." sabi rin nito at humalik sa pisngi ko

------

Kinakabahan ako habang papunta sa parking lot. Sana pala nagtanong ako kay nanay
kung anong ginagawa pag may kasintahan. Pero kasi nakakahiya naman na wala akong
gift sa kanya. Sana ma-appreciate niya yung gift ko. Ilang taon kong inalagaan yun.

Tanaw ko na siya mula sa kinatatayuan niya kaya mas kinabahan ako. Binilisan ko
nalang ang lakad. Ilang segundo pa nasa tabi na niya ako at agad siyang humalik sa
pisngi ko.

"Van, p-pwede bang dun muna ako sa condo mo ngayon? M-Magluluto ako." nahihiyang
sabi ko

Palagi naman kasi ako sa condo niya dahil kadalasan dinadalhan ko siya ng pagkain o
nilulutuan dahil hindi siya marunong magluto. Mga lalaki talaga.

"Sige. Daan muna tayo sa grocery." pag-sang-ayon nito

Tulad ng sabi niya, dumaan muna kami sa grocery. Bumili ako ng ingredients para sa
iluluto kong sinigang na baboy na paborito niya. Di na rin kami nagtagal dahil
umuwi kami agad sa condo niya.

Nagpaalam na rin naman ako kay nanay kaya okay lang na medyo gabihin ako ng uwi.
Sana lang ay hindi sila mag-away ni tatay ngayong gabi lalo na't wala ako. Baka
matakot nanaman si Adonis.

Napatuwid ako sa pagtayo at napahinto sa paghahalo nang may naramdaman akong


yumakap mula sa likuran ko.

"Hindi pa ba yan luto? Nagugutom na ako." nakangusong sabi nito

"L-Luto na. Maghahain lang ako." sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap niya

Ito nanaman ako, kinakabahan at natataranta. Sana magustuhan niya yung gift ko sa
kanya. Tinanong ko pa si Eugene kung tama bang iregalo ko sa kanya yun eh. Sabi
naman niya, 'Perfect! Tumpak! Pak na pak!'

Naghain na ako at sabay na kaming kumain. Nagkwekwento siya at kinakausap ako pero
tipid lang ang sinasagot ko sa kanya. Kinakabahan kasi ako sa gagawin ko.

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin." pagprepresinta nito

Pumayag nalang ako dahil baka makabasag pa ako. Wala pa man din ako sa katinuan.
Naupo ako sa couch at nanood nalang ng tv kahit na wala naman akong naiintindihan.

"I love you, witch." malambing na sabi ni Van na nakayapos na pala sakin nang hindi
ko namamalayan

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"I love you too, ogre." malambing din na sabi ko

Nakatitig lang ako sa mata niya na parang hinihigop ako papalapit sa kanya. Hindi
na ako nagdalawang isip pa at ginawa ko na ang gusto kong gawin. Kinabig ko ang
batok niya palapit sakin at hinalikan siya.

Magkalapat lang ang labi naming dalawa at nakapikit lang ako. Mumulat na sana ako
at hihiwalay na nang maramdaman ko ang pagkabilang kamay niya sa pisngi ko at
nagsimulang igalaw ang labi niya.

'Go with the flow' turo ni Eugene kaya ginaya ko ang ginagawa ni Van at gumanti na
rin ng halik sa kanya. Humiwalay ako nang maramdaman kong nawawalan na ako ng
hininga. Naghahabol ako ng hininga habang nakapatong ang noo ko sa noo niya.

"Happy 1st monthsary..." nakangiting sabi ko nang makabawi ako

Ngumiti rin siya sakin bago hinalikan ang noo ko at yakapin ako.

Naibigay ko na ang gift ko sa kanya. Naalala ko kasi dati yung sinabi niya eh. Sabi
niya noong nililigawan niya ako na gusto daw niyang makuha ang first kiss ko pag
isang buwan ng magkasintahan kami. Kaya binigay ko yung first kiss ko.

Special Chapter 4

Tumatawa ako habang kausap ko ang kaklase kong si Gino. Nagjojoke kasi siya at
nakakatawa kaya tumawa ako alangan naman na umiyak ako diba? Muntanga pag ganun.

"Zea, andyan na si Enrique." sabi ni Gino kaya napahinto ako sa pagtawa at


napalingon sa likuran ko

Napangiti ako nang makita si Van na papalapit samin pero nawala ang ngiti ko nang
mapansin ko na nakasimangot siya at ang sama ng tingin niya kay Gino.

"We have to go. May namataan akong magnanakaw." seryosong sabi niya

Napatuwid ako ng tayo at napatingin sa paligid. Magnanakaw? Paano nakalusot sa


security ang magnanakaw?

"Asan yung magnanakaw? Hulihin natin! Tara!" pamimilit ko at hinihila siya pero
siya natitinag sa kinatatayuan niya

"Wag kang mag-alala, Alexandra. Ako na ang bahala sa magnanakaw na yun para di niya
manakaw ang pag-mamay-ari ko." seryosong sabi niya

Hinarap ko siya habang nakakunot ang noo at tinignan siya ng seryoso.

"Ninakawan ka ba ng magnanakaw na yun? Bakit kasi hindi mo ingatan! Sabi ko naman


sa'yo, maraming masasamang loob sa mundo ngayon!" panenermon ko sa kanya

"Oo nga naman, Enrique. Ingatan mo kasi." sabi naman ni Gino

Hinarap ko si Gino at nakita ko ang pagngisi nito kay Van. Uh-oh. Don't tell me
nag-aaway na sila ng palihim pero hindi ko man lang napansin? Gosh!

"Mauuna na kami, Gino." paalam ko at hinila na si Van

Buti nalang at nagpahila na siya sakin. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse bago
siya pumunta sa driver's seat. Halata ang mahigpit na paghawak nito sa manibela at
ang galit na ekspresyon niya.

"Van, galit ka ba? Sorry na." paglalambing ko sa kanya

Hindi niya ako pinansin kaya nanahimik nalang ako. Baka kasi mas lalo siyang
magalit pag kinulit ko pa siya. Hindi niya ako hinatid sa bahay at dumiretso lang
kami papunta sa condo niya. Ganito naman lagi ang set-up naming dalawa eh. Hindi
niya ako papauwiin hangga't magkaaway kami at may samaan ng loob.

Nauna akong pumasok ng elevator sa kanya at nakakaramdam ako ng ilang dahil kaming
dalawa lang ang nasa elevator tapo di pa kami nag-uusap. Hindi ako sanay na ganito
kaming dalawa.

"Van..." tawag ko sa kanya nang nauna siyang pumasok ng unit niya at dumiretso sa
kwarto niya

Napabuntong-hininga nalang ako sa inasal niya. Nagtungo ako sa kwarto ko na nandito


sa condo niya at nagpalit ng damit. May kwarto ako dito dahil madalas kaming
nandito ni Adonis pag nag-aaway sila nanay at tatay. Ayokong lumaki siya sa ganoong
pamilya kaya inilalayo ko siya sa environment na ganun.

Nagtungo ako sa kwarto ni Van at kumatok ng tatlong beses pero walang sumasagot.
Kumatok ulit ako pero wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang seradura ng pinto at
pumasok sa kwarto niya. Naabutan ko itong nakadapa sa kama habang walang pang-itaas
na damit. Ilang beses ko ba siyang pagsasabihan na magdamit tuwing natutulog lalo
na at bukas ang aircon?

Naupo ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya. Halatang pagod siya. Exam week
nanaman kasi kaya siguradong pagod siya tulad ko. Lahat ng college students petiks
lang pag regular days pero pag Exam Week na o Hell Week kung tawagin, palakihan na
ng eyebags ang mga estudyante lalo na pag graduating ka at kailangan mong gumawa ng
thesis at ilang paper works.

"Xandra...." paos na sabi niya nang maalimpungatan siya at makita ako sa tabi niya
na nakaupo

"Gutom ka na ba? Maghahanda ako ng pagkain." masuyong sabi ko sa kanya

Hindi siya sumagot bagkus ay humarap siya at hinigit ako padagan sa katawan niya.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya dahl kahit mag-iisang taon na kaming
magkasintahan, hindi kami nauwi sa ganitong posisyon.

"Wag kang lalapit sa Gino na yun. Baka agawin ka niya sakin." seryosong sabi niya

Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya dahil pakiramdam ko namumula ako sa sinabi
niya. Napaka-vocal niya sa nararamdaman niya pero hanggang ngayon hindi pa rin ako
sanay na ganun siya.

"Pero kaibigan ko si Gino." katwiran ko sa kanya

"Sige. Kakaibiganin ko si Michelle." biglang sabi nito kaya marahas na napatingin


ako sa kanya

Yun yung babae na may gusto sa kanya!

"Hindi pwede!" malakas na sabi ko sakanya

"Edi iwasan mo si Gino." nakangising sbai nito

"Gino? Sino ba yun? Tao ba yun? Kaibigan mo? Di ko kilala yun!" painosenteng sabi
ko

"Magnanakaw yun, witch. Ako lang ang pwede mong kulamin, maliwanag?" seryosong sabi
niya

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Ang sweet talaga ng freak na 'to. Mana sakin.
Hahaha

Naupo ako nang may maalala ako. Kinuha ko yung cellphone ko at nagbukas ng
facebook. May wifi kasi siya sa condo niya eh. Dumagsa ang napakaraming
notification na nag-a-add sakin, message at mga nagcomment at naglike sa picture
namin ni Van.

Open ang relasyon namin ni Van lalo na sa magulang niya. Sa mga magulang ko naman,
well, gustong-gusto siya ni nanay pero si tatay walang pakialam.

"Ogre, tignan mo oh. Ang daming likes ng picture natin!" masayang sabi ko habang
nakatingin sa post ko na halos umabot na sa isang libo ang likes

Normal lang naman ang picture namin dun. Selfie naming dalawa habang nakasakay kami
sa kotse niya. Picture namin iyon kahapon.

"Hoy! Napakasama mo talaga! I-like mo naman yung post ko!" nagmamaktol na sabi ko
at bahagyang gumalaw ang balakang ko

Napatingin ako kay Van nang mahina itong umungol. Tatanungin ko sana siya kung ayos
lang siya pero hinila niya ako ulit pahiga sa kanya.
"May problema ba, Van? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ko at pilit na
bumabangon pero niyayakap niya lang ako ng mahigpit

"I-I'm okay. J-Just stop moving, please." nahihirapang sabi nito

Mas lalo akong nagpumilit na bumango at pumipiglas sa pagkakayakap niya pero tuwing
gagalaw ako, napapamura siya at napapaungol na parang nasasaktan kaya mas nag-alala
ako.

"Van! Ano bang nangyayari sa'yo?" nag-aalalang sabi ko

Kanina ko pa nararamdaman ang isang matigas na bagay sa bandang hita ko kaya


nagpupumiglas ako para makita kung ano yun.

"Bitaw ka muna. May matigas akong nadaganan eh." mahinahon na sabi ko habang
gumgalaw para mas maramdaman ko kung ano ang matigas na bagay na iyon

"Ughhh! Shit! Stop!" sabi ulit nito at napapikit pa ng mariin

Humigpit din ang pagkakayakap niya. Naramdaman kong bumaba ang kamay niya sa bewang
ko at inangat ko iyon ng kaunti kaya hindi ko na maramdaman ang matigas na bagay na
iyon. Ano ba yun?

Napatili ako nang binaliktad ni Van ang posiyon namin kaya siya na ang nakadagan
sakin pero nakasuporta ang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Nakaangat din ang
ibabang parte ng katawan niya pero halos magkapalitan na kami ng mukha sa sobrang
lapit niya.

"Van, may masakit ba sa'yo? Ano ba yung matigas kaninang naupuan ko? Nasaktan ka ba
dun?" nag-aalalang tanong ko at hinawakan ang pisngi niya

Kusang nagsara ang mata nito na parang kinakalma ang sarili at dinama ang palad ko.
Nagmulat siya ulit at sinubsob ang mukha niya sa balikat ko. Malalim ang paghinga
niya at parang may pinipigilan siyang gawin.

"That was my erection, Alexandra. Don't ever do that again, please. You will be the
death of me." paos na sabi nito at bakas sa mukha niya ang paghihirap

Agad akong namula sa sinabi niya. Oh sht. Dumb Zea. Umiral nanaman ang katangahan
mo.

Hinawakan ko siya sa balikat at marahang tinulak siya para makita ko ang mukha
niya. Bakas pa rin ang paghihirap sa mukha niya at ang pamumula ng tenga niya.

"O-Okay ka lang ba? P-Paano ba mawawala yan?" tanong ko rito

"I'm okay, witch. Don't worry about me. Dapat sarili mo ang iniintindi mo dahil
nasa iisang kwarto tayo at ako lang ang kasama mo." namumungay ang matang sabi nito
at hinaplos ang buhok ko

Tama naman siya. Siguro kung ibang lalaki ang kasama ko baka kanina pa ako umalis
pero iba si Van. I feel safe around him. I know he will never do something that can
harm me.

"Why? Gagalawin mo ba ako?" nanghahamon na tanong ko sa kanya

"You know how much I want to take you and make love to you but NO. I need to marry
you first, okay? So, you better stop challenging and teasing me." masuyong sabi
niya at hinalikan ako sa noo
Naupo siya sa tabi ko at napahinga ng malalim. Minsan hindi ko maiwasang makaramdam
ng takot dahil hindi ko naibibigay ang pangangailangan niya at baka maghanap siya
ng iba na kayang punan yun. Hindi ko maiwasan na mag-isip na baka pag hindi ko
napunan ang pangangailangan niya bilang lalaki, iiwan niya ako.

"Van, sexy ba ako?" biglang tanong ko at yumakap sa kanya

"No because you're hot." nakapikit na sabi nito

"Bakit ayaw mong gawin natin yun?" tanong ko ulit

Nagmulat siya ng mata dahil sa tanong ko at sinulyapan niya ako bago tumingin sa
ceiling at nanahimik. Nagulat ako nang kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit.

"I want to reserve your purity until our wedding. That doesn't makes you less
hotter because that makes you the hottest. At iyon ang gusto mo diba? Ang maikasal
muna bago gawin yun. Nagbago na ba ang isip mo nang makita mo ang abs ko?"

Hinampas ko siya sa dibdib niya dahil sa sinabi niya. Okay na eh, Sweet na sinabi
niya eh kaso dinagdagan pa niya ng kahanginan niya.

"Bakit mo ako mahal?" tanong ko nanaman sa kanya

Sanay na sakin yan dahil minsan ang random ng mga tanong ko. Curious lang ako.

"I don't know. Di ka naman maganda---Ouch!" biglang hiyaw nito nang kurutin ko ang
nipples niya

"Maganda ako! Dyosa nga ako eh!" nakairap na sabi ko sa kanya

"Oo na, dyosa ka na. Bakit nga ba mahal kita? Ewan ko. Kailangan ba may reason?
Basta ang alam ko gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda ko tapos titignan
natin yung mga apo natin na nagtatakbuhan in the future." nakangiting sabi nito na
parang nai-imagine ang future

Napangiti ako sa sinabi niya at hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya.

"Eh ikaw bakit mo ako mahal? Ang gwapo ko no?" mayabang na sabi nito at hinimas pa
ang baba niya

"Di ko rin alam. Pangit ka naman tapos mas gwapo pa sa'yo si Matt Bomer----"
napahinto ako sa pagsasalita nang dumagan siya sakin at ang sama ng tingin niya

"Sino ang tanginang Matt Bomer na yan? Ipapatumba ko para ako lang ang gwapo sa
paningin mo." inis na sabi nito

Natawa ako sa sinabi niya. Taga-bundok kasi ang lalaking ito kaya hindi niya kilala
si Matt Bomer.

"Future husband ko yun si Matt Bomer." pang-aasar ko sa kanya

Mas lalong tumalim ang mata nito sa akin.

"Mas gwapo pa ako dun! Taga-saan ba ang lalaking yan? San siya nag-aaral? Anong
trabaho niya? Mayaman ba? May kotse? May abs ba? Mabango ba yan? Mas mabango ako!
Masarap pa ako! San ka pa? Kay Enrique na!" tuloy tuloy na sabi niya na parang
hindi na humihinga
Para siyang nag-a-advertise ng pagkain sa sinabi niya. Ang dami pa niyang tanong.
Seryoso ba siya, hindi kilala yun?

"Ilabas mo yang hampaslupa na kabit mo at para mapatay ko na. Pinakaayoko sa lahat


yung inaagaw yung akin eh at ang pinakaayoko sa lahat yung may nakaharang sa plano
ko." matigas na sabi niya

Hindi ko na napigilan ang mapahalakhak sa kanya kaya kinunutan niya ako ng noo.
Niyakap ko sa batok niya ang braso ko at mabilis na hinalikan siya sa labi kaya
napangisi siya.

"Mas gwapo ka dun, mas mabango, mas mayaman, mas masarap, mas macho, at mahal ko."
nakangiting sabi ko

Ngumisi lang siya ulit sakin na parang sinasabi niyang, 'You made the right
choice.' And yes, he's right. I am making the right choice. The choice to choose
him always.

Special Chapter 5

"Hoy halimaw! May tumatawag sa'yo!" sigaw ko at kinatok siya sa banyo

Ayoko naman kasing sagutin yung tawag niya dahil alam ko ang salitang privacy.

"Sagutin mo nalang, witch!" sigaw nito pabalik

Nagtungo ako sa bedside table at dinampot ang cellphone niya. Number lang ang
nakalagay. Sino kaya 'to?

"Hello? Sino po sila?" magalang na sagot ko sa tawag

[Who are you?! Bakit hawak mo ang cellphone ni Enrique?!] galit na tanong nito

Tumaas ang kikay ko sa inasal niya. Aba. Gusto ata ng sample ng babaeng ito.

"Naliligo kasi siya. May sasabihin ka ba? Gusto mo ako nalang magsabi?" kalmadong
sabi ko rito

[Bakit kasama mo siya?! Nilalandi mo ba siya?! Girlfriend niya ako!] sigaw nito sa
kabilang linya

Walang delikadesa. Tsk. Ako pa nasabihan ng malamdi. Sapakin ko siya eh. Inagawan
pa talaga niya ako ng pwesto sa buhay ng BOYFRIEND KO.

"Ano bang pangalan mo para masabi ko sa kanya na tumawag ka." kalmado pa rin na
sabi ko kahit na gusto ko na siyang kalmutin at sapakin

[Why would I say my name? Bitch.] matatay na sabi niya

Huminga ako ng malalim nago nagsalita ulit.

"Kailangan mong sabihin kung anong pangalan mo para malaman niya kung sinong
girlfriend niya ang tumawag dahil sa dami ng girlfriend niya hindi niya alam kung
sino ang tumatawag."
Napangisi ako nang bigla niyang binaba ang tawag. Napatingin ako sa banyo nang
lumabas si Van na bagong ligo at bihis na pero nag-pupunas ng basang buhok.

"Sino daw tumawag?" tanong nito habang pinupunasan ang buhok

Sumama ang tingin ko sa kanya at hinagis ang cellphone niya sa kanya. Buti nalang
at nasalo niya.

"Shit. What the hell?" gulat na sabi nito

"Girlfriend mo daw!" inis na sabi ko

Kumunot ang noo nito sakin at tumingin sa cellphone niya tapos tumingin sakin.

"Tinawagan mo ako?" takang tanong nito

Aba't. Muntanga talaga ang ungas.

"Bakit kita tatawagan?! Magkasama naman tayo!" singhal ko rito at nagdadabog na


lumabas ng kwarto niya

Sumunod naman agad siya sakin at naupo sa couch kung saan ako naupo.

"Ikaw lang naman kasi ang girlfriend ko." malambing na sabi nito

Sinamaan ko siya ng tingin at tinulak palayo sakin.

"Eh sino yun?! Pagbuhulin ko kayo eh!" galit na sabi ko sa kanya

"Hindi ko alam. Witch naman. Takot ko lang sa'yo pag nambabae ako. Baka barilin mo
ako bigla eh." malambing na sabi nito at yumakap sakin

Di ko na napigilang mapangiti sa sinabi niya. Subukan lang niyang lokohin ako at


ipapasagasa ko siya sa tren.

Nahampas ko siya bigla nang halikan niya ang leeg ko. Humaharot nanaman eh.

"Napakamanyak mo talaga!" inis na sabi ko at hinampas siya

"Aray naman. Hinalikan ka lang eh!" reklamo nito

"Heh!" singhal ko sa kanya at nagpunta na sa kusina para magluto ng dinner namin

Kumunot ang noo ko nang makita ang stocks niya. Hotdog lang ang nandoon. Gutom na
ako kaya di na ako nag-abala na bumili ng lulutuin namin. Di naman aangal yan sa
iluluto ko dahil di siya marunong magluto.

"Anong niluluto mo?" tanong nito at yumakap sa likuran ko

"Hotdog." tipid na sabi ko

Humiwalay siya sakin at kumuha ng plato, kutsara, tinidor at baso. Yan lang ang
lagi niyang ginagawa at ang maghugas ng pinggan palibhasa di alam magluto.

Nagsandok ako ng kanin at naghain na rin. Walang mapili sa taong gutom. Madami nga
ang niluto kong hotdog eh. Matakaw kasi ang kasama ko at syempre pati ako.

Nagsimula na kaming kumain at nag-umpisa nanaman akong magdaldal sa kanya. Sumubo


ako ng kanin at nakita ko ang natirang hotdog kaya mabilis na tinusok ko ito pero
sa kasamaang palad, nagkasabay kami ni Van.

Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya sakin.

"Akin to! Bitaw na!" inis na sabi ko sa kanya

"Akin to. Ako bumili!" pagpupumilit nito.

"Ako ang nagluto!"

"Nauna ako!"

"Maganda ako!"

"Anong konek?"

"Break na tayo!" singhal ko rito

Lihim akong napangisi nang matigilan siya at umawang ang labi niya habang nakatitig
sakin. Maya-maya ay nakabawi na siya sa gulat at binawi ang tinidor niya na
nakatusok sa hotdog.

"Grabe! Busog na busog na ako. Sakit ng tiyan ko. Sa'yo na yang tira, witch. Busog
na ako eh!" biglang sabi nito at hinimas ang tiyan niya sabay lagok ng tubig

Sarap kumanta ng, "I am the champion" hahahaha

"Thank you!" masayang sabi ko at sinubo ang hotdog

-----

"What the fuck? Are you serious with this shit?" tanong nito habang sinisipat ang
superman na boxer shorts

Naglilibot kasi ako sa mall kahapon nang makita ko yan tapos naalala ko siya. Ang
cute kaya!

"I will not wear that shit!" inis na sabi nito at hinagis iyon sa kung saan

Alam ko naman na maarte yang si Van kaya syempre may plano ako para maipasuot sa
kanya yan. Ang hot siguro niyang tignan pagsuot yun.

"Ayaw mo talaga yun?" kunwaring malungkot na sabi ko

Para saan pa at president ako ng Drama Club kung di ko magagamit, diba?

Lumambot ang ekspresyon nito pero umiwas din siya agad ng tingin sa akin. Aba!
Nagmamatigas ka pa ah.

"Ayoko." nakaiwas ang tingin na sabi nito

Naglakad ako papunta dun sa hinagis niyang boxers at pinulot yun. Kung di madaan sa
santong dasalan, daanin sa santong selosan!

"Sayang naman. Ibibigay ko nalang ito kay Gino. Sigurado ang hot niyang--" di ko na
natapos ang sinasabi ko nang hinablot niya ang hawak kong boxers

"Akin 'to! Gusto ko na pala!" matigas na sabi niya


"Akala ko ba ayaw mo?" painosenteng tanong ko rito

"Joke lang." seryosong sabi nito

Lumawak ang ngiti ko at hinila siya palapit sakin tapos niyakap siya ng mahigpit.

"Kaya mahal na mahal kita eh." malambing na sabi ko

Yumakap naman siya pabalik at hinalikan ang ulo ko.

"Mas mahal kita kahit na pinapasuot mo ako ng baduy na boxers." natatawang sabi
nito kaya natawa na rin ako

Feeling ko kasi talaga ang hot niya pag sinuot yun eh. Tsaka ang cute kaya. Isa pa,
gwapo si Superman at astig

"Binibining Pilipinas na!" biglang sabi ko nang marinig ko yung opening song

Kumalas ako sa kanya at nagpunta sa sala ng condo niya. Naupo ako doon at tutok na
tutok na nanonood. Narinig ko ang yabag ni Van papalapit sakin at naupo sa tabi ko.
Umakbay siya sa sandalan ng upuan kaya parang nakaakbay siya sakin.

Nakatingin lang din siya sa tv at nanonood. Ito ang bisyo namin ni Van, sabay na
mambabae. Hahaha. I mean, manood ng beauty pageant sa tv dahil nagpupustahan kami
kung sino ang mananalo at minsan naman nag-aaway kung sino ang pinakamaganda, tulad
nalang ngayon.

"Mas maganda nga iyon sabi eh!" singhal ko sa kanya

"Mas maganda yung no. 3!" pagpupumilit nito

Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Mas maganda yung manok ko!

"Mas maganda yung no. 10!" nakairap na sabi ko at humalukipkip

"Mas maganda yung no. 3, tignan mo! Malaki yung dibdib tapos maganda ang puwet!"
sabi nito at talagang may hand gestures pa

"Yun ang batayan mo ng maganda?! Mas maganda yung 10 kasi napakasimple ng ganda
niya tapos makurba pa ang katawan!" singhal ko sa kanya at sinamaan ulit siya ng
tingin

Sabay kaming napatingin sa TV nang babanggitin na kung sino ang mananalong


Binibining Pilipinas. Humarap kami sa isa't isa ni Van at naghawak kamay na parang
kami ang nasa contest.

"Sana po 10." mahinang sabi ko

"Hindi. Yung 3!" medyo malakas na sabi ni Van

Sinamaan ko siya ng tingin at akmang sisinghalan siya nang biglang kumulog at


kumidlat ng malakas. Kasabay non ay ang pagkawala ng kuryente. Imbes na sumigaw sa
gulat, sumigaw ako sa frustration.

"Nakakainis naman eh!" inis na sabi ko

Tinignan ko si Van nang kinuha niya sa mesa ang cellphone niya. Nakisilip ako kasi
ngumingisi siya.
"Tignan natin sa facebook kung sinong nanalo." sabi nito

Naghintay kami ng ilang minuto. Maya-maya ay biglang nag-appear na bagong post sa


newsfeed niya. Bigla akong humiyaw ng malakas nang mabasa ang nasa post.

"Sabi sa'yo eh!" mayabang na sabi ko kay Van na nakabusangot na at nakahalukipkip

"Sinwerte ka lang." tipid na sabi nito

May parusa kasi ang natalo kaya nagpuputok ang butsi niya. Napahiyaw ako ulit nang
bumalik na ang kuryente dahil sa generator siguro.

"Paano ba yan? Ikaw ang maglilinis ng buong condo mo dahil di ko na ipapatawag yung
housekeeper." nakangising sabi ko

Tamad kasi siyang maglinis ng condo niya at laging inaasa sa housekeeper pero pag
nandito ako sa condo niya, ako ang naglilinis. Ako kasi na inaasa niya sa iba ang
bagay na dapat siya ang gumagawa.

"Witch naman..." nakasimangot na sabi niya

"Bawal umangal! Dito matutulog bukas si Adonis kaya maglinis ka." sabi ko sa kanya

"Nag-away nanaman ba sila?" mahinang tanong nito

Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid. Hindi ko kayang makita ng kapatid ko ang unti-
unting pagkasira ng pagsasama ng magulang namin.

"Lika nga rito." malambing na sabi niya at hinila ako paupo sa hita niya

Niyakap niya ako at siniksik sa katawan niya. Yumakap ako sa kanya pabalik habang
nakatagilid ng upo at binaon ang mukha ko sa balikat niya.

"Let's get married."

Napahiwalay ako sa kanya at gulat siyang tinignan. Seryoso ba siya? Halos pitong
buwan pa bago kami gragraduate ng college.

"Wag tayong magmadali, Van. Kailangan pa nating makagraduate pagkatapos mag-


rereview pa ako para sa board exam ko. Mag-mamasteral ka pa diba?" paliwanag ko
rito

Bumuntong-hininga siya at tumingin sa mata ko.

"Alexandra, p-pwede bang magshift ka nalang ng course?"

Marahas na tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa hita niya at tinignan siya ng


masama. Ilang beses ba niyang uungkatin ang tungkol sa pagpupulis ko?!

"Baliw ka ba, Van? Pitong buwan nalang gragraduate na tayo. Sa tingin mo ba,
hahayaan kong masayang ang halos apat na taon na ginugol ko at palitan ng ibang
kurso? You're being unreasonable!" galit na sabi ko sa kanya

"Unreasonable? I'm not, Alexandra! I'm just worried. Damn it! Sa tingin mo ba hindi
ako kinakabahan tuwing nagpapaalam ka sakin na mag-ga-gun firing kayo?! And to
think na may OJT ka pa!" galit na sabi nito pero halata sa mukha niya ang pag-
aalala
"Hindi ka naman nagrereklamo dati ah!" sumbat ko rito

"Because I know how much you love your course!" frustrated na sabi nito at
napasuklay sa buhok niya

"I love my course until now, Van!"

"I'm just worried about you! Damn it!" singhal nito sakin at tinalikuran ako

Natahimik nalang ako nang maiwan akong mag-isa sa sala. Ano bang nangyayari sa
kanya? Kanina inaaya niya ako ng kasal tapos ngayon issue nanaman ang pagpupulis
ko.

Napabuntong-hininga nalang ako at nagpunta sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok at


pumasok nalang ako. Nakita ko siyang nakaupo at nakaharap sa laptop niya habang
nagtitipa. Nag-uumpisa na kasi ang training niya sa kompanya nila kahit na hindi pa
siya graduate kaya may mga ginagawa siyang mga trabaho at parang advance OJT na rin
niya.

Pero kahit busy siya nabibigyan pa rin niya ako ng oras. Tulad nalang kanina,
kasama ko siyang nanood ng Binibining Pilipinas.

"Van..." masuyong tawag ko sa kanya

Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pagtipa. Hindi na ako nakatiis at
lumapit na ako sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likod kaya napahinto siya sa
ginagawa niya. Binaon ko ang mukha ko sa likurang balikat niya at nagsalita.

"Sorry..." sincere na sabi ko

Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko
bago niya pagsalikupin iyon.

"I'm just afraid, Alexandra. I'm afraid to lose you."

Special Chapter 6

"Sasamahan na kita!" pagpupumilit ni Van habang nakakunot ang noo

"Gago ka ba?! Sasamahan mo akong magpalit ng napkin ha?!" singhal ko naman sa kanya

"What's the problem with that? I'm worried, okay!" inis na sabi nito

"Wag kang sasama sa loob!" nagbabantang sabi ko

Kanina pa kasi kami nagtatalo dahil may period ako at naiinis ako sa kakulitan
niya. Sobrang sakit kasi ng puson ko at ang kumag naman, ayon. OA nanaman.

"Sasama nga ako dahil baka kung anong mangyari sa'yo!" pagpupumilit pa rin nito

"Doon ka na sabi eh! Uupakan kita!" pagbabanta ko sa kanya at tinaas ko ang kamao
ko

"Geez. You're so stubborn, woman!" nakukunsuming sabi nito at namewang pa


"Muntanga ka naman kasi! Sinong matinong lalaki ang sasama sa banyo habang
nagpapalit ng napkin ang girlfriend niya, ha?! Sino?! Sagot!" panenermon ko sa
kanya

"Ako!" sabi nito at tinuro pa ang sarili niya

Binato ko sa kanya yung isang tsinelas ko pero naiwasan niya lang. Muntanga talaga.

"Hindi ka matino! Manyak!" singhal ko ulit

"Nagmamagandang loob lang ako dahil nag-aalala ako sa'yo tapos sasabihan mo ako ng
manyak? Ugh! Women are hard to understand!"

"Kayo kasing mga lalaki hindi kayo makaintindi!"

Magsasalita pa sana ito nang makitang ngumiwi ako ulit at napahawak sa puson ko.
Shit.

"Y-You okay?" nagaalalang tanong nito

Tumango ako sa kanya at akmang isasarado na ang pinto ng banyo nang bigla siyang
pumasok at hinablot ang hawak kong panty at napkin kaya nanlaki ang mata ko.

"What do you think you're doing?!" gulat na tanong ko pero napangiwi ako ulit

Binuksan niya kasi yung napkin tapos sinisipat ang panty ko. Di ko mapigilang
mamula sa ginagawa niya. Hindi ko naman mahablot dahil pakiramdam ko mas sumasakit
ang puson ko pag gumalaw ako.

"How to put this thing?" curious na tanong nito

Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya?! Ako nga hiyang-hiya na eh!

"Akin na kasi!" singhal ko rito

Hindi niya ako pinansin at tuluyan ng binuklat yung napkin. Napahilamos ako sa
mukha ko sa sobrang inis. Marahas na hinablot ko sa kanya iyon at naupo sa toilet
bowl.

"Napakapakialamero mo talagang lalaki ka!" singhal ko habang nilalagay ang napkin


sa panty ko

Nakita naman na niya kaya hindi na dapat ako mahiya. Napaka talaga ng lalaking 'to.

"I just want to help. Masakit ba talaga?" tanong nito ulit

"Ayos lang ako. Please labas ka na para makapagpalit ako." mahinahon na sabi ko

Sumunod naman siya sa sinabi ko nang makitang okay lang ako. OA talaga ang isang
yun.

-------

"Feeling mo talaga tao ka?" mapang-asar na tanong ni Van sakin

"Hindi. Dyosa kasi ako!" mataray na sabi ko sabay flip ng hair para maganda ang
effects diba?

"Wag kang mayabang kasi pag tumatabi ako sayo, di ka na dyosa." nakangising sabi
nito

Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakapikon na siya!

"Aba't!" inis na sabi ko at dinuro siya

Bigla siyang tumayo at tumakbo palayo kaya hinabol ko siya pero agad din akong
napahinto sa pagtakbo nang marinig ko ang sunod na sinabi niya.

"Nagiging bagay kasi tayo! Love you Mangkukulam!"

-------

Bagot na bagot na ako dito sa tinatambayan namin lalo na at wala si Eugene. Perks
of being an Engineering student ang peg niya ngayon. Nakikinig kaming dalawa ni Van
ng music at nagsheshare ng earphones. Wala kasing earphones si Van. Imagine,
mayaman na walang earphones? Pulubi.

"Hays. Ang ganda ko talaga." biglang sabi ko habang nakatingin sa picture ko

"Di ka maganda. Nadadala ka lang sa kagwapuhan ko." mayabang na sabi niya

Kita niyo na. Napakaepal talaga ng lalaking 'to eh. Sarap upakan kung di ko lang
'to mahal eh!

"Ay. Mahangin. Buhusan kaya kita ng kape nang kabahan ka naman?" sarkastikong sabi
ko pero nginisian niya lang ako

Nanlaki ang mata ko nang kornerin niya ako at nilapit ang mukha niya. Rape. Oh my
gosh. Rape! Ang tagal naman niya. Tangina. Nagsasuggest na nga ako eh. Joke! haha

Ay shit. Napatingin ako sa labi niya tapos sa mata niya tapos sa labi niya ulit.
Bumibilis yung tibok ng puso ko na parang gusto ng lumabas at nakakaramdam ako ng
pagkataranta. Nagpanic ako nang mas bumaba ang mukha niya kaya agad na gumawa ako
ng paraan para lumayo siya. Tinuhod ko siya.

"Fuck! Alexandra!" namimilipit na hiyaw nito habang nakahawak sa gitnang hita niya

Para siyang hirap na hirap talaga at namimilipit sa sakit kaya mas nataranta ako.
Kinalkal ko ang bag ko at hindi magkamayaw sa pagkuha ng cellphone ko.

"Oh shit! I'm sorry! Masakit ba? Waaaaah! Sorry na Van! Ikaw naman kasi eh. Ang
manyak mo!" natatarantang sabi ko sa kanya habang dinadial ang number ni Eugene

Naiiyak ako sa taranta dahil namumula na ang mukha ni Van.

"Sinisi mo pa ako? Don't you trust me? Sa tingin mo ba aangkinin kita sa damuhan?
It's not comfortable, you know. At kung balak kong gawin yun sa'yo matagal ko ng
ginawa lalo na pag mag-isa lang tayo sa condo ko." nakayukong sabi nito pero bakas
sa mukha ang pagkairita

Hindi na ako nakapagsalita pa nang marinig ko ang boses ni Eugene sa kabilang


linya.

"E-Eugene! Mamamatay na ata si Van!" natataranta at naiiyak na sabi ko


[Ano?! Mamamatay na?! Hayaan mo lang yan, girl. Marami pang lalaki!]

"I'm serious, Eugene! Tinuhod ko kasi siya kanina." naiiyak na sabi ko

[WHAT?! Papunta na ako dyan! Sa garden ba?]

"Yes. Thank you." sagot ko at binaba na ang tawag

Napatingin ako ulit kay Van na nakayuko at nagsimulang yumugyog ang balikat. Is he
crying? Masakit ba talaga?

"V-Van?"

Hahawakan ko na sana siya sa balikat nang bigla siyang bumunghalit ng tawa.


Napamaang nalang ako sa kanya at narealize ko na kaya namumula ang mukha niya dahil
nagpipigil siya ng tawa. Pinagtripan nanaman niya ako!

"Hayop ka talagang halimaw ka! Nakakabwisit ka talaga!" inis na singhal ko sa kanya


at hinampas siya

-------

"Bakit kasi nagpapahaba ka ng kuko? Ha?" inis na tanong nito habang pinuputol ang
kuko ko gamit ang nail cutter

"Aray! Wag naman sagad yung pagputol mo! Tsaka bakit ba? Maganda naman ang kuko ko
ah! Lalo na pag nilagyan ng pulang nail polish." reklamo ko rito at ngumuso

Tumingin siya sakin ng masama at pinagpatuloy ang pagputol ng kuko ko.

"Masakit yang kuko mo pag kinukurot mo ako." reklamo naman nito

Ngumuso nalang ako sa kanya at tinignan siya habang pinuputol ang kuko ko.

Napatitig ako sa kanya nang maalala ko na anniversary namin bukas. Naalala kaya
niya? Hindi kasi niya binabanggit kung may gagawin kami bukas para icelebrate yung
anniversary namin.

"Van, san tayo bukas?" hindi ko na napigilang itanong

Tinupi niya yung nail cutter at nilagay sa drawer.

"Bukas? Sa school syempre. May pasok tayo bukas eh. Balak mo bang umabsent?" kunot
noong tanong nito

Kumunot din ang noo ko sa kanya. Wag niyang sabihin na nakalimutan niya?

"Wala ka bang naaalala na kailangan nating puntahan bukas o kung anong okasyon
bukas?" tanong ko rito

"Wala naman, witch. Ang alam ko lang may exam kami bukas. May okasyon ba? Di mo
naman birthday at tapos na ang birthday ko." kunot noo na sabi nito

Tumango tango ako sa kanya kahit na naiinis na ako at gusto ko siyang upakan.
Tangina talaga ng ungas na 'to.

------

Tangina mo talaga Van! Ang sarap mong sapakin! Argghhh!


Mantakin niyo ba naman na iniwan ako sa condo niya at hindi man lang ako ginising!
Bwisit talaga siya. Ni hindi man lang niya sinabi na mauuna na siyang papasok.
Bwisit talaga!

Anniversary pa man din namin tapos iniwan niya ako. Tapos hindi pa niya maalala!

"Diba Eugene nakakainis?!" iritang sabi ko kay Eugene nang matapos kong ikwento ang
nangyari

Hapon na pero di pa rin siya nagpaparamdam sakin! Nakakainis talaga siya. Pag ako
nainis uupakan ko talaga yun.

"Kalma ka lang, girl. Baka busy." kibit-balikat na sabi nito

"Busy my ass! Sapakin ko yun eh."

Tapos na ang huling klase ko pero hindi pa rin niya ako tinawagan o tinext man
lang. Pag nakita ko talaga ang ungas na yun masasapak ko yun.

"Una na ako, Zea. Bye girl!" paalam ni Eugene at bumeso

Nagpunta nalang ako sa parking lot para hanapin ang kotse ni Van. Nakita ko siyang
nakatayo doon at may kasamang babae. Para ngang nag-aaway pa sila. Siya ba ang
inatupag niya kaya nakalimutan niya ang anniversary namin?!

"Buntis nga ako Enrique!"

"Pwede ba Dawn! Pull your fuckin' self together! That child is not mine! Matagal na
noong huling nakita kita!"

"No! This is your child!"

"Shut up Dawn! Hanapin mo ang tatay niyang anak mo at wag mong ipaako sakin dahil
hindi tayo nagkaroon ng relasyon noon! It just pure sex and you know that I am
always using condom!"

"Please Enrique. Ikaw ang ama ng batang 'to."

"Almost three years na noong huling may nangyari satin kaya pwede ba Dawn, tigilan
mo na ako!"

"Nasa bar ka last month diba? Kasama si Ethan."

"No. Hindi ako nagpunta ng bar last month dahil kasama ko ang girlfriend ko araw at
gabi. Umalis ka na Dawn!"

Buntis? Bar? Ano?

"V-Van..." mahinang bigkas ko sa pangalan niya pero mukhang narinig niya iyon dahil
napatingin siya sa direksyon ko

Bumakas ang takot sa mukha niya nang makita ako.

"X-Xandra..." gulat na usal nito sa nickname ko na siya ang gumawa

Unti-unti akong tumalikod habang naglalandas sa pisngi ko ang luha ko. Para akong
isang kandila na unti-unting natutunaw. Ito ba ang ireregalo niya sakin ngayong
anniversary namin?
Sayang naman. Pinaghirapan ko pa namang magbake ng chocolate cake kaninang umaga.

"Alexandra, hear me out. Please." nagmamakaawang sabi nito nang maabutan niya ako
at niyakap ng mahigpit

Tinulak ko siya at malakas na sinampal.

"Ito ba ang inatupag mo buong araw kaya hindi mo man lang naalala ang anniversary
natin? Ha?" panunumbat ko sa kanya

Humarap siya sakin ng may namumulang mata at agad na hinawakan ang kamay ko.

"N-No. Shit. I didn't forget our anniversary, baby. Nung tinanong mo ako kahapon
nagpapanggap lang ako na hindi ko alam pero naaalala ko na anniversary natin.
Umalis ako ng maaga kanina para ayusin yung surprise ko sa'yo. Believe me,
Alexandra. Please." puno ng pagsusumamo ang boses nito

Nagulat ako sa sinabi niya. Tatanggapin ko siya ng buong buo at papatawarin kung
hindi lang dahil sa nasaksihan ko. Kung hindi lang sa babaeng kausap nito kanina.

"Sino siya?" matigas na tanong ko sa aknya habang nakatingin ng matalim sa babaeng


kausap niya kanina na ngayon ay may naglalarong ngisi sa labi niya

Pinaglalaruan kami ng babaeng iyon. Gusto ba niyang maghiwalay kami ni Van?

"Isa sa mga naging ka-fling ko dati. P-Pero wala na akong contact sa kanya.
Maniwala ka. Promise! Diba magkasama tayo last month? Kasama natin si Adonis palagi
tapos lumalabas tayo sa gabi at namamasyal? Diba Alexandra? Tsaka ayaw mo na
nagpupunta ako sa bar diba?" sunod-sunod na sabi nito

Napaisip ako sa sinabi niya at naalala na totoo ang sinabi niya. Lagi pala kaming
natutulog sa condi niya ni Adonis mula noong nakaraang buwan hanggang ngayon.

"Alexandra, believe me." mahinang sabi nito

Pinunasan ko ang pisngi ko at tinignan siya. Alam kong nagsasabi siya ng totoo pero
kung sakaling may nakabuntis siya, ako mismo ang puputol ng kaligayahan niya.

Hinila ko ang kwelyo niya at mariin siyang hinalikan. Nanlalaki ang mata nito dahil
alam niyang ayokong hinahalikan niya ako pag nasa public place kami pero ako ang
nag-initiate ngayon. Pumikit siya at tumugon sa halik ko. Habang ako nakatingin sa
babaeng kausap niya kanina.

Laglag ang panga nitong nakatingin samin ni Van. Itinaas ko ang isang kamay ko at
nag-middle finger sa kanya. Nanlaki ang mata nito sa ginawa ko.

I can be a bad girl when it comes to my man.

Pinutol ko ang halik nang umalis na ang babae. Ngiting-ngiti naman ang ungas sakin
na akala mo nanalo sa lotto.

"Bati na tayo?" masayang tanong nito

"Hindi pa. Asan yung surprise mo?" mataray na tanong ko rito

Nagkamot siya sa batok niya at nahihiyang sumagot.

"Pwedeng mamaya nalang pag madilim na? Hindi mo makikita yun pag maliwanag eh."
Tumango nalang ako sa kanya kahit na nagtataka ako kung ano yung surprise niya.
Bumalik muna kami sa condo niya para magbihis at tumambay. Wala dito si Adonis kasi
nag-overnight sa bahay ng kaklase niya.

Nang ala-siete na niyaya na niya akong lumabas. Nagtaka pa ako nang dalhin niya ako
sa rooftop ng condo. Pagbukas ng pinto ng rooftop bumungad samin ang isang ingay at
ang lakas ng hangin. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang chopper.

Napatingin ako kay Van na nakatingin din pala sakin at nakangiti ng malapad.
Inalalayan niya akong makasakay sa chopper hanggang sa magsimula na itong lumipad.

"Saan tayo pupunta?" gulat na tanong ko rito

"You will see it later." nakangiting sabi nito

Tumingin ako sa ibaba nang mapansin ko na nasa tapat na kami ng dagat. Madilim sa
ibaba pero alam kong dagat iyon.

Napatakip ako sa bibig ko nang may makita akong liwanag sa gitna ng dagat. May mga
nakapormang letra sa ilaw na iyon.

'I LOVE YOU'

Yan ang nakikita ko sa ibaba kaya napatingin ako kay Van na malapad na nakangiti
sakin habang namumula ang tenga. Mabilis na hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap.

"I love you too." bulong ko rito bago ako humiwalay sa kanya

"There's more." nakangiting sabi nito

As if on cue, biglang bumaba ang chopper sa buhangin. Inalalayan naman ako pababa
ni Van at lumayo kami sa chopper agad dahil sa buhangin na lumilipad.

"Van? Bakit may ganito?" takang tanong ko sa kanya nang takpan niya ang mata ko
gamit ang kamay niya

"Basta. Wag kang sisilip." natatawang sabi nito

Naglakad kami sa kung saan hanggang sa unti-unti niyang alisin ang kamay niya sa
mata ko. Nag-adjust pa ang paningin ko hanggang sa makita ko ang mga kandila na
nasa gilid at ang red petals na nasa buhangin. Sa dulo nun ay may malaking mesa at
upuan. Nakangiting nakaupo dun sila nanay, Adonis, Scarlett, at mga magulang ni
Van.

Naluluha ko siyang tinignan at mahigpit na niyakap.

"Thank you." malambing na sabi ko sa kanya

Hinalikan niya ako sa ulo. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya nang makarinig ako
ng ingay na galing sa taas. May makukulay na fireworks sa langit. Naramdaman kong
yumakap mula sa likuran ko si Van at humalik sa pisngi ko bago bumulong.

"Happy Anniversary, witch."


LadyCode's Note

I just want to say thank you to all of you guys. Thank you kasi binasa niyo
hanggang sa huli yung story ko at hinintay niyo ang update ko kahit na minsan
natatagalan.

Thank you sa mga walang sawang nagcocomment dahil sa inyo, na-i-inspired ako na
mag-update. At sa mga nasa ibang bansa na nagbabasa ng mga stories ko, thank you
rin!

Thank you sa mga kinilig, natawa at naiyak. Maski ako habang nagtatype ng tragic
scene, naiiyak. Iniimagine ko kasi na ako yung nandoon sa story para mas ramdam ko.

Next update will be the last special chapter.

Jaxon Jones' story is already published. The title of the story is WIFE FOR HIRE.
May mga scenes na nandoon si Zea and Enrique pero kaunti lang dahil hindi na sila
ang bida but still, may exposure pa rin sila.

Yun lang po. Thank you guys :))

Lovelots! :* :* :*

Last Special Chapter

"Pa, I'm having a date with Azalea tomorrow night." kalmadong sabi ni Devon sakin

Bata pa lang siya alam ko ng may potential siya at lalaki siya ng maayos. Pero
hindi ko inasahan na magugustuhan niya anak ko. Before I met my wife, my sister is
my princess and my wife became my queen. But it all changed when Azalea came into
this world.

She became my princess and always be my princess. Ngayon alam ko na ang pakiramdam
ni dad noong gusto niyang ikasal ang kapatid ko sa lalaking mahal nito.

Kilala ko na si Devon mula pagkabata at hindi lingid sa kaalaman ko ang pagkagusto


nito sa anak ko. Ilang taon na nga ba ang anak ko? Time flies so fast. She's 21 now
but she never dated anyone which is okay with me but not with my wife.

Nag-aalala siya na baka babae rin ang gusto ng anak namin but no. Azalea is like
her mother. She's a tough woman who always think that she doesn't need a man to
protect her.

Masama kong tinignan si Devon. Alam kong mabuti ang intensyon niya sa anak ko. I've
seen how she waited patiently for her to turn 18 but Azalea keeps on rejecting her.

"I've waited long enough. Tapos na siya sa pag-aaral at nagtretraining na siya sa


company niyo. I texted her awhile ago and she said yes." seryosong sabi nito
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Azalea agreed? That's new. Pero mas kumunot ang
noo ko at napasandal sa mesa ko nang mapagtanto ang sinabi nito.

"Did I heard, texted?" paninigurado ko

Napalunok naman ito nang makita ang ekspresyon ng mukha ko. I wish I heard it
wrong.

"Y-Yes." utal na sagot nito at napaayos ng upo

Tinaliman ko siya ng tingin sa sinabi niya. She just asked my princess to have a
date with her by just sending a fuckin' text message. My daughter doesn't deserve
simple things. She deserves the best of all the best.

"My daughter is not just a simple girl, Devon. You can't just ask her out by
texting her. I want someone who can treat my daughter like a queen and if you can't
do that, I'm afraid that I can't entrust my daughter to you." malamig na sabi ko sa
kanya

Pain, disappointment, fear and sadness flashed his eyes for a second. I am just
protecting my daughter to someone who can't treat her like how I treat my wife.
Kahit na masakit sa ulo si Azalea, she needs someone who will treat her the way I
treat her mother.

"I don't need a prince for my daughter, Devon Jones. I need a KING for my daughter.
She needs someone who can make her a queen. Kaya mo bang gawin yun? Don't get me
wrong. I like you for my daughter but I hate the way you treat her. Anak ko ang
pinag-uusapan natin dito, Devon. If I can kill for my wife's safety, I am more than
willing to kill for my daughter's safety. You know me very well." matigas na sabi
ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa mata niya

I can see his fear in his eyes. He needs to be afraid of me dahil kahit anak ang
turing ko sa kanya, masasaktan ko siya pag si Azalea na ang usapan.

"Y-Yes, Sir. I'm sorry for what I did. I will ask her in a way that she deserves."
matapang na sabi nito

I smirked at him. That's what I like about this kid. He has courage. At hindi siya
basta basta sumusuko.

"Pag pumayag siya na makipag-date sa'yo, hindi na kita pipigilan na ligawan ang
anak ko. Hurt her and I will kill you." seryosong sabi ko sa kanya

Napalunok siya sa sinabi ko at agad na tumango. Nagpaalam na rin siya kaya hinayaan
ko na.

Tss. I know Azalea won't agree having a date with him. Tingin niya kay Devon ay
kaaway. She hates Devon but I can see that she respects him like an older brother.

Nagligpit na ako ng gamit nang makita kong pasado alas-kwatro na. Baka malate ako
ng uwi at magalit ang asawa ko.

Pagkarating ko sa bahay sinalubong ako agad ng asawa ko na may malapad na ngiti.


Napangiti rin ako at humalik ng mabilis sa kanya. Kinuha niya ang brief case na
dala ko at nauna na sa taas kaya sumunod agad ako.

"Van, may date si Azalea at Devon!" excited na sabi nito kaya napahinto ako sa
pagtanggal ng necktie ko
"What?" mahina ngunit mariin na tanong ko

Parang kanina lang kausap ko si Devon ah. So he made a move already?! Mukhang
nagmamadali ang kumag na yun ah. Gusto na ata talaga niyang kunin ang anak ko sa
poder ko. Pero syempre hindi niya basta basta makukuha ang anak ko. Ano siya?
Siniswerte?!

Huh. Hindi niya alam ang paghihirap ko noong buntis ang asawa ko at ang takot at
kabang naramdaman ko habang nanganganak siya.

"Pumayag si Azalea?" paninigurado ko

"Yup! Ewan ko nga kung paano niya napapayag si Azalea eh. Knowing your daughter,
napakailap sa mga lalaki." ngiting-ngiti na sabi nito

Ako lang ba ang hindi masaya na may date ang dalaga ko?

Nagbihis na ako ng damit pambahay at sinabayan ang asawa ko sa paglabas sa kwarto


namin. Nagkatinginan kami nang marinig namin ang malakas na boses ni Gavin.

"Hindi ka aalis ng bahay bukas! Ipapagapos kita kay daddy para di matuloy ang date
niyo ni Kuya Devon!"

"Like I care, Gav. Pumayag na si mommy tsaka nagpaalam na daw si Devon kay dad.
Duh."

"Hindi nga pwede, Ate! Paano kung pakasalan ka agad niya?! Gurang na kaya yun!"

Napasulyap ako sa asawa ko na tumatawa sa tabi ko pero ako napapangisi sa sinabi ni


Gavin. Mukhang may kakampi ako ah.

Bumaba na kami bago pa tuluyang magsapakan ang anak namin. Lagi kasing
nagkakainitan ng ulo ang dalawang yan lalo na at napakasungit ni Azalea. Mana sa
nanay. Maldita.

"Mom! Wag mo siyang payagan na makipagdate!" angal ni Gavin

Napailing naman ang asawa ko sa sinabi ni Gavin.

"Anak, malaki na ang Ate mo. Hayaan mo na siya dyan." balewalang sabi ni Alexandra

"Dad! Bakit si Ate pwedeng makipagdate?! Bakit ako hindi?!" inis na tanong nito
sakin

Kumunot naman ang noo ko at tinignan ang asawa kong nakangisi kay Gavin. Binalik ko
ang tingin ko sa anak kong lalaki habang nakakunot pa rin ang noo ko.

"Sinong may sabing bawal kang makipag-date? Normal lang naman yun sa lalaki---
Aray!" napahinto ako sa sinasabi ko at napadaing nang hinampas ako ni Alexandra sa
braso. Napakasama ng tingin nito sakin na akala mo may ginawa akong malaking
kasalanan.

"16 palang yang anak mo! Kakagraduate pa lang ng High School! Hindi siya pwedeng
makipagdate!" singhal nito sakin

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Witch, college na siya sa pasukan. Wala namang masama sa pakikipagdate ah. Tsaka
naging girlfriend kita nung second year college tayo kaya anong kaibahan nun kay
Gavin? Lalaki naman siya." paliwanag ko rito

Hinampas ulit ako nito sa braso kaya napangiwi ako. Ang bigat talaga ng kamay niya.

"Tigilan mo ako, Van! 18 na tayo nun pero yang anak mo, 16 palang!" sermon ulit
nito

Napatingin ako sa anak kong lalaki na nagpapaawa sa akin at bagsak ang balikat.
Akala ko talaga dati bakla itong anak ko eh dahil wala akong nakitang dinedate at
walang pinapakilalang girlfriend. Yun pala, pinagbabawalan ng magaling kong asawa.

"Buti nga sa'yo!" pang-aasar sa kanya ni Azalea at dumila

Sinamaan naman siya ng tingin ni Gavin pero nagmake face lang si Azalea at ngitian
siya ng mapang-asar bago umalis. Naawa tuloy ako sa anak ko dahil noong ganyang
edad ko, na-try ko ng makipagdate pero ang asawa ko pa rin ang unang girlfriend ko.

"Witch, tignan mo si Gavin oh. Nakakaawa siya." sabi ko rito

Lumingon ang asawa ko sa kanya at ang artistahin kong anak, nagpaawa ng mukha at
pinakitang malungkot talaga. Mana sa nanay. Magaling umarte.

"Oo nga. Nakakaawa pero hindi pa rin siya pwedeng makipagdate!"

Nagkatinginan kami ni Gavin at sabay na napabuntong-hininga. Hindi ko alam yung


feeling ng pinagbabawalan makipagdate dahil di naman ako pinagbawalan noon nila
mommy at daddy.

"Dad..." paawang tawag nito sakin

Tinignan ko siya tapos binalingan ko ang asawa ko na nanlilisik ang mata sakin.
Tumikhim ako at binaling bulit ang atensyon ko sa anak kong lalaki.

"Tama naman ang mommy mo, Gavin. Bata ka pa." seryosong sabi ko

Mas lalong bumagsak ang balikat nito at malungkot akong tinignan. Ngiting tagumpay
naman ang asawa ko kaya lihim nalang akong napangiwi. Nagpaalam si Alexandra na
magluluto na ng dinner kaya pagkaalis nito, agad kong hinila si Gavin paupo sa
sofa.

"Alam mo anak, okay lang na makipaggdate ka. Ako na ang bahala sa mommy mo basta
ipangako mo na hindi ka mambubuntis kundi igagapos talaga kita dito sa bahay."
nakangising sabi ko rito at inakbayan siya

Lumiwanag ang mukha niya at ngumisi rin sakin. Tumango tango pa siya ng mabilis at
ngumiti ng malapad.

"Sure thing, dad. You're the best!" pambobola nito sakin

Dahan-dahan naman akong tumango sa kanya. Kapagkuwan ay tinignan ko siya ng


seryoso.

"Pero syempre, may bayad yun anak." nakangising sabi ko kaya biglang naging blangko
ang mukha nito

"I knew it." nakapoker face na sabi nito

"Ano bang pwedeng gawin natin bukas sa date ng Ate Azalea mo?" nakangisi pa rin na
tanong ko rito
Gulat ako nitong tinignan at ngumisi ulit.

"Sundan kaya natin sila, dad." suhestiyon nito

"Sounds interesting, son. Susundan natin sila bukas at bibili ako ng bagong kotse
para hindi tayo makilala ng ate mo." nakangising sabi ko

Ngiting-ngiti naman siyang tumingin sakin at tumango.

"Pero syempre may bayad yung pagsama ko sa'yo, dad." nakangising sabi nito

Inalis ko ang pagkakaakbay ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Iniisahan ako ng


isang 'to ah. Mukhang mana sakin ah.

"Pinayagan na nga kitang makipagdate na di alam ng mommy mo eh. Ako ang malalagot
pag nalaman niya. Wag kang abusado." masungit na sabi ko rito

"Dad, wala ng libre ngayon. Nag-suggest ako kaya dapat may kapalit." sabi nito at
tinaas baba ang kilay

Kung hindi ko lang siya anak at hindi ko siya kamukha baka nasapak ko na siya. Tss.

"What do you want? Car? Bar? Money? Girls? Restaurant? Name it." kibit balikat na
sabi ko

Malalagot nanaman ako sa asawa ko pag nalaman niya na binibigay ko nanaman ang luho
ng anak namin. What can I do? Kaya kong bilhin ang gusto nila kaya binibigay ko
kaagad. Besides, sila ang dahilan kaya nagtratrabaho ako.

"I want a condo, dad." seryosong sabi nito

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa sinabi niya. Condo? Patay tayo dyan.
Baka barilin ako ng asawa ko pag binilhan ko siya ng condo lalo na at 16 palang
siya tulad ng sabi ng asawa ko. Ayos lang naman sakin kung bilhan ko siya ng condo.
Kahit yung buong building pa kung gusto niya pero ang inaalala ko, ang asawa ko.

"Anak, gusto ko pang mabuhay ng matagal at gusto ko pang makasama ang mommy mo."
seryosong sabi ko

"Hindi naman ikaw ang titira sa condo, dad. Ako ang titira dun."

"Yun na nga Gavin. Ikaw ang titira dun at pag nalaman ng mommy mo na binilhan kita
ng condo magagalit yun sakin. Baka sunugin na niya ang mga gamit ko at patulugin
ako sa may gate pag nagkataon."

Kumunot ang noo ko nang natatawa ako nitong tinignan.

"Under ka pala, dad eh." natatawang sabi nito

Sumeryoso ang mukha ko at matalim siyang tinignan.

"Ikaw ba hindi takot sa mommy mo?" panghahamon ko rito

"Hindi, dad!" mayabang na sabi nito

"Talaga lang ha." nagdududang sabi ko

As if on cue, biglang sumigaw ang mommy niya na nasa kusina at sa tono palang,
halatang galit siya.

"GAVINNNNNNN! WHERE IS MY CHOCOLATE HERE?!"

Halos mapahalakhak ako nang makita ko ang takot na mukha ni Gavin at ang sunod-
sunod na paglunok niya. Namumutla ang mukha nito. Uh-oh. Touch everything but not
my wife's chocolate. Galing pa kasing Switzerland ang chocolate na yun at bigay yun
ni Scarlett sa kanya.

------

Nagmamadali ang mga kilos ko para umuwi dahil mamayang ala-sais ang date ni Azalea
at Devon. Hindi ako mapakali kanina pa dahil baka biglang maisipan nilang maagang
umalis. Mabilis na pinaharurot ko ang kotse ko pauwi. Nagulat pa ang asawa ko nang
makita ako.

"Ang aga mo ata." bungad nito sakin at humalik ng mabilis sa labi ko

"Maagang natapos yung trabaho ko eh." pagsisinungaling ko dito kahit na ang totoo
ay wala akong halos natapos na trabaho

"Dad!" salubong naman sakin ni Gavin at ngumiti ng makahulugan

Tumango lang ako sa kanya at tinignan siya ng makahulugan bago sumunod sa asawa ko
na umakyat na sa kwarto namin. Bumaba kami agad nang makapag-bihis na ako at tumabi
ako kay Gavin habang nasa kusina ang asawa ko tulad ng ginagawa niya araw-araw.

Nakatitig lang ako sa orasan na nasa dingding at ganun din si Gavin na seryosong
nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang relo niya. Tahimik lang kaming nakaupo nang
biglang may lumapit na maid samin.

"Sir, nandito na po si Sir Devon." magalang na pahayag nito

"Papasukin mo." malamig na utos ko sa kanya

Nagkatinginan kaming mag-ama bago kami ngumisi sa isa't-isa at nagfist bump na


parang magtropang may gagawing kalokohan.

"Good evening po, papa." bati nito sakin

Tumango ako sa kanya at pinaupo siya sa upuan na nasa gilid namin. Pinatawag ko na
rin sa maid si Azalea para malaman niyang nandito na ang ungas na magdedate
sakanya. Agad naman itong bumaba at hindi ko mapigilang hangaan ang kagandahan ng
anak ko. Kamukhang-kamukha niya ang mommy niya noong ganyang edad niya. Binatukan
ko pa si Devon nang mapansin ko na halos maglaway na ito kakatingin sa anak kong
babae. Napakamot lang ito sa ulo at binati si Azalea pero inirapan lang siya nito.

"Gusto kong ibalik mo dito ang anak ko eksaktong alas-onse. Walang labis, walang
kulang." seryosong sabi ko kay Devon at tinignan siya ng matalim

"O-Opo, papa." tumatangong sabi nito

Lumabas naman ang asawa ko mula sa kusina at nakangiting tinignan ang dalawa. Tss.

"Mag-ingat kayo, ha?" nakangiting paalam ng asawa ko

"Hoy Kuya Devon, di pa rin kita gusto para sa Ate ko. Ingatan mo yan kundi
sasapakin ka namin ni daddy." maangas na sabi nito
Napailing nalang ako sa sinabi nito. Ginawa ba naman akong resbak. Tsk.

Bumalik na ang asawa ko nang makaalis ang dalawa at kaming mag-ama naman, mabilis
na kinuha namin ang cellphone namin kung saan nakikita namin kung nasaan na sila.
Pinalagyan ko sa tauhan ko ng GPS Tracker ang kotse ni Devon. Syempre planado na
ito.

Akmang lalabas na kami sa pinto nang biglang sumulpot ang asawa ko sa likuran
namin.

"Van? Gavin? Saan kayo pupunta?" takang tanong nito

Nagkatinginan kami ni Gavin at nagpalitan ng makahulugang tingin.

"Uhm. Emergency meeting?" patanong na sagot ko

"Kay Meghan?" patanong din na sabi ni Gavin

Tinignan ko ng masama ang anak kong gaya-gaya. Napaghahalataan kaming nagpapalusot


dahil sa kanya eh.

"Emergency meeting? Meghan?" kunot-noong tanong ni Alexandra at nagdududa kaming


tinignan

"Y-Yeah!" sabay na sagot naming mag-ama dahil pareho kaming kinakabahan

Patay nanaman ako nito sa kanya mamaya. Wag sana kaming mabisto.

"Pupunta ka sa meeting ng nakashorts at nakasando lang? At ikaw naman Gavin,


pupunta ka sa pinsan mo kahit alam mong nasa States sila at bukas pa ang uwi nila?"
nakataas ang kilay na sabi nito at namewang na

"Oh shit." sabay ulit na mura namin ni Gavin

"Where exactly are you going?" seryosong tanong nito

Nagkatinginan kaming muli ni Gavin at napalunok. Pareho kaming kinakabahan,


obviously.

"S-Susundan ko si Ate Azalea/I'm going with Gavin." sabay na palusot namin

Sinamaan ko siya ng tingin at ganun din ang ginawa niya sakin. Bakit niya sinabi
ang totoo?!

"Dad!" reklamo nito

"What?! Ikaw nakaisip na sundan sila ah!" inis na sabi ko

"Nagbibiro lang ako dad!" nakasimagot na sabi nito

"Malay ko bang joke yun. Di naman nakakatawa. Pag nagjoke ka kasi sabihan mo ako
para naman alam kong joke yun tapos tatawa ako, diba?" sarkastikong buwelta ko sa
kanya

"Pinigilan kaya kita Dad!"

"Hoy! Wag mo akong nilalaglag sa mommy mo! Ikaw ang may ideya nito! Tsaka di mo ako
pinigilan!" singhal ko rito, hindi naman niya ako pinigilan ah
"Pero ideya lang yun dad! Tinotoo mo naman!" pagpapalusot nito para maibunton sakin
lahat ng kasalanan

"Wag ka ng sumagot! Napapasama ako sa mommy mo eh!" singhal kong muli rito

"Bakit kasi ako sinisisi mo dad?!" iritang sabi nito sakin at humalukipkip

"Bakit sino ba may sabing sundan sila? Ha?" panghahamon ko sa kanya

"Talaga?! Susundan niyo sila?! Sama ako! Dali!"

Sabay kaming napatingin sa mommy niya dahil sa sinabi nito. Akala namin ay
magagalit siya pero hindi pala. Bakit ko nga ba nakalimutan na loko-loko din pala
ang asawa ko at malakas ang sapak sa utak? Bakit nga ba nakalimutan ko na hindi ko
lang siya basta asawa?

She's my partner in crime, my better half, my life, my everything, and someone who
tamed this monster.

Author's Note

Thank you sa lahat ng readers. Silent man o hindi.

I just made this chapter to make some clarifications and justifications.

May mga readers na naiinis sa ugali ni Zea. If you're one of them, then let me ask
you something. Are you perfect? Wala ka bang ginawang kasalanan kahit isa? Wala
bang nakakainis sa ugali mo?

First of all, I don't want my characters to have a perfect character dahil kung
perect sila, anong thrill doon? Ano pang isusulat ko? And to explain her attitude,
it has a bit of tsundere, if you're an otaku or someone who watch a lot of anime or
read manga, then you know that. She's cold outside or mean but she has a soft
heart.

Para sa kaalaman ng lahat, lahat ng sinusulat kong story ay sinasagot ang tanong
na, "Hanggang saan ang kaya mong tiisin at tanggapin para sa taong mahal mo? At ano
ang kaya mong gawin para sa kanya?"

Hindi ba't pag nagmahal ka, you will accept his/her flaws and embrace it. Pero kung
alam mong nakakasama, you will do something para tigilan niya iyon o sasabihan mo
siya. I made Enrique to have a dominant character to control Zea's pesky attitude.

And to clarify Cara's relationship to Zea. Ganto ang timeline kaya mas matanda si
Zea.

Nabuntis ang nanay ni Zea ng tatay niya noong college sila pero mag-gf sila ni
Nerissa. Hindi pa buntis si Nerissa nito. Pinilit silang ikasal at pinaghiwalay ang
tatay ni Zea at Nerissa kasi ng nabuntis na yung nanay niya.

Then, habang kasal sila, yung tatay ni Zea, nagcheat sa nanay nila at
nakipagrelasyon ulit kay Nerissa kasi nga lablab niya yon. HAHAHAHAHAHAHA. Basta
ganon.
That's all. Thank you.

For my book cover, thank you MISSCTHS

You might also like