You are on page 1of 373

Invisible Girl (REPRINT)

by aLexisse_rOse

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason-
her VOICE.
His Ex and her voice sounds very alike.
Ang tanging konsolasyon lamang niya ay hindi siya nakikita ng binata.
He will not recognize her.
He lost his sight in a car accident after his Ex left him

And her MISSION- convince him to undergo the surgery.


Sana nga ganon lang iyon kadali...
But for her to accomplish her mission, she will need a lot of PATIENCE.
Will she be able to survive without involving her own feelings?
Chapter One: Her Voice

Invisible Girl Book 1 and 2 is now available in all Precious Pages Bookstore and National
Bookstore nationwide.

< Hay... pagkatapos ng isang daang beses na pagmimini-mainimo, finally na-convince ko rin
ang sarili ko na isulat ito. This is my first ever story here. And hopefully matapos ko ito (with
crossed fingers ). Hope you like it . Enjoy reading.> ^_____^ v

CHAPTER 1: Her Voice

"Muriel, pinapatawag ka ni Mam Lorie", bungad sa akin ng ka-officemate nang pumasok ito ng
silid.

"Bakit daw?" Nakasimangot na tanong ko na hindi inaalis ang atensyon sa monitor ng


computer.

"Malay ko. Baka naman may ginawa kang pagkakamali?"

Napalingon ako sa kanya at napaisip. Bigla tuloy akong kinabahan at atubiling lumabas ng
kuwarto.

Lagot ka! Senyas sa akin ni Danica nang mapadaan ako sa cubicle nito.

"Ikaw ang malalagot sa akin mamaya!" Pabulong kong banta. Konting-konti na lang at malapit
nang buminggo sa akin ang babaeng ito.

"Hello sweetie pie!" Bigla na lang sumulpot sa tabi ko si Joseph sabay akbay sa akin. "Sabay
taong mag-lunch mamaya ha?"

Isang bigwas sa sikmura ang natanggap nito mula sa akin.

"Sweetie pie mong mukha mo!"

Umagang-umaga ay sinisira ng mga ito ang araw ko. Dumagdag pa ang pagpapatawag sa akin
ni Mam Lorie. Sa dalawang taon ko bilang IT Technician sa garment company na iyon, ngayon
lang niya ako pinatawag. Hindi pa ako nakakarating sa opisina niya ay kinakabahan na ako.
Nang pumasok ako ay tahimik lang na nakamasid sa akin si Mam Lorie.

"Morning po. Pinatapatawag nyo na raw ako?"

Hindi siya kumibo. At sa halip ay may inabot siyang kapirasong papel sa akin.

"Read it... out loud!" Seryosong sabi niya.

Lihim na umangat ang kilay ko at nagtataka na binasa ang hawak na papel. Gusto ko sana
magtanong. Ngunit hindi ko na lang isinatinig. Mukha kasing mainit ang ulo niya.

"B-baby, p-please forgive me." Parang may kung anong sumabit sa lalamunan ko. Ano ba
kasing kalokohan itong pinapagawa sa akin?

"I'm sorry. Really, really sorry. I know I was wrong and I realized that I still love you. Please let's
start all over again."

"Perfect!" She said suprisingly.

Napitlag ako dahil doon. Tila isa siyang direktor sa pelikula na nagsabi ng cut sabay palakpak.

Nababaliw na siguro siya! Sa isip-isip ko.

"Thank God I have you. Matutulungan ko na rin ang anak ko dahil sa'yo." She added with a
wide smile on her face.

Dahil sa akin? Hindi ko pa rin maintindihan.

"I need you. Gagawin kong triple ang sahod mo at may bonus. Basta tulungan mo lang ang
anak ko."

Awtomatikong umangat ang kilay ko. Triple? At may bonus pa?

Weird! Dapat ay matuwa ako sa narinig. But I had this dread feeling na hindi ko magugustuhan
ang hihilingin niyang kapalit.

"Mam Lorie, ano po ba ang maitutulong ko sa inyo?"

"Hindi naman lingid sayo ang nangyari sa anak kong si Riley." Bigla na lang lumungkot ang
mukha niya. "After he lost his sight in a car accident, he's never been the same again. Naging
bugnutin na siya at masungit. Palagi siyang nakasigaw at walang tumatagal na nurse sa kanya.
And worst, ayaw din ni Riley na mag-undergo ng operation. Iyon ang paraan para makakita siya
ulit."

Nabalitaan ko ang ang nangyari sa nag-iisang anak nito. Kung hindi ako nagkakamali ay isang
buwan na siguro ang nakakaraan nang maaksidente ang minamaneho nitng kotse. Ayon na rin sa
mga tsismosa kong kasamahan sa trabaho, iniwanan daw ito ng nobya. At nang gabing iyon ay
nagpakalango raw sa alak ang binata na naging dahilan nang pagkakaaksidente nito.

"Isang tao lang ang alam kong makakapagpabago ng isip ni Riley." Pagpapatuloy ni Mam Lorie
na nagpakunot ng noo ko. "But the problem, I can't find her anywhere. Hindi ko alam kung saang
lupalop naroon ang babaeng iyon. Kaya naisip ko na gumawa ng ibang paraan. And that is you."

"Ako? Ano naman po ang koneksyon ko doon?" Gilalas na tanong ko.

"Narinig ko ang boses mo kanina sa restroom. Buong akala ko nga ay ikaw si Samantha.
Magkaboses na magkaboses kayong dalawa."

And so? Ano naman kung may kaboses pala ako.

"I want you to pretend as Samantha. Riley will surely recognize you as her. Walang duda, dahil
magkaboses kayong dalawa. And all you have to do is bring back back his old self and convince
him to undergo the operation."

Hindi ako nakakibo. Parang ayaw mag-process sa utak ko ang lahat ng mga sinabi niya. It's
outrageous!

"So, we can start by next week. And don't worry I will help and teach you to be like Samathan.

Teka, hindi pa naman ako pumapayag!

"Eh, Mam Lorie hindi naman po kasi ganon kadali ang gusto ninyong mangyari." Pwede naman
siguro akong tumanggi. Hindi ko kayang gawin ang pinagagawa niya.

Biglang lumungkot ang mukha ng boss ko na parang maiiyak. "Please Muriel... You're my only
hope. Please say yes." Hinawakan pa niya ang dalawang kamay ko.

My mind says no. Paniguradong sakit lang ng ulo ang idudulot nito sa akin. Malay ko ba na
magpanggap! And knowing my temper, kahit gaano pa kaguwapo si Riley ay wala siyang
exemption. Siguradong mag-aaway lang kaming dalawa.

Ngunit nang muli akong tumingin sa kay Mam Lorie ay parang nilapirot ang puso ko. One of my
weaknes. Hay gulay!
Credits to @thoothy_05 for the beautiful book cover.
Chapter Two: The Meeting

Chapter Two: The Meeting

One week later.

"Ginusto mo 'to, puwes panindigan mo!" Sabi ko sa sarili.

Mga five minutes na siguro akong nakatayo sa harapan ng malaking gate na iyon. Ngunit hindi
ko magawang pindutin ang doorbell. Ganon na lamang ang kaba sa dibdib ko na parang gusto
kong mag-back out.

Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na pinalalakas ang loob. Wala naWala naman akong
ibang gagawin kundi sabihin ang kinabisa kong script na mismong si Mam Lorie ang gumawa. At
ayon sa kanya, lagyan ko pa raw ng konting feelings ang pagsasalita. Katulad ng itinuro niya sa
akin noong isang araw. Tiwala naman ako na magagawa ko iyon. Huwag nga lang sasabay ang
init ng ulo ko. Knowing my temper, baka bigla ko na lang makalimutan na nagpapanggap lang
pala ako.

Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang gate. Isang may-edad na babae ang lumabas
doon.

"Ineng, pumasok ka na sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Lorie." Nakangiting sabi nito at basta
na lang akong hinila papasok.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang tumambad sa harapan ang ubod na laki na bahay. Hindi
pala bahay iyon, masyon na ang tawag doon. At mas lalo akong namangha nang tuluyang akong
makapasok sa loob. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatungtong sa ganito kagarang
bahay.

"Muriel!" Nakangiti na salubong sa akin ni Mam Lorie. "I'm glad you're here. Are you ready?"

Gusto ko sanang sabihin na hindi pa, pero naunahan niya ako.

"From now on everyone here will call you Sam or Samantha. Hindi dapat makahalata si Riley.
Wala siyang dapat malaman tungkol dito. This is just between you and me and of course, Nana
Tonya." Itinuro niya ang may edad na babae na humila sa akin papasok kanina.
"Si Nana Tonya ang puwede mong lapitan kapag kailangan mo ng tulong, especially pagdating
kay Riley. Siya ang bahala sayo".

Naagaw ang atensyon naming lahat nang bigla na lang may lalaking nagsisigaw sa itaas.
Maya-maya ay humahangos na bumaba mula sa hagdanaan ang isang dalagita. Sa itsura nito ay
mukhang gusto nitong umiyak.

"Sige na Lenny, bumalik ka sa kusina. Ako na bahala sa kanya" Sabi ni Mam Lorie. Isang
malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tumingin sa akin.

Iyon na naman ang kaba sa dibdib ko.

"Ready? "

Puwede pa ba akong mag-back out?

"Riley, anak mayroon kang bisita", bungad ni Mam Lorie nang pumasok kami sa isa sa mga
kuwarto sa itaas.

I saw him sitting in the floor, sa gilid ng kama nito. Nakatingin ito sa kawalan na tila may malalim
na iniisip. Lumingon lang ito sa kinaroroonan namin ng marinig ang boses ng ina.

Where is the good looking guy I used to know?

Ang nakikita ko ngayon ay isang mukhang sinaunang nilalang dahil sa mahabang balbas na
nakapalibot sa buong mukha nito. Malayong-malayo ang itsura nito sa Riley na nakikita ko noon
sa opisina.

Bahagyang tumikhim si Mam Lorie at siniko ako. Hudyat na kailangan ko nang magsimulang
magpanggap.

"B-baby...", tawag ko kay Riley.

Halatang nagulat ang binata nang marinig ang boses ko.

"Baby its me..."

"What are you doing here?" Biglang bulyaw nito na nagpatayo ng balahibo ko.
Kung makasigaw naman wagas!

"I came back because of you."

"Get out of here. I don't need you anymore!" Sigaw pa rin nito at namumula ang mukha sa galit.

"I know I was wrong, but can you forgive me?" Sabi ko sa nagmamakaawa na tinig.

"Ma, take her away from me!" Baling ni Riley sa ina. "Paalisin nyo siya dito. I don't want to hear
any of her lies!"

"No, Riley! I think you should talk with her."

"Pero Ma?"

"No more buts. Kailangan ninyong ayusin ang problema ninyong dalawa. I'll leave you two
alone."

Bigla akong napalingon kay Mam Lorie. At bago ko pa siya mapigilan ay tuluyan na siyang
nakalabas ng silid.

Tama bang iwanan akong mag-isa sa piling ng masungit nitong anak?

"Umalis ka na Sam. Wala na tayong dapat pag-usapan. I don't want to see you anymore."

I rolled my eyes. Oh yeah, as if naman na nakikita niya ako.

"I won't leave unless you forgive me." May naisip ako na bagong taktika. Mukha kasing hindi
uubra kung patuloy akong magmamakaawa sa kanya.

"You don't know what you are saying?"

"I mean it! Hindi ako aalis dito. Kahit kaladkarin mo pa ako palabas ng bahay nyo, babalik at
babalik ako." Matapang na sabi ko.

He smirked. "Why are you doing this, Sam?"

Dahil pinilit ako ng nanay mo! Gusto ko sanang sabihin sa kanya. Pero sa halip ay iba ang
lumabas sa bibig ko.

"Because I love you."


Kahit ako ay nagulat sa sinabi. Saan nanggaling iyon?

"You love me?" His finger pointing at him while laughing. Isang tawa na nakakaloko. "Oh come
on! Pagkatapos mo akong iwanan saka mo sasabihin sa akin na mahal mo ako? Huwag na
tayong maglokohan, Samantha.Alam ko naman kung bakit ka bumalik. Dahil naaawa ka lang sa
akin."

"Hindi ako naaawa-"

"I don't believe you. And stop lying! Hindi pa ba sapat na pinaniwala mo ako sa mga
kasinungalingan mo noon? You never know how much pain you've caused me. So please... just
leave." Naroon ang hinanakit sa tinig niya.

Now, I'm speechless. Na-off guard ako sa narinig.

Pucha! Ano ba kasi itong napasukan ko?

"Basta! Hindi ako aalis." Wala na akong naisip na sasabihin kundi iyon. "I won't never leave you
again. I'll be the one to take care of you. I Won't give up on you no matter what happen."

"Katulad ng sinabi ko, hindi ko kailangan ng awa mo."

"Sino bang nagsabi na naaawa ako sa'yo? Hindi pa ba obvious na kaya ako bumalik dahil
mahal pa rin kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko? Alam kong nagkamali ako nang
iwanan ka. At pinagsisihan ko iyon."

"It's useless, Sam. I don't love you anymore."

Naman! Hanggang kailan ba magpapakipot ang lalaking ito? Mauubusan na ako ng dialogue.
Konting-konti na lang at malapit ko na siyang sukuan.

"Naiintindihan ko ang galit mo dahil sa ginawa ko sayo. Obvious naman na kaya ka


nagkakaganyan dahil mahal mo rin ako. I know you still love me. And don't you dare deny it.

"Get out!" Muli ko na naman narinig ang pagsigaw niya. "Get out of my room! Get out of my life!"

"Hindi mo kailangang sumigaw."

"Wala kang pakialam! Gagawin ko kung anong gusto ko!"

"Fine!" Ganting sigaw ko. Naiinis na talaga ako. "Aalis na ako kung iyon ang ikaliligaya mo!" At
saka dire-diretsong nagmartsa palabas ng pintuan.

Mamaos ka sana!

Tila nahahapo na ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama. Hindi ko inaasahan ang
pagbabalik ni Samantha. She really did surprise me. When I heard her voice again, it seems my
heart wants to jump from my chest. I want to run to her and hold her in my arms again. She's right.
I still love her. Pero bakit ganon? Bakit nasasaktan pa rin ako kahit na sinabi niyang mahal pa rin
niya ako?

Tama lang siguro ang naging desisyon ko na ipagtabuyan siya palayo. I had enough of her. At
ayoko nang masaktan ulit nang dahil na naman sa kanya. Dahil sa susunod na mangyari iyon
muli, baka tuluyan na akong bumigay
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded

Chapter Three: Hardheaded Vs Hardheaded

Sapu-sapo ko ang ulo ko nang bumangon mula sa kama. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi.
Hindi ako sanay matulog sa bahay ng iba. Dumagdag pa ang masungit na lalaking iyon na
nagpapiga ng utak ko sa kakaisip ng paraan para lamang makuha ang loob nito.

Napatingin ako sa orasan. Sa mga oras na ito dapat ay nasa opisina na ako at payapa na
nagta-trabaho. Ang alam ng mga ka-officemate ko ay naka-vacation leave ako ng isang buwan.
Wala silang kaalam-alam sa ginagawa kong kababalaghan kasabwat ang boss namin.

Naalala kong bigla si Jena. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang naging reaksiyon
ng kaibigan nang magdahilan akong uuwi ng Davao. Parang ayaw pa niyang maniwala. Wala
naman akong balak na sabihin sa kanya ang tungkol sa pagpapanggap ko. She's been a good
friend to me. But knowing her big mouth, baka siya pa ang magpahamak sa akin. Lalo na at
kasama ko rin siya sa trabaho. Nagkalat pa man din ang mga tsismosa sa opisina.

Nakaligo na ako nang lumabas ng kuwarto. At dire-diretso na bumaba ng hagdanan. Lumingon


ako sa kaliwa. Pagkatapos ay sa kanan.

Saan ba dito ang papuntang kusina? Mukhang maliligaw pa yata ako.

I choose the left hallway instead. Ngunit bumungad sa akin ang malawak na garden. Bumalik
ako sa pinanggagalingan ko.

Teka! Saang lupalop na ba ako naroon? Ang laki naman kasi ng bahay na ito.

I almost jumped in suprise, nang may biglang kumalabit sa akin mula sa likuran.

Akala ko mumu. Si Nana Tonya lang pala.

"Ineng, saan ba ang punta mo?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Hinahanap ko po yung kusina. Nalliigaw na po yata ako."

Bahagya siyang tumawa. "Halika rito. Tamang-tama nakapaghanda na ako ng agahan." At


hinila niya ako sa kamay.
Ang kusina na hinahanap ko ay nasa gilid lang pala ng hagdanan. At bumungad sa akin ang
mga nakahain na pagkain sa mesa. Biglang tuloy akong nakaramdam ng gutom.

"Kumain ka lang ng kumain dyan. Huwag kang mahihiya." Sabi ni Nana Tonya sa akin habang
magana akong kumakain.

"Nasaan po si Mam Lorie?" Naisip kong itanong.

"Kagabi pa siya umalis. Meron yata siyang business trip sa... sa Hongkong ba yon?"

Nanlumo ako sa narinig. Iniwan na naman niya ako!

"Huwag kang mag-alala nandito naman ako. Hindi kita pababayaan. Kung kinakailangan ibitin
natin ng patiwarik si Riley para tumino, bakit hindi?"

"Seryoso kayo?"

"Pinapatawa lang kita Ineng. Para ka kasing maiiyak."

Bigla akong napangiti. Mukhang magkakasundo kaming dalawa ni Nana Tonya.

"Para po ba kay Riley iyan?" Ang tinutukoy ko ay ang hinahanda niyang pagkain sa tray.

Tumango ang matanda.

"Ako na po ang magdadala nito sa kanya." Pagboboluntaryo ko.

"Ikaw ang bahala. Basta siguraduhin mo lang kakainin niya ito bago siya uminom ng gamot."

Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango.

"Alam kong may katigasan ng ulo si Riley. Pero mabait naman ang batang iyon."

"Huwag po kayong mag-alala Nana Tonya, kaya ko po ang sarili ko. Subukan lang niyang
magloko talagang makakatikim siya sa akin."

Napatawa ng malakas ang matanda. "Gusto kita bata ka!"


Bitbit ko ang almusal ni Riley nang maabutan ko ang dalawang katulong na nagtatalo sa tapat
ng kuwarto ng binata.

"Ikaw na!"

"Ikaw na lang!"

"Ayoko, baka masigawan na naman ako ni Sir."

"Mas lalong ayoko. Nakakatakot kaya siya."

"Ako nang gigising sa kanya."

Nagulat ang dalawa sa pagsulpot ko.

"Kayo pala, Mam Samantha!" Lenny yata ang pangalan nito. Lumapit siya sa akin at akmang
kukunin ang dala kong tray.

"No! Kaya ko na ito. Pakibukas na lang ang pinto."

Agad namang tumalima ang isang katulong.

"Sigurado po ba kayo Mam? Bigla na lang po nagbabagong anyo si Sir Riley kapag naiistorbo
sa pagtulog."

"Nagbabagong anyo din ako lalo na kapag nasisigawan."

Napahagikgik sila sa sinabi ko. Akala siguro nila ay nagbibiro ako.

"Goodluck po," pahabol sa akin ni Lenny nang tuluyan akong makapasok sa loob.

Nadatnan ko si Riley na natutulog pa rin sa kama nito. Nilapag ko muna ang bitbit kong tray
bago ko siya nilapitan.

"Hey, sleepy head, wake up!"

Kumilos si Riley paharap sa akin, pero nanatili pa rin tulog.

Guwapo na sana, panira lang ang mahaba nitong balbas!


Muli ko siyang ginising at marahan na tinapik sa pisngi.

"Baby... honey... sweetie... darling... huy!" Lahat na yata ng klase ng endearment ay nasabi ko
na. Pero himbing na himbing pa rin siya.

Buhusan ko kaya siya ng malamig na tubig?

When suddenly he smiled at me. As if he was dreaming.

Oh shit! Ang guwapo pala niya.

But to my surprised, nang umaangat ang kamay ni Riley at marahas na hinila ako sa braso.
Bumagsak ako sa ibabaw ng katawan niya. At bago pa ako makakilos ay mabilis na pumulupot
ang mga kamay niya sa katawan ko. He reversed our position instantly. Ilang pulgada lang ang
layo ng mukha niya sa akin.

May ilang sandali kami nasa ganoong posiyon. Hindi ako agad nakakilos sa sobrang
pagkabigla. Then Riley opened his eyes. Tila doon lang siya tuluyang nagising nang
maramdaman ang katawan ko sa ilalim niya. Mabilis na kumunot ang noo ng binata.

"Who the hell are you?"

Doon lang ako nagkalakas ng loob na itulak siya palayo sa akin at mabilis na bumangon.

"I said who are you?" Gulat na gulat na tanong niya.

I couldn't seem to find my voice. My heart was beating so fast that I could hardly breathe.

"Hindi ka ba talaga magsasalita? N-nana Tonya!"

"I-its me..."

"Samantha? I thought..."

"Akala mo umalis na ako. Sorry ka na lang pero matigas ang ulo ko." Sabi ko pagkatapos
maka-recover sa nangyari.

Nag-isang linya na naman ang mga mata ni Riley.

"Hep! Bago ka magalit sa akin, kainin mo muna itong almusal mo. Sabi ni Nana Tonya kumain
ka raw muna bago mo inumin itong mga gamot mo."

Wala na siyang nagawa ng hilahin ko siya sa mini-dining table na naroon malapit sa may
veranda. Akmang isusubo ko sa kanya ang hawak na kutsara nang pigilan niya ang kamay ko.

"Don't bother, kaya ko ang sarili ko." He said in a cold voice.

"Okay." At pinaubaya ko iyon. Hindi naman ako mahirap kausap.

Ngunit ilang minuto na ang nakaraan ay hindi pa rin siya kumikilos. Hindi man lang niya
tinangkang galawin ang pagkain na nasa harapan niya.

"Huy, Riley!" Tinapik ko siya sa braso. Baka kasi tinutulugan na niya ako.

"Walang akong gana. Iligpit mo na iyan."

Hay! Heto na naman kami.

"Kumain ka kahit konti lang. Para naman mainom mo na itong gamot mo."

"Bingi ka ba? O kailangan kong ulitin ang sinabi ko?"

"Sabi ko nga wala kang gana!" Tumayo na ako at ibinalik ang pagkain sa tray.

Tumayo na rin si Riley at nabunggo niya ang mesa na muntikan na niyang ikatumba. Mabuti na
lang at naalalayan ko siya kaagad. Huli na nang ma-realize ko na halos nakayakap na pala ako sa
kanya.

"Don't ever think of seducing me. It wont work."

Nag-init ang mukha ko sa narinig. At mabilis na kumalas sa kanya.

"Y-you're dreaming, gutom lang iyan. Kumain ka na nga lang!"

"Ayoko ngang kumain!"

"Akala ko ba wala kang ganang kumain. Magkaiba ang walang gana sa nag-iinarte."

"Bakit ba ang kulit mo?"


"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?

"Look who's talking?

"Matigas ang lang ulo ko pero hindi ako maarte."

Hindi na maipinta ang mukha ni Riley. Tila anumang oras ay sasabog na naman siya.

"Kakain ka ba o gusto mong i-seduce kita?"

"It won't work on me."

"Oh come on! Huy.. ang isang mamang masungit dyan, na-miss ako."

May pasundut-sundot pa ako sa tagiliran niya.

"Stop it Sam!"

Hindi ko mapigilang matawa. Napapakislot kasi si Riley sa tuwing tutusukin ko siya sa tagiliran.

"Sam, hindi ka na nakakatawa! Stop it! Para kang bata!"

Hindi pa rin ako tumitigil. Panay naman ang atras niya.

"Samantha!" Final warning na niya.

Saka lang ako huminto. "Okay, fine! Hindi na kita pipiliting kumain kung ayaw mo talaga. Hindi
naman ako ang magugutom."

Binitbit ko na ang tray at akmang lalabas ng silid nang muli akong makaisip ng kalokohan.

sinundot ko siya ulit sa tagiliran at muli siyang napakislot. Ang lakas ng tawa ko.

"Babalik na lang ako Baby Boy kapag gusto mo nang kumain." Nakangisi na sabi ko at tuluyang
lumabas ng silid.
I could still hear Samantha's laughter outside. Maybe laughing at her hearts content. Hindi ko
alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isipan niya. She's acting really weird since yesterday. At
hindi ko maiwasang magtaka sa mga kinikilos niya.

Actually I'm expecting her to cry and act like a drama queen while begging for my forgiveness.
But the woman who showed up yesterday was exactly the opposite of her. She handled the
situation very lightly. She doesn't even care, kung magalit ako at masigawan ko siya.

Did she still loves me? Or just care about me?

Iyon ang patuloy na gumugulo sa isipan ko. At aaminin ko na muling nagulo ang sistema ko sa
kanyang pagbabalik.

I already made a decision last night. Dapat kong panindigan iyon. If she wanted to stay, wala na
akong magagawa roon. At kung anuman ang dahilan niya, the hell I care!

Shit! Narinig kong nagrereklamo ang aking tiyan. Nagugutom na ako. Hindi pa naman ako
naghapunan kagabi dahil sa biglaang pagdating ni Samantha.

I lied to her nang sabihin kong wala akong gana na kumain. Sinabi ko lang iyon para sana inisin
siya. To get even on her. Pero bumalik sa akin ang ginawa ko. Sa halip ako ang nainis at napikon
sa childish act niya. And the worst, binitbit pa niya ang breakfast ko. Akala ko pa naman iiwanan
niya iyon.

Naisip kong tawagin si Nana Tonya para magpadala ng pagkain. Ngunit umiral na naman ang
pride ko. At isa pa akong mapahiya kay Samantha.

Makapagtubig na nga lang!

Tumayo ako at tinanya ang bawat hakbang ko. Mula nang mawalan ako ng paningin ay sinanay
ko na ang sarili ko na kumilos nang walang umaalalay sa akin. I want to be on my own. Siguro
kaya naging ganito ako kasungit ay dahil ayoko nang masyadong atensyon.

Si Mama lang naman ang over reacting sa sitwasyon ko. Akala kasi niya gusto ko nang
mamatay. She couldn't understand that I just wanted to find myself. And I have my own reason
why I don't want to undergo an operation. Alam ko naman na iyon lang ang paraan para bumalik
ang nawala kong paningin. Pero madalas ay nauunahan ako ng takot.

Nasapo kong bigla ang noo nang tumama iyon sa pader. I make a wrong move. Ouch!

Pilit akong may kinakapa pero walang mahagip ang mga kamay ko.
Where it is? Sinong naglipat ng inuminan ko?

Napatingin ako sa itaas nang marinig ko ang malakas na boses ni Riley.

"Nana Tonya si Mila na lang po ang papuntahin nyo kay Sir Riley." Si Lenny na napatigil sa
ginagawa.

"Bakit ako?" Reklamo ni Mila. " Eh ikaw ang tinatawag?"

Nangingiti na lang ako habang abala sa pagkain ng fruit salad nang bigla silang lumingon sa
direksyon ko.

"Bakit kayo nakatingin sa akin?" Napahinto ako sa pagsubo.

"Close naman kayo ni Sir Riley, di ba?" Si Lenny.

"At saka kanina narinig po namin kayong tumatawa. Ibig sabihin mabait po sa inyo si Sir." Si
Mila.

"So?"

Iyon na naman ang sigaw ni Riley.

"Mam Samantha, sige na po!" Sabay na pagmamakaawa ng dalawa.

"What's your problem, Baby Boy?"

"Hindi ikaw ang tinatawag ko?"

I rolled my eyes.

"Where are they? Lenny! Mila!"

"They wouldn't come."

"Because you told them?"


Pinagkrus ko ang mga braso ko sa tapat ng dibdib "Natatakot silang lumapit sayo."

"Bakit ikaw, hindi?"

"Hindi ka naman nangangagat."

He smirked.

"Get me a glass of water. Nauuhaw ako."

Kung makasigaw wagas, eh mang-uutos lang naman!

"Here." Inilagay ko sa kamay niya ang baso ng tubig.

"May kailangan pa ba kayo, mahal na prinsipe?"

"Stop it!"

"What? Wala naman akong ginagawa."

"Stop acting like that."

"Like what?"

"L-like..." Hindi nito maituloy ang sasabihin.

"Gutom lang iyan Baby Boy. Here, kumain ka na."

"Ayo-"

Hindi na ito nakapiyok nang isubo ko sa bibig niya ang dala kong pagkain.

"Ang sabi ni Nana Tonya ay kagabi pa walang laman ang tiyan mo. Kaya kahit ayaw mo
kailangan mo pa ring kumain."

"Don't treat me like a child." Sabi niya sa pagitan ng pagnguya.

"Then don't act like one."

Hay! Kailan ba mauubusan ng lintanya ang lalaking ito? Ang daming reklamo. Nakaka-stress.
Chapter Four: The Shower Scene

Chapter 4: The Shower Scene

Nagising ako sa ringtone ng cellphone ko. Anong oras na ba? Parang kakatulog ko pa lang.
Siguradong si Mama na naman ang tumatawag.

Kinapa ko ang telepono sa ilalim ng unan ko.

"H-hello..."

"Bro, musta na?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya.

"J-jared?"

Puro tawa lang ang naging response nito sa akin.

"Gago ka talaga! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"

"Miss me, lover boy?" Biro pa nito.

"Gago!" But he was right. Na-miss ko nga ang bestfriend kong ito.

Isang buwan na ang nakakaraan nang huli ko siyang makausap. A week after my accident,
agad siyang lumipad patungong Nevada para sa isang business conference. Pero duda ako na
iyon ang tunay na dahilan. Kilalang-kilala ko ang kaibigan. At sigurado ako na dumayo lang ito sa
malayo para mambabae.

"Wala ka pa bang balak bumalik dito?" Muli kong tanong sa kanya.

"I'm enjoying my life here. Walang hassle. Nasa Pinas ngayon si Erpat. Pero balita ko next
week daw siya pupunta rito kaya ako naman ang uuwi dyan."

"Hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo magkasundo ni Tito Armand?"

"Parang hindi mo kilala si Erpat. Lagi na lang ako ang nakikita nun. Wala na akong ginawang
tama para sa kanya."
"Magpakatino ka na kasi. Be serious with your life."

"Be serious like you? Nah...baka magkasakit lang ako. I love being like this. Less prone to
heartache, less prone to accident."

Wala na akong nasabi. Obviously ako ang pinapatamaan ng gunggong na ito. He never
change. He always wants to play safe.

"So, how are you dude? Nakapag-decide ka na ba about sa operation?" Suddenly he asked.

"Hindi pa. Ayoko munang isipin ang tungkol doon."

"How about...you know, your ex? Do you have any news about Samantha?"

"Nandito siya ngayon."

"Dyan sa Pilipinas? How did you know?"

"She is here... with me."

"Oh come on! Are you joking me?" Gulat na gulat ito.

"No, I'm not."

"Are you sure?" Hindi pa rin ito makapaniwala sa sinabi ko. "Noong isang araw lang ay nakita
ko siya... never mind." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin.

"Bigla na lang sumulpot si Samataha sa bahay, two days ago. She says sorry and she wants us
to be together again."

"And?"

"Things couldn't be the same again since she left me. I am not the same person that she used
to know."

"That's my man! Congrats Pare. Finally, nagising ka rin sa katotohanan. Move on and enjoy
your life. Hindi mo na siya kailangan sa buhay mo."

"But how can I do that if she is my self-appointed private nurse. Wala akong magawa para
iwasan siya. And worst, kasabwat niya pa si Mama."

I heard him chuckled. "Problema nga iyan pare. Sorry but I can't help you right now."

"Tsk!" ang tanging naisagot ko sa kanya.

Narinig kong bumukas ang pintuan.

"Gising ka na pala hijo." Boses iyon ni Nana Tonya.

Napakunot ang noo ko. Where is Samantha?

"Hey, are you still there?" Si Jared.

"Y-yeah." Bakit ko ba siya biglang naisip? "Ano nga ulit iyon?"

"Never mind. Anyway I got to go. Someone is expecting me. "

"Someone special?"

"Nope. Someone interesting." Sabay tawa.

Asa pa ako na magseseryoso ito sa babae!

"Goodluck to your new self. Kapag napanindigan mo yan, bilib na ako sayo. I love you bro."
Pagkatapos ay narinig ko na ang end tone sa kabilang linya.

Napailing na lang ako. Sira talaga ang ulo!

"Si Jared ba ang kausap mo kanina? Matagal-tagal ko na ring hindi nakikita ang batang iyan."
Si Nana Tonya na nakalapit na pala sa akin ng hindi ko namamalayan. Inalalayan niya ako sa
braso para makabangon.

"Kaya ko na po mag-isa," sabi ko sa kanya.

"Walang masamang tumanggap nang tulong galing sa iba. Lalo na kung ang iniisip lang nila ay
ang ikabubuti mo."

Napakamot ako ng ulo. "Nana Tonya, hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Kayo lang naman ang
inaalala ko. Baka kasi hindi nyo kayanin ang bigat ko."

"Parang sinabi mo na matanda na ako. Mas malakas pa ako sa kalabaw."


Hindi na ako sumagot. Baka humaba pa ang panenermon nito.

Kanina pa ako kinukulit ng isipan ko. At hindi ako mapalagay. Where is she? Bakit hindi siya
ang naghatid ng almusal ko?

Tapos na akong kumain nang sa wakas ay nagkalakas loob akong magtanong.

"Nana Tonya, si... ano po, si..." Hindi ko maituloy-tuloy ang gusto kong sabihin.

Lecheng pride na ito! Sino ba ang nakaimbento nito?

"Si Samantha ba ang hinahanap mo?" Masungit na tanong ni Nana Tonya pero lingid sa akin
ang malapad niyang ngiti.

Hindi ako kumibo.

"Huwag mo na siyang hanapin. Umalis na siya kaninang madaling araw."

"Po?" Nagulat talaga ako sa narinig. "Umalis na siya? Bakit daw?"

"Hindi ko alam. Siguro sumuko na at hindi na natiis ang pagsusungit mo. Parang hindi mo kilala
ang nobya mo, masyadong maramdamin. Naisip niya siguro na wala na siyang lugar sa buhay
mo."

Eto na naman ang pamiliar na sakit sa dibdib ko! She said that she'll never give up on me, but
she lied again.

Ilang sandali akong walang imik. Gusto kong mag-isip. Pero nanatiling blanko ang utak ko.
Damn!

Then suddenly I heard that voice again.

"Nana Tonya, nandyan lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap." Si Samantha na bigla na
lang sumulpot sa kuwarto ko.

Akala ko ba ay umalis na siya?

"Iha mauna na ako sa'yo sa ibaba. Ihahanda ko lang ang agahan mo," iwas sagot ni Nana
Tonya at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

"What did you do to her?" Tanong ni Samantha sa akin.

"Huh?"

"Why she is acting like that? Don't tell me, pati si Nana Tonya minamaltrato mo?"

Minamaltrato? Tama bang pagbintangan ako!

"Why don't you ask her?" I snapped. Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya.

"You are so mean!" Halos pabulong na sabi niya pero nakarating pa rin sa pandinig ko.

If I could only see her, sigurong humahaba na ang nguso niya. Pagkaraan ay narinig ko ang
padabog na pagsara ng pinto. Sigurado ako, she was cursing me right now.

At hindi ko mapigilan mapangiti.

"Kung nakita mo lang sana ang reaksyon ni Riley kanina..." Hindi na natuloy ni Nana Tonya ang
sinasabi dahil sa katatawa. Tila tuwang-tuwa ito sa nagawang kalokohan.

"Bakit nyo naman sinabi iyon?" Hindi ko lubos maisip na marunong din pala itong mag-trip.

"Naisip ko lang na biruin siya nang hanapin ka niya sa akin. Mukhang nadismaya siya nang
malaman niyang ako ang naghatid ng agahan niya imbes na ikaw."

"Ano naman po ang naging reaksyon ni Riley?" Bigla akong na-curious.

"Nalungkot. Para pa ngang naiiyak. Kaya lang bigla kang dumating. Kaya hayun, nabuko tuloy
ako ng di-oras."

"Kaya pala ganon ang reaksyon niya. Akala ko pa naman meron siyang ginawa sa inyo.
Siguradong galit siya sa akin."

"Eh iha, pwede bang ikaw na muna ang maghatid na tanghalian ni Riley mamaya?"
"Bakit ako? Ang daya nyo, Nana Tonya!"

"Sus, kayang-kaya mo yan. Ngayon lang naman nagsusungit si Riley dahil sa kalagayan niya.
Pero alam kong pagdating sa'yo tumitiklop siya. Sa nakita kong reaksyon niya kanina, hindi
maikakaila na mahal ka pa rin niya."

Sumimangot ako. "Si Samantha po ang mahal niya at hindi ako."

"Parang ikaw na rin iyon. Wala siya dito kaya ikaw na siya ngayon."

Bigla akong nalungkot. Pakiramdam ko kasi ay nawalan na ako ng identity. Sa ngayon ay ako si
Samantha. Dahil nagpapanggap ako bilang siya. Pero ako pa rin naman si Muriel. At kahit kailan
ay hindi magbabago iyon.

Lumabas ako at nagtungo sa garden. Gusto kong mag-emote. Bored na bored na kasi ako sa
bahay na ito.

I miss my job. I miss my friends. I miss my night life. At syempre I miss my family. Sana nga
naka-vacation leave na lang ako. I miss them so much.

I also miss myself. Lately hindi ko na nagagawa ang gusto ko. Limitado ang mga kilos ko. Pero
may mga pagkakataon na lumalabas talaga ang pagiging maldita ko.

Si Riley kasi eh. Kahit anong pagtitimpi ko, umaalpas pa rin ang pagiging mainitin ng ulo ko.
Duda tuloy ako na mako-convince ko pa siya na magpaopera sa loob ng isang buwan. Sa tuwing
magkakasama kaming dalawa, palagi na lang kaming nag-aaway. Para kaming mga aso't pusa.

"Mam Samantha!" Tawag ni Lenny at namamadaling lumapit sa akin.

"Ako ba ang tinatawag mo?" wala sa loob na sabi ko.

Lumingon pa ito sa paligid bago bumaling sa akin.

"Malamang, kayo lang naman po ang may pangalan na Samantha rito."

Umaangat tuloy ang kilay ko.

"Pinapatawag po kayo ni Sir Riley."

"Bakit daw?"
"Hindi naman po niya sinabi."

"Galit ba?"

"Eh lagi namang galit si Sir. Wala namang nagbago."

Oo nga naman!

Saglit akong nag-alinlangan.

Bahala na nga si Batman!

"Pinatatawag mo raw ako?" Bungad ko kay Riley nang pumasok sa silid niya.

Kung ano ang puwesto niya kanina nang umalis ako ay ganon pa rin siya hanggang ngayon.
Nakaupo siya sa gilid ng kama paharap sa bintana.

"Riley?" Napasugod ako sa kanya nang bigla niyang sapuhin ng mga kamay ang ulo. "Okay ka
lang? May masakit ba sayo?

Itinaas ni Riley ang kamay sa direksyon ko. "Tulungan mo akong tumayo."

Tinulungan ko naman siya kahit mabigat siya.

"Gusto kong maligo."

"Huh?"

"Ang sabi ko gusto kong maligo" Malumanay pa rin na sabi niya.

"Ahh.. okay!" Ang sabi ko na lang. "Ipapahanda ko lang ang pampaligo mo." At binitawan ko
siya para sana lumabas ng kuwarto.

Pero pinigilan ako ni Riley.

"Ikaw na lang. Ayokong istorbuhin si Nana Tonya."

"Pwede ko naman utusan si Lenny o kaya si Mila."


"Hahayaan mo sila na paliguan ako?" Medyo inis na sabi niya.

Paliguan? Biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi ka marunong maligo mag-isa?" Gusto kong makasiguro. Baka kasi nabingi lang ako.

"Magpapatulong ba ako kung kaya ko!"

Ibig sabihin si Nana Tonya ang nagpapaligo sa malaking tao na ito!

Bigla na lang hinubad ni Riley ang t-shirt sa aking pagkamangha.

"W-what are you doing?"

"Meron bang maliligo na naka-damit?" Bumalik na naman ang masungit nitong tono. At sunod
na hinubad ang suot na padjama.

Napalunok ako sa tumambad na hubad na katawan sa harapan ko.

"W-wait!" Mabilis na pigil ko nang isusunod na niya ang suot na brief.

Baka himatayin na ako kapag nakita ko ang hindi ko dapat makita.

"Ano na naman?" Halatang naiinis na sa kin si Riley.

"Pwede ka naman maligo kahit na ka-brief."

"Huwag mong sabihin na ngayon ka pa nahihiya sa akin? Nakita mo na rin naman akong-"

"Ang dami mo pang sinasabi. Maligo ka nga na!" Tinulak ko si Riley papasok ng banyo bago pa
niya mahubad ang nag-iisang saplot sa katawan niya.

Pero ano ba itong napasukan ko? Gusto ko nang tumakbo palabas. Kanina pa nag-iinit ang
mukha ko. Hindi ako makapag-concetrate sa ginagawa.

Shit! Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay habang kinukuskos ang abs ni Riley.
Nakaka-tense ako. Ang init. Bigla akong pinagpawisan.

Nang dumako ang paningin ko sa lower part ng katawan niya ay napalunok. Iyon na lang kasi
ang hindi ko pa nasasabon. Mabuti na lang at mabilis na gumana ang utak ko.

Kinuha ko ang kamay ni Riley at ibinigay sa kanya ang body sponge. "Ikaw na bahala kay
birdie. Kaya mo na yan. Malaki ka na." Sabi ko sabay talikod.

But to my surprised nang pumulupot ang braso nito sa baywang ko at hinila ako palapit sa
kanya.

"Where do you think you're going?" Pigil niya sa akin.

Nagtaasan lahat ng balahibo ko nang maramdaman ang katawan niya sa likuran ko.

Waahh... parang gusto kong sumigaw ng... Rape!

Nana Tonya tulong!

Naramdaman ko na lang ang malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko. Hawak na pala ni
Riley ang shower hose at sinadyang itapat sa akin.

"Riley!" Kumawala ako mula sa pagkakayakap niya at inagaw sa kanya ang hose. Kung hindi
ko napigilan ang sarili malamang naipukpok ko sa ulo niya ang hawak ko.

Halata naman na pinigilan lang niyang tumawa. Tumalikod pa siya sa akin para hindi ko makita
ang reaksyon niya. Sa inis ko ay tinapat ko sa kanya ang shower hose at tinodo ang
pagkakabukas niyon.

"Ah..." Sigaw ni Riley. "Stop it!"

Stop it mong mukha mo! Akala mo ikaw lang marunong magtrip?

Para akong basang sisiw ng lumabas ng banyo. Basang-basa ang damit ko. Daig ko pa ang
nag-dive sa bath tub. Kasunod kong lumabas si Riley. Nakatapis lang ito ng towel sa baywang.

"Ikuha mo ako ng damit!"

Kung makautos wagas! Anong akala niya sa akin, yaya niya?

"Saan ba dito ang damitan mo?" Nilapitan ko ang isang build-in cabinet sa may bandang dulo.
Pero puro mga business attire ang laman nyon.

Hindi sumagot si Riley.

Inisa-isa ko na lang buksan ang mga cabinet bago pa ako tuluyang topakin sa kanya.

"Here," sabay abot sa kanya ng nakuha kong damit.

At walang sabi-sabing tinanggal ni Riley ang nakatapis sa baywang nito.

Oh sheeeet!

Bigla akong napatalikod.

Buwisit talaga ang lalaking ito! Nanadya na!

"Tapos ka na ba magbihis?" Tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kanya. Nangangawit na


ako sa katatayo.

I heard him chuckled. "You're acting really weird, Sam."

Napalingon ako sa sinabi niya. Buti na lang at nakabihis na ito.

"Guni-guni mo lang iyon!" Sabi ko na lang at pinagbalingan ang mga nakakalat na damit nito sa
sahig.

Pumasok ulit ako ng banyo. Doon ko kasi nakita ang basket bin na lagayan ng labahin. At
paglabas ko muntikan ko nang mabunggo si Riley. Nakaharang kasi siya sa may pintuan.

"Baka gusto mo akong padaanin?" Sabi ko nang hindi pa rin ito kumikilos.

"Punasan mo ang buhok ko. Basang-basa pa." At yumuko siya sa harapan ko.

Napaka-childish talaga!

Kinuha ko na lang sa kanya ang hawak niyang towel at pinunasan ang buhok niya.

"Sam?"
"Hmmmm..."

"Do you love me?"

Napahinto ako sa ginagawa.

"I wouldn't be here if I don't" Labas sa ilong na sagot ko.

"Just answer my question?" He demanded.

"O-of course I do."

Imbes na sumagot si Riley ay nag-angat ito ng mukha at humakbang palapit sa kin. Napaatras
tuloy ako. Pero pader na pala ang nasa likuran ko.

"W-what are you d-doing?" I tried to calm myself.

Nanunukso naman na lalo pa siyang lumapit sa akin.

"What do you think I'm doing?" His voice was husky.

Suddenly, I was at lost of words. Nagsipagtayuan ang aking balahibo. Damn, he was going to
kiss me!

Nang biglang bumukas ang pintuan.

"Mam Samantha, kanina pa tumutunog ang-"

Naitulak kong bigla si Riley.

"S-sorry po! Nakalimutan kong kumatok." Nanlalaki ang mga mata na sabi ni Lenny.

Saka lang ako nakabawi nang mapansin ang pamilyar na cellphone na tumutunog sa kamay
niya.

"Eh, Mam kanina pa po kasi may tumatawag sa cellphone nyo." Sabay abot sa akin ng cp ko.

Kinuha ko iyon at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

Napasandal ako sa pader habang sapu-sapo ng kamay angdibdib. Para akong aatakehin sa
puso. Muntikan na ako roon!
"H-hello, Jena..." Bungad ko sa kabilang linya.

"Girl, anong petsa na? Ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko?"

"N-naiwan ko kasi ang cp ko sa kuwarto," pagdadahilan ko.

"Okay ka lang ba? Bakit parang hinihingal ka?"

"K-kagagaling ko lang sa pagdya-jogging." Naisip kong idahilan.

"Jogging sa tanghaling tapat?"

"Iyon ang uso dito sa Davao. Malamig kasi dito." Pagsisinungaling ko. Mukhang naman
naniwala ang kaibigan.

"Kamusta nga pala ang bakasyon mo? Pagbalik mo huwag mong ka-"

"Jena, tatawagan na lang kita mamaya. Promise tatawag talaga ako." Sabay pindot ng end
button. I can't talk to her, not now. Pakiramdam ko mauubusan ako ng oxygen. Ang lakas pa rin ng
kabog ng ibdib ko.

"Mam Samantha, bakit basang-basa kayo?" Bigla na lang sumulpot si Mila sa tabi ko.

"Pinaliguan ko kasi si Riley." Wala sa loob na sagot ko.

Napanganga ang katulong sa narinig.

"I-I mean, tinulungan ko siyang maligo. Hindi ko na inistorbo si Nana Tonya kaya ako na lang
ang tumulong sa kanya"

"Kaya naman po niyang maligo mag-isa."

"Huh?"

"Kilala ko po si Sir Riley. Ang pinakaayaw niya ay yung tinutulungan siya. Kaya nga hindi kami
lumalapit sa kanya eh."

Bigla tuloy akong nanlumo. Mukhang naisahan ako ng bulag na iyon!

Mabilis na lumipad ang mga naniningkit kong mata sa pintuan ng silid niya. Nag-flashback sa
isipan ko ang mga nangyari kanina.
"Mila, pakisabi na lang kay Nana Tonya na siya na muna ang maghatid ng tanghalian ni Riley."

"Sige po."

At nagmartsa ako patungo sa silid ko. Dumiretso ako sa kama at dinampot ang isang unan. At
saka itinakip sa mukha.

Doon ako sumigaw ng malakas. Inis na inis ako na parang gusto kong manapak ng tao.
Chapter Five: Unexpected Kiss

Chapter Five: Unexpected Kiss

Vanilla or Chocolate?

Hirap mag-decide!

"Kuya ano ba mas masarap dito?" tanong ko dun sa crew. Sabay pakita sa kanya ng hawak
kong Magnum Ice Cream na nasa magkabila kong kamay.

"Eh Mam, pareho lang naman po." Sagot nito na nagkamot pa ng ulo.

Natural parehong masarap, mahal eh!

Muli kong tinignan ang hawak kong Magnum.

Vanilla na nga lang! Sabay bitaw dun sa chocolate flavor at dumiretso ako sa cashier.

Sa sobrang inis ko kanina napalabas tuloy ako ng bahay at dinala ako ng mga paa ko sa 7-
Eleven. Kailangan kong magpalamig. Kaya nga napagtripan kong kumain ng Magnum. Baka
sakali mawala ang init ng ulo ko. Bumili rin ako ng sanitary napkin. Kaya pala ganon na lang ang
topak ko, meron na pala akong monthly period nang hindi ko namamalayan.

Tsk! Ang bagal naman ng kahera! Tatlong katao pa ang pagitan bago ako.

"Bakla, libre mo ako ng slurpee."

"Bruha ka ala kaya akong pera."

"Eh bat nagyaya ka rito kung wala ka palang pera?"

"Sayo nga sana ako magpapalibre eh."

Teka! Parang familiar sa akin ang mga tinig na iyon!


Dahan-dahan akong lumingon.

Putcha! Sina Jena at Ichi!

Paano sila napadpad rito?

"Walang hiya ka, pinaglakad mo ako ng dalawang kanto para lang magpalibre!" boses iyon ni
Jena na ume-echo sa buong store.

"Girl naman, sige na! Kahit pautangin mo nalang ako. Ala na talaga akong anda." Ang baklang
si Ichi na kasamahan ko sa trabaho.

Malapit nga lang pala ito sa opisina namin. Bakit ba hindi ko naisip iyon?

Mabuti na lang at may hood ung sinuot kong cardigan kaya nilagay ko iyon sa ulo ko.

Hindi nila ako pwedeng makita dito!

Sa wakas at turn ko na rin sa pila. "Ate pakibilisan lang po." Sabi ko dun sa kahera. Kailangan
ko na talagang makaalis sa lugar na iyon.

Nakasimangot na tumingin sa akin ang kahera.

"Ang kuripot mo talaga. Buti pa si Muriel hindi mahirap lapitan. Madamot!" Lintanya
ni Ichi.

"Kung si Muriel nauuto mo, ako hindi."

May ganon!

"Speaking of Muriel, ano na balita sa dun?" Si Ichi ulit.

"Ewan ko sa babaing iyon? Kanina tinawagan ko pero binabaan lang ako ng bruha. Sabi niya
tatawag siya pero hanggang ngayon wala pa rin."

"Baka busy lang... busy sa lalaki! Hahaha... Hayaan mo na siya para naman magkaroon na siya
ng lovelife at nang hindi na umiinit ang ulo niya."

Mga salbaheng kaibigan!


Kunsabagay, tama rin naman si Ichi. Busy nga siya sa lalaki... sa lalaking anak ng Boss niya na
ubod ng sungit at demanding.

"Mam sukli nyo po", agad kong inaabot ang baryang inaabot sa akin ng kahera.

Makaeskapo na nga. Bago pa nila ako makita dito.

Habang naglalakad ako pauwi, hindi pa nga nangangalahati ang Magnum ko nang may biglang
matigas na bagay ang humampas sa braso ko.

Shit!

Napayuko ako sa damit ko. Dumikit doon ang kinakain kong Magnum. Anak ng tokwa, nakaputi
pa man din akong t-shirt!

Nag-init na naman ang ulo ko!

May isang lalaki ang tumatakbong lumapit sa akin. Nakasuot siya ng asul na jersey sando at
short at naliligo sa sariling pawis.

"Sorry Miss hindi ko sinasadya." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Kung nakakamatay lang ang tingin na pinukol ko sa kanya malamang ay natumba na siya.

"Sorry talaga!" Hindi nawawala ang mga ngiti niya na parang pang-commercial ng toothpaste.

Lalo akong sumimangot.

Akala yata niya madadaan niya ako sa pangiti-ngiti niya!

Lumipad ang mga mata ko sa bola ng basketball na tumama sa akin kanina. Bago pa iyon
madampot ng lalaki ay sinipa ko iyon palayo rito.

Napalakas yata ang pagkakasipa ko kaya tumilapon iyon sa kabilang kalsada.

I smirked.

But he smiled instead.


Nakakaloko na ang lalaking ito!

Narinig kong naghiyawan na ang mga kasamahan nitong naglalaro sa basketball court.

"Oh come on! Get the ball! Mamaya ka na magpacute!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan nito.

Ngunit tila wala itong narinig.

"By the way I'm Mark, and you are?" Inilahad pa nito ang kamay sa akin.

Awtomatikong umangat ang kilay ko at tinignan ang nakalahad niyang kamay. Sa halip na
tanggapin iyon ay tinapik ko ang kamay niya.

"Get lost!" I snapped. Sabay talikod.

Hambog! Anong akala niya, madadala niya ako sa pagpapa-cute niya?

"Until we meet again, Miss pretty!" Narinig ko pang sigaw nung lalaki nang makalayo na ako.

Leche! Sinayang mo yung Magnum ko!

"Muriel, umalis ka pala sana tinawagan mo ako ng sa ganon ay nasundo kita." Bati sa akin ni
Manong Bay habang naglilinis ito ng sasakyan.

Napangiti ako nang marinig kong muli ang pangalan ko. Sa ilang araw ko sa mansion na iyon,
ngayon lang ulit may tumawag sa akin sa pangalan ko.

Nawala siguro sa loob niya ang habilin ni Mam Lorie.

Si Manong Bay lamang ang kakilala ko sa loob at labas ng trabaho. Personal driver siya ni Mam
Lorie. Minsan kapag libreng oras niya ay tumulong siya sa amin sa opisina at maaasahan siya sa
lahat ng bagay.

"Dyan lang naman po sa labasan. Meron lang po akong binili."

"Ganon ba? Basta kapag may kailangan ka, mag-text ka lang sa akin."
Tumango ako. "Sige po." At pumasok na ako sa loob ng bahay.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Paakyat na sana ako nang makita ko si Riley na nasa bungad ng hagdanan. At nagtatangkang
bumaba nang walang kaagapay. Bigla akong kinabahan at sa isang iglap ay nakalapit ako sa
kanya.

"Anong sa tingin mo ang ginawa mo? Magpapakamatay ka ba?" I almost hissed. Tinakot ako ng
lalaking ito.

"Gusto ko lang sana magpahangin sa labas." Kaswal na sabi nito na tila balewala ang
pagpapanic ko.

"Bakit hindi ka nagpatulong? Nandyan naman si Lenny o kaya si Mila."

"Kaya ko ang sarili ko."

Sa inis ko ay nabatukan ko siya.

"Hindi ka rin mayabang noh? Paano kung mahulog ka sa hagdan? Hindi mo ba naisip iyon?"

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?"

"Hindi mo kailangang sumigaw."

"Wala kang pakialam kung gusto kong sumigaw!"

Katahimikan...

Hindi na siya sumagot.

At hindi na rin ako ulit nagsalita.

Kahit ako ay nagulat sa naging outburst ko. At aminado ako na napasobra ako dun sa part na
iyon.

I blew out a long sigh. Then I grabbed his hand.

"Bumalik ka na sa kuwarto mo." I said in a low tone. At hinila ko siya patungo sa silid niya.

Pero may balak pa yatang magmatigas ni Riley. Hindi ito natinag sa kinatatayuan nito.

"Rai (short for Riley) ano ba?"

Sinubukan ko ulit siyang hilahin. But this time, with my full force. Ngunit mas malakas siya sa
akin. Ako ang nahila niya. Sa lakas ng impact ay tumama ang noo ko sa baba niya.

"Aw!" Sapu-sapo ko ang noo ko. Mangiyak-ngiyak ako sa sakit.

"Ikaw kasi eh!"

"Ako pa ngayon ang may kasalanan?" Banayad kong asik. Heto na naman ang temper ko.

Riley raised his hand and pulled me closer to him. He gently stroke my hair and blew something
on my forehead. "Masakit pa ba?" May pag-aalala sa tinig nito.

Hindi ako sumagot. At hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinayaan na gawin iyon.

But I have to admit that it really feels good!

"Bumalik ka na nga sa kuwarto mo." Ang nasabi ko na lang pagkatapos.

Umikot ako sa likuran niya at tinulak siya patungo sa silid niya.

Anong nangyare dito?

Grabe parang dinaanan ng buhawi ang loob ng kuwarto ni Riley. Ang gulung-gulo.

As far as I remember, ang papel ko lang sa buhay ng lalaking ito ay maging pretend girlfriend
lang nito. Pumayag na nga akong maging yaya pati ba naman ang pagliligpit ng mga kalat nito ay
ako pa rin.

"Ano bang binubulong mo dyan? Para kang sira!" si Riley.

Hindi ko siya pinansin. At sa halip ay pinagbalingan ko ang mga nakakalat nitong comforter at
unan sa sahig.
Maya-maya...

Bog!

Paglingon ko ay sapo na nito ang noo. Nauntog ito sa pintuan ng banyo.

"Damned this door!" Hindi nito maipinta ang mukha!

Hindi ko tuloy napigilang tumawa.

"Fine! Laugh as you want, you evil witch." Pasinghal na sabi niya sa akin. Naniningkit ang mga
mata nito.

Si Mr.Sungit napikon! Hehe..

Nilapitan ko siya at hinawi ang kamay niya. Namumula nga ang noo nito.

"Halika nga dito." Sabi ko sa kanya at pinaupo siya sa kama para matignan ko siya nang
mabuti.

Sumunod naman siya pero nanatiling nakasimangot.

Kagat-kagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. Siguradong sisinghalan na naman ako ni
Riley. Pero hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Hindi naman niya makikita iyon.

"Gusto mong lagyan ko ng cold compress?"

Umiling siya. "Hipan mo na lang."

"Mawawala ba ang sakit kung hihipan ko?" Naalala ko ang ginawa niya sa akin kanina.
Kunsabagay, mukhang effective naman.

"Basta hipan mo na lang." Parang bata na utos nito.

Hinipan ko naman siya sa noo.

"Ano, masakit pa ba?"

Tumango lang siya. "Hipan mo pa."

Hinipan ko naman ulit. Ngunit napansin ko ang humahaba niyang nguso. At unti-unting
lumalapit ang mukha niya sa akin.

"Anong ibig sabihin niyan?" Nakataas na kilay na sabi ko. Tinusok-tusok ko pa ng daliri ang
pisngi nito.

"Mas mawawala ang sakit kung...." At lalo pa nitong hinabaan ang nguso.

"Ano ka sinusuwerte?" At tinapik ko siya ng malakas sa noo, sabay tayo.

Pero nahagip niya ang braso ko at hinila palapit sa kanya. Napaupo ulit ako sa kama.

"Sige, hipan mo na lang ulit?"

"Hipan mong mukha! Hindi ka na nakakatuwa Riley! Baka gusto mo tuluyang magkaroon ng
bukol sa noo." Banta ko sa kanya nang hindi pa rin nito binibitawan ang braso ko.

"Wala naman akong ginagawa sayo. Ang dumi ng isip mo." He smirked.

"Ako pa ngayon ang madumi ang isip?" Nahagip ng kamay ko ang isang unan at walang babala
na hinampas iyon kay Riley.

Na-out of balance ito at parang slow motion ay mahuhulog ito sa kama. At dahil hindi pa rin nito
binibitawan ang braso ko pati ako ay kasama niyang nahulog.

Bumagsak ako sa ibabaw niya. At ilang pulgada lang ang pagitan ng mukha ko sa mukha niya.

A devilish smile appeared on his lips. At bago ko pa nahulaan ang susunod na mangyayari, he
pulled my nape and claimed my surprised mouth.
Chapter Six: Her Coldness

Chapter Six: Her Coldness

Nabangggit sa akin ni Nanang Tonya ang pagdating ni Mam Lorie nang hapon na iyon. Ngunit
sa halip na magpakita rito ay nagkulong na lang ako sa kuwarto ko. Siguradong hihingan niya ako
ng development. At wala akong maisasagot sa kanya na ikakatuwa niya.

Alangan naman na sabihin ko na lagi na lang kaming nagtatalo ng masungit niyang anak!

And speaking of the devil,hanggang ngayon ay hindi ako maka-get over sa ginawa niya.
Nakakainis, kahit takpan ko ng unan ang mukha, hindi pa rin iyon mawala sa isip ko.

Hindi iyon ang first kiss ko. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ganon na lamang
ang impact nun sa akin.

Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok. Wala sana akong balak pagbuksan kung
sinuman iyon. Pero narinig ko ang boses ni Mam Lorie sa labas.

I sighed. Napilitan akong tumayo upang magbuksan siya.

"Naistorbo ba kita?" Bungad ko kay Muriel. Mukhang kagigising lang niya.

"Hindi naman po."

Tuluy-tuloy akong pumasok sa loob ng silid at naupo sa gilid ng kama.

Sa ilang sandali ay pinagmasdan ko siya. I couldn't help but smile when I saw her crumbled
hair. She was in her usual t-shirt and tokong short. A typical girl who was not aware how beautiful
she is.

Sometimes I wonder if she is a lesbian or just a boyish type. I heard that she's the only one in
the office who doesn't have a boyfriend. Man hater daw sabi ng ibang nakakakilala sa kanya. But I
doubt about it. Mukha lang siyang suplada sa unang tingin, pero ang hindi alam ng iba... she has
good and soft heart.

"Sabi ni Nana Tonya hindi ka raw naghapunan?", tanong ko sa kanya. She was busy toying her
slipper on the floor.

"Sumakit po kasi ang ulo kaya tinulog ko na lang." Nakayuko na sagot niya.

"Kailangan ko pa bang hulaan kung sino ang dahilan ng pagsakit ng ulo mo?" I chuckled.

Tumingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita.

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko. I know that you are having a hard time dealing with him.
Pero ikaw na lang kasi ang maasahan ko pagdating sa kanya. But you know what, bilib ako sa
tapang mo. You're not afraid of him kahit pa pinagsusungitan ka niya."

"Hindi lang po masungit ang anak ninyo, matigas din ang ulo, sobra!" Napapailing na sabi niya.

Lalo tuloy akong napangiti. This girl never failed to amused me.

"I know. But you're the only one who can handle him."

"Mam Lorie-"

"Call me Tita," agap ko sa sasabihin niya. "I want you to call me Tita Lorie."

Napansin ko ang pag-ilap ng mga mata niya.

"Eh T-tita, ang kasungitan niya hindi nauubos, pero ang pasensya ko konting-konti na lang."

I laughed hard. I couldn't help it. It reminds me of the famous line in a local movie.

Confused she stared back at me. Hindi siguro siya aware sa binitawan niyang salita.

"Tita I'm serious. Honestly, I have a bad temper. Maiksi ang pasensya ko. I don't think I can
make it through. At alam kong hindi rin ninyo ikakatuwa kung palagi na lamang kami
magbabangayan ni Riley. Baka imbes na makatulong ako ay baka mas lumala pa ang sitwasyon."

Biglang nawala ang ngiti ko sa mga labi. Mukha nga siyang seryoso.
"I understand. And I'm so sorry for involving you in this personal matter." I sighed. Bigla akong
may naalala. "Kung na-convince ko lang sana siya, things would be much easier."

Ilang sandali ang pinalipas ko bago muling nagpatuloy.

"I met Samantha in Hongkong." I decided to let her know. "We've talked and I tried my very best
to convince her. But..."

"But she said no?" Si Muriel na nakakunot ang noo.

"She's asking for three to four weeks to finish her contract. And after that, saka niya lang
mahaharap si Riley."

I saw the disgust on her face.

"Naisip ko, there is no reason for us to wait for her. But I'm still hoping that she would change
her mind."

"Hanggang kailan po natin siya hihintayin?"

"We don't need to wait. We're going to stick on our plan. And I know that we can make it
through. Muriel, just give him a little more patience. Sa umpisa lang naman ganyan si Riley. Hindi
magtatagal ay mapapanatag rin ang loob niya sa'yo. Hanggang sa magdesisyon siya na mag-
undergo ng operation on his own."

"I'll try." Parang napipilitan niyang sabi.

I could understand her hesitation. Hindi ko dapat siya pinilit na pumasok sa ganitong sitwasyon.
But I don't have any choice. I need her for my son. At hindi ako na nagsisi sa naging desisyon ko.

I can't take it anymore. Kumakalam na talaga ang sikmura ko sa gutom. Akala ko kaya kong
panindigan pero hanggang akala lang pala ko.

Bakit ba kasi may pa-emote-emote pa akong nalalaman?

Pasado alas nuwebe na ng gabi. Siguradong tulog na silang lahat. Mabuti na lang at may
nahagilap akong tinapay at chicken sanwich spread sa refrigerator.

I almost jumped in surprise, nang may sumulpot mula sa pintuan ng kusina.

Pucha! Muntikan pa akong mabulunan!

Nasapo ko tuloy ang dibdib ko. "Balak mo ba akong patayin sa takot?" Asik ko kay Riley. Kahit
ito ay nagulat nang magsalita ako.

"What are doing here?" He asked.

"Ako ang dapat magtanong kung ano ang ginagawa mo dito? At teka, paano ka nakababa ng
hagdan? Sino ang tumulong sa'yo?"

"Ako lang mag-isa. I told you I can do it on my own."

I rolled my eyes. "Ewan ko lang kung hindi mawala ang kayabangan mo kapag nahulog ka sa
hagdan!"

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko nang mapansin tila meron siyang hinahanap.

"Nauuhaw ako. Gusto kong uminom ng malamig na tubig."

"Ikukuha na kita."

"No! Ako na." Pigil niya sa akin.

Hindi na ako nagpumilit at hinayaan siya.

Pilit pa rin niyang kinakapa ang kinalalagyan ng ref. Nalagpasan na nga niya ito. Pero hinayaan
ko na lang siya. Mukhang ayaw niya talagang magpatulong.

Nakadalawang tinapay na ako ay hindi pa rin tapos si Riley sa paghahanap sa mahiwagang


refrigerator na mas matangkad pa sa kanya.

"Three steps to your left," hindi ko napigilang sabihin. Ako ang napapagod sa ginagawa niya.

And finally nahagilap na rin niya ang hinahanap niya at naka-inom na rin siya ng inaasam
niyang malamig na tubig!

"Why are you here?" Tanong niya pagkatapos.


"Kumakain."

"Nabanggit sa akin ni Nana Tonya na hindi ka naghapunan."

"Masama ang pakiramdam ko kanina." Pagdadahilan ko.

Umaangat ang kamay niya patungo sa akin. Umiwas ako at tinabig ang kamay niya.

"Ano na naman iyan?"

"Gusto ko lang hipuin ang noo mo. Baka kasi-"

"Wala akong sakit. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina. Pero okay na ako ngayon."

"Gusto kong makasiguro." Itinaas na naman niya ang kamay at muli kong tinabig
iyon.

"Okay na ako! Hindi ka rin makulit noh?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nagpumilit.

"Sometimes I wonder kung ikaw ba talaga si Samantha." Suddenly he said.

Na-freezed sa ere ang hawak kong tinapay.

"You've changed a lot. Parang hindi na kita kilala."

Hindi ako sigurado pero mukhang seryoso si Riley.

Anong sasabihin ko?

"Do you want to know the truth?" Bigla na lang iyon lumabas sa bibig ko. "Hindi nga ako si
Samantha. Isa akong nilalang na nagkataon na kaboses niya at nagpapanggap bilang siya para
alagaan ang isang masungit, matigas ang ulo at mayabang na lalaking nasa harapan ko ngayon."

Me and my big mouth!

Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nasabi sa kanya.


"You're not funny! Para kang baliw!"

Hindi siya naniniwala?

"What if totoo ang sinasabi ko?" I challenged him.

"Stop it Samantha!"

"Eh totoo naman talaga."

"Hindi ka ba titigil?"

"I'm just telling the truth."

"Hahalikan na talaga kita."

It makes me shut my mouth.

Amused na ngumiti si Riley sa pananahimik ko. Nanunukso pa na lumapit siya sa akin.

Wala sa loob na napatingin ako sa mga labi niya.

Unconciously I bit my lower lip. Lumakas bigla ang pintig ng puso ko. At doon ako naalarma. I
shook my head. Una ay upang alisin ang naglalaro sa isip ko. At pangalawa, this is not usual me.

"Hindi ka na kumibo dyan?" Si Riley na lalo pang inilapit ang mukha sa akin.

O tukso, layuan mo ako!

"Gabi na, bakit nandito pa kayong dalawa?" Bigla na lang sumulpot si Mam Lorie sa may
pintuan.

Napapitlag si Riley sa kinauupuan. Muntikan naman akong mapasigaw sa gulat.

"Bakit ba kayo nanggugulat, Mama!." Si Riley na napakamot pa ng ulo. "Bigla na lang kayong
sumusulpot."

"Kagagaling ko lang sa study room nang makarinig ako ng ingay mula rito. Nag-aaway ba
kayong dalawa?"

Hindi ako kumibo. Ganon din si Riley.


"Well?" Naghihintay na tanong ni Mam Lorie. "What is that? Pasa ba ang mga iyan?" Itinuro nito
ang braso ko.

Doon ko lang din napansin ang mga iyon. Parang kanina wala naman iyon.

"Where do you get those?" Si Mam Lorie ulit.

Napakunot noo naman si Riley.

Ang totoo hindi ko rin alam. Ganito naman talaga ako kapag may monthly period. Pero naisip
kong ituro si Riley. "Itanong nyo po sa anak nyo."

"Anong ako!"

"Minamaltrato mo kaya ako!"

"Oy! Wala akong ginagawa sayo."

"Anong wala? Hinulog mo kaya ako sa kama kanina."

"Sino ba ang nauna? Tinulak mo ako kaya ako nahulog. Dinaganan mo na nga ako, ninakawan
mo pa ako ng halik."

"Ang kapal mo!" Hinampas ko siya sa balikat. "Ikaw kaya ang unang humalik sa akin!"

"Why would I do that? Eh hindi naman tayo!"

"Tell that to yourself!"

Nakamasid lang si Mam Lorie sa bangayan namin ni Riley. Ang lapad nang pagkakangiti niya.
At mukhang wala siyang balak na awatin kaming dalawa.

Kanina pa walang kibo si Sam. Napikon yata sa akin. Hanggang sa makalabas kami ng kusina
ay hindi pa rin siya nagsasalita. Naramdaman ko na nagpatiuna siya paakyat sa hagdan.

"Hindi mo ba aalalayan?" Sabi ko sa kanya.

She stopped. "You said you can do it on your own. Kung nagawa mong bumaba ng hagdan
mag-isa, magagawa mo ring umaakyat."
"I lied." Finally, giving up my pride.

Hindi siya sumagot. Pero ilang sandali ay naramdaman ko na lang ang pagkapit niya sa braso
ko.

Hindi ko napigilang mapangiti.

"Wait!" pigil ko sa kanya bago kami humakbang paakyat.

"What?" Angil niya sa akin.

Kumalas ako sa pagkakapit niya. At ako ang umaakbay sa kanya. Pulling her closer to me.

Napapitlag siya sa ginawa ko. Pero hindi naman siya nag-react.

Is there something wrong? Gusto ko sanang itanong sa kanya. Pero pinili ko na lang
manahimik.

Lately, napapansin ko na umiiwas siya sa tuwing magkakalapit kami. Kahit hindi ko nakikita,
alam kong may nagbago sa kanya. I can feel her coldness.

Ayoko sanang isipin, pero pakiramdam ko kaya siya nandito ngayon ay dahil naaawa lang siya
sa akin. At napipilitan lang siyang alagaan ako dahil sa sitwasyon ko.
Chapter Seven: Jealous

Chapter Seven: Jealous

May ilang oras na akong gising pero nanatili pa rin akong nakahiga sa kama. Wala pa ako sa
mood bumangon. Pakiramdam ko ang bigat ng katawan at ulo ko. Gusto ko pa sanang umidlip
pero gising na gising naman ang diwa ko.
Narinig kong bumukas ang pintuan. Muli akong pumikit at nagkunwaring natutulog. Maya-maya
ay nakarinig ako ng mga kaluskos. Naisip ko baka si Samantha iyon.
"Bilisan mo, kunin mo na ang mga labahin."
"Ssshhh.. Hinaan mo nga ang boses mo baka magising si Sir."
Napakunot ang noo ko sa mga narinig na bulungan.
"Ang bagal bagal mo kasi."
"Nagmamadali? May lakad ka te'?" Sigurado siya na tinig iyon ni Lenny.
Nang may kung anong bumagsak sa sahig. Napabalikwas ako sa ingay na nilikha niyon.
Napamura ako nang wala sa oras.
"Sorry po Sir" Halos sabay nilang sabi.
"Get out of here!" Singhal ko sa kanila. At narinig kong nagtakbuhan sila palabas ng kuwarto.
Lalo tuloy bumigat ang ulo ko.
"Anong ginawa mo sa kanila?" Bungad ni Samantha nang sumugod sa aking silid.
Imbes na sumagot ay muli akong humiga sa kama, patalikod sa kanya.
"Hey! I'm talking to you!"
"I'm still sleepy. Please get out of here." I answered coldly.
I thought she was gone. Hindi na kasi siya sumagot ulit. Akala ko pa naman mangungulit siya
akin.
Then suddenly, may kung anong sumundot sa tagiliran ko. Napabalikwas ako sa pagkabigla.
"Damn it, Sam!" Asik ko sa kanya.
I heard her laughing. Nakalapit na pala siya sa akin ng hindi ko namamalayan.
"Bumangon ka na kasi, tanghali na kaya!"
Hindi ko siya pinansin. Tatalikuran ko na sana siya ulit, pero isang sundot pa ulit sa tagiliran ang
natanggap ko. Muntikan na tuloy akong mahulog sa kama.
"Ano? Hindi ka pa rin ba babangon dyan?" I could imagine her smiling from ear to ear.
Itinaas ko ang mga kamay sa kanya. "Tulungan mo akong makabangon." Parang bata na utos
ko sa kanya.
"Ayaw!" I heard her said.
Sumimangot ako. "Sige na! Masama lang talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko kayang
bumangon mag-isa."
Mukhang effective naman ang pagdadahilan ko dahil agad siyang lumapit sa akin at dinama
ang noo ko.
"Hindi ka naman mainit ah!"
Gayunpaman ay hinila pa rin niya ako sa kamay para makabangon.
"Riley naman eh! Baka akala mo magaan ka?" Reklamo niya dahil sinadya ko talagang
magpabigat.
"Come here." Sabi ko sa kanya nang makaupo na ako. "Upo ka dito." Tinapik ko ang bakanteng
espasyo sa tabi ko.
"Bakit ba ang dami mong request? Pinag-aalmusal lang naman kita."
"Tabihan mo na ako, please..."
Padabog siyang umupo sa tabi ko.
"Ayan, nakaupo na ako. Baka gusto mo nang ku-" She stopped in a mid-sentence nang humilig
ako sa balikat niya.

"Sshhh... Umagang-umaga ang ingay-ingay mo!"


"Ikaw naman, umagang-umaga ang arte-arte mo! Ang dami mong seremonyas, eh mag-
aalmusal ka lang naman. Naku! Kung hindi ka lang iinom ng gamot hahayaan kitang manigas sa
gutom."
I couldn't help but smile. Parang musika sa pandinig ko ang tinig niyang nagsusungit. Baliw na
yata ako!
"Huy! Don't tell me na tutulugan mo lang ako?" Nagtangka siyang tatayo pero pinigilan ko siya.
"Sam... What makes you change your mind?" Out of no where, naisip kong itanong sa kanya.
"What makes you stay here with me?"
"Sinagot ko na yan dati. Kailangan ko pa bang ulitin?"
"Do you still love me?"
"Alam mo na ang sagot ko."
"Please answer me."
I heard her sighed. Nakukulitan na siguro siya sa akin.
"Of course, I-i love you. I wouldn't be here if I don't!"
I pulled Samantha close to me and held her tight in my arms. I want to believe her. My hearts
tells me to trust her again.
Umangat ang kamay ko at sinapo ang kanyang mga pisngi. At dahan-dahan inilapit ang mukha
ko sa kanya.
Then suddenly, she sneezes on my face!
"Sorry!" Aniya habang pinupunasan ng palad niya ang tumalsik na laway sa mukha ko.
"Its okay." Nangingiti na sabi ko at hinuli ang mga kamay niya. Pero binawi niya kaagad ang
mga iyon mula sa akin.
"Kanina pa naghihintay ang breakfast mo, kaya kumain ka na." At tumayo na siya.
Suddenly I felt empty. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Pero pakiramdam ko kahit nariyan
lang siya sa tabi ko, parang ang layo-layo niya sa akin.
Ayokong isipin na iniiwasan niya ako. O baka ako naman ang may problema?

Kinakabahan na ako sa mga kinikilos ni Riley. Nagsisimula na siyang magbago. Mas


gugustuhin ko pa ang masungit at palasigaw na nakilala ko kaysa naman ngayon na nasobrahan
siya sa pagiging sweet. Hindi ko na alam kung paano ko siya pakikitunguhan kung parati siyang
ganyan.
Ang bobo ko! Dapat sa umpisa pa lang ay naisip ko na ang mga posibilidad na mangyayari.
Dapat naihanda ko na ang sarili sa mga ganitong bagay. At ngayon ay namomoblema ako kung
paano ako didistansya sa kanya nang hindi siya makakahalata.
Gusto ko na talagang mag-back out!
"Mam Samantha, hinahanap po kayo ni Sir Riley."
Na-freeze ako sa paghakbang. Palabas na sana ako ng kuwarto nang biglang sumulpot si
Lenny.
"Ha? Ako?" Naituro ko pa ang sarili ko sa pagkabigla.
"Opo, nandoon po siya sa-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang hilahin ko siya sa isang tabi.
"Lenny, please do me a favor." Halos pabulong na sabi ko.
Nagtataka na tumingin siya sa akin.
"Sabihin mo kay Riley na hindi mo ako nakita. No! sabihin mo na lang na umalis ako... na
pumunta ako sa mall."
Papunta naman talaga sa mall kung hindi ko lang siya nakaengkwentro.
"P-pero.."
"Sige na Lenny. Please..."
Napakamot na lang siya ng ulo. "Kayo pa! Eh malakas kayo sa akin!"
Sa tuwa ko ay nayakap ko siya ng mahigpit

"Hindi naman po ako magtatagal!" Halos pasigaw na sabi ko habang


nagmamadaling lumabas ng bahay. Sabi ko lang iyon. Mahirap na baka pigilan pa ako ni Nana
Tonya na umalis. Ngayon na nga lang ulit ako makakagala. At kanina pa nangangati ang mga paa
ko na maglakwatsa.
"Akala ko ba nakaalis ka na?"
I stiffed when I heard Riley's voice behind me. Paglingon ko ay nakaupo siya sa may garden.
Anong ginagawa niya rito?
"Ang sabi ni Lenny kanina ka pa raw umalis."
"K-kanina pa nga. Bumalik lang ako dahil may naiwan ako." Pagsisinungaling ko sa kanya.
Hindi siya kumibo. Pero mukhang nakumbinsi ko naman siya.
"Ikaw, paano ka napunta rito? Don't tell me, nakarating ka dito ng mag-isa lang."
"Dito na ako lumaki at nag-isip. At kabisado ko ang bawat sulok ng bahay na ito."
Umiral na naman ang kayabangan ni Riley.
"I'm just kidding!" Sabi niya nang hindi ako kumibo. He was smiling this time. Na nagpalitaw ng
mga dimples niya sa magkabilang pisngi. "Actually nagpatulong ako kay Lenny."
Hindi ko napigilan ang pag-angat ng kilay ko.
"Nabo-bored na kasi ako sa kuwarto, kaya naisipan kong tumambay muna rito." Dagdag pa
niya. "And I terribly miss this guy. Right Buddy?"
Doon ko lang napansin ang asong nakadapa sa may paanan niya.
"Buddy say hello to Sam."
Sumunod naman ang aso sa utos niya at lumapit sa akin. And to my surprised, bigla niya akong
dinamba na muntikan ko nang ikatumba. He was trying to reach me.
"Rai, please stop him?" Nakakatakot kasi ang laki nito. At saka hindi ito tumitigil sa pagdila sa
akin. "Rai!" Tili ko nang mahagip ng dila nito ang bibig ko.
Tawa nang tawa si Riley. "Buddy, come here!"
Saka lang ako tinigilan nito at lumapit sa kanyang amo.
Yuck! Sabay punas ng palad sa bibig ko.
"Mag-amo nga kayong dalawa. Pareho kayong magnanakaw ng halik!"
"I think he likes you now. Hindi naman siya ganyan dati sayo."
Meaning... hindi gusto ni Buddy si Samantha? At ako na ngayon niya lang na-meet ay
nagustuhan agad niya? Bigla tuloy akong na-curious.
"Excuse me po." Lumapit sa amin si Mila. "Mam Samantha, mayroon pong nagpapabigay sa
inyo," sabay abot sa akin ng bitbit nitong ng mga bulaklak.
"Para sa akin? Sigurado ka? Kanino galing? " HIndi pa rin ako makapaniwala na may
magtatangkang pagpadala ng bulaklak para sa akin.
"Sabi po kasi ng lalaki sa labas ay ibigay ko raw po iyan sa magandang dilag na nakatira rito.
Eh naisip ko po na kayo iyon. Wala naman po kasing ibang maganda rito maliban sa inyo."
"Nagbigay siya ng mga bulaklak? Ano itsura ng lalaki?" tanong ni Riley na bahagyang
sumimangot.
"Ngayon ko lang po siya nakita. Pero guwapo po siya at saka malaking tao. Parang artista." Tila
kinikilig na sagot ni Mila.
May nakita akong card na nakaipit sa bulaklak at binasa ko iyon.
To Miss Pretty,

Just want to say Sorry. And hope we meet again.


Mark ^___^
Napakunot ang noo ko. Wala akong maalala na mayroon akong kakilala na Mark ang pangalan.
Hindi kaya na wrong send lang ito.

Ibinalik ko ang mga bulaklak kay Mila. "Ikaw na ang bahala dyan." Naalala ko na
may lakad pa pala ako.
"Sa akin na lang po?"
Tumango ako.
"Sigurado po kayo?" Hindi pa rin makapaniwala si Mila.
"Kung ayaw mo ibigay mo na lang kay Lenny."
Niyakap nito ang mga bulaklak. "Nagbibiro lang naman po ako."
"Rai, I got to go. Baka-"
Pagbaling ko ay wala na si Riley sa kinauupuan nito. At ang naiwan ay si Buddy. Nasaan na
ung lalaking iyon?
"Mam, mukhang nagselos po yata si Sir. Nag-back out eh!"
At bakit naman siya magseselos?
Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi ako. Dire-diretso ako sa kuwarto ko at binagsak
ang katawan sa malambot na kama. Hay grabe! Napagod ako. Pero sulit naman. Nag-enjoy ako
ng todo sa paglilibot at pagsho-shopping. Hindi ko na halos namalayan ang oras kaya ginabi tuloy
ako.
Katatapos ko lang maglinis ng katawan nang may kumatok sa pintuan. Nagmamadali akong
lumabas ng banyo.
"Nana Tonya, bakit po?"
"Hindi na sana kita iistorbohin. Kaya lang si Riley..."
"Bakit? May nangyari po ba sa kanya?"
Umiling si Nana Tonya. "Magmula kaninang tanghali hindi pa siya kumakain. Nagkukulong lang
sa kuwarto niya. Nag-aalala ako na baka kung napano na siya."
Ano na naman ba ang drama ng lalaking iyon?
"Sige po, ako na ang bahala sa kanya."
"May naihanda na akong pagkain. Ikaw na lang ang maghatid sa kuwarto niya."
Nakakailang katok na ako pero wala pa ring sumasagot sa loob ng silid. Hindi kaya natutulog na
ito?
Tinawag ko si Lenny para kunin ang duplicate key ng kuwarto ni Riley. Kadiliman ang bumuluga
sa akin pagbukas ko ng pinto.
"Riley!" Wala akong narinig na response mula sa kanya.
Pilit kong kinakapa sa dingding ang switch ng ilaw nang may biglang may dumamba sa akin.
Muntikan na akong mapasigaw. Dahil kasabay ng pagbukas ng ilaw ay bumulaga sa harapan ko
ang dambuhalang si Buddy.
"What are doing here?"
Aw! Aw! Kasabay ng pagkawag ng kanyang buntot.
"Ssshhh.. Huwag kang maingay!"
Nakakapagtakang tumigil naman ito at lumabas ng kuwarto.
Lumipad ang mga mata ko sa ibabaw ng kama. Ngunit wala roon si Riley. Pumasok ako sa loob
ng banyo. Pero wala rin siya roon.
Nasaan na kaya siya?
Nagkakagulo kaming lahat sa paghahanap kay Riley. Nalibot na namin ang buong kabahayan
pero hindi namin siya nakita. Wala rin nakapansin sa kanya dahil ang buong akala ng mga ito ay
nagkukulong lang siya sa kanyang silid.
Hindi kaya nakalabas siya ng bahay? May kabang bumangon sa aking dibdib.
"Anong gagawin natin?" Si Nana Tonya na sinusumpong na ng nerbiyos.
Naisip kong tawagan si Manong Bay. Posibleng magkasama ang dalawa. Wala kasi sa garahe
ang sasakyang ginagamit nito.
"Hello, Manong Bay! Kasama po ba ninyo si Riley?"
Lahat sila ay nakatingin sa akin. At naghihintay ng magandang balita.
"Hindi. Kagagaling ko lang sa opisina. Pauwi pa lang ako."
Biglang gumuho ang pag-asa ko.
"Bakit? Anong nangyari?" Si Manong Bay ulit.
"Nawawala po kasi si Riley. At hindi na namin alam kung saan namin siya hahanapin."
"Malapit na ako. Hintayin nyo ko at hahanapin natin siya."
At nawala na siya sa kabilang linya.
"Hindi raw sila magkasama?" Tanong ni Nana Tonya.
Umiling ako.
Halos matutop ni Nana Tonya ang dibdib nito.
Aw! Aw! Aw!
Nakita ko si Buddy na nakaharap sa may pintuan at panay ang tahol.
Binuksan ko ang pintuan at nagmamadali siyang lumabas.
"Buddy!" Sigaw ko.
Tuluy-tuloy siya sa may gate. Hindi ko alam kung paano niya ginawa pero nabuksan niya iyon
at nakalabas siya ng tuluyan. And something tells me, na kailangan ko siyang sundan.
Chapter Eight: Shattered Glass

Chapter Eight: Shattered Glass

Nakaramdam ako ng pagod sa pagsunod kay Buddy. Hindi ko alam kung saan siya patungo.
Basta sinusundan ko lang siya kahit saan siya magpunta.

"Buddy!" Tawag ko dahil bigla siyang nagtatakbo palayo.

Nakitakbo na rin ako. Ayoko siyang mawala sa paningin ko.

Ngunit bigla na lang siyang nawala. At hindi ko na siya makita. Luminga ako. May kalaliman na
ang gabi. At tanging ilaw lang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Wala na rin akong
makitang tao sa kalsada. At wala na rin sasakyan na dumaraan.

Pilit kong pinanlalaban ang takot. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano. Kailangan mahanap ko si
Buddy. Siya na lang ang pag-asa ko.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tahol niya. Nakita ko siya sa may kanto na tila tinatawag
ako.

Halos tumakbo ako para makalapit sa kanya. Pagkatapos ay muli siyang tumakbo patungo sa
isang playground. Sinundan ko siya at sa di-kalayuan ay may nakita akong anino ng tao na
nakaupo sa swing. At dahil may kadiliman ang lugar ay hindi ko siya gaanong maaninag.

Nag-alinlangan akong lumapit. Napa-sign of the cross ako ng di oras. Huwag naman sanang
multo!

Hindi huminto si Buddy sa pagtahol. Tila hinihila pa nito sa kamay ang lalaki.

"Riley!" Hindi ako makapaniwala nang makita ko siya nang malapitan.

"S-samantha?" He smiled.

"Nandito ka lang pala. Alam mo ba na kanina ka pa namin hinahanap? Paano ka nakarating


dito?" Sunud-sunod na tanong sa sobrang pag-aalala sa kanya.

"I-i knew it. A-alam kong maha-hanap mo ako."


Napangiwi ako nang maamoy ko ang alak sa kanyang bibig.

"Nakainom ka ba?" Saka ko lang napansin ang bote ng alak sa kanyang kamay.

Kinuha ko iyon. "Saan mo ito nakuha? Bakit ka umiinom? Alam mo naman na bawal sayo ito di
ba?" Ganon na lamang ang pagpipigil ko na batukan siya.

He laughed. "A-ang dami mo naman tanong. B-bakit hindi mo na lang sabihin na nag-alala ka
sa akin? N-na nakatakot ka na mawala ako?"

Pinigil ko ang pag-ikot ng mga mata.

"Tumayo ka na dyan. Umuwi na tayo." Inalalayan ko siya na makatayo.

"Ayaw! A-ayoko pang umuwi."

"Riley naman! Alam mo ba kung anong oras na? Gabing-gabi na. Please, umuwi na tayo."

But he refused again.

Napatingala ako sa langit nang wala sa oras. Malapit nang maubos ang pasensya ko. Konting-
konti na lang!

Nang biglang may nagbusina na sasakyan. Ang kotseng minamaneho ni Manong Bay. Doon
ako nakahinga ng maluwag.

Nang makauwi na kami sa bahay ay hindi pa rin tumigil si Riley sa pangungulit. Ayaw pa nitong
matulog. Nagpupumilit itong lumabas ng kuwarto. Gusto raw nitong magpahangin sa may garden.

"Nana Tonya, meron ba kayong sleeping pills dyan? Patutulugin ko lang ang lalaking ito!"

"Hindi ko alam eh. Parang wala yata."

"Kung suntukin ko lang kaya siya!"

Napabungisngis sina Lenny at Mila sa sinabi ko. Abala sila sa paglilinis kay Riley.
"Hindi ko pa rin maisip kung paano siya nakarating doon. At saan niya nakuha ang alak na
ininom niya." Si Nana Tonya na kumuha ng pamalit na damit ng binata.

"Kahit po ako ay nagtataka. Mga tatlong kanto rin po ang layo mula rito. Maliban na lang kung
talagang kabisado niya ang lugar." Mahirap kasing paniwalaan lalo na sa isang tulad nito na
walang paningin. "Mabuti na lang po at sinundan ko si Buddy. Parang alam na alam niya kung
saan matatagpuan ang amo niya. Thanks to him."

Napayuko ako sa paanan ko. Naroon si Buddy at nahihimbing sa pagtulog. Marahil ay napagod
sa paghahanap.

"Alam ko po kung saan niya nakuha ang alak." Sabat ni Lenny.

"Saan?" Nakakunot-noo na tanong ni Nana Tonya.

"Doon po sa dating study room ni Sir Rommey."

"Sir Rommey? Sino po iyon?" Tanong ko kay Nana Tonya. Parang ngayon ko lang narinig ang
pangalan na iyon.

"Y-you don't know my f-father?" Sabat ni Riley na bigla na lang bumangon.

"Matulog ka na!" Itinulak ko siya pahiga. "Isang-isa na lang talaga Riley at susuntukin na kita."

"A-ang salbahe mo. Ano bang ginawa ko sayo para gawin mo sa akin ito?"

"Wala pa akong ginagawa sayo. Kaya matulog ka na dyan!"

Hindi na siya sumagot.

Maya-maya ay lumabas na rin sina Lenny at Mila ng kuwarto. Sumunod na rin si Nana Tonya
pagkatapos. Ako na lamang ang naiwan kasama ng pasaway na lalaking ito.

Nakapamaywang na hinagod ko ng tingin ang magulong kuwarto nito.

Hay! Ano pa nga ba? Eh di ligpitin ang mga kalat nito!

"Huwag mo akong iwan!" Lumipad ang mga mata ko sa ibabaw ng kama. Gising pa pala si
Riley. Buong akala ko ay nakatulog na siya.
"Rai, matulog ka na." Pagsusumamo ko sa kanya. Baka sakaling sumunod ito.

"Usap muna tayo." He said. Nakaupo na ito sa kama.

Kanina pa nito inuubos ang pasensya ko. Isang-isa na lang talaga!

"Bukas na tayo mag-usap. Malalim na ang gabi."

Hindi ito sumagot. Pero hindi ito umalis sa pagkakaupo. Hanggang sa ako na rin ang unang
sumuko.

"Bakit ka ba naglasing?" Naisip kong itanong. Mukhang hindi talaga ako titigilan.

"Ikaw kasi eh!"

"Anong ako?"

"Basta ikaw ang dahilan!"

"Ewan ko sayo!" At tinalikuran ko na siya.

"Dito ka lang. Huwag mo akong iwanan." Hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit.

"Inaantok na ako Riley! Gusto ko nang matulog!"

"Matulog ka na lang dito. Tabi tayo."

Ano ako, sira!

Hindi ko na siya pinansin. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang mahagip ang braso ko.
Kinabig niya ako at mabilis na ikinulong sa kanyang mga bisig.

"Riley ano ba?" Nagpupumiglas na asik ko sa kanya. Ngunit lalo niyang hinigpitan ang
pagkakayakap sa akin.

"I don't want to lose you again." He said in horror.

I want to calm myself. Pero hindi ko magawa. Kinakabahan na ako sa kinikilos niya. He was still
under the influence of alcohol. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.

Tumigil ako sa pagpupumiglas. "Okay, I'll stay. Hindi na ako aalis."


Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ko ang pagluwag ng kanyang mga yakap.
Buong akala ko bibitawan na niya ako. Pero bigla na lang niyang sinapo ng mga kamay ang
mukha ko at hinalikan nang hindi ko inaasahan.

I tried to push him. But he was stronger than me. Mas lalong naging agresibo ang kanyang mga
halik. Pakiramdam ko namamanhid na ang mga labi ko. At nagpapanic na ang kalooban ko. Inipon
ko ang lahat ng lakas ko at at saka ubod ng lakas na itinulak si Riley.

Doon lang ako nakawala sa kanya. Ang unang pumasok sa isip ko ay tumakbo palabas ng
kuwarto. Pero hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko. I was electrified and shocked.

"Ano pa ba ang dapat kong gawin para mahalin mo ako ulit?" His voice is pleading. And I saw
the pain in his eyes.

"Stop it Riley!"

"Huwag mo naman ipamukha na ayaw mo na sa akin. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit
dito?" Itinuro nito ang tapat ng dibdib.

Nawalan ako ng sasabihin. Nagugulat ako sa inaakto niya.

"Damn it Samantha! Magsalita ka! Huwag mo naman akong gawing tanga." He raised his voice.

Nagising si Buddy at patuloy sa pagtahol.

"Tell me siya ba ang dahilan? Siya ba ang kasama mo kanina? Siya na ba ang mahal mo kaya
ayaw mo na sa akin?"

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo?" Pabulong na sabi ko. Naguguluhan ako kung sino
ang tinutukoy niya.

"Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin? Shut up Buddy!"

Pero patuloy pa rin ang alaga niya sa pagtahol.

Sa inis ni Riley ay may kung anong bagay siya na hinagis malapit sa kinatatayuan ko. Napatili
ako kasabay ng pagkabasag ng salamin ng pintuan.

Humahangos na pumasok ng kuwarto sina Nana Tonya at Mila. Napasugod sila sa narinig na
ingay.
"Anong-" Hindi naituloy ni Nana Tonya ang sasabihin nang magitla sa nadatnan.

Nagkalat ang mga basag na salamin sa sahig. At umaagos sa sahig ang dugo na nanggagaling
sa braso ko.

"Samantha!" Napasugod sa akin si Nana Tonya at itinaas ang kamay ko. "Mila kumuha ka ng
tuwalya. Bilisan mo!" Utos nito.

Ilang sandali ay bumalik si Mila na may dalang tuwalya.

Mabilis na ibinalot iyon ni Nana Tonya sa duguan kong braso. Doon lang ako parang natauhan
nang makaramdam ako ng kirot.

"O-okay lang po ako." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon sa kabila ng pamumutla.

"W-what's going on? Sam?" Si Riley na pinakikiramdaman ang nangyayari sa kanyang paligid.

"Kailangan madala ka sa ospital. Mukhang malalim ang sugat mo." Si Nana Tonya ulit.

"Samantha, Nana Tonya..."

"Stay where you are?" I almost hissed nang magtatangka itong lumapit sa amin. "Nana Tonya,
kayo na po bahala kay Riley. Baka makatapak siya ng bubog. Ako na po bahala sa sarili ko.
Magpapasama na lang po kay Manong Bay."

Walang nagawa ang matanda nang magpatiuna na akong lumabas ng kuwarto.

"Mila samahan mo sa ospital si Mu-, si Samantha." Nagmamadali namang sumunod ang


dalaga.

Saka lang binalingan ni Nana Tonya si Riley na noo'y tahimik na nakaupo sa gilid ng kama.
"Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pinag-awayan ninyong dalawa. Pero hindi sapat na
dahilan iyon para saktan mo siya."

Hindi sumagot ang binata. Nang lapitan niya ito ay doon lang niya napagtanto na nakatulog na
pala ito sa kalasingan.
Chapter Nine: That Guy

Chapter Nine: That Guy

(Muriel POV)

Pakiramdam ko namamanhid ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa
anesthesia na itinurok sa akin o dahil hanggang ngayon ay hindi ako maka-get over sa mga
nangyari kanina.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagkaganon si Riley. Ang sabi sa akin ni Mila ay
nagselos nga raw ito doon sa taong nagbigay sa akin ng bulaklak. Pero iyon nga ba ang totoong
dahilan?

Aaminin ko, aksidente ang nangyari. Alam konghindi intensyon ni Riley na masaktan ako. Hindi
niya rin ginusto mangyari iyon.

"Bilib ako sa tapang mo?"

Doon lang ako nagtaas ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Siya nga pala ang doktor na
gumagamot sa sugat ko.

He was smiling at me from ear to ear.

Teka! Parang familiar sa akin ang mga ngiting iyon.

Dr. Mark Jerome M. Mendoza, Surgeon

Iyon ang nabasa ko sa nameplate niya sa dibdib.

"Kung ibang babae ang nasa kalagayan mo, kanina pa siguro sila umiiyak sa takot." I saw the
amusements on his eyes. Pero dedma lang ako.

"Are you sure, hindi pipi itong kasama mo?" Baling nito kay Mila patungkol sa akin.

Umiling lang ang dalaga, hindi inaalis ang pagkakatitig dito.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ng doktor at saka tumingin ulit sa akin.


Wala ba talaga itong ibang gagawin kundi magpa-cute?

"Sabi ko nga eh! Ikaw yung mamang pogi na nagpabigay ng bulaklak kay Mam Samantha!"
Eksaheradang sabi ni Mila sabay turo roon sa doktor. "Tama ako di ba?"

"Buti naman at natatandaan mo pa ako," he said, still smiling na parang sira! "Eh itong kasama
mo, mukhang hindi na ako maalala."

Awtomatikong umangat ang kilay ko sa narinig.

"Did you like the flowers?" Tanong niya sa akin.

"No!" I snapped. "At huwag ka na ulit magpapadala ng mga bulaklak sa akin."

"Finally I heard your angelic voice. Akala ko hindi ka na talaga magsasalita eh. If you don't like
the flowers that I gave you, maybe I can-"

"Katulad ng sinabi ko wag mo na akong padadalhan ng mga bulaklak."

"Bakit ba ang cold mo Miss Pretty?"

Miss Pretty? Doon lang nag-flashback sa isip ko ang lalaking nakaengkuwentro ko nung isang
araw sa village. That guy na nagtapon ng Magnum ko!

Lalo akong napasimangot.

Pero sa ginawa ko ay lalo lang niya nilaparan ang pagkakangiti niya. "I couldn't imagine how
you look like lalo na kapag nakangiti ka.

"Tapos ka na ba? Pwede na ba kaming umuwi?" Sinadya kong langkapan ng pagkainis ang
boses ko para ipakita rito na hindi ko gustong makipag-usap sa kanya.

"It's almost done." At nilagyan na niya ng gasa ang sugat ko na mga 2 inches yata ang haba.
"Here," sabay abot sa akin ng mga gamot na hindi ko alam kung saan niya kinuha. "Inumin mo ito
three times a day.... blah... blah...blah..."

Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod niyang sinabi dahil sa antok. Gustung-gusto ko
nang matulog.
"Ano daw?" bulong ko kay Mila sa huli niyang sinabi. Para kasing may narinig akong tatlong
araw.

"Bumalik daw po kayo sa kanya pagkaraan ng tatlong araw para malinis niya yung sugat nyo.
Mam samantha, ako na ulit ang sasama sa inyo para makita ko ulit si pogi." Humagikgik pa ito na
parang sira.

"Umuwi na tayo." At nagpatiuna na akong tumayo.

"Take care of yourself", narinig ko pang sabi ni Dr. Mendoza.

"Thank you po, Doktor." Nakangiting paalam naman ni Mila.

"Samantha!" Tawag niya na nagpalingon sa akin. "Nothing," he said. At iyon na naman ang
nakakainis niyang mga ngiti. Adik yata ang lalaking ito!

Nagising ako sa maharahan na tapik ni Mila sa akin. "Mam Samantha, gising na po. Nandito na
tayo."

Nakaidlip na pala ako sa kotse. Inalalayan ako ni Manong Bay makababa ng sasakyan. At
nagtuluy-tuloy ako sa loob papuntang hagdan. Doon ako sinalubong ni Nana Tonya.

"Muriel, Iha kamusta ka na? Kamusta ang sugat mo?"

"Nana Tonya, bukas na lang po tayo mag-usap. Antok na antok na po talaga ako."

Hindi na siya nagpumilit. At inalalayan niya akong makaakyat hanggang sa makarating ako sa
kuwarto ko.

"Magpahinga ka na. Alam kong masyado kang napagod sa mga nangyari. Kapag may
kailangan ka, tumawag ka lang sa intercom." Aniya bago siya tuluyang lumabas ng pintuan.

Nahahapo na inilatag ko ang katawan sa kama.

What a day! Ang daming nangyari ngayon araw na ito. And I felt exhausted.

"Riley, what have you done?" Napabalikwas ako sa sigaw na iyon ni Mama.
"Ma naman!" Pupungas-pungas na sabi ko. "Aw.." Bigla kong nasapo ang ulo nang
makaramdam ng kirot.

"Mabuti nga sayo! Iyan ang napala mo sa paglalasing mo kagabi!"

"Ma, pwede bang hinaan nyo ang boses nyo?" Reklamo ko. Ang sakit kaya sa tenga.

"No, you listen to me young man. I don't know what to do with you anymore. I have enough of
you. Pilit kong inunawa ang sitwasyon mo. But this is too much. You've turned into a monster. At
hindi ko mapapalagpas ang ginawa mo kay Samantha."

"Wala naman akong ginagawa sa kanya."

"You can't remember anything? Hindi mo ba alam ang mga pinaggagawa mo kagabi?"

I tried to recall what happened yesterday. But the last time I remember ay ung naglasing ako.

Bakit nga ba ako naglasing?

Siguro nung nagselos ako dahil mayroon palang nanliligaw kay Samantha. Hindi ba nito alam
na may boyfriend na siya?

Oo nga pala. Hindi na pala kami!

At kahit dito siya nakatira kasama ko ay hindi pa rin kami tuluyang nagkakaayos. Magmula
nang unang araw niya ay hindi na niya binanggit ulit sa akin ang tungkol sa aming dalawa.
Mukhang hindi na siya interesado na magkabalikan kaming dalawa."

"Ma, mamaya na tayo mag-uusap. Please." Naramdaman ko ang pamimigat ng aking mga
mata. Muli akong hinihila ng antok

"Riley!"

"Ma, ano ba kasi ang problema?"

"Anong problema? Malaki! Dahil kapag nagdesisyon si Samantha na iwanan ka ulit, wala na
akong magagawa para pigilan siya."
Nagsalubong ang mga kilay ko kasabay ng pagkabog ng aking dibdib.

"Ayoko ng ganyang biro Ma!"

"Papasukin mo na ako Nana Tonya, gusto ko lang siya makausap." Pangungulit ko habang
nasa tapat kami ng silid ni Samantha.

"Huwag mo siyang istorbuhin. Kailangan niyang magpahinga. Hayaan mo na muna siya."

"Pero hindi ako matatahimik hanggat hindi kami nagkaka-usap." Ganon na lamang ang
pangamba ko na baka umalis na lang bigla si Sam nang hindi ko nalalaman.

Ikinuwento na sa akin ni Mama ang mga pinaggagawa ko kagabi. At totoong wala akong
maalala na kahit na ano. At halos iuntok ko ang ulo ko nang malaman ko na nagawa kong saktan
si Samantha. Kung alam ko lang na iyon ang magiging epekto sa akin ng alak, hindi na sana ako
naglasing.

Sa huli, wala rin akong nagawa para makausap si Samantha. Bantay sarado si Nana Tonya sa
labas ng kuwarto. Kahit hindi nito sabihin, alam kong pati ito ay galit sa ginawa ko.

"Pag-akyat namin ni Nana Tonya sa kuwarto nagkalat ang dugo sa sahig."

Napahinto ako nang marinig ko ang tinig ni Mila.

"Tapos ang daming dugo ni Mam Samantha sa braso. Tinamaan pala siya ng nabasag na
salamin."

"Bakit anong ginawa sa kanya ni Sir Riley?" Tinig naman iyon ni Lenny.

"Binato yata ni Sir ng isang bagay tapos tumama doon sa salamin na pintuan."

"Kawawa naman si Mam Samantha."

"Oo nga eh, ang laki kaya ng sugat niya. Natakot nga ako dahil habang nasa sasakyan kami
papunta ng ospital ang daming nawalang dugo sa kanya."

Pucha! Lalo tuloy akong napraning! Maisip ko lang ang ginawa kong pinsala kay Samantha ay
para na akong masisiraan ng bait. Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko at dumiretso ako sa
kuwarto ni Mama. Kailangan ko ng tulong niya.

Tinanghali na ako ng gising. Parang ayaw ko pa ngang bumangon kung hindi lang ako
nakaramdam ng gutom.

Aray! Nalimutan ko na may pinsala nga pala ako sa braso. Ni hindi ko magawang makakilos.
Konting galaw ko lang ay nakakaramdam ako ng kirot.

Pero nagpilit pa rin akong bumangon kahit nasasaktan ako.

Aw! Aw! Aw!

Nagulat pa ako nang makita ko si Buddy sa paanan ng kama ko.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. As if naman na masasagot niya ako!

Aw! Aw! Aw! Lumapit siya sa akin at pinatong ang kanyang mukha sa aking hita.

Hinimas ko siya sa ulo at hindi ko napigilang mapangiti.

"Papasukin mo na ako Nana Tonya, gusto ko lang siya makausap."

Narinig ko ang tinig ni Riley sa labas. Napatingin ako sa pintuan na tila makikita ko siya mula
roon.

"Huwag mo siyang istorbuhin. Kailangan niyang magpahinga. Hayaan mo muna siya." Ang tinig
naman ni Nana Tonya.

She was right. Hayaan na muna nila ako mapag-isa. Ayoko na muna siyang makita at
makausap.

Hindi naman ako nagagalit kay Riley. Pero nandun ung inis na para bang gusto ko siyang
batukan dahil sa kalokohang ginawa niya kagabi.

Aw! Aw!

"Sshhh.." Saway ko kay Buddy. "Baka marinig ka ng amo mo at magpumilit pang pumasok
dito."
Kumawag lang ang mahaba niyang buntot habang nakatingin sa akin.

Good boy! Mukhang nakahanap ako ng kakampi sa bright dog na ito.

Nag-ring ang cellphone ko sa ibabaw ng side table.

Si Mam Lorie!

Alam na kaya niya?

"Hello po..."

"Are you okay Muriel? I'm so sorry for what happenned." Siguradong ibinalita na rito ni Nana
Tonya ang mga nangyari.

"Okay lang po ako...'

"No, its not okay! I will not tolerate my son this time."

Katahimikan pagkatapos.

"We need to talk Muriel. Itatama ko na ang lahat."

Napasinghap ako sa narinig.

Ibig bang sabihin ay matatapos na ang pagpapanggap ko?


Chapter Ten: Fever

Chapter Ten: Fever

Natapos ang buong maghapon at hindi na nagtangka si Riley na makausap ako. Marahil ay
nagkausap na ang mag-ina. At sa buong maghapon ay nagkulong lang ako sa silid na iyon.
Paminsan-minsan ay kumikirot ang sukat ko sa braso. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Marahil
ay nasobrahan ako sa tulog.

"Ubusin mo na ito at nang makainom ka na ng gamot." Ang sabi sa akin ni Nana Tonya. Siya
ang nagprisinta na maghatid ng hapunan ko. Maya't maya ay sinisilip niya ako sa kuwarto.
Inaalam kung ano ang kondisyon ko.

"Ayaw mo na? Halos hindi pa nababawasan ang pagkain mo." Si Nana Tonya ulit.

Umiling ako. "Wala po kasi akong gana." Hindi ko masabi sa kanya na nanakit ang lalamunan
ko at nahihirapan akong lumunok. Mukhang magkaka-tonsilitis yata ako.

Umangat ang kamay niya at hinipo ako sa noo.

"May sinat ka. Teka lang at kukuha ako ng paracetamol." At lumabas siya ng kuwarto ko.

I miss my Mom! Ganito rin siya kung mag-alaga sa akin. Parang gusto ko tuloy maiyak.

Mga limang buwan na rin akong hindi nakakauwi sa Davao. And I miss them so much. At
kanina lang ay nakausap ko ang nanay ko sa cellphone. Nangangamusta at nag-aalala para sa
akin. Tila nararamdaman nito na may sakit ako. Wala silang kaalam-alam sa pinasok ko. Ang
buong akala nila ay nagtratrabaho pa rin ako sa opisina.

Isang linggo na lang naman ang hihintayin ko at makakauwi na rin ako sa amin.

Flashback...

Nang makita ako ni Mam Lorie ay tila awang-awa ito sa akin. "Muriel, I'm so sorry. I never
meant this to happen."

"Hindi nyo naman kailangan mag-sorry."


"All this time naging unfair ako sayo. Hindi sana mangyayari ito sayo kung hindi kita pinilit. Ako
ang naglagay sayo sa sitwasyon na ito. And I want to get you out from this."

Napakunot ang noo ko.

"Kailangan na natin itigil ang pagpapanggap na ito."

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.

"Just one more week Muriel. Iyon lang ang hihilingin ko sayo. And I promise you that everything
will be back in normal."

"Pero paano na po si Riley?" Siya agad ang unang pumasok sa isip ko.

"Pumayag na siyang mag-undergo ng operation."

"Pumayag na siya?" Hindi ako makapaniwala na napabilis ang pagdedesisyon nito.

Tumango si Mam Lorie. "Pumayag siya sa kondisyon na hindi ka aalis. Iniisip ni


Riley na baka umalis ka dahil sa nangyari kagabi. Natakot siya na baka iwanan mo siya."

Iyon pala ang dahilan!

"Kailan po ang operation niya?" Tanong ko.

"Hopefully by next week."

Ganon kabilis?

"Ang ibig po ba ninyong sabihin, pagkatapos ng kanyang operation ay mawawala na ako sa


eksena."

Tumango lang si Mam Lorie sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyon ikatuwa.

"Sigurado pong hahanapin ako ni Riley pagkatapos. Ang sabi ninyo sa akin sa susunod na
buwan pa babalik si Samantha."
"I can make an alibi. Ako na bahala dun." Mukhang pinal na desisyon niya

End of flashback...

Ngayon ay naguguluhan ako sa sarili ko. I should be happy. Dahil sa wakas matatapos na ang
pagpapanggap ko. At babalik na sa normal ang buhay ko. Pero bakit parang nalulungkot ako?
Dahil ba pagkatapos ng isang linggo ay tuluyan na akong maglalaho sa buhay ni Riley?

Nakatulugan ko ang pag-iisip sa bagay na iyon.

Pagkagising ko nang umagang iyon ay kaagad ako nagpasama kay Lenny na puntahan si Nana
Tonya. Gusto kong makibalita tungkol sa kalagayan ni Samantha. Hindi ko maiwasang hindi mag-
aalala para sa kanya. Buong araw siyang nagkulong sa silid niya kahapon. At kahit gustung-
gustong ko na siya makausap ay hindi na ako nagpilit. I promised my Mom to be patience.

"Medyo nilalagnat siya kagabi. Pero nang puntahan ko siya kani-kanina lang ay mukhang okay
na siya." Sagot sa akin ni Nana Tonya. "Wala kang dapat ipag-alala."

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

"Pwede ko na po ba siyang makita? I mean... pwede ko na siyang makausap?"


Nagbabakasakali na tanong ko.

Piningot ni Nana Tonya ang tenga ko. Katulad ng madalas niyang ginagawa noong bata pa ako.

"Huwag mong ipilit ang gusto mo Riley! Hayan na naman ang katigasan ng ulo mo! Tatamaan
ka na talaga sa akin!" Naiinis na sabi nito na hindi binibitawan ang nanakit ko ng tenga.

"Nagbibiro lang naman po ako. Promise hindi na ako mangungulit." Itinaas ko pa ng kanan kong
kamay.

Isang mariin na pingot ang ibinigay niya sa akin bago niya ako pinakawalan.

Sadista talaga si Nana Tonya! Siguradong pulang-pula na ang tenga niya.


Nasa garden ako ng mga oras na iyon. Hindi ako mapakali at palakad-lakad. Naroon na uupo
ako pagkatapos ay bigla rin tatayo. Maglakad-lakad, pagkatapos ay muli ring babalik sa
pinanggalingan.

Kailangan kong mag-yosi. Pero ang problema saan naman ako kukuha? Magmula nang
maaksidente ako ay ipinagbawal na sa akin ang paninigarilyo. But bad habits are hard to forget.
Lalo na ngayon sa sitwasyon ko na wala ako halos ginagawa sa maghapon kundi makinig ng
music sa ipod ko.

Tama lang siguro ang naging desisyon ko na mag-undergo ng operation. I need changes.
Nakakasasawa na rin ang routine ko sa araw-araw. At isa pa marami akong magagawa kapag
bumalik na ang paningin ko. Babalik na sa ulit normal ang buhay ko. At higit sa lahat,
makakapagsimula na ulit kami ni Samantha.

Sumipol ako para tawagin si Buddy. Pero walang lumalapit sa akin. Sumipol ulit ako. Wala pa
rin siya. Nasaan na kaya ang asong iyon? Kahapon ay hindi ko man lang naramdaman ang
presensya niya sa tabi ko. Dati-rati palaging siyang nakasunod sa akin. Kung nasaan ako ay
naroon siya.

Hindi kaya naiwanan ko siya sa kuwarto?

Patungo ako sa kuwarto ko nang makarinig na tila may umiiyak. Parang nanggagaling iyon sa
silid ni samantha. Halos magkatapat lang kasi ang mga kuwarto namin.

"Sam?" Kumatok ako sa pintuan. Pero wala akong narinig na response mula sa kanya.
"Samantha!" tawag ko ulit kasabay ng pagpihit sa doorknob.

"Sam?"

May narinig akong impit na umiiyak.

"Samantha, are you alright?"

Dahil hindi ko siya makita ay nilakasan ko na lang ang pakiramdam ko. At maingat na
humakbang palapit sa naririnig kong iyak. Muntikan pa akong ma-out of balance nang tumama
ang binti ko sa malambot na bagay. Nakalapit na pala ako sa kama.

"Sam?"

Kinapa-kapa ko siya. Hanggang sa mahagip ng kamay ko ang katawan niya.


"Sam? What happened? Bakit ka umiiyak?"

She was lying in her bed. Hindi ko alam kung gising siya o baka nanaginip lang.

"Oh god!" Bulaslas ko nang maramdaman ang init na lumabas sa kanyang katawan.

"I miss my Mom!" Narinig kong sabi niya sa pagitan ng pag-iyak. "I want my Mom!"

"Wait here, tatawagin ko lang si Nana Tonya."

"Please don't leave. Dito ka lang." At lalong lumakas ang pag-iyak niya.

"Sshh... It's okay. Don't cry." I pulled her closer to me and hug her.

"Please don't leave."

"I promise. I'll stay."

I feel better now. Nawala ang pananakit ng katawan ko. At gumaan ang pakiramdam ko. But
when I opened my eyes I saw the familiar face.

Bakit siya nandito?

Pero imbes na magpanic ako ay hinayaan ko lang ang sarili ko na pagmasdan ang magandang
tanawin na nasa harapan ko. Kahit na nagmukhang sinaunang tao si Riley dahil sa makapal na
balbas nito ay hindi pa rin maitatangi ang kanyang kaguwapuhan. He is sleeping peacefully. And I
find him cute in that way.

Umangat ang kamay ko para sana hawiin ang mahabang buhok niya na tumabing na sa mukha
niya. But I changed my mind. Ayoko siyang magising. Hindi ako magsasawa na panoorin siya sa
pagtulog.

Nang bigla akong may naramdamang pumisil sa dibdib ko. Pagyuko ko ay nakita ko ang isang
kamay ni Riley na nasa tapat ng dibdib ko.

Bastos! Nasapok ko siyang bigla.


Napabalikwas si Riley. Tla naalimpungatan pa ito.

"Bastos ka. Manyak! Lumayas ka sa kuwarto ko." Pinaghahampas ko siya ng unan.

"Bakit, anong ginawa ko?"

"Nagtatanong ka pa?" Isang malakas na hampas ng unan ang tumama sa mukha niya.

"W-wala akong ginagawa sayo."

"Bakit nasa dibdib ko ang kamay mo?"

"Hindi ko alam. Natutulog ako-"

"Eh bakit dito ka natutulog? Bakit katabi kita? At bakit nakayakap ka pa sa akin?" Hindi pa rin
ako tumigil sa paghampas ng unan sa kanya. Malay ko ba kung mayroon siyang ginawang
kalokohan habang natutulog ako.

"Stop it Sam! Pwede bang pakinggan mo muna ako." Nasapo nito ang unan at sapilitang hinila
mula sa akin.

"Narinig kitang umiiyak kaya pumasok ako ng kuwarto mo. Iyon pala ay inaapoy ka ng lagnat.
You're freezing to death. At ang naisip kong paraan ay ang yakapin ka."

Bigla akong nawalan ng sasabihin. Na-guilty tuloy ako!

Nakita kong umaangat ang kamay ni Riley at patungo sa sa direksyon ko.

"Ano na naman yan?" At hinawi ko ang kamay niya.

"Wala akong ibang gagawin sayo. Gusto ko lang malaman kung may sinat ka pa."

"Ako na!" At kinuha ko ang kamay niya at dinala sa noo ko. Mahirap na at baka saan pa
mapunta iyon.

"Mabuti naman at bumaba na rin ang lagnat mo," he said smiling this time.

Shit! Bakit ba ang guwapo niya ngayong umaga?

"I'm sorry." Halos pabulong na sabi niya.


"Huh?"

"I'm so sorry for what happened. I never meant to hurt you." I could feel the sincerity in his
voice. Then his hands moves and cupped my face.

"Forget it! It's just an accident. And it's okay."

Bakit ba hindi ko magawang makatingin sa kanya?

"I know sometimes I'm selfish, impatient and little insecure. But can't you give me another
chance?"

He was different now. Biglang naging mailap ang pakiramdam ko.

"Please Sam..."

Do I have a choice? Gusto ko sanang sabihin sa kanya.

"I promise you that I would change."

"Promise?"

"I promise." He nodded.

"Hindi mo na ako aawayin?

"Hindi na."

"Hindi mo na ako sisigawan?"

"Never."

"Hindi ka na magiging pasaway?"

He chuckled. "Hinding-hindi na."

"Okay I'll take that as a joke."

"Samantha! I'm serious!"

"Do you know that jokes are better than promises?"


"Yeah, true enough!" Sang-ayon niya pagkaraan. And he smiled from ear to ear. "Can we start
all over again?"

"Why not, coconut!"

He grinned, sabay pisil ng ilong ko.

"Can I kiss you now?"

"Kiss mong mukha mo!"


Chapter Eleven: The Other Guy

Chapter Eleven: The Other Guy

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa nakatalikod na matandang babae. Wala silang


kamalay-malay na nakapasok ako sa bahay na iyon.

"Nana Tonya!" Sabay sunggab sa kanya.

"Anak ng tipaklong!" Nagliparan sa ere ang mga hinihiwa niyang gulay dahil sa kabiglaan.

Ang lakas ng tawa ko pagkatapos.

Sapu-sapo niya ang kanyang dibdib nang humarap sa akin. "Ikaw na bata ka! Papatayin mo ba
ako sa gulat?"

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Hindi naman kayo mabiro, Nana Tonya." Paglalambing
ko. "Sobra ko lang kayong na-miss."

"Ako ba ang na-miss mo? O yung mga luto ko?"

Napabungisngis ako. "Syempre kasama na dun ang mga luto ninyo na walang kasing sarap."

"Binola mo na naman ako." Kumalas siya sa akin. "Kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka man
lang nagpasabi?"

"Kanina lang pong umaga." Dumampot ako ng mansanas sa mesa at kinagatan iyon.
"Dumiretso na po ako rito pagkagaling ko sa airport."

"Gusto mo bang kumain? Mayroon na akong nailuto rito."

"Mamaya na lang po. Gusto ko munang makita si Riley. Nasa kuwarto po ba siya?"

"Kung wala siya sa silid niya malamang naroon siya kay Muriel."

Awtomatiko na napangiti ako nang marinig ko ang pangalan na iyon. Actually mas excited pa
akong makita siya ng personal kaysa makita ang matalik kong kaibigan. She really intrigues me.
Gusto kong malaman kung talagang ka-boses niya si Samantha. At kung paano niya i-handle ang
sitwasyon bilang girlfriend ni Riley.

Tatlong araw na ang nakakaraan nang makatanggap ako ng overseas call mula kay Tita Lorie.
At first kinabahan ako. Akala ko may nangyari nang hindi maganda sa kaibigan. Iyon naman pala
ay para sabihin sa akin na pumayag na si Riley na mag-undergo ng operation.

Then she also told me about her little secret that made her son changed his mind- that girl who
has Samantha's voice. Knowing Tita Lorie, alam ko na gagawa siya talaga ng paraan para sa
kapakanan ng kanyang nag-iisang anak. Hindi ko nga lang inaasahan na sa ganitong paraan.

She also asked me to do her a little favor. Iyon ang dahilan kung bakit ako napaaga ng uwi rito
sa Pilipinas.

"I'm good, I'm fine, I'm okay. Ano pa ba ang gusto mong marinig para maniwala ka na magaling
na ako?"

Iyon ang boses na bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. I saw her sitting in bed, wearing
her padjama set. Mukhang kagigising lang niya. Namamaga pa ang mga mata niya at magulo ang
buhok na halatang hindi pa sinusuklay.

"Sam, please... Makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang. Huwag matigas ang ulo. Gusto ko
lang makasigurado na hindi ka mabibinat." It was Riley's calm voice. He is sitting in a chair infront
of her. At kahit nakalikod ito sa akin parang nahuhulaan ko na ang expression ng kanyang
mukha.

"Ako pa ngayon ang matigas ang ulo? Dalawang araw mo na akong binuburo dito sa kuwarto.
Nanakit na ang likod ko sa kakahiga sa kama. Sawang-sawa na akong matulog. What do you
want me to do? Magta-tumbling dito para lang malibang ako!"

Muntikan na akong mapabulaslas ng tawa. She is amazing. Walang duda na magkaboses nga
sila ni Samantha. And the way she talked to him... astig! Kabaligtaran siya ni Samantha na
napaka-soft spoken person.

"You stay here, period!" Kung magsalita si Riley ay parang nag-uutos lang ito ng isang bata.

"Bahala ka sa buhay mo!" She said at akma siyang tatayo ngunit mabilis siyang napigilan ni
Riley sa balikat.
"Dito ka lang sabi eh!"

"Ayoko!' Pagmamatigas ng dalaga.

Pero duda ako na mananalo si Riley sa isang tulad niya. Dahil sa bandang huli alam kong ang
kaibigan ang unang susuko.

"Samantha, please stop! Baka masaktan ka lang."

"Then let me go! Kung ayaw mong ikaw ang masaktan!"

This is more fun than what I'm expecting. Tuloy, naisip kong dito na lang mag-stay sa bahay ng
kaibigan. I don't want to miss this kind of moment. Mukhang mag-eenjoy ako ng husto habang
nandito sa Pilipinas.

"Hello people!"

Sabay silang napahinto at napalingon sa direksyon ko.

"J-jared?" Nabosesan agad ako ni Riley.

"Pare, long time no see." Ang lapad ng ngiti ko.

"Gago! As if naman na nakikita kita!"

Tumawa ako ng malakas at inakbayan siya. "You're rude! Ganyan ba ang isasalubong mo sa
iyong bestfriend?" Pagkatapos ay lumipad ang mata ko kay Muriel. She is staring at me.
Nakakunot ang kanyang noo.

I smiled and winked at her. Pero sinimangutan niya lang ako. For the first time, hindi tumalab
ang charm ko sa isang babae.

"You surprised me. Akala ko ba by next week pa ang uwi mo? Napaaga ka yata?"

"It's a long story, Pare" Sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa dalaga. "Hello Sam!" Hindi
nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

Hindi ito sumagot at nag-iwas ng tingin.

Mukhang suplada!
"So, how are you lover boy?" Ikinawit ko ang isang braso sa leeg ng kaibigan na tila sinasakal
ko siya.

"Getting better." Nakangiti niyang sagot.

"Kailangan ko pa bang hulaan kung bakit at sino ang dahilan?"

"Shut up, man! Mamaya na tayo mag-usap." Doon lang siya nagpupumiglas.

"Bakit ayaw mo bang marinig niya ang pag-uusapan natin?" I teased. Nang lumingon ako ay
Muriel ay tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan.

"Sam, where do you think you're going?" Naramdaman marahil ni Riley ang pag-alis nito.

Napahinto ang dalaga sa paghakbang. "Huwag mong sabihin na ipinagbabawal mo rin sa akin
ang pagpunta sa banyo?" This time ay mahina na ang boses nito pero naroon pa rin ang iritasyon.
Doon ko lang napansin ang braso niyang naka-plaster.

"You may go," ang sagot ni Riley.

Saka lang humakbang si Muriel papunta ng banyo. Bubulung-bulong na tila may sinasabi. Pero
hindi nakaligtas sa paningin ko ang nguso niyang humahaba kapag naiinis. Which I find her cute!

"It seems like its not you." Sa nakikita ko kay Riley mukhang okay naman siya. He looked happy
and peaceful. "The last time we've talked you're totally a diffent person. So what happened?"

"I changed my mind." Aniya habang nakatingala sa kalangitan.

Nasa garden kami ngayon. Katatapos lamang naming kumain ng tanghalian.

"Tsk! Tsk! I thought you are the man. Binigo mo ako, Pare!" At pabiro ko siyang sinuntok sa
balikat.

"Nasabi ko lang iyon dahil galit ako sa kanya dati."

"At hindi ka na galit ngayon?"

"I realized that... I can lose her again."


Napailing na lang ako. "You're being your old self again." Ano pa ba ang magagawa ko kundi
maging masaya para sa kanya. At mukha naman malaki ang naitulong ng pagpapanggap ni
Muriel. She brings back the Riley I used to know.

"Wala ka ba talagang balak magseryoso?"

"Me?" Umangat ang kilay ko. "Seryoso naman ako ha!"

"You know what I'm mean?"

"Wait! Bakit sa akin napunta ang usapan? Ikaw ang nasa hot seat ngayon at hindi ako?"

"Get a life, Jared!"

"Come on! Saka na ako magseseryoso kapag nakita ko na ang babaing magpapatibok ng puso
ko."

He laughed at me. "Good luck to you!

"Nana Tonya, sigurado ba kayo na okay lang na nandito siya? I mean baka sabihin niya kay
Riley ang totoo. Natural lang na kampihan niya ang bestfriend niya."

Nagbigay sa akin ng alalahanin ang biglang pagsulpot na iyon ng binata. Kung kailan naman
ilang araw na lang akong magpapanggap ay saka naman may dumating na panggulo.

Nandito ako ngayon sa kusina. Walang kaalam-alam si Riley na lumabas ako ng kuwarto ko. At
kahit pa malaman niya wala akong pakialam kung magalit siya sa akin. Kanina pa nagrereklamo
ang tiyan ko. Gustung-gusto ko ng kumain ng mga pagkain na ilang araw ko nang pinagnanasaan.
Ito naman kasi si Riley. Kung hindi sopas, lugaw na lang palagi ang pinapakain sa akin. Iyon daw
kasi ang pagkain ng mga maysakit. Hay naku! Bahala na nga siya sa buhay niya! Basta ako
kakainin ko ang lahat ng gusto kong kainin. Pagkakataon ko na iyon habang abala siya sa bagong
dating na kaibigan.

"Wala kang dapat ipag-alala sa kanya." Sa wakas ay sinagot din ako ni Nana Tonya. Akala ko
sarili ko lang ang kausap ko. Kanina pa kasi ako nagsasalita pero hindi siya sumasagot. Iyon pala
ay abala siya pinapanood niyang teleserye sa TV. Yung kay Maya at Kay Sir Chief ba yun? Saka
niya lang ako binalingan nang mag-commercial. "Mabait na bata si Jared. Sigurado ako na
naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanyang kaibigan. Kinausap na siya ni Lorie tungkol sayo.
Narito siya para tulungan ka."

"Tulungan ako? Paano pa niya ako tutulungan kung pumayag na si Riley na magpaopera? Sa
oras na makakita na siya ulit, wala na bye-bye na ako bilang si Samantha."

"Ssshhh.. Hinaan mo nga ang boses mo at baka marinig ka nila Mila at Lenny."

Hanggang ngayon kasi ay walang kaalam-alam pa rin ang dalawa.

Hindi na ako nakatanggi nang sandukan ako ni Nana Tonya ng kanin sa pinggan. "Kumain ka
lang ng kumain dyan! Mamaya mo na lang ako ulit kausapin!" Balik na naman sa Tv ang atensyon
niya dahil tapos na ang commmercial.

"Nana Tonya!" Ang lakas ng boses ni Lenny nang pumasok ng kusina. Kasunod nito ang
humahangos na si Mila. "Nag-umpisa na po ba ang Be Careful With My Heart?"

"Umpisa na po ba? Umpisa na ba?" Si Mila na parang parrot kung magsalita.

Pero tila walang narinig ang matanda. Nakatutok talaga siya sa pinanonood. Hindi na muling
nagsalita ang dalawa. Bigla na lang din silang nanahimik at nagkanya-kanya ng puwesto habang
nanonood.

Ano bang meron sa palabas na iyon?

Nakinood na rin ako. Pero wala pang isang minuto ay natapos na ang palabas.

"Tapos na! Ang bilis naman!" Reklamo ni Mila.

"Ikaw kasi sabi mo maaga pa. Iyan tuloy hindi natin naumpisahan." Naiinis na hinila ni Lenny
ang dulo ng buhok nito.

"Aray naman! Eh malay ko bang late ang oras ng relo ko."

"Tumigil na kayong dalawa!" Saway ni Nana Tonya. "Hindi ba kayo pwedeng magsama nang
hindi kayo nag-aaway?"

Bigla namang tumahimik ang mga ito.

"Tapos ka na bang kumain?" Tanong niya sa akin pagkatapos nang makita na wala ng laman
ang pinggan ko.
Napangisi ako. "Nagugutom pa ako Nana Tonya, mayroon pa po bang menudo?" Pakiramdam
ko ay isang linggo akong hindi kumain.

"Ang dami mo nang nakain. Baka naman maimpatso ka nyan?" Nag-aalala siyang tumingin sa
akin.

"Mam Samantha, may dugo po yung sugat nyo." Sabay turo ni Lenny sa braso ko.

Oo nga! Pero hindi naman siya masakit.

"Lenny kunin mo ang first aid kit sa banyo." Utos ni Nana Tonya. "Bilisan mo at lilinisin ko ang
sugat si Samantha." At nagmamadaling sumunod ang dalaga.

"Mamaya na lang po. Nagugutom pa ako. Gusto ko pang kumain." Protesta ko.

"Di ba Mam samantha ngayon ang balik ninyo sa doktor?" Tanong sa akin ni Mila.

"Ngayon ba yon?" Hindi ko na halos matandaan.

"Sabi nung guwapong doktor pagkaraan ng tatlong araw bumalik daw tayo sa kanya para
malinis niya ang sugat nyo." Si Mila ulit.

"Tayo? Ibig sabihin kasama ka?" Sabat ni Lenny na bitbit ang first aid kit.

"Sinabihan kaya ako ng doktor na samahan ko siya. Di ba Mam Samantha?"

"Ang sabihin mo, gusto mo lang talagang makita yung doktor." Kontra ni Lenny. "Pero guwapo
ba talaga?"

Kinikilig na ngumiti si Mila. "Guwapong-guwapo. Siya yung sinasabi ko sayo na nagpadala ng


bulaklak kay Mam Samantha. Doktor pala siya. Akalain mo iyon!"

"What did you say?" Biglang sumulpot si Riley at madilim ang mukha. Nasa likuran naman nito
ang nakangiting si Jared. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Mapanganib na utos nito kay Mila.

"Chill pare! Relax lang!" Awat ni Jared sa kaibigan at saka tumingin sa akin.

Do something! Tila iyon ang ipinahihiwatig ng tingin ni Jared.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata at walang salita na hinila ko palabas si Riley.
"Alam mo nakakainis ka na! Wala naman dahilan para magalit-" Paglingon ko ay hindi si Riley
ang kasama ko. Binitawan ko tuloy ang kamay niya. "Bakit ikaw ang nandito?" Nagtatakang
tanong ko.

"Ikaw kaya ang humila sa akin palabas!" Hanggang gilagid ang pagkakangiti ni Jared na tila
nang-aasar pa. "Oops! You've got a wrong person."

Buong akala ko ay si Riley ang nabitbit ko palabas. Kakainis! Muli akong bumalik sa kusina at
iniwan na lang basta ang nakakalokong binata.
Chapter Twelve: Chaperone

Chapter Twelve: Chaperone

KUng ako ang masusunod hindi ko na kailangang bumalik sa doktor na iyon. Kayang-kaya
naman ni Nana Tonya na linisin ang sugat ko. Pero Si Riley na mismo ang nag-insist na pumunta
ako. Noong una parang ayaw pa nga niya. Lalo na ng malaman nito na ang doktor na gumamot sa
sugat ko at ang lalaking nagpadala ng bulaklak sa akin ay iisa. Mabuti na lang at magaling
mambola ang kaibigan nitong si Jared. At sa huli ay napapayag nito si Riley na sumaglit ako sa
ospital.

Kahit bawal pa akong maligo ay naligo pa rin ako. Nangangati na ang buong katawan ko. At isa
pa hindi ko na maatim ang amoy ng buhok ko. Pakiramdam ko ang baho-baho ko na.

Sinulyapan kong muli ang sarili sa salamin bago lumabas. Okay na siguro ang suot kong skinny
maong pants at V-neck shirt. Hindi ko naman kailangan magpaganda lalo na kung ang makikita ko
ay ang doktor na nakakairita kung ngumiti.

"Hello girlfriend!" Nakasandal sa hamba ng pinto si Jared. Giving me a devastating smile, sabay
tanggal ng suot niya na shades.

Hindi ko alam kung may iaangat pa ang kilay ko sa inakto niyang iyon!

"May kailangan ka?" Dedma lang ako sa kapreskuhan niya.

"Sinabihan ako ni Riley na samahan daw kita sa hospital."

So, ito pala ang kondisyon ni Riley para payagan siya nito. "Ano ka? Chaperone ko?"

Lalong lumapad ang ngiti niya. "Suwerte mo! Dahil mayroon kang guwapung-guwapong
chaperone!"

Ang tindi talaga ng dating niya. Mas matindi pa sa bagyo.

"Ready ka na ba?" At saka niya ako hinagod ng tingin. Pero tila nadismaya siya sa nakita. "Iyan
na ba ang isusuot mo?."

"Bakit ano ba ang ine-expect mo? Magga-gown ako?" Sarkastikong sabi ko.
"Mas okay sana kung magde-dress ka tapos-"

"Ospital po ang pupuntahan natin hindi party!"

"Nagsa-suggest lang naman ako."

Nagpatiuna na akong bumaba ng hagdan at iniwanan siya.

"Huy! Hintayin mo ako!" Habol niya sa akin pero dire-diretso ako na tila hindi siya naririnig.

"And I've got all that I need. Right here in the passenger seat. Oh and I can't keep my eyes on
the road. Knowing that she's inches from me." Sinadya kong lakasan ang boses habang
sinasabayan ang kanta sa aking stereo.

Nang sulyapan ko si Muriel sa aking tabi ay hindi na maipinta ang mukha niya. Ang dalawang
kamay ay nakatakip sa magkabila niyang tenga.

Ang sarap talagang asarin ng babaeng ito!

"Simply...And I've got all that I need, right here in the passenger-" Napahinto ako sa pagkanta
nang patayin na lang niya bigla ang stereo.

"Why did you turn off the music?" Patay malisya na tanong ko. "Kumakanta pa ako."

Ang talim ng tingin na ibinigay niya sa akin. "Kanina pa nagrereklamo ang mga tenga ko sa
napakapanget mong boses!"

"Ouch!" Umaakto ako na tila nasaktan sa sinabi niya. "Pagbigyan mo na ako. Kahit ngayon
lang. Minsan ko lang iparinig sa iba ang natatago kong talent."

"No thanks! Wala akong tolerance sa mga ganyang klaseng talent." Sabi pa niya na hindi
lumilingon sa akin.

Muli kong binuksan ang stereo pero mabilis din naman niyang ini-off.
"I warned you Jared. Sisipain talaga kita palabas ng kotse kapag hindi ka tumigil!"

Nakakatakot naman ang babaeng ito!

"You are so mean!" At kunwari ay nag-pout ako.

Pero inirapan lang ako ni Muriel. Hindi na siya muling nagsalita.

No dice! Bakit ba kahit anong gawin kong pagpapa-cute sa kanya ay dedma pa rin ang charm
ko?

"Mark?" Halos hindi ako makapaniwala sa lalaking nasa harapan ko. Akalain mo iyon, siya pala
ang doktor na tinutukoy ng katulong ni Riley. "Pare!" Mabilis akong lumapit sa kanya at tinapik ito
sa kanyang balikat.

"Jared?" Tila nagulat din siya nang makita ako. "Long time no see!"

"Oo nga eh! Halos limang taon din tayong hindi nagkita." At hinagod ko ng tingin ang kanyang
kabuuan. "Sinong makakapagsabi na isang tulad mo na puro mambubulakbol ang alam ay
magiging isang ganap na doktor? Pinahanga mo ako."

Napakamot ng ulo si Mark. "No choice. Binigyan ako ng ultimatum ni Erpat. Ikaw? Where have
you been? What happened to you?"

"Eto, tagasalo ng kumpanya ni Erpat. No choice din eh."

Sabay kaming nagtawanan.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" Tanong ni Mark sa akin. Pagkatapos ay lumipad ang
mga mata niya kay Muriel na tahimik na nakamasid sa aming dalawa sa isang tabi. Doon ko lang
napansin ang hawak niyang isang bugkos ng mga bulaklak.

"Sinamahan ko lang siya dito." Sabi ko sabay turo kay Muriel.

"Magkakilala kayong dalawa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mark.

Tumango ako. "Wait. Ipapakilala kita sa kanya." Bigla akong may naisip na kalokohan. Nilapitan
ko si Muriel at hinawakan siya sa kamay at hinila sa harapan ng kaibigan.
"Mark, meet my girlfriend... Muriel."

Ganon na lamang ang pagpipigil kong tumawa. Gulat na gulat ang itsura ng binatang doktor.

"G-girlfriend mo s-siya?" Hindi ko mailarawan ang nakikita kong pagkadismaya sa mukha niya.

Pasimple akong siniko ni Muriel. What are you saying? Tila iyon ang pinahihiwatig ng tingin niya
sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Smiling sweetly at her.

"Pare, ikaw ba ang doktor ng girlfriend ko?" Binigyan diin ko ang salitang girlfriend. "Sabi mo
raw bumalik siya dito para linisin ang sugat niya."

"Y-yes, a-ako nga ang nagsabi!" Tila hindi pa nakakabawi sa kabiglaan ang dating kaibigan.
"This way please." At itinuro niya ang bakanteng stretcher.

"Matanong ko lang. Para kanino ba yang hawak mong bulaklak?" Hindi ko natiis na itanong
kahit ang totoo ay alam ko na kung sino.

"B-bigay lang sa akin ito ng isa kong pasyente."

"Really!" Napangiti na lang ako sa pagsisinungaling niya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mga
pasimple niyang sulyap kay Muriel. Obvious na tinamaan siya para sa dalaga. Pero sorry na lang
siya. Off limits si Muriel. Habang hindi pa natatapos ang pagpapanggap nito kay Riley ay walang
sinuman ang maaaring makaporma sa kanya.

Baliw!

Magmula ng lumabas kami ng ospital ay hindi pa rin tumitigil si Jared sa pagtawa. Tuwang-tuwa
siya sa ginawang kalokohan. To think na dati niyang kaibigan ang pinagtripan niya.

"Nakita mo ba ang reaksiyon niya ng sabihin kong girlfriend kita? Grabe bigla siyang namutla!"
Halos sapuhin na niya ang tiyan sa kakatawa. "Ang lakas talaga ng tama sayo ng Mark na iyon!"

"Jared, mahal ko pa ang buhay ko. Kaya pwede ba? Mag-concentrate ka sa pagmamaneho
mo." Banayad na asik ko sa kanya. Kung may dala lang akong pera, kanina ko pa siya iniwanan at
nag-commute na lang pauwi. Kanina pa ako naiirita sa mga kalokohan niya.
Tumigil naman siya. Pero ilang sandali ay iyon na naman ang nakakairita niyang pagtawa.

"Sorry!", aniya nang lumingon sa akin. "I really can't help it. Natatawa talaga ako kapag naaalala
ko siya."

Nagkibit balikat na lang ako at binaling ang atensyon sa labas. Bahala na nga siya!

Pagkatapos ay iniliko niya ang kotse at sa tapat ng isang restaurant.

"Bakit mo inihinto?" Nagtatakang tanong ko.

"Kumain muna tayo. Ginutom ako dun!" Sabay baba ng sasakyan. At sa isang iglap ay
nakakaikot na siya at pinagbuksan ako ng pintuan.

Wala na rin akong nagawa kundi bumaba. Hindi ko pinansin ang naghihintay
niyang kamay para umalalay.

"What do you like to eat?" Tanong niya sa akin nang makaupo na kami.

Dinaanan ko lang tingin ang mga nakasulat sa menu book. "You choose. Kahit ano naman
kinakain ko."

Hindi naman ako nagdalawang salita sa kanya. At siya na mismo ang umorder ng mga pagkain
para sa aming dalawa.

"Do you think kaya nating ubusin ang lahat ng ito?" Halos malula ako sa dami ng mga pagkain
sa mesa.

Hayun na naman ang trade mark niyang ngiti! "Basta ba tutulungan mo ako! Mauubos din natin
ito." Siya ang naunang sumandok. But to my surprised nang ilapag niya sa harapan ko ang kinuha
niyang pagkain.

"Thanks!" Ang sabi ko na lang sa pagiging gentleman niya.

"Anytime." Lalong lumapad ang pagkakangiti niya.

"Jared! Darling!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Isang sexy at


matangkad na babae ang lumapit sa kinaroroonan namin at walang babala na hinalikan nito sa
mga labi si Jared. "Kailan ka pa dumating?"

"Just recently." Tila balewala sa binata ang ginawa ng babae. "Do you want to join us?"

Tumingin sa akin ang babae. At tinaasan ako ng kilay. "No, thanks. I'm in a hurry. I just drop by
to say hello." yumuko ito para hagkan ulit si Jared. "Call me later." She said with a seductive smile,
bago tuluyang umalis.

Dedma lang ako. Kunwari busy sa pagkain. Ang totoo hindi na ako nagulat kay Jared. With his
looks and charms, kahit sinong babae ay mahuhumaling sa kanya. Except for me, allergic ako sa
mga tulad niya.

Nag-uumpisa pa lang kaming kumain nang may lumapit na namang babae sa kanya. Parang
naulit lang ang eksena kanina. She just dropped by to say hello. Hindi pa nagtatagal ay may
babae na naman na lumapit sa kanya.

Ilang naggagandahang babae pa kaya ang lalapit sa binata para lang mag-hello with matching
torrid kissing?

Sa nakikita ko kay Jared ay mukhang nag-eenjoy naman siya. Kung sabagay ganun yata talaga
ang mga player. Kaligayahan na nila ang landiin ng mga naggagandahang babae na tila sila lang
lalaking nilalang dito sa mundo.

Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga taong naroon sa restaurant. Kahit kunwari dedma lang
ako ay hindi ko pa rin maiwasan mailang. Kung ibang babae lang siguro ang kasama niya
malamang ay kanina pa nag-walk out. But not me! Hindi ko kayang tanggihan ang mga grasya na
nasa aking harapan. Minsan lang may manlibre sa akin ng ganitong kasasarap na pagkain. At
hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito kahit isang dosena pang babae ang magkagulo sa
kanya.

"Whew!" Pinahid niya ng palad ang pawis sa kanyang noo. Para bang napagod siya sa pag-e-
entertain ng mga babaeng lumapit sa kanya. "Hope you don't mind! Hindi ko ini-expect na marami
pa lang makakakilala sa akin dito."

Feeling yata ni Jared artista siya!

"I don't mind!" Sabi ko sa pagitan ng pagnguya ng hindi siya tinitignan. Abala akong masyado
sa napakasarap na steak sa aking plato para patulan ang kayabangan niya.
"Mukhang hindi ka maistorbo sa pagkain mo." Nang maangat ako ng mukha, amused siyang
nakatitig sa akin. At hindi ko inaasahan ang kamay niya na bigla na lang may pinahid sa gilid ng
labi ko.

Hindi ko na nagawang umiwas.

"Ang takaw mo! Buti na lang at hindi ka tumataba kahit malakas kang kumain."

Wala siyang natanggap na sagot mula sa akin. Pero hindi pa rin siya tumigil. Nanunukso na lalo
pa nitong inilapit ang mukha sa akin.

"You know what? Ikaw lang yata ang kilala kong babae na hindi concious sa kanyang figure.
Para bang wala kang pakialam kung madagdagan man ang bilbil mo sa katawan. Pero kahit
siguro tumaba ka pa, cute pa rin!"

"Magdadadaldal ka na lang ba dyan o tutulungan mo akong ubusin ang mga ito?" Nakaangat
ang kilay na sabi ko sa kanya. Matakaw man ako hindi ko pa rin kayang ubusin ang inorder niyang
mga pagkain.

"Oh shit!" Bigla yumuko si Jared at tinakpan ang kanyang mukha.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Akala ko kung napano na siya.

"Umalis na tayo dito." Mabilis niyang kinawayan ang nakitang waiter. Dinukot niya ang wallet sa
kanyang bulsa at naglabas ng pera.

"Pero hindi pa natin halos nagagalaw-"

"Sa iba na lang tayo kumain." Pinanlakihan niya ako ng mata habang nakayuko pa rin.

"Jared! Baby!" Isang humahangos na babae ang palapit sa direksyon niya.

Kaya naman pala!

Pero bakit parang natatakot si Jared na harapin ito?

"Muriel halika na! Umalis na tayo!" Tumayo na siya at hinawakan ako sa kamay at hinila patayo.
Pero bago ko pa maihakbang ang mga paa ko ay mabilis na nakayakap ang nasabing babae kay
Jared.

"Cheska, bitiwan mo ako!" Pinipilit ni Jared na makawala rito. Ngunit napakahigpit ng yakap ng
babae sa kanya.
"Miss na miss na kita! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" Sabi nung Cheska na halatang
sabik na sabik sa kanya.

Maganda, matangkad at sexy naman ang nasabing babae. Pero parang diring-diri rito si Jared.

"Sandali lang pwede!" Hindi na maipinta ang mukha ng binata. "Bitiwan muna ako nang
makapag-usap tayo ng maayos!"

Sa wakas ay binitawan rin siya nito. At nang makawala ay parang bata na nagtago si Jared sa
likuran ko.

"Hep! Hanggang dyan ka na lang!" Sabi nito sa babae nang magtatangka ulit itong lumapit.

"What are you doing?" Sita ko nang lumingon sa kanya.

Tama bang gawin akong human shield?

"Why? Ayaw mo na ba sa akin, Jared?" Naiiyak na sabi ni Cheska. "Sabi mo sa akin noon na
gusto mo ako... Na ako lang gusto mong maging girlfriend." Gumagawa na ng eksena ang babae.
At lahat ng mga customer sa restaurant ay sa amin na nakatingin.

"In the count of three sabay tayong tatakbo," mahinang bulong sa akin ni Jared na halos hindi
ko maintindihan.

"What?" Lumingon pa ako sa kanya. Pero nakapag-umpisa na siyang magbilang.

"Three!" Wala na akong nagawa nang hilahin niya akong bigla. At nakitakbo na lang ko palabas
ng restaurant.

"Jared! Come back here!" Narinig kong sigaw nung babae. Pero dire-diretso kaming dalawa
hanggang sa makalabas kami ng exit door.

Nasa loob kami ng kotse niya sa parking lot. Abut-abot ang hingal naming pareho pagkatapos
ng ginawa naming pagtakbo.

Grabe napagod ako dun!


"A-akala ko katapusan ko na!" Sabi ni Jared na pilit na hinahabol ang kanyang hininga.

Nakasimangot na lumingon ako sa kanya. "Pati ako dinadamay mo sa mga kalokohan mo!" Ang
talim ng sulyap ko sa kanya.

"Alangan naman na iwanan kita sa loob." Katwiran pa niya.

"Sana nga iniwan mo na lang ako!" Naalala kong bigla yung mga pagkain na naiwan namin.
Hindi ko tuloy maiwasang manghinayang.

"Kung hindi ko gagawin iyon, hindi na ako makakawala sa kanya."

"Bakit ano ba ang pagkakaiba ng Cheska na iyon sa naunang tatlong babae na bumati sayo?" I
wanted to know. Para kasing pare-pareho lang sila.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Jared. "Siya ang tipo ng babae na hahawakan ka sa leeg
at hindi ka na pakakawalan. Possesive ang tawag doon."

"Hindi!" Kontra ko. "Karma ang tawag doon!"

Napasimangot siya. "Paano naman naging karma iyon?"

"Masyado ka kasing palikero. Akala mo lahat ng babae ay pwede mong paikutin sa mga palad
mo. Eh di nakahanap ka ng katapat sa katauhan niya. Iyon ang karma!"

Sa unang pagkakataon ay hindi niya kinontra ang sinabi ko. Bigla siyang nanahimik.

Maya-maya ay binuhay niya ang makina ng kotse. "Umuwi na nga tayo."

Hanggang sa makauwi kami ay hindi na siya muling nagsalita.

At pabor sa akin iyon!

"Samantha!"

"Paano mo nalaman na ako ito?" Gilalas na tanong niya at lumapit sa kinaroroonan ko.
"Kabisado ko na ang pabango mo."

"Really? Ang talas din naman ng pang-amoy mo."

"Bakit ka nandito?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin kung bakit gabing-gabi na ay nandito ka pa rin sa garden. Hindi
mo ba naisip na baka mahamugan ka at bigla ka na lang sipunin." Iyon na naman ang masungit
niyang tinig. Pero hindi ko maiwasang ngumiti dahil alam kong nag-aalala siya para sa akin.

"Hindi ako makatulog" At naramdaman kong umupo siya sa katabi kong upuan.

"Kaya nga dinalhan kita ng gatas. Makakatulong ito para makatulog ka agad."

Gatas? Hindi ko naiwasang mapangiwi.

"Hindi ka na sana nag-abala. Kamusta na nga pala ang sugat mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Okay naman. Hindi na siya masakit."

"N-nagkita kayo ulit ni Mark?" Naikuwento na sa akin ni Jared kanina ang tungkol sa dati
naming kaibigan. At totoong nagulat ako sa nalaman.

"Selos ka naman?" Nanunukso na tanong niya sa akin.

"Of course not!"

"Kunwari ka pa."

Pagkatapos ay isang sundot sa tagiliran ko ang nagpakislot sa akin. Nakakasanayan na niyang


kilitiin ako sa parte na iyon ng katawan ko.

"Samantha!" Saway ko sa kanya. Pero tinawanan niya lang ako.

"Alam mo Baby Boy, wala ka namang dapat ipagselos. Di hamak na mas guwapo ka keysa sa
kanya. Do you think ipagpapalit ko isang tulad mo sa smiling face na iyon?"

Ang luwang ng ngiti ko. Pakiramdam ko tuloy ay nakalutang ako ng mga oras na iyon. Iyon lang
siguro ang hinihintay kong assurance mula sa kanya para mapanatag ang kalooban ko.

"Samantha!" Bigla kong naibulaslas. Tinusok na naman kasi niya ako sa tagiliran. Mabuti na
lang at napigilan ko ang kamay niya sa tangkang pagkiliti ulit sa akin.

"Ayaw mo akong tigilan pwes ito ang bagay sayo." Hinapit ko siya palapit sa akin at mahigpit na
ikinulong sa mga bisig ko. "Hindi kita pakakawalan kahit na abutin tayo pa dito ng pagsikat ng
araw." Banta ko sa kanya.

Hindi naman nagtangkang magpumiglas ni Samantha. Basta tawa lang siya ng tawa.

"Riley, nakikiliti ako sa balbas mo." Then she giggled.

Sinadya ko pang idiin ang mukha ko sa leeg niya. "Riley!" Halos mapatili siya sa sobrang kiliti.
"Suko na ako! Tama na please!" Aniya sa pagitan ng pagtawa.

Tumigil naman ako. At niluwagan ang pagkakayap sa kanya. Pero hindi siya umalis. Nanatili
lang siya sa mga bisig ko.

"Rai, inaantok na ako." She lazily rest her head on my chest.

"Say it again."

"Na inaantok na ako?"

"I mean the way you say my name."

"Rai?"

Kung alam lang niya kung gaano kalapad ang ngiti ko.

"I like it!"

"You like what?"

"I like it when you are calling me Rai. It's better than Baby boy. Ang baduy naman kasing
pakinggan iyon."

Ganun na lamang ang tawa niya.


Chapter Thirteen: New Look

Chapter Thirteen: New Look

"Good morning Nana Tonya!" Masiglang bati ni Jared nang sumulpot ito sa kusina. Lumapit ito
sa kinaroroonan ng matanda at binigyan ito ng halik sa pisngi. "Ang bango nyo naman. Hmmm...
amoy pinipig!"

Mukhang nasa good mood na naman ang loko!

"Ikaw na bata ka puro ka kalokohan! Maupo ka na dun at ihahanda ko ang almusal mo." At
itinulak siya ni Nana Tonya palapit sa mesa.

"Good morning girlfriend!" Nakangising bati niya nang pwesto siya sa harapan ko. "Kumakain
ka na naman? Bakit ba sa tuwing makikita kita lagi ka na lang nasa harapan ng pagkain? Tignan
mo namamaga na yang mga pisngi mo." Nang tangkain niyang pisilin ang pisngi ko ay mabilis
kong tinabig ang kamay niya.

"Sungit!"

I only gave him a cold glance. Akala mo naman bagay sa kanya ang mag-pout!

Ngunit balak talaga niyang sirain ang umaga ko. Walang sabi-sabi na tinusok niya ng tinidor
ang hotdog na nasa plato ko sabay kagat. Ngumisi pa siya ng nakakaloko.

Relax Muriel! Pinipilit kong magtimpi. Kahit ang totoo ay gusto ko nang sundutin ng tinidor ang
mga mata niya.

Sumunod naman niyang kinuha ang kinakain kong tapa.

Isang-isa na lang talaga!

Nang biglang mahagip ng mga mata ko ang tasa ng kape sa harapan ko. May naisip akong
kalokohan para makaganti sa kolokoy na ito.

"Dapat bawasan mo pagkain mo," sabay kuha ng natitirang karne sa plato ko. "Tignan mo,
nadadagdagan na yang mga bilbil mo sa tiyan. Simula sa araw na ito umpisahan mo nang mag-
diet."
Kunwari balewala sa akin ang ginawa niya. Humigop ako ng kape. Sinadya kong punuin ang
aking bibig kahit medjo mainit pa iyon. At saka bumuwelo na kunwari napaso ako sabay buga sa
kanya ng lahat na nasa loob ng bibig ko.

Presto! Naligo siya ng mainit-init na kape fresh from my mouth.

"What the fu-" Ang tanging nasabi niya sa kabiglaan.

"Oopps sorry! Napaso kasi ang dila ko eh!"

Halos bumaon sa akin ang mga mata ni Jared.

Isang napakatamis na ngiti naman ang iginanti ko sa kanya.

"You witch!" He gritted his teeth.

"Ang bilis dumating ng karma no!" Patuloy kong panunuya sabay tayo. Binitbit ko ang
pinagkainan ko at dinala sa lababo. "Nana Tonya salamat po sa masarap na almusal," sabi ko ng
makasalubong siya sa pintuan. "Hay! Ang ganda ng araw ko ngayon!" Sinadya kong lakasan ang
boses ko para marinig iyon ni Jared.

"Ay sus maria! Anong nangyari sayo?" Narinig kong bulaslas ni Nana Tonya bago ako tuluyang
makaalis.

Maisip ko lang ang itsura ni Jared kanina ay natatawa na ako.

Buti nga sa kanya!

Mayroon akong hinahanap na hindi ko makapa. Hanggang sa magbagsakan sa sahig ang lahat
ng laman ng tokador.

Tsk! Napakamot na lang ako ng ulo. Sa pagkakaalam ko ay dito lang nakalagay iyon.

"What do you think you're doing, Baby boy?" Si Sam na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.
Napangiwi ako nang marinig ko na naman ang Baby boy na iyon!

"Nothing!" Nakasimangot na sagot ko at saka lumabas ng banyo. Pero nakasunod pala siya sa
likuran ko.

"Bakit ka nakasimangot?"

Hindi ako sumagot. Gusto ko sanang maalala niya ang naging pag-uusap namin kagabi.

"Ano ba ang hinahanap mo? Kailangan mo ng tulong?"

"I don't need your help! Just leave me alone!" I snapped. Hindi ko maintindihan kung bakit
biglang nag-init ang ulo ko.

"Okay fine! Nagsusungit ka na naman! Halika na Buddy. Layasan na natin itong amo mo!"

Bigla akong naalarma. "Saan ka pupunta?"

"Eh di ba pinapaalis mo na ako? Kaya aalis na ako. Kami pala ni Buddy."

"Hindi naman kita pinapaalis." Naiinis na sabi ko.

"Kakasabi mo lang kanina. Kahit tanungin mo ba itong aso mo?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Fine! Kasalanan ko na! "I'm sorry. I don't mean it." Anong
maaari kong sabihin kundi iyon.

"You're forgiven!" Mabilis na sagot niya. "So ano nga pala ang hinahanap mo?"

Ganon lang kadali iyon? Ine-expect ko pa naman na pahihirapan niya ako bago niya ako
patawarin.

"Don't bother. Tulungan mo na lang ako pumili nang isusuot ko."

"Aalis ka?"

"May lakad kaming dalawa ni Jared?"

"Saan kayo pupunta?"

"I don't know. Sabi niya siya na raw ang bahala."


"Wala akong tiwala sa kaibigan mo na iyon!" Halos pabulong niyang sabi pero nakarating pa rin
sa pandinig ko.

"Gusto mong sumama?" Naisip kong itanong sa kanya.

"No thanks! For the boys ang lakad ninyo."

"Why don't you go shopping? Isama mo sina Lenny at Mila."

"Wala ako sa mood lumabas ng bahay. Magtutulog na lang ako."

Napakunot ang noo ko. "Baka naman lumobo ka nyan sa kakatulog."

"And so? Bakit aayawan mo na ba ako kung sakaling tumaba ako?"

"Of course not! Kahit tumaba ka pa na parang hippothamus never kitang aayawan." Nakangiti
na sabi ko.

"Ewan ko lang kung hindi ka magsisi sa oras na bumalik ang paningin mo." Si Jared na bigla na
lamang sumulpot. "Makikita mo na lang na kasing laki na ng elepante ang syota mo."

"Nagsalita ang mukhang kapre!" ganting sagot ni Sam.

"Are you talking to me?" Si Jared ulit

"No! I was talking to your other self." Hindi naman nagpatalo si Sam.

"Enough!" Awat ko sa kanila. Baka kasi kung saan mauwi ang asaran ng dalawa. "Aalis na ba
tayo?" Baling ko kay Jared.

"Wait, magbibihis lang ako!"

Boring...

Walang silbi itong cellphone ko. Sinubukan kong tawagan si Jena pero hindi naman sinasagot
nito ang cp. Tinext ko na rin ang iba kong mga kaibigan pero kahit isa sa kanila ay walang
nagreply sa akin. Mukhang kinalimutan na nila ako.

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Baka sakaling may makaalala sa akin. At hindi naman ako
nabigo. Biglang nag-ring ang cp ko. Pero number lang ang nag-register sa screen. Sino kaya ito?

"Hello!" Excited na sagot ko.

"Hello girlfriend!"

Bigla akong napasimangot nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. "How did you get my
number?"

"Malaking sikreto!" Nang-aasar na sabi niya.

"Kung wala kang matinong sasabihin ibaba ko na-"

"Gusto ka raw makausap ni Riley." Agap niya sa sasabihin ko. Ilang sandali ay narinig ko na
ang boses ni Riley sa kabilang linya.

"Sam, what do you want for pasalubong?" Masiglang tanong niya sa akin.

Ang sweet naman ng boyfriend ko! Kinikilig tuloy ako.

"Anything! Bahala ka na." Wala akong maisip na i.re-request sa kany

"Anything?"

"Pare kunwari lang iyan!" Narinig kong sabat ni Jared. "As usual pagkain lang naman ang hilig
niya."

Panira naman ng moment ito!

"Shut up Jared! Hindi ikaw ang kausap ko." Saway ni Riley sa kaibigan.

"Huwag ka ng mag-abala, Rai." Ang sabi ko na lang.

"Are you sure?"

"I'll be fine. Kahit ikaw na lang ang pasalubong ko."


Narinig ko siyang humagikgik sa kabilang linya. Uy kilig din siya!

"Okay! See you later." Parang nai-imagine ko ang malapad niyang ngiti.

"Bye!" At saka ko pinindot ang end button.

Para akong lukaret na pagulung-gulong sa kama. Kinikilig ako. Nang biglang...

"Buddy!" Napabalikwas ako. Sapul ako sa bibig ng dila niya.

Loko ang asong ito nasasanay nang halikan ako. Manang-manang sa amo niya!

"Buddy get out!" Utos ko sa aso. Pero imbes na sundin niya ako ay sumampa pa siya ng kama
at nahiga sa tabi ko.

"Ambisyoso ka ha! Hindi mo na talaga ako hihiwalayan. Sige ka baka pati ikaw ay pagselosan
ng amo mo."

Ngunit lalo siyang nagsumiksik sa tabi ko at wala na akong nagawa.

Pasado alas otso na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi ang dalawa. Nang
tawagan ko ang number ni Jared, cannot be reach daw. Wala talaga akong tiwala sa isang yun!
Saan kaya niya dinala si Riley?

"Baka naman naghappy-happy lang ang dalawa." Si Nana Tonya habang abala sa pinapanood
na teleserye sa tv. "Hayaan mo na, ngayon lang naman sila ulit nagkasamang magkaibigan."

"Pero sana man lang nag-abalang mag-text ang magaling niyang kaibigan kung nasan na sila.
Hindi yung nag-alala tayo rito na baka napano silang dalawa." Tuluy-tuloy na lintanya ko sa pag-
aakalang nakikinig sa akin si Nana Tonya.

Tumayo at lumabas na lang. Paglabas ko ay eksaktong paparating ang kotse ni Jared. Ilang
sandali ay huminto sa mismong harapan ko ang sasakyan. Unang bumaba si Jared at umikot sa
kabilang pinto at inalalayan si Riley na makababa.

"Bakit ngayon lang kayo?" Nakapameywang na tanong ko sa kanila.

"Miss me?" Nakangising salubong sa akin ni Riley. Lulugu-lugo itong naglakad. At kung hindi ko
siya naagapan malamang ay tumumba na siya.
Napangiwi ako nang maamoy ko alak sa bibig niya. "You're drunk?" Mabilis na lumipad ang
mga mata ko kay Jared. "What did you do to him? Alam mo naman na bawal sa kanya ang
uminom di ba?"

Nagawa pang ngumiti sa akin ni Jared. "S-siya kaya ang may gusto na uminom kami. N-
napilitan lang ako."

"And you're also drunk? How dare you na mag-drive nang nakainom? Hindi mo ba naisip na
baka maaksidente kayo?" Kung hindi ko lang hawak si Riley malamang ay nasuntok ko na siya.

"Relax! Chill! A-ang importante ay narito na kami. And we're s-safe." Sabi pa niya na nakangisi.
Balewala rito ang pagsusungit ko.

Naramdaman kong gumalaw si Riley at yumuko sa akin. "M-miss me a-already? S-sorry kung
medyo na-delay ang p-pasalubong mo. B-but here I am now." Namumungay ang mga mata na
sabi niya habang nakangiti.

OMG! Si Riley nga ba ang kaharap ko?

Doon ko lang napansin ang malinis niyang mukha na bagong ahit at saka ang buhok niya na
bagong gupit.

OMG talaga! Ang guwapo-guwapo kaya niya!

"Hoy magtititigan lang ba kayo dyan o papasok kayo sa loob?" Sigaw ni Jared na nasa tapat na
ng pintuan.

Tsk! Hanggang kailan ba ako bubuwisitin nito?

"Baka naman gusto mo akong tulungan na maipasok itong kaibigan mo?" Pasinghal na sabi ko
sa kanya. Ang bigat-bigat kaya ni Riley.

Ngunit hindi man lang siya kumilos sa kinatatayuan niya. "Kaya mo na yan!" I heard him said.

Hayup talaga!

"S-sam.." Muling kumilos si Riley. Sinapo niya ng mga kamay ang mukha ko at itinaas. At bago
ko pa mahulaan ang susunod niyang gagawin ay walang babala na hinalikan niya ako sa mga
labi. Nanlaki ang mga mata ko sa kabiglaan.

Hindi rin nagtagal ang halik na iyon. Dahil bigla na lang nawalan ng malay si Riley. At napunta
sa akin ang lahat ng bigat niya.
"Jared tulungan mo ako dito!" Any moment ay babagsak kaming dalawa sa damuhan.

He went still. "Just say please..." And squared his shoulders.

"Ano ka ba! Hindi ito ang oras para makipagbiruan ako sayo!"

"O-okay! Okay!" Doon lang siya humakbang palapit sa amin. "I will help you but... in one
condition."

"I swear Jared! Makakatikim ka talaga sa akin sa oras na bitawan ko si Riley!" Namumula na
ang mukha ko sa sobrang inis.

Nakakaloko na ngumiti lang siya sa akin habang naghihintay ng isasagot ko.

Konting-konti na lang at malapit ko nang mabitawan si Riley. At wala na akong ibang choice.
"Fine! Pumapayag na ako kung anuman yang kondisyon mo. Utang na loob, Jared tulungan mo
na ako dito."

Ang lapad ng ngiti ng gago. "At you're service Madam." Saka lang siya kumilos. At walang
kahirap-hirap na inakay nito si Riley papasok ng bahay.
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart

Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart

"Wow Mam Samantha! Ang ganda-ganda po ninyo." Halos sabay na bulaslas nila Mila at Lenny
habang tinitignan ko ang sariling repleksyon sa salamin.

I was wearing a light peach and lacy cocktail dress. Ang kaisa-isang dress sa aking closet. I
even had makeup on. Maaaring hindi ako ang tipo ng babae na mahilig magpaganda. Pero hindi
ibig sabihin nyon ay wala akong kaalam-alam para ayusan ang sarili ko.

If I wanted to be beautiful, I could be beautiful.

"Eh Mam, saan po ang lakad ninyo?" Tanong sa akin ni Lenny.

"May date po ba kayo ni Sir Riley?" Tanong naman ni Mila.

"Tange! May nagde-date ba ng tanghaling tapat?" Si Lenny ulit.

"Malay mo naman." Sagot ni Mila.

Ewan ko ba kay Jared kung bakit naman alas dose ang ibinigay na oras sa akin? Pwede naman
mamayang gabi?

Ito nga pala ang kondisyon niya kapalit nang pagtulong niya sa akin kagabi. Kailangan niya raw
ng isang magpapanggap na fiancee niya para maidispatya ang babaeng humahabol sa kanya. At
ako raw ang masuwerteng babae na napili niya.

Anong masuwerte doon? Kung hindi lang ako napasubo sa kanya kagabi, hinding-hindi akong
papayag sa kalokohan niya.

And speaking of the devil tumatawag siya sa cp ko.

"Magkita tayo mamaya sa restaurant na sinabi ko sayo. Mga alas dose nandun na kami ni
Melanie. Sumunod ka na lang?" Iyon lang at nawala na siya sa kabilang linya.

What? Ibig sabihin mag-isa lang akong pupunta roon? Akala ko pa naman sabay kaming aalis.
Mapipilitan tuloy ako na mag-taxi.
"May ka-date kayong iba Mam Samantha?" Nang-iintrigang tanong ng dalawa.

I rolled my eyes. Mapipilitan akong magsinungaling. Dahil kahit sabihin ko sa kanila ang totoo
hindi rin naman nila ako maiintidihan. And worst, baka kung anong balita ang makarating kay Riley
at bigla na lamang atakehin ng selos ang isang iyon.

"Wala akong ka-date. A-attend lang ako ng kasal ng kaibigan ko."

"Ahhh...", sabay na tumango ang mga ito.

"Sinong ikakasal?" Bigla na lamang sumulpot si Riley sa kuwarto ko.

Naman!

"S-si ano..." Pucha! Anong sasabihin ko? Wala naman akong kilalang kaibigan ni Samantha.
Bahala na!

"Remember Kayla? Y-yung friend ko nung college. Ikakasal siya today sa foreigner niyang
boyfriend."

Napakunot noo si Riley. "I can't remember her. Anyway bakit hindi mo nabanggit sa akin na
aalis ka pala?"

"Nagpaalam na ako sayo kahapon di ba?" Pakiramdam ko tuloy ay humahaba na ang ilong ko
sa dami na ng pagsisinungaling ko.

"Siguro nga. So, how do you look like? For sure, napakaganda mo ngayon." Lumapit siya sa
akin at marahan na kinabig ako paharap sa kanya.

"Tama po kayo Sir Riley, ang ganda-ganda po talaga ni Mam Samantha." Sabat ni Lenny na
hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Promise me one thing, Sam." Bumuntong hininga siya pagkatapos.

"Ano iyon?" Parang kinabahan ako sa tono ng boses ni Riley.

"Promise me na hindi mo papansin ang mga lalaking magkakainteres sayo doon sa party."
Ang lakas ng tawa ko sa narinig.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko? Seryoso ako!"

Sinapo ko ng mga kamay ang mukha niya. "Rai, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi
kita ipagpapalit sa kahit na sinong lalaki. Lalo na ngayon, mas lalong guwapo ang boyfriend ko. Eh
bakit pa ako maghahanap ng iba!"

At hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siya sa pisngi.

Ang lapad ng ngiti ng loko!

Pero huli na nang ma-realized ko ang ginawa ko. Bigla akong bumitiw sa kanya. "Got to go.
Baka ma-late na ako." At nagmamadali akong nagtungo sa pintuan.

Pagpasok ko sa restaurant ay napansin kong napalingon agad sa akin ang karamihan sa


customers doon, lalo na ang mga lalaki. Eh anong magagawa ko kung talagang pinanganak
akong maganda!

Sa di kalayuang mesa ay nakita ko si Jared. Mukha naman siyang nag-eenjoy sa company ng


babaeng kasama niya. At wala sa itsura nito ang mangdidispatya ng isang babae.

Naglakad ako patungo sa direksyon nila. Si Jared ang unang nakapansin sa akin. Lumikha ng
ingay ang silya niya nang tumayo siyang bigla. "M-muriel?" Kung hindi ko lang alam na-part iyon
ng palabas niya ay iisipin ko na talagang nagulat siya ng makita ako.

"What the hell is the meaning of this?" I started to act. Nakaangat ang kilay ko nang lingunin ko
ang kasama niyang babae. Bago siya sa paningin ko. At sa tingin ko ay hindi naman siya
mukhang flirt. She looks fragile. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa para sa kanya. I swear.
This is the last time na gagawin ko ang bagay na ito.

"Honey, baka gusto mong ipaliwanag sa akin ang nakita ko?" Baling ko kay Jared. Pero kung
anong reaksyon niya kanina nang dumating ako ay ganon pa rin siya hanggang ngayon. Tulala pa
rin siyang nakatitig sa akin.

Ano ba Jared? What's happening to you? Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Nakalimutan na
ba niya ang script na siya mismo ang gumawa?
"How dare you do this to me, Jared!" Biglang tumayo ang kasama nitong babae. At mabilis na
sinampal nito sa mukha ang binata. "You should have told me. You're a liar. Ang sabi mo ako
lang. Yun pala mayroon ka nang iba... I'm sorry Miss!" At lumingon siya sa akin. "Hindi ko alam.
Kung alam ko lang sana-" Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil nagtatakbo na ito palabas ng
restaurant.

Nakita kong sinundan lang ng tingin ni Jared ang papalayong babae. Namumula ang mukha
niya marahil ay sa lakas ng impact nang pagkakasampal sa kanya.

"Serves you right!" Hindi ko napigilang sabihin sa kanya. But he looks really shocked. Sa
katunayan ay hindi pa rin ito gumagalaw mula sa kinatatayuan niya. Inalalayan ko siyang
makaupo sa silya.

"I told you so. Iyan ang tinatawag na karma. Ayaw mo kasing makinig sa akin eh!" Tila doon
lamang niya ako napansin sa harapan niya.

"Masakit iyon ah!" Sabi niya nang hipuin ng kamay ang pisngi. "Pasaway na babaing iyon.
Makikipag-break lang may kasama pang sampal."

I smirked. "Kung ako yun hindi lang sampal ang aabutin mo, bubugbugin pa kita!"

"Bakit nga pala ganyan ang itsura mo?" Muli niyang tinignan ang kabuuan ko.

"Sabi mo magpaganda ako. Kaya nagpaganda ako. Alangan naman na pumunta ako dito na
mukhang basahan." Dinampot ko ang menu book at nakitingin ng mga menu doon. Parang gusto
kong kumain. Ano bang specialty nila dito?

"Honestly, you look wonderful today."

"I know!" Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

Ipinatong ni Jared ang siko sa mesa at napangalumbaba sa harap ko. "No kidding! Napaganda
mo ngayon. Kung lagi ka bang ganyan eh di sana hindi na kita aasarin."

Napasinghap siya ng malakas nang sipain ko siya sa ilalim ng mesa. "Matanda ka na. Hindi na
bagay sayo ang magpa-cute."

Tumawa lang siya. "You, coldhearted woman! Hindi na talaga tumalab ang karisma ko sayo!"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Muriel?" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Jena!


And worst kasama pa nito ang iba naming ka-officemate.

"Sabi ko na nga ba eh!" Talagang lumapit pa siya sa kinaroroonan ko. "I know its you Muriel!
Kailan ka pa dumating?" At nagtitili siya na yumakap sa akin pagkatapos ay muli ring bumitiw at
tignan ako mula ulo hanggang paa. "Anong nangyari sayo? Why are you so... pretty today?"

Nawalan ako nang sasabihin. Hindi ko inaasahan ito.

Pagkatapos lumipad ang mga mata ng kaibigan kay Jared at pagkatapos ay sa akin.
"Don't tell me... Oh my god Muriel!" Tinakpan pa niya ng mga kamay ang bibig. "Boyfriend mo
siya? O-M-G! I'm happy for you friend!" Parang luka-luka na nagtatalon siya sa harapan ko
habang hawak ang mga kamay ko.

Oh no... I'm in a big trouble!

"Mag-iingat ka na lang sa susunod, okay?"

"Opo!" Mabilis kong sagot. Kausap ko si Mam Lorie sa kabilang linya. Pagkatapos nang
nangyari kanina sa restaurant ay siya kaagad ang una kong tinawagan. Naisip ko na kailangan
niyang malaman ang tungkol dito. Hindi ko kasi malaman kung anong gagawin ko.

Napalingon ako kay Jared na katabi kong nagmamaneho. Pasulyap-sulyap din siya akin.
Tahimik na nakikinig sa pag-uusap namin ni Mam Lorie.

"Kailangan mo na sigurong pumasok sa office, Muriel."

"Po?" Nabigla ako sa narinig.

"Alam na nilang nandito ka na. At syempre iisipin din nila na papasok ka na rin sa opisina." si
Mam Lorie ulit. "Kaya bukas na bukas din ay mag-report ka na sa trabaho. Ako na ang bahala kay
Riley."

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

"Muriel, are you still there?"

"Yes. I heard you Mam."


"I told you to call me Tita."

"Opo, T-tita!"

"Oo nga pala Muriel, don't be surprise when you meet Lara. She's Riley's childhood friend. I
guess baka nasa bahay na siya ngayon. She's planning to have a vacation. And don't worry about
her. She's an angel."

Halos hindi ko na namalayan kung paano siya nawala sa kabilang linya.

"Do you know her?" Suddenly ay naitanong ko kay Jared.

Nagtatakang lumingon siya sa akin. "Who her?"

"Si Lara. Kilala mo ba siya?"

Saglit siyang nag-isip. "She was Riley's childhood sweetheart. Why?"

"Childhood sweetheart?" Pag-uulit ko.

Tumango si Jared. "Bakit mo tinatanong?"

"Nasa bahay na raw siya. At nagbabalak magbakasyon."

Hindi ko maipaliwanag ang ngiting sumilay sa mga labi ni Jared. "Really? Then that's good. The
more, the happier."

Lalo akong napasimangot. Habang tumatagal ay nadaragdagan ang mga taong dapat kong
pakibagayan. Ito nga lang si Jared ay malaking pasakit na sa akin. Pagkatapos may dumagdag
pa.

Pagkababa ko nang sasakyan ay sinalubong kaagad ako nila Lenny at Mila. Mukhang
inaabangan talaga nila ang pagdating ko.

"Mam Samantha, nandoon po si Sir Riley sa garden. Kasama po niya yung babaeng parang
unggoy kung makakapit." Eksaheradang pagsusumbong sa akin ni Lenny.
"Hindi lang parang unggoy, para siyang sawa kung makalingkis kay Sir." Banat naman ni Mila.

Lalong nagkasalubong ang mga kilay ko sa narinig.

"Huy! Tsismis na yan! Huwag naman kayong ganyan." Saway ni Jared sa dalawa.

Humakbang ako patungo sa garden. Nasa likuran ko si Jared na nakasunod sa akin. Malayo pa
lang ay nakita ko sila na magkatabing nakaupo.

Nakaangat ang kilay ko na binalingan si Jared. "Are you sure siya yung Lara na tinutukoy mong
childhood sweetheart ni Riley? Eh mukhang disisais lang ang batang ito?"

"Mukha lang siyang batang tignan pero matanda na iyan!"

At humakbang si Jared palapit sa mga ito. "Hello Lara. It's nice to see you here."

Doon lamang nakuha ang atenyon ng dalaga. "Oh, hi Jared! What are you here?" Nakangiting
sabi niya.

"Dito na ako nakatira." Sagot ni Jared.

"Oh really! Ako rin! Gusto ko na rin dito tumira. Hope you don't mind, Riley."

Ngumiti lang si Riley at hindi sumagot.

"Anyway, Lara this is Samantha." Pagpapakilala sa akin ni Jared nang makalapit ako sa kanila.
"She's Riley's girlfriend. At dito rin siya nakatira."

"You're living together?" Gilalas na tanong nito kay Riley. At ang bruha hindi man lang nag-
abalang tignan ako.

Pero imbes na sagutin siya ni Riley ay ako ang binalingan niya. "Sam, kanina ka pa ba
dumating? How's the party?"

"The party was fun. At kararating ko lang." Walang gana na sabi ko. Dahil doon ay nagsalubong
ang mga kilay niya.

"Riley!" Out of nowhere ay biglang dinamba ni Lara ang binata. "Remember you promised me
na tuturuan mo akong mag-surfing?" Aniya sa malambing na tinig.

Surfing? Sa kondisyon ngayon ni Riley? Nagpapatawa ba siya?


"Look at me now Lara, do you think I can do that in my situation."

"Oh I'm sorry Riley." Lalo pa niyang inilapit ang sarili rito. "I almost forgot. Di bale, nandito
naman ako. I will take care of you hanggang sa gumaling ka."

Yeah right! Kung umaarte siya as if naman na wala ako sa paligid.

"Where are you going?" Pigil sa akin ni Jared.

"Gusto ko nang magpahinga. Nakaka-boring naman kasi silang panoorin." At humakbang ako
papasok ng bahay. Sinundan lang ako ng tingin ni Jared.

Subalit parang nananadya ang pagkakataon. Magkakasabay pa kaming nagsalu-salo sa


hapunan. Hindi ko sana gustong sumabay. Pero siguradong mangungulit lang sa akin si Nana
Tonya.

Hindi pa rin tumigil si Lara. Magmula kanina ay siya lamang ang nagsasalita. Kung anu-ano ang
sinabi niya para lamang may mapag-usapan.

"Are you okay?" Bahagya akong siniko ni Jared na katabi ko sa upuan. "Kanina ka pa wala kibo
dyan."

"I'm fine! Wala lang akong ganang kumain." Mahinang tinig na sagot ko. Habang pinaglalaruan
ang pagkain sa aking plato.

"Ikaw mawawalan ng gana sa pagkain?" Bahagyang lumakas ang boses ni Jared dahilan para
maagaw ang atensyon ng dalawa.

"Sige ipagsigawan mo pa!" Mahina kong asik sa kanya.

"Samantha, may problema ba?" Tanong ni Riley.

"Nothing! Malapit ko lang namang tusukin ng tinidor ang dila nitong kaibigan mo?" At inaakma
sa kanya ang hawak kong tinidor.

"Hindi naman mabiro itong girlfriend mo p're!" Pinagkrus niya ang hawak na kutsara at tinidor at
itinapat sa akin na para bang matatakot ako run.

Anong akala niya sa akin aswang? Adik talaga ito!

Pero hindi talaga magpapatalo si Lara.


"Riley here oh!" Sabay subo kay Riley nang hawak nitong kutsara. "Kain ka lang ng kain ha."
Talagang super asikaso ito sa binata. "Here pa, alam ko naman ko favorite mo itong relyenong
bangus. Ako ang nagpaluto nyan kay Nana Tonya!"

I rolled my eyes. Ang arte niya talagang magsalita!

At ito namang si Riley, na-pampered lang ng kaunti bigla na akong nakalimutan. Maimpatso ka
sana!

Sa sobrang pagsisintir ko ay napagbalingan ko tuloy ang bangus. Kawawang isda, durog na


durog sa plato ko!
Chapter Fifteen: She's Jealous

Chapter Fifteen: She's Jealous

Maaga akong nagising kinabukasan. Parang tinatamad pa nga akong bumangon. Pero nang
maalala ko ang oras ng pag-inom ng gamot ni Riley ay tumayo na rin ako. I'm not a morning
person. Ngunit ewan ko ba kung bakit pagdating sa lalaking iyon ay nagigising ang dugo ko.
Siguro dahil nasanay ako na mayroon nakukulit tuwing umaga.

Paglabas ko ng pinto ay eksakto naman na papasok si Lara sa pintuan ng kuwarto ni Riley.


Kasunod nito si Mila na may bitbit na tray ng pagkain. I almost forgot about her. At kinarir na
talaga niya ang pag-aasikaso sa binata. Baka naman hanggang sa paliligo ni Riley ay makialam
pa siya?

The hell I care! Sabi ng isip ko. Oo nga! Ba't ko ba sila pinoproblema? Dapat nga ay matuwa
ako. Dahil nabawasan ang trabaho ko at hindi pa ako mapapagod. At kung anuman ang gawin
nilang dalawa, labas na ako dun! In the first place, hindi naman talaga ako si Samantha.

Mag-isa akong kumakain ng almusal. Maya-maya ay dumating si Jared at sinamahan ako sa


mesa. Nakakapagtaka ang pananahimik niya. Kung sabagay pabor sa akin iyon. Ayoko ng may
kasamang maingay. At ayoko rin sa lahat na may nambubuwisit sa akin lalo na kapag bagong
gising ako. Lalo na ngayong wala ako sa mood. Tahimik kaming kumakain at walang kumikibo sa
aming dalawa.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Nana Tonya habang pinapanood niya kaming kumain.
Parang gusto niyang magsalita pero mas pinili niyang huwag na lamang kumibo.

To my surprised, bigla na lang bumulanghit ng tawa si Jared sa pagkamangha ko.

Nasisiraan na yata siya ng ulo! Bahagya kong inilayo ang plato ko sa kanya na para bang
anumang oras ay may gagawin siyang masama sa akin.

"You're funny!" He said while still laughing.

Ako pa ngayon ang nakakatawa? Buhusan ko kaya siya ng mainit na kape?

Napailing na lang ako. He's hopeless. He really needs a medical attention.


"Masyado kang obvious, alam mo ba iyon?" He said again. At hindi ako nakaiwas nang idampi
nito ang daliri sa tungki ng ilong ko. Pagkatapos ay ipinikita sa akin ang pawis na naroon. "See
this."

"Eh, ano naman kung pinagpapapawisan ang ilong ko?" I snapped. "Ngayon ka lang ba
nakakita ng ilong na pinagpapawisan?"

Matutuwa na sana ako sa pananahimik niya. Ngunit hindi talaga nakukumpleto ang araw niya
na hindi niya ako naaasar.

Nakakaloko na ngumisi pa si Jared. "You're jealous."

"Me?" Sabay turo sa sarili ko. "Why would I get jealous?" Iniisip ba niya na nagseselos ako kay
Lara?

"Why don't you ask yourself?" Sabay tayo at nilayasan akong bigla. Ngunit bago siya tuluyang
makalagpas sa pintuan ay muli siyang lumingon sa akin.

"You're not in yourself today Muriel. Gusto ko lang ipaalala sayo na may pasok ka ngayon sa
trabaho."

Oh sheeeeeet! Napatayo akong bigla sabay tingin sa suot kong relo. At nakipag-unahan ako
kay Jared paakyat ng hagdanan. Mayroon pa akong forty five minutes bago ma-late. Naman! Bakit
ba kasi nawala sa isip ko ang tungkol doon?

It's good to be back! Na-miss ko talaga husto ang pagpasok sa trabaho. Kulang na lang ay
yakapin ko aking working table, lalo na ang aking desktop sa sobrang pagkasabik. Mabuti na
lamang at hindi ako na-late. First day ko pa naman pagkatapos ng mahaba kong "bakasyon", na
hindi ko naman na-enjoy! Pasalamat na lang ako at kaskasero ang driver ng taxi na nasakyan ko.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jena. "Huy... magkuwento ka naman tungkol sa
guwapo mong boyfriend na kasama mo kahapon?"

"Bruha ka! Kunwari ka pa na manhater ka yun pala mayroon ka nang dyowa." Si Ichi na nasa
kabilang side ko naman. "At hindi lang basta papa... hot na hot papa! Ang haba ng buhok mo girl!"
Sabay hila sa dulo ng buhok ko.

"Aray! Hindi ko siya boyfriend." Walang gana na sabi ko. Iyon naman talaga ang totoo. At
ayokong magsinungaling sa kanila.

"Owwss?" Hindi sila kunbinsido sa sinabi ko.

Bahala sila kung ayaw nilang maniwala!

"Hay naku! Ayaw mo lang talagang magkuwento." Sinimangutan lang ako ni Jena.

"Huwag na natin siyang pilitin! Baka nga naman mausog pa natin at mapurnada pa ang lovelife
niya." Ang talim ng irap sa akin ni Ichi.

Pero ako dedma lang. Sanay na ako sa kanilang dalawa.

"Nasaan na nga pala ang mga pasalubong namin?" Biglang naging mabait sa akin si Jena. Si
Ichi naman ay yumakap pa sa braso ko.

Isa pa iyon sa nakalimutan ko! Nakalimutan kong magdala ng props. Iyon pa naman ang
kabilin-bilinan sa akin ng dalawa pagbalik ko.

"Bad news guys. Nawala ang bagahe ko sa airport. At nandun ang mga pasalubong ko sa
inyo." Buti na lang at mabilis na gumana ang isip ko.

"Wala ka talagang kuwenta!" Sabay bitiw sa akin ni Ichi.

Nag-back out naman si Jena. "Ang dami-dami mo nang atraso sa amin!" pahabol pa niya.
"Kaya dapat lang na sagutin mo ang lunch namin!"

Tignan mo ang mga 'to! Ang sasama ng ugali. Mabuti na lamang at kabisado ko na mga likaw
ng bituka nila.

Tambak ang trabaho ko nang araw na iyon dahil matagal din akong nawala. Hindi ako
nagdalawang isip na mag-overtime. Mas gugustuhin ko pang magbababad sa trabaho kaysa
maabutan sa bahay ang maarteng Lara na iyon.

You're jealous! Bigla kong naalala ang sinabing iyon ni Jared sa akin kaninang umaga.

Maybe I was. Pero hindi katulad ng iniisip nito. Pakiramdam ko lang kasi ay
nabalewala ako kay Riley dahil sa pagdating ng babaing iyon. But it doesn't mean na nagseselos
nga ako, yung selos na para bang may feelings ako sa kanya.

Mabilis na pinilig ko ang ulo. Ayoko na munang isipin ang tungkol sa bagay na iyon. Lalo
lamang sumakit ang ulo ko. At marami pa akong kailangan tapusin na trabaho na mas mahalaga
kaysa roon.

Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi ako. At naabutan ko sina Riley at Lara na
masayang nagkukuwentuhan sa may sala. Gusto ko sanang umiwas. Pero nakita na ako ni Lara
sa may pintuan.

"Sam, ikaw na ba yan?" Naramdaman marahil ni Riley ang presensya ko.

Hindi sana ako magsasalita pero nakatingin sa akin si Lara. Ayokong isipin niya na apektado
ako sa presensya niya kung bigla ko na lang silang tatalikuran.

"Yes, it's me." I tried to smile.

"Come here." Tinapik niya ang bakanteng upuan sa tabi niya. "Why don't you join us?"

"Pagod ako Rai. Bukas na lang tayo mag-usap." Hindi ko na siya hinintay na sumagot. At
umakyat na ako ng hagdan.

Kahuhubad ko pa lang ng sapatos nang bigla na lamang sumulpot si Riley sa kuwarto ko.
Sumunod pala siya sa akin.

"We need to talk Sam."

I sighed. "I'm tired. Pwede bang bukas na lang?"

"You're avoiding me since yesterday. Akala mo ba hindi ko nahahalata iyon?"

Pumihit ako paharap sa kanya, with my hands on my waist. Nahahalata mo na pala eh bakit
parang okay lang sayo? Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"I'm not avoiding you. Akala mo lang siguro iniiwasan kita. Masyado ka kasing abala sa
presensya ng bisita mo."

And speaking of his bisita, talagang sinundan niya si Riley hanggang sa kuwarto ko. Ano ba
talaga ang gustong palabasin ng babaing ito?
"Riley bakit mo ako iniwanan?"

I almost rolled my eyes. Iyon na naman ang maarte niyang tinig.

"We're not done yet." Kumapit ito sa braso ni Riley sabay hila rito. "Marami pa tayong
pagkukuwentuhan."

"Mauna ka na sa ibaba, Lara." Si Riley. "Susunod na lang ako. I just need to talk with her."

"She says she's tired so let her be. Kaya halika na!" Pangungulit pa rin ni Lara.

Sinulyapan ko ang reaksyon ni Riley. Hindi na maipinta ang mukha niya.

"Lara please..."

"Riley naman eh!"

"Pwede bang bigyan mo naman kami ng oras para makapag-usap ng girlfriend ko!" Hala!
Tuluyan nang nagalit si Riley. "Maghapon na tayong magkasama. Hindi ba pwedeng kami naman
muna?"

"Hindi mo ako kailangang sigawan!" Biglang humaba ang nguso ni Lara at inirapan ang binata.
Pagkatapos ay nagmartsa ito palabas ng kuwarto.

"Lara..." Tinangka ni Riley na pigilan ito pero tuluyan na itong nakalabas ng silid. Napahawak
siya sa batok na para bang sinisisi ang sarili dahil sa naging outburst niya. And it seems like he
was torn between me and her. Para kasing gusto niyang sundan ang kababata.

"I think she's mad. Hindi mo ba siya susundan?" Sarkastikong sabi ko na hindi inaalis ang tingin
sa kanya.

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago humarap sa akin.

"Huwag mo sanang isipin na naiipit ako sa inyong dalawa?"

Dahil sa sinabi niya ay umaangat ang kilay ko. "Ayoko sanang isipin, pero hindi iyon ang
nakikita ko sayo."

Muli siyang napabuntong hininga at humakbang palapit sa akin. Pero umiwas ako na
mahawakan niya.

"Sam please... don't do this to me?"


"Don't do what? Wala pa akong ginagawa sa iyo Rai."

"Please don't be mad."

"I'm not mad!" Naiinis lang ako!

"Please try to understand. She's my childhood buddy. Matagal na panahon din kaming hindi
nagkita."

"Hindi naman kita pinagbabawalan na makasama mo siya."

"I know. Pero dahil doon ay iniiwasan mo na ako."

"Hindi kita iniiwasan."

"Please don't get jealous."

"Why Would I get jealous?" Tumaas ang timbre ng boses ko dahil doon. Kanina pa niya pinag-
iinit ang ulo. Pagkatapos ay sasabihin niya ako na nagseselos sa Larang iyon!

Napabuntong hininga ulit si Riley. "You're right, bukas na lang tayo mag-usap. Obviously you're
tired at ayokong magtalo tayo."

"Mabuti pa nga! Dahil hindi ko na nagugustuhan ang sinasabi mo." At tinulak ko siya palabas ng
pintuan.

"Sam..." He tried to reach my hand. Pero mabilis na binawi ko ang aking kamay.

"Goodnight!" At pabalibag na isinara ko ang pintuan.

Ako pa ngayon ang nagseselos! Asa pa siya! Kaya lang naman ako nagkakaganito dahil mas
pinapaboran niya ang Lara na iyon. Katulad kanina parang napipilitan lang siya na harapin ako.
Pero ang totoo gustung-gusto niya sundan ito. Akala niya siguro hindi ko nahalata iyon.

Pero kahit mukhang disisais anyos pa ang babaing iyon, di hamak na mas maganda pa rin ako
sa kanya. Kaya wala akong dahilan para ma-insecure at pagselosan siya.

Kaya?
Chapter Sixteen: The Light

Chapter Sixteen: The Light

Pabalibag na binitawan ko ang hawak na lapis. Hindi ako makapag-pokus sa ginagawa ko.
Magmula kanina ay lumulutang ang isipan ko at hindi ako makapagtrabaho ng maayos.

Tsk! Napakamot ako ng ulo. Parang ang kati-kati kasi ng anit ko. Wala naman siguro akong
dandurf.

"Gusto mo tulungan kita sa pagkamot." Hindi ko namalayan ang pagsulpot ni Ichi sa harapan
ko.

"No thanks!" Patuloy pa rin ako sa pagkamot. Peste naman oh! Bakit kaya ang kati-kati?

"Kung makakamot ka naman kasi wagas! Baka naman kuto na yan! Ewwww..."

"Ewww ka dyan! Wala akong kuto no!"

"Isa na yan sa mga sign ng stress." Sabay kaming napalingon sa pagdating ni Jena.

"Stress? Bakit naman ako mai-stress?" Nagtataka na tinignan ko siya.

"Baka naman nai-stress sa lovelife niya." Banat ni Ichi sabay tawa.

"Korek ka dyan! Kung sabagay kung ganon ba namang kaguwapo ang boyfriend mo, sino ba
naman ang hindi mai-stress." Nagkaapiran pa silang dalawa.

Ano kaya ang nakakatawa roon?

"Kung pumunta lang kayo sa pwesto ko para mamburaot, magsilayas na kayo! Marami pa
akong tatapusing trabaho."

Pero walang epekto sa kanila ang pagsusungit ko. Bakit ba ako biniyayaan ng mga ganitong
klaseng kaibigan?

Lunch time.
Parang wala pa akong gana na kumain. Lahat na halos ng mga kasamahan ko ay nagsilabasan
na para mananghalian. Ako na lang yata ang naiwan sa opisina. Makaidlip na nga lang. Kapag
nagutom naman ako ay mayroon akong tinapay at kape na mapagtitiyagaan sa drawer ko.

Nakapikit na ako nang bigla kong maisip si Riley. Ano na kaya ang ginagawa niya?

Kailangan pa bang itanong iyon? Malamang ay kasama nito ang Larang iyon. At walang
katapusan silang nagkukuwentuhang dalawa.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hawak ang telepono at dinadayal ang number sa bahay.

"Hello." Bungad nang nasa kabilang linya. Parang boses iyon ni Lenny.

"Hello... Nandyan ba si Nana Tonya?"

"Kayo pala Mam Samantha! Wala po dito si Nana Tonya eh. Hindi ko po alam kung nasaan.
Alam nyo naman na sobrang laki nitong bahay. Kaya madalas hindi na kami nagkakakitaan."
Umiral na naman ang pagiging madaldal nito.

"Si..." Parang nagdadalawang isip pa akong banggitin ang pangalan niya.

"Si Sir Riley po ba?" Ang galing manghula ni Lenny.

"Oo siya nga. Nasan siya?"

"Naroon lang po sa kuwarto niya at nagkukulong."

"Kasama si Lara?" Hindi ko napigilang itanong.

"Hindi po. Si Mam Lara nandito po sa pool at nagsu-swimming. Nakakainis nga po dahil utos ng
utos akala mo naman siya ang amo. Eh bisita lang naman siya."

"Hindi lumalabas ng kuwarto si Riley?" Mas interesado akong malaman ang tungkol sa binata
kaysa sa babaing iyon.

"Magmula kaninang umaga hindi pa po siya lumabas. Hinatiran na lang siya ni Nana Tonya ng
agahan."
Bakit kaya? Hindi kaya dinamdam niya ang pagtatalo namin kagabi? Bigla tuloy akong na-
guilty.

"Si Jared nandyan ba?"

"Maaga pong umalis. Siguro nung pagkaalis nyo, wala pang kalahating oras umalis na din siya."

Malamang magliliwaliw lang ang lalaking iyon! O kaya baka mambababae lang!

Pagkatapos kong makausap si Lenny ay hindi ko na rin nagawang makaidlip. Naisip ko kasi si
Riley. May kabang bumangon sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Naisip kong tawagan ulit si
Lenny para alamin ang kalagayan ni Riley pero hindi ko tinuloy.

Napapraning lang siguro ako!

Nagpakaabala na lang ako sa pagta-trabaho. Pero ganun pa rin. Lumulutang pa rin ang isip ko.
At saka hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Para kasing mayroong hindi magandang
mangyayari.

Pasado alas dos ng hapon nang magdesisyon akong mag-undertime. Maloloka na ako sa
kakaisip kung hindi ako uuwi kaagad. Nagdahilan na lang ako sa supervisor ko na may
emergency sa bahay. At pumayag naman siya.

Palabas na ako ng opisina nang madaanan ko ang mga nagtatanong na mata nina Jena at Ichi.
Hindi ko na lang sila pinansin. Siguradong mahabang paliwanagan ang kailangan nila at wala na
akong panahon para roon.

Pag-uwi ko sa bahay ay katahimikan ang sumalubong sa akin. Naisip ko na baka nagsi-siesta


lamang sila o baka naman abala sa ibang gawain. Paakyat na sana ako sa hagdan nang
makarinig ako ng tila may nagtatawanan. At nanggagaling iyon sa may pool area. Naglakad ako
patungo roon at maingat na sumilip.

Ang una kong nakita ay si Lara. Nakasuot siya ng pulang two piece habang lumalangoy sa
pool. Then I saw Riley. Nakaupo siya sa gilid ng pool at nagtatampisaw sa tubig.

Akala ko pa naman may kung anong nangyari na sa kanya! Hmmp!

Dire-diretso ako sa kuwarto ko. At padapa na nag-dive sa kama. Pinagsisihan ko


kung bakit nag-undertime pa ako. Wala rin naman pala akong mapapala. Nagsayang lang ako ng
panahon. Ngunit imbes na magmukmok ako ay matutulog na lang ako. Pero bago iyon ay naisip
ko muna na kumain. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay bumaba ako sa kusina. Wala doon si Nana Tonya
kaya ako na ang naghagilap ng kung anong mayroong makakain doon.

Pero hindi ko inaasahan ang pagsulpot ni Lara. Para pa nga itong nagulat nang makita niya ako
roon. Nakasuot na siya ngayon ng roba at tumutulo ang pa tubig mula sa basa niyang buhok.
Dedma lang ako. Asa pa siya na kakausapin ko siya. Basta ako magpapaka-busy na lang sa
masarap na pagkain na nasa harapan ko.

Sa gilid nang mata ko ay nakita ko siyang kumuha ng tubig sa ref pagkatapos ay parang
mayroon siyang hinahanap.

"Nasan ba kasi ang mga katulong rito?"

Hindi ko siya pinansin. Ngunit tila nanadya na lumapit siya sa akin at umupo sa mismong
harapan ko.

"Samantha right?" Nakangiti pa niyang tanong. "Sorry, hindi ko kasi gaanong matandaan ang
name mo eh."

Yeah right! Nagkibit balikat na lamang ako.

"Huwag mo sanang isipin na inaagaw ko sayo ang boyfriend mo."

Hindi ko napigilang umaangat ang kilay dahil doon. "Don't worry hindi ko iniisip iyon."

"That's good to hear. Ayoko kasing magkaroon kayo ng problema ni Riley dahil sa akin."

Bakit ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo ngayon?

"You will never become our problem. Naiintindihan ko naman ang na malalim ang
pinagsamahan ninyong dalawa. Di ba childhood friend ka niya?"

She smirked. "Hindi lang basta childhood friend. I was his childhood sweetheart."

Tumango-tango na lang ako.

"I could still remember when he promised me. Ang sabi niya ako lang daw ang babaeng
papakasalan niya paglaki namin."
She's playing innocent and sweet. At hindi ako tanga para hindi makuha ang ibig niyang
ipahiwatig. Sinusubukan niya ba ako? Pwes hindi ko siya aatrasan.

"Really? Kung sabagay mga bata pa kayo noon ni Riley. At that time hindi pa kayo seryoso sa
mga ganoong bagay."

Umiling siya. " I knew that he really meant it. Kilala ko si Riley." Nakatingin siya ng diretso sa
mga mata ko. "Ako sana ang pakakasalan niya kung hindi ka lang dumating sa buhay niya."

Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. "Kung sakaling hindi ako dumating sa buhay niya,
malamang may ibang babae ang nasa katayuan ko ngayon. Ngunit sigurado akong hindi ikaw
iyon."

Kung kanina ay kalmante lang siyang nakaupo sa harapan ko, ngayon naman ay parang siyang
tigre na gusto akong sunggaban. Asar talo!
"Hello girls!" Biglang sumulpot si Jared at lumapit sa kinaroroonan namin. "Ano ba ang pinag-
uusapan ninyo at mukhang seryoso kayong"dalawa." Palipat-lipat ang tingin niya sa amin.

Biglang tumayo si Lara. Hindi maipinta ang mukha at walang salita na lumabas ng kusina.

"Anong nangyari roon?" Nagtatakang tanong ni Jared sa akin.

"Hindi ko alam na pikon pala siya. Kaya hayun nag-walk out!" Pagkatapos ay muli kong
binalikan ang naudlot kong pagkain.

"Kung sabagay, ako lang naman ang hindi napipikon sa yo."

Nang mag-angat ako ng tingin ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin. "Anong problema mo na
naman?" Angil ko sa kanya. Pakiramdam ko tuloy na sa tuwing titignan niya ako ng ganon ay may
inululuto siyang kalokohan sa kanyang isipan.

"Wala!" Biglang iwas siya ng tingin na para bang napahiya.

Wala pa sana akong balak umuwi. Pero sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng
boredom sa piling ng isang napakagandang babae. Bigla akong nawalan ng gana. At hindi ko
maintindihan ang sarili kung bakit nagkakaganon simula ng umuwi ako ng pilipinas.

Naalala ko ang sinabi sa akin noon ni Riley. Darating raw ang araw na magsasawa na lang
akong bigla sa mga pinaggagawa ko. Ngunit masyado naman yatang maaga para magsawa ako.
Bata pa naman ako. And besides hindi ko pa natatagpuan ang ang babaeng magpapatibok ng
aking pihikang puso.

Para akong sira na pinagtawanan ang sarili ko. Well, its partly true. Medjo pihikan ang puso ko.
Kailan pa ba nung huli kong naranasang umiibig? I can't even remember. Basta matagal na
panahon na rin iyon. And since then hindi na ulit nagmahal itong puso ko. Siguro dahil nadala na
akong masaktan. At ayoko nang maranasan iyon. Hindi naman kasi ako kasing tapang ni Riley.
Kahit paulit-ulit siyang masaktan, nakahanda pa rin siyang magmahal.

Siguro ang pagkakaiba namin magkaibigan ay mas pinaiiral niya ang kanyang puso. Habang
ako naman ay mas ginagamit ang utak. Katulad nga ng madalas kong sabihin... I always wants to
play safe.

Pagbaba ko ng kotse ay dire-diretso ako sa loob ng bahay. Nakaramdam ako ng pagkauhaw.


Pero bigla akong napahinto sa bukana ng pintuan nang marinig ko ang mga tinig nina Muriel at
Lara. At dahil likas na may pagkausisero ako ay tahimik akong nakinig sa pag-uusap nila.

"I knew that he really meant it. Kilala ko si Riley." Narinig kong sabi ni Lara. "Ako sana ang
pakakasalan niya kung hindi ka lang dumating sa buhay niya."

"Kung sakaling hindi ako dumating sa buhay niya, malamang may ibang babae ang nasa
katayuan ko ngayon ngunit sigurado akong hindi ikaw iyon."

Napangiti ako sa sinabing iyon ni Muriel. Katulad ng inaasahan ko ay hindi ito basta
magpapatalo. Pero teka lang, kailangan ko na sigurong umepal sa eksena bago pa lumala ang
tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Hello girls!" Masiglang bati ko na ikinagulat nilang dalawa. "Ano ba ang pinag-uusapan ninyo at
mukhang seryoso kayong dalawa." Ngunit walang nagtangkang magsalita sa kanila.

Biglang na lamang tumayo si Lara. Dire-diretsong lumabas ng kusina.

"Anong nangyari roon?" Nagtatakang tanong ko kay Muriel kahit alam ko na totoong dahilan.

"Hindi ko alam na pikon pala siya. Kaya hayun nag-walk out!" As usual busy na naman siya sa
kanyang pagkain.

"Kung sabagay, ako lang naman ang hindi napipikon sa yo." Wala sa loob na sabi ko habang
nakatitig sa kanya.

Dug! Dug! Dug! Dug!

Hindi ko maipaliwanag ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya.

"Anong problema mo na naman?" Bigla siyang nag-angat ng mukha at nahuli niya akong
nakatitig sa kanya.

"Wala!" Ang sagot ko sabay bawi ng tingin.

"Riley!"

Nagkatinginan kami ni Muriel nang marinig namin ang pagsigaw na iyon ni Lara. At pareho
kaming napatakbo sa may pool area.

Naabutan namin si Riley na nakahiga sa semento. Sapu-sapo nito ang ulo at namimilipit sa
sakit.

"What happened?" Tanong ko kay Lara na hindi malaman kung paano hahawakan si Riley.

"I-i don't know. Basta bigla na lang sumakit ung ulo niya. Jared please... do something!"

"Kunin mo yung ice compress sa ibabaw ng ref at lagyan mo ng yelo." Mabilis na utos ni Muriel
kay Lara. Hinawakan nito si Riley at iniangat ang ulo nito at ipinatong sa kanyang kandungan.

"What? Hindi mo ba ako narinig?" Sigaw ni Muriel nang hindi pa rin kumikilos si Lara. Doon
lamang ito parang natauhan at nagmamadaling sinunod ang dalaga.

"Jared, kailangan na siguro nating siyang dalhin sa ospital." Sabi niya na hindi inaalis ang
paningin kay Riley.

Nang tangka kong bubuhatin ang kaibigan ay bigla itong nagsalita. "Hindi na kailangan.
Mawawala rin ang sakit ng ulo ko."

"Shut up Riley!" Sigaw ni Muriel. "Don't expect us na walang gagawin sa nakikita naming
sitwasyon mo. Jared, sige na buhatin mo na siya."

"I saw a light!" He exclaimed. "I think I saw a light."


Nagkatinginan kami ni Muriel sa sinabing iyon ni Riley.

"And I think I saw you, Sam." Umangat ang kamay nito at dumapo sa pisngi ni Muriel.

Kitang-kita ko ang takot na lumitaw sa mga mata niya. Nakatingin lang siya sa akin. Na para
bang tinatanong niya sa akin kung ano na ang gagawin namin sa oras na makakita na ulit si Riley.

Tiyempo naman ang pagdating ni Lara at dala-dala niya ang ice compress. Kinuha ko iyon mula
sa kanya at inilagay sa noo ni Riley.

"Relax bro! Huwag mo munang pilitin ang mga mata mo." Mahinahon kong sabi sa kanya kahit
ang totoo ay kinakain na ng kaba ang dibdib ko. "Take it easy, okay? Hindi mo kailangan
magmadali." At muli akong tinignan si Muriel na tahimik lamang na nakamasid.

Palakad-lakad ako sa hallway habang hinihintay ang na lumabas ang doktor na tumingin kay
Riley. Tinawagan ko na rin si Tita Lorie para malaman niya ang nangyari sa kanyang anak.
Sigurado ako na bukas na bukas ay narito na siya pagkagaling sa business trip nito sa Macau.

Nilingon ko si Muriel na walang imik na nakaupo sa isang tabi. Kanina pa siya tahimik at walang
kibo. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. At doon ko lamang napansin ang pagkagat-kagat niya
sa dulo ng kanyang mga daliri. Para bang mannerism kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng
sobrang pag-aalala o takot.

Pinili ni Lara na hindi sumama sa amin. Takot na takot ito sa nangyari na hindi nito magawang
tignan si Riley.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan at inuluwa mula roon ang hinihintay kong doktor.

Ang sabi ng doktor natural lang daw sa mga cases ng katulad ni Riley ang pagsakit ng ulo dahil
konektado ang mga mata sa utak ng tao. Posible rin raw na isa sa mga dahilan ay ang naaaninag
na liwanag ni Riley. Malaki raw talaga ang chances na muli itong makita.

Ilang oras pagkatapos makapagpahinga ni Riley ay pumayag rin ang doktor niya na maiuwi
namin siya sa bahay. Sa loob ng sasakyan ay pare-pareho kaming wala imikan. Pero panay ang
sulyap ko sa rear mirror at tinitignan sina Riley at Muriel na magkatabi sa backseat.

Nakatingin sa labas si Muriel. Mukhang malalim ang iniisip. Pagkatapos ay napalingon siya kay
Riley nang hawakan nito ang kamay niya at dalhin iyon sa bibig nito. Isang tipid na ngiti ang
sumilay sa mga labi niya na agad ding nawala. Ngunit hindi niya inalis ang pagkakatitig rito.
Hindi ako sigurado. But I saw something in her eyes. Hindi kaya...

Marahan kong pinilig ang ulo. Ayokong bigyan ng ibang kahulugan kung anuman ang nakita ko.
Hindi ko siya dapat husgahan. And besides, hindi rin naman talaga ako sigurado.

Muli kong sinulyapan si Muriel mula sa rear mirror. Nakatingin na ulit siya sa labas. And there's
a sadness in her eyes.
Chapter Seventeen: Bad Dream

Chapter Seventeen: Bad Dream

Nang gabing iyon ay inaapoy ng lagnat si Riley. Mabuti na lamang at naisipan kong puntahan
siya sa kanyang silid para sana silipin lang siya. Pero naabutan ko siyang namamaluktok sa kama
at giniginaw sa lamig. Kung bakit naman kasi nakatodo pa ang aircon nito sa kuwarto.

Kumuha ako ng maliit na palanggana at nilagyan ko ng tubig at yelo. Kailangan ko siyang


mapunasan para lumabas ang init ng kanyang katawan. Paakyat na ako ng hagdan ng
makasalubong ko si Jared. Kunot-noong nakatingin ito sa dala-dala ko.

"Nilalagnat si Riley." Mahinang sabi ko kahit hindi niya ako tinatanong.

"Is he okay? Kailangan ba natin siyang ibalik sa ospital?" Nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako. "He'll be fine. Ako na ang bahala." At bahagya akong ngumiti bago nagpatuloy sa
pag-akyat.

"Rai..." Banayad kong tawag sa kanya upang gisingin siya. Pero pag-ungol lamang ang sinagot
niya sa akin.

Muli ko siyang tinawag. At sa pagkakataong iyon ay inalis ko ang kumot na nakatakip sa


katawan niya.

"A-ang g-ginaw." Lalo siyang namaluktok.

Kahit mahirap ay pinilit kong hubarin ang suot niyang t-shirt na basang-basa na ng pawis.
Pagkatapos ay sinimulan kong punasan ng bimpo ang buong katawan niya.

Katatapos ko lang siyang bihisan ng dumating si Nana Tonya na may dalang mainit na sopas.
Nang sabihin ko sa kanya na may sakit si Riley ay agad niyang pinagluto ang alaga nito.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya." Ang sabi sa akin ni Nana Tonya. Tumango ako bilang
pagsang-ayon.

"Rai.." Sinubukan ko ulit siyang gisingin. Umungol lang siya bilang sagot. Ibig sabihin naririnig
niya ako.

"Rai, bumangon ka muna. Kailangan mong kumain kahit konti lang. Magmula kanina ay wala
pang laman ang tiyan mo. At isa pa kailangan mo rin uminom ng gamot. Kailangan mong
gumaling. Rai, please."

He lazily opened his eyes. At nagawa pa niyang ngumiti. "T-tulungan mo akong bumangon."
Hindi naman siya nagdalawang salita sa akin at tinulungan ko siya hanggang sa makasandal siya
sa headboard.

Nakakailang subo pa lang ako sa kanya ng sopas ay umayaw na siya. "Busog na ako." Ang
sabi niya.

Hindi ko na siya pinilit. Alam ko naman na hindi niya rin iyon mauubos. Pagkatapos niyang
makainom ng gamot ay inalalayan ko ulit siyang makahinga sa kama.

"I'll be fine, Sam. Matulog ka na."

"Itinataboy mo na ako?" Kunwari ay nagtatampo kong sabi sa kanya.

"Of course not. Ayoko lang mahawa ka ng sakit sa akin."

"Hinding-hindi ako mahahawa promise." At saka ako humiga sa tabi niya na ikinasorpresa niya.

"Anong ginagawa mo? Huwag mong sabihin na dito ka matutulog?"

"Oo. Bakit ayaw mo ba?"

"Hindi sa ayaw ko kaya lang..."

"Di ba nung nagkasakit ako ay tinabihan mo rin ako at binantayan sa pagtulog ko? I'm just
returning the favor."

A grin appeared on his lips. "Halika nga dito." sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Walang sisihan
kapag napunta na naman ang kamay ko sa dibdib mo."

Ang lakas ng tawa ko dahil doon. "Subukan mo lang. Paggising mo may black eye ka na sa
mata."
Siya naman ngayon ang humagalpak ng tawa. "Ang sweet-sweet mo talaga!" At naramdaman
ko na lang na hinalikan niya ako sa ibabaw ng ulo ko.

Nagising ako nang may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa mga hita ko. Hindi ko
tuloy magawang makakilos. Then later I realized I was sleeping with somebody else. Ramdam na
ramdam ko ang malambot niyang katawan na nakakulong sa mga bisig ko. She is too close that I
could even feel her heartbeat. And that familiar sweet scents of her was irresistable. I couldn't help
myself but snipping her over and over again.

I love being with her, especially at this moment. Hindi ako magsasawang gumising tuwing
umaga kung siya lagi ang makakasama ko. And I think I'm ready to spend the rest of my life with
her... no one else but her.

She may not be a perfect woman, but for me she is more than enough to complete my life. I
know that there's something in her has changed. Pero mas gusto ko kung anuman siya ngayon.
Kahit kung minsan madalas niya akong awayin at pagsungitan, balewala iyon sa kaligayahan na
ibinigay niya sa akin. She always makes me smile and never failed to amuse me. Although there
were times that she was cold and distant. Then suddenly bigla na lamang siyang maglalambing.
Minsan naman ayaw niya akong kausapin. Pero kapag nasa mood naman siya sobrang daldal at
kulit naman niya. At doon ko lang din napagtanto kung gaano siya kaselosa.

But beyond her imperfections, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Mas lalo
ko pa nga siyang minahal ngayon. Hindi man niya madalas sabihin sa akin ang mga salitang
inaasam kong marinig mula sa kanya. Alam ko at nararamdaman ko na mahal din niya ako.

Naramdaman ko na lang ang bahagyang pagkilos ni Samantha. Mas lalo pa siyang


nagsumiksik sa akin.

"Sam.." I tried to wake her up. "Hindi ka ba papasok?"

Ngunit wala akong narinig na response mula sa kanya. "Sam..." I whispered on her ear and
then she giggled. Malakas nga pala ang kiliti niya sa parteng iyon. "Bumangon ka na. Baka ma-
late ka na sa trabaho mo."

"Pwede naman akong umabsent." Halos hindi ko maintindihan na sabi niya dahil sa
pagkakasubsob niya sa dibdib ko.
Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi mo naman kailangang umaabsent para lamang bantayan
ako." Pero hindi na siya ulit sumagot. "Sam?" MUkhang tinulugan na niya ako. Mapaka-antukin
talaga ng babaing ito!

Hinawakan ko ang kamay niya at dinala iyon sa bibig ko. "Sam, will you marry me?" I said to
her. Pero alam ko naman na hindi siya sasagot sa tanong kong iyon. She wouldn't hear me of
course. Pero sa oras na bumalik ang paningin ko... handa kong ipagsigawahan sa lahat na siya
lamang ang babaeng pakakasalan ko.

Nang magmulat ako ng mga mata, ang guwapo niyang mukha ang bumungad sa akin. Ang
lapad tuloy ng ngiti ko sa mga labi. Kung ganito ba naman ang una kong masisilayan tuwing
umaga siguradong buong araw maganda ang mood ko.

"Ang sarap mong halikan!" Wala sa loob na sabi ko. Ang cute-cute naman kasi niya habang
natutulog.

"Hindi kita pipigilan!" Nagulat ako nang bigla na lamang magsalita si Riley. Ibig sabihin kanina
pa siya gising?

"Good morning. sleepy head." He was smiling sheepishly at me.

Ngunit nang magmulat siya ng mga mata ay unti-unting nawala ang ngiti niya sa mga labi.
Pagkaraan ay biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"Who are you?" Bulaslas ni Riley at napabalikwas siya sa pagkakahiga.

Nagulat ako sa naging reaksyon niya.

"I said who are you?" Pasinghal na tanong niya. "Bakit ka nandito sa loob ng kuwarto ko?
Sinong nagpapasok sayo?"

"I-its me Samantha." Nalilitong sagot ko.

"Niloloko mo ba ako?"

"Bakit naman kita lolokohin?"

"Alam nating pareho na hindi ikaw si Samantha!"


Napasinghap ako sa narinig. Paano niya nalaman? Hindi kaya...

"N-nakakakita ka na?" Kinakabahang tanong ko. Pagkatapos ay tumingin ako sa mga mata niya
na naniningkit sa galit

"Isn't it obvious?"

Kung ilang beses akong napakurap. Hoping that he was only making fun of me. Pero habang
tumatagal ay kinakain na ng takot ang dibdib ko.

"Rai.."

"Don't you ever call me by that? Hindi ikaw si Samantha!"

I couldn't explain the pain that I felt inside. I wasn't prepared for this. Parang gusto kong
maglaho ng mga oras na iyon.

Saka naman ang pagdating nina Jared at Nana Tonya na napasugod sa kuwarto.

"What's happening here?" Si Jared. "Nag-aaway na naman ba kayo?" Siguro akala nila ay
simpleng pagtatalo lamang namin iyon na nakasanayan na nila.

"Anong ginagawa niya rito? Sino ang nagpapasok sa babaing iyan?" He asked furiously. Sabay
turo sa akin ni Riley.

"Huh?" Nagtataka na napalingon sa akin si Jared.

"N-nakakakita na siya ulit. Bumalik na ang paningin niya." Halos pabulong na sabi ko.

Ganon na lamang ang pagkagulat sa mga mukha ni Jared at Nana Tonya.

"Jared, paalisin mo dito ang babaing iyan!" Mariing utos ni Riley. "Hindi mo ba ako narinig?
Alisin mo siya sa paningin ko!"

Nagyuko ako ng ulo. Emotions started to get in na parang gusto kong humagulgol ng iyak. This
is too much from what I'm expecting. And it hurts so bad.

"Nana Tonya nasaan si Samantha?" Binalingan naman niya ang matanda. "Tawagin nyo siya.
Gusto ko siyang makausap."

Hindi malaman ni Nana Tonya kung paano sasagutin ang tanong na iyon ng alaga.
Naguguluhan na tumingin siya sa akin. Pero nag-iwas ako ng tingin.

Mabilis na tinawid ni Jared ang pagitan naming dalawa. Iniabot niya ako at kinabig palapit sa
kanya. Pagkatapos ay mahigpit na ikinulong sa kanyang mga bisig. As if he was protecting me
from Riley. Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang emosyon na kanina ko pa tinatago. And I
cried so hard.

Bigla akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. My heart was beating so fast that I could
hardly breath. Hindi ko namamalayan na naliligo na pala ako sa sarili kong pawis gayon
napakalamig naman sa loob ng silid.

Mabilis na lumipad ang mga mata ko sa lalaking katabi ko sa kama. Saka lamang ako
nakahinga ng maluwag. He is sleeping peacefully.

It was just a dream. Pero parang totoong-totoo. Dahil hanggang ngayon naroon pa rin ang takot
sa dibdib ko.

Bahagya akong napakislot nang biglang gumalaw si Riley. Akala ko kasi nagising na siya. Iyon
pala nagbago lang siya ng posisyon.

I was about to reach his forehead, nang biglang magbago ang isip ko. Gusto ko sanang alamin
kung nilalagnat pa siya. Pero sa tingin ko naman mukhang okay na siya.

Maingat akong bumaba ng kama. Ewan ko ba kung bakit ganon na lamang ang pag-aalala ko
na baka magising ko siya. Siguro dahil iniisip ko na baka magkakatotoo ang panaginip ko.

"Sam?"

I almost jumped in surprise when I heard his voice. Bigla ko tuloy nasapo ng kamay ang dibdib
ko.

"Sam?" Muli niyang tawag sa akin. I fight the urge to look back. Pagkatapos ay nagmamadali
akong lumabas ng kuwarto.

Pero bago ako tuluyang makalabas ng pinto ay hindi ko napansin ang malaking tao na
nakaharang sa daraanan ko. Bumangga tuloy ako sa malapad niyang dibdib.

Kung hindi niya agad ako nahawakan malamang ay tumumba ako. Ang sama ng tingin ko nang
tumingala sa kanya.

"Nanaginip ka pa yata girlfriend?" Nakangising sabi ni Jared habang nakatunghay sa akin.

"Bakit ba kasi umagang-umaga pakalat-kalat ka?" Angil ko naman.

Lalo siyang napangisi at ginulo pa niya ang buhok ko. "Umaga ka dyan! Tanghali na kaya! Alas
diyes na po ng tanghali."

"Yeah right! Tanghali na nga. Pero at least umaga pa rin." Ismid ko sabay tulak sa kanya para
makadaan ako.

Pero napigil ako sa paghakbang ng marinig ko na naman ang pagtawag ni Riley.

"Huy!" Kinalabit ako ni Jared sa balikat. "Tinatawag ka ng dyowa mo?"

"Ahh... s-sabihin mo sa kanya magbabanyo lang ako." Naisip kong palusot at nagmamadaling
tinungo ang kuwarto.

"Pwede ka naman magbanyo sa kuwarto niya?" Pahabol sa akin ni Jared.

"No thanks! Mas gusto ko sa banyo ko." At tuluyan na akong nakapasok ng kuwarto sabay lock
ng pintuan.

"Ano na naman ba ang tripping ng babaing iyon!" Nakarating pa rin sa pandinig ko ang sinabi
niya kahit nasa loob ako. Siguradong nagtataka siya sa kinikilos ko.

Gusto ko lang naman umiwas. Baka kasi... Bakit ba napa-paranoid ako ngayon? Sa dinami-
dami kasi ng pwedeng mapaginipan ko kung bakit iyon pa! Daig ko pa ang binangungot.

"Iha, saan ang lakad mo?"

Nagulat ako nang makasalubong ko si Mam Lorie sa hagdanan. Ang bilis naman yata niyang
makauwi?

"Magha-half day po sana ako."

"Okay lang naman kahit hindi ka pumasok. Tatawagan ko lang si Elvie para-"
"Marami po kasi akong kailangang tapusin na trabaho." Agap ko sa sasabihin niya. "Nakakahiya
naman po kung iaasa ko yun sa iba." Which is partly true.

Bigla ko na lang naisipan pumasok sa trabaho. Ayokong mag-stay sa bahay. Mas gugustuhin
kong abalahin ang sarili ko sa pagta-trabaho.

"Ikaw ang bahala." Narinig kong sabi ni Mam Lorie. At nagulat na lang ako ng bigla niya akong
yakapin. "Thank you so much Muriel."

"Po?"

"Thank you dahil hindi mo pinapabayaan si Riley." Pagkaraan ay bumitaw siya sa akin at sinapo
niya ng mga kamay ang mukha ko. "At dahil sayo kaya muli siyang makakakita."

"Sarili po niyang desisyon ang magpaopera."

Ngumiti sa akin si Mam Lorie. "Pero ikaw ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Napalaki
nang naitulong mo kaya nanumbalik ang dati niyang sigla. Kahit ako nagulat sa napakalaking
pagbabago niya. At dahil iyon sayo."

Ngumiti na lamang ako at hindi na nagkomento.

"Guess what Muriel?"

Napakunot noo tuloy ako. "Ano po iyon?"

"Sa Saturday na ang schedule ng operation ni Riley." Excited na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Saturday? Tuesday ngayon. Ibig sabihin apat na araw na lang at
makakakita na si Riley. At apat na araw na lamang akong magpapanggap bilang si Samantha.

"Nakausap ko kaninang umaga si Dr. Robles and he told me about Riley's condition. Actually
ang nangyari sa kanya kahapon ay isang magandang senyales. Mas tumaas ang chances niya na
muling makakita. And I'm so excited that I can't wait for that day." Halos mapatalon siya sa
sobrang tuwa at muli niya akong niyakap.

Pero bakit ganon? Bakit hindi ko magawang maging masaya? Dapat natutuwa ako dahil
pagkatapos ng ilang linggo kong pagpapanggap ay makakabalik na rin ako sa dati kong buhay.
Kay tagal ko ring hinintay ang pagkakataon na ito. Subalit hindi ko maintindihan ngayon ang sarili
ko. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Chapter Eighteen: Fallin

Chapter Eighteen: Fallin

"Huy!" Hinampas ni Jena ng hawak nitong folder ang mesa ko. "Saan planeta ba naglalakbay
'yang isipan mo at parang hindi mo ako naririnig?"

"Anong kailangan mo?" Walang gana kong tanong habang nakatitig pa rin sa monitor ng
computer ko.

"Ang sabi ko pinapapunta ka ni Sir Marvin sa office niya. Ayusin mo raw ung connection ng net
niya."

"Bakit hindi mo na lang ako tinawagan? Alam mo naman ang local number ko diba?"

"Kanina pa kaya busy ang linya mo." Nang i-check niya ang telepono sa gilid ng mesa napansin
niya na naka-hang iyon. "Kaya naman pala eh! Ang sabihin mo ayaw mo lang talagang
maistorbo."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Inabot ko ang telephone at nag-dial ng number.

"Roger, pasuyo naman. Pwede bang ikaw na lang ang mag-ayos ng connection ni Sir Marvin?...
Thanks!" At saka ibinababa ang telepono at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Ano bang nangyayari sayo at kaninang umaga ka pa matamlay?"

"Hindi lang siguro maganda ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko sa kanya.

Kahit naman ako ay nagtataka kung bakit tila wala akong energy nang araw na iyon. Hindi
naman siguro ako magkakasakit. Wala lang talaga ako sa mood at pakiramdam ko ay tamad na
tamad ako na parang mas gugustuhin ko pang matulog.

Namalayan ko na lang ang kamay ni Jena na nasa noo ko. "Wala ka namang lagnat? Hindi
kaya..." May nalalaman pang pa-suspense ang bruha. Tumalim tuloy ang mga mata ko sa kanya.

"Gutom lang yan." Sabay tawa. Pagkatapos ay biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Seriously... may problema ka ba? Kilala kita Muriel. Hindi ka magkakaganyan kung wala kang
problema?"

Kahit naman may pagkaluka-luka si Jena ay maaasahan naman niya ito bilang tunay na
kaibigan. "Wala akong problema. Gutom lang siguro ito."

Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Tell me, problema ba yan tungkol sa puso?"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. "Bumalik ka na nga sa table mo, Jena. Wala kang
mapapala sa akin. At saka nakakaistorbo ka na sa trabaho ko."

Umismid siya. "Ang KJ mo talaga!"

Nagulat na lang ako nang may kung anong bagay siyang hinagis sa table ko. Skyflakes?

"Pagtiyagaan mo na lang. Pantawid gutom din iyan." Sabi pa niya bago siya tuluyang lumayo sa
puwesto ko.

Nangingiti na pinagmasdan ko ang ibinigay niyang biscuit.

"Hello girlfriend!"

Mabilis na nag-angat ako ng ulo para lamang makita ang nakangiting mukha ni Jared.

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Imbes na sagutin niya ako ay lalo lang lumapad ang ngiti niya. The jerk was really cute.

"I said what are you doing here?" Medjo hininahan ko ang boses ko nang mapansin ko na
nakatingin sa amin ang mga kasamahan ko.

Mayroon siyang inilapag na paperbag sa harapan ko.

"Ano yan?" Kunot-noong tanong ko.

"See for yourself."

Sa halip na kumilos ako ay nakipagtitigan lang ako sa kanya.


Siya rin ang unang sumuko. "Haist! Kailan ka ba magiging mabait sa akin?"
Pagkatapos ay inilabas niya ang dalawang maliit na container sa loob ng paperbag. "Hayan,
dinalhan kita ng pagkain. Magmula ng umalis ka ng bahay ay wala pang laman ang tiyan mo. At
malamang hanggang ngayon ay hindi ka pa rin kumakain. Huwag kang mag-alala. Hindi ko yan
nilagyan ng gayuma. Dahil sa guwapo kong ito ay hindi ko na kailangang gawin iyon. Si Nana
Tonya nga pala ang nagluto nyan para sayo."

"Pumunta ka lang dito para dalhin ito?" Nakaangat ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Of course not!" Mabilis niyang sagot. Pagkatapos ay naging mailap ang kanyang mga mata.
"Nagpahatid sa akin si Tita Lorie papunta dito. Hindi naman ako makatanggi. At saka napag-
utusan lang ako ni Nana Tonya na bitbitin ang mga iyan. Dahil kung ako lang, wala kang
maaasahan sa akin. Hahayaan kitang mamatay sa gutom hanggang sa lumuwa ang mga mata
mo."

Pinalo ko siya sa ulo ng hawak kong lapis. "Kung tusukin ko kaya yang mga mata mo!"
Hanggang dito ba naman sa trabaho ay may bitbit pa rin siyang kalokohan. "Kung wala ka ng
kailangan sa akin, lumayas ka na sa harapan ko. Tsu!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Hindi mo man lang ba gagalawin ito mga dala kong pagkain?"

"One thirty pa lang. Mamaya pang alas tres ang breaktime namin." Sabi ko na hindi tumitingin
sa kanya. Pinagpapatuloy ko ang naudlot kong ginagawa sa monitor ng computer.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang tumingin sa suot niyang relo. Akala ko pa nga ay aalis
na siya. Pero umikot siya sa pwesto ko at mabilis akong hinawakan sa kamay. Sa kabilang kamay
niya ay binitbit naman niya ang paperbag na naglalaman ng pagkain.

"J-jared?" Hindi na ako nakapagprotesta nang hilahin na lang niya ako bigla palabas. "Saan mo
ako dadalhin?"

"Sa office ni Tita Lorie." Hindi lumilingon na sagot niya.

"A-anong gagawin natin dun?"

"Basta!"

"Eh kung sipain kaya kita dyan!" Ngunit hindi niya pinansin ang banta ko. At wala rin akong
nagawa kundi sumunod sa kanya.

"Tsk! Tsk! Tsk!" Nakapangalumbaba si Jared sa harapan ko habang pinanonood ako sa


pagkain. "Hindi magandang senyales iyan!"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Yeah right! Hindi magandang senyales kung patuloy mo
akong titigan. Baka hindi ako matunawan!"

Nandito kaming dalawa sa loob ng office ni Mam Lorie. Ang lakas ng loob ni Jared na
ipagpaalam ako na makapag-advance break. Hindi naman nagdalawang isip si Mam Lorie na
payagan ako. Lalo na nang malaman niya na wala pang kalaman-laman ang tiyan ko kundi puro
kape. Ngayon ay kaming dalawa lang ng lalaking ito ang naiwan roon. Nagkaroon kasi ng biglang
meeting si Mam Lorie.

"That's not what I mean." Pagkaraan ay sabi niya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
Nakakapagtaka ang kaseryosohan ng mukha niya. Pero hindi ako padadaya roon. Knowing him,
baka pinagtitripan niya lang ako.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Ngunit hindi na siya nagsalita ulit. Adik lang talaga!

"Ayoko na!" Maya-maya ay sabi ko at bahagyang inilayo ang pinagkainan ko.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jared. "Halos hindi mo pa nga nababawasan ang pagkain mo,
ayaw mo na agad?"

"Eh sa wala akong ganang kumain."

Napailing na lang siya. "Hindi ko gustong nakikita kang ganyan Muriel?"

"Sino naman kasi ang nagsabi sayo na panoorin mo ako habang kumakain?"

Bigla akong nailang sa sobrang kaseryosohan niya.

"Tell me, are you inlove?" Suddenly he asked.

"With you?" Hindi ko napigilang tumawa. Seryoso pa kunwari yun pala iyon lang itatanong niya
sa akin. "No way! Why I would I fall for someone like you na sira ang ulo at hindi marunong
magseryoso. Para na rin akong kumuha ng batong ipukpok sa ulo ko."

"I'm not talking about myself here. Okay!" Mukhang napikon ang loko. "I'm talking about Riley."

"What about Riley?" Ako naman ngayon ang nasorpresa.


Huminga muna siya ng malalim bago ulit nagsalita. "Are you inlove with-"

"With your bestfriend?" Matapang na sinalubong ko ang mga mata niya. "Bakit ko naman
mamahalin ang isang tao na alam kong mawawala rin sa akin?" Hindi ko alam pero bigla na
lamang iyon lumabas sa bibig ko.

"Just answer my question Muriel?"

"Bakit ano ba ang gusto mong marinig?" Biglang tuloy nag-init ang ulo ko. "Kapag sinabi ko
bang oo, anong gagawin mo? Pagtatawanan mo ako? Enough of your childish tripping Jared!
Hindi sa lahat ng oras ay kaya kong sakyan ang mga kalokohan mo." Tumayo na ako at
humakbang patungo ng pinto.

"I would be glad if you say no." Narinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang makalabas.

Katulad nang inaasahan ko, pagkatapos kong makabalik sa table ko ay pinagkaguluhan ako ng
mga kasamahan sa pangunguna nina Ichi at Jena . Ang dami nilang mga tanong na lalong
nagpasakit ng ulo ko. Ang akala talaga nila ay boyfriend ko si Jared. At inakala rin nila na
pamangkin ni Mam Lorie ang binata. Tumigil lamang sila sa panggugulo sa akin nang biglang
sumulpot ang manager namin at sinaway sila. Mabilis silang nagbalikan sa mga pwesto nila.

Malapit nang mag-uwian nang magkayayaan na mag-videoke. Ayoko sanang sumama. Pero
hindi pumayag sina Ichi at Jena. Masyado na raw akong maraming kasalanan sa kanila para
tumanggi.

Nag-rent sila ng isang VIP room para sa amin lahat. Siguro mga nasa isang dosena kami.
Syempre kapag may videoke, hindi mawawala ang inuman.

Naki-join na rin ako sa ingay at kaguluhan nila. Gusto ko rin namang mag-enjoy. Matagal na
panahon na rin nung huli ko silang makasama sa ganito. Sa sandaling oras ay nawala ang mga
gumugulo sa isipan ko. Nagpakasaya talaga ako ng bonggang-bongga na para bang wala ng
bukas.

"Next song 'Call Me Maybe', sino ang pumili nito?" Tanong ni Erik pagkatapos niyang kumanta.

"Sa akin yan." Ang sabi ko sabay kuha ng microphone. Pero mabilis na inagaw sa akin ni Ichi
iyon.

"Ako kaya ang nag-request nyan!" Lumayo pa siya sa akin para hindi ko makaagaw sa kanya
ang mic at ilang sandali ay nag-umpisa na siyang kumanta. Buraot naman ang baklitang ito!
Nainom ko tuloy ng straight ang isang bote ng San Mig light dahil sa inis.

"Huy hinay-hinay lang!" Awat sa akin ni Jena. "Hindi tayo nagpunta rito para magkapalasing
no!"

"Kailan ba ako nalasing?" Pagyayabang ko. Kahit siguro painumin pa nila ng isang drum ng
beer ay makakauwi pa rin ako nang matino sa bahay.

Mga ten o'clock na nang mag-uwian ang lahat. Wala namang nalasing sa amin pero lahat
naman ay nag-enjoy. Kung wala lang sigurong pasok bukas baka nga abutin pa kami ng
hanggang alas dose. Pinagpara ako ni Ichi ng taxi. At nang makasakay ako ay saka lamang sila
nagkanya-kanyang uwi.

Pag-uwi ko ay naabutan ko pa sa may garden sina Riley, Jared at Lara. Mukhang


nagkakasayahan rin sila. May ilang bote kasi ng beer sa ibabaw ng mesa. Si Jared ang unang
nakapansin sa akin.

"Uwi ba ito ng matinong babae? Kanina pang alas singko ang labasan nyo di ba?"

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo!" I snapped. At naupo ako sa tabi ni Riley na bahagyang
natawa sa sinabi ko.

"How's the party?" Tanong niya sa akin. Tinawagan ko pala siya kanina para ipaalam ang lakad
ko.

"Umiinom ka ba?"

Si Jared ang sumagot ng tanong ko. "Alam kong aawayin mo ako kaya hindi ko siya pinainom."
Pero duda ako sa sinabi niya dahil may isang boteng bawas na ang nasa tapat mismo ni Riley.
Tinignan ko siya ng masama. Umiwas naman siya ng tingin.

"So, anong meron?" Naisip kong itanong.

"Despedida ni Lara." Sagot ni Riley

"Aalis ka na?" Tumingin ako sa kinaroroonan ni Lara. "Mabuti naman kung ganon!"
Ang sama tuloy ng tingin niya sa akin.

Bahagya akong siniko ni Riley. Habang si Jared ay pinipigil ang matawa.

"I mean, mabuti naman at naisipan mong magpadespedida." Biglang kabig ko. "At least sa
huling araw mo dito ay nagkasama-sama tayong apat."

Inaakbayan ako ni Riley at binulungan sa tenga. "You are so mean. Ang cute mong magselos."

Napasimangot ako. "Hahaha.. You're not funny."

Nagbukas ng isang bote si Lara sabay abot sa akin. "Ikaw na lang ang uminom ng share ni
Riley."

"Sure!" Mabilis ko iyong tinanggap. Akala niya siguro ay tatanggihan ko iyon.

"That's enough Sam. Nakainom ka na." Awat sa akin ni Riley.

"Mataas ang alcohol tolerance ko. You don't have to worry. Kung sakali mang malasing ako,
nariyan naman ang kaibigan mo para buhatin ako."

"Asa ka pa na bubuhatin kita. Ang bigat-bigat mo kaya." Mabilis na reklamo ni Jared. Pero
pinanlakihan ko lang siya ng mga mata.

For a long moment I was in silent. Hindi kasi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nilang
tatlo. Tahimik lang akong nakikinig. May mga pagkakataon na nakikisabat ako sa kanila. Pero
madalas ay lumilipad ang isipan ko. At hindi ko namamalayan na napaparami na pala ang inom
ko.

Nagulat pa ako nang biglang tumayo si Riley at inilahad ang kamay niya sa akin. "Care to
dance with me?"

"Huh?" Nagtatakang sabi ko habang nakatingala sa kanya.

"Please..."

Napilitan akong abutin ang kamay niya. "Paano tayo magsasayaw kung wala namang music?"
Ang sabi ko pa pagkatapos kong tumayo.

"Kakantahan ko na lang kayo?" Sabad ni Jared na nagtaas pa ng kamay.


"No thanks! Itago mo na lang 'yang talent mo."

"She's right pare. Keep it for yourself." Natatawang sabi ni Riley. "Ang mabuti pa si Lara na lang
ang kantahan mo?"

"No way!" Mabilis na pagtutol ni Lara. "Kakantahan ko na lang ang sarili ko."

"Di hamak naman na mas maganda ang boses ko keysa sayo!" Si Jared.

"Asaness!"

"Hayaan na natin sila." Hinila ako ni Riley palayo sa kanila. "Poor Lara. Mukhang nakahanap si
Jared na mabibiktima niya."

"Sinabi mo pa. Mukhang pikon pa naman ang childhood sweetheart mo na iyon!"

I heard him chuckled then he stopped walking. May sampung metro siguro ang layo namin mula
sa dalawa. He pulled me closer and wrapped his arm around my waist.

"Are you really serious? Akala ko nagbibiro ka lang nang sabihin mong
magsasayaw tayo."

He grinned. "I want to take this chance. Matagal na din natin itong hindi nagagawa. Pero dahil
wala tayong music, okay lang ba kung ako na lang ang kakanta?"

"Do I have any choice?"

"Kunwari ka pa. Pero kinikilig ka naman." At lalo niya akong hinapit palapit sa kanya.

"Hmp! Yabang!"

Pagkaraan ng ilang sandali ay naramdaman ko na lang na marahan niya akong sinasayaw. At


nag-umpisa na siyang kumanta.

I'll take care of you


Don't be sad, don't be blue

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Riley. It warmed my heart that I was speechless for
a moment.
I'll never break your heart in two
I'll take care of you

Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa mukha niya. As if memorizing each part of it.

I'll kiss your tears away


I'll end your lonely days

I only have two days left. And maybe this is the last time that I will hold him like this.

All that I'm really tryin' to say


Is I'll take care of you

Life is really funny sometimes. Excited pa ako na matapos ang pagpapanggap na ito. Halos
hindi na nga ako makapaghintay. Pero bakit ngayon, kulang na lang ay pigilan ko ang oras para
makasama ko pa siya ng mas matagal?

I want you to know that I love you so


I'm proud to tell the world you're mine

Ang yabang ko pa nung una. Akala ko babalik ako sa normal kong buhay na parang walang
nangyari. Akala ko ganon kadaling kalimutan ang mga taong naging involve sa pagpapanggap na
ito. Pero puro akala lang pala ako. Dahil sa bandang huli, kakainin ko rin pala ang mga sinabi ko.

I said it before, I'll say it once more


You'll be in my heart 'til the end of time

My heart was captured. And before I knew what hit me... I'm already inlove with him. But too
bad, I fell with a wrong person.

I'll take care of you


Don't be sad, don't be blue
Just count on me your whole life through
'Cause I'll take care of you

Napahinto si Riley sa pagkanta."Are you crying?" As he tried to reach my face, mabilis na


sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Sam?"

Sinisikap kong pigilan ang emosyon. "Don't mind me, Rai. Just continue."
Sa halip na kumanta ulit ay mahigpit niya akong niyakap. And kiss me on my temple. "I love you
Sam." He whispered to me.

I bit my lower lip painfully. His words were killing me. Ganon pala ang pakiramdam kapag
sinabihan ka ng I love you ng taong mahal mo pero ibang pangalan naman ang tinutukoy niya.

Hindi na nga pala niya alam ang pangalan ko. He didn't even know that I exist. At kahit kailan
hindi niya malalaman na may isang tulad ko ang dumaan sa buhay niya. Mananatili na lang akong
invisible, hindi lang sa paningin niya kundi pati na rin sa kanyang buhay.

"I love you Rai." I whispered softly. But this time I say it with all my heart.

Haist! Napakamot na lamang ako ng ulo nang makita ko si Muriel na halos makatulog ka na sa
tabi ni Riley. Matigas kasi ang ulo. Ayaw papigil sa pag-inom. Nagyabang pa na hindi raw siya
nanalasing. Pero tignan mo ngayon, hindi na niya halos maidilat ang mga mata niya sa sobrang
kalasingan.

Ang masama pa nito, ako ang magdurusa dahil sa ginawa niya. Di bale sana kung si Riley ang
magbubuhat sa kanya. Well, kaya naman siguro siyang buhatin ng kaibigan kung hindi nga
lamang sa kalagayan nito. At wala akong pagpipilian kundi buhatin siya hanggang sa kuwarto
niya.

"Please take care of her, Jared." Kabilin-bilinan sa akin ni Riley bago ko buhatin ang girlfriend
niyang hilaw.

Oh shit! Ang bigat talaga ng babaing ito! Daig ko pa ang nagbuhat ng isang sakong bigas.

Sa awa naman ng diyos ay nakarating din kami sa kuwarto niya kahit na kanina pa
nagrereklamo ang mga buto ko dahil sa bigat niya.

Maingat kong ibinaba si Muriel sa ibabaw ng kama. Tuluyan na talaga siyang nakatulog. Ngunit
napakunot noo ako nang mapansin ko ang trace ng luha sa kanyang pisngi. Umiyak ba siya?

Tsk! Tila naiinis na pinahid ko ng daliri ang pisngi niya. Sabi ko na nga ba! Hindi man niya
ipahalata pero tuluyan nang nahulog ang loob niya kay Riley. I thought she was strong. Akala ko
magagawa pa niyang labanan ang damdamin niya. Pero katulad ko, wala rin siyang nagawa kundi
sundin ang tinitibok ng puso.
Napabuntong-hininga na lang ako.

Kung minsan napaka-unfair talaga ng tadhana. Kung sino pa ang mahal mo, may mahal naman
iba. And worst, hindi pwedeng maging kayong dalawa.

Bakit ba napaka-trending ngayon ng one-way love affair?

Ganon na ba kasikip ang mundo para hindi pwedeng magkasalubong ang dalawang taong
pwede naman magmahalan?

"You loved her, don't you?" Maharas na napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Lara.
Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang pinapanood ako.

"Watch your word. Baka marinig ka ni Riley." I warned her.

She smiled bitterly. "What I'm trying to say is, hindi ka naman nag-iisa!" Iyon lang at pagkatapos
ay umalis na siya.

A bitter laughed rose inside me. Sometimes life is really unfair.


Chapter Nineteen: Big Decision

Chapter Nineteen: Big Decision

Nasa kasarapan ako ng pagtulog nang may kung anong mabigat na bagay ang biglang
bumagsak sa kama ko at umalog iyon ng malakas.

"Good morning Baby Boy!" Masiglang bati ni Sam na nag-dive pala sa kama ko. Doon tuluyang
nagising ang diwa ko.

Inaasahan ko na mamaya pa siya magigising dahil sa kalasingan niya kagabi. O baka naman
tanghali na at hindi ko lang namamalayan at napasarap ang tulog ko.

"Huy! Wake up na! Gising na dyan!" Naramdaman ko ang daliri niya na tumutusok sa pisngi ko.
Pero nagkunwari pa rin akong natutulog.

Ako naman ang maggu-goodtime sa kanya!

"Baby Boy, bumangon ka na!" Ngayon naman ay pinanggigilan niya ang mga pisngi ko. Halos
malamog iyon sa mga kamay niya. Ngunit hindi pa rin ako kumikilos. Sige pa rin ako sa
pagkukunwari.

"Huy! Hindi ka pa talaga babangon dyan?" I could imagine her lips pouting. Pinigilan kong
ngumiti.

"Riley naman eh!" Niyugyog niya ako ng malakas sa balikat. At halos maalog pati ang utak ko.

Then she stopped. Parang nai-imagine ko na ang nakasimangot niyang mukha dahil sa inis. Ini-
expect ko na nga na anumang oras ay dadapo sa katawan ko ang mabigat niyang mga kamay.
Pero naramdaman ko na lang na tila may mahinang hangin ang humaplos sa tenga ko.

"Kapag hindi ka pa bumangon dyan, wala kang matatanggap na kiss mula sa akin!" Yumuko
pala siya para bulungan ako.

Kung hindi ko lamang napigilan ang sarili ko, malamang ay napatawa na ako ng malakas. Now,
she was trying to bribe me. Pero hindi uubra sa akin iyon. Kailangan ko rin namang magpakipot ng
kaunti.
I heard her frustration. Mukhang susuko na siya sa akin.

"Talaga bang ayaw mong gumising?" Lumungkot bigla ang tinig niya. "O baka naman kaya
ayaw mong bumangon dyan dahil ayaw mo na akong makasama?"

Dinig na dinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Rai..." Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. "I've never been this scared. Ngayon lang."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"I thought I was really matapang. I thought I can handle anything. But thinking of losing you
makes me scared."

What she was trying to say?

Then suddenly, bigla na lamang may tumusok sa tagiliran ko dahilan para mapabalikwas ako sa
pagkakahiga.

"Joke!" Ang lakas ng tawa ni Sam. "Akala mo ikaw lang marunong mang-goodtime?"

I thought she was serious. Kinabahan ako doon. Pero bakit parang ang lungkot-
lungkot ng boses niya kanina?

Tinusok na naman niya ako sa tagiliran. Halos mahulog ako sa kama. Sa asar ko ay hinila ko
na lang bigla. At dahil hindi niya napaghandaan iyon ay bumagsak siya sa akin at nadaganan ako.
Nang kumilos siya para bumangon ay niyakap ko siya ng mahigpit. And I reversed our position.
Siya naman ngayon ang dinaganan ko.

"Weh, pikon!" Pang-aasar pa niya sa pagitan ng pagtawa. "Sino kaya ang nagsimula?"

"Sinong pikon?" Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at saka ko siya hinipan sa
bandang tenga niya.

"Stop it Rai!" Halos mapatili siya sa sobrang kiliti.

Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya. "Sshh.. Marinig ka nila. Baka isipin nila nire-rape kita."

"Nana Tonya!" She tried to scream. Buti na lang at natakpan ko ulit ang bibig niya.
"What are you doing?"

"Sisigaw talaga ako ng rape kapag hindi mo ako pinakawalan." Hindi ako sigurado kung
seryoso siya sa banta niya. Pero nang maramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya, I knew
she was laughing silently. Ang lakas talagang mag-trip nito? Kailan ba ako mananalo sa kanya.

"Lagi mo na lang akong pinagtitripan. Akala mo papakawalan pa kita?" Banta ko sa kanya.

"Seriously, hindi na ako makahinga."

Pero hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi naman ganon kahigpit ang yakap ko sa kanya.

"Riley naman! May pasok pa ako? Baka ma-late na ako sa trabaho."

"Papasok ka pa? Akala ko ba-"

"Magha-half day lang ako ngayon. Tapos bukas ako hindi papasok para masamahan kita sa
ospital."

"Oo nga pala. Bukas na nga pala ang operation ko." Saka ko lang naalala ang tungkol doon.

"Natatakot ka ba?"

Umiling ako. "Medyo kinakabahan lang. Paano kung hindi maging successful ang-"

"Ano ka ba?" agap niya sa sasabihin ko. At mahina niya akong tinapik sa noo. "Ang doktor mo
na ang nagsabi na malaki ang chance mo na makakita ulit. Kaya alisin mo na ang worry dyan sa
dibdib mo, okay? Think positive."

Tumango na lamang ako. Pagkatapos ay kinuha ko ang kamay niya at dinala iyon sa labi ko.
"Sam, promise me na hindi ka aalis sa tabi ko?"

Hindi siya sumagot.

"Promise me, na kahit na anong maging resulta ng operation ko, gusto ko nandyan ka pa rin.
Huwag mo akong iiwan ha?"

Ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot na bigla na lamang siyang mawala.
"Sam?" Hindi ako sigurado pero parang narinig ko siyang sumisinghot. "Are you
crying?"

"Nope! S-sinisipon lang ako." She almost whispered. "Nahamugan siguro ako kagabi." At muli
siyang suminghot na para ngang sinisipon lang.

Pero parang nagsisinungaling lang siya.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makarinig ako ng tunog ng isang gadget. "Ano iyon?"

"Kinunan kita ng picture sa cellphone ko." Sabi niya. Bumalik ulit ang masigla niyang boses.

"Bakit naman?"

"Ang guwapu-guwapo mo kasi lalo na kapag bagong gising ka."

Alam ko na binobola nya lang ako. Kahit sino naman ay weird ang itsura kapag bagong gising.
Pero pagbibigyan ko siya ngayon.

"Tayo namang dalawa." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Magka-smile ka, Riley. One, two,
three!"

"How do we look like?" Hindi ko na napigilang itanong kaagad sa kanya. Para kasing gusto ko
rin makita ang nasabing picture.

"Ang guwapo mo kaya dito. Tapos ang ganda ko rin. Kaya ang resulta perfect combination!
Bagay na bagay talaga tayong dalawa."

Kahit hindi ko nakikita ay parang nai-imagine ko na rin ang picture naming dalawa.

"Ipasa mo yan sa cellphone ka ha? Gusto ko rin iyan makita after ng operation ko."

"Okay." Matipid niyang sagot.

"Wait! Alam ko dito ko lang nilagay yung cp ko." May kinapa ako sa ilalim ng unan.

"Ako na lang ang maghahanap mamaya." Pigil niya sa akin. "Sa ngayon, kailangan na nating
tumayo at kanina pa tayo hinihintay ni Nana Tonya sa ibaba. Kanina pa nakahanda ang almusal.
At malalagot na tayo kapag lalo pa tayong nagtagal."

"Okay!"
Hindi maganda ang gising ko nang umagang iyon. Medyo masakit ang ulo ko na hindi ko
maintindihan. Imposible namang hang-over ito dahil konti lang naman ang nainom ko kagabi. At
kung meron mang nalasing sa aming apat ay si Muriel iyon. Sigurado ako na hanggang ngayon ay
nakahilata pa rin ang babaing iyon sa higaan. Malamang baka hindi siya makapasok sa trabaho
niya.

Pero ako ang nasorpresa sa nadatnan ko sa dinning room. Naroon na silang lahat. Si Tita Lorie,
Riley at Muriel. Of course minus Lara, sa pagkakaalam ko ay maaga siyang susunduin ng parents
niya. At sa mga oras na ito malamang ay nasa airport na iyon o kaya ay sakay na ng eroplano
papuntang London.

Pagdating ko ay naabutan ko silang nag-aalmusal. Si Tita Lorie ang unang nakapansin sa akin.

"Jared, halika maupo ka na dito at sumabay ka na sa amin."

"Good morning everyone!" Walang gana kong bati. At saka puwesto sa katapat na upuan ni
Muriel. Tinignan niya ako pero nag-iwas ako ng tingin.

"Are you okay iho?" si Tita Lorie ulit.

Ganon na ba ako ka-transparent para mahalata niya ako?

Nang lumipad ang mga mata ko kay Muriel ay nakakunot-noo siyang nakatitig sa akin.

Hayun na naman ang pasaway kong puso. At sa palagay ko ay hindi ko na mapipigilan iyon.
Gustuhin ko mang sawayin ang sarili ko. But then again, it was too late for that now, wasn't it?
Mahal ko na siya!

"I'm fine, Tita." Pinilit kong ngumiti.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Nana Tonya at bigla akong hinipo sa noo.
"Hindi ka naman nilalagnat."

"Hangover lang yan pare." Natatawang sabi ni Riley.


"Nah! Hindi naman ganon karami ang nainom ko kagabi."

"Baka naman may masakit lang sayo." si Nana Tonya na hindi pa rin umaalis sa tabi ko.

"Masakit ang puso ko. And I think its bleeding." Sinapo ko pa ng kamay ang dibdib ko.
Dadaanin ko na lang sa biro para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

They all laughed. Except for Muriel. Tahimik lang siya habang pinaglalaruan ang pagkain sa
plato niya.

Tomorrow is her last day. Hindi ko alam kung anong plano niya. Kung anong tumatakbo sa isip
niya. Mukha naman siyang okay. Bilib nga ako sa kanya dahil nagagawa niyang itago ang totong
nararamdaman niya. But I know she was only trying to be strong.

Napalakas yata ang pagbuntong-hininga ko kaya namalayan ko na lang na nakatingin silang


lahat sa akin.

"What?" Nagtatakang tanong ko.

"It's positive!" Ang lapad ng ngiti ni Riley.

"What is positive?"

"We've been friends for almost ten years, Jared. Kaya kabisadong-kabisado na kita."

"And so?" Hindi ko pa rin siya makuha ang ibig niyang sabihin.

Lalo lamang lumapad ang pagkakangiti ng kaibigan. Habang ang mga tao sa paligid namin ay
naghihintay ng sasabihin niya.

"He's inlove." Mabilis na sabat ni Muriel.

Anong alam niya?

"Who says I'm inlove? And how do you know I'm inlove?" I challenged her.

"Relax! I'm only bluffing. Pero sa nakikita kong reaksyon mo, obviously you're
guilty."
Binigyan ko siya nang matalim na tingin. But she gave me a smirked.

Ang lakas niyang mang-asar!

"who's the lucky girl?" Tanong sa akin ni Riley.

"Anong lucky? Baka malas na babae?" Pang-aasar pa lalo ni Muriel. Mukhang bumabawi siya
sa mga pang-aasar ko sa kanya dati. At hindi ko mapigilan na mapikon.

"Yeah right! Malas nga siya dahil yung taong mahal niya ay hindi naman siya magawang
mahalin."

"Eh di malas ka din. Kasi yung babaeng mahal mo, may mahal ng iba. Ibig sabihin hindi ka rin
niya magagawang mahalin."

"Bagay pala kayo pare. Kasi pareho kayong malas." Sabat naman ni Riley.

"Ewan ko sa inyo!" Tumayo ako at iniwan na lang silang basta. Baka saan pa mapunta ang
usapan namin. Mabuti nang umiwas. At isa pa nag-iinit na rin ang ulo ko. Which is not the usual
me.

Ang lakas kasing mang-asar ni Muriel. Siya lamang ang nakapagpikon sa akin ng ganitong
katindi.

Pero alam kaya niya na siya ang tinutukoy ko? O baka naman alam na niya ang nararamdaman
ko sa kanya?

"Hindi nga seryoso ka?" Si Jena na nakapangalumbaba sa mesa ko.

"Girl, hindi ko gusto ang ganyang biro." Para namang ahas na nakapulupot si Ichi sa braso ko.

Nangingiti na lang ako habang patuloy na inililigpit ang mga gamit. Bilib din ako sa bilis ng radar
ng mga kaibigan. Halos kalalabas ko pa lang ng office ni Mam Lorie, wala pa sigurong ten
minutes. Pero heto sila at nalaman na agad nila ang balita.

"Mukha ba akong nagbibiro? And besides hindi ko iyon desisyon. Sila ang may gusto na mag-
transfer ako sa Davao." Tila may bumara sa lalamunan ko nang sabihin ko iyon.

Wala akong choice kundi magsinungaling sa kanila. Ang totoo ako ang nakiusap kay Mam Lorie
na ilipat na lang nila ako sa Davao branch. Sarili ko iyong desisyon. Kahapon ko lang siya biglang
naisip. I think I need a break. Hindi rin naman biro ang pinagdaanan ko nitong mga nakaraang
araw. At sa palagay ko mas mabuti na rin yung lumayo ako. Para naman makapagsimula ako ulit.
Isa pa pabor sa akin iyon dahil makakasama ko ang pamilya ko doon.

"Ang daya naman! Kababalik mo lang halos sa bakasyon mo tapos ita-transfer ka agad-agad."
Protesta ni Ichi sabay agaw sa akin ng kahon na pinaglalagyan ko ng mga personal kong gamit.

"Akin na 'yan!"

Pero nanadya na inilayo pa niya sa akin iyon. "Hindi ako papayag na umalis ka. Magpoprotesta
ako. Ipaparating ko ito sa nakakataas."

I smiled bitterly. Kahit magprotesta pa siya, wala rin naman siyang magagawa.

"Kaya pala kagabi sinagot mo ang lahat sa pagbi-videoke natin. Iyon na pala ang pa-despedida
mo." Kalmanteng sabi ni Jena pero naroon ang kalungkutan sa boses niya. "So ibig sabihin friend
last day mo na ngayon?"

"Yup." Iniwas ko ang tingin sa kanya. Ayoko siyang makitang malungkot. Baka hindi ko
mapigilan ang sarili ko at bigla na lamang akong umiyak. At iyon ang ayokong mangyari. I don't
want them to see me crying. Hindi iyon ang pagkakakilala nila sa akin. They knew me as being
tough and strong. At gusto ko sa pag-alis ko ay ganun pa rin ang tingin nila sa akin.

But to my surprised, niyakap akong bigla ni Ichi. "I will miss you friend. Sorry sa mga
pagmamaldita ko. Pero you know me naman di ba? Nature ko na iyon."

Lumapit na rin si Jena sa amin at nakiyakap. "Payakap na rin."

I will also miss them for sure. Sila lamang dalawa ang naging totoong kaibigan ko simula nang
mapadpad ako dito sa Manila. Kahit kung minsan mga weird at praning sila, mga totoong tao
naman sila.

Oh shit! Emotion started to get in. At bago pa ako tuluyang bumigay ay mabilis akong bumitaw
sa kanilang dalawa.

"Tama na ang drama mga friendship! Utang na loob, ayokong umiyak." Sabi ko nalang nang
lumayo ako sa kanila.
Doon ko na lang napansin na umiiyak na pala si Ichi.
"Bakla wag kang umiyak dyan! Ang panget mo!" I tried to make the situation lighter. Baka kasi
mahawa ako sa kanya.

"Kung maka-panget ka naman wagas!" Reklamo niya habang pinupunasan ang mga luha sa
pisngi.

"Oo nga ang panget mo day!" Banat naman ni Jena. Pero nakita kong namumula na ang mga
mata niya.

"Kung panget ako, mas lalo ka na!"

"Ang kapal mo! Ikaw lang kaya ang panget sa ating tatlo. Sana nga ikaw na lang inilipat sa
Davao para naman mabawasan ng panget dito sa office."

Isa pa ito sa mga mamimiss ko. Ang bangayan nilang dalawa. Parang ayokong tuloy umalis.

If I could only be much stronger, things couldn't be this complicated. Langya naman kasing
pusong ito eh! Daig ko pa ang dinapuan ng virus.

Nagkayayaan magparty after work sa pangunguna syempre nila Ichi at Jena. Despedida party
ko raw. Pero tumanggi ako. Hindi ako pwede mamaya. Kaya nga nag-half day lang ako. Mag-
eempake pa ako ng mga gamit ko. At saka nakapangako ako kay Riley na maaga akong uuwi.

Bilang pakonsuwelo sa matampuhin kong mga kaibigan ay nilibre ko na lang sila ng lunch.
Kumain kami sa labas. For the last time, nagharutan, nag-asaran, nagtawanan kami habang
kumakain. Wala kaming pakialam kahit pagtinginan kami ng mga customer na naroon. Lalo na si
Ichi na malakas ang boses at wala talagang hiya.

Bago kami naghiwalay ay nag-iyakan pa ang mga bruha. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao.
Akala tuloy nila may shooting ng pelikula. Wagas naman kasi makaiyak ang mga ito na para bang
mamamatay na ako.

Sumakay ako ng taxi pauwi. Saka ako nakaramdam ng lungkot. Para tuloy gusto kong bawiin
ang mga sinabi ko kay Mam Lorie at huwag na lamang umalis. Kahit siya ay tutol sa naging
desisyon ko. Nang sabihin ko sa kanya kaninang umaga ang tungkol doon ay nakita kong nagulat
siya. Nagdadalawang isip pa siya noong una kung papayagan niya ako. Ang sabi pa niya sa akin
ay pag-isipan ko raw muna mabuti. Pero that time, desidido na talaga ako na tila walang
makakapigil sa akin.

Ang kailangan ko na lang gawin ay panindigan iyon. Kailangan kong maging matapang ngayon
kahit ang totoo hinang-hina na ang loob ko.

Ang hirap pala ng ganito. Wala akong malapitan. Wala akong masabihan ng tungkol sa
problema ko. Kung ilang beses kong sinubukang mag-open kay Jena pero naduduwag lang ako.
Hindi ko naman kayang lumapit kay Nana Tonya. Ayokong bigyan pa siya ng alalahanin. Mas
lalong hindi naman pwede kay Jared. Wala akong mapapala sa lalaking iyon. Baka imbes na
tulungan niya ako ay pagtawanan niya lang ako.

Pag-uwi ko ay naabutan kong natutulog si Riley sa may sofa. Kanina pa raw ako hinintay nito
sabi sa akin ni Nana Tonya. Panay nga raw ang pangungulit nito na tawagan ako sa cellphone.

Para talagang bata!

Nangingiti ako na pinagmamasdan ang pagtulog niya. Kanina bago ako pumasok sa trabaho ay
nag-request siya sa akin na pasalubungan ko raw siya ng BigMac. Hindi ko tuloy alam kung ako
ba ang hinihintay niya o ung pasalubong ko sa kanya.

Gigising ko na sana siya pero nagbago ang isip ko. At hinayaan ko na lang siya.

"Sana paggising mo mawala na lang akong parang bula." wala sa loob na sabi ko habang
hinahaplos ko siya sa buhok.

Tumayo na ako at iniwanan siya sa sala. Dinala ako ng mga paa ko sa garden. I think I need a
fresh air. Para naman ma-refresh ang isipan ko.

I was busy inhaling the air, nang bigla na lang may dumamba sa akin. Na-out of balance tuloy
ako at nag-landing sa malambot na damuhan.

"Buddy!" Mabuti na lamang naiwas ko ang mukha ko. Kung hindi ay baka nahalikan na naman
niya ako.

"Ano bang meron sayo at pati aso ay gustung-gusto ka?"

Lumipad ang mga mata ko sa pinanggalingan ng boses. Naroon pala si Jared. As usual hayun
na naman ang nakakairita niyang tawa.

Tumayo ako at pinagpag ang pantalon nanadumihan. Iiwananan ko na sana siya nang muli
siyang magsalita.
"Samahan mo naman ako dito."

Sa paglingon ko ay doon ko lang napansin ang alak na nasa harapan niya.

"Tanghaling tapat naglalasing ka?"

"Porke ba umiinom ng alak ay nagpapakalasing na?"

Asa pa ako na makakakuha ng matinong sagot mula sa kanya.

"Come here. Samahan mo ako." Tinapik pa niya ang katabing upuan.

"No thanks! Ayokong uminom."

"Hindi naman kita pipilitin uminom. Basta samahan mo lang ako."

He looks really different today. May problema ba siya?

Alam kong kukulitin niya lang ako kaya umupo na rin ako sa tabi niya. And besides masyado
pang maaga para mag-empake ako ng mga gamit. Pwede ko naman gawin iyon mamayang gabi.

"What is your plan?" Narinig ko na lang na tanong niya.

"What plan?" Kunwari ay hindi ako alam ang sinasabi niya.

"What is your plan after Riley's operation?"

"As usual, mawala na lang na parang bula sa buhay niya." Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang
marahas niyang paglingon sa akin. "Kailangan pa bang itanong iyon? Alam mo naman di ba kung
anong mangyayari pagkatapos ng operation niya." At kunwari ay tumawa ako.

Titig na titig sa akin si Jared na tila pinag-aaralan ako. Pagkatapos ay bigla na lamang niya
akong kinabig sa dibdib niya at saka ako niyakap.

"Jared?" Nagtataka ako sa inakto niya.

"Sshhh.." Ngunit sinuway niya lang ako at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Hinayaan ko lang siya. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit niya iyon ginawa. But
honestly nakaramdam ako ng comfort sa yakap niya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam
ko.

"Muriel?"

"Hmmm?"

"Anong gamit mong shampoo?" Naramdaman ko ang pagsinghot-singhot niya sa buhok ko. "I
like it. Amoy strawberry."

Hindi ko siya sinagot.

"Muriel?"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata. "What?"

"Okay lang naman kung aaminin mong may gusto ka sa akin. I could understand. Sanay na ako
na lagi- Ouch!"

Binigwasan ko siya sa sikmura, dahilan para mabitawan niya ako.

Sabi ko na nga ba at pinagtitripan niya lang ako! "Kailan ka ba magtitino ha?"

Sapu-sapo niya ang tiyan habang namimilipit. "Grabe ang bigat ng kamay mo. Ang sakit nun
ha?"

"Hindi lang iyan ang aabutin mo kapag pinagtripan mo pa ako ulit."

"Lagi na lang ba kayo magbabangayan na dalawa?"

Sabay kaming napalingon kay Riley. Hindi namin halos namalayan ang pagdating niya.

"Wala akong kasalanan." Paghuhugas kamay ni Jared.

Ang sarap sapakin ng lalaking ito.

Pero hindi siya pinansin ni Riley. "Sam, kanina ka pa dumating?"


"Yup. Naabutan kitang natutulog kaya hindi na kita ginising."

"Sana ginising mo na lang ako." Parang nagtatampo na sabi niya. Wala sa loob na napalingon
ako kay Jared.

"Pre, kanina ka pa ba nakatayo dyan?" Tanong ni Jared rito.

Mukhang pareho kami ng iniisip nito dahil sa nakikita naming mood ni Riley.

Hindi kaya narinig niya ang pinag-usapan namin kanina?

"Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa kakahintay sayo. Sumakit lang tuloy ang ulo ko.
Nasaan na nga pala yung BigMac ko?"

Saka lang kami nakaramdam ng relief ni Jared sa sinabi na iyon ni Riley.

Natatawang nilapitan ni Jared ang kaibigan at pabirong inipit ang ulo nito sa braso niya. "Dahil
lang sa burger nagkakaganyan ka?"

"I'm craving for it since yesterday." Parang bata na sagot naman nito.

"Sana sinabi mo sa akin kaagad. Pwede naman tayong magpa-deliver as many as you want?"

"I don't want to disturb you. I know your having issue with your heart."

"What issue? That I'm inlove? Naniwala ka naman sa sinabi ng girlfriend mo." Sabay lingon sa
akin ng mokong. Pero inirapan ko lang siya.

"Hindi kita pipiliting magsalita. Jared bitawan mo nga ako! Sam, where is my BigMac?"
Nagpupumilit siyang makawala sa kaibigan pero hindi naman siya pinakakawalan nito.

Tumalikod na ako para pumasok sa loob ng bahay. Bahala silang magrambulan na dalawa! At
isa pa, moment nila iyong magkaibigan.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis akong
tumakbo para sumilong. Pero sina Jared at Riley ay naroon pa sa kinaroroonan nila kanina.

"Dating gawi?" Narinig kong sabi ni Jared.

"Dating gawi." Sang-ayon naman ni Riley.

At parang mga sira na nagtakbuhan sa gitna ng malakas na ulan.


Nagsama ang parehong isip-bata!

Gustuhin ko man silang suwayin, alam ko naman na hindi rin sila makikinig sa akin. Nakuntento
na lang ako sa panonood sa mga kalokohan nilang dalawa.

Nakita kong lumapit si Jared kay Riley at tila mayroon binulong rito. Tumango naman si Riley
bilang pagsang-ayon. At namalayan ko na lang na patungo sa kinaroroonan ko si Jared. Parang
nahulaan ko ang tumatakbo sa isip niya kaya humakbang na ako papasok ng bahay. Pero
naabutan niya ako. At sapilitang hinila sa gitna ng malakas ng ulan. Wala na akong nagawa nang
pagkaisahan nila akong magkaibigan. Pati si Buddy nakisali na rin sa amin. Para talaga kaming
mga batang paslit na naglaro sa ulanan. Syempre hindi mawawala ang asaran namin ni Jared.
Pero lagi naman to the rescue sa akin si Riley. At kahit si Buddy ay kumampi sa akin. Sabay-
sabay naming pinagkaisahan si Jared at pinagulong namin sa putikan.

I have fun. First time ko itong ginawa. First time kong makipagharutan sa gitna ng malakas na
ulan. At talagang nag-enjoy ako ng sobra. Mabuti na lang pala at hinila ako ni Jared sa ulana.
Kung hindi, na-missed ko ang importantengmoment na ito. At least for the last time, nagkaroon
ako ng happy memories na kasama silang dalawa. Kung pwede nga lang sana i-record ang
kaganapan na ito ay ginawa ko na. Pero sigurado naman ako na hinding-hindi ko ito
makakalimutan.

Ito na huling pagkakataon na makakasama ko ng masaya si Riley kaya lulubusin ko na. Dahil
bukas baka hindi na ako mabigyan ng pagkakataon. At posible rin na hindi na ito maulit pang muli.
Kung pwede ko nga lang alisin sa eksena si Jared ay ginawa ko na para masolo ko lang si Riley.
Pero katulad nga ng madalas niyang sabihin, the more, the merrier. Pero mas romantic sana kung
kaming dalawa lang.
Chapter Twenty: Last Day

Chapter Twenty: Last Day

Humarap ako sa salamin at nakita ko ang mugtong mga mata. Pilit akong ngumiti at sinuklay
ang buhok. Today is my last day as Samantha. At mamaya na ang operation ni Riley. I almost
done packing my things. Pero may ilang gamit pa rin ako na pilit kong pinagkakasya sa travelling
bag para naman isang bitbitan lang. Mamayang hapon na rin ang flight ko pauwi ng Davao.
Hihintayin ko lang matapos ang operation niya pagkatapos ay saka ako aalis.

Hindi pa ako nakakapagpaalam kina Nana Tonya, Lenny at Mila. Mamaya na lang siguro.
Ganun din kay Jared. Wala siyang kaalam-alam sa pag-alis ko. Ang akala niya ay aalis lang ako
sa bahay na iyon.

Muli kong tinignan ang namumugto kong mga mata. Hindi na ulit ako iiyak. Iyon ang pangako
ko sa sarili ko. At sa palagay ko naibuhos ko ng lahat ng luha ko kagabi. Sana nga naubos na
siya. Lalagyan ko na lang siguro ng ice compress para hindi mahalata ang pamamaga ng mga
mata ko.

Ngunit hindi ko inaasahan ang biglang pagsulpot ni Riley sa kuwarto ko.

"Ang aga mo naman nagising?" Nang tignan ko ang oras sa suot kong relo, alas singko pa lang
ng umaga.

Para pa nga siyang nagulat nang bigla akong magsalita."I thought you are still sleeping."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, Rai."

Napakamot siya ng ulo. "Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi. Paputol-putol ang tulog ko."

I'm sitting in my bed. Nang makita kong humakbang siya patungo sa akin ay inaabot ko ang
kamay niya at ginuide siya sa tabi ko.

"Ikaw, why are you awake? Hindi ka naman papasok sa work mo di ba?" Tanong niya sa akin.

"Nope! Hindi ako papasok. Kagigising ko lang actually. Matutulog sana ulit ako nang dumating
ka." Pagsisinungaling ko sa kanya kahit ang totoo ay wala pa akong tulog magmula kagabi.
"Okay ka lang?" Napansin ko ang pananahimik ni Riley.

"I'm scared."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Saan? Sa operation?"

Tumango siya.

"Rai, sabi ko naman sayo di ba? Alisin mo ang worry dyan sa dibdib mo. Hindi makakatulong
iyon sayo."

"I know. But I really can't help it. Pakiramdam ko kasi mayroong hindi magandang mangyayari."

"Forget it. Everything is gonna be okay. Sinisiguro ko sayo iyon." Pero mukhang hindi pa rin
siya kumbinsido sa sinabi ko. "Ganito na lang. Motivate yourself. Isipin mo na pagkatapos nito ay
makakakita ka na at magiging normal na ulit ang buhay mo."

"I had a bad dream last night." Suddenly he said. "Paggising ko after the operation, nakakita na
ulit ako. Pero wala ka na sa tabi ko. Tinanong ko si Mama kung nasaan ka na. Ang sabi niya
umalis ka raw nang hindi nagpapaalam."

I was speechless for a moment. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi
mangyayari ang napaginipan niya. Ang dami ko nang nasabing pagsisinungaling. And I think I had
enough of it.

"Ayokong mangyari iyon, Sam. Ayokong mawala ka ulit sa buhay ko. Baka hindi ko na kayanin."

Pakiramdam ko ay parang may tumusok sa dibdib ko nang makita ko siyang nagkakaganyan.


Nararamdaman siguro niya ang pag-alis ko.

"Some dreams are not meant to happen in real life. Usually, kaya tayo nanaginip ng mga
ganitong bagay ay dahil iyon ang iniisip natin na mangyayari."

"But what if-"

"Rai, magagalit na talaga ako sayo kapag pinagpilitan mo pa rin yan!" I immediately cut him off.
Gusto kong alisin sa isip niya ang tungkol doon.

"Sorry."
Sinapo ko ng kamay ang mukha niya at iniharap sa akin. "Ilang beses ko bang ulit-ulitin sayo?
Set your mind free from all your worries. It wont happen okay?" Pag-aasure ko sa kanya. "I will be
by side hanggang sa matapos ang operation mo. I promise." Which is true. Hindi ako aalis
hanggat hindi ko nasisiguro na successful ang operation niya. " At sa paggising mo, sini-siniguro
ko sayo na naroon si Sam sa tabi mo. At maghihintay hanggang sa makakita ka na ulit." Pero
hindi ang sarili ko ang tinutukoy ko, kundi ang totoong Samantha.

Finally, mukhang nakumbinsi ko na rin siya. I saw him smiling now. At hindi ko rin napigilang
ngumiti.

When I saw his face moving closer to me, I closed my eyes and wait for his lips.

He claimed my mouth and kissed me lightly and tenderly. I let my heart decide for me this time.
And returned his kisses with same feeling, same intensity. Just as I thought that this would last
forever, suddenly he stopped.

"I love you so much." He murmured as he touched his forehead to me.

I forced a smile through misty eyes. It's more than enough to hear those words from him. Ang
tanging konsolasyon ko ay hindi niya binanggit ang pangalan ng dating nobya.

What he did next surprised me evenmore. He stroke my hair, then touched the tip of my nose.
Such simple gestures but they sent a thousand and one tingle down my spine. Pagkatapos ay
bigla na lamang siyang kumanta.

"I'll miss you


Kiss you
Give you my coat when you are cold

Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink


Put you to bed when you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you"
My heart filled with so much happiness. There's no doubt, mahal na mahal ko nga
ang lalaking ito.

Sakay na kami ng kotse at patungo sa ospital. This is the moment that we've been waiting for.
At ilang oras na lang ay magbabago na ang mga buhay namin. Wala kaming imikan sa loob ng
sasakyan. Walang nagtatangkang magsalita. Si Jared ang nagda-drive. Siya mismo ang nag-
volunteer. Katabi niya si Nana Tonya, na hindi pumayag na magpaiwan sa bahay. Habang nasa
backseat naman kaming tatlo. Nasa left side si Mam Lorie habang napapagitnaan namin si Riley.

Hindi ko na halos mabilang kung beses na akong napabuntong hininga. Kanina ay okay pa ako
at relax na relax. Pero habang papalapit ang oras ng operation ni Riley ay parang
dumadagundong ang dibdib ko sa kaba. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin sa labas.
Baka sakaling mawala na lang iyon.Nang naramdaman ko ang marahan pagpisil ni Riley sa
kamay ko. Napalingon tuloy ako sa kanya. He smiled at me. Magmula kanina ay hindi niya
binibitawan ang kamay ko na para bang anumang oras ay mawawala ako sa kanya.

Wala sa loob na napatingin ako sa rear mirror. Doon nagkasalubong ang mga mata namin ni
Jared. N. Ako ang unang nagbawi at muling tumingin sa labas ng bintana. Baka kasi kung ano pa
ang mabasa niya sa mga mata ko.

Ilang minuto na lang ang hinihintay namin at malapit nang ipasok si Riley sa operating room.
Naihanda na siya para sa operasyon niya. He was lying now in stretcher and waiting for his call.
Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

"Rai, let go of me." Yumuko ako para sabihin iyon sa kanya. Pero ayaw pa rin niya akong
bitawan.

"Samahan mo ako sa loob."

Ang lakas ng tawa ni Jared. "Pare, huwag mong sabihing naduduwag ka? Come on! Kaya mo
yan!"

"Parang gusto ko ng magselos anak." Si Mam Lorie. "Lagi na lang si Samantha, pansinin mo
naman ako."

"Ma, naman!"

"I'm just kidding, son!" Bahagyang tumawa si Mam Lorie at tinapik sa pingi ang anak. "Gusto
ako lang alisin ang kaba mo. You don't have to worry. Nandito lang kami at magbabantay sayo."
Hinalikan nito sa Riley sa noo. "I love you so much. Patawarin mo sana ako sa mga pagkukulang
ko sayo. But I want you to know, I will do anything for you. Your happiness is more important to
me."

"I love you, Ma. And thank you. Thank you for bringing back Samantha in my life."

Lahat sila ay lumipad ang mata sa akin. Pero dedma lang ako.

"It's time, Mr. Hontiveros." Pumasok ang dalawang nurse sa kuwarto para sunduin si Riley.

Lalong himigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Sam?"

"Its okay, Rai!"

Hinila niya ako palapit sa kanya at siniil ako ng halik sa mga labi. Pero sandali lang iyon at
pinakawalan din naman niya ako kaagad.

"Promise me you'll stay."

"I promise."

Doon lang niya binitawan ang kamay ko. At sinundan ko na lang siya ng tingin habang papalayo
siya sa amin.

Three hours later.

Hindi pa rin tapos ang operation. Lahat kami ay nag-aabang sa labas ng OR at naghihintay ng
magandang balita. Tahimik lang akong nakaupo sa isang tabi. Katabi ko si Nana Tonya na
mukhang nakatulog na yata sa paghihintay. Si Jared naman ay mas piniling tumayo habang
nakasandal sa pader. At kanina pa niya kinakalikot ang hawak niyang cellphone.

"Okay, I'll wait for you. Pasusundo na lang kita sa airport."

Napalingon ako kay Mam Lorie, kakatapos lang niyang makipag-usap sa cellphone. Ngunit
agad kong napansin sa kanya ang kakaibang sigla sa mukha niya.

"Samantha is on her way. Pasakay na siya ng eroplano. In less than three hours, baka nandito
na siya." Tuwang-tuwang na sabi pa niya.
"Are you sure, Tita?" Parang hindi makapaniwala si Jared sa narinig. Pagkatapos ay lumingon
siya sa akin.

"Last week ko pa nakausap si Samantha. At kinumpirma niya na babalikan niya si Riley."

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin.

"How about this pretending thing?" Si Jared ulit. "Sasabihin mo ba sa kanya ang tungkol dito?"

"Kailangan Jared. Kailangan niyang malaman for Riley's sake."

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla iyong bumukas.

"The operation is succesful." Nakangiting bungad sa amin ng doktor.

Lahat ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig ang magandang balita.

"Misis, pakihanda na lang po ang kuwarto ng anak ninyo at nang mai-transfer na natin siya."
Sabi pa ng doktor.

"Anong oras siya magigising doc?" Tanong ni Mam Lorie.

"Maybe after six to five hours magkakaroon na siya ng conciousness."

At that time, siguro nasa Davao na ako. Habang ang totoong Samantha naman ay nasa tabi na
niya.

And I guess its time. Dumating na ang oras ko.

"Mam Lorie, aalis na po ako?" Pagpapaalam ko sa kanya.

"Hindi mo ba hihintaying magising si Riley?"

Umiling ako. "Hindi na po. Nariyan naman po si Samantha. Hindi na niya ako kailangan."

"Hindi mo kailangang magmadaling umalis Muriel." Si Jared na nakalapit na pala


sa akin.

"No, I really have to go. Kailangan ko na talagang umalis."


"Ano ba ang kailangan kong gawin para pigilan kang bata ka?"

Ngumiti lang ako bilang sagot sa tanong niya.


Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you Muriel. Thank you
for everything."

Nang mapatingin ako kay Jared hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa akin. Hindi ako
sigurado. But I think I saw sadness in his eyes.

"You can see him now to his room." Ang tinutukoy ni Mam Lorie ay ang pinaglipatang kuwarto
ni Riley. "You can see him now and say your goodbye."

Umiling ako. "Hindi na po kailangan. Sapat na ang nalaman ko na okay na siya."

I don't want to see him. Hindi ko kaya. Siguradong kakainin lamang ako ng emosyon ko.
Ngayon pa nga lang na naglalakad ako palayo sa kanila ay nagbabanta na ang mga luha sa mata
ko. And I promise myself na hindi na ako iiyak. Gusto kong panindigan iyon.

I hate saying goodbye. For me it means you will never see that person again. Kaya nga hindi
ako nagsabi ng goodbye kina Ichi at Jena. I'm still hoping that I will see them soon. But today, I
need to say those words to Riley. This is really goodbye for the both of us. Hindi ko na ulit siya
makikita kahit kailan. At hindi na rin ako umaasa na mangyayari pa iyon.

Goodbye Riley... I whispered to the wind.

At doon ko lang namalayan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko.

"Are you out of your mind? Anong pumasok sa isip mo at nagdesisyon ka na umalis na lang? Di
bale sana kung aalis ka lang ng bahay na ito. Pero ang bumalik sa Davao at magpakalayu-layo,
that is bullshit!"

Nang malaman ko ang planong pag-uwi ni Muriel sa Davao ay mabilis ko siyang sinundan.
Mabuti na lamang at naabutan ko pa siya. Palabas na nga siya ng bahay at bitbit ang mga bagahe
niya.

"Anong problema mo?" Angil niya sa akin habang nakaupo siya sa mahabang sofa.

"Ikaw ang problema ko!"


"Bakit ako? And will you stop it? Kanina pa ako nahihilo sa kakalakad mo dyan!"

"Hindi mo ito kailangang gawin. Hindi mo naman kailangan umalis at bumalik sa Davao. If you
really want to get out of Riley's life, hindi mo kailangang lumayo."

"Jared..."

"Don't go Muriel. Please."

She blew out a long sigh. And looked straight into my eyes. "Kailangan kong gawin ito dahil ito
ang kailangan ko."

Parang doon lang ako natauhan. Maybe she's right. Kailangan niyang lumayo para maka-move
on. At hindi ko dapat pairalin ang pagiging makasarili ko.

"Jared please, hayaan mo na ako. And besides, kahit pigilan mo pa ako, aalis pa rin ako. At
wala kang magagawa."

"Kahit itali kita sa poste ng bahay na ito?"

Tinignan niya ako ng masama. "Subukan mo lang at ikaw ang gagawin kong poste!"

Talagang no dice! Buo na talaga ang desisyon niyang umalis.

Nag-prisinta ako na ihatid si Muriel sa airport. Noong una ay ayaw pa niya. Wala raw siyang
tiwala sa akin. Baka kung saan ko lang raw siya dalhin. Pero dahil sa kakulitan ko ay pumayag na
rin siya.

Wala kaming imikan sa loob ng kotse. Gusto ko sanang mag-open ng topic. Gusto kong marinig
ang boses niya kahit na madalas ay pinagsusungitan niya ako. Pero hindi ko naman alam kung
paano ko sisimulan. Ilang minuto ko na lang siya makakasama. Wala akong magawa para pigilan
siya. Kunsabay, mas gugustuhin kong umalis siya to heal her broken heart kaysa naman na mag-
stay siya rito at patuloy na masaktan.

Binuksan ko na lang ang stereo. Mas mabuti pa sigurong mag-sound trip na lang kami.

I look at her and have to smile


As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the see the lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

I couldn't help but smile. This is the same song I sang to her that makes her irritated.

And I've got all that I need


Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Nakakaloko naman ang kantang ito. As if this song was really made for me.

We stop to get something to drink


My mind pounds and I can't think
Scared to death to say I love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply

Lumingon sa akin si Muriel na may ngiti sa mga labi niya. "I remember this song. Wala ka bang
balak sabayan ang kanta. Okay lang sa akin. Pwede ko naman pagtiyagaan ang boses mo."

Umiling ako. Nah! I don't want to ruin this song. It's very special to me.

Oh and I've got all that I need


Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

She rolled her eyes. "Come on! Wag ka nang mahiya. Promise, hindi ako magrereklamo."
Itinaas pa niya ang kanang kamay niya.

And I smiled sheepishly in returned.

Oh and I know this love grow


But I'm bit slow, Ohh...

Hindi ako pumayag na hindi ko siya maihatid hanggang sa departure area. Eksakto naman na
tinawag ang flight number niya.

"I guess this is goodbye." Napabuntong-hininga pa ako bago ko iniabot sa kanya ang travelling
bag niya.

"I won't say goodbye. Kahit pilitin mo pa ako." Nagawa pa niyang magbiro. Then she moved
closer to me and gave me a big hug. "Mami-miss kita." I heard her said.

"Mami-miss din kita." I answered back. "Wala na kasi akong aasarin eh."

Narinig ko siyang tumawa.

"Susulat ka ha?" Naisip kong sabihin.

"Tamad akong magsulat!"

"Magtext ka nalang o kaya tawagan mo ako."

"Lagi akong walang load."

"Eh di papasahan na lang kita ng load."

Usapang wala lang! Para lang may sabi kami sa isat-isa. Then finally she let go of me. Parang
ayaw ko pa nga siyang bitawan.

"Goodbye?" I looked at her for the last time.

Umiling lang si Muriel sa pagtataka ko.

"Hasta la proxima vez."

Ano daw?

Pero bago ko pa maitanong sa kanya kung anong ibig sabihin ng sinabi niya ay tumalikod na
siya at humakbang palayo sa akin.

Hasta la proxima vez? Ulit ko sa sarili ko. I love you ba ang ibig sabihin nyon?

Nakita ko pa siyang lumingon sa akin bago siya tuluyang mawala sa paningin ko. She was still
smiling at me. But I know behind those smile were sadness, pain and bitterness.

For now, I will let her go. Hahayaan ko muna siya. But when time comes and we meet again,
saka ako kikilos. I will fight for my feelings and do the right thing.
Chapter Twenty One: Why Me?

Chapter Twenty One: Why Me?

Six months later...

"Muriel, anong nangyayari sa computer ko?"

"Muriel, nawawala ang mga files ko!"

"Muriel, pasuyo naman ako ng computer ko."

"Muriel, ako na muna! May tinatapos akong report eh."

Halos mataranta ako at hindi malaman kung sino ang uunahin sa kanila. Biglaang nagkaroon
ng technical problem ang server sa office. Lahat tuloy ng files sa computer ay apektado at hindi
magamit. At nagpapanic na ang lahat.

"waahh.. end of the world na yata! Pati signal sa cellphone ko wala rin!"

I rolled my eyes. OA naman masyado itong tabatsoy na ito.

"Muriel, ako na dito." To the rescue sa akin si Jasper. Katulad ko ay isa rin siyang IT. "Ikaw na
ang bahala sa computer ni Maila." Tumango ako at mabilis na nagtungo sa kabilang cubicle.

"Muriel!"

Narinig ko naman ang pangalan ko. Wala na ba silang ibang alam na banggitin kundi ang
pangalan ko? Hindi lang naman ako ang IT rito!

Nang mag-angat ako nang ulo ay si Rissa lang pala iyon. Naroon siya at nakatayo sa may
pintuan ng Accounting Department.

"Kailangan ka namin dito sa loob!"

Kung makasigaw naman wagas! Isang metro lang naman kaya ang layo ko mula sa kanya.
Napalingon ako kay Jasper nang marinig ko siyang magmura. "P.I. naman! Nasaan na ba si
Ronald? Sabi ko sa kanya ay siya ang tumoka sa Accounting eh!"

Hala! Para palang tigre ito kung magalit. Nakakatakot! Ngayon ko lang siyang nakitang
nagkaganyan.

Nang lumipad ang mga mata niya sa akin ay mabilis ako nagbawi ng tingin. Mahirap na. Baka
madamay pa ako sa init ng ulo niya.

"Muriel, dito ka na lang. Ako na lang ang pupunta sa Accounting." Mahinahon niyang sabi na
pinagtaka ko.

"Alam mo bang may crush sayo si Jasper?" bulong sa akin ni Maila nang tuluyan makalayo ang
binata.

"Oy, tsismis yan!" Sabat naman ni Carla na nasa kabilang cubicle lang.

Nakakabilib naman ang pandini nito. Imagine, bulong na iyon pero narinig pa rin niya. Ang mga
tsismosa nga naman!

"Oo nga tsismis na yan!" Pagsang-ayon ko. "Kapag narinig ka ni Jasper siguradong magagalit
iyon sayo."

"Kung magagalit siya, ibig sabihin totoo." Depensa naman ni Maila. "Ano ka ba?
Lahat na halos dito sa office ay napapansin ang kakaibang treatment sayo ni Jasper. Ikaw lang
yata ang hindi nakakahalata."

Nagkibit balikat lang ako. Konting bagay lang, binibigyan na nila ng malisya.

"Bakit ako wala namang nahahalata?" Singit ni Carla. "At saka parang wala naman akong
nakikitang kakaiba kay Jasper."

"Nagbubulag-bulagan ka kasi dahil ang totoo matagal ka ng may gusto sa kanya." Si Maila ulit.

"Of course not! Bakit naman ako magkakagusto sa payatot na iyon." Pagde-deny pa ni Carla.

Eksakto naman na katatapos ko lang ma-recover ang mga nabura niyang files. "Maila, okay na
'tong computer mo." Sabi ko sabay alis. At lumipat ako sa kabilang cubicle. Wala akong panahon
makinig sa pagtatalo nila.
Bigla ko tuloy naalala sina Jena at Ichi. Ganitong-ganito rin sila kung magbangayan. Hay...
nakaka-miss naman ang dalawang iyon! Actually, last month ay nagplano silang puntahan ako
dito sa Davao. Pero hindi inaprubahan ang vacation leave nila dahil nagkataon na maraming
trabaho sa opisina. Hayun, hindi sila natuloy. Napurnada ang reunion namin. Ang gusto nga nila
ay ako na lang ang lumuwas ng Manila. Hindi ako pumayag. As if naman na makakaya kong
bumalik doon.

I'm doing fine and happy sa present status ko. Masaya ako dahil araw-araw ay nakakasama ko
ang pamilya ko. Kung todo asikaso sa akin ang nanay ko. Mukhang bumabawi siya sa mga
panahon na nawala ako sa kanila. Okay naman ang work ko. Kung minsan hassle at stressed,
pero hindi naman naiiwasan iyon lalo na sa field ng trabaho ko. So far, mababait naman sa akin
ang mga ka-officemate ko. Hindi nga lang talaga maiwasan ang tsismis. May mga ilan din akong
naka-close sa kanila. But nothing compares to Jena and Ichi.

I remember one time, nagpasa ako ng resignation letter sa office. Naisipan ko kasing magwork
abroad. May dumating na magandang opportunity sa akin from Singapore. Pero sa hindi
malamang dahilan, hindi tinanggap ng management ang resignation ko. To the point, na tinaasan
pa nila ang sahod ko para lamang hindi ako umalis sa kanila. Wala rin naman akong ibang choice.
Tutol kasi ang parents ko sa pagbalak kong pag-aabroad. Iyon nga lang daw na nasa Manila ako
ay hindi mapanatag ang loob nila. Tapos maiisipan ko pa raw magpunta ng Singapore. Nasira
tuloy ang pangarap ko na makarating sa Disneyland. Teka! Mayroon nga bang Disneyland doon?

Ganun pa rin naman ako. Wala naman nagbago sa akin. I am still the hotheaded, moody, snob,
pasaway at sira ulo na babae. I live my life katulad ng dati. But there were times, I just found
myself being alone and thinking about him. Old habit are hard to forget. It's been six months
already. Pero pakiramdam ko parang kailan lang nangyari iyon.

"Huy!" Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Ronald sa harapan ko. "Ang lalim ng iniisip
mo ha!"

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Sinong iniisip mo? Yung boyfriend mo?"

"Kanina ka pa hinahanap ni Jasper." Bigla kong naalala.

"Hayaan mo siyang hanapin ako. By the way, sabay tayong mag-lunch mamaya. Treat ko.
Aray!"
Biglang sumulpot si Jasper mula sa likuran niya at binatukan siya.

"Ang sarap ng buhay mo! Lahat kami rito ay natataranta na tapos ikaw pa-relax relax lang. Ang
kapal ng mukha mo!" Binatukan nito ulit si Ronald. Pagkatapos ay hinawakan ito sa damit at
binitbit papasok ng Accounting Department.

Nangingiti na lang ako. Akala mo kung sinong matapang, takot din naman! Si Jasper ang
supervisor ng mga IT. Mabait siya sa mabait. Pero kapag nagalit naman parang gugustuhin mo
nang magtago at hindi magpakita sa kanya. At buti na lang hindi ko pa nararanasan na pagalitan
nito. Hindi dahil baka may gusto ito sa kanya. Siguro dahil ako muse ng IT department. Ako lang
kasi ang bukod tanging babae sa grupo. Kaya naman pampered na pampered ako sa kanila.

We almost thought that we couldn't make it. Pero bago matapos ang araw na iyon ay na-revived
namin ang lahat ng mahahalagang files. Basta ko na lang binagsak ang katawan ko sa silya ko.
Hay! Nakakapagod. Hindi pa nga nag-iinit ang puwet ko sa upuan nang biglang magkaroon ng
emergency meeting.

Uuwi na nga lang may meeting pa! Lalo tuloy akong napasimangot. Gutom na gutom pa naman
ako.

Time check, four o'clock. Ang huling kain ko ay kanina pang tanghali. Hindi na ako
nakapagmeryenda kaninang alas-tres dahil sa sobrang abala.

Wish ko lang na sana ay sandali lang ang meeting na ito. Uwing-uwi na ako at gutom na gutom.

Bad news. Nagshut down ang server sa Manila Branch. Kinakailangan nila ng tulong. Kaya
magpapadala raw sila ng mga tao para tumulong roon.

Tinawag ng branch manager namin si Jasper. Tinanong nito kung sino sa mga tauhan niya ang
pwedeng ipadala sa Manila. Saglit siyang nag-iisip. Pagkatapos ay isa-isa niya kaming dinaanan
ng tingin.

"Sana ako na lang." Narinig kong bulong ni Ronald na nasa tabi ko pala. Pangarap nga pala
niyang makarating ng Manila.

Sana naman huwag ako! Tahimik ko namang dalangin. Ayoko nang bumalik doon!

Halos hindi ako humihinga habang hinihintay na magbanggit siya ng pangalan.

"I think si Ronald at Jeffrey na lang, Sir."


Ganon na lamang ang relief ko.

"Yes! Yes!" Tuwang-tuwang si Ronald na halos mapatalon sa kinauupuan niya. Habang si


Jeffrey ay tahimik lang ang reaksyon. Parang wala lang sa kanya kung siya ang ipadala sa Manila
branch.

At bago matapos ang meeting na iyon, nagpadeliver pala sila ng pagkain para sa aming lahat.
Wow! Nanlaki talaga ang mga mata ko sa dami ng food. Sulit ang pagod ko kanina.

Pauwi na ako nang makita ko ang nag-iisang message sa cellphone ko.

Kung gusto mo matawa, dapat paminsan-minsan magpakababaw ka rin. Wag nga lang sobra ; )

Kanino galing? As usual sa pinakamakulit at pinakamasipag mag-forward sa akin ng text


messages.. si Jared! Wala talaga siyang palya. Araw-araw nagte-text siya sa akin. Kung minsan
kung anu-ano lang. Nagpapansin lang. Katwiran niya para raw hindi ko siya ma-miss. KUng paano
niya nakuha ang number ko ay hindi ko alam. Malamang nilandi niya si Jena o kaya si Ichi para
makuha iyon. Sabi niya sa akin noong isang araw nasa Boston daw siya. For business purpose
daw. Pero duda ako roon. Siguradong dumayo lang siya roon para mambabae. Kailan kaya
magbabago ang mokong na iyon?

"Bumangon ka na Muriel at tanghali na!" Sigaw ng nanay ko sa labas ng silid ko.

Five minutes pa ulit. Sabay subsob ng mukha ko sa unan.

"Hindi ka ba talaga babangon dyan!"

Napabalikwas ako nang bigla na lang may humampas sa puwet ko.

"Meh naman eh!" Reklamo ko sabay kamot ng ulo.

"Kapag hindi ka pa kumilos dyan sigurong male-late ka na naman sa trabaho mo. Ang kupad-
kupad mo pa namang kumilos."

"Tatayo na ako!" Sabi ko na lang habang nakapikit ang mga mata.

"Brooke Shield!" Sigaw na naman niya nang matangka akong humiga ulit. Akala ko kasi ay
nakalabas na siya ng kuwarto ko.

Bakit Brooke Shield ang tawag sa akin ng nanay ko? Favorite niya yata ang hollywood star na
yun nung kapanahunan niya. Basta kung sino ang favorite niyang artista minsan bigla na lang
niyang tinatawag sa akin. May mga pagkakataon na tinawag niya rin akong Juday. Super die-hard
fan kasi siya ni Judy Ann Santos. At saka ang tingin yata ng nanay ko sa mga anak niya ay
mukhang artista. Si Kuya, kamukha raw ni Aga Mulach tapos ang kapatid kong bunso kahawig
naman daw ni Piolo Pascual. Astig di ba? Pero sa loob lang naman ng bahay niya kami tinatawag
ng ganun. At hinahayaan na lang din namin siya. Eh yun ang trip niya eh.

Wala ako sa mood pumasok ng trabaho. Wala lang. Basta tinatamad ako. Pero hindi naman
ako maka-absent. Unang-unang siguradong bubungangaan ako ng nanay ko. Pangalawa,
mabibigyan na ako ng memo sa trabaho. At pangatlo, pucha ala na akong maisip.

Ngunit sa bandang huli, hayun pumasok pa rin ako sa work. Akala ko pa male-late na ako. Pag-
in ko eksaktong alas otso. Muntikan pa na maging eight o one. Buti na lang. Kung hindi baka may
memo na naman ako.

"Muriel." Napalingon ako ng tawagin ni Jasper.

"Bakit?"

Humakbang siya palapit sa akin. "Pwede ka bang makausap?"

"Sure." Sagot ko.

"Personally?"

Bigla akong kinabahan.

Bakit kaya?

Sumunod ako sa kanya hanggang sa pumasok siya ng pantry. Kailangan talaga dito niya ako
kausapin?

"Muriel..."

Teka bakit parang malungkot ang mukha niya.

"I'm sorry!"

"Sorry saan?"
Lalong nagkasalubong ang mga kilay ko nang mayroon siyang iabot sa akin na sobre.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya.

Tinignan ko kung anong laman nyon.

"Plane ticket?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "B-bakit? Para saan 'to?" Lalong lumakas ang
kabog ng dibdib ko.

"Hindi na matutuloy sina Ronald at Jeffrey sa Manila. Dahil ikaw ang pinapapunta nila roon."
Napalitan ng maluwag na ngiti ang mga labi niya.

I was so shocked. Parang gusto kong himatayin.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong niya sa akin nang makita ang reaksyon ko. Akala niya
siguro matutuwa ako na malaman iyon.

"Why me?" Reklamo ko.

"Dahil ikaw ang asset ng kumpanyang ito." Parang gusto niyang matawa sa reaksyon ko.

"Ayoko!"

"Muriel!"

"Ayoko talaga! Kung akala mo natutuwa ako, nagkakamali ka. Ayokong bumalik ng Manila!"

"Bakit ba ayaw mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Basta ayoko! Si Ronald na lang ang papuntahin mo doon. Siya naman ang may gusto eh."

Napabuntong hininga siya pagkatapos. "Para sa kaalaman mo hindi ako ang nagdesisyon nito.
Ang branch mismo sa Manila ang nag-request sayo. Ikaw kaagad ang naisip nila dahil nga
nanggaling ka na doon at kabisado mo na ang pasikot-sikot dun."

Gusto kong manlumo.

"Ibig sabihin wala akong karapatang tumanggi?"


Tumango si Jasper.

Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana?

Ayoko na ngang bumalik doon. Okay lang sana kung sa ibang lugar sa Manila. Pero bakit doon
pa?

Okay na ako. Naka-move on na rin ako. Actually hindi ko nga siya naiisip eh. Pagkatapos,
makikita ko siya ulit.

Buong akala ko hindi na magkukrus ang mga landas namin. Akala ko hindi ko na siya makikita
ulit. Akala ko makakalimutan ko na siya ng tuluyan. Iyon pala puro akala lang ako.
Chapter Twenty Two: Back to Manila

Chapter Twenty Two: Back to Manila

I never thought for one moment, na muli akong magbabalik ng Manila. Malayo ito sa ini-expect
ko. Six months was too soon. And I was unprepared. Pakiramdam ko tuloy pinaglalaruan ako ng
tadhana.

Bigla akong napalingon sa katabi ko nang marinig ang ringtone ng cellphone niya.

Manila, Manila
I keep comin' back to Manila
Simply no place like Manila
Manila I'm coming home...

Hindi ko napigilang mapangiti. Para talagang nanadya ang pagkakataon. And I guess, this is
really my fate.

Nasa airport na ako. Halos kalalabas ko lang ng arrival area. Hindi naman ganon kabigat ang
bitbit kong travelling bag. Konti lang naman ang dinala kong mga gamit. Mahaba na siguro ang
limang araw na pananatili ko. Kung mas maagang mareresolba ang technical problem sa opisina
mas maaga akong makakauwi at pabor sa akin iyon.

Ang instruction sa akin ni Jasper ay mayroon daw susundo sa akin. Kung sino siya? wala akong
ideya.

Sampung minuto na siguro ang naghihintay. At hanggang ngayon ay wala pa rin yung taong
tinutukoy nila na susundo sa akin. Nang tuluyan akong mainip ay lumabas na lang ako at doon na
lamang maghihintay

"Muriel!" Narinig kong may tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Manong Bay na
papalapit sa kinaroroonan ko.

"Anong ginagawa nyo rito Manong Bay?" Hindi ko inaasahan na makikita ko siya doon.

"Nandito ako para sunduin kita."

Siya ang yung taong tinutukoy ni Jasper?


Halos hindi pa ako nakakabawi sa kabiglaan nang mamalayan ko na lang na ipinapasok na ni
Manong Bay ang mga gamit ko sa compartment.

"Pasensya ka na ineng kung nahuli ako ng dating. Alam mo naman ang traffic dito sa Maynila,
walang katulad." Pagkatapos ay binuksan niya ng pintuan ng kotse para sa akin. "Sakay na!"

"Manong Bay, saan nyo ba ako ihahatid?" Tanong ko. Kanina pa ako kinakabahan sa naiisip.

Nginitian lamang niya ako at marahan na tinulak papasok ng kotse. "Malalaman mo rin
mamaya." Makahulugang sabi niya na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba.

This is just a dream! This is just a dream!

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. But everytime I opened my eyes, iyon at iyon pa rin ang
nakikita kong tanawin sa labas.

"Muriel, hindi ka pa ba bababa?" Tanong sa akin ni Manong Bay nang sumungaw siya sa
bintana. Mga limang minuto na siguro kami naroon. Nakita kong naibaba na rin niya ang mga
gamit ko.

"Muriel!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na tinig. Si Nana Tonya.

Napilitan tuloy akong bumaba ng sasakyan.

"Muriel, iha!" Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. "Kamusta ka na?" Nang bumitaw siya
sa akin ay tinitigan niya ako. Napilitan naman ako na ngitian siya. "Bumagay sayo ang bago mong
buhok. Lalo ka tuloy gumanda. May nobyo ka na siguro no?"

Ang tinutukoy niya ay ang mahaba kong buhok na itim na itim pero may kulay pula naman sa
ilalim. May nakita kasi akong K-pop artist na may ganong klaseng hairdo. Napag-tripan ko lang
subukan. Wala lang. Maybe for a change.

"Tonya papasukin mo muna ang bisita natin bago mo usisain!" Saway ni Manong Bay rito.

"Eto namang matandang 'to, KJ!" Sabay irap rito ni Nana Tonya. "Halika na nga sa loob Muriel.
Tamang-tama mayroon akong mga niluto para sayo." At hinila na niya ako papasok ng bahay. At
wala akong nagawa kundi sumunod.
Dire-diretso kami sa kusina. Ang favorite spot ko sa bahay na iyon.

Mabilis na naghain ng pagkain si Nana Tonya habang pinapanood ko naman siya. Ganun pa rin
siya, maasikaso at maalaga. Parang walang nagbago.

"Nasaan po sina Lenny at Mila?" Naisip kong itanong. Kahit ang totoo ay ibang tao ang gusto
kong itanong sa kanya.

"Si Mila, hayun nakipagtanan sa nobyo niya. Mga dalawang buwan na siguro ang nakakaraan.
Si Lenny naman ay pansamantalang umuwi sa probinsya. Heartbroken yata."

"Heartbroken?" Natawa naman ako sa narinig.

"Ang sabi niya pinagpalit raw siya ng nobyo niya sa ibang babae. Ilang araw ngang parang wala
sa sarili nang mangyari iyon. Pagkatapos bigla na lang nagdesisyon umuwi ng probinsya nila. Eh
hindi ko na rin pinigilan. Naisip ko na mas makabubuti sa kanya iyon."

"Eh di wala kayong nakakatulong dito?"

"Nariyan naman si Weng. At saka may inupahan na tao si Lorie para maglinis ng buong bahay
isang beses sa isang linggo."

Napatango na lang ako.

"Alam mo ba? Naging malungkot itong bahay nang mawala kayong dalawa ni Jared."

"Nasanay lang po kasi kayo na mayroong laging nag-aasaran. At si Jared, maingay naman
talaga iyon at saka sobrang daldal. Daig pa ang babae."

Tumawa siya ng malakas. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago."

"Nana Tonya, nandyan na ba si-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita niya ako.

Hindi ko naman inaasahan ang biglang pagsulpot niya.

"Riley, akala ko ba nasa opisina ka." Sinalubong siya ni Nana Tonya. Pero ang mga mata niya
ay hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"M-may bisita pala tayo."

"Oo nga pala si Muriel. Siya yung sinasabi ng Mommy mo. Dito muna siya pansamantala
habang may inaayos siya sa opisina ninyo." Kaswal na pagpapakilala sa akin ni Nana Tonya. At
hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon na parang walang nangyari noon.

Nakita kong ngumiti si Riley at lumapit sa kinaroroonan ko para ilahad ang kamay sa akin. "Nice
meeting you."

Biglang lumakas ang tibok ng aking puso. At sa palagay ko ay hindi na magbabago pa iyon.
Unless magka-amnesia ako at makalimutan ko siya ang lalaking minahal ko. But even then, I
knew my heart could still recognize the man I had loved.

Napilitan naman akong abutin ang kamay niya. "S-same here." Halos pabulong na sabi ko at
pinilit kong ngumiti. Ayokong makahalata siya.

"Is this your first time here in Manila?" Tanong niya na hindi binibitawan ang kamay ko.

Umiling lang ako.

"Ganon ba?" Then he chuckled. "Anyway, just feel at home."

"Thank you." Sabay bawi ko sa kamay ko at sa wakas ay binitawan din naman niya.

Pero hindi pa rin inaalis ni Riley ang pagkakatitig sa akin. At nako-concious na ako.

"Riley, bakit ka nga pala nandito?" Si Nana Tonya na bigla na lang humarang sa harapan ko.
"Di ba dapat nasa opisina ka?"

"May nakalimutan kasi akong papeles sa kuwarto kaya binalikan ko."

"May kailangan ka pa ba?"

"Wala na po. Paalis na nga sana ako."

Ngunit bago siya humakbang palabas ng pintuan ay muli niya akong sinulyapan. "Nice meeting
you Muriel." Then his smile flashed again.

"Umalis ka na iho. Baka ma-traffic ka pa!" Nakasunod sa likuran niya si Nana Tonya at tinulak
siya nito na makalabas ng tuluyan.
"Bakit nyo ba ako pinapaalis kaagad?" Narinig ko pang reklamo ni Riley na may halong biro.

Doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang mawala siya sa paningin ko.

I already knew that this would be happen. Pagtungtong ko palang sa bahay na iyon, alam ko na
magkikita kaming dalawa. Kahit gaano kalaki ang bahay na iyon at kahit anong gawin kong pag-
iwas sa kanya, sigurado na wala akong kawala.

Nice meeting you, Muriel!

Iyon ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa tunay kong pangalan. At hindi ko alam
kung anong dapat kong maramdaman. Naghalo-halo na kasi ang emosyon ko para sa araw na
iyon.

Ilang sandali ay muling bumalik si Nana Tonya. I tried to pretend as if nothing happened.

"Okay ka lang ba Muriel?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Marahil nahalata niya
pagiging uncomfortable ko sa presensiya ng binata.

"Okay lang po ako." Pagsisinungaling ko. "Nagulat lang siguro ako ng bigla siyang sumulpot."

"Hindi ka naman niya siguro mahahalata. At isa pa mula nang makakita siya ay wala naman
siyang pagdududa. Hindi niya malalaman na ikaw ang kasama niya nang mga panahong wala
siyang paningin."

"Nasaan po si Samantha? Dito rin ba siya nakatira?"

"Wala siya dito. Nasa abroad yata. Doon kasi siya nagtatrabaho. Pabalik-balik lang siya rito
para kay Riley."

Mabuti naman kung ganon! Akala ko pati siya ay makakasama ko sa bahay na iyon. Kapag
nagkataon, mapipilitan talaga ako na mag-stay na lang sa hotel kahit gumastos pa ako.

"Kamusta naman po sina Riley at Samantha?" Lulubus-lubusin ko na ang pag-uusisa ko para


na rin sa ikakatahimik ng kalooban ko.

"Mukhang okay naman sila." Matipid na sagot ni Nana Tonya na ikinadismaya ko. "Halika at
kumain ka na. Lalamig ang pagkain." At hinila niya ako palapit sa mesa. Sa tingin ko ay ayaw
niyang magkuwento tungkol doon. Hindi ko na siya pipilitin.
"Finally! I've been calling you for a hundred times but you never answer your phone!"

"I'm so sorry baby! Busy lang talaga ako sa work." Sabi ni Samantha sa kabilang linya. She was
now in Singapore and working as a professional photographer.

"I thought you're going back home today."

"I can't make it. I have a lot of work load."

"But you promised me."

"Sorry talaga! I was supposed to leave nang biglang dumating ang kliyente ko. Hindi ko naman
siya pwedeng iwanan na lang basta."

Napabuntong-hininga lang ako. Paulit-ulit na lang nangyayari ito. At sa huli, wala rin naman
akong magawa kundi unawain siya.

"So, kailan ka uuwi?"

"I don't know yet. I'm not so sure of my schedule."

Again?! Hindi ko na talaga maipinta ang mukha ko sa sobrang inis.

"Riley are you still there?"

Hindi ako sumagot.

"Baby, try to understand my situation." There she goes again. Dinadaanan naman niya ako sa
paglalambing niya. "Please... be patient to me."

"Sam, ang gusto ko lang naman ay ang makita at makasama ka kahit isang araw lang. Hindi ba
pwedeng mangyari iyon?"

"I don't want to promise. Alam ko na madalas na hindi ko natutupad iyon. But I will make sure to
find time for the both us."
"Pero kailan mangyayari iyon?" Nagtaas na ako ng boses.

"Be patient. Please baby! Huwag ka nang magalit sa akin, okay?"

Hanggang kailan ba niya ako gagamitan ng ganitong strategy? Nag-iinit na nga ang ulo ko at
gusto ko nang magalit. Pero heto siya at cool na cool pa rin.

S, where is the hotheaded Samantha now?

Suddenly I miss her. Na-miss ko ang taong nakasama ko noong hindi pa ako nakakakita. I miss
the girl who turns my mood upside down. Who makes my head ache and makes me angry but
makes me smile afterwards.

"Oh no baby, I got to go. Tatawagan na lang kita mamaya okay. Bye!"

End tone. And she's gone.

"I miss you too!" Sabi ko na para bang maririnig pa niya ako.

"Sir, may I remind you about your meeting with Mr. Salazar at two o'clock." My secretary voice
through intercom.

"Cancel all my appointment today, Gail."

"Sir?" Parang nagulat pa ito sa sinabi ko. "O-okay Sir. I got it!" Then she disappeared on the
line. I don't need to make an explanation. She already knew me as her boss.

Bahagyang hinilot ko ang noo nang makaramdam ng pananakit ng ulo. I'm not in the mood of
going out today. And besides may mga problema pa ako na kailangang harapin sa opisina.

And speaking of the problem, muli ko na naman naalala ang tungkol sa nangyari sa main server
ng kumpanya. That is really a huge problem. Noong isang araw nang biglang mag-shut down ang
lahat ng system, I almost panic. First time nangyari iyon. At dahil doon naapektuhan ang lahat ng
transaction ng kumpanya. In just one day ang laki ng nalugi sa amin. Nanghiram sila ng ilang IT sa
ibang branch para makatulong. At kahapon bahagyang nakapag-operate ang kumpanya.
Business as usual. Pero madami pa raw kailangang i-recover at i-revive na files.

I'm not a techie person. Wala akong alam sa mga bagay na may kinalaman sa mga software or
anything na related sa computer system ng kumpanya. Kaya nga ipinaubaya ko na ang lahat sa IT
Department ang tungkol sa bagay na ito. And from what I've heard, may inaasahan silang isang
tao na makakatulong ng malaki para maresolba agad ang problema. They waiting for her arrival
all the way from Davao.

Doon ko lang napagtuunan ng pansin ang isang folder na nasa gilid ng desk ko. It's Muriel
Shane Gonzales profile. Hiningi ko iyon kanina kay Gail padating ko.

I was just curious about her. Iyon ang dahilan kung bakit gustong makita ang personal
background niya. When I met her earlier, it seems like I had known her. Nang marinig ko ang
boses niya, I really thought na siya si Samantha. Kaya nga bigla akong napasugod sa kusina. But
I only saw the unfamiliar face. Sigurado ako na hindi ko pa siya nakikita before. And there
something in her that I couldn't explain.

I was about to open her files when my cellphone rang. It's my mother.

"Ma! How are you doing there in Barcelona?" She was now in a vacation. I let her to travel
anywhere she wants to go. It's my gift to her. I knew she had a lot of tough times and I guess its
time for her to enjoy her life. I promise her na ako na muna ang bahala sa kumpanya. Wala rin
naman siyang maaasahan kundi ako na anak niya.

"I have a lot of fun. Parang ayokong na tuloy umuwi dyan."

Ang lakas ng tawa ko. "Take your time, Ma. Just enjoy. Don't worry ako na ang bahala rito."

"I know son. And I have faith in you. Anyway I heard about the problem in-"

"Don't think about it, Ma." Agap ko sasabihin niya. Ayoko ko siyang bigyan ng alalahanin
habang nasa malayo siya. Kaya nga hindi ko ipinaalam sa kanya na ang tungkol rito. Ngunit kung
paano niya nalaman ito, I really have no idea. "Everything is gonna be alright. Unti-unti nang nase-
settle ang problem."

Narinig kong tumawa si Mama sa kabilang linya. "Hindi naman ako nag-aalala. I just heard
about it. Anyway, kaya ako tumawag para ipaalam sayo na sa bahay ko pinatuloy si Muriel. Hope
you don't mind?"

"The IT from Davao? She already arrived."

"Did you met her?"

Napakunot-noo ako sa tono ng boses ni Mama. "Yes, I already met her."


"And?"

"And what, Ma?" Naiintriga ako sa klase ng pagtatanong niya.

"N-nothing son. Don't mind me."

Weird! Pakiramdam ko mayroon siyang itinatago sa akin.

And I wonder what is so special about that girl? It seems like everyone likes her. Lalo lang tuloy
akong na-curious.

I was driving back home from work when I saw that familiar girl walking on the side of the road.
She was holding a plastic bag from 7 Eleven. I think she was eating something that I couldn't
recognize. Huminto ako sa tapat niya.

"Muriel!" I called her. Ibinaba ko ang salamin para makita niya ako.

Napahinto siya sa paglalakad. At para pa nga siyang nagulat nang makita ako. The ice cream
on her hand was freezed in the air.

"Hop in. Sumabay ka na sa akin sa pag-uwi."

Umiling lang siya.

Lalo lamang lumuwang ang pagkakangiti ko sa naging response niya. "Come on! Sumabay ka
na sa akin. Dalawang kanto pa ang lalakarin mo at malayu-layo rin iyon."

"No thanks!" Sa wakas ay nagsalita rin siya. "Mas gusto kong maglakad." She almost
whispered.

Mabuti na lang at malakas ang hearing sense ko.

"But I insist." Ako ulit.

Muli siyang umiling at pilit na ngumiti. "Mas gusto ko talagang maglakad." At saka siya naglakad
palayo.

Hindi na ako nagpilit. Mas gusto niya talagang maglakad. At sa palagay ko mas gusto niyang
mapag-isa.

Pinaandar ko na ulit ang kotse hanggang sa malagpasan ko siya. Sinilip ko siya sa rear mirror. I
saw her looking at my car.

Huminto ako sa paglalakad at sinundan ng tingin ang papalayong sasakyan ni Riley.

I blew out a long sigh. Everytime I saw him, it brings back all the memories I tried to forget. And
worst, hayun na naman ang pamilyar na sakit sa dibdib ko. How I wish I could erase everything I
felt in him.

"Nanadya ka ba talaga Riley?" I said in the air. "Hindi ba pwedeng huwag mo na lang akong
pansinin na parang hindi mo ako nakikita?"

I was once invisible in him. Invisible in a sense na hindi niya ako nakikita dahil sa kalagayan
niya noon. At sana nga ay ganon pa rin siya sa akin. Pero imposible nang magyari ang iniisip ko.
He already regained his sight. Siguro kung hindi ako nakatira ngayon sa bahay nila at hindi kami
magkikita sa opisina baka pwede pa na hindi niya ako pansinin. At ang isa ko pang problema
ngayon, he is now my boss. Nalaman ko kay Nana Tonya na nagbabakasyon pala si Mam Lorie
sa ibang bansa. And she hand over the company to her only son. Hindi man si Riley ang direct
superior ko pero siya pa rin ang boss ko.

I think I need to get used of it. Dahil sa sitwasyon ko ngayon, siguradong mapapadalas pa ang
pagkikita at paghaharap naming dalawa. Ang problema ko lang naman ay itong pasaway kong
puso. Matigas ang ulo. Manang-manang sa amo. Sinabi ko ng kalimutan na siya pero hindi
nakikinig sa akin.

Napatingin ako sa hawak kong Magnum na medyo natutunaw na. Nawalan na tuloy ako ng
gana na ubusin iyon. Kanina lang ay para akong naglalaway na makakain nito. Ngunit sa isang
iglap bigla na lang akong naumay. Hala! Pati pala appetite ko ay apektado. Kasi naman! Bigla na
lang sumusulpot ang lalaking iyon!

Kagagaling ko lang sa itaas nang makasalubong ko si Nana Tonya.

"Napansin mo ba si Muriel?" Tanong niya sa akin sa pagtataka ko.


"Hindi po." Sagot ko. "Wala po ba sa kuwarto niya?"

Napalingon ako sa may bintana nang marinig ang malakas na pagkulog at pagkidlat sa labas.

"Kagagaling ko lang sa kuwarto niya pero wala naman siya doon. Nasan na kaya ang batang
iyon?"

"Sa laki ng bahay na ito, malamang ay nariyan lang siya sa tabi-tabi."

"Hindi kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik?" Hindi na maitago ni Nana Tonya
ang pag-aalala para rito. "Ang sabi niya ay may bibilhin lang daw siya. Pero kanina pa iyon."

Biglang nawala ang mga ngiti ko sa labi at napalingon ulit sa bintana dahil sa lakas ng buhos ng
ulan. "Nakita ko siya kanina naglalakad pauwi."

"Saan mo siya nakita?"

"Sa may labasan. Pinilit ko pa nga siyang sumabay sa akin pero ayaw naman niya. Mas gusto
niya raw maglakad."

"Hindi kaya may nagyaring masama sa batang iyon?" Nabalutan ng takot ang mukha ni Nana
Tonya. "Riley!" Biglang siyang kumapit sa braso ko. "Hanapin mo siya. Balikan mo siya sa labas
kung saan mo siya huling nakita. Sige na!"

"O-opo!" Bigla rin akong kinabahan ng mga oras na iyon. Mabilis kong kinuha ang susi ng
kotse. Palabas na sana akong pintuan nang makasalubong ko si Muriel. Yakap niya ang katawan
habang basang-basa siya.

"Muriel!" Mabilis na sinalubong ito ni Nana Tonya. "Sus na bata ka! Saan ka ba galing?
Masyado mo akong pinag-alala!"

"I-inabutan po kasi ng malakas na u-ulan s-sa-"

She is freezing. Nanginginig ang panga niya na halos hindi siya makapagsalita.

Mabilis na hinubad ang suot kong jacket at pinatong ko iyon sa giniginaw niyang katawan.

"T-thanks." Sabi niya na hindi tumitingin sa akin.

"Kung sumabay ka lang sa akin kanina, hindi ka sana aabutan ng ulan!" Hindi ko naiwasang
makaramdam ng inis. Pakiramdam ko kasi ay ako ang may kasalanan. Kung pinilit ko pa sana
siya ay hindi ito mangyayari sa kanya.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Ni hindi nga niya magawang tumingin sa akin.

"Umakyat ka na sa kuwarto." Utos ko sa kanya. Hindi ko matagalan na makita siyang basang-


basa at giniginaw sa lamig. "Maligo ka at magpalit ng damit. Baka magkasakit ka pa."

"Halika na iha." At inalalayan siya ni Nana Tonya sa pag-akyat patungo sa silid niya.

At sinundan ko lang siya ng tingin.


Chapter Twenty Three: He's Curious

Chapter Twenty Three: He's Curious

"Good morning, Nana Tonya!" Masiglang bati ko pagpasok pa lang ng kusina. Maganda kasi
ang gising ko nang umagang iyon. Pakiramdam ko ay fully charge at nasa kondisyon ang katawan
ko.

"Maupo ka na at saluhan mo si Muriel sa agahan." Sabi ni Nana Tonya sa akin habang abala sa
paghahanda ng pagkain.

Mabilis na lumipad ang mga mata ko sa kinaroroonan niya. Lumapit ako at pumuwesto sa
katapat niyang upuan.

"Morning!" Bati ko sa kanya.

Doon lamang siya nag-angat ng mukha. "Good Morning, Sir!" Ganting bati niya. Bagamat
nakangiti siya ay parang pilit lamang ang iyon.

"Just call me Riley." I said. Still smiling. "I really hate formality. Pakiramdam ko tuloy ang tanda-
tanda ko na."

Tumango lamang siya. And to may dismay, muli siyang yumuko at nagpatuloy sa pagkain niya.

What's with her? Bakit ba napakatipid niyang magsalita!

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Hindi ko sinasadya na nataasan ko siya ng boses.
Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit parang naiilang siya sa akin?

"Muriel..."

Nabitawan niya ang hawak na kutsara sa pagkabigla.

"M-may sinasabi ka?" Halos pabulong na tanong niya nang tumingin siya sa akin. Mga two
seconds lang yata iyon pagkatapos ay nag-iwas na siya ng tingin.

"About last night..." Pagsisimula ko at pagkatapos ay humugot ako ng malalim na paghinga.


"Just forget about what happenned last night. I never meant to-" Napatigil ako sa pagsasalita nang
mapansin ko na hindi siya nakikinig sa akin. Patuloy kasi siya sa paglalaro ng hawak niyang
tinidor sa pagkain na nasa plato niya.

"Muriel!" Medyo naiinis na ako sa kinikilos niya.

"Huh? Ako ba ang kausap mo?"

I rolled my eyes. Malamang, alangan naman sarili ko ang kausapin ko? Gusto ko sana sabihin
sa kanya.

"S-sorry! May iniisip lang kasi ako." At sa pagkamangha ko ay tumayo siyang bigla. "Nana
Tonya, pahingi po ng pineapple juice."

"Kumuha ka na lang sa ref." Sagot ni Nana Tonya.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng ref at binuksan iyon.

Nakakapikon na siya! Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako nag-e-exist sa paningin niya.

Ganun ba talaga siya? Parang may sariling mundo?

Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang ako. Maganda ang gising ko at
ayokong masira iyon dahil lang sa kakaibang babae na nasa harapan ko.

"Oo nga pala Muriel, bakit hindi ka na lang sumabay kay Riley sa pagpasok ?" Si Nana Tonya
na lumapit sa kinaroroonan ko.

Nang marinig iyon ng dalaga ay bigla niyang naibuga ang iniinom na pineapple juice. Mabuti na
lang at malayo siya sa akin.

Napasugod si Nana Tonya sa kanya. Pulang-pula na ang mukha ni Muriel. Habang patuloy
naman ang matanda sa paghagod sa likuran niya.

"Ano ba ang nangyari sayo bata ka?"

"Nasamid lang po ako." Sagot niya habang patuloy pa rin na nauubo.

Habang ako ay tahimik lang na nakamasid sa kanilang dalawa.


"Okay na po ako!" Sabi niya pagkatapos maka-recover. Pero naroon pa rin ang pamumula ng
mukha niya. Pati ilong niya ay pulang-pula. Which made her really cute!

"Sigurado ka ba na ayos ka na?"

Tumango si Muriel. "Mauna na po ako Nana Tonya." At mabilis niyang dinampot ang bag niya
na nasa silya. "May dadaanan pa kasi ako eh."

"Sumabay ka na kay Riley. Iisa lang naman ang pinapasukan ninyong trabaho."

"Hindi na po. Magko-commute na lang ako."

"Anong magko-commute? Eh may sasakyan naman."

"Nana Tonya!" Bahagya niyang pinanlakihan ng mga mata ang matanda.

"Sumabay ka na, Muriel. Huwag ka nang mahiya kung iyon ang iniisip mo. At saka okay lang
naman kay Riley kung sabay kayong pumasok. Di ba, iho?" Sabay lingon ni Nana Tonya sa akin.

Tumango na lang ako habang busy pa rin sa pagnguya. Wala namang kaso sa akin kung
isabay ko siya. Kaya lang ang problema, mukhang ayaw talaga niya. At hindi ko alam kung bakit?

Wala ring nagawa si Muriel kundi sumabay sa akin. Hindi talaga siya tinigilan ni Nana Tonya
hangga't hindi siya sumasang-ayon.

Nakalabas na kami ng bahay. Dire-diretso ako sa kotse ko. Habang kasunod ko naman sa
likuran ko si Muriel. Hindi maipinta ang pagmumukha niya. Halos sumayad na nga sa lupa ng
nguso niya.

Pero cute pa rin siya. Nakakaaliw tignan ang nakatikwas niyang nguso!

Napalingon ako nang marinig ko ang pagtahol ni Buddy. Sumipol ako para lumapit siya sa akin.
Ang bilis ng takbo niya. Parang sabik-sabik siya na makita ako.

Nakahanda na ako sa pagsalubong niya. Ngunit sa aking pagtataka ay nilagpasan niya lang
ako. Dire-diretso siya kay Muriel. Sabay damba rito. Dahilan para matumba sa damuhan ang
dalaga.
"Buddy!" Sigaw niya. Habang pinapaliguan siya nito ng halik sa buong mukha.

Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. How come na naging magiliw si Buddy sa isang
estranghero? Kay Samantha lang naman siya ganon.

"Baka gusto mong pigilan ang alaga mo?" She almost hissed.

"Buddy stop it!" Utos ko. Humakbang ako at hinila ito palayo sa kanya. "Go back to your house.
now!" Pagtataboy ko. Sumunod naman ang aso at nagtatakbo palayo.

Paglingon ko ay nakasalampak pa rin si Muriel sa damuhan. Lumapit ako sa kanya at inilahad


ang kamay ko. At tinanggap naman niya iyon.

"Pasaway talaga ang asong iyan!" Narinig kong bulong niya habang pinapagpagan ang
nadumihang pantalon.

"Sorry for that. Kahit ako ay nagulat sa naging attitude niya. Hindi naman siya ganyan sa ibang
tao."

"Okay lang! Hindi naman ako takot sa aso." Mabilis niyang sagot. "Umalis na tayo. Baka ma-
late pa tayo sa trabaho." Nagpatiuna siyang sumakay ng kotse at sumunod na rin ako.

Hindi ako makapag-concentrate sa pagda-drive. Kahit anong pigil ko sa sarili ko ay hindi ko


maiwasan na hindi sumulyap sa katabi ko. This feeling was really new to me. I was so curious
about her, kaya lahat na lang ay napapansin ko sa kanya.

There's something in her that I couldn't explain. Hindi ko ma-pin point kung ano yun. I've never
been this curious. Lalo na pagdating sa isang babae.

Unless... may gusto ako sa kanya.

Pero imposibleng mangyari iyon. Si Samantha ang mahal ko. At sa matagal na panahon wala
akong pinag-ukulan ng atensyon kundi ito lamang. Kahit noong nag-break kami. Sinubukan kong
ibaling ang atensyon ko sa ibang babae. Ngunit walang nangyari. Siya pa rin talaga ang gusto at
mahal ko. At wala ng iba pa.

Focus on the road Riley! I tried to motivate myself.

Pero may mga pagkakataon pa rin na natatagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatingin sa
kanya. Lalo na kapag nakahinto ang kotse at naka-red ang traffic light.
Nakuha ng atensyon ko ang malaki pilat sa kaliwa niyang kamay.

"Where did you get that scar?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

Kaya naman pala! Nakasuot siya ng headset habang nakatingin siya sa labas.

Hinila ko ang headset sa tenga niya at nagulat siya doon.

"What?"

"I said where did you get that scar?" Sabay turo sa kamay niya.

Napatingin din siya sa kamay niya bago nagsalita. "Nakuha ko ito nung maliit pa
ako." Hayun na naman ang mahina niyang tinig. At mabuti na lang at hindi ako bingi.

"What happened?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Naroon ang iritasyon sa tinig niya.

"Gusto ko lang mala-"

"Huy! Naka-green light na." Sabi niya dahilan para mabaling ang atensyon ko sa labas at
mabilis na pinaandar ang sasakyan.

At pagkatapos noon ay hindi na ulit ako nabigyan ng pagkakataon na tanungin siya tungkol sa
bagay na iyon. Nakasalpak na naman ang headset sa mga tainga niya at nasa labas ang
atensyon niya.

I got it! Obvious naman na ayaw niya akong makausap. Bakit naman kasi ang tiyaga ko ring
kausapin ang isang tulad niya?

Kung bakit gusto kong malaman ang tungkol sa pilat niya? I still don't know the answer.
Everything in her brings curiousity in me!

Pagparada pa lang ng kotse ay agad na bumaba si Muriel ng walang pasabi. At basta na


lamang akong iniwan na para bang wala siyang kasama. Hindi ko na lang din siya pinansin. Inisip
ko na lang din na wala akong kasama. Pagpasok ko ng building ay hindi ko na siya nakita.
Tumingin ako sa maraming tao na nag-aabang sa elevator ngunit wala rin siya doon.

Saan na kaya siya nagpunta?

Paglabas ko ng elevator ay naabutan ko na parang may pinagkakaguluhan ang mga


empleyado ko. Tumikhim ako. Pero hindi ko nagawang kunin ang mga atensyon nila. Ni isa sa
kanila ay walang bumati sa akin. Ano bang meron?

Then I saw Muriel. Siya pala ang pinagkakaguluhan. She was smiling to everyone. Masayang-
masaya siya sa kanyang pagbabalik. Ganun din ang mga taong nasa paligid niya na nagpupumilit
na lumapit sa kanya para bumati.

"Nandyan na pala kayo Sir! G-good morning po." Sa wakas ay mayroon din nakapansin sa akin.

"G-good morning Sir!" Nagsunuran na rin ang iba nang makita ako.

Ang mga taong nakapaligid kanina kay Muriel ay nagkanya-kanyang balik sa kanilang mga
puwesto.

I'am not the strict type of boss. Pero naroon ang paggalang nila sa akin.

Hindi umalis si Muriel sa kinatatayuan niya. Abala siya sa paghahalungkat sa loob ng paperbag
na bitbit niya.

"Ms.Gonzales, oras na ng trabaho!"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya sa suot niyang wristwatch.

"May ten minutes pa bago ma-umpisa ang working hour,Sir." Balewala na sagot niya. At muling
nabaling ang atensyon niya sa bitbit niyang paperbag.

Speaking of paggalang! Siya lang yata ang bukod tanging hindi marunong gumalang sa akin.
Hindi ba niya alam na ako na ang boss ngayon?

Keysa masira ng tuluyan ang mood ko ay dimiretso na ako sa opisina ko. Sinalubong agad ako
ni Gail sa may pintuan.
"Ito lang ang pasalubong mo sa akin?" Pagrereklamo ni Ichi.

"Di ba gusto mong pasalubungan kita ng durian? Heto na! Dalawang plastic pa."

Nakasimangot siyang tumingin sa akin. "Eh candy kaya ito!"

"Correction durian candy po iyan! Well at least durian pa rin."

Tawa naman ng tawa si Jena na nasa tabi ko. "Ano ka ba girl? Kahit naman magbitibit si Muriel
ng durian fruit na matagal mo nang pinaglilihian, do you think pasasakayin siya ng eroplano dahil
sa sobrang bantot nun?"

Hindi na kumibo si Ichi. Mukhang nakuntento na siya sa binigay ko.

Inabot ko naman kay Jena ang isang malaking plastic na punung-puno ng delicacies.

"Eh bakit siya ang dami mong pasalubong?" Mabilis na reklamo ni Ichi nang makita iyon.

Si Jena ang nagpaliwanag. "Durian lang naman ang hiniling mo sa kanya di ba? Eh ako
maraming ibinili."

"Ganun! May favoritism?" Tangkang magwo-walk out si Ichi pero pinigilan ko.

"Eto naman nagtampo agad. Syempre kung anong mayroon si Jena, mayroon ka rin."

Namilog ang mga mata ng bakla. "Ganun din karami katulad sa kanya?"

Ngumiti lang ako. "Kayo ng bahala kung paano ninyo paghahatian ang isang plastic na iyan."

"Hindi! Akin lang ito!" Si Jena sabay yakap sa hawak nitong plastic.

"Sabi ni Muriel hati raw tayo. Huwag kang madamot!"

"No! Hindi ako papayag! Hindi kita bibigyan!"

I rolled my eyes. Heto na naman ang wagas nilang pagtatalo!

"Huwag kang madamot bruha ka!"

Nagtatakbo naman si Jena palayo rito. "Asa ka pa na bibigyan kita!"


Hinabol naman siya ni Ichi. "Sasabunutan talaga kita kapag naabutan kita!"

Mabuti na lamang at breaktime. Kahit magsisigaw at maghabulan sila sa loob ng opisina ay


walang sisita sa kanila.

Hindi ko tuloy naiwasang mangiti. I really miss them. Na-miss ko ng sobra ang kakulitan nilang
dalawa.

"Mocha Frappuchino for delivery!" Nagulat na lang ako nang mayroon maglapag sa table ko ng
paborito kong kape.

Pag-angat ko ng mukha ay ang nakangiting mukha ni Joseph ang bumungad sa akin.

"Libre ba ito?"

"Of course. Libre yan! Ikaw pa!"

Nagdududa na tinignan ko siya."Bakit mo ako binibigyan nito?"

"Welcome back gift ko sayo."

Sinimangutan ko siya.

"Muriel naman! Hanggang ngayon ba naman ay ayaw mo pa rin sa akin?" Napakamot siya ng
ulo.

"Hindi naman sa ayaw ko sayo. Ang ayaw ko lang ay yung kukulitin mo ako nang kukulitin. It
really irritates me."

"Promise hindi na kita kukulitin. Kasi may girlfriend na ako."

Umangat ang kilay ko sa narinig.

"Girlfriend ko na si Danica." Nangingiting sabi pa niya.

"You mean si Danica na nasa kabilang department?" Paninigurado ko. Baka kasi ibang tao ang
tinutukoy nito.
Tumango ng sunud-sunod si Joseph. "Yup, siya nga!"

Hindi na lang ako kumibo. Ayokong magbigay ng kommeto. Kung sabagay, bagay naman
silang dalawa. Isang playboy at isang playgirl. What a perfect combination!

(Sa mga hindi nakakaalala, sina Joseph at Danica ay yung mga taong kinaiinisan ni Muriel sa
Chapter One.)

Muli akong napasabak sa matinding trabaho. Hindi ko inaasahan na ganito pala kalala ang
sitwasyon dito sa Manila branch. Lahat halos ng mahahalagang files ng kumpanya ay na-delete.
Halos sampu kaming IT na galing sa iba't-ibang branch. Nagtulung-tulong kaming lahat para para
ma-retrieve at mai-revive ang lahat ng iyon. Sa sobrang kaabalahan ko ay nakalimutan ko nang
mag-lunch break. Ganito naman talaga ako, workaholic. Nothing can stop me. Lalo na kapag
nasimulan ko na ang isang bagay. Ang gusto ko kasi ay matapos iyon agad.

"Miss Cute, may nagpapabigay sayo ng libreng lunch." Bungad sa akin ni Adrian nang pumasok
siya ng kuwarto. Katulad ko ay galing rin siya sa ibang branch. Sa Cebu yata siya naka-base. Sa
kamay niya ay may bitbit siyang plastic ng KFC. At inilapag niya iyon sa harapan ko.

"Kanino galing?" Hindi lumilingon na tanong ko.

"Kay Boss." Narinig kong sagot niya.

"Sinong Boss? Si Mam Elvie ba?" Ang tinutukoy ko ay ang manager ng IT Department.

"Hindi. Galing iyan kay Boss Riley."

Bigla tuloy akong napatigil sa ginagawa at napatingala sa kanya.

Binigyan ko siya ng Hindi nga? Bakit naman niya ako bibigyan ng lunch? na look.

"Nagpa-deliver si Boss ng lunch para sa lahat ng IT."

Bigla akong nadismaya sa narinig. Akala ko pa naman...

"Pero siya ang personal na nag-utos sa akin na hatiran ka ng pagkain." Paliwanag pa ni Adrian.
"Ikaw lang kasi ang hindi niya nakita sa pantry." Hindi ko maintindihan kung bakit ganun kalapad
ang ngiti niya.
"Ang cute mo talaga!" Sabay pisil sa pisngi ko. Pagkaraan ay lumabas siya ng silid at muli
akong naiwan mag-isa roon.

As usual, dedma lang ako sa sinabi niya. Ang atensyon ko kasi ay nasa plastic bag ng KFC na
nasa harapan ko.

Hay! Ang hangang kailan ba ako magiging apektado dahil sa kanya?

I tried my very best to avoid him. Halos hindi na nga ako tumingin sa kanya. Hindi ko rin siya
kinakausap. Sinasadya ko rin na hindi siya pansinin. Bahala na kung ano ang isipin niya tungkol
sa akin. Kahit magmukha akong tanga sa paningin siya, ang importante ay ma-overcome ko ang
presence niya.

I was once a tough person.


Kung nagawa ko noon, magagawa ko rin ngayon. Ang kailangan ko lang naman gawin ay ang
magpakamanhid. Kunwari wala akong nararamdaman para sa kanya. Kunwari hindi ko siya
nakikita kahit nasa paligid siya. Kunwari hindi ko siya naririnig kapag nagsasalita o kinakausap
niya ako. Kunwari hindi ko siya kilala. Kunwari hindi siya nag-e-exist.

At sa paraang iyon, makaka-move on na rin ako... Kahit kunwari lang!

Time check, six o'clock in the evening.

Pakiramdam ko ay napakabilis ng oras. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Ang dami ko pang
kailangang tapusin. Pero hanggang six lang ang building. Kung hindipa ako lalabas, malamang ay
mapagsaraduhan na ako at makulong magdamag sa building na iyon. Nag-uwian na lahat ng mga
kasamahan ko kaninang five. Ako lamang ang natira. Akala ko ay ako na lamang ang taong
naroon, pero napansin ko nakabukas pa ang ilaw sa opisina ni Riley.

Nandito pa siya?

Mabilis na pinatay ko ang lahat ng ilaw sa kuwarto. Pagkatapos ay nagmamadali akong


lumabas. Kailangan maunahan ko siya. Ayoko siyang makasabay sa elevator. Ayokong makita
niya ako.

"Oh shit!"

I almost jumped in surprise when I heard him scream. Nang lumingon ako sa kanya ay nakita
kong sapu-sapo niya ang dibdib.

"My god Muriel! Papatayin mo ba ako sa takot?" Ang talim ng tingin sa akin ni Riley.
Kasalanan ko ba kung mapagkamalan niya akong multo?

"Why are you still here? Kanina pa ang tapos ang office hour?" Tanong niya pagkatapos niyang
maka-recover.

"May tinapos lang akong trabaho."

Pareho pa kaming napaigtad nang bigla na lamang mag-ring ang telepono malapit sa
kinaroroonan ko.

Pucha! Ginulat naman ako ng telepono na ito.

"Damn it! Answer the phone, Muriel!" Banayad niyang asik.

Sinagot ko ang telepono.

"Mam, magsasara na po ang building. Pakisabi po kay Sir Riley na bumaba na po kayo."

"Okay!" Yun lang at ibinaba ko ang telephone.

"Bumaba na raw tayo sabi nung guard sa ibaba."

Nauna siyang nagtungo sa may elevator. Sumunod na rin ako. No choice! Alangan naman na
maiwan ako doon at paunahin ko siyang makababa para lamang hindi ko siya makasabay.

Si Riley ang pumindot ng button. Hanggang sa magsara ang pintuan ng elevator ay wala
kaming kibuang dalawa.

Narinig ko siyang sumipol. Sa isip ko naman ay kumakanta ako. Pareho kaming nakatingin sa
magkabilang direksyon na tila hindi magkakilala.

"Sabi nila may nagpapakita raw na batang lalaki dito sa elevator... lalo na sa gabi." Narinig kong
sabi niya.

Pinigilan ko ang sarili na napalingon sa kanya.

Gusto ba niya akong takutin?


"Its true." Sagot ko. "Hindi lang naman siya dito sa elevator nagpapakita. Gumagala siya sa
buong office. Para lang siyang naglalaro. Minsan tumatakbo. Minsan naman ay para siyang
nakikipaglaro ng taguan."

Ang bilis ng lingon sa akin ni Riley. "You can see him?"

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay parang nahuhulaan ko na ang reaksyon niya.

Tumango ako. "I think he was only ten years old. Naka-white shirt siya at asul na short."

"No way! Do you really see him?"

"Kanina lang nakita ko siyang tumatakbo papasok ng office mo. Yun parang may humahabol sa
kanya."

Parang nananadya naman na kumurap-kurap ang ilaw sa loob ng elevator.

Sa isang iglap ay nakalapit kaagad sa tabi ko si Riley.

"W-what's happening?"

Napakagat-labi ako para pigilan ang pagtawa na gustong kumawala sa bibig ko.

Ang lakas ng loob niyang mag-umpisa, iyon pala siya naman ang takot! Ang sarap niyang
pagtripan.

"Niloloko mo lang ba ako?" Pinihit niya ako paharap sa kanya. At nakita ko ang magkasalubong
niya na mga kilay. Hindi ko na talaga napigilang tumawa. Ang sakit kaya sa lalamunan.

Nakamasid lang siya. Pero ang sama na ng tingin niya sa akin. "Fine! Laugh as you want.
Bukas na bukas din ay wala ka ng trabaho."

As if naman na matatakot ako sa banta niya. Hindi kaya siya ang amo ko.

Then biglang umuga ang elevator at huminto. Pagkatapos ay namatay ang ilaw sa loob.

Nanangkupo! Nakarma na yata ako!

"Riley?"

"Muriel?"
Wala akong makita. Ang dilim-dilim kaya. Bigla kong naisip ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa
bulsa at binuksan iyon para magkaroon kami ng liwanag. Pero muli ko rin iyon ini-off nang may
mahagip ang mga mata ko sa likuran ni Riley.

Napatalon ako sa takot. "Riley!" At mahigpit na kumapit sa damit niya.

"Bakit?"

"I think I saw him."

"Saw who?"

"Y-yung batang lalaki! Parang nakita ko siya sa likuran mo!"

"Stop it Muriel! Hindi ka na nakakatuwa. We're already stucked here, pero nagagawa mo pa
ring magbiro!"

"Hindi ako nagbibiro. Totoo yung sinasabi ko."

I heard him sigh. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

Si Riley naman ang naglabas ng cellphone. Biglang nagkaroon ng liwanag sa paligid. Pero
mabilis na ipinikit ko ang mga mata at isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya. Natatakot akong
dumilat. Baka makita ko ko ang batang multo.

"Muriel!"

Hindi ako kumilos. Nanatili pa rin akong nakapikit.

"Hey!" Muli niya akong tinapik sa balikat. "We're already here in the ground floor. At walang
multo."

Doon lang ako nagmulat ng mga mata. Maliwanag na ang paligid. Wala sa loob na napatingala
ako sa kanya. He was looking at me with amusement in his eyes. His lips were half twisted. Para
naman akong na-hipnotized at nakatitig lang sa guwapo niyang mukha.

"Sir, Mam, okay lang po ba kayo?"

Bigla kaming naghiwalay sa pagsulpot ng guwardiya.

"Yeah, we're fine!" Si Riley ang sumagot. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Muriel,
sumabay ka sa akin sa pag-uwi."
Mabilis akong umiling. "Magtataksi na lang ako Sir!" Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Ikaw ang bahala."

Tuluy-tuloy akong naglakad palabas. Hindi talaga ako lumingon sa kanya. Sana lang ay hindi
niya napansin ang pamumula ng mukha ko.

Nakakahiya!

Lesson learned...

Never make fun of anyone.

Ang bilis ng karma, grabe!


Chapter Twenty Four: He's Back!

Chapter Twenty Four: He's Back!

Huminto ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng malaking gate. Nagbayad ako sa driver.
Pagkatapos bumaba na ako at tuluy-tuloy na pumasok sa loob. Nakita ko ang kotse ni Riley na
nakaparada sa tabi. Nauna siyang nakauwi sa akin. Medyo nahirapan pa kasi ako na makahanap
ng taxi. Natapat pa na rush hour at sobrang traffic.

Saka ko lang napansin ang isa pang kotse na nakaparada sa tabi ng kotse ni Riley. Kaninang
umaga ay wala pa iyon doon. Hindi kaya may dumating na bisita?

"Girlfriend!"

Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Isang matangkad na lalaki ang
nakita kong nakatayo sa entrada ng bahay.

"J-jared?" Parang hindi pa ako makapaniwala sa nakikita.

He was smiling sheepishly. The jerk was really cute! Tama nga ang sabi niya dati. Mas bagay
sa kanya ang description na cute kaysa sa guwapo.

Humakbang siya palapit sa akin habang hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Nang tuluyan
siyang makalapit ay huminto siya sa harapan ko. Mga ilang segundo niya akong tinitigan. Hindi
nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"I'm back!" And to my surprised, bigla niya akong kinulong sa mga bisig niya. "I miss you
girlfriend." I heard him said. At lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Akala ko
hindi na tayo magkikita."

I couldn't help but smile. Hindi ko rin akalain na magkikita pa kami ulit. Narinig ko na lang na
suminghot siya.

"Hey! Umiiyak ka ba?" Ang drama mo ha?" Tinapik ko siya sa balikat.

Tumawa lang siya. "Ba't naman ako iiyak? Sinisipon lang kaya ako." Ngunit lalo pa niyang
hinigpitan ang pakakayakap sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay madudurog ang mga buto ko sa
yakap niyang iyon.
"Jared, papatayin mo ba ako?" Sigaw ko. Wala akong pakialam kung mabingi siya sa boses ko.
"Hindi na ako makahinga!"

Binitiwan naman niya ako. Pagkatapos ay sinapo ng mga kamay niya ang mukha ko at
hinalikan ako sa noo ng paulit-ulit.

"Jared, para kang sira!" Pigil ko sa kanya habang nakatukod ang mga palad ko sa dibdib niya.

"Hindi mo ba ako na-miss girlfriend?" He was still holding my face.

Nag-pout ako sa kanya. "May dahilan ba ako para ma-miss kita?"

Siya naman ngayon ang nag-pout. "Tampo na ako nyan! Halos hindi na nga ko makatulog sa
kakaisip sayo. Tapos ikaw hindi mo lang ako naalala!" Lalo niyang hinabaan ang nguso.

"Kung inaakala mong madadaan ako sa pagpapa-cute at pambobola mo, then think again!"

"Alam kong matagal na akong cute. At saka kailan ba kita binola? Lagi kaya akong
seryoso pagdating sayo."

"Yeah right!" I rolled my eyes. wala pa rin siyang pagbabago.

"Seryoso talaga ako. At mahal kita. Aray!"

Isang sipa sa binti ang natanggap niya mula sa akin.

"Para saan yun?" Nakatingalang sabi niya habang sapu-sapo ang nasaktan na binti.

"Pa-welcome ko sayo! Gusto mong ulitin ko?" Bigla tuloy siyang umatras palayo sa akin.

"Sadista ka talaga! Pasalamat ka at mahal kita kung hindi..." Sinadya niyang ibitin ang
sasabihin niya.

"Kung hindi ano?" Hamon ko sa kanya.

"Isusumbong kita sa may-ari ng bahay na ito." Tapos lumingon siya sa may pintuan. "Riley oh!
Inaaway ako ng bisita mo!"
Hindi ko alam na naroon pala siya. Nakasandal siya sa hamba ng pinto at nakamasid lang sa
amin ni Jared.

Kanina pa ba siya naroon?

"Hindi pa ba kayo tapos dyan?" Hindi ko gaanong maaninag ang mukha ni Riley dahil may
kadiliman sa puwesto niya. Pero napansin ko ang iritasyon sa tinig niya. "Kanina pa nakahanda
ang hapunan at nagugutom na ako." Tinalikuran niya kami at pumasok siya sa loob.

"What are you doing here?" Paglingon ko kay Jared ay seryoso na ang ekspresyon ng mukha
niya. Nag-iba na rin ang timbre ng boses niya. Parang nanibago tuloy ako sa kanya. "Alam mo ba
kung anong pinasok mo?"

I sighed. "Trabaho ang dahilan kung bakit ako nandito. At hindi ko ginusto 'to, Jared."

"But why here?"

"As if naman na may choice ako." I squared my arms.

"Umalis ka na dito. Doon ka na lang sa condo ko mag-stay."

"Bakit pa? Eh nandito ka naman!"

"Hindi ako pwedeng mag-stay dito."

Nagulat ako sa sagot niya. "What?"

Nilagay niya ang kamay sa bulsa ng pantalon at sumandal sa poste ng ilaw. "I can't stay. Kahit
gustuhin ko, hindi naman pwede. Marami akong inaasikaso ngayon sa kumpanya. Magiging abala
ako this week at madalang kita mabibisita rito."

Nalungkot ako sa narinig.

"Muriel, please doon ka na lang sa condo ko. Mas safe ka doon." Muli siyang tumingin sa akin.

I could see his point. Pero... "Dalawang lang naman ang pananatili ko rito. Babalik din agad ako
ng Davao pagkatapos."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Pwede ba kahit isang beses ay makinig ka naman sa akin. Ikaw
lang naman ang iniisip ko."

"I'll be fine, Jared. And I can handle the situation on my own."

"Hindi ka ba natatakot na baka malaman niya ang tungkol sa pagpapanggap mo?" He was
talking about Riley.

"Natatakot. Kaya nga hangga't maaari ay iniiwasan ko siya." Hindi tumitingin na sagot ko sa
kanya.

"Then get out of this house! Huwag mo nang hintayin na mahalata ka at malaman ni Riley ang
tungkol sa pagpapanggap mo."

Sa isang iglap ay nakalapit ako sa kanya at mabilis na tinakpan ang bibig niya. "Kailangan
talagang sumigaw?" Angil ko. "Baka gusto mong hinaan ang boses mo?"

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya. Pero nanatiling hawak niya ang kamay ko sa aking
pagtataka. "Kung kinakailangang kaladkarin kita palabas para lang mailayo sa lugar na ito ay
gagawin ko. Ayokong makita kang nahihirapan." This time he lowered his voice.

"Jared please, huwag mo na paguluhin ang sitwasyon."

"Ikaw ang nagpapagulo ng sitwasyon. Kung aalis ka ng bahay na ito siguradong wala ka ng
magiging problema."

"So, ako pa ngayon ang magulo?" Nakapameywang ako sa harapan niya. Umakyat na ang
topak ko sa ulo. Kanina pa niya pinipilit ang gusto niya at naiinis na ako. "Ako pa ngayon ang
nagpapalala ng problema?"

Napakamot na lang ng ulo si Jared. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

"Pero iyon ang pagkakaintindi ko!" Ako naman ang nagtaas ng boses. Mainit na ang ulo ko para
pigilan pa iyon.

"I'm sorry." Akala niya siguro ay lalamig ang ulo ko sa pagso-sorry niya.

Tinalikuran ko na siya at humakbang papasok ng bahay. Mas lalo lamang iinit ang ulo ko kung
hindi ako lalayo sa kanya. Pero mabilis niya akong pinigilan. Naramdaman ko na lang ang mga
kamay niya na nakapulot sa akin. He was hugging me from my back.

"Muriel... I said I'm sorry. I'm sorry, okay? Masyado lang akong nag-aalala para sa'yo."
Sa isang iglap ay humupa ang topak ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na okay lang
ako. Wala kang dapat ipag-aalala."

Hindi siya sumagot. But I heard him sighed. Kumawala ako sa kanya at binitawan naman niya
ako.

Somehow, natuwa naman ako sa kanya dahil alam niya ang limitation niya. Alam niya kung
saan siya titigil at hihinto. Alam niya kung galit o nagbibiro lang ako. Mukhang kabisado na niya
ang mood swing ko. Madalas man kaming mag-asaran dati but I could feel that he treated me as
one of his close friend. At naa-appreciate ko iyon ng sobra.

"Ikaw naman ang tatanungin ko." Humarap ako kay Jared at pinisil ang tungki ng kanyang ilong.
"Bakit ka nandito? Kate-text mo lang sa akin noong isang araw, sabi mo magtatagal ka pa sa New
York."

He chuckled. "Boston hindi New York." Pagtatama niya sabay pitik sa noo ko. "Halatang hindi
mo sineseryoso ang mga pinapadala kong text message sayo."

"Aray masakit yun ah!" Sabi ko kahit hindi naman. "Puro naman kasi kalokohan ang mga
pinapadala mong text."

"Dapat talaga nasa Boston pa ako. Kaya lang biglang nagkaroon ng emergency kaya napauwi
ako ng wala sa oras."

"Anong emergency?"

"Ikaw!"

Inirapan ko siya. "Nice! Kailan kaya tayo magkakaroon ng matinong usapan?"

"Sinasagot ko lang ang tanong mo."

"Ang gusto ko matinong sagot."

"Matinong sagot naman iyon." Tumawa siya ulit. "But honestly, nang malaman kong bumalik ka
ng Manila at dito pa nakatira sa bahay na ito. Naisip kong kailangan mo ako. Alam kong hindi mo
ito kakayanin mag-isa. Kaya heto ako ngayon. Fresh from Boston and to the rescue sa
magandang binibini na nasa harapan ko."
"Paano mo naman naisip na kailangan ko ng tulong mo?"

"Instinct." He squared his shoulder. Ang yabang ng loko.

Umaangat ang kilay ko. "Paano kung sabihin kong mali ang instinct mo?"

"Huwag mo na akong kontrahin. Basta kailangan mo ako!"

"Who do think you are, myself appointed big brother?"

Muli niya akong pinitik sa noo. "Big brother ka jan? Mas matanda ka kaya sa akin."

Hinampas ko siya sa braso. "Kapal mo! Mas matanda ka sa akin ng tatlong taon. Twenty four
ako tapos twenty seven ka naman."

Hinimas ni Jared ang braso. Nakita kong namula iyon. Napalakas yata ang pagkakahampas ko.
Pero mukhang okay lang naman sa kanya. Kasi hindi naman siya nagreklamo.

"Basta kapag kailangan mo ng karamay nandito lang ako. Alam mo naman, kung nasaan ka
naroon din ako."

"Bakit noong nasa Davao ako ay wala ka?"

Tumawa lang siya. "Busy ako masyado sa trabaho. At saka alam ko naman na safe na safe ka
roon."

"Palusot ka pa. Baka naman busy ka sa pambababae."

"Jealous?" Umaangat ang kilay niya.

"Kapal mo!"

"Come here Muriel." Banayad niyang utos sa akin.

Lumapit naman ako sa kanya. Pagkatapos ay niyakap niya akong muli. At nagpaubaya ako.

"Na-miss talaga kita!"


Hindi ko napigilan mapangiti sa sinabi niya.

"Ako rin! Na-miss din kita!"

"But I miss you more. Remember what you to told me before we part our ways? Alam ko na ang
ibig sabihin nun."

"Yung hasta la proxima vez?"

Naramdaman kong tumango siya. "Ikaw ha, sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa akin. May
nalalaman ka pang spanish words. Akala mo hindi ko malalaman na I love you pala ang ibig
sabihin nun."

Ang lakas ng tawa ko. "Asa ka pa!"

Pagpasok namin sa dinning area ay naabutan naming kumakain na si Riley.

"Kanina ko pa kayo hinihintay." Salubong sa amin ni Nana Tonya. "Sige na at maupo na kayong
dalawa. Kumain na kayo at lumalamig ang pagkain."

Hindi man lang kami tinapunan ng tingin ni Riley. Dedma lang siya.

Pinaghila ako ng silya ni Jared. Naupo naman ako. At naupo naman siya sa tabi ko. Kinuha
niya ang kanin at siya mismo nagsandok sa pinggan ko.

"Kumain ka nang kumain ha? Kita mo nangangayat ka na." Tinignan ko siya ng masama. Pero
nginitian niya lang ako. "Ano gusto mo? Menudo o chicken curry?"

Hindi ko siya pinansin at inabot ko ang pinaglalagyan ng menudo. Pero kinuha sa akin iyon ni
Jared at tangkang magsasalin sa pinggan ko.

"Ako na!" Awat ko sa kanya.

"Hindi ako na!"

"Ako na sabi eh!" Nakipaghilahan ako sa kanya ng mangkok.

"Hayaan mo na akong pagsilbihan ka. Ngayon lang tayo ulit nagkita at na-miss talaga kita ng
sobra."

"I swear Jared, kapag nagpilit ka pa maliligo ka ng menudo!" Banta ko sa kanya.


Effective naman dahil bigla niyang binitawan ang mangkok.

"Sabi ko nga ikaw na!"

Heto na naman kaming dalawa. Hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako aasarin at
maaasar sa kanya. Pero siguro kailangan ko na rin masanay. Dahil hindi si Jared iyon kung
mawawala ang kapilyuhan niya. Nature na iyon ng binata. And besides kahit minsan naiinis ako sa
kanya, nagagawa rin naman niya akong pangitiin at patawanin.

"Tapos ka nang kumain Riley?" Tanong ni Nana Tonya sa alaga nang bigla na lamang itong
tumayo. "Konti pa lang ang naka-"

"Busog na po ako. At gusto ko nang magpahinga." At humakbang ito palabas.

"Huy Pare! Magkukuwentuhan pa tayo, di ba?" Pahabol ni Jared. Pero parang walang narinig si
Riley at tuluy-tuloy na lumabas. "Anong nangyari doon?"

Hindi na lang ako kumibo. Hindi ko rin naman alam ang dahilan.

"Parang hindi na kayo nasanay sa batang iyon." Sabat ni Nana Tonya. "Malamang nagtalo na
naman sila ng nobya niya sa telepono."

Nakita kong lumingon sa akin si Jared. Pero nagpatuloy lang ako sa pagkain na parang walang
naririnig.

"Oo nga pala, Nana Tonya. Ipagpapaalam ko po sa inyo si Muriel. Ako na lang po ang
magsasabi kay Tita Lorie. Tatawagan ko na lang po siya mamaya."

Nag-angat ako ng tingin at lumingon sa kanya. "Bakit? Saan tayo pupunta?" Nagtatakang
tanong ko.

"May lakad ba kayong dalawa?" Si Nana Tonya.

Wala naman siyang nabanggit sa akin na aalis kaming dalawa.

"Doon na po titira Si Muriel sa condo ko." Seryoso niyang sabi. "At itatanan ko na po siya."

Mabuti na lamang at nalunok ko na ang kinakain. Kung hindi ay baka nabilaukan na ako sa
sinabi niya.

Isang malakas na tawa ang naging tugon ni Nana Tonya. "Ikaw na bata ka masyado kang
palabiro."

"Seryoso ako Nana Tonya! Itatanan ko siya sa ayaw at gusto niya."

"Yeah right! Gutom lang yan Jared! Kumain ka na lang!" At sa kanyang pagkamangha ng isubo
ko na lang sa bibig niya ang hawak kong kutsara na punung-puno ng pagkain. Mas mabuting may
laman ang bibig niya nang sa ganon ay hindi na siya makapagsalita. Bakit ba masyado siyang
madaldal?

"Siya ba ang babaeng nagpatibok sa pihikang puso ng kaibigan ko?" Biglang sumulpot si Riley
mula sa likuran ko sabay abot sa akin ng hawak niyang San Mig Light.

"Sinong siya?" Kunwari ay hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

Bahagya niya akong sinuntok sa balikat. "Oh come on Jared! Alam mo kung sino ang tinutukoy
ko." Mukhang nasa good mood na naman ang kaibigan. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi
ko.

Paalis na sana ako. Nagyosi lang ako sa sandali sa bakuran. Mabuti na lang at sumulpot si
Riley. Akala ko hindi na siya lalabas ng kuwarto niya at tutulugan na lang ako. Pero hindi pa rin
niya ako matiis. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nag-back out kanina. Gayong
tuwang-tuwa pa siya at masigla nang dumating ako. Pero nang dumating si Muriel, bigla na lang
nagbago ang timpla niya.

"Hindi ka na kumibo dyan?" Si Riley ulit.

"Paano mo naman nalaman na siya nga iyon? Wala naman akong binabanggit sayo."

"Isn't it obvious? Masyado kang halata. Ang hirap sayo hindi ka marunong magtago ng tunay
mong nararamdaman lalo na kapag inlove ka." Tumungga siya ng alak mula sa kanyang bote.

Ganon na ba ako transparent? O pagdating lang talaga kay Muriel ako ganito?
"Yeah! Siya nga yun." Umamin na rin ako sa kanya. There's no reason to deny it. Mas mabuting
malaman niya ang nararamdam ko para kay Muriel.

"You're the man pare!" Nakipag-high five pa sa akin si Riley. "So how did you met her? How did
you fell inlove with her?"

"It's a long story." Matipid kong sagot. Mas mabuti na iyon kaysa magsinungaling.

"And?"

"Kailan ka pa naging tsismoso, Riley?"

Tumawa lang siya. "Curious lang naman ako sa lovelife ng bestfriend ko."

Hindi ako kumibo.

"Hey! Bakit ba ang tahimik mo ngayon? Naninibago tuloy ako sayo?"

"Okay lang ba kung patirahin ko si Muriel sa condo ko?"

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit mo naman naisip na patirahin siya sa
condo mo?"

Gusto ko sana siyang ilayo sayo! Gusto ko sanang sabihin.

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko sayo?"

"O-of course. Okay lang sa akin. At kung iyon ang gusto niya, bakit hindi?"

"Iyon nga ang problema, ayaw niyang pumayag." Sabi ko habang tinititigan ang hawak kong
bote.

"Bakit mo nman kasi naisip na patirahin siya sa condo mo? Ang laki-laki ng bahay namin, at
okay naman siya rito."

Tumingala ako sa kalangitan at pagkatapos ay lumingon sa kanya. May gusto lang akong
kumpirmahin. "Do you like her?"

Na-freeze sa ere ang hawak niyang bote ng beer. Halatang nagulat siya sa tanong ko. "Why are
you asking me that kind of question? Alam mo naman na may girlfriend ako."

I've known him for years. At alam ko kung kailan siya nagsisinungaling.
"I'm just asking. No offense, pare." At ngumiti ako sa kanya. "Gusto ko lang makasiguro."

"Gago ka ba? Paano naman ako magkakagusto kay Muriel? Alam mo naman kung gaano ko
kamahal si Samantha?"

Nilapag ko ang hawak na bote sa mesa at tumayo. "Sinong Samantha ba ang tinutukoy mo?
Iyong nakasama mo noong hindi ka pa nakakakita o yung Samantha na nakasama mo after your
operation?"

Hindi nakasagot si Riley sa tanong ko. Confused, he stared back at me.

"Never mind pare. Forget it!" Hindi ko intensyon na guluhin ang isip niya. "Got to go. Gusto ko
na rin magpahinga." Tinapik ko siya sa balikat. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na
ako patungo sa nakaparada kong kotse.

Suddenly a bitter laughed rose inside me. Hindi ko nagustuhan ang natuklasan ko. And I think I
need to do something before its too late.

Kanina pa nakaalis si Jared. Pero laman pa rin ng isipan ko ang binitiwan niyang tanong sa
akin.

Sinong Samantha ba ang tinutukoy mo? Iyong nakasama mo noong hindi ka pa nakakakita o
yung Samantha na nakasama mo after your operation?

Ano ba ang ibig niyang sabihin doon? Bigla tuloy akong naguluhan.

"I'll miss you


Kiss you
Give you my coat when you are cold

Napatayo ako nang marinig kong may kumakanta.

Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control
Sinundan ko ang pinaggagalingan ng boses na iyon. At dinala ako ng mga paa ko sa kusina.

So let me do the dishes in our kitchen sink


Put you to bed when you've had too much to drink

I saw Muriel. She was busy washing the dishes while singing that favorite song of mine.

I could be the girl who grows old with you


I wanna grow old with you"

Pagpihit niya paharap sa akin ay nagulat pa siya nang makita ako. Nabitawan niya ang hawak
na plato. Mabuti na lamang at naging maagap ako at nasalo ko iyon.

"Papatayin mo ba ako sa takot?" She snapped. Sabay kuha ng hawak kong plato. "Hindi ka pa
ba marunong magpasintabi? O talagang gusto ko mo lang akong gulatin?" Iyon na naman ang
mahaba niyang nguso.

"Bakit ikaw ang gumagawa nyan?" Naisip kong itanong. Baka kasi magtaka siya kung bakit ako
napadpad roon.

"Kailangan nang magpahinga ni Nana Tonya at alam kong pagod na siya." Tinalikuran niya ako
at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Nandyan naman si Tere. Bakit hindi na lang siya ang inutusan mo?"

"Kaya ko namang gawin bakit kailangan ko pang iutos sa iba."

"Bisita ka dito."

"Magkaiba ang bisita sa nakikitira."

Napansin ko ay hindi na siya aloof sa akin. Hindi na rin bumubulong kapag nagsasalita. Siguro
nga sa umpisa lang siya ganon. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit parang alam na alam niya
kung saan nakalagay ang mga gamit sa kusina. Kanina ko pa siya pinagmamasdan habang
nililigpit niya ang mga hinugasang gamit. Kabisado niya kung saan niya ilalagay at itatabi ang
bawat isa.

"Bakit ka nandito? May kailangan ka?"

"Nagugutom ako." Which is partly true. Kaya nga lumabas ng kuwarto ko dahil nakaramdam
ako ng gutom. Konti lang kasi ang nakain ko kaninang hapunan. Napansin ko lang si Jared sa
garden kaya lumabas ako at nakipagkuwentuhan sa kanya.

"Where are you going?" Tanong ko nang makita ko siya na palabas na ng kusina habang
pinupunasan ang kamay niya. Akala ko pa naman ay ipaghahanda niya ako ng pagkain.

Huminto si Muriel at lumingon sa akin. "Aakyat na ako sa kuwarto ko." Pagkatapos ay muli
siyang humakbang palabas.

"Wait!" Pigil ko sa kanya.

Huminto naman siya. "What?"

"How did you know the song?"

Kumunot ang maganda niyang noo.

"Yung kinanta mo kanina. How did you know it?"

"Everybody knows the song. Di ba movie sountrack iyon ng The Wedding Singer?"

Tumango ako. "It's my favorite. Both. The song and the movie."

Siya naman ang tumango.

"How about you? Favorite mo rin ba iyon?"

She smiled. "I love the song. And it reminds me of someone... minsan nya kasing kinanta sa
akin iyon." Then I saw the sadness in her eyes. "Mauna na ako. Inaantok na rin ako."

"Goodnight Muriel."

"Goodnight Rai!" At tuluyan na siyang lumabas at naglaho sa paningin ko.

Saka ko lang na-realize ang huling sinabi niya.

She called me Rai. Same voice, same tone.

At isang babae lang ang tumatawag sa akin sa ganoon pangalan.


Chapter Twenty Five: Face Off

Chapter Twenty Five: Face Off

Halos hindi ko maimulat ang mga mata nang bumangon ako. Antok na antok pa ako. Kung hindi
lang maraming trabaho sa opisina ay magtutulog na lang sana ako maghapon.

Napabalikwas ako nang biglang tumunog ang cellphone.


Pangalan ni Jared ang nag-appear sa screen. I was about to answer the call when suddenly he
hang-up. Nag-missed call lang pala. Ang aga naman istorbo!

Bumaba ako sa kusina pagkatapos. Si Nana Tonya lamang ang naabutan ko roon.

"Where is she?" Hindi ko napigilang itanong. Tumingin pa ako sa paboritong pwesto ni Muriel
na para bang makikita ko siya roon.

Lumingon sa akin si Nana Tonya. "Maagang sinundo ni Jared. Hindi na nga nakapag-almusal
dito dahil nagmamadali."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "May lakad sila?"

"Hindi ko alam. Wala namang sinabi si Jared."

Hindi kaya isinama na ng kaibigan si Muriel sa condo nito?

Sa nakita kong reaksyon niya kagabi, mukhang seryoso nga siya. Ngayon ko lang siya nakitang
nagkaganon pagdating sa babae. Inlove nga talaga ang loko!

"May dala po bang mga gamit si Muriel?" Pag-uusisa ko.

Muling lumingon sa akin si Nana Tonya. "Ang nakita ko lang dala niya ay yung madalas niyang
ginagamit na bag pagpasok. May problema ba Riley?" Nakakunot-noo na siya.

Umiling ako. "Wala po. Nagtataka lang kasi ako sa mga kinikilos ni Jared." Baka kasi tinanan na
niya si Muriel, gusto ko sanang idugtong.

Natawa ang matanda. "Ganon talaga kapag inlove."


"Alam nyo ang tungkol doon?"

Lumapad ang ngiti niya at lumapit sa kinaroroonan ko at inilapag sa mesa ang kaluluto lang na
tocino. "Matagal ko nang alam na may gusto si Jared kay Muriel. Halata naman sa mga tingin at
sulyap ng kaibigan mo sa kanya."

"Matagal nyo na po ba kilala si Muriel?" Naisip kong itanong.

"Medyo matagal na rin." Mabilis na sagot niya habang abala sa paghahalo ng sinangag sa
kawali. "Mga pitong buwan na siguro ang nakakaraan."

"Paano nyo siya nakilala?"

"Dito siya tumira sa bahay ng mahigit isang buwan. Hindi mo ba naaala-?" Biglang siyang
huminto sa pagsasalita sabay lingon sa kinaroroonan ko. "A-ang ibig kong sabihin... ano-" Naging
mailap ang kanyang mga mata. "D-doon siya tumira sa isang bahay ng Mama mo sa Alabang.
Tama, dun nga!"

"Tere, ikaw na muna ang magtuloy nitong niluluto ko." Utos niya sa kakapasok lang na
katulong. "May nakalimutan lang akong kunin sa dirty kitchen." At nagmamadaling lumabas si
Nana Tonya na parang may iniiwasan.

Weird! I had this dread feeling that she's not telling the truth. At hindi ko rin maintindihan kung
bakit hindi mawala-wala ang kakaibang pakiramdam ko na parang mayroon silang itinatago sa
akin.

Nakuha ang atensyon ko nang biglang mag-ring ang cp ko. It's Gail.

"Okay. I got it. I'm on my way!" Tumayo na ako at dumiretso sa kuwarto ko para maligo at
magbihis. Sa office na lang ako magbe-breakfast.

"Ang aga-aga mo akong inistorbo tapos dito mo lang ako dadalhin!" Reklamo ko kay Jared
nang ihinto niya ang kotse sa tapat ng Mc Donald.

Ngumisi lang siya sa akin.


"Ibalik mo na ako sa bahay. Mas masarap ang luto ni Nana Tonya at siguradong mabubusog pa
ako." Hinila ko siya sa sleeve ng damit niya nang magtangka siyang bababa ng sasakyan.

"Wala akong choice. Sarado pa ang mga resto ng ganitong oras. At saka okay naman dito."

Inirapan ko lang siya. At wala na akong nagawa ng tuluyan siyang bumaba ng kotse. Mabilis
siyang umikot sa kabilang side at pinagbuksan ako ng pinto.

Hindi ko pinansin ang nakalahad niyang kamay at bumaba na rin ako ng kotse. Nagpatiuna
akong naglakad at tuluy-tuloy ako sa entrance. Pero bago pa ako makarating sa glass door ay
mabilis siyang nakahabol sa akin at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Would you stop it?"

"Stop what?"

"Ewan ko sayo!" I snapped. At nilagpasan ko siya.

Hindi ko alam kung talagang nature na niya ang pagiging gentleman o nagpapa-cute lang siya
sa akin.

And it irritates me!

"Meron ka ba? Bakit ang sungit mo?" Umupo siya sa katapat kong upuan. Ipinatong niya ang
siko sa mesa at napangalumbaba sa harap ko.

Tinignan ko siya ng masama.

"Pinapatawa lang kita." Mabilis niyang bawi. "Eto naman hindi mabiro. Ano gusto mong kainin?"

Lalo ko siyang sinimangutan. "Bahala ka na."

"Okay!" Tumayo na siya kaagad at pumunta sa counter para umorder.

Ang aga ng topak ko ngayon. Sinira kasi ni Jared ang tulog ko. Ang aga-aga bigla na lang
sumulpot sa kuwarto ko. Kahit anong gawin kong pagtulug-tulugan ay hindi talaga niya ako
tinigilan. Siya raw kasi ang maghahatid sa akin pagpasok. Syempre hindi ako pumayag. Kaya ko
namang mag-commute. Bukod kay Riley, ayoko rin siyang makasabay. Siguradong mag-aasaran
lang kaming dalawa. Pero ano naman ang panalo ko sa isang tulad niya na saksakan ng kulit.
Kulang na lang ay kaladkarin niya ako kanina para lang sumama sa kanya.
Naalala ko, sabi niya sa akin kahapon na magiging super busy siya sa work. Mawawalan raw
siya ng time sa akin. Hindi na raw niya ako gaanong mabibisita. But what happenned? What
makes him changed his mind?

Ano kaya ang tumatakbo sa utak ng mokong na ito?

Sampung minuto siguro ang inaabot ni Jared bago siya bumalik sa table namin. Ang loko
nakipag-chikahan pa sa mga service crew sa counter. Kung hindi lang ako nakapagpigil ay kanina
ko pa sana siya sinugod. Badtrip na nga ako at gutom na gutom tapos makikipaglandian pa siya.

I swear, ito na ang huling pagkakataon na ihahatid niya ako sa office! Di bale nang makasabay
ko si Riley. At least busog ako.

"Anong oras ang out mo sa office?" Tanong niya habang abala sa paghihiwa ng pancake.

Tinaasan ko siya ng kilay habang pinapanood ang ginagawa niya. "Don't tell me na susunduin
mo rin ako?"

"Why not? Para sabay na rin tayong mag-dinner." Pagkatapos niyang hiwa-hiwain ang pancake
ay inilagay niya iyon sa harapan ko.

"Jared, hindi mo na ako kailangang sunduin."

"I'm just doing you a favor. Gusto mong iwasan si Riley di ba?"

"Kaya ko naman siyang iwasan nang hindi kita naaabala."

"Huwag mong isipin na nakakaabala ka sa akin. Gusto ko 'tong ginagawa ko."

"Pero hindi ko gusto ang ginagawa mo?"

"Bakit? Ano bang ayaw mo sa ginagawa ko?" And to my surprised, tumusok siya ng pancake at
inilapit iyon sa bibig ko.

Tinabig ko naman ang kamay niya. "Katulad nito. Ginagawa mo akong bata. Kaya ko namang
kumain mag-isa. Ayoko nang tinatrato mo ako ng ganito!"

He pouted. "Hayaan mo na ako. Ilang araw na lang kitang makakasama at babalik ka ng


Davao."
"Jared!"

Hindi na siya kumibo. At isinubo niya sa bibig ang tinusok na pancake kanina. "Bakit ba napaka-
dense mo?"

"What?" Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. May laman kasi ang bibig niya.

"Hindi ka lang dense, bingi ka pa! Aray!"

Pinalo ko siya ng hawak kong tinidor sa noo. "Sinong dense? Sinong bingi?"

Ngumisi siya. "Ang sabi ko maganda ka!"

"Thanks, Muriel." Si Jessie. Katatapos ko lang ma-retrieve ang mga na-delete niyang files sa
computer. Ten more computers to go. Matatapos ko na rin ang isang buong department.

Muli akong bumalik sa table ko at pasalampak na naupo. Napagod ako doon. Limang
magkakasunod na computer ang inayos ko. Pero hindi pa nga nag-iinit ang puwet ko sa upuan
nang mayroong tumawag sa akin.

"Muriel, hindi raw mabuksan ni Sir Riley yung file niya." Nakasilip ang ulo ni Gail sa pintuan.

Bakit kailangan pa niya akong sadyain kung pwede naman siyang tumawag sa local ko?
Inaangat ko ang telepono sa desk ko. May dial tone naman.

"Muriel!" Si Gail ulit at nakasimangot na siya, pero hindi naman halatang nakasimangot. Para
kasing kumukutikutitap ang mga mata niya.

Lumingon ako kay Adrian. "Ikaw na lang ang magpunta sa office ni Sir." Utos ko.

"May inaaayos pa ako eh." Sagot nito habang nakatutok ang mga mata sa monitor. "Si Joseph
na lang."

"Bakit ako?" Katulad ni Adrian ay hindi rin nito inaalis ang mga mata sa monitor. "Ang dami ko
kayang ginagawa!"

I rolled my eyes. Wala akong maasahan sa mga ito.


"Magtuturuan na lang ba kayo dyan? Naghihintay si Sir at mainit ang ulo niya." Si Gail ulit. Pero
saan ka naman nakakakita na nagsusungit na ay nakangiti pa rin? Sino ba sa dalawang binata
ang pinagpapa-cute-an nito?

Ngunit waley ang beauty niya! Busy-ng busy ang dalawa at hindi man siya matapunan ng tingin.

Tumayo ako. "Ako na nga lang!" Walang choice eh. Hindi ko sila maistorbo.

Naglalakad na ako patungo sa opisina ni Riley nang bigla akong hilahin ni Ichi.

"Bruha ka! Malihim ka talaga!"

Napakunot-noo ako. "Ano na naman iyon?"

"Nakita kita kaninang umaga. Hinatid ka ni Papa Jared."

"And so?"

"And so ka dyan!" Hinila niya ang dulo ng buhok ko. "Baka gusto mong magkuwento sa amin.
Ano na? Kayo na ba?"

Heto na naman kami!

"Mamaya na ako magkukuwento. Kailangan na ako sa office ni Riley.. I mean ni Sir Riley."

Ngunit ayaw akong bitiwan ni Ichi. "Umiiwas ka na naman eh?"

"Kapag ako napagalitan talagang sasabutan kita!" Banta ko sa kanya.

"Muriel!" Tawag sa akin ni Gail. Nakapameywang siya sa labas ng pintuan ng opisina ni Riley.

Doon lang ako binitawan ni Ichi. "Kung makasigaw naman akala mo siya ang boss!" Ismid niya.
"Basta mamaya, magkuwento ka." Baling niya sa akin. "Kung hindi lagot ka sa aming dalawa ni
Jena."

Hindi ako sumagot. Wala naman akong balak magkuwento sa kanila dahil wala naman talaga
akong ikukuwento.
"Huy!" Pahabol sa akin ni Ichi pero nakalayo na ako sa kanya. "Muriel!"

Nasa pintuan na ako nang lumingon ako sa kanya. Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko na
para bang sinasabi ko sa kanya na huwag siyang maingay. Ang bruha, inirapan lang ako.
Pagtingin ko naman kay Gail ay ang sama ng tingin niya kay Ichi.

Mukhang may issue ang dalawa. I smell something fishy!

Pagpasok ko sa loob ng opisina ay naabutan kong nakatayo si Riley malapit sa bintana at may
kausap sa cellphone. Dumiretso ako sa desk niya at ginuide naman ako ni Gail kung ano yung
mga files na aayusin ko.

"Paupo ha!" Paalam ko sa kanya at umupo na ako kahit hindi pa siya umu-Oo. At least
nagpaalam ako.

Nakalabas na ng office si Gail. Habang ako naman ay busy sa pag-click dito, pag-click doon!
Browse dito! Type doon!

"Matagal pa ba yan?"

Napatayo ako sa sobrang gulat. HIndi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Riley. I
swear nagtaasan talaga ang lahat ng balahibo ko. Tama bang magsalita siya sa tapat ng tenga
ko? Iyon pa naman ang pinaka-sensitive part ng katawan ko.

"Sorry, hindi ko sinasadya na gulatin ka." Amused na nakatingin sa akin si Riley.

Mukhang hindi naman siya sincere sa pagso-sorry niya. Ayos sa trip! Ito ba ang sinasabi ni Gail
na mainit ang ulo?

Hindi na lang ako kumibo pero sinimangutan ko siya. Syempre boss ko pa rin siya at nasa
trabaho kami. Pero kung nagkataon na nasa loob kami ng bahay, makakatikim talaga siya sa akin.

"Sorry talaga!"

Hindi ko siya pinansin at muling naupo at nag-focus ulit sa monitor. Gusto ko na rin maayos ung
files niya nang makaalis na ako doon.

Hindi na siya muling lumapit sa akin. Pero nararamdaman ko na pinapanood niya bawat kilos
ko.

I'll miss you


Kiss you
Give you my coat when you are cold...

Muntikan na akong matawa nang marinig ang ringing tone ng cellphone ni Riley. Tama nga
yung sinabi niya kagabi, favorite song nga niya iyon.

At simula nang kantahin niya sa akin iyon six months ago.. naging favorite song ko na rin iyon.

"Hello..." Si Riley nang sagutin niya ang phone. "Yes Gina... Hmmm... What? W-what do you
mean?"

Halos mapakislot ako nang bigla siyang magtaas ng boses. Hala! Mainit nga ang ulo niya!

Kahit anong gawin kong pag-focus sa ginagawa ko ay hindi ako maka-concentrate.


Nakakataranta naman kasi ang boses ni Riley.

Akala ko ba nagsusungit lang siya noong hindi pa siya nakakakita? Bakit hanggang ngayon ay
dala-dala pa rin niya iyon? Akala ko pa naman napagbago ko siya.

Pagkatapos niyang makipag-usap sa cp ay tinawagan agad niya si Gail sa intercom.

"Gail, papuntahin mo si Robert sa office ko, ngayon din!"

"Eh Sir, nandito po ngayon si Mam Samantha. Papapasukin ko po ba?"

"Nandyan si Samantha?" Halatang nagulat si Riley sa nalaman.

Napatigil ako sa ginawa nang marinig ko ang pangalang iyon. Kahit ako ay nagulat.

"Opo. Kararating lang niya."

"Send her in Gail. Mamaya mo na lang papuntahin si Robert." Sa isang iglap ay biglang
nagbago ang mood ni Riley. He never change. Katulad pa rin siya ng dati. Si Samantha pa rin ang
nakakapag-calm sa kanya.

Halos hindi ako humihinga habang hinihintay ko na magbukas ang pintuan. Ito ang unang
pagkakataon na makikita ko siya. At hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan.

Nang magbukas ang pintuan, isang maganda at matangkad na babae ang pumasok mula roon.
At napanganga ako sa nakita.

Di hamak na mas maganda siya kaysa sa akin! Waley na waley ang beauty ko kung
ikukumpara sa kanya.

"Baby!" Nang makita ni Samantha si Riley ay mabilis nitong sinalubong ng yakap ang nobyo. "I
miss you so much."

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na darating ka?" I could see the happines in his face.

"I want to surprise you." Nang bumitaw si Samantha rito ay hinalikan nito si Riley sa mga labi.
And they kissed in front of my eyes.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin.Pakiramdam ko ay may kung anong tumusok sa dibdib ko. At
habang tumatagal ay lalong lumalala ang pagkirot nyon.

Kaya mo yan Muriel. Just focus on your work! I tried to motivate myself. Kailangan ko nang
matapos ito dahil kailangan ko nang makaalis doon.

"Oh! Who is she?" Doon lamang ako napansin ni Samantha. Nang mag-angat ako ng mukha, I
saw her smiling at me.

"She is Muriel. One of my IT's" Pagpapakilala sa akin ni Riley. Then lumingon siya sa akin.
"Meet my girlfriend, Samantha."

I tried my very best to smiled back at her. "Hi!"

"Hello!" Ganting bati niya sa akin. At sa tingin ko ay mukhang mabait naman siya.

"Sir, okay na po ang files ninyo." Saved by the bell ang pagkakaayos ko ng computer niya.
Tumayo na ako at umikot sa kabilang side ng table. Hinanda ko na ang sarili ko sa paglabas ng
silid na iyon.

"Thanks, Muriel!"

Hahakbang na sana ako palabas nang muling magsalita si Samantha. "What is your name
again?" tanong niya sa akin.

Si Riley ang sumagot. "It's Muriel."


Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya nang marinig ang pangalan ko.

Did she recognized me?

"I got to go, Sir. Madami pa akong babalikang trabaho." Sabi ko at nagmamadaling tinungo ang
pintuan. At ganon na lamang ang relief ko nang tuluyan akong makalabas.

"Muriel, okay ka lang?" Hindi ko napansin na nakasalubong ko pala si Jena. "Bakit namumutla
ka?"

"O-okay lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. "Punta lang ako ng restroom."

"Sigurado ka?"

Tumango lang ako at iniwanan siya.

Simula nang bumalik ako sa desk ko ay wala na akong nagawang trabaho. Kanina pa
lumulutang ang isipan ko. Hindi ako makapag-focus at makapag-concentrate. Supposed to be
hanggang bukas na lang ako. Pero sa dami ng trabaho na hindi ko pa natatapos, mukhang
magtatagal pa ako dito ng ilang araw. At maisip ko lang na magsasama kami ni Samantha sa
iisang bubong, halos mag-panic na ako. Hindi kami pwedeng magsamang dalawa. Alam kong
alam niya ang tungkol sa akin. At ayoko ng gulo. Hindi dahil naduduwag ako sa kanya. Ayoko lang
na mag-isip siya ng hindi maganda sa akin lalo na at nakatira ako ngayon kasama si Riley. At higit
sa lahat ayokong malaman niya ang nararamdaman ko para sa nobyo niya.

Kung doon na lang kaya ako sa condo ni Jared mag-stay? Tama siya. Mas safe ako doon.
Sana pala ay nakinig na ako sa kanya noong una pa lang.

"Huwag mong sabihin na mag-o-overtime ka?" Tanong sa akin ni Adrian.

Ilang minuto na lang pala at mag-uuwian na. Lahat halos sila ay nakaligpit na ng mga gamit at
ready to go na. Habang ako ay nakatutunganga pa rin sa monitor at makalat ang ibabaw ng table.

Umiling ako. "Uuwi na rin ako." Doon lamang ako kumilos. At isa-isang niligpit ang mga gamit
ko.

"Ready ka na, girlfriend?" Nagulat ako nang bigla na lamang sumulpot si Jared sa may pintuan.
Lahat tuloy ng mga kasamahan ko ay sa kanya napatingin. He was still in his business suit minus
the coat. Habang ang suot niya longsleeve ay basta na lang itinupi hanggang siko. Gayunpaman
ay hindi pa rin nabawasan ang kaguwapuhan niya. Ngumiti siya sa lahat at kumaway na para
bang nangangampanya. "Susunduin ko lang ang girlfriend ko." Sabi pa niya.

Hindi ko na siya kinontra. Useless din naman kung gagawin ko iyon. Hindi rin naman
maniniwala sa akin ang mga kasamahan ko kung sasabihin ko ang totoo.

"Tara lets!" Tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

"Makulit ka rin no?" Talagang pinanindigan niya ang pagsundo sa akin.

Ngumisi lang siya sabay bitbit sa knapsack ko. Pero binawi ko sa kanya iyon. "Ako na! Hindi
bagay sa outfit mo."

"I don't care!" Balewala niyang sagot at muling kinuha ang bag ko at isinukbit sa balikat niya.

"Ang guwapo-guwapo naman ng boyfriend mo Muriel. May kapatid ba iyan?"

Natawa naman si Jared sa narinig mula kay Eunice. At game naman na sumagot ang binata.
"Only child lang ako. Pero may kaibigan ako, guwapo rin. Kaya lang taken na rin siya."

"Sayang naman! Kung sakaling magbago ang isip mo, nandito lang ako!"

Bitch! Parang gusto kong sapakin si Eunice. Lahat na lang yata ng lalaki ay nilandi nito.

"Sorry. Pero habangbuhay na nakalaan ang puso ko para kay Muriel." Sabay akbay sa akin ni
Jared.

"Yun oh!" Sigaw naman ng mga boys. At kanya-kanya na silang kantiyawan. Mabuti na lamang
at nasa kabilang department sina Jena at Ichi. Kapag nagkataon, lamog ako sa dalawang iyon.

Nag-aabang kaming dalawa ni Jared sa tapat ng elevator nang biglang dumating sina Riley at
Samantha.

"Hello, Jared!" Si Samantha ang unang bumati at nilapitan siya nito at bineso sa pisngi. "What
are you doing here playboy?"

Halatang nagulat naman si Jared nang makita ito. "You're here! Kailan ka pa dumating?"
Pagkatapos ay sinulyapan niya ako.
"Kanina lang! Sinurprise ko si Riley. Hello again Muriel." Ako naman ang binalingan ni Sam at
naroon pa rin ang ngiti sa mgalabi nito.

"Have you already met?" Palipat-lipat ang tingin ni Jared sa aming dalawa.

Pinili kong magsalita. "Nagkakilala kami kanina sa office ni Sir Riley."

Muli akong sinulyapan ni Jared. At parang gusto kong matawa sa nakita kong reaksyon niya.
Nginitian ko siya para ipakita sa kanya na okay lang ako.

Eksakto naman na bumukas ang elevator. Naunang pumasok sina Riley at Samantha.
Sumunod kami ni Jared. At ganito ang puwesto naming apat.

Riley - Samantha - Jared - Ako

"May lakad kayong dalawa?" Tanong ni Riley sa kaibigan.

"Yes. May dinner date kami ni Muriel." Nakangiting sagot ni Jared. At nagulat na lang ako nang
hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Don't tell me that you're a couple?" Si Samantha.

Ngumiti lang si Jared.

"That's great! May dinner date din kami ni Riley. Why don't we make it a double date? What do
you think guys?"

Ngunit walang sumagot kahit isa sa aming tatlo.

"Hey! Ayaw nyo ba ng suggestion ko?"

"I don't think that's possible Samantha." Jared said. "Nakapagpa-reserved na kasi ako. And it
took me days before I finally got that venue. At gusto ko sana na kaming dalawa lang ni Muriel.
Hope you don't mind?"

Hindi ako sigurado kung nagsasabi siya ng totoo. Gayunpaman ay lihim akong nagpapasalamat
sa kanya. Double date? Malaking kalokohan iyon!

"No, its okay Jared. I understand." Malambing na sagot ni Samantha sabay hilig sa balikat ni
Riley.

Parang ang tagal naman yatang makababa ng elevator na ito. Naiinip na akong lumabas doon.

Hindi sinasadya ay napatingin ako kay Riley. At nagtama ang aming mga mata. Ako ang unang
umiwas at tumingin ako kay Jared. Nakatingin din pala siya sa akin. I smiled at him just as I
thought that he will also smiles back at me. Ngunit nakatitig lang siya sa akin. And I couldn't read
his expression.

Hanggang sa makalabas kami nang building ay hindi niya binibitiwan ang kamay ko.

"Bye guys!" Si Samantha na kumaway pa sa aming dalawa.

Tinapik naman ni Riley si Jared sa balikat. "Take care of her." Ang tinutukoy niya ay ako.

"I will." Mariin pero mahinang sagot ni Jared. "You don't have to tell me." At hinila na niya ako
patungo sa nakaparada niyang sasakyan.

Hindi na sana ako lilingon. Pero hindi ko pa rin napigilan. At nakita ko si Riley na nakatingin sa
direksyon namin... sa akin pala!

Dinala ako ni Jared sa isang mamahaling restaurant. Medyo awkward pa nga ang outfit ko.
Naka-skinny jeans at rubbershoes ako. Habang ang mga taong naroon ay naka-formal dresses at
business suits.

"Don't mind them." Bulong sa akin ni Jared. "Kahit anong isuot mo maganda ka pa rin."

Napangiti naman ako sa sinabi niya kahit na alam ko na baka binobola lang niya ako.

"Sigurado ka ba na walang makakakilala sayo dito? Baka naman mamaya ay may bigla na lang
lumapit sa'yo to drop by and say hello?" Ang tinutukoy ko ay mga babae bigla na lang lumalapit sa
kanya.

"First time ko pa lang rito. Kaya sigurado ako na walang nakakakilala sa akin dito."

Ngunit nadismaya ako nang makita ko ang matamlay niyang mga ngiti. Parang hindi siya iyon.
Kanina pa siya tahimik at walang kibo. Gayon okay naman siya at nakipagbiruan pa nga siya sa
mga kasamahan ko.

"Okay ka lang ba?" Naisip kong itanong. Baka naman kasi biglang sumama ang pakiramdam
niya at ayaw niya lang sabihin.
Tumango lamang siya.

"Hindi ako sanay na ganyan ka? May problema ba?"

Tinitigan niya lang ako na para bang binabasa ang nasa isipan ko.

"Ako dapat ang magtanong kung okay ka lang?"

I chuckled. "Of course I'm okay. Bakit naman ako magiging hindi?"

"It's that your way of pretending your fine, even though you're totally broken?"

Nawalang bigla ang ngiti ko sa sinabi niya.

How did he know? Manghuhula ba siya? But of course, bakit ako aamin?

Tumawa ako ng mahina. "Why do I need to pretend? Ano bang meron?"

Tinignan niya ako ng masama. "Stop acting as if you're not affected. And don't you dare deny it!
You can fooled them but not me!"

Suddenly I felt cold. Bakit ba alam na alam niya kung anong nararamdaman ko?

"I-i don't know-"

"Would you stop it Muriel? Matagal ko nang alam na may nararamdaman ka kay Riley. At kahit
hindi mo sabihin alam ko na nasasaktan ka na makita silang magkasama ni Samantha."

"Alam mo naman pala! So? Anong gusto mong gawin ko?" I have no other choice kundi
umamin na rin sa kanya. Besides, hindi rin naman siya titigil hanggat hindi ako nagsasalita. "I have
my pride Jared. I'd rather choose to die, kaysa ipakita sa kanila na naapektuhan ako." This is
better than denying it. Nakakapagod na rin ang pagpanggap na kunwari okay lang ako kahit ang
totoo ay hindi naman.

"Muriel..."

"I don't understand why are you mad at me? May mali ba sa ginawa ko?" Emotion started to get
in at hindi ko na mapigilan. "Kung sabagay ano ba ang alam mo? Nothing! Sa isang tulad na mo
na player at papalit ng girlfriend, you don't have any idea what I'm going through." Tumayo ako
sabay bitbit ng bag ko at tuluy-tuloy na lumabas ng restaurant.
"Muriel!" Narinig kong tawag sa akin ni Jared pero hindi ko siya nilingon. I want to get out of that
place. I want to be alone.

"Muriel.." Ngunit hindi ko akalain na mahahabol pa niya ako. Mabilis niya akong kinabig
paharap sa kanya. "I'm so sorry. Hindi naman ako galit sayo. I just can't help it. Ayoko lang na
makita kita na nagkakaganyan."

I tried to struggle but I don't have enough strength to push him.

"Nandito naman ako. I'm willing to help you. You can lean on me. You can trust me. At kung sa
palagay mo, you had too much, I'll find a way to ease that pain."

Then I found myself crying on his shoulder. First time kong umiyak sa harapan ng ibang tao.
Iyon pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat.

"Ssshh... Please don't cry Muriel."

Just as I thought that I can be strong enough to get through this... I was wrong. And I hate
myself for being emotional again. I promised not to cry anymore. Sa loob ng anim na buwan
nagawa kong hindi umiyak. But now, heto na naman ang pasaway na emosyon na ito na gustung-
gusto ko nang mawala sa sistema ko. Bakit ba hindi ko magawang kalimutan si Riley?
Chapter Twenty Six: Mistaken

Chapter Twenty Six: Mistaken

Pasado alas diyes na ng gabi nang maihatid ako pauwi ni Jared. Hindi ko na siya pinababa ng
kotse. Alam kong kailangan na din niyang magpahinga. And besides maaaga pa niya akong
susunduin bukas.

Pagpasok ko ay nakita ko si Nana Tonya na nag-aabang sa akin sa may pintuan.

"Bakit gising pa po kayo?" Tanong ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya.

"Nahihirapan akong matulog sa gabi. Ganito na yata ang tumatanda."

"Nahihirapan na pala kayong matulog eh bakit umiinom pa kayo ng kape?" Napansin ko kasi
ang hawak niyang mug.

Ngumiti siya sa akin. "Hindi ito kape, salabat ito. Nakakatulong ito para makatulog ako."

Napakunot-noo ako. "Salabat? Di ba para lang sa lalamunan iyon?" Naalala ko kasi yung Tita
ko na frustrated singer. Madalas siyang umiinom noon ng salabat para raw gumanda ang boses
niya.

"Hindi lang naman para sa lalamunan ito. Marami rin itong mabuting naidudulot sa katawan.
Pumasok ka na nga sa loob at baka mahamugan ka pa dito." Tinulak niya ako papasok ng
pintuan.

Ngunit nahagip ng mga mata ko ang nakaparadang sasakyan ni Riley sa may garahe. "Nakauwi
na po sila Riley?"

"Sinong sila?" Nagtatakang tanong ni Nana Tonya.

"Sina Riley at Samantha."

"Nandito na si Samantha?"

Tumango ako. "Opo. Nagkita kami kanina sa opisina. Hindi ba ninyo alam?"
"Wala namang binabanggit sa akin si Riley kanina."

Kung ganon ay hindi dito sa bahay mag-i-stay si Samantha! Ganon na lamang ang relief na
naramdaman ko.

Pero bigla kong naalala ang naging usapan namin ni Jared kanina. Pumayag na akong mag-
stay sa condo niya. Dahil kung talagang gusto kong umiiwas kay Samantha, lalo na kay Riley,
kailangan kong lumayo sa kanila. At tama si Jared. Mas safe ako doon. Kaya nga bukas ng
umaga ay susunduin niya ako. Siya na raw ang bahalang kumausap kay Riley. At akonaman ang
bahala kay Nana Tonya.

"Nana Tonya magpapaalam po sana ako sa inyo?"

Lumingon siya sa akin. "Aalis ka?" Parang nahuhulaan niya ang sasabihin ko.

"Doon po muna ako titira sa condo ni Jared."

"Magsasama kayong dalawa?"

Napangiti ako sa nakita kong reaksyon niya. "Hindi po. Doon ako sa isang condo niya titira."

"Akala ko itatanan ka na niya."

"Naniwala naman kayo kay Jared. Alam nyo naman na puro kalokohan ang laman ng isip nun."

"Eh bakit dun ka pa titira? Ang laki-laki ng bahay na ito. At saka sa akin ka binilin ni Lorie."

Naisip kong sabihin na rin sa kanya ang totoo. "Aaminin ko po sa inyo, ayokong tumira dito
kasama si Riley."

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya.

"Hangga't maaari ay gusto ko siyang iwasan. Ayokong makahalata siya. Alam kong may mga
pagkakataon na nagdududa na siya sa akin. At nanatakot ako na baka malaman niya ang tungkol
sa pagpapanggap ko noon. Lalo na ngayong nandito si Samantha, mas lalo kong kailangan mag-
ingat. Mas kailangan kong umiwas."

"At para makaiwas ka sa kanila ay naisip mong lumayo?"


Tumango ako.

Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Nana Tonya. Lumapit siya sa akin at
hinawakan ako sa pisngi. "Pagpasensyahan mo ako Muriel. Sa umpisa pa lang dapat hindi na ako
sumang-ayon kay Lorie na dito ka manatili." She smiled bitterly. "Pero dahil nanabik ako sa
pagbabalik mo, hindi ko naisip ang magiging sitwasyon mo. Naiintindihan ko na hindi naging
madali para sayo ang muling makaharap si Riley pagkatapos ng mga nangyari. Kung gusto mong
lumayo, hindi kita pipigilan. Alam kong mas makabubuti sa iyo iyon."

"Salamat po at naiintindihan ninyo ako." I was teary eyed. Ramdam na ramdam ko kasi ang
pagmamalasakit niya para sa akin. Simula nang tumapak ako sa bahay na iyon, siya na ang
tumayo na parang nanay ko.

"Kailan ba ang alis mo?" Narinig ko siyang sumisinghot.

"Bukas po ng umaga. Susunduin daw po ako ni Jared."

"Napapansin ko na lumalalim na ang pagkakaibigan ninyong dalawa."

"Nana Tonya!" Saway ko sa kanya. "Mabait lang po talaga si Jared kahit hindi halata. Madalas
man kaming mag-asaran, minsan nagkakasundo rin naman kami."

"Maliit pa lang sila ni Riley ay kilala ko na siya. Kaya alam kong mabuting siyang tao. At sana
lang sa bandang huli ay hindi siya masaktan sa ginagawa niya."

"Anong ibig ninyong sabihin?"

Parang nag-aalangan pa si Nana Tonya na magsalita. "May gusto siya sayo."

"Sa akin?" Nagulat sa nalaman. "Imposible! Bakit naman siya magkakagusto sa akin?"

Tinapik ako ni Nana Tonya sa balikat. "Buksan mong maigi ang mga mata mo para malaman
mo na totoo ang sinasabi ko!"

Ano daw?

"O siya, mauna na ako sayo." Si Nana Tonya ulit. "Nakaramdam rin ako sa wakas ng antok."
Tumalikod siya at nagtungo sa kanyang silid.
Naiwan akong naguguluhan. What if totoo nga ang sinasabi niya? Ganon na ba ako kamanhid
para hindi ko maramdaraman iyon?

Mabilis akong umiling. Pero imposible talaga na magkagusto sa akin si Jared! He once told me
na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang tulad ko. Kaya?

Nagising ako sa maingay na ringing tone ng cellphone ko. Pero hindi ko magawang maimulat
ang mga mata ko.

Pucha! Nasan na iyon? Dito ko lang nilagay iyong cp ko sa ilalim ng unan ko.

Maya-maya ay may narinig may akong nahulog na bagay sa sahig. Pagsungaw ko, bigla akong
napabalikwas.

Oh noh! My expensive cellphone!

At ang dating isa, ngayon ay tatlo na! Humiwalay kasi ang battery at back cover nito mula sa
body.

Mabilis ko iyong dinampot at in-assemble ko agad. Kinakabahan pa nga ako na baka tuluyan
iyong masira at hindi na gumana.Wala pang isang buwan ang bago kong cp, tapos sira na agad!
Eksaktong pag-on ko ay bigla iyong tumunog. Muntikan ko pang mabitawan iyon sa gulat ko.

Jared is calling.

"Finally, sinagot mo rin! Para ka talagang mantika kung matulog. Kanina pa ako tawag nang
tawag sayo."

I rolled my eyes. "Sensya na! Ang sarap matulog eh! Bakit ka nga pala napatawag?" Sabay
hikab. Paglingon ko sa desk clock ay pasado alas nuwebe na pala ng umaga. Tanghali na pala!
"You were supposed to be here! Bakit wala ka pa?" Bigla kong naalala ang usapan namin.

I heard him chuckled. "Kaya nga ako tumawag. I'm sorry Muriel. I don't think I can make it
today!"

"But why? May nangyari ba sayong masama?"

Lalong lumakas ang pagtawa niya. "Concern? Hmmm... I like that!"

"Jared!"
"Nagkaroon ng biglaang problema sa kumpanya at hindi ako basta makaalis. I'm sorry.
Nangako pa naman ako sayo kagabi."

"It's okay. And please don't feel sorry. Sabi ko naman sayo di ba? Hindi mo ako obligasyon."

I heard him sighed. "As soon as I fix this mess, pupuntahan kita kaagad. Basta, huwag kang
aalis ng bahay. Dyan ka lang, okay?"

"Opo!" Hindi na ako nakipagtalo sa kanya.

"Got to go. See you later."

"Okay."

"Muriel?"

"Hmmm..."

"Never mind!" At nawala na siya sa kabilang linya.

Akala ko pa naman ay may sasabihin pa siya!

Muli akong nahiga sa kama. Gusto ko pa sanang ituloy ang naudlot kong tulog. Pero hindi ko na
magawa. Wala akong pasok ngayon sa opisina. Kaya nga nagpumilit si Jared kahapon na
masundo ako ngayon para makapag-adjust daw agad ako sa lilipatan kong condo niya. But
unfortunately, he couldn't make it. At naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya. Alam ko kung
gaano siya ka-busy ngayon. Hindi biro ang responsibilidad na ibigay sa kanya pagkatapos ilipat sa
kanya ng ama ang buong pamamahala ng kanilang kumpanya.

Si Jared lang naman ang makulit. Sinabi ko na sa kanya na hindi niya ako kailangang intindihin.
Ayoko rin naman makaabala sa kanya. Kaya ko namang pumunta mag-isa sa condo niya. Pero
hindi siya pumayag. Baka raw mapahamak pa ako. Tanga-tanga pa naman raw ako!

Salbahe na yun! Bahala na nga siya!

"Akala ko ba maaga kang susunduin ni Jared?" Bungad sa akin ni Nana Tonya nang pumasok
ako ng kusina.
"Hindi po siya natuloy. May biglaan po siyang lakad." Sabi ko nang kumuha ako ng mug para
magtimpla ng kape.

"Akala ko pa naman ay nagbago ang isip mo."

Nang lumingon ako sa kanya ay abala siya sa paghihiwa ng mga gulay. "Kagabi pa po buo ang
desisyon ko. At hindi na siguro magbabago iyon."

"Alam ba ni Riley na aalis ka dito?"

"Nana Tonya, pwede po bang maka-" Suddenly ay biglang sumulpot si Samantha at napahinto
sa may pintuan. "You're here?" Halatang nagulat siya nang makita ako.

Kahit ako ay hindi inaasahan na makita siya.

"May kailangan ka b,a Samantha?" Lumapit rito si Nana Tonya.

"H-hihingi lang po sana ako ng malamig na tubig." She said while still looking at me.

Kumuha ng baso si Nana Tonya at inabot iyon sa dalaga. "Ikaw na lang ang kumuha ng tubig
sa ref." At pagkatapos ay lumabas ito ng kusina.

"I was really surprised to see you here." She said. Naramdaman ko na nasa harapan ko siya.

"I never meant to surprised you." Sabi ko habang abala ako sa pagtitimpla ng kape.

"Wala namang nabanggit sa akin si Riley na nandito ka. And I don't understand why you are
here?"

Nag-angat ako ng mukha at matapang na sinalubong ang mga mata niya. "I am here for work."

Pero mukhang hindi siya naniniwala sa akin. At sa palagay ko kailangan ko na ring magsalita
para maipagtanggol ang sarili ko.

"Look! Kung iniisip mong nandito ako para manggulo sa inyo, then you're wrong!"

"You couldn't blame me if I have doubts in my mind, could you?"

Umangat ang kilay ko. "Ayoko ng gulo, Samantha. At kung anuman ang nangyari six months
ago, mananatiling lihim iyon at walang dapat malaman si Riley."

"You shouldn't come back then."

You shouldn't come back either! Muntikan ko nang sabihin pero nagpigilan ko ang sarili ko. I
tried my very best to control my temper. As much as posible ayoko siyang patulan. At katulad ng
sinabi ko kanina, ayoko ng gulo. Dahil once na nagkabangga kaming dalawa, si Riley ang unang
maaapektuhan. And worst baka malaman pa niya ang totoo.

"You're right, I shouldn't come back. But it's not my choice. At kung bumalik man ako, hindi para
kay Riley. Again I am here for work. So, kung iniisip mo na isa akong malaking threat para sayo?
Hindi mo na kailangang mag-worry dahil aalis na ako sa bahay na ito."

"You're leaving?" Si Riley na biglang sumulpot na ikinamangha naming dalawa.

Narinig kaya niya ng pinag-usapan namin?

"S-sabi ko naman sayo baby, hintayin mo na lang ako sa sala." Samantha tried to blocked him.

"Why are you leaving?" He asked me again.

Dahil sa'yo at sa kanya...

"Because I want to." I answered safely. At humigop ako ng kape habang nakatingin sa
direksyon ni Samantha.

I need to act normally and pretend as if balewala sa akin kung anuman ang narinig niya. Kahit
ang totoo ay kinakabahan ako.

"Baby, would you like to go out?" Si Samantha na biglang kumapit sa braso ng nobyo. She tried
to caught his attention. "May natuklasan akong bagong restaurant and the dishes are really
superb." But to her dismay, hindi man lang siya pinansin ni Riley.

"You won't leave here Muriel unless you give me a valid reason!"

Muntikan ko nang maibuga ang iniinom kong sa kape sa narinig. Sayang! Kaharap ko pa
naman si Samantha.

"Sir naman! Ang aga naman ninyong magbiro." I smiled at him. Nagbabakasali akong madaan
ko siya sa biro.

"Mukha ba akong nagbibiro?" He looks really serious. "I can't understand why suddenly you
want to leave here without informing me. I am still your boss and you're my resposibility."

Tinignan ko si Samantha. At binigyan ko siya ng Do something! na look.

"Baby.." Sinubukan niya ulit agawin ang atensyon ni Riley.

"Later, Sam. Hintayin mo na lang ako sa sala. May pag-uusapan lang kami ni Muriel." Sabi niya
na hindi lumilingon sa nobya.

Napalunok ako nang wala sa oras. There is no way of escaping from him.

Ngayon ko naisip na sana ay dumating si Jared and save me from him. Pero
malabo pa sa malabo na mangyari iyon.

"Tell me honestly Muriel, are you avoiding me? Iyon kasi ang nararamdaman ko. Simula ng
dumating ka sa bahay na ito, wala kang ginawa kundi iwasan ako. Tell me, may problema ka ba
sa akin?"

Mabuti na lamang at may mahabang mesa na nakapagitan sa aming dalawa kaya hindi siya
makalapit sa akin.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakatingin sa akin si Samantha. Marahil hinihintay ang
sasabihin ko. At wala na rin siyang magawa para agawin ang atensyon ng nobyo nito.

"Hindi kita-"

Bigla na lang nagdilim ang buong paligid. Brownout?

"Riley?" I heard Samantha's voice.

"I'm here." Si Riley.

"Where are you?"

Hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Bahala silang maghanapan na dalawa sa dilim. Basta
ako safe sa lugar ko. Maya-maya lang magkakailaw din.

Ganon na lamang ang relief ko nang mag-brownout. At parang gusto kong magpasalamat sa
Meralco dahil pinili nilang mawalan ng ilaw sa pagkakataong ito. Nakaiwas ako kay Riley nang
hindi ako nagsisinungaling.

Kahit bitbit ko ang cellphone ko ay hindi ko iyon nilabas sa bulsa. Mabuti na rin iyong walang
liwanag para naman makapagtago ako pansamantala sa dilim.

Then suddenly, naramdaman kong may kung anong mabalahibo ang kumiskis sa mga binti ko.
Oh shocks! What is that? Napatili ako at napatakbo hanggang sa may nabunggo akong matigas
na bulto. At kung hindi niya ako nahawakan kaagad, malamang ay natumba na ako.

"Sam? What happened? Okay ka lang?" Si Riley pala iyon.

Sam ka jan! It's me Muriel! Gusto ko sanang isigaw sa kanya. Pero hindi na lang ako kumibo.

"I'm fine Baby. Maybe it's Muriel."

"M-muriel?"

I could feel his breath on my face. Ibig sabihin ganon kami kalapit sa isa't-isa?

"Rai.." I was not aware sa lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko na lang na humigpit ang mga
braso niyang nakapulupot sa katawan ko. Lalo tuloy akong napalapit sa kanya.

"Sam?" He whispered.

"Yes Baby?" Sagot naman ni Samantha mula sa likuran niya.

Para akong binusan ng malamig na tubig. Naitulak kong bigla si Riley palayo sa akin. I almost
forgot. Magkaboses nga pala kami ni Samantha. And maybe he mistaken me as his girlfriend.

Umatras ako palayo sa kanya sa takot na baka magkalapit kaming muli. But to my surprised,
bigla na lamang may dumamba sa akin dahilan para matumba ako sa sahig. Napatili ulit ako.

Eksakto naman na lumiwanag ang buong paligid at bumalik na ulit ang kuryente.

"Buddy?" Nagulat ako nang makita siya sa ibabaw ko. Tinakot naman ako ng asong ito! Siya rin
siguro yung kaninang kumiskis sa binti ko. At bago pa ako makakilos ay pinaliguan niya ng halik
sa buong mukha. Kahit anong tulak ko sa kanya ay hindi ko magawa. Ang laki-laki kaya niya at
hindi ko kaya ang bigat niya.
Naramdaman ko lang na umangat si Buddy sa ere. Binuhat pala siya ni Riley para maialis siya
sa ibabaw ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko at hinila para tulungan akong makatayo.

"Okay ka lang ba?"

Tumango ako at bahagyang inayos ang nagusot kong damit.

"Buddy come here!" Napalingon ako nang tawagin ni Samantha ang aso. Pero tinignan lang
siya sandali ni Buddy at muling lumapit sa kinaroroonan ko habang panay ang kawag ng buntot
niya.

Sumimangot siya sa pandededma ng aso. Hindi ko naman napigilang mangiti. Ngunit sa


paglingon ko ay nakita kong matamang nakatingin si Riley sa akin. Hindi siya nagsasalita. Basta
nakatingin lang siya sa akin at bigla akong kinabahan sa klase ng tingin niya.

Need to go. Humakbang ako palabas ng kusina. Sa aking likuran ay nakasunod si Buddy.

"Sam!" Napahinto ako nang marinig ang pagtawag ni Riley. Then I realized that it's not me!

Shit! Muntikan na akong lumingon sa kanya. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. At
pagkaraan ay tuluy-tuloy akong lumabas ng kusina ng walang lingon.

"Pasaway na aso ka! Alam mo ba na tinakot mo ako kanina?" Sabi ko kay Buddy habang
nakaupo siya sa katapat kong upuan.

Patuloy lang siya sa pagkawag ng buntot niya habang nakatingin sa akin.

Nasa garden kami ngayon. Doon ako ako dumiretso pagkatapos kong umeskapo sa kusina.

"Ano bang mayroon ako at gustung-gusto mo ako?"

Sunud-sunod ang ginawang pagtahol ni Buddy. Para namang naiintindihan ko ang pagtahol
niya.

"Tinawag ka ni Samantha kanina, bakit hindi ka lumapit sa kanya?"

Nang maalala ko ang nakasimangot niyang mukha ay hindi ko napigilang ngumiti.

"You don't like her? Why? Mas maganda naman siya kaysa sa akin."

Muling tumahol si Buddy.


"What! Mas maganda pa rin ako sa kanya? Good boy! Iyan ang gusto ko sayo."

Kung may makakarinig lang sa akin na ibang tao baka isipin nila na nasisiraan na ako ng ulo.

Wala akong choice.Kailangan ko nang kausap. Pwede ko nang pagtiyagaan si


Buddy. At least alam ko makikinig siya sa lahat ng sasabihin ko.

"But I'm glad na hindi mo ako nakakalimutan. Ganon ka pa rin. Hindi ka nagbabago."

Tumahol ulit si Buddy.

"I know. And I miss you too." Sa sinabi kong iyon ay biglang tumalon si Buddy mula sa
kinauupuan niya at lumapit sa akin. Akala ko pa nga dadambahin niya ulit ako pero sa halip ay
dinila-dilaan niya lang ang kamay ko.

"Good boy!" At hinimas ko siya sa ulo na gustung-gusto niya. Nang biglang tumunog ang
cellphone ko. Para naman akong nabuhayan ng loob nang makita sa screen ang pangalan ni
Jared.

"Muriel... I'm so sorry. I couldn't-"

"It's okay" Mabilis kong sagot. Hindi ko na kailangang marinig ang paliwanag niya. Alam ko
naman kung ano ang sitwasyon niya at naiintindihan ko iyon. Although medyo nadismaya ako
dahil kanina ko pa siya hinihintay.

"Sorry ulit! Madami pa kasi akong dapat ayusin dito."

"I understand. Hindi naman ako nagmamadali."

"where are you?"

"Nandito ako sa garden. Kasama ko si Buddy."

"Okay ka naman ba?"

"Oo na naman."

"Kumain ka na?"
Saka ko lang naalala na naudlot nga pala ang pag-aalmusal ko kanina. "Yup! Kumain na ako."
Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Basta babawi na lang ako sayo bukas. I promise."

"Jared hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo! Okay lang naman kahit sa ibang araw-."

"No! Bukas na bukas din aalisin na kita dyan!"

"Ikaw ang bahala." He already set his mind. At useless na makipagtalo pa ako sa kanya.

"Got to go. See you tomorrow."

"Okay!"

"Bye!"

I blew out a long sighed. Gustung-gusto ko nang umalis sa bahay na iyon pero wala naman
akong magawa. And I hate myself for being helpless. Hindi pa naman ako sanay na umaasa sa
ibang tao. Pero sa pagkakataon na ito, I really have no choice kundi sumandal kay Jared. He
already knew my secrets. At siya lamang ang taong puwede kong maasahan at mapagkatiwalaan.
Dahil kung ako lang, kaya kong umalis mag-isa sa bahay na iyon. Nariyan naman sina Jena at Ichi
na pwede kong mapakiusapan na mag-stay muna sa kanila. Yun nga lang, kailangan kong
harapin ang mga samut-saring mga tanong nila.

Muli akong napatingin kay Buddy at hinimas siya sa kanyang ulo. "Ano sa palagay mo ang
dapat kong gawin?"

Hindi siya tumigil sa pagtahol habang nakatingala siya. At doon ko napansin na hindi pala siya
sa akin nakatingin. Lumingon ako at mula sa itaas ay nakita ko si Riley sa may veranda. He was
looking at me.

I couldn't read his expression. May kalayuan siya sa kinaroronan ko. But I wonder kung bakit
hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin.

Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya?


"Hey! You're not listening!"

Halos hindi ko namalayan ang paglapit ni Samantha sa akin.

"I'm sorry. What did you said again?"

She gave me a mad face. "Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka nakikinig. Ano ba ang
tinitignan mo dyan?"

Hindi ko na siya napigilan nang dumungaw siya sa veranda. Mabuti na lang at wala na si Muriel
sa kinaroroonan nito kanina.

"May iniisip lang ako na problema sa kumpanya." Pagsisinungaling ko. At mukhang nakumbinsi
ko naman siya.

"Tuloy pa ba tayo?"

"Saan?"

"Di ba magla-lunch tayo sa labas?"

Wala naman akong maalala na nag-usap kaming kakain sa labas.

"You forgot?" Biglang sumimangot si Samantha.

"Of course not! Where do yo want to eat?" Sumang-ayon na rin ako para hindi siya magtampo.

Nakita ko siyang ngumiti. "I know a better place."

Ngumiti na rin ako. "Ngayon na ba tayo aalis?"

Tumingin siya sa suot niyang wristwatch. "Mamaya na lang siguro. Maaga pa pala." Lumapit
siya sa kama ko at naupo roon. "I miss this bed. Its been a long time ago since I slept here."

"You can sleep here anytime you want."

"I know." Pagkatapos ay humiga siya. "Pero alam mo naman kung gaano ako ka-busy sa
trabaho, right?"

Pagkatapos ay nagkuwento na siya ng mga experiences niya sa Hongkong.


Unconciously ay pinikit ko ang aking mga mata. Pinapakinggan ko lang ang boses ni
Samantha. When I was still blind, malakas ang pakiramdam ko sa lahat ng bagay. I can instantly
recognized a person's voice. Especially, iyon mga taong malapit sa akin. Kaya nga ganon na lang
ang pagtataka ko kanina kung bakit napagkamalan ko bilang si Samantha si Muriel. Alam kong
magkaboses silang dalawa. But at that moment, I couldn't explain what I felt when I held her closer
to me. Iyon na naman ang pamilyar na pakiramdam ko sa kanya. And I was confused again. Bakit
hindi ko nararamdaman iyon ngayon kay Samantha?

"Baby, are you alright?" May pag-aalala sa tinig niya ng muli siyang lumapit sa akin.

Doon lamang ako dumilat. "I'm fine. Medyo sumakit lang ang ulo ko." Pagdadahilan ko sa
kanya.

"Huwag na kaya tayo tumuloy?"

"It's nothing!" I smiled. "Tuloy tayo. Just wait me outside, magbibihis lang ako."

Alanganin na sumunod si Samantha at lumabas ng silid ko.

I think I should stop thinking about Muriel. Although marami silang pagkakatulad ni Samantha,
hindi tama na ikumpara ko silang dalawa. It will lead me to nowhere. Mas lalo lang akong mako-
confused. And worst baka makahalata pa si Samantha at maapektuhan ang relasyon naming
dalawa. At ayokong mangyari iyon.

Nakabihis na ako nang lumabas ng aking silid. Dumiretso ako sa sala. Akala ko ay naroon si
Samatha. Pero wala siya doon.

Nakasalubong ko si Tere na patungo sa itaas. "Nakita mo ba si Samantha?" Tanong ko.

"Nandoon po siya sa may pool area." Sagot niya.

"Salamat." At humakbang ako patungo roon. Then I saw her standing in the pool side. She was
talking with someone else in her phone. Nakatalikod siya sa akin.

"He doesn't know yet. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Riley."

Napahinto ako sa paglapit sa kanya.


"You don't know him, Tracy. Siguradong hindi papayag si Riley kapag nalaman niya ang
pumirma ako ng three years contract sa Paris."

Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko sa narinig.

"I know. And don't worry. I can fix this, okay? Surely I can handle him. Just give me a little more
time. I'll find a way."

Naikuyom ko ang kamay ko. All this time she was lying to me.

"Okay! Bye!"

"Hanggang kailan mo itatago sa akin ang tungkol dito?"

Biglang lingon sa akin si Samantha. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang madilim
kong mukha.

"B-baby?"

"Care to tell about your contract in Paris?

Nakita ko ang takot sa mukha niya. And I don't even care.

"B-baby listen to me. I-i wanted to tell you but-"

"But what Samantha?"

"A-alam kong hindi ka papayag." Nanginginig na ang boses niya.

"Anong ine-expect mo? Na matutuwa ako? Akala ko ba nag-usap na tayo? Ang


sabi mo sa akin ay tatapusin mo lang this year ang contract mo sa Hongkong at babalik ka ng
Pilipinas. What makes you changed your mind?"

Nagsimula ng umiyak si Samantha. "I've been waiting fot this opportunity. This is a dream come
true to me. That's why I grabbed it."

"Without even thinking about me?" I couldn't explain the pain I felt inside. She was still as selfish
as before. Akala ko pa naman nagbago na siya?
"Please understand me, Riley. I need this. I really need this."

"And I need you too, Sam."

Lalo lamang siyang umiyak. Ang mukha niya ay nakasubsob sa mga palad niya.

Napatingala ako sa langit dahil sa frustration. As I expected dadaanin na naman niya ako sa
pag-iyak. And I'm tired of it.

"Hanggang kailan ako magiging pangalawa sa mga priority mo, Sam?"

"I love you, Riley. And you know that."

Iyon nga ang mas masakit. Mahal ka niya pero mas priority pa rin niya ang kanyang pangarap.

"I don't want to do this. But you need to make a choice?"

"Riley?"

But when I looked into her eyes, I saw her answer. And its not me!

Tumalikod ako at mabigat ang loob na humakbang papasok ng bahay. I'm still hoping that she
might change her mind. I'm still hoping for the both us.

"Riley!"

Narinig ko pa na tinawag niya ang pangalan ko. Pero hindi na ako nag-abala na lingunin siya.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko si Samantha na humahangos palabas. And I
think she was crying. Tuluy-tuloy siya sa nakaparada niyang sasakyan.

Napahinto ako sa pagsu-swing. I was curious kung anong nangyari sa kanya. Ilang sandali pa
ay pinaandar nito ang kotse at tuluy-tuloy na lumabas ng gate.

Hindi ko na problema kung anuman ang namagitan sa kanila ni Riley. But still, hindi ko
maiwasang mag-alala para sa binata. Alam ko kung gaano niya kamahal si Samantha. Naging
saksi ako noon. At siguro sa mga oras na ito ay nasasaktan siya at wala akong magawa para sa
kanya.
Muli kong dinuyan ang swing. Medyo mahina lang. Gusto ko lang makalanghap ng hangin.

"Hindi mo talaga ako hiniwalayan no?" Sabi ko kay Buddy na nakadapa sa may damuhan
malapit sa paanan ko.

Tumingin lang siya sa akin. Maya-maya ay ipinikit niya ang mga mata.

"Ang daya mo! Tutulugan mo lang ako!"

Napahinto ako nang biglang may tumikhim sa likuran ko.

"Do you mind if I join you?" Si Riley.

Ngunit bago pa ako makasagot ay pumuwesto na siya sa bakanteng swing sa tabi ko. Dalawa
kasi ang swing na naroon.

"Mas close pa yata kayo ni Buddy kaysa sa akin." Then I heard him chuckled.

Nakatingin lang ako sa kanya. I know he was trying to be okay. At hindi ko maiwasang
malungkot.

"What? May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling ako sabay iwas ng tingin. "You don't have to pretend as if you're okay."

Biglang nawala ang mga ngiti niya sa labi. "How did you know?"

Nagkibit balikat ako. Hindi ko gustong makialam sa personal niyang problema.

"You saw her?" Ang tinutukoy niya ay si Samantha.

Hindi ulit ako kumibo.

"We had a heat argument. May mga bagay na hindi kami mapagkasunduan." Hindi ko
inaasahan na mag-o-open sa akin si Riley.

"Wala namang problema na hindi nasosolusyunan."

"I agree. Ngunit kahit anong gawin namin ay bumabalik at bumabalik kami sa dating problema."

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang nakatingin sa malayo habang patuloy na nagsu-swing.


"Minsan kailangan nating i-give up ang isang bagay para sa taong mahal natin. Dahil kung
pareho ninyong ipipilit ang mga gusto ninyong dalawa, hindi nga kayo magkakasundo."

Lumingon sa akin si Riley. "You're right. But in my case, I don't think I should give up mine.
Palagi na lang ako ang nagbibigay. Ako na lang lagi ang umiintindi. And I had enough."

Nang lumingon ako sa kanya ay nagtama ang mga mata namin. And I saw the sadness in his
eyes.

"You're letting her go?"

"I have always believed in fighting for the people we love even if they don't seem to love us any
longer." Si Riley ulit. "Pero hindi na ngayon. Nakakapagod din pala!"

"You should fight for her."

Umiling siya. "I let the decision on her. At kung anuman ang magiging desisyon niya, whether
it's not me, tatanggapin ko kahit masakit."

Pinili ko na lang na manahimik. Mukhang buo na rin ang desisyon niya. Nagulat lang ako. Hindi
iyon ang inaasahan ko sa kanya. I knew how much he loves Samantha. I knew that he couldn't
live without her.

Ngunit siguro nga ay dumating na si Riley sa point na masyado na siyang napagod. Hindi ko
siya masisisi.

At sa kabila ng mga nalaman ko ay hindi ko magawang maging masaya. Dahil alam ko na


nasasaktan ang taong mahal ko. At kung anong nararamdaman niya ay parang nararamdaman ko
na rin. Nahiling ko na sanay ay may magawa ako para mawala ang sakit na nararamdaman niya.
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts

Chapter Twenty Seven: Broken Heart

"I'll miss you


Kiss you
Give you my coat when you are cold...

Napalingon ako kay Riley nang marinig ko siyang kumakanta. I couldn't help but smile. Walang
duda, favorite song talaga niya iyon.

Naroon pa rin kaming dalawa sa swing. Bagaman kanina pa kami walang kibuan ay patuloy
lang naming idinuduyan ang aming mga sarili.

Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control

I found myself na sinasabayan siya sa pagkanta. Favorite ko rin kaya iyon. Lumingon sa akin si
Riley. Nakangiti siya sa akin habang patuloy pa rin sa pagkanta.

So let me do the dishes in our kitchen sink


Put you to bed when you've had too much to drink

Isa ito sa mga na-miss ko. Ang maka-bonding siya. At least sa pagkakataong iyon ay
nagkasundo kaming dalawa.

I could be the man/girl who grows old with you


I wanna grow old with you..."

Sabay kaming nagtawanan pagkatapos. Parang mga sira lang! Feel na feel kasi namin ang
pagkanta kahit medyo wala na kami sa tono.

Ngunit ganon na lamang ang aming pagkamangha ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Nakakapagtaka. Kanina lamang ay maganda pa ang panahon. Kumanta lang kaming dalawa,
umulan agad! Pambihira! Tumayo ako. Tatakbo na sana ako para sumilong nang pigilan ako ni
Riley.
"Let's make fun?" He said while smiling.

Fun? Ang maligo sa ulan? No way! Kaliligo ko lang kaya!

Pati si Buddy ay parang sinasabihan ako na pumayag. Patuloy ito sa pagtaho. And to my
surprise nang bigla na lang niya akong dambahin dahilan para matumba ako sa damuhan.

Tila nanadya na lalo pang lumakas ang ulan. At basang-basa na ako.

Lumapit sa akin si Riley. Akala ko pa nga ay tutulungan niya akong makatayo. Iyon pala
yumuko lang siya sa akin para pagtawanan ako.

"Sige pagtawanan mo ako. Lagot ka sa akin kapag nakatayo ako rito!"

Hindi niya inaasahan nang siya naman ang biglang dambahin ni Buddy. Sa laki ng aso niya ay
hindi niya nakaya ang bigat nito. Na-out of balance siya at bumagsak sa damuhan. Ako naman
ngayon ang nagtatawa sa kanya.

"Karma!" Pang-aasar ko pa. Pasimple akong dumakot ng putik at binato iyon sa kanya. Sapol
siya sa mukha. Bulls eye! Ang lakas tuloy ng tawa ko.

Nagtangka si Riley na gumanti sa akin. Dumakot din siya ng putik at ibinato sa akin. Pero
nakailag agad ako. Mabilis akong tumayo at tumakbo palayo. Pero mas mabilis pa rin siya sa akin.
Naabutan niya ako.

To the rescue naman sa akin si Buddy. Hinila niya si Riley habang kagat-kagat nito ang
laylayan ng shorts nito. Nakawala ako sa kanya at muling tumakbo. Hinabol niya ako ulit
hanggang sa makarating kaming dalawa sa may swimming pool.

Saglit kaming huminto sa pagtakbo. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Nasa kabilang side
siya ng pool at hindi niya magawang makalapit sa akin. Dahil sa tuwing magtatangka siya ay
mabilis akong nakakalayo.

"Lagot ka talaga sa akin kapag naabutan kita!" Banta niya sa akin.

"Kung maabutan mo ako?" I challenged him. I matched his grin.

He tried to come near me. Mabilis akong tumakbo ulit. Ngunit sa pagmamadali ko ay natisod
ako at tuluyang nahulog sa pool.
"Muriel!" At mabilis na nag-dive si Riley sa pool.

The next thing I knew, he was already holding me.

"I got you!" Pareho na kaming nakalutang sa tubig. "Are you alright?"

Tumango ako habang nauubo. Ang dami kong nainom na tubig! Pwe

Namalayan ko na lang nasa gilid na kami ng pool. Nauna siyang umahon. Pagkatapos ay ako
naman ang inalalayan niya para makaahon sa tubig.

Huminto na ang pag-ulan at pambon-ambon na lang. Nanatili akong nakahiga sa semento


habang nakapikit ang mga aking mata. Gusto ko lang palipasin ang takot sa akin dibdib. Muntikan
na ako doon. I was so careless.

"Muriel?"

When I opened my eyes, I saw his worried face. Nakayuko pala siya sa akin. Pilit akong
ngumiti. "I'm alright. And thanks to you. Thank you for saving my life."

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Umangat ang kamay niya at hinawi
ang ilang buhok na tumabing sa aking mukha. Then his face moves closer to me.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Damn, I think he was going to kiss me!

Bigla tuloy akong napabangon. Ngunit sa ginawa ko ay nagkaumpugan ang aming mga noo.

"Shit!"

"Aray!"

Pareho naming sapu-sapo ang namumula naming mga noo.

"Why did you do that?" Singhal niya sa akin.

"And what do you think you're doin?" Ganti ko naman sa kanya.

"Riley! Muriel!"
Sabay kaming napalingon ni Riley. Isang babae ang patuloy sa pagkaway habang
patungo sa direksyon namin. She was in all red cocktail dress. Pati ang suot niyang malapad na
sumbrero ay kulay pula rin.

I thought I was only hallucinating. Sa pagkakaalam ko kasi ay next week pa siya uuwi.

"Ma?" Si Riley. Parang hindi rin siya sigurado sa nakikita.

Ang lapad ng kanyang ngiti habang papalapit sa kinaroroonan namin. Sabay kaming napatayo
ni Riley.

"Riley my son!" Sinalubong nito ng mahigpit na yakap ang anak. "I miss you so-" Bigla itong
bumitaw sa pagkakayakap. "Why are you wet?" Pagkatapos ay lumingon siya sa akin. "At pati
ikaw?"

Hindi pinansin ni Riley ang tanong ng ina. "Ma, why are you here? Akala ko ba next week ka pa
uuwi?"

Sa wakas ay hinubad din nito ang suot na sumbrero. "Nagmadali talaga akong makauwi. May
mga bagay ako na kailangang ayusin rito." Tumingin siya sa direksyon ko at kinindatan ako.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. I never expected her. Buong akala ko ay hindi
na kami mapang-aabot hanggang sa makauwi ako sa Davao. At ngayon na nandito siya ay
nakadagdag pa siya sa problema ko. Now tell me? Paano pa ako makakaalis sa bahay na iyon
ngayong nandito na siya?

"Sa kumpanya?" Nagtatakang tanong ni Riley. "May problema ba, Ma?" Ngunit hindi siya
pinansin ng kanyang ina. At sa halip ay ako ang nilapitan.

"I'm happy to see you again, Muriel!"

"Same here Mam Lorie." Napilitan akong magsinungaling. Syempre siya kaya ang original kong
boss!

"I told you to call me Tita. Hindi ka rin naman iba sa akin."

Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango at pilit na ngumiti.

"So, how are you? Nag-e-enjoy ka ba sa pag-stay dito?"


I'm not okay at gustung-gusto ko nang umalis dito!

"O-okay naman po."

"Hindi ka ba minamaltrato nitong anak ko?"

"Ma?" Protesta ni Riley. "Watch your word!"

Tumawa lang si Mam Lorie, este Tita Lorie pala.

"Sorry son! Bigla na lang kasing nag-trigger sa isip ko ang word na iyon." At tumawa siya ulit.

I once said that minamaltrato word nang minsan magsumbong ako sa kanya ng magkaroon
kami ng pagtatalo ni Riley noon. Bakit kailangan pa niyang ipaalala iyon?

Pero base sa nakikita kong reaksyon ni Riley mukha naman na wala siyang naaalala.

And to my surprised, sinapo ng mga kamay ni Tita Lorie ang mukha ko. Pagtingin
ko sa kanya ay biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "I'm sorry for all the trouble I
brought in you. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa'yo hindi ko sana itinuloy ang
plano ko."

"T-tita?" I know exactly what she was talking about. Pero hindi ko inaasahan na sasabihin niya
iyon sa harapan ni Riley. "You don't have to say sorry. I'm doing fine!"

Umiling siya. "You're not okay. I know that. If you would only give me another chance, itatama
ko ang mga pagkakamali ko."

This is not the right moment para sabihin niya iyon. Kung kaya ko lang takpan ang bibig niya ay
ginawa ko na. At sa paglingon ko kay Riley, nakatingin lang siya sa aming dalawa ng nanay niya.
Salubong ang mga kilay at nakakunot ang kanya noo.

"Tita! Bakit hindi muna kayo pumasok sa loob ng bahay ng makapagpahinga kayo?" Inalis ko
ang mga kamay niya sa mukha ko. " Siguradong napagod kayo sa pagbibiyahe."

"She's right, Ma." Pagsang-ayon ni Riley. "Magpahinga muna kayo." Doon ako nakaramdam ng
relief.

"I'm fine iho!" Lumingon siya sa kanyang anak. "Oh don't give me that kind of look! I'm sorry
son. Huwag ka naman sana magselos kay Muriel."

Sumimangot si Riley. "Hindi ako nagseselos, Ma!"

Siya naman ngayon ang nilapitan ng kanyang ina. "Sus! Ang baby ko nagtampo kaagad. Don't
worry babawi ako sa'yo."

"Ma! Huwag nyo naman akong tratuhin na parang bata." Hindi naman siya makapalag nang
muli siyang yakapin nito.

"Na-miss ko talaga ang baby damulag ko!" Panay ang halik nito sa pisngi niya.

"Ma! Nakakahiya kay Muriel!"

Ang lakas ng tawa ni Mam Lorie. "She wouldn't mind. Right Muriel?" Lumingon siya sa akin.

Nagkibit balikat ako.

"Alam mo ba na malaki ang kasalanan ko sa batang ito!"

"Anong kasalanan?"

Magkaagapay sila mag-ina na naglalakad papasok ng bahay.

"Doon tayo sa loob at ikukuwento ko sayo."

Gusto ba talaga niya akong ipahamak? Akala ko ba itatama niya ang pagkakamali niya?

Jared nasan ka na ba? Get me out of this place!

Dumiretso kaming tatlo sa dinning area. At nalula kami sa dami ng nakahain na pagkain.

"Nana Tonya, alam nyo na uuwi si Mama?" Nagtataka na tanong ko sa kanya.

"Tumawag siya sa akin kagabi." Nakangiting sagot naman nito.


"Bakit hindi ninyo sinabi sa akin?"

"I want to surprise you, iho." Sabat naman ni Mama. "Same with Muriel."

Nang lingunin ko si Muriel ay nakita kong naka-pout siya. Kanina ko pa napapansin na parang
hindi siya masaya sa pagdating ni Mama. Pareho na kaming nakapagbihis at nakapagpalit ng
damit. And since then, hindi na siya muling nagsalita.

Naagaw ang atensyon ko sa pagtunog ng cellphone ko. Jared was calling.

"Excuse me." At lumabas ako ng silid bago sagutin iyon.

"Napatawag ka pare?"

"I'm on my way to your house. Susunduin ko si Muriel." Sabi nito sa kabilang linya.

"Aalis kayo?"

"Kahapon pa kita gustong makausap. Kaya lang biglang dumating si Samantha."

"Tungkol saan?" Naninibago ako sa tono ng boses ni Jared. He sounds really serious.

"I'm taking Muriel with me. Doon muna siya sa isa kong condo mag-i-stay."

So, totoo pala ang narinig ko kanina. She is really leaving.

"Tumawag ka ba para ipagpaalam siya?"

"I don't think kailangan ko siyang ipagpaalam sa yo. Gusto ko lang malaman mo para hindi ka
magulat sa pag-alis niya."

Bigla akong nakaramdam ng tensyon sa pagitan naming dalawa.

"I don't think na makakaalis siya, Jared?"

"Dahil pipigilan mo siya?"

"No! Dahil nandito na si Mama. Sa palagay ko hindi siya papayag na umalis rito si Muriel."

"What? Dumating na si Tita?"

Halos mailayo ko sa tenga ko ang cellphone sa lakas ng boses niya.


"Yes she's here. At kararating lang niya." Narinig ko pa siyang nagmura sa kabilang linya.

What's with him?

"Jared? Are you still there?" Pero end tone na ang narinig ko sa kabilang linya. Binabaan na
niya ako ng phone!

Sabay-sabay kami na kumain ng tanghalian. Supposed to be ay dapat katabi ko si Muriel. Pero


mas pinili niyang maupo sa katapat kong upuan. Akala ko pa naman ay okay na kami. Back to
normal na naman ang pagiging aloof niya sa akin. Kanina lamang ay masaya pa kaming
naghahabulan na parang mga bata sa ulanan. For the first time I saw her real smile. Iyon hindi pilit
katulad ng madalas niyang ipinakikita. Pero kakaiba talaga siya. At hindi ko masakyan ang mood
niya.

Habang kumakain ay si Mama ang madalas magsalita. Panay kuwento siya ng mga escapades
niya sa ibang bansa. Halos isang buwan din siyang nawala. At sa tingin ko naman ay mukhang
nag-enjoy siya ng husto sa pagbabakasyon niya.

"Sorry I'm late." Bigla na lamang sumulpot si Jared sa pagkamangha ng lahat maliban sa akin.
Ine-expect ko na ang pagdating niya. "Welcome back Tita!" Lumapit siya kay Mama at hinalikan
ito sa pisngi.

"Jared, I'm glad you're here."

"Of course Tita! Hindi ako pwedeng mawala sa eksena." He smiled sheepishly in return. Umikot
siya sa kabila panig ng mesa at puwesto sa tabi ni Muriel.

"You're here? Akala ko ba-"

"Hindi kita matiis eh!" At masuyo niyang pinisil ang tungki ng ilong ni Muriel. Tinabig naman ng
dalaga ang kamay niya.

"Sungit!" Pang-aalaska niya. Ngunit inirapan lang siya nito.

Itinuon ko ang mga mata sa pagkain na nasa haparan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit
nakaramdam ako ng pagkainis sa nakita kong eksena.
"You never change, Jared. Lagi mo pa rin inaasar si Muriel." Nakangiting sabi ni Mama.

"Old habits are hard to forget. Aray!"

Muling lumipad ang mga mata ko sa kanila. Tinapakan pala ni Muriel ang paa ni Jared.

"Nakita mo naman Tita, kung gaano ka-sweet sa akin si Muriel."

Mabenta talaga ang kalokohan ng kaibigan. Tawa ng tawa sina Mama at Nana Tonya.
Bagaman hindi nagsasalita si Muriel ay panay naman ang irap nito sa kanya.

"Peace!" Nakangising nag-peace sign si Jared rito. "Bati na tayo girlfriend!"

"Shut up Jared! Kapag ako hindi natunawan dahil sa'yo, I swear makakatikim ka sa akin ng
flying kick!"

"Sabi ko na nga ba mahal mo ako!"

Hindi na maipinta ni Muriel. Lalo tuloy humaba ang nguso niya.

"Are you courting her, Jared?" Tanong ni Mama.

Ngumisi siya. "Me? Courting her? Ako kaya ang nililigawan niya, Tita."

At muli silang nagtawanan maliban sa aming dalawa ni Muriel. I could see na nagtitimpi lamang
siya. Kung wala siguro si Mama, malamang ay kanina pa siya sumabog sa mga pang-aasar ng
kaibigan.

"Enough Jared!" Awat ko. "Let Muriel eat her meal first." Hindi ko na kasi matiis ang pang-aasar
niya sa dalaga.

"Okay! Madali naman akong kausap!" He said while smiling. Pero nakipagsukatan siya sa akin
ng tingin.

"I heard that Samantha was also arrived. Where is she Riley?"

Saka lang ako lumingon kay Mama. I almost forgot about her. Kung hindi pa siya
nabanggit ni Mama ay hindi ko siya maalala. At aaminin ko. Kanina habang magkasama kami ni
Muriel ay nakalimutan ko ang problema namin ni Samantha. Nakalimutan ko rin ang lungkot at
sakit na nararamdaman ko. And it's all because of her.

"I don't know, Ma." Matipid na sagot ko. Hindi ko kasi alam kung paano iiwas.

"What do you mean you don't know? Hindi pa ba kayo nagkikita?"

Hindi sinasadya ay nagkatinginan kaming dalawa ni Muriel. Ngunit siya rin ang unang umiwas. I
blew out a long sigh bago ako nagsalita. "We broke up. Kanina lang." Mabuti na rin siguro na
ngayon pa lang ay malaman na nila ang totoo.

"What?" Halos sabay ng bulaslas nina Mama at Jared.

"Eh kanina lang umaga okay pa kayo ng kasintahan mo." Komento ni Nana Tonya. Naging
saksi siya sa paglalambingan naming dalawa.

"What happened, Riley?" May pag-aalala sa tinig ni Mama.

"It's a long story, Ma. Saka na lang ako magpapaliwanag." At muli akong nagpatuloy sa
pagkain.

Tila may dumaan na anghel at biglang natahimik ang lahat.

Nang mag-angat ako ng mukha, I saw Jared leaning on Muriel. Tila mayroon siyang ibinubulong
rito. Ngunit nagkibit balikat lamang ang dalaga.

"Son!" Naramdaman ko na lang ang kamay ni Mama sa braso ko. Lumingon ako sa kanya.
"Everything is gonna be alright. Nandito lang ako."

Katatapos lamang naming kumain nang bigla akong hilahin ni Mama palabas sa aking
pagtatakaka.

"Ma! Where are we going?" Tanong ko habang nakalingon ako kina Muriel at Jared na naiwan
pa sa loob.

"Worried?"

Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Mapang-asar lang talaga si Jared. Pero hindi uubra ang kalokohan niya kay Muriel."

Lalong nagsalubong ang kilay ko.


She smiled at me. Pero hindi ko gusto ang klase ng pagkakangiti niya. "Jealous?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ma! What are you talking about?"

Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. "I'm just kidding son!" At tumawa siya ng malakas sa aking
pagkamangha. "Para kasing gusto mong ilayo si Muriel sa kaibigan mo?" Halos pabulong na sabi
niya at hindi iyon nakarating sa pandinig ko.

Naroon kaming dalawa sa study room. At hindi ko na kailangang hulaan kung bakit gusto niya
akong makausap ng sarilihan.

"Ma, I don't want to talk about it. Not now!" Hindi niya ako mapipilit magsalita. Eversince, hindi
naman ako nagkukuwento sa kanya lalo na kapag nagkakaproblema kaming dalawa ni Samantha.
At kahit hindi ako magkuwento malalaman din naman niya ang tungkol doon. She has sources.

"Fine! Hindi kita pipilitin." She finally gave up. At nakahinga ako ng maluwag.

"I'll be okay, Ma. Swear!"

Nagdududa na titinitigan niya ako. "Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi
mo?"

I rolled my eyes. Ang kulit talaga ng nanay ko!

Sinapo ng mga kamay niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. "I am your mother. Natural lang
na mag-alala ako para sayo."

"I know Ma. Sinong bang magiging okay after a break up? Siguro nga sa ngayon hindi ako
okay. But it doesn't mean that its the end of the world for me." I know what she's thinking. And I
understand her.

Then I saw her smiling. "At natutuwa ako dahil hindi ka na katulad ng dati. She made you
changed a lot. You deserve someone like her."

Muli naman nagsalubong ang kilay ko. Who is she? Si Samantha?

"But remember this son, whatever decision you make.. just follow your heart." Tinuro pa ng daliri
niya ang dibdib ko. "Just follow this. It will lead you to your true happiness. Ito ang mas
nakakaalam kung ano at sino ang mas nararapat para sayo. Believe me. Hindi ka nito bibiguin."

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. And I had this dread feeling na hindi si Samantha ang
tinutukoy niya. Then who?

Weird! For the first time in my life, ngayon ko lang nakita si Mama na ganon kaseryoso. And it
makes me shiver.

Parang gusto kong matawa sa nakikita ko kay Jared. Kanina pa siya lakad ng lakad sa harapan
ko. Hindi siya mapakali. Pabalik-balik lang siya at malalim ang iniisip.

"Mahihilo ka lang sa ginagawa mo!"

Ngunit parang wala siyang narinig. Tuloy pa rin siya sa ginagawa.

"Jared!"

Finally he stopped. "I really need to get you out of here! Kakausapin ko si Tita Lorie."

I almost rolled my eyes. "Iyan din ang sinabi mo kanina! Paulit-ulit?"

"Get your things. Aalis na tayo!"

Hindi ako kumilos sa kinauupuan ko. Nakapatong ang siko ko sa mesa at nakapangalumbaba
sa harap niya. "Do you think papayag si Tita na umalis ako rito?" Naisip ko na rin iyon kanina.
Now she's already here, everything is under her control.

And I have no other choice but to stay. Ganun lamang iyon kasimple. At tanggap ko na iyon.
Nakakapagod din ang mag-isip ng mag-isip pero useless naman. Dahil sa bandang huli ay
mabibigo lang kami.

"Eh di huwag nating ipaalam! Basta umalis na tayo." Lumapit siya sa akin at tangkang hihilahin
ako sa kamay.

"Baka nakakalimutan mo, she is my boss. Gusto mo ba akong mawalan ng trabaho?" Inirapan
ko siya at tinabig ang kanyang kamay. "Just give up Jared! No matter what we do, dito pa rin sa
bahay na ito ang bagsak ko."

"Damn it!" Bigla na lamang niyang tinulak ang silya na nasa kanyang harapan. "Kung napaaga-
aga lang sana ako, kanina ka pa sana nakaalis sa bahay na ito!" Nagulat ako sa naging outbust
niya. Bakit ba siya ang mas apektado kaysa sa akin?

"Relax! Maupo ka nga muna!" Itinuro ko sa kanya ang katabi kong upuan. "I know that you're
dead tired in your company. Kaya please, huwag mo na rin pagurin ang sarili mo nang dahil sa
akin. I'll be fine! Konting tiis na lang siguro. Hindi rin naman ako magtatagal at uuwi rin ako ng
Davao."

Ngunit hindi talaga siya marunong makinig.

"Where are you going?" Humakbang siya palayo.

"Kakausapin ko si Tita Lorie." Lumingon siya sa akin.

"Jared!" Napilitan akong tumayo para habulin siya. "Ang kulit! Di ba sabi ko huwag na? Hindi
mo kailangan gawin ito."

"Why? You changed your mind?" Humarap siya sa akin. "Ayaw mo na umalis?"

"Gusto ko pero-"

"Pero hindi mo kayang iwanan si Riley?"

"Of course not!"

"Ayaw mo nang umalis dahil nalaman mong nag-break na sila ni Samantha. At magkakaroon ka
na ng chance para mas mapalapit sa kanya."

I held my breath. Parang hindi si Jared ang kaharap ko. Kakaiba kasi siyang magsalita."Hindi
yan totoo!"

"Bakit sa palagay mo ba kapag nalaman ni Riley ang tungkol sayo ay matatanggap ka niya? Sa
palagay mo ba mahahalin ka rin niya katulad ng pagmamahal niya kay Samantha? No matter
what you do Muriel, mananatili ka lang na anino ni Sam sa buhay niya!"

Hindi ko inaasahan na marinig iyon mula sa kanya. His words hits me straight from my heart.

"Enough Jared." Pakiramdam ko ay sinampal ako ng malakas sa magkabila pisngi. The truth
really hurts something.

Tila doon lamang na-realized ni Jared ang mga sinabi. Biglang nagbago ang ekspresyon ng
kanyang mukha. "I-im sorry. I never meant-"

"Hindi mo kailangang ipamukha sa akin ang tungkol doon." I almost whispered. Pakiramdam ko
kasi ay may nakabara sa lalamunan ko. "Sa simula pa lang ay alam ko na kung saan ako lulugar
sa buhay niya. At wala akong balak ipagpilitan ang sarili ko sa kanya."

"Muriel..." He tried to reach me, pero umiwas ako. "I'm sorry."

"I understand." Pilit akong ngumiti. "They say that true friends always tells the truth even it hurts
you. And I must be thankful for having you as one."

He looked at me with sadness in his eyes. "When will you ever see me as a man who can love
you back more than you love him? Why him when it could be me?"

He loves me? Tama ba ang narinig ko. O isa na naman ito sa mga biro niya?

"Hindi ko alam kung talagang manhid ka lang o hindi mo talaga ako nakikita. Kung sabagay,
paano mo naman mahahalata? Wala akong ginawa kundi lokohin at asarin ka. At para sayo lahat
ng sabihin ko ay puro kalokohan lamang."

"You know me for being womanizer. At alam ko na iniisip mo na hindi ako marunong magmahal.
Iyon din ang akala ko dati. But you came along and suddenly you captured my untamed heart.
Can't help but fall inlove with my bestfriend pretend girlfriend."

"Jared, please dont!"

"I can't." Malungkot siyang ngumiti. "Kung ikaw nga hindi mo nagawang pigilan ang damdamin
mo para kay Riley, ako pa kaya?"

He's right! Hindi ko siya pwedeng utusan na gawin iyon. Pero hindi ko gustong makita siyang
nasasaktan. He is so special at nalulungkot ako para sa kanya.

"Jared..."

"Let me finish first. Naumpisahan ko ng umamin sa'yo at tatapusin ko ito. I'm not asking
anything in return Muriel. Maliwanag pa sa sikat ng araw na mahal na mahal mo siya kahit hindi ka
niya magawang mahalin. And I know the feeling. Iyon ang dahilan kung bakit ganon na lamang
ang pagpupursige ko na maialis ka rito. Ayokong makita kang nasasaktan nang dahil sa kanya."
"I'm sorry." Anong maari kong sabihin kundi iyon?

"Don't!" Umiling siya. "Don't say sorry. Ginusto ko ito. Its my choice."

Yumuko ako. I don't want to see the pain in his eyes.

"At katulad ng sinabi ko kanina, I will not ask anything in return from you. Pero sana lang Muriel,
sana lang dumating yung pagkakataon na ma-realize mo na karadapat-dapat akong mahalin
kaysa kay Riley. You don't deserved someone like him."

I bit my lower lip painfully. And then I found myself sobbing. Nang mag-angat ako ng mukha, I
saw him walking out through the door.

Subconciously ay naihiling ko na sana bumalik siya at bawiin ang lahat ng mga sinabi niya kani-
kanina lang. I don't want to lose someone like him. Not now. But when I heard the sounds of his
car engine, I knew my wish didn't come true.

If I could only teach my heart. sana...


Chapter Twenty Eight: DejaVu

Chapter Twenty Eight: DejaVu

"Good morning!"

I almost jumped in surprise. Hindi ko inaasahan ang masiglang tinig ni Riley na bumangad sa
akin ng umagang iyon.

"Come, sabay na tayong mag-breakfast."

Tila wala sa sarili na sumunod ako at umupo sa silya na hinila niya para sa akin. Nagtataka lang
ako sa magandang mood niya. HIndi ito ang Riley na ini-expect ko. He looks really fine. At sa
tingin ko pa nga ay mukhang masaya siya. Why? Hindi maalis-alis ang mga ngiti niya sa kanyang
mga labi.

Ito ba ang kagagaling lang sa isang break-up? O baka naman nagkaayos na sila ni Samantha
kaya ganon na lamang ito kasaya ngayon?

What you see on him is what you get. Ganon siya ka-transparent. At malamang nga ay
nagkabalikan na silang dalawa.

Even if I want to be happy for him, deep inside ay may lungkot pa rin akong nadarama. But I
rather choose to see him happier with Sam than see him hurting too much.

Hay... ako nga ba ito? Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Kailan pa ako natuto na maging
martir?

"Hey! Hindi ka mabubusog kong patuloy mo lang akong tititigan." Pinitik niya ang mga daliri sa
tapat ng mukha ko.

"Sorry!" Sabay yuko. "May iniisip lang ako."

"Tingin ko nga! Kanina pa ako salita ng salita rito pero hindi ka naman nakikinig."

"Sorry!" Ako ulit.

"You're forgiven! Basta ba ako ang iniisip mo at hindi si Jared."


Dahil sa sinabi niya ay napatingin ulit ako sa kanya.

"I'm just joking!" He said while smiling devishly.

Paano nasali si Jared sa usapan?

Lalong lumapad ang ngiti Riley. "Bakit ba napakadamot mong ngumiti?" At sa pagkamangha ko
nangbiglang umangat ang kamay niya at pinisil ako sa pisngi. "Ngiti ka naman dyan kahit konti!"

Sa halip na ngumiti ay sumimangot ako. Pinagtitripan ba niya ako?

"Here! Kumain ka na nga lang." Hindi na ako nakatanggi nang siya mismo ang maglagay ng
pagkain sa pinggan ko. "Baka kapag nalagyan ng laman ang tiyan mo ay magbago ang mood
mo."

Lalo lang tuloy akong napasimangot. Hindi ko naiwasang mairita sa kinikilos niya. Kung hindi ko
pa siya pinigilan ay baka mapuno na ng husto ang pinggan ko ng pagkain. Tinignan ko siya ng
masama. Ngunit dedma lang si Riley.

"Where are you going?" Narinig kong tanong niya nang bigla na lamang akong tumayo.

Dire-diretso ako sa may cup board na tila walang narinig. Magtitimpla na sana ako
ng kape nang makita kong naubos na ang asukal sa lalagyan. Isa-isa kong binuksan ang mga
kabinet. At sa wakas ay nakakita rin ako. Ngunit kahit anong gawin kong pagtingkayad ay hindi
maabot-abot ang pesteng asukal na iyon. At nag-umpisa nang mag-init ang ulo ko.

Nagulat na lang ako nang may biglang sumulpot na mahabang braso sa ere. At walang kahirap-
hirap na inabot nito ang plastic ng asukal. Doon ako napalingon sa tabi ko. Nakalapit na pala si
Riley nang hindi ko namamalayan.

"Here!" Inabot niya sa akin ang asukal. At nang mag-angat ako ng mukha ay nagkasalubong
kami ng tingin. His face was a few inches away from mine. I couldn't read his expression. Basta
nakatitig lang siya sa akin. Ako ang unang umiwas. Bumalik ako sa kinauupuan ko at ganon din
siya sa puwesto niya.

Hindi na ulit siya nagsalita at tahimik kaming kumain nang hindi nagkikibuan. At pabor para sa
akin iyon. Mas makakain ako ng maayos kung hindi niya ako kakausapin. Pero hindi rin nagtagal
ay muli siyang nagsalita.
"Muriel, sumabay ka na sa akin sa pagpasok."

Naka-silent mode pa rin ako. Patuloy ako sa pagkain.

"I won't take no for an answer. I am your boss."

I almost rolled my eyes. Hindi naman niya ako mapipilit kung talagang ayaw kong sumabay sa
kanya.

"Wala ka ba talagang balak na kausapin ako?" He said in a sad tone. But when I turned to him,
I received a smile instead. Taliwas iyon sa inaasahan ko. Nakatukod ang isang siko niya sa mesa
at nakapangalumbaba sa harapan ko. Amusement was written in his eyes. Subalit hindi ko
gustong bigyan ng ibang kahulugan ang nakikita ko sa kanya.

"Good morning!"

Sabay kaming napalingon ni Riley sa bagong dating.

Jared? Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita siya.

"Pare!" Nilapitan nito si Riley sabay tapik sa balikat. "How is your heart? Tumitibok pa ba?" He
asked him playfully. Pagkatapos ay ako naman ang nilapitan niya at pwesto sa bakanteng upuan
sa tabi ko. "Hello girlfriend!" Giving me his trademark smile.

Nakamata pa rin ako sa kanya.

"What?" Natatawang tanong niya. "Kung makatingin ka naman ay para kang nakakita ng
artista."

I gave him, are you okay? look. Pero tinawanan lamang niya ako sabay pisil sa tungki ng ilong
ko.

"Oo nga pala pre, narito na rin lang ako makikikain na ako ng almusal." Baling niya kay Riley.
"Hope you don't mind."

"No, I wouldn't mind. Sanay na ako na dito ka lagi nakikikain. Dahil alam ko umiiral na naman
angkakuriputan mo!"

"Of course not! Me kuripot? Look who's talking?"


Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa habang masaya silang nag-uusap. Ngunit ang
atensyon ko ay na kay Jared. Kung titignan ay siya pa rin ang typical na masayahing si Jared. And
he looks really fine.

Last night, I saw his other side. Taliwas sa Jared na kilala ko. After his confession, bigla na
lamang siyang umalis nang walang paalam. Nakailang ulit akong tumawag sa kanya pero hindi
niya sinasagot ang mga tawag ko. I was so worried about him. Ganon na lamang ang takot sa
dibdib ko. Nasaktan ko siya at naisip ko na baka hindi na siya ulit magpakita sa akin.

But he was now on my side. Hindi ko inaasahan na makita siya. Ganon pa rin siya, jolly at
hyper. Parang walang nagbago sa kanya. Pero imbes na matuwa ako sa nakikita ay parang gusto
ko siyang batukan. He was such a good pretender.

"Napansin ko lang. Talaga bang ganyan si Muriel kapag bagong gising?."

Muntikan na akong mabulunan nang marinig ang tanong na iyon ni Riley.

Tumawa si Jared. "Ganyan talaga siya. Tuwing umaga ay wala siya sa kanyang sarili at
lumilipad ang isip niya sa ibang planeta."

"At hindi nagsasalita?"

"Iyon ang talent niya. Kaya niyang hindi magsalita sa loob ng isang araw."

"Amazing!"

"Gifted child eh!"

"Very rare talent."

"Gusto mo subukan natin? What do you think?"

"Sige gusto ko yan!"

Ganito pala ang epekto kapag nagsanib puwersa silang magkaibigan!

At kung minamalas nga naman, ako pa ang napagtripan. Ang sarap pag-umpugin ng mga ulo
nila!
Mabilis na lumipad ang mga mata nila sa akin nang lumikha ng ingay ang kutsara ko na
nahulog sa sahig. Iyon lang pala ang paraan para tumigil sila. Sana pala ay kanina ko pa iyon
ginawa.

"Here!" Magkasabay nilang sabi at sabay rin sila sa pag-abot sa akin ng malinis na kutsara.

"Ito na lang ang gamitin mo." Sabay ulit silang dalawa.

Nag-random pick ako. Alangan naman na pareho kong kunin ang mga hawak nila. At yung
hawak na kutsara ni Riley ang kinuha ko.

Ang lapad ng ngiti ng loko!

"Ooops!" Napalingon akong bigla kay Jared. Hawak niya ang necktie niya na kanina lamang ay
maayos pang nakasuot. Hindi ako sigurado kung sinadya ba niyang guluhin iyon. "Muriel pwedeng
paayos?" At umusod siya palapit sa akin.

"Malay ko bang mag-ayos nyan!"

"Sige na!" Lalo pa siyang lumapit sa akin.

At dahil alam kong hindi siya titigil sa pangungulit ay pinagbigyan ko na rin siya. Basta ko na
lang binuhol ang kurbata niya. Wala talagang akong alam kung paano iyon gawin.

"Okay na yan! Thanks!"

Anong okay doon? Eh mukha kaya siyang tanga!

"Muriel paabot naman ng pandesal." Utos ni Riley.

"Muriel paabot din ako ng hotdog." Utos naman ni Jared.

Sumunod naman ako.

"Bacon please!"

"Fried rice please!"

Sumunod ulit ako.


"Patimpla ako ng kape." Si Riley ulit.

"Ako rin!" Si Jared na naman. "No cream."

Hinampas ko ng kamay ang mesa na ikinagulat nila. "Ano kayo sinusuwerte? Nakakahalata na
ako sa inyo! Ano ako utusan?" Huminto naman sila ng makita ang mala-angry bird na mukha ko.
Akala siguro nila ay mauuto nila ako.

Hindi na sila umimik at tahimik na kumain. At sa wakas ay makakain na rin ako ng maayos.
Kailan pang sindakin para tumigil sila. Ngunit hindi ko pa nalulunok ang kinakain ko ay heto na
naman silang dalawa.

"Ihahatid ko na si Muriel sa pagpasok." Si Jared na ngumunguya pa.

"Ako na lang. Iisa lang naman ang pinapasukan namin. At saka mapapalayo ang way mo sa
trabaho." Sagot naman ni Riley.

"Okay lang! Besides special request niya iyon. Baka magtampo siya sa akin."

Kailan pa ako nag-request sa kanya?

Ngunit bago pa ako makapag-react ay hinila na ako ni Jared patayo. "Let's go! Baka ma-late ka
sa work mo."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Maaga pa kaya!" At hindi pa ako tapos kumain.

"Anong maaga pa? Baka late na 'yang relo mo?" Muli niya akong hinila. At sa pagkakataong
iyon ay wala akong nagawa kundi sumama sa kanya. May subo pa akong tinapay sa bibig at
hawak na hotdog nang akayin niya ako sa nakaparada niyang kotse.

"I'll miss you


Kiss you
Give you my coat when you are cold...

"Pre' wala ka bang balak sagutin yang cellphone mo? Kanina pa yan!" Reklamo ni Jared nang
sulyapan si Riley mula sa rear mirror. Sa backseat kasi ito nakaupo.

"Nagpapatugtog lang ako."

"Kung gusto mo ng music pwede ko naman buksan ang stereo ko."


"No thanks! Mas gusto ko ito."

"Wala bang ibang kanta?"

"Favorite ko ito."

"Ang sakit kaya sa tenga. Kailangan ulit-ulitin?" Bulong ni Jared habang patuloy na nagda-drive.

Hindi ba talaga sila titigil?

Kanina pa silang ganyan. At para silang mga bata. At sumasakit na ang ulo ko sa kanilang
dalawa.

Supposed to be, hindi namin dapat kasama si Riley. Pero paalis na kami kanina nang sabihin
niyang ayaw raw umaandar ng kotse niya. Wala raw siyang choice kundi makisabay sa amin.

Sa akin okay lang naman. Pero nang lingunin ko si Jared ay hindi maipinta ang pagmumukha
nito. Hindi ako sigurado pero parang may something rivalry sa kanilang dalawa ni Riley. Bakit
kaya?

Finally ay nakarating din kami sa aming destinasyon. Na-i-park na rin Jared ang sasakyan. At
sa aking pagtataka nang tila nagmamadali silang bumaba ng sasakyan at naiwan akong mag-isa.
Mabilis na umikot si Jared papunta sa side ko pero naunahan siya ni Riley at ito mismo ang
nagbukas ng pintuan para sa akin.

"Shall we?" Yaya sa akin ni Riley.

Tumango ako.

Lumingon siya kay Jared. "Pre' mauna na kami. Thanks for the ride."

"Wait!" Pinigilan ako ni Jared sa braso. "Muriel, sabay tayong mag-lunch mamaya. Susunduin
kita."

"Okay!" Sumang-ayon na rin ako. Gusto kong bumawi sa kanya dahil sa nangyari kagabi.
"Papasok na ako." Tumango siya at ngumiti sa akin. Nauna akong naglakad papasok sa main
entrance ng building kasunod ko sa likuran si Riley.
Malapit na ako sa pintuan nang lumingon ako sa kinaroroonan ni Jared. Nakita ko siyang
sumakay ng kotse niya ngunit madilim ang mukha niya. Ilang sandali ay pinahuhurot niya ang
sasakyan ng ubod ng bilis. Hindi ko maiwasang magtaka.

Nagseselos ba siya kay Riley?

"Bilisan mo Muriel baka ma-late na tayo." Hinawakan ako ni Riley sa kamay at hinila papasok
ng entrance. Napasunod na lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa tapat ng elevator ay
mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kanya. Paano, lahat halos ng naroon ay nakatingin sa
aming dalawa!

"Good morning, Sir!" Bati nila kay Riley.

"Good morning." Ganting bati niya habang nakangiti. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin.

I went still. Kunwari dedma. Bahagya pa akong lumayo sa kanya. Baka kasi kung anong isipin
ng mga tao tungkol sa aming dalawa.

"Muriel!" Nang lumingon ako ay nakita ko sina Jena at Ichi sa aming likuran. At sa klase ng
tingin nila, naroon ang kuryusidad sa kanilang mga mata.

Finally, bumukas na rin ang elevator. Bahagya pang umatras ang mga naroon para mag-give
way kay Riley. Ganon din ang ginawa ko. Ngunit hindi ko inaasahan nang alalayan niya ako sa
braso at inakay sa loob ng elevator. Napipilitin na sumunod na lang ako.

Para ko na tuloy nakikinita na kaming dalawa ni Riley ang center of attraction ng tsismis sa
buong opisina. Iyon pa naman ang pinaayoko sa lahat.

Pahamak kasi itong si Riley! Nakakainis!

"Muriel!" Nag-angat ako ng mukha nang sumilip si Gail sa pintuan. "Pinapatawag ka ni Boss sa
office niya?" At sinulyapan niya si Adrian na busy sa ginagawa nito.

Sumimangot ako nang marinig iyon. Ano na naman ang kailangan ni Riley sa akin?

Palabas na ako nang may makasalubong akong delivery boy na mayroong bitbit na mga
bulaklak. Dire-diretso ako na tila walang nakita.
"Muriel, delivery daw para sayo?" Narinig kong tawag sa akin ni Adrian.

Huminto ako at kunot-noo na lumingon. "Para sa akin?" Itinuro ko pa ang sarili ko. "Sigurado
ka?"

"Maliban na lang kung may iba pang Muriel Gonzales rito." Pamimilosopo nito na hindi ko na
lang pinansin. Muli akong bumalik sa pwesto ko. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalapit nang
bigla akong pagkaguluhan ng mga kasamahan.

"Kanino galing?"

"How sweet!"

"Wow sosyalan! Bigatin ang admirer mo!"

"Galing ba yan kay Sir Riley!"

Biglang natahimik ang lahat sabay lingon kay Marjorie na siyang nagsalita. "What? May
masama ba sa sinabi ko." Pagre-react niya.

Hindi na lang ako kumibo at pinirmahan ang receiving document at inaabot iyon sa delivery boy.

"Basahin mo ang card kung kanino galing?"

I rolled my eyes. Mas excited pa sila kaysa sa akin!

"Hep! Anong kaguluhan ito?" Si Ichi na bigla na lamang sumulpot sa may pintuan. Kasunod nito
si Jena.

Ang lakas talaga ng radar ng mga kaibigan!

Nang makita nila ang malaking bouquet ng bulaklak sa table ko, sa isang iglap ay nakalapit sila
sa akin.

"Ikaw na girl! Ikaw na talaga! Grabe haba ng hair mo!" Exaggerated na sabi ni Ichi.

"Kanino galing? Kanino galing?" Paulit-ulit na tanong ni Jena na parang parrot.

At sa ikatatahimik ng lahat ay kinuha ko ang card at kinakabahan na binuksan iyon.

Subconciously, nahiling ko na sana si Riley ang nagpadala ng mga bulaklak sa akin. Pero alam
ko na imposible na mangyari iyon. Mukhang okay na sila ni Samantha. At wala ring dahilan para
padalhan niya ako ng mga bulaklak.

"What?" Saba-sabay nilang tanong na halos ikabingi ko. Hindi na nakatiis si Ichi ay hinablot
niya sa akin ang hawak kong card. Pagkatapos ay bigla na lamang nagtitili.

"Ohmaygad! Ohmaygad! Galing kay Papa Jared!" Kinikilig na sabi niya.

"Sino iyon?" Tanong ni Marjorie.

"Siya yung guwapong pamangkin ni Mam Lorie." Sagot ni Jena.

"Siya ba yung naghatid minsan ng pagkain kay Muriel?" Curious na tanong ni Jessica. Sabay
na tumango ang dalawa kong kaibigan.

"Waaaahhh ang guwapo-guwapo kaya nun! Mas guwapo pa kay Sir Riley!"

"Hindi lang guwapo, mayaman pa day!"

At para silang mga sira na nagtatalon habang kinikilig.

"Haba ng hair mo girl! Ikaw na talaga!" Si Ichi sabay hila ng dulo ng buhok ko.

"Eh paano na si Sir Riley?" Out of nowhere ay tanong ni Jena. Pinanlakihan ko siya ng mga
mata. Pero hindi pa rin siya tumigil. "Mas boto ako sa kanya para sayo."

Ang buhok naman niya ang hinila ko. "Sira! Asa ka pa na magkakagusto sa akin iyon!" Sabi ko.
"At isa pa may girlfriend na yung tao kaya tigilan na ninyo ang pagha-halucinate ng kung anu-
ano."

"Weh! Ano kaya ibig sabihin nang nakita namin kanina?" Si Jessica.

"May nalalaman pa kayong HHWW ni Sir Riley kanina." Panunukso ni Marjorie

"Hay naku! Magsibalik na kayo sa mga pwesto ninyo, mga tsismoso at tsismosa." Pagtataboy
ko sa kanila. "Tsu! Doon na kayo at wala kayong mapapala sa akin." Mabuti na lang at
nagsunuran silang lumabas maliban kina Jena at Ichi.

"Hindi mo kami mapapalayas!" Talagang umupo pa si Ichi sa upuan ko. "We demand for your
explaination!" Ipinukpok pa niya ng kamao ang mesa ko.
Si Jena naman ay umupo sa table ko habang patuloy na inoobserbahan ang mga dumating na
bulaklak. "Nakakainggit ka naman! Pangarap kong makatanggap ng ganitong kabonggang mga
flowers."

"Gusto mo? Sige sayo na lang."

Nanlaki ang mga mata niya na tumingin sa akin. "Seryoso?"

Tumango ako. "Sayo na lang. Hindi ako mahilig sa bulaklak."

"Waaahhh! Paano naman ako?" Reklamo ni Ichi.

Kinuha ko ang mga chocolates na kasama ng bouquet. "Eto na lang sayo."

Kumukuti-kutitap ang mga ni Ichi nang kunin iyon. "Salamat girl! I love yah!"

"Thank you friend." Sabi naman ni Jena habang yakap-yakap ang mga bulaklak.

Honestly hindi ako mahilig sa bulaklak. Hindi rin ako mahilig sa chocolates. Sumasakit ang
tonsil ko everytime na nasosobrahan ako ng matamis. Kaya kaysa masayang ang mga iyon,
ipamigay ko na lang sa mga friendship ko.

Hindi ko ini-expect na kay Jared manggagaling ang mga iyon. At wala rin akong idea kung iyon
na ba ang simula ng panliligaw niya sa akin. I thought he'd already gave up. Iyon ang
pagkakaintindi ko sa ginawa niyang pagba-back out kagabi.

"Muriel ano ba? Kanina ka pa hinihintay ni Sir?" Bigla bumungad si Gail sa may pintuan.

"Anong silbi ng telepono mo? Pwede naman tumawag di ba?" Pagtataray ni Ichi.

"Ikaw ba ang kinakausap ko?"

"Bakit ikaw din ba ang kinakausap ko?" Walang makakatalo sa super taas na kilay ng kaibigan.
Akala ko pa nga ay susugurin niya si Gail nang bigla itong tumayo. Iyon pala ay lumapit lang ito sa
kinaroroonan ni Adrian. "Sabay tayong mag-lunch ha? Sagot ko."

"Sure!" Hindi lumingon na sagot ni Adrian habang nakatutok pa rin sa monitor ang mga mata.
Nag-aapoy ang mga mata ni Gail na nakatitig sa dalawa. Selos? Ang lakas talagang mang-asar
ni Ichi!

"Pupunta na ako, Gail." Lumabas na ako at hinila ko siya sa braso palayo. Baka kasi bigla na
lang silang magrambulan sa loob. Sa nakikita ko na itsura niya ay parang susugurin na niya si
Ichi.

Hindi maipinta ang pagmumukha niya habang patungo kami sa office ni Riley. Taas noo akong
naglakad. Hindi ko pinansin ang mga bulung-bulungan ng mga taong naroon. As I expected, ako
ang pinagtsi-tsismisan nila dahil sa nangyari kaninang umaga.

Si Gail ang nagbukas ng pintuan. At pareho kaming napamulagat sa nadatnan sa loob ng


office. Naroon si Samantha at nagtatalo silang dalawa ni Riley. Bigla akong napaatras. Ganon din
si Gail. Ngunit bago pa niya maisara ang pinto ay nakita na kami ni Riley.

"Huwag kang aalis, Muriel! I need you now!"

Pareho kaming na-freeze ni Gail sa paghakbang.

"No! You can leave us now. Mag-uusap pa kami ng Sir nyo!" Utos naman ni Samantha.

"Just stay!"

"Riley!"

"Anuman ang sasabihin mo ay balewala kay Muriel. I need her to fix my computer."

Hindi ko tuloy malaman kung sino ang susundin sa kanilang dalawa. Ngunit bago pa ako
tuluyang makalabas ng pintuan ay naisara na iyon ni Gail at naiwanan ako sa loob.

"Come here, Muriel." Utos sa akin ni Riley at wala akong nagawa kundi lumapit sa kinaroroonan
niya sa tapat ng desktop. "Please fix this damn net. Kanina ko pa hindi ma-access ang email ko."

"Yes, Sir." Sagot ko nang puwesto ako sa tapat ng desktop niya.

"Ano nga pala yung sinasabi mo, Sam?" Muling tanong ni Riley sa nobya. Dahil okupado ko
ang upuan niya ay nakatayo siya sa tabi ko. Habang nasa tapat naman niya si Samantha na
nakatayo rin.
"Why are you doing this to me, Riley?"

"I made it more easier for you."

"By hurting me this much!"

"It's your choice, Sam not mine."

"No! I won't let you go. You can do this to me."

"Then choose me! Ganun lang kasimple iyon."

"What I'm asking is for you to understand me!"

"I'd tried! But I think I had enough."

Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Tama ba naman kasing magtalo sila sa
harapan ko?

"Why Riley? What made you changed? Is she the reason why?"

Nang mag-angat ako ng mukha, I saw Samantha looking at me furiously.

Teka! Paano ako nadamay sa gulo nila?

"Huwag mo siyang idamay rito, Sam. Walang kinalaman dito si Muriel."

"Akala ko ba hindi ko napapansin? Simula nang dumating siya rito bigla ka lang nagbago sa
akin."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."

"I know what I'm saying, damn you!" She almost hissed. Tuluyan nang kumawala ang kontrol
niya. Pagkatapos ay ako naman ang binalingan niya. Kung nakakamatay lang ang tingin na
ibinigay niya sa akin ay kanina pa sana ako tumumba. "You're nothing but a liar and a bitch!" Nang
susugurin niya ako ay mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko. Ngunit bago pa siya makalapit
sa akin ay napigilan na siya ni Riley.

"I said enough! Don't make a scene here!"

Ngunit ayaw niyang papigil. Patuloy siya sa pagpupumiglas. "Let go of me! Let go of me!" This
time ay sumisigaw na siya.
"Samantha!" Nagtaas na rin ng tinig si Riley. "Stop it!"

"No! I won't stop unless you fired her!" Sa pagpupumiglas niya ay natamaan niya ng braso sa
ulo si Riley. Nagulat na lang kami nang bigla na lang nag-collapse ang binata sa carpeted floor.

Napasugod ako sa kinaroroonan niya. "Riley?" Nakapikit siya habang sapu-sapo ang ulo. "A-
anong nangyari? May masakit ba sa yo?" Nagsimula nang bumangon ang pag-aalala sa dibdib ko.

Malakas na ungol ang tinugon niya. Mas lalo akong naalarma.

"Sam..." Nang tumingala ako ay nakatingin lang siya sa amin. Her eyes wide open. Itinulos siya
sa kanyang kinatatayuan. "Sam!" Nilakasan ko ang boses ko. Doon ko lamang nakuha ang
atensyon niya. "Kumuha ka ng ice compress at lagyan mo ng yelo."

"Huh?"

"Ang sabi ko kumuha ka ng ice compress at lagyan mo ng yelo!"

"S-saan ako kuku-"

"I don't care.' Hindi ko napigilang sumigaw. "Basta maghanap ka! I need it now!"

Tumalima naman siya at nagmamadaling lumabas ng silid.

"Rai?" Tinatapik-tapik ko ang pisngi niya. "Please answer me." Sunud-sunod ang kaba sa dibdib
ko.

"M-my head. It hurts." Finally he said.

"Masakit na masakit ba ang ulo mo? Kaya mo pa ba?"

Hindi siya sumagot. Nakapikit pa rin siya.

"Rai?" Muli ko siyang tinapik sa pisngi. Ngunit umungol lang siya.

Shit! Bakit ang tagal ni Samantha?

Bigla kong naisip si Jared. I need to call him. Kailangan ko ng tulong niya. Kinapa ko ang
cellphone ko sa bulsa ngunit wala iyon doon. Saka ko lang naalala na iniwan ko nga pala iyon sa
drawer ko.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Samantha at kasunod niya si Gail.

"Here!"

Kinuha ko kaagad ang inaabot niyang ice compress at inilagay iyon sa noo ni Riley. "I think
kailangan na natin siyang dalhin sa hospital." Sabi ko kay Samantha.

Nanlaki ang mga mata niya. "Baby!" Yumuko siya sa binata.

"Gail, please call an ambulance." Utos ko.

"No need!" Lahat kami ay nagulat at awtomatikong napatingin kay Riley. "I'll be fine. Nagdilim
lang ang paningin ko at sumakit ang ulo ko." He was still lying on the floor. At nakapikit pa rin ang
mga mata.

"I'm so sorry Baby! Hindi ko sinasadya. I swear. Hindi ko talaga sinasadya." She was sobbing
beside him.

"I said I'll be fine. Sumakit lang ang ulo ko."

Pero hindi ako naniniwala. Hindi isang simpleng pagsakit ng ulo ang nakita ko sa kanya kani-
kanina lang.

"Rai, kailangan mo pa rin madala sa hospital para matignan ka ng mga doktor." Sabi ko.

Ngunit hindi siya kumibo.

Tumingin ako kay Gail at sinenyasan ko siya na tumawag ng ambulance. Tumango ito at saka
sumunod. Kailangan naming makasiguro. Nangyari na kasi ito sa kanya dati.

Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako sa kamay. "Stay!" I heard him say. Wala sa loob na
napatingin ako kay Samantha na nakatingin rin sa akin.

"Baby, I'm here!" Hinawakan niya si Riley sa kamay. "I will stay If that is what you want."

Unti-unti ay nagmulat si Riley. Napigil ko ang hininga ng tumutok ang mga mata niya sa aking
mukha. Mataman niya akong pinagmamasdan. But I couldn't read his expression. Sinubukan kong
bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya ngunit lalo lamang humigpit iyon.
"I'm good! I'm fine! There's nothing to be worried about." Hindi ko napigilan na mahaluan ng
pagkainis ang boses ko habang kausap si Mama sa cellphone. Mabuti na lamang at hindi siya
pumasok. Siguradong magpa-panic iyon at baka ito pa ang madala nila sa ospital imbes na ako.

"Okay I promise!" Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata. "Magpapahinga lang ako
sandali at uuwi na rin ako. Magpapahatid na lang ako kay Manong Bay. Okay. Bye Ma."

Saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Nakaragdag sa sakit ng ulo ko ang pangungulit ni
Mama. Although I understand her reaction as my mother, sometimes nagiging OA na siya. And it
irrirates me.

Nilapag ko ang cellphone ko sa desk. Muling dinampot ang ice compress at ipinatong sa ulo ko.
Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag ang nangyari sa akin kanina. I was so scared to death. Akala
ko mawawalan ulit ako ng paningin. It already happened to me when I was still blind. But at that
moment bigla akong nakakita ng liwanag. Kabaligtaran naman ng mga nangyari ngayon. Suddenly
bigla na lang nag-black out ang paningin ko kasunod ng pagsakit ng ulo. But I could still hear the
same voice who took care of me before. I could still feel her presence. Parang kahapon lang
nangyari. At ng mga oras iyon ang daming alaalang bumalik sa isipan ko.

Hindi pa ako sigurado. Pero gusto kong alamin ang totoo. At sa pagkakataon na ito ay susundin
ko ang instinct ko.

"Sir, is there anything that you want?" Si Gail mula sa intercom.

"Call Lara Bienitez in London."

"Okay Sir!"

I need to talk with her. Siya ang unang tao na naisip ko na makakasagot sa mga katanungan na
gumugulo ngayon sa isipan ko.

Muling tumunog ang intercom. "Sir, Miss Lara Bienitez is now on the line."

"Thanks Gail!"

"Hello... Riley?"

"Hello Lara... How are you doin?"


"Bakit ka napatawag?" Narinig ko siyang umismid sa kabilang linya. "Himala at naalala mo pa
ako!"

Hindi ko napigilang tumawa sa tantrums niya. "I'm sorry sweetie, sobrang busy lang talaga sa
trabaho. Alam mo naman na nilipat na akin ni Mama ang pamamalakad ng kumpanya."

"I know! But you still don't even remember to call me after your operation. Anyway how are you?
"

"I'm doin fine! Lara, the reason why I call you..."

"what it is?"

"I just want to ask some question about Samantha?"

"What about her? Break na kayo?"

I choose not to answer her question. "May gusto lang akong itanong sa'yo tungkol sa kanya."

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang kalakas ang kaba sa dibdib ko. Ilang sandali
na lang at malalaman ko na ang totoo. At sana tama ang hinala ko.
Chapter Twenty Nine: Careless

Chapter Twenty Nine: Careless

"How is he?"

Nag-angat ako ng tingin kay Jared. He was busy toying his dishes. Magmula nang sunduin niya
ako para mag-lunch, ito ang unang pagkakataon na nagtanong siya tungkol kay Riley. Naikuwento
ko sa kanya ang nangyaring insidente kanina. Pero hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkol sa
paghi-hysterical ni Samantha.

"I think he's okay now." Sagot ko habang patuloy siyang pinagmamasdan. "Kaya lang ayaw
niyang magpatingin sa doktor."

"Hindi mo siya mapipilit kung talagang ayaw niya." Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. "Alam mo
naman kung gaano katigas ang ulo ng isang iyon."

"Okay ka lang ba?" Hindi ko napigilang itanong. Naninibago ako sa kinikilos niya. Kanina pa
siya tahimik. Kung hindi ko kakausapin ay hindi siya magsasalita. "May sakit ka ba?" Hinipo ko ng
palad ang noo niya. Hindi naman siya mainit.

"Pagod lang siguro ako."

Napabuntong-hininga ako. "Pagod ka na pala, sana hindi mo na lang ako niyaya na mag-lunch
dito."

"Nag-promise ako sa'yo."

"Kahit na! Sana nagpahinga ka na lang."

"Nag-aalala ka ba para sa akin?" Suddenly he asked. Doon lang siya nag-angat ng tingin sa
akin.

"Of course nag-aalala ako para sayo." Nagtataka na sagot ko.

"Bakit?"

"Anong bakit?" Lalong nagsalubong ang mga kilay ko.


"Bakit ka nag-aalala sa akin? Gusto kong malaman ang dahilan."

"Kailangan ba ng dahilan para mag-aalala ako sayo?"

"Just answer my question?" He demanded. Nakatitig siya sa akin at naghihintay ng sagot ko.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako nagsalita. "You're one of my best friend.
Natural lang na mag-alala ako sayo." Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin. "Now I know." He smiled bitterly. At tahimik na pinagpatuloy
ang pagkain.

Things couldn't be the same again between us. And I miss him so much. Mas gugustuhin ko pa
na mag-asaran kami hanggang sa mapikon ako kaysa yung ganito na parang lagi na lang may
tensyon sa pagitan naming dalawa.

How I wish I could erase his feelings for me as much as I wanted to erase my feelings for Riley.

Inihatid ako ni Jared sa office pagkatapos naming kumain. And to my dismay, hindi na talaga
siya nagsalita magmula ng umalis kami ng resto. Nang huminto ang kotse ay hindi ko na siya
hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Inunahan ko na siya.

"Muriel!" Narinig kong tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Tuluy-tuloy ako sa paglalakad.

Mas mabuti siguro na iwasan ko na lang siya. Ayoko siyang umasa. Mas lalo lamang siyang
masasaktan. Lalo lamang nagiging kumplikado ang sitwasyon. Noong una, si Riley lang ang
problema ko. I was really thankful dahil nandyan si Jared para masandalan ko. Pero sino ba ang
mag-aakala na mahuhulog siya sa isang tulad ko?

"Watch your step!"

Bigla akong napahinto. Muntikan ko pa siyang mabunggo. At nang mag-angat ako ng mukha,
nanlaki ang mga mata ko.

"Riley? What are you doing down here?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya. Ini-expect ko na
nakauwi na siya ng bahay. Kanina ko pa kasi nakita si Manong Bay at inaabangan siya para
maihatid siya pauwi.
Hindi siya sumagot sa aking pagtataka. Mataman siyang nakatingin sa akin. At hindi ko
maintindihan ang nagdaan sa mga mata niya.

Weird! Hindi ko maipaliwanag. Pero parang may biglang nagbago sa kanya.

"Pare!" Tawag ni Jared mula sa likuran ko. And to my surprised, he grabbed my hand. "Where
are you going?" Paglingon ko ay nasa tabi ko na siya.

Mabilis na lumipad ang mga mata ni Riley sa magkahawak naming mga kamay. Ngunit saglit
lamang iyon at muli siyang nag-angat ng tingin. "I'm going home. Jared, pwede mo ba akong
ihatid sa bahay? Wala akong dalang sasakyan." Nakangiting sabi niya at mabilis na inakbayan
ang kaibigan.

"Sure!" Hindi na nakatangi si Jared at nabitawan ang kamay ko. "How is your feeling anyway?"
Bahagyang sumigla ang tono ng boses nito.

"Good. And thanks to her." Tumaas ang sulok ng mga labi niya nang tumingin sa akin. "She
knew very well kung anong gagawin niya to make me feel better."

I fight the urge to stare back. Hindi ko matagalan ang mga titig niya.

"Muriel, pumasok ka na sa loob. Ihahatid ko lang si Riley." Utos ni Jared.

Lihim ko siyang inirapan. Hindi ko gusto ang tono ng boses niya. Hindi naman niya ako
kailangang utusan. Bago ako tumalikod ay sinulyapan ko si Riley. He was still looking at me.
Hanggang sa hilahin siya ni Jared ay hinahabol niya ako ng tingin.

Wala kaming imikan ni Riley sa loob ng sasakyan. Hindi ko maiwasang mailang. Ito ang unang
pagkakataon na nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa. And it's all because of one
woman- si Muriel.

I had to admit that there's a silent rivalry happening between us. Suddenly, bigla na lang siyang
nagka-interes kay Muriel. At dahil doon ay naalarma akong bigla. In the first place, wala akong
balak na makipagkumpetensya sa bestfriend ko. Alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi ko siya
mapapalitan sa puso ni Muriel. Pero kailangan kong protektahan si Muriel mula sa kanya. Hindi
dahil natatakot ako na baka tuluyan siyang mawala sa akin. Natatakot ako na baka malaman ni
Riley ang tungkol sa pagpapanggap at siguradong si Muriel ang pinakamasasaktan.
"Gaano mo na katagal kakilala si Muriel?" Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon mula kay
Riley. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko siyang nakatingin sa labas.

"Medyo matagal na din." Matipid na sagot ko.

"Minsan nakuwento sa akin ni Nana Tonya na nag-stay raw siya ng mga one month sa bahay."

I went still. Ganon na lamang ang pagpipigil ko na lingunin siya. "Really? Sinabi iyon ni Nana
Tonya?" I chuckled. "Baka naman nagkamali lang siya ng pagkakasabi."

Tumango-tango si Riley. "Siguro nga. Imposible naman kasi na hindi ko malaman na doon siya
tumira sa bahay seven months ago."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. How did he know it?

Bago ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"Break na kami ni Samantha. We're done."

Marahas na napalingon ako sa kanya. "What?"

"It's over between us." From the sound of his voice, parang nagkukuwento lang siya.

"Seryoso ka, pare?" Hindi ko siya magawang paniwalaan.

"Nakakapagtaka ba kung mag-break kaming dalawa?" Lumingon siya sa akin.

"Yes." I answered honestly. "I knew you. You can't easily let her go."

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na nagkamali
ako ng taong minahal?"

Nagsalubong ang mga kilay ko.

"I thought I loved her. When all along my heart belongs with someone else."

Suddenly I felt cold. "W-what do you mean?"

He just smiled at me. "Nothing! Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko." At muli siyang
tumingin sa labas ng kotse.

I was alarmed. Hindi ko kayang balewalain ang mga sinabi niya. Magmula kaninang umaga ay
kakaiba na ang mga kinikilos niya. Ayoko sanang isipin, pero duda ako na baka may alam na siya.
Ngunit umaasa pa rin ako na sana ay mali ang hinala ko.

Pasado alas nuwebe na ng gabi ako nakauwi. Ayoko sanang mag-overtime pero nahiya naman
ako sa mga kasamahan ko na mag-o-overnight pa sa office. May hinahabol kasi kaming deadline.
Halos lahat ay gusto na rin bumalik sa mga pinanggalingan nila. At kasama na ako roon. Gustung-
gusto ko ng umuwi ng Davao. Overdue na ang pag-i-stay ko. Supposed to be, two to three days
lang ako rito. Pero dahil sa mga hindi inaasahan na problema, na-extend kami ng isang linggo.
pang-apat na araw ko na ngayon. At tatlong araw pa ang hihintayin ko bago makapag-function ng
one hundred percent ang server sa buong kumpanya.

Nag-taxi na ako pauwi. Bukod sa pagod ay inaantok na ako. Panay tuloy paghikab ko. Halos
hindi ko na maidilat ang mga mata habang umaakyat ng hagdanan. Gusto ko nang mahiga sa
kama.

"Watch your steps, Baby Girl!"

Halos mapatalon ako sa gulat. Kung hindi niya ako nahawakan kaagad sa braso malamang ay
nahulog ako sa hagdan. Tumingala ako at tinignan ng masama si Riley. "Balak mo ba akong
patayin sa gulat?" Angil ko.

Napangiwi siya sa lakas ng boses ko. "Ssshhh.." Inilagay pa niya ang hintuturo sa tapat ng
nguso niya. "Balak mo rin bang gisingin ang lahat ng tao dito sa lakas ng boses mo?" He said with
amusement in his eyes.

Itinikom kong bigla ang bibig nang maalala ko na maaaring natutulog na si Mam Lorie.
Pahamak kasi itong lalaking ito!

"Hep! Where are you going?" Pigil niya sa akin nang tangka ko siyang lalagpasan.

"I'm tired, Riley!" Sinimangutan ko siya. "Wala akong panahong makipagbiruan sayo."
Lalagpasan ko na sana siya nang muli niya akong pigilan sa braso. "What?" I almost hissed.
Naiinis na ako sa kanya.
"Relax! Yayain lang naman kitang mag-dinner." He said while smiling.

"No thanks! Kumain na ako sa office."

"Hinintay pa naman kita para may makasabay akong mag-dinner."

"Why me?" Turo ko sa sarili ko. "Kung naghahanap ka talaga ng kasabay nariyan naman si
Buddy. Hindi ka na sana nag-abala na hinintayin ko."

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Bakit ba ang kulit mo?"

Lalo lamang lumapad ang pagkakangiti niya. "You never change. You are still the same."

Hindi ko na siya pinansin. Mas lalo lamang akong malo-low bat kung papatulan ko pa siya.
Nakalagpas na ako sa kanya nang bigla na lang niya akong pigilan sa kamay.

Naman! Ano ba ang gustong mangyari ng lalaking ito?

"Riley, ano ba?"

"Samahan mo lang ako sandali sa ibaba. Please..."

"Makakatikim ka talaga sa akin kapag hindi mo ako binitawan." Ngunit tila nanadya na lalo
lamang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Nakipaghilahan ako sa kanya. Pero wala akong panama sa lakas niya. Ayoko namang
magpatalo. Inipon ko ang natitira kong lakas at ubod ng lakas na nakipaghilahan sa kanya. Ngunit
sadyang malakas si Riley. At dahil low-bat na nga ako, hayun bumalandra ako sa kanya. At
tumama ang noo ko sa baba niya.

Napasalampak ako sa sahig habang sapu-sapo ang noo ko. I swear nakakita talaga ako ng
dancing stars. Hilung-hilo ako.

"Muriel..." Agad akong dinaluhan ni Riley.

"I hate you!" Halos mangiyak-ngiyak na sabi ko.


"I'm sorry."

"Go away!" Ngunit wala naman akong sapat na lakas para ipagtulakan siya. Nahihilo pa rin ako
at hindi ko maidilat ang aking mga mata.

"Sorry! Hindi ko talaga sinasadya." Pilit niyang inaalis ang mga kamay ko na nakatakip sa noo
ko.

Ilang sandali ay naramdaman ko na lang na may hangin na humahaplos sa noo ko. Parang
pamilyar sa akin ang ganitong eksena.

"Riley, what are you doing?" Naisip kong itanong kahit ang totoo ay alam ko kung ano ang
ginagawa niya. Doon ako nagmulat ng mga mata. Nakita ko ang mahaba niyang nguso na patuloy
sa paglabas ng hangin.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata. Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin siya na
mawawala ang sakit sa pamamagitan ng blowing technique niya. Ngunit sa ginagawa niya, imbes
na mawala ang sakit ay hinihila ako ng antok. Heavens! Parang gusto ko nang mahiga sa sahig.

Bahagya ko siyang itinulak palayo. "Enough! Hindi ako lobo, okay?" Kung hindi ko siya pipigilan
malamang ay makatulog na ako ng tuluyan. "Walang mangyayari kung patuloy mo akong
gagamitan ng blowing technique mo. Mauubusan ka lang ng oxygen." Ngunit sa pagtayo ko ay
sumabay din siya sa pagtayo at nakaumpugan ang aming mga noo. Muli akong napasalampak sa
sahig.

"Riley naman eh!" Sapu-sapo ko ulit ang ulo ko. "Nananadya ka bang talaga?"

"Bigla ka kasing tumayo!" Sapu-sapo niya rin ang ulo niya.

"Ako pa ngayon ang sinisisi mo!" Tinulak ko siya palayo sa akin sa sobrang inis ko. "Huwag ka
ng lalapit sa akin!"

"Muriel..."

Hindi ko siya pinansin.

"Muriel..."

Manigas ka dyan!

Naramdaman ko na lang nang umaangat ako sa sahig. Binuhat pala ako ni Riley.
"Huy! Ibaba mo ako!"

Parang wala siyang narinig. Tuluy-tuloy siya patungo sa kanyang kuwarto.

Wait! Bakit sa kuwarto niya? Eh may sarili naman akong kuwarto!

"Riley ibaba mo ako!" Nagsimula na akong mag-panic. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko
ibaba mo ako!"

"Ssshhh.." Saway niya pero hindi tumitingin sa akin. "Kung hindi ka titigil ihahagis kita sa
hagdanan!"

Wala akong pakialam kahit totohanin pa niya ang banta niya. Dalawang hakbang na lang at
malapit na kami sa pintuan ng kuwarto niya.

"Hindi dyan ang kuwarto ko?"

"Alam ko."

"Bakit mo ako dyan dadalhin?"

Saka lang yumuko si Riley sa akin. "Hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto ko." Sinipa niya iyon
at bumukas. "See? Kung dadalhin kita sa kuwarto mo hahagilapin mo pa ang susi mo. And I don't
have much time to wait dahil konting-konti na lang ay mabibitawan na kita. Ang bigat mo kaya!"

"Sinabi ko ba sayo na buhatin mo ako?"

Hindi na siya sumagot. Tuluyan na kaming nakapasok sa kuwarto niya. At maingat na ibinaba
niya ako sa kama.

"Patingin nga!" Inalis niya ang kamay kong nakatakip sa noo ko. "Shit!" Napapitlag ako nang
bigla na lamang siyang nagmura. "Dyan ka lang! Huwag kang aalis!" Utos niya sa akin at saka
nagmamadaling lumabas ng kanyang silid at para muling bumalik. "Stay where you are!" At
nawala na siyang tuluyan sa paningin ko.

Muli kong dinama ang noo. Oh shit! Mayroon akong nakapa na nakaumbok doon. Napatayo
ako at mabilis na lumapit sa wall mirror.
Ang laki ng bukol ko sa noo. At kulay purple pa!

"Muriel!" Humahangos na pumasok ng silid si Riley. May hawak-hawak siyang ice cubes sa
mga kamay. "Hindi ko makita yung ice compress. Pwede na siguro ito."

Mula sa salamin ay tinignan ko siya ng masama. Ganon na lamang ang pagpipigil ko sa sarili
na may masabing hindi maganda sa kanya. Walang kibo na lumapit ako at kumuha ng ice cube.

"Agh!" Napangiwi ako. Napadiin ang pagkakadampi ko ng yelo sa noo ko.

Lumapit sa akin si Riley. Ang ice cubes na hawak niya kanina ay inilagay niya sa isang maliit na
towel.

"Aww!"

Na-freeze sa ere ang kamay niya. "Hindi pa nga sumasayad sa noo mo uma-aww ka na dyan!"

Napahiya ako doon! "Practice lang!" I pouted. Ilang sandali ay naramdaman ko ang malamig na
bagay na dumampi sa noo ko. Hindi naman pala masakit. OA lang ako.

Hindi na ako nagsalita at ganun din siya. Pero para naman akong matutunaw sa mga titig niya.

"Ako na nga!" Tinangka kong agawin sa kanya ang hawak niyang towel. Ngunit iniwas niya iyon
sa akin.

"Ako na lang!" Ganun pa rin siya hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.

May dumi ba ako sa mukha?

"Where do you get that scar?" Suddenly he asked. Sa kamay ko pala siya nakatingin at hindi sa
akin.

Wala naman sa loob ko na tinignan ang pilat na sinasabi niya. "I can't remember anymore."
Which was partly true. I don't bother to remember it. It was one of my worst day with him. He got
mad and jealous with no reasons at all. Ang sungit-sungit pa niya nung time na yun.

"You can't remember Or you don't want to remember?"

Nagkibit-balikat ako. Hindi ko naman kailangan sagutin ang tanong niya.


"Does it still hurt?" Tinusok-tusok pa niya ng hintuturo ang pilat ko.

Tinabig ko ang kamay niya. "It's already a scar. Natural, hindi na masakit." At sinamantala ko
ang pagkakataon na maagaw sa kamay niya ang hawak na towel. "I got to go. I'm tired and I want
to go to sleep." Tumalikod ako at humakbang patungo sa pintuan.

"Sam!"

Bigla akong pumihit paharap sa kanya. "Ano na nama-" Nabitin sa lalamunan ko ang sasabihin
nang ma-realize ko ang pangalan na tinawag niya sa akin. Parang gusto kong batukan ang sarili
ko. Ang tanga-tanga ko.

Ganon na lamang ang kaba ko sa dibdib nang humakbang siya palapit sa akin. Ang una kong
naisip ay ang tumakbo. Pero magmumukha naman akong obvious kung gagawin ko iyon. "M-may
kailangan ka pa ba?" Naisip kong itanong.

Hindi kumibo si Riley. Nanunukso naman na lalo pa siyang lumapit. Patuloy naman ako sa pag-
atras. Hanggang sa namalayan ko na lang na pader na pala ang nasa likuran ko. At bago pa ako
makaiwas ay na-corner na niya ako. Ang isang kamay niya ngayon ay nakatukod sa pader, just
above my shoulder.

"Riley, hindi ko gusto ang ganyang biro!" Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit niya.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Mukha siyang seryoso.

Nang makita kong umangat ang kamay niya ay napapikit ako at hinintay na lang ang gagawin
niya sa akin. Pero sa pagkamangha ko nang kunin niya ang hawak kong towel na nakapatong pa
rin sa noo ko.

"Natunaw na ang yelo. Lalagyan ko lang ulit." Narinig kong sabi niya. Saka lamang ako dumilat.
At nakita ko siya na tinungo ang pinaglagyan niya ng mga ice cubes.

Oh my gosh! Nasapo kong bigla ang dibdib ko. Muntikan na akong himatayin doon!

Nang muling bumalik si Riley ay hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Para kasing
tinulos ako roon at hindi ko maigalaw ang mga paa.

"Here!" Kinuha niya ang kamay ko at inilagay roon ang towel. Siya na rin mismo ang nag-angat
ng kamay ko patungo sa noo ko. Nakita kong umangat ang sulok ng kanyang labi."Don't worry.
Iimpis din iyan bukas ng umaga." Ang tinutukoy niya ay ang bukol ko sa noo.
"Okay!" Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko. There's something in him that I couldn't even give
a name. He's acting really weird. And the way he looked at me, it seems like something has
changed. Hindi tuloy mawala-wala ang kabog sa aking dibdib.

"Go to your room and rest." Umiwas siya ng tingin sa akin at pinakawalan ako.

Saka lamang ako nakaramdam ng relief. Finally, makakaalis na rin ako doon. Ngunit bago ko
pa maiangat ang paa ko nang pigilan niya ako. And to my surprised, Riley claimed my mouth and
gave me a devastating kiss. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang itulak siya. Pero
nakakapagtaka na hindi ko magawa. Unwillingly I closed my eyes. Then I found myself responses
to his kisses. Ang lahat ng pag-aalinlangan sa isipan ko ay tuluyang naglaho.

"Rai..." Hindi ko namalayan na lumabas iyon sa bibig ko.

His kisses become deeper. I know that this is not right. But who cares? Hindi na ako makapag-
isip ng tama. When Riley finally released me, my heart was beating so fast that I could hardly
breathe.

"I just don't know what to do with you anymore." He spoke huskily habang nakatitig sa mga labi
ko. "You're making me crazy."

Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay nakalutang ako sa alapaap. Daig ko pa yata ang na-
high sa droga.

"And I can get rid of you." He murmured as he touched his forehead to mine.

"Awww!" Ang bukol ko!

He chuckled. "Sorry! I forgot!" And gave me a kiss on my forehead. "Masakit pa ba?"

Umiling ako.

"Muriel..."

"Hmmm..."

"We need to talk..."

Nagsalubong ang mga kilay ko.


"May dapat tayong pag-usapan."

Napatitig ako sa kanya. Kakaiba kasi ang tono ng boses niya.

"Muriel, I-"

Bigla na lamang bumukas ang pintuan at pumasok si Nana Tonya.

Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko si Riley palayo.

"Muriel!" Kahit si Nana Tonya ay nagulat nang makita ako.

"May kailangan kayo sa akin, Nana Tonya?" Tanong ni Riley na hindi man lang nagulat sa
biglang pagsulpot nito.

"May gustong kumausap sayo." At mula sa kanyang likuran ay sumulpot si Samantha.

Oh my! Pinanlamigan ako ng katawan.

Samantha's eyes widened when she saw me.

"Hindi ka na sana nag-abala Nana Tonya na ihatid siya rito." Tila balewala kay Riley na makita
ang dating nobya.

"Anong ginagawa niya rito?" Nakatuon sa akin ang mga mata ni Samantha.

Humakbang si Riley at huminto sa tapat ko. Covering me with his body. As if protecting me from
her.

"Ikaw ang dapat kong tanungin, Sam. Ano ang ginagawa mo rito? Alam mo ba kung anong oras
na?"

"You didn't answer my question Riley? What she's-"

"It's none of your business!"

"But-."
"Do I have to repeat what I've said this morning? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?"

Hindi nakakibo si Samantha.

"Gusto mong pag-usapan natin ulit? Sige pagbibigyan kita." He challenged her. Lalo itong hindi
nakakibo.

Bahagya akong napapitlag nang biglang humarap sa akin si Riley. Ipinatong niya sa noo ko ang
hawak niyang towel na may yelo. "Go back to your room and rest." Sa ilalim ng tinig niya ay
naroon ang pag-aalala. At banayad niya akong itinulak palabas ng pintuan. "Nana Tonya,
pakisamahan po si Muriel palabas." Sumunod naman sa likuran ko ang matanda.

"Mayroon bang nangyayari na hindi ko alam?"

Na-freeze ang kamay ko sa pagpihit ng doorknob nang marinig iyon. Lakas loob na lumingon
ako kay Nana Tonya. Mataman siyang nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha.
"Wala po." Pagsisinungaling ko. Mabuti na lamang at hindi na rin siya nag-ungkat pa.

"Kukunin ko lang ang ice compress sa ibaba." Sabi niya ngunit pinigilan ko siya.

"Huwag na po! Hindi na kailangan."

"Sigurado ka?" Muli niya akong tinitigan.

Tumango ako. "Matutulog na rin po ako."

"Ikaw ang bahala." At tumalikod na si Nana Tonya at iniwan ako.

Saka lamang ako pumasok ng aking silid.. Nang maisara ko ang pintuan ay napasandal ako
roon at tila nanlulumo na dumausdos pababa haggang sa sumalampak ako sa sahig.

What I have done? I was so careless.

Sinubsob ko ang mukha sa aking mga palad. Saka ko lamang na-realize ang mga nagawa ko.
Hindi ko akalain na magagawa ko iyon. Saan na napunta ang pinagmamalaki kong self control?

Now, I'm really in a big trouble. Siguradong alam na ni Riley ang nararamdaman ko para sa
kanya. Ganon na lamang ang takot sa dibdib ko. Dahil hindi rin malayo na malaman niya ang
tungkol sa ginawa kong pagpapanggap noon.

Maaga akong gumising kinabukasan. At sinadya ko talagang agahan para hindi magtagpo ang
landas namin ni Riley.

"Aalis ka na kaagad?" Naroon ang pagtataka sa mukha ni Nana Tonya nang makita niya akong
paalis. "Hindi pa ako nakakapagluto ng agahan."

"Okay lang po. Bibili na lang po ako sa labas. Nagmamadali po kasi ako." At wala na siyang
nagawa ng tuluyan akong lumabas ng bahay.

Mabuti na lang din at may nadaanan akong 24/7 na Mc Donalds at doon na lamang akong nag-
almusal. Pagdating naman sa office ay dumiretso ako sa table ko at inabala agad ang sarili kahit
hindi pa oras ng trabaho.

"Sobrang aga mo naman yata!" Bungad sa akin ni Joseph nang pumasok ng silid.

Tila wala akong narinig at nagpatuloy sa ginagawa.

"Sungit! Ano yan?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at may itinuro sa noo
ko.

I almost forgot about my bukol! Geez... hindi ko man lang natakpan ng concealer. Kung
sabagay nang umalis ako kanina sa bahay ay nagsuklay lang ako at hindi na nag-abala na ayusin
ang sarili ko.

"Bukol ba yan?" Lalo lamang niyang inilapit ang mukha sa akin.

Dinampot ko ang makapal na folder sa harapan ko at itinapal iyon sa mukha niya. "Sabi ni Mam
Elvie, review-hin mo raw ang mga files na nabura sa system!"

"Good morning everyone!" Masayang bungad naman ni Adrian.

Mabilis na nilapitan ito ni Joseph. "Aga mo naman pumasok! Diba nag-overnight kayo?"

"Hanggang eleven lang kami kagabi. Biglang nagkatakutan eh."

Kumunot ang noo ni Joseph. "Nagpakita naman ba ang batang lalaki?"

"Daw. Si Marjorie kasi ang nakakita."

Dedma pa rin ako sa usapan nilang kakatakutan. Wala ako sa mood makinig. Dahil hanggang
ngayon ay lumilipad pa rin ang isipan ko.

"Muriel wala ka bang balak na sagutin ang cellphone mo? Kanina pa nagri-ring!" Si Adrian.

Tila doon ko lamang narinig ang ringtone ng cp ko. Pero teka? Saan ko na naman nailagay
iyon?

Madalas ay nami-misplace ko ang cellphone ko. Kagabi nga lang, halos baliktarin ko ang buong
bag ko pero hindi ko iyon makita. Inisip ko na lang na baka naiwan ko sa drawer ko sa office. Pero
kanina paggising ko, nagulat nalang ako nang makita ko iyon sa ibabaw ng side table katabi ng
alarm clock. Wala iyon doon kagabi. O baka naman hindi ko lang napansin. Nag-uulyanin na yata
ako sa dami ng problema ko.

Nakita ko rin sa wakas ang maingay kong cellphone. Natakpan lang pala ng mga nakakalat na
folder sa table ko.

Number lang? Iyon ang nakita kong nag-registered sa screen. Nagdalawang isip pa nga ako na
sagutin iyon.

"Utang na loob, Muriel! Sagutin mo na yan! Ang sakit na sa tenga!" Reklamo ni Joseph.

Napilitan tuloy akong sagutin iyon. "Hello..."

"Where are you?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na tinig sa kabilang linya. Paano nakuha
ni Riley ang number ko?

"I said where are you?" From the sound of his voice, mukhang mainit na naman ang ulo niya.

"Nandito na ako sa office."

"Bakit hindi mo ako hinintay? Sabay na sana tayong pumasok?"

"Marami akong trabaho na kailangang tapusin."

Hindi siya kumibo. Pero narinig ko siyang nagbuntong hininga. "I'm on my way now. Nag-
breakfast ka na ba?"

"Don't bother. Kumain na ako." I answered coldly. Hindi ko na gusto ang inaakto niya. "May
sasabihin ka pa?"
"Magkita na lang tayo sa office." Iyon lang at nawala na siya sa kabilang linya.

Paano ko ba iiwasan ang isang ito?

Ganon na lamang ang pasasalamat ko dahil naging abala si Riley buong araw sa trabaho.
Halos hindi na nga siya lumabas ng opisina niya. Gayunpaman, hindi siya nakakalimot na
tawagan ako sa cellphone. Checking me if I'm alright, kung nag-lunch at nag-meryenda na ba ako.
He was acting really weird. Umaakto siya na parang boyfriend ko. And it irritates me even more.
Lalo lamang niyang pinalala ang sitwasyon. Ini-off ko tuloy ang cp ko sa inis. Wala akong
pakialam kahit magalit pa siya.

Ilang sandali ay nag-ring naman ang telepono sa table ko. Halos tumirik ang mga mata ko.
Talagang gagawa siya ng paraan para makausap ako. Sinenyasan ko si Joseph na sagutin ang
phone.

"Kapag may naghanap sa akin sabihin mo wala ako sa pwesto ko." Mabuti na lang at
napasunod ko siya sa matamis kong ngiti.

"Hello... Sir Riley! Wala po si Muriel sa pwesto niya." Tumingin sa akin si Joseph. "Baka po nag-
CR lang. Sige po, pagbalik niya papuntahin ko na lang siya sa office nyo."

What the hell? Ako pa ngayon ang pupunta sa office niya.

Nakangising bumaling sa akin si Joseph. "Narinig mo naman siguro yung pinag-usapan


namin?"

Padabog akong tumayo at lumabas ng kuwarto. Pero imbes na sa opisina ni Riley ako
magpunta ay dumiretso ako ng restroom. Ngunit pagpasok ko ay parang gusto kong umatras.
Hindi ko inaasahan na makita roon si Samantha.

Ano ang ginagawa niya rito? Sinusundan ba niya ako? O si Riley?

Awtomatikong umaangat ang kilay niya nang makita ako mula sa salamin. Pero hindi siya
nagsalita. Nagpatuloy siya sa pagre-retouch na parang hindi ako nakita.

Hindi ko na lang din siya pinansin at dumiretso ako sa isa sa mga cubicle. Sana lang sa
paglabas ko ay wala na siya roon. Pero hanggang sa lumabas ako ay naroon pa rin si Samantha.
Mukhang sinasadya niyang hintayin ang paglabas ko. Palabas na sana ako nang marinig ko
siyang magsalita. Napahinto ako.

"Maybe you won this time. But don't ever think that he will love you because of who you are."
Pumihit siya paharap sa akin. "Gusto ko lang ipaalala sayo na minsan nagpanggap ka bilang ako.
At kung anuman ang nararamdam ni Riley ngayon para sayo, hindi rin magtatagal iyon. Dahil sa
bandang huli, mare-realize niya na ako pa rin ang totoong mahal niya at hindi ikaw."

Damn! She had a point!


Chapter Thirty: Surprise Guest

Chapter Thirty: Surprise Guest

MURIEL

"Okay ka lang?" Hindi ko namalayan si Adrian na nasa harapan ko na pala. Nag-angat ako ng
ulo.

"Masakit lang ang ulo ko." Pagdadahilan ko.

Inilapit niya ang mukha sa akin at tinitigan ako. "Weh? Baka naman ang puso mo ang masakit!"

Tinignan ko siya ng masama.

Nag-peace sign siya sa akin. "Joke lang!" Sabay abot sa akin ng isang folder. "Pinabibigay ni
Marjorie. Pa-doble check na lang

Buwisit! Akala ko concern, mang-aasar lang pala.

Aahhh! Nasapo ko ang ulo nang biglang sumakit iyon. Sinabi ko lang na masakit bigla naman
sumakit.

Inabot ko ang tumbler ko na nasa gilid ng mesa at tinungga ang lahat ng laman nyon.
Nakakalimang timpla na yata ako ng kape at parang tubig lang iyon sa akin. Pagkatapos ay
huminga ako ng malalim at binalikan ang naudlot na trabaho. Pero kahit anong gawin kong pag-
focus ay palaging lumilipad ang isip ko.

I think I need a break.

Magmula nang bumalik ako sa puwesto ko ay hindi na makapagtrabaho ng maayos. Ang bigat-
bigat ng pakiramdam ko na tila gusto ko nang mahiga at matulog na lang. Naisip kong mag-
undertime. Pero kaagad din nagbago ang isip ko nang maalala ko ang hinahabol naming deadline.
Kailangan kong makisama. Wala na nga halos ako nako-contribute sa kanila tapos iiwanan ko pa
sila sa ere.

I closed my eyes and tried to relax my mind. Baka sakaling bumuti ang pakiramdam ko.
Mukhang umeepekto naman.

"Muriel phone!"
Napadilat tuloy ako ng wala sa oras. Na naman?

Ito na yata ang panlimang tawag ni Riley. Pero lagi na lang akong pinagtatakpan ng mga
kasamahan ko ayon na rin sa utos ko. Pero sa pagkakataong ito, mukhang wala na akong kawala.

"Utang na loob Muriel!" Pagsusumamo ni Joseph nang iabot niya sa akin ang telepono.
Nakatakip ang isang kamay nito sa mouthpiece. "Kausapin mo na si Sir. Mukhang mainit na ang
ulo niya. Baka ako pa ang mapagbalingan niya!"

Napabuntong-hininga ako.

"Kung anuman ang LQ ninyong dalawa pag-usapan nyo. Huwag kayong mandamay ng iba.
Aray!"

Mula sa ilalim ng mesa ay sinipa ko siya sa paa. Dahil sa sinabi niya ay napatingin tuloy lahat
sa akin ang mga kasamahan ko. Naroon ang kuryusidad sa mga mata nila.

Hinablot ko sa kanya ang telepono. Wala na talaga akong ibang choice kundi sagutin ang
tawag na iyon.

"Hello..."

"Why are you always not in your place?" Halos mailayo ko ang telepono sa tenga dahil sa lakas
ng boses ni Riley. Mainit nga ang ulo niya. But who cares? "I've been calling you but you're always
not around. Are you avoiding me? And why do you turn off your cellphone?"

Inaasahan ko na iyon ang maririnig ko mula sa kanya. Pero gayunpaman ay nag-init pa rin ang
ulo at hindi ko na na-control ang temper ko. "I'll be there in your office in a minute." I said a cold
voice. At pabagsak na ibinaba ang telepono.

"Marj pasingit lang sa printer." Hindi lumilingon na sabi ko habang abala sa paghahanap ng
document file sa computer ko. Out of nowhere, naisip kong gawin ang file na iyon kanina. Pero
hindi ko naman akalain na magagamit ko iyon sa mismong araw na ito.

Pagkalabas ng papel sa printer ay kinuha ko iyon at walang salita na nagmartsa palabas ng


kuwarto. Hindi ko pansin ang mga kasamahan ko na nakasunod ng tingin sa akin at marahil ay
nagtataka sa kinikilos ko.
"Muriel kain tayo sa labas after wo-" Hindi na naituloy ni Ichi ang sasabihin ng lagpasan ko siya
na tila hindi ko siya nakita. "Anong probleman nun?" Nagtatakang sinundan niya ako ng tingin.

"Malay ko!" Sagot ni Jena na nakasunod din ng tingin sa akin.

Dire-diretso ako sa table ni Gail. "Nandyan ba si Riley sa loob?"

Nagtataka na tumango siya.

Tinungo ko ang pinto at pinihit ang doorknob.

"Muriel sandali lang-"

Pero bago pa niya ako mapigilan ay naisara ko na ang pinto at ini-lock iyon.

Pagpihit ko ay nakita ko si Riley na may kausap sa cellphone. At dahil nakatagilid siya kaya
hindi niya napansin ang presensya ko. Tuluy-tuloy akong lumapit sa kanya at padabog na inilapag
ang hawak kong papel sa mesa.

Napalingon siya sa akin. Nagsalubong ang mga kilay niya nang dumako ang mga mata niya sa
papel na nasa harapan niya.

"That is an irrevocable resignation and its effective as soon as you read it." I said seriously.

Nanlaki ang mga mata ni Riley. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran ko na siya at
dire-diretso na lumabas ng pintuan. Ang unang pumasok sa isipan ko ay ang makaalis kaagad sa
lugar na iyon.

"Muriel!"

Hindi pa halos ako nakakalayo nang marinig ko ang pagtawag niya. Lalo kong binilisan ang
mga hakbang ko.

"Muriel! Come back here!"

Naagaw ang atensyon ng lahat dahil sa pagsigaw niya. He's already making a scene. And I
don't even care. Ang gusto ko lang ay makaalis na doon at makalayo mula sa kanya.

Ganon na lamang ang pagtataka ng mga kasamahan ko ng humahangos akong bumalik sa


pwesto ko para lamang kunin ang bag at cellphone ko. At muli ring umalis nang walang paalam.
Kailangan kong magmadali bago pa ako maabutan ni Riley. Eksakto naman na bumukas ang
elevator. Mabilis akong sumakay at pinindot ang close button. At bago tuluyang magsara iyon ay
nakita ko pa siya na tumatakbo sa direksyon ko.

Tila nahahapo na napasandal ako sa pader. Nagtaas-baba ang dibdib ko. Daig ko pa ang
nakipaghabulan sa kanya. Gayunpaman ay pinilit kong pakalmahin ang sarili. Kailangan kong
makapag-isip ng maayos at kung ano ang susunod kong gagawin. Nangyari na ang lahat at wala
sa plano ko iyon.

JARED

"What?" Napalingon lahat sa akin ang mga kasama nang bigla akong magtaas ng boses. I was
in a closed door meeting when Riley suddenly called me. "Excuse me everyone. I had an
emergency call." Tumayo ako at tinapik sa balikat ang katabi ko. "Jason, please take over for me."
At lumabas ako ng silid.

"What do you mean she's missing?" Muli kong binalingan si Riley sa kabilang linya. May kabang
bumangon sa dibdib ko para kay Muriel.

"She left the office thirty minutes ago. I don't know where she go. I can't even contact her. Naka-
off ang cellphone niya." Nagpapanic ang boses ni Riley sa kabilang linya.

"Why did she left?" Naisip kong itanong. Hindi naman siguro basta aalis si Muriel nang walang
dahilan.

"She filed a resignation letter."

Lalong nagkasalubong ang mga kilay ko. "Huh? B-but why?"

"I don't know. Bigla na lang siyang ipinasa sa akin ang resignation letter niya at nagmamadaling
umalis."

May hinala na naglaro sa isipan ko. "Tell me Riley, what did you do to her?"

"What do you mean?"

"She wouldn't do that unless you did something to her."

"Pinagbibintangan mo ba ako, Jared?"


"That's why I'am asking. Alam kong hindi gagawin iyon ni Muriel unless-"

"Nothing happen! Kung iniisip mo na mayroon akong hindi magandang ginawa sa kanya, then
you're wrong. I'll be the last person who willhurt her."

I shut my mouth. Its useless to argue with him. No matter what I said, hindi rin siya aamin. Bakit
ba hindi ko siya magawang diretsahin?

"Help me to find her." I heard him said.

Kahit hindi niya sabihin ay talaga namang hahanapin ko si Muriel. "I'll find her."

"call me if you do."

"Okay!" And I pressed the end button.

Now what? Where were will I start? Bigla akong napaisip ng mga lugar na posibleng puntahan
ni Muriel.

MURIEL

I was busy eating my vanilla ice cream. Actually, pangalawang order ko na ito at
tila hindi ako nagsasawa. Once in a blue lang kasi ako kumain ng ice cream. Bawal kasi sa akin
dahil mayroon akong tonsilitis. Pero sa ngayon wala munang bawal-bawal.

Nang umalis ako ng opisina ay dito ako dinala ng mga paa ko sa mall na ito. Noong una
palakad-lakad lang ako at walang direksyon kung saan ako pupunta. Then I saw this ice cream
parlor. Naisip kong magpalamig. Kanina pa kasi mainit ang ulo na tila anumang oras ay para
akong sasabog.

"There you are!"

Nagulat ako sa pagsulpot niya. Bakit siya nandito?

"Finally, I found you." Puwesto si Jared sa katapat kong upuan. At walang paalam na kinuha
nito ang baso ng tubig sa table ko at tinungga iyon. Bottoms up! "Whew! Pinagod mo ako, grabe!"
Nakita ko pa na nagtaas-baba ang dibdib niya sa paghahabol ng hininga.
"Anong ginagawa mo rito?"

"You little brat!" To my surprised when he raised his hand and squeeze my nose.

"Aray!" Mabilis kong tinabig ang kamay niya.

"Why did you to do that?"

"Do what?" Nagtatakang tanong ko.

Muli niyang pinisil ang tungki ng ilong ko. "You know what I mean?"

"Masakit iyon ha!" Reklamo ko. "Nakakarami ka na!"

He gave me a mad face. Ngayon ay alam ko na. Naiparating na sa kanya ni Riley ang tungkol
sa ginawa ko.

"Matagal ko nang gustong mag-resign. Kanina lang ako nakakita ng pagkakataon."

"Without even tellimg me? I thought I am your friend."

Tama bang konsensiyahin ako?

"Sasabihin ko naman talaga sayo, kaya nga lang lowbat ang cp ko. Hindi kita matawagan."
Pagsisinungaling ko sa kanya. Ang totoo wala nga akong balak sabihin iyon sa kanya. Dahil alam
kong pipigilan niya ako.

"Mayroon bang nangyari na hindi ko alam?"

Umiling ako. Pinili kong huwag sabihin kay Jared ang mga nangyari sa pagitan namin ni Riley.
Pero sa klase ng pagtitig niya sa akin ay parang hindi siya naniniwala sa akin.

"How did you find me?" Pag-iiwas ko ng topic. "Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Naisip ko na ito ang pinakamalapit na lugar na pwede mong puntahan. At dahil nga saksakan
ka ng takaw- Aray!" Napaigtad si Jared nang sipain ko siya mula sa ilalim ng mesa.

Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Ayusin mo ang sagot mo!" Banta ko na hindi naman
umepekto sa kanya.
"At dahil nga alam kong matakaw ka..." He stopped in midsentence before a grin appreared on
his lips. "Inisa-isa ko ang ang lahat ng kainan dito sa loob ng mall hanggang sa mahanap kita. But
I never expected to see you here. Hindi ka naman mahilig sa ice cream, di ba?"

"Iyon ang akala mo!" Ismid ko sa kanya.

Biglang tumunog ang cellphone niya. Tumingin siya sa screen pagkatapos ay sa akin.

"Si Riley?" Nanlalaki ang mga mata ko na tanong sa kanya. Hindi sumagot si Jared. Pero base
sa reaksyon niya ay mukhang tama ang hinala ko. "Don't answer his call."

Ngunit napindot na niya ng answer button.

"Yes. I found her. She's here with me." Nakatingin siya sa akin habang kausap ang kaibigan sa
kabilang linya.

"She's fine!" Sabi pa niya. "You don't have to tell me. I'll take care of her." At pinindot na niya
ang end button.

"Akala ko sasabihin mo pa sa kanya kung nasaan tayo."

"Why would I do that?" Umangat ang isang kilay niya. "Eh di nasapawan na naman niya ako."
Halos pabulong na sabi niya.

"Anong sabi mo?" Hindi ko kasi siya narinig habang patuloy ako sa pagkain.

"Never mind!" At nag-iwas siya ng tingin. "Punasan mo nga ang nasa bibig mo?" Inilapit niya sa
harapan ko ang lalagyan ng tissue.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain,

"Tsk!" Hindi rin nakatiis si Jared at dumampot siya ng tissue at siya na mismo ang nagpunas sa
gilid ng bibig ko. Hinayaan ko lamang siya.

"What?" Tanong ko nang mapansin ko siyang nakatitig sa akin.

Umiwas ulit siya ng tingin.

Anong problema nito?

"Wala ka bang napapansin sa mga kinikilos ni Riley?" Tanong niya sa akin pagkaraan.
"Na parang may kakaiba sa kanya?"

Tumango si Jared. "I had this dread feeling na baka alam na niya."

Na-freeze sa ere ang hawak kong kutsarita. "Ang tungkol sa pagpapanggap ko?" Bigla tuloy
akong kinutuban. Dahil kung iisipin ko ang mga kakaibang kinikilos niya nitong mga nakaraang
araw pagdating sa akin, malaki nga ang posibilidad na baka alam na niya.

"Pero naisip ko, kung may alam na si Riley hindi siya basta mananahimik na lang. Siguradong
kokoprontahin niya ang isa sa atin. I knew him. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay yung niloloko
siya."

May punto si Jared. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-aalala.

"Jared, ano nang gagawin ko? Paano kung alam na niya?" I need his help this
time. Siya lamang ang malalapitan ko.

Tinitigan niya ako na tila nag-iisip ng isasagot sa akin. "May naisip akong pinakamainam na
paraan."

"Ano?"

"Magtanan tayong dalawa- Aray!"

Sinipa ko ulit siya mula sa ilalim ng mesa. "Kahit kailan talaga puro ka kalokohan?"

"Seryoso ako!"

"Ewan ko sayo!"

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ngayon ko na-realize ang consequence ng mga
ginawa ko. Hindi ako makauwi dahil siguradong naghihintay sa akin si Riley sa bahay. At ayoko
siyang makita o makausap man lang. Dapat pala ay sa bahay na agad ako dumiretso kanina para
naimpake ko ang mga gamit ko at sa hotel na muna sana ako pansamantala nag-stay. Pero dahil
nga hindi gumana ang isip ko kanina, kaya ngayon mas lalo pang lumala ang problema ko!

"Doon ka na lang sa condo ko mag-stay." Suggestion ni Jared. Nakasakay na kami ng kotse


niya.
"Ayoko nga!"

"Promise, hindi kita itatanan! Kung ayaw mo talagang umuwi, doon ka muna sa condo ko."

Hindi ako kumibo. Kahit naman mag-stay ako ng condo niya ngayong gabi ay babalik din ako
sa bahay kinabukasan para makuha ang mga gamit ko.

"Muriel?" Naghihintay ng sagot si Jared.

Huminga ako ng malalim. "Uuwi na lang ako. Sasamahan mo naman ako di ba?"

"Paano si Riley?"

Ngumiti ako ng lumingon sa kanya. "Nandyan ka naman! Ikaw ang pananggalang ko sa kanya."

Gumanti siya ng ngiti. "Gagawin mo pa akong human shield!"

"Kung ayaw mo eh di huwag." Nag-pout ako.

"May sinabi ba ako na ayaw ko?"

Ilang sandali ay nakarating na kami ng bahay. Nakakapagtaka na wala ang sasakyan ni Riley
sa garahe. Ang totoo ay hinanda ko na ang sarili ko sa maaaring maging konprontasyon naming
dalawa. Buti na lang din at wala siya. At least, nabawasan ang mga alalahanin ko.

Sinalubong kami ni Mam Lorie pagpasok namin sa loob ng bahay.

"Muriel! Jared!" Masigla siyang lumapit sa amin.

"Tita, nasaan po si Riley?" Tanong ni Jared.

"Sinundo niya raw ang bisita niya?"

"Bisita?" Tanong ko naman.

Tumango si Tita. "Mayroon daw siyang darating na bisita. Nagpahanda pa nga siya ng hapunan
kay Nana Tonya."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jared.

"Halika. Mauna na tayo sa loob. Doon na lamang natin hintayin sina Riley."

Hindi na kami nakatanggi nang akayin kami ni Tita Lorie patungo sa dinning room.

"Do something!" Pasimple kong siniko si Jared. Magkatabi kasi kami ng upuan.

Lumingon siya sa akin. "What do you want me to do?" He whispered.

"Tell her we can't stay." Mahinang sabi ko. Kailangan na naming makaalis doon bago pa
dumating si Riley.

He rolled his eyes. Na para bang sinasabi niya imposible kaming makaalis roon.

"Samantha! What are you doing here?" Bulaslas ni Tita Lorie nang iluwa mula sa pintuan ang
dalaga. Kahit ito ay nagulat sa nadatnan lalo na nang makita ako.

"Riley asked me to come here." Naroon ang pagtataka sa kanyang magandang mukha. "What's
going on?"

Ngunit ni isa sa amin ay walang sumagot sa tanong niya.

"Hello everyone! I'm back!"

Lahat kami ay awtomatikong lumipad ang mga mata sa bagong dating.

I gasped. Shock could not describe the way I felt.

"Oh shit!" Narinig kong bulaslas ni Jared.

Lumikha naman ng ingay ang upuan ni Tita Lorie nang bigla na lamang itong tumayo. "L-Lara!"

"It seems like you're not happy to see me." Bahagya itong sumimangot at lumingon sa kanyang
likuran. "Its your fault, Riley. You did'nt tell them, did you?"

Hindi sumagot si Riley. At tumingin siya sa direksyon ko.

I went still. Sunud-sunod ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay ito na ang katapusan ko.

"Who is she?" Narinig kong tanong ni Samantha kay Jared.


"Ready yourself, Sam." He answered in a lower voice.

Lalo namang naragdagan ang pagtataka sa mukha nito.

"I'm so sorry, Lara!" Lumapit si Tita Lorie rito pagkatapos makabawi mula sa pagkabigla. "You
really did surprise us! Wala naman nabanggit si Riley na darating ka."

"It's okay Tita." She answered. "Hi Jared!" Lumapit si Lara at binigyan ng halik sa pisngi ang
binata.

Halos hindi ako humihinga habang hinihintay na mabaling ang atensyon niya sa akin. This is
the moment of truth. And I couldn't escape from it anymore.

"As usual, palagi ka pa ring nakadikit sa kanya." Pagkatapos ay lumingon siya sa akin. "Hello
Sam! Its nice to see you again."

Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay nahatulan ako ng death sentence. Our secret is finally
revealed.

"Oh my!" Nasapo ng kamay ni Samantha ang bibig sa narinig. Marahil ay na-realize na nito ang
totoong nangyayari sa paligid niya. Napalingon tuloy sa kanya si Lara.

"Who is she?" Tanong nito kay Jared. Tila doon lamang napansin ang dalaga. "Siya ba ang
girlfriend mo?"

"Nope! She's not!" Kaswal na tugon ni Riley ngunit may nabasa akong kakaiba sa mga mata
niya at iyon ang hindi ko gusto. "She's my ex-girlfriend, the real Samantha Aguilar."

Everyone was gasped including me.


Chapter Thirty One: The Confrontation

Chapter Thirty One: The Confrontation

JARED

"She's my ex-girlfriend, the real Samantha Aguilar."

I held my breath as I hear those words from him. Awtomatikong lumingon ako kay Muriel. Dahil
kung mayroon man na higit na maaapektuhan sa aming lahat ay siya iyon.

"What do you mean she is the real one?" Naguguluhan na tanong ni Lara. Palipat-lipat ang mga
mata nito sa aming lahat.

"Why don't you explain to her everything, Muriel?" Riley challenged her. Hindi inaalis ang tingin
sa kanya magmula kanina.

Naikuyom ko ang palad ko. Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ng kaibigan. Pero sa
nakikita kong kinikilos niya, mukhang matagal na niyang alam. Kung kailan at paano, siya lamang
ang tanging makakasagot.

"Y-you called her... what?" Halos lumuwa ang mga mata ni Lara sa sobrang kalituhan. "Are you
making fun of me? I swear Riley, hindi na ako natutuwa."

Hindi man lang natinag si Riley. Tila wala itong narinig at nanatiling nakakatitig sa babaeng
nasa tabi ko. Ngunit ang ikinababahala ko ay ang pagiging kalmado ni Muriel. Hindi ko alam kung
anong tumatakbo sa isipan niya. I couldn't read her expression. At ako ang kinakabahan sa
pananahimik niya.

"Riley..." Nilapitan ni Tita Lorie ang anak. "We should talk. Just the two of us. Ako ang
magpapaliwanag ng mga nangyari."

"Later, Ma. Kung mayroon man akong gustong makausap si Muriel iyon."

Sa isang iglap ay naiharang ko ang katawan ko sa dalaaga. Covering her with my body and
protecting her from him. "Your mother is right. Mas mabuti na kayo munang dalawa ang mag-
usap."

"It's none of your business, Jared. Stay away from her." Binigyan niya ako ng matalim na tingin.
"No, you're the one who needs to stay away from her." Hindi ako papayag na makalapit siya kay
Muriel.

"I'll talk to him." Lumabas si Muriel mula sa aking likuran. "Hayaan mo akong makausap siya
para matapos na ang lahat ng ito."

"Muriel?" Pigilan ko siya sa kamay. Hindi ako papayag na gawin niya iyon.

"It's okay, Jared." Lumingon siya sa akin at pilit na ngumiti. As if telling me that everything will
be alright.

"Let her go, Jared." Utos ni Riley.

Tinignan ko siya ng masama. Wala akong balak na sundin siya. Pero naramdaman ko na lang
na bumitiw si Muriel sa pagkakahawak ko. "Muriel..."

Hindi siya man lang siya nag-abalang lumingon at tuluy-tuloy na lumabas ng pintuan. Damn it!
Wala akong nagawa para pigilan siya.

Susundan na sana ni Riley si Muriel nang harangan ko ang daraanan niya. "Don't ever think of
hurting her. Baka makalimutan ko na kaibigan kita!" Malinaw ang warning sa tinig ko.

Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. "Back off Jared. This is just between me and her.
Don't involve yourself."

Kung hindi lang ako napigilan ni Samantha, malamang ay nasuntok ko na siya. "I'm already
involved. Everyone is involved. Kung may dapat ka mang harapin Riley, kami iyon at hindi siya!"

"Katulad ng sinabi ko kanina si Muriel ang gusto kong makausap at hindi kayo. Mahirap bang
intindihin iyon?"

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya at ganun din si Riley. Walang gustong magpatalo sa
aming dalawa. Nang bigla na lang pumagitna sa amin si Tita Lorie.

"Tumigil kayong dalawa!"

"Siya ang pigilan nyo, Tita." Sabi ko sabay turo kay Riley.

Pero tinignan niya lang ako na parang sinasabi niya na hayaan ko na lang ang anak niya.
At tuluyan akong walang nagawa nang lagpasan ako ni Riley para sundan si Muriel sa labas.

MURIEL

Hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa kinaroroonan ng swing malapit sa may
garden. Mabilis kong pinilig ang ulo ko upang alisin ang mga alaala na bigla na lang sumingit sa
isipan ko. Ilang sandali ay naramdaman ko ang presensya ni Riley mula sa aking likuran.

I closed my eyes and took a deep breath. This is it! There is no turning back. At lakas loob na
pumihit ako paharap sa kanya. Nakatayo si Riley isang metro ang layo mula sa akin. At mataman
na pinagmamasdan ako.

"Kailan mo pa nalaman?" Kanina ko pa gustong itanong iyon sa kanya.

"Ang tungkol sa sikreto nyo?" Agad na umangat ang kilay niya. "Actually kahapon ko lang
nakumpirma. Pero hindi na ako nagulat nang malaman ko ang totoo."

Sa isang iglap ay nag-flashback sa isipan ko ang mga nangyari sa pagitan namin nitong mga
nakaraang araw. Alam kong may mga pagkakataon na naghihinala na siya at binalewala ko iyon.
Kaya pala bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. I thought he was only acting
strangely. But last night is the worst. I was so careless. I let him know about my feelings toward
him. When all along he already knew about our secrets.

"Lost your tongue, Muriel?" His lips twisted in half amusement. "Take your time. I'm willing to
wait."

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo!" I said coldly.

Muling umangat ang kilay ni Riley. "Playing safe?"

"I don't need to do that. I won't deny what I've done."

Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya na ikinamangha ko.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Humakbang siya palapit sa akin dahilan para mapaatras ako. "Relax Muriel! I won't bite you."
Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay sa harapan ko. "Come here, come to me."

Ngunit hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Sinulyapan ko lang ang nakalahad niyang kamay.

"Muriel..." Tila naiinip na tawag niya sa akin.

Nag-angat ako ng tingin. "Bakit hindi mo pa ako diretsuhin para matapos na tayo?"

Nagsalubong ang mga kilay niya at ibinaba ang kamay. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang
mukha.

"What do you want, Riley?"

Ilang sandali ang pinalipas niya bago siya nagsalita. "You! I want you, Muriel!"

Hindi na ako nagulat sa narinig. "Me? Why me? Para makapaghiganti ka sa akin?"

Nagkaroon ng kalituhan sa kanyang mukha. "Why I would do that?"

"Alam ko naman na malaki ang kasalanan ko sayo. At kung ito ang tanging paraan para
matapos na ang lahat ng ito, then go on. Hindi kita pipigilan."

"What makes you think that I'm doing this to get back at you? When all I ever wanted is to win
you back?"

"I'd rather choose you to be mad at me than treating me like this."

RILEY

Pain was written in her eyes. And I was alarmed. Teka! Hindi ito ang gusto kong mangyari.

"Muriel, listen this is not-"

"Stop fooling around!" She immediately cut me off. "Isn't enough that we're all fell in your
trapped? That you really did surprised us? That everything is part of your brilliant plan?"

"Muriel..."

"Alam kong nagagalit ka sa mga nalaman at natuklasan mo. Pero huwag mo naman sana
kaming paglaruan ng ganito."
Hindi ako makapaniwala sa tumatakbo sa isipan ni Muriel. She misunderstood my actions. I
thought that this is the easier way to talk and clear things with her. But I was

"I admit that this is all my plan." Pag-amin ko. "Pinauwi ko rito si Lara. At ako rin ang
nagpapunta rito kay Samantha. Ang plano ko ay ang pagharapin silang dalawa. At komprontahin
si Mama pagkatapos. Pero hindi ko inaasahan na nandoon rin kayong dalawa ni Jared. At wala na
akong nagawa para pigilan pa si Lara."

"I have no intention of getting back at you." Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na
makapagprotesta. "Kahit kailan hindi ko naisip na gawin iyon. Mas lalong hindi ko rin naisip na
paglaruan kayong lahat. Bakit ko naman gagawin iyon lalo't alam ko na ikaw ang una kong
masasaktan?"

"Totoong nagulat ako sa mga natuklasan ko. But I'am not mad.Honestly, wala akong
naramdaman na galit dito." Itinuro ko ang tapat ng dibdib. "Kung anuman ang dahilan at kung
bakit ninyo ginawa iyon ay wala na akong pakialam. Dahil ang mas importante sa akin ay ikaw."

"Kagabi pa kita gustong makausap. You never know how much I was excited to tell you about it.
Pero biglang dumating si Samantha. And we never had a chance to talk. Ngunit paggising ko
kaninang umaga ay umalis ka na. Pagdating naman sa office ay obyus na iniiwasan mo ako. Then
suddenly, bigla ka na lang nag-filed ng resignation and walk away without any explanation. Halos
masiraan ako ng ulo kung saan kita hahanapin. I was so worried and scared. And I can't afford to
lose you again."

"Why Riley? Why are you suddenly acting like this?"

"Isn't it obvious?" Mukhang hindi pa rin niya nakukuha ang ibig kong ipahiwatig. "Nagkakaganito
ako ngayon dahil mahal kita. I love you Muriel."

She stared at me. And for a long moment she was silent.

"You loved me?" At malungkot siyang ngumiti at umiling. "No, you don't! You never love me.
Akala mo lang mahal mo ako dahil minsan nagpanggap ako bilang si Samantha. Pero hindi ibig
sabihin ay ako ang taong minahal mo ng mga panahon na iyon."

"Believe me. Minahal na kita kahit hindi ko pa alam kung sino ka talaga."

"That's bullshit! How can you love someone you don't even know that exist?"
"Maybe I was blind. But my heart can tell who I have loved. And that is you."

Muli siyang umiling. Pain is very visible in her eyes. "I knew how much you loved Samantha.
Naging saksi ako sa mga kabiguan mo at kung paano ka bumangon nang dahil sa kanya. You
couldn't live without her in your life. So, how can you expect me to believe that I'am the one you
loved?"

Napatingin ako sa langit sa sobrang frustration. God! Ano pa ba ang dapat kong gawin para
maniwala siya sa akin na mahal ko siya?

Nang muli akong tumingin sa kanya ay nakita ko siyang may kung anong pinahid sa pisngi niya.
Then I saw a tear fell from her eyes. At mabilis niya ulit pinahid iyon ng palad.

Damn it!

Sa isang iglap ay nakalapit ako sa kanya at mabilis na ikinulong siya sa mga bisig ko.

"I'm sorry." Gusto kong murahin ang sarili ko. I never meant to make her cry. At gusto kong
sisihin ang sarili ko dahil binigla ko siya. Dapat pala ay nag-isip muna ako bago ko siya
kinompronta. She was right. Paano nga naman siya maniniwala sa akin kung hindi ko pa
napapatunayan sa kanya na totoo ang sinasabi ko?

"Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas niya. Pero sa halip na bitiwan ko siya ay lalo kong hinigpitan
ang pagkakayakap sa kanya. I don't want to let her go.

"I don't want to hurt you Muriel."

"Then let me go."

Ilang sandali akong walang imik bago ko siya tuluyang pinakawalan.

"I'll let you go. But it doesn't mean that I'm giving up." I said while looking straight in her eyes.
Pero nag-iwas lang siya ng tingin. At mabigat ang loob na humakbang ako palayo sa kanya at
dumiretso sa nakaparada kong kotse.

I'll do anything to win you back. And that is a promise!

JARED
"Would you stop it? Kanina ka pa palakad-lakad at ako nahihilo sa'yo!"

Sinulyapan ko si Lara at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Nagbibiro lang ako!" Pilit siyang ngumiti at nag-peace sign sa akin. "Go on." At hindi na siya
muling nagsalita. She already knew about the pretending thing. Si Tita Lorie ang matiyagang
nagkuwento sa kanya. At first, hindi siya makapaniwala. But in the end naintindihan din naman
niya. Kaya raw pala noong tinawagan siya ni Riley kahapon ay ang dami nitong tanong tungkol
kay Samantha. At magmula nang malaman niya ang tungkol doon ay panay ang irap niya sa
dalagang katabi niya.

Sa kabilang banda naman ay tahimik lang na naupo si Samantha. Maybe she was still in
shocked. But the hell I care. After all siya naman ang puno't dulo ng lahat ng ito.

I took a deep breath. At muling sinulpayan ang pintuan sa pagbabakasali na pumasok roon si
Muriel. I'm so worried about her. Hindi ako mapalagay at nagtatalo ang kalooban ko. I really need
to do something.

"Jared, where are you going?" Pigil sa akin ni Tita Lorie nang magtungo ako sa pintuan.

"Hindi ko kayang tumayo na lang rito at maghintay ng susunod na mangyayari." Hindi


lumilingon na sagot ko.

"Hindi lang ikaw ang nag-aalala para sa kanya. But I trust my son. He will never do something
that might hurt her."

"Tita was right, Jared." Sabat ni Lara. "Let's just trust Riley. Marahil ay gusto niya lang talaga na
makausap ng sarilinan si Muriel."

I could see her point. Pero hindi mawala-wala ang kaba ko sa dibdib.

"Muriel!" Bulaslas ni Tita Lorie nang sumulpot ang dalaga sa pintuan.

Mabilis akong napalingon at nagmamadaling nilapitan siya. "Are you okay?" Salubong ko sa
kanya.

Tumango lang siya.

"Where is Riley?" Tanong ni Tita Lorie.

"Okay na kayong dalawa?" Si Lara.


"What happened?" Tanong ko naman.

Pilit na ngumiti si Muriel. "It's over!"

Lahat kami ay napakunot-noo sa sinagot niya.

"What do you mean its over?"

Sa halip ay iba ang sinagot niya. "I'm tired, Jared. Gusto ko ng magpahinga." Nilagpasan niya
ako at marahan siyang humakbang palabas.

"Muriel wait!" Humarang ako sa daraaanan niya. Hindi ko gusto ang inaakto niya. Something is
wrong with her.

"Jared please..." Pagsusumamo niya. "I'm really tired. Bukas na lang tayo mag-usap."

I have no choice but to let her go. Siguro nga ay kailangan niyang mapag-isa. "I'm just here.
Don't ever forget that!"

She smiled at me. "I know." At tuluyan na siyang lumabas.


Chapter Thirty Two: Moving On

Chapter Thirty Two: Moving On

Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ng araw na iyon. Parang mayroong hindi
magandang mangyayari na hindi ko mawari. O baka nagdadahilan lang ang katawan ko. As usual
tinatamad na naman akong pumasok sa trabaho. Lagi na lang ako ganito tuwing umaga. Hirap na
hirap akong bumangon at gustung-gusto ko pang matulog ulit.

Napadilat ako ng tumunog ang cellphone ko. Kinapa-kapa ko iyon sa ilalim ng unan ko. Pucha!
Wala doon. Bumangon ako at isa-isa kong inangat mga nagkalat kong unan sa kama. Hindi ko pa
rin makita. At habang tumatagal ay nakakarindi na sa tenga ang ringtone ko. Nag-panic tuloy ako
ng wala sa oras.

Nasaan na ba iyon?

Nang bigla kong maisip na yumuko sa ilalim ng kama ko. There you are! Pero teka? Paano
naman napunta roon ang cp ko?

Bago ko pa madampot ang cellphone ay huminto na iyon sa pagtunog. Nainip na siguro kung
sinuman ang tumatawag.

Si Jared? Kung sabagay hindi ko na dapat ikagulat iyon. Dapat ay masanay na ako na palagi
na lang siyang tumatawag sa akin. Ay hindi pala! Dapat pala ay masanay na ako na lagi na lang
niya akong binubulabog tuwing umaga. Hindi ko na nga kailangang mag-alarm clock. Dahil siya na
mismo ang wake-up call ko.

Bumaba na rin ako ng kama at dumiretso sa banyo. Pero napahinto ako ng mapatingin ako sa
kalendaryong nakasabit sa dingding ng kuwarto ko. Eksaktong isang buwan na pala ang nakaraan
magmula ng umalis ako ng Manila.

Napahugot ako ng malalim na paghinga. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa
rin sa isipan ko ang mga nangyari ng gabing iyon. After that night, hindi ko na muling nakita si
Riley. Kinaumagan ay umalis kaagad ako nang hindi man lang nagpaalam sa kanya. Mas mabuti
na rin iyon. Baka kasi kapag pinigilan niya ako ay biglang magbago ang isip ko.

Bago ako umalis ay kinausap pa ako ni Mam Lorie. Humingi siya ng tawad sa akin dahil sa mga
nangyari. At sinisisi niya ang sarili dahil siya raw ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan. Akala ko
pa nga ay pipigilan niya ako. Pero sabi niya, hindi niya raw iyon gagawin basta mangako ako na
hindi magre-resign sa kumpanya.

Sinundo ako ni Jared pagkatapos. Kumain muna kami sa labas bago ako umalis. Hindi naman
niya ako pinigilan. Alam naman raw niya na hindi ako magpapapigil. Buong akala ko pa nga ay
ihahatid niya ako sa airport. Pero ang loko, pinag-taxi na lang ako. Sabi pa niya, the last time I left
siya raw ang naghatid sa akin. Bakit daw siya na naman? But I understand him. Alam ko na ayaw
niyang makita na umalis ako at sigurado na mas lalo lang siyang malulungkot..

I left again with a broken heart. At aaminin ko na naging duwag ako. Bigla akong natakot sa
mga sinabi ni Riley. Gusto kong paniwalaan ang mga sinabi niya. Pero ayokong lokohin ang sarili
ko. Ayokong maging anino ni Samantha sa pagmamahal niya. Siguro nga ay tama si Samantha.
Dahil sa bandang huli, mare-realize na lang ni Riley na ang dating kasintahan pa rin ang totoong
mahal niya at hindi ako.

I tried to live my life as normal as before. I need to move on and let go of the past. Iniisip ko na
lang na isang panaginip ang lahat ng mga nangyari. At hindi naman ako nabigo. Sa loob ng isang
buwan ay trabaho-bahay, bahay-trabaho ang madalas kong routine. Kung minsan may night
gimmick with some friends and officemates. At masasabi ko na okay na ako. Hindi pa siguro one
hundred percent. But at least I'm trying. Hindi ko na nga siya gaanong naaalala at naiisip. Sapat
na siguro ang mga sign na iyon na unti-unti na akong nakakabangon.

"Wow! Flowers again?" Bulaslas ni Carla nang pumasok kami sa loob ng opisina.

Hindi na ako nagulat sa nadatnan sa table ko. Ito ang pangatlong beses na nakatanggap ako
ng mga bulaklak sa magkakasunod na araw. Hindi ko alam kung sinong sender ang naglakas-loob
na padalhan ako ng mga bulaklak. Pero ewan ko ba. Kung ibang babae lang siguro ako ay baka
matuwa at kiligin ako.

"Bigatin 'yang secret admirer mo! Habang tumatagal ay pabonga ng pabonga ang pinadadalang
bulaklak sa'yo." Sabi pa niya habang binabasa ko ang card na nakaipit roon.

"Anong nakasulat?" Pagkikiusyoso pa niya.

"Nothing!" Matipid na sabi ko.

"Anong nothing? Pwede ba yun?"


Hinablot niya sa kamay ko ang card.

"Meron kaya." Tapos ay ipinakita niya sa akin. "Ayan oh! To Baby Girl from Baby Boy. How
sweet!"

Inirapan ko siya. "Anong sweet doon? Ang baduy kaya!"

"Hay naku Muriel! Paano ka magkaka-lovelife kung parati kang ganyan?"

"Hindi ko kailangang magka-lovelife." Umupo na ako at in-on ang desktop ko.

"Alam mo nagdududa na ako sa'yo. Hindi kaya pusong-lalaki ka?" Nakaangat ang kilay niya na
tumingin sa akin. "Hay naku! Huwag naman sana! Sayang ang ganda mo day!"

"You're talking too much! Nakakasira ka ng araw, alam mo ba iyon?"

She rolled her eyes. "Bahala ka na nga sa buhay mo!" At dumiretso na si Carla sa pwesto nito.

I smirked. Pagkamalan ba akong tomboy!

Wala sa loob na tinitigan ko ang mga bulaklak sa harapan ko. Now what? Paano ko na naman
ba idi-dispose ito? Wala talaga akong hilig sa mga bulaklak. At hindi ko maintindihan kung bakit
hindi ko ma-appreciate ang ganda nito.

Naagaw ang atensyon ko sa tumutunog na cellphone. Tumatawag na naman si Jared. Actually,


panlimang tawag na niya iyon. Hindi ko lang masagot kanina dahil nasa biyahe ako papasok ng
trabaho.

Bakit kaya?

Pero bago ko pa masagot tawag niya ay bigla na lang nag-battery empty at automatic na nag-
shut down ang cp ko. Waahhh! Nakalimutan kong i-charge kanina sa bahay. Nakakainis! Wala pa
naman akong dalang charger.

Dalawang oras ang mabilis na lumipas. Hanggang ngayon ay drain pa rin ang battery ng cp ko.
At sa kamalasan ay wala akong mahiraman ng charger na ka-compatible ng sa akin. No dice!
Panigurado na hanggang sa mag-uwian ay hindi ko mapapakinabangan ang phone ko.

"Guys! Pinapatawag tayong lahat sa conference room." Biglang sumungaw ang ulo ni David sa
pintuan ng kuwarto namin.
"Anong meron?" Tanong ni Carla mula sa likuran ko.

"May general meeting daw. Come on guys! Move faster. Kayo na lang ang hinihintay sa loob."

Isa-isang nagtayuan at lumabas ng silid ang mga kasamahan ko. Ako nga yata ang
pinakahuling lumabas ng kuwarto. Kanina pa kasi wala sa kondisyon ang katawan ko. At tamad
na tamad akong kumilos.

Halos tumirik ang mga mata ko sa nadatnan sa loob ng conference room. Para kasi kaming
mga sardinas na nagsisiksikan doon. Halos nasa fifty na katao kaming lahat at hindi naman
kalakihan ang kuwarto. Mabuti na lang at umusog ng kaunti si Jasper at binigyan niya ako ng
maliit na space para magkasya ako. Ako kasi ang kahuli-hulihang pumasok ng conference.

"Thanks!" Sabi ko nang lumingon sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin.

"Aray!" Pucha! May tumapak sa paa ko.

"Tumigil nga kayo!" Sabi ni Jasper sabay tulak kay Ronald nasa unahan ko. Mabuti na lang at
siya ang nakatapak sa akin at hindi ang kaharutan nito na isang six-footer at mukhang wrestler na
si Dako.

Buong akala namin ay titigil na sila. Pero patuloy pa rin sila sa paghaharutan na parang mga...
gay lovers? Basta hindi ko alam kung bakit sila nagtatawanan at naghaharutan.

"Ano ba? Sabi nang-" Hindi na naituloy ni Jasper ang sasabihin dahil bigla na lang napaatras si
Dako.

Oh sheet! Ang sakit! At hindi ako makahinga! Para akong palaman na naipit sa pagitan ng
pader at ng damulag na lalaking iyon.

"Hindi ba kayo titigil?" Sabay tulak rito. "O baka gusto nyong pag-untugin ko ang mga ulo
ninyo?" Kung hindi ko napigilan ang sarili ko malamang ay nagawa ko iyon sa dalawang kumag na
nasa harapan ko.

But the next thing I knew, everyone is looking at me! Napalakas yata ang boses ko at naagaw
ang atensyon ng lahat.

"Sorry!" Nag-peace sign ako sa kanila. At mabilis na sinulyapan ang dalawang binata na nasa
harapan ko. "Lagot kayo sa akin mamaya!" Halos pabulong na banta ko sa kanila.

"Sorry Muriel." Si Dako. Tapos si Ronald nakita ko pang pangisi-ngisi. Sa inis ko ay sinipa ko
siya sa binti.

"Aray ko po!" Namilipit siya sa sakit habang sapu-sapo ang nasaktang binti. Dahil doon ay
nagtawanan tuloy ang mga kasamahan ko na nakasaksi ng ginawa ko.

"Serves you right!" Nangingiting sabi ni Jasper.

"Everyone!"

Naagaw ang atensyon ng lahat nang may magsalita sa harapan. Boses iyon ni Sir Richard, ang
branch manager namin. At dahil nga nasa bandang dulo ako kaya hindi ko makita ang nangyayari
sa unahan.

"I sent you all here because we have a very special visitor today..."

"Para sayo yata 'tong tawag?" Napakunot ako nang iabot sa akin ni Jasper ang
cellphone nito. Mabuti na lang at naka-silent mode iyon. Pamilyar sa akin ang number na nag-
flash sa screen. Saka ko lang naalala na naki-text nga pala ako sa kanya.

"Jared?" Hindi pa ako siguro kung siya nga ang nasa kabilang linya.

"Anong nangyari sayo? Kanina pa ako tumatawag pero bakit naka-off ang cp mo?" Confirmed!
Si Jared nga iyon. "Kaninong number 'tong ginagamit mo? Nasaan na ang cellphone mo?"

I rolled my eyes. Ayoko nang ulitin ang mga itineks ko sa kanya kanina. Siguradong nabasa
naman niya ang mga sagot ko sa katanungan niya.

"Bakit ka ba tumatawag?" Naisip ko na baka mayroong siyang mahalagang sasabihin sa akin.

Narinig ko siyang nagbuntong-hininga sa kabilang linya. "I really don't know If I need to tell you
this. But I-"

Hindi ko narinig ang sumunod na sinabi ni Jared nang bigla na lamang maghiyawan ang mga
kasamahan kong babae.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko kay Jasper. Bigla akong naging interesado sa nangyayari
kaysa sa sasabihin ni Jared.

"Nandito si bigboss." Hindi lumilingon na sagot niya habang nagkakandahaba ang leeg niya sa
pagtingin sa harapan.

Nahigit ko ang hininga ko sa narinig. Bigboss? Ibig sabihin narito sa Davao si Mam Lorie?

"Muriel are you still there? Bakit maingay?" Saka ko lang naalala si Jared nang muli itong
magsalita.

"Nandito daw si-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang lalong lumakas ang hiyawan.

May artista ba?

"Hello everyone. I'm glad to be here and to see you all."

I stiffed when I heard that familiar voice.

What the hell!

"Muriel, do you hear me?" Nilakasan ni Jared ang boses. "Riley is coming there. Someone told
me na pupunta siya dyan sa Davao."

Nanlamig ang buong katawan ko at bigla akong pinagpawisan kahit naka-todo ang aircon sa
conference.

"He's already here." Tila wala sa sarili na sabi ko.

Ito marahil ang dahilan kung bakit kanina pa niya ako tinatawagan. Para bigyan ako ng babala.
Pero huli ang lahat. Narito na si Riley.

"What? Muriel I can't hear you! Mur-"

Hindi ko namalayan na nawala na si Jared sa kabilang linya. I was still in shocked. Hindi ko
naisip ang malaking posibilidad na muling magkrus ang landas namin ni Riley.

"Huy Muriel!" Tinapik ako ni Jasper sa balikat. "Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?"

Tumango lang ako. Ganon na lamang kasi ang kabog ng dibdib ko na halos hindi
ko magawang makapagsalita.

"Grabe ang guwapo ni Sir Riley!"

"Sinabi mo pa. Para nga siyang artista sa sobrang kaguwapuhan niya!"

"I think inlove na ako sa kanya."

"Ako din!"

"Muriel!"

Napahinto ako nang marinig ang pangalan ko at lumingon sa kanila. Katatapos lang kasi ng
meeting. Pero imbes na bumalik sa trabaho ay nagkanya-kanya silang umpukan dahil nagkaroon
ng libreng lunch para lahat ng empleyado.

"Anong masasabi mo kay Sir Riley?" Nakangiting tanong sa akin ni Maila habang abala sa
pagnguya.

Awtomatikong umangat ang kilay ko. "Wala akong masasabi dahil hindi ko naman siya nakita
kanina." Sabay talikod at nilayasan sila. Asa pa sila na makikihalubilo ako. Kung sabagay, kelan
ba ako nakihalubilo sa mga tulad nilang plastik.

"Antipatika!"

Kahit nakalayo na ako ay nakaabot pa rin iyon sa pandinig ko. Dedma na lang ako na tila
walang narinig. Sanay na naman ako sa mga pasaring nila.

Nag-angat ako ng tingin nang biglang may sumulpot sa tapat ng mukha ko.

"Mag-lunch ka muna." Sabi ni Ronald habang inaabot sa akin ang styro na may lamang
pagkain.

Hindi ako sumagot pero nakaangat ang kilay ko na tinignan siya.

"Sige na kunin mo na. Peace offering ko sayo." Pero nang hindi ko pa rin iyon kinuha ay
inilapag na lang niya iyon sa table ko. "Sorry na Muriel. Bati na tayo."

"Excuse me!" Napalingon kaming lahat nang may ulong sumilip sa pintuan.
Oh my! Narito rin si Gail?

"Nagka-problema kasi yung laptop ni Sir Riley. Is there anyone na pwedeng mag-ayos ng
laptop niya?" Pagkatapos ay lumipad ang mga mata niya sa kinaroroonan ko at nanlaki ang mga
iyon nang makita ako. "Muriel! You're here! Oh my god! You're here!" Sa isang iglap ay nakalapit
siya sa akin at mabilis akong niyakap.

Ilang sandali ay bumitiw rin siya sa akin. "What are you doing here? Oo nga pala. I almost
forgot. Taga dito ka nga pala. So, how are you?" Tuluy-tuloy na sabi niya habang nakatanga lang
ako sa kanya. Hindi lang pala ako pati ang mga co-IT ko. "Wait! Kung ikaw na lang kaya ang mag-
ayos ng laptop ni Sir?"

Ako? Umiling ako. No way!

"Sige na!" Pagpupumilit ni Gail nang makita ang pag-aalinlangan ko. "Ikaw na lang, Muriel!" At
hinila na niya ako palabas ng pinto. Mabuti na lang at nakakapit agad ako kay Jasper at binigyan
siya ng help me look.

"Sandali lang Miss!" Pigil nito sa amin.

Whew! Save by the bell.

"Kung okay lang, si Ronald na lang ang pag-aayusin ko ng laptop ni Sir Riley." Dagdag pa ni
Jasper.

"S-sure, no problem!" Parang napipilitan na sagot ni Gail at pagkatapos ay tumingin sa akin.


"Kung sino ang available, why not!"

"Shall we, Miss Beautiful?" Bigla na lang sumulpot sa harapan namin si Ronald at iginiya ang
dalaga palabas ng pintuan. Wala nang nagawa si Gail kundi sumunod dito.

Ganon na lamang ang relief na naramdaman ko nang tuluyan silang makalabas. Muntikan na
ako dun!

Nakasubsob ako sa ginagawa ko nang ma-distract malakas na boses ni Carla.

"Bakit nawala yung sounds?" Ang tinutukoy niya ay ang centralized sound system na naka-
install sa lahat ng department. Iyon kasi ang nagsisilbing background music namin.

Pero hindi rin nagtagal ay muling namumbalik ang tugtog sa paligid.


I freezed. Something had hit me. I know that song.

(Playing: Grow Old With You by Adam Sandler)

Sabi ko na nga ba eh! And its been a long time since I heard that favorite song of mine. But I
guess not anymore. Because it only reminds me of him.

Sa wakas ay natapos din ang kantang iyon. Ibig sabihin makakapag-concentrate na ako sa
trabaho. Back to reality na ang utak ko. Pero hindi pa nga ako nakakabuwelo nang patugtugin
naman ang I'll Take Care Of You ni Steven Curtis Chapman.

Nakakahalata na ako! Nananadya ba ang tadhana?

At dahil doon ay nagkamali ako ng click sa computer ko at nabura ang lahat ng pinaghirapan
ko.

Wah! Nasabunot ko tuloy ang sarili ko. Kaninang umaga ko pa iyon ginagawa. Malapit na nga
ako matapos. Konting-konti na lang. Pero bigla naman akong na-distract. Back to zero ako. Bye-
bye effort!

Sino ba kasi ang nagpatugtog ng mga kantang iyon!

Balak ko sanang sumugod sa HR Department. Sila kasi ang alam kong nag-o-operate ng sound
system. Pero ang ending, napadpad ako sa restroom.

Ilang sandali akong nagpalipas ng topak ko. Kailangan kong kontrolin ang temper bago pa ako
mapahamak. At nang pakiramdam ko ay okay na ako ay saka lamang ako lumabas. Habang
naglalakad pabalik sa puwesto ko ay pinag-iisipan ko kung mag-o-overtime ba ako o uuwi na lang
ng maaga.

Para lang ako nag-mimini-minimo. Nang bigla akong bumangga sa isang malapad na...
katawan?

"Oops! Sor-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang sa pag-angat ko ng mukha ay tumabad sa
harapan ko ang lalaki na pilit kong kinakalimutan.

Riley stared at me like he was seeing me for the first time.

"Watch your step!" His voice was husky that makes me shiver down to my spine.

At ganon na lamang ang pagkadismaya ko nang lagpasan niya ako. Hindi iyon ang inaasahan
ko mula sa kanya. Pero ano pa nga ba ang dapat kong asahan pagkatapos ng mga nangyari sa
aming dalawa?

Hindi ko man aminin sa sarili ko pero nasaktan ako sa inakto niya.


Chapter Thirty Three: Love Rain

Chapter Thirty Three: Love Rain

"Sandali lang!" Halos um-echo ang boses ko sa buong ground floor. Wala akong pakialam kung
maagaw ko man ang atensyon ng lahat ng naroon. Ang importante ay makasakay ako sa elevator
bago pa iyon magsara. And I made it!

"Thanks!" Sabay lingon kay Carla na siyang pumindot ng stop button para makasakay ako.
Abot-abot ang hingal ko. Grabe! Ikaw ba naman ang tumakbo magmula sa babaan ng jeep
hanggang dito.

"May fifteen minutes pa naman bago mag-time. Bakit ka nagmamadali?" Komento ni Carla.

"Dadaan pa ako ng canteen. Hindi pa ako nag-aalmusal." Sagot ko habang patuloy na


naghahabol ng hininga. "Pakipindot nga ng sixteen floor." Utos ko sa kanya.

Tinanghali ako ng gising. Hindi kasi tumunog ang alarm clock ko. O baka hindi ko lang narinig
iyon sa sobrang himbing ng tulog ko. Sa pagmamadali ko na hindi ma-late sa trabaho ay hindi ko
na nagawang mag-almusal sa bahay. Kaya sa jeep pa lang ay nagrereklamo na ang tiyan ko.
Mabuti na lang at kaskasero si Mamang driver at nagkaroon ako ng extra fifteen minutes para
sumaglit sa canteen.

"May dala akong mamon dito. Kung gusto mo sa'yo na lang." Sabi ni Carla habang may
hinahalungkat sa loob ng bag nito.

"No, thanks!"

"Arte nito! Ikaw na nga ang binibigyan!"

"Hindi ako mabubusog sa mamon lang. Kailangan ko ng heavy breakfast."

"Oo nga naman! Si Muriel pa! Parang lalaki ang appetite nyan."

Awtomatikong napalingon ako sa tabi ko. Naroon pala si Ronald.

"Ikaw!" Sabay turo sa kanya. "May kasalanan ka pa sa akin. Akala mo nakalimutan ko na ang
ginawa mo sa akin kahapon?"
Napakamot ng ulo ang binata. "Nakaganti ka na rin naman sa akin nang sipain mo ako in-front
of the madlang pipol."

"Kulang pa iyon!" Kunwari ay seryoso ako. At akmang sisipain siya sa binti ngunit mabilis itong
nakaiwas kaagad.

"Sorry na Muriel. Hindi na mauulit. Promise."

Inirapan ko lang siya.

"Promise bukas na bukas bibigyan din kita ng bulaklak. Hindi nga lang kasing mahal ng
natatanggap mo. Hindi ko afford iyon."

"Kung gusto mong mapatawad ka ni Muriel pagkain ang ibigay mo huwag bulaklak. Hindi niya
kasi iyon makakain."

Nagkibit balikat na lang ako sa sinabing iyon ni Carla. May punto naman kasi siya.

"Speaking of flowers." Bahagya niyang inilapit ang mukha sa akin. "Kung sakaling may
madadatnan ka na naman na flowers sa table mo, akin na lang ulit ha?" Nag-puppy eyes pa siya
sa tapat ng mukha ko.

Hindi ako sumagot. Nakapangako kasi ako kay Cynthia na sa kanya ko ibibigay ang flowers na
matatanggap ko ngayong araw.

"Muriel, kilala mo ba kung sino yung nagpapadala sayo ng mga bulaklak?" Pakikiusyoso ni
Ronald.

Ngunit si Carla ang sumagot. "May secret admirer ba na nagpapakilala?"

"Ikaw ba ang kausap ko?" Ganting sagot ni Ronald.

"Huy! Lumabas na nga kayong dalawa." Sabay tulak ko kay Ronald nang bumukas ang pintuan.
"Nasa fifteen floor na po tayo." Sumunod naman si Carla at ilang kasamahan namin na kanina pa
siguro nakikinig sa kaingayan namin.

"Excuse me!"
May tao pa pala sa likuran ko. Napausod tuloy ako para mag-give way sa kanya. Riley?

Ibig sabihin ay kasama rin pala namin siya na nakasakay sa elevator? Ngunit dire-diretso
siyang lumabas at hindi man nag-abala na sulyapan ako. Kung sabagay ano pa ba ang dapat
kong asahan mula sa kanya? Kahapon lang kung dedmahin niya ako ay parang hindi niya ako
kilala.

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Nanakit ang tiyan ko na hindi ko mawari.
Naimpatso yata ako! Naparami kasi ang kain ko kanina sa canteen. Hindi ko na naman napigilan
ang sarili ko na lumamon.

"Muriel phone!" Sigaw ni Ronald sa akin. Sa linya niya napunta ang tawag na para sa akin.

"Hello!"

"Muriel, si Gail ito. Punta ka sa bagong office ni Sir Riley. Pakiayos naman ng connection ng
computer niya."

"Eh bakit ako?" Hindi ko napigilan na bulaslas.

"IT ka diba? At saka ikaw lang ang kakilala ko dyan."

Kung minamalas ka nga naman!

"Sige papunta na ako dyan." Napipilitan na sabi ko para lang hindi na humaba pa ang usapan.
Pagkakababa ko ng phone ay mabilis akong lumingon kay Ronald. "Ro- " Nasaan na ang lalaking
iyon? Kanina lamang ay naroon pa siya sa puwesto niya. Binalingan ko naman si Carla. Pero
abala ang bruha sa pakikipag-usap sa telepono. Si Jasper naman ay wala rin sa pwesto nito.
Habang ang iba ko naman na kasamahan ay abala sa mga ginagawa nila.

No choice! Bitbit ang sarili ko na nagtungo sa opisina ni Riley. Nakasimangot ako nang
salubungin ni Gail sa may pintuan. Para akong tanga na humugot nang malalim na paghinga bago
pumasok sa loob. Ganon na lamang ang kaba sa dibdib ko.

Pero sa pagpasok ko ay wala naman akong nadatnan na tao sa loob. Wala roon si Riley.

"Nasa meeting si Sir ngayon." Si Gail na nakasunod sa likuran ko. "Mamaya pa siguro sila
matatapos. Kaya sana bago siya bumalik ay maayos na ang koneksyon ng computer niya."

Sunud-sunod ang pagtango ko. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag."No problem! Sandali
lang ito." Ang lapad ng ngiti ko. Baka nga wala pang limang minuto ay maayos ko na iyon. At bago
pa bumalik si Riley ay wala na ako.

Sinimulan ko agad ang dapat na ayusin. Nang hindi ko makuha sa simpleng pagpipindot ay
tinignan ko na mismo ang connection na nakakabit sa CPU. Dumausdos ako pababa ng silya at
gumapang sa ilalim ng mesa. Sa sobrang kaabalahan ay hindi ko napansin ang pagbukas ng
pintuan.

"What are you doing there?"

Anak ng!

Sa sobrang gulat ko ay nauntog tuloy ako. Ouch!

Bakit ka ba nanggugulat? Gusto ko sana siyang bulyawan kung hindi ko lang napigilan ang
sarili ko. Boss ko nga pala siya!

"Bakit ikaw ang gumagawa nyan?" Tanong ulit ni Riley habang nakapameywang sa harapan ko.

"Napag-utusan lang po ako, Sir!" Hindi tumitingin na sagot ko sa kanya habang patuloy na
hinihimas ang nasaktan kong bumbunan.

Shit! May bukol na yata ako.

"Bilisan mo! May mahalaga pa akong gagawin."

Kung makapang-utos naman wagas!

Muli akong yumuko at gumapang sa ilalim ng mesa niya. Kailangan kong maayos iyon kaagad
para makaalis na rin ako doon.

"Matagal pa ba yan?" Tila naiinip niyang tanong.

I rolled my eyes. Segundo pa lang ang nakalilipas. Kailangan agad-agad?

Sa halip na sagutin siya ay nag-pokus na lang ako sa ginagawa ko. At nang sa wakas ay
naikabit ko na nang maayos ang jack ay muli akong gumapang palabas. Nang bigla na lang
natusok ang daliri ko ng isang matulis na bagay na nakausli sa ilalim ng mesa. Namalayan ko na
lang na nagdudugo iyon.
Hindi ko alam kung katangahan ang tawag roon o talagang minamalas lang ako?

Sinipsip ko na lang ang nasugatan kong daliri at tuluyan lumabas sa ilalim. At agad na
binalingan ang monitor.

"Hello there Samantha. How are you?"

Awtomatikong umangat ang kilay ko nang marinig ang pangalan na iyon. Sa gilid ng mata ko ay
nakita ko si Riley na nakaupo sa mahabang sofa at nasa tapat ng tenga niya ang hawak na
cellphone.

"Yeah I know! I'm sorry kung ngayon lang kita natawagan."

Kung puwede ko lang takpan ng dalawang kamay ang tenga ko ay ginawa ko na. Kaya lang
busy ang mga kamay ko na maayos ang problema ng desktop ng lalaking ito. Ayoko sanang
marinig kung anuman ang pinag-uusapan nila. Ngunit tila nanadya na nilakasan pa ni Riley ang
boses nito.

"Promise babawi ako sa'yo Baby. Please huwag ka ng magtampo."

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.

"You're done?" Narinig kong tanong niya.

"Okay na po ang computer nyo, Sir." Binigyan diin ko ang huli kong sinabi. "Pwede na po
ninyong gamitin." Sa wakas ay nagawa ko ring tumingin sa kanya ng diretso.

Nakatingin din siya sa akin habang naka-hang sa kamay niya ang hawak na cellphone. "Y-
you're hand is... bleeding." He said in a lower voice.

Mabilis akong napatingin sa kamay ko. Hindi ko namamalayan na umaagos na pala ang dugo
mula roon.

Sa isang iglap ay nakalapit sa akin si Riley. Dumampot siya ng tissue mula sa table niya at
binalot iyon sa kamay ko.

"I need to send you in the hospital."

I chuckled. "Hindi na po kailangan, Sir." Sabay bawi sa kanya ng kamay ko. "Maliit lang po na
sugat ito. I can handle myself." At tinalikuran ko na siya para lumabas.

"Muriel!" I stopped when I heard him call my name. I couldn't explain why suddenly my heart
skip a bit. May ilang sandaling nanatili ako sa ganoong posisyon. Ngunit nang marinig ko ang mga
yabag niya na papalapit sa akin ay dali-dali akong naglakad palabas ng pintuan.

Hanggang kailan ako maduduwag na harapin siya?

Hindi ko inaasahan nang bigla na lang sumugod sa puwesto ko si Erik para gamutin ang sugat
ko. Siya ang registered nurse ng kumpanya. At siya rin ang nag-iisang naglakas loob na manligaw
sa kin kahit alam niya na wala siyang maaasahan. At kung paano niya nalaman na may sugat ako
ay hindi ko alam.

"Kahit maliit lang na sugat ito ay hindi ka pa rin ligtas sa tetano." Sabi niya habang pinapahiran
ng betadine ang kapiranggot na sugat sa dulo ng daliri ko.

Nagkibit-balikat lang ako.

"Erik, ikaw siguro ang secret admirer ni Muriel! Umamin ka na?" Pang-iintriga ni Carla na bigla
na lang sumulpot sa tabi ko. At dahil doon ay naging tampulan tuloy kami ng tuksuhan ng mga
kasamahan ko.

Ngumisi ang binata. "Bakit ko pa itatago ang identity ko? Hindi pa obvious ang nararamdaman
ko para kay Muriel? At saka kaduwagan ang tawag doon at hindi ako ganon." Pagyayabang niya.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayoko sa kanya.

Ngunit dahil na rin sa kantiyawan at panunukso ng mga kasamahan ko ay napa-oo ako sa


imbitasyon niya na kumain kami sa labas. Kung sabagay, kelan ba ako tumanggi sa pagkain?

"Sir Riley!" Boses iyon ni Ronald.

Lahat ay awtomatikong napalingon sa may pintuan. Naroon nga siya at nakatayo. Nang
lumipad ang mga mata niya sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Sir, may kailangan po ba kayo?" Tanong ni Ronald na tila na-starstruck sa binatang nasa
harapan niya.

Bahagya siyang tumikhim bago nagsalita. "Mayroon akong na-delete na mahalagang file. Gusto
kong ma-retrieve iyon."
"Ako na lang po mag-aayos." Pagpiprisinta ni Carla. Ngunit hindi man lang siya tinapunan ng
tingin ni Riley.

"I want Ms. Gonzales to do it. A-S-A-P!" Iyon lang at tumalikod na siya.

Lumipad ang lahat ng mga mata sa direksyon ko.

"What?" Painosente na tanong ko kunwari.

Wala naman akong narinig na objection mula sa kanila. Marahil ay nabigla lang sila sa inakto
ng binata.

"Ang guwapu-guwapo ni Sir Riley." Parang nangangarap na nakatingala pa si Carla mula sa


desk nito.

"Suplado nga lang." Komento naman ni Erik. Pagkatapos ay binalingan ako. "So, paano Muriel?
Kita-kits na lang mamayang five." Tumayo na siya para umalis.

Tumango lang ako.

Pasado alas sais na pero naroon pa rin ako sa opisina. Lahat na ng mga kasamahan ko ay
nagsipag-uwian na habang ako ay nag-o-overtime para sa pesteng file na iyon na hanggang
ngayon ay hindi ko mahanap-hanap.

Huhu.. nagugutom na ako! Ang huling kain ko ay kanina pang three o'clock. Malay ko ba na
aabutin ako ng ganitong oras.

Hanggang sa tuluyan akong sumuko. Hindi ko talaga mahanap. Inaabot na ako ng halos
dalawang oras at nabuksan ko na halos ang lahat ng back-up files ng kumpanya pero ni anino ng
sinasabing importanteng file ni Riley ay hindi ko makita.

Hindi kaya naghahanap ako ng wala naman?

Mabilis kong ini-off ang monitor ng computer. At naghanda para umuwi. Kung magpumilit pa rin
si Riley na hanapin ko ang na-delete niyang file, bahala na siya sa buhay niya. Basta ako ginawa
ko na ang lahat ng makakaya ko.

Paglabas ko ng office ay eksakto naman na papalabas din ng opisina niya si Riley.


Nandito pa rin siya?

Mabuti na lang at hindi niya ako napansin. Halos takbuhin ko papuntang elevator. Hindi
pwedeng makasabay ko siya. Ayoko!

Pagsakay ko ay mabilis kong pinindot ang close button.

Tiyempo naman na lumiko si Riley at nakita niya ako.

"Muriel wait!"

Muli kong pinindot ang close button. "Oh come on! Magsara ka na please..."

"Hold it! Hintayin mo ako!"

Ngunit tila wala akong narinig. At bago pa siya makaabot ay sumara na ang pintuan ng
elevator.

Whew! Kinabahan ako doon!

Malamang galit na galit siguro sa akin si Riley ng mga oras na iyon. At parang nai-imagine ko
na ang mala-angry bird niyang mukha. Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. He deserved it.
Pagkatapos niya akong pahirapan sa file na hindi nag-e-exist, heto ang ganti ko sa kanya. Wala
sa loob na napangiti ako. Bigla kong naalala na matatakutin nga pala siya sa multo. Ano na kaya
ang nangyayari sa kanya sa itaas?

Paglabas ko ng building ay napatingala ako sa madilim na kalangitan. Mukhang nagbabadya


ang malakas na pag-ulan. Nagsisimula nang umambon. Nagmamadali tuloy akong naglakad.
Sana bago bumuhos iyon ay makasakay na ako ng jeep. Ngunit nasa kalangitnaan pa lang ako ng
kalsada ng bigla na lang bumuhos ang ulan ng ubod ng lakas. Napatakbo ako ng mabilis sa
pinakamalapit na waiting shed.

Para akong basang sisiw. Basang-basa na ako. Sa kamalasan ay wala akong dalang payong.
Wala rin dumaraang jeep. Tapos, gutom na gutom pa ako. At tila nanadya na lalo pang lumakas
ang ulan.

I feel so helpless!
Pansin ko puro kamalasan na lang ang nangyari sa akin magmula kaninang umaga. Sinusumpa
ko talaga ang araw na ito! I swear!

Parang bata na nagmamaktol na basta na lang umupo ako pa-swat habang pinapanood ang
pagbuhos ng malakas na ulan. Ano pa nga ba ang pinakamabuting solusyon kundi ang maghintay
na tumila iyon! Konting tiis na lang siguro. Ngunit wala yatang balak tumigil ang ulan.

Is there anyone who can help me?

Nagulat na lang ako nang may biglang humintong magarang sasakyan sa harapan ko. At
bumukas ang pintuan.

"Hop in!" Sigaw sa akin ni Riley.

Napatanga lang ako sa kanya. Heto na ba ang katuparan sa kahilingan ko? Ang bilis naman!

"Muriel, sumakay ka na! Ihahatid na kita sa inyo!" Halos hindi ko maintindihan na sabi niya.
Nagtatalo kasi ang boses niya at ingay ng ulan.

What now Muriel? Would you dare to accept his tempting offer?

Nasorpresa ako nang bigla na lang bumaba ng sasakyan si Riley at sumugod sa ulan patungo
sa direksyon ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo!" Hinila niya ako sa braso para itayo. "Now hop in!" Sabay tulak sa
akin papasok sa loob ng kanyang sasakyan. Wala na akong nagawa kundi sumunod.

Basang-basa siya nang sumakay ng kotse niya. Bigla tuloy akong nakonsensyiya. Kinuha ko
ang baon kong towelette sa bag at inabot iyon sa kanya.

"Punasan mo ang sarili mo."

Pero hindi ako pinansin ni Riley. At sa halip ay pinatakbo na niya ang sasakyan.

Napahiya ako sa pandededma niya. Fine! Eh di huwag! Nakausli ang nguso na inirapan siya at
sarili ko na lang ang pinunasan ko. Siya naman ang giginawin at hindi ako.

Pero hindi pa nga ako natatapos nang hablutin niya mula sa akin ang hawak kong towelette.

"Pahiram nga!" At saka niya pinusan ang sarili.


Kunwari pa na ayaw! Akala ko ako lang maarte, siya rin pala!

At nang matapos siya ay basta na lamang niyang inihagis sa akin ang ginamit niyang towelette.

"Salamat ha!" Sarkastikong sabi ko nang lumingon sa kanya. Pero dedma pa rin ang loko.

Teka! Parang mali ang nilikuan niya na kalsada.

"Riley, hindi dyan ang way pauwi sa amin."

Hindi siya sumagot.

"Riley!"

Dedma pa rin siya. Kinabahan na ako.

"Ihinto mo ang sasakyan. Bababa na lang ako."

Ngunit tila wala siyang naririnig.

Sa inis ko ay kinurot ko siya sa braso.

"Ouch!" Daing niya. Pero patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.

"Riley naman! Ibaba mo na ako."

Talagang nananadya na siya!

"Hindi mo talaga ihihinto ang sasakyan? Kakagatin kita?" Ngunit wala pa rin epekto sa kanya
ang banta ko. At hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.

O baka naman pinagti-tripan niya lang ako?

Patuloy pa rin ang malakas na buhos na ulan at halos hindi na namin makita ang dinaraanan
namin. Pero alam ko na malayo na iyon pauwi sa bahay ko.

"This is kidnapping! Saan mo ba ako dadalhin?" Gusto ko nang maiyak sa sobrang frustation.
Daig ko pa ang nakikipag-usap sa pader.

"Rai!"

Bigla na lang nag-preno si Riley. Mabuti na lang at naka-seatbelt ako bago pa ako humambas
sa dashboard. Ngunit hindi pa nga ako nakaka-recover nang bigla na lang niya akong kabigin
paharap sa kanya. And claimed my mouth without my permission.
Chapter Thirty Four: Together Again

Chapter Thirty Four: Together Again

"Dinner is served."

Nakangiting bungad sa akin ni Riley paglabas ko ng kuwarto. Katulad ko ay nakaligo na rin siya
at nakapagpalit ng damit.

Nandito ako ngayon sa condo niya. Ang sabi niya sa akin ay wala na raw kaming madadaanan
na hindi baha kaya doon na lang daw ako mag-overnight. Iyon din ang daw ang dahilan kung bakit
nag-iba at naghanap siya ng ibang way. Pero duda ko na sinadya niya talaga na dalhin ako sa
place niya.

Hindi kaya balak niya talagang kidnapin ako?

Mabilis kong pinilig ang ulo. Napa-paranoid lang siguro ako.

"Come Muriel! Kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain." Masiglang yaya niya habang
inaayos ang mga pagkain sa mesa. Nakakapagtaka ang pagbabago niya ng mood. Hindi na siya
ang masungit na Riley na kasama ko kanina.

Nang malanghap ko ang mabangong amoy ng crab soup at porkchop ay bigla akong natakam.
Nagtatalon sa tuwa ang mga alaga ko sa tiyan. Kanina pa ako nagugutom. At hindi na ako
nagpakipot pa. Hinding-hindi akong tatanggi pagdating sa pagkain. Food first before my personal
matter. Ise-set aside ko muna ang inis ko para kay Riley.

Ngunit sa paghakbang ko ay natapakan ko ang nakasayad na lalaylayan ng suot kong


padjama. Na-out of balance ako at natumba. Mabuti na lang at bumagsak ako sa malambot na
carpet.

"Muriel!" Sa isang iglap ay nasa tabi ko na si Riley. Inalalayan niya ako sa pagtayo.

Pahamak kasi ang oversize na padjama niya. Dahil nga nabasa ang damit ko sa ulan kaya
napilitan akong suotin ang pinahiram niyang mga damit.

"Okay ka lang?"
Ngunit sa paglingon ko sa kanya ay nakita ko ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Binigyan
ko siya ng matalim na tingin. Pero lalo lamang lumapad ang kanyang mga ngiti.

Oh shet! Bakit ba ang guwapu-guwapo pa rin niya?

Halos hindi ko na namalayan nang alalayan niya ako na makaupo sa sofa. Ngunit sa aking
pagtataka ng bigla na lamang siyang sumalampak sa carpet. Iniangat niya ang paa ko para lang
tupiin ang laylayan ng suot kong pajama.

"May masakit ba sayo?" Tumingala siya sa akin, still smiling. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Ayokong makita ang guwapo niyang mukha. Nagkakasala lamang ang mga mata ko.

"Kumain na nga lang tayo!" Hindi na ako nakatutol nang bigla na lang akong hilahin ni Riley sa
kamay. Napasunod na lang ako sa kanya.

"Here!" Akma niya akong sasandukan ng kanin nang iniwas ko sa kanya ang plato ko.

"Ako na!" Sabi ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga. At hindi na siya nagpumilit pa.

"Muriel, can we talk?"

Ngunit tila wala akong narinig. Mas uunahin ko pa bang makipag-usap sa kanya gayon gutom
na gutom na ako?

"I know that you're mad. But please, we need to talk."

Nang hindi pa rin ako kumikibo ay basta na lang niya kinuha ang plato ko. Akmang babawiin ko
iyon sa kanya pero sa halip ay lalo niyang nilayo iyon sa akin.

"Now, I got your attention!"

Talagang nakuha niya ang atensyon ko. Iyon ang kahinaan ko eh!

Sinimangutan ko siya. "I'm starving! Ang huling kain ko ay kanina pang alas-tres ng hapon.
Pagkatapos bigla mo na lang akong pinag-overtime. Nagpakapagod ako at nagsayang ng effort
para sa isang file na hindi naman nag-e-exist. Baka gusto mo muna akong pakainin?"
Bahagyang natigilan si Riley sa sinabi ko at ilang sandali ay binalik niya rin sa harapan ko ang
plato ko. "I'm sorry!" He almost whispered. Pagkatapos bigla na lang siyang tumayo sabay alis.
Tuluy-tuloy siya sa pintuan palabas.

Me and my temper!

Bigla naman akong na-guilty sa pagwo-walk out niya. I'm being harsh on him again and I
couldn't help it. Siya kasi eh!

Hanggang sa matapos akong kumain ay hindi pa rin bumabalik si Riley. Nakapaglipit na ako at
nakapaghugas ng pinagkainan ko ay wala pa rin siya.

Hala! Baka tuluyan na siyang nagtampo sa akin.

Naupo ako sa mahabang sofa. At inabot ang remote control ng TV. Manonood na lang ako
habang hinihintay si Riley. Pero hanggang sa magsawa ako sa kakalipat ng channel ay wala
naman akong nahanap na magandang panoorin. Pinatay ko na lang iyon.

Bigla kong nayakap ang sarili ko nang makaramdam ng ginaw. Hindi naman nakabukas ang
aircon. Pero maginaw pa rin. Marahil ay malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan sa labas. Hindi ako
nakatiis ay kinuha ko ang comforter na nakita ko kanina sa kuwarto at binalabal iyon sa aking
katawan at muling namaluktok sa sofa.

Naisip kong hintayin si Riley. And I need to say sorry this time. I guess he was right. We need to
talk.

I'll miss you


Kiss you
Give you my coat when you are cold...

Halos mapalundag ako sa gulat ng bigla na lang tumunog ang cellphone ni Riley sa ibabaw ng
center table.

All time favorite? Hanggang ngayon ay iyon pa rin pala ang ringtone niya!

Patuloy pa rin sa pagtunog ang phone niya. Napilitan akong damputin iyon. At nanlaki ang mga
mata ko nang mag-flash sa screen ang pangalan ni Mam Lorie.

Ngunit lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapansin k ang wallpaper ng cellphone niya. Iyon
ang kaisa-isang picture na magkasama kaming dalawa ni Riley. Kinunan ko iyon gamit ang
cellphone ko. And that was eight months ago. Pero teka! Paano siya nagkaroon ng kopya nun?
Hindi kaya? Oh my! Na-stalked niya ang cellphone ko!

Pagdating ko ay katahimikan ang bumungad sa akin. Malinis na ang mesa nang maabutan ko.
At ganun din ang lababo. Ang mga natirang pagkain ay maayos na rin nakatabi sa loob ng
refrigerator.

Where is she?

Luminga ako sa paligid. Wala sa loob na napatingin ako sa pintuan ng kuwartong pinaokupa ko
kay Muriel. Marahil ay nagpapahinga na siguro siya. Knowing that woman, napakaantukin pa
naman niya!

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Saka ko lang naalala na iniwan ko nga pala iyon
kanina sa ibabaw ng center table sa sala. Malamang si Mama na naman ang tumatawag. Kanina
pa niya ako kinukulit kung ano na raw ang bagong development sa plano ko. Siya pa ang mas
excited kaysa sa akin. At aaminin ko isa siya sa mga nagtulak sa akin kaya ako ngayon narito sa
Davao.

Hindi ko inaasahan na makita si Muriel na nakahiga sa sofa.

Bakit dito siya natutulog?

Hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan siya. Napangiti ako.

She's an angel! The angel of my life.

Walang sawa na pinagmasdan ko ang magandang tanawin na nasa harapan ko. Maingat kong
inaangat ang kamay ko para hawiin ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumabing sa mukha
niya. Tuluyan ng nawala na isip ko ang tumutunog kong phone. Ang buong atensyon ko ay nasa
kanya lamang. As if I was totally drown by her spell.

Namalayan ko na lang na hinahaplos ko na ang pisgi niya, ganon din ang matangos niyang
ilong pababa sa mga labi niya. At napatitig ako doon. Napangiti ulit ako ng maalala ko ang ginawa
kong paghalik sa kanya kanina sa kotse. Ang buong akala ni Muriel ay ginawa ko iyon para
patahimikin siya. Ang hindi niya alam, kahapon ko pa pinipigilan ang sarili ko na gawin iyon sa
kanya. At kanina lang ako nakahanap ng pagkakataon.
Ngayon ay may pagkakataon na naman akong gawin iyon. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.
At natutukso ako. Unti-unti ay bumaba ang mukha ko sa kanya. Halos mahalikan ko na siya nang
bigla na lamang siyang gumalaw. Mabilis akong lumayo sa pag-aakala na baka nagising siya. At
ganon na lamang ang relief ko nang masiguro kong nahihimbing pa rin siya sa pagtulog.

Para akong sira na pinagtawanan ang sarili ko. Kung nagkataon na nagising siya, siguradong
aawayin na naman niya ako. And worst baka mapurnada pa ang plano ko.

And speaking of my plan, kailangan ko nang gamitin ang huling option ko. Mukhang hindi
umepekto sa kanya ang unang strategy ko at ganon din ang pangalawa. Dahil imbes na mapalapit
siya sa akin ay mas lalo lamang siyang lumalayo.

Tama lang siguro ang naging desisyon ko na dalhin siya rito sa condo ko. Dahil sa wakas ay
nasolo ko rin siya at magkakaroon ako ng pagkakataon na makausap siya ng masinsinan. Pero
siguro bukas na lang ng umaga paggising niya. Wrong timing kasi ang approach ko sa kanya
kanina. Malay ko ba na gutom na gutom na siya?

Kung sabagay hindi ko siya dapat madaliin katulad ng ginawa ko sa kanya dati. Ayoko siyang
biglain ulit. I want to make it slowly this time.

Pero papaano kung hindi na naman umepekto sa kanya ang ganong strategy?

Kung kinakailangan kong igapos siya at itali para makinig sa akin ay gagawin ko. At sa ayaw at
sa gusto niya ay mag-uusap kaming dalawa. Hindi na siya pwedeng umiwas ulit sa akin.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at muling sinulyapan si Muriel. "Bukas ng umaga
ay magtutuos tayong dalawa!" Wala sa loob na sabi ko at saka inaayos ang comforter na
nakabalabal sa kanya. Naisip kong ilipat siya sa kuwarto. Siguradong hindi magiging komportable
ang pagtulog niya sa sofa. Bubuhatin ko na sana siya nang biglang magbago ang isip ko.

Nang lumabas ako kanina ay dumiretso ako sa bar na nasa groundfloor. Medyo naparami ang
inom ko. At nag-aalala ako na baka hindi ko kayanin na buhatin pa siya.

"MUriel..." Marahan ko siyang tinapik sa pisngi para gisingin. "Baby girl wake up! Huy!" But no
dice, hindi talaga siya magising-gising. Para nga palang mantika kung matulog ang babaing ito!

"Muriel..."
"Hmmm..." Bahagya siyang kumilos at pumihit paharap sa akin.

"Wake up! Huwag ka dito matulog. Doon ka na lang sa kuwarto para maging komportable ka."

"G-go away!"

"Muriel maginaw dito sa sala. Baka magkasakit ka pa. Please doon ka na lang sa loob."

Ngunit hindi na siya sumagot ulit. Mukhang nahimbing na naman siya.

Napailing na lang ako at muli siyang pinagmasdan. "You stubborn woman! Bakit ba ayaw mo
akong pakinggan?" Kanina ko pa gustong mainis sa kanya. Pero sa tuwing mapapagmasdan ko
ang mukha niya, nakakalimutan ko na lang bigla iyon. At napapalitan ng pananabik ko sa kanya.
"You never know how much I miss you.. How much I wanted to hold you in my arms." I was talking
to her as if she could hear me. "And now that you're here with me, I won't let you go again. I need
you Muriel. I need you so badly. My life has never been the same again without you by my-" I
stopped in a midsentence when I saw her staring at me.

"M-muriel?" Gusto kong makasiguro kung talagang gising na siya o baka nanaginip lamang
siya.

"Ang ingay mo Riley! Nanadya ka ba talaga?" Her voice was husky.

Suddenly, I was lost of words. She is fully awaken.

Bumangon si Muriel at humarap sa akin habang kinukuskos ang mga mata. "Inistorbo mo ang
pagtulog ko. Alam mo ba kung anong oras na?"

"I'm sorry!" Bigla akong tumayo. "Matulog ka na ulit." Aalis na sana ako nang pigilan niya ako sa
kamay.

"Ngayon mo sabihin sa akin iyong mga sinasabi mo kanina."

"You heard me?"

Umangat ang kilay niya. "Magigising ba ako kung hindi? Pero wala akong masyadong
naintindihan. Ang naalala ko lang ay yung sinabihan mo akong stubborn woman." At nag-pout
siya.
"Bukas na lang tayo mag-usap." Naisip ko na hindi ito ang tamang panahon. Nakainom ako at
kagigising lang niya. Hindi magdya-jive ang mga moods namin. Baka imbes na magkasundo kami
ay lalo lamang lumalala ang sitwasyon naming dalawa. "Matulog ka na lang ulit."

Pero imbes na bitiwan niya ang kamay ko ay lalong humigpit ang pagkakahawak niya roon.

"Hindi mo na ako makakausap ng matino bukas. Kaya gusto ko ay ngayon na." She looks really
serious.

Pero ayoko namang ipilit ang gusto niya. "Wala ako sa mood ngayon. Bukas na lang Muriel."

"Fine!" Bigla niyang binitiwan ang kamay ko. "Wala ka sa mood ngayon, hindi ako matino
bukas. Huwag ka ng mag-expect na makakapag-usap pa tayo. Goodnight!" Muli siyang nahiga at
nagtalukbong ng comforter.

Napapikit ako at tumingala sa itaas. Naman! Suko na talaga ako sa katigasan ng ulo niya!

"Okay! You won Muriel! Mag-usap na tayo ngayon."

Ngunit tila wala siyang narinig at hindi siya kumikilos.

"Muriel!"

Hindi pa rin siya nagre-response. At nananadya na siya. Sa inis ko ay hinila ko ang comforter
niya. Dahilan para ma-expose siya.

Bigla bumangon si Muriel at hinila pabalik ang comforter. "Akina na yan!"

Pero nakipaghilahan ako sa kanya. "Gusto mong mag-usap tayo di ba? I'm giving you now a
chance."

"Nagbago na ang isip ko! Ayoko ng makipag-usap sa'yo kahit kailan."

"Stop acting like a child!"

"Look who's talking!" Ganting sigaw niya.

Pakiramdam ko ay sasabog ako anumang oras. Inuubos talaga niya ang pasensiya ko.
Gayunpaman ay nagawa ko pa ring magpigil. Ayokong magalit sa kanya. Binitiwan ko na ang
hawak kong comforter at hinayaan na iyon sa kanya. Muling nagtalukbong si Muriel at hindi na
muli ako kinausap.
I don't know what to do with her anymore. But it doesn't mean that I'm giving up. Haist!
Napakamot ako ng ulo. Kung itali ko kaya ng patiwarik ang babaing ito?

Naramdaman ko na lang na umalis sa tabi ko si Riley. Mas mabuti pa nga na matulog na lang
siya! Umakyat na ang topak ko sa ulo at hindi na niya ako makakausap ng maayos. Kung kailan
naman natutulog ako ay saka niya ako kakausapin. At ngayon naman na nasa mood ako na
kausapin siya ay saka naman siya aayaw. Nakakaloko na siya!

Makatulog na nga lang ulit! At bukas na bukas, hindi pa sumisikat ang araw ay aalis na ako
roon. Ayoko na ng makipaglokohan pa sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya!

Ngunit napadilat ako nang makarinig ako ng pag-ungol. Ano iyon?

Hindi kaya... mumu? Hindi naman siguro.

Pero nang lalong lumakas ang pag-ungol ay kinabahan na ako. Bigla akong napabalikwas
sabay lingon sa pinanggagalingan ng tinig na iyo. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si
Riley na namimilipit sa sahig habang sapu-sapo nito ang ulo.

Sa isang iglap ay nakalapit ako sa kinaroroonan niya. "Oh god Riley! A-anong nangyayari
sa'yo?" Hindi ko malaman kung paano ko siya hahawakan. Sinaklot na ng pag-aalala ang dibdib
ko.

"Aahhhh..."

Napatayo akong bigla nang lalong lumakas ang pag-ungol niya. I need an ice! Tama! Patungo
na sana ako sa kusina nang bigla akong bumalik. No! Mas kailangan ko siyang madala sa ospital.

"Riley!" Napasigaw ako nang makita ko siya na wala nang malay. "Riley wake up! Open your
eyes, please... Huwag mo naman akong takutin ng ganito." Ngunit hindi ko man lang siya
kinakitaan ng anumang reaksiyon. Napahikbi na ako ng tuluyan. "P-please hang on, Rai. Tatawag
lang ako ng ambulansya."

Patakbo akong nagtungo ng kuwarto para kunin ang cellphone ko. Nailabas ko na ang lahat ng
gamit ko sa loob ng bag pero wala iyon doon.
Damn! Saan ko ba nailagay iyon? Kinakain na ako ng sobrang takot at hindi na ako makapag-
isip ng maayos.

May landline phone nga pala sa may sala. TUmakbo ako palabas ng kuwarto. Pero sa
pagmamadali ko ay natisod ako sa nakakalat na tsinelas. Mabilis akong tumayo at hindi ininda
ang pananakit ng tuhod ko. Nanginginig ang mga kamay ko na inaangat ang telepono at saka
mabilis na nag-dial ng number. Saka ko lang na-realize na wala iyon dial tone. What the! Muntikan
ko nang maihagis iyon nang maalala ko si Riley.

I need to send him in the hospital immediately. Pinilit ko siyang buhatin. Pero hindi ko kaya ang
bigat niya. Halos hindi ko nga maiangat ang katawan niya sa sahig. I felt so helpless. But I don't
want to give up. Tatayo na sana ako para humingi ng tulong sa labas nang biglang magmulat ng
mga mata si Riley.

"Thank God! You're okay now? Wala nang masakit sayo?"

Hindi siya sumagot pero isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. At ang ngiti
ay nauwi sa pagtawa.

Ilang beses akong kumurap-kurap. So, everything is part of his... joke!

"Did I scare you? Sorry! Gusto ko lang malaman kung mag-aalala ka pa-"

Bigla kong dinamba si Riley at saka sinakal. "Walanghiyang lalaki ka!" Inalog-alog ko pa siya.
"Halos patayin mo ako sa takot. Akala ko kung ano nang nangyari sayo. Yun pala, pinagtitripan
mo lang ako!"

"Baby girl nasasaktan ako!"

"Baby girl mong mukha mo! Kulang pa iyan sa ginawa mong panloloko sa akin, buwisit ka!
Kung alam mo lang na halos himatayin ako sa sobrang pag-aalala sayo." Magkahalong relief at
panggigigil ang naramdaman ko ng mga oras na iyon at hindi ko na napigilang umiyak.

"I hate you... I hate you Rai..." Kahit anong gawin kong pagpahid ng mga luha sa pisngi ko ay
hindi ko na iyon naitago sa kanya. "Don't ever do that again." I hate him so much for scaring me to
death.

"Ssshhhh.. please don't cry." Kinabig ako ni Riley at mabilis na niyakap. "I'm so sorry. It's not my
intention. Ikaw kasi, palagi mo na lang akong pinagtutulakan palayo. At pakiramdam ko ay ayaw
mo na talaga sa akin, na wala na akong halaga sa'yo."

"Kasalanan ko pa ngayon?" Tinangka ko siyang itulak. Pero para lang akong nagtulak ng isang
pader.

"You're right. It's all your fault. I wouldn't be here now if had not for you. Because I realized that
living without you is like living in hell."

Napahinto ako sa pag-iyak at tumingala sa kanya.

Masuyo akong tinitigan ni Riley at pinahid ng daliri niya ang mga luha sa pinsngi ko. "You never
know what I went through this past few days. Sa bawat araw na dumaraan, tila isang taon ang
katumbas nun sa akin. Halos mabaliw ako sa kakaisip sayo. Tiniis ko ang sarili ko na hindi ka
makita. Dahil kailangan kong maghintay ng tamang panahon bago ako humarap ulit sayo."

"Bakit pinatagal mo pa ng isang buwan?"

"You asked me to let you go. And I did. Because I can see that I'm hurting you. Alam kong
nabigla ka sa mga nangyari, lalo na sa mga sinabi ko sayo. Kung hindi lang sana ako nagmadali,
hindi sana masisira ang magandang plano ko. Lahat ng sinabi ko sayo ng gabing iyon ay totoo,
Muriel. Pero hindi ko inaasahan ang naging reaksyon mo. And worst you wanted me to let you go,
kaya hinayaan kita kahit labag sa kalooban ko. Binigyan kita ng panahon para mapag-isa at
makapag-isip. At umasa ako na sa mga panahon na iyon ay ma-realize mo na nagsasabi ako ng
totoo at mali ang mga inakala mo."

Napakagat-labi ako. At namalayan ko na lang tumutulo na pala ang mga luha ko. Now, I
realized my mistakes.

"I'm so sorry, Rai. I'm so stupid for not believing you. I was consumed by too much anger. I felt
betrayed. Inakala ko na baka naghihiganti ka lang dahil sa ginawang naming panloloko sayo."

"Sshhh..." Muli niyang pinahid ang mga luha sa pisngi ko. "It's okay. No need to say sorry. After
all, its not really your fault. Pinilit ka ni Mama na magpanggap kahit labag sa kalooban mo. But I'm
glad that you did. Dahil dumating sa buhay ko ang isang tulad mo."

"Pero hindi ka ba nagalit dahil niloko ka namin."

Umiling si Riley at ngumiti. "Aaminin ko nagulat ako. Pero never akong nagalit. In fact, natuwa
pa nga ako. Dahil totoo pala ang mga hinala ko."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong hinala?"


"Noong una kitang makita, parang may kakaiba na sa'yo. Hindi ko maipaliwanag pero parang
matagal na kitang kilala. I was so curious about you that I even checked your background details."

Nanlaki ang mga mata ko. Magsasalita sana ako nang pigilan ako ni Riley.

"Hep! Patapusin mo muna ako, okay? Na-curious nga ako sayo dahil napaka-weird mo naman
kasi. Para kang may sariling mundo. Ayaw mo akong kausapin at sa tuwing lalapitan naman kita
ay lumalayo ka. Akala ko ganon ka lang talaga kahit sa ibang tao. Pero bakit pagdating kay Jared
iba ang pakikitungo mo sa kanya. At aaminin ko na nainis ako sa'yo dahil pakiramdam ko ay hindi
ako nag-e-exist sa paningin mo."

Hindi ko napigilang mapangiti. Todo-iwas ako sa kanya noon sa takot na baka makahalata siya
sa akin.

"Simula noon palagi mo na lang ginugulo ang isipan ko. Si Samantha ang kasama ko pero ikaw
ang naiisip ko. At ganun na lang lang ang pagtataka kung bakit sayo ko nakikita ang mga bagay
na hinahanap ko sa kanya. She never calls me Rai. But you did. Buddy doesn't like her. But he
likes you a lot. She never argue with me but you can. She's a softspoken and a very patience
person but you're not."

Napanguso ako. Parang hindi maganda sa pandinig ko ang huling sinabi niya tungkol sa akin.

"Kahit alam kong imposibleng mangyari hindi ko pa rin napigilang maghinala na baka ikaw ang
Samantha na nakasama ko noong mga panahon na hindi pa ako nakakakita." Pagpapatuloy ni
Riley.

"How did you find out? Kanino mo nalaman?"

"Naalala mo noong minsan sumakit ang ulo ko sa office? Nandoon kayong dalawa ni
Samantha. I can't open my eyes sa takot na baka mabulag ulit ako. All I can hear was your
identical voices. And still I can recognized who is who. How? I just simply follow what my heart
says. And when I opened my eyes I saw you." Hindi niya napigilan ngumiti. "Tinawagan ko si Lara
that night para mas lalo akong makasiguro. At hindi niya ako binigo. I was so happy that I couldn't
wait to see you again. Iyon ang dahilan kung bakit inabangan ko ang pag-uwi mo ng gabing iyon.
Pero hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap dahil sa biglang pagdating ni
Samantha."

Sinapo ni Riley ng mga kamay ang mukha ko. "Minahal ko si Samantha noon nang higit pa sa
sarili ko. At inakala ko siya pa rin ang mahal ko. Iyon pala ay iba na ang nagmamay-ari ng puso ko
at ikaw iyon, Muriel. I love you so much... And I will never let you go again."

Kung ngingiti ako o iiyak ay hindi ko malaman. I'm no longer invisible to him. At nag-uumapaw
sa kagalakan ang dibdib ko. Dapat pala ay naniwala na ako kay Riley. Noon pa sana, ganito na
ako kasaya. "I love you too Rai..." I smiled through unshed tears. "And I will never leave you
again."

He pulled me closer to him and I gladly leaned towards him to accept his loving kisses... with
same feeling, with same intensity.

"Baby Boy?"

"Yes, Baby Girl?"

Bahagya lang niyang pinaghiwalay ang aming mga labi upang muli akong matitigan.

"What about Samantha?"

Napakunot-noo si Riley. "What about her?"

"Narinig kong kausap mo siya kanina sa phone. And it seems like na okay na kayong dalawa."

Humalakhak siya, saka pinisil ang ilong ko. "Silly girl! Hindi ko alam kung manhid ka o talagang
slow ka lang?"

"You mean..." Halos lumuwa ang mga mata ko nang ma-realize ang ibig niyang sabihin. "Hindi
totoo na kausap mo siya? Na wala ka naman talagang kausap sa phone?"

Ang lakas ng tawa ni Riley. "Shut up and kiss me!" Hinuli nito ang mga labi ko and kissed me
again and again and again.. until it hards to catch our breath.
Chapter Thirty Five: Finale

Chapter Thirty Five: Finale

Manila, Manila
I keep comin' back to Manila
Simply no place like Manila
Manila I'm coming home...

Feel na feel ko ang pagkanta habang naliligo. Hindi ko alam kung anong meron sa kantang iyon
pero nakasanayan ko na kasing kantahin iyon tuwing umaga.

"Muriel! Bilisan mo! Nandito na ang sundo natin?" Halos magiba ang pintuan sa lakas ng
pagkalampag ni Ichi.

"I'm coming! Malapit na akong matapos!" At nagmamadali na binanlawan ko ang sarili.

Magdadalawang buwan na ako ngayon dito sa Manila. Syempre kung nasaan si Riley ay
naroon din ako. Pero ang totoo siya ang nagpumilit sa akin na bumalik dito kasama siya. Noong
una nagdadalawang isip pa ako. Ngunit nang maisip ko na magkakalayo kaming muli, hindi ko
pala kaya. Isang araw ko lang siyang hindi makita ay nalulungkot na ako.

Pansamantala muna akong tumutuloy sa bahay ni Ichi. Sa kasamang palad, doon ako
napadpad sa bahay niya dahil hindi ako makahanap ng malilipatang apartment. Si Riley ang nag-
instist na doon na lamang ako mag-stay. At hindi ko alam kung paano niya nagawang kumbinsihin
ang maldita kong kaibigan.

"Muriel anong petsa na!" Sigaw ni Ichi nang sumungaw ito sa kuwarto. "Kanina pa naghihintay
ang sundo natin!"

"Eto na nga po nagmamadali na!" Basta ko na lang sinuklay ang buhok ng kung papaano na
lang. At muling sinulyapan ang kabuuan ko sa harap ng salamin. Napangiti ako nang ma-satisfy
sa naging itsura ko . Mamaya na lang siguro ako maglalagay ng blush on pagdating sa office.

"Bilisan natin! Dali!" Halos kaladkarin ako ni Ichi pababa ng hagdan. Alam ko na naman na
super excited siya na makita ang prince charming niya.
"Kapag ako nahulog, ipapasagasa talaga kita sa kotse niya!"

Hindi ako pinansin ni Ichi. Para siyang walang narinig.

Paglabas ko ng pintuan ay agad kong natanaw ang pamilyar na kulay itim na sports car na
nakaparada sa tapat ng bahay. Humakbang ako palabas ng gate.

"Good morning ladies!" Bati nito sa baritonong tinig sabay tanggal ng suot nitong shades.
Nakasandal siya sa gilid ng kotse niya habang naghihintay sa amin.

"Good morning Jared!" Kumukuti-kutitap ang mga mata ni Ichi na parang christmas light.

"Kanina ka pa ba?" Lumapit ako sa kanya.

Umiling siya. "Kararating ko lang." Pinagbuksan niya ako ng pintuan at sumakay ako. Ganon
din ang ginawa niya kay Ichi. Ang bakla tuwang-tuwang. Girl ang girl ang feeling niya.

"Anong meron? Bakit mo naman naisipang ihatid ako sa trabaho?" Lumingon ako kay Jared.
Nagtataka lang ako sa biglaang pagsulpot niya.

"Na-miss kita at gusto kitang makita."

Pero hindi ako kumbinsido sa sagot niya.

"Don't give me that kind of look, girlfriend! I really miss you. It's been a month since the last time
I saw you."

"Saan ka ba kasi nagpupunta? At hindi ka namin mahagilap ni Riley."

"Busy lang talaga ako."

"Busy saan? Sa pambababae?"

"Of course not!" Nakangising baling niya na hindi naman nagmemenor. "Alam mo naman na
busy ako sa trabaho."

Binigyan ko ng matalim na tingin si Jared. He's lying again. Akala niya siguro na hindi ko alam
ang mga pinaggagawa niya lately. Back to normal naman siya sa pagiging womanizer niya. Kahit
nga si Riley ay walang magawa para pigilan siya. Ang katwiran niya ine-enjoy niya lang daw ang
buhay. Once a playboy, always be a playboy. Tama ba panindigan niya ang kasabihan na iyon?

Gayunpaman ay masaya ako dahil natanggap niya ang tungkol sa amin ni Riley. Mas lalo pa
ngang tumibay ang pagkakaibigan naming dalawa. At nagpapasalamat ako sa kanya sa mga
panahon na laging siyang nariyan para sa akin. Madalas man kaming mag-asaran at
magkapikunan, mabuti na lang at dumating siya sa buhay ko. He's my bestfriend. My knight
shining armor. And I'm still hoping, that someday he will also find his own happiness. Someone
who's better than me. Someone who can love him back and accept for what he is. And someone
who can tame his untamed heart.

And next time he fall inlove again... I wishing for his own happy ending.

"Muriel pinapatawag ka ni Sir Riley sa office niya."

Napasimangot ako sa narinig. Bakit ba sa tuwing nagkakaaberya ang computer niya ay ako na
lamang palagi ang pinapatawag niya? Ako lang ba ang IT rito sa kumpanya?

Padabog akong tumayo at nagmatsa papunta sa office niya. Kailangan ko na sigurong i-


suggest na palitan na lang ang desktop niya. Araw-araw na lang kasi ay nagkakaproblema.
Minsan pa nga ay tatlong beses sa isang araw. Pero alam ko naman dahilan lang iyon ni Riley
para ma-solo niya ako.

Ang hirap talagang maging diyosa! Aray!

Napahinto nang biglang hilahin ni Ichi ang dulo ng buhok ko. "Hoy bruha! Nasaan na yung
share mo sa bill ng kuryente at tubig natin?" Sabay lahad ng kamay sa harapan ko.

"Doon mo na lang singilin sa boyfriend ko." Tatalikuran ko na sana siya nang pigilan niya ako.

"Bakit siya ang sisingilin ko? Siya ba ang nakatira sa bahay ko?"

"Pero siya ang nag-insist na tumira ako sa bahay mo kahit labag sa kalooban ko. Aray!" Muli
niyang hinila ang buhok ko. "Oo na! Magbabayad na ako. Mamaya ko na lang ibibigay pag-uwi
natin." Saka lang ako pinakawalan nito.

"Wait!" Muli niyang pigil sa akin. "Pupunta ka na naman ba sa office ni Sir Riley?
Maglalampungan na naman kayo?"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Of course not!"

"Style nyo bulok!" Kung hindi lang nakalayo si Ichi malamang ay nasabunutan ko na siya.
Baklang ito! Usisera!

"Kanina ka pa hinihintay ni Sir sa loob." Nakangiting salubong sa akin ni Gail at pinagbuksan


ako ng pintuan.

Pero bago ako pumasok ay lumingon ako sa kanya. "Gail, sa palagay ko dapat nang palitan
ang desktop ni Sir. Palagi na lang nagkakaproblema. Nagsasawa ako sa kakaayos. What do you
think?"

Isang mahinang tawa ang naging response nito. "Pumasok ka na sa loob. Kanina ka pa niya
hinihintay. Mainit pa man din ang ulo niya."

"Bakit? Anong nangyari?"

Pero hindi na ito sumagot at sa halip ay itinulak niya ako papasok ng opisina.

Napamulagat ako sa nadatnan sa loob. Nagkalat ang mga rose petals sa buong paligid. Halos
magkulay pula ang buong silid sa dami ng mga iyon.

Anong meron?

Ngunit imbes na maging romantic ang dating nun sa akin, iba ang naging pakiramdaman ko.
Creepy! May naalala akong horror movie na may ganitong senaryo. Buong akala ng bida babae
ay sinorpresa siya ng lover niya ang hindi niya alam ay iyon na pala ang katapusan niya dahil
papatayin na siya nito!

Pusang gala!

Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang may music na tumugtog sa paligid.

"I'll miss you


Kiss you
Give you my coat when you are cold...

I rolled my eyes and squared my arms. "Riley, ano na naman bang kalokohan ito?"

Mula sa madilim na sulok ay sumulpot si Riley. Sa mga bisig niya ay naroon ang isang
dosenang roses... at kulay red!
"Do you like it?" He gave me a quick kiss on my lips.

"I don't like flowers... especially red flowers."

"I know! But it's romantic."

"Anong romantic dun? Ang creepy kaya!"

Natatawa na hinalikan niya ako sa noo. "Ikaw talaga! Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip mo."

"Bakit mo ba naisipan punuin ng mga bulaklak itong opisina mo?"

"I want this day to be very special?"

"May bisita kang darating?"

Ang lakas ng tawa ni Riley. "Napaka-slow mo talaga!" Basta na lang niyang itinapon ang bitbit
niyang bulaklak at biglang lumuhod sa harapan ko. May dinukot siya mula sa kanyang bulsa at
iniabot iyon sa akin.

"Grow old with me Muriel Shane Gonzales."

Halos hindi mag-sink in sa isip ko ang mga sinabi niya. Nakatitig lang ako sa hawak niyang
singsing. "A-are you serious?"

"Yes." His eyes dark and filled with love and passion. "I love you. I'll intend to marry the most
annoying woman I've ever met."

It warmed my heart that I was speechless for a moment. Nakatitig lang sa akin si Riley habang
naghihintay ng sagot ko.

I could be the man who grows old with you,


I wanna grow old with you...

May purpose din pala sa akin ang kantang iyon. Napangiti ako. "Yes. I want to grow old with
you. And I love you too."

He just smiled sheepishly in return. Mabilis siyang tumayo. Pagkatapos ay walang sabi-sabing
hinapit niya ako sa baywang at siniil ng halik sa mga labi.

"Let's get married today." Sabi niya sa pagitan ng paghalik.


"Ngayon na?" Marahan kong itinulak si Riley. "Hindi ba pwedeng bukas na lang?"

Ang lapad ng ngiti ng loko. "As you wish." Tangkang hahalikan niya ako ulit nang pigilan ko
siya.

"Can we get out of this place? Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko rito?"

Hindi naman ako nagdalawang salita kay Riley. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako
palabas ng opisina. Kung saan niya ako dadalhin, bahala na siya! Kahit saang lupalop pa kami
mapadpad, basta kung nasaan siya ay naroon din ako.

And no one can set us apart...


Epilogue:

Epilogue

Naggising si Muriel sa maingay na cellphone ni Riley. Akala pa niya ay sinagot na iyon ng


asawa. Pero paglingon niya ay nahihimbing pa rin ito sa pagtulog.

"Rai..." Inalog niya ito sa balikat. "Yung cellphone mo!"

"Hmmm..." Bumaling lang ito paharap sa kanya at nananatiling nakapikit.

"Rai.." Tinapik-tapik pa niya ang asawa sa pinsgi. Wala pa rin kasing tigil sa pagtunog ang
cellphone nito. Kung hindi nga lang malayo iyon sa kanya ay siya na sana ang sumagot ng tawag.
Kaya lang nakapatong iyon sa kabilang bedside malapit kay Riley. "Rai, ano ba? Sagutin mo na
yung phone mo!" Ngunit hindi pa rin ito magising-gising at naiinis na siya. Nasira ang masarap
niyang pagtulog dahil sa tawag na iyon.

Isang malakas na tapik sa pisngi ang ibinigay niya rito. Actually, para na ring sampal iyon. At
mukhang umepekto naman. Dahil nagising din ito sa wakas.

"Baby Girl naman! Bakit ka ba nanampal?" Napakamot na lang ito ng ulo.

"Kanina pa tumutunog ang phone mo. Sagutin mo na!"

Tila doon lamang nito napansin ang maingay nitong phone. Sa wakas ay dinampot din nito iyon
at sinagot.

"Jared? Takte naman! Alam mo ba kung anong oras na?"


Napabangon si Muriel nang marinig niya ang pangalan ni Jared.

"O sige, bababa na ako." At ini-off ni Riley ang cellphone.

"Bakit daw?" Tanong niya.

Bumaba ng kama ang asawa bago ito sumagot. "Nasa ibaba si Jared. Mukhang may malaking
problema ang loko."

Pati siya ay napababa ng kama.

"Saan ka pupunta?"

"Gusto kong makita si Jared."

"Dito ka na lang at matulog ulit. Gabi na. Bawal sayo ang magpuyat." Pigil nito sa kanya.

"Sandali lang ako. Gusto ko lang siyang makita. Please..."

"Fine!" Napipilitang sang-ayon ni Riley. "Pero sandali lang."

Tumango-tango lang siya na parang maamong tupa.

"What brought you here at this late of night?"

Napatingala si Jared sa babaeng nagsalita mula itaas. Nasa tabi nito ang asawa na umaalalay
rito sa pagbaba ng hagdaan. Awtomatikong napangiti siya. Damned! He missed her so much.
Ilang buwan din niya hindi ito nakita. At sa ilang buwan na iyon ay ang laki ng pinagbago nito, lalo
na sa physical apperance. Para sa kanya ay lalo pang gumanda si Muriel sa paningin niya. Her
pregnancy became her. He doesn't even care kahit magmukha pa itong lumba-lumba dahil sa laki
ng tiyan nito.

"Bakit gising ka pa? Di ba bawal sa buntis ang nagpupuyat?" Sinalubong niya ito sa entrada ng
hagdan.

"Minsan lang naman eh!" Katwiran nito. At binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi.

"Suko na ako sa katigasan ng ulo ng babaing ito! Gusto ko na ngang ipamigay." Sabat ni Riley
na bigla na lang napasinghap ng kurutin ito ni Muriel sa tagiliran. "Joke lang! Hindi ka naman
mabiro!" At maingat itong niyakap.

Nakasimangot na inirapan ni Muriel ang asawa. "Kung ikaw kaya ang ipamigay ko?"

At bago pa magkapikunan ang mag-asawa ay itinaas niya ang hawak na supot sa magkabilang
kamay. "Nag-take-out ako ng pagkain. Kumain muna tayo!"

"Okay!" Mabilis na sagot ni Muriel.

Naroon silang tatlo sa kusina. Katatapos lang kumain nina Riley at Jared. Pero si Muriel parang
walang kabusugan.

"Baby Girl, baka naman maimpatso ka nyan! Ang dami mo na kayang nakain." Sinubukang
pigilan ni Riley ang asawa pero tila wala itong narinig.

"Ilang buwan na ba ang tiyan niya?" Tanong ni Jared habang patuloy na pinapanood si Muriel
sa pagkain.
"Kabuwanan na niya."

"Really? So, any moment pwede nang lumabas ang baby nyo?"

"Sabi ng OB niya baka next week manganak na siya."

Tumango-tango siya.

"And its a boy." Ang lapad ng ngiti ni Riley nang lumingon ito sa kanya. "Magkakaroon na ako
ng junior."

"Junior ka dyan!" Sabat ni Muriel. Napahinto ito sa pagkain. "Napag-usapan na natin ito Rai,
ayoko sabi na gawin mong junior si baby. Ang dami-dami namang pangalan bakit kailangan itulad
pa ng sayo. Tama na ang isang Riley Hontiveros sa pamilya ninyo."

"Sabi ko nga!"

Nangingiting binulungan niya ang kaibigan. "Dyahe pare! Under ka ng asawa mo!"

"Gago!" At pabiro siyang sinuntok nito sa balikat nang bigla itong may naalala. "Bakit ka nga
pala napadpad dito? Anong problema?"

Isang sandali ang pinalipas niya bago siya nagsalita.

"I don't know if I can call this a problem. Actually, its not a big deal. Hindi ko lang inaasahan na
ganito kaaga at kabilis."

"What do you mean?" Tanong ni Riley.


"Do you still remember about the agreement between Monreals and the Alejos?"

"The legendary marriage arrangement?" Nanlaki ang mga mata ng kaibigan. "I thought dinis-
regard na ng both families ang tungkol sa kasunduan na iyon?"

"Oh my! Don't tell me na engaged ka na Jared? Sino naman ang malas na babae?"

Sinulyapan lang niya si Muriel at muli binalingan si Riley. "Iyon din ang akala ko pre'. Teenager
pa ako nang huli nilang mabanggit sa akin ang tungkol doon. Pero kanina bigla akong pinatawag
ni Erpat sa bahay. Pagdating ko nandoon silang lahat, pati sina lolo at lola naroon din. Kumpleto
ang buong angkan namin. At doon nila sinabi sa akin na panahon na raw para maisakatuparan
ang matandang kasunduan. At ako raw ang natitira nilang pag-asa."

Nangingiti na napailing na lang si Riley.

"Kilala mo ba ang magiging fiancee mo, Jared?" Tanong naman ni Muriel.

"I know her but not personally."

"Sa pagkakaalam ko ay tatlo silang magkakapatid na babae. Who is the lucky girl."

"Kilala mo rin sila, Rai?"

"Actually malayo silang kamag-anak ni Mama." Baling nito sa asawa.

"Her name is Pamela, the second to the eldest." Sagot niya.

"You're very lucky dude!" Si Riley. "She's a gem. Balita ko ay maraming lalaki ang
nagkakandarapa sa kanya."
Matipid na ngumiti si Jared. Iyon din ang nabalitaan niya. Pero hindi niya maintindihan kung
bakit tila hindi siya interesado rito kahit gaano pa ito kaganda sa paningin niya.

"Ganon siya kaganda?" Nagdududa na tanong ni Muriel. "Gayunpaman, maganda


nga siya pero kung ang pangangasawa naman niya ay ang pasaway na lalaking ito..." sabay turo
kay Jared. "Ang malas lang niya!"

Hinawakan ni Jared ang kamay nito na nakaturo sa kanya. "Hoy buntis! Malalim na ang gabi.
Matulog ka na. Bawal sayo ang magpuyat."

"Di ba may usapan tayo kanina na sandali ka lang at babalik ka na ulit sa kuwarto?" Hinarap ito
ng asawa.

Napanguso si Muriel. "Pinatulungan nyo naman akong magkaibigan. Oo na babalik na ako sa


kuwarto!" At tumayo ito sa kinauupuan kahit nahihirapan. Mabilis naman itong inalalayan ng
asawa. "Pero Rai, hindi pa ako tapos kumain."

"Enough Muriel! Ang dami mo nang nakain. Baka maimpatso ka na."

"Pero..." Wala na itong nagawa nang ihatid ng asawa palabas. "Ang daya nyo talaga! Mag-
iinuman lang kayong dalawa. Promise, hindi na ako kakain. Makikinig na lang ako sa pag-uusapan
ninyo."

"No! Matutulog ka na!" Final na sabi ni Riley. Halos sumayad ang nguso nito sa pagsisintir. At
narinig pa nito ang nakakasar na tawa ni Jared.

Nagising si Muriel nang makaramdam ng pananakit ng tiyan. Napabangon siyang bigla. Wala si
Riley sa tabi niya. Marahil ay nakikipag-inuman pa rin kay Jared sa ibaba. Pinakiramdaman na
muna niya ang sarili. Hindi siya dapat mag-panic.

Medyo nawala na ang pananakit. Pero nang muli iyon umatake ay kinabahan na siya. Habang
tumatagal ay parang binibiyak ang tiyan niya.

Manganganak na yata siya!

Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Tumayo na siya at kinuha ang nakahanda niyang bag bago
lumabas ng kuwarto. Nasa bukana na siya ng hagdanan ng makaramdaman ng matinding
pananakit ng tiyan. Napakapit siya sa hamba ng hagdan at nabitiwan ang bitbit na bag.

"Riley!" Pasigaw na tawag niya habang sapu-sapo ang tiyan. Ngunit mukhang hindi siya narinig
ng asawa. At mula sakinaroronan niya ay nakita niya itong nakasamlampak sa sofa at tulog na
tulog. Ganon din si Jared na nakabulagta sa kabilang sofa.

Muling niya itong tinawag at ganun din si Jared. Mas lalo niyang nilakasan ang boses sa
pagbabakasali na marinig siya ng mga ito. Ngunit hindi man lang natinag ang dalawa.

"Iha, bakit? Anong nangyari?" Biglang sumulpot si Nana Tonya na pupungas-pungas pa.

"N-nana Tonya, sumasakit na po ang tiyan ko!"

"Manganganak ka na?" Nanlaki ang mga mata ng matanda at napasugod sa kinaroroonan niya.
"Kailangan mong madala sa ospital, dali!" Tinulungan siya nitong makababa ng hagdan.

"Aaahhh!" Daing niya ng muling sumakit ang tiyan.

"Kaya mo pa ba? Nasaan ba kasi ang asawa mo?"

Itinuro niya ang kinaroroonan nito. At walang sabi-sabi na nilapitan ito ni Nana Tonya. "Riley!
Bumangon ka! Aba'y manganganak na ang asawa mo naghihilik ka pa dyan! Hoy!" At isang
malakas na hampas ang ibinigay nito dahilan para tuluyang magising si Riley.

"Nana Tonya, bakit po?"

"Bumangon ka at magmadali. Manganganak na si Muriel!"

Napabalikwas si Riley mula sa pagkakahiga. Sa isang iglap ay nasa tabi na niya ito. "A-are you
okay?" Nagawa pa nitong itanong sa kanya.

"No! I'm not okay!" At muling siyang dumaing ng humilab ulit ang tiyan.

"Muriel!" Pinangko nito ang asawa at humakbang palabas ng pintuan. "Don't worry dadalhin na
kita sa ospital!" Nang bigla na lamang itong napahinto. "Oh shit! I forgot my key!" Ang tinutukoy
nito ay ang susi ng kotse. Ibinaba siya ni Riley. "Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang susi ng
kotse, Okay?" Nagpapanic na sabi nito bago ito nawala sa paningin niya.

Ilang sandali ay muling bumalik si Riley. "Nana Tonya, napansin po ba ninyo kung
saan ko nailagay ang susi ng kotse ko?"

"Hindi ba doon mo lamang iyon inilalagay sa ibabaw ng tokador?"

"Wala po doon. Damn it! Hindi ko maalala kung saan ko nailagay!" Halos sabunutan nito ang
sarili.

"Aaahhh!" Muli niyang daing na lalong nagpataranta kay Riley.

"Muriel!" Hindi nito malaman ang gagawin. Akmang bubuhatin nitong muli ang asawa nang
mapalingon ito sa kinaroroonan ni Jared.
"Jared! Jared!" Halos alugin nito ang kaibigan upang gisingin.

"Hmmm..." Marahan itong nagmulat ng mga mata.

"Pahiram muna ako ng kotse mo!"

"B-bakit? M-may kotse ka naman!" Tila naalimpungatan pa ang binata.

"Hindi ko makita ang susi ng kotse ko. Pahiramin mo muna ako."

"Ayoko! Bagong-bago ang kotse ko. Baka magasgasan mo pa."

"Tang'na! Ngayon ka pa magdadamot. Manganganak na si Muriel!"

Napabangon bigla si Jared sa narinig at mabilis na tumingin sa direksyon niya. Nakita nito ang
pamimilipit niya sa sakit. "D-dalhin na natin siya sa ospital!"

"Jared, bilisan mo, nahihirapan na ang asawa ko." Nagpapanic na sabi ni Riley habang nasa
tabi nito si Muriel na kanina pa umiiyak. Nasa backseat sila ngayon ng kotse ng kaibigan.

"Ano ba ang ginagawa ko?" Hindi maisuksok ni Jared ang susi ng kotse nito sa pagmamadali.

"Rai, ang sakit-sakit ng tiyan ko. Hindi ko na kaya. Oh!" Isang masakit na hilab ang nagpahigit
ng paghinga ni Muriel. Lalong nataranta si Jared at nabitiwan ang hawak na susi.

"Shit! Shit! Shit!" Umulan ng mura sa loob ng sasakyan.


Oh god! Oh god! Si Riley na gusto nang panawan ng malay sa pag-aalala at nerbiyos.

Sa labas ng delivery room ay hindi mapakali si Riley. Palakad-lakad siya. He is scared to death.
Labis siyang nag-aalala sa kapakanan ng mag-ina niya. Habang si Jared ay tahimik na nakaupo
lamang sa isang tabi. Gayunpaman ay alam niya na nag-aalala rin ito para kay Muriel.

Sa sobrang pagkataranta at pagmamadali ay nawala ang epekto ng alak sa kanilang dalawa.


Pareho silang nalasing kagabi. Ayaw kasing magpaawat ni Jared. Gusto talaga nitong ubusin nila
ang isang bote ng dala nitong alak. Saka niya napansin na walang siyang suot na pansapin sa
paa at baliktad ang suot niyang t-shirt. Si Jared naman ay nakalimutang magsuot ng pantalon
kaya naka-boxer short lang ang loko. Mabuti na lang at may suot itong sando. Pero hindi pa rin
nakaligtas ang kaibigan sa mga dumaraang nurse na kanina pa pinagpipiyestahan ang katawan
nito.

Pareho silang napatayo nang may lumabas na doktor mula sa loob. "Sino sa inyo ang asawa?"

"Ako po!" Magkasabay nilang sabi na ikinagulat ng doktor.

Mabilis na lumingon si Riley at tinignan ng masama si Jared.

"Hehe.. siya po pala ang asawa!" Sabay turo sa kanya. "Sorry. Naka-carried away lang ako.
Excited eh!" At muling itong bumalik sa kinauupuan nito kanina.

"Anyway, Mr. Hontiveros gusto ko lang ipaalam sa inyo na hindi pa manganganak ang misis
nyo."

"What?" Nagulat siya sa sinabi ng doktor. "P-pero.."


"Masyado lang nagpanic ang asawa ninyo. Walang koneksyon ang pananakit ng
tiyan niya sa paglabas ng baby. Maaaring mayroon siyang nakain na naging dahilan ng pagsakit
ng matindi ng kanyang tiyan."

"Naman!" Nahilamos ni Jared ang mukha at nanlulumo na napahiga sa mahabang upuan na


naroon.

Hindi naman malaman ni Riley kung anong mararamdaman niya, relief o pagkadismaya?

"Mr. Hontiveros, pwede na ninyo iuwi si misis." At tinalikuran na sila ng nangingiting doktor
pagkatapos.

"Langya! Ano iyon, wow mali!" React ni Jared na bumangon mula sa pagkakahiga.

"Don't look at me like that!" Inis na sabi ni Muriel sa dalawang lalaki na kaharap sa mesa.
"Halos mamamatay ako kanina sa sobrang sakit ng tiyan. Natural iisipin ko na manganganak na
ako!"

Hindi kumibo si Riley. Pinaglalaruan lang ng kamay nito ang hawak na cup ng kape. Si Jared
naman ay ang talim ng tingin sa kanya habang sapu-sapo nito ang nananakit na ulo.

Naroon sila ngayon sa Mc Donalds. Pasado alas tres na ng madaling araw at iyon lamang ang
nakita nilang bukas na mabibilhan ng kape. Doon sila dumiretso pagkagaling sa ospital.

"Ang takaw-takaw mo kasi! Iyan tuloy na-impatso ka!" Angil ni Jared.

Napanguso siya. May punto ito. Kung hindi siya napasobra kagabi ay hindi sasakit ang tiyan
niya. Ngunit ang ikinababahala ni Muriel ay pananahimik ng asawa. Bagaman walang kibo si Riley
ay alam niyang nagtatampo ito sa kanya.
Nasaksihan niya kung paano mataranta at mag-panic ang mga ito. Biruan mo nga naman,
lasing na lasing ang dalawang ito kagabi pagkatapos ay iyon pa ang mangyayari. Sino ba naman
ang hindi matataranta roon?

Pigil na pigil niya ang pagngiti sa nakikitang itsura ng mga ito. Lalo na kay Jared. Ngunit tila
hindi naman ito aware kung halos malantad ang katawan nito sa publiko. Mabuti na lang din at
iilan lamang ang kostumer na naroon at karamihan ay mga lalaki.

Nahigit ni Muriel ang hininga ng makaramdam muli ng paghilab ng tiyan. Na naman! Inisip niya
na baka katulad lang din iyon ng kanina. Hindi siya dapat mag-panic. Napakagat labi siya nang
muling sumakit iyon ng matindi. Mas matindi kaysa sa naramdaman niya kanina.

Oh god! Manganganak na yata talaga siya!

"Why?" Tanong sa kanya ni Riley. Iyon ang unang beses na kinausap siya nito pagkatapos
nilang manggaling sa ospital.

Umiling si Muriel. "Nothing!" Pagkakaila niya. Hindi siya sigurado kung manganganak na nga
siyang talaga. Ayaw niyang mapahiya ulit sa mga ito.

"Umuwi na tayo!" Unang tumayo si Jared. "Gustung-gusto ko na ulit matulog." Sumunod si Riley
sa kaibigan. At tinungo ng mga ito pintuan.

Tama bang iwanan siya?

Tumayo na rin si Muriel. Kahit papaano ay nawawala ang paghilab ng tiyan niya. Ngunit sa
paghakbang niya ay isang matinding paghilab ang nagpahinto sa kanya. Nasapo niya ang tiyan.

"Wait!"

Lumingon sa kanya ang dalawa.


"Huwag mong pansinin yang asawa mo!" Si Jared sabay akbay kay Riley. "Siguradong nagdyo-
joke na naman iyan!"

Hindi na niya nagawang sumagot. Naramdaman niyang may likidong lumabas sa kanya. "M-my
water... broke!"

Nawalan ng kulay ang mukha ng dalawang lalaki at napatitig sa basang sahig.

"Hello baby boy!" Kaway ni Jared mula sa salamin ng nursery. Naroon sa loob ang bagong
silang na anak nina Muriel at Riley. So cute and adorable. At masasabi niyang mas malaki ang
pagkakahawig nito sa ina. Pati ang nakatikwas at mahabang nguso ni Muriel ay nakuha ng bata.

"Inggit ka? Gumawa ka na rin!" Biglang sumulpot si Riley mula sa likuran niya. Katulad niya ay
ang lapad din ng mga ngiti nito.

"Nah! Hindi pa ako ready." Sabi na lang niya. But he was right. Naiinggit nga siya rito. Sino
bang lalaki ang hindi nangangarap na magkaroon ng sariling pamilya?

"What is his name?" Tanong niya.

"Its Rhamiel"

"Pinagsamang pangalan ninyong mag-asawa?"

Tumango si Riley. "Ideya ito ni Muriel. Ayaw niya talaga na gawin kong junior si baby."

He chuckled. "Kung sabagay tama ang asawa mo. Maawa ka naman sa anak mo. Kahit ako ay
magrereklamo kung gagawin mo akong junior."
Inakbayan siyang bigla ng kaibigan habang ang mga mata ay nakatingin sa anak nito. "Kidding
aside, desidido ka na ba talaga ituloy ang engagement mo?"

"I have no choice!" Sagot niya habang nakatingin din sa baby.

"I'm wishing for your happiness."

"Bakit? Masaya naman ako!"

"You know what I mean."

"Fine!"

"I'm serious, Jared!"

"Oo na! Bakit ba ang drama mo? Naging tatay ka lang nagkaganyan ka na!"

"Concern lang ako sayo."

"I know. And I love you too!" Tangka na hahalikan niya ang kaibigan ngunit mabilis itong
umiwas.

"Tang'na pre', subukan mo lang paggising mo nasa ER ka na!"

Ang lakas ng tawa niya.

THE END
A/N: Thank you for reading :D Please also support JARED's love story, this time siya naman
ang bibida!
http://www.wattpad.com/story/6327933-next-time-i-fall-in-love

You might also like