You are on page 1of 407

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] Invisible Girl


[TOTALPARTS] 35
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
Muriel was forced by her Boss to be her son’s PRETEND GIRLFRIEND because of one
reason- her Voice.
Her son's Ex and her voice are identical.
Ang tanging konsolasyon lamang niya ay hindi siya nakikita ng binata.
He will not recognize her.
He lost his sight in a car accident after his Ex left him.
And her MISSION- convince him to undergo the surgery.
Sana nga ganon lang iyon kadali…
But for her to accomplish her mission, she needed a thousand of PATIENCE.
Will she be able to survive without involving her own feelings?
-------------------------------------------

*******************************************
[1] Chapter One: Her Voice
*******************************************
< Hay... pagkatapos ng isang daang beses na pagmi-mini-mini-manimo, finally na-
convince ko rin ang sarili ko na isulat ito. This is my first ever story here. And
hopefully matapos ko ito ( with crossed fingers ). Hope you like it . Enjoy
reading.> ^_____^ v

CHAPTER 1: Her Voice

"Muriel, pinapatawag ka ni Mam Lorie", bungad sa kanya ng ka-officemate niya.

"Bakit daw?" 0______0 si Muriel na hindi inaalis ang atensyon sa monitor ng


computer.

"Malay ko, basta pumunta ka na lang. As in now na!"

Tsk... napilitan siyang tumayo at lumabas ng kuwarto.

Lagot ka! Senyas sa kanya si Danica nang madaanan niya ito sa cubicle nito.
Inirapan lamang niya ito at dire-diretsong naglakad.

Ikaw ang malalagot sa akin mamaya!

"Hello sweetie pie, sabay tayong mag-lunch mamaya ha?" sabay akbay sa kanya ni
Joseph, na bigla na lang sumulpot kung saan.
Isang bigwas sa sikmura ang natanggap nito mula sa kanya.

"Sweetie pie mong mukha mo!"

Bakit ba nagkalat ang mga epal ngayon? Tsk... lalo lang tuloy sumakit ng ulo niya
sa mga pasaway na ito.

Nga pala, her name is Muriel Shane Gonzales, 24 yrs old, single at zero ang
lovelife (palagi naman eh!). And reason, wala lang! Ayaw niyang obligahin ang
sarili niya na magkaroon ng lovelife dahil siya lang ang walang lovelife sa
offfice.She's working as IT expert sa isang garment company. At sa dalawang taon
niya sa kumpanyang iyon ay ngayon lang yata siya pinatawag ng big Boss nila.

Bakit kaya?

Nang pumasok siya ng office nito ay tahimik lang itong nakamasid sa kanya.

"Bakit po Mam Lorie?" Hindi ito kumibo. At sa halip ay may inabot itong kapirasong
papel sa kanya.

"Please read it... out loud," seryosong sabi nito.

Lihim na umaangat ang kilay ni Muriel at nagtatakang tinignan ang hawak na papel.
Gusto sana niyang magtanong ngunit hindi na lang niya isinatinig. Mukha kasing
mainit ang ulo nito.

"B-baby, p-please forgive me." Parang may kung anong bagay na sumabit sa kanyang
lalamunan. Ano ba kasing kalokohan itong pinapagawa sa kanya?

"I'm sorry... really really sorry. I still love you. Please let's start all over
again".

"Perfect!" she said surprisingly, tila isang direktor sa pelikula. Pumalakpak pa


ito sa kanyang pagkamangha.

Nababaliw na yata ang boss niya!0____0

"I finally found someone na makakatulong sa anak ko", she added with a wide smile
on her face.

Ano daw?! Tama ba ang pagkakaintindi niya? Nakapasa na ba siya sa audition nito?
"I will increase your salary immediately at may bonus pa. Basta tulungan mo lang
ako".

Weird! Dapat ay matuwa siya sa narinig. But she had this dread feeling na hindi
niya magugustuhan ang tulong na hinihingi nito.

"Ano po ba ang maitutulong ko sa inyo?" Kinakabahang tanong ni Muriel.

"Hindi naman lingid sayo ang nangyari sa anak kong si Riley", panimula ng Boss
niya. Biglang lumungkot ang mukha nito.

"After he lost his sight in a car accident, he's never been the same again. Bigla
siyang naging bugnutin at masungit. Lagi na lang siyang nakasigaw. Walang tumatagal
na nurse sa kanya. And worst ayaw niyang mag-undergo ng eye surgery. He just wanted
to stay that way."

"Isang tao lang ang alam kong makapagbabago ng isip niya", pagpapatuloy pa nito. "
But the problem is, I can't find her anywhere. Hindi ko alam kung saang lupalop
naroon ang babaing iyon. That's why I come up with an alternative solution. And
that is you."

"Ako?! Ano naman po ang koneksyon ko dun?" Bigla yata siyang pinagpawisan.

"I heard your voice kanina sa CR. Buong akala ko nga ikaw si Samantha. Magka-boses
na magkaboses kayong dalawa. Dagdagan mo lang ng arte ang boses mo, siyang-siya na
ikaw."

"G-gusto ninyo gayahin ko si Samantha?" -___-

"Exactly! Magpapanggap ka bilang si samantha. Riley will recognize you as her ex-
girlfriend. Walang duda, dahil magkaboses kayong dalawa. And all you have to do is
bring back his old self and convince him to undergo the surgery."

Loading...

Loading...

Parang hindi nagpa-process sa utak niya ang mga sinabi nito.

"So, are we settled? We can start by next week. Don't worry I will teach you to be
like her."
Teka, hindi pa naman siya pumapayag!

"Eh Mam Lorie, hindi naman po kasi ganon kadali yung pinapagawa ninyo". Pwede naman
siguro siyang tumanggi noh?

Biglang lumungkot ang mukha ng Boss niya na parang maiiyak."Please Muriel. you're
my only hope. Please say yes. " Hinawakan pa nito ang dalawang kamay niya

Just say no Muriel. Things becomes complicated kapag pumayag ka. Malay mo bang
magpanggap? Sakit lang ng ulo ang ibibigay n'yan sayo. And knowing your temper,
sigurong hindi kayo magdya-jive ni Riley. Don't you ever dare kahit gaano pa siya
kaguwapo. Use your head, girl! Sabi sa kanya ng isip niya.

Pero nang muli siyang tumingin sa Boss niya ay parang nilapirot ang puso niya sa
nakita. One of her weaknesses.. naman! Hay gulay!

*******************************************
[2] Chapter Two: The Meeting
*******************************************
CHAPTER 2: The Meeting

One week later:

"Ginusto mo 'to, puwes panindigan mo!" aniya sa kanyang sarili.

Mga 5 minutes na siguro akong nakatayo sa harapan ng malaking gate na iyon. Ngunit
hindi ko magawang pindutin ang doorbell. Hindi ko mapigilan pagdagundong ng dibdib
ko sa sobrang kaba.

Inhale...exhale... AJA! She can do it. Wala naman akong ibang gagawin kundi sabihin
ang kinabisa kong script ( syempre written by her Boss, at dapat daw ay may
feelings. Katulad ng ituro nito sa kanya nung isang araw). At Sana nga ganon lang
iyon kadali.

Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang gate at isang may-edad na babae ang lumabas
roon.

" Ineng, pumasok ka na sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Lorie." Nakangiting sabi


nito at saka ako hinila papasok.
Si Manang excited!

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang laki ng bahay na iyon. Ay hindi pala bahay
iyon, masyon na ang tawag roon. Wow, ang sarap sigurong tumira run.

"Muriel..." salubong sa akin ni Mam Lorie. " I"m glad you're already here. Are you
ready?"

Gusto ko sanang sabihin na hindi pa, pero naunahan niya ako.

"Anyway, from now on everyone here will call you Sam or Samantha. Hindi dapat
makahalata si Riley. Wala siyang dapat malaman tungkol dito. This is just between
you and me and of course Nana Tonya." Itinuro niya ang katabing babae na humila sa
akin papasok kanina.

"Si Nana Tonya ang puwede mong lapitan kapag kailangan mo ng tulong, especially
pagdating kay Riley. Siya ang bahala sayo".

Nakuha ang atensyon naming lahat ng biglang may lalaking nagsisigaw sa itaas. Maya-
maya ay humahangos na bumaba mula sa hagdanaan ang isang dalagita. Sa itsura nito
ay mukhang gusto nitong umiyak.

"Sige na Lenny, bumalik ka sa kusina. Ako na bahala sa kanya", si Boss. Pagkatapos


ay nag-inhale exhale muna ito bago tumingin sa akin.

Bigla akong kinabahan.

"Ready? "

T__T puwede pa ba akong mag-back out!

" Riley, anak mayroon kang bisita", bungad ni Mam Lorie nang pumasok kami sa isa sa
mga kuwarto sa itaas.

I saw him sitting in the floor, sa gilid ng kama nito. Nakatingin ito sa kawalan na
tila may malalim na iniisip. Lumingon lang ito sa kinaroroonan namin ng marinig ang
boses ng ina.

0___0 Where is the good looking guy I used to know?

Ang nakikita niya ngayon ay isang mukhang sinaunang nilalang dahil sa mahabang
balbas na nakapalibot sa buong mukha nito. Pero walang duda, ito nga si Riley.
Hindi ko man siya kilala ng personal ay kilala ko naman ang kulay abo na pares ng
mga mata nito.

Saka lang ako parang natauhan nang maramdaman ang marahang pagsiko sa akin ni Mam
Lorie. Hudyat na kailangan na ko nang magsimula.

Inhale...exhale...

"B-baby" tawag ko kay Riley. Putek! Bakit parang ang hirap sabihin?

Halatang nagulat ito nang marinig ang boses ko.

"Baby its me..."

"What are you doing here?" Biglang bulyaw nito na nagpatayo ng balahibo ko.

Kung makasigaw naman wagas!

"I came back because of you."

"Get out of here. I don't need you anymore," sigaw pa rin nito at namumula ang
mukha sa galit.

"Baby naman! Could you please listen to me first? I know I was wrong, but can you
forgive me?" Kailangan niyang magpaawa effect.

"Ma, take her away from me", baling nito sa ina. "Paalisin nyo siya dito. I don't
want to hear any of her lies."

"Riley I think, you and her should talk."

"Pero Ma?"

"No more buts Riley. Kailangan ninyong ayusin itong dalawa. I'll leave you two
alone."

What?! Bigla akong napalingon kay Mam Lorie.

I know you can do it. I have faith in you, she said in a mute voice and smile. May
kasama pang kindat. At saka tuluyang lumabas ng silid.
Tama bang iwanan akong mag-isa sa piling ng masungit nitong anak?

"Umalis ka na Sam. Wala na tayong dapat pang pag-usapan. I don't want to see you
anymore."

She rolled her eyes. Oh yeah, as if naman na makikita siya nito.

"I won't leave unless you forgive me." Bigla siyang may naisip na bagong tactic.
Mukha kasing hindi uubra kung patuloy siyang magmamakaawa rito.

"You don't know what are saying?"

"I mean it! Hindi ako aalis rito. Kahit kaladkarin mo pa ako palabas ng bahay nyo,
babalik at babalik ako."

He smirk. "Why are you doing this, Sam?"

Dahil pinilit ako ng nanay mo na gawin ito! Gusto ko sanang sabihin sa kanya.

"Because I love you."

O___O eh?

Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. Saan nanggaling iyon?

Lalo pa akong nagulat ng bigla na lamang tumawa si Riley. Isang tawa na nakakaloko.

"You still love me?" His finger pointing at him. "Come on Samantha, I won't buy it
anymore. Nakalimutan mo na ba? Ikaw mismo ang nagsabi sa akin na hindi mo na ako
mahal. That you're tired of someone like me. Wala kang pakialam kahit masaktan ako.
You've left me without any hesitation just to do what you want." Naroon ang
hinanakit sa tinig nito.

Now, I'm speechless. Na-off guard ako sa sagot niya.

"I lied to you. And I was wrong."

Katahimikan...

>__> ako.

>__< siya.
Putek! Ano ba kasi itong napasukan ko?

"It seems like it's not you Samantha. Why a sudden change?"

Isip-isip ng isasagot -__- j

"Because this time I will do the right thing. I won't never leave you again. I'll
be the one to take care of you. I won't give up on you no matter what happen."

He smirk again. "Go away Sam. its useless. I don't love you anymore."

Naman! Hanggang kailan ba magpapakipot ang lalaking ito? Mauubusan na ako ng


dialogue. Isang-isa na lang talaga at makakatikim na sakin ito ng kutos.

"I don't believe you. I know you still love me. And no matter how much you wanted
to push me away, I will stay. Whether you like it or not. Like what I said, I won't
give up on you."

"Get out!" Muli ko na naman narinig ang pagsigaw nito. "Get out of my room! Get out
of my life!"

"Hindi mo kailangang sumigaw."

"Wala kang pakialam! Gagawin ko kung anong gusto ko!"

"Fine!" Ganting sigaw ko. Naiinis na talaga ako. "Aalis na ako kung iyon ang
ikaliligaya mo." At saka dire-diretsong nagmartsa palabas ng pintuan.

Mamaos ka sana!

Tila nahahapo na ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama. Hindi ko


inaasahan ang pagbabalik ni Samantha. She really did surprise me. When I heard her
voice again, it seems my heart wants to jump from my chest. And I wanted to run to
her and hold her in my arms. She is right. I still love her. Pero bakit ganon?

Bakit nasasaktan pa rin ako, kahit na sinabi niyang mahal pa rin niya ako?

Tama lang siguro ang ginawa ko na ipagtabuyan siya. Ayoko nang masaktan muli nang
dahil na naman sa kanya. Sapat na siguro ang ginawa kong pagpapakatanga dati. I
will never commit the same mistake again.

Enough of this stupid love. I've learned my lesson.

The old Riley that they used to know won't never come again.

*******************************************
[3] Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
*******************************************

CHAPTER THREE: Hardheaded Vs Hardheaded

<Muriel POV>

Sapu-sapo ko ang ulo ko nang bumangon mula sa kama. Hindi ako gaanong nakatulog
kagabi dahil bigla akong namahay. Dumagdag pa ang masungit na lalaking iyon na
nagpapiga ng utak ko sa kakaisip ng paraan para lamang mapaamo ang isang tulad
nito.

Bigla akong napatingin sa orasan. 7:25 AM. sa mga oras na ito ay dapat ay nasa
opisina na ako at payapa na nagta-trabaho. Ang alam ng mga ka-officemate ko ay
naka-vacation leave ako for one month. Wala silang kaalam-alam sa ginagawa kong
kababalaghan kasabwat ang boss namin.

Naalala kong bigla si Jena. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang naging
reaksiyon ng kaibigan kong iyon nang magdahilan akong uuwi sa amin. Parang
nakatunog ang bruha na nagsisinungaling lang ako. At sa tingin ko ay napilitan lang
siyang maniwala sa mga alibi ko. Wala naman akong balak na sabihin sa kanya ang
tungkol sa pagpapanggap ko. I know that she's been a good friend and faithful to
me. But knowing her BIG MOUTH, baka siya pa ang magpahamak sa akin. Lalo na at
kasama ko rin siya sa trabaho. Nagkalat pa man din ang mga mae-EPAL sa opisina.

Q__Q Mami-miss ko talaga ng sobra ang bruhang iyon. Lalo na ang siomai bonding
namin dalawa.

Nakaligo na ako nang lumabas ng kuwarto. At dire-diretso na bumaba ng hagdanan.

<__< to the left.

>__> to the right.

Saan ba dito ang papuntang kusina? Mukhang maliligaw pa yata ako.


I chose the left hallway instead.

Lakad...

Lakad...

0__0 Bumungad sa akin ang malawak na garden. Bumalik ako sa pinanggagalingan ko.

Lakad...

Lakad...

Teka! Saang lupalop na ba siya naroon? Ang laki naman kasi ng bahay na ito.

Lakad...

Lakad...

Shit! Nagugutom na ako. Wala na bang katapusan itong paglalakad ko? T__T

I almost jumped in suprise, nang may biglang kumalabit sa akin mula sa likuran.

^~~^ Akala ko mumu. Si Nana Tonya lang pala.

"Ineng saan ba ang punta mo?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Hinahanap ko po yung kusina. Hindi ko po makita."

"Halika rito. Tamang-tama nakapaghanda na ako ng agahan." At hinila niya ako sa


kamay.

Ek! Nagpakahirap pa ako. Eh na nasa gilid lang pala ng hagdanan yung hinahanap ko.

@__@ Wow! Bumungad sa akin ang mga nakahaing pagkain sa mesa. Mukhang mapapasabak
ako nito ng todo.

"Kumain ka lang ng kumain jan. Huwag kang mahihiya."

Ako mahihiya? Kailan nangyari iyon?


Busy ako sa pag-lafang nang mayroon akong maalala.

"Nasaan po si Mam Lorie?"

"Kagabi pa siya umalis. Meron yata siyang business trip sa... sa Hongkong ba yon?"

T__T Iniwan na naman niya ako!

"Huwag kang mag-alala nandito naman ako. Hindi kita pababayaan. Kung kinakailangan
natin ibitin ng patiwarik si Riley para lamang tumino, bakit hindi?"

"Seryoso kayo?"

"Pinapatawa lang kita ineng. Para ka kasing naiiyak dyan."

Bigla akong napangiti. Mukhang magkakasundo kaming dalawa ni Nana Tonya.

"Para po ba kay Riley iyan?" Ang tinutukoy ko ay ang hinahanda niyang pagkain sa
tray.

"Oo. Kailangan na muna niyang mag-almusal para makainom siya ng gamot niya."

"Ako na po ang magdadala nyan sa kanya."

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako habang patuloy na kumakain.

"Sige, ikaw ang bahala."

Katahimikan...

"Alam kong may katigasan ng ulo si Riley. Pero mabait naman ang batang iyon."

"Huwag po kayong mag-alala Nana Tonya, kaya ko po ang sarili ko. Subukan lang
niyang magloko talagang makakatikim siya sa akin."

Napatawa ng malakas ang matanda. "Gusto kitang bata ka!"


Bitbit ko ang almusal ni Riley nang maabutan ko ang dalawang katulong na nagtatalo
sa tapat ng kuwarto ng binata.

"Ikaw na!"

"Di, ikaw na lang!"

"Ayoko, baka masigawan na naman ako ni Sir."

"Mas lalong ayoko. Nakakatakot kaya siya."

"Ako nang gigising sa kanya."

Biglang nagulat ang dalawa sa pagsulpot ko.

"Kayo pala Mam Samantha!" Lenny yata ang pangalan nito. Lumapit siya sa akin at
akmang kukunin ang dala kong tray.

"No, kaya ko na ito. Pakibukas na lang ang pintuan."

Agad namang tumalima ang isang katulong.

"Sigurado po ba kayo Mam? Bigla na lang po nagbabagong anyo si Sir Riley kapag
naiistorbo sa pagtulog."

"Nagbabagong anyo din ako lalo na kapag nasisigawan."

Napahagikgik sila sa sinabi ko. Akala siguro nila nagbibiro ako.

"Goodluck po," pahabol sa akin ni Lenny nang tuluyan akong makapasok sa loob.

Nadatnan ko si Riley na natutulog pa rin sa kama nito. Nilapag ko muna ang bitbit
kong tray bago ko ito nilapitan.

"Hey sleepy head, wake up!"

Kumilos si Riley paharap sa akin, pero nanatili pa rin tulog.

Guwapo na sana, panira lang ang mahaba nitong balbas.

Muli ko siyang ginising at marahan na tinapik sa pisngi.


"Baby... honey... sweetie... darling... huy!" Lahat na yata ng klase ng endearment
ay nasabi ko na. Pero himbing na himbing pa rin siya.

Buhusan ko kaya ito ng malamig na tubig?

When suddenly he smile at me. As if he is dreaming.

Oh shit! Ang guwapo niya putek!

But to my surprise nang bigla na lang umaangat ang kamay ni Riley at marahas na
hinila ako sa braso. Bumagsak ako sa ibabaw ng katawan niya. At bago pa ako
makakilos ay mabilis na pumulupot ang mga kamay niya sa katawan ko. He reverse our
position instantly. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya.

0___0 ako

-__- siya

May ilang sandali kami nasa ganoong posiyon.

I was still in shock when he finally open his eyes. Tila doon lang ito tuluyang
nagising nang maramdaman nito ang katawan ko.

"Who the hell are you?"

Doon lang ako nagkalakas ng loob na itulak siya palayo sa akin, sabay tayo.

"I said who are you?" Gulat na gulat na tanong niya.

I couldn't seem to find my voice. My heart was beating so fast that I could hardly
breathe.

"Hindi ka ba talaga magsasalita? N-nana Tonya!"

"I-its me..."

"Samantha? I thought..."

"Akala mo umalis na ako. Sorry ka na lang pero matigas ang ulo ko." Naka-recover
rin ako sa wakas.
Nag-isang linya na naman ang mga mata ni Riley.

"Hep! Bago ka magalit sa akin, kainin mo muna itong almusal mo. Sabi ni Nana Tonya
kumain ka raw muna bago mo inumin itong mga gamot mo."

Wala na itong nagawa ng hilahin ko siya at igiya sa mini-dining table na naroon


malapit sa may veranda. Akmang isusubo ko sa kanya ang hawak kong kutsara nang
pigilan nito ang kamay ko.

"Don't bother, kaya ko ang sarili ko." He said in a cold voice.

"Okay." Sabi mo eh. Hindi naman ako mahirap kausap.

Ngunit ilang minuto na ang nakaraan ay hindi pa rin ito kumikilos. Hindi man lang
ito nagtangka na galawin ang pagkain na nasa harapan nito.

"Hello! Riley, are you still there? O baka naman tinulugan mo na ako."

"Walang akong gana. Iligpit mo na iyan."

Hay! Heto na naman kami.

"Kumain ka kahit konti lang. Para naman mainom mo na itong gamot mo."

"Bingi ka ba? O kailangan kong ulitin ang sinabi ko."

"Sabi ko nga wala kang gana!" Tumayo na ako at ibinalik ang pagkain sa tray.

Biglang tayo rin si Riley at nabunggo niya ang mesa na muntikan na niyang ikatumba.
Mabuti na lang at naalalayan ko siya kaagad.

Huli na nang ma-realize ko na halos nakayakap na pala ako sa kanya.

"If you think you can seduce me, then think again."

Nag-init ang mukha ko sa narinig. At mabilis na kumalas sa kanya.

"You're dreaming... gutom lang iyan! Kumain ka na nga lang!"

"Ayoko ngang kumain!"


"Akala ko ba wala kang ganang kumain. Magkaiba ang walang gana sa nag-iinarte."

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?

"Look who's talking?

"Matigas ang lang ulo ko pero hindi ako maarte."

Tsk.. si Riley. -__- Itsura nito mukhang mapipikon na sa kanya.

"Kakain ka ba o gusto mong i-seduce kita?"

"It won't work on me."

"Oh come on! Uy.. ung isang mamang masungit jan, na-miss ako."

May pasundut-sundot pa ako sa tagiliran niya.

"Stop it Sam!"

Haha.. Hindi ko mapigilang matawa. Panay kasi ang igtad ni Riley sa tuwing
tutusukin ko siya sa tagiliran.

"Sam, hindi ka na nakakatawa! Stop it! Para kang bata!"

HIndi pa rin ako tumitigil. Panay naman ang atras niya.

"Samantha!" Final warning na niya.

Saka lang ako huminto. "Okay, fine! Hindi na kita pipiliting kumain kung ayaw mo
talaga. Hindi naman ako ang magugutom."

Binitbit ko na ang tray at akmang lalabas ng silid nito nang muli akong makaisip ng
kalokohan. Sinundot ko siya ulit sa tagiliran at muli itong napaigtad. Ang lakas ng
tawa ko.

^ o ^ ako
>__< siya

"Babalik na lang ako Baby Boy kapag gusto mo nang kumain." Nakangiting sabi ko ng
tuluyang lumabas ng silid nito.

<RILEY POV>

I could stil hear Samantha's laughter outside. Maybe laughing at her hearts
content. Hindi ko alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isipan nito. She's acting
really weird since yesterday. As if she's not my ex-girlfriend.

Actually I'm expecting her to cry like a river and act like a drama queen while
begging for my forgiveness. But the woman who showed up yesterday was exactly the
opposite of her. She handles the situation very lightly without the drama. She
doesn't even care, kung magalit ako at masigawan ko siya.

Did she still loves me? Or just care about me?

Damn!...Sumakit lang tuloy ang ulo. Bakit pa kasi niya iniisip ang babaing iyon?

I already made a decision last night. Dapat kong panindigan iyon. If she wanted to
stay, wala na akong magagawa roon. At kung anuman ang dahilan nito, the hell I
care!

Shit! Narinig niyang nagrereklamo na ang kanyang tiyan. Nagugutom na siya. Hindi pa
man siya naghapunan kagabi dahil sa biglaang pagdating ni Samantha.

I lied to her nang sabihin kong wala akong gana at ayokong kumain. Ginawa ko iyon
para sana inisin siya. To get even on her.

Pero nag-bommerang sa akin ang ginawa ko. Sa halip ako ang nainis at napikon sa
childish act niya. And the worst, binitbit pa niya ang breakfast ko. Akala ko pa
naman iiwanan niya iyon.

Tawagan ko kaya si Nana Nonya at magpaakyat ng pagkain?

Nah! Mapapahiya lang ako kapag ginawa ko iyon. Siguradong tutuksuhin lang ako ni
Samantha.

Makapagtubig na nga lang!


Tumayo ako at tinanya ang bawat hakbang ko. Mula nang mawalan ako ng paningin ay
sinanay ko na ang sarili ko na kumilos nang walang umaalalay sa akin. I want to be
on my own. Siguro kaya naging ganito ako kasungit ay dahil ayoko nang masyadong
atensyon.

My Mom, siya lang naman ang over reacting sa sitwasyon ko. Akala kasi niya gusto ko
nang mamatay. She couldn't understand that I just wanted to find myself. Maybe this
is my way of coping from the break up and tragedy. I have my reason why I wouldn't
want to undergo the
surgery. The doctor says that I have 85% chance to bring back my sight. But what if
it didn't succeed? Parang hindi ko kayang tanggapin iyon.

Bog!

Ouch!

Tumama ang noo ko sa pader. I made a wrong move.

Kapa!

Kapa!

Kapa!

Where it is?

Pucha! Sinong naglipat ng inuminan ko?

<Muriel POV>

Awtomatikong natingin ako sa itaas nang marinig ko ang malakas na boses ni Riley.

"Nana Tonya si Mila na lang po ang papuntahin nyo kay Sir Riley." Si Lenny na
napatigil sa ginagawa.

"Bakit ako?" Reklamo ni Mila. " Eh ikaw ang tinatawag?"


Nangingiti na lang ako habang abala sa pagnguya ng fruit salad.

"O bakit kayo nakatingin sa akin?" Napahinto ako sa pagkain.

"Close naman kayo ni Sir Riley di ba?" Si Lenny.

"At saka kanina narinig po namin kayong tumatawa. Ibig sabihin mabait po sa inyo si
Sir." Si Mila.

"So?"

Iyon na naman ang sigaw ni Riley.

"Mam Samantha sige na po", sabay napagmamakaawa ng dalawa.

"Do I have any choice?" Sabi ko na lang na parang napipilitan pero nakangiti.

"What's your problem Baby boy?"

"Hindi ikaw ang tinatawag ko?"

I rolled my eyes.

"Where are they? Lenny! Mila!"

"They wouldn't come."

"Because you told them?"

"Natatakot silang lumapit sayo."

"Bakit ikaw, hindi?"

"Hindi ka naman nangangagat."

He smirk.

"Get me a glass of water. Nauuhaw ako."


Kung makasigaw wagas, eh mang-uutos lang naman!

"Here." Inaabot ko sa kanya ang dala kong tubig. At inilagay sa kamay niya.

"May kailangan ba kayo, mahal na prinsipe?"

"Stop it!"

"What? Wala naman akong ginagawa."

"Stop acting like that."

"Like what?"

"L-like..." Hindi nito maituloy ang sasabihin.

"Gutom lang iyan Baby boy. Here, kumain ka na."

"Ayo-"

Hindi na ito nakapiyok nang isubo ko sa bibig niya ang pagkain.

"Kagabi pa walang laman ang tiyan mo sabi ni Nana Tonya. Kaya kahit ayaw mo
kelangan mo pa ring kumain."

"Don't treat me like child." Sabi nito sa pagitan ng pagnguya.

"Then don't act like one."

Hay... Kailan ba mauubusan ng lintanya ang lalaking ito?


Ang daming reklamo. Nakaka-stress.

*******************************************
[4] Chapter Four: The Shower Scene
*******************************************
Chapter 4: The Shower Scene
<Riley POV>

Nagising ako sa ringtone ng aking cp. Nung oras na ba? Parang kakatulog ko pa lang?
Siguradong si Mama na naman ang tumatawag.

Kapa..

Kapa..

Nasa ilalim lang pala ng unan ko.

"H-hello..."Inaantok na sagot ko.

"Bro musta na?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya.

"Jared?"

Puro tawa lang ang naging response nito sa akin.

"Gago ka talaga! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"

"Miss me, lover boy?" Biro pa nito.

"Gago!" But he was right. Na-miss nga niya ang bestfriend nyang ito.

It's been a month ago since the last time I heard about him. A week after my
accident, he immediately flew to Nevada for business purpose. But I doubt about it.
Knowing his reputation when it comes to women, he definitely lying.
"Wala ka pa bang balak bumalik dito?"

"I'm enjoying my life here. Walang hassle. Nasa Pinas ngayon si Erpat. Pero balita
ko by next week babalik daw dito si Papa kaya ako naman ang uuwi jan."

"Hanggang ngayon ba hindi pa rin kayo magkasundo ni Tito Joseph?"

"Parang hindi mo kilala si Erpat. Lagi na lang ako ang nakikita nun. Wala na akong
ginawang tama para sa kanya."

"Magpakatino ka na kasi. Be serious with your life."

"Be serious like you? Nah...baka magkasakit lang ako. I love being like this. Less
prone to heartache, less prone to accident."

Wala na akong nasabi. Obviously ako ang pinapatamaan ng gunggong na ito. He never
change. He always wants to play safe.

"So, how are you Dude? Nakapag-decide ka na ba about dun sa operation?" Suddenly he
asked.

"No, I haven't yet. Ayoko munang isipin ang tungkol doon."

"How about...you know, Samantha? Do you have news about her?"

"Nandito siya ngayon."

"Dyan sa Pilipinas? How did you know?"

"She is here... with me."

"Oh come on! Are joking me?" Gulat na gulat ito.


"No, I'm not."

"Are you sure?" Hindi pa rin ito makapaniwala sa sinabi ko. " Para kasing nakita
ko...never mind." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin.

"Bigla na lang siya sumulpot rito sa bahay, 2 days ago. She says sorry and she
wants us to be together again."

"And?"

"Things couldn't be the same again since she left me. I'm not the same person that
she used to know."

"That's my man! Congrats Pare. Finally you've realize your worth. Move on and enjoy
your life."

"But how can't I move on and enjoy my life if she is my self-appointed private
nurse. Wala akong magawa para iwasan siya. And worst, kasabwat niya pa si Mommy."

I heard him chuckled. "Problema nga iyan pare. Sorry but I can't help you right
now."

"Tsk.." ang tanging naisagot ko sa kanya.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.

"Gising ka na pala hijo." Boses iyon ni Nana Tonya.

Napakunot ang noo ko. Where is Samantha?

"Hey, are you still there?" Si Jared.


"Y-yeah." Bakit ko ba siya biglang naisip? "Ano nga ulit iyon?"

"Never mind. Anyway I got to go. Someone is expecting me. "

"Someone special?"

"Nope. Someone that interest me," Sabay tawa.

Asa pa ako na magseseryoso ito sa babae!

"Goodluck to your new self. Kapag napanindigan mo yan, bilib na ako sayo. I love
you bro.. mwaaah." Pagkatapos ay narinig ko na ang end tone sa kabilang linya.

Napailing na lang ako. Sira talaga ang ulo!

"Si Jared ba yang kausap mo kanina? Matagal-tagal ko na ring hindi nakikita ang
batang iyan." Si Nana Tonya na nakalapit na pala sa akin ng hindi ko namamalayan.
Inalalayan niya ako sa braso para makabangon.

"Kaya ko na po mag-isa Nana Tonya," sabi ko sa kanya.

"Walang masamang tumanggap nang tulong galing sa iba. Lalo na kung ang iniisip lang
nila ay ang ikabubuti mo."

Napakamot ako ng ulo.

"Nana Tonya, hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Kayo lang naman ang inaalala ko.
Baka kasi hindi nyo kayanin ang bigat ko."

"Parang sinabi mo na matanda na ako. Mas malakas pa ako sa kalabaw."

Hindi na ako sumagot. Baka humaba pa ang panenermon nito.


Kanina pa ako kinukulit ng isipan ko. At hindi ako mapalagay.

Where is she? Bakit hindi siya ang naghatid ng almusal ko?

Tapos na akong kumain nang sa wakas ay nagkalakas loob akong magtanong.

"Nana Tonya, si... ano po, si..." Hindi ko maituloy-tuloy ang gusto kong sabihin.

Lecheng pride na ito! Sino ba ang nakaimbento nito?

"Si Samantha ba ang hinahanap mo?" Masungit na tanong ni Nana Tonya.

Pero ang totoo ganito ang itsura niya ^___^ (Hindi alam ni Riley dahil hindi nga
siya nakakakita.)

=___= Hindi ako kumibo.

"Huwag mo na siyang hanapin. Umalis na siya kaninang madaling araw."

"Po?" Nagulat talaga ako sa narinig.

"Basta ang sabi niya sa akin, suko na raw siya. Hindi na raw niya kayang tiisin ang
ugali mo. Baka raw mas bumuti ang kalagayan mo kung mawawala siya. Dahil sa tingin
niya hindi mo na siya kailangan sa buhay mo."

She said that she'll never give up on me, but she lied again.

Eto na naman ang familiar na sakit sa dibdib ko!

Ilang sandali akong walang imik. Gusto kong mag-isip. Pero nanatiling blanko ang
utak ko. Damn!

Then suddenly I heard that voice again.

"Nana Tonya, nandyan lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap." Si Samantha na
bigla na lang sumulpot sa kuwarto ko.

0___0 ako

> . > si Nana Tonya.

"Anong nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Samantha sa nadatnan.

"Iha mauna na ako sa'yo sa ibaba. Ihahanda ko lang ang agahan mo," iwas sagot ni
Nana Tonya. Bitbit ang tray ay nagmamadali itong lumabas ng kuwarto.

Ako naman ang binalingan ni Samantha. "What did you do to her?"

"Huh?"

"Why she is acting like that? Don't tell me, pati si Nana Tonya minamaltrato mo?"

Minamaltrato? What a word! Tama bang pagbintangan ako!

"Why don't you ask her?" I snapped. Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya.

"You're so mean!" Halos pabulong na sabi nito pero nakarating pa rin sa pandinig
ko.

If only I could see her, sigurong humahaba na ang nguso nito.


Then later I heard the slam of the door.

Sigurado ako, she was cursing me right now.

Bigla tuloy akong napaisip.

What if magkakatotoo ang sinabi ni Nana Tonya?

Paano kung tuluyan nang sumuko si Samantha?

Ako ba talaga ang may problema? O yung mga taong nakapaligid sa akin?

<Muriel POV>

"Kung nakita mo lang sana ang reaksyon ni Riley kanina..." Hindi na natuloy ni Nana
Tonya ang sinasabi dahil sa katatawa. Tila tuwang-tuwa ito sa nagawang kalokohan.

V__v "Bakit nyo naman sinabi iyon?"

"Naisip ko lang na biruin siya nang hanapin ka niya sa akin. Mukhang nadismaya siya
nang malaman niyang ako ang naghatid ng agahan niya imbes na ikaw."

"Ano naman po ang naging reaksyon niya?" Bigla akong na-curious.

"Bigla siyang nalungkot. Para pa ngang naiiyak. Kaya lang bigla kang dumating kaya
hayun nabuko tuloy ako ng di-oras."

"Kaya pala ganun ung reaksyon niya. Akala ko pa naman meron siyang ginawa sa inyo.
Siguradong galit ngayon iyon."

"Eh iha, pwede bang ikaw na muna ang maghatid na tanghalian ni Riley mamaya?"
"Bakit ako? Ang daya nyo Nana Tonya."

"Sus, kayang-kaya mo yan. Ngayon lang naman nagsusunggit si Riley dahil sa


kalagayan niya eh. Pero alam kong pagdating sa'yo tumitiklop siya. Sa nakita kong
reaksyon niya kanina, hindi maikakaila na mahal ka pa rin niya."

< . < "Si Samantha po ang mahal niya at hindi ako."

"Parang ikaw na rin iyon. Wala siya dito kaya ikaw na siya ngayon."

Bakit pakiramdam ko nawawalan na ako ng identity? Parang hindi na ako ito eh. At
isa pa namimiss ko na ang pagtawag sa akin ng mga tao sa pangalan ko.

Lumabas muna at nagpunta sa garden. Makapag-emote na nga muna. Bored na bored na


kasi ako sa bahay na ito.

I miss my job. I miss my friends. I miss the hang-outs. At syempre I miss my


family. Sana nga naka-vacation leave na lang ako. I miss them so much.

I also miss myself. Lately hindi ko na nagagawa ang gusto ko. Para akong laruan na
de-susi. Limited ang mga kilos ko. Pero may mga pagkakataon na lumalabas talaga ang
pagiging maldita ko.

Si Riley kasi eh. Knowing my temper, kahit anong pagtitimpi ko, umaalpas pa rin ang
init ng ulo ko. Duda tuloy ako na mako-convince ko pa siya na magpaopera sa loob ng
isang buwan. Sa tuwing nagkikita kaming dalawa parang lagi na lang kami
nagsasabong.

Anong strategy pa ba ang puwede kong gamitin sa lalaking iyon?

"Mam Samantha!" tawag sa akin ni Lenny at namamadaling lumapit sa akin.

"Ako ba ang tinatawag mo?" wala sa loob na sabi ko.


Lumingon pa ito sa paligid bago bumaling sa akin.

"Malamang, kayo lang naman po ang may pangalan na Samantha rito."

Umaangat tuloy ang kilay ko. Ayos din itong katulong na ito!

"Hehehe..." si Lenny na nag-peace sign sa akin ng makita ang reaksyon ko.


"Pinapatawag po kayo ni Sir Riley."

"Bakit daw?"

"Hindi naman niya sinabi eh."

"Galit ba?"

"Eh lagi namang galit si Sir. Wala namang bago."

Oo nga naman!

Saglit akong nag-alinlangan.

Bahala na nga si Batman!

"Tawag mo raw ako?" bungad ko kay Riley nang makapasok sa kuwarto nito.

Kung ano ang puwesto niya kanina nang umalis ako ay ganon pa rin siya ngayon.
Nakaupo ito sa gilid ng kama paharap sa bintana.
"Are you okay?" Napasugod ako sa kanya ng bigla nitong sapuhin ng kamay ang ulo.

"May masakit ba sayo?" ako ulit ng hindi ito kumikibo.

Itinaas ni Riley ang kamay niya sa direksyon ko. "Tulungan mo akong tumayo."

Tinulungan ko naman siya kahit mabigat siya.

"Gusto kong maligo."

"Ha?" 0___o

"Ang sabi ko gusto kong maligo" Malumanay pa rin na sabi nito.

"Ah, okay!" ang sabi ko na lang. "Ipapahanda ko lang ang pampaligo mo." At
binitawan ko siya para sana lumabas ng kuwarto.

Pero pinigilan niya agad ako sa braso.

"Ikaw na lang. Ayokong istorbuhin si Nana Tonya."

"Pwede ko naman utusan si Lenny o kaya si Mila."

"Hahayaan mo silang paliguan ako." medyo inis na sabi nito.

Anu daw! Paliguan?

"You mean hindi ka marunong maligo mag-isa?" Gusto kong makasiguro. Baka kasi
nabingi lang ako.
"Magpapatulong ba ako kung kaya ko." Nagsalubong na ang mga kilay nito.

Ibig sabihin si Nana Tonya ang nagpapaligo sa malaking tao na ito!

Nagulat na lang ako ng bigla na lang hubarin ni Riley ang t-shirt nito.

"W-what are you doing?"

"Meron bang maliligo na naka-damit?" Bumalik na naman ang masungit nitong tono. At
sinunod na hubarin ang suot na padjama.

Napalunok ako sa tumambad na katawan sa harapan ko.

Oh my!

"W-wait!" Mabilis na pigil ko nang isusunod na nitong hubarin ang suot na brief.

Baka himatayin na ako kapag nakita ko ang nasa likod ng brief nito.

"Ano na naman?"

>___< ganito na ang itsura ni Riley.

"Pwede ka naman maligo kahit na ka-brief eh."

"What's the difference? Nakita mo na rin naman ito dati."

o___O Awkward!

"Pumasok ka nga sa banyo." Tinulak ko na siya papasok bago pa humaba ang pagtatalo
namin. "Ang dami mo pang sinasabi."
At sa huli ako rin ang nasunod.

Pero ano ba itong napasukan ko? Gusto ko nang tumakbo palabas. Kanina pa nag-iinit
ang mukha ko. Hindi ako makapag-concetrate sa ginagawa ko.

Shit! Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang kinukuskos ang abs ni
Riley.

Nakaka-tense grabe!

o___o'\ Whew! Ang init naman!

Nang dumako ang paningin ko sa lower part body nito ay bigla akong napalunok. Yun
na lang kasi ang hindi ko pa nakukuskos.

Kinuha ko ang kamay ni Riley at ibinigay sa kanya ang scrubbing sponge.

"Ikaw na bahala kay birdie. Kaya mo na yan. Malaki ka na." sabi ko sabay talikod.

But to my surprise nang pumulupot ang braso nito sa baywang ko at hinila ako
palapit sa kanya.

"Where do you think you're going?" Pigil niya sa akin.

0___0 Nagtaasan lahat ng balahibo ko nang maramdaman ang katawan nito sa likuran
ko.

Waahh... gusto kong sumigaw ng rape!

Nana Tonya tulong!


Naramdaman ko na lang ang malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko. Hawak na pala
ni Riley ang shower hose at sinadyang itapat sa akin.

Putek! Basang-basa ako!

"Riley!" Kumawala ako mula sa pagkakayakap niya at inagaw sa kanya ang hose. Kung
hindi ko napigilan ang sarili ko malamang naipukpok ko sa ulo niya ang hawak ko.

Halata naman na pinigilan lang nitong tumawa. Tumalikod pa ito sa akin para hindi
ko makita ang reaksyon niya.

Sa inis ko ay tinapat ko sa kanya ang shower hose at tinodo ang pagkakabukas niyon.

"Ah..." sigaw ni Riley. "Stop it!"

Stop it mong mukha mo! Akala mo ikaw lang marunong magtrip?

Para akong basang sisiw ng lumabas ng banyo. Basang-basa ang damit ko. Daig ko pa
ang nag-dive sa bath tub. Kasunod kong lumabas si Riley. Nakatapis lang ito ng
towel hanggang baywang.

"Ikuha mo ako ng damit!"

Kung makautos wagas! Hindi ba ito marunong gumamit ng PAKI?

"Saan ba dito ang damitan mo?" Nilapitan ko ang isang cabinet sa may bandang dulo.
Pero puro mga business attire ang laman nyon.

Hindi ito sumagot.


Inisa-isa ko na lang buksan ang mga cabinet. Bago pa ako tuluyang topakin sa kanya.

"Here," sabay abot sa kanya ng nakuha kong damit.

At walang sabi-sabing tinanggal ni Riley ang nakatapis sa baywang nito.

Oh sheeeet!

Bigla akong napatalikod.

Buwisit talaga ang lalaking ito! Nanadya na!

"Tapos ka na ba magbihis?" tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.


Nangangawit na ako sa katatayo.

I heard him chuckled. "You're acting really weird, Sam."

Napalingon ako sa sinabi niya. Buti na lang at nakabihis na ito.

"Guni-guni mo lang iyon!" Sabi ko na lang at pinagbalingan ang mga nakakalat na


damit nito sa sahig.

Pumasok ulit ako ng banyo. Doon ko kasi nakita ang basket bin na lagayan ng
labahin. At paglabas ko muntikan ko nang mabunggo si Riley. Nakaharang kasi ito sa
may pintuan.

"Baka gusto mo akong padaanin?" sabi ko nang hindi pa rin ito kumikilos. Pinagti-
tripan na naman ba ako nito?

"Punasan mo ang buhok ko. Basang-basa pa." At yumuko siya sa harapan ko.

Napaka-childish talaga! Wala ba itong mga kamay?


Kinuha ko na lang sa kanya ang hawak nitong towel at pinunasan ang buhok nito.

"Sam?"

"Hmmmm..."

"Do you love me?"

Napahinto ako sa ginagawa.

"I wouldn't be here if I don't"

"Just answer my question? He demanded. He looks really serious.

> . >

"O-of course I do."

Imbes na sumagot si Riley ay inilapit nito ang mukha sa akin.

Napaatras tuloy ako. Pero pader na pala ang nasa likuran ko.

"W-what are you d-doing?" I'm trying to calm myself.

Nanunukso naman na lalo pang lumapit ito sa akin. Ang mga kamay nito ngayon ay
nakatukod sa pader, just above my shoulder.

"What do you think I'm doing?" His voice was husky.


Kung hindi ko lang alam na bulag ito, iisipin ko na nakikita niya ako. He was
looking straight on my eyes.

Suddenly, I was at lost of words. Nagsipagtayuan ang aking balahibo. Damn, he was
going to kiss me!

Blag!

Biglang bumukas ang pintuan.

"Mam Samantha, kanina pa tumutunog yung-"

Naitulak kong bigla si Riley sabay layo.

>__> ako

<__< si Riley

0___0, si Lenny. "S-sorry po! Nakalimutan kong kumatok..."

Saka lang ako nakabawi nang mapansin ko ang familiar na cellphone na tumutunog sa
kamay niya.

"Eh, Mam kanina pa po kasi may tumatawag sa cellphone nyo." Sabay abot sa akin ng
cp.

Kinuha ko iyon at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Siguradong pulang-pula ang


mukha ko.

Napasandal ako sa pader habang sapu-sapo ng kamay ko ang aking dibdib. Para akong
aatakehin sa puso. Gosh...muntikan na iyon!

Napatingin ako sa cp ko na patuloy sa pagtunog.


Si Jena. Napilitan akong sagutin iyon.

"Girl, anong petsa na? Ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko?"

"N-naiwan ko kasi ang cp ko sa kuwarto," pagdadahilan ko.

"Okay ka lang ba? Bakit parang hinihingal ka?"

"Kagagaling ko lang sa pagdya-jogging."

"Kumusta ang bakasyon mo? Pagbalik mo huwag mong ka-"

"Jena tatawagan na lang kita mamaya. Promise tatawag talaga ako." Sabay pindot ng
end button. I can't talk to her, not now.

Pakiramdam ko mauubusan ako ng oxygen. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.

"Mam bakit basang-basa kayo?" Bigla na lang sumulpot si Mila sa tabi ko.

"Pinaliguan ko kasi si Riley." Wala sa loob na sagot ko.

Napanganga ang katulong sa sinabi ko.

"I-i mean, tinulungan ko siyang maligo. Wala kasi si Nana Tonya kaya ako na lang
ang tumulong sa kanya"

"Kaya naman po niyang maligo mag-isa."


"Ha?"

"Kilala ko si Sir Riley. Ang pinakaayaw niya ay yung tinutulungan siya. Kaya nga
hindi kami lumalapit sa kanya eh."

Poink!

Mukhang naisahan ako ng lalaking iyon!

Mabilis na lumipad ang mga naniningkit kong mata sa pintuan ng silid nito. Muling
nag-flashback sa isipan ko ang mga nangyari kanina.

"Mila pakisabi na lang kay Nana Tonya na siya na muna ang maghatid ng tanghalian ni
Riley."

"Sige po."

Tumalikod na ako at nagmartsa ako patungo sa silid ko. Dumiretso ako sa kama ko at
dinampot ang isang unan. At saka itinakip sa mukha ko.

Doon ako sumigaw ng malakas.

Inis na inis ako na parang gusto kong manapak ng tao.

*******************************************
[5] Chapter Five: Unexpected Kiss
*******************************************
Chapter Five: Unexpected Kiss

<Muriel POV>

Vanilla or Chocolate?
Hirap mag-decide!

"Kuya ano ba mas masarap dito?" tanong ko dun sa crew. Sabay pakita sa kanya ng
hawak kong Magnum Ice Cream na nasa magkabila kong kamay.

"Eh Mam, pareho lang naman po." Sagot nito na nagkamot pa ng ulo.

Natural parehong masarap, mahal eh!

Muli kong tinignan ang hawak kong Magnum.

Vanilla na nga lang! Sabay bitaw dun sa chocolate flavor at dumiretso ako sa
cashier.

Sa sobrang inis ko kanina napalabas tuloy ako ng bahay at dinala ako ng mga paa ko
sa 7-Eleven. Kailangan kong magpalamig. Kaya nga napagtripan kong kumain ng Magnum.
Baka sakali mawala ang init ng ulo ko. Bumili rin ako ng sanitary napkin. Kaya pala
ganon na lang ang topak ko, meron na pala ako nang hindi ko namamalayan.

Tsk! Ang bagal naman ng kahera! Tatlong katao pa ang pagitan bago ako.

Inip!

Inip!

"Bakla, libre mo ako ng slurpee."

"Bruha ka ala kaya akong pera."

"Eh bat nagyaya ka rito kung wala ka palang pera?"

"Sayo nga sana ako magpapalibre eh."

Teka! Parang familiar sa akin ang mga tinig na iyon!

Dahan-dahan akong lumingon.

O__O putcha! Sina Jena at Ichi!

Paano sila napadpad rito?


"Walang hiya ka, pinaglakad mo ako ng dalawang kanto para lang magpalibre!" boses
iyon ni Jena na ume-echo sa buong store.

"Girl naman, sige na! Kahit pautangin mo nalang ako. Ala na talaga akong anda."
Ang baklang si Ichi na kasamahan din niya sa trabaho.

Malapit nga lang pala ito sa opisina namin. Bakit ba hindi ko naisip iyon?

Mabuti na lang at may hood ung sinuot kong cardigan kaya nilagay ko iyon sa ulo
ko.

Hindi nila ako pwedeng makita dito!

Sa wakas at turn ko na rin sa pila. "Ate pakibilisan lang po." Sabi ko dun sa
kahera. Kailangan ko na talagang makaalis sa lugar na iyon.

0 . o Ganito ang itsura ng kahera nang tumingin sa akin.

"Ang kuripot mo talaga. Buti pa si Muriel hindi mahirap lapitan. Madamot!"


Lintanya ni Ichi.

"Kung si Muriel nauuto mo, ako hindi."

May ganon!

"Speaking of Muriel, ano na balita sa dun?" Si Ichi ulit.

"Ewan ko sa babaing iyon? Kanina tinawagan ko pero binabaan lang ako ng bruha.
Sabi niya tatawag siya pero hanggang ngayon wala pa rin."

"Baka busy lang... busy sa lalaki! Hahaha... Hayaan mo na siya para naman
magkaroon na siya ng lovelife at nang hindi na umiinit ang ulo niya."

Mga salbahe! T__T

Kunsabagay, tama rin naman si Ichi. Busy nga siya sa lalaki, sa lalaking anak ng
Boss niya na ubod ng sungit at demanding.

"Mam sukli nyo po", agad kong inaabot ang baryang inaabot sa akin ng kahera.

Makaeskapo na nga. Bago pa nila ako makita dito.


Habang naglalakad ako pauwi, hindi pa nga nangangalahati ang Magnum ko nang may
biglang matigas na bagay ang biglang humampas sa braso ko.

Shit!

Napayuko ako sa damit ko. Dumikit doon ang kinakain kong Magnum. Anak ng tokwa,
nakaputi pa man din akong t-shirt!

Nag-init na naman ang ulo ko!

May isang lalaki ang tumatakbong lumapit sa akin. Nakasuot siya ng asul na jersey
sando at short at naliligo sa sariling pawis.

"Sorry Miss hindi ko sinasadya." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Kung nakakamatay lang ang tingin na pinukol ko sa kanya malamang ay natumba na


siya.

"Sorry talaga!" Hindi nawawala ang mga ngiti niya na parang pang-commercial ng
toothpaste.

Lalo akong sumimangot.

Akala yata niya madadaan niya ako sa pangiti-ngiti niya!

Lumipad ang mga mata ko sa bola ng basketball na tumama sa akin kanina. Bago pa
iyon madampot ng lalaki ay sinipa ko iyon palayo rito.

Napalakas yata ang pagkakasipa ko kaya tumilapon iyon sa kabilang kalsada.

I smirked.

But he smiled instead.

Nakakaloko na ang lalaking ito!

Narinig kong naghiyawan na ang mga kasamahan nitong naglalaro sa court.


"Oh come on! Get the ball! Mamaya ka na lumandi dyan!" Sigaw ng isa sa mga
kasamahan nito.

Ngunit tila wala itong narinig.

"By the way I'm Mark, and you are?" Inilahad pa nito ang kamay sa akin.

Awtomatikong umangat ang kilay ko at tinignan ang nakalahad niyang kamay. Sa halip
na tanggapin iyon ay tinapik ko ang kamay niya.

"Get lost!" I snapped. Sabay talikod.

Hambog! Anong akala niya, madadala niya ako sa pagpapa-cute niya?

"Until we meet again, Miss pretty!" Narinig ko pang sigaw nung lalaki nang
makalayo na ako.

Leche! Sinayang mo yung Magnum ko!

"Muriel, umalis ka pala sana tinawagan mo ako ng sa ganon ay nasundo kita." Bati
sa akin ni Manong Bay habang naglilinis ito ng sasakyan.

Napangiti ako nang marinig kong muli ang pangalan ko. Sa ilang araw ko sa mansion
na iyon, ngayon lang ulit may tumawag sa akin sa pangalan ko.

^__^ Nawala siguro sa loob niya ang habilin ni Mam Lorie.

Si Manong Bay lamang ang kakilala ko sa loob at labas ng trabaho. Personal driver
siya ni Mam Lorie. Minsan kapag libreng oras niya ay tumulong siya sa amin sa
opisina at maasahan namin sa pagbili ng pagkain.

"Dyan lang naman po sa labasan. Meron lang po akong binili."

"Ganon ba? Basta kapag may kailangan ka, mag-text ka lang sa akin."

Tumango ako. "Sige po." At pumasok na ako sa loob ng bahay.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Paakyat na sana ako nang makita ko si Riley na nasa bungad ng hagdanan. At


nagtatangkang bumaba nang walang kaagapay. Bigla akong kinabahan at sa isang iglap
ay nakalapit ako sa kanya.
"Anong sa tingin mo ang ginawa mo? Magpapakamatay ka ba?" I almost hissed. Tinakot
ako ng lalaking ito.

"Gusto ko lang sana magpahangin sa labas." kaswal na sabi nito na tila balewala
ang pagpapanic ko.

"Bakit hindi ka nagpatulong? Nandyan naman si Lenny o kaya si Mila."

"Kaya ko ang sarili ko."

Sa inis ko ay napatukan ko siya.

"Hindi ka rin mayabang noh? Paano kung mahulog ka sa hagdan? Hindi mo ba naisip
iyon?"

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?"

"Hindi mo kailangang sumigaw."

"Wala kang pakialam kung gusto kong sumigaw!"

Katahimikan...

Hindi na siya sumagot.

At hindi na rin ako ulit nagsalita.

Kahit ako ay nagulat sa naging outburst ko. At aminado ako na napasobra ako dun sa
part na iyon.

I blew out a long sigh. Then I grabbed his hand.

"Bumalik ka na sa kuwarto mo." I said in a low tone. At hinila ko siya patungo sa


silid niya.

Pero may balak pa yatang magmatigas ni Riley. Hindi ito natinag sa kinatatayuan
nito.
"Rai (short for Riley) ano ba?"

Sinubukan ko ulit siyang hilahin. But this time, with my full force. Ngunit mas
malakas siya sa akin. Ako ang nahila niya. Sa lakas ng impact ay tumama ang noo ko
sa baba niya.

"Aw!" Sapu-sapo ko ang noo ko. Mangiyak-ngiyak ako sa sakit.

"Ikaw kasi eh!"

"Ako pa ngayon ang may kasalanan?" Banayad kong asik. Heto na naman ang temper ko.

Riley raised his hand and pulled me closer to him. He gently stroke my hair and
blew something on my forehead. "Masakit pa ba?" May pag-aalala sa tinig nito.

Hindi ako sumagot. At hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinayaan na gawin iyon.

But I have to admit that it really feels good!

"Bumalik ka na nga sa kuwarto mo." Ang nasabi ko na lang pagkatapos.

Umikot ako sa likuran niya at tinulak siya patungo sa silid niya.

O__O Anong nangyare dito?

Grabe parang dinaanan ng buhawi ang loob ng kuwarto ni Riley. Ang gulung-gulo.

As far as I remember, ang papel ko lang sa buhay ng lalaking ito ay maging pretend
girlfriend lang nito. Pumayag na nga akong maging caregiver pati ba naman ang
pagliligpit ng mga kalat nito ay ako pa rin.

"Ano bang binubulong mo dyan? Para kang sira!" si Riley.

Hindi ko siya pinansin. At sa halip ay pinagbalingan ko ang mga nakakalat nitong


comforter at unan sa sahig.

Maya-maya...

Bog!

Paglingon ko ay sapo na nito ang noo. Nauntog ito sa pintuan ng banyo.


"Damn this door!" Hindi nito maipinta ang mukha!

Hindi ko tuloy napigilang tumawa.

"Fine! Laugh as you want, you evil witch." Pasinghal na sabi niya sa akin.
Naniningkit ang mga mata nito.

Si Mr.Sungit napikon! Hehe..

Nilapitan ko siya at hinawi ang kamay niya. Namumula nga ang noo nito.

"Halika nga dito." Sabi ko sa kanya at pinaupo siya sa kama para matignan ko siya
nang mabuti.

Sumunod naman siya pero nanatiling nakasimangot.

Kagat-kagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. Siguradong sisinghalan na


naman ako ni Riley. Pero hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Hindi naman niya
makikita iyon.

"Gusto mong lagyan ko ng cold compress?"

Umiling siya. "Hipan mo na lang."

"Mawawala ba ang sakit kung hihipan ko?" Naalala ko ang ginawa niya sa akin
kanina. Kunsabagay, mukhang effective naman.

"Basta hipan mo na lang." Parang bata na utos nito.

Hinipan ko naman siya sa noo.

"Ano, masakit pa ba?"

Tumango lang siya. "Hipan mo pa."

Hinipan ko naman ulit. Ngunit napansin ko ang humahaba niyang nguso. At unti-
unting lumalapit ang mukha niya sa akin.

"Anong ibig sabihin niyan?" Nakataas na kilay na sabi ko. Tinusok-tusok ko pa ng


daliri ang pisngi nito.
"Mas mawawala ang sakit kapag, alam mo na." At lalo pa nitong hinabaan ang nguso.

"Ano ka sinusuwerte?" At tinapik ko siya ng malakas sa noo, sabay tayo.

Pero pinigilan niya ako sa braso at hinila palapit sa kanya. Napaupo ulit ako sa
kama.

"Sige, hipan mo na lang ulit?"

"Hipan mong mukha! Hindi ka na nakakatuwa Riley! Baka gusto mo tuluyang magkaroon
ng bukol sa noo." Banta ko sa kanya nang hindi pa rin nito binibitawan ang braso
ko.

"Wala naman akong ginagawa sayo. Ang dumi ng isip mo." He smirked.

"Ako pa ngayon ang madumi ang isip?" Nahagip ng kamay ko ang isang unan at walang
babala na hinampas iyon kay Riley.

Na-out of balance ito at parang slow motion ay mahuhulog ito sa kama. At dahil
hindi pa rin nito
binibitawan ang braso ko pati ako ay kasama niyang nahulog.

Bumagsak ako sa ibabaw niya. At ilang pulgada lang ang pagitan ng mukha ko sa
mukha niya.

A devilish smile appeared on his lips. At bago ko pa nahulaan ang susunod na


mangyayari, he pulled my nape and claimed my surprised mouth.

*******************************************
[6] Chapter Six: Her Coldness
*******************************************
Chapter Six: Her Coldness

<Muriel POV>

Nabangggit sa akin ni Nanang Tonya ang pagdating ni Mam Lorie nang hapon na iyon.
Ngunit sa halip na magpakita rito ay nagkulong na lang ako sa kuwarto ko.
Siguradong hihingan niya ako ng development. At wala akong maisasagot sa kanya na
ikakatuwa niya.

Alangan naman na sabihin ko na lagi na lang kaming nagtatalo ng masungit niyang


anak!

And speaking of the devil,hanggang ngayon ay hindi ako maka-get over sa ginawa
niya.

Pucha! Lagi ko pang naalala ang halikan namin kanina. I mean yung paghalik niya sa
akin. Nakakainis, kahit takpan ko ng unan ang mukha ko, hindi pa rin iyon mawala sa
isip ko.

Hindi iyon ang first kiss ko. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit
ganon na lamang ang impact nun sa akin.

Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok. Wala sana akong balak pagbuksan kung
sinuman iyon. Pero narinig ko ang boses ni Mam Lorie sa labas.

I sighed then stood up.

<Lorie POV>

"Naistorbo ba kita?" bungad ko kay Muriel. Mukhang kagigising lang nito.

"Hindi naman po," sagot niya.

Tuluy-tuloy akong pumasok sa loob ng silid at naupo sa gilid ng kama.

Sa ilang sandali ay pinagmasdan ko siya. I can't help but smile when I saw her
crumbled hair. She was in her usual t-shirt and tokong short. A typical girl who
was not aware how beautiful she is.

Sometimes I wondered if she is a lesbian or just a boyish type. I heard that she's
the only one in the office who doesn't have a boyfriend. Man hater daw sabi ng
ibang nakakakilala sa kanya. But I doubt about it. Mukha lang siyang suplada sa
unang tingin, pero ang hindi alam ng iba... she has good and soft heart.

"Sabi ni Nana Tonya hindi ka raw naghapunan?" tanong ko sa kanya. She was busy
toying her slipper on the floor.
"Sumakit po kasi ang ulo kaya tinulog ko na lang." Nakayuko na sagot niya.

"Kailangan ko pa bang hulaan kung sino ang dahilan ng pagsakit ng ulo mo?" I
chuckled.

Tumingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita.

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko. I know that you are having a having time dealing
with him. Pero ikaw na lang kasi ang maasahan ko pagdating sa kanya. But you know
what, bilib ako sa tapang mo. You're not afraid of him kahit pa pinagsusungitan ka
niya."

"Hindi lang po masungit ang anak ninyo, matigas din ang ulo, sobra!" Napapailing na
sabi niya.

Lalo tuloy akong napangiti. This girl never failed to amuzed me.

"I know. But you're the only one who can handle him."

"Mam Lorie-"

"Call me Tita," agap ko sa sasabihin niya. "I want you to call me Tita Lorie."

Napansin ko ang pag-ilap ng mga mata niya.

"Eh T-tita, ang kasungitan niya hindi nauubos, pero ang pasensya ko konting-konti
na lang."

I laughed hard. I just can't help it. It reminds me of the famous line in a local
movie.

Confused she stared at me. Hindi siguro siya aware sa binitawan niyang salita.

"Tita I'm serious. Honestly, I'm a temperimental person. Maiksi ang pasensya ko. I
don't think I can make it through. At alam kong hindi rin ninyo ikakatuwa kung
palagi na lamang kami magbabangayan ni Riley. Baka imbes na makatulong ako ay
maging disaster pa ang kalabasan."

Biglang nawala ang ngiti ko sa mga labi. Mukha nga siyang seryoso.

"I understand. And I'm so sorry for involving you in this personal matter." I
sighed. Bigla akong may naalala. "Kung na-convince ko lang sana siya, things would
be much more easier."
Katahimikan...

"I met Samantha in Hongkong." I decided to let her know. "We've talked and I tried
my best to convince her. But..."

"But she said no?" Si Muriel na nakakunot ang noo.

"She wanted me to give her three to four weeks to finish her business there. And
after that, saka niya lang mahaharap si Riley."

I saw the disgust on her face.

"Naisip ko, there is no reason for us to wait for her. But I'm still hoping that
she would change her mind."

"Hanggang kailan po natin siya hihintayin?"

"We don't need to wait. We're going to stick on our plan. And I know that we can
make it through. Just give him a little more patience. Sa umpisa lang naman ganyan
si Riley. Hindi maglalaon mapapanatag rin ang loob niya sa'yo. Hanggang sa
magdesisyon siya na mag-undergo ng surgery on his own."

"I'll try." parang napipilitan niyang sabi.

I could understand her hesitation. Hindi ko dapat siya pinilit na pumasok sa


ganitong sitwasyon. But I don't have any choice. I need her...for my son. At hindi
ako na nagsisi na siya pinili ko.

<Muriel POV>

I can't take it anymore. Kumakalam na talaga ang sikmura ko sa gutom. Akala ko kaya
kong panindigan pero hanggang akala lang pala ko. T__T

Bakit ba kasi may patampo-tampo pa akong nalalaman?

Pasado alas nuwebe na ng gabi. Siguradong tulog na silang lahat. Mabuti na lang at
may nahagilap akong tinapay at chicken sanwich spread sa ref.
I almost jump in surprise, nang may biglang sumulpot mula sa pintuan ng kusina.

Pucha! Muntikan pa akong mabulunan!

Nasapo ko tuloy ang dibdib ko. "Balak mo ba akong patayin sa takot?" sigaw ko kay
Riley. Kahit ito ay nagulat nang bigla akong magsalita.

"What are you doing here?" He asked.

"Ako ang dapat magtanong kung ano ang ginagawa mo dito? At teka, paano ka nakababa
sa hagdan? Sino ang tumulong sa'yo?"

"Ako lang mag-isa. I told you I can do it on my own."

I rolled my eyes. "Ewan ko lang kung hindi mawala ang kayabangan mo kapag nahulog
ka sa hagdan!"

"What are you doing?" ako ulit nang mapansin kong tila meron siyang kinakapakapa.

"Nauuhaw ako. Gusto kong uminom ng malamig na tubig."

"Ako na"

"No! Ako na." Pigil niya sa akin.

Bahala ka na! At pinagpatuloy ko ang aking pagkain.

Pilit pa rin niyang kinakapa ang kinalalagyan ng ref. Nalagpasan na nga niya ito.
Pero hinayaan ko na lang siya. Mukhang ayaw niya talagang magpatulong.

Nakadalawang tinapay na ako ay hindi pa rin tapos si Riley sa paghahanap sa


mahiwagang refrigerator na mas matangkad pa sa kanya.

"To your left," hindi ko napigilang sabihin. Ako ang napapagod sa ginagawa niya.

And finally naka-inom na rin siya ng inaasam niyang malamig na tubig!

"It's that your dinner? Bakit ngayon ka lang kumakain?" Lumapit siya sa
kinaroroonan ko.

"Masama ang pakiramdam ko kanina." Pagdadahilan ko.


Umaangat ang kamay niya patungo sa akin. Umiwas ako at tinapik ang kamay niya.

"Ano na naman iyan?"

"Just wanted to touch your forehead. Baka kasi-"

"Wala akong sakit. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina."

"Gusto kong makasiguro." Itinaas na naman nito ang kamay pero muli ko iyong
tinapik.

"Okay na ako! Hindi ka rin makulit noh?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nagpilit.

"Sometimes I wondered kung ikaw ba talaga si Samantha." Suddenly he said.

Na-freeze sa ere ang hawak kong tinapay.

"You've changed a lot. Parang hindi na kita kilala."

I'm not so sure, but he looks really serious.

Anong sasabihin ko?

"Do you want to know the truth?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko. "Hindi nga ako
si Samantha. Isa lang akong nilalang na nagkataon na kaboses niya at nagpapanggap
bilang siya para alagaan ang isang masungit, matigas ang ulo at mayabang na
lalaking nasa harapan ko ngayon."

Me and my big mouth!

Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nasabi sa kanya.

"You're not funny! Para kang baliw!"

Hindi siya naniniwala? O__o

"What if totoo ang sinasabi ko?" I challenged him.


"Stop it Samantha!"

"Eh totoo naman talaga."

"Hindi ka ba titigil?"

"I'm just telling the tru-"

"Hahalikan na talaga kita."

Thats makes me shut my mouth.

Amuzed na ngumiti si Riley sa pananahimik ko. Nanunukso pa na nilapit nito ang


mukha sa akin.

Wala sa loob na napatingin ako sa mga labi niya.

Unconciously I bit my lower lip. Lumakas bigla ang pintig ng puso ko. At doon ako
naalarma.

I shook my head. Una ay upang alisin ang naglalaro sa isip ko. At pangalawa, this
is not usually me.

"Hindi ka na nagsalita dyan?" Si Riley na lalo pang inilapit ang mukha sa akin.

O tukso, layuan mo ako!

"Gabi na, bakit nandito pa kayong dalawa?" Bigla na lang sumulpot si Mam Lorie kung
saan.

Napapitlag si Riley sa kinauupuan. Muntikan naman akong mapasigaw sa gulat.

"Nakakagulat naman kasi kayo Mama." Si Riley na napakamot pa ng ulo. "Bigla na lang
kayong sumusulpot."

"Kagagaling ko lang sa study room nang makarinig ako ng ingay mula rito. Nag-aaway
ba kayong dalawa?"

Hindi ako kumibo. Ganon din si Riley.


"Well?" naghihintay na tanong ni Mam Lorie. "What is that? Pasa ba yan?" Itinuro
nito ang braso ko.

Doon ko lang din napansin ang mga iyon. Parang kanina wala naman iyon.

"Where do you get those?" Si Mam Lorie ulit.

Napakunot noo naman si Riley.

Ang totoo hindi ko rin alam. Ganito naman talaga ako kapag merong period.

Naisip kong ituro si Riley. "Itanong nyo po sa anak nyo."

"Anong ako!"

"Minamaltrato mo kaya ako!"

"Oi wala akong ginagawa sayo."

"Hinulog mo kaya ako sa kama kanina."

"Ikaw kaya ang nanhulog dyan. Itinulak mo ako kaya nahulog ako. Dinaganan mo na nga
ako, ninakawan mo pa ako ng halik."

"Ang kapal mo!" Hinampas ko siya sa balikat. "You're the one who kissed me."

"Why would I do that? Eh hindi naman tayo!"

"Tell that to yourself!"

Nakamasid lang si Mam Lorie sa bangayan namin ni Riley.

Ganito ang itsura niya. ^________^

Mukhang wala siyang balak na awatin kaming dalawa.

<Riley POV>
Kanina pa walang kibo si Sam. Napikon yata sa akin. Hanggang sa makalabas kami ng
kusina ay hindi pa rin siya nagsasalita.

Naramdaman ko na nagpatiuna siya paakyat sa hagdanan. "Hindi mo ba aalalayan?"

She stopped. "You said you can do it on your own. Kung nagawa mong bumaba ng hagdan
mag-isa, magagawa mo ring umaakyat."

"I lied." Finally, giving up my pride.

Hindi siya sumagot. Pero ilang sandali ay naramdaman ko na lang ang pagkapit niya
sa braso ko.

Hindi ko napigilan mangiti.

"Wait!" pigil ko sa kanya bago kami humakbang paakyat.

"What?" angil niya sa akin.

Kumalas ako sa pagkakapit niya. At ako ang umaakbay sa kanya. Pulling her closer to
me.

Napapitlag siya sa ginawa ko. Pero hindi naman siya nag-react.

Is there something wrong? Gusto ko sanang itanong sa kanya. Pero pinili ko na lang
manahimik.

Lately, napapansin ko na umiiwas siya sa tuwing magkakalapit kami. Kahit hindi ko


nakikita, alam kong may nagbago sa kanya. I can felt her coldness.

Ayoko sanang isipin, pero pakiramdam ko kaya siya nandito ngayon ay dahil naaawa
lang siya sa akin. Maybe she don't love me anymore. At napipilitan lang siyang
alagaan ako dahil sa sitwasyon ko.

*******************************************
[7] Chapter Seven: Jealousy
*******************************************
CHAPTER SEVEN: JEALOUSY
<RILEY POV>

May ilang oras na akong gising pero nanatili pa rin akong nakahiga sa kama. Wala pa
ako sa mood bumangon. Pakiramdam ko ang bigat ng katawan at ng ulo ko. Gusto ko pa
sanang umidlip pero gising na gising naman ang diwa ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan. Muli akong pumikit at nagkunwaring natutulog.
Maya-maya ay nakarinig ako ng mga kaluskos. Naisip ko baka si Samantha iyon.

"Bilisan mo, kunin mo na ung mga labahin."

"Ssshhh.. Hinaan mo nga ang boses mo baka magising si Sir."

Napakunot ang noo ko sa mga narinig na bulungan.

"Ang bagal bagal mo kasi."

"Nagmamadali? May lakad ka te'?" Sigurado siya na tinig iyon ni Lenny.

Nang may kung anong bagay ang bumagsak sa sahig. Napabalikwas ako sa ingay na
nilikha niyon.

Pusang gala! Napamura ako nang wala sa oras.

"Sorry po Sir" Halos sabay nilang sabi.

"Get out of here!" Singhal ko sa kanila. At narinig kong nagtakbuhan sila palabas
ng kuwarto.

Lalo tuloy bumigat ang ulo ko.

"Anong ginawa mo sa kanila?" Bungad ni Samantha nang sumugod sa aking silid.

Imbes na sumagot ay muli akong humiga sa kama, patalikod sa kanya.

"Hey! I'm talking to you!"

"I'm still sleepy. Please get out of here." I answered coldly.


I thought she was gone. Hindi na kasi siya sumagot ulit. And I was a bit
disappointed. Akala ko pa naman mangungulit siya akin.

Then suddenly, may kung anong sumundot sa tagiliran ko. Napaigtad ako sa
pagkabigla.

"Dammit Sam!" asik ko sa kanya.

I heard her laughing. Nakalapit na pala siya sa akin ng hindi ko namamalayan.

"Bumangon ka na kasi, tanghali na kaya!"

Tsk! -__-

Hindi ko siya pinansin. Tatalikuran ko na sana siya, pero isang sundot pa ulit sa
tagiliran ang natanggap ko. Muntikan na tuloy akong mahulog sa kama.

"Ano? Hindi ka pa rin ba babangon dyan?" I could imagine her smiling from ear to
ear.

Itinaas ko ang mga kamay sa kanya. "Tulungan mo akong makabangon." Parang bata na
utos ko sa kanya.

"Ayaw!" I heard her said.

I pouted. "Sige na! Masama lang talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko kayang bumangon
mag-isa."

Mukhang effective naman ang pagdadahilan ko dahil agad siyang lumapit sa akin at
dinama ang noo ko.

"HIndi ka naman mainit ah!"

Gayunpaman ay hinawakan pa rin niya ang kamay ko at hinila ako para makabangon.

"Riley naman eh! Baka akala mo magaan ka?" reklamo ni Samantha dahil sinadya ko
talagang magpabigat.

"Come here." Sabi ko sa kanya nang makaupo na ako. "Upo ka dito." Tinapik ko ang
bakanteng espasyo sa tabi ko.

"Bakit ba ang dami mong request? Pinag-aalmusal lang naman kita."


"Tabihan mo na ako, please!"

Padabog siyang umupo sa tabi ko.

"Ayan, nakaupo na ako. Baka gusto mo nang ku-" She stopped in a mid-sentence nang
humilig ako sa balikat niya.

"Sshhh... Umagang-umaga ang ingay-ingay mo!"

"Ikaw naman, umagang-umaga ang arte-arte mo! Ang dami mong seremonyas, eh mag-
aalmusal ka lang naman. Naku! Kung hindi ka lang iinom ng gamot hahayaan kitang
manigas sa gutom."

I can't help but smile. Parang musika sa pandinig ko ang tinig niyang nagsusungit.
Baliw na yata ako!

"Oi! Don't tell me na tutulugan mo lang ako?" Nagtangka siyang tatayo pero
pinigilan ko siya.

"Sam... What makes you change your mind?" Out of no where, naisip kong itanong sa
kanya. "What makes you stay here with me?"

"Sinagot ko na yan dati. Kailangan ko pa bang ulitin?"

"Do you still love me?"

"You're already know the answer."

"Please answer me."

I heard her sighed. Nakukulitan na siguro siya sa akin.

"Of course, I-i love you. I wouldn't be here if I don't!"

I pulled Samantha close to me and held her tight in my arms. I want to believe her.
My hearts tells me to trust her again.

Sinapo ng mga kamay ko ang mukha niya at itinaas. At dahan-dahan inilapit ang mukha
ko sa kanya.
Hachinggg...

=___= She sneezed on my face!

"Sorry" aniya habang pinupunasan ng palad niya ng mukha ko.

"Its okay." Nangingiti na sabi ko at hinuli ang mga kamay niya. Pero binawi niya
kaagad ang mga kamay mula sa akin.

"Kanina pa naghihintay ang breakfast mo, kaya kumain ka na." At tumayo na siya.

Suddenly I felt empty. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Pero pakiramdam ko kahit
nariyan lang siya sa tabi ko, parang ang layo-layo niya sa akin.

Ayokong isipin na iniiwasan niya ako.

O baka ako naman ang may problema?

Am I being too demanding and insensitive?

<Muriel POV>

Kinakabahan naako sa mga kinikilos ni Riley. Nagsisimula na siyang magbago. Mas


gugustuhin ko pa ang masungit at palasigaw na nakilala ko kaysa naman ngayon na
nasobrahan siya sa pagiging sweet. Hindi ko na alam kung paano ko siya
pakikitunguhan kung parati siyang ganyan.

Ang bobo mo Muriel! Dapat sa umpisa pa lang naisip mo na ang mga posibilidad na
mangyayari! Dapat naihanda mo na ang sarili mo sa mga ganitong bagay!

Pero hindi ko nga naisip iyon at hindi ko rin napaghandaan. At ngayon namomoplema
ako kung paano ko siya iiwasan nang hindi siya makakahalata.

Waaahh... gusto ko nang mag-back-out!


"Mam Samantha, hinahanap po kayo ni Sir Riley."

Na-freeze ako sa paghakbang. Palabas na sana ako ng kuwarto nang biglang sumulpot
si Lenny.

"Ha? Ako?" Naituro ko pa ang sarili ko sa pagkabigla.

"Opo, nandoon po siya sa-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang hilahin ko siya
sa isang tabi.

"Lenny, please do me a favor." Halos pabulong na sabi ko.

Nagtataka na tumingin siya sa akin.

"Sabihin mo kay Riley na hindi mo ako nakita. No! sabihin mo na lang na umalis
ako...na pumunta ako sa Mall."

Papunta naman talaga sa Mall kung hindi ko lang siya nakaengkwentro.

"P-pero.."

"Sige na Lenny. Please..."

Napakamot na lang siya ng ulo. "Kayo pa! Eh malakas kayo sa akin!"

^___^ Mabilhan ko nga siya ng pasalubong mamaya!

"Hindi naman po ako magtatagal eh!" Halos pasigaw na sabi ko habang nagmamadaling
lumabas ng bahay. Echos ko lang iyon. Mahirap na baka pigilan pa ako ni Nana Tonya
na umalis.

Ngayon na nga lang ulit ako makakagala. At kanina pa nangangati ang mga paa ko na
maglakwatsa.

"Akala ko ba nakaalis ka na?"

I stiffed when I heard Riley's voice behind me. Paglingon ko ay nakaupo siya sa may
garden.

Putek! Anong ginagawa niya rito?


"Ang sabi ni Lenny kanina ka pa raw umalis."

"K-kanina pa nga. Bumalik lang ako dahil may naiwan ako." Pagsisinungaling ko sa
kanya.

Hindi siya kumibo. Pero mukhang nakumbinsi ko naman siya.

"Ikaw, paano ka napunta rito? Don't tell me nakarating ka dito ng mag-isa lang."

"Dito na ako lumaki at nag-isip. Kaya natural lang na kabisado ko ang bawat sulok
ng bahay na ito." Umiral na naman ang kayabangan ni Riley.

"No. I'm just kidding!" sabi niya nang hindi ako kumibo. He was smiling this time.
Na nagpalitaw ng mga dimples niya sa magkabilang pisngi. "Actually nagpatulong ako
kay Lenny."

Hindi ko napigilan ang pag-angat ng kilay ko.

"Nabo-bored na kasi ako sa kuwarto, kaya naisipan kong tumambay muna rito." Dagdag
pa niya. "And I terribly miss this guy. Right Buddy?"

Aw! Aw!

Doon ko lang napansin ang asong nakadapa sa may paanan niya.

"Buddy say hello to Sam."

Sumunod naman ang aso sa utos niya at lumapit sa akin. And to my surprise bigla
niya akong dinamba na muntikan ko nang ikatumba. He was trying to reach me.

"Rai (short for Riley) could you please stop him or her?" I was not so sure if she
or he. Nakakatakot kasi ang laki nito. At saka hindi siya tumitigil sa pagdila sa
akin. "Rai!" tili ko nang mahagip ng dila nito ang bibig ko.

Tawa nang tawa si Riley. "Buddy, come here!"

Saka lang ako tinigilan nito at lumapit sa kanyang amo.

Yuck! Sabay punas ng palad sa bibig ko.

Mag-amo nga kayong dalawa. Pareho kayong magnanakaw ng halik!


"I think he likes you now. Hindi naman siya ganyan dati sayo."

Meaning, hindi gusto ni Buddy si Samantha? At ako na ngayon niya lang na-meet ay
nagustuhan agad niya? Bigla tuloy akong na-curious.

"Excuse me po." Lumapit sa amin si Mila. "Mam Samantha mayroon pong nagpapabigay sa
inyo," sabay abot sa akin ng bitbit nitong bonquet ng mga bulaklak.

"Para sa akin? Sigurado ka? Kanino galing? " HIndi pa rin ako makapaniwala na may
magtatangkang pagpadala ng bulaklak para sa akin.

"Sabi po kasi ng lalaki sa labas kanina ay ibigay ko raw po iyan sa magandang dilag
na nakatira rito. Eh naisip ko po na kayo iyon. Wala naman po kasing ibang maganda
rito maliban sa inyo."

"Nagbigay siya ng mga bulaklak? Ano itsura ng lalaki?" tanong ni Riley na bahagyang
sumimangot.

"Ngayon ko lang po siya nakita. Pero guwapo po siya at saka malaking tao. Parang
artista." Tila kinikilig na sagot ni Mila.

May nakita akong card na nakaipit sa bulaklak at binasa ko iyon.

To Miss Pretty,

Just want to say Sorry. And hope we meet again.

Mark ^___^

Napakunot ang noo ko. Wala akong maalala na mayroon akong kakilala na Mark ang
pangalan. Hindi kaya na wrong send lang ito.

Ibinalik ko ang mga bulaklak kay Mila. "Ikaw na ang bahala dyan." Naalala ko na may
lakad pa pala ako.

"Sa akin na lang po?"

Tumango ako.
"Sigurado po kayo?" Hindi pa rin makapaniwala si Mila.

"Kung ayaw mo ibigay mo na lang kay Lenny."

Niyakap nito ang mga bulaklak. "Hehe.. nagbibiro lang naman po ako."

"Rai, I got to go. Baka-"

Pagbaling ko ay wala na si Riley sa kinauupuan nito. At ang naiwan ay si Buddy.


Nasaan na ung lalaking iyon?

"Mam, mukhang nagselos po yata si Sir. Nag-back out eh!"

At bakit naman siya magseselos?

Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi ako. Dire-diretso ako sa kuwarto ko at
binagsak ang katawan sa malambot na kama. Hay grabe! Napagod ako dun. Pero sulit
naman. Nag-enjoy ako ng todo sa paglilibot at pagsho-shopping. Hindi ko na halos
namalayan ang oras kaya ginabi tuloy ako.

Katatapos ko lang maglinis ng katawan nang may kumatok sa pintuan. Nagmamadali


akong lumabas ng banyo.

"Nana Tonya, bakit po?"

"Hindi na sana kita iistorbohin. Kaya lang si Riley..."

"Bakit? May nangyari po ba sa kanya?"

Umiling si Nana Tonya. "Magmula kaninang tanghali hindi pa siya kumakain.


Nagkukulong lang sa kuwarto niya. Nag-aalala ako dahil wala pang laman ang tiyan at
baka kung mapaano siya."

Ano na naman ba ang drama ng lalaking iyon?

"Sige po, ako na ang bahala sa kanya."

At magtutuos kaming dalawa!

"Mayroon na akong naihandang pagkain. Ikaw na lang ang maghatid sa kuwarto niya."
Nakakailang katok na ako pero wala pa ring sumasagot sa loob ng silid. HIndi kaya
natutulog na ito?

Tinawag ko si Lenny para kunin ang duplicate key ng kuwarto ni Riley. Kadiliman ang
bumuluga sa akin pagbukas ko ng pinto.

"Riley!" Wala akong response na narinig mula sa kanya.

Pilit kong kinakapa sa dingding ang switch ng ilaw nang may biglang may dumamba sa
akin. Muntikan na akong mapasigaw. Dahil kasabay ng pagbukas ng ilaw ay bumulaga sa
harapan ko ang dambuhalang si Buddy.

"What are doing here?"

Aw! Aw! Kasabay ng pagkawag ng kanyang buntot.

"Ssshhh.. Huwag kang maingay!"

Nakakapagtakang tumigil naman ito at lumabas ng kuwarto.

Lumipad ang mga mata ko sa ibabaw ng kama. Ngunit wala roon si Riley. Pumasok ako
sa loob ng banyo. Pero wala rin siya roon.

Nasan na kaya siya?

Halos magkagulo kaming lahat sa paghahanap sa kanya. Nalibot na namin ang buong
kabahayan pero hindi namin siya nakita. Wala rin nakapansin sa kanya dahil ang
buong akala ng mga ito ay nagkukulong lang siya sa kanyang silid.

Hindi kaya nakalabas siya ng bahay? May kabang bumangon sa aking dibdib.

"Anong gagawin natin?" Si Nana Tonya na sinusumpong na ng nerbiyos.

Naisip kong tawagan si Manong Bay. Posibleng magkasama ang dalawa. Wala kasi sa
garahe ang sasakyang ginagamit nito.

"Hello, Manong Bay! Kasama po ba ninyo si Riley?"


Lahat sila ay nakatingin sa akin. At naghihintay ng magandang balita.

"Hindi. Kagagaling ko lang sa opisina. Pauwi pa lang ako."

Biglang gumuho ang pag-asa ko.

"Bakit? Anong nangyari?" Si Manong Bay ulit.

"Wala po kasi siya dito sa bahay. Hindi namin siya makita. Hindi namin alam kung
nasaan siya."

"Malapit na ako. Hintayin nyo ko at hahanapin natin siya."

At nawala na siya sa kabilang linya.

"Hindi raw sila magkasama?" Si Nana Tonya.

Umiling ako.

Halos matutop ni Nana Tonya ang dibdib nito.

Aw! Aw! Aw!

Nakita ko si Buddy na nakaharap sa may pintuan at panay ang tahol.

Binuksan ko ang pintuan at sa aking pagtataka nang nagmamadali siya lumabas.

"Buddy saan ka pupunta?" Sigaw ko.

Tuluy-tuloy siya sa may gate. Hindi ko alam kung paano niya ginawa pero nabuksan
niya iyon at nakalabas siya ng tuluyan.

But something tells me, na sundan ko siya.

*******************************************
[8] Chapter Eight: Shattered Glass
*******************************************
CHAPTER EIGHT: Shattered Glass
<Muriel POV>

Nakaramdam ako ng pagod sa pagsunod kay Buddy. Hindi ko alam kung saan siya
patungo. Basta sinusundan ko lang siya kahit saan siya magpunta.

"Buddy!" tawag ko dahil bigla siyang nagtatakbo palayo.

Nakitakbo na rin ako. Ayoko siyang mawala sa paningin ko.

Putek! Nasaan na siya?

Hindi ko na siya makita. Luminga-linga ako. May kalaliman na ang gabi. At tanging
ilaw lang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag sa kapaligiran. Wala na rin akong
makitang tao sa paligid. At wala ring sasakyan na dumaraan.

Pilit kong pinanlalaban ang takot ko. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano. Kailangan
mahanap ko si Buddy. Siya na lang ang pag-asa ko.

Aw! Aw! Aw!

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tahol niya. Nakita ko siya sa may kanto na tila
tinatawag ako.

Lakad takbo ang ginawa ko para makalapit sa kanya.

"Good boy! Akala ko iniwanan mo na ako." Bulong ko sa kanya at hinimas ko siya ulo.

Aw! Aw! Aw!

Pagkatapos ay muli siyang tumakbo patungo sa isang playground. Sinundan ko siya at


sa di-kalayuan ay may nakita akong anino ng tao na nakaupo sa swing. At dahil may
kadiliman ang lugar ay hindi ko siya gaanong maaninag.

Nag-alinlangan akong lumapit. Napa-sign of the cross ako ng di oras. Huwag naman
sanang multo!

Aw! Aw! Aw!

Hindi huminto si Buddy sa pagtahol. Tila hinihila pa nito sa kamay ang lalaki. Saka
lang ako napalapit.

"Riley!" Hindi ako makapaniwala nang makita ko siya nang malapitan.

"S-samantha?" He smiled.

"What are you doing here? Paano ka nakarating dito?" Mabuti na lang at naalalayan
ko siya bago pa siya mahulog sa swing.

"I-i knew it. A-alam kong maha-hanap mo ako."

Napangiwi ako nang maamoy ko ang alak sa kanyang bibig.

"Nakainom ka ba?" Saka ko lang napansin ang bote ng alak sa kanyang kamay.

Kinuha ko iyon. "Saan mo ito nakuha? Bakit ka umiinom? Alam mo naman na bawal sayo
ito di ba?" Ganon na lamang ang pagpipigil ko na batukan siya.

"Hehe...A-ang dami mo naman tanong. B-bakit hindi mo na lang sabihin na nag-alala


ka sa akin? N-na nakatakot ka na mawala ako?"

Pinigil ko ang pag-ikot ng aking mga mata.

"Tumayo ka na dyan. Umuwi na tayo," ang sabi ko na lang. At pilit siyang itinatayo.
"Ayaw! A-ayaw ko pang umuwi."

"Riley naman eh! Alam mo ba kung anong oras na? Gabing-gabi na. Kaya halika na."

But he refused again.

Anak ng!

Napatingala ako sa langit nang wala sa oras. Malapit nang maputol ang pasensya ko.
Konting-konti na lang!

Biglang nag-ring ang cp ko. Tumatawag si Manong Bay.

Saved by the bell!

Nang makauwi na kami sa bahay ay hindi pa rin tumigil si Riley sa pangungulit. Ayaw
pa nitong matulog. Nagpupumilit itong lumabas ng kuwarto. Gusto raw nitong
magpahangin sa may garden.

"Nana Tonya, meron ba kayong sleeping pills dyan? Patutulugin ko lang ang lalaking
ito!"

"Hindi ko alam eh. Parang wala yata."

"Kung suntukin ko lang ito nang manahimik!"

Napabungisngis sina Lenny at Mila sa sinabi ko. Abala sila sa paglilinis kay Riley.

"Hindi ko pa rin maisip kung paano siya nakarating doon. At saan niya nakuha yung
alak na ininom niya." Si Nana Tonya na kumuha ng pamalit na damit ng binata.

"Kahit po ako ay nagtataka. Mga tatlong kanto rin po ang layo mula rito. Maliban na
lang kung talagang kabisado niya ang lugar." Kahit ako ay hindi makapaniwala lalo
na sa isang tulad nito na walang paningin. "Mabuti na lang po at sinundan ko si
Buddy. Parang alam na alam niya kung nasaan ang amo niya. Thanks to him."

Napayuko ako sa paanan ko. Naroon si Buddy at nahihimbing sa pagtulog. Marahil ay


napagod kanina sa paghahanap.

"Alam ko po kung saan niya nakuha yung alak." Sabat ni Lenny.

"Saan?" Si Nana Tonya.

"Doon po sa dating study room ni Sir Rommey."

"Sino po iyon?" tanong ko kay Nana Tonya. Parang ngayon ko lang narinig ang
pangalan na iyon.

"Y-you don't know my f-father?" Sabat ni Riley na bumangon sa pagkakahiga.

"Matulog ka na!" Itinulak ko siya pahiga. "Isang-isa na lang talaga Riley at


susuntukin na kita."

"A-ang salbahe mo. Ano bang ginawa ko sayo para gawin mo sa akin ito?"

"Wala pa akong ginagawa sayo. Kaya matulog ka na dyan!"

Hindi na siya sumagot.

Maya-maya ay lumabas na rin sina Lenny at Mila ng kuwarto. Sumunod na rin si Nana
Tonya pagkatapos. Ako na lamang ang naiwan kasama ng pasaway na lalaking ito!
Nakapabaywang na hinagod ko ng tingin ang magulong kuwarto nito.

Hay! Ano pa nga ba? Eh di ligpitin ang mga kalat nito!

"Huwag mo akong iwan!" Lumipad ang mga mata ko sa ibabaw ng kama. Gising pa pala si
Riley. Buong akala ko ay nakatulog na ito.

"Rai matulog ka na," pagsusumamo ko sa kanya. Baka sakaling sumunod ito.

"Usap muna tayo." He said. Nakaupo na ito sa kama.

Kanina pa nito inuubos ang pasensya ko. Isang-isa na lang talaga!

"Bukas na tayo mag-usap. Malalim na ang gabi."

Hindi ito sumagot. Pero hindi ito umalis sa pagkakaupo.

Hay...

"Bakit ka ba naglasing?" Naisip kong itanong. Mukhang hindi talaga ako titigilan ng
lalaking ito.

"Ikaw kasi eh!"

"Anong ako?" Adik na ito! Sisihin ba ako?

"Basta ikaw ang dahilan!"

"Ewan ko sayo!" At tinalikuran ko na siya.

"Dito ka lang. Huwag mo akong iwanan." Hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit.
"Inaantok na ako Riley! Gusto ko nang matulog!"

"Matulog ka na lang dito. Tabi tayo."

Ano ako, sira!

Hindi ko na siya pinansin. Palabas na ako ng pintuan nang pigilan niya ako sa
braso. Kinabig niya ako at mabilis na ikinulong sa kanyang mga bisig.

"Riley ano ba?" Nagpupumiglas na asik ko sa kanya. Ngunit lalo niyang hinigpitan
ang pagkakayakap sa akin.

"I don't want to lose you again." He said in horror.

I want to calm myself. Pero hindi ko magawa. Kinakabahan na ako sa kinikilos niya.
He was still under the influence of alcohol. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa
isipan niya.

Tumigil ako sa pagpupumiglas. May bigla akong naisip na strategy.

"Okay, I'll stay. HIndi na ako aalis."

Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ko ang pagluwag ng kanyang mga yakap.
Buong akala ko bibitawan na niya ako. Pero bigla na lang niya akong hinalikan nang
hindi ko inaasahan.

I tried to pushed him. But he was stronger than me.

His kisses became aggressive. Pakiramdam ko namamanhid na ang mga labi ko. At
nagpapanic na ang kalooban ko.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko at at saka ubod ng lakas na itinulak si Riley.


Doon lang ako nakawala sa kanya. Ang unang pumasok sa isip ko ay tumakbo palabas ng
kuwarto nito. Pero ni hindi ko maihakbang ang mga paa ko. I was electrified and
shocked.

"Ano pa ba ang dapat kong gawin para mahalin mo ako ulit?" His voice is pleading.
And I saw the pain in his face.

"Stop it Riley!"

"Huwag mo naman ipamukha na ayaw mo na sa akin. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit
dito?" Itinuro nito ang tapat ng dibdib.

I don't know what to say. I just don't know what to do at this moment.

"Dammit Samantha! Magsalita ka naman! Huwag mo akong pagmukhang tanga." He started


to shout again like what he usually do the first time we met.

Aw! Aw! Aw! Marahil ay nagising si Buddy dahil sa lakas ng boses nito.

"Tell me siya ba ang dahilan? Siya ba ang kasama mo kanina? Siya na ba ang mahal mo
kaya ayaw mo na sa akin?"

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo?" I almost whispered. Naguguluhan ako kung
sino ang tinutukoy niya.

"Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin?"

Aw! Aw! Aw!

"Shut up Buddy!"

Pero hindi pa rin tumigil ang alaga nito.


Sa inis ni Riley ay may kung anong bagay siya na hinagis malapit sa kinatatayuan
ko. Napatili ako kasabay ng pagkabasag ng salamin na pintuan.

Humahangos na pumasok ng kuwarto sina Nana Tonya at Mila. Napasugod sila sa narinig
na ingay.

"Anong-" Hindi naituloy ni Nana Tonya ang sasabihin nang magitla sa nadatnan.

Nagkalat ang mga basag na salamin sa sahig. At umaagos sa sahig ang dugo na
nanggagaling sa braso ko.

"Muriel..." Napasugod sa akin si Nana Tonya at itinaas ang kamay ko. "Mila kumuha
ka ng tuwalya. Bilisan mo!" Utos nito.

Ilang sandali ay dumating si Mila na may dalang tuwalya.

Mabilis na ibinalot iyon ni Nana Tonya sa duguan kong braso. Doon lang ako parang
natauhan ng maramdaman ang kirot sa braso ko.

"O-okay lang po ako." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon sa kabila ng
pamumutla ko.

"W-what happen?" Si Riley na pinakikiramdaman ang nangyayari sa kanyang paligid.

"Kailangan madala ka sa ospital. Mukhang malalim ang sugat mo." Si Nana Tonya ulit.

"Samantha, Nana Tonya..."

"Stay where you are?" I almost hissed nang magtatangka itong lumapit sa amin.
"Nana Tonya, kayo na po bahala kay Riley. Baka makatapak siya ng bubog. Ako na po
bahala sa sarili ko. Magpapasama na lang po kay Manong Bay."

Wala nang nagawa ang matanda nang magpatiuna na akong lumabas ng kuwarto.

"Mila samahan mo sa ospital si Mu-, si Samantha." Nagmamadali namang sumunod ang


dalaga.

Saka lang binalingan ni Nana Tonya si Riley na noo'y tahimik na nakaupo sa gilid ng
kama. "HIndi ko alam kung anong pinag-awayan ninyong dalawa. Pero hindi sapat na
dahilan iyon para saktan mo siya."

Please VOTE and leave your COMMENTS. I'm looking forward to hear from you... ^___^

*******************************************
[9] Chapter Nine: That Guy
*******************************************
CHAPTER NINE: That Guy

(Muriel POV)

Pakiramdam ko namamanhid ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa
anesthesia na itinurok sa akin o dahil hanggang ngayon ay hindi ako maka-get over
sa mga nangyari kanina.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagkaganon si Riley. Ang sabi sa akin ni
Mila ay nagselos nga raw ito doon sa taong nagbigay sa akin ng bulaklak. Pero iyon
nga ba ang totoong dahilan?

I have to admit, aksidente ang nangyari. Alam kong hindi intensyon ni Riley na
masaktan ako. Hindi niya rin ginusto mangyari iyon.

"I admire your bravery?"


Doon lang ako nagtaas ng tingin sa lalaking nasa harapan ko. Siya nga pala ang
doktor na gumagamot sa sugat ko.

He was smiling at me from ear to ear.

Teka! Parang familiar sa akin ang mga ngiting iyon.

Dr. Mark Jerome M. Mendoza, Surgeon

Iyon ang nabasa ko sa nameplate niya sa dibdib.

"Kung ibang babae ang nasa katayuan mo, kanina pa siguro sila umiiyak sa takot." I
saw the amusements on his eyes. Pero dedma lang ako.

"Are you sure, hindi pipi itong kasama mo?" Baling nito kay Mila patungkol sa akin.

Umiling lang ang dalaga, hindi inaalis ang pagkakatitig rito.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ng doktor at saka tumingin ulit sa akin.

Wala ba talaga itong ibang gagawin kundi magpa-cute?

"Sabi ko nga eh! Ikaw yung mamang pogi na nagpabigay ng bulaklak kay Mam Samantha!"
Eksaheradang sabi ni Mila sabay turo dun sa doktor. "Tama ako di ba?"

"Buti naman at natatandaan mo pa ako," he said, still smiling na parang sira! "Eh
itong kasama mo, mukhang hindi."

Awtomatikong umangat ang kilay ko sa narinig.

"Did you like the flowers?" Tanong niya sa akin.

"No!" I snapped. "And I don't want you to sent me again."

"Finally I heard your very nice voice. Akala ko hindi ka na talaga magsasalita eh.
If you don't like the flowers that I gave you, maybe I can-"

"Katulad ng sinabi ko wag mo na akong padadalhan ng mga bulaklak."


"Bakit ba ang cold mo Miss Pretty?"

Miss Pretty? Doon lang nag-flashback sa isip ko ang lalaking nakaengkuwentro ko


nung isang araw sa village. That guy na nagtapon ng Magnum ko!

Lalo akong napasimangot.

Pero sa ginawa ko ay lalo lang niya nilaparan ang pagkakangiti niya. "I couldn't
imagine how you look like lalo na kapag nakangiti ka."

"Tapos ka na ba? Pwede na ba kaming umuwi?" Sinadya kong langkapan ng pagkainis ang
boses ko para ipakita rito na hindi ko gustong makipag-usap sa kanya.

"It's almost done." At nilagyan na niya ng gasa ang sugat ko na mga 2 inches yata
ang haba. "Here," sabay abot sa akin ng mga gamot na hindi ko alam kung saan niya
kinuha. "Inumin mo ito three times a day.... blah... blah...blah..."

Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod niyang sinabi dahil sa antok. Gustung-
gusto ko nang matulog.

"Ano daw?" bulong ko kay Mila sa huli niyang sinabi. Para kasing may narinig akong
tatlong araw.

"Bumalik daw po kayo sa kanya pagkaraan ng tatlong araw para malinis niya yung
sugat nyo. Mam samantha, ako na ulit ang sasama sa inyo para makita ko ulit si
pogi." Humagikgik pa ito na parang sira.

"Umuwi na tayo." At nagpatiuna na akong tumayo.

"Take care of yourself", narinig ko pang sabi ni Dr. Mendoza.

"Thank you po, Doktor." Nakangiting paalam naman ni Mila.

"Samantha!" Tawag niya na nagpalingon sa akin. "Nothing," he said. At iyon na naman


ang nakakainis niyang mga ngiti. Adik yata ang lalaking ito!

Nagising ako sa maharahan na tapik ni Mila sa akin.


"Mam Samantha, gising na po. Nandito na tayo."

Nakaidlip na pala ako sa kotse. Inalalayan ako ni Manong Bay makababa ng sasakyan.
At nagtuluy-tuloy ako sa loob papuntang hagdan. Doon ako sinalubong ni Nana Tonya.
"Muriel, Iha kamusta ka na? Kamusta ang sugat mo?"

"Nana Tonya, bukas na lang po tayo mag-usap. Antok na antok na po talaga ako."

Hindi na siya nagpumilit. At inalalayan niya akong makaakyat hanggang sa makarating


ako sa kuwarto ko.

"Magpahinga ka na. Alam kong masyado kang napagod sa mga nangyari. Kapag may
kailangan ka, tumawag ka lang sa intercom." Aniya bago siya tuluyang lumabas ng
pintuan.

Nahahapo na inilatag ko ang katawan sa kama.

What a day! Ang daming nangyari ngayon araw na ito. And I felt exhausted.

<Riley POV>

"Riley, what have you done?" Napabalikwas ako sa sigaw na iyon ni Mama.

"Ma naman!" Pupungas-pungas na sabi ko. "Aw.." Bigla kong nasapo ang ulo nang
makaramdam ng kirot.

"Mabuti nga sayo! Iyan ang napala mo sa paglalasing mo kagabi!"

"Ma, pwede bang hinaan nyo ang boses nyo?" Reklamo ko. Ang sakit kaya sa tenga.

"No, you listen to me young man. I don't know what to do with you anymore. I have
enough of you. Pilit kong inunawa ang sitwasyon mo. But this is too much. You've
turned into a monster. At hindi ko mapapalagpas ang ginawa mo kay Samantha."

"Wala naman akong ginagawa sa kanya."

"You can't remember anything? Hindi mo ba alam ang mga pinaggagawa mo kagabi?"

I tried to recall what happened yesterday. But the last time I remember ay ung
naglasing ako.

Bakit nga ba ako naglasing?


Siguro nung nagselos ako dahil mayroon palang nanliligaw kay Samantha. Hindi ba
nito alam na may boyfriend na siya?

Hindi na nga pala kami!

At kahit dito siya nakatira kasama ko ay hindi pa rin kami tuluyang nagkakaayos.
Magmula nang unang araw niya ay hindi na niya binanggit ulit sa akin ang tungkol sa
aming dalawa. Mukhang hindi na siya interesado na magkabalikan kaming dalawa."

"Ma, mamaya na tayo mag-uusap. Please." Naramdaman ko ang pamimigat ng aking mga
mata. Muli akong hinihila ng antok

"Riley!"

"Ma, ano ba kasi ang problema?"

"Anong problema? Malaki! Dahil kapag nagdesisyon si Samantha na iwanan ka ulit,


wala na akong magagawa para pigilan siya."

Nagsalubong ang mga kilay ko kasabay ng pagkabog ng aking dibdib.

"Ayoko ng ganyang biro Ma!"

"Papasukin mo na ako Nana Tonya, gusto ko lang siya makausap." Pangungulit ko


habang nasa tapat kami ng silid ni Samantha.

"Huwag mo siyang istorbuhin. Kailangan niyang magpahinga. Hayaan mo na muna siya."

"Pero hindi ako matatahimik hanggat hindi kami nagkaka-usap." Ganon na lamang ang
pangamba ko na baka umalis na lang bigla si Sam nang hindi ko nalalaman.

Ikinuwento na sa akin ni Mama ang mga pinaggagawa ko kagabi. At totoong wala akong
maalala na kahit na ano. At halos iuntok ko ang ulo ko nang malaman ko na nagawa
kong saktan si Samantha. Kung alam ko lang na iyon ang magiging epekto sa akin ng
alak, hindi na sana ako naglasing.

Sa huli, wala rin akong nagawa para makausap si Samantha. Bantay sarado si Nana
Tonya sa labas ng kuwarto. Kahit hindi nito sabihin, alam kong pati ito ay galit sa
ginawa ko.

"Pag-akyat namin ni Nana Tonya sa kuwarto nagkalat ang dugo sa sahig."


Napahinto ako nang marinig ko ang tinig ni Mila.

"Tapos ang daming dugo ni Mam Samantha sa braso. Tinamaan pala siya ng nabasag na
salamin."

"Bakit anong ginawa sa kanya ni Sir Riley?" Tinig naman iyon ni Lenny.

"Binato yata ng isang bagay tapos tumama doon sa salamin na pintuan."

"Kawawa naman si Mam Samantha."

"Oo nga eh, ang laki kaya ng sugat niya. Natakot nga ako dahil habang nung nasa
sasakyan kami papunta ng ospital ang daming nawalang dugo sa kanya."

Pucha! Lalo tuloy akong naprapraning! Maisip ko lang ang ginawa kong pinsala kay
Samantha ay para na akong masisiraan ng bait. Hindi ko na kinaya ang mga naririnig
ko at dumiretso ako sa kuwarto ni Mama. Kailangan ko ng tulong niya.

<Muriel POV>

Tinanghali na ako ng gising. Parang ayaw ko pa ngang bumangon kung hindi lang ako
nakaramdam ng gutom.Aray! Nalimutan ko na may pinsala nga pala ako sa braso. Ni
hindi ko magawang makakilos. Konting galaw ko lang ay nakakaramdam ako ng kirot.

Pero nagpilit pa rin akong bumangon kahit nasasaktan ako.

Aw! Aw! Aw!

Nagulat pa ako nang makita ko si Buddy sa paanan ng kama ko.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. As if naman na masasagot niya ako!

Aw! Aw! Aw! Lumapit siya sa akin at pinatong ang kanyang mukha sa aking hita.

Hinimas ko siya sa ulo at hindi ko napigilang mapangiti.

"Papasukin mo na ako Nana Tonya, gusto ko lang siya makausap."


Narinig ko ang tinig ni Riley sa labas. Napatingin ako sa pintuan na tila makikita
ko siya mula roon.

"Huwag mo siyang istorbuhin. Kailangan niyang magpahinga. Hayaan mo muna siya." Ang
tinig naman ni Nana Tonya.

She was right. Hayaan na muna nila ako mapag-isa. Ayoko na muna siyang makita at
makausap.

Hindi naman ako nagagalit kay Riley. Pero nandun ung inis na para bang gusto ko
siyang batukan dahil sa kalokohang ginawa niya kagabi.

Aw! Aw!

"Sshhh.." Saway ko kay Buddy. "Baka marinig ka ng amo mo at magpumilit pang pumasok
rito."

Kumawag lang ang mahaba niyang buntot habang nakatingin sa akin.

Good boy! Mukhang nakahanap ako ng kakampi sa bright dog na ito.

Nag-ring ang cellphone ko sa ibabaw ng side table.

Si Mam Lorie!

Alam na kaya niya?

"Hello po..."

"Are you okay Muriel? I'm so sorry for what happenned." Siguradong ibinalita na
rito ni Nana Tonya ang mga nangyari.

"Okay lang po ako...'

"No, its not okay! I will not tolerate my son this time."

Katahimikan pagkatapos.

"We need to talk Muriel. Itatama ko na ang lahat."


Napasinghap ako sa narinig.

Ibig bang sabihin ay matatapos na ang pagpapanggap ko?

( Sensya na guys kung medjo boring ang chapter na ito. Bawi na lang me next update
ko... thanks! )

Please vote and leave your comments. I'm looking forward to hear from you guys... ^
Q ^

*******************************************
[10] Chapter Ten: Fever
*******************************************
Chapter 10: Fever

<Muriel>

Natapos ang buong maghapon, at hindi na nagtangka si Riley na makausap ako. Marahil
ay nagkausap na ang mag-ina. At sa buong maghapon ay nagkulong lang ako sa silid na
iyon. Mas mahaba pa nga ang oras na tulog ako keysa sa gising.

Paminsan-minsan ay kumikirot ang sukat ko sa braso. Pero carry ko naman! Hindi


naman kasi ako yung tipong maindahin sa mga sakit. Mabigat pa rin ang pakiramdam
ko. Marahil ay nasobrahan ako sa tulog.

"Ubusin mo na ito at nang makainom ka na ng gamot." Ang sabi sa akin ni Nana Tonya.
Siya ang nagprisinta na maghatid ng hapunan ko. Maya't maya ay sinilip niya ako sa
kuwarto. Inaalam kung ano ang kondisyon ko.

"Ayaw mo na? Halos hindi pa nababawasan ang pagkain mo." Si Nana Tonya ulit.
Umiling ako. "Wala po kasi akong gana." Hindi ko masabi sa kanya na nanakit ang
lalamunan ko at nahihirapan akong lumunod. Mukhang magkaka-tonsilitis yata ako!

Umangat ang kamay niya at hinipo ako sa noo.

"May sinat ka. Teka lang at kukuha ako ng gamot." At lumabas siya ng kuwarto ko.

Bigla tuloy akong may naalala...

I miss my Mom! Ganito rin siya kung mag-alaga sa akin. Parang gusto ko tuloy
maiyak!.

Mga limang buwan na rin akong hindi nakakauwi sa amin. And I miss them so much. At
kanina lang ay nakausap ko ang nanay ko sa cellphone. Nangangamusta at nag-aalala
para sa akin. Tila nararamdan nito na may sakit ako. Hay.. wala silang kaalam-alam
sa pinasok ko. Ang buong akala nila ay nagtratrabaho pa rin ako sa opisina.

Isang linggo na lang naman... at makakauwi na rin ako sa amin.

Flashback...

Nang makita ako ni Mam Lorie ay tila awang-awa ito sa akin. "Muriel, I'm so sorry.
I never meant this to happen."

"Hindi nyo naman kailangan mag-sorry."

"All this time naging unfair ako sayo. Hindi sana mangyayari ito sayo kung hindi
kita pinilit. Ako ang naglagay sayo sa sitwasyon na ito. And I want to get you out
from this."

Napakunot ang noo ko.

"We have to end this pretending thing."

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.

"Just one more week Muriel, iyon lang ang hihilingin ko sayo. And I promise you
that everything will be back in normal."

"Pero paano na si Riley?" Siya agad ang unang pumasok sa isip ko.
"He finally agreed to undergo the surgery."

"Pumayag na siya?" Hindi ako makapaniwala na napabilis ang pagdedesisyon nito.

Tumango si Mam Lorie. "Pumayag siya sa kondisyon na hindi ka aalis. Iniisip ni


Riley na baka umalis ka dahil sa nangyari kagabi. Natakot siya na baka iwanan mo
siya."

So that's what makes him change his mind!

"Kailan po ang operation niya?"

"Hopefully by next week."

Parang ang bilis naman?

"So, ang ibig ninyo po sabihin, pagkatapos ng kanyang operation ay mawawala na ako
sa eksena."

Tumango lang si Mam Lorie sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyon ikatuwa.

"Sigurado pong hahanapin ako ni Riley pagkatapos. Ang sabi ninyo sa akin sa
susunod na buwan pa babalik si Samantha."

"I can make an alibi. Ako na bahala dun." Mukhang final na desisyon ng Boss ko.

End of flashback...

Ngayon ay naguguluhan ako sa sarili ko. I should be happy. Dahil sa wakas matatapos
na ang pagpapanggap ko. At babalik na sa normal ang buhay ko. Pero bakit parang
nalulungkot ako? Dahil ba pagkatapos ng isang linggo ay tuluyan na akong magiging
invisible kay Riley.?

Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa bagay na iyon.

<Riley POV>
Pagkagising ko nang umagang iyon ay kaagad ako nagpasama kay Lenny na puntahan si
Nana Tonya. Gusto kong makibalita tungkol sa kalagayan ni Samantha. Hindi ko
maiwasang hindi mag-aalala para sa kanya. Maghapon siyang nagkulong sa silid niya
kahapon. At kahit gustung-gustong ko na siya makausap ay hindi na ako nagpilit. I
promised my Mom to be patience.

"Medyo nilalagnat siya kagabi. Pero nang puntahan ko siya kani-kanina lang ay
mukhang okay na siya." Sagot sa akin ni Nana Tonya. "Wala kang dapat ipag-alala."

Medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Pwede ko na po ba siyang makita? I mean... pwede ko na siyang makausap?"


Nagbabakasakali na tanong ko.

Piningot ni Nana Tonya ang tenga ko. Like what she always do when I was a child.

"Huwag mong ipilit ang gusto mo Riley! Hayan na naman ang katigasan ng ulo mo!
Tatamaan ka na talaga sa akin!" Naiinis na sabi nito na hindi binibitawan ang
nanakit ko ng tenga.

"Nagbibiro lang naman po ako eh. Promise hindi na ako mangungulit." Itinaas ko pa
ng kanan kong kamay.

Isang mariin na pingot ang ibinigay niya sa akin bago niya ako pinakawalan.

Sadista talaga si Nana Tonya! Siguradong pulang-pula na ang tenga niya.

Nasa garden ako ng mga oras na iyon.

Lakad dito. Lakad doon. Hindi ako mapakali. Naroon na uupo ako pagkatapos ay bigla
rin tatayo. Maglakad-lakad, pagkatapos ay muli ring babalik sa pinanggalingan.
Kelangan kong mag-yosi. Pero ang problema saan naman ako kukuha nun? Magmula nang
maaksidente ako ay ipinagbawal na sa akin ang paninigarilyo. But bad habits are
hard to forget. Lalo na ngayon sa sitwasyon ko na wala ako halos ginagawa sa
maghapon kundi makinig ng music sa ipod ko.

Tama lang siguro ang naging desisyon ko na magpaopera. I need changes. Nakakasasawa
na rin ang routine ko sa araw-araw. At isa pa marami akong magagawa kapag bumalik
na ang paningin ko. Babalik na sa ulit normal ang buhay ko. At higit sa lahat,
makakapagsimula na ulit kami ni Samantha.

Sumipol ako para tawagin si Buddy. Pero walang lumalapit sa akin. Sumipol ulit ako.
Wala pa rin siya. Nasaan na kaya ang asong iyon? Kahapon ay hindi ko man lang
naramdaman ang presensya niya sa tabi ko. Dati-rati palaging siyang nakasunod sa
akin. Kung nasaan ako ay naroon siya.

Hindi kaya naiwanan ko siya sa kuwarto?

Patungo ako sa kuwarto ko nang makarinig ako na tila may umiiyak. Pinakiramdaman ko
kung saan iyon nanggagaling. Parang nanggagaling iyon sa silid ni samantha. Halos
magkatapat lang kasi ang mga kuwarto namin.

"Sam?" Kumatok ako sa pintuan. Pero wala akong narinig na response sa kanya.
"Samantha!" tawag ko ulit sabay pihit ng doorknob.

"Sam?"

May narinig akong impit na umiiyak.

"Samantha are you okay? Where are you?"

Dahil hindi ko siya makita ay nilakasan ko na lang ang pakiramdam ko. At maingat na
humakbang palapit sa naririnig kong iyak. Muntikan pa akong ma-out of balance nang
tumama ang binti ko sa malambot na bagay. Nakalapit na pala ako sa kama.

"Sam?"

Kinapa-kapa ko siya. Hanggang sa mahagip ng kamay ko ang katawan niya.

"Sam? What happen? Bakit ka umiiyak?" Tuluyan akong nakalapit sa kanya.

She was lying in her bed while crying. Hindi ko alam kung gising siya o baka
nanaginip lang.
"Oh god! Ang init mo ha?" Naramdaman ko ang init na lumabas sa kanyang katawan.
Bigla akong nataranta. Hindi malaman kung anong gagawin.

"I miss my Mom!" Narinig kong sabi niya sa pagitan ng pag-iyak. "I need her to take
care of me."

"Wait here, tatawagin ko lang sina Nana Tonya."

"Please don't leave. Dito ka lang." At lalong lumakas ang pag-iyak niya.

"Sshh.. It's okay. Don't cry." I pulled her closer to me and hug her.

"Please don't leave."

"I promise. I'll stay."

<Muriel POV>

I feel better now. Nawala ang pananakit ng katawan ko. At parang gumaan ang
pakiramdam ko. But when I open my eyes I saw the familiar face.

Bakit siya nandito?

Pero imbes na magpanic ako ay hinayaan ko lang ang sarili ko na pagmasdan ang
magandang tanawin na nasa harapan ko. Kahit na nagmukhang sinaunang tao si Riley
dahil sa kapal ng balbas nito ay hindi maitatangi ang kaguwapuhan nito. He was
sleeping peacefully.
And I find him cute in that way.

Umangat ang kamay ko para sana hawiin ang mahabang buhok niya na tumabing na sa
mukha niya. But I change my mind. Ayoko siyang magising. Hindi ako magsasawa na
panoorin siya sa pagtulog.

Nang bigla akong may naramdaman pumisil sa dibdib ko.

Pagyuko ko ay nakita ko ang isang kamay ni Riley na nasa tapat ng dibdib ko.

Bastos! Nasapok ko siya nang di oras.


Napabalikwas si Riley. Tla naalimpungatan pa ito.

"Bastos ka. Manyak! Lumayas ka sa kuwarto ko." Pinaghahampas ko siya ng unan.

"Bakit, anong ginawa ko?"

"Nagtatanong ka pa?" Isang malakas na hampas ng unan ang tumama sa mukha niya.

"W-wala akong ginagawa sayo."

"Bakit nasa dibdib ko ang kamay mo?"

"Hindi ko alam. Natutulog ako-"

"Eh bakit dito ka natutulog? Bakit katabi kita? At bakit nakayakap ka pa sakin?"
Hindi pa rin ako tumigil sa paghampas ng unan sa kanya. Malay ko ba kung mayroon
itong ginawang kalokohan habang natutulog ako.

"Stop it Sam! Would you listen to me first?" Nasapo nito ang unan at sapilitang
hinila niya mula sa akin.

"Narinig kitang umiiyak kaya pumasok ako ng kuwarto mo. Tapos inaapoy ka pa ng
lagnat. Do you think I can take advantage of you in your situation? Niyakap kita
because you're freezing to death. Ano sa palagay mo gagawin ko?"

Bigla akong nawalan ng sasabihin.

>__> Guilty as charge!

Nakita kong umaangat ang kamay ni Riley at patungo sa sa direksyon ko.

"Ano na naman yan?" At hinawi ko ang kamay niya.

"Tsk... Wala akong ibang gagawin sayo. Gusto ko lang malaman kung may sinat ka pa."

"Ako na!" At kinuha ko ang kamay niya at dinala sa noo ko. Mahirap na at baka saan
pa mapunta iyon.

"Thank God at bumaba na rin ang lagnat mo," he said smiling this time.
Shit! Bakit ba ang guwapo niya ngayong umaga?

"I'm sorry." Siya.

"Ha?" Ako.

"I'm so sorry for what happenned. I never meant to hurt you." I could feel his
sincerity in his voice. Then his hands moves and cupped my face.

"Forget it! It's just an accident. And it's okay." <__<

Bakit ba hindi ko magawang makatingin sa kanya?

"I know sometimes I'm selfish, impatient and little insecure. I make mistakes too.
But can't you give me another chance?"

He was different now. Biglang naging mailap ang pakiramdam ko.

"Please Sam..."

Do I have a choice? Gusto ko sanang sabihin sa kanya.

"I promise you that I would change."

"Promise?"

"I promise." He nodded.

"Hindi mo na ako aawayin?

"Hindi na."

"Hindi mo na ako sisigawan?"

"Never."

"Hindi ka na magiging pasaway?"

He chuckled. "Hinding-hindi na."


"Okay I'll take that as a joke."

"Samantha! I'm serious!"

"Do you know that jokes are better than promises?" I was smiling at him.

"Yeah, true enough!" Sang-ayon niya. And he smiled from ear to ear. "Can we start
all over again?"

"Why not, coconut!"

He grinned, sabay pisil ng ilong ko.

"Can I kiss you now?"

"Kiss mong mukha mo!"

Don't forget to vote and leave your comment. ^___^ Y

*******************************************
[11] Chapter Eleven: The Other Guy
*******************************************

Chapter Eleven: The Other Guy

<Jared POV>

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa nakatalikod na matandang babae. Wala silang


kamalay-malay na nakapasok ako sa bahay na iyon.

"Nana Tonya!" At saka sinunggapan siya.

"Anak ng tipaklong!" Nagliparan sa ere ang mga hinihiwa niyang gulay dahil sa
kabiglaan.
Ang lakas ng tawa ko pagkatapos.

Sapu-sapo niya ang kanyang dibdib nang humarap sa akin. "Ikaw na bata ka! Papatayin
mo ba ako sa gulat?"

Lumapit ako sa kanya upang yakapin siya. "Hindi naman kayo mabiro Nana Tonya."
paglalambing ko. "Sobra ko lang kayong na-miss."

"Ako bang namiss mo? O yung mga luto ko?"

Napabungisngis ako. "Syempre kasama na dun ang mga luto ninyong walang kasing
sarap."

"Binola mo na naman ako." Kumalas siya sa akin sa pagkakayakap. "Kailan ka pa


dumating? Bakit hindi ka man lang nagpasabi?"

"Kanina lang pong umaga." Dumampot ako ng mansanas sa mesa at saka kinagat iyon.
"Dumiretso na po ako rito pagkagaling ko sa airport."

"Gusto mo bang kumain? Mayroon na akong nailuto rito."

"Mamaya na lang po. Gusto ko munang makita si Riley. Nasa kuwarto po ba siya?"

"Kung wala siya sa silid niya malamang naroon siya kay Muriel."

I couldn't help but smile when I heard her name. Actually mas excited pa akong
makita siya ng personal kaysa makita ang matalik kong kaibigan. She really intrigue
me. Gusto kong malaman kung talagang ka-boses niya si Samantha. At kung paano niya
i-handle ang sitwasyon bilang girlfriend ni Riley.

It's been three days ago when I received an overseas call from Tita Lorie. At first
kinabahan ako. Akala ko may nangyari ng hindi maganda kay Riley. But she told me
the good news. He finally decided to undergo the operation. I was really happy for
him. Lahat naman kami ay walang ibang ginusto para sa kanya kundi manumbalik ang
kanyang paningin. Si Riley lang naman kasi ang matigas ang ulo. Kahit ako ay walang
nagawa para pilitin siya noon na magpaopera.

Then Tita Lorie told me about her little secret that made her son changed his
mind... that girl who has Samantha's voice. Knowing Tita's capability, hindi na ako
nagtaka kung paano niya naisip ang idea ng pagpapanggap. Basta ang alam ko, she
will do anything for her son.

She also asked me to do her a little favor. At iyon ang dahilan kung bakit napaaga
ng ilang araw ng uwi ko.

"I'm good, I'm fine, I'm okay. Ano pa ba ang gusto mong marinig para maniwala ka na
magaling na ako?"

Iyon ang boses na bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. I saw her sitting in
bed, wearing her padjama set. Mukhang kagigising lang niya. Namamaga pa ang mga
mata nito at magulo ang buhok na halatang hindi pa sinusuklay.

"Pwede ba Sam? Makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang. Huwag matigas ang ulo.
Gusto ko lang makasigurado na hindi ka mabibinat." It was Riley's calm voice. He
was sitting in a chair infront of her. At kahit nakalikod siya sa akin parang
nahuhulaan ko na ang expression ng kanyang mukha.

"Ako pa ngayon ang matigas ang ulo? Dalawang araw mo na akong binuburo dito sa
kuwarto. Nanakit na ang likod ko sa kakahiga sa kama. Sawang-sawa na akong matulog.
What do you want me to do? Magta-tumbling dito para lang malibang ako!"

Muntikan na akong mapabulaslas ng tawa. She was amazing. Walang duda na magkaboses
nga sila ni Samantha. And the way she talk to him...astig! Kabaligtaran siya ni
Samantha na napaka-soft spoken person.

"You stay here period!" Kung magsalita si Riley ay parang nag-uutos lang ito ng
isang bata.

"Bahala ka sa buhay mo!" She said at akma siyang tatayo ngunit mabilis siyang
napigilan ni Riley sa balikat.

"Dito ka lang sabi eh!"


"Ayoko!' Pagmamatigas ni Muriel. At nagpupumilit na makawala kay Riley.

Pero duda ako na mananalo ang kaibigan sa isang tulad nito. Dahil sa bandang huli
alam kong siya rin ang unang susuko.

"Samantha, please stop! Baka masaktan ka lang."

"Then let me go! Kung ayaw mong ikaw ang masaktan!"

This is more fun than what I'm expecting. Tuloy, naisip kong dito na lang mag-stay
sa bahay nila Riley. I don't want to miss this kind of moment. Mukhang mag-eenjoy
ako nito ng husto habang nandito sa Pilipinas.

"Hello people!"

Sabay silang napahinto at napalingon sa direksyon ko.

"J-jared?" Nabosesan agad ako ni Riley.

"Pare, long time no see." Ang lapad ng ngiti ko.

"Gago! As if naman na nakikita kita!"

Tumawa ako ng malakas sabay akbay sa kanya. "You're rude! Ganyan ba ang isasalubong
mo sa bestfriend mo?" Pagkatapos ay lumipad ang mata ko kay Muriel. She was staring
at me. Nakakunot ang noo.

I smiled and winked at her. Pero sinimangutan niya lang ako. For the first time
hindi tumalab ang charm ko sa isang babae.
"You surprised me. Akala ko ba by next week pa ang uwi mo? Napaaga ka yata?"

Binalingan ko si Riley. "It's a long story." Pagkatapos ay muli akong tumingin kay
Muriel "Hello Sam!" Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

Hindi siya sumagot. At umiwas siya ng tingin.

Mukhang suplada!

"So, how are you lover boy?" Ikinawit ko ang isang braso sa leeg niya na tila
sinasakal ko siya.

"Getting better." Nakangiti niyang sagot na hindi inaalis ang braso ko.

"Kailangan ko pa bang hulaan kung bakit at sino?"

"Shut up man! Mamaya na tayo mag-usap." Doon lang siya nagpupumiglas.

"Bakit ayaw mo bang marinig niya?" I teased. Nang lumingon ako ay Muriel ay tumayo
siya mula sa kanyang kinauupuan.

"Sam, where do you think you're going?" Naramdaman marahil ni Riley ang pag-alis
nito.

Napahinto ang dalaga sa paghakbang. "Huwag mong sabihin na ipinagbabawal mo rin sa


akin ang pagpunta sa banyo?" This time ay mahina na ang boses niya pero naroon pa
rin ang iritasyon. Doon ko lang napansin ang braso niyang naka-plaster.

"You may go," ang sagot ni Riley.

Saka lang humakbang si Muriel papunta ng banyo. Bubulung-bulong na tila may


sinasabi. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang nguso niyang humahaba kapag
naiinis. Which I find her cute!
"It's seem like its not you." Sa nakikita ko kay Riley, he looks okay now. He looks
happy and peaceful. "The last we've talked you're totally diffent person. So what
happen?"

"I changed my mind." Aniya habang nakatinga sa kalangitan.

Nasa garden kami ngayon. Katatapos lamang naming kumain ng tanghalian.

"Tsk..tsk.. I thought you're the man. Binigo mo ako pare!" At pabiro ko siyang
sinuntok sa balikat.

"Nasabi ko lang iyon dahil galit ako sa kanya dati."

"At hindi ka na galit ngayon?"

"I realized that I can't afford to lose her again."

Napailing na lang ako. "You're being your old self again." Ano pa ba ang magagawa
ko kundi maging masaya para sa kanya. Its seem na malaki ang naitulong ng
pagpapanggap ni Muriel. She bring back the Riley I used to know.

"Wala ka ba talagang balak magseryoso?"

"Me?" Umangat ang kilay ko. "Seryoso naman ako ha!"

"You know what I'm mean?"

"Wait! Bakit sa akin napunta ang usapan? Ikaw ang nasa hot seat ngayon at hindi
ako?"
"Get a life Jared!"

"You know me Riley. Saka na ako magseseryoso kapag nakita ko na ang babaing
magpapatibok ng puso ko."

He laughed at me. "Good luck to you!

<Muriel POV>

"Nana Tonya, sigurado kayo na okay lang na nandito siya? I mean baka sabihin niya
kay Riley ang totoo. Natural lang na kampihan niya ang bestfriend niya." Nagbigay
sa akin ng alalahanin ang biglang pagsulpot na iyon ng binata. Kung kailan ilang
araw na lang ang nalalabi ng pagpapanggap ko ay saka naman may dumating na
panggulo.

Nga pala nandito ako ngayon sa kusina. Walang kaalam-alam si Riley na lumabas ako
ng kuwarto ko. At kahit pa malaman niya wala akong pakialam kung magalit siya sa
akin. Kanina pa nag-aalburoto ang tiyan ko. Gustung-gusto ko ng kumain ng mga
pagkain na ilang araw ko nang pinaglalawayan kainin. 'Tong kasi si Riley. Kung
hindi sopas, lugaw na lang palagi ang pinapakain sa akin. Iyon daw kasi ang pagkain
ng maysakit na tulad ko. Hay naku, bahala na nga siya sa buhay niya! Basta ako
kakainin ko ang lahat ng gusto kong kainin. Pagkakataon ko na iyon habang wala
siya.

"Wala kang dapat ipag-alala sa kanya." Sa wakas ay sinagot din ako ni Nana Tonya.
Akala ko sarili ko lang ang kausap ko. Kanina pa kasi ako nagsasalita pero hindi
siya sumasagot. Iyon pala ay abala siya pinapanood niyang teleserye sa TV. Yung kay
Maya at Kay Sir Chief ba yun? Saka niya lang ako binalingan nang mag-commercial.

"Mabait na bata si Jared. Sigurado ako na naiintindihan niya ang sitwasyon ngayon
ng kaibigan niya. At saka kinausap na siya ni Lorie tungkol sayo. Narito siya para
tulungan ka."

"Tulungan ako? Paano pa niya ako tutulungan eh pumayag na si Riley na magpaopera?


Sa oras na makakita na siya ulit, wala na bye bye na ako bilang si Samantha."
"Ssshhh.. Hinaan mo nga ang boses mo at baka marinig ka nila Mila at Lenny."

Hanggang ngayon kasi ay walang kaalam-alam pa rin ang dalawa.

Hindi na ako nakatanggi nang sandukan ako ni Nana Tonya ng kanin sa pinggan.
"Kumain ka lang ng kumain dyan! Mamaya mo na lang ako ulit kausapin!" Balik na
naman sa Tv ang atensyon nito dahil tapos na ang commmercial.

"Nana Tonya!" Ang lakas ng boses ni Lenny nang pumasok ng kusina. Kasunod nito ang
humahangos na si Mila. "Nag-umpisa na po ba ang Be Careful With My Heart?"

"Umpisa na po ba? Umpisa na ba?" Si Mila na parang parrot kung magsalita.

Pero tila walang narinig ang matanda. Nakatutok talaga siya sa pinanonood. Hindi na
muling nagsalita ang dalawa. Bigla na lang din silang nanahimik at nagkanya-kanya
ng puwesto habang nanonood.

Ano bang meron sa palabas na iyon?

Nakinood na rin ako. Pero wala pang isang minuto ay natapos na ang palabas.

"Tapos na! Ang bilis naman!" Reklamo ni Mila.

"Ikaw kasi sabi mo maaga pa. Yan tuloy hindi natin naumpisahan." Naiinis na hinila
ni Lenny ang dulo ng buhok nito.

"Aray naman! Eh malay ko bang late ang oras ng relo ko."

"Tumigil na kayong dalawa!" Saway ni Nana Tonya. "Hindi ba kayo pwedeng magsama
nang hindi kayo nag-aaway?"

Bigla namang tumahimik ang mga ito.


"Tapos ka na bang kumain?" Tanong niya sa akin pagkatapos nang makita niyang wala
ng laman ang pinggan ko.

Napangiti ako. "Nagugutom pa ako Nana Tonya, mayroon pa po bang menudo?" Pakiramdam
ko ay isang linggo akong hindi kumain.

"Ang dami mo nang nakain. Baka naman maimpatso ka nyan?" Nag-aalala siyang tumingin
sa akin.

"Ako pa. May anaconda yata ako sa tiyan." Hinimas-himas ko pa ang tiyan ko.

"Mam Samantha, may dugo po yung sugat nyo." Sabay turo ni Lenny sa braso ko.

Oo nga! Pero hindi naman siya masakit.

"Lenny kunin mo yung first aid kit sa banyo." Utos ni Nana Tonya.

"Bilisan mo at lilinisin ko ang sugat niya." At nagmamadaling sumunod ang dalaga.

"Mamaya na lng po. Nagugutom pa ako. Gusto ko pang kumain." Protesta ko.

"Di ba Mam Samantha ngayon ang balik nyo sa doktor?" Tanong sa akin ni Mila.

"Ngayon ba yon?" Hindi ko na halos matandaan.

"Sabi nung guwapong doktor pagkaraan ng tatlong araw bumalik daw tayo sa kanya para
malinis niya ang sugat nyo." Si Mila ulit.

"Tayo? Ibig sabihin kasama ka?" Sabat ni Lenny na bitbit ang first aid kit.

"Sinabihan kaya ako ng doktor na samahan ko siya. Di ba Mam Samantha?"


"Ang sabihin mo, gusto mo lang talagang makita yung doktor." Kontra ni Lenny. "Pero
guwapo ba talaga?"

Kinikilig na ngumiti si Mila. "Guwapong-guwapo. Siya yung sinasabi ko sayo na


nagpadala ng bulaklak kay Mam Samantha. Doktor pala siya. Akalain mo iyon!"

"What did you say?" Biglang sumulpot si Riley at madilim ang mukha. Nasa likuran
naman nito ang nakangiting si Jared. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Mapanganib na
utos nito kay Mila.

"Chill pare! Relax lang!" Awat ni Jared sa kaibigan at saka tumingin sa akin.

Do something! Tila iyon ang ipinahihiwatig ng tingin ni Jared sa akin.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata at walang salita na hinila ko palabas
si Riley.

"Stop being immature! Wala naman dahilan para magalit-" Paglingon ko ay hindi si
Riley ang kasama ko. Binitawan ko tuloy ang kamay niya. "Bakit ikaw ang nandito?"
Nagtatakang tanong ko.

"Ikaw kaya ang humila sa akin palabas!" Hanggang gilagid ang pagkakangiti ni Jared
na tila nang-aasar pa. "Oops! You've got a wrong person."

I really thought na si Riley talaga ang nabitbit ko palabas. Kakainis! Muli akong
bumalik sa kusina at iniwan na lang basta ang nakakalokong kaibigan nito. Baka kasi
nagwawala na ang isang iyon!

*******************************************
[12] Chapter Twelve: Chaperone
*******************************************
Chapter Twelve: Chaperone
Kung ako ang masusunod hindi ko na kailangang bumalik sa doktor na iyon. Kayang-
kaya naman ni Nana Tonya na linisin ang sugat ko. Pero Si Riley na mismo ang nag-
insist na pumunta ako. Noong una parang ayaw pa nga niya. Lalo na ng malaman nito
na ang doktor na gumamot sa sugat ko at ang lalaking nagpadala ng bulaklak sa akin
ay iisa. Mabuti na lang at magaling mambola ang kaibigan nitong si Jared. Nabilog
nito ang ulo ng kaibigan. At sa huli ay napapayag nito si Riley na sumaglit ako
sandali sa ospital.

Kahit bawal pa akong maligo ay naligo pa rin ako. Nangangati na ang buong katawan
ko dahil sa libag. At isa pa hindi ko na maatim ang amoy ng buhok ko. Pakiramdam ko
ang baho-baho ko na.

Sinulyapan kong muli ang sarili ko sa salamin bago lumabas. Okay na siguro ang suot
kong skinny maong pants at V-neck shirt. Hindi ko naman kailangan magpaganda lalo
na kung ang makikita ko ay ang doktor na nakakairita kung ngumiti.

"Hello girlfriend!" Nakasandal sa hamba ng pinto si Jared. Giving me a devastating


smile, sabay tanggal ng suot nitong shades.

Hindi ko alam kung may iaangat pa ang kilay ko sa inakto niyang iyon!

"May kailangan ka?" Dedma lang ako sa kapreskuhan niya!

"Sinabihan ako ni Riley na samahan daw kita sa hospital."

So, ito pala ang kondisyon ni Riley para payagan siya nito. "Ano ka? Chaperone ko?"

Lalong lumapad ang ngiti niya. "Suwerte mo uy! Dahil mayroon kang guwapung-guwapong
chaperone!"

Ang tindi talaga ng dating nito. Mas matindi pa sa bagyo. Makakapit nga at baka
tangayin ako.
"Ready ka na ba?" At saka niya ako hinagod ng tingin. Pero tila may pagkadismaya
ang itsura nito. "Yan na ba ang isusuot mo?."

"Bakit ano ba ang ine-expect mo? Magga-gown ako?" Sarkastikong sabi ko.

"Mas okay sana kung magde-dress ka tapos-"

"Ospital po ang pupuntahan natin hindi party!"

"Nagsa-suggest lang naman ako!"

Nagpatiuna na akong bumaba ng hagdan at iniwanan siya.

"Huy! Hintayin mo ako!" Habol niya sa akin pero dire-diretso ako na tila hindi siya
naririnig.

"And I've got all that I need. Right here in the passenger seat. Oh and I can't
keep my eyes on the road. Knowing that she's inches from me." Sinadya kong lakasan
ang boses ko habang sinasabayan ang kanta sa aking stereo.

Nang sulyapan ko si Muriel sa aking tabi ay hindi na mapinta ang mukha niya. Ang
dalawang kamay niya ay nakatakip sa magkabila niyang tenga.

Hehe... Ang sarap talagang asarin ng babaeng ito!

"Simply...And I've got all that I need, right here in the passenger-" Nahinto ako
sa pagkanta nang patayin na lang niyang bigla ang stereo.
"Why did you turn off the music?" Patay malisya na tanong ko. "Kumakanta pa ako."

Ang talim ng tingin niya sa akin. "Kanina pa nagrereklamo ang mga tenga ko sa
napakapanget mong boses!"

"Ouch!" Umaakto ako na tila nasaktan sa sinabi niya. "Pagbigyan mo na ako. Kahit
ngayon lang. Minsan ko lang iparinig sa iba ang natatago kong talent."

"No thanks! Wala akong tolerance sa mga ganyang klaseng talent." She said na hindi
lumilingon sa akin.

Muli kong binuksan ang stereo pero mabilis din naman niyang pinatay.

"I warned you Jared. Sisipain talaga kita palabas ng kotse kapag hindi ka tumigil!"

Nakakatakot naman ang babaeng ito!

"You are so mean!" At kunwari nag-pout ako.

Pero inirapan lang ako ni Muriel. At hindi na muling nagsalita pa.

No dice! Bakit ba kahit anong gawin kong pagpapa-cute sa kanya ay dedma pa rin ang
charm ko?

"Mark?" Halos hindi ako makapaniwala sa lalaking nasa aking harapan. Akalain mo
yun, siya pala ang doktor na tinutukoy ng katulong nila Riley. "Pare!" Sabay lapit
at tapik sa kanyang balikat. "Doktor ka na pala!"

"Jared is that you?" Tila nagulat din siya nang makita ako. "Long time no see!"

"Oo nga eh! I guess it been five years since the last time We see each other. So,
sino makakapagsabi na isang tulad mo na puro mambubulakbol ang alam ay magiging
isang ganap na doktor? Pinahanga mo ako pre'."

Napakamot ng ulo si Mark. "No choice eh. Binigyan ako ng ultimatum ni Erpat. Ikaw?
Where have you been? What happen to you?"

"Eto, tagasalo ng kumpanya ni Erpat. No choice din eh."

Sabay kaming nagtawanan.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" Tanong ni Mark sa akin. Pagkatapos ay lumipad
ang mga mata niya kay Muriel na tahimik na pinanonood kaming dalawa sa isang tabi.
Doon ko lang napansin ang hawak niyang isang bugkos ng mga bulaklak.

"Sinamahan ko lang siya dito." Sabay turo ko kay Muriel.

"Magkakilala kayong dalawa?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako. "Wait. Ipapakilala kita sa kanya." Bigla akong may naisip na
kalokohan. Nilapitan ko si Muriel at hinawakan siya sa kamay at hinila sa harapan
ni Mark.

"Mark meet my girlfriend, si Muriel."

Ganon na lamang ang pagpipigil kong tumawa. Gulat na gulat ang itsura ni Mark.

"G-girlfriend mo s-siya?" Hindi ko mailarawan ang nakikita kong pagkadismaya sa


mukha niya.

Pasimple akong siniko ni Muriel. What are you saying? Tila iyon ang pinahihiwatig
ng tingin niya sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Smiling sweetly at her.


"Pare ikaw ba ang doktor ng girlfriend ko?" Binigyan diin ko ang salitang
girlfriend. "Sabi mo raw bumalik siya dito para linisin ang sugat niya."

"Y-yes, a-ako nga ang nagsabi!" Tila hindi pa nakakabawi sa kabiglaan ang dating
kaibigan. "This way please." At itinuro niya ang bakanteng stretcher.

"Matanong ko lang pare. Para kanino ba yang hawak mong bulaklak?" Hindi ko natiis
na itanong kahit ang totoo ay alam ko na ang sagot.

"B-bigay lang sa akin ng isa kong pasyente."

"Really!" Napangiti na lang ako sa pagsisinungaling niya. Pero hindi nakaligtas sa


akin ang mga pasimple niyang sulyap kay Muriel. Obviously ang lakas talaga ng tama
niya para rito. Pero sorry na lang siya. Off limits si Muriel. Habang hindi pa
natatapos ang pagpapanggap nito kay Riley ay walang maaaring makalapit na kahit
sinong lalake sa dalaga.

Parang baliw!

Magmula ng umalis kami ng ospital ay hindi pa rin tumitigil si Jared sa pagtawa.


Tuwang-tuwa siya sa ginawang kalokohan. To think na dati niyang kaibigan ang
pinagtripan niya.

"Nakita mo ba ang reaksiyon niya ng sabihin kong girlfriend kita? Grabe bigla
siyang namutla!" Halos sapuhin na niya ang tiyan sa kakatawa. "Ang lakas talaga ng
tama sayo ng Mark na iyon!"

"Jared mahal ko pa ang buhay ko. Kaya pwede ba mag-concentrate ko sa pagmamaneho


mo." Banayad na asik ko sa kanya. Kung may dala lang akong pera, kanina ko pa siya
iniwanan at nag-commute na lang pauwi. Kanina pa ako naiirita sa mga kalokohan
niya.

Saka lang siya tumigil at sandaling nanahimik. Pero ilang sandali ay iyon na naman
ang nakakairita niyang pagtawa.
"Sorry!" aniya nang lumingon sa akin. "I really can't help it. Natatawa talaga ako
kapag naaalala ko."

Nagkibit balikat na lang ako at binaling ang atensyon sa labas. Bahala na nga siya!

Nagulat na lang ako ng bigla niyang iliko ang kotse at inihinto niya sa tapat ng
isang restaurant.

"Bakit mo inihinto?" Nagtatakang tanong ko.

"Kain muna tayo. Ginutom ako dun!" Sabay baba ng sasakyan. At sa isang iglap ay
nakakaikot na siya sa side ko at pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Wala na rin akong nagawa kundi bumaba. Hindi pinansin ang naghihintay niyang kamay
para umalalay.

"What do you like to eat?" tanong niya sa akin nang makaupo na kami.

Dinaanan ko lang tingin ang mga nakasulat sa menu book. "You choose. Kahit ano
naman kinakain ko."

Hindi naman ako nagdalawang salita sa kanya. At siya na mismo ang umorder ng mga
pagkain para sa aming dalawa.

"Do you think kaya nating ubusin ang lahat ng ito?" Halos malula ako sa dami ng mga
pagkain sa mesa.

Hayun na naman ang trade mark niyang ngiti! "Basta ba tutulungan mo ako! Mauubos
din natin ito." Siya ang naunang sumandok. But to my surprise nang ilapag niya sa
harapan ko ang kinuha niyang pagkain.

"Thanks!" ang sabi ko na lang sa pagiging gentleman niya.


"Anytime." Lalong lumapad ang pagkakangiti niya.

"Jared! Darling!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Isang sexy at


matangkad na babae ang lumapit sa kinaroroonan namin at walang babala na hinalikan
nito sa labi si Jared. "Kailan ka pa dumating?"

"Just recently." Tila balewala sa binata ang ginawa nung babae. "Do you want to
join us?"

Tumingin sa akin ang babae. At tinaasan ako ng kilay. "No thank you. Nagmamadali
ako. I just drop by to say hello." Muli siyang yumuko para hagkan ulit si Jared.
"Call me later." She said with a seductive smile, bago tuluyang umalis.

Dedma lang ako. Kunwari busy sa pagkain. Ang totoo hindi na ako nagulat kay Jared.
With his looks and charms, kahit sinong babae ay mahuhumaling sa kanya. Except for
me, allergic ako sa mga tulad niya.

Nag-uumpisa pa lang kaming kumain nang may lumapit na namang babae sa kanya. Parang
naulit lang ang eksena kanina. She just dropped by to say hello. Hindi pa
nagtatagal ay may bago namang babae ang lumapit sa kanya.

Ilang naggagandahang babae pa kaya ang lalapit rito para lang mag-hello with
matching torrid kissing?

Sa nakikita ko kay Jared ay mukhang nag-eenjoy naman siya. Kung sabagay ganun yata
talaga ang mga player. Kaligayahan na nila ang landiin ng mga naggagandahang babae
na tila sila lang lalaking nilalang dito sa mundo.

Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao roon sa restaurant. Kahit kunwari dedma
lang ako ay hindi ko pa rin maiwasan mailang. Kung ibang babae lang siguro ang
kasama nito malamang ay kanina pa nag-walk out. But not me! Hindi ko kayang
tanggihan ang mga grasya na nasa aking harapan. Minsan lang may manlibre sa akin ng
ganitong kasasarap na pagkain. At hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito kahit
isang dosena pang babae ang magkagulo sa kanya.

"Whew!" Pinahid niya ng palad ang pawis sa kanyang noo. Para bang napagod siya sa
pag-e-entertain ng mga babaeng lumapit sa kanya. Hope you don't mind! Hindi ko ini-
expect na marami pa lang makakakilala dito sa akin." Narinig kong sabi niya.
Feeling yata ni Jared artista siya!

"I don't mind !" Sabi ko sa pagitan ng pagnguya ng hindi siya tinitignan. Abala
akong masyado sa napakasarap na steak sa aking plato para patulan ang kayabangan
niya.

"Mukhang hindi ka maistorbo sa pagkain mo." Nang maangat ako ng mukha, he was
looking at me with facination in his eyes. At hindi ko inaasahan ang kamay niya na
bigla na lang may pinahid sa gilid ng labi ko.

Hindi ko na nagawang umiwas.

"Ang takaw mo! Buti hindi ka tumataba kahit malakas kang kumain."

Wala siyang natanggap na sagot mula sa akin. Pero hindi pa rin siya tumigil.
Nanunukso na lalo pa nitong inilapit ang mukha sa akin.

"You know what? Ikaw lang yata ang kilala kong babae na hindi concious sa kanyang
figure. Para bang wala kang pakialam kung madagdagan man ang timbang mo. Pero kahit
siguro tumaba ka pa, cute pa rin!"

"Magdaddaldal ka na lang ba dyan o tutulungan mo akong ubusin ang mga ito?"


Nakaangat ang kilay na sabi ko sa kanya. Matakaw man ako hindi ko pa rin kayang
ubusin ang inorder niyang mga pagkain.

"Oh shit!" Bigla yumuko si Jared na tila tinatakpan ang mukha.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Akala ko kung napano na siya.

"Umalis na tayo dito." Mabilis niyang kinawayan ang nakitang waiter sabay dukot ng
wallet niya sa kanyang bulsa at naglabas ng pera.

"Pero hindi pa natin halos nagagalaw-"


"Sa iba na lang tayo kumain." Pinanlakihan niya ako ng mata habang nakayuko pa
rin.

"Jared! Baby!" Isang humahangos na babae ang palapit sa direksyon niya.

Kaya naman pala!

Pero bakit parang natatakot si Jared na harapin ito?

"Muriel halika na! Umalis na tayo!" Tumayo na siya at hinawakan ako sa kamay at
hinila patayo. Pero bago ko pa maihakbang ang mga paa ko ay mabilis na nakayakap
kaagad ang nasabing babae kay Jared.

"Melanie bitiwan mo ako!" Pinipilit ni Jared na makawala rito. Ngunit napahigpit


ng yakap ng babae sa kanya.

"Miss na miss na kita! Ba't ngayon ka lang nagpakita sa akin?" Sabi nung Melanie na
halatang sabik na sabik sa kanya.

Maganda, matangkad at sexy naman ang nasabing babae. Pero parang diring-diri rito
si Jared.

"Sandali lang pwede!" Hindi na maipinta ang mukha niya. "Bitiwan muna ako nang
makapag-usap tayo ng maayos!"

Sa wakas ay binitawan rin siya nung Melanie. At nang makawala ay parang bata na
nagtago si Jared sa likuran ko.

"Hep! Hanggang dyan ka na lang!" Sabi nito sa babae nang magtatangka ulit itong
lumapit.

"What are you doing?" Sita ko nang lumingon sa kanya.

Tama bang gawin niya akong shield?


"Bakit? Ayaw mo na ba sa akin Jared?" Parang naiiyak na si Melanie. "Sabi mo sa
akin noon na gusto mo ako. Na ako lang gusto mong maging girlfriend." Talagang
gumawa na siya ng eksena. At lahat ng mga customer sa restaurant ay sa amin na
nakatingin.

"In the count of three sabay tayong tatakbo," mahinang bulong sa akin ni Jared na
halos hindi ko maintindihan.

"What?" Lumingon pa ako sa kanya. Pero nakapag-umpisa na siyang magbilang.

"Three!" Wala na akong nagawa nang hilahin niya akong bigla. At nakitakbo na lang
ko palabas ng restaurant.

"Jared! Come back here!" Narinig kong sigaw nung Melanie. Pero dire-diretso kaming
dalawa hanggang sa makalabas kami ng exit door.

Nasa loob kami ng kotse niya sa parking lot. Abut-abot ang hingal naming pareho
pagkatapos ng ginawa naming pagtakbo.

Grabe napagod ako dun!

"A-akala ko katapusan ko na!" Sabi ni Jared na pilit na hinahabol ang kanyang


hininga.

Biglang tumalim ang mga mata ko nang lingunin siya. "Pati ako dinadamay mo sa mga
kalokohan mo!" Sa inis ko ay pinaghahampas ko siya sa kanyang balikat.

"Alangan naman na iwanan kita sa loob." Katwiran pa niya habang tinatanggap ang
mga hampas ko.

"Sana nga iniwan mo na lang ako!" Naalala kong bigla yung mga pagkain na naiwan
namin. Hindi ko tuloy maiwasang manghinayang.
"Kung hindi ko gagawin iyon, hindi na ako makakawala sa kanya."

"Bakit ano ba ang pagkakaiba ng Melanie na iyon sa naunang tatlong babae na bumati
sayo?" I wanted to know. Para kasing pare-pareho lang sila.

Biglang naging seryoso ang mukha ni Jared. "Siya ang tipo ng babae na hahawakan ka
sa leeg at hindi ka na pakakawalan. Possesive ang tawag dun."

"Hindi!" Kontra ko. "Karma ang tawag dun!"

Napasimangot siya. "Paano naman naging karma iyon?"

"Masyado ka kasing palikero. Akala mo lahat ng babae ay pwede mong paikutin sa mga
palad mo. Eh di nakahanap ka ng katapat sa katauhan niya. Iyon ang karma!"

Sa unang pagkakataon ay hindi niya kinontra ang sinabi ko. Bigla siyang nanahimik.

Maya-maya ay binuhay niya ang makina ng kotse. "Umuwi na nga tayo."

Hanggang sa makauwi kami ay hindi na siya muling nagsalita.

At pabor sa akin iyon!

"Samantha!"

"Paano mo nalaman na ako ito?" Gilalas na tanong niya at lumapit sa kinaroroonan


ko.

"Kabisado ko na ang pabango mo."


"Really? Ang talas din naman ng pang-amoy mo."

Tapos parang may inilapag siya sa mesa. "Bakit ka nandito? Ano yang dala mo?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin kung bakit gabing-gabi na ay nandito ka pa rin sa
garden. Hindi mo ba naisip na baka mahamugan ka at bigla ka na lang sipunin." Iyon
na naman ang masungit niyang tinig. Pero hindi ko maiwasang ngumiti dahil alam kong
nag-aalala siya para sa akin.

"Hindi ako makatulog eh!" At naramdaman kong umupo siya sa katabi kong upuan.

"Kaya nga dinalhan kita ng gatas. Makakatulong ito para makatulog ka agad."

Gatas? Eewww... Hindi kaya ako umiinom nun! Pero hindi ko naman masabi kay Sam.
Baka bigla siyang magtampo sa akin kapag tinanggihan ko iyon.

"Hindi ka na sana nag-abala." Ang sabi ko na lang. "Kamusta na nga pala ang sugat
mo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Okay naman. Hindi na siya masakit."

"So, nagkita kayo ulit ni Mark?" Naikuwento na sa akin ni Jared kanina ang tungkol
sa dati naming kaibigan. At totoong nagulat ako sa nalaman.

"Selos ka naman?" Nanunukso na tanong niya sa akin.

"Of course not!"

"Kunwari ka pa."

Pagkatapos ay isang sundot sa tagiliran ko ang nagpaidtad sa akin. Nakakasanayan na


niyang kilitin ako sa parte na iyon ng katawan ko.
"Samantha!" Saway ko sa kanya. Pero tinawanan niya lang ako.

"Alam mo Baby boy, wala ka namang dapat ipagselos. Di hamak na mas guwapo ka keysa
sa kanya. Do you think ipagpapalit ko isang tulad mo sa smiling face na iyon?"

Ang luwang ng ngiti ko sa mga labi. Pakiramdam ko tuloy ay nakalutang ako ng mga
oras na iyon. Iyon lang siguro ang hinihintay kong assurance mula sa kanya para
mapanatag ang kalooban ko.

"Samantha!" Bigla kong naibulaslas. Tinusok na naman kasi niya ako sa tagiliran.
Mabuti na lang at napigilan ko ang kamay niya sa tangkang pagkiliti ulit sa akin.

"Ayaw mo akong tigilan pwes ito ang bagay sayo." Hinapit ko siya palapit sa akin at
mahigpit na ikinulong sa mga bisig ko. "Hindi kita pakakawalan kahit na abutin tayo
pa dito ng pagsikat ng araw." Banta ko sa kanya.

Hindi naman nagtangkang magpumiglas ni Samantha. Basta tawa lang siya ng tawa.

"Hehe.. Riley nakikiliti ako sa balbas mo." Then she giggled.

Sinayad ko pang idiin ang mukha ko sa leeg niya. "Riley!" Halos mapasigaw siya sa
sobrang kiliti. "Suko na ako! Tama na please!" Aniya sa pagitan ng pagtawa.

Tumigil naman ako. At niluwagan ang pagkakayap sa kanya. Pero hindi siya umalis.
Nanatili lang siya sa aking mga bisig.

"Rai inaantok na ako." She lazily rest her head on my chest.

"Say it again."

"Na inaantok na ako?"


"I mean the way you said my name."

"Rai?"

Kung alam lang niya kung gaano kalapad ang ngiti ko.

"I like it!"

"You like what?"

"I like it when you calling me Rai. It's better than Baby boy. Ang baduy naman
kasing pakinggan yun."

Ganun na lamang ang hagalpak niya ng tawa.

*******************************************
[13] Chapter Thirteen: New Look
*******************************************

Chapter Thirteen: New Look

<Muriel POV>

"Good morning Nana Tonya!" Masiglang bati ni Jared nang sumulpot ito sa kusina.
Lumapit ito sa kinaroroonan ng matanda at binigyan ito ng halik sa pisngi. "Ang
bango nyo naman. Hmmm... amoy pinipig!"

Mukhang nasa good mood na naman ang loko!

"Ikaw na bata ka puro ka kalokohan! Maupo ka na dun at ihahanda ko ang almusal mo."
At itinulak siya ni Nana Tonya palapit sa mesa.

"Good morning girlfriend!" Nakangising bati niya nang pwesto siya sa harapan ko.
"Kumakain ka na naman? Bakit ba sa tuwing makikita kita lagi ka na lang nasa
harapan ng pagkain? Tignan mo namamaga na yang mga pisngi mo." Nang tangkain niyang
pisilin ang pisngi ko ay mabilis kong kinabig ang kamay niya.

"Sungit!"
I only gave him a cold glance. Akala mo naman bagay sa kanya ang mag-pout!

Ngunit balak talaga niyang sirain ang umaga ko. Walang sabi-sabi na tinusok niya ng
tinidor ang hotdog na nasa plato ko sabay kagat. Ngumisi pa siya ng nakakaloko.

Relax Muriel! Pinipilit kong magtimpi. Kahit ang totoo ay gusto ko nang sundutin ng
tinidor ang mga mata niya.

Sumunod naman niyang kinuha ang kinakain kong tapa.

Isang-isa na lang talaga!

Nang biglang mahagip ng mga mata ko ang tasa ng kape sa harapan ko. May naisip
akong kalokohan para makaganti sa kolokoy na ito.

"Dapat bawasan mo pagkain mo," sabay kuha ng natitirang karne sa plato ko. "Tignan
mo, nadadagdagan na yang mga bilbil mo sa tiyan. Simula sa araw na ito umpisahan mo
nang mag-diet."

Kunwari balewala sa akin ang ginawa niya. Humigop ako ng kape. Sinadya kong punuin
ang aking bibig kahit medjo mainit pa iyon. At saka bumuwelo na kunwari napaso ako
sabay buga sa kanya ng lahat na nasa loob ng bibig ko.

Presto! Naligo siya ng mainit-init na kape fresh from my mouth.

"What the fu-" Ang tanging nasabi niya sa kabiglaan.

"Oopps sorry! Napaso kasi ang dila ko eh!"

Halos bumaon sa akin ang mga mata ni Jared.

Isang napakatamis na ngiti naman ang iginanti ko sa kanya.

"You witch!" He gritted his teeth.

"Ang bilis dumating ng karma noh!" Patuloy kong panunuya sabay tayo. Binitbit ko
ang pinagkainan ko at dinala sa lababo. "Nana Tonya salamat po sa masarap na
almusal," sabi ko ng makasalubong siya sa pintuan. "Hay! Ang ganda ng araw ko
ngayon!" Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig iyon ni Jared.

"Ay sus maria! Anong nangyari sayo?" Narinig kong bulaslas ni Nana Tonya bago ako
tuluyang makaalis.
Maisip ko lang ang itsura ni Jared kanina ay natatawa na ako.

Buti nga sa kanya!

<Riley POV>

Kapa! Kapa! Kapa!

Hanggang sa nagbagsakan na sa sahig ang lahat ng laman ng tokador.

Tsk! Napakamot na lang ako ng ulo. Sa pagkakaalam ko ay dito lang nakalagay iyon.

"What do you think you're doing Baby boy?" Si Sam na bigla na lamang sumulpot sa
tabi ko.

Napangiwi ako nang marinig ko na naman ang Baby boy na iyon!

"Nothing!" Nakasimangot na sagot ko at saka lumabas ng banyo. Pero nakasunod pala


siya sa likuran ko.

"Bakit ka nakasimangot dyan?"

Hindi ako sumagot. Gusto ko sanang maalala niya ang naging pag-uusap namin kagabi.

"Ano ba ang hinahanap mo? Kailangan mo ng tulong?"

"I don't need your help! Just leave me alone!" I snapped. Hindi ko maintindihan
kung bakit biglang nag-init ang ulo ko.

"Okay fine! Nagsusungit ka na naman! Halika na Buddy. Layasan na natin itong amo
mo!"

Bigla akong naalarma. "Saan ka pupunta?"

"Eh di ba pinapaalis mo na ako? Kaya aalis na ako. Kami pala ni Buddy."

"Hindi naman kita pinapaalis." Naiinis na sabi ko.


"Kakasabi mo lang kanina. Kahit tanungin mo ba itong aso mo?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Fine! Kasalanan ko na! "I'm sorry. I didn't mean
na magsungit." Anong maaari kong sabihin kundi iyon.

"You're forgiven!" Mabilis na sagot niya. "So ano nga pala ang hinahanap mo?"

Ganon lang kadali iyon? Ine-expect ko pa naman na pahihirapan niya ako bago niya
ako patawarin.

"Don't bother. Tulungan mo na lang ako pumili nang isusuot ko."

"Aalis ka?"

"May lakad kaming dalawa ni Jared?"

"Saan kayo pupunta?"

"I don't know. Sabi niya siya na raw ang bahala."

"Wala akong tiwala sa kaibigan mo na iyon!" Halos pabulong niyang sabi pero
nakarating pa rin sa pandinig ko.

"Gusto mong sumama?" Naisip kong itanong sa kanya.

"No thanks! Fot the boys ang lakad ninyo."

"Why don't you go shopping? Isama mo sina Lenny at Mila."

"Wala ako sa mood lumabas ng bahay. Magtutulog na lang ako."

Napakunot ang noo ko. "Baka naman lumobo ka nyan sa kakatulog."

"And so? Bakit aayawan mo na ba ako kung sakaling tumaba ako?"

"Of course not! Kahit tumaba ka pa na parang hippothamus never kitang aayawan."
Nakangiti na sabi ko.
"Ewan ko lang kung hindi ka magsisi sa oras na bumalik ang paningin mo." Si Jared
na bigla na lamang sumulpot. "Makikita mo na lang na kasing laki na ng elepante ang
syota mo."

"Nagsalita ang mukhang kapre!" ganting sagot ni Sam.

"Are you talking to me?" Si Jared ulit

"No! I was talking to your other self." Hindi naman nagpatalo si Sam.

"Enough!" Awat ko sa kanila. Baka kasi kung saan mauwi ang asaran ng dalawa. "Aalis
na ba tayo?" Baling ko kay Jared.

"Wait, magbibihis lang ako!"

<Muriel POV>

Boring...

Walang silbi itong cellphone ko. Sinubukan kong tawagan si Jena pero hindi naman
sinasagot ng bruha. Tinext ko na rin ang iba kong mga kaibigan pero kahit isa sa
kanila ay walang nagreply sa akin. Mukhang kinalimutan na nila ako!

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Baka sakaling may makaalala sa akin. At hindi
naman ako nabigo. Biglang nagring ang cp ko. Pero number lang ang nag-register sa
screen. Sino kaya ito?

"Hello!" Excited na sagot ko.

"Hello girlfriend!"

Bigla akong napasimangot nang marinig ang familiar na tinig na iyon. "How did you
get my number?"

"Malaking sikreto!" Nang-aasar na sabi niya.

"Kung wala kang matinong sasabihin ibaba ko na-"

"Gusto ka raw makausap ni Riley." Agap niya sa sasabihin ko. Ilang sandali ay
narinig ko na ang boses ni Riley sa kabilang linya.
"Sam, what do you want for pasalubong?" Masiglang tanong niya sa akin.

Ang sweet naman ng boyfriend ko! Kilig ako!

Ano ba ang trip kong kainin?

"Anything! Bahala ka na." Wala akong maisip eh.

"Anything?"

"Pare kunwari lang iyan!" Narinig kong sabat ni Jared. "As usual pagkain lang naman
ang hilig niya."

Panira naman ng moment ito!

"Shut up Jared! Hindi ikaw ang kausap ko." Saway ni Riley sa kaibigan.

"Huwag ka ng mag-abala Rai." Ang sabi ko na lang. Ala eh napahiya na ako!

"Are you sure?"

"I'll be fine. Kahit ikaw na lang ang pasalubong ko."

Narinig ko siyang humagikgik sa kabilang linya. Uy kilig din siya!

"Okay! See you later." Parang nai-imagine ko ang malapad niyang ngiti.

"Bye!" At saka ko pinindot ang end button.

Hay... para akong lukaret na pagulung-gulong sa kama. Kinikilig ako hehe! Nang
biglang...

"Buddy!" Napabalikwas tuloy ako. Sapul ako sa bibig ng dila niya.

Aw! Aw! Aw!

Loko ang asong ito nasasanay nang halikan ako. Manang-manang sa amo niya!

"Buddy go out!" Utos ko sa aso. Pero imbes na sundin niya ako ay sumampa pa siya ng
kama at nahiga sa tabi ko.
"Ambisyoso ka ha! Hindi mo na talaga ako hiniwalayan. Sige ka baka pati ikaw ay
pagselosan ng amo mo."

Ngunit lalo siyang nagsumiksik sa tabi ko at wala na akong nagawa.

Pasado alas otso na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi ang dalawa.
Nang tawagan ko ang number ni Jared, cannot be reach daw. Wala talaga akong tiwala
sa isang yun! Saan kaya niya dinala si Riley?

"Baka naman naghappy-happy lang ang dalawa." Si Nana Tonya habang abala sa
pinapanood na teleserye sa tv. "Hayaan mo na, ngayon lang naman sila ulit
nagkasamang magkaibigan."

"Pero sana man lang nag-abalang mag-text ang magaling niyang kaibigan kung nasan na
sila. Hindi yung nag-alala tayo rito na baka napano silang dalawa." Tuluy-tuloy na
lintanya ko sa pag-aakalang nakikinig sa akin si Nana Tonya.

Bahala na nga siya dyan! At lumabas ako ng kusina. Sa gate ko na lamang aabangan
ang mga ito.

Paglabas ko ay eksaktong paparating ang kotse ni Jared. Ilang sandali ay huminto sa


mismong harapan ko ang sasakyan. Unang bumaba si Jared at umikot sa kabilang pinto
at inalalayan si Riley na makababa.

"Bakit ngayon lang kayo?" Nakapameywang na tanong ko sa kanila.

"Miss me girlfriend?" Nakangising salubong sa akin ni Riley. Lulugu-lugo itong


lumapit sa akin. At kung hindi ko siya naagapan malamang ay tumumba na siya.

Napangiwi ako nang maamoy ko alak sa bibig niya. "You're drunk?" Mabilis na lumipad
ang mga mata ko kay Jared. "What did you do to him? Alam mo naman na bawal sa kanya
ang uminom di ba?"

Nagawa pang ngumiti sa akin ni Jared. "S-siya kaya ang may gusto na u-uminom kami.
N-napilitan lang ako."

"And you're drunk also? How dare you na mag-drive nang nakainom? Hindi mo ba naisip
na baka maaksidente kayo?" Kung hindi ko lang hawak si Riley malamang ay nasuntok
ko na siya.

"Relax! Chill! A-ang importante ay narito na kami. And we're s-safe." Sabi pa niya
na nakangisi. Balewala rito ang pagsusungit ko.
Naramdaman kong gumalaw si Riley at yumuko sa akin. "M-miss me a-already? S-sorry
kung medyo na-delay ang p-pasalubong mo. B-but here I am now." Namumungay ang mga
mata na sabi niya habang nakangiti.

O__O OMG! Si Riley nga ba ang kaharap ko?

Doon ko lang napansin ang malinis niyang mukha na bagong ahit at saka ang buhok
niya na bagong gupit.

OMG talaga! Ang guwapo-guwapo kaya niya!

O__,O Grabe nakakatulo laway...

"Hoy magtititigan lang ba kayo dyan o papasok kayo sa loob?" Si Jared na nasa tapat
na ng pintuan.

Tsk.. hanggang kailan ba ako bubuwisitin nito?

"Baka naman gusto mo akong tulungan na maipasok itong kaibigan mo?" Pasinghal na
sabi ko sa kanya. Ang bigat-bigat kaya ni Riley.

Ngunit hindi man lang siya kumilos sa kinatatayuan niya. "Kaya mo na yan!" I heard
him said.

Hayup talaga!

"S-sam.." Muling kumilos si Riley. Sinapo niya ng mga kamay ang mukha ko at
itinaas. At bago ko pa mahulaan ang susunod niyang gagawin ay walang babala na
hinalikan niya ako sa mga labi. Nanlaki ang mga mata ko sa kabiglaan.

Hindi rin nagtagal ang halik na iyon. Dahil bigla na lang nawalan ng malay si
Riley. At napunta sa akin ang lahat ng bigat niya.

"Jared tulungan mo ako dito!" Any moment ay babagsak kaming dalawa sa damuhan.

He went still. "Just say please..." And squared his shoulders.

"Ano ka ba hindi ito ang oras para makipagbiruan ako sayo!"

"O-okay! Okay!" Doon lang siya humakbang palapit sa amin. "I will help you but...
in one condition."

Damned this guy!


"I swear Jared! Makakatikim ka talaga sa akin sa oras na bitawan ko si Riley!"
Namumula na ang mukha ko sa sobrang inis.

Nakakaloko na ngumiti lang siya sa akin habang naghihintay ng isasagot ko.

Konting-konti nalang at malapit ko nang mabitawan si Riley. At wala na akong ibang


choice. "Fine! Pumapayag na ako kung anuman yang kondisyon mo. Utang na loob Jared
tulungan mo na ako dito."

Ang lapad ng ngiti ng gago. "At you're service Madam." Saka lang siya kumilos. At
walang kahirap-hirap na inakay nito si Riley papasok ng bahay.

*******************************************
[14] Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
*******************************************
Napaaga ang UD ko.. unexpected talaga! Pagkatapos akong hindi patulugin nung isang
gabi, heto ang naging resulta. Bigla kasi akong sinipag magsulat. At kagaya nyo,
nae-excite na rin ako sa mga susunod na mangyayari. Hay... can't wait for next UD.
Happy reading everyone ^___- y

Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart

<Muriel POV>

"Wow Mam Samantha! Ang ganda-ganda po ninyo." Halos sabay na bulaslas nila Mila at
Lenny habang tinitignan ko ang sariling repleksyon sa salamin.

I was wearing a light peach and lacy cocktail dress. Ang kaisa-isang dress sa aking
closet. I even had makeup on. Maaaring hindi ako ang tipo ng babae na mahilig
magpaganda. Pero hindi ibig sabihin nyon ay wala akong kaalam-alam para ayusan ang
sarili ko.

If I wanted to be beautiful, I could be beautiful.

"Eh Mam, saan po ang lakad ninyo?" Tanong sa akin ni Lenny.

"May date po ba kayo ni Sir Riley?" Tanong naman ni Mila.

"Tange! May nagde-date ba ng tanghaling tapat?" Si Lenny ulit.


"Malay mo naman." Sagot ni Mila.

Ewan ko ba kay Jared kung bakit naman alas dose ang ibinigay na oras sa akin? Pwede
naman mamayang gabi?

Ito nga pala ang kondisyon ng gagong iyon kapalit nang pagtulong niya sa akin
kagabi. Kailangan niya raw ng isang magpapanggap na fiancee niya para maidispatya
ang babaeng humahabol rito. At ako raw ang masuwerteng babae na napili niya.

Anong masuwerte dun? Kung hindi lang ako napasubo sa kanya kagabi, never akong
papayag sa kalokohan niya.

And speaking of the devil tumatawag siya sa cp ko.

"Magkita tayo mamaya dun sa restaurant na sinabi ko sayo. Mga alas dose nandun na
kami ni Melanie. Sumunod ka na lang?" Iyon lang at nawala na siya sa kabilang
linya.

What? Ibig sabihin mag-isa lang akong pupunta roon? Akala ko pa naman sabay kaming
aalis. Mapipilitan tuloy ako na mag-taxi.

"May ka-date kayong iba Mam Samantha?" Nang-iintrigang tanong ng dalawa.

I rolled my eyes. Mapipilitan akong magsinungaling. Dahil kahit sabihin ko sa


kanila ang totoo hindi rin naman nila ako maiintidihan. And worst, baka kung anong
balita ang makarating kay Riley at bigla na lamang atakehin ng selos ang isang
iyon.

"Wala akong ka-date. A-atend lang ako ng kasal ng kaibigan ko."

Ahhh.. sabay na tumango ang mga ito.

"Sinong ikakasal?" Bigla na lamang sumulpot si Riley sa kuwarto ko.

Naman!

S-si ano..." Pucha! Anong sasabihin ko? Wala naman akong kilalang kaibigan ni
Samantha. Bahala na!

"Remember si Kayla, y-yung friend ko nung college. Ikakasal siya today sa foreigner
niyang boyfriend."
Napakunot noo si Riley. "I can't remember her. Anyway bakit hindi mo nabanggit sa
akin na aalis ka pala?"

"Nagpaalam na ako sayo kahapon. Hindi mo ba naaalala?" Pakiramdam ko tuloy ay


humahaba na ang ilong ko sa dami na ng pagsisinungaling ko.

"Siguro nga. So how do you look like? For sure, napakaganda mo ngayon." Lumapit
siya sa akin at marahan na kinabig ako paharap sa kanya.

"Tama po kayo Sir Riley, ang ganda-ganda po talaga ni Mam Samantha." Sabat ni Lenny
na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Promise me one thing, Sam." Bumuntong hininga siya pagkatapos.

"Ano iyon?" Parang kinabahan ako sa tono ng boses ni Riley.

"Promise me na hindi mo papansin ang lalaking magkakainteres sayo dun sa party."

Ang lakas ng tawa ko sa narinig.

"Anong nakakatawa dun? Seryoso ako!"

Sinapo ko ng mga kamay ang mukha niya. "Rai, ilang beses ko bang sasabihin sayo na
hindi kita ipapalit sa kahit na sinong lalaki dyan. Lalo na ngayon, mas lalong
guwapo ang boyfriend ko. Eh bakit pa ako maghahanap ng iba!"

At hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siya sa pisngi.

Ang lapad ng ngiti ng loko! ^_______^

Pero huli na nang ma-realized ko ang ginawa ko.

Bigla akong bumitiw sa kanya. "Got to go. Baka ma-late na ako." At nagmamadali
akong nagtungo sa pintuan.

Pagpasok ko sa restaurant ay napansin kong napalingon agad sa akin ang karamihan sa


customers doon, lalo na ang mga lalaki. Eh anong magagawa ko kung talagang
pinanganak akong maganda!

Sa di kalayuang mesa ay nakita ko si Jared. Mukha naman siyang nag-eenjoy sa


company ng babaeng kasama niya. At wala sa itsura nito ang mangdidispatya ng isang
babae.

Naglakad ako patungo sa direksyon nila. Si Jared ang unang nakapansin sa akin.
Lumikha ng ingay ang silya niya nang tumayo siyang bigla. "M-muriel?" Kung hindi ko
lang alam na-part iyon ng palabas niya ay iisipin ko na talagang nagulat siya ng
makita ako.

"What the hell is the meaning of this?" I started to act. Nakaangat ang kilay ko
nang lingunin ko ang kasama niyang babae. I remember her. Siya yung babaeng
naghahabol kay Jared nung minsang kumain kami sa isang restaurant. Siya yung
sinabing kong karma ni Jared. So, he really wants to get her out of his way!

"Honey, baka gusto mong ipaliwanag sa akin ang nakita ko?" Baling ko kay Jared.
Pero kung anong reaksyon niya kanina nang dumating ako ay ganon pa rin siya
hanggang ngayon.

He just couldn't seem to stop looking at me.

Ano ba Jared? What's happening to you? Pinanlakihan ko siya ng mga mata.


Nakalimutan na ba niya ang script na siya mismo ang gumawa?

"How dare you do this to me Jared!" Biglang tumayo ang kasama nitong babae. At saka
mabilis na sinampal siya nito sa mukha. "You should have told me. You're a liar.
Ang sabi mo ako lang. Yun pala mayroon ka nang iba... I'm sorry Miss!" At lumingon
siya sa akin. "Hindi ko alam. Kung alam ko lang sana-" Hindi na niya naituloy ang
sasabihin dahil nagtatakbo na siya palabas ng restaurant.

Nakita kong sinundan lang ng tingin ni Jared ang papalayong babae. Namumula ang
mukha niya marahil ay sa lakas ng impact nang pagkakasampal sa kanya.

"Serves you right!" Hindi ko napigilang sabihin sa kanya. But he looks really
shocked. Sa katunayan ay hindi pa rin ito gumagalaw mula sa kinatatayuan niya.
Inalalayan ko siyang makaupo sa silya.

"I told you so. Iyan ang tinatawag na karma! Ayaw mo kasing makinig sa akin eh!"
Tila doon lamang niya ako napansin sa harapan niya.

"Masakit yun ah!" Sabi niya nang hipuin ng kamay ang pisngi. "Pasaway na babaing
iyon. Makikipag-break lang may kasama pang sampal."

I smirked. "Kung ako yun hindi lang sampal ang aabutin mo, bubugbugin pa kita!"

"Bakit nga pala ganyan ang itsura mo?" Muli niyang tinignan ang kabuuan ko.

"Sabi mo magpaganda ako. Kaya nagpaganda ako. Alangan naman na pumunta ako dito na
mukhang basahan." Dinampot ko ang menu book at nakitingin ng mga menu doon. Parang
gusto kong kumain. Ano bang specialty nila dito?

"Honestly, you look wonderful today."

"I know!" Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

Ipinatong ni Jared ang siko sa mesa at napangalumbaba sa harap ko. "No kidding!
Napaganda mo ngayon. Kung lagi ka bang ganyan eh di sana hindi na kita aasarin."

Napasinghap siya ng malakas nang sipain ko siya sa ilalim ng aming mesa. "Matanda
ka na. Hindi na bagay sayo ang magpa-cute."

Tumawa lang siya ng malakas. "You, coldhearted woman! Hindi na talaga tumalab ang
karisma ko sayo!"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Muriel?" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. It's Jena! O___O

And worst kasama pa nito ang iba naming ka-officemate.

"Sabi ko na nga ba eh!" Talagang lumapit pa siya sa kinaroroonan ko. "I know its
you Muriel! Kailan ka pa dumating?" At nagtitili siya na yumakap sa akin pagkatapos
ay muli ring bumitiw at tignan ako mula ulo hanggang paa. "Anong nangyari sayo? Why
are you so... very pretty today?"

"Eh..."

Then lumipad ang mga mata niya kay Jared at pagkatapos ay sa akin. "Don't tell me
na.. Oh my god Muriel!" Tinakpan pa niya ng mga kamay ang bibig. "Boyfriend mo
siya? O-M-G! I'm happy for you friend!" Parang luka-luka na nagtatalon siya sa
harapan ko habang hawak ang mga kamay ko.

Oh noh...I'm in a big trouble!

"Mag-iingat ka na lang sa susunod, okay?"

"Opo!" Mabilis kong sagot. Kausap ko si Mam Lorie sa cp. Pagkatapos nang nangyari
kanina sa restaurant ay siya kaagad ang una kong tinawagan. Naisip ko na kailangan
niyang malaman ang tungkol dito. Hindi ko kasi malaman kung anong gagawin ko.
Napalingon ako kay Jared na katabi kong nagmamaneho. Pasulyap-sulyap din siya akin.
Tahimik na nakikinig sa pag-uusap namin ni Mam Lorie.

"Kailangan mo na sigurong pumasok sa office Muriel."

"Po?" Nabigla ako sa narinig.

"Alam na nilang nandito ka na. At syempre iisipin din nila na papasok ka na rin sa
opisina." si Mam Lorie ulit. "Kaya bukas na bukas din ay mag-report ka na sa
trabaho. Ako na ang bahala kay Riley."

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

"Muriel, are you still there?"

"Yes. I heard you Mam."

"I told you to call me Tita."

"Opo, T-tita!"

"Oo nga pala Muriel, don't be surprise when you meet Lara. She's Riley's childhood
friend. I guess baka nasa bahay na siya ngayon. She's planning to have a vacation.
And don't worry about her. She's an angel."

Halos hindi ko na namalayan kung paano siya nawala sa kabilang linya.

"Do you know her?" Suddenly ay naitanong ko kay Jared.

Nagtatakang lumingon siya sa akin. "Who her?"

"Si Lara. Kilala mo ba siya?"

Saglit siyang nag-isip. "She was Riley's childhood sweetheart. Why?"

"Childhood sweetheart?" Pag-uulit ko.

Tumango si Jared. "Bakit mo tinatanong?"

"Nasa bahay na raw siya. At nagbabalak magbakasyon."


Hindi ko maipaliwanag ang ngiting sumilay sa mga labi ni Jared. "Really? Then
that's good. The more, the happier."

Dahil dun ay lalo akong napasimangot. Habang tumatagal ay nadaragdagan ang mga
taong dapat kong pakibagayan. Eh ito lang si Jared ay malaking pasakit na sa akin.
Pagkatapos may dumagdag pa.

Pagkababa ko nang sasakyan ay sinalubong kaagad ako nila Lenny at Mila. Mukhang
inaabangan talaga nila ang pagdating ko.

"Mam Samantha, nandun po si Sir Riley sa garden. Kasama po niya yung babaeng parang
unggoy kung makapit." Eksaheradong pagsusumbong sa akin ni Lenny.

"Hindi lang parang unggoy, para siyang sawa kung makalingkis kay Sir." Banat naman
ni Mila.

Lalong nagkasalubong ang mga kilay ko sa narinig.

"Huy! Tsismis na yan! Huwag naman kayong ganyan." Saway ni Jared sa dalawa.

Nagsimula akong maglakad patungo sa garden. Nasa likuran ko si Jared na nakasunod


sa akin. At doon nakita ko ang mga taksil! JOKE! Nakita ko ang dalawa na
magkatabing nakaupo.

Nakaangat ang kilay ko na binalingan si Jared. "Are you sure siya yung Lara na
tinutukoy mong childhood sweetheart ni Riley? Eh mukhang disisais lang ang batang
ito?"

"Hehe.. Mukha lang siyang batang tignan pero matanda na iyan!"

At humakbang si Jared palapit sa mga ito. "Hello Lara. It's nice to see you here."

Doon lamang nakuha ang atenyon ni Lara. "Oh Hi Jared! What are doing here?"
Nakangiting sabi niya.

"Dito na ako nakatira." Sagot ni Jared.

"Oh really! Ako rin! Gusto ko na rin dito tumira. Hope you don't mind Riley."

Ngumiti lang si Riley at hindi sumagot.

"Anyway, Lara this is Samantha." Pagpapakilala sa akin ni Jared nang makalapit ako
sa kanila. "She's Riley's girlfriend. At dito rin siya nakatira."

"You're living together?" gilalas na tanong nito kay Riley. At ang bruha hindi man
lang nag-abalang tignan ako.

Pero imbes na sagutin siya ni Riley ay ako ang binalingan niya. "Sam, kanina ka pa
ba dumating? How's the party?"

"The party was fun. At kararating ko lang." Walang gana na sabi ko. Dahil doon ay
nagsalubong ang mga kilay nito.

"Riley!" Out of nowhere ay biglang dinamba ni Lara ang binata. "Remember you
promise me na tuturuan mo akong mag-surfing?" Aniya sa malambing na tinig.

Surfing? Hello... tag-ulan na kaya ngayon!

"Look at me now Lara, do you think I can do that in my situation."

"Oh I'm sorry Riley." Lalo pa niyang inilapit ang sarili rito. "I almost forgot. Di
bale, nandito naman ako. I will take care of you hanggang sa gumaling ka."

Yeah right! Kung umaarte siya as if naman na wala ako sa paligid.

Makaalis na nga rito.

"Where are you going?" Pigil sa akin ni Jared.

"Bigla akong nagutom. Nakaka-boring naman kasi silang panoorin." At humakbang ako
papasok ng bahay. Sinundan lang ako ng tingin ni Jared.

Subalit parang nananadya ang pagkakataon. Magkakasabay pa kaming nagsalu-salo sa


hapunan. Hindi ko sana gustong sumabay. Pero siguradong mangungulit lang sa akin si
Nana Tonya.

Hindi pa rin tumigil si Lara. Magmula kanina ay siya lamang ang nagsasalita. Kung
anu-ano ang sinabi para lamang may mapag-usapan.

"Are you okay?" Bahagya akong siniko ni Jared na katabi ko sa upuan. "Kanina ka pa
wala kibo dyan."

"I'm fine! Wala lang akong ganang kumain." Mahinang tinig na sagot ko. Habang
pinaglalaruan ang pagkain sa aking plato.
"Ikaw mawawalan ng gana sa pagkain?" Bahagyang lumakas ang boses ni Jared dahilan
para maagaw ang atensyon ng dalawa.

"Sige ipagsigawan mo pa!" Mahina kong asik sa kanya.

"Samantha may problema ba?" Tanong ni Riley.

"Nothing! Malapit ko lang namang tusukin ng tinidor ang dila nitong kaibigan mo?"
At inaakma sa kanya ang hawak kong tinidor.

"Hehe.. Hindi naman mabiro itong girlfriend mo p're!" Pinagkrus niya ang hawak na
kutsara at tinidor at itinapat sa akin na para bang matatakot ako run.

Anong akala niya sa akin aswang? Adik talaga ito!

Pero hindi talaga magpapatalo si Lara.

"Riley here oh!" Sabay subo kay Riley nang hawak nitong kutsara. "Kain ka lang ng
kain ha. " Talagang super asikaso ito sa binata. Kulang na lang ay magsuot ito ng
all blue attire para caregiver na caregiver ang drama nito. "Here pa, alam ko naman
ko favorite mo itong ang relyenong bangus. Ako ang nagpaluto nyan kay Nana Tonya!"

I rolled my eyes. Ang arte niya talagang magsalita!

At ito namang si Riley, na-pampered lang ng kaunti bigla na akong nakalimutan.


Maimpatso ka sana!

Sa sobrang pagsisintir ko ay napagbalingan ko tuloy ang bangus. Kawawang isda,


durog na durog sa plato ko!

*******************************************
[15] Chapter Fifteen: She's Jealous
*******************************************
Guys, medjo maiksi itong UD ko today. Ala eh, ilang araw na blangko ang isip ko.
Hindi ako maka-get over dun sa binasa kong story, super ganda naman kasi eh.
Anyway, bawi na lang me next UD at hahabaan ko na siya ng bongang-bongga para hindi
kayo mabitin. Happy reading everyone ^__=

Chapter Fifteen: She's Jealous


<Muriel POV>

Maaga akong nagising kinabukasan. Parang tinatamad pa nga akong bumangon. Pero nang
maalala ko ang oras ng pag-inom ng gamot ni Riley ay tumayo na rin ako. I'm not a
morning person. Ngunit ewan ko ba kung bakit pagdating sa lalaking iyon ay
nagigising ang dugo ko. Siguro dahil nasanay ako na mayroon nakukulit tuwing umaga.

Paglabas ko ng pinto ay eksakto naman na papasok si Lara sa pintuan ng kuwarto ni


Riley. Kasunod nito si Mila na may bitbit na tray ng pagkain. I almost forgot about
her. At kinarir na talaga niya ang pag-aasikaso sa binata. Baka naman hanggang sa
paliligo ni Riley ay makialam pa siya?

The hell I care! Sabi ng isip ko. Oo nga! Ba't ko ba sila pinoproblema? Dapat nga
ay matuwa ako. Dahil nabawasan ang trabaho ko at hindi pa ako mapapagod. At kung
anuman ang gawin nilang dalawa, labas na ako dun! Because in the first place hindi
naman talaga ako si Samantha.

Mag-isa akong kumakain ng almusal. Maya-maya ay dumating si Jared at sinamahan ako


sa mesa. Nakakapagtaka ang pananahimik niya. Kung sabagay pabor sa akin iyon. Ayoko
ng may kasamang maingay. At ayoko rin sa lahat na may nambubuwisit sa akin lalo na
kapag bagong gising ako. Lalo na ngayong wala ako sa mood. Tahimik kaming kumakain
at walang kumikibo sa aming dalawa.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Nana Tonya habang pinapanood niya kaming
kumain. Parang gusto niyang magsalita pero mas pinili niyang huwag na lamang
kumibo.

Then, bigla na lang bumulanghit ng tawa si Jared sa pagkamangha ko.

O___o Nasisiraan na yata siya ng ulo! Bahagya kong inilayo ang plato ko sa kanya na
para bang anumang oras ay may gagawin siyang masama sa akin.

"You're funny!" He said while still laughing.

Ako pa ngayon ang nakakatawa? Buhusan ko kaya siya ng mainit na kape?

Napailing na lang ako. He's hopeless. He really needs a medical attention.


"Masyado kang obvious, alam mo ba iyon?" He said again. At hindi ako nakaiwas nang
idampi nito ang daliri sa tungki ng ilong ko. Pagkatapos ay ipinikita sa akin ang
pawis na naroon. "See this."

"Eh, ano naman kung pinagpapapawisan ang ilong ko?" I snapped. "Ngayon ka lang ba
nakakita ng ilong na pinagpapawisan?"

Matutuwa na sana ako sa pananahimik niya. Ngunit hindi talaga nakukumpleto ang araw
niya na hindi niya ako naaasar.

Nakakaloko na ngumisi pa si Jared. "You're jealous."

"Me?" Sabay turo sa sarili ko. "Why would I get jealous?" Iniisip ba niya na
nagseselos ako kay Lara?

"Why don't you ask yourself?" Sabay tayo at nilayasan akong bigla. Ngunit bago siya
tuluyang makalagpas sa pintuan ay muli siyang lumingon sa akin.

"You're not in yourself today Muriel. Gusto ko lang ipaalala sayo na may pasok ka
ngayon sa trabaho."

Oh sheeeeeet! Napatayo akong bigla sabay tingin sa suot kong relo. At nakipag-
unahan ako kay Jared paakyat ng hagdanan. Mayroon pa akong forty five minutes bago
ma-late. Naman! Bakit ba kasi nawala sa isip ko ang tungkol dito?

It's good to be back! Na-miss ko talaga husto ang pagpasok sa trabaho. Kulang na
lang ay yakapin ko aking working table, lalo na ang aking desktop sa sobrang
pagkasabik. Mabuti na lamang at hindi ako na-late. First day ko pa naman pagkatapos
ng mahaba kong "BAKASYON", na hindi ko naman na-enjoy! Pasalamat ako at kaskasero
ang driver ng taxi na nasakyan ko.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jena. "Huy... magkuwento ka naman


tungkol dun sa guwapo mong boyfriend na kasama mo kahapon?"

"Bruha ka! Kunwari ka pa na manhater ka yun pala mayroon ka nang dyowa." Si Ichi na
nasa kabilang side ko naman. "At hindi lang basta papa... hot na hot papa! Ang haba
ng buhok mo girl!" Sabay hila sa dulo ng buhok ko.

"Aray! Hindi ko siya boyfriend." Walang gana na sabi ko. Yun naman talaga ang
totoo. At ayokong magsinungaling sa kanila.

"Owwss?" Hindi sila kunbinsido sa sinabi ko.

Bahala sila kung ayaw nilang maniwala!

"Hay naku! Ayaw mo lang talagang magkuwento." Sinimangutan lang ako ni Jena.

"Huwag na natin siyang pilitin! Baka nga naman mausog pa natin at mapurnada pa ang
lovelife niya." Ang talim ng irap sa akin ni Ichi.

Pero ako dedma lang. Sanay na ako sa kanilang dalawa.

"Nasan na nga pala ang mga pasalubong namin?" Biglang naging mabait sa akin si
Jena. Si Ichi naman ay yumakap pa sa braso ko.

Isa pa iyon sa nakalimutan ko! Nakalimutan kong magdala ng props. Iyon pa naman ang
kabilin-bilinan sa akin ng dalawa pagbalik ko.

"Bad news guys. Nawala ang bagahe ko sa airport. At nandun ang mga pasalubong ko sa
inyo." Buti na lang at mabilis na gumana ang isip ko.

"Wala ka talagang kuwenta!" Sabay bitiw sa akin ni Ichi.

Nag-back out naman si Jena. "Ang dami-dami mo nang atraso sa amin!" pahabol pa
niya. "Kaya dapat lang na sagutin mo ang lunch namin!"

Tignan mo ang mga 'to! Ang sasama ng ugali. Mabuti na lamang at kabisado ko na mga
likaw ng bituka nila.
Tambak ang trabaho ko nang araw na iyon dahil matagal din akong nawala. Hindi ako
nagdalawang isip na mag-overtime. Mas gugustuhin ko pang magbababad sa trabaho
kaysa maabutan sa bahay ang maarteng Lara na iyon.

You're jealous! Bigla kong naalala ang sinabing iyon ni Jared sa akin kaninang
umaga.

Maybe I was. Pero hindi katulad ng iniisip nito. Pakiramdam ko lang kasi ay
nabalewala ako kay Riley dahil sa pagdating ng babaing iyon. But it doesn't mean na
nagseselos nga ako, yung selos na para bang may feeling ako sa kanya.

Mabilis na pinilig ko ang ulo. Ayoko na munang isipin ang tungkol sa bagay na iyon.
Lalo lamang sumakit ang ulo ko. At marami pa akong kailangan tapusin na trabaho na
mas mahalaga kaysa doon.

Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi ako. At naabutan ko sina Riley at Lara na
masayang nagkukuwentuhan sa may sala. Gusto ko sanang umiwas. Pero nakita na ako ni
Lara sa may pintuan.

"Sam, ikaw na ba yan?" Naramdaman marahil ni Riley ang presensya ko.

Hindi sana ako magsasalita pero nakatingin sa akin si Lara. Ayokong isipin niya na
apektado ako sa presensya niya kung bigla ko na lang silang tatalikuran.

"Yes, it's me." I tried to smile.

"Come here." Tinapik niya ang bakanteng upuan sa tabi niya. "Why don't you join
us?"

"Pagod ako Rai. Bukas na lang tayo mag-usap." Hindi ko na siya hinintay na sumagot.
At umakyat na ako ng hagdan.
Kahuhubad ko pa lang ng sapatos ko nang bigla na lamang sumulpot si Riley sa
kuwarto ko. Sumunod pala siya sa akin.

"I guess we need to talk Sam."

I sighed. "I told you, pagod ako. Pwede bang bukas na lang?"

"You're avoiding me since yesterday. Akala mo ba hindi ko nahahalata iyon?"

Pumihit ako paharap sa kanya, with my hands on my waist. Nahahalata mo na pala eh


bakit parang okay lang sayo? Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero pinigilan ko
lang ang sarili ko.

"I'm not avoiding you. Akala mo lang siguro iniiwasan kita. Masyado ka kasing
abala sa presensya ng bisita mo?"

And speaking of his bisita, talagang sinundan niya si Riley hanggang sa kuwarto
ko. Ano ba talaga ang gustong palabasin ng babaing ito?

"Riley bakit mo ako iniwanan?"

I almost rolled my eyes. Yun na naman ang maarte niyang tinig.

"We're not done yet." Kumapit ito sa braso ni Riley sabay hila rito. "Marami pa
tayong pagkukuwentuhan."

"Mauna ka na sa ibaba Lara." Si Riley. "Susunod na lang ako. I just need to talk
with her."

"She says she was tired so let her be. Kaya halika na!" Pangungulit pa rin ni Lara.
Sinulyapan ko ang reaksyon ni Riley. Hindi na maipinta ang mukha niya.

"Lara please..."

"Riley naman eh!"

"Pwede bang bigyan mo naman kami ng oras para makapag-usap ng girlfriend ko!" Hala!
Tuluyan nang nagalit si Riley. "Maghapon na tayong magkasama. Hindi ba pwedeng kami
naman muna?"

"Hindi mo ako kailangang sigawan!" Biglang humaba ang nguso ni Lara at inirapan si
Riley. Pagkatapos ay nagmartsa palabas ng kuwarto ko.

"Lara..." Tinangka ni Riley na pigilan ito pero tuluyan na itong nakalabas ng


silid. Napahawak siya sa batok na para bang sinisisi ang sarili dahil sa naging
outburst niya. And it's seems that he was torn between me and her. Para kasing
gusto niyang sundan ang kababata.

"I think she's mad. Hindi mo ba siya susundan?" Sarkastikong sabi ko na hindi
inaalis ang tingin sa kanya.

Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago humarap sa akin.

"Huwag mo sanang isipin na naiipit ako sa inyong dalawa?"

Dahil sa sinabi niya ay umaangat ang kilay ko. "Ayoko sanang isipin, pero hindi
iyon ang nakikita ko sayo."

Muli siyang napabuntong hininga at humakbang palapit sa akin. Pero umiwas ako na
mahawakan niya.

"Sam please... don't do this to me?"

"Don't do what? Wala pa akong ginagawa sa iyo Rai."


"Please don't be mad."

"I'm not mad!" Naiinis lang ako!

"Please try to understand since she was childhood buddy. Matagal na panahon din
kaming hindi nagkita."

"Hindi naman kita pinagbabawalan na makasama mo siya."

Pero huwag mo naman sanang ibigay ang lahat ng panahon sa kanya. Bigyan mo naman
ako kahit konti.

"I know. Pero dahil doon ay iniiwasan mo na ako."

"Hindi kita iniiwasan."

"Please don't get jealous."

"Why Would I get jealous?" Tumaas ang timbre ng boses ko dahil doon. Kanina pa niya
pinag-iinit ang ulo. Tapos sasabihan niya ako na nagseselos sa Larang iyon!

Napabuntong hininga ulit si Riley. "You're right, bukas na lang tayo mag-usap.
Obviously you're tired at ayokong magtalo tayo."

"Mabuti pa nga! Dahil hindi ko na nagugustuhan ang sinasabi mo." At tinulak ko siya
palabas ng pintuan.

"Sam..." He tried to reach my hand. Pero mabilis na binawi ko ang aking kamay.

"Goodnight!" At pabalibag na isinara ko ang pintuan.


Ako pa ngayon ang nagseselos! Asa pa siya! Kaya lang naman ako nagkakaganito dahil
mas pinapaboran niya ang Lara na iyon. Katulad kanina parang napipilitan lang siya
na harapin ako. Pero ang totoo gustung-gusto niyang sundan ito. Akala niya siguro
hindi ko nahalata iyon.

Pero kahit mukhang disisais anyos pa ang babaing iyon, di hamak na mas maganda pa
rin ako sa kanya. Kaya wala akong dahilan para ma-insecure at pagselosan siya.

Kaya?

*******************************************
[16] Chapter Sixteen: The Light
*******************************************

Chapter Sixteen: The Light

<Muriel POV>

Pabalibag na binitawan ko ang hawak na lapis. Hindi ako makapag-pokus sa ginagawa


ko. Magmula kanina ay lumulutang ang isipan ko at hindi ako makapagtrabaho ng
maayos.

Hayt!! Napakamot ako ng ulo. Parang ang kati-kati kasi ng anit ko. Wala naman
siguro akong dandurf.

"Gusto mo tulungan kita sa pagkamot." Hindi ko namalayan ang pagsulpot ni Ichi sa


harapan ko.

"No thanks!" Patuloy pa rin ako sa pagkamot. Peste naman oh! Bakit kaya ang kati-
kati.

"Kung makakamot ka naman kasi wagas! Baka naman kuto na yan! Ewwww..."

"Ewww ka dyan! Wala akong kuto noh!"

"Isa na yan sa mga sign ng stress." Sabay kaming napalingon sa pagdating ni Jena.

"Stress? Bakit naman ako mai-stress?" Nagtataka na tinignan ko siya.


"Baka naman nai-stress sa lovelife niya." Banat ni Ichi sabay tawa.

"Korek ka dyan! Kung sabagay kung ganon ba namang kaguwapo ang boyfriend mo, sino
ba naman ang hindi mai-stress." Nagkaapiran pa silang dalawa.

Ano kaya ang nakakatawa run?

"Kung pumunta lang kayo sa pwesto ko para mamburaot, magsilayas na kayo! Marami pa
akong tatapusing trabaho."

Pero walang epekto sa kanila ang pagsusungit ko. Bakit ba ako biniyayaan ng mga
ganitong klaseng kaibigan?

Lunch time...

Parang wala pa akong gana na kumain. Lahat na halos ng mga kasamahan ko ay


nagsilabasan na para mananghalian. Ako na lang yata ang naiwan sa opisina.
Makaidlip na nga lang. Kapag nagutom naman ako ay mayroon akong tinapay at kape na
mapagtitiyagaan sa drawer ko.

Nakapikit na ako nang bigla kong maisip si Riley. Ano na kaya ang ginagawa niya?

Kailangan pa bang itanong iyon? Malamang ay kasama nito ang Larang iyon. At walang
katapusan silang nagkukuwentuhang dalawa.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hawak ang cp ko at idinayal ang number sa


bahay.

Ang tagal namang may sumagot! Pagkatapos siguro nang mga limang ring ay saka
mayroong nag-angat ng telepono.

"Hello." Bungad nang nasa kabilang linya. Parang boses iyon ni Lenny.

"Hello.. Nandyan ba si Nana Tonya?"

"Kayo pala Mam Samantha! Wala po dito si Nana Tonya eh. Hindi ko po alam kung
nasaan. Alam nyo naman na sobrang laki nitong bahay. Kaya madalas hindi na kami
nagkakakitaan." Umiral na naman ang pagiging madaldal nito.

"Si..." Parang nagdadalawang isip pa akong banggitin ang pangalan niya.


"Si Sir Riley po ba?" Ang galing manghula ni Lenny.

"Oo siya nga. Nasan siya?"

"Nandun lang po sa kuwarto niya at nagkukulong."

"Kasama si Lara?" Hindi ko napigilang itanong.

"Hindi po. Si Mam Lara nandito po sa pool at nagsu-swimming. Nakakainis nga po


dahil utos ng utos akala mo naman siya ang amo. Eh bisita lang naman siya."

"Hindi lumalabas ng kuwarto si Riley?" Mas interesado akong malaman ang tungkol sa
binata kaysa sa babaing iyon.

"Magmula kaninang umaga hindi pa po siya lumabas. Hinatiran na lang siya ni Nana
Tonya ng agahan."

Bakit kaya? Hindi kaya dinamdam niya ang pagtatalo namin kagabi? Bigla tuloy akong
na-guilty.

"Si Jared nandyan ba?"

"Maaga pong umalis. Siguro nung pagkaalis nyo, wala pang kalahating oras umalis na
din siya."

Malamang magliliwaliw lang ang lalaking iyon! O kaya baka mambababae lang!

Pagkatapos kong makausap si Lenny ay hindi ko na rin nagawang makaidlip. Naisip ko


kasi si Riley. May kabang bumangon sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Naisip
kong tawagan ulit si Lenny para alamin ang kalagayan ni Riley pero hindi ko
tinuloy.

Napapraning lang siguro ako!

Nagpakaabala na lang ako sa pagta-trabaho. Pero ganun pa rin. Lumulutang pa rin ang
isip ko. At saka hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Para kasing mayroong
hindi magandang mangyayari.

Pasado alas dos ng hapon nang magdesisyon akong mag-undertime. Maloloka na ako sa
kakaisip kung hindi ako kaagad uuwi. Nagdahilan na lang ako sa supervisor na may
emergency sa bahay. At pumayag naman siya.

Palabas na ako ng opisina nang madaanan ko ang mga nagtatanong na mata nina Jena at
Ichi. Hindi ko na lang sila pinansin. Siguradong mahabang paliwanagan ang
kailangan nila at wala na akong panahon para doon.

Pag-uwi ko sa bahay ay katahimikan ang sumalubong sa akin. Naisip ko na baka nagsi-


siesta lamang sila o baka naman abala sa ibang gawain. Paakyat na sana ako sa
hagdan nang makarinig ako ng tila may nagtatawanan. At nanggagaling iyon sa may
pool area. Naglakad ako patungo roon at maingat na sumilip.

Ang una kong nakita ay si Lara. Nakasuot siya ng pulang two piece habang lumalangoy
sa pool. Then I saw Riley. Nakaupo siya sa gilid ng pool at nagtatampisaw sa tubig.

Akala ko pa naman may kung anong nangyari na sa kanya! Hmmp!

Dire-diretso ako sa kuwarto ko. At padapa na nag-dive sa kama ko. Pinagsisihan ko


kung bakit nag-undertime pa ako. Hindi naman pala worth it! Nagsayang lang ako ng
panahon. Ngunit imbes na magmukmok ako ay matutulog na lang ako. Pero bago iyon
kakain na muna ako. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay bumaba ako sa kusina. Wala doon si Nana
Tonya kaya ako na ang nangalkal ng kung anong mayroong makakain doon.

Pero hindi ko inaasahan ang pagsulpot ni Lara. Para pa nga itong nagulat nang
makita kita roon. Nakasuot na siya ngayon ng roba at medyo basa pa siya. Dedma lang
ako. Asa pa siya na kakausapin ko siya. Basta ako magpapaka-busy na lang sa masarap
na pagkain na nasa harapan ko.

Sa gilid nang mata ko ay nakita ko siyang kumuha ng tubig saref pagkatapos ay


parang mayroon siyang hinahanap.

"Nasan ba kasi ang mga katulong rito? Haist!"

Hindi ko siya pinansin. Ngunit tila naman nanadya na lumapit siya sa akin at umupo
sa mismong harapan ko.

"Samantha right?" Nakangiti pa niyang tanong. "Sorry, hindi ko kasi gaanong


matandaan ung name mo eh."

Yeah right! Nagkibit balikat na lamang ako.

"Huwag mo sanang isipin na inaagaw ko sayo ang boyfriend mo."

Hindi ko napigilang umaangat ang kilay ko dahil doon. "Don't worry hindi ko iniisip
iyon."
"That's good to hear. Ayoko kasing magkaroon kayo ng problema ni Riley dahil sa
akin."

Bakit ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo ngayon?

"You will never become our problem. Naiintindihan ko naman ang na malalim ang
pinagsamahan ninyong dalawa. Di ba childhood friend ka niya?"

She smirked. "Hindi lang basta childhood friend. I was his childhood sweetheart
when we were nine I guess."

Tumango-tango na lang ako.

"And I could still remember how he made a promise to me. Ang sabi niya ako lang daw
ang babaeng papakasalan niya paglaki namin."

She's playing innocent and sweet. At hindi ako tanga para hindi ma-gets ang ibig
niyang ipahiwatig. Sinusubukan niya ba ako? Pwes hindi ko siya aatrasan.

"Really? Nag-promise sayo si Riley? Kung sabagay mga bata pa kayo nung time na yun
at hindi pa seryoso sa mga ganong bagay."

Umiling siya. " I knew that he really meant it. Kilala ko si Riley." Nakatingin
siya ng diretso sa mga mata ko. "Ako sana ang pakakasalan niya kung hindi ka lang
dumating sa buhay niya."

Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. "Kung sakaling hindi ako dumating sa buhay
niya, malamang may ibang babae ang nasa katayuan ko ngayon ngunit sigurado akong
hindi ikaw iyon."

Kung kanina ay kalmante lang siyang nakaupo sa harapan ko ngayon naman ay parang
siyang tigre na gusto akong sunggaban. Asar talo! Hehe...

"Hello girls!" Biglang sumulpot si Jared at lumapit sa kinaroroonan namin. "Ano ba


ang pinag-uusapan ninyo at mukhang seryoso kayong"dalawa." Palipat-lipat ang tingin
niya sa amin.

Biglang tumayo si Lara. Hindi maipinta ang mukha at walang salita na lumabas ng
kusina.

"Anong nangyari dun?" Nagtatakang tanong ni Jared sa akin.

"Hindi ko alam na pikon pala siya. Kaya hayun nag-walk out!" Pagkatapos ay muli
kong binalikan ang naudlot kong pagkain.
"Kung sabagay, ako lang naman ang hindi napipikon sa yo."

Nang mag-angat ako ng tingin ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin. "Nung problema
mo na naman?" Angil ko sa kanya. Pakiramdam ko tuloy na sa tuwing titignan niya ako
ng ganon ay may inululuto siyang kalokohan sa kanyang isipan.

"Wala!" Biglang iwas siya ng tingin na para bang napahiya.

<Jared POV>

Wala pa sana akong balak umuwi. Pero sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng
boredom sa piling ng isang napakagandang babae. Bigla akong nawalan ng gana. At
hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit nagkakaganon simula ng umuwi ako ng
pilipinas.

Naalala ko ang sinabi sa akin noon ni Riley. Darating raw ang araw na magsasawa na
lang akong bigla sa mga pinaggagawa ko. Ngunit masyado naman yatang maaga para
magsawa ako. Bata pa naman ako. And besides hindi ko pa natatagpuan ang ang babaeng
magpapatibok ng aking pihikang puso.

Para akong sira na pinagtawanan ang sarili ko. Well, that was partly true. Medjo
pihikan ang puso ko. Kailan pa ba nung huli kong naranasang umiibig? I can't even
remember. Basta matagal na panahon na rin iyon. And since then hindi na ulit
nagmahal itong puso ko. Siguro dahil nadala na akong masaktan. At ayoko nang
maranasan iyon. Hindi naman kasi ako kasing tapang ni Riley. Kahit paulit-ulit
siyang masaktan, nakahanda pa rin siyang magmahal.

Siguro ang pagkakaiba lang naming dalawa ay mas pinaiiral niya ang kanyang puso.
Habang ako naman ay mas ginagamit ang utak. Katulad nga ng madalas kong sabihin...
I always wants to play safe.

Pagbaba ko ng kotse ay dire-diretso ako sa kusina. Nakaramdam ako ng pagkauhaw.


Pero bigla akong napahinto sa bukana ng pintuan nang marinig ko ang mga tinig nina
Muriel at Lara. At dahil likas na may pagkausisero ako ay tahimik akong nakinig sa
pag-uusap nila.

"I knew that he really meant it. Kilala ko si Riley." Narinig kong sabi ni Lara.
"Ako sana ang pakakasalan niya kung hindi ka lang dumating sa buhay niya."

"Kung sakaling hindi ako dumating sa buhay niya, malamang may ibang babae ang nasa
katayuan ko ngayon ngunit sigurado akong hindi ikaw iyon."

Iyon oh! Napangiti ako sa sinabing iyon ni Muriel. Katulad ng inaasahan ko ay hindi
ito basta magpapatalo. Pero teka lang, kailangan ko na sigurong umepal sa eksena
bago pa lumala ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Hello girls!" Masiglang bati ko na ikinagulat nilang dalawa. "Ano ba ang pinag-
uusapan ninyo at mukhang seryoso kayong dalawa." Ngunit walang nagtangkang
magsalita sa kanila.

Biglang na lamang tumayo si Lara. Dire-diretsong lumabas ng kusina.

"Anong nangyari dun?" Nagtatakang tanong ko kay Muriel kahit alam ko na totoong
dahilan.

"Hindi ko alam na pikon pala siya. Kaya hayun nag-walk out!" As usual busy na naman
siya sa kanyang pagkain.

"Kung sabagay, ako lang naman ang hindi napipikon sa yo." Wala sa loob na sabi ko
habang nakatitig sa kanya.

Dug! Dug! Dug!

Hindi ko maipaliwanag ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya.

"Nung problema mo na naman?" Bigla siyang nag-angat ng mukha at nahuli niya akong
nakatitig sa kanya.

"Wala!" Ang sagot ko sabay bawi ng tingin.

"Riley!"

Nagkatinginan kami ni Muriel nang marinig namin ang pagsigaw na iyon ni Lara. At
pareho kaming napatakbo sa may pool area.

Naabutan namin si Riley na nakahiga sa semento. Sapu-sapo nito ang ulo at


namimilipit sa sakit.

"What happened?" Tanong ko kay Lara na hindi malaman kung paano hahawakan si Riley.

"I-i don't know. Basta bigla na lang sumakit ung ulo niya. Jared please... do
something!"

"Kunin mo yung ice compress sa ibabaw ng ref at lagyan mo ng yelo." Mabilis na utos
ni Muriel kay Lara. Hinawakan nito si Riley at iniangat ang ulo nito at ipinatong
sa kanyang kandungan.
"What? Hindi mo ba ako narinig?" Sigaw ni Muriel nang hindi pa rin kumikilos si
Lara. Doon lamang ito parang natauhan at nagmamadaling sinunod ang dalaga.

"Jared kailangan na siguro nating siyang dalhin sa ospital." Ang sabi niya sa akin
pagkaraan. Hindi inaalis ang paningin sa binatang nasa kanyang kandungan.

Nang tangka kong bubuhatin si Riley ay bigla itong nagsalita. "No need to bring me
to the hospital. Mawawala rin ang sakit ng ulo ko."

"Shut up Riley!" Sigaw muli ni Muriel. "Don't expect us na walang gagawin sa


nakikita naming sitwasyon mo. Jared sige na buhatin mo na siya."

"I saw a light!" He exclaimed. "I think I saw a light."

Nagkatingin kaming muli ni Muriel sa sinabing iyon ni Riley.

"And I think I saw you Sam." Dumapo ang palad nito sa pisngi ni Muriel.

Kitang-kita ko ang takot na lumitaw sa mga niya. Nakatingin lang siya sa akin. Na
para bang tinatanong niya sa akin kung ano na ang gagawin namin sa oras na makakita
na ulit si Riley.

Tiyempo naman ang pagdating ni Lara at dala-dala niya ang ice compress. Kinuha ko
iyon mula sa kanya at inilagay sa noo ni Riley.

"Relax bro! Huwag mo munang pilitin ang mga mata mo." Mahinahon kong sabi sa kanya
kahit ang totoo ay kinakain na ng kaba ang dibdib ko. "Take it easy okay? Hindi mo
kailangan magmadali." At muli akong tinignan si Muriel na tahimik lamang na
nakamasid.

Palakad-lakad ako sa hallway habang hinihintay ang na lumabas ang doktor na


tumingin kay Riley. Tinawagan ko na rin si Tita Lorie para malaman niya ang
nangyari sa kanyang anak. Sigurado ako na bukas na bukas ay narito na siya
pagkagaling sa business trip nito sa Macau.

Nilingon ko si Muriel na walang imik na nakaupo sa isang tabi. Kanina pa siya


tahimik at walang kibo. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala para kay Riley. At doon
ko lamang napansin ang pagkagat-kagat niya sa dulo ng kanyang mga daliri. Para bang
mannerism kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng pag-aalala o takot.

Pinili ni Lara na hindi sumama sa amin. Takot na takot ito sa nangyari na hindi
nito magawang sumama pa.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan at inuluwa mula roon ang hinihintay kong
doktor. Kaagad ko siyang sinalubong.

Ang sabi ng doktor natural lang daw sa mga cases ng katulad ni Riley ang pagsakit
ng ulo dahil konektado ang mga mata sa utak ng tao. Posible rin raw na isa sa mga
dahilan ay ang naaaninag na liwanag ni Riley. Malaki raw talaga ang chances na muli
itong makita.

Ilang oras pagkatapos makapagpahinga ni Riley ay pumayag rin ang doktor niya na
maiuwi namin siya sa bahay. Sa loob ng sasakyan ay pare-pareho kaming wala imikan.
Pero panay ang sulyap ko sa rear mirror at tinitignan sina Riley at Muriel na
magkatabi sa backseat.

Nakatingin sa labas si Muriel. Mukhang malalim ang iniisip. Pagkatapos ay


napalingon siya kay Riley nang hawakan nito ang kamay niya at dalhin iyon sa bibig
nito. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi niya na agad ding nawala. Ngunit
hindi niya inalis ang pagkakatitig rito.

Hindi ako sigurado. But I saw something in her eyes. Hindi kaya...

Marahan kong pinilig ang ulo. Ayokong bigyan ng ibang kahulugan kung anuman ang
nakita ko. Hindi ko siya dapat husgahan. And besides, hindi rin naman talaga ako
sigurado.

Once again, muli kong sinulyapan si Muriel mula sa rear mirror. Nakatingin na ulit
siya sa labas. And there's a sadness in her eyes. At sigurado ako sa bagay na iyon.

*******************************************
[17] Chapter Seventeen: Bad Dream
*******************************************

Super ginaganahan akong magsulat ngayon. At sasamantalahin ko ang pagkakataon na


ito bago pa ako sumumpungin ulit ng katamaran haha.. Thanks a lot sa paborito kong
SIOMAI.. dahil siya ang nagbigay sa akin ng ispirasyon para makapag-UD ulit. Ganyan
lang po kababaw ang kaligayan ko. At sana sa mga susunod na UD ko ay mayroon ulit
magmagandang loob na magbigay sa akin ng kaligayan... ang siomai! Salamat din dun
sa nagbigay, kahit ang totoo ay hindi ko maalala ang name mo hehe.. peace po tayo!
Anyway enjoy reading ^___- y

Chapter Seventeen: Bad Dream

<Muriel POV>
Nang gabing iyon ay inaapoy ng lagnat si Riley. Mabuti na lamang at naisipan kong
puntahan siya sa kanyang silid para sana silipin lang siya. Pero naabutan ko siyang
namamaluktok sa kama at giniginaw sa lamig. Kung bakit naman kasi nakatodo pa ang
aircon nito sa kuwarto?

Kumuha ako ng maliit na palanggana at nilagyan ko ng tubig at yelo. Kailangan ko


siyang mapunasan para lumabas ang init ng kanyang katawan. Paakyat na ako ng hagdan
ng makasalubong ko si Jared. Kunot-noong nakatingin ito sa dala-dala ko.

"Nilalagnat kasi si Riley." Mahinang sabi ko kahit hindi niya ako tinatanong.

"Is he okay? Kailangan ba natin siyang ibalik sa ospital?" Nag-aalalang tanong


niya.

Umiling ako. "He'll be fine. Ako na ang bahala." At bahagya akong ngumiti bago
nagpatuloy sa pag-akyat.

"Rai..." Banayad kong tawag sa kanya upang gisingin siya. Pero pag-ungol lamang ang
sinagot niya sa akin.

"Rai..." Muli kong tawag sa kanya. At sa pagkakataong iyon ay inalis ko ang kumot
na nakatakip sa katawan niya.

"A-ang g-ginaw." Lalo siyang namaluktok.

Kahit medjo mahirap ay pinilit kong hubarin ang suot niyang t-shirt na basang-basa
na ng pawis. Pagkatapos ay sinimulan kong punasan ng bimpo ang buong katawan niya.

Katatapos ko lang siyang bihisan ng dumating si Nana Tonya na may dalang mainit na
sopas. Nang sabihin ko sa kanya na may sakit si Riley ay agad niyang pinagluto ang
alaga nito.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya." Ang sabi sa akin ni Nana Tonya. Tumango ako
bilang pagsang-ayon.

"Rai.." Sinubukan ko ulit siyang gisingin. Umungol lang siya bilang sagot. Ibig
sabihin naririnig niya ako.

"Rai bumangon ka muna. Kailangan mong kumain kahit konti lang. Magmula kanina ay
wala pang laman ang tiyan mo. At isa pa kailangan mo rin uminom ng gamot. Kailangan
mong gumaling. Rai please."

He lazily opened his eyes. At nagawa pa niyang ngumiti. "T-tulungan mo akong


bumangon." Hindi naman siya nagdalawang salita sa akin at tinulungan ko siya
hanggang sa makasandal siya sa headboard.

Nakakailang subo pa lang ako sa kanya ng sopas ay umayaw na siya. "Busog na ako."
Ang sabi niya.

Hindi ko na siya pinilit. Alam ko naman na hindi niya rin iyon mauubos. Pagkatapos
niyang makainom ng gamot ay inalalayan ko ulit siyang makahinga sa kama.

"I'll be fine Sam. Matulog ka na."

"Itinataboy mo na ako?" Kunwari ay nagtatampo kong sabi sa kanya.

"Of course not. Ayoko lang mahawa ka ng sakit sa akin."

"Hinding-hindi ako mahahawa promise." At saka ako humiga sa tabi niya na


ikinasorpresa niya.

"Anong ginagawa mo? Huwag mong sabihin na dito ka matutulog?"

"Oo. Bakit ayaw mo ba?"

"Hindi sa ayaw ko kaya lang..."

"Di ba nung nagkasakit ako ay tinabihan mo rin ako at binantayan sa pagtulog ko?
I'm just returning the favor."

A grin appeared on his lips. "Halika nga dito." sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Walang sisihan kapag napunta na naman ang kamay ko sa dibdib mo."

Ang lakas ng tawa ko dahil doon. "Subukan mo lang. Paggising mo may black eye ka na
sa mata."

Siya naman ngayon ang humagalpak ng tawa. "Ang sweet-sweet mo talaga! Kaya nga
mahal na mahal kita eh!" At naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa ibabaw
ng ulo ko.

<Riley POV>

Nagising ako nang may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa mga hita ko. Hindi
ko tuloy magawang makakilos. Then later I realized I was sleeping with somebody
else. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang katawan na nakakulong sa mga bisig
ko. She's too close that I could even felt her heartbeat. And that familiar sweet
scents of her was irresistable. I couldn't help myself but snipping her over and
over again.

I love being with her, especially at this moment. Hindi ako magsasawang gumising
tuwing umaga kung siya lagi ang makakasama ko. And I think I'm ready to spend the
rest of my life with her... no one else but her.

She may not be a perfect woman, but for me she is more than enough to complete my
life. I know that there's something in her has changed. Pero mas gusto ko kung
anuman siya ngayon. Kahit kung minsan madalas niya akong awayin at pagsungitan,
balewala iyon sa kaligayahan na ibinigay niya sa akin. She always makes me smile
and never failed to amused me. There were times that she was cold and distant. Then
suddenly bigla na lamang siyang maglalambing. Minsan naman ayaw niya akong
kausapin. Pero kapag nasa mood naman siya sobrang daldal at kulit naman niya. At
dun ko lang din napagtanto kung gaano siya kaselosa.

But beyond her imperfections, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Mas
lalo ko pa nga siyang minahal ngayon. Hindi man niya madalas sabihin sa akin ang
mga salitang inaasam kong marinig mula sa kanya. Alam ko at nararamdaman ko na
mahal din niya ako.

Naramdaman ko na lang ang bahagyang pagkilos ni Samantha. Mas lalo pa siyang


nagsumiksik sa akin.

"Sam.." I tried to wake her up. "Hindi ka ba papasok?"

Ngunit wala akong narinig na response mula sa kanya. "Sam..." I whispered on her
ear and then she giggled. Malakas nga pala ang kiliti niya sa parteng iyon.
"Bumangon ka na. Baka ma-late ka na sa trabaho mo."

"Pwede naman akong umabsent." Halos hindi ko maintindihan na sabi niya dahil sa
pagkakasubsob niya sa dibdib ko.

Natawa naman ako dun. "Hindi mo naman kailangang umaabsent para lamang bantayan
ako." Pero hindi na siya ulit sumagot. "Sam?" MUkhang tinulugan na niya ako. Hay...
napaka-antukin talaga ng babaing ito!

Nahawakan ko ang kamay niya at dinala iyon sa bibig ko. "Sam, will you marry me?"
Suddenly I said to her. Pero alam ko naman na hindi siya sasagot sa tanong kong
iyon. She wouldn't hear me of course. Pero sa oras na bumalik ang paningin ko...
handa kong ipagsigawahan sa lahat na siya lamang ang babaeng pakakasalan ko.

<Muriel POV>
When I opened my eyes, ang guwapo niyang mukha ang bumungad sa akin. Ang lapad
tuloy ng ngiti ko . Kung ganito ba naman ang una kong masisilayan tuwing umaga,
payag na akong maging pretend girlfriend niya forever.

"Ang sarap mong halikan!" Wala sa loob na sabi ko. Ang cute-cute naman kasi niya
habang natutulog.

"Hindi kita pipigilan!" Nagulat ako nang bigla na lamang magsalita si Riley. O__o
Ibig sabihin kanina pa siya gising?

"Good morning sleepy head." He was smiling sheepishly at me.

Ngunit nang magmulat siya ng mga mata ay unti-unting nawala ang ngiti niya sa mga
labi. Pagkaraan ay biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"Who are you?" Bulaslas ni Riley at napabalikwas siya sa pagkakahiga.

Sobrang nagulat naman ako sa naging reaksyon niya. Teka! Anong nangyayari?

"I said who are you?" Pasinghal na tanong niya. "Bakit ka nandito sa loob ng
kuwarto ko? Sinong nagpapasok sayo?"

"I-its me Samantha." Nalilitong sagot ko.

"Niloloko mo ba ako?"

"Bakit naman kita lolokohin?"

Kung nakakamatay lang ang tingin na ipinukol niya sa akin ay kanina pa siguro ako
tumumba. "Alam nating pareho na hindi ikaw si Samantha!"

Napasinghap ako sa narinig. Paano niya nalaman? Hindi kaya...

"N-nakakakita ka na?" Kinakabahang tanong ko. Pagkatapos ay tumingin ako sa mga


mata niya na halos bumaon na sa akin.

"Isn't it obvious?"

Kung ilang beses akong napakurap. Hoping that he was only making fun of me. Pero
habang tumatagal ay kinakain na ng takot ang dibdib ko.

"Rai.."
"Don't you ever call me by that? Hindi ikaw si Samantha!"

I couldn't explain the pain that I felt inside. I wasn't prepared for this. Parang
gusto kong maglaho ng mga oras na iyon.

Saka naman ang pagdating nina Jared at Nana Tonya na napasugod sa kuwarto.

"What's happening here?" Si Jared. "Nag-aaway na naman ba kayo?" Siguro akala nila
ay simpleng pagtatalo lamang namin iyon na nakasanayan na nila.

"Anong ginagawa niya rito? Sino ang nagpasok sa babaing iyan?" He asked furiously.
Sabay turo sa akin ni Riley.

"Ha?" Nagtataka na napalingon sa akin si Jared.

"Nakakakita na siya ulit. Bumalik na ang paningin niya." Halos pabulong na sabi ko.

Ganon na lamang ang pagkagulat sa mga mukha ni Jared at Nana Tonya.

"Jared paalisin mo dito ang babaing iyan!" Mariing utos ni Riley. "Hindi mo ba ako
narinig? Alisin mo siya sa paningin ko!"

Nagyuko ako ng ulo. Emotions started to get in na parang gusto kong humagulgol ng
iyak. This was too much from what I'm expecting. And I was hurting badly.

"Nana Tonya nasaan si Samantha?" Binalingan naman niya ang matanda. "Tawagin nyo
siya. Gusto ko siyang makausap."

Hindi malaman ni Nana Tonya kung paano sasagutin ang tanong na iyon ng alaga. She
was helplessly looked at me. Pero nag-iwas ako ng tingin.

Mabilis na tinawid ni Jared ang pagitan naming dalawa. Iniabot niya ako at kinabig
palapit sa kanya. Pagkatapos ay mahigpit na ikinulong sa kanyang mga bisig. As if
he was protecting me from Riley. Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang emosyon
na kanina ko pa kinikimkim. And I cried so hard.

Bigla akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. My heart was beating so fast that I
could hardly breath. Hindi ko namamalayan na naliligo na pala ako sa pawis gayon
napakalamig naman sa loob ng silid.

Mabilis na lumipad ang mga mata ko sa lalaking katabi ko sa kama. Saka lamang ako
nakahinga ng maluwag. He was sleeping peacefully.

It was just a dream...

Pero parang totoong-totoo.

Dahil hanggang ngayon naroon pa rin ang takot sa aking dibdib.

Bahagya akong napakislot nang biglang gumalaw si Riley. Akala ko kasi nagising na
siya. Yun pala nagbago lang siya ng posisyon.

I was about to reach his forehead, nang biglang magbago ang isip ko. Gusto ko
sanang alamin kung nilalagnat pa siya. Pero sa tingin ko naman mukhang okay na
siya.

Maingat akong bumaba ng kama. Trying not to wake him up. Ewan ko ba kung bakit
ganon na lamang ang pag-aalala ko na baka magising ko siya. Siguro dahil iniisip ko
na baka magkakatotoo ang panaginip ko.

"Sam?"

I almost jumped in surprise when I heard his voice. Bigla ko tuloy nasapo ng kamay
ang dibdib ko.

"Sam?" Muli niyang tawag sa akin. I fight the urge to look back. Pagkatapos ay
nagmamadali akong lumabas ng kuwarto.

Pero bago ako tuluyang makalabas ng pintuan ay hindi ko napansin ang malaking tao
na nakaharang sa daraanan ko. Bumangga tuloy ako sa malapad niyang dibdib.

Pu-sang-ga-la!

Kung hindi niya agad ako nahawakan malamang ay tumumba ako. Ang sama ng tingin ko
nang tumingala sa kanya.

"Nanaginip ka pa yata girlfriend?" Nakangising sabi ni Jared habang nakatunghay sa


akin.

"Bakit ba kasi umagang-umaga pakalat-kalat ka?" Angil ko naman.


Lalo siyang napangisi at ginulo pa niya ang buhok ko. "Umaga ka jan! Tanghali na
kaya! Alas diyes na po ng tanghali."

"Yeah right! Tanghali na nga. Pero at least umaga pa rin." Ismid ko sabay tulak sa
kanya para makadaan ako.

Pero napigil ako sa paghakbang ng marinig ko na naman ang pagtawag ni Riley.

"Huy!" Kinalabit ako ni Jared sa balikat. "Tinatawag ka ng dyowa mo?"

"Ah.. sabihin mo sa kanya magbabanyo lang ako." Naisip kong palusot at humakbang na
ako patungo sa kuwarto ko.

"Pwede ka naman magbanyo sa kuwarto niya?" Pahabol sa akin ni Jared.

"No thanks! Mas gusto ko sa banyo ko." At tuluyan na akong nakapasok ng kuwarto
sabay lock ng pintuan.

"Ano na naman ba ang tripping ng babaing iyon!" Nakarating pa rin sa pandinig ko


ang sinabi niya kahit nasa loob ako. Siguradong nagtataka siya sa kinikilos ko.

Gusto ko lang naman umiwas. Baka kasi... Hay! Bakit ba napa-paranoid ako ngayon?

Langya naman! Sa dinami-dami kasi ng pwedeng mapaginipan kung bakit iyon pa! Daig
ko pa ang binangungot.

"Iha saan ang lakad mo?"

Nagulat pa ako nang makasalubong ko si Mam Lorie sa hagdanan. Ang bilis naman
niyang makauwi?

"Magha-half day po sana ako."

"Okay lang naman kahit hindi ka pumasok. Tatawagan ko lang si Elvie para-"

"Marami po kasi akong kailangang tapusin na trabaho." Agap ko sa sasabihin niya.


"Nakakahiya naman po kung iaasa ko yun sa iba." Which is partly true.

Bigla ko na lang naisipan pumasok sa trabaho. Ayokong mag-stay sa bahay. Mas


gugustuhin kong abalahin ang sarili ko sa pagta-trabaho.
"Ikaw ang bahala." Narinig kong sabi ni Mam Lorie. At nagulat na lang ako ng bigla
niya akong yakapin. "Thank you so much Muriel."

"Po?"

"Thank you dahil hindi mo pinapabayaan si Riley." Pagkaraan ay bumitaw siya sa akin
at sinapo niya ng mga kamay ang mukha ko. "At dahil sayo kaya muli siyang
makakakita."

"Sarili po niyang desisyon ang magpaopera?"

Ngumiti sa akin si Mam Lorie. "Pero ikaw ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon.
Napalaki nang naitulong mo kaya nanumbalik ang dati niyang sigla. Kahit ako nagulat
sa napakalaking pagbabago niya. At dahil iyon sayo."

Ngumiti na lamang ako at hindi na nagkomento.

"Guess what Muriel?"

Napakunot noo tuloy ako. "Ano po iyon?"

"Sa Saturday na ang schedule ng operation ni Riley." Excited na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Saturday? Tuesday ngayon. Ibig sabihin apat na araw na
lang at makakakita na si Riley. At apat na araw na lamang akong magpapanggap bilang
si Samantha.

"T-that's good news!" Pinilit kong pasiglahin ang tinig ko.

"Nakausap ko kaninang umaga si Dr. Robles and he told about Riley's condition.
Actually ang nangyari sa kanya kahapon ay isang good sign. Mas tumaas ang chances
niya na muling makakita. And I'm so excited that I can't wait for that day." Halos
mapatalon siya sa sobrang tuwa at muli niya akong niyakap.

Pero bakit ganon? Bakit hindi ko magawang maging masaya? Dapat natutuwa ako dahil
pagkatapos ng ilang linggong pagpapanggap ay makakabalik na rin ako sa dati kong
buhay. Kay tagal ko ring hinintay ang pagkakataon na ito. Subalit hindi ko
maintindihan ngayon ang sarili ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Ako pa rin ba
ito?

*******************************************
[18] Chapter Eighteen: Fallin
*******************************************

CHAPTER EIGHTEEN: Fallin


<Muriel POV>

"Huy!" Hinampas ni Jena ng hawak nitong folder ang mesa ko. "Saang planeta ba
naglalakbay yang isipan mo at parang hindi mo ako naririnig?"

"Anong kailangan mo?" Walang gana kong tanong. Habang nakatitig pa rin sa monitor
ng computer ko.

"Ang sabi ko pinapapunta ka ni Sir Mark sa office niya. Ayusin mo raw ung
connection ng net niya."

"Bakit hindi mo na lang ako tinawagan? Alam mo naman ang local number ko diba?"

"Kanina pa kaya busy ang linya mo." Nang i-check niya ang telepono sa gilid ng mesa
napansin niya na naka-hang iyon. "Kaya naman pala eh! Ang sabihin mo ayaw mo lang
talagang maistorbo."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Inabot ko ang telephone at nag-dial ng number.

"Roger pasuyo naman. Pwede bang ikaw na lang ang mag-ayos ng connection ni Sir
Marvin?... Thanks!" At saka ibinababa ang telepono at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Ano bang nangyayari sayo at kaninang umaga ka pa matamlay dyan!"

"Hindi lang siguro maganda ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko sa kanya.

Kahit naman ako ay nagtataka kung bakit tila wala akong energy nang araw na iyon.
Hindi naman siguro ako magkakasakit. Wala lang talaga ako sa mood at pakiramdam ko
ay tamad na tamad ako na parang mas gugustuhin ko pang matulog.

Namalayan ko na lang ang kamay ni Jena na nasa noo ko. "Wala ka namang lagnat?
Hindi kaya..." May nalalaman pang pa-suspense pa ang bruha. Tumalim tuloy ang mga
mata ko sa kanya.

"Gutom lang yan hehe.." Sabay nag-peace sign sa akin. Inirapan ko lang siya.

Pagkatapos ay biglang naging seryoso ang mukha niya. "Seriously... may problema ka
ba? Kilala kita Muriel. Hindi ka magkakaganyan kung wala kang problema?"

Kahit naman may pagkaluka-luka si Jena ay maaasahan naman niya ito bilang tunay na
kaibigan. "Wala akong problema. Maybe you'te right. Gutom lang ito."

Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Tell me, problema ba yan tungkol
sa puso?"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata. "Bumalik ka na nga sa table mo Jena.
Wala kang mapapala sa akin. At saka nakakaistorbo ka na sa trabaho ko."

Umismid siya. "Hmmp... Ang KJ mo talaga!"

Nagulat na lang ako nang may kung anong bagay siyang hinagis sa table ko.
Skyflakes?

"Pagtiyagaan mo na yan. Pantawid gutom din iyan." Sabi pa niya bago siya tuluyang
lumayo sa puwesto ko.

Nangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang ibinigay niyang biscuit.

"Hello girlfriend!"

Mabilis na nag-angat ako ng ulo para lamang makita ang nakangiting mukha ni Jared.

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito?"


Imbes na sagutin niya ako ay lalo lang lumapad ang ngiti niya. The jerk was really
cute.

"I said what you are doing here?" Medjo hininahan ko ang boses ko nang mapansin ko
na nakatingin sa amin ang mga kasamahan ko.

Mayroon siyang inilapag na paperbag sa harapan ko. "Ano yan?" Kunot-noong tanong
ko.

"See for yourself."

Sa halip na kumilos ako ay nakipagtitigan lang ako sa kanya.

Siya rin ang unang sumuko. "Haist! Kailan ka ba magiging mabait sa akin?"
Pagkatapos ay inilabas niya ang dalawang maliit na container sa loob ng paperbag.
"Hayan, dinalhan kita ng pagkain. Magmula ng umalis ka ng bahay ay wala pang laman
yang tiyan mo. At malamang hanggang ngayon ay hindi ka pa rin kumakain. Huwag kang
mag-alala. Hindi ko yan nilagyan ng gayuma. Dahil sa guwapo kong ito ay hindi ko na
kailangang gawin iyon. Si Nana Tonya nga pala ang nagluto nyan para sayo."

"Pumunta ka lang dito para dalhin ito?" Nakaangat ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Of course not!" Mabilis niyang sagot. Pagkatapos ay naging mailap ang kanyang mga
mata. "Nagpahatid sa akin si Tita Lorie papunta dito. Hindi naman ako makatanggi.
At saka napag-utusan lang ako ni Nana Tonya na bitbit ang mga yan. Dahil kung ako
lang, wala kang maaasahan sa akin. Hahayaan kitang mamatay sa gutom hanggang sa
lumuwa yang mga mata mo."

Pinalo ko siya ng ulo ng hawak kong lapis. "Kung tusukin ko kaya yang mga mata mo!"
Hanggang dito ba naman sa trabaho ay may bitbit pa rin siyang kalokohan. "Kung wala
ka ng kailangan sa akin, lumayas ka na sa harapan ko. Tsu!" Pagtataboy ko sa kanya.

"Hindi mo man lang ba gagalawin tong' dala kong pagkain?"

"One thirty pa lang. Mamaya pang three ang breaktime namin." Sabi ko na hindi
tumitingin sa kanya. Habang pinagpapatuloy ang naudlot kong ginagawa sa monitor ng
computer.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang tumingin sa suot niyang relo. Pagkatapos ay


tumayo siya. Akala ko pa nga ay aalis na siya. Pero umikot siya sa pwesto ko at
mabilis akong hinawakan sa kamay. Sa kabilang kamay niya ay binitbit naman niya ang
paperbag na naglalaman ng pagkain.

"J-jared?" Hindi na ako nakapagprotesta nang hilahin na lang niya ako bigla
palabas. "Saan mo ako dadalhin?"

"Sa office ni Tita Lorie." Hindi lumilingong sagot niya.

"A-anong gagawin natin dun?"

"Basta!"

"Eh kung sipain kaya kita dyan!" Ngunit hindi niya pinansin ang banta ko. At wala
rin akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

"Tsk! Tsk! Tsk!" Nakapangalumbaba si Jared sa harapan ko habang pinanonood ako sa


pagkain. "Hindi magandang senyales iyan!"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Yeah right! Hindi magandang senyales kung
patuloy mo akong titigan. Baka hindi ako matunawan!"

Nga pala nandito kami sa loob ng office ni Mam Lorie. Ang lakas ng loob ni Jared na
ipagpaalam ako na makapag-advance break. Hindi naman nagdalawang isip si Mam Lorie
na payagan ako. Lalo na nang malaman niya na wala pang kalaman-laman ang tiyan ko
kundi puro kape. Ngayon ay kaming dalawa lang ng lalaking ito ang naiwan roon.
Nagkaroon kasi ng biglang meeting si Mam Lorie.

"That's not what I mean." Pagkaraan ay sabi niya at pinagkrus ang mga braso sa
dibdib. Nakakapagtaka ang kaseryosohan ng mukha nito. Pero hindi ako padadaya roon.
Knowing him, baka pinagtitripan niya lang ako.
Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Ngunit hindi na siya nagsalita ulit. Adik
lang talaga!

"Ayoko na!" Maya-maya ay sabi ko at bahagyang inilayo ang pinagkainan ko.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jared. "Halos hindi mo pa nga nababawasan ang pagkain
mo, ayaw mo na agad?"

"Eh sa wala akong ganang kumain."

Napailing na lang siya. "Hindi ko gustong nakikita kang ganyan Muriel?"

"Sino naman kasi ang nagsabi sayo na panoorin mo ako habang kumakain?"

Bigla naman akong nailang sa sobrang kaseryosohan niya. Parang natakot naman ako
dun!

"Tell me, are you inlove?" Suddenly he asked.

"In love with you?" Hindi ko napigilang tumawa. Seryoso pa kunwari yun pala iyon
lang itatanong niya sa akin. "No way! Why I would I fall for someone like you na
sira ang ulo at hindi marunong magseryoso. Para na rin akong kumuha ng batong
ipukpok sa ulo ko."

"I'm not talking about myself here. Okay!" Mukhang napikon ang lolo nyo! "I'm
talking about Riley."

"What about Riley?" Ako naman ngayon ang nasorpresa.

Huminga muna siya ng malalim bago ulit nagsalita. "Are you inlove with-"

"With your bestfriend?" Matapang na sinalubong ko ang mga mata niya. "Bakit ko
naman mamahalin ang isang tao na alam kong mawawala rin sa akin?" I don't know pero
bigla na lamang iyon lumabas sa bibig ko.

"Just answer my question Muriel?"

"Bakit ano ba ang gusto mong marinig?" Biglang tuloy nag-init ang ulo ko. "Kapag
sinabi ko bang oo, anong gagawin mo? Pagtatawanan mo ako? Enough of your childish
tripping Jared! Hindi sa lahat ng oras ay kaya kong sakyan ang mga kalokohan mo."
Tumayo na ako at humakbang patungo ng pinto.

"I would be glad if you say no." Narinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang
makalabas.

Katulad nang inaasahan ko, pagkatapos kong makabalik sa table ko ay pinagkaguluhan


ako ng mga kasamahan ko sa pangunguna nina Ichi at Jena . Ang dami nilang mga
tanong na lalong nagpasakit ng ulo ko. Ang akala talaga nila ay boyfriend ko si
Jared. At inakala rin nila na pamangkin ni Mam Lorie ang binata. Tumigil lamang
sila sa panggugulo sa akin nang biglang sumulpot ang manager namin at sinaway sila.
Mabilis silang nagbalikan sa mga pwesto nila.

Malapit nang mag-uwian nang magkayayaan na mag-videoke. Ayoko sanang sumama. Pero
hindi pumayag sina Ichi at Jena. Masyado na raw akong maraming kasalanan sa kanila
para tumanggi.

Nag-rent sila ng isang VIP room para sa amin lahat. Siguro mga nasa isang dosena
kami. Syempre kapag may videoke, hindi mawawala ang inuman.

Naki-join na rin ako sa ingay at kaguluhan nila. Gusto ko rin namang mag-enjoy.
Matagal na panahon na rin nung huli ko silang makasama sa ganito. Sa sandaling oras
ay nawala ang mga gumugulo sa isipan ko. Nagpakasaya talaga ako ng bonggang-bongga
na para bang wala ng bukas.

"Next song Call Me Maybe, sino ang pumili nito?" Tanong ni Erik pagkatapos niyang
kumanta.

"Sa akin yan." Ang sabi ko sabay kuha ng mic. Pero mabilis na inagaw sa akin ni
Ichi ang microphone.
"Ako kaya ang nagrequest nyan!" Lumayo pa siya sa akin para hindi ko makaagaw sa
kanya ang mic at ilang sandali ay nag-umpisa na siyang kumanta. Buraot naman ang
baklitang ito!

Nainom ko tuloy ng straight ang isang bote ng San Mig light na wala pang bawas
dahil sa inis.

"Huy hinay-hinay lang!" Awat sa akin ni Jena. "Hindi tayo nagpunta rito para
magkapalasing noh!"

"Kailan ba ako nalasing?" Pagyayabang ko. Kahit siguro painumin pa nila ng isang
drum ng beer ay makakauwi pa rin ako nang matino sa bahay.

Mga ten o'clock na nang mag-uwian kaming lahat. Wala namang nalasing sa amin pero
lahat naman ay nag-enjoy. Kung wala lang sigurong pasok bukas baka nga abutin pa
kami ng hanggang alas dose. Pinagpara ako ni Ichi ng taxi. At nang makasakay ako ay
saka lamang sila nagkanya-kanyang uwi.

Pag-uwi ko ay naabutan ko pa sa may garden sina Riley, Jared at Lara. Mukhang


nagkakasayahan rin sila. May ilang bote kasi ng beer sa ibabaw ng mesa. Si Jared
ang unang nakapansin sa akin.

"Uwi ba ito ng matinong babae? Kanina pang alas singko ang labasan nyo di ba?"

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo!" I snapped. At naupo ako sa tabi ni Riley na


bahagyang natawa sa sinabi ko.

"How's the party?" Tanong niya sa akin. Tinawagan ko pala siya kanina para ipaalam
ang lakad ko.

"Okay lang. Umiinom ka ba?"

Si Jared ang sumagot ng tanong ko. "Alam kong aawayin mo ko kaya hindi ko siya
pinainom." Pero duda ako sa sinabi niya dahil may isang boteng bawas na ang nasa
tapat mismo ni Riley. Tinignan ko siya ng masama. Umiwas naman siya ng tingin.
"So, anong meron?" Naisip kong itanong.

"Despedida ni Lara." Sagot ni Riley

"Aalis ka na?" Tumingin ako sa kinaroroonan ni Lara. "Mabuti naman kung ganon!

Ang sama tuloy ng tingin niya sa akin.

Bahagya akong siniko ni Riley. Habang si Jared ay pinipigil ang matawa.

"I mean, mabuti naman at naisipan mong magpadespedida." Biglang kabig ko. "At least
sa huling araw mo dito ay nagkasama-sama tayong apat."

Inaakbayan ako ni Riley at binulungan sa tenga. "You are so mean. Ang cute mong
magselos."

Napasimangot ako. "Hahaha..You're not funny."

Nagbukas ng isang bote si Lara sabay abot sa akin. "Ikaw na lang ang uminom ng
share ni Riley."

"Sure!" Mabilis ko iyong tinanggap. Akala niya siguro ay tatanggihan ko iyon.

"That's enough Sam. Nakainom ka na eh." Awat sa akin ni Riley.

"Mataas ang alcohol content ko. You don't have to worry. Kung sakali mang malasing
ako, nariyan naman ang kaibigan mo para buhatin ako."

"Asa ka pa na bubuhatin kita. Ang bigat-bigat mo kaya." Mabilis na reklamo ni


Jared. Pero pinanlakihan ko lang siya ng mga mata.
For a long moment I was in silent. Hindi kasi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan
nilang tatlo. Tahimik lang akong nakikinig. May mga pagkakataon na nakikisabat ako
sa kanila. Pero madalas ay lumilipad ang isipan ko. At hindi ko namamalayan na
napaparami na pala ang inom ko.

Nagulat pa ako nang biglang tumayo si Riley at inilahad ang kamay niya sa akin.
"Care to dance with me?"

"Ha?" Nagtatakang sabi ko habang nakatingala sa kanya.

"Please..."

Napilitan akong abutin ang kamay niya. "Paano tayo magsasayaw kung wala namang
music?" Ang sabi ko pa pagkatapos kong tumayo.

"Kakantahan ko na lang kayo?" Sabad ni Jared na nagtaas pa ng kamay.

"No thanks! Itago mo na lang yang talent mo."

"She's right pare. Keep it for yourself." Natatawang sabi ni Riley. "Ang mabuti pa
si Lara na lang ang kantahan mo?"

"No way!" Mabilis na pagtutol ni Lara. "Kakantahan ko na lang ang sarili ko."

"Di hamak naman na mas maganda ang boses ko sayo!" Si Jared.

"Asaness..."

"Hayaan na natin sila dyan." Hinila ako ni Riley palayo sa kanila. "Poor Lara.
Mukhang nakahanap si Jared na mabibiktima niya."

"Sinabi mo pa. Mukhang pikon pa naman ang childhood sweetheart mo na iyon!"


I heard him chuckled then he stopped walking. May sampung metro siguro ang layo
namin mula sa dalawa. He pulled me closer and wrapped his arm around my waist.

"Are you really serious? Akala ko nagbibiro ka lang nang sabihin mong magsasayaw
tayo."

He grinned. "I want to take this chance. Matagal na din natin itong hindi nagagawa.
But since wala tayong music, okay lang ba kung ako na lang ang kakanta?"

"Do I have any choice?"

"Kunwari ka pa. Pero kinikilig ka naman." At lalo niya akong hinapit palapit sa
kanya.

"Hmp! Yabang!"

Pagkaraan ng ilang sandali ay naramdaman ko na lang na marahan niya akong


sinasayaw. Then he started to sing.

(Listen to the music video on the right side)

I'll take care of you

Don't be sad, don't be blue

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Riley. It warmed my heart that I was
speechless for a moment.
I'll never break your heart in two

I'll take care of you

Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa mukha niya. As if memorizing each part of it.

I'll kiss your tears away

I'll end your lonely days

I have only three days left. And maybe this is the last time that I will hold him
like this.

All that I'm really tryin' to say

Is I'll take care of you

Life was really funny sometimes. Super excited pa ako na matapos ang pagpapanggap
na ito. Halos hindi na nga ako makapaghintay. Pero bakit ngayon, kulang na lang ay
pigilan ko ang oras para makasama ko pa siya ng mas matagal?

I want you to know that I love you so

I'm proud to tell the world you're mine

Ang yabang ko pa nung una. Akala ko babalik ako sa normal kong buhay na parang
walang nangyari. Akala ko ganon kadaling kalimutan ang mga taong naging involve sa
pagpapanggap na ito. Pero puro akala lang pala ako. Dahil sa bandang huli, kakainin
ko rin pala ang mga sinabi ko.
I said it before, I'll say it once more

You'll be in my heart 'til the end of time

My heart was captured. And before I knew what hit me... I'm already inlove with
him.

But too bad, I fell with a wrong person.

I'll take care of you

Don't be sad, don't be blue

Just count on me your whole life through

'Cause I'll take care of you

Napahinto si Riley sa pagkanta."Are you crying?" As he tried to reach my face,


mabilis na sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Sam?"

Sinisikap kong pigilan ang emosyon. "Don't mind me Rai. Just continue."

Sa halip na kumanta ulit ay mahigpit niya akong niyakap. And kiss me on my temple.
"I love you Sam." He whispered to me.

I bit my lower lip painfully. His words are killing me. Ganon pala ang pakiramdam
kapag sinabihan ka ng I love you ng taong mahal mo pero ibang pangalan naman ang
tinutukoy niya.
Hindi na nga pala niya alam ang pangalan ko. He doesn't even know that I exist. At
kahit kailan hindi niya malalaman na may isang tulad ko ang dumaan sa buhay niya.
Mananatili na lang akong isang invisible hindi lang sa paningin niya kundi pati na
rin sa buhay niya.

"I love you Rai." I whispered softly. But this time I say it with all my heart.

<Jared POV>

Haist! Napakamot na lamang ako ng ulo nang makita ko si Muriel na halos makatulog
ka na sa tabi ni Riley. Matigas kasi ang ulo. Ayaw papigil sa pag-inom. Nagyabang
pa na hindi raw siya nanalasing. Pero tignan mo ngayon, hindi na niya halos
maidilat ang mga mata niya sa sobrang kalasingan.

Ang masama pa nito, ako ang magdurusa dahil sa ginawa niya. Di bale sana kung si
Riley ang magbubuhat sa kanya. Well, kaya naman siguro siyang buhatin ng kaibigan
kung hindi nga lamang sa kalagayan nito. At wala akong pagpipilian kundi buhatin
siya hanggang sa kuwarto niya.

"Please take care of her Jared." Kabilin-bilinan sa akin ni Riley bago ko buhatin
ang girlfriend niyang hilaw.

Oh shit! Ang bigat talaga ng babaing ito! Daig ko pa ang nagbuhat ng isang sakong
bigas.

Sa awa naman ng diyos ay nakarating din kami sa kuwarto niya kahit na kanina pa
nagrereklamo ang mga buto ko dahil sa bigat niya.

Maingat kong ibinaba si Muriel sa ibabaw ng kama. Tuluyan na talaga siyang


nakatulog. Ngunit napakunot noo ako nang mapansin ko ang trace ng luha sa kanyang
pisngi. Umiyak ba siya?

Tsk! Tila naiinis na pinahid ko ng daliri ang pisngi niya. Sabi ko na nga ba! Hindi
man niya ipahalata pero tuluyan nang nahulog ang loob niya kay Riley. I thought she
was strong. Akala ko magagawa pa niyang labanan ang damdamin niya. Pero katulad ko,
wala rin siyang nagawa kundi sundin ang tinitibok ng puso.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Kung minsan napaka-unfair talaga ng tadhana. Kung sino pa ang mahal mo, may mahal
naman iba. And worst, hindi pwedeng maging kayong dalawa.

Bakit ba napaka-trending ngayon ng one-way love affair?

Ganon na ba kasikip ang mundo para hindi pwedeng magkasalubong ang dalawang taong
pwede naman magmahalan?

"You love her, don't you?" Maharas na napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
It's Lara, nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang pinapanood ako.

"Watch your word. Baka marinig ka ni Riley." I warned her.

She smiled bitterly. "What I'm trying to say is, hindi ka naman nag-iisa!" Yun lang
at pagkatapos ay umalis na siya.

A bitter laughed rose inside me. Sometimes life was really unfair.

*******************************************
[19] Chapter Nineteen: Big Decision
*******************************************
Chapter Nineteen: Big Decision

<Riley POV>
Nasa kasarapan ako ng tulog nang may kung anong mabigat na bagay ang biglang
bumagsak sa kama ko at umalog iyon ng malakas.

"Good morning Baby boy!" Masiglang bati ni Sam na nag-dive pala sa kama ko. Doon
tuluyang nagising ang diwa ko.

I was expecting her na mamaya pa siya magigising, since super nalasing siya kagabi.
O baka naman tanghali na at hindi ko lang namamalayan at napasarap ang tulog ko.

"Huy! Wake up na! Gising na jan!" Naramdaman ko ang daliri niya na tumutusok sa
pisngi ko. Pero nagkunwari pa rin akong natutulog.

Ma-try ngang i-goodtime siya!

"Baby boy bumangon ka na!" Ngayon naman ay pinanggigilan niya ang mga pisngi ko.
Halos malamog iyon sa mga kamay niya. Ngunit hindi pa rin ako kumikilos. Sige pa
rin ako sa pagkukunwari.

"Huy! Hindi ka pa talaga babangon jan?" I could imagine her lips pouting. Pinigilan
kong ngumiti.

"Riley naman eh!" Niyugyog niya ako ng malakas sa balikat. At halos maalog pati ang
utak ko.

Sadista talaga ang babaing ito! Pero mahal ko yan!

Then she stopped. Parang nai-imagine ko na ang nakasimangot niyang mukha dahil sa
inis. Ini-expect ko na nga na anumang oras ay dadapo sa katawan ko ang mabigat
niyang mga kamay. Pero naramdaman ko na lang na tila may mahinang hangin ang
humaplos sa tenga ko.

"Kapag hindi ka pa bumangon jan, wala kang matatanggap na kiss mula sa akin!"
Yumuko pala siya para bulungan ako.

Kung hindi ko lamang napigilan ang sarili ko, malamang ay napatawa na ako ng
malakas. Now, she was trying to bribe me. Pero hindi uubra sa akin iyon. Kailangan
ko rin namang magpakipot ng kaunti.

Haist! I heard her frustration. Mukhang susuko na siya sa akin.

"Talaga bang ayaw mong gumising?" Lumungkot bigla ang tinig niya. "O baka naman
kaya ayaw mong bumangon dyan dahil ayaw mo na akong makasama?"

Dinig na dinig ko ang pagbuntong-hininga niya.


"Rai..." Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. "I've never been this scared. Ngayon
lang."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"I thought I was really matapang. I thought I can handle anything. But thinking of
losing you makes me scared."

What she was trying to say?

Then suddenly, bigla na lamang may tumusok sa tagiliran ko dahilan para


mapabalikwas ako sa pagkakahiga.

"Joke!" Ang lakas ng tawa ni Sam. "Akala mo ikaw lang marunong mag-goodtime?"

I thought she was serious. Kinabahan ako dun. Pero bakit parang ang lungkot-lungkot
ng boses niya kanina?

Tinusok na naman niya ako sa tagiliran. Halos mahulog ako sa kama dahil sa sobrang
kabiglaan. Sa asar ko ay hinila ko na lang bigla. At dahil hindi niya napaghandaan
iyon ay bumagsak siya sa akin at nadaganan ako. Nang kumilos siya para bumangon ay
niyakap ko siya ng mahigpit. And I reversed our position. Siya naman ngayon ang
dinaganan ko.

"Weh pikon!" Pang-aasar pa niya sa pagitan ng pagtawa. "Sino kaya ang nagsimula?"

"Sinong pikon?" Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at saka ko siya
hinipan sa bandang tenga niya.

"Stop it Rai!" Halos mapatili siya sa sobrang kiliti.

Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya. "Sshh.. Marinig ka nila. Baka isipin nila
nire-rape kita."

"Nana Tonya!" She tried to scream. Buti na lang at natakpan ko ulit ang bibig niya.

"What are you doing?"

"Sisigaw talaga ako ng rape kapag hindi mo ako pinakawalan." Hindi ako sigurado
kung seryoso siya sa banta niya. Pero nang maramdaman ko ang pagyugyog ng balikat
niya, I knew she was laughing silently. Ang lakas talagang mag-trip nito? Kailan ba
ako mananalo sa kanya.
"Lagi mo na lang akong pinagtitripan. Akala mo papakawalan pa kita?" Banta ko sa
kanya.

"Seriously, hindi na ako makahinga."

Pero hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi naman ganon kahigpit ang yakap ko sa
kanya.

"Riley naman! May pasok pa ako? Baka ma-late na ako sa trabaho."

"Papasok ko pa? Akala ko ba-"

"Magha-half day lang ako ngayon. Tapos bukas ako hindi papasok para masamahan kita
sa ospital."

"Oo nga pala. Bukas na nga pala ang operation ko." Saka ko lang naalala ang tungkol
doon.

"Natatakot ka ba?"

Umiling ako. "Medjo kinakabahan lang. Paano kung hindi maging successful ang-"

"Nu ka ba?" agap niya sa sasabihin ko. At mahina niya akong tinapik sa noo. "Ang
doktor mo na ang nagsabi na malaki ang chance mo na makakita ulit. Kaya alisin mo
na ang worry dyan sa dibdib mo okay? Think positive."

Tumango na lamang ako. Pagkatapos ay kinuha ko ang kamay niya at dinala iyon sa
labi ko. "Sam, promise me na hindi ka aalis sa tabi ko?"

Hindi siya sumagot.

"Promise me, na kahit na anong maging resulta ng operation ko, gusto ko nandyan ka
parin. Huwag mo akong iiwan ha?"

Ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot na bigla na lamang siyang
mawala.

"Sam?" Hindi ako sigurado pero parang narinig ko siyang sumisinghot. "Are you
crying?"

"Nope! S-sinisipon lang ako." She almost whispered. "Nahamugan siguro ako kagabi."
At muli siyang suminghot na para ngang sinisipon lang.
Pero parang nagsisinungaling lang siya.

Click!

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makarinig ako ng tunog ng isang gadget. "What is
that?"

"Kinunan kita ng picture sa cellphone ko." Sabi niya. Bumalik ulit ang masigla
niyang boses.

"Bakit naman?"

"Ang guwapu-guwapo mo kasi lalo na kapag bagong gising ka."

Alam ko na binobola nya lang ako. Kahit sino naman ay weird ang itsura kapag bagong
gising. Pero pagbibigyan ko siya ngayon.

"Tayo namang dalawa." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Magka-smile ka Riley.
One, two, three!"

Click!

"How do we look like?" Hindi ko na napigilang itanong kaagad sa kanya. Para kasing
gusto ko rin makita yung picture.

"Ang guwapo mo kaya dito. Tapos ang ganda ko rin. Kaya ang resulta perfect
combination! Bagay na bagay talaga tayong dalawa."

Kahit hindi ko nakikita ay parang nai-imagine ko na rin ang picture naming dalawa.

"Ipasa mo yan sa cellphone ka ha? Gusto ko rin yan makita after ng operation ko."

"Okay." Matipid niyang sagot.

"Wait! Alam ko dito ko lang nilagay yung cp ko." May kinapa ako sa ilalim ng unan.

"Ako na lang ang maghahanap mamaya." Pigil niya sa akin. "Sa ngayon, kailangan na
nating tumayo at kanina pa tayo hinihintay ni Nana Tonya sa ibaba. Kanina pa
nakahanda ang almusal. At malalagot na tayo kapag lalo pa tayong nagtagal."

"Fine!"
<Jared POV>

Hindi maganda ang gising ko nang umagang iyon. Medyo masakit ang ulo ko na hindi ko
maintindihan. Imposible namang hang-over ito dahil konti lang naman ang nainom ko
kagabi. At kung meron mang nalasing sa aming apat ay si Muriel iyon. Sigurado ako
na hanggang ngayon ay nakahilata pa rin ang babaing iyon sa higaan. Malamang baka
hindi siya makapasok sa trabaho niya.

Pero ako ang nasorpresa sa nadatnan ko sa dinning room. Naroon na silang lahat. Si
Tita Lorie, Riley at Muriel. Of course minus Lara, sa pagkakaalam ko ay maaga
siyang susunduin ng parents niya. At sa mga oras na ito malamang ay nasa airport na
iyon o kaya ay sakay na ng eroplano papuntang London.

Pagdating ko ay naabutan ko silang nag-aalmusal. Si Tita Lorie ang unang nakapansin


sa akin.

"Jared, halika maupo ka na dito at sumabay ka na sa amin."

"Good morning everyone!" Walang gana kong bati. At saka puwesto sa katapat na upuan
ni Muriel. Tinignan niya ako pero nag-iwas ako ng tingin.

"Are you okay iho?" si Tita Lorie ulit.

Ganon na ba ako ka-transparent para mahalata niya ako?

Nang lumipad ang mga mata ko kay Muriel ay nakakunot-noo siyang nakatitig sa akin.

Dug! Dug! Dug! Dug!

Hayun na naman ang pasaway kong puso. At sa palagay ko ay hindi ko na mapipigilan


iyon. Gustuhin ko mang sawayin ang sarili ko. But then again, it was too late for
that now, wasn't it? Mahal ko na siya!.

"I'm fine Tita." Pinilit kong ngumiti.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Nana Tonya at bigla akong hinipo
sa noo. "Hindi ka naman nilalagnat."

"Hangover lang yan pare." Natatawang sabi ni Riley.


"Nah! Hindi naman ganon karami ang nainom ko kagabi."

"Baka naman may masakit lang sayo." si Nana Tonya na hindi pa rin umaalis sa tabi
ko.

"Masakit ang puso ko. And I think its bleeding." Sinapo ko pa ng kamay ang dibdib
ko. Dadaanin ko na lang sa biro para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

They all laughed. Except for Muriel. Tahimik lang siya habang pinaglalaruan ang
pagkain sa plato niya.

Tomorrow is her last day. Hindi ko alam kung anong plano niya. Kung anong tumatakbo
sa isip niya. She looks like she was okay and fine. Bilib nga ako sa kanya dahil
nagagawa niyang itago ang totong nararamdaman niya. But I know she was only trying
to be strong.

Napalakas yata ang pagbuntong-hininga ko kaya namalayan ko na lang na nakatingin


silang lahat sa akin.

"What?" Nagtatakang tanong ko.

"It's positive!" Ang lapad ng ngiti ni Riley.

"Positive what?"

"We've been friends for almost ten years Jared. Kaya kabisadong-kabisado na kita."

"And so?" Hindi ko pa rin siya ma-gets.

Lalo lamang lumapad ang pagkakangiti ng mokong. Habang ang mga tao sa paligid namin
ay naghihintay ng sasabihin niya.

"He's inlove." Mabilis na sabat ni Muriel.

Anong alam niya?

"Who says I'm inlove? And how do you know I'm inlove?" I challenged her.

"Relax! I'm just only bluffing. Pero sa nakikita kong reaksyon mo, obviously you're
guilty."

Binigyan ko siya nang matalim na tingin. But she gave me a smirked.


Ang lakas niyang mang-asar!

"who's the lucky girl?" Tanong sa akin ni Riley.

"Anong lucky? Baka malas na babae?" Pang-aasar pa lalo ni Muriel. Mukhang bumabawi
siya sa mga pang-aasar ko sa kanya dati. And I really can't help na hindi mapikon.

"Yeah right! Malas nga siya dahil yung taong mahal niya ay hindi naman siya
magawang mahalin."

"Eh di malas ka din. Kasi yung babaeng mahal mo, may mahal na iba. Ibig sabihin
hindi ka rin niya magagawang mahalin."

"Bagay pala kayo pare. Kasi pareho kayong malas." Sabat naman ni Riley.

"Ewan ko sa inyo!" Tumayo ako at iniwan na lang silang basta. Baka saan pa mapunta
ang usapan namin. Mabuti nang umiwas. At isa pa nag-iinit na rin ang ulo ko. Which
is not usually me.

Ang lakas kasing mang-asar ni Muriel. Siya lamang ang nakapagpikon sa akin ng
ganitong katindi.

Pero alam kaya niya na siya ang tinutukoy ko? O baka naman alam na niya ang
nararamdaman ko sa kanya?

<Muriel POV>

"Hindi nga seryoso ka?" Si Jena na nakapangalumbaba sa mesa ko.

"Girl hindi ko gusto ang ganyang biro." Para namang ahas na nakapulupot si Ichi sa
braso ko.

Nangingiti na lang ako habang patuloy na inililigpit ang mga gamit ko. Bilib din
ako sa bilis ng radar ng mga kaibigan. Halos kalalabas ko pa lang ng office ni Mam
Lorie, wala pa sigurong ten minutes. Pero heto sila at nalaman na agad nila ang
balita.

"Mukha ba akong nagbibiro? And besides hindi ko iyon desisyon. Sila ang may gusto
na mag-transfer ako sa Davao." Tila may bumara sa lalamunan ko nang sabihin ko
iyon.
Wala akong choice kundi magsinungaling sa kanila. Ang totoo ako ang nakiusap kay
Mam Lorie na ilipat na lang nila ako sa Davao Branch. Sarili ko iyong desisyon.
Kahapon ko lang siya biglang naisip. I think I need a break. Hindi rin naman biro
ang pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw. At sa palagay ko mas mabuti na rin
yung lumayo ako. Para naman makapagsimula ako ulit. Isa pa pabor sa akin iyon dahil
makakasama ko ang pamilya ko doon.

"Ang daya naman! Kababalik mo lang halos sa bakasyon mo tapos ita-transfer ka agad-
agad." Protesta ni Ichi sabay agaw sa akin ng kahon na pinaglalagyan ko ng mga
personal kong gamit.

"Akin na 'yan!"

Pero nanadya na inilayo pa niya sa akin iyon. "Hindi ako papayag na umalis ka.
Magpoprotesta ako. Ipaparating ko ito sa nakakataas."

I smiled bitterly. Kahit magprotesta pa siya, wala rin naman siyang magagawa.

"Kaya pala kagabi ang sinagot mo ang lahat sa pagbi-videoke natin dahil yun na pala
ang pa-despedida mo." Kalmanteng sabi ni Jena pero naroon ang kalungkutan sa boses
niya. "So ibig sabihin friend last day mo na ngayon?"

"Yup." Iniwas ko ang tingin sa kanya. Ayoko siyang makitang malungkot. Baka hindi
ko mapigilan ang sarili ko at bigla na lamang akong umiyak. At iyon ang ayokong
mangyari. I don't want them to see me crying. Hindi iyon ang pagkakakilala nila sa
akin. They knew me as being tough and heartless. At gusto ko sa pag-alis ko ay
ganun pa rin ang tingin nila sa akin.

But to my surprise, niyakap akong bigla ni Ichi. "I will miss you friend. Sorry sa
mga pagmamaldita ko. Pero you know me naman di ba? Nature ko na iyon."

Lumapit na rin si Jena sa amin at nakiyakap. "Payakap na rin."

I will also miss them for sure. Sila lamang dalawa ang naging totoong kaibigan ko
simula nang mapadpad ako dito sa Manila. Kahit kung minsan mga weird at praning
sila, mga totoong tao naman sila.

Oh shit! Emotion started to get in. At bago pa ako tuluyang bumigay ay mabilis
akong bumitaw sa kanilang dalawa.

"Tama na ang drama mga friendship! Utang na loob, ayokong umiyak." Sabi ko nalang
nang lumayo ako sa kanila.

Hala! Dun ko lang napansin. Si Ichi umiiyak na pala. "Bakla wag kang umiyak dyan!
Ang panget mo!" I tried to make the situation lighter. Baka kasi mahawa ako sa
kanya.
"Kung maka-panget ka naman wagas!" Reklamo niya habang pinupunasan ang mga luha sa
pisngi.

"Oo nga ang panget mo day!" Banat naman ni Jena. Pero nakita kong namumula na ang
mga mata niya.

"Kung panget ako, mas lalo ka na!"

"Ang kapal mo! Ikaw lang kaya ang panget sa ating tatlo. Sana nga ikaw na lang
inilipat sa Davao para naman mabawasan ng panget dito sa office."

Isa pa ito sa mga mamimiss ko. Ang bangayan nilang dalawa. Parang ayokong tuloy
umalis.

If I could only be much stronger. Things couldn't be this complicated.

Langya naman kasing pusong ito eh! Daig ko pa ang dinapuan ng virus.

Nagkayayaan magparty-party after work sa pangunguna syempre nila Ichi at Jena.


Despedida party ko raw. Pero tumanggi ako. Hindi ako pwede mamaya. Kaya nga nag-
half day lang ako. Mag-eempake pa ako ng mga gamit ko. At saka nakapangako ako kay
Riley na maaga akong uuwi.

Bilang pakonsuwelo sa matampuhin kong mga kaibigan ay nilibre ko na lang sila ng


lunch. Kumain kami sa labas. For the last time, nagharutan, nag-asaran, nagtawanan
kami habang kumakain. Ala kaming pakialam kahit pagtinginan kami ng mga customer na
naroon. Lalo na si Ichi na malakas ang boses at wala talagang hiya.

Bago kami naghiwalay ay nag-iyakan pa ang mga bruha. Pinagtinginan tuloy kami ng
tao. Akala tuloy nila may shooting ng pelikula. Wagas naman kasi makaiyak ang mga
iyon na para bang mamamatay na ako.

Sumakay ako ng taxi pauwi. Saka ako nakaramdam ng lungkot. Para tuloy gusto kong
bawiin yung sinabi ko kay Mam Lorie at huwag na lamang umalis. Kahit siya ay tutol
sa naging desisyon ko. Nang sabihin ko sa kanya kaninang umaga ang tungkol doon ay
nakita kong nagulat siya. Nagdadalawang isip pa siya nung una kung papayagan niya
ako. Ang sabi pa niya sa akin ay pag-isipan ko raw muna mabuti. Pero that time,
desidido na talaga ako na tila walang makakapigil sa akin.

Ang kailangan ko na lang gawin ay panindigan iyon. Kailangan kong maging matapang
ngayon kahit ang totoo hinang-hina na ang loob ko.

Ang hirap pala ng ganito. Wala akong malapitan. Wala akong masabihan ng tungkol sa
problema ko. Kung ilang beses kong sinubukang mag-open kay Jena pero naduduwag lang
ako. Hindi ko naman kayang lumapit kay Nana Tonya. Ayokong bigyan pa siya ng
alalahanin. Mas lalong hindi naman pwede kay Jared. Wala akong mapapala sa lalaking
iyon. Baka imbes na tulungan niya ako ay pagtawanan niya lang ako.

Pag-uwi ko ay naabutan kong natutulog si Riley sa may sofa. Kanina pa raw ako
hinintay nito, according to Nana Tonya. Panay nga raw ang pangungulit nito na
tawagan ako sa cellphone.

Para talagang bata!

Nangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ko ang pagtulog niya. Kanina bago ako
pumasok sa trabaho ay nag-request siya sa akin na pasalubungan ko raw siya ng
BigMac. Hindi ko tuloy alam kung ako ba ang hinihintay niya o ung pasalubong ko sa
kanya.

Gigising ko na sana siya pero nagbago ang isip ko at hinayaan ko na lang siya.

"Sana paggising mo mawala na lang akong parang bula." wala sa loob na sabi ko
habang hinahaplos ko siya sa buhok.

Pero mabilis ko ring sinuway ang sarili ko. I promise myself na hindi na ako mag-
eemo. Especially kapag kasama si Riley. Stop it Muriel! Stop your foolishness!

Tumayo na ako at iniwanan siya sa sala. Dinala ako ng mga paa ko sa garden. I think
I need a fresh air. Para naman ma-refresh ang isipan ko.

I was busy inhaling the air, nang bigla na lang may dumamba sa akin. Na-out of
balance tuloy ako at nag-landing sa malambot na damuhan.

"Buddy!" Mabuti na lamang naiwas ko ang mukha ko. Kung hindi ay baka nahalikan na
naman niya ako.

"Ano bang meron sayo at pati aso ay gustung-gusto ka?"

Lumipad ang mga mata ko sa pinanggalingan ng boses. Naroon pala si Jared. As usual
hayun na naman ang nakakairita niyang tawa.

Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko na nadumihan. Iiwananan ko na sana siya nang
muli siyang magsalita.

"Samahan mo naman ako dito."

Sa paglingon ko ay doon ko lang napansin ang alak na nasa harapan niya.


"Tanghaling tapat naglalasing ka?"

"Porke ba umiinom ng alak ay nagpapakalasing na?"

Asa pa ako na makakakuha ng matinong sagot mula sa kanya.

"Come here. Samahan mo ako." Tinapik pa niya ang katabing upuan.

"No thanks! Ayokong uminom."

"Hindi naman kita pipilitin uminom eh. Basta samahan mo lang ako."

He looks really different today. May problema ba siya?

Alam kong kukulitin niya lang ako kaya umupo na rin ako sa tabi niya. And besides
masyado pang maaga para mag-empake ako ng mga gamit. Pwede ko naman gawin iyon
mamayang gabi.

"What is your plan?" Narinig ko na lang na tanong niya.

"What plan?" Kunwari ay hindi ako alam ang sinasabi niya.

"What is your plan after Riley's operation?"

"As usual, mawala na lang na parang bula sa buhay niya." Sa gilid ng mata ko ay
nakita ko ang marahas niyang paglingon sa akin. "Kailangan pa bang itanong iyon?
Alam mo naman di ba kung anong mangyayari pagkatapos ng operation niya." At kunwari
ay tumawa ako.

Titig na titig sa akin si Jared na tila pinag-aaralan ako. Pagkatapos ay bigla na


lamang niya akong kinabig sa dibdib niya at saka ako niyakap.

"Jared?" Nagtataka ako sa inakto niya.

"Sshhh.." Ngunit sinuway niya lang ako at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa
akin.

Hinayaan ko lang siya. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit niya iyon
ginawa. But honestly nakaramdam ako ng comfort sa yakap niya. Kahit papaano ay
gumaan ang pakiramdam ko.

"Muriel?"
"Hmmm?"

"Anong gamit mong shampoo?" Naramdaman ko ang pagsinghot-singhot niya sa buhok ko.
"I like it. Amoy strawberry."

Hindi ko siya sinagot.

"Muriel?"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata. "What?"

"Okay lang naman kung aaminin mong may gusto ka sa akin. I could understand. Sanay
na ako na lagi- Ouch!"

Binigwasan ko siya sa sikmura, dahilan para mabitawan niya ako.

Sabi ko na nga ba at pinagtitripan niya lang ako. "Kailan ka ba magtitino ha?"

Sapu-sapo niya ang tiyan habang namimilipit. "Grabe ang bigat ng kamay mo. Ang
sakit nun ha?"

"Hindi lang iyan ang aabutin mo kapag pinagtripan mo pa ako ulit."

"Lagi na lang ba kayo magbabangayan na dalawa?"

Sabay kaming napalingon kay Riley. Hindi namin halos namalayan ang pagdating niya.

"Wala akong kasalanan." Paghuhugas kamay ni Jared.

Ang sarap sapakin ng lalaking ito.

Pero hindi siya pinansin ni Riley. "Sam kanina ka pa dumating?"

"Yup. Naabutan kitang natutulog kaya hindi na kita ginising."

"Sana ginising mo na lang ako." Parang nagtatampo na sabi niya. Wala sa loob na
napalingon ako kay Jared.

"Pre, kanina ka pa ba nakatayo dyan?" Tanong ni Jared rito.


Mukhang pareho kami ng iniisip nito dahil sa nakikita naming mood ni Riley.

Hindi kaya narinig niya ang pinag-usapan namin kanina?

"Hindi ko namalayan nakaidlip pala ako sa kakahintay sayo. Sumakit lang tuloy ang
ulo ko. Asan na yung BigMac ko?"

Saka lang kami nakaramdam ng relieve ni Jared sa sinabi na iyon ni Riley.

Xencia na! Na-paranoid lang!

Natatawang nilapitan ni Jared ang kaibigan at pabirong inipit ang ulo nito sa braso
niya. "Dahil lang sa burger nagkakaganyan ka?"

"I'm craving for it since yesterday." Parang bata na sagot naman nito.

"Sana sinabi mo sa akin kaagad. Pwede naman tayong magpa-deliver as many as you
want?"

"I don't want to disturb you. I know your having issue with your heart."

"What issue? That I'm inlove? Naniwala ka naman sa sinabi ng girlfriend mo." Sabay
lingon sa akin ng mokong. Pero inirapan ko lang siya.

"Hindi kita pipiliting magsalita. Jared bitawan mo nga ako! Sam, where is my
BigMac?" Nagpupumilit siyang makawala sa kaibigan pero hindi naman siya
pinakakawalan nito.

Tumalikod na ako para pumasok sa loob ng bahay. Bahala silang magrambulan na


dalawa! At isa pa, moment nila iyong magkaibigaan.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis
akong tumakbo para sumilong. Pero sina Jared at Riley ay naroon pa sa kinaroroonan
nila kanina.

"Dating gawi?" Narinig kong sabi ni Jared.

"Dating gawi." Sang-ayon naman ni Riley.

At parang mga sira na nagtakbuhan sa gitna ng malakas na ulan.

Nagsama ang parehong isip-bata!


Gustuhin ko man silang suwayin, alam ko naman na hindi rin sila makikinig sa akin.
Nakuntento na lang ako sa panonood sa mga kalokohan nilang dalawa.

Nakita kong lumapit si Jared kay Riley at tila mayroon binulong rito. Tumango naman
si Riley bilang pagsang-ayon. At namalayan ko na lang na patungo sa kinaroroonan ko
si Jared. Parang nahulaan ko ang tumatakbo sa isip niya kaya humakbang na ako
papasok ng bahay. Pero naabutan niya ako. At sapilitang hinila sa gitna ng malakas
ng ulan. Wala na akong nagawa nang pagkaisahan nila akong magkaibigan. Pati si
Buddy nakisali na rin sa amin. Para talaga kaming mga batang paslit na naglaro sa
ulanan. Syempre hindi mawawala ang asaran namin ni Jared. Pero lagi naman to the
rescue sa akin si Riley. At kahit si Buddy ay kumampi sa akin. Sabay-sabay naming
pinagkaisahan si Jared at pinagulong namin sa putikan.

I have fun. First time ko itong ginawa. First time kong makipagharutan sa gitna ng
malakas na ulan. At talagang nag-enjoy ako ng sobra. Mabuti na lang pala at hinila
ako ni Jared sa ulanan at naki-ride on ako sa kanila. Kung hindi, na-missed ko
importanteng moment na ito. At least for the last time, nagkaroon ako ng happy
memories na kasama silang dalawa. Kung pwede nga lang sana i-record ang kaganapan
na ito ay ginawa ko na. Pero sigurado naman ako na hinding-hindi ko ito
makakalimutan.

Ito na huling pagkakataon na makakasama ko ng masaya si Riley kaya lulubusin ko na.


Dahil bukas baka hindi na ako mabigyan ng pagkakataon. At posible rin na hindi na
ito maulit pang muli. Kung pwede ko nga lang alisin sa eksena si Jared ay ginawa ko
na para masolo ko lang si Riley. Pero katulad nga ng madalas niyang sabihin, the
more, the merrier. Pero mas romantic sana kung kaming dalawa lang.

*******************************************
[20] Chapter Twenty: Last Day
*******************************************
Chapter Twenty: Last Day

<Muriel POV>

Humarap ako sa salamin at nakita ko ang mugtong mga mata. Pilit akong ngumiti at
sinuklay ang buhok. Today is my last day as Samantha. At mamaya na ang operation ni
Riley. I almost done packing my things. Pero may ilang gamit pa rin ako na pilit
kong pinagkakasya sa travelling bag para naman isang bitbitan lang. Mamayang hapon
na rin ang flight ko pauwi ng Davao. Hihintayin ko lang matapos ang operation niya
pagkatapos ay saka ako aalis.
Hindi pa ako nakakapagpaalam kina Nana Tonya, Lenny at Mila. Mamaya na lang siguro.
Ganun din kay Jared. Wala siyang kaalam-alam sa pag-alis ko. Ang akala niya ay
aalis lang ako sa bahay na iyon.

Muli kong tinignan ang namumugto kong mga mata. Hindi na ulit ako iiyak. Iyon ang
pangako ko sa sarili ko. At sa palagay ko naibuhos ko ng lahat ng luha ko kagabi.
Sana nga naubos na siya. Lalagyan ko na lang siguro ng ice compress para hindi
mahalata ang pamamaga ng mga mata ko.

Ngunit hindi ko inaasahan ang biglang pagsulpot ni Riley sa kuwarto ko.

"What are you here at this early?" Nang tignan ko ang oras sa suot kong relo, its
only five o'clock.

Para pa nga siyang nagulat nang bigla akong magsalita."I thought you were still
sleeping."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko Rai."

Napakamot siya ng ulo. "Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi. Paputol-putol
ang tulog ko."

I was sitting in my bed. Nang makita kong humakbang siya patungo sa akin ay basta
ko na lang itinabi ang mga nakakalat kong mga gamit sa kama. Pagkatapos ay inaabot
ko ang kamay niya at ini-guide ko siya sa tabi ko.

"Ikaw, why are you awake? Hindi ka naman papasok sa work mo di ba?" Tanong niya sa
akin.

"Nope! Hindi ako papasok. Kagigising ko lang actually. Matutulog sana ulit ako nang
dumating ka." Pagsisinungaling ko sa kanya kahit ang totoo ay wala pa akong tulog
magmula kagabi.

"Are you okay?" Napansin ko ang pananahimik ni Riley.

"I'm scared."

Nagsalubong tuloy ang mga kilay ko. "Scared of the operation?"

Tumango siya.

"Rai, sabi ko naman sayo di ba? Alisin mo yung worry dyan sa dibdib mo. Hindi
makakatulong iyon sayo."
"I know. But I really can't help it. Pakiramdam ko kasi mayroong hindi magandang
mangyayari."

"Forget it. Everything is gonna be okay. Sinisiguro ko sayo iyon." Pero mukhang
hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ko. "Ganito na lang. Motivate yourself
Riley. Isipin mo na pagkatapos nito ay makakakita ka na at magiging normal na ulit
ang buhay mo."

"I had a bad dream last night." Suddenly he said. "Paggising ko after the
operation, nakakita na ulit ako. Pero wala ka na sa tabi ko. Tinanong ko si Mama
kung nasaan ka na. Ang sabi niya umalis ka raw ng hindi nagpapaalam."

I was speechless for a moment. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na
hindi mangyayari ang napaginipan niya. Ang dami ko nang nasabing pagsisinungaling.
And I think I had enough of it.

"Ayokong mangyari iyon Sam. Ayokong mawala ka ulit sa buhay ko. Baka hindi ko na
kayanin."

Pakiramdam ko ay parang may tumusok sa dibdib ko nang makita ko siyang


nagkakaganyan. Nararamdaman siguro niya ang pag-alis ko.

"Some dreams are not meant to happen in real life. Usually, kaya tayo nanaginip ng
ganon dahil iyon ang iniisip natin na mangyayari."

"But what if-"

"Rai, magagalit na talaga ako sayo kapag pinagpilitan mo pa rin yan!" I immediately
cut him off. Gusto kong alisin sa isip niya ang tungkol doon.

"Sorry."

Sinapo ko ng kamay ang mukha niya at iniharap sa akin. "Ilang beses ko bang ulit-
ulitin sayo? Set your mind free from all your worries. It wont happen okay?" Pag-
aasure ko sa kanya. "I will be by side hanggang sa matapos ang operation mo. I
promise." Which is true. Hindi ako aalis hanggat hindi ko nasisiguro na successful
ang operation niya. " At sa paggising mo, sini-siniguro ko sayo na naroon si Sam sa
tabi mo. At maghihintay hanggang sa makakita ka na ulit." Pero hindi ang sarili ko
ang tinutukoy ko, kundi ang totoong Sam.

Finally, mukhang nakumbinsi ko na rin siya. I saw him smiling now. At hindi ko rin
napigilang ngumiti.

When I saw his face moving forward to me, I closed my eyes and wait for his lips.
He claimed my mouth and kissed me lightly and tenderly. I let my heart decide for
me this time. And returned his kisses with same feeling, same intensity. Just as I
thought that this would last forever, suddenly he stopped.

"I love you so much." He murmured as he touched his forehead to me.

I forced a smile through misty eyes. It's more than enough to hear those words from
him. Ang tanging konsolasyon ko ay hindi niya binanggit ang pangalan ni Sam.

What he did next surprised me evenmore. He stroke my hair, then touched the tip of
my nose. Such simple gestures but they sent a thousand and one tingle down my
spine.

Pagkatapos ay bigla na lamang siyang kumanta.

"I'll miss you


Kiss you
Give you my coat when you are cold

Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink


Put you to bed when you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you"

(Grow Old With You by Adam Sandler- from the movie The Wedding Singer)

My heart filled with so much happiness. There's no doubt, mahal na mahal ko nga ang
lalaking ito.

Sakay na kami ng kotse at patungo sa hospital. This is the moment that we've been
waiting for. At ilang oras na lang ay magbabago na ang mga buhay namin. Wala kaming
imikan sa loob ng sasakyan. Walang nagtatangkang magsalita. Si Jared ang nagda-
drive. Siya mismo ang nag-volunteer. Katabi niya si Nana Tonya, na hindi pumayag na
magpaiwan sa bahay. Habang nasa backseat naman kaming tatlo. Nasa left side si Mam
Lorie habang napapagitnaan namin si Riley.

Hindi ko na halos mabilang kung beses na akong napabuntong hininga. Bigla akong
kinabahan. Kanina ay okay pa ako at relax na relax. Pero habang papalapit ang oras
ng operation ni Riley ay parang dumadagundong ang dibdib ko sa kaba. Inabala ko na
lamang ang sarili ko sa pagtingin sa labas. Baka sakaling mawala na lang iyong
bigla. Pagkatapos ay naramdaman ko ang marahan pagpisil ni Riley sa kamay ko.
Napalingon tuloy ako sa kanya and he gave me a smile. Magmula kanina ay hindi niya
binibitawan ang kamay ko na para bang anumang oras ay mawawala ko ako sa kanya.

Wala sa loob na napatingin ako sa rear mirror. Doon nagkasalubong ang mga mata
namin ni Jared. Nakatingin din pala siya sa akin. Ako ang unang nagbawi at muling
tumingin sa labas ng bintana. Baka kasi kung ano pa ang mabasa niya sa mga mata ko.

Ilang minuto na lang ang hinihintay namin at malapit nang ipasok si Riley sa
operating room. Naihanda na siya para sa operasyon niya. He was lying now in
stretcher and waiting for his call. Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya
binibitawan ang kamay ko.

"Rai, let go of me." Yumuko ako para sabihin iyon sa kanya. Pero ayaw pa rin niya
akong bitawan.

"Samahan mo ako sa loob."

Ang lakas ng tawa ni Jared. "Pare, huwag mong sabihing naduduwag ka? Come on! Kaya
mo yan!"

"Para gusto ko ng magselos anak." Si Mam Lorie. "Lagi na lang si Samantha, pansinin
mo naman ako."

"Ma, naman!"

Para namang nahiya ako dun. Baka isipin niya ay masyado na akong pumapapel.

"I'm just kidding son!" Bahagyang tumawa si Mam Lorie at tinapik sa pingi ang anak.
"Gusto ako lang alisin ang kaba mo. You don't have to worry. Nandito lang kami at
magbabantay sayo." Hinalikan nito sa Riley sa noo. "I love you so much son.
Patawarin mo sana ako sa mga pagkukulang ko sayo. But I want you to know, I will do
anything for you. Your happiness is more important to me."

"I love you Ma. And thank you. Thank you for bringing back Samantha to my life."

Lahat sila ay lumipad ang mata sa akin. Pero dedma lang ako.

"It's time Mr. Hontiveros." Pumasok ang dalawang nurse sa kuwarto para sunduin si
Riley.

Lalong himigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Sam?"

"Its okay Rai!"


Hinila niya ako palapit sa kanya at siniil ako ng halik sa mga labi. Pero sandali
lang iyon at pinakawalan din naman niya ako kaagad.

"Promise me you'll stay."

"I promise."

Doon lang niya binitawan ang kamay ko. At sinundan ko na lang siya ng tingin habang
papalayo siya sa amin.

Three hours later...

Hindi pa rin tapos ang operation. Lahat kami ay nag-aabang sa labas ng OR at


naghihintay ng magandang balita. Tahimik lang akong nakaupo sa isang tabi. Katabi
ko si Nana Tonya na mukhang nakatulog na yata sa paghihintay. Si Jared naman ay mas
piniling tumayo habang nakasandal sa pader. At kanina pa niya kinakalikot ang hawak
niyang cellphone.

"Okay I'll wait for you. Pasusundo na lang kita sa airport."

Napalingon ako kay Mam Lorie, kakatapos lang niyang makipag-usap sa kung sinuman
ang nasa kabilang linya. Ngunit kaagad kong napansin sa kanya ang kakaibang sigla
sa mukha niya.

"Samantha is on her way. Pasakay na siya ng eroplano. In less than three hours,
baka nandito na siya." Tuwang-tuwang na sabi pa niya.

"Are you sure Tita?" Parang hindi makapaniwala si Jared sa narinig. Pagkatapos ay
lumingon siya sa akin.

"Last week ko pa nakausap si Samantha. And she confirmed me na babalikan niya si


Riley."

Katahimikan...

"How about this pretending thing?" Si Jared ulit. "Sasabihin mo ba sa kanya ang
tungkol dito?"

"Kailangan Jared. Kailangan niyang malaman for Riley's sake."

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla iyong bumukas.


"The operation was succesful." Nakangiting bungad sa amin ng doktor.

Lahat ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig ang magandang balita.

"Misis, pakihanda na lang po ang kuwarto niya at nang mai-transfer na natin siya."
Sabi pa ng doktor.

"Anong oras siya magigising doc?" Tanong ni Mam Lorie.

"Maybe after six to five hours magkakaroon na siya ng conciousness."

At that time, siguro nasa Davao na ako. Habang ang totoong Samantha naman ay nasa
tabi na niya.

And I guess its time. Dumating na ang oras ko.

"Mam Lorie, aalis na po ako?" Pagpapaalam ko sa kanya.

"Hindi mo ba hihintaying magising si Riley?"

Umiling ako. "Hindi na po. Nariyan naman po si Samantha. Hindi na niya ako
kailangan."

"Hindi mo kailangang magmadaling umalis Muriel." Si Jared na nakalapit na pala sa


akin.

"No, I really have to go. Kailangan ko na talagang umalis."

"Ano ba ang kailangan kong gawin para pigilan kang bata ka?" I just smiled to her
as my answer. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Thank
you Muriel. Thank you for everything."

Nang mapatingin ako kay Jared hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa akin.
Hindi ako sigurado. But I think I saw sadness in his eyes.

"You can go now to his room." Ang tinutukoy ni Mam Lorie ay ang pinaglipatang
kuwarto ni Riley. "You can see him now and say your goodbye."

Umiling ulit ako. "Hindi na po kailangan. Sapat na yung nalaman kong okay na siya."

I don't want to see him. Hindi ko kaya. Siguradong kakain lamang ako ng emosyon ko.
Ngayon pa nga lang na naglalakad ako palayo sa kanila ay nagbabanta na ang mga luha
sa mata ko. And I promise myself na hindi na ako iiyak. Gusto kong panindigan iyon.

I hate saying goodbye. For me it means you will never see that person again. Kaya
nga hindi ako nagsabi ng goodbye kina Ichi at Jena. I'm still hoping that I will
see them soon. But today, I need to say those words to Riley. This is really
goodbye for the both of us. Hindi ko na ulit siya makikita kahit kailan. At hindi
na rin ako umaasa na mangyayari pa iyon.

Goodbye Riley... I whispered to the wind.

At doon ko lang namalayan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko.

<Jared POV>

"Are you out of your mind? Anong pumasok sa isip mo at nagdesisyon ka na umalis na
lang? Di bale sana kung aalis ka lang ng bahay. Pero ang bumalik sa Davao at
magpakalayu-layo that is bullshit!"

Nang malaman ko ang planong pag-uwi ni Muriel sa Davao ay mabilis ko siyang


sinundan. Mabuti na lamang at naabutan ko pa siya. Palabas na nga siya ng bahay at
bitbit ang mga bagahe niya.

"Anong problema mo?" Angil niya sa akin habang nakaupo siya sa mahabang sofa.

"Ikaw ang problema ko!"

"Bakit ako? And will you stop it? Kanina pa ako nahihilo sa kakalakad mo dyan!"

"Hindi mo ito kailangang gawin. Hindi mo naman kailangan umalis at bumalik sa


Davao. If you really want to get out of Riley's life, hindi mo kailangang lumayo."

"Jared?"

"Don't go Muriel. Please..."

She blew out a long sigh. And looked straight into my eyes. "Kailangan kong gawin
ito. Dahil kailangan ko ito."

Parang doon lang ako natauhan. Maybe she's right. Kailangan niyang lumayo para
maka-move on. At hindi ko dapat pairalin ang pagiging selfish ko.
"Jared please, hayaan mo na ako. And besides, kahit pigilan mo pa ako, aalis at
aalis pa rin ako. At wala kang magagawa."

"Kahit itali kita sa poste ng bahay na ito?"

Tinignan niya ako ng masama. "Subukan mo lang at ikaw ang gagawin kong poste!"

Talagang no dice! Buo na talaga ang desisyon niyang umalis.

Nag-prisinta ako na ihatid siya sa airport. Noong una ay ayaw pa niya. Wala raw
siyang tiwala sa akin at baka kung saan ko lang raw siya dalhin. Pero dahil sa
kakulitan ko ay pumayag na rin siya.

Wala kaming imikan sa loob ng kotse. Gusto ko sanang mag-open ng topic. Gusto kong
marinig ang boses niya kahit na madalas ay pinagsusungitan niya ako. Pero hindi ko
naman alam kung paano ko sisimulan. Ilang minuto ko nalang siya makakasama. Wala
akong magawa para pigilan siya. Kunsabay, mas gugustuhin kong umalis siya to heal
her broken heart kaysa naman na mag-stay siya rito at patuloy na masaktan.

Binuksan ko na lang ang stereo. Mas mabuti pa sigurong mag-sound trip na lang kami.

<Listen to the music video on the right side>

(playing Passenger Seat by Stephen Speak)

I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Her hair blowing in the open window of my car

And as we go the see the lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening

I couldn't help but smile. This is the same song I sang to her that makes her
irritated.

And I've got all that I need


Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

Nakakaloko naman ang kantang ito. As if this song was really made for me.

We stop to get something to drink

My mind pounds and I can't think

Scared to death to say I love her

Then a moon peeks from the clouds

Hear my heart that beats so loud

Try to tell her simply

Lumingon sa akin si Muriel na may ngiti sa mga labi niya. "I remember this song.
Wala ka bang balak sabayan ung kanta. Okay lang sa akin. Pwede ko naman pagtiyagaan
ang boses mo."

Umiling ako. Nah! I don't want to ruin the song. It's very special to me.

Oh and I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

She rolled her eyes. "Come on! Wag ka nang mahiya. Promise, hindi ako
magrereklamo." Itinaas pa niya ang kanang kamay niya.

And I smiled sheepishly in returned.

Oh and I know this love grow

But I'm bit slow, Ohh...


Hindi ako pumayag na hindi ko siya maihatid hanggang sa departure area. Eksakto
naman na tinawag ang flight number niya.

"I guess this is goodbye." Napabuntong-hininga pa ako bago ko iniabot sa kanya ang
travelling bag niya.

"I won't say goodbye. Kahit pilitin mo pa ako." Nagawa pa niyang magbiro. Then she
moved closer to me and gave me a big hug. "Mami-miss kita." I heard her said.

"Mami-miss din kita." I answered back. "Wala na kasi akong aasarin eh."

Narinig ko siyang tumawa.

"Susulat ka ha?" Naisip kong sabihin.

"Tamad akong magsulat!"

"Magtext ka nalang o kaya tawagan mo ako."

"Lagi akong walang load."

"Eh di papasahan na lang kita ng load."

Usapang wala lang! Para lang may sabi kami sa isat-isa. Then finally she let go of
me. Parang ayaw ko pa siyang binatawan eh.

"Goodbye?" I looked at her for the last time.

Umiling lang si Muriel sa pagtataka ko.

"Hasta la proxima vez."

Ano daw?

Pero bago ko pa maitanong sa kanya kung anong ibig sabihin nun ay tumalikod na siya
at humakbang palayo sa akin.

Hasta la proxima vez? Ulit ko sa sarili ko. I love you ba ang ibig sabihin nun?

Nakita ko pa siyang lumingon sa akin bago siya tuluyang mawala sa paningin ko. She
was still smiling at me. But I know behind those smile were sadness, pain and
bitterness.
For now, I will let her go. Hahayaan ko muna siya. But when time comes and we meet
again, saka ako kikilos. I will fight for my feelings and do the right thing.

(HASTA LA PROXIMA VEZ is a spanish word. And it means Until next time.)

*******************************************
[21] Chapter Twenty One: Why Me?
*******************************************

Isang maiksing UD lang po ito.. pagtiyagaan nyo ha?

Chapter Twenty One: Why Me?

Six months later...

<Muriel POV>

"Muriel, anong nangyayari sa computer ko?"

"Muriel, nawawala ang mga files ko!"

"Muriel, pasuyo naman ako ng computer ko."

"Muriel, ako na muna! May tinatapos akong report eh."

Halos mataranta ako at hindi malaman kung sino ang uunahin sa kanila. Biglaang
nagkaroon ng technical problem ang server sa office. Lahat tuloy ng files sa
computer ay apektado at hindi magamit. At nagpapanic na ang lahat.
"waahh.. end of the world na yata! Pati signal sa cellphone ko wala rin!"

I rolled my eyes. OA naman masyado itong tabatsoy na ito.

"Muriel ako na dito." To the rescue sa akin si Jasper. Katulad ko ay isa rin siyang
IT. "Ikaw na ang bahala sa computer ni Maila." Tumango ako at mabilis na nagtungo
sa kabilang cubicle.

"Muriel!"

Narinig ko naman ang pangalan ko. Wala na ba silang ibang alam na banggitin kundi
ang pangalan ko? Hindi lang naman ako ang IT rito!

Nang mag-angat ako nang ulo ay si Rissa lang pala iyon. Naroon siya at nakatayo sa
may pintuan ng Accounting Department.

"Kailangan ka namin dito sa loob!"

Kung makasigaw naman wagas! Isang metro lang naman kaya ang layo ko mula sa kanya.

Napalingon ako kay Jasper nang marinig ko siyang magmura. "P.I. naman! Nasaan na ba
si Ronald? Sabi ko sa kanya ay siya ang tumoka sa Accounting eh!"

Hala! Para palang tigre ito kung magalit. Nakakatakot! Ngayon ko lang siyang
nakitang nagkaganyan.

Nang lumipad ang mga mata niya sa akin ay mabilis ako nagbawi ng tingin. Mahirap
na. Baka madamay pa ako sa init ng ulo niya.

"Muriel dito ka na lang. Ako na lang ang pupunta sa Accounting." Mahinahon niyang
sabi na pinagtaka ko.

"Alam mo bang may crush sayo si Jasper?" bulong sa akin ni Maila nang tuluyan
makalayo ang binata.

"Oi, tsismis yan!" Sabat naman ni Carla na nasa kabilang cubicle lang.

Nakakabilib naman ang pandinig nito! Imagine, bulong na iyon pero narinig pa rin
niya. Ang mga tsismosa nga naman!

"Oo nga tsismis na yan!" Pagsang-ayon ko. "Kapag narinig ka ni Jasper siguradong
magagalit iyon sayo."
"Kung magagalit siya, ibig sabihin totoo." Depensa naman ni Maila. "Nu ka ba?
Lahat na halos dito sa office ay napapansin ang kakaibang treatment sayo ni Jasper.
Ikaw lang yata ang hindi nakakahalata."

Nagkibit balikat lang ako. Konting bagay lang, binibigyan na nila ng malisya.

"Bakit ako wala namang nahahalata?" Singit ni Carla. "At saka parang wala naman
akong nakikitang kakaiba kay Jasper."

"Nagbubulag-bulagan ka kasi dahil ang totoo matagal ka ng may gusto ka kay Jasper."
Si Maila ulit.

"Of course not! Bakit naman ako magkakagusto sa payatot na iyon." Pagde-deny pa ni
Carla.

Eksakto naman na katatapos ko lang ma-recover ang mga nabura niyang files. "Maila,
okay na 'tong computer mo." Sabi ko sabay alis. At lumipat sa kabilang cubicle.
Wala akong panahon makinig sa pagtatalo nila.

Bigla ko tuloy naalala sina Jena at Ichi. Ganitong-ganito rin sila kung
magbangayan. Hay... nakaka-miss naman ang dalawang iyon! Actually, last month ay
nagplano silang puntahan ako dito sa Davao. Pero hindi inaprubahan ang vacation
leave nila dahil nagkataon na maraming trabaho sa opisina. Hayun, hindi sila
natuloy. Napurnada ang reunion namin. Ang gusto nga nila ay ako na lang ang lumuwas
ng Manila. Hindi ako pumayag. As if naman na makakaya kong bumalik doon.

I was doing fine and happy sa present status ko. Masaya ako dahil araw-araw ay
nakakasama ko ang pamilya ko. Kung todo asikaso sa akin ang nanay ko. Mukhang
bumabawi siya sa mga panahon na wala ako sa kanila. Okay naman ang work ko. Kung
minsan hassle at stressed, pero hindi naman maiwasan iyon lalo na sa field ng
trabaho ko. So far, mababait naman sa akin ang mga ka-officemate ko. Hindi nga lang
talaga maiwasan ang tsismis. May mga ilan din akong naka-close sa kanila. But
nothing compares to Jena and Ichi.

I remember one time, nagpasa ako ng resignation letter sa office. Naisipan ko


kasing magwork abroad. May dumating na magandang opportunity sa akin from
Singapore. Pero sa hindi malamang dahilan, hindi tinanggap ng management ang
resignation ko. To the point, na tinaasan pa nila ang sahod ko para lamang hindi
ako umalis sa kanila. Wala rin naman akong ibang choice. Tutol kasi ang parents ko
sa pagbalak kong pag-aabroad. Iyon nga lang raw na nasa Manila ako ay hindi
mapanatag ang loob nila. Tapos maiisipan ko pa raw magpunta ng Singapore. Nasira
tuloy ang pangarap kong makarating sa Disneyland.

Ganun pa rin naman ako. Wala naman nagbago sa akin. I was still the hotheaded,
moody, snob, pasaway at sira ulo na babae. I live my life katulad ng dati. But
there were times, I just found myself being alone and thinking about him. Old habit
are hard to forget. It's been six months already. Pero pakiramdam ko parang kailan
lang nangyari iyon.

"Huy!" Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Ronald sa harapan ko. "Ang lalim
ng iniisip mo ha!"

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Sinong iniisip mo? Yung boyfriend mo?"

"Kanina ka pa hinahanap ni Jasper." Bigla kong naalala.

"Hayaan mo siyang hanapin ako. By the way, sabay tayong mag-lunch mamaya. Treat ko.
Aray!"

Biglang sumulpot si Jasper mula sa likuran niya at binatukan siya.

"Ang sarap ng buhay mo! Lahat kami rito ay natataranta na tapos ikaw pa-relax relax
lang. Ang kapal ng mukha mo!" Binatukan nito ulit si Ronald. Pagkatapos ay
hinawakan ito sa damit at binitbit papasok ng Accounting Department.

Nangiti na lang ako. Akala mo kung sinong matapang, eh takot din naman! Si Jasper
lang naman ang supervisor ng mga IT. Mabait siya sa mabait. Pero kapag nagalit
naman parang gugustuhin mo nang magtago at hindi magpakita sa kanya. At buti na
lang hindi ko pa nararanasan na pagalitan nito. Hindi dahil baka may gusto ito sa
akin. Siguro dahil ako muse ng IT department. Ako lang kasi ang bukod tanging babae
sa grupo. Kaya naman pampered na pampered ako sa kanila.

We almost thought that we couldn't make it. Pero bago matapos ang araw na iyon ay
na-revived namin ang lahat ng mahahalagang files. Basta ko na lang binagsak ang
katawan ko sa silya ko. Hay! Nakakapagod. Ngunit hindi pa nga nag-iinit ang puwet
ko sa upuan nang biglang magkaroon ng emergency meeting.

Uuwi na nga lang may meeting pa! Lalo tuloy akong napasimangot. Gutom na gutom pa
naman ako.

Time check: 4 o'clock pm. Ang huling kain ko ay kanina pang tanghalian. Hindi na
ako nakapagmeryenda kaninang alas-tres dahil sa sobrang abala.

Wish ko lang na sana ay sandali lang ang meeting na ito. Uwing-uwi na ako at gutom
na gutom.

Bad news. Nagshut down ang server sa Manila Branch. Kinakailangan nila ng tulong.
Kaya magpapadala raw sila ng mga tao para tumulong roon.

=__= weh hindi nga?


Tinawag ng pinaka-head namin si Jasper. Tinanong nito kung sino sa mga tauhan niya
ang pwedeng ipadala sa Manila. Saglit siyang nag-iisip. Pagkatapos ay isa-isa niya
kaming dinaanan ng tingin.

"Sana ako na lang." Narinig kong bulong ni Ronald na nasa tabi ko pala. Pangarap
nga pala niyang makarating ng Manila.

Sana naman huwag ako! Tahimik ko namang dalangin. Ayaw! Ayoko ng bumalik dun!

Halos hindi ako humihinga habang hinihintay na magbanggit siya ng pangalan.

"I think si Ronald at Jeffrey na lang Sir."

Ganon na lamang ang relief ko.

"Yes! Yes!" Tuwang-tuwang si Ronald na halos mapatalon sa kinauupuan niya. Habang


si Jeffrey ay tahimik lang ang reaksyon. Parang wala lang sa kanya kung siya ang
ipadala sa Manila branch.

At bago matapos ang meeting na iyon, nagpadeliver pala sila ng pagkain para sa
aming lahat. Wow! Nanlaki talaga ang mga mata ko sa dami ng food. Sulit ang pagod
ko kanina.

Pauwi na ako nang makita ko nag-iisang message sa cellphone ko.

Kung gusto mo matawa, dapat paminsan-minsan magpakababaw ka rin. Wag nga lang sobra
; )

Kanino galing? As usual sa pinakamakulit at pinakamasipag mag-forward sa akin ng


quotes.. si Jared! Wala talaga siyang palya. Araw-araw nagte-text siya sa akin.
Kung minsan kung anu-ano lang. Nagpapansin lang. Katwiran niya para raw hindi ko
siya ma-miss. KUng paano niya nakuha ang number ko ay hindi ko alam. Malamang
nilandi niya si Jena o kaya si Ichi para makuha iyon. Sabi niya sa akin nung isang
araw nasa Boston daw siya ngayon. For business purpose daw. Pero duda ako dun.
Siguradong dumayo lang siya roon para mambabae. Kailan kaya magbabago ang mokong na
iyon?

"Bumangon na Muriel at tanghali na!" Sigaw ng nanay ko sa labas ng silid ko.

Five minutes pa ulit. Sabay subsob ng mukha ko sa unan.

"Hindi ka ba talaga babangon dyan!"


Napabalikwas ako nang bigla na lang may humpas sa puwet ko.

"Meh naman eh!" Reklamo ko sabay kamot ng ulo.

"Kapag hindi ka pa kumilos dyan sigurong male-late ka na naman sa trabaho mo. Ang
kupad-kupad mo pa namang kumilos."

"Tatayo na ako!" Sabi ko na lang habang nakapikit ang mga mata.

"Brooke Shield!" Sigaw na naman niya nang matangka akong humiga ulit. Akala ko kasi
ay nakalabas na siya ng kuwarto ko.

Nagtataka kayo kung bakit Brooke Shield ang tawag sa akin ng nanay ko? Favorite
niya yata ung hollywood star na un nung kapanahunan niya. Basta kung sino ung
favorite niyang artista minsan bigla na lang niyang tinatawag sa akin. May mga
pagkakataon na tinawag niya rin akong Juday. Super die-hard fan kasi siya ni Judy
Ann Santos. At saka ang tingin yata ng nanay ko sa mga anak niya ay mukhang
artista. Si Kuya, kamukha raw ni Aga Mulach tapos ung kapatid kong bunso kahawig
naman daw ni Piolo Pascual. Astig di ba? Pero sa loob lang naman ng bahay niya kami
tinatawag ng ganun. At hinahayaan na lang din namin siya. Eh yun ang trip niya eh.

Wala ako sa mood pumasok ng trabaho. Wala lang. Basta tinatamad ako. Pero hindi
naman ako maka-absent. Unang-unang siguradong bubungagaan ako ng nanay ko.
Pangalawa, mabibigyan na ako ng memo sa trabaho. At pangatlo, pucha ala na akong
maisip.

Ngunit sa bandang huli, hayun pumasok pa rin ako sa work. Akala ko pa male-late na
ako. Pag-in ko eksaktong 7 o'clock. Muntikan ng mag- 7:01. Buti na lang. Kung hindi
baka may memo na naman ako.

"Muriel." Napalingon ako ng tawagin ako ni Jasper.

"Bakit?"

Humakbang siya palapit sa akin. "Pwede ka bang makausap?"

"Sure." Sagot ko.

"Personally?"

Bigla naman akong kinabahan dun!

Bakit kaya?
Sumunod ako sa kanya hanggang sa pumasok siya ng pantry.

Kailangan talaga dito niya ako kausapin?

Bigla tuloy akong kinabahan.

"Muriel..."

Teka bakit parang malungkot ang mukha niya.

"I'm sorry!"

"Sorry saan?"

Lalong nagkasalubong ang mga kilay ko nang mayroon siyang iabot sa akin na sobre.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya.

Tinignan ko kung anong laman nun.

"Plane ticket?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "B-bakit? Para saan 'to?" Tuloy
lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Hindi na tuloy sina Ronald at Jeffrey sa Manila. Dahil ikaw ang pinapapunta nila
roon." Napalitan ng maluwag na ngiti ang mga labi niya.

WHHHAAATTTT???

I was so shocked. Parang gusto kong himatayin.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong niya sa akin nang makita ang reaksyon ko.
Akala niya siguro matutuwa ako na malaman iyon.

"Why me?" Reklamo ko at super haba na ng nguso ko.

"Why not you? Ikaw yata ang asset ng kumpanyang ito." Parang gusto niyang matawa sa
reaksyon ko.

"Ayoko!"

"Muriel!"

"Ayoko talaga! Kung akala mo natutuwa ako, nagkakamali ka. Ayokong bumalik ng
Manila!"

"Bakit ba ayaw mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Basta ayoko! Si Ronald na lang ang papuntahin mo dun. Siya naman ang may gusto
eh."

Napabuntong hininga siya pagkatapos. "Para sa kaalaman mo hindi ako ang nagdesisyon
nito. Ang branch mismo sa Manila ang nag-request sayo. Ikaw kaagad ang naisip nila
dahil nga nanggaling ka na dun at kabisado mo na ang pasikot-sikot dun."

Gusto kong manlumo.

"Meaning? Wala akong karapatang tumanggi?"

Tumango si Jasper.

Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana?

Ayoko na ngang bumalik dun eh. Okay lang sana kung sa ibang lugar sa Manila. Pero
bakit dun pa?

Okay na ako. Naka-move on na rin ako. Actually hindi ko nga siya naiisip eh.

Tapos...

Tapos... Makikita ko siya ulit.

Buong akala ko hindi na magkukrus ang mga landas namin. Akala ko hindi ko na siya
makikita ulit. Akala ko makakalimutan ko na siya ng tuluyan. Yun pala puro akala
lang ako.

*******************************************
[22] Chapter Twenty Two: Back to Manila
*******************************************
Chapter Twenty Two: Back to Manila
<Muriel POV>

I never thought for one moment, na muli akong magbabalik ng Manila. It was too far
from what I'm expected. Six months was too soon. And I was unprepared. Pakiramdam
ko tuloy pinaglalaruan ako ng tadhana.

Bigla akong napalingon sa katabi ko nang marinig ang ringtone ng cellphone niya.

Manila, Manila

I keep comin' back to Manila

Simply no place like Manila

Manila I'm coming home...

Hindi ko napigilang mapangiti. Para talagang nanadya ang pagkakataon. And I guess,
this was really my fate.

I was now in the airport. Halos kalalabas ko lang ng arrival area. Hindi naman
ganon kabigatan ang bitbit kong travelling bag. Konti lang naman ang dinala kong
mga gamit. Mahaba na siguro ang limang araw na pananatili ko rito. Kung mas maagang
mareresolba ang technical problem sa opisina mas maaga akong makakauwi at pabor sa
akin iyon.

Ang instruction sa akin ni Jasper ay mayroon raw susundo sa akin. Kung sino siya?
wala akong ideya. Malamang nagtatrabaho rin sa office at napag-utusan lang sunduin
ako sa airport.

Sampung minuto na siguro ang nakakaraan, pero hanggang ngayon ay wala pa rin yung
taong tinutukoy nila na susundo sa akin. At nang tuluyan akong mainip ay lumabas na
lang ako, doon ko na lang siguro siya aabangan.

"Muriel!" Narinig kong may tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Manong Bay
na papalapit sa kinaroroonan ko.

(Sa mga hindi nakakaalala, si Manong Bay ang personal driver ng Boss Lorie ni
Muriel.)

"Anong ginagawa nyo rito Manong Bay?" Hindi ko inaasahan na makikita ko siya doon.
"Nandito ako para sunduin kita."

Meaning, siya ang yung taong tinutukoy nila?

Halos hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla nang mamalayan ko na lang na ipinapasok


na ni Manong Bay ang mga gamit ko sa compartment.

"Pasensya ka na ineng kung nahuli ako ng dating. Alam mo naman ang traffic dito sa
Maynila, walang katulad." Pagkatapos ay binuksan niya ng pintuan ng kotse para sa
akin. "Sakay na!"

"Manong Bay saan nyo ba ako ihahatid?" Naisip kong itanong. May naglalaro sa isip
ko na ayoko sanang bigyang pansin.

Nginitian lamang niya ako at marahan na tinulak papasok ng kotse. "Malalaman mo rin
mamaya." Makahulugang sabi niya na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba.

This was just a dream! This was just a dream!

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. But everytime I opened my eyes, iyon at
iyon pa rin ang nakikita kong tanawin sa labas.

"Muriel, hindi ka pa ba bababa?" Tanong sa akin ni Manong Bay nang sumungaw siya sa
katabi kong bintana. Mga limang minuto na siguro kami na naroon. Nakita kong
naibaba na rin niya ang mga gamit ko.

"Muriel!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na tinig. Si Nana Tonya.

Napilitan tuloy akong bumaba ng sasakyan.

"Muriel iha!" Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. "Kamusta ka na?" Nang
bumitaw siya sa akin ay tinitigan niya ako. Napilitan naman ako na ngitian siya.
"Bumagay sayo ang bago mong buhok. Lalo ka tuloy gumanda. May nobyo ka na siguro
noh?"

Ang tinutukoy niya ay ang mahaba kong buhok na itim na itim pero may kulay pula
naman sa ilalim. May nakita kasi akong K-pop artist na may ganong klaseng hairdo.
Napag-tripan ko lang subukan. Wala lang. Maybe for a change.

"Tonya papasukin mo muna ang bisita natin bago mo usisain!" Saway ni Manong Bay
rito.

"Eto namang matandang 'to, KJ!" Sabay irap rito ni Nana Tonya. "Halika na nga sa
loob Muriel. Tamang-tama mayroon akong mga niluto para sayo." At hinila na niya ako
papasok ng bahay. At wala akong nagawa kundi sumunod.

Dire-diretso kami sa kusina. Ang favorite spot ko sa bahay na iyon.

Mabilis na naghain ng pagkain si Nana Tonya habang pinapanood ko naman siya. Ganun
pa rin siya, maasikaso at maalaga. Parang walang nagbago.

"Sina Lenny at Mila po nasaan?" Naisip kong itanong. Kahit ang totoo ay ibang tao
ang gusto kong itanong sa kanya.

"Si Mila, hayun nakipagtanan sa nobyo niya. Mga dalawang buwan na siguro ang
nakakaraan. Si Lenny naman ay pansamantalang umuwi sa probinsya. Heartbroken yata."

"Heartbroken?" Natawa naman ako sa narinig.

"Ang sabi niya pinagpalit raw siya ng nobyo niya sa ibang babae. Ilang araw ngang
parang wala sa sarili nang mangyari yun. Pagkatapos bigla na lang nagdesisyon umuwi
ng probinsya nila. Eh hindi ko na rin pinigilan. Naisip ko na mas makabubuti sa
kanya iyon."

"Eh di wala kayong katulong rito?"

"Nariyan naman si Weng. At saka may inupahan na tao si Lorie para maglinis ng buong
bahay isang beses sa isang linggo."

Napatango na lang ako.

"Alam mo ba? Naging malungkot itong bahay nang mawala kayong dalawa ni Jared."

"Nasanay lang po kasi kayo na mayroong laging nag-aasaran. At si Jared, maingay


naman talaga iyon at saka sobrang daldal. Daig pa ang babae."

Tumawa siya ng malakas. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago."

"Nana Tonya, nandyan na ba si-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita niya
ako.

Hindi ko naman inaasahan ang biglang pagsulpot niya.

"Riley, akala ko ba nasa opisina ka." Sinalubong ito ni Nana Tonya. Pero ang mga
mata niya ay hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"May bisita pala tayo."

"Oo nga pala si Muriel. Siya yung sinasabi ng Mommy mo. Dito muna siya pansamantala
habang may inaayos siya sa opisina nyo." Kaswal na pagpapakilala sa akin ni Nana
Tonya. At hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon na parang walang nangyari noon.

Nakita kong ngumiti si Riley at lumapit sa kinaroroonan ko para ilahad ang kamay sa
akin. "Nice meeting you."

Biglang lumakas ang tibok ng aking puso. At sa palagay ko ay hindi na magbabago pa


iyon. Unless magka-amnesia ako at makalimutan ko siya ang lalaking minahal ko. But
even then, I knew my heart could still recognize the man I had loved.

Napilitan naman akong abutin ang kamay niya. "S-same here." Halos pabulong na sabi
ko at pinilit kong ngumiti. Ayokong makahalata siya.

"Is this your first time in Manila?" Tanong niya na hindi binibitawan ang kamay ko.

Umiling lang ako.

"Ganon ba?" Then he chuckled. "Anyway, just feel at home."

"Thank you." Sabay bawi ko sa kamay ko at sa wakas ay binitawan din naman niya.

Pero hindi pa rin inaalis ni Riley ang pagkakatitig sa akin. At nako-concious na


ako.

"Riley, bakit ka nga pala nandito?" Si Nana Tonya na bigla na lang humarang sa
harapan ko. "Di ba dapat nasa opisina ka?"

"May nakalimutan kasi akong papeles sa kuwarto kaya binalikan ko."

"May kailangan ka pa ba?"

"Wala na po. Paalis na nga sana ako."

Ngunit bago siya humakbang palabas ng pintuan ay muli niya akong sinulyapan. "Nice
meeting you again Muriel." Then his smile flashed again.

"Umalis ka na iho! Baka ma-traffic ka pa!" Nakasunod sa likuran niya si Nana Tonya
at tinulak siya nito na makalabas ng tuluyan.
"Bakit mo nyo ba ako pinapaalis kaagad? Anong meron?" Narinig ko pang reklamo ni
Riley na may halong biro.

Doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang mawala siya sa paningin ko.

I already knew that this would be happen. Pagtungtong ko palang sa bahay na iyon,
alam ko na magkikita kaming dalawa. Kahit gaano kalaki ang bahay na iyon at kahit
anong gawin kong pag-iwas sa kanya, sigurado na wala akong kawala.

Nice meeting you again, Muriel!

That was the very first time he called me by my real name. At hindi ko alam kung
anong dapat kong maramdaman. Naghalo-halo na kasi ang emosyon ko para sa araw na
iyon.

Ilang sandali ay muling bumalik si Nana Tonya. I tried to pretend as if nothing


happened.

"Okay ka lang ba Muriel?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Marahil nahalata niya
pagiging uncomfortable ko sa presensiya ng binata.

"Okay lang po ako." Pagsisinungaling ko. "Nagulat lang siguro ako ng bigla siyang
sumulpot."

"Hindi ka naman niya siguro mahahalata. At isa pa mula nang makakita siya ay wala
naman siyang pagdududa. Hindi niya malalaman na ikaw ang kasama niya nung mga
panahong wala siyang paningin."

"Nasaan po si Samantha? Dito rin ba siya nakatira?"

"Wala siya dito. Nasa abroad yata. Dun kasi siya nagtatrabaho diba? Pabalik-balik
lang siya rito para kay Riley."

Mabuti naman kung ganon! Akala ko pati siya ay makakasama ko sa bahay na iyon.
Kapag nagkataon, mapipilitan talaga ako na mag-stay na lang sa hotel kahit gumastos
pa ako.

"Kamusta naman po sina Riley at Samantha?" Lulubus-lubusin ko na ang pag-uusisa ko


para na rin sa ikakatahimik ng kalooban ko.

"Mukhang okay naman sila." Matipid na sagot ni Nana Tonya na ikinadismaya ko.
"Halika at kumain ka na. Lalamig ang pagkain." At hinila niya ako palapit sa mesa.
Sa tingin ko ay ayaw niyang magkuwento tungkol dun. Hindi ko na siya pipilitin
Hay.. makalamon na nga lang!

<Riley POV>

"Finally! I've been calling you for a hundred times but you never answer your
phone!"

"I'm so sorry baby! Busy lang talaga ako sa work." Sabi ni Samantha sa kabilang
linya. She was now in Singapore and working as a professional photographer.

"I thought you're going back home today."

"I can't make it. I have a lot of work load."

"But you promise me."

"Sorry talaga! I was supposed to leave nang biglang dumating ang kliyente ko. Hindi
ko naman siya pwedeng iwanan na lang basta."

Napabuntong-hininga lang ako. Paulit-ulit na lang nangyayari ito. At sa huli, wala


rin naman akong magawa kundi unawain siya.

"So kailan ka uuwi?"

"I don't know yet. I'm not so sure of my schedule."

Again?! Hindi ko na talaga maipinta ang mukha ko sa sobrang inis.

"Riley are you still there?"

Hindi ako sumagot.

"Baby! Try to understand my situation." There she goes again. Dinadaanan naman niya
ako sa paglalambing niya. "Please.. be patient to me."

"Sam, ang gusto ko lang naman ay ang makita at makasama ka kahit isang araw lang.
Hindi ba pwedeng mangyari iyon?"

"I don't want to promise. Alam ko na madalas na hindi ko natutupad iyon. But I will
make sure to find time for the both us."

"Pero kailan mangyayari iyon?" Nagtaas na ako ng boses.

"Be patient. Please baby! Huwag ka nang magalit sa akin, okay!"

Hanggang kailan ba niya ako gagamitan ng ganitong strategy? Nag-iinit na nga ang
ulo ko at gusto ko nang magalit. Pero heto siya at cool na cool pa rin.

So where is the hotheaded Samantha now?

Suddenly I miss her. Na-miss ko yung taong nakasama ko nung hindi pa ako
nakakakita. I miss the girl who turns my mood upside down. Who makes my head ache
and makes me angry but makes me smile afterwards.

"Oh no baby, I got to go. Tatawagan na lang kita mamaya okay. Bye!"

End tone... And she's gone.

"I miss you.. so much!" Sabi ko na para bang maririnig pa niya ako.

"Sir may I remind you about your meeting with Mr. Salazar at two o'clock." My
secretary voice through intercom.

"Cancel all my appointment today Gail."

"Sir?" Parang nagulat pa ito sa sinabi ko. "O-okay Sir. I got it!" Then she
disappeared on the line. I don't need to make an explanation. She already knew me
as her boss.

Bahagyang hinilot ko ang noo nang makaramdam ng pananakit ng ulo. I'm not in the
mood of going out today. And besides may mga problema pa ako na kailangang harapin
sa opisina.

And speaking of the problem, muli ko na naman naalala ang tungkol sa nangyari sa
main server ng kumpanya. That was really a huge problem. Nung isang araw nang
biglang mag-shut down ang lahat ng system, I almost panic. First time nangyari
iyon. At dahil doon naapektuhan ang lahat ng transaction ng kumpanya. In just one
day ang laki ng nalugi sa amin. Nanghiram sila ng ilang IT sa ibang branch para
makatulong. At kahapon bahagyang nakapag-operate ang kumpanya. Business as usual.
Pero madami pa raw kailangang i-recover at i-revive na files. I'm not a techie
person. Wala akong alam sa mga bagay na may kinalaman sa mga software or anything
na related sa computer system ng kumpanya. Kaya nga ipinaubaya ko na ang lahat sa
IT Department ang tungkol sa bagay na ito. And from what I've heard, may inaasahan
silang isang tao na makakatulong ng malaki para maresolba agad ang problema. They
just waiting for her arrival all the way from Davao.

Doon ko lang napagtuunan ng pansin ang isang folder na nasa gilid ng desk ko. It
was Muriel Shane Gonzales profile. Hiningi ko iyon kanina kay Gail padating ko.

I was just curious of her kaya ko gustong makita ang personal background niya. When
I met her earlier, it seems that I had known her but I couldn't just remember. Nang
marinig ko ang boses niya, I really thought na siya si Samantha. Kaya nga bigla
akong napasugod sa kusina. But I only saw the unfamiliar face. Sigurado ako na
hindi ko pa siya nakikita before. And there something in her that I couldn't
explain.

I was about to open her files when my cellphone rang. It's my mother.

"Ma! How are you doing there in Barcelona?" She was now in a vacation. I let her to
travel anywhere she wants to go. It's my gift to her. I knew she had a lot of tough
times and I guess its time for her to enjoy her life. I promise her na ako na muna
ang bahala sa kumpanya. Wala rin naman siyang maaasahan kundi ako na anak niya.

"I have a lot of fun. Parang ayokong na tuloy umuwi dyan."

Ang lakas ng tawa ko. "Take your time Ma. Just enjoy. Don't worry ako na ang bahala
rito."

"I know son. And I have faith in you. Anyway I heard about the problem in-"

"Don't think about it Ma." Agap ko sasabihin niya. Ayoko ko siyang bigyan ng
alalahanin habang nasa malayo siya. Kaya nga hindi ko ipinaalam sa kanya na ang
tungkol rito. Ngunit kung paano niya nalaman ito, I really have no idea.
"Everything is gonna be alright. Unti-unti nang nase-settle ang problem."

Narinig kong tumawa si Mama sa kabilang linya. "Hindi naman ako nag-aalala. I just
heard about it. Anyway, kaya ako tumawag para ipaalam sayo na sa bahay ko pinatuloy
si Muriel. Hope you don't mind?"

"The IT from Davao? She was already arrived."

"Did you met her?"

Napakunot-noo ako sa tono ng boses ni Mama. "Yes, I already met her."

"And?"

"And what, Ma?" Naiintriga ako sa klase ng pagtatanong niya.


"N-nothing son. Don't mind me."

Weird! Pakiramdam ko mayroon siyang itinatago sa akin.

And I wonder what is so special about that girl? It seems that everyone likes her.
Lalo lang tuloy akong na-curious.

I was driving back home from work when I saw that familiar girl walking on the side
of the road. She was holding a plastic bag from 7 Eleven. I think she was eating
something that I couldn't recognize. Huminto ako sa tapat niya.

"Muriel!" I called her. Ibinaba ko ang salamin para makita niya ako.

Napahinto siya sa paglalakad. At para pa nga siyang nagulat nang makita ako. The
ice cream on her hand was freeze in the air.

"Hop in. Sumabay ka na sa akin sa pag-uwi."

Umiling lang siya.

Lalo lamang lumuwang ang pagkakangiti ko sa naging response niya. "Come on! Sumabay
ka na sa akin. Dalawang kanto pa ang lalakarin mo at malayu-layo rin iyon."

"No thanks!" Sa wakas ay nagsalita rin siya. "Mas gusto kong maglakad." She almost
whispered.

Mabuti na lang at malakas ang hearing sense ko.

"But I insist." Ako ulit.

Muli siyang umiling at pilit na ngumiti. "Please, hayaaan mo muna ako." At saka
siya naglakad ulit palayo.

Hindi na ako nagpilit. Mas gusto niya talagang maglakad. At sa palagay ko mas gusto
niyang mapag-isa.

Pinaandar ko na ulit ang kotse hanggang sa malagpasan ko siya. Sinilip ko siya sa


rear mirror. I saw her looking at the my car.
<Muriel POV>

Huminto ako sa paglalakad at sinundan ng tingin ang papalayong sasakyan ni Riley.

I blew out a long sigh. Everytime I saw him, it brings back all the memories I
tried to forget. And worst, hayun na naman ang pamilyar na sakit sa dibdib ko. How
I wish I could erase everything I felt in him.

"Nanadya ka ba talaga Riley?" I said in the air. "Hindi ba pwedeng huwag mo na lang
akong pansinin na parang hindi mo ako nakikita?"

I was once invisible in him. Invisible in a sense of being not able to see me
because of his sight problem. At sana nga ay ganon pa rin siya sa akin. Pero
imposible nang magyari ang iniisip ko. He already regain his sight. Siguro kung
hindi ako nakatira ngayon sa bahay nila at hindi kami magkikita sa opisina baka
pwede pa na hindi niya ako pansinin. At ang isa ko pang problema ngayon, he was now
my boss. Nalaman ko kay Nana Tonya na nagbabakasyon pala si Mam Lorie sa ibang
bansa. And she hand over the company to her only son. Hindi man si Riley ang direct
superior ko pero siya pa rin ang boss ko.

I think I need to get used of it. Dahil sa sitwasyon ko ngayon, siguradong


mapapadalas pa ang pagkikita at paghaharap naming dalawa. Ang problema ko lang
naman ay itong pasaway kong puso. Matigas ang ulo. Manang-manang sa amo. Sinabi ko
ng kalimutan na siya pero hindi nakikinig sa akin.

Napatingin ako sa hawak kong Magnum na medyo natutunaw na. Nawalan na tuloy ako ng
gana na ubusin iyon. Kanina lang ay para akong naglalaway na makakain nun. Ngunit
sa isang iglap bigla na lang akong naumay. Hala! Pati pala appetite ko ay apektado.
Kasi naman! Bigla na lang sumusulpot ang lalaking iyon!

<Riley POV>

Kagagaling ko lang sa itaas nang makasalubong ko si Nana Tonya.

"Napansin mo ba si Muriel?" Tanong niya sa akin sa pagtataka ko.

"Hindi po." Sagot ko. "Wala ba sa kuwarto niya?"

Napatingin ako sa may bintana nang marinig ang malakas na pagkulog at pagkidlat sa
labas.
"Kagagaling ko lang sa kuwarto niya pero wala naman siya dun. Nasan na kaya ang
batang iyon?"

"Sa laki ng bahay na ito, malamang ay nariyan lang siya sa tabi-tabi at baka
naligaw lang." I tried to make a joke.

"Hindi kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik?" Hindi na maitago ni Nana
Tonya ang pag-aalala para rito. "Ang sabi niya ay may bibilhin lang daw siya. Pero
kanina pa iyon."

Biglang nawala ang mga ngiti ko sa labi at napatingin sa bintana dahil sa lakas ng
buhos ng ulan. "Nakita ko siya kanina naglalakad pauwi."

"Saan mo na siya nakita?"

"Sa may labasan. Pinilit ko pa nga siyang sumabay sa akin pero ayaw naman niya. Mas
gusto niya raw maglakad." Baka naman inabutan siya ng ulan kaya hanggang ngayon ay
wala pa rin siya?

"Hindi kaya may nagyaring masama sa kanya?" Nabalutan ng takot ang mukha ni Nana
Tonya. "Riley!" Biglang siyang kumapit sa braso ko. "Hanapin mo siya. Balikan mo
siya sa labas kung saan mo siya huling nakita. Sige na!"

"O-opo!" Bigla rin akong kinabahan ng mga oras na iyon. Mabilis kong kinuha ang
susi ng kotse. Palabas na sana akong pintuan nang makasalubong ko si Muriel. Yakap
niya ang katawan habang basang-basa siya.

"Muriel!" Mabilis na sinalubong ito ni Nana Tonya. "Sus na bata ka! Saan ka ba
galing? Masyado mo akong pinag-alala!"

"I-inabutan po kasi ng malakas na u-ulan s-sa-"

She was freezing. Nanginginig ang panga niya na halos hindi siya makapagsalita.

Mabilis na hinubad ang suot kong jacket at pinatong ko iyon sa giniginaw niyang
katawan.

"T-thanks." Sabi niya na hindi tumitingin sa akin.

"Kung sumabay ka lang sa akin kanina, hindi ka sana aabutan ng ulan!" Hindi ko
naiwasang makaramdam ng inis. Pakiramdam ko kasi ay ako ang may kasalanan. Kung
pinilit ko pa sana siya ay hindi ito mangyayari sa kanya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Ni hindi nga niya magawang tumingin sa
akin.
"Umakyat ka na sa kuwarto." Utos ko sa kanya. Hindi ko matagalan na makita siyang
basang-basa at giniginaw sa lamig. "Maligo ka at magpalit ng damit. Baka magkasakit
ka pa."

"Halika na iha." At inalalayan siya ni Nana Tonya sa pag-akyat patungo sa silid


niya.

At sinundan ko lang siya ng tingin.

*******************************************
[23] Chapter Twenty Three: He's Curious
*******************************************
Finally, nakapag-UD na rin ako! Senya na kung medjo natagalan ^_____^ peace
everyone!! Happy reading...

Chapter Twenty Three: He's Curious

<Riley POV>

"Good morning Nana Tonya!" Masiglang bati ko pagpasok pa lang ng kusina. Maganda
kasi ang gising ko nang umagang iyon. Pakiramdam ko ay fully charge at nasa
kondisyon ang katawan ko.

"Maupo ka na at saluhan mo si Muriel sa agahan." Sabi ni Nana Tonya sa akin habang


abala sa paghahanda ng pagkain.

Mabilis na lumipad ang mga mata ko sa kinaroroonan niya. Lumapit ako at pumuwesto
sa katapat niyang upuan.
"Morning!" Bati ko sa kanya.

Doon lamang siya nag-angat ng mukha. "Good Morning Sir!" Ganting bati niya. Bagamat
nakangiti siya ay parang pilit lamang ang iyon.

"Just call me Riley." I said. Still smiling. "I really hate formality. Pakiramdam
ko tuloy ang tanda-tanda ko na."

Tumango lamang siya. And to may dismay, muli siyang yumuko at nagpatuloy sa pagkain
niya.

What's with her? Bakit ba napakatipid niyang magsalita!

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Unintensionally ay nataasan ko siya ng


boses. Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit parang naiilang siya sa akin?

"Muriel..."

Nabitawan niyang bigla ang hawak na kutsara sa pagkabigla.

Binanggit ko lang naman ang pangalan niya. Anong nakakagulat dun?

"M-may sinasabi ka?" Halos pabulong na tanong niya nang tumingin siya sa akin. Mga
two seconds lang yata yun tapos nag-iwas na siya ng tingin.

"About last night..." Pagsisimula ko at pagkatapos ay humugot ako ng malalim na


paghinga. "Just forget about what happenned last night. I never meant to-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko na hindi siya nakikinig sa akin.
Patuloy kasi siya sa paglalaro ng hawak niyang tinidor sa pagkain na nasa plato
niya.

"Muriel!" Medyo naiinis na ako sa kinikilos niya.


"Ha? Ako ba ang kausap mo?"

I rolled my eyes. Malamang, alangan naman sarili ko ang kausapin ko? Gusto ko
sanang sabihin pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"S-sorry! May iniisip lang kasi ako." At sa pagkamangha ko ay tumayo siyang bigla.
"Nana Tonya, pahingi po ng pineapple juice."

"Kumuha ka na lang sa ref." Sagot ni Nana Tonya.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng ref at binuksan iyon.

Nakakapikon na siya! Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako nag-eexist sa paningin niya.

Ganun ba talaga siya?

Parang...

Parang may sariling mundo?

Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang ako. Maganda ang gising ko at
ayokong masira iyon dahil lang sa kakaibang babae na nasa harapan ko.

"Oo nga pala Muriel, bakit hindi ka na lang sumabay kay Riley sa pagpasok ?" Si
Nana Tonya na lumapit sa kinaroroonan ko.

Nang marinig iyon ng dalaga ay bigla nitong naibuga ang iniinom nitong pineapple
juice.

> _ > Mabuti na lang at malayo siya sa akin.

Bigla tuloy napasugod si Nana Tonya sa tabi nito.


Ubo!

Ubo!

Ubo!

Pulang-pula na ang mukha ni Muriel. Habang patuloy naman ang matanda sa paghagod
sa likuran nito.

"Ano bang nangyari sayo bata ka?"

"Nasamid lang po ako." Sagot niya habang patuloy pa rin na nauubo.

Habang ako ay tahimik lang na nakamasid sa kanilang dalawa.

"Okay na po ako!" She was already recovered. Pero naroon pa rin ang pamumula ng
mukha niya. Pati ilong niya ay pulang-pula. Which made her really cute!

"Sigurado ka ba na ayos ka na?"

Tumango si Muriel. "Mauna na po ako Nana Tonya." At mabilis niyang dinampot ang
bag niya na nasa silya. "May dadaanan pa kasi ako eh."

"Sumabay ka na kay Riley. Iisa lang naman ang pinapasukan ninyong trabaho."

"Hindi na po. Magko-commute na lang ako."

"Anong magko-commute? Eh may sasakyan naman."

"Nana Tonya!" Bahagya niyang pinanlakihan ng mga mata ang matanda.


"Sumabay ka na Muriel. Huwag ka nang mahiya kung iyon ang iniisip mo. At saka okay
lang naman kay Riley kung sabay kayong pumasok. Di ba iho?" Sabay lingon ni Nana
Tonya sa akin.

Tumango na lang ako habang busy pa rin sa pagnguya. Wala namang kaso sa akin kung
isabay ko siya. Kaya lang ang problema, mukhang ayaw talaga niya. At hindi ko alam
kung bakit?

Wala ring nagawa si Muriel kundi sumabay sa akin. Wala siyang panalo kay Nana Tonya
pagdating sa kakulitan. At saka talagang binantayan siya nito para hindi siya
maalis ng mag-isa.

Nakalabas na kami ng bahay. Dire-diretso ako sa kotse ko. Habang kasunod ko naman
sa likuran ko si Muriel. Hindi maipinta ang pagmumukha niya. Halos sumayad na nga
sa lupa ng nguso niya.

Pero cute pa rin siya. Nakakaaliw tignan ang nakatikwas niyang nguso!

Aw! Aw!

Napalingon ako nang marinig ko ang pagtahol ni Buddy. Sumipol ako para lumapit
siya sa akin. Ang bilis ng takbo niya. Parang sabik-sabik siya na makita ako.

Nakahanda na ako sa pagsalubong niya. Ngunit sa aking pagtataka ay nilagpasan niya


lang ako. Dire-diretso siya kay Muriel. Sabay damba rito. Dahilan para matumba sa
damuhan ang dalaga.

"Buddy!" Sigaw niya. Habang pinapaliguan siya nito ng halik sa buong mukha.

Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. How come na naging magiliw si Buddy sa
isang estranghero? Kay Samantha lang naman siya ganon.

Maliban na lang kung matagal na niyang kakilala ito.


"Baka gusto mong pigilan ang alaga mo?" She almost hissed.

"Buddy stop it!" Utos ko. At humakbang ako palapit at hinila ito palayo sa kanya.
"Go to your house. Now!" Pagtataboy ko. Sumunod naman ito at nagtatakbo palayo.

Paglingon ko ay nakasalampak pa rin si Muriel sa damuhan. Lumapit ako sa kanya at


inilahad ang kamay ko.

Tinanggap naman niya iyon sabay hila sa kanya para makatayo siya.

"Pasaway talaga ang asong yan!" Narinig kong bulong niya habang pinapagpagan ang
nadumihang pantalon.

"Sorry for that! Kahit ako ay nagulat sa naging attitude niya. Hindi naman siya
ganyan sa ibang tao."

"Okay lang! Hindi naman ako takot sa aso." Mabilis niyang sagot. "Umalis na tayo.
Baka ma-late pa tayo sa trabaho." Nagpatiuna siyang sumakay ng kotse at sumunod na
rin ako.

Hindi ako makapag-concentrate sa pagda-drive. Kahit anong pigil ko sa sarili ko ay


hindi ko maiwasan na hindi sumulyap sa katabi ko. This feeling was really new to
me. I was so curious about her, kaya lahat na lang ay napapansin ko sa kanya.

There's something in her that I couldn't explain. Hindi ko ma-pin point kung ano
yun. I've never been this curious. Lalo na pagdating sa isang babae.

Unless... may gusto ako sa kanya.

Pero imposibleng mangyari iyon. Si Samantha ang mahal ko. At sa matagal na panahon
wala akong pinag-ukulan ng atensyon kundi siya. Kahit nung nag-break kami dati.
Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa ibang babae. Ngunit walang nangyari. Siya
pa rin talaga ang gusto at mahal ko. At wala ng iba pa.
Focus on the road Riley! I tried to motivate myself.

Pero may instances pa rin na natatagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatingin sa


kanya. Lalo na kapag nakahinto ang kotse at naka-red ang traffic light.

Nakuha ng atensyon ko sa malaki pilat (peklat) sa kaliwa niyang kamay.

"Where did you get that?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

Kaya naman pala! Nakasuot siya ng headset habang nakatingin siya sa labas.

Hinila ko ang headset sa tenga niya at nagulatsiya doon.

"What?"

"I said where did you get that scar?" Sabay turo sa kamay niya.

Napatingin din siya sa kamay niya bago nagsalita. "Nakuha ko ito nung maliit pa
ako." Hayun na naman ang mahina niyang tinig. At mabuti na lang at hindi ako bingi.

"What happened?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Naroon ang iritasyon sa tinig niya.

"Gusto ko lang mala-"

"Huy! Naka-green light na." Sabi niya dahilan para mabaling ang atensyon ko sa
labas at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
At pagkatapos nun ay hindi na ulit ako nabigyan ng pagkakataon na tanungin siya
tungkol sa bagay na iyon. Nakasalpak na naman ang headset sa mga tainga niya at
nasa labas ang atensyon niya.

I got it! Obvious naman na ayaw niya akong makausap. Bakit naman kasi ang tiyaga ko
ring kausapin ang isang tulad niya?

Kung bakit gustong malaman ang tungkol sa pilat niya? I still don't know the
answer.

Basta, everything in her brings curiousity in me!

Pagparada pa lang ng kotse ay agad na bumaba si Muriel ng walang pasabi. At basta


na lamang akong iniwan na para bang wala siyang kasama. Hindi ko na lang pinansin
iyon. Inisip ko na lang din na wala akong kasama. Pagpasok ko ng building ay hindi
ko na siya nakita. Tumingin ako sa maraming tao na nag-aabang sa elevator ngunit
wala rin siya doon.

Saan na kaya siya nagpunta?

Paglabas ko ng elevator ay naabutan ko na parang may pinagkakaguluhan ang mga


empleyado ko. Tumikhim ako. Pero hindi ko nagawang kunin ang mga atensyon nila. Ni
isa sa kanila ay walang bumati sa akin. Ano bang meron?

Then I saw Muriel. Siya pala ang pinagkakaguluhan. She was smiling to everyone.
Masayang-masaya siya sa kanyang pagbabalik. Ganun din ang mga taong nasa paligid
niya na nagpupumilit na lumapit sa kanya para bumati.

"Nandyan na pala kayo Sir! G-good morning po." Sa wakas ay mayroon ring nakapansin
sa akin.

"G-good morning Sir!" Nagsunuran na rin ang iba nang makita ako.

Ang mga taong nakapaligid kanina kay Muriel ay nagkanya-kanyang balik sa kanilang
mga puwesto.
I'am not that strict boss. Pero naroon ang paggalang nila sa akin.

Hindi umalis si Muriel sa kinatatayuan niya. Abala siya sa paghahalungkat sa loob


ng paperbag na bitbit niya.

"Ms. Ramirez oras na ng trabaho?"

Lumingon siya sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya sa suot niyang wristwatch.

"May ten minutes pa bago ma-umpisa ang working hour Sir." Balewala na sagot niya.
At muling nabaling ang atensyon niya sa bitbit niyang paperbag.

Speaking of paggalang!

Siya lang yata ang bukod tanging hindi marunong gumalang sa akin. Hindi ba niya
alam na ako na ang boss ngayon?

Keysa masira ng tuluyan ang mood ko ay dimiretso na ako sa opisina ko. Sinalubong
agad ako ni Gail sa may pintuan.

<Muriel POV>

"Ito lang ang pasalubong mo sa akin?" Pagrereklamo ni Ichi.

"Di ba gusto mong pasalubungan kita ng Durian? Heto na! Dalawang plastic pa."

Nakasimangot siyang tumingin sa akin. "Eh candy kaya ito!"

"Correction durian candy po iyan! Well at least durian pa rin."


Tawa naman ng tawa si Jena na nasa tabi ko. "Ano ka ba girl? Kahit naman magbitibit
si Muriel ng durian fruit na matagal mo nang pinaglilihian, do you think
pasasakayin siya ng eroplano dahil sa sobrang bantot nun?"

Hindi na kumibo si Ichi. Mukhang nakuntento na siya sa binigay ko.

Inabot ko naman kay Jena ang isang malaking plastic na punung-puno ng delicacies.

"Eh bakit siya ang dami mong pasalubong?" Mabilis na reklamo ni Ichi nang makita
iyon.

Si Jena ang nagpaliwanag. "Durian lang naman ang hiniling mo sa kanya di ba? Eh ako
maraming ibinilin sa kanya."

"Ganun! May favoritism?" Tangkang magwo-walk out si Ichi pero pinigilan ko.

"Eto naman tampo agad. Syempre kung mayroon si Jena, mayroon ka rin."

Namilog ang mga mata ng bakla. "Ganun din karami katulad sa kanya?"

Ngumiti lang ako. "Kayo ng bahala kung paano ninyo paghahatian ang isang plastic
na iyan."

"Hindi! Akin lang ito!" Si Jena sabay yakap sa hawak nitong plastic.

"Sabi ni Muriel hati raw tayo. Huwag kang madamot!"

"No! Hindi ako papayag! Hindi kita bibigyan!"

I rolled my eyes. Heto na naman ang wagas nilang pagtatalo!


"Huwag kang madamot bruha ka!"

Nagtatakbo naman si Jena palayo rito. "Asa ka pa na bibigyan kita!"

Hinabol naman siya ni Ichi. "Sasabunutan talaga kita kapag naabutan kita!"

Mabuti na lamang at breaktime. Kahit magsisigaw at maghabulan sila sa loob ng


opisina ay walang sisita sa kanila.

Hindi ko tuloy naiwasang mangiti. I really miss them. Na-miss ko ng sobra ang
kakulitan nilang dalawa.

"Mocha Frappuchino for delivery!" Nagulat na lang ako nang mayroon maglapag sa
table ko ng paborito kong kape.

Pag-angat ko ng mukha ay ang nakangiting mukha ni Joseph ang bumungad sa akin.

"Libre ba ito?"

"Of course. Libre yan! Kaw pa!"

Nagdududa na tinignan ko siya."Bakit mo ako binibigyan nito?"


"Welcome back gift ko sayo."

Sinimangutan ko siya.

"Muriel naman! Hanggang ngayon ba naman ay ayaw mo pa rin sa akin?" Napakamot siya
ng ulo.

"Hindi naman sa ayaw ko sayo. Ang ayaw ko lang ay yung kukulitin mo ako nang
kukulitin. It really irritates me."

"Promise hindi na kita kukulitin. Kasi may girlfriend na ako."

Umangat ang kilay ko sa narinig.

"Girlfriend ko na si Danica." Nangingiting sabi pa niya.

"You mean si Danica na nasa kabilang department?" Paninigurado ko. Baka kasi ibang
tao ang tinutukoy nito.

Tumango ng sunud-sunod si Joseph. "Yup siya nga!"


Hindi na lang ako kumibo. Ayokong magbigay ng kommeto. Kung sabagay, bagay naman
silang dalawa. Isang playboy at isang playgirl. What a perfect combination!

(Sa mga hindi nakakaalala, sina Joseph at Danica ay yung mga taong kinaiinisan ni
Muriel sa Chapter One.)

Muli akong napasabak sa matinding trabaho. Hindi ko inaasahan na ganito pala kalala
ang sitwasyon dito sa Manila Branch. Lahat halos ng mahahalagang files ng kumpanya
ay na-delete. Halos sampu kaming IT na galing sa iba't-ibang branch. Nagtulung-
tulong kaming lahat para para ma-retrieve at mai-revive ang lahat ng iyon. Sa
sobrang kaabalahan ko ay nakalimutan ko nang mag-lunch break. Ganito naman talaga
ako, workaholic. Nothing can stop me. Lalo na kapag nasimulan ko na ang isang
bagay. Ang gusto ko kasi ay matapos iyon agad.

"Miss Cute, may nagpapabigay sayo ng libreng lunch." Bungad sa akin ni Adrian nang
pumasok siya ng kuwarto. Katulad ko ay galing rin siya sa ibang branch. Sa Cebu
yata siya naka-base. Sa kamay niya ay may bitbit siyang plastic ng KFC. At inilapag
niya iyon sa harapan ko.

"Kanino galing?" Hindi lumilingon na tanong ko.

"Kay Boss." Narinig kong sagot niya.

"Sinong Boss? Si Mam Elvie ba?" Ang tinutukoy ko ay ang manager ng IT Department.

"Hindi. Galing iyan kay Boss Riley."


Bigla tuloy akong napatigil sa ginagawa ko at napatingala sa kanya.

Binigyan ko siya ng Hindi nga? Bakit naman niya ako bibigyan ng lunch? na look.

"Nagpa-deliver si Boss ng lunch para sa lahat ng IT."

Bigla akong nadismaya sa narinig. Akala ko pa naman...

"Pero siya ang personal na nag-utos sa akin na hatiran kita ng pagkain." Paliwanag
pa ni Adrian. "Ikaw lang kasi ang hindi niya nakita sa pantry." Hindi ko
maintindihan kung bakit ganun kalapad ang ngiti niya.

"Ang cute mo talaga!" Sabay pisil sa pisngi ko. Pagkaraan ay lumabas siya ng silid
at muli akong naiwan mag-isa roon.

As usual, dedma lang ako sa sinabi niya. Ang atensyon ko kasi ay nasa plastic bag
ng KFC na nasa harapan ko.

Hay! Ang hangang kailan ba ako magiging apektado dahil kanya?

I tried my very best to avoid him. Halos hindi na nga ako tumingin sa kanya. Hindi
ko rin siya kinakausap. Sinasadya ko rin na hindi siya pansinin. Bahala na kung ano
ang isipin niya tungkol sa akin. Kahit magmukha akong tanga sa paningin siya, ang
importante ay ma-overcome ko ang presence niya.

I was once a tough person.

Kung nagawa ko noon, magagawa ko rin ngayon. Ang kailangan ko lang naman gawin ay
ang magpakamanhid. Kunwari wala akong nararamdaman para sa kanya. Kunwari hindi ko
siya nakikita kahit nasa paligid siya. Kunwari hindi ko siya naririnig kapag
nagsasalita o kinakausap niya ako. Kunwari hindi ko siya kilala. Kunwari hindi siya
nag-e-exist.

At sa paraang iyon, makaka-move on na rin ako... Kahit kunwari lang!

Time check: Six o'clock in the evening.

Pakiramdam ko ang napakabilis ng oras. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Ang dami
ko pang kailangang gawin. Pero hanggang six lang ang building. Kung hindi pa ako
lalabas, malamang ay mapagsaraduhan na ako at makulong magdamag sa building na
iyon. Nag-uwian na lahat ng mga kasamahan ko kaninang five. Ako lamang ang natira.
Akala ko pa ay ako na lamang ang taong naroon, pero napansin ko nakabukas pa ang
ilaw sa opisina ni Riley.

O__o nandito pa siya?

Mabilis na pinatay ko ang lahat ng ilaw sa kuwarto. Pagkatapos ay nagmamadali akong


lumabas. Kailangan maunahan ko si Riley. Ayoko siyang makasabay sa elevator.
Ayokong makita niya ako.
"Oh shit!"

I almost jumped in surprise when I heard him scream. Nang lumingon ako sa kanya ay
nakita kong sapu-sapo niya ang dibdib.

"My god Muriel! Papatayin mo ba ako sa takot?" Ang talim ng tingin sa akin ni
Riley.

-___- Kasalanan ko ba kung mapagkamalan niya akong multo?

"Why are you still here? Kanina pa ang tapos ang office hour?" Tanong niya
pagkatapos niyang maka-recover.

< . < "May tinapos lang akong trabaho."

Pareho pa kaming napaigtad nang bigla na lamang mag-ring ang telepono malapit sa
kinaroroonan ko.

Pucha! Ginulat naman ako ng telepono na 'to.

"Dammit! Answer the phone Muriel!"

Ang lolo mo ang init agad ng ulo!


O baka naman naggagalit-galitan lang siya, pero ang totoo ay natakot siya roon.

sinagot ko ang telepono.

"Hello?"

"Mam, magsasara na po ang building. Pakisabi po kay Sir Riley na bumaba na po


kayo."

"Okay!" Yun lang at ibinaba ko ang telephone.

"Bumaba na raw tayo sabi nung guard sa ibaba." > . >

Nauna siyang nagtungo sa may elevator. Sumunod na rin ako. No choice eh! Alangan
naman na maiwan ako dun at paunahin ko siyang makababa para lamang hindi ko siya
makasabay.

Si Riley ang pumindot ng button.

Hanggang sa magsara ang pintuan ng elevator ay wala kaming kibuang dalawa.


Narinig ko siyang sumipol. Sa isip ko naman ay kumakanta ako. Habang pareho kaming
nakatingin sa magkabilang direksyon.

"Sabi nila may nagpapakita raw na batang lalaki dito sa elevator... lalo na sa
gabi." Bigla ko siyang narinig na nagsalita.

Pinigilan ko ang sarili na napalingon sa kanya.

Gusto ba niya akong takutin?

"Its true." Sagot ko. "Hindi lang naman siya dito sa elevator nagpapakita. Gumagala
siya sa buong office. Para lang siyang naglalaro. Minsan tumatakbo. Minsan naman ay
para siyang nakikipaglaro ng taguan."

Ang bilis ng lingon sa akin ni Riley. "You can see him?"

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay parang nahuhulaan ko na ang reaksyon
niya.

Tumango ako. "I think he was only ten years old. Naka-white shirt siya at asul na
short."

"No way! Do you really see him?"


"Kanina lang nakita ko siyang tumatakbo papasok ng office mo. Yun parang may
humahabol sa kanya."

Parang nananadya naman na kumurap-kurap ang ilaw sa loob ng elevator.

Sa isang iglap ay nakalapit kaagad sa tabi ko si Riley.

"W-what's happening?"

Napakagat-labi ako para pigilan ang pagtawa na gustong kumawala sa bibig ko.

Ang lakas ng loob niyang mag-umpisa, yun pala siya naman ang takot!

Hehe... Ang sarap niyang pagtripan.

"Niloloko mo lang ba ako?" Pinihit niya ako paharap sa kanya. At nakita ko ang
salubong niyang mga kilay. Hindi ko na talaga napigilang tumawa. Ang sakit kaya sa
lalamunan.

Halos sapuhin ko ang tiyan sa kakatawa.


Nakamasid lang siya. Pero ang sama na ng tingin niya sa akin. "Fine! Laugh as you
want. Bukas na bukas din ay wala ka ng trabaho."

As if naman na matatakot ako sa banta niya. Hindi kaya siya ang amo ko.

Then biglang umuga ang elevator at huminto. Pagkatapos ay namatay ang ilaw sa loob.

Nanangkupo...

Nakarma na yata ako!

"Riley?"

"Muriel?"

Wala akong makita. Ang dilim-dilim kaya. Bigla kong naisip yung cellphone ko.
Kinuha ko iyon sa bulsa ko at binuksan iyon para magkaroon kami ng liwanag. Pero
muli ko rin iyon ini-off nang may mahagip ang mga mata ko sa likuran ni Riley.

Napatalon ako sa takot. "Riley!" Sabay mahigpit na kumapit sa damit niya.


"Bakit?"

"I think I saw him."

"Saw who?"

"Y-yung batang lalaki! Parang nakita ko siya sa likuran mo!"

"Stop it Muriel! Hindi ka na nakakatuwa. We're already stucked here, pero nagagawa
mo pa ring magbiro!"

"Hindi ako nagbibiro. Totoo yung sinasabi ko."

I heard him sighed. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

Si Riley naman ang naglabas ng cellphone. Biglang nagkaroon ng liwanag sa paligid.


Pero mabilis na ipinikit ko ang mga mata at isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya.
Natatakot akong dumilat. Baka makita ko dun yung batang multo._

"Muriel!"

Hindi ako kumilos. Nanatili pa rin akong nakapikit.


"Hey!" Muli niya akong tinapik sa balikat. "We're already here in the ground floor.
At walang multo."

Doon lang ako nagmulat ng mga mata. Maliwanag na sa paligid. Wala sa loob na
napatingala ako sa kanya. He was looking at me with amusement in his eyes. His lips
were half twisted. Para naman akong na-hipnotized at nakatitig lang sa guwapo
niyang mukha.

"Sir, Mam, okay lang po ba kayo?"

Bigla kaming naghiwalay sa pagsulpot ng guwardiya.

"Yeah, we're fine!" Si Riley ang sumagot. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin.
"Muriel sumabay ka sa akin sa pag-uwi."

Mabilis akong umiling. "Magtataksi na lang ako Sir!" Sabi ko na hindi tumitingin sa
kanya.

"Ikaw ang bahala."

Tuluy-tuloy akong naglakad palabas. Hindi talaga ako lumingon sa kanya. Sana lang
ay hindi niya napansin ang pamumula ng mukha ko.

Nakakahiya!
Lesson number one...

Never ever try to make fun of him.

Ang bilis ng karma, grabe!

Saka ko na lang po siya aayusin ulit... tinatamad na ako eh ^____^

*******************************************
[24] Chapter Twenty Four: He's Back!
*******************************************
Para sa mga naghintay, nag-abang, nanabik, naka-miss, hindi makatulog sa gabi,
hindi makakain, ganun din sa mga nangulit at tanong ng tanong sa akin... heto na po
ang muling pagbabalik ni Jared (due to insistent public demand daw! haha.. XD)
Ewan ko ba kung bakit mas gusto nyo siya kaysa sa bida natin na si Riley?
Kunsabagay mas gusto ko rin siya.. joke! Anyway hindi ko na pahahabahin pa...
enjoy reading ^_______^

Chapter Twenty Three: He's Back!

<Muriel POV>

Huminto ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng malaking gate na iyon. Nagbayad ako sa
driver. Tapos bumaba na ako at tuluy-tuloy na pumasok sa loob. Nakita ko ang kotse
ni Riley na nakaparada sa tabi. Nauna siyang nakauwi sa akin. Medyo nahirapan pa
kasi ako na makahanap ng taxi. Natapat pa na rush hour. Tapos traffic pa. Hay..
nakakaapagod!
Saka ko lang napansin ang isa pang kotse na nakaparada sa tabi ng kotse ni Riley.
Kaninang umaga ay wala pa iyon doon. Hindi kaya may dumating na bisita?

"Girlfriend!"

Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.

Isang matangkad na lalaki ang nakita kong nakatayo sa entrada ng bahay.

"Jared?"

Parang hindi pa ako makapaniwala na nakikita ko siya.

He just smiled sheepishly in return. The jerk was really cute! Tama nga ang sabi
niya dati. Mas bagay sa kanya ang description na cute kaysa sa guwapo.

Humakbang siya palapit sa akin habang hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Nang
tuluyan siyang makalapit sa akin ay huminto siya sa harapan ko. Mga ilang segundo
niya akong tinitigan. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"I'm back!" And to my surprise, bigla niya akong kinulong sa kanyang mga bisig. "I
miss you girlfriend." I heard him said. At lalo pa niyang hinigpitan ang
pagkakayakap sa akin. "Akala ko hindi na tayo magkikita."

I couldn't help but smile. Hindi ko rin akalain na magkikita pa kami ulit. Narinig
ko na lang na suminghot siya.

"Hey! Umiiyak ka ba?" Ang drama mo ha?" Tinapik ko siya sa balikat.

Tumawa lang siya. "Ba't naman ako iiyak? Sinisipon lang kaya ako." Ngunit lalo pa
niyang hinigpitan ang pakakayakap sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay madudurog ang mga
buto ko sa yakap niyang iyon.

"Jared papatayin mo ba ako?" Sigaw ko. Wala akong pakialam kung mabingi siya sa
boses ko. "Hindi na ako makahinga!"

Binitiwan naman niya ako. Tapos sinapo ng mga kamay niya ang mukha ko at hinalikan
ako sa noo ng paulit-ulit.

"Jared! Para kang sira!" Pigil ko sa kanya habang nakatukod ang mga palad ko sa
dibdib niya.

"Hindi mo ba ako na-miss girlfriend?" He was still holding my face.

Nag-pout ako sa kanya. "May dahilan ba ako para ma-miss kita?"

Siya naman ngayon ang nag-pout. "Tampo na ako nyan! Halos hindi na nga ko makatulog
sa kakaisip sayo. Tapos ikaw hindi mo lang ako naalala!" Lalo niyang hinabaan ang
nguso.

"Kung inaakala mong madadaan ako sa pagpapa-cute at pambobola mo, then think
again!"

"Alam kong matagal na akong cute. At saka kailan ba kita binola? Lagi kaya akong
seryoso pagdating sayo."

"Yeah right!" I rolled my eyes. wala pa rin siyang pagbabago.

"Seryoso talaga ako. At mahal kita. Aray!"

Isang sipa sa binti ang natanggap niya mula sa akin.

"Para saan yun?" Nakatingalang sabi niya habang sapu-sapo ang nasaktan na binti.

"Pa-welcome ko sayo! Gusto mong ulitin ko?" Bigla tuloy siyang umatras palayo sa
akin.
"Sadista ka talaga! Pasalamat ka at mahal kita kung hindi..." Sinadya niyang ibitin
ang sasabihin niya.

"Kung hindi ano?" Hamon ko sa kanya.

"Isusumbong kita sa may-ari ng bahay na ito." Tapos lumingon siya sa may pintuan.
"Riley oh! Inaaway ako ng bisita mo!"

Hindi ko alam na naroon pala siya. Nakasandal siya sa hamba ng pinto at nakamasid
lang sa amin ni Jared.

Kanina pa ba siya roon?

"Hindi pa ba kayo tapos dyan?" Hindi ko gaanong maaninag ang mukha ni Riley dahil
may kadiliman sa puwesto niya. Pero naroon ang iritasyon sa tinig niya. "Kanina pa
nakahanda ang hapunan at nagugutom na ako." Tinalikuran niya kami at pumasok siya
sa loob.

"What are you doing here?" Paglingon ko kay Jared ay seryoso na ang ekspresyon ng
mukha niya. Nag-iba na rin ang timbre ng boses niya. Parang nanibago tuloy ako sa
kanya. "Alam mo ba kung anong pinasok mo?"

I sighed. "Trabaho ang dahilan kung bakit ako nandito. At nindi ko ginusto 'to
Jared."

"But why here?"

"As if naman na may choice ako." I squared my arms.

He blew out a long sighed. "Umalis ka na dito. Doon ka na lang sa condo ko mag-
stay."

"Bakit pa? Eh nandito ka naman!"


"Hindi ako mag-i-stay rito."

Nagulat ako sa sagot niya. "What?"

Nilagay niya ang kamay sa bulsa ng pantalon at sumandal sa poste ng ilaw. "I can't
stay. Kahit gustuhin ko, hindi naman pwede. Marami akong inaasikaso ngayon sa
kumpanya Magiging maabala ako this week at madalang kita mabibisita rito."

Parang nalungkot naman ako sa narinig.

"Muriel, please doon ka na lang sa condo ko. Mas safe ka doon." Muli siyang
tumingin sa akin.

I could see his point. Pero- "Dalawang araw na lang naman ang pananatili ko rito.
Tapos babalik na rin ako sa Davao."

He blew out a long sighed. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Pwede ba kahit isang
beses ay makinig ka naman sa akin. Ikaw lang naman ang iniisip ko."

"I'll be fine Jared. And I can handle the situation on my own."

"Hindi ka ba natatakot na baka malaman niya ang tungkol sa pagpapanggap mo?" He was
talking about Riley.

"Natatakot! Kaya nga hanggat maaari ay iniiwasan ko siya." Hindi tumitingin na


sagot ko sa kanya.

"Then get out of this house! Huwag mo nang hintayin na mahalata ka at malaman ni
Riley ang tungkol sa pagpapanggap mo."

Sa isang iglap ay nakalapit ako sa kanya at mabilis na tinakpan ang bibig niya.
"Kailangan talaga sumigaw?" angil ko. "Baka gusto mong hinaan ang boses mo?"

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya. Pero nanatiling hawak niya ang kamay ko
sa aking pagtataka. "Kung kinakailangang kaladkarin kita para lang mailayo sa lugar
na ito ay gagawin ko. Ayokong makita kang nahihirapan." This time he lower his
voice.

"Jared please... Huwag mo na paguluhin ang sitwasyon."

"Ikaw ang nagpapagulo ng sitwasyon. Kung aalis ka ng bahay na ito siguradong wala
ka ng magiging problema."

"So, ako pa ngayon ang magulo?" Nakapameywang ako sa harapan niya. Umakyat na ang
topak ko sa ulo. Kanina pa niya pinipilit ang gusto niya at naiinis na ako. "Ako pa
ngayon ang nagpapalala ng problema?"

Napakamot na lang ng ulo si Jared. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

"Pero iyon ang pagkakaintindi ko!" Ako naman ang nagtaas ng boses. Mainit na ang
ulo ko para pigilan pa iyon.

"I'm sorry." Akala niya siguro ay lalamig ang ulo ko sa pagso-sorry niya.

Tinalikuran ko na siya at humakbang papasok ng bahay. Mas lalo lamang iinit ang ulo
ko kung hindi ako lalayo sa kanya. Pero mabilis niya akong pinigilan. Naramdaman ko
na lang ang mga kamay niya na nakapulot sa akin. He was hugging me from my back.

"Muriel..I said I'm sorry. I'm sorry okay? Masyado lang akong nag-aalala para
sa'yo."

Sa isang iglap ay humupa ang topak ko. "Ilan beses ko bang sasabihin sa'yo na okay
lang ako. Wala kang dapat ipag-aalala."

Hindi siya sumagot. But I heard him sighed. Kumawala ako sa kanya at binitawan
naman niya ako.

Somehow, natuwa naman ako sa kanya dahil alam niya ang limitation niya. Alam niya
kung saan siya titigil at hihinto. Alam niya kung galit o nagbibiro lang ako.
Mukhang kabisado na niya ang mood swing ko. Madalas man kaming mag-asaran before
but I could feel that he treated me as one of his close friend. At naa-appreciate
ko iyon ng sobra.

"Ikaw naman ang tatanungin ko." Humarap ako kay Jared at pinisil ang tungki ng
kanyang ilong. "Bakit ka nandito? Kate-text mo lang sa akin nung isang araw, sabi
mo magtatagal ka pa sa New York."

He chuckled. "Boston hindi New York." Pagtatama niya sabay pitik sa noo ko.
"Halatang hindi mo sineseryoso ang mga pinapadala kong text message sayo."

"Aray masakit yun ah!" Sabi ko kahit hindi naman. "Puro naman kasi kalokohan ang
mga pinapadala mong text."

"Dapat talaga nasa Boston pa ako. Kaya lang biglang nagkaroon ng emergency kaya
napauwi ako ng wala sa oras."

"Anong emergency?"

"Ikaw!"

Inirapan ko siya. "Nice! Kailan kaya tayo magkakaroon ng matinong usapan?"

"Sinasagot ko lang ang tanong mo."

"Ang gusto ko matinong sagot."

"Matinong sagot naman iyon." Tumawa siya ulit. "But honestly, nang malaman kong
bumalik ka ng Manila at dito pa nakatira sa bahay na ito. Naisip kong kailangan mo
ako. Alam kong hindi mo ito kakayanin mag-isa. Kaya heto ako ngayon. Fresh from
Boston and to the rescue sa magandang binibini na nasa harapan ko."

"Paano mo naman naisip na kailangan ko ng tulong mo?"

"Instinct." He squared his shoulder. Ang yabang ng loko.


Umaangat ang kilay ko. "Paano kung sabihin kong mali ang instinct mo?"

"Wag mo na akong kontrahin. Basta kailangan mo ako. Period!"

"Who do think you are, myself appointed big brother?"

Muli niya akong pinitik sa noo. "Aray ha!Masakit na iyon! At nakakarami ka na?"

"Big brother ka jan? Mas matanda ka kaya sa akin."

Hinampas ko siya sa braso. "Kapal mo! Mas matanda ka sa akin ng tatlong taon.
Twenty four ako tapos twenty seven ka naman."

Hinimas ni Jared ang braso. Nakita kong namula iyon. Napalakas yata ang
pagkakahampas ko. Pero mukhang okay lang naman sa kanya. Kasi hindi naman siya
nagreklamo.

"Basta kapag kailangan mo ng karamay nandito lang ako. Alam mo naman, kung nasaan
ka naroon din ako."

"Bakit nung nasa Davao ako ay wala ka?"

Tumawa lang siya. "Busy ako masyado sa trabaho. At saka alam ko naman na safe na
safe ka roon."

"Palusot ka pa. Baka naman busy ka sa pambababae."

"Jealous?" Umaangat ang kilay niya.

"Kapal mo!"

"Come here Muriel." Banayad niyang utos sa akin.


Lumapit naman ako sa kanya. Pagkatapos ay niyakap niya akong muli. At nagpaubaya
ako.

"Na-miss talaga kita!"

Hindi ko napigilan mangiti sa sinabi niya.

"Ako rin! Na-miss din kita!"

"But I miss you more. Remember what you to told me before we part our ways? Alam ko
na ang ibig sabihin nun."

"Yung hasta la proxima vez?"

Naramdam kong tumango siya. "Ikaw ha, sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa akin.
May nalalaman ka pang spanish words. Akala mo hindi ko malalaman na I love you pala
ang ibig sabihin nun."

Ang lakas ng tawa ko. "Asa ka pa!"

Pagpasok namin sa dinning area ay naabutan naming kumakain na si Riley.

"Kanina ko pa kayo hinihintay." Salubong sa amin ni Nana Tonya. "Sige na at maupo


na kayong dalawa. Kumain na kayo at lumalamig ang pagkain."

Hindi man lang kami tinapunan ng tingin ni Riley. Dedma lang siya.

Pinaghila ako ng silya ni Jared. Naupo naman ako. At naupo naman siya sa tabi ko.
Kinuha niya ang kanin at siya mismo nagsandok sa pinggan ko.
"Kumain ka nang kumain ha? Kita mo nangangayat ka na?"Tinignan ko siya ng masama.
Pero nginitian niya lang ako. "Ano gusto mo? Menudo o chicken curry?"

Hindi ko siya pinansin at inabot ko ang pinaglalagyan ng menudo. Pero kinuha sa


akin iyon ni Jared at tangkang magsasalin sa pinggan ko.

"Ako na!" Awat ko sa kanya.

"Hindi ako na!"

"Ako na sabi eh!" Nakipaghilahan ako sa kanya sa mangkok.

"Hayaan mo na akong pagsilbihan ka. Ngayon lang tayo ulit nagkita at na-miss talaga
kita ng sobra."

I rolled my eyes. "I swear Jared, kapag nagpilit ka pa maliligo ka ng menudo!"


Banta ko sa kanya.

Effective naman dahil bigla niyang binitawan ang mangkok.

"Sabi ko nga ikaw na!"

Heto na naman kaming dalawa. Hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako aasarin at
maaasar sa kanya. Pero siguro kailangan ko na rin masanay. Dahil hindi si Jared
iyon kung mawawala ang kapilyuhan niya. Nature na iyon ng binata. And besides kahit
minsan naiinis ako sa kanya, nagagawa rin naman niya akong pangitiin at patawanin.

"Tapos ka nang kumain Riley?" Tanong ni Nana Tonya sa alaga nang bigla na lamang
itong tumayo. "Konti pa lang ang naka-"

"Busog na po ako. At saka gusto ko nang magpahinga. Napagod ako masyado sa


opisina." At humakbang siya palabas.
"Huy Pare! Magkukuwentuhan pa tayo di ba?" Pahabol ni Jared. Pero parang walang
narinig si Riley at tuluy-tuloy na lumabas. "Anong nangyari dun?"

Hindi na lang ako kumibo. Hindi ko rin naman alam ang dahilan.

"Parang hindi na kayo nasanay sa batang iyon." Si Nana Tonya. "Malamang nagtalo na
naman sila ng nobya niya sa telepono."

Nakita kong lumingon sa akin si Jared. Pero nagpatuloy lang ako sa pagkain na
parang walang narinig.

"Oo nga pala Nana Tonya. Ipagpapaalam ko po sa inyo si Muriel. Ako na lang po ang
magsasabi kay Tita Lorie. Tatawagan ko na lang po siya mamaya."

Nag-angat ako ng tingin at lumingon sa kanya. "Bakit? Saan tayo pupunta?"


Nagtatakang tanong ko.

"May lakad ba kayong dalawa?" Si Nana Tonya.

Wala naman siyang nabanggit sa akin na aalis kaming dalawa.

"Doon na po titira Si Muriel sa condo ko." Seryoso niyang sabi. "At itatanan ko na
po siya."

Mabuti na lamang at nalunok ko na kanina ang kinakain ko. Kung hindi ay nabilaukan
na ako sa sinabi niya.

Isang malakas na tawa ang naging tugon ni Nana Tonya. "Ikaw na bata ka masyado kang
palabiro."

"Seryoso ako Nana Tonya! Itatanan ko siya sa ayaw at gusto niya."

"Yeah right! Gutom lang yan Jared! Kumain ka na lang!" At sa kanyang pagkamangha ng
isubo ko na lang sa bibig niya ang hawak kong kutsara na punung-puno ng pagkain.
Mas mabuting may laman ang bibig niya nang sa ganon ay hindi na siya makapagsalita.
Bakit ba masyado siyang madaldal?

<Jared POV>

"Siya ba ung babaeng nagpatibok sa pihikang puso ng kaibigan ko?" Biglang sumulpot
si Riley mula sa likuran ko sabay abot sa akin ng hawak niyang San Mig Light.

"Sinong siya?" Kunwari ay hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

Bahagya niya akong sinuntok sa balikat. "Oh come on Jared! Alam mo kung sino ang
tinutukoy ko." Mukhang nasa good mood na naman ang kaibigan. Umupo siya sa
bakanteng upuan sa tabi ko.

Paalis na sana ako. Nagyosi lang ako sa sandali sa garden. Mabuti na lang at
sumulpot si Riley. Akala ko hindi na siya lalabas ng kuwarto niya at tutulugan na
lang ako. Pero hindi pa rin niya ako matiis. Hindi ko alam kung bakit bigla na
lang siyang nag-back out nung naghahapunan kami. Kanina lang nang dumating ako ay
tuwang-tuwa pa siya at masigla. Pero nang dumating si Muriel, bigla na lang
nagbago ang timpla niya.

"Hoy! Hindi ka na kumibo dyan?" Si Riley ulit.

"Paano mo naman nalaman na siya nga iyon? Wala naman akong binabanggit sayo."

"Isn't it obvious? Masyado kang halata. Ang hirap sayo hindi ka marunong magtago ng
tunay mong nararamdam lalo na kapag inlove ka." Tumungga siya ng alak mula sa
kanyang bote.

Ganon na ba ako transparent? O pagdating lang talaga kay Muriel ako ganito?

"Yeah! You're right. Siya nga yun." Umamin na rin ako sa kanya. There's no reason
to deny it. Mas mabuting malaman niya ang nararamdam ko para kay Muriel.

"You're the man Pare!" Nakipag-high five pa sa akin si Riley. "So how did you met
her? How did you fell inlove with her?"

"It's a long story." Matipid kong sagot. Mas mabuti na iyon kaysa magsinungaling.

"And?"

"Kailan ka pa naging tsismoso Pare?"

Tumawa lang siya. "Curious lang naman ako sa lovelife ng bestfriend ko."

Hindi ako kumibo.

"Hey! Bakit ba ang tahimik mo ngayon? Naninibago tuloy ako sayo?"

"Okay lang ba kung patirahin ko si Muriel sa condo ko?"

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay ni Riley. "Bakit mo naman naisip na patirahin
siya sa condo mo?"

Gusto ko sana siyang ilayo sayo! Gusto ko sanang sabihin.

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko sayo?"

"O-of course. Okay lang sa akin. At kung iyon ang gusto niya, bakit hindi?"

"Iyon nga ang problema, ayaw niyang pumayag." Sabi ko habang tinititigan ang hawak
kong bote.
"Bakit mo nman kasi naisip na patirahin siya sa condo mo? Ang laki-laki ng bahay
namin, at okay naman siya rito."

Tumingala ako sa kalangitan at pagkatapos ay lumingon sa kanya. May gusto lang


akong kumpirmahin. "Do you like her?"

Na-freeze sa ere ang hawak niyang bote ng beer. Halatang nagulat siya sa tanong ko.
"Why are you asking me this kind of question? Alam mo naman na may girlfriend ako."

I've known him for years. At alam ko kung kailan siya nagsisinungaling.

"I'm just asking. No offense Pare." At ngumiti ako sa kanya. "Gusto ko lang
makasiguro."

"Gago ka ba? Paano naman magkakagusto kay Muriel? Alam mo naman kung gaano ko
kamahal si Samantha?"

Nilapag ko ang hawak na bote sa mesa at tumayo. "Sinong Samantha ba ang tinutukoy
mo? Yung nakasama mo nung bulag ka pa o yung Samantha na nakasama mo after your
operation?"

Hindi nakasagot si Riley sa tanong ko. Confused, he stared back at me.

"Never mind Pare! Forget it!" Hindi ko intensyon na guluhin ang isip niya. "Got to
go. Gusto ko na rin magpahinga." Tinapik ko siya sa balikat. Hindi ko na hinintay
ang sagot niya at naglakad na ako patungo sa nakaparada kong kotse.

Suddenly a bitter laughed rose inside me. Hindi ko nagustuhan ang natuklasan ko.
And I think I really need to do something before its too late.

<Riley POV>
Kanina pa nakaalis si Jared. Pero laman pa rin ng isipan ko ang binitiwan niyang
tanong sa akin.

Sinong Samantha ba ang tinutukoy mo? Yung nakasama mo nung bulag ka pa o yung
Samantha na nakasama mo after your operation?

Ano ba ang ibig niyang sabihin doon? Bigla tuloy akong naguluhan. Bigla akong na-
confused.

"I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold

Napatayo ako nang marinig kong may kumakanta.

Need you

Feed you

Even let ya hold the remote control

Sinundan ko ang pinaggagalingan ng boses na iyon. At dinala ako ng mga paa ko sa


kusina.

So let me do the dishes in our kitchen sink

Put you to bed when you've had too much to drink

I saw Muriel. She was busy washing the dishes while singging that favorite song of
mine.

I could be the girl who grows old with you


I wanna grow old with you"

Pagpihit niya paharap sa akin ay nagulat pa siya nang makita ako. Nabitawan niya
tuloy ang hawak na plato. Mabuti na lamang at naging maagap ako at nasalo ko iyon.

"Papatayin mo ba ako sa takot?" She snapped. Sabay kuha ng hawak kong plato. "Hindi
ka pa ba marunong magpasintabi? O talagang gusto ko mo lang akong gulatin?" Hayun
naman ang mahaba niyang nguso.

"Bakit ikaw ang gumagawa nyan?" Naisip kong itanong. Baka kasi magtaka siya kung
bakit ako napadpad roon.

"Kailangan nang magpahinga ni Nana Tonya kaya at alam kong pagod na siya." Nanatili
pa rin siyang nakatalikod sa akin.

"Nandyan naman si Tere. Bakit hindi na lang siya ang inutusan mo?"

"Kaya ko namang gawin bakit kailangan ko pang iutos sa iba."

"Bisita ka dito."

"Magkaiba ang bisita sa nakikitira."

Napansin ko ay hindi na siya aloof sa akin. Hindi na rin bumubulong kapag


nagsasalita. Siguro nga sa umpisa lang siya ganon. Pero ang pinagtataka ko ay kung
bakit parang alam na alam niya kung saan nakalagay ang mga gamit sa kusina. Kanina
ko pa siya pinagmamasdan habang nililigpit niya ang mga hinugasang gamit. Kabisado
niya kung saan niya ilalagay at itatabi ang bawat isa.

"Why are here? Bakit bigla ka na lang sumulpot rito?"

"Bigla akong nagutom." Which is partly true. Kaya nga lumabas ng kuwarto ko dahil
nakaramdam ako ng gutom. Konti lang kasi ang nakain ko kaninang hapunan. Napansin
ko lang si Jared sa garden kaya lumabas ako at nakipagkuwentuhan sa kanya.
"Where are you going?" Tanong ko nang makita ko siya na palabas na ng kusina habang
pinupunasan ang kamay niya. Akala ko pa naman ay ipaghahanda niya ako ng pagkain. O
masyado lang akong nag-expect.

Huminto siya at lumingon sa akin. "Aakyat na ako sa kuwarto ko." Pagkatapos ay muli
siyang humakbang palabas.

"Wait!" Pigil ko sa kanya. Kanina ko pa sana gustong itanong ito sa kanya.

Huminto naman siya. "What?"

"How did you know the song?"

Kumunot ang maganda niyang noo.

"Yung kinanta mo kanina. How did you know it?"

"Hello! Everybody knows the song. Di ba movie sountrack iyon ng The Wedding
Singer?"

Tumango ako. "It's my favorite. Both. The song and the movie."

"Really?"

"How about you? Favorite mo rin ba iyon?"

I saw her smiled. "I love the song. And It reminds me of someone... minsan nya
kasing kinanta sa akin ito." Then I saw the sadness in her eyes. "Mauna na ako.
Inaantok na rin ako." Hindi niya napigilan ang paghikab.

"Goodnight Muriel."
"Goodnight Rai!" At tuluyan na siyang lumabas at naglaho sa paningin ko.

Saka ko lang na-realize ang huling sinabi niya.

She called me Rai...

Same voice, same tone.

At isang babae lang ang tumatawag sa akin nun.

(to be continue...)

*******************************************
[25] Chapter Twenty Five: Face Off
*******************************************
Chapter Twenty Five: Face Off

<Riley POV>

Halos hindi ko maimulat ang mga mata nang bumangon ako. Antok na antok pa ako. Kung
hindi lang maraming trabaho sa opisina ay magtutulog na lang sana ako maghapon.

I'll miss you

Kiss you
Give you my coat when you are cold

I almost jumped in surprise when my phone rang.

I almost forgot! Iyon nga pala ang ringing tone ko.

Dinampot ko ang cp ko sa side table. Pangalan ni Jared ang nag-appear sa screen. I


was about to answer the call when suddenly he hang-up.

Nag-missed call lang pala. Ang aga namang istorbo nito!

Bumaba na ako sa kusina pagkatapos. Si Nana Tonya lamang ang naabutan ko roon.

"Where is she?" Hindi ko napigilang itanong. Tumingin pa ako sa paboritong pwesto


ni Muriel na para bang makikita ko siya roon.

Lumingon sa akin si Nana Tonya. "Anong sabi mo iho?"

"Nasaan po si Muriel?"

"Maagang sinundo ni Jared. Hindi na nga nakapag-almusal dito dahil nagmamadali."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "May lakad sila?"

"Hindi ko alam. Wala namang sinabi si Jared."

Hindi kaya isinama na ng kaibigan si Muriel sa condo nito?

Sa nakita kong reaksyon niya kagabi, mukhang seryoso nga siya. Ngayon ko lang siya
nakitang nagkaganon pagdating sa babae. Inlove nga talaga ang loko!

"May dala po bang mga gamit si Muriel?" Pag-uusisa ko.

Muling lumingon sa akin si Nana Tonya. "Ang nakita ko lang dala niya ay yung
madalas niyang ginagamit na bag pagpasok. May problema ba Riley?" Nakakunot-noo na
siya.

Umiling ako. "Wala po. Nagtataka lang kasi ako sa mga kinikilos ni Jared." Baka
kasi tinanan na niya si Muriel, gusto ko sanang idugtong.

Natawa lang si Nana Tonya. "Ganon talaga kapag inlove."


"Alam nyo ang tungkol doon?"

Lumapad ang ngiti niya at lumapit sa kinaroroonan ko at inilapag sa mesa ang


kaluluto lang na tocino. "Matagal ko nang alam na may gusto si Jared kay Muriel.
Halata naman sa mga tingin at sulyap ng kaibigan mo sa kanya."

"Matagal nyo na po ba kilala si Muriel?" Naisip kong itanong.

"Medyo matagal na rin." Mabilis na sagot niya habang abala sa paghahalo ng sinangag
sa kawali. "Mga pitong buwan na siguro ang nakakaraan."

"Paano nyo siya nakilala?"

"Dito siya tumira sa bahay ng mahigit isang buwan. Hindi mo ba naaala-?" Biglang
siyang huminto sa pagsasalita sabay lingon sa kinaroroonan ko. "A-ang ibig kong
sabihin... ano-" Naging mailap ang kanyang mga mata. "D-doon siya tumira sa isang
bahay ng Mama mo sa Alabang. Tama, dun nga!"

"Tere, ikaw na muna ang magtuloy nitong niluluto ko." Utos niya sa kakapasok lang
na katulong. "May nakalimutan lang akong kunin dun sa dirty kitchen." At
nagmamadaling lumabas si Nana Tonya na parang may iniiwasan.

Weird! I had this dread feeling that she's not telling the truth.

At hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi mawala-wala ang kakaibang pakiramdam
ko na parang mayroon silang itinatago sa akin.

Nakuha ang atensyon ko nang biglang mag-ring ang cp ko. Its Gail.

"Okay. I got it. I'm on my way!" Tumayo na ako at dumiretso sa kuwarto ko para
maligo at magbihis. Sa office na lang ako magbe-breakfast.

<Muriel POV>

"Ang aga-aga mo akong inistorbo tapos dito mo lang ako dadalhin!" Reklamo ko kay
Jared nang ihinto niya ang kotse sa tapat ng Mc Donald.

Ngumisi lang sa akin ang gago.


"Ibalik mo na ako sa bahay. Mas masarap ang luto ni Nana Tonya at siguradong
mabubusog pa ako." Hinila ko siya sa sleeve ng damit niya nang magtangka siyang
bababa ng sasakyan.

"Wala akong choice. Sarado pa ang mga resto ng ganitong oras. At saka okay naman
dito."

Inirapan ko lang siya. At wala na akong nagawa ng tuluyan siyang bumaba ng kotse.
Mabilis siyang umikot sa kabilang side at pinagbuksan ako ng pinto.

Hindi ko pinansin ang nakalahad niyang kamay at bumaba na rin ako ng kotse.
Nagpatiuna akong naglakad at tuluy-tuloy ako sa entrance. Pero bago pa ako
makarating sa glass door ay mabilis siyang nakahabol sa akin at pinagbuksan niya
ako ng pinto.

"Would you stop it?"

"Stop what?"

"Ewan ko sayo!" I snapped. At nilagpasan ko siya.

Hindi ko alam kung talagang nature na niya ang pagiging gentleman o nagpapa-cute
lang siya sa akin.

And it irritates me!

"Meron ka ba? Bakit ang sungit mo?" Umupo siya sa katapat kong upuan. Ipinatong
niya ang siko sa mesa at napangalumbaba sa harap ko.

Tinignan ko siya ng masama.

"Pinapatawa lang kita." Mabilis niyang bawi. "Eto naman hindi mabiro. Anyway ano
gusto mong kainin?"

Lalo ko siyang sinimangutan. "Bahala ka na."

"Okay!" Tumayo na siya kaagad at pumunta sa counter para umorder.

Ang aga ng topak ko ngayon. Sinira kasi ni Jared ang tulog ko. Ang aga-aga bigla na
lang sumulpot sa kuwarto ko. Kahit anong gawin kong pagtulug-tulugan ay hindi
talaga niya ako tinigilan. Siya raw kasi ang maghahatid sa akin pagpasok. Syempre
hindi ako pumayag. Kaya ko namang mag-commute. Bukod kay Riley, ayoko rin siyang
makasabay. Siguradong mag-aasaran lang kaming dalawa. Pero ano naman ang panalo ko
sa isang tulad niya na saksakan ng kulit. Kulang na lang ay kaladkarin niya ako
kanina para lang sumama sa kanya.

Naalala ko, sabi niya sa akin kahapon na magiging super busy siya sa work.
Mawawalan raw siya ng time sa akin. Hindi na raw niya ako gaanong mabibisita. But
what happenned? What makes him changed his mind?

Ano kaya ang tumatakbo sa utak ng mokong na ito?

Sampung minuto siguro ang inaabot ni Jared bago siya bumalik sa table namin. Ang
gago nakipag-chikahan pa sa mga service crew sa counter. Kung hindi lang ako
nakapagpigil ay kanina ko pa sana siya sinugod. Badtrip na nga ako at gutom na
gutom tapos makikipaglandian pa siya.

I swear, ito na ang huling pagkakataon na ihahatid niya ako sa office! Di bale nang
makasabay ko si Riley. At least busog ako.

"Anong oras ang out mo sa office?" Tanong niya habang abala sa paghihiwa ng
pancake.

Tinaasan ko siya ng kilay habang pinapanood ang ginagawa niya. "Don't tell me na
susunduin mo rin ako?"

"Why not? Para sabay na rin tayong mag-dinner." Pagkatapos niyang hiwa-hiwain ang
pancake ay inilagay niya iyon sa harapan ko.

"Jared, hindi mo na ako kailangang sunduin."

"I'm just doing you a favor. Gusto mong iwasan si Riley di ba?"

"Kaya ko naman siyang iwasan nang hindi kita naaabala."

"Huwag mong isipin na nakakaabala ka sa akin. Gusto 'tong ginagawa ko."

"Pero hindi ko gusto ang ginagawa mo?"

"Bakit? Ano bang ayaw mo sa ginagawa ko?" And to my surprise ay tumusok siya ng
pancake at inilapit iyon sa bibig ko.

Tinabig ko naman ang kamay niya. "Katulad nito. Ginagawa mo akong bata. Kaya ko
namang kumain mag-isa. Ayoko nang tinatrato mo ako ng ganito!"

He pouted. "Hayaan mo na ako. Ilang araw na lang kitang makakasama at babalik ka ng


Davao."

"Jared!"

Hindi na siya kumibo. Tapos ay isinubo niya sa bibig ang tinusok na pancake kanina.
"Bakit ba napaka-dense mo?"

"What?" Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. May laman kasi ang bibig niya.

"Hindi ka lang dense, bingi ka pa! Aray!"

Pinalo ko siya ng hawak kong tinidor sa noo. "Sinong dense? Sinong bingi?"

Ngumisi siya. "Ang sabi ko maganda ka!"

"Thanks Muriel." Si Jessie. Katatapos ko lang ma-retrieve ang mga na-delete niyang
files sa computer. Ten more computers to go. Matatapos ko na rin ang isang buong
department.

Muli akong bumalik sa table ko at pasalampak na naupo. Napagod ako dun. Limang
magkakasunod na computer ang inayos ko. Pero hindi pa nga nag-iinit ang puwet ko sa
upuan nang mayroong tumawag sa akin.

"Muriel, hindi raw mabuksan ni Sir Riley yung file niya." Nakasilip ang ulo ni Gail
sa pintuan.

Bakit kailangan pa niya akong sadyain kung pwede naman siyang tumawag sa local ko?
Inaangat ko ang telepono sa desk ko. May dial tone naman.

"Muriel!" Si Gail ulit at nakasimangot na siya, pero hindi naman halatang


nakasimangot. Para kasing kumukutikutitap ang mga mata niya.

Lumingon ako kay Adrian. "Ikaw na lang ang magpunta sa office ni Sir." Utos ko.

"May inaaayos pa ako eh." Sagot nito habang nakatutok ang mga mata sa monitor. "Si
Joseph na lang."

"Bakit ako?" Katulad ni Adrian ay hindi rin nito inaalis ang mga mata sa monitor.
"Ang dami ko kayang ginagawa!"

I rolled my eyes. Wala akong maasahan sa mga ito.


"Magtuturuan na lang ba kayo dyan? Naghihintay si Sir at mainit ang ulo niya." Si
Gail ulit. Pero saan ka naman nakakakita na nagsusungit na ay nakangiti pa rin?
Sino ba sa dalawang binata ang pinagpapa-cute-an nito?

Ngunit waley ang beauty niya! Busy-ng busy ang dalawa at hindi man siya matapunan
ng tingin.

Tumayo na ako. "Ako na nga lang!" Walang choice eh. Hindi ko sila maistorbo.

Naglalakad na ako patungo sa opisina ni Riley nang bigla akong hilahin ni Ichi.

"Bruha ka! Malihim ka talaga!"

Napakunot-noo ako. "Ano na naman iyon?"

"Nakita kita kaninang umaga. Hinatid ka ni Papa Jared."

"And so?"

"And so ka dyan!" Hinila niya ang dulo ng buhok ko. "Baka gusto mong magkuwento sa
amin. Ano na? Kayo na ba?"

Heto na naman kami!

"Mamaya na ako magkukuwento. Kailangan na ako sa office ni Riley.. I mean ni Sir


Riley."

Ngunit ayaw akong bitiwan ni Ichi. "Umiiwas ka na naman eh?"

"Kapag ako napagalitan talagang sasabutan kita!" Banta ko sa kanya.

"Muriel!" Tawag sa akin ni Gail. Nakapameywang siya sa labas ng pintuan ng opisina


ni Riley.

Doon lang ako binitawan ni Ichi. "Kung makasigaw naman akala mo siya ang boss!"
Ismid niya. "Basta mamaya, magkuwento ka." Baling niya sa akin. "Kung hindi lagot
ka sa aming dalawa ni Jena."

Hindi ako sumagot. Wala naman akong balak magkuwento sa kanila dahil wala naman
talaga akong ikukuwento.
"Huy!" Pahabol sa akin ni Ichi pero nakalayo na ako sa kanya. "Muriel!"

Nasa pintuan na ako nang lumingon ako sa kanya. Inilagay ko ang hintuturo ko sa
labi ko na para bang sinasabi ko sa kanya na huwag siyang maingay. Ang bruha,
inirapan lang ako. Pagtingin ko naman kay Gail ay ang sama ng tingin niya kay Ichi.

Mukhang may issue ang dalawa. I smell something fishy! ^____^

Pagpasok ko sa loob ng opisina ay naabutan kong nakatayo si Riley malapit sa


bintana at may kausap sa cellphone. Dumiretso ako sa desk niya at ginuide naman ako
ni Gail kung ano yung mga files na aayusin ko.

"Paupo ha!" Paalam ko sa kanya at umupo na ako kahit hindi pa siya umu-Oo. At least
nagpaalam ako.

Nakalabas na ng office si Gail. Habang ako naman ay busy sa pag-click dito, pag-
click doon! Browse dito! Type doon!

"Matagal pa ba yan?"

Napatayo ako sa sobrang gulat. HIndi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si


Riley. I swear nagtaasan talaga ang lahat ng balahibo ko. Tama bang magsalita siya
sa tapat ng tenga ko? Iyon pa naman ang pinaka-sensitive part ng katawan ko. Ang
lakas kaya ng kiliti ko doon.

"Sorry, hindi ko sinasadya na gulatin ka." Amused na nakatingin sa akin si Riley.

-___- Mukhang hindi naman siya sincere sa pagso-sorry niya. Ayos sa trip! Ito ba
ang sinasabi ni Gail na mainit ang ulo?

Hindi na lang ako kumibo pero sinimangutan ko siya. Syempre boss ko pa rin siya at
nasa trabaho kami. Pero kung nagkataon na nasa loob kami ng bahay,
makakatikimtalaga siya sa akin.

"Sorry talaga!"

Hindi ko siya pinansin at muling naupo at nag-focus ulit sa monitor. Gusto ko na


rin maayos ung files niya nang makaalis na ako doon.

Hindi na siya muling lumapit sa akin. Pero nararamdaman ko na pinapanood niya bawat
kilos ko.

I'll miss you


Kiss you

Give you my coat when you are cold...

Muntikan na akong matawa nang marinig ang ringing tone ng cellphone ni Riley. Tama
nga yung sinabi niya kagabi, favorite song nga niya iyon.

At simula nang kantahin niya sa akin iyon six months ago.. naging favorite song ko
na rin iyon.

"Hello..." Si Riley nang sagutin niya ang phone. "Yes Gina... Hmmm... What? W-what
do you mean?"

Halos mapakislot ako nang bigla siyang magtaas ng boses. Hala! Mainit nga ang ulo
ng lolo mo!

Kahit anong gawin kong pag-focus sa ginagawa ko ay hindi ako maka-concentrate.


Nakakataranta naman kasi ang boses ni Riley.

Akala ko ba nagsusungit lang siya noong hindi pa siya nakakakita? Bakit hanggang
ngayon ay dala-dala pa rin niya iyon? Akala ko pa naman napagbago ko siya. -___-

Pagkatapos niyang makipag-usap sa cp ay tinawagan agad niya si Gail sa intercom.

"Gail, papuntahin mo si Robert sa office ko, ngayon din!"

"Eh Sir, nandito po ngayon si Mam Samantha. Papapasukin ko po ba?"

"Nandyan si Samantha?" Halatang nagulat si Riley sa nalaman.

Napatigil ako sa ginawa nang marinig ko ang pangalang iyon. Kahit ako ay nagulat.

"Opo. Kararating lang niya."

"Send her in Gail. Mamaya mo na lang papuntahin si Robert." Sa isang iglap ay


biglang nagbago ang mood ni Riley. He never change. Katulad pa rin siya ng dati. Si
Samantha pa rin ang nakakapag-calm sa kanya.

Halos hindi ako humihinga habang hinihintay ko na magbukas ang pintuan. Ito ang
unang pagkakataon na makikita ko siya. At hindi ko maintindihan kung bakit bigla
akong kinabahan.

Nang magbukas ang pintuan, isang maganda at matangkad na babae ang pumasok mula
roon. At napanganga ako sa nakita.

Wow! She was so damned beautiful. And her body? Daig pa niya ang isang model. She
was exactly the epitome of every man's dream.

At aaminin ko, bigla akong nanliit sa sarili ako. Waley na waley ang beauty ko kung
ikukumpara sa kanya.

"Baby!" Nang makita ni Samantha si Riley ay mabilis nitong sinalubong ng yakap ang
nobyo. "I miss you so much."

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na darating ka?" I could see the happines in his
face.

"I want to surprise you." Nang bumitaw si Samantha rito ay hinalikan nito si Riley
sa mga labi. And they kissed in front of my eyes.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Ouch! Pakiramdam ko ay may kung anong tumusok sa dibdib ko. At habang tumatagal ay
lalong lumalala ang pagkirot nyon.

Kaya mo yan Muriel. Just focus on your work! I tried to motivate myself. Kailangan
ko nang matapos ito dahil kailangan ko nang makaalis doon.

"Oh! Who is she?" Doon lamang ako napansin ni Samantha. Nang mag-angat ako ng
mukha, I saw her smiling at me.

"She is Muriel. One of my IT's" Pagpapakilala sa akin ni Riley. Then lumingon siya
sa akin. "Meet my girlfriend.. Samantha."

I tried my very best to smiled back at her. "Hi!"

"Hello!" Ganting bati niya sa akin. At sa tingin ko ay mukhang mabait naman siya.

"Sir, okay na po yung files nyo." Saved by the bell ang pagkakaayos ko ng computer
niya. Tumayo na ako at umikot sa kabilang side ng table. Hinanda ko na ang sarili
ko sa paglabas ng silid na iyon.

"Thanks Muriel!"

Hahakbang na sana ako palabas nang muling magsalita si Samantha. "What is your name
again?" tanong niya sa akin.
Si Riley ang sumagot. "It's Muriel."

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya nang marinig ang pangalan ko.

Did she recognized me?

"I got to go Sir. Madami pa akong babalikang trabaho." Sabi ko at nagmamadaling


tinungo ang pintuan. At ganon na lamang ang relief ko nang tuluyan akong makalabas.

"Muriel okay ka lang?" Hindi ko napansin na nakasalubong ko pala si Jena. "Bakit


namumutla ka?"

"O-okay lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. "Punta lang ako ng restroom."

"Sigurado ka?"

Tumango lang ako at iniwanan ko na siya.

Simula nang bumalik ako sa desk ko ay wala na akong nagawang trabaho. Kanina pa
lumulutang ang isipan ko. Hindi ako makapag-focus at makapag-concentrate. Supposed
to be hanggang bukas na lang ako. Pero sa dami ng trabaho na hindi ko pa natatapos,
mukhang magtatagal pa ako dito ng ilang araw. At maisip ko lang na magsasama kami
ni Samantha sa iisang bubong, halos mag-panic na ako. Hindi kami pwedeng magsamang
dalawa. Alam kong alam niya ang tungkol sa akin. At ayoko ng gulo. Hindi dahil
naduduwag ako sa kanya. Ayoko lang na mag-isip siya ng hindi maganda sa akin lalo
na at nakatira ako ngayon kasama si Riley. At higit sa lahat ayokong malaman niya
ang nararamdaman ko para sa nobyo niya.

Kung doon na lang kaya ako sa condo ni Jared mag-stay? Tama siya. Mas safe ako
doon. Sana pala ay nakinig na ako sa kanya nung una pa lang.

"Huwag mong sabihin na mag-o-overtime ka?" Tanong sa akin ni Adrian.

Ilang minuto na lang kasi at mag-uuwian na. Lahat halos sila ay nakaligpit na ng
mga gamit at ready to go na. Habang ako ay nakatutunganga pa rin sa monitor at
makalat ang ibabaw ng table.

Umiling ako. "Uuwi na rin ako." Doon lamang ako kumilos. At isa-isang niligpit ang
mga gamit ko.

"Ready ka na Girlfriend?" Nagulat ako nang bigla na lamang sumulpot si Jared sa may
pintuan. Lahat tuloy ng mga kasamahan ko ay sa kanya napatingin. He was still in
his business suit minus the coat. Habang ang suot nitong longsleeve ay basta na
lang itinupi hanggang siko. Gayunpaman ay hindi pa rin nabawasan ang kaguwapuhan
niya. Ngumiti siya sa lahat at kumaway na para bang nangangampanya. "Susunduin ko
lang ang girlfriend ko." Sabi pa niya.

Hindi ko na siya kinontra. Useless din naman kung gagawin ko iyon. Hindi rin naman
maniniwala sa akin ang mga kasamahan ko kung sasabihin ko ang totoo.

"Tara lets!" Tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

"Makulit ka rin noh?" Talagang pinanindigan niya ang pagsundo sa akin.

Ngumisi lang siya sabay bitbit sa knapsack ko. Pero binawi ko sa kanya iyon. "Ako
na! Hindi bagay sa outfit mo."

"I don't care!" Balewala niyang sagot at muling kinuha ang bag ko at isinukbit sa
balikat niya.

"Ang guwapo-guwapo naman ng boyfriend mo Muriel. May kapatid ba iyan?"

Natawa naman si Jared sa narinig mula kay Eunice. At game naman na sumagot ang
binata. "Only child lang ako. Pero may kaibigan ako, guwapo rin. Kaya lang taken na
rin siya."

"Sayang naman! Kung sakaling magbago ang isip mo, nandito lang ako!"

Bitch! Parang gusto kong sapakin si Eunice. Lahat na lang yata ng lalaki ay nilandi
nito.

"Sorry. Pero habangbuhay na nakalaan ang puso ko para kay Muriel." Sabay akbay sa
akin ni Jared.

"YUn oh!" Sigaw naman ng mga boys. At kanya-kanya na silang kantiyawan. Mabuti na
lamang at nasa kabilang department sina Jena at Ichi. Kapag nagkataon, lamog ako sa
dalawang iyon.

Nag-aabang kaming dalawa ni Jared sa tapat ng elevator nang biglang dumating sina
Riley at Samantha.

"Hello Jared!" Si Samantha ang unang bumati at nilapitan siya nito at bineso sa
pisngi. "What are you doing here playboy?"

Halatang nagulat naman si Jared nang makita ito. "You're here! Kailan ka pa
dumating?" Pagkatapos ay sinulyapan niya ako.
"Kanina lang! Sinurprise ko si Riley. Hello again Muriel." Ako naman ang binalingan
ni Sam at naroon pa rin ang mga ngiti sa labi nito.

"Have you already met?" Palipat-lipat ang tingin ni Jared sa aming dalawa.

Pinili kong magsalita. "Nagkakilala kami kanina sa office ni Sir Riley."

Muli akong sinulyapan ni Jared. At parang gusto kong matawa sa nakita kong reaksyon
niya. He was a bit worried for me. Nginitian ko siya para ipakita sa kanya na okay
lang ako.

Eksakto naman na bumukas ang elevator. Naunang pumasok sina Riley at Samantha.
Sumunod kami ni Jared. At ganito ang puwesto naming apat.

Riley - Samantha - Jared - Ako

"May lakad kayong dalawa?" Tanong ni Riley sa kaibigan.

"Yes. May dinner date kami ni Muriel." Nakangiting sagot ni Jared. At nagulat na
lang ako nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Don't tell me that you're a couple?" Si Samantha.

Ngumiti lang si Jared.

"That's great! May dinner date din kami ni Riley. Why don't we make it a double
date? What do you think guys?"

Ngunit walang sumagot kahit isa sa aming tatlo.

"Hey! Ayaw nyo ba ng suggestion ko?"

"I don't think that's possible Samantha." Jared said. "Nakapagpa-reserved na kasi
ako. And it took me days before I finally get that venue. At gusto ko sana na
kaming dalawa lang ni Muriel. Hope you don't mind?"

Hindi ako sigurado kung nagsasabi siya ng totoo. Gayunpaman ay lihim akong
nagpapasalamat sa kanya. Double date? Malaking kalokohan iyon!

"No, its okay Jared. I understand." Malambing na sagot ni Samantha sabay hilig sa
balikat ni Riley.

Parang ang tagal naman yatang makababa ng elevator na ito. Naiinip na akong lumabas
doon.

Hindi sinasadya ay napatingin ako kay Riley. At nagtama ang aming mga mata. Ako ang
unang umiwas at tumingin ako kay Jared. Nakatingin din pala siya sa akin. I smiled
at him just as I thought he was also smiled back at me. Ngunit nakatitig lang siya
sa akin. And I couldn't read his expression.

Hanggang sa makalabas kami nang building ay hindi niya binibitiwan ang kamay ko.

"Bye guys!" Si Samantha na kumaway pa sa aming dalawa.

Tinapik naman ni Riley si Jared sa balikat. "Take care of her." Ang tinutukoy niya
ay ako.

"I will." Mariin pero mahinang sagot ni Jared. "You don't have to tell me." At
hinila na niya ako patungo sa nakaparada niyang sasakyan.

Hindi na sana ako lilingon. Pero hindi ko pa rin napigilan. At nakita ko si Riley
na nakatingin sa direksyon namin... sa akin pala!

Dinala ako ni Jared sa isang mamahaling restaurant. Medyo awkward pa nga ang outfit
ko. Naka-skinny jeans at rubbershoes ako. Habang ang mga taong naroon ay naka-
formal dresses at business suits.

"Don't mind them." Bulong sa akin ni Jared. "Kahit anong isuot mo maganda ka pa
rin."

Napangiti naman ako sa sinabi niya kahit na alam ko na baka binobola lang niya ako.

"Sigurado ka ba na walang makakakilala sayo dito? Baka naman mamaya ay may bigla na
lang lumapit sa'yo to drop by and say hello?" Ang tinutukoy ko ay mga babae bigla
na lang lumalapit rito.

"First ko pa lang rito. Kaya sigurado ako na walang nakakakilala sa akin dito."

Ngunit nadismaya ako nang makita ko ang matamlay niyang mga ngiti. It's not typical
him. Kanina pa siya tahimik at walang kibo. Pero kanina naman ay okay pa ang mood
niya. Nakipagbiruan pa nga siya sa mga kasamahan ko.

Nu nangyare?

"Okay ka lang ba?" Naisip kong itanong. Baka naman kasi biglang sumama ang
pakiramdam niya at ayaw niya lang sabihin.
Tumango lamang siya.

"Hindi ako sanay na ganyan ka? May problema ba?"

Tinitigan niya lang ako na para bang binabasa ang nasa isipan ko.

"Ako dapat ang magtanong kung okay ka lang?"

I chuckled. "Of course I'm okay. Bakit naman ako magiging hindi?"

"It's that your way of pretending your fine, even though you're totally broken?"

Nawalang bigla ang ngiti ko sa sinabi niya.

How did he know? Manghuhula ba siya?

But of course, bakit ako aamin?

Tumawa ako ng mahina. "Why do I need to pretend? Ano bang meron?"

Tinignan niya ako ng masama. "Stop acting as if you're not affected. And don't you
dare deny it! You can fooled them but not me!"

Suddenly I felt cold. Bakit ba alam na alam niya kung anong nararamdaman ko?

"I-i don't know-"

"Would you stop it Muriel? Matagal ko nang alam na may nararamdaman ka kay Riley.
At kahit hindi mo sabihin alam ko na nasasaktan ka na makita silang magkasama ni
Samantha."

"Alam mo naman pala! So? Anong gusto mong gawin ko?" I have no other choice kundi
umamin na rin sa kanya. Besides, hindi rin naman siya titigil hanggat hindi ako
nagsasalita. "I have my pride Jared. I'd rather choose to die, kaysa ipakita sa
kanila na naapektuhan ako." This is better than denying it. Nakakapagod na rin ang
pagpanggap na kunwari okay lang ako kahit ang totoo ay hindi naman.

"Muriel.."

"I don't understand why are you angry at me? May mali ba sa ginawa ko?" Emotion
started to get in at hindi ko na mapigilan. "Kung sabagay ano ba ang alam mo?
Nothing! Sa isang tulad na mo na player at papalit ng girlfriend, you don't have
any idea what I'm going through." Tumayo ako sabay bitbit ng bag ko at tuluy-tuloy
na lumabas ng restaurant.

"Muriel!" Narinig kong tawag sa akin ni Jared pero hindi ko siya nilingon. I want
to get out of that place. I want to be alone.

"Muriel.." Ngunit hindi ko akalain na mahahabol pa niya ako. Mabilis niya akong
kinabig paharap sa kanya at saka ikinulong sa mga bisig niya. "I'm so sorry. Hindi
naman ako galit sayo. I just can't help it. Ayoko lang na makita kita na
nagkakaganyan."

I tried to struggled but I don't have enough strength to push him.

"Nandito naman ako. I'm willing help. You can lean on me. You can trust me. At kung
sa palagay mo, you had too much, I'll find a way to ease that pain."

Then I found myself crying on his shoulder. First time kong umiyak sa harapan ng
ibang tao. Iyon pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat.

"Ssshh... Please don't cry Muriel."

Just as I thought that I can be strong enough to get through this... I was wrong.
And I hate myself for being emotional again. I promised not to cry anymore. In
straight six months, nagawa kong hindi umiyak. But now, heto na naman ang pasaway
na emosyon na ito na gustung-gusto ko nang mawala sa sistema ko. Bakit ba hindi ko
magawang kalimutan si Riley?

(to be continue...)

*******************************************
[26] Chapter Twenty Six: Mistaken
*******************************************
Pasensya na po sa matagal na UD... this past few days ayaw talagang gumana ng utak
ko at hindi talaga ako makapagsulat. Sumabay pa ang katamaran ko.. hay! =____=

Hindi ko alam kung kailan ako ulit makakapag-UD... (konting patience lang guys!)
Pero susubukan kong mkapg-UD as soon as possible... Enjoy reading!

Chapter Twenty Six: Mistaken

<Muriel POV>
It's almost ten, nang maihatid ako pauwi ni Jared. Hindi ko na siya pinababa ng
kotse. Alam kong kailangan na din niyang magpahinga. And besides maaaga pa niya
akong susunduin bukas.

Pagpasok ko ay nakita ko si Nana Tonya na nag-aabang sa akin sa may pintuan.

"Bakit gising pa po kayo?" Tanong ko nang tuluyan akong makalapit sa kanya.

"Nahihirapan akong matulog sa gabi. Ganito na yata ang tumatanda."

"Nahihirapan na pala kayong matulog eh bakit umiinom pa kayo ng kape?" Napansin ko


kasi ang hawak niyang mug.

Ngumiti siya sa akin. "Hindi ito kape, salabat kaya ito. Nakakatulong ito para
makatulog ako."

Napakunot-noo ako. "Salabat? Di ba para lang sa lalamunan iyon?" Naalala ko kasi


yung Tita ko na frustrated singer. Madalas siyang umiinom noon ng salabat para raw
gumanda ang boses niya.

"Hindi lang naman para sa lalamunan ito. Marami rin itong mabuting naidudulot sa
katawan. Pumasok ka na nga sa loob at baka mahamugan pa ka dito." Tinulak niya ako
papasok ng pintuan.

Ngunit nahagip ng mga mata ko ang nakaparadang sasakyan ni Riley sa may garahe.
"Nakauwi na po sila Riley?"

"Sinong sila?" Nagtatakang tanong ni Nana Tonya.

"Sina Riley at Samantha."

"Nandito na si Samantha?"

Tumango ako. "Opo. Nagkita kami kanina sa opisina. Hindi ba ninyo alam?"

"Wala namang binabanggit sa akin si Riley kanina."

Kung ganon ay hindi dito sa bahay mag-i-stay si Samantha! Ganon na lamang ang
relief na naramdaman ko.

Pero bigla kong naalala ang naging usapan namin ni Jared kanina. Pumayag na akong
mag-stay sa condo niya. Dahil kung talagang gusto kong umiiwas kay Samantha, lalo
na kay Riley, kailangan kong lumayo sa kanila. At tama si Jared. Mas safe ako doon.
Kaya nga bukas ng umaga ay susunduin niya ako. Siya na raw ang bahalang kumausap
kay Riley. At naman ang bahala kay Nana Tonya.

"Nana Tonya magpapaalam po sana ako sa inyo?"

Lumingon siya sa akin. "Aalis ka?" Parang nahuhulaan niya ang sasabihin ko.

"Doon po muna ako titira sa condo ni Jared."

"Magsasama kayong dalawa?"

Napangiti ako sa nakita kong reaksyon niya. "Hindi po. Doon ako sa isang condo niya
titira."

"Akala ko itatanan ka na niya."

"Naniwala naman kayo kay Jared. Alam nyo naman na puro kalokohan ang laman ng isip
nun."

"Eh bakit dun ka pa titira? Ang laki-laki ng bahay na ito. At saka sa akin ka
binilin ni Lorie."

Naisip kong sabihin na rin sa kanya ang totoo. "Aaminin ko po sa inyo, ayokong
tumira dito kasama si Riley."

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya.

"Hangga't maaari ay gusto ko siyang iwasan. Ayokong makahalata siya. Alam kong may
mga pagkakataon na nagdududa na siya sa akin. At nanatakot ako na baka malaman niya
ang tungkol sa pagpapanggap ko noon. Lalo na ngayong nandito si Samantha, mas lalo
kong kailangan mag-ingat. Mas kailangan kong umiwas."

"At para makaiwas ka sa kanila ay naisip mong lumayo?"

Tumango ako.

Narinig ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Nana Tonya. Lumapit siya sa akin
at hinawakan ako sa pisngi. "Pagpasensyahan mo ako Muriel. Sa umpisa pa lang dapat
hindi na ako sumang-ayon kay Lorie na dito ka manatili." She smiled bitterly. "Pero
dahil nanabik ako sa pagbabalik mo, hindi ko naisip ang magiging sitwasyon mo.
Naiintindihan ko na hindi naging madali para sayo ang muling makaharap si Riley
pagkatapos ng mga nangyari. Kung gusto mong lumayo, hindi kita pipigilan. Alam kong
mas makabubuti sa iyo iyon."
"Salamat po at naiintindihan ninyo ako." I was teary eyed. Ramdam na ramdam ko kasi
ang pagmamalasakit niya para sa akin. Simula nang tumapak ako sa bahay na iyon,
siya na ang tumayo na parang nanay ko.

"Kailan ba ang alis mo?" Narinig ko siyang sumisinghot.

"Bukas po ng umaga. Susunduin daw po ako ni Jared."

"Napapansin ko na lumalalim na ang pagkakaibigan ninyong dalawa."

"Nana Tonya!" Saway ko sa kanya. "Mabait lang po talaga si Jared kahit hindi
halata. Madalas man kaming mag-asaran, minsan nagkakasundo rin naman kami."

"Maliit pa lang sila ni Riley ay kilala ko na siya. Kaya alam kong mabuting tao
siya. At sana lang sa bandang huli ay hindi siya masaktan sa ginagawa niya."

"Anong ibig ninyong sabihin?"

Parang nag-aalangan pa si Nana Tonya na magsalita. "May gusto siya sayo."

"Sa akin?" Nagulat naman ako doon. "Imposible! Bakit naman siya magkakagusto sa
akin?"

Tinapik ako ni Nana Tonya sa balikat. "Buksan mong maigi ang mga mata mo para
malaman mo na totoo ang sinasabi ko!"

Ano daw? =____=

"O siya, mauna na ako sayo." Si Nana Tonya ulit. "Nakaramdam rin ako sa wakas ng
antok." Tumalikod siya at nagtungo sa kanyang silid.

Naiwan akong naguguluhan.

What if totoo nga ang sinasabi niya?

Ganon na ba ako kamanhid para hindi ko maramdaraman iyon?

Mabilis akong umiling. Pero imposible talaga na magkagusto sa akin si Jared!

He once told me na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang tulad ko. Kaya?


Nagising ako sa maingay na ringing tone ng cellphone ko. Pero hindi ko magawang
maimulat ang mga mata ko.

Kapa!

Kapa!

Pucha! Nasan na iyon? Dito ko lang nilagay iyong cp ko sa ilalim ng unan ko.

Maya-maya ay may narinig akong nahulog na bagay sa sahig.

Pagsungaw ko, bigla akong napabalikwas.

It was my expensive cellphone!

At ang dating isa, ngayon ay tatlo na! Humiwalay kasi ang battery at back cover
nito mula sa body.

Mabilis ko iyong dinampot at in-assemble ko agad. Kinakabahan pa nga ako na baka


tuluyan iyong masira at hindi na gumana.

Wala pang isang buwan ang bago kong cp, tapos sira na agad!

Eksaktong pag-on ko ay bigla iyong tumunog. Muntikan ko pa ngang mabitawan iyon sa


gulat ko.

Jared was calling.

Mabilis kong sinagot iyon.

"Finally, sinagot mo rin! Para ka talagang mantika kung matulog. Kanina pa ako
tawag nang tawag sayo."

I rolled my eyes. "Sensya na! Ang sarap matulog eh! Bakit ka nga pala napatawag?"
Sabay hikab. Paglingon ko sa desk clock ay pasado alas nuwebe na pala ng umaga.
Tanghali na pala! "You were supposed to be here! Bakit wala ka pa?" Bigla kong
naalala ang usapan namin.

I heard him chuckled. "Kaya nga ako tumatawag. I'm sorry Muriel. I don't think I
can make it today!"
"But why? May nangyari ba sayong masama?"

Lalong lumakas ang pagtawa niya. "Concern to me? Hmmm... I like that!"

"Jared!"

"Nagkaroon ng biglaang problema sa kumpanya at hindi ako basta makaalis. I'm sorry.
Nangako pa naman ako sayo kagabi."

"It's okay. And please don't feel sorry. Sabi ko naman sayo di ba? Hindi mo ako
obligasyon."

I heard him sighed. "As soon as I fix this mess, pupuntahan kita kaagad. Basta,
huwag kang aalis ng bahay. Dyan ka lang, okay?"

"Opo!" Hindi na ako nakipagtalo sa kanya.

"Got to go. See you later."

"Okay."

"Muriel?"

"Hmmm..."

"Never mind!" At nawala na siya sa kabilang linya.

Akala ko pa naman ay may sasabihin pa siya!

Muli akong nahiga sa kama. Gusto ko pa sanang ituloy ang naudlot kong tulog. Pero
hindi ko na magawa. Wala akong pasok ngayon sa opisina. Kaya nga nagpumilit si
Jared kahapon na masundo ako ngayon para makapag-adjust daw agad ako sa lilipatan
kong condo niya. But unfortunately, he couldn't make it. At naiintindihan ko naman
ang sitwasyon niya. Alam ko kung gaano siya ka-busy ngayon. Hindi biro ang
responsibilidad na ibigay sa kanya pagkatapos ilipat sa kanya ng ama ang buong
pamamahala ng kanilang kumpanya.

Si Jared lang naman ang makulit. Sinabi ko na sa kanya na hindi niya ako kailangang
intindihin. Ayoko rin naman makaabala sa kanya. Kaya ko namang pumunta mag-isa sa
condo niya. Pero hindi siya pumayag. Baka raw mapahamak pa ako. Tanga-tanga pa
naman raw ako!

Salbahe na yun! Bahala na nga siya!


"Akala ko ba maaga kang susunduin ni Jared?" Bungad sa akin ni Nana Tonya nang
pumasok ako ng kusina.

"Hindi po siya natuloy. May biglaan po siyang lakad." Sabi ko nang kumuha ako ng
mug para magtimpla ng kape.

"Akala ko pa naman ay nagbago ang isip mo."

Nang lumingon ako sa kanya ay abala siya sa paghihiwa ng mga gulay. "Kagabi pa po
buo ang desisyon ko. At hindi na siguro magbabago iyon."

"Alam ba ni Riley na aalis ka dito?"

"Nana Tonya, pwede po bang maka-" Suddenly ay biglang sumulpot si Samantha at


napahinto sa may pintuan. "You're here?" Halatang nagulat siya nang makita ako.

Kahit ako ay hindi inaasahan na makita siya.

"May kailangan ka ba Samantha?" Lumapit rito si Nana Tonya.

"H-hihingi lang po sana ako ng malamig na tubig." She said while still looking at
me.

Kumuha ng baso si Nana Tonya at inabot iyon sa dalaga. "Ikaw na lang ang kumuha ng
tubig sa ref." At pagkatapos ay lumabas ito ng kusina.

"I was really surprised to see you here." I heard her said. Naramdaman ko na nasa
harapan ko siya.

"I never meant to surprised you." Sabi ko habang abala ako sa pagtitimpla ng kape.

"Wala namang nabanggit sa akin si RIley na nandito ka. And I don't understand why
are you here?"

Nag-angat ako ng mukha at matapang na sinalubong ang mga mata niya. "I was here for
work."

Pero mukhang hindi siya naniniwala sa akin. At sa palagay ko kailangan ko na ring


magsalita para maipagtanggol ang sarili ko.
"Look! Kung iniisip mong nandito ako para manggulo sa inyo, then you're wrong!"

"You couldn't blame me if I have doubts in my mind, could you?"

Umangat ang kilay ko. "Ayoko ng gulo Samantha. At kung anuman ang nangyari six
months ago, mananatiling lihim iyon at walang dapat malaman si Riley."

"You shouldn't come back then."

You shouldn't come back either! Muntikan ko nang sabihin pero nagpigil ako. I tried
my very best to control my temper. As much as posible ayoko siyang patulan. At
katulad ng sinabi ko kanina, ayoko ng gulo.

Dahil once na nagkabangga kaming dalawa, si Riley ang unang maaapektuhan. And worst
baka malaman pa niya ang totoo.

"You're right, I shouldn't come back. But it's not my choice. At kung bumalik man
ako, hindi para kay Riley. Again I was here for work. So kung iniisip mo na isa
akong malaking threat para sayo? Then you can leave all your worries behind dahil
aalis na ako sa bahay na ito."

"You were leaving?" Si Riley na biglang sumulpot na ikinamangha naming dalawa.

Narinig kaya niya ng pinag-usapan namin?

"S-sabi ko naman sayo baby, hintayin mo na lang ako sa sala." Samantha tried to
blocked him.

"Why are you leaving?" He asked me again.

Dahil sa'yo at sa kanya...

"Because I want to." I answered safe. At humigop ako ng kape habang nakatingin sa
direksyon ni Samantha.

I need to act normally and pretend as if balewala sa akin kung anuman ang narinig
niya. Kahit ang totoo ay kinakabahan ako.

"Baby would you like to go out?" Si Samantha na biglang kumapit sa braso ng nobyo.
She tried to caught his attention. "May natuklasan akong bagong restaurant and the
dishes are really superb." But to her dismay, hindi man lang siya pinansin ni
Riley.

"You won't leave here Muriel unless you give me a valid reason!"
Muntikan ko nang maibuga ang iniinom kong sa kape sa narinig. Sayang! Kaharap ko pa
naman si Samantha.

"Sir naman! Ang aga naman ninyong magbiro." I smiled at him. Nagbabakasali akong
madaan ko siya sa biro.

"Mukha ba akong nagbibiro?" He looks really serious. "I can't understand why
suddenly you want to leave here without informing me. I'am still your boss and
you're my resposibility."

Tinignan ko si Samantha. At binigyan ko siya ng Do something! na look.

"Baby.." Sinubukan niya ulit agawin ang atensyon ni Riley.

"Later Sam. Hintayin mo na lang ako sa sala. May pag-uusapan lang kami ni Muriel."
Sabi niya na hindi lumilingon sa nobya.

Napalunok ako nang wala sa oras. There is no way of escaping from him.

Ngayon ko naisip na sana ay dumating na si Jared and save me from him. Pero malabo
pa sa malabo na dumating siya.

"Tell me honestly Muriel, are you avoiding me? Iyon kasi ang nararamdaman ko. Since
na dumating ka sa bahay na ito, wala kang ginawa kundi iwasan ako. Tell me, may
problema ka ba sa akin?"

Mabuti na lamang at may mahabang mesa na nakapagitan sa aming dalawa kaya hindi
siya makalapit sa akin.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakatingin sa akin si Samantha. Marahil


hinihintay ang sasabihin ko. At wala na rin siyang magawa para agawin ang atensyon
ng nobyo nito.

"Hindi kita-"

Bigla na lang nagdilim ang buong paligid. Blackout?

"Riley?" I heard Samantha's voice.

"I was here." Si Riley.

"Where are you?"


Hindi ko ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Bahala silang maghanapan na dalawa sa
dilim. Basta ako safe sa lugar ko. Maya-maya lang magkakailaw din.

I was saved by the bell! At parang gusto kong magpasalamat sa Meralco dahil pinili
nilang mawalan ng ilaw sa pagkakataong ito. Nakaiwas ako kay Riley nang hindi ako
nagsisinungaling.

Kahit bitbit ko ang cellphone ko ay hindi ko iyon nilabas sa bulsa ko. Mabuti na
rin iyong walang liwanag para naman makapagtago ako pansamantala sa dilim.

Then suddenly, naramdaman kong may kung anong mabalahibo ang kumiskis sa mga binti
ko. Oh shocks! What is that? Napatili ako at napatakbo hanggang sa may nabunggo
akong matigas na bulto. At kung hindi niya ako nahawakan kaagad, malamang ay
natumba na ako.

"Sam? What happened? Are you okay?" Si Riley pala iyon.

Sam ka jan! It's me Muriel! Gusto ko sanang isigaw sa kanya. Pero hindi na lang ako
kumibo.

"I'm fine Baby. Hindi kaya si Muriel iyon."

"M-muriel?"

I could feel his breath on my face. Ibig sabihin ganon kami kalapit sa isa't-isa?
Naramdaman ko na lang din na humigpit ang mga braso niyang nakapulupot sa katawan
ko. Lalo tuloy akong napalapit sa kanya.

"Rai.."

"Sam?"

"Yes Baby?"

Para akong binusan ng malamig na tubig. Bigla ko tuloy naitulak si Riley palayo sa
akin.

I almost forgot. Magkaboses nga pala kami ni Samantha. And maybe he mistaken me as
his girlfriend.

Umatras ako palayo sa kanya sa takot na baka magkalapit kaming muli. But to my
surprise bigla na lamang may dumamba sa akin dahilan para matumba ako sa sahig.
Napatili ulit ako.
Eksakto naman na lumiwanag ang buong paligid at bumalik na ulit ang kuryente.

"Buddy?" Nagulat ako nang makita siya sa ibabaw ko. Tinakot naman ako ng asong ito!
Siya rin siguro yung kaninang kumiskis sa binti ko. At bago pa ako makakilos ay
pinaliguan niya ng halik sa buong mukha. "Stop it Buddy!" Kahit anong tulak ko sa
kanya ay hindi ko magawa. Ang laki niyang aso at ang bigat-bigat niya.

Naramdaman ko lang na umangat si Buddy sa ere. Binuhat pala siya ni Riley para
maialis siya sa ibabaw ko. Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay niya sa akin.
Tinanggap ko iyon at tinulungan niya akong makatayo.

"Thanks!" Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"You okay?"

Tumango ako at bahagyang inayos ang nagusot kong damit.

"Buddy come here!" Napalingon ako nang tawagin ni Samantha ang aso. Pero tinignan
lang siya sandali ni Buddy at muling lumapit sa kinaroroonan ko habang panay ang
kawag ng buntot niya.

Sumimangot siya sa pandededma ng aso. Hindi ko naman napigilang mangiti. Ngunit sa


paglingon ko ay nakita kong matamang nakatingin si Riley sa akin. Hindi siya
nagsasalita. Basta nakatingin lang siya sa akin at bigla akong kinabahan sa klase
ng tingin niya.

I think I need to go. Humakbang ako palabas ng kusina. At nakasunod pa rin sa akin
si Buddy.

"Sam!" Napahinto ako nang marinig ang pagtawag ni Riley. Then I realized that it's
not me!

Shit! Muntikan na akong lumingon sa kanya. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko.
But I still managed to composed myself. Humakbang ako ulit at tuluy-tuloy na
lumabas ng kusina.

"Pasaway na aso ka! Alam mo ba na tinakot mo ako kanina?" Sabi ko kay Buddy habang
nakaupo siya sa katapat kong upuan.

Patuloy lang siya sa pagkawag ng buntot niya habang nakatingin sa akin.


Nasa garden kami ngayon. Doon ako ako dumiretso pagkatapos kong umeskapo sa kusina.

"Ano bang mayroon ako at gustung-gusto mo ako?"

Aw! Aw! Aw!

Para namang naiintindihan ko ang pagtahol niya. -____-

"Tinawag ka ni Samantha kanina, bakit hindi ka lumapit sa kanya?"

Nang maalala ko ang nakasimangot niyang mukha ay hindi ko napigilang ngumiti. Para
kasing napahiya siya.

"You don't like her? Why? Mas maganda naman siya kaysa sa akin."

Aw! Aw! Aw!

"What! Mas maganda pa rin ako sa kanya? Good boy! Yan ang gusto ko sayo."

Kung may makakarinig lang sa akin na ibang tao baka isipin nila na nasisiraan na
ako ng ulo.

No choice eh! Kailangan ko nang kausap. Pwede ko ng pagtiyagaan si Buddy. At least


alam ko makikinig siya sa lahat ng sasabihin ko.

"But I'm glad na hindi mo ako nakakalimutan. Ganon ka pa rin. Hindi ka nagbabago."

Aw! Aw! Aw!

"I know. And I miss you too." Sa sinabi kong iyon ay biglang tumalon si Buddy mula
sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Akala ko pa nga dadambahin niya ulit ako
pero sa halip ay dinila-dilaan niya lang ang kamay ko.

"Good boy!" At hinimas ko siya ulo na gustung-gusto niya.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Para naman akong nabuhayan ng loob ng makita sa
screen ang pangalan ni Jared.

"Hello.."

"Muriel I'm so sorry. I couldn't-"


"It's okay" Mabilis kong sagot. Hindi ko na kailangang marinig ang paliwanag niya.
Alam ko naman kung ano ang sitwasyon niya at naiintindihan ko iyon. Although medyo
nadismaya ako dahil kanina ko pa siya hinihintay.

"Sorry ulit! Madami pa kasi akong dapat ayusin dito."

"I understand. Hindi naman ako nagmamadali."

"where are you?"

"Nandito ako sa garden. Kasama ko si Buddy."

"Are you okay?"

"Oo na naman."

"Kumain ka na ba?"

Saka ko lang naalala na naudlot nga pala ang pag-aalmusal ko kanina. "Yup! Kumain
na ako." Pagsisinungaling ko.

"Basta babawi na lang ako sayo bukas. I promise."

"Jared hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo! Okay lang naman kahit sa ibang
araw-."

"No! Bukas na bukas na din aalisin na kita dyan!"

"Ikaw ang bahala." He already set his mind. At useless na makipagtalo pa ako sa
kanya.

"Got to go. See you tomorrow."

"Okay!"

"Bye!"

=End tone=

I blew out a long sighed. Gustung-gusto ko nang umalis sa bahay na iyon pero wala
naman akong magawa. And I hate myself for being helpless. Hindi pa naman ako sanay
na umaasa sa ibang tao. Pero sa pagkakataon na ito, I really have no choice kundi
sumandal kay Jared. He already knew my secrets. At siya lamang ang taong puwede
kong maasahan at mapagkatiwalaan. Dahil kung ako lang, kaya kong umalis mag-isa sa
bahay na iyon. Nariyan naman sina Jena at Ichi na pwede kong mapakiusapan na mag-
stay muna sa kanila. Yun nga lang, kailangan kong harapin ang mga samut-saring mga
tanong nila.

Muli akong napatingin kay Buddy at hinimas siya sa kanyang ulo. "Ano sa palagay mo
ang dapat kong gawin?"

Aw! Aw! Aw!

Aw! Aw! Aw!

Hindi siya tumigil sa pagtahol habang nakatingala siya. At doon ko napansin na


hindi pala siya sa akin nakatingin. Lumingon ako at mula sa itaas ay nakita ko si
Riley sa may veranda. He was looking and watching at me.

I couldn't read his expression. May kalayuan siya sa kinaroronan ko. But I wondered
kung bakit hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin.

May kinalaman kaya iyon sa nangyari kanina?

<Riley POV>

"Hey! You're not listening!"

Halos hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Samantha.

"I'm sorry. What did you said again?"

She gave me a mad face. "Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka nakikinig.
Ano ba ang tinitignan mo dyan?"

Hindi ko na siya napigilan nang dumungaw siya sa veranda. Mabuti na lang at wala na
si Muriel sa kinaroroonan nito kanina.

"May iniisip lang ako problema sa kumpanya." Pagsisinungaling ko. At mukhang


nakumbinsi ko naman siya.
"Tuloy pa ba tayo?"

"Saan?"

"Di ba magla-lunch tayo sa labas?"

Wala naman akong maalala na nag-usap kaming kakain sa labas.

"You forgot?" Biglang sumimangot si Samantha.

"Of course not! So where do yo want to eat?" Sumang-ayon na rin ako para hindi siya
magtampo.

Nakita ko siyang ngumiti. "I know a better place."

Ngumiti na rin ako. "Ngayon na ba tayo aalis?"

Tumingin siya sa suot niyang wristwatch. "Mamaya na lang siguro. Maaga pa pala."
Lumapit siya sa kama ko at naupo roon. "I miss this bed. Its been a long time ago
since I slept here."

"You can sleep here anytime you want."

"I know." Pagkatapos ay humiga siya. "Pero alam mo naman kung gaano ako ka-busy sa
trabaho right?"

Pagkatapos ay nagkuwento na siya ng mga experiences niya sa Hongkong.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakapikit. Pinapakinggan ko lang ang boses ni


Samantha. When I was still blind, malakas ang pakiramdam ko sa lahat ng bagay. I
can instantly recognized a person's voice. Especially, yung mga taong malapit sa
akin. Kaya nga ganon na lang ang pagtataka ko kanina kung bakit napagkamalan ko
bilang si Samantha si Muriel. Alam kong magkaboses silang dalawa. But at that
moment, I couldn't explain what I felt when I held her closer to me. Hayun na naman
ang pamilyar na pakiramdam ko sa kanya. And I was confused again. Bakit hindi ko
nararamdaman iyon ngayon kay Samantha?

"Baby are you alright?" Nag-aalala siyang lumapit sa akin.

Doon lamang ako dumilat. "I'm fine. Medyo sumakit lang ang ulo ko." Pagdadahilan ko
sa kanya.

"Huwag na kaya tayo tumuloy?"


"It's nothing!" I smiled. "Tuloy tayo. Just wait me outside, magbibihis lang ako."

Alanging sumunod si Samantha at lumabas ng silid ko.

I think I should stop thinking about Muriel. It will lead me to nowhere. And worst
baka makahalata pa si Samantha at maapektuhan ang relasyon naming dalawa. At
ayokong mangyari iyon.

Nakabihis na ako nang lumabas ng aking silid. Dumiretso ako sa sala. Akala ko kasi
ay doon ako hinintay ni Samantha. Pero wala siya doon.

Nakasalubong ko si Tere na patungo sa itaas. "Nakita mo ba si Samantha?" Tanong ko.

"Nakita ko po dun sa may pool area." Sagot niya.

"Salamat." At humakbang ako patungo roon. Then I saw her standing in the pool side.
She was talking with someone else in her phone. Nakatalikod siya sa akin.

"He doesn't know yet. HIndi ko alam kung paano ko sasabihin kay Riley."

Napahinto ako sa paglapit sa kanya.

"You don't know him Tracy. Siguradong hindi papayag si Riley kapag nalaman niya ang
pumirma ako ng three years contract sa Paris."

Namanhid ang buong katawan ko sa narinig.

"I know. And don't worry. I can't fix this okay? Surely I can handle him. Just give
me a little more time. I'll find a way."

Naikuyom ko ang kamay ko. All this time she was lying to me .

"Okay! Bye!"

"Hanggang kailan mo itatago sa akin ang tungkol dito?"

Biglang lingon sa akin si Samantha. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang
madilim kong mukha.

"B-baby?"
"Care to tell about your contract in Paris?

Nakita ko ang takot sa mukha niya. And I don't even care.

"B-baby listen to me. I-i wanted to tell you but-"

"But what Samantha?"

"A-alam kong hindi ka papayag." Nanginginig na ang boses niya.

"Anong ine-expect mo? Na matutuwa ako? Akala ko ba nag-usap na tayo Sam? You told
me na tatapusin mo lang this year ang contract mo sa Hongkong at babalik ka ng
Pilipinas. What happened? What makes you changed your mind?"

Nagsimula ng umiyak si Samantha. "I've been waiting fot this opportunity. This was
a dream come true to me. That's why I grabbed it."

"Without even thinking about me?" I could explain the pain I felt inside. She was
still the as selfish as before. Akala ko pa naman nagbago na siya.

"Please understand me Riley. I need this. I really need this."

"And I need you too Sam."

Lalo lamang siyang umiyak. Ang mukha niya ay nakasubsob sa mga palad niya.

Napatingala ako sa langit dahil sa frustration. As I expected dadaanin na naman


niya ako sa pag-iyak. And I was tired of it.

"Hanggang kailan ako magiging pangalawa sa mga priority mo Sam?"

"I love you Riley. And you know that."

Iyon nga ang mas masakit. Mahal ka niya pero mas priority pa rin niya ang kanyang
pangarap.

"I don't want to this. But you have to choose Sam?"

"Riley?"

But when I looked into her eyes, I saw her answer. And its not me!
Tumalikod ako at mabigat ang loob na humakbang papasok ng bahay.

I'm still hoping that she might change her mind. I'm still hoping for the both us.

"Riley!"

<Muriel POV>

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko si Samantha na humahangos palabas. And
I think she was crying. Tuluy-tuloy siya sa nakaparada niyang sasakyan.

Napahinto ako sa pagsu-swing. I was curious kung anong nangyari sa kanya. Ilang
sandali pa ay pinaandar nito ang kotse at tuluy-tuloy na lumabas ng gate.

Hindi ko na problema kung anuman ang namagitan sa kanila ni Riley. But still, hindi
ko maiwasang mag-alala para sa binata. Alam ko kung gaano niya kamahal si Samantha.
Naging saksi ako noon. At siguro sa mga oras na ito ay nasasaktan siya ng labis at
wala akong magawa para sa kanya.

Muli kong dinuyan ang swing. Medyo mahina lang. Gusto ko lang makalanghap ng
hangin.

"Hindi mo talaga ako hiniwalayan noh?" Sabi ko kay Buddy na nakadapa sa may damuhan
malapit sa paanan ko.

Tumingin lang siya sa akin. Maya-maya ay ipinikit niya ang mga mata.

"Ang daya mo! Tutulugan mo lang ako!"

Napahinto ako nang biglang may tumikhim sa likuran ko.

"Do mind if I join you?" Si Riley.

Ngunit bago pa ako makasagot ay pumuwesto na siya sa bakanteng swing sa tabi ko.
Pandalawan kasi ang swing na iyon.

"Mas close pa yata kayo ni Buddy kaysa sa akin." Then I heard him chuckled.
Nakatingin lang ako sa kanya. I know he was only trying to be okay.

"What? May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling ako sabay iwas ng tingin. "It's seems that you're not okay."

"How did you know?"

Nagkibit balikat ako. Hindi ko gustong makialam sa personal niyang problema.

"You saw her right?" Ang tinutukoy niya ay si Samantha.

Hindi ako kumibo.

"We had a heated argument. May mga bagay na hindi kami mapagkasunduan." Hindi ko
inaasahan na mag-o-open sa akin si Riley.

"Wala namang problemang hindi nasosolusyunan."

"I agreed. Ngunit kahit anong gawin namin ay bumabalik at bumabalik kami sa dating
problema."

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang nakatingin sa malayo habang patuloy na


nagsu-swing.

"Minsan kailangan nating i-give up ang isang bagay para sa taong mahal natin. Dahil
kung parati ang mga gusto ninyo ang ipipilit ninyong dalawa, hindi nga kayo
magkakasundo."

Lumingon sa akin si Riley. "You're right. But in my case, I don't think I should
give up mine. Palagi na lang ako ang nagbibigay. Ako na lang lagi ang umiintindi.
And I had enough."

Nang lumingon ako sa kanya ay nagtama ang mga mata namin. And I saw the sadness in
his eyes.

"You're letting her go?"

"I have always believed in fighting for the people we love even if they don't seem
to love us any longer." Si Riley ulit. "Pero hindi na ngayon! Nakakapagod din
pala!"

"You should fight for her."


Umiling siya. "I let the decision on her. At kung anuman ang magiging desisyon
niya, whether its negative, tatanggapin ko kahit masakit."

Pinili ko na lang na manahimik. Mukhang buo na rin ang desisyon niya. Nagulat lang
ako. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. I knew how much he loves Samantha. I
knew that he couldn't live without her in his life.

Ngunit siguro nga ay dumating na si Riley sa point na masyado na siyang napagod.


Hindi ko siya masisisi.

At sa kabila ng mga nalaman ko ay hindi ko magawang maging masaya. Dahil alam ko na


nasasaktan ang taong mahal ko. At kung anong nararamdaman niya ay parang
nararamdaman ko na rin.

(to be continue...)

*******************************************
[27] Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
*******************************************
Grabe.. talagang pinahirapan ako dun sa last part. Nag-nose bleed talaga ako (pero
sipon po ang lumabas hehe...!) Finally, nakapag-UD na rin.. haha... (ala lang
masaya lang ako... ^_____^)

Chapter Twenty Seven: Broken Hearts

<Muriel POV>

"I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold...


Napalingon ako kay Riley nang marinig ko siyang kumakanta. I couldn't help but
smile. Walang duda, favorite song talaga niya iyon.

Naroon pa rin kaming dalawa sa swing. Bagaman kanina pa kami walang kibuan ay
patuloy lang naming idinuduyan ang aming mga sarili.

Need you

Feed you

Even let ya hold the remote control...

I found myself na sinasabayan siya sa pagkanta. Favorite ko rin kaya iyon.


Lumingon sa akin si Riley. Nakangiti siya sa akin habang patuloy pa rin sa
pagkanta.

So let me do the dishes in our kitchen sink

Put you to bed when you've had too much to drink..

Isa ito sa mga na-miss ko. Ang maka-bonding siya. At least sa pagkakataong iyon ay
nagkasundo kaming dalawa.

I could be the man/girl who grows old with you

I wanna grow old with you..."

Sabay kaming nagtawanan pagkatapos. Parang mga sira lang! Feel na feel kasi namin
ang pagkanta kahit medyo wala na kami sa tono.

Ngunit ganon na lamang ang aming pagkamangha ng biglang bumuhos ang malakas na
ulan. Nakakapagtaka. Kanina lamang ay maganda pa ang panahon. Kumanta lang kaming
dalawa, umulan agad! Pambihira! Tumayo ako. Tatakbo na sana ako para sumilong nang
pigilan ako ni Riley.

"Let's have fun?" He said while smiling.


Fun? Ang maligo sa ulan? No way! Kaliligo ko lang kaya!

Aw! Aw! Aw!

Pati si Buddy ay parang sinasabihan ako na pumayag. And to my surprise nang bigla
na lang niya akong dambahin dahilan para matumba ako sa damuhan.

Pucha! Tila nanadya na lalo pang lumakas ang ulan. At basang-basa na ako.

Lumapit sa akin si Riley. Akala ko pa nga ay tutulungan niya akong makatayo. Yun
pala yumuko lang siya sa akin para pagtawanan ako.

"Sige pagtawanan mo ako. Lagot ka sa akin kapag nakatayo ako rito!"

Hindi niya inaasahan nang siya naman ang biglang dambahin ni Buddy. Sa laki ng aso
niya ay hindi niya nakaya ang bigat nito. Na-out of balance siya at bumagsak sa
damuhan. Ako naman ngayon ang nagtatawa sa kanya.

"Karma!" Pang-aasar ko pa. Pasimple akong dumakot ng putik at binato iyon sa


kanya. Sapol siya sa mukha. Bulls eye!Ang lakas tuloy ng tawa ko.

Nagtangka si Riley na gumanti sa akin. Dumakot din siya ng putik at ibinato sa


akin. Pero nakailag agad ako. Mabilis akong tumayo at tumakbo palayo. Pero mas
mabilis pa rin siya sa akin. Naabutan niya ako.

To the rescue naman sa akin si Buddy. Hinila niya si Riley habang kagat-kagat nito
ang laylayan ng shorts nito. Nakawala ako sa kanya at muling tumakbo. Hinabol niya
ako ulit hanggang sa makarating kaming dalawa sa may swimming pool.

Saglit kaming huminto sa pagtakbo. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Nasa


kabilang side siya ng pool at hindi niya magawang makalapit sa akin. Dahil sa
tuwing magtatangka siya ay mabilis akong nakakalayo.

"Lagot ka talaga sa akin kapag naabutan kita!" Banta niya sa akin.


"Kung maabutan mo ako?" I challenged him. I matched his grin.

He tried to come near me. Mabilis akong tumakbo ulit. Ngunit sa pagmamadali ko ay
natisod ako at tuluyang nahulog sa pool.

Waaaahhhh... Hindi pa naman ako marunong lumangoy!

"Muriel!" At mabilis na nag-dive si Riley sa pool.

The next I knew, he was already holding me.

"I got you!" Pareho na kaming nakalutang sa tubig. "Are you alright?"

Tumango ako habang nauubo. Pucha! Ang dami kong nainom na tubig! Pwe!

Namalayan ko na lang nasa gilid na kami ng pool. Nauna siyang umahon. Pagkatapos ay
ako naman ang inalalayan niya para makaahon sa tubig.

Huminto na ang pag-ulan at pambon-ambon na lang. Nanatili akong nakahiga sa semento


habang nakapikit ang mga aking mata. Gusto ko lang palipasin ang takot sa akin
dibdib. Muntikan na ako doon. I was so careless.

"Muriel?"

When I opened my eyes, I saw his worried face. Nakayuko pala siya sa akin. Pilit
akong ngumiti. "I'm alright. And thanks to you. Thank you for saving my life."

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Umangat ang kamay niya
at hinawi ang ilang buhok na tumabing sa aking mukha. Then his face moves closer to
me.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Damn, I think he was going to kiss me!
Bigla tuloy akong napabangon. Ngunit sa ginawa ko ay nagkaumpugan ang aming mga
noo.

"Shit!"

"Aray!"

Pareho naming sapu-sapo ang namumula naming mga noo.

"Why did you do that?" Singhal niya sa akin.

"And what do you're doin?" Ganti ko naman sa kanya.

"Riley! Muriel!"

Sabay kaming napalingon ni Riley. Isang babae ang patuloy sa pagkaway habang
patungo sa direksyon namin. She was in all red cocktail dress. Pati ang suot niyang
malapad na sumbrero ay kulay pula rin.

I thought I was only hallucinating. Sa pagkakaalam ko kasi ay next week pa siya


uuwi.

"Ma?" Si Riley. Parang hindi rin siya sigurado sa nakikita.

Ang lapad ng kanyang ngiti habang papalapit sa kinaroroonan namin. Sabay kaming
napatayo ni Riley.

"Riley my son!" Sinalubong nito ng mahigpit na yakap ang anak. "I miss you so-"
Bigla itong bumitaw sa pagkakayakap. "Why are you wet?" Pagkatapos ay lumingon siya
sa akin. "At pati ikaw?"

Hindi pinansin ni Riley ang tanong ng ina. "Ma why are you here? Akala ko ba next
week ka pa uuwi?"
Sa wakas ay hinubad din nito ang suot na sumbrero. "Nagmadali talaga akong makauwi.
May mga bagay ako na kailangang ayusin rito." Tumingin siya sa direksyon ko at
kinindatan ako.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. I never expected her. Buong akala
ko ay hindi na kami mapang-aabot hanggang sa makauwi ako sa Davao. And now she was
here... nakadagdag pa siya sa problema ko. Now tell me? Paano pa ako makakaalis sa
bahay na iyon ngayong nandito na siya?

"Sa kumpanya?" Nagtatakang tanong ni Riley. "May problema ba Ma?" Ngunit hindi siya
pinansin ng kanyang ina. At sa halip ay ako ang nilapitan.

"I'm happy to see you again Muriel!"

But not me! T_______T

"Same here Mam Lorie." Napilitan akong magsinungaling. Syempre siya kaya ang
original kong boss!

"I told you before to call me Tita. Hindi ka rin naman iba sa akin."

Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango at pilit na ngumiti.

"So, how are you? Nag-e-enjoy ka ba sa pag-stay dito?"

I'm not okay at gustung-gusto ko nang umalis dito!

"O-okay naman po."

"Hindi ka ba minamaltrato nitong anak ko?"

"Ma?" Protesta ni Riley. "Watch your word!"


Tumawa lang si Mam Lorie, este Tita Lorie pala.

"Sorry son! Bigla na lang kasing nag-trigger sa isip ko ang word na iyon." At
tumawa siya ulit.

I once said that minamaltrato word nang minsan magsumbong ako sa kanya ng magkaroon
kami ng pagtatalo ni Riley noon. Bakit kailangan pa niyang ipaalala iyon?

Pero base sa nakikita kong reaksyon ni Riley mukha naman na wala siyang naaalala.
Ganito pa nga ang itsura niya =___= Hindi siya marahil maka-relate sa sinasabi ng
kanyang ina.

And to my surprise, sinapo ng mga kamay ni Tita Lorie ang mukha ko. Pagtingin ko sa
kanya ay biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "I'm sorry for all the
trouble I brought in you. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa'yo hindi ko
sana itinuloy ang plano ko."

"T-tita?" I know what she was talking about. Pero hindi ko inaasahan na sasabihin
niya iyon sa harapan ni Riley. "You don't have to say sorry. I'm doing fine!"

Umiling siya. I suspected I saw tears in her eyes. "You're not okay. I know that.
If you would only give me another chance, itatama ko ang mga pagkakamali ko."

This is not the right moment para sabihin niya iyon. Kung kaya ko lang takpan ang
bibig niya ay ginawa ko na. At sa paglingon ko kay Riley, nakatingin lang siya sa
aming dalawa ng nanay niya. Salubong ang mga kilay at nakakunot ang kanya noo.

"Tita! Bakit hindi muna kayo pumasok sa loob ng bahay ng makapagpahinga kayo?"
Inalis ko ang mga kamay niya sa mukha ko. " Siguradong napagod kayo sa
pagbibiyahe."

"She's right Ma." Pagsang-ayon ni Riley. "Magpahinga muna kayo." Doon ako
nakaramdam ng relief.

"I'm fine iho!" Lumingon siya sa kanyang anak. "Oh don't give me that kind of look!
I'm sorry son. Huwag ka naman sana magselos kay Muriel."
Sumimangot si Riley. "Hindi ako nagseselos Ma!"

Siya naman ngayon ang nilapitan ng kanyang ina. "Sus! Ang baby ko nagtampo kaagad.
Don't worry babawi ako sa'yo."

"Ma! Huwag nyo naman akong tratuhin na parang bata." Hindi naman siya makapalag
nang muli siyang yakapin nito.

"Na-miss ko talaga ang baby damulag ko!" Panay ang halik nito sa pisngi niya.

"Ma! Nakakahiya kay Muriel!"

Ang lakas ng tawa ni Mam Lorie. "She wouldn't mind. Right Muriel?" Lumingon siya sa
akin.

Tumango lang ako.

"Alam mo ba na malaki ang kasalanan ko sa batang ito!"

"Anong kasalanan?"

Magkaagapay silang naglalakad papasok ng bahay.

"Doon tayo sa loob at ikukuwento ko sayo."

O_______o Waaaaaaahahhhhhh...

Gusto ba talaga niya akong ipahamak?

Akala ko ba itatama niya ang pagkakamali niya?


Jared nasan ka na ba?

Get me out of this place!

<Riley POV>

Dumiretso kaming tatlo sa dinning area. At nalula kami sa dami ng nakahain na


pagkain.

"Nana Tonya, alam nyo na uuwi si Mama?" Nagtataka na tanong ko sa kanya.

"Tumawag siya sa akin kagabi." Nakangiting sagot naman nito.

"Bakit hindi ninyo sinabi sa akin?"

"I want to surprise you iho." Sabat naman ni Mama. "Same with Muriel."

Nang lingunin ko si Muriel ay nakita kong naka-pout siya. Kanina ko pa napapansin


na parang hindi siya masaya sa pagdating ni Mama. Pareho na kaming nakapagbihis at
nakapagpalit ng damit. And since then, hindi na siya muling nagsalita.

Naagaw ang atensyon ko sa pagtunog ng cellphone ko. Jared was calling.

"Ma, excuse me for awhile!" At lumabas ako ng silid bago sagutin iyon.

"Napatawag ka Pre?"

"I'm on my way to your house. Susunduin ko si Muriel." Sabi nito sa kabilang linya.
"Aalis kayo?"

"Kahapon pa kita gustong makausap. Kaya lang biglang dumating si Samantha."

"Tungkol saan?" Naninibago ako sa tono ng boses ni Jared. He sounds really serious.

"I'm taking Muriel with me. Doon muna siya sa isa kong condo mag-i-stay."

So, totoo pala ang narinig ko kanina. She was really leaving.

"Tumawag ka ba para ipagpaalam siya?"

"I don't think kailangan ko siyang ipagpaalam sa yo. Gusto ko lang malaman mo para
hindi ka magulat sa pag-alis niya."

Bigla akong nakaramdam ng tensyon sa pagitan naming dalawa.

"I don't think na makakaalis siya Jared?"

"Dahil pipigilan mo siya?"

"No! Dahil nandito na si Mama. Sa palagay ko hindi siya papayag na umalis rito si
Muriel."

"What? Dumating na si Tita?"

Halos mailayo ko sa tenga ko ang cellphone sa lakas ng boses niya.

"Yes she was here. At kararating lang niya." Narinig ko pa siyang nagmura sa
kabilang linya.
What's with him?

"Jared? Are you still there?" Pero end tone na ang narinig ko sa kabilang linya.
Binabaan na niya ako ng phone!

Sabay-sabay kami na kumain ng tanghalian. Supposed to be ay dapat katabi ko si


Muriel. Pero mas pinili niyang maupo sa katapat kong upuan. Akala ko pa naman ay
okay na kami. But to normal na naman ang pagiging aloof niya sa akin. Kanina lamang
ay masaya pa kaming naghahabulan na parang mga bata sa ulanan. For the first time I
saw her real smile. Yun hindi pilit katulad ng madalas niyang ipinakikita. She was
really .... Hindi ko masakyan ang mood niya.

Habang kumakain ay si Mama ang madalas magsalita. Panay kuwento siya ng mga
escapades niya sa ibang bansa. Halos isang buwan din siyang nawala. At sa tingin ko
naman ay mukhang nag-enjoy siya ng husto sa pagbabakasyon niya.

"Sorry I'm late." Bigla na lamang sumulpot si Jared sa pagkamangha ng lahat maliban
sa akin. Ine-expect ko na ang pagdating niya. "Welcome back Tita!" Lumapit siya kay
Mama at hinalikan ito sa pisngi.

"Jared I'm glad you're here."

"Of course Tita! Hindi ako pwedeng mawala sa eksena." He smiled sheepishly in
return. Umikot siya sa kabila panig ng mesa at puwesto sa tabi ni Muriel.

"You're here? Akala ko ba-"

"Hindi kita matiis eh!" At masuyo niyang pinisil ang tungki ng ilong ni Muriel.
Tinabig naman ng dalaga ang kamay niya.

"Sungit!" Pang-aalaska niya. Ngunit inirapan lang siya nito.


Itinuon ko ang mga mata sa pagkain na nasa haparan ko. Hindi ko maintindihan kung
bakit nakaramdam ako ng pagkainis sa nakita kong eksena.

"You never change Jared. Lagi mo pa rin inaasar si Muriel." Nakangiting sabi ni
Mama.

"Old habits are hard to forget. Aray!"

Muling lumipad ang mga mata ko sa kanila. Tinapakan pala ni Muriel ang paa ni
Jared.

"Nakita mo naman Tita, kung gaano ka-sweet sa akin si Muriel."

Mabenta talaga ang kalokohan ng kaibigan. Tawa ng tawa sina Mama at Nana Tonya.
Bagaman hindi nagsasalita si Muriel ay panay naman ang irap nito sa kanya.

"Peace!" Nakangising nag-peace sign si Jared rito. "Bati na tayo Girlfriend!"

"Shut up Jared! Kapag ako hindi natunawan dahil sa'yo, I swear makakatikim ka sa
akin ng flying kick!"

"Sabi ko na nga ba mahal mo ako!"

Hindi na maipinta ni Muriel. Lalo tuloy humaba ang nguso niya.

"Are you courting her Jared?" Tanong ni Mama.

Ngumisi siya. "Me? Courting her? Ako kaya ang nililigawan niya Tita."

At muli silang nagtawanan maliban sa aming dalawa ni Muriel. I could see na


nagtitimpi lamang siya. Kung wala siguro si Mama, malamang ay kanina pa siya
sumabog sa mga pang-aasar ng kaibigan.
"Enough Jared!" Awat ko. "Let Muriel eat her meal first." Hindi ko na kasi matiis
ang pang-aasar niya sa dalaga.

"Okay! Madali naman akong kausap!" He said while smiling. Pero nakipagsukatan siya
sa akin ng tingin.

"I heard that Samantha was also arrived. Where is she Riley?"

Saka lang ako lumingon kay Mama. I almost forgot about her. Kung hindi pa siya
nabanggit ni Mama ay hindi ko siya maalala. At aaminin ko. Kanina habang magkasama
kami ni Muriel ay nakalimutan ko ang problema namin ni Samantha. Nakalimutan ko rin
ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. And it's all because of her.

"I don't know Ma." Matipid na sagot ko. Hindi ko kasi alam kung paano iiwas.

"What do you mean you don't know? Hindi pa ba kayo nagkikita?"

Hindi sinasadya ay nagkatinginan kaming dalawa ni Muriel. Ngunit siya rin ang unang
umiwas. I blew out a long sighed bago ako nagsalita. "We broke up. Kanina lang."
Mabuti na rin siguro na ngayon pa lang ay malaman na nila ang totoo.

"What?" Halos sabay ng bulaslas nina Mama at Jared.

"Eh kanina lang umaga okay pa kayo ng kasintahan mo." Komento ni Nana Tonya. Naging
saksi siya sa paglalambingan naming dalawa.

"What happened Riley?" May pag-aalala sa tinig ni Mama.

"It's a long story Ma. Saka na lang ako magpapaliwanag." At muli akong nagpatuloy
sa pagkain.

Tila may dumaan na anghel at biglang natahimik ang lahat.

Nang mag-angat ako ng mukha, I saw Jared leaning on Muriel. Tila mayroon siyang
ibinubulong rito. Ngunit nagkibit balikat lamang ang dalaga.
"Son!" Naramdaman ko na lang ang kamay ni Mama sa braso ko. Lumingon ako sa kanya.
"Everything is gonna be alright. Nandito lang ako."

Katatapos lamang naming kumain nang bigla akong hilahin ni Mama palabas sa aking
pagtatakaka.

"Ma! Where are we going?" Tanong ko habang nakalingon ako kina Muriel at Jared na
naiwan pa sa loob.

"Worried?"

Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Mapang-asar lang talaga si Jared. Pero hindi uubra ang kalokohan niya kay Muriel."

Lalong nagsalubong ang kilay ko.

She smiled at me. Pero hindi ko gusto ang klase ng pagkakangiti niya. "Jealous?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ma! What are you talking about?"

Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. "I'm just kidding son!" At tumawa siya ng
malakas sa aking pagkamangha. "Para kasing gusto mong ilayo si Muriel sa kaibigan
mo?" Halos pabulong na sabi niya at hindi iyon nakarating sa pandinig ko.

-_____- Kailan kaya magbabago si Mama? She was crazy as ever!

Naroon kaming dalawa sa study room. At hindi ko na kailangang hulaan kung bakit
gusto niya akong makausap ng sarilihan.

"Ma, I don't want to talk about it. Not now!" Hindi niya ako mapipilit magsalita.
Eversince, hindi naman ako nagkukuwento sa kanya lalo na kapag nagkakaproblema
kaming dalawa ni Samantha. At kahit hindi ako magkuwento malalaman din naman niya
ang tungkol doon. She has sources.

"Fine! Hindi kita pipilitin." She finally gave up. At nakahinga ako ng maluwag.

"I'll be okay Ma. Swear!"

Nagdududa na titinitigan niya ako. "Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang
sinasabi you?"

I rolled my eyes. Ang kulit talaga ng nanay ko!

Sinapo ng mga kamay niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. "I'am your mother.
Natural lang na mag-alala ako para sayo."

"I know Ma. Sinong bang magiging okay after a break up? Siguro nga sa ngayon hindi
ako okay. But It doesn't mean that its the end of the world for me." I know what
she's thinking. And I understand her.

Then I saw her smiled. "At natutuwa ako dahil hindi ka na katulad ng dati. She made
you changed a lot. You deserve someone like her."

Muli naman nagsalubong ang kilay ko. Who she? Si Samantha?

"But remember this son, whatever decision you make.. just follow your heart."
Tinuro pa ng daliri niya ang dibdib ko. "Just follow this. It will lead you to your
true happiness. Siya ang mas nakakaalam kung ano at sino ang mas nararapat para
sayo. Believe me. Hindi ka niya bibiguin."

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. And I had this dread feeling na hindi si
Samantha ang tinutukoy niya. Then who?
Weird! For the first time in my life, ngayon ko lang nakita si Mama na ganon
kaseryoso. And it makes me shiver.

<Muriel POV>

Parang gusto kong matawa sa nakikita ko kay Jared. Kanina pa siya lakad ng lakad sa
harapan ko. Hindi siya mapakali. Pabalik-balik lang siya at malalim ang iniisip.

"Mahihilo ka lang sa ginagawa mo!"

Ngunit parang wala siyang narinig. Tuloy pa rin siya sa ginagawa.

"Jared!"

Finally he stopped. "I really need to get you out of here! Kakausapin ko si Tita
Lorie."

I almost rolled my eyes. "Yan din ang sinabi mo kanina! Paulit-ulit? Pirate CD?"

"Get your things. Aalis na tayo!"

Hindi ako kumilos sa kinauupuan ko. Nakapatong ang siko ko sa mesa at


nakapangalumbaba sa harap niya. "Do you think papayag si Tita na umalis ako rito?"
Naisip ko na rin iyon kanina. Now she's already here, everything is under her
control.

And I have no other choice but to stay. Ganun lamang iyon kasimple. At tanggap ko
na iyon. Nakakapagod din ang mag-isip ng mag-isip pero useless naman. Dahil sa
bandang huli ay mabibigo lang kami.

"Eh di huwag nating ipaalam! Basta umalis na tayo." Lumapit siya sa akin at
tangkang hihilahin ako sa kamay.
"Baka nakakalimutan mo, she is my boss. Gusto mo ba akong mawalan ng trabaho?"
Inirapan ko siya at tinabig ang kanyang kamay. "Just give up Jared! No matter what
we do, dito pa rin sa bahay na ito ang bagsak ko."

"Damn it!" Bigla na lamang niyang tinulak ang silya na nasa kanyang harapan. "Kung
napaaga-aga lang sana ako, kanina ka pa sana nakaalis sa bahay na ito!" Nagulat ako
sa naging outbust niya. Bakit ba siya ang mas apektado kaysa sa akin?

"Relax! Maupo nga muna!" Itinuro ko sa kanya ang katabi kong upuan. "I know that
you're dead tired in your company. Kaya please, huwag mo na rin pagurin ang sarili
mo nang dahil sa akin. I'll be fine! Konting tiis na lang siguro. Hindi rin naman
ako magtatagal at uuwi rin ako ng Davao."

Ngunit hindi talaga siya marunong makinig.

"Where are you going?" Humakbang siya palayo.

"Kakausapin ko si Tita Lorie." Lumingon siya sa akin.

"Jared!" Napilitan akong tumayo para habulin siya. "Ang kulit! Di ba sabi ko huwag
na? Hindi mo kailangan gawin ito."

"Why? You've changed your mind?" Humarap siya sa akin. "Ayaw mo na umalis?"

"Gusto ko pero-"

"Pero hindi mo kayang iwan si Riley?" Doon ko lamang napansin ang madilim niyang
mukha.

"Of course not!"

"Ayaw mo nang umalis dahil nalaman mong nag-break na sila ni Samantha. At


magkakaroon ka na ng chance para mas mapalapit sa kanya."
"Hindi yan totoo!" I held my breath. Parang hindi si Jared ang kaharap ko. Kakaiba
kasi siyang magsalita.

"Bakit sa palagay mo ba kapag nalaman ni Riley ang tungkol sayo ay matatanggap ka


niya? Sa palagay mo ba mahahalin ka rin niya katulad ng pagmamahal niya kay
Samantha? No matter what you do Muriel, mananatili ka lang na anino ni Sam sa buhay
niya!"

Hindi ko inaasahan na marinig iyon mula sa kanya. His words hits me straight from
my heart.

"Enough Jared." Pakiramdam ko ay sinampal ako ng malakas sa magkabila pisngi. The


truth really hurts something.

Tila doon lamang na-realized ni Jared ang mga sinabi. Biglang nagbago ang
ekspresyon ng kanyang mukha. "I-im sorry. I never meant-"

"Hindi mo kailangang ipamukha sa akin ang tungkol doon." I almost whispered.


Pakiramdam ko kasi ay may nakabara sa lalamunan ko. "Sa simula pa lang ay alam ko
na kung saan ako lulugar sa buhay niya. At wala akong balak ipagpilitan ang sarili
ko sa kanya."

"Muriel..." He tried to reach me, pero umiwas ako. "I'm sorry."

"I understand." Pilit akong ngumiti. "They say that true friends always tells the
truth even it hurts you. And I must be thankful for having you as one."

He looked at me with sadness in his eyes. "When will you ever see me as a man who
can love you back more than you love him? Why him when it could be me?"

He loves me? Tama ba ang narinig ko.

"Hindi ko alam kung talagang manhid ka lang o hindi mo talaga ako nakikita. Kung
sabagay, paano mo naman mahahalata? Wala akong ginawa kundi lokohin at asarin ka.
At para sayo lahat ng sabihin ko ay puro kalokohan lamang."

"You know me for being womanizer. At alam ko na iniisip mo na hindi ako marunong
magmahal. Iyon din ang akala ko dati. But you came along and suddenly you captured
my untamed heart. Can't help but fall inlove with my bestfriend pretend
girlfriend."

"Jared, please dont!"

"I can't." Malungkot siyang ngumiti. "Kung ikaw nga hindi mo nagawang pigilan ang
damdamin mo para sa kanya, ako pa kaya?"

He's right! Hindi ko siya pwedeng utusan na gawin iyon. Pero hindi ko gustong
makita siyang nasasaktan. He is so special at nalulungkot ako para sa kanya.

"Jared.."

"Let me finish first. Naumpisahan ko ng umamin sa'yo at tatapusin ko ito. I'm not
asking anything in return Muriel. Maliwanag pa sa sikat ng araw na mahal na mahal
mo siya kahit hindi ka niya magawang mahalin. And I know the feeling. Iyon ang
dahilan kung bakit ganon na lamang ang pagpupursige ko na maialis ka rito. Ayokong
makita kang nasasaktan nang dahil sa kanya."

"I'm sorry." Anong maari kong sabihin kundi iyon?

"Don't!" Umiling siya. "Don't say sorry. Ginusto ko ito. Its my choice."

Yumuko ako. I don't want to see the pain in his eyes.

"At katulad ng sinabi ko kanina, I will not ask anything in return from you. Pero
sana lang Muriel, sana lang dumating yung pagkakataon na ma-realize mo na
karadapat-dapat akong mahalin kaysa kay Riley. You don't deserved someone like
him."

I bit my lower lip painfully. And then I found myself sobbing. Nang mag-angat ako
ng mukha, I saw him walking out through the door.

Subconciously ay naihiling ko na sana bumalik siya at bawiin ang lahat ng mga


sinabi niya kani-kanina lang. I don't want to lose someone like him. Not now. But
when I heard the sounds of his car engine, I knew my wish didn't come true.
If I could only teach my heart.. sana...

(to be continue...)

*******************************************
[28] Chapter Twenty Eight: DejaVu
*******************************************
I'm back! But still not feeling well =___= Pero ang importante ay nakapag-UD na rin
me sa wakas ^____^/ yey! Kaya sa mga naghintay at sobrang nainip... sorry guys!
Hindi ko naman ginustong magkasakit. Anyway hope you'll like this new chapie...
something funny and at the same time nakaka-excite! Enjoy reading!

Thank you pala kay @JustSimple for the beautiful cover. I really really love it!
Sana gawan mo rin yung My Stupid Mistake... joke lang po! hehe... This chapter is
dedicated for you.

Chapter Twenty Eight: DejaVu

<Muriel POV>

"Good morning!"

I almost jumped in surprise. Hindi ko inaasahan ang masiglang tinig ni Riley na


bumangad sa akin ng umagang iyon.
"Come, sabay na tayong mag-breakfast."

Tila wala sa sarili na sumunod ako at umupo sa silya na hinila niya para sa akin.
Nagtataka lang ako sa magandang mood niya. HIndi ito ang Riley na ini-expect ko. He
looks really fine. At sa tingin ko pa nga ay mukhang masaya siya. Why? Hindi
maalis-alis ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi.

Ito ba ang kagagaling lang sa isang break-up?

O baka naman nagkaayos na sila ni Samantha kaya ganon na lamang ito kasaya ngayon?

What you see on him is what you get. Ganon siya ka-transparent. At malamang nga ay
nagkabalikan na silang dalawa.

Even if I want to be happy for him, deep inside ay may lungkot pa rin akong
nadarama. But I rather choose to see him happier with Sam than see him hurting too
much.

Hay... ako nga ba ito? Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Kailan pa ako
natuto na maging martir?

"Hey! Hindi ka mabubusog kong patuloy mo lang akong tititigan." Pinitik niya ang
mga daliri sa tapat ng mukha ko. Parang doon lang ako natauhan.
"Sorry!" Sabay yuko. "May iniisip lang ako."

"Tingin ko nga! Kanina pa ako salita ng salita rito pero hindi ka pala nakikinig."

"Sorry!" Ako ulit.

"You're forgiven! Basta ba ako ang iniisip mo at hindi si Jared."

Dahil sa sinabi niya ay napatingin ulit ako sa kanya.

"I'm just joking!" He said while smiling devishly.

But I only gave him a pokerface. Paano nasali si Jared sa usapan?

Lalong lumapad ang ngiti Riley. "Bakit ba napakadamot mong ngumiti?" And to my
surprise ay biglang umangat ang kamay niya at pinisil ako sa pisngi. "Ngiti ka
naman jan kahit konti!"

Sa halip na ngumiti ay sumimangot ako.

Is he making fun of me?


"Here! Kumain ka na nga lang." Hindi na ako nakatanggi nang siya mismo ang maglagay
ng pagkain sa pinggan ko. "Baka kapag nalagyan ng laman ang tiyan mo ay magbago ang
mood mo."

Lalo lang tuloy akong napasimangot. Hindi ko naiwasang mairita sa kinikilos niya.
Kung hindi ko pa siya pinigilan ay baka mapuno na ng husto ang pinggan ko ng
pagkain. Tinignan ko siya ng masama. Ngunit dedma lang si Riley.

"Where are you going?" Narinig kong tanong niya nang bigla na lamang akong tumayo.

Dire-diretso ako sa may cup board na tila walang narinig. Magtitimpla na sana ako
ng kape nang makita kong naubos na ang asukal sa lalagyan. Isa-isa kong binuksan
ang mga kabinet. At sa wakas ay nakakita rin ako. Ngunit kahit anong gawin kong
pagtingkayad ay hindi maabot-abot ang pesteng asukal na iyon. At nag-umpisa nang
mag-init ang ulo ko.

Nagulat na lang ako nang may biglang sumulpot na mahabang braso sa ere. At walang
kahirap-hirap na inabot nito ang plastic ng asukal. Doon ako napalingon sa tabi ko.
Nakalapit na pala si Riley nang hindi ko namamalayan.

"Here!" Inabot niya sa akin ang asukal. At nang mag-angat ako ng mukha ay
nagkasalubong kami ng tingin. His face was a few inches away from mine. I couldn't
read his expression. Basta nakatitig lang siya sa akin. Ako ang unang umiwas.

Bumalik ako sa kinauupuan ko at ganon din siya sa puwesto niya.

Hindi na ulit siya nagsalita at tahimik kaming kumain nang hindi nagkikibuan. At
pabor para sa akin iyon. Mas makakain ako ng maayos kung hindi niya ako kakausapin.
Pero hindi rin nagtagal ay muli siyang nagsalita.

"Muriel, sumabay ka na sa akin sa pagpasok."

Naka-silent mode pa rin ako. Patuloy ako sa pagkain.

"I won't take no for an answer. I'am your boss."

I almost rolled my eyes. Hindi naman niya ako mapipilit kung talagang ayaw kong
sumabay sa kanya.

"Wala ka ba talagang balak na kausapin ako?" He said in a sad tone. But when I
turned to him, I received a smile instead. Taliwas iyon sa inaasahan ko. Nakatukod
ang isang siko niya sa mesa at nakapangalumbaba sa harapan ko. Amusement was
written in his eyes. Subalit hindi ko gustong bigyan ng ibang kahulugan ang
nakikita ko sa kanya.

"Good morning!"

Sabay kaming napalingon ni Riley sa bagong dating.

Jared? Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita siya.


"Pare!" Nilapitan nito si Riley sabay tapik sa balikat. "How is your heart?
Tumitibok pa ba?" He was asked him playfully. Pagkatapos ay ako naman ang nilapitan
niya at pwesto sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Hello Girlfriend!" Giving me his
trademark smile.

Nakamata pa rin ako sa kanya.

"What?" Natatawang tanong niya. "Kung makatingin ka naman ay para kang nakakita ng
artista."

I gave him, are you okay? look. Pero tinawanan lamang niya ako sabay pisil sa
tungki ng ilong ko.

"Nga pala Pre, narito na lang naman ako makikikain na rin ako ng almusal." Baling
niya kay Riley. "Hope you don't mind."

"No, I wouldn't mind. Sanay na ako na dito ka lagi nakikikain. Dahil alam ko
umiiral na naman yang kakuriputan mo!"

"Of course not! Me kuripot? Look who's talking?"

Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa habang masaya silang nag-uusap. Ngunit ang
atensyon ko ay na kay Jared. Kung titignan ay siya pa rin ang typical na masayahing
si Jared. And he looks really fine.
Last night, I saw his other side. Taliwas sa Jared na kilala ko. After his
confession, bigla na lamang siyang umalis nang walang paalam. Nakailang ulit akong
tumawag sa kanya pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. I was so worried about
him. Ganon na lamang ang takot sa dibdib ko. Nasaktan ko siya at naisip ko na baka
hindi na siya ulit magpakita sa akin.

But he was now on my side. Hindi ko inaasahan na makita siya. He was jolly and
hyper as ever. Parang walang nagbago sa kanya. Pero imbes na matuwa ako sa nakikita
ay parang gusto ko siyang batukan. He was such a good pretender.

"Napansin ko lang. Talaga bang ganyan si Muriel kapag bagong gising?."

Muntikan na akong mabulunan nang marinig ang tanong na iyon ni Riley.

Tumawa si Jared. "Ganyan talaga siya. Tuwing umaga ay wala siya sa kanyang sarili
at lumilipad ang isip niya sa ibang planeta."

"At hindi nagsasalita?"

"Yun ang talent niya. Kaya niyang hindi magsalita sa loob ng isang araw."

"Amazing!"

"Gifted child eh!"


"Very rare talent."

"Gusto mo subukan natin? What do you think?"

"Sige gusto ko yan!"

O___o Ganito pala ang epekto kapag nagsanib puwersa silang magkaibigan!

At kung minamalas ka nga naman, ako pa ang napagtripan. Ang sarap pag-umpugin ng
mga ulo nilang dalawa!

Mabilis na lumipad ang mga mata nila sa akin nang lumikha ng ingay ang kutsara ko
na nahulog sa sahig. Iyon lang pala ang paraan para tumigil sila. Sana pala ay
kanina ko pa iyon ginawa.

"Here!" Magkasabay nilang sabi at sabay rin sila sa pag-abot sa akin ng malinis na
kutsara.

"Ito na lang ang gamitin mo." Sabay ulit silang dalawa.

Nag-random pick ako. Alangan naman na pareho kong kunin ang mga hawak nila. At yung
hawak na kutsara ni Riley ang kinuha ko.
Ang lapad ng ngiti ng loko!

"Ooops!" Napalingon akong bigla kay Jared. Hawak niya ang necktie niya na kanina
lamang ay maayos pang nakasuot. Hindi ako sigurado kung sinadya ba niyang guluhin
iyon. "Muriel pwedeng paayos?" At umusod siya palapit sa akin.

"Malay ko bang mag-ayos nyan!"

"Sige na!" Lalo pa siyang lumapit sa akin.

At dahil alam kong hindi siya titigil sa pangungulit ay pinagbigyan ko na rin siya.

Basta ko na lang binuhol ang kurbata niya. Wala talagang akong alam kung paano iyon
gawin.

"Okay na yan! Thanks!"

Anong okay dun? Eh mukha kaya siyang tanga!

"Muriel paabot naman ng pandesal." Si Riley.


"Muriel paabot din ako ng hotdog." Si Jared.

Sunod naman ako.

"Bacon please!"

"Fried rice please!"

Sunod ulit ako.

"Patimpla ako ng kape." Si Riley ulit.

"Ako rin!" Si Jared na naman. "No cream."

Hinampas ko ng kamay ang mesa na ikinagulat nila. "Ano kayo sinusuwerte?


Nakakahalata na ako sa inyo! Ano ako utusan?" Huminto naman sila ng makitaang angry
bird face ko. Akala siguro nila ay mauuto nila ako.

Hindi na sila umimik at tahimik na kumain. At sa wakas ay makakain na rin ako ng


maayos. Kailan pang sindakin para tumigil sila. Ngunit hindi ko pa nalulunok ang
kinakain ko ay heto na naman silang dalawa.
"Ihahatid ko na si Muriel sa pagpasok." Si Jared na ngumunguya pa.

"Ako na lang. Iisa lang naman ang pinapasukan namin. At saka mapapalayo ang way mo
sa trabaho." Sagot naman ni Riley.

"Okay lang! Besides special request niya iyon. Baka magtampo siya sa akin."

Kailan pa ako nag-request sa kanya?

Ngunit bago pa ako makapag-react ay hinila na ako ni Jared patayo. "Let's go! Baka
ma-late ka sa work mo."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Maaga pa kaya!" At hindi pa ako tapos


kumain.

"Anong maaga pa? Baka late na 'yang relo mo?" Muli niya akong hinila. At sa
pagkakataong iyon ay wala akong nagawa kundi sumama sa kanya. May subo pa akong
tinapay sa bibig at hawak na hotdog nang akayin niya ako sa nakaparada niyang
kotse.

"I'll miss you

Kiss you
Give you my coat when you are cold...

"Pre' wala ka bang balak sagutin yang cellphone mo? Kanina pa yan!" Reklamo ni
Jared nang sulyapan si Riley mula sa rear mirror. Sa backseat kasi ito nakaupo.

"Nagpapatugtog lang ako."

"Kung gusto mo ng music pwede ko naman buksan ang stereo ko."

"No thanks! Mas gusto ko ito."

"Wala bang ibang kanta?"

"Favorite ko ito."

"Ang sakit kaya sa tenga. Kailangan ulit-ulitin?" Bulong ni Jared habang patuloy na
nagda-drive.

O___o Hindi ba talaga sila titigil?


Kanina pa silang ganyan. At para silang mga bata.

At sumasakit na ang ulo ko sa kanilang dalawa.

Supposed to be, hindi namin dapat kasama si Riley. Pero paalis na kami kanina nang
sabihin niyang ayaw raw umaandar ng kotse niya. Wala raw siyang choice kundi
makisabay sa amin.

Sa akin okay lang naman. Pero nang lingunin ko si Jared ay hindi maipinta ang
pagmumukha nito. Hindi ako siguro pero parang may something rivalry sa kanilang
dalawa ni Riley. Bakit kaya?

Finally ay nakarating din kami sa aming destinasyon. Na-i-park na rin Jared ang
sasakyan. At sa aking pagtataka nang tila nagmamadali silang bumaba ng sasakyan at
naiwan akong mag-isa. Mabilis na umikot si Jared papunta sa side ko pero naunahan
siya ni Riley at ito mismo ang nagbukas ng pintuan para sa akin.

"Shall we?" Yaya sa akin ni Riley.

Tumango ako.

Lumingon siya kay Jared. "Pre' mauna na kami. Thanks for the ride."

"Wait!" Pinigilan ako ni Jared sa braso. "Muriel, sabay tayong mag-lunch mamaya.
Susunduin kita."
"Okay!" Sumang-ayon na rin ako. Gusto kong bumawi sa kanya dahil sa nangyari
kagabi. "Papasok na ako." Tumango siya at ngumiti saakin. Nauna akong naglakad
papasok sa main entrance ng building kasunod ko sa likuran si Riley.

Malapit na ako sa pintuan nang lumingon ako sa kinaroroonan ni Jared. Nakita ko


siyang sumakay ng kotse niya ngunit madilim ang mukha niya. Ilang sandali ay
pinahuhurot niya ang sasakyan ng ubod ng bilis. Hindi ko maiwasang magtaka.

Nagseselos ba siya kay Riley?

"Bilisan mo Muriel baka ma-late na tayo." Hinawakan ako ni Riley sa kamay at hinila
papasok ng entrance. Napasunod na lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa tapat
ng elevator ay mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kanya. Paano, lahat halos
ng naroon ay nakatingin sa aming dalawa!

"Good morning Sir!" Bati nila kay Riley.

"Good morning." Ganting bati niya habang nakangiti. Pagkatapos ay lumingon siya sa
akin.

I went still. Kunwari dedma. Bahagya pa akong lumayo kay kanya. Baka kasi kung
anong isipin ng mga tao tungkol sa aming dalawa.

"Muriel!" Nang lumingon ako ay nakita ko sina Jena at Ichi sa aming likuran. And
from the way they looked at me, sigurado ako na mayroon silang nasaksihan.
Finally, bumukas na rin ang elevator. Bahagya pang umatras ang mga naroon para mag-
give way kay Riley. Ganon din ang ginawa ko.But to my surprise, inalalayan niya ako
sa braso at inakay papasok ng elevator.

Kahit hindi ko sila tignan ay sigurado ako na ganito ang mga itsura nila.

O_____O

Lalo na siguro sina Jena at Ichi!

Super yuko ako. Hindi ko magawang iangat ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Ano na
lang ang iisipin nila? Na may something sa aming dalawa ng may-ari ng kumpanya?

Pahamak kasi itong si Riley! Nakakainis!

"Muriel!" Nag-angat ako ng mukha nang sumilip si Gail sa pintuan. "Pinapatawag ka


ni Boss sa office niya?" At sinulyapan niya si Adrian na busy sa ginagawa nito.

Sumimangot ako nang marinig iyon. Ano na naman ang kailangan ni Riley sa akin?

Palabas na ako nang may makasalubong akong delivery boy na mayroong bitbit na mga
bulaklak. Dire-diretso ako na tila walang nakita.
"Muriel delivery daw para sayo?" Narinig kong tawag sa akin ni Adrian.

Huminto ako at kunot-noo na lumingon. "Para sa akin?" Itinuro ko pa ang sarili ko.
"Sigurado ka?"

"Maliban na lang kung may iba pang Muriel Gonzales rito." Pamimilosopo nito na
hindi ko na lang pinansin. Muli akong bumalik sa pwesto ko. Ngunit hindi pa ako
tuluyang nakakalapit nang bigla akong pagkaguluhan ng mga kasamahan ko.

"Kanino galing?"

"How sweet!"

"Wow sosyalan! Bigatin yung admirer mo!"

"Galing ba yan kay Sir Riley!"

Biglang natahimik ang lahat sabay lingon kay Marjorie na siyang nagsabi nun. "What?
May masama ba sa sinabi ko." Pagre-react niya.

Hindi na lang ako kumibo at pinirmahan ang receiving document at inaabot iyon sa
delivery boy.
"Tignan mo na yung card kung kanino galing?"

I rolled my eyes. Excited much sila!

"Hep! Anong kaguluhan ito?" Si Ichi na bigla na lamang sumulpot sa may pintuan.
Kasunod nito si Jena.

Ang lakas talaga ng radar ng mga kaibigan ko!

Nang makita nila ang malaking bouquet ng bulaklak sa table ko, sa isang iglap ay
nakalapit sila sa akin.

"Ikaw na girl! Ikaw na talaga! Grabe haba ng hair mo!" Si Ichi na sobrang
exaggerated.

"Kanino galing? Kanino galing?" Si Jena parang parrot na paulit-ulit.

At sa ikatatahimik ng lahat ay kinuha ko ang card na nakaipit roon at kinakabahan


na binuksan iyon.

Ewan ko ba! Subconciously, nahiling ko na sana si Riley ang nagpadala ng mga


bulaklak sa akin. Pero syempre ayaw ko rin naman na sa kanya manggaling iyon. Ano
na lang ang sasabihin ng mga kasamahan ko? At saka sa pagkakalam ko ay okay na sila
ni Samantha. Kaya imposible ang iniisip ko.

"What?" Halos saba-sabay nilang tanong na halos ikabingi ko. Hindi na nakatiis si
Ichi ay hinablot sa akin ang hawak kong card. Pagkatapos ay bigla na lamang
nagtitili.

"Ohmaygad! Ohmaygad! Galing kay Papa Jared!" Kinikilig na sabi niya.

"Sino yun?" Si Marjorie.

"Siya yung guwapong pamangkin ni Mam Lorie." Sagot ni Jena.

"Siya ba yung naghatid minsan ng pagkain kay Muriel?" Curious na tanong ni Jessica.
Sabay na tumango ang dalawa kong kaibigan.

"Waaaahhh ang guwapo-guwapo kaya nun! Mas guwapo pa kay Sir Riley!"

"Hindi lang guwapo, mayaman pa day!"

At para silang mga sira na nagtatalon habang kinikilig. Mga hyper?

"Haba ng hair mo girl! Kaw na talaga!" Si Ichi sabay hila ng dulo ng buhok.
"Eh paano na si Sir Riley?" Out of nowhere ay tanong ni Jena. Pinanlakihan ko siya
ng mga mata. Pero hindi pa rin siya tumigil. "Mas boto ako sa kanya para sayo."

Ang buhok naman niya ang hinila ko. "Sira! Asa ka pa na magkakagusto sa akin iyun!"
Sabi ko. "At isa pa may girlfriend na yung tao kaya tigilan na ninyo ang pagha-
halucinate ng kung anu-ano."

"Weh! Ano kaya ibig sabihin nung nakita namin kanina?" Si Jessica.

"May nalalaman pa kayong WWHH ni Sir." Si Marjorie

(WWHH means walking while holding hands)

"Hay naku! Magsibalik na kayo sa nga kayo sa pwesto nyo mga tsismoso at tsismosa."
Pagtataboy ko sa kanila. "Tsu! Dun na kayo at wala kayong mapapala sa akin." Mabuti
na lang at nagsunuran silang lumabas maliban kina Jena at Ichi.

"Hindi mo kami mapapalayas!" Talagang umupo pa si Ichi sa upuan ko. "We demand for
your explaination!" Ipinukpok pa niya ng kamao ang mesa ko.

Si Jena naman ay umupo sa table ko habang patuloy na inoobserbahan ang mga dumating
na bulaklak. "Nakakainggit ka naman! Pangarap kong makatanggap ng ganitong
kabonggang mga flowers."
"Type? Sige sayo na lang."

Nanlaki ang mga mata niya na tumingin sa akin. "Seryoso?"

Tumango ako. "Sayo na lang. Hindi ako mahilig sa bulaklak."

"Waaahhh! Paano naman ako?" Reklamo ni Ichi.

Kinuha ko yung mga chocolates na kasama nung bouquet. "Eto na lang sayo."

Kumukuti-kutitap ang mga ni Ichi nang kunin iyon. "Salamat girl! I love yah!"

"Thank you friend." Sabi naman ni Jena habang yakap-yakap ang mga bulaklak.

Bakit ko pinamigay ang mga iyon?

Honestly hindi ako mahilig sa bulaklak. Tapos yung pinadala pang bulaklak ni Jared
ay yung sari-sari. Yung iba nga ay hindi ko na kilala. (Choosy!) Hindi rin ako
mahilig sa chocolates. Sumasakit ang tonsil ko everytime na nasosobrahan ako ng
matamis. Kaya kaysa masayang ang mga iyon, ipamigay ko na lang sa mga friendship ko
nang mapakinabangan naman.
Hindi ko ini-expect na kay Jared manggagaling ang mga iyon. At wala rin akong idea
kung yun na ba ang simula ng panliligaw niya sa akin. I thought he'd already gave
up.

"Muriel ano ba? Kanina ka pa hinihintay ni Sir?" Bigla siyang bumungad sa may
pintuan.

"Anong silbi ng telepono mo? Pwede naman tumawag di ba?" Pagtataray ni Ichi.

"Ikaw ba ang kinakausap ko?"

"Bakit ikaw din ba ang kinakausap ko?" Walang makakatalo sa super taas na kilay ni
bakla. Akala ko pa nga ay susugurin niya si Gail nang bigla siyang tumayo. Yun pala
ay lumapit siya sa kinaroroonan ni Adrian. "Sabay tayong mag-lunch ha? Sagot ko."

"Sure!" Hindi lumingon na sagot ni Adrian habang nakatutok pa rin sa monitor ng


kanyang mga mata.

Nag-aapoy ang mga mata ni Gail na nakatitig sa dalawa. Selos? Ang lakas talagang
mang-asar ni Ichi!

"Papunta na ako Gail." Lumabas na ako at hinila ko siya sa braso palayo. Baka kasi
bigla na lang silang magrambulan sa loob. Sa nakikita ko pa naman na itsura niya ay
parang susugurin na niya si bakla.

Hindi maipinta ang pagmumukha niya habang patungo kami sa office ni Riley. Taas noo
akong naglakad. Hindi ko pinansin ang mga bulung-bulungan ng mga taong naroon. As I
expected, ako ang pinagtsi-tsismisan nila dahil sa nangyari kaninang umaga.

Si Gail ang nagbukas ng pintuan. At pareho kaming napamulagat sa nadatnan sa loob


ng office. Naroon si Samantha at nagtatalo silang dalawa ni Riley. Bigla tuloy
akong napaatras. Ganon din si Gail. Ngunit bago pa niya maisara ang pinto ay nakita
na kami ni Riley.

"Huwag kang aalis Muriel! I need you now!"

Pareho kaming na-freeze ni Gail sa paghakbang.

"No! You can leave us. Mag-uusap pa kami ng Sir nyo!" Utos naman ni Samantha.

"Just stay!"

"Riley!"

"Anuman ang sasabihin mo ay balewala kay Muriel. But now she needs to fix my
computer."

Hindi ko tuloy malaman kung sino ang susundin ko sa kanilang dalawa. Ngunit bago pa
ako tuluyang makalabas ng pintuan ay naisara na iyon ni Gail.
Ayup! Iwanan ba naman akong mag-isa rito?

"Come here Muriel." Utos sa akin ni Riley at wala akong nagawa kundi lumapit sa
kinaroroonan niya sa tapat ng desktop niya. "I need you to fix this damn net.
Kanina ko pa hindi ma-access ang email add ko."

"Yes Sir." Sagot ko nang puwesto ako sa tapat ng desktop niya.

"Ano nga pala yung sinasabi mo Sam? You can continue now." Dahil okupado ko ang
upuan niya ay nakatayo siya sa tabi ko. Habang nasa tapat naman niya si Samantha na
nakatayo ring nakaharap sa kanya.

"Why are you doing this to me Riley?"

"You must be thankful. I made it more easier for you."

"By hurting me this much!"

"It's your choice Sam not mine."

"No! I won't let you go. You can do this to me."


"Then choose me! Ganun lang kasimple yun."

"What I'm asking is for you to understand me!"

"I'd tried! But I think I had enough."

HIndi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Tama ba naman kasing magtalo sila sa
harapan ko?

"Why Riley? What made you changed? Is she the reason why?"

Nang mag-angat ako ng mukha, I saw Samantha looking at me furiously.

Teka! Paano ako nadamay sa gulo nila?

"Enough sam! Huwag mo siyang idamay rito."

"Akala ko ba hindi ko napansin? Simula nang dumating siya rito bigla ka lang
nagbago sa akin."

"You do not know what are you saying!"


"I know what I'm saying, damned you!" She almost hissed. Tuluyan nang kumawala ang
kontrol niya. Pagkatapos ay ako naman ang binalingan niya. Kung nakakamatay lang
ang tingin na ibinigay niya sa akin ay kanina pa sana tumumba. "You're nothing but
a liar and a bitch!" Nang susugurin niya ako ay mabilis akong napatayo sa
kinauupuan ko. Ngunit bago pa siya makalapit sa akin ay napigilan na siya ni Riley.

"I said enough Sam! Don't make a scene here!"

Ngunit ayaw niyang papigil. Patuloy siya sa pagpupumiglas. "Let go of me! Let go of
me!" This time ay sumisigaw na siya.

"Samantha!" Nagtaas na rin ng tinig si Riley. "Stop it!"

"No! I won't stop unless you fired her!" Sa pagpupumiglas niya ay natamaan niya sa
ulo si Riley. Nagulat na lang kami nang bigla siyang mag-collapsed sa carpeted
floor.

Napasugod ako sa kinaroroonan niya. "Riley?" Nakapikit siya habang sapu-sapo ang
ulo. "A-anong nangyari? May masakit ba sa yo?" Nagsimula nang bumangon ang pag-
aalala sa dibdib ko.

Malakas na ungol ang tinugon niya. Mas lalo akong naalarma.

"Sam..." Nang tumingala ako ay nakatingin lang siya sa amin. Her eyes wide open.
Itinulos siya sa kanyang kinatatayuan. "Sam!" Nilakasan ko ang boses ko. Doon ko
lamang nakuha ang atensyon niya. "Kumuha ka ng ice compress at lagyan mo ng yelo."
"Ha?"

"Ang sabi ko kumuha ka ng ice compress at lagyan mo ng yelo."

"S-saan ako kuku-"

"I don't care.' Hindi ko napigilang sumigaw. "Basta maghanap ka! I need it now!"

Tumalima naman siya at nagmamadaling lumabas ng silid.

"Rai? Rai?" Tinatapik-tapik ko ang pisngi niya. "Please answer me." Sunud-sunod ang
kaba sa dibdib ko.

"M-my head. It hurts." Finally he said.

"Masakit na masakit ba ang ulo mo? Kaya mo pa ba?"

HIndi siya sumagot. Nakapikit pa rin siya.

"Rai?" Muli ko siyang tinapik sa pisngi. Ngunit umungol lang siya.


Shit! Bakit ang tagal ni Samantha?

Bigla kong naisip si Jared. I need to call him. Kailangan ko ng tulong niya. Kinapa
ko ang cellphone ko sa bulsa ngunit wala iyon doon. Saka ko lang naalala na iniwan
ko nga pala iyon sa drawer ko.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Samantha at kasunod niya si Gail.

"Here!"

Kinuha ko kaagad ang inaabot niyang ice compress at inilagay iyon sa noo ni Riley.
"I think kailangan na natin siyang dalhin sa hospital." Sabi ko kay Sam.

Nanlaki ang mga mata niya. "Baby!" Yumuko siya sa binata.

"Gail please call an ambulance." Utos ko.

"No need!" Lahat kami ay nagulat at awtomatikong napatingin kay Riley. "I'll be
fine. Nagdilim lang ang paningin ko at sumakit ang ulo ko." He was still lying on
the floor. At nakapikit pa rin ang mga mata.

"I'm so sorry Baby! Hindi ko sinasadya. I swear. Hindi ko talaga sinasadya." She
was sobbing beside him.

"I said I'll be fine. Sumakit lang ang ulo ko."

Pero hindi ako naniniwala. Hindi isang simpleng pagsakit ng ulo ang nakita ko sa
kanya kani-kanina lang.

"Rai, kailangan mo pa rin madala sa hospital para matignan ka ng mga doktor." Sabi
ko.

Ngunit hindi siya kumibo.

Tumingin ako kay Gail at sinenyasan ko siya na tumawag ng ambulance. Tumango siya
at saka sumunod. Kailangan naming makasiguro. Nangyari na kasi ito sa kanya dati.

Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako sa kamay. "Stay!" I heard him say. Wala sa
loob na napatingin ako kay Sam na tumingin rin sa akin.

"Baby I'm here!" Hinawakan niya si Riley sa kamay at dinala sa pinsgi niya. "I will
stay If that's what you want."

Unti-unti ay nagmulat siya. Napigil ko ang aking hininga ng tumutok ang mga mata
niya sa aking mukha. Mataman niya akong pinagmamasdan. But I couldn't read his
expression. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya ngunit lalo
lamang humigpit iyon.
<Riley POV>

"I'm good! I'm fine! There's nothing to be worried about." Hindi ko napigilan na
mahaluan ng pagkainis ang boses ko habang kausap si Mama sa cellphone. Mabuti na
lamang at hindi siya pumasok. Siguradong magpa-panic iyon at baka ito pa ang madala
nila sa ospital imbes na ako.

"Okay I promise!" Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata. "Magpapahinga lang
ako sandali at uuwi na rin ako. Magpapahatid na lang ako kay Manong Bay. Okay! Bye
Ma!"

Saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Nakaragdag sa sakit ng ulo ko ang pangungulit
ni Mama. Although I understand her reaction as my mother, sometimes nagiging OA na
siya. And it irrirates me.

Nilapag ko ang cellphone ko sa desk at muling dinampot ang ice compress at


ipinatong sa ulo ko. Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag ang nangyari sa akin
kanina. I was so scared to death. Akala ko mawawalan ulit ako ng paningin. It
already happened to me when I was still blind. But at that moment bigla akong
nakakita ng liwanag. Kabaligtaran naman ng mga nangyari ngayon. Suddenly bigla na
lang nag-black out ang paningin ko kasunod ng pagsakit ng ulo. But I could still
hear the same voice who took care of me before. I could still feel her presence.
Parang kahapon lang nangyari. At ng mga oras iyon ang daming alaalang bumalik sa
isipan ko.

Hindi pa ako sigurado. Pero gusto kong alamin ang totoo. At sa pagkakataon na ito
ay susundin ko ang instinct ko.
I think Mama was right. I just need to follow my heart.

"Sir, is there anything that you want?" Si Gail mula sa intercom.

"Kindly call Lara Bienitez in London."

"Okay Sir!"

I need to talk with her. Siya ang unang tao na naisip ko na makakasagot sa mga
katanungan na gumugulo ngayon sa isipan ko.

Muling tumunog ang intercom. "Sir Miss Lara Bienitez is now on the line."

"Thanks Gail!"

"Hello... Riley?"

"Hello Lara! How are you doin?"

"What makes you call Mister?" Narinig ko siyang umismid sa kabilang linya. "Himala
at naalala mo ako!"
Hindi ko napigilang tumawa sa tantrums niya. "I'm sorry sweetie, sobrang busy lang
talaga sa work. Alam mo naman na nilipat na akin ni Mama ang pamamalakad ng
kumpanya."

"I know! But still you don't even remember to call me after your operation. Anyway
how are you? "

"I'm doin fine! Uhm Lara, the reason why I called you.."

"what it is?"

"I just want to ask some question about Samantha?"

"What about her? Break na kayo?"

I choose not to answer her answer. "May gusto lang akong malaman tungkol sa kanya."

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang kalakas ang kaba sa aking dibdib.
Ilang sandali na lang at malalaman ko na ang totoo. At sana tama ang hinala ko.
(to be continue...)

Sensya na sa madaming spaces... edit ko na lang next time ^_____^

*******************************************
[29] Chapter Twenty Nine: Careless
*******************************************
Na-lurky ako sa dumagsa na messages sa akin this mornig. Supposed to be, kahapon ko
pa pinuplish ang itong chapter 29 at sa hindi malamang dahilan bigla na lamang
siyang na-delete. Hindi ko po alam kung ano talaga ang nangyari... I want to say
sorry dahil alam kong matagal na ninyong hinintay ito at lalo lamang kayong
nabitin.

Chapter Twenty Nine: Careless

<Muriel POV>

"How is he?"

Nag-angat ako ng tingin kay Jared. He was busy toying his dishes. Magmula nang
sunduin niya ako para mag-lunch, ito ang unang pagkakataon na nagtanong siya
tungkol kay Riley. Naikuwento ko sa kanya ang nangyaring insidente kanina. Pero
hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkol sa paghi-hysterical ni Samantha.

"I think he's okay now." Sagot ko habang patuloy siyang pinagmamasdan. "Kaya lang
ayaw niyang magpatingin sa doktor."

"Hindi mo siya mapipilit kung talagang ayaw niya." Hindi pa rin siya tumitingin sa
akin. "Alam mo naman di ba kung gaano katigas ang ulo ng isang iyon."

"Okay ka lang?" Hindi ko napigilang itanong. Naninibago ako sa kinikilos niya.


Kanina pa siya tahimik. Kung hindi ko kakausapin ay hindi siya magsasalita. "May
sakit ka ba?" Hinipo ko ng palad ang noo niya. Hindi naman siya mainit.

"Pagod lang siguro ako."

Napabuntong-hininga ako. "Pagod ka na pala, sana hindi mo na lang ako niyaya na


mag-lunch dito."

"Nag-promise ako sa'yo."

"Kahit na! Sana nagpahinga ka na lang."

"Nag-aalala ka ba para sa akin?" Suddenly he asked. Doon lang siya nag-angat ng


tingin sa akin.

"Of course nag-aalala ako para sayo." Nagtataka na sagot ko.


"Bakit?"

"Anong bakit?" Lalong nagsalubong ang mga kilay ko.

"Bakit ka nag-aalala sa akin? Gusto kong malaman ang dahilan."

"Kailangan ba ng dahilan para mag-aalala ako sayo?"

"Just answer my question?" He demanded. Nakatitig siya sa akin at naghihintay ng


sagot ko.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako nagsalita. "You're one of my best
friend. Natural lang na mag-alala ako sayo." Wala akong choice kundi sabihin sa
kanya ang totoo.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin. "Now I know." He smiled bitterly. At tahimik na


pinagpatuloy ang pagkain.

Things couldn't be the same again between us. And I miss him so much. Mas
gugustuhin ko pa na mag-asaran kami hanggang sa mapikon ako kaysa yung ganito na
parang lagi na lang may tensyon sa pagitan naming dalawa.

How I wish I could erase his feelings for me as much as I wanted to erase my
feelings for Riley.

Inihatid ako ni Jared sa office pagkatapos naming kumain. And to my dismay, hindi
na talaga siya nagsalita magmula ng umalis kami ng resto. Nang huminto ang kotse ay
hindi ko na siya hinintay na bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Inunahan ko na
siya.

"Muriel!" Narinig kong tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Tuluy-tuloy ako sa
paglalakad.

Mas mabuti siguro na iwasan ko na lang siya. Ayoko siyang umasa. Mas lalo lamang
siyang masasaktan. Lalo lamang nagiging kumplikado ang sitwasyon. Nung una, si
Riley lang ang problema ko. I was really thankful dahil nandyan si Jared para
masandalan ko. Pero sino ba ang mag-aakala na mahuhulog siya sa isang tulad ko?

"Watch your step!"

Bigla akong napahinto. Muntikan ko pa siyang mabunggo. At nang mag-angat ako ng


tingin, nanlaki ang mga mata ko.

"Riley? What are you doing down here?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya. Ini-
expect ko na nakauwi na siya ng bahay. Kanina ko pa kasi nakita si Manong Bay at
inaabangan siya para maihatid siya pauwi.

Hindi siya sumagot sa aking pagtataka. Mataman siyang nakatingin sa akin. At hindi
ko maintindihan ang nagdaan sa mga mata niya.

Weird! Hindi ko maipaliwanag. Pero parang may biglang nagbago sa kanya.

"Pare!" Tawag ni Jared mula sa likuran ko. And to my surprise, he grabbed my hand.
"Where are you going?" Paglingon ko ay nasa tabi ko na siya.
Mabilis na lumipad ang mga mata ni Riley sa magkahawak naming mga kamay. Ngunit
saglit lamang iyon at muli siyang nag-angat ng tingin. "I'm going home. Jared,
pwede mo ba akong ihatid sa bahay? Wala akong dalang sasakyan." Nakangiting sabi
niya at mabilis na inakbayan ang kaibigan.

"Sure!" Hindi na nakatangi si Jared at nabitawan ang kamay ko. "How is your feeling
anyway?" Bahagyang sumigla ang tono ng boses nito.

"Good. And thanks to her." Tumaas ang sulok ng mga labi niya nang tumingin sa akin.
"She knew very well kung anong gagawin niya to make me feel better."

I fight the urge to stare back. Hindi ko matagalan ang mga titig niya.

"Muriel pumasok ka na sa loob. Ihahatid ko lang si Riley." Utos ni Jared.

Lihim ko siyang inirapan. Hindi ko gusto ang tono ng boses niya. Hindi naman niya
ako kailangang utusan. Bago ako tumalikod ay sinulyapan ko si Riley. He was still
looking at me. Hanggang sa hilahin siya ni Jared ay hinahabol niya ako ng tingin.

<Jared POV>

Wala kaming imikan ni Riley sa loob ng sasakyan. For the first time together,
nawalan kami ng mapag-uusapan. Hindi ko maiwasang mailang. Ito rin ang unang
pagkakataon na nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa. And it's all because
of one woman- si Muriel.

I had to admit that there's a silent rivalry happening between us. Suddenly, bigla
na lang siyang nagka-interes kay Muriel. At dahil doon ay naalarma akong bigla. In
the first place, wala akong balak na makipagkumpetensya sa bestfriend ko. Alam ko
na kahit anong gawin ko ay hindi ko siya mapapalitan sa puso ni Muriel. Pero
kailangan kong protektahan si Muriel mula sa kanya. Hindi dahil natatakot ako na
baka tuluyan siyang mawala sa akin. Natatakot ako na baka malaman ni Riley ang
tungkol sa pagpapanggap at siguradong si Muriel ang pinakamasasaktan.

"Gaano mo na katagal kakilala si Muriel?" Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon


mula kay Riley. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko siyang nakatingin sa labas.

"Medyo matagal na din." Matipid na sagot ko.

"Minsan nakuwento sa akin ni Nana Tonya na nag-stay raw siya ng mga one month sa
bahay."

I went still. Ganon na lamang ang pagpipigil ko na lingunin siya. "Really? Sinabi
iyon ni Nana Tonya?" I chuckled. "Baka naman nagkamali lang siya ng pagkakasabi."

Tumango-tango si Riley. "Siguro nga. Imposible naman kasi na hindi ko malaman na


doon siya tumira sa bahay seven months ago."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Biglang nawala ang ngiti ko sa mga


labi.

How did he know it?

Bago ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"Break na kami ni Samantha. And its final."


Marahas na napalingon ako sa kanya. "What?"

"It's over between us." From the sound of his voice, parang nagkukuwento lang siya.

"Seryoso ka Pare?" Hindi ko siya magawang paniwalaan.

"Nakakapagtaka ba kung mag-break kaming dalawa?" Lumingon siya sa akin.

"Yes." I answered honestly. "I knew you. You can't easily let her go."

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na
nagkamali ako ng taong minahal?"

Nagsalubong ang mga kilay ko.

"I thought I loved her. When all along my heart belongs with someone else."

Suddenly I felt cold. "W-what do you mean?"

He just smiled at me. "Nothing! Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko." At muli
siyang tumingin sa labas ng kotse.

I was alarmed. Hindi ko kayang balewalain ang mga sinabi niya. Magmula kaninang
umaga ay kakaiba na ang mga kinikilos niya. Ayoko sanang isipin, pero duda ako na
baka may alam na siya. Ngunit umaasa pa rin ako na sana ay mali ang hinala ko.

<Muriel POV>

Pasado alas nuwebe na ng gabi ako nakauwi. Ayoko sanang mag-overtime pero nahiya
naman ako sa mga kasamahan ko na mag-o-overnight pa sa office. May hinahabol kasi
kaming deadline. Halos lahat ay gusto na rin bumalik sa mga pinanggalingan nila. At
kasama na ako roon. Gustung-gusto ko ng umuwi ng Davao. Overdue na ang pag-i-stay
ko. Supposed to be dapat ay two to three days lang ako rito. Pero dahil sa mga
hindi inaasahan na problema, na-extend kami ng isang linggo. pang-apat na araw ko
na ngayon. At tatlong araw pa ang hihintayin ko bago makapag-function ng one
hundred percent ang server sa buong kumpanya.

Nag-taxi na ako pauwi. bukod sa pagod ay antok na antok na ako. Panay tuloy
paghikab ko. Halos hindi ko na maidilat ang mga mata habang umaakyat ng hagdanan.
Waaahh.. gusto ko nang mahiga sa kama.

"Watch your steps baby girl!"

Halos mapatalon ako sa gulat. Kung hindi niya ako nahawakan kaagad sa braso
malamang ay nahulog ako sa hagdan. Tumingala ako at tinignan si Riley ng masama.
"Balak mo ba akong patayin sa gulat?" Angil ko sa kanya.

Napangiwi siya sa lakas ng boses ko. "Ssshhh.." Inilagay pa niya ang hintuturo sa
tapat ng nguso niya. "Balak mo rin bang gisingin ang lahat ng tao dito sa lakas ng
boses mo?" He said with amusement on his eyes.

Itinikom kong bigla ang bibig ko nang maalala ko na maaaring natutulog na si Mam
Lorie. Pahamak kasi itong lalaking ito!

"Hep! Where are you going?" Pigil niya sa akin nang tangka ko siyang lalagpasan.
"I'm tired Riley!" Sinimangutan ko siya. "Wala akong panahong makipagbiruan sayo."
Lalagpasan ko na sana siya nang muli niya akong pigilan sa braso. "What?" I almost
hissed. Naiinis na ako sa kanya.

"Relax! Yayain lang naman kitang mag-dinner." He said while smiling.

"No thanks! Kumain na ako sa office."

"Hinintay pa naman kita para may makasabay akong mag-dinner."

"Why me?" Turo ko sa sarili ko. Feeling close? "Kung naghahanap ka talaga ng
kasabay nariyan naman si Buddy. Hindi ka na sana nag-abala na hinintayin ko."

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Bakit ba ang kulit mo?"

Lalo lamang lumapad ang pagkakangiti niya. "You never change. You are still the
same."

Hindi ko na siya pinansin. Mas lalo lamang akong malo-low bat kung papatulan ko pa
siya. Nakalagpas na ako sa kanya nang bigla na lang niya akong pigilan sa kamay.

Naman! Ano ba ang gustong mangyari ng lalaking ito?

"Riley ano ba?"

"Samahan mo lang ako sa sandali sa ibaba. Please..."

"Makakatikim ka talaga sa akin kapag hindi mo ako binitawan." Ngunit tila nanadya
na lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Nakipaghilahan ako sa kanya. Pero wala akong panama sa lakas niya. Ayoko namang
magpatalo. Inipon ko ang natitira kong lakas at ubod ng lakas na nakipaghilahan sa
kanya. Ngunit sadyang malakas si Riley. At dahil low-bat na nga ako, hayun
bumalandra ako sa kanya. At tumama ang noo ko sa baba niya.

Tila walang lakas na sumalampak ako sa sahig habang sapu-sapo ang noo ko. I swear
nakakita talaga ako ng dancing stars. Hilung-hilo ako.

"Muriel..." Agad akong dinaluhan ni Riley.

"I hate you!" Halos mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"I'm sorry."

"Go away!" Ngunit wala naman akong sapat na lakas para ipagtulakan siya. Nahihilo
pa rin ako at hindi ko maidilat ang aking mga mata.

"Sorry! Hindi ko talaga sinasadya." Pilit niyang inaalis ang mga kamay ko na
nakatakip sa noo ko.

Ilang sandali ay naramdaman ko na lang na may hangin na humahaplos sa noo ko.


Parang pamilyar sa akin ang ganitong eksena.

"Riley what are you doing?" Naisip kong itanong kahit ang totoo ay alam ko kung ano
ang ginagawa niya. Doon ako nagmulat ng mga mata. Nakita ko ang mahaba niyang nguso
na patuloy sa paglabas ng hangin.
Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mga mata. Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin
siya na mawawala ang sakit sa pamamagitan ng blowing technique niya. Ngunit sa
ginagawa niya, imbes na mawala ang sakit ay hinihila ako ng antok. Heavens! ^____^
Parang gusto ko nang mahiga sa sahig.

Bahagya ko siyang itinulak palayo. "Enough! Hindi ako lobo, okay?" Kung hindi ko
siya pipigilan malamang ay makatulog na ako ng tuluyan. "Walang mangyayari kung
patuloy mo akong gagamitan ng blowing technique mo. Mauubusan ka lang ng oxygen."
Ngunit sa pagtayo ko ay sumabay din siya sa pagtayo at nakaumpugan ang aming mga
noo. Muli akong napasalampak sa sahig.

"Riley naman eh!" Sapu-sapo ko ulit ang ulo ko. "Nananadya ka bang talaga?" Pucha!
Ang sakit nun!

"Bigla ka kasing tumayo!" Sapu-sapo niya rin ang ulo niya.

"Ako pa ngayon ang sinisisi mo!" Tinulak ko siya palayo sa akin sa sobrang inis ko.
"Huwag ka ng lalapit sa akin!"

Hu! Hu! Siguradong may bukol na ako nito kinabukasan.

"Muriel..."

Hindi ko siya pinansin.

"Muriel..."

Manigas ka dyan!

Naramdaman ko na lang nang umaangat ako sa sahig. Binuhat pala ako ni Riley.

"Huy! Ibaba mo ako!"

Parang wala siyang narinig. Tuluy-tuloy siya patungo sa kanyang kuwarto.

Wait! Bakit sa kuwarto niya? Eh may sarili naman akong kuwarto!

"Riley ibaba mo ako!" Nagsimula na akong mag-panic. "Hindi mo ba ako narinig? Ang
sabi ko ibaba mo ako!"

"Ssshhh.." Saway niya pero hindi tumitingin sa akin. "Kung hindi ka titigil
ihahagis kita sa hagdanan!" Wala akong pakialam kahit totohanin pa niya ang banta
niya. Dalawang hakbang na lang at malapit na kami sa pintuan ng kuwarto niya.

"Hindi dyan ang kuwarto ko?"

"Alam ko."

"Bakit mo ako dyan dadalhin?"

Saka lang yumuko si Riley sa akin. "Hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto ko."
Sinipa niya iyon at bumukas. "See? Kung dadalhin kita sa kuwarto mo hahagilapin mo
pa ang susi mo. And I don't have much time to wait dahil konting-konti na lang ay
mabibitawan na kita. Ang bigat mo kaya!"

"Sinabi ko ba sayo na buhatin mo ako?"

Hindi na siya sumagot. Tuluyan na kaming nakapasok sa kuwarto niya. At maingat na


ibinaba niya ako sa kama.
"Patingin nga!" Inalis niya ang kamay kong nakatakip sa noo ko. "Shit!" Nagulat pa
ako ng bigla na lamang siyang nagmura. "Dyan ka lang! Huwag kang aalis!" Utos niya
sa akin at saka nagmamadaling lumabas ng kanyang silid at para muling bumalik.
"Stay where you are!" At nawala na siyang tuluyan sa paningin ko.

Saan kaya yun pupunta?

Muli kong dinama ang noo ko. Oh shit! O___O Mayroon akong nakapa na nakaumbok roon.
Napatayo ako at mabilis na lumapit sa wall mirror.

Waaahhh! Ang laki ng bukol ko sa noo. At kulay purple pa!

"Muriel!" Humahangos na pumasok ng silid si Riley. May hawak-hawak siyang ice cubes
sa mga kamay. "Hindi ko makita yung ice compress. Pwede na siguro ito."

Mula sa salamin ay tinignan ko siya ng masama. Ganon na lamang ang pagpipigil ko sa


sarili na may masabing hindi maganda sa kanya. Walang kibo na lumapit ako at kumuha
ng ice cube.

"Agh!" Napangiwi ako. Napadiin ang pagkakadampi ko ng yelo sa noo ko.

Lumapit sa akin si Riley. Ang ice cubes na hawak niya kanina ay inilagay niya sa
isang maliit na towel.

"Aww!"

Na-freeze sa ere ang kamay niya. "Hindi pa nga sumasayad sa noo mo uma-aww ka na
dyan!"

Napahiya ako dun! "Practice lang!" I pouted. Ilang sandali ay naramdaman ko ang
malamig na bagay na dumampi sa noo ko. Hindi naman pala masakit. OA lang ako.

Hindi na ako nagsalita at ganun din siya.

< . < ako

@__@ siya

Para naman akong matutunaw sa mga titig niya.

"Ako na nga!" Tinangka kong agawin sa kanya ang hawak niyang towel. Ngunit iniwas
niya iyon sa akin.

"Ako na lang!" Ganun pa rin siya hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.

May dumi ba ako sa mukha?

"Where do you get that scar?" Suddenly he asked. Sa kamay ko pala siya nakatingin
at hindi sa akin.

Wala naman sa loob ko na tinignan ang pilat na sinasabi niya. "I can't remember
anymore." Which was partly true. I don't bother to remember it. It was one of my
worst day with him. He got mad and jealous with no reasons at all. Ang sungit-
sungit pa niya nung time na yun.

"You can't remember Or you don't want to remember?"

Nagkibit-balikat ako. Hindi ko naman kailangan sagutin ang tanong niya.


"Does it still hurt?" Tinusok-tusok pa niya ng hintuturo ang pilat ko.

Tinabig ko ang kamay niya. "It was already a scar. Natural, hindi na masakit." At
sinamantala ko ang pagkakataon na maagaw sa kamay niya ang hawak na towel. "I got
to go. I'm tired and I want to go to sleep." Tumalikod ako at humakbang patungo sa
pintuan.

"Sam!"

Bigla akong pumihit paharap sa kanya. "Ano na nama-" Nabitin sa lalamunan ko ang
sasabihin ko nang ma-realize ko ang pangalan na tinawag niya sa akin. Parang gusto
kong batukan ang sarili ko. Ang tanga-tanga ko. Shit!

Ganon na lamang ang kaba ko sa dibdib nang humakbang siya palapit sa akin. Ang una
kong naisip ay ang tumakbo. Pero magmumukha naman akong obvious kung gagawin ko
iyon. "M-may kailangan ka pa ba?" Naisip kong itanong.

Hindi kumibo si Riley. Nanunukso naman na lalo pa siyang lumapit. Patuloy naman ako
sa pag-atras. Hanggang sa namalayan ko na lang na pader na pala ang nasa likuran
ko. At bago pa ako makaiwas ay na-corner na niya ako. Ang isang kamay niya ngayon
ay nakatukod sa pader, just above my shoulder.

"Riley, hindi ko gusto ang ganyang biro!" Halos hindi na ako makahinga sa sobrang
lapit niya.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

Waaahhhh! Seryoso siya talaga!

Nang makita kong umangat ang kamay niya ay napapikit ako at hinintay na lang ang
gagawin niya sa akin. Pero sa pagkamangha ko ay kinuha niya ang hawak kong towel na
nakapatong pa rin sa noo ko.

"Natunaw na ang yelo. Lalagyan ko lang ulit." Narinig kong sabi niya. Saka lamang
ako dumilat. At nakita ko siya na tinungo ang pinaglagyan niya ng mga ice cubes.

Oh my gosh! Nasapo kong bigla ang dibdib ko. Muntikan na akong himatayin dun!

Nang muling bumalik si Riley ay hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Para
kasing tinulos ako roon at hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"Here!" Kinuha niya ang kamay ko at inilagay roon ang towel. Siya na rin mismo ang
nag-angat ng kamay ko patungo sa noo ko. Nakita kong umangat ang sulok ng kanyang
labi."Don't worry. Iimpis din iyan bukas ng umaga." Ang tinutukoy niya ay ang bukol
ko sa noo.

"Okay!" Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko. There's something in him that I
couldn't even give a name. He's acting really weird. And the way he looked at me,
it seems that something has changed. Hindi tuloy mawala-wala ang kabog sa aking
dibdib.

"Go to your room and rest." Umiwas siya ng tingin sa akin at pinakawalan ako.

Saka lamang ako nakaramdam ng relief. Finally, makakaalis na rin ako doon. Ngunit
bago ko pa maiangat ang paa ko nang pigilan niya ako. And to my surprise, Riley
claimed my mouth and gave me a devastating kiss. Ang unang pumasok sa isip ko ay
ang itulak siya. Pero nakakapagtaka na hindi ko magawa. Unwillingly I closed my
eyes. Then I found myself responses to his kisses. Ang lahat ng pag-aalinlangan sa
isipan ko ay tuluyan kong nakalimutan.

"Rai..." Hindi ko namalayan na lumabas iyon sa bibig ko.

His kisses become deeper. I know that this is not right. But who cares? Hindi na
ako makapag-isip ng tama. I was not so sure how long does it take. But when Riley
finally released me, my heart was beating so fast that I could hardly breathe.

"I just don't know what to do with you anymore." He spoke huskily habang nakatitig
sa mga labi ko. "You're making me crazy."

Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay nakalutang ako sa alapaap. Daig ko pa yata ang
na-high sa droga.

"And I can get rid of you." He murmured as he touched his forehead to mine.

"Awww!" Ang bukol ko!

He chuckled. "Sorry! I forgot!" And gave me a kiss on my forehead. "Masakit pa ba?"

Umiling ako.

"Muriel..."

"Hmmm..."

"We need to talk..."

Nagsalubong ang mga kilay ko.

"..seriously!"

Napatitig ako sa kanya. Bigla akong na-confused. Kakaiba kasi ang tono ng boses
niya.

"Muriel, I-"

Bigla na lamang bumukas ang pintuan at pumasok si Nana Tonya.

Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko si Riley palayo.

"Muriel!" Kahit si Nana Tonya ay nagulat nang makita ako.

"May kailangan kayo sa akin Nana Tonya?" Tanong ni Riley na hindi man lang nagulat
sa biglang pagsulpot nito.

"May gustong kumausap sayo." At mula sa kanyang likuran ay sumulpot si Samantha.

Oh my! Pinanlamigan ako ng katawan.

Samantha's eyes widened when she saw me.

"Hindi ka na sana nag-abala Nana Tonya na ihatid siya rito." Tila balewala kay
Riley na makita ang dating nobya.

"Anong ginagawa niya rito?" Nakatuon sa akin ang mga mata ni Samantha.

Humakbang si Riley at huminto sa tapat ko. Covering me with his body. As if


protecting me from her.
"Ikaw ang dapat kong tanungin Sam kung anong ginagawa mo rito? Alam mo ba kung
anong oras na?"

"You didn't answer my question Riley? What she's-"

"It's not of your business!"

"But we're not done yet."

"Do I have to repeat what I've said this morning? Akala ko ba nagkaintindihan na
tayo?"

Hindi nakakibo si Samantha.

"Gusto mong pag-usapan natin ulit? Sige pagbibigyan kita." He challenged her. Lalo
itong hindi nakakibo.

Bahagya akong napapitlag nang biglang humarap sa akin si Riley. Ipinatong niya sa
noo ko ang hawak niyang towel na may yelo. "Go back to your room and rest." Sa
ilalim ng tinig niya ay naroon ang pag-aalala. At banayad niya akong itinulak
palabas ng pintuan. "Nana Tonya, samahan nyo na po si Muriel." Sumunod naman sa
likuran ko ang matanda.

"Mayroon bang nangyayari na hindi ko alam?"

Na-freeze ang kamay ko sa pagpihit ng doorknob nang marinig iyon. Lakas loob na
lumingon ako kay Nana Tonya. Mataman siyang nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng
pag-iinit ng mukha. "Wala po." Pagsisinungaling ko. Mabuti na lamang at hindi na
rin siya nag-ungkat pa.

"Kukunin ko lang ang ice compress sa ibaba." Sabi niya ngunit pinigilan ko siya.

"Huwag na po! Hindi na kailangan."

"Sigurado ka?" Muli niya akong tinitigan.

Tumango ako. "Matutulog na rin po ako."

"Ikaw ang bahala." At tumalikod na si Nana Tonya at iniwan ako.

Saka lamang ako pumasok ng aking silid.. Nang maisara ko ang pintuan ay napasandal
ako roon at tila nanlulumo na dumausdos ako pababa haggang sa sumalampak ako sa
sahig.

What I have done?

I was so careless.

Sinubsob ko ang mukha sa aking mga palad. Saka ko lamang na-realized ang mga nagawa
ko.

Hindi ko akalain na magagawa ko ang ginawa ko kanina.

Saan na napunta ang pinagmamalaki kong self control?

Now, I'm really in a big trouble.

Siguradong alam na ni Riley ang nararamdaman ko para sa kanya. Ganon na lamang ang
takot sa dibdib ko. Dahil hindi rin malayo na malaman niya ang tungkol sa
pagpapanggap ko.

Ano na ang gagawin ko?

Maagang gumising kinabukasan. At sinadya ko talagang agahan para hindi magtagpo ang
landas namin ni Riley.

"Aalis ka na kaagad?" Naroon ang pagtataka sa mukha ni Nana Tonya nang makita niya
akong paalis. "Hindi pa ako nakakapagluto ng agahan."

"Okay lang po. Bibili na lang po ako sa labas. Nagmamadali po kasi ako." At wala na
siyang nagawa ng tuluyan akong lumabas ng bahay.

Mabuti na lang din at may nadaanan akong 24/7 na Mc Donalds at doon na lamang akong
nag-almusal. Pagdating naman sa office ay diretso ako sa table ko at inabala ko na
agad ang sarili ko kahit hindi pa oras ng trabaho.

"Sobrang aga mo naman yata!" Bungad sa akin ni Joseph nang pumasok ng silid.

Tila wala akong narinig at nagpatuloy ako sa ginagawa.

"Sungit! Ano yan?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at may
itinuro ang nasa noo ko.

I almost forgot about my bukol! Geez... hindi ko man lang natakpan ng concealer.
Kung sabagay nang umalis ako kanina sa bahay ay nagsuklay lang ako at hindi na nag-
abala na ayusin ang sarili ko.

"Bukol ba yan?" Lalo lamang niyang inilapit ang mukha sa akin.

Dinampot ko ang makapal na folder sa harapan ko at itinapal iyon sa mukha niya.


"Sabi ni Mam Elvie, review-hin mo raw ang mga files na nabura sa system!"

"Good morning everyone!" Masayang bungad naman ni Adrian.

Mabilis na nilapitan ito ni Joseph. "Aga mo naman pumasok! Diba nag-overnight kayo
kagabi?"

"Hanggang eleven lang kami kagabi. Biglang nagkatakutan eh."

Kumunot ang noo ni Joseph. "Nagpakita naman ba ung batang lalaki?"

"Daw? Si Marjorie kasi ang nakakita."

Dedma pa rin ako sa usapan nilang kakatakutan. Wala ako sa mood makinig. Dahil
hanggang ngayon ay lumilipad pa rin ang isipan ko.

"Muriel wala ka bang balak na sagutin ang cellphone mo? Kanina pa tumutunog!" Si
Adrian.

Tila doon ko lamang narinig ang ringtone ng cp ko. Pero teka? Saan ko na naman
nailagay iyon?

Madalas ay nami-misplaced ko ang cellphone ko. Kagabi nga lang, halos baliktarin ko
ang buong bag ko pero wala akong nakitang bakas ng cp ko. Inisip ko na lang na baka
naiwan ko sa drawer ko sa office. Pero kanina paggising ko, nagulat nalang ako nang
makita ko iyon sa ibabaw ng side table katabi ng alarm clock. Wala iyon doon
kagabi. O baka naman hindi ko lang napansin. Hay... nag-uulyanin na yata ako sa
dami ng problema ko.

Nakita ko rin sa wakas ang maingay kong cellphone. Natakpan lang pala ng mga
nakakalat na folder sa table ko.

Number lang? Iyon ang nakita kong nag-registered sa screen. Nagdalawang isip pa nga
ako na sagutin iyon.

"Utang na loob Muriel! Sagutin mo na yan! Ang sakit na sa tenga!" Reklamo ni


Joseph.

Napilitan tuloy akong sagutin iyon. "Hello..."

"Where are you?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na tinig sa kabilang linya. Paano
nakuha ni Riley ang number ko?

"I said where are you?" From the sound of his voice, mukhang mainit na naman ang
ulo niya.

"Nandito na ako sa office."

"Bakit hindi mo hinintay? Sabay na sana tayong pumasok?"

"Marami akong trabaho na kailangang tapusin."

Hindi siya kumibo. Pero narinig ko siyang nagbuntong hininga. "I'm on my way now.
Nag-breakfast ka na ba?"

"Don't bother kumain na ako." I answered coldly. Hindi ko na gusto ang inaakto
niya. "May sasabihin ka pa?"

"Magkita na lang tayo sa office." Iyon lang at nawala na siya sa kabilang linya.

I blew out a long sigh.

Paano ko ba iiwasan ang isang ito?

Ganon na lamang ang pasasalamat ko dahil naging abala si Riley buong araw sa
trabaho. Halos hindi na nga siya lumabas ng opisina niya. Gayunpaman, hindi siya
nakakalimot na tawagan ako sa cellphone. Checking me if I'm alright, kung nag-lunch
at nag-meryenda na ba ako. He was acting really weird. Umaakto siya na parang
boyfriend ko. And it irritates me even more. Lalo lamang niyang pinalala ang
sitwasyon. Ini-off ko tuloy ang cp ko sa inis. Wala akong pakialam kahit magalit pa
siya.

Ilang sandali ay nag-ring ang telepono sa table ko. Halos tumirik ang mga mata ko.
Talagang gagawa siya ng paraan para makausap ako. Sinenyasan ko si Joseph na
sagutin ang phone.

"Kapag may naghanap sa akin sabihin mo wala ako sa pwesto ko." Mabuti na lang at
napasunod ko siya sa matamis kong ngiti.

"Hello... Sir Riley! Wala po si Muriel sa pwesto niya." Tumingin sa akin si Joseph.
"Baka po nag-CR lang. Sige po, pagbalik niya papuntahin ko na lang siya sa office
nyo."

What the hell? Ako pa ngayon ang pupunta sa office niya.

Nakangising bumaling sa akin si Joseph. "Narinig mo naman siguro yung pinag-usapan


namin?"

Padabog akong tumayo at lumabas ng kuwarto. Pero imbes na sa opisina ako ni Riley
ako magpunta ay dumiretso ako ng comfort room. Makatambay nga muna doon. Ngunit
pagpasok ko ay parang gusto kong umatras. Hindi ko inaasahan na makita roon si
Samantha.

Ano ang ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba ako? O si Riley?

Awtomatikong umaangat ang kilay niya nang makita ako mula sa salamin. Pero hindi
siya nagsalita. Nagpatuloy siya sa pagre-retouch na parang hindi ako nakita.

Hindi ko na lang din siya pinansin at dumiretso ako sa isa sa mga cubicle. Sana
lang sa paglabas ko ay wala na siya roon. Pero hanggang sa lumabas ako ay naroon pa
rin si Samantha. Mukhang sinasadya niyang hintayin ang paglabas ko. Palabas na sana
ako ng pintuan nang marinig ko siyang magsalita. Napahinto ako.

"Maybe you won this time. But don't ever think that he will love you because of who
you are." Pumihit siya paharap sa akin. "Gusto ko lang ipaalala sayo na minsan
nagpanggap ka bilang ako. At kung anuman ang nararamdam ni Riley ngayon para sayo,
hindi rin magtatagal iyon. Dahil sa bandang huli, mare-realize niya na ako pa rin
ang totoong mahal niya at hindi ikaw."

Damn!

She had a point!

And it hurts.

(to be continue....)

*******************************************
[30] Chapter Thirty: Surprise Guest
*******************************************
Chapter Thirty: Surprise Guest

<Muriel POV>

"Okay ka lang?" Hindi ko namalayan si Adrian na nasa harapan ko na pala. Nag-angat


ako ng ulo.
"Masakit lang ang ulo ko." Pagdadahilan ko.

Inilapit niya ang mukha sa akin at tinitigan ako. "Weh? Baka naman ang puso mo ang
masakit!"

Tinignan ko siya ng masama.

Nag-peace sign siya sa akin. "Joke lang! Hehe.." Sabay abot sa akin ng isang
folder. "Pinabibigay ni Marjorie. Pa-doble check na lang daw." At sa isang iglap ay
nakalipat siya sa puwesto niya.

Buwisit! Akala ko concern, mang-aasar lang pala.

Aahhh! Nasapo ko ang ulo nang biglang sumakit iyon. Sinabi ko lang na masakit bigla
naman sumakit. Putek!

Inabot ko ang tumbler ko na nasa gilid ng mesa at tinungga ang lahat ng laman nyon.
Nakakalimang timpla na yata ako ng kape at parang tubig lang sa akin iyon.
Pagkatapos ay huminga ako ng malalim at binalikan ang naudlot na trabaho. Pero
kahit anong gawin kong pag-focus ay palaging lumilipad ang isip ko.

I think I need a break.

Magmula nang bumalik ako sa puwesto ko ay hindi na makapagtrabaho ng maayos. Ang


bigat-bigat ng pakiramdam ko na tila gusto ko nang mahiga at matulog na lang.
Naisip kong mag-undertime. Pero kaagad din nagbago ang isip ko nang maalala ko ang
hinahabol naming deadline. Kailangan kong makisama. Wala na nga halos ako nako-
contribute sa kanila tapos iiwanan ko pa sila sa ere.

I closed my eyes and tried to relax my mind. Baka sakaling bumuti ang pakiramdam
ko. Mukhang umeepekto naman.

"Muriel phone!"

Napadilat tuloy ako ng wala sa oras. Na naman?


Ito na yata ang panlimang tawag ni Riley. Pero lagi na lang akong pinagtatakpan ng
mga kasamahan ko ayon na rin sa utos ko. Pero sa pagkakataong ito, mukhang wala na
akong kawala.

"Utang na loob Muriel!" Pagsusumamo ni Joseph nang iabot niya sa akin ang telepono.
Nakatakip ang isang kamay nito sa mouthpiece. "Kausapin mo na si Sir. Mukhang
mainit na ang ulo niya. Baka ako pa ang malagot!"

Napabuntong-hininga ako.

"Kung anuman ang LQ ninyong dalawa pag-usapan nyo. Huwag kayong mandamay ng iba.
Aray!"

Mula sa ilalim ng mesa ay sinipa ko siya sa paa. Paano kasi, dahil sa sinabi niya
ay napatingin tuloy lahat sa akin ang mga kasamahan ko. Naroon ang kuryusidad sa
mga mata nila.

Hinablot ko sa kanya ang telepono. Wala na talaga akong ibang choice kundi sagutin
ang tawag na iyon.

"Hello..."

"Why are you always not in your place?" Halos mailayo ko ang telepono sa tenga ko
dahil sa lakas ng boses ni Riley. Mainit na nga ang ulo niya. But who cares? "I've
been calling you a hundred times but you're always not around. Are you avoiding me?
And why do you turn off your cellphone?"

I almost rolled my eyes. I'd already predicted his words but it suddenly hit the
core in my head. "I'll be in your office in a minute." I said in a cold voice. At
saka ibinababa ang telepono kahit hindi pa siya tapos magsalita. "Marj pasingit
lang sa printer." Hindi lumilingon na sabi ko habang abala sa paghanap ng document
file sa computer ko. Out of nowhere, naisip kong gawin ang file na iyon kanina.
Pero hindi ko naman akalain na magagamit ko iyon sa mismong araw na ito.

Pagkalabas ng papel sa printer ay kinuha ko iyon at walang salita na nagmartsa


palabas ng kuwarto. Hindi ko pansin ang mga kasamahan ko na nakasunod ng tingin sa
akin at marahil ay nagtataka sa kinikilos ko.
"Muriel kain tayo sa labas after wo-" Hindi na naituloy ni Ichi ang sasabihin ng
lagpasan ko siya na tila hindi ko siya nakita. "Anung probleman nun?" Nagtatakang
sinundan niya ako ng tingin.

"Malay ko!" Sagot ni Jena na nakasunod din ng tingin sa akin.

Dire-diretso ako sa table ni Gail. "Nandyan ba si Riley sa loob?"

Nagtataka na tumango siya.

Tinungo ko ang pinto at pinihit ang doorknob.

"Muriel sandali lang-"

Pero bago pa niya ako mapigilan ay naisara ko na ang pinto at ini-lock iyon.

Bawal ang istorbo!

Pagpihit ko ay nakita ko si Riley na may kausap sa cellphone. At dahil nakatagilid


siya kaya hindi niya napansin ang presensya ko. Tuluy-tuloy akong lumapit sa kanya
at padabog na inilapag ang hawak kong papel sa mesa.

Napalingon siya sa akin. "Muriel?" Nagsalubong ang mga kilay niya nang dumako ang
mga mata niya sa papel na nasa harapan niya.

"That is an irrevocable resignation and its effective as soon as you read it." I
said seriously.

Nanlaki ang mga mata ni Riley. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran ko
na siya at dire-diretso na lumabas ng pintuan. Ang unang pumasok sa isipan ko ay
ang makaalis kaagad sa lugar na iyon.

"Muriel!"
Hindi pa halos ako nakakalayo nang marinig ko ang pagtawag niya. Tama ang hula ko,
hindi maaari na hindi niya ako susundan. Lalo kong binilisan ang mga hakbang ko.

"Muriel! Come back here!"

Naagaw ang atensyon ng lahat na naroon dahil sa pagsigaw niya. He's already making
a scene. And I don't even care. I had enough of him. Ang gusto ko lang ay makaalis
na doon at makalayo mula sa kanya.

Ganon na lamang ang pagtataka ng mga kasamahan ko ng humahangos akong bumalik sa


pwesto ko para lamang kunin ang bag at cellphone ko. At muli ring umalis nang
walang paalam. Kailangan kong magmadali bago pa ako maabutan ni Riley. Eksakto
naman na bumukas ang elevator. Mabilis akong sumakay at pinindot ang close button.
At bago tuluyang magsara iyon ay nakita ko pa siya na tumatakbo sa direksyon ko.
But it was already too late for him.

Tila nahahapo na napasandal ako sa pader. Nagtaas-baba ang dibdib ko. Daig ko pa
ang nakipaghabulan sa kanya. Gayunpaman ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
Kailangan kong makapag-isip ng maayos. Ano na ang susunod kong gawin? Hindi ko
inaasahan na mangyayari ito. Pero dahil nangyari na kailangan ko itong panindigan.

<Jared POV>

"What?" Napalingon lahat sa akin ang mga kasama ko nang bigla akong magtaas ng
boses. I was in a closed door meeting when Riley suddenly called me. "Excuse me
everyone. I had an emergency call." Tumayo ako at tinapik sa balikat ang katabi ko.
"Jason please take over for me." At lumabas ako ng silid.

"What do you mean she's missing?" Muli kong binalingan si Riley sa kabilang linya.
May kabang bumangon sa dibdib ko para kay Muriel.

"She left the office thirty minutes ago. I don't know where she go. And worst I
can't even contact her. Naka-off ang cellphone niya." Nagpapanic ang boses ni Riley
sa kabilang linya.

"Why did she left?" Naisip kong itanong. Hindi naman siguro basta aalis si Muriel
nang walang dahilan. Maliban na lang kung...
"She filed a resignation letter."

Lalong nagkasalubong ang mga kilay ko. "Ha? B-but why?"

"I don't know. Bigla na lang siyang ipinasa sa akin ang resignation letter niya at
nagmamadaling umalis."

May hinala na naglaro sa isipan ko. "Tell me Riley, what did you do to her?"

"What do you mean?"

"She wouldn't do that unless you did something to her."

"Pinagbibintangan mo ba ako Jared?"

"That's why I'am asking. Alam kong hindi gagawin iyon ni Muriel unless-"

"Nothing happen! Kung iniisip mo na mayroon akong hindi magandang ginawa sa kanya,
then you're wrong. I'll be the last person who could hurt her."

I shut my mouth. Its useless to argue with him. No matter what I said, hindi rin
siya aamin. Bakit ba hindi ko siya magawang diretsahin?

"Help me to find her." I heard him said.

Kahit hindi niya sabihin ay talaga namang hahanapin ko si Muriel. "I'll find her."

"Call me if you do."

"Okay!" And I pressed the end button.


Now what? Where were will I start? Bigla akong napaisip ng mga lugar na posibleng
puntahan ni Muriel.

Light bulb!

Now I know.

<Muriel POV>

I was busy eating my vanilla ice cream. Actually, pangalawang order ko na ito at
tila hindi ako nagsasawa. Once in a blue lang kasi ako kumain ng ice cream. Bawal
kasi sa akin dahil mayroon akong tonsilitis. Pero sa ngayon wala munang bawal-
bawal. Walang pakialaman ng trip. Sa gusto kong kumain ng ice cream eh!

Nang umalis ako ng opisina ay dito ako dinala ng mga paa ko sa mall na ito. Nung
una palakad-lakad lang ako at walang direksyon kung saan ako pupunta. Then I saw
this ice cream parlor. Naisip kong magpalamig. Kanina pa kasi mainit ang ulo na
tila anumang oras ay para akong sasabog.

"There you are!"

0__o

What is he doing here?

"Finally I found you." Puwesto si Jared sa katapat kong upuan. At walang paalam na
kinuha nito ang baso ng tubig sa table ko at tinungga iyon. Bottoms up! "Whew!
Pinagod mo ako, grabe!" Nakita ko pa na nagtaas-baba ang dibdib niya sa paghahabol
ng hininga.

"Anong ginagawa mo rito?"

"You little brat!" To my surprise when he raised his hand and squeeze my nose.
"Aray!" Mabilis kong tinabig ang kamay niya. "Para saan iyon?" Sapu-sapo ko ang
nasaktan kong ilong.

"Why did you to do that?"

"Do what?" Nagtatakang tanong ko.

Muli niyang pinisil ang tungki ng ilong ko. "You know what I mean?"

"Masakit iyon ha!" Reklamo ko. "Nakakarami ka na!"

He gave me a mad face. Now I know what he meant. Naiparating na sa kanya ni Riley
ang tungkol sa ginawa ko.

I pout. "Matagal ko nang gustong mag-resign. Kanina lang ako nakakita ng


pagkakataon."

"Without even tellimg me? I thought I'am your friend."

Tama bang konsensiyahin ako?

"Sasabihin ko naman talaga sayo, kaya nga lang lowbat ang cp ko. Hindi kita
matawagan." Pagsisinungaling ko sa kanya. Ang totoo wala nga akong balak sabihin
iyon sa kanya. Dahil alam kong pipigilan niya ako.

"Mayroon bang nangyari na hindi ko alam?"

Umiling ako. Pinili kong huwag sabihin kay Jared ang mga nangyari sa pagitan namin
ni Riley. Pero sa klase ng pagtitig niya sa akin ay parang hindi siya naniniwala sa
akin.

"How did you find me?" Pag-iiwas ko ng topic. "Paano mo nalaman na narito ako?"
"Naisip ko na ito ang pinakamalapit na lugar na pwede mong puntahan. At dahil nga
saksakan ka ng takaw- Aray!" Napaigtad si Jared nang sipain ko siya mula sa ilalim
ng mesa.

Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Ayusin mo ang sagot mo!" Banta ko na hindi
naman umepekto sa kanya.

"At dahil nga alam kong matakaw ka..." He stopped in midsentence before a grin
appreared on his lips. "Inisa-isa ko ang ang lahat ng kainan dito sa loob ng mall
hanggang sa mahanap kita. But I never expected to see you here. Hindi ka naman
mahilig sa ice cream di ba?"

"Iyon ang akala mo!" Ismid ko sa kanya.

Biglang tumunog ang cellphone niya. Tumingin siya sa screen pagkatapos ay sa akin.

"Si Riley?" Nanlalaki ang mga mata ko na tanong sa kanya. Hindi sumagot si Jared.
Pero base sa reaksyon niya ay mukhang tama ang hinala ko. "Don't answer his call."

Ngunit napindot na niya ng answer button.

"Yes. I found her. She's here with me." Nakatingin siya sa akin habang kausap ang
kaibigan sa kabilang linya.

"She looks fine!" Sabi pa niya. "You don't have to tell me. I'll take care of her."
At pinindot na niya ang end button.

"Akala ko sasabihin mo pa sa kanya kung nasaan tayo."

"Why would I do that?" Umangat ang isang kilay niya. "Eh di nasapawan na naman niya
ako." Halos pabulong na sabi niya.

"Anong sabi mo?" Hindi ko kasi siya narinig habang patuloy ako sa pagkain.
"Never mind!" At nag-iwas siya ng tingin. "Punasan mo nga yang nasa bibig mo?"
Inilapit niya sa harapan ko ang lalagyan ng tissue.

Dedma lang ako. Sarap kaya ng chocolate syrup na nasa ibabaw ng ice cream.

"Tsk!" Hindi rin nakatiis si Jared at dumampot siya ng tissue at siya na mismo ang
nagpunas sa gilid ng bibig ko. Hinayaan ko lamang siya.

"What?" Tanong ko nang mapansin ko siyang nakatitig sa akin.

Umiwas ulit siya ng tingin.

Anong problema nito?

"Wala ka bang napapansin sa mga kinikilos ni Riley?" Tanong niya sa akin pagkaraan.

"Na parang may kakaiba sa kanya?"

Tumango si Jared. "I had this dread feeling na baka alam na niya."

Na-freeze sa ere ang hawak kong kutsarita. "Ang tungkol sa pagpapanggap ko?" Bigla
tuloy akong kinutuban. Dahil kung iisipin ko ang mga kakaibang kinikilos niya
nitong mga nakaraang araw pagdating sa akin, malaki nga ang posibilidad na baka
alam na niya.

"Pero naisip ko, kung may alam na si Riley hindi siya basta mananahimik na lang.
Siguradong kokoprontahin niya ang isa sa atin. I knew him. Ang pinakaayaw niya sa
lahat ay yung niloloko siya."

He had a point. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-aalala.

"Jared ano nang gagawin ko? Paano kung alam na niya?" I need his help this time.
Siya lamang ang malalapitan ko.
Mataman niya akong tinitigan na tila nag-iisip ng isasagot sa akin. "May naisip
akong pinakamainam na paraan."

"Ano?"

"Magtanan tayong dalawa- Aray!"

Sinipa ko siya mula sa ilalim ng mesa. "Kahit kailan talaga puro ka kalokohan?"

"Seryoso ako!"

"Ewan ko sayo!"

Now I really don't know what to do. Saka ko lang na-realize ang mga possible
consequences ng mga ginawa ko. Hindi ako makauwi dahil siguradong naghihintay sa
akin si Riley sa bahay. At ayoko siyang makita o makausap man lang. Dapat pala ay
sa bahay na agad ako dumiretso kanina para naimpake ko ang mga gamit ko at sa hotel
na muna sana ako pansamantala nag-stay. Pero dahil nga hindi gumana ang isip ko
kanina, kaya ngayon... nganga ako!

"Doon ka na lang sa condo ko magstay." Suggestion ni Jared. Nakasakay na kami ng


kotse niya.

"Ayoko nga!"

"Promise, hindi kita itatanan! Kung ayaw mo talagang umuwi doon ka muna sa condo
ko."

Hindi ako kumibo. Kahit naman mag-stay ako ng condo niya ngayong gabi ay babalik
din ako sa bahay kinabukasan para makuha ang mga gamit ko.

"Muriel?" Naghihintay ng sagot si Jared.


Huminga ako ng malalim. "Uuwi na lang ako. Sasamahan mo naman ako diba?"

"Paano si Riley?"

Ngumiti ako ng lumingon sa kanya. "Nandyan ka naman! Ikaw ang shield ko sa kanya."

Gumanti siya ng ngiti. "Gagawin mo pa akong human shield!"

"Kung ayaw mo eh di huwag." Nag-pout ako.

"May sinabi ba ako na ayaw ko?"

Ilang sandali ay nakarating na kami ng bahay. Nakakapagtaka na wala ang sasakyan ni


Riley sa garahe. Ang totoo ay hinanda ko na ang sarili ko sa maaaring maging
konprontasyon naming dalawa. Buti na lang din at wala siya. At least, nabawasan ang
mga alalahanin ko.

Sinalubong kami ni Mam Lorie, este Tita Lorie pala pagpasok namin sa loob ng bahay.
"Muriel! Jared!" Lumapit siya sa amin with matching beso-beso.

"Tita, nasaan po si Riley?" Tanong ni Jared.

"Sinundo niya raw yung bisita niya?"

"Bisita?" Tanong ko naman.

Tumango si Tita. "Mayroon daw siyang darating na bisita. Nagpahanda pa nga siya ng
hapunan kay Nana Tonya."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jared.


"Halika. Mauna na tayo sa loob. Doon na lamang natin hintayin sina Riley."

Hindi na kami nakatanggi nang akayin kami ni Tita Lorie patungo sa dinning room.

"Do something!" Pasimple kong siniko si Jared. Magkatabi kasi kami ng upuan.

Lumingon siya sa akin. "What do you want me to do?" He whispered.

"Tell her we can't stay." Mahinang sabi ko. Kailangan na naming makaalis doon bago
pa dumating si Riley.

He rolled his eyes. Na para bang sinasabi niya imposible kaming makaalis roon.

"Samantha! What are doing here?" Bulaslas ni Tita Lorie nang iluwa mula sa pintuan
ang dalaga. Kahit ito ay nagulat sa nadatnan lalo na ng makita ako.

"Riley asked me to come here." Naroon ang pagtataka sa kanyang magandang mukha.
"What's going on?"

Ngunit ni isa sa amin ay walang sumagot sa tanong niya.

"Hello everyone! I'm back!"

Lahat kami ay awtomatikong lumipad ang mga mata sa bagong dating.

I gasped. Shock could not describe the way I felt.

"Oh shit!" Narinig kong bulaslas ni Jared.

Lumikha naman ng ingay ang upuan ni Tita Lorie nang bigla na lamang itong tumayo.
"L-Lara!"

"I had this feeling that you're not happy to see me." Bahagya itong sumimangot at
lumingon sa kanyang likuran kung nasaan si Riley. "Its your fault. You did'nt tell
them, did you?"

Hindi sumagot si Riley. At tumingin siya sa direksyon ko.

I went still. Sunud-sunod ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay ito na ang
katapusan ko.

"Who is she?" Narinig kong tanong ni Samantha kay Jared.

"Just ready yourself Sam." He answered in a lower voice.

Lalo namang naragdagan ang pagtataka sa mukha nito.

"I'm so sorry Lara!" Lumapit si Tita Lorie rito pagkatapos makabawi mula sa
pagkabigla. "You really did surprise us! Wala naman nabanggit si Riley na darating
ka."

"It's okay Tita." She answered. "Hi Jared!" Lumapit si Lara at binigyan ng halik sa
pisngi ang binata.

Halos hindi ako humihinga habang hinihintay na mabaling ang atensyon niya sa akin.
This is the moment of truth. And I couldn't escape from it anymore.

"As usual, palagi ka pa ring nakadikit sa kanya." Pagkatapos ay lumingon siya sa


akin. "Hello Sam! Its nice to see you again."

Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay nahatulan ako ng death sentence. Our secret
was finally revealed.

"Oh my!" Nasapo ng kamay ni Samantha ang bibig sa narinig. Marahil ay na-realize na
nito ang totoong nangyayari sa paligid niya. Tuloy ay napalingon sa kanya si Lara.
"Who is she?" Tanong nito kay Jared. Tila doon lamang napansin ang dalaga. "Siya ba
ang girlfriend mo?"

"Nope! She not!" Kaswal na tugon ni Riley ngunit may nabasa akong pilyong kislap sa
mga mata niya at iyon and hindi ko gusto. "She's my ex-girlfriend, the real
Samantha Aquilar."

Everyone was gasped except for me.

*******************************************
[31] Chapter Thirty One: The Confrontation
*******************************************
I swear... pinahirap ako ng confrontation scene na ito nila Muriel at Riley. First
time nangyari sa akin na dalawang oras akong nakaharap sa monitor ng laptop ko pero
kahit isang salita ay wala akong naisulat. =____=

Nagpost ako nung last Tuesday na by Wednesday ay may UD na ako. Pero nu petsa na?
Friday na pero hindi ko pa rin natatapos ang scene nila Muriel at Riley. At sa
sobrang frustration ko muntikan ko nang i-give up ang chapter na ito. Buti na lang
din at medjo nahimasmasan ako. At buti na lang din hindi ako nahuli ng boss ko na
ito ang inaatupag ko kaysa sa trabaho ko.

Ilang chapter na lang at matatapos na ang I.G. (Hay! Finallly... less stress
haha...) Susubukan kong makapag-UD agad pero sana naman wala na pong mangungulit
kung kailan. Basta, gagawin ko ang makakaya ko para mapabilis ang pagtatapos ng
inaabangan ninyong story.

Alam ko naman na kanina pa kayo super na-e-excite na basahin ito. Kaya hanggang
dito na lang ako... Enjoy reading everyone. ^_____^

Chapter Thirty One: The Confrontation

<Jared POV>
"She's my ex-girlfriend, the real Samantha Aguilar."

I held my breath as I hear those words from him. Awtomatikong lumingon ako kay
Muriel. Dahil kung mayroon man na higit na maaapektuhan sa aming lahat ay siya
iyon. Ganon na lamang ang pag-aalala ko para sa kanya.

"What do you mean she is the real one?" Naguguluhan na tanong ni Lara. Palipat-
lipat ang mga mata nito sa aming lahat.

"Why don't you explain to her everything, Muriel?" Riley challenged her. Hindi
inaalis ang tingin sa kanya magmula kanina.

Naikuyom ko ang palad ko. Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ng kaibigan.
Pero sa nakikita kong kinikilos niya, mukhang matagal na niyang alam. Kung kailan
at paano, siya lamang ang tanging makakasagot.

"Y-you called her... what?" Halos lumuwa ang mga mata ni Lara sa sobrang kalituhan.
"Are you making fun of me? I swear Riley, hindi na ako natutuwa."

Hindi man lang natinag si Riley. Tila wala itong narinig at nanatiling nakakatitig
sa babaeng nasa tabi ko. Ngunit ang ikinababahala ko ay ang pagiging kalmado ni
Muriel. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. I couldn't read her
expression. At ako ang kinakabahan sa pananahimik niya.

"Riley..." Nilapitan ni Tita Lorie ang anak. "We should talk. Just the two of us.
Ako ang magpapaliwanag ng mga nangyari."

"Later Ma. Kung mayroon man akong gustong makausap si Muriel iyon."

Sa isang iglap ay naiharang ko ang katawan ko kay Muriel. Covering her with my body
and protecting her from him. "Your mother is right. Mas mabuti na kayo munang
dalawa ang mag-usap."

"It's none of your business Jared. Stay away from her." Binigyan niya ako ng
matalim na tingin.

"No, you're the one who needs to stay away from her." Hindi ako papayag na
makalapit siya kay Muriel.

"I'll talk to him." Lumabas si Muriel mula sa aking likuran. "Hayaan mo akong
makausap siya para matapos na ang lahat ng ito."

"Muriel?" Pigilan ko siya sa kamay. Hindi ako papayag na gawin niya iyon.
"It's okay Jared." Lumingon siya sa akin at pilit na ngumiti. As if telling me that
everything will be alright.

"Let her go Jared." Utos ni Riley.

Tinignan ko siya ng masama. Wala akong balak na sundin siya. Pero naramdaman ko na
lang na bumitiw si Muriel sa pagkakahawak ko. "Muriel..."

Hindi siya man lang siya nag-abalang lumingon at tuluy-tuloy na lumabas ng pintuan.
Damn it! Wala akong nagawa para pigilan siya.

Susundan na sana ni Riley si Muriel nang harangan ko ang daraanan niya. "Don't ever
think to hurt her. Baka makalimutan ko na kaibigan kita!" Malinaw ang warning sa
tinig ko.

Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. "Back off Jared. This is just between me and
her. Don't involve yourself."

Kung hindi lang ako napigilan ni Samantha, malamang ay nasuntok ko na siya. "I was
already involved. Everyone was involved. Kaya kung may dapat ka mang harapin Riley,
kami iyon at hindi siya!"

"Katulad ng sinabi ko kanina si Muriel ang gusto kong makausap at hindi kayo.
Mahirap bang intindihin iyon?"

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya at ganun din si Riley. Walang gustong


magpatalo sa aming dalawa. Nang bigla na lang pumagitna sa amin si Tita Lorie.

"Tumigil kayong dalawa! Stop it!"

"Siya ang pigilan nyo Tita." Sabi ko sabay turo kay Riley.

Pero tinignan niya lang ako na parang sinasabi niya na hayaan ko na lang siya.

At tuluyan akong walang nagawa nang lagpasan ako ni Riley para sundan si Muriel sa
labas.

<Muriel POV>

Hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa kinaroroonan ng swing malapit sa


may garden. Mabilis kong pinilig ang ulo ko upang alisin ang mga alaala na bigla na
lang sumingit sa isipan ko. Aatras sana ako nang maramdaman ko ang presensya ni
Riley mula sa aking likuran.

I closed my eyes and took a deep breath. This is it! There is no turning back. At
lakas loob na pumihit ako paharap sa kanya. Nakatayo si Riley isang metro ang layo
mula sa akin. At mataman na pinagmamasdan ako.

"Kailan mo pa nalaman?" Kanina ko pa gustong itanong iyon sa kanya.

"Ang tungkol sa sikreto nyo?" Agad na umangat ang kilay niya. "Actually kahapon ko
lang nakumpirma. Pero hindi na ako nagulat nang malaman ko ang totoo."

Sa isang iglap ay nag-flashback sa isipan ko ang mga nangyari sa pagitan namin


nitong mga nakaraang araw. Alam kong may mga pagkakataon na naghihinala na siya
gayunpaman ay binalewala ko iyon. Kaya pala bigla na lang nagbago ang pakikitungo
niya sa akin. I just thought he was only acting strangely. But last night was the
worst. I was so careless. I let him know about my feelings toward him. When all
along he already knew about it.

"Lost your tongue Muriel?" His lips twisted in half amusement. "Just say it! I'm
willing to listen."

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo!" I said coldly.

Muling umangat ang kilay ni Riley. "Playing safe?"

"I don't need to do that. I won't deny what I've done."

Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya na ikinamangha ko.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Humakbang siya palapit sa akin dahilan para mapaatras ako. "Relax Muriel! I won't
bite you." Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay sa harapan ko. "Come here, come to
me."

Ngunit hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Sinulyapan ko lang ang nakalahad
niyang kamay. Hindi ako padadaya sa mood niya.

"Muriel..." Tila naiinip na tawag niya sa akin.

Nag-angat ako ng tingin. "Bakit hindi mo pa ako diretsuhin para matapos na tayo?"

Nagsalubong ang mga kilay niya at ibinaba ang kamay. Nagbago ang ekspresyon ng
kanyang mukha.

"What do you want Riley?"

Ilang sandali ang pinalipas niya bago siya nagsalita. "You! I want you Muriel!"

Hindi na ako nagulat sa narinig. "Me? Why me? Para makapaghiganti ka sa akin?"

"Why I would do that?" Tila nalilito na tanong niya.

"Alam ko naman na malaki ang kasalanan ko sayo. At kung ito ang tanging paraan para
matapos na ang lahat ng ito, then go on. Hindi kita pipigilan."

He stared at me. "What makes you think that I'm doing this to get back at you? When
all I ever wanted is to win you back?"

"Enough Riley. I'd rather choose you to be mad at me than treating me like this."

<Riley POV>

Pain was written in her eyes. And I was alarmed. Teka! Hindi ito ang gusto kong
mangyari.

"Muriel listen, this is not-"

"Stop fooling around!" She immediately cut me off. "Isn't enough that we're all
fell in your trapped? That you really did surprised us? That everything is part of
your brilliant plan?"

"Muriel..."

"Alam kong nagagalit ka sa mga nalaman at natuklasan mo. Pero huwag mo naman sana
kaming paglaruan ng ganito."

Hindi ako makapaniwala sa tumatakbo sa isipan ni Muriel. She misunderstood my


actions. I thought that this is the easier way to talk and clear things with her.
But I was wrong. And maybe I made a wrong move.

"I had to admit that this is all my plan." Pag-amin ko. "Pinauwi ko rito si Lara.
At ako rin ang nagpapunta rito kay Samantha. Ang plano ko ay ang pagharapin silang
dalawa. At komprontahin si Mama pagkatapos. Pero hindi ko inaasahan na nandoon rin
kayong dalawa ni Jared. At wala na akong nagawa para pigilan pa si Lara."

"I have no intention of getting back at you." Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon
na makapagprotesta. "Kahit kailan hindi ko naisip na gawin iyon. Mas lalong hindi
ko rin naisip na paglaruan kayong lahat. Bakit ko naman gagawin iyon lalo't alam ko
na ikaw ang una kong masasaktan?"

"I was so shocked for what I discovered. But I'am not mad. Honestly, wala akong
naramdaman na galit dito." Itinuro ko ang dapat ng aking dibdib. "Kung anuman ang
dahilan at kung bakit ninyo ginawa iyon ay wala na akong pakialam. Dahil ang mas
importante sa akin ay ikaw."

"Kagabi pa kita gustong makausap. You never know how much I was excited to tell you
about it. Pero biglang dumating si Samantha. And we never had a chance to talk.
Ngunit paggising ko kaninang umaga ay umalis ka na. Pagdating naman sa office ay
obyus na iniiwasan mo ako. Then suddenly, bigla ka na lang nag-filed ng resignation
and walk away without any explanation. Halos masiraan ako ng ulo kung saan kita
hahanapin. I was so worried and scared. Because I can't afford to lose you again."

"Why Riley? Why are you suddenly acting like this?"

"Isn't it obvious?" Mukhang hindi pa rin niya nakukuha ang ibig kong ipahiwatig.
"Nagkakaganito ako ngayon dahil mahal kita. I love you Muriel."

She stared at me. And for a long moment she was silent.

"You love me?" At malungkot siyang ngumiti at umiling. "No, you don't! You never
love me. Akala mo lang mahal mo ako dahil minsan nagpanggap ako bilang si Samantha.
Pero hindi ibig sabihin ay ako ang taong minahal mo ng mga panahon na iyon."

"Believe me. I haved already loved you even If I don't know you yet."

"That's bullshit! How can you love someone you don't even know that exist?"

"Maybe I was blind. But my heart could tell who I have loved. And that is you."

Muli siyang umiling. Pain was very visible in her eyes. "I knew how much you love
her. Naging saksi ako sa mga kabiguan mo at kung paano ka bumangon nang dahil sa
kanya. You couldn't live without her in your life. So, how can you expect me to
believe that I'am the one you love?"

Napatingin ako sa langit sa sobrang frustration. God! Ano pa ba ang dapat kong
gawin para maniwala siya sa akin na mahal ko siya?

Nang muli akong tumingin sa kanya ay nakita ko siyang may kung anong pinahid sa
pisngi niya. Then I saw a tear fell from her eyes. At mabilis niya ulit pinahid
iyon ng palad.

Damned it!

Sa isang iglap ay nakalapit ako sa kanya at mabilis na ikinulong siya sa mga bisig
ko.

"I'm sorry." Gusto kong murahin ang sarili ko. I never meant to make her cry. At
gusto kong sisihin ang sarili ko dahil binigla ko siya. Dapat pala ay nag-isip muna
ako bago ko siya kinompronta. She was right. Paano nga naman siya maniniwala sa
akin kung hindi ko pa napapatunayan sa kanya na totoo ang sinasabi ko?

"Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas niya. Pero sa halip na bitiwan ko siya ay lalo kong
hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. I don't want to let her go.

"I don't want to hurt you Muriel."

She stopped struggling. "Then let me go."

She had a point. At hindi na ako magpupumilit pa.

I blew a long sigh. At saka ko siya pinakawalan. "I'll let you go. But it doesn't
mean that I'm giving up." I said while looking straight in her eyes. Pero nag-iwas
lang siya ng tingin. "I'll do anything to win you back. And that's a promise."

At mabigat ang loob na humakbang ako palayo sa kanya at dumiretso sa nakaparada


kong kotse.

<Jared POV>

"Would you stop it? Kanina ka pa palakad-lakad at ako nahihilo sa'yo!"

Sinulyapan ko si Lara at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Nagbibiro lang ako! He he.." Nag-peace sign siya. "Go on." At hindi na siya muling
nagsalita. She already knew about the pretending thing. Si Tita Lorie ang
matiyagang nagkuwento sa kanya. At first, hindi siya makapaniwala. But in the end
naintindihan din naman niya. Kaya raw pala nung tinawagan siya ni Riley kahapon ay
ang dami nitong tanong tungkol kay Samantha. At magmula nang malaman niya ang
tungkol doon ay panay ang irap niya sa dalagang katabi niya.
Sa kabilang banda naman ay tahimik lang na naupo si Samantha. Maybe she was still
in shocked. But the hell I care. After all siya naman ang puno't dulo ng lahat ng
ito.

I took a deep breath. At muling sinulpayan ang pintuan sa pagbabakasali na pumasok


roon si Muriel. I was so worried about her that I could hardly breathe. Hindi ako
mapalagay at nagtatalo ang kalooban ko. I think I need to do something.

"Jared where are you going?" Pigil sa akin ni Tita Lorie nang magtungo ako sa
pintuan.

"Hindi ko kayang tumayo na lang rito at maghintay ng susunod na mangyayari." Hindi


lumilingon na sagot ko.

"Hindi lang ikaw ang nag-aalala para sa kanya. But I trust my son. He did not do
something that might hurt her."

"Tita was right Jared." Sabat ni Lara. "Let's just trust Riley. Marahil ay gusto
niya lang talaga na makausap ng sarilinan si Muriel."

I could see her point. Pero hindi mawala-wala ang kaba ko sa dibdib.

"Muriel!" Bulaslas ni Tita Lorie nang sumulpot ang dalaga sa pintuan.

Mabilis akong napalingon at nagmamadaling nilapitan siya. "Are you okay?" Salubong
ko sa kanya.

Tumango lang siya.

"Where is Riley?" Tanong ni Tita Lorie.

"Okay na kayong dalawa?" Si Lara.

"What happenned?" Tanong ko naman.

Pilit na ngumiti si Muriel. "It's over!"

Lahat kami ay napakunot-noo sa sinagot niya.

"What do you mean its over?"

Sa halip ay iba ang sinagot niya. "I'm tired Jared. Gusto ko ng magpahinga."
Nilagpasan niya ako at marahan siyang humakbang palabas.
"Muriel wait!" Humarang ako sa daraaanan niya. Hindi ko gusto ang inaakto niya.
Something is wrong with her.

"Jared please..." Pagsusumamo niya. "I'm really tired. Bukas na lang tayo mag-
usap."

I have no choice but to let her go. Maybe she need to be alone for awhile. But I'm
still worried about her.

*******************************************
[32] Chapter Thirty Two: Moving On
*******************************************
Chapter Thirty Two: Moving On

<Muriel POV>

Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ng araw na iyon. Parang mayroong hindi
magandang mangyayari na hindi ko mawari. O baka nagdadahilan lang ang katawan ko.
As usual tinatamad na naman akong pumasok sa trabaho. Lagi na lang ako ganito
tuwing umaga. Hirap na hirap akong bumangon at gustung-gusto ko pang matulog ulit.

Napadilat ako ng tumunog ang cellphone ko. Kinapa-kapa ko iyon sa ilalim ng unan
ko. Pucha! Wala doon. Bumangon ako at isa-isa kong inangat mga nagkalat kong unan
sa kama. Hindi ko pa rin makita. At habang tumatagal ay nakakarindi na sa tenga ang
ringtone ko. Nag-panic tuloy ako ng wala sa oras.

Nasaan na ba iyon?

Nang bigla kong maisip na yumuko sa ilalim ng kama ko. There you are! Pero teka?
Paano naman napunta roon ang cp ko?

Bago ko pa madampot ang cp ko ay huminto na iyon sa pagtunog. Nainip na siguro kung


sinuman ang tumatawag.

Si Jared? Kung sabagay hindi ko na dapat ikagulat iyon. Dapat ay masanay na ako na
palagi na lang siyang tumatawag sa akin. Ay hindi pala! Dapat pala ay masanay na
ako na lagi na lang niya akong binubulabog tuwing umaga. Hindi ko na nga kailangang
mag-alarm clock. Dahil siya na mismo ang wake-up call ko.
Bumaba na rin ako ng kama at dumiretso sa banyo. Pero napahinto ako ng mapatingin
ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding ng kuwarto ko. Eksaktong isang buwan na
pala ang nakaraan magmula ng umalis ako ng Manila.

Napahugot ako ng malalim na paghinga. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Sariwa pa rin sa isipan ko ang mga nangyari ng gabing iyon. And it was like a
nightmare to me. And of the most unforgetable moment in my life.

After that night, hindi ko na muling nakita si Riley. Kinaumagan ay umalis kaagad
ako nang hindi man lang nagpaalam sa kanya. I guess, mas mabuti na rin iyon. Baka
kasi kapag pinigilan niya ako ay biglang magbago ang isip ko.

Bago ako umalis ay kinausap pa ako ni Mam Lorie. Nag-sorry siya sa akin dahil sa
mga nangyari. At sinisisi niya ang sarili dahil siya raw ang puno't dulo ng lahat
ng ito. Akala ko pa nga ay pipigilan niya ako. Pero sabi niya, hindi niya raw iyon
gagawin basta mangako ako na hindi magre-resign sa kumpanya.

Sinundo ako ni Jared pagkatapos. Kumain muna kami sa labas bago ako umalis. Hindi
naman niya ako pinigilan. Alam naman raw niya na hindi ako pagpapapigil. Buong
akala ko pa nga ay ihahatid niya ako sa airport. Pero ang loko, pinag-taxi na lang
ako. Sabi pa niya, the last time I left siya raw ang naghatid sa akin. Bakit daw
siya na naman? But I understand him. Alam ko na ayaw niyang makita na umalis ako at
siguradong malulungkot lang siya lalo.

I left again with a broken heart. At aaminin ko na naging duwag ako. Bigla akong
natakot sa mga sinabi ni Riley. I wanted to believe him. Pero ayokong lokohin ang
sarili ko. Ayokong maging anino ni Samantha sa pagmamahal niya. Maybe she was
right. Dahil sa bandang huli, mare-realize na lang ni Riley na ang dating
kasintahan pa rin ang totoong mahal niya at hindi ako.

I tried to live my life as normal as before. I need to move on and let go of the
past. Iniisip ko na lang na isang panaginip ang lahat ng mga nangyari. At hindi
naman ako nabigo. Sa loob ng isang buwan ay trabaho-bahay, bahay-trabaho ang
madalas kong routine. Kung minsan may night gimmick with some friends and
officemates. At masasabi ko na okay na ako. Hindi pa siguro one hundred percent.
But at least I'm trying. Hindi ko na nga siya gaanong naaalala at naiisip. And I
think that is a sign that I'm recovering from what happenned.

Gayunpaman, parang may kalungkutan pa rin akong nararamdaman dito sa kaibuturan ng


puso ko.

"Wow! Flowers again?" Bulaslas ni Carla nang pumasok kami sa loob ng opisina.

Hindi na ako nagulat sa nadatnan sa table ko. Ito ang pangatlong beses na
nakatanggap ako ng mga bulaklak sa magkakasunod na araw. Hindi ko alam kung sinong
poncio pilatong sender ang naglakas-loob na padalhan ako ng mga bulaklak. Pero ewan
ko ba. Kung ibang babae lang siguro ako ay baka matuwa at kiligin ako

"Bigatin 'yang secret admirer mo! Habang tumatagal ay pabonga ng pabonga ang
pinadadalang bulaklak sa'yo." Sabi pa niya habang binabasa ko ang card na nakaipit
roon.

"Anong nakasulat?" Pagkikiusyoso pa niya.

"Nothing!" Matipid na sabi ko.

"Anong nothing? Pwede ba yun?"

Hinablot niya sa kamay ko ang card.

"Meron kaya." Tapos ay ipinakita niya sa akin. "Ayan oh! To Baby Girl from Baby
Boy. How sweet!"

Inirapan ko siya. "Anong sweet dun? Ang baduy kaya!"

"Hay naku Muriel! Paano ka magkaka-lovelife nyan kung ganyan ka?"

"Hindi ko kailangang magka-lovelife." Umupo na ako at in-on ang desktop ko.

"Alam mo nagdududa na ako sa'yo. Hindi kaya pusong-lalaki ka?" Nakaangat ang kilay
niya na tumingin sa akin. "Hay naku! Huwag naman sana! Sayang ang ganda mo day!"

Binigyan ko siya ng poker face. "You're talking too much! Nakakasira ka ng araw,
alam mo ba iyon?"

She rolled her eyes. "Bahala ka na nga sa buhay mo!" At dumiretso na si Carla sa
pwesto nito.

I smirked. Pagkamalan ba akong tomboy!

Wala sa loob na tinitigan ko ang mga bulaklak sa harapan ko. Now what? Paano ko na
naman ba idi-dispose ito? Wala talaga akong hilig sa mga bulaklak. At hindi ko
maintindihan kung bakit hindi ko ma-appreciate ang ganda nito.

Naagaw ang atensyon ko sa tumutunog kong cellphone. Tumatawag na naman si Jared.


Actually, panlimang tawag na niya iyon. Hindi ko lang masagot kanina dahil nasa
biyahe ako papasok ng trabaho.

Bakit kaya?
Pero bago ko pa masagot tawag niya ay bigla na lang nag-battery empty at automatic
na nag-shut down ang cp ko. Waahhh! Nakalimutan kong i-charge kanina sa bahay.
Nakakainis! Wala pa naman akong dalang charger.

Dalawang oras ang mabilis na lumipas. Hanggang ngayon ay drain pa rin ang battery
ng cp ko. At sa kamalasan ay wala akong mahiraman ng charger na ka-compatible nung
sa akin. No dice! Panigurado na hanggang sa mag-uwian ay hindi ko mapapakinabangan
ang cp ko.

"Guys! Pinapatawag tayong lahat sa conference room." Biglang sumungaw ang ulo ni
David sa pintuan ng kuwarto namin.

"Anong meron?" Tanong ni Carla mula sa likuran ko.

"May general meeting daw. Come on guys! Move faster. Kayo na lang ang hinihintay sa
loob."

Isa-isang nagtayuan at lumabas ng silid ang mga kasamahan ko. Ako nga yata ang
pinakahuling lumabas ng kuwarto. Kanina pa kasi wala sa kondisyon ang katawan ko.
At tamad na tamad akong magkikilos.

Halos tumirik ang mga mata ko sa nadatnan sa loob ng conference room. Para kasi
kaming mga sardinas na nagsisiksikan doon. Halos nasa fifty na katao kaming lahat
at hindi naman kalakihan ang kuwarto. Mabuti na lang at umusog ng kaunti si Jasper
at binigyan niya ako ng maliit na space para magkasya ako. Ako kasi ang kahuli-
hulihang pumasok ng conference.

"Thanks!" Sabi ko nang lumingon sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin.

"Aray!" Pucha! May tumapak sa paa ko.

"Tumigil nga kayo!" Sabi ni Jasper sabay tulak kay Ronald nasa unahan ko. Mabuti na
lang at siya ang nakatapak sa akin at hindi ang kaharutan nito na isang six-footer
at mukhang wrestler na si Dako.

Buong akala namin ay titigil na sila. Pero patuloy pa rin sila sa paghaharutan na
parang mga... gay lovers? Joke! Basta hindi ko alam kung bakit sila nagtatawanan at
naghaharutan.

"Ano ba? Sabi nang-" Hindi na naituloy ni Jasper ang sasabihin dahil bigla na lang
napaatras si Dako.
Oh sheet! Ang sakit! At hindi ako makahinga! Para akong palaman na naipit sa
pagitan ng pader at ng damulag na lalaking iyon.

"Hindi ba kayo titigil?" Sabay tulak rito. "O baka gusto nyong pag-untugin ko ang
mga ulo ninyo?" Kung hindi ko napigilan ang sarili ko malamang ay nagawa ko iyon sa
dalawang kumag na nasa harapan ko.

But the next thing I knew, everyone was looking at me! Napalakas yata ang boses ko
at naagaw ang atensyon ng lahat.

"Sorry!" Nag-peace sign ako sa kanila. At mabilis na sinulyapan ang dalawang binata
na nasa harapan ko. "Lagot kayo sa akin mamaya!" Halos pabulong na banta ko sa
kanila.

"Sorry Muriel." Si Dako. Tapos si Ronald nakita ko pang pangisi-ngisi. Sa inis ko


ay sinipa ko siya sa binti.

"Aray ko po!" Namilipit siya sa sakit habang sapu-sapo ang nasaktang binti. Dahil
doon ay nagtawanan tuloy ang mga kasamahan ko na nakasaksi ng ginawa ko.

"Serves you right!" Nangingiting sabi ni Jasper.

"Everyone!"

Naagaw ang atensyon ng lahat nang may magsalita sa harapan. Boses iyon ni Sir
Richard, ang branch manager namin. At dahil nga nasa bandang dulo ako kaya hindi ko
makita ang nangyayari sa unahan.

"I sent you all here because we have a very special visitor today..."

"Para sayo yata 'tong tawag?" Napakunot ako nang iabot sa akin ni Jasper ang
cellphone nito. Mabuti na lang at naka-silent mode iyon. Pamilyar sa akin ang
number na nag-flash sa screen. Saka ko lang naalala na naki-text nga pala ako sa
kanya.

"Jared?" Tila hindi pa ako siguro kung siya nga ang nasa kabilang linya.

"Anong nangyari sayo? Kanina pa ako tumatawag pero bakit naka-off ang cp mo?"
Confirmed! Si Jared nga iyon. "Kaninong number 'tong ginagamit mo? Nasaan na ang
cellphone mo?"

I rolled my eyes. Ayoko nang ulitin ang mga itineks ko sa kanya kanina. Siguradong
nabasa naman niya ang mga sagot ko sa katanungan niya.

"Bakit ka ba tumatawag?" Naisip ko na baka mayroong siyang mahalagang sasabihin sa


akin.

Narinig ko siyang nagbuntong-hininga sa kabilang linya. "I really don't know If I


need to tell you this. But I-"

Hindi ko narinig ang sumunod na sinabi ni Jared nang bigla na lamang maghiyawan ang
mga kasamahan kong babae.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko kay Jasper. Bigla akong naging interesado sa
nangyayari kaysa sa sasabihin ni Jared.

"Nandito si bigboss." Hindi lumilingon na sagot niya habang nagkakandaha ang leeg
niya sa pagtingin sa harapan.

Nahigit ko ang hininga ko sa narinig. Bigboss? Ibig sabihin narito sa Davao si Mam
Lorie?

"Muriel are you still there? Bakit maingay?" Saka ko lang naalala si Jared nang
muli itong magsalita.

"Nandito daw si-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang lalong lumakas ang
hiyawan.

May artista ba?

"Hello everyone. I'm glad to be here and see you all."

I stiffed when I heard that familiar voice.

What the hell!

"Muriel, Do you hear me?" Nilakasan ni Jared ang boses. "Riley is coming there.
Someone told me na pupunta siya dyan sa Davao."

Nanlamig ang buong katawan ko at bigla akong pinagpawisan kahit naka-todo ang
aircon sa conference.

"He's already here." Tila wala sa sarili na sabi ko.

Ito marahil ang dahilan kung bakit kanina pa niya ako tinatawagan. Para bigyan ako
ng babala. Pero huli ang lahat. Narito na si Riley.

"What? Muriel I can't hear you! Mur-"


Hindi ko namalayan na nawala na si Jared sa kabilang linya. I was still in shocked.
Hindi ko naisip ang malaking posibilidad na muling magkrus ang landas namin ni
Riley.

"Huy Muriel!" Tinapik ako ni Jasper sa balikat. "Okay ka lang ba? Bakit namumutla
ka?"

Tumango lang ako. Ganon na lamang kasi ang kabog ng dibdib ko na halos hindi
magawang makapagsalita.

"Grabe ang guwapo ni Sir Riley!"

"Sinabi mo pa. Para nga siyang artista sa sobrang kaguwapuhan niya!"

"I think inlove na ako sa kanya."

"Waaaahhhh! Ako din!"

"Muriel!"

Napahinto ako nang marinig ang pangalan ko at lumingon sa kanila. Katatapos lang
kasi ng "meeting". Pero imbes na bumalik sa trabaho ay nagkanya-kanya silang
umpukan dahil nagkaroon ng libreng lunch para lahat ng empleyado.

"Anong masasabi mo kay Sir Riley?" Nakangiting tanong sa akin ni Maila habang abala
sa pagnguya.

Awtomatikong umangat ang kilay ko. "Wala akong masasabi dahil hindi ko naman siya
nakita kanina." Sabay talikod at nilayasan sila. Asa pa sila na makikihalubilo ako.
Kung sabagay, kelan ba ako nakihalubilo sa mga tulad nilang plastik.

"Antipatika!"

Kahit medyo nakalayo na ako ay nakaabot pa rin iyon sa pandinig ko. Dedma na lang
ako na tila walang narinig. Sanay na naman ako sa mga pasaring nila.

Nag-angat ako ng tingin nang biglang may sumulpot sa tapat ng mukha ko.
"Mag-lunch ka muna." Sabi ni Ronald habang inaabot sa akin ang styro na may lamang
pagkain.

Hindi ako sumagot pero nakaangat ang kilay ko na tinignan siya.

"Sige na kunin mo na. Peace offering ko sayo." Pero nang hindi ko pa rin iyon
kinuha ay inilapag na lang niya iyon sa table ko. "Sorry na Muriel. Bati na tayo."

"Excuse me!" Napalingon kaming lahat nang may ulong sumilip sa pintuan.

Oh my! Narito rin si Gail?

"Nagka-problema kasi yung laptop ni Sir Riley. Is there anyone na pwedeng mag-ayos
ng laptop niya?" Pagkatapos ay lumipad ang mga mata niya sa kinaroroonan ko at
nanlaki ang mga iyon nang makita ako. "Muriel! You're here! Oh my god! You're
here!" Sa isang iglap ay nakalapit siya sa akin at mabilis akong niyakap. Close?

Ilang sandali lang ay bumitiw rin siya sa akin. "What are you doing here? Oo nga
pala. I almost forgot. Taga dito ka nga pala. So, how are you?" Tuluy-tuloy na sabi
niya habang nakatanga lang ako sa kanya. Hindi lang pala ako pati ang mga co-IT ko.
"Wait! Kung ikaw na lang kaya ang mag-ayos ng laptop ni Sir?"

Ako? Umiling ako. No way!

"Sige na!" Pagpupumilit ni Gail nang makita ang pag-aalinlangan ko. "Ikaw na lang
Muriel!" At hinila na niya ako palabas ng pinto. Mabuti na lang at nakakapit agad
ako kay Jasper at binigyan siya ng help me look.

"Sandali lang Miss!" Pigil nito sa amin.

Whew! Save by the bell.

"Kung okay lang, si Ronald na lang ang pag-aayusin ko ng laptop ni Sir Riley."
Dagdag pa ni Jasper.

"S-sure, no problem!" Parang napipilitan na sagot ni Gail at pagkatapos ay tumingin


sa akin. "Kung sino ang available, why not!"

"Shall we Miss Beautiful?" Bigla na lang sumulpot sa harapan namin si Ronald at


iginiya ang dalaga palabas ng pintuan. Wala nang nagawa si Gail kung di sumunod.

Ganon na lamang ang relief na naramdaman ko nang tuluyan silang makalabas.

Putek! Muntikan na ako dun!


Nakasubsob ako sa ginagawa ko nang ma-distract malakas na boses ni Carla.

"Bakit nawala yung sounds?" Ang tinutukoy niya ay ang centralized sound system na
naka-install sa lahat ng department. Iyon kasi ang nagsisilbing background music
namin.

Pero hindi rin nagtagal ay muling namumbalik ang tugtog sa paligid.

I freezed. Something had hit me. I know that guitar strumming.

(Playing: Grow Old With You by Adam Sandler)

""I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold...

Sabi ko na nga ba eh! And its been a long time since I heard that favorite song of
mine.

But I think not anymore. Because it only reminds me of him.

Sa wakas ay natapos din ang kantang iyon. Ibig sabihin makakapag-concentrate na ako
sa trabaho. Back to reality na ang peg ko. Pero hindi pa nga ako nakakabuwelo nang
patugtugin naman ang I'll Take Care Of You ni Steven Curtis Chapman.

Nakakahalata na ako! Nananadya ba ang tadhana?

At dahil doon ay nagkamali ako ng click sa computer ko at nabura ang lahat ng


pinaghirapan ko.

Waaaahhhh... Nasabunot ko tuloy ang sarili ko. Kaninang umaga ko pa iyon ginagawa.
Malapit na nga ako matapos. Konting-konti na lang. Pero bigla naman akong na-
distract. Bye-bye effort! Huhu...

Pucha! Sino ba kasi ang nagpatugtog ng mga kantang iyon!

Balak ko sanang sumugod sa HR Department. Sila kasi ang alam kong nag-o-operate ng
sound system. Pero ang ending, napadpad ako sa comfort room.

Inhale, exhale ang drama ko!

Kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Kung hindi siguradong mapapahamak lamang
ako. Knowing my temper!

At nang pakiramdam ko ay okay na ako ay saka lamang ako lumabas ng comfort room.
Habang naglalakad pabalik sa puwesto ko ay pinag-iisipan ko kung mag-o-overtime ba
ako o uuwi na lang ng maaga.

Para lang ako nag-mimini-minimo. Nang bigla akong bumangga sa isang malapad na...
katawan?

"Oops! Sor-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang sa pag-angat ko ng mukha ay


tumabad sa harapan ko ang lalaki na pilit kong kinakalimutan.

Riley stared at me like he was seeing me for the first time.

"Watch your step!" His voice was husky that makes me shiver down to my spine.

At ganon na lamang ang pagkadismaya ko nang lagpasan niya ako at basta na lang
iniwanan.

0___o

Hindi iyon ang inaasahan ko mula sa kanya. O baka naman nag-expect lang ako na
katulad pa rin siya dati.

Tama bang dedmahin ako?

Pero siguro tama na rin yung ginawa niya. Kahit papaano ay nabawasan ang pangamba
sa dibdib ko. At least nalaman ko na purely business lang ang purpose niya kung
bakit siya ngayon nasa Davao. Masyado lang kaming naging exaggerated ni Jared.

But somehow, nasaktan ako sa ginawa niyang pangdededma.

Ouch! Hanggang ngayon ay nararamdam ko ang kirot sa aking dibdib.

*******************************************
[33] Chapter Thirty Three: Love Rain
*******************************************
Chapter Thirty Three: Love Rain

<Muriel POV>

"Sandali lang!" Halos um-echo ang boses ko sa buong ground floor. Wala akong
pakialam kung maagaw ko man ang atensyon ng lahat ng naroon. Ang importante ay
makasakay ako sa elevator bago pa iyon magsara.

And I made it!

"Thanks!" Sabay lingon kay Carla na siyang pumindot ng stop button para makasakay
ako. Abot-abot ang hingal ko. Grabe! Ikaw ba naman ang tumakbo magmula sa babaan ng
jeep hanggang dito.

"May fifteen minutes pa naman bago mag-time. Bakit ka banagmamadali?" Komento ni


Carla.

"Dadaan pa ako ng canteen. Hindi pa ako nag-aalmusal." Sagot ko habang patuloy na


naghahabol ng hininga. "Pakipindot nga ng sixteen floor." Utos ko sa kanya.

Tinanghali ako ng gising. Hindi kasi tumunog ang alarm clock ko. O baka hindi ko
lang narinig iyon sa sobrang himbing ng tulog ko. Sa pagmamadali ko na hindi ma-
late sa trabaho ay hindi ko na nagawang mag-almusal sa bahay. Kaya sa jeep pa lang
ay nagrereklamo na ang tiyan ko. Mabuti na lang at kaskasero si Mamang driver at
nagkaroon ako ng extra fifteen minutes para sumaglit sa canteen.

"May dala akong mamon dito. Kung gusto mo sa'yo na lang." Sabi ni Carla habang may
hinahalungkat sa loob ng bag nito.

"No, thanks!"

"Arte nito! Ikaw na nga ang binibigyan!"

"Eh hindi nga ako mabubusog sa mamon lang. Kailangan kong mag-rice o kaya
sinangag."

"Oo nga naman! Si Muriel pa! Parang lalaki ang appetite nyan."

Awtomatikong napalingon ako sa tabi ko. Naroon pala si Ronald.

"Ikaw!" Sabay turo sa kanya. "May kasalanan ka pa sa akin. Akala mo nakalimutan ko


na ang ginawa mo sa akin kahapon?"

Napakamot ng ulo ang binata. "Nakaganti ka na rin naman sa akin kahapon ng sipain
mo ako in-front of the madlang pipol."

"Kulang pa iyon!" Kunwari ay seryoso ako. At akmang sisipain siya sa binti ngunit
mabilis itong nakaiwas kaagad.

"Sorry na Muriel. Hindi na mauulit. Promise."

Inirapan ko lang siya.

"Promise bukas na bukas bibigyan din kita ng bulaklak. Hindi nga lang kasing mahal
nung natatanggap mo. Hindi ko afford yun."

"Kung gusto mong mapatawad ka ni Muriel pagkain ang ibigay mo huwag bulaklak. Hindi
niya kasi iyon makakain."

Nagkibit balikat na lang ako sa sinabing iyon ni Carla. May punto naman kasi siya.

"Speaking of flowers." Bahagya niyang inilapit ang mukha sa akin. "Kung sakaling
may madadatnan ka na naman na flowers sa table mo, akin na lang ulit ha?" Nag-puppy
eyes pa siya sa tapat ng mukha ko.

Hindi ako sumagot. Nakapangako kasi ako kay Cynthia na sa kanya ko ibibigay ang
flowers na matatanggap ko ngayong araw.

"Muriel, kilala mo ba kung sino yung nagpapadala sayo ng mga bulaklak?"


Pakikiusyoso ni Ronald.

Ngunit si Carla ang sumagot. "May secret admirer ba na nagpapakilala?"

"Ikaw ba ang kausap ko?" Ganting sagot ni Ronald.

"Huy! Lumabas na nga kayong dalawa." Sabay tulak ko kay Ronald nang bumukas ang
pintuan. "Nasa fifteen floor na po tayo." Sumunod naman si Carla at ilang kasamahan
namin na kanina pa siguro nakikinig sa kaingayan namin.

"Excuse me!"

May tao pa pala sa likuran ko. Napausod tuloy ako para mag-give way sa kanya.

Riley?
Ibig sabihin ay kasama rin pala namin siya na nakasakay sa elevator.

Ngunit dire-diretso siyang lumabas at hindi man nag-abala na sulyapan ako.

Kung sabagay ano pa ba ang dapat kong asahan mula sa kanya? Kahapon lang kung
dedmahin niya ako ay parang hindi niya ako kilala.

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Nanakit ang tiyan ko na hindi ko
mawari. Naimpatso yata ako! Naparami kasi ang kain ko kanina sa canteen. Hindi ko
na naman napigilan ang sarili ko na lumamon.

"Muriel phone!" Sigaw ni Ronald sa akin. Sa linya niya napunta ang tawag na para sa
akin.

"Hello!"

"Muriel, si Gail ito. Punta ka sa bagong office ni Sir Riley. Pakiayos naman ng
connection ng computer niya."

"Eh bakit ako?" Hindi ko napigilan na bulaslas.

"IT ka diba? At saka ikaw lang ang kakilala ko dyan."

Kung minamalas ka nga naman!

"Sige papunta na ako dyan." Napipilitan na sabi ko para lang hindi na humaba pa ang
usapan. Pagkakababa ko ng phone ay mabilis akong lumingon kay Ronald. "Ro- " Nasaan
na ang lalaking iyon? Kanina lamang ay naroon pa siya sa puwesto niya. Binalingan
ko naman si Carla. Pero abala ang bruha sa pakikipag-usap sa telepono. Si Jasper
naman ay wala rin sa pwesto nito. Tapos yung iba ko naman na kasamahan ay abala sa
mga ginagawa nila.

Sino ba sa kanila ang pwede kong mauto?

No choice! Bitbit ang sarili ko na nagtungo sa opisina ni Riley. Nakasimangot ako


nang salubungin ni Gail sa may pintuan. Para akong tanga na nag-inhale, exhale muna
bago pumasok sa loob. Ang lakas ng kaba ko, I swear!

Pero sa pagpasok ko ay wala naman akong nadatnan na tao sa loob. Wala si Riley?
Bigla akong nakahinga ng maluwag.

"Nasa meeting si Sir ngayon." Si Gail na nakasunod sa likuran ko. "Mamaya pa siguro
matatapos yung meeting niya. Kaya sana bago siya bumalik ay maayos na ang koneksyon
ng commputer niya."

Sunud-sunod ang pagtango ko. "No problem! Sandali lang ito." Ang lapad ng ngiti ko.
Baka nga wala pang limang minuto ay maayos ko na iyon. At bago pa bumalik si Riley
ay wala na ako dun.

Sinumulan ko agad ang dapat na ayusin. Nang hindi ko makuha sa simpleng pagpipindot
ay tinignan ko na mismo ang connection na nakakabit sa CPU. Dumausdos ako pababa ng
silya at gumapang sa ilalim ng mesa. Sa sobrang kaabalahan ay hindi ko napansin ang
pagbukas ng pintuan.

"What are you doing there?"

Anak ng!

Sa sobrang gulat ko ay nauntog tuloy ako. Ouch! T-ina ang sakit nun!

Bakit ka ba nanggugulat? Gusto ko sana siyang bulyawan kung hindi ko lang napigilan
ang sarili ko. Boss ko nga pala siya!

"Bakit ikaw ang gumagawa nyan?" Tanong ulit ni Riley habang nakapameywang sa
harapan ko.

"Napag-utusan lang po ako, Sir!" Hindi tumitingin na sagot ko sa kanya habang


patuloy na hinihimas ang nasaktan kong bumbunan.

Shit! May bukol na yata ako.

"Bilisan mo! At may mahalaga pa akong gagawin."

Kung makapang-utos naman wagas!

Muli akong yumuko at gumapang sa ilalim ng mesa niya. Kailangan kong maayos iyon
kaagad para makaalis na rin ako doon.

"Matagal pa ba yan?" Tila naiinip niyang tanong.

I rolled my eyes. Segundo pa lang ang nakalilipas. Kailangan agad-agad?


Sa halip na sagutin siya ay nag-pokus na lang ako sa ginagawa ko. At nang sa wakas
ay naikabit ko na nang maayos ang jack ay muli akong gumapang palabas. Nang bigla
na lang matusok ang daliri ng isang matulis na bagay na nakausli sa ilalim ng mesa.
Namalayan ko na lang na nagdudugo iyon.

Gusto kong magmura. Sunud-sunod ang kamalasan ko ngayong araw na ito!

Sinipsip ko na lang ang nasugatan kong daliri at tuluyan lumabas sa ilalim. At


kaagad kong binalingan ang monitor.

"Hello there Samantha. How are you?"

Awtomatikong umangat ang kilay ko nang marinig ang pangalan na iyon. Sa gilid ng
mata ko ay nakita ko si Riley na nakaupo sa mahabang sofa na naroon at nasa tapat
ng tenga niya ang hawak na cellphone.

"Yeah I know! I'm sorry kung ngayon lang kita natawagan."

Kung puwede ko lang takpan ng dalawang kamay ang tenga ko ay ginawa ko na. Kaya
lang busy ang mga kamay ko na maayos ang problema ng desktop ng lalaking ito. Ayoko
sanang marinig kung anuman ang pinag-uusapan nila. Ngunit tila nanadya na nilakasan
pa ni Riley ang boses nito.

"Promise babawi ako sa'yo Baby. Please huwag ka ng magtampo."

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.

"You're done?" Narinig kong tanong niya.

"Okay na po ang computer nyo Sir." Binigyan diin ko ang huli kong sinabi. "Pwede na
po ninyong gamitin." Sa wakas ay nagawa ko ring tumingin sa kanya ng diretso.

Nakatingin din siya sa akin habang naka-hang sa kamay niya ang hawak na cellphone.
"Y-you're hand is... bleeding." He said in a lower voice.

Mabilis akong napatingin sa kamay ko. Hindi ko namamalayan na umaagos na pala ang
dugo mula roon.

Sa isang iglap ay nakalapit sa akin si Riley. Dumampot siya ng tissue mula sa table
niya at binalot iyon sa kamay ko.

"I need to send you in the hospital."


I chuckled. "Hindi na po kailangan Sir." Sabay bawi sa kanya ng kamay ko. "Maliit
lang po na sugat ito. I can handle myself." At tinalikuran ko na siya para lumabas.

"Muriel!" I stopped when I heard him call my name. I couldn't explain why suddenly
my heart skip a bit. May ilang sandaling nanatili ako sa ganoong posisyon. Ngunit
nang marinig ko ang mga yabag niya na papalapit sa akin ay dali-dali akong naglakad
palabas ng pintuan.

Hanggang kailan ako maduduwag na harapin siya?

Hindi ko inaasahan nang bigla na lang sumugod sa puwesto ko si Erik para gamutin
ang sugat ko. Siya ang registered nurse ng kumpanya. At siya rin ang nag-iisang
naglakas loob na manligaw sa kin kahit alam niya na wala siyang maaasahan sa akin.
At kung paano niya nalaman na may sugat ako ay hindi ko alam.

"Kahit maliit lang na sugat ito ay hindi ka pa rin ligtas sa tetano." Sabi niya
habang pinapahiran ng betadine ang kapiranggot na sugat sa dulo ng daliri ko.

Nagkibit-balikat lang ako.

"Erik, ikaw siguro ang secret admirer ni Muriel! Umamin ka na?" Pang-iintriga ni
Carla na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. At dahil doon ay naging tampulan tuloy
kami ng tuksuhan ng mga kasamahan ko.

Ngumisi ang binata. "Bakit ko pa itatago ang identity ko? Hindi pa obvious ang
nararamdaman ko para kay Muriel? At saka kaduwagan ang tawag doon at hindi ako
ganon." Pagyayabang niya.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayoko sa kanya.

Ngunit dahil na rin sa kantiyawan at panunukso ng mga kasamahan ko ay napa-oo ako


sa pag-i-invite sa akin ni Erik na kumain sa labas. Kung sabagay, kelan ba ako
tumanggi sa pagkain?

"Sir Riley!" Boses iyon ni Ronald.

Lahat ay awtomatikong napalingon sa may pintuan. Naroon nga siya at nakatayo. Nang
lumipad ang mga mata niya sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Sir, may kailangan po ba kayo?" Tanong ni Ronald na tila na-starstruck sa binatang


nasa harapan niya.

Bahagya siyang tumikhim bago nagsalita. "Mayroon akong na-delete na mahalagang


file. Gusto kong ma-retrieve iyon."
"Ako na lang po mag-aayos." Pagpiprisinta ni Carla. Ngunit hindi man lang siya
tinapunan ng tingin ni Riley.

"I want Ms. Gonzales to do it. A-S-A-P!" Iyon lang at tumalikod na siya.

Lumipad ang lahat ng mga mata sa direksyon ko.

"What?" Painosente na tanong ko kunwari.

Wala naman akong narinig na objection mula sa kanila. Marahil ay nabigla lang sila
sa inakto ng binata.

"Ang guwapu-guwapo ni Sir Riley." Parang nangangarap na nakatingala pa si Carla


mula sa desk nito.

"Suplado nga lang." Komento naman ni Erik. Pagkatapos ay binalingan ako. "So, paano
Muriel? Kita-kits na lang mamayang five." Tumayo na siya para umalis.

Tumango lang ako.

Pasado alas sais na pero naroon pa rin ako sa opisina. Lahat na ng mga kasamahan ko
ay nagsipag-uwian na habang ako ay nag-o-overtime para sa pesteng file na iyon na
hanggang ngayon ay hindi ko mahanap-hanap.

Huhu.. nagugutom na ako! Ang huling kain ko ay kanina pang three o'clock. Malay ko
ba na aabutin ako ng ganitong oras.

Hanggang sa tuluyan akong sumuko. Hindi ko talaga mahanap. Inaabot na ako ng halos
dalawang oras at nabuksan ko na halos ang lahat ng back-up files ng kumpanya pero
ni anino ng sinasabing importanteng file ni Riley ay hindi ko makita.

Hindi kaya naghahanap ako ng wala naman?

Mabilis kong ini-off ang monitor ko. At naghanda para umuwi. Kung magpumilit pa rin
si Riley na hanapin ko ang na-delete niyang file, bahala na siya sa buhay niya.
Basta ako ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko.

Paglabas ko ng office ay eksakto naman na papalabas din ng opisina niya si Riley.

Nandito pa rin siya?


Mabuti na lang at hindi niya ako napansin. Halos takbuhin ko papuntang elevator.
Hindi pwedeng makasabay ko siya. Ayoko!

Pagsakay ko ay mabilis kong pinindot ang close button.

Tiyempo naman na lumiko si Riley at nakita niya ako.

"Muriel wait!"

Muli kong pinindot ang close button. "Oh come on! Magsara ka na please..."

"Hold it! Hintayin mo ako!"

Ngunit tila wala akong narinig. At bago pa siya makaabot ay sumara na ang pintuan
ng elevator.

Whew! Kinabahan ako dun!

Malamang galit na galit siguro sa akin si Riley ng mga oras na iyon. At parang nai-
imagine ko na ang mala-angry bird niyang mukha. Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa
ko. He deserves it. Pagkatapos niya akong pahirapan sa file na hindi nag-e-exist,
heto ang ganti ko sa kanya. Wala sa loob na napangiti ako. Bigla kong naalala na
matatakutin nga pala siya sa multo. Ano na kaya ang nangyayari sa kanya sa itaas?

Paglabas ko ng building ay napatingala ako sa kalangitan. Mukhang nagbabadya ang


malakas na pag-ulan.Nagsisimula na ngang umambon. Nagmamadali tuloy akong naglakad.
Sana bago bumuhos iyon ay makasakay na ako ng jeep. Ngunit nasa kalangitnaan pa
lang ako ng kalsada ng bigla na lang bumuhos ang ulan ng ubod ng lakas. Napatakbo
ako ng mabilis sa pinakamalapit na waiting shed.

Para akong basang sisiw. Basang-basa na ako. Sa kamalasan ay wala akong dalang
payong. Wala rin dumaraang jeep. Tapos, gutom na gutom pa ako. At tila nanadya na
lalo pang lumakas ang ulan.

Waaahh.. I'm so helpless!

Pansin ko puro kamalasan na lang ang nangyari sa akin magmula kaninang umaga.
Sinusumpa ko talaga ang araw na ito! I swear!

Parang bata na nagmamaktol lang na basta na lang umupo ako habang pinapanood ang
pagbuhos ng malakas na ulan. Ano pa ba ang pinakamabuting solusyon kundi ang
maghintay na tumila iyon! Konting tiis na lang siguro. Ngunit wala yatang balak
tumigil ang ulan.
Is there anyone who can help me?

Nagulat na lang ako nang may biglang humintong magarang sasakyan sa harapan ko. At
bumukas ang pintuan.

"Hop in!" Sigaw sa akin ni Riley.

Napatanga lang ako sa kanya. Heto na ba ang katuparan sa kahilingan ko? Ang bilis
naman!

"Muriel, sumakay ka na! Ihahatid na kita sa inyo!" Halos hindi ko maintindihan na


sabi niya. Nagtatalo kasi ang boses niya at ingay ng ulan.

What now Muriel? Would you dare to accept his tempting offer?

Nasorpresa ako nang bigla na lang bumaba ng sasakyan si Riley at sumugod sa ulan
patungo sa direksyon ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo!" Hinila niya ako sa braso para itayo. "Now hop in!"
Sabay tulak sa akin papasok sa loob ng kanyang sasakyan. Wala na akong nagawa kundi
sumunod.

Basang-basa siya nang sumakay ng kotse niya. Bigla tuloy akong na-guilty. Kinuha ko
yung baon kong towelette sa bag ko at inabot iyon sa kanya.

"Punasan mo ang sarili mo."

Pero hindi ako pinansin ni Riley. At sa halip ay pinatakbo na niya ang sasakyan.

Napahiya ako sa pandededma niya. Fine! Eh di huwag! Nakausli ang nguso na inirapan
siya at sarili ko na lang ang pinunasan ko. Siya naman ang giginawin at hindi ako.

Pero hindi pa nga ako natatapos nang hablutin niya mula sa akin ang hawak kong
towelette.

"Pahiram nga!" At saka niya pinusan ang sarili.

Kunwari pa na ayaw! Akala ko ako lang maarte, siya rin pala!

At nang matapos siya ay basta na lamang niyang inihagis sa akin ang ginamit niyang
towelette.
"Salamat ha!" Sarkastikong sabi ko nang lumingon sa kanya. Pero dedma pa rin ang
peg niya.

Teka! Parang mali ang nilikuan naming kalsada.

"Riley, hindi dyan ang way pauwi sa amin."

Hindi siya sumagot.

"Riley!"

Dedma pa rin siya.

"Ihinto mo ang sasakyan. Bababa na lang ako."

Ngunit tila wala siyang naririnig.

Ang hirap makipag-usap sa taong nagbibingi-bingihan!

Sa inis ko ay kinurot ko siya sa braso.

"Ouch!" Daing niya. Pero patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.

"Riley naman! Ibaba mo na ako."

Talagang nananadya na siya!

"Hindi mo talaga ihihinto ang sasakyan? Kakagatin kita?" Ngunit wala pa rin epekto
sa kanya ang banta ko. At hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.

O baka naman pinagti-tripan niya lang ako?

Patuloy pa rin ang malakas na buhos na ulan at halos hindi na namin makita ang
dinaraanan namin. Pero alam ko na malayo na iyon sa way ko pauwi.

"This is kidnapping Riley! Saan mo ba ako dadalhin?" Gusto ko nang maiyak sa


sobrang frustation. Daig ko pa ang nakikipag-usap sa pader.

"Rai!"

Bigla na lang nag-preno si Riley. Mabuti na lang at naka-seatbelt ako. Kung hindi,
malamang ay humampas na ako sa dashboard sa lakas ng impact.

Ngunit hindi pa nga ako nakaka-recover nang bigla na lang niya akong kabigin
paharap sa kanya. And claimed my mouth without my permission.

*******************************************
[34] Chapter Thirty Four: Together Again
*******************************************

Chapter Thirty Four: Together Again

<Muriel POV>

"Dinner is served."

Nakangiting bungad sa akin ni Riley paglabas ko ng kuwarto. Katulad ko ay nakaligo


na rin siya at nakapagpalit ng damit.

Nandito ako ngayon sa condo niya. Ang sabi niya sa akin ay wala na raw kaming
madadaanan na hindi baha kaya doon na lang daw ako mag-overnight. Iyon din ang daw
ang dahilan kung bakit nag-iba at naghanap siya ng ibang way. Pero duda ko na
sinadya niya talaga na dalhin ako sa place niya.

Hindi kaya balak niya talagang kidnapin ako?

Mabilis kong pinilig ang ulo. Napa-paranoid lang siguro ako.

"Come Muriel! Kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain." Masiglang yaya niya
habang inaayos angmga pagkain sa mesa. Nakakapagtaka ang pagbabago niya ng mood.
Hindi na siya ang masungit na Riley na kasama ko kanina.

Nang malanghap ko ang mabangong amoy ng crab soup at porkchop ay natakam akong
bigla. Nagtatalon sa tuwa ang mga alaga ko sa tiyan. Kanina pa ako gutom na gutom.
At hindi na ako nagpakipot pa. Never akong tatanggi pagdating sa pagkain. Food
first before my personal matter. Ise-set aside ko muna ang inis ko para kay Riley.
Ngunit sa paghakbang ko ay natapakan ko ang nakasayad na lalaylayan ng suot kong
padjama. Na-out of balance ako at natumba. Mabuti na lang at bumagsak ako sa
malambot na carpet.

"Muriel!" Sa isang iglap ay nasa tabi ko na si Riley. Inalalayan niya ako sa


pagtayo.

Pahamak kasi ang oversize na padjama niya. Dahil nga nabasa ang damit ko sa ulan
kaya napilitan akong suotin ang pinahiram niyang mga damit.

"Are you okay?" He asked me.

Ngunit sa paglingon ko sa kanya ay nakita ko ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

Ah ganon! Pagtawanan ba ako?

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Pero lalo lamang lumapad ang kanyang mga
ngiti.

Oh shet! Bakit ang guwapu-guwapo niya?

Halos hindi ko na namalayan nang alalayan niya ako na makaupos sa sofa. Ngunit sa
aking pagtataka ng bigla na lamang siyang sumalampak sa carpet. Iniangat niya ang
paa ko para lang tupiin ang laylayan ng suot kong pajama.

"May masakit ba sayo?" Tumingala siya sa akin, still smiling. Mabilis akong nag-
iwas ako ng tingin. Ayokong makita ang guwapo niyang mukha. Nagkakasala lamang ang
mga mata ko.

"Kumain na nga lang tayo!" Hindi na ako nakatutol nang bigla na lang akong hilahin
ni Riley sa kamay. Napasunod na lang ako sa kanya.

"Here!" Akma niya akong sasandukan ng kanin nang iniwas ko sa kanya ang plato ko.
"Ako na!" Sabi ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga. At hindi na siya nagpumilit


pa.

"Muriel, can we talk?"

Ngunit tila wala akong narinig. Mas uunahin ko pa bang makipag-usap sa kanya gayon
gutom na gutom na ako?

"I know that you're mad. But please, we need to talk."

Nang hindi pa rin ako kumikibo ay basta na lang niya kinuha ang plato ko. Akmang
babawiin ko iyon sa kanya pero sa halip ay lalo niyang nilayo iyon sa akin.

"Now, I got your attention!"

Talagang nakuha niya ang atensyon ko. Iyon ang kahinaan ko eh!

Sinimangutan ko siya. "I'm starving! Ang huling kain ko ay kanina pang alas-tres ng
hapon. Pagkatapos bigla mo na lang akong pinag-overtime. Nagpakapagod ako at
nagsayang ng effort para sa isang file na hindi naman nag-e-exist. Baka gusto mo
muna akong pakainin?"

Bahagyang natigilan si Riley sa sinabi ko at ilang sandali ay binalik niya rin sa


harapan ko ang plato ko. "I'm sorry!" He almost whispered. Pagkatapos bigla na lang
siyang tumayo sabay alis. Tuluy-tuloy siya sa pintuan palabas.

Hayst! Me and my temper!

Bigla naman akong na-guilty sa pagwo-walk out niya. I'm being harsh on him again...
and I couldn't help it. Siya kasi eh!
Hanggang sa matapos akong kumain ay hindi pa rin bumabalik si Riley. Nakapaglipit
na ako at nakapaghugas ng pinagkainan ko ay wala pa rin siya.

Hala! Baka tuluyan na siyang nagtampo sa akin.

Naupo ako sa mahabang sofa. At inabot ang remote control ng TV. Manonood na lang
ako habang hinintay si Riley. Pero hanggang sa magsawa ako sa kakalipat ng channel
ay wala naman akong nahanap na magandang panoorin. Pinatay ko lang iyon.

Ang ginaw! Bigla kong nayakap ang sarili ko. Hindi naman nakabukas ang aircon. Pero
maginaw pa rin. Marahil ay malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan sa labas. Hindi ako
nakatiis ay kinuha ko ang comforter na nakita ko kanina sa kuwarto at binalabal
iyon sa aking katawan at saka namaluktok sa sofa.

I decided to wait for him. And I need to say sorry this time. He is right! We need
to talk.

Haching...

Sisipuin pa yata ako! Sabay kuskus ng ilong ko.

I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold...

Halos mapalundag ako sa gulat ng bigla na lang tumunog ang cellphone ni Riley sa
ibabaw ng center table.

All time favorite?

Hanggang ngayon ay iyon pa rin pala ang ringtone niya!


I need you, feed you

Even let you hold the remote control...

Patuloy pa rin sa pagtunog ang phone niya. Napilitan akong damputin iyon. At
nanlaki ang mga mata ko nang mag-flash sa screen ang pangalan ni Mam Lorie.

Ngunit lalong nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko ang wallpaper ng cellphone
niya. Iyon ang kaisa-isang picture na magkasama kaming dalawa ni Riley. Kinunan ko
iyon gamit ang cellphone ko. And that was seven months ago. Pero teka! Paano siya
nagkaroon ng kopya nun?

Hindi kaya?

Oh my! Na-stalk niya ang cellphone ko!

<RIley POV>

Pagdating ko ay katahimikan ang bumungad sa akin. Malinis na ang mesa nang maabutan
ko. At ganun din ang lababo. Ang mga natirang pagkain ay maayos na rin nakatabi sa
loob ng refrigerator.

Where is she?

Luminga ako sa paligid. Wala sa loob na napatingin ako sa pintuan ng kuwartong


pinaokupa ko kay Muriel. Marahil ay nagpapahinga na siguro siya. Knowing that
woman, napakaantukin pa naman niya!

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Saka ko lang naalala na iniwan ko nga pala
iyon kanina sa ibabaw ng center table sa sala. Malamang si Mama na naman ang
tumatawag. Kanina pa niya ako kinukulit kung ano na raw ang bagong development sa
plano ko. Siya pa ang mas excited kaysa sa akin. At aaminin ko isa siya sa mga
nagtulak sa akin kaya ako ngayon narito sa Davao.
Nagulat pa ako nang makita ko si Muriel na nakahiga sa sofa.

Bakit dito siya natutulog?

Hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan siya. Napangiti ako.

She's an angel! The angel of my life.

Walang sawa na pinagmasdan ko ang magandang tanawin na nasa harapan ko. Maingat
kong inaangat ang kamay ko para hawiin ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumabing
sa mukha niya. Tuluyan ng nawala na isip ko ang tumutunog kong phone. Ang buong
atensyon ko ay nasa kanya lamang. As if I was totally drown by her spell.

Namalayan ko na lang na hinahaplos ko na ang pisgi niya, ganon din ang matangos
niyang ilong pababa sa mga labi niya. At napatitig ako doon. Napangiti ulit ako ng
maalala ko ang ginawa kong paghalik sa kanya kanina sa kotse. Ang buong akala ni
Muriel ay ginawa ko iyon para patahimikin siya. Ang hindi niya alam, kahapon ko pa
pinipigilan ang sarili ko na gawin iyon sa kanya. At kanina lang ako nakahanap ng
pagkakataon.

Ngayon ay may pagkakataon na naman akong gawin iyon. Hindi ko kayang pigilan ang
sarili ko. At natutukso ako.Unti-unti ay bumaba ang mukha ko sa kanya. Halos
mahalikan ko na siya nang bigla na lamang siyang gumalaw. Mabilis akong lumayo sa
pag-aakala na baka nagising siya. At ganon na lamang ang relief ko nang masiguro
kong nahihimbing pa rin siya sa pagtulog.

Whew! Muntikan na ako roon!

Para akong sira na pinagtawanan ang sarili ko. Kung nagkataon na nagising siya,
siguradong aawayin na naman niya ako. And worst baka mapurnada pa ang plano ko.

And speaking of my plan, kailangan ko nang gamitin ang huling option ko. Mukhang
hindi umepekto sa kanya ang unang strategy ko at ganon din ang pangalawa. Dahil
imbes na mapalapit siya sa akin ay mas lalo lamang siyang lumalayo.

Tama lang siguro ang naging desisyon ko na dalhin siya rito sa condo ko. Dahil sa
wakas ay nasolo ko rin siya at magkakaroon ako ng pagkakataon na makausap siya ng
masinsinan. Pero siguro bukas na lang ng umaga paggising niya. Wrong timing kasi
ang approach ko sa kanya kanina. Malay ko ba na gutom na gutom na siya?

Kung sabagay hindi ko siya dapat madaliin katulad ng ginawa ko sa kanya dati. Ayoko
siyang biglain ulit. I want to make it slowly this time. Kailangan maging hinay-
hinay lang.

Pero papaano kung hindi na naman umepekto sa kanya ang ganong strategy?

Kung kinakailangan kong igapos siya at itali para makinig sa akin ay gagawin ko. At
sa ayaw at sa gusto niya ay mag-uusap kaming dalawa. Hindi na siya pwedeng umiwas
ulit sa akin.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at muling sinulyapan si Muriel. "Bukas


ng umaga ay magtutuos tayong dalawa!" Wala sa loob na sabi ko at saka inaayos ang
comforter na nakabalabal sa kanya. Naisip kong ilipat siya sa kuwarto. Siguradong
hindi magiging komportable ang pagtulog niya sa sofa. Bubuhatin ko na sana siya
nang biglang magbago ang isip ko.

Nang lumabas ako kanina ay dumiretso ako sa bar na nasa groundfloor. Medyo naparami
ang inom ko. At nag-aalala ako na baka hindi ko kayanin na buhatin pa siya.

"Muriel!" Marahan ko siyang tinapik sa pisngi para gisingin. "Baby girl wake up!
Huy!" But no dice, hindi talaga siya magising-gising. Para nga palang mantika kung
matulog ang babaing ito!

"Muriel..."

"Hmmm..." Bahagya siyang kumilos at pumihit paharap sa akin.

"Wake up! Huwag ka dito matulog. Doon ka na lang sa kuwarto para maging komportable
ka."

"G-go away!"

"Muriel maginaw dito sa sala. Baka magkasakit ka pa. Please doon ka na lang sa
loob."
Ngunit hindi na siya sumagot ulit. Mukhang nahimbing na naman siya.

Napailing na lang ako at muli siyang pinagmasdan. "You stubborn woman! Bakit ba
ayaw mo akong pakinggan?" Kanina ko pa gustong mainis sa kanya. Pero sa tuwing
mapapagmasdan ko ang mukha niya, nakakalimutan ko na lang bigla iyon. At
napapalitan ng pananabik ko sa kanya. "You never know how much I miss you.. How
much I wanted to hold you in my arms." I was talking to her as if she could hear
me. "And now that you're here with me, I won't let you go again. I need you Muriel.
I need you badly. My life has never been the same again without you by my-" I
stopped in a midsentence when I saw her staring at me.

"M-muriel?" Gusto kong makasiguro kung talagang gising na siya o baka nanaginip
lamang siya.

"Ang ingay mo Riley! Nanadya ka ba talaga?" Her voice was husky.

Suddenly, I was lost of words. She is fully awaken.

Bumangon si Muriel at humarap sa akin habang kinukuskos ang mga mata. "Inistorbo mo
ang pagtulog ko. Alam mo ba kung anong oras na?"

"I'm sorry!" Bigla akong tumayo. "Matulog ka na ulit." Aalis na sana ako nang
pigilan niya ako sa kamay.

"Ngayon mo sabihin sa akin iyong mga sinasabi mo kanina."

"You heard me?"

Umangat ang kilay niya. "Magigising ba ako kung hindi? Pero wala akong masyadong
naintindihan. Ang naalala ko lang ay yung sinabihan mo akong stubborn woman." At
nag-pout siya.

"Bukas na lang tayo mag-usap." Naisip ko na hindi ito ang tamang panahon. Nakainom
ako at kagigising lang niya. Hindi magdya-jive ang mga moods namin. Baka imbes na
magkasundo kami ay lalo lamang lumalala ang sitwasyon naming dalawa. "Matulog ka na
lang ulit."
Pero imbes na bitiwan niya ang kamay ko ay lalong humigpit ang pagkakahawak niya
roon.

"Hindi mo na ako makakausap ng matino bukas. Kaya gusto ko ay ngayon na." She looks
really serious.

Pero ayoko namang ipilit ang gusto niya. "Wala ako sa mood ngayon. Bukas na lang
Muriel."

"Fine!" Bigla niyang binitiwan ang kamay ko. "Wala ka sa mood ngayon, hindi ako
matino bukas. Huwag ka ng mag-expect na makakapag-usap pa tayo. Goodnight!" Muli
siyang nahiga at nagtalukbong ng comforter.

Napapikit ako at tumingala sa itaas. Naman! Suko na talaga ako sa katigasan ng ulo
niya!

"Okay! You won Muriel! Mag-usap na tayo ngayon."

Ngunit tila wala siyang narinig at hindi siya kumikilos.

"Muriel!"

Hindi pa rin siya nagre-response. At nananadya na siya. sa inis ko ay hinila ko ang


comforter niya. Dahilan para ma-expose siya.

Bigla bumangon si Muriel at hinila pabalik ang comforter. "Akina na yan!"

Pero nakipaghilahan ako sa kanya. "Gusto mong mag-usap tayo di ba? I'm giving you
now a chance."

"Nagbago na ang isip ko! Ayoko ng makipag-usap sa'yo kahit kailan."


"Stop acting like a child!"

"Look who's talking!" Ganting sigaw niya.

Pakiramdam ko ay sasabog ako anumang oras. Inuubos talaga niya ang pasensiya ko.
Gayunpaman ay nagawa ko pa ring magpigil. Ayokong magalit sa kanya. Binitiwan ko na
ang hawak kong comforter at hinayaan na iyon sa kanya. Muling nagtalukbong si
Muriel at hindi na muli ako kinausap.

I don't know what to do with her anymore. But it doesn't mean that I'm giving up.
Haist! Napakamot ako ng ulo. Kung itali ko kaya ng patiwarik ang babaing ito?

<Muriel POV>

Naramdaman ko na lang na umalis sa tabi ko si Riley. Mas mabuti pa nga na matulog


na lang siya! Umakyat na ang topak ko sa ulo at hindi na niya ako makakausap ng
maayos. Kung kailan naman natutulog ako ay saka niya ako kakausapin. At ngayon
naman na nasa mood ako na kausapin siya ay saka naman siya aayaw. Nakakaloko na
siya!

Makatulog na nga lang ulit! At bukas na bukas, hindi pa sumisikat ang araw ay aalis
na ako roon. Ayoko na ng makipaglokohan pa sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya!

Ngunit napadilat ako nang makarinig ako ng pag-ungol. Ano iyon?

Hindi kaya... mumu? Hindi naman siguro.

Pero nang lalong lumakas ang pag-ungol ay kinabahan na ako. Bigla akong
napabalikwas sabay lingon sa pinanggagalingan ng tinig na iyo. At nanlaki ang mga
mata ko nang makita ko si Riley na namimilipit sa sahig habang sapu-sapo nito ang
ulo.

Sa isang iglap ay nakalapit ako sa kinaroroonan niya. "Oh god Riley! A-anong
nangyayari sa'yo?" Hindi ko malaman kung paano ko siya hahawakan. Sinaklot na ng
pag-aalala ang dibdib ko.
"Aahhhh..."

Napatayo akong bigla nang lalong lumakas ang pag-ungol niya. I need an ice! Tama!
Patungo na sana ako sa kusina nang bigla akong bumalik. No! Mas kailangan ko siyang
madala sa ospital.

"Riley!" Napasigaw ako nang makita ko siya na wala nang malay. "Riley wake up! Open
your eyes, please... Huwag mo naman akong takutin ng ganito." Ngunit hindi ko man
lang siya kinakitaan ng anumang reaksiyon. Napahikbi na ako ng tuluyan. "P-please
hang on, Rai. Tatawag lang ako ng ambulansya."

Patakbo akong nagtungo ng kuwarto para kunin ang cellphone ko. Nailabas ko na ang
lahat ng gamit ko sa loob ng bag pero wala iyon doon.

Damn! Saan ko ba nailagay iyon? Kinakain na ako ng sobrang takot at hindi na ako
makapag-isip ng maayos.

May landline phone nga pala sa may sala. TUmakbo ako palabas ng kuwarto. Pero sa
pagmamadali ko ay natisod ako sa nakakalat na tsinelas. Mabilis akong tumayo at
hindi ininda ang pananakit ng tuhod ko. Nanginginig ang mga kamay ko na inaangat
ang telepono at saka mabilis na nag-dial ng number. Saka ko lang na-realize na wala
iyon dial tone.

What the! Muntikan ko nang maihagis iyon nang maalala ko si Riley.

I need to send him in the hospital immediately. Pinilit ko siyang buhatin. Pero
hindi ko kaya ang bigat niya. Halos hindi ko nga maiangat ang katawan niya sa
sahig. I felt so helpless. But I don't want to give up. Tatayo na sana ako para
humingi ng tulong sa labas nang biglang magmulat ng mga mata si Riley.

"Thank God! You're okay now? Wala nang masakit sayo?"

Hindi siya sumagot pero isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. At
ang ngiti ay nauwi sa pagtawa.

Ilang beses akong kumurap-kurap. So, everything is part of his... joke!


"Did I scared you? Sorry! Gusto ko lang malaman kung mag-aalala ka pa-"

Bigla kong dinamba si Riley at saka sinakal. "Walanghiyang lalaki ka!" Inalog-alog
ko pa siya. "Halos patayin mo ako sa takot. Akala ko kung ano nang nangyari sayo.
Yun pala, pinagtitripan mo lang ako!"

"Baby girl nasasaktan ako!"

"Baby girl mong mukha mo! Kulang pa iyan sa ginawa mong panloloko sa akin, buwisit
ka! Kung alam mo lang na halos himatayin ako sa sobrang pag-aalala sayo."
Magkahalong relief at panggigigil ang naramdaman ko ng mga oras na iyon at hindi ko
na napigilang umiyak.

"I hate you... I hate you Rai..." Kahit anong gawin kong pagpahid ng mga luha sa
pisngi ko ay hindi ko na iyon naitago sa kanya. "Don't ever do that again." I hate
him so much for scaring me to death.

"Ssshhhh.. please don't cry." Kinabig ako ni Riley at kinulong sa mga bisig niya.
"I'm so sorry. It's not my intension... really! Ikaw kasi, palagi mo na lang akong
pinagtutulakan palayo. At pakiramdam ko ay ayaw mo na talaga sa akin, na wala na
akong halaga sa'yo."

"Kasalanan ko pa ngayon?" Tinangka ko siyang itulak. Pero para lang akong nagtulak
ng isang pader.

"You're right. It's all your fault. I wouldn't be here now if had not for you.
Because I realized that living without you in my life is like living in hell."

Napahinto ako sa pag-iyak at tumingala sa kanya.

Masuyo akong tinitigan ni Riley at pinahid ng daliri niya ang mga luha sa pinsngi
ko. "You never know what I went through this few days. Sa bawat araw na dumaraan,
tila isang taon ang katumbas nun sa akin. Halos mabaliw ako sa kakaisip sayo.
Tiniis ko ang sarili ko na hindi ka makita. Dahil kailangan kong maghintay ng
tamang panahon bago ako humarap ulit sayo."
"Bakit pinatagal mo pa ng isang buwan?"

"You asked me to let you go. And I did. Because I can see that I was hurting you.
Alam kong nabigla ka sa mga nangyari, lalo na sa mga sinabi ko sayo. Kung hindi
lang sana ako nagmadali, hindi sana masisira ang magandang plano ko. Lahat ng
sinabi ko sayo ng gabing iyon ay totoo, Muriel. Pero hindi ko inaasahan ang naging
reaksyon mo. And worst you wanted me to let you go, kaya hinayaan kita kahit labag
sa kalooban ko. Binigyan kita ng panahon para mapag-isa at makapag-isip. At umasa
ako na sa mga panahon na iyon ay ma-realize mo na nagsasabi ako ng totoo at mali
ang mga inakala mo."

Napakagat-labi ako. At namalayan ko na lang tumutulo na pala ang mga luha ko. Now,
I realized my mistakes.

"I'm so sorry, Rai. I was so stupid for not believing you. I was consumed by too
much anger. I felt betrayed. Inakala ko na baka naghihiganti ka lang dahil sa
ginawang naming panloloko sayo."

"Sshhh..." Muli niyang pinahid ang mga luha sa pisngi ko. "It's okay. No need to
say sorry. After all, its not really your fault. Pinilit ka ni Mama na magpanggap
kahit labag sa kalooban mo. But I'm glad that you did. Dahil dumating sa buhay ko
ang isang tulad mo."

"Pero hindi ka ba nagalit dahil niloko ka namin."

Umiling si Riley at ngumiti. "Aaminin ko nagulat ako. Pero never akong nagalit. In
fact, natuwa pa nga ako. Dahil totoo pala ang mga hinala ko."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong hinala?"

"Noong una kitang makita, parang may kakaiba na sa'yo. Hindi ko maipaliwanag pero
parang matagal na kitang kilala. I was so curious about you that I even check your
background details."

Nanlaki ang mga mata ko. Magsasalita sana ako nang pigilan ako ni Riley.

"Hep! Patapusin mo muna ako, okay? Na-curious nga ako sayo dahil napaka-weird mo
naman kasi. Para kang may sariling mundo. Ayaw mo akong kausapin at sa tuwing
lalapitan naman kita ay lumalayo ka. Akala ko ganon ka lang talaga kahit sa ibang
tao. Pero bakit pagdating kay Jared iba ang pakikitungo mo sa kanya. At aaminin ko
na nainis ako sa'yo dahil pakiramdam ko ay hindi ako nag-e-exist sa paningin mo."

Hindi ko napigilang mapangiti. Todo-iwas ako sa kanya noon sa takot na baka


makahalata siya sa akin.

"Simula nun palagi mo na lang ginugulo ang isipan ko. Si Samantha ang kasama ko
pero ikaw ang naiisip ko. At ganun na lang lang ang pagtataka kung bakit sayo ko
nakikita ang mga bagay na hinahanap ko sa kanya. She never calls me Rai. But you
did. Buddy doesn't like her. But he likes you a lot. She never argue with me but
you can. She's a softspoken and a very patience person but you're not."

Napanguso ako. Parang hindi maganda sa pandinig ko ang mga sinabi niya tungkol sa
akin.

"Kahit alam kong imposibleng mangyari hindi ko pa rin napigilang maghinala na baka
ikaw ang Samantha na nakasama ko noong mga panahon na hindi pa ako nakakakita."
Pagpapatuloy ni Riley.

"How did you find out? Kanino mo nalaman?"

"Naalala mo nung minsan sumakit ang ulo ko sa office? Nandoon kayong dalawa ni
Samantha kasama ko. I can't open my eyes sa takot na baka mabulag ulit ako. All I
can hear was your identical voices. And still I can recognize who is who. How? I
just simply follow what my heart says. And when I open my eyes I saw you." Hindi
niya napigilan ngumiti. "Tinawagan ko si Lara that night para mas lalo akong
makasiguro. At hindi niya ako binigo. I was so happy that I couldn't wait to see
you. Iyon ang dahilan kung bakit inabangan ko ang pag-uwi mo ng gabing iyon. Pero
hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap dahil sa biglang pagdating ni
Samantha."

Sinapo ni Riley ng mga kamay ang mukha ko. "Minahal ko si Samantha noon nang higit
pa sa sarili ko. At inakala ko siya pa rin ang mahal ko. Iyon pala ay iba na ang
nagmamay-ari ng puso ko at ikaw iyon, Muriel. I love you so much... And I will
never let you go again."

Kung ngingiti ako o iiyak ay hindi ko malaman. I'm no longer invisible to him. At
nag-uumapaw ang kagalakan sa dibdib ko. Dapat pala ay naniwala na ako kay Riley.
Noon pa sana, ganito na ako kasaya. "I love you too Rai..." I smiled through unshed
tears. "And I will never leave you again."
He pulled her to him and I gladly leaned towards him to accept his loving kisses...
with same feeling, with same intensity.

"Baby boy?"

"Yes, Baby girl?"

Bahagya lang niyang pinaghiwalay ang aming mga labi upang muli akong matitigan.

"What about Samantha?"

Napakunot-noo si Riley. "What about her?"

"Narinig kong kausap mo siya kanina sa phone. And its seems na okay na kayong
dalawa."

Humalakhak siya, saka pinisil ang ilong ko. "Silly girl! Hindi ko alam kung manhid
ka o talagang slow ka lang?"

"You mean..." Halos lumuwa ang mga mata ko nang ma-realized ko ang ibig niyang
sabihin. "Hindi totoo na kausap mo siya? Na wala ka naman talagang kausap sa
phone?"

Ang lakas ng tawa ni Riley. "Shut up and kiss me!" Hinuli nito ang mga labi niya
and kissed her again and again and again.. until it hards to catch our breath.

*******************************************
[35] Chapter Thirty Five: Finale
*******************************************
Chapter Thirty Five: Finale
<Muriel POV>

Manila, Manila

I keep comin' back to Manila

Simply no place like Manila

Manila I'm coming home...

Feel na feel ko ang pagkanta habang naliligo. Hindi ko alam kung anong meron sa
kantang iyon pero nakasanayan ko na kasing kantahin iyon tuwing umaga.

"Muriel! Bilisan mo! Nandito na ang sundo natin?" Halos magiba ang pintuan sa lakas
ng pagkalampag ni Ichi.

"I'm coming! Malapit na akong matapos!" At nagmamadali akong binanlawan ang sarili
ko.

Magdadalawang buwan na ako ngayon dito sa Manila. Syempre kung nasaaan si Riley ay
naroon rin ako. Sa guwapo ng boyfriend ko... Mahirap na! Baka biglang may sumalisi.
Kailangan kong magbantay-sarado.. joke! Siya kaya ang nagpilit sa akin na bumalik
dito. Noong una parang nagdadalawang isip pa ako. Pero nang maisip ko na
magkakalayo kaming muli, hindi ko pala kaya. Ganon pa talaga kapag love na love mo
ang isang tao.

Nandito ako ngayon sa bahay ni Ichi. Sa kasamang palad, doon ako napadpad sa bahay
niya dahil hindi ako makahanap ng malilipatang apartment. Si Riley ang nag-instist
na doon na lamang ako mag-stay. At hindi ko alam kung paano niya nagawang
kumbinsihin si bakla.

"Muriel anong petsa na!" Sigaw ni Ichi nang sumungaw ito sa kuwarto. "Kanina pa
naghihintay ang sundo natin!"

"Eto na nga po nagmamadali na nga!" Basta ko na lang sinuklay ang buhok ng kung
papaano na lang. At muling sinulyapan ang kabuuan ko sa harap ng salamin. Napangiti
ako nang ma-satisfy sa naging itsura ko . Mamaya na lang siguro ako magpapahid ng
make-up pagdating sa office.
"Bilisan natin! Dali!" Halos kaladkarin ako ni Ichi pababa ng hagdan. Alam ko na
naman na super excited siya na makita ang prince charming niya.

"Kapag ako nahulog sa hagdan, ipapasagasa talaga kita sa kotse niya!"

Hindi ako pinansin ni Ichi. Para ngang wala siyang narinig.

Paglabas ko ng pintuan ay agad kong natanaw ang pamilyar na kulay itim na sports
car na nakaparada sa tapat ng bahay. Humakbang ako palabas ng gate.

"Good morning ladies!" Bati nito sa baritonong tinig sabay tanggal ng suot nitong
shades. Nakasandal siya sa gilid ng kotse niya habang naghihintay sa amin.

"Good morning Jared!" Kumukuti-kutitap ang mga mata ni Ichi na parang christmas
light.

"Kanina ka pa ba?" Lumapit ako sa kanya.

Umiling siya. "Kararating ko lang." Pinagbuksan niya ako ng pintuan at sumakay ako.
Ganon din ang ginawa niya kay Ichi. Ang bakla tuwang-tuwang. Girl ang girl ang
feeling niya.

"Anong meron? Bakit mo naman naisipang ihatid ako sa trabaho?" Lumingon ako kay
Jared. Nagtataka lang ako sa biglaang pagsulpot niya.

"Na-miss kita. Kaya gusto kitang makita."

Pero hindi ako kumbinsido sa sagot niya.

"Don't give me that kind of look, girlfriend! I really miss you . It's been a month
ago since the last time I saw you."

"Saan ka ba kasi nagpupunta? At hindi ka namin mahagilap ni Riley?"


"Busy lang talaga ako."

"Busy saan? Sa pambababae?"

"Of course not!" Nakangising baling niya na hindi naman nagmemenor. "Alam mo naman
na busy ako sa trabaho."

Binigyan ko ng matalim na tingin si Jared. He's lying again. Akala niya siguro na
hindi ko alam ang mga pinaggagawa niya lately. Back to normal naman siya sa
pagiging womanizer niya. Kahit nga si Riley ay walang magawa para pigilan siya. Ang
katwiran niya ine-enjoy niya lang daw ang buhay. once a playboy, always be a
playboy. Tama ba panindigan niya ang slogan na iyon?

Gayunpaman ay masaya ako dahil natanggap niya ang tungkol sa amin ni Riley. Mas
lalo pa ngang tumibay ang pagkakaibigan namin. At nagpapasalamat ako sa kanya sa
mga panahon na laging siyang nariyan pa ra sa akin. Madalas man kaming mag-asaran
at magkapikunan, nagpapasalamat ako dahil dumating siya sa buhay ko. He is my
bestfriend. My knight shining armor. And I'm still hoping, that someday he will
also find his own happiness. Someone who's better than me... Someone who can love
him back and accept for what he is... And someone who can tame his untamed heart.

And next time he fall inlove again... I wishing for his own happy ending.

"Muriel pinapatawag ka ni Sir Riley sa office niya."

Napasimangot sa narinig. Bakit ba sa tuwing nagkakaaberya ang computer niya ay ako


na lamang palagi ang pinapatawag niya? Ako lang ba ang IT rito sa kumpanya?

Padabog akong tumayo at nagmatsa papunta sa office niya. Kailangan ko na sigurong


i-suggest na palitan na lang ang desktop niya. Araw-araw na lang kasi ay
nagkakaproblema. Minsan pa nga ay tatlong beses sa isang araw. Pero alam ko naman
dahilan lang iyon ni Riley para ma-solo niya ako.

Hay! Ang hirap talagang maging diyosa! Aray!


Napahinto nang biglang hilahin ni Ichi ang dulo ng buhok ko. "Hoy bruha! Nasaan na
yung share mo sa bill ng kuryente at tubig natin?" Sabay lahad ng kamay sa harapan
ko.

"Doon mo na lang singilin sa boyfriend ko." Tatalikuran ko na sana siya nang


pigilan niya ako.

"Bakit siya ang sisingilin ko? Siya ba ang nakatira sa bahay ko?"

"Pero siya ang nag-insist na tumira ako sa bahay mo kahit labag sa kalooban ko.
Aray!" Muli niyang hinila ang buhok ko. "Oo na! Magbabayad na ako. Mamaya ko na
lang ibibigay pag-uwi natin." Saka lang ako pinakawalan nito.

"Wait!" Muli niyang pigil sa akin. "Pupunta ka na naman ba sa office ni Sir Riley?
Maglalampungan na naman kayo?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Of course not!"

"Style nyo bulok!" Kung hindi lang nakalayo si Ichi malamang ay nasabunutan ko na
siya. Baklang ito! Usisera!

"Kanina ka pa hinihintay ni Sir sa loob." Nakangiting salubong sa akin ni Gail at


pinagbuksan ako ng pintuan.

Pero bago ako pumasok ay lumingon ako sa kanya. "Gail, sa palagay ko dapat nang
palitan ang desktop ni Sir. Palagi na lang nagkakaproblema. Nagsasawa ako sa
kakaayos. What do you think?"

Isang mahinang tawa ang naging response nito. "Pumasok ka na sa loob. Kanina ka pa
niya hinihintay. Mainit pa man din ulo."

"Bakit? Anong nangyari?"

Pero hindi na ito sumagot at sa halip ay itinulak niya ako papasok ng opisina.
Napamulagat ako sa nadatnan sa loob. Nagkalat ang mga rose petals sa buong paligid.
Halos magkulay pula ang buong silid sa dami ng mga iyon.

Anong meron?

Ngunit imbes na maging romantic ang dating nun sa akin, iba ang naging pakiramdaman
ko. Creepy! May naalala akong horror movie na may ganitong senaryo. Buong akala ng
bida babae ay sinorpresa siya ng lover niya ang hindi niya alam ay iyon na pala ang
katapusan niya dahil papatayin na siya nito!

Pusang gala!

Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang may music na tumugtog sa paligid.

"I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold...

I rolled my eyes and squared my arms. "Riley, ano na naman bang kalokohan ito?"

Mula sa madilim na sulok ay sumulpot si Riley. Sa mga bisig niya ay naroon ang
isang dosenang roses... at kulay red!

"Do like it?" He gave me a quick kiss on my lips.

"I don't like flower... especially red flowers."

"I know! But it looks romantic."


"Anong romantic dun? Ang creepy kaya!"

Natatawa na hinalikan niya ako sa noo. "Ikaw talaga! Kung anu-ano ang tumatakbo sa
isip mo."

"Bakit mo ba naisipan punuin ng mga bulaklak itong opisina mo?"

"I want this day to be very romantic and special?"

"May bisita kang darating?"

Ang lakas ng tawa ni Riley. "Napaka-slow mo talaga!" Basta na lang niyang itinapon
ang bitbit niyang bulaklak at biglang lumuhod sa harapan ko. May dinukot siya mula
sa kanyang bulsa at iniabot iyon sa akin.

"Grow old with me Muriel Shane Gonzales."

Halos hindi mag-sink in sa isip ko ang mga sinabi niya. Nakatitig lang ako sa hawak
niyang singsing. "A-are you serious?"

"Yes." His eyes dark and filled wiht love and passion. "I love you. I'll intend to
marry the most annoying woman I've ever met."

It warmed her heart that she was speechless for a moment. Natitig lang sa akin si
Riley habang naghihintay ng sagot ko.

May purpose din pala sa akin ang kantang iyon. Napangiti ako. "Yes. I want to grow
old with you. And I love you too."

He just smiled sheepishly in return. Mabilis siyang tumayo. Pagkatapos ay walang


sabi-sabing hinapit niya ako sa baywang at siniil ng halik sa mga labi.
"Let's get married today." Sabi niya sa pagitan ng paghalik.

"Ngayon na?" Marahan kong itinulak si Riley. "Hindi ba pwedeng bukas na lang?"

Ang lapad ng ngit ng loko. "As you wish." Tangkang hahalikan niya ako ulit nang
pigilan ko siya.

"Can we get out of this place? Hindi talaga maganda ang pakiramdam dito?"

Hindi naman ako nagdalawang salita kay Riley. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila
ako palabas ng opisina. Kung saan niya ako dadalhin... bahala na siya! Kahit saang
lupalop pa kami mapadpad, basta kung nasaan siya ay naroon din ako.

And no one can set us apart...

**********************

Yehey... Natapos ko rin ito sa wakas. And I feel so proud. This is my ever story
here in wattpad. And I never thought that it would be a success... I know its not
perfect and still I have a lot of learn.

Thank you guys for all your support... Thank you for reading and for your nice
comments that really inspires me to continue and finish INVISIBLE GIRL.

Thank you for making this story a success.

I also want to take this chance to thank these following people who's very special
to me...

Kay @iamtheawesomegirl na unang naka-appreciate ng gawa ko lalo na nung mga panahon


na parang gusto ko na itong i-stop.. thank you girl sa friendship.. thank you for
inspiring me.. Ikaw ang una kong naging kaibigan dito sa wattpad.
Kay @TrishaMae08 na laging nangungulit sa akin. At lagi na lang naka-ate alex akin
na lang si Jared.. hehe.. as you wish my dear, he's all yours!

Kay @JOklng2.. nagpapasalamat ako dahil sa mga WAGAS at SUPERHABA mong comments
kaya lalo akong sinisipag magsulat... i miss you so much! Paramdam ka naman haha..

Kay cute @FlameHazerJianne thank you so much for the friendship.. thank you for
those time you spent chatting with me outside wattpad.

Kay @JustSimple thank you for the beautiful cover... kung hindi dahil sa effort mo
hindi magkakaroon ng magandang cover itong story ko.

Ganun din sa mga first readers ko @jongzhey090704, @dumbjoker, @ThankYUSEOmuch...


sino pa ba? Sorry sa mga hindi ko na malalala..

At syempre.. sa mga silent at non-silent readers ko... maraming maraming salamat po


sa inyong lahat. Love you all mwaaaaahhhh..

- aLexisserOse

OO nga pala... abangan po ninyo ang Book 2 ng Invisible Girl. This time, si Jared
naman ang bibida...

Hopefully this month, maumpisahan ko na ito. Pero tatapusin ko po muna ang My


Stupid Mistakes at saka ko ito isusunod.

************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

You might also like