You are on page 1of 226

A Place in Time

This story's originally entitled, 'A Place in Time: We'll end where we started'
Hope you enjoy it as much as I enjoyed writing it. Thanks.

***1***

Haay, naririnig ko na naman ang tunog niya.

Siguro nga sanay na sanay na akong marinig ang tunog na iyan. Sa dinalas-dalas ko
ba naman dito eh hindi malabong alam na alam ko na ang tunog na iyon. Iba na kasi
kapag volunteer ka. Hindi naman sa nagsasawa na ako, pero tuwing naririnig ko kasi
iyon parang... parang hindi lang nagyayaya ng tao na pumasok sa loob kung hindi
parang isang bagong... bagong paalala.

Volunteer na ang family namin sa simula nung bata pa ako. Sabi ng mga magulang ko,
mas mabuti daw na nakakatulong ka. Alam kong hindi na karaniwan sa mga tao ngayon
na nagsasalita ng ganyan, pero sa mga magulang ko... wala.. hindi nagbabago yung
paningin nila sa buhay.

I started singing since I was four. Don't get wrong. Nung sinabi kong singing... I
meant...

"Sapagkat sa 'yo nagmumula


Ang kaharian at kapangyarihan
At kapurihan
Magpakailanman, Amen."

Yeah. Singing, as in church choir. Religious kasi ang parents ko. So yun, sinasama
nila ako sa simbahan. Minsan kapag walang pasok, pumupunta ako sa Day Care sa may
gilid lang ng simbahan para magbasa sa mga bata o kaya naman tumulong kung may
gagawin doon.

Nakalakihan ko na iyon. Nung una kasali pa ako sa weekend bible study, tuwang-tuwa
pa ako nun, tapos nung lumaki ako, ako na yung nag-assist sa ibang mga nagtuturo
doon.

But I'm not four.. or even 10 years old. I'm 15. At third year high school na ako
sa pasukan.

Only child lang ako. Kaya siguro ganun na lang kung ibuhos ng mga magulang ko ang
attention nila sa akin. I was adopted, at hindi ako nalulungkot na ganun. Sinabi
naman na nila sa akin maaga pa, at inexplain nila na walang magbabago sa pagtingin
nila sa akin. Hindi kasi sila magkaanak, kaya nag-ampon na lang sila. And magic,
ako na yun.

Mahal na mahal ko yung Mama at Papa ko, at hinding-hindi na magbabago yun. Lagi nga
nilang sinasabi na GIFT FROM ABOVE daw ako. Siguro isa na rin sa naging reason kung
bakit sobrang religious ng parents ko eh yung dahilan na hindi sila magkaanak. Noon
kasi nung hindi pa nila ako inaampon, lagi na daw silang nasa simbahan at
nagdadasal na sana bigyan sila ng anak.

Bakasyon pa namin nun pero malapit na yung pasukan nung magising ako isang araw at
naririnig ko na si Mama. Kinuha ko yung salamin ko tapos lumabas na ako ng kwarto
ko. Akala ko kung anong meron.. si Mama lang pala. Nakahawak siya doon sa lababo
namin, at namumutla na siya.

"Mama, okay ka lang?" tinanong ko siya tapos hinimas ko yung likod niya.
"Oo naman anak. Ayos lang ako. Nasobrahan lang siguro ng kain doon sa seafood
kagabi."

Pagkatapos niyang sinabi yun eh yumuko na uli siya doon sa lababo, at alam niyo na
yung kasunod nun.

Nakakaawa naman talaga ang Mama ko nun. Ang aga-aga tapos ganun na.

Ako naman eh hindi na ako makatulog, kaya kinuha ko na lang yung cellphone ko, at
tinawagan ko yung bestfriend ko.

Hindi naman nagtagal, may sumagot naman. Yung sound eh parang bagong gising pa.
Hindi ko naman siya masisisi, past-6 pa lang ng umaga.

"Hello?" parang tinatamad pa siyang sumagot ng telepono nun. "Sino 'to?"

"Ano ka ba, nakikita naman sa cellphone kung sinong tumatawag 'di ba? Bakit
tinanong mo pa kung sino?"

"Eh kasi naman... hindi ko tinignan." narinig ko na nag-hikab pa siya, "Ano bang
drama mo at ang aga-aga mo namang tumawag. Panira ka ng momentum sa pagtulog eh."

"Hindi na kasi ako makatulog. Si Mama kasi narinig ko sa labas. Masama yata yung
pakiramdam. Nagsusuka." pinakinggan ko yung pintuan ko kung ano nang nangyari kay
Mama, pero mukhang wala naman nang sound kaya siguro nakatulog na siya uli.

"Nagsusuka? Bakit daw?"

"Sa seafood daw yata kagabi. Ewan ko ba, napapadalas na nga eh." sa totoo lang,
nag-aalala na talaga ako.

Hindi kaya may sakit ang Mama ko?

"Napapadalas? Sa umaga ba madalas?" parang interesado na yng bestfriend ko.

"Oo. Bakit interesado ka yata ngayon Tjay?"

"Oh My God! Hindi kaya buntis ang Mama mo?"

Nagulat ako sa sinabi ni Tjay. Grabe naman. Si Mama buntis? Eh hindi nga sila
magkaanak ni Papa tapos ngayon... Isa pa hindi maaari. 'Di ba?

"Hoy Maria Teresa Jayne! Huwag ka ngang ganyan!"

"Hello? Baka naglilihi Mama mo. Hindi naman malabong after all these years,
magkakaroon ka na ng kapatid."

Napasandal na lang ako nun. Kahit na bago pa yun sa pandinig ko, parang natuwa ako
at the same time. Magkakaroon na ako ng kapatid!

"Ipacheck-up mo kaya siya.." suggestion naman ni Tjay, "Baka mamaya buntis na nga
pala talaga hindi niyo pa alam. Tapos baka uminom ng gamot yan dahil alam niya
sakit sa tiyan, sige, bawal yun sa buntis!"

May point nga siya. Kung tutuusin, ayoko namang may mangyaring masama sa baby
brother ko, or sister..

"Tama. Papacheck-up ko siya. Kaya ang wala si Papa eh. Eh kung bigla na lang
sumpungin si Mama, 'di ko kaya siyang alalayan mag-isa no!"
"Sasamahan kaya kita! Ito naman! Wala akong gagawin ngayon eh."

"Thanks Tjay ah."

Ako na naghanda ng agahan namin nun dahil nga masama yung pakiramdam ni Mama.
Sinabi ko na kay Mama na ipapacheck-up ko siya. Nung una ayaw pa, simpleng sakit sa
tiyan lang daw yun. Pero ayun, pumayag na rin.

Dumating naman si Tjay bandang 9 na. Tapos yun, umalis na kami ng bahay.

Pagkalabas na pagkalabas ko nga may nakatyo doon sa may poste namin pero kahit
medyo malayo eh nakilala ko na kung sino.

"Oh bakit kasama mo yata Kuya mo ngayon?" hawak-hawak ko pa si Mama sa braso


niya,"Himala yata."

"Sina mader at pader kasi. Ipacheck-up din daw yan. Kagabi kasi hindi makahinga.
Inaatake ng asthma. Pero hindi naman sasabay sa atin yan. Hinatid lang ako dito,
tapos siya na daw pupunta mag-isa. So no worries."

May Kuya nga si Tjay. Si Terrence. Pero ayun, sobrang sungit naman. Sa tinagal-
tagal ko nang bestfriend si Tjay, hindi pa kami nagkakakilala ng formal. Ayon kay
Tjay, ayaw daw ng kuya niya. I wonder kung kilala nga niya ako eh.

"Hoy Tjay! Alis na ko! Bahala ka na!" sumigaw siya kay Tjay nun.

Nakasimangot si Tjay.

"Tingnan mo, ang galang talaga masyado niyan. Pasensya na po kayo tita ah, ganyan
talaga ugali niyan. Napaka-sama."

Nung naglalakad na paalis yung Kuya niya at sinasara na namin yung gate, sumigaw
yung Kuya niya ng...

"Good Morning po Ate! Ingat sa check-up."

Natawa si Tjay nun.

"May natitira pa palang paggalang sa katawan." tapos nakita niya na tumakbo yung
Kuya niya,"Hoy! Sige kapag ikaw hinika sa daan... ewan ko lang sa iyo!"Umalis na
kami talaga sa bahay. In no time, nadala na namin si Mama sa doktor. Ayun, ewan ko
kung paanong test ginawa. Pina-ihi siguro or something.

Kasi pagbalik nung doktor sa kinauupuan namin ni Tjay...

"It's positive."

***2***

Nung sinabi talaga ng doktor yun, hindi mo maipinta yung mga mukha namin. Wala nga
kaagad na naka-react sa amin eh. Si Tjay lang ang unang tumili eh.

"Aaaahhhhhhhhh!" tapos nagtatatalon-talon siya at nawala yata siya sa sarili niya


dahil humawak ba naman siya doon sa damit nung doktor eh. Nalukot pa nga, "Oooww..
sorry po."inayos niya yung damit tapos humarap siya sa akin, "BBBBBBEESSSTTTT!
Magkakaroon ka na ng kapatid!"

Talon pa rin siya ng talon nun. Ako rin naman eh nahawa yata sa pagka-energetic ni
Tjay, nakitalon na rin. Si Mama eh nakaupo lang doon at nananahimik. Yung doktor
nga na nagcheck-up eh nagpaalam na dahil may patient pa daw siyang pupuntahan.

Nung napagod na ako kakatalon at kakatawa, lumuhod ako at tinignan ko si Mama.

"Mama narinig mo yun? Magkakaroon na daw ako ng kapatid!"

Hindi sumagot si Mama. Nakatingin lang siya sa sahig. Ang tahimik nga niya eh. Ako
naman eh nag-alala na ako. Hindi naman basta-basta nananahimik si Mama eh.

"Ma okay ka lang?"

Nung tumingala siya eh napansin ko na naiiyak na siya. Then yun na, umiyak na siya
talaga. Sa sobrang saya na rin niya siguro.

Akalain mo yun after all these years, ngayon lang sila nagkaroon ng anak ni Papa.
At parang hindi pa rin kapani-paniwala na magiging ate na rin ako.

Umuwi na kami nun. Tumambay si Tjay sa bahay. Actually, boring naman talaga sa amin
kaya lang ayaw ko namang umalis at iwan si Mama na nag-iisa. Isa pa, buntis nga.
Mamaya madulas pa siya or something...

Pero panay ang sabi niya na okay lang daw siya. Na pwede daw kaming umalis na
dalawa at kaya na niya yung sarili niya. Kaya ako naman eh ayoko pa rin umalis ng
wala siyang kasama, tinawagan ko na lang si Tita Rowena. Saglit lang eh dumating na
siya at kami ni Tjay eh lumarga na.

Gustung-gusto kong tumambay sa bahay nila Tjay. Hindi naman sila mayaman. Okay
lang. Natutuwa lang ako kasi cute yung bahay nila. Tapos ang bango pa, may mga
scented candles kasi sila eh. Mahilig kasi yung Mama niya.

Pagdating namin doon eh eksakto namang lumabas si Terrence. Tinamaan pa nga niya
ako sa braso ko pero hindi naman siya huminto. Dumire-diretso lang siya sa gate ng
nakasimangot.

"Ayoko nga eh! Paulit-ulit na lang yan Mama!" sabi niya doon kay Tita Jayne, Mommy
nila kung saan nakuha yung 3rd name ni Tjay.

"Oi oi oi.. Terrence Kelvin saan ka pupunta?" parang kunsumido na naman yung Mama
nila.

"Diyan lang po sa tabi-tabi."

Kahit kailan talaga suplado yung kapatid ni Tjay. Ganun na daw kasi yun. Sabi niya
sa akin, mana daw yun sa Lolo nila. Super sungit daw nun. Konting galaw mo lang,
naku may hawak na daw na pamalo.

"Kailan pa bumalik yun?" tinuro lang sya ni Tjay, "Mama, may balita ako tungkol
Tita."Ayun binalita namin na buntis nga si Mama and all that. Saglit lang eh ang
daming pabalot na kung anu-anong pang-care daw kay Mama na dapat gawin. Kesyo dapat
ang buntis eh ganito, at ang buntis eh ganyan.

Nahilo nga yata ako eh. Panay opo na lang din ako.

"Oo nga pala," nakatingin sa akin si Tita Jayne, "Nag-volunteer ka pa rin ba sa


simbahan?"

Tumango lang ako. Lagi naman akong nandun.

"Ayun naman pala eh. Nandun ka naman pala.."

"Haayyy naku mader! Hindi magandang idea yan!" sabi ni Tjay nun. "Hindi pwede!
Huwag mo nang perwisyuhin itong best ko. Ang ganda-ganda ng buhay bigla na lang may
ganun."

"Teka ano ba yun?" hindi ko kasi alam kung ano yung tinutukoy niya.

"Naku wag mo pansinin yan si mader. Magtatanong pa yan kay pader eh."

Ganun lang kami nag-spend ng remaining na bakasyon namin. Minsan nagpupunta lang
kami kung saan, pero madalas nasa bahay lang kami. Bahay ko, o bahay ni Tjay.

Binalita na rin namin kay Papa yung kalagayan ni Mama. Syempre ano pa nga bang
reaksiyon niya kung hindi masaya???

Pagkatapos ng isang linggo, pasukan na naman. Hindi na kapani-panibago na excited


ako. Siguro nga corny pakinggan sa iba, pero kami ni Tjay, excited dahil may
matututunan na naman kami. Hindi kasi kami ganun ka-sociable sa ibang tao sa
school.

Sa public school kami nag-aaral. Public school na tipong, walang electric fan yung
rooms, minsan walang upuan kapag huli ka, may upuan man eh sira yung paanan, may
computers pero kulang, yung iba may virus... you get the idea. Super hirap talaga
ng school namin. Pero kahit ganun pa man, sa school namin nanggagaling yung mga
nananalo sa mga district, regionals, or nationals na competition. Minsan tinatalo
pa namin yung mga private schools eh.

Nung first day of school, sobrang daming tao sa school. Pati kasi mga parents nung
mga first year kasama sa paghahanap nung mga pangalan ng anak nila. Sa mga rooms
ba. Ako naman eh matanda na ako para magganun pa.

Ang aga-aga eh pinagpapawisan na ako. Pati nga yung salamin ko nag-moist na sa


sobrang init. Nung naglalakad ako sa hallway at sa may left side eh garden, narinig
ko na lang na may tumawag sa akin.

"Shaylie!"

Napahinto ako nun. Sino naman kaya yung tumatawag sa akin?

Doon pa sa may tapat ng garden ako nun napahinto. Ang hirap maghanap kung sino.
Kaya lang paglingon ko kung sino yung tumatawag sa akin, si Terrence lang ang
nakita ko. Nakaupo siya doon sa bench sa may garden. Mag-isa lang siya doon.
Tinawag ako ni Terrence? Hindi yata kapani-paniwala yun.

Haay school spirit nga naman. Tambayan na ni Terrence yung bench na yun. Yung mga
kaibigan niya na mga lalaki. Kaya lang hindi pa siguro sila dumarating, kaya ayun,
siya pa lang ang nandun.

"Terrence??" lumapit naman ako sa kanya.

Hindi kasi siya nakatingin nun. Lumingon naman siya nung tinignan niya ako. Tapos
nagsalubong yung kilay niya ng...

"Ano?!?" parang iritado pa siya nun.


Napastep-back na lang ako. Hindi pala siya yung tumawag sa akin. Kasi kung siya
yun, hindi naman siya sasagot ng 'Ano?!?' sa akin 'di ba?

Sasagot na sana ako, kaya lang may kumalabit sa balikat ko.

"SHAY! HOY!" tumingin ako sa kaliwang side ko.

"Johnny!" yumakap naman ako sa kanya, "Kumusta ang bakasyon?"Kaibigan ko yan si


Johnny. Isa sa mga naka-close ko simula nung first year. Eh ngayon binata na yan
hindi na totoy, may pimples na nga eh.

Umalis na si Terrence sa bench nun dahil dumating na yung mga kaibigan niya. 4th
year na kasi siya. Last year niya na dito.

"Bakit kausap mo yata si Quintero?"

Quintero kasi ang last name nila Tjay at ni Terrence.

"Wala. Akala ko siya yung tumawag sa akin. Mukhang nainis nga eh. Ikaw pala yung
tumawag sa akin." dinaan ko na lang sa ngiti, "Si Tjay ba dumating na? Nandito na
yung Kuya niya ah!"

"Naku yun? Maagang dumating. Ayaw daw niyang maubusan ng upuan. Kasi 'di ba nga
last year, naupo siya sa sahig."

Nung naglalakad na kami at hinahanap namin yung room namin, sinabi ko rin kay
Johnny yung tungkol sa Mama ko. Hindi naman niya alam na ampon ako, si Tjay lang.
Pero sabi niya, nakakatuwa daw na magkakaroon ako ng kapatid.

Nakita na namin si Tjay nun. Naglolokohan nga kami eh. Sabi ko kasi gusto ko babae,
para naman naayusan ko. Saka ayos yung babae, parang kapag kailangan niya ng advice
na pambabae, nandito naman ako 'di ba?

Ito namang si Tjay, sabi niya lalaki daw. Tutal daw babae na ako, hindi na daw
kailangan pang madagdagan ng Shay sa mundo. Wala na raw puwesto para sa isa pa kaya
lalaki na lang. Si Johnny wala lang, sabi niya kahit ano daw basta daw normal yung
baby.

Sabagay may point naman siya.

Saglit lang din, nagsimula na yung klase. Ang gulu-gulo pa nga nun eh. Kasi yung
mga teachers kung saan-saan nagpupunta. Nagsusulat lang sila sa board, tapos aalis
kung saan.

Hindi kami sikat sa school. Hindi rin naman rejects. Kumabaga kung may social
pyramid man ang school namin, may mga nasa taas, may mga nasa baba. Kami nasa gitna
nila Tjay at Johnny. Kilala rin naman kami, pero hindi dahil cool kami o kung ano
mang tawag doon. Kilala kami dahil, honor students kami.

Si Johnny honor students din yung dalawa pa niyang kapatid na babae. Yung isa
elementary, yung isa second year. Ako only child, kaya ewan ko yung magiging
kapatid ko balang araw. Siguro nasa blood na rin yun. Pero teka nga, hindi nga pala
kami magiging blood-related ng magiging kapatid ko. But anyway, nasa isang family
kami kaya tiyak baka maging honor student din siya.

Sa opinion ko, may dalawang klase ng matalinong tao sa mundo. Yung una, matalino
dahil gumagawa ng work sa school, ng projects, nagsasaulo kung kailangan.. mga
ganung bagay kaya nakakakuha ng mataas na grades. Yung isang klase ng matalino eh,
gift. I mean, matalino na yung tao na yun, by heart. Kahit isang beses lang niyang
nabasa ang isang bagay, sobrang talas ng memory.. natatandaan pa rin kahit ilang
years pa. Si Tjay siguro nasa pangalawa. Ako doon sa pang-una.

Ang ipinagtataka ko naman eh kung anong itinalino ni Tjay sa school, eh siya namang
kabaliktaran nung kapatid niya. Surviving student lang si Terrence. Mababa ang
grades nun eh. Hindi naman sa lahat ng klase, pero hindi mawawalan ng line of '7'
sa report card yun.

Pumasok ng room namin nun si Arwyn. Late nga siya eh. Pero wala, nakangiti pa rin
siya nun. Alam niya kasi wala lang sa mga tao yun.

"Ang gwapo!!" sabi naman ni Tjay.

Si Arwyn kasi, maraming nagkakacrush. Saksakan naman ng yabang. Siguro nga hindi
dapat nanghuhusga ng tao, pero yun naman yung nakikita ko sa kanya. Ang hangin kasi
niya masyado eh.

"Psst.. may nakaupo ba dito?" tinuro niya yung upuan sa may gilid ko.

Yun na lang kasi yung bakanteng upuan eh. Tinignan ko lang siya, tapos umiling ako.
Tumabi siya nun sa akin, pero inurong niya ng kaunti yung upuan niya para hindi
siya siguro madikit sa akin.

Parang nainis ako nun. Wala naman akong sakit para pandirian niya eh.

Saglit lang, tatawag na naman siya.

"Hey.. may extra pen ka ba?" tinignan ko na naman siya. Tumango lang ako.

Naghanap ako sa bag ko nun. Dahil nga bago yung pasukan, sagana ako sagamit ngayon.

Inabot ko lang sa kanya.

"Salamat." nung sinabi niya yun, parang hindi sincere eh. Basta parang sinab lang
niya, "Bakit naman kulay orange?"

Tinaas ko lang yung balikat ko nun. Tapos nagsulat na naman ako.

"Marunong ka ba magsalita? Kasi kung hindi ka iiling, tatango ka, titingin, mag-
shrug ng shoulders.. ano pa ba? Pipi ka ba?"

Nakakainis nung sinabi niya yun. Kahit kailan naman nakakainis siya eh.

"Hindi." diretso pa rin yung tingin ko nun.

"Uuuy.. nagsalita rin!" tumawa pa siya nun, "Pasalamat ka nga kinakausap pa kita
eh."

Binaba ko yung pen ko nun. Tinignan ko siya uli.

"Ano namang kapasa-pasalamat doon?" sa totoo lang, meron ba? Mas okay nga siguro
kung hindi niya ako kausapin eh.

"Ang sungit mo alam mo yun!" mukhang asar na siya nun.

"Hindi naman ako nagsusungit eh. Sinasabi ko lang, bakit naman ako magpapasalamat
kung kinakausap mo ko?"
"Excuse me Miss, kilala mo ba ko?"

Kilala ko nga siya. Pero hindi naman ako kakagat sa ganun no. Bakit ba ganito tong
lalaki na to?

"Hindi eh. Hindi kita kilala. Sino ka ba?"

Lalo yata siyang naasar nun kasi tinignan niya ako na mukhang galit na yung itsura.

"Saang planeta ka ba galing at hindi mo ko kilala?"

"Sorry.." mahinahon na yung pagkakasabi ko, "Artista ka ba? Hindi na kasi ako
nakakanood ng tv eh."

"Weirdo." sabi lang niya sa akin.

Ang sama talaga ng ugali nun. Hindi na nga niya ako pinansin eh. Basta naupo lang
siya doon at nagopya ng requirements namin.

Napansin ako nila Tjay nun. Kaya nga nung bago mag-breaktime, bumulong siya sa akin
kung ano daw bang nangyari. Kaya sinabi ko naman.

"Bakit mo naman ginanun?"

"Siya naman may kasalanan eh. Wala naman kasi siyang galang."

Panay ang ring ng cellphone niya nun. Hindi ko tuloy maintindihan yung sinasabi ng
teacher kasi naririnig ko siyang makipag-usap. Laking pasasalamat ko nga nung nag-
breaktime na eh. Naiwan ako doon sa upuan. Nauna na si Tjay. Siguro kasabay si
Johnny. Ako kasi nakakalat pa yung gamit ko nun sa desk. Kailangan kong itabi kasi
uso pa man din yung nakawan.

Nakatayo si Arwyn malapit sa pintuan nun. Dadaanan ko na lang sana kaya lang
tinawag ako eh...

"Jimenez.. right?" tinuro niya ako.

"Ha?" hindi ko pa kasi naintindihan yung sinabi niya, "Oww.. yeah. Jimenez. Jimenez
nga. Bakit?"

"Sorry kanina ah. Medyo hindi maganda simula natin. Arwyn nga pala." nakikipagkamay
siya nun.

Nung una hindi ko pa kinuha, pero nakipagkamay na rin ako.

"I need a chem partner. Pwede bang ikaw na lang?"

"Ano kasi.. yung bestfriend ko.." iniisip ko kasi si Tjay.

"Bestfriend mo yung katabi mo kanina 'di ba? Partner na niya yung dude na maraming
pimples." parang nandiri pa siya, "Anyway, ano na?"

"Ewan ko."

"Just say.. yes.. ok?!?"

"SURE??"

"Great."
Dumaan nun si Terrence sa room namin na as usual, ganun na naman yung itsura.
Iritado na naman.

"Arwyn ano na? Kanina pa kami naghihintay ah!"Humarap sa akin si Arwyn nun.

"Oo nga pala, Si Terrence. Terrence si--"

"Shaylie." sabi niya lang ng mahina.

Nagulat ako nun. Kilala niya ko?

"Kilala mo ko?"

Tinignan lang ako ni Terrence.

"Shaylie Jimenez." tinuro niya yung ID ko.

"Ooww.." ngumiti na lang ako pero pilit lang.

Natawa si Arwyn nun.

"Nagulat ako! Akala ko kilala mo talaga 'to.." tinuro niya ako ng natatawa-tawa pa,
"I mean ito??" itinuro niya uli ako.

Seryoso na si Terrence nun. Tinignan niya ako uli.

"Teka, parang kilala kita. Parang nakita na kita.. once or twice.. saan nga ba?"

Sa bahay niyo? Like everyday? Tapos hindi mo ko kilala? Tapos sa bahay ko? Nung
nagpunta ka kahit isang beses lang? Saka ano... yung kapatid mo.. bestfriend ko
lang naman.

Kahit ako hindi ko rin alam kung saan mo ko nakita eh....

"Si Tja--"

"Tama." ngumiti siya nun, "Nakita na nga kita before. Kilala kita."

"Talaga?"

"Oo." humawak siya sa balikat ni Arwyn nun...

"Hindi ba ikaw yung babaeng kumakanta sa simbahan???" si Terrence nga, hindi


maipagkakaila.

***3***

I can't believe this dude. Hindi niya talaga ako kilala. Sabagay, hindi pa naman
talaga kami nag-uusap niyan kaya hindi ko naman siya masisisi. Madalas kapag nasa
bahay ako nila Tjay, wala siya. O kung nandun man siya, nasa kwarto lang siya at
hindi lumalabas. So I'm just.. Shaylie. The church girl.

Tumawa na lang ako ng pilit.

"Oo nga, ako yun."


Bigla na lang may dumating kaya sabay-sabay kaming tumingin na tatlo. Nagulat nga
ako kasi napahawak ako sa dibdib ko eh.

"Ano ba naman ito kanina pa ko nakatayo doon!" tinuro niya yung railings papunta sa
cafeteria namin.

"Sorry kasi ano eh.." tinuro ko yung dalawa kaya lang parang hindi ko maisip yung
sasabihin ko..

"Hi Arwyn!" kumaway naman yung bruha.

"Wag ka ngang maarte diyan!" sabi naman kaagad ni Terrence nung makita niya si
Tjay.

Si Tjay naman, halata mong nagulat na nandun pala yung Kuya niya. Dinaan lang niya
sa ngiti eh.

"Oh Kuya nandiyan ka pala!" tumingin siya sa akin, "Nga pala, naalala mo si Shay?"

"Oo. Kakakilala lang namin."

"Engot ka ba. Matagal mo na siyang kilala eh."

"Kilala ko siya sa mukha, hindi sa pangalan. Siya nga yung kumakanta sa simbahan.."
tapos nagkunut-noo siya, "At ikaw rin yung nagvo-volunteer minsan sa charity work
ng siimbahan di ba?"

"Uhmmm.. oo.."

"Teka nga teka nga.." parang nainis naman si Tjay nun, "Ibig mong sabihin besides
sa kumakanta siya sa simbahan at nagvovolunteer siya, hindi mo siya kilala?"

Seryoso na yung usapan. Ito namang si Arwyn eh sumingit na naman.

"Eh bakit ba kailangang kilala pa itong si Jimenez?"

"Tumigil ka muna diyan.." sabi ni Tjay ng mabilis, "Ang sama mo naman hindi mo
maalala yung bestfriend ko?"

Nanlaki yung mata ni Terrence sa akin. Tinignan niya lang ako tapos bigla niya
akong tinuro..

"Ito bestfriend mo? Kailan pa?"

"Since like... " nag-isip naman si Tjay, "Basta matagal na. Hindi ko na matandaan."

Hinila na ako ni Tjay nun. Nagkunwaring inis siya sa Kuya niya. Nagpunta na kami
nun sa cafeteria para kumain. Ayun panay ang kwento niya na nakakaasar daw yun at
siya na daw ang nagsosorry sa Kuya niya dahil napaka-rude daw. Then afterwards
panay ang sabi niya na ang gwapo daw ni Arwyn. Ako naman sinabi ko na lang na hindi
siya dapat magka-crush doon dahil ang sama naman ng ugali.

"Ewan ko nga bakit magkabarkada sila eh. Sikat si Arwyn, kuya ko hindi naman. Pero
matalino naman si Kuya, si Arwyn.. uhmm.. hindi masyado."

Na-choke ako sa sinabi niya. Si Terrence matalino? Kailan pa? Eh panay line of '7'
nga ang grades nun eh. Well.. hindi nga nawawalan.
"Teka, akala ko ba eh slacker yang Kuya mo at sinabi mo nga na may line of '7' sa
card di ba?"

"Nag-exaggerate lang ako nun. Slacker tawag ko sa kanya kasi hindi naman nagtatry
di tulad ko. Pero hindi pa naman siya nagkaka-palakol." ngumuya pa siya ng chips
niya, "Gusto nga ni Mama mag-apply si Kuya ng scholarship for college eh."

"Oh eh bakit naman hindi?"

"Paano yung magaapply ang may ayaw. Ewan ko ba dun!"

Oh well, I guess hindi na mystery sa akin na magkapatid sila.

Bumalik na kami sa room nun. May dalawa pa kaming klase. Habang nagtatanghali,
lalong umiinit sa room. Pakiramdam ko nga magkakaheat stroke ako eh. Ito namang
katabi ko na mayabang, pawis na pawis na. Inalis na nga niya yung polo niya kaya
naka t-shirt na lang siya ng puti.

Saglit lang eh inabot niya sa akin yung notebook niya.

"Anong gagawin ko dito?" tinanong ko naman kasi pinahawak niya eh.

Bigla ba naman akong tinalikuran.

"Paypayan mo ako, dito.." tapos tinuro niya yung likod niya.

Binagsak ko nga yung notebook niya sa desk niya. Aba sinuswerte naman siya. Pare-
parehas lang kaming naiinitan dito ah. Saka hindi naman ako katulong niya para
paypayan ko pa. Isa pa kapag pinaypayan ko siya, paano ako magsusulat ng
requirements?

"Alam mo Jimenez, akala ko pa naman mabait ka. May pa church-church ka pang


nalalaman eh hindi ka naman pala marunong tumulong sa kapwa mo?"

Arrgghhh. Nakakairita naman 'to!

"Marunong naman." tinaasan ko siya ng kilay ko, "So drop it. Bakit hindi ako ang
paypayan mo para mabawasan naman ang kasalanan mo sa mundo."

"Ano ka sinuswerte?"

So yun, nagklase kami ng sobrang init. Mainit na nga, nakakabwisit pa yung katabi
mo. Paano ka naman magiging peaceful niyan? Sana nga sa right side ko na lang naupo
si Johnny eh, kaya lang sa side kasi siya ni Tjay naupo. Si Arwyn kasi sobrang
hangin. Ayoko pa naman ng ganun. Kesyo ang gwapo daw niya, at ang swerte ko daw na
katabi ko siya, na marami daw naiinggit sa akin.. ano namang pakialam ko dun??

Lumabas na kami ni Tjay nun dahil tanghalian na. Hindi pa kami nakakaalis ng
school, tumawag si Papa sa phone ko at sinabi na wala daw sila sa bahay dahil
sasamahan daw niya si Mama sa doctor. Regular na kasi nagpapacheck si Mama. Kaya
ayun, sabi niya kay Tjay na ako sumabay na kumain.

Pagdaan namin sa Bulletin Boards, nakita na namin na pwede na daw mag sign up sa
Sports. Para daw maaga yung practice ng mga members. Kasi nga by mid-October, may
mga district games na naman.

May isang babae naman na lumapit kay Tjay tapos may inabot na letter. Natuwa nga
yung bruha eh.
"Uuy.. may love letter ako?" excited na excited pa siyang buksan.

Ako naman na-curious. Aba, may admirer effect na pala ang bestfriend ko. Rejects
kasi kami pagdating sa ganyan. Kaya yung mga ganito, bago sa amin.

Kaya lang nakita ko na nag-iba yung expression ng mukha ni Tjay. Bigla na lang
niyang nilukot. Pupunitin na sana niya kaya lang inagaw ko. Gusto ko kasing mabasa.

"Akin na nga! Akin na!" inagaw ko naman.

Then binasa ko yung nakasaulat...

Ate,
Ano po bang number at email address ni Terrence?

Halata mong disappointed si Tjay eh.

"Akala ko pa naman may nagpapabigay na nun.." tapos natawa siya pero nakasimangot
pa rin, "Akala naman nila ibibigay ko yung number niya at email!"

Ito namang si Terrence na palabas na rin ng school para sa lunch, narinig yung last
lines ni Tjay..

"Number nino?"

"Number mo raw.." sabi ni Tjay.

Tumingin siya sa akin nun. Yung tingin na para bang, "Bakit mo naman tinatanong?"

Nung una hindi ko pa maintindihan, kaya sinabi ko na lang eh...

"Oi hindi ako ah! Yung babaeng nagpapatanong!" isa pa ito eh.. may pagka-Arwyn din
paminsan-minsan.

"Tara na nga!" niyaya na niya kami umalis.

Hindi naman sumasabay umuwi sa amin si Terrence. Actually, ako pala yung hindi
sumasabay. Pero I doubt na sabay din umuwi yung magkapatid kahit before.

"Terrence, 'di ka ba sasali sa Sports?"

"Nang-aasar ka ba? Gusto mong masaktan?" nagulat ako sa sagot niya, "Syempre hindi.
Mga tanong mo ah!"

"May asthma nga yan. Kaya hindi pwede.." sabi ni Tjay.

"Sorry nakalimutan ko."

"Frustrated lang yan, hindi kasi makasali ng Sports."

"Hindi ako frustrated! Nakakaasar na kayo ah!"

"Sungit nito! Asar-talo ka lang."

Sobrang pikon talaga si Terrence kasi bigla na lang hinawakan yung bag niya ng
mahigpit tapos iniwan kaming dalawa doon. Dapat nga kasabay na namin siyang umuwi
eh. Tapos konting pang-aasar lang pikon na???

Sinabi ni Tjay na hayaan na lang namin. Siraulo lang daw talaga yung kapatid niya.
Pinanood na lang naming maglakad. Mukhang haragan eh. Parang dumaan sa harap mo
matatakot ka na eh.

Nung nasa gate na siya, bigla na lang siyang huminto tapos lumingon sa amin. Ito
namang kapatid, mapang-asar pa lalo.

"Akala ko ba aalis ka na?"

Hindi niya pinansin si Tjay. Ako naman eh inaayos ko yung zipper ng bag ko dahil
bukas pala. Kaya lang narinig kong may sinabi siya...

"Hoy Bible girl!"

Teka ako ba yun? Hindi ako lumingon kaagad, kasi baka hindi naman ako. Tapos nung
inangat ko yung ulo ko, nakita ko na nakatingin siya sa akin.

"Ako ba?" tinuro ko yuung sarili ko.

"Alangan namang si Tjay? Tingin mo Bible girl yan? Malamang ikaw!" napaka-sarcastic
talaga ng pagkakasabi niya, "Yung kaibigan ko may pinapatanong..."

"Ano ba yun?"

Tumingin lang siya ng seryoso nun. Tapos nakita ko na parang natatawa siya na 'di
mo maintindihan.

"Teka nga bago ko tanungin..." parang nag-isip pa siya, "You seem like the nerdy
type.." inilipat niya yung bag niya sa kabilang balikat niya, "May nagyaya na ba sa
iyo ng date? Ever?"

Sasagot na sana ako ng "Wala eh. Wala namang nasa tamang pag-iisip na magyaya..."
kaya lang humawak si Tjay sa braso ko.

"Syempre naman! Pero hindi siya katulad niyo eh! Mga takot nga kayo eh... kasi
gusto niyo yung kilala niyo lang! Siya kasi masyadong adventurous kaya kahit na-
meet niya online o sa text nakikipag-eyeball and date siya. Hindi lang siya
nakikipagdate sa mga kakilala lang niya! Kaya chupi na Kuya layas!"

Napatingin ako kay Tjay nun. Saan galing yun?

"Really.. e di ikaw na lang pala napapag-iwanan Tjay. No boyfriend. No suitors. No


experience on anything. Kawawa ka naman pala."

"Sino namang maysabi sa iyo Kuya na wala? Excuse me! Kapag umaalis si Shay, kasama
ako! Di ba Shay?"siniko naman niya ako.

"Ooh.. oo naman. Ayoko mag-isa eh."

"May nagtitiyaga sa inyo??"

Tumakbo si Tjay nun tapos ako eh sumunod na lang. Kaharap na niya yung Kuya niya.

"Adventurous nga kami eh." nagyabang naman si Tjay, "Pustahan pa tayo!" sabi niya
ng pabiro.

"Sure." tapos nakikipagkamay na si Terrence nun, "Tig-500 kayong dalawa kung


nakakuha kayo ng date by Saturday. Sama kami ni Arwyn. Dala na lang kami ng kasama
namin. Kapag hindi, babayaran niyo kami ni Arwyn."
Sineryoso niya yung pustahan???

"Sige ba! Feeling mo Kuya ah! Yabang mo hikain ka naman!"

Naasar lalo si Terrence nun kaya umalis na. Ako naman eh hinintay ko lang na
makalayo si Terrence. Si Tjay nun eh humarap sa akin at humawak pa sa braso ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Papansin ka rin eh.."

"Oh my God.. limang-daan yun!" tapos napaisip siya, "Well one thousand kasi kasali
ka."

"Ikaw lang! Ikaw may pakana nun!"

"Eh nakakabwisit eh. Ang yabang masyado..." tapos huminto siya saglit, "Seriously
Shay..."

"Saan ba makakahanap ng date??" uhmmm.. sa kalendaryo?

***4***

May benefit din kapag may bestfriend ka. Pero may mga times na perwisyo rin.
Katulad ngayon, tama bang isali ako sa kalokohan niya? Hindi naman ako naghahanap
ng date eh. At lalung-lalo na wala ring balak maghanap.

Kumain kami sa bahay nila. Then pumasok kami ng hapon at naki-deal na naman ako kay
Arwyn. Mukhang bagong ligo nga si Arwyn nun dahil ang bango-bango niya at iba na
yung suot niyang t-shirt. Puti pa rin, pero may print na. Kahit na nakakabwisit din
naman yang si Arwyn, alam pa rin naman niya ang proper hygiene.

Nung uwian ng first day of school, tumambay sa bahay ko si Tjay. Ayaw daw niya
munang umuwi at baka makita pa daw ng Kuya niya nagkakaroon daw siya ng mental
breakdown. Nung tinanong ko kung anong mental breakdown, ito ba naman ang isinagot
sa akin...

"Shay.." parang malungkot na di mo maintindihan yung boses niya, "Alam mo desperate


na talaga ako magka-date. Hindi lang naman ito dahil sa pera eh. 3rd year high
school na tayo pero wala tayong experience sa ganyan. Ano tayo napapag-iwanan???"

Tinignan ko siya na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo. Tama ba yung naririnig
ko? Si Tjay ba talaga ito? Yung valedictorian namin?

"Desperate? Talaga bang narinig ko yung saling 'desperate' at 'date' na ginamit mo


sa isang sentence?"

"Ano ka ba.. seryoso ako.." tapos nakita ko na seryosong-seryoso si Tjay,


"Nalulungkot lang ako. Kasi tignan mo, compared kina-Stef, kay Maya, Jill.. ano
tayo? Sila kaliwa't kana may nanliligaw. Tapos minsan kapag nagkakaroon ng usapang
pambabae sa school, naririnig kong problema nila lovelife."

"Mabuti nga wala tayong pinoproblema na ganun eh.." sagot ko naman sa kanya tapos
humiga ako sa kama ko.

"Yun na nga eh, wala tayong heart problems kasi hindi naman tayo nagkalovelife."
then humiga siya kasabay ako.. "We're such losers."
Natawa ako nun. Hinampas ko yung unan sa mukha niya kaya lang inalis niya uli.
Tumatawa na siya nun.

"Ilang taon mong pinag-aralan yang english na yan?" gusto ko lang patawanin si Tjay
kapag nagiging super seryoso siya. Hindi kasi ako sanay eh.

Sa totoo lang, may point din si Tjay. Siguro nga may gift kami na "brains" sa
school. Siguro nga sumobra kami sa brains, pero masyado naman kaming walang alam
pagdating sa whole "Dating" thing. Wala kasing nanligaw sa amin, at tiyak wala ring
magbabalak. I mean, may mga nagkacrush sa amin, pero crush yun. Ewan ko ba bakit
napakabig deal.

Nung sumunod na araw, maaga ako ng pumasok sa room. Malamig-lamig pa nun hindi
katulad kapag tanghalian talaga. Nakaupo na ako nun sa upuan ko at yung ibang
classmates namin eh binati na ako ng 'good morning'.

Hindi naman nagtagal, dumami na kami. Wala kaming alarm sa school hindi katulad ng
ibang schools na alarm lang, alam mong time na. Kami bell. Kung hindi man mag-bell,
basta pumasok yung teacher, yun na yung sinasabing time.

Anyway, pumasok naman na si Arwyn nun. This time, hindi naman siya late. Wala pa
kasi yung teacher nun. Dami ngang girls sa class namin na bumati sa kanya, tapos
ngumiti lang siya. Yung pwede nang close-up smile.

Sinimangutan ko nga eh. Kaya lang tumingin doon sa direksiyon ko. Sabagay titingin
nga yun dito, dahil katabi ko nga yung upuan niya. Kaya lang imbis na dumeretso ng
upo, tumayo ba naman sa harap ko, at nilagay niya yung kamay doon sa notebook ko
kaya natatakpan yung sinusulat ko.

Tumingala naman ako...

"Ano na namang problema mo Velasco?!?" Velasco ang last name ni Arwyn.

"Good morning to you too!" sagot naman niya sa akin.

Hindi ko naman siya binati. Ang lakas din mang-asar nito eh.

"Alisin mo nga yung kamay mo at nagsusulat ako.." inaalis ko yung kamay niya kaya
lang ang bigat eh, kaya wala ring nangyari. Nalukot tuloy yung page na sinusulatan
ko. "Hoy ano ba!"

"Ano na naman yung naririnig ko kay Terrence?" ang lakas ng boses niya kaya yung
iba nakatingin sa kanya,"May date ka sa Saturday?"

"Pwede ba huwag mo kong guluhin nakakainis ka naman eh.." sa totoo lang, ayoko
naman talagang sagutin yung tanong niya.

Ayokong magyabang dahil hindi naman totoo. At ayoko ring magyabang, dahil wala
naman talaga. Naku Tjay, sasamain ka talaga sa akin!

"Tapos nakikipag-date ka ng mga hindi mo na-meet? Hindi ba nakakatakot naman yun?"

"Bakit naman nakakatakot? I mean, kung alam mo namang teenager.. 'di ba?"

"Paano mo nga malalaman kung online? O kung text?"

"Well.. ang sinasabi namin.. hindi namin kilala na friends ng mga friends namin na
nakakausap namin sa chat or text." Hay, iba nga naman nagagawa kapag in-need ka,
nakakapagsinungaling ka. Sorry po God!! Kailangan ko lang talaga...

Tumingin ako sa kanya ng suspicious...

"Teka nga, bakit ba ang laki ng problema mo? Kung masamang tao man yun, eh ano
naman sa iyo? Hindi naman ikaw yung makikipag-date."

"I'm just saying!" sabi niya tapos naupo doon sa upuan niya, "Kasi kung date lang
ang hanap mo, I mean kung experience lang naman, I can give you that.." nagyayabang
na naman siya, "Marami na akong naka-date."

"Like.. who cares?" sabi ko na lang.

Generally, I'm not a sarcastic person. Pero pagdating kay Arwyn, hindi ko maiwasan
eh. Kasi parang hindi ko kayang mag keep up sa kanya. Yung mga remarks niya kasi,
puro sarili lang niya. Hobby na niya siguro. Hindi kaya siya nagsasawa?

"Ang suplada mo alam mo yun?" sinabi niya sa akin, "Oh well, alam ko naman na wala
kang date eh."

That's it. Naubos talaga yung pasensiya ko.

"At sino namang maysabi sa iyo na wala? Alam mo parehas kayo ni Terrence eh. Mga
stuck-up kayo. You feel like.. "you're all that"." sabi ko kaagad ng mabilis, "Kung
si Terrence sobrang sungit, sobra ka naman ng kayabangan." tapos sinara ko ng
malakas yung notebook ko.

"Kailangan mo ng anger management."

"Malamang!" sabi ko tapos tinalikuran ko na siya.

Hindi ko na siya kinausap all morning. Siya naman kinakausap pa ako, pero nanghiram
na naman siya ng bagong pen. Yung una nga hindi na niya isinoli tapos ngayon
nanghihiram na naman. Nakakaawa naman eh at baka ma-zero pa doon sa "what do you
expect from me" quiz, pinahiram ko na naman.

Nung nag-lunch na kasi kami, hinila ko na si Tjay nun. For the first time, nasa
side ako ng isa sa mga walang kwentang idea ni Tjay.

"Tjay.." nagulat siya kasi hinila ko siya sa braso niya, "Nasa side mo na ako."

"Ano?" hindi pa niya alam yung sinasabi ko.

"Yung.. yung maghanap ng date thingy.."

Parang nag light-up yung mukha niya. Alam niya kasi na hindi ako favor sa idea na
yun, pero ngayon parang nagbago ang ihip ng hangin.

May miracle pa nga sa mundo.

"Oo. Binibwisit kasi ako ni Arwyn kanina. Pinalalabas niya na kung experience lang
din naman ang gusto ko, pwede na akong makipagdate sa kanya. Alam mo yun, parang
sinasabi niya na pwede na akong pagtiyagaan."

"Sana pumayag ka! Si Arwyn yun!"

"Hello? Hindi naman ako ganun kababa nun. Kailangan natin i-prove diyan na mali
sila. Hindi dahil sikat sila.. o matalino.. or mabilis sa girls.. hindi ibig
sabihin na kaya na nila tayong ganunin no.." sumimangot talaga ako,"Nakakainis kasi
eh."

"Oh easy lang magkaheart attack ka.."

Magre-react na sana ako sa comment ni Tjay kaya lang may nauna eh.

"Teka, sinong may heart problems?!?" seryoso nun si Terrence. Ito naman, bigla-
bigla na lang sisingit sa usapan ng may usapan.

Tumingin naman si Tjay.

"Wala. OA ka Kuya ah. Seryoso ka kasi sa buhay kaya yung joke na 'heart attack' eh
ibig sabihin nun, 'easy ka lang.' Hindi yun literal."

"Shut up sis. Hindi ako nagsasalita ng retarded tulad mo." tumingin siya sa akin,
"Anong bago Bible girl? May nagtiyaga na sa inyo sa date?"

Si Tjay na naman ang sumagot para sa akin.

"Ihanda niyo na yung one thousand dahil matatalo kayo. Alis na nga Kuya sinisira mo
yung araw ko eh.."tinulak niya si Terrence nun.

"Hindi ka ba uuwi?" nagtanong siya, pero this time, mahinahon na totoong, pang-Kuya
talaga. "Saan ka kakain?"

"Sabay na kami. Diyan siguro sa cafeteria. Bahala na. Huwag mo kaming problemahin.
Maghanap ka na lang ng mauutangan ng limang-daan."

Tumawa lang si Terrence nun.

"Sige. Uwi lang ako. Gutom na ko eh."

Nag-bye kami ni Tjay nun. Ewan ko kung anong pinagsasasabi niya na sa cafeteria daw
kakain. Ang alam ko nga sa bahay ako kakain, pero ngayon parang iba na yung plano.
Mukhang merong nasa isip si Tjay eh.

"So.. anong plano mo?"

Sabi ko nga ako eh..

"Anong plano??"

"Saan tayo hahanap ng date?" hindi na nagbibiro si Tjay, "Siguro naman may idea ka
'di ba?"

"Eh kung.. manghula tayo ng number na itetext. Tapos kung may sasagot, tanungin
lang natin kung teenager or whatever.."

"Pangit na idea yun. Paano kung taga ibang lugar o mukhang halimaw yun? What if
hindi na teenager?" tapos nag-isip din siya, "Paano kung magtanong na lang tayo ng
schoolmate natin? Hindi naman siguro lahat dito kilala nila Kuya 'di ba?"

"Nakakahiya yun no! Tayu-tayo nga lang kadalasan ninenerbiyos na tayo kapag may
guys eh. Saka kaya mo ba?"

"Hindi no. Akala ko ikaw magsasabi eh."

"Anong sasabihin natin? Hello pwede ba ikaw ang maging date namin?"
Nag-isip kami nun. May idea pa nga si Tjay na may vandalize doon sa playground ng..

Need a date? Guys ages 14-18. Text 0921*******

Kaya lang hindi ako pumayag. Kasi kahit papaano, volunteer pa rin ako ng simbahan.
At against sa will ko yung pagvavandalize.

Then kung anu-anong idea yung pumasok sa isip namin. We came up with two. Yung
talagang reasonable at hindi naman nakakahiya.

Una, pupunta kami doon sa school website at makikipagchat. At least doon hindi
personal, okay lang na magsabi. Thousands din ang population ng school, kaya okay
lang magyaya ng date.

Actually may school website kami, pero hindi naman yun authorize ng school.
Actually, I doubt na may teacher na nakakaalam nun. Sa students lang sikat yun.
Ewan ko nga paano kumalat, pero ang hatak eh. May isang student kasi na
administrator ng site na gumawa nun. Pero hindi naman niya sinasabi yung name
niya.. so yun.. alam lang namin username niya.. si darkcrazy_vampire. Ni-hindi mo
nga alam kung anong year niya, o anong age niya. Basta alam namin, siya yung nag-
create. Chat at forum doon. Usually about school stuff and chismis. May chismis nga
hindi mo naman kilala lahat, so what's the point?

So yung second na idea namin eh itext yung pinsan nila Tjay na taga ibang school
tapos ihanap kami ng date doon. I guess mas decent pa nga yung idea na yun kaysa
doon sa una. Pero sabi ni Tjay, ang alam ng kuya niya eh total stranger daw ang
dinadate ko, so bakit hindi ko na daw pinangatawanan. Una naming ginawa yung number
2, tinawagan niya kasi yung pinsan niya.

"Oo. Talaga? Thanks ha! I owe you a lot!" nakangiti nun si Tjay.

I guess success 'di ba?

"Anong sabi? May date na daw tayo?"

"Tangek wala pa. Pero baka meron. Sabi niya sasabihin daw niya sa friends niya
doon. I-meet daw natin sa Friday sa Wimpy's. 2 ng hapon. Eh ayun, para daw
magkakilanlan. Okay na rin yun 'di ba?"

"Sounds good to me. Eh bakit hindi na lang kasi pumayag 'di ba?"

"Ikaw ba kapag may nagsabi na iseset-up ka sa date at hindi mo kilala papayag ka


ba?"

"Hindi."

"So huwag ka na mag-reklamo diyan!"

Kumain lang kami ng burger nun kasi wala na kaming time na kumain pa sa kakadaldal
namin. Napagkasunduan namin na sa gabi na lang kami mag log on sa site ng alas-7.
Basta daw susubukan niyang maghanap, at ako din eh susubukan ko maghanap.

Siguro nga masyado occupied yung utak ko kasi wala akong naintindihan sa lessons
namin. Sa pagyayabang nga ni Arwyn nung hapon, hindi ko na napansin. Iba talaga
pala kapag may pinoproblema ka.

Nag goodluck kami ni Tjay sa isa't isa para mamaya. Sabi ko nga bakit kailangan pa
naming maghanap kung yung pinsan naman niya ang maghahanap para sa amin. Sabi niya,
kailangan daw may reserve kami in case na magkaproblema. Saka hindi daw sigurado
yung sa pinsan niya dahil Friday yun, at Saturday yung date.

So here's the thing.. umuwi ako nun sa bahay ng maaga. Wala pa naman kaming
homework so pahiga-higa lang ako sa couch namin. Tapos si Mama ang daming
hinihinging soup.. ewan ko kung pinaglilihian niya na yun kasi yun lagi ang
hinihingi. At ayaw daw niyang maamoy yung pabango ko, nasusuka daw siya. Eh
samantalang siya yung bumili nun dati dahil ang bango daw.

Geez.. being pregnant is so complicated.

Nanood lang ako ng TV. May mga palabas nga na horror kaya lang hindi ko nilagay.
Baka kasi makaapekto sa Mama ko eh. Safety first na para sa magiging kapatid ko.
Alam ko overprotective na ako, pero ganun talaga.

Nung quarter to seven na, nainip ako kaya umakyat ako sa kwarto ko nag-online na
ako sa website ng school. Ang username ko eh daisies_23. Ang corny nga daw sabi ni
Tjay eh, pero hayaan mo na. Kaysa naman magpalit pa ako.

Nagsign in ako doon sa java chatroom ng site. Ang konti ng tao. 8 lang kami. So yun
nag-chat ako doon sa mainboard.

daisies_23: hi po sa lahat!
Then panay flooding ng number nila. Na i-add daw sila sa mga friends community.
Pahingi daw testimonial, comment.. basta panay ganun.

Haay ang boring naman dito.

Then nagsign-in si darkcrazy_vampire. Sabi lang niya eh, "Flooding is strictly


prohibited in this chatroom."

Tuwing may nagflooding, yun lagi ang tinatype niya. I wonder kung tinatype ba niya
yun, o machine na instant.

Anyway, may nakachat ako na dude. Nag-PM sa akin eh.

ragna09: hello po. asl?


daisies_23: 15 f. kaw?
ragna09: 13 m. anong year mo na?
daisies_23: 3rd year. ikaw freshman ka pa lang no?

Ayun ang tagal mag-reply...

ragna09: opo ate. bago pa lang sa school.

Ako naman, kahit na 13 ito, pwede naman na siguro di ba? I mean, date lang naman?

daisies_23: anyway, may mga guy friends ka naman di ba?


ragna09: meron naman.
daisies_23: ano name mo?
ragna09: Rap.
daisies_23: oh rap.. I'm Shay. libre ka ba sa saturday?
ragna09: siguro po. bakit?
daisies_23: labas tayo. sama mo friend mo.
ragna09: para saan po?

Geezz... kaya minsan ayaw ko sa freshman eh. Daming tanong.

Sasagot na sana ako doon kay Rap, kaya lang may nag-PM sa akin. Natabunan yung IM
box ni Rap.
Paul: enjoy ba?

Istorbo naman itong Paul na ito.

daisies_23: yeah. bakit naman?


Paul: wala lang. tanong lang. kita ko kasi hindi ka na nagtytype sa mainboard di
katulad kanina. May ka-chat ka na?
daisies_23: meron naman na.
Paul: sino si ragna09?

Nainis ako nun. Paano niya nalaman?

daisies_23: Teka, paano mo nalaman?


Paul: magaling ako eh. Alam ko lahat dito.
daisies_23: whatever. yung admin lang may alam lahat dito. Eh sino ba si admin? si
darkcrazy_vampire.
Paul: eh sa alam ko nga eh. Niyaya mo nga sa sabado 'di ba? Tinanong mo pa anong
pangalan? At ano ba yung sa iyo? Shay?
daisies_23: teka, siguro sinabi sa iyo nung ragna na yun no?
Paul: hindi ko nga siya kilala.
daisies_23: eh paano mo nalaman? hacker ka ba! papa-ban kita kay darkcrazy_vampire.
Paul: okay. be my guest.

Ayun, feeling stupid, sinubukan kong i-pm si darkcrazy_vampire. Sikat kasi sa site
yun, so malamang suplado yun. O baka hindi nagrereply. O baka naman online lang
siya nakalagay, pero machine yung may nagtytype ng rules. Malay ko ba hindi naman
na ako webmaster.

daisies_23: Ei kuya, pwede po bang pakiban yung may username na Paul? Kasi po
hacker yata eh.
darkcrazy_vampire: lol.
daisies_23:
Paul: bakit ko naman ibaban yung sarili ko?

Nakita ko yung name na darkcrazy_vampire na lumabas sa isang IM box, then nag-


change to Paul.

daisies_23: Ikaw yung admin?


Paul: yeah. I can change my username whenever I want to.
daisies_23: ano namang deal doon sa pagyayaya ko kay ragna? Bakit ba nakikisingit
ka?
Paul: wala lang. nakikita ko kasi lahat ng messages sa archive. natawa lang ako sa
inyo. pati ba naman first year.. shay right?
daisies_23: alam mo, nakakainis pala yung admin dito.
Paul: may messenger ka?
daisies_23: meron.
Paul: naka-on ka? anong email mo?

Binigay ko naman yung email ko sa kanya. Tapos saglit lang, nakita ko na may nag-
add sa akin.

Paul: may mic ka and headset?


daisies_23: meron. bakit ba?
Paul: basta tignan mo na lang.

Nakita ko na ginamit niya yung call option. Nakinig naman ako doon sa boses. Tapos
narinig ko nag-hello siya.
Lalaki nga yung webmaster ng site ng school.

"Hello?"

"Anong last name mo?"

"Bakit ko naman ibibigay sa iyo?"

"Never mind. Makikita ko nga pala sa site. Sa registration mo." tapos ewan ko,
narinig ko nag-click siya,"Shaylie Jimenez. Junior."

"Oo bakit naman?"

"Eh bakit naghahanap ka ng date sa site ko?"

"Eh ano naman sa iyo? Wala naman sa rules yun di ba? Na bawal?" totoo lang, wala
talaga.

"Wala naman. Natatawa lang ako."

Nakita ko na nag-invite siya para i-view ko yung cam niya. Ako naman ewan ko kung
bakit gusto niyang makita ko siya, so ini-accept ko.

Ang tagal nga ng response eh. Siguro dahil dial-up yung connection ko. Pero sumunod
na lang na alam ko, nagkaroon na ng connection... nahulog ako doon sa upuan ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Sup Shay?"

"Terrence? Ikaw yung admin ng site?"

Delayed yung actions niya sa cam, doon sa boses niya.

"I guess you can call me that. I can't believe wala ka pa ring date. Sabi ko na nga
ba nagsisinungaling lang si Tjay eh." tapos tumawa talaga siya ng nakakaasar..

"Uhmmm.. ehh.. ano eh.."

Geezz....

Talk about worse than public humiliation!

**5***

Sobrang hiya na talaga ako nun. As in pakiramdam ko sana eh bumuka na lang yung
lupa at isama na akong lamunin doon at huwag na akong lumabas uli. Akalain mo yun,
sa dami-rami naman ng makakahuli sa akin, si Terrence pa! Kapag minamalas ka nga
naman!

At ito pa, malay ko ba na siya yung admin ng site! Seriously, hindi ko inaasahan.
Ni-hindi ko nga alam na mahilig siya sa web desgning eh. Ewan ko ba, marami kasi
akong 'di alam sa Kuya ni Tjay. Kaya yung mga bagay na ganyan, wala akong idea.

Kung hindi ko alam, siguro si Tjay din. I mean hello? Wala rin siyang nabanggit na
yung Kuya niya ang admin. Kasi kung meron, hindi naman siya papayag na maghanap
kami doon 'di ba?

"Err.. ano kasi..." sabi ko at parang wala na akong maisip na isagot sa tanong
niya, "Naghahanap lang ako ng date para sa susunod pang linggo. Alam mo naman, may
date na kami this saturday. And after that, kailangan namin ni Tjay ng bago..." ano
ba yan, saan na naman galing yun?

"Really?!?" narinig ko yung boses niya na parang hindi naniniwala, "As far as I
know ang sabi mo 'this' saturday, not the next next one."

"Sinabi ko ba yun? Typo lang siguro." wow Shay, matinding kasalanan na itong
ginagawa mo, "Anyway, MR. ADMIN, bakit wala yatang nababanggit si Tjay na ikaw yung
gumawa ng site ng school?"

"Paano naman niyang mababanggit eh hindi naman niya alam?" sabagay may point naman
siya, "Hindi ko naman sinabi kahit kanino eh. Ikaw pa lang nakakaalam. So oras na
may sabihan ka na ako yung admin, sasabihin ko sa lahat na desperada kang maghanap
ng date. Are we clear?"

Blackmail ito! Ang sama ng ugali! Kaya lang ang masama, ako yung talo.

"Fine." ano namang maga-gain ko kung sabihin ko 'di ba? Kung tutuusin baka nga
sumikat pa siya eh. Come on, ang ganda-ganda ng site ng school namin.

Baka nga isipin pa nila genius siya.

Oh well, baka nga genius siya hindi ko lang alam dahil hindi ko naman siya
classmate. But anyway...

"Nakakainis yung buhok ko.." tapos nakita ko na humawak siya sa buhok niya, delayed
pa rin, "Teka lang ah."

Tumayo siya at kitang-kita mo na may kinuha siyang nakasabit doon sa pintuan niya
na ball cap. Tapos naupo siya harap uli ng PC at naka-cap na siya. Pabaliktad nga
lang. White and Blue yung kulay ng cap niya. Ang cute nga tignan eh. Parang ang
neat niyang tignan.

Hindi naman pangit yung buhok niya. Siguro may standards lang talaga ang mga
lalaki. Parang babae, medyo conscious din paminsan-minsan.

"Aminin niyo na kasi ni Tjay na hindi kayo mga pang-date na type."

"Bakit ba napakabig deal kung nagda-date kami or what? Kasi feeling ko ang laki ng
problema mo sa bagay na yun."

"I'm doing you gals a favor. I'm saying, kailangan niyo ng social life. Not just
books."

"May social life naman kami eh. Hindi lang kayo naniniwala. Naku kapag nagpakita
talaga kami sa sabado kasama yung dates namin, mapapahiya talaga kayo ni Arwyn.."
sa totoo lang kabado talaga ako, pero feel ko lang sabihin yun kasi parang
nakakagaan sa pakiramdam.

"Bahala kayo." natatawa pa siya nun.

"Teka nga pala, bakit Paul yung name mo doon sa site?" napaisip din naman ako, "As
in, nakuha mo kay Saint Paul?"

"Hindi. Yun lang naunang pumasok sa isip ko." tapos niyang sinabi yun eh narinig ko
na lang, "Online na si Tjay."

Tinignan ko yung mga online doon sa site. Ayun nga, nakita ko yung username ni
Tjay. Nandun na kasi yung, Punk_T.

Magtatype sana ako doon sa IM ni Terrence ng thanks, kaya lang black na yung cam
niya. Tapos sa IM box nakalagay nag sign-off na siya. Ang rude talaga nun. Hindi
man lang nag-papaalam.

Nakita ko sa site na nandun pa rin siya. I-PM ko sana, kaya lang nagbago isip ko.
Wala naman na akong sasabihin.

Si Tjay na ang sunod na nag-message sa akin. Si Rap, wala na. As in hindi ko na


nireplyan, at offline na rin naman na siya. Then itong si Tjay eh panay ang sabi na
tuloy daw ang modus operandi namin, pero naisip ko na nababasa nga ni Terrence yung
mga messages kaya sinabi ko na sa messenger na lang kami mag-usap.

Hindi ko sinabi sa kanya na si Terrence yung admin. Takot ko lang na ikalat niya na
naghahanap ako ng date doon. Sabi ko lang na nahihiya ako at hindi ko talaga kaya
na maghanap ng date na ka-school namin, kaya sabi niya ang arte ko raw at pumayag
din naman. Sabi niya ipagdasal na lang daw namin na pumayag yung mga nahanap ng
pinsan niya, dahil kung hindi eh maghanap na daw kaming dalawa ng tig-500.

Kinabukasan nung nasa school na kami, nag-check na si Tjay doon sa pinsan niya
tungkol doon sa kaibigan niya na "date" daw namin. Ayun, sabi ng pinsan niya tuloy
pa rin daw at magkikita nga daw sa Friday. Wednesday pa lang nun, pero pakiramdam
ko nauubusan na kami ng oras.

Try-outs na ng basketball at soccer nun. Lahat ng barkada ni Terrence nun eh


nagtry-out sa basketball. Siya nga lang ang nakatayo doon sa gilid ng gym eh. Kung
minsan di ko alam kung maawa ba ako sa kanya or what. Kung wala siguro siyang
asthma, siguro nag try-out na siya. Ang hirap din kapag may ganun. Mabuti na lang
ako eh wala.

Nung gym namin ng thursday ng hapon, nag-battery test kami. Ang nakakainis, inuna
sa amin yung Mile Run. Ayaw na ayaw ko ng mga takbuhan, dahil super duper napapagod
ako. Alam ko na iyon ang purpose nun, pero ayoko lang talaga ng takbuhan. Si Arwyn
naman, parang excited pa nun. Palibhasa kasi nasa Basketball Team, kaya feeling
niya ang galing-galing na niya.

Kami ni Tjay ang pinakamabagal tumakbo nun. Actually ako lang pala, sumasabay lang
si Tjay. Siya kasi pwedeng-pwede naman akong iwan, kaya lang ayaw naman daw niya na
ako daw yung last at ako na lang yung maiwan sa track. Then sinabi ko sa kanya na
okay lang na iwan niya ako dahil nga baka mahawa pa siya sa mababang minutes ko,
kaya tumakbo na siya ng mabilis.

In no time, ako na lang yung tumatakbo mag-isa. At nakaka-dalawang lap pa lang ako.
Apat pa naman yung kailangan. Super duper nakakahiya talaga.

"Kaya mo yan Jimenez!" sumisigaw pa nun si Arwyn. Siya kasi ang unang natapos sa
guys. Pero may kasabay siya sa girls, yung girl na nasa track team na classmate na
rin namin.

Ni-Ayaw ko ngang tumingin sa direksiyon niya eh. Kasi alam ko ako na lang yung
hinihintay. At nanonood lahat sa akin sa misery ko. Ano ba yan.. hindi talaga ako
sporty.

Dahil nga ako lang yung nandun, panay ang motivate sa akin nung gym teacher namin.
Hawak niya yung stopwatch at panay ang sigaw niya ng konti na lang daw tapos na
ako.

Nung nakakalahati ko na yung second lap, humabol si Arwyn sa akin nun.

"Bagal mo naman Jimenez.." sabi niya tapos nakiki-jog na siya sa akin, "Takbo ba
yan o lakad?"

"It's called.. jogging???"

"You mean limping?" tinignan ko siya ng masama nun, ang yabang talaga.

"Wala ka namang magagawa kung mabagal ako tumakbo eh."

"Takbo tawag mo diyan?" tinuro niya yung paa ko, "Takbo eh ganito."

Tumakbo siya ng mabilis. Ako naman eh dire-diretso lang sa pag-jog ko. Nakita ko na
tumakbo siya ng isang lap, tapos huminto siya uli doon sa tabi ko. Nasa third lap
na ako nun. Grabe, ang bilis niyang tumakbo. Naabutan pa niya ako.

"And that's what you call.. athletic.." tinuro niya yung sarili niya at nakangiti
pa siya ng nagyayabang.

"You mean pathetic?"

"Hindi ka talaga papatalo eh no?" sabi niya sa akin kasi napansin niya sumasagot
talaga ako.

"May nagsabi na ba sa iyo na ang yabang mo? No offense." humawak ako sa balikat
niya, "Honest lang."

"Ouch!" humawak siya kunwari sa dibdib niya, "Ang sakit mo namang magsalita! Ikaw
lang nagsabi sa akin niyan!"

"Well, at least ngayon alam mo na."

Natawa rin ako sa itsura niya nun. Kasi umaarte eh. Tumakbo naman ako nun kaya
naiwan siya kasi nga nag-iinarte pa nga. Hindi pa naman ako nakakalayo nun eh..

"Tara na nga.. bilisan na natin!"

Nagulat na lang ako nung humawak siya sa bewang ko tapos binuhat ako. Kaya lang
akala ko bubuhatin lang ako, pero sinabay ako sa pagtakbo niya. Ang bilis niyang
tumakbo, kaya natakot ako na baka bigla na lang akong mabitawan.

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! AAAAYYYOOOOKKKOOO NAAAA!" I swear, natanggal siguro


yung tonsils ko, "AAAARRRRWWWWYYYNNN!!!"

Ayoko naman pumalag ng pumalag. Baka kasi kapag lalo akong pumalag, lalo akong
mabitawan. Pero hindi niya ako binaba. Yung teacher namin nun eh nagtatime pa rin
pero hindi siya nakatingin sa amin.

Nung tumatakbo siya nun, nahulog yung salamin ko. Sinabihan ko siya na huminto,
kaya lang akala niya siguro huminto sa pagbuhat sa akin kaya hindi niya ginawa.
GUsto ko siyang huminto, dahil kukunin ko sana yung salamin ko.

Nung malapit na matapos yung lap, saka lang niya ako binaba para hindi kami makita
nung teacher namin. Nahilo ako doon. Siguro dahil sa pagkakaalog. Nagulat nga yung
teacher namin eh, sabi niya kanina lang nandun pa lang ako sa curve, ngayon tapos
na ako.
Tawa lang ng tawa yung mga classmates namin. Inasar pa nga kami eh. Ako dahil
nahihilo, hindi ko na napansin. Pati si Tjay nun, nakikitawa. Pabalik na kami nun
sa locker rooms, nung sinuntok ko sa braso si Arwyn.

"Baliw ka talaga! Nakakabwisit naman eh!"

Nagbihis na kami nun. Tapos nag-Values Ed lang kami. Wala nga yung teacher namin
eh. Actually, simula nung pumasok kami, hindi pa namin kilala yung bagong teacher
namin.

Nagtaka naman si Tjay kung bakit wala yung salamin ko. Okay naman ako kung wala
akong salamin, hindi naman blurry yung paningin ko, pero hindi ako sanay na wala.
Dahil nga nakalimutan kong kunin, bumalik na lang ako sa field para hanapin.

Ayun nakita ko naman kaagad kasi alam ko naman kung saan nahulog, kaya lang nung
makita ko, basag na. Aarrgghhh! Bwisit talaga!

Kinuha ko na lang yung salamin ko kahit na sira. Baka kasi mapaayos pa or


something. Kasalanan ni Arwyn to eh. Asar naman talaga oh!

Nung pabalik na ako sa room, nakabangga ko pa yung isang sophomore na babae.


Inirapan pa nga ako eh. Tapos may tawa ng tawa doon sa gilid na nakakita doon sa
pagkakabangga ko doon sa babae.

"Anong tawag dun?" sabi niya tapos super duper nakakabwisit talaga yung tono,
"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh."

Kapag nakakainis talaga yung araw mo, hindi nakakatulong kung may mang-aasar pa sa
iyo eh.

"Pasensya na ah! Sorry! Kasalanan ko!" sinabi ko kay Terrence ng super sarcastic.

"Hindi mo kasi ginagamit yung mata mo!" tawa pa rin siya ng tawa nun.

Lumapit ako sa kanya nun sa sobrang inis ko. Tapos kinuha ko yung kamay niya at
nilapag ko yung salamin ko doon.

"OO nga eh, hindi ko ginagamit yung mata ko." then umalis na ako doon sa spot niya
sa bench.

"HOY! Bakit binibigay mo sa akin to??"

"Hindi ko naman ginagamit mata ko di ba? Bakit magsasalamin pa??"

Reading glasses lang naman yun. Hindi talaga malabo ang mata ko. Nahihirapan lang
ako magbasa ng super liit na mga letters. Minsan nahihilo ako. Pero kahit wala pa
naman yun pansamantala, I'm okay.

It was one terrible day.

Nung dumating yung Friday, malamig na yung ulo ko. Cheerful na uli ako eh. As if
may ichi-cheer pa ang buhay ko. But you get the idea. I'm still the same old me,
may mga bad day, merong good. Wala lang yung salamin ko, yun lang ang nagbago.

Hindi man lang nag-sorry si Arwyn sa pagkakabasag niya sa salamin ko. Actually I
doubt na magsosorry siya kasi hindi naman yata niya natandaan eh. Kasi panay ang
kwento niya ng basketball, at walang nasingit na PE namin kahapon. Hindi bale, mura
na lang ang reading glasses. Papabili na lang siguro ako ng bago.
"Dahil wala na yung Captain last year, baka ako na yung maging MVP ngayon. Hindi
ba?"

"Hindi." sagot ko lang.

Napakafeeling naman talaga ng taong ito. Parang kahapon lang sinabi ko ang yabang
niya, nalimutan rin niya yata.

"Ang sama talaga ng ugali nito oh."

Tuwing Friday, may free period ang Junior at Seniors. At ang free period namin eh
yung after lunch. 1:30-2:30. Kaya parang extended lunch hour yun.

Tinawagan na ni Tjay yung pinsan niya uli. Friday.. the meeting day. Sabi ng pinsan
niya, mauna na daw kami sa Wimpy's, at pupunta na daw sila doon. Mas malayo kasi
yung school nila eh. Private kasi. Parang sa facilities, yun ang pinakamagandang
school dito sa amin. Mahal nga lang tuition. Pero the best naman yung turo doon.
Maraming mga matatalino din doon eh.

Almost 2 na kami dumating doon. Dahil hindi pa kami kumakain ng lunch, umorder na
kaming dalawa. Uhaw na uhaw na kami nun dahil sobrang init sa labas. Alam namin na
dapat kaming maghintay doon sa imi-meet namin para kasbay namin silang kumain, pero
hindi na namin napigilan at kumain na kami. Aba gutom na kami ah!

Ang dami naming inorder ni Tjay. Malalaking platter pa nga eh. Tapos sa dessert
namin, may malaki akong ice cream with brownie.

"Ang tagal naman nung mga yun, 2:15 na ah!" sabi ni Tjay pero kumakain pa rin siya,
"Baka ma-late tayo. 2:30 may klase tayo eh."

"Kaya nga. Grabe naman yung mga yun. To think na sila pa yung lalaki."

Kailangan naming sumakay ng jeep kung babalik kami sa school. Kaya kailangan umalis
kami dito ng before 2:30 para on time lang kami sa second period class namin ng
hapon.

Kaya lang nung naiinip na kami at tatawag na sana si Tjay, may isang lalaki at
babae na lumapit sa amin.

"TJAY!!!" Sumigaw siya kaya nasamid ako doon sa iniinom ko, "Long tiime no see!"

Tumayo si Tjay nun at kumiss doon sa babae.

"Rae.." sabi naman ni Tjay, "Bestfriend ko nga pala si Shay." tapos natawa siya
nun, "Aba magka-rhyme pa name niyo ah!"

Nag-hello naman sa akin yung Rae kaya tumayo ako at nakipag-kamay ako sa kanya.
Nung tumayo nga ako, ako yung pinakamatangkad sa kanilang lahat. Feeling ko tuloy
poste ako.

"Oo nga pala si Carlo, friend ko." tinuro niya yung Carlo na dude.

Nakipag-kamay yung Carlo sa amin. He looks okay. He looks decent actually.

"San na yung isa??" tinanong naman ni Tjay.

Tama nga, bakit isang dude lang???


"Yun nga eh kaya kami na-late. Hinihintay kasi namin si Jian kanina, yung isa sa
kinausap ko. Kaya lang nasa practice. Tapos dahil siya yung pinagalitan ng coach,
nabadtrip kaya hindi na daw siya sasama. May practice din siya sa Saturday kaya
hindi na siya pwede. Wala naman akong mahanap ng last minute." then tumingin siya
sa amin, "Sorry talaga ah."

"Okay lang yun."

"Well, sorry kung si Carlo lang nahanap ko. Okay naman yan.. 'di ba Carlo?" tapos
ngumiti lang yung Carlo.

"Hey.. okay lang sa amin ni Tjay yun no. Huwag mo nang problemahin. Kami na dapat
ang magkaproblema dun!" sabi ko naman ng nakangiti.

Actually I meant it. Ayoko naman talagang siya ang mamroblema sa paghahanap ng
date.

"So.. since Shay's too tall for Carlo, si Tjay na lang date mo." siniko niya si
Carlo, "Well at least isa na lang hahanapin niyong date. Si Shay na lang ang wala."

"Bigay mo na lang number mo sa akin Carlo para i-text kita mamayang gabi sa details
para bukas. Kailangan na naming umalis ni Shay eh, mala-late kami sa school."

Ang bilis nilang nagpalitan ng number. Ayun, pagkatapos nun nagpaalam na kami doon
sa dalawa, at sumakay na kami ng jeep.

Hindi na ako nagsalita nun. Si Tjay parang ang cheerful hanggang sa bumaba kami.

"Cute din naman siya di ba? I mean come on, mas okay pa siya kaysa sa ibang guys
dito.." nakangiti siya,"Haaay.. at least problem solved."

Napahinto na lang ako at tumingin ako sa kanya. Siya eh napansin ako na huminto
ako, kaya huminto din siya.

"Oo nga eh, your problem is solved." nakakapanghina naman...

"What about mine???" magpupuyat talaga ako maghanap sa kalendaryo ng date...

***6***

Ang malas ko nga naman talaga. Sa dinami-rami naman kasi ng mawawalan ng date sa
sabado, bakit ako pa? Isa pa, saan ako kukuha ng 500 'di ba? Eh baon ko na iyon sa
isang buong linggo eh. Hindi naman pwedeng hindi ako kumain. Hindi naman yata tama
yun.

Ayoko ring sabihin kay Mama. Buntis yun, baka sigawan ako eh makasama pa dun sa
pinagbubuntis niya. Kay Papa hindi ko rin masabi na kailangan ko ng pera, kapag
sinabi ko na dahil wala akong date sa sabado kaya ako magbabayad ng 500 eh baka
mahigh-blood yun. Hindi pa kasi niya ako naririnig na nag-boyfriend, niligawan, o
nag-date man lang. Pero ayos lang naman yun kay Papa.

Si Tjay lang talaga ang pag-asa ko na magpahiram sa akin ng pera. Tutal siya naman
ang nagpasimula nito, siya naman dapat tumulong sa akin na bayaran yun. Dapat nga
wala akong bayaran eh. Nakikisakay lang naman ako.

Teka lang.. may nag-IM sa akin...


darkcrazy_vampire: hoy

Nung makita ko na si Terrence yun, hindi ko sana sasagutin eh. Kaya lang nagtype na
rin ako. Ang babaw ko naman kung magalit pa ako tungkol doon sa salamin ko.

daisies_23: Hoy ka rin.

Sumagot naman siya kaagad. Ang bilis nga eh.

darkcrazy_vampire: sumagot ah... himala.


daisies_23: ano bang drama mo quintero?
darkcrazy_vampire: ako wala. si tjay siguro, si mama at si papa baka meron.

Pilosopo masyado. Pilosopo na may halong nakakainis ang dating. Yun si Terrence.

darkcrazy_vampire: ready ka na bukas?

Naitype ko na yung 'hindi pa' kaya lang hindi ko maisend sa kanya. Syempre tiyak
malalaman niya 'di ba? Kaya sinagot ko na lang eh...

daisies_23: you'll see.


darkcrazy_vampire: OA niyong mga babae. para yun lang.
daisies_23: eh ganun talaga. iba kami.

Nag-open ako ng isa pang browser para mag-check ng kung anu-ano sa net. Kaya lang
nung nakita ko na nakalight-up yung IM box ni Terrence, inuna ko na naman yun.

darkcrazy_vampire: bye.

As in yun lang. Nag-bye na siya. Ni-wala man lang, 'matutulog na ako ah, bye.' o
kaya naman simpleng,'Pagod na ko. Bye.' eh bigla na lang.. 'Bye'. Ano yun?!?

I swear kailangan talagang magpa-DNA test ng magkapatid na yun. Baka kasi may
nagkapalit na anak or something.

Nag-check lang ako ng mail ko. Nag-stay pa ako for another 30 minutes at naglalaro
lang ako ng online game. Kaya nga nung napagod na yung mata ko kakalaro, naisipan
kong matulog na. Past-9 na rin kasi nun.

Nung papatayin ko na yung PC, oddly, yung last box na pinatay ko eh IM box ni
Terrence.

***

Nakahiga ako nun sa kama ko. Lagpas na ng ala-1 at nakahiga pa rin ako at wala
akong ginagawa. Si Tjay bihis na bihis na at si Carlo, yung date niya na sinet-up
ng pinsan niya, ay nasa baba at naghihintay sa amin at malamang siguro eh nakikinig
sa mga kwento ng nanay ko na buntis. Ganun naman kapag buntis at may hormonal
imbalance, kung hindi ka magsusuka, maghahanap ng certain na pagkain, ayaw mo ng
amoy nito, ayaw mo ng ayos ng ganyan, sabi ni ganito, at sabi ni ganyan, eh
malamang baka mabaliw ka kapag may buntis sa bahay niyo. Sabi nila may wonders daw
kapag buntis ka, then I realized, seriously, nasaan ang wonder sa nanay ko??? Ang
tanging WONDER lang na nag-cross sa isipan ko eh kung magiging ganyan din ako
balang araw.

...eeewwww.. talk about gross.

Si Tjay eh panay ang hila ng damit sa closet ko. Ako talaga nagmamatigas, ayoko
talagang tumayo.

"Hindi na nga ako sasama eh! Willing na akong magbayad ng 500 kay Arwyn o kay
Terrence. Kung sino man sa kanila. Pero hindi ako sasama dahil lahat kayo may dates
tapos ako tatayo lang doon at walang kasama! Mukha naman akong ewan nun."

Halungkat pa rin siya ng halungkat ng damit ko. Actually, pinakamarami sa damit ko


eh skirt considering madalas nga ako sa simbahan. Ayaw nga ni Mama yung mga damit
ko na iyon dahil daw maiikli. Eh nung hindi siya buntis eh sabi niya ang cute daw
ng mga skirts ko.

I can't wait when my mother's not pregnant anymore.

"Sumama ka na! Wala namang ganyanan Shay! Ayokong pumunta doon ng ako lang! Hello?
Unang date ko to. Tapos wala ka. What if may nangyaring nakakahiya, please sumama
ka na! At least, may kasama ako 'di ba?"

Tinalikuran ko si Tjay. Naligo na ako kanina pa, pero wala talaga akong balak
magbihis.

"Hindi mo naman naiintindihan eh. Tatayo lang ako doon. Si Arwyn saka yung kuya mo
sabi nila magdadala sila ng date, ikaw meron, ako lang talaga ang wala. Bakit pa
ako pupunta?"

"I'll keep you company! Tatlo tayo nila Carlo. Tingin ko naman maiintindihan niya
eh. Mabait naman si Carlo. Isa pa alam niya hindi nakahanap ng date sa iyo di ba?
Baka nga flattered pa siya na dalawa yung ka-date niya."

"Tangek! Flattered ka diyan! Bankrupt kamo dalawa tayo."

Dahil kaka-kulit sa akin ni Tjay, saglit lang eh nakita ko na yung sarili ko na


naka-skirt at pink na blouse then naka sandalsl ang ako ng puti na may lining lang
ng pink.

Sinabi ko sa kanya kapag nagmukha talaga akong ewan doon, uuwi talaga ako. Pero
nag-promise siya na hindi daw niya ako hahayaang maging poste doon.

So ayun, bumaba na kami at nakabihis na kami parehas nang makita ko si Carlo na


nakaupo doon sa sofa at kung hindi pa naman panghaharass ang ginagawa ng nanay kong
buntis sa kanya, ewan ko na. Hawak kasi ni Carlo yung remote at sabi ni Mama eh
ilipat daw sa cooking channel. Tapos wala pang 5 seconds eh ipapalipat niya doon sa
HBO, o sa movies na tagalog. E di panay ang lipat ng ni Carlo. Tawa nga lang siya
ng tawa eh. Mukhang hindi naman naiinis.

Nagtataka na talaga ako. Bakit yung ibang buntis hindi naman ganyan kakulit? Nanay
ko lang ba talaga?

Sinabi ko kay Mama na tigilan na niya yung pangungulit kay Carlo at nagpaalam na
kami na aalis na kami. Nung naglalakad na kami, napansin ni Carlo na wala nga
kaming kasama. Imi-meet kasi namin sila Terrence sa may sakayan malapit sa school.
Kasi susunduin daw nila yung dates nila. Tapos simula doon, aalis na kami at kung
saan na kami mapadpad.

Malapit lang yung school namin sa bahay namin kaya nilalakad lang namin ni Tjay.
Kaya etong si Carlo dahil taga ibang school, panay ang tanong tungkol sa school
namin.

"Ok ba turo sa school niyo?" sabi ni Carlo ng mahina lang.


"Ayos naman. Hindi naman masama. Well, at least ma alam naman kami." tumawa kami ni
Tjay nun, "Sa inyo alam namin okay na okay. Madalas namin makalaban mga taga sa
inyo eh."

Private school kasi sila. At super mahal ng tuition fee. Tapos pili lang yung
students na nandun sa kanila. Either malaki ang sweldo ng parents mo para paaralin
ka doon, or scholar ka. Pero pretty much, hindi naman pang rich school ang school
niya. Private lang kaya mahal ang tuition.

"Hindi ba may closed gym kayo? Tapos carpeted yung sa cheerers?"

"Oh yeah. Papalitan nga yata nila yung carpet eh. May stains na kasi."

Wow. I wonder kailan kami magkakaron nun.

Anyway.. lakad lang kami ng lakad nun. Nung nakarating na kami sa school, nakita ko
na nakatayo na si Arwyn doon sa tapat ng sakayan at may kasama siyang babae.
Syempre alam ko na yun na yung date niya.

Nakita na niya kami at ngumiti siya. Tapos nag-hi siya kay Carlo.

"Hi Pare, Arwyn nga pala."

Then si Carlo eh nag-pakilala lang din naman. Tinuro niya si Carlo sabay sabing...

"Date mo si..."

Nagtinginan kami ni Tjay nun. Then sinabi ko eh...

"Date ni Tjay." kahit na ayokong i-admit, sige na nga.

"San date mo Jimenez???" parang nakakahalata na siya kasi wala akong kasama.

Si Tjay naman ang sumingit. Siya na ang sumagot para sa akin.

"Nag out of town. Nag-sorry nga eh. Nagpadala na lang ng flowers kay Shay. Hindi
daw niya sinasadya."

This time, tumingin kami ni Carlo sa kanya. As in, saan na naman galing yun???

"Oh yeah... nandun ako eh." sabi naman ni Carlo pero seryoso siya.

"Uhmmm.. yeah.. what she said." napalunok naman ako nun.

"Pare excuse lang ah, kausapin ko lang itong dalawa na ito in private.." sabi niya
tapos hinila niya kami sa gilid, "Usapan, kailangan may date kayo dito. Magbabayad
rin kayo."

Dumating naman si Terrence nun. May hawak siya na keychain at nilalaro-laro niya sa
gilid niya.

"May meeting kayo 'di niyo ko sinasali???"

Tumawa ng tumawa si Arwyn nun tapos tinuro ako.

"Walang date si Jimenez."

Ngumiti si Terrence ng nakakaloko nun. As in yung nakakabwisit talaga.


"Paano ba yan, 500 namin."

"Nakakatawa Kuya!" sabi ni Tjay, ang taray talaga nito, "May date ako. Which means
babayaran niyo rin dapat ako. Ibig sabihin, quits tayong lahat. Walang magbabayad!
HA! Ano ka ngayon!"

Teka.. oo nga no? Bakit hindi ko naisip yun? Ang utak din ni Tjay eh.

"Okay okay.. sige na.. we get your point. Ituloy na lang natin to. Nakabihis naman
na tayong lahat saka may inimbita pa tayong ibang tao.. nakakahiya sa kanila."

Parang ayoko na. Makikita ko na mangyayari eh. Sama-sama silang lahat na couples.
Tapos ako, sa likod lang maglalakad mag-isa! Waah! Kawawa naman ako nun.

"Sige una na kayo. Hindi na ako sasama." sabi ko na lang dahil nagbago yung isip
ko.

"Shay ano ka ba! Di ba napag-usapan natin na ano--"

"Bakit naman Jimenez? Dahil wala kang date?" tumawa na naman si Arwyn.

Sa totoo lang, gusto ko na siyang sabunutan. Kung pwede lang.

"Huwag ka na umuwi, ayos lang yan. Yung iba nga diyan yung date may chicken pox!"
tapos tinignan niya si Terrence.

"Shut up Arwyn! Baka masaktan ka lang!" ang sungit ng itsura niya nun.

Humarap sa akin si Terrence nun. Napatingala nga ako ng konti lang naman kasi hindi
nman nagkakalayo ang height namin.

"May sakit yung date ko eh..." sabi niya ng mahinahon.

"Ako na lang date mo."

***7***

Nagsususpetsa pa ako nung sinabi niya na siya daw ang pwedeng maging date ko.
Parang hindi kasi kapani-paniwala. Siya kasi yung nagpasimula ng pustahan tapos
ngayon siya pala ang walang date. Este ako rin pala. Anyway, sino namang maniniwala
kaagad 'di ba? Kaya nga nung sinabi niya yun eh nakatingin lang ako sa kanya as if
may sakit ba siya sa utak.

"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan!" sabi niya dahil nairita na yata sa pagtingin
ko sa kanya, "Hindi ka dapat tumitingin sa tao ng ganyan. That's so rude."

At binigyan pa ako ng lessons kung ano ang rude sa hindi! Eh bigyan niya kaya ng
lessons yung sarili niya! Mas mukhang kailangan niya nga kaysa sa akin!

"Bakit ba ang sungit-sungit mo para tinitignan ka lang? Masama na ba tumingin


ngayon???"

"You don't stare at people like that!!" sinigawan naman niya ako.
"Bakit mo ko sinisigawan???"

"Nakakainis ka kasi masyado! Hindi ka na lang umoo para tapos na!"

Napansin yata ni Tjay na hindi pa kami nakakaalis eh nagbabangayan na kami ng Kuya


niya. 15 na ako, at si Terrence eh 15 na rin. Mag-16 naman na siya. Syempre mas
matanda siya ng isang taon dahil nga 4th year na siya. Pero wala namn siyang
karapatan na sigawan ako 'di ba?

Actually hindi naman ako galit sa kanya. Natatawa pa nga ako sa mukha niya kapag
galit siya eh. Hindi ko nga napigilan, tumawa na lang ako.

"Ano namang nakakatawa?!?" napansin naman niya ako. Tawa pa rin ako ng tawa nun.

"Wala. Nakakatawa kasi yung mukha mo kapag galit ka."

Napansin ko na nag-relax siya ng mukha. Hindi na siya mukhang galit. Siguro


nahihiya siya kapag nakakatawa yung mukha niya.

So yun nga yung nangyari, lumarga na kami. Wala namang mangyayari kung tatayo lang
kaming lahat doon. Kaming anim eh sumakay lang ng jeep. Tumabi pa nga sa akin si
Awryn at katabi rin niya yung date niya at si Terrence eh sa pinakadulo ng jeep
katabi ko rin at si Carlo at Tjay naman eh sa harapan namin. Wala naman daw talaga
kaming mga plano lahat, pero sabi nila bahala na daw. Usually naman daw kapag may
lakad ang magbabarkada, kung saan lang daw naman napupunta. Hindi naman namin alam
ni Tjay, dahil hindi naman kami nakikisama sa barkada namin. Dahil sa barkada
namin, kami lang... minsan kasama si Johnny.

Nakasundo naman namin kaagad ni Tjay yung date ni Arwyn, si Juana. Sabi nga niya
Joan na lang daw kasi yung name niya pang-matanda. Ang nagtataka lang ako eh kung
bakit sumama siya kay Arwyn eh samantalang napaka-conceited ng tao na iyon.
Samantalang siya mabait naman.

Napag-usapan naming lahat na kakain na muna kami para hindi kami gutom. Dalawa yung
choices, PizzaHauz at Parrot Ice. So nandun pa lang kami sa jeep eh nagtatalo-talo
kami kung saan kakain.

"Parrot Ice na kasi!" sabi ni Tjay nun.

"Oo nga.." tapos tumingin ako kay Joan, tumango lang din siya.

"Parrot Ice? Wala namang makakain diyan. PizzaHauz na lang."

Si Carlo patawa-tawa lang pero halata mong sa PizzaHauz niya gusto.

"Sige na nga botohan na lang. Sinong gusto sa PizzaHauz?"

Nagtaas ng kamay nun si Carlo at si Arwyn.

"Sinong gusto sa Parrot Ice?" tapos nagtaasan kaming mga babae ng kamay namin.

Then nagtawanan kaming tatlo dahil nga 3-2 ang score. Panalo kami.

"Paano ba yan nanalo kami. Parrot Ice na."

"Teka lang hindi pa bumoboto si Terrence eh.." then kinalabit niya si Terrence sa
balikat, "Ikaw Terrence, san mo ba gusto?"

Finally tumingin na rin si Terrence nun sa aming lahat. Hindi niya alam na
nagtatalo-talo kami. Tapos kaming mga babae eh nagpuppy dog look na kunwari eh
nagmamakaawa kami sa kanya.

"Anong choices?"

"PizzaHauz o kaya Parrot Ice." sabi ni Carlo.

Tumingin siya sa aming mga babae tapos nagsalubong yung kilay niya, then ok na
naman uli.

"Give me a break. Parrot Ice?!?" sarcastic yung pagkakasabi niya, "PizzaHauz


syempre."

E di yun. 3-3 yung score. Dahil ayaw patalo ng guys, nauwi pa sa Rock Paper
Scissors yung laban. Si Tjay at si Arwyn ang naglaro. Syempre natalo si Tjay. So in
the end, sa PizzaHauz kami kumain. Date ba talaga ito? Bakit ayaw yata kaming
pagbigyan nung mga lalaki? Ang sama ng mga ugali!

Pero nakita na rin namin yung point nila. Sa PizzaHauz pala, hindi lang pizza ang
sineserve. Specialty lang nila yun. Pero may spaghetti, burgers, saka ice creams
din naman pala. So yun, inorder namin yung ice cream. Gusto sana namin sa Parrot
Ice kasi iba't ibang klase, pero ayos na rin doon.

"Anong order mo?" tinanong ako ni Terrence nun.

Aba, siya yata magbabayad ah.

"Yung medium size na ice cream na lang. Strawberry." sabi ko pero parang hindi
nakikinig si Terrence nun.

"Pizza na lang kaya sa akin," narinig kong bumubulong siya sa sarili niya, "Ano sa
iyo uli?"

"Strawberry ice cream. Yung medium."

Tinignan niya ako nun na para bang may nasabi akong masama. Kaya pakiramdam ko
tuloy parang napakauncomfortable. Mahal ba yung inorder ko? Hindi naman.

Tumingala siya doon sa waitress na naghihintay ng order namin tapos sinabi


niyang...

"Medium ice cream. Mocha-caramel. And a solo-size pizza. Supreme." narinig kong
iniorder niya yung kanya.

Sumingit naman ako.

"Straw---" hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi si Terrence eh sumingit."

"Anong inoorder mo?"

"Yung ice cream ko."

"Inorder na nga kita eh. Mocha-caramel..."

"Pero lagi kong inoorder yung strawberry eh.." nanghihina na yung boses ko nun.

"Yun na nga eh, lagi mong inoorder yun. Dapat mag-try ka naman ng iba." nakatingin
siya sa akin then sa waitress, "Mocha-caramel."
Nagpunta na yung babae doon sa table nila Tjay. Dalawa-dalawa lang kasi yung table
kaya ayun, hiwa-hiwalay kami. Okay lang, halos magkakasingtabi lang naman kami.
Nasa harap ko si Terrence, pero parang iniiwas niya yung tingin niya.

Nung tumingin siya sa akin, parang napansin niya na nanahimik ako.

"Masarap yun ok? Hindi ko naman ioorder sa iyo yun kung hindi masarap."

Pero ayoko nga nun. Gusto ko strawberry.

Ano ba yan, para pala akong bata kahit sa isip ko lang???

"Fine. Kapag hindi mo nagustuhan, bibilihan kita ng extra large na strawberry. Is


that any better?"

Ngumiti ako nun. Ako kasi kapag natutuwa, madalas akong yumakap sa tao. Kahit
lalaki pa. Si Johnny madalas ko niyayakap yun, kaya nung yayakapin ko sana si
Terrence kasi may kabaitan pa pala sa katawan, bigla ba namang nag back-off.

"Whoa whoa whoa.. anong gagawin mo?"

"Wala lang mag thank you." nakangiti na ako nun.

"Mag thank you ka na lang bakit may body movements pa?"

Nakita ko nang ngumiti si Terrence Kelvin Quintero. Pero hindi lang niya habit.
Siguro nga mas madalas mo siyang makikitang irritated kaysa sa nakangiti siya eh.
Pero this time, confused look na naman siya na para bang baliw yung kasama niyang
babae.

"You know what Quintero, ayaw mo lang aminin pero deep inside mabait ka rin eh."

"Kung ayaw mong magbayad ng kakainin mo, Shaylie Jimenez, tumahimik ka na lang.
Pwede?"

Naghintay lang kami ng another 15 minutes or so kasi niluto pa yata nila yung
pizza. Kami lang na mga babae ang nag-order ng ice cream namin. Banana-split kay
Jona, Rocky Road yata kay Tjay. Lahat ng guys pizza talaga. Ang tigas talaga nila,
ayaw magpalit.

Dumating yung order namin. Dumating din yung coke nila Arwyn. Pare-parehas sila ng
inorder. Bakit kaya pare-parehas ang takbo ng utak ng mga yun? May mental
satellite kaya sila of some sort?

Then eto pa yung crazy idea ni Arwyn. Sabi niya, pustahan daw. Siguro nga mahilig
sa pusatahan si Arwyn at si Terrence kasi meron na naman. Sabi nila, dare kung sino
ang makakagawa. Kapag nagawa mo, babayaran ka ng 50 ng mga gustong maki-dare na
hindi mo kaya. Yung coke niya eh nilagyan niya ng toyo, hot sauce, ketchup, salt,
pepper, sugar, may konting banana split pa ni Joan na natunaw na. Kailangan inumin
mo iyon.

I swear nakakadiri talaga yung itsura. Parang brownish na orangy na hindi mo


maintindihan.

"Sinong susubok? 100.." sabi niya at nagbigay na ng presyo, "Girls lang ah."

"Ayoko nga niyan nakakadiri naman!"

"Hindi ko kaya yan.." nakangiti si Joan, pero parang disgusted yung itsura.
This time, humarap sa akin si Arwyn tapos tinaas niya yung pinaghalu-halong kung
anu-ano niya.

"Ikaw Jimenez???" nakakaloko yung ngiti niya, "Dali na! Gusto kitang makitang gawin
mo 'to! Matapang ka naman... ibuhos mo lahat ng pagkasungit mo dito.."

Kay Arwyn kasi madalas masungit ako kaya ganun...

"Ayoko nga! Hindi ako mukhang pera.." tapos binalik ko yung baso sa table niya.

"Dali na.." tumayo si Arwyn sa gilid ko, then lumuhod ng kaunti, "Kaya mo ito. 200
na."

Nilapit niya sa akin yung baso kaya naamoy ko naman. Amoy soy sauce na.

"Ano ba Arwyn! Yuck kadiri ka ayoko!!" pinipilit niya talaga ako na inumin ko eh.

Hindi talaga ako makaiwas. Kasi naman gusto niya talagang inumin ko eh nakakadiri.
Ito namang si Terrence dahil nandun lang sa harapan at nakaupo, inagaw yung baso
kay Arwyn tapos nilagay niya sa table.

"Bakit ba pinipilit mo to? Bakit hindi ikaw ang gumawa at ako na lang magbabayad sa
iyo kapag nagawa mo??" asar na siya kay Arwyn nun.

"Para yan lang ang dali-dali niyan!" ang yabang talaga nito.

Kukunin na sana uli ni ni Arwyn yung baso para inumi niya, kaya lang naunahan siya
ni Terrence.

"Teka parang kulang eh.." tapos nilagyan niya ng patis. Tapos dinamihan niya yung
hot sauce at soy sauce.

Sobrang kadiri. Yung kaninang 1/3 ng baso, buong baso na ngayon.

"Now do it."

Tinignan ni Arwyn yung baso. Ang dami nun. Parang nag-alangan tuloy siya. Tapos
binaba niya yung baso.

"Ikaw na lang ang gumawa, ako magbabayad sa iyo."

"Ok." as in ok lang talaga ang sinagot niya.

Tinignan niya yung baso, then next time na nakita ko eh ininom na lang niya yung
buong baso ng hindi man lang humihinga. As if parang uhaw na uhaw siya at umiinom
ng tubig. Ako naman sa sobrang gulat ko, yung kinakain ok na mocha-caramel na
favorite ko na nga pala officially today, tumulo na sa skirt na suot ko. Grabe,
paano niya ginawa yun?

Binaba niya yung baso tapos tumingin siya kay Arwyn.

"200 ko nga pala." tapos ngumiti lang siya. Totoong ngiti.

"Kuya bakit mo naman ininom yun? Baliw ka ba???" halata mong gulat din si Tjay eh.

Tapos na kami lahat kumain nun kaya ako naman sa sobrang dami ko nang nakita at sa
dumi ng damit ko, nagpaalam na ako na papasok ako doon sa restroom.
May nakabangga ako na babae. Natumba pa nga ako tapos sinabi niya hindi ko daw
tinitignan yung dinadaanan ko. Inirapan pa nga ako. Basta sobrang sama ng tingin
niya.

Ako naman hindi ko na lang napansin. Nag-sorry na lang ako at dumiretso ako doon sa
loob ng restroom. Nanguha lang ako ng tissue at binasa ko ng tubig para maalis yung
mantsa doon sa damit ko. Nung medyo okay na yung skirt ko, nilagay ko yung kamay ko
sa bulsa ng hoodie ko.

Then kinabahan ako...

Yung cellphone ko?

Kinapa-kapa ko yung likuran ko. Useless naman dahil wala namang pockets yung skirt
ko. Yung hoodie lang sa harapan at doon ko nilagay. Wala akong purse, hindi kasi
ako mahilig. Nasaan na ba yun?

Naalala ko yung babae. Yung nakabangga ko. Hindi kaya...

Binuksan ko yung pintuan sa restroom tapos lumabas ako kaagad. Nakita ko yung babae
na malapit na siya sa pintuan at papalabas na naglalakad. Then nilaksan ko yung
boses ko...

"Miss!"

Lumingon naman siya nun. Nung nakita niya ako, binuksan niya yung pintuan at
tumakbo palabas.

Hanep na yun.. mandurukot!!!

Sisigaw na sana ako kaya lang narealize ko nasa tapat ako ng restroom ng guys. May
lumabas pa nga na isa, pero hindi ko na tinignan dahil dumeretso na ako sa table
namin. Si Tjay na lang at si Terrence ang nandun. Hinihintay yata ako. Lahat yata
sila nasa labas na.

"Ninakaw nung babae yung cellphone ko!!!"

"Ano??? Sino???" napatayo naman si Tjay nun.

"Yung babae na kakalabas lang!" tinuro ko yung punto.

Ang bilis na ng tibok ng puso ko nun. Tatakbo na sana ako palabas kaya lang sinabi
ni Tjay..

"Kuya.. hindi mo ba hahabulin?"

Nakatingin lang kasi si Terrence sa sahig nun. Tapos tumingin siya sa akin...

"Bakit ko naman hahabulin? Ano ka sinuswerte?" sabi niya sa akin.

I felt... hurt. Seriously hurt. Kaya nga nung lalabas na ako para ako na lang yung
humabol, pinipilit pa rin ni Tjay si Terrence.

"Tjay ano ba!" sabi niya kay Tjay na parang di ko maintindihan kung galit ba.

"Sorry.." tumingin sa akin si Tjay, "Ipahabol mo kay Arwyn."

Wala na akong time na sabihin pa kay Arwyn dahil nasa kabilang store siya. Ako na
sana yung tatakbo kaya lang sabi ni Terrence..
"Sige na nga hahabulin ko na.." sabi niya ng mahinahon.

Na-relieved ako nun. Kaya lang nakita ko siya na naglalakad ng sobrang bagal
papunta ng pinto. Yung lalaki na nalampasan ko sa restroom kanina eh nakasabay pa
niya sa sobrang bagal niya.

Tinignan ko si Terrence hanggang sa labas. Yung lalaki kanina, wala na. Naunahan pa
siyang maglakad yata. As in naglalakad lang siya na para bang nasa beach siya.
Paano niya mahahabol yung babae kung ganun siya kabagal???

Nakita kong lumiko siya.

"On-crack ba yung Kuya mo?" sabi ko kasi sa totoo lang, there's no way na mahahabol
niya yung babae.

Kabadong-kabado na ako nun. Si Mama ang bumili nun. At buntis si Mama. Alangan
namang sabihin ko eh baka maghysterical yun???

Naghintay lang kami saglit. Nakita ko si Terrence. Cool lang ang itsura niya. NI-
walang pawis or what. As in naglalakad siya ng mabagal. Tapos may binato siya sa
akin, pero nasalo ko.

"Yan na cellphone mo..." then naglakad na siya kasama nila Carlo.

***8***

That day was okay. Pero yun nga, hindi ko maiwasang magtaka kay Terrence. Kasi,
tumakbo yung babae eh. Pero siya naglakad. At hindi basta-bastang lakad lang.
Sobrang bagal talaga. Paano niya nakuha yung phone ko??? Hindi kasi talaga kapani-
paniwala.

Nung lumabas nga kami sa PizzaHauz nun eh nagtinginan lang kami ni Tjay. Tinaas
lang niya yung balikat niya na parang sinasabi niya na hindi rin niya alam. Pero
hindi na niya nakuhang magtanong. Siguro tamang desisyon na yun. Hindi ka kasi
basta-bastang nagtatanong kay Terrence. Masyadong... nakakatakot eh.

After naming kumain nun, wala kaming maisip kung hindi ang manood ng sine. Suspense
na movie yung pinanood namin. Ayaw nga naming mga babae, pero sabi ng mga guys
hindi daw sila makarelate sa mga chick flicks. So ayun, nag end-up kami sa
suspense.

Sa totoo lang, mas takot ako sa suspense kaysa sa horror. Mga suspense movies kasi,
nangyayari sa totoong buhay like murders. Eh yung horror??? Maniniwala ka ba na may
lumalabas sa puno niyo tapos papasok sa bahay niyo??? Come on!!!

Nandoon na kami sa part na hinahabol yung babae at may hawak na palakol yung may
takip sa mukha. Hindi ko talaga makayanan, kaya tinakpan ko yung mukha ko tapos
nakayuko na ako. Naririnig ko lang na nagsisigawan yung ibang tao. Nasa pinakagilid
kasia ko. Nasa kanan ko, si Terrence. Wala na akong katabi sa kaliwa. Then yung iba
nandun na sa kabilang side ni Terrence.

"Ano... wala na ba? Pinatay na ba siya???" hindi ako nag-iinarte, hindi ko talaga
kayang tignan, "Hey Terrence.. ano wala na ba?"

"Paano mong malalaman kung hindi ka manonood?" halata mong inis yung boses niya.
"Ninenerbiyos kasi ako eh.." sabi ko talaga at hindi ako nagsisinungaling, "Sabihin
mo kapag tapos na ah!"

Ang daming sound effects nun. Nabingi ako dahil ang daming sumisigaw. Tumingin nga
ako sa side nila Tjay eh. Si Tjay lang yata sa aming tatlong babae ang nakatingin
sa screen. Si Joan kasi, nakatakip na rin yung mata na parang ako.

Yung tatlong lalaki, tawa lang ng tawa nung pinugutan daw ng ulo yung gardener.
Then naimagine ko naman... ano namang nakakatawa doon? Minsan talaga ang weird ng
mga lalaki. Ibang klase ang mga sense of humor eh. As in tawa sila ng tawa as if
may joke na sinabi.

Haaay.. laking tuwa ko talaga nung natapos yung movie. Although maraming namatay,
nabuhay naman yung lead na babae dahil nasagasaan yung murderer. Kung hindi pa
siguro yun nasagasaan, malamang na-murder rin ang beauty niya.

Hindi naman masyadong eventful yung sinasabing "first date" ko na kung hindi pa
nagpustahan eh malamang hindi ko pa naranasan. Ang masama lang, ka-date ko yung
kapustahan namin. Idagdag mo pa na Kuya ng bestfriend ko. Okay naman si Terrence
eh, kapag may topak lang may pagkamasungit. But pretty much, he's okay.

Nung mag-uuwian na nga nun, syempre nagpapaalam na lahat sa isa't isa. Si Arwyn eh
ihahatid na yung ka-date niya. Ako naman eh nung uuwi na, umiba ng direksiyon si
Terrence. Nakita ni Tjay, kaya ayun, sinermonan.

"Hoy!" sumigaw si Tjay sa kanya, "Hindi mo ba ihahatid si Shay?"

"Bakit nawawala ba siya?" sabi niya tapos tumingin siya sa akin, "Kaya mo namang
umuwi 'di ba?"

Tumango na lang ako. Kaya ko naman talagang umuwi. Hindi naman ako naghahangad na
ihatid pa ako. As if naman, gusto kong ihatid ako ni Quintero.

Anyway, dahil naaawa yata sa akin si Tjay dahil ako lang yung walang kasabay umuwi,
ni-request niya kay Carlo na kung pwede eh isabay na daw nila ako at mauuna na
akong ihahatid. Dahil nga si Carlo eh gentleman 'di katulad ng ibang tao diyan,
pumayag naman siya at wala naman daw yung problema.

Inihatid na nila akong dalawa. Dahil walking distance lang yung bahay nila Tjay sa
amin, hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanila na Carlo. Basta tumawag lang
siya mga 15 minutes later.. at nabingi yata ako...

"SHHHHHHAAAAAYYYYYY!!!!" inilayo ko yung phone ko sa tenga ko eh, "Hindi ka


maniniwala sa sasabihin ko! AAAHHHHHH!!!!"

Sumakit talaga yung tenga ko. Hindi kaya nabasag yung ear drums ko nun?

"Kailangan ba talagang sumigaw?"

"OO! Alam mo ba si Carlo... si Carlo..." parang sa sobrang excited niya eh


hiningal, "Hinalikan ako!!!"

Nahulog ako sa kama ko nun. As in, sa sobrang gulat ko rin.

"Hinalikan ka? Paano? Saan?? Anong ginawa? Diyan sa inyo???"

"Easy ka lang..." sabi niya tapos parang siya nga sa amin ang hindi easy, "Sa
pisngi lang."
"Asus.. akala ko naman..." actually akala ko talaga, "Sa pisngi lang pala."

"Pero at least 'di ba???" mahinahon na yung boses niya nun, "Anyway, sorry talaga
kay Kuya ah. Badtrip talaga yun eh. May pinuntahan pa siguro kasi wala pa hanggang
ngayon."

"Parang 'di pa ko sanay sa kuya mo eh ganun naman talaga yun!"

"Kumusta na pala Mama mo???"

Nakinig ako sa labas nun kung anong ginagawa ni Mama. Kanina pa nagdadaldal yun eh.

"Ayun, hindi na yung tv ang pinagdidiskitahan. Buksan daw lahat ng ilaw. Swerte daw
yun." ang weird talaga ng nanay ko, "Hindi kaya may sakit si Mama?? Kung anu-ano
kasing voodoos ngayong buntis eh."

"Eh buntis nga eh! May hormonal imbalance!"

"Kanina nga lang pinatay ni Papa yung extra lights kasi pati sa bathroom bukas
lahat. Pinapatay niya kapag hindi nakatingin si Mama. Si Mama naman parang psychic,
papasok uli sa banyo at bubuksan. Hindi ba... ano kayang nangyayari sa nanay ko??"

Tawa lang kami ng tawa nun. Hindi ko alam na ganun pala kakumplikado kapag buntis
ka. Nagpaalam na si Tjay nun dahil kakain na raw sila, at sinabi niya na kita na
lang daw uli kami bukas. Kakanta kasi ako sa simbahan... at magsisimba yata sila.

***

Nag-bihis na ako nun ng maayos. Si Mama at si Papa eh naka-formal attire lang din
naman. Naka-skirt na naman ako, this time, mas formal kaysa sa suot ko kahapon. Mas
mahaba lang nag kaunti.

Dumating ako sa simabahan eh maaga pa. Wala pang masyadong tao nun at nagpapractice
na yung choir. Sabi nila, ako daw assign sa verse nun. So sabi ko, okay lang naman.

Then saglit lang din, narinig kong tumunog na yung bell ng simbahan. Napaka-
familiar talaga ng tunog nun. Dumami na ng dumami yung tao, hanggang sa napuno na
rin. Nakita ko na si Tjay saka yung Mama at Papa niya, nakaupo sila doon sa bandang
unahan. Kumaway pa nga siya sa akin eh. Si Terrence lang ang wala.

Syempre, nagsimula na yung misa. Kumakanta-kanta kami sa mga parts na dapat kakanta
at yung ibang mga tao eh sumasabay sa amin. Nagkamali pa nga ako eh, pero natawa
lang kami. Hindi naman halata.

May solo-part ako doon sa verse. Eto lang ang ayaw ko kapag may solo, mag-isa ka na
nga, may speakers pa sa labas ng simbahan kaya dinig ng sambayanang pilipino.

"Panginoon, Narito ako


Naghihintay, sa utos Mo
Lahat ng yaman ko
Ay alay ko sa Iyo
Ikaw ang tanging buhay ko."

Then may babasahin sila na verse galing sa bible, tapos ako na naman yung kakanta.

"Batid ko nga, at natanto


Sa kasulatan Mong turo
Pagsuyo mo, ay itatago
Sa sulok ng puso."

After kong kumanta, sasabay na yung mga choir members na kumanta nung unang
paragraph na kinanta ko. Simple lang naman, pero nakakatouch pa rin.

Maya-maya lang communion na. Saglit lang din eh ginawa na naman yung mga usual na
ginagawa sa mass. Tumagal din ng mga dalawang oras, at pakiramdam ko eh gasgas na
ang vocal chords ko kasi hanggang sa matapos yung misa, kumakanta pa rin kami.

Isa si Tjay sa lumapit kay Father at nag-bless. Nakasabay pa niya nun si Mama at si
Papa. Dahil hindi pa naman malaki yung tiyan ni Mama, sinabi yata nila na buntis
siya kay Father tapos ayun, nagsign of the cross sya sa tiyan ni Mama.

Nakita rin nila Mama yung parents nila Tjay. Si Tita Jayne, at si Tito Kevin. Ewan
ko nga bakit Kevin, akala ko Kelvin. Kasi Kelvin yung second name ni Terrence. Pero
ganun talaga.. iba-iba ang takbo ng utak ng tao.

"Aba ayos tayo sa concert ah!" inasar ako ni Tjay nun, "Parang nasa Araneta!"

Hay naku baliw talaga itong babaeng ito..

Nagkamustahan nun sina Tita Jayne at sina Mama. Magkakilala na sila. Sus, sa
tinagal-tagal ba namang magbestfriend namin ni Tjay, malamang lang kilala na nila
sina Mama.

Then hindi rin nagtagal, pumasok si Terrence. Akalain mo, nandito pala ito? Akala
ko hindi sumama magsimba eh.

"Pa, ano???" irritated na naman siya, "Hindi pa ba tayo aalis?"

Nagsalubong yung kilay ng Papa nila. Natawa nga ako eh. Kapag nagagalit kasi yung
Papa nila Tjay, magkamukha na sila ni Terrence.

"Kelvin ano ka ba! Nasa simabahan yung ugali mo ayusin mo!!"

Si Mama at si Tita Jayne naman eh nagdidiscuss ng kung ano. Then humawak sa tiyan
ni Mama si Tita Jayne. Nakatayo lang kami ni Tjay sa gilid at pinag-usapan yung
nangyari sa kanila ni Carlo kagabi, at kilig na kilig namana ng bruha.

Nung napagod na kami sa subject na yun, nakinig na lang kami sa usapan nila.

"Ayun nga, nag-apply na kami sa scholarship nitong si Kelvin.." then parang hinila
ni Tita Jayne si Terrence sa tabi niya at parang ayaw ni Terrence, "Para sa college
niya."

"Ayoko nga Mama.." sabi niya ng mahina.

Parang hindi nakikinig si Tita Jayne nun. Then sa akin siya tumingin, kaya ako
naman eh nagulat ako.

"Hindi ba nag-volunteer ka para rin sa Day Care dito Shay?"

"Opo. Every Saturday. Minsan sunday din po. Wala lang po ako kahapon kasi merong
lang po akong pinagkakaabalahan.."

Hindi nila alam nag bail-out ako sa Day Care dahil nakipag-date ako. Ang sama ko.

"Ayun naman pala Kelvin eh!" parang natuwa si Tita Jayne nun.
"Ano na naman 'to???"

Ngumiti sa akin si Tita Jayne. Parang ito yung dati-rating sinasabi niya sa akin
kaya lang hindi natuloy dahil pinigilan ni Tjay.

"Kailangan kasi ni Kelvin ng Community Service para sa scholarship application.


Wala kasi siyang extracurricular activities na kahit isa kasi hindi naman siya nag
sports o nag-join ng contest. So kailangan niya at least 75 hours ng community
service..."

Tinignan ko si Terrence nun. Wala lang. Parang badtrip lang.

"Eh naisip ko, kailangan naman nila ng tao sa Day Care. Eh kung pwede sana..."

"Sabay na lang kayo magvolunteer sa Day Care.."

***9***

Nung narinig ni Terrence yun, parang namutla yung mukha niya na hindi mo
maintindihan. Inalis niya yung kamay ng Mama niya na nakahawak sa kanya. Tapos nag-
step back siya at tinaas niya yung isang kamay niya na parang sign sa traffic.

"There's no way..." then parang na-gag siya na 'di mo maintindihan, "There's no way
na magtratrabaho ako sa Day Care."

"There's 'yes' way." niloko naman siya ni Tjay.

Tinignan lang siya ng masama ni Terrence. Yung magkapatid na 'to, buti na lang
nakakatagal na magkasama sa iisang bahay. Kasi baka malaman ko na lang may balita
na may na-murder na isa sa kanila.

Bumulong naman ako kay Tjay nun. Kasi nakiki-argue pa si Terrence sa parents niya.

"Akala ko wala siya dito??"

"Nag-stay sa labas ng simbahan. Ayaw pumasok kanina. Nung natapos lang."

Umalis na kami doon. Kinausap yata si Terrence ng parents nila kasi parang nag-iba
yung ihip ng hangin at parang gagawin na yata niya. Alam ko pinilit lang siya. Kung
ano namang pagkukumbinsi ang ginawa ng parents niya sa kanya, ewan ko na. Basta
alam ko lang saludo ako sa kanila. Kapag may ayaw si Terrence na gawin, asahan mo
mahirap siyang pilitin. Milagro lang yung ngayon.

After nung simba, kinausap na nila yung mga tao doon sa Day Care at isasabay daw
nila sa akin. Sabi nila, ayos daw na may bagong volunteer, kasi kailangan na
kailangan daw nila at wala naman daw na gustong gumawa nun. Gusto daw kasi nila
medyo bata pa para daw makaka-interact daw sa mga bata ng maayos. Mas maganda rin
daw kasi ang approach ng teenagers kaysa sa mga middle-aged kung minsan.

Niyaya kami ni Tita Jayne sa bahay nila at nagluto daw siya. Siyempre pumayag sina
Mama, kaya sa kanila na kami nag-dinner. Pagkadating na pagkadating nga namin doon
sa bahay nila, wala man lang pasabi eh pumasok na kaagad si Terrence at nagdire-
diretso doon sa kwarto niya at sinara yung pinto.

...Classic Terrence. Kaya nga siguro hindi niya ako kilala dati pa kahit na matagal
kong bestfriend si Tjay. Kasi tuwing nasa kanila ako, kung wala siya sa labas
nagkukulong siya sa kwarto niya. Hindi naman dahil weird siya or what, pero siguro
dahil nasanay na siya. Bata pa kasi si Terrence hindi na siya nakakalaro sa mga
bata na katulad niya. Kasi nga may asthma. So parang lumaki siya na malayo sa ibang
tao.

Anyway, nagluto si Tita Jayne ng beef and gravy. Ang sarap nga eh. May corn and
carrots lang sa gilid. Si Tjay natuluan pa ng gravy yung shirt niya, kaya ayun
namantsahan yata.

Doon pa lang sa living room nila, dinig na dinig mo yung malakas na stereo ni
Terrence. Hindi kaya siya nagugutom? Hindi pa kasi siya lumalabas eh...

"Hindi ba kakain yung Kuya mo? Masarap pa naman itong niluto ni Tita Jayne."

"Naku hayaan mo yun! Lalabas din yan kapag gutom na. Madalas naman hindi sumasabay
sa amin kumain yun eh, kaya hindi na bago yan." sabi ni Tjay sa akin tapos sumubo
na naman siya ng malaki ng pasta niya na may beef.

Mag-8 na kami ng gabi nakaalis sa kanila. Lumabas din naman si Terrence, mga
dalawang beses. Nung una dahil kumuha siya ng hotdog niya, yung pangalawang beses
eh kinuha niya yung isang DVD na nasa divider nila.

I wonder anong itsura ng kwarto niya. Lagi kasing sarado yung pinto eh kaya hindi
mo makikita. Si Tjay, naku saulong-saulo ko na yung itsura ng kwarto nun. Pati
alikabok nga bilang ko na.

Natulog ako ng maaga. May homeworks din, pero tinapos ko ng mabilis dahil madali
naman na. Kaya ayun, maaga akong nahiga sa kama ko. Bago pa nga ako nakatulog
narinig ko yung nanay ko na nanghihingi ng Chinese Tikoy kay Papa. Eh hindi naman
Chinese New Year.

Ewan ko kung anong gagawin ni Papa tungkol doon. Magic siguro or something. O baka
mag-biyahe siya sa China para doon. Pero baka meron naman sa ChinaTown, eh di
naligtas pa ang buhay ni Papa.

Maaga akong dumating sa school nun. May mga nauna na naman na sa akin at nakita ko
si Johnny. Kausap nga niya si Arwyn nun eh.

Teka-teka.. si Johnny kausap si Arwyn? Major breakdown yata yun???

Pinikit ko uli yung mata ko in case na mali lang yung nakita ko. Then nakita ko na
nakatayo na lang si Johnny doon, pero wala na si Arwyn. Sabi ko na nga ba mali lang
yung nakita ko.

Lumapit ako kay Johnny. Kinalabit ko lang siya sa balikat niya tapos lumingon naman
siya. Yung usual spirit pa rin niya na masaya. Kinumusta ko lang naman siya.
Brainiac din yan, siya yung third place sa amin. Actually tinalo na niya ako dati
sa ranking, pero alam mo yun, walang inggitan sa amin. No matter what, friends pa
rin kami. Hindi naman kami nagkokompetensiya sa ranking. Si Tjay wala lang yun,
eversince nursery yata siya first na yun eh. Genius kasi na parang may mental
defect na di mo maintindihan. Pwede pala yun no? Na may mental defect ka tapos
genius ka. Mahirap mang paniwalaan... here's the living proof.. Maria Teresa Jayne
Quintero.

"Alam mo ba nahahawa yata ako sa pagkakaroon ng hormonal imbalance ng nanay ko,


kung anu-ano na nakikita ko.." ngumiti naman ako kay Johnny, "Nakatayo ako doon
kanina, tapos akala ko kausap mo si Arwyn Velasco."

Nakatingin si Johnny sa akin nun na parang naghihintay na.. "San yung big news?" na
reaction. Minsan hindi ko rin maintindihan to eh.
"Kausap ko nga siya. Kanina."

Hinawakan ko yung tenga ko. Baka kasi mali na naman yung narinig ko. Never in my
life na nakita ko na nag-usap si Arwyn at si Johnny. I mean, it's like saying
naimbento na ang time machine. Malabo talagang mangyari. Kasi as far as I know,
stuck-up si Arwyn, naive-genius si Johnny. Mag-usap man sila, parang tribal
language at German.

...Of course si Arwyn yung tribal language. Wala namang alam sa buhay yun kung
hindi slam dunk.

"Eeeww, bakit?" parang yun lang ang unang pumasok sa utak ko, "Nagkaintindihan ba
naman kayo?"

"Wala lang. Tinatanong niya kung dumating ka na ba."

Napatingin naman ako sa likod ko. Parang gusto kong magtago bigla.

"Teka teka.. anong sinabi mo? Hindi mo naman siguro sinabi na nandito na ako 'di
ba?" hinla ko si Johnny sa gilid at baka sumulpot kasi si Arwyn. Nakakairita kasi
yung tao na yun, "Alam mo naman yung lalaki na iyon. Baka magkatornado na sa super
lakas ng hangin sa katawan."

"Syempre hindi. Hindi ko nga alam na dumating ka. Pumunta yata siya sa garden, dun
sa tambayan nila ni Quintero." seryoso pa rin si Johnny nun.

"Ayun pala, at least alam ko na kung saan ako dadaan!" ngumiti ako nun, "Thanks
Johnny, life saver ka!"

Iniwas niya yung tingin niya sa akin. Napansin ko naman kaagad. May problema kaya?
Hindi naman kasi ganyan si Johnny eh.

"Hoy!" nag snap ako sa mukha niya, "Kanina lang ang saya-saya mo tapos ngayon
nagbago na mood mo?"

Humarap siya nun tapos parang ang lungkot niya.

"Wala, nagtatampo lang ako sa inyo ni Tjay."

"Ngak, bakit naman?" nagulat ako nung sinabi niya yun, hindi ko pa kasi narinig yun
na sinabi ni Johnny.

"Kasi hindi niyo man lang sinabi sa akin na nung weekend nakipagdate kayo. Ano na
sa susunod na malalaman ko? May asawa na kayo?"

Parang na gross out ako kaya lumayo ako ng kaunti kay Johnny.

"Hey hey hey.. hinding-hindi ako pakakasal kay Quintero noh! That's gross." totoo
naman yung sinabi ko, "Ni-hindi nga yata alam ng tao na yun ang difference sa
strawberry at mocha-caramel."

Sa totoo lang, ang sarap nung mocha-caramel ah.

So yun nga, malapit na kasi magtime nun, dumating si Tjay. Mukhang puyat ang itsura
kasi may eyebags eh. Tapos sabi niya sa amin na antok na antok daw siya dahil daw
sa kapatid niya na kumag. Hindi naman niya sinabi kung bakit, but I bet dahil yun
sa music niya na malakas.
"Jimenezzzzz!!" narinig kong may sumigaw doon sa pintuan.

Hindi pa ako lumilingon, parang gusto ko nang mag-disappear doon. Kilala ko kasi
yung boses na yun. Pwede na siya sa trono ng 'Most Annoying Person in the Whole
Galaxy.'

"Ano na naman Velasco???"

"Oh well thank you.. you look so pretty yourself."

"Wala akong sinabi na gwapo ka.." sabi ko naman sa kanya.

"You're so darn smart too..." arrrggghhh! Wala bang itak dito???

Nakasimangot na ako nun. Kasi sa totoo lang nakakainis yung mga arte ni Arwyn eh.

"Seriously ano nga???"

"Wala naman.." nakaclose-up smile na naman siya, "Sinusubukan ko lang i brighten up


yung araw ko."

"---at sirain yung akin? Great job!!!" tinapik ko siya sa balikat ng malakas.

"Thanks!!" masaya pa siya nun.

It was supposed to be an insult. Pero dahil nga si Arwyn siya at mabagal ang pag-
process niya ng mga sinasabi sa kanya. hindi niya maiintindihan yung mga bagay na
iyon.

Tribal language.. remember?

Ito namang si Tjay, parang sa sobrang antok, natumba na yung kamay niya at nagising
na siya uli. Nag-slide kasi yung ulo niya eh.

"Nice one!" tinignan siya ni Arwyn, "May drool ka nga pala dito." tinuro niya yung
gilid ng bibig ni Tjay, "Baka hindi mo alam."

Napahawak naman bigla si Tjay sa bibig niya. Ako rin eh napatingin. Nakakahiya
naman kung meron. I mean, kahit na ganyan si Arwyn, nakakahiya pa rin na mag messed
up sa harapan niya. After all his annoying and stuck up remarks, siya pa rin naman
ang captain ng basketball team at marami pa ring humahanga sa kanya kahit na para
siyang caveman.

"Bwisit ka talaga Arwyn kahit kailan!!" inis na nun si Tjay, hahampasin niya kasi
si Arwyn sana eh.

"Oo nga Arwyn asar ka!" naki chip in namana ko.

It turned out, wala namang drool si Tjay. Sinabi lang niya yun, para mag-panic
siya. Dapat hindi niya ginawa yun, kasi parang bagong gising lang si Tjay, at super
duper masama ang kinalalabasan na inisin kapag puyat ka na, at hindi ka pa
makatulog ng maayos.

"Bagay nga kayo ni Kuya na makaibigan! Parehas kayong may mental defect!!"

"Hindi naman kami tatawaging gwaping kung hindi 'di ba?" nag Mr. Pogi pa siya nun,
"Of course mas gwapo pa rin ako."

"Sa Martians.." sarcastic yung sabi ni Tjay.


Na-choke ako nun. Parang kanina lang iniisip ko pati si Tjay may mental defect eh.
Pero at least sinabi ko Genius naman. So balance pa rin naman.

Lumabas muna ako nun dahil feeling ko magwre-wrestling si Tjay at si Arwyn. Si


Johnny naiwan sa loob. Pwede na siyang referee.

Paglabas ko naman, nakasandal doon si Terrence sa may bench sa may gilid ng room
namin. May hawak siyang papel nun at pencil tapos nasa bibig niya na para bang nag-
iisip siya ng malalim.

Then ginulat ko naman siya...

"Hoy galaw-galaw baka ma-stroke!!" tumawa ako nun.

Tinignan niya ako nun ng masama. Hindi basta-bastang tingin eh, basta parang galit
na galit siya na hindi mo maintindihan.

"Kung wala kang magawang matino, tumahimik ka na lang..."

"Joke lang naman eh!" na-shock ako. Sineryoso pa ba niya pati yun?

"Sorry ka, hindi ako mahilig sa jokes." then tinignan niya yung bintana sa room
namin, "Hindi pa ba tapos si Arwyn sa kapatid ko?"

Ang bilis ng tibok ng puso ko nun. Parang natakot yata ako ng kaunti kay Terrence.
Grabe pala ito.. para joke lang...

"Ano ba??? Ngayon namang kailangan ka sumagot, ngayon ka hindi nagdadaldal." umupo
siya uli tapos tinupi niya yung papel na sinusulatan niya kanina.

"Uhmm.. ewan ko. H-hindi ko alam eh."

Napansin niya yata napaka-uneasy ko. Sa susunod talaga tatandaan ko, hindi ko na
gagawin yun kay Terrence. Hindi na talaga. I swear.. ayoko na. Ayoko na makita yung
tingin na iyon. Nakakatakot na parang mananakit na lang eh.

"Hey.. sorry. 'Di ko sinasadya kung natakot ka sa akin." sabi ng mahinahon, "Ayoko
lang ng ginugulat ako kapag nagko-concentrate ako."

"Ahhh... hmm..." hindi ko na alam yung sasabihin ko.

"Anyway, hindi ko na iuutos kay Arwyn 'to. Tutal nandito ka naman at ikaw naman
yung pagbibigyan nito.."

Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. Kaya nakita ko na lang na may kinuha siya
sa bulsa niya na nakabalot ng puting panyo, at yung isa eh isang box. Then nagulat
na lang ako nung kinuha niya yung kamay ko.

"Kung gusto mo lang malaman, you look better without this.." tinaas niya yung
puting panyo at nilagay niya sa kamay ko, may matigas sa loob, "Kung kailangan mo
ng opinion ko, you'll look better with this.." nilapag niya yung box sa kaliwang
kamay ko, "Pero sa totoo lang, you look okay... no matter what."

Nakatayo lang ako doon at nakatingin ako sa kanya. Wala pa rin akong sinasabi.
Tinignan ko yung binigay niya. Para akong abnormal.

"Para san 'to???" tinaas ko yung nilagay niya.


Tinapik niya ako sa balikat ko. Tapos ngumiti siya. Mas gumaan yung pakiramdam ko
kaysa nung tinignan niya ako ng masama.

"Let's just say..." nag-isip naman siya...

"It's my way to say I'm sorry." tapos nun, umalis na siya.

***10***

Tinignan ko yung binigay sa akin ni Terrence. Nung nakita ko nasa kaliwang kamay
ko, nakita ko na may box ng contact lenses doon. Then medyo hinigpitan ko yung
hawak ko doon sa puting panyo.. parang alam ko na yung laman ng nasa loob.

I can't help it, pero napangiti na lang din akong mag-isa. Sino ba talaga si
Terrence Kelvin Quintero 'di ba???

Pumasok na ako sa loob nun. Nakita ko na binabatukan na ni Tjay si Arwyn nun kaya
lumapit na ako at inawat ko. Tingin ko kasi hindi na biro yung ginagawa ni Tjay eh.
Masama talaga yung lagay ng babae na yan kapag hindi maganda ang tulog. Tapos ito
namang si Arwyn dahil lalaki pa rin naman siya at nagpapaka-gentleman, tawa pa rin
siya ng tawa at hindi na lang pinapatulan si Tjay.

Nagklase naman kami nun. Sa katunayan, nagsimula na yung totoong lessons namin. Sa
chemistry nga, unang homework namin eh ung sino daw ba yung nag came up sa Periodic
Table of Elements. Ako naman iniisip ko pa kung sino kasi nabasa ko na kung saan,
nung marinig ko si Tjay na nagsusulat na ng sagot niya sa notebook niya.

"Dimitri Mendeleev." sinabi niya after nabanggit ng teacher namin yung homework,
"Shay, ano bang spelling ng name niya? D-M-I ba sa Dmitri.. or DIMI.. dahil
Dimitri? Tapos may books din nun na spelling ng last name niya may 'Y'.. para sa
Mendeleyeev.. ano ba yung tama?"

Inirapan ko si Tjay nun, pero yung irap na pabiro. Tinatanong niya ako sa spelling
ng pangalan nung kung sino man yun, eh samantalang hindi ko nga kilala.

Anyway, dumating na naman yung kalbaryo namin sa Social Studies. Every year kasi,
may debate na ginagawa sa school para sa mga third year students lang. Ang laging
magkalaban, first and second section lang ng third year. Then yung iba, audience.
Yung mga 2nd year at first year eh hindi pwedeng manood, kasi hindi nila pwedeng
malaman kung paano nangyayari yung debate. Kaya kinakabahan kami kasi hindi namin
alam. Naririnig-rinig namin na yung mga 4th year ang nagbibigay ng topic on the
spot, then bibigyan kayo ng sides. Hindi daw mahalaga kung ang side na naibigay sa
iyo eh oppose ka, basta ang purpose eh manalo yung side niyo sa debate.

Hindi ako magaling sa mga open speeches. Either feeling ko hihimatayin ako, o
nageend up na walang lalabas sa bibig ko. Si Tjay malakas ang loob niyan pagdating
sa ganyan. Siya pa nga ang nagsasabi sa akin na ang mga activity daw na involved
ang pagharap sa maraming tao, parang pagkanta ko rin yun sa church choir kaharap ng
lahat. Sinabi ko naman sa kanya na iba pa rin yung idea. Sa church kahit sintunado
ka at magkamali ka sa kanta, walang tatawa sa iyo dahil... ewan ko.. parang lahat
kasi nagkakaintindihan kapag nasa simbahan. At least ganun yung pakiramdam ko. Pero
kapag nasa school ka at nag screw up ka sa school debate, walang iintindi sa iyo
kung may stage fright ka. Mga seniors? Tatawanan ka na lang.

Binigyan naman kami ng enough time para doon. Sabi sa amin, bibigyan kami ng two
weeks para mag-prepare. Tinanong ko nga sa teacher ko kung ano namang kinalaman ng
debate sa pinag-aaralan namin. Lagi naman niyang sagot, sa world affairs daw,
kailangan may voice ka para mangyari yung gusto mong gawin. Oo na lang din ako eh
kahit hindi ko naman alam yung sinasabi niya.

Oh well...

One day nga pala, nahabol ko pa si Terrence kasi naglalakad siya doon sa may
hallway papunta ng cafeteria. Ayun, typical na naman yung itsura na parang galit na
naman sa mundo. Nagkakataon kasi na tuwing hinahanap ko siya, either wala dahil may
ganito, or wala dahil may ganyan. Hindi pa kasi ako nakakapagthank you sa kanya
doon sa binigay niya.

"Terrence!" narinig na niya yung boses ko nun kaya huminto siya.

"Ano?!?"

Kung babae lang siguro ito, inisip ko na lagi siyang meron.

Dinaan ko na lang sa ngiti. After all, binalik niya yung salamin ko ng maayos na.
Hindi ko na kinailangang magalit 'di ba? Isa pa kung magsusungit din ako sa kanya,
wala namang mangyayari sa amin. So might as well be nice to him.

"Gusto ko lang mag thank you.." sumabay na akong maglakad sa kanya.

Tinignan lang niya ako nun saglit tapos tumingin na uli siya ng diretso.

"Saan naman?" sabi niya na parang hindi interesado.

"Doon sa pagpapaayos sa salamin ko.. saka doon sa contacts.."

Huminto na siya nun. Magkasalubong na yung kilay niya. Ang tindi talaga ng galit sa
mundo ng kuya ni Tjay.

"Ang hirap niyo talagang intndihing mga babae no?" napatingin na ako sa kanya nun,
"Tinawanan kita, nagalit ka... nag-sorry ako. Dapat tapos na dun. Tapos ngayon
nagtha-thank you ka?"

"Eh kasi naman feeling ko yun yung tamang--"

"Well hindi." hindi ko pa natapos yung sasabihin ko, "Dapat lang tanggapin mo yung
sorry. Hindi mo kailangang mag thank you."

Iniwan na niya ako doon. Ewan ko kung pumunta ba siya sa cafeteria o ano. Basta
hindi ko na sinundan eh.

Hmph! Sungit!

Nagsimula na yung practice ng basketball. Pati yung ibang sports na hindi ko naman
pinapanood dahil hindi ko naman naiintindihan. Si Arwyn eh ilang beses na akong
niyayaya na manood daw ako one time, pero lagi kong sinasabi na may homework ako
kahit wala. Tapos yun, magpapanic siya dahil behind na naman daw siya sa homework.
Baka mag-fail daw siya at kapag nalaman na naman ng parents niya eh ipull-out daw
siya sa team uli.

Dahil nga nakakakonsensya naman na ganun na lang siya ka-worried, sinabi ko na lang
homework, meaning, may gawaing bahay ako. Saka lang siya nag-settle.

Saturday came, yung unang day ng community service ni Terrence at araw naman ng
pagvovolunteer ko sa Day Care. Iisa lang naman yung gagawin namin at pupuntahan,
pero iba pa yung tawag nila sa gagawin. Si Papa eh walang pasok kaya siya na ang
mag-aalaga kay Mama. Hindi naman dahil sa kailangan ni Mama ng magbabantay sa kanya
all the time, kung anu-ano lang kasi ang naiisip eh.

Then nag-ring yung phone ko, kaya nataranta pa ako. Hindi pa kasi ako
nakakapagsapatos nun eh.

"Hello?"

"Wala ka bang balak buksan yung pinto Bible Girl???"

Tinignan ko yung cellphone ko, unknown number. Pero dahil hindi ko naman talaga
alam yung number ni Terrence. Siguro binigay in Tjay yung number ko sa kanya.

"Sandali lang bababa ako."

Nag-hung up na ako doon sa kanya at bumaba na ako para buksan yung pintuan. Nakita
ko na ang taas na ng sikat ng araw dahil mag-10 na ng umaga nun at pinagpapawisan
na siya.

"Ano?!? Tapos ka na ba??"

Napaka-ikli talaga ng pasensya niya. Nagpaalam na ako kina-Mama at Papa na aalis


na kami at dumiretso na kami sa simbahan nun. Sa gilid kasi n simbahan yung Day
Care, at every Saturday may mga kids doon na iniiwan lang ng mga parents nila
either kung walang mag-aalaga, nagbible study. Nagbibigay naman sila ng donations
sa simbahan. At dahil volunteer nga kami, wala kaming nakukuha. And it's great,
helping. Seriously.

Pagkadating na pagkadating ko doon sa room kung saan kami mag-aalaga ng mga 10 or


so kids, paalis na nun si Sister Mia. Nakita na nga ako nung mga bata at tumakbo pa
nga yung iba sa akin. May malaking playground lang sila sa likuran na pwede silang
magtatakbo. Wala naman silang lalabasan kaya walang mawawala.

Nauna akong pumasok, tapos si Terrence eh nanatiling nakatayo doon sa labas. Iba na
nga yung itsura niya nun na parang magkakasakit siya.

"Hey, papasok ka ba?" niyayaya ko na siya nun sa loob, "Tara na!"

"Sige na mauna ka na.."

Nauna na akong pumasok nun. Nagpaalam na si Sister dahil may gagawin yata siya sa
simbahan. Then tumayo na ako doon sa harapan nung mga bata. Nakakatuwa nga yung mga
yun eh, kasi parang kung iisipin mo, ang liit-liit ng alam nila sa mundo.. then
unti-unti na lang napapansin mo duamrami na yung alam nila.

"Okay.. kids.. uhmm.. may bago tayong makakalaro!" kailangan kasi masaya yung boses
mo sa mga bata dahil kung hindi ka masya, feeling nila masamang bagay yung kung ano
man yung sinasabi mo, "Makakasama natin siya every week. Siya si Kuya Terrence! I-
welcome natin siya ah!"

Nagpalakpakan naman sila at nagtinginan sa pinto. Pero hindi pumasok si Terrence.


Kaya ayun, lumabas pa ako para hilahin ko siya sa loob. Parang alangan pa siya
dahil nakahawak pa siya sa ulo niya.

"Hi." yun lang ang sinabi niya tapos naupo siya doon sa table.

Lumapit naman si Oli sa kanya, short for Noli, isa sa pinaka-cute pero
pinakamakulit na bata sa Day Care.
"Bakit b-bakit po Terrace ang pangalan mo?"

"Err.. Terrence. Hindi Terrace." ganun lang yung sagot ni Terrence nun.

"Kami rin merong terrace sa bahay. Siguro mahilig ka sa terrace kaya Terrace
pangalan mo no?" lumapit pa lalo si Oli sa kanya. "Bakit..." tumalon-talon pa siya,
"Bakit ang tigas ng buhok mo? Hindi ka siguro naliligo no?"

Nagtawanan yung ibang mga bata nun. Si Terrence eh tumayo na. Nung tumayo nga siya,
halata mo yung height gap nila. Hanggang sa puwet lang niya yata si Oli, tapos
tumingala lang si Oli sa kanya.

"It's gel..."

Whoa.. talk about hot. Syempre naisip ko na tama na pumasok na ako sa eksena at
mukhang hindi sanay sa mga bata si Terrence.

"Oli.. Oli.. hindi Terrace ang pangalan ni kuya.. TER-RENCE." inulit ko pa uli sa
kanya kaya lang hindi niya talaga makuha, "O sige, kuya TK na lang. Pangalan din
niya yun."

Tinignan lang ako ni Terrence pero iniwas niya yung tingin niya na parang wala
siyang pakialam sa sinabi ko.

Sumingit naman si Betty.

"T-cake!" tinaas-taas niya yung kilay niya, "Masarap ang cake 'di ba? Kuya cake ka
pala!"

Parang naiinis na si Terrence nun kasi tinignan na niya ako ng masama.

"Paano ka tumatagal dito?"

"They're good kids. Masasanay ka rin."

"I don't think so."

Then hinihila-hila ni Oli yung pantalon ni Terrence kaya tumingin si Terrence


pababa. Nung nakatingin na siya, saka lang nagtanong si Oli.

"Kuya Cake, bakit ang laki ng pantalon mo? Saka bakit may bakal dito? Hindi ba ito
yung nilalagay sa leeg ng aso?"

"Uhhmm... hindi ko alam basta nandiyan na yan. Pwede ba bawasan mo naman yung mga
tanong mo?"

It was one horrible day. Lumabas nga kami doon sa field dahil maglalaro daw sila,
at si Oli eh nakadikit parati kay Terrence. Halata mong naiirita si Terrence kasi
gusto niyang matulog, pero ginigising siya ni Oli. Panay lang ang 'OO' niya.. at
tango.

Nung kakain na kami, nilapag lang ni Terrence yung prutas sa harapan nung mga bata
tapos naupo siya doon sa gilid. Kaya ako naman kahit may buhat-buhat pa akong isa,
tumakbo naman ako sa direksyon niya.

"Hey, hindi mo dapat ginagawa yan! Hindi mo rin binibigay yung ganito kalalaki..
paano kung ma-choke sila?"

"Heimlich Maneuver." yun lang ang sagot niya sa akin.


"Ano ka ba.. hindi mo nakikita yung point. Delikado sa mga bata na kumakain ng
malalaki. Dahil minsan nalulunok nila ng buo."

"E di ikaw yung magpakain." tumayo siya doon sa kinauupuan niya at papunta na siya
sa pinto.

Ako naman dahil nakita ko na aalis na yata siya, sumigaw na lang ako. Sabi kasi ng
Mommy niya kailangan niya ito sa scholarship tapos ngayon nag-quit na kaagad siya?

"Terrence! Terrence san ka pupunta!"

"Kakain ako sa labas!" tapos nag-wave siya ng patalikod, "Sinong sasama?"

Sumunod na lang na alam ko, nagtakbuhan lahat sa kanya. As in lahat, maliban


siyempre doon sa 1 year old na bata na laging katabi ko tuwing nagpupunta ako. Lagi
kasing tahimik yun.

Natawa na lang ako. Na-shock nga si Terrence eh. Muntik pa nga siyang matumba nung
nagtakbuhan sa kanya eh. Tapos di ko inaasahan, tumawa na lang din siya.

"Siguro papadeliver na lang ako.. tingin mo bible girl?"

Hindi na siya kasi makakalabas. Paano naman tiyak lahat sasama sa kanya. Kaya ayun,
nakita ko na nag-dial siya ng number sa cellphone niya at tinawagan niya kung saan
man siya nagpa-deliver.

Nung binaba niya yung phone, tinignan niya yung isang bata.

"Yuck... huwag mong ihahawak sa akin yan ang lagkit ng kamay mo!" iniiwas pa niya
yung paa niya nun.

"Ang alin po?" tapos humawak sa tuhod niya yung isa.

"Wow great! Ikaw ba maglalaba nito?"

"Uhuh." tumango-tango naman yung bata.

Mukhang hindi nga ako masyadong mapapagod nun dahil halos lahat ng bata, nasa side
ni Terrence. Halata mong ayaw niya pero hindi naman niya makuhang patulan dahil nga
maliliit yung mga yun.

Then hindi na lang namin inaasahan, nadapa si Gaille, at gumulong pa yung orange na
dala-dala niya.

Tumakbo naman si Terrence nun at tinayo niya kaagad si Gaille. Ako naman tinitignan
ko lang siya, mukhang under control naman niya. PInagpag pa niya yung tuhod eh.
Mukhang paiyak na kasi si Gaille nun.

"Oh GOD! Waterworks! Huwag kang iiyak.." tapos nataranta si Terrence at


nagtitingin-tingin siya sa likod niya pero panay bata lang yung nandun, "Huhugasan
natin yung sugat mo.."

Lalong umiyak si Gaille nun.

"Ayoko masakit yun eh!"

"Hindi na.. hindi na pala natin huhugasan. Alcohol na lang.. para..."


Hindi pa niya tapos yung sasabihin niya, lalong lumakas yung pag-iyak ni Gaille.

"Hindi na! HIndi na natin gagalawin yung sugat mo. Ganyan na lang!" tapos kinapa-
kapa niya yung pockets niya, "Wala pa naman akong dalang panyo ngayon."

Naupo siya nun sa harap ni Gaille. Binuhat pa nga niya para iupo doon sa kandungan
niya.

"Hey huwag ka namang umiyak ano eh..." hindi niya talaga alam yung gagawin niya,
"Ano bang gusto mo???"

Lumapit na ako nun dahil parang hindi na talaga alam ni Terrence yung gagawin niya.
Nanguha ako ng candy doon sa basket. Tapos umupo ako doon sa inuupuan nila nina
Terrence. Umiiyak pa rin si Gaille nun.

"Gaille, lollipop gusto mo?"

"Ito oh may maganda ako na stick."

Tinignan ko lang si Terrence. Wala talagang alam sa bata to.

Huminto na si Gaille sa pag-iyak. Haay salamat. Humihikbi-hikbi na lang din siya.

Then ngumiti siya nun. Sunod na lang na alam ko...

Kinuha niya yung stick ni Terrence.

***11***

Natawa lang ako nun. Alam kong alam naman niya na lollipop ang tawag dun, pero
siguro gusto lang niya mag-sound na parang bata yung dating.

Maybe Terrence can be mean and snob sometimes, but he's nice by heart.

Nung hapon eh naupo lang kami doon. Dumating din yung delivery niya. Fried chicken
lang pala galing sa KFC. Syempre yung mga bata nakita yung order niya, lahat tuloy
naupo sa tabi niya. Kaya ang trabaho ni Terrence nung kumakain eh himayin yung
chicken para sa kanila. Merong isa ayaw daw nung crust, yung isa gusto lang yung
crust, at yung isa naman eh gusto niya pero kailangan takpan mo pa yung ilong niya.
Siguro nga may point din si Terrence kung bakit hindi siya tumatagal sa mga bata.

Then after nun, gusto yata ng mga bata na tumakbo ng tumakbo pero hindi namin
pinayagan dahil kakakain lang din nila. Sabi namin maglaro na lang sila ng puzzle.
Sumunod naman sila. Yung iba nakatulog naman na.

Then out of nowhere, lumapit sa akin si Terrence at pinupunasan niya yung kamay
niya ng napkin. Tinignan ko lang siya.

"Saan ba pwedeng linisin itong.." tinignan niya yung paa niya, "Pantalon ko. Marumi
na kasi eh."

Panay mantsa na ng candy, ng ketchup, ng lints ng kung anu-ano yung pantalon ni


Terrence. Kaya siguro gusto rin niyang hugasan man lang. Ayaw naman niyang umuwi ng
ganung yung itsura niya. Kung sabagay ako rin naman.

Sa totoo lang, may dala-dala akong bag. Lagi akong may dalang extra na damit. Kaya
in case man na madumihan ako, hindi ko na kailangan pang problemahin.
"May laundry room dito doon lang sa bandang likod..." tinuro ko naman yung likuran
namin, "Kung gusto mo ako na lang maglalaba niyan. Madali lang naman."

"Uhmm.. uhh.. nah.. ako na lang. Kaya ko naman siguro." parang nahihiya na yung
itsura niya nun.

Lumabas siya doon sa pintuan para tignan kung saan yung sinasabi ko. Then ayun,
napansin na yata niya kung saan pwedeng labhan yung pantalon niya. Lumapit siya uli
sa akin tapos tinanong niya kung may towel daw ba na pwedeng i-wrap sa kanya kung
saka-sakaling lalabahan na niya yung damit niya. Hindi ko naiwasan, pero natawa
ako. Sinabi ko meron doon sa may taas na mga puting towels.

Mukhang nainis yata siya sa akin eh. Kasi ako naman eh tinatawanan ko pa kasi siya.

"Ano namang nakakatawa?"

"Wala lang.." hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko nun, "Marunong ka bang
maglaba?"

"Why do you care?"

Hindi ko talaga maintindihan kung saan siya nagmana. Mabait naman si Tita Jayne at
Tito Kevin. Hindi kaya ampon si Terrence? Oh baka may genetic something sila na
nag-skip ng generation kaya sa kanya napasa yung pagkasungit?

Anyway, nagsismula nang tumakbo uli yung mga bata. Kaya ayun, hinila siya ni Oli at
ni Betty para daw kasali siya sa taya-tayaan. Syempre mabagal tumakbo yung mga
bata, kaya si Terrence kunwari binabagalan lang din niya yung takbo niya.

Hindi naman nagtagal, hinila naman nila ako. Sumali rin daw ako sa laro nila. Kaya
lang that time, hindi na taya-tayaan. Tagu-taguan naman daw.

Una syempreng taya eh si Terrence. Kasi siya na ang pinakamatanda, siya pa ang
lalaki. Eh di lahat kunwari eh tatakbo na kung saan magtatago. Ang worst part kapag
ang kalaro mo nga eh mga 4 years old, 5 years old.. no older than 7, larong bata
talaga ang mangyayari. Si Gaille nga na may sugat nagtago doon sa isang maliit na
bato. Tinago niya yung mukha niya. Pero kitang-kita naman yung katawan niya. Siguro
ganun ka nga nung bata, kapag hindi mo nakikita yung taong nasa tagu-taguan,
feeling mo hindi ka rin nila nakikita. Then yung iba nagtago lang doon sa likod
nung pintuan, at kung saan-saan na kita lang din naman sila. Pati sa ilalim ng
table. Bibigyan ko na sana ng credit, kaso wala namang tablecloth.

Nakita kong nahanap ni Terrence yung iba. Eto pa ang isa sa hindi ko maintindihan
sa larong tagu-taguan. Kapag nahanap ka, kailangan pupunta ka pa doon sa original
position nung "IT" para lang sabihin mo yung salitang "SAVE."

Ako siguro ang pinakamatagal sa nahanap ni Terrence. Ako kasi yung huli eh. Nagtago
ako doon sa likod nung room. Hindi naman malayo yun, pero syempre yun lang ang
decent na taguan. Nahanap ako ni Terrence dun, tapos siyempre nag-unahan kami doon
sa main spot pero naunahan niya ako mag-save. Kaya ayun, taya na ako next time.

Ganun pa rin nung second time. Kitang-kita mo pa rin yung mga bata. Naisip ko na
nga na si Terrence lang ang pinakamahirap hanapin dito. Si Oli wala man lang yatang
effort. Nung tapos na kasi akong magbilang nakita ko na nakatayo pa rin siya doon
sa tabi ko, tapos tinakpan lang niya yung mata niya.

Haay, pakiramdam ko nun mamamatay ako sa kakatawa.

Inipon ko sila lahat. Lahat nag-save doon sa main spot pero si Terrence talaga ang
hindi ko mahanap. Sinubukan ko doon sa pinagtaguan ko, pero wala talaga. Binalikan
ko na lahat nung pinagtaguan kanina, pero wala pa rin talaga.

Siguro 15 minutes na, hindi ko pa rin siya mahanap. Napagod na ako nun sa
kakatakbo.

"Terrence.. give-up na ko!" hindi ko na talaga kaya nun. Wala pa ring lumabas,
"Hooyy! Terrence ano ba! Panalo ka na! Taya na ako uli!"

Wala pa rin akong nakitang movement nun. Finally, narinig kong parang may bumagsak
sa likuran ko, kaya paglingon ko, biglang may tinamaan yung ilong ko.

"Whoa..." bigla siyang parang nag-matrix effect na exbihition pabaliktad, parang


bending na ewan kasi humawak siya sa sahig, "Huwag ka ngang ganyan kalapit sa
akin."

Saka ko lang na-realize kung bakit niya ginawa yun. Kasi siya pala yung tinamaan ng
ilong ko. Sa may chin niya. Ang awkward nga eh. Kaya pala siya nag-bend bigla-
bigla.

Tumayo rin naman siya nung nakaatras na ako. Taops napansin ko, namumula na yung
mukha niya.

"Pagod na ko." sabi niya tapos nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.

"Ako rin eh. Taya na naman ako."

"Nahanap mo ko tapos ikaw pa rin ang taya? Di ba dapat tatakbo pa doon--" tinuro
niya yung spot.

"Pero sabi ko give-up na ako."

"Di naman ako nag-surrender. Na out of balance ako doon..." hinihingal na siya nun
tapos tumingin ako sa taas kung saan siya nagtago. Sa taas pala ng puno, "Pano ba
yan, ira-race kita doon."

Pansin ko na hinihingal na siya nun. Namumula pa yung mukha niya. Napaka-unusual


nga eh.

"Ok ka lang?"

"Yeah." hinihingal pa rin siya.

Then bigla na lang siyang tumakbo, kaya ako eh nagulat at nakitakbo na rin. Nag-
unahan kami doon sa main spot namin. Yung mga bata nga nagchi-cheer pa nga kung
sinong mauuna.

Si Terrence ang nauuna nun dahil mabilis siyang tumakbo. But in no time, nahabol ko
rin siya at naunahan ko rin naman. Tapos nauna akong nag-save kaya nagtatatalon-
talon ako dahil nauna ako.

"Ikaw na ang taya Terrence! Yehey! Nauna ako!"

In circles kasi yung pagtalon ko nun. Kaya nung pagkaikot ko, nakita kong nakaluhod
na si Terrence, at hawak niya yung didbdib niya.

I swear, nag-panic siguro ako. Kaya ayun, tumakbo ako kaagad sa direction niya.
Saka ko lang nakita na medyo bluish na yung mukha niya. Hindi na red. Ang lalim na
ng paghinga niya.
"Terrence! Hoy! Ok ka lang???" hinawakan ko siya sa balikat niya.

Napaka-ewan talaga ng tanong na yun. Obvious ba na hindi siya ok?

Hindi man lang siya tumingin sa akin. Basta nakaluhod lang siya doon, hawak yung
dibdib niya at nakatingin sa damo. Parang gusto ko siyang ishake ng ishake in case
na wala na siya sa sarili niya.

"Tu--huh---Tubig. Bigyan mo--oh ko ng tubig."

Wala na nga siguro ako sa sarili ko nun. Kasi dinala ko sa kanya yung buong pitcher
eh. Wala man lang baso. Kaya uminom siya doon. Then bigla-bigla na lang siyang
humiga doon sa damo. Mukhang umo-ok na yung itsura niya pero hinihingal pa rin
siya.

Tinignan niya ako. Shock pa rin siguro ako nun eh.

"Ok na ko. Lagi naman akong ganito. Asthma. Kakatakbo ko kasi." then ngumiti siya
sa akin nun para siguro hindi na ako kabahan.

Sino ba namang hindi kakabahan kung yung kasama mo medyo blue na yung kulay ng
mukha???

I swear, that's the last time I'll ask him to run.

***

Matapos nung asthma attack niya, medyo tahimik na siya nun. Hindi ko kasi alam kung
paano, pero baka may aftermath pa sa dibdib mo yun or something. Wala naman kasi sa
family ko ang may asthma.

Sinundo na isa-isa yung mga bata kaya ang naiwan na lang doon eh ako at si
Terrence. Si Oli nandun pa rin pero dahil laging late naman yung parents nun na
sunduin siya. Si Terrence hindi niya alam paandarin yung washing machine, kaya
kinailangan ko pa siyang turuan nun.

Kahit alam kong ayaw niya, napilitan din siya. Nakita ko namumula na naman yung
mukha niya, kaya nag-panic na naman ako. Tinanong ko siya kung nahihirapan na naman
ba siyang huminga or what, then saka ko lang narealize na namumula siya hindi dahil
sa nahihirapan siyang huminga, kung hindi dahil nandun ako sa laundry room at naka-
boxers lang siya.

Tumalikod nga ako. Actually hindi ko naman napansin. Pinaalala lang niya kaya ako
nahiya. Kaya sinabi ko lang yung instructions habang nakatalikod ako. Then yun,
umalis na ako ng hindi ko man lang siya tinitignan.

Nakauwi naman ako ng maayos. This time, hinatid ako ni Terrence. Usapan daw kasi
nila ni Tjay na ihahatid daw niya ako everytime na may community service siya. Ewan
ko kung anong pangkukulam ang ginawa ni Tjay sa kapatid niya at napasunod niya ng
ganun. Tinanong ko nga kung gusto niya pumasok sa loob, pero sinabi niya hindi na
daw at uuwi na siya dahil pagod na rin siya. Tapos naisip-isip ko na mabuti na lang
pala at hindi pumasok si Terrence dahil makikita niya yung nanay ko na nasa lababo
at kumakain ng apples. Binabalatan nga niya yung kinakain niyang apples eh.
Kaibahan lang, yung balat ang kinakain niya. Ako pa yung kumain nung binalatan
niya. Oh God.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis, tinawagan ko si Tjay at sinabi ko yung


nangyaring asthma attack kay Terrence.
"Natakot nga ako kasi blue na yung itsura niya.."

"Nagkaroon siya ng asthma attack?" narinig kong nagulat din si Tjay.

"Yeah."

"Bakit? Ano bang ginawa niya?"

"Tumakbo ng tumakbo. Napagod siguro." totoo naman yung sinabi ko. Mas marami pa nga
siyang tinakbo sa akin.

"Bobo talaga yung Kuya ko. Ilang beses na siyang sinabihan na huwag papagurin yung
sarili niya eh. Kapag nagkakaasthma attack kasi yun usually dinadala na namin sa
hospital kasi talagang hindi na siya makahinga. Buti ngayon hindi naman..." alam ko
worried din yan si Tjay, kunwari pa, "Sa susunod ha, pigilan mo siya kapag gustong
makipaglaro. Baka kasi next time, ma-hospital na naman siya."

"Yeah sure. I don't think gagawin naman niya uli eh."

Nung sumunod na linggo, besides sa problema namin yung speech/debate thingy namin
sa SocStud, nameet na namin ang among lovable new teacher sa TLE. Lalaki siya.
Usually kapag third year ka at TLE ay isa sa classes mo, either you'll do something
about electricity.. or something about Woodshop.

This year.. we'll do both.

I hate to admit it, pero wala akong talent sa agriculture side. Or stud's side.
Pero kailangan kong itake yun, kahit gusto ko man o hindi.

Uunahin daw namin ang woodshop. I don't mind at all kasi wala pa akong tiyaga mag-
isip sa voltage this and that.

Inisa-isa sa amin yung mga tools. Yung hammer, yung screw driver.. yung saw..
whatever. Tapos tinanong nung teacher namin kung ano daw ba yung iba't ibang klase
ng saw.. tapos si Arwyn naman ang nagtaas ng kamay niya.

Akalain mo yun, may alam pala ito sa mundo.

"Ang iba't ibang klase ng saw... jig-saw.. a-so... la-so..."

"Mr. Velasco wala akong panahon makipaglokohan.."

Saka lang tumigil si Arwyn nun. Pero halata namin nung umikot si Sir, natawa rin
naman siya. Abnormal.

Nung breaktime namin ng hapon, lumabas ako at si Tjay. Hindi pa kami nakakarating
sa cafeteria, may lumapit sa amin na babae na mas maliit sa amin ni Tjay. Medyo
marami nga yata siyang pimples eh.

Napaatras nga si Tjay ng kaunti nung makita niya yung girl eh.

"Ulah!" ngumiti naman siya pero parang hindi natural, "Kumusta na?"

"Okay naman." ngumiti din siya, "Si Terrence nakita mo?"

"Hindi eh. Baka pakalat-kalat."

"Ganun.." tumingin siya sa gilid niya, "Pakisabi sa kanya, nag-bake ako ng cake
para sa kanya. Kasi alam mo na.. nakakahiya kasi yung nakaraan."

"Owww yun lang ba.." nag-tap si Tjay sa balikat nung Ulah, "Wala yun. I'm sure
nakalimutan na niya yun."

Bumulong sa akin si Tjay nung hindi nakatingin si Ulah..

"Talagang kinalimutan na ni Kuya yun!" then humarap siya kay Ulah uli, "So anong
plano mo?"

"Wala lang. Gusto ko lang bumawi sa kanya."

"I'm sure makakabawi ka rin sa kanya."

"Tingin mo nasaan siya?"

Medyo malaki yung school namin kaya kapag sinabi mong 3rd year, maraming building
yun. At talagang hindi mo na alam kung saan yung iba. It just so happens, na yung
class ni Terrence ng 4th year, the same building sa amin, sa taas nga lang.

"Ewan ko eh.. baka doon building sa dulo. Hanapin mo doon." tinuro niya yung
malayo.

Paalis na sana yung Ulah nun, tapos pinakilala niya ako. Kaya ayun, umalis na siya
ng diretso.

Saka lang umirap si Tjay. Ewan ko kung anong saga meron siya doon sa girl na iyon,
pero parang hindi maganda.

"Sino yun? At bakit ganyan yang itsura mo?"

"Si Ulah. May crush yun kay Kuya since first year siya." irritated na si Tjay nun.
That time, saka ko lang napatunayan na kapatid niya nga si Terrence.

"I don't see the point. So?"

"Siya yung dapat date ni Kuya. Yung nagkachicken pox? Pustahan pa tayo kaya lang
niyaya ni Kuya yun kasi katulad natin desperate na rin siya makahanap ng date. Kaya
no choice siya kaya si Ulah. Eh nakakaasar yun. Lagi ngang nagpupunta sa bahay
namin yun tapos hahanapin si Kuya." then tumingin siya sa likod niya, "Last week
nga gusto niya yatang sumama si Kuya sa kanya, sabi ni Kuya sabihin ko daw may
sakit siya ng SARS."

Natawa ako nun. Bakit naman SARS pa?

"Ano bang problema sa kanya?"

"Hello? She's the most annoying person in the world. Magkakasister-in-law na lang
din ako yung ayos na."

Grabe naman itong si Tjay. Mag-16 pa lang ang Kuya niya at ngayon iniisip na niya
yung mapapangasawa?

Nung malapit na kami sa cafeteria, nandun na si Terrence kasama si Arwyn. Then


lumapit kami ni Tjay sa kanya dahil ibabalita niya yata yung tungkol kay Ulah.

"Hoy, niligtas lang naman kita. Kung ayaw mo magka-AIDS ng de-oras, umalis ka dito
sa cafeteria."
"Huh?"

"Si Ulah. Hinahanap ka. Ewan ko dun. May cake daw yata ni binake para sa iyo."

Tumayo si Terrence nun sa inuupuan niya tapos tinapon niya yung pinagkainan niya.

"Anong sinabi mo?!?"

"Sabi ko doon ka sa kabilang building. Tiyak ko hinahanap ka nun. Paano kung


masalubong ko na naman at hanapin ka sa akin?"

"Bahala ka na. Magsinungaling ka. Sabihin mo may German measles ako, may amnesia
kaya hindi ko na siya kilala.." then nataranta siya, "Basta mag-imbento ka na
lang."

"Naman Kuya! Tinuturuan mo akong magsinungaling eh yung katabi ko eh.." tumingin sa


akin si Tjay ng nakakaloko, "Amen!"

"Then tell her a real thing." sabi ni Terrence.

"Ano naman?"

"Na.. na girlfriend ko 'tong si Bible girl."

Parehas kaming nanahimik ni Tjay nun. Ako siguro nanigas na sa pagkakatayo ko. Ni-
wala ngang naglakas loob all my life na tawagin akong girlfriend eh.

Napansin siguro ni Terrence na state of shock kami ni Tjay. Tumingala lang siya sa
amin as if alien kaming dalawa.

"Ano?!?" sumubo siya ng mashed potato nun.

"Girlfriend?"

"Wala ka talagang alam sa mundo. Syempre, half-lie. Girlfriend lang sasabihin mo,
iisipin niya na mag-syota kami. Pero parang hindi rin tayo nagsinungaling, kasi
girlfriend, meaning kaibigang babae. Alam mo naman yun si Ulah, ibang klase tumakbo
ang isip nun kaya baka magsawa na rin." then tumingin siya sa akin nun,"Hindi naman
siguro against sa faith mo yun ha.. Bible girl?"

Parang nawala yung dila ko nun. Tinapik lang ako ni Tjay ng malakas nun sa likod ko
kaya naisipan kong magsalita eh.

"Oh sure. Okay lang naman tumulong." if you put it that way.

"Great. Ngayon umupo ka dito.." tinapik niya yung upuan sa tabi niya, "Baka
dumating pa si Ulah.."

Tumingin sa akin si Tjay nun, tapos naupo din siya across namin ni Terrence.

"Hoy hoy kayong dalawa ah.."

"Huwag niyong totohanin to!"

***12***

Hindi naman nagpakita si Ulah, thank God. Pero ayun, doon kami kumain ni Tjay sa
table nila Terrence at grupo nila Arwyn. Hindi kasi kami umalis hanggang sa matapos
yung breaktime dahil ayaw daw ni Terrence na magtake ng chances.

Nagtinginan yung iba sa amin, pero hindi naman lahat. Unang-unang reason siguro eh
dahil hindi sila sanay na doon kami kumain dahil iba yung table namin sa table
nila. Pangalawa, sikat si Arwyn dahil Captain siya ng basketball team kahit
saksakan naman ng yabang. Pangatlo eh 4th year na sina Terrence at yung mga
classmate niya. Usually sa school, magkakasama madalas eh yung mga magkakaklase.
Which is, pare-parehas ng year.

Anyway, dahil two weeks lang ang practice time at Socstud lang ang period namin na
pwedeng mag-sample ng debate, super duper rush na kami. Nakakahiya naman na
magmessed up ka sa buong 3rd year at 4th year population ng school mo.

One time nga dahil naisipan namin ni Tjay na magpractice ng sabay afterschool sa
bahay dahil nga sa upcoming week na yung debate. Nakaupo kai nun sa carpet nila at
nasa magkabilang direksiyon kami ng coffee table nila. Nagdedebtae kami kung dapat
bang tanggapin ang same sex marriage. Dahil nga may religious concern ako, doon ako
sa against at si Tjay naman kunwari eh sa pro.

Nag-iisip na naman kami ng bagong topic ng pagtatalunan namin nung lumabas si


Terrence sa kwarto niya at may hawak na can ng soda. Nag-lean siya doon sa may
hagdan nila at nakatingin siya sa amin.

"O sige, debate naman tayo tungkol sa... abortion. Kung dapat gawin na legal."

"Against ako, pro ka."

"Teka, against din naman ako. Ikaw na lang mag-pretend na pro ngayon."

"O sige na nga, game na."

Magsisimula na sana kami nun kaya lang biglang tumawa ng malakas si Terrence kaya
napatingin kami sa kanya ng de-oras. Hindi ko alam kung anong nakakatawa. Tinignan
ko si Tjay, wala naman siyang dumi sa mukha. Tingin ko naman wala akong dumi sa
mukha dahil kung meron sinabi na sana sa akin ni Tjay. Pero bakit naman tumatawa
itong si Terrence?

"Kuya may nakakatawa ba?" tanong ni Tjay nung napansin na niya yung Kuya niya.

"Wala-wala... sige carry on."

Halata mong pinipigilan niyang tumawa. Namumula na yung mukha niya. Last time na
namula yun, dahil nagsisimula na siyang hindi makahinga hanggang sa naging blue na.
Tapos ngayon eh namumula yung mukha niya, dahil sa kakatawa.

Huminto ako sa pagsasalita nun. Nasa middle na ako ng sentence ko na kailangan ng


abortion dahil paano yung mga na-rape, kaya lang tumatwa pa rin si Terrence.

"Uhmm.. hindi na ko makapag-concentrate." sabi ko kay Tjay.

Itong si Tjay eh tumayo sa pagkakaupo niya at lumapit kay Terrence. Halata mong
naiinis na siya. Wala kasi kaming matatapos kung nakatayo doon yung Kuya niya at
tatawa ng tatawa sa ginagawa namin. Baliw yata ito eh, wala namang nakakatawa.

"Kuya, kung wala kang magawang matino pumasok ka na lang sa kwarto mo. Doon ka
naman madalas at bakit lumabas ka yata sa taguan mo ngayon? Kasama ba yan sa
symptoms ng hika mo?"

Saka lang tumigil ng pagtawa si Terrence. Seryoso na siya nun. Naasar na naman siya
kay Tjay eh. Sa totoo lang, parang hindi naman yata tama na inaasar niya yung kuya
niya dahil may asthma. Kung tutuusin, he can't help it kung meron siya nun di ba?

"Well, natatawa lang ako kung paano mag-debate. Same-sex marriage? Abortion? Yeah..
sure." tapos humakbang siya sa hagdan nun.

"Eh bakit ano bang alam mo? Feeling mo naman superior ka at alam mo lahat! Well
sorry na lang Kuya.. you don't know a thing!"

Kaya lang naisip ko, senior na siya. Which means, alam na niya kung paano yung
debate. Kung anong ginagawa. Kasi na-experience na siya. That means, he knows
something. So we're probably doing it wrong kaya siya tumatawa. Right?

Nung nakaakyat na siya, naisipan ko namang tawagin siya.

"Terrence saglit lang!" hindi naman malakas yung pagkakasigaw ko, "Pwede kang mag-
stay."

Nakita ko na napanganga si Tjay sa tabi ko. Pero ayun, hindi ko na lang pinansin.

"Tama ba yung ginagawa namin? I mean, senior ka. Na-experience mo na kung paano
yung debate. Pwede bang bigyan mo kami ng samples? Kasi naisip ko, baka tanungin
nila kami kung dapat bang iimplement ang divorce--"

Hindi ko pa tapos yung sinasabi ko, sumingit na si Terrence.

"Have you been---?" tapos naghihintay siya ng sagot ko.

For one second, nalito ako. Pero nakuha ko rin kung ano yung tinatanong niya.

"Divorced? Hindi pa naman."

Umupo si Terrence sa hagdan nun. Hindi na siya tumatawa. Seryoso siya, pero hindi
yung seryoso na galit hindi katulad kay Tjay kanina. Parang, you know, kalmado lang
siya. Parang mas Kuya pa ang dating niya ngayon kaysa kanina na tumatawa lang siya.

"That's the point. Bakit ka makikipag-argue sa isang tao about divorce when you're
only in high school? Why would you argue about same sex marriage? Why do you care
so much? Member ka ba ng third sex? Abortion? That's just... worldly matter.
Masyadong general." then nag-isip siya, "Do you deal with that right now?"

"Hindi naman." well, sana naman makakuha ako ng maayos na sagot kaysa naman 'hindi
naman'.

"Teka nililito mo ba kami? Kasi kung sinasabi mo na hindi kami nagdi-deal sa mga
babaeng namromroblema sa abortion, then mali ka. Ang dami-dami na kaya ngayon.
Common na nga sa Pilipinas eh." sumingit naman si Tjay.

"I know. Marami ngayon. Common na. Problema na. But here, tell me, magbigay ka ng
name ng kilala mo na namromroblema ngayon sa pagpapaabort ng baby niya dahil na-
rape siya?"

Na-gag si Tjay. Wala yata siyang sinabi.

"Tell me one of your gay friends who's planning to get married with a dude next
month."

Wala pa ring nasagot si Tjay. I think I'm getting his point.


"Kaya yung mga juniors, lagi silang namimislead. They always practice, on the wrong
stuff." wow, talaga bang binibigyan niya kami ng lessons?

"Pero sabi ng teacher namin, debate is something we should start of kung gusto
naming marinig yung opinion mo.. yung thoughts mo.."

"Here's a thing: Kung yung mga grown-ups ngayon, government officials, religious
figures, and critics can't decide whether we should have gay marriage here, what
more can you do? The argument will go on until they reach a compromise. Pero habang
di pa nangyayari yun, you should start with something you care about. Something
small, but you deal with everyday."

Tinaas ni Tjay yung kilay niya. Ewan ko kung bakit parang irritated siya sa kuya
niya.

"Eh kung masyado kang matalino, kagaya naman ng ano?"

"Like.. if we actually learn alot by focusing on books, without doing it manually.


Science perhaps."

Sabay kaming sumagot ni Tjay nun. Kaya lang, magkaiba yung sagot namin.

"No." tapos siya naman eh, "Yes."

"Or maybe kung worth it ba na magbayad sa PTA.. pero iba naman nakikita natin"

"Yes." si Tjay nman eh, "No."

Nagtinginan kami ni Tjay nun. Magkaiba yung sagot naming dalawa. Eh samantalang,
dalawang concerns pa lang yung sample na sinabi ni Terrence.

Tumingin kami kay Terrence nun. Ngumiti siya sa amin. Totoong ngiti.

"That's what I thought." tumayo na siya uli, "Ngayon pwede na kayo mag-practice."

Tapos nun, pumasok na siya sa kwarto niya.

***

It was a compleye dudd. Yung debate namin ni Tjay eh nagiging totoo. Hindi kami
galit sa isa't isa, pero nagpapalitan talaga kami ng opinion.

Well, isa sa pinakanaging-hot kami eh yung focusing in books, not much on


laboratory. Ang side ko kasi, bale-wala kung natututo lang tayo sa books, pero
hindi naman natin alam gawin. Sabi naman ni Tjay, mas maayos na matuto ka sa librao
dahil kapag marami ka nang knowledge, saka mo yun iaapply. Saka naman ako sasagot
na sa real world eh panay hands-on, hindi lang libro.

Nagpunta kami uli sa Day Care. This time parang hindi na irritated at nahihiya si
Terrence. Mukhang kahit papaano, alam na niya yung ieexpect niya. Medyo naiinis pa
rin siya sa mga tanong ni Oli, pero parang wala na lang. Hindi na siya nakilaro ng
habulan, kasi alam mo na yung ieexpect mo. Pero nung binuhat nga niya yung isang
bata at nakailang balik siya dahil nagra-race kami, napagod siya ng kaunti at sabi
niya hindi daw siya makahinga. Nagpanhinga lang siya, pero okay na.

Dumating na rin yung susunod na linggo. Sabi sa amin sometime between Wednesday to
Friday gagawin yung debate. Basta surprise na lang daw. Sasabihin na lang daw amin.
Lahat nga yata kinakabahan.
Then yung ibang classmate namin eh narinig namin na nagpa-practice din ng debate. I
heard Arwyn talking about birth control. Ewan ko kung parang nagiging Terrence ako,
pero natatawa rin ako nun. Hindi ko mapigilan. It's pretty stupid really, na
nagsasalita ka as if you're a parent, then hindi naman pala. What'e the point
taking a side, when you don't even know what it's like?

Well, Terrence is so smart after all.

Nung umagang-umaga, may isang 4th year na humarang sa akin sa hallway. On the way
na ako nun para sa English Club dahil sinabi na may meeting daw. President ako ng
Club na iyon, kaya kailangan kong pumunta. Nagkatao naman na yung English Lab eh sa
taas ng building, kaya maraming 4th year na nagkalat doon. Ang kalat nga sa hallway
nila eh.

"Miss.. Miss.." sabi nung lalaki na humarang sa akin.

Sinusubukan kong umalis doon, pero hinaharangan niya pa rin ako.

"May meeting kasi ako eh, pwede mamaya na lang?"

"Sandali lang ito. Nagco-conduct kasi kami ng survey sa mga students. Kailangan
lang namin yung name mo, saka year mo. Then we'll ask you a couple of questions,
then we're done."

Siguro naman hindi naman masama. Survey lang naman pala.

"Sige na nga shoot."

Okay lang naman siguro na ma-late ako sa meeting. Isa pa, for a cause din naman
ito. Kapag walang nagco-conduct ng survey sa mundo, aba walang mangyayari sa atin.

"Okay. Let's start." kinuha niya yung papel niya na nandun sa bulsa niya, "Okay
anong pangalan mo?"

"Shaylie Jimenez. Third year."

Sinulat naman niya yun. Tapos tumingin siya sa akin tapos ngumiti rin naman.

"First question, kung bibigyan kita ng chance to play baseball with me, would you
do base 3?"

Napakunot noo ako nun. Hindi ko yata naintindihan. I don't know anything about
baseball, hindi ko alam kung may guards ba bawat bases.

"Would I do what?"

May tumawa doon sa gilid. Nakita ko na may isa pang lalaki na nakaupo doon sa gilid
ng room nila. Tumingin yung lalaki na nag-interview sa akin, tapos ngumisi lang.

"Second question na lang." nag-flip siya ng page, "Would you be happy if I give you
a chastity belt?"

"A what-belt?"

"You know, medyo out of trend na siya. Pero magiging masaya ka ba kung bibigyan
kita? Kasi yung ibang girls medyo diappointed kung out of trend na ang gift nila."

Tumawa na naman yung isa. Then ngumiti na naman yung 4th year na nagiinterview sa
akin. Wala pa akong nasasagot. I felt so stupid. Baka iniisip nila na wala palang
kwenta na tanungin ito dahil hindi ako nakakatulong sa survey nila.

Hindi niya hinintay yung sagot ko, tapos naghanap siya uli ng tanong na sa tingin
niya siguro eh masasagot ko. Sana naman alam ko na.

"Gumamit ka na ba ng chocolate syrup?"

"Para saan?"

Tawa ng tawa yung isa. Namamatay na sa kakatawa. Siguro iniisip niya ang ewan-ewan
ko naman kung ganun.

"Hey hold on, Shaylie Jimenez! Naalala kita! Ikaw yung isa sa church choir!" nag
light-up yung mukha nung 4th year na dude, "May right question para sa iyo. Tamang-
tama..."

Tapos hanap siya ng hanap doon sa papel niya. Until finally, nahanap na niya yata.

"Since you're active in church, you know the missionaries right? So.. alam mo ba
gawin yung missionary--"

Naramdaman ko na lang na may umakbay sa akin. More like a friendly thing. Tapos
tinignan ko, si Terrence lang pala.

"Spare her. She's with me."

"Ooh. okay Terrence."

Aalis na sana yung dude, kaya lang tinignan ni Terrence yung papel, bago umalis ng
tuluyan yung dalawa. Umiinom siya ng kung ano nun. Tapos seryoso niyang tinitignan
yung papel na may pangalan ko. Wala naman akong nasagot eh. Nakakahiya.

Nung wala na yung lalaki, saka lang siya humarap sa akin.

"Saan ka nga pala pupunta?"

Pero wala akong pakialam doon. Ano bang klaseng survey yun?

"Lunatic ba yung 4th year na yun? Oh ako lang? Kasi wala akong alam sa mga
tintanong niya."

"Huwag mong pansinin yun. Siya ang lunatic."

Pero hindi ako mapakali. Nakakahiya talaga. Sana kahit isa man lang may nasagot
ako.

"Hindi man lang ako nakasagot. Hindi tuloy ako nakatulong sa survey." yumuko ako
nun.

Ngumiti lang si Terrence.

"Actually, hindi yun survey. More like a prank." seryoso na siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Lahat ng tanong dun, it's trying to prove if you're still a virgin."

Na-shock ako nun. Kaya hindi ko mapigilan nung sinabi kong...


"ANO?!?" tinakpan niya yung bibig ko pero inalis niya rin.

"Yeah. Ano bang tinanong sa iyo?"

"Mali ka naman yata eh. Tinanong niya ako tungkol sa baseball. Eh wala naman akong
alam sa sports.."

"Which one? Base 1, 2, 3 or home run?"

Nalilito pa ako nun pero sinagot ko naman siya.

"Base 3."

"Tinatanong niya kung may dude na humawak na sa chest mo."

"Ganun? That's so gross.." sa totoo lang, nakakadiri talaga.

"Ano pa tinanong niya?"

"Something na may kinalaman sa belt."

"Chastity?" tinanong niya ako casually lang.

"Yeah, yun yata."

"Tinanong ka niya kung magiging happy ka doon?" natawa si Terrence, "Yun yung metal
na binibigay sa mga babae noong unang panahon. To strap around their privates para
hindi sila makapagtwo time sa asawa nila."

Parang ang dami kong natutuklasan ngayon ah. Hindi ko yata alam yun?

"Siguro naman yung chocolate syrup walang kinalaman dito?"

"Nilalagay yun sa body mo then they'll lick it off. Usually they ask for whipped
cream."

Tinakpan ko na yung tenga ko nun. Kung anu-ano na pala yung tinanong sa akin
kanina!

"As for the missionaries na sinasabi kanina, he was about to ask kung alam mo ba
yung standard position when making love."

"Kadiri naman sila!!" talagang sinigaw ko iyon.

Ngayon alam ko na bakit tumatawa yung lalaki kanina. Kasi kung anu-ano na pala yung
tinatanong nung lalaki na iyon! Bwisit na iyon! Dapat i-report yun eh!

"He's in gangs kaya ganun. Hindi lahat ng 4th year ganun." sabi niya sa akin. "Good
thing hindi mo alam yung mga bagay na yun.."

Nag-tap siya sa balikat ko.

"Means, you're on the plus side. My plus side anyway."


***13***

Tinanong ko si Terrence anong plus side na tinutukoy niya. Tapos sabi niya, plus
side daw, meaning, nasa good side daw niya ako. Ayaw daw naman niya kasi na mag-
hang out yung kapatid niya sa kung sinu-sinong mga babae lang daw. Akalain mo yun,
concern din pala kay Tjay?

Nagpunta na ako sa meeting ng English Club. Meeting namin eh tungkol doon sa


pinaplano nilang school play. Dahil ako eh president ng club, isa ako sa mga mag-
judge sa auditions. Hindi na rin ako sasali sa play, isa na lang ako sa gagawa ng
props at assistant director ako. Hindi ko pa alam kung original piece ang gagawin
namin, o baka kukuha na naman kami ng well-known play sa libro.

Nag-test kami sa chemistry. I swear, hindi ako magaling sa chemistry kahit anong
pakikinig ang gawin ko. Nung una eh madali pa dahil panay definitions lang ang
gagawin at magsasaulo ka lang. Nakaka-perfect score pa ako nun eh. Tapos nung
sinimulan na namin yung mga valence electron at shell na yan, ayun na, wala na
akong alam. Sunud-sunod kasi yung score ko na 100, tapos yung huli eh 78. Quiz
naman yun, hindi pa naman major grade.

Napatingin nga si Arwyn sa papel ko eh.

"Anong nangyari Jimenez?" tinanong niya ako dahil hindi siya sanay na nakikita na
mababa ang quiz scores ko.

Nagyabang pa nga siya eh. Sabi niya siya nga daw na wala sa top 10, naka-75 sa
quiz. Ano ba yun?!?

Si Tjay naka-100. Sabi ko nga sa inyo top 1 namin yan at magiging valedictorian
namin balang araw. Pero sa ngayon, kailangan ko talaga ng tulong ni Tjay sa
chemistry. Si Arwyn pa man din ang kapartner ko sa lab, at hindi ang pagbagsak
naming dalawa ang solusyon sa problema ko.

Then isang araw, na-corner na ako ni Mr. Yabang. Sabi niya manood daw ako ng
practice nila. Ewan ko ba kung bakit big deal na manood ako ng practice. Ano bang
makikita ko sa gym? Yun pawis niya? Wow great.

Ewan ko kung bakit maraming gustong manood ng practice nila. Kasi pagdating ko
doon, hindi man puno yung bleachers, ang daming tao. Then nakita ko yung mga
players na naglalaro na dun sa gitna at pawis na pawis sila. Afterschool na ngayon,
kaya wala nang klase.

Si Tjay eh ginagawa yung lab niya sa chemistry. Sabi niya mabuti na raw na matapos
niya ng maaga, kaysa naman late na. Sabi ko sa kanya na ininvite ako ni Arwyn na
manood, kaya hindi na kami magsasabay umuwi. Nauna na siya sa kanila.

Pagpasok na pagpasok ko doon eh feeling ko out of place na ako. Then nung lumalakad
ako sa harapan para maghanap ng upuan, may narinig akong mga nagcha-chant.

"Lasing ako
Lasing ako
Ito ang paborito ko." then pansin ko panay lalaki yung kumakanta.

"Dumadaan, dumadaan
Sa aking harapan
Babaeng kay ganda ng katawan."

Hindi ko naman pinansin. Alam ko naman kapag nasa gym ka, maraming ingay kang
maririnig. Sa mga cheerers pa lang immune na ako eh. Usually kasi nagpa-practice
sila sa kabilang room kung saan may meeting yung English Club. Sa sobrang hirap ng
school, wala na yata silang pwesto kung saan dapat mag-practice.

Then tuluy-tuloy pa rin yung mga lalaki sa pagakanta.

"Ako man ay iyong lasingin


Ikaw pa rin ang aking gugustuhin
Ang aking paborito ay.. V-I-R.... GIN."

This time, naasar na talaga ako kaya tumingin ako doon sa mga kumakanta. Then
napansin ko na isa doon sa mga kumakanta eh yung 4th year na nagtanong sa akin sa
survey, at yung tumatawa. Then may kasama pa silang apat na lalaki na hindi ko
kilala. Kumakanta sila ng kumakanta nung dumadaan ako.

Magsusungit na sana ako kaya lang may humawak sa braso ko.

"Jimenez! Dumating ka!!" then paglingon ko si Arwyn eh medyo pawis na, tapos naka-
jersey siya.

Aaminin ko, kahit na mayabang yang si Arwyn, cute din naman siya. Katulad ngayon,
naka-jersey siya. Alam kong typical, pero ayos pa rin yung dating.

Mabuti nga dumating siya eh, dahil kung hindi baka nagtatataray na ako doon sa mga
lalaki. Wala kasing mga modo.

Iniupo ako ni Arwyn doon sa may gilid. Mag-isa nga lang ako doon dahil wala akong
kakilala. I mean meron din, pero hindi ko naman sila ka-close. Just my luck, nandun
pa ako. Kung hindi lang talaga ako nahihiya kay Velasco na nakailang invite na sa
akin, wala naman talaga akong balak manood. Inaantok-antok na nga ako dahil panay
takbuhan lang naman at shoot ang nangyayari nung narinig ko na lang na..

"Whoa... kakatakot!"

Napalingon ako kung sino yun. Nakita ko na nasa baba ng bleachers si Terrence tapos
hawak niya yung hoodie niya na jacket at tinatakip niya yata sa mukha niya. At
least yun sa paningin ko.

Then nakita ko nasa harap niya si Ulah. Nag flying kiss sa kanya. Hindi kaya yun
yung dahilan at tinakpan niya?

"Actually Ulah busy ako eh.." binaba na niya yung pinanghaharang niyang hoodie sa
mukha niya dahil tumigil na si Ulah sa pag flying kiss niya, "Alam mo yun, sa
scholarships and such. Kasi senior na ako eh. Saka na lang."

"Sige naman na Terrence!" tapos lumapit sa kanya si Ulah tapos humawak sa braso ni
Terrence. "Inimbitahan mo ako sa date di ba?"

Si Terrence naman inalis kaagad na parang nandidiri na hindi mo maintindihan.

"May.. uhh.. sakit kasi ako nun. Wala ako sa sarili ko. Parang kung anu-anong
pumapasok sa isip ko.."

"Eh bakit ba parang iniiwasan mo ko?" nagpapaawa na siya nun.

"Hindi naman sa ganun... yun nga, marami akong ginagawa."

Parang naiirita na naman siya. Then pagkalingon niya doon sa side ko, nakita niya
na nakaupo ako doon sa bleachers mag-isa at nakakunut-noo na ako na pinapanood
siya. Natawa na nga ako nun eh, kasi nakakaawa siya na hindi mo maintindihan na
gustong umalis sa pagkakahawak ni Ulah.

Inalis niya uli yung kamay ni Ulah, tapos umakyat doon sa bleachers.

"Saka ano eh.. alam mo na... " sumunod naman si Ulah sa kanya, "Magalit siya."
tinuro ako ni Terrence.

Tinignan ako ni Ulah. Then naalala niya ako. Kasi pinakilala na nga kami ni Tjay sa
isa't isa.

"Hindi ba ikaw yung bestfriend ni Tjay?"

Tumango lang ako nun. Ewan ko ba kung bakit dinadamay pa ako ni Terrence sa
kalokohan niya. Hindi naman kasali doon.

"Bakit ka naman magagalit kung malapit ako kay Terrence?"

Tinignan ko si Terrence. Tingnan mo ito, magsasabi lang din ng kung ano yung hindi
ko pa alam.

Napansin niya siguro na hindi ako sumasagot, kaya siya na ang sumagot para sa akin.

"Si...bib--, si Shay kasi... girlfriend ko."

Nanlaki yung mata ni Ulah sa akin. Ako naman nagulat pa rin ako kahit na matagal ko
nang alam yun. Then si Terrence, naupo doon sa kanan ko. Sa pinakadulo para wala
nang tumabi sa kanya kung hindi ako lang.

Itong si Ulah, ayaw yatang malayo kay Terrence kaya naupo siya doon sa kaliwa ko
naman. Nakapagitna pa nila ako.

"Ikaw pala girlfriend niya.." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pero
nakangiti naman siya, "Anong pabango mo?"

"Uhmmm..."

"Ako kasi bumibili ng pabango niya. Regalo ko sa kanya lagi." sabi ni Terrence
tapos bumulong siya sa akin,"Pwede bang paalisin mo yan?"

Hindi ako makasagot nun dahil nga katabi ko si Ulah. Kung sasagot man ako,
kailangan ibulong ko pa. Panay nga ang tanong ni Ulah eh, ano daw bang hobby ko,
ano daw bang favorite kong ganito at ganyan.

Ulah's nice. Hindi siya katulad nung ibang girls na kapag sinabi ng guy na gusto
nila yung isang girl eh girlfriend niya eh nagtataray na. She's really nice.. but
she's also annoying. Kaya siguro ayaw rin siyang sabihan ng masakit na salita ni
Terrence dahil mabait naman siya, nakakairita nga lang.

Panay ang tanong niya habang nanonood ako mag-shoot si Velasco. Half listening na
nga lang ako eh. Sagot na lang ako ng sagot sa mga tanong niya kahit hinid ko na
alam yung mga pinagsasasagot ko.

Then itong si Terrence, finally siguro may peace of mind na siya, nilabas niya yung
sketch pad niya at nag-drawing. Tumingin ako uli doon sa mga naglalaro ng
basketball, then doon uli sa sketch pad niya. Marunong pala siya mag-drawing?

"Marunong ka?" tinuro ko yung dina-drawing niya.


"Obvious ba?"

Tingnan mo ito, matapos mong tulungan nagsusungit pa. Half the time na nandun ako
nun, panay ang tingin ko doon sa sketch niya. Ang galing nga niya eh. Hindi na ako
nagtanong kasi baka isagot niya lang sa akin eh, 'obvious ba charcoal?!?'

Natapos din yung practice. Nagsitayuan na lahat at ako rin eh tumayo na. Si Arwyn
eh lumapit na kung gusto daw niyang ihatid niya ako, hintayin ko lang daw siya at
mag-shower siya. Sabi ko naman, kailangan ko na umuwi at hindi na kailangan na
ihatid pa niya ako.

Itong si Ulah, nalaman niya yata na uuwi ako mag-isa, kaya ayun, nag-offer na
sasama daw siya sa bahay nila Terrence at may itatanong daw siya na project kay
Tjay. As far as I know, gusto lang niyang makasabay umuwi si Terrence.

"O sige pala una na ko ah.."

Nakababa na ako nun sa bleachers pero sinundan ako ni Terrence. Siguro iniisip niya
na hindi talaga siya lalayuan nung babaeng yun. Kaya ayun, nag-isip na naman ng
palusot.

"Actually, ihahatid ko si bib--" then parang nainis siya dahil lagi siyang
nagkakamali, "Si Shay!!" then napaatras ako eh, "Pupunta muna ako sa bahay nila."

"Great!" sabi naman ni Ulah at nakatodo ngiti na naman siya, "Okay lang ba na
sumama ako sa bahay mo Shay? Hindi ko pa kasi nakikita yung bahay mo eh. Okay lang
ba?!?"

Dahil hindi naman masama, pumayag na ako. Nakita ko na hinawakan ni Terrence yung
ulo niya, na para bang sumasakit na hindi mo maintindihan.

Kaya ayun, napilitan si Terrence na ihatid ako kahit hindi naman yun ang pakay
niya. Palusot na nga lang, pumalpak siya. Wala tuloy siyang magawa kung hindi
ilakad kaming dalawa ni Ulah. Malapit lang naman yung bahay, walking distance lang.

At all the time na naglalakad kami, hindi tumigil sa kakasalita si Ulah. Kesyo
bahay daw nila eh ganito, at bahay niya eh ganyan. Actually hindi na ako nakinig.
Parang naiintindihan ko na si Terrence kung bakit gusto nga niyang iwasan yung
girl. Grabe eh. Walang tigil!!!

Dumating kami nun sa bahay, tapos sabi ni Ulah eh aalis na siya. Nauna niyang
sinabi yun, then si Terrence eh nakakita ng pagkakataon eh sabi niya mag-stay daw
siya. Nahihiya na yata si Ulah na magsabi na mag-stay siya, kaya umalis na nung
nahatid niya ako sa gate.

Sumama si Terrence sa loob ng bahay. Magpapatagal lang daw siya ng kaunti hanggang
sa wala na si Ulah.

"Grabe yung babae na yun! Naaasar na talaga ako! Kung hindi lang babae yun baka
nasaktan ko na yun!"

"Hoy OA ka.. babae pa rin yun. Hindi ka dapat ganyan magsalita."

"She's getting into my nerves! That... dweeb!" sobrang asar na asar na talaga siya.

Then pagpasok na pagpasok namin sa bahay, sumigaw na ako kay Mama na nandun na ako.
Kasi baka nasa itaas yun. Si Papa tiyak wala pa dahil may pasok nga siya.

Si Terrence ngayon lang nakapunta doon. Kaya medyo ilang pa siya. Ang bagal nga
niya pumasok eh. Naupo lang siya doon sa couch namin, at nilabas na naman yung
sketch pad niya.

"Gutom ka ba? O baka nauuhaw ka?"

"Tubig na lang." pero hindi man lang siya tumingin sa akin.

Pumunta ako sa kusina nun para ikuha siya ng tubig. Kalalabas ko pa lang ng baso eh
narinig ko na nag-ring yung landline phone namin. Then narinig ko si Terrence na
nagtatanong kung dapat daw ba niyang sagutin, kaya sinabi ko na sagutin na niya.

Nung pinapakinggan ko dahil nag-hello na siya, ito yung nasagap ko...

"Bakit ako tinatanong mo kung sino? Ikaw nag tumawag.. sino ka ba?"

Then maya-maya lang, teka lang narinig ko na sinabi niya..

"Si Terrence kaibigan niya. Bakit? Sino ka ba? Teka nga tatawagin ko!" talagang
pabalang yung sagot niya.

Ganito ba to sumagot ng phone? Lumapit na ako dahil inaabot na niya sa akin yung
phone. Inabot ko rin yung tubig sa kanya.

Tinanong ko kung sino, then sabi ni Terrence ang bastos bastos daw.

"Kaibigan lang daw naman pala ako eh boyfriend mo daw siya!"

Yung boyfriend ko??? Naman!

"Hello?"

"Sino ba yung sumagot na yun na akala mo kung sino at walang modo! Nakakaasar na
ah!"

Nilayo ko sa tenga ko yung phone. Kilala ko na kung sino ito.

"Oh my God ikaw ba to?"

"Oo ako na Shay. Huwag nang mag-inarte..."

"Na-miss ko na boses mo! Kailan ka pupunta dito?"

"Ikaw rin na-miss na kita. Pupunta na ako diyan. Surprise na lang. May ibibigay nga
pala ako sa iyo. Hintayin mo na lang.. favorite mo yun tiyak.."

"Ganun! Talaga! I love you Ran!"

Then si Terrence, tumayo na. Uuwi na daw siya. Badtrip daw kasi eh. Nawala daw
concentration niya. Tapos tiyak naman daw wala na si Ulah.

"Saka ayokong marinig yung mga pagka-mushy niyong dalawa. Masuka pa ko diyan sa
boyfriend mo."

Tinakpan ko yung phone para hindi marinig yung sinasabi ko. Tumingin ako kay
Terrence nun..

"Tangek! Sabi lang niya boyfriend ko siya kasi nainis din siya sa iyo! Si Ran
'to.." tinuro k yung phone..
"Pinsan ko."

***14***

Nung sinabi ko kay Terrence na pinsan ko lang talaga si Ran, sinabi niya na uuwi na
daw talaga siya. Mukhang wala lang naman sa kanya. Actually ito nga yung sinabi
niya nung palabas na siya ng pintuan...

"Ano naman ngayon kung pinsan o boyfriend mo siya? Kahit nga asawa mo pa o siamese
twins kayo baka wala rin akong pakialam eh."

Sasabihan ko sana nun si Ran na mag-hold dahil nga aalis na si Terrence, pero sabi
ni Terrence eh huwag na akong mag-abala kaya umalis na lang siya ng hindi ko man
lang sinabayan. I don't think he cared that much, so hinayaan ko na. Kinausap ko na
lang si Ran dahil ilang buwan na rin akong walang balita sa kanya.

4th year high school na si Ran, katulad ni Terrence. Kapatid ng Papa ko ang Mommy
ni Ran kaya iba ang apelyido niya. Mayaman nga si Ran kung titignan ko eh. Lagi
lang niyang sinasabi na hindi daw kahit halata naman. Retired US Army reserve
officer yata yung stepdad niya pero Filipino. Kaya ayun, malaki ang pension. Yung
real dad niya, may pamilya. Nung una kasi, hindi alam ng Mommy niya na married pala
yung tatay niya. Kaya nung pinanganak siya, isinunod sa apelyido ng tatay niya.
Pero ngayon ayos naman na, married na ang Mommy niya at tiyak naman masaya na sila
sa stepdad niya. Hindi ko pa nga lang nami-meet. Nung nagpunta kasi kami sa kanila
nun, nasa US pa yung stepdad niya. I know he's bald, kasi sa pictures.

Sabi niya tumawag lang daw siya kasi nga nabalitaan niya na magkakaroon na daw ako
ng kapatid. Kaya sinabi ko na yun nga, meron na. Dumating naman si Mama, at sila na
nag-usap. Hindi ko na nakausap uli si Ran dahil umakyat na ako sa taas.

Nung dumating yung Wednesday, hindi na surprise nung sinabi na mamaya na daw may
assembly kami para sa junior debate. Ewan ko ba, bumilis yung tibok ng puso ko eh.
Hindi yung debate mismo ang nagpakaba sa akin, kung hindi yung idea na haharap ako
sa maraming tao. Si Tjay nga parang wala lang, iba yung pinagkakaabalahan eh.

"Hoy Tjay, bakit parang busy ka yata?"

Nag-iisip siya nun na hindi mo maintindihan. Seryoso, pero parang hindi naman
problemado. Tumingin lang siya sa akin tapos nag-lean siya doon sa desk niya. Now
that's Terrence-like. Minsan may mga actions kasi si Tjay na, kahit alam mong
lalaki yung kapatid niya, may resemblance pa rin.

"Ano kayang magandang pa-birthday kay Kuya?" tinanong niya ako nun pero parang
sinabi niya lang out loud.

"Magbibirthday si Terrence?"

"Oo nga eh. Not til Friday. Nag-iisip lang ako ng regalo alam mo yun? Usually kasi
kapag birthday nun wala naman siyang plano.. aalis lang. Babalik gabi na."

"Eh ayun naman pala eh, may tradition na siyang susundin." natawa ako nun. Parang
di ko kasi maimagine si Terrence na nagce-celebrate ng birthday niya.

"Hindi yun, gusto ko maiba naman. Kasi tuwing birthday ko, kahit ganyan yang si
Kuya, thoughtful naman yan. Kung hindi ako iti-treat kung saan, bibigyan ako ng
regalo. Samantalang ako wala lang." tumingin siya sa akin, "Tingin mo magpa-party
ako sa bahay? Iinvite ko yung mga classmates niya?"
"Tangek! Baka ikagalit ng Kuya mo yun! Isipin mo na lang, si Terrence ang pinag-
uusapan dito hindi si Arwyn. Kung si Arwyn gusto ng attention, si Terrence ayaw."

Teka sa akin ba talaga galing yun? Parang mas kilala ko pa si Terrence ngayon kaysa
dati ah!

Nag-iisip na rin ako nun. Kung si Tjay nga na kapatid na ni Terrence eh nahihirapan
na mag-isip ng ireregalo, ako pa kayang bestfriend lang ni Tjay? Sure thing mahirap
nga mag-isip, kasi napakamoody ng tao na yun. Hindi mo maintindihan. Minsan
masayahin naman, minsan parang ewan. Mas madalas lang yung ewan.

Then finally, nakaisip yata si Tjay kasi muntik na akong tumaob sa upuan ko.

"Alam ko na!" sumigaw siya tapos humawak siya sa kamay ko, "Bakit hindi na lang
tayo magluto para sa kanya?!? Lahat ng paborito niya! Di ba? Mahilig naman kumain
si Kuya eh. Mabilis lang ang metabolism kaya hindi halata. Ano?! Okay ba?"

Mukhang okay naman. Hindi naman siguro masama yun. Parang sinabi lang ni Tjay na
maghanda na lang tayo sa birthday niya.

"Magdala ka na lang ng pang-overnight ayos na.." sabi niya tapos kinuha na niya
yung gamit niya.

Nung lumabas na siya ng pintuan, saka ko lang naisip... teka nga...

Overnight??? Anong klaseng luto ba ang gagawin namin???

***

Last period na namin gagawin yung debate bago mag-uwian dahil baka daw gabihin
kami. Kaya ayun, naurong yung mga classes namin ng hapon. Nauna yung TLE, then
Values, tapos Gym a.k.a P.E. class. Pinakuha sa amin yung mga gamit namin dahil
ila-lock daw yung girls locker room. May track meet kasi that time, kaya yung mga
girls na nasa track eh kasama yung coach na laging nagbabantay sa lockers. Kaya
ayun, sarado. Sabi lang sa amin eh pwede daw kaming magbihis at mag-shower sa
locker room ng mga guys, pero paunahin daw kami. Hello? Hindi kami pwedeng magsabay
lahat. Kaya ayun, ayos lang daw sa mga guys as long as hindi daw mag-snoop yung mga
girls.

Volleyball yung lesson namin. Dahil marami kami sa class, may naunang batch na
maglalaro, at merong lang susunod. Sa second batch ako napunta ng girls, at yung
mananalong team ang makakalaban naman ng team ng guys na nanalo.

Hindi ako magaling sa volleyball. Actually kapag nag-serve nga ako di umaabot sa
net. Pero hindi naman ganun kasama, dahil kapag malapit ako sa net eh nakakatira
naman ako at pumapasok na sa net. Pero hindi naman ako ang pinakamagaling sa team.
Mahirap talaga kapag hindi ka athletic. Nakakahiya eh.

Unfortunately kahit na nandun ako sa team, nanalo pa rin kami kaya kami yung
nakalaban ng mga guys. Ang lalakas nila mag serve at spike pa, kaya umaabot sa
likuran. Tawa lang sila ng tawa dahil lagi silang nakaka-score. May isang time nga
na nag-serve yung isa at tinamaan pa ako sa ulo. Gusto ko sanang mag-disappear doon
sa spot kasi nagtawanan sila eh.

We did okay. But not good enough. Umabot lang kami hanggang second set dahil
parehas na game eh nanalo yung guys. Pawis na pawis na nga kami nun dahil mainit na
nga, tapos naglalaro pa kami. Parang hindi na ako makakahindi sa shower.
Sabay-sabay kaming lahat. Ayaw ko na nga tumabi kay Tjay nun dahil baka mamaya amoy
pawis na ako. Hindi kasi nanalo yung team niya, kaya hindi naman siya pinagpawisan
di tulad ko. Nagpunta kami nun sa locker rooms at syempre, nag-shower. Yung mga
guys nun eh nasa labas dahil naghihintay sa amin. May dala-dala lang kaming mga
damit na pampalit.. at kanya-kanyang stalls na kami. Ayun, nagbihis na kami lahat.

Yung mga guys yata naiinip na eh..

"Ano ba yan 68 years na!!" narinig kong may sumigaw doon sa labas.

Yung iba nga nang-aasar pa na sisirain daw nila yung pinto at titignan daw nila
yung view sa loob. Alam naman naming biro lang, pero kapag tinotoo nila yun, ewan
ko na lang. Marami kasing mga naka-undies lang doon eh.

Katulad ng gym, amoy pawis yung locker room ng guys. Sa girls kasi ang bango eh.
Ewan ko ba. Ang dami nga naming mga seremonyas nun, powder dito, pabango diyan.. at
make-up din. Pero ako hindi nagmake-up so sila lang.

Kasama ko sina Tjay at yung ibang mga babae na lumabas ng locker room. Syempre
akala nung mga guys tapos na kami, kaya lang hindi pa tapos yung iba kaya hindi pa
sila nakapasok. Naghintay pa sila ng 10 minutes or so, bago sila sumigaw uli at
baka daw may babae pa sa loob. Ang bibilis nilang tumakbo, kasama si Arwyn na
inamoy pa nga yung buhok ko.

Nung nakalabas na kami, dapat babalik na kami sa room at hintayin na lang yung guys
dahil pupunta na kami sa assembly. Then kinabahan ako, hindi dahil sa debate, kung
hindi dahil may nakalimutan ako sa locker room ng guys.

"Ano yung naiwan mo? PE uniform mo?"

"Worse. Undies ko."

"ANO?!? Bakit mo iniwan?!? Panay lalaki doon ah! Paano kung nakita nila yun???"

Hindi na niya kailangang ipaalala yun kasi alam ko na iyon. Hindi ko naman kayang
bumalik pa doon dahil panay lalaki. Saka malalaman nila na sa akin nga iyon. Eh di
ang balak namin ni Tjay eh may sneak in na lang kapag wala nang tao sa loob at
kunin yung naiwan ko.

Hindi kami nag-stay sa labas dahil obvious nga iyon. Doon lang kami sa gilid at
naghintay kami na matapos sila. Ang ingay mag-shower ng mga lalaki kaya nung
tumahimik na eh alam naming tapos na sila. Pinatagal lang namin ng kaunti dahil
baka may naiwan pa sa loob. Sabi ni Tjay eh pumasok na ako sa loob at kunin ko na,
at siya na lang daw ang look-out sa labas in case na may bumalik na mga lalaki.

Ako naman, nagtiptoe doon sa loob. Sa bandang dulo kasi ako naligo, kaya kailangan
pumunta pa ako doon. Kaya lang nung napunta na ako doon sa dulo, narinig ko na lang
may nagsabi na..

"What the hell---"

Pagtingin ko nun, nakatayo si Terrence doon sa harapan ko. May hawak siya na roller
ng tissue handle at sa dulo nun eh nakasabit yung strap ng bra ko at yung lady
boxers ko. Nagulat din siya nung nakita niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

Sabay pa kami nagsalita nun. For a minute or two, walang nakasagot kaagad.
"Coach's aide ako. Counted as community service. Pumasok ako kanina lang nung
nandito pa yung mga 3rd year." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "Ikaw anong
ginagawa mo sa locker room ng mga lalaki??"

"Uhmm ano.." na-mental block talaga ako nun.

Nagsuspetsa na siya nun. Parang alam na niya eh. Pero si Terrence naman yan, kuya
ng bestfriend ko. Hindi naman siguro masyadong nakakahiya di ba?

"Sa iyo 'to noh?" tinaas niya yung tissue roller kaya parang nakasabit doon na
hawak niya.

Hindi na ako makatanggi, kaya might as well aminin ko na.

"Uhh.. yeah." tumango naman ako, nakakahiya pa rin, "Dito kasi kami pinag-shower
kanina. Naiwan ko kasi. Ayoko namang makita nila kaya nagsneak in na ako kasi
nakakahiya naman.."

"O siya, ito na yung bra mo at..." tinignan niya yung rack, "Whatever you call
that." tinuro niya, "Normal lang yan. I have a sister, so sanay na ako. It's not
like it's new or something."

Lumapit naman ako para kunin ko. Hindi pa niya naabot ng maayos eh narinig ko na
lang na...

"Terrence kailangan nating i clear out yung mga lockers doon sa---" tapos nakita
niya kaming dalawa na nakatayo doon at hawak ni Terrence yung tissue roller kung
saan nakalagay yung lady boxers ko at bra. Kung titignan mo nga sa malayo, parang
hawak lang niya.

"Uhmm.. Coach... ano.."

Pumasok si Tjay nun. Alam kong sinubukan niya yung best niya na pigilan, pero
parang walang nangyari kasi nakatingin siya nun na parang nagso-sorry.

"It's not what it looks like.."

Mag-eexplain na sana kami nun. Pero parang sa sobrang gulat nung coach eh.. tinuro
niya yung pinto at parang out of words na siya.

"Kayo.... dalawa..." parang bulol na hindi mo maintindihan.

"Mag report kayo sa Guidance Office. Ngayon na!!"

***15***

Nilagay ko na sa bag ko yun at nagtinginan kami ni Terrence. Mageexplain na kami


kaya lang pinalabas na kami at sa Guidance na lang daw kami mag-explain. Parang
wala si Coach na panahon para makinig sa amin. Sabi niya eh pumunta na daw kami
doon at itatawag daw niya yung nakita niya sa conselor.

I wonder kung anong iniisip niya.

Nung nakalabas na kami doon, hindi pinasama si Tjay sa Guidance dahil nagtatanong
lang daw siya ng schedule ng games sa labas ng locker room. Kahit ganyan yang si
Tjay, ang bilis gumana ng utak kapag emergency. Kaya kami lang talaga ni Terrence
ang pinagrereport doon at mukhang seryosong-seryoso si Coach. Pinaderetso na si
Tjay sa auditorium dahil sa debate, at yun naisip ko na kung magtatagal ako doon sa
Guidance eh isa siguro ako sa makaka-zero doon sa performance na yun.

Naglalakad na kami sa may hallway tapos panay ang tingin ni Terrence sa kisame na
parang hindi mapakali na hindi mo maintindihan. Ayun, galit na naman na hindi mo
maintindihan.

"Ano ganun-ganon na lang pala?!?" sabi niya tapos parang kung may tao siguro sa
harapan niya nasuntok na niya, "Ngayon pupunta pa ako sa Guidance!" tumingin siya
sa akin.

"Whoa easy ka lang baka atakihin ka sa puso!" sinubukan ko mag-joke kasi napakahigh
blood naman nitong tao na ito.

Tinignan niya lang ako ng masama.

"Hindi ako nakikipagbiruan!" tapos binilisan niya yung lakad niya. "Sa tingin mo
naman nakakatawa yun?"

Sabi ko nga eh, seryoso siya.

I mean, bakit ba ganyan na lang siya ka-problemado? Gaano ba kahirap ibigay yung
side mo ng story at sabihin mo yung totoo? Bakit ba masyado siya kung mag-react
kung alam naman niyang hindi kami guilty?

Teka, guilty ba kami ng ano?

Nakarating na kami ng Guidance at hindi na kami kumatok dahil mukhang ineexpect


naman na kami nung conselor. I mean, nakatawag na siguro yung coach namin. Kaya
ayun, pinapasok naman na kami kaagad at si Terrence eh hindi pa nag li-lo yung
pagka-badtrip kaya tinapik niya ng malakas yung upuan kung saan siya pinapaupo kaya
muntik pang natumba.

"School property yan Mr.---" sabi nung Counselor.

Hindi sumagot si Terrence. Nakaupo lang siya doon. Arms folded up front, nakatingin
sa sahig at magkasalubong yung kilay.

Ako na nga yung sumagot eh. Kasi mukhang wala siyang balak.

"Quintero. Terrence Kelvin Quintero." tapos umupo ako ng maayos, "I'm Shay nga po
pala, Shaylie Jimenez."

Nag-lean sa table yung counselor at mukhang hindi naman siya galit. The way she
looked at us she seems... friendly. Mukhang hindi naman siya nangangain ng tao na
nagpupunta doon.

Ngumiti siya, pero pagkatapos nun nagseryoso rin naman siya.

"Tumawag dito si Coach Pinaglabanan at ni-report niya yung nakita niya sa locker
room ng mga guys."

Then hindi pa tapos yung Counselor eh nag-react na kaagad si Terrence.

"I have nothing to do with her? Anong klase siya?!?"

"Mr. Quintero.." tapos parang nag-motion siya na mag calm down si Terrence. Grabe
pala itong tao na ito?!?
"I know.. I know.. sa generation niyo ngayon uso na yan. Everybody wants to try
something different."

Sasagot na naman si Terrence kaya lang tinignan ko siya. Hindi kasi maayos na
kausap eh, kaya nung tumingin siya, parang sinasabi niya na ako yung mag-try.
Parang iba kasi yung kinahahantungan eh.

"Ang totoo po nun kasi---"

Pero katulad ni Terrence, pinahinto din ako. Patapusin daw muna siya. Bibigyan daw
niya kami ng time para ma-explain daw yung side namin. Nag-continue lang siya sa
paglelecture sa amin.

"Alam ko naman ang mga teenagers ngayon.. confused yan. Hindi mo malaman yung kung
anong gusto..."mahinahon na yung pagkakasabi.

"Heck I'm confused.. halata ba?!?" sarcastic yung pagkakasabi ni Terrence nun.

Tinignan lang siya ng counselor. Pero wala namang sinabi. Basta parang binibigay
lang niya yung pangaral niya. Ganito ba talaga sa Guidance? Actually, hindi pa ako
napunta dito. It's something new.

"Itong mga ganitong bagal eh dapat i-deal seriously... hindi dapat tinotolerate.
Kung kailangan niyo ng advice, you can always come to me. Hindi niyo naman
kailangan itago sa inyong dalawa lang yun."

"Wala naman kaming ginagawang masama ah!" binaba niya yung fist niya doon sa table
dahil napapagod na yata siya makipagreason out.

"Actually po, pumasok po ako doon dahil nga po yung undies ko.."

"Sinabi na sa akin ni Coach. Hawak ni Mr. Quintero yung undies mo. At nandun pa
kayo sa loob ng locker room. It turned out that it's not right Mr. Quintero. Public
school tayo all right, pero we're more likely following the catholic values. That's
a sin Mr. Quintero," nag-nod siya kay Terrence tapos tumingin siya sa akin, "At
hindi niyo dapat ginagawa yun. It's not right."

Super duper asar na asar na si Terrence nun. Tapos tumayo na siya sa pagkakaupo
niya dahil hindi na niya siguro ma-take yung sinasabi niya.

"Pwede po ba makinig kayo sa amin? Lagi niyo sinasabi na patapusin ka muna pero
hindi niyo po kami binibigyan ng chance na makapagsalita eh! Now, well let's see..
kung hindi kayo naniniwala na wala kaming ginagawa in that freaking locker room, go
run some tests! Pelvic whatever. But I'm not going through it!"

"Of course you won't. Lalaki ka Mr. Quintero." tapos seryosong-seryoso na yung
counselor nun, "Yun na nga yung point ko kanina pa. It's a sin. Dalawa lang ang
nilikha ng Diyos na kasarian. Walang pangatlo." tumingin sa akin yung counselor,
"At alam ko na nagiging mabuti ka lang na kaibigan kay Mr. Quintero, Ms. Jimenez.
Alam ko tinutulungan mo lang siya na maging masaya sa mga nararamdaman niya."

Nagtinginan kami ni Terrence nun. This time, parang lalo kaming naguluhan ni
Terrence.

"May stages tayo sa buhay na nalilito tayo sa kasarian natin. At yun siguro ang
stage mo ngayon Mr. Quintero. Pero ang pagsusuot mo ng undies ng babae won't make
you one. And by giving him one Ms. Jimenez doesn't help him either."
Na-choke ako nun. Si Terrence, napaupo sa upuan niya tapos kung kanina galit siya,
ngayon naman bigla na lang tumawa ng tumawa. As in yung tawa na totoo.

"Uhmm... parang mali po yata yung view niyo.."

I was expecting something different. And I guess si Terrence din. Iniisip namin na
baka ni-report ni Coach eh we're doing something, you know, sexual, kasi yun naman
talaga ang unang papasok mo kapag nakakita ka ng undies, tapos dalawang students, a
guy and a gal, alone sa locker room.

And now may another angle pa. Third sex?

"Oo. Sinabi sa akin ni Coach na nakita daw niya at narinig na sinosoli na daw ni
Terrence yung underwear mo. Ngayon, kung nanghihiram siya sa iyo Ms. Jimenez dahil
curious siya sa mga bagay na pambabae.. well hindi naman yata tama yun. You should
very well realize Mr. Quintero that you're a man, and will always be one."

Tawa pa rin ng tawa si Terrence. Namumula na naman yung mukha niya at hawak niya
yung tiyan niya. Tingnan mo nga naman ito, ang bilis magbago ng mood.

"Teka lang po.. teka lang.." sabi ko tapos tumingin na sa akin yung counselor,
"Mali naman po kayo eh. Hindi naman po ganun yun. Ang totoo po kasi, naiwan ko po
yun doon sa locker room nung nag-shower kami after nung P.E. class namin. Nahihiya
lang po ako pumasok doon kasi maraming guys kaya nag-sneak na lang ako nung tapos
na sila. Ayoko naman po kasing may makakita. It turned out, Terrence was there, eh
nakita na niya. Ibinabalik lang po niya sa akin yung underwear ko. Kaya ayun.."
mahinahon naman ako, bilib din ako sa sarili ko eh, "I swear we're not doing
anything wrong."

"Oh." sabi lang nung counselor nung narinig niya kami, "So you mean, kinukuha mo
lang doon dahil doon ka nag-shower? Bakit doon?"

"May track meet po kasi yung coach ng girls. Yung nagbabantay po sa locker room
namin. Kaya naka-lock yun. Sabi pwede daw po kaming gumamit doon. Misunderstanding
lang po."

Humarap na siya kay Terrence nun. As in parang nalito siya na hindi mo maintindihan
that sa tinagal-tagal naming nakikinig sa lecture niya, maling lecture naman pala.

"Hindi ka pala bakla Mr. Quintero?"

Tumayo na si Terrence sa upuan niya. Mukhang cheerful na siya. Kapag honest ka


talaga at inaayos niyo ang misundertandings, hindi malabong ma-clear ka sa mga
bagay-bagay. Hindi naman pala kami in-trouble eh! Haay.

"Actually aalis na po kami ni Bible girl dahil may debate pa po kami na gagawin sa
auditorium." tumayo siya sa gilid ko dahil nakaupo pa ako sa upuan at siya eh
nakatayo, "Sorry to blew you off like that. Medyo, badtrip lang po talaga ako."
tapos naramdaman ko na humawak siya ng mahigpit sa balikat ko.

Yumuko siya at nag-level siya sa sa akin. Nagulat na lang ako kasi sa harap ng
counselor, nag-lean siya...

---at hinalikan niya ako sa pisngi. Nilagay pa nga niya yung kamay niya na parang
umakbay sa akin at ini-squeeze ako.

Tumayo rin naman siya kaagad. Nakangiti pa siya nun.

"Sure thing..." tumingin siya doon sa counselor..


"I'm gay all right." tapos nun, lumabas na siya.

***16***

Lumabas naman na ako ng Guidance nun after kong mag-nod doon sa counselor.
Nakakahiya naman kasi eh. Akalain mong halikan ako sa harapan ng isa sa school
staff? Hindi naman yata tama yun.

Tumakbo naman ako. Nakita kong hindi pa siya nakakalayo kaya hinabol ko naman siya.
Tumingin siya sa akin sa side nun at nakatingin din ako sa kanya. Tapos para kaming
sirang dalawa na tumawa ng sabay.

Terrence is so not gay. Halata naman eh. The way he acts, talks... I mean
physically he's a guy. Kaya nga it's a wonder na napagkamalan siyang bading.

Gusto ko lang makasabay si Terrence. Kasi naman kung papagalitan lang din naman ako
sa debate, mabuti nang may kasama ako. At least hati kami ng kahihiyan 'di ba?

Dumating naman kami sa auditorium. At sure thing, late na nga kami. Last batch na
yata ng debate nun kaya pinanghinaan ako ng loob. Naka-zero na ako nun sa
performance. Pinagalitan ako ng teacher ko nun, at wala na raw siyang magagawa kung
late na kami.

"Pinapunta po kasi kami sa Guidance." sabi ko naman.

"At kasalanan ko pa ngayon kung pinapaunta ka sa Guidance?"

"Kung pwede lang po sana bigyan niyo naman ako ng chance.." nakikiusap na ako nun.

Kaht bigyan na lang ako ng passing grade. Kahit hindi na mataas bata wag naman
zero. Baka bumaba ang grade ko nun. Tapos ano? Malalaman nila Papa. Baka
madisappoint sila sa akin.

"Ms. Jimenez kahit bigyan kita ng chance, lahat tapos na. Lahat ng classmates mo.
Nai-group ko na sila. Unless ikaw lang mag-isa at maghanap ka ng ka-debate mo. Eh
tapos na nga sila.."

"I'll do it." nakataas yung kamay ni Terrence nun, "Ako na lang. Bigyan niyo na
lang po kami ng topic na may opposing sides, then I'll do it with her."

Tinignan lang siya nung teacher ko. Pero syempre, hindi pwede yun dahil 4th year
siya. Tiyak mas marami na siyang alam sa bagay-bagay. Eh matalino yan. Paano kung
napahiya ako? I-zero ko na ang kaya? Hindi ba?

"Sige. Punta na kayo dun sa stage." tumingin sa akin yung teacher ko, "Ngayon lang
ito Miss Jimenez. Sinasabi ko sa iyo na walang special treatment dito. Pagbibigyan
lang kita dahil hindi mo naman sinasadya.."

Umakyat na ako sa stage. Nanginginig na yung tuhod ko nun. Nakita ko na maraming


nakaupo sa audience nun dahil nanonood sa amin. Tinignan ko si Terrence. Magkatapat
lang kami kaya hindi naman kami nagkakalayo. Seryoso siya, pero parang wala lang
naman sa kanya na katapat na namin ang mga 3rd year at 4th year ng school.

Humawak ng microphone yung teacher ko nun at humarap sa amin. Naririnig na siya sa


buong auditorium.

"Topic ng debate niyo eh.." tinignan niya yung papel niya tapos binasa niya,
"Student Council campaign.."tumingin siya kay Terrence, "Mr. Quintero, you
represent the popular kids' side. Ms. Jimenez, you represent the brainiac side.
Ijujustify niyo yung ideas niyo, whether which one deserves the position. Take
note, it doesn't mean kayo na talaga yun. This is just a practice debate sa student
council. Okay, let's start with... your side Mr. Quintero. You have to tell us na
ang popular kids ang nararapat sa position."

Nag-lean si Terrence doon sa kinatatayuan niya na parang wala lang sa kanya na nasa
harapan siya. Nasa harap din niya yung microphone tapos nakatingin siya sa akin,
then sa audience. Akala ko nga di siya magsasalita eh, pero sa wakas, ayun may
lumabas din sa bibig niya.

"The student body needs school spirit. Sino bang nagdadala nun dito sa atin? Kami
hindi ba? Kami yung nagbibigay buhay sa school, at alam din naming makibagay sa
ibang mga tao. Siguro nga sikat kami, then why? It's for a reason. Sikat kami
dahil sa mga ideas namin na tinitingala ng karamihan. Kaya kami ang nararapat sa
posisyon. Not that we care, panalo naman na kami sa pangalan pa lang." simple lang
yung sinabi niya, for a start.

"Ideas like what? More time sa sports, less sa academics? More excuse forms para
hindi counted yung quizzes sa inyo dahil wala kayo sa classes? Ano bang ideas meron
kayo? Ang alam niyo lang, yung mga bagay-bagay na makakapagpakita sa tao na mas
nakakaangat kayo sa iba. Hindi lahat tinitingala kayo. Paano naman yung concern ng
iba? Maliban ba sa sikat kayo, ano pa bang naicocontribute niyo maliban sa 3-point
shot at pompoms?"

Nagtawanan sila sa audience nun. Si Terrence, nakatayo pa rin. Wala nga siyang
reaction eh. Hindi man lang nagbago yung expression ng mukha niya.

"Eh kung magaling nga kayo at sagana kayo sa mga bagay na makakapagpabuti sa
school, bakit hindi kayo ang nananalo sa student council? Paano ba maiimprove ang
school natin kung ididiscuss niyo sa amin ang atomic number ng isang element? Alam
niyo anong problema niyo? Kulang kayo sa communication skills. Bumuka lang yung
bibig niyo, lahat nakanganga na sa inyo. It turned out, you all speak complete
Greek."

Ouch! Hindi ba niya naiiisip na brainiac side yung kapatid niya? So as me.. parang
nagiging personal nga eh...

"Who listens to weird people anyway?"

Oh no he didn't!

The galing doon sa audience, bigla na lang may sumigaw ng...

"Sino namang natutuwa sa mga egotistic na athletes ng school? Kayabangan lang naman
alam niyo ah!"

Napatingin kami ni Terrence sa audience. Saglit lang din, nagsasagutan na sila. Ang
gulo, hindi mo alam kung saan galing.

"Paano ka naman makikinig sa mga nerds? Ano bang alam nila? Total world
domination?" tapos nagtawanan naman yung isang side ng mga lalaki.

"At least yung mga nerds, hindi stuck-up."

"Sinong maysabi? Napaka-conceited niyo rin naman eh. Akala niyo kung sino na kayong
mga matatalino diyan!"

"Condescending!"
Tapos ang daming palitan. Tumingin si Terrence nun tapos hinila ako doon sa harap
ng teacher ko. Tapos naupo kami doon sa may hagdan habang nagsasagutan yung mga
students.

"Arrest our case!" sabi niya doon sa teacher tapos nakangitin pa siya.

Hindi siguro inaasahan ng teacher na magkakagulo ng ganun. Kaya hindi na namin


tinuloy yung debate. Wala na ring point. Dahil wala na ring nakikinig sa amin eh.
Sayang lang pagod namin doon. Hindi na yata kami napansin ng teacher, ewan ko kung
nagka-grade ba ako or what. Saglit lang din, lumapit si Tjay.

"Whoa, grabe naman mga tao dito. Totohanin daw ba yun?"

Palabas na si Terrence nun. Tinawag pa nga siya ni Tjay kung saan siya pupunta,
sabi niya uuwi na daw siya. Wala na daw siyang balak makipagtalo doon sa mga tao sa
auditorium. Napakawala daw sa lugar.

Humarap sa akin si Tjay nun. Tapos nakangiti na siya sa akin. PInaalala lang niya
na mag-sleepover daw ako sa kanila sa Friday. Then dahil nga busy yung teacher
namin na nag-aawat dun sa mga students na nag-aaway, sinabi niya na bibigyan na
lang daw niya ako ng special project para daw hindi daw mababa yung grade ko.
Mabait din naman pala siya eh.

Sinundan na namin si Terrence nun. Uuwi na nga lang din siguro kami. Alam naman
niya na sinusundan namin siya, pero parang wala naman siyang pakialam. Syempre,
makulit naman talaga kami ni Tjay kaya sanay na yan sa amin.

"Kuya anong balak mo sa Saturday?" Saturday yata ang birthday ni Terrence eh.

"Matutulog." sabi ni Terrence ng hindi man lang lumilingon kay Tjay.

"Wala ka man lang bang balak? Lakad? Wala?"

"Lalakad ako sa kusina." then lumiko siya doon sa corridor namin.

Ang pilosopo ng mga sagot eh no.

"Eh hindi ba birthday mo sa Saturday?"

This time, tumingin na siya pero seryoso lang siya.

"Birthday ko ba? Oh e di happy birthday sa akin."

Nakalabas na kami ng gate ng school nun nung may nakita kami na nakatayo doon sa
may gilid at nakataas yung paa. Medyo madilim na nun kaya hindi ko na masyadong
makita. Then pagtingin ko.. teka parang kilala ko ito ah...

Lumapit ako ng kaunti. Nagtaka pa nga is Tjay kung anong ginagawa ko. Then nung
nakalapit na ako, tumingin din naman siya sa akin. Sinasabi ko na nga ba eh.

"Oh-My-God! RAAAANNNNNN!" humawak ako sa pisngi niya nun tapos kinurot-kurot ko


siya, "Nandito ka na! ANg gwapo-gwapo mo naman!"

Huminto nun si Tjay saka si Terrence. Si Tjay kilala na niya si Ran, so wala na
lang sa kanya. Si Terrence, ayun nakatayo doon na parang nakakita ng multo.

"Aray ko naman kailangan ba talaga kurutin ako?"


"Ran kumusta ka na?" tinanong naman siya ni Tjay.

"Ganun pa rin.." ngumiti siya. Ang cute talaga ng pinsan ko.

Nakatayo lang si Terrence dun na para bang pinag-aaralan niya si Ran. Oo nga pala,
yung unang conversation nila hinid maganda yung kinalabasan.

"Ran, si Terrence nga pala. Terrence, pinsan ko si Ran."

"Oh boyfriend mo?" sabi ni Terrence ng sarcastic.

"Hindi ano ka ba.. nagloloko lang siya nun."

"Bakit naniwala ka naman pare?" nagstep forward nun si Ran kaya magkatapat na sila
ni Terrence. Mas matangkad nga lang si Ran.

"Hindi. Bakit naman ako maniniwala?!?"

"Bakit ba may pakiramdam ako na ang angas mo?"

Napaatras na ako nun. Tumabi ako kay Tjay. Sabi ko nga dapat hindi sila nagkakilala
eh. Parang may feud sila parehas sa isa't isa.

"Alam niyo ba.. gigimik kami ni Tjay bukas.. bukas di ba Tjay?" sabi ko lang yun
para maiba yung usapan.

Pero parang wala lang yung dalawa. Hindi yata kami narinig. Nakatayo lang sila doon
at tinitignan yung isa't isa.

"Oo. Dapat maniwala ka. Kasi lahat ng nanliligaw sa pinsan ko, dapat ako muna ang
ligawan. Kaya kung nanliligaw ka, bagsak ka na." sabi ni Ran sa kanya na parang
galit.

"Sinong may sabing nanliligaw ako kay Shay?" akalain mo yun tinawag ako sa pangalan
ko? "Hindi ko naman na siya kailangang ligawan eh."

"Bakit feeling mo sure ka na sasasagutin ka niya?"

"Yeah right." sabi niya tinignan niya mula ulo hanggang paa si Ran. "Girlfriend ko
na si Shay eh."

My jaw dropped. Sa tingin ko si Tjay din eh. Grabe naman yun, akala ko ba kay Ulah
lang yung pagpapanggap???

Tumingin si Ran sa akin nun na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.
Ako naman, hindi ko alam gagawin ko. Nakatingin lang ako nun.

Then tinapik ni Terrence sa balikat si Ran nung hindi pa siya nakatingin...

"Bakit naniwala ka naman?!?" sabi ni Terrence tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

"Eh siraulo pala ito eh!"

Bigla na lang naglakad si Terrence papalayo nun. Si Ran nga mukhang badtrip talaga,
pinigilan ko na lang. Kasi baka magkaroon pa ng away, ma-Guidance na naman ako.
Hindi naman yata tama na mapunta ako dun twice sa isang araw.

"Hey Ran ano ka ba? Kaibigan ko yun si Terrence!"


"Dang, I don't like him!"

"Pagpasensyahan mo na Kuya ko, medyo mainitin ang ulo nun by nature." ngumiti lang
si Tjay.

"Basta huwagl ang siyang magpakita sa akin hangga't maari." then humarap na siya
uli sa akin na para bang nawala na naman yung galit niya, "So may lakad ka ba sa
Friday? Iti-treat kita. Sa inyo na ako mag-stay eh."

"Oh for real?" napaisip naman ako, "Teka lang di pwede ng Friday eh, mag-sleepover
ako kina-Tjay."

"Nakatira ba yung siraulo na iyon sa inyo?" tinuro niya si Terrence.

"Err yeah. Hindi pa naman college si Kuya."

Napakunut-noo si Ran nun.

"Two choices. Isa lang pwedeng piliin.." sabi ni Ran sa akin, "Either you're not
going at all..."

"Or I'll go with you." uhmm.. can I have a hint??

***17***

Isinabay na namin si Tjay sa pag-uwi dahil si Terrence eh ang bilis-bilis maglakad


at ayaw naman namin siyang umuwi mag-isa dahil delikado naman na. Naabutan pa nga
kami nung ibang mga 3rd year at 4th year na naiwan doon sa auditorium. Si Ran din
nagulat dahil ang dami pa rin daw palang students. Nagtinginan nga yung ibang mga
babae sa kanya eh. Nagkamot lang siya ng ulo niya na para bang nag-aalangan lang
din siya.

Nung nakauwi na kami sa bahay, nakita ko na nasa living room pa yung mga bags ni
Ran. Halata mong kadarating pa lang niya eh umalis na kaagad. Baliw din talaga 'to.

Close kami ni Ran. Paano kami na lang yata ang magpinsan sa side ni Papa eh. Tapos
hindi pa nagkakalayo yung age namin, kaya magkasundo kami. Kaya ayan, para na
kaming magkapatid kahit na hindi naman kami lumaki sa isang bahay.

Si Randrei. Randrei Yu. Ang overprotective kong pinsan. Kaya nga minsan nakakatakot
na magdala ng guys na kaibigan ko eh. Baka kasi anong pagiinterrogate ang gawin
niya.

Ayun, tinulungan ko lang din siya sa gamit niya para dalhin doon sa isang bakanteng
kwarto namin. Para ngang kwarto na niya yun all along. Reserba ba.

"Ano bang balak mo at nasugod ka yata dito sa amin?" tinanong ko siya nung makita
kong nilalabas niya yung mga gamit niya sa bag niya.

"Bakit ayaw mo naman?" tumingin siya sa akin pero nanloloko lang na nagtatampo.

"Hindi. Nagulat lang ako. Usually kasi bakasyon ka lang. O kaya ako yung
magbabakasyon.." tapos tinuro ko yung gamit niya, "Pero whoa, hindi naman ganito
karaming bag."
Kinuha niya yung upuan sa computer table. Dati may computer doon, yung lumang set
namin kaya lang dahil nga sobrang luma na, nag-collapsed na. Ewan ko kung saan
dinala ni Mama. Binigay yata sa bakal-bote eh. Kaya ayun bakante na.

"Ano ka ba.." sabi niya sa akin ng nakangiti na, "Dito na kaya ako mag-stay sa
inyo."

Hindi ko mapaniwalaan yung naririnig ko. Parang gusto kong magtatatalon-talon doon
sa kama. Si Ran dito titira sa amin? Ang saya kaya nun! At least 'di ba. may kasa-
kasama na ako!

"You mean to say.. dito ka mag-aaral?" tinuro ko yung sahig nun as if nandun yung
school.

"Oo. Alam kasi nina Mommy na buntis si Tita. Kaya ayun, sabi ko willing ako mag
-help out. Isa pa, paalis-alis din naman sila sa bahay, kaya naboboring lang din
ako. Sabi ko ok na ako dito.."

Yung sinasabi-sabi niyang paalis-alis, ibig sabihin nun patravel-travel. Ibang


bansa pa nga. Wala naman siyang hinanakit sa parents niya, ayaw lang niya sumama.
Sa studies na rin siguro.

"Hanggang sa manganak lang si Mommy?"

"Til college." sumandal siya doon sa upuan, "Yun ay kung.. okay lang kina Tita."

Nagulat na lang kami nung may sumagot doon sa pintuan. Pagtingin namin, si Mama
lang pala. Ito talagang buntis na ito kung hindi lang may hormonal imbalance, baka
nasermonan ko na eh. Bigla-bigla na lang kasing sumusulpot ng walang pasabi.

"Syempre naman okay lang.." hawak-hawak niya yung tiyan niya eh hindi pa naman
malaki, "Mabuti nang marami tayo. Dahil kapag lumabas na ito, ikaw ang paglilinisin
ko ng diapers."

"Kadiri naman yun Tita!" sabi ni Ran na parang nandiri na ba, "Ano na po ba yang
magiging pinsan ko, babae o lalaki?"

"Hindi pa namin alam, gusto kasi nila surprise daw." ako na ang sumagot kay Ran
nun, "Pero gusto ko sana babae. Si Tjay gusto niya lalaki daw."

"Ang smart talaga ni Tjay no?" niloko pa niya ako, "Lalaki sana."

"Babae!" nakikipagtalo pa ako nun, "Gusto ko yung makakausap ko sa mga bagay-


bagay.."

"Katulad naman ng ano? Guys? Dating? O yung mga kababalaghan ng mga babae?"
tinignan ko si Ran ng masama nun, "Kapag 15 years old na yung sinasabi mong sister,
you'll be around 30 or 31."

Binato ko nga ng unan. Pero sa totoo lang, may point siya nun ah. Baka nga by that
time may asawa na ako. Worst baka may anak na ako.

Eeeh.. kakakilabot naman.

Nilabas ni Ran yung laptop niya. Sinabi ko nga sa kanya na mag-register siya doon
sa school site namin. Hindi ko syempre sinabi na si Terrence ang admin nun, syempre
naman baka mainis na naman yan. Isa pa, nangako naman ako kay Terrence na hindi ko
sasabihin. Kaya huwag na lang.
Nung nakita ko na nagreregister si Ran sa site as 'exterior_ran', pinigilan ko
naman. Syempre naman, hindi kaya mahalata ni Terrence na si Ran lang din naman yun?
Kaya sinabi ko palitan niya. Sabi ko ang pangit-pangit naman ng ginawa niya. So he
ended up as, R4_n. Parang Ran pa rin, pero hindi na masyadong obvious.

By next day, ini-enroll na si Ran sa school namin. Just his luck dahil 4th year na
rin siya, he ended up at Terrence's class. Hindi pa ako sure, pero yun ang sabi sa
akin ni Tjay. Si Terrence daw parang wala lang pakialam na nandun si Ran, si Ran
naman eh ayaw doon. Ewan ko kung anong nangyari sa class nila.

Friday came. Mag-sleepover kami kina-Tjay eh. Kaya lang, kasama si Ran sa akin.
Gusto ko rin kasi tulungan si Tjay, pero ayaw naman ni Ran na pumunta daw ako na
ako lang. Kung minsan nga iniisip ko na parang hindi rin yata magandang idea na
nandito si Ran, pero minsan naiisip ko rin na ganyan naman talaga siya dati pa.
Kaya masasanay na rin ako diyan.

Alam na nila Tita Jayne at Tito Kelvin, parents nila Tjay. Ayos lang naman sa
kanila. Basta daw wala lang daw malakas na music na manggagaling sa mga kwarto
namin sa kalagitnaan ng gabi, ayos lang daw sa kanila. Sinabi nga namin na hindi
alam ni Terrence na kaya kami mag-sleepover dahil may plano kami para sa birthday
niya.

"Teka teka.. kaya ba tayo nandito dahil sa birthday nun?" bumulong sa akin si Ran.

"Oo kaya huwag kang masungit diyan dahil birthday niya at pagbigyan mo na!" sinagot
ko naman sa kanya,"Magpakabait ka. Bahay nila ito, nakikitulog lang tayo."

Nilagay muna namin yung mga bag namin sa kwarto ni Tjay. Tatlo lang kasi ang rooms
sa bahay nila. Isa kay Tjay, isa kay Terrence, at yung Master's Bedroom. Alangan
namang ilagay namin yung bags namin sa kwarto ni Terrence ng wala siya, eh di riot
yun. Wala pa kasi siya nun eh, hindi namin alam kung saan naggala. Problema pa nga
namin yung tulugan mamaya. Malay ko ba.. bahala na.

Napagkasunduan naming dalwa ni Tjay na lulutuin namin yung beef and gravy na
favorite ni Terrence. Tapos may corn pa na aside na lulutuin sa butter. Dadagdagan
na lang daw namin ng kung anong mahahanap sa fridge.

"Mahilig si Kuya sa mocha-caramel. Alam mo yung nabibili sa PizzaHauz? Yun. Gusto


niya yun."

"Ang weird naman ng taste niya."

Siniko ko si Ran.

"Actually Ran masarap. Natikman ko na nga yun eh. Inorder niya ako dati sa
Pizzahauz.. masarap siya."

Nagdidiscuss pa kami ng mga gagawin namin na pagkain para sa surprise whatever para
kay Terrence nung biglang bumukas yung front door. Nanahimik kami dahil baka
marinig niya. Nakaupo kami doon sa carpet nila, kaya napatingin sa amin si Terrence
nung pumasok siya. May hawak siyang video camera sa kaliwang kamay niya, tapos yung
sketch pad niya. Napataas pa nga yung kilay niya nung makita niya kami doon.

"Hey Terrence!"

"Ano bang meron at ang lalakas ng boses niyo? Naririnig ko kayong nagsisigawan
hanggang sa gate eh."naiirita na naman siya.
"Eh kasi dito kami mag-sleepover sa inyo.."

"Kami?!?" nagtaka siya nun kaya nag-bend siya at nakita niya na nasa gilid ko si
Ran na nananahimik, "Ooh. Kumpleto pala kayo ngayon eh." ngumiti siya, "May girls
night out pala." tapos tumawa siya para asarin si Ran.

Sasagot pa sana si Ran kaya lang pinigilan ko na. Magbibirthday na nga eh,
pagbigyan na niya. Actually parang wala lang kay Terrence na magbibirthday siya. I
mean, alam niya, pero parang.. hello ordinary day?

"Saan ba yung banyo niyo? Kailangan ko na gumamit eh."

"Doon sa may dulo ng hallway sa kanan." tinuro ni Tjay yung papunta doon sa banyo
nila.

Umalis na si Ran nun. Naupo na lang kami ni Tjay at nag-usap kami ng mahina. Si
Terrence napansin ko eh bukas yung pinto niya. May salamin nga doon eh, kaya kahit
hindi siya katapat ng pinto, nakikita ko pa rin siya mula doon sa pagkakaupo ko.

Inalis na ni Terrence yung polo niya saka yung white na t-shirt niya. Then nakita
ko naka-pants niya at wala nang shirt. Naghahanap yata doon sa drawer niya.

When you look at him kapag naka-polo, he looks kinda' skinny. Pero kapag wala pala
siyang suot, he looks fine. May muscles din naman siya, hindi naman katulad nung sa
mga nagbobody building.. pero alam mo yun.. muscles.. na.. okay lang.

Sinuot na niya yung shirt niya, tapos umalis na siya sa kinatatayuan niya kaya
hindi ko na nakita.

"Hoy!" sabi ni Tjay sa akin kaya nagulat ako.

Tinignan ko siya. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin.

"B-bakit?"

"Chinicheck mo ba yung Kuya ko?" tinanong niya ako nun na para bang napakabig deal.

"Ako?!?"

"Oo kaya ikaw Shay!" sabi niya pero parang may halong biro, "Nakatingin ka kasi sa
pintuan niya eh." inasar-asar naman niya ako, "Ikaw ha, baka may hidden feelings ka
na diyan hindi ko pa alam!"

"Huwag ka nga!" tinulak ko naman siya kaya natawa-tawa lang din siya, "OA na yan."
then nagseryoso naman ako, "Gwapo naman yung Kuya mo eh.. pero wala akong gusto sa
kanya."

"Bakit kaya 'di mo sabihin sa kanya yan.." tapos nagulat na lang ako nung sumigaw
siya ng sumigaw, "Kuya! Kuya! Tara nga dito!"

Pinipilit kong takpan yung bibig niya pero nakalabas na si Terrence sa kwarto niya.
Parang nagtataka pa yung itsura na naiirita na hindi mo maintindihan na naman.

"Ano?!?"

"Si Shay daw..."

"Wala!" sabi ko naman nung hindi pa natutuloy yung sinasabi ni Tjay.


Tumingin sa akin si Terrence nun kasi nakikipag-wrestling ako.

"Dali na may sinabi ka sa looks ni Kuya eh! Sasabihin mo lang naman.."

Nakakahiya naman. Tinignan ko si Terrence nun dahil nakatayo lang siya doon at
parang nahihintay ng sasabihin ko. Syempre naman mabuti nang tapusin ko na ito para
naman hindi siya nakatayo doon di ba?

"Wow Terrence you look..." inisip ko pa yung sasabihin ko. "Neat."

Tinignan niya yung shirt niya nun. Tapos binalik niya yung tingin niya sa akin.
Wala man lang siyang expression na maayos-ayos. Parang hindi pa nga siya interested
eh.

"Thanks." then tumalikod na siya para pumasok sa kwarto niya.

Nagma-mouth pa si Tjay nun na kung ano daw ba yung sinabi ko at chance na daw yun
hindi ko pa sinabi. Kaya lang bumalik si Terrence tapos sabi niya..

"You too.. you look.." nag-slant siya ng ulo niya.

"Clean." uhmmm... at least something 'di ba?

***18***

Pumasok na si Terrence nun sa kwarto niya at sinara niya yung pinto niya. Actually
hindi naman sarang-sara, kasi medyo nakabukas ng kaunti. Hindi mo nga lang siya
makikita. Lumabas din si Ran, tapos sumama sa discussion namin tungkol sa little
something para kay Terrence. Parang hindi nga siya interesado eh, parang nandito
lang siya dahil nga nandito ako.

Then yun nga, napagkasunduan na yung beef and gravy na may corn. Then sabi ni Tita
Jayne, sila na lang daw bahala dun sa cake. Ibibigay na lang nila sa amin kapag
hindi na alam ni Terrence. Tinanong nga namin kung sasali sila sa kunwaring party
namin, pero sabi nila hindi na daw. Kami na lang daw apat na bahala. Hahayaan na
daw niya ang "teenagers" na magpakasaya.

Nung bumalik kami sa kwarto ni Tjay, tinignan namin yung bed. Naisip ko na hindi
kami kakasyang tatlo doon. Full-size lang kasi yun.

"Sa sahig na lang ako matutulog okay lang naman." sabi ni Ran nung naisip niya rin
na hindi siya kakasya.

"Ano ka ba 'di papayag si Mama!" then binuksan ni Tjay yung closet niya, "Wala pa
naman kaming airbed o kaya folding bed."

"Sa sahig na nga lang ako, sanay naman na ako."

Sabay kaming tumingin ni Tjay sa kanya ng masama. Yung tingin na 'Ano bang
pinagsasasabi mo?!?'. Pagala-gala pa yung tingin ni Ran sa kwarto ni Tjay saka lang
niya napansin na nakatingin sa kami sa kanya.

"Okay, hindi ako sanay sa sahig.." umiling-iling siya, "Pero ngayong gabi lang
naman. Hindi naman isang buong taon."

Kung may nanay na lang din na super galang sa guest, nangunguna na si Tita Jayne sa
list. Ayaw niya ng may bisita na natutulog sa sahig, ayaw niya na may natutulog sa
couch nila, o kung saan man na hindi daw kwarto at may proper na bed. So malabong
matulog si Ran na katabi namin. Naisip nga namin na patagilid kaming lahat sa isang
kama, pero hindi kaya sumakit naman yung leeg namin nun???

Isang solusyon lang ang naisip ni Tjay. At yun na nga yung ginawa niya..

"KUYA!!!" sumigaw siya doon sa labas ng kwarto ni Terrence pero hindi naman
pagalit,"Papasok ako ah!"

Narinig kong hininaan ni Terrence yung music niya. Then parang may tumalon, at
binusan yung pinto. Nakaheadset siya, tapos may hawak din siyang lapis sa kamay
niya.

"Ano?!?"

Pumasok si Tjay sa kwarto ni Terrence na parang Mother Superior. Sumunod lang kami
ni Ran.

"Dito matutulog si Ran." casual lang yung pagkakasabi niya.

Yung tingin niya kay Tjay, nabaling naman kaagad kay Ran. Ito namang si Ran parang
walang kagandahan ng loob, nag-react kaagad.

"Ayoko ngang matulog kasama yan!" nung narinig ko yun, yung sound ng boses niya eh
mas mahinahon kaysa naman nung una namin siyang nakita sa school.

"Ang arte mo naman Ran! Sige nga pumili ka, ikaw ang matutulog dito o ako?!?"

Nagulat siya siguro sa sinabi ko. Kasi naman, sinabi ko ba talaga yun? Matutulog
ako kasama ni Terrence?

"Eh bakit hindi si Tjay na lang ang matulog dito kasama ng Kuya niya? Magkapatid
naman sila, magpinsan tayo. E di isang kwarto sila, isang kwarto tayo."

"I am not giving up my room." sabi ni Terrence tapos sinuot niya uli yung headset
niya, "At bakit ko ba proproblemahin kung saan ka matutulog eh hindi naman ako
kasali sa Girls Paty niyo?!?"

"Sinasabi mo ba na bading ako?!?" nagtaas na naman ng boses si Ran.

Call Ran a loser, but never ever call him a fag. Expect the worst kapag ganun.

"May sinabi ba ako?!?" hindi pa rin tumingin si Terrence nun.

"Eh parang ganun yung gusto mong iparating!" hinawakan ko na si Ran nun, "Alam mo
ba kung bakit ako nandito? Dahil sa pinsan ko. At nandito ka. Kung si Tjay lang
okay naman sa akin eh..." huminto siya saglit, "Ngayon magiging masaya lang ako
kung tapos na itong little---"

Tinakpan ko yung bibig ni Ran. Baka mamaya sa sobrang emotional niya eh masabi pa
niya yung balak namin.

"Sige dito na ako matutulog para tapos na ito." tumingin siya sa akin, "Yun ay kung
okay lang sa IYO." inemphasize niya pa talaga yung 'iyo'.

"Sure."

"Alam ko naman na---" nagulat din si Ran nung narinig niya yung sinabi niya,
"Teka.. pumapayag ka?!?"
"Kanina ka pa nga nag-iingay diyan eh. Wala naman akong sinabi kanina na hindi ka
pwede matulog dito, ikaw lang yung may ayaw. Ngayon kung pwede lang, isara niyo na
muna yung pinto at pumasok ka na lang kung matutulog ka na. Busy ako eh."

Lumabas na kami nun. Sinara ni Terrence yung pinto nung lumabas kami. Sabi ni Tjay,
hindi na daw lalabas yung Kuya niya oras na sinabi niya na busy siya at oras na
nagsara na yun ng pinto. So marami daw kaming panahon na magluto.

Nag-ubos lang kami ng oras. Nagluto lang kami ng popcorn at nagmovie marathon kami
na tatlo. Yung unang movie, kasama pa namin si Tito Kevin. Pero umalis din at
matutulog na daw siya. Then si Tita Jayne, tumulong na maglabas ng lulutuin namin.
Hindi na nga lumabas si Terrence. Pumasok nga si Tita Jayne sa kanya para i-check
siya, tapos nakita ko na lang na parang seryosong-seryoso naman siya.

"Bakit Ma?"

"Hindi na naman makahinga yung Kuya mo."

"Ok lang siya?!?" concern din si Tjay nun.

"Kanina pa daw. Hindi lang niya sinasabi na hindi siya makahinga. Pero umo-ok na
daw pakiramdam niya kaysa kanina."

Nakita ko na dinalahan ni Tita Jayne ng tubig si Terrence. Nag-stay yata siya doon
ng matagal-tagal din, tapos lumabas na siya at matutulog na rin daw siya. Sabi niya
na huwag daw naming kalimutan na linisin yung mga pinaglutuan namin at pinagkainan.
Kami na daw bahala sa kusina.

Tinanong namin yung cake, at ayun nga sabi niya na kami na daw ang magpick-up. 24-
Hour naman yata yung pinag-orderan nila. Malapit sa Victory Liner. Antok na antok
na daw siya.

Alas-8 na nun. Sinimulan na naming magluto at balak naming kunin yung cake maya-
maya na. Lumabas si Terrence at nakita niya na nagluluto kami, pero inisip lang
niya siguro na para sa kakainin lang namin sa movie.

Si Ran, palipat-lipat ng tv. Hindi yata mapakali. Hindi naman siya tumutulong sa
pagluluto, I doubt na tutulong siya kasi hindi naman yata siya marunong.

Nag-boil muna kami ng beef. As in sobrang tagal dahil inubos pa namin yung tubig.
Tapos nun nilagyan na namin ng cooking oil, so medyo piniprito pa namin. Naggisa
lang.. tapos ewan ko na. Hindi ko kasi alam lutuin. Mostly si Tjay ang gumawa,
taga-hiwa lang ako at taga-abot ng kailangan.

Pinakamadali sa lahat, I-boil yung corn. Lalagay mo lang sa tubig, lagyan mo ng


butter.. and then MAGIC! Instant sweet corn. Yun nga siguro pinaka-achievement ko
eh.

Hinihintay pa namin na maluto yun, so hininaan lang ni Tjay yung stove tapos sumama
na kami kay Ran uli sa harapan ng tv. Isang malaking milagro nga nung lumabas ng
kwarto si Terrence, at naupo doon sa couch nila. Mukhang makikibonding yata sa
amin.

"Makikinood ka sa amin?" tinanong ko naman siya nung nakaupo na siya.

Tumango lang siya. Si Ran pa rin yung may hawak ng remote.

"Ano bang gusto niyong panoorin?!?"


Tinignan namin yung nililipat niya. Walang masyadong magandang palabas nun. Sabihin
lang daw namin na hinto na siya kung yun na daw yung channel.

Naglilipat pa si Ran nun nung biglang...

"STOP!!! STOP, STOP, STOP!" sumigaw si Tjay nun.

Literally, nahulog ako sa upuan ko sa sobrang gulat ko. Nabingi pa yata ako. Katabi
ko kasi si Tjay, kaya nung sumigaw siya, direkta sa tenga ko.

Natawa pa nga si Terrence sa akin nun eh.

"Gusto mo ng koreanovela?" tinanong siya ni Ran nun.

"Teka lang diyan muna may gwapo eh.."

Ang talas ng mata. Grabe, naglilipat pa ng channel nun nakita pa niya yun?!? Si Ran
nga parang na-bore kasi binaba niya yung remote eh. Tama naman si Tjay, may gwapo
nga dun. Kaya lang hindi naman namin sinusubaybayan yun, kaya hindi namin alam yung
story.

Nilipat uli ni Ran. Na-stop pa nga siya sa isang channel na movie na Tagalog. Luma
na kasi brown, then sabay-sabay kaming tumingin sa isa't isa at nagtawanan kami.
Ayaw kasi namin ng lumang movie. Ang baduy kasi eh. Si Terrence wala lang, nakaupo
lang doon at naghihintay siguro ng maayos na channel.

Then may something tungkol sa mga isda. Sabi ni Tjay ayaw daw niya yun dahil boring
daw. Yung simpleng pagkakasabi niya ng boring, napunta sa discussion about marine
biologist.. tapos may narinig pa ako na binanggit niya about sa way kung paano ma-
distinguish ang babaeng isda sa lalaki. Sa totoo lang, si Tjay pwede nang
encyclopedia.

"Tjay kung boring, bakit hindi ka na lang tumahimik?" sa wakas nagsalita uli si
Terrence.

Tumahimik si Tjay nun. Then nilipat na naman ni Ran yung channel. Nag-stop kami sa
cartoon. Powerpuff girls yung palabas nun kaya natuwa kami ni Tjay. Sabay pa kami
nagsabi na ihinto doon dahil gusto namin yun.

"No way." sabi ni Ran.

"Freakin' gay." sabi naman ni Terrence.

Nagtinginan silang dalawa nun, pero wala naman silang sinabi. Aba nag-agree yata
sila. Sumimangot kami ni Tjay nun, pero sa totoo lang pambata naman talaga yung
palabas kaya pumayag na kami na ilipat nila.

Then one thing's for sure... nung natapat sila sa channel ng basketball, binaba na
ni Ran yung kamay niya dahil yun ang gusto niyang panoorin. Then si Terrence
sumandal na sa upuan niya, I guess sign na yun na manonood din siya ng basketball.

"Ayaw ko niyan!" sabi ni Tjay tapos inaagaw niya yung remote kay Ran kaya lang di
niya makuha, "Nakakatamad namang manood ng basketball eh!"

"Oo nga! Lagi namang ganun, magkabilang side,.. shoot.. wala na."

Mukhang 'di kami mananalo dahil wala sa amin yung remote. Tumayo na lang kami ni
Tjay dahil ichecheck namin yung lulutuin namin. At yun nga, luto naman na.
"Kunin na kaya natin yung cake?" tinanong ako ni Tjay nun.

Gabi na kasi. Siguro tama lang na kunin na rin namin yung cake. Siguro nga late
past 9 na, almost 10 na rin. Ngayon alam ko na yung idea ni Tjay na sleepover,
dahil pagsapit ng 12 at tulog na si Terrence, saka kami papasok sa kwarto niya at
kakantahan namin siya ng Happy Birthday.

Pumayag na ako na kunin namin yung cake. Bumalik kami sa living room nila, at
sinabi namin na aalis muna kami dahil mag-iikot-ikot kami. Tumayo nga si Ran nun
dahil siguro nandiyan na naman yung overprotective na side niya, pero nalaman niya
yata sa tingin namin na cake yung kukunin namin. Isa pa kapag sumama siya, baka
mamaya lang si Terrence sumama rin.

"Saan kayo pupunta?!?" nagtanong naman si Terrence nun.

"Iikot nga. Ano ba yan ang bingi naman!"

"Gabi na ah! Bakit nagyon pa?" tumayo na si Terrence sa pagkakasandal niya, "Alam
mo namang may tindahan diyan sa kanto Tjay na maraming naglalasing, kapag kayo
nadisgrasya.."

"Hindi naman kami dadaan doon eh! Doon kami sa likod ng high school." then umakbay
sa akin si Tjay, "Isa pa dalawa kami. Kapag magkasama kami sisipain namin sila!"

Nung hindi na sila sumagot, lumabas na kami ni Tjay. Kasasara pa lang namin ng
pinto nung marinig namin na sinigaw ni Ran eh...

"Lalabas ako mamaya! Aabangan ko kayo sa malapit sa high school para may bantay
kayo!"

Hindi na kami sumagot. Asahan mo pa si Ran sa safety first.

Totoo nga yung sinabi ni Tjay. Sa likod ng high school kami dumaan. Nakakatakot
kasi yung mga naglalasing doon sa tindahan sa may kanto. Araw-araw yun actually.
Although wala pa namang nababalita na may ginawa silang masama, nakakatakot pa
rin. Siyempre hindi mo pa rin masasabi.

Medyo malayo na parang malapit yung Victory liner. Ang gulo no? Malyo dahil
lalakarin mo pa yung kahabaan ng high school, tapos isa lang yung poste kaya medyo
madilim. Wala namang tao doon kaya okay lang sa amin ni Tjay kaysa naman may mga
lasinggero. Then malapit dahil nalalakad mo lang yung Victory liner na katabi nung
pinag-orderan nung cake ni Terrence.

Nakarating din naman kami doon. Marami-rami nang tao at marami nang ilaw. Sabi ko
ako na lang ang magbabayad ng cake dahil wala naman akong masyadong naitulong. Ayaw
pa nga ni Tjay, pero pinilit ko kaya pumayag na lang. P365 yung cake, P500 yung
binayad ko.

Pinasulat namin sa cake..

'Happy Birthday Terrence!


Love,
Shay, Tjay
but mostly... Ran.'

Tawa kami ng tawa na dalawa nun. Ano kayang reaction niya dun? Isipin ko na lang
yung itsura ni Ran, baka magsungit na naman yun!
Ako yung naghawak ng box ng cake. Kami naman eh bumalik na para makauwi na kami.
Gabing-gabi na nun. Doon sa may side ng high school tiyak tulog na karamihan.
Siguro past-10 na.

"Sana magustuhan ni Kuya no?"

"Hindi naman insensitive siguro si Terrence.." sa tingin ko, hindi naman talaga
kahit ganun yun umarte, "Ma-appreciate niya yun."

Nakakalahati pa lang namin yung high school at medyo madilim nga dahil isa lang
yung poste, bigla na lang huminto si Tjay.

"Nakalimutan ko yung sukli!" humarap siya sa akin, "Yung sukli mo hindi ko nakuha!"

"Babalikan natin?!?" parang nangangayaw na ako. Hawak-hawak ng dalawang kamay ko


yung malaking cake, tapos babalik na naman?

"Ako na lang babalik. Hinatayin mo ako at tatakbuhin ko. Mabilis lang yun kapag
tinakbo ko."

Nag-isip pa ako nun, kaya ayun pumayag rin naman ako.

Tumakbo nga si Tjay. Ang bilis nga eh. Sumandal ako doon sa bakod ng high school
dahil nangangawit na ako. Umupo pa nga ako eh. Dahil siguro gabi na rin, ilang jeep
na lang ang nakita kong dumaan.

Nagsimula na akong magbilang nun. Ang boring. Madilim na nga, boring na, tahimik
pa! Gusto ko isandal yung ulo ko nun sa tuhod ko, kaya lang may cake ako na hawak.
Nakakangawit naman pala ng braso.

Pumipikit-pikit na yung mata ko nun. Inaantok na kasi ako. Then nagulat na lang ako
nung may humawak sa braso ko tapos nagsabing...

"Miss ano okay ka lang diyan?"

Tiningala ko yung ulo ko. May apat na lalaki nun pero hindi ko masyadong makita
yung mukha. Madilim kasi, tapos yung ilaw hindi pa masyadong maliwanag.

"Yeah okay lang." hindi ko na sila pinansin uli.

"Ikaw lang ba dito?"

"Hindi ano.. may kasama ako." tinuro ko yung way ni Tjay, "Darating na yun."

Tumingin naman sila doon sa tinuro ko. Bigla na lang sinabi nung isa na..

"Mukhang wala pa naman yung kasama mo eh. Gusto mo sa amin ka sumama?" hinigpitan
niya yung hawak sa braso ko.

Muntik nang mahulog yung cake nun.

"Ano ba ang sakit ah!" inalis ko yung kamay ko.

"Ano ba itong hawak mo?" sabi nung isa tapos lumapit sa akin.

Inaagaw niya yung cake nun, ayaw ko pa ngang ibigay, kaya lang nalulukot na yung
box at baka masira yung nasa loob... malakas din naman siya.. kaya binigay ko na.

"Cake? Saan party natin?!?"


Nagsimula na akong kabahan nun. Nasaan ka na ba Tjay?!?

Naisipan ko na umalis na doon, na tumakas, tapos kapag nakabalik na ako sa bahay


isasama ko si Ran na balikan si Tjay. Wala na akong pakialam doon sa cake. Basta
gusto ko lang umalis na doon.

Then nung aalis na ako, isinandal nung isa yung braso niya kaya hindi ako makadaan.
Then nung sa kabila ako dadaan, sinandal din niya yung kamay niya. Hindi ako
makadaan.

"Saan ka pupunta?!?"

For the fisrt time, saka ko naamoy yung bibig niya. Amoy alak eh..

"Ano ba.. umalis nga kayo sa harapan ko kung hindi sisigaw ako!"

"Sumigaw ka wala namang makakarinig sa iyo!"

Lalo lang bumilis yung tibok ng puso ko nun. Totoo naman yung sinasabi niya, walang
makakarinig sa akin. Tapos kapag dumating si Tjay, parang wala ring silbi. Parehas
kami babae, apat na lalaki ito.

"Uuwi na nga ako eh!" nagulat na lang ako nung, nagsimula na akong umiyak, "Pwede
ba pauwiin niyo na ako?!?"

"Bakit naman?!?"

Parang wala silang pakialam na umiiyak na ako. Nawalan na talaga ako nung pag-asa
nung sinabi nung isa na...

"Pare tirahin na natin 'to.."

Saka na ako nagsisimulang sumigaw. Sigaw na ako ng sigaw. Yung luha ko nun tulo na
ng tulo. Bakit naman ganito?

Sumandal sa akin yung lalaki ng sobrang diin. Tapos nilapit niya yung mukha niya sa
mukha ko. Saka ko iniwas, kaya yung nadikit yung mukha niya sa pisngi ko. Sinubukan
kong sumipa nun, kaya lang yung isa kanila eh hinawakan ako paa, at yung isa eh
hinawakan ako sa braso ko.

Hindi na ako makagalaw nun. Sumigaw ako ng sumigaw then tinakpan nila yung bibig
ko. Stuffed na yung ilong ko nun sa kakaiyak. Pero wala akong pakialam. Hindi na
ako nahihiya. Gusto ko lang... gusto ko lang...

"Hoy Pare bitawan mo siya!"

Hindi ako makalingon dahil nakaharang sila. Pero alam ko na yung boses na yun. Si
Ran! Sabi nga pala ni Ran na maghihintay siya malapit sa High school. Siguro naisip
niya na ang tagal namin...

Ililigtas ako ni Ran!

Binitawan ako nung mga humahawak sa akin. Saka lang ako nakahinga. Ngayon, yung
atensiyon nila na kay-Ran na.

"Sino ka ba at bakit nakikialam ka?"

"Pinsan ko lang naman yung hinahawakan niyo!"


"Ahh si Miss?!?"

Lumapit sila kay Ran nun at pinalibutan nila. Si Tjay wala pa rin. Bakit ba ang
tagal niya? Sabi niya tatakbuhin daw niya ah?!?

Then saglit lang, na-corner na nila si Ran. Yung isa lumapit sa kanya, tapos
sinuntok siya sa tiyan niya. Alam kong kaya ni Ran yun, dahil nung gaganti na siya
ng suntok eh...

"Ano papalag ka?!?" hinarap sa kanya yung kutsilyo at tinapat sa bibig niya,
"Pumalag ka, o baka gusto mong magkasamaan tayo dito."

Ako naman hindi ko na alam yung gagawin ko. Hindi na makapalag si Ran dahil may
kutsilyo sila. Kaya ang ginawa ko, tumakbo ako ng tumakbo. Hihingi ako ng tulong.
Siguro naman merong tutulong sa amin.

Tulo na ng tulog yung luha ko nun. Hindi na rin ako makahinga nun. Alam ko lang,
nandun si Ran at baka kung anong gawin nila sa kanya. Medyo nahihilo na ako nun..
then kakatakbo ko at wala na ako sa sarili ko.. may tinamaan ako.

"B-bitawan mo ako! A-ano b-ba bitawan mo ako!" may humawak na naman sa


akin,"Tulong..." sabi ko ng mahina pero hindi ko na maisigaw.

"Anong nangyari sa iyo?!?"

Nanlalabo na yung mata ko nun. Saka ko nakita si Terrence, hawak niya yung braso ko
pero hindi naman mahigpit gaya nung ginawa nung mga lalaki kanina.

"T-tterrence.." tinuro ko yung likuran ko, "Ran.. ano.."

Hindi ko pa naayos ung sinasabi ko, tumakbo na si Terrence nun. Ako naman hindi ko
alam kung dapat ba akong sumunod. Walang tao nun.. at malayo pa yung mga bahay
dito.

Nanguha ako ng kahoy nun. Just in case. Then tumakbo na ako kasunod ni Terrence.

Kaya lang pagdating ko doon, hawak pa rin nila si Ran. Laking pasasalamat ko at
hindi pa naman nila ginagawan ng masama. Tapos si Terrence, sinipa niya yung isa na
may hawak ng kutsilyo kaya natumba siya. Ako naman tumulong ako, pinaghahahampas ko
yung isa na humawak sa akin kanina.

Si Ran nakatayo na rin, tapos tumulong na siya kay Terrence. Then hindi kalayuan,
nakita ko na parating na si Tjay. Mukhang wala pa siyang alam.

Nung napansin ko na nasaktan na namin yung mga lalaki at tumakbo na yung tatlo,
yung isa eh sumugod pa at sinubukan niyang saksakin si Terrence. Sigaw na naman ako
ng sigaw nun at iyak na naman ako ng iyak nung makita ko na dumudugo na yung kamay
ni Terrence..

"Arrrgghh! Dang!" tapos hinawakan niya yung braso niya at napaupo na lang siya
bigla-bigla.

Napaluhod ako kay Terrence nun. Naagaw naman ni Ran yung kutsilyo, tapos tumakbo na
yung lalaki.

"Pare ano? Okay ka lang?"

Dumudugo pa rin yung braso ni Terrence. Kita ko nga eh, puti na kasi yung suot niya
nun.

"Masakit.. pero hindi naman malalim. Sa braso lang ako tinamaan.." diniinan niya
yung braso niya, "OUCH!!!"

Iyak pa rin ako ng iyak sa harapan niya.

"Terrence.. okay ka lang? G-gusto mo tumawag na kami ng ambulansiya?!? Ano


kailangan ka na ba dalhin sa hospital?!?"

"Relax.. masakit pero hindi naman malalim.. sa braso lang naman." tumingin siya sa
akin,"Sinasabi ko na nga bang hindi magandang idea na lumalabas kayong mga babae ng
wala kayong kasama! Gabi pa naman! Ano bang inisiip niyo?!?"

Malapit na si Tjay nun. Nakita namin na tumatakbo na siya sa direksiyon namin.

"Kukunin lang sana namin yung cake mo. Surprise sana namin para mamayang 12. Kaya
lang, naiwan ni Tjay yung sukli kaya bumalik siya. Tapos nung naiwan ako.. yung mga
lalaki hinarang ako. Hinawakan pa nga nila ako.." then tinakpan ko na yung mukha ko
nun dahil iyak na ako ng iyak.

Dumating na rin si Tjay. At syempre, na-shock sa mga itsura namin. Lalo na kay
Terrence. Katulad ko, umiyak rin siya ng umiyak. Inalalalayan ni Ran si Terrence
nun. Umuwi rin kami at sinabi namin sa parents nila yung nangyari. At siyempre,
dinala si Terrence sa hospital. Hindi daw kasi nila alam kung baka may masamang
nerve daw na na-damage.. at kailangan daw siguro ng stitches ni Terrence.

Sumama kami sa hospital. Nakahiga na si Terrence nun, tapos mag nag-assist na sa


kanya na doctor at nurse nun. Ewan namin san siya dadalhin.

Kaya lang, nilabas ko yung cake na binili namin. Yupi-yupi na yung carton, sira na
yung cake sa loob, at smudged na yung icing. Nilapag ko yun sa harapan ni Terrence.

"Ano 'to?!?"

Umakbay ako kay Tjay.

"Balak kasi namin na gumawa ng isang 'di makakalimutang birthday para sa iyo kaya
may surprise kami. Hindi naman namin alam na ganito."

Binuksan niya yung carton. And yun nga, ngumiti lang siya.

Isang totoong ngiti galing kay Terrence Kelvin.

"Well hell.." tumingin siya sa amin, "It's one birthday I won't forget for sure."

Then nung tinutulak na siya ng nurse, huminto na kami. Kasi hindi kami pwedeng
sumama eh.

"Pare, ang angas mo pa rin!" tumawa si Terrence nun.

Tumingin si Ran sa amin na para bang puzzled na hindi mo maintindihan. Tawa kami ng
tawa ni Tjay. Kanina lang iyak kami ng iyak, ngayon naman parang masaya na naman
kami.

"Kayong dalawa anong nilagay niyo doon sa cake?!?"

"Let's just say..." tumingin si Tjay sa akin, "Way lang yun ng Kuya ko para sabihin
gusto ka niya Ran. Hindi dahil sa cake.."
Nagulat na lang ako nung tumawa rin si Ran. Kinamot niya yung ulo niya na lagi
niyang ginagawa kapag awkward situation.

"Well ako rin naman eh.." then sumigaw siya doon hallway ng hospital..

"I hate you too pare!" then nagtawanan kaming lahat.

***19***

Hindi ko alam kung anong ginawa kay Terrence nun. Basta nandoon lang kami naghintay
lang doon. Siguro nilagyan siya ng stitches or something. Pero kung tutuusin,
nakakatakot yun ah. Paano kung natuluyan siyang nasaktan? Siguro hanggang ngayon
umiiyak pa rin ako. More likely, baka sisihin ko yung sarili ko dahil kung hindi
naman dahil sa akin hindi naman sila darating doon.

But anyway, all's well naman. Bukod sa panay dugo ni Terrence yung damit namin nina
Ran, okay naman na siya. Nakaupo lang kami doon sa labas nun dahil naghihintay
kami, tapos sinabi sa amin na pwede daw naman kaming umuwi para makapagpalit kami
ng damit. Ginawa naman naming tatlo nila Tjay, pero bumalik din kami kaagad sa
hospital. Dinala pa nga namin yung beef and gravy eh. Kapag okay na si Terrence,
bibigyan namin siya nung niluto namin na favorite niya. Aba, kahit may ganyan,
tuloy pa rin ang birthday.

Past 1 na ng madaling araw nung lumabas si Tita Jayne at sinabi niya na nagkakaroon
ng palpitations si Terrence. I don't know why, pero siguro dahil sa aftermath pa
yun nung nangyari. Then inatake pa yata siya ng asthma, kaya si Tjay pumasok pa sa
loob. Hindi na ako sumama, kasi naman hindi ako kamag-anak.

Katabi ko nun si Ran. Bago na yung damit niya. Ang bango nga niya nung sumandal ako
sa kanya.

"Nakakainis ka talaga Ran!" hinampas ko siya sa dibdib niya pero nakasandal pa rin
ako,"Nakakainis kayo ni Terrence!"

Hinawakan niya yung dibdib niya at hinimas-himas niya. Napalakas yata yung hampas
ko.

"Ano na namang kasalanan ko?" nag-adjust siya ng upo dahil nga nakasandal ako sa
kanya, "Ikaw ang sadista mo rin minsan."

"Eh kasi naman.." naramdaman ko na naiiyak na naman ako. Kaya ayun dahil
pinipigilan ko, panay ang lunok ko at punas sa gilid ng mata ko, "P-paano kung
nasaksak ka dun? O kaya siya? T-tingin mo anong mararamdaman ko?"

"Eh kung may nangyaring masama sa iyo doon at wala akong ginawa.. tingin mo anong
mararamdaman ko?" inakbayan niya ako nun na parang yakap na mahigpit, "Kuya mo nga
ako remember?"

Naupo lang kami doon, hintay lang ng hintay. Ayun, nakatulog pa nga ako eh. Around
2 a.m., lumabas na si Tjay at okay na raw si Terrence. Nung pumasok kami sa room
niya, nakita ko na nakaalis yung shirt niya. May malaking bandage na siya sa braso
niya, at meron din siya sa sides niya. Nagtaka nga ako kung bakit pati doon meron,
yun pala umabot hanggang gilid niya sa bandang likod yung may sugat. Kaya pala
nagtataka ako kung bakit may dugo siya doon kanina, akala ko umagos lang. Yun pala
hanggang doon yung sugat.
Sinuot niya ng dahan-dahan yung shirt na dinala namin. Ang bagal nga niya kumilos
eh. Siguro masakit pa. Tapos ngumiti siya na parang naghihina na hindi mo
maintindihan kaya lang nung sinigawan niya si Tjay dahil tinikman yung beef and
gravy doon sa sandok na dala namin, nagalit naman siya.

YEP, he's Terrence all right.

Nagkamayan lang sila ni Ran. Halata mo namang hindi sila at-ease na at-ease pero
alam mong okay na sila sa isa't isa.

Hindi na namin inabala sina Mama at Papa na tawagan na nasa hospital pa kami ng
ganung oras ng madaling araw. Syempre kapag sinabi ko kay Papa yung nangyari at
yung muntik-muntikan nang mangyari sa amin, tiyak magtatanong at magtatanong si
Mama. Sa kalagayan ni Mama ngayon, at sa hormonal imbalance ng katawan niya, I
doubt na tama lang na sabihin sa kanya yun.

Kawawa naman yung baby sister of brother ko kapag nagkataon.

So yun, umuwi na kami. Pwede naman nang umuwi si Terrence nun, pero sinabi ni Tita
Jayne doon daw muna siya sa hospital. Mas mabuti na ang sigurado. Si Tita Jayne,
order kung order.

Mga nanay nga naman.

May Day Care volunteer chuva pa ako nun, at si Terrence eh Community Service para
sa scholarship nga niya. Kaya lang dahil nga may sugat naman siya, hindi na niya
kailangang pumunta. Nagpaalam na kami nila Tjay at Ran, at umuwi na kami doon sa
bahay nila.

Antok na antok na ako nun. Nag-tricycle nga kami eh. Kami ni Tjay ang nasa loob, si
Ran ang nasa labas. Pagod na pagod kami nun. Gusto lang namin eh matulog na. Kaya
nga nung nakarating kami sa bahay nila, ang bilis na pagto-toothbrush ang ginawa
ko. Hindi na nga ako nakapagpalit ng Pj's eh.. sobrang pagod na ako.

Si Ran binuksan yung pintuan sa kwarto ni Terrence. Solo niya yung kwarto eh. Kami
ni Tjay tabi na sa kwarto niya. Then saka ko lang nakita, ang daming sketches ni
Terrence doon. Iba-iba. Walang particular na theme. Then may mga nakadikit pa siya
sa gilid ng computer table niya na mga codes at kung anu-ano na hindi ko
maintindihan. Tungkol yata sa computer eh.

I guess kung Quintero ang last name mo, may genius kang kapatid, at Admin ka ng
isang site at gifted ka sa pagsusulat.. ganun ang idea ng room mo.

How amazing.

***

Nung Sunday, I got up past 9 na. Late na ako sa Day Care nun pero okay lang. Kung
ieexplain ko naman sa kanila yung nangyari, understanding naman ang mga tao doon.
Si Terrence uuwi na ngayon, pero maya-maya pa yata. Nung nagising ako, nagising na
rin si Tjay. Si Ran nung dumaan pa ako sa kwarto niya, ewan ko, tulog na tulog pa.
Yung unan nga tinakpan pa niya yung mukha niya. Ewan ko kung nakakahinga pa siya
nun.

Nagbihis naman ako. Kasabay ko si Tjay kumain. Sinabi ko na kapag nagising na si


Ran, umuwi na lang siya at dalhin na niya yung gamit ko sa bahay. Tiyak naman okay
na kay Ran na pumunta ako sa Day Care mag-isa. Ang aga-aga kasi eh.

Pagkadating na pagkadating ko doon, nagtatakbo sa akin si Oli. Nagulat nga ako kasi
bigla na lang yumakap sa akin eh. Tapos nung dumating ako, panay ang tingin niya sa
likuran ko. Napataas nga yung kilay ko.

"Oli anong tinitignan mo?"

Nagpuppy dog look siya sa akin. Ang mga bata nga naman daming pampaawa effect.

"San si Kuya Terrace?"

"Oli, Kuya Ter-rence. Wala siya eh, nasa hospital." umupo ako nun para ka-level ng
mukha ko yung mukha niya.

"Bakit nasa hospital si Kuya Cake?" si Betty naman ngayon yung nagtanong.

"May sugat kasi siya eh. Pero gagaling din siya. Baka pupunta na siya dito sa
susunod na linggo na."

May humihila nun sa blouse ko. Then tinignan ko, nakatayo si Gaille sa gilid ko.
Then may nilabas siya na kung ano galing sa bulsa niya na kulay brown, tapos
inaabot niya sa akin.

"Gaille ano 'to?" tinignan ko naman.

Saka ko lang nakita na nakabalot ng dahon eh isang lollipop. Half-eaten lollipop.

"Uhmm..." napalunok ako, "Anong gagawin ko dito?"

"Yan yung magandang stick galing kay kuya T-cake eh." tapos sinisinok pa yata siya.

Pati ba naman lollipop eh chini-cherish-cherish pa niya?

"That's actually..." ngumiti ako pero awkward, "Sweet."

Wala naman kaming ginawa. Usually kapag nandun ako at ako lang ang nagbabantay sa
kanila, kumakain lang kami, naglalaro, o kaya natutulog. Minsan binabasahan ko sila
ng stories pero yun lang ang ginagawa namin. Monotonous nga, pero nakakatuwa sa mga
bata. Kaya rin siguro nung dumating si Terrence doon sa Day Care, excited din sila
kasi nasubukan nila yung mga bagong bagay na hindi ko nagagawa kasama sila.

Nung nag-uwian na, si Oli na naman ang naiwan doon. Laging siya ang naiiwan na
huli. Late kasi ang parents niya eh. Tapos nagulat na nga lang ako nung aalis na
ako, humawak siya sa akin at ayaw na niyang bumitaw.

"Oli, kailangan ko nang umalis eh. Kakanta pa ako sa simbahan mamaya."

"Ate.. pwede po ba tayong dumalaw sa os..." nabulol pa siya nun, "oshpital? Dun kay
Kuya Terrace?"

"Hindi kita pwedeng ilabas eh. Baka hanapin ka sa akin."

"Tawagan mo si Mommy.." hinila niya ako doon sa office ng Day Care, "Itanong mo
number ni Mommy. Sasabihin ko sama ako sa 'yo."

Actually nakakatuwa si Oli. Walang kapatid. Laging wala yung parents. Kaya siguro
naghahanap din ng makakasama kasi kahit papaano nalulungkot din siya.

Ginawa ko naman yung sinabi niya. Tinawagan ko yung Mommy niya, it took me about 10
minutes bago ko nakausap, then pumayag din naman. As long as ibabalik ko daw siya
doon bago mag-4 ng hapon. Sabi ko okay lang, kasi 3 naman ng hapon nandun na ako
dahil may simba pa.

Sumakay kami ni Oli. Hindi ko na nga kinandong eh. Ang likot kasi. Tapos tuwang-
tuwa siya doon sa jeep. Kami lang kasi ang sakay, tapos panay ang tanong niya sa
driver.

I guess if you're a rich kid, hindi mo alam yung ganung bagay. I guess Oli will
turn out.. okay. Kasi bata pa lang siya, may character na.

Dumating kami sa hospital. Hinabol ko pa siya kasi sumasama siya doon sa nurse na
nagtutulak sa wheelchair. Binuhat ko na nga lang kasi napagod ako kakahabol eh.
Binaba ko lang siya nung nasa labas na kami ng room ni Terrence.

"Oh Oli, dapat tahimik ka lang ah. Maraming may sakit dito, kawawa naman sila." yun
lang ang sabi ko sa kanya.

Then doon siya tumayo sa likuran ko. Humawak lang siya sa blouse ko. Ewan ko,
feeling ko over na ang pagka-stretch ng blouse ko.

Kumatok lang ako. Saka ko narinig na pumasok daw ako. Saka ko nakita si Terrence na
nakahiga at may hawak na remote. Iba na yung shirt na suot niya, pero may bandage
pa rin sa braso. Umayos nga siya ng upo nung pumasok ako eh.

"Oi.." sabi niya tapos umupo siya sa cot niya, "Akala ko umuwi ka na. Sabi ni Tjay
eh.."

Then tinuturo ko yung likod ko. Tumagilid naman siya para makita niya yung tinuturo
ko. Then eksakto naman pagkatingin niya, saka naman lumabas si Oli.

"BULAGA!!!" ang lakas-lakas kaya napaatras si Terrence nun, "Gulat ka no!"


tumataas-taas pa yung kilay ni Oli nun.

"Ano yan?!?" halata mong gulat siya eh, tinuro niya si Oli, "Kailan ka pa nanganak
ng nuno sa punso???"

Natawa ako nun. Kahit may sakit na at may pagkamasungit, okay pa rin si Terrence
eh.

"Gusto sumama sa akin eh. Ayaw magpaiwan. Dadalawin daw niya si Kuya 'Terrace.'"

Tumakbo si Oli simula sa likod ko hanggang sa gilid ng kama ni Terrence. Then


tinitigan niya yung bandage sa braso niya. Tinignan lang namin si Oli. Seryosong-
seryoso lang siya na nakatayo doon. Tumingin siya sa akin, tumingin kay Terrence..
tapos biglang tumawa... tapos bigla na lang...

"OUCH!!!" pinisil-pisil niya yung braso ni Terrence..

Tawa ng tawa si Oli nun.

"Ang taba ng braso mo." bwisit na bata ito! Pisilin daw ba?

"Concern ba talaga sa akin yan o pinapalala niya yung braso ko?" hinimas ni
Terrence yun braso niya, "Musta naman sa Day Care?"

"Ayun, okay lang. Nilabas ni Gaille yung lollipop na binigay mo sa kanya noon. May
crush yata sa iyo yung bata eh."

"Murder me." sabi ni Terrence tapos tumingin siya kay Oli, "Bakit ba ganyan ka
makatingin bata ka? Parang nakakatakot dahil pataas-taas yang kilay mo eh..."
"Ano po yung crush???" tinanong niya si Terrence, kaya si Terrence eh nagkamot ng
ulo na parang si Ran.

"Crush.. yung.. parang isang babae may gusto sa isang lalaki. O kaya naman isang
lalaki may gusto sa isang babae."

"Ahh ganun ba yun. E di si Mommy ko pala saka si Daddy ko may crush sila sa isa't
isa?"

"Uhmmm.. parang ganun na nga." hirap naman i-explain sa bata na hindi lang crush
yun. Pero para di kumplikado, oo na lang ako.

Umupo si Oli doon sa couch sa gilid at nagtatatalon. Ang lambot daw ng couch eh.

"Lahat ba nagganun?"

"Pwede rin." then nakita ko si Terrence na umabot ng tubig sa gilid ng bed niya.

Uminom ng tubig si Terrence nun. Tapos sabi ni Oli...

"Ako gusto ko si Ate Shay saka si ikaw Kuya Terrace magka-crush sa isa't isa..."

Binuga ni Terrence yung tubig na ininom niya. Buti nga hindi ako tinamaan eh. Na-
shock nga ako, pati si Oli eh nakatingin lang at nanlalaki yung mata.

"Hindi naman ganun yun eh.. nararamdaman yun." humawak si Terrence sa dibdib niya.

"Ganun ba yun?" nagkunut-noo si Oli na parang matanda.

Naku ha, nakakailang na dito. Nakakainis itong si Oli eh. Tumingin lang si Terrence
sa akin saglit, pero iniwas din niya yung tingin niya.

"Ibig sabihin wala kang crush kay Ate Shay?"

"Uhmmm..." nag-isip naman siya. "Kung may crush ako sa kanya?"

"Opo."

Whoa.. masyado nang awkward ito. Bigla ko na lang binuhat si Oli nun tapos tinayo
ko siya sa harapan ko.

"Oli.. nalimutan ko.. bibili pa tayo ng candy sa labas 'di ba? Mag-bye ka muna kay
Kuya Terrence at babalik tayo. Bibili lang tayo sa labas."

"Ayoko. Dito muna ako. Bili mo na lang ako, balik ka na lang."

Parang ayos din yun. Basta makaalis ako doon.

Tumingin lang si Terrence sa akin nun. Tapos nag-sign ako na lalabas na ako. Excuse
ko lang naman yun para mawala ako sa spot na yun. Nakakahiya talaga.

Then nung papasara na ako ng pinto, I can't help overhearing Terrence... parang
ayaw ko marinig yung sagot niya na parang gusto ko... kaya lang narinig ko siya
eh...

"Well si Ate Shay mo?" nakakandong na si Oli sa kanya nun. "Napaka-typical niya.
Napaka-simple, napaka-practical.. she's just... her own self."
"Ano po yun?"

"Minsan nakakainis siya, minsan okay naman siya. So I guess ang sagot kung may
crush ba ako sa kanya or wala...."

I closed the door. Mahina lang. I doubt na narinig nila.

There's too many things in this world na gusto kong malaman yung sagot. But there
are some things in this world...

---that you want to keep as a mystery. And at that moment, I can name one.

***20***

I got out para bumili ng candy. Kahit hindi iyon ang sadya ko, ginawa ko na lang.
Ayoko namang mag-stay doon. Si Oli kasi kung anu-anong tinatanong eh. Mahirap din
kasi kapag may kasama kang bata, tanong na nga ng tanong, hindi pa nila alam kung
nakakahiya ba iyon or what. Ewan ko ba, siguro nga dapat masanay na ako. Kasi kapag
nanganak na yung Mama ko, tiyak magkaka-Oli rin kami sa bahay in a few years time.

Hindi naman ako nagtagal, bumili lang ako ng iba't ibang klase. Tiyak naman hindi
rin mauubos ni Oli yun eh. Kukuha na lang ako ng ilan-ilan para malibang ako.

Lumabas pa ako ng hospital nun. Sa may labas kasi may mga malalapit na tindahan na
malapit sa may sakayan. Ayun bumili na lang ako doon sa matandang babae. P20 rin
binayaran ko. Sinasabi ko na nga ba basta may bata, magastos eh.

Nung nakabalik na ako sa taas, nakita ko na nakahiga na si Oli doon sa bed kasama
ni Terrence. Magkatabi na sila at nanonood ng tv. May milagro talaga sa mundo. Ayaw
ni Terrence ng bata, pero si Oli mukhang kaya naman niyang i-handle. Tumingin nga
sila ng sabay sa akin nung pumasok ako, pero binalik din nila yung tingin nila sa
tv. Akalain mo yun, wala silang pakialam sa akin???

Bumaba sa bed si Oli para kumuha ng candy pero bumalik din sa bed at nanood.
Seryosong-seryoso sila parehas kung ano yung pinapanood nila. Panay ang subo ni Oli
ng candy pero naka-glue yung mata nila sa tv set.

Nasa taas kasi yung tv, kaya ako naman eh na-curious, tinignan ko na kung ano yung
pinapanood nila na parang addict na addict sila parehas..

"Teka ano ba yang pinapanood niyo at parang---" tumingin ako sa taas ng tv at na-
shock ako sa nakita ko, "AAAAAHHHHH!!!!" tinakpan ko yung bibig ko, "Holy Moley ano
yang pinapanood niyo na dalawa?"

Nung pagkakitang-pagkakita ko kasi doon sa pinapanood nila, may dalawang babae na


nakulong yata sa tanning bed.. at parehas silang naka-bikini. And the scene was so
revolting. Kaya nga na-shock ako nung nakita ko. Yung kinakain kong candy, ayun
nahulog na sa sahig.

Natawa nga si Terrence sa akin kasi nakita niya siguro na nailuwa ko yung candy.
But I don't care.

"Bakit pinapanood mo yan?!? Nakita mong may bata kang kasama!" hindi naman yata
tama yun?

"Ano ka ba... enjoy nga siya eh!" tapos siniko ni Terrence si Oli doon sa good arm
niya,"Hindi ba Oli?"

Tinaas ni Oli yung kilay niya tapos binaba niya lang uli na parang sinasabi niya na
'OO'. Hindi pa rin naalis yung mata niya sa tv. Si Terrence naman nakatingin sa
akin kasi alam niya na hindi ako pabor sa pinapanood nila.

"Come on, he's old enough para manood yan. Kahit ikaw kaya mo namang panoorin
yan."then ngumiti lang siya, "Final Destination 3. Okay naman yung movie eh.
Nasunog sila sa tanning bed. Ano namang nakakadiri doon?"

Nag-roll ako ng mata ko pero pabiro lang. Ayaw ko talagang panoorin yung movie.
Kasi kapag nanood ako nun, baka sikmurain ako, hindi maganda ang kalabasan. Pero si
Oli? Imagine si Oli na kalahati lang yata ng age ko kayang-kayang panoorin yun?

Nanlalaki yung mata ni Oli kapag may scene na nakakadiri o nakakagulat. Pero nood
lang naman siya ng nood.

Finally after an hour or so, dumating na si Tita Jayne at may kasama siyang nurse.
Ire-release na yata si Terrence nun eh. Ako naman, kailangan kong umuwi at
magbihis. Dadalhin ko pa si Oli sa bahay, dahil sabay na kaming babalik sa simbahan
para sunduin naman siya ng Mommy niya.

Humawak lang si Oli sa binti ko nun. Ang hirap nga lumakad kapag may parang lintang
nakadikit sa iyo ng ganun na sobrang higpit.

"Ingat na lang kayo." sabi ni Terrence tapos humawak siya sa ulo ni Oli, "Yung
secret natin ah!"

"Sikwet natin yun Kuya Terrace!"

"Teka anong secret?"

"WALA!" nag-snap sa akin si Terrence, "Sige una na kami ni Mama. Ingatan mo yung
anak mong nuno sa punso!"

Hinampas ko nga sa braso niya. Too bad nahampas ko yung may sugat niya. Kaya ayun
nasaktan daw siya, kaya daw may atraso ako.

Other than that.. I went with my afternoon agenda.

***

Nung bagong linggo na namin sa school eh medyo okay na yung spirit ko. Siguro nga
nagkaroon ng traumatic effect sa akin yung nangyari nung gabi na hinarang kami kasi
tuwing may lalabas na lang sa isang room na hindi ko inaasahan, bumibilis yung
tibok ng puso ko sa sobrang gulat.

Sana nga hindi na lang nangyari yun. Baka kasi forever kong panghahawakan yung
grudge na yun sa buhay ko.

Nung umaga nga, hinarang pa ako ni Arwyn sa hallway. Napaatras pa nga ako eh. Kasi
naman bakit ba ugali nila yung bigla-bigla na lang susulpot?

"Arwyn!" humawak ako sa dibdib ko, "Magandang umaga rin!"

Hindi naman niya ako binati. Feel ko lang nasa sabihin yun.

"Namalikmata lang ba ako o tama lang yung nakita kong magkasama sa garden yung
pinsan mo at si Terrence?" tinuro niya yung garden sa akin at tama nga siya dahil
magkasama yung dalawa, "Parang last week lang kulang na lang magsaksakan silang
dalawa eh."

"I guess magkasundo na sila 'di ba?"

"May kung ano yung pinsan mo na hindi mo malaman kung ano at hindi ko gusto
yun.."humwak siya sa chin niya at hinimas-himas niya, "Malalaman ko rin anong
ginawa niya kay Terrence at magkasundo na sila." lumingin siya uli sa garden, then
binalik niya yung tingin niya, "Hindi ba bading yung pinsan mo?"

Na-choke ako nun.

"Hoy wag ka nga! Lalaking-lalaki si Ran no!" then nag-cross arms ako nun, "Ang sama
mo para pag-isipan ng ganyan yung pinsan ko!"

"Eh bakit parang wala siyang hilig sa mga babae?"

"Paano mo naman nasabi aber???" nakapamewang na ako nun.

"Wala lang. Mahilig kasi siya mag-hang out sa guys." sabi niya sa akin pero seryoso
siya.

"Naghang out din naman ako kasama si Tjay madalas, pero hindi ibig sabihin lesbian
ako. What's wrong with you?" tinulak ko nga siya pero hindi masyadong malakas.

Pati ba naman si Ran iisipin niyang bading? Arwyn's so full of himself. Dahil
siguro nagkakaroon na ng attention si Ran sa school, gagawa pa siya ng rumour na
bading siya. I don't get him at all. Ewan ko ba kung bakit nagtitiyaga ang mga
babae sa kanya eh. Kung siya siguro ang huling lalaki sa mundo at kami na lang ang
pag-asa ng human race, I swear hindi mag-populate ang mundo kung siya lang din.

Ang galing mag-conceal ni Terrence ng sugat niya. Kasi kung titignan mo siya,
parang normal lang siya na walang nagyari. Pero siyempre hindi mo maiiwasang may
makakapansin kaya tinanong pa siya kung anong nangyari sa braso niya. Sinabi naman
niya yung totoo, pero umalis din siya kaagad.

Alam ko na kung ano yung special project ko sa Social Studies. Dahil nga hindi
maganda yung kinalabasan ng debate, ako lang yung may kakaibang project sa klase
namin. Sabi sa akin eh gagawa daw ako ng special report tungkol sa World War II.
Sabi ko okay lang, kasi madali lang naman mag-report sa harap ng klase.

"Kunin mo na lang yung kopya nung report sa Lab. Gusto ko creative ka, ayoko ng
cartolina at tatayo ka lang sa harapan!"

Nakasimangot ako na lumabas ng room nun dahil inutusan nga ako nung teacher namin.
Tumakbo pa nga ako nun eh, kaya mabilis akong nakaalis sa building namin.

Nung malapit na ako sa Lab, nakita ko na may naka-lean doon sa bench at nakayuko.
Yung braso niya nakahawak sa doon sa bench.

"Oi.. ei... okay ka lang?"

Nagulat siya nung nakita niya ako, kaya umatras siya ng konti.

"Oohhh..." huminga siya ng malalim, "Ohhhkay lang."

"May asthma attack ka na naman?" tinanong ko naman siya.

"Ohhh... o-o eh."


"Gusto mo dalhin kita sa nurse?" humawak ako sa kanya nun para alalayan siya.

"Kagagaling ko lang doon. Wala naman siyang ginawa eh."

"Bakit ba hindi ka nagdadala ng inhaler? Hindi ba gamot yun in-case na may asthma
attack ka?"

"Wala. Hih... H-hindi ko kailangan nun."

Sumabay na ako sa kanya maglakad. Baka mamaya mag-turn blue na naman siya katulad
nung nangyari nun sa Day Care. Sabi nila kapag ganun daw, delikado daw yun.

"Nakakatakot nga nung nakita kita sa Day Care eh. Nung nag-iba na yung kulay ng
mukha mo. Hindi ko talaga alam yung gagawin ko." mabagal lang kami maglakad nun,
tapos diretso lang siya maglakad, "Hindi kaya dapat i-drop mo na yung Community
Service mo? Kasi alam mo yun, hindi malabong maulit yun kasi nakakapagod sa Day
Care eh."

"G-ginagawa ko lang naman yun kay Mama." tumingin siya sa akin saglit, "Ayaw ko
lang ma-disappoint siya."

"So gusto mo rin pala talagang makuha yung scholarship para sa kanya?"

"Gusto ko? Hindi. Gusto niya? Oo."

"Pero 'di ba... okay na may scholarship ka. At least hindi niyo na kailangang
bayaran yung college mo."

Humarap siya sa akin nun na parang naiinis na siya na hindi mo maintindihan. May
nasabi ba akong masama???

Hindi ko siya pinansin, basta tuloy-tuloy pa rin ako sa pagsasalita ko.

"Ano bang balak mong kunin na course?" tinignan ko siya pero hindi siya nakatingin
sa akin.

"Sa totoo lang, wala naman sa plano ko ang college eh."

"Bakit naman?"

"Gusto ko lang pagka-graduate ko, magtrabaho na. Ganun din naman kalalabasan ko in
the end." then nakita ko na hindi na malalim yung paghinga niya, "Ayoko lang
pahabain pa na mag-aral pa ako."

"Pero kapag nag-college ka, mas magandang opportunities mo. You're smart Terrence.
Maybe a genius. Mas okay na hindi mo sayangin."

"Ayoko lang. Nakakapagod mag-aral. Gusto ko tapos na ako para real world na
kaagad."binilisan niya yung lakad niya, "Si Mama naman may gusto na mag-college
ako."

Huminto naman siya nun. Malapit na kasi kami sa hagdan paakyat sa rooms ng mga 4th
year. Saka naman nya ako tinanong...

"Thanks pala sa pagsabay. Saan ka pala pupunta?"

"Sa SocStud Lab. May kukunin akong report eh. Yung special project ko. Sabi niya
dapat daw creative ako. Ang OA nga eh."
"Anong ibig sabihin na.. 'creative?'"

"Malay ko! Wala pa nga akong maisip eh." naglakad naman na ako patalikod, "Sige
pala una na ko. Ingat ka na lang sa pag-akyat! Baka hikain ka!" ang sama ko inasar
ko pa!

"Kung.. kung gusto mo ng tulong pwede kitang tulungan sa report mo.."

Nagulat ako nung sinabi niya yun. Nago-offer siya ng tulong? Typical Terrence ba
yun? Ang bait niya yata ngayon.

"Anong tulong naman?"

"Tungkol saan ba yung report mo?"

"World War II." ngumiti naman ako, "I think."

"Okay..." turn naman niya ngumiti ngayon tapos nagbox in siya sa gamit yung daliri
niya...

Nakatayo lang siya doon habang pinag-aaralan niya yata ako. Ewan ko ba, ang weird
talaga ng mga lalaki.

"You look nice." sabi niya tapos tumalikod na siya.

Parang natuwa naman ako sa sinabi niya na hindi mo maintindihan. Then nagulat na
lang ako nung may tumakbong babae sa hagdan at yumakap sa kanya patalikod at
hinalikan siya sa magkabilang pisngi niya.

"TERRENCE!!!" ang higpit-higpit ng hawak niya.

Nagulat din si Terrence. Inaalis pa nga niya yung kamay eh.

"Who the hell are you?"

"Ano ka ba hindi mo na ako natatandaan no?" nakangiti pa siya ng todo-todo

"Dina. Nakadate mo ako before. Remember?" ilan na ba nakadate niya?

***21***

Tinignan lang ni Terrence yung Dina. Grabe talaga makayakap sa kanya. Parang
naiinis na nga siya nun eh, pero inalis naman nung babae at ngumiti lang sa kanya
ng todo-todo.

"Kilala ba kita?"

Nung tinanong siya ni Terrence nun, tumawa yung Dina at may narinig kami na mga
babae na tumawa rin. Napatingin kami dahil may mga pababa ng hagdan nun na grupo ng
mga babae na hindi namin kilala.

"Hey girls nanalo ako ah!" tapos tinaas niya yung kamay niya na parang nag-sign
siya doon sa kanila.

Tinignan lang siya ni Terrence nun. Tapos sabi niya...


"Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo!"

Papaakyat na sana yung Dina kaya lang humawak siya sa chin ni Terrence nun. Nagulat
na lang ako nung nag-lean siya uli, kaya napaatras si Terrence bigla at muntik nang
mahulog sa hagdan dahil umiiwas siya.

"Biruan lang Terrence, pero alam mo.. hindi naman ako hihindi sa kung yayain mo ko
eh!"then umakyat na siya sa hagdan niya.

"Whoa.. palabas kung palabas eh no!" natatawa na ako nun.

Si Terrence naman, mukhang walang nakakatawa sa kanya. Wala na siyang sinabi sa


akin nun basta nagdire-diretso na siya sa pag-akyat papunta ng room nya. Hindi na
siya nag-bye sa akin. Ako naman, nakatayo lang ako doon, pero umalis din ako para
kunin ko na yung papel para sa special project ko sa Socstud.

***

Nung uwian namin ng hapon, nagpasama ako kay Ran para bumili kami ng mga gagamitin
ko para sa special project ko. Wala pa akong idea kung ano man ang gagawin ko, pero
mabuti nang marami akong Art materials in case na makaisip ako ng kung ano man. Aba
mas maayos na yung may gamit ako para ma-express ko ang 'creative' spirit ko,
whatever that is.

Nung nasa store na kami ng school supplies, nagtingin-tingin si Ran ng notebooks na


kulay black yung cover. Ewan ko ba, ang hilig niya sa kulay black. Mahilig din siya
sa red, pero more on black nga. Haay... guys nga naman.

Nung nandun na ako sa area ng mga felt paper at hindi ko alam kung anong gagawin ko
nun, may natalisod naman sa paa ko. Nakaharang kasi ako doon sa gitna dahil
humihila ako ng mahaba.

"Naku.. sorry ah.. hindi ko sinasadya."

Paglingon ko nun, nakita ko na si Carlo pala yung nadapa dahil sa paa ko. Nagulat
nga ako eh. Kasi matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita simula nung naka-
group date niya si Tjay kasama namin.

Hindi pa niya ako nakita, kaya lumapit na ako para tulungan siya.

"Carlo.. sorry talaga!"

Nakita na rin naman niya ako. Tumayo naman siya kaagad tapos ngumiti rin siya.
Ngayon alam ko na kung bakit ang swerte ni Tjay at siya ang naka-date niya. Cute
naman si Carlo. Yun nga lang kumpara sa akin parang mas maton siguro ako. Mas
matangkad kasi ako sa kanya.

"Shay, musta na?"

Yumakap naman ako sa kanya. Yakap na, alam mo yun, kaibigan.

"Okay naman buhay pa! Na-miss na kita!" tinapik-tapik ko naman siya sa likod niya,
"Ikaw kumusta ka na?"

"Ganun pa rin. Medyo busy lang lately, malapit na kasi exams eh."

Saka naman lumitaw si Ran nun. May hawak na siyang tatlong black notebooks na
bibilihin niya yata. Nakita niya siguro na kayakap ko si Carlo nun kaya lumabas na
naman ang pagiging OA.

"Hoy hoy hoy, bakit mo niyayakap si Shay?"

Si Carlo naman medyo cool lang. Nginitian lang si Ran. Kung si Terrence siguro yun,
baka kung ano na namang nasabi nun.

"Carlo nga pala. Don't worry, friends lang kami." nakikipag-shake hands siya nun.

Si Ran naman eh humawak din sa kamay ni Carlo ng mahigpit.

"Ran nga pala."

Ako naman dahil ganyan talaga yan si Ran, mukhang cool naman siya. Hindi kasi
basta-basta naniniwala yun sa simpleng friends lang kami. Ako naman nag-isip na ng
reason para hindi na naman siya maging overprotective.

"Wag kang OA Ran friends nga lang kami. If it's any better, siya yung naka-date ni
Tjay nung lumabas kami as a group." ngumiti naman ako ng nakakaloko sa kanya.

"ANO??? ANONG SINABI MO???" shocking naman itong pinsan ko.

"Sabi ko siya yung naka-date ni Tjay nung---" natigilan naman ako nun.

"H-hindi. Hindi yun. Lumabas ka? Ikaw?"

"Oo. Group naman eh. Hindi naman ako lang. Ano ka ba ang OA mo masyado." humarap
ako kay Carlo nun at tinuro ko si Ran, "Parang sira no?"

"Sinong kasama mo nun??" tumingin naman siya sa akin.

"Si Terrence okay? Gosh masyado na yan Ran nakakainis na."

"Ahhh.." naging mahinahon naman na siya, "T-tapos ikaw yung kasama naman ni Tjay?
Sino pang kasama niyo nun?"

"Si Arwyn, classmate namin. May date siya.. nalimutan ko name." tapos humawak ako
sa balikat ni Ran, "Noon pa yun Ran. Century na."

Nalimutan ko na nakatayo pala doon si Carlo. Nakakahiya nga sa kanya eh. Baka
isipin niya parang siraulo naman si Ran kung mag-inarte. Sa totoo lang nakakanis na
nga siya minsan eh, pero minsan naman iniisip ko ok naman si Ran kahit ganyan yan.
Kapag lumaki kasi kayo ng halos sabay, kapag nagganyan sanay ka na.

"So ano namang dinayo mo dito?"

"Ako?" tinuro ni Carlo yung sarili niya, "Wala. Hinihintay ko lang yung kaibigan ko
si Jian. Nasa kabila siya bumibili ng bagong jersey niya. Sabi ko puntahan na lang
niya ako kapag tapos na siya."

"Ahh..." tapos napansin ko na nalukot ko pala yung felt paper na kinukuha ko


kanina, "Ako naman bumibili ng pang-project. Paalis na rin kami. Sige pala, una na
kami. Ikukumusta na lang kita kay Tjay."

"O sige ingat kayo. Ge bro..." kumaway lang siya kay Ran.

Ngumiti naman si Ran nun. Pero papilit. Kung wala lang si Carlo doon, baka nga
binatukan ko na siya eh. Nung huli akong lumingon kay Carlo nun, nakita ko na
kasama na niya yata yung kaibigan niya pero nakalayo na kami ni Ran kaya hindi ko
na nakita kung saan sila nagpunta.

Nung nasa jeep na kami, nananahimik si Ran. Eh alam ko naman kapag ganyan yan, kaya
naisip ko na kausapin ko na at baka puti na yung buhok ko eh hindi pa rin niya ako
kinakausap.

"Ran alam mo..."

"Pumapasok ba sa school yun???"

Napaisip naman ako kung ano yung tinatanong niya. Then saka pumasok sa isip ko si
Carlo.

"Hindi Ran. Taga private school yun. May pustahan kasi kami nun nila Terrence
tungkol sa paghahanap ng date, long story, short, pinakilala ng pinsan ni Tjay si
Carlo sa kanya kaya nagka-date siya. Ako naman walang date nun, then nagkasakit si
Ulah yung date ni Terrence, kaya kami yung magkasama. No biggy.." then sumandal ako
tapos huminga ako ng malalim, "Bakit ba ganyan ka? Masyado ka naman kung mag-react.
As if naman may mangyayaring masama sa akin."

"Paano naman akong hindi magrereact eh kung--" tinignan niya ako, "Hey sorry okay?
Syempre parang kapatid na kita. Ayaw ko lang na may manloloko sa iyo."

"Wala namang lalaki na manloloko sa akin eh."

"Hindi mo naman masasabi yan eh. Trust me, I've done that." seryoso na si Ran nun.

"Ibig mong sabihin may niloko ka na babae before?"

"1st year ako. May girlfriend ako pero hindi ko naman siniseryoso. Pero kahit kami,
may nililigawan pa ako na taga ibang school nun."

"RAN!!!" hindi ko alam yun ah! "Bakit mo naman gagawin yun?"

"Noon pa yun. See what I mean? You think I'm really nice, pero sa totoo lang pwede
rin akong manloko. Kaya ikaw gusto lang kitang alagaan. May magpaiyak sa iyo.. ewan
ko na lang."

"Well wala kang magiging problema diyan dahil wala namang nagkakamali pa sa akin."

"We'll see." sabi naman niya.

Nakauwi naman na kami kaagad. Si Papa nga ang nagbukas ng pintuan para sa amin eh.
Si Mama naman, medyo okay naman na. Medyo makulit pa rin paminsan-minsan, pero
hindi na kasing lala 'di tulad ng dati.

Gagawin ko na sana yung project ko kaya lang tinamad ako. Wala kasi akong maisip
nun. Isa pa may ginagawa si Ran doon sa laptop niya, so nakisingit na lang ako.
Nagpunta kasi kami ng chatroom eh, tapos nagpanggap siya na babae at yung British
na dude eh parang interesadong-interesado sa kanya. Picture ba naman na ipakita eh
picture ng model.

Nagpatugtog din siya ng malakas doon sa media player niya. Tawa nga kami ng tawa
kasi yung lalaki eh nagpipilit na magkita daw sila. Sabi kasi namin taga Fulham
kami.

Nag-ring naman yung cellphone ko nun kaya nag-dive pa ako sa kama ni Ran para
sagutin ko.
"Hello?"

"Bruha!!! Aaaaahhhhhh!"

Nabasag na naman yata yung eardrums ko nun. Si Ran naman eh pinatay na yung media
player niya. Naririnig ko naman si Tjay kahit nagpapatugtog siya, pero siguro
nagpapakabait lang yan si Ran.

"Pwede ba 'wag ka namang sumigaw sa phone? Ikaw Tjay ha nagiging habit mo na


yan."naupo ako sa kama ni Ran.

Si Ran naman nakatingin sa akin nun. Then balik sa laptop niya, tapos occassionally
tumintingin uli sa akin. Pero saglit lang tawa na naman siya ng tawa doon sa
British dude na kausap niya.

"Ano na namang meron?"

"Nag-text sa akin si Carlo. Sabi niya nakita ka daw niya ngayon ah! Ikaw hindi mo
sinabi sa akin yun."

"Oo nga nakita ko siya. Nalimutan ko lang itawag sa iyo. May pinagtritripan kasi
kami ni Ran sa chatroom eh."

"Nakakainis ka naman! Dapat sinama mo ako kanina!"

"Malay ko bang makikita ko iyon dun! Saka kasama niya yung kabigan niya kaya lang
siya nandoon."

"Kainis naman 'di ko nakita yung boyfriend ko."

"HA-HA.." sarcastic pa yung pagtawa ko nun, "Boyfriend ka diyan! Feeling ka Tjay


ah. Si Carlo? In your dreams."

"Sus pwede namang mangarap." tapos narinig ko na may maingay doon sa kabilang
linya, siguro may nahulog siya, "Oo nga pala sabi ni Kuya pupunta daw siya bukas
diyan sa inyo. Tutulungan ka daw niya sa project mo?"

"Oo nga daw. Himala nga eh." tumingin ako kay Ran nun, "Hoy Ran, pupunta dito si
Terrence bukas. Tutulungan niya ako sa project ko. 'Wag ka na umangal dahil hindi
mo grade ang nakasalalay." then binalik ko na yung tenga ko sa phone, "Pakisabi kay
Terrence, thanks in advance."

"Wala nga siya dito eh!"

Binaba ko na yung phone nun. Ako naman eh pumunta na ako doon sa kwarto ko at nag-
online din naman ako. Pinuntahan ko yung school website namin, as usual nandun na
naman yung usual na lumalabas na bawal ang flooding and bawal yung mga foul na
usapan. Hindi ko alam kung nandiyan si darkcrazy_vampire, a.k.a Paul, a.k.a
Terrence Kelvin Quintero.

Hindi na lang ako nag-chat. Instead nagpunta ako doon sa forum nila at nagreply na
lang sa mga threads. Tinignan ko nga yung last posts ni Terrence eh. Yung iba
maiikli yung sagot niya, may mahahaba naman. Karamihan maiikli.

Then nakita ko na iba na yung avatar niya. Hindi na vampire. Parang chinese
character na hindi ko naman maintindihan. Binuksan ko yung profile niya para
lumakiy ung avatar, kaya lang bigla na lang may nag-pop sa harapan ko.

darkcrazy_vampire: At bakit mo naman tinitignan yung profile ko Jimenez?


Nagulat nga ako eh. Kaya ayun, nag-reply namana ko.

daisies_23: wala lang. Ang cute kasi nung bagong avatar mo.
darkcrazy_vampire: yun ba? ginawa ko yun kanina eh. balak ko sanang magpatattoo.
san ba maganda, sa likod o sa arm?
daisies_23: teka, teka, magpapatattoo ka?
darkcrazy_vampire: wala lang. naisip ko lang.
daisies_23: that's tacky.
darkcrazy_vampire: who cares?

Kahit talaga sa chat may pagkamasungit itong taong ito. Saka teka nga, paano ba
niya ako napadalahan ng message eh nasa forum ako?

daisies_23: hoy paano mo ko napadalahan ng message eh nasa forum ako?


darkcrazy_vampire: di ka nag logout doon. kita ko actions mo dito.
daisies_23: napakaunfair talaga kapag admin ka.
darkcrazy_vampire: sabihin mo, napakaswerte talaga kapag admin ka.
daisies_23: whatever. pero sa toto lang terrence, magpapatattoo ka talaga?
darkcrazy_vampire: ewan ko. bahala na.
daisies_23: wag na lang no. alam mo madumi tignan kung may tattoo ka.
darkcrazy_vampire: e di hindi na pala.

Hindi ko pa nababasa nun yung huli niyang tinatype nung may sumunod naman...

darkcrazy_vampire: hey mag log out na ako. di ba sinabi ko tutulungan kita sa


project mo?
daisies_23: yeah sabi mo nga. totoo ba yun?
darkcrazy_vampire: yeah. i'll keep my word.
daisies_23: wow thanks.
darkcrazy_vampire: wag ng thanks. do me a favor..
daisies_23: ano yun???
darkcrazy_vampire: hmmm teka iisipin ko...

Hinihintay ko yung sagot niya. Super tagal. As in sobrang tagal.

darkcrazy_vampire: may gagawin akong video for my new media class. at kailangan ng
isang subject for two weeks. and that would be you.
daisies_23: new what?
darkcrazy_vampire: susundan kita for two weeks. sa school lang naman. every chance
na may makuha ako.. okay?
daisies_23: teka teka bakit ako?
darkcrazy_vampire: ayt that's settled then.
daisies_23: terrence saglit lang ano explain mo nga??? para saang class?
darkcrazy_vampire: see you tomorrow. gawin natin project mo.
daisies_23: terrence!!!
darkcrazy_vampire: please?

Whoa nag-please???

daisies_23: sige na nga!!

Then nakita ko na lang, darkcrazy_vampire has signed out.

Ang rude talaga nun wala man lang pasabi.

Ako naman hindi ko maintindihan yung sinabi niya. Kaya ako naman eh lumabas ako sa
kwarto ko at nagsisigaw ako sa hallway sa labas ng room ni Ran.
"Ran! Ran! RAAAAAANNN!"

"Ano???"

"What's new media?"

"Gusto mong i-explain ko in what way? As a school work or as a..."

"School work sira."

"New media. Bunch of kids with cameras. Pero kung ibang view mo titignan..."

"Cameras??? Cameras? As in video cameras???"

"Uhuh. Bakit?"

Tumalikod ako nun. Ano ba yung inoohan ko?

Susundan niya ako ng two weeks with his stupid camera???

***22***

I got to see Terrence the next day. Nginitian nga niya ako nung dumating ako sa
school, which was odd, kasi hindi pala-ngiti si Terrence sa umaga. Usually, 'Don't
bother me' ang drama niya. Remember nung first day of school? Sungitan daw ba ako
nung napagkamalan kong siya yung tumawag sa akin?

Pumasok lang ako sa room nun. Wala namang sinabi yung teacher ko sa SocStud, basta
ang sabi niya kailangan ko daw matapos yun as soon as possible. Dahil kapag super
late na at malayo na kami sa book na pinag-aaralan namin, baka daw mabalewala yung
ginawa ko.

Nung tanghali nga at lunch break na namin, nauna akong lumabas kay Tjay nun.
Inaayos pa kasi niya yung bag niya. Then nakita ko si Terrence na nakaupo doon sa
bench sa labas ng pintuan namin. Nagsketch na naman siya. Ang dami nga niyang
hilig. Mag web designing, mag-drawing, and siguro manguha ng videos kasi nasa "new
media" daw siya. Siguro kung wala lang siyang asthma, nasa sports din siya.

Tumayo naman ako sa bandang likod niya. Hindi naman siya tumingin eh. I guess hindi
naman niya ako napansin.

Tinignan ko yung drawing niya. Then nung napansin ko, may guy siya na ini-sketch na
hindi ko kilala.

"Whoa, sino siya???"

Nagulat siya nun. Bigla na lang niya sinara yung sketch niya pero nung nakita niya
ako, parang hindi na siya nataranta. Binuksan niya pakonti-konti yung sketch pad at
pina-polish niya yung gawa niya.

I'm pretty sure di ko pa nakikita yung dude.

"Sino siya???" inulit ko yung tanong ko.

"Uhmm.. kaibigan ko." tinignan niya ako saglit tapos binalik niya yung atensiyon
niya doon sa drawing, "Bakit?"
"Wala lang. Ang odd kasi eh. Lalaki ka tapos nagdra-drawing ka ng lalaki???"
tumingin siya sa akin ng parang naiinis nun, "Hey wala akong sinasabi!" tinaas ko
yung kamay ko na peace tayo, "Parang 'di ko pa siya nakikita."

Hindi kaya totoo yung sinabi ng Guidance Counselor na bading si Terrence?? Ano ba
yan! Kung bading siya sayang siya ah. Cute pa naman siya.

Sinara na niya yung dinadrawing niya. Tapos na yata siya eh tapos humarap siya sa
akin ng diretso. Nakatayo ako nun, nakaupo siya.

"Sa tingin mo, kung may 3000 kids sa school at nagdrawing ako ng isang student na
hindi mo classmate na taga ibang curriculum, ano ba ang chances na nakita mo na
siya? May be nakakasalubong mo na siya, pero dahil hindi mo siya kilala you don't
pay attention to them. Baka nga hindi mo pa lingonin." then sumandal siya sa upuan
niya, "Isang case lang yun. But nah, hindi siya pumapasok dito. Taga ibang school
siya."

"Eh bakit parang walang nababanggit sa akin si Tjay about sa..." tinignan ko yung
sketch pero sarado na, "Friend mo."

"Tingin mo naman dinidiscuss ko yung friend ko sa kapatid ko?" mukhang naiinis na


siya sa akin nun, "Let's say, diniscuss ka sa akin ni Tjay. Mga ginagawa mo, and
mga bagay na pinaggagagawa niyo.. pinag-uusapan niyo... ano naman mararamdaman mo?"

"Mahihiya." sabi ko naman.

"Exactly. So hindi ko ginagawa." tumingin siya sa room namin, "Nasaan na ba si Tjay


at ang tagal-tagal naman niyang lumabas? Baka tapos na yung lunch break nasa loob
pa rin siya."

Di rin nagtagal, lumabas na si Tjay. Uuwi kasi sila para kumain sa bahay nila. Si
Ran naman dumating din, late nga siya, kasi nag-sign up daw siya doon sa basketball
team. Kasama na niya si Arwyn. Kami naman ni Ran eh wala nang balak umuwi, so
kumain na lang kami sa cafeteria. Di nga masarap yung pagkain eh, tapos mukhang
madumi pa so hindi ko rin nakain masyado. Natapon lang yung karamihan. Nagpapalibre
nga ako kay Ran, kaya lang sabi niya ang swerte ko naman daw kung lagi niya ako
nililibre. Kaya ayun, ako ang nagbayad.

Wala naman kaming ginawang mahalaga nung hapon na. Na-boring nga ako eh. Then si
Ran hinihintay ko sa practice (first basketball practice niya nun), so naupo ako
nun sa garden malapit sa gym. Ang baho kasi sa gym,a moy pawis na ang init pa. Sa
garden naman, nakakapag-isip ako anong balak ko para sa project ko.

Nung nakaupo ako doon at nakalatag yung papel para sa report ko, bigla na lang may
tumawag sa akin. Hindi ko pa nga nilingon eh. Pero alam ko naman na kung sino.

"Anong ginagawa mo?"

Hindi pa rin ako lumingon.

"Project ko syempre. Kailangan ko na simulan baka bumagsak ako eh.." sabi ko naman
sa kanya.

"Sabi ko sa iyo gagawin natin ng sabay 'di ba??"

Tinignan ko siya nun. And that's the time na nakita ko na may hawak siyang camera.
Nailang ako nun kaya tumayo ako para takpan ko.
"Hey ano ba yan!"

Umatras naman siya. Dahil may railings doon sa pagitan namin, hindi ko na siya
maabot. Pero hawak pa rin niya yung camera. Ginawa ko, tinakpan ko yung side ng
mukha ko at naupo ako.

"Hey.. I need this project. Gusto ko lang naman natural ka. Just think wala akong
dalawang camera."

"Ang hirap nun ah! Patayin mo na nga yan." di ko pa rin sya tinitignan nun.

"Hindi na pala.." binaba niya yung camera niya, "So anong balak mo dito sa project
mo?"

"Siguro gagawa na lang ako ng posters.... with drawings di naman typical yun di
ba?"

"Ewan. Siguro." tinaas niya yung balikat niya.

Kinuha niya yung isang poster board ko. Tapos ewan ko, huminto lang siya saglit na
parang nag-isip kung anong gagawin niya. Then nakita ko na lang na gumagawa siya ng
black borders. Ang galing nga eh, parang computerized. Pero marker lang ang gamit
niya.

Nung natapos siya doon sa isa, inabot niya sa akin. Ako na daw bahala kung anong
gusto kong ilagay sa report ko. Siguro nga napagod siya, kaya hinayaan ko na lang
siyang sumandal doon sa inuupuan niya.

Busy na ako nun. Nag-drawing ako ng army eh. Ang pangit nga, but who cares?
Nahihiya kasi ako na tanungin siya kung pwede ba siya mag drawing para sa akin, so
ayun, sinubukan ko na lang. Kapag siya kasi nag drawing, parang siya na yung gumawa
ng presentation ko.

It took me forever para makadrawing ng mga army guys na nakasakay sa tank. Then
nung natapos ko yung sketch, at nagmukhang ulo lang sila lahat, tumingin ako sa
kanya.

That's the time na napansin ko sya. He was staring at me. Pero yung camera niya
hawak lang niya na parang wala lang.

Kinukuhanan ba niya ako nun o tinitignan niya ako?

"Anong problema mo?" yun lang naisip ko na hindi masyadong nakakahiya tanungin, "Ok
ka lang???"

Wala nga siya sa sarili niya. Natauhan lang siya nung may narinig kaming tumawag sa
kanya...

"Terrence!"

Napaupo siya ng straight bigla sa upuan niya. Lilingon na sana ako, kaya lang...

"Wag.. wag kang lilingon.." hindi tuloy ako lumingon.

"Bakit???"

Nag-lean siya doon sa drawing ko na nakalatag doon sa table. Magkaharap kasi kami.
Nasa likod ko yung gate kaya di ko alam kung sino yun. Hawak pa rin niya yung
camera niya...
"I-tilt mo yung ulo mo at an angle like this..." then dahan-dahan niyang hinawakan
yung ulo ko..

"Bakit?"

Then ini-angle niya yung ulo niya. Tapos tinignan niya ako ng weird na para bang
pinag-aaralan niya yung mukha ko.

"Ano na naman ba ito? Lokohan??"

"Ganyan ka lang." then nag-switch siya.. at dahil magkatapat mukha namin, ako naman
nag-switch din sa kabila. Nakakahiya kasi eh.

After nun, saka na lang ako umatras. Sumandal na ako. Para saan ba yun??? Then
narinig ko na lang na may nag-step sa tabi ko.. kaya tinignan ako.

It's that Dina girl..

"Oh my God.." tinakpan niya yung bibig niya, "Pa-religious effect ka lang naman
pala PDA ka naman!" sabi niya sa akin kaya tumingin ako nun sa kanya.

"Leave us alone and mind your own business."

"Kayo ba? Kasi sa totoo lang di kayo bagay!" sinimangutan niya ako.

"What are you talking about?"

"Asus kunwari ka pa.." sabi ni Dina nun tapos nakapamewang na siya, "Isusumbong
kita doon sa pinsan mo."

"Para saan???"

"Nagmamaang-maangan pa eh kita ko naman na kayo ni Terrence eh---"

Hindi na natuloy yung sinabi niya. Kasi sabi ni Terrence eh...

"I can kiss her whenever I want to.. just leave us alone."

***23***

Asahan mong tinotoo ni Dina yung pagkakasabi niya. Nagsumbong nga siya kay Ran.
Kasi hindi pa nangangalahati yata yung practice, lumabas si Ran ng naka-jersey na
black na iba yung school na nakatatak dahil sa dati niyang school yun, at
nakamahabang shorts siya.

Halata mong galit siya dahil pasugod yung paglakad niya. Kaya ako naman eh tumayo
na ako sa pagkakaupo ko at humarang ako sa pagitan nila ni Terrence. Tama nga ako,
kay Terrence siya galit. Siguro nga nasabi na ni Dina, kasi nasa likod siya.

Teka nga, ano bang meron si Dina kay Terrence? May gusto ba siya katulad ni Ulah?
At kung meron, masyado naman yatang sinuswerte si Terrence at ang daming naghahabol
sa kanya. 'Di ba???

"Ano bang problema mo?!?" susugod na sana si Ran kaya lang dahil nga humarang ako,
napahawak ako sa dibdib niya kaya 'di siya natuluyan, "Pinagkakatiwalaan na sana
kita pero kapag hindi pala ako nakatingin kung anu-ano naman palang nasa isip mo!
Siraulo ka pala eh!"

Sabi ko nga galit si Ran...

"Ran ano ba! Makinig ka nga muna!" sumigaw naman ako nun, "Kung ano man ang sinabi
sa iyo ng babae--"

"Ngayon may iba pa palang istorya? Sino ngayon ang dapat kong paniwalaan?!? Ha?"

"Ako! Ako dahil ako yng pinsan mo! Pwede ba makinig ka muna?!?"

"Bakit ba nagsisinungaling ka pa?" sabat naman ni Dina doon sa likod, nakangisi


siya ng kaunti, "Totoo naman yung sinasabi ko ako pa yung pinapalabas niyong
sinungaling? Pasalamat nga kayo hindi ko pa kayo kinuhanan sa cellphone ko at hindi
ko naipakita sa mga tao dito eh!"

Humarap si Ran nun kay Dina at nagulat na lang ako nung sumigaw siya..

"Ikaw naman, tapos ka na! Pwede ba umalis ka na at iwanan mo kaming tatlo dito?!?
Nagsumbong ka na, so pwede lumayas ka na!"

Napaatras si Dina nun. Namutla nga yung mukha niya eh. Si Ran kapag nagalit siya,
kakaiba. Hindi nga siguro malabong pati babae patulan niya eh. Pero so far, wala pa
naman siguro siyang pinapatulan.

"Magkaliwanagan nga tayong dalawa dito ha!" tinulak ni Ran si Terrence, "Ano bang
pakay mo talaga sa pinsan ko?" tinulak niya uli si Terrence.

Si Terrence naman, mukhag walang balak lumaban. Nakatayo lang siya doon, tinutulak
ni Ran pero yung kamay niya nasa bulsa lang niya.

"Hindi ganun yun bro.." sabi ni Terrence ng mahina, "Mali yung pagkakaalam mo."

"Na ano? Na hinalikan mo yung pinsan ko? Ano pa pala kung wala ako dito?"

Hindi ko talaga siya mapigilan. Masyado kasing matangkad si Ran, mabigat, at


lalung-lalong lalaki pa siya kaya hindi ko kaya. Balewala nga siguro na hilahin ko
siya sa jersey niya dahil walang mangyayari.

"Hindi ko siya hinalikan at hindi rin niya ako hinalikan Ran! Yun lang siguro yung
lumabas pero hindi!" naiinis na naman ako nun.

Ang sakit na talaga ng lalamunan ko kakasigaw na lang parati.

"Ang hirap kasi sa inyo ang dumi kaagad ng isip niyo eh!"

Saka lang tumingin sa akin si Ran nun. Parang nag-relax yung mukha niya nun, pero
kahit papaano parang may halong galit pa rin.

"Paano naman ako makakasiguro na hindi mo lang nililigtas ito?" tinuro niya si
Terrence,"Shay kung hindi ka niya kayang respetuhin, hindi siya karapat-dapat
lumapit sa iyo."

"Pero hindi nga niya ako hinalikan! Ano ba!" nakakainis na talaga si Ran. "Bakit
hindi mo ko pinagkakatiwalaan???"

"Hindi ikaw Shay.. siya!" humarap siya uli kay Terrence, "Kapag nalaman-laman ko
lang..."
"Sinabi naman niya sa iyo yung totoo, hindi ko siya hinalikan." mahina pa rin yung
boses ni Terrence nun, "Sinabi ko sa kanya i-tilt niya yung ulo niya nung nakita ko
na dumarating yung babae na yun. Umarte lang din ako." nakatingin lang si Terrence
kay Ran nun, "I used her so Dina won't bug me."

Nung narinig ko yung huling linya ni Terrence, parang nabingi ako. Parang yung
galit ko kay Ran, napunta lahat sa kanya.

"Ginamit mo ko?!?"

Sa totoo lang, akala ko hindi niya sinasadya. Akala ko si Dina lang yung marumi ang
isip. Yun pala... yun pala ginagamit lang niya ako para lumabas sa iba na...

Akala ko ginagawa niya yun dahil... ayoko nang isipin.

"Sinadya mo yun para palabasin sa kanya na hinahalikan mo ko?! Ha?!" lumapit ako
nun pero humawak sa balikat ko si Ran.

"Shay...." hahawak siya sana sa akin kaya lang iniwas ko yung kamay ko.

Pumunta ako doon sa bench kung saan siya nag-drawing ng border para doon sa project
ko. Kinuha ko yung poster na pinagdrawingan niya. Nakakabwisit siya! Manggagamit!

"Hindi ko kailangan ng tulong sa mga taong tulad mo!" sinabi ko sa harapan niya
nun, "At hindi rin kailangan ng taong tulad mo ang tulong ng taong katulad ko."
tinignan ko siya nun, hindi ako naiiyak, naiinis ako sobra! "Kaya ka lang ba nag-
offer ng tulong para gamitin mo lang ako sa project mo? Willing na sana akong
tulungan ka sa media class mo dahil sa totoo lang sa isip-isip ko ang bait mo para
tulungan ako.. and you deserve it. Ngayon hindi ko alam kung alin yung totoo!"

Sumunod na lang na alam ko, pinunit ko yung ginawa niya sa harap niya. Ang masama
lang, nandun din yung pinaghirapan kong drawing ko. Pero wala akong pakialam.
Pinaghirapan niya yung drawing doon... ayaw ko nang makita yun.

"Tara na nga Shay ihahatid na kita.."

"Ayoko! Uuwi ako mag-isa. Isa ka rin Ran! Akala mo rin naman kung sino ka maka-
asta! Parehas lang kayo!" tinignan ko silang dalawa.

Kinuha ko yung mga gamit ko ng mabilis. Nakakaasar talaga. Bakit ba ganun sila?
Siya?

"Magsama kayong dalawa!" tapos tumakbo na ako.

"SHAYLIE!!!"

Hindi ko alam kung nasa katwiran pa ba ako nun o hindi. Nakakaasar sobra! Hindi
kasi sila nag-iisip! Si Ran hindi ako masyadong galit. OA nga siya siguro, pero ako
pa rin naman yung iniisip niya. Pero overall, hindi pa rin siya dapat nagrereact ng
ganun dahil nakakapikon din.

Pero si Terrence... akala ko talaga...

Nabangga ko pa nga si Arwyn nun eh. Hindi na ako nag-sorry. Siguro napansin rin
naman niya na bad mood ako.

Dapat talaga uuwi na ako. Kaya lang naisip ko na si Ran baka habulin lang ako,
magkita pa kami kaagad. Ayaw ko muna. Mainit pa ulo ko. Magkasigawan pa kami nun.
Siguro nga kung sa ibang tao at sasabihin ko ito, baka isipin nila ang nerd ko..
ang geek.. ang baduy.. o ano pa man ang tawag doon. Sa totoo lang kapag nag-uumapaw
siguro yung galit, lungkot, saya.. o kahit anong emotion sa katawan ko.. isa lang
pinupuntahan ko..

...sa simbahan.

Sumakay ako. Ayun malayo pa lang naririnig ko na yung bell. Narinig ko na naman
yun. Familiar na familiar nga sa iyo kung lagi mo ring naririnig. Kahit doon sa
driver siguro nabuhos ko yung galit ko kasi nung nagbayad ako, ang bigat-bigat ng
kamay ko.

Bumaba rin naman ako kaagad at naglakad ako papasok ng simbahan. Sa sobrang bigat
ng bag ko at dami kong dala, may nabangga na naman ako. Pangalawa na yun after ni
Arwyn. Kasalanan ko na ako yung nakakabangga, pero wala akong pakialam.

"Ano ba naman yan!" ako pa talaga yung nagalit.

"Sorry!" sabi nung lalaki pero hindi ako tinulungan nung nahulog yung gamit ko.

Lumabas na siya ng simbahan. Ako naman dumiretso sa loob. Kung tutuusin nasa
simbahan siya tapos nakasumbrero siya? Kung hindi pa ako nagkamali naka sunglasses
din siya.

Ang bastos nga naman! Dapat inaalis yun kung pumapasok ka sa ganitong lugar eh.

Nung una naupo lang ako doon sa bandang harapan. Nanahimik lang ako at nakatingin
sa altar. Then saglit lang, lumuhod naman ako at nagsimula akong magdasal. Magdasal
sa lahat ng nangyayri sa buhay ko. Sa totoo lang, parang nitong mga huling linggo
at nagpupunta ako dito, hindi ko isinasapuso yung pagpunta ko. Kumbaga sa libro na
binabasa ko, binasa ko lang yung linya pero walang pumasok sa isip ko.

Nakita ko si Sister Jenny na naglalagay ng bulaklak doon sa altar. Lumapit naman


ako sa kanya. Iba talaga ang effect ng simbahan sa iyo. Kahit siguro anong galit
mo, bigla na lang may kung ano na nagpapakalma sa iyo.

"Sister..." tapos humawak ako sa braso niya.

"Espiritu Santo.. bata ka!" ngumiti naman siya kasi nagulat siya sa akin, "Anong
sadya mo?"

"Sorry po kung nagulat kayo ah. Si Father po? Balak ko po kasi sanang mag-confess
eh."

"Mag-confess???" nakahigher pitch talaga yung boses niya kaya nage-echo doon sa
simbahan, "Sandali lang at sasabihin ko sa kanya."

Naupo na lang ako uli. May daanan kasi sa likod ng simbahan kung saan magdadamit
yung pari at papasok doon sa inuupuan niya na kahoy at hindi mo na siya nakikita.
Tapos doon mo na sabihin sa kanya yung gusto mong sabihin, at mga gusto mong
pagsisihan.

Narinig ko na sumara na yung pinto sa likuran kaya ako naman eh nagsimula na rin
akong maglakad. Nagpunta ako doon sa bandang kanan at lumuhod ako para mag-confess.
Bukas naman na yung maliit na window at alam ko na nakikinig siya.

"Father, pagsisisihan ko po lahat ng nagawa ko nitong mga huling araw.. lahat ng


kasalanan ko." sabi ko ng mabilis at parang pakiramdam ko nauubusan ako ng oras.
"Ano ba iyon anak???" tapos narinig kong inubo siya. May sakit na naman siya.

"Alam ko po ilang beses akong nagsinungaling.. nakapanloko... nakapagsalita ng


hindi maganda sa mga tao sa paligid ko at pinagsisisihan ko po iyon. Sana po
mapatawad po ako." sa totoo lang, totoong gusto kong mawala lahat ng kasalanan ko.
"Lalo na po yung nangyari ngayong araw na ito. Nakapagsalita po ako ng hindi
maganda sa pinsan ko saka sa kaibigan ko."

"Ano ba ang sinabi mo?"

"Siya naman po kasi ang may kasalanan. Ginamit niya po kasi ako eh. Bakit po ganun
siya? Akala ko pa naman iba siya. Kaya ko lang naman po nasabi yun kasi nagalit
lang ako. Nasaktan na rin siguro. Kasi sa harap ng iba, pinagmukha niya akong t---"
sasabihin ko na sana yung word, kaya lang naisip ko si father yung kausap ko,
"Ewan. Pinagmukha niya akong ewan."

"Humingi na ba siya ng tawad sa iyo?"

"Hindi pa nga po eh. Kaya nga po nagagalit siguro ako. Kasi hindi man lang siya
nag-sorry."humawak ako ng mahigpit doon sa gilid.

"Pero may sinabi ba siya sa iyo na anyong hihingi ng tawad?"

"Tinawag niya lang po yung pangalan ko. Pero--"

"Iyon naman pala. Sana pinakinggan mo man lang siya. Alalahanin mo, dapat matuto
tayong magpatawad."

"Tama.. opo. Dapat hayaan ko po siyang humingi ng tawad at magpatawad din po


ako."huminga ako ng malalim, "Father, napatawad na po ba ako sa mga kasalanan ko?"

"Oo naman."

"Hindi niyo man lang po ba sasabihin yung linya niyo na ako'y pinapatawad na.. yung
lagi niyo pong sinasabi tuwing pagkatapos kong mag-confess?"

"Napatawad ka na ng Panginoon." inubo uli si Father, "Ano ka ba, sa lahat ng


babaeng nakilala ko ikaw na yata ang pinakakakaiba sa lahat kaya hindi malabong
hindi ka niya patawarin Shay. Mahal ka ng Diyos.. maraming nagmamahal sa iyo hindi
mo lang napapansin. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ikaw lang ang pinakanapapag-
isip ako.. ewan ko kung bakit pero half the time sinusubukan kong isipin kung ano
ba yung iniisip mo. Kaya sana huwag ka nang magalit okay?"

"Father???"

Natigilan din siya nun. Kaya nagulat na lang ako nung umubo siya uli.

"Napatawad ka na ng Panginoon."

Pero hindi na ako kakagat doon. Lumabas ako doon sa pinagluhuran ko at binuksan ko
yung pintuan kung saan nakaupo madalas si Father. At hindi nga ako nagkamali...

"Wala ka rin talagang pinapalampas no? Pati ba naman sa simbahan??? Hindi ka ba


natatakot sa ginagawa mo???"

"Teka lang Shay!" sumigaw si Terrence nun kaya pati si Sister, at si Father na
papalapit na sana doon sa kinatatayuan namin eh natigilan din. "Hindi ko naman
talaga sinasadya eh! Kahit si Father pa ako o hindi, alam ko.. at alam ko dito.."
tinuro niya yung puso niya,"Papatawarin ka niya."
Tinignan ko lang siya nun. Isang masamang tingin.

"Alam ko! Alam ko papatawarin niya ako kasi sinasapuso ko yung paghingi ko ng
tawad! Pero ikaw! Ikaw ang dapat humingi ng tawad!"

"Sorry na nga eh! Hindi ko naman sinasadya yung sa school kanina.."

"Hindi sa akin." tinignan ko si Father, "Sa kanya." tapos tumingin ako sa altar,
"At sa kanya!"

"Shay.." nakatayo na naman siya doon.

Kinuha ko na naman uli yung bag ko. Tapos nung lumapit si Father, nag-bless lang
ako sa kanya. Kilala na niya kasi ako, at siguro sa itsura naming dalawa ni
Terrence, alam na niya yung nangyari.

"Father, malaki na po ang kasalanan ng tao na yan. So sana po tulungan niyo po


siyang alisin yung mga kasalanan niya..." kumiss din ako sa kanya, "Bye Father."

Bago ako umalis, one last look pa kay Terrence. How dare he???

Ngumiti lang si Father sa akin. Nakaputi kasi siya eh. Si Terrence, natigilan. Ewan
ko ba, hindi ko na siya maintindihan. Hindi siya ganun ka-religious unlike his
parents and his sister. Tuwing nagsisimba, sasama siya pero lagi lang siyang nasa
labas. I doubt he cares.

Confused lang yung itsura niya nun. Then bago pa ako nakalayo, nakita ko na umakbay
na si Father sa kanya at narinig ko na lang...

"Ikaw anak..." umupo sila doon sa gilid, "Sa paanong paraan kita matutulungan?"

"Kasalanan ko po Father... malaki yung kasalanan ko. Sorry nga po pala sa inyo..."

Umiiling lang si Father na para bang sinasabi niya na huwag mong problemahin yun.
Ang kalmado niya talaga kahit kailan.

"Ano bang problema natin?"

"Malaki na po kasi yung mga kasalanan ko. Lahat-lahat." yumuko lang si Terrence
nun...

"Lalo na sa mga taong mahal, minamahal, at mamahalin ko. Tutulungan niyo po ba


talaga ako?"

**24***

Umalis na ako nun sinabi ni Terrence yun. Ayaw ko naman na kasing marinig yung
pagcoconfess niya kay Father. Tiyak naman wala akong mapapala doon dahil tiyak
marami nang kasalanan sa mundo yung tao na iyon. Hindi na nahiya! Pati ba naman sa
simbahan gagawin yung ganun???

Umuwi na ako afterwards. Medyo dumidilim na kasi nun. Ako naman dahil may mga sobra
pa akong poster boards at mga pang-design sa project ko dapat, naalala ko na naman
na dapat maaga ko yun maipasa at maipresent. Baka kasi mawalan ako ng credit, baka
bumaba yung grade ko. Pero ayaw ko namang simulan na ngayong gabi, nakakatamad
naman kasi.

Nung gabi na at nakauwi na si Ran nun galing sa basketball practice, sinara ko yung
pinto ko bago pa siya nakadaan sa hallway. Ayun, saglit lang narinig ko may
kumakatok na. Tinanong pa nga niya ako kung pwede daw ba siyang pumasok. Alangan
namang sabihing kong hindi. Ang OA ko naman kung magtanim pa ako ng galit.

Kay Ran pa!!! Malabo yata yun.

"Kung sesermonan mo ako, isara mo yung pinto okay?" hawak-hawak ko yung poster
boards ko at nilalagay ko doon sa table sa gilid.

Lumapit naman siya doon sa kama ko.

"Pwedeng umupo?"

Tinignan ko lang siya. Mukhang alam naman na niya yung ibig sabihin ng tingin na
iyon. Umupo din naman siya.

Nung una hindi siya nagsalita. Naupo lang siya doon at pinanood ako na mag-ayos ng
gamit ko. Nung tapos na ako, tinapik niya yung space sa kama katabi kung saan siya
nakaupo. Ako naman ayun, umupo tuloy ako.

"Ang drama mo Ran!" sabi ko sa kanya.

Kahit kailan talaga kapag nag-away kami niyan, maya-maya lang medyo okay na. Siguro
dahil masyado lang kaming close sa isa't isa, kaya malabo talaga na mag-away kami
ng tuluyan.

Sinandal ko yung ulo ko nun sa balikat niya. Comfortable naman. Parang na-choke nga
ako nung nagtanong siya ng...

"Am I being hard on you?"

Sa sobrang gulat ko siguro, naiangat ko yung ulo ko ng malakas. Tinamaan si Ran sa


chin niya.

"Ouch!" tapos hinawakan niya yung chin niya, "Ang sakit nun ah!"

"Tinatanong mo ko niyan???" tinaas ko yung kilay ko, "Heck yeah! Ang OA-OA mo kasi
masyado. Grabe ka pa kung mag-exaggerate. Kung ayaw mo akong makipagkaibigan sa mga
guys, siguro dapat bumili ka ng handcuffs para kasama mo ako parati.. o kaya kadena
para nakakabit na ako sa iyo."

"Ok lang???" tapos ngumiti siya sa akin ng nakakaloko, "Sorry na okay. Alam mo
naman noon pa lang 'di ba ganun na ako? Hindi ka pa ba sanay sa akin?"

"Hindi Ran. Hindi pa ako sanay at ayaw kong sanayin yung sarili ko." tinignan ko
siya,"Alam ko concern ka sa akin. And wow.. ang bait mo. Pero pwede bang i-tone
down mo naman?" sa totoo lang, dapat niyang i-tone down. Dahil kung dito titira si
Ran for the next few years, hindi dapat magpatuloy yung ganun.

I guess I'll die. Para akong na-strangle siguro.

"So anong gusto mo bang mangyari???"

Nag-isip ako nun. Mukhang si Ran balak nga niyang i-tone down yung pagiging
overprotective niya. Saka seryoso siya.
"Kapag nasa school tayo..." tinaas ko yung daliri ko...

"Gusto mong iignore natin ang isa't isa???"

"Hindi no! Ano ka ba! Ganun pa rin. Walang magbabago. Except.. kung may kausap ako
na guys... hindi ka dapat nagiinarte na dapat malayo ako sa kanila... na dapat di
ko sila kausapin. Come on! Sometime in the future I have got to interact with them.
Hindi mo naman siguro gusto na i-deprive ako sa privilege na masanay sa kanila 'di
ba?"

"What kind of privilege? Populate the world?"

"Ran!!!" binatukan ko nga.

"Loko lang!" hinimas niya yung ulo niya, "Ang violent mo masyado."

"Gusto ko lang, nandiyan ka pa rin sa tabi ko. Yung Ran na kilala ko. Pero siyempre
sa ganung bagay, normal lang naman na kinakausap ko sila 'di ba? I guess what I'm
trying to say is, gusto ko yung pakiramdam na concern ka. Pero hindi naman sobra-
sobra. Gusto ko nandito ka sa akin when I really need your help. At least alam kong
secure ako."

"Fine. I'll let you do that. Hindi na kita guguluhin... 'di na rin ako magiging
overprotective. Pero kailangan mo pa rin sabihin sa akin mga bagay-bagay
everyday.." sabi niya sa akin.

"When there's something to talk about.. bakit hindi."

Sumandal uli ako sa kanya. Mahal ko naman yan si Ran. Kaya nga siguro ayaw ko rin
siyang umalis. Parang gusto ko nga dito na lang siya parati.

"Ran?"

Tahimik na kasi kami parehas nun. Ako kasi siguro dahil inaantok na, siya siguro
dahil pagod naman. Pero para kaming sira na magpinsan na nakaupo doon at panay ang
drama namin sa buhay namin.

"Hmmm?"

"Bakit hindi ka pa rin nagkakagirlfriend ng bago? I mean alam ko naging matinik ka


rin sa mga babae, nakakapagtaka lang na wala kang bagong prospect."

"Actually, may gusto na ako. Pero it'll be too weird siguro kung liligawan ko siya.
It's just... doesn't feel right."

"Bakit naman?" na-curious ako tuloy nung sinabi niya. "Teka sino ba?"

"Naku dami mong tanong!" tinakpan niya ng kamay niya yung mukha ko pero mabilis
lang,"Gawin mo na homeworks mo bago pa gumabi ng gumabi at mapuyat ka pa."

Tumayo siya doon sa pintuan at hawak na niya yung door knob. Mukhang masaya na
naman si Ran. Nakangiti na naman ng medyo nakakainis eh.

"Sleep tight couz."

Sa tingin ko isa na yun sa pinaka-productive na pag-uusap namin ni Ran. Wala kasing


kwenta topics namin niyan kapag kami lang. As in panay kalokohan. Pero kapag pinili
naman namin magseryoso, may nangyayari din naman kahit papaano.
The next day, hindi naman ako kinausap ni Terrence. Nagkasalubong lang kami twice
sa hallway, pero yun lang yun. Ngumiti naman siya, ako naman ngumiti na lang din.
Siguro naman gets na niya na hindi ako galit di ba? Pero hindi pa rin excuse yun
para hindi siya mag-sorry. Kasalanan naman niya talaga.

Sinimulan ko na gawin yung project ko. Pero siyempre napakatypical. Wala kasi akong
maisip na 'creative' way. So ayun, bumalik ako doon sa garden kung saan kami gumawa
ni Terrence, pero ako lang mag-isa. Kaya ko naman na siguro yun.

Nakakadalawang poster pa lang ako ng drawing ng army, saka ng mga tao na may hawak
ng baril, nung dumating si Tjay at ginulat ako. Nagkaroon tuloy ng mark doon sa
gilid kaya binura ko pa.

"Nakakainis naman ito eh.. bakit ka ba nanggugulat?" naiinis pa ako na nagbubura


nun.

Umupo naman si Tjay sa bench sa may tabi ko.

"Balita ko inaway mo raw si Kuya kahapon ah."

"Correction. Hindi ko inaway, nagalit lang ako."

Teka hindi ba parehas din yun? Ewan ko ba...

"Basta ang point kasalanan naman niya. But anyway, hindi naman na ako galit. Sabi
nga nila sa church..."

"--blah blah.. eto ka na naman baka antukin ako niyan!" lukaret na ito. Buti na
lang hindi siya mas malala sa Kuya niya.

"Kung nandito ka para tanungin kung galit pa ako sa Kuya mo, hindi na." inayos ko
yung gamit ko kasi 'di naman ako makagawa kapag may kausap ako, "But I could use a
simple 'sorry' though."

"Sa Kuya ko?" umirap si Tjay ng pabiro, "Fat chance!" tinignan niya yung ginagawa
ko,"Ano bang ginagawa mo?"

Then nilabas ko yung mga drawing ko. Tinignan naman niya yung drawing ko.

"Oh bakit may kariton dito?" tinuro niya yung drawing ko ng tank, "Kariton ba noon
sa Pilipinas?"

Hindi ko alam kung maiinis ako kay Tjay, matatawa, o madidisappoint sa walang
kwentang drawing ko.

"Come on! Alam mo naman 'di ako marunong mag-drawing. Isa pa it's a tank, at hindi
sa Pilipinas ang report ko. US involvement sa World War II."

"Oh? Eh kung tank yan... at sa US ang setting..." tinignan niya ako, "Ang panget ng
drawing mo Shay!!! Ang panget!!" inasar pa ako lalo at tawa siya ng tawa.

"Ang sama nito! Dapat ineencourage mo ako. Mag-iisang buwan na ba yung debate?
Tapos wala pa akong report? Anong tingin mo sa akin? Slacker?"

"Ganito na lang.. bakit 'di ka na lang magpunta sa bahay namin.. tutulungan kita.
Ayos ba yun?"

"Talaga??" as in 'di ko maipakakailang natutuwa ako, "Thanks Tjay! The best ka


talaga!"niyakap ko siya ng mahigpit.
"Anong the best ka pa diyan na nalalaman! May bayad 'to!"

Alam ko namang nagbibiro lang si Tjay. Pero ang bait din niya no. Kahit anong
mangyari talaga nandiyan siya para sa akin in case kailangan ko ng tulong. Kaya
totoo na 'di ka talaga mabubuhay mag-isa.

Pumunta ako sa bahay nila nung uwian na siyempre. Kasabay ko si Tjay nun eh. Dala-
dala ko rin yung gamit ko. Pretty much, marami na akong naidrawing at hindi ko na
uulitin pa.

Napansin ko na nasa bahay din si Terrence nun. Nasa kwarto na siya. Napansin ko
lang kasi bukas yung pintuan doon sa kwarto niya. Hindi naman siya lumabas nung
nandun ako. Siguro umiiwas din. Pero ako naman, nasa living room nila ako at gagawa
talaga akong project ko.

Pumunta lang si Tjay sa kusina nila saglit at nanguha yata ng maiinom namin. Naupo
siya doon sa upuan nila sa gilid.

"Sige nga practice tayo. Paano mo iprepresent yang drawing mo sa klase?" ngumiti si
Tjay nun, "Paano ba nainvolve ang US???"

Tinaas ko naman yung drawing ko ng American flag then may Japanese flag.

"Ang pinaka nag drag talaga sa US sa World War II was the bombing of Pearl Harbor.
Gusto kasi ng America to stay neutral as possible, pero lumalabas na in favor sila
sa Allies. But then laging natetest yung neutrality nila, and then nagkaroon ng
bombing.. the President wanted war.. kaya pati Congress tingin nila necessary na."

Ganun kami lagi mag-practice ni Tjay kapag may presentation. Tanungan. In case na
tanungin kami ng kahit anong maisip ng classmates o ng teacher, at least may
maisasagot kami.

"Paano naman yung mga babae? Anong naging role nila?"

"Since marami nang men ang nagseserve sa military, kinailangan ng employees sa work
force. So yung mga dating jobs ng mga lalaki, ginawa ng mga babae. Yung ibang babae
naman, nagserve sila sa army as nurses at may clerical jobs sila." tinaas ko yung
drawing ko na may nurse na nag-aalaga dun sa patient. "Kaya nagkaroon ng
opportunities for them."

Tinanong din niya ako about Great Migration. Kaya ayun sinabi ko na 'Tungkol iyon
sa paglipat ng mga Hispanics sa North America kasi kailangan nga ng workers sa
field naman.'then after that sinundan niya ng question about African Americans,
'Nagserve din sila sa army, saka may jobs na rin na available sa kanila although
may discrimination and ang treatment sa kanila eh minority.'

Talagang feel na feel ko na yun. Iniimagine ko talaga nagrereport ako. Si Tjay


napapanganga sa akin. Hawak-hawak ko yung drawings ko.

"Kahit pangit yung drawing... nadadala na ng speech!" sabi ni Tjay.

Tinignan ko nga ng masama pero pabiro.

Nakikain na ako sa kanila. Tinatawag pa nga si Terrence nun para kumain, pero busog
daw sya. Sabi nila di daw nila mapilit yun kapag dinner, kaya sabi nila subukan ko
raw na ako ang tumawag baka daw kasi mahiya dahil bisita ako.

Kaya ako naman, tumayo. Ayaw ko naman na malaman nila Tita Jayne na may conflict
kami. Pumunta tuloy ako doon sa kwarto niya at kumatok ako. Narinig ko na medyo
maingay sa loob.

"Ano?!?" pero di pa rin niya binuksan yung pinto, "Sabi ko hindi ako kakain 'di
ba?"

"Terrence..." sabi ko ng mahina doon sa may labas ng pinto.

Narinig ko na may parang nahulog sa loob. Then saglit lang, binuksan niya, pero
hindi totally...

"Err... bakit?"

"Hindi ka ba kakain?" tinanong ko naman siya at medyo mahina yung boses ko.

"Wala pa kong balak." sagot naman, "Kakain na lang ako mag-isa. Maya-maya siguro."

"Pero hindi ba maganda kung sasabay ka?" hindi talaga ako umalis doon.

Tinignan niya lang ako na parang nakukulitan sa akin.

"Uhmm yeah.. pero.. ano.. kasi.." tumingin siya sa kitchen, "May ginagawa pa kasi
ako."

"Ano naman?"

Tinignan niya yung kamay niya nun. Saka ko lang napansin na nag-sketch na naman
siya.

Hindi siya sasabay dahil nag-sketch siya? Ang weird naman nun.

"Is it really that important?"

"Yeah." ngumiti lang siya sa akin.

"Pwede bang sumabay ka sa amin?"

"Bakit naman? Hindi ba kayo makakakain kung wala ako?"

"Please?" ewan ko ba.. nagpapakabait ako nung mga oras na iyon.

Natigilan naman siya. Then parang nag-isip siya.

"Ok. Pero ngayon lang." then sinara niya yung pinto.

Nung papunta na kami sa kusina nila nun, natatawa-tawa ako. Kasi siyempre kahit
papaano, napapayag ko siya 'di ba? Ain't that something?

"May nakakatawa ba?" tinanong naman niya ako na parang naiirita na naman siya.

Umiling naman ako.

Saglit lang, siya naman ang tumatawa. Tinignan ko tuloy sya at ako naman yung na-
curious.

"May nakakatawa ba?" teka nanggagaya ba ako?

"Wala naman." ngumiti lang siya, "Akala ko ba galit ka sa akin?"


"Akala ko ba turo sa church dapat magpatawad?"

"Ok.. all right." sabi niya tapos tumingin siya, "I didn't say sorry though."

"Alam ko." hindi ko siya tinignan nun.

"Gusto mo ba mag-sorry ako?"

Arrgggh! Nakakaasar talaga. Tinatanong ba yun?

"Tinatanong ba yun? Of course!"

"Okay. Sorry."

Hindi man lang ba galing sa puso? Alam mo yun? Nagsorry dahil sinabi ko. Sinabi
niya dahil binanggit ko.

Ano namang klase yun???

"I'm sorry I told your cousin na ginamit lang kita para palabasin na ikaw yung
hinahalikan ko. I did." seryoso na siya nun, "I don't care kung may rumors sa
school. I don't care kahit anong ipagkalat nila.. alam naman natin yung totoo eh.."

Nakatayo lang ako dun. Alangan naman sabihing kongl.. OO nga no???

"Ikaw yung pinili ko na magpanggap na gf ko kay Ulah.. coz I think you're really
cool. At ikaw din yung pinili ko na palabasin na hinalikan ko, because I like the
idea. I don't care how bad they talk about us.."

"As long as you're the one I'll share it with. Sorry kung nasaktan ka."

***25***

Sa katunayan, nagulat din ako sa sinabi ni Terrence. Hindi ko naman kasi inaasahan
na manggagaling sa kanya iyon. At sa totoo lang, nagtaka rin ako kung bakit niya
sinabi yun. Hindi naman ako totally clueless sa mga bagay-bagay. At siguro dapat ko
ring aminin sa sarili ko na may naramdaman din ako kahit papaano kaya napaatras na
lang ako at hindi na ako sumabay sa kanya. Mukhang hindi naman niya napansin.

Nung nasa kusina na kaming lahat, naupo na kami ng sama-sama. Para tuloy akong
kasali sa family nila. Si Terrence eh kumain naman, tumulong ng kaunti magligpit,
tapos bumalik na siya kaagad sa kwarto niya. Ako naman eh dahil nakikain na ako at
sanay naman na ako sa bahay nila, naghugas na rin ako ng pinggan. Si Tjay ang
nagpunas at nagbalik sa shelves nila.

?Seriously, kailangan magbati na kayo ng Kuya ko. Ayaw ko ng in the middle ako ng
kung ano.? Seryoso naman yung sound ng boses niya.

?Actually, ok na kami.? Sabi ko naman dahil yun ang totoo.

?Nag-sorry ba siya sa iyo?? saka lang lumingon si Tjay, ?Anong sinabi mo??

?Ahh.. wala. S-sabi ko naman sa iyo ayos na kami dati pa dahil sabi nga sa Bible??

?Hallelujah!? tumawa naman si Tjay kaya natawa na rin ako, ?Sabi sa Bible
magpatawad ka. I know? I know??
Yung remaining time that night eh nag-practice ako uli sa presentation ko. Habang
tumatagal nga nagsasawa na ako at naisip ko na kahit sobrang typical ng
presentation, wala na akong pakialam kung mababa ang maging grade ko. At least
meron pa rin. Tumayo-tayo na lang ako at nag-pretend na may audience sa harap ko
kahit na si Tjay lang ang nandun.

Dumilim na nun dahil gabi na kaya naisipan ko namang umuwi na. Ang dami kong
posters nun, idagdag mo pa yung bag ko, kaya ang hirap talaga.

?Uuwi ka na?? tinanong ako ni Tjay nung Makita niya na nagliligpit na ako.

?Oo. Gabi na kasi. Saka pagod na rin ako.?

Lalabas n asana ako ng pintuan nila nang tawagan ako uli ni Tjay.

?Oi! Oi!? huminto naman ako at lumingon, ?Saan ka pupunta?

?Uuwi na nga.?

?Hindi pwede! Uuwi ka mag-isa?? lumapit siya at humawak sa braso ko, ?Gusto mo
maulit na naman yung dati na naharang ka diyan sa daan. Bruha ka talaga!?

Naalala ko na naman yun. Kinabahan tuloy ako.

?Hindi mo naman ako pwedeng ihatid. Eh ?di pagbalik mo ikaw naman ang mag-isa.?

?Sino bang maysabi na ihahatid kita? tumingin siya doon sa may hagdan nila,?
KUUUYYYAAA!!! KUUUYYYAAA!!! Uuwi na si Shay! Ihatid mo na!? nagulat ako nun.
Sumigaw daw ba?

?Ano ka ba! Baka tulog na yung tao. Saka wala naman na siguro yung mga tambay na
yun.?

?Tangek! Kita mo yung pinto niya bukas pa? Gising pa yun. Kapag sarado na yan ibig
sabihin ayaw niyang maistorbo o kaya tulog na siya.?

Hindi talaga binitawan ni Tjay yung braso ko para hindi ako makaalis. Saglit lang
eh lumabas si Terrence sa kwarto niya ng halfway pa lang niyang nasusuot yung shirt
niya kaya nakita ko na naman siyang walang suot na shirt. Alam ko namang walang
masama doon. Besides, nakakita na ako ng guys na walang shirt eh.

?Saglit lang magtsinelas lang ako.? Sabi niya tapos pumasok na siya sa kwarto niya
uli.

Hindi na ako umalis. Kasi mukhang maghahatid nga sila sa akin. Isa pa si Tjay eh
hawak nga ako kaya wala ring point makipaghilahan ako. Mabuti nang may kasama ako
umuwi kaysa mag-isa ako, nakakatakot pa rin naman kahit papaano.

Nung mukhang okay na si Terrence at lumabas na kami, si Tjay naman eh hindi lumabas
ng bahay nila. Tinignan ko lang siya kasi nagtaka ako at hindi siya sasama.

"Teka, akala ko ba sasama ka sa amin?"

"Bakit pa? Kailangan ba ng dalawa para ihatid ka? Kaya na niya yan!" tumingin siya
sa Kuya niya, "Oh sige ingatan mo 'tong si Shay ah. Ikaw rin umuwi ka rin kaagad."

"Eh kung tumahimik ka na lang at baka mabadtrip pa ako."


Grabe naman. Ang harsh nun ah!

Umalis na kami dahil mukhang hindi naman sasama si Tjay. Sinara na kasi niya yung
pinto eh. That time, parang gusto kong sumama si Tjay dahil ayaw ko namang maglakad
pauwi ng si Terrence lang ang kasama ko. Ewan ko ba.

Nung una talaga sobrang awkward. Walang nagsasalita sa amin. Basta naglalakad lang
kami parehas at walang pakialam sa isa't isa. Yun nga lang ang sadya niya, ang
ihatid ako.

Finally nung hindi ko na nakayanan sa sobrang tahimik, naisipan ko namang


magtanong.

"Kumusta naman pala---"

Ano ba yan. Sa dinami-dami naman ng oras na magkakasabay kami ngayon pa.

Nagkatinginan kami nun. Pero dahil nga sa nagkasabay kami.

"Sige na nga ikaw na ang mauna..." natawa na ako nun, "Ok ako na."

Siya rin tumawa na. Sabay na kaming tumahimik nun. Then saglit lang din nung
ngumingiti-ngiti siya, siya na lang ang nagsalita.

"Ikaw na talaga mauna."

"Uhmmm.. itatanong ko lang sana kung kumusta na yung new media class mo.. yung
video ba.." aba parang walang nangyari sa amin ah! Normal na naman!

"So far so good. Tingin ko maganda naman yung kalalabasan," huminto lang siya
saglit, "Eh ikaw yung presentation mo kumusta naman?"

"Hindi magandang-maganda. Ok lang. Pasado na rin siguro." sabi ko naman dahil yun
sa tingin ko yung totoo.

"You'll do fine. Trust me." seryoso naman yung pagkakasabi niya.

Kung kailan naman na kami nagsisimulang makapag-usap, saka naman kami nakarating sa
bahay namin. Pumasok naman kami doon sa gate hanggang sa pintuan, at yung nanay ko
pa na buntis ang nagbukas ng pinto.

"Oh bakit ngayon ka lang?" then nakita niya si Terrence sa likod, "Galing ba itong
si Shay sa inyo?"

"Opo." ang galang nga naman, "Ano na nga po palang balita sa inyo?"

Tinutukoy niya eh yung pagbubuntis ng Mama ko. Siguro nga kapag buntis ka mataas
ang estrogen o progesterone o kung ano mang hormone yun. Kasi yung nanay ko
obviously mataas ang production niya nun dahil napaka-energetic madalas. May
connection nga kaya? Ewan ko ba. Basta kapag buntis ang kumplikado!

"Ay eto ok naman!" ang saya ng nanay ko, "Lumalaki ng lumalaki ang tiyan." hawak
niya yung tiyan niya.

"Alam na po ba ninyo kung babae o lalaki?"

"Hindi pa nga eh. Gusto kasi namin surprise na lang." surprise pa? Eh kung
niregaluhan siya ng panlalaking baby stuff, tapos babae naman pala.
"Baby sister gusto ko." sumingit naman ako.

"Lalaki yan." sabi naman ni Terrence.

Ano ba yan! Lahat na lang sila lalaki. Si Tjay gusto lalaki. Si Ran... ngayon naman
si Terrence? Ako lang ba ang gusto na maging babae yan?

"O sige po pala, mauuna na ako. May gagawin pa po kasi ako sa bahay. Hinatid ko
lang po si Shay."

Nung papaalis na siya, ayun sumabay naman ako sa kanya. Nanay ko naman pumasok pero
iniwan na hindi naka-lock yung pinto.

Naglakad ako hanggang sa labas ng gate namin nung huminto si Terrence nun at
tinignan ako.

"May balak ka bang ihatid ako uli sa bahay namin?" ngumiti siya sa akin, "Kasi kung
ihahatid mo ako, ihahatid na naman kita... baka hindi tayo matapos."

Natawa rin ako nun. Sa totoo lang may point siya. Bakit ba ako lumabas uli ng
bahay???

Huminto na ako sa paglalakad para hindi na ako makalayo. Siya naman eh nilagay niya
yung kamay niya sa bulsa niya at naglakad ng patalikod.

"Sige kita na lang tayo bukas."

"Ingat sa pag-uwi ah!"

Tumango lang siya at ngumiti sa akin bago tumalikod at naglakad na siya ng diretso.

Ako naman eh bumalik na sa bahay namin. Tumakbo pa nga ako sa loob ng bahay
hanggang sa hallway nung makita ko na nandun na si Ran at nagcocomputer. Nakatayo
lang ako doon sa labas ng pintuan niya at kakatok doon sa gilid kaya lang alam
niyang nandun na ako eh.

"Sinong naghatid sa iyo?" tinanong niya ako pero hindi siya lumingon.

"Si Terrence..."

"Silang magkapatid?" lumingon siya doon sa bintana.

"Hindi si Terrence lang. Hindi na sumama si Tjay tinamad na yata." pumasok ako sa
kwarto niya, "Anong pinagkakaabalahan mo?"

"Wala yung website lang ng school." tapos nakita ko yung website na ang admin eh si
Terrence.

"Ran, medyo naiilang ka pa rin ba kung may guys ako na kasama?"

"Ako??" umikot siya doon sa upuan niya, "Medyo. Pero nag-usap na tayo 'di ba? Kaya
ayun, okay na lang. Saka si Terrence naman yun.."

"Ibig sabihin okay sa iyo si Terrence?"

Nag-isip naman siya.

"Mukha naman siyang matino eh. Saka nung may mga siraulo nun na nasaksak siya...
tumulong siya. Wala naman siya sigurong intensiyong masama." tapos tumayo siya doon
sa upuan niya, "Oo nga pala, pakibigay ito kay Tjay." may inabot naman siya sa
aking papel.

"Para saan 'to?"

Tinignan ko yung papel. Panay angle eh.

"Nagpatulong sa akin si Tjay diyan. Para daw sa geometry class niyo."

"Eh wala pa nga kami dito! Nag-trig na siya?"

"Nag-advance study yata siya. Yan ang kaibahan ng valedictorian sa ibang students.
At yan din ang kaibahan ng mga taong ang pangalan eh Maria Teresa Jayne Quintero sa
mga Shaylie Jimenez ng mundo."

"Sipain kita diyan Ran..." tinignan ko naman siya, "O sige bibigay ko na lang bukas
sa kanya. Pagod na ako. Mapapalit na nga ako at magtoothbrush. Good night na lang."

Ginawa ko na yung mga ritwal ko sa gabi. Tinabi ko na rin yung mga gamit ko at
natulog na rin ako. Grabe feeling ko napagod talaga ako ng sobra-sobra. Kaya ayun,
saglit lang nakatulog ako.

The next day, ang ganda nga ng gising ko eh. Pakiramdam ko kasi nabunutan ako ng
pasanin sa buhay dahil nagawa ko na yung presentation ko. Konting practice na lang
at paganda ng posters okay na. Kahit na mukhang retarded yung mga drawing ko.

Hindi ako sumabay kay Ran nung umaga kasi mas tanghali siyang nagising sa akin.
Sabi ko eh mauuna na ako sa kanya dahil ayaw ko namang maghintay sa kanya nun. Kaya
ayun, nung dumating ako eh tumambay ako sa garden. Nag-drawing-drawing lang ako
doon sa project ko.

Sabay na dumating ng school yung magkapatid na Quintero, kaya nga nagulat din ako
dahil hindi sila nagsasabay madalas. Kaya lang si Tjay lang ang tumambay kasama ko,
at yung isa naman eh naupo doon sa bench ng mga 4th years at hawak na naman yung
video cam niya.

Nag-practice kami uli ni Tjay. Ayun, medyo alam ko na yung mga sasabihin ko.
Mukhang ayos naman ang kalalabasan kung saka-sakali. Paglingon ko nga nun sa side
nila Terrence napansin ko na parang tine-testing niya yung camera niya. May kulay
red kasi. Binaba rin niya kaagad nung nakita ko na dumating yung teacher nila.

By lunch time, umuwi ako sa bahay kasama si Ran at iniwan ko doon yung posters ko.
Naku ha, wala yata akong balak na dalhin yun buong maghapon. Ang dami-dami, masyado
na akong napapagod.

Masaya naman ako buong umaga hanggang first half ng hapon. As in kampanteng-
kampante na ako. Kaya lang after nung breaktime, dumating na yung teacher ko nun sa
Social Studies at sinabi sa akin...

"Ano ready ka na i-present yung report mo?"

Nanlaki siguro yung mata ko nun. Parang nabingi ako na hindi ko maintindihan. Anong
ready? Eh inuwi ko nga kanina eh. Saka hindi ko alam na ngayon. Ngayon ba yun???

"Ngayon po yung report? Akala ko po ba eh wala akong deadline? Sabi niyo po maging
ready lang ako..."

"Yun na nga. Sabi ko maging ready ka para kung sinabi ko na ipre-present mo eh


nandiyan na. So ano? Ngayon na iyon."
"P-pero Ma'am.. wala po yung mga gamit ko sa presentation. Iniwan ko po sa bahay
eh."

"Ano ba naman yan Jimenez. Second chance na nga yung binigay ko sa iyo. Alangan
namang bigyan pa kita ng pangatlong pagkakataon eh masyado nang special treatment
ang nakukuha mo."

"Ginawa ko po talaga." 'di ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Pinaghirapan ko din
yun, tapos wala naman palang mangyayari, "Uuwi po ako. Nilalakad ko lang naman po
yung bahay ko. Tatakbuhin ko na lang po."

"Uuwi ka pa eh mauubos yung time ng klase." nagsungit na siya nun, "Kung wala kang
report, zero. Ganun ka simple."

"Eh kung wala po akong props? I-explain ko lang po sa klase may credit pa rin po
ba?"

"Mababang grade. Pero mas mabuti kaysa sa wala."

Ang sama-sama ng pakiramdam ko nun. Pinaghirapan ko yung posters na iyon, tapos


hindi ko rin naman pala magagamit. Tapos wala rin naman akong magagawa, hindi naman
na ako makakauwi.

Napansin yata ni Tjay na kausap ko nun yung teacher namin. Pumunta ako doon sa bag
ko para kunin yung notecard ko kung saan meron akong notes para sa report, then
tinanong ako ni Tjay.

"Anong problema?"

"Ngayon na pala yung presentation ko, hindi ko alam. Inuwi ko pa man din kaninang
lunch yung posters ko." sabi ko sa kanya dahil nalulungkot ako. "Sayang lang lahat
ng dinrawing ko. Balewala rin pala."

"Huh? Ngayon na? Tapos magprepresent ka ng ganyan ka lang?" tinuro niya yung
notecards ko, "Teka lang..." then tumayo siya doon sa upuan niya, "Ma'am 10 minutes
po ah! Saglit lang. Mag-ready lang po si Shay."

Kinuha niya yung cellphone niya nun at nagpipindot. Ako naman kabado na sa report
ko, kaya hindi ko na siya pinansin. Sinasaulo ko na nga yung sasabihin ko nun eh,
kaya lang nilakasan ni Tjay yung boses niya.

"Oo ngayon na nga eh ang kulit naman!" binaba na niya yung phone tapos tumingin
siya sa akin, "Ano ka ba relax ka lang!"

Kahit ano talagang gawin ko nun hindi ako makapag-relax. Sobrang kabado talaga ako
nun. Malapit na akong matapos doon sa notecard na sinasaulo ko nung makita ko na
may dalawang lalaki na naglalakad sa hallway. Nagtinginan din yung mga classmate ko
eh.

"Excuse me lang po..." nakita ko si Ran na may dalang projector. "Sa presentation
po ng pinsan ko.." tinuro niya ako.

Ano daw?

Si Terrence naman ngumiti lang tapos dumeretso doon sa lamesa ng teacher. May dala
siyang laptop eh.

Pumunta ako sa harapan. Kasi totally na clueless ako sa ginagawa nila. Anong
presentation yun? Wala yata akong alam dun.

Inaayos ni Terrence yung projector saka yung laptop. Ako naman lumapit ako kay Ran.

"Ran ano 'to?" tinuro ko yung dala nilang dalawa, "Anong presentation?"

"Siya na lang mag-explain sa iyo. Nagpaalam lang kami. May Physics class pa nga
kami ngayon kaya lang sabi ni Tjay ngayon daw yung presentation mo kaya tumakbo
kami. Sige mamaya na lang." then tinapik niya si Terrence sa balikat, "Bro una na
ko sa taas."

Hindi lumingon si Terrence dahil sa sobrang busy. Nagthank you lang siya kay Ran
dahil tinulungan siya. Ako naman, lumuhod ako nun. Nung maayos na at pinatay yung
ilaw doon sa room, tumayo lang siya sa gilid.

"Hoy ano 'to? Kinakabahan ako sa inyo lalo.."

Ngumiti lang siya sa akin.

"Easy ka lang. 'Wag kang kabahan." umakbay siya na parang kino-comfort lang niya
ako dahil kabado nga ako, "Sagot kita."

For some reason, hindi na ako kinabahan. Yung pinasok na cd ni Terrence eh may
lumabas na doon sa projector. Ayun, may kung anong music. Then may letters pa nga
na lumabas at nakalagay...

'US INVOLVEMENT IN WORLD WAR II


Presented by: Shaylie Jimenez
Edited by: Terrence Kelvin Quintero'

Pinanood ko rin. Nawala na lang yung music tapos nakita ko yung sarili ko sa
garden. Nagbubura ng kung-ano. Pero hindi ko alam basta nakayuko ako.

Then out of nowhere narinig ko yung boses ni Terrence..

'Anong ginagawa mo?'

'Project ko syempre! Kailangan ko nang simulan baka bumagsak ako eh.' parang alam
ko ito.

Ito yung day na dumating si Dina at kinukuhanan niya ako sa camera niya.

'Sabi ko sa iyo gagawin natin ng sabay 'di ba?'

Saka naman ako lumingon nun na parang walang alam sa buhay. Tapos nagulat yung
itsura ko.

'Hey ano ba yan!'

Ewan ko ba, nagtawanan yung classmates namin nun.

Maya-maya lang, nakita ko na kung ano yung mga nandun sa cd. Ako, nung nasa living
room nila kagabi. Tapos narinig ko si Tjay na tinatanong ako about sa World War II
nung practice, tapos ako naman eh panay ang explain ko.

Talagang nagpa-practice ako. Tawa pa ako ng tawa. Pero wala akong alam...

....wala akong alam na may nangunguha ng video ko.


Panay ang speech ko nun, tungkol sa Pearl Harbor... sa role ng women nung war.
Lahat-lahat ng pinapractice ko. Hindi nga lang ako nakatingin sa camera.

Nakatayo lang ako doon habang pinapanood ko yung sarili ko na magsalita. May video
pa ako na hawak ko yung mga drawing ko tapos ineexplain ko kung ano yun. Nanahimik
na lang ako doon sa gilid.

Then nakita ko yung video ko kaninang umaga. Kasama ko si Tjay. Then napatingin ako
sa camera... kaya lang... biglang nawala na.

Sa bandang dulo nakalagay...

'World War II Presentation...


the Shaylie Jimenez Way..'

Nung natapos yung video, nagpalakpakan yung classmates ko.

Saka lang ako tumingin kay Terrence. Napansin ko na nakatingin siya sa akin.

"Sabi ko naman sa iyo tutulungan kita 'di ba?"

"Pero hindi kita natulungan sa new media class mo.." sabi ko sa kanya.

"You already did.." tinuro niya yung screen, "Yan yung project ko. Video mo."

I can't help it. Sa sobrang saya ko siguro, niyakap ko siya. Doon sa loob ng
classroom. Wala kong pakialam nung tinukso na kami ng classmates namin. Basta alam
ko, saviour siya. At natapos na yung presentation ko.

Ewan ko rin... but that day...

Terrence became a whole new person for me.

***26***

Nagulat lang siya nung niyakap ko siya. Namula nga yung mukha niya eh. Ewan ko kung
dahil ba sa sobrang higpit ng pagkakayakap ko at hindi siya makahinga, o namumula
yung mukha niya dahil---

...nah. I don't think so. With Terrence? Fat chance that he'd blush. Yeah right!!!

So my greatest fear as of now eh wala na. At least mataas yung grade ko. Yun kasi
sinabi ni Ma'am Socstud. Si Terrence? Ayun, tinulungan ko na isoli yung mga hiniram
niya sa Media Center. Nagthank you talaga ako sa kanya, pero sabi niya sa tone na
parang wala siyang pakialam eh, 'Tinutupad ko lang yung sinabi ko. And sorry na rin
nung nakaraan.'

Sa katunayan, ewan ko kung bakit nag-bother pa siya na mag-sorry. Kasi nung hinatid
naman niya ako, okay naman na. Hindi naman na ako galit sa kanya dahil nga nag-
sorry naman siya. Pero tignan mo nga naman, gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan
para hindi mo ma-resist na patawarin na lang siya.

I can't believe sa tinagal ko nang bestfriend si Tjay, ngayon ko lang narerealize


na may crush ako sa Kuya niya. Or maybe matagal na, hindi lang ako aware???
Hay buhay!!! Paano ko naman sasabihin sa bestfriend ko na may crush ako sa Kuya
niya? That would be too weird. I guess...

Nagpunta kami sa cafeteria nung uwian ng hapon. Uhaw na uhaw na kasi ako nun kasi
napagod din ako sa P.E. Si Tjay galing kung saan, pero nagpakita rin naman.
Magkasalubong pa nga yung kilay niya nung dumating eh.

"Sabihan mo nga yang pinsan mo ah! Nakakainis na! Binasa ba naman ako doon sa
garden! Papansin eh!" nakita ko nga medyo basa yung damit niya, "Ano bang problema
nun?"

Bakit naman gagawin ni Ran yun?

"Nag-aaway ba kayo?" uminom naman ako ng soda nun.

"Yun na nga eh, hindi naman. Nung dumadaan ako binasa ako tapos nagpanggap na hindi
siya. Eh siya lang naman ang may hawak ng hose. Ang weird niya ah!"

Nakiinom naman siya doon sa iniinuman ko. Naubos nga niya eh kaya nagulat ako.
Saglit lang din, dumating si Terrence. Ewan ko ba, parang hindi ako mapakali na
ewan kaya nilaro-laro ko yung kamay ko sa ilalim ng table.

"Hoy tinatawagan ka daw ni Mama hindi ka sumasagot." sabi lang niya na parang
walang galang kasi 'Hoy' ang tawag niya.

"Naka-off yung cellphone ko eh."

"Nag-cellphone ka pa naka-off din naman pala."

Nakatingin lang ako sa kanya nung nakatayo siya doon. Medyo mahaba pala yung buhok
niya sa bandang mata kaya medyo natatakpan. Cute din naman pala siya ngumiti kahit
papaano, kaya lang madalas nakasimangot eh.

Nagulat na lang ako nung nag-snap siya sa harapan ko.

"Hey.." parang natauhan ako, "Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" tapos naupo siya
doon sa upuan na inupuan ni Tjay kanina.

"Ahh... wala lang."

"That's rude." sabi niya pero mahina lang.

"Anong rude??"

"Yung pagtingin mo kasi eh parang... kakaiba." umiling siya, "Hindi ka dapat ganun
tumingin sa isang tao. Parang ina-analyze mo ko eh."

"Nga pala, si Tjay saan nagpunta?"

Bigla na lang siyang nawala! Baliw din yung babaeng yun, hindi man lang nagpaalam
sa akin? Iwanan ba ako sa Kuya niya eh kinakabahan na nga ako makita 'to?

"Hindi mo ba napansin? Kaalis lang. Sabi niya sa iyo may meeting siya."

"Sinabi niya?"

Siguro nga dazed na dazed ako nun kay Terrence. Hindi ko matandaan na nagpaalam si
Tjay eh.
"Oo nga pala!" ngumiti ako nun pero sa totoo lang, malay ko sa pag-alis ni Tjay.

"Anong ginagawa mo pa dito sa school?"

"Balak ko sanang hintayin si Ran eh."

"Hanggang mamaya pa practice nila.. gagabihin na kayo ng uwi.." then nilaro niya
yung salt and pepper shaker doon sa table, "May tanong lang ako..."

Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya doon sa nilalaro niya.

"Kung one day na lang ang natitira sa mundo dahi end of the world na, anong huli
mong gagawin?"

Nagulat ako sa tanong niya. Tama bang dalhin na lang yun out of nowhere?

"Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. May thread kasi doon sa website tapos yan yung tanong. Iniisip ko lang
kung anong gagawin ko kung one day na lang. Hindi ko masagot." tumingin siya sa
akin, "Kaya tinatanong kita."

"Hmmm.. ako siguro.. baka susubukan kong hanapin yung totoong parents ko. Mahal ko
naman parents ko ngayon, pero syempre minsan curious din ako kung sino yung
biological ko 'di ba?"

Nanlalaki na yung mata niya sa akin sa gulat. Oo nga pala, hindi niya alam yun.

"Adopted ako. Nung baby pa. Pero happy ako sa family ko ngayon, so... kahit hindi
ko mahanap yung biological parents ko, okay lang. Pero kung makilala ko man sila,
gusto ko lang itanong kung bakit hindi nila ako ni-raise. Yun lang.."

"Galit ka ba sa kanila?"

"Oddly, hindi. Kasi kung hindi naman nila ako iniwan, eh di hindi ko makikilala
parents ko ngayon 'di ba? God's will nga. Swerte pa rin talaga ako." ngumiti ako.
Sa totoo lang, masaya talaga ako sa buhay ko ngayon. Wala na siguro akong
mahihiling.

"Napaka-religious mo no? I mean, usually kapag serious na bagay, you'll bring up


God and religion."

"Sa kanya naman naka-center lahat eh. Hindi ba?" tinignan ko sya, "Bakit ikaw
usually nasa labas ka ng simbahan kapag nagsisimba kayo?"

"Ayaw kong pumasok."

"Bakit nga?"

"May personal reason ako. Okay lang ba na sa akin na lang yun?" seryoso na siya
nun.

"Sure."

May kinukuwento siya sa akin about sa classmate niya. Actually nakakatawa nga eh
kaya tawa ako ng tawa. Siya rin naman. Pero ako habang kausap ko siya, tinititigan
ko lang siya. Ang gwapo pala niya no? Alam ko hindi siya yung pinakagwapo sa mundo.
Siguro nga kung ikukumpara siya kay Arwyn, mas crush ng bayan si Arwyn. Pero si
Terrence yung tipo ng guy na iba yung aura niya. Lalaking-lalaki ba. Pero kahit
ganun, hindi mo maiiwasang tumingin sa kanya.

Kakaiba rin kapag kilala mo siya. Noon kasi iniignore niya ako. Pero ngayon..
nakakapag-usap na kami.

"Ano masasabi mo?" hawak-hawak niya yung back ng ulo niya.

Uhmm.. ano na nga ba yung kinuwento niya??

"Ha-ha-ha!" ang peke ng tawa ko, "Oo!!' tapos tawa pa rin ako ng tawa nun.

Madalas naman nakakatawa yung kinukuwento niya, kaya Oo na lang ako.

"Ow-kei. Sige una na ko. May homework pa ko eh. Bye."

Nahihiya na akong tanungin kung ano yung kinuwento niya. Kanina pa ako nawawala sa
sarili ko kakatingin ko sa kanya, nakakahiya na yun.

Naghintay lang ako sa school. Medyo gabi na nga nun eh. Kaya lang ayaw ko namang
umuwi mag-isa, kaya nagpunta ako sa gym. Eksakto namang pagpasok ko, si Ran nun eh
palabas na. Pawis na pawis nga eh.

"Pinsan!" nakangiti siya ng nakakaloko at yayakapin niya sana ako.

"Ran ano ba!" tinulak ko nga.

Bwisit na 'to. Yayakapin ako eh pawis siya. Excuse me!

"Ang baho-baho mo yayakap ka sa akin."

"Ang sama nito. Ikaw kaya mag-practice ng basketball ng dalawang oras hindi ka kaya
pagpawisan?" binaba niya yung gym bag niya.

"Hindi ka na magpapalit ng damit mo? O kaya mag-shower man lang?"

Nakajersey pa kasi siya nun.

"Hindi na. Sa bahay na lang. Ganun din naman pag-uwi ko maliligo rin naman ako."

Naglakad na kami nun. Parang ang bigat-bigat kasi ng gym bag niya eh. Hindi naman
na kami sumasakay kasi malapit-lapit lang naman yung bahay. Pero kung sore siguro
ang buong katawan mo dahil sa practice, may mabigat kang bag na dala, at maglakakad
ka pa pauwi, hindi naman yata tama yun.

"Ran gusto mo ng tulong?" tinuro ko yung bag niya.

"Hindi na kaya ko na 'to no.." tumingin siya sa akin saglit, "May tanong nga pala
ako. Anong pangalan nung dude na nakita natin sa mall? Yung niyakap mo?"

"Sinong dude??"

"Yung.. taga private school? Na sabi mo nakadate mo?!?"

"Si Carlo?!?" nagtaka naman ako nun.

"Ayun. Carlo nga yata." tumango si Ran nun.

"Naka-date ni Tjay. Hindi ako. Si Terrence nga kasama ko nun.." tapos naalala ko na
naman yun.

One time thing, by accident pa na naging magkasama kami ni Terrence. Haay. I wonder
if that will happen again.

"Bakit mo naman natanong?"

"Hindi kasi siya mukhang mapapagkatiwalaan." binilisan niya yung lakad niya.

"Ran?" tinaasan ko siya ng kilay ko.

"Totoo naman eh. Hindi niyo naman siya kilala kung kani-kanino kayo sumasama!"

Hindi ako na-convince eh. Magkasalubong na yung kilay ko nun.

"Randreii???"

Hindi ko tinatawag ng Randreii si Ran. Kapag Randreii na, alam niya seryoso ako.

"Taga ibang school yun. Malay niyo kung anong gawin nun sa inyo."

Ano bang meron sa pinsan ko???

Hinila ko siya sa jersey na suot niya tapos tumayo ako sa harapan niya.

"Mr. Randreii Yu, aayusin mo ba mga sagot mo o gusto mong suntukin pa


kita???"nakapamewang na ako nun, "Anong problema mo kay Carlo?"

"I don't like him." sabi niya ng mabilis.

"Ni-hindi mo nga siya kilala eh!"

"Basta ayoko sa kanya!"

Hindi niya ako hinintay maglakad. Kaya ayun, nakatayo lang ako doon at nakikita
yung likod ni Ran nun. Ang bilis niya maglakad.

There's something fishy about my cousin. And this time... hindi ko palalampasin.

"Owww.. I get it.." sabi ko nun kaya napahinto siya.

"You get what???"

Tumakbo ako nun sa gilid niya uli tapos siniko-siko ko siya sa tagiliran niya ng
nakakaloko.

"Nagseselos ka kay Carlo noh?"

"A-ano? A-ako?" tinuro niya yung sarili niya, "H-hindi no."

"Kilala na kita Ran. Hindi ka naman ganyan eh."

"Para kang siraulo Shay." sabi niya sa akin na parang naiinis na talaga siya.

Namumula na talaga yung mukha niya nun. Alam ko na... I can't believe it.

"Ayaw mo talagang umamin?"

"Ano namang aaminin ko??"


Painosente pa kasi hindi naman bagay sa kanya. Nakakainis yung mga ganyan.

Kinuha ko yung cellphone ko, at yun nga, hinanap ko yung number ni Tjay. Ako naman
si bruha, tinawagan ko.

"Hello Tjay???" ang cheerful pa ng boses ko nun. Tinignan ko si Ran, parang namutla
na hindi mo maintindihan yung mukha. "Anong ginagawa mo?"

"Homework eh." narinig kong sinagot niya.

"Busy ka ba masyado?"

"Hindi naman. San ka na pala?"

"Eto pauwi pa lang. Kasabay ko si Ran." natatawa na ako nun, "Speaking of Ran, may
gusto siyang sabihin sa iyo."

Pabulong-bulong pa si Ran nun. 'Anong pinagsasasabi mo? Wala akong sasabihin!'

"Ito na siya.." inabot ko yung phone kay Ran.

Parang hindi siya mapakali na hindi mo maintindihan. Kaya lang dahil nasa kanya na
yung phone at tiyak naghihintay si Tjay, nilagay din naman niya sa tenga niya.

"Hello Tjay? Uhuh.. okay lang. Pagod. Oo nga eh.." hay sana lang alam ko pinag-
uusapan nila.. "Yung sasabihin ko? Sabi ni Shay? Gusto kong sabihin eh... uhhh...."
nagkakamot na siya ng ulo niya dahil nag-aalangan siya.. "I.. uhh.. j-just think
you're pretty---"

Nag-thumbs up ako kay Ran nun. Sinabi niya rin!!! Nakita niya ako tapos sumimangot
siya.

"Stupid. I think you're pretty stupid." tapos binaba niya yung phone ko.

My jaw dropped. Bakit niya sinabi yun? Ang sakit nun ah!

"Ano ka ba bakit mo sinabi yun? Baliw ka ba! Bestfriend ko yun eh!" nainis talaga
ako sobra."Hindi ka naman torpe 'di ba? Ikaw na nga nagsabi may pagkaplayboy ka
dati pa tapos si Tjay pa na bestfriend ko torpe ka???"

Galit din yata si Ran nun. Iba kasi yung expression ng mukha niya.

"Bakit mo ba sinabi sa kanya na may sasabihin ako?!?" ang lakas ng boses niya,
"Gusto mong sabihin ko sa kanya na may gusto ako sa kanya??? Yeah right! Bestfriend
mo siya.. at kapatid siya ni Terrence na ngayon kaibigan ko na! Tingin mo hindi ba
hindi ako naiilang nun?!"

Bigla na lang niya akong tinakbuhan. Nung nasa gate na sya ng bahay namin sabi na
lang niya eh...

"Oo natotorpe ako sa kanya! Kasi siya lang yung babaeng hindi ko alam ang gagawin
ko kapag kaharap ko!"

Pumasok siya ng mabilis sa loob ng bahay. Naiwan tuloy ako doon sa bahay.

Oh Lord. Yung pinsan ko may issues sa buhay...

"Para sa isang tao na marami nang naging girlfriend... iba pa rin pala talaga kapag
first time kang mainlove." sabi ko doon sa sarili ko.

Nung nakapasok na ako sa loob ng bahay, hindi ko na kinausap si Ran. Natatawa nga
lang ako eh. Saka baka pagod din naman siya. Bukas ko na lang siya aasarin.

Tumawag sa akin si Terrence. Nagtatanong kung gusto ko daw ba ng copy ng video nung
presentation ko. Kaya umoo na lang ako.

OO lang ang naisagot ko sa kanya. Maliban doon sa hello. Hindi talaga ako
makapagsalita. Na tongue tied ako eh. Ano ba naman yan.. ang bobo ko talaga!

Kaya lang na-realize ko yung sinabi ni Ran. First time mainlove ng loko. Palibhasa
player eh. Pero sabi niya, hindi niya alam ang gagawin niya kapag kaharap niya si
Tjay.

Minsan ganun ako kay Terrence. Ngayon naman sa cellphone...

Hindi kaya.....

Nah. Hindi naman ako in-love kay Terrence 'di ba?

***27***

Maganda nga rin siguro yun. Yung may gusto si Ran kay Tjay. At least 'di ba kung
sila ni Tjay ang makasama, eh di ibig sabihin kami naman ni Terrence.

Asa pa ko.

Nung Saturday nga following that week, pumunta si Terrence sa bahay dahil nga sabay
kaming pupunta sa Day Care. Seryoso pa rin naman siya sa Community Service niya
para doon sa scholarship. Kaya lang dahil medyo mainit na nun, napansin ko na iba
na yung itsura niya nung makarating siya sa bahay namin. Inaatake na naman yata
siya ng asthma niya nun dahil ang lalim ng paghinga niya, tapos medyo namumula na
yung mukha niya. Buti nga hindi nag-blue eh, dahil kung ganun baka tumawag na ako
ng ambulansiya. Trust me kung nakita niyo lang si Terrence na nag-blue yung mukha
nun, baka mag-panic din kayo katulad ko. Nakakatakot naman kasi.

"Bakit ba wala kang inhaler?" inabutan ko siya ng tubig nun dahil galing ako sa
kusina.

"Ayaw ko nga nun. Wala namang cure sa asthma so why bother?" parang naiinis na
naman siya sa akin dahil topic namin eh yung asthma niya, "Drop the subject na lang
okay? Ayaw ko kasi ng kinakaawaan ako."

"Sino bang maysabi na kinakaawaan ka?"

Sa totoo lang, nagsinungaling ako. Naaawa nga ako sa kanya kapag nakikita ko siya
na may asthma attack. Parang hirap na hirap kasi siya na hindi ko maintindihan. Ang
hirap din nun no? Parang may mga bagay dito sa mundo na hindi mo magagawa dahil may
asthma ka. Pero minsan naglalaro din naman siya ng guy stuff, wag lang sobra-sobra.
So overrall, he's living a normal life just like the others.

Dumating na din yung season ng interhigh basketball. Syempre, panay ang laban nila
Ran at ng buong team nila ni Arwyn. Limang beses na silang lumalaban, isang beses
pa lang silang natalo. So sa standing nila, nangunguna pa rin sila. Ang nakakatawa
nga, natalo sila doon sa isa sa pinakamahinang team. Ang weird nga eh.
As usual kapag may laban, kasama namin si Terrence sa bleachers dahil hindi naman
siya kasali sa team. Minsan siya ang bumibili ng pagkain. Si Tjay sa lahat ng
laban, dalawa yung hindi niya napuntahan. Kasi minsan either tinatamad siya, or may
meeting na naman siya sa club niya.

Hinahanap nga siya ni Ran sa akin tuwing wala siya eh. Nanghahaba yung leeg sa
likod ko.

"Wala po siya.. may meeting daw sila ngayon."

Pawis na pawis si Ran nun. May towel pa siya na puti sa leeg niya. Tinignan lang
niya ako na para akong alien or something.

"Sino bang maysabi na hinahanap ko siya?" tapos ayun, iniwan akong nakatayo doon at
magshower daw siya.

Nakatayo nun si Terrence sa likuran ko at umiinom ng coke. Lumapit lang siya nung
mag-isa na lang ako. Nanghahaba nga siguro yung nguso ko nun sa inis ko kay Ran eh.

"Tingnan mo yun pakipot pa eh halata naman!" sinasabi ko lang sa sarili ko yun,


pero dahil katabi ko nga si Terrence, naririnig niya.

"Sinong pakipot?"

"Pinsan ko." then inayos ko yung bag ko, "Ang hirap niyong intindihin! Kayong mga
lalaki! Tinutulungan na nga kayo, kayo pa itong ang hirap... basta mahirap!!"

"Ano bang sinasabi mo?" tuloy pa rin siya sa pag-inom ng coke niya na parang wala
lang sa kanya na medyo naiinis ako.

"For example, kaharap niyo yung babaeng gusto niyo. Kapag oras na ng usapan, you'll
act stupid. Sasabihin niyo yung mga maling bagay. Like.. 'you're pretty stupid'.
Sino namang nagsasabi nun? Bakit hindi mo na lang sabihing you're pretty 'di ba?"

Tawa ng tawa si Terrence nun. Napaupo nga siya sa kakatawa niya eh. Hawak niya yung
tiyan niya. Haay.. ang cute niya rin tumawa. Sana nga gawin niyang habit kaysa
laging magkasalubong yung kilay niya.

"Ano namang nakakatawa?"

Hindi niya mapigilan yung sarili niya. Namula na naman yung mukha niya. Pero this
time alam ko hindi dahil sa asthma niya, kung hindi dahil sa pagtawa niya. It took
him another minute para tumigil.

Hindi kaya may mental disorder yung kapatid ni Tjay?

"A-ano ka ba?" ngumingiti-ngiti pa siya nun, "Ito lang masasabi ko. Generally, may
two sides ang guys. The outspoken one, and yung mga madalas tahimik. Sabi ko
GENERALLY, so hindi lang yun ang sides ng guys. So what I'm saying, sanay ka na sa
pinsan mo na outspoken siya. Ang nangyayari, it flips. So the more na yung
outspoken guys eh nagsasabi ng worst things sa girls, the more they're into the
girl."

"Ganun ba yun?" parang ngayon ko lang narinig yun?

"That's how I see it. Wala naman talagang exact logic 'di ba?" ngumiti lang siya sa
akin nun.
Sa sinabi ni Terrence, the more I understood Ran sa feelings niya kay Tjay. Tapos
naalala ko pa na tinawagan ko si Tjay dahil sabi ko may sasabihin si Ran kahit wala
naman, naisip ko na para talaga akong sira. Alam ko naman na natotorpe si Ran sa
kanya, tapos ganun pa yung move ko.

Nothing special happened the next few days... weeks.. so on. Daily routine pa rin
kami. Yung tiyan ng Mama ko naku nakakagulat na ngayon. Malaki na kasi. Takot ko
lang na baka nakalunok siya ng isang buong pakwan or something.

Kapag umuuwi nga ako sa bahay, madalas usapan nila Mama at Papa eh yung pangalan
nung baby. Nakaisip na sila ng pangalan kung babae daw yung magiging kapatid ko.
Nasa table kami nun at kumakain, tapos sabi ni Mama..

"Shanadine." napatingin ako sa kanya, "Shanadine ang ipapangalan natin kung babae.
Para kaparehas siya ni Shay, parehas S-H-A ang simula."

Hindi naman ako against. Kung tutuusin, maganda rin naman yung pangalan. Isa pa, si
Mama excited yan, kaya siya na siguro ang bahala sa pangalan. Si Papa seryoso sa
pagkain niya. Parang, okay lang naman sa kanya kahit ano.

"Eh kung lalaki? Anong ipapangalan natin?" nakatingin siya doon sa plato niya,
"Bakit hindi na lang natn isunod sa pangalan ng tatay ko? Porfirio."

Na-choke ako nun kaya uminom ako ng tubig. Si Ran naman natawa kaya yung kanin na
sinubo niya eh lumabas pa sa bibig niya.

"Papa! Porfirio ka diyan!" sabi ko nga.

"Uncle.." tumatawa pa rin si Ran, "Modern day na. Hindi na uso yung pangalan na
yun."

"Pangalan lang naman. Isa pa tatay ko yun. Ang mahalaga sa isang tao eh kung paano
ka lumaki.. hindi yung pangalan mo."

Ako naman sarcastic yung pagkakasabi ko.

"Oh malamang palitan niyo rin yung pangalan kapag babae na. Baka Ignacia na
susunod!"

"Bakit hindi??"

Nanlaki yung mata ko sa Papa ko. Talagang dapat hindi siya ang magpangalan sa
magiging kapatid ko.

"Uncle, isipin niyo na lang balang araw magkakaboyfriend of magkakagirlfriend yung


magiging anak niyo. Parang hindi naman yata magandang tawagin sa pangalan na
ganun."sabi ni Ran tapos humarap siya sa akin at humawak sa pisngi ko, "Ignacia,
aking mahal. Tatahakin ko ang lahat makasama ka lamang!"

Ako naman nakibiro na lang din. Binaba ko yung tinidor ko at humawak din ako sa
pisngi ni Ran.

"Porfirio, irog ko. Ikaw lang ang aking sinisinta!"

Pagkatapos nun tawa kami ng tawa na dalawa. Ang baduy kasi ng pangalan!

"Kayong dalawa tigilan niyo yan." sabi ni Mama at tapos na siya kumain.

"Ma! Huwag mon pag-iisipin ng pangalan si Papa! Ang baduy eh. Okay, mahal ko naman
si Lolo, pero syempre Papa.. iba pa rin kung ikaw mismo ang mag-iisip. Hindi dahil
sinunod mo? 'Di ba? 'Di ba???"

"O siya sige.. kung napakagaling mo sa pangalan bakit hindi ikaw ang mag-isip ng
pangalan!" tumayo si Papa para ligpitin yung pinagkainan niya.

"Basta Shanadine na ang gusto ko kung babae." singit naman ni Mama.

"Ok. Ako mag-iisip kapag lalaki. Tignan niyo lang maganda yung maiisip ko."

That night bago ako matulog, naglista ako ng pangalan ng mga lalaki. Kasi gusto ko
maging maganda rin naman pangalan ng magiging kapatid ko. Kahit na wish ko babae
nga. Pero kung lalaki, hindi naman kailangang maarteng-maarte, pero hindi naman
masama kung may class di ba???

Nung pasukan na namin at hapon na, tumambay uli si Terrence sa tabi ko sa garden.
Ayaw daw niya kasi na mag-isa ako na naghihintay kay Ran. Isa pa, wala nang
masyadong students sa school ng ganung oras maliban doon sa mga may meeting sa
clubs at nagpapractice. Madalas pa ako lang ang nandun, kung may mangyari daw na
masama sa akin wala daw makakaalam.

Na-touch nga ako eh.

Anyway, kinuwento ko sa kanya yung dinner incident naming mag-anak. Ngumiti lang
siya, pero hindi siya tumawa ng malakas gaya namin ni Ran.

"Pero hindi ba tama naman yung Papa mo? Hindi naman mahalaga kung anong ipapangalan
niyo. Ang mahalaga kung lumaki sya, desente siyang tao."

"Alam ko yun. Pero ayos din kung desente kang tao, at maganda rin yung pangalan mo.
'Di ba?"

"Sabi mo eh." then nilabas niya yung sketch pad niya, "Nakaisip ka na ba?"

"Hindi pa nga eh. Pero may listahan na ako." nilapag ko yung listahan ng names ng
guys.

Nag-drawing na naman siya nun. Ako naman eh nag-isip ng pangalan na pwede kong
idagdag. Sinulat ko pa nga eh.. 'Li' pero usually kapag ganun, may karugtong dapat.
Wala nga akong maisip eh.

"Ano bang magandang karugtong ng Li???" tinignan ko siya dahil seryoso siya sa pag-
drawing niya.

Nakita ko na yung drawing na yun. Familiar na. Pinakita na niya sa akin dati. Yung
kaibigan niya na guy na hindi ko pa nakikilala.

"Bading ka ba?" yun lang ang lumabas sa bibig ko kaya nagulat din ako, "Uhhh...
ibig kong sabihin.. kasi.. ano... lagi mo na lang kasing dino-drawing yung lalaki
na yan."

Mukhang hindi naman siya naasar.

"Sabi ko nga sa iyo, matagal ko na syang hindi nakikita. Ayaw ko lang makalimutan
yung mukha niya. Ikaw din naman 'di ba, ayaw mong makalimutan yung mukha ng
kaibigan mo?"

"Hmmm.. sure?!? Nasaan na ba siya?"


"Hindi ko rin alam." maikli lang yung sagot niya.

"Sorry sa tanong ko ah. Akala kasi nila bading ka. Pero alam ko hindi naman. Kasi
tingnan mo..." tinignan ko siya, "May girlfriend ka ba?"

Natawa siya nun.

"Tingin mo?"

Umiling lang ako.

"Eh di.. wala." sabi niya pero panay pa rin ang drawing niya.

"Nililigawan?"

This time, binaba na niya yung charcoal niya at tumingin siya sa akin.

"Wala akong balak ligawan. Wala ring nililigawan. At lalong walang niligawan."
ngumiti siya, "Hindi ko naman kailangan ng girlfriend."

"Pero 'di ba normal lang yun? Nakikipag-date ka naman 'di ba?"

"Oo. Normal lang naman na makipagdate 'di ba?"

Haay ang gulo niya!!!

"Pero kung wala kang balak mag-girlfriend, ibig sabihin wala ka ring balak mag-
asawa."ganun din kalalabasan nun. Ang lungkot naman nun in the future, "May balak
ka bang mag-pari?"

"Wala pa naman. But I'll consider it."

HUWAG! Ano ka ba! Nakakainis ka naman eh! Bakit mo naman icoconsider na mag-pari??

"Bakit ayaw mong magka-girlfriend?"

"Actually kapag may girlfriend ka kasi, napakaphysical niyo madalas. Holding hands,
kissing.. hugging.. alam mo na yun. Sa totoo lang, hindi ko alam yun. Kapag
hinawakan ko ang kamay ng isang babae, hinalikan ko siya sa pisngi, o niyakap ko..
it doesn't mean special siya sa akin. It means I'm being friendly. Kaya yung iba,
namimisinterpret nila ako."

He's just being friendly. Yun lang ang ibig sabihin nun.

"Pero kung gagawin ko yung mga bagay na yun dahil more than friends ang feelings ko
para sa isang girl, eh hindi ko pa nagagawa." tumingin siya sa akin.

Nagulat na lang ako nung nag-lean siya sa table uli at one inch na lang siguro yung
pagitan ng mukha namin. Sobrang lapit talaga. Parang hindi ako makagalaw nun sa
sobrang kaba ko na rin siguro. Bakit ba kailangang ilapit niya yung mukha niya sa
akin ng ganun?

"So... since hindi ko alam..."

"Wanna' do it???" Psycho ba siya or what?

***28***
Nagulat talaga ako nun. Ni-hindi ako makakilos, at lalo akong walang nasabi. Siya
naman eh seryosong nakatingin sa akin na parang casual na casual lang yung
pagkakasabi niya. Dahil sobrang lapit ng mukha niya, hindi ko talaga malaman yung
gagawin ko.

Pakiramdam ko nun ako yung may asthma at hindi ako makahinga. May sakit ba siya at
kung anu-anong pinagsasasabi niya?

Saglit lang din, bigla na lang siyang umayos ng pagkakaupo doon sa bench, hinawakan
yung tiyan niya, at tumawa siya ng tumawa. Ako naman, nakitawa na lang din ng
pilit. Saka lang ako nakahinga ng kaunti dahil hindi na malapit yung mukha niya sa
akin.

?Nakita mo sana yung mukha mo!? hindi niya talaga mapigilan na tumawa, ?Nagbibiro
lang ako, baka sineryoso mo.?

Hindi talaga siya tumigil sa kakatawa. Kung babae siguro siya eh napaluha na siya
ng kakatawa. Nung hindi na talaga ako makatawa, saka lang siya tumigil.

?Hey, hindi ako ganun.? Sabi niya sa akin, and this time, ito na yung seryosong
Terrence na madalas kong nakikita, ?Bakit ko naman gagawin ng walang feelings ?di
ba??

Tumango na lang ako at wala akong sinabi. Hanggang sa umuwi nga kami nun ni Ran eh
nagiisip-isip pa rin ako. Sa totoo lang kung talagang pagtutuunan mo ng pansin, ano
bang nagustuhan ko kay Terrence? Sure thing ang hirap niyang intindihin. Hindi
naman siya athletic. Usually ginagawa niya yung mga bagay-bagay sa sarili niya.
Magugulat ka na lang, may plano pala siya doon. He?s just this typical next-door-
type of guy. Siguro nga yun yung nagustuhan ko sa kanya?.

He?s real.

?Hoy, para kang siraulo diyan na nakatulala. May problema ka ba??

Tinignan ko si Ran nun at ngumiti na lang ako sa kanya. Siya naman, napakunot noo
na lang.

?Huwag mo nga akong ngitian ng ganyan, nakakatakot eh.? Tapos lumayo siya sa akin.

Hinabol ko naman siya para kasabay ko pa rin siyang maglakad. Then occasionally,
titignan ko siya simula doon sa gilid at titingin na naman siya sa akin na para
akong alien.

?Shay, ang weird mo ngayon. Nauntog ba yung ulo mo??

?Ran, naisip ko lang? anong nagustuhan mo kay Tjay??

?Tricky question ba ?to?? tinignan niya ako pero naglalakad pa rin siya ng diretso.
?Ewan ko ba. Lahat ng babae na niligawan ko, either muse, cheerleader, o yung mga
sikat sa school. Obviously si Tjay wala sa mga yun. Kung ibabase mo nga sa kilos
niya, baka nga classified as nerd siya eh.?

Sinuntok ko nga siya sa braso niya.

?Ang sama mo! Bestfriend ko yun ah!?

?Totoo naman eh. Ikaw lalo ka na noon. Nung nakasalamin ka pa. Buti nga nag-
contacts ka na ngayon eh.? Binilog niya yung kamay niya at nilagay niya sa mata
niya, ?Ganito ka noon oh!?

Natawa na lang ako. Siguro nga tama si Ran. Hindi kami kapansin-pansin ni Tjay.
Simula?t simula pa naman hindi na talaga. Pero kahit ganun, hindi naming nakuhang
maiinggit sa iba.

?Si Tjay kasi?? nung makita ko si Ran nun, parehas na yung pagkakaseryoso niya kay
Terrence kanina, ?Totoo siya.?

Nagulat ako nun. Coincidence nga siguro, pero nagulat ako na parehas kami ng
reason.

?Alam mo yun? Sa dinami-dami ng babaeng niligawan ko at naging girlfriend ko, siya


lang yun walang kaarte-arte. Hindi nagmamake-up. Hindi preppy. Higit sa lahat siya
lang yung babaeng kinakausap ako dahil.. ako si Ran. Hindi ako si ?Randreii Yu.?
Yung simpleng 'ako' lang.?

Wow I wonder how that feels.

Sa old school kasi ni Ran, private school yun, sikat siya sa kanila. Bukod nga sa
may kaya yung napangasawa ng Mom niya, magaling siya sa basketball at may itsura,
hindi talaga malabong iba ang turing sa kanya ng mga tao.

Natutuwa lang siya siguro ngayon at nagsisimula siya uli. Public school, senior
year, tapos wala pang nakakakilala sa kanya dahil transferee siya. Siguro yun yung
change na hinahanap niya. Kahit na may mga babae pa rin sa school namin ngayon na
tinatanong ako kung may girlfriend si Ran, ngayon may babae siyang nakilala na
gusto niya pero hindi naman siya hinahabol-habol. Kaya siguro nacha-challenge din
siya kay Tjay.

Pero kung titignan ko si Ran ngayon, mukhang wala naman siyang balak lokohin si
Tjay. Yung playboy image niya siguro nun eh balak na niyang kalimutan. Bestfriend
ko si Tjay, at alam na niya siguro na kung saka-sakaling saktan niya si Tjay, eh
magagalit lang ako sa kanya.

?Alam ko na!? nagulat ako nun kaya napahawak ako sa dibdib ko, ?Alam ko na gagawin
ko!?

Humawak siya sa magkabilang balikat ko. Ako naman, hindi ko alam sinasabi niya kaya
puzzled talaga ako. Kung sa amin lang din na dalawa, mas may topak siya.

?Shay, ano sa tingin mo kung? kung? kung tanungin ko si Tjay bukas kung pwede
kaming lumabas? Date ba??

Nanlaki yung mata ko nun. Pero ngumiti ako. Sa wakas, sa tagal kong hinintay ?to eh
may lakas na rin pala siya ng loob na magtanong.

Inakbayan ko naman siya.

?I?m all for it insan!?

Ang saya nga nun eh. Naisip ko na rin yung mga possibility. Kung magiging si Ran at
si Tjay, ibig sabihin nun eh madalas na silang magiging magkasama. Hati na yung
time ni Tjay sa akin, at lalong hati na yung time ni Ran. Sa school tiyak silang
dalawa yung sabay kakain. Kapag uwian tiyak ihahatid ni Ran si Tjay. Alangan namang
sumingit ako sa kanila. So ang kalalabasan, ako na lang ang uuwi mag-isa.

Some change huh?


Kahit ganun pa man, masaya ako kung saka-sakaling mag work-out sa kanilang dalawa.
After all, ang saya yata makakita ng changes.

Excited nga ako kinabukasan eh, pero sabi ni Ran uwian na lang daw niya tatanungin
si Tjay para daw kung saka-sakali na ang isagot eh hindi, makakauwi siya ng walang
nakakakita ng facial expression niya. Kunung sabagay, may point din naman siya.

Nung breaktime ng umaga at naglalakad ako galing ng cafeteria, nakita ko si


Terrence sa hallway malapit sa garden at hawak na naman niya yung video camera
niya. This time, wala siyang kinukuhanan dahil napansin ko, kinukuhanan niya yung
sarili niya.

Natawa nga ako eh. Kumakain kasi ako ng Nova nun.

?So? nag-decide ka na pala na from director slash editor, magiging actor ka na????
nguya pa rin ako ng nguya nun.

Napaatras siya nung nakita niya ako tapos bigla na lang niyang sinara yung camera
niya. Namula nga yung mukha niya sa hiya siguro sa akin eh.

?Bakit mo kinukuhanan yung sarili mo?? tumabi ako sa kanya pero halata mong
nahihiya siya dahil nakita ko siya.

?Ahh.. ano.. wala lang. Tinetesting ko lang.?

?If it makes it any better, kapag gusto kong mag-pose ng maganda sa isang picture
kinukuhanan ko rin yung sarili ko kasi ayaw kong may kumuha dahil nakakahiya.?

Natawa na siya nun. At least ?di ba, hindi na awkward.

?May assignment ka pa rin para sa new media class mo????

Umiling lang siya sa akin.

?Kakaiba rin hilig mo Terrence no? Mag-drawing, manguha ng videos, web designing..?
tinignan ko siya pero sa camera pa rin siya nakatingin, ?Hindi katulad nung iba,
hilig nila sports.?

?Hindi ako pwedeng mag-sports!? napaka-fierce ng pagkakasabi niya as if galit siya


sa akin,?Alam mo namang hindi ako pwede.?

?Sorry.? Yun na lang ang nasabi ko.

Ang ewan ko naman kasi. Bakit ba pinaalala ko pa yun?

?Bakit ka nagso-sorry?!?? ano bang meron sa kanya? ?Totoo naman ?di ba? Hindi ako
pwede? Iba yung hilig ko? Oo nga katulad nila nakakapaglaro ako, pero hindi ako
pwedeng tumagal maglaro.? Nilapag niya yung camera sa gilid niya tapos yumuko siya,
?Bakit ako pa? Sa dinami-dami ng tao bakit ako pa??

?Terrence okay ka lang---?

?Lagi nilang sinasabi hindi naman ako nag-iisa. Na normal pa rin naman ako. Pero
kung wala naman siguro ?to ?di ba mas normal ako?!? 'Di ba??? Sabihin mo nga! Mas
magagawa ko yung gusto ko 'di ba??

Parang galit na galit siya. Akala ko ako yung sinisisi niya, pero habang tumatagal
naiisip ko na mas lalo niyang sinisisi yung sarili niya.
?Hindi mo naman kasalanan eh.?

Hahawakan ko sana siya sa balikat niya kaya lang bigla na lang siyang tumayo.
Humarap siya sa akin pero hindi niya ako tinignan. Sa paa niya lang siya
nakatingin.

?I?m sorry. Hindi ko sinasadya yung sinabi ko. Sorry.?

Hindi ko maintindihan ng mabuti. Pero naisip ko, kung ako rin ang nasa kalagayan ni
Terrence, darating at darating yung panahon na mapapagod ako. At hindi ko rin
siguro maiiwasang magtanong?

Bakit ako???

Wala nga ako sa sarili ko nung matapos sabihin sa akin ni Terrence yun. Hanggang sa
nag-uwian na nga kami ng tanghali at tumambay uli ako sa garden, parang ?di maalis
sa isip ko yung itsura niya. Parang ang tagal-tagal na niyang gustong sabihin yun.

Nung mag-isa ako, nakita ko na lang na may dalawang 4th year students na umaalalay
kay Ran. Nasa gitna siya at yung expression mukha niya eh namumula pa. Parang wala
siya sa sarili niya kaya ako naman eh tumayo kaagad nung iniupo nila si Ran sa
bench.

?Oh my God, anong nangyari sa kanya?? tinignan ko si Ran pero parang wala talaga
siya sa sarili niya, ?Bakit namumula yung pisngi niya????

Yung isang lalaki ang sumagot. Kaya ako naman eh tumingin sa kanya.

?Sinampal siya. Kilala mo yung kapatid ni Quintero? niyaya niya yata sa date kaya
ayan??

Tinakpan ko ng kamay ko yung bibig ko at lumuhod ako para ka-level ng mukha ko si


Ran.

?Sinampal ka niya??

?Dalawang beses pa!? tumawa yung isang 4th year naman.

?Tinurndown ka niya????

Mukhang walang balak sumagot si Ran. Ano ba yan, state of shock yata siya. Napansin
ko na umiiling-iling din yung dalawang kasama niya.

?She said ?no???

Tawa ng tawa yung dalawa niyang kasama.

?Sinampal siya kasi akala nagbibiro siya.? Sabi nung isa na hindi ko naman
kilala, ?Tapos nung sinabi niya na hindi siya nagbibiro, sinampal uli siya.?

Ano ba yun? Anong nangyari kay Tjay?

?Ibig sabihin.. hindi siya umoo sa iyo? Kaya ka ganyan?? Ran???? shinake ko nga
siya.

?S-shay..? medyo nanginginig pa yung boses niya, ?She said ?Yes?!!?

?AAAAHHHHH!!?
Hindi ko talaga mapigilan. Nakisigaw na lang din ako at niyakap ko si Ran. May date
silang dalawa!

Bago nga mag-uwian nun, inaasar ko pa si Tjay. Sabi niya, hindi naman daw niya kasi
aakalain na yayayain siya ng pinsan ko. Ang nakakahiya pa daw nun, ang dami daw
nakatingin kaya nasampal niya si Ran. Akala niya daw kasi eh niloloko siya sa harap
ng tao.

It turned out, may crush pala si Tjay kay Ran. Kaya lang dahil nga pinsan ko,
nahihiya daw siyang sabihin sa akin. Baka daw kasi maging awkward sa aming lahat.
Pero nung sinabi ko na okay na okay ako doon, mukha wala naman nang naging
problema.

?Oo nga pala, y-yung Kuya mo ba ayos lang siya??

Saka naman siya nag-seryoso.

?Umuwi na siya bago mag second period. May asthma attack. Nag-stay siya sa clinic
kaya lang pinauwi na rin. Nagkakaroon na naman ng tantrum.? Then tinignan niya ako,
?Moody nga yun lately. Parang babae na may mens.? Tapos ngumiti siya sa akin.

?E-ewan ko ba. Kanina kasi? parang nagalit siya sa akin na hindi ko maintindihan.
Punta kaya ako sa inyo??

?Wala rin naman siya doon. Pupunta siya sa tita namin. Sa bahay nila Rae. Naalala
mo yung pinsan ko ?di ba? Yun. May project yata sila. Si Kuya tutulong. Bukas o sa
isang bukas na siya uuwi.?

?Ahh?? napag-isip naman ako, ?So anong balak mo para bukas sa date niyo ni Ran??

?Anong? anong balak pinagsasasabi mo??

?Anong isusuot mo??

?E di.. yung damit ko sa bahay.?

?Excuse me???? parang hindi naman yata tama yun.

Okay, imagine this. Ang damit lang ni Tjay sa bahay nila eh either jeans, or brown
na pants. Don?t get me wrong, meron pang ibang kulay pero yan ang pinakamarami.

Balak kong tulungan si Tjay sa date niya, nagpunta ako sa simbahan nung hapon para
magpaalam na hindi ako makakapunta sa Day Care. Sinabi nga sa akin ni Sister na si
Terrence din daw eh one week advance na daw na nagpasabi na hindi siya pupunta this
Saturday. Naalala ko naman yung project ng pinsan nila. Masyado lang ready si
Terrence.

Dahil nandun na naman na ako sa simbahan, niyaya ako nung isa sa kasama ko sa choir
na kumanta raw kami. Kaya ayun, nag-keyboard pa siya doon sa gilid tapos tinugtog
niya yung kinanta namin dati.

?If there's one more gift


I'd ask of You, Lord
It would be peace here on earth
As gentle as Your children's laughter
All around, all around?

Si Kuya Arnold ang nag-keyboard. Kahit kailan talaga ang mga church songs nakaka-
relax. Kahit ano pang sabihin nila na nerd ako, masyadong religious.. wala akong
pakialam.

?Your people have grown weary


Of living in confusion
When will we realize
That neither heaven is at peace
When we live not in peace?

Inuulit lang namin yung chorus nung kanta. Nakangiti nga lang si Kuya sa akin eh.
Matagal na siya dito sa simbahan, kaya sanay na ako sa kanya. Ang galing nga niya
sa keyboard eh.

?Grant me serenity within


For the confusions around
Are mere reflections
Of what's within
What's within me.?

Bago ko pa naulit yung chorus eh tumigil si Kuya dahil nag-ring yung cellphone
niya. Sinagot naman niya kaya ako rin eh tumigil na.

?Joseph?? Anong boring ka diyan! Oo nga kaya marami ka nang kasalanan eh!? sabay
tawa naman si Kuya Arnold. ?Matutulog? Punta ka nga dito! Tara dito may papakilala
ako sa iyo!?then tumingin siya sa akin, ?Oo, yung isa sa choir. Busy? Tapos na
school ah! Saglit lang naman. Lagi ka na lang diyan sa practice na yan. Sige na nga
?di na kita pipilitin. Basta sa susunod? alisin mo naman yung sumbrero mo kapag
nasa simbahan ka.? Tapos nun bumaba na niya yung phone niya.

Napatingin tuloy ako doon sa main door ng simbahan. Nakita ko na may nakatalikod na
lalaki nun na pababa na. Nakaputing sumbrero. Tinaas lang niya yung kamay niya na
parang nagsasabing nagpapaalam na siya.

?Sino yun??

?Si Joseph. Dumadaan-daan dito paminsan-minsan lalo na kung may nangyari.? Sabi ni
Kuya Arnold tapos inayos niya yung mga papel na nasa harapan niya, ?May attitude
kung badtrip yan. Ang hirap i-handle. Pero matino naman kausap kapag nasa mood. Sa
Trinity High School pumapasok yun. Kaya may pagka-spoiled.?

Kaya naman pala eh. Private school pumapasok. Ang Trinity High, isa sa
pinakamandang school dito sa amin. Mahal naman yung tuition. Kaya ayun, huwag na
lang. Magtiya-tiyaga na ako sa school ko. Kahit na walang upuan madalas.

Tumayo na rin ako nun.

Magpapaalam na sana ako kay Kuya kaya lang lumabas si Father. Nakita naman na niya
ako kaya hindi na ako nakaalis kaagad.

?Oh bata ka, kumusta ka naman??

?Ayos lang po Father.? Nag-bless naman ako, ?Kayo po??

?Eto, maraming biyaya.? Tapos hinimas niya yung tiyan niya na medyo malaki.

Tumitingin-tingin siya sa likod ko nun kaya ako naman eh tumingin din.

?Ano po yun??

?Hindi mo ba kasama yung kaibigan mo??


Nagtaka naman ako.

?Sinong kaibigan po??

?Yung bata nun na nagpanggap na ako.? Tumawa naman si Father, ?Nakakatuwa yung
batang yun.?

?Si Terrence po??

?Ayun. Si Terrence nga.? Tumango-tango namam siya.

?Wala po eh. Hindi ko po kasama. Baka nasa kanila siya ngayon.?

?Mabuti naman at nagkaayos na kayo.? Tumingin siya kay Kuya Arnold, tapos sa akin
uli,?Tama yung ginagawa niyong dalawa. Dapat nagkakaintindihan kayo.?

Tumango lang ako.

?Nung nakausap ko siya nun eh natuwa naman ako sa kanya dahil sinabi niya sa akin
yung mga pinoproblema niya. Kaya bilang magkaibigan, dapat nagtutungan kayo.? Kapag
kay Father talaga nanggaling, hindi ko maiwasang ma-enlightened? ?Isa pa, kung
hindi mo lang alam, sinabi niya sa akin ayaw ka niyang nasasaktan. Dahil??

?Dahil isa ka sa babaeng pinapahalagahan niya bukod sa pamilya niya.? sinabi niya
talaga yun???

***29***

Grabe. Na-shock ako dun. Si Father na siguro ang least expected ko na


magsisinungaling sa akin kaya hindi ko maiwasang paniwalaan yung sinasabi niya. Si
Terrence pinapahalagahan ako??? Parang ang sarap lang sa pakiramdam na alam mong
may nagpapahalaga sa iyo na isang tao.

Umuwi ako nun na parang siraulo na sobrang saya. Si Ran nun, ayun kauuwi lang din
niya at naunahan pa niya ako. Naghanap pa nga siya ng maayos na damit niya eh. Sa
katunayan, hindi mahirap hanapan ng damit si Ran. Halos lahat kasi ng nasa closet
niya pamporma talaga. Karamihan mahal pa. Medyo inispoil ng nanay niya eh.

Tinulungan ko naman siya doon. Sabi niya kasi hindi daw siya mapakali. Ang weird
din makipag-date ng pinsan ko no???

Ayun, dumating din naman ang araw ng date. Ang ginawa ko eh umalis ako ng maaga sa
bahay namin dahil lalakad pa ako papunta sa bahay nila Tjay. Tutulungan ko siya na
mag-ready para sa first ever date nila ng pinsan ko. Si Tita Jayne pa nga ang
nagbukas, at sa ngiti niya alam ko na alam niya na may date ang anak niya.

Kunsintidor no??? Hindi naman. May tiwala lang siguro sila kay Ran dahil pinsan ng
bestfriend ng anak nila ang kadate ni Tjay.

"Si Tjay po???" tinanong ko si Tita Jayne nung binuksan na niya yung pinto.

"Nasa kwarto niya nakahiga." sagot ni Tita Jayne sa akin.

"Nakahiga pa po???"
Dali-dali naman akong tumakbo sa kwarto niya. Dahil nga madadaanan yung kwarto ni
Terrence, hindi ko naman maiwasang hindi tumingin. Napansin ko na walang tao sa
loob. Saka ko lang naalala na pumunta nga pala siya sa bahay nila Rae. Kaya nga
pala wala rin siya sa Day Care ngayon.

Nung papunta na ako sa kwarto ni Tjay eh nakita na may pile na naman ng cds si
Terrence sa kwarto niya. Ang dami nga eh. Pero dahil kwarto niya yun at wala yung
may-ari, ayaw kong makialam.

Nakita ko naman si Tjay na nakahiga pa sa kama niya. At ang masama pa, nagkalat
yung damit niya at nakatingin lang siya sa kisame.

"TJAY!!! ANO KA BA! MAY DATE KA PA NAKAHIGA KA LANG DIYAN!!!" sumigaw nga ako kaya
lumingon naman siya.

Binalik din naman niya yung ulo niya sa pagkakahiga.

"Pwede pakisabi kay Ran 'di na lang tuloy yung date???"

Para akong nabingi nun. Hindi pwedeng hindi matuloy yung date. Pinaghandaan ni Ran
yun tapos wala lang?

"Hindi pwede ano ka ba!" humawak ako sa kamay niya at hinila ko siya para tumayo,
"Dali na magbihis ka na!"

"Wala nga akong isusuot!"

Binitawan ko yung kamay niya at parang matamlay naman na napahiga uli si Tjay. Alam
ko namang sinadya niya.

Nagtingin ako doon sa closet at nakakita ako ng puting skirt at pink na blouse na
sleeveless. Kinuha ko naman yun tapos binagsak ko sa kama niya.

"Yan na ang isusuot mo."

Pinaupo ko siya doon sa harapan ng salamin niya at sinimulan ko siyang ayusan.


Parehas kami ni Tjay na hindi mahilig sa make-up, pero this time eh nilagyan ko
siya ng lip gloss na nagpapa-red pa rin ng lips. Ang cute nga tignan kasi natural
lang ang dating. Then nilagyan ko siya ng blush on na konti lang, so medyo pink
yung pisngi niya na parang hindi blush on ang dating.

Hay ang weird. Mahirap talaga pag wala kang alam sa makeup.

Inayusan ko rin yung buhok niya. Meron siyang malaking hairclip na kapag nilagay mo
sa likod ng buhok, mukhang butterfly kahit hindi naman. Nung nilagay ko yun sa
kanya, nagclear out talaga yung mukha niya.

Ini-spray ko rin siya ng pabango at tinulak ko siya doon sa closet niya at magpalit
na siya nung damit na kinuha ko. Siya naman ang bagal-bagal kumilos.. nagpalit din
naman siya.

Siguro 15 minutes na, hindi pa rin siya lumalabas.

"TJAY ANO BA!!!!"

"AYOKO NANG LUMABAS!" sumigaw naman siya doon sa closet nila.

Matapos siguro ang mahaba-habang paghihilahan, nanalo naman ako at napalabas ko rin
siya. Ayaw pa nga niya eh. Pero dahil nakayuko siya nun, pinatayo ko siya ng
diretso at tinignan ko siya mula ulo hanggang sa paa. Hindi na ako makapagsalita
nun. Literally, speechless talaga ako.

"ANO? Sabi ko na nga ba ayaw ko na eh! Magpapalit na nga ako!" pabalik na sana siya
uli nun sa closet kaya lang hindila ko naman siya.

Hinarap ko siya doon sa malaking salamin nila. Hindi ko kasi alam kung anong
sasabihin ko, so mas maganda siguro na ipakita ko na lang sa kanya.

Parehas kami ni Tjay na nagulat nung matapos ko siyang ayusan. Nagulat ako dahil
hindi ko aakalain na ganoon pala siya kaganda. I'm not saying hindi siya maganda,
pero hindi kasi mahilig mag-ayos ng sarili niya si Tjay. Kaya nung naayusan siya at
nagbihis ng cute na outfit, pati ako napanganga.

Pero higit sa lahat na ikinagulat ko eh may talent pala ako para mag-ayos ng iba.
Hindi rin kasi ako girly na girly. Ewan ko kung saan ko napulot yung talent ko
ngayong araw na ito.

"Oh my God! Tjay ang ganda mo!"

"Nakakainis ka naman eh!" sabi niya tapos yumuko siya, "Hindi kaya ako mukhang
clown? Baka tawanan ako ni Ran!"

"Sisipain ko siya kung tawanan ka niya!" sabay tumingin ako doon sa wall clock
niya,"Lukaret!!! Late ka na! 'Di ba hihintayin ka niya sa kanto???"

Dali-dali namang hinawakan ni Tjay yung paa niya dahil naka-heels siya. Kinuha rin
niya yung purse niya at tumakbo doon sa pintuan. Grabe, unang solo date late
kaagad.

"Good luck!!!"

"Thanks nga pala!!"

Tinignan ko siya hanggang doon sa pintuan. Kaya lang huminto siya bigla na para
bang may nakalimutan.

"Oo nga pala, pinapabigay ni Kuya.." tapos may inabot siya sa akin na papel, "Bye
na!"

Tumakbo na si Tjay hanggang sa hindi ko na nakita. Hay sana maging maganda yung
kalabasan ng date nila.

Nung wala na siya sa paningin ko, tinignan ko yung inabot niya na papel sa akin na
galing daw kay Terrence. Ang liit nga eh, pati yung nakasulat sa loob sobrang liit
kaya hindi ko pa mabasa nung unang beses.

Kaya lang 'di ko talaga maintindihan. Hindi dahil sa malabo yung mata ko. Ito ba
naman ang ilagay niya:

'MBBQS
Ok??

Terrence'

Ehem... Sus akala ko naman kung ano na. Yun lang pala eh...

ANO DAW???
Tatanungin ko sana si Tjay kaya lang wala naman na siya. Ano ba ito? Code sa
computer? Kasi parang wala yata akong maintindihan na kahit isa.

Tinanong ko rin si Tita Jayne, pero hindi daw niya alam. Wala naman daw kasing
nababanggit si Terrence sa kanya. Actually wala naman daw talagang binabanggit si
Terrence sa kanila tungkol sa school o kahit ano pa man. Madalas daw kasi nasa
kwarto eh.

Sinubukan kong tawagan yung cellphone niya para itanong ko. Kaya lang nung
tinawagan ko, nag-ring naman doon sa kwarto niya. Tama bang iwanan ang cellphone???

Ayun, naisip ko tuloy na itanong na lang sa school. Nagpaalam na ako kay Tita
Jayne, at kay Tito Kevin na rin, at umuwi na lang ako mag-isa.

Wow kawawa naman ako. Ako na lang yata ang walang lakad. Pinsan ko at bestfriend ko
eh may date, si Terrence may ginagawa doon sa bahay ng pinsan niya rin...
samantalang ako stuck sa loob ng bahay at walang ginagawa.

Uhmm.. not really. My mom kept me busy. Dahil nga lumalaki-laki na rin yung tiyan
niya, madalas nakataas yung paa niya. Dalhin mo sa akin ito, at dalhin mo iyan ang
drama ng nanay ko. Ako naman dahil nga buntis nga, pinagbibigyan ko na.

Phew! I can't wait na manganak na ang nanay ko sa baby sister ko. Or brother. Pero
gusto ko sister. Okay rin naman kahit lalaki.

Haay.. bahala na!!! Bakit ba nagpapanic ako???

Ano na kayang nangyayari sa date ni Ran and Tjay???

MBBQS???

Nanay ko buntis??? Teka matagal ko nang alam yun eh...

Arrrrggghhh!!! Sumasakit na ulo ko! Parang lahat na lang nasa akin ah. Kahit gusto
ko na gawing busy yung sarili ko, pumapasok at pumapasok sa isip ko yung mga kung
anu-ano.

"Ayan nag-iinarte ka pa kasi! Nawala na tuloy si Juan Jose sa iyo!!!"

Napatingin ako sa Mama ko. Nanonood ng telenovela. Ayun, carried away na naman.
Hindi nga ako nanonood nun eh.

"Ma, kung hindi magpapakamartir yung bida, eh di magiging masaya na sila ni Juan
Jose, tapos na kaagad yung istorya. Pinapahaba nga nila eh. Tingnan mo sa susunod
niyan susundan niya yung babae..."

Teka, akala ko ba hindi ako nanonood???

Tinanong ko rin yung nanay ko kung ano yung MBBQS kung alam niya. Sabi niya noong
araw daw may contest daw na Ms. Body Beautiful Queen Search... or something like
that. Tapos sabi ko imposible naman yun.. kaya sabi niya bakit daw kasi may nag-
iiwan ng note hindi naman daw maintindihan???

Maliban sa pagkeep up ko sa nanay ko, hinintay ko lang si Ran na umuwi dahil gusto
ko nga na malaman yung latest na balita sa kanila ni Tjay. Balak ko nga sanang
tawagan yung phones nila, kaya lang naisip ko baka naman makaistorbo ako. Syempre
sino bang gusto maistorbo sa date 'di ba? Saka para naman akong asungot na tatawag-
tawag pa. Kaya siguro ayun, mas maganda na lang na naghintay ako.
Gabi na nun eh hindi pa umuuwi si Ran. Dahil naiinip na rin ako sa kakahintay,
natulog na rin ako nun mag-isa. Antok na antok na kasi ako eh. Nagising naman ako
ng madaling araw at binuksan ko yung pintuan ni Ran, pero nakadapa na siyang
natutulog at yung mukha niya eh nasa unan niya. Hindi naman tamang gisingin ko
siya.

Ako na siguro ang pinakamaagang nagising sa bahay nung Sunday dahil hindi na ako
makatulog. Naalala ko na naman kasi yung MBBQS. Bakit ganun no, kapag merong kang
hindi maisip, talagang hindi ka titigil hangga't hindi mo nafigure-out? Hindi naman
siguro totoo sa lahat, pero minsan ganun ako eh.

Maaga nagising si Mama at si Papa. Sabi nila, 11 na daw ng gabi umuwi si Ran kaya
daw puyat. Ako naman kaysa panoorin ko maghilik si Ran, naisip ko na pumunta na
lang kina-Tjay at para siya na lang ang tanungin ko, at the same time, tanungin din
si Terrence kung ano na namang kababalaghan niya.

Tumawag muna ako, at sabi ni Tito Kevin eh tulog pa rin daw si Tjay, pero pumunta
pa rin ako. Si Terrence ang nagbukas ng pinto nila, pero nung nakita niya ako eh
nagdire-diretso siya uli sa kusina nila at kinuha yung kinakain niya. Nag-breakfast
pa lang kasi siya nun.

Papasok na siya sa kwarto niya kaya lang hindi ako mapakali. Tanungin ko na nga..

"Terrence!" sumigaw ako kaya huminto siya pero hindi naman tumingin, "Saglit lang.
Yung tungkol doon sa note---"

"Tinapon mo na ba??"

"Huh???"

"Sabi ko kung tinapon mo na ba? Kasi kung hindi pa, itapon mo na. Hindi para sa iyo
yun. Nagkamali lang ako."

Ayun, pumasok na sa loob at sinara yung pinto. Ano na namang problema nun?? Hindi
nga yata siya morning person eh. Masyadong masungit!!!

Sabagay kahit hindi maaga, masungit na talaga si Terrence.

Pinasok ko si Tjay sa kwarto niya. Bumangon naman siya kasi inalog-alog ko yung
kama niya.

"Ano ba natutulog yung tao eh!" sabi niya tapos tinakpan niya ng unan yung mukha
niya.

"Ano ka ba! Gumising ka! Ikuwento mo sa akin yung nangyari!"

"Mamaya na! Tinatamad pa ako.." tapos tinalikuran niya ako para hindi ko na siya
makita.

Naupo na lang ako doon sa kama niya dahil ayaw naman niya yatang magpatalo. Kinuha
ko yung unan niya pang isa, at sumandal ako doon sa headboard niya.

"Meron ba yung Kuya mo? Kasi ang sungit na naman niya sa akin kanina." sabi ko na
lang doon mag-isa. Ewan ko kung tulog ba si Tjay o nakikinig. "Saka yung note na
binigay mo, 'di naman pala para sa akin yun. Sabi niya nagkamali lang siya. Kaya
naman pala hindi ko maintindihan."

Nung sinabi ko yun, bigla na lang tumayo si Tjay sa pagkakahiga niya. Pero halata
mong inaantok pa siya.

"Ooh... that's odd. Siya pa nga nagsabi na huwag ko daw kalimutang ibigay sa iyo,
the night before. Imposible namang nagkamali siya kung ayaw niyang kalimutan ko 'di
ba? Sabi pa nga niya alam mo na yan kapag binigay ko sa iyo."

"Ewan ko dun. Yun ang sabi niya eh."

"Ano bang sabi sa note???"

Kinuha ko naman yung note doon sa bulsa ko. Lukot-lukot na nga, may punit pa.
Sobrang liit nga nun eh. Si Tjay naman napakunut-noo dahil hindi niya rin siguro
mabasa.

Saglit lang tumingin siya sa kisame. Then tumingin siya sa akin.

"Ano???"

"Alam ko na kung ano ito.." sabi niya tapos tinaas niya yung note sa mukha ko,
"It's a steak."

"Steak??? Bakit naman niya isusulat yun???"

"Teka nga... may date ba kayo na nakalimutan mo?" sabi niya sa akin na may halo
pang paghihinala.

"Wala no! OA ka. Hindi nga nagyayaya yung Kuya mo eh." tapos tumingin ako doon sa
gilid,"Wala naman.. At least..."

"Not that I know of." Aaaahhhhhhh!!

***30***
Kung may date man kami ni Terrence at hindi ako nakapunta, kasalanan ko ba at hindi
ko alam? Ni-hindi naman kasi maintindihan yung nasa note niya. What in the world is
MBBQS??? I mean sino namang matinong tao ang makakaintindi nun?

"Mongolian BBQ Steak. Favorite ni Kuya yun eh!"

Napanganga ako sa kanya. Parang nababasa ni Tjay iniisip ko ah! Kanina lang
nagtatanong ako kung ano ba yung MBBQS. Tapos ngayon may sagot na siya.

Masubukan nga uli.

'Nagtanong ba si Terrence sa akin before???'

"Ibig sabihin special ka. Ganun ba yun kung dadalhin ka niya sa place na nagseserve
ng isa sa favorite na steaks niya?"

Sabi ko nga hindi magwowork.

"Malay ko dun! Saka hindi ko naintindihan kaya wala naman akong kasalanan
technically."

"Pero usually nagyayaya yun beforehand. Saka hindi naman siya magsusulat ng kung
ano kung alam niyang hindi mo maiintindihan 'di ba?"
"Hay naku! Tatanungin ko na nga lang! Kaysa nama nanghuhula ako 'di ba?"

Lumabas ako sa kwarto ni Tjay nun. Siya naman eh bumalik sa pagkakahiga niya. Dahil
ako eh nalilito sa bagay-bagay, pumunta ako doon sa kwarto ni Terrence na half open
ngayon. Nakita ko na piles ng cd na nasa kama niya, may sketch pad, ung video
camera at kung anu-anong kalat na nagpamukha tuloy sa kanya na busy.

Kahit na half open yun, kumatok pa rin ako.

"Terrence? Pwedeng pumasok?"

Huminto siya doon sa pagkalikot doon sa camera niya. Tinaas niya ng konti yung ulo
niya dahil narinig niya ako. Hindi siya lumingon. Saglit lang, yumuko na uli siya
at kinalikot niya yung camera niya.

Nung una nagpapakabait pa ako. Alam ko naman na galit siya eh. Pero kasalanan ko ba
na hindi ko maintindihan? Tapos ngayon sisisihin niya ako.

Umupo ako doon sa edge ng kama niya. Side view ko lang siya nakikita. Pasimple pa
ako na tumitingin-tingin sa kanya. Busy pa rin siya doon.

Hello? Earth to Terrence? May tao dito!!! Mas mahalaga pa rin yung camera mo?

Mukha talagang wala siyang balak kausapin ako. Kaya ayun, hindi ako nakapagpigil...

"Ikaw naman kasi eh! May panote-note ka pang nalalaman hindi ko naman maintindihan!
Kung magyayaya ka sana ng date, diretsuhin mo na lang para hindi ako nalilito ok?"

This time, huminto na talaga siya sa pagkalikot niya sa camera niya. Tumingin siya
sa akin ng super seryoso, kaya ayun hindi ko alam kung galit ba siya o ano.

Tumayo siya sa side niya sa kama tapos lumakad papunta doon sa kinauupuan ko.
Nakatayo lang siya doon sa harapan ko, kaya napatingala pa ako para makita ko yung
mukha niya.

"I'm not asking you for a date. I'm telling."

Aba, hindi naman yata tama yun. Ano ako, slave na sunud-sunuran?

"Hoy!" yun na lang ang sinabi ko kaya tumayo na ako. Magkalapit lang ang height
namin ni Terrence. Mas matangkad siya ng kaunti, pero hindi ako nahihirapang tignan
siya.

Magtataray na sana ako kaya lang dinugtong niya...

"I'm not asking, because I already did. And I'm telling.. telling you where to go.
Yun yung ibig sabihin ng note."

"So tama si Tjay? Yun yung Mongolian chuva tienes?" napatingin ako na parang
nalilito nanaman ako na ewan.

Tinalikuran niya ako nun. Humawak siya sa ulo niya na parang binibigyan ko siya ng
headache. Aba

"Niyaya mo ako?Kailan?"

Humarap siya uli sa akin. Seryoso pa rin siya nun.

"Yan yung mahirap sa iyo eh. Papasok dito.." tinuro niya yung kaliwang tenga
niya,"Lalabas dito." tinuro niya yung kanang tenga niya. "You heard me, but you
didn't listen. Tinanong kita ages ago. I told you it's either we'll go out and eat
stew meat, or Mongolian BBQ steak. Sabi ko I'll let you know. You said yes.
Remember me asking you that?? Yung day na sinabi mong adopted ka. Now if you can't
remember that, may issues ka."

"Teka nga.. teka nga.." hindi kaya yun yung.. nasa cafeteria kami at nagpapantasya
ako? Tapos bigla na lang akong umoo dahil hindi ko naintindihan yung kwento niya?

Magdadahilan pa sana ako. Kasi kung alam ko naman talaga, pupunta naman ako.

"OUT!" tinuro niya yung pinto niya. Humawak din siya sa braso ko, "I said out."

Nung nasa labas na ako eh nakatayo pa rin ako sa labas. Sinara niya yung pintuan
niya. Tumama pa nga yung ilong ko sa pinto eh.

Hala, ikick-out daw ba ako? Hindi naman yata tama yun.

Kakatok pa sana uli ako para makipag-ayos, kaya lang mukhang mainit yung ulo eh.
Saka na nga lang! Fine.. kasalanan ko naman pala!

Tinapik ko yung ulo ko ng kamay ko. Ikaw naman kasi eh, Oo ng OO hindi naman alam
kung ano yung inooohan. Sa susunod nga makinig ka na nga Shay!

Ayun nga. So much for my first solo date tapos 'di ko pa sinipot.

Well ano pa nga bang magagawa ko dun sa taong galit sa akin? Mag-sorry 'di ba?
Ayun, ayaw naman ako kausapin. Hindi ko tuloy kinausap the rest of the day.Tapos
yung pakay ko na magtanong kay Tjay sa date nila ni Ran, hindi ko na nagawa.
Tinanong ko siya, pero hindi talaga ako nakinig so wala naman akong naintindihan.
Kasi may sarili pa akong problema para makinig sa love story nila.

Dumating naman yung Monday. Nakasalubong ko si Terrence nun pero wala talaga akong
lakas na loob na mag-hi man lang. Hindi niya ako nakita, kasi nakayuko siya nun at
may hinahanap sa bag niya. Binilisan ko na lang yung lakad ko para 'di niya ako
mapansin.

Busy na sa school namin. Paano ba naman eh malapit na ang laban ng school namin at
ng Trinity. Syempre si Arwyn may pagka-OA yun at competitive, so masyado na niyang
pinapump yung team namin.

Pumunta ako ng gym nun kasama ko si Tjay. Gusto daw niya kasi manood mag-practice
si Ran. Feeling ko nga magthrow up ako sa dalawang yun eh, but oh well...

"Kailangan naming talunin yung mga yun! Ang yayabang nung mga taga Trinity! Akala
nila dahil private school sila eh ganun na sila kagagaling! Pinagmamalaki pa yung
jerseys nila!"

"Sa katunayan mas maganda naman talaga jerseys nila." sabi ni Arwyn na tumatawa-
tawa pa doon sa gilid, "Pero tama ka doon. Kailangan nga nating talunin sila. 3
years nang champion yung school nila 'di ba? Kaya pala ganun na lang sila magmalaki
eh."

"Kaya nga kailangan nating mag-practice lalo." sabi nung isa na hindi ko kilala.

"Sino ba Captain sa atin?" sagot naman ni Arwyn.

Kapag ganyang scene naman ang maabutan mo kung kadarating mo lang sa gym, parang
ayaw ko nang makita. Masyadong hot 'tong mga players namin eh. Seryoso na sila.
Makakalaban na kasi nila yung Trinity High. Sila lang lagi ang umaagaw ng
Championship sa school namin. Sa totoo lang, mas mapepera yung tao sa Trinity. Mas
magagaling siguro mag-basketball dahil laging nananalo. At syempre lalo pang mas
magaganda yung jerseys nila.

"Balita ko yun pa rin yung Captain nila. Yung nakalaban natin last year."

"Yung magaling mag 3-point shot?"

"Oo yun."

Nagpapahinga na yung mga players nun dahil ang tagal-tagal na nilang nagpa-
practice. Nung napatingin nga ako sa bleachers, nakita kong may nakayuko at may
nagda-drawing na naman. Gusto kong lumapit, pero parang nagdadalawang-isip ako.
Nasa gilid na naman siya, palibhasa hindi siya makapaglaro. Baka magka-asthma na
naman siya.

Lapitan ko kaya??? Pero natatakot ako. Baka kasi....

Sige na nga...

Kinuha ko yung bola na ginamit nung mga players. Pumunta ako doon sa gilid at
tumayo ako sa bandang kanan niya.

"Wow.. ganda ng sketch natin ah." for the first time nitong mga huling araw, isang
puno na nasusunog ang dina-drawing niya.

Bigla na lang niyang sinara yung sketch pad niya. Tinaas niya yung ulo niya pero
hindi tumingin sa akin.

"Terrence, gusto mo maglaro tayo ng basketball. Tayo lang???"

Inabot ko yung bola sa kanya. Tinignan naman niya. Kinuha niya yung bola, tapos
tumingin siya sa akin. Nginitian ko na lang siya.

Kaya lang nagulat na lang ako, nung binato niiya ng malakas yung bola at tumama
doon sa ding-ding. Sa sobrang takot ko, napaatras ako. Nagtinginan nga yung mga tao
sa amin eh.

"Kung gusto mo maglaro, maglaro ka mag-isa mo." sabi niya tapos lumabas na siya ng
gym.

Si Terrence ba talaga yun??? Grabe naman. Ako na nga itong nakikipag-ayos tapos
siya pa itong nagsusungit. Gusto ko na nga mag-sorry doon sa nangyari eh, tapos
ganyan pa siya.

Siguro nga na-shock ako na ganun na lang yung ginawa niya at nakita ng maraming
tao. Hinabol naman siya ni Ran, dahil napansin niya. Usapan kasi namin ni Ran na
hindi na siya magiging overprotective sa akin, pero asahan mo sa ganitong bagay
nandito siya.

"Hoy ano bang problema mo?!?" narinig ko na sinigaw ni Ran nung kalalabas lang ni
Terrence ng gym.

Hindi ako makakilos. Nakatayo lang ako doon. Hindi ko alam kung ano nang pag-uusap
ang ginawa nila.

Si Arwyn ang lumapit sa akin. Medyo yumakap pa nga siya eh.


"Okay ka lang ba?" narinig ko na medyo concern din siya, "Sabi ko naman sa iyo eh,
kung sa akin ka lang din naman nagkagusto, e di hindi kita gaganyanin. Mas gwapo pa
naman ako kay Terrence."

Kahit kailan talaga ang yabang nito! Pero ewan ko kung natural self lang ni Arwyn
yun o pinapatawa niya lang ako.

"Sino namang maysabi na may gusto ako kay Terrence??"

Si Tjay naman ang sumagot nun.

"Obvious kaya." sabi niya tapos ngumiti siya.

"Obvious ba?" tanong ko naman at nahiya na ako nun.

Nagtawanan sila nun. Si Ran nun lumalabas na naman yung pagkaviolent niyang tao,
kaya inawat na nung ibang ka-team nila. Pumasok na siya sa loob at umupo.

Si Terrence parang wala lang reaction.

"Di bale ako bahala dito.." sabi ni Arwyn ng nakangiti tapos lumabas siya.

May hawak siya na bola nun. Ang nagulat lang ako, binato niya kay Terrence, pero
nasalo ni Terrence sa dibdib niya.

"Pare kung wala kang gusto kay Shay, hindi mo siya dapat ginaganun. Mahal ko yan
eh.."tapos tumingin siya sa akin sa likod at kumindat na halata mong nagbibiro lang
siya, "Balak ko sanang ligawan si Shay nun kaya lang nakakahalata ako na may gusto
sa kanya kaya naggive way na ako eh. Pero ngayon na wala naman pala, e di ayos na
tayong dalawa."

Yung hawak ni Terrence na bola nun eh pinatalbog niya mula sa pagkakahawak niya. Sa
sobrang lakas, tumama nga sa bubong eh.

"Siraulo ka pala eh! Umayos ka Arwyn! Baka hindi ko alam magawa ko sa iyo!"
hinawakan niya sa jersey si Arwyn.

"Bakit nagagalit ka? Nagseselos ka ba?"

Saka lang binitawan ni Terrence si Arwyn nun. Tumalikod na siya para umalis. Ewan
ko kung bakit ganun na lang katindi yung galit niya para sa simpleng date.

Paalis na siya nun. Nagdire-diretso na siya ng lakad. Naisip ko, it's now or never.
Kaya ako naman...

"Terrence!" sumigaw ako pero hindi pa rin siya huminto nun, "Gusto ko lang sana
bumawi. Alam ko naman kasalanan ko eh. Bakit hindi na lang natin gawin uli 'di ba?
Bukas kung gusto mo. It's not as good as Mongolian.. whatever something. But I'll
try my best. Hihintayin kita sa tapat ng school tomorrow night okay???"

Saka lang siya huminto nun. Hindi talaga siya lumingon.

"Maghintay ka hanggang kailan mo gusto. Hindi ako pupunta."

Ngumiti na lang ako kahit hindi niya ako nakikita. That seems fair.

"Alam ko." sabi ko sa kanya kahit na wala siyang pakialam sa sinasabi ko, "Alam ko
hindi ka pupunta."
"Pero hihintayin pa rin kita. Kahit anong mangyari hihintayin kita."

***31***

Malungkot ako nung gabi na iyon. Pakiramdam ko may kung anong mabigat sa dibdib ko.
Lahat din nagulat sa sinabi ko, pero si Terrence nun eh nagdire-diretso at parang
wala siyang pakialam sa sinabi ko. Hinding-hindi ko makalimutan yung expression ng
mukha niya. Siguro nga kung magsalita siya eh ang tono ng boses niya eh galit, pero
iba yung nakikita ko sa mukha niya. Para bang nalulungkot siya na nag-aalala na
hindi ko mawari.

Hanggang ngayon nakikita ko parin yung itsura niya na yun. Iyon din kaya ang
dahilan kung bakit hindi ako makatulog ngayon? O dahil nakokonsensya ako sa ginawa
ko? Puno't dulo kasi, ako talaga ang may kasalanan kahit saan ko tignan.

Siguro nga bandang 4 na ng umaga ako nakatulog. Tapos 6 o' clock kailangan gising
na ako para mag-ready para sa school. Dalawang oras lang talaga yung tulog ko. Kaya
nga nung bumangon ako, antok na antok ako at pagod.

Nakaligo na si Ran nun. Ako naman nilalaro-laro ko pa yung pagkain ko dahil siguro
inaantok ako, at the same time kabado para mamayang gabi.

"Shay okay ka lang?" tanong ni Ran sa akin habang pinupunasan niya ng towel yung
ulo niya.

Siguro nga matamlay yung ngiti ko, tapos tumango lang ako sa kanya.

"Alam mo, hindi mo naman kailangang pumunta. It's Tuesday night and---"

Alam ko badtrip si Ran kay Terrence dahil sa inarte niya kahapon. Kukumbinsihin
niya lang ako na huwag nang maghintay, pero nag-decide na ako na itutuloy ko.

"Ran, pupunta ako. Mahalaga sa akin yun eh."

"Darn. Ang swerte naman ni Terrence sa iyo!" sabi niya tapos umiiling-iling pa
siya. "Basta ingat ka lang ah. At kung kailangan mo ng susundo sa iyo, tawagan mo
lang ako."

Pumasok naman ako. Most of the time sa klase ko nun eh natulog lang ako. Actually
sinandal ko yung ulo ko na hindi masyadong halata na natutulog ako para hindi ako
pagalitan ng teachers ko. Nag-work naman eh.
Alam ko nakakahiya na matulog sa school. Pero ganun talaga, sobrang antok na antok
ako nun. Si Tjay lumapit lang sa akin ng breaktime, binilihan ako ng pagkain, at
ako naman eh umupo ng maayos.

"Oi kain ka muna bakla." nginitian niya ako kaya that time, I'm so glad na
bestfriend ko si Tjay, "Ikaw naman kasi bakit nagpupuyat ka?"

Kinuha ko yung sandwich na dala niya. Nakatingin lang ako doon habang ina-unwrap
ko.

"Hindi kasi ako makatulog kagabi."

Saglit namang nanahimik si Tjay. Alam ko tinitignan niya ako nun. Narinig ko na
lang na sinabi niya..

"Hindi nga ako kinausap ni Kuya eh. Nasa kwarto yun buong gabi. Ang aga umalis.
Hindi ko pa nakikita sa school ngayon. Pero pumasok naman sabi ng mga kaklase
niya." then cheerful na yung sumunod na tono niya, "Naku 'wag mong pinagpapapansin
yung tao na iyon! Siraulo yun eh!"

Ewan ko ba. Worried ako na hindi ko maintindihan. Worried siguro na hindi siya
darating. Pero sinabi naman na niya sa akin na hindi siya darating, pero bakit
magtitiyaga pa akong maghintay 'di ba? Siguro nga doon lang din magiging fair para
sa kanya. Na maghintay naman ako, para sa kanya.

Wala sina Ran, si Arwyn, at yung ibang nasa varsity basketball ng school. Nagpa-
practice daw sila sa gym eh. Mamayang gabi na pala yung laban nila. Pero dahil
kasabay nga nung so-called date namin ni Terrence, hindi na ako makakapunta. Nung
una hindi naman mahalaga sa akin dahil hindi naman ako mahilig sa basketball. Pero
in the end nanghihinayang din ako dahil hindi ko mapapanood sina Ran.

Nung natapos yung whole day of school, nagsimula na naman akong kabahan. Walang
sign ni Terrence ako na nakita. Siguro dahil iniiwasan niya na dumaan sa hallway
namin. Okay na rin siguro yun dahil kung magkita kami eh hindi ko rin naman alam
ang sasabihin ko sa kanya.

Nag-goodluck naman si Tjay sa akin. Sabi niya kung magbago daw yung isip ko,
pumunta na lang ako sa Championship game. Tumango lang ako, pero alam ko na
maghihintay ako para sa kanya.

Umuwi muna ako ng bahay at sinabi ko kay Mama na uuwi ako ng gabi na. Sinabi ko na
may pupuntahan pa ako, at baka sumilip din ako sa game nila Ran. Gustong pumunta ni
Mama sa game, pero ayaw naman siya papuntahin ni Papa. Overprotective nga si Papa
kasi nga buntis si Mama.

Hindi na umuwi si Ran. Siguro nag-practice sila o nagpapahinga kasama ng team niya
sa school.. hindi ko alam. Six ng gabi ang game. Hindi talaga ako aabot. Sa school
gaganapin yung game. Sa may gym namin. Pero dahil malaki nga yung school namin
kahit public, sa kabilang side pa yun ng school. Ako naman nung dumating ako eh
naupo ako doon sa bench sa harap ng school. Doon ako maghihintay, gaya ng sinabi
ko.

Dahil sa harapan ako ng school naghihintay, nakita ko naman ang kung sinu-sinong
tao. Yung iba kilala ko at tinatanong nila ako kung anong ginagawa ko doon at hindi
pa ako pumasok sa loob, kaya sinabi ko na lang na may hinihintay nga ako. Yung iba
naman pinagtitinginan ako na parang naweweirduhan sa akin. Siguro iniisip nila kung
anong ginagawa ko doon.
Nakaupo rin ako doon nung dumating yung team ng Trinity. Nasa school service sila
nun. Ang ingay-ingay kasi nila kaya napansin ko kaagad.

Black yung jerseys nila na may neon green na lining. Kumpara nga sa team namin,
mukhang mahal yung kanila. Pare-parehas din sila ng sapatos, pati ng gym bags.
Lahat sila eh may face paint sa mukha na parang mask ba. Kaliwa eh black na paint
na iba't ibang style na gusto nila siguro, samantalang yung sa kanan naman eh pure
green lang na natatakpan yung mukha nila.

No wonder may aura sila ng, "cool rich kids."

Panay ang cheer nila nun kaya ako naman eh nakatingin lang sa kanila. Wow, grabe
talaga ang team spirit nila. Tumingin yung iba sa akin dahil ako lang yung nakaupo
sa labas, pero yung iba naman eh hindi ako pinansin at nagdire-diretso lang sa
loob. At that moment, nagkaroon ako ng urge na pumasok sa loob at panoorin kung
gaano sila kagaling maglaro. Kaya lang naisip ko, kailangan panindigan ko na
maghintay ako dito kagaya ng sinabi ko.

Nakita ko si Carlo at si Rae kasama ng mga barkada siguro nila. Manonood kasi sila
ng game eh. Hindi katulad ng iba, huminto silang dalawa sa harapan ko para kausapin
ako.

"Shay, anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba manonood ng game? Magsisimula na


ah."tinanong ako ni Carlo nun.

"Kaya nga. Sabay ka na sa amin." sabi ni Rae tapos tinuro niya yung mga barkada
nila sa likod.

"Uhmm.. thank you pero may hinihintay kasi ako eh. Enjoy niyo na lang yung game."

"Ganun ba?" nagkamot si Carlo ng ulo niya, "O sige pala. Una na kami sa loob."

Nakaupo lang ako doon mag-isa. Narinig ko na nagsimula na yung game dahil hanggang
sa kinauupuan ko sa harap ng school eh naririnig ko yung sigawan. Dumilim na nun at
ang tanging ilaw lang na nasa poste sa labas ang natitirang liwanag.

Tinignan ko yung clock sa cellphone ko. 6:30 na nun pero wala pa ring Terrence.
Mukhang tinotoo niya yung sinabi niyana hindi siya darating.

Nung una nakababa sa sahig yung paa ko. Saglit lang tinaas ko. Hindi talaga ako
mapakali, sinandal ko na yung ulo ko doon sa gilid.

Saglit lang eh may grupo ng mga lalaki na dumating at may hawak sila na maliit na
pillow na nakalagay yung pangalan ng school namin. Nabibili lang kasi yun sa labas.
Dahil mag-isa lang ako doon, hindi ko sila pinansin at baka alam mo na...
masasamang tao pa iyon.

Yung isang lalaki ang lumapit sa akin. Lumuhod ng konti dahil nga nakasandal ako
doon sa poste. Tinanong niya kung okay lang daw ba ako. Kaya ayun sabi ko okay
naman. Binigay niya sa akin yung pillow na binili nila at akin na lang daw. Mas
kailangan ko daw sa ngayon kaysa sa kanila. Para daw hindi ako mahirapan sumandal.
Ayaw ko pa nga tanggapin dahil nakakahiya, pero ini-insist niya kaya pumayag na rin
ako. Nagthank you na lang ako tapos nun pumasok na sila sa loob.

Tama nga yung lalaki. Hindi na masyadong masakit yung leeg ko nung may unan na.
Tinignan ko yung relo nun, nasa 6:37 na. Gutom na gutom na rin ako nun. Tatayo na
sanaako para bumili ng pagkain, kaya lang naisip ko baka yung time na umalis ako eh
saka naman dumating si Terrence. Nagbago yung isip ko at naupo na lang ako.
Panay kagat na ng lamok yung braso ko. Namumula na nga eh. Nakapantalon ako kaya
hindi naman nakagat yung legs ko. Pero sa braso ko talaga, ang dami ko nang kagat.

Bandang 6:45 naman nung lumabas si Tjay galing sa loob. May inabot siya sa akin na
jacket. Sabi niya hiniram daw niya sa isa sa mga lalaki sa loob. Para daw hindi ako
lamukin, gamitin ko na. Natuwa naman ako doon. Half time pa lang daw kasi, kaya
nakalabas siya. Ngayon pa lang yung half time dahil dumami daw ang seremonyas bago
sinimulan yung game. Sabi nga niya pumasok na ako sa loob dahil abnormal naman daw
yung Kuya niya para paghintayin ako ng ganito katagal, pero sinabi ko na
maghihintay ako doon.

Bumalik din siya sa game. Gusto nga niya mag-stay kasama ko pero sabi ko i-enjoy na
niya. Sabi niya sa akin, tie daw yung score. Medyo tight pala talaga yung laban.

Panay ang tingin ko sa relo. Walang Terrence pa rin. Wala talaga siyang balak
dumating. May dalawang babae pa nga na lumabas dahil half time pero late na dahil
bumili pa sila ng snacks nila. Binigay nila sa akin yung extra nila. Naaawa siguro
mga tao sa akin at panay ang bigay nila sa akin ng kung anu-ano. Hindi naman ako
makatanggi, dahil gutom na gutom na talaga ako nung mga oras na iyon.

I waited and waited for a couple more minutes. It's not till 6:57 nung may lalaki
na hindi ko naman kilala ang lumapit na naman this time ng malaman ko kung bakit
wala si Terrence.

"Hey, ikaw yung girl na naghihintay kay Terrence 'di ba?" tinanong niya ako na
parang alam ba niya.

Tinignan ko siya na parang nagtataka. Siguro napansin niya na parang nagtatanong


yung istura ko kaya bigla na lang niyang dinagdag...

"Alam ng mga 4th years. Syempre ipagsigawan mo ba naman yun sa gym." sabi niya pero
nakangiti siya, "Anyway, pumunta lang ako dito para sabihin sa iyo na huwag ka nang
maghintay dahil hindi siya darating."

Nakaramdam ako ng inis nun. Sino ba siya para sabihing huwag na akong maghintay 'di
ba?

"Ano bang pakialam mo, gusto kong maghintay dito!"

Pero cool lang siya. As in wala lang na sinungitan ko siya.

"Kanina pa siya nasa loob. Assigned siya sa new media para kumuha ng sample videos
ng game.""Pero ngayon talagang hindi siya makakarating dito kung saka-sakali mang
pinlano niya dahil naglalaro siya sa loob."

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit naman maglalaro si Terrence para sa team eh hindi
naman siya kasali???

"Nagloloko ka ba?"

"Bakit naman ako magloloko?" natatawa na siya sa akin nun, "Naglalaro nga siya
nitong 4th quarter. Kasisimula pa lang. Pinalitan niya si... si Yu. Mali yung
bagsak kanina kaya hindi masyadong makalakad. Eh yung iba injured, kulang naman sa
players kaya nagprisinta siya."

"ANO???" Yu?? Si Ran yun ah!

Kahit wala talaga akong balak na umalis doon, pumasok na ako. Nandun si Terrence sa
loob, may pilay siguro si Ran... kailangan nandun ako.
Sumabay ako doon sa lalaki. Hindi ko na nga siya pinansin eh. Dinala niya ako sa
side ni Tjay. Nandun kami sa bandang likuran at sobrang dami ng tao. Nakita ko na
nasa gitna yung mga naka-blue at naka-black. huminto lang siya saglit,

"Shay!!" sumigaw si Tjay nung nakita niya ako, "Pumasok ka rin!" niyakap naman niya
ako.

Naka-jacket pa rin ako nun. Pakiramdam ko nag-iinit yung braso ko hindi dahil sa
jacket, kung hindi dahil doon sa kagat ng lamok.

"Anong nangyari?!? S-sabi nung lalaki.." hinihingal-hingal pa ako nun dahil tumakbo
ako,"S-si Ran daw...""OKAY LANG SIYA! NA-SPRAIN LANG SIGURO PERO OKAY LANG SIYA!!!
NANDUN SIYA SA GILID!" sabay turo niya doon sa side ng team namin at nakita ko nga
si Ran na shirtless, pero black yung shorts na suot niya.

Sumisigaw si Tjay dahil hindi kami magkarinigan.

"S-si Terrence daw... naglalaro???"

Ang hirap nila makita dahil sa dami ng tao. Then nung nakasingit ako ng kaunti,
nakita ko yung isa sa tumatakbo. Ang may suotng #21 Yu na jersey, eh walang iba
kung hindi si Terrence.

Hindi ko alam anong nangyayari. Basta tinignan ko yung scoreboard at nung una eh
lamang ng 1 point yung Trinity.

"NAKIKITA MO BA YUNG #8???" tinanong ako ni Tjay at medyo nabibingi na ako sa


sigawan, "YUN YUNG CAPTAIN NG TRINITY. SIGURO HALF NG SCORE NILA SIYA ANG MAY GAWA.
MASYADONG MAGALING. KATAPAT SIYA NI ARWYN KANINA, PERO SYEMPRE MAS MAGALING...
WOOOOOO!" sumigaw si Tjay pero hindi ko alam kung bakit.

Nasa team na namin yung bola. Nung makita ko kung bakit, hawak ni Terrence pala.
Hindi ko pa siya nakita maglaro ng tunay na basketball dahil nga iniiwasan niya
siguroat may asthma siya. Pero ngayon nakikita ko, pinagpapawisan siya at
seryosong-seryoso siya sa laro.

Yung Captain ng Trinity eh sobrang bilis tumakbo. Kanina lang eh nasa kabilang side
siya ng court, tapos ngayon nasa tapat na siya ni Terrence na nag-dribble ng bola.
Siguro hinaharangan niya para hindi makalapit si Terrence ng ring.

Grabe talaga yung game na yun. Last quarter na, pero ang bilis pa ring tumibok ng
puso ko. Lahat nun nakatutok na sa game. May 3 minutes pang natitira. Pero lahat
seryoso, lalo pa ngayon na lamang ng isa yung Trinity High.

Masyado nang pumped ang audience. Dahil nga sa close fight yung nangyayari,
nagtatalo yung cheer para sa school namin, at para sa school ng Trinity High.
Nakita rin namin si Carlo, pati yung pinsan nila Tjay. Kahit na kalaban namin ang
school nila, wala namang personalan sa amin yun.

Panay pasahan lang ng bola ang nakikita ko. Nauubos na unti-unti yung oras, pero
panay pasahan lang. Lamang pa rin sila. Kung wala pang nag-shoot ngayon, malaki ang
possibility na matatalo kami.

Nung last 10 seconds na lang, hindi ko na kinaya. Halos lahat na ng tao sa


bleachers eh nakatayo. Ako eh naupo at hindi ko kayang panoorin. Matatalo na naman
kami. Ganito pala kapag nanonood ka ng laro, nakakakaba ng sobra-sobra.
Bigla na lang tumunog yung buzzer. Lahat nagsigawan na. Pati si Tjay eh
nagtatatalon sa tabi ko. Nung tinignan ko siya, nakangiti siya nun kaya naisip ko
na baka nanalo kami. Kaya lang, saglit lang din, bigla na lang siyang namutla na
hindi ko maintindihan.

Nagkagulo na nun sa gym. Ewan ko ba. Dahil nakaupo ako, natabunan na ako ng mga
tao. Sinubukan kong tumungtong, pero dahil hindi naman ako katangkaran... wala ring
nangyari.

Bago pa ko walang makita ng tuluyan, nakita ko si #8 ng Trinity High. Siya pala


yung sumisigaw ng 'Padaan! Ano ba magpadaan kayo! Tumawag kayo ng ambulansiya!"
Kaya lang nung nakita ko kung sino yung hawak-hawak niya, isa sa mga naka-blue...

Isa sa naka-blue. May kung sinong nasaktan galing sa team namin.

At katulad ni Tjay, namutla nga siguro ako dahil nakita ko kuing sino. Wala na
akong pakialam, tinulak ko yung mga nasa harap ko at tumakbo ako nun.

"RAN??? ANONG NANGYARI???"

Nakita ko na yung mukha niya. Nakapikit na yung mata niya. Hinding-hindi ko talaga
makakalimutan yung itsura niya nun.

"ANONG NANGYARI ANO BA???"

Si Tjay nun nasa gilid lang at hawak niya yung bibig niya. Parang na-shock siya na
hindi ko maintindihan.

"Bilisan niyo po! Dalhin niyo na siya sa hospital!!!"

Hindi ako tumigil nun. Yung referee, yung coach, at yung ibang players eh pumalibot
na kay Terrence. Si Ran halata kong nagulat din, pero hindi siya makatayo dahil nga
may sprain yung paa niya.

"RAN ANONG NANGYARI???""E-ewan ko. Pagkatapos nung game humawak na lang siya sa
sahig tapos hindi na siya tumayo."

Napalingon ako doon sa mga tao na nagkakagulo kay Terrence. Gustung-gusto ko


lumapit, pero malabo na iyon. Tiyak hindi rin naman nila ako papalapitin. Ang
ingay-ingay sa gym.

Yung Captain ng kabilang team ang may hawak kay Terrence. Sa isang tao na galing sa
kabilang team, worried siya para kay Terrence. Yung mga tao nun na dumating na
galing sa ambulansiya, may kung anu-ano muna silang ginawa kay Terrence bago nila
binuhat ng dahan-dahan at dinala sa ambulansiya.

Umiiyak si Tjay nun. Siguro masyado siyang nag-aalala sa Kuya niya. Pinilit niya
yung mga tao na pasamahin siya sa ambulance dahil kapatid siya, at sinama naman
siya.

Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla na lang nag-collapse si Terrence. Siguro
dahil sa asthma niya... who knows? All I remember nung sinara na yung pintuan ng
ambulance, nagsisimula na namang mag-blue yung mukha niya. Kagaya noon sa Day Care
nung hindi na naman siya makahinga.

Hindi ako makakilos. Parang gusto kong umiyak na hindi ko maintindihan. Alam ko
magiging okay lang siya, pero parang ang hirap kalimutan nung mukha niya na ganun.
Pakiramdam ko tuloy parang ang hina-hina niya.
Yung Captain ng Trinity eh lumapit na doon sa mga ka-team niya. Malapit lang ako sa
kanila, kaya naririnig ko sila. Yung iba sa kanila eh naalis na yung face paint
dahil na rin sa pawis nila. But nobody seems to care.

Narinig ko lang yung Captain ng Trinity High na tinatanong yung mga ka-team niya
kung sino daw ba si Yu ng team namin. And may sinabi siya na si Terrence lang ang
nakagawa nun sa kanya, and something about Terrence being one heck of a player.

Nag-stay lang sila doon saglit. Syempre inannounce na kami yung bagong champion for
the first time in three years. Although masaya kami, medyo malungkot yung team
dahil may nasaktan. Kahit na hindi member si Terrence ng team exactly, he's the one
who made the game ball.

91-90. We won by one point.

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko nun. Naluluha talaga ako na hindi ko


mapigilan.

Lumapit sa akin si Rae. Si Carlo nun sumama na sa barkada nila. Medyo malungkot din
si Rae dahil pinsan pa rin naman niya yung dinala sa hospital.

"Hey, I see you're worried just like I am. Gusto mo sabay tayo pumunta sa
hospital?"

Tinignan ko lang siya. Tumango naman ako afterwards.

Si Ran nun eh nilingon ko. Binigyan niya ako ng nod na sige lang at magiging okay
naman na siya. Kaya ayun, sumama na ako kay Rae.

Nung naglalakad kami ni Rae papuntang sakayan, nananahimik ako. Siya lang ang
nagsasalita nun.

"I don't know what he's thinking!" sabi ni Rae na parang naiinis na ewan, "Alam
naman niyang hindi siya built para maglaro, nagprisinta pa. Lalo pa ganun ka-
intense na game? Terrence can be pretty stupid."

Wala akong sinabi. Basta nakatingin ako sa sahig nun.

"Sana hindi na lang siya naglaro.""B-baka naman... gusto niyang ipakita sa lahat
na healthy siya.""Eh hindi naman siya as healthy as the others.""---despite his
asthma."

Tumingin sa akin si Rae nun.

"Yeah, he's asthmatic alright." parang irritated siya na hindi mo maintindihan, "So
you're his girl pala." sabi niya sa akin kaya nagulat ako, "I heard you ditched
him sa date niyo.""Ako??" tinuro ko yung sarili ko, "I didn't. H-hindi ko alam na
may date pala kami.""Takot magkagirlfriend yung mokong na yun eh. Kaya walang
nililigawan. Akala nga namin nung una bading siya eh.. hindi naman.." ngumiti siya
sa akin, "So nung nalaman ko na nanliligaw siya sa iyo, wow some change.""Hindi
siya nanliligaw." umiling lang ako kay Rae.

"Well at least pinopormahan ka niya, and may effort kahit papaano. Hindi naman niya
ginagawa yun. Katulad nga ng sabi ko, takot nga siya magkagirlfriend.""Bakit ba
siya takot?""Eh syempre sino bang hindi matatakot kung scarred ka na right here..."
tinuro niya yung puso niya.

Nasaktan na pala si Terrence before nung nagmahal siya?


"He's maybe stupid at times, pero isa si Terrence sa mga guys who acts for a
reason."tinapik niya ako sa balikat ko, "Don't think too much of it. Tumingin ka
kung ano yung nasa harapan mo na. So kung nasa harapan mo na si Terrence sa ngayon,
then you're lucky. Para sa akin, the best way you can do is...""Tell him you like
him."

***32***

Sumabay nga ako kay Rae nun. Hindi kami close or anything, pero okay naman ako sa
kanya. Si Rae kasi yung tipo ng tao na kahit hindi kayo personal na magkakilala,
kaya niyang iparamdam sa iyo na para bang ang tagal na ninyong magkakilala. Tignan
mo ngayon, nabibilang ko pa lang sa daliri ko kung ilang beses pa lang kaming
nagkausap, pero binibigyan na niya ako ng advice about Terrence.

Siguro nga hindi naman masamang subukan ko 'di ba? Hindi naman siguro sa lahat ng
bagay lalaki ang nauuna sa mga ganyang bagay. Isa pa, Terrence is a nice guy. Deep
down him, there's really something. At matagal ko nang nakita yun. Kaya nga lang,
wala akong lakas na loob na sabihin sa kanya. Para bang naghahanap ako ng
magtutulak sa akin na sabihin ko yun. Yung taong sasabihin sa akin na hindi naman
masamang sabihin ko sa kanya.

I guess dumating na yung time na iyon.

"You think so???" tinanong ko naman siya kasi nag-aalangan pa ako nun.

Ngumiti lang si Rae sa akin.

"Hey ako si Rae!" tinuro niya yung sarili niya, "I don't think so..." nag-trail
yung boses niya sa tenga ko at parang pinanghinanaan ako ng loob. Then after that
sabi niya, "I don't think so.. because I KNOW so!"

I have to admit, I'm a very shy person. Alam ko naman na marami nang may alam nun.
Although I have a bestfriend, hindi naman lahat naaamin ko sa kanya ng ganun-ganon
na lang. Usually dahil kilala na nga niya ako ng sobrang tagal, na figure out na
lang niya dahil sa kinikilos ko.

I love Tjay. I love everything sa family niya. Everytime kasi na nasa kanila ako,
they treat me as a family. Well way way back I had this dream na magkapatid daw
kami ni Tjay. Sa dream ko sobrang happy ko kasi nga lumaki naman ako ng walang
kapatid. Finally, nagkaroon daw ng white smoke, may nakaupo sa gilid...then I
heard somebody's coughing. I saw Terrence. He was looking at me na para bang
sinasabi na 'sino ka ba para tignan ako' kind of look. Hindi na bago sa akin yun,
'coz that time, hindi kami magkakilala ni Terrence. That time I don't think he does
care na his sister's bestfriend ever existed. Nagulat na lang ako when he said...
'Kung tayo'y magkapatid, paano na tayo?

I thought it was a nightmare. Then maybe it was. Kasi nagising ako nun at
pinagpapawisan ako. Kagaya nga ng sinabi ko, that was way way back. So I realized
na maybe noon pa lang may feelings na ako sa kanya. Hindi lang ako sure, or maybe I
thought hindi tama dahil Kuya siya ng bestfriend ko. Wouldn't that be the weirdest
thing?

Anyway, enough with all the memories. Kung gusto ko lang naman sabihin kay
Terrence, bakit hindi ko na lang sabihin 'di ba? Kaya lang parang... parang ang
hirap naman kung galit siya sa akin, nasa hospital sya, at malamang bawal pa akong
lumapit sa kanya at the moment. Lahat nag-aalala then all of a sudden I'll be
like...
'Terrence, crush kita.'

Nah. Alam ko naman it's more than just a crush.

'Terrence, gusto kita.'

Ang crush ba at gusto eh iisa? Kasi kung iisa, there's what's the point saying
'Gusto kita' kung pwede ko namang sabihin na 'Crush kita?'

Totally pointless.

Ayaw ko naman sabihin, infatuated ako sa kanya. I hate that word. Sa opinion ko
lang naman, infatuation ang word sa mga taong hindi sigurado. Akala mo nagmamahal,
then hindi naman pala. Sabagay mahirap naman talagang ipagkaiba.

Ano bang gusto ko sabihin?

'Terrence, Mahal kita.'

Hindi kaya corny naman yun masyado? Hindi kaya weird sa pandinig?

Nakarating kami ni Rae sa hospital. Hindi naman busy masyado. Una nga naming
pinuntahan eh yung emergency section. Naabutan namin si Tjay doon at si Tita Jayne.
Si Tito Kevin daw eh on the way na from work.

Lahat sila worried. Nung tinignan ko si Tjay at si Tita Jayne, I've never seen that
face before. Alam ko naging gloomy na sila, but never like that. Siguro kasi dati
naman, kahit atakihin pa si Terrence, he's always fine. Yun bang, hindi umaabot sa
emergency. Saglit lang sasabihin sa kanila, nasa room na siya.. nagpapahinga.
Parang ganun ba.

Pero this time, parang nalungkot din ako para sa sarili ko. Gaano ba kagrabe ang
asthma niya? Walang may asthma sa family ko, so hindi ko talaga alam. And I've
heard of it na. Everyone says kahit may asthma ka, you can live as normal as
everyone else. Just like Terrence. He's normal. Pero yun nga lang, there's still
the fact na may asthma siya.

We've been there for 15 minutes na yata, maybe more, nung lumabas yung doctor na
nag-asikaso yata kay Terrence.

"Are all of you... family?" tinuro niya kaming apat na babae.

Tumayo naman ako. Although they treat me as family, ayaw ko namang makinig kung
ayaw naman nila ako doon. Aalis na sana ako para maggive way sa kanila, pero
humawak sa kamay ko si Tjay.

"He's okay. He's not in danger or anything. May oxygen supply na siya. His
breathing's still ragged, but he'll be fine. Kapag stable na yung blood pressure
niya and breathing, ililipat na namin siya sa isa sa mga private rooms. No
worries." nag-assure naman yung doctor sa kanya, "In fact he's conscious naman all
the while. And that's good." tumingin siya nun kay Tita Jayne, "Ma'am, are you the
mother?"

Tumango lang si Tita Jayne nun. May sinabi yung doctor na since siya yung mother,
gusto niyang kausapin about medications or something. Kami namang tatlong babae eh
naupo doon sa gilid at naghintay na lang.

Hindi na umiiyak si Tjay although medyo namumula pa rin yung mukha niya. Alam ko
relieved na siya dahil okay na daw si Terrence.
Nagusap-usap lang kaming tatlo doon. Mainly about Terrence. Then tumagal, naisip
namin na mag-usap tungkol doon sa game para hindi naman kami namromroblema masyado.
Nakakatanda kasi eh.

Well for one, I didn't know Terrence is that good. Sabi ni Tjay dahil nga daw ayaw
maglaro ng Kuya niya, walang masyadong nakakaalam nun. Pangalawa, obvious naman na
mas better ang team ng Trinity. Isang malaking swerte lang talaga ang dumapo sa
amin kaya nanalo. And isa pa sa nalaman ko, isa pala sa barkada ni Rae yung Captain
ng Trinity.

"He's quite alright. Typical guy ba. Nakakainis paminsan-minsan."

"Eh nakita mo naman kung gaano kagaling! Dami siguro may crush dun no?" tinanong
naman siya ni Tjay.

"Uhmmm yeah. Sabi nila cute daw." tapos dumila si Rae, "Pero kahit kailan di naman
ako nagkagusto kay Jian." then tumingin siya sa amin, tumigil siya saglit tapos
tumuloy din,"Ayun, so-so. Hindi ako nagkagusto dun. Eh paano Ladies Man ba. Man of
the World. Hindi naman babaero or anything, pero kung may lumalapit na babae alam
mo yun pakiramdam ko gustong-gusto niya? Nakakainis eh." tapos ngumiti siya sa
amin, "Si Carlo talaga naging crush ko dati. Kaya lang hindi na ngayon. Close buds
na lang kami." then napaisip siya,"Ay hindi pala. Nagkacrush ako kay Jian ng one
day pero that was like way back in elementary. Ngayon nagtataka ako kung bakit
nagkacrush ako sa kanya. Napaka-eee.. blah!"

Habang nagsasalita si Rae nun, narinig na lang namin na may mga maiingay na
dumating. Ayun yung isang buong team yata eh dinala na nila sa hospital. Nandun si
Arwyn, si Ran na inaalalalyan nung isa pa, at lahat talaga sila na mga nakajerseys
pa. Kakagulat nga eh.

Well I was stunned nung tumayo si Tjay at lumapit kay Ran. Panay ang tanong niya
kung okay lang ba yung ankle ni Ran, kung masakit ba yung legs niya.. mga ganung
bagay.

"Paano naman tayo lalabas bukas kung may sprain ka?" hinampas niya si Ran pero
hindi malakas.

Nagulat ako doon. Hindi ko alam na lalabas sila.

"Oi oi.. may hindi ba ako nalalaman?"

"Ano ka ba.. yun yung sinasabi ko sa iyo nung nasa bahay ka pagkatapos nung date.
Sabi niya, officially na siyang manliligaw.'Di ba???" siniko niya naman si Ran.

Halata kong namula yung mukha ni Ran. Inasar naman siya nung mga ka-team niya.

"Si Terrence nga pala?" tinanong naman ni Arwyn.

"Tina-transfer na yata sa room niya. Hintayin niyo na lang." sagot naman ni Rae sa
kanya.

"And you are???" nagtanong na naman si Arwyn palibhasa maganda si Rae eh, "Arwyn
nga pala. Captain ako ng team namin."

"Ahh ikaw pala yun."

Tumango-tango naman si Arwyn.


"Oo yung taga-Trinity na yun na akala mo kung sinong magaling!" sabi naman ni Arwyn
kaya natatawa na kami ni Tjay nun.

"Actually Arwyn---"

"Feeling naman niya mananalo siya sa akin. Akala mo kung sino!" naki-ayon naman
yung ibang mga taga-team.

"Sa totoo lang ano eh..." nag-alangan pa si Rae pero ngumiti siya, "I'm from
Trinity High, and yung Captain sa team namin eh kabarkada ko."

Nagulat si Arwyn eh. Nanlaki ba naman yung mga mata. Para hindi siya mapahiya,
tinignan na lang niya si Tjay at si Ran na nakaupo na sa gilid at magkatabi.

"Hoy lovers... papasok lang kami sa loob!" tinignan niya si Rae na parang naiilang
siya na ewan, "Sige!"

Sumunod na yung buong team nun na pumasok sa loob. Lahat sila, pati si Tjay. Ang
naiwan lang sa labas eh si Tita Jayne na sumalubong kay Tito Kevin at nag-usap
silang dalawa, at syempre kami ni Rae. Naghintay lang kami doon. May ingay na
nanggagaling sa loob kaya alam ko na may kalokohan siguro sila na sinasabi para
pasayahin lang si Terrence.

Hindi na muna ako pumasok. Syempre parang gusto ko na mamaya-maya na lang.

Lumabas naman sila. Isa-isa nga lang. Dahil gabing-gabi na rin naman na, nagpaalam
na sila sa amin. Si Ran at si Tjay eh naupo uli doon sa hintayan, at si Arwyn eh
nagpaalam sa amin at medyo nahihiya yata kay Rae sa sinabi niya kaya nag-nod na
lang.

Turn naman na namin ni Rae na pumasok sa loob. Nakita ko na may hawak si Terrence
na kung ano mang tawag doon na pang-oxygen ba para makahinga siya at nakatingin
siya sa side niya kaya hindi niya kami nakita.

"Pinsan! Siraulo ka talaga!" yun ang pambungad ni Rae sa kanya.

Saka lang siya lumingon. Nagulat siya siguro kasi meron pa palang dadalaw sa kanya.
Nung unang beses ko siyang nakita, unlike kanina nung dinadala siya sa ambulansiya
na blue na yung mukha niya, medyo namumutla naman siya ngayon.

"Oh. Nandito ka pala." ang tamlay niya nun.

Sumabay naman akong pumasok Rae. Syempre nagkakailangan pa, tinignan ako ni Rae,
then si Terrence, tapos sa akin uli.

"Ano ba kayong dalawa para kayong mga ewan eh. Hindi man lang ba kayo
magbabatian???"

Walang umimik sa aming dalawa.

"O siya. Ako nama'y pumasok lang para sabihing magpagaling ka at huwag kang
maglalaro at alam mo namang hindi mo kaya! Siraulo ka talaga!" saka lang siya
bumaling sa akin, "O sige iwan ko na kayo ah.Bye!"

Tumatakbo na si Rae palabas nun.

"Rae saglit lang!!!"

Sabay pa kami. Pero sinara na ni Rae yung pintuan. Ayun, kami na lang ang nandun sa
loob.

Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Nakakailang talaga. Syempre alangan namang
mag-feeling close ako eh galit nga yung tao sa akin.

Iniwas naman niya yung tingin niya. Pero iniwas niya hindi dahil galit siya, pero
dahil tinitignan niya yung nasa lamesa niya.

Nakita ko na may malaking garapon doon sa gilid. Akala ko naman kung ano, yun pala
eh mga arm bands ng mga players ng school. Tapos may punit pang papel na halata
mong minadali isulat at tinape at nakalagay eh, 'Kahit hikain ka, ikaw pa rin
nagpanalo!'

"Ang kukulit nila no?"

Nagulat ako kasi bigla na lang niya akong kinausap.Ng maayos ba. Na-miss ko kasi
yun nitong mga huling araw.

"Hindi ka na galit sa akin?"

Nakahiga kasi siya nun. Ngayon naman eh pinilit niyang umupo doon sa kama niya.
Saka lang siya tumingin sa akin eh.

"Hindi naman ako nagalit sa iyo eh. It may seem like it, but I wasn't mad. It's
more like showing my.... disappointment."

"Sorry talaga ah! Hindi ko kasi sinasadya! Alam mo naman na kung alam ko talaga at
kung ano.. ayun.. alam mo na.. na ano... na.. yung.. kung nakinig ako saka---"
nabubulol na ako nun at nawawala na ako sa sarili ko.

"Hey hey hey.. sabi ko hindi ako galit or anything. I was disappointed, but a
sorry's ok." sabi niya tapos ngumiti siya sa akin, "No need to wait for me."

"Akala ko nga galit ka pa rin. Kasi hindi ka pumunta. Pero okay lang, inexpect ko
naman yun dahil sinabi mo nga."

"Are you kidding me? I'm not stupid enough para hayaan ka mag-isa doon. You didn't
see me, pero pumunta ako. Not totally kasi busy pa rin ako sa loob."

Nagulat ako doon. Kasi hindi ko talaga siya nakita.

"Pumunta ka?"

"Palabas-labas lang. Hindi naman ako pwede mag-stay eh. Kailangan ko ng sample
videos ng game para sa new media class ko. Kaya kapag nakahanap lang ng chance,
lumalabas ako. Technically I wasn't there physically, but I was there by spirit."

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti siya nun.

"Let's put it this way..." nag-isip naman siya, "Sumasakit yung leeg mo
kakahintay, pagod ka na at inaantok.. a group of guys were passing tapos may isang
lumapit sa iyo.. at binigyan ka ng pillow."

"Yeah meron nga. Nakita mo yun???"

Hindi naman niya sinagot. Basta nagtuloy-tuloy lang siya.


"Nung half time, lumabas si Tjay and told you she borrowed a jacket sa isang guy na
pwede mong gamitin para hindi ka kagatin ng lamok. Pinahiram ng guy kay Tjay...
then pinasa sa iyo. Tignan mo yung sleeves nung jacket na suot mo.."

Tinignan ko naman yung jacket nun. May maliit na initials sa gilid. It says, 'T.K.'

"It's yours."

"And lastly bago ako nag-end up dito sa bed na ito, a girl offered food and drinks
sa iyo dahil may extra sila. I bought it. Para hindi ka magutom."

That was really nice. At least may pakialam pala siya sa akin 'di ba? I didn't see
him there, pero ginawa pa rin niya yun para sa akin.

"Thanks ah." gusto ko sana siyang yakapin kaya lang 'di ko magawa kasi nahihiya
ako,"Pero teka lang pala..." tiniginan ko na naman siya at yung puting-puti na kama
niya at suot niya, "Sino ba naman kasing maysabi na maglaro ka? Huh? Alam mo naman
na may asthma ka naglalaro ka pa!"

Yung maputla niyang mukha eh nagpalit from gloomy to playful. Nakakatuwa nga eh.

"Well wala na tayong players eh. If I didn't do that, kailangan natin mag-forfeit
dahil walang papalit. Sinong namang matino na papayag magpatalo sa championship
game?"

Sabagay may point siya. Pero...

"Who cares about a game kung ikaw naman ang at stake?!? Huh?" sinuntok-suntok ko
yungkama niya pero parang wala lang, "Nakakainis ka naman eh! You don't think! You
care about a stupid championship game kahit masaktan ka but you don't even care na
may masasaktan kung nasasaktan ka!"

"Yeah right.. like who would? My family? Sanay na sila sa attacks ko. Nothing new,
so nobody would care as much..."

Ewan ko na lang kung saan nanggaling, pero talagang sinabi ko na lang...

"I DO!!! I CARE FOR YOU OKAY?!?" yun na lang ang nasabi ko kaya nag-trail yung bose
ko, "Kaya sana lang... please, don't hurt yourself kasi ako rin--- basta huwag mo
na uling gagawin yun!"

Nag-lean siya nun sa bed niya. Nilapit niya yung mukha niya sa akin. Ako naman,
nakaupo pa rin doon at hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

Nginitian niya ako. Siguro mga one inch na lang ang pagitan ng mukha namin tapos
nakangiti pa siya. Ngayon ko lang siya nakita na nakangiti ng ganun kalapit.

"You care for me?" natatawa siya nun pero parang tawa na hindi nakakaloko, "Hope
you won't stop caring for me. Because that makes me happy." tapos kiniss niya ako
sa forehead ko... "Actually kasalanan mo naman talaga most of the time kung bakit
nagkakaasthma attacks ako..."

"Kasalanan ko??? Bakit naman???"

"Eh kasi naman...whenever you're around..." nag-aalangan pa siya nun na hindi ko


maintindihan. Huminga siya ng malalim, "You take my breathe away."

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang
bilis ng tibok ng puso ko nun.
He leaned.. and next thing I know...

Terrence kissed me.

***33***
That?s something I did not expect from Terrence. Hindi ko nga alam na hahalikan
niya ako. I was surprised, pero hindi ako nagalit. Ewan ko ba, hindi ko nakuhang
magalit sa kanya. Sa totoo lang, the kiss wash short, but sweet.

Parehas nga siguro kaming napatayo sa pagkakalean namin nung may nagta-try magbukas
ng pinto. Kinabahan siguro si Terrence dahil bigla-bigla na lang siyang lumayo sa
akin at kinuha niya ng mabilis yung pang oxygen ba.

Sabay kaming tumingin sa pintuan. Si Rae pala yung nagbubukas ng pinto.

?Okay lang kayo diyan?? tanong niya na napakainosente pa ng itsura at walang alam
sa nangyari sa loob.

Ngumiti si Terrence. Yung ngiti na nakakaloko.

?Oh, we?re fine.? Sagot naman niya.

Parang naghinala si Rae. Pero dahil nga ang position naming eh kaparehas nung
iniwan niya kami, she dropped the idea.

?Okay! Magpapaalam lang naman ako. Gabi na kasi saka may pasok pa bukas.? Tinignan
niya si Terrence, ?Oi, insan, ala nang stupid ideas ah!? tapos nun sa akin naman
siya tumingin, "May improvement na ba sa inyong dalawa?? tinaas-taas niya yung
kilay niya.

?Anong improve---" hindi ko natapos yung isasagot ko dahil bigla na lang tinakpan
ni Terrence yung bibig ko.
?Yeah. I kissed her.?

Nagulat naman si Rae. Papauwi na sana siya kaya lang pumasok siyauli para lumapit
sa amin.

?Are you kidding me? You did??

Magrereact n asana ako kaya lang nakatakip yung bibig ko. Dahil nasabi naman na ni
Terrence, saka lang niya inalis yung kamay niya sa bibig ko.

?I?uh??

?I knew it!? sabi ni Rae sabay snap naman niya sa daliri niya, ?Konting push lang
pala sa inyong dalawa.?

Inaasar-asar niya lang kaming dalawa tapos lumabas na rin siya. Kami na lang ang
naiwan ni Terrence sa loob.

?Bakit mo sinabi??

?Totoo naman ?di ba?? sumandal siya doon sa pinakaheadboard nung cot. ?Besides,
what?s wrong with kissing??

After a few minutes or so, tumawag na si Papa sa cellphone ko. Tinatanong kung saan
na daw ba ako napadpad at hindi pa ako umuuwi dahil that time eh mag-11 na ng gabi.
Inexplain ko naman sa kanya yung nangyari, at sinabihan niya lang ako na mag-ingat
daw kami ni Ran na umuwi.

I left the hospital. Naiwan sina Tjay doon at yung buong family nila. Si Ran naman
eh inalalayan ko naman maglakad. Medyo mabigat lang ng kaunti dahil sa laki ba
naman niyang tao, but it was alright.

Nag-stay si Terrence sa hospital for a few more days then bumalik na siya sa
school. Mas lalo na siyang kilala ngayon sa school considering siya ba naman ang
game ball ng championship at sa scene na ginawa niya after nung game. Nairita naman
siya, pero alam ko na masasanay din siya sa attention kapag tumagal.

We?re okay with each other. Mas madalas na nga kaming nag-aasaran ngayon kaysa
dati. May time pa nga na pinagtritripan niya akong kunan ng video sa camera niya.
Nakakainis nga eh. Pero overall, masaya rin naman. Minsan nakikipag-agawan ako sa
kanya pero hindi naman ako nananalo dahil tinatakbo niya yung camera. I wonder kung
pinapanood niya ba tapos tinatawanan niya yung itsura ko doon na mukhang ewan.

December came and Christmas is approaching. Malapit na rin mag 7 months pregnant
ang nanay ko. Ang laki-laki na ng tiyan niya, nag-gain na siya ng weight, and
obviously may pagka-pasaway pa rin paminsan-minsan. Akalain mo ba namang nagyayaya
sa EnchantedKingdom at sasakay daw siya sa roller coaster doon? Naku yung buntis
nga naman na yun!!!

Bumalik na kami sa duty namin ni Terrence sa Day Care. Dahil malapit na nga ang
pasko, tumulong kami sa decorations doon pati na rin sa simbahan. Natuwa naman si
Father sa ginawa namin. At syempre natuwa rin siya at nakita na niya uli si
Terrence.

Nung sabay nga kaming pumasok sa Day Care tuwang-tuwa yung mga bata. Talagang
tumakbo pa sila sa amin. Si Oli favorite kami nun, kaya ayun nangunguna. Yumakap
siya sa akin, tapos niyakap din yung paa ni Terrence. Pagkatapos nun eh tumayo lang
siya sa harapan ni Terrence ng nakangiti.
Nagsalubong yung kilay ni Terrence hindi dahil galit siya kay Oli kung hindi dahil
nagtataka siya kung bakit nakatayo si Oli sa harapan niya.

Tumingin siya sa akin tapos tinuro si Oli.

?Ano na namang problema nito??

Kahit ako rin kinilabutan ako sa ngiti ni Oli. Alam niyo ba yung napakaliit na
bata tapos yung ngiti eh parang may meaning? Parang may ginawa ba na kalokohan.

Lumuhod si Terrence para ka-level ng mukha niya si Oli.

?O sige umamin ka na.. anong ginawa mo ha???? tanong ni Terrence pero pabiro lang.

Hindi naalis yung ngiti ni Oli. Natatakot na ako ah.

Saglit lang din naman, nalaman ko na kung bakit siya nakangiti. Pakiramdam ko ng
aatakihin ako sa puso nung sinabi niya ng malakas?

?SYOTA MO NA NO???

Tinakpan bigla ni Terrence yung bibig niya. Tumingin sa akin ng sobrang seryoso
tapos bumalik kay Oli. Hindi ko alam yung sasabihin ko kaya nanahimik ako.
Nakakahiya yun ah!

?Oli, hindi sinasabi yun ah! Hindi tama yun..? inalis na niya yung kamay niya sa
bibig ni Oli,?Kapag may mahal ka, pinapahalagahan mo. Hindi mo dapat tinatawag ng
kung anu-ano. Hindi tamang tawagin na syota, dapat girlfriend. Tandaan mo yun
ah???? tumango-tango naman si Oli. Tumingin si Terrence saglit sa akin, pero
binalik na naman niya kay Oli yung tingin niya, ?At hindi po, hindi ko po
girlfriend si Ate Shay, okay??

?Hindi PO o hindi PA????

Ang kulit nitong batang ?to no? Parang matanda eh. Mas malakas pa yata mang-asar ?
to kay Arwyn at kay Ran.

Natawa si Terrence nun. Binuhat niya si Oli sabay sabi niya ng mahina?

?Hindi pa!?

Hinampas ko nga siya sa braso niya.

?Narinig ko yun ah!?

Sumunod na yung iba sa amin. Ni-lock ko yung pinto uli kasi baka lumabas doon yung
mga bata mahirap na maghabol. At least kapag nakalock, alam naming dito-dito lang
sila sa frield ng Day Care magtatakbo man sila.

Nag-suggest naman na maglaro yung mga bata. Yun naman favorite nila kapag nandito
ako o kaya si Terrence. Yun bang kalaro kami. Kapag si Sister kasi hindi
nakikilaro. Hinahayaan na sila-sila lang. Yung assigned kasi na madre sa Day Care
eh may edad na. So yun, hindi na malaro.

Nung tinanong namin sila ni Terrence kung ano yung laro na gusto nila nagbuo sila
ng isang circle at pag-uusapan daw nila kung anong lalaruin. Hindi kami kasali ni
Terrence sa usapan dahil nga kami yung kalaban nila.
"Pulit-pulitan na lang." sabi ni Betty kaya napanganga ako.

"Ano raw?" sabi ni Terrence sa akin kasi medyo bulol si Betty sa ibang words pero
hindi naman masyado.

"Ewan ko."

"Pulis-pulisan." sabi naman ni Gaille. "Yun nilalaro namin eh."

"Anong laro yun???"

May hawak na stick nun si Oli. Para bang umaarte na siya na pulis na may batuta.

"Hati tayo. Kami isang team. Tapos kayo naman ni Kuya Terrace." umakbay siya doon
sa mga bata na kasama niya, "Sige kayo mauna. Pulis kayong dalawa. Tapos huhulihin
niyo kami kukulong niyo kami doon kunwari.." then tinuro niya yung room sa likuran
namin.

"O sige game na. Pulis pala kami tapos huhulihin namin kayo???"

Tinignan ko si Terrence. Takbuhan na naman ito tiyak. Paano kung atakihin na naman
siya ng asthma niya?

"Hey Terrence, baka mapagod ka uli."

"Ano ka ba, lalakad na lang ako. Ang liliit niyan oh!" sabay nguso niya doon sa mga
bata.

Nagsitakbuhan nga yung mga bata. Tapos ang ginawa nga namin eh kapag nahuli eh
nilalagay namin doon sa room, yung pinakaclass room ng Day Care, tapos isasara na
namin yung pinto dahil kunwari sila na yung prisoners.

Tinotoo naman ni Terrence yung sinabi niya. Naglakad lang siya dahil siyempre ayaw
niya na rin siguro ng isa pang asthma attack. Nahuhuli naman niya dahil ang babagal
naman nung iba eh.

Si Oli ang pinakamahirap hulihin dahil umakyat pa sa puno, pati yung ibang mga
batang lalaki.

Nung kinulong na namin sila, kunwari sinara lang namin tapos sila eh nasa loob.
Yung iba tumatawa-tawa lang. Yung iba namang babae umaarte na akala mo eh
nakakulong talaga. Bago pa may umiyak, pinalabas na namin sila.

"Kami naman pulis ah!" sabi nung isang bata na bago lang yata kaya hindi ko alam
ang pangalan.

"Oo nga po hulihin naman namin kayo!"

Tumakbo na kami ni Terrence. Este ako lang pala. Naghiwalay na kami para 'di kami
madaling mahuli. Si Terrence mabilis nahuli dahil nga palakad-lakad lang, so ayun
nilagay na kaagad sa kulungan na room. Sabi niya piyansahan ko daw siya.

Maya-maya lang kakatakbo ko rin, napagod na ako. Kaya nagpahuli na ako. Saka isa
pa, pawis na pawis na rin yung mga bata.

"Sige na po Mamang pulis, suko na po ako sa inyo."

May hawak pa rin si Oli na stick nun na parang batuta ng pulis.


"Sige dalhin na sa kulungan."

Siguro mga lima silang humawak sa akin. Para namang tatakbo pa ako. Ang kulit eh.

Sumabay naman ako at pumasok na ako doon sa kulungan. Sinara naman nila kaya kami
ni Terrence eh umarte na nagmamakaawa na palayain na kami.

Sa totoo lang, larong pambata nga siguro yun pero nakakaenjoy pa rin kahit na
papaano. Pakiramdam ko tuloy naging bata ako uli.

"Gaano po ba katagal ang sentensya namin dito?" nagbibiro naman na tanong ni


Terrence.

"Et-yers." sabi nung bata na walang front teeth.

"Ano raw???" tinanong na naman ako ni Terrence as if naintindihan ko naman yung


Japanese na salita.

"Eight years daw yata..." yun kasi ang intindi ko.

"Dahil kayo ang mga magnanakaw, dapat kayong makulong." sabi ni Oli na parang siya
ang Chief of Police.

"Opo sir." sabi ko naman at natatawa na ako.

Nagpakulong kami ni Terrence doon sa loob ng mga 5 minutes. Syempre di naman kami
pwedeng magtagal doon at yung mga bata eh nasa labas. Kahit na naka-lock yung
pintuan para 'di sila makalabas, dapat nandun pa rin kami na nagbabantay sa kanila.

Lumapit naman ako doon sa pintuan ng kulungan 'daw' namin para lumabas, kaya lang
nung bubuksan ko, hindi ko maitulak palabas.

"Terrence tulong nga, na-stuck yata yung pinto eh."

Tumayo naman si Terrence para tulungan ako. Sinubukan niyang itulak, pero ayaw
talaga eh.

"Na-stuck nga yata."

Sumigaw kami nun. Si Betty lang ang malapit sa pintuan kaya siya lang ang
matatanungan. Lahat kasi nandun sa field at naglalaro na naman. Tignan mo nga naman
yung mga pulis na yun!

"Betty... pakitignan mo nga kung may nakaharang sa likod ng pintuan???" tinanong ko


siya tapos nakatingin siya sa akin.

"Wala po."

Tumingin ako kay Terrence.

"Wala naman daw eh. Na-stuck lang talaga. Itulak mo na lang ng malakas."

Tinutulak naman ni Terrence. Ayaw talaga. Bakal kasi yung pintuan na yun eh.

Nag-lollipop na nun si Betty at nakaupo na nanonood sa amin sa bintana.

"Pero nakasara po yung lock." sabi niya sabay sipsip doon sa lollipop niya.

"Ni-lock niyo???"
Ngumiti si Betty nun. Ang lagkit-lagkit na ng mukha niya pati ng damit niya.

"Opo. Magnanakaw po kayo 'di ba?"

Oh my God. This is so not good.

"Ahh.. Betty.. uhmm.. pwede pakialis na lang yung lock? Tapos na kasi yung laro
eh."

"Ayaw 'to!" nalito pa ako run pero naisip ko rin ibig sabihin niya.

"Bibigyan kita ng maramig lollipop.."

Nagdalawang-isip si Betty nun. Kaya lang mabilis niya na sabi..

"Dami naman lollipop dun eh!"

Nakita namin na papalapit na si Oli. Niyayaya niya si Betty na maglaro doon sa


field. May kinalat sila doon na kung ano.

"OLI!!!" sumigaw naman si Terrence pero hindi ko alam kung galit ba siya o ano,
"Alisin mo na yung lock at lalabas na si Kuya!"

Tumingin na si Oli kay Terrence nun. Sabay umiling na siya.

"Diyan na muna kayo."

Ako naman yung pumunta sa bintana nun. Grabe ang init doon sa loob.

"Oli, palabasin mo na si Ate huh?"

"Ayaw."

Mukhang useless talaga na pakiusapan. Bata kasi eh, kaya hindi nakikinig.

"Tawagan na lang natin sina Sister. Cellphone mo???" hinahanap niya cellphone ko sa
akin.

"Naglaro tayo, malamang nilapag ko yung bag ko sa labas." tinignan ko siya,


"Cellphone mo?"

"Wala akong dala." kinapa niya yung bulsa niya nun. Huminga siya ng malalim at
pinagpapawisan na rin siya sa init nun, "Maghintay na lang siguro tayo. Naka-lock
naman sila hindi sila makakalabas. Anong oras na ba?"

Tinignan ko yung relo ko.

"12:15." sabi ko naman.

"Anong oras darating parents nila???"

Nagtinginan kaming dalawa na para kaming nagpapanic. 5:30 pa ang oras ng pick up ng
parents doon sa mga bata.

"OLI!!!" sumigaw ako uli doon dahil naglalaro naman na sila.

"Buksan mo na yung pinto. Galit na si Kuya!" sinubukan i-shake ni Terrence yung


bintana nun.
"Eeeh ayaw ko na! Galit si Kuya Terrace eh."

Hinampas ko nga si Terrence. Lalo pang tinakot e di lalong hindi binuksan.

"Oli, ako lang pala palabasin mo. Hayaan natin nakakulong si Kuya Terrace sa loob
'di ba???"

Humarap si Terrence sa akin nun.

"Oh bakit ikaw lang??" sabay humarap na siya sa bintana.

"Makisakay ka na lang..."

"OOOOLLLLLIIIII!"

Haay wa-epek talaga. Ang sakit na ng lalamunan ko eh.

Naupo naman na si Terrence. Napagod na yata. Ako naman nakatayo pa rin nun.

"Oli! Buksan mo na!"

"Lovey Dovey na lang kayo diyan!" sabi niya ng tumatawa. Nag-init yung mukha ko nun
lalo,"Sabi naman ni Kuya Terrace nag-iisang Ate Shay ka daw ng puso niya eh!"

Tinignan ko si Terrence nun. Narinig niya rin kaya tumayo siya. Nahiya yata kaya
hindi tumingin sa akin.

"At kailan ko naman sinabi yun???" pineke niya yung tawa niya, "Bata eh no. Kung
anu-ano sinasabi..."

"Sa ospital nung maysakit ka nung nanood tayo nung nakakatakot!"

"Whoa.. " bumulong si Terrence sa gilid pero narinig ko, "Natandaan pa niya yun???"
hindi na niya makuhang tumingin sa akin nun, "Oli! Palabasin mo na kami! Ngayon na!
Kung hindi... kung hindi... ibibitin kita sa puno!"

"Ayaw!!!"

Ayun tumakbo na lalo. Wala na tuloy bata malapit sa amin.

I guess we'll stay for four hours and 45 minutes. Ang init pa naman.

"Ikaw kasi eh! Pumayag ka pa doon sa pulis pulisan!" sabi niya sa akin at ako pa
ang sinisi.

"Aba sino ba ang nanakot ng bata! Ayan tuloy hindi na binuksan!"

"At least ako hindi ko iniiwan yung cellphone ko sa labas!"

"Buti nga meron pa kaysa naman sa hindi nagdadala!"

"May dala nga hindi naman magamit!" ini-stretch naman niya yung paa niya.

Ewan ko ba. Nag-aaway kami pero parang wala lang. Asaran lang ba.

"Malay ko ba na makukulong tayo! Kung maglalaro ka ba kasama mo yung bag mo sa


pagtakbo? I mean common sense naman! Isa pa---"
Nagsasalita ako nang bigla na lang may bumagsak sa kamay ko. Naramdaman ko na may
gumagalaw. Pagtingin ko, may gagamba na gumagapang na sa wrist ko.

"AAAAAAAAAHHHHHHHH!!!" nagtatatalon-talon ako as if naman mahuhulog yun pero hindi


ko maalis ng kamay ko.

"WHAT??? ANO??? ANONG NANGYARI SA IYO???" nagulat si Terrence kasi bigla na lang
akong nagsisisigaw.

"Get it off! Alisin mo na!! AAAAHHHH!!!"

Nakita ni Terrence yung nasa kamay ko. Saglit lang din, kinuha niya tapos inalis
niya sa kamay ko.

"Para gagamba lang! Akala ko naman kung ano na!" then tinignan niya ako, "Darn
you're cute!"

Tawa siya ng tawa nun. Namamatay na siya sa kakatawa dahil siguro sa nakita niyang
reaction ko doon sa gagamba. Ako naman, parang wala akong nakitang nakakatawa doon.
Naiiyak na ako sa takot nun.

Hinawakan niya yung tiyan niya sa kakatawa. Ako naman nakatayo doon tinakpan ko ng
kamay ko yung mukha ko. Naiiyak ako nun. Hindi ko talaga mapigilan.

"Maybe this is not a bad idea after all. Nakita mo sana yung mukha mo..." then
huminto naman siya, "Shay???"

Lumapit naman siya sa akin nun. Inalis niya yung kamay ko sa pagkakatakip sa mukha
ko.

"Hey hey hey.. whoa.. are you crying???" nakita niya yung mukha ko na namumula na
nun.

"Oo! Nakakainis ka kasi eh!" yun na lang yung nasabi ko kasi naiinis talaga ako.

"May phobia ka sa gagamba?"

Hindi na ako sumagot. Umiyak na lang ako nun saka lalo kong tinakpan yung mukha ko.

In turn, niyakap ako ni Terrence ng mahigpit nun. Nagulat nga ako eh. Ang init ng
kamay niya.

"Sorry tinawanan kita..." sabi niya ng mahina sa akin, "Promise ko hindi na kita
tatawanan."lalo niyang hinigpitan yung yakap niya, "Sabihin mo lang sa akin kung
natatakot ka..."
"Nandito lang ako para bantayan ka..."

***34***Para siguro akong bata doon na umiiyak at pinapatahan ni Terrence. Syempre


mas nakakagaan naman sa pakiramdam. Saglit lang din nung may narinig kami na...

"Uuuyyy! Kayo ha!"

Pagtingin namin eh nakatayo si Oli malapit doon sa bintana katabi yung ilan-ilan sa
mga batang kalaro niya.

Akala ko nga eh mahihiya si Terrence dahil may mga bata pero niyakap pa rin niya
ako. Nakita ko nga na ngumiti pa siya.

"Natatakot si Ate Shay, pinapatahan ko lang. Ang laki-laki na kasi takot pa sa


gagamba."

That time hindi na ako naiyak. Natawa na lang din ako. Nawala na kasi yung takot
ko.

Hindi nga kami nakalabas doon ng halos maglilimang-oras. Pinagbuksan lang kami ni
Sister at nagulat siya kung ano daw ba ang nangyari sa aming dalawa at nakulong
kami ng mga bata. Inexplain naman namin. Nakakahiya mang aminin eh naisahan pa rin
talaga kami. At sa dina-dami yung maliliit na bata pa!

Hindi naman nagalit si Terrence kay Oli, syempre bata pa rin naman yun.

Boring sa school namin ngayong December. Wala man lang kung anong activity na
related sa Christmas. So ang hinihintay na lang namin eh yung Christmas Party ng
bawat classrooms, tapos bakasyon na namin.

Kaya lang binago kasi nila this year. Originally by year at section ang parties.
Pero para daw makatipid, joint party na lang daw. Bawat year and section eh
magdadala ng pagkain, then pagsasamahin na lang sa isang venue. In that case,
parang big feast daw talaga.

Dahil para sa mga students yun, mga teachers ang tumulong na mag-design doon sa
paggaganapan. This time sa isang hotel gaganapin. Pinagbayad pa kami ng 150 para
umattend ng party. Ang bisyo nga! Nakakainis eh. Hindi pa kasali doon yun exchange
gift. Sa exchange gift naman, doon na papasok yung by year and section. Magulo kasi
kung joint na. Saka ang dami namin ah!

Mga one week bago yung party, nagbunutan na kami sa room kung sino ang reregaluhan
namin. Kapag babae ka, sa names ng guys ka bubunot. And vice versa.

Isa ako sa mga nahuling bumunot. Tatlo na lang kasi yung natitira nun sa bowl. At
kung dadapuan ka lang din naman ng malas ang nabunot ko pa eh...
"Arwyn???" tumingin ako kay Tjay, "Si Arwyn nabunot ko. Ikaw?"

"Si John." natatawa-tawa pa siya nun, "Madali lang regaluhan si John, hindi mapili
yun eh. Si Arwyn? Ewan ko na lang."

Nagsabay na kami mag-shopping ni Tjay ng pang-regalo namin. Sabi kasi worth P100
pataas. Ang nabili ni Tjay para kay John eh set ng Star Wars na pentoppers worth
P150. Ang cute nga eh. Collection kasi ni John yung Star Wars. Kaya ayun, tama lang
yung regalo ni Tjay sa kanya.

Ako naman, nakakatatlong araw na eh hindi ko pa alam ang ireregalo ko. Si Arwyn ba
naman yun. Captain ng basketball team namin, mayabang paminsan-minsan, babaero,
alam mo yun??? Hindi basta-basta nareregaluhan.

Nagkataon naman nung nasa mall kami eh nakita namin si Terrence at si Ran. Syempre
naghahanap din daw pala sila ng ireregalo doon sa nabunot nila.

"Ano namang ibibigay ko kay Rebecca?" naiirita na si Ran nun, "Hair clip. Tama hair
clip na lang siguro."

Pasalamat talaga si Rebecca kay Tjay at narinig niya.

"Hair clip ka diyan! Mahiya ka nga! Bibili ka ng isang buong plastic ng hair clip
para mag worth P100??? Hindi ka nag-iisip."

"Malay ko mag-regalo sa babae!"

Tinignan ko si Terrence nun. Siya naman nakafold lang yung kamay niya sa harapan
niya. Parang wala lang sa kanya na nagtatalo si Ran at yung kapatid niya.

Nandun na lang din naman sila at nandun kami ni Tjay eh nagtulungan na kami sa
pagbili ng regalo. Nakabili na si Tjay so ako na lang ang nagpatulong. Ayun in the
end nakabili ako ng kung ano mang tawag doon na nilalagay sa kamay para hindi ka
masugatan kapag nag-basketball ka. Sabi kasi ni Terrence, ang mga lalaki daw na-
appreciate nila ang regalo especially daw kung related sa interests nila. Pero
overall daw kung ang isang lalaki eh may gusto sa babae, kahit ano pang ibigay niya
eh okay na okay.

Weird stuff.. but that's what he said. Tinulungan ko siya doon kay Tanya, yung
nabunot niya. Kinuha namin eh lava lamp. Pero super cute kasi kapag sinaksak mo
nagiiba-iba ng kulay.

Sa katunayan, excited din ako sa party kahit papaano. Yung usual lang naman,
kainan, games, saka exchange gifts. Pero dahil nga first year namin mag joint party
kasama yung ibang year level at sections, nakakapanibago.

Si Ran ang kasabay kong dumating doon sa hotel nung araw nung party. 6 daw ng gabi
kasi ang sabing simula nun so 10 minutes before 6 nandun na kami. Sobrang daming
tao, at hindi mo malaman kung sinu-sino yung mga nandun.

Kahit pala joint, may nakalagay na year and section sa bawat tables para hindi
nakakalito. Tinulungan ako ni Ran na hanapin yung sa amin, tapos tinawagan na lang
niya si Terrence kung saan yung sa kanila.

Naka-skirt ako nun na abot hanggang sa tuhod. Yung suot ko eh cute lang, hindi
naman magara na kung ano man. Si Tjay nakita ko na rin nun, kumukuha ng inumin ang
bruha.
Oddly that time, hinahanap-hanap ko si Terrence dahil hindi ko pa siya nakikita.
Pero dahil hindi ko alam kung saan yung table nila, at sa dami ng tao doon, malabo
talaga na makita ko siya.

Ayaw ko namang tanungin si Tjay. Nakakahiya naman kasi kahit bestfriend ko pa siya.
Dinalahan niya lang ako ng inumin, tapos naupo na siya doon sa table namin.

Saglit lang din naman, tumayo na si Ms. Olivia, siya kasi ang pinaka-emcee nung
party at mag-games na daw. Unang ipa-game ba naman eh paper dance. May certain
number lang ng students na pwedeng sumali. Sa dami, iilan lang talaga. Ako naman
naupo na lang at wala naman talaga akong balak sumali. Yun yung game na may partner
ka tapos may newspaper kayo. Tuwing titigil yung tugtog eh kailangan nakatungtong
kayo nung newspaper. Kung may lumagpas na kahit anong bahagi ng katawan niyo sa
sahig, alis na kayo. Kada tigil ng tugtog, paliit ng paliit yung papel.

Pagkatapos nung game, nanalo yung mga 2nd year. May binigay sa kanila na tig isang
paper bag na ewan ko kung anog laman. After nun, nagpa "Bring Me" lang sila para
may pagitan yung isang game sa isa pang game.

Neenjoy ko naman yun party kahit na nakaupo lang ako doon. Kaya lang sana magpakita
naman si Terrence 'di ba???

Si Arwyn naman eh tumabi pa sa akin. Kaya ayun inabot ko na yung regalo ko. Dapat
maya-maya pa yun, kaya lang pinilit ako eh. Ayaw ko naman na nangungulit yun,
binigay ko na tuloy.

"Ang next game natin eh Stop Dance. Ngayon pwede tayo ng maramihan dahil malaki
naman yung Dance Floor. Mga chaperone teachers natin ang titingin kung sino ang mga
gagalaw. Yung mga gustong sumali pumunta na kayo sa harap."

Nagsipuntahan naman sa gitna yung mga gustong sumali. Ako naman naupo pa rin doon.

"Hindi ka sasali?" tinanong ako ni Arwyn dahil hindi talaga ako gumagalaw sa
inuupuan ko.

"Ayaw ko. Ang dami-daming kasali. Makikipagsiksikan pa ba ako?"

Ngumiti lang siya.

"O sige pala sasali lang ako. Balik na lang ako mamaya ah." tapos tumayo na siya at
iniwan ako doon.

Kasabay nung stop dance, pwede ka nang kumain kung gusto mo. Tinatamad naman akong
tumayo para kumuha ng pagkain dahil sa kabilang side pa yun.

Nagsimula na yung stop dance nun. Ang lakas-lakas ng tugtog sobra kaya nabibingi
na ako nun. Parang disco sa loob eh.

Bumulong naman ako kay Tjay nun..

"Yung Kuya mo?"

"Ikaw ha! Bakit mo hinahanap?" inasar-asar pa ako ni Tjay nun.

"Err.. hmmm.. wala lang. Hindi ko pa kasi siya nakikita."

Siniko naman niya ako.

"Kunwari pa ito eh." then lumingon siya likuran, "Di ko rin alam. Pero alam ko sa
likuran yung table ng mga 4th year." sumandal naman siya sa upuan niya, "Ikaw nga,
umamin ka na sa akin. ung diretsong-diretso. Hindi naman ako magagalit o ano eh.
May gusto ka ba kay Kuya? Kasi lagi na lang ikaw may pasikot-sikot kahit halata
naman na."

"ANO???" ang lakas kasi ng tugtog nun kaya hindi ko alam kung tama ba yung narinig
ko.

"Wala. Kukuha ako ng pagkain. Anong gusto mo?"

"Fries na lang. 'Di pa ko gutom eh."

Tumayo na si Tjay nun para kumuha ng pagkain. Yung mga naglalaro naman ng stop
dance eh ayun nagwawala na sa dance floor. Patigil-tigil nga yung tugtog eh. Ang
lakas-lakas nakakabingi, tapos biglang mawawala... tapos babalik...

Nakakainis na nga eh. Pakiramdam ko nasisira na eardrums ko.

Napagisip-isip ko nga yung sinabi ni Tjay. Bestfriend ko siya pero hindi ko pa


inamin sa kanya ng diretso na may gusto ako sa Kuya niya. Siguro dahil nga obvious
naman, hindi ko naman na kailangang sabihin. Pero siya nagkaroon ng lakas ng loob
na aminin sa akin na may gusto siya kay Ran. Hindi ba ako unfair na bestfriend sa
kanya???

Malapit na si Tjay doon sa side ng mga pagkain. Pero dahil nga malakas naman yung
tugtog, wala na akong pakialam.

"TJAY!!! OO NA! INAAMIN KO NA MAY GUSTO AKO SA KANYA!"

Lumingon naman siya sa akin at napakunot-noo siya.

"ANONG SABI MO???"

Yung tugtog naman kasi eh!

"SABI KO UMAAMIN NA AKO NA MAY GUSTO AKO SA KUYA MO!!!"

"ANO???" hinawakan niya yung tenga niya, "SAGLIT LANG DI KO MAINTINDIHAN!!"

Nakakainis naman ito si Tjay eh. Bingi lang ba talaga siya o talagang malakas lang
yung tugtog???

Nagsimula na siyang maglakad uli nun papalapit sa pagkain. So malapit na siya sa


kabilang side. Kaya ako naman sinigawan ko na siya...

"SABI KO MAY GUSTO AKO SA KUYA MO! MAY GUSTO AKO KAY TERRENCE! OKAY?!? BINGI KA
TALAGA!!!"

Sumakit yung lalamunan ko sa kakasigaw nun. Nakatingin sa akin si Tjay na parang


nagulat sa sinabi ko. Naupo naman ako ng maayos.

Lumingon-lingon ako. Nagtaka naman ako kung bakit sila nakatingin sa akin.

Ito namang mga taong 'to kung makatingin akala mo naman narinig nila yung sinasabi
ko.

Teka...

Nakatingin sila???
"Shay, yung tugtog..." sabi ni Tjay ng mahina.

Nakinig ako nun. Saka ko lang napansin, tumigil na pala yung tugtog. That means....

AAAAAAAHHHHHHHHH!!!!

Parang gusto kong mag-disappear doon sa kinauupuan ko. Bakit ba kasi sinigaw ko pa
yun? Just my luck narinig pa ng marami.

Ano ba naman yan!!! Okay lang.. okay lang yan.. as long as hindi naman narining ni
Terrence.

Mukhang wala naman siya di---

"Terrence! Bro!" Help! Somebody?

**35***
Nakakahiya talaga. Sa dinami-dami ba naman ng pagkakataon na titigil yung tugtog eh
yung time pa na sinigaw ko na may gusto ako kay Terrence. And worse, nandun siya at
hindi lang siya ang nakarinig kung hindi yung buong school lang naman.

Pakiramdam ko nun sana mag-magic na lang at mawala ako doon. Parang nanliliit ako
ng 'di ko maintindihan dahil nakatingin sila lahat sa akin.

Laki talagang pasasalamat ko at Christmas Party nun. Syempre mababakasyon na at


tiyak kapag bumalik na kami sa school eh makakalimutan na nila yun. At least I hope
so. Paano ba naman, hindi ko na makakayanan pa na pumasok sa school na nakatingin
sa akin ang mga tao at pinag-uusapan ako. Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako
eh.

"Ano ka ba! Hindi naman ganun kasama eh!" sabi ni Tjay sa phone nun at pinapagaan
lang yung pakiramdam ko. "Nakalimutan na nila yun! Isa pa ang mahalaga si Kuya eh
walang sinasabi na kahit ano."

Parang hindi yata nakatulong yun...


"Eh talaga namang walan sinasabi yun eh!"

Sa totoo lang kung titignan mo talaga, wala namang masama sa ginawa ko. Marami na
rin naman nang gumagawa nun sa ngayon 'di ba? Ang nagbobother lang talaga sa akin
ay kung ano yung iniisip ni Terrence sa nangyari. After all, wala pa naman siyang
inaadmit sa akin na may gusto ba niya ako o ano pa man.

Oo alam kong galing kay Father na isa ako sa mga babaeng pinapahalagahan niya.
Galing naman kay Oli na nag-iisa akong Ate Shay ng puso niya. Pero wala naman
siyang inaamin ng diretso eh. Yung confession ba niya the same as the words
'Babantayan kita'

Aaaahhh!!! Nakakainis naman eh. Bakit ang mga lalaki ba masyadong puzzle? Ang
masama pa, wala silang exact na pattern. Lucky you kung mafigure out mo. Wala bang
exact logic sa behavior nila?

Si Ran naman ginagawang katatawanan yung nangyari. Hanggang ngayon inaasar pa rin
niya ako. Minsan umaarte pa siya na luluhod siya tapos naka-stretch yung kamay niya
sa harapan ko tapos sasabihin niyang, 'Oo Terrence, gusto kita.'. Kaya ayun tinakot
ko nga. Sabi ko kapag inasar pa niya ako sasabihin ko kay Tjay ang mga deepest and
darkest secrets niya. Biglang tumigil naman.

Nung lumabas ako ng kwarto, Christmas vacation na, narinig ko na may kausap si Ran
sa phone. Akala ko nga may kaaway eh kasi ang lakas-lakas ng boses niya. Nung
narinig ko lang nga kaunti, si Tita lang pala ang kausap niya. Paikot-ikot pa siya
doon sa kwarto niya.

"Mom, graduating na ako ng high school this coming March. Wala ka man lang bang
balak umuwi?" inilipat niya yung cellphone niya sa kabilang tenga niya, "Lagi na
lang ganun eh! Ikaw na lang parati yung tama! Fine! Who said I care?" halata mong
naiinis na siya,"Whatever. Bye." tapos binaba na niya yung phone.

Pagkababang-pagkababa niya ng phone ay pabagsak siyang patalikod na humiga sa


kamaniya. Hindi naman niya ako napansin kaya kumatok pa rin ako kait bukas naman
yung pintuan.

"Ran may problema ba?"

Hindi siya sumagot kaagad. Halata mong badtrip talaga siya.

"Wala. Si Mommy lang kasi." yun lang ang sinabi niya at hindi naman siya tumingin
sa akin."Oo nga pala, 'di ba ngayon tayo pupunta kina-Lola?"

Lola namin parehas. Nanay ng Papa ko at Mommy ni Ran.

"Oo ngayon yun. Sinabihan nga pala tayo na mag-pack at doon tayo mag-celebrate ng
Christmas eh."

Tumakbo na ako nun sa kwarto ko para mag-pack. Sinabihan nga pala kami na doon kami
magpapasko. Si Lola kasi mapilit. Sabi niya, hindi pa daw niya nakikita yung
dalawang apo niya. Tapos si Mama daw ba kung inaalagaan niya ba yung sarili niya.
You know, typical granadmom ba ang dating.

Haaay torture 'to! Ang kulit pa man din ni Lola. Mas lalo si Ran. Nung maliit kami
nun panay ang suklay ni Lola sa buhok niya at may pinahid na kung ano na hindi ko
magustuhan yung amoy. Naging kamukha ni Ran si Rizal kahit papaano.

Kaya ngayon kung masamang panaginip man ito.. sana magising na ako!!!
Siguro hindi naman masama. Usually kasi sa tinitirahan ni Lola maraming nagpupunta
dahil sinasara nila yung street at may party yung mga magkakapitbahay sa gitna. It
won't be that bad. As long as makalimutan ko yung confession ko na may gusto ako
kay Terrence sa buong school, okay lang ako.

Nakarating kami doon about 30 minutes or so. Inaantok-antok na nga ako nun eh. Made
of wood ang bahay ni Lola, kaya ayun traditional ba. Ang kasama lang niya sa bahay
eh si Tita May, pinsan nila Papa at yung mga anak niya.

Kakapasok pa lang namin ng gate eh napansin namin na pababa na ng hagdan si Lola at


sinasalubong kami. Syempre hinalikan niya si Papa, si Mama rin at hinawakan yung
tiyan. Pagkatapos nun eh bumaling siya sa akin.

"Ito na ba ang apo ko na si Haylie? Naku ang tagal-tagal ko nang hindi nakikita
itong apo ko!" sabay yakap sa akin ng sobrang higpit.

Naman Lola!

"Shaylie Lola. Nawala na naman yung S."

Pagkatapos niya akong yakapin eh nakita naman niya si Ran. Tinitigan naman niya si
Ran ng mabuti na para bang naka-microscope siya. Dahil matangkad si Ran,
nakatingala pa si Lola.

"Ito na ba ang boyfriend mo apo?"

Natawa ako nun. Tinuturo-turo ni Lola si Ran.

"Lola naman si Ran po 'to!" sabi ni Ran na parang na-disappoint dahil hindi siya
nakilala ni Lola.

"Apo ko?" lumapit naman si Lola at pinipilit halikan si Ran sa noo niya kaya lang
iniiwas ni Ran yung ulo niya, "Naku hindi ko na nakilala si Andres ko!"

Lalo akong tumawa nun at ang sakit na ng tiyan ko. Parang hiyang-hiya si Ran na
hindi mo maintindihan eh. Andres talaga ang tawag sa kanya ni Lola bata pa lang
kami. Hindi dahil nakalimutan ni Lola, kung hindi dahil in-denial siya.

Noon daw kasi Andres dapat ang ipapangalan sa kanya instead of Andrei. Kaya lang
ayaw ng Mommy ni Ran dahil daw parang makaluma sa pandinig. Saka gusto daw niya Ran
ang maging nickname ng anak niya, so nag-end up na Randrei. Pero itong si Lola,
hanggang ngayon, siya pa rin daw ang nagiisang Andres na apo niya.

"Ano ka ba naman Andres! Hinahalikan ka ni Lola oh!" dinagukan ko nga kaya yumuko
ng kaunti si Ran at hinalikan siya sa noo.

Umalis na si Lola nun at sumabay kay Mama dahil daw buntis nga. Tumingin sa akin si
Ran habang pinupunasan yung noo niya.

"Kadiri 'to si Lola oh may nilawayan pa ko!"

Saglit pa lang kami na nandoon eh nagsimula na yung party sa street nila Lola.
Panay bata naman yung sumali doon. Kaya kami naman ni Ran eh naupo lang doon sa
gilid ng daan at nanood na lang kami. May malalaking speakers nun kaya malalakas na
tugtog yung maririnig mo. May mahaba rin silang table na panay regalo para sa
prizes yata ng mga bata.

Tawa ng tawa si Ran doon sa Banana Eating Contest dahil yung isang bata eh napunta
na sa mata niya yung saging. Nagulat na lang kami parehas nung may isang bata naman
na tumayo sa harapan namin. Nakangiti pa nga ng todo-todo.

Nagsalubong yung kilay ni Ran dahil may batang babae nakatayo sa harapan niya.

"Anong pangalan mo?"

Napatingin si Ran sa akin na nag-aalangan habang nakaturo doon sa bata.

"Kilala mo???"

Umiling naman ako. Hindi ko naman talaga kilala yung batang babae. Although ang
cute niya ah.

Hindi pa rin nawawala yung bata sa harapan namin kaya hindi na lang pinansin ni
Ran. Kaya lang ewan ko, naiirita siya siya siguro na may nakatayo sa harapan niya.

"Ahh bata, may kailangan ka ba?" hinawakan niya sa ulo yung bata.

Nahulog yung maliit na sunglasses na bata na pink. Kinuha ko naman at umarte ako na
suot ko. Ang liit nga masyado pero nagkasya pa naman.

"Anong pangalan mo? Ako pala si Liz. Crush kita."

Na-choke si Ran nun at humawak siya sa akin na para bang nagtatago.

"C-crrush mo ko? Uhhh..." helpless na talaga si Ran, "Ilang taon ka na?"

"6." tumaas-taas yung kilay ng bata na nag-remind tuloy sa akin kay Oli, kaya lang
babae naman siya, "Ikaw magiging asawa ko."

Hindi ko alam kung gusto na bang tumakbo ni Ran nun. Ako naman tawa ako ng tawa nun
dahil dumidikit na sa kanya yung batang babae na maliit.

Hinawakan ako ni Ran sa sleeves ko ng sobrang higpit. Bata naman yun, ewan ko kung
bakit takot na takot siya.

Tawa pa rin ako ng tawa nun, saglit lang si Ran nakitawa na rin sa akin dahil
nakita niya yung itsura ko na suot yung pink na sunglasses nung bata.

"Sorry bata ah, may girlfriend na ako." tapos tumingin siya sa akin at kumindat.

Hinampas ko nga siya. Pati ba naman bata niloloko!

"Ano ka diyan! Girlfriend ka diyan!"

"Meron naman talaga eh!" tapos bumulong siya sa akin na makisakay na lang ako.

"Hindi bata. Wala akong boyfriend. Hindi ko siya boyfriend! Pwede mo siyang maging
asawa!"

"Oo nga pala bata wala siyang boyfriend." tumayo si Ran nun hawak-hawak niya yung
cellphone ko.

Napakapa ako sa likod na pocket ng pants ko. Hindi ko man lang naramdaman na nakuha
niya yung cellphone ko.

"May text pa man din si Terrence dito.."


Nakatayo lang yung bata at nanonood sa amin. Hindi niya siguro alam kung anong
nangyayari.

"Akin na nga!" tumalon-talon ako para maagaw ko kaya lang 'di ko pa rin makuha eh.

Ang kulit talaga ni Ran nun. Hindi niya talaga binibigay yung cellphone ko. Umupo
siya doon sa bata at tinap niya sa ulo.

"Sorry bata may girlfriend na ako, Tjay ang pangalan."

"Bading ka ba?"

"Sinong bading?!?" nainis naman si Ran nun.

"Eh bakit Tjay pangalan? Lalaki may pangalan nun ah!"

"Sinong bading huh! Bwisit na bata 'to!"

Tignan mo itong si Ran. Pati ba naman bata papatulan pa. Umaarte siya na sinusugod
niya yung batang babae pero alam ko naman may halong biro lang si Ran.

"Umuwi ka na nga Ran! Uwi na! Pati bata..." tinulak-tulak ko siya para umuwi na
siya.

"O sige uwi muna ako." tapos nun eh tumakbo na siya ng mabilis, "Nasa akin yung
cellphone mo!"

Hahabol na sana ako kaya lang naisip ko na mabilis naman siyang tumakbo. Lalaki
yun, babae ako. Matangkad siya, ang liit ko.

"Randrei Yu! Bumalik ka dito! RAAAANNNNN!!!"

Bwisit talaga yung lalaki na yun. Nakakainis! Bwisit eh! Nakikialam talaga!

Sigaw pa rin ako ng sigaw doon. Labas na nga siguro veins ko hindi pa rin talaga
bumalik si Ran. Kaya nga naman paglingon ko...

"AAAAHHHH!" tinakpan ko naman ng mabilis yung bibig ko.

May kung sinong tao na nakatayo nun sa gilid ko na panay icing ng puti yung mukha.
Tama bang ilapit yung mukha ng ganun sa mukha ko? Yun tuloy...

"Uhh.. anong..."

Binuhat niya yung bata. Yung Liz ba yun. Malamang magkamag-anak sila kung binuhat
niya.

Nag-aaway pa silang dalawa. Pinapagalitan nung lalaki yung bata kung bakit daw ba
tumatakbo siya ng hindi nagpapaalam at kung saan-saan daw nagsusussuot at walang
pasabi.

Wala man lang siyang sinabi sa akin. Basta kinuha niya lang yung bata at umalis
na. Ano ba yan, trend na ba ngayon na layasan ako???

Hindi pa sila nakakalayo, huminto sila doon malapit sa may poste. Nakatalikod na
yung lalaki. Buhat-buhat pa rin niya yung bata na nakaharap sa akin.

"Ate! Ate!" sumigaw siya kaya napansin ko na ako yung tinatawag niya. "Papuntahin
mo daw yung boyfriend mo sa court bukas ng 2:00 sabi ni Kuya!"
Nagtaka naman ako. Sino ba yun? Saka sinong boyfriend?

Nagsimula na uling maglakad yung lalaki. Nakatawa lang yung Liz sa akin.

"Teka lang! Pssst hoy! Sino ka ba???"

Nagdire-diretso lang siya ng lakad. Ang sungit naman nun! Parang si...

"Tanga ka ba?" sabi nung bata kaya nagulat pa ako. Grabe parang matanda magsalita
ah!"Hindi mo ba kilala kuya ko? MVP yan! Saang planeta ka ba nanggaling? Si Kuya ko
pa... dami naghahabol diyan!"

"Captain yata yan ng basketball team!" could it be the guy from----Nah.

***36***
Pagkauwing-pagkauwi ko ay sinabi ko kaagad kay Ran yung sinabi nung lalaki. Nagtaka
rin siya dahil wala naman daw siyang matandaan na nakilala niyang Captain ng
basketball team sa personal maliban kay Arwyn. Sabi pa niya na-meet niya yung mga
captains ng ibang teams na nakalaban nila pero sa game lang yun. Sinabi ko na
mukhang seryoso yung lalaki kaya pumunta na lang siya.

Nakipag-agawan naman ako sa kanya sa cellphone ko nun. Talagang nakikipagkulitan pa


sa akin at ayaw talaga ibigay yung phone ko. Finally wala na akong maisip na
paraan kung hindi takutin ko na naman siya na may kinalaman kay Tjay, saka lang
siya tumigil. Haay, iba talaga ang impact kapag taong gusto mo na ang involve.

Chineck ko na yung phone ko. Kahit na alam ni Ran na may texts si Terrence sa
phone ko, hindi naman niya binasa. Kahit papaano hindi naman siya nakikialam.
Nakita ko na dalawa yung text messages ni Terrence sa akin. Dahil nga pinoproblema
ko pa yung confession-fiasco, kinabahan naman ako nun. Kahit anong may kinalaman sa
kanya simula nun kinakabahan na ako eh.

'merry xmas =)'

Naku ha, maikli man at least naisip naman niyang bumati.

May isa pa siyang text. Binuksan ko naman at binasa ko rin. Kung maikli yung isa,
mas mahaba naman yung pangalawa.

'worid k b dun s nngyri? wag m n cla pncnin kng ano man iniisip nla. mas mhlaga nmn
iniisip k d b? i think wat u did was d absolute gr8tst. tke cre. T.K.'

Nakagaan naman yun sa pakiramdam ko kahit papaano. Syempre kung iniisip ni Terrence
na okay lang yung nangyari, eh di mas ayos. Pero siyempre nandun pa rin yung hiya
na nararamdaman ko. Ni-hindi ko pa nga alam kung paano ko siya haharapin kung saka-
sakaling pumunta man ako sa bahay nila o kaya naman kung magkasalubong kami sa
school. Ano namang sasabihin ko???

The next day nung stay namin sa bahay ni Lola, umalis si Ran before 2 dahil nga dun
sa lalaking nagpapapunta sa kanya sa court. Sinasama naman niya ako kaya lang ako
yung may ayaw. Tanghaling tapat kasi kaya sobrang init nun at ayaw kong lumabas.
Isa pa, tinatamad ako nung mga oras na iyon.

Tumulong na lang ako kina-Mama at Lola na gumawa ng jell-o at ginataang bilo-bilo.


Excited nga ako nun dahil ang tagal ko nang 'di nakakain nun. Kahit papaano talaga
may advantage kapag nandiyan si Lola although minsan makukulitan ka na lang sa
kanya.

Bumalik naman si Ran bandang 4 na. Shirtless na siya nun at yung t-shirt niya eh
nasa balikat na niya. Pansin na pansin mo na pawis na pawis siya. Nagdire-diretso
siya doon sa fridge at nanguha lang siya ng b aso. Kanina lang nung umalis siya eh
nakaporma pa siya, pero tignan mo nga naman ngayon para siyang sumabak sa giyera.

Nakatatlong baso siya ng sunud-sunod na ininom Nakatingin kami nina Mama sa kanya.
Saka lang niya napansin na nakatitig kami sa kanya nung naubos na niya yung
pangatlong baso niya.

"A-ano?!?" hinihingal-hingal pa siya nun.

"Humihinga ka pa ba?" tinanong ko naman habang gumagawa pa rin ako ng bilo-bilo.

Si Lola naman eh bumalik na sa kusina at may kinuha lang siya na kung ano. Nung
nakita niya si Ran na walang shirt eh dali-dali siyang lumapit.

"Naku apo ko? Bakit wala kang baro ha? Halika nga dito at bibihisan kita at baka
matuyuan ka ng pawis!"

Ang bilis-bilis umatras ni Ran. Alam niya kasi si lola, exaggerated yan kapag
dating sa mga ganyang bagay.

"Lola okay lang ako! Maliligo naman na po ako eh!"

Hinawakan naman siya ni Lola sa likod niya.

"Ito talagang batang ito.." nanguha ng pamunas si Lola na bimpo, "Pupunasan ko yang
likod mo.""Haylie, apo, kapag natapos ka diyan eh kunin mo yung pulbos natin at
lalagyan ko itong si Andres."
Tawa ako ng tawa nun. Panay ang iling ni Ran sa akin na huwag kong kukunin. Pero
siyempre gusto ko talaga. Kung hindi lang ako gumagawa ng bilo-bilo makikiasar ako
kay Ran eh.

Hinihila naman siya ni Lola at pinupunasan yung likod niya. Nakakatawa lang si Ran
kapag cornered ni Lola. Ang tangkad-tangkad kasi niyang tao pero binababy pa.

"Lola naman tama na po yang pagpunas niyo!" panay pa rin kasi ang punas ni Lola sa
likod niya.

Wala namang magawa si Ran, kaya ayun tumayo na lang siya ng diretso at hinayaan na
lang si Lola. Matanda naman na hindi pa kasi pagbigyan. Sumimangot lang naman siya
sa akin.

"Oo nga pala Ran, ano bang ginawa mo at pawis na pawis ka?" tanong ko sa kanya ng
hindi nakatingin at diretso pa rin sa paggawa ko doon.

"Naglaro ng basketball." napansin ko na lumayo-layo siya ng kaunti kay Lola nung


natapos na siyang punasan, "Alam mo yung nagpapunta sa akin sa court na captain
daw ng basketball team?"

"Oh?" hindi ko naman siya masyadong pinapansin nun.

"Siya pala yung Captain ng Trinity High. MVP siya for 3 years in a row na."

Nagulat ako nun kaya nahulog yung siko ko sa edge ng table. Tumingin akong bigla sa
kanya.

"Siya yung Captain ng Trinity High? T-teka, kilala mo siya? Bakit 'di mo sinabi sa
akin? Naglaro kayo?"

Nagulat si Ran sa akin. Sunud-sunurin ko ba naman yung tanong.

"Eh bakit excited ka naman yata masyado?" tinignan niya si Lola na naupo na, "Hindi
ko siya kilala pero sabi niya natandaan daw niya ako sa championship. Gusto daw
niya ng ka one-on-one." umupo si Ran doon sa upuan pero pabaliktad yung upo niya,
"Hanep yung tao na yun, ang galing sa basketball. Natambakan ako eh."

"Wala ka pala eh!" inasar ko naman siya, "Pero napanood ko siya saglit lang nung
laro, magaling naman siya talaga." ngumiti naman ako ng nakakaloko, "Gwapo ba???"

Nagsalubong yung kilay ni Ran at tumayo na siya uli sa pagkakaupo niya.

"Ewan ko! Ako pa tinanong mo kung gwapo yun! Mas gwapo pa ko dun eh." inilipat niya
yung shirt niya sa kabilang balikat niya, "Maliligo na nga ako at ang init eh."

Nung narinig ni Lola yung sinabi ni Ran eh parang alarm ba sa kanya. Tumayo na
naman siya at lumalapit kay Ran.

"Apo ko magpahinga ka muna! Yung likod mo baka mabigla.." binibilisan na ni Ran


yung paglakad papalabas ng kusina, "Teka lang at kukunin ko yung langis natin at
lalagyan ko yung likod mo."

Tumalikod si Lola nun at may kukunin yata na langis para kay Ran. Itong si Ran
naman sinamantala na hindi nakatingin si Lola, tumakbo na sa banyo at sinara yung
pinto. Nung humarap si Lola, halata mong hinahanap niya si Ran.

"Nasaan na si Andres?"
"Lola naman! 16 na po si Ran hindi 6!"

Pasaway naman kasi si Lola. OA masyado eh. Hindi naman na baby si Ran. Haay
matatanda nga naman!!!

Masaya naman yung bakasyon namin kina-Lola. Dapat talaga pasko lang kami mag-stay
pero sabi nila Mama hanggang New Year na rin. Kaya ayun dun pa rin kami sa bahay
nila Lola nag New Year.

Tinawagan naman ako ni Tjay nung New Years Eve, nasa Baguio daw sila at binibisita
naman nila yung mga pinsan din nila. Hindi ko na tinanong si Terrence, hindi ko
naman alam ang sasabihin ko sa kanya. Pero sabi ni Tjay casually, natutulog daw si
Terrence at ang sabi daw niya eh gisingin na lang siya kung quarter to 12 na.

Siguro mga 7 minutes after 12, nag-text siya sa akin ng Happy New Year. Ako naman
si bruha nag-reply lang ng 'U 2'

Sabi nila kapag nasanay ka na nagpapakasaya lang dahil walang pasok sa school at
walang ginagawa, ma-spoil ka. Ganun nga siguro yung nangyari sa akin dahil
pakiramdam ko nun eh ang bilis-bilis lumipas ng bakasyon. Bumalik na rin kami sa
school at nakita ko na si Tjay kaagad. Hindi daw sila nagsabay ng Kuya niya, which
was a total relief, dahil siyempre baka maweirduhan sa akin si Terrence.

Hindi ko alam nung una kung nakalimutan na ng mga tao sa school yun. Iniisip ko nga
na baka pagdating ko sa loob eh pagtitinginan nila ako. Merong ilang mga tao na
tumingin sa akin, babae at lalaki, pero kadalasan may kanya-kanya na silang
business. Naku makakahinga naman pala ako ng maluwang.

"Sabi ko sa iyo makakalimutan na nila yan eh!"

Mukhang tama naman si Tjay, somewhat, kaya parang nawala kahit papaano yung half na
pasanin sa dibdib ko. Ang hindi ko lang talaga maharap, si Terrence. Ewan ko ba,
nakakahiya talaga yung ginawa ko kahit saang anggulo ko tignan.

Usual pa rin yung spirit ng school. Nung dumating nga kami sa room namin eh
nakapaikot yung mga classmates namin na mga babae doon sa isang desk at may
tinitignan yata sila. Kami naman ni Tjay eh nakisiksik naman.

"Anong tinitignan niyo?"

Nakita namin ni Tjay na may magazine sila na hawak na panay gowns. Nagtinginan
naman kami ni Tjay, ang aga-aga naman yata para problemahin yun 'di ba?

"Teka kailan ba yung Prom?" napakunut-noo si Tjay nun.

"Sa February 22 pa."

"Ang OA niyo naman ang aga niyo nagtitingin!" nagsungit naman si Tjay.

"Syempre kung magpapagawa kami ng gown kailangan mga isang buwan para makita na at
maiadjust kung may maling sukat." sagot naman nung isa pa.

Nakipagdaldalan lang si Tjay doon sa mga classmate naming babae. Ako naman eh naupo
doon sa isa pang desk na nakahiwalay sa kanila ng 'di malayo. Parang ewan ko ba,
shock ako na 'di ko maintindihan.

First ever Prom namin ito. Alam ko naman dance yun na mga nakagown kayo, nakamake-
up, at syempre yung mga lalaki nakaformal attire din. Sabi nila isa daw yun sa
pinaka must-attend events ng high school life. Eh bakit kinakabahan ako???
Napansin yata ako ni Tjay. Umupo naman siya sa tabi ko at tinitigan ako.

"Hoy bakla anong nangyari sa iyo??"

Sumimangot naman ako.

"Tjay prom na next month. Paano kung walang magsayaw sa atin? Malay mo wall flower
lang ako doon. Nakakahiya!"

"Sira ka ba??!" binatukan ako, "Imposibleng wala no. Saka hindi lang naman sa
lalaki pwedeng sumayaw. Mga babae pwede rin. Grupo-grupo tayo sus! Walang maiiwan
sa tabi!"ngumiti naman siya, "Saka imposibleng hindi ka maisasayaw kung may date
ka."

Nanlaki siguro yung mata ko nun.

"Uso ba yun?"

"Uso na rin. Pero syempre kung may date ka, sigurado naman na may kasama ka 'di
ba???"

Nagmala-Ninoy Aquino ako doon sa desk. Malabo na iyon. Sino namang matino na
magyayaya sa akin 'di ba? Isa pa alam nila na si Terrence yung gusto ko, iisipin
nila kapag niyaya nila ako eh irereject ko sila. Si Ran naman tiyak si Tjay ang
yayayain nun. Si Terrence lang ang pag-asa ko talaga. Pero ang chances na yayain
niya ako eh one in a million.

"Malabo yun. Sino namang---"

Biglang nagring sabay vibrate yung phone ko kaya nagulat ako. Sabay pa kami ni Tjay
na muntik nang tumaob sa inuupuan namin. Naka-todo pala yung tunog ng phone ko.

"Grabe naman yang phone na yan! Bingi ka ba??"

Tinignan ko naman kung sino yung tumatawag. Nung makita ko yung pangalan ni
Terrence, bigla ko na lang inabot kay Tjay yung phone. Ano ba yan kanina lang
iniisip ko yung Prom at si Terrence, bigla na lang tumunog yung phone ko.

Nakita naman ni Tjay kung sino yung tumatawag.

"Si Kuya, bakit ayaw mong sagutin???" inaabot niya sa akin yung phone ko kaya lang
ayaw kong kunin.

"Ikaw na!"

"Ang arte naman nito hindi ka naman niya kakainin!"

Sasagutin na sana niya kaya lang tumigil na sa pag-ring. Nag miss call na.

"Bakit ba ayaw mong sagutin?"

"Eh ano namang isasagot ko sa kanya?"

"Hello??" sabi ni Tjay na naiinis na sa akin, "Trust me wala lang kay Kuya yung
nangyari nung party. Kilala mo naman yun eh. Hindi naman siya katulad ni Arwyn na
sobrang energetic masyado."

Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko nun. Sa kaba na rin siguro. Bakit kaya siya
tumatawag?

"Eh h-hindi naman yun eh. Baka kasi alam mo na.. yung sa Prom.."

"Anong meron sa prom??" tinaasan niya ako ng kilay niya, "Iniisip mo baka yayain ka
niya? Ilusyon na naman yan hindi ka yayayain nun!"

Napataas din yung kilay ko pero pabiro lang.

"Ano namang ibig sabihin mo na hindi ako yayayain ng Kuya mo Maria Teresa Jayne???"

Sumandal siya ng maayos. Kinuha niya yung backpack niya at may inaayos siya sa
loob.

"Hindi ka niya yayayain sa Prom. Hindi mo ba narinig kanina, Sadie Hawkins yung
dance."

Napanganga na lang ako sa kanya. Ano daw???

"Sadie what now?"

"Ano ba naman yan Shaylie!" nag-lean siya sa table kaya malapit na yung mukha niya
sa mukha ko, "Hindi magyayaya ang guys sa girls..."

"It's the other way around." ehem.... WHAT???

***37***
Parang gustong mabingi ng dalawang tenga ko. Hindi ko kilala kung sino man si Sadie
Hawkins pero ngayon pa lang sinisisi ko na siya dahil style niya ang gagamitin para
sa prom. I mean, sino namang matino na magkakaroon ng idea na babae ang mga
magyayaya sa mga lalaki sa Prom??? At ako pa.. ako na si Shaylie... magyayaya???

Kill me now.

Parang wala lang kay Tjay yung balita. Buti pa siya confident na si Ran na talaga
yung yayayain niya. At sigurado ko naman na papayag si Ran. Obvious naman na
talagang gusto niya si Tjay. Pero ako kaya ko bang yayain si Terrence? Hindi yata.
Nakakahiya naman yun. Kung kailan nakakarecover na ako doon sa Christmas Party
incident, eto na naman tayo.

Katulad ko meron ding mga babae na ayaw yung idea ng Sadie Hawkins. Yung iba sabi
nila mas prefer daw nila yung traditional dahil nakakahiya daw talaga magyaya ng
lalaki. Yung iba naman sinasabi na hindi daw sila magyayaya dahil hindi mo naman
daw kailangan ng date para maging masaya ka sa prom, which is sa view ko eh tama.
Pero sabi nga ni Tjay, mas okay nga daw kung may company ka sa gabi na iyon.

The next day after kong malaman yung balita, tumabi sa akin si Arwyn nung last
period nung umaga. Nakangiti pa ang loko. Alam kong nagpapapansin lang siya. Siguro
iniisip niya na baka yayain ko siya doon sa dance.

"Busy ka?" tinanong niya ako.

Hindi naman ako lumingon. Hindi rin naman ako busy eh. Kunwari nagsusulat lang ako
ng kung ano pero sa totoo lang ayaw kong lang seryosohin si Arwyn. Kahit na gwapo
si Arwyn, iba kasi yung dating niya. Masyadong presko eh.

"Oo eh. Bakit ba?"

"Nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"

"Yung sa prom. 'Di ba Sadie Hawkin's yung---"

Hindi ko naman siya pinatapos. Ang mean ko nga eh but who cares???

"Ahh yung prom. Oo naman syempre nabalitaan ko na. Sino ba namang hindi eh pinag-
uusapan na sa buong school." binaba ko yung ballpen ko saglit at tumingin ako sa
kanya,"Pupunta siguro ako pero walang date. O kaya hindi na lang ako pupunta..."
tinignan ko uli yung notebook ko, "Tama hindi na lang ako pupunta."

Sabi ko lang yun. Syempre pupunta pa rin ako ng prom. May date man o wala. Nakita
ko na nag-iba yung expression ng mukha ni Arwyn.

"T-teka bakit ka naman di a-attend? 'Di mo ba alam na mahalagang experience ang


prom sa high school??"

"Eh 'di nawalan ako ng isa sa pinakamahalagang experience sa high school."

Nung sinabi ko yun kay Arwyn, nakita ko na dumadaan si Terrence. May sumusunod sa
kanya na babae na hindi niya siguro alam na nandun, tapos huminto lang siya nung
tinawag siya. Sinusundan ko naman sila ng tingin kahit nasa labas sila. Dahil nga
nandun kami sa loob ng classroom, hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila. Pero
malamang niyayaya siya nung babae sa prom..

Sana huwag siyang pumayag...

Kung titignan mo si Terrence, madalas seryoso ang mukha. Hindi masyadong nagbabago
ang expression kaya minsan hindi mo alam kung anong sinasabi niya kung ibabase mo
sa mukha lang niya. Ngayon naman hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya doon sa
babae...

Umoo kaya siya??? Paano kung oo, e 'di wala nang chance na yayain ko siya?? Sabagay
'di ko naman siya talaga mayaya...
Wait lang.. tumatango siya. Hindi kaya umoo na siya??? Ano ba yan... Terrence 'wag
naman...

"Gusto mo siyang yayain no?"

Muntik na akong nahulog sa kinauupuan ko. Nalimutan ko na si Arwyn eh nandun pa


pala sa upuan sa tabi ko. Napakunut-noo ako at dumiretso ako ng upo at kunwari eh
niyuko ko yung sarili ko doon sa notebook na sinusulat ko.

"Hindi no.." nag-deny pa.

"Ano ka ba, halata naman na tinatanggi mo pa. Saka alam naman na ng buong school na
gusto mo siya kaya wala nang point na itago mo pa." siniko niya ako, "Bakit hindi
mo subukan?"

"Ano ka! Ayaw ko nga! Nakakahiya yun no!"

"Walang nakakahiya doon. Isa pa lahat naman ng babae ganun ang gagawin so isipin mo
na lang trend yun. At si Terrence ang pinag-uusapan, I don't think he'll make such
a big deal out of it kung yayain mo siya. If he's that kind of guy, dapat
pinagyabang na niya yung nangyari nung party."

Sa totoo lang, parang yan na ang pinakagolden words ni Arwyn. Pinakamatino sa lahat
ng narinig ko. Kapag nagseryoso pala siya may sense din siya kausap.

Nginitian ko na lang siya. Tumayo naman siya at nagpaalam dahil kakain pa daw siya.
Kakalunch break lang namin nun kaya lang hindi ako makalabas dahil nga nandun pa si
Terrence.

Gutom na gutom na ako nun. Isa pa sa pinakamasaklap na nangyari eh tumambay yung


mga 4th year kasama si Terrence doon sa bench sa tapat ng room namin. E di lalong
hindi tuloy ako makalabas.

Mag 12:30 na nun nandoon pa rin ako. Saglit lang nakita ko si Ran na sumisilip-
silip sa bintana namin. Kumaway naman siya nung nakita niya ako at nag-sign na
lumabas ako. Pero syempre ako naman dahil ayaw kong lumabas, ako ang nag-sign na
siya ang pumasok sa loob.

Pumasok naman siya. Seryosong-seryoso si Ran na parang naiinis sa akin.

"Hoy ano ka ba! Kanina pa kita hinihintay lumabas sa gate ang tagal-tagal mo. Akala
ko kung saan ka na nagsuot. May balak ka bang mag-lunch??"

Ayos na ayos na yung gamit ko sa bag. Cleared na rin yung desk ko. Ngumuso naman
ako doon sa mga 4th year na nasa labas.

"Hindi kasi ako makalabas. Tignan mo yun..."

Lumingon si Ran doon sa mga 4th year.

"Anong problema? Kakainin ka ba nila?"

Hinampas ko nga siya. Nakakainis eh, ang ewan masyado.

"Ano ka ba! Nahihiya akong lumabas! Nandun si Terrence oh! Tapos may mga 4th year
pa. Tingin mo naman dadaan ako sa harap nila???"

Lalong naiinis si Ran sa akin pero ngayon naman eh may halong biro.
"Oh for the Love of God! Shay, 68 years na yung nakalipas doon sa nangyari sa
party. Limot na yun ng mga tao. 84 years old na si Terrence. May alzheimer's
disease na siya.. so trust me.. wala nang trace yun sa utak niya."

Kinamot ko naman yung ulo ko. Nag-aalangan pa rin ako.

"Eh paano kung asarin nila ako?"

"At most tatawanan ka. Hindi ka naman mamamatay 'di ba?"

Nakatayo na si Ran nun kaya ang ginawa ko eh tumayo rin ako. Humawak ako sa polo
niya sa likod at nagtago ako.

"Ganito na lang tayo para hindi nila ako makita." sabay tinutulak-tulak ko siya.

"Paano mo naman siya yayayain kung hanggang ngayon nahihiya ka pa rin sa kanya?"

Speaking of yayayaan...

Hinarap kong bigla si Ran sa akin. Ang hirap nga kasi ang bigat niya saka ang
tangkad niya. Straight na straight pa kung tumayo.

"Niyaya ka na ni Tjay?!?"

Nahalata ko na namula yung mukha ni Ran tapos bumalik na naman yung parang bata na
expression niya.

"Opo. Kaninang umaga pa."

"Aaaahhh!" sumigaw ako pero hindi masyadong malakas.

I can't believe it. Talagang niyaya ni Tjay si Ran.

"T-teka.. paano ka niya tinanong? Paanong pagkakasabi?"

Dahil mukhang hahaba pa ng kaunti yung usapan, naupo si Ran doon sa ibabaw ng desk,
hindi sa upuan.

"Actually, she wasn't asking, she was telling." then tumingin siya sa
kisame,"Nagkasalubong lang kami sa hallway kanina. Eh kasama ko yung ibang mga 4th
year. Lumagpas na kami sabay sumigaw na lang siya, 'Hoy Yu! Ikaw ang date ko sa
Prom.' Ayun, tapos tumakbo na siya."

Awww... kahit kailan talaga kengkoy si Tjay. Pero at least ang cute sana ng scene
na yun kung nandun ako.

"Ang cute naman nun. Sayang hindi ko nakita." umiling-iling naman ako.

"Pero may problema ako eh.."

Napansin ko yung itsura ni Ran. This time, parang may semester exam na paparating
tapos hindi siya nag-review type of expression.

"Anong klaseng problema???"

Huminga siya ng malalim. Nilagay niya yung kamay niya sa bulsa niya.

"Remember before nung Christmas narinig mo ko na nakikipag-away ako kay Mommy dahil
hindi siya makakauwi sa graduation ko?"

Tumango na lang ako.

"Well yun, hindi talaga siya makakauwi kasi sa March may scheduled court date yata
sila. Pero sabi niya babawi daw siya sa akin. Uuwi siya sometime this February para
bisitahin na ako, at syempre alam niya due ni Tita sa panganganak ng February."

Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Late February ang ika-9th month ng
pagbubuntis ng Mama ko.

"So sana..." nagisip-isip siya tapos tumingin siya sa akin ng diretso, "Ipapakilala
ko si Tjay sa kanya."

"ANO???"

No.
Freaking.
Way.

That shocked me. Don't get me wrong, mahal ko si Tita. Pero anything that concerns
Ran, seryoso siya. Ngayon unang girl na ipapakilala ni Ran? Now it's a biggy.
Playboy nga si Ran dati. Pero kahit isa sa mga ex niya, wala siyang pinakilala.

So this time... Tjay's a big deal.

"Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Come on Ran. Napaka-perfectionist ng Mommy mo.


Baka kung anong sabihin nun kay Tjay. Saka mataas ang expectations niya. Ngayon
lang kayo magkikita uli tapos bibiglain mo na may ipapakilala kang babae???"

"I know. Pero tutulungan mo naman ako 'di ba? Tjay's really special to me. I
couldn't care less kay Mommy. Basta gusto kong makilala niya siya. I know Tjay can
pull this off."humawak siya sa kamay ko, "Will you help me? I-guide mo lang si Tjay
about my Mom, and siguro magiging okay lang ang lahat."

"Ewan ko Ran. Parang si Hitler yung nanay mo eh.."

"Please??"

"Yung effect pa niya minsan parang si Jason ng Friday the 13th..."

"Pretty please?" tapos pinikit-pikit ni Ran yung maya niya.

Hinampas ko siya ng sobrang lakas. Kung makikita mo lang yung itsura niya, mukha
talaga siyang bading.

"Fine fine! Basta huwag mong uulitin yang pretty please na yan. Kinikilabutan ako!"

"That's my girl!" sabay akbay naman niya sa akin.

Papalabas na kami ng classroom nun. Kaya lang naalala ko na nandun pa pala si


Terrence kaya nung muntik na kaming makalabas, umatras ako bigla.

"Shay ano ba... makinig ka nga." humarap siya sa akin, "Alam ko deep deep down
gusto mong yayain si Terrence. I know kaya mo naman eh." ngumiti siya sa akin, "Say
what, dahil tutulungan mo ako kay Tjay, tutulungan naman kita ngayon para even
tayo. I'll help you out. Sasamahan kita."

"Pero ang daming 4th year doon.."


"I know all of them. Isa pa, kailangan mag-rub ng confidence ni Tjay sa iyo..
kulang ka kasi eh.."

"Okay.. okay.. hinga lang ng malalim.."

Lalabas na sana ako. Hindi ko mapaniwalaang yayayain ko si Terrence.

Nung malapit na ako sa pinto, tumalikod uli ako kaya tumama ako sa dibdib ni Ran.
kaya lang hinarap niya ako uli at tinutulak-tulak niya ako.

"Go ahead.. kaya mo yan..."

"Eh kanina lang may kausap siya na babae. Baka may date na siya.."

"Wala pa. Kausap ko siya kanina. 3 na nagyaya sa kanya, lahat hindi siya umoo. Baka
ikaw lang hinihintay niya.."

Alam kong dederetso na ako. Malapit na talaga akong makalabas sa pintuan nun.
Naririnig ko na silang mag-usap. Pero hindi ko pa rin talaga makuhang lumabas.

Nagtatawanan sila doon. Yung isa sinabi niya na okay daw yung idea nung Prom ngayon
para maiba naman. Yung isa sinabi niya may date na siya. Sumilip naman ako. Si Ran
nasa likod ko. Nakita ko si Terrence na nanahimik at yung sketch pad niya eh nasa
lap niya.

Ginulo naman nung isang lalaki yung buhok niya sabay umakbay sa kanya. Tinignan
lang siya ni Terrence pero binalik din niya yung attention niya doon sa dinadrawing
niya.

"Ikaw Terrence, bro, sinong date mo sa Prom?" tanong nung isa na 'di ko kilala.

"Wala." sagot niya ng hindi man lang tumitingin.

"Wala? Bakit naman wala? Kanina lang may nagyayaya sa iyo ah. Bakit hindi ka pa
umoo?"

"Ayoko nga. Ano bang pakialam mo?"

Haay ang sungit naman talaga. Kung ganyan lang din naman mga sagot niya, paano ko
pa siya mayayaya?

"Baka naman may hinihintay!" inasar siya nung isa, "Uy sino yan bro?"

Sumabat naman yung isa uli na nakaakbay sa kanya.

"Baka hinihintay niya yung babae na sumigaw nung Party." tumatawa-tawa pa siya
nun,"Yung madalas sa simbahan na pinsan ni Ran."

"Shaylie Jimenez? 'Di ba third year yun?"

Bumilis yung tibok ng puso ko. Ano ba yan, ako ba talaga yung pinag-uusapan nila?

"Bakit ko naman siya hihintayin?"

"Asus! Kaya panay ang hindi mo sa mga babae, kasi hinihintay mo siya na yayain
ka!"hinigpitan ng lalaki yung pagkakaakbay niya, "Malabo yun, conservative eh!"

Tawa ng tawa yung isa. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o ano.
"Pero okay lang yan bro. Kung crush mo naman kaya naiintindihan namin na maghintay
ka."

This time ewan ko kung anong nangyari. Sinara na lang bigla ni Terrence yung sketch
pad niya.

"Hindi ko siya hiinhintay, at wala akong balak hintayin siya." sobrang seryoso na
niya, "I don't have a crush on her. I don't like her at all. So it's completely
impossible na mahalin ko siya."

Pakiramdam ko lumalabo na yung mata ko. Kahit anong gawin ko naiiyak talaga ako.
Hindi ko alam kung bakit ko siya iiyakan. Hindi tama.

"I only see her for what she is..."

"That she's my sister's bestfriend. Nothing else."

***38***
Nasaktan ako sa sinabi ni Terrence. Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Kahit anong
pigil ko para hindi ako umiyak, tumulo na lang talaga yung luha ko. Si Ran nun eh
pilit akong niyayayakap, pero tinulak ko lang siya at lumabas ako sa classroom
namin.

Tumayo lang ako doon sa harapan ni Terrence at sa harapan ng lahat. Alam kong
nagulat sila na nakita nila ako doon. Pero hinding-hindi talaga mapapantayan yung
expression ng mukha ni Terrence.

Pinupunasan ko yung luha ko nun. Hindi ko alam kung anong ginagagawa ko at tumatayo
ako sa harapan niya. Wala na siguro ako sa sarili ko dahil bigla na lang lumabas sa
bibig ko na...

"H-hindi k-ko n-naman hiniling na m-mahalin mo ko 'di ba?" nagtuluy-tuloy na yung


luha ko,"Bestfriend lang naman ako ni Tjay, sino ba ako para gustuhin ka?"

Hindi siya nagsalita. Nakatayo lang siya doon at tinitignan ako. Pinunasan ko na ng
tuluyan yung mga pisngi ko. Hindi ako iiyak.

"Teka nga, bakit ba ako nagbo-bother na sabihin sa iyo? Wala ka namang pakialam sa
mga tao. Doon ka naman magaling 'di ba?"

Pagkatapos kong sinabi yun eh tumakbo na ako. Hindi na ako tumingin sa kanya.
Parang pakiramdam ko ang bigat-bigatng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong
nangyayari, pero nasasaktan ako.

Saglit lang din eh nasa tabi ko na si Ran. Bilang pinsan ko, pilit niya akong
inaalalayan pero lagi ko lang siyang tinutulak. Ayaw kong umiyak, pero tuwing
yayakapin ako ni Ran hindi ko mapigilan.

Kahit si Ran tinakbuhan ko nung araw na iyon. Hindi ako kumain, at hindi rin ako
pumasok sa mga klase ko nung hapon. Bumalik lang ako nung third period na ng
afternoon classes. Kagaya nga ng inaasahan, sinubukan kong gawing normal pa rin ang
lahat. Tumayo lang ako sa classroom nun na parang walang nangyari. Ang hirap pala
magpanggap, parang pakiramdam mo hindi ka na makahinga.

Nag-aalala si Tjay. Ganun din si Ran.

Sinubukan kong idaan sa ngiti ang lahat. Gusto kong ipakita sa kanila na masaya
ako. Na-hindi ako apektado sa nangyari.

"Uhh.. Tjay hindi na siguro ako pupunta sa Prom. Kasi hindi naman ako mahilig
sumayaw eh." sabi ko sa kanya ng hindi man lang tumitingin.

Bigla na lang akong niyakap ni Tjay. Wala siyang sinabi sa akin na kahit ano, pero
sinandal ko na lang yung ulo ko sa kanya.

Wala na akong magawa. Nung niyakap ako ni Tjay, umiyak na lang ako ng umiyak.

***

Hours, days, and weeks already passed. Pero wala pa ring nagbabago simula nung araw
na iyon. Bumalik ako sa usual spirited self ko sa harap ng ibang tao, pero deep
inside umiiyak ako.

Mahal ko si Terrence, hindi ko na ipagkakaila yun. Pero hindi ko lang matanggap na


alam kong alam niyang may gusto ako sa kanya, pero nakaya pa rin niyang sabihin
yun. Doon ko napatunayan na wala siyang pakialam kung anong nararamdaman ko, at
imposible para sa aming dalawa.

So much for me para umasa.

It's February already. Bukas na yung Prom, pero lagi ko pa ring sinasabi kay Tjay
at Ran na hindi ako pupunta. Parang nawala na yung focus ko doon sa idea. Kung
saan man alam ko na nandun si Terrence, ayaw kong nandun ako. Tuwing nakikita ko
siya sa hallway, umiiwas ako. Kapag nakikita ko siyang nasa loob ng cafeteria,
hindi ako pumapasok.

Gusto ko siyang kalimutan. Ayaw ko nang magpatuloy ng ganito. Kung bestfriend lang
ni Tjay ang tingin niya sa akin, it's fair enough to see him as my bestfriend's
brother. Nothing else.

Isa lang talaga ang tanging inaasahan ko ngayong February. Ika-9th month na ng
pagbubuntis ng Mama ko. This late February inaasahan namin na anytime manganganak
na siya. At least meron akong isang bagay na iniisip. Siguro excuse na rin yun, to
set my mind off Terrence.

"Hindi ka na ba talaga pupunta ng Prom?" tinanong ako ni Tjay a day before ng Prom.

Nainis na ako nun. Paulit-ulit na lang yung tanong niya. Napapagod na akong ulit-
ulitin din yung sagot ko.
"Tjay ilang beses ko nang sinabi sa iyo na hindi ako pupunta! Ilang beses ko bang
uulitin sa iyo yun? Huwag mo na akong pilitin pwede ba???"

Bigla na lang tumayo si Tjay mula sa pagkakaupo sa tabi ko. Tinignan niya ako ng
galit na galit na siya. Siguro dahil sa sinabi ko, pero punong-puno na ako. Lahat
na lang ng bagay kailangan nakaikot sa akin, nakakapagod na.

"Ang hirap kasi sa iyo mapagpanggap ka! Alam mo yun Shay? Mapagpanggap ka!" ang
lakas ng boses ni Tjay nun, "Pinipilit mong ipakita sa lahat na wala lang sa iyo
yung mga nangyari kahit na alam naman naming nasasaktan ka! Bakit mahirap bang
tumanggap ng dumadamay sa iyo? Feeling mo kinakaawaan ka?" huminto siya saglit at
binagsak niya ng malakas yung kamay niya doon sa desk, "Tell you what, nakakaawa ka
nga. Sa inaarte mo ngayon lalo lang akong naaawa sa iyo. Sino bang niloloko mo?
Ako? Kami??" tinuro niya yung sarili niya, "Hindi naman kami 'di ba? Yung sarili
mo!"

Umikot-ikot siya doon sa classroom. Yung ibang papasok na sana, bigla na lang
silang lumabas.

Ewan ko ba, pero lahat ng mga bagay na nasa dibdib ko, parang gusto ko nang ilabas.

"Sinabi ko bang kaawaan mo ko? Kailangan ko ba yung awa mo? Hindi naman 'di ba? At
huwag mong sabihin sa akin na alam mo yung nararamdaman ko dahil wala kang alam!"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. This time, mahinahon na siya. Nagulat
ako sa sudden change ng mukha niya.

"S-shay.." lumapit siya sa akin, "Huwag ka namang ganyan. Hindi ko naiintindihan


eh. Malay mo... malay mo sinabi lang ni Kuya yun dahil.. ewan ko.. may reason sya?
Hindi naman niya masasabi yun ng ganun-ganon na lang. Kilala mo naman si Kuya 'di
ba? Hindi siya ganung tao. Kaya sana huwag ka namang ganyan."

Lalo lang akong nagalit nun sa sinabi niya.

"Hindi nga ako sigurado kung kilala ko siya eh!" inalis ko yung kamay niya sa
balikat ko,"Kung kakampihan mo yung Kuya mo, magsama kayo! You and your brother
have a good life!"

Palabas na ako ng classroom nun. Ayaw ko nang balikan si Tjay. Wala na rin akong
pakialam sa mga taong nakatingin. Ayaw ko na..

"Shay..."

Napahinto ako nung tinawag niya ako. Lumingon lang ako sa kanya. Nakatayo pa rin
siya doon kung saan ko siya iniwan.

"Gusto mong ipakita sa lahat na hindi ka apektado sa mga nangyari? Sa ginagawa mo


ngayon, sa hindi mo pagpunta sa prom, pinapakita mo lang sa lahat na apektado ka.
Na hindi mo kayang harapin yung nangyari. I know you hate my brother right now. Why
let the person you hate ruin special events in your life? That's the most pathetic
story I've ever heard."

Lumakad siya nun papunta rin sa pinto. Palabas na rin siya. Pero huminto siya nung
katapat na niya ako.

"And dang sure we'll have a good life."

Nung lumabas si Tjay, nakatayo lang si Ran doon at may hawak na notebook. Dadalhin
niya sana yung homework ko na naiwan ko kanina nung kasama ko siya pero nakita
niya yung nangyari. Hindi niya alam kung sinong pupuntahan niya. Si Tjay ba ako.

Nalilito na siya siguro nun. Finally tinignan ko siya at nginitian ko na lang kahit
mahirap.

"Sige sundan mo na siya."

Alam kong nadadala lang ako ng galit, inis, at sakit na nararamdaman ko kaya nasabi
ko lahat kay Tjay yun. In the end, siya na naman ang tama at ko pa rin yung talo.
That time na-realize ko, I'm losing Terrence and now my bestfriend. Konting time na
lang makakapagsabi at yung hating attention ni Ran sa akin mawawala na lang bigla.

I've never felt so left out than what I felt that time. Parang pakiramdam ko wala
akong matakbuhan. Usually si Tjay ang kinakausap ko kapag may problema ako, pero
ngayon wala siya para damayan ako.

Umuwi ako mag-isa. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o ano. Si Mama ang sumalubong sa
akin sa pinto. Kakapasok ko pa lang, umakbay na siya sa akin si Mama. Tinignan ko
lang siya. Gusto kong lumayo sa kanya dahil buntis siya atmay problema ako, hindi
ko naman gustong paghaluin yung dalawang yun.

"Tara nga dito at ano ba yang problema mo???"

Iniupo niya ako sa couch namin. Hindi pa rin ako makapagsalita. Naamoy ko na may
nilulutong pagkain doon sa kusina. Itatanong ko na sana at baka masunog yung
ginagawa niya, kaya lang nasagot na yung tanong ko nung may lumabas na.

"Sinong may problema???"

Nanlaki siguro yung mata ko. Nakatayo doon at may may suot na apron eh si...

"Tita Marie?!? Kailan ka pa dumating?"

***

The night of the Prom already arrived. Inexplain ni Ran sa akin na hindi galit si
Tjay. Hindi lang daw niya ako kinausap nung past night dahil gusto niyang magisip-
isip din ako sa sarili ko. Siguro nga naguguluhan lang din ako. Pero tignan mo nga
naman, I bought a really really simple dress at the very last minute, at papunta na
ako sa prom. Sabi ni Ran, he doesn't mind having two dates. Pero sabi ko hindi na
ako sisingit sa kanila. Gusto ko lang pumunta.

Well, hindi naman ako makakapunta kung wala akong dress. Thanks to Tita Marie.

Syempre naglakad na lang kami ni Ran nun papuntang bahay nila Tjay. Dahil
magkasabay kami na umalis, akala nila Mama at ni Tita na kami yung magka-date.
Sinabi ni Ran na may ipapakilala siya sa Mommy niya, pero hindi pa alam ni Tita
Marie na babae pala.

Nakarating naman kami kaagad sa bahay nila Tjay dahil malapit lang naman. Usapan
lang namin pupunta ako, pero hindi ako pumasok sa loob. I wonder kung nasa loob pa
si Terrence. Pero ano bang pakialam ko, dapat hindi ko sirain yung gabi for
thinking of such a thing?

Lumabas si Tjay wearing a really gorgeous lime green gown. Compared to how I look,
walang-wala ako. Pero that time it's not a matter of look, kasi makita ko lang yung
bestfriend ko na sinasalubong ng pinsan ko eh isa sa pinakamagandang scene na
nakita ko buong buhay ko.
Nakita naman niya ako kaagad. Lumapit na siya sa akin at nangtinginan lang kaming
dalawa. Next thing na nalaman na lang namin, nagyakapan na kaming mag-bestfriend at
panay ang sorry namin isa isa't isa. Iiyak na sana kami parehas kaya lang sinabi ko
huwag naman niyang sirain yung make-up niya.

Umalis kaming tatlo doon ng wala si Terrence. I didn't ask about him. Hindi rin
naman minention ni Tjay yung Kuya niya. I guess she's trying her best not to ruin
the night for me. And I value that. A WHOLE LOT.

Syempre si Ran being a gentleman, sinabayan kaming dalawang babae. Hindi naman pala
masama ito as I thought it would be. Date or no date siguro maeenjoy ko naman.

I've never been to any dances at all. Well except siguro yung sa mga debut or
wedding receptions and such... but that doesn't count. Ito talaga yung first ever
dance na pinuntahan ko. Nung makita ko na maraming tao na nakagown, nakamake-up,
tuxedo's, polo's... it was overwhelming. Parang may malaking event sa school namin.
Like the President came and we're all there for a welcome party.

Syempre nagsimula rin naman yung dance and such. With the usual prayer sa simula,
speeches and cotillion, it's great really. Sinubukan nila Tjay at Ran na hindi ako
maleft out, since ako eh walang date, pero okay lang naman dahil marami rin akong
classmates na guys and gals na walang dates. So ayun sama-sama kaming lahat.

You don't need a date after all!! May mga guys din na nagsayaw sa akin. Mga
classmates ko. Si Ran at si Tjay ilang beses nang sumayaw.

Isa sa mga guys nun na walang dates eh si Arwyn. major shocker, but yeah.

"Arwyn, san date mo?" tinanong ko siya casually pero alam kong wala kasi wala naman
siyang kasama na dumating.

"Wala akong date no." sabi niya pero pangiti-ngiti lang.

"Teka bakit wala? Imposible naman yun. Ikaw pa mawawalan?"

Ang cute din ni Arwyn nun. Nung napalapit nga ako sa kanya, ang bango-bango niya.

"May nagyaya sa akin na girls, pero hindi na ako umoo." tapos tumingin siya sa
akin, "Hindi ko naman maeenjoy kung hindi ko naman kilala mga dates ko 'di ba?"

That's the deal with Arwyn. Siguro nga conceited guy siya madalas. He's cute and
popular. Yun din yung reason siguro na yung girls na nagyayaya sa kanya kadalasan
hindi niya kilala. At yung girls na gusto niyang makasama, yun naman yung hindi
nagmomove sa kanya kasi kilala nga siya bilang siya.

As friends, it's really nice talking to Arwyn. Parang siya na nga yung lumalabas na
date ko nun. But anyway, it's better than nothing.

"Gutom ka ba? Kukuha kita ng pagkain." sabi niya sa akin at tumayo siya sa upuan na
katabi ko.

"Sure. Kuha mo ko ng coke, a hotdog sandwich, cake, saka yung lasagna nila." paalis
na sana siya nun kaya lang nagpahabol pa ako, "Oh and an ice cream."

Tinignan niya ako ng nakakaloko as if sinasabi niyang ang takaw ko naman.


Nginisian ko lang siya.

"Thank you Arwyn!"


Umalis na si Arwyn nun at kumuha na yata ng pagkain. Ako naman eh naupo pa rin
doon. Disco na yung tugtog. Hindi katulad kanina na slow, medyo kumonti yung tao sa
dance floor pero marami-rami pa rin.

Bumalik na si Ran at si Tjay doon sa side namin at pawis na pawis na sila parehas.
Natutuwa nga ako sa kanila eh. Paano ba naman enjoy na enjoy sila parehas.

Nung nakatingin si Ran sa kabilang side dahil may kausap siya na ibang 4th years,
may binulong naman si Tjay sa akin.

"Shay..." sabi niya tapos nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko para marinig ko
siya,"Sasagutin ko na si Ran."

Napalayo ako ng de-oras. As in na shock ako.

"Oh my God. Hindi nga???"

Hindi ko aakalain yun. Sasagutin ni Tjay si Ran sa prom night. Ain't Ran the
luckiest guy???

"Pinag-isipan ko naman na eh. Mabait naman siya sa akin eh. I don't see the reason
why I won't."

"Go for it sistah!" tapos tinapik ko siya sa braso niya.

Napansin naman ako ni Ran kaya tinaas niya yung kilay niya. Si Tjay tumingin na
rin sa akin. Thinking this is a really private moment for them, naisip ko na umalis
na muna at sundan ko na lang si Arwyn sa pagkuha nung pagkain.

Nagpaalam ako a kanila parehas. Lumingon si Tjay at nagthumbs up na lang ako sa


kanya. Ako naman, naglakad na ako papunta doon sa direction nung pagkain.
Nakatingin pa ako sa paa ko nun dahil masakit na sa heels.

Kakalakad ko nun, no matter how many times na iwasan mo yung isang tao, you can't
help bumping into them. Parang kapag lalo mong iniiwasan, lalo kayong magkikita.

And that time I bumped into Terrence. With some girl.

It was really awkward kasi pare-parehas kaming huminto. Nakahawak yung babae sa
kanya na hindi ko kilala kung sino. Tumingin lang siya sa akin, at ako naman eh
nakatayo lang na parang ewan.

The first person who broke the ice was the girl.

"Shay right?" sabi niya na nakatodo ngiti pa sa akin, "I remember you sa Christmas
Party eh. 'Di ba ikaw yung nakipagsigawan na may gusto kay Terrence?"

I don't think kailangan pa niya akong i-remind nun.

Hindi ako nag-react. Pero yung babae, dire-diretso lang siya.

"Well akala ko yayayain mo si Terrence sa Prom knowing that. But oh well, I see
hindi naman pala." tinignan niya ako uli, then si Terrence, "Or maybe niyaya mo
siya but you got turned down?"

This time, nagalit yata si Terrence.

"Will you shut up Lianne?" na-shock yung babae sa kanya, "It's none of your
business. Pwede ba pumunta ka na lang muna doon sa table natin. Susundan na lang
kita. I need to talk to her." then saglit nag-glance siya sa akin.

Umalis naman yung babae sa gilid ni Terrence. Ako naman hindi ako makagalaw.
Kakausapin niya ako? Tungkol saan? Tungkol doon sa nangyari? He felt bad? WHAT???

A minute or two na nakaalis na yung babae, wala pa ring nagsasalita sa amin.


Nagtitinginan lang kami na parang walang nangyayari.

Then finally I couldn't take it anymore, I smiled at him.

"Nice tux. Bagay pala sa iyo eh." sabay tap ko sa balikat niya, "Naeenjoy mo ba?
Ang saya pala no?" tumingin-tingin kako sa gilid ko, "Anyway, kailangan ko munang
sundan si Arwyn. Nanguha kasi siyang pagkain. Marami yun so baka hindi niya mabuhat
lahat. Sige ha."

Dadaanan na sana ako sa gilid niya. Kaya lang 'di ko inaasahan na hahawakan niya
ako sa braso ko. Napahinto tuloy ako.

"I'm sorry."

Alam ko galit ako sa kanya. I kept telling myself galit ako sa kanya. But at that
moment, ewan ko kung bakit, but my heart totally melt when I heard those two words
came from him.

"The fact that I don't like you, that I don't have a crush on you at all was a
total bull. Pero yung sinabi ko na imposible kitang mahalin... it's true." sabi
niya sa akin ng mahinahon.

Saka lang ako humarap sa kanya. For the first time that night, tinignan ko si
Terrence ng may halong inis at pagtataka.

"Terrence nalilito na ko." yun na lang ang nasabi ko sa kanya.

"Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo, but I can't. It's just that---" natigilan
siya saglit nun,"Shay I'm..."

Hindi natuloy yung sinasabi niya. Nag-ring na lang bigla yung phone ko. Among all
the time na pwedeng mag-ring ng phone ko, bakit nung mga oras pa na yun.

Tinignan niya lang ako, but he finally calmed down. I did too. Tapos sinagot ko
yung phone ko. Si Terrence nakatayo lang doon sa harapan ko at pinapanood ako
habang may kinakauap ako sa phone.

"Shay..." narinig ko yung boses ni Tita Marie sa line, "Pumunta ka na kaagad dito.
Your Mom's having pains."

"Ano po???" ninerbiyos akong bigla nun, "Nasa hospital na po kayo? Uhmm.. uhh..
sige po pupunta na ako diyan."

Binaba ko na yung phone ko nun. Tinignan ko si Terrence na parang puzzled yung


mukha. He looks kinda' pale, pero dahil siguro yun sa kaba niya rin nung kausap
niya ako.

"Ano daw nangyari?"

"Si Mama. She's having pains daw." tinapik ko uli siya sa braso niya, "Anyway,
kailangan ko na umalis. I'm so sorry Terrence. Next time na lang tayo mag-usap. My
Mom needs me. Pakisabi na lang kay ran na sumunod siya kaagad. Bye!"
Iniwan ko na siyang nakatayo doon. Tumakbo ako ng tumakbo. Medyo mahirap nga
considering naka-heels ako, pero wala na akong pakialam ngayon. Ngayon manganganak
yung Mama ko?

Kabadong-kabado ako. Hanggang sa nakasakay ako nun ang bilis ng tibok ng puso ko.
Between Terrence being so serious, and my mom probably giving birth... well I'm
totally helpless.

Mag-isa lang ako na dumating sa hospital. Nagtitinginan nga yung mga tao sa akin
eh. Siguro iniisip nila I'm one of those teenagers na naka-high. I'm wearing a
dress, kalat na siguro yung make up ko, I'm sweating, and nabali na yung heels ko.

Nagpunta ako doon sa front desk para tanungin yung Mom ko. Then yun nga, binigyan
nila ako ng room number. I was thinking...

Oh well. I rushed there. Nasa third floor kasi yun. Hindi na ako makahinga. But
who cares? I couldn't think straight anyway.

Si Tita Marie kaagad yung nakita ko. Nasa labas siya ng room. Then nung sumilip
ako, nakita ko na si Papa eh nandun na sa tabi ni Mama.

Napaupo na lang ako sa sobrang hingal ko. Hindi na talaga ako makahinga sa tinakbo
ko.

"Ano pong nangyari??"

Hindi kaagad inexplain ni Tita Marie sa akin. Sabi niya magpahinga lang daw muna
ako saglit. Nung kalmado na ako, saka lang niya sinabi sa akin na false alarm lang
daw pala. Hindi pa manganganak si Mama.

Pero nung nakita ko si Mama na nakahiga sa hospital bed, I thought she's sick
somehow or may nangyari doon sa baby. Wala naman pala. Sinabi daw ng doctor na
since anytime naman daw pwede nang manganak si Mama, dapat daw mag-stay na siya sa
hospital. At yun na nga siguro yung gagawin nila.

Sinabihan ako ni Papa na kumuha ng damit ni Mama sa bahay dahil nga doon na siya
mag-stay. Siya na daw ang bahalang magbantay muna at bumalik na ang ako kaagad. Si
Tita Marie naman dahil gabi naman na daw, ayaw niya akon umuwi mag-isa dahil
delikado.

Sinamahan naman niya ako na bumaba ng hospital at pauwi na kami. Kaya lang nung
nandun na kami sa baba, nakita namin na may flashing lights na naman. Since
hospital yun, normal lang na may ambulansiya ng madalas.

But I was stoned as ice nung makita ko na naglalakad si Ran at inaalalayan si Tjay.
Nag-smudge na yung make-up niya sa mukha niya. Her hair's messed up.

Nagulat si Ran nung nakita niya ako at yung Mommy niya. Pero ganun pa man, hindi pa
rin niya binitawan si Tjay.

Yung kaba ko kanina, three times as much na kung ikukumpara ko dito. I've never
seen Tjay cry like that.

"Anong.. anong nangyari?"

Unang pumasok sa isip ko, they rushed here dahil sinabi ni Terrence yung tungkol
kay Mama. But then I thought, walang reason para umiyak si Tjay ng ganun.

Walang makasagot sa akin. Then suddenly nakita ko na lang na bumabana yung mga tao
na nasa ambulance, and I saw Terrence lying there.

Nakapikit na yung mga mata niya. May kung anu-anong mga bagay na naka-connect sa
body niya. Tumatakbo na yung mga tao, at pinasok siya sa loob.

Iyak pa rin ng iyak si Tjay. Hindi ako makapagsalita. It felt like I was in a big
shock, na parang hindi ako maka-recover.

I've seen Terrence in a hospital before. But that time, I knew it's different.
Hindi na simple yung nangyari.

Niyakap ko ng mahigpit si Tjay. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

"S-sshay..." sabi niya at iyak pa rin siya ng iyak, "S-si K-kuya S-shay. Si K-
kuya..." yun lang ang nasabi niya at iyak pa rin siya ng iyak.

Lalo kong hinigpitan yung pagkakayakap ko sa kanya. Although I wasn't sure what's
happening, I actually had the feeling.

I started to cry.

***39***
Nakiiyak ako nun kasama ni Tjay. Kahit hindi ko alam kung anong nangyayari, naiyak
na lang ako ng naiyak. Nung makita ko pa lang si Tjay na ganun yung itsura, at yung
view ni Terrence na dinadala sa loob... parang hindi ko na nakayanan.

Hindi siguro alam ni Ran kung anong gagawin niya. Paano ba naman dalawang babae
yung umiiyak sa harapan niya. Narinig ko pa na pinapakilala niya si Tjay kay Tita
Marie, pero after that parang nawala na ako sa sarili ko.

"Ano bang nangyayari?!? T-tjay...a-ano ba?" hindi na ko masyadong makahinga nun,


"S-sabihin mo n-naman oh. Please naman gusto kong malaman!"
Pero hindi sinabi sa akin ni Tjay kung anong nangyari. Umiiling-iling lang siya sa
akin habang umiiyak. Tinignan ko si Ran, hoping may alam siya, pero umiling lang
din siya sa akin.

Wala na nga siguro ako sa sarili ko, kaya bigla-bigla na lang akong tumakbo sa loob
ng hospital at hinabol ko yung mga nurse at kung sinu-sinong mga tao na nasa
paligid ni Terrence. Narinig ko pa si Ran na sumisigaw-sigaw at tinatawag ako, pero
wala ako ng pakialam. Hindi ako lumingon nun at hindi ako huminto.

Naabutan ko naman sila. Ang bibilis nilang maglakad. Ibang-iba na yung itsura ni
Terrence ngayon. Kung nung nakaraan na dinala siya sa hospital gising siya, ngayon
naman unconscious na siya.

Humawak ako doon sa hinihigaan niya. Binilisan ko rin yung paglakad ko.

"Terrence! Ano ka ba?!? Gumising ka na nga! Huwag ka namang ganyan!" hinawakan ko


siya doon sa kamay niya at inalog-alog ko siya, "May sasabihin ka pa 'di ba??
Magpagaling ka ha?!? Hihintayin kita okay? Terrence maiinis ako sa iyo kapag
nanatilli kang tulog. Basta gumising ka kaagad. Huh??? Promise mo yan. Terrence
basta nandito lang ako..."

Napahinto na lang ako bigla dahil may yumakap sa akin. Pilit pa rin akong humahabol
kay Terrence, pero pinasok na siya doon sa Emergency Room. Si Ran nun pilit kong
inaalis yung pagkakayakap niya sa akin, kaya lang ang higpit-higpit kaya hindi ako
makaalis.

Lalo lang akong naiyak nun. Sinuntok ko siya sa balikat niya.

"R-ran..." nanginginig na yung boses ko nun, "R-ran si T-terence.. s-si T-


terence.."

"Magiging okay lang siya. Shay calm down.. he'll be fine." hinihimas-himas niya ako
sa likod ko nun.

Hindi ko mapigilan yung sarili ko. Kapag naiisip ko yung itsura ni Terrence nun,
naiiyak ako ng naiiyak. Si Tjay huminto na sa pag-iyak, pero nakaupo lang siya doon
sa isang tabi at nakatulala. Sinubukan naman siyang kausapin ni Ran, pero ayaw na
niyang magsalita.

Dumating din naman si Tita Jayne at si Tito Kevin. Kagaya ni Tjay, umiiyak na rin
si Tita Jayne. Naupo lang sila parehas doon sa may upuan malapit sa amin. Ako naman
parang nanghihina na ako. Gustung-gusto ko malaman kung anong nangyayari, pero wala
akong lakas na loob na magtanong pa.

After an hour or two, may lumabas na doctor. Nilapitan sina Tita Jayne. Dahil hindi
naman ako member ng family, hindi na ako sumama. May privacy pa rin naman sila.

Umiyak lalo si Tita Jayne. Seeing her expression, naiyak na naman ako. Kahit hindi
ko alam kung anong meron sa asthma attack ni Terrence, I know it's something
serious.

Pagod na pagod na ako nun. Inaantok na rin ako, at considering na umiyak pa ako eh
pumipikit na yung mata ko. Isinandal ko lang yung ulo ko sa ballikat ni Ran, saglit
lang eh nakatulog na ako.

Nung magising ako, 1 a.m. na yata ng umaga. Tinatapik-tapik ako ni Ran sa pisngi ko
nun. Nagising naman ako kaagad, kaya lumingon-lingon ako sa paligid ko. Wala na
sina Tjay pati parents nila.
"San na sila Tjay?" nataranta naman ako na tumayo nun pero hinila ako ni Ran kaya
napaupo ako uli.

Ewan ko kung bakit ganun na lang ako mag-panic.

"Si Tjay iniuwi na ng Papa nila. Yung Mama nila naiwan. Magbabantay siya kay
Terrence."

Lalo akong tumayo nun.

"S-si Terrence? Nasaan na siya??" nagsisimula na naman akong umiyak nun, "Okay na
ba siya? Ano nang nangyari sa kanya???"

Panay ang punas ko ng luha ko sa pingi ko. Si Ran halata mong naaawa na sa akin sa
kakaiyak ko, kaya hinawakan niya ako uli para tumigil ako sa pagpapanic ko.

"Shay, nilipat na siya sa isang room." tumingin ako sa likuran ko pero hinawakan
ako ni Ran sa ulo ko at iniharap yung mukha ko sa kanya, "Pagod ka na eh. Uuwi na
tayo."

Yumuko na lang ako nun. Hindi talaga ako mapakali. Kahit anong gawin ko, parang ang
bigat-bigat ng pakiramdam ko.

Tinignan ko si Ran. Pinilit kong huwag umiyak nun.

"Hindi! Hindi pa ako pagod! Gusto ko siyang makita.." humarap ako kay Ran nun,
"Ran, gusto ko lang siyang makita."

Tumango naman si Ran. Nginitian naman niya ako.

"Sige. Pero pagkatapos nun uuwi na tayo."

Dinala ako ni Ran doon sa kabilang dulo. Nandun kasi yung private room ni Terrence
kung saan siya inilipat. Si Ran ang unang lumapit doon sa pinto.

"Ito na yun." sabay turo niya doon sa pintuan na puti na nakasarado sa harapan
niya.

Dahan-dahan akong lumakad nun. Hahawak na sana ako doon sa door knob, kaya lang may
maliit na window doon sa pintuan. Doon ko na lang sinilip yung loob.

Nakahiga si Terrence at may oxygen sa tabi niya. May dextrose din siya. May kung
ano pa na nakakabit sa kanya na hindi ko na alam kung anong tawag. Nakapikit na
yung mata niya na para lang siyang natutulog. Sa gilid ng bed niya eh nakaupo si
Tita Jayne, at hawak-hawak yung kamay niya.

Pagkatapos kong makita yun, tinignan ko uli si Ran na naghihintay sa akin sa gilid.

"Uwi na tayo."

Lumapit lang si Ran sa akin. Inalalayan naman niya ako. Pagkatapos nun eh umuwi na
kaming dalawa.

***

Wala na kaming pasok kinabukasan dahil katatapos lang ng Prom at tiyak eh puyat pa
ang lahat. Ako naman eh past 9 na yata ako nagising. Sinubukan kong matulog uli
pero hindi na talaga ako makatulog.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto eh narinig ko na nag-aaway yata si Ran saka
si Tita Marie. Nakasarado yung pintuan ng kwarto ni Ran, pero dahil mukhang issue
nilang magnanay yun, ayaw ko namang makinig. Binilisan ko naman yung lakad ko, kaya
lang nung nasa tapat na ako ng pintuan niya, bigla na lang bumukas at lumabas si
Ran. Nakatingin siya sa likod niya.

"MOM, AYOKO NGA!!!"

Sinara niya ng malakas yung pintuan. Magkasalubong yung kilay ni Ran, pero nawala
naman nung nagulat siya at nakita niya akong nakatayo doon.

"Oh Shay... uhmm.. nagising ka ba namin?"

"Hindi naman." tinuro ko yung pintuan, "Nag-aaway ba kayo ni Tita Marie?"

Nginitian lang niya ako.

"Hindi ka pa ba nasanay sa amin na lagi kaming nag-aaway?" pababa na kami sa hagdan


nun, "Medyo puffy pa yung mata mo eh. Gusto mo ng ice?"

"Ayoko." umiling-iling naman ako sa kanya. "Pupunta pala ako sa hospital. Dadalawin
ko si Mama saka si Terrence."

Mabilis ako na tinignan ni Ran nun. Seryoso na rin siya.

"Gusto mo samahan kita??"

"Hindi na. Kaya ko na mag-isa."

Ang bait-bait talaga ni Ran sa akin. Siya pa yung nagluto ng breakfast ko. Si Papa
daw pumasok sa trabaho kaya kanina pa wala. Si Tita Marie naman eh pupunta daw sa
hospital after lunch, at siya daw ang magbabantay kay Mama.

Nung naka-ready na ako at lahat-lahat, umalis na ako ng bahay nun. Dumaan pa ako
doon sa grocery para bumili ng prutas saka get well na card. Kay Mama wala na akong
binili, dahil maayos namaan yung lagay niya. Naghahalu-halo na nga yung
nararamdaman ko. Excited para kay Mama dahil ano mang oras pwede siyang manganak,
pero natatakot para kay Terrence.

Nung nabili ko na yung dalawang basket ng prutas, dumaan muna ako kay Mama dahil
iyon ang malapit. Gising naman siya at nakikipag-chikahan siya doon sa mga kasama
niya sa room. Yung mga kasama niya eh mga nanganak na. So sa kanila doon, si Mama
lang ang hindi pa. Pinakilala pa nga niya ako, kaya ayun napatagal pa ako ng
kaunti. Nagpaalam din naman ako kaagad at sinabi ko nga na dadalawin ko si
Terrence.

Katulad kaninang madaling araw, ni-hindi ko mabuksan yung door knob sa kwarto ni
Terrence. Nakatayo lang ako doon sa labas at nag-iisip kung papasok ba ako. Saglit
lang, may dumating na nurse at may tray siya na dalang pagkain para daw kay
Terrence. Ako naman nag-iisip siguro ng reason pa, kinuha ko na yung tray at sinabi
ko na ako na ang magdadala sa loob.

Finally nabuksan ko naman. Nahirapan nga ako dahil may basket pa ako na dala.
Narinig ko na may sound na nanggagaling sa tv. Pagtingin ko sa loob, nakaupo na si
Terrence at nakasandal siya doon sa headboard ng cot niya. Halata mong nagulat din
siya nung nakita niya ako.

"Hey kumusta ka na?" yun na lang ang naisip ko na sabihin kaagad dahil sa kaba ko,
"Para sa 'yo pala." sabay taas ko naman nung basket ng prutas na dala ko.

"Lagay mo na lang diyan." ibinalik niya yung tingin niya doon sa tv at wala man
lang karea-reaksiyon yung mukha niya.

Hindi ko alam kung alam niya, pero tinitignan-tignan ko siya nun habang inaayos ko
yung mga prutas sa gilid. Kung titignan ko naman siya, walang masyadong nagbago sa
itsura niya. Parang siya pa rin yung Terrence dati, except nasa hospital bed siya.

Kumukuha ako ng mainit na tubig nun para doon sa noodles na dinala nung nurse.
Panay ang press ko doon sa thermos. Kaya lang nagulat ako nung lumingon siya, kaya
natabig ko yung bowl at napaso ako sa kamay ko.

"Ouch!!!"

Napatalon si Terrence doon sa bed niya. Kaya ako naman natakot ako, dahil may mga
naka-connect sa kanya.

"Huwag kang tatayo!" tinuro ko siya kaagad, "Diyan ka lang!"

Nagtaka siya siguro sa akin. Pero ayaw ko namang lumala pa yung sakit niya kung
bigla-bigla na lang may nahila doon na kung ano.

Hinugasan ko ng malamig na tubig yung kamay ko doon sa banyo nung room niya. Medyo
namumula pa siya, pero nawala naman na yung sakit. Nung lumabas ako, lumingon siya
sa akin na parang concern na concern sa nangyari.

"Ok ka lang?"

Tumango naman ako. Kinuha ko na yung tray sa gilid at umupo ako doon sa upuan sa
tabi ng bed niya.

"Si Tita Jayne?" tinanong ko naman siya kaagad.

"Pinauwi ko. Sabi ko matulog siya ng maayos hindi yung nakaupo siya dito."

Kahit na nasa hospital si Terrence, parang ang sungit pa rin ng dating niya. Oddly,
that made me smile. At least he's still the same old Terrence.

"Eto pala, galing dun sa nurse kanina. Nagkataon kasi nakatayo ako doon sa labas
kanina, kaya ayun.. sabi ko ako na magdadala."

Tinignan niya ako na nakakunot yung noo niya. Ako naman nakaupo doon, at nilapag ko
yung tray sa harap niya. Kaya lang ang ginawa niya, tinabi niya kaagad doon sa
gilid.

"Ayaw kong kumain wala akong gana." sabi niya sa akin tapos hinawakan niya yung ulo
niya, "Shay ano ba?!? Huwag ka ngang magpanggap na parang okay lang yung lahat!"

Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Wala naman akong sinabi kaya nagdire-
diretso lang siya. Siguro nga naiinis na siya. Tama siya, pinipilit kong magpanggap
na okay lang ang lahat.

"Let me get this straight para tapos na.." humarap siya sa sa akin kahit na nasa
kama siya.

Huminga siya ng malalim nun. Seryosong-seryoso na siya at nakatingin siya sa mata


ko. At that same moment, nakaramdam ako ng kaba.
"Shay... I'm sick."

Yun lang yung sinabi niya, pakiramdam ko na-punch ako sa stomach ko. Kinuha ko
naman lalo yung tray, at hinawakan ko yung bowl ng noodles.

"Kaya nga dapat kumain ka 'di ba?" hinalo-halo ko yung noodles dahil naiiyak na ako
nun,nagsimula nang tumulo yun luha ko, "Para gumaling ka kaagad. Hindi ba kapag
kumain ka lalakas ka, babalik ka na sa dati at lalabas ka na dito.""G-gusto mo
tutulungan pa kita. Magpalakas ka lang. Kainin mo na ito oh.."

Kinuha niya sa akin yung bowl at nilagay na naman niya sa gilid. Hinawakan niya ako
sa magkabilang balikat ko kaya ako naman eh yumuko na ako at umiyak ako ng umiyak.
Siya naman, inangat niya yung ulo ko. Pero hindi ako makatingin sa kanya. Tuwing
ginagawa ko yun, lalo lang akong naiiyak.

"I have it since I was born." hinawakan niya ako sa pisngi ko at pinunasan niya
yung luha ko, "Wala akong asthma. That's a lie. Yun yung sinasabi namin sa lahat
eversince I was a kid. Hiniling ko kina-Mama, Papa, at Tjay na huwag sasabihin na
may sakit ako. Kahit kanino. Pati sa mga relatives ko pinakiusap ko na huwag nilang
sasabihin."

Hindi ko na mapigilan. Iyak pa rin ako ng iyak.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!?"

Sumandal siya doon sa headboard. Tinignan niya lang ako, from calmed expression, to
troubled.

"Hindi ko sinabi sa lahat dahil ayaw kong i-treat ako na iba sa lahat dahil sa
sakit ko. Hindi ko sinabi dahil ayaw kong kaawaan ako. At hindi ko sinabi sa iyo
dahil hindi deserving na masaktan ng mga taong tulad mo!"

Hindi ako makasagot nun. For a minute or two, nakatingin lang ako sa kanya at wala
akong masabi. I can't believe it.

"K-kung wala kang asthma, a-anong sakit mo?"

Iniwas niya yung tingin niya sa akin. Halata kong nalulungkot din siya.

"VSD." sabi niya then tinignan niya ako uli. "I have holes right..." kinuha niya
yung kamay ko at tinapat niya sa puso niya, "Here."

Lalo akong naiyak nun. Hindi ko maisip, sa dinami-dami ng tao.. bakit siya pa?

"Nung pinanganak ako, sabi ng doctors usually sumasara daw yun ng kusa in a period
of time. Mine didn't. Walang pera yung parets ko that time for a surgery, so we
didn't do it. It'll cost alot of money para isara yung holes sa separator ng right
and left ventricles ko. By the time na may pera na kami for the surgery, lumaki na
ng lumaki yung butas sa puso ko, making it harder to close. Maybe impossible to
close." tumingin siya ng diretso nun, "Dahil malaki na yung butas sa puso ko,
nagpapump yung dugo sa lungs ko. That's why hindi ako makahinga. I turn blue more
likely. And it's fatal."

Huminto siya nun. Nagsimula na siyang yumuko. Seeing him like that, broke my heart.

"Yan din ba yung reason kung bakit ayaw mong mag-college?"

Tinignan niya ko. Nginitian lang niya ako. Nagulat ako kung bakit siya ngumiti.
"Come on, let's face it. I could die tomorrow and you think going to college
matters?"

"Huwag ka ngang ganyan! Nakakainis ka naman eh! Bakit ba gustung-gusto mo kong


saktan? Natutuwa ka ba ng ganun? Kapag sinaktan mo ba ko gagaling ka? Gawin mo na!
Gumaling ka lang kahit ilang beses mo kong saktan!"

"Ginawa ko lang yun dahil imposibleng mahalin mo ko Shay!" hinigpitan niya yung
hawak sa dalawang balikat ko, "Maraming deserving ng pagmamahal mo! Hindi ako!"

"Pero ikaw yung mah--"

"Forget it." galit na galit na siya nun, "You're making it hard for me. Just..."
tinignan niya ako,"Forget it."

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Talagang pinipilit niya yung gusto niya.
Wala na akong pakialam sa pride ko. Totoo naman eh.. mahal ko siya.

"Terrence..." sabi ko ng mahina, "Takot ka bang mahalin kita, o takot kang mahalin
ako???"

Nagulat na lang ako nung bigla na lang niya akong hinila at niyakap niya ako ng
mahigpit. Sobrang higpit.

"OO! Nung una takot akong magmahal. Takot akong mahalin ka. Dahil noon pa lang alam
ko na hindi ako pwedeng magmahal. Masasaktan lang ako at yung babaeng mamahalin ko
oras na gawin ko. Kaya ayaw kong mapalapit kahit kanino.." may naramdaman ako na
tumulong luha sa balikat ko, "Then you came along. Kahit anong gawin ko hindi ko
magawang hindi ka mahalin."

It's the first time Terrence cried. He never did cry sa harapan ng kahit na sino.
Siguro takot siyang ipakita sa lahat na may kahinaan siya. Dahil para sa kanya,
dapat yung malakas na Terrence yung nakikita nila.

"You're the one who filled my heart." nung sinabi niya yun lalo akong naiyak,
"Hindi mo ako kailangang mahalin dahil ayaw kitang masaktan. Hayaan mong ako na
lang yung magmahal sa iyo." then inalis na niya yung pagkakayakap niya sa akin,
"Even if I die today, tomorrow, or the whenever..."
"I'll always love you. Tandaan mo yan." I couldn't help it, umiyak na lang ako sa
balikat niya.

***40***
Hindi ko na maipagkakaila pang nalungkot ako nung umamin sa akin si Terrence. Wala
akong magawa kung hindi sumandal sa balikat niya at nag-iiiyak na lang ako. Siya
naman eh hinawakan na lang ako. Dati-rati alam ko kung anong gagawin ko kung may
mga problemang dumarating sa akin. Pero ngayon wala akong maisip na gawin, at wala
ring makakatulong sa akin.

I felt totally helpless.

That same moment, I realized I'm not half as strong as Terrence. Kung siya kinaya
niyang harapin yung bagay na iyon buong buhay niya, ako hindi ko man lang magawa.

Then I thought, if the two of us are in a race against time, I'd rather spend the
remaining time with him. Make the most of it. After all, nag-iisa lang si Terrence.
At alam ko na wala na akong makikilala pang katulad niya.

Lagi na rin akong pumupunta sa simbahan before school, lunch break, and after
school. I'm hoping and praying na sana may mangyari na pabor sa amin. Alam ko naman
na walang makakapagsabi kung ano ang mangyayari. But I won't lose hope.

The next two days palagi pa rin akong dumadalaw kay Terrence at kay Mama. Si Mama,
ayun mataba pa rin dahil buntis nga. Hindi pa rin siya nanganganak, that's for
sure. Mas kinakabahan pa nga yata ako sa kanya. Please.. please.. please.. let it
be a baby sister!!! Gusto ko kasi talaga ng kapatid na babae.

I'm back to my old self, sort of. Syempre sinusubukan kong huwag malungkot. Pero
deep inside me, syempre nandun pa rin iyon. The least I can do for Terrence is to
be happy myself. At least kapag alam niyang masaya ako, hindi siya masyadong
masasaktan. After all, ako naman lagi yung iniisip niya. It's time na ako naman
yung mag-isip para sa kanya.

Alam na sa school yung condition ni Terrence. Katulad ko, maraming nagulat.


Nagpadala na yung doctor ng medical statement sa school kung bakit hindi siya
pumapasok. Kaya ayun, tuwing nasa school ako at si Tjay eh pinapaulanan kami ng
tanong. Lagi lang naman naming sagot eh nagpapagaling pa siya.

Funny thing was that nung isang araw, may limang babae ang dumating sa hospital
para dalawin si Terrence. May dala silang bulaklak at basket din ng fruits. It
turned out, admirers pala ni Terrence yung mga babae. He was all weird out kasi may
dala silang isang malaking scrapbook na punong-puno ng pictures ni Terrence simula
sa pagkain ng hotdog sa cafeteria, hanggang sa naka t-shirt na si Terrence from
Prom. Tawa nga ako ng tawa nun kaya tinignan ako ni Terrence ng masama na may
halong biro. Si Tjay naman eh seryosong-seryoso doon sa mga pictures at nanghingi
pa siya ng isa.

Umalis din naman yung mga babae, kaya ayun kami na lang uli yung natira sa loob.
Nakikipag-agawan pa nga si Terrence doon sa picture na hiningi ni Tjay, pero hindi
naman siya makaalis sa bed niya dahil nga naka-dextrose siya. Terrence lost weight
na rin, and mukhang nanghihina rin siya paminsan-minsan kaya inaalalayan pa namin.

"Ano ka ba ang cute mo nga sa picture eh! Natutulog ka sa desk ng teacher mo."
tinaas naman ni Tjay yung picture, "Maipakita nga kay Mama at Papa para malaman
nila kung anong pinaggagagawa mo sa school."

Wala namang pakialam si Terrence. Kasi after sinabi ni Tjay yun, hindi na siya
nakipag-agawan. Alam naman niya na may paka-childish naman talaga yung kapatid
niya.

Lumabas din naman di Tjay dahil tinawagan siya ni Ran at may pupuntahan pa raw
sila. Inasar ko nga siya na may date na naman silang dalawa. Iniwan niya ako at si
Terrence doon sa hospital room niya. Ayaw ko naman siyang iwan mag-isa dahil wala
pa si Tita Jayne.

Hinintay lang ni Terrence na makaalis si Tjay bago pa siya nagsalita. Siguro ayaw
niya munang magsabi ng kahit ano kung nandun pa si Tjay dahil baka asarin lang
kaming dalawa. Kaya lang nung nakaupo na kami doon, may inabot sa akin si Terrence
na papel na nakatupi. Akala ko naman kung ano na, yun pala eh may log in and
password doon sa school website namin.

Nagtaka naman ako doon.

"Teka, bakit mo binibigay sa akin?" tinanong ko siya sabay taas ko nung papel na
binigay niya.

"Walang nag-manage nun ngayon 'di ba? Bakit hindi mo subukan?"

"Ako??" tinuro ko yung sarili ko, "Ano ka ba, wala akong alam sa ganyan mga web
hosting, designing saka kung ano pa man yan. Terrence maghanap ka na lang ng ibang
marunong."

Nag-lean siya papalapit sa akin.

"Pero ikaw nga lang nakakaalam na ako ang admin niyan." then sumandal siya uli,
"Saka tingin ko kaya mo naman. Mabilis ka namang matuto. Isa pa, lahat naman ng mga
bagay-bagay mababasa mo naman doon."

"Ewan ko ha.." kinamot ko yung ulo ko, "Wala talaga akong alam sa ganito eh. Pero
sige susubukan ko."

Hindi naman na ako naiilang kay Terrence. Siguro dahil nga alam kong may sakit
siya, saka ko naisipan na laging pumunta doon at maging masaya na lang. Kasi alam
ko hindi rin naman ako makakatulong sa kanya kung magpapakalungkot ako eh.

Dumating din si Rae doon. Nung una nagsasalita pa siya about sa asthma ni Terrence.
Hindi pa niya kasi alam that time na alam ko na yun totoo. Nagtaka na lang siya sa
amin ni Terrence kung bakit ganun kami makatingin sa kanya kaya natigilan siya.

"Teka nga..." tinignan niya ako, "Alam mo na no?"

Tumango naman ako sa kanya. Nagulat na lang ako nung nag-snap siya sa gilid.

"Sabi ko na nga ba eh yung mga tingin na iyan may ibig sabihin!" then lumapit siya
sa akin,"Sinabi ba sa iyo ni Terrence o na work out mo yung sinabi ko sa iyo
before?"

Napaisip ako. May sinabi ba siya sa akin before???

Napansin niya siguro na confused yung itsura ko kaya nagdire-diretso na lang siya
sa pageexplain.

"Well alam ko fed-up ka na sa idea na may asthma siya. Pero remember nung may
championship game at sinugod si Terrence sa hospital, sinabi ko sa iyo scarred na
siya dito.." tinuro niya yung puso niya, "Kaya ayaw na niyang magmahal?" bigla na
lang tumawa ng tumawa si Rae, "I was talking literally, pero baka yung inisip mo eh
baka may past si Terrence sa ibang babae... wala naman."

"Rae ano ba!" sigaw naman ni Terrence.

Sa totoo lang, naalala ko nga yung sinabi ni Rae na iyon. Pero hindi ko inisip
literally. I was thinking may bad experience siya sa girls kaya ganun. If I'd known
na ganun pala...

"Si Tjay pala?" inikot ni Rae yung paningin niya sa loob ng hospital.

"Wala. Lumabas kasama nung pinsan niya." tinignan ako ni Terrence, "May date yata."

"Ano ba yan pinsan napapagiwanan ka na! Nauunahan ka na ng kapatid mo! Buti pa siya
may experience na sa dating.. eh ikaw?"

"Shut up Rae. I've been on dates before. One of them, I had fun." sinimangutan siya
ni Terrence.

"Kanino naman?"

Hindi na sana ako magsasalita. Kaya lang nung tumingin si Terrence sa akin, so as
Rae.

Nailang tuloy ako. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako or what.

"Uhh... yeah. We've been on a date... once."

"ONCE???" biglang hinampas ni Rae si Terrence ng malakas sa braso niya, "Mahina ka


pala eh!"

"Just leave us alone Rae. Ang daldal mo masyado eh! Para kang si Tjay."

Nung nang-aasar si Rae doon, ako naman napaisip ako. Yeah, weve been on a date
once. By accident pa. Kung parehas siguro kaming may date nun, I doubt na magkasama
kami that day. Yes, he did ask me para kumain sa labas, but I totally blew it. Kung
titignan mo kaming dalawa ni Terrence, wala pa naman talagang masasabing date
between the two of us.

Salita ng salita si Rae nun. Naririnig ko na lang pero wala akong maintindihan.
Siguro occupied ako masyado nung mga iniisip ko kaya ganun. Naisip ko lang...

...maybe just maybe I can plan something for us 'di ba???

"HOY NAKIKINIG KA BA???"

Nagulat ako nun nung sinigawan ako ni Rae. Napatayo na lang ako bigla. Kailangan ko
namang umalis doon. May naisip na ako na gawin para kay Terrence. Dahil may kasama
naman na si Terrence doon, siguro okay naman na iwanan ko na siya pansamantala.

I want to see Terrence happy. So dapat gawin ko ito.

"Sorry Rae, Terrence, aalis na ako. Bye!"

Siguro nagulat sila parehas kasi pagkasabi ko nun eh tumakbo na ako ng mabilis.
Hindi na ako lumingon pabalik. Kung gusto ko ng something special, dapat paghandaan
kong mabuti 'di ba? Kaya kailangan kong gawin ito.

Pinuntahan ko naman yung pinaka-main na plano ko. Parang pinanghinaan ako ng loob
dahil sinabi sa akin na 500 pesos daw isa. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng
1,000 para sa aming dalawa. Pero bahala na. Mangungutang siguro ako kay Ran or
whatever.

Tinawagan ko naman si Tjay para alamin kung nasaan sila. Alam kong hindi maganda
yung ginagawa ko dahil baka nakakaistorbo ako sa date nila, pero desperate lang
talaga ako nun. Hindi kasi sinasagot ni Ran yung phone niya. Si Tjay parang inis na
inis yung boses.

"Malay ko dun! Umuwi na yata sa inyo! Iniwan ako! Hindi man lang ako hinatid. Ewan
ko ba dun hindi mapakali."

"Bakit ba anong nangyari?"

"Eh di ba sabi ko sa iyo nung Prom pa lang dapat sasagutin ko na siya? Eh si Kuya
nga inatake nung sakit niya, kaya hindi natuloy. Tapos lately tuwing kumukuha ako
ng bwelo para sagutin na siya, madalas naman wrong timing ako. Ngayon sabi niya
kailangan niyang bumalik dahil paalis na daw yung Mommy niya. Bwisit talaga yun!!"

"Nagkakataon lang yun. Sana sinabi mo na lang ng mabilis."

"Hoy OA ka, gusto ko naman may feelings." then narinig ko tumawa siya, "Teka bakit
mo ba hinahanap si Ran?"

"Wala lang may importante kasi akong hihingiin sa kanya. Sige pala nagmamadali ako
eh. Hahanapin ko na lang siya sa bahay."

Sumakay na ako para makauwi. Tiyak nasa bahay na nun si Ran dahil flight na nga
pala ni Tita Marie bukas. Ni-hindi man lang siya aabot sa graduation ng anak niya.
Sabagay ganun naman na siya dati pa.

Hindi naman ako nagkamali. Pagkadating ko sa bahay eh nasa baba si Tita Marie at
nagluluto para sa aamin. Tinanong ko si Ran at sinabi niya eh nasa kwarto na raw
niya.

Ako naman eh umakyat ako sa hagdan namin at pumunta ako sa kwarto ni Ran. Kumatok
ako pero walang sumagot nung una. Nakailang katok ako wala pa rin.

"Ran? Si Shay 'to. Pwedeng pumasok?"

Wala pa rin. Ako naman hindi na ako makapaghintay, binuksan ko na lang kahit hindi
ako pinapapasok. Akala ko natutulog siya kaya hindi sumasagot, pero nung makita ko
eh nakahiga si Ran sa kama niya at nakatingin lang sa kisame.

"Ran may problema ba?"

Tinignan niya lang ako saglit. Pagkatapos eh tumingin na siya uli sa kisame.

"Wala."

Naupo ako doon sa edge ng kama niya. Kahit kailan talaga hindi magaling
magsinungaling si Ran. Malalaman at malalaman mo talaga kung may problema siya.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari..." sabi ko ng mahina, "Pero nakakainis ka na


ah!"tinulak ko yung isang paa niya, "Hindi ko dapat sabihin sa iyo pero dapat
sasagutin ka na ni Tjay pero lagi ka na lang may excuse!! Gusto mo bang sagutin ka
niya? Ayusin mo nga!"

"Alam ko."
Ang ikli ng mga sagot niya. Hindi ganun si Ran.

"Ok ka lang?" nagtataka na talaga ako sa kanya.

Nagulat na lang ako nung tumayo ng mabilis si Ran. Kinuha niya yung basketball
model niya na nasa headboard ng kama niya. And next thing I know, binato niya ng
malakas doon sa wall kaya nabasag na lang bigla.

Napatingin ako kay Ran nun. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano.

"Ran anong nangyayari sa iyo?"

"OKAY LANG AKO!!!"

Sasandal na sana siya, kaya lang hindi niya itinuloy at bigla-bigla na lang niya
akong niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

"Shay... hindi ako okay. Hindi ako okay Shay."

Naramdaman kong nalulungkot si Ran. Hindi siya ganyan kapag normal self siya. Pero
ngayon...

"Mahal ko si Tjay! Seryoso ako sa kanya... at gusto ko siyang maging girlfriend ko.
Pero hindi pwede! Hindi niya ako pwedeng sagutin!"

Nakaupo lang ako at yung kamay ko nun eh nasa gilid ko. Bakit ba ganun sila?
Kailangan bang pag-isipin nila kaming mga babae?

"Bakit? Bakit hindi mo sabihin sa akin baka makatulong ako..."

Katulad ng ginawa ko nun kay Terrence, sinandal ni Ran yung ulo niya sa balikat ko
at nagsimula siyang umiyak. Doon ako kinabahan, dahil hindi umiiyak si Ran ng
ganun-ganon na lang.

"P-pagkatapos ng graduation.. aalis na ako. Hindi ko alam kung babalik pa ako dito.
Shay..."
"Sa States na ako mag-aaral."

***Ending Part 1***


Nalungkot talaga ako para kay Ran nun. Kahit hindi ako sigurado sa pakiramdam niya,
alam ko na mabigat talaga yung kanyang dinadala. At alam mo na ganun-ganon na lang
kahirap sa kanya yung mga nangyayari dahil hindi siya basta-basta umiiyak ng ganun.
Sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakitang umiyak uli. Nung huli ko siyang nakita,
mga bata pa kami.

Tinanong ko siya kung anong balak niya para kay Tjay. Sinabi naman niya na darating
at darating yung time na kailangan niya ring sabihin sa kanya pero hindi na muna sa
ngayon. Siguro wala pa siyang lakas ng loob na aminin kay Tjay yung balak ni Tita
Marie para sa kanya. Kahit ako tuloy hindi ko alam kung paano ko sila tutulungang
dalawa. Ang hirap naman kasi ng situwasyon nila.

Ewan ko ba, parang naitatanong ko na lang sa isip ko kung bakit nangyayari sa aming
lahat ito. Hindi ko alam kung may ginawa ba kaming kasalanan lahat at may bad karma
kami ngayon. Pero kahit papaano, wala akong sinisisi sa nangyayari. Dahil alam ko
sa sarili ko na lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan. At ilan sa mga
bagay na iyon eh yung mga nangyayari sa amin sa ngayon.

"Teka nga pala, bakit mo ba ako hinahanap kanina?" tinanong ako ni Ran nung pinilit
niya yung sarili niya na huwag munang isipin yung problema niya.

Alam kong hindi iyon yung tamang oras para sabihin ko sa kanya yung panghihiram ko
ng pera. May problema na nga yung tao tapos wrong timing pa ako sa pangungutang.

"Ahh.." tinapat ko yung palad ko sa harapan ko tapos shinake ko, "Wala naman. Saka
na lang hindi pa naman kasi kailangan."

Sumandal na siya uli doon sa headboard ng kama niya. Nag-cross arms pa siya sa
harapan ko.

"Hindi nga insan, ano yun? Mukhang importante kasi ang dami mong missed calls sa
phone ko."

Napaisip naman ako. Mukhang pipilitin lang ako ni Ran na sabihin ko sa kanya yung
pinunta ko talaga doon. Well, mabuti nang mas maaga kaysa naman ipagpabukas ko pa.

"Uhmm.." nag-aalangan kasi ako nun, "May balak kasi akong little something para kay
Terrence. Kaya lang kakailanganin ko ng pera. Eh yung pera ko---"

"You got it." sabi ni Ran ng mabilis at hindi pa ako tapos magsalita.

"Huh?!?" nagtaka naman ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"You got the money." nginitian niya ako, "Come on couz, do what you think is
special for you. I'm all for it."

Hindi talaga ako makapaniwala nun sa naririnig ko. Parang sasabog yung dibdib ko sa
sobrang saya. Nung una nakatingin lang ako kay Ran, sumunod na alam ko eh tumalon
na ako sa kama niya at niyakap ko siya ng niyakap ng sobrang higpit.

"Thank you thank you thank you thank you talaga Ran!!!" tapos kiniss ko siya sa
magkabilang pisngi niya, "I love you talaga! The best ka! Promise babayaran kita
uli!"

"Tulong! Rape!" niloloko niya ako dahil nga niyayakap ko siya nun at kiniss ko pa
siya sa pisngi niya.

"Thanks talaga Ran!"

"Oo na thanks na nga eh! Na-gets ko na." pinisil-pisil ko naman yung pisngi niya.
Ewan ko kung naiinis ba siya sa akin nun pero tumatawa rin naman siya, "O siya
tigilan mo na yang pagpisil sa pisngi ko at baka magbago pa yung isip ko."

Tinigilan ko na yung pagpisil sa pisngi niya pero hindi pa rin ako umalis sa
pagkakayakap ko sa kanya. Mamimiss ko talaga itong pinsan ko na ito kapag umalis
na.

"Ano nga pala itong plano na ito para kay Terrence? Hindi naman siguro kalokohan?"

Sinabi ko sa kanya yung plano ko. Nakinig naman siya ng seryoso. Talagang dinetail
ko pa. Alam ko na simple lang yung plano ko para kay Terrence. Sa ibang tao siguro
yun walang espesyal. Pero dahil nga mahalaga sa akin yung gagawin ko, tama na yun
para maging dahilan na isa sa pinakaimportanteng bagay yun ngayon sa buhay ko.

Pagkatapos kong sabihin kay Ran eh hindi siya kaagad nagsalita. Tahimik lang siya
na nakinig sa akin. Akala ko nga tatawanan niya ako. Pero hindi naman dumating yung
moment na iyon.

"Kailangan mo ng tulong? Tutulungan kita." sabi niya sa akin ng mahina, "Para


mabilis na matapos 'di ba?"

Tinotoo naman ni Ran yung sinabi niya dahil nung sumunod na araw eh tinulungan niya
ako sa pag-prepare nung plano ko kay Terrence. Kaya ayun hindi tuloy ako nakadalaw
sa hospital at hindi ko pa siya nakikita. Si Mama nabisita ko pero isang beses pa
lang. Super duper pregnant na talaga ang Mama ko.

Hindi pa rin nasasabi ni Ran kay Tjay yung plano ni Tita Marie sa kanya. Siguro
wala pa siyang lakas na loob na gawin yun. Kahit naman ako yung nasa lagay niya
baka hindi ko rin naman masabi.

Nung nagpunta ako nun sa hospital, nagkakataon na tulog si Terrence. Ewan ko ba


kung nagkakataon na tulog siya, o talagang madalas na siyang tulog. Pero kung
titignan ko siya ngayon, ang laki na ng binawas ng weight niya. Medo pumayat na si
Terrence dahil 5 days na rin siyang nasa hospital nun.

March the 2nd ko balak gawin yung plano ko. Doon sa may balcony ng hospital room ni
Terrence. Pero hindi ko naman madala yung mga bagay-bagay ng gising siya. Kaya
tuwing tulog siya eh iniisa-isa namin ni Ran dalhin yung mga kailangan.

I know lately, everything's happening against our will. Kaya lang the day before ng
plano ko para kay Terrence, I received one great news. News na nagpaiyak talaga sa
akin. I can't believe that things will brighten up one by one.

"Hey I know hindi tayo makakasiguro sa mangyayari.. but at least 'di ba.. trying is
better than nothing."
"I'm not crying dahil nalulungkot ako." pinunasan ko ng panyo ko yung mata ko,
"Umiiyak ako dahil masaya ako."

Nginitian ko si Tjay nun.

"Maooperahan na si Terrence!"

***Ending part 2***

The long awaited March the 2nd came. Sobrang saya ko. I prepared so much for this
thing. At sana lang magustuhan ni Terrence yung ginawa ako para sa kanya. Although
it's not the best, at least I tried.

I woke up really early para kunin yung Mongolian BBQ Steak na inorder ko. Yeah, I
thought that making it up to him this way is really great. Gusto kong i-relive yung
moment na iyon. Hindi man natuloy, everything's sweeter the second time around.

Ang dami kong dala-dala nun. I was thinking na dapat ako ang magdala kay Terrence
personally sa hospital before lunch. That would be great kung kakain kami ng sabay.
Excited na excited ako na malaman yung reaction niya. After all, I haven't seen him
awake in a few days.

I was smiling to myself that time. Kaya lang nung nakarating ako sa room niya, my
jaw dropped.

May dalawang nurse na nag-aayos nung bed doon. Empty na rin yung counter kung saan
nakalagay yung mga gamit at prutas na dinadala para kay Terrence. Ewan ko ba kung
anong nangyari.

"Uhmmm.. nurse, nasaan na po yung patient dito?"

Sabay silang tumingin sa akin. Nung una hindi pa sila sumagot pero dahil inulit ko
yung pagtanong ko, sinabi rin nila.

"Na-dicharge na po yung patient na nandirito sa room na ito. Maaga pa lang lumabas


na siya."

"Discharge?!?"

Nagulat ako sa narinig ko. I wasn't sure I like the idea of that. May sakit siya at
hindi pa siya magaling. Okay lang ba talaga na i-discharge siya???

Ewan ko ba parang nataranta ako na hindi ko maintindihan. The next thing I know,
tumakbo na ako ng mabilis at iniwan ko yung Mongolian Steak na binili ko. I didn't
care really. Ni-hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko. Bakit pumayag silang
umalis na siya ng hospital???

Tumakbo ako ng tumakbo kahit hindi ko sigurado kung saan ako pupunta. Napansin ko
na lang eh dinala ako ng mga paa ko sa bahay nila Tjay. Hindi man lang ako kumatok
o tumawag sa labas, basta pumasok na lang ako sa loob. Hingal na hingal na ako nun
sa ginawa kong pagtakbo... pero hindi ko na talaga napansin yun.

Si Tjay ang nagbukas ng pinto. Alam kong gulat na gulat siya nung nakita niya ako
na nakatayo sa labas ng pintuan nila at pawis na pawis.

"Shay bakit ka---"


Hindi ko na siya pinatapos. Pumasok na lang ako bigla-bigla sa loob ng bahay nila
at hinanap ko si Terrence. Binuksan ko yung pintuan ng kwarto niya. It looks the
same. Parang walang nagbago.

"W-wala na si Terrence sa hospital..." yun na lang ang nauna kong sinabi kay Tjay.

"Alam mo na pala."

"BAKIT KAYO PUMAYAG NA I-DISCHARGE SIYA???" hindi ko alam kung bakit nagtataas ako
ng boses. Ewan ko kung galit ba ako o nag-aalala.

"Si K-kuya yung may gusto. Ayaw na daw niya sa hospital."

"Ganun lang pumayag na kayo???"

"Sabi niya hindi daw siya kakain kapag hindi siya nilabas. Sinabi rin niya
hihilahin niya yung dextrose niya kapag pinag-stay pa siya doon." nakakunot noo na
si Tjay, "Gusto siyang pagbigyan nila Mama kaya pumayag na. Hahanap na lang daw
sila ng private nurse para sa kanya hanggang sa scheduled operation niya."

"Nasaan siya ngayon???" iniikot ko yung paningin ko sa buong bahay nila.

"Hindi ko nga alam eh. Nagpumilit na lumabas kanina pa. Hinahanap nga nila Mama
eh. Hindi pa bumabalik sa ngayon."

Kung gaano ako kabilis pumasok, ganoon din ako kabilis lumabas ng bahay nila.
Nagtaka nga siguro si Tjay sa akin, kaya tinatanong niya pa ako kung saan ako
pupunta. Syempre sinaiko sa kanya na hahanapin ko rin siya. Si Tjay kasi hindi
pwedeng umalis ng bahay nila dahil siya yung pinagbantay.

Wala akong idea kung saan ko hahanapin si Terrence. Kakalabas pa lang niya ng
hospital at hindi ko alam kung anong nasa isip niya at aalis siya ng siya lang mag-
isa. Kinakabahan ako nun para sa kanya.

Sinubukan kong hanapin siya doon sa school. Pero naisip ko na imposibleng pumunta
siya doon dahil may pasok. Tiyak makikita siya ng mga tao doon. And knowing
Terrence, the last thing he wants right now is people asking him tons of questions.
So I doubt na magpupunta siya sa school. At ayaw ko rin namang pumunta doon. I
decided na hindi na ako papasok dahil hahanapin ko siya. At kung makikita man ako
ng mga tao doon, iisipin nila nag-skip nga ako ng classes.

I tried sa Pizza Hauz, yung tambayan madalas ng mga teenagers sa amin. Wala rin
siya doon at wala akong kakilala na mga kumakain doon. Pinuntahan ko rin yung parks
kung saan madalas nag-skateboard yung mga lalaki, at yung madalas nilang tambayan
pero walang Terrence akong nakita.

I was almost giving up. Pagod na pagod na akong maghanap sa kanya. I tried almost
all sorts of places. I've been looking for him for hours... pero wala pa rin... 'di
ko pa rin nahahanap si Terrence.

Naisip ko nang tumigil na lang at hintayin na lang siyang bumalik. Uuwi na sana ako
dahil hindi ko na kaya, but then... there's one more place...

Maybe...

I'm taking my chances at sinusubukan ko lahat ng possibilities. Naisip ko na baka


nagpunta sa church si Terrence. I doubt it at first dahil siya yung tipo ng tao na
ayaw pumapasok sa loob ng simbahan. He does, but not much. Kaya lang dahil gusto ko
siyang mahanap, hindi ko inignore yung idea.

My legs were shaking nung nakarating ako sa simabahan. Kakapasok ko pa lang sa main
door, may nakatayo doon sa harapan ko na papalabas na sana at nagulat na lang nung
nakita ako.

Nagtitigan lang kaming dalawa. Wala akong masabi. I saw the expression on his face.
He looks very.. very pale.

Malayo yung distance namin. Naghihintay ako na may sabihin siya dahil ganun na lang
niya ako tignan. Kaya lang nagulat na lang ako nung bigla siyang napahawak doon sa
gilid, at bigla bigla na lang siyang napaluhod.

"TERRENCE!!!"

Tumakbo talaga ako nun at yumuko ako para alalayan siya. Itinayo ko naman siya with
a great effort dahil mas matangkad siya sa akin. Naiupo ko naman siya doon sa upuan
sa second row ng simbahan.

He's breathing so hard that time. Yung kamay niya eh nasa knees niya, and he was
looking down.

"Okay ka lang?"

"Oo."

Nahihirapan akong tignan si Terrence nun. Parang pakiramdam ko kapag nakikita ko


siyang ganun, ako yung nahihirapan sa lagay niya.

Dumeretso ako ng upo. Walang makapagsalita sa amin nung una. Total silence talaga
sa loob ng simbahan. Kaya nga nagulat na lang ako nung magtanong siya.

"Paano mo nalamang nandito ako?"

"I didn't." sabi ko naman kaagad sa kanya, "Sa totoo lang ito yung huling lugar na
inakala kong pupuntahan mo. Naisip ko lang kasi..."

Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy yung sinasabi ko.

"Pwede..." huminga siya ng malalim, "Pwede bang isandal ko yung ulo ko sa iyo?"

"Sure."

Isinandal ni Terrence yung ulo niya sa balikat ko. Knowing that Terrence is beside
me made me smile. Kahit na alam ko na mahirap yung situwasyon niya, kinakaya pa rin
niya lahat.

"Y-you know what, dati-rati tuwing pumapasok ako sa simbahan lagi ko siyang
tinatanong kung bakit ako.. kung bakit ako at hindi yung ibang tao yung nagkasakit.
Hindi ko siya sinisisi pero hindi ko lang alam bakit ako yung pinili niya."
Nakatingin na lang ako doon sa altar katulad niya, "Nagagalit ako sa sarili ko.
Naisip ko kung bakit ganito ako. I kept asking him the same question every day,
pero kahit kailan hindi ko makuha yung sagot. That's why I stopped going inside the
church. Ayaw ko ulit-ulitin dahil kahit kailan hindi ko makuha yung sagot."

Huminto lang siya ng kaunti. Parang hirap na hirap siyang magkuwento sa akin.

"Then kanina lang nung pumasok ako dito... naisip ko na noon pa lang maling tanong
na yung tinatanong ko sa kanya. Lagi kong tinatanong sa kanya kung bakit ako...
pero ang dapat na tinanong ko sa kanya.. bakit hindi ako??? I've had a great life.
At alam ko, whether or not I'm sick, I will never be the same Terrence na
nagtatanong sa kanya. I wouldn't be the same person sitting here. That's how
perfect his decisions are."

Yung isang kamay niya na nakapatong sa tuhod niya eh hinawak niya sa kamay ko.
Hinigpitan niya yung pagkakahawak sa kamay ko. Ang init nga ng kamay niya, at
pakirdamdam ko ayaw ko na siyang bumitaw sa akin.

"Sh-Shay.." ang bagal na niyang magsalita, "You're one of the best things that's
ever happen to me. And I'm thankful for that."

He smiled at me. A very weak smile.

"You're one of mine too! Kaya papagaling ka ha!"

I knew he laughed. Pero yung tawa na pakiramdam ko nun eh hindi ko pa narinig.


Hindi ko alam anong nangyayari, pero pakiramdam ko bumibigat lalo yung pakiramdam
ko.

"Noon.... noon p-pa lang gusto kong sabihin sa iyo na gusto kitang maging
girlfriend. Pero hindi ko ginawa. It'll be really selfish of me kapag ginawa ko
yun." At ayoking maging selfish sa iyo dahil mahal kita. Ini-squeeze niya ng
sobrang higpit yung kamay ko, "Darating yung time maiintindihan mo ko."

Nung hawak niya ako ng mahigpit sa kamay ko, naramdaman ko yung pulse niya. Sobrang
bilis. Kung mabilis yung akin, hindi ko maikumpara kay Terrence.

"Our first and only date might be an accident, but that day was very important to
me. At alam ko na may karapatan kang malaman yung totoo. That day na may nagnakaw
ng phone mo, I wasn't the one who retrieved it from the person who stole it."

"Huh?!?" nagulat ako nun sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ba yun. "Anong
sabi mo?"

"Yung guy na lagi kong ini-sketch, the guy I told you na bestfriend ko... he's...
he's..." he kept on breathing hard. Kahit nakasandal siya sa balikat ko,
nararamdaman ko yung paghinga niya, "He's the one who deserves all the credit. You
should find him and say thanks to him personally."

Hawak pa rin niya yung kamay ko nun. Napaisip ako. Ano ba yung sinasabi niya? Yung
lalaki na dinadrawing niya? Siya ba yun???

"Teka.. paanong siya? Hindi ba ikaw yung pumunta after dun sa nagnakaw???" nalilito
na talaga ako nun, "Terrence, bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung taga
saan yung bestfriend mo huh? Tapos samahan mo ako 'di ba?"

"Y-yeah I guess I will."

Naisip ko naman lahat ng bagay na nagawa ni Terrence para sa akin. Naisip ko, ano
bang mga bagay na maganda ang nagawa ko naman para sa kanya in return? Parang nung
nandoroon ako at nag-iisip... wala akong maisip na nagawa ko para sa kanya.

He was the one who helped with me with my report before. Kung hindi dahil sa kanya,
I would expect a very low grade. But fortunately, hindi siya nagpapadaan sa
obvious. He wants to do things his way.

Although Terrence may seem like a very ordinary guy, yun naman ang minahal ko sa
kanya. He doesn't care about what people thinks of him. At napakasimple lang niyang
tao. His family and friends are all what matters to him.

"Terrence gusto mong kumain sa labas? Iti-treat kita."

Kahit nakasandal siya sa balikat ko, sinubukan niyang umiling sa akin. Hindi ko
siya makita dahil nasa gilid ko siya, pero sinubukan ko pa ring gawin. Nakita ko na
pinipikit niya yung mata niya, hindi ko alam kung pagod na ba siya.

Ipinikit na niya ng dahan-dahan yung mata niya. Ako naman, naupo lang ako ng
diretso. Kung matutulog siya, ayaw ko na siyang istorbohin pa. Pero hindi naman
pwedeng ganun siya matulog dahil hindi naman comfortable na ganun lang. Isa pa,
kailangan niya ng pahinga.

Hawak-hawak niya ng mahigpit yung kamay ko kanina pa.

"Pagod ka na ba? Gusto mo ihatid kita?"

This time, he didn't anwer me. Nahirapan akong tignan ko siya uli, pero nakita ko
na nakapikit na ng tuluyan yung mata niya. Tinignan ko yung kamay niya, unti-unti
na lang nag-loose sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Terrence, iuuwi na kita ha?"

Still no answer.

Nung time na iyon, hindi ko na napigilan yung sarili ko. Inalis ko siya sa
pagkakasandal sa balikat ko at humawak ako sa kanya. His head just dropped.
Nakapikit na siya, at wala nang response sa kanya.

"Terrence?!? Terrence gumising ka!" tinapik ko siya ng tinapik sa pisngi niya pero
hindi malakas. "Iuuwi na kita para makapagpahinga ka ha?? Doon mas maayos na
makakapagpahinga ka." tinatapik tapik ko pa rin siya doon, "Pero gumising ka muna.
Hindi naman kita kayang buhatin eh. aalalayan na lang kita. Ikaw talaga yung mga
biro mo..."

Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta sumunod na lang na nangyari, I kept on
swallowing and swallowing. Tumulo na yung luha ko. Hinawakan ko siya sa pisngi niya
at tinignan ko lang siya.

"Huwag kang ganyan ha! 'Di ba sabi mo kakain pa tayo ng favorite mo? Yung Mongolian
Steak? Sa katunayan... nag-prepare ako para doon. Paano ka naman kakain kung ayaw
mong gumising?"

Niyakap ko na siya nun at iyak na ako ng iyak. Ayaw ko na siyang bitawan.


Pakiramdam ko, nawala na yung puso ko.

"Di ba sabi mo sasamahan mo ko hanapin yung bestfriend mo? Saka alam mo ba...
maooperahan ka na.. 'di ba ang saya nun? Gagaling ka na..."

Sa kakaiyak ko nun, wala na akong makita dahil puno na ng luha yung mata ko.
Nahihirapan na akong huminga. Pero kahit ganun pa rin, hindi ko siya binitawan.

"Saka alam mo.. at alam ko.. hindi ko pa nasasabi sa iyo ng diretso yung matagal ko
nang gustong sabihin sa iyo kasi ayaw mong sabihin ko. Pero gusto ko Terrence..
gusto kong sabihin sa iyo..""Mahal Kita Terrence."

Tumulo na yung luha ko sa t-shirt na suot niya. Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Naririnig mo ba ko? Sabi ko Mahal Kita. Hindi na magbabago yun."


Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Tinitigan ko lang yung mukha niya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya at hinalikan ko siya sa noo niya.
Pagkatapos nun eh umupo ako ng diretso uli kagaya nung kanina.. at isinandal ko
yung ulo niya sa balikat ko.

This time, it's my turn to hold his hand.

"Bye Terrence."

***Epilogue***
Turnpikes and Changes

A month already passed but up to now I can still feel Terrence resting his head
over my shoulder. Hindi ko matanggap. Hindi ko alam kung sa sobrang sakit ba, I
felt numb. Ayaw ko ng may kumausap sa akin. I don't know if I should feel depressed
dahil nawala si Terrence, or maging masaya dahil may bago na akong kapatid. That
day has been a turnpike for me, for everybody, which actually signals... change.
Sabi nila dapat winewelcome ang mga pagbabago. Pero hindi ako sigurado kung kaya
kong tanggapin yung pagbabago na iyon sa ngayon. Nasanay na ako na lagi kong
nakikita si Terrence no matter what. Yung Terrence na Kuya ng bestfriend ko, yung
Terrence na masungit pero magaling magbasketball, si Terrence na webmaster at
visual artist...

At higit sa lahat eh yung nag-iisang Terrence na mahal, minamahal, at patuloy na


mamahalin ko.

It's not about them leaving you behind, it's about you looking forward for them to
come back

Ran left after graduation. Talagang tinuloy niya iyon. Doon na siya sa States mag-
aaral katulad ng sinabi sa kanya ni Tita Marie. Eventually, kinailangan niya pa rin
niyang sabihin kay Tjay yung totoo, so he did. Mas nahirapan nga siya considering
Tjay's in a state of shock sa pagkawala ng Kuya niya. She finally accepted the
fact. Umiyak siya siyempre, kaya sinabi ni Ran na kahit ano mang mangyayari,
babalik siya para sa kanya. The thing I admired about Tjay eh nung nasa airport na
kami para ihatid si Ran, hindi na siya umiyak. In fact she said she's never been
happy lately than what she felt that time. At least kahit nawala daw yung Kuya niya
at umalis si Ran, she still have something to look forward to in the future.

And that is Ran coming back.

Hi's and Goodbye's

Terrence finally went. Ang hirap tanggapin but all I know is that I have to say
goodbye somehow. When his heart failed, I guess he deserve to rest. He's been
through a lot. Kahit na wala siya dito sa amin physically, he'll forever stay in
our hearts. I can say good bye to him, but I'm not sure I can let go of him right
now.

The odd thing that day a couple of minutes after Terrence died, I got a call from
my dad that my mom gave birth. It's like saying hi sa bago kong kapatid, and
goodbye to Terrence at the same time.

A Place Where everything actually started...

As a kid I've thought of the church as my refuge. Dito ako nagsimula. I was an
orphan. Lumaki ako na exposed sa church.. at dito rin nagsimula ang buhay ko. I
remembered starting this story hearing bells ringing... at habang tumatagal it's
not just bells ringing to me but more like a song... a signal.. that a new phase of
our lives has finally unfolded.

And I've proven it.

I never knew that I would start here... a simple choir girl who happens to have a
religious family. I've had a wonderful experience for the past year, pero hindi ko
alam na yung experience na yun eh mag-end when Terrence died inside the church. No
matter what time or which phase of our lives we're actually at.. .we just need to
listen and we'll know.

And now.. I'm starting again.

"SHAY!!!"

Mahangin nun sa labas ng simbahan. I'm wearing a pink flowing dress. Tumingin ako
sa paligid ng simbahan bago ako lumingon doon sa tumatawag sa akin. Nakita ko si
Tjay na nakangiti sa akin doon sa main entrance ng simbahan.

"Tara na kaya magsisimula na!"

Baptism ng kapatid ko. At kinuha ko na ninang si Tjay. My mom's okay with it. After
all, she's the best friend you could ever wish for. Just like I've said, we started
here. Simple minds with simple hearts.

Now I guess no matter what life has to offer, I'm willing to face it. I'm a big
sister na. And my baby brother's in there.. waiting to be welcomed.

"Para kang siraulo diyan pangiti-ngiti ka mag-isa." sabi sa akin ni Tjay at nakita
ko na hawak-hawak niya yung one-month old baby brother ko.

Hinawakan ko yung kapatid ko sa pisngi. Tumawa naman siya ng tumawa.

"Hi Mr. Terrence Kelvin Jimenez." binuhat ko yung kapatid ko at tinignan ko siya,
"Ready for the real world?"
Natawa kami parehas ni Tjay nun.

I always wanted to have a sister. Pero it turned out na baby brother ang naging
kapatid ko. But all's well, because I love him. And my dad was right pala noon pa.
Sabi niya ako ang mag-isip ng pangalan para sa magiging kapatid ko in case na
lalaki man.

And I could only think of one.

Here we are again.

This place is the place where everything started. And having my new brother around
is a new phase in our lives...

This is where I'll end it.

You might also like