You are on page 1of 193

------------------------------

TITLE: Stay awake, Agatha.


LENGTH: 480
DATE: Apr 30, 2014
VOTE COUNT: 366
READ COUNT: 20571
COMMENT COUNT: 73
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: Serialsleeper
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-10-25 07:15:10

------------------------------

####################################
Stay awake, Agatha.
####################################

Prologue.

"So, you're like the modern-day sleeping beauty?" he asked.

"I guess?" she said.

"You'll gonna need a prince. Lucky for you, I'm here." He smiled.

"Oh, really?" Sarcastically, she smiled.

"Yup! Just do me a favor." He leaned towards her.

"What favor?" She grimaced.

"Stay awake," he kissed her forehead, "stay awake, Agatha."

----

Authors Note :

This is a Spin-Off of CHASING HURRICANE.


I suggest you read it first before this :)))

####################################
1 : Her name is Agatha
####################################

1.

Her name is Agatha.

Third person's pov

"Cooper bumalik ka dito!" Umalingawngaw sa buong pasilyo ng ang isang napakalakas


na sigaw. Narinig niya ito kaya naman mas lalo pa siyang kumaripas ng takbo.

Napalinga-linga siya, hindi na niya alam kung saan pa siya dadaan dahil
paniguradong haharangin siya ng lahat ng mga makakasalubong niyang nurse o kahit na
sinong empleyado ng ospital. Nahagip ng paningin niya ang isang kwartong para sa
mga batang pasyenteng gaya niya kaya naman humahangos siyang pumasok dito.

Nakahinga siya ng maluwag nang makitang walang ibang tao sa maliit na kwarto
maliban lamang sa isang batang babaeng mistulang ka-edad lamang niya na natutulog
sa kama.

"Hoy 'wag mong sabihin sa kanilang nandito ako ha? Sikretong malupit." Pakiusap ng
batang si Cooper at dali-daling nagtago sa ilalim ng kama nito, wala siyang
pakialam kahit na madumihan man ang suot niyang kulay puting pajama at t-shirt.

Ilang minuto ang lumipas ay mistulang nabagot na ito sa pagtatago sa ilalim ng


kama kaya naman gumapang siya paalis at umupo sa paanan ng batang babae.

Nagtaka siya nang mapansing natutulog parin ang bata kaya naman nilapitan niya ito
at pinagmasdan ang mukha.

"Alam mo bang masama ang matulog na parang mantika?" Pilyong sambit ni Cooper
habang nakangisi at halatang may naiisip na namang kalokohan.

"Dahil hindi ko alam ang pangalan mo-" kinuha ni Cooper ang marker mula sa bulsa at
iwinagayway ito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang oxygen mask sa bibig nito at
ginuhitan ng tuldok sa gilid ng ilong na nagmukhang nunal.
"Tatawagin na kitang Gloria! Hello Gloria!" Anunsyo nito habang humahalakhak. Muli
niyang ibinalik ang tingin sa bata at nainis siya nang makitang natutulog parin
ito.

"Ayaw mong gumising ha?" Inis niyang sambit at muling ginuhitan ang mukha nito,
pero ngayon ay hindi na nunal ang nilagay niya kundi bigote na at dalawang tatsulok
noo na nagmukhang sungay.

"Hoy gumising ka nga! Bilis tingnan mo mukha mo!" Tawa lang siya ng tawa habang
hawak ang tiyan. Sinusubukan niyang gisingin ang batang babae sa pamamagitan ng
pagsundot sa pisngi nito kaso hindi parin ito nagigising kaya naman lalo siyang
nainis.

"Ba't ba ayaw mong magising?!" Nakasimangot na nitong sambit sabay ngiwi.

Bahagya niyang iniyuko ang ulo niya at tiningnan ng maigi ang batang babae. Dahan-
dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito.

Iilang pulgada na lamang ang pagitan ng mukha nila sa isa't-isa nang muling kumurba
ang pilyong ngiti sa mukha niya... Walang ano-ano'y bigla na lamang niyang pinisil
ang ilong ng bata. Dahil sa ginawa niya ay pansamantala itong hindi nakahinga.

"Aba nalang talaga pag-hindi ka magising ni-" Nanlaki ang mga mata ni Cooper at
natigil siya sa pagsasalita nang marinig niyang bumukas ang pinto.

"Patay..." Mahinang sambit niya at agad na napalunok. Napabitaw na lamang siya sa


batang babae at agad na humarap sa pintuan.

"Ikaw bata ka, nandito kalang pala! Kanina ka pa namin hinahanap! Hindi naman
masakit ang injection, para lang yang kagat ng langgam. 'Wag ka ng makulit please."
Pakiusap ng kanina pa humahabol sa kanyang nurse. Tagaktak na ang pawis nito habang
humahangos.

"Kuya naman eh! Hindi rin naman masarap mangagat ang langgam! Kung gusto mo, ikaw
nalang ang magpainjection! Pakasal kayo! Basta ako, ayoko sa injection!" Giit ni
Cooper na kulang nalang ay umupo sa sahig at mangisay dahil sa inis.

"Cooper gusto mo naman sigurong gumaling na-" Biglang natigil sa pagsasalita ang
nurse at nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa likuran ni Cooper, tila ba
gulat na gulat ito sa nakikita.
"Problema mo?" Napalingon si Cooper upang tingnan kung ano ang tinitingnan ng
nurse.

"Nasaan ako? Mommy ko..." Mahinang sambit ng batang babaeng nakaupo na ngayon sa
kanyang kama. Bakas ang takot at pagtataka sa kulay abo niyang mga mata. Hinang-
hina man, sinusubukan parin niyang magsalita.

"Diyos ko gising ka na!" Manghang sambit ng nurse at bigla na lamang nagtatakbo


palabas upang tawagin ang mga doktor.

Nagtaka man si Cooper sa naging reaksyon ng nurse ay hindi naman niya mapigilang
matawa sa ngayo'y maruming mukha ng batang babaeng tila ba may bigote at sungay.

"Sino ka?" Nauutal na sambit nito nang dumako ang tingin kay Cooper.

"Ako si Batman!" Taas-noong pagpapakilala nito sa kanyang sarili habang


bumubungisngis at bigla na lamang nagtatakbo palayo.

*****

"Kuya naman eh! Kailangan ba talaga akong magpa-injection?" Iyak ni Cooper nang
makitang inihahanda na ng nurse ang syringe at mga gamot.

"Oo. Gusto mo naman sigurong gumaling diba? Ganito nalang, kung magpapa-injection
ka ngayon, pangako hindi ko isusumbong sa daddy mo na tumakas ka na naman dito sa
kwarto mo at kinailangan ka na naman naming habulin ng iba pang mga nurse. Deal?"
Suhestyon nalang nito.

"Hmm. Injection or litanya ni Daddy? Teka pag-iisipan ko muna banker!" Giit ni


Cooper sabay tingala sa kisame at himas ng kanyang baba kaya napangiwi na lamang
ang nurse.

"Nga pala Kuya, sino yung bata kanina?" Pag-iiba ng usapan ni Cooper.

"Ah yun? Bakit, crush mo no? Ayieee binata ka na pala? Ang tanong tuli ka na ba?"
Pang-aasar ng nurse kaya naman agad siyang sinuntok ng bata sa braso.
"Crush? Never akong magkaka-crush! Ang korni! Yuck!" Giit ni Cooper na naiinis na.

"Talaga? Eh bakit ka nagtatanong?" Muling tanong ng nurse habang nakangiti ng


nakakaloko at sabay taas-baba pa ng kulay.

"Kasi pangit ka! Mukha kang paa!" Sigaw ni Cooper at dahil sa inis ay dali-daling
nagpatakbo palayo.

"Lintek na bata." Mahinang sambit ng nurse at napangiwi na lamang. May edad na siya
kaya naman nanlulumo siya sa kakailanganin na naman niyang habulin ito. Para sa
kanya, Habol=Rayuma.

Takbo ulit ng takbo si Cooper. Sa kabila ng pilyong ngiti ay nagkukubli ang


matindi niyang takot. Takot dahil sa injection at Takot sa sakit na araw-araw
niyang iniinda.

Natigil siya sa pagtakbo nang mapansin na malapit na siya sa pintuan ng batang


babaeng nakita niya kanina. Nagtaka siya nang mapansing napakaingay sa loob ka
naman pasimple siyang sumilip mula sa bahagyang nakabukas na pinto.

"Anong meron?" Mahina niyang sambit nang makitang maraming doktor at nurse sa
kwarto nito at tila ba napakasaya nila habang kinakausap ang batang babae.

"Buti nalang naabutan kita." Napapitlag si Cooper sa gulat nang bigla na lamang
nagsalita ang nurse na tuluyan na palang nakahabol sa kanya. Humahangos ito habang
pawis na pawis ulit.

"Kuya naman eh!" Reklamo ni Cooper sabay kamot ng kanyang ulo.

"Sorry! Ano ba kasing gi-" Natigil ito sa pagsasalita nang mapasulyap siya sa
kwartong sinisilip ng alaga. Muli nitong nginitian ng nakakaloko si Cooper, tipong
nanunukso nang mapagtantong kwarto ito ng batang babae.

"Isusumbong kita kay Daddy na inaaway mo ako. Ipapasesante kita." Banta ni Cooper
dahil sa sobrang inis.

"Joke lang! Ikaw naman di na mabiro, bakit ka ba kasi nandito sa kwarto ni Agatha?"
Bawi nito sa takot na mawalan ng trabaho.

"Agatha? Anong meron at parang masaya ang lahat sa loob? Birthday ba niya?"
Mahinang sambit ni Cooper at muling napasulyap sa bata.

Tumawa ang nurse, "9 years old ka pa, hindi mo pa maiintindihan." Sabi nito sabay
tapik ng ulo ni Cooper.

"Kaya nga nagtatanong para maintindihan diba?" Piilosopo naman nitong giit kaya
napabuntong hininga na lamang ang nurse sa kakulitan niya.

"Ganito kasi 'yan, kakaibang bata si Agatha. Bigla-bigla siyang nakakatulog kahit
hindi naman siya inaantok. Last year nakatulog siya, akala naming lahat hindi na
siya magigising pa kaya naman para sa amin isang milagro na nagising siya kahapon."
Paliwanag nito.

"Ibig sabihin halos isang taon siyang tulog? Meron bang ganun?" Kunot-noong sambit
ni Cooper na kulang na lang ay sabihing sinungaling ang nurse.

"Kaya nga sabi ko kakaiba si Agatha diba?" Ang nurse naman ang naging pilosopo.
Inakbayan na lamang niya si Cooper.

"Ibig sabihin makakauwi na siya? Nakakainggit naman." Mahinang sambit ni Cooper at


bahagyang iniyuko ang ulo. Ramdam ng nurse ang matinding lungkot at inggit na
nararamdaman nito kaya tinapik na lamang niya ang balikat nito.

"Tara na. Magpahinga ka na muna. Takbo ka ng takbo eh." Sabi nito at hinila na
lamang si Cooper paalis. Hindi maiwasan ni Cooper na mapasulyap sa batang si Agatha
sa huling pagkakataon.

*****

7 years later...

"Cooper utang na loob bumalik ka na dito!" Umalingawngaw sa buong pasilyo ang isang
sigaw na halos araw-araw na yatang naririnig ng lahat ng mga nasa ospital. Narinig
ito ni Cooper pero imbes na tumakbo lalo ay mas binagalan nito ang pagtakbo at
napalingon sa nurse niya mula pagkabata.

"Habol tanda! Kaya mo yan! 'Wag kang susuko!" Sigaw ni Cooper na tila ba
pinapalakas ang loob--O galit--ng nurse na humahangos at parang mahihimatay na.

"Cooper walang hiya ka!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ng matanda.

"Sige na! Wag ng maarte! Parang kagat lang yan ng langgam!" Sarcastic na sigaw ni
Cooper na ginagaya pa ang sinasabi ng matanda sa kanya noong bata pa siya.

"Siraulo ka talaga! Hindi to injection!" Muling sigaw nito at tuluyan ng napaupo sa


sahig. Walang nagawa ang ibang mga nakakakita sa kanila kundi paypayan na lamang
ang kawawang matanda.

Huminga ng malalim si Cooper at muli nalang tumakbo bilang eherisyo nadin. Takbo
lang siya ng takbo, wala siyang pakialam kahit na napakasama na ng tingin sa kanya
ng lahat. Wala siyang pakialam kahit na mapapagalitan na naman siya.

*****

Pawis na pawis siya nang makarating sa kanyang kwarto. Sa tagal niyang namalagi sa
ospital dahil sa kanyang karamdaman ay nagkaroon na siya ng sariling kwarto kung
saan siya namalagi sa loob ng napakaraming taon.

Papasok na sana siya upang magpahinga nang mapansing nakabukas ang ilaw at pinto sa
katabing kwarto. Nagtaka siya dahil matagal ng walang namamalagi sa kwartong ito,
at siya ang dahilan-Takot ang lahat na maging kapitbahay ang isang loko-loko at
pilyong gaya niya.

Naisipan niyang pumasok dito upang tingan kung sino ang bagong "kapit-bahay" niya.

Lalo siyang nagtaka nang makita ang isang dalagang natutulog sa kulay puting kama.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito.

"Dejavu." Mahinang sambit niya nang tuluyang makita nang malapitan ang mukha nito.
Bahagya siyang yumuko upang mas tingnan pa ng maigi ang mukha ng babae..... Walang
ano-ano'y bigla na lamang dumilat ang mga mata nito. Kapwa nanlaki ang mga mata ng
dalawa sa gulat at sabay na napasigaw.

END OF CHAPTER ONE.


K's note : Just to make it clear, yung pag-ipit ni Cooper sa ilong ni Agatha noong
bata pa sila ay hindi para patayin ito. Hindi killer si Cooper. Haha! Ginawa niya
iyon para gisingin 'to haha!

Hindi po ako tumatanggap ng dedic requests. Nagde-dedic ako based sa comments.


Hihihi.

Again, this is a spin-off of Chasing Hurricane.

Thanks for reading!

Vote, Comment and Spread! ♥

####################################
2 : That idiot named Cooper
####################################

2.

That idiot named Cooper

Agatha's Point of View

"So that's it huh? Dito niyo na talaga ako patitirahin sa hospital nato?" I crossed
my arms and looked out the window. Pinagmasdan ko nalang ang kalangitan gaya ng
palagi kong ginagawa sa tuwing pakiramdam kong sasabog na ako sa sama ng loob.

"Anak it would be better if you stay here. Mababantayan ka ng mga doctor. Alam mo
naman ang kundisyon mo diba?" Giit ni mommy kaya naman napabuntong hininga nalang
ako.

Oo nga kakaiba ang kundisyon ko dahil bigla-bigla nalang akong nakakatulog kahit na
nasaan o ano man ang ginagawa ko. Oo nga, higit na mas mahaba akong matulog gaya ng
ibang tao. I get it, I'm not a normal 16 year-old girl but I'm 200% sure that I'm
not sick. I'm not dying. I just can't control myself.

Have you ever felt like your slipping away from life?

Well that's how I feel every damn day.


"Mom what I need to feel better is a normal life. I want to go to school and have
friends. Is it too much to ask?" Hindi ako humaharap sa kanya habang nagsasalita.
Pakiramdam ko kasi, ano mang oras ay bibigay na ang luha ko.

"I love you Agatha. We'll visit you every week. Take care of yourself." Naririnig
ko ang panginginig ng boses niya na tila ba umiiyak na talaga siya. Napapikit
nalang ako nang maramdan kong niyakap niya ako ng mahigpit. Matapos niyang halikan
ang pisngi ko ay dali-dali siyang umalis at hindi na ako nilingon pa.

I guess that's the best way to say goodbye, mas mabuti pa yun kasi hindi ko na
nakita ang pag-iyak niya. She loves me, my whole family loves me... Alam kong
dumidistansya lang sila kasi alam nilang ano mang oras ay pwede akong mawala... At
alam nilang pwede akong makapangdamay ng iba. Im a walking disaster.

Muli akong napabuntong hininga at humiga nalang sa kama at nilagay ang earphones sa
tenga ko.

*****

"I'm gonna break your little heart

Why'd you take the fall

Laughing on your way to the hospital"

Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinakikinggan ang kanta. Pakiramdam ko ano mang
oras makakatulog na ako sa kamang 'to, it's a good thing malambot ang mattress na
binili nila mama para sa akin.

Teka ano yun? Bakit parang may nararamdaman akong humihinga malapit sa mukha ko?

Damn it! Parang di ko yata na-lock ang pinto.

Idinilat ko ang mga mata ko upang tingnan kung may tao ba at laking gulat ko nang
bumulaga sa akin ang mukha ng isang lalaki. Napakalapit lang ng mukha namin sa
isa't-isa at halos nararamdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko. Hindi ko
mapigilang tumili nang biglang nanlisik ang mga mata niya. OMG baka Rapist!

"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Dali-dali ko siyang tinulak palayo at pinulot
ang walis na nasa sahig. Hahampasin ko na siya kaso bigla siyang nagtatakbo palayo.
"Wierdo!" Sigaw ko at dali-daling inilock ang pinto.

Base sa suot niyang damit, masasabi kong isa rin siyang pasyente dito. On the
bright side, his black beanie makes him look kinda cute-kinda. I think?

It's bad enough that I'll be staying in this hospital tapos ngayon kakailanganin ko
na namang tiisin ang mga weirdo na nandito. Pero subukan lang ulit ng lalaking 'yon
na pumasok dito sa kwarto ko, makakatikim talaga siya ng sipa sa dingdong niya.

Napabuntong hininga nalang ako at pinagmasdan ang blanko kong kwarto. Walang
kabuhay-buhay ang kupas na kulay dilaw na mga dingding, walang kadesa-design at ang
meron lang dito ay kurtina at kama. Wow! My life has officially sucked more than it
ever sucked.

Wait have I mention that my life sucks?

Nah, my life will forever suck.

Bigla akong nakarinig ng katok sa pinto kaya naman dali-dali ko ulit na pinunit ang
walis na nasa sahig. Gusto ba talagang magpagulpi ang lalaking 'yon?!

"Agatha hija? Buksan mo ang pinto." May narinig akong boses ng matanda mula sa
labas. Teka paano niya nalaman ang pangalan ko?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Hindi ko masyadong binuksan, sapat lang na
siwang para maaninag ko kung sino ang nasa labas.

"Hija, may patakaran dito sa ospital na bawal mong i-lock ang pinto." Nakangiting
sambit ng isang matandang lalakeng nurse. Nakahinga ako ng maluwag.

"Hala sorry po!" Tumawa nalang ako at dali-daling binuksan ng tuluyan ang pinto.
"Pasensya na po talaga, may lalaking baliw kasing pumasok dito sa kwarto ko.
Natakot po ako." Paliwanag ako pero nagtaka ako nang bigla na lamang siyang tumawa
habang kinakamot ang ulo niya.

"Matanong ko lang, matangkad ba tong lalaking to? Medyo maputi at singkit?" Tanong
niya kaya naman lalo akong nagtaka kasi tama yung description niya.

"That idiot looks like that. He was wearing this black beanie." Paliwanag ko ngunit
mas lalo lang siyang tumawa.
"Well that idiot named Cooper is harmless kahit na mukhasiyang harmful. 'Wag kang
mag-aalala Hija, kahit parang baliw yun at siraulo hindi ka naman sasaktan ng
batang 'yon. Magka-edad nga ata kayo." Tumatawa niyang sambit. Bakit ganun, close
ba sila? Siguro matagal na yung pasyente dito.

"Hoy Tanda narinig ko 'yun!" Bigla kaming may narinig na sigaw mula sa kabilang
kwarto.

"Pero totoo naman eh!" Sigaw ng matandang nurse pabalik.

Wait... Hindi ko lang pala kasamang naka-admit dito ang ugok na 'yun-kapit-bahay ko
pa?!

Ughhh. Kill me now.

"Nga pala, ako si Kuya Leo. Kuya nalang ang itawag mo sa akin at wag manong o lolo.
Ako ang head nurse sa ward nato. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang. Araw-araw
kitang dadalhan ng gamot mo dito. Anong pakiramdam mo? Okay lang ba ang kwarto?"
Tanong niya.

Kahit na matanda na siya eh may kadaldalan parin naman pala siya. Kawawa naman
siya, nagtatrabaho parin kahit matanda na.

"Hindi po ako okay. Ayoko po talaga dito pero wala akong magagawa. Maraming salamat
po." Ngumiti ako at pinilit ko nalang ang sarili kong tumawa. Ito nalang kasi yung
magagawa ko para 'wag akong mas lalong magmukhang kawawa.

"Hindi ka okay pero nagagawa mo pang ngumiti ng ganyan? Aba bilib na ako sayo Hija.
Kung hindi mo sinabing ayaw mo dito, aakalain kong masaya ka. 'Wag kang mag-alala
lahat ng mga nandito, ganyan din ang nararamdaman. Sigurado ka bang wala kang ibang
kailangan dito?" Tanong niya ulit kaya naman napatingin ako sa buong kwarto.

Oo nga at hindi ako komportable dito pero siguro naman may magagawa akong paraan
para kahit papano, magustuhan ko 'to.

"May mga pintura po ba kayo? Para po kasing walang kabuhay-buhay ang paligid."
Tanong ko.
"Aba oo, sige kukunin ko muna sa bodega. Magbihis ka muna para naman hindi ka
mapagkamalang bisita ng mga tao dito." Bilin niya at agad na umalis.

Napatingin ako sa damit ko.

Mami-miss kong magsuot ng mga normal na damit kasi simula ngayon, damit pampasyente
na ang parati kong susuutin. Hayy buhay. Ang saklap.

END OF CHAPTER TWO.

K's note : Narcolepsy does exist. Kaso sa case ni Agatha ay medyo exaggerated yung
part na matagal siya kung matulog. Other than that I can assure you na may mga tao
talagang may ganyang sleeping disorder na bigla-bigla nalang na nakakatulog kahit
na ano man ang ginagawa.

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

####################################
3 : New kid on the ward
####################################

3.

New kid on the ward

Agatha's Point of View.

It's almost 6pm.

9 hours na akong nakatira sa impyerno este sa ospital na'to.

Nahatid na sa akin ni Kuya Leo ang limang timba ng pinturang may iba't-ibang kulay
pero wala parin akong ideya kung paano 'to sisimulan. I'm going to live in this
hell-like place for the next few years of my life and I want the walls to be
perfect para naman maganda ang madadatnan ko sa paggising ko.

"Hoy kakain na." Nagulat ako nang bigla na lamang may nagsalita kaya agad akong
napatingin sa pinto. Yung baliw pala na lalake ang na pumasok dito kanina.
"Kakain saan? Hindi ba ihahatid ni Kuya Leo ang pagkain dito sa kwarto ko?" Giit
ko.

Palangiti akong tao pero hindi ko lang talaga magawang ngumiti sa kanya-siya rin
naman kasi ayaw ngumiti sa'kin.

"Sabay-sabay kami kung kumain dito. Kung gusto mong mag-isa edi dito ka." Sabi niya
sa akin gamit ang malamig na tono ng pananalita.

Ayoko sa kanya, masyado siyang masungit. Pero kung tutuusin, ayoko rin namang
kumain ng mag-isa. Malungkot na nga sa lugar na'to, mag-iisa pa ako-Aba hindi
pwede! Sasabay na nga lang ako sa kanila.

"Teka hintay!" Sigaw ko nang makita kong maglalakad na sana siya palayo. Lokong 'to
iiwan pa ako, di ko nga alam saan pupunta.

Dali-dali kong kinuha ang flipflops ko mula sa ilalim ng kama at isinuot ang jacket
ko. Gulong-gulo pa ang buhok ko, tinatamad akong magsuklay kaya kinuha ko na lamang
ang rubber band na nasa bedpost ko.

Lalabas na sana ako nang bigla kong nakitang kumunot ang noo niya.

"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi mo ba 'yan papatayin?" Sabi niya sabay turo ng kama ko.

Oo nga pala, nakaandar parin pala ang ipod na ikinabit ko sa speaker kaya rinig na
rinig pa sa buong kwarto ang boses ni Adam Levine ng Maroon 5.

"Wait." Dali-dali ko itong nilapitan kasi parang atat na atat na 'tong lalaking to
na umalis kaso mali ang napindot ko sa ipod, imbes kasi na stop ay next track ang
napindot ko. Imbes na tumigil ang kanta ay napalitan lamang ito ng kanta ng EXO.

"Oops." Mahinang sambit ko. Papatayin ko na sana ito kaso narinig kong ang kanta
pala ng Exo na Peter Pan ang naka-play.

Ang sarap pakinggan ng boses ni Baekhyun, pwede bang mamaya nalang 'to patayin?

"K-pop ba 'yan?!" Tanong niya kaya tumango ako.


Nagulat ako nang bigla na lamang inagaw ng lalaki ang ipod ko at siya na mismo ang
pumatay nito. Parang aligaga siya na ewan.

"Ang rude mo naman!" Bulyaw ko sa kanya.

"Baliw! Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo! Tara na! Umalis na tayo hanggat sa
'di pa siya dumadating!" Natataranta niyang sambit kaya naman nagtaka ako. Nagulat
na lamang ako nang bigla niyang hinigit ang braso na para bang gustong-gusto na
niyang umalis.

At talagang ako pa ang baliw. Eh siya nga bigla-bigla nalang nagpa-panic.

Ayoko na ng gulo kaya naman sumunod nalang ako sa kanya kaso laking gulat namin
kasi bigla na lamang may humarang sa pintuan na isang babae.

Bigla akong kinilabutan nang makita ko ang mukha ng babae, nanlilisik ang mga mata
niya at ang laki ng eyebags niya. Humahangos siya, gulong-gulo ang mahabang buhok
niya na para bang galing siya sa pagtakbo ng mabilis. Base sa suot niya, pasyente
din siya dito at parang teenager rin siya gaya namin.

"Patay. Nandito na siya." Narinig kong sambit ng lalake at bigla na lamang siyang
tumayo sa harapan ko na para bang hinaharangan ako mula sa babae.

"EXO ba yung narinig ko?" Walang emosyong sambit ng babae habang nanlilisik parin
ang mga mata. Nakakatakot siya kung magsalita kasi para bang ano mang oras e tutulo
na ang laway niya.

Sumilip ako mula sa gilid nung lalake at ako na mismo ang tumango bilang sagot.

Bilang suminghap ang babae sabay hawak sa dibdib niya. Napakagat siya sa labi niya
na para bang gigil na gigil.

"Do Kyungsoo biased ka ba?!" Sigaw niya kaya dali-dali akong umiling. Natakot ako
sa inasal niya kaya hindi ko mabilang kung iling beses akong umiling.

"Baekhyun biased ako!" Giit ko.

Nagulat ako nang bigla na lamang kumurba ang isang napakalapad na ngiti sa mukha ng
babae. Ibang-iba na ito sa mukha niya kanina. "Ba't di mo agad sinabi! Ikaw naman
eh! Kung gusto mo ng ka-spazz nasa room 066 ako dito rin sa floor na'to! By the way
ako nga pala si Reema San Jose." Nakangiti niyang sambit at kumaway pa sa akin.

Room 066? Baka 666 talaga?

Ngumiti nalang din ako pabalik kahit medyo awkward, "Sure! Nice meeting you, Agatha
Grace-"

"Ikaw si Agatha?" Nagulat ako nang bigla na lamang inulit nung lalake ang pangalan
ko.

Ano bang problema niya?

*****

"O hija, mabuti naman at sasabay ka sa'min!" Bati sa akin ni Kuya Leo nang dumating
kaming tatlo sa isang kwarto. Hindi ko alam kung kaninong kwarto 'to pero kapareho
din to sa akin ng laki at kulay.

"Oo nga po eh, ayoko rin naman po kasing mag-isa." Sabi ko pa at ngumiti rin
pabalik sa kanya.

Napansin ko agad ang mga nakalatag na mantel at mga pagkain sa sahig. Parang picnic
style pala dito, ang saya tapos madami pang pagkain ang nakalatag.

"Okay lang ba sayo na umupo sa sahig?" Tanong ulit ni ng matanda sa akin.

"Oo naman po!" Paniniguro ko.

"Hi New kid on the ward!" Nagulat ako nang biglang may lumabas mula sa banyo na
isang lalakeng naka-wheelchair. Pakiramdam ko mas matanda ako sa kanya. Para siyang
bata kung ngumiti at kumaway sa akin.

"Hello!" Bati ko pabalik at nakipagpalitan narin ng ngiti. Sa kanilang lahat na


nakilala ko sa araw nato, siya lang siguro ang medyo matino.

"Umupo ka!" Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Reema paupo sa sahig. Sa totoo
lang kinakabahan parin ako sa kanya, para kasing napakamainitin ng ulo niya. Pero
atleast kpop fan rin siya gaya ko, it's a good start.
"Subukan mong pagnasahan si Do Kyungsoo ko, huhugutin ko ang fallopian tube mula
sa perlas mo at gagawin ko itong kwintas." Bigla niyang bulong sa akin kaya nanlaki
ang mga mata ko at agad akong napatingin sa kanya. Lumakas ang kabog ng dibdib ko
sa takot nang makita ang seryoso niyang pagmumukha.

"Gets?" Muling kumurba ang napakatamis sa mukha ni Reema kaya dali-dali akong
tumango.

Diyos ko! Aatakihin na ako sa puso! Bakit parang mental institution 'tong pinasukan
ko?!

"Hoy tumahimik ka na." Nagulat kaming dalawa ni Reema nang bigla na lamang may
naghagis sa kanya ng hotdog at tumama ito sa mismong mukha niya.

"Aray naman Cooper! Naninigurado lang naman eh!" Nakangiwing sambit ni Reema habang
pinupunasan ang mantikang dala ng hotdog.

Ah, so Cooper pala ang pangalan niya. Ang weird naman, taong ipinangalan sa
sasakyan kahit na mukha siyang unggoy. Ang mean ko, hahaha. Buti nalang talaga at
hindi nila nababasa ang iniisip ko, for sure lagot talaga ako.

Nakaupo ako sa gitna ni Kuya Leo at ni Reema, mabuti nalang talaga at di ko katabi
yung masungit na si Cooper. Inalalayan naman nila yung lalaking naka-wheel chair na
umupo rin sa sahig.

"Siya nga pala, simula ngayon sasabay ka na sa amin parati sa tuwing kakain para
naman 'marami tayo. Apat lang kayong naka-admit dito sa ward na'to sa ngayon--Ikaw,
si Reema, Cooper at Javi." Isa-isa silang itinuro ni Kuya Leo, buti naman at wala
na 'yung awkard meet this-meet that shake hand thingy na nangyayari sa tuwing
nagpapakilala. I hate those things.

I can't help but to smile. Pakiramdam ko kasi, sa wakas may mga kaibigan na ako
kahit papaano. Javi's nice, Kuya Leo is Nice, Reema is...nevermind while Cooper--
I'm not really sure about this guy pero feel ko naman may nice side rin siya.

"Anyare? Ba't parang ang tahimik ni Cooper ngayon?" Biglang tanong ni Javi kaya
napatingin kaming lahat kay Cooper.

Bakit? Hindi ba talaga siya tahimik?

Kuya Leo giggled kaya naman sa kanya kami napatingin.Laking gulat namin nang may
lumanding din na hotdog sa mukha niya at ang salarin? Walang iba kundi si Cooper.
Trip ba talaga niyang magsayang ng hotdog?

*****
"Seryoso? Paano mo nagagawang matulog ng ganun katagal?" Parang manghang-mangha si
Javi sa kundisyon ko. Kinwento kasi ito ni Kuya Leo.

Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago magsalita, "I dont know either. Kayo ano ba
ang mga sakit niyo?"

Tumigil ako sa pag-kain nang mapansin kong bigla silang natahimik. Teka may masama
ba sa sinabi ko?

"We don't talk about that here. Good vibes lang eh." Basag ni Kuya Leo sa
katahimikan.

Lokong matanda 'to! Kinwento niya kanina yung kundisyon ko tapos bawal ang sa
kanila? Unfair naman.

"Sorry." Tumango-tango nalang ako para tapos ang usapan. Ang hirap pala mag-adjust.

Matapos kumain ay nagpaalam na si Reema, manonood daw kasi siya ng music show sa
tv. Nakakapagtaka kasi pwede siyang manood ng TV--Ano nga kaya talaga ang sakit
niya? Parang masigla naman siya.

"Nice meeting you Ate Agatha!" Masigla ulit na sambit ni Javi habang kumakaway. Ang
cute talaga niya, di ko maiwasang 'wag ngumiti pabalik.

"'Wag kang mag-ate sa kanya, ilang taon lang ang tanda namin sa'yo." Sita sa kanya
nung Cooper.

"Alam mo di ko sanay na makita kang ganito. Naninibago na ako." Sabi pa ni Javi na


naniningkit na ang mga mata.

Nakapagtataka, ano ba kasing ugali ang meron si Cooper?

Hindi ba talaga siya seryoso at masungit?

END OF CHAPTER THREE.

Sleepy's Note : To those who are familiar with my deleted story "The Sasaeng" --
YES REEMA'S HERE. hahahaha.

Kakaiba ang ward nila, hiwa-hiwalay ang mga kwarto nila :)


Thanks for reading!

Vote and Comment ♥


####################################
4 : Of breakdowns and Ice cream
####################################

4.

Of breakdowns and Ice cream

Agatha's Point of View

Mag-aalas onse na pero nakatitig parin ako blankong pader ng kwarto ko. Ayokong
matulog, natatakot akong matulog kasi baka paggising ko mag-iba na naman ang lahat.

"Agatanga kung ayaw mong matulog, magpatulog ka. Ang lakas ng music, di ako
makatulog." Napapitlag ako nang bigla na lamang sumulpot ang ulo ni Cooper sa
bahagyang nakabukas na pinto.

"Cooper uso kumatok!" Saracstic akong ngumiti sa kanya.

"Talaga? Eh hindi yun uso sa akin eh." Giit niya at sarcastic rin na ngumiti. Ewan
ko ba pero tuluyan akong natawa dahil sa mukha niya, siguro dahil nagmukha siyang
asong timang.

"Teka bakit mo ako pinagtatawanan?!" Pumasok siya sa kwarto ko habang nakapamewang,


halata sa mukha niyang naiinis na siya. Gaya kanina, siya na mismo ang pumatay ng
ipod ko.

Napabuntong hininga nalang ako, "Wala. Natatawa lang talaga ako sa mukha mo."

Nakunot ang noo niya at agad niyang tinuro ang mukha niya, "Anong nakakatawa dito?
Ang sabihin mo kinikilig ka!" Giit niya kaya lalo akong natawa.

Sa sobrang tawa ko namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang luha mula sa mga
mata ko. Tumigil ako sa pagtawa at napabuntong-hininga ako.

Napahawak ako sa bibig ko, hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili kong umiyak.
Masyado nang mabigat ang pakiramdam ko, pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa
lungkot kung hindi ako iiyak ngayon.
"Teka anong nangyayari sayo?! Nababaliw ka na ba talaga?!" Nanlaki ang mga mata ni
Cooper habang sumisigaw.

Kahit na patuloy ang pagbuhos ng luha ko ay pinilit ko ang sarili kong ngumiti.
Umiling-iling ako, "Pasensya ka na, bumalik ka na ulit sa kwarto mo." Sinenyasan
ko siyang umalis na at agad naman niya itong sinunod.

Nang mag-isa nalang ulit ako sa kwarto ko ay tuluyan na akong napahagulgol.


Nanginginig na ang labi at mga kamay ko pero wala akong pakialam, gagaan lang
siguro ang kalooban ko kung hahayaan ko ang sarili kong umiyak ngayon.

Nakapagod nang ngumiti sa lahat. Araw-araw akong ngumingiti kahit na unti-unti nang
namamatay ang puso ko. Nakakapagod natong nararamdaman kong 'to.

Akala ng lahat okay lang ako, akala nilang lahat matatag ako, hindi nila alam na
araw-araw akong nagtitiis at nasasaktan.

"Mocha-flavored ice cream always makes me feel better. Subukan mo." Nagulat ako
nang mapansing nakatayo na pala si Cooper sa gilid ko. May hawak-hawak siyang isang
malaking bowl na puno ng ice cream at dalawang kutsara.

Pinunasan ko nalang ang luha mula sa mga mata ko at agad na kinuha ang kutsarang
iniabot niya sa akin. I love ice creams, hinding-hindi ko hihindian 'to.

Kukuha na sana ako sa bowl nang bigla na lamang hinarang ni Cooper ang kutsara ko
gamit ang kutsara niya-Ano to fencing gamit kutsara?!

"Tara sa rooftop."Aniya at bigla na lamang naglakad palayo.

"Teka bawal akong lumayo sa kwarto ko!" Giit ko.

"Eh ako din naman eh!" Giit din niya.

*****

Sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin. Gabing-gabi na at napakarami ng mga


bituin sa langit. Napagod ako sa pag-akyat pero worth it dahil sa ganda ng view
dito.

Tinanggal ni Cooper ang jacket na nakatali sa bewang niya at inilapag niya ito sa
sahig para may maupuan kami.

"Ang ganda pala dito." Tumabi ako sa kanya at sa wakas nakakain na ako ng ice
cream.

"The whole hospital sucks. Ito lang ang hindi." Sabi pa ni Cooper na kung lumamon
ng ice cream eh parang wala ng bukas. Di ba sumasakit ang ngipin niya sa sobrang
lamig? Weird talaga niya.

"I'm sorry you had to see my breakdown." Napangiti na lamang ako.

"Dito na ako nakatira mula pa noong bata pa ako, sanay na akong makakita ng kung
ano-anong mga bagay. Welcome to hell Agatha." Sabi pa ni Cooper kaya bigla akong
kinilabutan. Lokong 'to tatakutin pa ako.

Bigla akong napahikab. Nagsisimula na akong makaramdam ng antok-bagay na araw-araw


kong kinakatakutan.

"Inaantok ka na?" Tanong ni Cooper habang nakatingala sa kalangitan.

"Unfortunately." Napabuntong-hininga na lamang ako at isinandal ang baba sa tuhod


ko.

"Ayaw mong matulog?" Tanong niya ulit.

"Oo. Nanatakot kasi ako sa maari kong madatnan pag bigla akong nagising." Napangiti
na lamang ako. Gaya niya ay napatingala din ako, ang ganda pala talaga ng
kalangitan sa gabing 'to.

"O heto." Nagtaka ako nang may inabot sa akin si Cooper na isang tweezer.

"Anong namang gagawin ko dito?" Tinitigan ko ang tweezer na hawak ko.

"Simple lang, gamitin mo yan para bunutin ang buhok mula sa loob ng ilong mo. Trust
me, mawawala ang antok mo dahil sa hapdi." Pagmamalaki niya sabay ngisi. Kung
tutuusin ito ang unang beses na ngumiti siya sa akin, kaso hindi ko maiwasang
mapangiwi. Ang weird niya talaga.

"Nga pala, pakuluan mo muna yan bago gamitin. Ginagamit kasi 'yan ni Tandang Leo sa
kili-kili niyang sobrang baho." Dagdag pa niya kaya dali-dali kong itinapon palayo
ang tweezer.

"Yuck! Ang baboy mo!" Sigaw ko sa kanya habang pinapahid ang kamay ko sa pajamang
suot ko.

"Ang swerte naman ng baboy, naikumpara pa sa'kin." Taas-noo niyang sambit habang
naka-smirk. Ang angas tuloy ng dating niya.

Akala ko masungit siya, hindi naman pala. No wonder ganun ang mga sinabi ni Javi
kanina.

"'Wag mo ako masyadong titigan baka ma-inlove ka." Sabi pa niya.

Damn it, di ko napansin na nakatitig pala ako sa panget niyang pagmumukha.

"May naalala lang kasi ako sa mukha mo....May kamukha kang aso." Pang-aasar ko kaya
agad siyang napaismid at kumain nalang ulit ng ice cream.

"Paano ka nakatagal sa lugar na'to?" Pag-iiba ko ng usapan habang habang kumakain.

"Ewan ko. Siguro dahil pinilit ko ang sarili kong maging matatag. At isa pa nandito
si Tandang Leo kaya hindi ko kailanman naramdamang mag-isa ako. Maswerte ka dahil
dito ka na-assign sa Zero Ward, kami kasi sa ward na'to para kaming isang
pamilya--"

Alam kong marami pang sinasabi si Cooper pero unti-unti nang lumalabo ang paningin
at pandinig ko. Unti-unti naring bumibigat ang mga mata ko. Shit ayokong matulog---

*****

"Pustahan magigising siya sa araw nato."


"Eh paano kung hindi?"

"Edi ganito, sasabihin ko mismo sa harapan ni Reema na mukhang paa ang paborito
niyang EXO. Eh ano naman pag-tama ako?"

"Edi ako ang magsasabi kay Reema na pangit ang exo."

May naririnig akong boses kaya dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Dali-dali
akong napaupo kahit na humihikab pa ako.

"Ang ingay niyo!" Hindi ko alam kung sino sila kasi hindi ko pa sila maaninag ng
maayos.

"Cooper ayoko! Atras na ako!" Base sa narinig ko, sigurado na akong sina Javi at
Cooper 'tong nasa kwarto ko ngayon. Nakakainis! Bakit ba kasi bawal mag-lock ng
pinto, yan tuloy kung sino-sino ang pumapasok dito.

Kinusot ko na lamang ang mga mata ko at muling napahikab, "O ano na? Ilang araw
akong tulog?" Tanong ko sa kanila. Hindi ko maiwasang matawa nang makita ko ang
mukha ni Javi na namumutla, malamang siya yung narinig kong talo sa pustahan.

"Oras lang ang tulog mo." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ni Cooper.

Pero teka, bakit nandito na ako sa kwarto ko? Nasa rooftop yata ako nang makatulog
kagabi.

END OF CHAPTER 4

Thanks for reading!

Vote and Comment pretty please? ♥

####################################
5 : Menace
####################################

5.

Menace

Agatha's Point of View


"Cooper parang awa mo na! Katorse anyos lang ako, ayoko pang mamatay! Paralisado
ang mga paa ko! Hindi ka ba naawa sa akin?!" Iyak ni Javi habang tinutulak ni
Cooper ang wheel chair niya papunta sa dulo ng floor kung saan naroroon ang kwarto
ni Reema.

"Oo nga naman Cooper! Kawawa naman si Javi!" Giit ko nalang rin habang sumusunod sa
kanila. Nakakaawa si Javi kasi mamutla-mutla na siya.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para kay Javi, it sucks to be wheelchair-


bound forever. Napag-alaman kong nasangkot pala sa isang aksidente si Javi noong
bata pa kaya naman naging paralisado na ang mga paa niya at kaya siya nandito sa
ospital ay para mag undergo ng physical theraphy araw-araw. Ang hirap siguro sa
pakiramdam na hindi makatayo o makapaglakad kahit na may mga paa ka.

"Kasalanan mo to eh! Bat ka kasi gumising!" Reklamo ni Javi kaya agad akong
napangiwi.

Lokong batang 'to at talagang sinisi pa ako!

"Cooper bilis! Ihatid mo na 'yan sa kwarto ni Reema!" Giit ko kaya naman agad na
nag-thumbs up si Cooper sa akin si Cooper at ngumiti. Kakaiba rin kung ngumiti si
Cooper, bungisngis na nga, kinakagat pa ang ibabang labi. Walang ano-anoy bigla na
lamang siyang tumakbo habang tinutulak parin si Javi.

"Waaaaag! Agatha joke lang! Agatha parang awa mo na biro lang!" Sigaw ng sigaw si
Javi. Ewan ko ba pero imbes na maawa eh natawa lang ako sa mukha niya--para kasing
batang nagwawala, ang cute!

Huminto kami sa harapan ng pinto ng kwarto ni Reema.

"This it it javi. Time to man-up." Mahinang sambit ni Cooper sabay tapik sa balikat
ni Javi kaya napalunok na lamang ito at napa sign of the cross.

"Hoy kayong tatlo anong ginagawa niyo diyan?!" Sabay-sabay kaming napalingon nang
marinig namin ang boses ni Kuya Leo. May dala-dala siyang mga kahon ng Pizza kaya
dali-dali kaming nagtakbuhan papalapit sa kanya--well hindi kami lahat tumakbo
since naka-wheelchair si Javi.

"Cooper kung may binabalak kang kalokohan, wag mo munang isangkot si Reema.
Nandiyan ang mga magulang niya sa loob." Sabi pa ni Kuya Leo kaya agad na nawala
ang ngiti sa mukha ni Cooper at tumango-tango na lamang siya.

"Strict ba ang pamilya niya?" Tanong ko.

"Reema is a troubled girl. They need the privacy. Tara sa kwarto ni Javi." Tipid na
sagot ni Kuya Leo. Siguro ayaw na niyang pag-usapan pa ang sitwasyon ni Reema. Its
obvious that Reema is a troubled girl though. I just hope she feels better soon.

Naglalakad kami papunta sa kwarto ni Javi nang maalala kong hindi pa pala ako
naliligo kaya naman nagpaalam muna ako sila na pupunta muna ako sa kwarto ko at
susunod nalang.

*****

Bihis na ako nang makalabas ako ng CR. Gaya ng dati ang kulay puting pajama at polo
na naman ang suot ko. Nakakainis, bakit kailangan kaming magsuot ng ganito. Ano to
uniform? kalokohan...

Magb-blower na sana ako ng buhok ko nang mapansin kong may isang batang lalakeng
nakaupo sa kama ko. Bahagya akong kinilabutan kaso naalala kong hindi ko nga pala
nai-lock ang pinto ng mismong kwarto ko.

"Hi ate!" Bati niya sa akin. Medyo chubby at singkit ang bata kaya naman halos
lumobo ang pisngi niya at hindi ko na makita ang mga mata niya. Ang cute!

"Hello! Anong ginagawa mo dito?" Lumapit ako sa kanya. Hindi na ako nakapagpigil at
kaagad kong kinurot ang pisngi niya. Ako ang bunso ng pamilya kaya naman gustong-
gusto kong magkaroon ng nakababatang kapatid lalo na kung kasing cute niya.

"Ate naman eh! Let go of my cheeks!" Reklamo niya na para bang naiiyak na kaya
binitawan ko na lamang siya at ginulo ang buhok niya. Ang cute! Nakakagigil! Hindi
ko maiwasang mapangiti.

"They're right. You look like a timang when you smile." Nawala ang ngiti ko dahil
sa sinabi ng bata at napalitan ito ng ngiwi. Ako? Mukhang timang? At sino namang
ugok ang nagpauso niyan? Bish please, ang ganda ko kaya lalo na kapag nakangiti.

"How old are you baby?" Tanong ko na lamang sa kanya. Tiningnan ko ang suot niya at
kapareho rin ito ng sa amin, malamang pasyente rin siya dito.

"7!" Masigla niyang sigaw sabay ngiti ulit. Naku 7 years old pa pala siya, masyado
pang bata para batukan. Pagpapasensyahan ko nalang yata talaga 'to.

"Gusto mo ng chocolate?" Tanong ko at wala siyang pagaalinlangang tumango.

"Give me! Give me! Give me!" Masigla niyang sigaw sabay lahad ng dalawang kamay
niya sakin.

Buti nalang talaga at hindi ko pa ginagalaw ang mga chocolates na iniwan sakin ni
Mommy. Wala pa akong ganang kumain eh kaya iniiwan ko nalang sa mini fridge ko
dito.

Kumuha ako ng chocolate mula sa fridge, hirap ako sa pagkuha kasi madami pang kung
ano-anong nilagay sina mommy dito. Good thing hindi ako tumataba kahit na anong
kain pa ang gawin ko.

Lumingon ulit ako sa bata ngunit nagulat ako kasi wala na siya sa kama ko. Saan
kaya nagpunta 'yun? Akala ko ba gusto niya ng chocolate? Sayang naman...

"Hoy Agatangina! Tinatawag ka na ni Kuya Leo!" Nagulat ako nang bigla na lamang
sumulpot ang ulo ni Cooper sa pintuan.

"Shut up Coopal!" Ganti ko. Tss, akala niya siya lang marunong mag-murder ng
pangalan? well two can play that game.

"Uy! Pahingi ng chocolate!" Kumurba ang napakalapad na ngiti sa mukha niya at


lumapit sakin. Gaya ng bata kanina, inilahad rin niya ang kamay sa harapan ko.

"Di pwede! Para to sa bata. Nakita mo ba saan siya nagpunta?" Tanong ko kaya agad
na nawala ang ngiti sa mukha niya.

"S-sinong bata?" Nauutal niyang sambit habang nakakunot ang noo.


"Yung batang chubby na kalalabas lang sa kwarto ko. Di mo ba siya nakasalubong?"
Maging ako ay napakunot rin ng noo. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba,
bumilis yata ang tibok ng puso ko.

"Huh? Wala namang ibang bata sa floor nato ah? At isa pa bawal sila dito."
Bahagyang napakamot si Cooper sa ulo niya at maya-maya pa'y bigla na lamang nanlaki
ang mga mata niya na para bang may napagtanto siya.

"Agatha... Yung... Yung nakita mong bata, singkit ba siya" Hiirap si Cooper sa
pagsasalita na para bang kinakabahan kaya tumango-tango na lamang ako.

"Bakit Cooper, anong problema?" Maging ako ay mautal-utal narin. Nagsitayuan na


yata ang balahabi ko at bigla akong nakaramdam ng panlalamig. Kung bawal ang bata
dito, paano nakapunta ang batang yun dito sa kwarto ko? Shit hindi kaya....

"Agatha wag ka namang magbiro ng ganyan. Sigurado ka ba talaga sa nakita mo? May
pasyente yata sa childrens ward na isang batang lalaking chubby at singkit kaso...
kaso.." Parang hindi kayang tapusin ni Cooper ang sinasabi niya. Panay lamang siya
sa paglinga sa paligid kaya maging ako ay napalinga-linga nalang din.

"Kaso ano Cooper?" Nagsimula ng pumiyok ang boses ko. Natatakot na talaga ako.

"Agatha sigurado ka bang siya yung nakita mo? kamamatay lang ng bata kahapon."
Mahina niyang sambit kaya agad nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong magtatakbo
palabas ngunit nanigas yata ang mga paa ko dahil sa matinding takot.

"Pero siyempre joke lang yun! That pig is in my room eating ice cream!" Bigla na
lamang niyang sigaw habang humahalakhak kaya agad akong napakagat sa labi ko at
pinanlisikan siya ng mga mata.

"Cooper Alvarez...." Manginginig na ang kamay at boses ko. Dahan-dahan kong pinulot
ang walis na malapit lang sa akin.

"Cooper is out peace!" Sigaw niya habang naka-peace sign at bigla na lamang
nagtatakbo palayo.

"Papatayin kita!" Napasigaw ako at dali-dali siyang hinabol dala-dala parin ang
walis.

END OF CHAPTER 5

K's Note : Sorry for the late and waley update. lolololol.

Thanks for reading!

Vote and Comment <3


####################################
6 : That awkward moment
####################################

6.

That awkward moment

Agatha's point of view

Its 6pm and kakatapos lang naming mag-dinner ng sabay-sabay sa kwarto ni Cooper.
Lokong 'yun naging target na ako ng mga kalokohan niya, nakakainis. It turns out,
kinatatakutan pala si Cooper ng karamihan dito sa ospital dahil sa mga kalokohan
niya at ako lang naman ang maswerteng naging suki ngayon ng kashungaan niya -_-

Umupo ako sa mini study table ko at nagdownload ng movie na papanoorin ko para


hindi ako makatulog mamaya.

"Ate!" Biglang may sumigaw kaya agad akong napatingin sa pintuan. Napangiti ako ng
napakalapad nang makita ko ulit yung batang lalake kaso hindi siya nag-iisa kasi
kasama niya ang asungot na si Cooper.

"Baby wag kang masyadong dumikit kay Cooper. Baka pumangit ka gaya niya!" Biro ko
kaya agad na napangiwi si Cooper. Nagulat ako nang bigla na lamang niyang kinarga
ang bata at kapwa sila sumalampak sa kama ko habang tumatawa. Nakakainis! Nakukunot
ang bedsheet ko!

"Kuya you're right. She's pretty." Biglang sambit ng bata habang tumatawa kaya agad
kaming nagkatinginan ni Cooper. Awkward.

"Pretty si Agatha! Pretty stupid!" Giit ni Cooper at bigla na lamang kiniliti ang
tiyan ng bata kaya tawa ito ng tawa. Para silang baliw na nagtatawanan habang
nagpapagulong-gulong sa kama ko. Nakakainis! Ginugulo na nila ang arrangement ko!

Pero teka, ako stupid? No freaking way ! Oras na yata to para makaganti ako sa
kalokohan niya.

"Talaga baby sinabi ni Cooper na pretty ako?" Tanong ko kaya agad silang natigil sa
pagkukulitan. Natawa ako nang makitang pinanlisikan ni Cooper ng mga mata ang bata
na para bang pinagbabantaan ito.

"Oo!" Sigaw ng bata at muling tumawa ng malakas kaya agad siyang dinaganan ni
Cooper. "Aray kuya! Ang bigat mo!" Sigaw ng sigaw ang bata pero patuloy lang si
Cooper sa pangingiliti at pagdagan sa kanya.

Tawa lang ako ng tawa sa kanila. Ang cute nilang tingnan habang nag wre-wrestling
ng biru-biruan.

"Ayieee! Cooper crush mo ako no?" Biro ko bilang ganti sa pangt-trip niya kahapon.

"Oo ate! Crush-- Tama na! Waaaa!" Sigaw ng sigaw ang bata kasi patuloy parin siyang
kinikiliti ni Cooper.

"'Wag ka na kasing mahiya sakin Cooper! Alam kong maganda talaga ako!" Pang-aasar
ko pa. Siyempre biro ko lang to sa kanya, alam ko namang wala tong crush sakin eh.

"Asa ka Agatha!" Sigaw ni Cooper na nakatuon lamang ang tingin sa batang tawa parin
ng tawa.

"Ayieee! Crush mo ako eh!" Giit ko pa habang tumatawa. Nakakatuwa pala siyang
pagtripan.

"Hindi kita crush!!!!!" Biglang sigaw ni Cooper at nagulat ako nang bigla na lamang
siyang nagtatakbo palabas ng kwarto ko. Problema nun?
"Crush ka niya ate. hehehe." Mahinang sambit ng bata kaya napangiwi na lamang ako.
Bakit naman yun magkaka-crush sakin eh last week lang kami nagkakilala.

"Tara na nga baby, magpahinga ka na sa kuwarto mo." Kinarga ko na lamang siya upang
ihatid sa children's ward. Nahawa na yata siya sa pagiging loko-loko ni Cooper.
Kung ano-ano pang sinasabi.

*****

Mag a-alas nuwebe na ng gabi. Tawa ako ng tawa sa pinanonood kong movie sa laptop
ko nang bigla na lamang akong makaramdam ng matinding sakit sa tiyan ko.

Napahawak ako sa puson ko at napapikit. Pamilyar ang nararamdaman kong sakit kaya
naman dali-dali kong tiningnan ang kinahihigaan ko.... At kung minamalas ka nga
naman, may maraming pulang mantsa na sa bedsheet ko. Ughh! Bakit ngayon pa?!
Nakakainis! Nalimutan kong bumili ng feminine supplies ko!

Its that time of the month again that I despise being a girl. Why is the world so
cruel and unfair? Bakit kaming mga babae lang ang nakakaranas nito? Bakit ang mga
lalake hindi?!

"Agatangina! Agatangina! Agatangina!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Cooper mula sa labas ng kwarto
ko. Paniguradong papasok na naman siya dito at kukulitin ako! OMG! Baka makita
niya ang tagos! Ang awkward! Ughh! Nakakamiss yung unang araw ko dito na masungit
siya sakin! Back then my life was a bit peaceful!

"Cooper umalis ka nga dito!" Sigaw ko sabay tapon sa kanya ng unan nang tuluyan
siyang makapasok sa kwarto ko.

"Mainit ulo natin ah?" Gaya ng dati, bumungisngis na naman siya sabay kagat sa
ibabang labi niya.
Pinanlisikan ko siya lalo ng mga mata. Wala akong pakialam kahit na magmukha akong
si King-kong, ang importante lumabas siya ng kwarto ko. He's Cooper, I get it but
come on! Lalake parin siya! Nakakahiya!

"Utang na loob Cooper Alvarez, kahit ngayon lang lumabas ka-" Hindi ko maiwasang
mapangiwi dahil lalong sumakit ang puson ko. Napahawak na lamang ako sa kumot at
hinawakan ito ng napakahigpit. Gustong-gusto kong tumayo o mag-iba ng posisyon para
mabawasan man lang ang sakit kaso nandito pa si Cooper, oras na gumalaw ako tiyak
mapapansin niya ang mantsa sa kama.

"Agasatanas, Okay ka lang?" Tanong niya ulit pero this time wala na ang ngiti sa
stupid niyang pagmumukha.

Huminga ako ng malalim at bahagyang napapikit.

"Laaaabaaaas!" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas na yon pero sa buong
buhay ko ay ngayon lang ako napasigaw ng ganito ka lakas.

"Okay." Mahinang sambit ni Cooper habang nakapout at dali-daling naglakad palabas


ng kwarto ko na para bang isang batang inagawan ng kendi.

"Teka sandali!" Muli akong napasigaw bago pa man siya tuluyang makalabas.

"Ano?" Napabuntong hininga siya at napatitig sa sahig habang naka-pout parin.

"Uhm... Paki... Paki tawag nga si Reema, sabihin mo pumunta siya dito asap. Sabihin
mo may importante akong sasabihin." Hindi ko napigilan ang sarili kong mautal.
Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa hiya ng sitwasyon o dahil nakokonsensya ako kasi
sinigawan ko siya-Damn it si Cooper to! Hindi ako dapat makonsensya!

"Okay..." Mahina niyang sambit at tuluyang lumabas.

Damn it! Nakakainis! Bakit ang lakas niyang magpa-cute! Ughhh! Pakiramdam ko tuloy
ang sama-sama ko!

Pagkalabas ni Cooper ay dali-dali akong napatayo at kinuha ang jacket kong


nakasabit sa upuan at itinali ito sa bewang ko. Nakakahiya! Kailangan talaga ako
ang maglaba nitong bed sheet ko! Ang problema nito, hindi ko alam paano maglaba!
Naman eh! Pwede bang makatulog nalang ulit ako para mawala tong problema ko?!
"Abigail naman! Ano bang kailangan mo!" Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si
Reema na nagkakamot sa gulong-gulo niyang buhok.

"Its Agatha okay? And I really need your help. You're a girl, siguro naman may
sandwich ka diba? Pahiram naman oh, emergency lang talaga." Pakiusap ko sa kanya
habang hinihila siya papasok ng kwarto ko.

Nakunot ang noo niya at napangiwi.

"Anong sandwich?! Pinapunta mo ako dito kasi gutom ka?!" Pinanlisikan ako ng mga
mata niyang may naglalakihan at mangitim-ngitim pang eyebags. Kung tutuusin, halos
magmukha na siyang panda.

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi niya ba alam ano ang ibig sabihin ng sandwich sa
girl code?

"What I meant was napkin. Reema babae ka naman diba? Pahingi ng napkin please. Ikaw
nalang talaga ang pag-asa ko." Hininaan ko ang boses ko habang nagmamakaawa sa
kanya, mahirap na baka may makarinig samin nakakahiya.

"May pa sandwich-sandwich ka pa! Napkin lang pala!" Sigaw niya kaya dali-dali kong
tinakpan ang bibig niya. Nakakahiyang pag-usapan ang ganitong bagay lalong-lalo
na't dalawa lang kaming babae sa floor nato.

"Reema wag mong lakasan ang boses mo! Nakakahiya!" Giit ko pero inirapan niya lang
ako at napabuntong hininga.

"Ubos na ang stock ko okay? Bumili ka nalang dun sa baba o utusan mo si Kuya Leo!
Bwisit ka dinistorbo mo ako sa kasagsagan ng pags-spazz ko!" Reklamo niya at dali-
daling umalis.
Ughh! Babae ba talaga siya?! Nakakainis! Paano nato?!

"Teka sandali!" Sinubukan ko siyang habulin pero nahihiya na akong lumabas kasi
baka natagusan narin ang jacket ko kaya bahagya ko na lamang na inilabas ang ulo ko
mula sa pintuan. "Reema bumalik ka dito!" Muli kong sigaw pero imbes na tulungan
ako ng bruhang si Reema ay nagtatakbo pa siya pabalik sa kwarto niya.

"Ang sama mo! Napkin lang naman ang kailangan ko eh! Bilhan mo nalang kasi ako!"
Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil sa sobrang inis. Humanda siya! Pag siya
nangailangan ng napkin, di ko talaga siya bibigyan! Cross my heart!

Isasara ko na sana ang pinto ng kuwarto ko nang may mapansin akong kakaiba. Parang
may nakatingin sa akin kaya napatingin ako ng deretso sa harapan ko at nanlaki ang
mga mata ko nang magtama ang tingin namin ni Cooper.... Oh dear God. Kanina pa ba
siya nakatayo sa pintuan ng kuwarto niya?!

Napalunok ako at agad na umiwas ng tingin. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko
dahil sa sobrang hiya kaya dali-dali ko nalang na isinara ang pinto at napasandal
dito.

Shit! Shit! Shit! Narinig kaya niya?!... Hindi! Imposible! Baka hindi niya narinig!
Uwaaaa! Nakakahiya pag-nagkataon!

Napakagat ako sa kuko ko. Nagsisimula nang manlamig ang kamay ko at bumilis ang
tibok ng puso ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at napapikit.

Hindi... Agatha calm down, hindi niya narinig 'yon at kung narinig man niya so
what?! Lahat ng mga babae ay nakakaranas ng ganito, siguro naman may nanay siya o
kapatid-Shit nakakahiya parin talaga! Huhuhuhu!

Para mawala sa isipan ko ang kahihiyan ay dali-dali ko na lamang nilabhan ang


bedsheet sa banyo. Take note, first time kong maglaba at wala pang gamit na sabon.
Goodluck nalang sakin.
*****

Wala na akong ibang maasahan pa kundi ang sarili ko kaya naman dali-dali akong
nagbihis upang magpunta nalang sa pinakamalapit na pharmacy o convenience store.
Lalabas na sana ako nang bigla na lamang akong makarinig ng katok sa pinto.

Naku at sino naman to?! Naman eh! Kailangan ko nang umalis!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at muling bumilis ang kabog ng dibdib ko sa
kaba nang mapansin kong si Cooper pala. Hindi ko magawang tumingin sa kanya ng
deretso kaya napatitig na lamang ako sa sahig.

"A-ano na naman ang kailangan mo?!" Nauutal man, sinusubukan kong tatagan ang boses
ko.

Nagtaka ako dahil hindi na siya sumagot at sa halip ay iniabot lamang niya sa akin
ang isang kulay puting supot.

"Ano to?" Tanong ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napansin kong maging siya
ay hindi rin pala magawang makatingin sa akin ng deretso. Nakatitig lang siya sa
sahig.

"Kunin mo bilis." Giit pa niya.

Nang makuha ko mula sa kanya ang supot ay dali-dali siyang nagtatakbo papasok ng
kwarto niya. Nabaliw na yata talaga.

Pumasok nalang ulit ako sa kuwarto ko at napasandal sa ngayo'y nakasara nang pinto
napabuntong-hininga. Tiningnan ko kung ano ang laman nito at nanlaki ang mga mata
ko sa gulat nang makita ko ang isang pack ng napkin at mga pain reliever.

Hindi ko maiwasang mapatalon-talon dahil sa sobrang hiya. Kung pwede lang akong
sumigaw ginawa ko na! Shit! Nakakahiya talaga! Lupa, lamunin mo na ako please!

END OF CHAPTER 6.
K's Note : Cooper on your right! hihihihi.

Thanks for reading!

Vote and Comment <3

####################################
7 : The challenge.
####################################

7.

The Challenge.

Agatha

Time check, its 2:18 am and I still can't sleep. God knows how much I hate sleeping
but I kinda want to sleep now dahil paulit-ulit kong naalala ang kahihiyang dahil
sa napkin at dahil narin sa sakit ng puson ko. Nakakainis ang utak ko, para bang
pinagt-tripan ako. Ayoko na sanang maalala kaso bumabalik talaga sa isipan ko. Wala
na nga siguro akong kontrol sa utak ko.

Sa tuwing nate-tense ako wala akong ibang gustong gawin kundi kumain but
unfortunately ubos na ang laman ng mini-fridge ko. Siguro naman open ang cafeteria
sa baba.

Kinuha ko ang kulay pula kong jacket at itinali ito sa bewang ko just incase
lamigin ako o di kaya magka-emergency down there. If you know what I mean. Kinuha
ko rin ang polaroid camera ko at isinilid ito sa bulsa ko just in case I get bored,
lowbat narin kasi ang ipod ko.

I love taking photos actually. Ang mga taong kagaya ko na walang kasiguraduhan ang
buhay ay walang ibang pwedeng panghawakan kundi mga alaala mula sa mga litrato.
Yeah my life sucks. Walang kasiguraduhan ang mga bagay na madadatnan ko sa tuwing
magigising ako kaya mas mabuti nang may alaala akong babaunin mula sa nakaraan. I'm
sentimental.

Dahan-dahan akong lumabas mula sa kwarto ko, naalala ko kasi ang sabi ni Kuya Leo
na bawal kaming lumabas after 10pm. Malapit lang sa quarters niya ang elevator,
natatakot akong makita niya ako at pagalitan kaya sa hagdanan na lamang ako dumaan.
Nakakailang hakbang pa lamang ako pababa sa mga hagdan nang mahagip ng paningin ko
ang isang lalaking nakaupo sa gitnang hagdan. Nakatalikod siya mula sa akin pero
nakilala ko siya dahil sa suot niyang black beanie. Come to think of it hindi ko pa
yata siya nakikitang hindi nakasuot ng beanie niya.

Sa totoo lang, biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nahihiya parin
talaga ako sa kanya dahil sa nangyari kanina. I'm greatful pero ang awkward parin
talaga. Aakyat nalang sana ako pabalik nang marinig ko siyang suminghap na para
bang nahihirapan siyang huminga.

Napalingon ako pabalik sa kanya at nagulat ako nang mapagtanto kong may hawak pala
siyang isang kulay brown na paper bag at dito siya humihinga.

"Cooper okay ka lang?" Hindi na ako nag-atubili pang humakbang pababa upang lapitan
siya.

Kapwa kami gulat sa isa't-isa. Siya, nagulat, siguro kasi hindi niya inaasahang
nandito ako at ako naman heto at gulat na gulat nang makitang napakarami na palang
dugo sa sahig.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kanya lalo na nang malapitan kong
makitang nahihirapan siyang huminga na para bang nagha-hyperventilate habang may
dugong umaagos mula sa ilong niya.

Hirap siyang magsalita kaya naman itinaas lang niya ang kamay niya na para bang
pinapaalis ako. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao kung aalis ko kaya ang ginawa
ko, tumabi ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang nanginginig at napakalamig
niyang kamay.

Mayroon akong kapatid na may Asthma. Hindi kami close dahil nga parati akong tulog
pero kahit papaano may ginagawa ako sa tuwing sinusumpong siya.

Gaya ng ginagawa ko sa kapatid ko, hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya sa
mga mata. Nakaramdama ko ng matinding lungkot nang wala akong ibang makita sa mukha
ni Cooper kundi sakit at hirap.

"Cooper hingang malalim!" Giit ko na lamang at sinabayan siya sa paghinga ng


malalim.

Nakapako lamang ang mga mata namin ni Cooper sa isa't-isa habang magkasabay kami sa
paghinga ng malalim.
I'm no expert sa mga ganitong bagay, siguro nga hanggang moral support lang ako but
I guess it worked kasi ilang sandali lang ay unti-unti nang bumalik sa normal ang
paghinga niya.

Bigla niya akong binitawan at tumingin siya ng diretso sa mga hagdang pababa.
Kinuyumos niya ang paper bag na hawak at itinapon ito habang pinupunasan ang dugong
patuloy paring tumutulo mula sa ilong niya gamit ang kamao.

Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko at inabot ito sa kanya.

Muli niya akong tiningnan pero ngayon nakakunot na ang noo niya.

"Take it...." Muli kong iniabot sa kanya ang panyo. Natakot ako kasi para siyang
galit kaya pinilit ko na lamang tumawa ng pilit, "Labhan mo lang pagkatapos? hehe."
Biro ko.

Imbes na kunin ang panyo ay tinitigan niya lang ako kaya naman ako na mismo ang
umagaw sa kamay niyang puno ng dugo at pinunasan ito gamit ang panyo.

"If you're not feeling well you can always tell Kuya Leo." Giit ko ngunit hindi
siya sumagot. Sa halip ay napatingin lang siya sa kawalan.

Parang napaka-awkward na kaya tumayo nalang ako at iniwan sa tuhod niya ang panyo
ko para siya nalang ang magpunas sa mukha niya. Para naman akong nurse kung ako pa
mismo ang gagawa nun.

"Tara sa cafeteria, Libre ko." Nakangiti kong sambit at bumaba na lamang. Naiilang
talaga ako kaya hindi na ako nalang siya nilingon at nagpatuloy ako patungong
cafeteria.

- - - - - -

Napatingin ako sa paligid. Napakatahimik at iilan lang ang mga okupadong table.
Karamihan sa mga nandito ay mga nagkakape. Ang creepy pero imposible naman sigurong
may multo dito.
"Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito." Tanong ni Aleng tindera.
Halata sa mukha niyang antok na antok pa siya pero nagagawa parin niyang makipag-
chikahan.

"Opo. Sana nga makaalis narin ako dito." Biro ko at tinuro na lamang ang mga
bibilhin ko. Boring ang mga foods na binebenta nila kaya wala akong choice kundi
bumili nalang ng sandwich at water.

Nagulat ako nang bigla na lamang may naglagay ng mga pagkain sa tray ko. Nang
tingnan ko, si Cooper pala. Namumutla parin siya gaya kanina pero mas maayos na
yata ang lagay niya ngayon.

"Teka sandwich lang ang kaya ng apetite ko!" Giit ko.

"Para yan sa akin. Libre mo diba?" Pilyo nitong sambit at gaya ng nakagawian andun
na naman ang ngiti niya habang kagat ang ibabang labi. Weird guy. Kanina ang seryo-
seryoso niya tapos ngayon umaariba na naman ang kabaliwan.

Akala ko tutulungan niya ako sa pagdala ng tray kaso ang loko iniwan ako at umupo
na sa table na malapit sa bintana. Wala akong magawa kundi irapan na lamang siya.

Matapos kong bayaran ang mga foods ay kinuha ko na ang tray na puno ng pagkain.
Pupunta na sana ako sa table ni Cooper nang muling magsalita si Ale.

"Ang mga lalaking kayang bilhan ng napkin ang mga girlfriend nila ay hindi na dapat
pakawalan pa." Muntikan akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa narinig.
Hindi ko alam kung iiyak ba ako sa inis o tatawa dahil sa sobrang weird ng sinabi
niya. Anong klaseng kasabihan yon!

"Mabuti nalang talaga at dumating ka. Nakakatuwang makita ang batang yan na
masaya." Dagdag pa ni Ale kaya napangiwi na lamang ako. Hindi ko alam anong
sasabihin kaya dali-dali nalang akong nagpunta sa table ni Cooper.

- - - -

Napatingin ako sa wall clock. Its almost 3 am pero isang kagat pa lang nagagawa ko
sa sandwich ko samantalang si Cooper kanina pa kain ng kain. Hindi na masyadong
awkward kasi nagagawa na ulit namin ni Cooper na magbayangan yun nga lang wala
parin talaga akong ganang kumain.
"Maraming mga taong gutom na walang pera para bumili ng pagkain. 'Wag kang mag-
inarte." Pasaring ni Cooper kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Eh sa wala akong gana." Giit ko at uminom na lamang ng tubig.

"Ba't ka pa nagpunta dito kung wala ka naman palang gana?" Kunot-noong tanong ni
Cooper habang ngumunguya pa ng sandwich. Nakakainis talaga siya, ang baboy kumain.
Di ba siya nasabihang 'dont talk while your mouth is full?'

"Akala ko masasarap ang pagkain dito. Malay ko bang hospital foods na naman."
Naihalukipkip ko na lamang ang braso ko.

"Masasanay ka rin pero nandiyan naman si Kuya Leo. Sabi niya dadalhan niya daw tayo
ng fries next week. Maghintay ka nalang." Giit niya kaya napabuntong-hininga na
lamang ako at napasandal sa kinauupuan ko.

May naalala tuloy ako. Noon kasing bata pa ako, sa tuwing gusto namin ng midnight
snack ay may pinupuntahan kaming lugar ng pamilya ko para kumain. Malapit lang yata
'yon dito. Mapuntahan nga 'yon.

"Coops samahan mo naman ako please." Pakiusap ko kaya agad siyang tumigil kumain
habang nakakunot ang noo.

"Saan?" Tanong niya.

"Basta!" Giit ko.

"Saan nga?"

"Basta nga!"

"Sa labas ba? Bawal tayong magpunta sa labas. Pagagalitan tayo Agatha, di mo ba
alam 'yon?" Kunot-noo niyang sambit kaya tumango-tango na lamang ako.

"Tara habang wala pa ang guard." Sabi pa niya sabay turo sa exit kaya dali-dali
kaming nagtatakbo palabas.

- - - - - - -
Pagbaba namin ng taxi ay napangiti ako nang makitang nandito parin pala ang
paborito kong kainan.

"'Agatha seryoso ka ba dito?" Tanong ni Cooper habang nakangiwi. Arte.

"Manong Taguro's Mamihan. Open 24 hours. Serving the best bulalo since 1990! Of
course I am! I love this place and for sure magugustuhan mo 'to!" Taas-noo kong
sambit at agad na siyang hinila papasok upang umorder.

Pinagtitinginan kaming lahat dahil sa suot naming damit pampasyente pero wala akong
pakialam. Miss na miss ko na ang bulalo at mami nila dito.

"Sure ka bang safe ang pagkain dito?" Bulong ni Cooper na para bang nagdadalawang-
isip. Palibhasa buong buhay niya halos doon niya ginugol sa ospital kaya heto at
natatakot sumubok ng bagong bagay.

"Just trust me on this Coops. They serve the best bulalo." Giit ko.

"Bulalo? Sabi nga sa pangalan mamihan to diba?" Kunot-noo niyang tanong.

"Just shut-up." Biro ko at umuorder na lamang.

- - - - -

Napangiwi ako habang pinagmamasdan siya. Kanina wala siyang ibang ginawa kundi
magreklamo at magtanong. Nag-aalala siyang baka madumi ang pagkain dito, kesyo baka
masyado daw masebo at bumara sa puso niya. Kalalakeng tao, ang arte pero tingnan mo
naman ngayon, halos higupin na niya mismo ang isang bowl ng bulalo at nakaka 4
extra rice na siya.

Kinuha ko ang camera ko at kinunan siya ng litrato. Nagulat yata siya sa flash kaya
agad siyang tumigil kumain.

"Stalker ba kita Agatha?" Kunot noo niyang tanong matapos lumunok.

"Nope. Never. Asa ka pa." Taas noo kong sambit habang ipinapaypay ang litrato nang
sa gayon ay tuluyang lumitaw ang imahe nito.
Napangiti ako nang tuluyan kong masilayan ko na ang imahe ni Cooper na takam na
takam sa pagkain. Agad itong inabot sa kanya.

"Its always good to keep memories. May picture din ako noong first time akong
dinala dito ng parents ko kaso yun nga lang nawala, nilagay ko kasi yun sa wallet
ko tapos may lecheng nagnakaw nang mawalan ako ng malay sa gitna ng daan." Kwento
ko at nagpatuloy sa pagkuha ng litrato sa paigid.

"It doesnt have to be first." Biglang inagaw ni Cooper ang camera at ako ang
kinunan niya ng litrato. Nakakainis! Stolen shot kaya ayun pinagtawanan niya pa ako
ng todo.

Nagulat kami nang lumapit sa amin ang isang may-edad ng waitress na may dala pang
extra rice para sa amin.

"Mukhang ang saya iyo ah? Gusto niyo kunan ko kayo ng litrato ng magkasama?" Tanong
ni Ale kaya agad kaming nagkatinginan ni Cooper.

"Atleast may remembrance ako kasama ang isang tuod." Pang-aasar ni Cooper at agad
na inabot kay Ale ang camera at kinunan niya kami ni Cooper ng lirato.

- - - - -

"Dude you just ate 5 bowls! 5! Hindi ba sumasakit ang tiyan mo?" Hindi ko maiwasang
mapangiwi lalong-lalo na't kumakain parin si Cooper ng pang-anim niyang bowl ng
bulalo.

"Tss. Wala ka atang bilib sa akin? Sobra pa sa anim ang kaya ko! Kahit 100 kayang-
kaya ko!" Taas-noo niyang pagmamayabang kaya napasinghal na lamang ako at tinaasan
siya ng kilay.

"Talaga lang ha?" Sarcastic kong sambit.

"Isa ba yang hamon Agatha?" Nakangisi niyang sambit.

"Kaya mo ba?" Tanong ko.


"Oo naman! Sige ganito, ipinapangako ko sa'yo. Bago ako mamamatay makakaubos ako ng
Isang-daang order ng bulalo!" Pagmamalaki niya kaya natawa na lamang ako.

- - - - -- -

K's Note : Pambawi sa matagal na update :)

END OF CHAPTER 7

Thanks for reading!

Vote and Comment <3333

####################################
8 : The real Cooper Alvarez
####################################

8.

The other side of Cooper Alvarez

Agatha.

"Cooper!" Napatili ako sa abot ng makakaya ko. Muli kong pinagmasdan ang sarili ko
sa salamin at sinubukang tanggalin ang mga tinta sa mukha ko sa pamamagitan ng
panghihilamos. Lecheng Cooper, alam kong siya na naman ang may gawa nito. Araw-araw
hindi talaga siya pumapalya sa pangt-trip sakin. Makakaganti rin ako sa panget na
'yon.

"Thanks Agatha." Napapitlag ako nang bigla na lamang sumulpot sa likuran ko si


Reema. Nakasandal lamang siya sa nakabukas na pinto ng banyo habang nakangisi.

This girl is really giving me the creeps. She's a fangirl and I like her kaso
creepy talaga siya.

"Sa ano? Reema naman eh! 'Wag ka ngang basta-bastang sumusulpot!" Lumingon ako sa
kanya at sumandal sa lababo habang pinupunasan ang basang-basa pa.
"You saved us all from Cooper's wrath. Alam mo bang simula nang dumating ka dito
naging payapa na ang buhay namin?" Aniya.

Hindi ko alam kung isa ba 'tong compliment pero ito na yata ang pinaka-mabait na
moment ni Reema sa akin. For the first time hindi siya nagmukhang nangangain ng
tao. Gumagana na kaya ang mga gamot niya? Sabi kasi ni Javi walang ibang sakit si
Reema kundi depresyon. Matinding depression. Polar bear something? Ewan nakalimutan
ko ang sakit niya.

"Payapa sa inyo, sa akin impyerno. Solong-solo ko ang lahat ng kalokohan niya. How
nice." Sarcastic kong sambit. I hate the fact that Cooper ruins my everyday life
but I must admit, dahil sa kanya hindi nagiging boring ang pamamalagi ko dito, yun
nga lang talaga, araw-araw akong highblood.

"You really don't get it do you?" Tanong niya habang nakakunot ang noo pero
nakangiti.

"Ang alin?" Nakunot ang noo ko. Nakakalito naman kausap ang babaeng to.

"You've been here for almost 5 months, siguro hindi mo pansin pero kami, kitang-
kita namin ang malaking pinagbago ni Cooper." Nagulat ako sa sinabi ni Reema. Ang
bilis naman ng panahon, malapit na pala akong mag limang buwan sa ospital nato.
Akala ko talaga hindi ako aabot ng isang buwan pero tingnan mo naman 5 months na
ako dito.

"Hayy, sa five months ko dito malamang mas matagal akong tulog." Napabuntong-
hininga na lamang ako at muling pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin at pati
narin kay Reema.

"Alam mo bang sa tuwing tulog ka, walang ibang ginagawa si Cooper kundi tumambay sa
kwarto mo at hintayin kang magising?" Tanong ni Reema kaya muling nakunot ang noo
ko.

"At bakit naman niya 'yon gagawin? Reema naman, imposible yata 'yan." Giit ko at
lumabas na lamang mula sa maliit na banyo. Nakakailang kaya umupo nalang ako sa
kama ko at nagpatugtog ng kanta. Ngayon ko lang napansing hapon na pala.

"Agatha naranasan mo na bang magmahal man lamang sa isang tao?" Umupo si Reema sa
tabi ko habang nakatingin sa kawalan. Hindi naman siguro psychotic ang babaeng to
diba? Dapat talaga ni-research ko yung tungkol sa sakit niya para naman
maintindihan ko ang kinikilos niya.
"Oo naman! Minsan binilhan ako ng papa ko ng rabbit para pet. Sobrang mahal na
mahal ko yun kaso wala eh, pumunta na sa langit." Muli akong napabuntong hininga at
napasandal nalang sa headboard ng kama pero laking gulat ko nang bigla na lamang
niya akong sinamaan ng tingin. Yung parang kakainin ka talaga ng buhay? May sa
demonyo yata talaga ang babaeng 'to.

"Tao Agatha. Tao." Walang emosyon niyang sambit kaya muli akong napaisip.

"Si.. Uhm... Si Jesse McCartney!" Pagmamalaki ko. I so love that guy. Ang ganda ng
boses! Kamusta na kaya siya ngayon? Kainis! Kailangan nakalimutan kong i-check kung
may bago na ba siyang kanta.

"It sucks right? It sucks not to have a normal life?" Sabi pa ni Reema na para bang
nanlulumo. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot sa sinabi niya.

Yes it sucks. It sucks not to have a normal life. It sucks not to have friends. It
sucks kasi ni minsan hindi ko pa nararanasang pumasok sa isang normal na school. It
sucks kasi halos hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawin. Yung mga love story,
adventures, bakasyon at kung ano-anong kaek-ekan-Nakakalungkot kasi ni minsan hindi
pa ako nakakaranas ng ganun. Sa tv at movies ko lang ito parating nakikita.

Ano kaya ang pakiramdam magkaroon ng isang normal na buhay?

"Shit! Tama na! Ayoko na!" Nagulat ako nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang
napalakas na sigaw mula sa labas. Hindi ako sigurado pero para bang boses iyon ni
Cooper.

Napatingin ako kay Reema at muli akong nagtaka kasi parang balewala lang sa kanya
ang narinig. Nakatingin lamang siya sa sahig na para bang malungkot.

Tatayo na sana ako upang puntahan si Cooper sa kwarto niya kaso bigla na lamang
hinigit ni Reema ang kamay ko.

"Just pretend you didn't hear it." Giit ni Reema.

"Ano?! Paano kung kailangan talaga ni Cooper ng tulong. Narinig mo naman yun diba?"

"Limang buwan ka pa lang dito at siguro parati kang tulog sa mga araw na ganito
kaya hindi mo pa ito naririnig. Pero ako, magta-tatlong taon na ako dito kaya sanay
na akong marinig ang mga palahaw niya sa tuwing nagche-chemo siya."

Hindi ako matalino pero sa tagal ng pagpapalipat-lipat ko sa mga ospital ay alam ko


na kung ano ang chemo. Alam kong may sakit si Cooper pero hindi ko inakalang aabot
pala sa puntong kinakailangan na niyang magpa-chemo. Naloko ako ng bawat ngiti at
tawa niya. Ngayon alam ko na kung bakit siya parating may suot na beanie. Kawawa
naman siya... Hindi siya dapat mag-isa.

Iwinakli ko ang kamay ni Reema at dali-dali akong lumabas.

Laking gulat ko nang bigla na lamang akong hinarang ni Javi gamit ang wheel chair
niya. Siyempre otomatiko akong napaatras, baka magulungan pa ang daliri ng paa ko.
For sure masakit.

"'Wag mo na siyang puntahan. Magagalit lang siya." Giit ni Javi na para bang
nanlulumo bagay na minsan ko lang makita. Hindi ko na lamang siya pinansin at
dumaan nalang sa gilid niya.

Natigil ako sa paglalakad nang umabot ako sa bahagyang nakabukas na pintuan ng


kwarto ni Cooper. Naririnig ko parin ang mga palahaw niya kaya lalong bumibilis ang
tibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakas ang matinding sakit sa boses niya kaya
pakiramdam ko, maging ako ay nasasaktan din.

Nagdadalawang isip man, dahan-dahan akong sumilip sa loob.

Napatakip ako sa bibig ko. Bumigat lalo ang pakiramdam ko nang makita ko si Cooper
na nakahiga ng patagilid sa kama niya habang namimilipit sa sakit. Nakaharap siya
sa direksyon ko kaya kitang-kita ko ang matinding paghihirap sa mukha niya,
nakakuyom ang mga kamao niya habang nakapikit pero nagagawa ko paring maaninag ang
pag-agos ng luha niya. May mga nurse sa loob at iilang mga doktor, hindi ko alam
kung ano ang ginagawa nila pero parang may tinuturok sila sa likod ni Cooper at
parang napakasakit talaga nito.

Walang ibang naroroon para umalalay sa kanya o magparamdam sa kanyang hindi siya
nag-iisa. Wala ang mga magulang niya at wala rin si Kuya Leo. Mag-isa niyang
hinaharap ang matinding sakit at hirap.

"He's been here for almost 12 years. He's been fighting for his life ever since he
was a kid." Napalingon ako at nakita ko si Javi na para bang nanlulumo. Alam kong
matagal-tagal narin siya dito kaya alam narin siguro niya ang mga paghihirap ni
Cooper.

"Ano ang sakit niya?" Hindi ko maiwasang mapatanong.

"Myeloma-Isang uri ng blood cancer na pinagdudusahan niya magmula noong bata pa


siya. Malakas si Cooper, balita ko nga binigyan siya noon ng taning ng doktor.
Sabi nila hindi na siya aabot ng 10 years old pero tingnan mo naman, hanggang
ngayon buhay na buhay pa." Paliwanag ni Javi kaya muli akong napatitig kay Cooper.
Bakit parang dinudurog ang puso ko habang nakikita ko siyang ganito?

Bakit pakiramdam ko, nasasaktan rin ako ng matindi gaya niya?

"Nasaan ang pamilya niya? Bakit siya nag-iisa?" Muli akong napalingon kay Javi.

"A-agatha." Nauutal na sambit ni Javi habang tinuturo ang mukha ko kaya agad ko
itong hinaplos. Ngayon ko lang napansin na lumuluha na pala ako.

"Ayaw ni Cooper na masaktan ang mga magulang niya at pati narin si Kuya Leo. Ayaw
niyang kaawan natin siya. Agatha, siguradong ayaw ni Cooper na nakikita mo siyang
ganito." Giit ni Reema na sumunod rin pala sa amin.

Itinuon ko ang pansin kay Cooper na hanggang ngayon ay wala paring kaalam-alam na
nandito kami. Hanga ako sa tapang niya. Sa kabila ng lahat ay nagagawa parin niyang
tumawa. Kung hindi ko siya nakikitang ganito, aakalain kong wala siyang kaproble-
problema sa buhay.

Akala ko ako lang ang malungkot sa lugar nato. Kung tutuusin, lahat kaming nasa
ward nato ay parehong nasasaktan at nalulungkot. Lahat kami pakiramdam namin nag-
iisa lang kami. Siguro ito ang dahilan kung bakit kami nilagay sa ward nato. Siguro
nilagay kami sa ward nato para hindi na naming maramdamang nag-iisa kami.

Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero namalayan ko na lamang na pumasok ako
sa kwarto ni Cooper. Napatingin sa akin ang mga nurse at doktor pero hindi ko sila
pinansin at sa halip ay umupo ako sa paanan ng nanginginig na si Cooper.

Napansin yata ako ni Cooper kaya idinilat niya ang mga mata niyang hanggang ngayon
ay lumuluha parin.

"Alis! Umalis ka dito!" Kahit bakas ang matinding panghihina sa mukha niya ay
sinigawan parin niya ako at nagawa pa akong panlisikan ng mga mata.

Ayokong sinisigawan ako pero sa kabila nito ay hindi ako natatakot sa kanya. Alam
kong pinapairal lang niya ang pride niya kaya hinawakan ko nalang ng mahigpit ang
nanginginig niyang kamay.

"Agatha! Putangina! Lumabas ka! Hindi kita kailangan!" Muli niyang sigaw kahit na
napapaungol na siya habang namimilipit sa sakit. Hindi ko alam kung totoong galit
ba talaga siya pero nginitian ko na lamang siya at tiningnan siya sa mga mata.

"Sumigaw ka lang. Sabi nila pwede daw maibsan ang sakit kung sisigaw ka." Giit ko.
Kahit na anong gawin niya, kahit murahin niya ako ng murahin, hinding-hindi ako
aalis sa tabi niya and besides hindi naman ako pinapaalis ng doktor o kahit ng
nurse. Kung tutuusin, para pa nga silang natuwa nang makita ako.

"Agatha..." Hinang-hina na ang boses ni Cooper. Halos walang tigil ang panginginig
ng labi niya dahil sa sakit kaya lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Simula ngayon tatawagin na kitang Cooper the Monggol dahil mukha kang..."
Sinusubukan ko mang magbiro ay hindi ko na magawa kasi maging ako ay naiiyak narin
kaya napalunok na lamang ako at tumango-tango. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti.

"Kaya mo 'to. Ikaw si Cooper the Monggol. Matatalo mo 'tong sakit mo." Paulit-ulit
kong sambit.

Huminga siya ng malalim at tumango-tango. Naramdaman kong hinawkan narin niya ng


pabalik ang kamay ko. Alam kong namimilipit parin siya sa sakit pero nagawa parin
niya akong ngitian.

Ito ang unang pagkakataon na nakilala ko ang totoong Cooper Alvarez. Buong akala
ko, nakilala ko na ito bilang isang loko-lokong lalaking walang ibang ginawa kundi
manggulo at mangtrip sa lahat pero hindi--Itong taong nakikita ko ngayon, siya
talaga si Cooper. Isang taong may mabigat na pinagdadaanan pero taas noo niya itong
hinaharap habang may ngiti. He's bravest person i've ever met.

Cooper is special, not in a mentally unstable kind of way, but he really is a


special guy.

END OF CHAPTER 8

K's Note : Just to be clear, Reema has a bipolar disorder =)

Thanks for reading.

Vote and Comment <333


####################################
9 : Pushing Daisies?
####################################

9.
Pushing Daisies

Agatha

"Will he be okay?" Hindi ko maiwasang mapatanong habang pinagmamasdan si Cooper na


natutulog matapos nang treatment niya.

"He will be. Siya si Cooper Alvarez, magiging okay lang siya." Giit naman ni Javi
kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"If you like each other, then go date each other." Otomatiko akong napalingon kay
Reema habang nakakunot ang noo dahil sa sinabi niya.

"What?!" Painosenteng tanong nito habang nakangiti ng nakakaloko.

"I don't like-like him." Giit ko at inisnaban na lamang siya. Di bale ng lapain
niya ako ng buhay, basta wala akong gusto kay Cooper.

"Kung hindi mo siya gusto, bakit parang concerned na concerned ka sa kanya?" Sabi
ni Javi habang nakangisi. Nakakainis! Maging si Javi, tinukso nadin ako.

"Caring akong tao. Kung kayo 'yun ganun din ang gagawin ko." Giit ko at lumabas na
lamang.

------

Nood ng tv, higa, kain, internet, kain, nood ng tv, soundtrip, nood ulit ng tv-Ay
ewan! Nawawalan na ako ng gagawin sa lugar nato! Kakainis! Gusto kong matulog kaso
baka matagalan na naman ako sa paggising.

"Agatha hija?" Sambit ni Kuya Leo habang kinakatok ang pinto ko kaya dali-dali
akong umayos sa pag-upo.

"Hi po!" Bati ko sa kanya at agad naman siyang pumasok. Inilapag niya sa maliit na
mesa ang isang kahon ng pizza, kahit kailan ang bait niya talaga sa amin.
"Kinwento sa akin ni Javi ang nangyari kanina. Maraming salamat kasi hindi mo
sinukuan ang alaga ko." Sabi pa ni Kuya Leo kaya napangiti na lamang ako.

Nakakatuwa talaga siya, para na talaga niyang tinuturing na anak si Cooper. Kung
tutuusin, halos ituring na niya kaming lahat na anak niya. Nakakahanga talaga siya.

"Kamusta na po siya? Nagising na po ba siya?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Gising na siya kaso ayaw kumain. Pwede bang kausapin mo siya? Parang sayo lang
kasi yun makikinig." Sabi pa ni Kuya Leo kaya agad na nakunot ang noo ko.

"'Yun makikinig sakin? Pero sige po, susubukan ko." Kinuha ko ang tsinelas mula sa
ilalim ng kama ko at isinuot ito. Pupuntahan ko na sana si Cooper nang may maisip
akong ideya.

"Kuya, pwede bang sumunod nalang ako?" Paalam ko at tumango naman siya.

-------

"Delivery daw to para kay Agatha Grace---" Hindi ko na pinatapos pa ang gwardya sa
pagsambit ng buo kong pangalan at dali-dali ko ng inagaw mula sa kanya ang dalawang
supot at dali-daling umakyat papunta sa kwarto ni Cooper.

"Oh Agatha, andito ka pala. Sige lalabas muna ako." Sabi ni Kuya Leo nang dumating
ako at dali-daling umalis. Lokong matanda, iniwan pa talaga ako.

Inilapag ko ang mga supot sa mesa at kumuha ng mga bowl. Buti nalang talaga
kumpleto sa mga gamit ang kuwarto ni Monggol.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyong tanong ni Cooper kaya napatingin na


lamang ako sa kanya. Nakita kong hindi pala niya ginagalaw ang mga pagkaing
nakalagay sa tray na nasa harapan lang niya.

"Ayaw mo ba talagang kumain?" Tanong ko habang hawak ang bewang ko kaso umiwas lang
siya ng tingin. Teka, anong problema niya? Galit ba siya sakin?
"Cooper ano, ayaw mo ba talagang kumain?" Tanong ko ulit at tanging iling lamang
ang naging sagot niya.

Kinuha ko na lamang ang tray mula sa kanya at nilapag ito sa mesa.

"O sige, aalis nalang ako kasama 'tong bulalo." Nagparinig ako sabay kuha ng supot
ng mga bulalo. Lalabas na sana ako nang biglang...

"Teka, bulalo? Pahingi." Nauutal niyang sambit kaya muli akong napangiti. Bulalo
lang pala ang katapat ng unggoy nato.

------

"Cooper naman, dahan-dahan lang, baka mabilaukan ka." Paalala ko kaso hindi niya
ako pinansin at sa halip ay nagpatuloy lang siyang kumain. Iisang bowl pa lamang
ang nakakain ko kaso siya, nakaka-apat na.

Teka kung nakakain siya ng 9 bowls last week tapos ngayon naman 4 na, ibig sabihin
nakaka-13 na siya ngayon. Wow naman! Galing ko talagang mag-math! -_-

"13 Bowls, that's impressive." Napabuntong hininga na lamang ako. Nakakailang,


hindi ko na alam ano pa ang sasabihin ko.

"87 pa, kailangan kong bilisan to!" Giit ni Cooper kahit na may laman pa ang
bunganga niya.

"Coops naman, walang humahabol sayo." Giit ko pa.

Lumunok siya at pinunasan ang labi niya, "Meron Agatha, ang kamatayan. Mahirap na
baka, dumating na ang sundo ko at di ko matupad ang pangako ko sayo."

Otomatiko kong nailapag sa mesa ang hawak kong mga kubyertos at nawala ang ngiti sa
mukha ko. Ako na ngayon ang nawalan ng ganang kumain. I just really hate it when
someone talks about death like that.

"Who says you were dying?" Paulit-ulit na gumalaw ang talukap ng mga mata ko habang
pilit kong pinipigilang lumuha.
"Magmula nang umapak ako sa ospital nato, makailang ulit ko na yang naririnig.
Sanay na nga ako eh." Nagawa na niya ulit na tingnan ako sa mga mata at ngumiti.

"You're not dying. No one's dying. No one's going to die." Giit ko kahit na unti-
unti nang pumipiyok ang boses ko.

"We'll all die eventually. Siguro mauuna lang talaga ako sa inyo. Diba nga-"
Natigil sa pagsasalita si Cooper. Nakita niya siguro ang pagluha ng mga mata ko
kaya dali-dali ko itong pinunasan habang pinipilit ang sarili kong ngumiti, di bale
nang magmukha akong baliw.

Dali-daling lumapit sa akin si Cooper at ipinahid sa mukha ko ang jacket niya.


Pinupunasan ba niya ang luha ko o minumudmod ang jacket niya sa mukha ko? Baliw
talaga.

"Teka teka, wag kang umiyak! O sige na, hindi na ako mamamatay. Malay mo sina Reema
at Javi pa ang mauuna sa akin-"

"GAGO!" Magkasabay kaming napasigaw ni Cooper nang may sumigaw mula sa likuran
namin. Nagulat kami nang mapagtantong nakabukas pala ang pinto at mula dito ay
nakikinig sina Reema at Javi sa amin.

------

Napahikab ako at napatingin sa relo ko. Mag-aalas syete na pala ng umaga pero
napakalamig ng palagid at mayat-mayang tinatangay ng hangin ang buhok ko.

I took a big risk in going here in the rooftop alone. Sana lang talaga 'wag akong
makatulog dito, kundi lagot talaga ako.

Sumandal ako sa pader habang nakaupo sa sahig, kahit papaano gumagaan ang
pakiramdam ko dito. Muli ko nalang binuklat ang libro ko at nagbasa.

I haven't slept since yesterday, which is a good thing kung ako ang tatanungin, but
I have to admit medyo nabo-bore na talaga ako. Nakakamiss rin pala ang kakulitan ni
Cooper. May check-up kasi siya ngayon at hindi ko mahagilap. Sina Reema at Javi rin
hindi ko maka-hangout kasi binisita sila ng mga parents nila-Which is also the
reason kung bakit ako nandito ngayon sa rooftop-Maiinggit lang ako kapag nakita
kong kasama nila ang mga pamilya nila kaya mas mabuting nandito ako.
"Hindi ko alam kung bingi ka o masyado kang focus sa binabasa mo?" Nabigla ako nang
may magsalita kaya dali-dali akong napalingon.

Speaking of the crazy idiot named Cooper...

Looks like bumalik na siya sa dati, nakangisi na kasi ulit siya at parang wala ng
problema. Malayong-malayo sa Cooper na nakita ko kahapon.

"Not now Coops, I'm busy." Giit ko at muling napatitig sa librong binabasa ko.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Sinusubukan kong
magpatuloy sa pagbabasa kaso hindi na ako makabalik, panay lang ang titig ko sa mga
salita. Kasalanan talaga 'to ni Cooper.

Nagulat ako nang nang bigla na lamang humiga si Cooper sa hita ko. Hindi ko
maiwasang mataranta kaya ksidente kong nabitawan ang librong hawak ko at bumagsak
ito sa mukha niya.

"Aray! Ba't mo ginawa yun?" Iyak ni Cooper habang hawak ang mukha niyang nabagsakan
ng libro.

"Sorry! Hindi ko sinasadya! Bat mo kasi ako ginulat?!" Nakakakonsensya, medyo


makapal pa naman yung libro lalo na ang cover. Bahagya akong yumuko at sinubukang
tanggalin ang kamay na nakatakip sa mukha niya, gusto kong tingnan kung may sugat
ba siya kaso masyado siyang malakas.

"Cooper naman eh! Sorry na! Patingin bilis!" Giit ko habang pinilit na hinigit ang
kamay niya kaso ayaw niya talaga akong pakinggan.

Pakiramdam ko balewala lang ang effort ko sa kakulitan niya kaya napabuntong


hininga na lamang ako at muling sumandal sa pader.

"Cooper tumayo ka na diyan. Mabigat na ang ulo mo." Giit ko at muli na lamang
bumalik sa pagbabasa--and by pagbabasa i mean, titig sa mga salita kasi hirap akong
makapag-focus dahil sa kanya.

"Coops bilis tumayo ka na!" Giit ko at bahagyang iginalaw ang paa ko kaso umiling-
iling lang siya habang tinatakpan ang mukha. Lokong 'to, may balak pa yata siyang
gawin akong unan.
Hindi niya ako pinapansin kaya hindi ko nalang din siya pinapansin.

Ilang sandali pa ay unti-unti ko nang naiintindihan ang mga binabasa kaso


nararamdaman kong sinusundot-sundot niya ang librong hawak ko. Nakakainis na talaga
siya kaya binitawan ko ang hawak kong libro kaya muli itong lumanding sa mukha
niya. This time, sinadya ko na talaga.

"Agatha naman eh! Masakit kayang mabagsakan ng libro!" Giit niya habang hinihimas-
himas ang noong tinamaan ng libro. Ang cute niya pala kapag naiinis. Parang batang
nagtatantrums.

"Tumayo ka na kasi. Anong akala mo sakin unan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

This time it worked kasi dahan-dahan siyang bumangon at umupo na lamang sa tabi ko.
Bwahahaha! Panalo ako! Oh yeaaah!

Gaya ko ay bumuntong hininga siya at sumandal sa pader. Napatingin siya sa akin at


nagtama ang mga tingin namin kaya dali-dali akong umiwas ng tingin at bumalik sa
pagbabasa. Nakakainis, baka akalain niyang may gusto ako sa kanya--Which is hindi
naman.

"Bakit ka nandito? Malamig dito." Biglang sambit ni Cooper at ipinatong sa ulo ko


ang jacket niya. Hindi talaga siya gentleman. kainis.

"Musta check-up mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

Ayoko ng ikwento pa ang inggit na nararamdaman ko kay Javi at Reema kasi baka
mainggit pa ako. Miss na miss ko na talaga ang pamilya ko.

"Sabi ng doktor, ito na daw ang pinakamaayos na kundisyon ko magmula nang ma-
diagnose ako sa sakit ko."

Isinara ko ang libro ko at napatingin sa kanya. Hindi ko maiwasang mapangiti nang


makita ko ang saya sa mukha niya. Nakatingala lamang siya sa maulap na kalangitan
pero kapansin-pansin ang sigla niya.

Kinuha ko ang camera ko na nasa gilid ko lang at kinunan siya ng litrato, bagay na
ikinagulat niya.
"Stalker." Mahinang sambit niya at nginitian ako ng nakakaloko.

"Photographer Cooper. Animal photographer." Ganti ko saboy abot sa kanya ng


litrato. "Tutal malapit ka nang gumaling, regalo ko nalang 'yan sayo. Remembrance
kumbaga ." Biro ko.

Tumawa siya habang tinitingnan ang litrato, "Gumaling? Agatha 'yan na yata ang
pinaka-nakakatawang joke na narinig ko."

Wala akong nagawa nang bigla niyang inagaw ang camerang hawak ko. Inakbayan niya
ako habang nakatutok sa direksyon namin ang camera kaya ngumiti na lamang ako at
nag-peace sign gaya niya.

"Cooper naman. Gagaling ka rin. Sa tapang at tatag mong 'yan, siguradong malaki ang
posibilidad na magkaroon ka ng normal na buhay." Giit ko habang hinihintay namin
ang paglitaw ng imahe namin sa litrato.

"Paano kung hindi na?" Tanong niya habang nakangiti parin.

"Paano kung gagaling ka talaga?" Ganti ko.

"Imposible." He shrugged and continued taking photos of us.

"Pero Cooper makinig ka nga. Gusto mo bang gumaling? Gusto mo bang magkaroon ng
normal na buhay?" Tanong ko kaya naman natigil siya sa pagkuha ng litrato at
napatingin sa kawalan.

Napabuntong-hininga siya at napangiti.

"Araw-araw kong pinagdarasal na sana magkaroon na ako ng normal na buhay." Mahinang


sambit ni Cooper at muling humiga sa hita ko. Nakatalikod siya mula sa akin na para
bang tinititigan ang kalangitan.

"You're the bravest and strongest person I have ever met. You will have a normal
life Cooper, I can feel it. You just have to believe in yourself." Napabuntong
hininga ako at napatingin din sa kalangitan gaya niya.

"Naniniwala ka ba talagang gagaling ako?" Walang emosyong tanong ni Cooper. Hindi


ko na makita pa ang mukha niya.
"Just have faith Cooper. Never let your faith in him wither." Giit ko.

"'Samahan mo ako hanggang sa gumaling ako, pwede ba 'yun?" Tanong niya kaya
napangiti ako at tumango-tango.

"As long as i'm awake." Pangako ko.

"Stay Awake." Giit ni Cooper at humarap siya sa akin habang nakahiga parin sa hita
ko. Bahagya akong napayuko upang magtama ang mga tingin namin.

"I'll try but to be honest, I have this habit of disappointing people Coops." Giit
ko habang hinahayaan ang sarili kong tumitig sa kulay abo niyang mga mata.

"Just stay awake. Stay Awake, Agatha." Sabi ulit ni Cooper habang nakangiti.

END OF CHAPTER 9

Thanks For reading!

Vote and Comment <333

####################################
10 : Stimulants
####################################

10.

Stimulants

Agatha

"Handa ka na ba hijo?" Tanong ng Doktor habang hawak ang isang syringe kaya naman
napatingin sa akin si Cooper. Hindi man niya sabihin, alam kong natatakot siya at
kinakabahan.

"Agatha..." Mahinang sambit ni Cooper habang nakahiga sa kama niya.

Nakapako ang tingin niya sa akin kaya tumango ako at nginitian siya, tipong
sinasabing 'magiging okay ang lahat' at kasabay nito ay hinawakan ko ng mahigpit
ang kamay niya.
Naririnig ko ang bawat ungol at daing ni Cooper habang kinukunan siya ng bone
marrow. Kahit na anong gawing pigil niya ay hindi niya maitago ang katotohanang
labis siyang nasasaktan kaya napapikit na lamang ako inihawak ang isa ko pang kamay
sa kanya.

Nangako ako sa kanyang mananatili ako sa tabi niya at hinding-hindi ko ito


babaliin. Kahit na anong mangyari, wala kaming iwanan, 'yan ang pangako namin sa
isa't-isa.

Sa tuwing kinukunan siya ng dugo, bone marrow o kahit nagche-chemo o check-up man,
parati akong nasa tabi niya upang suportahan siya at iparamdam sa kanyang kailanman
ay hindi siya nag-iisa.

Nagdaan ang ilang mga buwan at kami parati ang magkasama. Naging malapit kami sa
isa't-isa na halos ayaw na naming maging magkalayo. Naging matalik kaming
magkaibigan. At sa loob ng ilang buwang na buwan na iyon ay ginagawa ko ang lahat
ng makakaya ko upang manatiling gising para sa kanya... Kaso minsan pumapalpak
talaga ako. Nakakatulog ako.

"Guys laro tayo ng taguan!" Aya ni Javi na kanina pa inaatras abante ang wheel
chair niya.

"'Wag ka ngang malikot! Masagasaan mo pa ang paa ko!" Giit ni Reema sabay yakap ng
mga tuhod niya. Palibhasa nakaupo lang kaming lahat sa sahig at pwedeng-pwede
kaming masagasaan si Javi.

"Habulan nalang tayo gamit ang sariling paa!" Giit ni Cooper habang nakangisi kaya
naman agad na itinaas ni Javi ang middle finger niya.

"But seriously guys, im bored to death. Bakit ba bawal tayong lumabas?" Giit ko at
napasandal na lamang sa aparador ni Javi.

"Nakalimutan mo na ba? Parati kayang dinidisinffect ang mga kwarto sa ganitong


araw." Giit ni Reema habang nakakunot ang noo kaya napakamot na lamang ako sa ulo
ko at napangiti. Naku nakalimutan ko...

"Palibhasa lagi kang tulog." Pasaring si Cooper at bigla na lamang isinandal ang
ulo niya sa balikat ko. Kakainis! Feeling magaan ang ulo!
Biglang may kumatok sa pintuan kaya agad itong pinagbuksan ni Reema na siyang nasa
pinaka malapit. Akala namin kung sino, si Kuya Leo lang pala. Gaya ng dati ay
ngumiti siya ng nakakaloko nang makitang magkatabi kami ni Cooper kaya dali-dali
kong siniko ang ungas upang lumayo sa akin. Bestfriend ko si Cooper pero parati
nila itong nilalagyan ng malisya.

"Hindi na talaga ako magtataka kung kayong dalawa ang magkakatuluyan." At talagang
nakuha pang manukso ni Javi kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Ako makakatuluyan 'tong babaeng to?" Sarcastic na sambit ni Cooper habang


nakangiti ng nakakaloko, "Pwede narin." Dagdag pa nito kaya napangiwi na lamang ako
sa inis. Alam niyang naiinis ako sa tuwing tinutukso kami sa isa't-isa and being
the jerky idiot that he is, minsan nakikisali rin siya sa panunukso, lokong 'to,
pag ako napuno mababatukan ko na talaga siya kahit may sakit siya.

"Mamaya na nga kayo magtuksuhan, Agatha pinapatawag ka ng doktor mo." Sabi pa ni


Kuya Leo kaya tumayo na lamang ako at pinagpagan ang pajama ko. Teka check-up na
naman ba? Akala ko ba once a month lang ang check-up ko? kaka-check up ko lang last
week ah?

"Cooper saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong ni Kuya Leo nang makitang tumayo rin
si Cooper na para bang sasama sa akin gaya ng nakagawian naming gawin.

"Nakadikit na po talaga ang atay nila." Sarcastic na sambit ni Reema habang


nakangisi kaya pabiro ko nalang siyang inirapan.

"Mag-isa lang si Agatha na pinatawag. Bawal ka nang sumama." Giit ni Kuya Leo at
sinensyasan si Cooper na umupo nalang ulit sa sahig.

"Paano ba 'yan, no pets allowed na eh." Pasaring ni Javi kaya agad siyang
pinanlisikan ni Cooper ng mga mata.

Lalabas na sana ako kasama si Kuya Leo nang bigla na lamang hinigit ni Cooper ang
kamay ko.

"Ags, mamaya sasalinan daw ako ng dugo mamaya, samahan mo ako pagkatapos ng check-
up mo ha?" Nakangiti niyang sambit kaya wala akong pag-aalinlangan na tumango.
- - - - - - - -

"Kuya Leo, may problema po ba?" Hindi ko mapigilang mautal habang naghihintay
kaming papasukin ako ng doktor sa opisina niya.

Sa totoo lang natatakot ako at kinakabahan. Sa tuwing araw ng check-up ko,


pinapayagan naman si Cooper na sumama sa akin pero bakit ngayon hindi na? May
masama bang balita para sa akin?

"Kung natatakot ka, pwede nating papuntahin ang mga magulang mo." Suhestyon ni Kuya
Leo kaya agad akong umiling. Ayoko na silang distorbohin pa.

Mag-isa akong pinapasok ni Doc Matt sa opisina niya at dito ay kapansin-pansing


hindi na siya nakangiti gaya ng nakagawian. Alam kong hindi namin pwedeng maging
kaibigan ang mga doktor namin pero sa tuwing pinapatawag niya ako, karaniwan naman
siyang nakangiti at nakikipag-kwentuhan sakin ah?

"Doc Matt, ba't niyo po ako pinatawag? Diba po kaka-check up lang natin last week?"
Tanong ko habang pilit na pinapagaan ang paligid sa pamamagitan ng pagngiti at pag-
arteng hindi ako kinakabahan.

"Agatha, kahapon nangyari ang monthly check-up mo at hindi last week." Giit nito na
para bang nanlulumo kaya napahawak na lamang ako sa noo ko. Ang engot ko talaga!

"Doc pasensya na po, makakalimutin lang po talaga ako." Pinipilit kong tumawa at
magbiro pero hindi niya ako ginantihan ng katiting na ngiti na lalong mas nagpakaba
sa akin.

"Kelan mo pa napansin na mas lalo kang nagiging makakalimutin?" Walang emosyon


niyang sambit habang tinitingnan ang mga records ko.

"Last month?... I dont remember exactly when, pero doc mula bata pa ako, medyo
makakalimutin naman po talaga ako gaya ng normal na tao." Giit ko habang hindi
iniaalis ang ngiti sa labi ko kahit na wala na akong ibang nararamdaman kundi kaba.

"Agatha ilang taon ka na?" Tanong niya kayat bahagya akong napakamot sa ulo ko.
"16 po." Tipid ngunit walang kagatol-gatol kong sagot.

Matagal bago siya muling nagsalita, para kasing nag-iisip pa siya, parang
nagdadalawang-isip sa mga salitang bibitawan niya.

"Agatha, you turned 17 two months ago. Diba nga hinandaan ka pa nila Cooper, Javi
at Reema ng birthday party kaya muntik kayong mapagalitan." Giit niya kaya tuluyang
nawala ang ngiti sa mukha ko. Bakit parang walang nangyaring ganun? I mean, may
konti akong naalala pero parang sa panaginip lang sa sobrang labo.

No matter how much I try to convince myself that everything is fine, no matter how
much i try putting on a smile. I know something's wrong. Something's definitely
wrong with me, I can feel it.

Mamatay na ba ako? Diyos ko ayoko pang mamatay.

"Stop with the bullshit." Napatingin na lamang ako sa kawalan habang pilit na
tinatatagan ang sarili ko. "Am I dying?" Pero kahit na anong pilit kong
magpakatatag, bumabakas na sa boses ko ang matinding lungkot.

"Agatha, you're not dying. Aaminin ko, nahihirapan kami sa kundisyon mo. Ang mga
Narcoleptic na tao ay kalimitang nakakatulog lang sa kalagitnaan ng araw kahit na
ano man ang ginagawa nila pero kakaiba sayo kasi matagal kang tulog.....
Papupuntahin ko nalang ang parents mo para sila ang kakausapin ko." Giit niya
habang nagsusulat sa isang papel, siguro nireresetahan na naman niya ako ng gamot.

"Doc, I'm old enough to handle bad news. Hindi mo na kailangang ipatawag ang mga
magulang ko. Buong buhay ko, pakiramdam ko pasanin lang ako kaya pwede bang sabihin
mo nalang sakin kung ano na ang nangyayari sa katawan at utak ko?" Tuluyan nang
pumatak ang butil ng luha mula sa mga mata ko kaya dali-dali ko itong pinupunasan.

I sound rude. I know and I feel guilty about it pero gusto kong malaman ang totoong
lagay ng utak ko. Ayokong araw-araw akong mag-aalala at kakabahan.

"Lumalala na ba ang kundisyon ko?" Natatakot akong marinig ang sagot sa tanong ko
pero kailangan ko itong malaman.

"Oo...."
Gusto kong marinig sa kanya na improvement ito gaya ng mga iniisip ko kaso hindi.
Para akong sinasampal ng katotohanang lalong lumalala ang kundisyon ko. Gusto kong
umiyak, Gusto kong sumigaw... Gusto kong makita si Cooper at marinig mula sa
kanyang magiging okay ang lahat. Pero magiging okay pa nga ba?

"Ano pong mangyayari sa akin?" Tanong ko na lamang.

"Mula sa naging check-up natin kahapon, napansin kong masyado kang problemado at
stressed. May bumabagabag ba sayo? May inaalala ka ba? Hindi ka kasi ganito noon."
Tanong niya at walang ibang pumasok sa isip ko kundi si Cooper.

I am not stressed out because of Cooper. I just care about him. I care about him to
much up to the point na araw-araw akong nag-aalala sa kanya at sa kundisyon niya. I
worry everyday na baka makatulog ako at maiwan siyang mag-isang nakikipaglaban.

"Stress made you worse. I suggest umiwas ka sa mga bagay na nakakapagpabigat ng


pakiramdam mo." Paliwanag niya kaya agad akong napasandal sa kinauupuan ko at
napatingala sa kisame.

Umiwas? Sinong iiwasan ko? Si Cooper?

I can't do that... I dont know why but I just can't.

"Whats the worst that can happen to me?" All my life, I feel so pathetic kaya
sinikap kong magpakatatag habang nagsasalita. Pinipilit kong wag ipakitang
natatakot ako.

"You'll sleep." Aniya.

"Kelan ako magigising?" Tanong ko.

"You might never wake up again."

Para akong tinakasan ng lakas sa naging sagot niya. May malaking posibilidad na
mangyari ang pinakakinatatakutan ko at ng mga magulang ko. Ayokong mamatay.

"May paraan pa ba, para humaba ang buhay ko?" Walang emosyon kong tanong kahit pa
tuluyan nang umagos ang luha mula sa mga mata ko.
"Hija, stay away from stress. Care about yourself and your happiness. As easy as
that." Giit niya ngunit nagtaka ako nang tumahimik siya na para bang may gusto pang
sabihin.

"Is there any other way?" Tanong ko ulit.

Nagtaka ako nang bigla siyang tumayo at kinuha ang isang kahon mula sa malaki
niyang aparador. Bumalik siya sa kinauupuan at inilabas ang tatlong maliliit na
bote mula dito.

"Agatha, these are experimental pills. Mga brain stimulants silang pinaghalo-halo.
Hindi pa namin lubusang nasisigurado ang success rate nito." Paliwanag niya kaya.

"Will that cure me?" Tanong ko.

"Gaya ng sabi ko hija, hindi pa namin nasisigurado pero ang layunin ng gamot nato
ay mapanatiling gising ang mga taong may sakit na gaya ng sayo. Ang mga taong may
narcolepsy, 'provigil' ang karaniwang nirereseta sa kanila upang mapanatili silang
gising, niresetahan ka namin nito mula noong bata ka pa pero wala itong epekto kaya
naman naisipan naming mag-eksperimento. Maaring may mga side effects pero hindi ko
pa alam." Paliwanag niya habang ipinapakita sa akin ang kulay pulang pills na laman
nito.

"So let me get this straight... You want me to become your guinea pig?" Sarcastic
kong sambit at agad akong napatayo.

"You asked for a solution. You can always say 'no' Agatha Sinasabi ko lang sayo
para mapag-isipan mo. Sabihin mo to sa mga magulang mo." Paalala niya.

"I'll think about it..." Lumabas na lamang ako mula sa opisina niya.

Habang naglalakad ako sa pasilyo ng ospital ay hindi ko na maiwasan ang patuloy na


pagragasa ng luha ko. Pinagtitinginan na ako ng mga nurse at pasyenteng naririto
pero wala na akong pakialam. Taas-noo na lamang akong naglalakad, walang emosyon
pero lumuluha.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa naramdaman kong unti-unti nang


bumibigat ang mga mata ko.

- - - - - - - -

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang
plastic mask na nakatakip sa bibig at ilong ko. Lalo akong nataranta nang makita ko
ang dextrose na nakakabit sa kamay ko kaya dali-dali akong napaupo kahit na hilong-
hilo pa ako at masakit ang ulo.

Bubuksan ko na sana ang laptop ko nang may marinig akong parang umuungol. Sinundan
ko kung saan ito nanggagaling at nang mapatingin ako sa sofa ay laking gulat ko
nang makita kong natutulog dito si Cooper at para bang nanginginig.

"Cooper?" Huminga ako ng malalim at dali-daling tinanggala ng dextrose na nakakabit


sa kamay ko. Dumudugo ito pero wala akong nararamdamang hapdi, manhid ang kamay ko.

Dali-dali kong nilapitan si Cooper at hindi ko mapigilang mag-alala nang makitang


labis siyang pinagpapawisan. Siguro sinusumpong na naman siya ng sakit niya. Parte
sa pagkakaroon ng myeloma ang labis na pananakit ng buto at katawan. Parati ko
siyang nakikitang nagkakaganito pero hindi parin ako sanay. Hindi ko parin
maiwasang maluha.

"Cooper sandali lang! Tatawagin ko si Kuya Leo!" Tatakbo na sana ako palabas nang
bigla na lamang hinigit ni Cooper ang kamay ko.

Kasabay ng unti-unting pagdilat ng mga mata ang pagkurba ng ngiti niya.

"Gising ka na... Mabuti naman at gising ka na..." Bakas sa boses niyang hinang-hina
na siya pero pinipilit niya paring ngumiti. Nanginginig ang labi niya na para bang
labis siyang giniginaw.

"Cooper bitawan mo muna ako! hihingi ako ng tulong!" Muli kong giit kaso mas
hinigpitan lang niya ang hawak sa kamay ko. Dala na ng halo-halong emosyong
nararamdaman ko ay napaupo na lamang ako sa sahig at umiyak.

"'Wag ka ngang umiyak, hindi ka pa ba nasasanay sakin?" Tanong niya habang pilit na
pinupunasan ang luha ko gamit ang nanginginig parin niyang mga kamay.
Alam kong wala nang patutunguhan pa ang usapan namin kaya inalalayan ko na lamang
siyang bumangon at lumipat sa kama. Sa sobrang tangkad niya, mahihirapan siya kung
mananatili siya sa maliit na sofa.

"Ininom mo na ba ang gamot mo?" Tanong ko habang pilit na pinipigilan ang luha ko.
Kinuha ko ang face towel mula sa cabinet at pinunasan ang pawisan niyang noo.

"Gising ka na, okay na ako." Giit niya at hinigit ang kamay ko na para bang gusto
niya akong pahigain sa braso niya.

"Im sorry I couldnt stay awake." Humiga nalang ako at humarap sa kanya kaya malaya
naming natititigan ang mga mata ng isa't-isa. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga
mata niya kaya lalo akong naiyak.

"Tulog mantika ka talaga kahit kailan.. Walong araw akong naghintay sayo..."
Nakangiti niyang sambit at pabirong pinisil ang ilong ko.

"I tried I just cant stay awake..." Hindi ko maiwasang manlumo pero nginitian niya
lang ako at hinawi ang buhok ko patungo sa likod ng tenga ko.

"Buong buhay ko pakiramdam ko mag-isa lang ako pero nagbago ang lahat ng yon nang
makilala kita. Pwede bang 'wag mo akong iwan? Pwede bang dito ka lang parati sa
tabi ko? Okay lang kung matutulog ka, bastat wag mo lang akong iwan." Pakiusap niya
kaya wala akong pag-aatubiling tumango. Hindi ko alam pero kahit ako, ayokong
malayo sa kanya. Sanay na akong parati siyang nasa tabi ko at pinapangiti ako at
kailanman ayokong magbago ito.

"Bakit ganun? Sa tuwing nakikita kita pakiramdam ko wala akong sakit... Sa tuwing
nakikita kita nagiging masaya ako. Agatha anong ginawa mo sakin?" Biro niya habang
tumatawa kaya ako naman ang pabirong pumisil ng ilong niya.

"Maganda nga kasi ako." Biro ko.

"Sa akin ka lang dapat maging maganda. Dapat maging pangit ka sa iba para walang
ibang magkagusto sayo."

Natawa na lamang ako. Epekto siguro sa pananakit ng buto niya ang weird niyang mga
sinasabi ngayon.

"Cooper sa tingin mo ba gagaling ka?" Tanong ko.


"Oo naman. Sabi mo nga diba, gagaling ako. Naniniwala ako sayo." Nakangiti niyang
sambit sa kabila ng panginginig ng labi niya. Alam kong labis parin siyang
nasasaktan pero itinatago niya lang ito sa pamamagitan ng ngiti at biro.

Cooper is a special guy who gave me very special memories and I dont want to forget
anything.

If those pills would help me keep those memories... If those pills can help me stay
awake just to be with Cooper.... Then my mind is made up.

"Cooper mananatili akong gising hanggang sa gumaling ka." Pangako ko.

"Talaga?" His face brightened up.

Tumango ako. "I'll do everything just to stay awake for you."

END OF CHAPTER 10

Thanks for reading!

Vote and Comment <33


####################################
11 : The Boyfriend Commandments
####################################

11.

The Boyfriend Commandments

Agatha

"Agatha are you sure you're okay?" Tanong ni Mommy habang nilalagyan niya ng mga
pagkain ang refrigerator. I love it when they visit me, not only nawawala ang
pagka-miss ko sa kanila, may instant delivery pa ako ng mga pagkaing gusto ko.

"Mom, do I look like I'm not okay?" Sarcastic kong tanong habang binubuksan ang iba
pa niyang pasalubong.

"Do you really want me to answer that?" Tanong naman niya pabalik kaya natawa na
lamang ako.
"Mom I'm fine. Gaya ng parati kong sinasabi sayo, masaya ako dito. I have friends
now." Katwiran ko at nakita ko ang tuwa sa mukha niya.

"Eh boyfriend meron ba?" Tanong ni Daddy na para bang nanunukso. Sa wakas nagsalita
na siya, kanina pa kasi siya tahimik.

"Dad no worries. Walang tangang magkakagusto sa taong katulad ko." Giit ko sabay
yakap sa kanya, bagay na minsan ko lang gawin.

"Taong katulad mo?" Kunot-noong sambit ni Daddy na hindi yata nagustuhan ang sinabi
ko, "Anak walang mali sayo. Maganda ka, mabait-" Hindi ko na siya pinatapos pa sa
sasabihin niya.

"And I have a sleeping disorder. Dad, I'm sleeping most of the time. I'm
practically the modern-day sleeping beauty! And kung may natutunan man ako sa halos
isang taon ko dito, yun ay tanggapin ang katotohanang walang kasiguraduhan ang
buhay ko. Come on dad, we all know whats gonna happen to me. And besides, tanggap
kong isang araw, baka hindi na ako magising." Bahagya akong tumawa ngunit laking
gulat ko nang mapansing umiiyak na pala si Daddy.

Shit.

Shit ka talaga Agatha.

Ilang sandali kaming binalot ng nakabibinging katahimikan. Ni isa sa amin walang


nagsasalita, hindi nagkikibuan. Naririnig ko ang unti-unting paghagulgol ni Mommy
kaya napapikit na lamang ako napabuntong hininga.

Bibig mo talaga Agatha.

"Mom naman, 'wag ka ng umiyak." Nakakailang man, lumapit ako sa kanya at niyakap
siya ng mahigpit. Ang bigat pala sa pakiramdam makita ang nanay mong umiiyak dahil
sayo. Kahit kailan, wala talaga akong ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo niya.

"Agatha alam mo ba kung bakit ka namin pinatira sa ospital nato?" Tanong ni Daddy
habang nakatingin sa kawalan kaya dahan-dahan akong tumango.

"Opo alam ko." Muli akong napabuntong hininga at umupo ng maayos habang pilit na
pinipigilan ang luha ko, "Gusto niyong maging handa sa pagkamatay ko kaya habang
maaga nilalayo niyo na ang loob niyo sa akin. Dad I get it, don't worry
naiintindihan ko kayo." Bulalas ko ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang
tumayo si Daddy na para bang galit sa akin.

"Anak bakit mo naisip 'yan?!" Pinanlisikan ako ng mga mata niyang lumuluha.
Napahawak na lamang ako ng bibig ko, I never thought this day would come na
makikita kong umiiyak si Daddy.

"Anak nagkakamali ka! Pinatira ka namin dito kasi gusto naming gumaling ka,
mahirap para sa aming malayo sayo pero tinitiis namin kasi naniniwala kaming
makakahanap sila ng lunas para sayo! Agatha mahal na mahal ka namin!" Giit ni Mommy
na umiiyak parin at muli akong niyakap ng mahigpit.

All my life I've been a burden to them but not anymore.

Don't worry mom, don't worry dad.

May nahanap na akong paraan.

*****

Napahikab ako dahan-dahang kinusot ang mga mata ko. Kinuha ko ang unan ko at
niyakap ito. Nalilito ako, gusto ko nang gumising at bumangon kaso antok na antok
pa ako, 'di ko nga magawang idilat ang mga mata ko.

"Hoy Agatha? Gising ka na ba?" Narinig kong may nagsalita pero dahil nga inaantok
pa ako ay napaungol na lamang ako at umiling-iling.

"Si Sleeping beauty nagising kasi hinalikan siya ng prince charming niya. Sabi mo
sa papa mo, ikaw si Sleeping beauty, halikan kaya kita? Gusto mo?"

Otomatiko kong naidilat ang mga mata ko dahil sa gulat. Agad bumungad sa akin ang
pilyong ngisi sa mukha ni Cooper na nakahiga pala sa tabi ko. Dahan-dahan niyang
inilapit ang mukha niya sa akin, natakot ako at nataranta kaya dali-dali ko siyang
sinipa at agad siyang nalaglag sa sahig.

"Aray! Agatha naman eh!" Sigaw siya ng sigaw kaya sinilip ko siya. Gaya ng
inaasahan, nakahiga siya sa sahig habang iniinda ang sakit ng likod niya, imbes na
maawa, natawa na lamang ako.

"Yan! Manyakis kasi!" Panunukso ko sabay lagay ng mga hintuturo ko sa sentido ko.
"Akala mo ah!" Aniya at laking gulat ko nang bigla niyang hinila ang kamay ko. Sa
sobrang lakas ng pagkakahila niya sa akin ay nawalan ako ng balanse sa sarili ko.
Napatili na lamang ako nang maramdaman kong malalaglag narin ako sa sahig.

Kapwa kami nagsigawan nang tuluyan akong malaglag mula sa kama at bumagsak mismo sa
kanya. Naramdaman ko nalang, nakahiga na ang ulo ko sa dibdib niya. Kapwa man kami
umiinda ng matinding sakit sa katawan, hindi ko parin maiwasang matawa. Namalayan
ko na lamang, nagtatawanan na kami habang dumadaing ng sakit.

"Walang hiya ka talagang monggol ka!" Napasigaw na lamang ako at bahagyang gumulong
palayo sa kanya para naman makahinga siya ng maayos.

"Anong ako?! Eh ikaw nga ang bigat ng ulo mo!" Daing niya naman habang hinihimas
ang dibdib niya. Ubo siya ng ubo habang nakangiwi. Hala! Oo nga pala! May sakit nga
pala siya!

"Monggol okay ka lang? Yung ulo mo nabagok ba?" Shit naman, ang sakit ng braso ko,
gusto kong tumayo kaso ang sakit pa ng mga braso ko.

"Agatha?" Tanong niya. Kapwa kami nakahiga sa sahig habang nakatitig sa kisame.

"O?!" Pasigaw kong tanong.

"'Agatha, 'wag kang magugulat..." Mahina niyang sambit kaya agad nanlaki ang mga
mata ko sa kaba.

"Bakit? Anong meron?" Napalunok ako. Bigla akong tinamaan ng kaba.

"May... May ipis malapit sa ulo mo!" Bigla niyang sigaw kaya tili ako ng tili sa
takot at dali-daling gumulong palayo sa direksyon na tinuro niya.

"He-he-he." Nagtaka ako nang marinig ko ang sarcastic na paghagikgik ni Cooper kaya
dahan-dahan kong ibinaba ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. Laking gulat ko
nang mapagtantong halos yumakap na pala ako kay Cooper at napakalapit na ng mukha
naming sa isa't-isa.

"Kalaswaan! Kahalayan! Kababuyan!"

Otomatiko kaming napalingon ni Cooper sa pintuang bahagyang nakabukas at nakita


namin si Javi na nakangiwi at para bang diring-diri.
"Tumakbo ka na lumpo!" Sigaw ni Cooper at bigla na lamang tumayo. Napasigaw na
lamang si Javi at kumaripas sa pagpagulong ng wheel chair niya nang mapagtantong
hahabulin na siya ni Cooper.

"Looks like someone's falling for the idiot." Nakita kong pumasok si Reema sa
kuwarto habang nakahalukipkip ang mga braso.

"We fell. Literally." Giit ko sabay turo ng kama habang tinutulungan niya akong
tumayo.

"You fell. Literally and Figuratively. Admit it Agatha, you're falling for him."
Walang emosyong sambit ni Reema at umupo sa kama ko. Nakita niya ang paper bags na
dala ng mommy ko at hinalungkat niya ito.

"Mom bought me clothes that I won't even wear. Take what you like." Ngumiti ako sa
kanya at humiga sa hita niya. It's not obvious, but for almost a year, Reema and I
are sorta like bestfriends. Akala ko noon masama ang ugali niya pero ang totoo, may
pinagdadaanan lang talaga siyang depression.

"Vintage diary, cool taste." Nakangiting sambit ni Reema habang tinititigan ang
luma kong Diary. Binigay ito sakin ni Daddy noong kinder ako pero kailanman, hindi
ko pa ito nagagamit, mukha tuloy vintage.

"Sayo na 'yan. Wala akong balak mag-diary." Giit ko.

"Vintage isn't my thing but you know what, you can still use this." Aniya kaya
otomatiko akong napaupo habang nakakunot ang noo.

"Paano kaya kung magsulat ako ng bucket list? Parati ko kasi yung nakikita sa mga
pelikula. I mean why not try it myself right?" Suhestyon ko na agad namang sinang-
ayunan ni Reema sa pamamagitan ng pag thumbs-up.

"But you're not dying right?" Tanong ni Reema na para bang biglang kinabahan kaya
ngumiti na lamang ako at umiling-iling kahit na hindi ako sigurado.

"Pero Reema, parang napaka-common ng bucket list. Paano kaya kung ibahin ko?"
Suhestyon ko at siya naman ang napakunot ng noo.
"Anong iniisip mo?" Aniya.

Napabuntong hininga na lamang ako at ngumiti, "Boyfriend Commandments or


relationship goals!"

"Kakornihan mo Agatha." Nakangiwing sambit ni Reema kaya agad akong napasinghal.


"But I'd have to admit, Boyfriend Commandment sounds sweet. Makagawa nga niyan para
naman may guide si Do Kyungsoo ko kung paano niya ako pasasayahin. Sige Agatha
ganito, If may lalaking gagawa ng lahat ng mga maisusulat mo sa boyfriend
commandments, ibig sabihin siya na ang lalaking para sayo." Ani Reema na para bang
excited.

Kita mo 'to, kanina tinawag niya ang idea kong korni pero siya naman pala may
pagka-korni.

But then again, wala namang mawawala kung gagawin ko 'to.

Malay ko, gumaling pala ako at makakilala ako ng lalaking gagawa ng isusulat ko
dito.

"Hmmm. Number 1, boyfriend should never make me cry." Isusulat ko na sana 'to nang
biglang hinila ni Reema ang ballpen ko. Binigyan ko siya ng anong-problema-mo-look.

"Agatha talaga ngang hindi mo pa nararanasan ang isang normal na buhay." Nakangiwi
niyang sambit.

"Bakit? May mali ba sa number one commandment ko?" Tanong ko at napabuntong-hininga


lamang siya at sinapo ang ulo niya.

"Agatha I love you but you're so naïve and I want to slap you right now. Look,
there's no such thing as perfect relationship. At some point iiyak at iiyak ka.
That's how life works. Oras na magmahal ka, kalakip na dun ang salitang sakit."
Aniya kaya tumango-tango na lamang ako.

For a girl with a bipolar II disorder, she kinda has a point.

Napabuntong hininga na lamang ako, "Sige ganito nalang, Boyfriend should always
give me a chocolate drink whenever I'm sad." Taas-noo kong sambit sabay sulat nito
sa diary ngunit nang ibinalik ko ang tingin kay Reema ay nakangiwi na naman siya.

"Isip bata ka talaga." Mahina niyang sambit kaya tumawa na lamang ako.

"Boyfriend should always hold my hand whenever I cross the street." Anunsyo ko at
lalo lamang napangiwi si Reema.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo." Kapwa kami napalingon ni Reema sa pinto nang may
marinig kaming magsalita. Laking gulat namin nang makita namin si Cooper.

Bakit kami nagulat? Nakasakay lang naman siya sa wheel chair ni Javi!

"Nasaan si Javi?!" Magkasabay kaming napasigaw ni Reema.

"Nandito ako! Tulong!" Narinig namin ang mga daing ni Javi at ilang sandal pa ay
nakita naming siyang gumagapang sa sahig, tagaktak ang pawis at mukhang iiyak na.

Napatingin na lamang ako kay Cooper at agad siyang sinamaan ng tingin.

*****

"Agatha, mamaya na 'yan! Kumain ka muna!" Bulyaw sa akin ni Reema na kanina pa


kumakain.

"Teka sandali lang." Wika ko at nagpatuloy ulit sa pagsusulat.

"Ano ba kasi yang sinusulat mo?" Naramdaman kong sisilipin na ni Cooper ang diary
kaya dali-dali ko itong isinara at tinaasan siya ng kilay.

"Pangarap ko. Angal ka?" Pabiro ko siyang tinarayan.

"Ate Agatha, anong pangarap mo?" Tanong ni Javi na napakadumi na ng damit dahil sa
ginawang paggapang kanina.

"Maging isang pre-school teacher." Taas-noo kong sambit kahit na alam kong
imposible.

"Talaga?" Tanong ni Cooper kaya tumango na lamang ako at ngumiti.

"Ikaw ate Reema? Anong pangarap mo?" Tanong naman ni Javi kaya saglit na tumigil si
Reema sa pag kain.

"Eh ano pa nga ba? Siyempre, mapangasawa ang idol ko. Ikaw Javi, ano ba sayo?"
Tanong naman ni Reema pabalik.

Parang obvious na ang pangarap ni Javi, malamang gusto niyang makapaglakad ulit.
Ngumiti si Javi habang nakatingin sa kawalan, "Gusto kong mahanap ang Ate Aria ko
para mabuo ulit ang pamilya namin. Nakidnap kasi siya noong baby pa siya at simula
nun, hindi ko na nakitang ngumiti ang mama ko."

Natigil kaming lahat kumain, parang nawalan kami ng gana lalo na nang makita namin
ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko lubos akalain na may mabigat siyang
pinagdadaanan, parati lang kasi siyang nakangiti gaya ni Cooper.

Napalingon ako kay Cooper. Matagal ko na talaga tong gustong itanong sa kanya.

"Ikaw Cooper? Anong pangarap mo?" Tanong ko.

Lumingon siya sa akin at ngumiti, "Mabuhay pa ng mas matagal."

Iniyuko ko na lamang ang ulo ko at umiwas ng tingin sa kanya. Ayokong makita niya
ang namumuong luha sa mga mata ko.

END OF CHAPTER 11.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

####################################
12 : Stay close and don't let go
####################################

12.

Stay close and don't let go.

Agatha
Huminga ako ng malalim nilulunok ko ang kulay pulang kapsula na ibinigay sa akin ng
doktor ko. Pumayag akong maging kauna-unahang taong sumubok ng gamot nato at
pakiramdam ko'y tama ang naging desisyon ko dahil isang linggo na ang nakakaraan,
matapos kong simulan ang araw-raw na pag-inom nito ay nagiging normal na ang
pagtulog ko.

Nakakatuwa kasi magkapareho na kami nila Cooper, natutulog ng maaga at maagang


nagigising. Hindi na ako katulad ng dati na bigla-bigla nalang nakakatulog sa
kalagitnaan ng araw at inaabot ng ilang araw bago magising. Pakiramdam ko, isa na
akong normal na 17 year-old.

I took a leap of faith and now things are finally going my way.

"Para saan yun?"

Napapitag ako nang marinig ko ang boses ni Cooper kaya dali-dali kong nilagay sa
loob ng cabinet ko ang maliit na boteng nagsisilbing lalagyan ng eksperementong
gamot.

"Wala, vitamins lang." Pagkikibit-balikat ko ngunit nang lumingon ulit ako sa kanya
ay nakita kong hawak na niya ang diary na sinusulatan ko kaya dali-dali ko itong
inagaw. "Hands off, Cooper." Paalala ko at ito naman ang itinago ko sa cabinet ko.

"Boyfriend commandments? Korni pero sige gagawin ko." Aniya at ngumiti ng


nakakaloko. Ewan ko ba pero naiilang ako sa mga tingin niya kaya pabiro ko na
lamang siyang inakbayan at hinila palabas ng kuwarto.

Masya ako kasi sa wakas pakiramdam ko normal na ako pero higit sa lahat, mas
masaya ako kasi mas matagal ko ng nakakakulitan si Cooper at higit sa lahat, hindi
na siya ulit mag-iisa pa sa pakikipaglaban kasi parati na akong nasa tabi niya
upang suportahan siya.

*****

2 weeks later.

"Go Agatha! Go Agatha! Go Agatha!"

Huminga ako ng malalim at pikit mata kong ginupit ang mahaba kong buhok. Nagsigawan
kaming apat nang tuluyang naging maikli ang buhok ko. Hindi ko maiwasang mapangiwi
dahil ang dating abot dibdib kong buhok ay ngayo'y abot-batok nalang.
Bakit ko ginupit ang buhok ko? Well napagtripan lang naming apat. Sa sobrang
pagkabagot naisipan naming ichallenge ang mga sarili namin. Kami ni Reema ay
magkakaroon ng instant haircut samantalang sina Javi naman at Cooper ay magkakaroon
ng instant piercing sa tenga. Tapos na sila kanina, si Cooper halos magwala sa
hapdi samantalang si Javi naman ay halos tumawag na ng nanay niya.

Sa loob ng napakatagal na panahon, nanatili kami sa ospital nato at wala kaming


normal na buhay kaya gusto namin ng pagbabago kahit paunti-unti, adventure kumbaga.

Javi, Reema, Cooper and I are special.

We are special people who met for a reason.

And maybe thats because we needed each other to lean on. Ayoko na yata ng normal na
buhay kasi sa kanila palang, kontento na ako. Siguro nga may dahilan talaga ang
lahat.

"Agatha hindi ka ba inaantok?" Tanong ni Cooper matapos humikab. Hindi na yata niya
kinaya ang antok niya kaya humiga siya sa mismong likod ni Javi na kanina pa tulog
at humihilik na.

"Hindi ako inaantok." Pagmamalaki ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng hawak kong


libro.

"Seryoso?" Narinig ko ang boses ni Reema na para bang nasa mismong harapan ko kaya
dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong libro at napasinghap na lamang ako nang
bumungad sa akin ang walang emosyong mukha ni Reema na halos magmukha ng panda
dahil sa eye bags niya.

"Reema it looks like kailangan mo ng matulog." Suhestyon ko at pinahiga na lamang


siya sa hita ko at ilang sandali pa ay napansin kong tulog na silang lahat at ako
nalang ang natitirang gising. Nakakapanibago, first time 'tong mas nauna silang
makatulog kesa sakin.

Napansin kong dahan-dahang bumukas ang pinto at nakita ko ang ulo ni Kuya Leo na
sumilip samin. Ngumiti ako sa kanya ngunit nakunot lang ang noo niya.

"Agatha pwede ka bang makausap?" Aniya kaya dahan-dahan kong ibinaba ang ulo ni
Reema sa unan at lumabas para naman 'wag magising ang tatlo.
"Bakit po? May problema po ba? Kung kami po ang inaalala niyo, okay lang po na sa
iisang kuwarto muna kami matutulog. Sanay naman kami sa monthly disinfection ng mga
kwarto." Tanong ko nang kaming dalawa na lamang ni Kuya Leo ang nasa pasilyo ng
ospital.

"Hija kailan ka huling natulog?" Walang paligoy-ligoy niyang tanong kaya ngumiti na
lamang ako.

"Two days ago po." Pag-amin ko. Walang silbi ang pagsisinungaling sa kanya. Parang
tatay na namin siya dito at alam kong parati niya kaming binabantayan.

Sa totoo lang naguguluhan na ako sa nangyayari sa katawan ko. Noon, hindi ko


makontrol ang antok at pagtulog ko pero matapos akong magsimula sa pag-inom ng
pulang kapsula ay naging normal na ang tulog ko. Pero ngayong mag-iisang buwan na,
hindi na ako nakakaramdam ng antok. Sa totoo lang, natatakot na ako pero iniisip ko
nalang na baka nagiging nega lang ako.

"Kailan ka nagsimulang uminom ng gamot na yun?" Tanong niya na para bang nag-aalala
kaya naikuyom ko ang kamao ko. Ewan ko ba pero kinakabahan narin ako.

"Last month po kuya pero sana po 'wag niyo po 'tong sasabihin sa iba." Pakiusap ko
sa kanya, kung kailangan kong lumuhod at magmakaawa gagawin ko. Ayokong mag-alala
sila at isa pa desisyon ko 'to.

"Alam ba 'to ng mga magulang mo?" Aniya habang nakangiwi. Paulit-ulit siyang
napakamot sa ulo na para bang namo-mroblema sa sitwasyon ko. Ayokong magsinungaling
pero kung ito lang ang paraan para 'wag na silang mag-alala sakin, nakahanda ko
itong gawin.

Tumango ako at ngumiti bilang sagot.

"At pumayag naman sila?!" Gulat niyang tanong kaya muli akong tumango-tango.
Kasinungalingan parin. Pineke ko ang pirma nila sa waiver at parental consent

"Kuya Leo hindi ko po pinagsisihan ang desisyon ko at kailanman, kahit na anong


mangyari, hinding-hindi ko po ito pagsisisihan. 'Wag niyo na po akong alalahanin,
magiging maayos lang po ako." Paniniguro ko sa kanya habang pilit kong nilalakasan
ang loob ko sa pamamagitan ng pagngiti.
"Agatha tigilan mo na ang pag-inom niyan." Aniya kaya muli na lamang akong ngumiti
at tumango-tango. Mapapatawad naman siguro ako ng diyos sa pagsisinungaling ko.

Tumalikod ako mula sa kanya at nagsimula akong maglakad pabalik sa sarili kong
kuwarto dahil gusto ko munang mapag-isa. Hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng
luha ko pero sinikap kong ipanatili ang ngiti sa labi ko.

Nang makarating ako sa kuwarto ko ay nagulat ako nang napansin kong nakatiwangwang
na sa sahig ang mga laman ng cabinet ko at para bang may naghalughog dito.
Nakarinig ako ng ingay mula sa banyo kaya dali-dali ko itong pinuntahan at mas lalo
akong nagulat nang makita ko si Reema na nakatayo sa harapan ng toilet at may
ibinubos siya dito. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ito--Ang
gamot ko.

"Reema 'wag!" Wala na akong nagawa pa nang tuluyan niyang mai-flush ang mga kulay
pulang kapsula.

Nasapo ko ang ulo ko at mas lalo akong naiyak. "Reema bakit mo ginawa 'yon?!
Nababaliw ka na talaga!"

"Ako?! Agatha ikaw ang nababaliw! Narinig ko ang usapan niyo ni Kuya Leo! Kung siya
naloko mo! Pwes ako hindi!" Humarap siya sa akin, nanlilisik ang mga mata niyang
lumuluha at napakahigpit pa ng hawak niya sa bote ng gamot na ngayo'y wala ng
laman. "Putangina mo! Ang bobo mo! Akala ko matalino kang babae ka! Inuna mo pa ang
kalandian kesa sa sarili mo!"

Makailang ulit na niya akong napagsalitaan ng masama noon pero ito na yata ang
pinakamasakit. Akala ko ba magkaibigan kami? Bakit niya 'to sinasabi ngayon? Hindi
niya ba iniisip na napakasakit ng mga salitang binitawan niya?

"Alam mo ba kung ano ang maaring mangyari sayo dahil sa punyetang kapsulang yon?!
Agatha hindi 'yon gamot! Its a fucking experiment you bitch!" Mangiyak-ngiyak
niyang sigaw kaya napapikit na lamang ako habang tinatanggap ang bawat masasakit at
masasamang salitang binibitawan niya sakin. Sa galit niya, pakiramdam ko ano mang
oras ay sasabunutan na niya ako.

"Sabihin mo... Dahil ba to kay Cooper?" Mistulang tumamlay ang boses ni Reema at na
para bang kumalma na siya.

Reema and I are like bestfriends. We tell each other everything. We are so close up
to the point na nagkakaintindihan na kami sa pamamagitan ng tingin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya napatingin na lamang ako sa bilugan
niyang mga mata.

"Agatha, mahal mo ba si Cooper?" Aniya habang nakataas ang isang kilay.

"Hindi ko alam..." Napailing-iling na lamang ako habang pinipigilan ang luha ko.

"Hindi mo alam?" Sarcasic niyang sambit at agad na napahawak sa bewang niya.


"Bitch! You are risking your life for that idiot and youre saying hindi mo alam?!
Come on! Thats bullshit--"

"Reema magkaibigan tayo... please intindihin mo nalang..." Halos walang salitang


lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, kaibigan ko si Reema
at ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil sa pagtatalo.

"Magkaibigan tayo kaya ko to sinasabi! Is Cooper even worth the sacrifice?! Mahal
ka ba ni Cooper?! Bakit mo sinasayang ang buhay mo para sa isang lalaking last year
mo lang nakilala?! For God's sake! You are risking your life for that son of--"
Dali-dali kong tinakpan ang bibig ni Reema.Sa lakas ng boses niya, natatakot akong
may ibang makarinig nito lalong-lalo na si Cooper.

Marahas na iwinakli ni Reema ang kamay ko kaya muli na lamang akong napatitig sa
sahig. Natatakot akong tumingin sa mga mata niya.

"Darating ang araw, pagsisihan mo ang desisyon mo Agatha. Tandaan mo 'to, kung
mamamatay ka dahil dito sa pinaggagawa mo, asahan mong hinding-hindi ako pupunta sa
libing mo at hinding-hindi ako magsasayang ng luha para sa isang tangang gaya mo."
And with that she stormed off the room, leaving me all alone and crying my eyes
out.

Her words are far from painful.

They were like knives thrown into my weak heart.

Natatakot ako, paano kung tama siya?

*****

5am. Dilat na dilat parin ang lumuluha kong mga mata. Sinusubukan kong matulog pero
walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi ang mga masasakit na salitang binitawan
sakin ni Reema. Akala ko nakahanap na ako ng tunay na kaibigan sa kanya, hindi
pala.
Sa sobrang sakit ng mga salitang binitawan niya sakin kagabi, hindi ko alam kung
kaya ko pang ngumiti sa kanya.

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya dali-dali kong pinunasan ang luha sa pisngi
ko at huminga ng malalim para 'wag mahalatang umiiyak ako.

"Agathathathathathathatha!" Narinig kong nagsisigaw si Cooper mula sa labas.


Umagang-umaga umiiral na naman ang kabailwan niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti
kahit na marami akong agam-agam.

Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at gaya ng inaasahan ay bumungad agad na akin


ang mukha niyang abot tenga ang ngiti. Hindi ko maiwasang magtaka nang mapansin
kong, iba na ang suot niya. Parang may lakad yata siya kasi suot na niya ang jacket
at baseball cap niya.

"Umiiyak ka ba?" Nawala ang ngiti sa mukha ni Cooper at nakunot ang noo niya kaya
dali-dali akong nag-isip ng maipapalusot.

"Oo, yung pinapanood ko kasi--" Pinilit ko na lamang ang sarili kong tumawa habang
pinupunasan parin ang luha ko.

"Miracle at cell number 7?" Nakangiwi niyang sambit. Kahit hindi ko pa napapanood
ang pelikulang 'yan ay tumango-tango na lamang ako para matapos ang usapan.

"May lakad ka?" Tanong ko.

"May lakad tayo." Giit niya at muling ngumiti ng malapad.

"Saan?" Nakunot ang noo ko.

"Basta! Bilis kunin mo ang jacket mo. Tsinelas lang ang suotin mo at magdala ka
nalang din ng camera." Aniya na para bang atat na atat kaya napakamot na lamang ako
sa ulo ko at sinunod ang sinabi niya.

*****

[ EPISODE THEME : VEGAS SKIES - THE CAB (MULTIMEDIA BOX ---> )


"Dahan-dahan baka madapa ka, pagtatawanan talaga kita." Paalala ni Cooper kaya mas
hinigpitan ko na lamang ang hawak sa dalawa niyang kamay.

"Eh kung tanggalin mo nalang kaya tong blindfold ko? Ramdam kong buhangin tong
nahahawakan ko, alam kong nasa tabing dagat tayo!" Giit ko habang dahan-dahang
humahakbang sa takot na baka madapa nga ako.

Naririnig ko ang huni ng mga ibon at ang pagtama ng alon sa dalampasigan.


Napakasarap sa pakiramdam kahit na hindi ko pa ito nakikita ng tuluyan.

"Umupo ka, dahan-dahan lang." Aniya at sinunod ko na lamang siya. Napakasarap sa


pakiramdam ng buong paligid lalo na nang malamig na hanging tumatangay sa ngayong
maiksi ko ng buhok, pakiramdam ko wala akong problema...

Naramdaman kong umupo si Cooper sa tabi ko at dahan-dahan niyang tinanggal ang


blindfold na pinasuot niya sa akin.

"Dahan-dahanin mo lang ang mga mata mo, baka mahirapan ka." Giit niya kaya ngumiti
na lamang ako at tumango-tango.

Nang maitanggal niya ang blindfold ay huminga ako ulit ng malalim at dahan-dahang
idinilat ang mga mata ko. Nilibot ko ang paningin ko at labis akong namangha nang
makita ang unti-unting pagsikat ng araw. Mistulang naglalaban ang araw at
kadiliman, napakaganda nito tingnan kaya dali-dali kong kinuha ang camera ko at
paulit-ulit itong kinunan ng litrato.

"Ang ganda! Oh my God!" Walang pagsidlan ang tuwa ko.

"Napakaganda." Napatingin ako kay Cooper at nagtaka ako nang mapansing nakatitig
siya sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?" Napahawak ako sa pisngi ko ngunit tumawa lamang siya.

"Hindi yan dumi. Panget ka talaga. Kunan nga kita ng litrato." Aniya at bigla na
lamang inagaw mula sa akin ang camera.

Once in a lifetime ko lang yata masisilayang ang ganito kagandang sunrise kaya
dali-dali akong tumayo at ngumiti sa harapan niya.
Matapos niya akong kunan ng litrato ay tumayo siya sa likuran ko at nagulat ako
nang bigla niya ipinulupot ang braso niya sa bewang ko. Ngumiti na lamang ako nang
iniharap niya ang camera sa aming dalawa.

Ibinaba niya ang hawak na camera at isinandal niyang noo sa balikat ko. Namalayan
ko na lamang na biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko na magawang
makagalaw pa. Naguguluhan ako, hindi ako kumportable pero ayoko namang lumayo sa
kanya.

"Cooper?" Halos walang boses na lumabas mula sa bibig ko.

"Can we just stay this way? Just for a few more seconds? Don't move, don't let go."
Aniya.

Biglang sumagi sa isipan ko ang pangsampung nilagay ko sa boyfriend commandments na


isinulat ko; Number 10. Boyfriend should watch sunrise with me.

"Cooper..." Muli kong sambit nang hindi lumilingon sa kanya.

"Its weird..." Bulong niya. Nakasandal parin ang noo niya sa balikat ko at parang
mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.

"What's weird?" Hindi ko alam pero kusa na lamang akong naluluha.

"Magmula noon marami na akong kinakatakutan. Isa na dun ang takot na baka iwan kita
o iwan mo ako. Pero sa unang pagkakataon, hindi ako natatakot. Ngayong yakap kita,
hindi na ako natatakot. Agatha anong ginawa mo sakin?" Aniya kaya napapikit na
lamang ako.

"Cooper... Cooper mahal mo ba ako?" Hindi ko alam kung tama bang tanungin ko siya
nito. Reema's words are haunting me. Natatakot akong baka tama siya.

Naramdaman ko ang unti-unting pagbitaw sa akin ni Cooper. Itinaas niya ang ulo niya
at dahan-dahan niya akong pinaharap sa kanya. Nakangiti siya. Tipid lamang ang
ngiti niya pero ramdam kong totoo ang ngiting ito. Hinawakan niya ang magkabila
kong pisngi at hinalikan niya ang noo ko.

Nagulat ako nang bigla na lamang naging malabo ang lahat ng nakikita at naririnig
ko. Pakiramdam ko'y nanlalambot ang mga paa ko at para bang tinatakasan na ako ng
lakas sa buo kong katawan.

Naramdaman ko na lamang nakahiga na ako sa bisig ni Cooper. Paulit-ulit niyang


tinatapik ang pisngi ko at kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya. Napatingin
ako sa kamay niya at napansin kong may dugo na ito at galing ito sa sakin.
Nagdurugo na pala ang ilong ko.

"Agatha?! Agatha stay awake! Agatha dont sleep! Stay with me!" Paulit-ulit niyang
sigaw at nakita ko ang pagtakas ng luha mula sa mga mata niya.

Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin sa kanyang okay lang ako. Gusto ko siyang
pigilan sa pagluha kaso hindi ko na magawa kasi hindi ko na magalaw ang katawan o
ang labi ko. Hindi ko na nararamdaman ito. Pakiramdam ko'y nawawalan na ako ng
kontrol sa sarili ko.

Sa huling sandali, nanatili akong nakatitig sa mukha ni Cooper.

END OF CHAPTER 12.

K's Note : BIG CHANGES ARE COMING YOUR WAY! bwahahaha! Sorry for the late update!

Thanks for reading!

Vote and Comment <3

####################################
13 : It's too late
####################################

13.

It's too late

Agatha

'What is love? Why is everyone getting so giddy about it?" When I was a kid, I used
to ask myself that question over and over again whenever I see the people inside my
television falling in love and going through hardships that ultimately leads to a
happy ending.
My curiosity led to questions, until my questions turned into expectations.

Truth be told, I've always wished to meet someone, not just someone, but "the one".

Looking back now, I shouldn't have made that wish.

Because love just made my horrible life, a whole lot worse and definitely
painful...

Idinilat ko ang mga mata ko at agad akong napasinghap. Tagaktak ang pawis ko at
napakabilis ng tibok ng puso ko kaya naman napaupo na lamang ako upang mapakalma
ang sarili. Nakakabit parin sa bibig ko ang plastic mask kaya dali-dali ko itong
tinanggal nang sa gayon ay makalanghap ako ng sariwang hangin.

Nakakainis! Hindi ko maintindihan yung panaginip ko pero alam kong nakakatakot ito.
Maikwento nga 'yun kay Coop-Shit! Nakatulog pala ako! Patay! Baka pinag-alala ko si
Cooper!

"Cooper sorry nakatulog ako!"

Napatingin ako sa sofa sa pag-aakalang naroon si Cooper at hinihintay akong


magising kagaya ng ginagawa niya parati kaso isang walang laman na sofa ang nakita
ko. Wala siya...

Nakakalungkot makitang wala ng naghihintay sa akin na magising ako. Nakakalungkot


kasi hindi ko nakikita ang ngiti niyang parating sumasalubong sa akin sa tuwing
nagigising ako. Masyado na nga talaga akong nasanay sa kanya. Dapat ko na talagang
ihanda ang sarili ko kasi alam kong darating ang panahon at tuluyan siyang gagaling
at aalis, hindi kagaya ko na habang buhay nang mananatili dito.

Nasaan kaya ang lokong yun? Maikwento nga sa kanya ang weird kong panaginip at
makapag-sorry nadin kasi hindi ko natupad yung pangako kong hindi ako matutulog.

Dahan-dahan kong tinanggal ang karayom na nakatusok sa kamay ko. Namamanhid parin
ito kaya kahit dumudugo na ay wala akong naramdamang kahit na anong hapdi o sakit-
Oh my God! Bakit andaming sugat sa mga kamay ko? Parang makailang-ulit na tinurukan
ng karayom? Shit, how long was I asleep?

Yumuko ako upang kunin mula sa ilalim ng kama ang tsinelas ko ngunit sumasagabal
ang mahaba kong buhok sa mukha ko. Nakakainis--Teka! Kung tama ang pagkakaalala ko,
hindi ba't maiksi yung buhok ko kahapon?!

Tuluyan na akong tinamaan ng kaba at parang nagsitayuan ang balahibo sa batok ko.
Muling sumagi sa isipan ko si Cooper kaya dali-dali akong nagtatakbo papunta sa
kuwarto niya.

"Cooper you idiot! How long was I---" Napako ako sa kinatatayuan ko. Lalo akong
kinabahan nang hindi ko na nakita si Cooper sa kuwarto niya. Wala naring kagamit-
gamit sa loob at para bang matagal nang walang gumagamit dito.

Hindi... imposible... Ayaw ni Cooper maiwan o mang-iwan kaya malamang lumipat


lamang siya ng kuwarto.

"Miss? Miss okay ka lang?"

Hindi ko kilala kung kaninong boses ito kaya agad akong napalingon. Nakunot ang noo
ko nang makita ko ang isang lalaking kasingtangkad ko lang, marami siyang peircings
sa tenga niya at mukhang maangas yata.

Nakapako lamang ang tingin niya sa sahig kaya sinundan ko rin ito ng tingin. Ngayon
ko lang napansin na nagkalat na pala sa sahig ang dugong mula sa sugatan kong
kamay.

"Nasaan si Cooper, Reema at Javi?" Tanong ko ngunit imbes na sumagot ay nakunot


lamang ang noo niya at lumingon siya sa kuwarto ko.

"Teka ikaw ba si Agatha?" Nanlaki ang mga mata niya.

- - - - - - - - -

"Agatha!!!" Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng pamilyar na sigaw.


Kasalukuyan pa akong kinukuhanan ng blood pressure at blood samples ng mga doktor
pero tumayo parin ako upang salubungin siya ng mahigpit na yakap.

"Agatha bruha ka! Sabi ko na nga ba! Magigising ka!" Walang humpay sa pag-iyak si
Reema kaya hinimas ko na lamang ang ulo niya. Sa sobrang higpit ng yakap niya sa
akin ay halos hindi na ako makahinga kaya napaubo na lamang ako.
"Reema nasasakal na siya. Bitawan mo muna." Sabi ng lalaking mukhang maangas kay
Reema.

"Shut-up Trent! Magpatangkad ka muna!" Sigaw ni Reema, being the crazy girl that
she is.

Napatingin ako sa suot ni Reema at hindi ko maiwasang magtaka kasi nakasuot na siya
ng school uniform pero ang sapatos na suot niya ay hindi magkapareho... Ang nasa
left side, leather shoes samantalag ang nasa right side naman ay kulay pulang
tsinelas. Gustong-gusto ko siyang pagtawanan at tuksuhin pero baka makatulog ulit
ako pag nasapak ako ni Reema, wag nalang.

"Ano okay ka na ba? Ang mga magulang mo, dumating na ba?" Sunod-sunod niyang tanong
hanggang sa muli na naman niya akong niyakap ng mahigpit. Parang nag-iba siya,
naging napakalambing yata niya ngayon. "Tangina mo talaga! Bakit antagal mong
nagising?! Alam mo bang miss na miss na kita?! Bwisit ka talaga!" Muli niyang
sigaw. Pinapaulanan na nman niya ako ng mura, hindi pala siya nagbago.

"Nagkausap na kami nila Mommy. Maya-maya lang darating na sila na-traffic lang.
Miss na miss rin kaya kita! Gaano ba ako katagal nakatulog? Ayaw kasing magsalita
ng mga doktor eh." Pasaring ko ngunit nginitian lang nila ako.

"Ehem." Tumikhim yung lalakeng kanina pa nakatayo sa gilid namin. Ngumiti siya sa
akin at bahagyang kumaway. Infareness cute siya... pero mas cute parin si Cooper.
Speaking of that idiot, asan kaya siya? Alam niya kayang nagising na ako.

"Agatha, si Trent Falcon nga pala. Ang lalaking pogi na sana kinulang lang ng
height. Parati siya dito kasi nasa lower floor naka-admit ang kapatid niya." Inis
na sambit ni Reema na halatang napipilitan lang sa pagpapakilala.

"Teka baka hinahanap na ako ng kapatid ko." Biglang sambit nung trent at agad na
nagtatakbo paalis. Ang sweet naman niyang kapatid.

"Agatha sigurado ka bang okay lang ang pakiramdam mo?" Alalang sambit ng doktor na
kanina pa ako inaasikaso. Kitang-kita ko ang mangha at pag-alala sa mukha niya,
naalala ko na, siya pala yung doktor na nagbigay sakin ng gamot.

Ngumiti na lamang ako at tumango-tango. Kanina hirap akong gumalaw at makapag-isip,


pero ngayon, okay na okay na ako.

"Reema nasaan sila? Si Javi? Si Kuya Leo? At si Cooper?" Ewan ko ba pero bigla na
lamang akong tinamaan nang kaba nang mawala ang ngiti sa mukha ni Reema nang dahil
sa tanong ko.

- - - - - - - -

Napatitig ako sa napakaraming pagkain na inihanda nila sa akin. Kaming dalawa lang
ni Reema ang nasa mesa at sa sobrang dami ng pagkain, malamang sa malamang, di
namin to mauubos. Oo gutom ako pero hindi naman to the point na gusto kong sumabog
ang tiyan ko.

"What are you waiting for? Eat up!" Giit ni Reema kaso napangiwi na lamang ako nang
mapansin kong walang platong nakahanda para sa kanya. Ano to? Ako lang mag-isa
uubos nito? Jusko!

"I'm not eating until you tell me where the others are." Inilabas ko ang dila ko at
pabiro siyang tinaasan ng kilay. "Siguro may surprise party kayong inihanda no?"
Hula ko kaso nagtaka ako nang biglang umiwas si Reema ng tingin.

"Meron ba? Reema naman eh! Kung meron sabihin mo na, sa totoo lang kinakabahan ako.
Ayoko ng ganito kaya please kung surprise 'to, sabihin mo na agad." Pakiusap ko sa
kanya habang pilit na hinihila ang sleeve ng uniform niya.

"Oo na, oo na! Aish!" Reklamo niya at napabuntong hininga na lamang. I cant help
but to giggle like a complete idiot that I am.

"So ano na? Nasaan sila?" Nagsimula akong sumubo ng pagkain.

"Agatha, you know that I care for you right?" Tanong ni Reema kaya natigil ako sa
ginagawa ko. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa lungkot na nabasa ko sa mga mata
pero sa kabila nito ay tumango na lamang ako.

Reema can be harsh but I know she's a good person.

"Agatha, everyone here are worried for you. Sabi ng mga doktor ang mga magulang mo
ang dapat nitong magsabi sayo pero..." Reema stopped talking as if she ran out of
words to say. She cant even look me in the eyes.

"Reema nagalit ako sayo kasi minura-mura mo ako but you seriously chose the wrong
time to be all gentle and dramatic." Napabuntong hininga na lamang ako at
nagpatuloy sa pagkain.
"Agatha, you slept for 8 months. Everything has changed."

I stopped eating. Reema's words echoed in my head as if it was on repeat.

Its hard to believe that I slept for 8 months. Thats bullshit. But then again, my
life is one heck of a bullshit. I shouldnt be shocked. On the bright side, atleast
nagising pa ako. Oo nga, 'yan nga, Think positive Agatha, So what kung natulog ka
ng 8 months? Atleast nagising ka.

Nanginginig man ang mga kamay ko ay nagpatuloy na lamang akong kumain habang
pinapakinggan ang bawat kwento ni Reema.

"Three months after you slept, Javi decided to leave para tumulong sa paghahanap ng
kapatid niya. I'll call him later, kahit lumpo yun, for sure magmamadali yung
pumunta dito." Pabiro sambit ni Reema kaya ngumiti na lamang ako.

"Sana mahanap na niya ang kapatid niya. Nga pala si Kuya Leo? Day off ba niya?"
Tanong ko ngunit bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ni Reema habang umiiling.

"Agatha, last month, na-stroke si Kuya Leo. He's okay now but he stopped working
here ever--" Nalaglag ko ang kubyertos na hawak ko dahil sa narinig.

"Shit! Ba't ang tagal kong nakatulog?! For sure nahirapan si Cooper, dapat--"

"Agatha will you stop worrying about that Jerk?!" Reema slammed her hands on the
table. She looks really pissed. Jerk? Nag-away ba sila nila Cooper?

"Reema...." Lalong nadagdagan ang mga katanungan sa isipan ko dahil sa ikinilos ni


Reema. Reema and Cooper arent friends, but they are definitely not enemies.

"Agatha listen to me," Biglang hinawakan ni Reema ang kamay ko nakita ko ang
pamumuo ng luha sa mga mata niya kaya napalunok na lamang ako sa kaba. "Cooper...
Cooper died."

Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili kong walang humpay na lumuluha habang
sinasariwa ang bawat alaala niya. Akala ko ba ayaw niyang mang-iwan at maiwanan?
Bat niya ako iniwan?
"Dont waste your tears on that guy Agatha! He's better off dead in our minds! Alam
mo bang that Jerk didnt even visit Kuya Leo? Ni isang tawag wala! Ever since
nakaalis siya dito, nagbago na siya. Its as if he's no longer Cooper anymore!"

Natigil ako sa pag-iyak at napanganga na lamang ako, "Ha? Ibig sabihin.. I-ibig
sabihin buhay pa siya?" Nauutal kong sambit hanggang sa tuluyan na akong
napahagulgol. Oo humahagulgol ako pero hindi dahil sa sakit lungkot, kundi dahil sa
sobrang saya. Para akong nabunutan ng tinik. Akala ko talaga wala na siya.

"He wont be kapag nakita ko siya. I will rip that jerk's head off." Singhal ni
Reema.

"Bwisit ka talaga!" Napasigaw na lamang ako sabay hila ng buhok niya.

"Aray! Sandali! Di pa ako tapos! Pakinggan mo muna ako!" Winakli niya ang kamay ko
at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

Muling napabuntong hininga si Reema, "I hate to tell you this but you need to know
the truth. Mas mabuting sa akin mismo manggaling 'to kesa ba naman manggaling 'to
mismo kay Cooper. Isang buwan matapos kang makatulog, gumaling ng tuluyan si
Cooper. He was finally discharged but along with that, he changed. Agatha he found
a way out of this hell and he has no intentions of going back nor looking back. He
has a new life now and it doesnt include us."

Matapos uminom ng tubig ay napabuntong hininga na lamang ulit ako. Hindi ko


maiwasang mapangiti dahil sa mga sinabi ni Reema. Cooper survived. Cooper got out.
Cooper is finally okay.

"Wow, akala ko talaga lalo kang masasaktan. Hindi ka pala mahina Agatha. 'Wag kang
mag-alala, irereto nalang kita kay Trent. Mas bagay kayo eh. 'Di gaya ni Cooper na
mukhang aso." Biro niya at muling kumurba ang nakakalokong ngiti sa mukha niya kaya
pabiro kong hinampas ang braso niya at tumawa na lamang habang nagpupunas parin ng
luha ko.

Cooper may seem like a jerk but he isnt. He's just having trouble expressing his
feelings.

Siguradong nagkakamali lang si Reema ng pag husga.

Cooper is still Cooper. He'll always be Cooper.


END OF CHAPTER 13.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

####################################
14 : The Stranger
####################################

14.

The Stranger

Third Person's POV

Nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa at parang napakalalim ng iniisip ni Trent


habang tinititigan ang isa sa sandamakmak na mga litratong nakadikit sa pader.
Maraming mga litrato ng iba't-ibang pasyente ang naririto ngunit nakatuon lang sa
iisang litrato ng babae ang atensyon niya.

"Maganda si Agatha diba?"

Napapitlag si Trent nang marinig si Reema na nasalikuran lang pala niya at


tinataasan na siya ng kilay. Nabigla si Trent sa naging tanong ng dalaga kaya dali-
dali siyang umiling-iling kaya napabuntong hininga na lamang si Reema.

"If you like her, its normal. Who wouldn't? She's beautiful inside and out. Feel
free to have a crush on her, just don't crush her heart or else I'll crush your
balls. Do you get what I'm saying?" Banta ni Reema habang nakahalukipkip ng mga
braso. Bagay sa ngisi ni Reema ang pagka-seryoso ng boses niya kaya hindi maiwasan
ni Trent na kilabutan.

"N-nagagandahan lang ako sa kanya." Nauutal na sambit ni Trent at agad na


napahakbang ng paatras mula kay Reema.

"Okay, If you say so." Makahulugang sambit ni Reema at siya namang tumititig sa mga
litratong nakadikit sa pader. Nahagip ng paningin niya ang isang litrato kung saan
magkakasama silang apat; Siya, si Javi, Cooper at Agatha.
"Yan ba ang Cooper na sinasabi kanina ni Agatha?" Tanong ni Trent sabay turo sa
imahe ni Cooper.

"Never mention his name again. Never let Agatha hear his name again." Maotoridad na
sambit ni Reema kaya lalong naguluhan si Trent.

"Bakit? Diba magkakaibigan kayo? At isa pa parang napakalalim ng pinagsamahn nila


ni Agatha." Ani Trent ngunit hindi umimik si Reema. Sa halip ay ngumisi lamang ang
dalaga at walang kagatol-gatol na tinanggal ang mga litratong kinabibilangan ni
Cooper.

Nilukot ni Reema ang mga litrato at itinago ito sa loob ng bulsa niya. Walang
emosyon siyang naglakad sa pasilyo ngunit agad namang sumunod sa kanya ni Trent.

"Reema anong nangyari kay Cooper?" Tanong ni Trent na kanina pa naguguluhan.

"Lets just say he died." Sarcastic na sambit ni Reema ngunit lalo lamang naguluhan
ang binata.

"But he didnt right?" Tanong pa ni Trent.

"Unfortunately." Bulong ni Reema sa sarili at bigla siyang natigil sa paglalakad.


Nasa tapat na pala siya ng mismong kuwarto ni Agatha. Nakabukas ng bahagya ang
pintuan at naririnig niyang may nagtatawanan sa loob kaya dahan-dahan siyang
sumilip at ganun rin si Trent.

Hindi mapigilan ni Reema na mapangiti nang makita si Agatha na masaya kasama ang
pamilya. Nagyayakapan pa ang mag-anak habang nagkukulitan, masayang-masaya ang
buong mag-anak sa piling ng isa't-isa.

"Trent do you want to know a secret?" Tanong ni Reema gamit ang napakahinang boses
upang wag silang marinig ng iba.

"Ano?" Kunot-noong sambit ni Trent at bahagyang napasulyap sa kanya.

"Agatha's a liar. But instead of using words, she flashes her smile. Dont be fooled
by her smile, deep inside the pain is already killing her. Agatha's had enough pain
already, thats why she shouldnt see nor talk to Cooper anymore." Wika ni Reema kaya
tumango-tango na lamang si Trent.
*****

Agatha

9:46 PM. Gabi na pero masaya parin ako kasi hanggang ngayon kasama ko ang mga
magulang at kapatid kong miss na miss ko na. Araw-araw kong ipinagdarasal noon na
sana mas matagal kaming magkasama at lagi kaming masaya, seeing their happy faces
now, i'm contented. I just hope na hindi muna ako makakatulog.

Oo masaya ako pero sa totoo lang, pakiramdam ko may kulang parin. Si Cooper. Nasaan
kaya ang adik na 'yun? Hindi ba siya nasabihan na nagising na ako? Hay, sa kabila
ng lahat ng sinabi ni Reema, naniniwala akong isang araw darating si Cooper. Muli
kaming magkikita at magiging masaya gaya ng dati.

"Antagal na pala nating hindi nakapunta dito ng sama-sama." Sabi ni Daddy na kanina
pa tahimik. Concentrate kasi siya sa kinakain niyang bulalo.

"Dad naman, dahan-dahan lang. Matanda ka na, mahirap na." Biro ko.

"Anak wag kang mag-alala, baka ang bulalo mismo ang mahighblood dahil sa daddy mo."
Biro naman ni Mommy kaya napangiwi na lamang ako. Ang korni talaga ng mga biro ng
matatanda.

"Ponzi hinay-hinay, baka malunok mo ang buto." Sita ni Daddy sa kapatid ko na


kanina pa nginangatngat ang buto.

Bata pa si Ponzi kaya hirap siyang hawakan ng maayos ang kinakain niya. Tutal
magkatabi kami, inakbayan ko na lamang siya at tinulungang hawakan ang buto habang
nginangatngat niya ito. Ang cute talaga ng tiyanak nato.

Nagtatawanan kami habang nagkekwentuhan nang mapasulyap ako sa pintuan ng shop.

Parang tumigil ang mundo ko at sa isang iglap, naramdaman kong biglang bumilis ang
tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil bato sa gulat o kaba. Kitang-kita ko
siya. Nakatayo siya habang tinitingnan ang buong paligid.
Nakasuot siya ng school uniform habang nakasabit sa kaliwang balikat niya ang isang
strap ng backpack. Hindi na niya suot ang paborito niyang beanie kaya kitang-kita
ko ang kulay pula niyang buhok at ang mga peircing sa tenga niya. Maraming nagbago
pero nakikilala ko parin ang mga mata niya.

Tuluyang nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin.

"Ate! Hindi ako makahinga!" Napapitlag ako nang biglang sumigaw si Ponzi.

Napatingin ko sa kanya at nagulat ako nang mapansing nakadikit na pala sa mismong


mukha niya ang butong hawak ko. Nataranta ako, dali-dali ko itong ibinaba at
pinunasan ang mukha niyang basa na.

"Agatha okay ka lang ba?" Tanong ni Mommy ka tumango na lamang ako. Ibinalik ko ang
tingin ko sa pinto ngunit wala na siya. Hindi na ako nagpaalam pa at lumabas ako
mula sa shop, nilibot ko ang paningin ko. Hinanap ko siya ngunit wala siya.

Si Cooper ba talaga ang nakita ko?

Hindi.. Imposible... Kung si Cooper iyon dapat nilapitan niya ako. Siguro
namamalikmata lang ako, masyado ko siyang gustong makita kaya kung ano-ano na ang
nakita ko.

Hindi yon si Cooper....

*****

Hindi kami kasya sa kama ko at ayaw naman naming mawalay sa isa't-isa kaya naisipan
namin ng pamilya kong matulog na lamang sa sahig. Ang saya, pakiramdam ko isang
masaya at buong pamilya ulit kami.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang madaling-araw na pala at hindi parin ako


dinadalaw ng antok. Sa totoo lang, natatakot talaga akong matulog. Baka kasi
matagalan na naman at kung ano na naman ang mangyari. Kung makakatulog man ulit
ako, sana makita ko muna si Cooper.

Si Cooper...

Hindi maalis sa isipan ko ang lalaking nakita ko kanina sa bulaluan. Marami silang
pagkakaiba pero ang mga mata niya, parang kay Cooper talaga. Kung si Cooper nga
yon, bakit siya umiwas? bakit hindi niya ako nilapitan?
teka, baka naman akala niya galit ako sa kanya kasi hindi siya bumibisita? Sabi
kasi nila matapos daw ma-discharge si Cooper ay hindi na siya bumalik at
nagparamdam pa. Baka akala niya hindi ko siya maiintindihan? Baka akala niya gaya
ako ni Reema na galit na galit?

Aish! Cooper naman eh! Nasaan ka ba kasi? Ano bang nangyari sayo?!

Hindi ako mapakali kaya kinuha ko na lamang ang jacket ko at lumabas. Nakapatay na
ang karamihan sa mga ilaw pero hindi ako takot. Mag-isa akong naglakad-lakad sa
pasilyo ng ospital hanggang sa makarating ako sa rooftop.

Napabuntong-hininga ako at umupo malapit sa pader na paborito kong sandalan. Hindi


ko mapigilang ngumiti nang maalala ko si Cooper. Noon kasi parati niya akong
ginugulo sa tuwing nagmumuni-muni ako dito.

Bigla akong nakarinig ng mga yapak kaya napalingon ako sa pinanggagalingan nito.
Nanlaki ang mga mata ko at otomatiko akong napatayo nang makita ko si Cooper.
Nakatalikod siya mula sa akin pero alam kong siya ito dahil sa suot niyang beanie.

"Cooper hayop ka talaga! Baki--" Mistulang nabasag ang ngiti sa mukha mo at para
akong nawalan ng sigla nang lumingon siya akin.

"S-sorry. Akala ko si Cooper ka." Nauutal kong sambit at dahan-dahan na lamang


akong umupo. Si Trent lang pala.

"Miss mo na ba talaga siya?" Tanong ni Trent at umupo siya sa tabi ko.

"Bakit ka ba kasi nakasuot ng beanie." Ngumiti na lamang ako at pasimpleng kinusot


ang mga mata kong nagsisimula ng lumuha. Shit, luha naman 'wag ngayon. Ayokong
umiyak sa harap ng isang taong di ko naman kilala.

"Cooper Alvarez ang pangalan niya diba?" Tanong niya habang nakatingin sa kawalan.

"Oo bakit?" Tanong ko pabalik ngunit ngumisi lamang siya bagay na nagpakunot ng noo
ko.

END OF CHAPTER 14
Thanks for reading!

Vote and Comment <3


####################################
15 : Long time no see
####################################

5.

Long time no see

Agatha

"There's no way in hell i'm going out looking like this." Napangiwi na lamang ako
habang nakaharap sa salamin. I'm comfortable wearing my striped pull-overs and
short skirt but make-up? You have got to be kidding me.

"Baka gusto mong ipalunok ko sayo tong curling iron?" Banta ni Reema na kanina pa
ako inaayusan. I dont get it, its just a party, why the hell do I need to wear
make-up?

"Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong ko ulit kay Reema habang pasimpleng tinatanggal
ang lipstick na nilagay niya sa labi ko.

"Agatha i'm on probation. Hindi ako pwedeng malapit sa lugar na may mga alak.
Delikado para sakin at sa iba." Tipid niyang sagot kaya lalo akong nainis. "Nga
pala, dont be shy kahit na ngayong gabi lang. Mingle with other people especially
since madaming cute boys dun." Muling paalala ni Reema.

Cute boys? I dont care about them. Si Cooper lang naman ang gusto kong makita eh.

"You said you want to have a normal life? Bakit nakasimangot ka?" Tanong ni Reema.

"What if the teenagers at the party wont like me? I'm a freak." Napabuntong hininga
na lamang ako.

"Then dont be a freak just for tonight. Have a good time. They dont know who you
are which gives you every opportunity to feel like everything's okay." Bahagyang
tinapik ni Reema ang balikat ko hudyat na tapos na ang pag-aayos niya sa akin.
Muli kong tintigan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Napabuntong-hininga ako.
Hindi ako sanay na kulot ang mahaba kong buhok lalo na sa make-up pero oh well,
just like Reema said, nobody even knows who I am. I should have fun.

"Knock-knock!" Sigaw ni Trent sabay pasok sa kuwarto ko. Nag knock-knock pa eh


papasok parin naman. Ngumiti siya nang malapad nang magtama ang tingin namin.

"Hay buhay... Kung wala lang bulldog na nakabantay sayo, Hi Reema, liligawan na
kita Agatha." Pabirong sambit ni Trent kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni
Reema.

"Agatha hintayin mo munang tumanda para ako nalang manligaw sayo." Kapwa kami
napatingin ni Reema sa pinto nang makarinig kami ng isang pamilyar na boses. Hindi
ko maiwasang mapasigaw sa tuwa nang makita ko si Javi at dali-dali ko siyang
nilapitan at niyakap.

"Javi manyakis." Pang-aasar ni Reema.

"Reema mukhang galis." Ganti naman ni Javi kaya agad nanlisik ang mga mata ni
Reema. At gaya ng inaasahan naghabulan na naman ang dalawa gaya ng dati. Atleast
may hindi nagbago.

"Leggo!" Sigaw ni Trent at bigla akong inakbayan.

"Ughh, do I really have to go?" Muli akong napangiwi. Ito kasing si Trent, sinabi
kay Reema ang tungkol sa isang party kaya ang lokong si Reema ipinagtulakan agad
ako. 'May the odds be ever in my favor' tonight.

*****

"Oh my God." Napabuntong-hininga na lamang ako at napahawak sa dibdib ko. Hanggang


ngayo'y hindi parin nawawala ang nararamdaman kong kaba pero kahit papaano'y para
akong nabunutan ng tinik kasi hanggang ngayo'y buhay pa ako.

"Ang cute mo pala matakot." Ani Trent habang tinutulungan akong tanggalin ang
helmet na isinuot niya sa akin.

"Dude what if bigla akong nakatulog?! You seriously don't know how dangerous I am!"
Napasigaw ako. Maraming mga eksenang naglalaro sa isipan ko, paano kung habang
nakasakay kami kanina sa motorsiklo ay bigla akong nakatulog? Mababangga kami!
Tiyak tigok kaming dalawa!
"Dangerous? Trust me Agatha, I've been with much-much dangerous people." Nakangisi
niyang sambit at inalalayan na lamang akong bumaba.

Nagtaka ako nang mapansin kong huminto pala kami sa isang malaking bahay.
Napakaingay ng buong lugar, umaalingawngaw ang napakalakas na musika at sigawang
may kahalong tawanan ng mga teenagers na gaya ko. Parang napakasaya ng lahat. Ito
na nga siguro ang party.

"I really hate you." Tinaasan ko ng kilay si Trent.

"You're 17, you need to have fun. At least experience a normal life just for one
night. My friend's throwing a big graduation party, a party this big attracts
teenagers all over the city. Marami kang makikilala at magiging kaibigan.
Siguradong mag-eenjoy ka at pansamantala mong malilimutan ang problema mo."
Paliwanag niya kaya muli na lamang akong napabuntong hininga at napakamot sa ulo.

Hindi ako marunong makipag-socialize. Hindi ko alam kung magugustuhan ba ako ng mga
taong nandito. Hindi ko alam kung malilimutan ko nga ba ang mga problema ko, pero
wala naman sigurong mawawala kung susubukan kong magkaroon ng normal na buhay kahit
isang gabi lang diba?

"Tara na!" Wala na akong nagawa pa nang tinulak na ako ni Trent papasok ng bahay.

Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. Napakarami ng tao, parang napakasaya nilang
lahat. May mga nagsasayawan, nagkakatahan at nag-iinuman, may iba namang naglalaro
ng kung ano-ano. Mayroon ding mga naglalandian, yung iba casual lang na flirting
pero may ibang kulang nalang ay gumawa na ng baby. Ganito ba talaga ang buhay
teenager? Parang hindi naman yata ah?

"Look who we have here? Mabuti naman at naisipan mong pumunta?" Kapwa kami
napalingon ni Trent .

Nakita ko ang isang lalaking nakangisi. Nakayakap siya ng patalikod sa isang


chinitang babaeng gaya niya ay may napakalapad ring ngiti. Ang sweet nilang
dalawang tingnan, parang napakasaya nila sa piling ng isa't-isa.

"Mabuti naman at naka-graduate ka. Pasang-awa?" Ganti naman ni Trent kaya agad
napangiwi ang dalawa.

"Tokneneng ka talaga." Mahinang sambit ng babae at pabirong inirapan si Trent na


tumawa lang. Napansin yata nilang kasama ako ni Trent kaya kapwa nakunot ang noo
nila, hindi ko alam anong gagawin kaya nginitian ko na lamang sila.

"Si Agatha nga pala-" Hindi na natapos pa ni Trent ang pagpapakilala sa akin nang
bigla na lamang naghagikgikan ang dalawa na para bang tinutukso si Trent.

"Ikaw Trent ah! Pusta ko, nasa ligawan stage palang kayo. Agatha 'wag mong
sasagutin ang kulugong to!" Biro ng babae sakin kaya tumawa na lamang ako ng pilit
sa sobrang pagkalito.

"Mabuti naman at may nahanap ka ng kapalit kay Yoha-" Hindi na natapos pa ng lalake
ang sinasabi niya nang bigla na lamang siyang binatukan ng babae.

"Agatha sina Reese at Zianne nga pala. Pagpasensyahan mo na sila, baliw talaga
sila." Ani Trent at napakamot na lamang sa ulo niya, parang nahiya yata sakin kaya
tumawa na lamang ako.

"Tara Agatha, lets go get some drink. Alam kong nakaka-stress talaga si Trent
kasama." Hinigit ni Zianne ang kamay ko at hinila ako papunta sa kusina.
Nakakatuwa, mababait naman pala ang mga kaibigan ni Trent.

*****

"Talaga, nangyari yon?!" Hindi ako makapaniwala sa narinig na kwento mula kay
Zianne. Alam kong ngayon lang kami nagkakilala pero komprotable na kami sa isa't-
isa.

"Unfortunately, but kung hindi nangyari ang mga yon, hindi ko makikilala si Reese
ko." Nakangiting sambit niya at inabot sa akin ang isang bote ng alak. Shoot, I
dont know how to drink.

"So what happened to Yohan?" Pagi-iba ko ng usapan sabay balik ng bote sa mesa
ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang siyang tumawa. Nakunot ang noo ko at
binigyan ko siya ng nalilitong tingin.

"Pasimple ka Agatha. Wag kang mag-alala, I feel you. I hate beer and hindi rin
naman beer ang laman nitong hawak kong bote. Binuhos ko ang beer at pinalitan ng
iced tea para magmukhang true." Pagmamalaki niya sabay wagayway nito kaya natawa na
lamang ako.
"Nandito lang pala kayo." Kapwa kami napalingon ni Zianne nang marinig namin ang
boses ni Reese. Hindi siya nag-iisa, kasama niya si Trent at dalawa pang lalaking
may mga hawak ring maliliit na bote ng beer.

"Hi Miss Beautiful!" Bati sa akin ng isa sa mga lalaki at bigla akong kinindatan.
Napangiwi ako at otomatiko kong naikuyom ang kamao ko. Naiinis ako sa tuwing may
preskong lalaking nangingindat sakin kaya agad akong umiwas at napatingin na lamang
sa isa pang lalaking kasama nila.

Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin.

Marami ng nagbago pero kilalang-kilala ko parin ang mga mata niya.

Kasabay ng pagkurba ng ngiti sa labi ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso


ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin ngunit parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Wala akong ibang magawa kundi manatiling nakatitig sa mga mata niyang nagpapaalala
sakin ng mga alaala namin.

"C-cooper..." Naramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng luha sa mga mata ko. Marami
kaming naririto sa kusina pero sa kanya lang nakatuon ang buong atensyon ko.

Hindi ko maiwasang magtaka nang nanatili lamang na nakatitig sakin si Cooper na


para bang gulat na gulat. Hindi ko alam kung nagpapaka-nega lang ba ako pero bakit
pakiramdam ko hindi siya masaya na nakita ako? Well one things for sure, hindi ito
ang inaasahan kong magiging reaksyon niya.

"Magkakilala kayo?" Sabay-sabay nilang tanong maliban lamang kay Trent na kanina
pa nakangisi.

"Brad! Ba't di mo sinabing may maganda ka palang kaibigan! Ipakilala mo ako bilis!"
Bulong ng kaibigan niya sa kanya pero narinig parin namin.

Tumango-tango si Cooper at tuluyang umiwas ng tingin sakin na para bang hindi


komportable.

"M-magkaklase lang kami noong elementary." Sagot ni Cooper na tuluyang bumasag sa


ngiti at sayang nararamdaman ko. Muling tumingin si Cooper sakin at ngumiti ng
tipid, "Long time no see." Aniya kaya kahit mahirap ay tumango-tango na lamang ako
at ngumiti.

"Long time no see." Napakagat na lamang ako sa labi ko habang pilit na itinatago
ang bigat ng nararamdaman ko.

END OF CHAPTER 15

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


####################################
16 : Stay Away Agatha
####################################

15.

Stay Away Agatha

Agatha

Kaliwat-kanan wala akong nakikita at naririnig kundi mga kabataang nagsasaya, hirap
akong dumaan dahil sa dami nila pero wala na akong pakialam, tinutulak ko na lamang
sila upang makadaan ako. Ayoko na dito. Gusto ko ng umalis, gusto ko ng umuwi.

"Hi miss! Can I get your number?"

Natigil ako sa paglalakad nang hinarang ako ng lalakeng presko na siyang kasama ni
Cooper kanina. Hindi ko alam kung sino siya pero lalo lang akong naiinis dahil sa
kanya. Mukhang mas bata pa siya sakin pero ang lakas ng loob niyang makipag-flirt.

"Hi! Can you please get lost?" Sarcastic akong ngumiti sa kanya habang pilit na
itinatago ang nakakuyom kong kamao. I really hate flirts, lalo na pag mas bata pa
sa akin. Like come on! What am I, a cougar?

"Fiesty ... I like Fiesty." Aniya at nagsimula siyang humakbang palapit sa akin
kaya nagsimula narin akong umatras. Tuluyan akong tinamaan ng kaba nang mapagtanto
kong wala na akong maatrasan dahil nakasandal na ako sa malamig na pader. Napalunok
ako samantalang siya, napangisi. Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa ay
naamoy ko na ang alak sa hininga niya. Lasing na siya.

"Luigi ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"


Biglang nawala ang pilyong ngiti sa mukha niya. Siya yata si Luigi.

Kapwa kami napalingon at maging ako ay nagulat rin nang makita namin si Cooper na
nakatayo lamang sa isang tabi hawak ang isang maliit na bote ng alak. Walang kaemo-
emosyon ang mukha niya bagay na ni minsan ay hindi ko pa nakikita.

"S-sorry! May dumi kasi sa balikat niya, papagpagan ko lang sana! Sige Bye!"
Nauutal na sambit nung Luigi na para bang takot na takot kay Cooper at bigla na
lamang nagtatakbo palayo.

"Hindi ka dapat nandito, umuwi ka na." Hindi ko maiwasang manigas sa kinatatayuan


ko nang sabihin niya ito sa akin. Si Cooper ba talaga tong kausap ko? Mas malala
pa 'to kumpara noong una kaming magkakilala.

"Cooper ikaw ba talaga yan?" Nalulungkot man at naguguluhan sinikap kong manatiling
nakatitig sa mga mata niyang kanina pa umiiwas sa mga tingin ko.

Umiling siya bagay na ikinakuyom ng palad kong kanina pa nanlalamig dahil sa


sobrang kaba ngayong muli na naman kaming nagkita.

"Hindi na ako ang Cooper na nakilala mo." Aniya. Wala akong maramdamang
pagdadalawang-isip sa mga sinasabi niya. One thing's for sure, he means every word
that comes out from his mouth.

"Malamang." I kept my chin up hiding every inch of pain. "Elementary classmate?


Really Cooper? Really?" Sarcastically, I smirked.

Para akong nanghina nang tuluyan niya akong tingnan sa mga mata. Sa isang iglap,
ako na naman ang hindi makatingin sa kanya.

"Agatha hindi mo na ako dapat hinanap pa. Layuan mo na ako." Aniya na walang kaemo-
emosyon sa boses kaya hindi ko maiwasang mapasinghal habang pinipigilan ang mga
mata kong kanina pa naluluha.

"Assuming! Ang kapal--" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla siyang
humakbang papalapit sa akin.
"Agatha sana sa susunod na magkita tayo, magpanggap ka nalang na hindi mo ako
kilala kasi iyon ang gagawin ko. Alam kong hindi mo ako maiintindihan, pero sana
magpanggap nalang tayong hindi magkakilala." And with that, he walked away from me
with his hands in his pocket and his head held high leaving me as pathetic as I
ever was.

Did it really happen?

Did Cooper really say that?

Please tell me its just a dream.

Please tell me this is just one of my fucked my dreams because I really hate this.

****

Agatha don't cry. Agatha don't you dare cry. Bitch! Drop a single tear--

Hindi ko na mapigilan pa ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko kaya marahas ko
nalang ulit na sinabunutan ang ulo kong kanina pa nakasandal sa tuhod ko. After
talking to Cooper, I ran up the stairs not knowing where to go pero nang umabot ako
sa isang balcony, namalayan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa sahig habang
pinipilit ang sarili kong wag magpaapekto. Pero hindi... Kapag si Cooper ang pinag-
uusapan, apektado talaga ako.

Huminga ako ng malalim at napalunok. Pinilit kong tumingala sa mga bituin habang
pilit pinapaypayan ang mga mata ko upang tumigil ito sa pagluha.

"Agatha ano ka ba? Tumigil ka na. Pride nalang ang meron ka, tumigil ka na. Wag ka
ng umiyak." Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.

"May tao ba diyan?"

My heart dropped at the sound of someone else's voice. Napangiwi na lamang ako sa
inis at napakagat sa labi ko. Kelan ba matatapos tong kahihiyan ko?! Kanina
napahiya ako kay Cooper tapos ngayon mapapahiya na naman ako?! Now this is just
awesome. Kill me now!

Tumayo na lamang ako at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Ngayon ko lang
napansin na may isa palang lalaking nakaupo hindi kalayuan sa akin at nakatitig
lamang siya sa kawalan.

"Sorry. Akala ko walang tao dito." Taas-noo kong sambit para wag na akong mapahiya.
Aalis na sana ako nang muli siyang magsalita.

"Nagtatago ka rin ba mula sa mga tao sa labas?" Aniya pero nanatili lamang siyang
nakatitig sa kawalan habang nakangiti. "'Wag kang mahihiya, umiyak ka lang hanggat
sa gumaan ang pakiramdam mo. Hindi naman kita huhusgahan." Dagdag pa niya.

"Sinong nagsabing umiiyak ako?" Sarcastic kong tanong habang nakahalukipkip ang mga
braso ko.

Tumawa siya pero nakatitig parin siya sa kawalan. Ano siya? Nag-aastig-astigan?!

"Alam mo, kaming mga bulag, mas malakas ang hearing senses namin. Halata namang
umiiyak ka." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung pinagt-tripan niya lang
ba ako kaya nilapitan ko siya at pinadaan ko ang palad ko sa harap ng mukha niya.

Hindi siya pumipikit o nagre-react. Nakatitig parin siya sa kawalan habang


nakatitig sa kawalan ng napakatamis. Nakita ko ang hawak niyang isang walking stick
kaya tumango-tango na lamang ako.

"Bulag ka nga." Napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa tabi niya. With his
sweet smile and voice, I cant help but to feel comfortable. And besides magka-edad
lang yata sila ni Javi kaya walang malisya.

"Sa mundong 'to, may dalawang klase ng bulag. Yung mga taong bulag na hindi
makakita gamit ang mga mata, at yung mga bulag sa katotohanan at reyalidad." Aniya
na para bang nagpapaka-makata kaya hindi ko naiwasang mapataya.

"Kid, I'm sorry but you didnt make any sense at all." Biro ko at napatitig nalang
din sa kawalan.

"It doesnt have to make sense because the world itself doesnt make any sense."
Bigla siyang tumawa kaya nakunot ang noo ko, "Pasensya ka na miss, nakainom kasi
ako ng konti. Bukas mabibigyan na kita ng matinong payo at words of wisdom." Aniya
kaya ako mismo ay natawa narin.

"Ba't parang ang saya mo yata? Kanina ka pa nakangiti eh." Tanong ko.

"Wala lang, masaya lang ako sa buhay. Ikaw ba't ka umiiyak?" Tanong naman niya kaya
napabuntong-hininga ako at napasandal sa sliding door. Hindi naman siguro
ipagkakalat ng bulag nato ang kahihiyan ko. Kapag kasi si Reema ang k-kwentuhan ko,
for sure she'll just gloat on me. Buti pa tong bulag, di ako kilala.
"Yung bestfriend ko, matagal kaming hindi nagkita. Akala ko magiging masaya siya
ngayong nagkita na ulit kami pero gusto niyang layuan ko na siya. Para bang
nandidiri siya sa akin. He changed. He changed alot up to the point that i dont
even know him anymore." Napatitig na lamang ako sa sahig.

"Mahal mo ba siya?" Aniya.

"Malay ko."

"Eh bakit mo siya iniiyakan?" Tanong niya ulit.

"Kasi nasasaktan ako." Sagot ko.

"Bakit ka nasasaktan?"

"Kasi importante siya sakin." Giit ko.

"Bakit siya importante sayo?" Tanong ulit ng bulag kaya napatingin ako sa kanya at
nakita ko ang nakakalokong ngiti sa mukha niya. Napabuntong hininga ako at
napakamot na lamang sa ulo ko.

"Okay fine! baka nga mahal ko siya! There, I said it. Happy?" Sarcastic kong
sambit.

"Baka?" Kunot-noo niyang tanong.

"Wala akong pakialam sa iniisip mo! Hindi tayo magkakilala kaya tumahimik ka!"
Kapwa kami natigil ng bulag sa pag-uusap nang marinig kaming nagsisigawan sa baba.
Nasa second floor kami ng malaking bahay kaya bahagya kong sinilip kung sino ang
nagtatalo sa baba, malayo sa mga teenager na nagpa-party.

"Walang pakialam? Eh paano si Agatha?! Wala ka rin bang pakialam sa kanya?!" Para
akong nanghina nang mapagtanto ko kung sino ang nagtatalo sa labas.

"Si Cooper the monggol yan no?" Narinig kong tanong ng bulag pero hindi ko siya
sinagot. Nakapako lamang ang tingin ko kay Trent at Cooper na para bang
nagkakainitan.

"Makinig kang tarantado ka, sa tuwing nakikita ko siya o ang isa man sa kanila,
naaalala ko lang ang mga hirap na pinagdaanan ko sa ospital na 'yon. Nakaligtas
ako! Nabuhay ako! Hindi na ako babalik pa sa impyernong 'yon!" Bulyaw ni Cooper
habang hawak sa kwelyo si Trent at nanlilisik pa ang mga mata.
Natatakot ako. Mukhang magsusuntukan sila kaya dali-dali akong nagtatakbo pababa ng
hagdan at papunta sa kanila.

Natagpuan ko ang sarili kong nakatayo hindi kalayuan sa kanila. Hindi ko maiwasang
magalit sa naabutan ko. Duguan ang gilid ng labi ni Trent habang nakaupo sa
damuhan, Nakatayo si Cooper sa harapan niya na nakakuyom parin ang kamao.

"Hindi mo naranasang maging pasyente sa impyernong 'yon kaya hindi mo


naiintindihan!" Narinig kong sigaw ni Cooper at mistulang bubwelo na naman ito ng
suntok kay Trent kaya dali-dali ko siyang tinulak. Hindi ako malakas kaya bahagya
lamang siyang napahakbang palayo.

"Cooper ang sama mo! Tumigil ka na!" Sigaw ko at dali-daling tinulungan si Trent na
makatayo. Lumingon ako kay Cooper at nakita ko ang gulat sa mukha niya.

Sa sitwasyong 'to, wala siyang karapatang magulat. He was the one who turned out to
be a huge jerk. A jerk like him doesnt deserve anything. He doesnt deserve any of
us.

Kung alam ko lang na ito pala ang totoo niyang pagkatao, sana sa simula pa lang
lumayo na ako sa kanya. Sana hindi ko na sinayang ang panahon ko sa kanya. Sana
hindi ko siya iniyakan. Sana hindi ko nalang siya nagustuhan.

Hindi ko na mapigilan pa ang galit ko. Humakbang ako palapit sa kanya at muli
siyang tinulak gamit ang dalawa kong kamay.

"Sana namatay ka nalang kung magiging ganito lang naman pala ang ugali mo!" Sigaw
ko sa kanya at naramdaman kong bigla kaming binalot ng isang nakakailang na
katahimikan.

END OF CHAPTER 16

Author's Note : Hey guys, sa mga nakapagbasa na ng Chasing Hurricane; Ang nangyari
sa chapter nato ay one year before nagsimula ang events ng Chasing Hurricane. Hindi
pa friends dito sina Dilly at Cooper. Sina Luigi pa lang talaga at Cooper ang
magkaibigan.

And with Cooper... I am tired of perfect characters because lets face it, wala
naman talagang perpekto :)

Thanks for reading!


Vote and Comment <3
####################################
17 : The truth about us
####################################

17.

The truth about us

Agatha

"Aray! Teka! Aray dahan-dahan lang! Anak ng!" Sigaw siya ng sigaw pero hindi ko
siya pinapansin. Nakakahiya siya, buti nalang at wala masyadong tao dito sa
convenience store.

"Kalalake mong tao, ang arte-arte mo." Biro ko at nagpatuloy lamang sa paggamot ng
sugat sa gilid ng labi niya.

"Yung totoo, ginagamot mo ba ako o pinaparusahan?" Aniya kaya tumigil na ako sa


ginagawa at umupo na lamang ako ng maayos at muling humarap sa mesa kung saan
nakapatong ang umuusok pang cup noodles.

"Trent, magkakilala pala kayo ni Cooper?" Tanong ko at nagsimula na akong kumain.


It hurts to just say his name, but I really want to hear answers.

"Hindi kami magkakilala pero kilalang-kilala si Cooper sa mga eskwelahan at


chismisan kaya hindi ako nahirapan sa paghahanap sa kanya. Kilala siya bilang si
'Cooper the monngol', madaming kalokohan, gago at parang baliw. Sa katunayan
kinatatakutan siya ng lahat sa skwelahan niya."

Natigil akong kumain nang dahil sa sagot ni Trent. Mahirap pero mas panili kong
ngumiti na lamang. Atleast mayroon ng normal na buhay si Cooper at masaya na siya
kahit wala ako.

"Agatha sorry." Mahinang sambit ni Trent na para bang nanlulumo kaya tumango-tango
na lamang ako a ginala-galaw ang noodles na nasa harapan ko.

"Sorry saan? Hindi mo naman alam na hardcore na ang kagaguhan ni Cooper." Pinilit
kong magbiro kahit muli ko na namang nararamdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata
ko.
"Agatha sorry ta---"

- - - - - - -

Third Person's POV

"Tulong! Parang-awa niyo na tulungan niyo kami! Hindi na siya humihinga!"


Tarantang-taranta si Trent na nagsisigaw nang makarating sa ospital. Karga-karga
niya ang duguan at ang lupaypay na katawan ni Agatha. Sa sobrang takot niya ay
hindi na niya maiwasan pang maluha.

"Anong nangyari?" Tanong ng doktor na siyang sumalubong sa kanila at tulong-tulong


ang ibang nurse, inihiga nila si Agatha sa isang stretcher.

"Hindi ko alam! Bigla nalang dumugo ang ilong niya at nawalan siya ng malay!"
Nauutal na sagot ni Trent, hindi magkamayaw ang takot niya kaya nasapo na lamang
niya ang ulo at napapikit.

- - - - - -

Reema's POV

Lord, naalala mo pa ba yung araw-araw kong pinagdarasal noon? Yung dasal kong sana
mapangasawa ko ang bias ko o kahit mahipo man lang siya? Lord pwede bang kalimutan
mo nalang na ipinagdasal ko 'yon? Kasi ngayon, mas gusto ko pang humaba ang buhay
ni Agatha. Lord pwede bang 'yon nalang?

Lord, pwede naman sigurong ganun diba? Please po, parang-awa niyo na, iligtas niyo
po si Agatha. 'Wag niyo po siyang pababayaan. Hindi naman po masamang tao ang
kaibigan ko eh, kung tutuusin mas masama ako sa kanya... Mabuti pong tao ang
kaibigan ko, sana po magkaroon siya ng masayang buhay. Nag-iisang kaibigan ko lang
'yon eh, pwede bang wag niyo muna siyang kunin?
Promise po, kung makakaligtas si Agatha, hinding-hindi na po ako iinom ng alak o
manonood ng porn. Hinding-hindi ko narin po aawayin ang mga lumalandi sa crush ko,
magmo-move on na po ako kay Bias at--

"Reema stable na daw ang lagay ni Agatha. Hihintayin nalang muna nating magising
siya."

Nevermind nalang po lord. Okay na po si Agatha. hehehe.

Otamatiko akong napatayo mula sa sahig at napangiti nang dahil sa ibinalita ni Javi
sakin. Patuloy parin ang pagragasa ng luha ko pero sa kabila nito ay para akong
nabunutan ako ng malaking tinik.

Bruha talaga yong si Agatha. Makakatikim talaga siya ng sampal pag nagising siya.
Tinakot niya ako, bruha siya.

Papasok na sana kami nila Trent at Javi kung saan nakaratay ngayon ang walang malay
na si Agatha nang bigla na lamang kaming hinarang ni Kuya Leo na kababalik lang
dito sa ospital matapos ma-stroke.

Hayyy, old people like him needs to retire and stay at home. Bat ba ayaw niyang
iwanan ang ospital nato? baka mamaya ma-stroke na naman siya.

"May kailangan kayong malaman tungkol kay Agatha." Aniya kaya nagkatinginan kaming
tatlo.

- - - - - -

Agatha's POV

"Agatha!" Napangiwi ako dahil sa higpit ng yakap ni Javi. Kakagising ko lang pero
heto't sumalubong agad sa akin ang timang na si Javi and the weird part? Parang
umiiyak pa siya. 'To talagang si Javi, parang di sanay sa sakit ko.

"How long was I asleep this time?" Pabiro kong tanong kay Trent na nakatayo lamang
sa isang tabi at nginitian siya.

"Three days." Sagot ni Trent at tipid na ngumiti. Whoa, bakit ganun? Malungkot ba
siya? Ano kayang problema niya? Hay, malamang nasabon siya ni Reema. Last thing I
remember, kami ni Trent ang magkasama, for sure napagalitan si Trent dahil sa
nangyari sakin.

Speaking of that bipolar bitch, asan kaya 'yun?

"Agatha anong gusto mong gawin ngayon?" Bigalng tanong ni Javi na mistula bang
napakasigla sa kabila ng luhang tumutulo parin mula sa mga mata niya.

Ngumiti ako at tumayo. Lumapit ako sa cabinet at kinuha mula sa loob ang diary kung
saan nakasulat ang boyfriend commandments na binuo ko.

"Ano yan?" Kunot-noong tanong ni Trent.

Imbes na sumagot ay bahagya kong binuklat ang diary at nakita ko sa loob ang mga
litratong nakaipit dito--Mga litrato namin ni Cooper.

"Trash." And with that, without a bit of hesitation, tinapon ko sa steel trash can
ang buong diary kasama ang mga litrato.

Ngumiti ako at lumingon kay Javi, " Javs paakikuha naman ako ng alcohol at
posporo." Agad naman niya itong sinunod.

Love ruined my already ruined life.

Redundancy at its finest,

Bullshit to the core.

Truth be told, I still care for that fool named Cooper, I still care up to the
point na maaring umiyak parin ako at masaktan sa tuwing may bumabanggit sa pangalan
niya at nagpapaalala sa akin sa mga pinagsamahan namin. Pero ngayon tanggap ko
na...

Binuhos ko ang alcohol sa loob ng basurahan at lalo na sa diary.

"Agatha anong ginagawa mo?" Tanong ni Trent.

"Teka sigurado ka na ba sa ginagawa mo?" Tanong naman ni Javi.

Ngumiti ako bilang sagot. At hindi natanggal ang ngiting iyon habang pinagmamasdan
ko ang paglagablab ng diary kasama ang mga litratong paulit-ulit na nagpapaalala sa
akin ng nakaraan.
Cooper deserves a normal life while I deserve a life away from pain,

Thats the truth about us,

We get what we deserve by being away from each other.

Thats just how the cookie crumbles.

END OF CHAPTER 17.

THANKS FOR READING <3

VOTE AND COMMENT <3

####################################
18 : The last chance
####################################

18.

The last Chance

Third Person's POV

"May pasok pa ako. Kung mumurahin mo lang ako ng walang tigil, pwede bang sampalin
mo nalang ako para isang bagsakan nalang?" Sarcastic na sambit ni Cooper habang
nakangisi. Nilingon niya ang mga taong kasama nila sa loob ng coffee shop bago
isinubo ang inorder na cake.

Imbes na sumagot ay pumikit na lamang si Reema at humawak ng mahigpit sa tasa ng


kape na siyang ipinagtaka ni Cooper.

"Ano na Reema? Magsasalita ka ba?" Inis na sambit ni Cooper at muling napatitngin


sa suot na relo.

Idinilat ni Reema ang mga mata nanatiling nakatitig sa hawak na tasa. Namumugto pa
ang mga mata niya at pigil parin siya sa pagluha.

"Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?" Walang emosyong tanong ni Reema.


"Ano bang klaseng tanong yan?" Napasinghal si Cooper at tumawa, "Siyempre oo!
Magaling na ako at hindi ko na kailangang manatili sa punyetang ospital na 'yon.
Hindi na ako nagtitiis sa araw-araw na gamutan at wala na ako sa bingit ng
kamatayan! Tangina Reema, ikaw ba talaga tong kausap ko ngayon?" Sarkastikong
sambit ni Cooper at muling pinagtawanan ang dating kaibigan.

"Masaya ka ba kahit hindi mo na kasama si Agatha?"

Sa isang iglap biglang natigil sa pagtawa si Cooper at tuluyang naglaho ang ngiti
sa mukha ni Cooper nang mabanggit ang pangalan ni Agatha.

"O ba't ka natahimik?" Sarcastic na sambit ni Reema at siya naman ang ngumisi.
"Cooper magkakilala na tayo nila Javi bago pa man dumating sa ospital si Agatha.
Nakita namin kung paano ka nagbago, kung paano binago ni Agatha--"

"Mahal ko si Agatha. Oo aaminin ko, mahal ko si Agatha. Yan naman ang gusto mong
marinig diba?" Sarcastic na sambit ni Cooper na hindi na pinatapos pa si Reema.
"Pero hindi sapat ang pagmamahal na 'yon para bumalik ako sa impyernong
pinaggalingan ko." Taas-noong sambit ni Cooper at tila ba hindi nagdadalawang-isip
sa bawat salitang binibitawan.

"I see." Mahinang sambit ni Reema na halatang hindi na gustohan ang narinig at
tumango-tango na lamang. "I hope you wont regret this decision Cooper because this
is your last shot to be with Agatha and you just blew it." Tumayo si Reema at taas-
noong isinabit ang shoulder bag sa braso ngunit bago pa man umalis ay muli siyang
nagsalita,

"You know, just because you know where she is, doesnt mean she'll always be there.
Just because you know she's inlove with you, doesnt mean she'll always do. Remember
this Cooper, Death overpowers love. That's reality. And by the way--" Kinuha ni
Reema ang kapeng hindi pa niya iniinom at walan ano-ano'y itinapon ito kay Cooper
na agad namang nagsisigaw. "Bye Alvarez." Taas-noong sambit ni Reema at tuluyang
umulis.

"Bwisit! Babae ba talaga 'yon!" Inis na sambit ni Cooper habang pinapagpagan ang
sarili. Kinuha niya ang cellphone at dali-daling kinuha ang cellphone.

"Luigi pumunta ka dito sa coffe shop, dalhan mo ako ng damit.... Anong hindi kita
utusan? Baka nakakalimutan mong ang daddy ko ang may-ari ng skwelahang pinapasukan
mo!" Bulyaw ni Cooper at agad na binabaan ang kaklase.
Habang hinihintay ito ni Cooper sa loob ng coffee shop ay hindi niya inaasahang
makarinig ng isang pamilyar na boses.

"Wala naman dito si Reema eh! Oo na, bibilhan na kita ng cake sandali lang! Aish!
Ang kulet!"

- - - - - - -

Agatha's POV

Ano ba 'yan, kakagising ko lang pero inuutusan na agad ako ni Javi. Pero okay lang,
atleast makakahinga ako, nakakapagod rin naman kasing manatili sa ospital parati.
Sayang wala si Trent, solo-flight lang ako pero atleast nasa coffee shop daw si
Reema kaya hindi ako mag-isang babalik ng ospital.

Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ng coffee shop ang pag-ring ng cellphone ko. As


expected, tumatawag na naman si Javi para mangulit.

"O bakit na naman?" Tanong ko.

"Wala kinukumusta lang, baka bigla kang nakatulog mahirap na." Aniya kaya napangiwi
na lamang ako. Nilibot ko ang paningin ko at wala akong nakitang isang babaeng may
eyebags at pamatay na bangs. Shit naman, Asan ba si Reema.

"Wala naman dito si Reema eh!"

"Ha? hala baka nakaalis na, Ags bilhan mo na ako ng cake tutal nandiyan ka. hehe."

"Ok Javi."

"Tapos damihan mo tapos tapos--"

"Oo na! Bibilhan na kita ng cake sandali lang! Aish ang kulet!"

Matapos kong makausap si Javi ay pumila na lamang ako sa counter upang bumili ng
kakainin namin. Buti nalang talaga at hindi ito ang first time kong bumili mag-isa.
But mas ok sana kung may kasama ako.

"Inutusan ka ng boyfriend mong bumili ng cake?" Nag-angat ako ng tingin at hindi ko


maiwasang mapangiti nang makitang ang kumakausap pala sa akin ay ang cute guy na
nauna sa akin sa pila. With his chinky eyes, thick eyebrows and oh so cute smile,
for sure habulin ng girls and gays to.

"Nope. More like a not so little brother." Tipid kong sagot.

"So wala kang boyfriend?" Tanong niya kaya kahit nakangiti ay napakunot parin ang
noo ko.

"Dude, I'm in a relationship with food." Biro ko na lamang.

"You're funny and adorable." Aniya at tinitigan ako sa mga mata. I cant help but to
giggle, what girl wouldnt? "Pwede bang mahingi ang number mo?" Dagdag pa niya.

Ngumiti ako at magsasalita na sana ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang may
isang lalaking sumingit sa pila at pumagitna sa aming dalawa. Sa lapad ng likod ng
lalakeng nasa harapan ko, di ko na tuloy makita ang poging guy na kausap ko.

"Hey, no cutting in line bro. Nauna siya sa'yo." Narinig kong sabi ng poging guy sa
asungot na nasa harapan ko.

"At may pake ako dahil?"

Sa isang iglap, bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang boses ng
lalaking nagsalita. Just by hearing his voice, nakilala ko na kung sino ito.

"Ginagago mo ba ako?" Sarcastic na tanong ni poging guy.

"Hindi tina-tangina lang." Sagot naman ni Cooper kaya napahawak na lamang ako sa
sentido ko.

"Eh gago ka naman pala eh!" Gaya ng inaasahan, agad na sinugod ng poging guy si
Cooper at nagkagulo na ang lahat. Ayoko ng gulo o kahit na anong confrontation at
lalong-lalo na makita si Cooper kaya dali-dali na lamang akong lumabas ng coffee
shop.

Malayo ang coffee shop mula sa paradahan ng taxi kaya mas binilisan ko na lamang
ang paglalakad sa parking lot ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang may
humigit sa kamay ko.
"Aray! Ano ba!" Napasigaw na lamang ako nang bigla niya akong hinatak paharap sa
kanya. "Bitawan mo nga ako!" Dali-dali kong iwinakli ang kamay niya mula sa akin at
naglakad na lamang palayo ngunit narinig ko ang mga yapak niyang sumudunod sakin.

"Agatha mag-usap tayo!" Aniya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy parin sa
paglalakad.

"Agatha stop being so childish and just talk to me first!" Sigaw niya kaya tuluyan
akong napako sa kinatatayuan ko.

Napatingala na lamang ako sa maliwanag na kalangitan at napakagat sa labi ko.


Naiinis man, napabuntong hininga na lamang ako at humarap ulit sa kanya.

"Childish?" I smirked, keeping my head held high, "You told me to forget about you.
You told me na magpanggap tayong hindi magkakilala oras na magkita ulit tayo. I'm
doing my part but look at what you're doing Cooper, Now who's childish?!" Sarcastic
kong sambit.

Sa isang iglap, nakita ko ang unti-unting pagkalma ng mukha niya. Hindi na


magkasalubong ang kilay niya at mukhang nawalan na siya ng sasabihin.

Tumalikod ako mula sa kanya at nagpatuloy na lamang ulit sa paglalakad ngunit bigla
na lamang akong nahilo. Parang nagsisirko-sirko ang paningin ko kaya ipinikit ko na
lamang muna ang mga mata ko.

END OF CHATER 18

THANKS FOR READING <3

VOTE AND COMMENT <3


####################################
19 : The real jerks
####################################

19.

The real jerks

Agatha

Sa pagdilat ko ng mga mata ko ay nagtaka ako sa kisameng sumalubong sa akin. Hindi


ito ang kisame ang kwarto ko at lalong wala akong ikinakabit na mga luminous stars
dito. Shit naman, nasaan ako?

Hilo man, dahan-dahan akong umupo at sinapo ang ulo ko. May nararamdaman akong
mahapdi sa noo ko at nang mahawakan ko ito ay nagtaka ako kasi may bandaid ng
nakadikit dito.

"Agatha okay ka lang ba?"

Lumingon ako at nakita ko si Cooper sa pintuan. May dala-dala siyang isang bowl na
puno ng tubig at nakasawsaw dito ang isang maliit na tela.

Hindi ko alam anong sasabihin sa kanya. Naririnig ko pa lang ang pangalan niya,
sumisikip na ang dibdib ko, ano nalang kaya 'tong magkaharap na kami at nasa iisang
kwarto pa? Geez, can this day get any worse?

Bigla kong naalala sina Javi, hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog kaya
dali-dali kong hinanap ang cellphone mula sa bulsa ko upang matawagan sila.

Wait.... Shit! Nasaan na naman ba ang phone ko?! Bakit wala?!

"You dropped your phone when you passed out. Javi kept on calling, he knows you're
with me." Muli akong napalingon kay Cooper nang iniabot niya sa akin ang cellphone
ko.

Nakakailang. Hindi ako makatingin sa kanya nang kinuha ko ang cellphone. His voice
makes the situation worse too. Its no longer cold like the other day. Call me
delusional, but hearing the tone of his voice, pakiramdam ko si Cooper na ulit ang
kumakausap sakin.

"Agatha akala ko ba bumubuti na ang kundisyon mo? Iniinom mo ba talaga ang mga
gamot mo?" Aniya kaya pinilit ko na lamang ang sarili kong ngumiti.

"Cooper can you just please shut up and stop acting like you care?" Tumayo ako at
nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. I dont know where I am but seeing the
rock band posters and messy things, malamang nasa bedroom ako ni Cooper.

"I'll stop caring for you once you start caring about yourself." Giit niya kaya
napasinghal na lamang ako.

Noong nakaraang araw, para siyang walang pakialam sa akin at halos ipagtulakan niya
ako palayo tapos ngayon sasabihin niyang may care siya? Oh dear God, I know
Cooper's crazy but not like this...

"So sa lagay nato, may care ka pa sakin?" Sarcastic kong sambit at tinaasan siya ng
kilay, "Dude! If you really cared dapat inihatid mo nalang ako sa ospital. You
shouldnt have brought me here. Look, I honestly dont want to see you anymore but
thank you kasi hindi mo ako pinabayaan doon sa kalsada. Kailangan ko ng umalis,
baka hinahanap na nila ako."

I didnt wait for him to react. Dali-dali na akong naglakad palabas ng kwarto ngunit
nang malagpasan ko siya at nakatalikod na kami sa isa't-isa ay bigla siyang
nagsalita.

"Hindi ko na kayang bumalik sa ospital na 'yon, Agatha sorry."

Napako ako sa kinatatayuan ko at sa isang iglap, tuluyang nawala ang inis na


nararamdaman ko at napalitan ito ng lungkot.

"He's been here for almost 12 years. He's been fighting for his life ever since he
was a kid." - Javi

"This hospital has always been Cooper's home. He spent countless days of agony and
depression here." - Kuya Leo

"Sa tuwing nakikita ko siya o ang isa man sa kanila, naaalala ko lang ang mga hirap
na pinagdaanan ko sa ospital na 'yon. Nakaligtas ako! Nabuhay ako! Hindi na ako
babalik pa sa impyernong 'yon!" - Cooper

I get it now...

"Sa mundong 'to, may dalawang klase ng bulag. Yung mga taong bulag na hindi
makakita gamit ang mga mata, at yung mga bulag sa katotohanan at reyalidad."

That blind kid was right... I can see with both of my eyes but I was still blind.
All I ever thought about was being with Cooper but when he shut us out, I was
blinded with anger and disappointment... Cooper wasnt the jerk. In fact, we were
the real jerks.. We were the jerks kasi hindi namin siya inintindi, naging
makasarili kami... Nakalimutan namin ang hirap na pinagdaanan niya... Naging
makasarili ako.

Namalayan ko na lamang na lumuluha na naman pala ang mga mata ko at nakatalikod


parin kami ni Cooper mula sa isa't-isa.
"Cooper naiintindihan ko na ngayon. 'Wag kang mag-alala, hindi ako galit sayo.
Ipapaliwanag ko nalang sa mga kaibigan natin para maintindihan ka rin nila. Sorry
pala sa mga nasabi kong masama sayo." Napatingala na lamang ako habang pinipilit
ang boses kong 'wag bumigay.

Naghintay ako sa sasabihin niya kaso parang hindi na talaga siya iimik kaya
napabuntong hininga na lamang ako at napalunok.

Nagsimula akong maglakad palayo ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang may mga
brasong pumulupot sa bewang ko at may ulong bumaon sa balikat ko. Niyakap ako ni
Cooper mula sa likod kaya muli akong napako sa kinatatayuan ko at napatitig na
lamang sa kawalan.

"Agatha sorry." Muli niyang sambit ngunit mas lalo akong naiyak nang mapagtantong
maging siya ay umiiyak narin pala. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya.

Bahagya akong tumawa, "Baliw, ako nga ang dapat mag-sorry sayo. Bumitaw ka na nga,
baka mamaya, umasa na naman ako." Dinaan ko na lamang sa biro ang mga salitang
lumalabas mula sa bibig ko.

Ilang sandali ang lumipas at nanatili parin siyang nakayakap sa akin kaya ako na
mismo ang nagwakli sa kamay niya upang makalas ang yakap niya sakin at dali-dali na
akong umalis.

Hindi ko na talaga siya maintindihan.

Hindi ko alam kung sadista siya o pinagt-tripan niya lang ako pero ayoko na..

Ayoko ng masaktan...

Madami pa akong kailangang problemahin bukod sa kanya...

This ends here.

- - - - - - - -

Bumalik ako sa hospital dala-dala ang isang pack ng chocolate drink. Buti nalang at
may convenience store sa malapit at nakabili parin ako ng pampasalubong.

"Miss Agatha anong nangyari sa noo mo?" Tanong sa akin ng nurse na nasa front desk
nang dumaan ako.

"Nauntog po ang tanga." Biro ko na lamang at ngumiti.

If there's one thing i'm good at, thats fooling people into thinking im okay with
the use of my smile. I mastered it actually.

With a smile in my face, I skipped along the halls of the hospital. I'm still sad
but atleast okay na kami ni Cooper. Tanggap ko ng hindi na maibabalik pa ang dating
closeness namin. Tanggap ko ng hangang dito nalang talaga kami, less than friends
but more than strangers.

Pagdating ko sa kuwarto ko nagtaka ako nang hindi ko naabutan doon sina Reema, Javi
o Trent. Karaniwan kasi silang nandito, asan kaya sila?

"Hi po Ms. Agatha." Bati sa akin ng nurse na naglalagay ng gamot sa bedside table
ko.

"Hi! Nasaan yung mga kaibigan ko?" Tanong ko.

"Nasa opisina po ni Sir Leo, may importante yatang pinag-uusapan." Aniya kaya
ngumiti na lamang ako at dali-dali nagtungo doon. Pwede naman sigurong uminom si
Sir Leo ng chocolate drink. Hindi naman siguro siya aatakihin ulit dahil dito.

"Anong walang pananagutan?! Aba kung ganun edi papatayin ko nalang siya!" Ilang
hakbang na lamang ako papunta sa opisina ni Kuya Leo ay naririnig ko na ang sigaw
ni Reema. Hay, nagwawala na naman ang kaibigan ko. Ano na naman kaya to? Minsan
talaga nag-aalala na ako sa pagiging moody niya.

Nakahawak na ako sa doorknob at papasok na sana ako.

"Reema, wala tayong magagawa. Pumirma si Agatha ng waiver. Walang pananagutan ang
doktor na nagbigay sa kanya ng gamot." Narinig kong si Kuya Leo ang nagalita at ako
pala ang pinag-uusapan nila. Teka, bakit naman nila inuungkat ang tungkol doon?

Imbes na pumasok ay nakinig nalang muna ako sa usapan nila.

"Hindi yan pwede! Oras na may mangyaring masama kay Agatha dahil sa gamot na 'yon
humanda talaga siya sakin!" Muli kong narinig na sumigaw si Reema.

"Pero may paraan naman po diba para gumaling si Agatha diba?" Narinig ko namang
nagsalita si Trent.

"Hijo, nakita mo ang nangyari kay Agatha. Sa isang iglap, biglang tumigil sa
pagtibok ang puso niya. Kung hindi iyon naagapan, maaring namatay na si Agatha.
Pero kahit naagapan, mangyayari at mangyayari ulit ito. Gaya ng sinabi ko sa inyo
noong nakaraang araw, masyado ng naapektuhan ang nervous system ni Agatha nang
dahil sa experimental stimulants na iyon, masyadong matapang ang gamot kaya imbes
na gumaling ay lalong lumama ang lagay niya. Bumalik na kayo sa kuwarto ni Agatha,
baka dumating na siya. Maya-maya, darating narin ang mga magulang niya. Hindi ko
alam anong gagawin, mahirap sabihin sa mga magulang niyang ano mang oras ay maaring
baiwan ng buhay ang anak nilang--"

"Pero kuya leo, please gumawa kayo ng paraan! Hindi pa naman huli ang lahat diba?!
May magagawa pa ang mga doktor!"

"Agatha anong ginagawa mo dito?"

Narinig ko ang boses ni Javi mula sa likuran ko. Narinig ko ring biglang tumahimik
sina Reema.

Nangingining ang mga kamay ko at ganun narin ng labi ko. Ayaw tumigil sa pagbuhos
ng luha ko kaya dali-dali na lamang akong nagtatakbo palayo.

END OF CHAPTER 19

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


####################################
20 : Because she stayed awake
####################################

20.

Because she stayed awake

Third Person's POV

Muling tumunog ang cellphone ni Cooper pero sa halip na sagutin ito ay nanatili
lamang siyang nakatitig sa kawalan gaya ng kanina niya pa ginagawa. Ayaw tumigil sa
pag-ring ng cellphone niya kaya di nagtagal ay wala siyang ibang nagawa kundi
sagutin na lamang ito.

"Sino to?!" Inis niyang sambit.

"Cooper kasama mo ba si Agatha?" Natatarantang sambit Javi sa kabilang linya kaya


agad na nakunot ang noo ni Cooper.

"Bumalik na siya diyan kanina pa. Bakit? hindi ba siya dumating?" Agad napatayo si
Cooper at kinuha ang susi ng kotse niya.

"May nangyari, alam mo ba kung saan siya pwedeng pumunta? Cooper close kayo baka
alam---"

"Javi ibaba mo na nga yan! Hindi natin ang kailangan ang tulong niya!" Narinig ni
Cooper ang boses ni Reema at bigla na lamang naputol ang tawag. Sinubukan niyang
tawagan si Javi ngunit hindi na ito sumasagot. Dala ng pag-aalala ay dali-dali
siyang nagtatakbo palabas ng bahay at nagmaneho ng kotse.

"Agatha nasaan ka na ba?" Mahinang sambit ni Cooper habang kaliwat-kanang


tinitingnan ang daan sa pagbabakasakaling mahahanap niya ito habang nagmamaneho.
Kung saan-saan na siya nagtungo ngunit hindi parin niya ito nahahanap.

Muling tumawag si Javi kaya dali-dali niya itong sinagot.

"Cooper nahanap mo na ba siya?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Javi.

"Hindi ko mahanap si Agatha! Pumunta na ako sa bulaluan pero wala parin siya doon!
Ano ba kasing-" Hindi na nagawang tapusin pa ni Cooper ang kanyang sinasabi nang
bigla na lamang siyang binabaan ni Javi bagay na labis niyang ikinainis kaya
natapon na lamang niya ang cellphone niya.

Nasapo ni Cooper ang ulo at idinaan na lamang sa sigaw ang labis na pag-aalala.
Nilibot niya muli ang paningin nang bigla na lamang sumagi sa isipan niya ang lugar
kung saan niya huling dinala si Agatha-Sa dagat. Dala ng pagbabakasakali at
desperasyon, agad niyang pinaharutot ang sasakyan.

-------

"Agatha! Agatha nasaan ka?!" Sigaw ng sigaw si Cooper habang tumatakbo sa


dalampasigan. Tagaktak na ang pawis niya at bakas na ang matinding pagod sa mukha
niya pero hindi parin siya tumitigil sa paghahanap kay Agatha.

Walang katao-tao sa dalampasigan. Maliban sa sariling sigaw, wala siyang ibang


naririnig kundi ang huni ng mga ibon at ang paghampas ng tubig-dagat sa
dalampasigan.
Natigil si Cooper sa pagtakbo nang maaninag niya ang isang babaeng nasa hindi
kalayuan. Nakaupo ito sa pinong buhangin habang taimtim na pinagmamasdan ang asul
at tila ba kumikislap na karagatan. Nililipad na ng malakas na hangin ang mahabang
buhok ng babae ngunit parang wala itong pakialam.

Nakatalikod man mula sa kanya, kilalang-kilala na ni Cooper kung sino ito.

Napabuntong-hininga si Cooper at napahawak na lamang sa magkabilang bewang dahil


sa inis.

Hindi man alam anong sasabihin, walang paligoy-ligoy siyang naglakad palapit dito.
Hindi niya maiwasang magtaka, malapit na siya sa mismong kinauupuan ni Agatha pero
hindi parin siya nito nililingon.

"Agatha nandito ka lang pala." Nauutal na sambit ni Cooper at tumayo na lamang sa


harapan nito. Hindi niya magawang tingnan si Agatha sa mga mata kaya tinanaw na
lamang niya ang karagatan. "Tumayo ka na diyan, kanina ka pa nila hinahanap."
Iniabot niya ang kamay upang matulungan itong tumayo ngunit nagdaan ang ilang
sandali, hindi parin gumagalaw si Agatha sa kinauupuan o inaabot man lang ang kamay
niya.

Marahas na napakamot si Cooper sa ulo niya at tuluyang napatingin kay Agatha habang
nakakunot ang noo. Ngunit sa isang siglap, biglang binalot ng matinding takot si
Cooper nang makita si Agatha ng malapitan.

Nakaupo si Agatha sa buhangin at nakatingin lamang pala ito sa kawalan. Walang


kaemo-emosyon ang mukha niya pero patuloy sa pagluha ang mga mata niya samantalang
ang damit niyang kulay puti ay may bahid na ng maraming dugo.

Sa di malamang dahilan, napatingin si Cooper sa mga kamay ni Agatha at nakita


niyang ang kanang kamay nito ay dumudugo dahil sa hawak nitong isang basag na
salamin.

"A-agatha anong--" Nauutal na sambit ni Cooper na halos hindi makapagsalita dahil


sa gulat matapos makitang may malaking hiwa na ang kaliwang pulso ng dalaga.
Naglalas ito gamit ang hawak na salamin.

"Agatha anong ginawa mo?!" Kasabay ng tuluyang pagsigaw ni Cooper ay ang pag-agos
ng luha mula sa mga mata niya. Nanginginig siyang lumuhod sa harap ni Agatha at
hinaplos ang magkabilang pisngi nito. "Agatha bakit mo ginawa to?!" Muling iyak ni
Cooper habang hawak ang pulso ni Agatha na ngayo'y bumubulwak na ng dugo.
Hindi alam ni Cooper ang gagawin. Pinapangunahan na siya ng matinding takot at
taranta kaya dali-dali na lamang niyang kinarga si Agatha at itinakbo sa ospital.

-----

Katahimikan. Walang ibang namamayani sa apat kundi isang nakakailang na


katahimikan. Bakas sa mukha nila ang matinding lungkot at pag-aalala habang
hinihintay na lumabas ang doctor na siyang gumagamot kay Agatha.

"Kasalanan ko 'to. Kung sana hindi ako pilay, sana nahabol ko siya kanina."
Tuluyang nabasag ang katahimikan nang dahil sa paninisi ni Javi sa sarili.

"Walang may kasalanan sa nangyari." Giit ni Trent at bahagya na lamang na tinapik


ang balikat ni Javi.

"Wala nga ba?" Mahina at walang kaemo-emosyong sambit ni Reema at napatingin sa


direksyon ni Cooper.

Si Cooper na lamang ang tanging hindi umiimik. Nakaupo lamang siya habang
nakasandal ang dalawang siko sa hita. Magmula ng makarating sa ospital ay hindi na
niya nagawa pang mag-angat ng tingin sa kahit na sino dahil ang tanging nasa isipan
lamang niya ay ang kalagayan ni Agatha.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doktor kaya agad siyang sinalubong ng apat na
alalang-alala.

"Doc okay lang ba siya? Hindi naman malala ang sugat niya diba?" Salubong ni Cooper
na kanina pa hindi mapakali.

"Physically, she's okay for now. Emotionally, I'm afraid she's not. The slash on
her wrist was deep indicating, she already lost her will to live, she really wanted
to die." Nanlulumong sambit ng doktor at isa-isang tiningnan ang apat, "Call her
parents, they need to be by her side. At kayo namang mga kaibigan niya, gawin niyo
ang lahat para maging masaya siya. Siguro alam niyo na ang sitwasyon niya kaya sana
parati niyong iparamdam sa kanyang hindi siya nag-iisa." Dagdag pa ng doktor at
tuluyang umalis kaya sila naman ang pumasok sa kuwarto kung saan nakaratay ang
kaibigan.

-------

Nakahiga lamang si Agatha sa kama habang nakatingin sa kawalan. Walang kaemo-


emosyon ang mukha niya at ni konting salita ay hindi niya magawa. Nakabot ng benda
ang dalawang kamay niyang sugatan samantalang ang damit niya naman ay punong-puno
parin ng dugo. Mistulang hindi niya pansin ang mga kaibigang umiiyak sa harapan
niya.

"Agatha ano sa tingin mo tong ginagawa mo? Diba sa ating dalawa ikaw ang matatag?
Bakit mo ginawa to sa sarili mo?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Reema habang nakaupo
sa paanan nito ngunit hindi parin ito umiimik at sa halip ay nanatili lamang
nakatingin sa kawalan na para bang hinang-hina na.

"Agatha anong gusto mong kainin?" Tanong naman ni Trent na nakangiti ng tipid
ngunit imbes na sumagot ay tumagilid lamang si Agatha sa pagkakahiga at tinalikuran
ang mga ito bagay na lalo nilang ikinalungkot.

"Agatha naman, wala namang ganyanan." Mangiyak-ngiyak ulit na sambit ni Javi.

Pilit nilang tatlong kinakausap si Agatha nang bigla nilang narinig na bumukas ang
pinto. Nang lumingon, nabigla ang tatlo nang nakita nilang papalabas na ng kwarto
si Cooper na para bang hindi na nag-aalala.

"Saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong ni Javi.

"Aalis na." Walang kagatol-gatol na sagot ni Cooper.

"Aalis ka na?! Nakikita mo naman ang kalagayan ni Agatha diba?!" Sarcastikong


bulyaw ni Trent na hindi na nakapagpigil sa galit kahit pa kasama nila si Agatha.

"Shh! Just let that asshole leave." Pakiusap ni Reema at napapikit na lamang habang
hinihimas ang buhok ni Agatha.

"Agatha's okay. She will always be." Walang kaemo-emosyong sambit ni Cooper at
tuluyang lumabas ng kuwarto ngunit sinundan naman agad ni Javi at Trent na kapwa
galit na galit.

-----

"Cooper mag-usap tayo!" Sigaw ni Javi nang sila-sila na lamang ang nasa hallway.

Sa isang iglap, tuluyang nawala ang palangiting personalidad ni Javi na punong-puno


na sa galit. Sakay man ng wheelchair, lalo niya pang nilapitan si Cooper na ngayo'y
kunot na ang noo.
"Ano na naman ba?" Inis na sambit ni Cooper.

"Ang kapal ng mukha mo alam mo ba 'yon?" Sarkastikong sambit ni Javi kaya ngumisi
na lamang si Cooper.

"Duwag, makapal ang mukha, demonyo, gago, walang kwentang kaibigan-Javi alam ko!
Paulit-ulit ninyo yang sinasabi sa akin ni Reema at ng iba pa. Pero wala akong
magagawa, Ganito na talaga ako, gago talaga ako!" Katwiran pa ni Cooper na tila ba
nakikipagbiruan kaya hindi na nakapagpigil pa si Trent at tuluyan na niya itong
kinwelyohan at marahas na isinandal sa dingding.

Nanlilisik ang mga mata ni Trent sa galit samantalang si Cooper ay nakangisi


lamang.

"Guys stop it, just let Cooper leave. Sasaktan niya lang si Agatha, please guys,
nakikiusap ako. Paalisin niyo na si Cooper para once and for all hindi na masaktan
pa ang kaibigan ko."

Napalingon silang tatlo at nakita nila si Reema na umiiyak. Sinundan rin pala sila
nito para makiusap, bagay na ni minsan ay hindi nila inakalang masasaksihan nila.

"Pero Reema kailangan niyang malaman!" Giit ni Trent ngunit umiling-iling lamang si
Reema na tila ba nakikiusap parin.

"Just let him leave! Atleast may isang taong hindi na masasaktan! I'm sure that's
what Agatha wants!" Giit ni Reema na siyang hindi sinang-ayunan ni Javi na agad
umiling-iling.

"Hindi Reema! Cooper needs to know that he is the reason why Agatha is dying! He's
always been the reason why she's hurting!" Sigaw ni Javi at muling ibinalik ang
tingin kay Cooper, "Narinig mo yun Cooper?! Ikaw ang may kasalanan kung bakit
mamamatay na si Agatha! Kasalanan mo tong lahat! Hindi ka lang isang walang
kwentang kaibigan, isa ka ring walang kwentang tao! Makasarili ka!" Pagdidiin pa ni
Javi na nanggagalaiti parin sa galit.

Walang nagawa si Reema kundi maiyak na lamang samantalang si Trent naman ay


tuluyang napabitaw kay Cooper na ngayo'y gulat na gulat at halos hindi makagalaw
dahil sa narinig.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal na sambit ni Cooper habang nanlalaki ang mga
matang nagsisimula na ulit lumuha.

"You asked Agatha to stay awake for you so she did! She never wanted to leave you
alone kaya pumayag siyang uminom ng gamot na walang kasiguraduhan! She took a leap
of faith for you but it backfired! Ano mang oras pwedeng mamatay si Agatha kaya
wala kang karapatang maging makasarili!" Giit ni Javi at muling naluha, "Please
Cooper, kahit ngayon lang 'wag kang maging makasarili." Dagdag pa nito.

"Hindi yan totoo.." Nagsimulang manginig ang mga kamay ni Cooper at walang tigil
ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya. Bigla niyang nilapitan si Javi at
kinwelyohan, "Nagsisinungaling ka lang! Hindi mamamatay si Agatha! Hindi yan
totoo!" Nanlilisik ang mga mata ni Cooper habang sumisigaw. Isa-isa niyang
tiningnan ang tatlo, nagsusumamo na sana isang malaking kasinungalingan lamang ang
narinig mula kay Javi.

"Sana nga isang masamang panaginip lang ang lahat. Pero Cooper hindi eh... "
Mahinang sambit ni Reema na kumukumpirma sa kinakatakutan ni Cooper.

Muli, binalot ang apat ng nakaiilang na katahimikan. Dahan-dahang napabitaw si


Cooper kay Javi at sinapo ang sariling batok. Huminga siya ng malalim at napalunok.
Hindi niya alam ang gagawin, hindi na niya mapigilan pa ang luhang walang tigil na
bumubuhos.

"Hindi..." Umiling-iling si Cooper at muling tumalikod mula sa tatlo. Pasuray-suray


man, pinilit ni Cooper na maglakad palayo sa kanila. Walang ibang nakakasalubong si
Cooper kaya hinayaan niya lamang ang sariling lumuha.

Hindi pa siya nakakalayo sa tatlo nang tuluyan na siyang bumigay. Mistula siyang
tinakasan ng lakas at tuluyang bumagsak sa sahig habang humahagulgol. Tuluyang
nawala ang matapang at maangas na Cooper, sa isang iglap mistula itong naging isang
batang walang ibang kayang gawin kundi umiyak ng umiyak.

END OF CHAPTER 20

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


####################################
21 : The Fool's move
####################################

21.
The Fool's move

Third Person's POV

Nagtatalo at nagkakainitan ang apat sa labas pero nanatili lamang sa loob ng kwarto
ni Agatha si Kuya Leo.

Hindi niya naiwasang maging malungkot nang makita ang lagay ng dalagang halos
itinuring narin niyang isang anak.

"Agatha, maswerte ka kasi may oras ka pa. 'Wag mo na itong uulitin kasi masasaktan
mo lang ang mga taong nagmamahal sayo." Wika ng matanda at lalabas na sana ngunit
sa di malamang dahilan ay tuluyan nang nagsalita si Agatha matapos ang isang araw
na pagiging tahimik.

"Euthanasia." Mahinang sambit ni Agatha kaya tuluyang napako sa kinatatayuan ang


matanda na halatang nagulat sa narinig.

"A-ano?" Kunot-noong tanong nito nang muling lumingon kay Agatha.

"Tulungan mo po ako. Pagod na pagod na po ako. Pwede niyo namang gawin iyon diba?"
Mahinang sambit ni Agatha na tila ba nagmamakaawa kaya umiling-iling na lamang ang
matanda at lumabas mula sa kwarto.

Muling naiwan si Agatha na mag-isa. Dahan-dahan siyang napatingin sa mga kamay na


may benda at napapikit na lamang hanggang sa unti-unting nakatulog.

- - - - - - -

Hatinggabi na at tahimik na ang buong ospital. Nagsiuwian na ang karamihan sa mga


narito maliban lamang kay Cooper na nataling nakaupo sa labas ng kwarto ni Agatha.

"Cooper bakit nandito ka pa? Umuwi ka na. Kanina pa natapos ang visiting hours at
malamang hinahanap ka na ng mga magulang mo." Biglang tumabi sa kinauupuan ni
Cooper si Kuya Leo at tinapik ang likod nito.

Imbes na tumayo at umalis ay nanatili lamang si Cooper sa kanyang pwesto at


umiling-iling.

"Bakit ako nagka-ganito?" Walang kabuhay-buhay na sambit ni Cooper habang


nakatingin parin sa kawalan.

"Kasi tao ka. Lahat ng tao nagkakamali." Walang kagatol-gatol na giit ni Kuya Leo.

"Tao? I left her when she needed me the most. I didn't say goodbye and I even
tried to erase her from my life. I did that to the girl who never gave up on me...
I did that to the girl who sacrificed everything for me. Tao parin ba ako sa lagay
nato?" Napasandal na lamang si Cooper sa kinauupuan at napapikit.

"Tao ka Cooper. Gago nga lang. Para ng anak ang turing ko sayo kaya hindi kita
kukunsintihin. Hindi ko sasabihing wala kang ginawang masama. Hindi ko sasabihing
hindi ka naging makasarili. Pero Cooper, may oras ka pang itama ang mga pagkakamali
mo. May pagkakataon ka pang humingi ng tawad at bumawi. Matanong nga sayo, mahal mo
pa ba si Agatha?" Tanong naman nito kaya unti-unting kumurba ang maliit na ngiti sa
labi ni Cooper.

"Mahal na mahal ko si Agatha. Kahit kailan hindi nagbago o nabawasan ang


nararamdaman ko para sa kanya." Pag-amin nito kaya maging si Kuya Leo ay napangiti
rin at hinayaan na lamang ang anak-anakan na umiyak sa balikat niya.

------

Namumugto ang mga mata at may bahid parin ng dugo ang damit, tahimik na pumasok si
Cooper sa kwarto ni Agatha. Nilibot niya ang paningin at napangiti dahil wala
paring nagbabago dito at bumalik sa isipan niya ang masasayang alaala.

Kinuha ni Cooper ang upuan at tumabi sa harapan ni Agatha na natutulog na.

Muli, hindi niya napigilan ang sariling lumuha habang pinagmamasdan itong
natutulog. Dahan-dahan niyang hinawi ang buhok na humarang sa mukha nito at
hinaplos ang pisngi ng dalaga.

"Nasasaktan ka parin ba hanggang ngayon? Kung sana maibabalik ko lang ang oras,
sana hindi nalang kita iniwan. Sana hindi kita sinaktan. Sana hindi ko hiniling
sayong manatili kang gising," Kinuha ni Cooper ang kanang kamay ni Agatha at
pinagmasdan ang nakabenda nitong pulso. Muli, hindi niya napigilan ang sariling
umiyak at hinalikan na lamang ang kamay nito, "Bakit mo nagawang mag-sakripisyo
para sa taong gaya ko? Paano mo nagawang mahalin ang gagong gaya ko?"

Tinitigan ni Cooper ang maamong mukha ni Agatha at pinilit ang sariling ngumiti sa
kabila ng pagluha.

"Agatha don't die. Please don't. Okay lang sakin kahit mawala ka sakin pero ang
mahalaga hinding-hindi ka mawawala sa mundong 'to."

Tumayo si Cooper at kinumutan ng maayos si Agatha bago tuluyang humiga sa tabi


nito. Ipinatong niya ang ulo ng dalaga sa bisig at muling pinagmasdan ang mukha
nito.

"Okay lang sa akin kahit na hindi mo na ako mapatawad o kausapin pa. Mabuhay ka
lang at hayaan mo akong manatili sa tabi mo, masaya na ako." Bulong ni Cooper at
hinalikan ito sa noo.

------

"Hijo hindi ka pa ba umuuwi sa inyo?" Salubong ng guwardya kay Cooper nang muli
siyang pumasok sa ospital dala ang nabiling mga bulalo.

"Bahay ko ang ospital nato. Nakauwi na ako." Nakangiting sambit ni Cooper ngunit
hindi parin siya tinantanan ng gwardya.

"Hindi ka ba nandidiri diyan sa suot mo? May dugo pa ang damit mo." Paalala nito
ngunit ngumiti lamang ulit si Cooper.

"Gwapo parin naman kaya okay lang." Biro ni Cooper kaya napailing-iling na lamang
ang gwardya at napangiwi.

Marami mang inaalala at kinakatakutang mangyari, pinilit na lamang ni Cooper ang


sariling ngumiti dahil makikita niya ulit si Agatha. Habang naglalakad sa pasilyong
kinaroonan ng kwarto ni Agatha ay laking gulat ni Cooper nang makitang maraming mga
nurse sa kwarto kaya dali-dali siyang napatakbo papunta dito.
Nakahinga ng maluwag si Cooper nang makitang maayos lang naman pala ang lagay ni
Agatha at sa katanunayan ay nakaupo na ito habang nakangiti.

"Bakit ka pa bumalik dito?" Salubong ni Trent na nakakunot ang noo pero imbes na
makipag-away ay mas pinili na lamang ni Cooper na lapitan si Agatha kahit pa
napakasama na ng tingin nila Reema at Javi.

"Agatangina, tingnan mo oh? Bumili narin ako ng mami kasi baka nagsasawa ka na sa
bulalo." Nakangiting sambit ni Cooper kay Agatha na para bang hindi sila
nagkasamaan ng loob.

"You jerk! Get the hell out of here!" Biglang sigaw ni Agatha habang nanlilisik ang
mga mata na siyang ikinagulat ng lahat maliban lamang kay Cooper na inaasahan ng
mangyayari ito.

Tahimik ang lahat. Minsan lang nila makitang galit si Agatha kaya hindi nila alam
anong gagawin.

"Jerk na kung jerk. Dali na, kain na tayo. Nagugutom na ako!" Nakangiting sambit ni
Cooper na tila ba binabaliwala na lamang ang malamig na pakikitungo sa kanya ng
dalaga.

"Cooper umalis ka na!" Giit ni Agatha na magkasalubong na halos ang kilay dahil sa
galit.

"Agatha calm down. Baka mas makasama sayo kapag nagagalit ka." Sabi pa ni Trent ng
mahinahon pero imbes na kumalma ay mas lalo lamang nainis si Agatha at sa kanya
naman napatingin ng masama.

"Calm down?! Trent ikaw ang sinapak niya kagabi! Dapat sakin ka kumampi!" Giit ni
Agatha at napahalukipkip na lamang sa braso.

"K-kagabi?" Nauutal na sambit ni Reema habang nakakunot ang noo.

"Wait what the hell is this? Ba't may benda tong mga kamay ko?" Takang tanong ni
Agatha habang pinagmamasdan ang mga kamay. Hindi niya maiwasang mapangiwi sa sakit
nang mapagtantong mayroon siyang malalim na sugat sa pulso at palad.

Muling binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Nalilito sila sa kinikilos at


sinasabi ni Agatha kaya ilang sandali silang nagpalitan ng litong mga tingin.
"Agatha.." Umupo si Reema sa harapan ni Agatha at tiningnan ito sa mga mata,
"Agatha Grace, ano ang huling naalala mo?" Dagdag pa ni Reema na halatang seryoso
sa tanong kaya nakunot ang noo ni Agatha.

"Trent and I were eating noodles at the convenience store and then all of a sudden
biglang bumigat ang pakiramdam ko tapos..." Napapikit si Agatha at napakamot sa
ulo, "Ugh! Did I fall asleep again? How long was it this time." Inis nitong sambit.

"Teka hindi naalala ni Agatha ang nangyari kahapon?" Mahinang sambit ni Javi na
hindi makapaniwala sa nasasaksihan.

"Huh?" Napadilat si Agatha at kunot-noong napatingin kay Javi, "Bakit ano palang
nangyari kahapon?"

"Ah wala. Nalaglag ka kasi mula sa kama mo tapos lumanding ka sa matalim na bagay
kaya ka nasugatan." Biglang sabat ni Trent at sa isang iglap nagsitanguan ang lahat
biglang pagsang-ayon sa kasinungalingan nito.

"Seryoso?" Napatingin si Agatha sa mga nurse at tumango-tango rin ito sa kanya.

"Malas ko naman." Kumbinsido, napabuntong hininga na lamang si Agatha.

"Magsisinungaling ka na nga lang, ang korni pa." Bulong ni Cooper bilang pasaring
kay Trent kaya muli silang nagpalitan ng masamang tingin sa isa't-isa.

"Oh ba't nandito ka pa? Akala ko ba ayaw mo na sa lugar nato?" Sarkastikong sambit
ni Agatha kay Cooper habang tinataasan ito ng kilay.

"Oo na aalis na ako!" Inis na sambit ni Cooper at kahit napipilitan man ay


nagsimula na lamang siyang maglakad palayo ngunit bago pa man tuluyang makalabas ng
kwarto ni Agatha ay nilingon niya ito at kinindatan habang nakangisi bagay na lubos
ikinainis ng dalaga.

"Bumalik na yata ang dating Cooper." Mahinang sambit ni Javi habang nakangiti.

- - - - - - -
Tila wala sa sariling naglalakad-lakad sa gilid ng kalsada si Cooper. Wala itong
pakialam kahit na nababangga na niya ang mga taong nakakasalubong niya, nanatili
lamang siyang nakatingin sa kawalan.

Ilang sandali pa ay natigil siya sa paglalakad at napako sa kinatatayuan.

Napabuntong hininga siya at napatingala sa kalangitan sabay silid ng mga kamay sa


bulsa.

"Akala mo ikaw lang ang marunong mag-sakripisyo, pwes ako rin Agatha, kayang-kaya
ko." Bulong ni Cooper sa sarili hanggang sa unti-unting kumurba ang isang pilyong
ngiti sa mukha niya. Nilibot niya ang paningin at nakita niya ang tuluyang pag-
berde ng ilaw ng traffic light.

Habang may ngiti parin sa mukha, walang paligoy-ligoy na tinawid ni Cooper ang
kalsada sa kabila ng mga sasakyang dumadaan.

"Hijo tumabi ka! Masasagasaan ka!"

"Nababaliw na ba siya?!"

"Manong ihinto niyo ang sasakyan!"

"Diyos ko! Magpapakamatay na yata siya!"

Naririnig ni Cooper ang mga sigawan ng mga taong nakakakita sa kanya pero imbes na
tumabi ay hinto siya sa paglalakad at nanatiling nakatayo sa gitna ng kalsada.

Ilang sandali pa ay narinig ni Cooper ang busina ng sasakyang para bang sasalpok sa
kanya kaya napapikit na lamang siya.

End of Chapter 21

Thanks for reading!

Vote and Comment <3


####################################
22 : Back to square one
####################################

22.

Back to square one

Agatha

Napabuntong-hininga ako at sinara ang pinto matapos makaalis sina Mommy.

Kaalis lang nila pero namimis ko na agad sila. Pero nakapagtataka, bakit kaya sila
iyak ng iyak kanina habang nanonood kami ng 'Frozen'? I get it, may nakakaiyak na
parts pero bakit kahit nagpapatawa na si Olaf at Sven eh nag-iiyakan parin sila?
Nakakainis, pakiramdam ko tuloy may puso akong bato. Nakakaiyak ba talaga ang
palabas na 'yon to the point na humahagulgol na sila?

I never knew my family could be that weird. But hey, theyre still awesome and I
super love them.

Naisipan kong kumain ng mga dinala nilang prutas para sa akin. Nakakainis, mamaya
pa daw 4pm matatapos ang classes nila Reema. Mabuti pa silang tatlo nag-aaral
samantalang ako, heto, forever team hospital. Nakakabagot, wala akong makausap.

Hay... Makipag-kaibigan kaya ako sa mga batang nasa children's ward? baka malibang
pa ako dun.

Narinig kong bumukas ang pinto sa kabilang kwarto kaya dali-dali akong sumilip. See
sa sobrang tahimik at boring ng floor nato, naririnig ko tuloy ang lahat kahit
maliliit na ingay man. Perks of being lonely.

"Hala!" Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwa nang makita ko ang mga nurse sa loob
ng kwartong nasa tapat ko. Nag-aayos sila sa loob na para bang may titira ulit
dito.

Nakakatuwa, atleast may kasama na ako dito sa floor nato. Sana lang talaga babae
ang titira diyan, kapag lalake kasi, baka maalala ko lang sa kanya si Cooper. Diyan
pa naman siya nakatira noon.
"Ang saya natin ah?" Sabi ng nurse na napansin pala ako.

"Yup, sa wakas may makakausap narin ako araw-araw. Nasa school na kasi most of the
time sina Reema. Nga pala," Sumandal ako sa pintuan kong nakabukas, "Sino po ang
titira diyan? Babae po ba?"

Biglang nagkatinginan ang dalawang nurse sa isa't-isa at nagtawanan. Napakunot ang


noo ko sa ginawa nila, nakakaloko ba sila sakin?

"Lalake." Nakangiting sambit ng isa sa mga nurse kaya napabuntong-hininga na lamang


ako. Lalake na naman, oh well, sana gwapo. Atleast may vitamins sa mata.

"Pogi ba?" Tanong ko pero muli lamang silang nagtawanan. Its not a laugh actually,
more of a giggle. Yung parang kinikilig. Whoa, the new guy must really be pogi kasi
parang kinikilig ang mga nurse sa kanya.

"Sobrang pogi ng bagong nakatira diyan Agatha."

Bigla na lamang may nagsalita sa gilid ko kaya lumingon ako ngunit napapitlag ako
sa gulat kasi napakalapit lang pala ng mukha namin sa isa't-isa.

Lalo akong nagulat nang mapagtanto ko kung sino ito...

"Ugh! Ano na namang ginagawa mo dito?!" Hindi ko maiwasang mangiwi dahil sa iniis.
Seeing the smirk on his face annoys me up to the point na gustong-gusto ko na
siyang sakalin.

"Miss Agatha, siya na po ulit ang titira dito." Sabi pa ng isa sa mga nurse at
nginitian ako ng nakakaloko, yung tipong nanunukso.

"Titira dito?! What the hell?! Eh magaling na 'to eh! Tingnan niyo--" Giit ko sabay
turo kay Cooper ngunit laking gulat ko nang mapansin ang saklay na hawak niya.
Napatingin ako sa paa niya, may cast pala ito at ngayon ko lang din napansin ang
mga galos sa mukha niya.

"Wala bang 'welcome back hug' diyan?" Aniya at muling ngumisi kaya lalo akong
napangiwi sa inis.
Maawa na sana ako sa kanya, wag nalang. Gago parin eh.

"Maghanap ka ng cactus! Yun yakapin mo!" Sigaw ko at dali-daling pumasok ng kwarto


ko sabay lock ng pinto.

Ugh! Nakakainis! Bakit siya pa?!

Pero teka, ano kayang nangyari? Ba't injured siya?

"Agatha sabay tayo dinner mamaya gaya ng dati ha?"

Narinig kong sigaw ni Cooper mula sa labas kaya marahas na lamang akong napakamot
sa ulo ko.

END OF CHAPTER 21

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

####################################
23 : Don't forget
####################################

23.

Dont forget

Agatha

To : Reema

Hurry up! This place is killing me T_T

From : Reema

Not done with class, 1 more hour. Chill -_-

To : Reema

Chill?! The spawn of satan is next door!!! >_<


From : Reema

Calm ur tits, im coming.

Sa sobrang inis ay naitapon ko na lamang ang cellphone sa kama.

I kept on pacing back and fourth, biting my nails, worried what should i do. Kanina
pa ako nag-iisip kung ano ang gagawin pero kahit mag-isip, hirap parin akong gawin.
Sa lakas ba naman ng music mula sa kwarto ni Cooper, sinong tao ang makapag-iisip?!

Ugh! Hindi ko alam kung nananadya ba siya o sadyang selfish lang talaga siya sa
tenga ng iba! Okay lang sana kung magagandang kanta ang pinapatugtog niya kaso yung
screamo pa talaga ang pinagdiskitahan niya, yung mga kantang parang hindi kanta,
puro sigaw lang. Ugh! Nakakabwisit!

"Idiot! Hinaan mo nga 'yan!" Sigaw ko nang hindi na talaga ako nakapagpigil sa
inis.

"Ha?!" Narinig kong sigaw niya pabalik. I can't see him but I can already imagine
the silly smile on his face right now. Nakakainis siya! Ba't pa kasi siya bumalik
dito.

Lumapit ako sa kama ko at hinanap kung saan man lumanding ang cellphone. Matawagan
nga si Reema, for sure makakatulong siya.

Nagulat ako nang bigla na lamang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Parang alam ko
na kung sino ito kaya lalo akong nainis at napasimangot.

"Cooper go back to your room !" Muli akong napasigaw sabay hagis ng unan sa pinto.

Sa sobrang inis ko ay humiga na lamang ako sa kama at ibinaon ang mukha ko sa


kumot. Bahala siya, hinding-hindi ko siya pagbubuksan ang pinto, mamatay man.

"Agatha ako to, si Trent." Muli kong narinig ang katok kaya dali-dali akong
napatayo at inayos ang buhok kong gulong-gulo.

Dali-dali kong kinuha ang jacket na nakasabit sa likod ng pintuan bago ko ito
binuksan.
"Trent, you just saved my life." Hindi ko napigilang mapangiti at mapabuntong-
hininga nang makita ko siyang nakatayo sa labas ng kwarto ko.

"Huh? Anong nangyari?" Kunot-noong tanong ni Trent kaya napatingin ako sa kwarto ni
Cooper. Ituturo ko sana ito nang bigla kong nakita si Cooper na nakadungaw sa
bintana niya. Nakasimangot ito at napakasama ng tingin sa amin, lalo na kay Trent.

Narinig kong tumawa si Trent kaya muli kong ibinalik ang tingin sa kanya. Nakita
rin pala niya sa Cooper kaya pasimple kong hinampas ang braso niya para tumahimik.

"Ba't ka pumunta dito?" Tanong ko na lamang sa kanya.

"Ah yun ba? Ano kasi," Tumango-tango siya, natatawa parin siya pero ngumisi na
lamang siya, "Sabi ni Reema puntahan daw kita dito. Timing kasi pupunta kami ng
kapatid ko sa mall. Apprently, my little sister wants to go see that obese red bee
and eat a happy meal. Sama ka?" Aniya kaya walang pagdadalawalang-isip akong
tumango. Anywhere's better than here.

Hindi pa kami nakakalayo sa nilalakaran ay biglang tumigil si Trent sa paglalakad


at napatingin sakin habang nakakunot ang noo.

"Problema mo?" Pabiro kong tanong sa kanya.

"Wala ka bang nakakalimutan?" Tanong niya kaya napakunot rin ang noo ko.

"Wala, dala ko ang jacket ko and besides libre mo naman diba?" Biro ko na lamang.

Napatingin siya sa paanan ko, "Agatha, nakapaa ka lang."

"Huh?" Napayuko ako at napangiwi na lamang nang makitang tama nga siya, nalimutan
kong magsuot ng shoes o kahit tsinelas. Babalik sana ako sa kwarto pero pinigilan
niya ako. Lalo akong nagkataka nang saglit siyang lumingon sa kwarto ni Cooper at
ngumisi.

Bago pa man ako nakapagtanong ay bigla siyang tumayo at lumuhod sa harapan ko.
Tinapik niya ang balikat niya, "Sakay."

"Ano?" Napakamot ako sa ulo ko.

"Aish, wag ka na ngang magtanong, bilis sakay ka na sa likod mo kung ayaw mong iwan
kita dito kasama yung ugok na 'yon." Aniya at wala na akong nagawa pa nang bigla
niya akong hinila papunta sa likuran niya. Namalayan ko na lamang na nakasakay na
ako sa likod niya at napakakapit na ako ng mahigpit sa kanya.

"Bigat mo pala Agatha." Pang-aasar ni Trent kaya hinampas ko ng mahina ang likod
niya.

Ilang sandali pa ay napansin kong lumingon si Trent habang naglalakad. Muli kong
hinampas ang likod niya nang makita ko ang nakakalokong ngiti sa mukha niya habang
nakatingin sa direksyon ng kwarto ni Cooper.

"Stop it." Giit ko kaya ibinalik niya ang tingin sa nilalakaran.

"I cant help it, nakakatuwang asarin ang boyfriend mo. He looks so pissed." Aniya
kaya sa pangatlong pagkakataon muli ko siyang hinampas. "Aray naman Agatha!"
Reklamo niya.

"He's not my boyfriend. Umayos ko nalang nga kung ayaw mong mahampas ulit." Banta
ko sa kanya kaya tumawa na lamang siya.

Panay lang ang asaran at kwentuhan namin ni Trent habang naglalakad (okay si Trent
lang) kami papunta sa elevator nang bigla itong bumukas.

"Agatha! Trent!" Nakangiting bati sa amin ng isang lalaking nakasakay sa isang


wheel chair. Nawala ang ngiti sa mukha niya nang makitang karga ako ni Trent, "Hala
anong nangyari? Napilay ka narin ba?!" Aniya na para bang nag-alala kaya nagtawanan
kami ni Trent at umiling-iling.

"Wala, nalimutan ko lang kasing--" Natigil ako sa pagsasalita.

Ano nga ulit ang pangalan niya? Magkaibigan kami nitong lalaking naka-wheelchair.
Marami akong naalalang pangyayari kung saan magkasama kami pero nakalimutan ko ang
pangalan niya. His name is on the tip of my tongue but I cant say it... Shit ano
nga ang pangalan niya.

"Agatha okay ka lang?" Tanong ulit ng Pilay sakin... Teka kung pilay nalang kaya
ang itawag ko sa kanya? Close naman kami at malamang di siya magagalit kung tawagin
ko siyang pilay.

"Agatha naririnig mo ba kami?" Bahagyang lumingon si Trent sa akin kaya tumango-


tango ako at pinilit ang sariling ngumiti.
Sa isang iglap biglang sumama ang pakiramdam ko. Wala na akong ganang lumabas, ang
gusto ko nalang ngayon, manatili sa kwarto ko at alalahanin ang pangalan ni Pilay.

"Trey ibaba mo na ako. Hindi nalang ako sasama." Utos ko sa kanya sabay takip ng
balikat niya.

Muli silang napatingin sakin, kapwa nakakunot ang noo. Teka, may masama ba akong
sinabi?

"Agatha Trent ang pangalan ko." Sabi pa ni Trent kaya tumango-tango ako.

"Trent nga, bakit ano ba sinabi ko?" Tanong ko pero kapwa lang sila nagkatinginan
ni Pilay.

"You just called him Trey." Tumatawang sambit ni Pilay na para bang pinagtatawanan
ako kaya pabiro ko siyang tinaasan ng kilay.

"Trent and Trey, pare-pareho lang yan, pilay." Pabiro ko na lamang sambit para wag
nalang mahalatang nagsisimula na akong matakot.

"Pilay?" Kunot-noong sambit niya na biglang natigil sa pagtawa. "Javi ang tawag mo
sakin, hindi pilay. Para ka namang si Cooper niyan eh!"

Javi... Oo nga pala siya si Javi!

Shit na-offend ko ba siya? Oh my God, sorry.

"Agatha okay ka lang ba?" Dahan-dahan akong ibinaba ni Trent kaya muli kong
naapakan ang malamig na sahig.

Tumango-tango ako at pinilit ang sarili kong ngumit.

"Sorry kung na-offend kita." Napatingin ako kay Javi, "Sige babalik na ako sa
kwarto ko. Bye." Dali-dali na akong naglakad pabalik ng kwarto ko. Tinatawag nila
ako pero hindi ko sila pinapansin. Kailangan ko munang mapag-isa.

Malapit na ako sa kwarto ko pero namalayan ko na lamang na lumuluha na pala ang mga
mata ko.

Papasok na sana ako nang napansin ko si Cooper na nakatayo sa labas ng kwarto niya.
Gaya ng kanina, kitang-kita ko parin ang inis sa mukha niya.

"O Akala ko ba may date--" Natigil sa pagsasalita si Cooper nang magtama ang mga
tingin namin. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko pero alam kong balewala ito kasi
nakita na niya.
Dali-dali na lamang akong pumasok at naglock ng pinto.

"Agatha okay ka lang? Anong ginawa ng ungas na 'yun?!" Kinakatok ni Cooper ang
pinto pero hindi ko siya pinagbubuksan.

Napatingin ako sa dingding at pinagmasdan ko ang mga litratong nakadikit dito.


Nandito ang mga litrato namin ng mga kaibigan ko at ng pamilya ko kaya kinuha ko
ito at isa-isang pinagmasdan.

Mommy, Daddy, Reema, Javi, Trent, Kuya Leo... Agatha 'wag na 'wag mo silang
kakalimutan. Hindi mo sila dapat kalimutan. Please alalahin mo sila parati.

- - - - - - - -

"Get-up, lets go eat dinner." Naramdaman kong hinihila ni Reema ang paa ko pero
napatingin lang ako sa kanya.

"Reema San Jose..." Mahina kong sambit habang pinapaulit-ulit ang pangalan niya sa
isipan ko para wag siyang malimutan. Natatakot akong makalimutan ang ni isa man sa
kanila.

"Bakit Agatha Grace--Shit ano nga ulit apelyido mo?" Tumatawa niyang sambit habang
hinihila parin ako. Hanggang ngayon di niya parin pala alam ang apelyido ko kaya
pabiro ko na lamang siyang inirapan.

"Reema, hindi ka naman siguro magagalit kung bigla kitang makalimutan diba?" Tanong
ko habang pilit pinapanatili ang ngiti sa labi ko.

Dahan-dahang napabitaw si Reema sa paa ko at umupo sa tabi ko. I suddenly felt bad
when I realized that she was no longer smiling.

"Okay lang kung makalimutan mo kami basta hinding-hindi ka mawawala," Nauutal


niyang sambit at muli kong nakita ang ngiti sa mukha niya, "Hindi mo naman kami
iiwan diba?"
Naiilang na ako sa pinag-uusapan namin kaya ako na mismo ang tumayo at humila sa
kanya papunta sa opisina ni Kuya Leo kung saan kami parating kumakain.

- - - - - - - -

"Ha-ha-ha, anong pakiramdam maging pilay? Boom bali buto!"

Pagdating pa lang namin sa opisina ay naabutan agad namin silang lahat sa nakaupo
sa sahig at naghahanda ng kumain. Ang ingay nilang lahat lalong-lalo na't panay ang
pang-aasar ni Javi kay Cooper.

Nabaliktad ang sitwayon, ang dating nang-aasar ang siya na ngayong naasar.

"Agathangina! Dito ka sa tabi ko!" Sigaw ni Cooper sabay kaway nang makita ako. Ang
lapad-lapad ng ngiti sa mukha niya, para bang hindi na siya naiinis di gaya kanina.

"Agatha okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong naman ni Trent na kasama pala ang
nakababata niyang kapatid na babae. Mahilig ako sa mga bata kaya siyempre dali-dali
akong tumabi sa kanya upang makipagkulitan dito.

Malas kasi magkatapat kami ni Cooper pero atleast hindi kami magkatabi.

"Sandali, may naamoy ako!" Biglang sigaw ni Javi kaya napatingin kaming lahat sa
kanya, "May amoy sunog! Sunog na puso! Hahaha!" Dagdag pa ni Javi sabay turo kay
Cooper.

Nagulat ako nang mapansin kong napakasama na pala ng tingin sakin ni Cooper.
Tipong, para bang isang batang inis na inis at ano mang oras eh magta-tantrums na.

"Problema mo?!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala!" Sigaw niya pabalik at umiwas ng tingin.

"Ang ingay niyo! Kumain na nga kayo!" Sigaw naman ni Reema na mukhang naiinis na sa
amin.

Mas marami kami ngayong kumakain pero di hamak na mas tahimik kami ngayon kesa
noon. Walang ibang maingay maliban lamang kay Javi na panay ang pang-aasar kay
Cooper.
"Awkward." Mahinang sambit ni Javi at isa-isa kaming tiningnan.

"Ano pong awkward?" Tanong ng walang kamuwang-muwang na bata sa tabi ko.

"Kita mo tong mukhang to?" Tinuro ni Javi ang mukha ni Cooper kaya agad itong
natigil sa pagnguya ng pagkain. "Ah eh, nevermind." Umiling-iling na lamang si Javi
at napakamot sa ulo. Natakot na yata kay Cooper.

Kinuha ko ang bottled water at tinangka itong buksan. Nagulat ako kasi hindi ko ito
mabuksan. Hindi ko alam kung masyado bang mahigpit ang pagkakasara nito o sadyang
humina na talaga ako ngayon.

"Ako na. Sa right iniiikot ang takip, nakalimutan mo na ba?" Nagulat ako nang
biglang inagaw ni Cooper ang bottled water mula sa kamay ko at siya na ang nagbukas
nito para sa akin. Walang kaemo-emosyon ang boses niya, nainis yata talaga sakin.

"Agatha ba't ka magtutubig? Diba ayaw mo ng tubig? Heto Juice." Tanong ni Trent
sabay abot sa akin ng pineapple juice. Oo nga no? Hindi ako mahilig sa tubig pero
ba't yun ang kinuha ko.

Utak naman please wag mo na akong pahirapan...

"Salamat." Ngumiti ako sa kanya sabay kuha nito.

"Paano na tong tubig?!" Biglang bulyaw ni Cooper na magkasalubong na naman ang


kilay.

"Akin nalang 'yan." Pag-agaw ni Javi dito.

Hindi ko maiwasang matawa pero nagulat ako nang mapansing napakasama na naman pala
ng tingin ni Cooper sakin habang nakangiwi.

Isip batang ulol. Tss.

"Nga pala, pagkatapos niyong kumain, nakatokang maglinis dito sina Agatha at
Cooper." Biglang anunsyo ni Kuya Leo kaya muntik akong mabilaukan sa iniinom kong
juice.

"Agatha cant clean. She needs to rest." Giit ni Reema kaya agad akong tumango-tango
at nag-thumbs up. Yey! Savior ko talaga si Reema!
"Eh sino maglilinis dito? Baka lumakas pa lalo ang ulan, kailangan na ninyong
umuwi." Giit ni Kuya Leo.

"Tama! Tama!" Biglang sigaw ni Cooper na napakalapad na ng ngiti. Napansin niyang


nakatingin ako sa kanya pero bago pa man ako nakaiwas ng tingin ay bigla niya akong
kinindatan.

Ugh! Kill me now!

END OF CHAPTER 23

Thanks for reading!

Vote and Comment <3


####################################
24 : To-get-her
####################################

24.

To-get-her

Agatha

Right after everyone left, I had no choice but to stay with Cooper in the office.
Kahit na anong gawin kong pagmamakaawa, wala eh, pinagkakaisahan ako eh. Even Reema
couldnt do anything about it. I had no choice but to deal with Cooper.

Kesa magreklamo, mas pinili ko na lamang na maglinis para tuluyan na akong makalayo
sa kanya. Nagwawalis na ako nang napansin kong nakaupo parin si Cooper sa sahig at
hindi pa inililigpit ang mga pinagkainan namin.

He's just there sitting there, looking at me with his annoying signature goofy
smile.

I'm no sadist, but seeing the stupid look on his face right now makes me want to
bash his stupid face with a stupid broom.

"Hoy ikaw! tumayo ka na nga diyan! Kailangan na nating linisin to!" Sigaw ko sa
kanya habang pilit ipinapakita sa kanyang naiinis ako sa kanya at ayoko siyang
makasama ng matagal sa iisang lugar.

"Kiss muna!" He said, puckering his lips and giving me his signature goofy smile.

"Yuck! Kilabutan ka nga!" Napangiwi ako at agad siyang hinampas ng hawak kong
walis.

"Aray 'wag!" Sigaw niya at dali-daling gumapang palayo sakin. "Agatha naman eh!
Nahawa ka na ba sa kabaliwan ni Reema?! Aish! Pero okay lang, kahit maging kamukha
mo pa siya, mahal parin--"

"Will you please just shut-up!" Before he could finish the bullshit he's about to
say, I screamed showing him how pissed I already am.

For a few moments, the room was filled with cold silence.

The smile on his face vanished in a snap.

I'm still pissed at him pero bakit pakiramdam ko napakasama kong tao bigla? Ughh!
See this is why I hate Cooper, seeing him makes me feel different. Minsan hindi ko
na rin maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko tuloy para akong isang
Christmas Light na nag-iiba iba ng kulay. Natatae, kinakabahan, nae-excite,
nasusuka, natutuwa, nasasaktan... Ughh! Cooper ano tong nangyayari sakin sa tuwing
nakikita kita?!

"Clean up and shut-up Cooper." With all my might, I continued cleaning up.

Hindi ko alam kung may balak siyang tumulong kaya sinimulan ko nalang na pulutin
ang mga pinggan.

"Tulungan mo akong tumayo."

Tumigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. Kapwa kami hindi nakangiti.

"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sabi ko tulungan mo akong tumayo para matulungan kita." He said firmly as he


looked into my eyes and extended both his hands on my direction.

Napasinghal ako at napahawak sa bewang ko.

Sa tingin ba talaga niya maloloko ako sa damoves niya? Hell to the no. I'm not
holding his hands. Nope.
"Heto, hawakan mo ang walis para hihilahin nalang kita." Sabi ko sabay abot sa
kanya ng hawak kong walis.

Bigla siyang napangiwi, tipong parang inis na inis. "Ang hirap namang dumamoves
sayo!" Sigaw niya sabay kamot ng marahas sa ulo niya.

"Learned Anti-Manyak moves from Reema." Taas-noo kong pagmamayabang and at the same
time hindi ko naiwasang matawa, ang cute kasi niya, parang isang batang
nagmamaktol.

"Manyak?!" Nanlaki ang mga mata niya at kahit hirap ay bigla siyang napatayo.
"Ganyan na ba talaga ang tingin mo sakin? Manyak?!" Pabiro niyang sigaw sabay hawak
sa dibdib niya. "Agatha ang sakit! Ang sakit-sakit!"

"Umayos ka kung ayaw mong mahampas ulit ng walis!" Banta ko sabay tutok ulit ng
walis sa kanya.

Inirapan niya ako sabay kamot ulit ng ulo niya, "Aish! Oo na! Oo na! Tara na nga
maghugas na tayo ng pinggan!" Giit niya at siya na mismo ang pumulot sa mga ito.

Walis lang pala ang katapat ng ungas.

"Tumigil ka na sa pagtawa. Lalo lang akong nagkakagusto sayo dahil sa ginagawa mo."
Walang emosyon niyang sambit kaya ako naman ang napairap at napasinghal.

There goes that weird feeling again.

- - - - - -

"Bumalik ka na sa kwarto mo. Ako na maghuhugas nito." Giit ko habang kapwa kami
nakatayo sa harap ng hugasan matapos niyang mailapag ang mga ito.

"Huh? bakit naman?" Tanong niya at nagulat ako nang bigla niyang isinuot sa akin
ang apron. Sa bilis ng ginawa niya, hindi na ako nakapalag nang bigla niya itong
itinali sa likod ko.

"You're injured. Hindi ka pwedeng nakatayo ng matagal." Katwiran ko at bahagyang


humakbang palayo sa kanya. I tried not to show how anxious he made me.
He giggled which made me more anxious and agitated.

"Ang sweet mo talaga." Aniya sabay suot naman ng plastic gloves sa mga kamay ko,
"Hindi ko inakalang concerned ka pala sakin." Dagdag pa niya sabay ngisi.

"Concerned?" Sarcastic akong tumawa, "Asa ka pa! But i seriously want na sana
gumaling ka na. Kasi kapag gumaling ka, ibig sabihin nun mawawala ka na ulit dito
sa ospital." I said with my head held high and a smirk on my face.

Nanlaki ang mga mata ko nang bahagya siyang yumuko kaya naging magkapantay ang mga
mukha namin. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napalunok
ako sa sobrang kaba.

"Asa ka namang aalis ako dito? Sige sabihin na nating gumaling tong injury ko...
Marami namang paraan para bumalik ulit dito. Pwede akong malaglag sa hagdan,
mahulog sa manhole, mabugbog o di kaya masagasaan ulit." Aniya at mas lalo pang
inilapit ang mukha niya sa akin. Sa sobrang lapit eh halos magdikit na ang mga noo
namin. Bago pa man ito tuluyang mangyari ay dali-dali kong iwinisik sa mukha niya
ang tubig sa kamay ko.

Muli akong tumawa nang dali-dali siyang napaatras. Mahapdi raw sa mata. Akala ko
maiinis siya pero gaya ko tumawa lang din siya.

"Akala mo ah!" Hindi siya nagpahuli, winisikan rin niya ng tubig ang mukha ko.

It went on for a few minutes. Both of us laughing like idiots while sprinkling
water on each other's faces. And then it hit me... This is wrong. We cant be that
cliche couple na napapanood ko sa romantic movies. Kasi hindi naman masaya ang
sitwasyon namin at lalong hindi to isang pelikulang may happily ever after.

"Okay ka lang?" Tanong niya nang mapansing nakatulala na naman ako.

"Bilisan na natin to. Pagod na ako." Giit ko at nagpuloy ulit sa paghuhugas ng


pinggan.

"'Anong iniisip mo?" Tanong niya ulit kaya natigil ako sa ginagawa at muling
napatitig sa kawalan.

Bigla kong naalala ang laslas sa pulso ko at ang malaking sugat sa palad ko.
Pakiramdam ko talaga may tinatago sina Reema sakin. And knowing Cooper... He's
honest. He was honest about how he wanted to be away from us, siguro naman hindi
rin siya magsisinungaling sakin.
"Cooper what happened? Bakit may laslas ako sa pulso? Anong nangyari habang tulog
ako?" I paused, gathering strength to utter the words I dont want to say, "O di
kaya, may nangyari ba at hindi ko lang naalala? at bakit bumalik ka dito? Akala ko
ba ayaw mo ng bumalik dito?"

"Agatha..." Napatingin ako sa kanya at napansin kong sa iisang direksyon lang siya
nakatingin.

"Huh?" Tanong ko.

"Agatha ang platong hinuhugasan mo, kanina pa yan, paulit-ulit mo ng hinuhugasan


'yan." Aniya kaya napapitlag ako at hinugasan na lamang ang iba pa sa tulong narin
niya.

- - - - - -

"Agatha sandali! Hintay!" Sigaw ng sigaw si Cooper pero patuloy lang ako sa
paglalakad pabalik sa kwarto ko. Hindi ko man siya nililingon, alam kong hirap
siyang maglakad lalo na't hindi siya sanay sa gamit niyang saklay.

"Now you know how difficult Javi's situation is!" Pabiro kong giit at mas binilisan
pa ang paglalakad hanggang sa makaabot ako sa pinto ng kwarto ko.

I tried opening it but the doorknob wont budge. Parang naka-lock pero imposible...
Hindi ko naman ini-lock ang kwarto ko kanina ah?

Ilang sandali kong pilit binubuksan ang pinto nang naramdaman kong nasa likuran ko
na si Cooper. Lilingunin ko na sana siya nang bigla niyang isinabit ang baba niya
sa balikat ko.

"Anong ginagawa mo diyan sa kwarto ko? Ikaw Agatha ah? hehehe." He kept on giggling
as if I was some pervert caught red handed.

I'm not guilty but I cant help but to blush. Pakiramdam ko tuloy ampula-pula ko na.

"Kwarto mo?! Nababaliw ka na ba?! Kwarto ko to!" Giit ko sabay tulak sa kanya
palayo. Pinanlisikan ko siya ng mga mata kaso ayaw niya parin tumigil sa pagtawa na
para bang tinutukso ako.
"Yung kwarto mo nasa tapat," Aniya sabay turo ng nasa likod niya, "'Wag ka ng
mahiya, okay lang naman saking makitulog ka sa kwarto ko. Ayaw mo nun, hindi na
tayo ulit mag-iisa." Dagdag pa niya at biglang ngumisi sabay taas-baba ng kilay
niya.

Hindi ako pikon. Hindi ako madaling mainis.

Alam kong pinagt-tripan lang ako ni Cooper pero hindi ko parin mapigilang umiyak.

Natatakot na ako sa nangyayari sa utak ko. Hindi ba tumalab yung experimental


stimulants? Paano kung makatulog ulit ako ng matagal? Paano kung hindi na ulit ako
magising?

"Teka Agatha 'wag kang umiyak! Nagbibiro lang ako!" Alalang sambit ni Cooper na
tuluyang nawala ang nakakalokong ngiti sa labi. Sinubukan niyang punasan ang luha
sa pisngi ko pero muli akong umiwas pumasok na lamang sa totoong kwarto ko at
nagkulong.

"Agatha joke lang yun! Hindi ka manyak! Promise inosente ka parin sa paningin ko!"
Sigaw ng sigaw si Cooper pero tinakpan ko na lamanng ang tenga ko at nanatiling
nakasandal sa nakasara kong kwarto.

END OF CHAPTER 24

Author's Note : The stimulants agatha took damaged her brain. Our brain controls
everything up to our reflexes, memories, cognitive abilities at heartbeat kaya kung
ano-ano ang nangyayari kay Agatha. Wala po siyang ibang sakit, nadamage lang talaga
ang Nervous system (spec. brain) niya.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


####################################
25 : Yet another star-crossed couple
####################################

25.

Yet another star-crossed couple

Agatha
Kintatok niya ng tatlong beses ang pinto mula sa labas.

Napatingin ako sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto at nakita ko ang anino ni


Cooper. Gaya ko ay nakaupo parin siya sa sahig habang nakasandal sa kabilang dulo
ng pinto. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming ganito. Hindi nagkikibuan at
tanging ang pinto lamang ang naghihiwalay sa amin.

Sa di malamang dahilan, kinatok ko rin ng tatlong beses ang pinto.

"Agatha okay ka lang ba?" Narinig ko siyang nagsalita kaya ipinikit ko na lamang
ang mga mata ko. Umiling-iling ako kahit pa alam kong hindi niya ako makikita.

Hindi ako tanga. Oo nga't hindi ako kasing talino ng mga kabataang nakakapag-aral
sa isang normal na eskwelahan pero marunong akong makiramdam. At malakas ang kutob
kong may itinatago sila sakin. Bakit sa isang iglap biglang si Cooper? Bakit sa
isang iglap, bigla akong nagkaroon ng mga laslas at sugat? Bakit pakiramdam ko
mamamatay na ako?

Malakas ang pakiramdam kong may mali sakin.

Napakaraming naglalaro sa isipan ko, isa-isang pumapasok sa isipan ko ang mga


nakakatakot na posibilidad. Paano kung mamatay ako? Paano kung isang araw hindi na
ako magising? Anong mangyayari sa mga magulang ko? Sa mga kaibigan ko?

Naramdaman kong may tumatamang manipis na bagay sa kamay kong nasa sahig kaya
napatingin ako dito at nakita kong isa pala itong piraso ng papel.

Pinulot ko ang piraso ng papel na ipinasok ni Cooper mula sa ilalim ng pinto.

Agatha stop crying.

That sentence was written all over the paper. Three words that went on, over and
over again. Oo nga't iisang salita lang itong pinauulit-ilit pero halos mapuno ang
papel dahil sa dami ng mga nakasulat at back to back pa. Hindi ko alam kung bakit
niya to ginawa, hindi ba siya napapagod sa pagsulat nito?

Nasapo ko na lamang ang ulo ko't nilukot ang papel at tinapon ito sa dulo ng
kwarto.
"Don't tell me to stop crying, you don't know how bad I feel right now." Giit ko at
bahagyang siniko ang pinto bago muling sumandal dito.

Muli kong naramdamang may ipinasok siyang papel mula sa pinto kaya kinuha ko ito at
binasa.

Agatha I missed you.

Just like the other paper, that sentence was written all over.

God knows how much I missed him but I don't want to get hurt anymore. I'm done.

I was about to throw it away too when I saw that he slid another piece of paper
again.

Agatha, I'm sorry for everything.

This time. He's apologizing by writing. Does he really think this will be enough
for ditching and pushing me away?

"You dont know what its like to slowly die inside." Giit ko habang hinahayaan na
lamang ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. "I'm not okay and I feel like im
never going to be okay."

"Tama ka, hindi ko nga alam kasi hindi ko naramdaman at dahil 'yon sayo. Noong mga
panahong nahihirapan ako at pakiramdam ko ginagago ako ng buhay, bigla kang
dumating sa buhay ko.

Naramdaman kong may tumatamang manipis na bagay sa kamay kong nasa sahig kaya
napatingin ako ditto at nakita kong isa pala itong piraso ng papel.

"Okay lang sakin kahit hindi ka magsalita, pakinggan mo lang tong sasabihin ko."
Narinig kong sinabi niya kaya tumango-tango ako kahit pa alam kong hindi niya
makikita ang magiging sagot ko.

"Makasarili ako. Gago. Walang ibang inisip kundi ang sariling pakiramdam at
kapakanan. Hindi ako marunong tumupad ng pangako at magaling lang ako sa salita.
Hindi ko alam kung magbabago pa 'tong kagaguhan ko, pero Agatha may isang bagay na
hinding-hindi magbabago at ito ay ang nararamdaman ko sayo. Okay lang sakin kahit
hindi na mabalik ang dating samahan natin basta't hayaan mo lang akong manatili sa
tabi mo. Agatha sa maniwala ka o hindi, mahal-"
Bago pa man niya matapos ang mga sinasabi niya ay dali-dali akong tumayo at
binuksan ang pinto.

"Shut up!" Giit ko.

Tumayo siya at akmang hahawakan ang mukha ko kaya agad akong umiwas.

"Cooper don't say things you don't mean!" Muli kong sigaw.

"But I mean it!" Aniya at natahimik ako nang makita kong may luha naring tumutulo
mula sa mga mata niya.

"No you don't!" Umiling-iling ako at napahawak na lamang sa bibig ko, "Kung mahal
mo ako dapat hindi mo ako sinaktan!"

Hindi na ako naiwas pa sa kanya nang muli niyang hinawakan ang magkabila kong
pisngi. Humakbang siya palapit sakin at idinikit ang noo niya sa noo ko. Kapwa kami
umiiyak.

"Just let me stay by your side this time. Please baby, let me stay by your side."
Bulong niya kaya iling ako ng iling at napapikit na lamang.

"Why? Why now? Cooper magsabi ka ng totoo," Muli kong idinilat ang mga mata ko.
"May alam ka bang hindi ko alam? May itinatago ba kayo sakin? Mamamatay na ba ako?"
Sunod-sunod kong tanong hanggang sa tuluyan akong napahagulgol.

"H-indi! H-indi ka mamamatay! Tayong dalawa, magiging masaya tayo sa piling ng


isa't-isa. Babawi ako sa kasalanan ko. Patatawarin mo ako. Mumurahin at pagt-tripan
tayo palagi nila Reema at Javi. Ipagmamayabang ko sa Trent na 'yon na akin ka.
Hindi ko hahayaang maging malungkot ulit. Basta Agatha, hindi ka mamatay."
Nanginginig at mangiyak-ngiyak niyang sambit kaya muli akong napapikit at umiling-
iling.

Iwinakli ko na lamang ang mga kamay niya at humakbang paatras. Hindi ako umiimik,
paulit-ulit lamang akong umiiling-iling. At alam kong alam na niya ang ibig kong
sabihin.

"Agatha naalala mo yung sinabi mo sakin 'never let your faith wither'." Giit niya
kaya napasinghal na lamang ako at tumawa ng pilit.

"I'm a hypocrite! I cant practice what I preach! Now can you just leave me alone?!"
Sigaw ko kaya pansamantala kaming binalot ng nakaiilang na katahimikan. Muli kong
nataguan ang sarili kong nakatitig sa mga mata niyang lumuluha.
"O sige." Mahina niyang sambit. Tumango-tango siya at unti-unting kumurba ang isang
maliit na ngiti sa mukha niya. Nakangiti nga siya pero patuloy naman ang pag-agos
ng luha mula sa mga mata niya bagay na lalong nagpapabigat sa kalooban ko.

Dahan-dahan siyang umatras mula sa akin hanggang sa tuluyan na siyang tumalikod at


naglakad palayo.

He walked away.

He's fed up.

He's done.

I asked him to leave me alone, I should be happy, but why does seeing him walk away
breaks my heart even more? Why cant I stop hurting? Why cant I just be happy?

Why do I suddenly regret everything I said?

Why do I suddenly want him by my side?

Bullshit.

This is bullshit.

This is one utter and complete piece of shit.

My heart and mind has gone insane.

Cooper Alvarez, what have you done to me?

Napabuntong-hininga ako't napahawak na lamang sa dibdib ko gamit ang nakakuyom kong


kamay. Naninikip ang dibdib ko, siguro nga ito ang dahilan kung bakit gusto nila
akong lumayo kay Cooper noon. Tama nga naman ang kasabihan na kung sino man ang
nakakapagpasaya sayo ay siya ring makakapagbigay sayo ng matinding sakit.

Nanghihina man, sinikap kong humakbang patungo sa pinto. Isasara ko na sana ito
nang bigla na lamang humarang ang isang kamay sa gitna nito kaya muli ko na lamang
binuksan ang pinto.

"Cooper?" Nakunot ang noo ko nang muli ko siyang makitang nakatayo sa harapan ko.
Hindi siya tumitingin sakin, sa halip ay nanatili lamang na nakayuko ang ulo niya
sa sahig.
"Gusto mo ba talagang lumayo ako sa'yo? Yan ba talaga ang gusto mo?" Nanlulumo
niyang sambit hanggang sa unti-unti niyang ibinalik ang tingin sakin.

Cooper is my saving grace and at the same time my Achilles' heel.

The way he looks at me...

The way our eyes gaze at each other...

Napalunok ako at dahan-dahang umiling habang nanatiling nakatitig sa mga mata niya,
"Cooper natatakot ako. Takot na takot ako. Nahihirapan na ako at kailangan kita.
Hindi ko alam anong gagawin kaya pwede bang manatili ka muna sa tabi ko?"

God knows how much I want to punch myself right now.

I really want to curse myself for saying those things.

I hate myself but at the same time I feel relieved.

I finally got to say the things I held back.

"Kahit hindi mo sabihin, 'yun parin ang gagawin ko. Kahit na ipagtulakan mo ako
palayo, gagawa at gagawa parin ako ng paraan para manatili ako sa tabi mo. Hinding-
hindi na kita iiwan ulit. Hinding-hindi ka na ulit mag-iisa. Agatha Mahal kita."
Aniya at bigla na lamang akong niyakap ng napakahigpit. Sa sobrang higpit ay
napahampas na lamang ako sa likod niya. Makailang ulit ko rin siyang hinampas
hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong nakayakap narin sa kanya.

END OF CHAPTER 25.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

####################################
26 : Nothing
####################################

26.
Nothing

Agatha

"Yuck!."

"Super yuck!"

"Whoa?"

Imbes na bumitaw sa kamay ng isa't-isa, ay mas lalo naming sinadya ni Cooper na


ibalandra sa harapan nila ang mga kamay naming hindi mapaghiwalay. Hindi naman sa
nag-eenjoy akong ka-holding hands ang baliw nato, sadyang natutuwa lang talaga
akong makita ang nakangiwi at gulat na mukha nila Reema, Javi at Trent.

"Oh my God, Agatha are you sure?" Nakangiwing sambi ni Reema na para bang diring-
diri, "Okay that's it, wala na talaga akong ganang mag-dinner." Dagdag pa nito
sabay lapag ng plato sa sahig.

"Move on na kasi Reema, tanggapin mo ng wala akong gusto sayo." Paang-aasar pa ni


Cooper kaya agad napairap si Reema at napahawak na lamang sa sariling sentido.

"Agatha hindi ka ba nandidiri?" Tanong pa ni Javi na hindi parin maalis ang gulat
sa mukha. Gaya ni Reema ay tumigil narin siyang kumain.

"Aba't ginagago mo na talaga ako ah!" Sabi pa ni Cooper habang nakasimangot, akmang
babatukan niya si Javi kaya dali-dali kong piningot ang tenga niya, "Aray aray
aray, oo na, hindi ko na papatulan. Pa-kiss na nga lang." Aniya agad kong pinitik
ang noo niya. Baliw talaga.

"Mabuti naman at nagkaayos na kayo." Nakangiting sambit ni Trent kaya ngumiti rin
ako pabalik sa kanya.

"Hoy ano yan?!" Biglang tumayo sa harapan ko si Cooper na para bang hinaharanagan
si Trent mula sakin. "'Wag mo ngang ngitian ng ganyan si Agatha! Akin siya!" Halos
magsalubong na ang kilay niya dahil sa inis. Kahit kailan, napaka-isip bata niya
parin.

"Hindi ko na kasalanan kung mahuhulog si Agatha sa ngiti ko." Pagbibiro ni Trent


pero lalo lamang nainis si Cooper bagay na lalong nagpatawa kay Reema at Javi.

Hindi ko alam bakit parating nagseselos si Cooper kay Trent. Magkaibigan lang naman
kami at isa pa, alam kong hanggang ngayon ay hindi parin nakaka-move on si Trent sa
ex niya. Nakakalungkot talaga ang nangyari sa kanila.

"Hala anong sayo ako? Kapal mo ah." Pabiro kong sambit kaya sa akin naman siya
humarap na para bang isang batang nasa bingit na ng pagta-tantrums.

"'Wag mong sabihing nakalimutan mo?" Nagpapadyak siya sa kinatatayuan, "Agatha


naman eh! Nakalimutan mo na ba yung nangyari sa atin kagabi? Diba nga-" Bago pa man
matapos ni Cooper ang sasabihin niya ay dali-dali kong tinakpan ang bibig niya at
pinanlisikan siya ng mga mata.

"Teka sandali? Anong nangyari sa inyo kagabi?" Gulat na sambit ni Javi habang
palipat-lipat ng tingin sa amin ni Cooper.

Nakita kong naningkit ang mga mata ni Cooper na nakatitig sa akin, tinatakpan ko
ang bibig niya pero sigurado akong nakangiti siya ngayon at mayroon na naman siyang
kalokohang naiisip.

"Oh my God! May nangyari sa agad sa inyo kagabi?!" Sigaw pa ni Reema na parang abot
langit na ang pandidiri kaya agad akong napabitaw kay Cooper at umiling-iling
habang ini-ekis ang mga kamay ko.

"Teka wala! Hindi! Mali ang iniisip niyo! 'Wag kayong malisyoso!" Giit ko.

"Tama ang iniisip niyo! 'Wag kayong maniwala kay Agatha!" Giit naman ni Cooper. Ang
kaninang inaasar ay siya na ngayong nang-aasar. And unfortunately ako agad ang
pinagtripan, bilis nga naman ng karma.

Gustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili ko, wala akong magawa. Nakakahiya rin naman
kasi kung malaman nila ang totoong ibig sabihin ni Cooper sa sinabi niya-I admitted
na kailangan at gusto ko siya after asking him to leave me alone, I swallowed my
pride, tell me that's not embarrassing enough.

"Kumain na nga lang tayo." Pag-iiba ko na lamang ng usapan at muling ibinaling ang
pansin sa plato ko.
"Teka nasaan ang pagkaing nilagay ko dito?" Nakunot ang nook o habang pinagmamasdan
ang platong kanina'y puno pa ng pagkain, wala na akong ibang suspect pa maliban kay
Javi na siyang pinakamalakas kumain sa amin kaya agad akong napatingin sa kanya,
"Grabe, pati pagkain ko di mo pinalampas." Biro ko na lamang.

"Huh?" Nakunot ang noo ni Javi. "Agatha natapos ka ng kumain. Hindi ako ang kumain
niyan, kundi ikaw." Aniya kaya tumango-tango na lamang ako at pinilit ang sarili
kong ngumiti.

"Agatha you just ate? Hindi mo ba naalala?" Mahinang sambit ni Reema na para bang
biglang nalungkot.

"Naalala niya, gutom lang talaga siya." Pangangatwiran ni Cooper kaya agad akong
napahawak ng mahigpit sa braso niya. "Don't worry its normal to be forgetful."
Bulong niya kaya sakin kaya tumango-tango na lamang ako at pinilit ang sarili kong
ngumiti.

"Agatha..." Mahinang sambit ni Reema na tila ba nag-aalala.

"Huh?" Pagmamaang-maangan ko.

"Agatha okay ka lang ba talaga?" Tanong pa ni Reema kaya biglang nabalot ng


nakakailang na katahimikan ang paligid.

Napatingin ako kay Cooper na ngayo'y napakahigpit ng hawak sa kamay ko. With him
right next to me, there's never a dull moment.

Come to think of it... I'm holding the hand of the person who drives my heart
crazy-I'm with him. I'm with my friends who never fail to make me feel special. I
have loving parents. I have a family who cares so much for me. I can see, I can
breath, I'm awake, I'm alive, and I still have time to be with them. I'm okay. I
really am okay with this.

God thank you for letting me have these amazing people in my life.

***

Huminga ako ng malalim upang malanghap ang napakasariwang hangin na bigay ng


malamig na umaga. Wala masyadong sasakyan sa mga kalsada at ang lahat ay naghahanda
pa lamang para sa mga araw nila. Thank God, hinayaan ako ng mga tao sa ospital na
umalis para mamasyal at lumanghap ng saringhangin.
Andami kong taong mga nakakasalubong, ang iba masaya, ang iba malungkot at ang iba
naman ay sumasabay lang sa buhay. Hindi lang ako ang may problema sa mundo. Maybe
some people have it worse. Maybe I'm still lucky.

"Wear this." Sabi ni Cooper sabay lagay ng mask na nagtatakip sa bibig at ilong ko.

"I don't have to." Giit ko at hihilahin sana ito pababa pero hinawakan niya agad
ang mga kamay ko.

"You have to, pollution's bad for you. 'Wag ng matigas ang ulo." Aniya kaya agad
akong napangiwi at napapadyak sa kinataayuan ko.

"Cooper naman eh! Baka akalain ng mga taong makakakita sakin na may sakit akong
nakakahawa!" Reklamo ko pero ngumiti lamang siya at nagsuot din ng mask sa sariling
mukha.

"Better?" Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako't pabiro siyang inirapan.

"Lets be freaks together." Biro ko.

"That's my girl." Mahina niyang sambit at hinalikan ako kahit kapwa kami may suot
na kulay puting mask.

I can help but to giggle.

There goes the butterflies in my stomach again.

I never thought Cooper would be this sweet.

I never thought Cooper and I would still be happy despite of everything that's
happened.

"Red lights on. Lets go cross the street." Nakangiti niyang sambit at agad na
inabot sa akin ang kamay niya na para bang gusto niyang hawakan ko ito.

"What am I? A kid?" Sarcastic kong sambit at agad na sinilid ang dalawang kamay sa
bulsa ng sweater na suot ko.

"Cute. Yes you're a kid." Aniya at hinigit ang kamay ko saka hinawakan ito ng
mahigpit.

"Ugly jerk." I smirked.

"Admit it, you're madly inlove with this ugly jerk." Taas-noo niyang pagmamalaki
sabay turo sa mukha niyang nakangisi kaya natawa na lamang ako't hinila siya upang
tumawid.
"Boyfriend Commandment number 1, check."

Nakunot ang noo ko nang bigla niya itong sabihin nang makarating kami sa kabilang
kalsada.

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Sabi ko, nagawa ko na ang isa sa boyfriend commandments mo," Itinaas niya ang mga
kamay naming magkahawak parin sa isa't-isa na para bang ipinagmamayabang ito sa
akin, "Boyfriend should hold my hand while crossing the street. Cheesy but I like
it." Dagdag pa niya kaya nabigla ako.

"Wait naalala mo yun?" Kunot-noo kong tanong.

"Yup." Pagmamalaki niya at nagsimula kaming maglakad.

"But I burned that list?" Naguguluhan kong sambit.

"Sinunog mo nga pero hindi naman nawala sa alaala ko. I remember every single
cheesy thing on that list and I will do that just for you." Aniya kaya tumawa na
lamang ako't napahawak sa mukha ko. My cheeks are already warm and I bet they're
blushing already. Curse this idiot beside me.

"And why would you do that? You don't have to do that." I said as I was trying to
keep myself from giggling uncontrollably.

"Boyfriend mo ako. Bakit naman hindi?" Sarcastic niyang sambit kaya napasinghal na
lamang ako't tumawa ng bahagya.

"Boyfriend? Ulul. You're not my boyfriend." Giit ko kaya bigla siyang tumigil sa
paglalakad at napabitaw sa kamay ko. Agad akong lumingon sa kanya and I swear all I
could see on his face was disbelief and disappointment.

"Kung hindi mo ako boyfriend, ano tong ginagawa natin?" Wala na ang ngiti sa mukha
niya at mukhang inis na siya. Wala siyang pakialam kahit maraming taong dumadaan sa
paligid. He sure looks like he's about to argue. "Agatha ano ba talaga tayo?"
Dagdag pa niya kaya napabuntong-hininga ako at bahagyang humakbang palapit sa
kanya.

"We're nothing Cooper." Walang emosyon kong giit habang nakatitig sa mga mata niya.

"Nothing?" Nanlulumo niyang sambit kaya tumango-tango ako.

"In this world, nothing lasts forever. God knows how much I want to spend an
infinity with you so let's be nothing okay?" Tinanggal ko ang suot niyang kulay
itim na beanie at isinuot ito sa sarili ko, "Let's be nothing since it's the only
thing that lasts forever." Dagdag ko pa sabay halik sa pisngi niya kahit pa may
mask parin ang bibig ko.

Biglang napabuntong-hininga si Cooper. Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa


sinabi at ginawa ko. Napahawak siya sa magkabila niyang bewang at umiling-iling
nang tuluyang maintindihan ang ibig kong sabihin.

"Tangina, kinilig ako dun." Walang emosyon niyang sambit kaya agad akong sumaludo
sa kanya bilang pagmamayabang. "

END OF CHAPTER 26.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


####################################
27 : As long as
####################################

27.

As long as

Third Person's POV

Napahikab si Agatha nang makitang magha-hatinggabi na. Buong araw silang namasyal
ni Cooper kaya hindi na niya mapigilan pa ang pagod at antok kaya matapos magdasal
ay naghanda na siya para matulog.

Hihiga na sana siya sa kama niya nang bigla na lamang pumasok ng kwarto niya si
Cooper at dali-dali itong humiga ng patagilid sa kama niya.

"Matutulog ka na?" Nakangiting sambit ni Cooper habang nakapatong ang ulo sa


sariling kamay.

"Uh? Yes?" Sarcastic na sambit ni Agatha habang pabirong tinataasan ng kilay ang
binata.

"Halika matulog na tayo." Sabi pa ni Cooper at tinapik ng bahagya ang mahabang unan
ni Agatha kaya napalitan ang ngiti sa mukha ni Agatha ng pagtataka.

"Tayo? Hoy lumabas ka na nga." Kunot-noong sambit ni Agatha pero umiling lamang si
Cooper at humagikgik.

"Di pwede. Simula ngayon, iisa nalang ang kwarto natin. May mabait kasing gumagamit
ngayon sa kwarto ko." Pangangatwiran nito habang may pilyong ngiti sa mukha niya
kaya lalong naguluhan si Agatha at lumabas na lamang upang magtungo sa kwarto ni
Cooper.

Hindi nga nagsisinungaling ang binata dahil agad na tumambad kay Agatha ang isang
lalaking nakaratay sa kama nang makapasok sa kwarto nito.

"He's on coma. Nobody knows who he is pero mabuti nalang at shino-shoulder ng mayor
ang hospital expenses niya." Paliwanag ni Cooper na sinundan pala ang dalaga.

"Anong nangyari sa kanya? Wala ba siyang ID o wallet man lang?" Nanlulumong sambit
ni Agatha habang pinagmamasdan ang nakakaawang lagay ng lalaking tadtad ng sugat
ang mukha at mga braso habang marami namang nakakabit na tubo sa bibig nito.

"Relo lang daw ang nakitang pagkakakilanlan sa kanya pero wala parin silang nahanap
na lead. Wala narin ang wallet niya kaya sa tingin ng mga pulis na nagdala dito sa
kanya, naholdap siya." Sabi pa ni Cooper kaya napabuntong-hininga na lamang si
Agatha at tumango-tango. Wala siyang magawa kundi bumalik na lamang sa sariling
kwarto si Agatha nang biglang may sumagi sa isipan niya.

"Teka, walang gumagamit sa kwarto nila Reema at Javi, dun ka nalang kaya?" Tanong
ni Agatha na hihiga na sana kaya agad napangiwi si Cooper na mas nauna nang humiga
sa kama.

"Andami mo talagang alam. Tulog na sabi tayo." Giit ni Cooper at agad na hinila si
Agatha upang mahiga sa braso niya.

*****

1 Month Later
Napabangon si Agatha mula sa pagkakahiga. Nahihilo man at inaantok pa ay agad
siyang napalingon sa sofa kung saan parating naroroon si Cooper sa tuwing
hinihintay siya nitong magising ngunit laking dismaya niya nang makitang wala ito
dito.

Sa isang iglap muling bumalik sa isipan ni Agatha ang sakit na naramdaman nang iwan
siya ni Cooper ilang buwan na ang nakakaraan.

"Cooper..." Mahinang sambit ni Agatha habang pinipigilan ang sariling maluha.

"Bakit?"

Nanlaki ang mga mata ni Agatha nang marinig ang inaantok na boses ni Cooper sa
kanyang tabi at mistula siyang nakahinga ng maluwag nang makitang nakahiga lang
pala ito sa tabi niya.

"Nothing." Umiling-iling na lamang si Agatha at pinilit ang sariling ngumiti habang


sinasapo ang ulo.

"You look worried," Gulong-gulo ang buhok at halos di pa maidilat ang mga mata
dahil sa antok, inihiga ni Cooper si Agatha sa balikat niya at marahang hinaplos
ang mahaba nitong buhok. "You shouldn't be worried okay? Isang buwan ng maayos ang
pagtulog mo. Hindi ka na nawawalan ng malay at hindi ka na nanghihina. And besides
i'll always be by your side so just rest okay?" Dagdag pa nito at nginitian ang
dalaga bago hinalikan ang noo nito.

"Okay..." Mahinang sambit ni Agatha at napayakap na lamang kay Cooper habang unti-
unting ipinipikit ang mga mata upang makabalik sa pagtulog.

"Agatha Grace! Agatha Grace! Agatha Grace!" Bigla na lamang umalingawngaw ang mga
sigaw mula sa labas at kasunod nito ang mabilis at malakas na pagkatok bagay na
ikinainis nila Cooper at Agatha.

"Bwisit, ang aga-aga. Sino ba 'yan?" Mahinang sambit ni Cooper na hindi parin
dumidilat.

"Ako na." Giit ni Agatha ngunit agad na napaupo si Cooper habang kusot ang mga
mata.

"Magpahinga ka lang, ako na ang bahala." Antok man, pinilit ni Cooper ang sarili na
tumayo kaya tumango-tango na lamang ang dalaga habang pinagmamasdan ang binata sa
pagharap sa mga bisita.
Pagbukas pa lamang ni Cooper ng pinto ay agad nang bumungad sa harapan niya ang
nakangiting mga mukha nila Reema at Javi na nakasuot ng damit pampasyente. Ngunit
agad nawala ang ngiti sa mukha ng dalawa at napalitan ito ng gulat nang makitang
walang suot na pang-itaas na damit si Cooper.

"Reema? Javi? Teka anong ibig sabihin niyan?" Nagulat si Agatha nang makitang
mistulang mga pasyente na ulit ng ospital ang dalawa kaya dali-dali siyang tumayo
mula sa kama at tumabi kay Cooper sa harapan ng pinto.

"This is super disgusting." Nakangiwing sambit ni Reema habang palipat-lipat ng


tingin kay Agatha at Cooper na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita.

"Hala nakaiskor ang ulol?" Gulat na sambit naman ni Javi kaya agad nakunot ang noo
ni Agatha at pinagmasdan ang sarili.

"Oh my God!" Napasigaw si Agatha nang mapagtantong ang malaking t-shirt ni Cooper
ang kasalukuyang suot niya samantalang si Cooper naman ay nakasuot lamang ng
Pajama. Hindi niya alam ang gagawin kaya dali-dali niyang pinagsarhan ng pinto ang
dalawang kaibigan.

"Agatha okay ka lang?" Kunot-noong tanong ni Cooper na walang kamalay-malay sa


kahihiyang naramdaman ni Agatha.

"Dude i'm not okay! Reema and Javi just saw---Ugh! Magbihis ka na nga lang!"
Natatarantang sigaw ni Agatha at dali-daling kinuha ang malaking sweater na
nakapatong sa sofa. Magbibihis na sana siya nang marinig niyang tumawa si Cooper
kaya agad niya itong nilingon at sinamaan ng tingin. "Stop laughing and wear your
shirt!" Giit niya.

"I cant, you're already wearing it. Unless you want me to undress you again. If you
know what I mean babe." Nakangising sambit ni Cooper na tila ba may ibang
ipinapahiwatig kaya agad na napasimangot si Agatha at napahawak sa walis na nasa
malapit lamang niya.

"By the way, my shirt really looks good on you." Pang-aasar pa nito lalo kaya agad
siyang hinabol ni Agatha ng walis dahil sa inis.

*****
"Akala ko talaga si Agatha ang maso-sorpresa natin. Tayo pala ang maso-sorpresa sa
kanila." Tumatawang sambit ni Javi pero nagtaka ito nang makitang nakatingin lamang
sa kawalan si Reema.

"Teka anong problema mo?' Kunot-noong tanong ni Javi.

"Does she look happy?" Walang emosyong tanong ni Reema kaya lalong nagtaka si Javi.

"Simula ng magkabati sila, nagbago si Agatha. Napaka-masayahin na niya. Diba yan


naman ang gusto nating lahat? Ang maging masaya siya." Guyunpaman, sumagot na
lamang si Javi.

Napabuntong-hininga si Reema at napakagat na lamang ng kuko niya, "As long as she's


happy, it wont happen right?"

Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Javi nang mapagtanto ang ibig sabihin sa
sinabi ni Reema. Gaya ni Reema ay nalulungkot rin siya sa tuwing naiisip ang
maaring mangyari kaya napahawak na lamang siya ng mahigpit sa gulong ng
kinasasadlakang wheel chair.

"Reema hindi ito ang oras para maging mahina ka. Hindi tayo dapat maging mahina
para kay Agatha." Giit ni Javi kaya kahit pigil ang luha ay tumango-tango na lamang
si Reema at pinilit ang sariling ngumiti.

END OF CHAPTER 27

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

####################################
28 : Struck by Truth
####################################

28.

Struck by truth.

Agatha

"Agatha masaya ka ba ngayon?"


Saglit kong tinantanan ang Pizza na kanina ko pa kinakain. Napatitig ako sa nag-
aalalang mukha ni Reema. She asked me to hang-out here at the hospital cafeteria to
have a girl talk since umalis muna saglit sina Cooper.

Si Reema talaga, alam kong may mga pinagdadaanan rin siya pero kapakanan ko parin
ang inaalala niya.

"I got you guys. I'm more than happy." Ngumiti ako at inabot na lamang sa kanya ang
isang piraso ng Pizza mula sa kahon. I know Reema, she's not sweet. She's not one
of those girls who can be clingy and sweet. Sometimes her words can be hurtful. But
hey, she's awesome. I'm so lucky to have this crazy girl as my bestfriend.

"Nga pala, paano ka nakabalik sa ospital? Wala ka namang sakit diba?" I cant help
but to worry. Cooper got back because he got hit by car, Javi came back because he
decided to continue his theraphy. Wala naman sigurong sakit si Reema diba?

"Promise you won't laugh?" Aniya habang tinataasan ako ng kilay.

"I'll try not too." Biro ko at sumipsip muna ng pineapple juice.

"I purposely ate a scoop of powdered soap so my parents had to rush me here to get
my stomach pumped. They thought I was trying to commit suicide again so they re-
admitted me here." Pagmamalaki niya kaya agad kong naibuga ang iniinom ko.

"You did what?!" Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong pakialam kahit na nasayang
lang ang juice ko.

"I did that for you so don't judge me." Giit niya at inabot sa akin ang panyo niya
na agad ko namang ginamit na pamunas sa braso kong basang-basa na.

"But you could've died!" I tried not to scream loud.

"But I didn't." Pagmamalaki niya habang nakangisi.

"You're crazy." Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Nah biatch, you're crazier. You and Cooper are." Sumandal siya sa kinauupuan at
napabuntong-hininga din gaya ko, "But you guys used condom right?" Pabulong niyang
sambit kaya agad nakunot ang noo ko.

"C-condom? Anong condom?" Tanong ko pero lalo akong naguluhan nang bigla na lamang
rumehistro ang magkahalong gulat at takot sa mukha ni Reema. Okay, OA na ang isang
'to.
"You mean hindi siya nagsuot ng ano habang nag-ano kayo?" Mabilis at pabulong
niyang sambit kaya agad akong napangiwi.

"Will you just get straight to the point?! Na-aano na ako sa kakaano mo!" Giit ko
pero laking gulat ko nang bigla na lamang siyang tumayo at hinila ako papunta sa
kalapit na drugstore.

***

"What the heck is this thing?" Tanong ko habang kinikilatis ang maliit at parisukat
na plastic.

"That's a pregnancy test kit! Now go to the bathroom and pee on it! Hurry!" Giit
niya kaya labis akong nagulat.

"Pregnancy test kit?! Hala teka, hindi ako buntis!" Pabulong kong sigaw kasi baka
may makarinig sa amin dito sa kwarto ko. It's a good thing na wala dito sina
Cooper at Javi though.

Reema glared at me as if she's gonna go incredible hulk on me so I had no choice


but to run to the bathroom and do what she says.

Completely confused and grossed out, I left the bathroom holding the little piece
of white rectangular thingy in my hand.

"Am I pregnant or what?" Kunot-noo kong tanong habang pilit itong iniaabot sa kanya
kaso panay naman siya sa pag-iwas.

"Ba't ako! Ikaw magbilang!" Nakangiwi niyang sambit.

"Ano?! What the hell am I gonna count?! The Droplet of pee?" Hindi ko napiligilang
mapasigaw sa inis. Damn it, mababaliw na yata ako dahil kay Reema.

"Count the red lines. Kung isa buntis, kung dalawa baka, kung tatlo negative! Ay
hindi! Kung walang line negative, ay teka-" Kunot-noo siyang napakamot sa ulo niya.
Its she doesn't even know how to read this.
"Girls are you okay in here?" Kapwa kami napasigaw ni Reema nang bigla na lamang
bumukas ang pinto at pumasok ang isang baguhang babaeng nurse kwarto ko. Sa sobrang
taranta ko ay aksidente kong natapon ang hawak kong pregnancy test kit...And the
worst part, sa direction pa ng nurse nag-landing na agad naman niyang nakita.

Kapwa kami nagkatinginan ni Reema. Both of our faces screamed terror and shame.

"Teka kanino to?" Takang tanong ng nurse nang pinulot niya ito.

"Malay ko." Pagmamaang-maangan ko.

"Sayo ba to?" Tanong naman ng nurse kay Reema.

"Hindi ah!" Giit naman ni Reema.

"Teka kung hindi kayo ang may-ari nito, kanino to? Kawawa naman, negative ang
resulta." Napakamot ang nurse sa ulo niya na para bang hindi siya nagdududa ng ni
katiting sa amin. Napaniwala namin siya. Wow this girl's- Wait its negative? Yey!

"Stupid." Biglang tumawa si Reema kaya agad ko siyang pinanlisikan ng mga mata. We
are both thinking of the same thing but its much meaner and inappropriate saying
it. Baka ma-offend o ma-hurt ang nurse, kawawa naman.

"Wait ikaw si Agatha diba?" Ngumiti sa akin ang nurse kaya ngumiti na lamang ako
pabalik.

"Hi po." Bati ko na lamang kasi mukhang mabait siya kahit medyo clumsy.

"Today's my first day here but andami na akong naririnig na kwento tungkol sayo.
Grabe pala yung sakit mo no? Bigla-bigla ka nalang nakatulog. Hindi ka ba nababagot
na parati kang tulog? Ba't hindi ka tumataba? Diba kapag-" She was so talkative
that all I could hear was blablablablabla. Gusto ko rin siyang maging kaibigan kaso
parang ang awkward kasi hindi ako halos makapagsalita sa sobrang daldal niya.

"Okay if you don't mind, my friend here needs to rest." Reema spoke up finally
stopping the nurse from yapping like there's no tomorrow.
"Ay pasensya na. Oo nga pala, kailangang magpahinga ni Ms. Agatha. Naalala ko pa,
sabi ni Head Nurse Leo sa akin na sa lahat ng pasyente dito sa ward nato, si Ms.
Agatha ang dapat kong bantayan parati kasi para daw siyang time bomb. Ano mang oras
pwedeng tumigil sa paghinga o mamatay."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng nurse.

Sa isang iglap para akong tinakasan ng lakas sa narinig.

Nanlambot ang mga paa ko hanggang sa napaupo na lamang ako sa sahig.

Nagsimulang manginig ang mga kamay ko at halos sumikip ang dibdib ko sa takot.

"Bitch get the hell out of here!" Narinig kong sumigaw si Reema ng ubod ng lakas at
nahagip ng paningin ko ang nurse na agad na nagtatakbo palabas na para bang takot
na takot kay Reema.

"Totoo ba?" Unti-unting umagos ang luha mula sa mga mata ko, "Totoo ba ang sinabi
niya?! Mamamatay na ba ako?!" Tuluyan akong napasigaw habang humahangos.

Reema didn't say anything. She just stood in front of me and cried.

"Oh my God." Napahawak na lamang ako sa bibig ko.

Unti-unting nagtagpi-tagpi sa isipan ko ang lahat.

Kung bakit bumalik si Cooper, kung bakit napaka-clingy ngayon ng mga kaibigan at
mga magulang ko at kung bakit sa isang iglap bigla na lamang akong nakakaramdam ng
matinding lungkot at panlulumo.

---

Third Person's POV

Dala ang mga pasalubong na bulaklak at pagkain para kay Agatha, Nagulat si Cooper
nang maabutan sina Reema at Javi na mistulang lumuluha habang nasa labas ng kwarto
ng dalaga. Hindi nito napigilang mag-alala lalong-lalo na't minsan niya lang
makitang tumahimik ang mga ito.
"Nasaan si Agatha?" Agad nabitawan ni Cooper ang mga dala niya at nagsimulang mamuo
ang luha sa mga mata niya, "Nasaan siya? Anong nangyari sa kanya?" Natataranta
nitong sambit kaya napatingin si Reema sa kanya.

"Cooper she knows." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Reema at iniyuko na lamang ulit


ang kanyang ulo.

"Teka bakit niya nalaman?! Akala ko ba walang magsasabi?! Reema bakit mo hinayaang
malaman niya ang totoo?!" Galit na sambit ni Cooper.

"Cooper wag na tayong magsisihan, at some point kailangan ring malaman ni Agatha
ang totoo." Giit ni Javi.

"You saw how she took it the first time she learned the truth! Paano kung gawin
niya yon ulit?! Sino ang kasama niya sa loob?" Muling sambit ni Cooper at
sinubukang pumasok sa loob ngunit lalo siyang nagalit nang mapagtantong nakalock
ito.

"Kuya Leo's inside. He says he'll talk to Agatha first." Mahinang sambit ni Javi.

-----

"Ilang araw nalang ang meron ako?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Agatha kaya hindi
halos makasagot ang matanda.

Parang naging anak narin ng nurse na si Leo si Agatha kaya mahirap rin para sa
kanyang ibahagi ang masaklap na katotohanan rito.

"Kuya Leo sagutin mo ang tanong ko! For once pwede bang wag na kayong
magsinungaling!" Muling nagsisisigaw si Agatha kaya naman napapikit na lamang ang
matanda at huminga ng malalim.

"few more months... or weeks." Nanlulumong sambit nito kaya napapikit na lamang si
Agatha at napatingala sa kisame habang hinahayaan ang sariling humagulgol.
"Agatha hija," Dahan-dahang nitong nilapitan si Agatha na kasalukuyang nakaupo
lamang sa sahig habang nakasandal sa pinakadulo ng kwarto. Umupo ito sa harapan ng
dalaga at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito.

"Hija alam kong masakit. Alam kong napakahirap ng pinagdadaanan mo. Pero Agatha sa
kabila ng lungkot at pighati mo, wag na wag kang panghihinaan ng loob. Marami ang
nagmamahal sayo. Marami ang masasaktan oras na makita ka nilang sumuko." Mahinahon
nitong sambit.

"And they will get hurt once I die. Kuya leo ayoko pang mamatay. Gusto ko pang
mabuhay." Nanginginig man, nagawa parin ni Agatha na magsalita habang pikit matang
humahagulgol.

"Hiram lamang ang mga buhay natin kaya wala tayong control sa mga mangyayari.
Isipin mo nalang ang mga magulang mo, kung nasasaktan ka ngayon, siguradong mas
nasasaktan rin sila, ano nalang kaya pag nakita ka nilang nagkakaganito ngayon?"
Napabuntong hininga si Kuya Leo at ipinahawak kay Agatha ang isang kulay puting
rosaryong may mala-metal na palamuti, "Pray. Don't just wish. When everything else
fails, siya lang ang makakapitan mo. Agatha tandaan mo to, hindi nagtatapos ang
lahat sa kamatayan."

"What did I do to deserve this? Masama ba akong tao?" Mistulang hinang-hina na si


Agatha kakaiyak.

"No one in this world deserves pain. Sometimes blessings disguise for the worse,
always remember that okay?" Maging ang matanda ay naiiyak narin dahil kay Agatha.

"Paano kung bigla nalang akong mawala?" Mahinang sambit ni Agatha.

"Then live your life the way you've always wanted. Don't let the deadline get the
best from you. Make the best out of your deadline instead." Giit ng matanda at
niyakap ang dalaga ng mahigpit at hinayaan itong umiyak sa kanyang bisig na para
bang isang amang kumakalinga.

---

Nang makaalis ang nars na si Leo sa kwarto ni Agatha ay ang mga kaibigan naman niya
ang pumasok dahil sa matinding pag-aalala.

"Agatha..." Mahinang sambit ni Cooper nang maabutan si Agatha na nakaupo sa sahig


at nakatingin sa kawalan.

"Oh my God, hide every sharp objects. Even ang mga sabon o cleaning materials."
Alalang sambit ni Reema kay Javi pero laking gulat nila nang bigla na lamang
napatingin sa kanila si Agatha na mistulang natatawa.

"Reema bilang na ang mga araw ko, I'd rather spend it with you guys than hurt
myself." Nakangiting sambit ni Agatha bagay na ikinagulat nilang lahat. Malayong-
malayo ito sa Agatha na nakita nilang nagdadalamhati ilang oras na ang nakakaraan.

"Lumuwag ba ang tornilyo sa utak niya o sadyang magaling lang mag-pep talk si Kuya
Leo?" Bulong ni Javi kaya agad siyang binatukan ni Reema.

"Guys, I'm really not okay and I really need a hug right now." Muling sambit ni
Agatha kaya hindi na nagpaligoy-ligoy pa sina Cooper at Reema na dali-daling
lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Teka paano ako? Naka-wheelchair ako! Di ako makasali sa group hug!" Reklamo ni
Javi sabay kamot sa ulo.

"Imaginary Hug." Ani Agatha na agad namang ginawa ni Javi sa pamamagitan ng pagtaas
ng dalawang kamay kahit na sa hangin lamang siya nakayap kahit na nagmukha siyang
timang.

"You're not going to die." Bulong ni Cooper sa dalaga.

"Whatever happens, I'll be okay." Mahinang sambit na lamang ni Agatha at napapikit


sabay kagat ng labi upang mapigilan ang sariling muling humagulgol.

END OF CHAPTER 28.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


####################################
29 : Three words she just cant say
####################################

29.

Three words she just can't say

Agatha

Weeks later...

Out of pain, I closed my eyes as I walked straight towards the bathroom sink. I
threw-up over and over again, wasting the food and medicines I took. I can't help
but to shed a tear realizing that there's no hope. Nor there will ever be.

I'm getting weaker and weaker as the day goes by. I'm at the point where I couldn't
hardly walk and stand without anyone's help.

I hate to say this but it's true, Oo nga't masaya ako kasi kasama ko ang mga taong
nagmamahal sakin pero nahihirapan naman ako kasi sa paglipas ng mga araw, palala ng
palala ang sakit na nararamdaman ko sa katawan ko. Every day the pain worsens and I
just can't take it anymore... Pain relievers nor placebo, they're no use for me
anymore. As selfish as this sounds, all I want to do is sleep. Because whenever I
sleep, I can no longer feel the pain.

Doctors say that my Narcolepsy was gone. The experimental drug really worked, but
unfortunately, at the expense of my very life.

Actually, nakakatawa kung iisipin. Noon ginusto kong gumaling mula sa narcolepsy
kaya ininom ko ang experimental pill. Ngayong wala na akong narcolepsy at may iba
na akong pinagdurusahang sakit, ngayon ko naman gustong matulog ng matagal.

"Agatha anong ngini-ngiti mo diyan?" Tanong ni Reema na kanina pa pala ako


inaalalayan sa pamamagitan ng paghawak ng buhok ko palayo sa mukha ko.

"Wala Reema. Naalala ko lang yung sinabi mo sakin noon. Tama ka, dapat hindi ko
nalang yon ininom kasi ngayon, mas gusto ko pang matulog ng matagal kesa makaramdam
ng ganitong sakit." Ngumiti ako saka tumayo ng maayos at humarap sa kanya.
"Naalala mo pala yon?" Bahagya siyang tumawa pero alam kong pilit lang ito. "Bitch
just forget about it okay? And also, I just want to apologize for-" Tumigil siya sa
pagsasalita at napalunok na para bang pinipigilan ang sariling maiyak, "Lalabas
muna ako." Aniya kaya tumango na lamang ako.

I also hate this.

The pretensions,

The fake smiles,

The pitty.

I feel so useless and pathetic. Hindi lang kasi ako ang nasasaktan at nahihirapan,
pati rin ang mga magulang, kapatid at mga kaibigan ko. Nakikita ko sa mga mata nila
ang lungkot sa tuwing nakatingin sila sakin. Lahat sila naawa sa lagay ko.

--

I gasped as the cold water from the faucet touched my face. I stood straight from
slouching and faced the mirror above the sink that I'm leaning unto.

My face slowly appeared as I wiped the mist that clouded up my bathroom mirror. I
sighed as I saw how pale and thin I was. I no longer look the same anymore. My eyes
are no longer the same either, not only they turned deep, my vision also got blurr,
sometimes my vision even blocks out as if I became temporarily blind. It's like my
face is deteriorating too. Its only been weeks after I learned of my impending
doom but I can't help but to feel like time is running out for me.

"Penny for your thoughts?" I looked at the mirror again and saw Cooper leaning on
the door I left open.

Again with the smug look on his face, he never fails to make me feel okay... Even
perfect.

"I'm getting uglier by the minute. Kung sasabihin ko sigurong 'My precious' with
matching paos boses, pwede ko ng palitan yung character sa Lord of the rings." Biro
ko at pinunasan na lamang ang mukha ko.

"Ugly? You have seen Reema's face right? Nga pala nakasalubong ko siya kanina,
nakabusangot na naman. Inaway mo yun no? Pero baka rin natural na niyang mukha
yon." Sarcastic na sambit ni Cooper kaya hindi ko na naiwasan pang matawa ng todo.
Reema's my bestfriend and all, but hey, its not a sin to laugh at my boy's joke.
"Why do you have to be like that Agatha?" Biglang tanong ni Cooper kaya muli kong
ibinalik ang tingin ko sa kanya. Nagtaka ako nang makita kong hindi na siya
nakangiti.

He just stood there, leaning on the door with his hands on his pocket. He looked at
me intensely as if he's downright curious.

"Like what?" Nakunot ang noo ko.

"Nakikita pa lang kita para na akong nakatira ng shabu." Seryoso niyang sambit at
biglang ngumisi kaya agad akong napangiwi at sinamaan siya ng tingin.

"Lame! Hindi naman ako kinilig eh! Muntik pa nga akong mabwisit. Layas!" Biro ko at
winisik sa kanya ang natitirang tubig sa mga kamay ko.

"Sinong nagsabi sayong pinapakilig kita?" Aniya na para bang nainis.

"Edi ako na assuming." Biro ko na lamang ulit.

"But seriously though," Napabuntong hininga siya at humakbang papalapit sakin, "Can
you just atleast prevent yourself from driving me crazy? Whenever I see you,
there's always this shitty feeling that makes me smile. Whenever you talk, its as
if your voice is the only thing that I could hear and I always want to hear.
Whenever I'm close to you, I just want to hold you tight and never let go. And when
you laugh-Damn it Agatha, you're killing me." Dagdag pa nito na tila ba seryoso sa
bawat salitang binibitawan.

"Okay, That was-" I can't help but to giggle and cover my face, which I'm pretty
sure is already turning red as of this moment.

"Get used to my banters babe, you will be hearing these for the rest of your life."
Dagdag pa niya kaya agad akong napaisip.

Rest of my life? Hanngang kalian? Hanggang bukas? Sa makalawa? O baka mamaya?

I'm a ticking time bomb, and the worst part, no one knows when I'll explode to my
death. But I know. I can feel it. Call me crazy, call me a pessimist, but I really
have this weird feeling that my time is almost up.

"I want to hear it." Nakangiti niyang sambit sabay lapit ng tenga niya sa mukha ko.
"Hear what?" Kunot-noo kong tanong.

"Say you love me. I never heard you say it yet." He giggled and leaned closer to
me.

I love Cooper. I have and I always will, there's no doubt about that but I'm just
not comfortable saying those three words to him. I thought I could but after
learning my impending doom, I just cant do it anymore.

I just cant say those three words yet, or maybe, maybe I would never have the guts
to say them.

"Hey, Mom and Dad's coming today, can you at least just help me change the
curtains." Pag-iiba ko ng usapan at agad na lumabas ng banyo. Lumapit ako sa
bintana ng kwarto ko, tatanggalin ko na sana ang mga kurtina nang bigla kong
maramdamang niyakap ako ni Cooper mula sa likuran ko.

"I'll help you right after you tell me you love me." He playfully whispered as he
pulled me closer to him.

"Stop." I tilted my head avoiding him. "Just help me with this okay?" I added
making him let go of me.

"Teka galit ka ba?" Nakabusangot na sambit ni Cooper kaya umiling ako.

"Eh ba't ka nagkakaganyan? Wala ka namang period ah?" Tanong niya ulit pero hindi
na lamang ako umimik. Hindi dahil sa wala na akong masabi kundi dahil sa wala na
akong lakas pang kumilos. Speaking even hurts.

"Teka mahal mo ba ako?"

I was left frozen by Cooper's question. He sounded poignant as heck and its killing
me even more.
"Agatha mahal mo naman ako diba?" Muli niyang tanong na para bang nanlulumo.

The least I want to do right now is hurt him even more kaya hindi na ako
nagdalawang isip pa at agad na akong tumango-tango. Isa siyang malaking tanga kung
hindi niya nararamdaman ang pagmamahal ko sa kanya.

"Mahal mo naman pala ako eh." Relieved, he sighed and smiled, "Ba't ayaw mong
sabihing mahal mo ako?" Dagdag pa niya kaya ako naman ang napabuntong hininga at
humarap sa kanya.

"I don't have to say it kasi nararamdaman mo naman diba? Cooper action speaks
louder than words nga diba?" Giit ko pero umiling lamang siya.

"Iba parin pag naririnig ko mismo galling sayo. Iba parin pag kinukumpirma mo. Just
say it. I just want to hear it so bad." Giit naman niya kaya naupo na lamang ako sa
dulo ng kama ko at napatitig sa sahig bagay na alma kong ipinagtaka ni Cooper.

"Do you really want to know why?" Nanlulumo kong sambit.

"Okay, then tell me why you cant say the words I want to hear from you." Sabi pa ni
Cooper kaya napabuntong-hininga ako at napahawak ng mahigpit sa bedsheet ng kama
gamit ang mga kamay kong pakiramdam ko'y unti-unti na naming tinatakasan ng lakas.

"To me, the words 'I love you' doesn't only profess a feeling. To me saying 'I
love you' means staying close to the person you love and a promise never to leave.
They aren't just simple words." Giit ko habang pilit na pinipigilan ang sarili kong
maluha.

"Anong kalokohan yan Agatha?" Bulalas ni Cooper, "Kahit na sinong aalis nagsasabi
rin naman ng 'I love you' eh!" Dagdag pa nito kaya napapikit na lamang ako.

"Pero ako Cooper?" Napakagat na lamang ako sa labi ko nang maramdaman ko ang
tuluyang pagtulo ng luha ko, "Hindi ako kagaya nila na makakabalik oras na umalis.
Cooper lets face it, ano mang araw maari na akong mawala. I accept my fate."

"Hindi!" Lumapit sa akin si Cooper at lumuhod sa harapan ko. Nanlulumo niyang


hinawakan ang magkabila kong pisngi, "Agatha naman 'wag kang maniniwala sa sinasabi
ng mga tao sa paligid natin. Mali sila. Hindi ka mamatay. Noong bata pa ako,
tinaningan narin ako ng mga doctor dito pero tingnan mo! Buhay na buhay ako,"
Ngumiti si Cooper habang nagmamalaki, "Agatha gumaling ako at buhay na buhay ako.
Agatha mga tao rin sila at nagkakamali. Mali sila. Makinig ka, hindi ka mamamatay!"
Giit niya kaya umiling-iling ako.

"Cooper," Naiyak ako. "I'm tired. I'm so damn tired and all I want to do is sleep."

"Okay then just rest." Aniya at inalalayan akong humiga. "Get some sleep."

"Is it okay if I never wake up again?" I asked and I saw nothing but devastation in
his face.

"What the fuck are you talking about?" He cussed but he doesn't seem mad.

"I'm tired." I insisted but he just looked at me with his teary eyes.

"Rest." He uttered and walked away slamming my door shut.

Mag-isa na lamang akong natira sa kwarto.

Habang nakahiga ay tumitig ako sa kisame sa pagbabakasakaling mapipigilan ako nito


sa pag-iyak pero balewala kasi umaagos parin ang luha sa gilid ng mga mata ko.
Hindi ko na alam anong gagawin. Kung nahihirapan sila, mas lalo na ako.

Ayokong may makarinig sa akin habang umiiyak kaya napatakip na lamang ako sa bibig
ko at hinayaan ang sarili kong humagulgol.

My family and friends, I love them so much and I never want to leave them. But I'm
tired. I'm so tired and I can no longer endure the pain that I have been suffering
and I all I want to do is sleep.

-----

"Agatha."

Mula sa pagtanaw ko sa bintana ay napatingin ako sa pinto. Ngumiti ako nang makita
ko si Kuya Leo na bitbit ang isang tray ng pagkain.

"Maraming salamat po." Tatayo sana ako upang kunin ito pero siya na mismo ang
naglagay nito sa mesang malapit lamang sakin.

"Nag-away ba kayo ni Cooper?" Aniya kaya hindi na lamang ako umimik at muling
ngumiti.

"Kuya Leo diba po marami naman kayong nakahalubilong mga pasyenteng namatay na?"
Tanong ko bagay na alam kong ipinagtaka niya.

"Bakit mo naitanong yan hija?" Aniya.

"Promise you won't tell anyone?" Mahina man, pinilit kong magsalita.

"You have my word." Paniniguro niya.

"I don't know if it's because I'm tired and weak but its like-" Hindi ko alam ano
ang mga salitang bibigkasin. The thought is on the tip of my tongue but I just cant
say it.

"Alam mo hija, hindi naman sa nakikialam ako pero hindi kaya mas makakabuti kung
umuwi ka muna sa bahay niyo? Matagal kang tumira dito sa ospital. Matagal mong
nakasama ang mga kaibigan mo. Hindi kaya mas mabuti kung ang pamilya mo naman ang
makasama mo?" Suhestyon nito kaya agad akong tumango-tango.

Tama siya.

Kailangan ko silang makasama.

All my life I was always away from them and all I want now is to be with them.

Gusto kong maging mabuting anak sa kanila.

Gusto kong makasama ang pamilya ko sa maaring maging huling sandali ng buhay ko.

END OF CHAPTER 29.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

####################################
30 : Nothing's well in farewell
####################################

30.

Nothing's well in farewell

Agatha
They say things happen for a reason. At first I thought it was pure bullshit. I
thought the person who coined that phrase was a downright hypocrite, but seeing how
things turned out for me, its safe to say that thing does really happen for a
reason.

What ifs.

Yeah those annoying what ifs are bugging me again.

What if I was never sick?

I would have a normal life.

What if I had a normal life?

Well that only means,

No Reema.

No Javi.

No Trent.

No Kuya Leo.

And most of all I wouldn't get to have this one great love.

If I wasn't sent to this hospital to begin with, Cooper and I wouldn't have even
met and I'm pretty sure, a life without Cooper sucks. Yes I could live without this
idiotic guy but life just isnt the same. Life without Cooper is Empty. Actually,
emptier than an empty box of emptiness.

Well there's a lot of possibilities, but one thing's for sure, kahit na ano man ang
naging buhay ko, siguradong mahal na mahal parin ako ng pamilya ko.

"Ate galingan mo! Matatalo ka na!" Sigaw ng sigaw si Ponzi kaya natawa na lamang
ako.

Here I am playing video games with my little brother, he's winning against me since
hindi ako makapaglaro ng maayos dahil sa dextrose na nakakabit parin sa akin. But
kahit wala akong kalaban-laban, he's still cheering for me and mukhang magpapatalo
pa siya. Cute kid. I hope he grows up to be a good guy. I hope he gets to
experience a great love. I hope hindi siya magaya kay Cooper na nagmahal ng babaeng
may deadline na.

"You're weird." Aniya habang tumatawa patuloy sa pagpindot ng hawak na joystick.


"But pretty." Biro ko.

"You're not going to leave again right?" Tanong niya ulit habang hindi itinatanggal
ang mga mata niya mula sa monitor.

Ponzi is only 8. He doesn't understand things but I want him to be aware of how
cruel life gets. I want him to be aware para hindi siya magaya sa akin na labis na
nahirapan. Atleast he'll be prepared of what could happen.

"I'll leave someday kiddo. Everybody does. But everybody loves too." I confessed
making him pause the game we're playing.

Ibinaba niya ang hawak na joystick at kunot-noong napatingin sakin.

"Don't leave. Mom and Dad will cry again." Aniya kaya napakagat ako sa labi ko at
pinilit na lamang ang sarili kong ngumiti.

"Kaya wag mo akong gayahin okay? Never leave mom and dad. Never make them cry.
Promise me that okay?" Itinaas ko ang pinky finger ko.

"Okay." He said as both of our pinky fingers intertwined.

"Nga pala," I reached for the ipod na nakapatong lamang sa bedside table ko. Ilang
linggo na ako dito sa bahay namin pero ngayon ko lang naalalang ibigay to sa kanya.

"Akin nato?" He asked happily as I handed him my ipod. Nakakatuwang makita na


atleast nagawa ko siyang pasayahin.

"Gift ko sayo. Ingatan mo yan okay? Use it whenever you feel bummed or bored. Trust
me, music is the best medicine. " Niyakap ko siya ng mahigpit at dahil sa tuwa ay
niyakap niya rin ako. Sayang talaga at hindi kami magkakasama ng matagal.

"Aw, don't give him that. He'll just break it." Biglang sumulpot si Reema na dala-
dala ang isang bowl na puno ng french fries.

"Ugly alert!" Sigaw ni Ponzi kaya agad nawala ang ngiti sa mukha ni Reema. Sa isang
iglap, nagbalik ang Reema na mukhang nangangain ng tao.

"Agatha pigilan mo ako. Masasapak ko na tong batang to." Mahinang sambit ni Reema
habang nakangiwi kaya natawa na lamang ako.

"Hey don't call Reema ugly. She's not ugly. She's pretty!" Pangaral ko sa kapatid
ko.

"Coop calls her ugly too!" Giit ni Ponzi kaya lalong nangiwi si Reema.
"This is what you get for letting that idiot hang out with your brother. Do you
really want him to grow up like Cooper?" Reklamo ni Reema kaya lalo akong natawa.

"Tatawa ka na lang ba talaga diyan?" Muling sambit ni Reema kaya pikit-mata akong
tumango-tango. Sumasakit na naman kasi ang dibdib ko at para na naman akong
pinapatay ng sarili kong katawan kaya idinadaan ko na lamang ito sa pagtawa.

Ever since I left the hospital to live with my family, parati na ritong nagpupunta
sina Cooper, Reema at Javi. Pati nga si Trent bumibisita rin kaso minsan lang kasi
naiinis si Cooper. Until now nagseselos parin, I guess innate na talaga kay Cooper
na maging seloso since medyo spoiled brat talaga siya.

Cooper and my family got along well. I think mas close pa nga si Ponzi kay Cooper.
Nakakainggit.

It's actually good seeing all the people I love get along well.

"Hey about the roadtrip. Are you sure kaya mo?" Seryosong sambit ni Reema na para
bang nag-aalala. Ayokong marinig ni Ponzi ang pag-uusapan namin ni Reema kaya
ipinasuot ko sa kanya ang headset ng ipod at nagpatugtog ng kanta.

"Wala ka bang tiwala kay Cooper?" Biro ko na lamang.

"I'm just worried. Kaya mo ba talaga? Baka kasi-" Reema seems out of words kaya
ngumiti na lamang ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Hey, it's going to happen sooner or later. Days? Weeks? Months? Reema let's face
it, wala na tayong magagawa. Reema tanggap ko na. Ang gusto ko nalang ngayon ay
maging masaya kasama kayo at gawin ang mga bagay na gusto ko. Don't worry about me.
If this really kills me, just know that I'm happy." Paliwanag ko at niyakap siya
ng mahigpit kahit na halos wala na akong lakas na gumalaw.

"Thank you." Aniya nang kapwa kami kumalis sa yakap ng isa't-isa.

She's smiling but tears are streaming down her face.

"Thank you saan?" Tanong ko.

"Thank you for being my friend. Thank you kasi kahit na makailang ulit kitang
pinagsalitaan ng masama at tinarayan, natagalan mo ako. Thank you kasi may na-
realize ako dahil sayo." Mangiyak-ngiyak niyang sambit.

"Anong narealize mo?" Tanong ko habang pinapatahan ko siya. I can't help but to
ask. Gusto ko kasing malaman kung may naidulot ba akong mabuti sa iba.

"When you committed suicide," Napapikit siya at napalunok, "Agatha, slashing-wrist


was my thing. I have done that so many times. Pero yung ikaw na ang naglaslas sa
sarili mo, sobra akong nasaktan at natakot. I kept on thinking at that time,
'failure ba ako na kaibigan?' , 'bakit hindi kita napigilan?' , 'did I made you
feel bad' , 'Did I made you feel alone?'. It has always been me who commits suicide
and not the other way around. Masakit palang makita ang taong malapit sayo na
magtangkang magpakamatay. Naalala ko ang mga magulang ko, paulit-ulit kasi akong
nagla-laslas noon. Hindi ko inisip kung ano ang mararamdaman nila sa mga ginagawa
ko. They must've felt hell. They must've felt worse. Kaya simula nun, nangako ako
sa sarili kong hindi na ako magpapadala sa depression ko. If I have to talk to a
psychiatrist, I will. I just don't want them to feel that pain again." Aniya kaya
muli akong napayakap sa kanya ng mahigpit at naiyak.

Reema looks tough but deep inside, she's this fragile girl who just wants to be
loved by the person she loves.

"Promise me you'll be okay when I'm gone." Mahina kong sambit.

"I won't be." Aniya at umiling-iling.

"Yes you will, you should." Giit ko.

"Paano?" Tanong niya.

"Alalahanin mong masaya ako. Atleast hindi na ako nagdurusa at nasasaktan."

----

"Everything's set, let's go." Biglang sumulpot si Cooper sa nakabukas na pinto.


Alam kong nagtaka siya ng makita niya si Reema na umiiyak pero hindi na lamang siya
nagtanong.

"Kuya Coop!" Bati ni Ponzi nang magkita sila.

"Bayaw!" Bati naman ni Cooper pabalik.

"Too much idiots in this room. I'm out." Sabi pa ni Reema at nauna ng lumabas.

Tatayo na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Cooper. Pabiro na lamang akong
napairap dahil gaya ng inaasahan ay kinarga niya ako.
Nasa second floor ng bahay ang kwarto ko kaya kinarga ako ni Cooper pababa ng
hagdan, nakasunod naman sa likuran namin ang kapatid kong si Ponzi na siyang may
bitbit ng bag ng dextrose na nakakabit parin sakin.

Nang makarating kami sa sala ay naabutan namin sina Javi, Trent at Reema na
nakikipag-kwentuhan na sa mga magulang ko. It looks like they're having a good time
together. Parati ngang dito kumakain ang mga yan eh.

Iniupo ako ni Cooper sa bakanteng wheelchair na katabi lamang ni Javi.

It feels weird to be in a wheelchair but hey, atleast hindi ako nag-iisa, pareho
kami ni Javi eh.

"Wanna go for a race?" Panghahamon ni Javi.

"Not fair. Professional ka na eh." Biro ko.

"Hindi ako professional. Tinanggap ko lang talaga ang kapalaran kong maging baldado
habambuhay." Aniya at tumawa na para bang walang kahit na anong hinanakit sa lahat
ng nangyari sa kanya.

"You are one amazing kid. Always remember that okay?" Giit ko sabay ngiti.

"Talaga?" Aniya.

"Yes you are so stay amazing. You are one of the bravest and strongest people I
met, I hope that one day, you'll reunite with your sister."

He smiled and let out a thumbs-up. He's like a brother to me so I want to hug him
but Cooper might go berserk on him, so I just continued smiling.

"Teka si Javi may compliment, ako ba meron din?" Napalingon ako at nakita kong
nakatayo na pala sa likuran naming si Trent.

"You deserve a girl who'll love you and will never leave. I'll pray for you." Biro
ko na lamang.

"Wala bang 'gwapo ka trent' diyan?" Nakangising sambit ni Trent.

"Gwapo nga kulang naman sa height." Pasaring ni Reema kaya agad nakunot ang noo ni
Trent.

"May gusto talaga sakin ang kaibigan mong yan." Nakangiwing sambit ni Trent kaya
natawa na lamang ako.

---
"You really don't have to carry me." Bulong ko nang kinarga ako ni Cooper patungo
sa kotse niya.

"But I really want to carry you and besides, pa good-shot ako dapat kay Mommy at
Daddy." Bulong niya habang nakangisi kaya pabiro ko na lamang na pinitik ang noo
niya. He's the sweetest.

Nang maisakay ako ni Cooper sa front-seat ay agad niyang ikinabit sa akin ang seat
belt.

"Sige isasakay ko lang ang mga gamit natin." Cooper said and left kaya agad na
lumapit sa akin sina Mommy at Daddy. Magkaakbay sila sa isa't-isa at nakikita ko
parin ang lungkot sa mga mata nila. They are my parents, I can't expect for them to
be okay.

"Mag-ingat kayo sa byahe. Basta kung sumama ang pakiramdam mo, sabihin mo agad kay
Cooper okay?" Bilin ni Mommy at agad akong hinalikan sa pisngi, "I love you
Agatha." Aniya kaya ngumiti ako at hinalikan siya pabalik.

"My little girl grew up beautifully." Sabi pa ni Daddy at humalik sa akin bilang
pamamaalam.

Babalik na sana sila sa patio ng bahay pero agad kong hinawakan ang mga kamay nila.

"Mom, Dad. I know I have said hurtful words to you back then and I just want to
apologize for everything. I'm sorry for making you cry all the time. I'm sorry for
always making you worry. I just want you to know that I love both of you so much
and whatever happens-" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko dahil pinigilan na
ako ni Daddy.

"We know. We love you too Agatha. We always will." Dad said making me smile even
more.

"Ponzi isn't vocal but he loves you too." Mom said kaya lumingon ako kay Ponzi na
karga ngayon ni Trent sa likuran niya. Kumaway ang kapatid ko sa akin at ngumiti
bilang pamamaalam kaya kumaway rin ako sa kanya pabalik habang pilit na pinipigilan
ang luha ko.

I hugged my parents tightly once again as if it was the last time I get to see
them. Death is inevitable for me but death won't stop me from loving and protecting
my family.
"Mauna na po kami." Paalam ni Cooper sa mga magulang ko.

"Mag-ingat kayo ha? Cooper wag magpapalipas ng gutom." Paalala ni Mommy.

"Oo nga, pansin ko ngang medyo pumayat ka hijo. Pinapahirapan ka ba nitong anak
ko?" Biro pa ni Daddy.

"No. She's perfect." Nakangiting sambit ni Cooper at napatingin sakin.

Farewell. In that word there's 'well' but there's nothing well in farewell. In
fact, it even feels like hell. They should change the word to farehell.

Sigh. If it isn't so poignant right now, I could laugh at my own joke.

But farewell isn't all bad actually. Farewell is good because leaving without
saying goodbye is actually one of the worst thing in this ever so cruel world.

As the car started to run, I looked back at the house one last time and saw My
family and friend's smiles as they wave at us goodbye. I waved at them and smile as
I tried to hold back my tears. But no matter how hard I try, tears just kept
escaping from my eyes.

I don't want them to see me cry kaya umupo na ako ng maayos at humarap na sa daang
tatahakin namin.

"Agatha okay ka lang?" Cooper said as he glanced at me while driving.

I don't want him to worry so I tried putting on a smile.

"I'm okay. I'm happy. These are tears of happiness." Giit ko at hinawakan ang kamay
ni Cooper.

END OF CHAPTER 30.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


####################################
31 : The road to you
####################################

31.

The road to you

Agatha

"Hay salamat, na-solo narin kita." Kahit nagmamaneho ay bahagyang sumulyap sa akin
si Cooper at ngumiti, "Andaming nagmamahal sayo, ang hirap sumingit." Aniya pa.

Binuksan ko ang bintana ng kotse at dinama ang malamig na hanging tumatangay sa


buhok ko. Hindi ko napigiling mapangiti, ang sarap sa pakiramdam.

"Are you feeling okay?" Tanong niya kaya lumingon ako sa kanya at kinunan siya ng
litrato gamit ang Polaroid ko.

Makalipas ang ilang sandali ay tuluyang rumehistro ang mukha niya sa piraso ng
papel na hawak ko at lalo pa akong napangiti. He's so cute.

"Pinagnanasahan mo na naman ako." Aniya.

"Nope. More like pinagt-tripan." Biro ko.

"Seriously babe, you feeling okay?" Tanong niya ulit na para bang nag-aalala kaya
taas-noo akong nag-okay sign sa kanya.

Muli akong lumingon sa paligid at nakita ko ang mga karatulang nagsasabing nandito
na kami sa lungsod ng Crimson Lake.

Mom and Dad said na peaceful ang lugar nato kasi mababait ang mga nakatira dito at
napapalibutan pa ito ng kagabutan. It's a small beautiful city actually.

For our first stop over, Cooper and I went to Crimson Lake's Cathedral.
Nakakamangha ang laki nito at kahit halatang napakaluma na ay halos wala parin
itong sira. It was maintained beautifully.
I prayed hard.

I prayed over and over again.

But unlike all the other times I talked to him, this time I didn't pray for myself.
I prayed for my family and friends. I want them to be okay in case the inevitable
happens. I want them to be okay after I die. As for myself, I no longer want
anything because God already gave me billions of blessings. Actually, everyone in
this world are given billions of blessing, we just fail to notice them because we
only focus on the things we want and long for.

All I want right now is to thank God for the life and blessings he gave me. Indeed
life isn't easy, in fact life can be cruel and shitty, but hey, without this life,
I'm nothing.

Just like what Kuya Leo said,

Sometimes blessings disguise as bullshit.

------

"Easy there crazy." Mahinang sambit ni Cooper habang inaalalayan niya akong sumakay
sa loob ng kotse. Unti-unti na naman akong nakakaramdam ng hilo at hirap sa
paggalaw pero mabuti nalang at nandito siya.

"So where are we heading next?" Tanong ni Cooper nang makaupo siya sa driver's
seat.

Tiningnan ko ng maigi ang mukha ni Cooper at hindi ko napigilang mag-alala nang


makita ko ang pamumutla ng mukha niya. Teka sandali? Kumain na ba siya?

"Hey, kumain ka ba bago tayo umalis ng bahay?" Tanong ko pero ngumiti lamang siya
at umuiling.

"Hindi ako gutom." Aniya.

"Hindi mo ba naalala ang sinabi ni Kuya Leo? Di porket gumaling ka, magpapabaya ka
na. Mas weak na ang immune system mo dahil sa medications noon at prone ka na sa
iba pang sakit lalo na kung magpapabaya ka. Lets go get something to eat." Giit ko
pero tinawanan lamang niya ako at pinisil sa pisngi.

"I really love it when you nag." He said then kissed me lightly. He was about to do
it again but I hurriedly covered my lips with my palm.

"Quota" I giggled.

"What a tease. Oh well, I'm still fine with that." He smirked and kissed my palm
instead.
We drove for awhile until we were able to find a small diner. After grabbing a
quick lunch, we did what we always loved, take photographs and enjoy each other's
company. For a few hours it's as if I forgot my deadline because all I ever felt
was fun and happiness. Cooper and I, we had the time of our lives.

It's already 4pm when we got to our campsite. It's a perfect and peaceful place.
There were trees everywhere hence, an infinity of fresh air plus there was this
beautiful lake where people could bathe and fish.

It's a good thing kami lang ang nandito, solong-solo namin ang buong lugar.

---

As the darkness started to cover the whole campsite, the pain in my chest got even
worse. It's excruciating. It's like I'm being pounded into pieces and all I want to
do is scream and cry. It's killing me.

"Agatha okay ka lang ba diyan?" I heard Cooper call out to me. Nasa labas siya at
naghahanda ng bonfire samantalang ako heto nasa loob ng tent at pilit na itinatago
ang nararamdamang paghihirap.

"Yup! I'm just changing my clothes! Wait!" Sigaw ko na lamang at huminga ng malalim
sabay punas ng pawis na kanina pa tumatagaktak sa mukha ko.

"Gusto mo tulungan kita?" Aniya na para bang nagpapakapilyo na naman.

"Idiot!" Sigaw ko na lamang at hindi ko na napigilang matawa.

"Nakita ko na 'yan, wag ka ng mahiya." Sabi pa niya na para ba akong tinutukso kaya
pakiramdam ko tuloy nagb-blush na ang pisngi ko. Baliw talaga tong si Cooper.

After what seems like forever. The pain in my chest started to subside. Nanginginig
parin ako sa sakit pero mas pinili kong lumabas na lamang ng tent kasi ayokong mag-
alala siya sa akin.

After dinner by the bonfire, Cooper and I continued to make the most of our time.
We took photos, we fooled around, we even took turns telling creepy stories to each
other. Next thing I know, kapwa na kami nakasandal ni Cooper ng pahiga sa isang
malaking troso habang nakaharap sa naglalagablab na apoy.

Cooper and I are both silent as we listened to our favorite songs playing in the
radio. It's quite relaxing being here, napakasarap sa pakiramdam ng malamig na ihip
ng hangin, kakaiba kasi malayo sa polusyon ng siyudad at hindi pa masyadong maingay
at magulo.

I looked at the sky and smiled as I saw the stars shining brightly and I can't help
but to smile.

"What are you thinking?" Cooper asked and hugged me tightly making me lie on his
shoulder.

"I want to live here." I said.

"Then let's live here. Let's have a family here." He said as he kissed my forehead.

Be with Cooper. Start a family with him. Live happily ever after.

It sounds so perfect and its everything I want but its too damn impossible.

Who am I kidding, my time's about to end.

Cooper and I will part soon.

Pero naiisip ko pa lang na malayo kay Cooper naiiyak at nalulungkot na ako.

Cooper Alvarez. The only guy who ever made my heart race and drop. The only guy who
I loved more than my life. The only guy who I hold unto. I don't want to leave him.
I want to be with him for the rest of my life. If only there's another way...

"Make the most of your life Coop." I whispered.

"With you, its already a life well spent." Aniya.

"But I'm not going to be with you forever. At some point, I have to rest." Giit ko.

"Then it's not a life worth living anymore." He said and all I could hear was
sadness in his voice. Alam kong alam niyang ano mang oras ay pwede na akong mawala.

"Make a bucket list. Do memorable things. Do things for you and your friends. I
always wanted to do that but I'm too weak. Ikaw malakas ka pa at marami ka pang
pagkakataon. Make one." I suggested as I kissed his cheek.

My chest started to hurt again. I tried to breathe but I felt a gushing pain in my
heart as if it's being twisted and pounded. I have felt different kinds of pain but
this one takes the cake.

"Agatha okay ka lang?" Worried, Cooper asked.

"I'm okay." Faking a smile, I tried to hide the excruciating pain that's killing
me.

"Does it hurt again?" He asked and I felt his tear dropped on my head.

There's no point pretending. He already knows so I just nooded and hugged him even
more.

"Sana ako nalang ang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman mo." He cried.

I could no longer stand the pain nor hide the fact that seeing cooper cry hurts me
even more, just like him, I started to cry uncontrollably. I leaned on his shoulder
while he leaned his head on top of mine, kissing it over and over again. Both of us
were crying.

"Cooper I love you." Napapikit na lamang ako. "I'm sorry if I can't stay by your
side. I'm sorry kung dumating ang panahon na maiiwan kita. Gusto ko lang sabihin
sayong mahal na mahal kita. Sa ibang mundo, sa ibang pagkakataon, sa ibang
sitwasyon, ikaw parin ang mamahalin ko." I cupped his face and looked him in the
eye before I leaned for a kiss.

Alam ko, wala akong isang salita. Siguro nga kailangan ko talagang sabihin sa
kanilang mahal ko sila kasi baka pagsisihan ko lang sa huli. Gusto kong malaman
nilang lahat na mahal na mahal ko sila at masaya ako sa naging buhay ko.

"I'll do what you want." He said as our lips parted. "I'll try my best to have a
normal life. I'm going to make a list. I'm going to make the most of my life. I'll
make new friends. I'll help them realize and treasure what life failed to give us.
I'll do everything you say but I will never love another girl. I will never stop
loving you."

My lips were trembling as the pain worsens. I can't take the pain anymore. I just
want all of this to end even if takes sleeping and never having to wake up again.

"Hindi ko na kaya. Hirap na hirap na ako." Paulit-ulit akong napasinghap


samatantalang siya ay iyak lamang ng iyak. I can see it, he wants to help. But
theres no other way. We all know there's no other way.

"I love you Cooper." I uttered over and over again even if i get weaker by the
moment.

"Are you really tired?" He asked and I nodded as I tried putting up a smile.
"I'm tired. I'm sleepy. Is it okay if I sleep?" I asked.

Matagal bago siya sumagot. Iyak lamang siya ng iyak at muli akong niyakap ng
mahigpit.

"All you ever did was try to stay awake for me. You did everything to stay awake.
I'm sorry for being selfish. We're sorry for keeping you awake. Even if it hurts,"
Cooper kissed my lips for the last time, "I'll let you sleep now."

"You can sleep now, Agatha." He said.

END OF CHAPTER 31
####################################
Epilogue.
####################################

Stay Awake Agatha

Epilogue

Third Person's POV

1 year later

"Agatanginaaa!" Masiglang sigaw ni Cooper nang makapasok sa kwarto kung saan


nakaratay ang walang malay na si Agatha.

Isang taon na at hindi parin ito nagigising o gumagalaw. Ayon sa mga doktor, brain-
dead na ang dalaga nang maisugod sa ospital kaya ngayo'y makina na lamang ang
bumubuhay sa kanya, ayon narin sa kagustuhan ni Cooper. Sa kabila ng lahat ng mga
nangyari, tanggap na ng pamilya ng dalaga ang kahahantungan niya. Sadyang si Cooper
na lamang ang natitirang umaasang magigising ito at babalik sa kanya.

Itinapon niya sa sofa ang backpack at suot na school ID bago umupo sa gilid ng
kama ng dalaga.

"Nagawa ko na ang ilan sa nasa listahan. Nakahanap narin ako ng mga taong maari
kong maging kaibigan. Sina Dilly, Puma at Chord. Alam mo ba, kakaiba ang tatlong
'yun kasi magkakaibigan sila mula pagkabata. Yung si Dilly? Bulag siya pero kahit
ganun hindi yun naging hadlang sa pagkakaibigan nila. Kung tutuusin para ngang
normal na estudyante si Dilly eh kahit bulag. Si Chord naman yung may
pagkatarantado, ewan naasiwa talaga ako sa pagmumukha nun. Kanina sinusubukan
siyang hanapan ni Puma ng girlfriend kaya ang ginawa ko, nakigulo ako sa kanila.
Sana maging kaibigan ko rin sila." Kwento ni Cooper habang hinimas ang kamay ni
Agatha. "Sana magising ka na para makilala mo sila, para maging kaibigan rin natin
sila." Dagdag pa nito at hinilikan ang kamay ni Agatha.

"Agatha miss na miss na kita." Mahinang sambit ni Cooper at dahan-dahang hinaplos


ang pisngi nito.

"Cooper."

Napalingon si Cooper sa pinto at nagtaka siya nang makita niya sina Reema at Javi
na kapwa umiiyak.

"Ano? Ba't kayo umiiyak? Hindi niyo ba alam na lalo kayong pumapanget kapag
umiiyak?" Biro na lamang ni Cooper sa mga kaibigan kahit na sa kaloob-looban niya'y
may idea na siya kung bakit ito nag-iiyakan.

"Cooper diba sabi namin sayo alagaan mo parati ang sarili mo? Bakit di mo ginawa?"
Tuluyang napahagulgol si Reema at napaupo na lamang sa sahig.

"Teka 'wag mo akong iyakan. Mas gusto ko pa yung minumura mo ako." Biro na lamang
ulit ni Cooper habang inaalalayan si Reema na umupo sa sofa.

"Cooper nawala na nga si Agatha tapos ngayon ikaw naman!" Iyak ni Javi.

"Hindi nawala si Agatha. Ayan oh, natutulog lang yan at magigising rin yan balang-
araw." Paniniguro ni Cooper dahil lumipas man ang isang taon, hindi parin niya
sinusukuan ang dalaga.

"Cooper wala na ba talagang paraan?" Muling tanong ni Reema kaya ngumiti lamang si
Cooper at umiling.

"Buti pa ang sakit ko bumalik, si Agatha hindi parin." Tumatawang sambit ni Cooper
na tila ba nagpapasaring sa dalagang hindi naman makakarinig sa mga biro't
patutsada niya. "'Wag na nga kayong malungkot. Noon pa man, sinabihan na ako ng mga
doktor na malaki ang posibilidad na bumalik ang Myeloma ko. Wala eh, may relapse
eh, wala na akong magagawa. Siguro two-three years nalang ang itatagal ko kasi
maaring maapektohan ang kidney at mga buto ko sa paglipas ng panahon." Paliwanag ni
Cooper na tila ba walang kahit na anong nararamdamang takot o pag-aalala. Mistula
pa nga itong masaya.
"Cooper mag-treatment ka ulit!" Pamimilit ni Javi kaya umiling lamang si Cooper at
ngumiti.

"Betlog mo pink! Magkakaroon parin ng relapse. Babalik at babalik parin ang sakit
ko. Tanggapin nalang natin." Giit ni Cooper kaya agad napatayo si Reema at dinuro
siya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?! Sa tingin mo matutuwa si Agatha na makita ka


niyang hindi lumalaban?! For God's sake Cooper! Hahanapan ka namin ng kidney kung
ayaw mong maghanap!" Galit na sambit ni Reema kaya lalong natawa si Cooper.

"Wag na kayong mag-abala. Sa totoo lang maayos lang naman ako eh. Wag niyo na akong
alalahanin. Tara kain tayo sa bulaluan, libre ko." Pag-iiba ni Cooper ng usapan
kaya kapwa na lamang nagkatinginan si Reema at Javi.

-------

2 years later...

Pinagmasdan ni Cooper ang sariling repleksyon sa salamin. Napakalaki ng ibignagsak


ng timbang at sigla sa pangangatawan niya makalipas ang dalawang taon. Wala na ang
dating buhok na paulit-ulit niyang pinapakulayan at isinusuot na lamang niya ang
beanie na paborito ni Agatha upang maitago ang natitira sa nalagas niyang buhok.
Ubod na siya ng putla at kahit na anong gawing pagtago ay nahahalata na ang labis
niyang panghihina.

Hindi na niya nagagawa pang tumayo o kumilos gaya ng dati kaya kaakibat na niya sa
araw-araw ang isang wheelchair.

"Magkikita na kami ni Agatha sa wakas. Pre sa tingin mo magugustuhan parin ako ni


Agatha?" Nakangising tanong ni Cooper kay Javi na nasa likuran lamang niya at gaya
niya'y sakay din ito sa isang wheelchair.
"Panget ka magmula pa noon pero nagustuhan ka parin niya-" Natigil sa pagsasalita
si Javi nang tuluyang bumuhos ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Hindi na niya
maitago pa ang lungkot kaya lumabas na lamang siya ng kwarto kaya naiwan sa loob si
Cooper at ang kaibigang si Luigi na nagsilbing matalik niyang kaibigan at tagapag-
alaga sa loob ng nakalipas na mga taon.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Cooper.

"Ang panget mo kasi." Biro na lamang ni Luigi kahit na maging siya ay naiiyak
narin.

"Tangina niyo. Pag si Agatha nagising, isusumbong ko talaga kayo." Biro na lamang
nito kahit na halos wala na siyang lakas pang magsalita.

Tatlong taon na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay brain-dead parin si Agatha.


Magtatatlong-taon na siyang hindi nagigising pero sa kabila nito ay naniniwala si
Cooper na babalikan siya ng dalaga.

"Naalala ko pa noon, binugbog mo ako kasi dumamoves ako kay Agatha sa party. Ilang
araw din akong hindi makatayo nun." Tumatawang sambit ni Luigi.

"Pasensya na, mukha ka kasing punching bag." Sabi pa ni Cooper habang tumatawa.

"Anong klaseng babae ba si Agatha at baliw na baliw ka sa kanya?" Tanong pa ni


Luigi.

Napangiti si Cooper nang muling rumehistro sa isipan ang tumatawa at napakasayang


mukha ni Agatha noong mga panahong magkasama sila. "Sana magising na siya para
makapagpaalam ako sa kanya. Ayokong magising siya na wala na ako kasi baka isipin
niyang iniwan ko na naman siya." Tila wala sa sariling sambit ni Cooper hanggang sa
unti-unti nang pumatak ang luha mula sa mga mata niya.

"Pero pre hindi ba't doctor narin ang nagsabi? Imposible ng magising si Agatha."
Nag-aalinlangan man, kinailangan itong sabihin ni Luigi sa kaibigan.

"Edi ayos. Magkakasama na ulit kami at wala na ulit makakapaghiwalay sa amin."


Pagmamalaki ni Cooper na mistulang tuwang-tuwa sa naisip bagay na tuluyang dahilan
ng pagbigay ng luha ni Luigi.
"Bwisit, magmumukha lang tayong bakla kung mag-iiyakan tayo." Giit ni Cooper.

"Pre naman, si Dilly, yun ang mukhang bakla eh." Giit pa ni Luigi habang nagpupunas
ng luha.

"Excuse me! Inggit lang kayo sa boyfriend ko!" Umalingawgaw ang mataray na sigaw ng
isang babae kaya napalingon sila sa pinto at nakita si Shane habang inaalalayan ang
bulag na si Dilly.

"Dilly!" Bati ni Cooper sa kaibigan ngunit hindi ito ngumiti bagay na kakaiba para
sa kanila.

"Cooper kailangan kitang makausap." Walang emosyong sambit ni Dilly na tila ba


naiiyak na.

"Teka ba't pati ikaw nag-eemote din?" Nakangiwing sambit ni Cooper.

"Cooper ikaw ba talaga ang magiging eye donor ko?" Tanong ni Dilly na tila ba hindi
mapakali.

"Sinabi ba sayo ni Shane? Sayang so-sorpresahin sana kita." Biro pa ni Cooper pero
laking gulat nilang lahat nang bigla na lamang umiyak si Dilly.

"Cooper pwede bang mabuhay ka nalang? Okay lang sa aking maging bulag ako
habangbuhay. Hindi ka dapat mamatay." Umiiyak na sambit ni Dilly kaya walang nagawa
si Cooper kundi ngumiti na lamang sa kaibigan.

Ilang sandali pa ay nagsimulang umagos ang dugo mula sa ilong ni Cooper hanggang sa
nagsimulang manginig ang mga paa niyang palatandaan na sinusumpong na naman siya.

"Cooper okay ka lang?" Natatarantang sambit ni luigi at ng iba pa nitong kasamahan.

Napapikit na lamang si Cooper at napakagat sa labi dahil nagsisimula na naman


siyang mamilipit sa sakit.

"Tumawag kayo ng Doktor!" Tuluyang napasigaw si Luigi.


-------

Nakahiga man sa kama habang namimilipit sa sakit at halos wala ng lakas, sinikap ni
Cooper na idilat ang mga mata niya nang maramdamang may kamay na humahaplos sa
pisngi niya. Pakiramdam ni Cooper kilala niya kung kaninong haplos ito.

Malabo na ang paningin niya kaya paulit-ulit niyang kinurap-kurap ang mga mata.
Napasinghap ito nang tuluyang makita ang dalagang nakaupo sa gilid ng kama niya.

"Agatha?" Mahinang sambit ni Cooper at agad na napangiti nang mapagtanto niya kung
sino ito.

"Nakikita mo ako?" Nanlaki ang mga mata ni Agatha. Dali-dali niyang nilibot ang
paningin sa pag-asang hindi nakatingin sa kanya ang binata ngunit sadyang nakapako
lamang sa mga mata ng binata sa mukha niya.

"Nagising ka. Bumalik ka." Nagsimulang umagos ang luha mula sa mga mata ni Cooper
dahil sa tuwa. Gustohin niya mang hagkan ang dalaga ay hindi niya magawa dahil sa
labis na panghihina kaya hinawakan na lamang niya ang kamay nito.

"Cooper listen to me, hindi mo pa ako dapat makita. Mabubuhay ka pa." Nakangiting
sambit ni Agatha at muling hinaplos ang pisngi ng binata.

"Anong ibig mong--" Hindi na natapos pa ni Cooper ang susunod na sasabihin nang
mapagtanto nitong hindi siya nag-iisa sa kamang hinihigaan. Nilingon niya kung sino
ito at labis siyang nagulat nang makitang katabi niya mismo si Agatha na walang
malay at nasa coma parin.

Naguguluhan si Cooper. Hindi niya maintindihan kung bakit dalawang Agatha ang
nakikita niya; Ang isa ay katabi lamang niya at natutulog na para bang walang
kabuhay-buhay at ang isa naman ay nakangiti sa kanya at gising na gising na.

"Anong nangyayari?" Mahinang sambit ni Cooper kahit na wala na halos boses na


lumalabas sa bibig niya.
"Hindi ka pa pwedeng mamatay. Kailangan mong mabuhay." Muling sambit ni Agatha kaya
agad umiling-iling si Cooper at pinagmasdan ang kamay ni Agatha na nakahawak parin
sa kanya.

Lalong nagtaka si Cooper nang makita ang tatlong guhit ng krus na nasa pulso ng
dalaga. Hindi niya naalalang nagpalagay ng ganito ang dalaga.

"Agatha handa na ako." Giit ni Cooper at muling ngumiti.

"Sigurado ka ba?" Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Agatha.

"Ayoko ng magkahiwalay ulit tayo. Matagal na akong handa." Muling sambit ni Cooper
kaya napapikit na lamang si Agatha at tumango-tango.

Bahagyang napatingin si Cooper sa mga kaibigan at napangisi, "Peace out betlogs."


Mahina niyang sambit bilang pamamaalam dito.

Sa huling pagkakaton ay muling nagtitigan ang dalawa at muling nagpalitan ng


matamis na ngiti.

----

"Teka? Sino ang kinakausap ni Cooper?" Kunot noong sambit ni Reema nang mapansing
mistulang nagsasalita si Cooper ng mag-isa habang nakahiga sa mismong kama kung
saan nakaratay si Agatha.

"May toyo yan mula pa noon. Hindi pa ba kayo sanay?" Biro na lamang ni Javi habang
kinukusot ang mga mata niya.

"Alam niyo ba? Sabi nila ang mga taong hinang-hina na at malapit ng mawala,
nakikita daw nila ang mga kaluluwang malapit sa kanila kasi ito na daw ang nagiging
sundo nila patungo sa kabilang buhay." Walang kaemo-emosyong sambit ng bulag na si
Dilly na pilit paring pinipigilan ang sariling maluha ulit.

Nagkatinginan sila. Ang lahat ay bigla na lamang kinilabutan sa narinig mula kay
Dilly.
"Pwede rin namang nagha-hallucinate lang si Cooper diba?" Giit ni Reema na mukhang
natatakot na.

"Pwede ring nakikita niya si Agatha kasi sabi nila pag ang tao comatosed na,
gumagala narin daw ang kaluluwa niya." Sabi pa ni Shane.

Ilang sandali rin silang nagpalitan ng kuro-kuro at mga opinyon. Ang iba ay pilit
na nag-iiba ng usapan dahil sa kilabot. Habang nagk-kwentuhan ay nagtaka si Luigi
nang mapansing mistulang hindi na gumagalaw si Cooper.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang binata at laking gulat niya dahil hindi na ito
dumidilat pa kahit na ilang beses niya itong sinubukang gisingin.

- - - - - -

Umiyak. Walang ibang ginawa ang mga magulang nila Cooper at Agatha at pati narin
ang mga kaibigan nito habang pinapanood ang doktor na sinusubukang buhayin si
Cooper kundi umiyak.

Sa kabila ng pagpapahiwatig ni Cooper ng pamamaalam ay hindi parin nila maiwasang


masaktan sa mga nangyayari.

"Cooper Alvarez. Time of Death, 9:30 PM" Nanlulumong sambit ng doktor habang
pinagmamasdan ang makinang nagmo-monitor sa tibok ng puso ng binata.

Umiiyak man at nagdadalamhati dahil sa tuluyang pagkawala ni Cooper, Agad na


napatingin ang nars na si Leo sa mga magulang ni Agatha.

Napahawak sa kamay ng isa't-isa ang mag-asawa at magkasabay na tumango-tango na


tila ba buo na ang desisyon para sa anak.

Alam ng magkakaibigang sina Reema kung ano ang susunod na mangyayari kaya
nagyakapan na lamang silang lahat.

Dahan-dahang lumapit si Kuya Leo sa makinang tanging bumubuhay kay Agatha.


Napahawak na lamang siya sa bibig niya nang tuluyang kumawala ang hikbing kanina
niya pa pinipigilan.
Napapikit siya at pinindot na lamang ang buton na siyang nagsisilbing pampatay sa
makina.

"Agatha Grace Tanya, Time of Death : 9:32 PM"

T H E E N D.

To God be the Glory!

Ps, tweet me ur reactions by using #StayAwakeAgatha

Ps, PLEASE DO POST COMMENT LOLS.

THANK YOU FOR READING <3


####################################
Author's Note
####################################

Una sa lahat, gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng readers. Sorry din
kung medyo lame and dragging. hehe. I tried my best though, thats what matters
right? hehe. Main Goal ko talaga sa story nato is wag siyang maging Cliche. Hope
na-achieve. hahaha

The reason why I wrote this story is because gusto kong magkaroon ng closure sa
part ni Cooper. As you all know, this is a spin-off of "Chasing hurricane" at
nabasa ko ang mga comments sa Epilogue. Back then, I felt like I had to do
something kaya heto at ginawa ko nga si Agatha. Sorry din pala kung napakaraming
Plotholes and cameo appearances, wala kasi talaga sa isipan ko ang plot nang
maisulat ko ang Chasing Hurricane. Back then, hindi ko kasi inakalang malaki ang
magiging impact ni Cooper sa Chasing Hurricane readers.

Again, I would like to thank everyone for reading and for the support. hehehe.
Thank you talaga guys and sorry kung lame ang kinalabasan haha.

God bless and sana kahit papaano nagustuhan niyo ang kwento <3

You might also like